Ang Rebolusyong Pilipino: Isang Pagtanaw Mula Sa Loob

Total Page:16

File Type:pdf, Size:1020Kb

Ang Rebolusyong Pilipino: Isang Pagtanaw Mula Sa Loob ANG REBOLUSYONG PILIPINO: ISANG PAGTANAW MULA SA LOOB Unang Kabanata Mga Taon ng Pagbubuo Mga Bagay-bagay Hinggil sa Kapanganakan T1: Kailan at saan ka ipinanganak? Maaari bang ilahad mo sa amin ang ilang bagay tungkol sa pinagmulan ng iyong pamilya? Sinu-sino ang iyong mga magulang? Ano ang katayuang panlipunan ng iyong pamilya? S: Ipinanganak ako noong Pebrero 8, 1939 sa Cabugao, Ilocos Sur sa Hilagang Luzon. Ang aking amang si Salustiano Serrano Sison ay namatay noong 1958 sa gulang na limampu't siyam na taon. Ang aking inang si Florentina Canlas ay mahigit na walumpung taon na ngayon. Ang aking pamilya ay kabilang sa uring panginoong maylupa at siyang prinsipal na pamilyang pyudal sa aking bayan. Ang aking ama ay kabilang sa ikatlong henerasyon ng ninunong lalaki ng pamilya, si Don Leandro Serrano, na nakapag- ipon ng pinakamalawak na lupain sa Hilagang Luzon noong huling kwarto ng ikalabinsiyam na siglo. Ang aking lolo sa ama, si Don Gregorio Sison, ang kahuli-hulihang gobernadorsilyo (punong ehekutibo ng isang munisipyo) noong kolonyal na rehimeng Espanyol at kauna-unahang presidente munisipal sa ilalim ng kolonyal na paghahari ng Estados Unidos. Hinawakan niya ang posisyong ito hanggang sa kamatayan niya noong maagang bahagi ng dekadang treynta. Ang pinagbuklod na mga pamilyang Serrano at Sison ay nangibabaw sa ekonomya at pulitika sa buong probinsya ng Ilocos Sur hanggang noong dekadang kwarenta. Minsan ay dalawa sa mga tiyo ko, sina Jesus Serrano at Sixto Brillantes, ang panabay na naging konggresista ng dalawang distrito ng aking probinsya. Isang lolo ko, si Don Mena Crisologo, ang naging unang gobernadorsilyo sa ilalim ng kolonyal na rehimeng Amerikano. Minsan naman, isang tiyo ang naging gobernador ng probinsya pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang aking ina ay mula sa pamilyang Lacsamana na kabilang din sa uring panginoong maylupa sa Mexico, Pampanga. Pero ang bahaging mamanahin ng ama ng aking ina ay kinamkam ng administrador ng pamilya, kaya bumagsak sa katayuang petiburges ang sanga ng kanyang ama. Sa kabila ng kanyang mataas na pinag-aralan, ang aking ama ay namuhay na isang maginoong taga-probinsya pagkaraang tanggapin niya ang kanyang mana. Ang aking ina ay tumulong sa aking ama sa pag-asikaso sa lupa, taimtim na tumupad ng kanyang mga obligasyon sa relihiyon, at nag-asikaso ng kanyang mga anak. Mga Ninuno T2: Sa abot ng makakaya mo, mangyaring tuntunin mo ang pinagmulan ng mga pamilyang Sison at Serrano. Batid kong isang piling pamilya ang mga Sison sa probinsya ng Pangasinan sa Gitnang Luzon. Paano nito natagpuan ang pamilyang Serrano sa Hilagang Luzon? Paano nagsanib ang pyudal na kayamanan ng dalawang pamilya? S: Ayon sa kasaysayan ng pamilya, ang unang Sison ay kapitan ng barko sa pangkalakal na plotang Fukienes na pag-aari ni Lin Tao-Kien noong ikalabing-anim na siglo. Ang kanyang mga inapo ay yumaman sa pamamagitan ng pagbibili ng bigas at bulak sa mga komersyanteng Tsino na kalahok sa kalakalang Maynila-Acapulco, at nanatiling mga Tsino hanggang sa unang kwarto ng ikalabingwalong siglo nang magparehistro ang unang Sison