Kwentong Covid/Kwentong Obrero E-Book
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
KwentongCovid/ KwentongTrabaho Front cover illustration by Luigi Almuena KwentongCovid/ KwentongTrabaho Isang koleksyon ng ilang kwento at kuru-kuro tungkol sa trabaho sa panahon ng pandemya ng mga karaniwang Pilipino. Kwentong Covid/Kwentong Trabaho First edition Published in 2021 Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) Website: https://iohsad.com E-mail: [email protected] All rights reserved. No part of this e-book may be reproduced or used in any form or means of—graphic, electronic or mechanical—including printing, recording, scanning or through information storage retrieval system without written permission from the creator of the original works. Copyright of the works in this publication belongs to the respective authors and artists. PUBLICATION TEAM Teo S. Marasigan Editor Dino Brucelas Design Nadia De Leon Coordinator Nilalaman/Contents Ako si Olib/55 Oliver Muya PAUNANG SALITA/10 Nadia De Leon Walang Puwang ang Masipag na Manggagawa sa Mata ng Kapitalista/57 INTRODUKSYON/14 Emily Barrey Dadalhin Kita sa Covid/Trabaho Teo S. Marasigan Pakikibaka sa Ilalim ng Pandemya/60 Rodne T. Baslot EMPRESA-KUMPANYA-OPISINA Sa Ngalan ng Iyong Duguang Baro/61 No Work, No Pay sa Gitna ng Pandemya/26 Raymund B. Villanueva Arth Jay Murillo Ang Pag-oorganisa sa Ilalim ng Pandemya/62 Pumasok na Ako Ngayon sa Opis /29 PJ Dizon Beverly Wico Sy Mga Aninong Nagtatago sa Birheng Antique/65 Isang Taon na ang Problema Mo/36 Iggie Espinoza Dennis S. Sabado Pepe/71 May mga Madaling Araw na Gaya Nito/43 Kamz Deligente Paul Joshua Morante PAARALAN T’wing A-kinse’t A-trenta/44 John Ahyet Marcelo Santos Yana, ang Titser-Nanay sa Gitna ng Pandemya/76 Diane Capulong Resume/46 Ariel Tua Rivera A Noble Act in the Time of Covid-19/84 Jeffrey G. Delfin Buhay-Lockdown ni Viring/47 Gigi Arinas Guro/86 Ronnie M. Cerico Nang Kami ay Dalawin ng Covid-19/51 Berlin Domingo-Maynigo Para sa Bata/88 Sheila L. Cerilla Illustration by Melvin Pollero Nami-miss na Kayo ni Ma’am/91 Diversionary Tactic/124 Cathlea A. De Guzman Danim R. Majerano Wi-Fi/93 UNIBERSIDAD Joey D. Garcia Kamustahan ng mga Baguhang Guro/128 Ang Totoong Resignation/95 Jacob Laneria Ansherina May D. Jazul The Evils of Contractualization in Kamera: Bawat Pitik Mahalaga/97 the Education Sector of the So-called Harlin B. Acopiado ‘Republic’ of the Philippines/136 Jose Mario Dolor de Vega Ang Karanasan Ko, Isang Guro, sa Panahon ng Covid-19/99 Hindi pa Maaaring Lumabas ang mga Luha/143 Jackeline Abinales Angela Pamaos Tagumpay?/104 Embracing Change is the New Normal/146 Fernando E. Silva Christina Y. Pacubas A(E)pekto ng Covid-19 sa Hindi Mga Personal na Tagumpay Nagka-Covid-19/106 at Pangkalahatang Pagkabigo/148 Davidson Ladringan Banquil Sherald C. Salamat Timeline/110 Pagtuturo at Panulat sa Pangil ng Pandemya/154 May M. Dolis Ronnel V. Talusan Isang Umaga ng Pagmomodyul/115 Buhay-Titser sa Panahon ng Pandemya: Arnold Matencio Valledor Mga Danas at Dalangin/161 David Michael M. San Juan Wallpaper/116 Mark Norman Boquiren SAMU’T SARI Mahal Kong mga Mag-Aaral/118 Dalawang Dagli/168 Sidney G. Reyes Rene Boy Abiva Mali si Darryl Yap/122 Hapunan/170 Rommel Asuncion Pamaos Acel Martinez KWENTONG COVID / KWENTONG TRABAHO My Praning Story Version 2.0/171 IBAYONG DAGAT Imelda Caravaca Ferrer Test Message/208 Sino Ako?