SILANGAN Antolohiya ng mga Maikling Kwento

SY 2020-2021 Tomo 1, Isyu 2

Paunang Salita

Nasasabik na akong mabasa ninyo ang samu’t saring kwentong matatagpuan sa antolohiyang ito. Tinitiyak ko sa inyong hindi lang isinulat ang mga kwentong ito para lang makapagkwento o makapagpasa ng requirement sa klase. Taglay ng mga kwentong ito ang haraya, kalooban, at pagmamahal ng mga batang manunulat ng ating henerasyon. Masiyahan kayo nawa sa kanilang mga gawa.

Maraming salamat kina Chuckberry Pascual, U Eliserio, Paul Cyrian Baltazar, Bernadette Neri, Maynard Manansala, Mark Norman Boquiren, at Christine Bellen Ang. Hindi magiging posible ang antolohiyang ito kung hindi dahil sa naging gabay ninyo sa ating mga palihan.

Maraming salamat din sa Kagawaran ng Filipino sa suporta sa proyektong ito.

i Maraming salamat sa pagpapagal nina Misha Kintanar, Gino Bulatao, Anahata Perez, Joaquin Reyes, Jeanelle Saavedra, Ryan Rivera, at Kamila del Rosario sa pagbuo ng antolohiyang ito. Saludo ako sa inyo! May utang akong sa inyo.

At huli, maraming-maraming salamat sa lahat ng mag-aaral ng klaseng Malikhaing Pagsulat ng SY 2020-2021. Padayon sa paglikha!

Tyron de la Calsada Casumpang

ii Talaan ng Nilalaman

Case Number 3: Emman Khan Perez 1 Gareth De Leon Kumakalam 12 Gino Bu Si Laudato 21 Joaquin Manuel Gopez Reyes Mayon na yon? 30 Aguirre Fuentabella Transit 39 Kamila Del Rosario Kambal 49 Princess Hazel D. Pelipel Home Alone 58 Ver Ona Pabigat 66 Nathan Baler Sa May Batis 76 Ray G. Pelobello Photocopy 83 Mishal D. Montañer Pabaya 92 Adriel Carlos P. Exconde Ang Pinakamalaking Lobo 100 katha lyst Init at Ginaw 107 Ryan Miguel D. Rivera (Amag)od! 119 M

iii Paoerless 129 Amos R. Magsumbol Talambuhay 143 Clarice Althea S. Bagoyo Isang Di-Karaniwang Biyernes Sa Kalye Barrera 155 Isabella Maria T. Abelardo Para sa Lupa 168 Alakdan F.R. Prinsesa 176 Fides Ma. Rosario J. Sebastian Ang Binhi 183 Joao Solis Journal Entry # X Kung Kayang Basahin, Ok ka pa. 196 Mang Ricky Martyrdom 201 Pia Mangan 207 Aireez Ramos Ah... Eh 216 Alejandro Elgar Mga pumpon Nawa’y Ipagpaumanhin 220 Yorunyxx Kislap 228 Giulian San Juan PAL Flight 102 236 Jana Lirios Hiling sa Kaarawan 246 Jeanelle Saavedra

iv Character Sketch 254 John Paul Simeon Lesson Plan 265 Coby Bautista Hope 277 Chito Merienda Limot 286 Yuan Alodaga Katahimikan 299 Francis Estrella Kwento ng Tagapagligtas ng mga Nangangati 306 Myron Whittaker

v Gareth De Leon

Case Number 3: Emman Khan Perez

agtataka siguro kayo kung bakit ko ginawa iyon? Sa totoo lang, ginusto ni Niko ang paparating sa kaniya. Kung hindi ko siya binugbog, hindi Nniya makukuha ang kanyang gusto. Sabagay, ang pinakamahalagang bagay para sa kanya ay maging likeable sa mata ng tao diba? Actually, para sa kanilang lahat dito sa school na ‘to, ang pinakamahalaga sa kanila ay mabait ang tingin ng ibang tao sa kanila. Let me clarify lang ha, hindi sila mabubuting tao, ang gusto nila ay lumabas na mabuti ang kanilang ginagawa. Siguro naman alam ninyo ang app na Deedshare diba? Yung app na basically ibro-broadcast mo sa lahat ang mga ginagawa mo. Ang interactions na makukuha mo will determine your Likeability Score. Ano ang mga bagay na considered sa Likeability Score? Lahat. Kung paano ka umasta, ang iyong talino, pati nga rin fashion taste and kung presentable ka jina-judge ka. Okay na sana eh, I mean, yung app mismo, mabuti naman ang purpose niya. Pero, noong ginawa siyang official medium ng school para sa class standing, ayon, naloko

1 ang buong student body! Akalain mo dati, halos lahat focused sa academics at yung usual org work. Pero grabe, ngayon halos ma-burnout ang lahat para lang maipakita na mabuting tao sila tulad na lamang ng pagbuo ng mga student charity orgs at pakikilahok sa mga political events. Actually, wala naman akong pake diyan sa score na ‘yan. Sa katunayan nga, nasa bottom rank ako, 657 out of 657 sa Deedshare, impressive diba? Hindi naman sa masamang tao ako. Wala naman akong pinatay diba? So ayun, ang rason lang naman kung bakit ako ang pinakahuli sa ranking ay dahil ayaw kong makipag-kaibigan. Diba wala namang masama doon? Ang nasa isip ko parati, pasok sa school, uwi sa bahay. Mas madaling mag-isa kaysa sa magkaroon ng mga kaibigan, dahil napaka-hirap mag-maintain ng mga friendships, kaya I took it upon myself na tanggalin ko yung problema na iyon sa aking buhay at maging lone wolf.

I remember na nasa library ako noon nang lunchtime. Usually, dito ako nagtatago dahil wala namang taong pumupunta sa library pag lunch unless kung may kailangang gawin last minute. Kasi kung sa ibang lugar ako pupunta, nako, lalapitan ako ng mga plastik na gusto maging Messiah at kaibiganin ako para tumaas ang kanilang rank. Nagdradrawing ako nang biglang lumapit sa mesa ko si Nikolas Bernard Ruiz sa nang walang sabi. Bigla na lang siyang umupo sa harapan ko at tahimik niyang binasa ang isang lumang kopya ng The Prince by Niccolo Machiavelli. Isa si Niko sa mga hinahangaan sa batch namin. Mayroon kasi siyang dating na alam mo na kagalang-galang siya. Don’t get me wrong ha, alam ko na ayaw kong magkaroon ng kaibigan pero mayroon talagang tao na you can’t help but be in awe at them. Kasi una sa lahat, napaka-gwapo niya. Siya yung tipong,

2 hindi ka makapaniwala na totoo siyang tao kasi his looks are out of this world. Mestizo, matangkad, straight ang buhok, basta, siguradong pasok siya sa lahat ng beauty standards ng mundo. Hindi lang may itsura, honor student pa siya. Perfect 4.00 parati ang kanyang mga grado. Parati siya ang 1st rank pagdating sa academics. Pero, kahit mukhang perfect siya, may kulang sa kanya. Surely naiisip mo dapat at least top 10 si Niko sa Deedshare, pero ang totoo, nasa 207th overall rank siya. Ang rason: selective siya sa mga kaibigan. May reputasyon si Niko na maging mapili sa magiging kaibigan niya. In fact, nami-misinterpret siya na snob dahil kaunti lang ang kinakausap niya. Kaya, parati kong iniisip dati na halos pareho kaming tao ni Niko; mga private people na walang pake sa iba; kaso nga lang, achiever siya. Nagulat ako nang umupo siya sa tapat ko. Kasi naman, who wants to sit with an outcast diba? Siguro alam niyo naman na cynical ako sa mga intensyon ng mga tao sa paaralan na ito kaya sinabi ko sa kanya, “Anong ginagawa mo dito?” “Bakit? Bawal bang umupo dito? Besides, parte sa tuition natin ang paggamit ng library diba?” sabi niya sa akin habang nakatawa. Actually, mayroon nga siyang point. Pero, kahit pa, ayaw ko pa rin ng kasama sa loob ng library na ito. Ito ang aking safe haven para makatakas sa kaguluhan ng paaralan kaya kahit ‘di ako naniniwalang may Diyos, dinadasal ko talaga na aalis siya at hahanap ng ibang mesang gagamitin. Awkward silence ang nasa pagitan naming dalawa. Limang minuto ang nakalipas, nandito pa rin siya sa harapan ko, kaya tinanong ko sa kanya kung bakit niya pinili na dito umupo sa dami ng mesang walang tao. Saglit siyang tumigil sa pagbasa at tumingin sa akin at sinabi, “Mas gusto ko kasing may tao

3 sa na nanonood sa akin habang may ginagawa ako, creepy ba?” ang sagot niya sa akin habang nakangiti. Hindi naman sa creepy ang kanyang rason. Like, sure oo, creepy dahil hindi ko naman siya kilala sa personal, pero di ko lang inakala na ganito pala si Niko. “Ah hindi naman siya creepy, nagulat lang ako kasi, ang tingin ko sa’yo is na private person ka.” “Talaga ba? Well, I am an open book though!” medyo mahahalata mo may pagka-defensive sa tinig ng boses ni Niko, “Okay fine, sige, ask me anything!” Ang Niko na nasa harapan ko ngayon ay warm, friendly, hindi tulad ng mga akala ko. Nakatingin siya sa akin ng nakatawa para bang invested siya sa aming conversation. Sa moment na iyon, medyo di pa rin ako naniniwala na ganito talaga si Niko kasi hindi ko naman siya kaibigan. Who knows, baka mayroon siyang ulterior motive kaya ginawa ko ang best ko na hindi masyadong maging bukas sa kanya. “Hm… Ano ang pinakagusto mong subject?” ang naitanong ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit yun ang naisip kong itanong iyon kay Niko. I could have asked something else tulad ng ano ang paborito niyang pagkain, ano ang paborito niyang hayop, o kaya kung ipinanganak siya sa ibang panahon, anong part ng history ang gusto niyang maranasan. Well, kasi again, ‘di ko nga siya kilala, and ito ang unang beses kong ginawa ito. Napaisip siya ng saglit, binaba niya ng bahagya ang kanyang ulo at tsaka sumagot, “Well pinaka-enjoy ko ang Art kasi nakaka-express ako ng aking inner thoughts in a creative manner.” Wait lang, gusto niya rin ang Art? Wala pa akong nakilalang student na mahilig din sa Art. Sabi ko sa sarili ko na, “Wow, siguro meant to be na si Niko

4 ang magiging una kong kaibigan.” Biglang nag-ring ang bell na senyas na tapos na ang lunch. Kinuha ko ang gamit ko at nagulat na lang ako na tinulungan niya ako sa pag-aayos ng mga colored pencils ko. “See you tomorrow,” kindat niya sa akin. Lahat nang naganap noong araw na iyon ay parang isang panaginip. Hindi pa rin ako makapaniwala na mayroon nakipagusap sa akin dahil iyon yung unang beses na may lumapit sa akin. Natulala ako ng saglit ‘tas na realize ko na wala na pala si Niko sa harap ko. Doon ko rin biglang naalala na may klase pa pala ako kaya I had to snap out of it para hindi ako ma-late sa klase ni Ms. Mar, kasi pag na-late ako, mapupunta ang Likeability Score ko sa danger zone, at kung mas mababa pa ako sa Threshold Score, may chance ako na ma- kick out sa school. Sabi ko nga, wala naman akong pake sa score, pero kahit papano, I try to maintain the bare minimum. Ayaw ko kasing ma-disappoint parents ko. Ang taas-taas ng pangarap nila sa akin pero gusto ko lang kasi maging ordinaryo at simple. Kaya noong sinimulan ng school gamitin itong Deedshare, parang isang malaking nightmare ito sa mga tulad ko na ayaw makita ng marami. Kaagad akong tumayo mula sa at nagmadaling bumalik sa classroom. Salamat na lang at hindi ako late sa klase ni Ms. Mar, pero marami din ang nagbago dahil sa araw na ito.

Sa susunod na tatlong buwan, kasama ko si Niko sa library araw-araw. At first, aaminin ko nga na naging medyo cautious ako noong una. Ngayon pa lang ako kasi nagkaroon ng kaibigan kaya hindi ako masyadong marunong sa mga ganito. But as time passed, naging mas bukas ako sa kanya. Hinayaan kong ibahagi ang sarili ko kasi natutunan kong magtiwala kay Niko.

5 Ginawa niya ang kanyang best upang mas maging open ako sa kanya. Dahil mahilig nga ako sa pag-sketch tuwing lunch, parati niya akong kinakausap tungkol sa mga drawings ko. Parati niya akong pinupuri sa aking shading at sa kakayahan ko sa detailing. Honestly, sobrang appreciative ako na mayroon akong pwedeng kausap tungkol sa mga gawa ko. Na-realize ko na masaya pala ibahagi sa iba ang mga interests mo, kaya sinubukan ko rin na malaman kung sino talaga si Niko. Nalaman ko na mahilig si Niko sa paglalaro ng football at varsity siya dito, probably explains kung bakit lanky ang kanyang figure. Panganay siya at may tatlong mas nakababatang kapatid kaya ginagawa niya ang best sa school para sumikap din sila. Binahagi niya rin sa akin ang kanyang mga gusto sa buhay. Gusto niya maging politiko at magsilbi sa bansa. Knowing him, kaya niya abutin ang mga pangarap niya. Dahil hindi lang siya matalino, pero nakilala ko siya bilang mabait at compassionate na tao. Sobrang nag-click kaming dalawa at hindi ko aakalain na may mabubuo akong friendship sa paaralan na ito. Ngunit may nagbago sa mga sumunod na araw, gradually, hindi na masyadong nakikipagkita si Niko sa akin tuwing lunch. Noong una, mala-late lang siya ng mga 10-20 minutes, pero as time passed, may mga lunch times na mag-isa na lang ako sa library. Pati din ang conversations namin nagbago kasi noong una, sobrang invested si Niko sa akin, pero katagalan puro “mmh” “okay” at “yea” ang naririnig ko sa kanya at parati siyang nakatingin sa kanyang phone habang kausap ko siya. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang nasa isip niya pero siguro personal issue at baka magalit siya sa akin. Takot akong may gawing mali sa kanya dahil natutunan ko na rin siyang mahalin bilang kaibigan at ayaw ko siyang mawala sa akin.

6 Habang pabalik ako sa classroom galing sa library, narinig ko ang usap-usapan ng mga estudyante tungkol sa Deedshare. Hindi ko masyadong tinitignan yung app na ‘yan kasi, because as I said, wala akong pake. Pero, narinig ko sa kanilang pagtsitsismisan na naging top student si Niko ayon sa app. Kaya binuksan ko yung app at totoo ngang number 1 na si Niko. Ngayon ko lang naramdaman na maging masaya para sa ibang tao. So naghanda ako ng portrait sketch ni Niko para ibigay sa kanya bilang regalo.

The next day nang pagka-ring ng lunch bell, dumiretso ako sa library. Excited na ako na ibigay ang gift ko sa kanya at sabihin na natutuwa ako para sa kanya. Ngunit may ibang lumapit sa akin, isang babae na mahaba at straight ang buhok na may dalang lunchbox. Hindi ko kilala ang lumapit sa aking mesa. Familiar yung mukha niya, pero hindi ko siya talagang kilala. “The name’s Cleo, and you must be Emman right?” inalok niya sa akin ang kanyang kamay. “Uh… Oo, ako nga ‘yon, sorry pero, anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka na alam niya pangalan ko, siguro nakuha niya sa app, pero bakit siya nandito? Sumagot siya at sinabi, “Oh, nandito lang ako to be friends with you! Here, may dala akong isang lunchbox para sa ‘yo!” “Sorry, no thanks, may hinihintay kasi ako. Si Niko kung kilala mo siya,” hiya kong sinabi sa kanya. Ayaw na ayaw ko na may nag-aabala para sa akin na hindi ko naman kilala. “Actually, si Niko ang nagsabi na lapitan ka. You know naman siguro na number 1 si Niko ngayon so I asked him kung paano niyang nagawang

7 umangat ng rank. He said na all he did naman was befriend you and document it para makakuha ng points-” Natulala ako sa sinabi sa akin ni Cleo, hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya sa akin noon. Kaya I paused her habang nag-eexplain siya. “Wait what? Ano ang sinasabi mo?” gulat kong tinanong kay Cleo. Kailangan ko ng clarity para sure ako sa narinig ko sa kanya. “Oh, ang sabi kasi ni Niko, befriending low rankers helps out sa points kung malaki ang disparity. Kasi, ang tingin sa ‘yo ay compassionate and kind. Alam naman natin na may reputation na cold and detached si Niko, kaya kinaibigan ka niya para tumaas ang rank niya.” sabi sa akin ni Cleo, malinaw na malinaw sa akin na ginamit lang ako ni Niko, para umangat sa Deedshare. “Sorry, I have to go,” sabi ko kay Cleo. Habang nagmamadali ako sa pagempake ng gamit, unti-unti rin tumulo ang mga luha ko. At that time, hindi ko alam kung dahil siya sa galit kay Niko o galit sa sarili ko, na hinayaan ko ang sarili na magamit ng ganito. “Hey, Emman, yung lunch mo!” ni Cleo mula sa kanyang upuan habang palabas ako ng library nang padabog. I can’t believe na nagpauto ako sa kanya! Kailangan ko siyang mahanap para makakuha ng sagot kung totoo ang mga sinasabi ni Cleo. Dumilim ang paningin ko habang hinahanap ko siya. Wala akong marinig kundi ang paghingal at ang tibok ng puso ko. Sobrang unfair kasi, dahil kay Niko natutunan ko ang halaga ng pagkakaroon ng kaibigan. Dahil sa kanya, natuto akong magtiwala sa ibang tao. Hindi ko matatanggap na lahat ng iyon ay kasinungalingan. Nakita ko siya sa labas ng classroom niya at may kinukuha sa locker. Nagkatinginan kami pero wala akong makitang emotion sa mata niya. Sa Arts

8 kasi, malalaman mo ang nararamdaman ng isang portrait sa pagtingin sa mga mata nito. Wala akong nakita kay Niko, walang maaaninag na buhay sa mga mata niya. “Niko, bakit?” ‘yun lang ang lumabas sa bibig ko. Sinubukan kong hindi umiyak sa harapan niya. Mainit ang aking pakiramdam mula sa galit at lungkot dahil sa nalaman ko. Laking gulat ko sa sagot niya sa akin, “Emman, tapos na. Okay na.” “Huh?” “Tapos na, nakuha ko na ang kailangan ko sa ‘yo. I got what I needed so ‘di na kita kailangang kausapin.” Biglang nahulog ang mga luha sa aking mata, ‘di ko pa rin maintindihan ang rason niya para gawin iyon sa akin, “Hindi mo ba gets?” dagdag niya, “That’s how the world works, you use people to get what you want. Alam kong masakit pero iyon yung reality.” “At paano? Ano ang nakuha mo mula sa pakikipagkaibigan sa akin?” halos pasigaw kong sinabi sa kanya, napapansin ko na may mga taong nakatingin sa amin dalawa at nagsisimulang mag-record sa kanilang cellphone. “Habang nasa library tayo, mayroon akong kasama sa pag-record sa akin, ikaw ang rason kung bakit umangat ang rank ko kasi mabuting angle ang pakikipagkaibigan sa mga nasa dulo ng ranking, it shows you reach out to others. I need that top rank para masigurado na makakapasa ako sa mabuting college sa Amerika,” sagot niya sa akin, “Intentions don’t matter, ang mahalaga ang nakikita nila ang kabutihan na ginagawa mo, at ‘yun ang katotohanan ng buhay.” “Hindi ka mabuting tao, wala kang puso!” ‘Di ko alam kung paano ko pa sasabihin na disappointed ako sa kanya. Akala ko hihingi siya ng patawad, yun lang ang gusto kong marinig sa kanya, ngunit ito ang sinabi niya sa akin:

9 “My Deedshare Likeability Score says otherwise actually. Mabuti akong tao dahil sa mga gawa ko. Kung desperate ka lang naman na magkaroon ng kaibigan, try mo kaya maging mabait kay Cleo at baka for once makilala ka bilang mabuting tao at hindi lowlife na walang pangarap sa buhay.” At doon ko siya sinapak. Binaldog ko siya sa kanyang locker at hinayaang mahulog sa sahig. Marami ang lumapit para i-record ang nangyari. Siguro pinopost na nila sa Deedshare ang pagbugbog ko kay Niko, pero sa panahon na iyon, wala akong pake. Ang nakikita lang naman nila ay ang the fact na binugbog ko si Niko, hindi nila alam ang sakit na binigay sa akin ni Niko. Ginamit niya ako, may karapatan akong magalit diba? At dahil doon, bumaba ang score hanggang sa mas mababa na ito sa Threshold Score. Biglang nag-alarm ang cellphone ko nang napakalakas, at dahil doon dinampot ako ng mga school guards. Hindi ko maalala ang mga sumunod na pangyayari pero ang naalala ko lang may biglang tumusok sa akin na karayom.

At yun ang rason kung bakit ko siya sinapak. Masisisi mo ba ako? Surely may consequence ang ginawa ko pero, ako ba talaga ang masama dito? Bakit, is it because masama ang ginawa ko? Paano si Niko? Mabuti ang naging gawa, pero hindi mabuti ang intensyon? He gets away with it kasi sa huli, ang tingin ng tao, mabuti ang kanyang ginawa. Anong gagawin mo sa akin? Suspension? Expulsion? Hindi mawawala ang masamang gawi sa school na ito just because mayroong Deedshare. Kasi, paano mo alam na mabuti ang kanilang intensyon? Paano mo alam kung mabuti sila sa labas ng paaralan na ito? Ang ibang tao ba dapat ang makakapag-judge kung mabuti ka? Well, alam ko lang is, I am done here, nagbigay na ako ng statement, kayo na po bahala sa akin.

10 inalabas si Emman mula sa opisina ng prinsipal pagkatapos niyang ibigay ang kanyang statement sa prinsipal, pulis at sa mga magulang ni Niko. PDahil sa mga pangyayari noong araw na iyon, na-expel si Emman mula sa paaralan at walang planong kasuhan ng pamilya ni Niko ng physical assault si Emman. Sa paglabas niya, mayroon mga estudyante, kaunti lamang, na pumalakpak sa paglabas ni Emman. Kung pinalakpakan siya dahil sa ginawa niya o dahil na-expel siya, hindi natin malalaman. Pagkatapos ng insidente na iyon, dumami ang bilang ng mga dayo sa opisina ng prinsipal. Mas naging magulo ang paaralan imbes na mapayapa.

11 Gino Bu

Kumakalam

adatnan ni Evian sa pampang ang tuyong bangkay ng isang ginilitang babaeng gula-gulanit ang damit at walang pambaba. Walang bahid Nng pagkatinag ang kaniyang mukha sa nakita. Mula sa kinatatayuan niya ay naaaninag niya ang sulo ng mga galing sa malapit na baryo. Binalingan niya ng tingin ang katawan sa huling pagkakataon nagpatuloy sa paglakad. “Halimaw! Halimaw! Ayun ang halimaw na gumawa nito sa kaniya! ! Halimaw! Kilala ko kung sino ka!” sigaw ng isang ale na nakasuot ng bulaklaking bestida habang nakaturo sa kakaalis lang na si Evian. “Naghahasik na naman ng lagim ang salot na mga aswang na iyan!” “Diyos ko! Puksain mo na sila!” Sa paglisan niya sa lupang mantsado na ng dugo, kaakibat ng pag-iling ay kumawala ang pagod na buntong-hininga niya sa sinapit ng sawimpalad sabay wika, “Hindi nila alam, ang tunay na aswang ay si--.” Hindi na malinaw ang huling sinabi niya. Marahil natabunan na ito ng mga sigaw at hapis ng mga taong tinangka siyang habulin bago siya maglaho.

12 lang araw bago ang insidente. Hindi pa gising ang araw nang bumangon si Evian sa papag na natatastas na ang mga hibla ng ratan. Tila kitikiting hindi Imapakali ang pinakabatang miyembro ng angkan. Sa bawat pagyapak niya sa umiingit na hagdan habang pababa siya ay tila sumusuray-suray rin ang mga pader ng kanilang munting kubo. Dali-daling sinuot ang kaniyang bakyang pudpod at lumabas na siya upang batiin ang buwang hindi pa pala naglalaho. “O heto. Mag-agahan ka na muna,” sabay nilapag ng kaniyang ina ang isang bayong na puno ng mga pesteng daga’t insekto na kinolekta kahapon noong nasa palayan ang kuya niya. Napatitig sa hapag ang tumamlay na mata ni Evian, mapipinta sa kaniyang mukha ang pagkadismaya at pagkabigo. “Ina? Akala ko kakain tayo ng sariwang baka ngayon? Bakit tayo nagtiya- tiyaga sa mga peste sa bukid?” “Mahal kasi ngayon ang baka’t baboy, anak, kaya hindi ako nakapamalengke kanina. Hayaan mo, mamaya huhuli tayo ng sariwang manok.” Nginangata ni Evian ang hilaw na ulo ng daga nang may ideyang sumapit sa kaniyang isipan. “Bakit hindi na lang tao, Ina?” Napatigil ang kaniyang ina sa ginagawa. Tila binalutan siya ng nagyeyelong hamog nang dumampi ang tuyong hangin sa kaniyang pawis na leeg. Muntik nang mabulunan ang ginang sa paglunok ng kaniyang magaspang na laway bago tangkaing sagutin ang tanong ng kaniyang anak. “Hindi tayo kumakain ng tao. Hindi tayo halimaw.” Napuno ang bahay ng tilaok ng manok. Dali-dali siyang naghugas ng kamay at bibig. Matapos maghilamos ay sinuot na ang kaniyang paboritong salakot. Bago siya patuloy na makalabas ng pintuan ay nagbilin ang kaniyang ina. “Huwag kang magpapagabi, ha?” Pilit na nakangiti si Evian sa pagtango sa kaniyang ina

13 at pumunta na siya sa sakahan. Pagdating sa bukid ay malinaw niyang napakinggan ang pagtsitsismisan ng mga tagabaryo. “Nabalitaan niyo ba? Inatake raw ng aswang ang dalagita nina Mar at Susan.” “Oo, gilit ang leeg at tuyo raw ang bangkay. Mukhang sinipsip muna ang dugo bago tuluyang nilubayan.” “Naku, eh ‘di ba noong nakaraang linggo lang ay ganiyan din ang ginawa sa bunsong babae nina Reynhard at Rica?” “At noong nakaraang buwan ay ‘yung panganay naman nina Fritz at Badet na kaka-debut lang.” “Salot talaga ang mga iyan. Lagi’t lagi na lang may nasasawi sa kamay nila. Walang pakundangan at ubod ng kahayupan. Sinisimot nila ang bawat patak ng dugo ng kanilang mga biktima.” Nagpanting na naman ang tainga ni Evian sa narinig. “Kada umaga na lang talaga.” Nakapapaso ang pagtitig ng dalaga sa nagkukuwentuhan. Ramdam niya ang bawat pintig ng kaniyang puso, ang kulo sa kaniyang tiyang nabitin sa agahan kanina, at ang bibig niyang naglalaway. “Hoy! Seryosong-seryoso ka diyan bunso, ah?” wika ng kaniyang kuyang bumatok sa kaniya. “O heto, nalimutan mong dalhin ‘tong baon natin. Hanggang mamayang hapon pa tayo rito, hindi tayo puwedeng magutom.” Inabot ng kaniyang utol ang sakong inihain ng kaniyang ina kanina sa bahay. “Ayaw ko niyan. Iyan na lang parati. Nakakaumay na. Halika na nga magsimula na tayo.” Nagsimula na silang magtrabaho. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pagtatanim nang may umalingawngaw na sitsit at sipol sa ilalim ng hile-hilerang puno ng acacia sa dulo ng taniman.

14 Nilingon ni Evian ang grupo ng kalalakihang tumatawag sa kanila. “Huy! Pare! Sino iyang diwatang kasama mo? Ang lagkit tumitig parang gusto akong kainin. HAHAHAHA!” pagbibiro ni Mar na parang hindi nasawian ng anak. Nilingon ni Evian ang kalalakihan. “Oh masyado ka yatang seryoso, miss. Pwede kita pasiyahin! HEHEHE!” hirit ng lalaking bulag ang kaliwang mata. Magkasama ang magkakaibigang sina Mar, Reynhard, Fritz at ang lalaking bulag ang kaliwang mata na hindi niya kilala kung sino. Bumalik sa gawain si Evian at hindi na lamang pinansin ang mga dumayo. Tanghalian na nang magpahinga sila. Kumakalam na ang sikmura ni Evian at hindi niya mapigilang manabik sa sariwang karne. Dahil sa pagkatakam ay dinala ni Evian ang sakong puno ng daga’t peste sa dulo ng palayan, sa hilera ng mga nagtatangkarang talahib upang doon kumain. Walang pakialam sa kati at hapdi ng talahib ang nagugutom na dalaga at patuloy lang sa pagsimot sa buto ng kaniyang tanghalian habang nakapikit na nagkukunwaring tunay na karneng sariwa ang kaniyang nilalantakan. Makalipas ang ilang sandali ay malapit na niyang maubos ang sako nang maramdaman niya ang paghawi sa talahiban. Mayroong naglalakad patungo sa kaniya. Walang atubiling sinilid niya ang hawak na daga sa sakong ngayon ay may bahid na ng dugo. Palapit na nang palapit ang estranghero na tumatakbo na ngayon kaya’t minabuti na lamang niyang dumapa at magtago sa talahiban. Bago pa man lumagpas ang tumatakbo ay sinundan ito agad ng nagbibigatang mga hakbang na papunta rin sa parehong direksyon ng nauna. Naghintay nang ilang sandali si Evian bago tangkaing tumayo at lingunin ang dumaan sa kaniyang pinagpupuwestuhan. Malayo na ang dalawa, nang biglang-- “Tulong! Tulong!” Sa isang iglap lang ay nasa harapan na si Evian ng dalawang taong

15 magkapatong sa lapag. Bakas sa kanilang mga mata ang pagkagulantang sa biglaang paglitaw ni Evian. Hinigpitan ng lalaki ang paghawak sa bisig ng babae sabay baling ng masamang tingin dito. “Anong problema rito? Bakit ka humihingi ng tulong?” ani Evian. Nabali ang titigan ng dalawa ngunit patuloy na nanginginig ang babae sa takot-- hindi sigurado kung ano ang dahilan. “Ahh… eh… Ito kasing si tatay, inatake ng alta presyon at bigla na lamang napahandusay sa lapag.” Tinitigan ni Evian ang dalawa nang may bahid ng pagtataka bago tumango at tinulungan ang babaeng akayin ang kaniyang ama sa lilim. Inabutan niya ito ng baso ng tubig habang pinapaypayan naman ng anak. Makalipas ang ilang sandali ay tumayo na ang lalaki sabay inakbayan ang anak. “Halika na, anak. Nag-aalala na siguro ang nanay mo.” wika ng lalaki. Bulag pala ang kaliwa niyang mata. Ngayon lang napansin ni Evian. Bago tuluyang umuwi ay niyaya ng babae si Evian na maghapunan sa kanilang bahay upang makapagpasalamat. Malapit lang daw iyon sa ilog katabi ng puno ng balete. “Salamat ngunit hindi ako sigurado dahil kailangan kong umuwi bago maggabi. Bilin iyon ng aking ina.” Wala talaga siyang balak dumalaw sa tahanan ng mag-amang iyon lalo pa at ang lalaking iyon ay isa sa mga bastos na bumati sa kaniya kaninang umaga. “Naku. Ahh… s-sigurado ka ba? A-ako mismo ang magluluto mamaya. Sana makapunta ka at hihintayin kita.” sagot ng babae na may halong panginginig sa boses na hindi mawari kung saan nag-uugat ang pagkanerbiyos. “Hoy ikaw!” sigaw ng kuya niyang binatukan siyang muli. “Kinuha mo lahat ng inimbak kong pagkain. Huwag kang kukuha rito sa bago kong mga huli,” mariing paratang sa kaniya sabay wasiwas sa sakong puno ng pesteng

16 daga’t insekto na matagal na niyang pinagsasawaan. Nagbago ang isip niya. Papalapit na ang dapithapon nang magligpit ng mga gamit si Evian. Galit na galit na ang kaniyang sikmura na tila nangungusap na nang magsimula siyang maglakad patungo sa bahay ng nag-imbitang babae. Naaamoy na niya ang halimuyak ng bagong luto na kalderetang baka at na liempo. Nasasabik na ang panlasa niyang madampian ng masasarap na putaheng maaaring naghihintay sa kaniya sa bahay na iyon. Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay nakarating na siya sa lugar na itinuro sa kaniya ngunit ang sumalubong sa kaniya ay malansang simoy ng hangin na humagod muna sa ilog sa likuran ng bahay at ang pagngitngit ng mga marurupok na sanga ng matandang balete sa tabi nito. Kumatok siya sa bahay. Inabot ng ilang sandali bago siya batiin ng dalagang nakilala niya kanina. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang maputlang labi ng dalaga pagkakita na pagkakita nito kay Evian. Tila nabunutan ito ng tinik. “Akala ko hindi ka na darating. Halika pasok ka. Kakaluto lang ng sinaing namin.” Binati siya ng altar na puno ng mga santo’t imahe na pinagsasabitan ng mga nalanta nang sampaguita. Bagaman malakas ang kaniyang paningin ay kapansin-pansin pa rin ang pundidong ilaw na sinisinagan ang hapag-kainang walang karne. Kanin at gulay lang ang hapunan ng pamilyang dinalaw niya sa gabing ito. “Tara upo ka muna at tatawagin ko lang sandali sina nanay at tatay.” Habang naghihintay ay umuusok na ang tainga ni Evian sa muling pagkabigo na makakain ng karne. “Lintik! Gutom na gutom na ako. Hanggang dito ba naman ay wala pa rin akong makakaing tunay na pagkain?” sambit niya sa sarili. Sa bawat lagitik ng mga kamay ng orasan ay paubos na nang paubos ang kaniyang pasensya. Nais nang umuwi ni Evian at pagtitiisan na lamang

17 ang daga na ihahain ng kaniyang ina. Pagtayo niya ay naramdaman niya ang pagyanig ng bahay na sinundan ng malakas na pagkabasag ng kagamitan mula sa ikalawang palapag kasabay ng isang malakas tili. Tinangkang umakyat ni Evian nang makasalubong niya ang lalaki at ang asawa nito na naghahalakhakan. “O narito na pala ang kaibigan ni Rega! HAHAHA! Pasensya at masyado lang kaming nasara-” “Nasiyahan!” biglang singit ng asawa habang malagkit na nakangiti sa lalaki. “Halika, kain na tayo. Mamaya ko na lang lilinisin ‘yung nabasag sa taas.” matamlay na yaya ni Rega kay Evian. Nanalangin at nagpasalamat muna ang mag-anak para sa pagkain sa hapag na hindi nasundan nang maigi ni Evian. Unang beses niyang sinubukang magdasal. Bagaman kumakain na ay tila hirap sa paglunok si Evian kahit kanina pa siya nagugutom. Inikutan niya ng tingin ang mga kasama niyang kumain-- ang inang nakabestidang bulaklakin, ang amang kalahating bulag at si Rega na hindi maipinta ang hitsura. Mas namumutla si Rega ngayon kaysa noong natagpuan siya ni Evian sa sakahan, gayundin nang magbatian sila sa pintuan kanina lamang. Bagaman kailangang titigan nang mabuti upang mapansin ito, balisa si Rega; nanunuyo ang lalamunan at panay hagod sa kaniyang binti. Nanlaki ang mga mata nito nang bigla siyang akbayan ng ama. “Mabuti na lamang at malakas ang boses ng anak ko kanina. Kung hindi, hindi mo rin siya maririnig at baka kung ano pa ang nangyari sa akin. Hehehe!” pagmamalaki ng ama na sinegundahan din naman ng halakhak ng asawa nito. Sinundan ng nakakailang na katahimikan ang tawanan. Nagtama ng

18 tingin ang dalawang dalaga, ang isa’y tuliro habang ang kabila ay hindi mawari ang takbo ng isipan. Tumayo si Rega. “Saglit lang po. Magbabanyo lamang po ako.” Tinuloy ng natitirang tatlo ang pagkain. Paubos na ang pagkain sa hapag at tuyo na rin ang kanin ni Rega ngunit hindi pa ito nakababalik mula sa banyo. “Teka lang ha? Tingnan ko lang kung ano na ang nangyari kay Rega. Mukhang nakatulog na yata sa banyo,” wika ng ama at sinundan ng bahagyang tawa. Sa kabilang banda, nanatiling walang imik si Evian. Nahirapan siyang ubusin ang tig-isang tasa ng kanin at ulam na hinain sa kaniya, ngunit kumakalam pa rin ang sikmura niya. Patuloy siyang naglalaway, ngunit sa pagkakataong ito ay nagsimula na rin siyang pagpawisan. “Sawa na ako sa pagkaing ito. Gusto ko ng karne. Gusto ko ng totoong karne.” bulong niya sa sarili. Lalong lumakas ang pagkulo ng tiyan ni Evian at tila binabaha na ng laway ang kaniyang bibig. Pinako na niya nang tuluyan ang titig sa ina ni Rega nang biglang may narinig silang mabigat na balagbag sa banyo. “Naku! Ano kaya iyon? Teka lang ha?” Nagmadali ang ina upang puntahan ang pinanggalingan ng ingay. “Hindi ka halimaw, Evian. Hindi kumakain ng tao ang mga aswang. Hindi ka halimaw,” paulit-ulit na pagpapaalala niya sa sarili habang nilalabanan ang tukso. “AHHHH!!!” sigaw ng ina nang matagpuan niya ang sugatan na asawang nakapatong sa ginilitang anak. Hindi na kumukurap, wala nang bakas ng paghinga ang dalaga. “Hay.” Buntong-hiningang pinakawalan ng ama. Pagod sa kalibugan. Nilingon niya ang kaniyang asawa at sinubukang kabigin ang leeg nito upang gilitan

19 din nang biglang may kumapit sa kaniyang bisig kasabay ang pag-ihip ng napakalakas na hangin. Nagsimulang humawi ang mga ulap na tumataklob sa dilaw na buwan. Nabitawan niya ang patalim at nagsimulang lumutang mula sa lapag. Bago pa man siya makapagsalita ay binati siya ng nanlilisik na mga mata. Nagmistulang hinigop ang kaluluwa ng ama nang masulyapan niya ang hitsura ni Evian na lumitaw na lamang bigla. Iisa lang ang gumagana niyang mata ngunit kitang- kita niya ang mukhang puno ng galit, poot at lagim. “Saklolo! Aswang! May aswang! Tulungan niyo kami!” Umatras si Evian, binitawan ang salarin bago nilingon ang sumisigaw na ina. Bahagya siyang ngumiti bago tuluyang maglaho.

Marahil ngayon malinaw na ang sinabi niya kanina. “Hindi nila alam na ang tunay na aswang ay sila.”

20 Joaquin Manuel Gopez Reyes

Si Laudato

a lalim at lawak ng karagatang payapa, walang matatagpuang gumagambala sa mga along kulay barya, maliban sa huling tao sa daigdig na naglalayag sa Smaliit na . Lao Dato ang pangalan niya. “Matanda” ang ibig sabihin ng Lao, at matanda nga siyang tao, makulubot ang balat at patpatin. Kapag humihinga si Lao Dato, katunog niya ang lagaring kadena. Dulot ito ng hanging maitim at mabaho na bumabalot sa lahat. Laging dala nito ang amoy ng nasusunog, kaya nasusunog din ang baga niya sa bawat hinga. Naglalayag si Lao Dato sa karagatang payapa para matagpuan ang Isla Paraiso. Ayon sa isang napakalumang diyaryo na nabasa niya, ito ang huling tirahan ng mga taong tulad niya na buhay pa rin. “Matatagpuan ang Isla Paraiso sa ibabaw ng nalubog na Lungsod Gawangtao,” pahayag ng Diyaryo Futuro sa kupas at nadudurog nitong papel. “Sinimulan ang pagtatayo nito noong Krisis Tres, at may ilang daang tao ang

21 nakalikas na roon. Subalit hanggang matapos ang konstruksiyon, dapat asahan ng mga bagong lipat ang patuloy na pagtaas ng nibel ng tubig at ang mga bagyo sa pulo.” Nakalagay ang mga direksyon sa likod ng papel: kailangan lang sundan ang mga palatandaang dating ipinatayo para sa mga lumilikas noong Krisis Tres. Agad siyang nagpasyang lumayag. Sa wakas ay may makakasama siyang ibang tao! Ngunit hindi siya pinayagan ng ama noong una. “Walang Isla Paraiso. Tayo na lang ang natitirang tao sa mundo,” paliwanag niya. Nasa loob sila ng Torre de Babel, ang pinakamataas na gusali sa mundo at ang may pinakamatibay na kongkreto sa panahong iyon, ang Kongkreto-0. “Pulutin mo iyang Aero- Alambre, o!” dagdag niya. “Bitbitin mo iyan at aakyat na tayo sa tuktok.” Habang karga-karga ng batang si Dato ang mga napulot, minasdan niya ang lahat mula sa tuktok ng gusali – kolonya ng mga langaw sa bundok ng plastik. Mga lumang kartelera para sa bagong kapsulang siksik sa Bitamina Ψ. Mga daang kulay kobre. Ngunit wala ni isang tao. Sumimangot si Dato. Sumigaw ang tatay niyang katabi niya. “HA!” Sa kalayuan, nagsiliparan ang mga kaunting ibong natitira sa lugar. “KUWAAA!” sagot nila. Para kay Dato, kinakausap ng kaniyang ama ang mga ibon. Mula sa balangay, pinilit niya na marinig ang tinig ng kaniyang tatay. HA! Sinubukan niyang sumigaw, pero walang lumabas. Wala na ang tatay mo, bulong sa kaniya ng hangin. Ikaw mismo ang naglibing sa kaniya. Bumuntong- hininga ang matandang katunog ang lagaring kadena. Umupo si Lao Dato. May nakita siyang palatandaan: Sa 200 kilometro, kumanan sa Daan ng Marianas. Dahan-dahan niyang binuksan ang dala niyang kaha de yero at nilabas ang nakatupi at nadudurog na papel ng Diyaryo Futuro.

22 Tirik na ang araw kaya nagbasa siya sa ilalim ng layag. Binalikan niya ang paborito niyang linya sa artikulo: ilang daang tao ang nakalikas na roon. Napangiti ang matanda. Sa mga libro at palabas lang siya nakakita ng maraming tao – sama-sama sa paaralan, sa simbahan, o sa digmaan. Mahilig si Lao Dato na magbasa at manood tungkol sa nakaraan ng sangkatauhan. Nakakasama niya rin noon ang tatay niya sa paglilibang, ngunit kinalaunan ay tumuon na lang siya sa pagtatanim at pag-aalaga sa mga ibong dumadayo sa kanilang tirahan. “Kung aalagaan mo ang iyong kapaligiran, bakit ka pa hahanap ng iba?” madalas niyang sabihin. Sawang-sawa na si Lao Dato sa mga turo ng tatay niya tungkol sa kapaligiran. Naaalala pa niya noong bata pa siya at unang ipinakita sa kaniya kung paano magtanim ng puno. Pinuntahan nila ang nag-iisang puno sa parang kung saan sila nakatira. “Ngayon, putulin mo iyan,” utos ng ama, sabay turo sa sanga kung saan may dumapong loro. Sa isipan ng batang si Dato, napuno siya ng sindak. Bakit? Bakit puputulin ang sanga ng nag-iisang puno sa parang? “Oo, tama ang pagkarinig mo,” sabi ng ama. Kinampay ng ibon ang mga pakpak niyang kakulay ng mga dahon ng puno. Nang putulin ng bata ang sanga, sumigaw ang ibon. “KUWAAAAA!” Lumipad ito paalis habang naglabas ang tatay ng balisong at nagsimulang putulin ang mga usling dahon at kahoy. Panghuli, itinusok niya ito sa lupa. KALOG! Naputol ang pagbabaliktanaw ni Lao Dato nang biglang may kumalog sa loob ng . Hindi napansin ni Lao Dato na may kasama siya hanggang binuksan niya ang lalagyan ng pagkain, na ngayon ay walang laman. Galyo! isisigaw niya sana sa lorong matakaw, pero walang salitang lumabas.

23 Galyo ang ibinigay na pangalan ng tatay ni Lao Dato sa loro. Mahilig siya talaga sa mga ibon. Binaligtad ni Lao Dato ang metal na lalagyan. Maliban sa tiyan ng loro, wala nang laman ang lahat ng mga nahulog sa sahig ng balangay: sinimot niya ang mga de-lata, pinunit ang papel ng yerba at asin, binuksan ang sarsang nasa bote. Sa plastik ng mga tabletas at kapsula, . Kahit ang mga garapon ng inuming pinulbos, ubos. Napabuntong-hininga ang matandang katunog ang lagaring kadena. Tiningnan niya ang ibong hindi kumikibo. Naiimpatso siguro, isip niya. Kinuha niya ang kaniyang purifikador ng tubig at umupo sa Tekno-Kawayan™ na nakasabit sa tagiliran ng balangay. Minasdan ni Lao Dato ang tubig na tila bumabalot sa kaniya. Kahit na marami nang naganap na sakuna sa mundo dahil sa mga kilos ng tao, tila hindi nadamay ang katubigan sa paggunaw ng lahat. Inilubog ni Lao Dato ang mga paa niya sa tubig. Pumikit siya. Nagunita niya ang kaniyang tirahan, ang dalawang puno sa parang, ang mga nangangalawang na gamit ng iba sa daan. Naalala niya ang kapirasong papel na napulot niya sa kolonya ng mga langaw tungkol sa Isla Paraiso. Sa kaniyang isip, pinanood ng matanda ang papalit-palit na kulay ng karagatang payapa, ang pagginto, pagpilak, at pagtanso nito. Nakita niya kung paano pinatunaw ng tatay niya ang lahat ng mga makinaryang pakalat-kalat para likhain ang buong karagatan… “SAPIENS!” sulpot ni Galyo. Nabigla si Lao Dato at nahulog siya sa karagatang payapa. Mainit pa man ang araw, nabigla ang matanda sa ginaw na tumutusok sa katawan. Lumapit ang loro sa gilid ng balangay at dumapo sa Tekno-Kawayan™. “SAPIENS!”

24 Sinong nagturo ng salitang iyon sa kaniya? isip ni Lao Dato. Nanginginig sa lamig, ipinatong niya ang paa niya sa bangka habang kumapit siya sa gilid nito. Pag-akyat niya muli sa bangka, lumapag ang loro sa kaniyang ulo. Pinalo siya ng matanda. “KUWAAA!” Natandaan niya ang pagtuturo ng kaniyang ama tungkol sa pinagmulan ng mga tao noong binatilyo pa siya. Tahimik ang gabi noong pumunta sila sa tabi ng dagat, maliban sa hugong ng mga langaw at lamok sa hangin. Paboritong lugar ito nilang dalawa.

Umubo ang ama ni Lao Dato. Gumagaralgal siya. “Alam mo naman na—” Nag-ehem-ehem siya bago magpatuloy. Akala noon ni Dato na ang hanging marumi ang dahilan ng paghina ng katawan ng tatay niya. “Alam mo naman na may iba’t ibang uri ng hayop. Tulad natin.” Pinanood niya ang mga lamok na sumasayaw sa kaniyang mga paa. “Kabilang tayo sa ilan sa mga umusbong mula sa mga bakulaw, pero tayo lang ang natitira ngayon.” “Sapiens,” sabi niya, sabay turo sa kausap. “Sapiens.” Tinuro niya ang kaniyang sarili. “Tayo ang dalawang sapiens, ikaw at ako.” Pumikit siya bago magsalita. “Umusbong tayo sa kasaysayan ng mundong ito dahil sa pagtutulungan at pakikipag-ugnayan. Sa lipunan, tungkulin ng bawat isa na mag-ambag kung saan sila magaling.” “Ako halimbawa, marunong akong maglayag, pero mas mahilig ako sa pag-aalaga ng ibon. Malayo ang nararating ko noong ayos pa ang balangay, pero mas malayo ang nararating ng mga ibon kung may mag-aalaga.” Sininghot niya ang kaniyang sipon. “Kaya sila na lang ang lilibot sa mundo para sa akin,” mahinang sabi niya.

25 Nagtaka ang binatilyo. Sa lahat ng mga nasuyod niyang babasahin at palabas, wala siyang natagpuang kahit anong nagtuturo kung paano maglayag. Paano natuto ang kaniyang ama? “Di bale,” dugtong ng tatay ni Dato. “Sa tanda kong ito, siguro kung naglayag tayong dalawa paikot-ikot lang mararating natin.” Tumawa silang dalawa hanggang napaubo sila. Hindi pa rin nalilimutan ni Lao Dato ang gabing iyon. Sinikap niyang ilarawan sa isip ang mundo niya na puno ng tao. Sabay silang magbabasa ng mga punit-punit na libro o manonood ng pelikulang putol-putol. Nainggit siya sa mga lamok na nasa paligid, napakarami kahit ilan nang napatay. Bakit hindi na lang kaya sila maging lamok? Habang nakaupo sa balangay, inisip na lang ni Lao Dato na malapit na niyang makilala ang mga tao ng Isla Paraiso. Isla Paraiso: 100 kilometro, pahayag ng palatandaan. Uminom siya ng tubig-tabang na galing sa purifikador para tumigil ang pag-angal ng kaniyang tiyan. Inangat niya ang layag na sumasayad sa poste at nilinis ang mga nakakalat na lalagyan ng pagkain. Pinainom niya si Galyo. Nagbasa ulit ng diyaryo. Uminom ulit. Nagbasa. Uminom. Nagbasa. Umidlip... “KUWAAA! BAGYO!” Naputol ang pagtulog ni Lao Dato sa pagtili at paglipad ng loro. Bagyo? Kinamot ng matanda ang kaniyang mata nang biglang pumalakpak ang langit. PAK-PALAK-PAK-PAK! Hinampas ng hangin ang karagatang hindi na payapa, at palapit nang palapit ang dahas ng hangin sa kaniyang munting balangay. Muling umandar ang lagaring kadena ni Lao Dato. Ano ang gagawin? Paano siya makaliligtas? Binalikan niya ang tinuro sa kaniya ng tatay niya tungkol sa paglalayag.

26 “Sakaling hindi mo talaga maiiwasan ang peligro sa dagat,” payo niya, “pipindutin mo itong motor na ikinabit ko sa balangay. Luma na ito kaya huwag itong gagamitin hangga’t huli na ang lahat!” Kumaripas si Lao Dato papunta sa motor. Nagtago si Galyo sa lalagyan ng pagkain at biglang kumulog ulit. KOG-KULOG-KOG-KOG! Biglang hinampas ng mga alon ang balangay. Natumba ang matanda. Lumakas ang hangin. Umiyak si Galyo. Tinangay na ng hangin ang layag. Sa sahig ng bangka, gumapang si Lao Dato papunta sa motor. Malapit na siya, konti na lang, konti na – PIP! Tagumpay! Nabuhay ang motor ng ama ni Lao Dato. Kumapit ang matanda sa hawakan nito at minaniobra niya ang balangay palayo sa bagyo. Alam niya na maaaring mamatay bigla ang lumang motor, kaya nagmadali siya sa pagtitimon.

agkalipas ng ilang araw, may nakita siya sa abot-tanaw. Isla? Lumingon siya at nakita niya sa malalaki at puting titik: Maligayang Pagdating. Biglang Pnasabik si Lao Dato at nagmadali sa pagdaong. Hindi rin mapakali si Galyo at lumipad ito agad papunta sa lupa. Sa wakas ay magkakaroon siya ng kasamang ibang tao! Paglapag niya sa maitim na buhangin ng isla, kapansin-pansin ang kalinisan ng kapaligiran. Walang punong matatagpuan malapit sa pampang, ngunit maayos ang pangongolekta at pagtabi ng mga basura. Ngumiti ang matanda. Subalit ang bilis din ng paglaho ng tuwa niya nang may natunghayan siyang lapidang kulay pilak sa malayo. Mula sa bandang loob ng pulo, narinig niya ang matinis na tinig ni Galyo. Nabalisa si Lao Dato. Kumandarapa siya

27 papunta sa lapidang kumikinang, at hindi siya nagkamali: nakatayo siya sa ibabaw ng puntod ng tatay niya. Kumirot ang kaniyang ilong at lumabo ang paningin niya. Hindi niya mabura sa isip ang mukha ng ama niya noong sa wakas, pinayagan siyang matutong maglayag. “Kung may Isla Paraiso man, gusto kitang samahan,” amin niya. Ngunit hindi natuloy ang kanilang binalak. Bumalik sa kaniyang isip ang mga linggo, buwan, at taon pagkatapos ng pagpanaw ng tatay niya. Wala na ang tatay mo. Ikaw mismo ang naglibing sa kaniya. Hindi niya mapigilan ang pagluha dahil wala na talaga siyang ibang kauri. Hindi siya makapagsalita. Siya nga ang huling tao sa daigdig. Matindi ang lumbay ni Lao Dato habang naglakad siya pabalik sa parang. Naglaho na ang kaniyang pangarap na magkaroon muli ng tao sa mundo. Hindi siya nakapagpaalam sa kaniyang tatay bago ito pumanaw, at hindi rin siya makapagpapaalam sa kahit kanino paglisan niya. Biglang narinig niya ang tawag ng loro. “LAO DATO!” tawag nito. Luminga- siya at nakita niya ang lorong nakaupo sa balikat niya. Subalit hindi lang iyan ang kaniyang nakita. “LAO DATO!” Minasdan ni Lao Dato ang parang na kaniyang tahanan. May lumot at damong tumutubo sa mga singit ng nabiyak na kongkreto. May palamuting maliliit na bulaklak ang dalawang puno sa parang, at lalong lumabay ang mga dahon sa kanilang makukulubot na sanga. “LAO DATO!” Laking gulat ng matanda nang matanaw niya ang mga iba’t ibang loro, malaki at maliit, lumilipad at nagsasalita. Kakulay nilang lahat ang mga puno, maliban sa kanilang pulang ulo at tuka. At alam nila ang kaniyang pangalan!

28 Huminga si Lao Dato nang malalim. Wala na siyang narinig na lagaring kadena. Maaliwalas ang paligid niya at sa dami ng mga bagong loro, hindi na niya mabilang silang lahat. Guminhawa ang kaniyang loob. Nakita niya ang pag-aaruga ng kaniyang tatay sa bawat ibon at bawat dahong umusbong habang siya ay pumapalaot. Pumunta si Lao Dato sa lapida ng tatay niya. Gamit ang kaniyang balisong, umukit siya ng larawan: isang bangkang puno ng tao. Inukit din niya ito sa balangay, sa mga puno sa parang, at sa mga makinaryang nakakalat sa paligid, hanggang sa napurol ang patalim at kinailangan niya itong hasain bago magpatuloy. Bumalik siya sa dalampasigan, at hinarap niya ang abot-tanaw. “Ehem, ehem,” ubo niya. Tumuwid siya. At sumigaw. “HA!” Inulit niya. “HA! HA!” Batid niya ang mga kasalanan ng mga lumipas, ngunit malayo na siya sa mga iyon. Balang-araw, kung magkaroon man ulit ng tao, hiniling ng huling tao sa daigdig na makita nila ang nakita niyang tagumpay ng dating sangkatauhan. Ito ang nagsilbing paalam niya, at pagbati sa kinabukasan.

29 Aguirre Fuentabella

Mayon na yon?

URRY UP NA DYAN MGA ANAK AT BAKA MA-TRAFFIC TAYO SA DAAN!” “H Kakatapos ko lang mag-shower nang tinawag na kami ni mama mula sa kotse. Para bang may kumuskos ng mga inaantok ko pang mga mata nang marinig ko ang sigaw na ito. Nakakagulantang talaga ang lakas ng boses ni mama kaya random na lang na jogging pants at sweater na una kong nakita sa aparador ang sinuot ko sabay karipas ng takbo palabas ng bahay kasabay ang aking kapatid. Sa sobrang pagmamadali, nawalan na na ako ng oras pumili ng magandang OOTD. Nako! Babagay ba kaya ang simpleng jogging pants at sweater sa Instagram feed ko? Nasilip ako ni papa sa rear-view mirror na panay hawak at tingin sa suot ko. “Zilla, ano na naman ang pinoproblema mo dyan? Mas maayos nga na ganyan kakapal ang sinuot mo para hindi ka lamigin sa buong biyahe.” Hala! Paano nalaman ni papa na hindi ko gusto ang outfit ko. “Oo nga

30 ate! Sa haba ng biyahe, marami ka pang pwedeng kunan ng picture sa biyahe at sa . Match na match kaya ang perfect cone ng Mayon sa Instagram feed mo!” Sabagay, may point dun si Alisa. Bakit ba ako nag-aalala sa damit ko kung alam kong pupunta kami sa perfection of nature that is Mayon Volcano? Sandali lang. Paano nalaman ni Alisa na mga picture para sa Instagram feed ang nasa isip ko? Ganun na ba ako ka-kilala ng pamilya ko? Hanggang ngayon, bumabagsak-bagsak at mahapdi pa rin ang aking mga mata kasi late na ako nakatulog kagabi tapos alas-5 pa ako ginising ni mama. Kanina pa ako pumipikit-pikit sa sobrang antok pero ayaw kong matulog sa biyahe kasi nga naghahanap ako ng magandang pang-post na sunod sa aking Instagram. Alam ko na! “Alisa, matutulog lang ako. Ikaw na muna bahala sa mga picture basta dapat bagay sa Instagram feed ko ha. Alam mo na yun.” Siyempre, pumayag ang nakababata kong kapatid. Dapat lang at subukan niya lang talaga na hindi gawin! Charot! “Huwag po kayo masyadong maingay at babawi lang ako ng tulog. Pakigising na lang po ako kung kailangan,” sabi ko sa mga magulang ko saka ako umidlip.

agising ako sa sinag ng araw na tumagos sa eyelids ko kasi nakasandal na sa bintana ng kotse ang ulo ko. Tanghali na pala? Tamang-tama ang Ntiming ng gising ko kasi papaliko pa lang kami sa isang stopover na maraming kainang pagpipilian. “Saan niyo gustong kumain?” Kahit hindi na kami tanungin ni papa, kanina pa ako naka-focus doon sa pinaka-lively na kainang nahagilap ng paningin ko. Sobrang majestic kasi ng talbog ng tanghaling tapat na araw sa yellowish na pintura ng walls nito sa labas. Syempre, inunahan ko na silang lahat at itinuro ang restaurant na yun. “Sige, doon na lang. Mukhang maganda kumain doon.” Habang naglalakad kami patungo sa kainang tinuro

31 ko, lumilingon-lingon ako sa paligid at naghahanap ng magandang view na bagay sa aesthetic ng feed ko kaso puro mga kahoy at kubo lang ang nandoon. Ano ba naman itong lugar na ito? Wala man lang kabuhay-buhay? Hay, buti na lang talaga may taste ako kaya napili ko yung restaurant na may matingkad na aesthetic. Anyways, doon na lang ako kukuha ng picture. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok kami. “Don’t judge a book by its cover” nga naman talaga! Napakatingkad tingnan ng restaurant galing sa labas pero walang kasigla-sigla ang interior design. Simpleng monoblock tables and chairs lang ang laman tapos maraming tuklap ng pintura sa mga pader. Wala man lang kahit kaunting photogenic factor sa loob. Gusto ko sanang sabihan sina mama at papa kung pwede lumipat sa mas magandang kainan pero hindi ko namalayan na nakahanap na sila ng mauupuan. “It is what it is,” sabi ko na lang sa sarili ko. Kinuha ko agad ang menu at naghanap ng pwedeng ma-order. Paella Bicolana. Ang unique at sophisticated ng tunog kaya ito ang pinili ko. Tinanong ko sina mama at papa kung ano ang order nila at medyo sumakit ang tainga ko sa sagot nila: “Ginataang Susô.” Hindi ko na sinubukang ipaulit ang sinabi at pinigilan ko na lang ang aking tawa sa narinig. Habang nag-iintay sa aming pagkain, naalala ko na may ibinilin pala ako sa kapatid ko na mga picture. “Alisa, patingin nga ng mga picture na nakuha mo nung natutulog ako,” sabi ko sa kanya sabay inabot sa akin ang cellphone niyang may nakabukas nang random picture na blurred. “Ayan na ang hinihingi mo. Simula dyan tapos mag-swipe left ka na lang hanggang dulo.” Ngek! Yun na pala yun? Tingnan nga natin at baka may maganda-ganda naman. Swipe left. Swipe left. Swipe left. Swipe left. Lahat na yun? Kung hindi blurred, masyado namang asymmetrical ang elements sa mga picture! Hindi pa rin babagay sa feed ko! “Ano ba naman i—” Gusto ko sanang i-confront si Alisa nang biglang

32 dumating ang order namin. Hayaan ko na nga lang. Mas marami naman akong makukuha sa pupuntahan namin. Saktong sakto ang perfect cone ng Mayon sa symmetry na hinahanap ko. Tiningnan ko mga laman ng mga plato ng bawat isa sa amin saka ako nagtanong sa waiter: “Ganito po ba talaga kakalat ang presentation ng Paella Bicolana?” Nagmukha kasing hinalo-halo ang kanin na kulay orange, seafood, gulay, at ibang ingredients at sinalampak sa isang plato nang basta-basta lang. Parang may nag-ring sa loob ng tainga ko pagkasagot niya ng “Opo, ma’am” nang may ngiting umabot sa kanyang tainga. Tumango na lang ako. Napaka- pleasant ngang pakinggan ng pangalan pero hindi naman pala Instagrammable. Sobrang ayos ng presentation ng kanilang ginataang suso. Talagang nakalagay pa ito sa isang black pot at nagco-complement pa ang itim na suso sa white sauce ng gata. Pwede naman na plato na lang nila papa ang kunan ko ng picture pero ang pangit talaga pakinggan kung “susô” ang ilalagay ko sa caption. Anyways, kumain na nga lang tayo! Pagkatapos naming kumain, binayaran agad ni papa ang bill sabay sabi ng “Let’s hit the road!” Ayaw niya raw ma-traffic at baka raw hindi kami umabot sa Mayon nang may araw. Aba, ako rin ah! Doon na nga lang ako makakakuha ng magagandang picture para sa feed ko, hindi pa namin aabutan? Nang naglalakad na kami pabalik sa kotse, inikot ulit ng paningin ko ang paligid at nag-try mag- picture ng random stuff. “Zilla! Halika na para makaalis na agad!” Andoon na pala sila sa loob ng kotse? Kapag photography ang pinag-uusapan, nawawalan talaga ako ng sense of time. Lumarga na muna kami saka ko tiningnan ang mga nakuha ko. Wala pa rin talagang babagay sa Instagram feed ko! Hayaan ko na nga at kaunting hintay na lang darating na kami sa Mayon. Unti-unti na akong naiinip sa biyahe. Ah, alam ko na!

