Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya

Total Page:16

File Type:pdf, Size:1020Kb

Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya MAKIBAKA PARA SA PAMBANSANG DEMOKRASYA NI JOSE MA. SISON Ang salin na ito sa Pilipino, Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya, ng Struggle For National Democracy ni Jose Ma. Sison ay iniaalay namin sa masang Pilipino lalung-lalo na sa masang manggagawa at magsasaka. Hangad naming malawak na maihatid ang mensahe ng libro na patuloy na napapanahon at tumutugon sa mga saligang interes ng sambayanang Pilipino na makalaya sa malaon nang pagkakasaklot sa kanila ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Malugod naming tatanggapin ang inyong mga palagay at mungkahi sa patuloy na pagpapaunlad ng saling ito. Kapisanan ng mga Tagasalin para sa Bayan (Kasabay) Mayo 1998 2 NILALAMAN Paunang Salita ng May-akda sa Ikatlong Edisyon Introduksyon sa Ikalawang Edisyon Introduksyon sa Unang Edisyon 1. Talumpati sa Pagtatatag ng Kabataang Makabayan 2. Pambansang Paglaya at Paglaya ng Uri 3. Ang Pagpapasya-sa-Sarili at Ugnayang Panlabas 4. Ang Reporma sa Lupa at Pambansang Demokrasya 5. Ang Pagkakasangkot ng Pilipinas sa Digmaang Byetnam 6. Ang Kilusang Paggawa 7. Ang Imperyalismong US at Rebolusyonaryong Internasyunalismo 8. Ang Pangangailangan para sa Rebolusyong Pangkultura 9. Ang Mersenaryong Tradisyon ng AFP 10. Ang mga Tungkulin ng Ikalawang Kilusang Propaganda 11. Ang Kilusan sa Pagpapalaya sa Ekonomya laban sa Imperyalismong US 12. Ang Kilusang Ika-24 ng Oktubre 13. Si Rizal, ang Kritiko ng Lipunan 14.Pangkalahatang Ulat sa Kongreso sa Pagtatatag ng Movement for the Advancement of Nationalism 15. Ang Pambansa-Demokratikong Kilusan at ang Pampulitikang Aktibista 16. Demokrasya at Sosyalismo 17. Hinggil sa mga Pangunahing Isyu ng Panahon 18. Tungo sa isang Pambansa-Demokratikong Kilusan ng mga Guro 19. Hinggil sa Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas 20.Ang Sopismo ng Christian Social Movement 21. Anatomya ng Pulitika sa Pilipinas 22.Sumusulong ang Kabataan 3 23.Ang Papel ni Recto 24.Kapangyarihang Estudyante? 25.Mensahe sa Samahan ng Demokratikong Kabataan 26.Mensahe sa Malayang Kilusan ng Kababaihan (MAKIBAKA) Hinggil sa Kilusan sa Pagpapalaya sa Kababaihan 27.Mensahe sa League of Editors for a Democratic Society 28.Mensahe sa Movement for a Democratic Philippines 29.Mensahe sa Nagkakaisang Progresibong Artista-Arkitekto 30.Mensahe sa Ikatlong Pambansang Kongreso ng Kabataang Makabayan 31.Mensahe to PAKSA Hinggil sa mga Tungkulin ng mga Kadre sa Larangan ng Kultura Sa Alaala ni Carlos B. del Rosario 4 PAUNANG SALITA NG MAY-AKDA SA IKATLONG EDISYON Lubos akong nasisiyahan dahil inilalathala ang ikatlong edisyong ito ng Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya bilang tugon sa hinihingi ng mga kabataang aktibista ng pambansa-demokratikong kilusan at bilang pagdiriwang sa ikatatlumpung anibersaryo ng Kabataang Makabayan kung saan naging tagapangulong tagapagtatag ako noong Nobyembre 30, 1964 at naging tagapangulo hanggang sa nag-undergrawn ako noong 1968. Sa kalakhan, ang librong ito’y tinipong mga talumpati at sanaysay noong 1964-68 habang ako’y tagapangulo ng Kabataang Makabayan, pangalawang tagapangulo/pagkalahatang kalihim ng Partido Sosyalista ng Pilipinas at pangkalahatang kalihim ng Movement for the Advancement of Nationalism. Tulad ng ikalawang edisyon, kabilang sa ikatlong edisyon ang mga mensahe para sa mga pambansa-demokratikong organisasyon na nag-usbungan bilang resulta ng Unang Sigwa ng 1970. Ang librong ito’y isang istorikong rekord ng ligal na pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo noong dekada 60 at maaagang bahagi ng dekada 70. Ito ang prinsipal na babasahing ligal na ginagamit sa mga grupong talakayan at paaralan ng pambansang demokrasya na nagturo sa mga kabataang kadre at militante mula 1967 hanggang Unang Sigwa ng 1970 at hanggang ideklara ang batas militar noong 1972. Ang librong