/177 Mariz S. Autor Rodolfo D. Pagcaliuangan Maikling Tala ng Isang Caregiver Covid-19 Fake News/179 sa Germany/213 Arnel T. Noval Al Joseph A. Lumen Oro, Plata, Mata/181 Isang OFW sa UAE/215 William S. Augusto, Jr. Andrew dela Cruz Selda ng Apoy sa Pandemya/183 KALUSUGAN Juliet O. Mandado Hindi Pwedeng Ganito/220 Online Class/188 Man Hernando Gabriela Baron Contact Tracer/225 Teleserye ng Totoong Buhay/188 Hannah A. Leceña Jhoanna Paula Tacorda Neglected Frontlines: Community Pulses/228 36 na Covid Tanaga/188 Leonard Javier, MD Ronald Tumbaga Rising of the Forgotten Ones/230 To You, After 365 Days in John Albert Silva the World’s Longest Lockdown/192 Earl Carlo Guevarra Taympers/235 Gene Alzona Nisperos Mula Emergency Tungong Iba…/195 Ivan Emil A. Labayne Pandemic Metaphors/238 Icarus Noel Covid-19 and a New Way of Being Church: Reflections from a Church Worker/199 Saglit/240 Jerry D. Imbong Soluna Merciel 8 JEEPNEY, TRICYCLE, PANINDA Talapaitan sa Pinakahuling Takal ng Asukal/246 Aileen Atienza Dacut Makalalabas na Uli/253 Josua Marquez Soralbo Mula Tricycle hanggang Pagsasaka/255 Honey Jane Montecalvo Tsuper sa Gitna ng Pandemya/257 Bong Baylon Kwentong Tsuper sa Pandemya/262 Tatay Elmer Cordero ng PISTON 6 MGA MAY-AKDA/266 MGA ILUSTRADOR, PATNUGOT, AT IOHSAD/282 9 KWENTONG COVID / KWENTONG TRABAHO Paunang Salita Nadia De Leon Lubos na ikinagagalak ng Institute for Occupational Health and Safety Development o IOHSAD ang paglalathala ng e-book na Kwentong Covid/ Kwentong Trabaho. Hayaan ninyo ako, tumatayong executive director ng IOHSAD, na magbahagi ng aming maikling kwentong Covid/kwentong trabaho. Para sa isang institusyong pang-manggagawang nakapokus sa kalusugan at kaligtasan sa trabaho o occupational health and safety, itong nagdaang taon na yata ang pinaka-mapanghamon at pinakaaligaga para sa IOHSAD. Unang mga linggo pa lang ng pandemya noong 2020, kailangan nang pag-aralan kung ano nga ba itong kumakalat na virus at kung paano mapoproktehan ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa mula rito. Sinikap naming pag-aralan ang bagong sitwasyon. Hinimay-himay ang mga bagong patakaran, health protocol, at workplace guidelines na makakatulong para pigilan ang pagkalat ng virus sa mga lugar-paggawa. Ibang usapan pa siguro kung naging mahusay ang aming pagtugon sa mga bago at mapanghamong tungkulin na ito. Ang isang napakahalagang hakbang na ginawa namin ay ang makipagtalakayan at makinig sa mga kwento ng mga manggagawa ngayong pandemya. At sa mga kwentuhan at talakayang ito nabuo ang aming hangad na tipunin ang kanilang mga kwentong Covid/kwentong trabaho sa isang koleksyon. Tumatak ang mga di-malilimutang konsultasyon namin sa Zoom sa mga manggagawa tulad noong: Nakausap namin ang mga stay-in Business Process Outsourcing o BPO employees na nalantad o na-expose sa Covid-19 na sa halip na dalhin 10 ng management ng kumpanya sa quarantine facility ay patakas na ipinasok sa isang apartment malapit sa opisina nila. Nakausap namin ang isang manggagawang nagpositibo sa Covid at nagtiwalang ibukas ang kanyang naramdamang anxiety dahil “ikinanta” niya ang mga kasamahang nakasalamuha. Pakiramdam niya, siya ang dahilan, ang may kasalanan, kung bakit magku-quarantine ang mga ito at maraming araw na hindi tatanggap ng sahod. Wala o di-sapat na ayuda mula sa