33 Mag-eedit muna ako ng mga pictures na nakuha ko so far. Swipe left. Swipe left. Ayan! Edit using Lightroom. Bawasan ang exposure. -100 saturation. +15 contrast. Tingnan ko nga sa current layout ng feed ko kung babagay. Ay, masyado pa ring maliwanag! -20 exposure. Check ko nga ulit. Ayan! Saktong sakto ang edit! Makapag-edit pa nga ng mga tatlo pa. Habang nag-eedit ako ng iba pang picture, panay ang kalabit sa akin ni Alisa. Mahigpit kong hinawakan ang cellphone na halos nakadikit na sa aking mukha habang nag-eedit kasi masyadong sensitive ang buttons ng Lightroom tapos sobrang galaw pa ng takbo ng kotse namin. Isa pang kalabit niya at nagkamali ako ng pindot sa pag-aadjust ko ng kulay ng picture. Liningon ko siya at tinitigan nang matalim. Nakita ko ang kamay niyang parang may tinuturo pero hindi ko pinansin at binalik ang tingin sa cellphone para ayusin ang ine-edit kong picture. Natapos ko rin sa wakas saka ko tinanong si Alisa kung ano yun. “Ayun, nalampasan na natin! Maganda sanang kunan ng picture pero hindi mo ako pinansin.” Tumingin ako agad sa likod kung ano ang na-miss ko pero wala namang na pwede ilagay sa feed. Gasolinahan at ilang bahay lang ang nadaanan natin. Asan naman yung tinuturo-turo niya kanina? “May pa-vintage effect kasi yung design nung gasolinahan kaya naisip ko na baka gusto mo ilagay sa feed mo.” Ah yun? ‘Di bale na lang pala. “TINGNAN NIYO OH! NAKIKITA NA ANG MAYON FROM HERE!” Halos atakihin na naman ako sa puso at mapunitan ng eardrums sa biglaang sigaw ni mama. Para bang naka-connect sa speaker ang boses niyang maximum volume na in itself kasi nakasarado lahat ng bintana ng kotse. Wow! Kung sa malayo pa lang, napaka-breathtaking na ng perfect shape ng Mayon, ano pa kaya kapag malapitan na? Mayon na lang talaga ang sumalo

34 ng lahat ng symmetrical balance na pinaulan ni Lord. Ah! May kirot mula sa aking paa na umakyat hanggang leeg at nanginig ang buong katawan ko. Normal talaga sa akin ang ganito kapag nasosobrahan ng excitement. Isang view deck talaga ang pupuntahan namin so marami-raming hills muna ang dadaanan bago makarating doon. Ibig sabihin nito, matagal-tagal pa ang biyahe. Binuksan ko muna ang cellphone ko at nagpipindot lang ng random apps para pumatay ng oras at maiwasan ang boredom. Scroll sa Instagram. Wow, nag-chat si friendship! Maka-send nga ng selfie. Makalipas ng mga sampung minuto, binaba ko muna ito at sinilip ang Mayon. Hala! Hindi ko napansin na malayo-layo na pala ang na-biyahe namin. Huling tingin ko sa labas, malayo-layo pa ang Mayon pero ngayon kitang-kita na namin pati ang katawan ng volcano. Kapag naka-focus nga naman talaga ako sa mga maliliit na bagay, mawawalan at mawawalan ako ng track of time and direction. Mas malapit na sa paningin ang Mayon kaya pwede na akong mag-take ng picture. Ngek! Natatakpan ng clouds ang ilang parts. Anyways, mamaya na lang kapag nakarating na kami sa pupuntahang landmark. Sure akong magnificent ang view doon! Finally! Nakarating na rin! Fully charged na ang cellphone ko at nag- delete na rin ako ng mga lumang picture para may space sa bago. Ready na ang lahat! Medyo tago pa rin ang cone dahil sa mga clouds pero bumaba na ako agad kasama si Alisa at nagsimula na kaming maghanap ng landscapes na pwede i-post sa aking Instagram. Sumunod na rin agad sa amin sina mama at papa. Siyempre, nagsarili rin sila ng mga picture at selfies sa sariling style nilang mga matatanda. Itong kapatid ko naman, kung ano-ano ang kinukunan ng picture. Aba! Tuwang-tuwa siya eh. Sa laki ng ngiti niya, nagpakita na naman ang dimples niya. Ako naman huma-hunting pa rin ng spot na sakto sa aesthetic

35 ng feed ko kung saan magandang mag-photoshoot nang all out. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin akong nakikita. Siyempre, hindi ako susuko. Zilla, hindi ka dumayo nang ganito kalayo para lang sumuko. Push mo yan! Maya-maya nang kaunti, napansin ko na wala na pala yung mga ulap na bumabalot kanina sa bulkan. Salamat naman at makukuhanan ko na rin ng picture ang Mayon! Tinapat ko ang camera ko pataas at nag-zoom in ako nang slight. Sandali lang. May napansin akong kakaiba. Nag-squint ako ng mga mata para makita kung bakit parang off ang view. Bakit hindi siya balanced tingnan? Wait. Akala ko ba perfect ang cone ng Mayon Volcano? Tinitigan ko pa ito nang malapitan at doon ko nakita na may mga malaking chunk ng lupa na nakalinya sa isang side nito galing sa pinakatuktok kaya nagmukhang lubog yung kabila. Lumapit sa akin si Alisa at nagkwento na may tour guide na nagsabi na may recent volcanic activity daw ang Mayon kaya na-distort nang bahagya ang cone nito. Yun pala ang dahilan kung bakit hindi na ito symmetrical tingnan. Paano na ito? Plano ko pa namang ilagay ang picture sa gitna ng layout ng Instagram feed ko para ma-maintain ko ang aesthetic na gusto kong ma-achieve. Abort mission na lang ba? Ganun na nga. Halos isang oras na. Umiikot na ang paningin ko kakalingon sa overlooking view ng mga berdeng farm fields na nababalot ng gold na sinag dahil sa sunset. Nakakangalay na. Sunod-sunod na ng sakit ang umakyat sa aking leeg sa kakatingala sa tuktok ng Mayon na tila nakasabit sa asul na himpapawid. Kanina pa ako naghahanap ng pwedeng kunan ng picture pero ang nakikita ko lang ay mga larawan ng biyahe sa aking utak, lalo na yung mga pwede ko na sanang kunan ng picture. In the end, pagod at pagkabigo lang ang nakuha ko kaya umupo na lang ako sa unang bench na nakita ko. Mainit-init pa ang bakal nito mula sa pagkabilad sa araw pero hindi ko na napansin na napapaso na pala

36 ang puwet ko. Wala na akong magawa kundi magpakawala ng isang hinga ng pagkadismaya. Sumulpot sa paningin ko sina mama, papa, at Alisa na kumukuha ng picture ng bawat isa. Nang makita ako, tinawag nila ako para makapag-selfie naman daw kaming buong pamilya. Sige na nga. Sabagay, ano pa nga ba ang iba kong pwedeng gawin kundi samahan ang aking sariling pamilya? Pagkatapos ng sobrang daming selfie at picture, napansin ko na kumupas na ang pagka-blue ng langit at nawawala na ang liwanag sa paligid. Kalahati na kasi ng araw ang nakalubog sa likod ng malawak at berdeng mga field at hills sa horizon. Pinagmasdan ko na lang ang mga linya ng sinag ng araw na pumupunta sa kung saan-saang direksyon. Kahit papaano, naglagyan ng kaunting ningning at maliit na smirk ang aking mukha. “Shocks! Ang ganda talaga ng view kapag sunset. Kunan mo kaya ate ng picture at malay mo baka magustuhan mo mamayang ilagay sa iyong Instagram feed.” May point si Alisa. Hindi naman perfect ang aesthetic ng scenery na ito pero wala namang mawawala kung kukunan ko diba? Hinanapan ko ito ng mga maayos na angle at nag-click lang nang nag-click sa camera ng aking cellphone. Maya’t maya tinawag na ako ni mama at papa dahil kailangan na daw namin umalis at baka umabot kami ng sobrang gabi sa kalsada. Pagsakay naming lahat ay agad na humarurot ng takbo ang kotse palabas ng exit ng lugar. Bumababa kami mula sa hill nang naisip kong lumingon for the last time. Nakita ko ang Mayon na unti-unting lumiliit at bumabalik sa pagka- symmetrical nito sa aking paningin habang kami ay papalayo nang papalayo sa biyahe. Match naman pala ang Mayon sa aking feed kung kinuhanan ko ito ng picture mula sa malayo. Sayang ang maayos na lighting kanina. Hindi ko naman makuhanan ngayon nang maayos kasi madilim na sa labas. Anyways,

37 tingnan ko na lang nga ang mga pictures namin doon. Pagbukas ko ng gallery, ang una kong nakita ay ang pictures naming buong pamilya. Ugh! Ang pangit ng ngiti ko dito ah. Tiningnan ko naman ang itsura nila mama, papa, at Alisa nang may bigla akong naramdaman na kiliti sa puso ko. Nakita ko ang kanilang mga ngiti na sa sobrang lawak ay umabot na sa kanilang tainga. Kung ipapakita ko ito sa ibang tao, ang una nilang pag-uusapan ay kung gaano kasayang tingnan ang aming pamilya sa simpleng picture na ito. Inangat ko ang aking ulo at isa-isa silang nilingon sa loob ng kotse. Si Alisa ay energetic na sumasayaw na para bang nakiki-jamming sa kantang tumutugtog sa radyo. Kinakanta naman ni mama at papa ang lyrics na para silang nagdu- duet sa The Voice kahit alam nilang hindi naman kagandahan ang kanilang boses. Tumingin ako sa labas at nakita ko sa salamin ng bintana ang isang image na hindi madalas nariyan: isang ngiting umaabot sa magkabilang tainga at dalawang matang nanlalambot sa saya.

38 Kamila Del Rosario

Transit

a tinagal-tagal ko nang rumaraket/nagpapanggap bilang isang psychic/ medium/espiritista/professional ghostbuster, may mga bago’t bago pa rin Spala akong matututunan mula sa aking line of expertise. Una, masarap palang kumain ng pichi-pichi habang naglalakad sa may istasyon ng sa LRT 2. Siguro dala ng pagod o siguro dahil minsan lang ako makatikim ng Amber’s sa mga kliyente (may pa-catering yung burol eh), pero hindi ko mapigilang sunod-sunod na isubo ang malalaking tipak ng pichi-pichi sa naglalaway kong bunganga. Hindi ko alam kung pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa angking kagandahan (naks!) o dahil ngayon lang sila nakakita ng babaeng kumakamay ng kakainin sa Katipunan. Sa totoo lang, hindi naman ako madalas nakakapaglibot sa Quezon City. Mas saulado ko ang ins and outs ng Maynila. Nanibago ako sa kapayapaan ng istasyon at sa klase ng mga tao dito. Malayong-malayo kung ikukumpara sa LRT 1 na para bang laging may zombie apocalypse na nagaganap sa mga platforms

39 nito. Dito, mukhang kalmado lang ang mga tao. Kalkulado ang paglakad at iisa ang nasa isip-- gusto ko ng umuwi. Bukod sa automated na boses ni Sue Ramirez na kumakanta ng “Let’s go, let’s go, let’s make it easy! GSM Blue Mojito!” at sa banayad na pag ugong ng mga riles ng tren, wala kang maririnig na iba pang ingay kaya masarap maglakad-lakad. Bonus na rin na malakas ang aircon. Buzz. Buzz. Buzz. Naudlot ang pagpasok ng panlimang pichi-pichi sa aking bibig nang marinig kong mag-alarm, este, mag-ring ang aking cellphone. Walang mintis. Eksaktong alas-nuebe ng gabi. Hindi talaga nauubusan ng load at pasensya si Mama ano? Hinayaan kong tumunog ang gadget hanggang tumigil ang ringtone. Pagkatapos, napatingin ako sa petsang umiilaw sa screen. November 1. Sumubo ulit ako ng panibagong pichi-pichi nang may halong sama ng loob. Anim na taon na pala. Bata pa lang ako, pinlano na nila Papa na magiging abogado ako. Kung hindi niyo kasi alam, angkan kami ng mga sikat na attorney sa bansa. Siguro nga kung nakakapagsalita lang si Spot, yung alaga naming aso, pinag-law school na rin nila. Hindi ko alam kung anong nakain ng nanay ko noong pinagbubuntis niya ako, pero sa aming magkakapatid, ako lang ang nahumaling sa pag-aartista. Natural, hindi ito nagustuhan nina Papa. Kung iisipin, wala naman talagang pagkakaiba ang artista sa abogado eh. Parehong kailangan magaling magsalita, mabilis mag-isip, malaki ang tiwala sa sarili. Parehong kailangan magaling mang-uto. Sinabi ko ‘to sa mga magulang ko at hanggang ngayon, maipapakita ko sa inyo ang bakas ng sampal na inabot ko mula sa pinakamamahal kong tatay pagkatapos kong bitawan ang aking pangangatwiran. “Hindi ka pa rin ba titigil?!” tanong/banta ng tatay ko sa akin, anim na taon na ang nakaraan. Galing ako sa pampito kong reject na casting sa araw

40 na ito. Isang taon na akong law school graduate at hindi pa rin ako kumukuha ng Bar dahil sa pagmamatigas kong makapasok sa showbiz. Siguro isa sa mga dahilan kung bakit talaga ako napamahal sa pag-arte ay dahil, at least dito, pwede ako maging kahit sino. Nakita ko na kung paano nasira sina Ate nang dahil sa pagtupad ng pangarap na hindi naman sa kanila. Hindi ako papayag na pati ako sirain nila. “Mag-aartista ako, Pa. Sa susunod na makita niyo ko, sa TV na ko lalabas.” Ito ang mga huling salitang iniwan ko kayna Papa. Simula nang araw na iyon, hindi ko na sila nakausap o nakita kahit kailan. Si Mama sinusubukan pa rin akong i-contact kahit ilang beses na akong nagpalit ng sim, pero hindi ko pa rin sila nakakausap magmula ang araw na iyun. Dito na nga nagsimula ang aking pakikipagsapalaran bilang isang aspiring artista. Akala ko papalarin na ako kapag pinutol ko na ang koneksyon ko sa aking pamilya, ngunit mas naging malala ang aking sitwasyon. Kung dati nakakatanggap pa ako ng second screening notice, ngayon tila kinakalimutan na ako ng mga casting agent. Hindi ko alam kung kailan ko eksaktong napagtantong itigil na ito, pero nang mahigit anim na buwan na akong palipat- lipat ng inaapplyan, mayroong misteryosong lalaking lumapit sa akin matapos ang isa kong audition para sa ABS-CBN. “May potensyal ka, pero hindi marketable ang mukha mo. Masyadong kuwadrado,” bulong niya sa akin. Sa puntong ito, wala nang ibababa ang aking pride at self-esteem. Lahat na ng klase ng panlalait narinig ko na. “Pero nakikita kita bilang artista, honestly. Con-artista nga lang,” dagdag ng lalaking nakabihis ng itim. Tumawa siya at nag-sindi ng isang sigarilyo. Inalok niya ako, ngunit tinanggihan ko ito. Ha? Con-artist? Manloloko? “Bihira akong mag-alok ng posisyon sa trabaho sa kung sino lang.

41 Alam kong walang-wala ka na. Naiintindihan ko. Ganyan rin ako dati,” patuloy niyang pagsasalita. Hindi ako umimik at bigla na lamang naglakad nang papalayo mula sa kausap. Hindi. Walang nakakaintindi sa akin. Wala. Hinabol ako ng lalaki at hinila sa braso. Umalma ako ngunit sinapawan niya ako. “Magaling ka! Maniwala ka sa akin. Hindi lang nila nakikita. Magagamit natin ‘yang talento mo sa panloloko,” bitiw niya. Napatigil ako sa aking pagpiglas. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakarinig ng balidasyon. Ako? Magaling? Nang hindi namamalayan, bumuhos ang mga luhang matagal ko nang tinatago. Hinila ako ng lalaki sa isang yakap. Mas napahagulgol ako. “Mali ‘yang Mama at Papa mo,” mahinahong sambit niya. Marami akong matututunan mula sa araw na iyon. Una, ito pala ang unang pagkakataong mararanasan ko ang panloloko ng mga Lobo sa ilalim ng Buwan Inc. Pangalawa, Kuliglig ang pangalan ng misteryosong lalaking kumausap sa akin. Kung inaakala mo na para ‘tong teleserye kung saan magsasama-sama ang mga ulila sa kalye patungo sa isang masmagandang kinabukasan, nagkakamali ka. Iba ang patakaran sa Buwan. Purely business. Ni-hindi ko nga alam ang tunay na pangalan ni Kuliglig at ang tunay niyang mga intensyon para sa akin. Ang alam ko lang, siya ang nagturo ng lahat ng manipulating tactics na alam ko sa kasalukuyan. Kinalaunan, tinuro niya rin sa akin yung mga ginamit niya noong araw na kinausap niya ako. “Coercion, validation at tamang pangungutya,” payo ni Kuliglig sa akin, ilang buwan makalipas simula noong pumasok ako sa grupo ng mga con-artist. “Eh, paano mo nalaman yung tungkol sa mga magulang ko?” tanong ko sa kanya. “Onting background check, pero mostly gut feel at deductive reasoning. Kadalasan naman ng mga nag-aartista either may gustong patunayan sa sarili

42 o may tinatakasan,” sagot niya habang nagsisindi ng isa pang sigarilyo. “Mag- observe ka kasing mabuti. Laki-laki ng mata mo oh,” biro niya. Sa Buwan Inc., kilala ako bilang si Kuwago. Gaya ng sabi ni Kuliglig, malaki raw kasi ang mga mata ko. Dito sa Buwan, codename lang ang tawagan ng mga tao. Ang tanging palatandaan na parte kami ng misteryosong organisasyon ay ang isang maliit na tattoo ng lobo (werewolf ) sa aming kaliwang braso. Sabi ng iba, werewolf raw dahil nagpapalit-palit kami ng anyo sa ilalim ng Buwan. Sa Pilipinas, hindi kami masyadong pansinin kahit matagal nang rumaraket ang aming grupo. Madali kasing maloko ang mga Pinoy at mapaniwala sa kung ano-ano. Baka nakausap ka na ng isa nang hindi mo namamalayan, pero maraming klase ng con-artist sa ilalim ng Buwan Inc. Ang mga matatalino at masisinop sa pera, kabilang sa mga investment scams at pyramid schemes. Ang mga may pinag-aralan, nagtratrabaho para sa mga kurap na politiko. Ang mga maliliksi at malakas ang loob, mga hitman. Ako naman, dahil magaling ako umarte at makiramdam, sa paranormal branch ng Buwan ako nagtratrabaho bilang isang espiritista. Daan-daan na ang bilang ng mga naloko, napaiyak at napaniwala ni Kuwago, ang Espiritista, pero sa limang taon kong pagpapanggap bilang medium, ngayon lang ako nakakuha ng kliyenteng katulad ng mga Le Desma. Unang-una sa lahat, 15, 000 pesos ang ibinayad sa akin ng pamilya para makausap ang espiritu ni Williard, ang yumaong unico hijo ng pamilya. Ayon sa post ng kaibigan ng tito ni Williard, namatay ang binata sa kanyang pagtulog. Binangungot at hindi na nagising muli. Kinaumagahan na nalaman ng mga Le Desma na namatay ang kanilang kaisa-isang anak. Kaarawan niya sana ngayong Nobyembre 1. “Williard, naririnig mo ba kami?” tanong ko sa kawalan kaninang

43 ala-sais ng hapon. Malaki at malinis ang silid ng binatang namayapa. Gawa sa matibay na kahoy ang mga dingding at pati na rin ang mga kagamitan sa loob ng kuwarto. May pagkaantigo ang aesthetic ng bahay, nababagay sa setting na aking hinahangad para sa pakikipag-usap sa mga kaluluwa. Hindi ko na maalala ang mga sinabi kong kasinungalingan sa pamilyang nagluluksa kanina. Kung magiging tapat ako sa inyo, pilit ko talagang kinakalimutan ang mga nangyayari sa aking mga “paranormal sessions” dahil hindi kinakaya ng aking konsensiya. Masyadong mabigat para sa akin at nakakawala ng pokus sa trabaho. Kung tatanungin mo ako, dalawang bagay na lang ang naalala ko mula kanina: una, ang nakakatakam na handang pichi- pichi sa burol at pangalawa, ang nakakakilabot na pagngawa ni Gng. Le Desma nang sabihin kong ayaw pang mamatay ni Williard.

Kung sasabihin mong kasama sa listahan ng mga mangyayari sa akin ngayong araw ang mabulunan sa katakawan, baka nasapak kita. Pero, heto tayo ngayon, at namumuwalan ang bibig ko sa tatlong magkakakabit na pichi-pichi. Napakabilis ng mga pangyayari. Noong una, nakaabang lang ako sa paparating na tren. Tapos, nakita kong may tatlo pang natitirang dilaw na bola sa tupperware ko. Tapos ngayon, heto na ko, malapit nang maubusan ng hangin. Sinubukan kong humingi ng tulong ngunit lalong bumara ang malagkit na kakanin sa aking pharynx. “Gwoagh-” aking . Nagsimula nang magdilim ang paningin ko sa pinaghalong taranta at kawalan ng oxygen. Tumakbo ako papunta sa mga tao, nagmamakaawang may marunong mag-Heimlich. Tila ba maraming nakatingin, ngunit walang nakakakita. “Gusto ko ng umuwi… gusto ko ng umuwi…” ang sabi ng kanilang mga patay na titig.

44 Ang dating maamong mukha ni Sue Ramirez ay biglang nag-transform sa isang demonyong pinagtatawanan ako. “Let’s go, let’s go, let’s make it easy....” Ito ang mga huli kong narinig bago ako makaramdam ng malakas na hampas mula sa aking likuran. Biglaang naglaho ang bara sa lalamunan at walang pasintabing nagpilit pumasok ang hangin sa labas sa loob ng aking baga. Naiyak ako sa tuwa. Nakakahinga na ako ulit! Nang makakuha ng sapat na lakas, doon ko lang napansin na nasa loob na pala ako ng bagon ng tren. Bago pa ako makapagtaka kung san ko naluwa yung mga pichi-pichi, naagaw ang aking atensyon ng isang lalaking nakatungo sa may gilid, nangangamatis ang mukha at nakatitig sa akin. “Sorry,” bulong niya. Tinitigan ko lang siya nang mabuti. Simple lang ang damit ng lalaki. Asul na pantaas at maong na pantalon. Hindi mukhang magkalayo ang mga edad namin. Inayos ko ang aking sarili at naglakad nang marahan patungo sa bakanteng upuang malapit sa may pinto ng tren. Umupo naman ang lalaki sa aking harapan. Kahit nasa malayo, bakas ang pagkabahala ng kasama. “Okay ka lang ba?” dagdag ng binata. Dahil sa kalikasan ng aking trabaho, hindi ako madalas nakikipag-usap sa mga tao. ‘Yan ang numero unong payo sa akin ni Kuliglig. Delikado ang pagkakaroon ng kaibigan. Para kang namimigay ng libreng mga bala para sa sarili mong baril. “Okay lang ako. Salamat,” tugon ko. Sana maintindihan niyang wala ako sa mood makipag-usap. Tumingin ako sa paligid at napansing medyo marami ang sakay sa tren na ‘to, ngunit nakakabingi ang katahimikan sa loob. Hmm, sabagay last trip na rin naman ito. Maraming gusto na lang umuwi. Sumandal

45 ako sa salamin ng tren at napapikit sa pagod dulot ng lahat ng mga nangyari sa akin ngayong araw. Nang malapit na akong makatulog, narinig ko nanamang sumingit ang boses ng lalaking nakaasul. “San punta mo?” Napabaling ang aking ulo sa direksyon ng nagtatanong. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha, pero kahit mula sa distansiyang ito, ramdam na ramdam ko ang pagkabalisa ng lalaki. “Ikaw ba. San ang punta mo?” balik ko sa kanya. Ano bang trip nento? Napakamot sa kanyang batok ang binata. “Hindi ko alam eh... Nali- naliligaw ata ako...” Katahimikan. Anong akala niya sa akin? Waze? Naramdaman kong hindi ko magugustuhan ang mga susunod na sasabihin niya kaya napagdesisyunan kong manahimik na lang. “Pwede mo ba ako tulungan?” tanong niya. Sa puntong ito, kung susundin ko ang mga tinuro sa akin ni Kuliglig, dapat bumaba na ako sa susunod na istasyon. Masyado nang matagal ang aming pag-uusap. Ngunit, kung susundin ko naman ang sarili ko, mananatili ako sa tren na ‘to. Kahit labag sa aking kalooban, malaki ang pagpapahalaga ko sa utang na loob. Obligado akong tulungan ang taong nagligtas sa buhay ko. Napabuntong-hininga ako at nagtanong, “San ba ang baba mo? Sa may Recto ba?” Umiling ang kausap. “Legarda?” Umiling ulit siya. “Betty Go- Belmonte?” Isa nanamang iling. Hindi ko napigilang lumabas ang inis sa aking boses. “Eh, paano kita tutulungan niyan?” bato ko sa kanya. Niyakap ng lalaki ang kanyang sarili at bumulong. “Ang totoo, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pinalayas ako sa amin eh.” Nagulat ako nang biglang umiyak ang lalaki sa harap ko. Hindi ko

46 mapigilang maalala ang sarili ko sa kanya. Kaawa-awa. Napakahina. Nakakadiri. “Malabo pa sa ngayon, pero ‘yan ang isa sa mga pinakamagandang mangyayari sa buhay mo.” Bago ko pa mabawi ang mga salitang dumulas sa bibig ko, sumagot ang lalaki. “Paano mo nasabi?” tanong niya. Uminit bigla sa loob ng tren. Kailangan ko nang makababa. “Ngayong wala nang nakatali sa’yo, pwede mo na gawin lahat ng gusto mo. Mag-drugs, magnakaw, mag-asawa, lahat! Ito na yung oras na pwede mong patunayan sa mga nagpalayas sa’yo na nagkamali sila. Ngayong mag-isa ka na lang, ipamukha mo sa kanila na kaya mong ikaw lang.” Napatigil ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ng sarili kong mga luha. Sa lahat ng mga kasinungalingang binatawan ko sa buhay ko, ito ata ang pinakamapait. “Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo, pero maniwala ka sa akin. Ikabubuti mo ‘to. Ganyan rin ako dati.” Hindi. Umuwi ka na. Wala kang mapapala sa pagmamataas at pagmamatigas. Umuwi ka na. Umuwi ka na. Umuwi ka na! “Salamat, Gertrude.” Buzz. Buzz. Buzz. Bago ko pa mapagtanto kung anong nangyari, nagring na naman ang telepono ko. Hindi naman tumatawag si Mama nang ibang oras. Binuksan ko ang screen ng cellphone ko at kinilabutan. 9:00 PM. “Si-sino ka?” nanginginig kong tanong. Unti-unting tumayo ang balahibo sa aking leeg. Hindi ako pinansin ng lalaki. “Salamat dahil kinausap mo si Mama para sa akin. Ma-mimiss ko siya pero tama ka, ito na ata ang baba ko,” sambit niya sa akin. Ang dating nakaupong

47 estranghero ngayon ay nakatindig sa may pinto. Bakit kaming dalawa na lang ang nandito? Sumilip ako sa labas ng bintana, ngunit nasuka ako sa aking nakita. Purong itim. “Tingin mo ba sa langit ako mapupunta? ‘Di ko pa naman talaga gustong umalis eh. Andami ko pang pangarap.” Sinubukan kong tumayo, ngunit napako ako sa aking upuan. Parang may pabigat na bumalot sa mga binti ko. Sumigaw ako ngunit walang boses na lumabas sa aking lalamunan. Nagsimulang mag patay-sindi ang mga ilaw sa loob ng tren. Biglang tumunog ang cellphone ko na parang sirang plaka. Tunog- bakal, nakakasugat ang talas ng tinig. Lumingon sa akin ang lalaki. Unang beses na natitigan ko nang mabuti ang kanyang mukha. Hindi. Pangalawa. Ang una ay sa likod ng salamin ng kabaong. “Salamat sa pang-uuto sa akin ulit. Parang awa mo na, umuwi ka na.” Bumukas ang pinto ng tren at nag-isang katawan si Williard Le Desma sa walang katapusang karagatan ng itim. Sa aking bulsa, mayroon akong naramdamang malagkit na sumulpot. Amoy cassava. Nakakasuka.

TV PATROL Isang di-makilalang babae ang natagpuang walang-malay sa istasyon ng LRT 2 Katipunan bandang alas-nuebe ng gabi kahapon. Agad siyang dinala sa pinakamalapit na ospital kung saan pinuntahan siya ng kanyang mga magulang. Stable na ang kondisyon ng babae. Sa ating mga biyahero, tandaan na laging mag-iingat. Maraming salamat po at magandang gabi.

48 Princess Hazel D. Pelipel

Kambal

itong taong gulang na kami ni Nico ngayong taon at sabi ni Papa na parehong seksyon na lang daw kami ngayong unang baitang para paghatian Pna lang namin ang mga gamit tuwing may klase. Hindi naman na bago sa akin na makipaghati sa kambal ko. Mula pagkain sa bahay hanggang gamit sa eskwelahan, sabi nila Papa kailangan namin paghatain ang mga ito. Dahil lagi kaming naghahati, lagi rin kaming nagpapaligsahan ni Nico. Noong isang araw, nagpaunahan kaming tumakbo mula sa dulo ng kalye hanggang sa bahay para malaman kung sino ang makakakuha ng mas malaking hati sa mga pagkaing binibili nila Mama. Tuwing gagamitin naman ang nag- iisa naming puting sapatos panlabas ay naglalabanan kami kung sinong mas maraming mahahakot na bote galing sa mga basurahan sa paligid ng aming kalye. Hindi lang itsura at edad ang pareho sa’min ni Nico, pareho din daw kami ng payat at liit kaya halos pantay lang ang labanan kada paligsahan. Lagi kong inaabangan ang paglabas ng mga estudyanteng nasa unang

49 baitang galing sa kanilang klase dahil gustong-gusto ko na ring maging katulad nila. Nakamamangha ang mga puti at bughaw nilang uniporme. ‘Di bale na kung puro mantsa o gusot ang mga ito, buti pa sila may sariling uniporme at sapatos na isinusuot tuwing klase. Sana sa pagsimula namin ni Nico ng unang baitang ay mabibigyan na rin kami ng sari-sarili naming mga gamit at uniporme. Nakakapagod na ring makipagkompetensya kay Nico araw-araw. Makakatulog ako nang mahimbing ngayong gabi dahil bukas na kami pupunta ng eskwelahan para mag-enroll at bumili ng mga gamit matapos ang ilang buwan naming pagtambay sa bahay at pagtulong kay nila Mama sa trabaho at gawaing bahay.

aggising ko ay nakita kong bumangon na kaagad si Angelo mula sa aming kama para maligo at maghandang umalis. Nawala lahat ng antok ko at Ppinilit kong buhatin ang sarili para maunahan si Angelo maghanda. Siguradong pinilit niyang magising nang mas maaga kesa sakin para mauna niyang masuot ang nag-iisang panlabas naming sapatos. Wala nang oras ngayong umaga para magpaligsahan sa paramihang makuha na bote kaya binilisan ko na lang ang pagligo ko. Halos wala pa sigurong apat na buhos ng tabo ay natapos na akong maligo. Nang makita ako ni Angelo ay sumunod na rin siyang tumakbo papunta sa kwarto para magbihis. Tinulak ako ni Angelo at hinila ang mga damit ko papalayo para maunahan akong magbihis, pero halos sabay lang din kami natapos at tumakbo papunta sa pasukan ng aming bahay kung saan nakalatag ang iilang sapatos at tsinelas naming pamilya. Kulang na lang ay magsabunutan kami ni Angelo hanggang sa wakas ay nahablot ko ang kaliwang ng sapatos. Laking tuwa ko nang makuha ko

50 ang sapatos pero pagtingin ko kay Angelo ay hawak na rin niya ang kanang pares nito. “Akin na ‘yan! Ako unang nakakuha eh!” sigaw ni Angelo. Hindi ako pumayag kaya hinamon na lang ako ni Angelo nang palayuan ng talon. Inusog namin ang maliit na lamesang nakaharang sa kainan para magbigay espasyo sa aming paligsahan. “Isang round lang ‘to ah!” hamon ko sa kambal ko, “bilisan mo patapos na si Papa maligo. Ikaw na muna tumalon.” Naghanap ng piso si Angelo para markahan ang layo ng kaniyang talon at ginamit ko na lang ang sapatos para markahan ang layo ng akin. Tumalon si Angelo papunta sa kabila ng kainan at halos kasing haba ko siguro kung nakahiga ang talon niya. Sinubukan kong tapatan ang layo ng kaniya pero isang daliri siguro ang pagitan ng sapatos ko sa piso niya. Siya ang nanalo.

ahan-dahan akong naglakad sa makitid na kahoy na nagdudugtong sa bahay namin sa dulo ng kalye na tinatayuan ng aming bahay. May sapa Dkasi sa pagitan ng kalye at mga bahay, at malakas ang amoy ng tubig dito dahil sa ipon na mga basura. Sa ibang araw siguro ay hindi na ako kinakabahan sa pagdaan dito, pero bawat araw na suot ko ang puting sapatos na pinaghahatian namin ni Nico ay sinisigurado kong dahan-dahan akong dumadaan dito, hindi lang para hindi ako mahulog sa sapa, pero para hindi madumihan ang puting sapatos sa aking paanan. Nagtungo kaming tatlo nina Papa at Nico papunta sa eskwelahan at pagkatapos mag-enroll ay dumiretso na kami sa paghahanap ng sapatos

51 at uniporme para sa eskwelahan. Sa wakas ay makakapili na ako ng sarili kong mga gamit. Sinukat namin ni Nico ang mga bago naming uniporme at itim na sapatos bago ito binayaran ni Papa. Naghanda si Papa ng pera bilang pambayad sa mga uniporme at gamit pang-eskwelahan, pero siguro hindi ito nagkasya dahil lumingon siya sa amin at sinabi, “Anak, isang sapatos na lang muna siguro ang kunin natin. Kulang pa kasi ang dala ni Papa na pera ngayon. ‘Pag Grade 2 na kayo, hindi niyo na kakailanganin maghati rin sa school shoes, pangako ‘yan!” Ngumiti na lang si Papa habang binabalik ang sapatos na pinili ko para sa sarili ko. Hati nanaman kami ni Nico. Umuwi akong nakayuko sa puting sapatos na napanalunan ko kaninang umaga. Masaya na rin siguro ako sa mga uniporme at gamit na binili namin ni Papa. Buti na lang at may gamit na rin ako na ‘di namin paghahatian ni Nico.

agising ako isang umaga sa tawag ni Mama para kumain ng almusal. Sabay kaming nagising at bumangon ni Angelo at nagtungo sa kainan. May Nnakalatag na dalawang maliit na isda at isang plato ng kanin. Nagkatinginan kami ni Angelo. Siguradong hahamunin nanaman ako nito kung sinong makakakuha ng mas malaking hati ng isda. Napansin siguro ni Mama ang masamang mga tingin namin kaya nauna na niyang hinati ang kanin at isda sa aming apat. Hindi lang kami sa pagkain naghahati ni Angelo. May isang araw kada linggo kung saan kailangan naming tulungan si Mama maglaba sa umaga at tulungan si Papa mag-ikot sa bayan para magbenta sa hapon. Martes ang araw ko at Huwebes naman kay Angelo.

52 Martes ngayon kaya si Angelo ang naghugas ng kinainan namin ngayong umaga at tumungo naman ako sa likod ng bahay para tulungan si Mama maglaba. Dahil malapit na ang pasok naming dalawa, mas madalas na raw namin kakailanganin maglaba dahil tig-isang uniporme lang ang nabili namin para sa limang araw na pasok kada linggo. Hindi naman karamihan ang mga damit namin para iwasang mag-ulit ng mga sinusuot kaya halos araw-araw ay kinakailangan ni Mama maglaba. Pagkatapos namin ni Mama ay hinintay ko na lang si Papa para lumibot na kami ng bayan at magbenta ng na nakukuha niya sa aming mga kapitbahay. Kung hindi man balut ay ang binibigay ng aming kapitbahay na si Aling Nena para tulungan silang makabenta. Hindi tumitigil si Papa hanggang malibot niya halos bawat sulok ng mga baryong pumapayag na papasukin siya. Nakakahanga ang pagsisikap ni Papa kaya hindi na ako nagreklamo kahit pagod na pagod na ang mga paa ko. Bago pa lumubog ang araw, sinimulan na namin ni Papa maglakad pabalik sa bahay. Dinaanan namin ang karinderya nina Aling Nena kaya naisipan na lang ni Papa bumili ng ulam. Mukhang labag pa nga sa kaniyang loob na bawasan ang maliit na kita niya ngayong araw pero alam niya namang wala siyang magagawa dahil maghahapunan na. Pag-uwi namin sa bahay ay nakahanda na ang lamesa at hinihintay na lang nina Angelo at Mama ang pagkaing dala namin. Nagkatinginan ulit kami ni Angelo at naisipan kong ibigay na lang ang mas malaking hati ng ulam sa kaniya kapalit ng pagsuot ko sa bagong itim na sapatos para sa unang araw namin ng pasukan. Hindi naman tumanggi si Angelo kaya kinain ko na lang ang mas maliit kong hati at dumiretso na sa kama para matulog. Mahimbing ang tulog ko ngayong gabi dahil bukas na ang unang araw

53 namin sa school. Masusuot ko na ang bagong laba kong uniporme at bagong bili na sapatos.

agandang umaga po Teacher Julie at mga kaklase,” masaya kong binanggit sa harap ng aking klase, “Ang buong pangalan ko po ay “MAngelo C. Ramos. Pwede niyo po akong tawaging Gelo. Ako po ay seven years old at mahilig po ako maglaro sa labas.” “Magandang umaga. Ako po si Dominic C. Ramos. Nickname ko po ay Nico. Seven na rin po ako ngayong taon. Mahilig po ako magdrawing,” kalmadong sinabi ni Nico bago bumalik sa kaniyang upuan. Unang araw na namin ng Grade 1 at abot tenga ang ngiti ko buong lakad namin papunta rito. Si Teacher Julie ang guro ko at ipinaalam daw sa kaniya ni Papa na ilagay kami ni Nico sa iisang silid aralan. Mapagkumpitensya kasi kaming dalawa ni Nico kaya hindi ako masyadong natuwa na maghahati nanaman kami hanggang sa paaralan.

uwing klase, lagi kaming nag-uunahan ni Angelo, maging sa pagpasa ng pagsusulit o pagsagot ng tanong ng guro. Bawat klase siguro ay kaming dalawaT lang lagi ang nagsasalita tuwing recitation. Ngayong araw, ibabalik na raw ni Teacher Julie ang pagsusulit sa spelling na kinuha namin noong nakaraang linggo. Hindi ako masyadong sigurado kung nasagot ko ba nang tama ang bawat salita kaya kinabahan ako nung ipinasa na isa-isa ang mga papel. Isa na lang ang exam namin pagkatapos nito kaya kailangang mataas talaga ang score na makuha ko. Buong linggo akong nag- aral para sa exam namin sa Miyerkules. “Angelo,” tawag ni Teacher habang inaabot ang papel niya.

54 “Nico,” sunod niyang tinawag. Nagkatinginan ulit kami ni Angelo bago ko tinignan kung ano ang score na nakuha ko. Matindi ang kaba ko dahil halos lahat, kung ‘di man lahat ng quiz na-perfect ng kambal ko. Yumuko ako para dahan-dahang tignan ang numero na nakasulat sa itaas ng papel. 29/30. Halos mapasigaw ako sa tuwa nang makita ko ‘yon. Tuwang tuwa na sana ako hanggang makita kong abot tenga rin ang ngiti ni Angelo. Naka- perfect siguro siya. Pareho kaming nagsisikap mag-aral dahil pinapangarap namin maging guro pagkatapos ng aming pag-aaral. Napamahal na rin ako sa pag-aaral dahil laging natutuwa sina Mama tuwing umuuwi kami at nagkukwento ako ng mga napag-aralan namin. May mga bagay kaming natututunan na hindi pa alam nina Mama kaya sinisikap kong pag-aralan at alalahanin ang mga tinuturo sa school para ituro ko rin kay nila Mama. Umuwi akong nasasabik na ikwento kay nila Mama na naka-perfect ako sa exam, pero pagdating namin sa bahay, seryoso ang ekspresyon sa mga mukha nila Mama. Para bang nanlalamig ang hangin sa loob ng aming bahay. Dahan- dahan kaming pumasok sa loob at pinaupo kami nila Papa sa may kainan. “Mga anak, hindi na talaga kaya ng pera nila Mama na pag-aralin kayong dalawa sa susunod na taon. Uniform niyo palang ay lagpas na ng budget ni Papa. Isa lang siguro sa inyo ang kaya pa namin pag-aralin. Siguro mas mabuti kung tumulong muna ang isa sa inyo sa susunod na taon na magbenta at magtrabaho kasama si Papa sa bayan,” banggit ni Mama. Tinanong ni Angelo kung paano nila pagpipilian kung sino sa amin ang magpapatuloy sa pag-aaral. Hindi makasagot sina Mama at nagtinginan na lamang na para bang hinihintay nila magsalita ang isa. “Kung sino man ang may mas mataas na grado ngayon taon, siya ang

55 tutuloy sa Grade 2,” hamon ni Angelo. Tinanggap ko ang hamon niya. Kahit lagi akong natatalo sa kanya, alam kong buong linggo ako nag-aral para sa huling pagsusulit namin ngayong taon kaya sigurado akong may pagkakataon akong manalo laban kay Angelo.

iyerkules na. Araw na ng aming huling pagsusulit ngayong taon at nagising ako sa boses ni Papa. Alas singko pa lang siguro nang umaga ay Minutusan na ako ni Papa na bumangon. Kailangan niya raw ng kasama umikot mula umaga hanggang maghapon para ibenta ang natitira nilang ulam. Alam kong mahihirapan si Papa magbenta mag-isa buong araw kaya pumayag na lang akong sumama kahit ibig sabihin nito ay malalamangan na ako ni Nico. Lagi ko siyang naririnig na sayang-saya tuwing umuuwi kami at matuturo na niya kay nila Papa ang mga napag-aralan namin. Siguro naman pwedeng turuan niya na lang din ako sa susunod na taon.

iyerkules na. Mag-isa akong nagising sa kama namin ni Angelo. Saan sila pumunta? Sigurado naman akong hindi ako nahuli sa paggising Mdahil naghahanda pa lang si Mama ng almusal. Pansin kong wala rin si Papa sa bahay. “Mama, asan sila Gelo?” tanong ko sa Nanay ko habang siya’y naglalapag ng dalawang plato sa ibabaw ng lamesa. “Mag-absent daw muna si Gelo ngayon, ‘nak. Tinulungan niya si Papa mo magbenta. Inagahan lang nila baka sakali mas maraming mabenta,” sagot ni Mama sakin nang para bang hindi niya alam na may importante kaming pagsusulit ngayong araw. Hindi naman siguro nakalimutan ni Angelo ang hamon niya sakin.

56 Pumasok akong mag-isa at tinapos ang pagsusulit. Siguradong ako na ngayon ang mananalo sa hamon ni Angelo. Malungkot akong umuwi galing eskwelahan ngayong araw. Tinanggal ko at pinagmasdan ang itim na sapatos na hindi ko na kailangang ipahiram. Pinangako nga naman talaga ni Papa na hindi na kami maghihiraman sa susunod na taon. Ngayon lang ako nalungkot na manalo laban kay Angelo.

57 Ver Ona

Home Alone

upungas-pungas pa rin ang hitsura niya mula nang bumangon sa kama at libutin ng paa ang sahig para hanapin ang pares ng gomang tsinelas Phanggang sa makaupo sa upuan sa hapag-kainan sa unang palapag. Kinuskos niya ang namumugtong mga mata pagkuwa’y lumingon sa nakasabit na orasan sa dingding upang bahagyang maaninagan ang oras. Alas-onse y medya na. Hindi ininda ni Renz ang kirot ng likod at ang pakiramdam ng pagkayugyog ng ulo dulot ng mababaw na tulog. Balewala rin ang kakarampot na tulog niya makaraang tatlong araw dahilan ng puspusang pag-aaral para sa final exams nila sa eskuwela noong nakaraang tatlong araw. Puyat man, ang mahalaga ay tapos na ang linggo at lalong mas mahalaga pa ay dumating na ang espesyal na araw ngayon. Kaya naman nang isubo na niya sa unang pagkakataon ng araw na iyon ang kutsarang puno ng kanin at pritong matambaka, hindi namalayan ni Renz ang mga gumagapang na tuldok na nakitiyempo ng pasok sa bukana ng

58 bibig niya. Nakailang nguya muna si Renz nang mapatigil siya at bahagyang mamutla ang mukha bago tuluyang sumabog sa isang ungol. Tumili ang mga binti ng inuupuan niya nang dagling itulak ang sarili palayo ng mesa. Pirming nakabuka ang bunganga niya habang nagmamadaling tumayo nang hindi na mabulabog ang mga bwisita sa nguso. Katapat lang ng lababo ang pader na pumapagitna sa kusina at silid-kainan kaya mabilis na tumakbo siya para magmumog at magbanlaw ng bibig. Nang tuluyang magising si Renz sa haplos ng malamig na tubig at kaninang pagkagulantang, bumalik siya sa kinakainan at saka lang napagtanto na ang kaninang munting agahan niya ay pinagpipiyestahan pala ng sandamakmak na langgam. Dagling humugot si Renz ng tisyu at ipinunas sa plato. Kinuha ang mga apektadong matambaka at binanlawan sa lababo. Pinag-iisipan pa niya kung kakaiinin pa ito o hindi, kung pipiliin ba niyang mandiri o hindi. Pagtapos ay sinundan ni Renz ang bakas ng mga pesteng langgam sa lamesa. Nagsimula siya sa pinangyarihan ng krimen: sa gitna ng mesa, sunod ay sa isang binti nito, pagdating ng ibaba ay tinawid ang sahig patungo sa dingding na katabi ng kusina, umakyat ito pagtapos ay lumiko papunta sa kabilang panig at nagtapos sa isang siwang sa sulok ng paminggalan at pader na pinanggagalingan ng mga langgam. Sa malayo, mistulang mga footprints ng isang tao sa isang disyerto ng Sahara ang bakas ng mga langgam, o kaya naman isang mahabang bangketang puno ng mamimiling abalang pumaroon sa kung saan. Ano man ang hitsura ng bakas na iyon, balewala kay Renz nang kunin niya ang spray ng nilabnaw na dishwashing liquid, asintahin at paulanan ng pamatay na likido ang kuta ng mga peste. Pinapalibutan ang bahay ng pamilya ni Renz ng matataas na bakod, kagaya ng sa mga kahilera nitong bahay, maging ang mismong subdivision nila

59 na nasa Quezon City. Kasya ang dalawang kotse sa garahe nito: isa para kay Ma at isa para kay Pa. Bawat kuwarto ay may balkonaheng sadyang nakaposisyon sa direksiyong masisilayan ng pagsikat at paglubog ng araw ang sinumang tumayo rito. Pero walang pinipiling laki o gara ng tahanan ang mga langgam. Kahit anong tayog o kapal ng pader, lulusot at lulusot pa rin ang mga ito sa mga siwang at biyak. At dadami ito nang dadami lalo na kung, sabihin natin, may pinabayaang nakatiwangwang na pritong matambaka sa hapag-kainan. Alam na ito ni Renz. Ang pinagtataka niya lamang ay kung bakit naiwang walang takip ang tirang ulam kagabi. Tiniyak niyang takpan ang ulam pagkatapos hugasan ang pinagkainan at bago pumanhik sa kuwarto upang matulog. Malamang ay isa sa magulang niya ito. Maaaring nakaligtaan nila ito dahil sa pagod galing sa trabaho. Gabing gabi na kasi kung makauwi ang parehong magulang ni Renz. Ang papa niya ay nagtatrabaho bilang budget analyst sa isa sa mga kumpanya sa Ortigas kaya naman araw-araw itong nakikipagsapalaran sa kalbaryo ng EDSA. Naaabutan pa ni Renz ang papa niya sa umaga pero halos parati silang ngarag sa oras ng pasok. Ang Mama naman niya ay hands-on sa dalawang branch ng self service laundry shop nito. Ilang beses siyang palipat-lipat sa isang araw para bisitahin at kolektahin ang mga audit book thingy. Buong araw siyang nasa isang shop at tumutulong sa mga tauhan pagsilbihan ang mga parokyano. Pero mas lalong naging abala ang nanay ni Renz ngayong pinapaalis na siya ng landlady sa unang palapag ng inuupahan nila. Plano kasi nitong gayahin ang negosyo ng nanay ni Renz kaya magtatayo ito ng sariling laundry shop. Hindi makapaniwala si Renz noong mabalitaan niya ito. “Ha? Parang ang daya naman nun, Ma.” Marahan itong sinagot ng mama niya, “Ganun talaga ‘nak eh.” Iyong sa nanay niya kasi ang pinakaunang laundromat sa lugar nila.

60 Hindi tulad ng sa mga nakasanayang laundry shop, dalawang oras na lang ang paglaba at pagpapatuyo sa mga labada kaya pumatok sa mga tagaroon. Kaya naman plano na ngayon ng landlady na angkinin ang kapaki-pakinabang na negosyo sa lugar habang abala ang mama ni Renz sa paglilipat ng lahat ng machine sa bagong uupahan.

atapos ituloy ni Renz ang pagkain sa natitirang isda, hinugasan niya ang ginamit na pinggan at iniurong ang upuan pabalik sa ilalim ng Mmesa. Aakyat sana siya ng kuwarto niya nang biglang tumunog ang doorbell. Dumiretso siya sa sala. Binuksan ng bahagya ang pinto. Nang masilip sa harapan ng gate nila ay naroon ang kumakaway na anak ng kapitbahay nilang si Juvy, mabilis na lumabas si Renz sa garahe para lapitan ito. Napansin ni Renz na may dala-dala ang dalaga at napangisi dahil dito. Iisa lang siguro ang dahilan kung bakit, niya. “Happy birthday Renz!” inabot ni Juvy ang kahon na may lamang kalahating-dosenang chocolate cupcakes, “Kami may gawa niyan.” “Salamat, ‘Te Juvy!” Sakto, gustong-gusto pa naman ni Renz ang mga cupcakes na ito. Hindi dahil chocolate ito, pero dahil ito ang specialty ng nanay ni Juvy. Minsan na rin kasing natikman ni Renz ang gawa ng nanay ni Juvy, o kung tawagin niya ay Tita Ne. Malapit ang mga pamilya nina Renz at Juvy. Ang nanay kasi nilang dalawa ay malapit na magkaibigan noong nasa kolehiyo pa. Noong Disyembre, nagkainan pa nga ang dalawang pamilya sa bahay nina Juvy para magka-mini Christmas Party at doon naging paborito ni Renz ang cupcakes na gawa ng nanay ni Juvy.

61 umalik sa isip ni Renz na espesyal na araw nga pala ngayon. Ito ang araw ng 18th birthday niya at bawat taon parte na ng kanyang ritwal ang linisin Bang buong bahay. Nabasa niya kasi sa internet ang tungkol sa tradisyon sa Japan ng paglilinis din ng bahay para salubungin ang bagong taon at ma-purify ang bahay. Pero hindi naman naniniwala si Renz sa kung anong maligno o masamang espiritong nasa bahay nila. Kung tutuusin, madalas naman siya maglinis dahil pakiramdam niya therapeutic ito lalo na’t mag-isa siya madalas sa bahay. Ang sa kanya lamang, lalo na tuwing kaarawan niya ay nais niyang mawala ang tila sumpa tuwing araw na ito bawat taon. Palagi kasi tuwing birthday niya ay may hindi magandang nangyayari sa pamilya nila. Noong birthday niya last year, nakapag-celebrate naman silang pamilya sa simpleng pagkain sa labas pero halata ang ilangan sa pamilya. Nakatutok ang bawat isa sa kanya-kanyang cellphone at walang nagsalita masyado sa hapag-kainan maliban na lang para sabihin sa waiter ang kakainin nila. Isang araw kasi bago ito, nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng bawat isa sa kanila.

y gosh, kailan ba kayo titigil magpagalingan kung sino mas tama!” Nagkaroon ng pansamantalang kapayaan sa loob ng kotse “Mnang sumigaw si Renz. Nagkatinginan ang dalawa at biglang pinako ang tingin sa daan. “Ang nanay mo ang sisihin mo,” pahabol na banat ng papa niya. Kani-kanina lamang ay nagbabangayan ang dalawa kung dapat bang tinuloy ng tatay ang pagpasok sa isang eskinita. “Two way ito.”

62 “E nakita mo ngang may malaking truck o.” “Edi Bumuwelta ka.” “Teka! Kita mo naman yung mga kotse sa likod.” “O, ‘di diretso mo na!” “Wala na. Ito na, leche ka!” Hindi na bago kay Renz ang ganitong eksena. Maski sa maliliit na bagay ay nagkakaroon ng kompetisyon sa pagitan ng mga magulang niya.

umalik sa loob ng bahay si Renz at kinuha ang walis at dust pan. Sinimulan niyang ipunin ang mga samu’t saring dumi sa sahig sa sala at sunod sa Bkusina. Nang makabuo na siya ng dalawang hiwalay na maliit na punso ay winalis niya ito at itinapon sa basurahan. Sinunod niya ang paglalampaso sa sahig. Gamit ang basang mop at sabon, sinimulan niyang lampasuhin ang sahig mula sa pintuan upang hindi maapakan ang nabasa nang sahig. Inulit niya ang ganitong proseso para sa lahat ng kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay nila. Pinalitan na rin niya ang mga sapin ng higaan at punda ng unan sa parehong kuwarto niya at mga magulang niya. Halos matapos na siya sa kakalinis sa ikalawang palapag nang masulyapan ang mahabang linya ng mga langgam sa dingding ng pasilyo. Nanggigil si Renz nang makita muli ang mga peste kaya’t kinuha nito ang Baygon. Mas matindi ito kumpara sa sabon. Mula sa itaas, ini-spray ni Renz ang Baygon pababa hanggang sa isang sulok sa dingding at pintuan ng kwarto niya. Meron pa siyang namataan pati sa kwarto ng mga magulang niya. Sa pagkakataong ito, nagtipon-tipon naman ang mga langgam sa pasimano ng bintana nila. Mainam dito ang tawas, bati ni Renz. Baka nanggagaling sa labas

63 ang mga langgam kaya’t para hindi sila pumasok nang pumasok ay binuhusan ni Renz ang kawawang mga langgam ng nakakalasong tawas.

alang na ngayong kasambahay sina Renz kaya naiwan sa kanya ang maraming responsibilidad sa bahay. Dahil tatlo lamang silang magkasamangW naninirahan dito, hindi naman siya masyadong nahihirapan. Hindi mapakali si Renz sa kaiisip para sa selebrasyon ng birthday niya. Nakailang hinto na siya sa paglilinis sa kakabukas ng cellphone para pasalamatan ang mga maya’t bumabati sa kanya sa Facebook. Dati may mga parties pa siya pero nang tumanda siya ay naa-appreciate na niya ang mga maliliit na selebrasyon. Kahit silang pamilya lang ay kumain nang kumpleto sa bahay, o kaya naman sa mall. Paborito pa rin naman ni Renz ang mga mall, partikular na ang SM. Marami kasi ang mga tao dito, hindi katulad sa iba na kaunti lang at nakaka-intimidate ang atmosphere. Iyon ang gusto niya. Hindi niya rin alam bakit pero natutuwa lang siyang mapaligiran ng napakaraming tao kahit hindi niya kilala.

ailigpit na ni Renz ang lahat ng gamit panglinis. Bilang reward, binuksan niya ang kahon ng cupcakes sa mesa at kumain ng isa. Binuksan niya Nang kaniyang cellphone at tiningnan ang oras. Alas-singko y medya na nang BINUKSAN NI RENZ ANG CELLPHONE para tingnan ang oras. ALAS- SINGKO Y MEDYA NA. Sa sobrang puyat noong gabi at pagod kani-kanina lamang, humilata na muna si Renz sa sofa para umidlip. Pagmulat niya ng mga mata ay madilim na ang paligid. Ang tanging ilaw na matatanaw ay ang sa cellphone niya. Bumukas ito dahilan ng isang notification.

64 Binuksan ni Renz ang cellphone. Nag-text ang mama niya. “Nak sorry, hindi muna ulit kami makakaabot sa salubong tonight. Extra busy ngayon sa work namin ng dad mo at need niya mag-overtime sa trabaho niya. Babawi kami, promise? Happy Birthday ulit anak. I love u. “ Sent 11:02pm Tumamlay ang mga balikat ni Renz. Naramdaman din niya ang pagkapagod mula sa di inaasahang haba ng idlip. Umakyat na lamang siya sa kuwarto upang matulog habang naiwang nakatiwangwang ang kahon ng cupcakes sa mesa.

65 Nathan Baler

Pabigat

iguro magandang pulutin ang kwentong ito sa eksena ng isang munting tindahan na katapat ng isang construction site. Makikita natin ang may-ari Sna nakaupo sa likod ng mesa ng kanyang mga binebenta. Nakapatong dito ang mga papel na pinggan, palanggana, paketa ng mga plastic na kutsara at tinidor, at iba pa. Natipuhan ata ng tindero na magtayo ng general goods na tindahan. Syempre, walang mapupuntahan ang mga produktong ito kung wala silang mga lalagyan diba? Kaya sa harap ng tindahan ay may nakasabit na linya ng mga plastic bag. At pag may linya, may dulo, pero babalikan natin ang mga supot mamaya kasi may gustong bumili mula sa tindahan. “Manong, pabili naman po ng paper plates saka nito.” Sabay ang turo ng mamimili sa isa sa mga nakalatag na pakete ng kutsara at tinidor. Batay sa itsura niya’y mula siya sa katapat na construction site. Malamang nasa gitna siya ng break niya o baka naman ay pauwi na, tutal, palubog naman din ang araw.

66 Agad din naman tumindig ang tindero. Pinulot niya ang bagong papel na dining set na hiningi ni kuya. Pagkatapos ay kinuha niya ang bayad nito na sobra, syempre binigay ng tindero ang . Sunod, pinitas ng tindero ang isang plastic bag at agad sinupot ang mga nabenta niyang gamit. Ito ang karaniwan na pang araw-araw na kaganapan sa munting tindahan na ito. Siguro dahil doon, itong mga pangyayari rin ang tanging ikinukwento ng mga plastic bag sa sari-sarili nila. Araw-araw, pinag-uusapan nila ang mga taong dumarating, at ang mga plastic bag na sumasabay sa pag-alis nila.

y, nakaalis na rin siya,” sabi ng plastic bag na kasunod ng bagong laya sa mga nasa likod niya. “U “Parang siya lang ata nakaalis ngayon ah,” sagot agad ng isa pang bag. “Che, okay lang, ako naman na susunod,” idineklara ng bagong “first-in-line.”

Walang may mas alam sa daloy ng mga pangyayaring ito kaysa sa plastic bag na nasa pinakadulo ng linya. Dahil siya ang nasa pinakadulo, matagal na niyang naririnig ang landas ng bawat isang plastic bag sa puntong saulado na niya. O diba babalikan din natin ang bag sa dulo! Para madali, tawagin natin siyang Stic. Si Stic, katulad ng kapwa niyang supot, ay simple lang. Walang kulay o tatak. Hindi rin siya gaano kalaki. Ang katawan niya’y binubuo lang ng dalawang hawakan at lalagyan, na ayon sa mga naunang plastic bag, ay mapupuno balang araw. Nakaalis din ang bagong “first-in-line” at ang susunod sa kanya at ang

67 sumunod doon hanggang dumating na ang “balang araw” ni Stic. Siya na ngayon ang “first-in-line.” Siya na ngayon ang magpapaalam sa kapwa niyang bag, at sa tindahan niya. Sa unang pagkakataon, nasilayan niya ang mundong papasukan niya. “Ano yun?” Ito ang unang nasabi ni Stic noong binuksan ang tindahan sa araw na iyon. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang mundo na walang plastic bag na nakaharang. Ang araw, ang kalsada sa harap ng tindahan, mga taong dumadaan, ang mga dahon at ang iba pang mga bagay na walang tinatangay ng hangin, lahat ng ito’y nasilayan niya sa unang pagkakataon. Ngunit sa halip ng mga ito, ang nakakuha talaga ng atensyon niya’y isang bagay na mailalarawan lang niya bilang isang napakalaking sako. Para kay Stic, kahawig kasi ng kuwan na katapat ang mga sako na binebenta sa tindahan. “Huy!” ang sigaw ni Stic sa sako na katapat ng tindahan niya. Hindi naman siya sinagot ng bago niyang kakilala. Na-deadma agad ang bag natin! Kung tutuusin, wala namang ibang nakakausap sa Stic bukod sa mga kapwa niyang supot, pero hindi niya ito namalayan at nainis na lang siya sa supladong sako. Habang nagtatampo ang plastic bag, may dumating na “mamimili!” Agad na pagtukoy ni Stic. Sa sandaling iyon, naubos agad ang mga nilalaman na isip ng plastic bag. Sa sobrang tuwa niya, hindi niya napansin na iba ang itsura nito sa mga nakaraang bisita. Ayon sa mga naunang plastic bag, ang mga palaging bumibili ay kamukha ng tindero, nawawalan ng kulay sa buhok, medyo nakabaluktot pag nakatayo, at may mga kulubot sa mukha. Kumpara sa mga karaniwang mamimili, puno ng kulay ang ulo nito, hindi kuba habang nakatayo, at sa kabuuan ay puno ng enerhiya at buhay. Hindi napansin ni Stic

68 ni isa sa mga detalye na ito. Iniisip kasi niya ang pag-alis niya sa tindahan. “Nice! May metal straw pala rito! Pabili po!” sabi ng batang mamimili upang tawagin ang tindero. “Haha! Dalawang tindahan na po yung pinuntahan ko at wala ring straw doon. ‘Third time’s the charm’ talaga!” Dagdag ng mamimili habang pinipili niya ang bibilhin niyang metal straw. Kung ano ang mga “metal straw” na ito, walang ideya si Stic. Hindi ito naikwento sa kanya ng mga naunang plastic bag. Buti lang na wala rin naman siyang pakialam kasi iyon ang ticket niya para makaalis. Ito na ang “balang araw” ni Stic kung saan mapupuno na siya! Habang naghihintay si Stic, syempre nagkwekwentuhan ang mga plastic bag. “Metal straw?” tanong ng kasunod ni Stic. Na-deadma ang “second-in- line” at madali naman makita kung bakit. Sa katunayan, puno nga naman si Stic ng mga tanong, ngunit wala ni isa sa mga tanong na iyon ay tungkol sa “metal straw.” Hindi, ang tanging nasa isip ni Stic ay mga tanong tungkol sa kung ano kaya ang mararamdaman niya kapag nagamit na siya. Masakit ba ang mapuno? Ano ba ang pakiramdam kapag napuno na siya? Habang nagmumuni ang plastic bag natin at nagtsitsismisan ang iba, natapos ang transaksyon ng tindero at ng mamimili. Nang inabot ng tindero si Stic para kunin siya, aba’y tumanggi ang mamimili at agad na naglabas ng isa pang bagay na hindi rin naikwento kay Stic. Sa pananaw ng supot, mailalarawan lang ito bilang “plastic bag pero hindi rin”. Mas makapal ito, may kulay, hindi see-through at batay sa dumi at kupas na tatak, ay matanda at matagal nang ginagamit. Wala ring pakialam si Stic dito hanggang sa sinabi ng mamimili na, “Ah di’ ko na po kailangan yan. May eco bag na po ako!”