bilang isang mestisong sangley (isang komersyanteng Tsino-Malayo) sa talaan ng simbahan ng paroko ng Lingayen, Pangasinan. Noong 1810, ang aking lolo-sa-talampakang Sison ay nagpunta sa Vigan, Ilocos Sur mula sa Lingayen bilang isang komersyanteng mapaglibot at nakapangasawa sa pamilyang Espiritu na may uring komersyante-panginoong maylupa at lahing Espanyol-Tsino-Malayo. Ginaya niya ang halimbawa ng iba pang Sison na nakapangasawa sa piling angkan ng mga maylupa at nakapag-ipon din ng sariling lupa sa di-kukulangin sa sampung bayan ng Pangasinan. Sa kalahatian ng ikalabinsiyam na siglo, pinakasalan ng aking lolo-sa-tuhod at ng dalawa sa kanyang mga kapatid na lalaki ang mga anak na babae ng pamilyang Soller, na noon ay siyang prinsipal na pamilya ng panginoong maylupa sa aking bayan. At sa huling hati ng ikalabinsiyam na siglo ay naulit ito nang pakasalan naman ng aking lolo at ng dalawa niyang kapatid na lalaki ang tatlong anak na babae ni Don Leandro Serrano, na noon ay siyang pinakamalaking panginoong maylupa hindi lamang sa aking bayan kundi sa buong rehiyon ng Ilokos. Ang aking lolo-sa-tuhod na Serrano ay anak ng isang komersyanteng creollo (mestisong Espanyol-Indio) mula sa Amerika Latina at ni Dominga Serrano, isang dalaga mula sa isang pamilya ng menor na panginoong maylupa. Siya ang naging alaga at sakristan ng Espanyol na kurang Agustino ng aking bayan at sa napakaagang edad ay naging piskal o sekretaryo ng paroko. Tiyak na marami siyang natutunan sa kanyang mga maestrong pari tungkol sa mga kaparaanan ng sistemang kolonyal-pyudal. Sa sarili niya'y nakapag-ipon siya ng lupa sa pamamagitan ng usurang komersyante at pagkamkam ng mga lupang publiko. Matagal siyang nanungkulan bilang gobernadorsilyo; nagpautang sa mga cabeza de barangay (mga pinuno ng nayon) na hindi nakapangolekta ng buwis sa mga mamamayuan; at sa bandang huli'y nang-embargo ng kanilang mga lupain at namili ng mga ito sa mga subastang publiko. Ang lupaing may pribadong titulo ng aking lolo-sa-tuhod na Serrano ay sumaklaw sa humigit-kumulang sa 80 porsyento ng aking bayan at sa malalaking bahagi ng apat pang munisipyo, at ang may deklarasyon sa buwis ay sumaklaw naman sa kalakhan ng baybayin ng sampung bayan mula sa Badoc, Ilocos Norte hanggang sa Sta. Lucia, Ilocos Sur. Ang mga produkto ng kanyang lupain ay bigas, tabako, indigo at magey. Mga Impluwensya sa Kamusmusan T3 Paano ka naimpluwensyahan ng pagiging panginoong maylupa ng pamilya mo hanggang sa pagbibinata o gulang na labindalawang taon? Mangyaring maging bukas ka sa pagtukoy sa iba pang dagdag o salungat na impluwensya, tulad ng mula sa simbahan, paaralan, o kung ano pa. S: Mga panuntunang pyudal ang lumaganap sa pamilya. At ang mga ito'y madalas na isiksik sa utak ko. Kitang-kita ang mataas na amor propyo ng pamilya kahit na hindi ito banggitin pa ninuman. Ang mga bahay namin at ng mga pinsan ko ang tanging dalawang pribadong gusaling nasa paligid ng plasa, kasama ng simbahang Katoliko, gusali ng munisipyo at lokal na paaralang publiko. Ang henerasyon ng mga magulang ko ay nagsalita ng Espanyol. Araw-araw ang dating ng mga kasamang magsasaka para magbayad ng upa sa lupa, humingi ng binhi, magtrabaho sa palibot ng bahay, o kaya'y magdulog ng ilang natatanging pakiusap. Nasa pamilya