Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya

Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya

MAKIBAKA PARA SA PAMBANSANG DEMOKRASYA NI JOSE MA. SISON Ang salin na ito sa Pilipino, Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya, ng Struggle For National Democracy ni Jose Ma. Sison ay iniaalay namin sa masang Pilipino lalung-lalo na sa masang manggagawa at magsasaka. Hangad naming malawak na maihatid ang mensahe ng libro na patuloy na napapanahon at tumutugon sa mga saligang interes ng sambayanang Pilipino na makalaya sa malaon nang pagkakasaklot sa kanila ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Malugod naming tatanggapin ang inyong mga palagay at mungkahi sa patuloy na pagpapaunlad ng saling ito. Kapisanan ng mga Tagasalin para sa Bayan (Kasabay) Mayo 1998 2 NILALAMAN Paunang Salita ng May-akda sa Ikatlong Edisyon Introduksyon sa Ikalawang Edisyon Introduksyon sa Unang Edisyon 1. Talumpati sa Pagtatatag ng Kabataang Makabayan 2. Pambansang Paglaya at Paglaya ng Uri 3. Ang Pagpapasya-sa-Sarili at Ugnayang Panlabas 4. Ang Reporma sa Lupa at Pambansang Demokrasya 5. Ang Pagkakasangkot ng Pilipinas sa Digmaang Byetnam 6. Ang Kilusang Paggawa 7. Ang Imperyalismong US at Rebolusyonaryong Internasyunalismo 8. Ang Pangangailangan para sa Rebolusyong Pangkultura 9. Ang Mersenaryong Tradisyon ng AFP 10. Ang mga Tungkulin ng Ikalawang Kilusang Propaganda 11. Ang Kilusan sa Pagpapalaya sa Ekonomya laban sa Imperyalismong US 12. Ang Kilusang Ika-24 ng Oktubre 13. Si Rizal, ang Kritiko ng Lipunan 14.Pangkalahatang Ulat sa Kongreso sa Pagtatatag ng Movement for the Advancement of Nationalism 15. Ang Pambansa-Demokratikong Kilusan at ang Pampulitikang Aktibista 16. Demokrasya at Sosyalismo 17. Hinggil sa mga Pangunahing Isyu ng Panahon 18. Tungo sa isang Pambansa-Demokratikong Kilusan ng mga Guro 19. Hinggil sa Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas 20.Ang Sopismo ng Christian Social Movement 21. Anatomya ng Pulitika sa Pilipinas 22.Sumusulong ang Kabataan 3 23.Ang Papel ni Recto 24.Kapangyarihang Estudyante? 25.Mensahe sa Samahan ng Demokratikong Kabataan 26.Mensahe sa Malayang Kilusan ng Kababaihan (MAKIBAKA) Hinggil sa Kilusan sa Pagpapalaya sa Kababaihan 27.Mensahe sa League of Editors for a Democratic Society 28.Mensahe sa Movement for a Democratic Philippines 29.Mensahe sa Nagkakaisang Progresibong Artista-Arkitekto 30.Mensahe sa Ikatlong Pambansang Kongreso ng Kabataang Makabayan 31.Mensahe to PAKSA Hinggil sa mga Tungkulin ng mga Kadre sa Larangan ng Kultura Sa Alaala ni Carlos B. del Rosario 4 PAUNANG SALITA NG MAY-AKDA SA IKATLONG EDISYON Lubos akong nasisiyahan dahil inilalathala ang ikatlong edisyong ito ng Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya bilang tugon sa hinihingi ng mga kabataang aktibista ng pambansa-demokratikong kilusan at bilang pagdiriwang sa ikatatlumpung anibersaryo ng Kabataang Makabayan kung saan naging tagapangulong tagapagtatag ako noong Nobyembre 30, 1964 at naging tagapangulo hanggang sa nag-undergrawn ako noong 1968. Sa kalakhan, ang librong ito’y tinipong mga talumpati at sanaysay noong 1964-68 habang ako’y tagapangulo ng Kabataang Makabayan, pangalawang tagapangulo/pagkalahatang kalihim ng Partido Sosyalista ng Pilipinas at pangkalahatang kalihim ng Movement for the Advancement of Nationalism. Tulad ng ikalawang edisyon, kabilang sa ikatlong edisyon ang mga mensahe para sa mga pambansa-demokratikong organisasyon na nag-usbungan bilang resulta ng Unang Sigwa ng 1970. Ang librong ito’y isang istorikong rekord ng ligal na pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo noong dekada 60 at maaagang bahagi ng dekada 70. Ito ang prinsipal na babasahing ligal na ginagamit sa mga grupong talakayan at paaralan ng pambansang demokrasya na nagturo sa mga kabataang kadre at militante mula 1967 hanggang Unang Sigwa ng 1970 at hanggang ideklara ang batas militar noong 1972. Ang librong ito ang tuwirang sinundan ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino. Sa katunayan, ang dalawang libro’y parang magkatambal sa pagbibigay ng edukasyon sa mga kadre at masang aktibista sa panahon ng Unang Sigwa ng 1970. Sa simple’t di maitatangging dahilan na nananatili ang batayang malakolonyal at malapyudal na kalagayan at problema ng sambayanang Pilipino, kailangang basahin at pag-aralan ang librong ito hindi lamang dahil sa istorikong kahalagahan nito kundi dahil sa patuloy na pagiging balido at makabuluhan ng saligang mga ideyang nakasaad dito. Mula noong dekada 60, ang saligang mga problema na dayuhang monopolyong kapitalismo, katutubong pyudalismo at burukrata kapitalismo ay pinatindi at pinalala ng dalawampung taong paghahari ni Marcos at ng sumunod na mga rehimeng Aquino at Ramos. Nananatiling kasimbalido at kasing-importante tulad noong una ang kagyat na hinihingi ng sambayanan na pambansang kalayaan at demokrasya, pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa at kulturang pambansa, syentipiko at makamasa at ang mithiin ng sambayanan para sa sosyalismo. Lubos akong nagpapasalamat sa pabliser ng ikatlong edisyon sa pagtitiyak sa akin na ang Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya ay karapatdapat basahin at pag-aralan hindi lamang dahil sa pangmatagalan at napapanahon ang nilalaman nito kundi dahil sa estilo nitong mapanghikayat sa maraming mamamayan. 