69 Imbes na kay Stic, sa eco bag niya inilagay ang makintab niyang bagong metal straw at pagkatapos niyang magpaalam, ay agad siyang tumakbo paalis mula sa tindahan. Ang misteryo ng eco bag ay mabilis na kumalat sa mga plastic bag. Mula sa harap hanggang sa dulo ng linya, ang usapan ay tungkol lang sa “eco bag” na ito. Ano ba ito? Saan siya nanggaling? May iba bang katulad niya? Kung kaya nilang tanungin ang tindero para sa sagot, malamang ay nasakal nila ang matanda dahil gusto nilang dumugin ito para malaman ang mga sagot. Syempre walang mas nabigatan sa mga tanong na ito kaysa kay Stic. Oo, totoo na medyo pahaba nang pahaba ang agwat ng pag-alis ng mga nasa harapan niyang bag, pero nakaalis naman silang lahat sa huli. Kahit noong una pa siyang nailagay sa pila, naikwento sa kanya na kung may dumating na mamimili, may supot na sasabay rito pag natapos na siya. Ibig sabihin nito na si Stic talaga ang unang plastic bag sa harap ng linya na hindi nakaalis nang may dumating na mamimili. “Bakit parang mali?” Ito ang unang tanong na pumasok kay Stic. Pagkatapos ay dumating na ang ibang mga tanong. May hindi ba nabanggit ang mga naunang bag sa kanya? Imposible ito kasi lahat ng pangyayari sa tindahan ay ginagawang kwento ng mga plastic bag sa isa’t isa. Baka naman ay may sira siya? Wala naman siyang nararamdaman na mali kaya agad niyang binalewala ang tanong na iyon. Baka mas madaling gamitin si eco bag sa kaysa sa kanya? Kahit gaano niya kahirap pag-isipan, wala siyang naisip na mga sagot. Noong araw na iyon, ang tanging pinag-isipan lang ni Stic ay kung bakit nandoon pa rin siya sa pila. Nagbukas ulit ang tindahan at sinabi ni Stic sa sarili niya na “bagong araw, bagong simula!” Ramdam niya na ito na ang “balang araw” niya. Siya pa

70 rin naman ang “first-in-line.” Malas lang siya kahapon at ngayon ay suswertehin na siya. Subalit malas pa rin ang plastic bag sa araw na iyon. Tulad lang ng nakaraang araw, may dumating ulit na eco bag. Doble malas pa nga si Stic kasi pagkatapos umalis noon ay maraming sumunod na eco bag. Iba’t iba ang kulay, laki, at disenyo. Dahil sa kanila, kahit na marami ang bumisita sa tindahan sa araw na iyon, wala sa kanilang umalis na kasama si Stic. “Ano ba naman yan! Eco bag! Eco bag! Eco bag! Puro na lang eco bag!” Sa puntong ito, kung kayang sumabog ni Stic, malamang ay isinama niya pa ang buong tindahan sa sobrang pagkainis. “Akala ko ba tagabitbit tayo ng mga gamit na ‘yon?” tanong ng kasunod ni Stic. Si Stic, sa lahat ng kwentong narinig niya, ay nakayanan lang sumagot gamit ang: “Kasi tagabitbit nga talaga tayo! ” Itong simpleng katotohanan lang naman talaga ang alam niya. Ito rin ang nag-iisang kagustuhan niya pero sa bawat pagkakataon ay may bwisit na eco bag na nagnanakaw sa trabaho niya. Hindi lang si Stic ang nabahala sa biglaang pagsakop ng mga eco bag. Marami sa mga kasunod niya’y naiinis din, pero wala ang nasa parehong lebel ng pagkayamot ni Stic. Natapos din ang araw na iyon, at sa susunod na masisilayan ni Stic ang ilaw, ito’y mula sa ibang pwesto. Pagkatapos magsara ng tindahan, hinakot ng tindero ang lahat ng mga plastic bag niyang nakasabit. Noong nangyari ito, ang tanging naisip lang ni Stic ay “ito na.” Panahon na niya para makaalis. Di bale na wala namang mamimili. Pake ba niya kung sabay rin siyang binaba kasama ng mga nasa likod niya? Ito pala talaga ang “balang araw” na hinihintay niya. Kahit na badtrip siya

71 noong umaga, tama pa rin siya sa dulo na swerte siya sa araw na iyon. Laking gulat na lang niya na pagkatapos silang dalhin lahat sa pinakalikod ng tindahan ay ipinatong lang sila sa isang maliit na mesa. Bago pa man naumpisahan ni Stic na intindihin ang nangyari sa kanya, sunud-sunod ang pagdating ng iba pang laman ng tindahan. Tabo, pinggan, kutsara, tinidor, metal straws, lahat ng mga tinitinda ay dinala ng tindero sa bodega. “Uhh, ano na ngayon?” ang naging tanging tanong ni Stic. Kung walang laman ang harap ng tindahan, edi walang bibili. At kung walang bibili ay lalong- lalo siyang hindi magagamit. Nang matapos sa paghahakot, umuwi na rin ang tindero, at para kina Stic, matagal bago siya muling bumalik. Kung gaano sila katagal na nakalatag sa mesang iyon sa bodega, wala ni isa sa kanila ang makakapagsabi. Basta, nang muli nilang nakita ang tindero ay may kasama na siyang ibang tao. Kung sino man sila, walang pakialam si Stic. Para sa kanya, sila na ang gagamit sa kanya. Kung tutuusin, may dahilan talaga si Stic para umasa sa puntong iyon kasi nilapitan ng dalawang kasama ng tindero ang mga nakalatag na produkto at pinulot nila ang mga ito. Pinulot ng isa ang mga metal straws, habang ang isa naman ay kinuha ang mga papel na pinggan. “Ito na! Ito na! Ito na!” Hindi na napigilan ni Stic ang pananabik. Kinakabahan pa nga siya kasi baka hindi niya kayang bitbitin ang mga pinggan at metal straw, pero matapang ang plastic bag na ito at ramdam niyang handa siya para sa hamon. Handa rin niyang kalimutan ang tagal ng paghintay niya at ang tindi ng pagkabahala niya, sa oras na magagamit na siya. Ngunit hindi naging “third time’s the charm” para sa plastic bag natin dahil hindi rin ginamit ng mga taong ito si Stic. Lumabas ang dalawang kasama ng tindero na hawak- hawak lang ang mga produkto.

72 Dito na talaga naramdaman ni Stic na parang pinagtitripan lang siya ng mga taong ito. Tatlong beses siyang pinaasa at tatlong beses siyang nabalewala. Nang dumating na ang oras niya at ng mga kasama niyang supot na hakutin, pinulot sila ng tindero at inilabas mula sa tindahan. Kung tutuusin, nakalabas pa rin naman si Stic. Nilapag ulit sila sa isa pang patungan at nasa harap nito ang maaari lang mailarawan ni Stic na malaking kahon na nakapatong sa apat na malalaking bilog. “Pwede bang punuin niyo na ako? Simpleng bag lang naman ako, kahit yung kakarampot na kutsara at tinidor okay na.” Desperado na si Stic kasi naramdaman niya na parang unti-unti nang nawawala ang pagkakataon niya para magamit.

“Walang makakita sa amin dito!” “Walang makakapulot sa amin!” “Hoy!”

Napansin ni Stic na pumasok ulit ang matanda sa tindahan habang binubuksan ng isa sa mga kasama ang likod ng malaking kahon, at alam na ni Stic ang susunod. Para kay Stic, kapag inilagay siya sa loob ng kahon na iyon, imposible na niyang magawa ang tungkulin ng isang plastic bag. Ngunit, ano naman ang magagawa niya? Hindi naman niya kayang gumalaw nang malaya tulad ng mga taong nakapalibot sa kanya, o baka naman kaya niya? Naramdaman kasi bigla ni Stic na parang tinulak siya. Ito ba ang naramdaman ng mga plastic bag na nauna sa kanya nang kunin sila? Sa katunayan, tinangay lang ng hangin ang plastic bag natin. Patuloy

73 siyang tinangay ng hangin, pataas at palayo mula sa tindahan, hanggang nalampasan na niya ang bubong nito. Dito rin niya nakita na nawala na ang napakalaking sako na katapat ng tindahan. Sa lugar nito ay may bagong gusali na napakalaki, na mayroong tatak na may “Plastic bag!” na agad na namukhaan ni Stic. Ito na siguro ang pagkakataon niya. Kung makakaabot siya roon, malamang ay magagamit na siya, mapupuno. Sa unang pagkakataon ay tinupad ng mundo ang pagnanais ng plastic bag. Akalain niyo? Ang munting plastic bag ay tinulungan ng mundo! Habang dinadala siya ng hangin papunta sa huli niyang pag-asa, may nakita siyang masaklap na eksena. “Eco bag! Kayo na naman?” Agad na nainis si Stic nang nakita niya ang mga ito. Bitbit niya kasi ang karanasan niya sa tindahan at naramdaman niya na mauulit lang iyon pag napadpad siya sa bagong gusali, at dahil doon, nais na niyang itulak siya ng hangin palayo sa gusali. Sa kasamaang palad, walang intensyon ang hangin na magbago ng direksyon at patuloy nitong tinangay si Stic sa direksyon ng mga eco bag. Bagong supermarket kasi ang pupuntahan niya. Ang pagpapatayo nito ang dahilan kung bakit naghakot ang tindero sa tindahan niya. Natanto niya na mawawalan lang siya ng negosyo dahil sa supermarket kaya napagdesisyunan niya na isara ang tindahan niya. Ang araw noong nagsimula siyang maghakot ay isang huling sale bago niya isara ang tindahan. May dagdag din na discount kapag may dalang eco bag ang mga mamimili. “Lumiko ka na! Sige naman o!” Kahit anong mangyari, basta hindi lang siya mapunta sa supermarket ay sapat na para kay Stic. Kahit na hindi ito alam ni Stic, tama siya na matakot sa supermarket kasi may “zero plastic policy” roon. Sa madaling salita, walang silbi si Stic sa lugar na iyon. Natural siguro na malas ang plastic bag na ito kasi lalo pang lumakas

74 ang hangin at napadpad din siya sa kabilang gilid ng daanan. Mula roon, kita niya na sarado ang tindahan na pinanggalingan niya at may papel pang nakadikit sa shutters nito. Wala, wala na siyang babalikan o pupuntahan at bilang panigurado ay naipit pa siya sa ilalim ng isang itim na bilog na may nakapatong na napakalaking kahon, isang kotse ang nakadagan kay Stic. Handa nang sumuko si Stic hanggang may dumaan na pamilyar na mukha. “Metal straw boy? Ikaw nga! Bwisit ka!” Nakita niya ulit ang pasimuno ng pagdurusa niya! Bitbit din nito ang hayop na eco bag na unang nagnakaw sa tungkulin niya. Sa sandaling iyon, nagbago ang layunin ni Stic. Ano kaya ang mangyayari kung balutan niya ang pagmumukha ng taong iyon? Kung tutuusin, magagamit din siya, kaso nga lang ay mapupuno siya ng isang ulo imbes na bilihin.

“Bet.” At sa unang beses ay tinangka ni Stic na galawin ang plastic niyang katawan.

ilang plastic bag, syempre ay hindi kayang pagalawin ni Stic ang sarili niya. Pero kung naintindihan siya ni Metal straw boy, ano kaya ang maaaring Bmaramdaman ng binata? Pwede ba siyang makaramdam ng awa para sa isang munting plastic bag na paulit-ulit na sinamantala ng mundo? Ano kaya ang reaksyon niya sa isang plastic bag na gustong pumatay sa kanya? Anuman ang mga posibilidad, ang talagang nangyari ay pinulot ng binata ang nakakalat na plastic bag agad itong hinulog sa pinakamalapit na recycling bin.

75 Howard Ray G. Pelobello

Sa May Batis

OKOI! ‘WAG KA RIYAN! “K BAKA MALULA KA.”

“HaynaKOKAK! Eto na naman si inay… ‘di na nagsasawang mag-ingay. Kung gaano kahaba ang napakapulang dila, ganun din kahaba ang mga puna. Tsk, kelan naman kaya hahaba ang pasensya nito?”

Nakakabingi.

Ganitong-ganito ang eksena bago ang almusal tuwing umaga. Sisigaw si inay tas bubulong pabalik ‘tong kapatid kong si Kokoi na para bang laging may kinakausap na iba sa itaas. Palibhasa ‘di kayang harap-harapan sagutin si inay. Kaya siguro nabaliw at kinakausap ang sarili.

76 Ba’t ang tagal naman nun bumaba? Bwiset. Kanina pa nagsesermon ‘tong bungangang ‘di na ata titigil. Gagapang na nga sana ako pataas ng punong acacia para sunduin ‘tong batang inutil pero bigla na lang siyang tumalon pababa. Eh nagulat tong si inang tapos natalsikan pa ng sabaw galing sa nilulutong adobong bangaw. Ayun, naghabulan ang mag-ina palabas. Mabuti ngang umalis at iniwan na nila akong mag-isa. Sa wakas, malalasap ko na ang payapang almusal nang tahimik. Alam ko rin namang ‘di ito magtatagal kaya sinulit ko na ang bente minutong umagang walang ingay at imik. Nang mapansin ko na palapit na ang salitan ng mga yapak na kay lagkit, narinig ko na naman ang mga makulit na kokak ni Kokoi. “Totoo nga inay. Kailangan na natin lumipat sa may batis ngayon din,” pilit ni Kokoi. “HINDI NAMAN YUN TOTOO! Mga kwentong bulakbol lang yan. Alam mo namang mga -haka lang yan ng mga nagmamarunong,” iritang sagot ni nanay, “At saka matagal na tayo naninirahan sa sapa na ito. Mas mabuti pa dahil sanay na tayo sa dating nakagawian. ‘Di na natin kayang lumipat pa pagkatapos natin tumakas sa huling sapa na napakalawak. Alam mo naman na nakakahilo ang pasikot-sikot sa masukal na batuhan. Dagdag mo pa ang kay tulin na agos na kinatatakutan pa rin ng ate mo.” Bakit naman ako napasama sa pinag-uusapan nila? Napansin ko na gusto pa sana niyang mangatwiran subalit tumahimik na lang si Kokoi at ‘di na nagtangkang sumagot pabalik. Halatang pinili niyang magpatalo pero parang may kakaiba. Ramdam ko ang kanyang pagkadismaya. Pinipigilan niya talaga ang kanyang sariling hindi na makipagtaltalan. Kawawang Kokoi. Siguro ‘di na umiimik dahil akala niyang laging tama ang sinasabi ni ina at mali na naman siya.

77 Hinintay ko na lang mangapitbahay si inay pagkatapos ng almusal para tanungin kung ano ba ang kanilang pinag-usapan. Kaya sinenyasan ko si Kokoi tulad ng dati. Alam naman niya kung ano ang ibig sabihin ng tatlong magkakasunod na kurap ng aking mga mata. Sumagot siya gamit ang ngusong itinuturo ang punong acacia. Nakakatamad naman. Bakit gusto niya pa ako umakyat? Ayaw ko nga kaya inirapan ko pabalik si Kokoi. “Ba’la ka dyan!” Nagulantang akong marinig na nasa taas na si Kokoi agad-agad. Hindi lang yun. Nasa tuktok pa siya mismo. Wala na akong nagawa kaya napilitan akong umakyat ng di oras. Ewan ko ba kung bakit mahilig tumambay araw- gabi si Kokoi sa punong kalbo naman. Habang gumagapang ako paakyat narinig ko na naman siyang kinakausap ang kanyang sarili. Nabaliw na ata. Teka! Bakit para bang may naririnig akong kurot-kipot na ingay sa itaas? Minadali kong lumundag para malaman kung saan ba galing ang munting ingay na ‘yon. Nagulat akong makita na sa tabi ni Kokoi ay may isang dilaw at umaalingawngaw na munting bubuyog. “Eto ba si Kakai, Kokoi?” tanong nito na di man lang natatakot sa presensya naming dalawang palaka. Teka, bakit alam nito ang pangalan ko? Matatampal ko na sana ang lumilipad na bubuyog pero pansin ko na para bang matagal na silang magkakilala. Nakakapanibagong makita na may kaibigan na si Kokoi. ‘Di lang yun, ang kaibigan niya ay isang bubuyog. Ano kaya ang masasabi ni inay kapag nalaman niya na ang bunso niyang anak ay may kinakausap na ulam? Masinsinang

78 ko pa rin tinanong nang pabanayad kung ano ba ang kanyang pangalan para ipahiwatig na wala akong masamang motibo. Gusto ko lang siyang kilalanin. “Ay, ako pala si Buzzee. Sana ‘di ka magalit na lagi akong tumatambay para dalawin si Kokoi tuwing umaga. Oo nga pala, sa tagal ko nang pabalik- balik dito ay ngayon lang kita nakasama dito sa taas, hindi ka raw kasi madalas umakyat sa tuktok,” sagot niya sa’kin sa isang makitid na tono. Biglang singit naman ni Kokoi, “Kahit mukha ‘yang nakakatakot at bugnutin, takot talaga ‘yang ate kong umakyat magmula noon pa. Madali lang malula kahit nung butete pa siya. Kuwento ni mama na siya lang ang buteteng lumalangoy sa pinakailalim ng sapa. Hanggang ngayon naman din ay sa ilalim ng acacia pa rin siya natutulog.” Tatadyakan ko na sana si Kokoi para mahulog nang may sinabing kagimbal-gimbal itong si Buzzee. “Dumalaw ulit ako para sabihin sa pamilya mo na kailangan niyo na talagang lumikas. Dahil kung di niyo pa nahahalata ay halos lahat ng kahayupan ay umalis na sa Sapang Lakay at tumira na sa kabilang batis. Pati na rin ang mga salagubang na tulad niyong ayaw makihalubilo sa iba ay mas gusto na sa bagong lilipatan. Kayo na lang ang naiwan. Ang mga palaka na matitigas ang bungo’t dila. Alam ko na may kasabihan kayo-kayo na ‘Umulan. Bumagyo. Ayos lang.’ Eh kaso, wala na masyadong dadaan na bagyo at patuyo na ang sapa. Nakakatakot man isipin pero kinakailangan niyo nang magbago at lumipat.” Naintriga ako sa huli niyang sinabi kaya itinanong ko kay Buzzee kung ano ang nasa may batis. Malapit na akong malula’t matarantang isipin ang mga mangyayari pero hindi ko masyado pinapahalata. Pero napansin pa rin yata niya ang aking pagkabalisa at bago siya makasagot ay biglang kumulimlim ang kalangitan. Kataka-taka dahil hindi pa kami naghahapunan pero mukhang

79 pagabi na. Sumabay ang pagkalam ng aking gutom na tiyan sa mga kulog ng paparating na ulan. Hindi yata nahalata ni Buzzee kaya patuloy lang siyang nagkuwento. “Ang masasabi ko lang ay mas nakahinga ako sa preskong dala ng bagong batis. Maluwag. Tahimik. Organisado. Yaang tatlong salita na iyan ang aking karanasan kahit tatlong linggo pa lamang kami bagong-lipat sa may bahay-anilan. Triple ang lawak ng batis kaysa sa sapa. Hindi mo aakalain na magkakilala na ang isa’t isa ‘di tulad ng dati kung saan bawal makipagkaibigan sa ibang hayop,” banggit ni Buzzee Nang malaman ang balitang ito ay halatang mas nanabik si Kokoi dahil halos lumuwa na ang kanyang mga matang namumula, at ako naman ay walang paki talaga. Naintriga lang ako sa salitang pinangako ni Buzee. “Tahimik.” Hay, nakikita ko na agad ang sarili kong kumakain ng almusal. Maaliwalas na umaga. Ingay galing lang sa mga tumitilaok. Ulam na malinamnam. Wala talaga akong paki kung umaraw man o bumagyo. Gusto ko na yatang lumipat kahit umayaw pa si inay. Bigla na lang lumipad pataas ng dalawang sanga si Buzee at niyaya kami na samahan siya. Halatang nananabik dahil mas kumulit ang kanyang mga pakpak. Kaya’t kumalat ang alikabok ng mga patay na dahon, na nang kanyang madaanan ay bigla na lang may kakaibang matingkad na bagay na lumitaw. Isang sangang masaganang naninilaw. “Espesyal ‘tong mga dilaw na bulaklak ng acacia. Ito na lang kasi ang natitirang bunga ng Sapang Lakay at tanda ko pa dati na dito kami kumukuha ng mga pangkumpay. Kaya’t lagi na akong ngayon bumabalik-balik sa sangang ito, baka sakali kaya ko pang patagalin nang kahit kaunti ang mga natitira

80 nitong bunga. Sabi kasi nila na ang punong ito ang nagsimula ng kasaganahan ng dating Sapang Lakay nung huling dekada. Dito rin daw kasi lumaki ang aming reynang bubuyog at ang aking mga lola’t lolo. Gusto ko lang naman isipin na nagawa ko ang lahat bago iwanan ang mga dating napagsanayan bago magbago ang lahat,” kirot ni Buzee. “‘Kala ko pa naman na pabulok na ang punong ‘to. At saka nasa’n mga kasama mo? Bakit ikaw lang ang mag-isang gustong buhayin at pabungahin ang sangang ito?” tanong ni Kokoi na ‘di tumitigil sa pagiging usisero. “Tumakas lang ako sa batis. At wala na naman talagang pag-asa pang tumagal ang punong ito o kahit ano pang tanim sa may Sapang Lakay. Baka nga sa susunod na mga linggo ay malagas na rin ang pagkadilaw ng mga bulaklak. ‘Wag kayong mabahala dahil tignan n’yo to.” Tiniklop ni Buzee ang isang talulot ng bulaklak ng acacia at pinakita niya ang tanawing nasa likod ng mga bunga. Walang isang salita na kayang ilarawan ang aking naramdaman noong makita ko na ang batis. Nakakabighani ang tanawing kay layo subalit parang kay lapit din naman. Hindi rin ako nalula kahit tingnan ko ang tanawin sa ibaba. Nagmumukhang langgam ang lahat ng kahayupan at kahit sa labis na ingay ay may dala itong sariwang kapayapaan at ginhawa. Nakakapukaw ng damdamin ang ganda. Saktong pagkatapos kong mag-kokak-kokak tungkol sa kakatwang batis ay kaagad umambon. Nagmadali kaming sumukob sa ilalim ng mga bulok na sanga ng acacia. Nang sumilip ay muli na naman akong nalula dahil nakita ko ang kabuuan ng Sapang Lakay. Totoo nga na marumi na ito at pasira na kapag ikinumpara sa may batis. Kailangan na talagang lumayas. Ang pangit dito. “BUMABA NA KAYONG DALAWA DYAN! TULUNGAN NIYO AKONG MAGHANAP NG ULAM!”

81 Hindi ko namalayan na nakauwi na pala si inay. Hindi ko kasi narinig ang kanyang mga hiyaw dahil sa lalong paglakas ng ulan. Tuloy-tuloy pa rin si Buzee na nagkwento, “Heto pa, ang pinakamalaking pagbabago sa may batis ay malayo na ito sa kabangisan ng mga dating barbarong kahayupan.” “PAGBILANG KO NG LIMA ‘PAG WALA PA KAYO AY EWAN KO NA LANG!” “Sibilisado na kami...” “ISA!” “...wala kang nakikitang tumatakas na hayop sa kanilang maninila sa kalsada… “DALAWA!!” “... at kung meron man ay nandyan ang mga kalapating tanod...” “TATLO!!! Asan na kayo?” “...Dahil bawal nang pumatay para sa ulam.” “APAT!!!!” “Buti na lang talaga halaman at sa mga bulaklak lang ang aming kinaka-.” Biglang bumagyo sa sapang tuyo’t bulok. Hindi ko alam kung ano na ang mga nangyayari. Basta nilamon na ako ng ingay galing sa rumaragasang ulan, ng mga sermon ni inay, at ngayon, ng naririnig kong mga lingid na sigaw. Nagtaka ako kung bakit mas lalong umingay ang ulan, at para bang tumahimik na ang bungangang nagsesermon, at tumigil na rin ang tuloy-tuloy na pagkukuwento ni Buzzee. Kaya pala. Ang huli ko na lang nakita ay ang isang dilaw na bubuyog na nilamon ng mapulang dilang mabangis at naglalaway. Inulam na pala siya ni inay.

82 Mishal D. Montañer

Photocopy

lbedo,” sambit ng pintor habang sinusulat ang sariling lagda sa kanyang bagong likha. Mula sa tuktok ng isang burol ay makikita sa harapan “Aang isang landas na pinapalamutian ng mga bulaklak na nakahilera: kulay asul, lila, at rosas. Mayroong isang maliit na bukid sa kanang bahagi, gawa sa semento ang pader at ladrilyo ang bubong. Aabot ang daan na ito hanggang sa sa ibaba, kung saan ang dagat ay makikitang bumabangga sa mga sibat na gawa sa bato. Naririnig ng pintor ang sigaw ng alon sa bawat segundo na siya’y nakatitig, nakikita niya ang mga ibong humuhuli ng isdang walang malay sa nangyayari, natangay sa himpapawid na tila papunta sa araw na dahan-dahang lumulubog. Inatras ni Albedo ang kanyang likod upang makita ito nang buo, iniisip niya kung ano ang magiging itsura kapag ang likha na ito’y nakasabit na sa isang art eksibit sa New York. Isang ngiti ang namuo sa kanyang mukha, kinukuskos ng daliri ang namumutla niyang balat. Kahit ito ang kanyang pang-anim na

83 likha sa loob ng dalawang linggo, hindi pa rin natatanggal ang sigla sa pagbuo ng isang likhang-sining, ang kasiyahan na makita ang kanyang anak. Tumunog ang kama nang gumalaw ang nakaupo sa kanyang tabi, hawak-hawak ang larawang ginamit bilang basehan. Sa gilid ng mga mata niya, nakikita ang ngiti ng katabi--para bang sumasalamin sa kanya. “It looks great,” ang kaniyang sabi, “kuha mo yung flowers, water, the sunset and everything!” Humagikgik ang pintor, “Hindi ko ito magagawa kung wala ka. Painting’s, like, everything to me. Gives me so much joy, you know? Nakatulong talaga yung mga larawan na nakuha mo.” Tumingin ang kasama pababa, nganga--mukha ay kasimpula ng ginamit ni Albedo upang isulat ang lagda. Hagikhik at kamot sa batok na lamang ang kanyang tugon. Pupurihin pa sana ni Albedo ang kasanayan sa pagkuha ng litrato ng kanyang bisita, pero sa nangangamatis na mukha nito ay baka tuluyan nang pumutok. Sumandal ang pintor sa kanyang bed frame at bumuntong-hininga, hawak ang kumot na nakabalot sa kanyang dalawang paa. Napagtanto ng pintor ang kanyang sinabi, nag-alala kung bakit ang mga salitang iyon ay madaling dumulas sa kanyang bibig. Kung iisipin, hindi naman mali ang kanyang sinabi. ‘Yun ay isang pasasalamat, pero kailan ba naging masama sa pakiramdam ang pagbibigay ng salamat? Inabot ni Albedo ang pampinta, ang mga itim na mata ng bisita niya’y nakatitig sa inilapit, ang pagkalito’y nakasulat sa bawat parte ng kanyang mukha. “Sign it,” hikayat ng pintor, “write your name under mine.” Sabay na lumapad ang mga mata ng bisita, at dahan-dahan niyang nilapit ang kanang kamay na para bang ahas ang kukunin; nakakatuwang tignan para

84 sa pintor. Tumango ang ulo ni Albedo. “Velvet,” ang kanyang sabi habang sinusulat ang lagda sa ilalim ng sa pintor. Humarap muli ang litratista, at tinuro ang mga paa na nakatago sa ilalim ng makakapal na comforter at kumot. Nagtaka si Albedo kung tumangkad ba si Velvet, o dahil sa tagal na nakaupo ay nag-iba na ang kanyang paningin sa tangkad ng ibang tao. “How’s your leg?” ang tanong niya. Kumulubot ang noo ni Albedo, at sinira ang kanilang titigan-- hindi kayang ipakita ang mukha sa kahihiyan. Bago pa man mapansin ng babae ang nangyari, agad-agad na bumato ang pintor ng ngiti. “Better. In a few weeks, I can walk.” Hindi inakala ni Albedo na sa dinami-rami na kanyang kilala, ang taong bahagyang kausap niya noon ang parati niyang kasama ngayon. Hindi niya nga nakilala ang babae sa unang dilat ng kanyang mga mata sa ospital; hindi rin niya maalala ang kanyang sarili sa mga kwentong binahagi ni Velvet. Wala, blanko-- white noise, nada. Siya ba talaga ang taong tinutukoy ng litratista? Pero hindi siya nagrereklamo, tutal nakatulong ang babae sa pagpapalaganap ng kanyang kagalingan sa sining. “Mabuti naman,” kinuskos ni Velvet ang kanyang mga kamay sa giniginaw na braso. Kahit sa damit niya na shirt dress, hindi parin siya maliligtas sa buga ng kanyang aircon, “You don’t want to go outside? Nilalamig na ako.” “Hindi na,” sagot ni Albedo, “I’m fine staying here.” “Sigurado ka? Pwede naman kitang itulak sa wheelchair mo,” lumapit si Velvet sa storage room, ang mga mata ni Albedo ay nagbabantang sumambulat. Hindi alam ni Albedo ang nangyari, pero ang kanyang puso’y handa

85 nang tumakas mula sa kanyang dibdib, lalamunan ay kumakati, at kamay ay nakaunat na tila gustong hilahin pabalik si Velvet. Siguro ang takot sa mukha nilang dalawa ay sapat ng paliwanag. “‘Wag,” sabi ni Albedo na tila’y nauubusan ng hininga, ang mga salita niya'y tumagos sa katahimikan, “Ayoko-- ayokong makita ang wheelchair na ‘yan.” Hindi na tinanong ni Velvet ang dahilan ni Albedo at tumango na lamang. Kakaiba sa pakiramdam para kay Albedo ang hindi makapili ng larawang kanyang gagamitin para sa bagong likha. Hindi ito dahil sa marami siyang pagpipilian, kung hindi dahil ang mga dala ngayon na litrato ni Velvet ay kanyang nakita na noon. Tumingin si Albedo kay Velvet, ang mga mata’y kayang apulahin kahit ang impyerno, “Ito lang?” Nawala na sa hangin ang gustong sabihin ng litratista, tila natanga sa sinabi ng pintor. Bakas ang pagkadismaya sa mukha ng pintor, “Did you hear me?” “I-I’m sorry,” bulong ni Velvet habang ang mata’y nakatitig sa sahig-- iniiwasan makita ang mukha ni Albedo. Hindi nagustuhan ni Albedo ang tugon ni Velvet, ngunit nagpasya ang pintor na hindi na lamang umimik. Kahit hindi natuwa si Albedo sa nangyari, hindi niya sasayangin ang pagkakataon na malaman kung napabuti ba ang kaniyang kakayahan sa pagpipinta. Sa nalikom na mga larawan pinili ni Albedo ang nagamit na niya noon. Binigyan niya ng maliit na ngiti si Velvet at hinikayat na umupo sa tabi niya. Napansin ni Albedo ang bahagyang pag-iiba sa kilos ni Velvet, pangangamba sa kanyang mukha, ngunit naisip ng pintor na dati nang may pagkamahiyain

86 ang bisita. Binalik ng pintor ang pansin sa kanyang likha, at tuwa ang naging pangunahing pakiramdam. Sa bawat pahid ng pintura, ang tunog ng bawat halik ng pampinta sa kanbas, at ang aksidenteng pagpahid ng kulay sa kanyang pisngi ay nagbibigay sa kanya ng buhay. “Alam mo, my parents were mad at me for going to art school,” sabi ni Albedo mula sa kawalan, nag-aalala na baka naiinip na ang kanyang kasama. Hindi niya alam kung bakit sa lahat ng kanilang pwedeng pag-usapan, ang huling pagtatagpo niya sa kanyang mga magulang ang napili. May tiwala siya kay Velvet, hindi naman niya ikasasama na ibahagi ang isang personal na bahagi ng kanyang buhay. At siguro sa usapin na rin ng kanilang pagkakaibigan napagtanto ng pintor na nakatutulong pag-usapan ang kanilang buhay bago sila nagkakilala. “Gusto nila ako maging doktor, pero landscape artist yung gusto ko. I loved capturing moments, to adore nature and focus on things na para sa akin ay mahalaga.” Bumitaw ng isang maliit na tawa si Albedo, ngunit hindi ka magkakamaling sabihin na mayroong lungkot na nakasabit sa halakhak niya, “I told them this, pero alam mo kung ano sabi nila?” Hindi umimik ang litratista, nag-alala si Albedo na baka wala na pala siyang kausap. “Velvet?” “Oh, huh? Ano sabi nila,” tila kakabalik lamang mula sa sarili niyang mundo. “Sana pumalpak ‘yan, para makinig ka na sa amin,” madiin ang hawak ng pintor sa kanyang pampinta, hanggang sa pumuti na ang buko ng kanyang

87 kamay. “Kaya when I got into that accident, I thought I lost everything… so I’m very thankful na-- you were there to help me,” ngumiti ang pintor, “because of you I’m able to do what I love the most.” “No problem...” Ika nga ng nakakarami na ang New York ang natatanging city that never sleeps, at sa isang tumbler ng kape na kanyang inubos--na kanyang ipinagawa sa bumisitang caretaker--ay hindi ka na makakalayo sa katotohanan. Lagpas hating-gabi na at lagpas na rin sa labing-dalawa ang sunod-sunod na text ni Albedo kay Velvet. Ni-isang sagot mula rito ay hindi dumating. Dumilat ang mga mata ni Albedo nang may kumatok sa labas ng kanyang apartment, sumugod ang sinag ng araw sa kanyang mga mata at sinunog ang kanyang antok. Hindi niya alam kung paano ba niya haharapin si Velvet. Bumukas ang pinto, rinig niya ang papalapit na yapak. “Where the HELL have you been,” bitaw ni Albedo kahit hindi pa pumapasok sa paningin si Velvet. Alam niya na di na siya makakabalik nang dumulas ang mga salitang iyon, pero ang kahahantungan? Di na niya pinag-isipan. Hindi umimik si Velvet, tumayo na lang sa harapan ng kama at nakatingin sa baba ang ulo. Nakakabingi ang katahimikan. “Diba sabi natin na bawat Lunes, you’ll stop by?” Wala--walang sagot ang nagyeyelong litratista. “You agreed to help me, so nasaan na,” sa bawat salitang binibitawan ni Albedo ay pataas nang pataas ang kanyang boses, kumukulo ang ulo hanggang sa may lumalabas nang usok mula sa kanyang tainga, “wala akong napinta kahit isa sa buong linggo na ito. Una, wala kang nadalang bago--at pinagbigyan pa kita noon. You stood me up yesterday, and now you have nothing to say for it!?”

88 Wala pa ring sagot. “Velvet, putangina naman--!” “You selfish prick!” Tila sumiklab ang apoy sa mga mata ni Velvet, nakatiklop ang kamay hanggang sa pumuti ang mga buko. Sa malalalim na paghinga niya, parang ibinaon niya ang lahat sa tatlong salitang iyon. “Wala ka nang ibang ginawa kundi humingi nang humingi sa akin,” kinaladkad niya ang bag at nilabas ang mga larawan na sa palagay ni Albedo ay gagamitin sana nila. Hinampas ang mga ito sa mukha ng pintor at pagkatapos ay nahulog at lumipad kung saan-saan sa kwarto, “mahalaga lang naman ako sa’yo kung makakabigay ako ng mga larawang gagamitin mo para makapagpinta!” Tumalikod si Velvet at naglakad paalis. Lumobo ang mga mata ni Albedo, kailangang may gawin siya ngayon na. Isang paumanhin, paliwanag--kahit ano, basta mag-usap lamang sila ni Velvet. Sa kaniyang likas na ugali ay sinubukang tumayo ni Albedo, pero sa kalagayan niya, hindi siya nakalayo at natumba sa tabi ng kaniyang kama. Ang tunog ng kanyang pagkahulog ang nagpatigil sa litratista. “Wait,” pilit niyang sinabi, kamay ay nakaunat na tila ayaw niyang bitawan ang babaeng malapit nang lumisan, “don’t go.” Hindi papayag si Albedo na makita siya sa kalunos-lunos na sitwasyon na ito, pero hindi iyon ang kailangang tugunan, kundi ang kaibigang trinato niya na parang bagay lamang. Handa nang umagos ang mga luha ni Velvet mula sa kanyang mga mata, “Tapos gaganituhin mo lang ako? May halaga lang kapag makapagbigay ng larawan, at kung sa panahon na makalakad ka na, hindi mo na ako kailangan!”

89 “Hindi--hindi ganoon,” pumiyok ang boses ni Albedo. “Kaya mo ba na ipangako sa akin iyan!? Kung nabuo ang pagkakaibigan natin dahil kailangan mo ako--!” “I CAN’T WALK ANYMORE, VELVET,” sigaw ni Albedo, mga luha’y umaapaw sa kanyang mata at nahuhulog sa sahig. Tahimik muli ang apartment, at ang tanging naririnig ay ang pilit na tinatagong mga hiyaw ng pintor, “hindi ako pilay.” Nagkatitigan sila muli, mata sa mata. Isang bagay na hindi pa nila nagagawa buong linggo, “I’m paralyzed, Velvet. Sabi sa akin ng doktor na hindi na ako makakalakad. And I hate every part about it, bawat segundong alam ko na ganito nalang ako. I will need you, Velvet! I won’t be able to paint without you.” Sa ordinaryong panahon, inakala ni Albedo na dahil sa kanyang kalagayan ay mapapatawad siya ni Velvet. Dahil sa pagpapaliwanag ng kanyang konteksto, at kung bakit niya ginawa ang kanyang nagawa. Pero sa inakala niyang lumambot na ekspresyon ni Velvet, iyon pala ay mukha ng pagkabigo. “Kahit sa huli, sarili mo pa rin ang iniisip mo,” at tuluyang naiwan si Albedo ng mag-isa, hindi alam kung saan siya nagkamali. Limang taon na ang nakalipas at limang taon na rin ang huli nilang pag-uusap. Pinilit ni Velvet na tabunan ang kanyang mga alaala na kaugnay sa pintor na dati niyang kilala. Pati mga litratong kinuha niya para dito’y sinunog o itinapon na sa kawalan. Pero ngayong nakapagtayo siya sa isang art exhibit sa New York, hindi niya mapigilang mangamba na sa bawat minutong sinasayang niya dito ay baka makita niya si Albedo. Kung sila ay magkikita, ano ang kanyang gagawin? Napatawad na ba nila ang isa’t-isa? O baka may tinatago pa siyang galit sa pintor? Sumama lamang siya sa kanyang mga kaibigan, na ngayo’y nagkawalaan

90 dahil siguro sa dami nilang gustong makita at hindi na nakahabol si Velvet. Kaya umikot siya mag-isa, paligoy-ligoy hanggang sa napatigil sa ilang mga likha na nakakuha ng kanyang mata. Pero sa likhang tinitingnan niya ngayon, ang tanging nagpatigil sa kanya ay ang plakang nakadikit sa tabi nito. Albedo Gomez Nanginig si Velvet sa unang pagkabasa nito, nangangamba na baka nasa malapit na sulok lang ang pintor. Hindi pa niya kayang makita ang pintor sa takot na baka hindi siya kayang tingnan nito--baka sa hinaharap, maaari na. Apat ang mga likhang sinabit sa eksibit na ito, at ni wala isa sa kanila ang kanyang nakikilala. Wala na ang mga gubat na kulay luntian, at napalitan na ng kulay pula, asul, o lila. Ang mga isla’y hindi na napapalibutan ng tubig, kundi lumulutang sa himpapawid. Ang mga likha’y hindi na nakabase sa mundo na kinatatayuan nila ngayon, kundi sa mga mundong tipikal na mahahanap sa iyong isipan: puno ng mahika, kababalaghan at iba pang kathang-isip. Nakamamanghang tingnan ang kagandahan ng mga nilalaman ng kanyang isipan. Sa tagal ng paghanga ni Velvet, napansin niya ang punong paksa ng mga mundong ito, nakikipag ugnayan sa tanawin, sa mga hayop na may isang mata, o apat na mga kamay. Isang babae na may puting bestida, may mala-kastanyo na buhok, itim na mata at may rosas na nakaipit sa tainga. Tila salamin ang tinitingnan ni Velvet. Isang ngiti ang nabuo sa kanyang mukha. Hindi na niya napag-isipang lumisan sa gallery. Pero hindi na niya kayang balikan ang nakaraan, mula sa lala ng hiya, ng panghihinayang, hindi na nila kayang ayusin ang nasira. Pero sa hinaharap, kung papayagan ng tadhana at ang kanilang pagkatao ay hindi na nakasalalay sa isa’t-isa, baka sakaling may bago silang masimulan.

91 Adriel Carlos P. Exconde

Pabaya

inapanood ni Gabriel ang eksenang alas-onse sa labas ng bintana niya. Hinatak ng binata ang kaniyang balikat patungo sa ilaw at nakita niyang Pdumadaan ang mga sumasayaw na ilaw sa ibabaw ng kaniyang mga ugat. Tuwang-tuwa siya habang nag-iiba ang kulay ng kaniyang balat. “Gabby!” katok ng nanay niya mula sa labas ng kwarto. “Nagsepilyo ka na ba?” “Ah, shet,” bulong ni Gabriel sa sarili. “Oo nga pala.” At lumabas ito ng kwarto. Paglabas, nakita niya ang kaniyang nanay, hawak-hawak ang hungkag na mga bote ng San Mig Light. “Umiinom na naman po si Papa?” tanong ng binata. “Tsk,” saltik ng nanay. “Hayaan mo na siya. Pagod lang siya galing sa trabaho.” Bago makasagot si Gabriel, narinig nila ang sigaw ng tatay mula sa ibaba. “Asaan na yung Lite ko?! Anuba!”

92 “Hay…” buntong hininga ni Gabriel. “Patulugin na kaya natin siya?” “Sige na,” palarong hampas ng nanay sa balikat ng binata. “Wag mo nang problemahin iyon. Hayaan mo na siya.” Huminga na lang nang malalim ang binata at tumango sa utos ng nanay na paulit-ulit na nitong nasabi sa kaniya. Pabaya nga ang kaniyang magulang, ngunit magulang pa rin sila, kaya mahal na mahal pa rin sila ni Gabriel. Habang naghihilamos sa banyo, hindi maiwasan ng binatang maramdaman na parang may nanonood sa kaniya. Sulyap siya nang sulyap sa likod ng kurtinang nagtatakip ng liguan. Ang totoo, matagal na itong nangyayari sa kaniya. Kapag kinukuwento niya ito sa mga magulang niya, sasabihin lamang nila na nababahala lang siya o di kaya ay naaadik na sa mga palabas na horror. Ngunit naniniwala pa rin ang binata na may sumusunod sa kaniya kaya binilisan niya ang pagsepilyo’t paghilamos. “Heh…” tawa ng binata sa sarili, “Imposible namang mangyari ang ganun.” Baka nga kung mayroon talagang taong nagtatago ay gulpihin niya ito sa halip na takbuhan. Bago isara ni Gabriel ang pintuan ng banyo, may narinig siyang mahinang ungol mula sa loob. “Sino ‘yan?” tanong niya. Walang sumagot. At nang papatayin na niya ang ilaw, narinig niya ulit ang ungol. Ngunit ngayon, mas malakas na. “Tulong…” sabi ng boses. “H-ha?!” tanong ng namumutlang si Gabriel, “S-sino yan? L-lu… lumabas ka!” “Tulungan mo ‘ko…” “Hindi pangalan ‘yan! Lumabas ka, ngayon din!” Mabagal na humakbang ang binata papalapit sa kurtina. “Diyos ko po…” bulong nito sa sarili bago hawiin ang kurtina. “Lumabas ka!” sigaw niya sabay

93 hila ng kurtina. Nagulat si Gabriel nang makita niyang walang nagtatago na multo sa liguan. Napabuntong hininga ang binata. Wala naman palang nagtatago. Siguro inaantok na rin siya. Subalit pagtalikod niya, may bata nang nakatayo sa may pintuan ng banyo. “Tulungan mo ako…” iyak ng bata. “Gah!” pigil na sigaw ni Gabriel, takot na marinig ng mga magulang niyang nagpapahinga sa salas. “Kuya… tulungan mo ako,” ungol ng bata. Hindi maintindihan ni Gabriel kung bakit hingi nang hingi ng tulong ang bata, hanggang sa nilapitan niya ito at nakita ang balikat nitong may mahabang hiwa. Umaagos ang namumulang-itim na dugo nito sa lapag. Nakita din ng binata nang mas malinaw ang mukha ng bata. Parang pamilyar ito sa kaniya, ngunit hindi niya ito binigyan ng mahabang pansin. “Hala!” bulong ni Gabriel, “Anyare sa’yo?” “M-masakit… kuya… masakit…” at biglang umiyak ang bata. “Shete…” saltik ng binata, “Teka. Akin na balikat mo!” Dahan-dahang inangat ni Gabriel ang balikat ng bata papunta sa ilalim ng gripo. “Medyo masakit lang ito, okay?” bulong niya sa bata. Tumango ang bata at hinawakan nang mahigpit ang t-shirt ng binata. Binuksan ni Gabriel ang gripo at hinugasan ang sugat ng bata. Kada patak ng tubig na tumatama sa sugat ay humihigpit nang humihigpit ang hawak ng bata sa t-shirt niya. Rinig na rinig ni Gabriel ang pagpipigil ng bata na humiyaw at umiyak. Hindi niya mapigilang maawa. “T-tapos na po ba?” takot na tanong ng bata. “Mhm…” sagot ni Gabriel, “Teka. Nasa kwarto kasi ang first aid kit ko.”

94 Dinala ni Gabriel ang bata sa kwarto niya at pinaupo ito sa kama. Kinuha niya ang first aid kit mula sa loob ng aparador at inilatag ito sa tabi ng bata. “Eto ha…” mahinahong wika ni Gabriel, “Medyo mahapdi lang ito, ha?” “S-sige… sige po.” sagot ng bata. “Di pa tayo magkakilala,” mabagal na pinahid ni Gabriel ang bulak na may Betadine sa gilid ng hiwa, “Ako si Gabriel. Nice to meet you.” “A-ah,” nahihiyang sagot ng bata, “Nays to mityu po, Kuya Gabriel.” “Nice to meet you too.” sagot ng binata. Tahimik na tumango ang bata, halatang nahihiya. Hindi ito nagpakilala. “Nga pala,” tanong ni Gabriel, “Bakit ka pala nasa CR kanina?” “Ah…” nahihiyang na sagot ng bata, “Kasi po… nagtatago po ako eh.” “Nagtatago? Mula kanino? Bakit?” “Y-yung tatay ko po.” “Talaga?” tanong ng binata, “Bakit ka nagtatago?” “Kasi po… siya yung… s-siya yung nagbigay sa’kin nitong sugat po. Hinampas po niya ako ng…” Mayroong biglang pumasok sa alaala ng binata. Nakita niya ang isang eksena ng malaking lalaking mahigpit na hawak ang isang basag na bote, nagngangalit na humihinga bago ihampas ang bote... “San Mig Light,” sabat ni Gabriel, na ikinagulat ng dalawa. “Paano… paano mo alam?” “Di ako sure…” nalilitong sagot ng binata. Maya-maya, binalutan ni Gabriel ang hiwa ng isang rolyo ng gasa. “Ayan…” sabi ng binata pagkatapos gupitin ang nakalaylay na gasa. “OK na?” Tumango ang bata nang may ngiti sa mukha. “Salamat po, kuya!” sagot ng bata.

95 “Walang anuman,” tuwa ni Gabriel habang pinapanood ang ngiti ng batang kanina lamang ay nag-iisa at umiiyak. “Bakit…” nahihiyang na tanong ni Gabriel, “Bakit kaya ganun ang mga magulang mo? Di ka ba nila mahal?” “Sa totoo po… parang hindi ko na po sila kilala eh,” sagot ng bata. “Hindi ko nararamdamang anak ako nila.” Naawa ang binata sa batang estranghero. Gaano kaya kalala ang pinagdaanan ng batang ito para ganoon ang masabi niya tungkol sa mga magulang niya? Hindi maisip ni Gabriel kung ano ang nangyari sa bata, at parang mas gusto na lang niyang huwag nang isipin. “Tawag pa nga po sa’kin nila…” patuloy ng bata, “demonyo. Pahirap sa buhay nila. Sana na lang daw hindi na ako ipinanganak.” At nang sabihin ito ng bata, bumalik muli ang kurap na biglang tumusok sa alaala ni Gabriel. Nakita ng binata ang eksena ng dalawang taong isinisigaw ang mga salitang sinabi ng bata. Naramdaman niya ang sakit ng mga salitang ito na tila mga karayom na tumatagos sa kaniyang dibdib. Ngunit hindi dito pinakatakot si Gabriel. Mas takot siya dahil napakapamilyar ng mga eksenang ito sa kaniya, parang nangyari na ito sa kaniya. Sa mata ni Gabriel, ang magulang niya ay katulad lamang ng karaniwang magulang: mapagmahal at mababait. Imposibleng maging totoo ito, hindi ba? “Kuya,” mahinang hila ng bata sa manggas ni Gabriel. “Mhm?” tanong ng binata nang may ngiti sa mukha, “Bakit?” “Okey ka lang?” tanong pabalik ng bata. “Oo naman.” sagot ni Gabriel, “Bakit mo naman natanong yun?” “Umiiyak po kayo eh.”

96 Tama nga ang bata. Umiiyak pala si Gabriel, habang pinipisil ng kaniyang kanang kamay ang kakambal nito. Napansin ito ng binata at pinaghiwalay ang nanginginig at namumulang mga palad. “Ah…” pasimpleng tawa niya habang pinupunasan ang mga luha sa kaniyang mga mata, “Sorry. Di ko napansin.” “Kuya,” tanong ng bata, “Ano po nangyari sa inyo?” Ano nga ba ang nangyari kay Gabriel? Hindi niya maalala. O ayaw niyang alalahanin? “Kuya…” sabi ng bata, “hindi magandang magsinungaling sa iba.” “Alam ko,” sagot ni Gabriel, “Alam ko naman ‘yun.” “Pero… pero mas hindi maganda na magsinungaling sa sarili mo.” Nabigla si Gabriel sa sinabi ng bata. “Ha?” nalilitong tanong nito. “Bakit… bakit mo naman nasabi ‘yun?” Pero alam ng binata sa kaloob-looban niya na nabuking na siya sa bata. Alam ng bata na mayroon siyang mga alaala, alam ng estrangherong hindi niya kilala na mayroon siyang itinatago. Ngunit hindi niya maisip kung bakit-- “Bakit ayaw mong harapin, kuya?” tanong ng batang may tapang sa kaniyang boses. “H-harapin…” napatayo si Gabriel sa lito at takot, “Harapin ang alin?” “Ayan ka na naman, kuya.” buntong hininga ng bata na ngayo’y mas mapilit kaysa kanina. “Hindi kita kilala. So… bakit ako kailangang magkwento sa’yo?!” “Oo, hindi mo ako kilala at hindi rin kita kilala. Pero alam kong pareho tayo ng pinagdaanan.” “Hindi!” napasigaw ang binata nang malakas, “Hindi mo alam ang nangyari sa akin! Hindi tayo magkapareho! Mahal ako ng magulang ko!”

97 “Ganyan din sinabi sa’kin ng magulang ko!” sigaw pabalik ng bata, hinahampas nang paulit-ulit ang binti ni Gabriel. “Kuya… kailangan mong magising kuya!” “Hindi ko kailangang magising!” sagot ni Gabriel sabay tulak sa bata. Napaupo ang bata sa lapag habang nakatingala sa galit na binata. “Sana nga po talaga wala.” Biglang nagbago ang tingin ni Gabriel sa bata. Hindi na ito inosente at bata sa mata niya. Hindi na ito estranghero. At hindi na rin kaibigan. “‘Wag…” bulong ng binata. “Wag kang lalapit sa akin. Umalis ka na.” “Hindi,” sagot ng determinadong bata. Sabay hila sa balikat ni Gabriel, “Hindi ako aalis hangga’t hindi mo hinaharap ang totoo!” Mahigpit ang hawak ng bata sa kaniyang kamay. Bakit niya hahayaan ang isang hindi niya kilalang akyat-bahay na pumasok sa kaniyang kwarto, gamitin ang gasa mula sa kaniyang first aid kit, at umupo sa kaniyang kama? Bakit siya makikinig sa batang hindi mahal ang kaniyang magulang? Nandiri si Gabriel. Hinila ni Gabriel ang kamay mula sa mahigpit na hawak ng bata. “Umalis ka na,” sabi ng binata. “Ngayon din.” Hinila ulit ng bata ang kaniyang kamay, ngunit ngayon ay sinabayan niya ito ng isang suntok sa tiyan ni Gabriel na hindi inasahan ng binata. “Hindi ako aalis…” bulong ng bata, “Hangga’t hindi ka pa nagigising, Gabriel.” At sinabayan niya ito ng isa pang suntok sa pisngi ng binata. Umubo nang umubo ang binata, gulat na sinuntok siya ng akyat- bahay na mas maliit sa kaniya. Binulag ng galit, napikon si Gabriel. Tinulak niya ang bata at ibinagok ang ulo nito sa lapag. Napasigaw ang kahoy na sahig sa pagtalbog ang ulo ng akyat-bahay. Gumanti ang bata sa

98 pamamagitan ng mahigpit na hawak nito sa leeg ng binata, ngunit ito’y sinagot agad ni Gabriel ng isa pang bagok sa lapag. “Ma… mamatay ka na! Mawala ka na!” “Hindi…” ubo ng bata. “Hindi ako mawawala!” Sa galit ni Gabriel, hindi niya namalayan na sa paulit-ulit na pagsigaw ng sahig ay napatakbo ang nanay niyang pabaya at ang tatay niyang lasing sa kuwarto niya. Inangat ng binata ang kaniyang kamay at kinuyom ito, handang patahimikin ang akyat-bahay na pinipilit siyang “gumising,” nang may naramdaman siya mula sa loob ng kaniyang kamay. Hinimas niya ang misteryosong bagay na akap-akap ng palad niya. Pamilyar ito sa kaniya. Masyadong pamilyar. Tumingin si Gabriel sa nakaangat niyang kamay niyang at nanlaki ang mga mata. “B-bakit…” tanong ng namumutlang binata. “Bakit ko hawak ito?” At nanginig ang buong balikat niya habang tinititigan ang bote ng SanMig Lite na sinasabayan ng eksenang alas-onse sa labas ng bintana niya, ang mga dumadaan at sumasayaw na ilaw sa ibabaw nito. Binitawan niya ito at narinig ang malakas na pagbasag nito sa kahoy na sahig. “Gabby!” sigaw ng nanay na tumatakbo papasok sa kwarto ni Gabriel. “Gabby, anong nangyayari dito?” Nakita ng nanay ang nakaluhod na binata, nanginginig ang kanang balikat habang ang kaliwa ay tila may sinasakal sa sahig. Nakita ng nanay ang namumutlang mukha ng anak, ang nanlalaki nitong mata, ang pawis na lumuluha mula sa noo nito. Narinig ng nanay ang nanginginig na paghinga ni Gabriel. Ngunit walang batang nakahiga. Walang bubog galing sa basag na bote ang nakakalat sa lapag. Nakaluhod lang si Gabriel, nag-iisa at umiiyak habang sumasayaw ang ilaw ng eksenang alas-onse sa labas ng kaniyang bintana.

99 katha lyst

Ang Pinakamalaking Lobo

alang makahahadlang sa pagnanais ng luntiang lobo na maging pinakamalaking lobo sa lahat. WNoong munting lobo pa lamang siya ay naikukumpara na siya sa mga kasabayang lobo. “Ang laki-laki mo na!” palagi niyang naririnig mula sa iba pang nakatambay na lobo sa parang. Natuwa ang luntiang lobo. Mula noon ay ginagawa niya na ang lahat ng makakaya upang maging pinakamalaking lobo sa buong bayan. Suki ang luntiang lobo sa Pahanginan at bawat bisita ay ikinatutuwa niya ang kaniyang paglaki. Tila nasa langit siya tuwing napapansin ang kaniyang kalakihan. Ang Pahanginan ay binubuo ng makukulay at silindro o pabilog na mga gusali. Pula, bughaw, kahel, itim, at lila ang iba’t ibang kulay ng mga gusali ng Pahanginang may itim na patusok na bubong. Sa tuwing may nagpapahangin sa Pahanginan ay gumagalaw ang bubong pataas at pababa. Pagpasok ng mga

100 lobo sa gusali ng Pahanginan ay babatiin sila ng mga boluntaryong lobo na tumutulong sa mga nais magpahangin. Normal na parte ng buhay ng lobo ang pagpapahangin. Lahat ng lobo ay nagpapahangin ngunit sa marami, ang pagpapahangin ay ginagawa kapag mumunting lobo pa lamang, kapag nawawalan sila ng hangin dahil sa butas na kailangang tapalan muna, o kaya naman ay kapag nahihirapan sila sa paglipad dahil sa kakulangan ng hangin. Sa simula ng buhay ng isang lobo, paonti- onti lamang ang hangin na iniihip dahil hindi ito madaling proseso lalo na sa mga lobong nagsisimula pa lamang sa paglaki. Mas madalas man niya itong ginagawa kaysa sa karaniwang lobo ay walang nanghuhusga sa luntiang lobo. Sa patuloy na pagsusumikap at walang kapagurang pabalik-balik sa Pahanginan ay hindi naglaon at siya na ang pinakamalaking lobo sa buong bayan. Lahat ng nakakasalubong sa paglipad ay manghang-mangha sa luntiang lobo. Masaya ang luntiang lobo at siya ang pinakamalaking lobo sa kanilang lugar. Araw-araw niyang inaantabayan ang pagkamangha at tuwa sa kaniyang kalakihan ng mga lobo sa bayan. Sa ibang mga lobo, hindi importante ang laki ng lobo dahil masaya sila kahit gaano man sila kalaki. Kahit hindi naiintindihan ng ibang mamamayan ng bayan ang kaniyang pangarap, nagpatuloy pa rin ang luntiang lobo sa paglipad upang maabot ito. Para sa kanya, ito ay nagpapaalala ng kaniyang tiyaga at pangarap na naabot. Dahil dito, kuntento ang luntiang lobo. Sa parang kung saan palaging nagsasama ang mga mamamayan upang lumipad at maglaro, tila palaging maganda ang hangin dahil kasabay ng tawanan ay ang paglipad ng mga lobo sa malawak at makulay na langit. Palaging nagpupunta ang luntiang lobo sa parang para lumipad kasama ang mga kaibigang sina bughaw, itim, at marami pang iba. Kahit na ang luntiang

101 lobo ang pinakamalaking lobo sa bayan, hindi siya naiiba sa ibang mga lobo. Nagagalak ang ibang lobo sa tuwing nakakasama siya sa paglipad. Lahat ng lobo, bawat hapon ay nasa parang at nagsasaya kasama ang komunidad. Bawat laro ng pataasan at pabilisan ng paglipad ay pinahahalagahan ng luntiang lobo. Masaya ang luntiang lobo sa bayan kasama ang mga kaibigan at sa kanilang araw-araw na pagsasama. “May mga bagong lipad!” kuwento ng kaibigang bughaw na lobo sa luntiang lobo. Sino itong mga lobong kararating lang sa kanilang bayan? Napansin ng luntiang lobo ang pagbabago ng ihip ng hangin. Ang buong bayan ay aliw na aliw sa mga dayong lobo. Napakadalang kasing may lumipad tungo sa kanilang lugar. Malaking mga lobo ang mga dayo sa bayan at agaw pansin din talaga ang kanilang polka dots na marka dahil lahat ng mamamayan ay payak lamang at isang purong kulay lamang bawat lobo. Habang ang buong komunidad ay puno ng pagkamangha, ang luntiang lobo ay tila umiikot ang ulo sa pagkalito. Ang buong bayan ay masaya sa pagkakaroon ng bagong lobo sa paligid ngunit ang luntiang lobo ay nagtatanong kung bakit hindi siya masaya. “Napakalaki ng mga bagong lobo, pinakamalaking nakita ko! Gusto ko silang makilala!” sabik na sabi ng bughaw na lobong hinihila ang luntiang lobo tungo sa parang. Ang bughaw na lobo ay madali talagang maaliw at napakasigla sa lahat ng bagay. “Mas malaki pa sa akin?” bulong ng luntiang lobo na hindi napansin ng bughaw na lobong patuloy lang at mabilis ang paglipad. Sobrang nababahala siya na may mga lobong mas malaki pa pala sa kaniya. Kahit na nais niya ring magpunta sa parang upang makasama ang iba pang mga lobo, naisip niyang mas importanteng bumisita ulit sa Pahanginan.

102 Pakiramdam niya ay tinatangay na lang siya ng hangin at parang wala siyang kontrol sa kaniyang paglipad. Alam niyang mabibigo ang bughaw na lobo sa kaniyang hindi pagsama ngunit nagpaalam pa rin siya sa kasamang lobo at lumipad na palayo. Sa isip ng luntiang lobo, kung siya na ulit ang pinakamalaking lobo sa bayan, babalik sa dati ang lahat. Magiging masaya na ulit ang bawat pag-ihip ng hangin at mas matutuwa ang mga nasa parang sa kaniya. Sa pagpasok sa gusali ng Pahanginan at habang nasa proseso ng pagpapalaki ng sarili, palutang- lutang sa isipan ng luntiang lobo ang mga isipin. “Ako na ulit ang pinakamalaking lobo!” pagmamalaki niya sa sarili. “Mag-ingat ka at baka masobrahan ka naman ng hangin.” pabiro at nag- aalalang abiso ng isa sa mga nakatatandang lobong nagbabantay sa Pahanginan. Parang tinangay lang ng hangin at hindi inintindi ng luntiang lobo ang paalala sa kanya. Laking gulat ng itim na lobo nang makatagpo ulit ang luntiang lobo matapos ang ilang araw ng hindi pagkikita, sa isang gusaling tanaw ang parang kung saan naglalaro na naman ang kanilang mga kaibigan ng pataasan ng paglipad. Ang lila at bughaw na lobo ang nangunguna at dinig ng itim at luntiang lobo ang ingay ng tawanan at sigawan ng suporta ng mga tao. “Anong nangyari sa’yo? Bakit ang tagal mo nang hindi pumupunta sa parang?” Isa rin ito sa paikot-ikot na tanong sa kaniyang isipan kaya hindi niya alam kung ano ang isasagot. Nagkuwento ang itim na lobo tungkol sa mga kasiyahan sa parang ng mga nakaraang araw. Sobrang bilis na raw ng lipad ng bughaw na lobo. May bagong nakilala raw silang mga lobong may puting guhit. May mga dayo na naman sa kanilang bayan. Hindi niya madala ang sarili na lumabas at lumipad kasama ang ibang lobo. Hindi man lang pinansin ng lilang

103 lobo ang kaniyang paglaki. Nagpalusot na lang siya at sinabing kinailangan lang niya ng pahinga. Tanaw niya ang makulay na langit sa nagliliparang mga lobo sa parang. Nais niya ring makisali at makisaya kaya naman siya’y humingang malalim at lumipad patungo sa maingay na parang. Ngunit pagdating sa parang ay nag-iba na ang kaniyang pakiramdam. Binati siya ng kaniyang mga palaging nakasasalamuha at nakisama sa mga palagi nilang ginagawa ngunit wala na ang galak tuwing naglalaro sila sa parang. Mabigat ang pakiramdam ng luntiang lobo. Pauwi na sana siya nang makasalubong niya ang isang napakalaking dilaw na lobong may mga puting guhit sa katawan sa kabilang dako ng parang. Tila isa’t kalahati ng luntiang lobo ang laki ng dilaw na lobo. Nagbatian sila at nalaman niyang bumibisita lamang ito sa bayan. Kahit na alam niyang hindi magtatagal ang dilaw na lobo sa bayan ay hindi pa rin mapakali ang luntiang lobo dahil mas malaki ang dilaw na lobo sa kaniya. Naisip niyang baka iyon ang rason kaya hindi naging maganda ang karanasan niya sa araw na iyon dahil may lobo na namang mas malaki sa kaniya. “Bakit kaya napakaraming dayo ngayon sa ating bayan?” tanong niya sa kaibigang itim na lobo isang araw habang nagpapahinga. “Oo nga ‘no. Palagay ko ay nagbabakasyon lang o bumibisita sa kanilang kakilalang naninirahan dito. Narinig ko rin malapit sa Pahanginan ang pagmamayabang ng isang nakatambay roon na darating daw rito ang kakilala niyang pinakamalaking puting lobo. Napakahangin talaga. Parang hindi naman totoo.” natatawang sabi ng itim na lobo. Hindi makahinga ang luntiang lobo. Kailangan niya ng hangin, ang kaniyang unang naisip.