ang pinakamahuhusay na upuan sa simbahan. Tuwing pista ng bayan, reserbado sa amin ang mga espesyal na likmuang pandangal dahil sa ang alkalde ay madalas na isang malapit na kamag-anak at umaasa sa mga siguradong boto ng mga kasama. Hanggang sa mga unang bahagi ng dekadang singkwenta, nasaksihan ko ang pagdulog ng mga kandidatong pulitiko sa aming bahay para manghingi ng mga botong ito. Bago siya naging bagong panginoon ng Ilocos Sur noong dekadang sesenta, ipinanawagan ni Floro Crisolo go ang pagiging magkamag-anak namin, gaano man kalayo, para makakuha ng boto. Ang malaking bahagi ng pagtuturo ng mga kapyudalan ay idi naan sa mga kwento tungkol sa aking lolo-sa-tuhod na sinasabing yumaman bunga ng pagod, talino, at banal na karapatan sa pribadong pagmamay-ari ng lupa at iba pang propyedad. Mula sa pagkabata, ginanyak akong mag-aral ng abogasya at maging abogado para maipagtanggol ko ang ari-arian ng pamilya, maging isang lider sa pulitika at panauliin ang kumukupas na dangal ng pamilya. Pinangangambahan na noon ng pamilya ang patuloy na pagkakahati-hati ng lupa sa bawat henerasyon at ang masiglang paglitaw sa pulitika ng mga propesyonal mula sa burgesya ng kanayunan na sinagisag ni Presidente Elpidio Quirino. Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nasira ang malalaking bahay na bato at bodega ng mga magulang at kamag-anak ko. Ang mga ito ay pinagbobomba ng mga eroplanong Amerikano kahit umatras na ang mga tropang Hapones mula sa poblasyon. Kasunod nito, isang kalaban ng pamilya sa pulitika na nasa War Damage Commission ang nangharang ng aplikasyon ng pamilya para sa bayad-pinsala sa digma. Malaki ang gastos sa konsumo at ang gastos sa pagpapaaral ng mga anak sa mga mamahaling paaralan sa Maynila at aka sa mga kursong panggradwado sa Estados Unidos, kaya laging kapos sa pera ang pamilya at napilitang magbili ng lupa sa mga mayamang magsasaka, komersyante at burukrata. Hindi ako gaanong napahanga sa mga kwento ng pagpapakapagod at pag-iipon ng lupa ng aking lolo-sa-tuhod. Ito'y dahil sa ang mga kaklase at kalaro ko sa lokal na paaralang publiko ay mga anak ng aming mga kasama at ng lokal na panggitnang uri, at ikinwento nila sa akin kung paanong ang sarili nilang mga lolo at lolo- sa-tuhod ay inagawan ng lupa ng sarili kong lolo-sa-tuhod. Kinatuwaan ko nang iuwi at gamitin ang mga kwentong ito upang pagbiruan naman ang mga kwento ng pagmamapuri sa bahay. Itinuturing kong magandang kapalaran na nakapag-aral ako hanggang sa ikanim na baytang ng lokal na paaralang publiko dahil sa nakasalamuha ko ang mga anak ng mula sa mababang uri. Taliwas ito sa tradisyon ng pamilya na ipinapasok ang mga anak kapag pitong taong gulang na bilang interno o nangangasera sa mga eskwela ng kumbento na pinamamahalaan ng mga pari o madre para sa mga anak ng mga pamilyang mula sa mataas na uri o mataas na panggitnang uri. Naiwasan ko ang paaralang kumbento. Pero sa bahay at sa simbahan ay hindi maiwasan ang instruksyong relihiyoso. Natutuhan ko ang katesismo at mga dasal. At isa sa mga maagang nagawa ng utak ko noong siyam na taong gulang ako ay nang mamemorya ko sa loob ng tatlong araw ang mga sagot na Latin ng sakristan sa pari kapag nagmimisa. Kaya, nagsisilbi ako sa misa nang hindi ko nauunawaan ang dinadasal ko sa Latin.