5 Lubos din akong nagpapasalamat sa Kabataang Makabayan, sa League of Filipino Students, Institute of Alternative Studies at iba pang organisasyon, gayundin sa mga indibidwal na nagmamalasakit dahil hinikayat nila ang pabliser na ilabas ang ikatlong edisyong ito at tiniyak nilang maipapalaganap nang husto ang libro. —Jose Maria Sison Ika-30 ng Nobyembre 1994 6 INTRODUKSYON SA IKALAWANG EDISYON Ang Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya, ang koleksyon ng mga sanaysay at talumpati ni Jose Ma. Sison na tagapangulong tagapagtatag ng Kabataang Makabayan, ay nananatiling kasing-angkop ngayon—kung hindi man higit pa—ng una itong ilabas noong 1967. Pagkaraan ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970, nang magkaroon ng malaki-laking momentum ang pambansa-demokratikong pakikibaka, ang libro ni Sison ay naging isa sa mga pinakamakabuluhang sanggunian ng sumusulong na kilusan laban sa tatlong pangunahing kaaway ng lipunang Pilipino:ang imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Dahil kinikilala ng Amado V. Hernandez Memorial Foundation ang kahalagahan ng Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya, at ang katotohanang matagal nang walang nakaimprenta nito, nagdesisyon ang Foundation na iimprenta uli ang libro. Sa proseso, tinipon ng Foundation ang iba pang mga sanaysay at talumpati ni Sison para idagdag sa bagong edisyong ito. Makabuluhan sa mga naidagdag ay ang Kapangyarihan ng Estudyante? (unang inilathala sa Eastern Horizon, isang progresibong magasin sa Hongkong), na tumutukoy sa oryentasyong dapat mahusay na gumabay sa kilusang estudyante sa Pilipinas; Sumusulong ang Kabataan (inilathala sa Philippines Free Press noong Nobyembre 2, 1968), na naglilinaw sa mga pagkilos, direksyon at perspektiba ng progresibong kilusan ng kabataan sa ating bayan at iba pang dako ng mundo; Ang Sopismo ng Christian Social Movement, na naglalantad at nagsusuri sa negatibong mga katangian at tendensya ng CSM at ang kaanib nitong mga ―moderato‖; Ang Reporma sa Lupa at Pambansang Demokrasya, na naglalantad sa pagkabangkarote ng programa sa reporma sa lupa na itinataguyod ng estado sa harap ng hinihinging puspusang rebolusyong agraryo; at mga mensahe ni Sison sa Movement for a Democratic Philippines, Kabataang Makabayan, Samahang Demokratiko ng Kabataan, League of Editors for a Democratic Society, Nagkakaisang Progresibong Artista-Arkitekto, Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan, at Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan—na pawang isinulat pagkaraan ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Muling inililimbag ito ng Amado V. Hernandez Memorial Foundation kakoordina ng College Editors Guild of the Philippines para sa katuparan ng isa sa mga layunin ng Foundation: tumulong sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka—ang habambuhay na preokupasyon ng yumaong Amado V. Hernandez, isang premyadong makata, proletaryong lider at bayani na sa alaala niya’y itinayo ang Foundation. Ang College Editors Guild of the Philippines ang pangunahing namahala sa aspetong editoryal ng proyekto. Ibinatay ng CEGP ang pag-eedit nito ng mga artikulo sa nirebisang tekstong ipinadala sa pambansang upisina ng CEGP sa pamamagitan ng koreo. Angkop na banggitin dito na sa huling ilang taon sa buhay ni Ka Amado, siya’y mahigpit na kaugnay ni Jose Ma. Sison, na noo’y pambansang tagapangulo ng Kabataang Makabayan, ang nag-umpisang organisasyon ng kabataan para sa pambansa-demokratikong pakikibaka. Si Ka Amado ay di makasariling nagbigay ng payo at talinong bunga ng edad at karanasan sa pagkaagresibo ni Sison bunga ng kanyang kabataan, sa kanyang mga pambansa-demokratikong ideya at programa ng pagkilos. Napatunayan ng sumunod na mga pangyayari na ang mga ideyang ito at programa ng pagkilos ay wasto sa konteksto ng kongkretong kalagayan ng Pilipinas. 7 Ipinagmamalaki ng Amado V. Hernandez Memorial Foundation na mailabas muli ang Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya para magamit ng lahat ng tagasuporta at estudyante ng pambansa-demokratikong kilusan. Antonio Zumel Tagapangulo Amado V. Hernandez Memorial Foundation Ika- 30 ng Nobyembre 1971 8 INTRODUKSYON SA UNANG EDISYON Ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino na may bakas ng lumipas ng nakaraang digmaang pandaigdig, partikular pagkaraang muling makamit ang pampulitikang kasarinlan noong Hulyo 4, 1946, ay nananatili hanggang ngayon nang babahagya lamang o walang pag-asang malutas sa kagyat na hinaharap. Kiming

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    227 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us