104 Sa mga sumunod na araw ay pabalik-balik siya sa Pahanginan. Sa sobrang laki niya ay napakaingat na rin ng mga tagabantay ng Pahanginan. Marami nang tumutulong sa kaniya sa pagpapahangin dahil sa pag-aalala. Natatakot na ang mga bantay ng Pahanginan kaya naman hindi na nila pinahintulutan ang luntiang lobo sa pagbalik. Sabi nila, wala na siyang ilalaki pa. Bumalik na ang luntiang lobo sa dating gawi ng pagtambay at pagsasaya sa parang sa mga iba pang lobo. Sa kaniyang laki at anyo ngayon ay lahat ng lobong makakikita sa kaniya ay humahanga. Puro ngiti siya buong araw dahil nakasama niya na ulit ang mga kaibigan kahit na hindi na ganoon kataas ang kaniyang paglipad dahil sa hangin sa kaniyang katawan. Sa kaniyang isipan, maganda ang araw na iyon dahil siya na nga ang pinakamalaking lobo, mas malaki sa dilaw na lobo, mas malaki sa grupo ng mga lobong may polka dots, at di hamak na mas malaki sa mga lobo sa kanilang bayan. Malinis ang hangin at kalmado ang himpapawid. Dumating ang isang puting lobong nakamamangha rin ang laki. Nang narinig ito ng luntiang lobo, hindi siya naniwala sa mga kuwento-kuwentong tangay ng mga lobo. Sa kaniyang pagkakaalam ay siya na ang pinakamalaking lobo kaya naman naglakas loob siyang kitain ang puting lobong laman ng mga usapan sa bayan. Laking gulat nilang pareho nang makita ang isa’t isa. Magkasinlaki ang luntian at puting lobo hanggang sa pinakamaliit na pulgada at sentimetro. Hindi araw-araw na mayroong dalawang napakalaking lobo sa iisang lugar. Kung may makatatabi silang lobo na may normal na kalakihan ay kakailanganin ang higit pa sa dalawang normal na lobo upang makaabot sa tangkad ng luntian at puting lobo. Dali-dali siyang nagpaalam upang umuwi at mag-isip.

105 Kailangan niyang magpahangin. Kailangang siya lang ang pinakamalaking lobo. Alam niyang hindi na siya papayagan sa Pahanginan kaya hanggang hapon ay lutang ang kaniyang kaisipan. Kailangang mas malaki siya. Nais niya lamang bumalik sa dati kung saan hinahangaan siya at ang bawat paglipad sa parang kasama ang mga kaibigan sa bayan. Walang makahahadlang sa pagnanais ng luntiang lobo na maging ang pinakamalaking lobo sa lahat. Nang madilim na ang paligid ay lumabas siya. Maingat at palutang na nagtungo sa Pahanginan. Dahan-dahan at patago niyang hinanginan ang sarili. Napakalaking lobo ng luntiang lobo. “Kaonti pang hangin,” bulong sa sarili at patuloy ang pag-ihip habang inaalala ang makulay na parang, ang pagkasabik niya sa unang beses niyang pagpapahangin, ang maingay at masayang paglalaro kasama ang mga kaibigan sa bayan... “Wala nang lobo ang makalalamang sa aking laki ngayon.” Nagising ang mga lobo sa buong bayan sa pinakamalakas na pagsabog sa dako ng Pahanginan.

106 Ryan Miguel D. Rivera

Init at Ginaw

ayo 12, 2019, ??:??am.

M May halong kasamaan ang tirik ng araw. Nagpi-picnic si Bene kasama ang kanyang ina sa Luneta Park nang lamunin ng pula ang himpapawid. Sumiklab ang isang puno dahil sa sobrang init. Iniwanan ng nanay ni Bene ang pinagkainan sa lapag at sumenyas na kumaripas ng takbo palayo sa panganib. Lumiyab din ang katabi nitong puno, at ang katabi nitong puno, hanggang sa buong kapunuan ng Luneta na ang nasusunog. Sa kabila ng mga tili at sigaw, sumingaw ang tubig-lawa na nakapalibot sa maliit na replika ng Pilipinas. Nagtakbuhan ang mga namamasyal para iwasan ang mga apoy, ngunit biglang lumambot din ang lupa. Lumubog at nabaon sa semento ang daan-daang paa ng nagtangkang lumikas. Kasama na roon ang

107 nanay ni Bene. Nasa panganib ang mga taong itong makalanghap ng usok at hindi na makagalaw. “Anak, takbo!” sigaw ng nanay. Nabagabag si Bene at napatigil sa kanyang kinatatayuan. Bumalik siya para tangkaing iligtas ang ina. Gayunman, sumigaw ang ina at sumenyas sa anak na lumikas patungo sa likod, sa tabing-dagat ng Bay. “Ma, abutin mo kamay-” hindi natapos ni Bene ang sasabihin. Sa kasamaang palad, siya ay nahimatay, bumagsak, at nilamon ng mainit na lupa. Pareho ang sinapit ng kanyang ina.

Maaaaaaaaaaaaaaaa! Napadilat si Bene at napabangon mula sa kanyang bangungot. Lumingon siya sa orasan, 10:57am na. Iniunat niya ang kanyang mga braso at kinalog ang kanyang katawan para makawala sa kapit ng masamang panaginip. Dalawang buwan na siyang nakabakasyon, kaya nasanay na siyang gumising nang tanghali. Umahon siya sa higaan at nakita ang naiwang bahid ng pawis sa gitna ng sapin. Nakasuot man ng pambahay, wala pa rin siyang takas sa halumigmig ng panahon. “Sunday nga pala ngayon, syet!” agad niyang naisip. Tuwing Linggo ng umaga kasi namamalengke si Bene para bumili ng pangkain ng buong linggo. Mas sariwa raw kasi ang paninda kapag bumibili sa tindahang bagong bukas. Ayaw niya man gawin, wala namang ibang taong gagawa para sa kanya, dahil dalawa lang sila ng ina sa bahay magmula noong maaksidente ang ama at pumanaw. Lumabas si Bene sa kanyang kwarto at bumaba para silipin ang nilulutong

108 tanghalian ng kanyang nanay, si Aling Rosa. Dalawa na nga lang sila sa bahay, madalang pa silang magsama. Nagtatrabaho kasi sa ospital ang ina at sa Linggo lang naka-off.

“Hindi ka na naman nakapag-almusal, Benjamin. Sayang naman sinasangag ko!” “Oo na, oo na!” sigaw ni Bene, “Bah-bye na! Punta na ‘ko sa palengke.” “Wag mo ‘ko tataasan ng boses! Manang-mana ka talaga sa papa mo,” ang sigaw ng ina, ngunit nakadirekta sa kawalan, pagkat nakalabas na si Bene. Nagpara ang binata ng jeep sa tapat at sumakay tungo sa Blumentritt Market sa ilalim ng mainit na araw.

Hindi naman siksikan ang loob ng jeep. “Hay, salamat,” naisip ni Bene. Kaso noong umupo siya’t sumandal, biglang napaso ang kanyang batok. Napaatras siya sa bakal na bintana nang biglaan at nauntog naman siya sa bakal ding hawakan. “Po...” Sisigaw sana siya kaso ang daming nakatingin. “O, masakit?” tumukso pa si Manong Tsuper. “Opo. Masakit. Ito po bayad, pakiabot nga.” Inirapan si Bene ng katabi niyang mama. Ang tono ba naman ng boses, parang nang-uutos. Hindi pinansin ng mama si Bene at lumayo pa siya kay manong. Kaya binalik ni Bene ang irap at kinaladkad ang puwit pakanan para abutin ang bayad. “Buwisit na araw na ‘to.” ang bulong ng binata sa sarili.

109 Mayo 12, 2019, 11:43am.

Bumaba si Bene sa sasakyan. Nagkataon, may tricycle na tumakbo sa tabi niya na hindi nagtipid sa pausok. Napabuntonghininga siya sa malas… kaya nalanghap niya tuloy ang usok. Napaubo ang binata nang malakas. Dalawang taon na ang lumipas magmula noong tinuruan siyang sumakay ng jeep at mamili sa palengke. Gayunpaman, hindi pa siya nasasanay at tingin niyang hindi siya kailanman masasanay sa sensory overload na Blumenttrit Market. Una sa lahat, babad ang buong palengke sa araw dahil nasa gitna ito ng daan. Ang dami na ngang tao, ang dami pang naghahalo-halong amoy. Kanal, basura, ebak ng askal, paninda, usok, Jollibee Chicken Joy. Sa sobrang tapang ng amoy, malalasahan mo ito. Sisira naman sa pandinig mo ang sari- saring busina ng dumaraang PNR sa baba at LRT sa taas, dagdag mo pa ang nagsisidaang jeep, tricycle, at sasakyan, hindi lamang sa Blumentritt kundi rin sa Rizal Avenue. Tapos kailangan mo pang pag-ingatan ang gamit at pera mong dala dahil maraming mandurukot. Misteryo ng daigdig kung paano nakakaya ng tao ang lugar na ito. Pumasok si Bene sa pamilihan at tumungo sa gulayan. Hindi lahat ng mga stall ay bukas, palibhasa malapit nang mag-alas dose at nanananghalian ang mga bantay. Kaya lumibot muna ang binata at naisipang bumili ng iskrambol, para labanan ang init ng panahon. Bumibili siya mula sa isang tindero nang may marinig siyang matandang sumisigaw sa kabila. “Iha, ang lakas mo naman tumawad! Akala mo ba’y nahuhulog lang ‘yan sa langit?!” “Sorry po,” ang bulong ng maliit na babae. “Wan twenty. Tapos ang usapan,” deklarasyon ng tindera.

110 Lumapit si Bene. Nakilala niya ang babae. “Tin, ikaw ba ‘yan?”

Abril 30, 2019, 5:18pm.

“Bene, walisin mo nga ‘yung tapat! Tumae na naman ‘yung aso!” sumigaw si Aling Rosa pataas ng hagdan para marinig ni Bene na nasa kwarto. “Nag-aaral ako, ma! Ikaw na!” “Puputulin ko ‘yung wi-fi kung di ka bumaba!” Bumigay ang anak at mabagal na lumakad pababa. “Ano ba naman ‘yan. Sisisihin kita kapag bumagsak ako bukas sa exam.” “Labyu, anak!” matamis na binitaw ng ina. Kumuha si Bene ng plastik para mapulot ang duming iniwan ng mabait. Minabuti niya ring walisin ang mga dahong naglagas mula sa mga puno. Mabilis lang sana siya kaso may biglang kumantiyaw. “Kadiri naman. Bagay sa’yo.” Siya si Tin, ang kapitbahay. Nakaupo sa maliit na terrace sa tapat ng bahay. Kaedad lang halos ni Bene, at anak ng kumare ni Aling Rosa. Kung hindi pa halata, hindi siya palakaibigan. “Hagis ko ‘to sa’yo, eh,” tukso ni Bene. “Subukan mo,” hamon ni Tin. Lumapit si Bene nang hawak ang granadang nakabalot sa plastik. Bilang panakot, ginaya niya ang tindig ng mga nagba-baseball na nakita niya sa TV tuwing ibabato nila ang bola. “Baliw ka ba?!” Yumuko si Tin nang mabilis. Sabay hagis! Dug dug dug dug!

111 Nahulog ang bomba sa basurahan, kung saan niya pala tinarget. Sakto! Biodegradable pa naman din. “Hayop ka talaga! Tingin mo ba ikina-cute mo ‘yan?! Maaaaaaaaa!”

Nagdabog si Tin papasok ng kanyang bahay. Heto namang si Bene, tuwang-tuwa. Sulit ang pinagod sa paglilinis. Palibhasa, gustong-gusto niyang magpapansin kay Tin.

Mayo 12, 2019, 12:14pm.

Nakilala rin ni Tin ang boses. “Ano?!” Hindi pa rin niya nalilimutan ang panunuksong ginawa ni Bene. “Manang, bayaran ko na po.” Nag-abot si Bene ng P120 at nabigla si Tin. “Sinabi ko bang bayaran mo?!” “Pautang lang ‘yan. Bayaran mo mama ko.” Dumagdag pa si Manang. “O iha, magpasalamat ka naman sa boypren mo. May mini electric fan ka na.” “Hindi ko po siya boypren!” Nahiya si Tin at tumakbo palayo sa tindahan ng asyumera. Sumunod naman si Bene, pagkatapos pasalamatan ang tindera. “Tin, teka, sabay tayo umuwi!” inalok ng binata. “Ayoko nga, lubayan mo ‘ko!” “Bakit? Pinautang na nga kita, ah. Ano pa bang gusto mo?” “Paginawin mo ‘ko.” “Ha?” Hindi nakasunod si Bene. Tanghaling tapat, paano magpapalamig? “Paginawin mo ‘ko, sabi. Makakatulong ka pa. Mabawasan nga rin ‘yung

112 init ng ulo mo. Saka kita sasamahan.” Sabay walk-out. Binili na ni Bene ang pinabibiling gulay at diretsong umuwi.

Kinagabihan, pinag-isipan ni Bene kung ano ang ibig sabihin ni Tin. Magpaginaw? Walang mas nakagiginaw kaysa sa titig niya. Siguro nagpapabili siya ng aircon? O baka kasi nga imposible, kaya niya sinambit iyon, para layuan siya ni Bene? Hindi bale. Gusto rin ni Bene ng malamig. Pasakit ang init ng panahon noong mga nakaraang linggo. Alam niya mang imposible, hiniling niya ito sa dasal bago matulog. “Lord, hindi ko po maintindihan si Tin! Bakit nakakalito po siya? Paano po lalamig kung gitna pa lang po ng May? Pero kung ako po ang masusunod, sana nga po lumamig ang panahon. Kahit kaunting hangin lang. Kung kaya Niyo rin pong magpaulan ng , sige lang po. Gusto ko pong ibigay ang hinihiling ni Tin para mapansin po niya ako. Lord, pag-ingatan Niyo rin po pala si mama! Amen.” (Hindi siya lumaki sa Catholic school.)

Mayo 13, 2019, ??:??am.

Kakaiba ang naramdaman ni Bene pagkadilat niya nitong tanghali. Hindi pa siya dumidilat. Pagulong-gulong lang siya sa kama nang may kalahating malay. Ang sarap sa pakiramdam, akala niya panaginip. Kinapa niya ang kutson. Bakit walang pawis? “Hindi ba Mayo?” ang binulong ng boses sa panaginip. “Baka may bagyo,” ang tugon ng pangalawang boses. “Baka oras mo na!” sabay na sumigaw ang dalawa.

113 Napadilat si Bene at napabangon mula sa bangungot. Pero agad siyang binalutan ng kilabot. Tumaas ang bawat isa niyang balahibo sa braso at binti. Hindi niya maintindihan. Lumingon siya sa orasan, 11:17am na. Tirik na tirik dapat ang araw ng ganitong oras. Lunod na siya dapat sa sarili niyang pawis. Tumingin siya sa bintanang nanlabo at laking gulat niya dahil kailangan niya itong kuskusin gamit ang daliri para makita ang labas. Tanaw niyang kinumot ang Kamaynilaan ng puti. Nahulog din mula sa kataas-taasan ang mga tiklap ng kristales na iba’t iba ang dibuho at nagnininging sa kaunting sikat ng araw. Namangha si Bene sa kanyang natanaw. Pero bigla niyang naalalang nakasando at shorts lang siyang pambahay. Ang ginaaaaaaaaaaaaaaaaaw! Tumakbo si Bene papunta sa umaandar na electric fan na dati ay pampatuyo niya ng pawis, pero ngayon ay nagpalala lamang sa kanyang kilabot. Pinatay niya ito. Wala namang damit si Bene na panlamig tulad ng sinusuot ng mga Amerikano, Chinese, Japanese, at Korean sa TV. Sumuot na lang siya ng limang t-shirt na pinagpatong-patong. Kaso dahil manipis ang tela ng mga ito at wala rin siyang damit na long-sleeved, wala ring bisa. Nagpatong din siya ng dalawang pares ng pantalon at dalawang pares ng medyas, kaso masikip na sa baywang kaya mahirap pagkasyahin. Naglakad siya nang dahan-dahan palabas at pababa ng hagdan para kamustahin ang magulang. Laking gulat niya na nasa bahay pa rin si Aling Rosa; hindi siya umalis papunta sa ospital. Ganoon din ang sinuot ng nanay: tatlong t-shirt na pinatong-patong, kaso mayroon din siyang lab coat. Hinubad niya ang coat at sinuot kay Bene nang makita niyang nanginginig si Bene. Nagsuot ang binata ng sapatos pero hindi ito nagkasya dahil tigdalawang

114 medyas ang suot ng kanyang mga paa. Kaya pinilit na lang niyang isiksik ang mga ito sa tsinelas. “Benjamin, l-lalabas ka?! Baka naman mahimatay ka sa lamig!” babala ng nanay, na nanginginig ang dila. “Saglit lang, ma, titingin lang.” Hahabulin sana ni Aling Rosa si Bene, kaso kinapos na siya ng lakas. Paglabas ni Bene, ibang mundo na ang nakita niya. Nang tamaan siya ng simoy ng malamig na hangin, tumaas ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan. Ito naman ang may halo ng kasamaan, naisip niya. Maghubad man siya roon, walang pinagkaiba. Pareho lang ang pakiramdam. Bumaha na naman ang bahaing kalsada ng Blumentritt, hindi nga lang tubig ang laman. Ang niyebe ay umabot sa sakong at nagmistulang semento tuwing hinuhukay at inaayos ang kalye ng mga construction worker. At dahil din sa niyebeng ito, ang bawat hakbang ay parang tusok sa talampakan, pero nang makalayo siya nang onti sa bahay, tuluyang namanhid ang kanyang hita. Nakita niya na ang puno sa ibabaw ng bahay na dating naghuhulog ng mga dahon ay nahubad na. Sa ilalim nito, naroon ang bangkay ng aso na malamang ang dating nag-iwan ng dumi sa tapat. Walang tao ang lumabas ng bahay. Wala rin ang mga na karaniwang nagliliparan. Nakaparada lang sila sa kalye at unti-unting pinasukan ng niyebe. Paulan-ulan lang din ang mga kristales, pero hindi naman maganda, naisip niya. Hindi ito ang kapana- panabik na taglamig na napanood niya sa mga cartoon noong bata siya. Di bagay ang ganitong panahon sa buhay Mañileno. Pero naalala ni Bene bigla ang usapan nila ni Tin noong nakaraang araw tungkol sa pagpapaginaw. Baka papansinin na siya ng dalaga dahil malamig na ang panahon. Nagkalakas siyang kaladkarin ang sarili papunta sa katabing

115 bahay at kumatok. “Tita Daisy, andiyan po ba si Tin?” Walang tunog, walang sagot. Kumatok ulit si Bene nang apat na beses. “Tita Daisy, andiyan po ba si Tin?” Hindi bumukas ang pinto, pero may boses siyang narinig mula sa loob. “Si Kristine?! Ang taas ng lagnat! Ang lamig kasi. Hindi pa gising! Benjamin, ikaw ba ‘yan? Bakit ka ba nandiyan? Bumalik ka sa inyo at baka mahimatay ka diyaan!” Hindi na sumagot si Bene. Tumalikod si Aling Daisy sa pinto at sumigaw nang nakapamewang. “Hoy, ikaw, Kristine, bakit mo ba akong ginagawang sinungaling?” “M-ma, ang lakas ng b-boses mo! Baka marinig k-ka!” tugon ni Tin, habang nakasiksik sa ilalim ng mesang pinagtaguan niya. “Bakit ka ba nakatago diyan? Mauntog ka!” bulyaw ng nanay sa anak. Umahon si Tin. Dug! Nauntog nga. “Aray!” sigaw ng bata. Hinawakan niya nang mahigpit ang bahagi ng ulong natamaan, pero wala ring silbi dahil sa sobrang lamig. “Ayan kasi,” panunuya ng ina, “alalayan mo nga si Bene, baka mahimatay sa labas! Mag-jacket ka muna.” Takang-taka si Tin sa kanyang ina, parang sanay na sanay sa ganitong panahon, kahit nakabestida lang. Kumuha siya ng jacket sa sampayan at sinuot niya ito, pero kumuha pa siya ng isa, lingid sa kaalaman ng ina. Tumakbo siya palabas ng bahay. Tumatawid muli si Bene nang dahan-dahan sa niyebe pabalik sa pinanggalingan niyang bahay, kaso hindi siya nakalayo bago siya mandilim ang kanyang paningin. Nahulog siya at nauntog sa may pintuan.

116 Naabutan siya ni Tin. “Huy, Bene!!!!!!!” Tumakbo si Tin patungo kay Bene. Ininspeksyunan ng dalaga ang ulo, braso, at binti ng binata at tiningnan kung siya ay nasaktan. Sa kabutihang palad, hindi naman siya nagkabukol. Hindi rin siya nabalian o nawalan ng malay. Kinuha agad ni Tin ang isa pa niyang dalang jacket at ipinasuot ito kay Bene. Muntik na itong hindi nagkasya dahil sa lima niyang t-shirt na nakapatong-patong, pero siniksik ito ni Tin para matakpan ang nakalantad na mga braso ni Bene. “H-hoy, ok ka lang” tinanong ni Tin, halatang natataranta, hawak-hawak ang ulo ni Bene. “Tin… Ikaw ba ‘yan? P-panaginip ba ‘to? Ang g-ginaw. M-masaya ka na?” “Loko ka t-talaga,” kutya ni Tin, “nakukuha mo pang bumiro?” “Jacket mo ba ‘to? Ang bango naman.” “Ayoko na nga sa’yo!” sigaw ni Tin. Binitawan niya si Bene.

Nahulog si Bene at nauntog ulit sa lapag. Gayunpaman, hindi siya dumilat. “Huy, Bene, sorry!” sigaw ni Tin. Nakita niyang nakasara ang mga mata ng binata at bigla siyang ng kilabot, dagdag pa sa ginaw ng panahon. Inalog niya ang katawang hindi gumagalaw, at sumigaw nang malakas. “Maaaaaaa, Tita Rose, si Bene! Nahimatay!” Niyakap nang mahigpit ni Tin ang katawan ni Bene. Ibinaon niya ang kanyang ulo sa dibdib ng binata. Luluha sana siya kaso walang tubig ang lumabas sa mata dahil sa sobrang lamig. Hindi niya nakitang angat na angat ang dalawang gilid ng kanyang labi.

117 Natawa ang binata. Umalog ang kanyang dibdib kung saan nakahiga ang ulo ni Tin. Napabangon ang dalaga sa gulat at napahingal nang malakas. Dumilat naman si Bene at bumangon sa pagkahiga. “Ikaw naman, hindi mabiro. Payakap-yakap ka pa, ha,” sinabi niya, na para na ring hindi na giniginaw. Kumulo ang dugo ni Tin. Hindi na siya nakapagsalita. Kaso naisip na lang niyang kaawaan si Bene imbis na magalit pa. Tumalikod siya sa kanya at pumasok sa loob. Binagsak niya ang pinto sa harap ni Bene. “Pwes! Bastos ka!” sigaw ni Tin mula sa loob. “Hoy, maawa ka naman sa pinto!” sigaw naman ni Aling Daisy mula sa taas. Napangiti si Bene. Umabot sa magkabilang tainga ang mga gilid ng labi. Ginanahan siya para makatawid sa niyebe at makabalik sa kanyang bahay nang ligtas.

118 M

(Amag)od!

apag inimbak ang keso, nawalan ng saysay, aamagin talaga ‘to.” ‘Yan ang sagot sa’kin ni Mama Marie nang tinanong ko siya kung bakit Knag-iibang anyo na si Tatay Berto. Sa bawat araw kasing lumilipas, unti-unti nang dumadami ang mga itim na tuldok sa dating maputing katawan ni itay. Literal na siyang nabubulok, may sakit at para bang may hindi maipintang galit na palaging dala-dala. Nag-aalala ko, pero mas nalulungkot ako kasi hindi naman ganito dati. Masaya kami noon - ako, si Mama Marie, at si Tatay Berto. Payapa kaming naninirahan dito sa ref ni Misis at Mister Bautista. Maswerte kami kasi yayamanin ang mag-asawa at binili ba naman kaming tatlo! Noong nasa grocery pa lamang kami nina Mama’t Papa, lagi nilang sinasabi sa’kin na magpakatatag. Kadalasan daw kasi na mahiwalay ang pami-pamilyang pagkain tuwing nabibili. Ngunit, huwag ko raw masamain ang paghihiwalay na ‘to. Maging mas masaya raw ako sa pagkakataong maiuwi sa bagong bahay at makain. Iyon naman daw kasi ang tunay naming layunin at ang pinakamataas

119 na pwedeng maabot sa maikli naming buhay - ang makapagpabusog. Kaya anong saya ko naman talaga nang bilhin kaming tatlo ni Misis Bautista! Inuwi niya kami, tatlong bilog na bloke ng keso, maputi sa labas, manilaw-nilaw sa loob, isang medyo nananaba (si Tatay Berto ‘yun hehe), isang napakakinis (si Mama Marie), at akong napakalambot - masayang pamilyang Brie. Naaalala ko pa ang araw na ‘yon. Mahina ang mga mata naming mga keso, pero bumabawi naman sa pandinig. At napakagaan sa loob ang masalubong ng matamis na boses ni Mister Bautista! “O, hon! Parang masarap ata ‘yang binili mo ah!” Tinugunan naman ng kanyang Misis. “Wine night, later?” Hindi ko alam ang ibig sabihin no’n pero alam kong kinilig ako sa palitan ng dalawa. Nang dahan-dahan kaming inilapag ni Misis Bautista sa bago naming malamig na tahanan, buong-buo kaming sinalubong ng mga bago naming kapitbahay. Pagsara ng ref, umungaw ang ligaya mula sa mga laman nito. “Uy! Nag-grocery nanaman ang misis!” sigaw ng pamilyang hotdog. “Mga kaibigan, wagi kayo! Masarap kumain ang mag-asawa! Walang nabubulok sa’min!” bigkas ni Mang Mantikilya. “Oh my god! Bonjour, dears! You guys are a wonderful surprise!” bungad naman sa’kin ni Tita Wine. Isang oras lang ang lumipas, nakwento na ni Tita Wine ang sistema ng pagkain ng pamilyang Bautista, pati na rin ata siguro ang buong buhay niya. Bago raw mapunta dito sa Pilipinas, matagal siyang nanirahan sa Pransya. Doon daw talaga galing ang kanyang pamilya. Medyo nalungkot siyang mahiwalay, pero nakahanap na rin siya ng ligaya sa kanyang pagtira dito sa ref. Lagi raw kasi siyang naiinom ng mag-asawa. Ispesyal daw kami - siya at ang pamilya ko.

120 “Sa aking palagay, we, bottles of wine, and blocks of cheese, have the best job opportunity. We’re fulfilled bilang mga food! Oo, lahat dito nakakain. Walang nabubulok. Natutupad ang layunin ng lahat na magpabusog, pero tayo, dahan-dahan natin ‘tong nararanasan. Matagal tayong nag-eenjoy! I love it! This is a food haven! And, tonight must be extra special kasi the couple strayed away from their usual choice of Eden cheese ah. You guys are brie! Quite fancy if you ask me,” sabi ni Tita Wine. Kumpara raw sa ibang mga pagkain na ilalabas, lulutuin at mapapalitan ng ibang gulay o kung ano man tuwing Sabado ng hapon kapag nag-grocery na uli ang Misis, kami raw, dalawang beses lang sa isang linggo kinakain. Tuwing gabi ng Sabado at Miyerkules, magsisilbi raw kaming pulutan sa “Wine Night” - isang ispesyal na okasyon para sa mag-asawa. Nahawa ako sa pagkasabik ni Mama Marie habang nagkekwento si Tita Wine. “Nako, Berto, Carlito! Ito na ang ating pagkakataon para maging mga ganap na keso! Narinig niyo ba ‘yon? Sabado kaya ngayon!” Hindi kami mapakali habang naghihintay na gumabi. Sabi ni Tatay Berto, parang kami na ata ang pinakamaseswerte na bloke ng mga keso. Sama-sama na, may trabaho pa! Natuwa akong makita si Tatay na para bang ganadong-ganado sa buhay. Matagal-tagal din kasi sila ni Mama na naghintay bago dumating ang pagkakataong ito na makain. Kaya, anong galak na lang naming lahat nang nag-alas otso ng gabi. Binuksan ni Misis Bautista ang ref. Dinampot kami ng kanang kamay na punong-puno ng kung anu-anong makikinang na burloloy. Ang kaliwa naman, buhat-buhat si Tita Wine na tatlong kapat na lamang ang nilalaman. Nilapag kami sa isang chopping board katabi ng bungkos ng ubas at mangkok ng mani. Habang kumukuha ng tagayan ang Misis, at pahina nang

121 pahina ang tunog ng kanyang mga yapak na papuntang kusina, bumulong sa’min si Tita Wine. “Welcome aboard to the charcuterie gang, dears!” sabay kindat pagkatapos. “Eto na, Berto! Eto na, Carlito!” bulong nang bulong si Mama habang ‘di naman maibalot ng pinagbabalutang plastik ang malaking ngiti ni Papa. Ako, taimtim ko lang na pinapakinggan ang mag-asawang papalapit na ng lamesa. Ang tamis-tamis! “Hon, this is my favorite part of the week.” Hinawakan ng Mister ang maburloloy na kamay ng Misis. “Ang sarap naman ng hinanda mo.” “Anything for my husband.” Kinilig ako. “Brie cheese na tayo ngayon, hon ah!” “Of course, business is booming. Paunti-unti, nakukuha na uli natin yung investment natin. Sulit yung sugal.” Ngumiti ang Misis. “Ikaw ang pinakasulit na sugal.” Hinalikan ni Mister Bautista ang pisngi ng asawa. Grabe! Kilig! “Tara, hon? Let’s eat?” Dahan-dahan kaming binalatan ng mag-asawa mula sa aming pinagbabalutang plastik nang hindi masira ang aming pagkabilog. Magaan ang kamay ng misis kahit ang dami niyang suot na burloloy na sa tingin ko’y may kabigatan. Una niyang hiniwaan ang katawan ni itay na hindi parin kumukupas ang ngiti, ngiting humawa sa Misis nang kumagat sa ama. Sumunod si Mama Marie, na alam kong kinilig nang kainin ng Mister ang kanyang pirasong nagkatas sa isang “MMM, sarappp!” Nagulat ako sa biglang pagtuhog sa’kin ng malamig na kutsilyo, pero hindi ako nasaktan. May mabilis na pagkakiliti at may dumapong agos ng kaligayahan , kapayapaan , at kaginhawahan nang isubo nila ang mumunti kong piraso. Ito pala ang pakiramdam na matamasa

122 ang pagiging ganap na keso - malaya. Wala na atang isasaya pa ang Sabadong ‘yon. Nagtawanan ang mag-asawa; pinagdiwang ang kanilang bagong resort. Lumalim ang gabi. Nangalahati si Tita Wine. Nabawasan kaming mga keso. May nabusog at may nagtagumpay bilang pulutan. Maligaya ang pagbabalik namin sa ref. Sama-sama kaming inilagay ng Misis sa isang ziplock bag at natulog kami nang mahimbing sa kaalamang mauulit muli ang Wine Night sa darating na Miyerkules. Nag-Linggo. Nawala ang pamilyang hotdog. Nag-Lunes, nabawasan si Mang Mantikilya. Nag-Martes. Tumahimik ang ref sa pagpapaalam ni Pareng Talong at Mareng Upo. ‘Eto na! Miyerkules. Umiral nanaman ang pagkasabik namin nina Mama, Papa, at Tita Wine. ‘Di kami mapakali sa aming malamig na tahanan. Amoy na amoy ko na nga ang umaalingasaw na pagkakeso namin sa ziplock bag; handa nang makain ang mapuputing katawan. Nag-alas-otso nang gabi. “Eto na, Berto! Eto na, Carlito!”, bulong uli nang bulong si Mama habang ‘di nanaman matinag ang malaking ngiti ni Papa. “Oh my god! Oh my god! 8’o clock!” sabat ni Tita Wine. “Eto na! Eto na!” “Charcuterie Gang! Wine Night!” “Eto na! Eto na!” “Handa na ba kayo?” Alas nuebe. Katahimikan. Hindi binuksan ng maburloloy na kamay ng Misis ang ref. Natigatig kaming lahat. Tulala. Lito. Alas diyes. Patuloy ang aming pagtataka kung bakit hindi parin kami kinukuha. Baka mamaya? Baka ginabi lang ang mag-asawa? Baka- Naputol

123 ang daloy ng aking konspekulasyon nang biglang makarinig ako ng mga yapak papuntang ref. Sinalubong kami ng kamay ng Misis at matapos ay inilapag sa la mesa tulad ng dati. “Hon? Wine night?” bungad nito sa asawang papasok pa lamang bahay. “Wala kong gana. Galing ako diyan sa resort na pinabili mo, ‘yang resort na pinagtapunan natin ng pera.” “Hon?” sinubukan ng Misis na lambingin ang Mister. “Anong hon? Itabi mo na ‘yan.” Iyon nga ang nangyari. Bumalik kami sa ref. Muli, natigatig. Tulala. Lito. Katahimikang nakabibingi. “Oh my go-” Naputol si Tita Wine sa pagsabat ni Papa Berto. “Ano ba yan! Anong nangyayari?” “Berto, kalma. Makakain tayo. Maghintay ka lang”, sagot naman ni Mama. “Lintik! Mabubulok tayo kapag nakatameme lang kaya ‘wag mo kong patahimikin? Ba’t ganto?” Sa puntong ‘yun, medyo nagugulumihanan na ‘ko sa pagrereklamo ni Tatay, sa pagpapakalma ni Mama, sa hindi pagkain ng mag-asawa sa’min. “Oh my god! This never happens though.” Sa unang pagkakataon, nawala ang kumpiyansa sa boses ni Tita Wine. Binalot ako ng kaba sa tuluyang pagtaas ng boses ni Papa. Umalingasaw ang kanyang matapang na amoy na kumalat sa munti naming ziplock bag sa paglalabas niya ng hinaing. “Kala ko ba food haven ‘to ha? O, bat ‘di tayo nilalabas? Ang tagal naming naghintay sa grocery para mabili tapos iimbakin lang kami dito sa ref? Ano ba naman yan!”

124 Tumahimik na lamang ako at hinayaan si Mama na maging konsolasyon sa kanya. Naging mas malamig ang ere sa aming tahanan, ang klase ng lamig na kadalasan naming masayang tinatamasa, naging mabigat. Habang patuloy ang pagrereklamo ng ama, binulungan na lang ako ni Tita Wine. “Carlito, hayaan mo na. Let’s just wait until Saturday. Okay?” Parang kinaladkad ang paglipas ng linggo papuntang Sabado. Huwebeeeees. Tumahimik lalo ang loob ng ref sa pag-alis ng mga natitirang stock ng pagkain. Buti pa sila. Biyerneeeeeeeeees. Tumindi ang pag-alingasaw ng amoy ni Papa sa loob ng aming ziplock bag. Nabibingi na ata ko sa pagbubunganga niya. Sabado. Wala. Binuksan ng Misis ang ref hindi para kunin kami, pero para maglagay ng bagong stock na halatang mas kakaunti kumpara sa dating gawing binibili. Ano ba ang nangyayari? Hindi ako mapakali kakaisip kung ano bakit nagkakaganito? Lumubha ang pag-aalala ko sa kaalamang baka hindi na muli kami makalabas ng ref, ngunit kumapit pa rin ako sa maliit na pag-asang may darating pang Miyerkules at Sabado. Ngunit, lumipas ang mga araw na naging dalawang linggo, at para parin kaming mga bilanggo sa preso. “Walang kwenta! Dito na lang ba tayo? Anong nangyari sa job opportunity job opportunity? Nakakulong tayo dito sa pu****inang ziplock bag na ‘to!” “Oh my god! Watch your words, Berto!” Putol ni Tita Wine. “Tsaka oh my god! AMAGOD! Tignan mo nga yang sarili mo! Inaamag ka na! Masyado ka kasing stressed.” Buntong hininga. “Anong pinagsasabi mong alak ka ha? Mas lalong umiinit ulo ko sa’yo e! Matagal akong naghintay para makain, ta’s ganito? Tandaan mo! Kaming mga Brie, dapat kinakain agad! Hindi kami katulad ng ibang mga keso tsaka alak na

125 pwedeng magtagal sa ref!” ‘Di na sumagot si Tita Wine. Malumbay siyang lumingon kay Mama na para bang naghihintay na magsalita ‘to, pero pareho na ata silang napagod. Nanahimik lang ang ina. Minsan naluluha na nga sa pagkabagot ng itay. Umasa kong sa bawat pagbukas ng Misis ng ref, dadamputin kami. Pero, hindi. Nabawasan ang pang-araw-araw na pagkain pero kaming dating masayang pinagsasaluhan ng mag-asawa, nandito lang, naghihintay. Isang Sabado ng hapon, tinignan ko si Papa, hindi na maputi, naninilaw at tinutubuan na ng maiitim na tuldok. Tinanong ko si Mama. “Ma, bakit nagkakaganyan si Papa?” Buntong hininga. “Anak, kapag inimbak ang keso, nawalan ng saysay, aamagin talaga ‘to.” Malamlam ang kanyang mga mata. “Baba- babalik pa po ba ang lahat sa dati?” “Walang kasiguraduhan. Maghintay na lang tayo.” Buntong hininga. Dumating ang Sabado ng gabi. Hindi ko na makilala si Papa sa pagkawala ng kanyang ngiting dating hindi matinag-tinag, sa kanyang paninilaw, sa pagkain sa kanya ng poot, amag, at matapang na amoy na kumalat na sa buong ref. Kumapit ako sa pag-asang itong gabi ang makakatawid sa amin. Pinikit ko ang aking mga mata at binulong sa sarili. “Makakain kami. Madadama uli namin ang tinatamasang langit ng Wine Night.” Nang madinig ko ang yapak ng Misis na papalapit ng ref, binulungan ko si Mama at Tita Wine na maghanda. Ito na ata ang pinakahihintay naming panahon. Tumahimik bigla si Papa Berto. Binuksan ng Misis ang ref. Hindi magaan ang kanyang pagkakadampot sakin kahit wala siyang suot na mabibigat na burloloy. Ako lang ang kanyang kinuha, nilapag sa malamig na plato at

126 hiniwa kasama ang matinding paghagulgol. Walang matamis na boses ang sumabat. Magaspang ang pagsigaw ni Mister Bautista. “Pu****ina naman! Lugi tayo! ‘Yang resort na binili mo na sinabi mong kikita tayo, ano? Business haven? Job opportunity? Ano? Walang nangyari!” Hinampas ang la mesa. “Hon! Hindi ko naman kasalanan na nag-lockdown! Singhot. “Hindi ko naman kasalanan na kailangan nating ibenta ‘yung kung anu-anong gamit natin para magkapera! ‘Wag mo kong sisihin kung nawalan tayo ng kabuhayan at kailangan na nandito lang tayo sa bahay!” Singhot uli sabay hiwa sa’kin. Umalis ang Mister. Narinig ko ang mabibigat niyang yapak na papuntang ref. Bigla kong nabuhayan. Baka kukunin niya na sina Mama’t Papa. Baka ‘eto na ang - BAG! Malakas ang pagkabalibag ng ref. Dali-dali kong tinignan kung hawak-hawak na ng Mister ang aking pamilya pero si Tita Wine ang kanyang dinampot. Lumaklak ang Mister mula mismo sa bote sabay sigaw. “Puny**a, anong gagawin natin? Mabulok dito sa bahay?” Tinitigan niya ang Misis na nanlalaki ang mga mata. Sumunod ang nakabibinging katahimikang sinira ng mahinang boses. “Hindi ko alam, Hon.” Katahimikan. “Walang kasiguraduhan.” Buntong hininga. “Maghintay na lang tayo.” Namanhid ako nang marinig ang mga salita, at muli, bumalik ang nakabibinging katahimikang minsang nababali ng buntong hininga at singhot. Naubos si Tita Wine. Buti pa siya natamasa na ang langit ng mga pagkain.

127 Ako, binalik sa namamahong ref kasama ang aking mga magulang sa ziplock bag. Hindi na nagkaroon ng Wine Night. Patuloy ang pagkain ng amag kay itay na humawa narin kay Mama na napagod na sa kasasagot ng “Hindi ko alam”. Ako na isang kapat na lang ang natira ay paunti-unti naring nanilaw sa kahihintay na makain uli ng mag-asawang dating nagpakilig sa’kin. Naubos ang mga kapitbahay naming pagkain. Lumakas ang hagulgol ng Misis na rinig sa labas ng ref, ang pagdadabog ng Mister na nawalan sila ng negosyo. Nagbago na ang lahat. Lumipas ang mga araw nang hindi napapalitan ang stock ng ref. Luuuneeeessss. Marteeeeesss. Miyerkuleessssss. Biyerneeeesss. Hanggang sa tuluyan narin akong nahawaan ng amag sa pagkakakulong kasama sina Mama’t Papa sa aming maliit na ziplock bag. Ang “food haven” ay naging preso. Kahihintay, kakakapit sa walang pinatutunguhang pag-asa, nawalan kaming Pamilyang Brie ng buhay. Tama si Mama. “Kapag inimbak ang keso, nawalan ng saysay, aamagin talaga ‘to.”

128 Amos R. Magsumbol

Paoerless

0:00 eeeeeeeeelow gais!! Welkam back to mai youtube tsanel! Ehehehe.. Sorry mga Super Paoers… tagal ko ‘di nagpopost! Dami ko kasi homework. Eniways, thankE you for 18 subscribers and just short rekap op what is doing last video and I do last last video and also nooooow… issaprank series! Yeahh!!! 0:23

Mas mabilis pa sa harurot ng pasaway na traysikel sa labas ng kanilang bahay ang pagtanggal ni Carmen sa kanyang suot na earphones. Singlakas ba naman ng buga ng iligal na tambutso nito ang nambulabog na tugtog sa intro ng bidyong kanyang pinapanood. Napatigil siya nang sandali, buntong-hininga, sabay tuloy na muli.

129 Sana ‘di kayo madisappoint mga ka-Paoers.. sabi kasi ni La bawal na raw ako magprank kay baby Felicia…lagi na lang kasi umiiyak eh! But you can still click link down below to my other video where I make to watch Fel- where I watch Felicia.. make watch…. ahm.. basta pinapanood ko kay Pelpel ‘yung jampsker! ‘Yung nanggugulat! Hahahaha! Then there also I make her taste wasabi and her reaction is prized less heheheh.. Nga pala, bawal na rin pala ako magprank sa online class.. Sinumbong kasi ako ni teach ehhhh.. ‘Yan tuloy, hindi ako nakapagpost ng video agad kasi kinailangan ko gumawa ng extra homework tapos ang sakit-sakit ng kamay ko kaya tinamad na ‘ko! Enways.. without further of do, eto na ang aking susunod na prank! 1:17

Kung may lakas pa sana ang mga daliri ni Carmen na nagmimistulan nang mga tuyong sanga sa hina, marahil ay nabasag na niya ang hawak-hawak na selepono sa inis. Kay bangis ng pasabog na tugtog sa bawat transisyon, at ang masaya pa, hindi niya matantya kung kailan ito mangyayari kung kaya’t hindi siya makapaghanda. “Jusko binge na nga ako eh… aba’y ewan ko ba!” Gigil na bigkas ni Carmen. Hindi niya tanto na maaari niya namang hinaan ang volume, kaya wala siyang magawa kundi kunot ng noo, kamot ng ulo, sabay tuloy na lang muli.

Para sa prank na ‘to, ipagpapalit ko lalagyan ng sugar at asukal sa cabinet ni lola! Pero hindi ito magiging madali.. this is mission impossible! Tenten tenen ten ten tenen..(at kinanta niya nga ang kahabaan ng tugtog ng Mission Impossible). Kahit

130 tulog pa si La ngayon, may lock kasi ‘yung cabinet sa kusina, nakatago sa kwarto niya….it’z time to zearch! 1:33

“Susmaryosep! Kung anu-ano pinagsasabi eh wala naman akong lock lock na ‘yan. Wala na talagang magawa ang batang ‘to. Hindi ko naman mautusan lumabas-labas kasi bawal,” bulong ni Carmen sa sarili. Ipinagbabawal kasi ang paglabas ng mga bata at matatanda, lalo na ang mga bata. Pwede pa lumabas ang matanda basta’t ayon sa mahigpit na curfew. Pinatay ni Carmen ang gasul at hinayaang umupo lamang sa ibabaw ng kalan upang manatili itong mainit hanggang sa ihain na ito para mamaya. Napatigil si Carmen ng ilang sandali, nagmuni-muni, sabay nabahala. Kaka-post lamang pala ng bidyong kanyang pinapanood ngayong araw! Agad na nagfast-forward si Carmen sa bidyo upang agad malaman kung saan ito hahantong.

Abort.. abort… abort mission! Mga ka-Paoer, gising na si La! I’m made a mistake! Aaaaargh el miskalkulasyon! Napagpalit ko na ang sugar at salt pero hindi ko naibalik ang lock! Wala na pala akong oras hindi ko natantya… Sige bahala na, tutal, ulyanin naman ‘yan si lola… hindi niya mapapansin ‘yan. Quiet lang kayo shhhhh… tatago muna ako sa cr kasi kapag ako nakita ni lola, nako malalaman niya agad na may ginawa ako! She’z Zychic! 4:28

Naiintindihan niya na ngayon kung bakit niya nakitang nakapatong ang susi ng lock sa kanilang bike sa kusina kanina.

131 “Hay nako! Paano na ‘yung niluto kong adobo! Kung hindi lang talaga tulog ‘yang bata na ‘yan ay nako talaga!” Gigil na bulong ni Carmen sa hangin habang nagmamadaling pabalik sa kusina upang tikman ang kanyang niluto. Humigop ng sabaw si Carmen. Ang sakit sa lalamunan ng sabaw, hindi lamang dahil sa tamis, ngunit sa hindi pangkaraniwang lasa na rin nito. “Kaya pala sabi niya busog na siya kanina! Pasalamat na lang siya alas onse na ng gabi. Pa’no na ‘to? Ano na papakain ko kay Rizza pag-uwi?” Tuloy ni Carmen habang hinahaluglog ang lahat ng cabinet ng kusina. Naghahanap si Carmen ng mabubuksang delata, animo isang makinang kulang sa langis na lumalangitngit ang likod sa pagyuko. Ang problema, sardinas na lang ang laman nito. Patay. Ayaw na ayaw ni Rizza sa sardinas. Sa palagay ni Carmen, mas gugustuhin pa rin ni Rizzang kainin ‘yung ginawa niyang adobong pinaglihi sa kaysa kumain ito ng sardinas. Hindi busina ng kotse ang naghuhudyat sa pag-uwi ni Rizza galing trabaho, kundi tahol—sa tahol lang sila nakasalalay. Kaya naman nung marinig na ni Carmen ang sunod-sunod na pagtahol ni Chocnut, nadismaya siya sa ihahanda niya sa lamesa upang salubungin ang nanay ni Paulo. Alam niyang pagod ito galing sa trabaho. Alam niyang gutom na gutom na ito. At kahit hindi man niya gawi, kahit gaano pa kalabo, bumulong siya ng isang maikling dalangin, umaasang himalang nakakain na ito sa labas kahit papaano. “La, andito na ko!” Sigaw ni Rizza. Nilapitan at sinubukang yakapin ni Carmen si Rizza na tila ba isang batang nang-aamo ng nanay sapagkat may nabasag na plorera o ibinagsak na pagsusulit. Nagmistulang goma ng isang binatak na tirador ang bilis ng pilantik ng pag-iwas ni Rizza kay Carmen. “Ano ba, La? Ano bang hindi niyo maintindihan? Diyan lang ho kayo.

132 Maliligo muna ko ta’s magpapalit. Kinuha na nga ng sakit ang asawa ko’t lahat-lahat, hindi pa rin tayo natatakot? Hindi pa rin tayo natututo? Mag-ingat naman tayo oh. May dalawang bata sa bahay.” Nalungkot man si Carmen na nabungangaan siya, alam niya namang tama si Rizza. Mas ikinababahala niya lang ang kahihinatnan nila mamaya kapag natikman ni Rizza ang mapanlinlang na adobong nakahain sa lamesa. Nagdadalawang-isip si Carmen. Nagtatatlo. Nag-aapat. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Itapon na lang kaya niya ito? Ihain niya na lang ba ‘yung sardinas? Gisingin niya kaya ang apo para magpatulong sa... ‘grub’ ba tawag do’n? Paborito pa naman din ni Rizza ang adobo. Kaya niya nga ito niluto. Kung mayroon mang magiging testigo sa eksenang nagsusungit ang isang babae sa kanyang biyenan, para kahit kanino nama’y madali itong masamain. Ngunit si Carmen, si Carmen ay nakakaintindi. Simula nung namatay ang anak ni Carmen na asawa ni Rizza, napakalaki ng kanyang ipinagbago. Naging seryoso, mabilis uminit ang ulo, at parating pagod. Tila naghati na kasi sila sa tungkulin ng isang mag-asawa. Haligi itong si Rizza, at ilaw naman itong si Carmen. Pero dahil matanda na si Carmen, hindi maiwasang akuin na rin ni Rizza ang pagiging ilaw ng tahanan maging pundido man siya sa bawat pag-uwi sa trabaho. At sa dami ng nawawalan ng trabaho pati na rin ang mga nagsasarang establisyemento, kadalasa’y hindi mawari ni Carmen kung saan nanggagaling ang perang iniuuwi nito para mapakain sila. Sa pribadong paaralan pa naman din naka-enroll ang kanyang dalawang anak. Kaya lubos na naiintindihan ito ni Carmen. Maging halos kasabay mang namatay ang anak at asawa ni Carmen, napiga na rin naman niya ang kanyang buhay kasama ang asawa. Natupad na rin naman nila ang pangarap ng sinumang umiibig, ang tumandang magkasama. Araw-araw siyang nakikiramay sa pamamagitan ng pag-intindi sa maliliit na

133 away. Alam niya kung gaano kabigat akuin sa dalawang mumunting balikat ng manugang ang pinakapundasyon ng kanilang tahanan. Si Rizza lamang ang rason kung bakit hindi pa gumuguho ang kanilang mga buhay, kaya bilang (pwede nang) ilaw ng tahanan, gagampanan niya ang kanyang mga tungkulin sa abot ng kanyang makakaya. Tutal, nakikitira lang din naman siya sa bahay ng kanyang manugang sapagkat wala siyang kinikita para buhayin ang sarili. Tumigil na ang agos sa gripo ng banyo. Agad na napukaw nito ang atensyon ni Carmen at nataranta. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay, at pinagpawisan ang kanyang mukha. Sa lakas ng tibok ng kanyang puso’y aakalain mong kaya nitong gisingin ang mga natutulog na bata. Kay lamig din ng kanyang dibdib. Ayaw niyang biguin si Rizza. Iyon na nga lang ang gagawin niya, hindi niya pa magawa nang tama. Hindi niya na natiis at gumawa na lamang siya ng rason upang takasan ang anumang posibleng eksena. “Riz, sumasakit dibdib ko, kailangan ko na matulog,” ang sabi ni Carmen, kapares ng maladulang pagkabigkas. “Inaatake ako ng highblood kakapuyat. Good night na ha.” Naglakad nang mabilis ngunit nakatingkayad ang matanda upang hindi mapansing nagmamadali siya papunta ng kanyang kwarto. Makalipas ang ilang minuto, patagong sinilip ni Carmen sa hapag-kainan si Rizza. Bawat kilos nito’y kanyang sinusukat. Sa pag-upo, pagsandok ng kanin, pagbuhos ng sabaw. Hiniling niyang sana man lang ay matagalan sa pagdadasal ito si Rizza para kahit papaano’y mapatagal ang kung anumang paparating. Mas lalong lumala ang kaba ni Carmen nang makita ang ginhawa sa mukha ni Rizzang nasasabik kumain ng adobo. Nagiging matubig na ang mga mata ni Carmen kakatitig, at tila ba bumagal ang daloy ng panahon habang unti-unting bumabaon ang kutsara sa sinabawang kanin—para bagang hinuhukay na nito ang kalalagyan

134 ni Carmen. At sa puntong dumampi ang lasa sa paleta ni Rizza ay may kung anong kuryenteng nagmistulang gagambang umakyat mula sa likod ni Carmen hanggang sa leeg niya; kitang-kita ang pagbabago ng pahiwatig sa mukha ni Rizza. Hindi na mapakali si Carmen at tila unti-unti nang gumuguho ang mga pundasyon ng kanyang bait. At kung kailan umusad ang oras para kay Carmen ay tila huminto naman ito para kay Rizza. Mas pirmi pa siya sa rebulto. Ang ulo medyo nakayuko, ang postura tila poste ng Meralco sa pagkadiretso, at ang kutsara naiwan na lamang na nakasabit sa kanyang bibig. Umiiyak na si Rizza. Sabay subo ng isa pa. At isa pa. At dalawa pa. Hindi makapaniwala ang matanda. Alam niya kung gaano kaselan sa pagkain ang kanyang manugang. Bawat kutsara ng sinabawang kaning ipinipilit niya sa kanyang bunganga isaksak ay isang bitak sa puso ng lola. Hindi na nag-atubili pa si Carmen pigilan si Rizza. Tumakbo siya sa pinakamabilis na kayang tiisin ng kanyang mga kinakalawang at nangangatog na mga binti. Agad niyang niyakap mula sa likod si Rizza. “Riz, tama na. Sorry na. Sorry talaga. Babawi na lang ako sa ‘yo Riz. Ipagluluto na lang kita bukas, Riz. Hindi mo na kailangang ubusin ‘yan Riz. Riz, tama na sige na,” mangiyakngiyak na saad ni Carmen. “Nagugutom ako, La,” bigkas ni Rizza na halos hindi maintindihan ni Carmen sapagkat barado ang kanyang ilong kakaiyak at puno ang kanyang bibig ng kaning hindi niya magawang lunukin. Nang magkatagpo ang mga mata ni Carmen at ni Rizza ay tuluyan na ngang nag-umapaw ang hagulgol ni Carmen, “Riz pasensya ka na talaga. Hindi ka demonyo. Hindi ka halimaw. Hindi ka masamang tao. Hindi mo ako magagawang saktan, Rizza, alam ko ‘yon. Pamilya tayo. Pagpasensyahan mo na talaga ako Rizza. Gutom ka lang! Gutom ka lang. Takot lang ako. Gutom ka

135 lang,” tuloy-tuloy na bigkas ni Carmen habang idinidiin ang ulo ni Rizza sa kanyang dibdib. Walang naintindihan si Rizza sa pinagsasabi niya. Naglalabas lang ng damdamin si Carmen na halos sumisigaw lang sa kawalan. Gayunman, dama nila ang pagdurusa ng isa’t isa. Marahil nang magkatagpo ang kanilang mga mata’y nahagilap nila sa mga bitak ng isa’t isa ang mga emosyong hindi na kailangang ibaon sa tinta o bigkasin ng mga salita. Basta mahirap. Alam kong mahirap. Hindi mo na kailangang ipaliwanag pa. Nangungusap ang kanilang mga luha. Nagmistulang batang nagsusumbong sa nanay si Rizza dahil mayroon siyang kaaway. Sa tagal ng panahon, ngayon na lamang muli nanlambot ang puso niyang pinatigas ng pagkakataon—kinailangan lamang nito protektahan ang sarili. Ang alingawngaw ng kanyang hagulgol ay hindi nagpapahiwatig ng galit, sama ng loob, o matinding hinanakit. Sa halip, ramdam na ramdam ni Carmen na suyo lang naman talaga ang kailangan ng “bata.” Itinabi na ni Carmen ang mga hugasin at inalalayan ang nanghihinang si Rizza papunta sa kwarto nito, pinunasan ang madungis nitong mukha ng malamig na bimpo upang hindi mamaga ang mukha kinaumagahan, at hinilot ang balikat at likod hanggang sa tuluyan na nga itong nakatulog sa pagod.

Napanood ni Paolo lahat. At hinarap niya kanina ang isa sa mga pinakamalaking desisyon ng kanyang buhay bilang bata. Hawak ang selepono, naihanda niya na ang camera at nag-iisip ng magandang pwesto para sa swak na kuha. Mahirap naman siyang mahuli sapagkat kampante siya sa kanyang liksi at alam niyang kaya niyang sumiksik sa mga sulok-sulok. May tiwala siya

136 sa sariling hindi siya mahuhuli. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari sa harapan niya. May umiiyak. Puno ng kanin ang bunganga. Yakap-yakap ng isang matandang halos sumisigaw na sa kawalan. Inisip niya sa sarili niya, siguro maraming views at likes makukuha nito kahit medyo kakaiba tingnan. Weird, ika niya. Hindi man siya natatawa’y inisip niya na marahil maraming ibang matatawa rito. Sari-sari kasi ang mga kakaibang bidyo na hindi man makiliti ang pagkiling ng bata ay nakikita niyang maraming naaaliw sa mga ito sa comment section. Siguro rarami na rin sa wakas ang subscribers niya kapag pinost niya ito. Hindi niya naman intensyon mangarap nang masyadong matayog, pero baka dumoble pa nga ang subscribers niya! Baka nga umabot pa ng singkwenta eh. Ang daming oportunidad na maaaring masayang kapag hindi niya kinuhanan ng bidyo itong panandaliang saglit na ito. At least nga raw, hindi siya nagmumura sa mga bidyo niya. Kung nagmumura lang siya siguro, lagpas isang daan na ang tatangkilik sa kaniya. “Kuya, baket omyak si mama? Bakit iyak si mama? Punta ko kay mama,” nasa bingit ng pag-iyak na bulong ni Felicia kay Paolo. Nagulat si Paolo. Buong akala niya tulog na ang kapatid niya. Bilang isang mahusay na secret agent, tantya niyang delikado ang kanyang sitwasyon. Pwedeng-pwede siyang mahuli at mapagalitan kapag umiyak si Felicia, kaya agad niyang napagdesisyunan na gawin lahat upang mapigil ang paghagulgol ng kapatid. “Pelpel ‘wag ka iyak acting lang si mama,” desperadong banggit ng bata. ”Joke joke lang si mama, pinaprank niya lang si lola. ’Lika balik na sa kama mo.” Binuhat niya ang nakababatang kapatid pabalik sa kama nito at

137 kinumutan. Madalang maging kuya si . Kadalasan, nagiging kuya lang siya kapag nais niyang anihin ang mga benepisyo ng isang panganay. Pero sa pagkakataong ito, intensyon man niyang iligtas lang ang sarili, naranasan na rin niya sa wakas kung paano mag-alaga ng kapatid. Kinuha niya ang kapirasong kendi na itinago niya para sa sarili at ibinigay kay Felicia. “Ayan tahan ka na. Tama na iyak ha. Tulog ka na ulet,” malambing na bigkas ni Paolo sa kanyang kapatid habang hinahaplos ang noo nito nang hindi namamalayang ito rin ang ginagawa ng kanyang nanay para sa kanya nung buhay pa ang kanyang ama. Niyakap ni Felicia ang kanyang matabang braso at nakatulog na muli. Hindi na napansin ni Pao, naiyak na rin pala siya. Ang bawat haplos kasi na iginuhit niya sa noo ng kapatid ay bayad sa utang na ibinilin ng kanyang ina matagal na panahon na ang nakalilipas. Ngayon lang nanumbalik sa kanya ang mga alaala. Noong nasa tiyan pa lamang si Pelpel, palagi niyang gustong makatabi ang ina upang mayakap silang dalawa, at marahang guguhitan ni Rizza sa noo ang bata na tila mahusay na pintor sa hinhin ng dampi ng bawat niyang linya. “Ikaw ang kuya, kaya alagaan mo nang maigi si Pel ha.” Umalingawngaw ang boses ni Rizza sa isipan ni Paolo at kumapit sa kanyang kokote na parang pintura sa puting damit.

Kinabukasan, pagkagising ni Carmen, nagmasid-masid siya sa paligid. Dating gawi—maagang alis ni Rizza, tanghaling gising ng mga bata. Mukhang nanumbalik na ulit sa normal ang lahat. Upang maiwasan na ang mga engkwentro na tulad ng kagabi, kahit bawal pa siyang lumabas sapagkat may edad na siya, napagdesisyunan niyang siya na mismo ang magre-restock ng mga delata kaysa

138 ibilin pa at abalahin si Rizza. Tatapusin niya lang ang mga gawaing bahay. Pagkatapos na pagkatapos niyang ihain ang tanghalian nina Paolo at Felicia ay agad siyang naghanda para lumabas. Ang kaso lang, may hindi naisaalang-alang ang lola. Hindi niya na kilala ang labas. Pakiramdam niya’y isa siyang dayuhan sa sariling bansa. Hindi niya na kilala ang kanyang kapaligiran, kahit pa ang mismong labas lang ng kanilang bakuran. Halos tatlong taon na kasi simula nung nakalabas siya at nakalayo sa kanilang subdivision. Kadalasa’y hanggang sa sari-sari store lang siya pinapayagan pumunta. Pero nagsara na ang tindahan na iyon. Wala, magtatanong-tanong na lang siya kung nasaan ang Puregold.

Kinagabihan, papalabas pa lamang si Rizza sa establisyemento ng kanyang pinagtatrabahuhan nang may marinig siyang tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi niya liningon ito. Mahigpit niyang ipinapatupad na ang trabaho ay trabaho lamang. Bawal siyang kausapin ng kostumer sa labas ng kanilang hanapbuhay. Nang halos isigaw na ang kanyang pangalan ay tsaka niya lamang nabatid na pamilyar pala ang boses na ito. Ang tumatawag pala sa kaniya ay si Carmen. Sa pag-aalala’y agad niya itong linapitan bago ang lahat. “La? La ano ginagawa niyo rito? Ingatan niyo naman sarili niyo! Hindi kayo dapat nasa labas nang ganitong oras!” Alalang bigkas ni Rizza. “Riz, pasensya na. Bibili kasi ako dapat ng delata tapos naligaw ako. Wala naman akong makausap na tao kasi walang nasa malapit na cur-” Natigilan bigla si Carmen nang mapansin nito ang suot-suot ng manugang. Napatigil din si Rizza nang matamo ang kanyang kinalalagyan. “Ano iyang suot mo? Teka nga… sabihin mo nga sa akin kung anong trabaho mo ulet! Sabihin mo!” Gigil na tanong ni Carmen.

139 “Huminahon ka nga.. ‘Wag mo akong pagmataasan ng boses!” Pabulong na bigkas ni Rizza na nagsisikap hindi gumawa ng eksena sa tabi ng kalsada. “Mahiya ka naman sa asawa mo! Patay na nga ‘yung tao hindi mo pa magawang respetuhin! Anong klaseng babae ka! Tister ka pa naman din dati!” Bigkas ng lola habang nagpupumilit lumayo sa manugang. “Anong gusto mo gawin ko?! Ano?!? Anong gagawin ko, La? Aano!” Hindi na naiwasan ni Rizza taasan ang boses habang hawak-hawak ang mga balikat ni Carmen. “Hindi ko alam! Layuan mo ako!” Nagpupumiglas si Carmen sa kapit ng manugang. Binawi ni Rizza ang hawak sa kamay ng lola at sinabing, “Kung hindi mo alam, La, paano pa ako?” “Hindi ko akalaing magagawa mo ito sa anak ko.” Mahinang bigkas ni Carmen. “May mga anak din naman ako ah! Anak namin. Sino ba sa ‘min ang nang-iwan ha?” Sagot ni Rizza. Kumulo ang dugo ni Carmen sa sinabi ni Rizza. Baka masampal niya pa sa galit ang manugang. Naglakad sila pauwi nang hindi nag-uusap. Ni hindi man lang sila nagkatinginan. Tila hindi nila mapapansin kung dakpin man ng aswang ang isa sa kanila. Tila wala silang pakialam. Makalipas ang ilang tahol ng pagsalubong mula kay Chocnut, sa wakas, nakauwi na rin si Rizza at Carmen. Pagkatapos nila parehong maligo, napag- isipan ni Carmen na ihain ang sardinas bilang hapunan nila. Tutal, wala na rin naman silang ibang delata, at hindi rin naman siya nakabili sapagkat naligaw siya kanina. Laking gulat niya nang makita si Rizza na luhaan, yakap-yakap ang akala nilang tulog na si Paopao sa hapag-kainan. Lumapit si Carmen sa

140 lamesa at sa pagkalapit at pagkalapit niya’y saka niya lamang nakita na nakaayos na pala ang lamesa, at may lutong ulam na nakahain kapares ng medyo tutong na kanin. Nagluto si Paopao! Marahil ay inihanda niya rin ang lamesa habang naliligo sila pareho. Naghinala si Carmen. Alam niya kung gaano kahilig sa prank ng bata. “Pao ikaw talaga ha… para sa youtube ito ano?” Tanong ni lolang nakataas ang kilay. “Po? Sinundan ko po yung youtube po.. Hehehe..,” sagot ni Paolo, kasama ng isang mapagmalaking ngiti. Magtatanong pa sana si Carmen nang bigla na lamang siyang yakapin ng apo. At naglaho na parang bula ang lahat ng kanyang duda nang magsimulang umiyak ang bata at sinabing, “Lola… sorry po.” Nakababahala man na posibleng nasunog na siguro ang kanilang bahay, pinalampas na muna ‘yon ni Rizza at Carmen. Hindi man dumadampi sa dila ni Rizza ang lasa ng paborito niyang potahe tulad ng gusto niya, nakapag- iwan naman si Paolo ng permanenteng marka sa puso niya, at kanyang lola. Tinatanggi man ng kanilang mga sistema lunukin ang bawat kutsara ay sige pa rin sila sa pagsubo sapagkat ayaw nilang biguin ang sabik na bata. At maging hindi man ito ang pinakamasarap na adobong kanilang kinain bilang pamilya, ito naman ang pinakamasaya. Hindi maipagkait ni Carmen ang mainit na yakap sa manugang sa tamis ng sandaling iyon. Niyakap niya ito mula sa likod sapagkat may bahid ng hiya sa kanyang mukhang pilit niyang itinatago. “Sorry, Rizza. Sorry talaga.” Bulong niya.