Recommended publications
  • Guide to the Asian Collections at the International Institute of Social History
    Guide to the Asian Collections at the International Institute of Social History Emile Schwidder & Eef Vermeij (eds) Guide to the Asian Collections at the International Institute of Social History Emile Schwidder Eef Vermeij (eds) Guide to the Asian Collections at the International Institute of Social History Stichting beheer IISG Amsterdam 2012 2012 Stichting beheer IISG, Amsterdam. Creative Commons License: The texts in this guide are licensed under the terms of the Creative Commons Attribution-Noncommercial 3.0 license. This means, everyone is free to use, share, or remix the pages so licensed, under certain conditions. The conditions are: you must attribute the International Institute of Social History for the used material and mention the source url. You may not use it for commercial purposes. Exceptions: All audiovisual material. Use is subjected to copyright law. Typesetting: Eef Vermeij All photos & illustrations from the Collections of IISH. Photos on front/backcover, page 6, 20, 94, 120, 92, 139, 185 by Eef Vermeij. Coverphoto: Informal labour in the streets of Bangkok (2011). Contents Introduction 7 Survey of the Asian archives and collections at the IISH 1. Persons 19 2. Organizations 93 3. Documentation Collections 171 4. Image and Sound Section 177 Index 203 Office of the Socialist Party (Lahore, Pakistan) GUIDE TO THE ASIAN COLLECTIONS AT THE IISH / 7 Introduction Which Asian collections are at the International Institute of Social History (IISH) in Amsterdam? This guide offers a preliminary answer to that question. It presents a rough survey of all collections with a substantial Asian interest and aims to direct researchers toward historical material on Asia, both in ostensibly Asian collections and in many others.
    [Show full text]
  • Colonial Contractions: the Making of the Modern Philippines, 1565–1946
    Colonial Contractions: The Making of the Modern Philippines, 1565–1946 Colonial Contractions: The Making of the Modern Philippines, 1565–1946 Vicente L. Rafael Subject: Southeast Asia, Philippines, World/Global/Transnational Online Publication Date: Jun 2018 DOI: 10.1093/acrefore/9780190277727.013.268 Summary and Keywords The origins of the Philippine nation-state can be traced to the overlapping histories of three empires that swept onto its shores: the Spanish, the North American, and the Japanese. This history makes the Philippines a kind of imperial artifact. Like all nation- states, it is an ineluctable part of a global order governed by a set of shifting power rela­ tionships. Such shifts have included not just regime change but also social revolution. The modernity of the modern Philippines is precisely the effect of the contradictory dynamic of imperialism. The Spanish, the North American, and the Japanese colonial regimes, as well as their postcolonial heir, the Republic, have sought to establish power over social life, yet found themselves undermined and overcome by the new kinds of lives they had spawned. It is precisely this dialectical movement of empires that we find starkly illumi­ nated in the history of the Philippines. Keywords: Philippines, colonialism, empire, Spain, United States, Japan The origins of the modern Philippine nation-state can be traced to the overlapping histo­ ries of three empires: Spain, the United States, and Japan. This background makes the Philippines a kind of imperial artifact. Like all nation-states, it is an ineluctable part of a global order governed by a set of shifting power relationships.