ito ang tuwirang sinundan ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino. Sa katunayan, ang dalawang libro’y parang magkatambal sa pagbibigay ng edukasyon sa mga kadre at masang aktibista sa panahon ng Unang Sigwa ng 1970. Sa simple’t di maitatangging dahilan na nananatili ang batayang malakolonyal at malapyudal na kalagayan at problema ng sambayanang Pilipino, kailangang basahin at pag-aralan ang librong ito hindi lamang dahil sa istorikong kahalagahan nito kundi dahil sa patuloy na pagiging balido at makabuluhan ng saligang mga ideyang nakasaad dito. Mula noong dekada 60, ang saligang mga problema na dayuhang monopolyong kapitalismo, katutubong pyudalismo at burukrata kapitalismo ay pinatindi at pinalala ng dalawampung taong paghahari ni Marcos at ng sumunod na mga rehimeng Aquino at Ramos. Nananatiling kasimbalido at kasing-importante tulad noong una ang kagyat na hinihingi ng sambayanan na pambansang kalayaan at demokrasya, pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa at kulturang pambansa, syentipiko at makamasa at ang mithiin ng sambayanan para sa sosyalismo. Lubos akong nagpapasalamat sa pabliser ng ikatlong edisyon sa pagtitiyak sa akin na ang Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya ay karapatdapat basahin at pag-aralan hindi lamang dahil sa pangmatagalan at napapanahon ang nilalaman nito kundi dahil sa estilo nitong mapanghikayat sa maraming mamamayan. 5 Lubos din akong nagpapasalamat sa Kabataang Makabayan, sa League of Filipino Students, Institute of Alternative Studies at iba pang organisasyon, gayundin sa mga indibidwal na nagmamalasakit dahil hinikayat nila ang pabliser na ilabas ang ikatlong edisyong ito at tiniyak nilang maipapalaganap nang husto ang libro. —Jose Maria Sison Ika-30 ng Nobyembre 1994 6 INTRODUKSYON SA IKALAWANG EDISYON Ang Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya, ang koleksyon ng mga sanaysay at talumpati ni Jose Ma. Sison na tagapangulong tagapagtatag ng Kabataang Makabayan, ay nananatiling kasing-angkop ngayon—kung hindi man higit pa—ng una itong ilabas noong 1967. Pagkaraan ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970, nang magkaroon ng malaki-laking momentum ang pambansa-demokratikong pakikibaka, ang libro ni Sison ay naging isa sa mga pinakamakabuluhang sanggunian ng sumusulong na kilusan laban sa tatlong pangunahing kaaway ng lipunang Pilipino:ang imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Dahil kinikilala ng Amado V. Hernandez Memorial Foundation ang kahalagahan ng Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya, at ang katotohanang matagal nang walang nakaimprenta nito, nagdesisyon ang Foundation na iimprenta uli ang libro. Sa proseso, tinipon ng Foundation ang iba pang mga sanaysay at talumpati ni Sison para idagdag sa bagong edisyong ito. Makabuluhan sa mga naidagdag ay ang Kapangyarihan ng Estudyante? (unang inilathala sa Eastern Horizon, isang progresibong magasin sa Hongkong), na tumutukoy sa oryentasyong dapat mahusay na gumabay sa kilusang estudyante sa Pilipinas; Sumusulong ang Kabataan (inilathala sa Philippines Free Press noong Nobyembre 2, 1968), na naglilinaw sa mga pagkilos, direksyon at perspektiba ng progresibong kilusan ng kabataan sa ating bayan at iba pang dako ng mundo; Ang Sopismo ng Christian Social Movement, na naglalantad at nagsusuri sa negatibong mga katangian at tendensya ng CSM at ang kaanib nitong mga ―moderato‖; Ang Reporma sa Lupa at Pambansang Demokrasya, na naglalantad sa pagkabangkarote ng programa sa reporma sa lupa na itinataguyod ng estado sa harap ng hinihinging puspusang rebolusyong agraryo; at mga mensahe ni Sison sa Movement for a Democratic Philippines, Kabataang Makabayan, Samahang Demokratiko ng Kabataan, League of Editors for a Democratic Society, Nagkakaisang Progresibong Artista-Arkitekto, Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan, at Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan—na pawang isinulat pagkaraan ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Muling inililimbag ito ng Amado V. Hernandez Memorial Foundation kakoordina ng College Editors Guild of the Philippines para sa katuparan ng isa sa mga layunin ng Foundation: tumulong sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka—ang habambuhay na preokupasyon ng yumaong Amado V. Hernandez, isang premyadong makata, proletaryong lider at bayani na sa alaala niya’y itinayo ang Foundation. Ang College Editors Guild of the Philippines ang pangunahing namahala sa aspetong editoryal ng proyekto. Ibinatay ng CEGP ang pag-eedit nito ng mga artikulo sa nirebisang tekstong ipinadala sa pambansang upisina ng CEGP sa pamamagitan ng koreo. Angkop na banggitin dito na sa huling ilang taon sa buhay ni Ka Amado, siya’y mahigpit na kaugnay ni Jose Ma. Sison, na noo’y pambansang tagapangulo ng Kabataang Makabayan, ang nag-umpisang organisasyon ng kabataan para sa pambansa-demokratikong pakikibaka. Si Ka Amado ay di makasariling nagbigay ng payo at talinong bunga ng edad at karanasan sa pagkaagresibo ni Sison bunga ng kanyang kabataan, sa kanyang mga pambansa-demokratikong ideya at programa ng pagkilos. Napatunayan ng sumunod na mga pangyayari na ang mga ideyang ito at programa ng pagkilos ay wasto sa konteksto ng kongkretong kalagayan ng Pilipinas. 7 Ipinagmamalaki ng Amado V. Hernandez Memorial Foundation na mailabas muli ang Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya para magamit ng lahat ng tagasuporta at estudyante ng pambansa-demokratikong kilusan. Antonio Zumel Tagapangulo Amado V. Hernandez Memorial Foundation Ika- 30 ng Nobyembre 1971 8 INTRODUKSYON SA UNANG EDISYON Ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino na may bakas ng lumipas ng nakaraang digmaang pandaigdig, partikular pagkaraang muling makamit ang pampulitikang kasarinlan noong Hulyo 4, 1946, ay nananatili hanggang ngayon nang babahagya lamang o walang pag-asang malutas sa kagyat na hinaharap. Kiming
Recommended publications
  • SANCHEZ Final Defense Draft May 8
    LET THE PEOPLE SPEAK: SOLIDARITY CULTURE AND THE MAKING OF A TRANSNATIONAL OPPOSITION TO THE MARCOS DICTATORSHIP, 1972-1986 BY MARK JOHN SANCHEZ DISSERTATION Submitted in partial fulfillment of the requirements for the degree of Doctor of Philosophy in History with a minor in Asian American Studies in the Graduate College of the University of Illinois at Urbana-Champaign, 2018 Urbana, Illinois Doctoral Committee: Associate Professor Augusto Espiritu, Chair Professor Antoinette Burton Associate Professor Jose Bernard Capino Professor Kristin Hoganson Abstract This dissertation attempts to understand pro-democratic activism in ways that do not solely revolve around public protest. In the case of anti-authoritarian mobilizations in the Philippines, the conversation is often dominated by the EDSA "People Power" protests of 1986. This project discusses the longer histories of protest that made such a remarkable mobilization possible. A focus on these often-sidelined histories allows a focus on unacknowledged labor within social movement building, the confrontation between transnational and local impulses in political organizing, and also the democratic dreams that some groups dared to pursue when it was most dangerous to do so. Overall, this project is a history of the transnational opposition to the Marcos dictatorship in the Philippines. It specifically examines the interactions among Asian American, European solidarity, and Filipino grassroots activists. I argue that these collaborations, which had grassroots activists and political detainees at their center, produced a movement culture that guided how participating activists approached their engagements with international institutions. Anti-Marcos activists understood that their material realities necessitated an engagement with institutions more known to them for their colonial and Cold War legacies such as the press, education, human rights, international law, and religion.