Ipinatong ni Rizza ang kamay niya sa kamay ni Carmen habang mahigpit ang kapit nito sa kanya. Nakisiksik naman si Paolo. Halos hindi na sila kumain.

141 Pagkatapos ng lahat, Si Carmen na ang naghugas ng mga plato at si Rizza na ang nagpatulog sa anak niya. Gaya ng dati. Kahit wala nang subscribers si Paolo, okay lang. Basta ganito na lang lagi. At simula dito, dito magbabago ang lahat para sa kanilang pamilya.

142 Clarice Althea S. Bagoyo

Talambuhay

alita ko holdaper yan.” “Sa bagay. Nagtatangka pang magtago, mabubunyag din naman.” B“Makikita rin natin ‘yang lumabas.”

Maagang gumigising ang ayaw mahuli sa latest chika ng bayan. Kakatilaok pa lang ng manok ay may matatanaw na ang grupo ng mga tita at nanay na nagkukumpulan sa tapat ng sari-sari store ni Aling Nena, kung dudungaw sa bintana. Hindi mahirap marinig ang buong usapan dahil hindi naman nila tinatangkang ilihim ang panibago nanamang punto ng kanilang diskusyon. Ma-iintriga ang sinumang makakarinig kaya sadyang mabilis kumalat ang balita sa bayan ng Maasim. Chismis talaga ang bumubuhay sa anumang maliit na bayan. Sunod-sunod ang pagpapalitan ng teorya tungkol sa naninirahan, kung naninirahan pa nga, sa Unit 2C ng 3-story apartment na nakatayo sa gitna ng

143 siyudad. Klarong hindi optimal ang lokasyon ng pinagchichismisang dahil kita ang labos-pasok ng mga residente ng apartment na ito ng halos kalahati ng bayan. Ito ang detalyeng mas lalong nagpapalalim ng diskurso. Bakit ilang linggo nang hindi nakikitang pumapasok o lumalabas ng Unit 2C si Tess? Ang imbestigasyon ng mga chismosa ay nagsimula at natigil sa natuklasang oportunidad na sumilip sa bintana ng apartment ng ngayo’y binansagang babae ng hiwaga. Ang siwang sa bintang gawa ng hindi mabuting pagkakabit ng kurtina ay halos maging tourist attraction na sa dami ng . Maaasahan ang presensya ng lahat ng mapapasahan ng chismis at dahil maliit ang bayan, siguro lahat ay nakabisita sa loob lamang ng isang linggo. Sa kaliwang bahagi ng unit nakaposisyon ang bintana, kaya kaliwang bahagi lang din ng loob ang masisilip. Normal ang pader. Mayroong nakasabit na kalendaryo, orasan at isang malaking pintura ng mga prutas sa basket. Ang pangalawang titingnan ay ang sahig. Sa sahig ng unit ni Tess standout ang nagtatambakang mga damit na kung pagmamasdang maigi ay hindi talaga nagtatambakan. Hindi basta-bastang tinapon ang mga damit. Mix n’ match ang pagkakakumpol, parang nagpaplano ng iba’t ibang outfit. Ang isang kumpol ay kumpletong outfit ng tshirt, jeans at sneakers. Ang isa pa’y kumpol ng sumbrero, polo shirt, shorts at tsinelas. Ang sunod ay bistidang sosyal na may pares na heels. Ang mga hinuha ay nahahati sa komedya at trahedya: isang pagbabalak ng fashion show o isang pangongolekta ng pagmamay-ari ng mga nabiktima. Iisang kumpol lang ng damit ang kayang kumpirmahing pagmamay-ari ni Tess at iyon ang white polo shirt, black slacks, green vest at black rubber shoes na set: uniporme sa nag-iisang supermarket ng bayan. Oo nga, sa supermarket. Dito huling nakita si Tess. Para sa marami, si Tess ang pinakamadaldal na kahera sa buong supermarket na iyon. Ang

144 sinumang pipila sa kanya ay siguradong matatali sa usapang buhay. “Adobong baboy kaya ang ulam niyo ngayong gabi?” tanong ni Tess habang pina-punch ang kalahating kilo ng adobo cut. “O siguro Caldereta?” patuloy niya nang magsimulang magpunch ng mga gulay. “Ah , actually,” sagot ng kostumer, matapos ibaba ang kanyang cellphone. “Kayo po ba ang magluluto nito?” sambit ni Tess sa patuloy niyang pang-iintriga. Mabilis ang sagot ng babae, “Oo, oo, ngayon lang kasi ako nakauwi nang maaga ulit. Lalo na kasing nagiging busy sa ospital.” Halata ang pagkatuwa ni Tess nang matagumpay niyang napakwento ang kustomer matapos lamang ng tatlong tanong. “Ang dami pong candy para po siguro ito sa anak niyo,” pagpapatuloy ni Tess. “Alam mo naman ‘pag bata. Ang hilig sa candy pero ‘di naman nag-aalaga ng ngipin. Buti na lang dentista ang nanay,” pagbunyag ng dentistang kustomer. Mabilis ang mata ni Tess at hindi pinalagpas ang singsing na makinang. “Sino naman pong may paborito ng Menudo? Si mister po ba?” sabay tawa para hindi magmukhang kahina-hinala ang pagtatanong. “Family favorite lang talaga.” Nang matapos na ang pagpa-punch at pagba-bag ng mga grocery, natigil na ang pagpapalitan. Isang tagumpay para kay Tess ang usapang iyon. Sa magkaibang araw, sa kanya pumila ang dalagang tulak-tulak ang dalawang push cart, puno ng de lata, canton, atbp. Agad na tanong ni Tess, “Iha, relief goods ba ang mga ito?” May sense dahil kakalipas lang ng bagyo. “Opo,” diretsong sagot ng dalaga. Tinuloy niya ang paglilipat ng laman ng grocery cart. “Sino ang katulong mong gumawa nito?” Malinaw na ang kahahantungan ng usapan. Sa ilan pang mga tanong, nalaman ni Tess ang mga sumusunod tungkol sa dalaga: ang pinakabibo kid sa school, sumali sa anim na tree-planting activity at tatlong shore clean-up, class president at head ng isang

145 school organization, may donation drive na sinisimulan bawat bagyo o sakuna. Isang tagumpay muli para sa pakialamerang madaldal na kahera. Hindi madaldal si Tess para lamang sa kadaldalan. Ang pagtatapos ng kanyang 10-8pm shift ay hudyat ng simula ng personal niyang trabaho. Tulad ng masinig na mananaliksik, mayroon siyang kwaderno ng findings at data. Doon niya isinisiwalat lahat ng sa tingin niyang mahalagang impormasyong nasagap niya tungkol sa buhay ng ibang tao. “Hindi ako baliw. Gusto ko lang ng magandang buhay,” pagpapaliwanag niya sa sarili. Isang laro ng build-a-life ang nilalaro niya. Gamit ang piyesa ng iba. “Gusto ko yung bahay niya. Dalawang palapag, may garden at garahe. Sapat ang bilang ng CR para sa isang pamilya,” banggit niya habang sinusulat din ito sa panibagong pahina. “Siyempre kung may ganito akong bahay kailangan ko ng asawa at mga anak. Dalawa siguro katulad niya.” Nakaturo ang kanyang daliri sa ika-apat na bullet ng mga detalyeng inilista niya tungkol sa kustomer niya noong isang linggo. “May dalawang anak: dalawang lalaki, 5 years old at 8 years old,” ang nakalista. Dinaanan pa niya ang ibang mga pahina upang maghanap ng matitipuhan niyang trabaho. “Guro ng Araling Panlipunan: makukulit ang mga estudyante; HR Manager: nakaupo sa office maghapon; Self-Employed Businesswoman: nagbebenta ng mga herbal products; Dentista: naglalaan ng oras para sa pamilya.” Magdadalawang-daan na ang mga buhay na idinitalye niya sa kwaderno at pagdating ng ika-200 ay mawawalan na siya ng pahinang mapagsusulatan pero wala pa ring nagbabago sa kanya. Kung sino siya noong araw na sinimulan niyang magsulat sa kwadernong iyon ay eksaktong siya pa rin hanggang ngayon. Naiintindihan niyang gumuguhit lang siya.

146 Wala siyang katuwang sa buhay at pinili niya iyon. Pinagpalagay niyang walang makakaintindi sa mga gawain niya at walang maglalakas-loob na subukin. “Masaya ba diyan sa ilalim ng bleachers,” hindi malinaw na kutya o pag- aalala ng kaklase niya. Nakasilip si Tess sa butas ng mga bleachers, nanonood ng basketball game habang sabay na pinagmamasdan ang mga cheerleader. “Oo, okay lang ako. Bakit?” Natawa na lang ang kaklase niya. “Sige, bahala ka diyan sa buhay mo.” Doon lang siya nanatili sa ilalim, simula ng 1st quarter ng laro hanggang sa ika-apat. Iniisa-isa ang anong meron sila para naising mapanood ng lahat ng kasalukuyang nakaupo sa mga bleachers. “Tangkad, lakas, bilis, hugis, buhok.” Lista, lista, lista. Walang pinagkaiba kung quiz bee, talent show, o school pageant ang ganap sa court. Doon at doon lang siya sa ilalim ng bleachers. Kinalakihan niya ang paglilista ayon sa obserbasyon. Dati sa paaralan, ngayon sa supermarket. Hindi naman lahat ng kustomer na pumipila sa kanya ay nakakaakit ang kwento kaya hindi lahat ay inililista niya. Minsan ay hindi rin sapat ang impormasyong nakukuha niya para maging bagong entry. Lalo na kapag nagmamadali ang kustomer. Naisip niyang kung pati pagbili ng grocery ay minamadali ng isang tao, malamang hindi niya gugustuhin ang buhay nito, malamang hindi kakaiba ang buhay nito. Madalas tama naman siya maliban na lang sa isang beses. Pumila sa counter niya ang aburidong matandang babae, pumuti na ang buhok sa tanda. Basket lang ang bitbit niya kaya nakiusap siyang sumingit paharap ng pila. “Pasensya na, iho. Nagmamadali lang talaga ako. Kung okay lang, iho,” pakiusap ng matanda. Pumayag ang lalaki at inilapag na ng kustomer

147 sa conveyor ang basket. Matagal na si Tess bilang kahera, sapat para malaman na maraming maaring sabihin ang laman ng cart o basket ng mga kustomer ukol sa buhay nila, ngunit hindi niya maintindihan ang kombinasyon ng mga nilalaman ng basket ni lola. Binili niya ang mga trimming ng baboy, ang mga tira-tirang parte na pinaghiwaan ngunit hindi sinama sa display. Bumili rin siya ng mga hard candy na iba-iba ang kulay at maraming virgin coconut oil. Wala nang pag-uusap na naganap sa pagitan ng dalawa. Napagtanto ni Tess na hindi iyon mahalagang enkwentro. Nasupot na ang lahat at nakapagbayad si Lola. “Salamat po. Have a great day,” nakasanayang pagpaalam ni Tess sa lahat ng kanyang kustomer. Lumingon ang matanda para ngumiti at tuluyan nang binilisan ang lakad papalabas ng supermarket. Pinunasan ni Tess ang counter at napansin ang hard candy, wala na sa wrapper, nahulog sa lapag. “Nako may butas ata ‘yung supot na nabigay ko kay Lola. Baka may iba pang mahulog. Ang bilis pa naman niya maglakad,” pag- aalala ni Tess. Pinulot niya ang kendi para sana itapon ngunit pinagmunihan pa nang ilang sandali ang hawak-hawak nang mapansin na dahil sa laki nito ay malamang hindi ito kendi. “Teka, hindi ganito kalaki ang Maxx.” Ibinulsa muna niya ito. Marami pa ang nakapila. Saktong 8PM ay nagliligpit na siya at naghahandang umuwi, at matapos ang sampung minutong paglalakad ay nakaupo na siya sa kanyang kama, sa kanyang munting apartment sa Unit 2C. Bumigat ang laman ng kanyang bulsa at nagsimula na rin itong kuminang. Nilabas niya ito mula sa kanyang bulsa at ipinatong sa katabing lamesa. “Well, for sure hindi ‘yan kendi,” sabi niya nang medyo natatawa. Hindi na muna niya inusisa ito. Inabot niya ang isang kwaderno mula sa kinatatayuan at ang isang bolpen na nahulog mula sa sahig. Nilagay niya ang dalawa sa parehong lamesa na kinalalagyan

148 ng misteryosong kumikinang na bagay. “Entry #202: Simon, graphic designer,” sulat niya sa ikatlong pahina ng bagong kwaderno. Napuno na nga niya ang unang journal. Matapos mapuno ang tatlong karagdagang pahina ay sinimulan na muli niya ang laro. Ibang kombinasyon naman ngayon. Nagpakaturista muli siya sa mga pahina. Inisa-isa hanggang sa may matipuhan. “Siya,” sabi niya nang tumigil sa Entry #156 ng unang journal. Humilata siya sa kanyang kama. Diretso ang tingin sa kisame. “Entry #156, dentistang pamilyado’t may magandang bahay,” paulit-ulit niyang binabanggit habang nakapikit kasabay ang pagtakbo ng guni-guni. Habang pinapasyal niya ang kanyang mga guni-guni, nagpapakasaya sa buhay ng imahinasyon, sa outside world, mayroon ding ganap. Ang unidentified glowing object ay lalong lumalaki at kumikinang. Sa loob ng ilang segundo, naging kasinglaki na ito ng volleyball at kasingliwanag ng headlights ng sasakyan. Doon lamang napadilat si Tess. “Aray!” Tinakpan ni Tess ang kanyang mga mata at nagsimulang maglakad tungo sa pinanggagalingan ng ilaw. Naghahalong gulat, takot at pagsisisi ang bumalot sa isip niya sa mga panahong iyon. “Sana ‘di ko na lang pinulot! Ano ba kasi ‘to?!” Binitbit niya ang bagay gamit ang dalawang kamay at binato sa direksyon ng pader, may intensyong biyakin ito. Nagpira-piraso ito nang tamaan ang pader ngunit hindi nawala ang liwanag, at ang pinagsama-samang mala-headlights ng kotse na liwanag ng bawat piraso ay naging mas nakakabulag. Naiiyak na si Tess. Hindi niya maintindihan ang nangyayari kaya ipinagpalagay niyang panaginip lang ang lahat. Humilata siya sa kama, pumikit at kumuha ng unan upang takpan ang mukha. Bumalik siya sa laro ng imahinasyon at nakampante sa kinabukasang dala ng isang panaginip. Pagbukas ng kanyang mga mata ay panaginip ang nadatnan. “Entry #156. Malaking masters bedroom, check.” Binuksan niya ang isa sa mga pinto ng

149 kwarto. “Bathroom na may bathtub, check.” Binaba niya ang hagdanan habang sinasabi, “Bahay na may 2nd floor, check.” Sa baba, dalawang batang lalaki ang bumati sa kanya, “Mama!” Nakahanda na ang almusal sa lamesa at hinihintay na lamang ang pag-upo niya. Pagkaupo, binati rin siya ng isang lalaking ka- edad niya. Dala nito ang bagong saing na kanin. “Kain ka na. Baka ma-late ka nanaman.” Hindi nagsimulang kumain si Tess dahil malinaw sa kanyang hindi kailangang kumain sa isang panaginip. Kina-inis ito ng lalaking kaharap niya. “Hindi ba sabi ko kumain ka na? Pang-ilang late mo na ‘to.” Nagulat si Tess dahil wala namang galit, lungkot, o kahit anong negatibong emosyon sa kung paano niya binubuhay ang mga entry. Perfect ang tingin niya sa mga entry na ito. Mas lalong nakakagulat para sa kanya ang malasahan ang hotdog at eggs na almusal. Lasang-lasa parang hindi panaginip. “Dentista. Check,” takbo ng kanyang isip habang nakaupo sa clinic. “Doc Maria!” sigaw ng secretary. Natigil si Tess sa pagkatulala. “Kanina ko pa po kayo tinatawag, Doc Maria. Dumating na po ang 4PM appointment ninyo. Papasukin ko na po ba sila?” Hindi mawari ni Tess kung bakit Maria pa rin ang tawag sa kanya. Dapat sa panaginip ay Tess pa rin ang kanyang pangalan. Si Tess na namumuhay sa buhay ng iba. Nagdaan ang mga araw nang masyadong mabilis para kay Tess. Hindi pa tumatagal nang ganito ang kanyang mga panaginip. Lahat ng isinulat niya sa Entry #156 ay talagang naranasan naman niya. Magandang bahay, asawa, anak, magandang trabaho, masarap na ulam, banyong may bathtub, maraming damit na mapagpipilian at lahat ng ibang detalyeng tunay na umakit sa kanya mula sa journal. Habang napapatagal ang kanayang pagiging Maria, nabubunyag ang kakulangan ng detalye ng kanyang journal. Ang isang mainitin ang ulo at

150 mapagmalabis na asawa ang nakilala niya, na hindi naman idinetalye ng kustomer kaya hindi rin niya nasulat sa journal. Strikto sa oras ng pag-alis at pag-uwi. Hindi maasahan sa kahit anong tulong kung hindi ang paghahanda ng almusal. Naramdaman ni Tess ang pagiging single mother bilang may asawa. Kinakain ng pagiging ina ang buhay niya. Wala siyang oras para sa sarili. Ang oras na wala sa ospital ay oras para sa anak. Hindi niya ginustong maramdamang maging alila. “Bogus ‘tong Entry #156,” hinanakit niya. Kung noon ay nagpapasalamat siya sa kakayahang panaginipan ang buhay ng iba, ngayo’y nagpapasalamat siyang panaginip lang ang lahat. Isang matagal na panaginip kung saan natitikman niya ang pagkain, nararamdaman ang pambubugbog at Maria ang kanyang pangalan. Panaginip? Sa isang gabi ng hatol, matapos makaranas ng pambubugbog, nagkulong si Tess/Maria sa bathroom na may bathtub. Sinabayan ng kanyang luha ang pagpatak ng tubig mula sa shower. “Ayoko na. Ayoko na dito. Ayoko na,” paulit-ulit niyang bato sa kawalan. Gusto niyang magmakaawa sa kahit anong kapangyarihan. “Gusto ko nang magising,” bigkas niyang may paghagulgol. Naririnig niya ang mga hakbang ng kanyang asawa, papalapit nang papalapit. Kumakalog ang kanyang dibdib at dumadaloy ang mga luha. “Hindi ko na kaya ang buhay na ito! Ialis niyo na ako dito!” Sa buong puso niyang sigaw ay sumabay ang malakas na pagbukas ng pintuan. Ang asawa niyang may dalang kawali ang bumungad. Nagising si Tess sa pag-aakalang ikinamatay niya ang kawali ngunit nagulat nang maliwanagan na wala na siya sa bahay ng Entry #156. Nakahiga siya sa isang mas maliit na kwarto, kulay ang kurtina, may bulletin board na puno ng awards, may tokador na tambak ng CD, at may malalaking poster ng iba’t ibang banda. “Analyn!” Ang unang salitang narinig ay pangalan nanaman ng iba.

151 “Analyn! Bumaba ka na. Marami ka pang gagawin. Tanghali na!” Napatingin si Tess sa orasan at nakitang 8AM pa lang. “Huh? Anong tanghali?” Hindi na kumontra si Tess. Nagpapasalamat na lang siya sa kapangyarihang naglayo sa kanya mula sa kwento ni Maria. Naiintindihan na niya ang mahika ng lahat. Nakahanda na ang almusal sa lamesa, tulad ng dati. Ang kaibahan ay walang dalawang batang lalaki at iritableng asawa. Isang nanay at isang tatay ang bumati kay Tess. “Anak, ano plano mo ngayon?” Hindi pa nakakalunok si Tess ay tinadtad na siya ng mga tanong. “Balita ko may kaklase kang balak ding magsimula ng donation drive. Paano mo iibahin strategies mo, ‘nak?” Kilala na ni Tess kung kaninong buhay ito. “Entry #172,” nabigkas niya ang iniisip. “Ano?” Nagbingi-bingihan si Tess at tinuloy ang pagkain. Kagat pagkatapos ng kagat, sinisigurong walang oportunidad pagsalitain habang kumakain. “Analyn, anak, bakit ka gutom na gutom?” Nag-atubiling umakyat si Tess nang matapos kumain, palayo sa mga magulang ng buhay na pinapasakop sa kanya. Para siyang kiti-kiti sa loob ng kwarto, hindi mapakali, ikot nang ikot. Malinaw sa kanya ang may-ari ng buhay na iyon. Ang kwarto’y tadtad ng medals, certificates, iilang mga trophies at maraming larawan ng mga projects na pinamunuan ni Analyn. “Overachieving bibo kid. Check,” bigkas niya nang may matinding pagkadismaya. Sinubukan ni Tess makipagsapalaran sa buhay na iyon. “Buhay ng tagumpay,” ayon sa kanya noon habang sinusulat ang journal entry ni Analyn, kustomer na pumila sa kanya upang bumili ng relief goods. Laging gumagalaw ang buhay ni Analyn. Ang 8AM hanggang 4PM niya sa paaralan ay parang pagsabak sa gera. Kailangan siya ang pinakamagaling, sa academics, sa leadership, sa sports, sa sayaw, sa kanta, sa acting, sa lahat. Ibig sabihin nito ay araw-araw overpacked ang kanyang schedule. Pag-uwi sa bahay, panibagong gera ang

152 laban. Malinaw na repleksyon si Analyn ng klase ng magulang na meron siya. Hindi marunong makuntento kaya ang bunga ay isang anak na ang motto sa buhay ay “I will never be enough.” At iyon ang kalbaryo ni Tess sa pagiging Analyn araw-araw. Naiintindihan ni Tess na mahika ang kalaro niya at posibleng ang ginawa niya noon ang nakatawag dito. Kaya sinubok niyang sumigaw sa kawalan at magpumilit muli na ilayo sa kasalukuyang buhay. “Gusto ko nang bumalik sa dati!” Importante daw siguro ang umiyak kaya nagsimula siyang humagulgol. “Ilayo niyo na ako sa buhay na ito! Ayaw ko na! Ayaw na!” “Simon! Gising na!” Nakatulog siya sa opisina dahil sa maraming oras ng pagtatrabaho at ngayon ay ginigising na ng katrabo. Sa harap niya’y kompyuter na may malaking to-do list na nakadikit. “Print 4 copies of new poster design. Submit infographic.” Napasigaw si Tess/Simon, ‘Entry #203!” Napaluhod si Tess sa takot at kaba. “Hindi pa rin ako ito!” Nagtatatakbo si Tess sa opisina hanggang sa makarating sa pinakamalapit na CR. Paulit-ulit siyang nagmakaawa, “Gusto ko nang bumalik sa dati! Parang awa niyo na ayaw ko sa buhay na ‘to!” Nagising siya. Walang gumising sa kanya. Nagising siya sa nagchichikahang nanay at tita sa harap ng sari-sari store na katapat ng bahay nila. “Parang tilaok ng manok kung manggising,” sabi sa sarili nang may pagkairita. “Balita ko holdaper yan.” “Sa bagay. Nagtatangka pang magtago, mabubunyag din naman.” “Makikita rin natin ‘yang lumabas.” Tumayo ang dalaga at dumungaw sa bintana. “Wow, rinig ko ang lahat ah.” Naging tagapakinig siya sa latest chika ng bayan. Nahinuha niyang may nawawala at usap-usapan kung ano ang dahilan. Maraming teorya ang bayan

153 ngunit wala pang napapatunayan. Marami ang sumusubok na mag-imbestiga. Tanaw sa bintana ang grupong nag-iimbita nung kung sino-sinong sumama sa imbestigasyon. “Samahan niyo kaming tuklasin ang misteryosong babae ng bayan ng Maasim!” Kulang na lang ay magdala rin sila ng karatula. Nagpasya ang dalagang makidalo. Dali-dali siyang bumaba upang mahabol pa ang grupo sa paglalakad. “Miss, ready ka na ba?” Seryosong seryoso ang grupo sa misyon nila. Ayon sa kanila, may magaganap daw na malaking rebelasyon. Sinabayan niya ng lakad ang grupo, kumanan at kumaliwa ayon sa kanilang direksyon. Matapos ang ilang liko, nagiging pamilyar ang ruta. Nasasabi niya kung saan kakaliwa o kakanan sunod bago pa ito ituro. Kaya niya pang pangalanan ang buong pangalan ng mga kalsadang sunod na lilikuan at bigkasin ang mga susunod na gusali at bahay na makikita. Kilala niya ang eksaktong ruta na tinatahak ng grupo at nang balutin ng takot at kaba, naglakas- loob siyang magtanong. “Saan po tayo papunta?” “Sa unit 2C, iha.”

154 Isabella Maria T. Abelardo

Isang Di-Karaniwang Biyernes Sa Kalye Barrera

indi nagbabago ang kalakaran sa dulo ng Kalye Barrera tuwing umaga. Sa hudyat ng isang tilaok ng isang tandang mula sa isang bakanteng Hlote, nagsisibangon ang mga kasambahay sa lugar at parang mga manok na kumukuru-kutok sa pagmamadaling magawa ang lahat ng kailangang maihanda sa bawat umaga bago gisingin ang kani-kaniyang mga alaga. Ganiyan ang gawi nina Sunshine, Floribeth, at Belinda— mga tapat at masisipag na kasambahay sa Kalye Barrera. Sa tatlo, ang mga diskarte ni Floribeth ng bahay-Lorenzo ang unang nagtatagumpay sa pagpukaw sa alaga. Ang mga kaluskos sa bahay-Lorenzo ang unang maririnig sa kanto ng kalye: ang bagsak ng screen sa amba ng pintuan, ang langitngit ng gate, ang ugong ng pinapainit na makina ng kotse ng mag- asawang Lorenzo. Sa paggising ng pupungas-pungas na si Vincent, ang alaga ni Floribeth, maririnig na rin ang mga kalabog sa bahay ng mga Cortez dahil oras na para uminom ng gamot sa high blood si Lola Dolores. Si Sunshine

155 naman ang magkukumahog na akyatan ang alaga niyang si Lola Dolores ng pang-umagahan at mga tabletas nito. Pagkatapos ng mga panimulang gawain, magdidilig na ng hardin si Sunshine at magwawalis naman ng mga dahon sa bakuran si Floribeth. Mag-uumpisa na ang dalawang mag-kuwentuhan kahit hindi pa lumalabas ng bahay ang barkada nilang si Belinda ng bahay-Aguirre. Sakop ng bahay-Aguirre ang kahabaan ng daan sa tapat ng mga Lorenzo, mga Cortez, at ng bakanteng lote na may nakataling tandang. Ang mga Aguirre ang huling bumabangon sa umaga sa mga magkakapitbahay. Mabuti na lang at may door closer ang bawat pinto sa bahay ng mga Aguirre, kung hindi ay laging mabubulabog ang kalye Barrera tuwing umaga sa maya’t mayang pagbukas at pagsara ng mga pinto sa pagmamadali ni Belinda dahil mahuhuli na sa klase ang alaga niyang si Danilo. Samantalang sina Floribeth at Vincent ay naglalakad na papunta sa eskuwelahan, apurang-apura pa si Belinda sa madaliang pagpapaligo, pagbibihis ng uniporme, at pagpapakain ng umagahan sa alagang lagi kay hirap gisingin at kay kupad kumilos. Kamangha-manghang nagagawa pa rin ni Belinda na ihatid si Danilo sa paaralan sa takdang oras. (Natatawa na lang ang mga ibang kasambahay sa daan tuwing nakikita nila si Belindang tumatakbo magkaminsan nang pasan-pasan sa balikat ang alaga niya papuntang eskuwelahan.) Ito ang nakagawian ng mga sambahayang Lorenzo, Cortez, at Aguirre sa mumunting kalyeng binansagang Barrera. Lahat ng taga-rito ay kumikilos sa takdang oras araw-araw. Ngunit sa isang dapat sana ay karaniwang Biyernes sa Kalye Barrera, nagpabaya ang isang taga-rito sa kaniyang trabaho. Hindi tumilaok ang tandang sa bakanteng lote.

156 Sa unang pagkakataon, nagawang kumatok ng sinag ng araw sa mga mata nina Sunshine, Floribeth, at Belinda. Kadalasan kasi, tila sila pa mismo ang binabantayan ng araw upang malaman kung kailan ito sisikat. Kaya naman lubusang nabulabog ang tatlo nang matauhang ang araw, sa pagkakataong ito, ang gumising sa kanila. Syempre, nagkagulo ang mga sambahayan. Nahuhuli na ang lahat sa kani-kanilang talakdaan. Sa bahay-Lorenzo, sunod-sunod ang pagbagsak ng screen, ng gate, at ng pinto ng kotse. (Ang kawawang si Vincent ay muntikan na rin sa aspalto kakamadali.) Kahit kumaliwa na sa Kalye Navarro ang kotse ng mag-asawang Lorenzo para ihatid si Vincent sa eskwelahan bago tumuloy sa trabaho, hindi pa rin matigil sa paghingi ng tawad si Floribeth sa kaniyang mga amo sa hindi niya pagbangon nang maaga, habang paulit-ulit na tumatango tulad na lamang ng mirasol na bobblehead sa dashboard sa kotse ng mag-asawa. Gayundin, sa kabilang bahay, tila mahilo na si Sunshine kakatango sa mga payo ng doktor na agaran niyang tinawagan nang mapraning sa kakaunting pagsikip ng dibdib ni Lola Dolores dahil hindi niya ito napainom ng gamot sa oras. (Ngunit mas malubha pa nga ata ang kinahinatnan ng kalagayan ng kasambahay kaysa sa matanda; labis ang pagkaliyo ni Sunshine sapagka’t simula noong ipinagkatiwala ng magkakapatid na Cortez ang kanilang ina sa kaniyang pangangalaga, kailanma’y hindi siya nagkulang sa pag-aaruga kay Lola Dolores— at lalong-lalo na siya’y hindi kailanma’y nagkasalang magpabaya.) Sa kabila ng kaguluhan sa kalye, kapansin-pansin na tahimik pa rin ang bahay-Aguirre. Tumango rin si Belinda, oo, ngunit isang beses lamang bago nagpakawala ng isang malaking buntong-hininga. Kahit magawa man ni Belinda ang madaliing mag-init ng tubig, magplantsa ng uniporme, at magluto ng umagahan sa kakaunting oras na natitira bago tuluyang mahuli si Danilo sa

157 klase, makupad talagang kumilos ang alaga niyang ito. Kaya naman ay ibinaling na lamang ni Belinda ang kaniyang pagmamasid sa alagang mahimbing pa ring natutulog nang nakatalukbong sa kumot at hinayaan itong magpatuloy sa kaniyang panaginip. (Bukod sa paniguradong mahihiya si Danilo na sumulpot sa kalagitnaan ng homeroom, ang labis na pagkahuli ng alaga sa klase ay isang kahihiyan rin para kay Belinda. Ang magiging mantsa kasi sa perfect attendance ng alaga ay magiging mantsa na rin sa kaniyang katayuan bilang tumatayong ina. Mas mabuti nang liban sa klase ang bata, tutal excuse letter lang naman katapat no’n.)

Nang bumalikwas si Danilo sa kama, dumapo ang bahid ng alinlangan sa kaniyang lutang na diwa. Bakit wala pang kamay na kumakalabit sa kaniyang likod o kaya nama’y nangingiliti sa kaniyang talampakan para siya’y magising? Nakapagtataka rin na siya’y hirap dumilat hindi dahil pinabibigat pa ng antok ang kaniyang mga talukap, ngunit dahil masyado nang maliwanag ang kwarto. Napaupo ang bata— napangiti. “Sabado na ba?” “Hindi,” sagot ni Belinda na sakto’y kabubukas lang ng pinto. May dala- dala itong bandehang taglay ang isang nag-uusok na mangkok, kutsara, at baso ng tubig. Nag-amoy ang kwarto. “May pasok, absent ka lang ngayon.” Nagbalik ang naglahong ngiti ni Danilo. “Bakit, Ate Belinda? Nilagnat ba ako kagabi?” napakasayang ika niya, sabay dikit ng palad sa noo, leeg, at kilikili. Kinabahan ito nang maramdamang hindi gaano kainit ang kaniyang katawan, kaya itinigil na lang ang pagtatantya ng temperatura sa pagkapraning na ihabol pa siya klase ‘pag natuklasang siya’y magaling na. Natawa si Belinda habang hinahalo ang na inilapag sa mesa.

158 Sa patagilid na sulyap pa lang sa alaga, basang-basa niya agad ang kaba nito. (Tanging lagnat o higit na malubhang sakit lamang ang nag-uudyok sa kaniyang hindi papasukin ito, at alam na alam ito ni Danilo.). “Luku-luko ka talagang bata ka, ‘kinakatuwa ang lagnat basta ‘di papasukin.” Pinagkaabalahan muna ng kasambahay ang pag-ihip sa sabaw na isinalok gamit ang kutsara bago tumugon: “Wala kang lagnat, ‘di lang kita pinapasok kasi masyado ka nang late.” Sinenyasan niya ang alaga na lumapit para mapakain na. Magaan na ang loob ni Danilo kaya’t agaran naman itong pumwesto sa sulok ng kama na kadikit ng lamesa. “Bwiset na manok,” patuloy ni Belinda. “Hindi pa napagkatiwalaang tumilaok. Nahuli tuloy kami ng gising nila Flors.” Halos tumirik ang tainga ni Danilo na parang aso nang marinig ito. Luminaw ang pandinig. (Napakahilig kasi ng bata sa intriga. Hindi rin naman ito masisita ni Belinda dahil napulot nito ang pagkatsismoso sa kanila.). “Ano nangyare sa manok, Ate?” “Dinampot siguro ng aswang…” balewalang sagot ng kasambahay para hindi na magtanong pa ang alaga. At nang mapansing nag-iinarte nanaman si Danilo sa pagkain, dagdag panakot pa nito, “Aswang na dadamputin ka rin kapag hindi mo inubos ‘yang tanghalian mo!” (Napaka-selan talaga ni Danilo sa pagkain. Bilin ng ina nito na wag mga processed food ang ipakain sa anak habang dahil punong-puno iyon ng preservatives, pero jusmiyo! Sa hotdog at spam napunta ang hilig ng bata at sa sariwang lutong-bahay pa naging mapili! Lalo na kapag ipinaghain ng sabaw. Matabang ang lahat ng sinabawan sa paleta ng alaga. ) Ngunit habang nagpapaulan na ng mga litanya si Belinda,

159 tinangay na papalayo ang utak ni Danilo ng mga paru-parong kumukulo sa kaniyang tiyan. Dumaloy ang kuryente mula ulo hanggang paa. Kinilabutan sa labis na pagkagalak— mayroong hindi karaniwang pangyayari sa kalye! Oras na para sa isang imbestigasyon.

Sumilip si Danilo sa kurtina at pinagmasdan ang tatlong kasambahay na nagkakape’t sa patyo. Ibig niyang makapulot ng impormasyon mula sa napapasarap na kwentuhan. Nang mabatid na napaliliko na ang usapan sa mga pangyayari kaninang umaga, binuksan niya na ang kwadernong kanina pa kipkip sa dibdib habang nag-iintay kay Ate Blinda na pasimunuan ang tsismisan. Iyon ang practice book niya sa kursibang pagsusulat, ngunit sa ibaba ng takdang pang-ensayo (na nakakalahati niya pa lamang) mapanuwag na idiniin ni Danilo ang lapis at isinulat (hindi nang pakulot) ang pamagat na ‘’DETECTIVE NOTES’. Kasunod nito, sinimulan niyang itala ang mga detalyeng nakakalap habang patagong nakikinig sa nagaganap na chismisan: “O, Flors, pa-text na lang mamaya ng homework pagkauwi ni Vincent,” ika ni Belinda sabay higop ng kape. Tumungo naman si Floribeth ngunit nagbato ng payo pabalik, “Kumuha ka na lang kasi ng driver mare. Kung kotse ang pinanghahatid sa alaga mo, ‘de sana ‘di ka na nagkakandaleche tuwing umaga.” Tawa silang lahat. “Sus wag na, kaya naman naming lakarin ni Danilo. Dagdag gastos pa na ‘di naman kailangan.” (Kahit ang mga Aguirre pa ang pinakamayaman sa kalye, matipid si Belinda sa paggastos ng pera ng amo. Napakalaki man ng bahay, maging ang halagang hawak ng kaniyang sambahayan, collateral lamang ito na natanggap

160 ng misis mula sa annulment, kung kaya’t ayaw ng kasambahay na basta-basta itong gastusin lalo na’t ang kita ng mama ni Danilo bilang legal consultant sa Maynila ang tanging bumubuhay sa kanila. Ayaw rin naman ni Belinda na lumaking spoiled ang alaga.) “Pero... ‘te,” singit bigla ni Sunshine, “Ano kayang nangyari sa tandang ni Sheila? Inaswang kaya? Nawawala na sa lote nung tumingin ako kaninang umaga.” ‘ASWANG’, agarang isinulat ni Danilo sa kwaderno nang marinig ito. Minabuti na rin niyang abutin ang sopas na nanlamig at pinilit ang sariling umpisahan itong higupin. Kailangang good mood ang Ate Blinda niya upang payagan siyang ‘maglaro’ sa labas mamaya. “Anu ka ba naman, wag kang manakot,” sagot ni Floribeth. “Baka nakatakas lang... o kagagawan ng animal…” Sa puntong ito, nagsimula na magtayuan ang mga kasambahay kaya’t nagmadali na si Danilo ubusin ang pagkain. Pagkatala ng ‘DOG/CAT’ katabi ang ‘ESCAPED’, dali-daling nitong isinalok lahat ng natitira sa mangkok paloob ng bibig. Nginuya niya muna ang naghalong manok at kanin nang ilang segundo, bago nagmistulang inuubo at iniluwa ito sa sa tisyu. Tinapon niya ito sa basurahan sa gilid ng kwarto. (Heto ang kadalasang diskarte ng bata upang hindi mapilitang kainin ang mga ayaw niya). Pagpasok ni Belinda sa kwarto maya-maya, ngumiti si Danilo at ipinakita ang kumikinang na mangkok. “Pwede na ba ako maglaro sa labas, Ate Belinda?” “O sige,” payag ng kasambahay kahit medyo nakapagtataka na ni walang mumunting butil na natira sa kinainan ng kaniyang alaga. “Pero magpalit ka muna ng damit at didito ka lang dapat sa Barrera.”

161 Itinuwid ni Danilo ang sarili mula sa pagkayukyok. Mayroon nang mantsa ng damo ang kaniyang puting sando at khaki shorts; siguradong masisita siya mamaya ng Ate Belinda niya. ‘Di bale— may usad naman ang kaniyang imbestigasyon. Sa kwadernong bitbit, naglagay siya ng malaking ekis sa ‘DOG/CAT’ at ‘ESCAPED’. Hindi maaaring animal o kusang pagkatakas ang kadahilanan sa pagkawala ng manok. Kung ang una ang katotohanan, malamang sa malamang dapat mayroong bakas ng sagupaan sa pinangyarihan ng krimen, ngunit walang natagpuang bahid ng dugo si Danilo sa pagsisiyasat ng kabuuan ng lote. Mas lalo nang imposible ang ikalawa, dahil matatag ang panali sa tandang na pagmamay-ari ni Aling Sheila ng ‘Sheila’s Sari-Sari Store’. (Binili ni Sheila ang manok na nagbabakasakaling kikita sa sabong, subalit iskam ata ang binilhan ng pinangakong lahing kampyon— kailanma’y ‘di siya naipanalo nito. Napagiwanan na lang tuloy ang tandang sa damuhang katapat ng mga Aguirre.) Nagpagpag si Danilo ng haka-hakang alikabok mula sa kaniyang mga kamay bago sila ipuwesto sa baywang. Ang lubid na panali sa manok ay nawawala, medyo pisa ang damuhan malapit sa poste kung saan ito nakatarangka... ‘MAGNANAKAW’, dagdag niya sa kwaderno. Napaisip rin siya sa isa pang suspetsang natitira; inaswang ba talaga ang manok gaya ng panakot ni Ate Belinda sa kanya? Gaya ng isinaalang-alang ni Ate Sunshine? Gayunman, mahirap hanapin maski alin sa dalawa. Puwedeng malayo-layo na ang kinaroroonan ng magnanakaw, at higit na mas malabo pa siyang makatagpo ang aswang. Ngunit napag-desisyunan pa rin ni Danilo na ipagpatuloy ang pag- uusisa. Hindi sumusuko ang isang mahusay na detektib kahit gaano pa

162 kadulas ang tinutugis! (Sa totoo, wala lang kasing ibang pampalipas-oras ang bata. Nasa eskwelahan ang lahat ng kaibigan: ang bestfriend na si Vincent, pati na rin ang mga kalaro mula sa hilera ng mga duplex sa Navarro.) Kaya kahit binilinan na si Danilo ng Ate Belinda niya na sa Barrero lamang maglaro, nagpatungo ito sa dulo ng kalye nang nagmimistulang espiya. Ang bawat kilos ay kalkulado: patiyad at dahan-dahang humahakbang, bawa’t yabag kasing-gaan ng pusang lihim na bumubuntot sa daga. Dumikit siya sa pader na bumabakod sa kaniyang tahanan ng para bang isang anino hanggang sa nalampasan na niya ito. At dahil wala naman sina Ate Sunshine at Ate Floribeth sa tapat ng kanilang mga sambahayan, tinakbo na ni Danilo ang kahabaan ng daan at kumanan sa Kalye Aganad bago binagalan ang tulin— tumataya ito na mayroong impormasyong mapupulot sa sari-sari store ni Aleng Sheila pagka’t tampulan ito ng tsismis. (Syempre, mga tambay rin doon sina Sunshine, Floribeth, at Belinda.) Diniretso niya ang Aganad hanggang sa mga kuyagot na ang lumilinya sa mga kanal imbis na mga palumpong ng santan; hanggang sa ang bubong ng mga nalalampasang sambahayan ay hindi na mga aguas na nilapatan ng tisa, kundi yero na pinatungan ng goma; hanggang sa ang mga pader ay hindi na pintado sa mga lilom ng pastel, kundi mga namumutlang kungkretong taglay ang mantsa ng agos ng tubig mula sa maruruming alulod na lamang; hanggang sa namulaklak na ang bahid ng kaba sa dibdib ni Danilo sapagka’t hindi niya nilalakad ang kalye nang hawak-hawak ang kamay ni Ate Blinda— tanging ang hinahanging trapal ng tindahan ni Aling Sheila sa kalayuan ang kinakapitan na pamilyar.

163 “Thank you po,” tugon ni Danilo nang iabot ni Aleng Sheila ang kaniyang Zest-O at Bread Pan kapalit ang iilang barya. Mabuti na lang at naisipan niyang dalhin ang allowance na nakalimutang bawiin ni Ate Blinda mula sa kaniyang study table, bago lumabas ng bahay. Kahit ang mga tanyag na espiya ay tumitiklop sa nagmamaktol na tiyan! Sumipsip si Danilo ng orange juice at dumukot ng Bread Pan mula sa berdeng supot nito habang nagmamasid. Ngayon na mag-isa lang siya sa kinalalagyang bahagi ng Aganad, higit na litaw na napakalayo nito sa nakasanayang dilag ng Barrera. Karamihan sa mga bahay na pumapaligid sa kanya ay maihahalintulad sa mga basahang itinatahi ng Ate Belinda niya mula sa mga naglulumang damit; yari sa pinagtagpi-tagping mga trapal at mga pilyego ng kinakalawang na bakal ang mga tahanan. Hindi malabong ipalagay na magnanakaw, o aswang— o kaya’y magnanakaw na aswang— ang nakatira sa isa sa mga ito. Pinagmunihan ni Danilo ang gunigunihin. Unti-unti rin siyang natulala sa kawalan nang ilaan ang bahagi ng atensyon sa pakikinig sa palihim na usapan ni Aleng Sheila at ng isang tambay: “Si Maricar…” marahang bigkas ng tambay nang binabanat ang mga patinig ng pangalan ng itsitsismis— halatang nang-iintriga. “Gipit na gipit ngayon… nasunog ng nilalakong sabong pampaputi ang balat ng kliyente d’on sa yayamaning subdivision. Eh, etong si kwan, kabarkada ng mga misis na pinagkakakitaan ni Maricar. Ayun… nawalan tuloy ng mga suki.” “Naku, kailan pa ‘to? Wala namang sinasabi sa’kin si mare…” “ Ilang linggo pa ‘to usapin dito sa Aganad, mars…” Pinalatak ni Sheila ang kaniyang dila, “Baka hindi na sapat ang naipapakain niya kay Honeylet—”

164 Naputol ang usapan nang marinig ang biglaang pilantik ng tsinelas sa semento. Napatingin si Danilo sa batang babae na tumatakbo papunta sa tindahan. “Ate Sheila! Pabili po ng Hany!” bulalas nito pagkadukot ng barya mula sa rosas na shorts. Kapansin-pansin ang mga mumurahing palamuting naka- adorno sa kanya: magkakapares na tiyara, hikaw, at kwintas na gawa sa mga pekeng brilyante, at iba’t-ibang singsing na plastik na hindi magkakatugma ang sari-saring kulay. Ang ngiting bumuo sa labi ni Sheila ay may halong awa. “Oh, dahan- dahan lang ah, Honeylet,” inabutan niya ito ng limang piraso ng tsokolate. “Umupo ka muna diyan sa bangko at namnamin mo.” Ibinaling ni Danilo ang tingin nang pumwesto sa tabi niya si Honeylet. Batid mula sa sa pagkuyakoy na lamang ng kanilang mga paa upang matiis ang namuong katahimikan na nagkahiyaan ang dalawa. “Hello!” bati ni Honeylet matapos ang ilang sandali. “Hello…” tugon rin ni Danilo. Nag-aalangan ito makipag-usap sapagka’t nasa kalagitnaan ng imbestigasyon at sa gayon, dapat manatiling tago. Subalit nauwi na rin sa kwentuhan ang dalawa dahil madaldal si Honeylet. Ang pang- umagahan ( na fried chicken matapos ang paulit-ulit na kakarampot na tuyo at kanin) hanggang sa ang ginawa magdamag (maglaro ng dress-up habang wala sa bahay ang mama) ay naibahagi na ni Honeylet sa kaniya. (Syempre, nagkunwari si Danilo na walang malay sa paghihikahos ng mag-ina). “...late na siya makakauwi kasi maglalaba daw siya doon sa, ahm… basta maglalaba si mama para chicken rin ulit makain namin sa birthday ko next week!” patuloy ni Honeylet habang tinitipid ang ikaapat na Hany. Napansin ni Danilo na paubos na ang kinakain ng kakwentuhan,

165 kaya inabot niya na rin ang Bread Pan niya dito, “Eto naman, para ‘di maubos chocolate mo.” “Yehey! Thank you!!” Tuwang-tuwa si Honeylet nang ipasa sa kanya ang supot. Ngunit natigilan si Danilo sa bughaw na singsing na napansin sa kanang kamay nito— iyon ang chicken tag na suot ng tandang ni Aleng Sheila! At sa saglit na iyon, nanaig sa dibdib ni Danilo ang pagkailang sa panibagong kaibigan. Heto. Heto ang anak ng tinutugis.

Ipinatong ni Danilo ang baba sa palad habang inaantay ang hapunan. Kating-kati na siya ikwento ang imbestigasyon sa Ate Belinda niya. (Alam naman pala ng kasambahay kung anong pinaggagawa ng alaga. Sinundo pa nito mismo si Danilo sa tindahan nang matapos niya ang mga gawaing bahay. Tinext raw siya ni Sunshine na nakita ni Lola Dolores ang alaga na kumanan sa Aganad habang nag-kokrosword ito sa tagong bahagi ng hardin.) Sa wakas, pumasok na rin si Belinda sa kumedor. Handang-handang na dumaldal si Danilo. Ngunit hindi maintindihan ng bata kung bakit siya nakokonsensyang paratangan si Honeylet at ang inang si Maricar. Sa labis na pagkaabala sa gumagambala sa isip, hindi na nito napansin na ang tinolang pinanghalian pa rin ang inihain ng kasambahay sa harap niya. Pinagmasdan ni Belinda ang nakapagtatakang gawi ng alaga. “Tinola,” ika nito para mahatak pabalik sa hapag-kainan ang alagang nagmumuni-muni. “Ubusin mo ‘yan ah, madaming nagugutom.” Nang marinig iyon, natauhan si Danilo— sa likod ng bawat krimen ay isang motibo. At ang bawat motibo ay may kanya-kaniyang pinapanalangin na layunin. Marahil gutom ang mag-uudyok sa isang ina na magnakaw at

166 pumaslang ng isang napag-iwanang tandang. Ngunit marahil pagmamahal lang din ang may kakayanang mag-udyok sa isang ina labagin ang sariling konsensya para kahit minsa’y ‘di lamang maibsan ang gutom ng isang anak, kundi mapukaw ang saya’t sigla sa nakahain sa mesa. Laking gulat ni Belinda nang makita ang alagang humigop ng sabaw nang walang reklamo; isinubo pa nito ang nag-umuumapaw na bunton ng kanin at manok na isinalok sa kutsara at ngumuya na tila ba sarap na sarap. “Parang pagod na pagod ka ah! O, ano, nahuli mo ba yung aswang?” subok na biro nito sa alaga upang malampasan ang hindi pangkaraniwang asta nito. Lumunok muna si Danilo bago sumagot. Hindi na matabang ang sabaw sa panlasa ng isang bubwit na may isang kay arteng paleta. “Kailangan lang rin siguro ng aswang pakainin ang anak niya.”

167 Alakdan F.R.

Para sa Lupa

oong unang panahon, may isang munting bulate na nagngangalang Jose. Inaasam niyang makalipad nang napakataas na parang isang agila, Nsumasakay sa agos ng hangin, nahahalikan na ang mga ulap, na nagiging kasinliit niya ang malalaking hayop sa tuwing titingin siya sa lupa! Tuwing umaga, lagi siyang lalabas sa kaniyang munting lungga. Humikab nang malakas at iniunat ni Jose ang sarili nang naaaaaapakatagal. Ang mga ito’y hinding-hindi niya nakakalimutan. Bakit? Kasi naman, nakababagot ang halos buong araw sa isang lungga na walang kailaw-ilaw at walang kahangin-hangin! Araw-araw, sinisikap niyang makarating sa pinakadulo ng kagubatan hanggang sa masumpungan niya ang isang ilog. Namamasa-masa man ang lupa ay pinagtitiyagaan niyang makarating sa kaniyang paboritong lugar sa kagubatan.

168 Isang umaga, habang nagmamasid at tumitingin sa paligid ng ilog si Jose, nakita niya ang mga isdang tumatalon sa tubig upang makalampas sa matarik at mataas na batong nakaharang sa kanilang patutunguhan. Pumipilansik ang mga ito na parang maliliit na bato na inihagis patusok sa tubig. Sarap pakinggan! Marami pati sila! Isa-isang tumalon pataas ng bato at humiyaw sa tuwa ang mga isda! “Ang galing ng mga isda!” sigaw ni Jose. “Wala silang pakpak pero nakakaangat sila nang mas mataas kaysa sa mga bato!” Biglang sumulpot ang isang ardilya sa isa sa mga punong katabi ng ilog. Namataan ito ni Jose. Aba matindi! Lumilipad pala ang ardilya na ito. Parang saranggola na sumusunod sa utos ng hangin ang ardilya. Dumapo ito nang walang kahirap- hirap sa katabi nitong puno, parang isang dahon na dumudulas sa hangin. “Ang galing ng ardilya!” sigaw ni Jose. “Parang mga kapote ang kaniyang balat! Hawak siya ng hangin sa kaniyang likuran!” Sa mga hindi nakakaalam, ang ardilya po ay isang flying squirrel. Nood po tayo ng Kuya Kim paminsan-minsan. Pero ayun na nga, may hinihintay si Jose. Abutin man ng hapon ang kaniyang pamamalagi sa ilog ay kinakailangan niya munang makita ito… O, aba! May humiyaw! Ang tinis ng boses… parang galing sa mga ulap… Napatingin sa itaas si Jose, at nakita niya ang anino ng isang ibong kaniyang hinahangaan – ang agila! Napanganga siya sa mga malalabay na pakpak na tinataguan ng araw; kahit na, alam niyo na, lagi niya namang nakikita. Naaantig siya sa taas ng lipad nito, na parang tirahan ang himpapawid.

169 Ipinamalas ng ibon ang kaniyang bagsik at angking galing sa paglipad. Sa madaling sabi, pasikat. At marami tayong kilalang ganyan. Bumaba ang agila galing sa alapaap… “Ang lupit! Parang bulalakaw kung bumulusok!” Nabihag ng engganyo si Jose habang pabagsak ang agila sa tubig ng ilog, sabay DAGIT sa isang isdang nagtatampisaw sa tubig. “Grabe! Mas malaki pa sa akin ang mga pandagit!” Umatras si Jose patungo sa isang maliit na bato dahil sa mga kuko. Kasing-itim ng gabi ang mga ito! Mapapatago talaga ako diyan, kung ako ‘yan! Pero hindi siya nagpatinag sa takot. Atat na atat makita ang agila at work. At nang lumabas siya mula sa batong pinagtataguan, palapit sa tabi ng ilog, biglang humagibis ang agila sa kaniyang ulo! Naramdaman niya ang pagpalo ng hangin sa kaniyang katawan, pero bakit parang ang sarap? Hindi pa niya nararanasan ito. Hindi pa niya ito naramdaman noon. Iba ito… “Galing! Parang eroplano sa katawan ng isang hayop!” sabay nginig na parang kinilig sa pag-ihi.

Grabe! Ngiting hanggang tenga ang handog ng hapong ito kay Jose. Patalon-talon pa siyang tumungo sa kaniyang lungga na ang laman lang ay imbakan ng pagkain, hapag-kainan, at kutson. Kaniya namang tinakpan ito ng maliit na kahoy upang magsilbing tarangkahan. Palukso-lukso siyang lumapit sa nanay niya, si Nanay Doray. BOING! BOING! BOING! Aba’y pagkalakas ng talbog ni Jose! Parang may palakang sabik na sabik nang makakain. Kaya ayan, napatalon din ang nanay at napasigaw ng…

170 “PALAKA!” “Nay, ako po ito!” “Aysus ginoo, Jose! Tinakot mo naman ako!” “Nay, .” “Sige anak, maupo ka lang diyan at bibigyan kita ng pagkain. Saan ka na naman napadpad ha?” “Nay, lagi naman akong nasa ilog!” “Hindi ba delikado diyan. Paano kung--” “Nay, nandito na ‘ko. Ayos lang ‘yan.” “Hay siya, parang ang tatay! Lakwatsero!” Nagtawanan ang dalawa at nagsimula na sila kumain ng kabute. Aba, peyborit ‘yan ni Jose! “Nay, gusto ko talaga!” “Anong gusto mo?” “Lumipad! Matagal ko nang sinasa--” Buti hindi niya na tinuloy, kasi umiinit na ang ulo ng nanay. “Hindi ba sinabi ko sa’yo na hindi pwede ‘yan? Naalala mo ba ang sinabi ng ama mo sa’yo?” “Oo nga pala, si Ama…” “Ano ang sabi niya, Jose?” “Mangarap ng pangarap na nararapat.” Sabay pa sila ng nanay. “‘Yan ang tama, anak. Tayo’y nakatakda para sa lupa. May mga hayop na palaruan ang himpapawid habang may mga nilalang na nilikha para sa lupa, at kasama tayo doon.” “Opo, Nay…” Noong bata pa kasi ang ama ni Jose ay pinangarap din nitong “sumakay

171 sa agos ng hangin, nahahalikan na ang mga ulap, na nagiging kasinliit niya ang malalaking hayop sa tuwing titingin siya sa lupa.” Like father, like son ika nga. Minsan pa’y sinubukan ng ama ni Jose na tumalon mula sa pinakamataas na sanga ng isang puno nang may uwak na bumulusok pababa! “Buti na lang at naihi ang tatay mo sa takot, kaya nadulas at nahulog bago dagitin ng uwak… Nahati nga lang sa dalawa ang katawan. Mas maganda nang mahati ng isang sanga kaysa sa mahati ng tuka ng uwak!” “Kaya itatak mo ‘yan sa kukote mo! Oo, muling nabubuo ang ating balat kapag nasusugatan tayo, pero huwag mong hintayin na sa kumukulong tiyan ka pa mapunta! Iniwan na tayo ng ama mo, pero sana na sa iyo pa…” AT ayan na nga si Jose. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa, sabay titig sa malagripo na bibig ng nanay dala ng kasaganaan sa laway. Patuloy siyang dinuduyan ng mga hayop na kaniyang nasumpungan sa ilog. Nagsiliparan ang mga eroplano, jet plane, at rocketship sa ibabaw ng kaniyang ulo, umiikot sa sarili niyang planeta; paboritong-paborito niya talaga ang mga lumilipad. Pinanonood niya ang bawat talon ng isda, ang pag-alon ng kapote ng lumilipad na ardilya, at ang bawat pitik ng pakpak ng agila. Parang ang sarap sigurong makisama sa kanila… At uy! Pinuntahan siya ng mga ito at sinabing, “Kaya mo yan!” “Aysus, napakadaling lumipad!” “Sumama ka sa amin, ansarap sa itaas!” Nang biglang humiyaw si Nanay Doray... “ANAK! NAINTINDIHAN?” “Opo, nay!” sabay gising sa panaginip.

172 Nasa harap ng nanay ang katawan, pero nakalutang sa langit ang utak. “Buti naman… O siya, matulog na tayo.” “Opo.” Habang humihilik si Nanay Doray ay gumising ang bata mula sa kaniyang maliit na kutson na gawa sa pinagtagni-tagning dahon. Tiningnan niya ang nanay niyang natutulog at sinabing, “Kaya ko raw. Nakakadismaya, nanay pa naman kita…” sabay gapang patungo sa labasan ng kanilang lungga. Kumaluskos nang bahagya ang kahoy na pantalbong sa lungga… SHHKK! Bumuntong hininga si Jose. Pinagmasdan niya ang nanay sa kaniyang likuran. “Umusog lang…” bulong niya sa sarili, kasabay ng maugong na hilik ng nanay. ‘Yun! Nakalaya siya! Kumuha siya ng isang dahon na nahulog mula sa sanga ng isang puno para gamitin sa paglipad, at kaniya itong kagat hanggang sa lugar kung saan tumalon ang kaniyang ama: sa pinakamataas na sanga. Bitbit ng bibig niya ang dahon habang paakyat sa puno. “Ang bigat!” sabay hingal na hindi maintindihan dahil puno ang bibig. “Sinabi nila kaya ko. Kaya, kaya ko!” sabay tagaktak ng pawis galing sa ulo habang pasan ang dahon na magdadala sa kaniya sa haplos ng himpapawid. Inabot siya ng ilang oras sa pag-akyat. Ilang oras, ilang oras, hanggang sa wakas! Nakatungtong na siya sa pinakamataas na sanga ng puno ng palarosas. Palarosas?! Ang isa sa pinakamatataas na puno sa bansa? You have got to be kidding me!

Ito na, ito na, ito na ang oras para malaman ang kahihinatnan ni Jose!

173 “LIPAD!” Ang lame niyan, ‘toy! Lagi na namin ‘yan naririnig. “Ano ba ‘yan! Ano ba ang magandang sigaw?” bulong niya sa sarili. ‘Yan, pag-isipan mong maigi. One shot lang ito, Jose. Pabalik-balik sa umuugang sanga si Jose. Ang lalim ng iniisip. Siyempre gusto niya picture-perfect ang kaniyang take-off! “‘Nu ba ‘yan! Wala ako maisip.” “‘Di bale, pangalan ko na lang para rinig ng mga nilalang ang aking pagtahak sa inakala nilang imposible. Ako ang unang uod na makakalipad sa balat ng kagubatan, si Jose!” Sabay talon! Idinikit na niya ang dahon sa kaniyang naninikit na likuran! Ito na kaya? Ito na kaya!? Naku, hindi gumana ang dahon! Butas pala ito! Kinagat pa kasi paakyat! Mga bata naman talaga... “HINDI! KAYA PA YAN!” habang nagmumukhang misayl sa pagbagsak… hanggang sa… TSAK! Aba, may sumalo kay Jose! Phew! Muntikan na siyang matulad sa kaniyang ama pero may sumagip sa kaniya. Binuksan ni Jose ang nakasarang mga mata. Mga kukong kasing-itim ng gabi… mga pakpak na taguan ni Haring Araw… ang hiyaw na nakakasindak sa sobrang tinis… Mukhang pamilyar ang mga katangiang ito… Bumilog pa ang kaniyang mga mata – iniligtas siya ng isang agila! Wala siyang masabi, ni hindi niya magawang magpasalamat dahil dinala na siya nito sa himpapawid. Lumalayo na sila sa mga nagtatangkarang puno.

174 Unti-unti nang nakikita ni Jose ang buong kagubatan. “Ang ganda!” Nanlalaki ang mga mata ni Jose sa labis na kasiyahan. “Ako ang unang uod na lumilipad sa balat ng kagubatan. Ako si Jose!” Naninikip na ang maliliit niyang baga kakasigaw, kahit silang dalawa lamang ng agila ang nakakarinig. Nakita niya ang iba’t ibang mga bundok, burol, maging ang ilog na paborito niyang tambayan. Nakita niya ang mga lambak, bangin, bulubundukin -- pakiramdaman niya’y nakita na niya ang buong mundo! “Lumilipad ako… Lumilipad ako! Sumasakay ako sa agos ng hangin…” sabay samsam sa lamig na dala nito. “Nahahalikan ko na ang mga ulap…” sabay na nakausli ang nguso. “At kasinliit ko na ang malalaking hayop!” sabay tingin sa lupa. “Salamat sa’yo! Katulad niyo na ako! Kahit isang beses lang! Maipagmamayaba…” “Salamat rin sa iyo! May ipapakain na ako sa mga anak ko!”

175 Fides Ma. Rosario J. Sebastian

Prinsesa

ow about you Sesa, what do you want to be when you grow up?” ang tanong ng kanyang guro sa kanya. “H “Um, I want to be a prinsesa po! Ay, princess po pala,” sabi ni Sesa sa kanyang guro. “Wow! That’s wonderful, Sesa!” sagot sa kanya ng kanyang guro. Lumipas ang klase na iniisip ni Sesa kung ano ang buhay niya kung siya ang naging prinsesa. Siguro nakatira siya sa lugar kung saan naglalakihan ang mga puno at sa panahon ng tag-init ay namumukadkad ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak. Sa pagbangon niya sa umaga’y huni ng iba’t ibang ibon ang babati sa kanya. Pagkatapos nito ay tutungo siya sa kanyang aparador na naglalaman ng iba’t ibang mga damit at bestida na- “Okay class, that’s all for today. Thank you for coming to today’s session. Goodbye everyone!”