    [Show full text]
  • The Politics of Economic Reform in the Philippines the Case of Banking Sector Reform Between 1986 and 1995
    The Politics of Economic Reform in the Philippines The Case of Banking Sector Reform between 1986 and 1995 A thesis submitted for the degree of PhD School of Oriental and African Studies (SOAS) University of London 2005 Shingo MIKAMO ProQuest Number: 10673052 All rights reserved INFORMATION TO ALL USERS The quality of this reproduction is dependent upon the quality of the copy submitted. In the unlikely event that the author did not send a com plete manuscript and there are missing pages, these will be noted. Also, if material had to be removed, a note will indicate the deletion. uest ProQuest 10673052 Published by ProQuest LLC(2017). Copyright of the Dissertation is held by the Author. All rights reserved. This work is protected against unauthorized copying under Title 17, United States C ode Microform Edition © ProQuest LLC. ProQuest LLC. 789 East Eisenhower Parkway P.O. Box 1346 Ann Arbor, Ml 48106- 1346 2 Abstract This thesis is about the political economy of the Philippines in the process of recovery from the ruin of economic crisis in the early 1980s. It examines the dynamics of Philippine politics by focussing on banking sector reform between 1986 and 1995. After the economic turmoil of the early 1980s, the economy recovered between 1986 and 1996 under the Aquino and Ramos governments, although the country is still facing numerous economic challenges. After the "Asian currency crisis" of 1997, the economy inevitably decelerated again. However, the Philippines was seen as one of the economies least adversely affected by the rapid depreciation of its currency. The existing literature tends to stress the roles played by international financial structures, the policy preferences of the IMF, the World Bank and the US government and the interests of the dominant social force as decisive factors underlying economic and banking reform policy-making in the Philippines.
    [Show full text]
  • Situationer: Politisches System, Wahlprozess, Parteien Und
    Situationer : Politisches System, Wahlprozess, Parteien und Kandidaten in den Philippinen Niklas Reese, Südostasienwissenschaftler und Vorstandsmitglied im philippinen bü- ro Situationer ................................................................................................. 1 Wähler/innen.............................................................................................................. 2 Präsidentschaft und Vizepräsidentschaftswahlen: Kampf der gigantischen Mythen: Lichtgestalt Noynoy Aquino vs. The proxy poor Manny Villar..............................................................................................3 Noynoy ........................................................................................................................ 5 Villar............................................................................................................................6 Große Erzählungen .....................................................................................................8 Inhalte? ..................................................................................................................... 10 Parlamentswahlen .....................................................................................................11 a) Senatswahlen .........................................................................................................11 Repräsentantenhaus /Party List............................................................................... 13 Spannende Lokalwahlen..........................................................................................
    [Show full text]
  • Syllabus 2021 (Pdf)
    UNIVERSITY OF WISCONSIN-MADISON Department of History History 755: CIA Covert Warfare & U.S. Foreign Policy Spring 2021 Mr. McCoy I. COURSE REQUIREMENTS & OBJECTIVES:- Course Description: Designed for students with some background in U.S. diplomatic history and international studies, the course probes the dynamics of CIA covert wars through comparative case histories over the past 75 years. Sometimes these clandestine interventions have ended successfully from a U.S. perspective. But they have often left behind ruined battlegrounds that became geopolitical black holes of international instability. After several sessions surveying the character of the CIA and its clandestine operations, the seminar will apply a case-study approach to covert wars in Europe, Asia, Africa, and Latin America--including, the anti-Mossadeq coup in Iran, Lumumba’s assassination in the Congo, and the ongoing war in Afghanistan. Reflecting the significance of Southeast Asia to CIA operations, the seminar will devote four sessions to this region—including the Huk communist revolt in the Philippines, destabilization of the Sukarno regime in Indonesia, pacification in South Vietnam, and the secret war in Laos—arguing that the latter two operations are central to understanding contemporary conflicts in Afghanistan and Iraq. As the course progresses, the class will engage in a collective model-building exercise, drawing insights from each successive case to build, factor-by-factor, a working paradigm for analysis of both CIA operations and their larger covert netherworld. By the third week, it will become apparent that most of the literature is densely empirical, largely devoted to penetrating the veil of secrecy to establish a narrative of events—an approach that denies these readings an adequate theoretical framework.