    [Show full text]
  • Martial Law and the Communist Parties of the Philippines, 1959–1974
    Crisis of Revolutionary Leadership: Martial Law and the Communist Parties of the Philippines, 1959–1974 By Joseph Paul Scalice A dissertation submitted in partial satisfaction of the requirements for the degree of Doctor of Philosophy in South and Southeast Asian Studies in the Graduate Division of the University of California, Berkeley Committee in Charge: Associate Professor Jerey Hadler, Chair Professor Peter Zinoman Professor Andrew Barshay Summer 2017 Crisis of Revolutionary Leadership: Martial Law and the Communist Parties of the Philippines, 1957-1974 Copyright 2017 by Joseph Paul Scalice 1 Abstract Crisis of Revolutionary Leadership: Martial Law and the Communist Parties of the Philippines, 1959–1974 by Joseph Paul Scalice Doctor of Philosophy in South and Southeast Asian Studies University of California, Berkeley Associate Professor Jerey Hadler, Chair In 1967 the Partido Komunista ng Pilipinas (pkp) split in two. Within two years a second party – the Communist Party of the Philippines (cpp) – had been founded. In this work I argue that it was the political program of Stalinism, embodied in both parties through three basic principles – socialism in one country, the two-stage theory of revolution, and the bloc of four classes – that determined the fate of political struggles in the Philippines in the late 1960s and early 1970s and facilitated Marcos’ declaration of Martial Law in September 1972. I argue that the split in the Communist Party of the Philippines was the direct expression of the Sino-Soviet split in global Stalinism. The impact of this geopolitical split arrived late in the Philippines because it was initially refracted through Jakarta.
    [Show full text]
  • WHAT's Inside
    JULY-AUGUST• JULY-AUGUST 2009 2009 WHAT’S iNSIDE Gloria Arroyo, A Chilling After 20 Traveling Comparison Years, A Everything the The ghost of Recess Philippine head of the political past for the state does abroad has risen in the JVOAEJ is fair game for present A recess, the media not an end A DEATH LIKE NO OTHERn By Hector Bryant L. Macale HE PHILIPPINE press mirrored the nation’s collective grief over the passing of former Pres- ident Corazon “Cory” Aquino last Aug. 1. For at least a week, the death, wake and funeral of Aquino—who fought colon cancer for 16 Tmonths—overshadowed other stories such as Gloria Ma- capagal Arroyo’s recent US trip. Aquino’s death was like no other in recent history, reminding everyone not only of her role in the overthrow of the Marcos dictatorship in 1986, but also of the need to resist all forms of tyranny. Because of its significance as well as the context in which Aqui- no’s death occurred, the flood of men, women and children that filled the Manila Cathedral and the streets of the capital to catch a final glimpse of her sent not only a message of grief and gratitude. It also declared that Filipinos had not forgotten Cory Aquino’s singular role in removing a dic- tatorship, and implied that they resent the efforts by the Arroyo regime to amend the 1987 Consti- tution, thus validating the results of the numerous surveys that not Turn to page 14 Photos by LITO OCAMPO 2 • JULY-AUGUST 2009 editors’ NOTE PUBLISHED BY THE CENTER FOR MEDIA FREEDOM AND RESPONSIBILITY Melinda Quintos de Jesus Publisher Luis V.