gobyerno, “no work, no pay,” walang maayos na personal protective equipment o PPE, mga tsuper na ikinulong pa sa halip na tugunan ang mga kahilingan sa hanap-buhay, at marami pang iba. Sa mga kwentong ito, mas naintindihan namin ang sitwasyon ng mga manggagawa ngayong pandemya. Sa mga talakayang ito, nabuo ang mga kongkretong panawagan at kahilingan. Sa mga kwentong ito, nahubog ang mga plano at hakbang para sama-samang kumilos at ipaglaban ang kalusugan, kabuhayan at karapatan ng mga manggagawa. Kaya’t ang sabi namin, ang mga kwentong ito’y hindi maaaring nasa files lang ng aming laptop o kaya nasa social media post lang sa aming Facebook Page na matatabunan din ng iba pang posts. Kailangang mailabas ang mga kwentong ito sa paraang mananatili, mababalik-balikan, at mananamnam ang bawat salita’t mensahe. Kailangan ding pagsikapan na umabot pa sa mas maraming manggagawa at iba pang sektor at hikayatin na sila mismo ang maglahad at magsulat ng kanilang mga karanasan. Kaya naman lubos ang pasasalamat namin sa lahat ng tumugon sa aming paanyaya sa proyektong ito. Isa itong makabuluhang unang hakbang para mailathala ang mga akda tungkol sa karanasan ng mga manggagawa ngayong pandemya na isinulat mismo ng mga manggagawa. 11 KWENTONG COVID / KWENTONG TRABAHO Pasasalamat kay Teo S. Marasigan, ang patnugot ng koleksyong ito at kay Dino Brucelas na nagdisenyo at nag-layout ng e-book at sa lahat ng mga nag-ambag para mabuo ang koleksyong Kwentong Covid/Kwentong Trabaho. Hangad naming maraming manggagawa at mambabasa ang maabot ng koleksyong ito. Hangad din namin na marami pang maglabas ng mga akda tungkol sa karanasan ng mga karaniwang mamamayan ngayong pandemya. Hangad din namin, syempre pa, na mailatha ang koleksyong ito bilang isang libro. Maraming salamat, mabuhay ang manggagawang Pilipino! 12 Illustration by Karen Mae Bengco/Kenna Evangelista 13 KWENTONG COVID / KWENTONG TRABAHO Dadalhin Kita sa Covid/Trabaho Teo S. Marasigan Malubha at malalim ang epekto ng pandemyang Covid-19 sa mga manggagawa at mamamayan ng daigdig. Bunsod ng mga hakbangin para iwasan ang pagkalat ng nakakahawa, matindi at nakakamatay na sakit, nagsara o bumagal ang napakaraming lugar ng paggawa. Iilan lang ang mga manggagawa at mamamayan sa mundo na hindi apektado; marami ang nasibak sa trabaho, nabawasan ng trabaho, at kinaltasan ang sahod. Ayon sa pinakahuling ulat ng International Labor Organization o ILO nitong Enero 2021, ang kabawasan sa oras ng pagtatrabaho noong 2020 ay katumbas ng 255 milyong trabaho. Ayon pa rito, ang naturang bilang ay apat na beses na mas malaki sa nabawas noong pandaigdigang krisis pampinansya at pang- ekonomiya na pumutok noong 2007-2009. “Historically unprecedented” ang tawag nito sa naging antas ng gambala sa pamilihan ng paggawa sa mundo. Hindi pare-pareho ang naging epekto ng krisis bunsod ng Covid-19 sa mga manggagawa at mamamayan. Sa mga abanteng kapitalistang bansa, mas kagyat na tinamaan ang mga migranteng manggagawa kumpara sa manggagawa mula sa lokal na populasyon, ang kababaihan kumpara sa kalalakihan, at ang mga nakakabatang manggagawa kumpara sa nakakatanda. Sa buong mundo, apektado nang matindi ang sektor ng accommodation and food services, retail, at manufacturing—bagamat may paglago, sa gitna ng pandemya, sa information and communication, finance and insurance, at mining, quarrying and utilities1.