    [Show full text]
  • Instructions
    MY DETAILS My Name: Jong B. Mobile No.: 0917-5877-393 Movie Library Count: 8,600 Titles / Movies Total Capacity : 36 TB Updated as of: December 30, 2014 Email Add.: jongb61yahoo.com Website: www.jongb11.weebly.com Sulit Acct.: www.jongb11.olx.ph Location Add.: Bago Bantay, QC. (Near SM North, LRT Roosevelt/Munoz Station & Congressional Drive Capacity & Loadable/Free Space Table Drive Capacity Loadable Space Est. No. of Movies/Titles 320 Gig 298 Gig 35+ Movies 500 Gig 462 Gig 70+ Movies 1 TB 931 Gig 120+ Movies 1.5 TB 1,396 Gig 210+ Movies 2 TB 1,860 Gig 300+ Movies 3 TB 2,740 Gig 410+ Movies 4 TB 3,640 Gig 510+ Movies Note: 1. 1st Come 1st Serve Policy 2. Number of Movies/Titles may vary depends on your selections 3. SD = Standard definition Instructions: 1. Please observe the Drive Capacity & Loadable/Free Space Table above 2. Mark your preferred titles with letter "X" only on the first column 3. Please do not make any modification on the list. 3. If you're done with your selections please email to [email protected] together with the confirmaton of your order. 4. Pls. refer to my location map under Contact Us of my website YOUR MOVIE SELECTIONS SUMMARY Categories No. of titles/items Total File Size Selected (In Gig.) Movies (2013 & Older) 0 0 2014 0 0 3D 0 0 Animations 0 0 Cartoon 0 0 TV Series 0 0 Korean Drama 0 0 Documentaries 0 0 Concerts 0 0 Entertainment 0 0 Music Video 0 0 HD Music 0 0 Sports 0 0 Adult 0 0 Tagalog 0 0 Must not be over than OVERALL TOTAL 0 0 the Loadable Space Other details: 1.
    [Show full text]
  • Philippine Populism: Local Violence and Global Context in the Rise of a Filipino Strongman
    Philippine Populism: Local Violence and Global Article Context in the Rise of a Filipino Strongman Alfred W. McCoy University of Wisconsin-Madison, US. [email protected] Abstract To explore the overlooked role of political violence in global “populism,” the essay explores the rise of Rodrigo Duterte from long- serving mayor of a provincial city to an exceptionally powerful Philippine president. Using an analytical frame that juxtaposes localized violence with international influence, the essay examines not only the political dynamics that elevated Duterte to power but the tensions that are already circumscribing his authority after only a year in office. Application of this model to comparable cases could both highlight the parallel role of political violence in contemporary populism and indicate the forces likely to lead to its decline. Introduction After a century of mutable meanings that changed as academics focused on different continents or contexts, the term “populism” has recently been recast to encompass the nationalist, anti-globalization movements responsible for electoral upheavals in democracies worldwide. Speaking to an audience of policy experts at the Council of Foreign Relations in March 2017, Nikki Haley, UN ambassador for the proudly populist the Trump administration, trumpeted the “wave of populism that is challenging institutions like the United Nations, and shaking them to their foundations.” The UN was, she said, “basically a club” for privileged elites and its Human Right Commission was “so corrupt.” Just as the ambassador appropriated this label to lend coherence to a muddled foreign policy, so analysts have applied it to diverse movements without much consideration of its deeper meaning—particularly the frequent inclination to violence (Sengupta 2017; Fisher 2017).