176 Naistorbo ang pagmumuni-muni ni Sesa nang magpaalam ang kanyang guro. “Yehey!” wika ni Sesa. Alas tres na ng hapon. Isa-isa nang nawala ang mga mukha ng kanyang mga kamag-aral sa screen ng laptop. “Paano nga ba ‘to? Exit.. Shut Down.. Okay.” Hindi pa masyadong sanay si Sesa sa paggamit ng kompyuter dahil nasa unang baitang pa lamang siya, ngunit kinailangan niya itong matutunan upang makasabay siya sa kanyang online class. Ipinagbawal muna ang face-to-face na pag-aaral dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19. Inayos niya ang mga gamit sa kanyang desk dahil tapos na siya sa klase para sa araw na iyon. Ang mga lapis at pambura ay binalik niya sa pencil holder niyang rosas na mayroong kulay ginto na korona sa harapan. Katabi naman nito ang kwaderno niyang kulay rosas din. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at humarap sa salamin. “Salamat po sa pagpunta sa castle ko!” sabi ni Sesa sa mga haka-haka niyang royal subject. Hinawakan niya ang kanyang bestida at umikot-ikot sabay curtsy. Natigil ang pag-imagine ni Sesa nang kumulo na ang kanyang tiyan. Alas-onse pa ng umaga kasi ang huli niyang kain. Dahan-dahan siyang bumaba sa makitid nilang hagdanan hanggang sa umabot siya sa unang palapag. Sumilip siya sa kusina at, “Ha?” Nagtago si Sesa sa likod ng pader dahil hindi niya nakilala ang taong nasa kusina. May babaeng nakasuot ng bestidang asul na abot ang kanyang paanan, ang kanyang kulay gintong buhok na kumikinang-kinang ay nakapusod nang maayos, nakasuot pa ng guwantes na katerno ng kanyang

177 bestida, may matingkad na korona, at humuhuni-huni pa. Ngunit paanong ang isang mukhang prinsesa ang ayos ay nagluluto ng ginataang kalabasa? “Si Nanay lang naman nasa baba kasi natutulog si Tatay sa taas.” Binalaan na siya ng kanyang nanay tungkol sa mga estranghero kaya naman ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kusina tangan-tangan ang isang pares ng kanyang tsinelas na suot proteksyon. “Sino po kayo?” sigaw ni Sesa nang malakas. Tumalikod ang babae na may hawak ng plato na may ginataang kalabasa. “Ako si Cinderella! Narinig ko nga sa iyong nanay na paborito mo ang mga prinsesa eh kaya naman ay pinayagan niya kong alagaan ka.” Sabay kindat. “Ang ganda niyo naman po talaga Cinderella!” sabi ni Sesa nang nakangisi at mayroong pag kindat pabalik. “Nais mo ba akong samahang umupo sa mesa upang tayo’y makakain na ng meryendang ihinanda ko?” “Opo! Ang galing mo naman Cinderella!” wika ni Sesa habang siya’y naglalakad papunta sa hapag-kainan. “Ganun talaga mga prinsesa! Hindi sinasabi sa mga kwento pero magaling din kaming magluto at gumawa ng iba pang mga bagay. Ako pa nga ang nagbuhat at nagpalit ng gasul sa kusina eh.” “Ah, ganun po ba? Ngayon ko lang po ‘yun narinig.” Pinagmasdan ni Sesa ang prinsesa habang dahan-dahan niyang inilapag ang pagkain sa mesa. Nagbuhos din siya ng bagong timplang orange juice na katerno ng kulay ng ginataang kalabasa. “Salamat po, Cinderella! Ang galing-galing mo talaga!” wika ng batang manghang-mangha sa prinsesa. “Kumain ka na, alam kong gutom na gutom ka na.”

178 “Bakit po hindi niyo ako sinasabayan kumain? Hindi po ba kayo nagugutom?” “Hindi nagugutom ang mga prinsesa. Mayroon kaming magic powers kaya naman ay lagi kaming kontento.” “Ahh, ganun po ba? Parang ngayon ko lang po ‘yun narinig.” “Ganun nga. O s’ya kainin mo na ‘to bago pa lumamig.” Inabot ni Cinderella ang mangkok ng ginataang kalabasa kay Sesa. “Ano po ‘yan?” Itinuro ni Sesa ang marka sa braso ni Cinderella. “Ito? Ah, e- may misyon kasi kaming mga prinsesa at pag nagawa namin ‘yun, binibigyan kami ng mga stamp bilang premyo.” “Ahh. ganun po ba? Ano po mga misyon niyo?” “Hmm, minsan kailangan ko makipaglaban sa mga halimaw na mapanakit. Minsan naman ay kailangan kong gabayan ang mga batang diwata upang lumaki silang mabait at magalang.” “Ang galing niyo naman po talaga!” “O s’ya, tapusin mo na ‘yan upang makapaglaro na tayo.” Naubos na ni Sesa ang kanyang pagkain at nilagay niya ang kanyang plato sa lababo upang mahugasan ito. “Maraming salamat po sa meryenda, nay!” Sabi ni Sesa habang nakayakap sa kanyang ina kasabay ng pag-kindat. Naglaro sila ng iba’t ibang mga laro tulad ng tumbang preso, lemon popsicle, at bahay-bahayan kasama ng mga manikang prinsesa ni Sesa. Lumipas ang mahigit isang oras at naisip ni Cinderella na oras na upang gawin ni Sesa ang kanyang mga takdang-aralin.

179 “Sesa, sa palagay ko ay sapat na ang paglalaro natin ngayon. Gusto mo bang gawin na ang iyong mga modules?” “Opo!” Sagot ni Sesa. “Sige, ihanda mo na ang iyong mga module at susunod na ako sa iyong kwarto.” “Sige po.” Umalis si Sesa kusina at pumanhik ng hagdan papunta sa ikalawang palapag. Pumasok si Sesa sa kanyang kwarto at hinanap ang kanyang mga module. Hinalungkat niya ang bag sa tabi ng kanyang desk ngunit puro mga libro lamang ang laman nito. Sinubukan din niyang hanapin sa kanyang desk ngunit ang laptop at mga kwaderno lang laman nito. Binuksan niya ang mga kahon sa sulok ng kanyang kwarto ngunit puro storybook lang ang mga laman nito. Umupo siya sa kanyang kama at sinubukang isipin kung saan niya ito nilagay. “Baka nasa baba kasi ‘dun naman ako gumagawa ng modules. Pero inakyat ko kahapon eh. O baka nasa-” DUG Napatigil si Sesa sa pag-iisip nang magulantang siya ng malakas na tunog. DUG DUG Ang mga kalabog ay nagmumula sa labas ng kanyang kwarto. Dahan- dahan siyang lumapit sa pinto at tahimik niya itong binuksan ngunit wala namang tao sa labas. DUG DUG DUG Para bang tinatawag siya ng mga kalabog na palakas nang palakas. Narito ako Sesa bulong ng kalabog sa kanya mula sa kwarto ng kanyang mga magulang. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kwarto

180 ng kanyang mga magulang, pilit na pinatatahimik ang tsinelas niyang nag- iingay sa sahig nilang gawa sa kahoy. Sa madilim na pasilyo ay mayroong manipis na sinag ng ilaw na nagmumula sa kwarto kung saan bahagyang nakaawang ang pinto. Naglakbay ang kanyang mga mata paikot sa silid at nadatnan niya si Cinderella- nakabaluktot sa sahig at punit-punit na ang bestida. Kita rin ang mga stamp na pinag-usapan nila kanina na para bang siya’y pinaliguan ng mga ito. Ang korona ay bali at nakahilata lang din sa sahig. Nabahala at naluha si Sesa sa kanyang nakita at tumakbo siya pabalik sa kanyang kwarto sa takot. DUG DUG Para bang hinaharana siya ng mga kalabog. Nagtaklob siya ng kumot at niyakap ang kanyang unan nang mahigpit sa pag-asa na matatapos na ang lahat. Ano ba ang nangyayari? Hindi niya maintindihan kung bakit nakabulagta na si Cinderella sa sahig. Nang makaraan ang ilang sandali, nalaman na ni Sesa ang sagot. “Misyon. Isa itong misyon!” Naalala ni Sesa ang napag-usapan nila noong meryenda kaya’t naintindihan na niya ang lahat ng nangyayari. “Kalaban siguro niya ang halimaw niya ngayon. Pero mukhang pagod na siya. Tutulungan ko siya kasi gusto ko rin maging prinsesa.” Dali-daling nagpunta si Sesa sa kanyang aparador at sinuot ang bestidang mahaba ang manggas. Tinali niya ang kanyang buhok (o sinubukan niyang itali ang kanyang buhok) at kinuha niya ang ruler sa kanyang desk bilang espada. “Ako si Mulan!” At buong lakas siyang lumabas ng kanyang kwarto upang tulungan si Cinderella. Ngunit paglabas niya ng kanyang kwarto, binati

181 siya ng liwanag. Ang katakot-takot na paghuni ng mga kalabog ay napalitan ng malumanay na pag-ugong ng kapayapaan.

Mayroong babaeng nakatali ang buhok, nakasuot ng pantalon na asul, at nakasuot ng tsaleko kung saan nakasulat ang mga salitang, “ TANOD.” Nilapitan ng babaeng ito si Cinderella at kinamusta. Tinignan na rin niya ang iba’t ibang mga stamp sa katawan nito. “Sino ‘tong tumutulong kay Cinderella? Baka ito ang fairy godmother? Medyo iba nga lang itsura niya,” sabi ni Sesa sa kanyang sarili. Lumabas ang halimaw nang nakasuot ng posas at nakababa ang ulo. Mukhang tapos na ang misyon ni Cinderella dito.

182 Joao Solis

Ang Binhi

ubig.

TPinagmasdan ni Javier ang tubig habang tumatalamsik ito sa palibot ng kaniyang paanang bahagya nang lumulubog sa babad na buhangin. Pagtanaw ng binata sa harapan niya, pinuno ang kaniyang paningin ng katubigang mas malawak pa sa anumang nakita na niya sa buong buhay niya, sa anumang kaya niyang gunigunihin. Huminga si Javier nang malalim, at nang may umihip na mainit-init na hanging gumulo sa itim niyang buhok, napuno ang kaniyang baga ng amoy na hindi niya inasahan. Maalat. Napasigaw siya nang bahagya sa tuwa, pero hindi makapaniwala, yumuko siya at nilasahan ang tubig gamit ang kaniyang hintuturo. Nang napagtanto niya sa wakas kung saan talaga siya napadpad, dumilat pa lalo ang mata ni Javier at ngumiti siya nang malaki. Dagat?

183 Sa sandaling iyon, may narinig si Javier na isang pamilyar na boses mula sa likuran niya. “Javi?” tawag ng boses, matamis at malambing. “Balik ka na rito, apo.” Lumingon si Javier, at doon, nakatayo sa paanan ng isang higanteng akasya, nakita niya ang babaeng pinagmulan ng boses, may isang kamay sa baywang, may suot na salamin, at may buhok na kasingkulay ng sa kaniya — kasing itim ng kalawakan. Kung hindi dahil sa pagkatali ng buhok ng babaeng alam ni Javier ay laging maayos at mahigpit, at sa makulit na ngiti nitong tila napapapikit ang mata, hindi niya makikilala ang babaeng ito bilang ang kaniyang mahal na Lola Maring. Agad-agad na tumakbo si Javier patungo sa lola niya at niyakap ito nang mahigpit. “Namiss kita, Lola,” bulong niya. Hindi umimik si Maria, kuntento sa pagnamnam ng muling pagkikita. Nang bumitaw ang dalawa, sinuri nila ang isa’t-isa mula paa hanggang ulo. At pagkatapos ng ilang sandali, tumawa rin nang sabay. “Binata ka na, Javi,” sabi ni Maria, na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Ngumiti si Javier. “At ikaw, Lola, ba’t parang bumata kayo?” tanong naman niya. Nalilitong mukha lang ang sinagot ni Maria sa tanong, pero totoo nga, bumata nga siya. Nanibago si Javier sa itsura ng kaharap niya — walang uban, walang kulubot, at nakakatayo nang tuwid at walang gamit na tungkod. Hindi ito ang Lola Maring na kilala at kinalakihan niya. “Uuwi na tayo, apo,” sabi ni Maria nang seryoso. “Saan?”

184 “Saan pa ba?” Tumingala si Maria at nilagay ang paningin sa isang dako ng himpapawid. Sumunod si Javier. “Ayaw ko pa, Lola.” “Gumising ka na.” Biglang bumugso ang hangin at umikot nang marahas sa palibot ng dalawa. Narinig ni Javier ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga alon sa likod niya. “Ano po, Lola?!” “GISING KA NA!” dagundong ng isang boses na galing sa lahat ng direksiyon. Hindi na si Lola ang narinig ni Javier. At hindi na rin siya nakasagot, salamat sa paglamon sa kaniya ng rumaragasang tubig, malamig at maalat.

asabay ng biglang pagbangon, nagising si Javier, mag-isa sa kuwarto niya at basang-basa sa sarili niyang pawis. Sa kabila ng anumang pagtangka niya, Khindi niya maala-alala kung ano ang pinaginipan niya, maliban sa pakiramdam na ayaw pa niyang umalis. Nang kumalma at tumuyo na siya, tumayo si Javier at sa alam niyang marahil na huling beses na magagawa niya, inayos ang kama. Pinagmasdan niya ang kuwartong naging kaniya nang labing-walong taon at may bumuong mapanglaw na ngiti sa labi niya. Pag-ikot niya, nanibago siya sa kawalan ng laman ng kuwarto niya, pati sa kaayusan at kalinisan nito. Kung dati ay nakakalat lang sa kung saan mang sulok ng kuwarto ang mga ensiklopedya at holotablet niya tungkol sa lumang Earth, lahat na ng kaniyang “kailangan” na kagamitan ay nakasiksik sa dalawang matabang maleta sa tabi ng pintuan. Tumama na naman ang masakit na paalala na hindi niya madadala ang dalawa niyang pinakapinahahalagahang pag-

185 aari: ang nakabalangkas na paskil at ang globo niya ng Earth (noong matitirhan pa, malamang). Bughaw at luntian pang buhay na buhay, ang dalawang iyon ang tanging patak ng kulay sa kuwarto niyang ngayon ay dagat ng puti at abo. Sinulyapan ni Javier ang araw at petsang nakalagay sa monitor ng interface na nakakabit sa pader ng kuwarto niya. COLONY MA25 SECTOR: ASIA, PH QUARTER UNIT#34 / December 30, 2145 Colony int. temp: 24C Colony local time: 10:27 AM Ext. surface temp: 121C Earth time (PST): 9:04 PM

Bumuntong-hininga ang binata. Matagal na niyang ikinatatakutan ang araw na ito. Sa Disyembre 29, 2145, tinapos at idineklarang handa na para sa operasyon at pagtanggap ng tao ang kolonyang GA1, ang unang kolonyang ipinatayo lagpas ng asteroid belt, inoorbita ang buwang Ganymede. Iprinoklama ang GA1 bilang simula ng isang panibagong yugto para sa sangkatauhan, ang kinabukasan ng paninirahan. Salamat ito sa mga makabagong pasilidad at teknolohiyang taglay nito, at ang pagkakaayos nitong bumubuwag sa mga hatiang matatagpuan sa mga mas lumang kolonya. Ang kolonyang tinitirhan naman ni Javier at ng pamilya niya ngayon ay ang MA25, inoorbita ang planetang Mars. Isa ito sa mga unang ipinatayong tirahan para sa mga tao pagkatapos ng lahatang Paglisan ng sangkatauhan mula sa Earth noong taong 2108. Alinsunod sa mga hangganan at hatian ng mga kontinente at bansa sa nakaraang planeta, at dahil na rin sa mga sari-saring kultura ng mga ito, hinati ang mga unang kolonya ayon sa sektor (kontinente) at kuwarter (bansa) — kasama na rito ang MA25. Binalewala ni Javier ang kahali-halinang pangakong handog ng GA1. Kuntento at masaya naman siya sa kolonyang sinilangan niya.

186 Walang mas nagpapabuhay sa imahinasyon o mas nagpapasigla sa diwa niya kaysa sa pagkatuto tungkol sa lumang Earth at pagkatuklas ng anumang bagay tungkol sa pamumuhay ng mga tao noong totoong lupa pa ang tinatapakan at nilalakaran nila. Habang inaaral ng mga kaedad niya ang pag-iinhinyero at matematika, mas pinili ni Javier aralin ang Earth at ang mga karanasan ng mga tao noon. Tungkol sa kultura man o sa iba’t-ibang uri ng hayop at halamang natatagpuan sa lumang planeta, ikinatuwa niya ang lahat ng mga ito. At walang mas mainam na lugar para sa pagkamit ng mga kaalamang ito kaysa sa tinitirhan niya, ang Philippine Quarter ng MA25, kung saan nasa presensiya siya ng mga matatandang ipinanganak sa Earth na laging pumapayag na magkuwento sa kaniya, at mga kapitbahay na lantaran pa ring ipinapakita ang mga pamana at memorabilyang dinala nila mula roon. Gayunpaman, alam ni Javier na lahat ng iyon ay magbabago sa araw na iyon, Disyembre 30, 2145, ang paglipas ng siglo. Sa araw na iyon nakatakda ang paglipat ng lahat ng mga may edad na 18 hanggang 21 (hindi alintana ang nasyonalidad o kolonyang pinagmulan) sa GA1, upang makapagtayo raw ng isang kolonyang malaya mula sa anumang hatiang pambansang dinala ng mga tao mula sa Earth. Ito ang araw na ikinatatakutan niya — ang huli niyang araw sa MA25. Sa puntong iyon, hindi pa handa ang binatang iwanan ang mahal niyang tahanan, ngunit may naramdaman din siyang kakaibang responsibilidad na ituloy sa GA1 ang mga tradisyon ng Philippine Quarter, pati ang legado ng lola niya.

umapit si Javier sa kaniyang bintana at tinabi ang mga kurtina sa mga sabitan sa magkabilang dulo. Dinaluyan ang kuwarto niya ng artipisyal Lna sikat ng araw, dinisenyo upang gayahin ang mararanasan sana sa lumang planeta. Kung sa Earth pa, papunta nang tanghali.

187 Sumilip siya sa bintana at pinagmasdan ang kapaligiran at ang mga pangyayari. Para namang karaniwang araw ang inobserbahan ni Javier, maliban sa iilang mga kasing-edad niyang kapitbahay na nakita niyang masipag na humahakot ng kung ano mang kagamitan o maleta sa harap ng mga bahay nila. Araw naman kasi ng pandarayuhan. Kasama na rito ang matalik niyang kaibigang si Anton, na nakatira sa tapat nila Javier. “Sabik na sabik ‘to ah…” sabi ni Javier sa sarili, habang pinagmamasdan ang kaibigang nakangiting hinahanda ang dadalhin niya sa GA1. Pagkatapos ng ilang sandali ng pagkatulala at paggunita, nagpasya ang binatang gawin ang ilang linggo na niyang pinlano para sa araw na iyon. Pumili siya ng mga komportableng damit, sinuot ang paboritong jacket, binuksan ang pinto ng kuwarto niya, at lumisan. Mula sa kuwarto niya, pumunta muna si Javier sa hapag-kainan para sa kaniyang almusal: isang tableta para sa mineral, isang tableta para sa bitamina, at dalawang baso ng synthmilk para sa enerhiya. May nakita rin siyang piraso ng papel na pinaskil, base sa sulat-kamay, ng nanay niya sa palamigan nila. May aasikasuhin lang daw sila ng tatay niya pero sigurado daw na nasa bahay na sila maya-maya para ihatid siya sa kosmodrom. Sakto, ibig sabihin libre ako ngayon. “Ay!” bulalas ni Javier nang may naaalala siyang kailangan pa palang gawin sa araw na iyon. Teleskopyo, iPad, at DSLR na kamera — hindi pa niya nababalik ang tatlong artepaktong iyon na hiniram niya mula sa mga matatandang kapitbahay niya. Mabuti at kilala na nila si Javier mula pagkabata niya dahil matatalik silang kaibigan ng yumao na niyang lola; himala kasi na pumayag silang ipahiram sa kaniya ang mga iyon. Kahit na sa loob ng puso niya gusto na lang niyang dalhin ang mga ito sa bagong kolonya, pinasyahan niyang daanan ang mga kapitbahay upang ibalik ang mga gamit. Siya kasi mismo ang dapat magbalik hindi lang

188 dahil siya ang humiram, kundi natatakot siyang masira ang mga artepaktong iyong ilang dekada na ang tanda kung hinawakan o ginamit ng sino mang iba. Pagkatapos niyang madaliang pinlano ang kaniyang ruta, itinayo ni Javier ang kaniyang personal na hoverbike at pinasok ang mga hiniram niya sa lagayang nakakabit sa harap. Ngunit bago siya makaalis, may narinig siyang boses na tumatawag sa kaniya at tunog ng mabilisang yabag mula sa katapat na bahay. “Javi! Javi!” sabi ng boses. Lumingon si Javier. “O, Anton!” Binaba muna niya ang hoverbike at nakipagkamayan ang dalawa. Inakbayan ni Anton si Javier. “Ano, ‘musta na? Handa ka na ba?” “Oo naman pero… hindi ko pa ‘ata kaya iwanan eh,” sabi ni Javier habang tinitignan nang malungkot ang paligid. Tumawa si Anton, binitawan ang akbay, at tinapik ang likod ng kaibigan. “Kaya mo ‘yan! ‘Sus, ikaw pa ba. ‘Tsaka kasama mo naman ako doon!” Ngumiti si Javier. Napansin ni Anton ang hoverbike ni Javier. “Ano ‘yang dala mo?” “Ah, ‘yan? Balik ko lang mga hiniram ko. Baka masira pa nila Mama eh.” “Sige, sige. ‘Wag ka mahuli mamaya! Sabay tayo!” nakangiting sabi ni Anton. “Mhm,” tugon ni Javier. Sumakay siya sa hoverbike at sinimulan ang lakbay. Sa dulo ng Constantino, kumanan si Javier sa Agoncillo at diniretso ito. Pinagsamantalahan niya ang pagkakataon habang nasa residensyal na distrito pa siya upang pagmasdan ang mga bahay ng mga taga-Philippine Quarter. Ang mga tirahang matatagpuan sa mga kolonyang pang-kalawakan ay magkakaparehas lahat at nakakasawa tignan, kung hinayaan lang. Hindi makikita rito ang mga iba’t ibang kulay at disenyo ng mga kabahayan ng mga nakaraang

189 daang taon. Semento, kahoy, at lupa ay pinalitan ng aluminyo at polimer na materyal upang bawasan ang pangkalahatang bigat ng kolonya. Gayunpaman, habang nagmamaneho, ngumiti si Javier tuwing nakikita ang mga bahay na sinusubukan namang maging bukod-tangi. Natuwa siya sa mga nagpaskil ng watawat ng bansang Pilipinas o sa mga nagsabit ng lumang karatula (ano o sino nga ba si “EDSA?”) o kahit anumang interesanteng bagay, gulong man ng dyip o koleksyon ng tuyong mga bulaklak. Sa Philippine Quarter, ipinapakita sa lahat at ipinagmamalaki ng isang pamilya ang mga nadala nila mula sa lumang planeta, at isa iyon sa mga gustong-gusto ni Javier sa tahanan niya. Kumaliwa ang binata sa Ileto. Tumigil siya sa harap ng isang bahay na punong-puno ng gamit na pang-astronomiya ang bakuran. Naglaan muna siya ng sandali upang hangaan ang isang napakalaking teleskopyo bago niya binitbit ang hiniram niya. Kumatok siya sa pintuan. “Tao po!” Isang lolong nasa 80 na siguro ang edad, maputi ang buhok, at nakasalamin ang sumagot. “O! Iho! Kamusta ka na? Kamusta na tatay mo?” Nagmano si Javier. “‘Gandang hapon po, Tay Cesar! Okay naman po kami, kayo po?” sabi niya nang may magalang na ngiti. “Mabuti rin naman!” Inalok ng lolo si Javier na pumasok. “Pasok ka, pasok ka!” “Sige lang po, kahit ‘wag na po. Ibabalik ko lang po sana yung teleskopyo po ninyo!” “Bakit naman?” tanong ni Tay Cesar. “Hala, nasira na ba?” “Ay, hindi naman po! Lilipat na po kasi ako sa GA1, yung bagong gawa po,” sagot ni Javier. Inabot na rin niya ang teleskopyo. “Ganoon ba? Sige, sige. Mag-ingat ka, iho ah? Salamat din sa pagbalik nito.”

190 “Salamat din po ng marami, Tay! Regards din po kay Nay Mia. Paalam po!” sabi ni Javier. Sumakay ulit siya sa hoverbike at tumuloy. Malapit lang ang dalawang sunod na paroroonan ni Javier. Limang lote pagkatapos ng bahay ni Tay Cesar, huminto siya sa harap ng isang pangkaraniwang bahay na hindi niya masyadong gusto. Wala man lang kasing dekorasyon. Maingat niyang pinulot ang iPad mula sa lagayan at kumatok muli. Nagdasal siyang hindi ang masungit na anak ng may-ari ang sumagot. Nakasira na kasi dati ng holotablet si Javier noong nanghiram siya rito. Lumubog ang puso niya nang bumukas ang pinto. Isang babaeng nakasimangot na kasing- edad siguro ng nanay niya ang nakatayo sa pintuan. “Mmm?” sabi ng babae, nakahalukipkip ang braso. “‘G-Gandang hapon po, andiyan po ba si Mister Mapua?” “Wala, nagpapacheck-up ngayon. Bakit?” inip na sagot ng babae habang tinatapik ang paa sa sahig. “Ibabalik ko lang po sana yung iPad po na hiniram ko po,” kinakabahang sagot ni Javier. “Okay, sige. Hindi mo naman na-damage noh? Very valuable ‘yan ah.” “Hindi po.” “Okay, salamat.” Sinarado ng babae ang pintuan. Bumuntong-hininga si Javier. Sinungitan na naman ako… Inangat niya ang hoverbike at sinakyan. Sa dulo ng Ileto, kumanan si Javier sa Alzona. Doon, pumarada siya sa harap ng huling bahay at kinuha ang kamera. Sinuri niya muna ang nakabalangkas na larawan sa tabi ng pintuan. Isa iyong larawan ng monumentong hindi niya alam at kabisado. Natamaan pa rin siya ng pagkahanga at pagkaganda. Kumatok siya nang limang beses. Isa namang lolang kuba, kulubot, at may numinipis ng puting buhok ang nagpakita sa

191 pintuan, at ngumiti noong nakita ang binata. May lalaking mukhang kasing- edad niyang nag-aalalay sa likod. Nagmano si Javier. “Javier… Ang laki laki mo na ah!” mabagal at tahimik ang pananalita ng lola, pero halata ang pagkatuwa niya. “Gandang hapon po, Lola Vicky. Ibabalik ko lang po sana yung kamera po ninyo.” Hindi agad sumagot si Lola Vicky. “Ahh… Yung kamera? Gumagana pa pala ‘yan?” sabay tawa sa sarili. Nakitawa rin si Javier. “Opo, pero mas tinignan ko na lang po yung mga litrato kaysa talagang gamitin po yung kamera.” “Galing ata ang mga ‘yan noong pumunta kami sa probinsya ng … Kasama ko pa si Lola Maring mo noon…” tila may balak pa sabihin ang lola pero hindi na tinuloy. “Opo, kinuwento na rin po sa akin ni Lola.” Hindi na sumagot si Lola Vicky. Nakatulog na raw, sabi ng apo niya. “Sige po, salamat!” sabi ni Javier nang pangiti. Sa pagbalik niya sa kaniyang hoverbike, natamaan si Javier ng pakiramdam ng lumbay na patapos na ang araw niya at na naibalik na niya sa wakas ang mga artepaktong ikinatuwa niya. Gayunpaman, natuwa siya sa sarili niyang naibalik niya ang mga ito nang walang sira. Ngayon na nagawa na niya iyon, tumungo na ang isipan niya sa pangunahin niyang pakay para sa araw. Umikot siya at diniretso ang kabaligtarang direksiyon ng Alzona, patungo sa kalagitnaan ng Philippine Quarter. Papunta roon, nadaanan niya ang mga paaralan at laboratoryo ng siyentipikong distrito, at ang mga pabrika at pagawaan ng industriyal na distrito. Hindi niya napigilan ang mga dumating na alaala

192 ng kaniyang pagkabata at ng pag-aaral niya sa mga eskuwelahang dinaanan niya. Tila kahit saan siya tumingin sa kapaligiran niya ay may suminding matamis na alaala. At ito’y naging pinakatotoo nang dumating na siya sa wakas sa tunguhin niya. Huminto si Javier at bumaba sa harap ng isang malawak na rotondang pumapalibot sa ipinagmamalaking atraksyon ng Philippine Quarter, ang pinupuntahan pa kahit ng buong kolonya. Guminhawa ang loob ni Javier nang naramdaman ng mga paa niya ang pakiramdam ng totoong lupa. Sa harap niya, mahigit 60 na metro ang taas sa tantya niya, nakatayo, matatag at matipuno, ang Dakilang Akasya. “Kung andito lang sana si Lola,” bulong niya sa sarili sabay buntong hininga. Ang yumao na niyang Lola Maring, isang biyologo sa Earth, ay ang pangunahin niyang bukal ng praktikal na payo at kuwento tungkol sa lumang planeta noong kaniyang pagkabata. Siya rin ang nasa likod ng pagtanim ng higanteng punong kaharap ni Javier ngayon, ang tanging totoo at buhay na puno sa MA25 (hindi na raw nito kayang bumunga dulot ng kemikal na ginamit sa pagpapalaki nito). Pagkinig kay Lola at sa mga kuwento niya at pag-aakyat sa Akasya — ito ang mga nagpapalipas sa mga araw ng pagkabata ni Javier. Pagkatapos ng ilang oras ng masigasig na pagkinig at pagkatuto tungkol sa pagkaalat ng dagat, sa pakiramdam ng umiihip na hangin, at sa lasa at amoy ng totoong pagkain mula kay Lola Maring, ang paboritong gawain ni Javier ay umakyat sa Akasya at umupo sa mga sanga nito habang pinapanood ang paglubog ng huwad na araw na pinapakita sa kisame ng kolonyang ilang daang metro ang layo mula sa kaniya. Laging sinasabi kay Javier ni Lola noong buhay pa siya na mayroon siyang iniwang espesyal na regalo sa tuktok ng Akasya. Biglaang namatay si

193 Lola dulot ng kanser sa baga noong bata pa lang si Javier, at hindi niya nasabi kung ano talaga ang iniwan niya para sa apo niya. Hindi pa niya kaya noon, pero ngayon, bilang isang binata, binalak ni Javier na malaman kung ang nag- iintay sa kaniya sa tuktok. Pagkatapos ng mahigit kumulang na kalahating oras ng mahirap na pagdukwang at pag-akyat, naabot ni Javier ang tuktok. Doon, sa loob ng isang butas sa makapal ng katawan ng puno, sa ilalim ng tambak ng nahulog nang dahon at maliliit na sangay, may nakita siyang isang maliit na baul na may nakaukit na letrang J.N. Pinulot, at binuksan. At sa loob, nakita ng binata ang iniwan sa kaniya ng lola niya: isang binhi, perpektong nakapreserba. Hinawakan niya ito sa kaniyang palad, tila hindi makapaniwala sa munting binhi na dati’y sa mga dayagram lang niya nakikita. Bakit, Lola? Umusog si Javier nang kaunti at umupo sa isang sanga ng Akasya, nakalawit ang paa tulad ng dati niyang gawi. Sa bandang itaas niya, unti- unting nawala ang mga kulay ng dapit-hapon sa mga holopanel ng kisame at naging transparente. Nagpakita sa kaniya ang kalakhan ng kalawakan. Naging malinaw sa paningin niya ang mga kapwa nilang kolonya at ang mga kambal na buwang Phobos at Deimos, na lahat ay tila nakalutang sa itaas ng Mars, ngayo’y nagmumukhang isang higanteng bolang pula. Nilagay ni Javier ang kaniyang paningin lampas ng mga kosmikong kapitbahay na ito, at lampas sa kaguluhan ng asteroid belt. Alam niyang sa isang dako roon matatagpuan ang magiging bagong tahanan niya. Kung dati ay matatakot pa siya sa ideyang ito, ngayon, sa pagkagulat niya, ay hindi. Nakita niya sa kaniyang isipan ang GA1 at ang mga taong katulad lang niya, na kahit nagmumula sa iba’t ibang lahi at kolonya ay nakikipagkaibigan pa rin at ibinabahagi sa isa’t isa ang sariling kultura. At kung saan man doon sa bagong

194 kolonya, nakita niya ang sarili niyang nakahiga sa lilim ng isang naglalakihang puno ng akasyang siya mismo ang nagtanim. Biglang napuno ng luha ang paningin ni Javier. Nilagay niya sa dibdib ang kaniyang palad at ang binhing hawak niya. Naramdaman niyang umugat at sumibol sa kaniyang puso ang mga alaalang napulot niya sa MA25 na para bang mga munting punla. At napagtanto niyang madadala niya ang mga ito sa kahit saan mang dako ng kalawakan siyang makarating. Salamat, Lola.

195 Mang Ricky

Journal Entry # X Kung Kayang Basahin, Ok ka pa.

a kung sino mang makakapulot nito, ako’y labis na nagpapasalamat. Kahit papaano, may patunay na isinilang nga sa mundo si Dexter Yerrick C. SBatumbakal. At kung ito’y kusang binuklat at siya ngang nag-usisa, please be careful with my heart. Natatangi ang entry na ito, pinagnilayan rin kasi. Kung nais ‘daliang suriin ang ibang mga pahina, walang anuman. Malaya kayong magpaka-turista sa sandamakmak na listahan ng grocery, panunumpa sa kung ano, at siyempre, guhit ng mga maseselang bahagi ng katawan. It’s more fun and hindi makahulugan sa buhay ni Dexter, ngunit natatangi ang entry na ito. Parang sirang plaka, bagkus (big word) ito kasi ang kauna-unahang naiulat na anthropological na ebidensya, na mayroon ngang kamalayan at layon ang Homo-Yerrickus. At sa pagkakataon na ito, nais lang naman ni Dexter, ang may-akda, na taos- pusong magbahagi ng loob.

196 Isang gabi sa Disyembre. Sa aking pagkamangha, walang alingawngaw sa hapag-kainan. Si Mama, Aljonn, at Jenny lahat tutok sa balita. Wala kasing ngiti si Kuya Kim. Walang matalik na pagkakahawig sa mga kinasanayang natural showcase ang estilo ng lathala. Babala ang dating ng pahayag, at matuling nanatili ang sinabi sa aking isipan. “Epidemya ang maaari nating kahinatnan, isang uri ng Cordyceps Fungus (Google niyo nalang) na kayang mamuhay sa tao ang natuklasan.” “Kung maaari, umiwas po muna tayo sa mga indibidwal na mayroong mga kabute sa anit. Sila po ang mga nagdadala ng sakit.” “Ang mga sintomas na dala: pangangati sa ulo, decreased neuron function, at wandering o paglilibot.” Walang “Ang buhay ay weather weather lang.” Wala ring Cordyceps Cordyceps, PahAMAG (pahamak) ang bukambibig. Makalipas ang isang buwan, tila nasugpo ang daigdig. Nationwide kumalat ang kati ng ulo, nilamangan pati mismong kuto. Sa isang , halos kami na lang mga Batumbakal ang natira, nakakulong nga lang sa bahay. As advertised, naglibot ang mga nahawaan, palagay ko sa karatig bayan patungo, o di kaya’y pa-Maynila. Ang mga dating kaibigan, kamag-anak, at kapitbahay ay hindi na makilala. Hindi sa nagtitigas-tigasan, pero okay lang. Mga cryptid lang naman nakakasalamuha ko dito. Santelmo ang nagtitinda ng taho, at tanod naman ang Nuno sa Punso. Bilang ang residente ng Sta. Margarita. Bago pa man kasi kumalat ang PahAmag, uso nang mag-abroad sa amin, ala-Gloc 9. Tila “Walang natira.” Sakaling umuwi, ala-Skusta Clee, sana maalala pa nila si Dexter. Hayok na rin kasi akong makatikim ng Toblerong puti, at corned beef na imported.

197 Salamat sa Diyos at kami’y nanatiling ligtas? Tunog gago pakinggan, ngunit kung tutuusin, maihahalintulad na rin ang mga sintomas ng kabute sa aking pagkabato. Katangahan? Tsek. ‘Di mapakali sa isang lugar? Tsek na tsek. Kabute sa ulo? Hindi, pero mapapakamot ka pa rin sa walang katapusang pagbubulay-bulay. Kain. Tulog. Gising. Lantay na Gulay Pamumuhay (™). Mama. Marahil si Mama ang pinakanadale sa aming lahat. Malayo na ang lagay ni Mama sa dati. Akalain mo, nag-iisang magulang ng tatlo, kalabaw magtrabaho. Ang dating Miss Pasong Putik 1983, nakararaos na lamang sa isang kaha ng yosing pula kada araw. Kita sa mata ang kawalan ng gana mabuhay. Napipilitan tuloy akong kumilos, sa ayaw ko man o hindi. Sa akin nagpapasuyo/dekwat ng sigarilyo si Mama, pati na pagkaing de lata, at gasolina (patawarin niyo ako Aling Maricar, babayaran kita ‘pag nagamot ka na). Kahit nababagot, mabuting sa balikat ko na lamang ipatong ang bigat ng mga responsibilidad. Hindi ko rin kasi mapapatawad ang aking sarili, sakaling mahawa si Aljonn at Jenny. Naaawa rin ako sa kanila. Bukod sa hirap ng buhay ngayon, lumaki sina Aljonn at Jenny na walang kalaro. Nung nagsilipat sina Mana Iday sa Amerika, sinama nila si Joseph, Jan-Jan, at Janelle. Grabe, parang sanggol na hindi makasuso ang hagulgol ng dalawa. Ang aga nila nawalan ng ngiti sa mukha, at hindi ko mapigilang malungkot nang dahil sila’y naghunos agad ng balat ng kabataan. Kailangan ko magpaka-Big Boy para sa inyo.

ebrero. Nag-uwi ako ng meryenda mula sa panaderia. Agad na rin akong nagpainit ng tubig sa takure. “Ma, kape’t tinapay.” Hindi siya umimik. PHinugot ko ang bawat piraso ng tinapay sa supot, napanis na rin pala ang karamihan. “Ma, pasensya na, hindi ko namalayan, matagal na siguro ‘tong

198 napabayaan.” Hindi siya umimik. Namatay na rin ang sindi ng sigarilyong nakaipit sa kaniyang daliri. Sa sandaling iyon agad kong napagtanto, na sa kasamaang palad, tulad ng tinapay, naabutan na rin si Mama ng halamang- singaw. Nagulilat ako, nalilito sa gagawin.

Kinulong ko si Mama sa kubeta.

Ipagpaliban muna nang saglit ang kahit anumang nararamdaman, o nais itugon. Humihingi ako ng tawad, pero hindi rin. Oo, masasabing bulastog, ngunit masasabi ring pinakaangkop. Biglaan, ngunit kung hindi ngayon kailan pa. Ang oras na palilipasin ay oras rin ng posibleng pahamak. Sa aking minamahal na Ina, goodluck nalang sa iyo. Harsh pero sa ngayon, hindi kapakanan mo ang mahalaga. Masaklap ang nangyari, pero mas masaklap kung ika’y manatili. I love you, sana mahal mo pa rin ako, kahit na inaamag na kayo pareho ng banyo. Aljonn at Jenny, salamat at mahimbing tulog niyo ngayong hapon. Paalam muna, kung kaya niyo ‘tong basahin, okay pa kayo. Aalis muna si Kuya, sa kung bakit, malaya kayong magpaka-turista sa iniulat na journal. At ako naman, magpapaka-turista sa kung saan. Humihingi ako ng tawad. Babawi rin ako sa inyo. Sakaling makauwi ako, isasama ko si Joseph, Jan-Jan, at Janelle. Uuwian ko rin kayo ng laruan, pati na pagkaing imported. Mag-ingat lagi, kung kayo’y mapapanganib, ako ang magpapahAmag.

199 Bilang mga huling paalala,

1. Huwag na huwag ninyong bubuksan ang pintuan ng kubeta. Sa bakuran nalang kayo maglinis ng katawan, may laman pang tubig ang balon. Mag- ingat rin sa pag-iigib, nang hindi sumabit ang daliri sa nangangalawang na hawakan. 2. Sakaling magutom, nakatago ang mga de latang inimbak sa pinakamataas na aparador ng kusina. Kahit huwag niyo nang initin, ready-to-eat na ‘yan. 3. Panghuli, ang labahan ipasok sa kalan. Ang walis? Ibuhos sa baso. Isabit ang susi sa- Ano? Ah yung. Sige. Teka lang ah, yung ano, alam mo na. Hindi kasi, yung ano. Yung ano! Alam na yung ano. Diba?

...

4.

Teka makati ulo ko.

200 Pia

Martyrdom

aliwanag ang araw noong umagang nakilala ko siya. Kasasakay ko lang sa university shuttle, nakatitig sa mga punong sumasayaw sa sinag ng Maraw, binibilang ang mga pininturahang pulang kahong nakapila sa bangketa ng campus. Alas siyete y medya pa lang, nabibilang lang sa daan ang mga estudyante’t gurong humihikab. Trip niya lang siguro, o kaya’t sadyang wala talaga siyang alam sa social etiquette, at tumabi siya sakin sa 13-seater shuttle na ako lang ang pasahero, may kasama pang masiyahing bati sa tsuper. ‘Di ko naman na pinag-isipan pa, wala naman sigurong masamang makitabi sa kapwa estudyante. Kagagaling ko lang noon sa unit namin ni Andrea, matapos kong magluto ng almusal at subukang linisin ang salamin sa sala. Nung lumipat kasi kami doon mula sa campus dorms, kipkip ang mga plano naming hatiin ang bayad sa unit, isa lang ang nabili naming salamin. Inisip kasi naming saglit lang naman siguro kami dun, patapos naman na kami sa pag-aaral sa kolehiyo.

201 “‘Okay na yung isa,” ang sabi noon ni Andrea sa’kin. “Temporary purchase lang naman yan.” Mura lang ang nabili naming salamin. Hindi naman kami nagulat nang magsimula nang mangalawang ang bakal nitong frame, hindi rin naman mahal, nagamit pa naman namin. Pero ang dapat naging huling taon namin sa kolehiyo’y nawala sa bagsak na kurso’t kahirapang bayaran ang kung ano mang natirang fees na hindi na nasama sa scholarship namin. Napilitan kaming maging working student, napilitang iusog ang graduation ng ilang taon. Ang dating pagkaklaro ng salamin ay napalitan ng permanenteng hamog; tiniis na lang namin. Walang nakaalalang linisin ang salamin kapag kinakailangan. “Tingin ka lang nang mabuti sa reflection,” ang sabi ko dati kay Andrea, nang magreklamo siyang wala na raw kwenta yung “temporary purchase” namin. Ni hindi ko nga siya tinignan nung sinabi ko ‘yon, kasi akala ko maliit na bagay lang naman. Napadpad sa away at iyakan ang dapat naging simpleng usapan. Hindi ko maintindihan noon kung saan ba nanggaling yung matindi niyang sama ng loob, kaso tingin ko’y ginusto niya lang na sabihin kong susubukan kong bumili na lang ng bago. Galing kasi kami sa maliit na baryo sa probinsya, isinumpa sa Diyos na makakalayo din kami sa maliliit naming mga tahanan. “May back-up plan ba tayo?” tanong ko sa kanya, isang gabi bago kami umalis papuntang Maynila. Matigas naman ang ulo ko kaso hindi ko rin naman itinuturing ang sarili ko bilang isang strong-minded na tao. Mabilis akong sumuko. Kumbaga, isa akong mananakbo na mababa ang vital capacity pero sasali pa rin ng karera kahit alam niyang mawawalan siya ng hininga sa kalagitnaan. Isa akong naglalakad na oxymoron. Astig.

202 “Oo, Plan A.” ngiti niya sa’kin. “Plan A?” “Plan Andrea! I’ll be your hero, no sidekick!” napuno ang baryo ng alingawngaw ng tawa niya. “Ows? ‘Di mo ba alam na walang bayaning masaya?” Nung gabing ‘yon, ginuhit naming dalawa ang aming Plan for Success, may matching descriptions and diagrams pa. Pagkatapos ay gumawa si Andrea ng listahan ng mga bayaning masaya, pagbibigay- raw sa Plan A. Si Superman, na may Lois Lane, si Spiderman, na may Mary Jane, ang ilan pang sikat na bayaning hopeless romantic, at sa pinakababa ng listahan, si Andrea, na may ako. ‘Wag kang magpakamartyr, ang sabi ng mga barkada ni Andrea sa kanya bago kami umalis papuntang lungsod. Napangiti lang si Andrea. “Kailan pa ‘ko naging martyr?” ang sabi niya. Nagkasundo rin naman kami ni Andrea matapos naming mag-away tungkol sa salamin. ‘Di bale nang hindi klaro, bulong niya sa’kin, basta tayong dalawa ang nasa reflection. Bumili na lang kami ng bago at mumurahing frame para sa salamin, para presentable naman kahit papaano. “Anong oras na?” Tanong ng babaeng tumabi sa’kin sa shuttle. Halatang nahuhuli na siya sa klase. Naglabas siya ng asul na planner at siniyasat ang mga pahina. “Bakit di siya tumawag?” Ang bulong niya sa kanyang sarili. Naglabas siya ng literature textbook, at binuksan sa pahinang minarkahan niya ng maliit na pulang papel. “Pareho tayo ng course.” Ang sabi ko sa kanya, nang makita ko ang takip ng libro. Sa totoo lang, ‘di ko rin alam talaga alam kung bakit nagawa kong

203 kausapin siya noong araw na iyon. Hindi naman ako sociable. Ang naalala ko lang ay naisip kong parang pamilyar siya sa’kin. “Ganun ba?” Tumingin siya sa’kin. Napansin ko ang dilim sa ilalim ng mata niya, ang mga tanda ng kakulangan ng tulog. Tumingin siya sa’kin saglit, tapos binalikan ang libro. “Parang nakita nga kita sa lecture ni Prof. Torres.” Ang sabi niya, nakakunot ang noo dahil sa kung ano mang binabasa niya. “Yung lecture tungkol sa plot devices? May binanggit siyang deus ex machina.” Tumango ako. “Naalala ko nga.” Ang tugon ko. Deus ex machina, savior of plot holes. Isang literary device na ginagamit para sa mga tauhang nawalan na ng solusyon sa mga problema. Ito ang “call-your-friend” ng mga manunulat, ang sabi ni Prof. Torres. “May pinasulat siyang essay. Ano nga ulit yung prompt?” Tanong ko sa katabi ko. “Given the opportunity, would you ever accept a deus ex machina into your own life, in the case that you would need one?” Ang sagot niya. Kilala nga naman si Prof para sa mga pinapasulat niyang reflective essays. Introspective ang pedagogy ni Prof: ang pagsulong ay bunga ng pag-aalaga sa sarili. Walang kwentong hindi mo kayang intindihin. Ang isang kwentong hindi klaro ay isang kwentong hindi mo binigyan ng sapat na pag-aasikaso at pansin. “Oo,” ika ko, “Sa’kin naman, oo. Sino ba namang hindi gugustuhing magkaroon ng deus ex machina?” Tumingin siya sa’kin, nakataas ang kilay. “Ako,” ang sabi niya, halatang hindi sumasang-ayon sa sinabi ko. “Ayoko. Walang substance. Kahit gawin mong tauhan yung deus ex machina, hindi pa rin siya magiging meaningful.”

204 Nakakunot na ang noo ko. Hindi ko siya mawari. Totoo siguro ang sinasabi niya sa konteksto ng mundo ng literature, kaso sa realidad, sino ba namang hindi tatanggap ng instant solution? “Ganun ba?” ang sabi ko. “Meaningful naman ah, from experience.” Nilipat ko ang tingin ko sa lockscreen ng cellphone ko. Nakita niya siguro, at tumango siya. “Huh.” Naglabas siya ng maliit na tawa. “Jowa. The ultimate deus ex machina.” Umiling siya, na para bang may narinig siyang hindi kapani- paniwala. Bibigyan ko na sana ng hustisya ang sinabi ko kasi naramdaman kong hinuhusgahan niya ko, kaso biglang tumunog yung hawak niyang cellphone. Malungkot ang ngiti niya nang makita niya ang pangalan sa screen. “May ganun din ako,” ang sabi niya sa’kin bago niya sinagot ang tawag. Bumalik ang tingin ko sa mga punong nakababad sa init ng araw. Higit isang linggo na kaming hindi nag-uusap ni Andrea. Pahinga lang naman, paniniguro niya. Bakasyon sa burnout na dala ng usok ng lungsod. Niyakap niya ‘ko bago siya umalis sa unit. ‘Wag kang magtagal, bumalik ka agad, ang ginusto kong sabihin. Sa huli ay “magpahinga ka nang mabuti” ang nasabi ko, kasi totoo namang yun ang kailangan niya. Tama si Andrea noon. Kailan pa ba siya naging martyr? Si Andrea, na ang talino’y wala sa talento kundi sa disiplina’t pagsasanay. Si Andrea, na nagtago ng poot nang napagtanto niyang wala lang talaga kaming kakayahang makakuha ng pera pambili ng bagong salamin. Si Andrea, na umuuwing pagod, na gabi-gabi ay umiiyak sa banyo kapag akala niyang nakatulog na ‘ko. Kailan pa siya naging martyr, bayani, o superhero? Ginawa niya ang Plan A kasi akala niyang hindi naman niya kakailanganing gamitin.

205 Nang makauwi siya’y siyempre tinawagan ako ng barkada niya. Makasarili. Rinig ko pa rin ang boses nila sa utak ko. “Okay nga lang,” lumakas ang boses ng katabi ko. “Kaya ko naman. Naiintindihan ko namang pagod ka na rin,” sabi niya sa cellphone. Tumingin siya sa’kin matapos niya ibaba ang tawag. “Malungkot lang, sa tingin ko,” pagpapatuloy ng pagtatalo namin. “Kahit superhero, kahit Greek god, kahit national hero man ang deus ex machina ko, malungkot pa rin.” “Ang alin?” “Ang sagipin ang iba bago ang sarili.” Tumingin siya sa’kin. “Nakakapagod na trabaho siguro, ang maging deus ex machina.” Bumalik ang tingin niya sa hawak niyang libro. “Magkamukha kayo,” ang sabi ng tsuper pagkababa namin. “Parang kambal.” Tumawa ang babaeng nakatabi ko sa shuttle, at nagsimulang maglakad tungo sa kanyang klase. “Goodluck sa essay.” Ang sabi niya sa’kin. Maglalakad na rin sana ako papunta sa klase ko kaso tumunog yung cellphone ko. “Babalik ka na ba soon?” ang text ko kay Andrea noong umagang iyon. Binuksan ko ang cellphone ko, pinindot ang pangalan niya sa messages ko.

“Pasensya na,” ang sulat ni Andrea. “Mukhang malabo na eh.”

206 Aireez Ramos

Mangan

asarap raw ang putahe kapag dinadapuan ng langaw. Nakikipag-agawan daw kasi ito upang malasahan ang linamnam ng ulam. Naaakit ang Mlangaw sa nalalanghap na amoy, tila pinalalasap muna nang kaunti sa pandama ang nakahain na putahe mula sa usok na pinasasabog nito. Pinaiinit ng usok ang kapaligiran na siyang magtitipon rin sa sangkabahayan sa hapag-kainan. Masarap raw ang pagkain kapag nilalangaw, ngunit ang magpapatunay lamang ng sarap ay kung pagsasaluhan ito ng tao. Pumapasok sa umaga si Joy-joy sa paaralang elementarya na isang kalsada lamang ang tatawirin mula sa kanilang eskinita; kasabay ang kaniyang kuya. Baon ng magkapatid ang isa sa anumang o ulam na ilalako ng kanilang ina sa araw na iyon. Nakalagay ito sa plastic tupperware na inuulit- ulit lamang ng ina para sa kanila araw-araw. Hindi pa nila kinakain ang baon ay nalalasahan na nila ito dahil sinusubukan man ng ina na ibahin ang ulam ng magkapatid sa ulam nila kahapon, ganoon na naman ulit bukas makalawa.

207 Gayunman, nauubos ito ni Joy-joy bilang katuwaan ng kaniyang mga kaibigan ang nalalasahan nito sa bawat pinaghalong ulam at sinangag. Alas tres naglalakad pauwi si Joy-joy mag-isa. Suki kasi ng kompyuter shop ang kaniyang kuya. Gawi niyang umidlip pagdating dahil sa hapon lamang payapa ang loob ng bahay. Bagaman dinig niya ang usapan ng mga tao mula sa pasilyo ng kanilang looban at ang tunog ng paglalakad ng kanilang kapitbahay sa sahig na gawa sa marupok na kahoy, naging musika na rin ito sa tainga niya. Gigisingin ito ng pagbukas ng pinto ng kaniyang kuya galing laro, at sisimulan na ni Joy-joy ang paggawa ng takdang aralin at gawaing bahay. Hindi kasi matantiya ang pag-uugali ng kuya; minsan tahimik, minsan sinasaniban ng karakter sa bidyo game na kinakalaban ang lahat. Dapit-hapon naman kung makauwi ang mama ni Joy-Joy sa bahay mula sa plasa. Kakalampagin nito ang pintuan na siyang dahilan ng pagharurot ng anak na babae upang buksan ang pinto. Siya lang din kasi sa bahay ang napag- uutusan. Pagpasok, inilapag ng kaniyang mama sa sahig ang bayong na puro plastik na lang ang laman, at pinunasan ang mukha at batok na tagaktak ng pawis gamit ang nagninisnis at nangingitim na lamping nakasabit sa balikat. Dumeretso ang mama niya sa kusina habang taimtim na panonoorin ito ni Joy- joy sa hapag-kainan. Inihahanda na ng ina ang tinipid na gasul para sa kanilang hapunan. Ang kuya, may sariling mundo sa kaniyang cellphone na laging konektado sa saksakan. Kalampag ng metal na siyansi sa kawali ang tanging tunog na maririnig sa kabahayan. Kinakain ng katahimikan ang ingay sa labas, at nababagabag si Joy-joy sa bawat pagbagsak ng kagamitan na pakiramdam niya’y tumitilamsik sa kaniya ang mga ito. Pumuputok na agad ang kawali kahit kabubuhos pa lamang ng mantika. Walang mintis na isinalpak ng ina ang dalawang daing,

208 at nagtalsikan lalo ang mantika sa ina. Matapos ang ilang minuto, ipinuwesto nito ang ulam sa mesa kasama ang rice cooker na may tirang kanin mula kaninang umaga. Sadyang mabigat ang kamay ng ina dahil pabalang maging ang paghatak nito ng upuan sa hapag-kainan. Hindi pa rin pinapansin ang mga anak, huminto ito saglit. “Ano? Hindi ka pa pupunta dito, ha!” Pinagtaasan ng boses ng ina ang kuya ni Joy-joy na nasa kabilang sulok, kinukuba na sa iskring tinititigan nito. Ibinaba ng kuya ang cellphone at tumungo sa hapag. Sa mga araw na ganito, masuwerte na si Joy-joy dahil hindi mahaba ang sagutan ng dalawa. Ngunit kung hindi kinakain si Joy-joy ng ingay ng bangayan ng dalawa, katahimikan ang siyang pumapalit sa puwesto. Walang usap-usap tungkol sa kanilang mga araw. Nagbabanggaang mga kutsara’t tinidor lamang sa plato ang nagsisilbing ingay sa bahay. Nilalangaw na ang daing. Kumuha si Joy-joy ng kanin at ulam para sa kumakalam na tiyan. Paniniwala ni Joy-joy na masarap magluto ang kaniyang ina dahil laging sold out ang tinda nito sa kaniyang pag-uwi. Unang subo ng ulam, matabang ang daing. Gitnang parte ang kinuha niya para malaman, ngunit hinahanap pa rin ni Joy-joy ang lasa. Hindi nagpapatinag ang langaw na pinagtitiyagaang bugawin ng ina. Nagtiyaga rin si Joy-joy sa kaniyang hapunan, habang bingi na sa katahimikan. Nililibang na lamang niya ang sarili gamit ang isipan, ano kaya ang maaaring pagkakamali? Baka kinulang ng rekado ang daing? Kada subo ni Joy-joy ay inuusisa niya ang bawat parte ng ulam. Mula buntot, nakarating na ng ulo—tinik lamang ang inabot nito. Pinili niyang hindi na umimik, gaya ng dalawa. “Hindi ka pa ba tapos?” Hindi niya napansing tapos na pala ang kaniyang mga kasama. Nagmamadali nga. Wala na ang kaniyang kuya. Nakatayo na ang nanay sa tabi ng lababo.

209 “O, tambak na ang hugasin.” Huling subo ni Joy-joy bago magligpit, pumait ang daing. Kinabukasan, gigising ulit upang pumasok sa paaralan ang mga bata, at kakayod sa labas ang matatanda. Magsasama-samang muli sa tirahan kapag lumubog na ulit ang araw. Minsan, umuuwi ang tatay, madalas may hinagpis. Binubulabog nito ang katahimikan na may halong pagdarabog at paghampas ng kagamitan. Uuwing pagod sa buhay ay mas papagurin ang isa’t isa sa bahay.

no ba yan? Napakatagal naman, ‘kala mo kung anong putahe ang niluluto!” minsanang alburoto ng tatay na nag-umpisa sa alitan ng “Amag-asawa ngayong gabi. Uungkatin ng dalawa ang mga pasakit—ang kawalan ng kwarta hanggang sa magbilangan ng hinagpis na nararamdaman, at mga kasalanan—habang binabalik-baliktad ng ina ang ulam sa kawali. Kasabay ng pagtilamsik ng mantika ay ang pagtaas ng dugo ng dalawa. Ginawang sabungan ang kwadradong bahay hanggang mabasag ang isa sa kakaunti na lamang na plato nang ihampas ito sa dehadong ina ni Joy-joy. Mas nagmantika ang mukha ng ina dahil sa init sa kabila ng lamig ng gabi, ginigisa lalo sa sarili nitong mantika. Inihain na ang manok, at ayaw ni Joy-joy mapagalitan kaya tumuloy siya sa hapag-kainan. Ang kuya, walang imik lamang na iniwasan ang bubog papuntang mesa. Parang nalimutan agad ang nangyari, kumain ang pamilya. Nasasabik si Joy-joy kainin ang manok dahil nalalanghap na niya ang amoy nito sa hangin habang niluluto pa lamang ito. Umuusok sa init ang pagkain. Nauna ang nanay kumuha ng ulam, sanay nang sumabak sa sakit at paso. Sumunod ang tatay na agresibong dumampot ng isang parte. At ang kuya. Naiwan kay Joy-joy ang hita. Paborito niya ito dahil natatakam siya kapag iniisip

210 niya ang linamnam nito kapag kinakagat, ngunit sunog at payat ang naiwang manok sa kanya. Ngayong gabi, mapait ang ulam ni Joy-joy. Hindi nasisiyahan si Joy-joy sa balat ng ulam dahil itim ang pagkakaluto nito. Tatlong subo ng kanin ang rasyon niya kada isang himay ng laman ng manok. Hindi na nito malasahan ang kinakain, ngunit sinusubukan pa rin niyang namnamin ang manok upang suriin kung ano ang pagkakamali ngayon. Baka dapat hininto agad ang pagluto? O baka naman may isinamang puwede naman kahit wala na? “O, ligpit mo na pagkatapos.” Walang emosyon winika ng ina. Iniwan na siyang mag-isa ng lahat. Palaging si Joy-joy ang nagliligpit ng kalat at basag ng pamilya pagkatapos ng hapunan. Minsan, nabububog ito sa maliliit at halos hindi makitang kristal sa sahig. Kinakailangan nitong manu-manong tanggalin upang mawala ang hapdi. Siya lang rin naman ang makapagpapatigil sa sariling pagdurugo. Kapag lumalabas sa gabi, matindi ang pinagdaraanan nito kahit magtatapon lamang ng basura sa labas; walang ilaw sa daang tinatahak ni Joy-joy, at walang silbi ang mga haliging nakatayo bilang gabay sana sa landas niya. Kinabukasan, gugutumin muli ng mga asignatura si Joy-joy at kakain kasama ang mga kaibigan. May sari-sarili ring baon ang mga kaibigan niya, pinagsasaluhan nila sa kantin ng paaralan. “Mangan tana!” pagbati ng kaniyang mga kaibigan kada tanghalian. Tapsilog ang ulam ni Joy-joy. Best-seller ito ng nanay niya. Sakto ang suka at paminta na may bawang para sa at hindi nasobrahan sa asin ang itlog. Kahit ang sinangag, hindi puro bawang ang nangunguya nito. Hindi na niya ito pinagninilayan dahil natural lamang na dapat masarap ang silog upang bumenta ang ina. Mas masaya siya sa simpleng tapsilog kaysa sa

211 daing o pritong manok. Sa bawat subo, naghahalo ang mga lasa at sinusunod ng mga pagkain ang gustong malasahan ng bata. Hindi niya namamalayang nauubos niya agad ang pagkain kahit hindi naman niya ito minamadali. Walang nabibilaukan sa magkakaibigan kahit walang tigil ang mga bibig sa pagnguya at pagsasalita. Sa mga panahong ito, ayaw ni Joy-joy umuwi ng bahay at mas ayaw niya nang dumating ang hapunan. Uuwi si Joy-joy na may baong saya. Gagawin niya ang karaniwan niyang mga gawain sa hapon hanggang sa dumating muli ang ina. Sa gabi- gabing hindi siya ginaganahang kumain ng hapunan, hinihintay na lang niya ang kinabukasan. Nagsimula agad ang ina sa pagluluto—nagpakulo ng tubig, sinunod-sunod ang daloy ayon sa memorya, dampot dito ng pansahog, buhos roon sa kaserola. Himalang mahinahon ang pagkalampag ng mga metal ngayon sa kusina. Matapos ang mga galos at alitan kagabi, tahimik lang ang tatlo sa bahay; hinihintay na maluto ang pagkain upang lumikha ng ingay mula sa kanilang pag-upo at sa pagtama ng mga kutsara’t tinidor sa plato. Halos apatnapu’t limang minutong walang imik, nasira ang mabigat at nakaiilang na hanging pumapalibot sa tatlo nang pinatay na ng ina ang kalan. Binuhat nito ang kaserolang nilagyan ng tuwalya sa dalawang tangkay. Pinunasan niya rin ang mesa. Musika ngayon kay Joy-joy ang pagpusitsit ng kalan, at ang mismong paghahanda ng ina ng hapunan. Tinola ang inihain; malinamnam sa kabila ng mga araw na nagdaan— ibang init ang sinusubukang ipadama sa pamilya. Tinitigan ni Joy-joy ang mga sangkap sa ilalim ng umuusok na sabaw. Sa hindi inaasahang pagkakataon, hinainan si Joy-joy ng kanyang ina. Blangko ang tingin ng bata; unang beses itong nangyari sa tanang buhay niya.

212 Bumilis ang tibok ng puso ni Joy-joy sa pangyayari, na ginugusto na niyang kumain ng hapunan palagi. Sakto ang mainit na sabaw sa lamig ng kanilang gabi. Maaliwalas sa paningin ang tinola kung kaya’t muling bumalik ang langaw. Pinatag ni Joy-joy ang kanin sa kaniyang plato. Hindi nito mahawakan ang tasa dahil umaapaw ang sabaw sa kaniyang mga daliri. Masinsin niya itong binuhat papalapit sa kaniyang plato, at lalong nagiging klaro ang masarap na amoy ng ulam sa kaniya. Pagkatikim niya ng sabaw, matabang ang lasa. Binigyan pa ni Joy-joy ng pagkakataon na pumalagay ang lasa nito sa kaniyang dila; baka raw kasi hindi naman talaga ito malabnaw at matabang, masyado lamang mainit upang malasahan ang sarap. Nanindigan si Joy-joy na masarap ang ulam dahil nanay niya mismo ang naghain sa kaniya ng tinola. Nalunod na nga ang langaw sa sabaw. Sa pangalawang subo ng kanin ay sinubukan na niyang tinidorin ang manok sa tasa. Leeg pala ang inihain sa kaniya ng kaniyang ina, ang pinakapangit na parte ng tinola. Ayos lang kay Joy-joy dahil wala naman raw sa parte ng manok ang sarap ng putahe. Hinimay ni Joy-joy ang leeg at saka tinikman. Pareho lang ang epekto nito sa kaniyang panlasa. Inisip niya, baka kaya ganoon kasi kakaunti lang talaga ang lamang nahahalo sa kaniyang kanin. Hinalo ni Joy-joy ang tasa upang kumuha ng ibang sangkap. Pinitpit na luya ang nakuha niyang susunod. May isa pang luntian ang kulay sa tasa—papaya. Pinagtiisan na lamang niya ito; nagbibigay-sarap naman daw ito sa tinola. Leeg, luya, at papaya ang kanyang ulam hanggang sa mabilaukan na siya. Bagaman sumubok na maghain ang ina sa anak, pasakit ang dala nito sa bata. Walang linamnam ang tinola. Ang bata, inom dito ng tubig, inom doon. Basta lunok, lunok, lunok.