    [Show full text]
  • FILIPINOS in HISTORY Published By
    FILIPINOS in HISTORY Published by: NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE T.M. Kalaw St., Ermita, Manila Philippines Research and Publications Division: REGINO P. PAULAR Acting Chief CARMINDA R. AREVALO Publication Officer Cover design by: Teodoro S. Atienza First Printing, 1990 Second Printing, 1996 ISBN NO. 971 — 538 — 003 — 4 (Hardbound) ISBN NO. 971 — 538 — 006 — 9 (Softbound) FILIPINOS in HIS TOR Y Volume II NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE 1990 Republic of the Philippines Department of Education, Culture and Sports NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE FIDEL V. RAMOS President Republic of the Philippines RICARDO T. GLORIA Secretary of Education, Culture and Sports SERAFIN D. QUIASON Chairman and Executive Director ONOFRE D. CORPUZ MARCELINO A. FORONDA Member Member SAMUEL K. TAN HELEN R. TUBANGUI Member Member GABRIEL S. CASAL Ex-OfficioMember EMELITA V. ALMOSARA Deputy Executive/Director III REGINO P. PAULAR AVELINA M. CASTA/CIEDA Acting Chief, Research and Chief, Historical Publications Division Education Division REYNALDO A. INOVERO NIMFA R. MARAVILLA Chief, Historic Acting Chief, Monuments and Preservation Division Heraldry Division JULIETA M. DIZON RHODORA C. INONCILLO Administrative Officer V Auditor This is the second of the volumes of Filipinos in History, a com- pilation of biographies of noted Filipinos whose lives, works, deeds and contributions to the historical development of our country have left lasting influences and inspirations to the present and future generations of Filipinos. NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE 1990 MGA ULIRANG PILIPINO TABLE OF CONTENTS Page Lianera, Mariano 1 Llorente, Julio 4 Lopez Jaena, Graciano 5 Lukban, Justo 9 Lukban, Vicente 12 Luna, Antonio 15 Luna, Juan 19 Mabini, Apolinario 23 Magbanua, Pascual 25 Magbanua, Teresa 27 Magsaysay, Ramon 29 Makabulos, Francisco S 31 Malabanan, Valerio 35 Malvar, Miguel 36 Mapa, Victorino M.
    [Show full text]
  • Reform Or Revolution? : the Aquino Government and Prospects for the Philippines
    EAST-WEST CENTER SPECIAL REPORT Reform or Revolution? The Aquino Government and Prospects for the Philippines A Gateway in Hawaii Between Asia and America KEITH B. RICHBURG Reform or Revolution? The Aquino Government and Prospects for the Philippines September 1991 THE EAST-WEST CENTER Jt HONOLULU, HAWAII Contents The Aquino Legacy: What Happened? 3 The Communist Party 9 The Rise of the Coup Factor 11 Roots of Unrest 13 The Military's Factions 16 Washington and Manila: Friends Forever? 19 Conclusion: Towards 1992 24 Notes 26 This Special Report is one of a series produced by the staff and visiting fellows of the Special Projects unit of the East-West Center. The series focuses on timely, critical issues concerning the United States, Asia, and the Pacific and is intended for a wide audience of those who make or influence policy decisions throughout the region. This paper may be quoted in full or in part without further permission. Please credit the author and the East-West Center. The Center would be grateful for cop• ies of articles, speeches, or other references to this paper. Please address comments or inquiries to: Special Projects, East-West Center, 1777 East-West Road, Honolulu, Hawaii, 96848. Telephone: 808-944-7602. Fax: 808-944-7670. Summary THE STEAMING VOLCANO of Mt. Pinatubo million for America's continued use only of and its devastating after-effects have emerged as Subic Bay Naval Station. a sad but compelling metaphor for the disaster- Coping with this disaster could well define the prone Philippines under the administration of remaining months of Mrs.