    [Show full text]
  • Remarks of Senator Bob Dole
    This document is from the collections at the Dole Archives, University of Kansas http://dolearchives.ku.edu Remarks of Senator Bob Dole AMERICAN TASK FORCE FOR LEBANON AWARDS DINNER Los Angeles, February 3, 1990 I AM TRULY HONORED TO RECEIVE THE PHILIP C. HABIB AWARD. IT HAPPENS THAT A MEMBER OF MY STAFF ONCE WORKED FOR PHIL HABIB --AL LEHN, HE'S HERE WITH ME TONIGHT. WHEN AL CAME TO WORK FOR ME, I WARNED HIM: GET READY FOR LONG HOURS, LOW PAY, NO PRAISE, AND PLENTY OF FLAK. HIS REPLY WAS: I AM READY -- I USED TO WORK FOR PHIL HABIB. Page 1 of 55 This document is from the collections at the Dole Archives, University of Kansas http://dolearchives.ku.edu 2 SO I DO APPRECIATE AN AWARD BEARING THIS DISTINGUISHED NAME. l'M ALSO HONORED TO BE FOLLOWING IN THE FOOTSTEPS OF LAST YEAR'S RECIPIENT, SENATE MAJORITY LEADER GEORGE MITCHELL. HE'S A GREAT DEMOCRAT --1 HAPPEN TO BE A REPUBLICAN. EACH OF US IS PROUD OF OUR PARTY -- AND I --ADMIT IT: I WANT HIS JOB -- MAJORITY LEADER. Page 2 of 55 This document is from the collections at the Dole Archives, University of Kansas http://dolearchives.ku.edu 3 BUT ANY PARTISANSHIP WE HAVE IS TEMPERED BY A REAL FRIENDSHIP, AND BY MUTUAL RESPECT. AND WHEN IT COMES TO THE ISSUE OF LEBANON, GEORGE MITCHELL AND BOB DOLE HAVE ALWAYS BEEN, AND WILL CONTINUE TO BE, OF ONE MIND. 0 LIKE MANY OF YOU, l'VE COME A LONG WAY TO ATIEND TONIGHT'S DINNER.
    [Show full text]
  • Since Aquino: the Philippine Tangle and the United States
    OccAsioNAl PApERs/ REpRiNTS SERiEs iN CoNTEMpoRARY AsiAN STudiEs NUMBER 6 - 1986 (77) SINCE AQUINO: THE PHILIPPINE • TANGLE AND THE UNITED STATES ••' Justus M. van der Kroef SclloolofLAw UNivERsiTy of o• MARylANd. c:. ' 0 Occasional Papers/Reprint Series in Contemporary Asian Studies General Editor: Hungdah Chiu Executive Editor: Jaw-ling Joanne Chang Acting Managing Editor: Shaiw-chei Chuang Editorial Advisory Board Professor Robert A. Scalapino, University of California at Berkeley Professor Martin Wilbur, Columbia University Professor Gaston J. Sigur, George Washington University Professor Shao-chuan Leng, University of Virginia Professor James Hsiung, New York University Dr. Lih-wu Han, Political Science Association of the Republic of China Professor J. S. Prybyla, The Pennsylvania State University Professor Toshio Sawada, Sophia University, Japan Professor Gottfried-Karl Kindermann, Center for International Politics, University of Munich, Federal Republic of Germany Professor Choon-ho Park, International Legal Studies Korea University, Republic of Korea Published with the cooperation of the Maryland International Law Society All contributions (in English only) and communications should be sent to Professor Hungdah Chiu, University of Maryland School of Law, 500 West Baltimore Street, Baltimore, Maryland 21201 USA. All publications in this series reflect only the views of the authors. While the editor accepts responsibility for the selection of materials to be published, the individual author is responsible for statements of facts and expressions of opinion con­ tained therein. Subscription is US $15.00 for 6 issues (regardless of the price of individual issues) in the United States and Canada and $20.00 for overseas. Check should be addressed to OPRSCAS and sent to Professor Hungdah Chiu.