213 Tinapos niya ang hapunan at agad-agad na nagligpit ng pinagkainan habang kumakain pa ang dalawa. Humilata na si Joy-joy sa sahig, at sinundan ito ng kuyang kinapa agad ang cellphone sa kama. Ipinangako ni Joy-joy sa sarili na laging timplado ang mga putaheng ihahain niya at ihahain sa kaniya balang araw. Hindi minadali ang luto, hindi kulang, at hindi tsamba ang proseso. Nangangako siyang mapapalitan ang lahat ng kaniyang karanasan tuwing hapunan ng masisiglang putaheng kumakausap sa kanyang kumakalam na tiyan at nag-aanyayang pagsaluhan ito. Inabangan na lamang ni Joy-joy ang tanghalian dahil kahit ulit-ulitin niya ang silog, masarap pa rin ito sa kaniyang panlasa. Sorpresa pa rin sa kaniya ang ulam dahil iba’t ibang kombinasyon naman ang nakukuha niya sa araw- araw. Pumasok sa klase si Joy-joy nang mabigat ang pakiramdam, bitbit pa ang bakas ng kahapon. Kay lapit ng paaralan sa kaniyang bahay ngunit tila iginagapang na lamang nito ang sarili. “Joy-joy, mangan tana!” Dali-daling nagsiupuan ang mga kaibigan sa kantin pagsapit ng tanghalian. Binuksan ang mga baunan upang pagsaluhan ang kakatiting nilang mga ulam. Nagtaka si Joy-joy dahil iba ngayon ang bigat ng baunang dala niya. Pag- angat niya sa takip nito ay nagulat siya sa bumungad sa kaniya. “Wow! Tinola!” hiyaw ng kaibigan ni Joy-joy habang nagniningning ang mata sa nakikitang ulam. “Hanep, may kaya na siya. Hindi na silog ang dala.” Kantiyaw ng isa. Hindi marinig ni Joy-joy ang mga salita ng mga kaibigan dahil binalot ng inis ang loob nito. Wala yatang pakialam ang ina sa pakiramdam niya. Sa bawat paglanghap niya ng tinola’y buhat ang mga alaalang kasama ang kaniyang

214 pamilya. Naaalala niya ang pagtilapon ng mga kagamitan tuwing hapunan kasabay ng tunog ng paghigop ng sabaw. Hindi niya matingnan ang laman ng tupperware dahil pagod na siyang madismaya sa araw-araw na hain sa kaniya ng ina. Ibinabalik lang siya ng tinola sa kanilang bahay. Pagbaling ni Joy-joy sa kaniyang baunan ay pinaghahatian na ng kaniyang mga kaibigan ang baon na tinola. Sinubukan niyang pigilan ang mga ito dahil hindi masarap ang ulam ng kaniyang ina tuwing hapunan. Hanggang silog lamang ang talento nito sa pagluluto. “Ang sarap ng tinola! Bakit ngayon ka lang nagbaon ng lutong bahay?” “Alam mo, ang galing magluto ng mama mo!” Nakatitig lamang si Joy-joy sa kawalan. Sa paulit-ulit na subo ng kaniyang mga kaibigan, hindi pala talaga ito nagloloko sa kanilang mga papuri. Kinuha ni Joy-joy ang kutsara, nilagyan ng sabaw ang kanin at naghimay ng kakaunting manok na natira sa kaniya. Masarap nga. Natakam si Joy-joy sa lasa ng tinola at dali-daling binuhusan ng sabaw ang kanin. Todo ang paghimay niya sa laman ng manok at tinuloy-tuloy ang pagsubo, na parang mauubusan. Nilaklak ni Joy-joy ang natitirang sabaw mula sa tupperware at halos paliguan na nito ang katawan dahil sa pag-apaw ng tinola sa bibig. Abalang-abala ang bata sa kinakain; may hinahanap sa kaniyang bawat pagnguya. Sa oras na iyon, gutom na gutom si Joy-joy.

215 Alejandro Elgar

Tsokolate Ah... Eh

ko si Potlong Maykel Ramos Abrogar, at ikinakahiya ko ang aking sarili. Marahil nagtataka kayo kung bakit, dahil sa totoo lang, mabuti naman ataA akong tao. Ngunit, kamakailan lang ay may pinagdaanan akong karanasang binago ang buo kong pagkatao. Pero bago ang lahat, ano nga ba muna ang konteksto na pinalilibutan ng aking kwento? Ganito kasi ‘yun, isang buwan na lang ang natitira sa taong pampaaralan na ito. Ibig sabihin, siyam na buwan ko nang inaasam-asam na mapalapit kay Sofia - ang aking napakaganda at napakatalinong kaklase. Ako kasi ang maaari niyong ituring na loser sa aming paaralan. Iilan lang talaga ang aking mga kaibigan at sadyang tahimik lang ako na tao, kung kaya’t pinagbubutihan ko na lang ang aking pag-aaral at laging nakatutok sa mga libro. Si Sofia naman ang pinakatanyag sa buong klase namin, ngunit ‘di masama ang kanyang ugali, ‘di tulad nung mga babae sa pelikulang Mean Girls. Siya yung tipong palangiti at laging nangangamusta, kaya siguro siya rin ang nagwagi bilang class president namin. Hay nako basta, bottom line is napakabait niya talagang nilalang; mala-

216 anghel na pagkatao. At isipin niyo guys, siya mismo ang nag-alok sa akin na magkaroon daw kami ng study hall session para sa math exam namin! Sa wakas, binigyan din ako ni Lord ng pagkakataon na tuparin ang pinakaminimithi kong pangarap. Subalit, nagsimula ang malas na nangyari sa akin nang paghandaan ako ni mama ng mainit na tsokolate para sa almusal. Tsokolate Eh pa talaga - puro at malapot. Kung Tsokolate Ah lang sana ang ipinainom sa akin, malamang ay hindi ko siguro sinapit ang masaklap kong kapalaran. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga kaganapan nung umagang iyon, sapagkat ang tanging laman ng aking isip ay si Sofia. Tatawagan niya raw ako pagsapit ng alas dos ng hapon, at bilang paghahanda ay kung ano-ano na nga ang aking ginawa. Dumiretso agad ako sa pag-ehersisyo. Nakailang jumping jacks at squats din ako ah, nakadalawang push-ups pa. Siyempre kailangan galit ang muscles ko habang nagvivideo call kami, at baka sakaling mapansin ni Sofia na malapad nga pala ang balikat ko. Pagkatapos nun, nag-umpisa na akong maligo at magsipilyo. Kahit hindi niya naman ako maaamoy, halos isa’t kalahating oras pa rin akong nagtagal sa banyo. Sinigurado ko rin kasing pang-commercial na ‘yung ngiti ko dahil sa linis ng mga ngipin ko. Matapos isuot ang pinakamaputi kong polo shirt at ang paboritong kong khaki shorts, humarap ako sa salamin at may limang beses na nagpalit ng hairstyle. Pagsulyap ko sa orasan, napasigaw ako, “Hala isang oras na lang, tatawag na siya!” Dali-dali akong umupo sa harap ng aking laptop at hinintay ang katuparan ng aking pangarap. Bumulong ako ng isang mabilis na dasal, “Lord ikaw nang bahala.” Biglang bumukas ang pinto ng aking silid at pumasok si mama nang may dalang mainit na tasa ng tirang Tsokolate Eh. “O, magdessert ka,” sabi niya. Nung panahon na ‘yun inisip ko, “Ang bilis

217 ng sagot ni Lord sa panalangin ko. Parang gusto niyang sabihin sa akin na manatiling kalmado at siya na ang bahala sa lahat.” Ilang sandali pa tumawag na si Sofia. Huminga ako nang malalim at pinindot ng nanginginig kong daliri ang accept button. “Hello Potlong!” ‘yun ang unang mga salita na narinig ko, at noon ko sinabi sa aking sarili na hinding-hindi ko pakakawalan ang pagkakataong ito. Sa pagdaloy ng aming study session napaisip ako sa aking sarili, “grabe ito na ba talaga ang simula ng love story namin ni Sofia?” hanggang sa nakaramdam ako ng pananakit sa tiyan. Nung una ay kaya ko pang balewalain ito, habang aliw na aliw ako sa pag- uusap namin. Ngunit, patuloy lang ding lumala yung pagkulo ng aking tiyan at naramdaman ko na hindi na mapakali ang aking mga bituka. Nagsimula ito sa mahinang pag-ungol, hanggang sa naging malupitang alboroto na siya; tila may gustong pakawalan. Itinuon ko sa dahan-dahang malalim na paghinga ang aking pansin, at hinigpitan ko ang paghawak sa aking ballpen. Nagsimula akong pagpawisan nang malapot at napansin ito ni Sofia! “Okay ka lang ba? Is the Math problem hard? Para kasing you don’t look well.” Nagdahilan ako, “Kayang-kaya ko ‘to. Don’t worry about me. Just give me a little time.” Muli kong hinarap ang mga math problems, ngunit may ibang balak ang aking mga bituka. Tila may rebolusyon na sa aking tiyan. ‘Di ko na mabasa ‘yung mga nakasulat sa papel. Lalo ko pang nilaliman ang aking paghinga at naramdaman kong nanginginig na ang pawis kong nguso. Bulong ng aking katwiran, “Hindi mo na ‘to kaya, tumayo ka na sa pagkakaupo mo.” Ngunit bumawi ang aking puso at agad na nagdahilan, “Siyam na buwan! Siyam na buwan mong hinintay ang pagkakataon na ito! Hindi pwede! Kailangan mong tatagan!”

218 Nanaig ang aking puso at pinilit kong hindi pakinggan ang kung anumang isinisigaw ng aking tiyan. Sa kasamaang palad, lilimang minuto lamang ang itinagal ng aking pagtatapang-tapangan. May isang malaking pag-alon na humalukay sa laman ng aking tiyan, at ‘yun na ang simula ng aking pagwakas. Bumigay na nga ang tarangkahang pumipigil sa ayaw kong padaluyin. Nagsimula sa isang kapirasong igit, na sa isang iglap ay naging pagbulwak ng kulay tsokolateng laman ng aking tiyan. Nung mga sandaling iyon, tumakas na ang aking katinuan. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasalita. Hindi na rin ako makahinga, dahil nababalot na ng mala-imburnal na alingasaw ang buong silid. Hanggang sa basagin ng boses ni Sofia ang kawalang pag-asa ko, “Potlong! Potlong, nag-hang ka ba? Potlong, are you there? Potlong, nag-freeze ba?” Naisip ko, hindi naman niya alam ang nangyari sa akin dahil mukha ko lamang ang nakikita niya sa camera. Hindi rin niya naaamoy ang naaamoy ko. Kung kaya’t nagpatuloy kami sa aming study session. “Ah sorry Sofia. naglag lang internet connection ko,” pagpapaliwanag ko. Ngunit, hindi ako pinalagpas ng kapalaran. Pangit daw na simulain ng isang relasyon ang pagpapanggap, kung kaya’t dinagit ako ng isang lumilipad na ipis. Napatalon ako sa gulat at noon ko narinig ang matinis na boses ni Sofia - puno ng magkahalong takot at pagkalito.

“Potlong! What’s that brown stuff running down your legs!?” sigaw niya.

Natulala ako at pautal na sumagot “Ah...Tsokolate Ah...Eh.”

*This Call Has Been Ended* Ito ang huling nakita ko sa aking screen.

219 Yorunyxx

Mga pumpon Nawa’y Ipagpaumanhin

agtatatlong taon na rin simula noong namatay si inay.

M Sumapit ang unang undas pagkatapos ideklara ng bagong-halal na gobyerno na COVID-free ang Pilipinas. Tuluyang nanumbalik ang mga tanawing nakita ko sa sementeryo bago ang pandemya. Nandiyan na ang mga batang nagtatakbuhan at nagpapalipad ng mga pailaw, mga maglalakong dumidiskarte sa pagbugso ng mga taong bumibisita sa mga puntod ng mahal nila sa buhay, mga ploristang nagbubunyi sa pagbabalik ng karaniwan nilang kita tuwing undas, at ang mga bumibisitang taumbayang katakang-takang trumiple sa dami. Halatang-halata mula sa pagbabalik ng mga tanawing punong-puno ng buhay, na balintuna kung tutuusin sa libingan ng mga patay, na halos handa na ang mayorya na ibaon ang COVID sa kasaysayan at umigpaw muli patungo sa kinabukasan. “Sana ol,” ika nga.

220 Para sa akin, nagsimula pa lang muling dumaloy na parang patak ang mga segundo ng kinabukasan. Tatlong taon na rin akong nagluluksa, pero parang nakapanigas pa rin ang mundo ko sa araw noong namaalam ako sa nanay kong nasawi sa COVID. Nandoon pa rin ang sakit na mamaalam sa likuran ng isang Zoom call, solitaryong ihatid ang sisidlan ng abo sa puntod niya, at mag-isang magdalamhati sa sementeryong binabalot ng matinding katahimikan. Kaso, hindi lang naman sa dalamhati nanggagaling ang hapdi. Bagkus, dulot rin siya ng matinding pagsisisi. Magtatatlong taon na rin simula noong namatay si Inay at hindi ko pa rin natutupad ang kaniyang huling habilin— “Aldo, alam kong magiging makasarili ang huling habilin ko. Pero dahil hindi ko na alam kung papaano ko susubukang ibsan ang sakit na mararamdaman mo pag nawala na ako—” “Aldo, ipangako mo, kalimutan mo na ako.

ho, iho?” Nabasag ang mataimtim kong pagmumuni-muni sa nakaraan dahil sa pagtapik ng matandang ploristang namamahala sa tindahang ito. “IIsang mabilis na pagsilay sa orasan, at halos sampung minuto na pala akong nakatulala sa mga talulot ng mga tinitinda niyang bulaklak. “Ay, paumanhin po, Aling Flora. Masyado po ata akong nalunod sa mga iniisip ko.” Bumalik ang matandang plorista sa pumpon na dinidisenyo niya. Gawa ito sa mga bagong binasang dahon, at sa sentro nito, ay isang artistikong pag-aayos ng mga bulaklak na kulay lila. Binalutan niya ito ng crepe paper, at tinalian ng pulang ribbon. “Gupitin sa tamang anggulo, itusok sa esponghang pambulaklak, balansehin ang pagsasaayos, at palibutan ng papel.”

221 Marahang sinaad ni Aling Flora habang tinatapos niya ang pumpon na dinidisenyo niya. Sistematiko, ngunit malikhain. Mabilis, ngunit maalaga sa bawat kilos. “Ang ganda naman po ng pagkakadisenyo po sa pumpon na ‘yan. Halatang-halatang bihasa na po kayo!” Ngumisi ang plorista habang liniligpit ang mga bagong hasang gunting sa kaniyang bag. “Sus, nambola ka pa. Sabagay, ikaw na ang huling mamimili ko at tiba- tiba naman ang aking pitaka ngayon, ililibre na kita ng isang pumpon. Kunin mo na ‘yang pumpon ng marosang klabel na kanina mo pa tinititigan.” Akalain mo ‘yon, sinuwerte ako? “Salamat po, Aling Flora! Nawa’y hindi po ako makaabala, pero ano po ang marosang klabel?” Patawarin ako ni Aling Flora, pero masyadong malalim ang linyahan niya para sa isang binatang magdadalawampu’t-limang anyos pa lamang. “In English, pink carnation. Sa mga lenggawahe ng bulaklak, ibig sabihin niyan, ‘Hindi kita makakalimutan kailanman.’” I take that back. Baka sakalin ako ng multo ni nanay pag iniwan ko ito sa puntod niya. Kaso, hindi naman akong pinalaking sinungaling. Totoo naman, mukha bang makakalimutan ko si inay? Eh ‘di sana, matagal ko nang natupad ang huling habilin niya. Eh ‘di sana— Matagal na akong umabante mula sa araw na namatay siya. “Ano po, Aling Flora, para saan po yung pumpon ng…?” Mukhang nabasa naman ni Aling Flora ang pang-uusisa ko, “Ah, itong pumpon ng lilang hacinto— purple hyacinth? Bibisita kasi ako ngayon sa sementeryo. Medyo naipagpaliban ko na nga eh, masyado kasing maraming

222 nagpadisenyo ng mga pumpon.” “Kung maaari ho, bilang pasasalamat, hayaan niyo na lang po akong samahan kayo sa sementeryo. Papunta na rin naman po ako doon.” Lumiwanag ang mukha ni Aling Flora, at agad na hinablot ang bag at pumpon na dadalhin niya. “Nako, kay maginoo mo naman iho! Naalala ko tuloy si—” At sa isang sandali, kasabay nang pagputol ng pananalita ni Aling Flora, halatang biglaang naputol rin ang liwanag na nanalantay sa mukha niya. Bigla itong pinalitan ng isang malungkot na ngisi, isang mukhang nagpapahayag ng natatagong hinanakit sa likod ng mga pekeng ngiti. Not too different from mine. “Sino po?” Tanong ko kay Aling Flora. “Iho, medyo mahaba-haba pa naman ang lalakarin natin. Paniguradong makakapag-kuwentuhan tayo sa daan. Tulungan mo na akong ikandado ang tindahan para makaalis na tayo.”

as maingay na ang mga daanan sa sementeryo kung ikukumpara sa araw na hinatid ko ang mga abo ni nanay sa puntod niya. Oo, tahimik Mpa rin para irespeto ang mga bumibisitang pamilyang matahimik na nagluluksa at magkaintindihan kayo ng kinakausap mo, pero sapat na ang ingay para malaman mong hindi lang mga bangkay ang namamalagi dito. Bitbit ang pumpon ng lilang hasinto ni Aling Flora at ang marosang klabel ihahandog ko kay nanay, marahan kaming tumungo sa mga puntod na bibisitahin namin. Sa gitna ng bawat hakbang ay mga talakayan ng pagpapakilala, malumanay na biruan, at nung lumaon— “Kung maari lang naman, Aldo, pupuwede ko bang... malaman kung sino ang bibisatihin mo dito?” Maingat na tinanong ni Aling Flora.

223 “Ah, si nanay ho, Aling Flora.” “Maari ko bang malaman kung... anong ikinamatay niya?” “COVID po,” tugon ko sa matandang plorista. Sinundan ito ng isang sandaling tahimik. Mukhang madaling nabasa ni Aling Flora ang kalungkutang nananaig sa mga mabibigat na salitang binibitiwan ko— mula sa pababang pagtitig ko sa mga talulot ng mga bulaklak, hanggang sa malungkot na ngising nakapinta sa mukha ko. Siguro, kung ihihinuha ko sa mukhang nakita ko sa kaniya sa tindahan, hindi na siya baguhan sa tanawing ito. Bagkus, makasarili bang ibalik ang tanong kay Aling Flora? Maybe, just maybe, she knows the answers. That’s why— “Ah, ninakawan ka rin pala ng kasaysayan, iho,” pahayag ni Aling Flora. “Po?” At sinimulang maglakbay ni Aling Flora sa nakaraang nabubuhay na lang sa mga alaala niya sa pagpikit ng kaniyang mga mata. Sinimulan sa isang marahang ngisi— “Kasagsagan ng batas militar noon. Habang nagpapakadalubhasa ako sa botanika sa may Los Baños, aksidente kong nakilala ang kasintahan ko noon.” Sinundan ng ngiti ng isang taong umiibig— “Nagkamustahan, lumaon nagligawan, lumaon nagka-ibigan. Pero ang di ko inaakala, aktibista pala siya!” At biglang napalitan ng isang ngiti kung saan naghahalo ang tamis at pait, sumesenyas sa parating na kasukdulang mahapdi, sa kaniyang kuwento ng pag-ibig— “Kaya noong nalaman niyang paparating ang militar para rumonda sa pamantasan, sa huling araw na nadatnan ko siyang buhay—”

224 “Nagbitaw siya ng huling habilin. ‘Flora, kalimutan mo na ako.’” Huh? “Paano niyo pong—” “Nandito na tayo.” Hindi ko namalayang nasa harapan na pala kami sa puntod ng kasintahan niya— “Teka? Magkalapit pala ang puntod ni inay at ng kasintahan niyo po, Aling Flora?” “Akalain mo naman ang tadhana, iho?” At mabugsong pinutol ng tawanan ang tensyong bumabalot sa kapaligiran. Dahil siguro na iniwasan kong bisitahin ang puntod ni inay sa nakaraang tatlong taon, o dahil hindi ko binigyang pansin ang kapaligiran ko noon, ngayon ko lang nakita ang mga maliit na kahel at pulang bulaklak na pumapalibot sa espasyong ito. Kasabay ng liwanag na nanggagaling sa mga street light, naging kaakit-akit na tanawin ang kapaligirang bumabalot sa mga puntod. Pero, para sa matandang plorista, binigyan niya ito ng kaparehong titig na lumilitaw pag inaalala niya ang nasawing kasintahan niya. “Aldo, ang nakikita mo ngayon ay isang parang na pinamumugaran ng bulak-damo, butterfly weed. Maganda ba, iho?” “Opo. Nakakaakit po ang kombinasyon ng kahel at pula mula sa mga talulot ng bulak-damo, Aling Flora.” “Ngunit, para sa akin, bilang plorista—” pumitas ng ilang pirasong bulak- damo si Aling Flora, “isa itong bulaklak na nagpapaalala sa aking—” “Lumimot.” At tsaka niya kinuyom ng mahigpit sa kaniyang kamao ang mga piraso ng bulak-damo, kasabay ng isang mukhang nagpipighati. Ah, kaya pala. Ang mayabong na pagtubo ng mga bulak-damo sa mga

225 puntod ng mga nasawi naming mahal sa buhay ay isang metaporikang paalala na sigurong nagmumula sa langit. ‘Nay, isn’t that too harsh? “Aldo, maari ko rin bang malaman ang huling habilin ng nanay mo sa’yo?” Tinanong ni Aling Flora habang nakatalikod sa akin, patuloy na nakatitig sa mga bulak-damo. “Aldo, ipangako mo sa aking kakalimutan mo na ako.” “Kung gayon, bakit mo tinanggap ang pumpon ng marosang klabel? Hindi ba’t sinabi ko na kung anong ibig sabihin ng mga bulalak na ‘yan?” Sa sandaling nahuli ni Aling Flora ang pagmamalabiga ko, naduwag akong isiwalat ang katotohanan. Ngunit, sa kaparehas na dahilang tinanggap ko ang pumpon ng marosang klabel— “Dahil hindi ko kinayang magsinungaling sa akin at sa nanay ko po, Aling Flora.” Buong paninidigan kong sinagot kay Aling Flora, na siya namang nagsimulang lumapit sa akin. “Tadhana naman talaga. Minsa’y mapagbiro, minsa’y mapanakit.” Linabas ni Aling Flora ang mga gunting pandisenyo niya at parehas na kinuha ang pumpon ng lilang hasinto at marosang klabel. “Ako rin, Aldo. Halos limampung taon ko na ring sinusuway ang huling habilin ko sa kaniya.” Sinimulan niyang pagsamahin ang dalawang pumpon. Sistematiko, ngunit malikhain. Mabilis, ngunit maalaga sa bawat kilos. “Limampung taon?” “Oo. Limampung taon ko nang hinahandogan ang puntod niya ng lilang hasinto. Dahil ang mga bulalak na ito ay nagtataglay ng mensaheng nanghihingi ng kapatawaran.” “Kasi, iho, nagmahal tayo. Mapasamagulang, mapasakasintahan,

226 Aldo, nagmahal tayo. Walang tangang kayang ibaon at limutin ang mga alaalang binahagi natin sa isa’t-isa.” At sinimulan ni Aling Flora gupitin muli ang mga dahon, at malikhaing ayusin— “Tatlong taon, isa, o limang dekada, may mga araw na gigising ka pa rin ng luhaan pag sumagi ang mga pinakamahapding alaalang pinahahalagahan mo nung kasama mo pa sila.” Na sinabayan ng kaniyang paghikbi— “Kung may natutunan ako, ngayong nasa takipsilim na ako ng aking buhay, hindi makakayang tahiin ng panahon ang mga malalaking butas na iniwan nila sa mga puso natin noong lumisan sila.” Na sinabayan ng aking paghikbi. “Kasi Aldo, taos-puso natin silang minahal. Taos-puso rin nila tayong minahal.” Binigay ni Aling Flora ang pumpon na ngayo’y isang paghahalo na ng mga bulaklak ng lilang hasinto at marosang klabel. Sa kumpol na ito, nanalantay ang katotohanang sana’y naisagot namin sa aming mga nasawing mahal sa buhay sa kanilang mga huling habilin— Hindi kita makakalimutan kailanman. Patawarin mo ako. “Tara na Aldo, lumalalim na ang gabi.” At tumungo kami sa mga puntod na pinapaligiran ng mga kahel at pulang bulak-damo. Nanay, at sa iniirog ni Aling Flora, alam ko pong tila sinesermonan niyo na po kami sa langit, pero sana ho, matanggap niyo po— Ang aming mga pumpon na nawa’y inyong ipagpaumanhin.

227 Giulian San Juan

Kislap

atatagpuan sa puso ng Kalakhang Maynila ay isang pabrika ng posporo. Kung tatanawin mula sa labas ay hindi aakalaing natatangi ito. Ito’y Mnapapaloob sa isang malawak na lupain, at nagmimistulang isa lamang pabrika na kalat rin sa Maynila. Subalit sa loob ng mga dingding ng naturang pabrika, mayroong nakukubling hiwaga. Sa pagsapit ng hatinggabi ay nabibigyang-malay ang mga produktong ginawa sa loob ng pabrika. Subalit naitatago ang misteryong ito dahil nanunumbalik sa pagiging walang malay ang mga produkto sa pagpatak ng alas- sais ng umaga. Sa pang-araw-araw na operasyon nito, libo-libong piraso ng kahoy ang sinusuri’t pinaghihiwa-hiwalay. Sa dulo ng bawat buwan, inilalagay sa kaban at ipinapadala sa recycling plant ang mga hindi tumutugma sa mga pamantayan ng pabrika. Bahagi ng quality control ng kumpanya sa mga produktong kanilang minamanupaktura ang ganitong proseso. Lingid sa kaalaman ng lahat, isang gabi lamang ang magbabago sa takbo ng pabrika.

228 Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Lito. Naririnig niya ang pag- uusap ng lahat ng nasa paligid niya. Hindi niya rin maaninag ang mga mukha ng kasama. Nakaramdam siya ng isang tulak. Isang tulak na nagpapahiwatig ng pagbangon. Tulad ng isang inang ginigising ang anak upang tumayo sa kama at maghanda sa eskuwela. “Uy! Gising na! Hatinggabi na!” wika ng isang boses na hindi kilala. Agad na tumalima si Lito sa tawag ng boses na ito. Bagaman nalilito, nagtanong si Lito sa boses. “Bakit ho babangon?” ani Lito. Bagaman bagong gising, inaninag ni Lito ang kaniyang kapaligiran. Pinalilibutan siya ng samu’t saring uri ng kahoy. Mayroong maliliit, may magaspang, may malapad, at kung anu-ano pang katangian ng mga piraso ng kahoy. “Paanong nahalo iyan rito?” sambit ng isang piraso ng kahoy na may itim na balat sa tagiliran. Malalim ang kasaysayan ng mga posporo at mga piraso ng kahoy sa pabrika. Simula sa pagbubukas ng pabrika ay pinaghiwa-hiwalay na sila. Ang mga posporo’y ikinakahon at pinadadala sa mga supermarkets sa labas, ngunit ang mga piraso ng kahoy ay hindi nasisilayan ang liwanang ng panlabas na mundo. Noong wala pang sorting machine ang pabrika ng posporo, manu-manong sinusuri ng mga trabahador ang bawat piraso ng produktong minamanupaktura. Minsa’y may nahahalong mga posporo sa mga ikinakaban at inererecycle at mayroon ding mga piraso ng kahoy na naisasama sa mga ikinakahong posporo. Nagbago ang lahat nang dumating ang sorting machine. Ilang taon nang walang naihahalong posporo sa mga piraso ng kahoy at wala na ring piraso ng kahoy na kasama sa mga kahon.

229 Sa pagdating ni Lito, nabuhayan ang mga piraso ng kahoy. Si Lito na ata ang hinihintay nilang magdadala sa kanila sa labas ng pabrika. Kailangang ipaalam na ito sa mga hukom. Tiyak ay selebrasyon ito nang buong kahuyan. Kailangan pangalagaan ng lahat si Lito. “Hindi kayo mga posporo!” sigaw ni Lito. Kinakailangan ni Litong makabalik sa kaniyang mga kauri. Malapit na ang oras ng pagrerecycle sa mga piraso ng kahoy at ayaw ni Litong matulad sa kapalaran ng mga kahoy na kasama niya. “Asaan ang mga kauri ko?” nalilitong tanong ni Lito. “Wala dapat ako dito!” agarang sambit niya. Sinusubukan siyang pakalmahin ng mga piraso ng kahoy na nakapaligid sa kaniya. “Hintayin mo ang mga hukom. Sila ang makakaalam kung anong gagawin sa iyo para makasama mo ang mga kauri mo,” malumanay sa sabi ng malapad na kahoy. Pansamantalang natigil si Lito sa kaniyang pagpapabalik-balik na paglakad. Nanatili siya sa isang sulok ngunit kita pa rin ang pangamba sa kaniyang mga mata. Mistulang umiikot ang mundo ni Lito at hindi mapakali ang kaniyang isipan. “Nasaan ang posporo?” nagmamadaling sabi ng isang hukom sa madla. “Narito po’t nanginginig!” sigaw ng kahoy na may bangas ang ulo. “Iho ano ang iyong pangalan?” malambing na tanong ng hukom. “Lito ho. Asaan na ho ang mga kasamahan kong posporo. Ayaw ko rito. Wala kayong napapala rito,” nagkukumahog na sagot ni Lito. Nagulat ang hukom sa mga nasabi ni Lito. Hindi niya inakalang ganito ang tingin sa kanila ng mga posporo.

230 Masakit marinig ang mga nasabi ngunit ito ang katotohanan. Wala nga naman talagang napapala ang mga piraso ng kahoy. Si Lito na lang ang kanilang pag- asang mapasama sa mga posporo’t masaksihan ang liwanag ng labas ng pabrika. “Huminga ka muna iho. Tutulungan ka naming makita ang mga posporo,” sabi ng hukom. Ang storage facility ng pabrika ay nahahati sa tatlong seksyon. Isa para sa mga naikahon nang posporo, isa para sa mga ikakahon pa lamang, at ang pinakamaliit ay ang para sa mga piraso ng kahoy na irerecycle tuwing katapusan ng buwan. Magkatabi ang mga seksyon ng mga posporo ngunit malapit sa disposal chute ang kinalalagyan ng mga piraso ng kahoy na bumagsak sa quality control ng sorting machine ng pabrika. Bago ibuhos sa disposal chute ang mga piraso ng kahoy upang maikaban at mapadala sa recycling plant, sinusuklay ng isang trabahador ang mga piraso ng kahoy upang masiguradong walang naihahalo. Sakaling may posporong mahalo sa mga irerecycle na mga piraso ng kahoy ay pararaanin ulit sa sorting machine ang buong batch. Umaasa ang mga piraso ng kahoy na magkakamali ang sorting machine sa pagsuri at maihalo sila sa tumpok ng mga posporo tulad ng paghalo nito kay Lito. “Sumama ka sa akin iho. Dadalhin kita sa aming mga hukom upang mapagusapan kung paano ka ipadadala sa mga kapuwa mo posporo,” ani ng hukom. Hindi agarang tumalima si Lito. Nag-aalinlangan siya sa tunay na intensyon ng mga piraso ng kahoy. Hindi niya magawang pagkatiwalaan ang mga nakasalamuha niya. Sa likod ng kaniyang pag-aalinlangan ay ang takot na ipapahamak siya ng mga kahoy. “Baka inggit lang sa’kin ang mga ‘to!” sabi ni Lito sa sarili.

231 “Ano iho? Halina nang makasama mo na ang mga posporo,” banggit ng hukom. Kailangang malaman ni Lito na siya ang maaaring makapagligtas sa kanila. Kung nagkamali na ang sorting machine matapos ang lahat ng taon dumaan, kaya rin nitong magkamali na maihalo ang piraso ng kahoy sa mga posporo. Dumating si Lito sa tanggapan ng mga hukom na nasa kabilang gilid ng kaniyang pinagmulan. “Tumayo ka riyan iho,” sabay ang pagturo ng hukom sa gitna ng tanggapan. Isa-isang dumating ang mga hukom. Mayroong apat na piraso ng kahoy na dumating. Isang maliit, isang malapad, isang magaspang, isang may itim na marka sa tagiliran, at ang hukom niyang nakasama. “Ganito kasi ang nangyayari diyan iho…” paliwanang ng hukom. Ikinuwento ng mga hukom ang proseso ng pagsusuri sa mga kahoy at ang pagtatapon sa kanila upang irecycle. Ipinaliwanag rin ang mangyayari sa oras na makitang nakahalo si Lito sa mga piraso ng kahoy. Hindi pupuwedeng si Lito lamang ang makalabas ng pinagkikipkipan sa mga kahoy. Kung gayon ay tiyak na si Lito lamang ang maililigtas dahil hindi na siya nakahalo sa mga piraso ng kahoy. “...Ikaw na ang maaaring maging tulay naming makita ang liwanag sa labas,” pagtatapos ng hukom na may itim na marka sa tagiliran. Hindi makapaniwala si Lito sa nangyari. Biglang napunta ang responsibilidad ng pagliligtas sa mga piraso ng kahoy sa kaniyang mga balikat. Hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang gawin. “Hindi ‘yan maaari!” Biglang sigaw ni Lito.

232 Hindi man niya lubusan pang napagdesisyunan ang pagtanggi, hindi na niya napigilan ang sarili at nasambit na lang ang unang bagay na lumabas sa kaniyang isipan. Nadismaya ang hukom. Hindi nila kakayaning ibalita sa mga kapuwa kahoy nila na ang inakala nilang tulay nila sa kaligtasan ay hindi inako ang kaniyang tungkulin. “Wala akong pananagutan sa sinuman sa inyo! Hindi ko responsibilidad ang tumulong sa inyo dahil hindi ko kayo kauri! Ako lang ang dapat makalabas rito at hindi kayo!” patuloy na sabi ni Lito. Napuno ng galit ang mga hukom. Sinubukan nilang kausapin nang maayos si Lito ngunit hindi ito nakatulong. Wala nang nagawa ang mga hukom kundi ang sirain din si Lito. “Kung ayaw mong tumulong, puwes lahat tayo rito’y itatapon na rin!” pasya ng hukom. “Paanong mangyayari ‘yon? Isa akong posporo at kayo’y mga patapon ng pabrika!” pagmamayabang ni Lito. “Hindi mo alam ang kaya naming gawing mga patapon!” pagbabanta ng hukom. Agad na dumating ang dalawang malalaking piraso ng kahoy at dinakip si Lito. Hindi makita ni Lito kung saan siya dinadala. Madilim ang lugar. Ang tanging alam lamang ni Lito ay ang dami ng mga kahoy na sumisigaw. Dumadagundong ang mga hiyaw sa pandinig ni Lito. Pilit na nagpupumiglas si Lito ngunit masyadong malalaki ang mga kahoy na may hawak sa kaniya. “Wala ka nang magagawa! Katapusan mo na!” babala ng nagbubuhat kay Lito.

233 Ibinaba si Lito sa tapat ng isang haligi ng kahoy na pinagkikipkipan sa kanilang lahat. Nakaharap si Lito sa haligi habang nakapalibot sa kaniyang likuran ang isang hukbo ng mga piraso ng kahoy na may iba’t ibang katangian. Ang buong madla’y sumisigaw ng mga pangungutya kay Lito. “Makasarili!” “Maitim ang budhi!” “Maramot!” Iilan lamang yan sa mga insultong ibinato kay Lito. Mas lalong napuno ng puot at galit ang damdamin ni Lito. Sinubukan niyang sumigaw pabalik ngunit nalunod ng ingay ng bulwagan ang kaniyang sigaw. Nagmistulang nahulog na karayom sa gitna ng gubat ang boses ni Lito. Binalot ng katahimikan ang kapaligiran. Hindi nakita ni Lito ang pagdating ng limang hukom na kanina niyang nakausap. Ang tanging narinig na lamang niya ay ang hatol sa kaniya. “Lito, dahil sa iyong hindi pagtanggap sa iyong tungkuling iligtas kaming mga piraso ng kahoy mula sa pagtapon, ikaw ay hinahatulan ng mga hukom ng pagbabangas.” Nangilabot si Lito. Ang galit at litong nadama ni Lito ay agarang napalitan ng takot. Sa paglapit ng madla upang pagtulungan si Lito, nadama niyang mistula siyang binabalot ng kadiliman. Isang kadilimang may taglay na init. Isang init na hindi nakakapaso, ngunit parang naglalambing kay Lito. Habang papalapit nang papalapit ang madla kay Lito ay pumupulupot ang malambing na init sa kaniya. Nagdilim ang paningin ni Lito. “Mas masaklap sa pagtapon ang inyong dadanasin kung hindi ninyo ako pakakawalan!” pagbabanta ni Lito.

234 Hindi nabagabag ang madla. Patuloy ang kanilang paghiyaw. Akala nila’y wala nang iba pang magagawa si Lito at matitikman na niya ang nadarama ng mga patapon. “Huli na ang lahat Lito. Ito na ang katapusan mo!” Nawala sa isip ng madla na si Lito pala ay halos nakadikit na sa haliging kahuyan. Nang makita ito ni Lito, agad siyang umurong at ikinaskas ang palito sa haligi. Sumiklab si Lito.

a pagdapo ng araw sa pabrika, tila mas maliwanag pa ang paglamon ng apoy sa mga dingding nito kaysa sa padating na umaga. Inabot ng buong umaga’t Stanghali ang mga bumbero upang subukang maapula ang sunog at maisalba ang mga kagamitan sa loob ng pabrika. Naging usapan sa kalakhang Maynila ang pabrika: Ang storage unit ng pabrikang Fuego Match Co. ay nasunog kaninang alas-siyete ng umaga. Ayon sa mga nakasaksi, nagsimula ang sunog sa isang kahong nagliyab sa loob ng pabrika at kumalat sa buong storage facility. Sa aming panayam sa mga bumberong umapula sa apoy, nagsimula ang sunog sa isang posporong naihalo sa mga piraso ng kahoy na sana’y irerecycle. Maaaring may isyu ang sorting machine ng pabrika kung kaya’t nahalo ang posporo sa mga pira-pirasong kahoy. Mabuti naman at walang taong nasaktan sa naturang sunog. Ngunit upos na mga posporo’t abo ng kahoy na lamang natitira sa Fuego Match Co.

235 Jana Lirios

PAL Flight 102

insan, napapaisip talaga ako kung bakit pa ba naisipan ni Nanay na pumunta dito. Ano bang kailangan kong dalhin para makauwi? MPassport. Damit. Teddy bear. Nasaan na yung picture ko? “Nana—” Hindi pala puwedeng malaman ni Nanay. Hindi ko naman talagang binalak na sagutin si Nanay nang ganon. Alam ko naman na hirap na hirap rin si Nanay pero paano ba naman kasi? Ang sabi ni Nanay noon, sandali lang kami dito. Tumutulo na sipon ko sa kakaiyak. Parang kinagat ng langgam ang mga mata ko na magang- maga sa kaiiyak. Nasaan na ba yung picture ko? Mahanap ko lang yun at aalis na ako. Pumikit ka lang muna ng mata kahit saglit, Susay. Baka naman maaayos mo pa ito. Mag-sorry ka lang kay Nanay aayos din naman ang lahat. Sandali lang, ‘wag kang aalis lang bigla, alam mo naman mas lalong magagalit si Nanay sa’yo. Bakit pa ba kasi kami lumipat dito? Naaalala ko pa yung ingay ng airport ng araw na iyon. Halos dumidikit na yung buhok ko sa pisnging basang-basa sa

236 luha at pawis. Nararamdaman ko pa rin ang mga labi ni Lolang kulu-kulubot at nag-iiwan ng marka. Sa ingay at gulo ng NAIA 3, narinig ko pa ang hiyaw ni Nanay. Hunyo Ma! Malelate na kami ni Susay! Bakasyon lang naman, Ma,” sigaw ni Nanay habang hinahanap mga boarding pass namin. Hindi kumibo si Lola, tutok na tutok ang mata niya sa akin, “Ito ang tahanan mo, ‘wag na ‘wag mong kakalimutan. Sa Setyembre makikita mo na ‘ko ulit,” binulong niya bago ko unti-unting binitawan ang kamay niya. Noon pa ako sinasabihan ni Lola na ang mature ko raw para sa edad ko. 10 years old palang ako pero ipinagkakatiwala na ni Lola sa akin ang tindahan namin sa Bayan. Ako kasi ang paboritong apo ni Lola. First time ko sumakay ng airplane. Masaya naman, pero ayoko lang yung pakiramdam na parang iniipit yung tenga ko. Siguro, sobrang stress ni Nanay kanina kasi pagdating namin sa mga upuan namin, tulog siya agad. Buti na lang nasa window seat ako. Ang ganda pala ng Maynila pag gabi! Parang… natatanaw ko ata ang Marikina! Otto shoes yun di ‘ba? Yung may pulang karatula at katabi pa niya yung pinupuntahan naming simbahan. “Nay! Nakikita ko mula rito ang OLA! Nay! Yun po yun, di ‘ba?” Hindi ko mapigil ang tuwa ko. Siguro, masyado akong nag-ingay kasi biglang may tumalikod na ale, kamukhang kamukha ni Ai-Ai delas Alas sa pinanood sa akin ni Nanay na pelikula nung nakaraan. Ang sungit naman niya. Kung sana’y tumingin lang siya sa labas baka makita niya rin yung kuya sa OLA na nagbebenta ng balloon pagkatapos ng misa. Ang ganda talaga ni Nanay kahit natutulog siyang nakabukas ang bibig na may laway sa gilid. Ang swerte ko talaga kay Nanay kasi walang katulad niya.

237 Siya lang ang alam kong magluluto ng tinola pero lalagyan ng pampa-asim. Siya lang ang nakakatali ng buhok kong maikli na patirintas. Si Nanay lang ang hindi ko nakitang umiyak kahit nung binababa ang kabaong ni Tatay. Hindi na namin pinag-uusapan si Tatay kasi… kasi ayaw ni Nanay. Pero, mahal ko si Nanay at siguro tama siya na kailangan nga namin ng bakasyon na kaming dalawa lang. Pagpasok namin sa tutuluyan namin, para akong nasa Suite Life of Zack and Cody. Ang taas ng kisame at parang walang mga butiking naghahabulan di tulad sa bahay. May sumalubong sa aming lalaki sa ground floor na kaboses ang mga Indian na nakikita namin sa bayan. “Welcome to the building!” wika ng mamang kamukha ni Mr. Mosby. Yumuko si Mr. Mosby para makausap niya ako nang mas madali. “And hello to you, little one! I have a boy who is much older than you, but I’m sure you two will get along nicely. Well, I must get going. Nice to meet you!” ang huling sinabi niya bago ako abutan ng kendi. Kinamayan ni Nanay ang lalaki. Si Mr. Mosby, na ang totoong pangalan ay Mr. Raj, ay kayumanggi at may turban na kulay asul sa ulo. Meron din siyang balbas na parang nakakakiliti sa ilong. Nasa hotel ata kami ni Nanay, ang dami kasing mga halaman at upuan, may elevator pa! Humigpit ang hawak sa akin ni Nanay nang pinilit kong tumakbo papunta sa elevator. Si Nanay na naman pinipigilan adventures ko. Hmph. Pagdating naman sa fourth floor, parang ang haba ng nilakad namin bago kami tumigil sa harap ng isang pinto. Wala naman ata ganitong bahay sa Marikina... Apartment 42. “Susay, while we’re here, we have to speak more English, okay? This is our apartment.” Isa pa palang dahilan kung bakit swerte ako kay Nanay, tunog

238 Amerikano siyang mag-English. “O-kei, Nay. Don’t worry, susubukan ko, Nay! At Nay, tawagan na natin sila Lola! Ikwe-kwento ko sa kanya yung airplane,” Sana naman tama yung pagkasabi ko... “It’s okay, Susay. You’ll get better with practice. And sure, we’ll call Lola straight away.” Pumasok si Nanay sa bahay namin para sa bakasyon. Ang ganda pala ng apartment 42 kasi ang laki ng kuwarto! Pagpasok ko, nakita ko agad ang sala na may sopa na nakaharap sa tv. May lamesa sa pagitan ng sopa at tv at may isa pang study table na nakadikit sa pader. Meron pang fish tank sa tabi ng study table kaya sana payagan ako ni Nanay na bumili ng mga isda! Isa lang yung kuwarto pero ang laki ng kama, kasyang-kasya kami ni Nanay. Hulyo Nung unang mga linggo, araw-araw ko halos nakikita si Nanay at dinadala niya ako sa iba’t ibang mga lugar. Ang paborito kong napuntahan na namin ay yung tabing ilog kasi naalala ko yung Riverbanks sa Marikina. Ang saya siguro mag- bike doon kasama mga pinsan ko. Kamusta na kaya sina Lola? “Nay, puwede ba nating tawagan sila Lola later?” tinanong ko kay Nanay habang naghahanda siya ng hapunan. Buti na lang um-oo si Nanay kasi alam kong medyo mahal yung bayad para tumawag. Gaano pa ba katagal ang bakasyon na ito? Kating-kati na ako kumain ng scrambol galing sa ale malapit sa amin. Siguro naman malapit na kaming umuwi kasi sabi nila Lola na pauwiin na ako ni Nanay. Sana si Nanay rin gusto nang umuwi. Kagaya ng mga lumipas na araw, dinala na naman ako ni Nanay kung saan-saan pero parang may iba sa bagong building na pinuntahan namin. Nasa

239 dulo ito ng isang mahabang kalsada at napapalibutan ng mga punong mukhang christmas tree! Nahalata kong mayaman ang mga taga dito kasi meron silang daanan na para lang sa mga kotse sa harap ng building. Kahit yung mga pinto halatang mahal dahil punong-puno ng mga detalye na nakaukit sa kahoy. Pagpasok namin ni Nanay, lumapit sa amin ang isang babaeng nakabestida na kulay morado. Hindi siya kagandahan at ginamit niya talaga ang make-up niya para pagmukhaing bata pa siya. Ang haba rin ng mga pilikmata niya, para silang mga paa ng gagamba na nakadikit sa mata niya. Siya ba si Yzma sa The Emperors New Groove? Nasaan si Kronk? Baka nagtatago sa secret lair ni Yzma! Pagkatapos namin ikutin ang magarang building na ang pangalan pala ay Trinity Charter School, dinala ako ni Nanay sa kainan malapit sa eskwelahan. Bakit kaya ako dinala ni Nanay sa school? Baka isa na naman yun sa mga top 10 tourists spots dito… Kaya pala ang ganda! Pero ayokong mag-aral dito. Ang kainan na pinuntahan namin ay maliit lang, parang karinderya pero ngayon lang ako nakakita ng kainan na ang ibinebenta lang ay mga burger, pancake, at kape. Yung binigay sa aking cheeseburger halos hindi ko maisubo sa laki. Si Nanay uminom lang ng kape. Nakita kong binaba ni Nanay ang kape niya at sinabing, “Susay, Nanay is going to be really busy soon, okay?” Tumigil si Nanay, siguro kasi hindi ako umimik. Kinusot ni Nanay ang mata niya. “That means I won’t get to be with you all the time. You’ll get to hang out with Mr. Raj and his son! We like them, don’t we?” Tumigil na naman si Nanay at hinintay ang sagot ko. Tumango na lang ako at bumalik sa burger ko. Ang sarap pala nito. Talong-talo ang Angel’s na 20 pesos lang. Bago ko kagatin ulit ang burger ko, tiningnan ko na sa wakas si Nanay at tinanong,

240 “Nay, puwede na po ba tayong umuwi? We’ve been hir so long baka namimiss na tayo ni Lola!” “Don’t speak with your mouth full, Susay. It’s not ladylike,” ang mataray na sinagot ni Nanay sa akin. “Pero Nay—” sinubukan kong itanong ulit. “Can I get the check, please?” lang ang sinabi ni Nanay na hindi man lang pinansin ang una kong tanong. Sa susunod na nga lang baka magalit lang si Nanay. Agosto Magmula noong bumisita kami sa Trinity Charter school, napansin ko nga na mas busy na si Nanay. Hindi na niya ako pinapasyal kaya ang kasama ko na lang madalas sa bahay ay si William, ang anak ni Mr. Raj. Siya na ang nagtatanging bagong ko playmate dito sa apartment 42. Kay William at Mr. Raj ko na rin pinapraktis ang English ko kasi wala naman akong ibang kinakausap sa bahay dahil sobrang busy na ni Nanay. Isa na namang hapon iyon na si William ang nag-alaga sa akin. Pinilit ko siyang maglaro ng tagu-taguan kasi hindi ko naman alam kung paano gamitin yung Playstation niya. Narinig kong nagsimula na si William magbilang kaya agad-agad akong naghanap ng matataguan. Sa ilalim ng kama! Hindi niya ako mahahanap doon. Ang dami pala naming kalat sa ilalim ng kama ngunit naintriga ako sa isang kahon na ngayon ko lang nakita. Ano bang nakatago dito na tinago talaga ni Nanay sa akin? Hindi naman malalaman ni Nanay kung bubuksan ko ‘to. Dahan-dahang kong binuksan ang mukhang malapit nang masira na kahon. At doon ko nakita. Isang litratong nakaipit sa paperclip na hugis rosas. Sa

241 ibaba ng litrato, nakita kong kinuha yung litrato sa araw ng kapanganakan ko: October 13, 2000. Kaya pala tinago ni Nanay. Kinuha ko yung punit-punit na litrato at tinago sa istutse ko. Ayaw ko na nga maglaro ng tagu-taguan, nawalan na ako ng gana. Hihintayin ko na lang na mahanap ako ni William. Pagkatapos ng ilang minuto, narinig ko nang binuksan ni William ang pinto. “You know, Susay, the way the game works is that you’re supposed to hide and then I find you.” ano ba naman tong si William, malamang alam ko kung paano maglaro! Hindi ba niya nahahalata na wala na ko sa mood? “You finally found me. Come on, can we wats some tb now?” hinila ko siya palabas ng kuwarto. Sa susunod ko na lang kakausapin si Nanay tungkol sa litrato. Papayagan kaya niya akong tawagan si Lola? Ang tagal ko nang hindi sila nakakausap. Sinimulan na kasi akong pagbawalan ni Nanay na tumawag sa Marikina. Parang gusto niyang malimutan ko sila. Setyembre Ngayong nagiging dilaw na ang mga dahon at lumalamig na ang simoy ng hangin, mas dumadalas na sa gabi ko na lang nakikita si Nanay. Hindi na kagaya nung una kaming dumating dito na palagi kaming magkasama. Sinubukan kong kumbinsihin si Nanay na payagan akong maglaro sa tabing ilog man lang kaso masyado pa raw akong bata para gumala sa labas nang mag- isa. Kaya ngayon, parang kahapon lang, hihintayin kong makauwi si Nanay habang nanonood ng TV. Baka tawagan ko ulit si Lola mamaya kung pumayag si Nanay. Mag aala-siyete na nang maka-uwi si Nanay. May dala na naman siyang Chinese Food kasi wala siyang oras magluto. Tahimik kaming kumain ng hapunan. Wala namang masama kung tanungin ko si Nanay ngayon, bakasyon lang naman ‘to sabi naman ni Nanay noon.

242 Ayos lang siguro na kausapin ko na sila Lola. Parang uwing-uwi na rin naman si Nanay, sigurado akong namimiss na rin niya si Lola. “Nay—” “Susay, how would you like to stay here for good?” sinabi ni Nanay na punong-puno ng tuwa. Bigla akong natulala, ang narinig ko lang ang tunog ng nahulog kong tinidor. Tama ba yung narinig ko? For good raw? Akala ko ba bakasyon lang ‘to? Bakit hindi ako kinausap ni Nanay? Hindi ko na makikita sila Lola, hindi ko na malalakad ang Riverbanks, hindi ko na makakasama mga pinsan ko. “Pero, Nay, paano na po sila Lola? Yung tindahan po?” kinunot ko ang noo ko. “I was worried about that, that’s why I tried stopping you from calling home so you wouldn’t miss them so much.” pinikit ni Nanay mga mata niya at binaba na rin niya ang tinidor niya. “I hate you,” naramdaman kong umiinit mga mata ko sa galit, luha ko’y hindi mapigilan, “Bakit pa ba tayo nandito! Hindi mo naman ako inisip nung pumunta tayo dito! ” sinigaw ko kay Nanay. Tumakbo ako sa kuwarto namin ni Nanay at sinara ang pinto sabay lock. Minsan, napapaisip talaga ako kung bakit pa ba naisipan ni Nanay na pumunta dito. Hindi ba niyang naisip kung ano ang gusto ko? Passport. Damit. Teddy bear. Nasaan na yung picture ko? “Nana—” Hindi pala puwedeng malaman ni Nanay. Hindi ko naman talagang binalak na sagutin si Nanay nang ganon. Alam ko naman na hirap na hirap rin si Nanay pero paano ba naman kasi? Ang sabi ni Nanay noon, sandali lang kami dito. Tumutulo na sipon ko

243 sa kakaiyak. Nasaan na ba yung picture ko? Mahanap ko lang yun at aalis na talaga ako. Nang mahanap ang litrato, inakap ko at tinapat sa puso. Napaupo ako sa kama sa pagod at sa kakaiyak ko. Pinikit ko nang sandali ang mata ko nang marinig kong binuksan ni Nanay ang pinto. Meron siguro siyang susi. Naramdaman kong tumabi siya sa akin at huminga nang malalim. “Tumakbo ako. Tumakbo ako at kaya tayo nandito.” Umiiyak ba si Nanay? “Alam mo, when your Tatay died, I felt so lost.” matagal bago sumagot ulit si Nanay pero nakita kong kinakalikot niya yung kwintas niyang ibinigay ni Tatay. Walang araw na hindi niya iyon suot. “Para akong lumulutang noon nung bagong libing pa siya.” Unti-unting lumakas ang boses ni Nanay at nasulyapan ko na tumutulo na nga ang luha niya. Nilapit niya sa mga labi niya ang kwintas at hinagkan habang nakapikit ang kanyang mga mata. “I miss him.” Naramdaman kong tumayo si Nanay at kinausap niya ako harap-harapan. “Kaya nung binigyan si Nanay ng office niya sa Pilipinas ng temporary position dito, kinuha ko agad. Ngayon lang ako sinabihan na full time na ako. Akala ko ito na ang bagong simula natin kaya kita sinama, Susay. Nawala na nga sa akin si Tatay hindi ko kayang mawala ka rin.” Hinawakan ni Nanay ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa litrato. “I’m sorry, Susay. You don’t deserve me lying to you,” ang huling sinabi ni Nanay at hinagkan niya ako sa noo. Hindi ko pa rin kayang harapin si Nanay kaya pilit ko pa ring sinarado mga mata ko. Tatay? Sana naririnig mo ako ngayon. Tay, gabi-gabi umiiyak si Nanay noon. Kahit ngayon minsan nahuhuli ko pa siyang umiiyak sa tabi ko

244 pag natutulog. Tatay, mali ba na masaya naman kami dito ni Nanay kahit na wala ka? Ngayon ko lang nakitang ngumiti ulit si Nanay nung sinabi niyang may trabaho na siya. Ikaw lang talaga, Tay, nagpapasaya sa amin noon pero kaya na namin ni Nanay ngayon, Tay. Kakayanin na namin ngayon. Umupo ako nang maayos at niyakap ko si Nanay na halos mawalan na siya ng hininga. “I don’t hate you, Nanay. I’m sorry. Natakot lang ako na nakakalimutan ko na ang buhay natin sa Pilipinas. I don’t want to forget Lola. Ayokong makalimutan si Tatay.” tumulo na naman luha ko. Hindi sumagot si Nanay. Tiningnan niya lang ako nang malalim na parang hinahanap niya ang isasagot niya sa mga mata ko. Hinagkan na naman niya ako sa noo at sinandal niya ang noo niya sa akin. “Susay, hinding hindi mo sila makakalimutan. Maniwala ka sa akin. Marikina will always be our home, but this can be our home too.” Niyakap ako ni Nanay. “I love you, Nay,” mahina kong sinagot. Tama siguro si Nanay. Ito rin ang tahanan ko.

245 Jeanelle Saavedra

Hiling sa Kaarawan

oy, gising na!” Nagising sa gulat si Marco, at naramdaman agad ang sakit sa may tiyan. Bukod sa sakit, tila nanghihina rin at masama ang Hpakiramdam niya. Nagtaka siya at napaisip kung ano bang nangyari kahapon at biglang ganito ang pakiramdam niya. Nang magising ang kanyang diwa, may naramdaman siyang kakaiba sa salawal: parang may mabigat na nakadikit at medyo basa pa. Umupo siya nang dahan-dahan dahil sa sakit ng kanyang katawan, at naramdamang may bumugsong likido mula sa kanyang ari. Napatayo agad si Marco at napatingin sa kanyang paligid; laking gulat niya nang makitang iba na ang itsura ng kanyang kwarto. Pagkabaling ng tingin sa kama ay lalong nagulat si Marco dahil sa nakita niyang dugo, at naramdamang tila mas mabigat ang kanyang dibdib ngayon. Agad siyang naghanap ng salamin, at muntik nang mapasigaw nang nakita ang kanyang sarili. Ang tanging naging laman ng kanyang isipan ay: “Ha?! Ba’t ako si Dani?!”

246 Dali-daling naligo si Marco upang hindi mahuli sa klase kahit na napakasakit pa rin ng kanyang katawan, at mas natagalan pa siya sa paglalagay ng napkin dahil sinubukan pa niyang alalahanin kung paano ito ilagay nang tama ayon sa MAPEH teacher nila noong Grade 8. “Bilisan mo, Dani, male-late ka na!” sigaw ng isang lalaking boses mula sa labas ng banyo. Lalong nataranta si Marco, ngunit hindi na lamang siya sumagot dahil sa walang kasiguraduhan kung pati ang boses ni Dani ay nakuha niya. Inabot ng limampung minuto si Marco sa paglalagay ng napkin at pakikiramdam kung tama ba ang pagkakalagay niya. “Ang hirap naman magsuot ng napkin,” isip ni Marco habang nagmamadaling lumabas ng banyo nang nakatuwalya lamang, at bumalik sa kwarto upang magbihis. Pagbukas niya sa cabinet ni Dani ay muli siyang nataranta sa dami ng bra na nakita niya, may iba’t ibang kulay at tela, at naalala niyang hindi pa siya nakakakita ng babaeng magtanggal at magsuot nito kaya mangangapa siya muli. Kumuha na lamang siya ng puting bra, at umabot ng limang minuto bago niya ito masuot nang maayos. Pagkatayo niya sa harap ng salamin upang tignan kung maayos ba ang itsura, napansin ni Marco ang kanyang pagkaputla at pagkalalim ng mata, ngunit wala na siyang oras upang isipin ito at nagmadali na siyang umalis. “Oh, ingat sa byahe,” ang huling narinig ni Marco bago siya lumabas sa bahay. Tinignan niya ang kanyang orasang kinuha lamang sa lamesa at nagpasyang bilisan ang paglalakad upang hindi maging huli sa pagpasok kahit na napakasakit pa rin ng kanyang katawan. Pagkasakay niya ng dyip ay naramdaman agad niya ang malagkit na titig sa kanya ng matandang lalaking kaharap. Bagaman nandiri ay sinubukan niyang tingnan pabalik ang lalaki upang ipakitang hindi siya takot, ngunit

247 hindi pa rin siya tinigilang tignan mula ulo hanggang paa. Sa huli, nagpasya na lamang siyang iharang nang maigi ang dalang gamit upang tumigil ang lalaki sa pagsilip sa kanyang palda. Huminto pa ang dyip nang ilang beses upang magpasakay ng pasahero, at lalong nandiri si Marco nang ang lalaking tumabi sa kanya ay pilit na sumisiksik sa tabi niya kahit maluwag pa ang dyip. Pinilit ni Marco na harangan na lamang ang lalaki gamit ang kanyang braso, at binalikan sa isipan ang mga pangyayari noong nakaraang araw upang maintindihan lalo kung bakit siya nagising sa katawan ni Dani.

“Uy, pre. Tignan mo, may cake sila oh. Sino kaya may birthday?” tanong ng isang kaibigan ni Marco sa kanya habang sinisiko. Lumingon si Marco, at tinignan ang grupo ng mga babaeng nakaupo at nagtatawanan. “Ah, si Dani ‘yan.” Naalala ni Marco kung gaano kairitable si Dani noong araw na iyon, at tila hindi mapakali sa kanyang upuan. Noong kinantahan siya ng buong klase at binati para sa kanyang kaarawan ay kitang-kita na walang bakas ng kasiyahan sa kanyang mukha. Dahil natutuwa siyang makita si Dani na nahihirapan, nagpasya si Marco na asarin ito nang kaunti. Paglapit niya sa lamesa nila ay agad siyang nakatanggap ng masasamang tingin mula sa magkakaibigan. “Uyyy, birthday pala ni Dani ah. Anong handa niyo?” Inirapan lamang siya ng magkakaibigan at nagsitayuan upang umalis, ngunit hindi pa rin siya tumigil lalo na’t nakitang may pulang mantsa sa uniporme ni Dani. “Birthday mo nga talaga, kaya pala may pula sa palda mo.” Naglakihan ang kanilang mga mata at agad na nagkumpulan sa likod ni Dani. Kitang-kita ni Marco ang paglaki ng mata ni Dani at ang lalong pagputla,

248 at hindi na napigilan ang kanyang tawa. Habang humahalakhak si Marco, abala ang magkakaibigan sa pagsiguro na natatakpan ang tagos ni Dani, at mabilis silang naglakad patungo sa palikuran.

Bumalik ang atensyon ni Marco sa kanyang paglalakbay nang napagtantong malapit na ang paaralan. Pagbaba niya ng dyip ay tinamaan siya muli ng sakit sa tiyan na para bang mas masakit pa sa suntok, ngunit dahil malapit nang magsimula ang klase at upang makita kung si Dani ba ang nasa katawan niya ay pinili niyang bilisan lalo ang lakad. Biglang nakaramdam ng takot si Marco nang makarating sa parte na kaunti ang tao dahil naramdaman niyang tila may sumusunod sa kanya, at dahan-dahan siyang lumingon upang tignan kung totoo ba ang hinala. Nang makita niyang may lalaking umaaligid sa kanya ay tuluyan siyang kinabahan at binilisan ang lakad hanggang makarating muli sa mataong lugar. Nang makita na ang silid-aralan ay binagalan na ni Marco ang lakad at sinubukang ayusin ang napkin nang hindi halata dahil nagiging sagabal ito. Pagkaalis pa lamang ng bahay ay sinabi na niya sa sarili na ang unang niyang gagawin pagdating sa paaralan ay hanapin ang kanyang katawan, at tanungin si Dani kung ano ang nangyari. “Nandito na ba si Da-... ah si Marco?” tanong ni Marco sa mga mag- aaral sa labas ng silid-aralan niya. Tinuro nila ang kanyang katawan na nakaupo rin sa kanyang upuan, at agad niyang nilapitan ang tao. “Dani…?” bulong niya sa taong nasa katawan niya, at tango lamang ang nakuha niya pabalik. “Usap tayo,” sabi ni Marco habang sinusbukang hilain si Dani. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Dani, ngumiti, at binalik ang atensyon sa kanyang sinusulat.