    [Show full text]
  • Community Engagement and Organizing Handbook for University Extension Workers
    Journeying with Communities A Community Engagement and Organizing Handbook for University Extension Workers P100 only Ukay-ukay P100 only Ukay-ukay Journeying with Communities: A Community Engagement and Organizing Handbook for University Extension Workers Mark Anthony D. Abenir Froilan A. Alipao Abegail Martha S. Abelardo Melanie D. Turingan P100 only Ukay-ukay The Pontifical and Royal University of Santo Tomas Center for Continuing Professional Education and Development and the Simbahayan Community Development Office Journeying with Communities: A Community Engagement and Organizing Handbook for University Extension Workers Copyright © 2021 University of Santo Tomas Graduate School Center for Continuing Professional Education and Development G/F Thomas Aquinas Research Complex España Blvd., Manila, Philippines 1015 Trunk Line (+632) 406 1611 local 4030 Direct Line (+632) 880-1668 Email: [email protected] / [email protected] Simbahayan Community Development Office Room 101, Tan Yan Kee Student Center, University of Santo Tomas España, Manila Trunkline 02 406-1611 loc. 8420 Telefax 02 742-3707 E-mail: [email protected] Abenir, M.D. Alipao, F. A. Abelardo, A.S. Turingan, M.D. All rights reserved. No part of this handbook may be used or reproduced by any means, graphic, electronic, or mechanical, including photocopying, recording, taping, or by any information storage retrieval system without the written permission of the authors except in the case of brief quotations embodied in critical articles, reviews, and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. Graphics and Content Design by: Patricia Grace Y. Recto Published in the Philippines by the University of Santo Tomas Graduate School Center for Continuing Professional Education and Development and the UST Simbahayan Community Development Office Printed by Gemini Phils.
    [Show full text]
  • THE GENESIS of the PHILIPPINE COMMUNIST PARTY Thesis Submitted for the Degree of Ph.D. Dames Andrew Richardson School of Orienta
    THE GENESIS OF THE PHILIPPINE COMMUNIST PARTY Thesis submitted for the degree of Ph.D. dames Andrew Richardson School of Oriental and African Studies University of London September 198A ProQuest Number: 10673216 All rights reserved INFORMATION TO ALL USERS The quality of this reproduction is dependent upon the quality of the copy submitted. In the unlikely event that the author did not send a com plete manuscript and there are missing pages, these will be noted. Also, if material had to be removed, a note will indicate the deletion. uest ProQuest 10673216 Published by ProQuest LLC(2017). Copyright of the Dissertation is held by the Author. All rights reserved. This work is protected against unauthorized copying under Title 17, United States C ode Microform Edition © ProQuest LLC. ProQuest LLC. 789 East Eisenhower Parkway P.O. Box 1346 Ann Arbor, Ml 48106- 1346 ABSTRACT Unlike communist parties elsewhere in Asia, the Partido Komunista sa Pilipinas (PKP) was constituted almost entirely by acti­ vists from the working class. Radical intellectuals, professionals and other middle class elements were conspicuously absent. More parti­ cularly, the PKP was rooted In the Manila labour movement and, to a lesser extent, in the peasant movement of Central Luzon. This study explores these origins and then examines the character, outlook and performance of the Party in the first three years of its existence (1930-33). Socialist ideas began to circulate during the early 1900s, but were not given durable organisational expression until 1922, when a Workers’ Party was formed. Led by cadres from the country's principal labour federation, the Congreso Obrero, this party aligned its policies increasingly with those of the Comintern.