    [Show full text]
  • SANCHEZ Final Defense Draft May 8
    LET THE PEOPLE SPEAK: SOLIDARITY CULTURE AND THE MAKING OF A TRANSNATIONAL OPPOSITION TO THE MARCOS DICTATORSHIP, 1972-1986 BY MARK JOHN SANCHEZ DISSERTATION Submitted in partial fulfillment of the requirements for the degree of Doctor of Philosophy in History with a minor in Asian American Studies in the Graduate College of the University of Illinois at Urbana-Champaign, 2018 Urbana, Illinois Doctoral Committee: Associate Professor Augusto Espiritu, Chair Professor Antoinette Burton Associate Professor Jose Bernard Capino Professor Kristin Hoganson Abstract This dissertation attempts to understand pro-democratic activism in ways that do not solely revolve around public protest. In the case of anti-authoritarian mobilizations in the Philippines, the conversation is often dominated by the EDSA "People Power" protests of 1986. This project discusses the longer histories of protest that made such a remarkable mobilization possible. A focus on these often-sidelined histories allows a focus on unacknowledged labor within social movement building, the confrontation between transnational and local impulses in political organizing, and also the democratic dreams that some groups dared to pursue when it was most dangerous to do so. Overall, this project is a history of the transnational opposition to the Marcos dictatorship in the Philippines. It specifically examines the interactions among Asian American, European solidarity, and Filipino grassroots activists. I argue that these collaborations, which had grassroots activists and political detainees at their center, produced a movement culture that guided how participating activists approached their engagements with international institutions. Anti-Marcos activists understood that their material realities necessitated an engagement with institutions more known to them for their colonial and Cold War legacies such as the press, education, human rights, international law, and religion.
    [Show full text]
  • Martial Law and the Communist Parties of the Philippines, 1959–1974
    Crisis of Revolutionary Leadership: Martial Law and the Communist Parties of the Philippines, 1959–1974 By Joseph Paul Scalice A dissertation submitted in partial satisfaction of the requirements for the degree of Doctor of Philosophy in South and Southeast Asian Studies in the Graduate Division of the University of California, Berkeley Committee in Charge: Associate Professor Jerey Hadler, Chair Professor Peter Zinoman Professor Andrew Barshay Summer 2017 Crisis of Revolutionary Leadership: Martial Law and the Communist Parties of the Philippines, 1957-1974 Copyright 2017 by Joseph Paul Scalice 1 Abstract Crisis of Revolutionary Leadership: Martial Law and the Communist Parties of the Philippines, 1959–1974 by Joseph Paul Scalice Doctor of Philosophy in South and Southeast Asian Studies University of California, Berkeley Associate Professor Jerey Hadler, Chair In 1967 the Partido Komunista ng Pilipinas (pkp) split in two. Within two years a second party – the Communist Party of the Philippines (cpp) – had been founded. In this work I argue that it was the political program of Stalinism, embodied in both parties through three basic principles – socialism in one country, the two-stage theory of revolution, and the bloc of four classes – that determined the fate of political struggles in the Philippines in the late 1960s and early 1970s and facilitated Marcos’ declaration of Martial Law in September 1972. I argue that the split in the Communist Party of the Philippines was the direct expression of the Sino-Soviet split in global Stalinism. The impact of this geopolitical split arrived late in the Philippines because it was initially refracted through Jakarta.
    [Show full text]
  • DUBLIN CITY UNIVERSITY School of Communications the Political Economy of Development News
    DUBLIN CITY UNIVERSITY School of Communications The Political Economy of Development News : Analysing News Coverage Under Aquino A Thesis submitted to Dublin City University for the Degree of Master of Arts by Meldy Pelejo, Dublin, 1990 C MELDY PELEJO DECLARATION I, Meldy Pelejo, being a candidate for the degree of Master of Arts as awarded by Dublin City University declare that while registered as a candidate for the above degree I have not been a registered candidate for an award of another university. Secondly, that none of the material contained in this thesis has been used in any other submission for any other award. Further, that the contents of this thesis are the sole work of the author except where an acknowledgement has been made for assistance received. Head of School of Communications Dean of Faculty of Communications & Human Studies Dublin City University Prof. W. R. Spence University of Ulster ACKNOWLEDGEMENTS I would like to express my sincerest gratitude to my supervisor Professor Farrel Corcoran for his patience, advice and encouragement throughout my period of study and especially during my first few months in this country. The constant encouragement and support from Miriam, Martha, Marjorie, Berry, Therese, Anne and from so many other friends which kept me going in spite of many agonizing moments deserve a heartfelt 'thank you'. I would also like to thank Celia, Jean, Tanya, Niall and Catherine for their help. Maria, deserves special thanks for her perseverance in checking my work and for her support during the last stages of this project. TABLE OF CONTENTS P a g e List of Tables (i) Abstract (ii) Chapter One.
    [Show full text]