    [Show full text]
  • International Newsletter DEFEND MARXISM-LENINISM and MAO ZEDONG THOUGHT ______
    International Newsletter DEFEND MARXISM-LENINISM AND MAO ZEDONG THOUGHT ____________________________________________________________________________________________ February 2010 Publisher: Joint Coordinating Group (JCG) No. 36 ___________________________________________________________________________________________ Content Principles of the The Interpretation of the Nature of Current International Conference .......................... 2 Crisis Decides Communist Parties’ Activity (new) Communist Party, Italy, (n)PCI ......... 25 Call for the Support ...................................... 2 New Communist League in Norway Information .................................................. 28 Let the Year 2010 be the Year of the New Foundation of a New Argentina Rememberances of the First Quarter Storm Portion of Otto Varga´s allocution on the 42nd of 1970 Anniversary of the Revolutionary Communist Antonio Zumel, Philippines ......................... 29 Party of Argentina .......................................... 3 Statement of the Communist Marxist-Leninist- The Turkish Ruling Classes Maoist Party of Bolivia on the Political and their “Kurdish Plan” Situation in the Country ............................... 8 TKP/ML, Turkey .......................................... 32 The Berlin Crisis Management is Like Sitting on a Powder Keg, What the Elections Showed? Interview with Stefan Engel, (MLPD) ......... 9 Ricardo Cohen Partido Communista Revolutionary (PCR ), A Big Debate Within the Greek Left Uruguay ......................................................
    [Show full text]
  • Ang Rebolusyong Pilipino: Isang Pagtanaw Mula Sa Loob
    ANG REBOLUSYONG PILIPINO: ISANG PAGTANAW MULA SA LOOB Unang Kabanata Mga Taon ng Pagbubuo Mga Bagay-bagay Hinggil sa Kapanganakan T1: Kailan at saan ka ipinanganak? Maaari bang ilahad mo sa amin ang ilang bagay tungkol sa pinagmulan ng iyong pamilya? Sinu-sino ang iyong mga magulang? Ano ang katayuang panlipunan ng iyong pamilya? S: Ipinanganak ako noong Pebrero 8, 1939 sa Cabugao, Ilocos Sur sa Hilagang Luzon. Ang aking amang si Salustiano Serrano Sison ay namatay noong 1958 sa gulang na limampu't siyam na taon. Ang aking inang si Florentina Canlas ay mahigit na walumpung taon na ngayon. Ang aking pamilya ay kabilang sa uring panginoong maylupa at siyang prinsipal na pamilyang pyudal sa aking bayan. Ang aking ama ay kabilang sa ikatlong henerasyon ng ninunong lalaki ng pamilya, si Don Leandro Serrano, na nakapag- ipon ng pinakamalawak na lupain sa Hilagang Luzon noong huling kwarto ng ikalabinsiyam na siglo. Ang aking lolo sa ama, si Don Gregorio Sison, ang kahuli-hulihang gobernadorsilyo (punong ehekutibo ng isang munisipyo) noong kolonyal na rehimeng Espanyol at kauna-unahang presidente munisipal sa ilalim ng kolonyal na paghahari ng Estados Unidos. Hinawakan niya ang posisyong ito hanggang sa kamatayan niya noong maagang bahagi ng dekadang treynta. Ang pinagbuklod na mga pamilyang Serrano at Sison ay nangibabaw sa ekonomya at pulitika sa buong probinsya ng Ilocos Sur hanggang noong dekadang kwarenta. Minsan ay dalawa sa mga tiyo ko, sina Jesus Serrano at Sixto Brillantes, ang panabay na naging konggresista ng dalawang distrito ng aking probinsya. Isang lolo ko, si Don Mena Crisologo, ang naging unang gobernadorsilyo sa ilalim ng kolonyal na rehimeng Amerikano.
    [Show full text]
  • Philippine Studies Ateneo De Manila University • Loyola Heights, Quezon City • 1108 Philippines
    philippine studies Ateneo de Manila University • Loyola Heights, Quezon City • 1108 Philippines The Filipino Drama (1905) Review Author: Paul A. Rodell Philippine Studies vol. 30, no. 1 (1982) 132–134 Copyright © Ateneo de Manila University Philippine Studies is published by the Ateneo de Manila University. Contents may not be copied or sent via email or other means to multiple sites and posted to a listserv without the copyright holder’s written permission. Users may download and print articles for individual, noncom- mercial use only. However, unless prior permission has been obtained, you may not download an entire issue of a journal, or download multiple copies of articles. Please contact the publisher for any further use of this work at [email protected]. http://www.philippinestudies.net Fri June 27 13:30:20 2008 132 PHILIPPINE STUDIES THE FILIPINO DRAMA [1905]. By Arthur Stanley Riggs. Manila: Minis. try of Human Settlements, Intramuros Administration, 1981.666 pages. In 1965 Central Bank Governor Jaime C. Laya, then a graduate student in the United States, visited a used-book store in Washington, D.C., where he bought an old manuscript by Arthur Stanley Eggs entitled "The Filipino Drama." ' Despite the manuscript's comprehensive title, Riggs' interest in Philippine drama was limited to the anti-American works presented by Filipino author- patriots of the 1899-1904 period. In his manuscript Riggs discussed earlier Philippine dramatic forms only to use them as reference points for his analy- sis of the "seditious" plays of his era. Believing the manuscript to be of little value, Laya ignored it until he later learned of the true worth of his chance find.
    [Show full text]
  • Macario Sakay Biography
    Macario Sakay Biography General Macario Leon Sakay (1870 – January 9,1907) Ladrone, Tulisan, Bandolero, Brigand, Bandit, Outlaw were all names used to define Philippine criminals in the early 1900s. Since the early American colonization of the Philippines for decades Filipinos allowed themselves to be brainwashed by the American victors in to thinking these men were also enemies to the Filipino people. Through the 1902 Bandolero Act, patriotic armed struggles for independence were deemed by the American colonial government as dishonorable criminal activities. Macario Sakay would be regarded as the greatest outlaw of them all. 100 years later many of these U.S. branded bandits are now regarded by Filipinos as Heroes and Patriots of the Philippines. Macario SakayMacario Sakay was born on Tabora St in Tondo Manila in 1870. Hardly knowing his father, Sakay was given the surname of his mother. Just as both Andres Bonifacio and Emilio Jacinto were born and bred in the Tondo district, Sakay is regarded to be made from the same mold. The Tondo district in the late 1800s comprised of the working class and natives of the lower echelons of society. For those living within the area it became the norm to be skilled in several different professions. The early known adolescent years of Sakay were spent working as a barber, a tailor, and a stage actor for Komedya and Moro-Moro plays. In 1894 Macario Sakay joined the Katipunan alongside Emilio Jacinto. Initial work with the Katipunan were spent working closely with Emilio Jacinto and Andres Bonifacio. Gregoria de Jesus states Sakay also helped in operating the Kalayaan newspaper press of the Katipunan.
    [Show full text]
  • Platforms of Philippine Parties: the Politics of Expedience, 1902-1913
    PLATFORMS OF PHILIPPINE PARTIES: THE POLITICS OF EXPEDIENCE, 1902-1913 RA WLEIN SOBERANO The termination of American military rule at the turn of the cen- tury brought hope to many ·Filipino leaders that the transition to a civilian form of government would be smooth and easy. What they did not know was that the United States had other ideas concerning the length of time it would take between total American rule and· a measure of Filipino self-rule. Within a short time, however, new political parties mushroomed, equipped with various, seemingly divergent platforms, al1 claiming to promote the besr interests of the Islands. What was responsible for the birth of these political_parties? Did they have the welfare of the people at heart? Or did their leaders sec them as vehicles to instant fame and fortune at the expense of the honest hopes of their potential supporters? What was the general reaction of the American authorities? Were they enthusiastic about, or suspicious of these parties' goals? These and similar related questions will be the subject of this paper. The re-election of President William McKinley brought about the formation of the Partido Federal (Federal Party) which advocated paci- fication and annexation of the Philippines by the United States. Its members, who were prominent . Filipinos, were convinced that an American civilian government would soon be established in the Islands and some posts would be given to Filipinos to filL They felt that their 45 46 ASIAN STUDIES chances of getting these positions were _better if they acted as a group than if they were acting individually.
    [Show full text]