249 “Tara na.” Hinila niya nang mas malakas si Dani, ngunit hindi pa rin ito tumayo sa kinauupuan. Nang tatangkain pa lamang ni Marco na hilain muli si Dani ay biglang pumasok ang kanilang guro sa silid-aralan. Tinignan niya nang masama si Dani at pumunta sa kanyang upuan upang paghandaan ang araw na puno ng klase. Alas-diyes ng umaga pa lamang ay nakakaramdam na si Marco ng pagod at panghihina. Dalawang asignatura pa lamang ang lumilipas, ngunit tila isang buong araw na ng klase ang napagdaanan niya. Bukod dito, hindi rin siya mapakali sa kanyang kinauupuan dahil sa suot na pasador at pabalik-balik na sakit sa tiyan. Pagsapit ng recess ay agad siyang lumapit kay Dani. “Mag-usap na tayo.” Hinila ni Marco nang malakas muli si Dani, at muntik na siyang mahulog dahil hindi niya inakalang tatayo na rin si Dani. Tahimik siyang sinundan ni Dani palabas ng silid-aralan patungon sa isang lugar na hindi masyado nadadaanan ng mga mag-aaral. Kitang-kita ni Dani ang pagkaputla at pagkabalisa ni Marco, at hindi niya naiwasang ngumiti sa paghihirap ni Marco. Huminga nang malalim si Marco at bumulong, “Anong nangyari?” “Ha? Ewan,” sabi ni Dani nang walang pinapakitang emosyon. “Basta ako, ayos na ‘ko sa ganito.” Nagulat si Marco sa narinig niya; hindi siya makapaniwalang pinapawalang-bahala ni Dani ang nangyayari sa kanila. “Ha? Okay ka lang?” “Oo, kasasabi ko lang,” pabalang na sagot ni Dani habang iniirapan si Marco. Tinignan ni Marco ang paligid upang masigurong walang nakakakita o nakakarinig sa kanila, sabay lapit kay Dani at nanggigigil na sinabi, “Dani, ano ka ba! Hirap na hirap na ‘ko!”

250 “Oh, tapos? Anong gusto mong gawin ko?” sagot ni Dani muli nang wala pa ring pinapakitang emosyon. Bagaman ginawa ni Marco ang lahat ng kanyang makakaya upang maging kalmado muli, rinig na rinig pa rin ang desperado at naiinis na tono sa kanyang boses noong tinanong niya si Dani, “Bakit ba ganyan ka umasta? Bakit parang wala lang para sayo ‘yung nangyayari?” Nginitian lang siya ni Dani, at nagkibit ng balikat. Pakonti-konti nang nawawalan ng pag-asa si Marco, ngunit pinilit niya ang sariling mag-isip ng paraan at solusyon sa kasalukuyang problema bagaman napakasakit pa rin ng ulo niya. KRRRRING! KRRRRING! Tumunog ang batingaw na nagsisimbolong magpapatuloy na ang mga klase muli kaya binigyan niya ng isang huling masamang tingin si Dani, at naglakad patungo sa kanilang silid-aralan. Buong umaga ay hindi mapakali si Marco dahil sa malagkit na pakiramdam dulot ng kanyang pasador at init ng panahon kaya naman pagsapit naman ng lunch break ay tumakbo patungong palikuran si Marco upang magpalit ng pasador. Habang nagpapalit ay napansin ni Marco na mayroong pulang mantsa sa likod ng kanyang palda, at lalong sumama ang kanyang loob sa kasalukuyang sitwasyon. Bagaman tapos na sa pagpapalit ng pasador, nanatili sa loob ng palikuran si Dani at inisip kung anong maaaring gawin upang matanggal ang mantsa dahil paniguradong mapapahiya lamang siya kapag hindi niya ito ginawan ng paraan. Mga limang minuto ang lumipas bago siya katukin, “Tara na, Dani, wala na tayong maaabutang pagkain niyan.” Nakakapanibago, ngunit pinilit na ni Marco na masanay sa kanyang

251 bagong pangalan dahil napapansin na ng mga kaibigan ni Dani na mayroong mali sa kanilang kaibigan. Binuksan niya ang pinto at walang imik na tumalikod sa mga kaibigan upang ipakita ang mantsa. Nanlaki ang kanilang mga mata, ngunit agad siyang hinila patungo sa lababo. Hinalungkat nila ang aparador na naglalaman ng iba’t ibang gamit pang-banyo, at nagsimulang magkuskos sa palda ni Marco habang siya’y nakatalikod mula sa lababo. Sampung minuto rin ang ginugol nilang magkakaibigan sa pagkuskos sa palda ni Marco, ngunit hindi pa rin ito tuluyang mawala at bahagyang kita pa rin ang mantsa. Nagmadaling kumain si Marco at nagpalusot sa mga kaibigan na babalik na agad sa silid-aralan upang magpahinga, ngunit ang tunay na pakay niya ay hanapin si Dani at alamin kung ano ang kailangan nilang gawin upang bumalik sa kanya-kanyang katawan. Matapos ang ilang minutong paghahanap kay Dani sa paaralan, natagpuan niya si Dani na mag-isang nagbabasa ng libro sa silid-aralan. “Dani, paano tayo babalik sa dati?” tanong ni Marco nang may desperadong tono muli. Tinignan siya ni Dani, ngunit binaling muli ang atensyon sa librong binabasa. “Hindi ko nga alam. Bakit ba ako tinatanong mo? At kung ako lang rin masusunod, mas gusto kong hindi na bumalik sa dati.” Magkahalong gulat at inis ang naramdaman ni Marco nang marinig ito mula kay Dani. “Ano ba?! Eh paano naman ako?!” Muling nagkibit-balikat si Dani, habang si Marco naman ay pinipilit kumapit sa natitirang pag-asa na makababalik siya muli sa dati niyang katawan, sa dati niyang buhay. Nagsimula nang bumalik sa silid-aralan ang kanilang mga kaklase, at bumalik si Marco sa kanyang upuan, nag-iisip pa rin ng puwedeng

252 gawin upang makabalik na sa normal niyang buhay. Napatingin siya sa orasan, at nakita niyang malapit nang magsimula muli ang klase. KRRRRING! KRRRRING! “Hoy, gising na!” lamang ang kinakailangang marinig ni Marco upang magising. Hingal na hingal siyang napaupo at agad na tinignan ang kwarto upang malaman kung panaginip lang ba talaga ang lahat ng nangyari. Nang mahismasan at makita ang sarili sa salamin ay napahinga siya nang malalim. Bagaman nangibabaw ang ginhawa para sa kanya nang malamang panaginip lamang ang lahat, hindi maiwasang mapaisip si Marco tungkol sa mga pangyayari kahapon. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone, at pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip kung tama ba ang kanyang gagawin ay hinanap ang pangalan ni Dani. Laking gulat na lamang ni Marco nang makitang mayroon nang mensahe para sa kanya si Dani.

253 John Paul Simeon

Character Sketch

isyembre 1, 2019

DHellooo! Sa totoo lang, hindi ko alam kung anu-ano madalas isinusulat dito. Ito kasi, explain ko nalang. Yung bagong project bigay ni Ma’am Krista, kailangan naming obserbahan ang isa naming kaklase sa tagal ng dalawang buwan. Tinatawag niya ‘tong “character sketch” pero malay ko ba kung, una, ba’t dalawang buwan kasi sa totoo lang kaya ‘tong gawin sa isang linggo, pangalawa, anong klaseng project ang nangangailangang mag-stalk ng iba?! Gets ko naman yung nakikitang benefits ni ma’am sa project na ‘to. Journalism class kasi eh kaya siguro ginagawa niya ‘to para mas lalo pa gumaling yung observation and writing skills namin. Payo ni Ate Cecilia na gumawa ako ng isang diary para ‘di malimutan yung mga kailangang alalahanin, kaya ko sinusulat ‘tong lahat. Matagal na kasing freelance journalist si Ate. Nung maliit palang ako, pangarap ko nang

254 maging tulad niya dahil sa dami ng napuntahan niyang lugar at nakilalang tao. True, ‘di ko siya kasing-extroverted at sociable pero gusto kong maniwala na I’m on the way there. Ngayon, nasa Lebanon siya para daw magsulat tungkol sa political events na nangyayari doon. Hindi ko din alam kung ano yun pero may tiwala akong she’s doing her best. BALIK SA PROJECT! So ayun nga, ipinagpares kaming magkaklase at kailangan naming obserbahan ang isa’t isa sa dalawang buwan. Kung ano hobbies nila, ugali, mga maliliit na bagay tulad ng kung ano madalas nilang suot o kinakain, kahit ano na may masasabi kung sino ba talaga sila as a person, the small things! Lahat ‘to kailangan naming ilahad sa character sketch. Loko talaga ‘tong si Ma’am sa pagpapares sakin kay Aiden. Completely different people, isang sikat na captain ng football varsity team na kilala ng halos buong batch, at isang babaeng suplado at laging nag-iisa, ‘tas sila pa yung ipapares mo. Hindi ko nakikita kung pano ‘to magwoworkout pero tignan nalang natin. Palagi din namang pinapaalala sakin ni Ate Cecilia ang kasabihan na a true journalist must “never judge a book by its cover”.

Disyembre 6, 2019 ahil sa project halos one week ko nang araw-araw kasama si Aiden. Unti-unti ko na din siyang nakikilala! Tama nga talaga si Ate Cecilia sa Dcliche na yun kasi hindi ko talagang inexpect na magkakasundo kami this easily and quickly. From this one week alone masasabi kong masayahin talaga siyang tao, napaka-hyper, laging nakangiti. Kahit kung sa totoo lang, napaka-boring ko, palagi niya kayang magsimula ng usapan tungkol sa kahit ano. Alam ko naman na very outgoing siya na tao pero madalas kasi yung mga ganung sikat, mapili sa kausap para ma-maintain reputation nila. Pero iba ‘tong si Aiden.

255 Agad-agad niya akong linapitan nung malaman niyang magkapares kami na aakalain mong dati pa kaming magkakilala. Hindi ko yun sinasabi in a bad way ah, nabigla lang talaga ako pero napasaya loob ko doon. May pa-nickname pa nga siya sakin eh, “Mira”. Madalas kasing Mirasol lang tawag sakin, wala nang pala-palayaw. So ayun, nakilala ko siya ng unti nitong linggo. Gumala lang sa labas, nag-aral sa Starbucks, wala naman masyadong exciting. Nice to know lang na hindi siya tulad nung akala ko nung una. P.S. “JOWAIN MO NA!” sabi pa sakin ni Ate nung kinuwento ko ‘to sa kaniya. Kakaasar as usual pero aminin kong kinilig ako slight. ‘Di naman as if ‘di siya pogi pero, realistically, one week ko palang siyang kilala at napakaiba naming tao so may pag-asa ba ako in the first place? Anyways, acads before lakads!

Disyembre 13, 2019 rom this week, mukhang agad-agad naman kami ni Aiden naging komportable sa isa’t isa. Nagrarant na nga siya sakin eh, pa-senti pa mga Fusapan namin minsan. Nahiya ako kasi nung palakad kaming papuntang McDo tapat ng paaralan, pansin ko ang dami niya palang bugbog at sugat sa katawan. Eh madalas kas siyang naka-hoodie at pants, yun yung go-to niyang porma pero at that time naka t-shirt at shorts lang siya kaya doon ko lang napansin. Nahiya talaga ako kasi ayoko sanang magparating as F.C. sa kaniya pero tinanong ko siya kung saan galing yung mga sugat niya. Sa football daw! ‘Di ko alam na napaka-physical pala ng football kasi yun nga, FOOT, paa lang ginagamit pero mali pala ako. Sorry na! Pasensya at ‘di ako yung sporty na type. Well, captain naman siya kaya siguro todong bigay puso talaga siya tuwing laro.

256 Nalaman ko din kung ba’t talaga niya gusto maging journalist. At first glance kasi ‘di mo talagang aakalain yung best player at captain ng varsity football team gusto mag-journalism. Stereotype man ‘yan, totoo naman. Pangarap niya daw ‘to para sa nanay niyang dating journalist na pumanaw nung 2013 dahil sa cancer. Nung maliit palang daw siya, palaging nagkukuwento yung nanay niya tungkol sa iba’t iba niyang karanasan sa mga lugar na napupuntahan niya. Ito daw kasi yung pinaka-fond memories niya kasama ang kaniyang ina kaya nung pumanaw ito, pinangarap niyang lumaki tulad niya para ituloy ang kaniyang, kumbaga, legacy. Ang sweet talaga nitong batang ‘to! Naalala ko din tuloy nung umuuwi si Ate Cecilia sa bahay na may dalang at kuwento mula sa pinanggalingan niya. Nice to know naman na kahit kung magkaibang personality kami ni Aiden, parehas lang ang dahilan kung ba’t andito kami as AB Communication freshies, na similar yung drive namin patungong pangarap.

Disyembre 20, 2019 anood kami ng pelikula kanina and guess what, kinikilig ako just thinking about it! STORYTIME! Inaya ako ni Aiden na manood nung bagong NStar Wars movie sa sinehan pagkatapos ng klase. Christmas gift niya daw is libre niya yung tickets. ‘Di naman ako Star Wars fan, sa totoo lang isa lang napanood kong movie mula sa buong franchise. Rogue One ata pangalan? Basta alala ko lang namatay silang lahat sa dulo. BABY YODA DIN! ‘Di ko sure kung anong movie siya basta ayun kilala ko din ‘yun, yung cute na maliit na alien. Pero pano naman ako tatanggi sa libre? Christmas pa din naman kaya no harm. So ayun, natapos klase ‘tas agad kaming pumunta sa sinehan para sa movie. Very big Star Wars fan pala ‘tong si Aiden ah, ang cute. Sa dami niyang comments habang nanunuod, wala akong isang naintindihan, puro “mmm oo nga” nalang

257 ako. BUT WAIT! LINANDI NIYA AKO well ‘di naman sa linandi pero HE MADE A MOVE ON ME! Wala kasi akong dalang jacket noon eh pero ito namang si Aiden laging naka-Champion hoodie kahit sa ilalim ng init ng . So nagparinig ako na linalamig ako ‘tas biglang may naramdan akong mainit na nakabalot sa kamay ko ‘tas pagtinging ko KAMAY NI AIDEN. BIGLA NIYANG HINAWAKAN KAMAY KO! AHHH! Smooth. Malamang ‘di ako umayaw pero ‘di ko din namang hinalata na gusto ko. Saktong pabebe lang naman. ‘Di ko din alam kung anong napunta sa isip niya nung sinabi kong linalamig ako ‘tas hinawakan niya lang kamay ako. Uhh, okay cute pero linalamig pa ako? Joke lang cute talaga. Ang awkward kasi pagkatapos nung movie gumala-gala kami sa mall at sa sobrang hiya, wala akong masabi sa kaniya. Sanay naman siguro kasi siyang gawin yun noh. Kumbaga nothing new. Pero wow, kinilig talaga ako dun. Baka may bago akong crush dito ah. ‘Di joke lang. Ata. ANYWAY, simula na ng Christmas break namin bukas. Sabi daw ni Mama at Papa na punta kami sa bahay namin sa Batangas over the break. Exciting!

Enero 10, 2020 ack to school week! Nasulit ko naman ng todo yung break. As always, masaya naman yung Batangas pero ASIDE FROM THAT, buong break Bhalos araw-araw kaming magkausap ni Aiden!! Literal everyday may papag- usapan kami na dumating sa punto na halos wala akong tulog kasi buong gabi ko siyang kausap. Sinulatan pa nga niya ako ng mensahe nung Pasko and New Year eh. Kahit daw na isang taon lang kaming magkakilala, such a blessing daw ako sa kaniya. Sino naman ‘di makikilig dun? Kung nandoon ka lang nung

258 binabasa ko yun maririnig mo yung napakalakas kong sigaw sa kilig. Hiningi pa nga ni Papa cellphone ko para makita kung sino kausap ko ‘tas tawang-tawa lang si Mama sa likod. Puro kuwentuhan lang naman kami ni Aiden sa text. Buong break napaisip talaga ako kung gusto ko ba talaga siya o kinikilig lang sa ideya na yun. Gusto ko talaga siyang tanungin about sa nangyari sa sinehan pero hiyang- hiya talaga ako. I mean, over the break pinag-isipan ko din kasi. Una, sinabi ko nga na nalalamigan ako so baka ginawa niya lang yun in response. Sobrang invested din niya kasi noon sa movie eh kaya alanganin ako na may meaning yung ginawa niya. Nakakapagod pag-isipan! So ano yun paasa? O mali lang talaga iniisip ko? ‘Di siguro paasa noh, ‘di naman siya ganung tao. ANYWAY tama na overthinking wala ‘tong masasagot. Inaya niya akong manood ng football game niya next week! Friday morning daw ng susunod na linggo may game sila sa Rizal. Season-opener daw? Ewan, basta game. Malamang ‘di ako tatanggi, at least sa wakas makikita ko na talaga kung gaanong kagaling nga talaga ang celebrated team captain ng varsity football team! Wala din naman akong plano then kaya wala talaga akong dahilang humindi. Looking forward to it!

Enero 17, 2020 ame ni Aiden kanina ang galing niya talaga! Nakadalawang goal siya at nanalo sila! Nothing unexpected naman mula sa tinuturing Gna pinakamagaling sa team nila. Striker daw posisyon niya so from what I understood sa panonood ng laro, siya yung nasa pinakaharap ‘tas siya bahala sa attack ng team para maka-score sila ng goal. Yun palang alam ko sa football pero even then, anyone na manonood sa kaniya, makikita talaga na magaling

259 siya. As in! Kaso nga lang, isang half lang nalaro niya kasi ‘di na daw pumayag yung coach na palaruin siya nung pangalawang half. Tinanong ko kasi si Aiden pagkatapos kung ba’t ‘di na siya bumalik sa field at sabi niyang injured na daw kasi siya bago pa maglaro, pinilit niya nalang na huwag sabihin sa coach niya. May bugbog na daw kasi siya simula palang ‘tas mas lalo pa siyang lumala dahil naglaro siya at tuluyang napansin na ng coach niya. So ayun, na-bench tuloy. NONETHELESS ANG GALING NIYA! Pinagyabang pa niya sakin yung dalawa niyang goals sa isang half kasi, apparently, ‘di daw yun madalas nangyayari kaya binati ko nalang. Pagkatapos noon kumain lang kami sa labas at gumala hanggang gabi. As thank you pa nga daw sa pagnood ng game niya, linibre niya yung tanghalian namin, very sweet! Kaso nga lang napilitan akong bumili ng hapunan naming dalawa kasi ‘di niya napansin na naubos na pala pera niya sa libre nung lunch. Hiyang-hiya siya noon pero ‘di ko talaga mapigil tawa ko kasi planadong planado na niya ‘tas yun nangyari! Pero seryoso, VERY sweet intention. Whole time pilit na pilit akong pigilin sarili ko na ‘wag siyang tanungin tungkol sa isang araw na yun. Hindi kasi ako maka-get over noon kasi surely naman diba may dahilan yun or something. Sorry na sa overthinking pero ano naman magagawa ko? First time ever kong may nangyari sakin na ganun. Normal ba na magka-holding hands mga magkakaibigan? Holding hands platonically ganun? Ewan ko na. Alsooo punta akong bahay ni Aiden sa Friday next week! Inaya niya ako mag-aral para sa Math test sa Enero 27. Parehas naman kaming mataas ang grado doon pero always helps naman ang extrang aral. Payag naman sina Mama kaya mukhang matutuloy talaga. Exciting!

260 Enero 24, 2020 TRANGE DAY! Ok ito, sabay kaming pumunta sa bahay ni Aiden pagka- dismissal. Ayun pala, ang lapit lang pala nung bahay niya sa campus kaya Snaglakad lang kami mga 15 minutes ‘tas andun na kami. Hindi nakakagulat, napakalaki nung bahay niya, as in mansion. Tipong ‘di mo inakalang may ganun palang bahay sa Pilipinas, ganun kabongga siyang tignan. Kaso nga lang para sa labas lang yun kasi pagpasok naman, halos ibang bahay na. First step palang papasok nang bahay, may napakalakas na amoy ng alak na aakalain mong nasa bar ka. Mukhang aware naman si Aiden dun, agad-agad kasi siyang nag-sorry para sa amoy. Pansin ko din na halos walang laman yung bahay, tipong isa sa mga kuwarto na kalaki ng classroom, isang sofa at TV lang laman. I mean, siguro minimalist design? Ganun kasi yung trip ng mga mayayaman diba. Pero ‘di eh, hindi talaga siya mukhang minimalistic, wala lang talagang laman, kulang sa furniture o ewan. Anyway, naka-aral kami ng mga 30 minutes siguro until kinailangan niyang bumaba kasi may nag-doorbell. Me being my curious self, I looked around his room. Naisip ko na good friends naman kami kaya okay lang naman siguro. Closer look, napansin kong medyo maluma-luma na yung kuwarto niya. Sira cabinet, punit-punit na kama at mga upuan, may basag yung salamin, gasgas sahig, kahit yung puting pintura ng kuwarto mismo halatang luma na, may mamula-mulang stains pa nga eh. ‘Di ko siya jinujudge dito ah, kung makikita mo lang talaga yung bahay, strange. May nahanap din akong nakatagong litrato ng pamilya ni Aiden sa loob ng drawer. Kumpleto buong pamilya, nanay, tatay, si Aiden. Napakalaki ng ngiti nilang lahat, ang cute. Kaso nga lang, not only nakatago yung picture, basag pa yung frame! Dibaaa ang weird. Anyway, ayokong makialam sa personal niyang business, tamang respeto lang sa boundaries. Literal as soon as binalik ko yung litrato, may narinig akong

261 sigaw ng isang lalaki sa labas ng kuwarto. Wala akong naintindihan mula sa boses nitong tamlay pero galit, narinig ko lang yung paulit-ulit niyang tawag kay Aiden. Malamang nagulat ako pero ‘di ko nalang pinansin kasi, again, respect boundaries. Pero pagbalik ni Aiden sa kuwarto, yung expression sa mukha niya, ‘di ko talaga ever malilimutan. First time ko siyang makita nang ganun ka takot, o lungkot, ‘di ko talaga masabi. As in namumula talaga mata niya ‘tas nanginginig bibig at kamay niya. Bigla nalang niya sinabi na kailangan ko nang umalis. ‘Di ko na tinanong kung ba’t kasi nakakahiya naman kaya kumilos nalang ako. Palabas nang bahay nakita ko yung lalaking sumisigaw kanina. Naka-suit and tie siyang gusot na gusot at may hawak na kalahating ubos na bote ng Jack Daniels. Mula sa naalala ko sa litrato, tatay niya ata yun pero ‘di ko din masabi eh. Paglabas na naming nang bahay, agad-agad nagsorry si Aiden at sabi niyang babawi nalang siya next time. ‘Di na nga ako nakasalita sa bilis niyang sara ng pintuan kaya ayun, umuwi nalang ako. ANG GULOOO talaga, as in! What happened? Tinext ko na siya pero wala pang reply, first time ‘di siya agad-agad sumagot. ‘Di ko na alam. Inaantok na ako, tulugan ko nalang.

Enero 31, 2020 a wakas, pinasa ko na character sketch ko kanina! Looking back sa huling dalawang buwan, napakasaya talaga salamat kay Aiden. Sayang nga lang na Snasa ospital siya ngayon, nakapag-post-project celebration sana kami. Oo nga ‘di ko pa nasabi dito. Paisang linggo na si Aiden sa ospital dahil nasaktan daw siya sa isa nilang game. Ewan ko ba kung ano specifically yung injury, ayaw niya kasing sabihin sa’kin. Puro “secret” lang siya kapag tinetext ko kung ano ba nangyari, napakapabebe! Anyway, CONGRATS SA AMIN!

262 Pebrero 2, 2020 ami ko paring tanong about sa nangyari sa bahay niya. Ba’t bigla niya nalang akong pinaalis na wala man lang dahilan? Ba’t basag family picture Dnila? May nangyari ba? ‘Yung lalaking nakita ko palabas, tatay niya ba yun? Ba’t ang iba nung itsura niya kumpara dun sa picture? ‘Di ko din mawala sa isip yung nangyari sa sinehan nung Disyembre like, ano yun? May meaning ba sa ginawa niya? Misunderstanding lang ba? Ang laboooo! ‘Di ko din naman siya matanong ngayon kasi baka busy sila dun sa ospital. Kailangan ko na talagang sagutin ‘tong mga tanong ko bago sumabog utak ko sa kakaisip.

Pebrero 9, 2020 o ayun, isang linggo ko nang pinag-iisipan at may sagot na ako, or temporarily at least. S Yung sa nangyari sa bahay niya ‘di ko talaga masabi. Feeling ko lang talaga may nangyari pero ayoko kasi manghula kaya kakalimutan ko nalang din. Wala naman akong business dun kaya kung mangingialam pa ako, baka may mapasukan akong problema na ‘di ko dapat pinapag-usapan in the first place. Respeto nalang sa personal niyang buhay. Tungkol naman sa kung gusto ko ba siya or what, malalim ko na ‘tong pinag-isipan ah as in tipong andaming gabi na ‘di ako makatulog kasi nakikipagdebate ako sa sarili ko kung ano ba talaga sagot sa tanong. Answer is YES. Yes! Baka tinatanong mo “Huh? Diba dalawang taon lang kayong nagkakilala? Mahal na agad? ‘Di ba hindi mo nga siya nagustuhan nung una? Hinawakan niya lang kamay mo ‘tas ganiyan ka na agad?” Okay tama na. Sige, wala akong masyadong basehan aminin ko na pero tulad nang naituro sakin ni Ate Cecilia, “Ang opinyon ng isang journalist ay dapat siyang bumuo at siya

263 lamang dahil walang ibang may nakaranas ng napagdaanan niya kung hindi siya.” BASICALLY, ‘di ko dapat ido-doubt yung mga feelings ko dahil ako lang ang tunay na nakakaalam sa kung ano talaga nararamdaman ko. CHEESY oo, pero what can I do? Malamang ‘di pa ako kikilos sa feelings ko, ‘di pa nga siya nakalabas ng ospital so ano, aamin ako sa text? Passsss. Mukhang marami pa din kasi akong kailangang malaman. Marami pang mga bagay na hindi niya alam tungkol sakin, at mas lalo pa mga bagay na ‘di ko alam tungkol sa kaniya. Anyway, last entry ko na pala ‘to for a while. Sa totoo lang nakakatamad na kasing magsulat. KUNG MAY MANGYARI MAN, siyempre update kita. Mukhang ‘di ko pa pala ‘tas ‘tong project na ‘to ah! Be right back nalang, may kailangan pa akong tapusing character sketch.

264 Coby Bautista

Lesson Plan

“Haha! Mag-isa ka lang!” “Gagawin mo ba ang homework ko?!? O gusto mo ng sapak?!?” “Anak, kailan ka ba iiwas sa gulo?” lang halimbawa lang ito ng mga salitang naririnig ni Tristan buong buhay niya. Noong bata pa lang, sa tingin niya ay pinarurusahan na siya ng lahat at Ihindi pinakikinggan. Pinagtatawanan. Sinasaktan. Ginagamit. Noong bata pa lamang ay pinagtitripan na siya ng mga kaklase niya. Palagi raw siyang nasa sulok ng silid-aralan, iniintindi ang sarili, at dahil dito ay madali siyang samantalahin sapagkat mag-isa lang siya. May isang beses na pinasuan siya sa kamay ng mga kaklase niya gamit ng sigarilyo. Noong nalaman ng mga magulang niya, kahit anumang pagpapaliwanag niya, hindi sila naniniwala sa kanya. Dito nagsimula ang kanyang pesimistang paningin sa mundo.

265 Isang panibagong araw para kay Tristan sa kanyang huling taon sa high school. Siya ay may maitim na buhok, asul na mga mata, at maputlang balat. Kita sa kanyang kamay ang marka kung saan pinasuan siya ng mga kaklase niya noong bata pa siya na nagsisimbolo ng nakaraan. Paulit-ulit ang gawain niya. Gising ng maaga, kain ng almusal, at pagkatapos ay harapin ang kaawa-awang realidad niya. Sanay na raw siya sa ganitong pamumuhay kasi sa tingin niya ay hindi titigil ang pagpaparusa sa kanya kahit wala siyang ginawa. Sa isang iglap, nasa harap niya ang kanyang homeroom teacher na si Sir Carl. “Ano na naman ito Tristan?!? Nakailang complaint ka na galing sa mga subject teachers mo! Palaging huli sa takdang-aralin? Class-Cutting? Ano ang masasabi mo rito?” Sabi niya kay Tristan. Limang taon nang nagtuturo si Sir Carl dito sa paaralan nila. Siya ay may itim na mata at kayumangging buhok at balat. Gusto siya ng mga kanyang estudyante dahil sa kanyang karismatikong paraan ng pagtuturo. Makikita mo nang litaw na mahal siya ng kanyang mga estudyante. “Sir, noon pa ako nagclass-cut. At nakakapasa naman ako ng Takdang- aralin kahit huli na.” “Hindi yan ang punto rito, Tristan. Marami pa ang sinasabi ng mga guro tungkol sa iyo. Kahit yung mga kaklase mo ay nagsusumbong na sa akin tungkol sa iyong ugali. Ay nako, when will you ever do something good for a change?” Totoo na hindi malapit si Tristan at ang mga kaklase niya. Dahil sa mga masamang tsismis na ginawa ng mga nang-aabuso sa kanya dati, umabot ito sa kasalukuyan niyang mga kasama sa paaralan. “Sir sa totoo lang, nakakatamad naman kasi na mag-aral. I mean, ano ang use ng pag-aaral at pakikisama kung wala ito naibigay at maibibigay sa akin?”

266 “Nako! Kailan ka ba gigising? Sa edad mong yan, dapat sineseryoso mo na ang buhay mo. Sa susunod na taon ay nasa kolehiyo ka na at walang Sir Carl na mag-aasikaso sa’yo.” Nag-isip siya nang malalim ng ilang segundo. “Tristan, alam mo na sa susunod na linggo ay Student-Teachers Day diba?” Ang Student-Teachers Day ay ang araw kung saan ang Presidente at Bise- Presidente ng bawat klase ng high school ay magtuturo sa elementary school kapalit ang mga guro sa loob ng isang araw. “Yes sir.” “Sa kasamaang palad, ang Bise-Presidente natin ay nagkasakit at dahil dito hindi siya makakatulong sa paggawa ng mga lesson plan.” Tumigil ng sandali at kasama ng isang malaking ngiti, itinanyag ni Sir Carl sa kanya: “Para makabawi ka, IKAW NA ANG PAPALIT SA KANYA!” Hindi makapaniwala si Tristan.

Sa sumunod na umaga, kinailangan pumunta sa opisina ni Sir Carl si Tristan para ihanda siya sa kanyang pagsubok. Organisado talaga ang lugar ng guro. May lalagyan siya para sa lahat ng mga papel ng kanyang mga estudyante. Malaki ang espasyo ng kanyang mesa na pwede niyang gamitin parang hapag kainan. Nakadikit malapit sa kanyang lugar ang mga litrato ng mga naging homeroom class niya noon. Dumating si Tristan sa harap ni Sir Carl na walang kibo. “Morning sir. Pwede na bang magsimula? I just want to get this over wi--”

267 “Teka lang, Tristan. Hintayin muna natin si Olivia para maihanda ko kayong dalawa sa inyong gagawin. Sana ay maintindihan mo na para ito sa ikabubuti mo.” Si Olivia ay ang presidente ng kanilang klase. Siya ay may itim na buhok at kayumangging mata at balat. Siya ay sikat sa klase dahil sa kanyang kagandahan, kasipagan, at mabait na ugali. Lahat ng nakilala nito ay naging kaibigan rin nito. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na si Olivia at nakita nito ang dalawa na naghihintay. “Magandang umaga po Sir! Sir bakit po nandito si Tristan? Diba para lang po ito sa mga pinuno ng ating klase?” sabi ni Olivia kay Sir Carl. Hindi nagulat si Tristan sa pagtataka ni Olivia noong nakita niya siya na katabi ni Sir Carl. Sanay na raw siya na ang mga tao sa paligid niya ay ayaw sa kanya. Ni isang beses, hindi nag-usap si Tristan at Olivia sa mga panahon na naging magkaklase sila. Kahit magkaklase sila, hindi nila kilala ang isa’t isa sa labas ng kanilang silid-aralan. “Olivia, alam mo na kulang tayo ng isang tao para sa paggawa ng lesson plan. Si Tristan na ang tutulong sa inyo at alam ko sa sarili ko na magagawa niyo ito ng maayos.” Sa paglilinaw ni Sir Carl, tinanggap naman ni Olivia si Tristan bilang kasama sa proyekto na ito. Sa totoo lang, si Olivia ay hindi isang tao na manghuhusga sa iba. Kaya nga gustong gusto siya ng lahat kasi kahit sino pa ito, magiging mabait siya rito. Para makapagsimula sa kanilang gagawin, binigay ni Sir Carl ang mga materyales na gagamitin nilang dalawa.

Binigyan sila ni Sir Carl ng isang kwarto malapit sa faculty room para makapagsimula sa paggawa ng mga lesson plan pagkatapos ng kanilang klase.

268 Maaliwalas ang kapaligiran ng kanilang espasyo. May isang malaking pisara, isang bilog na mesa, at dalawang upuan na inihanda para sa kanilang dalawa. Walang gana si Tristan sa pakikisama sa proyektong ito. Ayaw kasi niyang maging malapit sa ibang tao at dagdag lang daw ito sa mga problema niya ngayon. Nang pumasok na si Tristan at Olivia, inilatag ng dalaga ang mga materyales na kanilang gagamitin at inilabas niya ang kanyang laptop mula sa kanyang pulang bag para makapagsimula na sila. “Ano ang gusto mong gawin para sa Student-Teachers Day?” tanong ni Olivia. “Madali lang yan! Math, Reading, Langua--” Medyo hindi nagustuhan ni Olivia ang tono ni Tristan. Kahit alam na hindi niya sineseryoso ang proyektong ito, gusto pa rin ni Olivia na magawa ito nang maayos. “Yan na yung subjects nila, pero kailangan ko ng mga paksa at aktibidad na magpapasaya sa mga bata. Hindi naman tayo kinakailangan maging pormal sa kanila.” Habang si Olivia ay nagiisip, si Tristan ay nagbabasa ng nobela sa kabilang dulo ng mesa. “Alam ko na Tristan, ikaw na ang magtuturo ng Math at ako nalang bahala sa Reading at Language, ok ka lang ba doon? “Fine, ako na ang magtuturo ng Math.” Napagdesisyunan ng dalawa kung anong subject ang ituturo nila. Binigay ni Olivia ang isang kopya ng lesson plan kay Tristan para doon siya makapagsimula sa pagpaplano. Kinakailangan na may isang paksa na ituturo at

269 may kasamang aktibidad na magpapasaya sa mga bata. Noong inabot ang lesson plan kay Tristan, may napansin si Olivia. “Tristan, ano yang marka na nasa kamay mo?” tanong niya “Don’t worry, napaso lang ako noong bata ako. No biggie.” Hindi sinabi ni Tristan ang buong istorya tungkol sa kanyang kamay. Sinimulan na ni Olivia ang kanyang lesson plan, naghahanap siya ng mga kuwento na pwede niyang basahin at mga online grammar worksheets na sasagutin ng mga bata. Iniisip niyang magbigay ng premyo kung sino ang makakakuha ng pinakamataas na puntos para maganahan ang mga bata na matuto. Habang si Tristan naman, kunwaring nag-iisip ng malalim kung anong ituturo sa mga bata, ay okupado pa rin sa pagbabasa ng nobela. Lumubog na ang araw at kailangan na nilang umuwi. Nagbigay nalang ng paalala si Olivia kay Tristan bago sila umalis. “Sana matapos mo na ang lesson plan ha. Kailangan na ni Sir Carl yan bukas.” “Sige don’t worry, dali lang ito.”

Pag-uwi ni Tristan sa bahay niya, dumiretso siya sa kanyang kwarto, inilatag ang mga gamit sa kanyang mesa, naligo, at humiga sa kama. Wala siyang gana na seryosohin ang lesson plan ng gabing iyon. Inis na inis siya na kailangan pa niyang maging kasama sa proyekto na iyon kahit ayaw niya. Napapunta lang siya doon dahil iyon ang naging parusa ni Sir Carl sa kanyang mga pagkakamali. Nang ilang sandali, pumasok ang kanyang tatay na galit na galit. “Anak! Kakatawag lang ni Sir Carl kaninang hapon. Huli sa Takdang- Aralin? Class-Cutting?”

270 “Pa! I can expla--” “Wag ka nang magsalita, Tristan. Hindi ko alam kung saan kami nagkulang sa iyo. Matigas ang ulo! Hindi nag-aaral! Parang ako yung pinaparusahan, binigyan ng anak na katulad mo. Basta ayusin mo ang ugali mo at gawin mo nalang ang pinapagawa sa iyo ng iyong guro. Klaro ba tayo diyan!?!” Yumukod si Tristan sa sinabi ng tatay niya na umalis na. Dahil sa pangyayaring iyon, naalala niya ang mga pinagdaanan niya noong bata pa siya. Pumasok ang mga alaala na hindi siya pinakinggan ng mga tao at pinagtawanan, inabuso, ginamit lamang. Pagkatapos, lumitaw ang mga emosyon na nararamdaman niya buong buhay niya. Lungkot. Galit. Awa. Hinagis niya ang mga libro niya kung saan saan. Inilabas niya ang galit niya ng mga suntok sa unan. Pagkatapos, umiyak siya nang tahimik sa sahig. Pagkatapos ng ilang saglit, napatingin siya sa kanyang mesa kung saan nakalagay ang lesson plan na kailangan niya gawin nang gabing iyon.

Sa sumunod na araw, pagkatapos ng klase, pumunta si Tristan sa kwarto kung saan nagtatrabaho sila ni Olivia. Nang hiningi kay Tristan ang kanyang lesson plan para maibigay kay Sir Carl, hindi makapaniwala si Olivia sa nakita niya. “Ano ito?! Ito ba ang eksaktong lesson plan na binigay ko sa’yo kahapon?!?” sabi ni Olivia nang may pagkabigla. Ito ang unang beses na nakita ni Tristan si Olivia na nasa ganitong estado. “Bakit punit-punit at puro guhit lang ang mga nakikita ko rito??? Diba klaro tayo na dapat may paksa at mga aktibidad na tayo ngayon na ipapasa kay Sir Carl??? Alam mo ba na ilang araw nalang bago ang Student-Teachers Day???”

271 Hindi makapagsalita si Tristan. Dahil sa kanyang galit at kalungkutan noong nakaraang gabi, inilabas niya ang mga nararamdaman niya sa lesson plan. Iginuhit. Pinunit. Hindi masugpo ang kanyang pagkagalit, inihagis ni Olivia ang sirang lesson plan sa sahig at lumabas sa kwarto. Nang lumabas si Olivia, dinaanan niya si Sir Carl. Napansin ng guro ang kanyang galit sa mukha kaya pinuntahan niya si Tristan para tanungin kung ano ang nangyari. “Tristan, bakit lumabas si Olivia sa kwarto na mukhang galit?” Hindi ito ang pagkakakilala ng mga tao kay Olivia. Siya ay isa sa pinaka mabait na estudyante sa buong paaralan. Kung may ginawang masama ang mga tao sa kanya, hindi siya magagalit at papatawarin niya ang mga ito agad. Pero sa eksenang ito, iba ang kuwento. Nang humingi ng pagpapaliwanag si Sir Carl, nagsimulang umiyak si Tristan. “Sir ayaw ko na! Palagi nalang akong pinarurusahan ng mundong ito. Ako nalang ang napapagalitan, nasasaktan, at inaapi. Ni isang tao walang nakakaalam kung ano ang nararamdaman ko. No one loves me!” Napaluhod si Tristan. Sa sandaling iyon, inakbayan ni Sir Carl si Tristan. Unang beses niyang nakita si Tristan na nasa ganoong estado. “Tristan, alam ko ang nararamdaman mo. Dati, akala ko na pinaparusahan ako ng mundo kahit hindi naman ako nagkasala. Nagalit din ako, umiyak, at hindi nakapag usap sa ibang tao. Wala akong konkretong solusyon sa sitwasyon niyo, pero alam kong lilipas ito. Maniwala ka.”

272 Tumatak sa isip ni Tristan ang sinabi ni Sir Carl. Pakiramdam niya na may nakikinig sa kanya sa sandaling iyon. Lumabas muna ni Sir Carl para bigyan si Tristan ng espasyo. Pagkatapos kalmahin ang sarili niya, nag-isip muna siya ng malalim para alamin kung ano ngayon ang gagawin niya.

Alam na nagkamali siya, hinanap ni Tristan si Olivia. Kinailangan niyang ikutin ang paaralan para hanapin ang dalaga. Sa cafeteria, sa library, kahit sa silid-aralan wala siya roon. Noong pumunta siya sa bubong ng paaralan, nakita niya roon si Olivia. “Olivia, pasensya ka na. Babawi ako,” pag-alang sabi ni Tristan. Pagkatapos, humingi rin ng tawad si Olivia. “Hindi lang ikaw ang kailangan humingi ng tawad, pasensya ka na rin sa naging reaksyon ko. Hindi ako talaga ganon.” Unang beses ni Tristan makita si Olivia na humingi ng tawad. Maganda ang imahe ni Olivia sa paaralan kaya nagulat siya na marinig itong humingi ng tawad dahil sa maling nagawa. “Ok lang kung hindi ka makakapasa ng lesson plan ngayon. Iemail mo nalang kay Sir Carl ang plano mo para sa mga bata natin. Maiintindihan naman niya kung huli ka magpasa.” Nang paalis na siya, may tinanong si Tristan na tumatak sa isip niya. “Olivia, hindi ko gets, isa ka sa pinakamabait na estudyante sa school. Kung nagkasala ang iba sa’yo, mahaba ang pasensya mo sa kanila. Pero kanina, bakit bigla mo akong sinigawan? Biglang tumigil sa paglalakad sa Olivia. Alam niya na kailangan niyang magpaliwanag kung bakit ganoon ang reaksyon niya.

273 “I will not judge, nag-aalala lang ako kasi alam ko hindi ka isang tao na magagalit lang nang basta-basta.” Umupo muna si Olivia sa isang upuan. Pagkatapos ng malalim na hinga, ipinaliwanag niya kay Tristan ang kanyang istorya. “Hindi talaga ako ganoon, nailabas ko lang ang galit ko kasi hindi ko na mapigil na ilabas ang mga nararamdaman ko. Marami akong iniisip sa utak ko na gusto kong ibahagi sa mga kaibigan ko: problema sa pamilya, kahalagahan ko sa mundo, kahit anong nasa isipan ng isang tipikal na binata o dalaga. Hindi ko lang ito maibabahagi kasi natatakot akong maging sagabal sa mga minamahal ko. Dahil hindi ko pa ikaw kilala ng masyado, naibuhos ko ang mga emosyon ko sa’yo. Kaya pasensya ka na.” Hindi inaasahan ni Tristan na ito ang dahilan ni Olivia. Isang dalaga na may mga problema na kailangang harapin araw-araw, tulad niya. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, may isang tao na nakaugnay sa kanya. “Hindi ko na kasi kayang buhatin ang inaasahan ng pamilya ko na magkaroon ng mga parangal sa paaralan, na magkaroon ng magandang trabaho pagkatapos ng kolehiyo, at pananatili ng wastong katawan at mga koneksyon sa mga nasa paligid ko.” Pagkatapos, nagtataka si Olivia kung bakit niya sinabi iyon kay Tristan. “Pasensya na! Bakit ko yun sinabi?!?” sabi ni Olivia nang patawa. Nag-isip muna si Tristan kung ano ang sasabihin niya. Pwede niyang sabihin na galak na galak siya sapagkat hindi ito nag-iisa. Pero, naalala niya kung paano tinulungan siya ni Sir Carl noong nasa kwarto silang dalawa. “Naiintindihan kita, Olivia. Ok lang naman na magalit ka sa akin. I was the one who started it naman eh. Alam kong hindi madaling sabihin ang mga nararamdaman natin. Pero naniniwala ako na may makikinig sa iyo.”

274 Dumating na ang Student-Teachers Day kung saan magtuturo sina Tristan at Olivia sa mga estudyante ng Grade 1. Naging masaya ang pagbati sa kanilang dalawa pagdating sa silid-aralan ng mga bata. May nakasulat sa pisara na “Maligayang Pagdating, Ate at Kuya!” na may mga guhit mula sa kanila. Nabigla si Tristan sa mga yakap ng mga bata na para bang dumating si Santa Claus sapagkat hindi siya madalas na hinahawakan. Sinimulan nila ang araw sa pagdarasal na kasama sa kanilang gawain. Nauna muna si Olivia na magturo ng Reading at Language. Nakita ni Tristan na sayang-saya siya sa pagbabasa ng isang kuwento sa mga bata. Nang matapos ito, nagkaroon ang mga bata ng pagkakataon na mapag-usapan ang mga nangyari sa kuwento. Pagkatapos ng limang minuto, tinawag muli ang mga bata para mag-aral ng grammar. Pagkatapos, namigay si Olivia ng mga grammar worksheets na kung sino ang nakakuha ng pinakamaraming puntos ay mananalo ng premyo. Nang matapos na si Olivia sa pagtuturo, si Tristan naman ang nagturo para sa Math na magsisimula pagkatapos ng 5-minute break. Bago ang araw na iyon, nakapagpasa siya ng lesson plan kay Sir Carl gamit ng email na detalyadong-detalyado kung ano ang gagawin niya. Habang hindi pa siya sanay sa pagtuturo, naituro pa rin niya nang maayos ang order of operations para sa Math. Nagdala siya ng flashcards na nakalagay ang mga equations na sasagutin ng mga bata nang mabilisan gamit ang PEMDAS. Pagkatapos, nagpatugtog siya ng mga music video na kaugnay sa paksa na hindi lang nagpasaya sa mga bata kundi may naituro rin. Ang katapusan ng oras ni Tristan sa pagtuturo ay palatandaan na kailangan nang magpaalam at umuwi. Bilang gawain, nagdasal muna sila at nagkaroon

275 ng picture-taking ang klase kasama ang dalawang Student-Teachers para hindi nila malimutan ang araw na iyon. Natapos na rin ang proyekto nina Tristan at Olivia. Inisip ni Tristan na sana ay nakabawi siya sa ginawa niya noon. Sa puntong iyon, nagtaka siya kung ito na ang huling beses na mag-uusap silang dalawa sapagkat wala nang rason para makipag-ugnayan sa isa’t isa. Naalala niya ang kanilang pinagdaanan at natutunan sa isa’t isa. Sa sandaling iyon, kinailangan niyang tanungin ito kay Olivia. “Olivia, pwede ba tayong umuwi nang sabay?” “Oo, naman Tristan! Walang problema.” Sa araw na iyon, nagsimula ang isang makabuluhang relasyon.

276 Chito Merienda

Hope

Whenever I see girls and boys Selling lanterns on the streets I remember the Child In the manger, as he sleeps

ansampung beses na atang pinatugtog sa radyo ang kanta ni Jose Mari Chan sa araw na ito. Setyembre pa nga lang eh puro Christmas songs na Pang tumataginting sa aking mga tainga; ngayong Disyembre pa kaya. Pero wala akong reklamo dahil finally, Disyembre na nga! Walang duda kung bakit pinakapaborito ko ang buwan na ito. Ang Disyembre ko’y puno ng mga gabing hindi mo mahahanap sa kahit anong buwan. Mga gabing puno ng kasiyahang hindi mo ipagpapalit sa kahit ano pang karanasan. Sa ilalim ng mga naggagandahang parol sa kalye ng aming munting tahanan, mahahanap mo ako at ang aking mga barkadang kapitbahay na

277 nagsisitakbuhan sa lamig ng simoy ng hangin. Hindi nakakaligtaan ni Mama ang Simbang Gabi. At kahit na siya ay puyat at pagod, oras ‘yun ng aming bonding. Ngayong Pasko ulit, hindi ko palalampasin ang nag-iisang panahon para makahingi ng aginaldo sa aking mga ninong at ninang. Iipunin ko ang mga ‘yon para makabili ng bagong beyblade—regalo ko sa sarili. Maraming nagtataka kung bakit hindi ko hilig ang mga barbie na pinagkakaguluhan ng ibang girls tulad ko. Mas gusto ko lang talaga ang beyblade. At hinding-hindi ko malilimutan ang pinakahihintay ng lahat sa panahon ng kapaskuhan! Kapag pumuwesto na ako malapit sa aming puno ng kalamansi (wala kasing pambili ng christmas tree), ibig sabihin kating-kati na akong mabuksan ang regalo sa akin ni Mama na kailanman ay hindi nabigong makapagpasaya sa’kin. Makulay ang mga dekorasyon na nakapalibot sa aming puno ng kalamansi kaya hindi naman big deal para sa akin ang walang christmas tree. Nakasanayan na ang kalamansi. Sa oras na ‘yun, mabilisan kong pinupunit ang wrapping ng malaki- laking box, mas malaki pa sa bigay ni Mama noong nakaraang mga taon (na karaniwang laman ay ang paboritong beyblade, bakugan, o'dikaya’y damit kapag nagkulang ang pera). Ganito lagi ang Pasko namin ni Mama. Walang dumadagdag, walang nawawala. Hindi ko pa nakikilala ang papa ko kaya hindi kumpleto ang aming pamilya tuwing Pasko ‘di tulad ng iba. Tuwing tatanungin ko si Mama tungkol sa kaniya, ang lagi niyang sagot ay “Huwag mo na siya isipin” o ‘di kaya’y “Hindi natin siya kailangan, anak.” Kaya iniiwasan ko na lang rin pag-usapan. Ngunit isang pinagpalang taon, may kakaibang dumating sa Kapaskuhan ko. Pitong taong gulang pa lamang ako nang maganap ang isang karanasang hindi ko pa naririnig kahit kanino.

278 Umalis si Mama papuntang palengke—karaniwang gawi araw-araw. “Nak, huwag kakalimutang i-lock ang pinto at huwag magpapapasok kahit kanino!” “Nag-iwan ako ng barya kung may mangangaroling man—bigyan mo ‘ha,” sigaw niya habang palabas. Iniwan ako sa bahay tulad ng lagi, kasama ang aking alagang aso na si Maggie. Tuwing araw ng Noche Buena ay napakaaga lagi ng alis ni Mama upang hindi maubusan ng mga sangkap at karne para sa hapunan. Kaaalis lang niya nang may marinig akong mga yabag na galing sa likod ng bahay. Inisip ko na baka si Maggie lang iyon, naghahabol na naman ng pusa. Ngunit hindi patakbo ang mga yapak, parang mga paang dahan-dahang naglalakad para hindi makatawag ng atensyon. Lumapit ako para tumuntong sa upuan at sumilip mula sa bintana. Hindi mahuhulaan ng kahit sino ang aking nadatnan. Mabilisang kumurap ang aking mga mata sabay kiskis upang masigurado na hindi ako niloloko ng aking nakikita. Ang bida ng Pasko. Matangkad at medyo mataba (siguro dahil nasobrahan sa cookies), mabait ang aura (siguro dahil maputi na ang buhok at mahabang bigote, plus may edad na nga). Nakapulang outfit mula ulo hanggang paa, dala- dala ang isang malaking bayong na umaapaw sa mga regalong ipamimigay. Akala ko’y niloloko ako ng aking nakikita. Mukha siyang si Santa. Totoong Santa Claus— oo, yung mula sa North Pole na naghahatid ng mga regalo bawat Kapaskuhan; hindi tulad ng mga payat na Santang mahahanap mo sa mall na nakikipag-picturan sa mga kaedad ko. “Excuse me po. Sino po kayo?” “Nakikita mo ako?”

279 “Opo. Kitang-kita. Matingkad po kasi suot niyo saka medyo malaki po kayong tao kaya mahirap din naman po kayong di mapansin.” Nagmukhang confused si Santa. Parang takang-taka kung bakit nakikita ko siya. Para ngang siya pa ang mas gulat sa pagtatagpo namin. Mababa ang boses niya ngunit nakakapagpakalma sa damdamin. Boses na mapagkakatiwalaan. “‘Nak, pasensya na’t nakiraan ako dito sa bakuran niyo.” “Okay lang po. At least hindi po kayo magnanakaw kasi ako po ‘yung malalagot kay Mama.” “‘Nak, iwanan mo muna lahat ng pangamba dahil araw mo ito. Ilang taon ka na?” “Kaka-seven pa lang po noong August. Bakit po?” Mukhang natuwa siyang malaman ‘yun. “Ako nga pala si Claus. Santa Claus ang full name ko.” Totoo nga. “Sabi po ni mama... hindi po dapat ako maniwala kay Santa. Paano po kayo napunta dito sa bahay namin?” Sa lahat ng maaaring itanong kay Santa, hindi ko alam kung bakit iyon pa ang inuna ko. “Nak, plinano ang lahat ng ito. Kada taon ay bumibisita ako rito sa inyo ngunit mukhang ngayon mo lang ako nahuli! Hehe. Sinuwerte ka. Noong huling Pasko, ako yung nagregalo sa’yo ng puppy na nasa wish mo dati. Naaalala mo pa ba iyon?” Sabay labas ni Maggie. Ang sinabi lang sa’kin ni Mama ay nahanap lang si Maggie sa tapat ng bahay namin isang araw. “Ang laki na niya ngayon! Napaka-cute pa,” sabi ni Santa. Nakatayo lang ako di makagalaw dahil hindi pa rin ako nakapaniwala sa nangyayari.

280 “Nak, anong hiling mo ngayong Pasko? Dali, ibibigay ko sa’yo ang pinakagusto mong toy.” Hindi ako makaisip. “Ehh Sir Claus, wala naman po akong gusto. Sapat na po ang mga regalo sa akin ni Mama. Wala na po akong hihingiin pa,” sagot ko. Nahiya akong humingi ng extra toys. “Ang bait naman ng batang ito. Kadalasan kung anu-anong laruan ang hinihiling ng mga binibisita kong chikiting. First time ko pa lang marinig na may tumanggi,” sabi ni Santa. “Ay marami na po ba kayong nabisita? Hindi po ako nag-iisa?” “Ay naku po, busy ako bawat Pasko. Ilang milyong bata ang narito sa Pilipinas, eh iisa lang naman ako. Saglit, totoo ba na wala kangnais matanggap na regalo?” “Opo, kontento na po ako. Ayaw ko naman pong dumagdag sa trabaho niyo.” “Sige ‘nak, ganito na lang. Gusto mo bang tumulong sa akin? Samahan mo akong maghatid ng mga regalo ngayong Pasko.” Nabigla ako sa imbitasyon niya. “Paano po tayo iikot? Onti lang po ang traysikel kapag gabi na.” Natawa si Santa na para bang minaliit ko ang kaniyang kakayahan. “‘Nak, mag-i-sleigh tayo. Tara!” Ilan bang bata ang makakaranas sumama kay Santa para maghatid ng regalo? Siyempre, hindi ako tumanggi sa invite niya. Malakas ang pagtugtog ng Himig ng Pasko mula sa kabilang bahay na para bang nagpa-party ang buong kalye. At least naiba na sa paulit-ulit na Jose Mari Chan.

Malamig ang simoy ng hangin Kay saya ng bawa't damdamin Ang tibok ng puso sa dibdib Para bang hulog ng langit

281 Sakay sa kaniyang sleigh na kasinglaki siguro ng maliit sa dyip, umikot at lumipad kami paikot sa buong Quezon City. Natuwa nga ako kasi automatic na minamaneho ng mga reindeer ang sleigh sa langit kaya nakakapokus si Santa sa pagbababa ng mga regalo sa bawat bahay. Ang kapitbahay kong si Tan ay nakatanggap ng bakugan at may girl naman sa kabilang kalye na nakatanggap ng hula-hoop. Sa paglipad namin sa kalangitan na puno ng mga bituin at awitin ng Pasko, naisip kong paano kaya kung ganito bawat Pasko? Makakasama lagi ako sa sleigh ni Sir Claus at makakapaghatid ng regalo’t saya sa bawat bata sa buong Pilipinas, o sa buong mundo! Baka nga maisipan niyang ipakita sa akin ang toy factory niya sa North Pole! Nakatutunaw ng puso ang mga ngiting nakikita ko kapag nakatanggap ang mga bata ng regalo; kasingtingkad ng mga tala sa langit. Napatapos rin ang aming paglalakbay nang ihatid ako pauwi sa amin. “Sir Claus, pwede po ba ako sumama sa inyo kada Pasko? Pangako, wala na akong ibang hihilingin pa kundi ito,” ang sabi ko kay Santa pagdating sa bahay. “‘Nak, naa-appreciate ko ang tulong mo sa aking paghatid. Nais kitang bigyan ng lahat ng regalo sa mundo dahil nararapat biyayaan ang kabutihan mo. Ito ba talaga ang tangi mong hiling?” “Opo, hindi complete ang aking Pasko kapag di niyo ako binisita, Sir Claus! Please!” “Sige, pangako babalik ako para samahan mo ako kada taon.” “Promise po yan ha! Aasahan ko po ang pagbalik niyo,” sabi ko. Muling sumakay si Santa sa kaniyang sleigh pagkatapos pakainin ang mga reindeer. Tunay ngang pula ang nose ni Rudolph na parang may sipon tulad ko, dahil

282 sa lakas ng hangin habang nakasakay sa sleigh. Paalis na si Santa nang maalala kong hindi ako nakapagpakilala sa kaniya. “Sir Claus teka! Ako nga pala po si—” At lumipad na ang sleigh papunta sa kung saanman nangailangan ng kaluwalhatian ng Pasko. Patuloy ang kasiyahan sa kabilang kalye sa gabi ng Pasko.

Himig ng Pasko'y umiiral Sa loob ng bawat ng tahanan Masaya ang mga tanawin May awit ang simoy ng hangin

ahigit dalawang dekada na akong nagpapasko. Pero mabibilang sa mga daliri ko ang mga taon kung kailan ako naging masaya. M Naghahanda ako ng almusal ni Hope nang magising siya at lumabas mula sa bedroom. Magulo pa ang buhok at walang hilamos; nilapitan ako at yumakap sa aking binti. December 26 ang petsa ngayong araw. Napagod siguro kahapon kaya nahuli na ang gising. “Ma, ano plano natin today? Lalabas ba tayo? Please ma, gusto ko pa bumili ng gifts!” Binuhat ko si Hope at yinakap nang mahigpit. Siguro nga noong gabing iyon, nanaig lang ang imahinasyon ko. Naniwala masyado sa isang karanasan, sa isang Pasko, sa isang tao na hindi naman totoo. Umasa sa pangako. “Hope, titignan natin ha? Busy kasi si Mama ngayon pero susubukan ko gumawa ng paraan.” Mabigat ang dibdib ko dahil hindi ko nais ang tanggihan si Hope. Sadyang sobrang pagod na ako sa trabaho, lalo na’t night shift pa ako

283 noong nakaraang linggo kaya kulang sa tulog. “Pangako ‘nak, gagawan kita ng oras,” sagot ko. “Naging special naman yung Christmas party natin kahapon, 'di ba?” Inimbita ko ang mga kalaro ni Hope at nagkainan sila sa bahay. Sa spaghetti at chicken lollipop ko ay masaya na silang lahat. Nakahanap ako ng oras na makapasyal kami ni Hope sa SM North pagdating ng weekend. Binilhan ko ng mga bagong bestida at saka ng bagong sapatos dahil naliliitan na raw siya sa lumang flipflops. Habang naglalakad- lakad, may mahabang pila ng mga nag-uunahang bata ang bumungad sa amin. “Mama, may Santa Klaws sa Toy Kingdom! Ma. punta tayo doon please,” sabi ni Hope. Sinundan ko siya papunta sa entrance kung saan may mahabang pila rin ng mga magulang na nakaabang para kunan ng litrato ang kanilang anak kasama ng matandang mama na naka-red, nakaupo sa monoblock at nakangiti. May isang baby na umiiyak sa gilid ng entrance na mukhang ayaw makipag- picture-taking kay santa-santahan. Kawawa naman.

inintay ko talaga si Santa na bumalik sa bahay namin sa susunod na taon. Inasahan kong marinig muli ang kaniyang mga padyak sa may Hbakuran namin, kasama ang kaniyang sleigh at sina Rudolph na napagod na sa kakalipad. Wala na nga akong hiningi pa kundi ang makalipad muli sa langit at makita ang liwanag na dala ng Pasko. Makita ang saya at tuwa ng bawat bata habang binubuksan ang mga regalo galing kay Santa. Bakit kaya niya nalimutan ‘yung hiling ko? Kay rami pang Pasko ang lumipas na naghihintay ang isang bata sa tabi ng puno ng kalamansi, naghihintay sa wala. Nanay ko lamang ang naging kasama at kaibigan sa araw at gabi ng kapaskuhan at kahit kailan ay hindi ko

284 na rin naman nakilala ang papa ko. Parang nawala na sa isip ko ang lahat ng mga Paskong dumaan pagkatapos ko makilala si Santa.

akita ko si Hope mula sa malayo at kung paano siya nasisiyahan sa maliliit na bagay lamang tulad nito. Minsan sumisikip ang dibdib ko dahil alam Nkong 'di ko rin napakilala ang kaniyang tatay sa kaniya, pero mukhang hindi naman namin siya kakailanganin ngayon, bukas, o kahit kailan pa. Sinundo ko si Hope sa entrance at hinawakan niya ang aking kamay. May konting skip sa kaniyang bawat hakbang. Pagkatapos makipag-picture ay parang hindi na natanggal ang ngiti sa kaniyang mukha buong araw. Hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang munting kamay. “Mama, ang bait din pala ni Santa.” “Anong gift naman ang hiningi mo sa kaniya, Hope?” “Wala po, Ma. Nahiya na ako humingi hehe,” sagot niya. “Bakit naman? Eh si Santa Klaws yun 'di ba? Kaya niyang mabigay ang kahit anong gift na gusto mo.” “Happy na ako sa kung anong meron na ‘ko ngayon, Ma. ” Yumakap siya sa aking binti tulad ng ginagawa niya lagi. Binuhat ko si Hope at nagpatuloy kami sa pag-iikot.

285 Yuan Alodaga

Limot

“Labyu Nay!” Nagsilbing alarm clock ang nanay ni Gab nang tinawagan siya nito upang gisingin, para kamustahin ang anak. Bilin doon at dito, kung nakaligo na, kung nakakain na ng almusal, kung naisabit na ang kanyang damit, kung nakapag- ayos na siya ng gamit, at iba pa. Tutal, sino nga bang hindi mapapakali sa unang araw na hindi niya makakasama ang kanyang pamilya nang matagal? Anim ang kasama ni Gab sa bahay nila sa Laguna: ang kanyang Nanay Alyana, Tito Chris at Tiya Isabel (mga kapatid ng nanay) at sina Lola Joe at Lola Emma. Maalaga sila kay Gab kahit na magkokolehiyo na ito dahil siya lang ang nag-iisang bata sa kanilang bahay. Tanging si Nanay Alyana lang kasi ang nagkaroon ng anak. Sa lumang bahay, buhay-prinsipe si Gab. Paggising pa lang sa umaga at paglabas ng kuwarto ay langhap na ang amoy ng sunny-side up na itlog at sinangag na paboritong lutuin ng kanyang tita. Kung walang ibang tao sa

286 bahay, kusa siyang naghuhugas ng pinggan o gumagawa ng ibang gawaing- bahay, ngunit kung kumpleto ang mga tao sa bahay, halos wala na siyang ginagawa pang iba. Kung tutuusin, hawak na niya ang sarili niyang oras. Literal na “gising, kain, schoolwork, kain, schoolwork, kain, tulog” ang kanyang araw- araw na iskedyul. Kaso sa kabila ng pagkakaroon ng mala-maharlikang buhay sa bahay, iba ang kanyang relasyon sa kanyang tatay. Kung papipiliin nga mas okay na hindi na lang siya pag-usapan. Mayroon namang oras ang tatay para sa kanyang pamilya. Dati. Noong bata daw si Gab ay madalas na makipaglokohan ang kanyang tatay sa kaniya. Nakikipaglaro ang kanyang tatay ng tagu-taguan kasama siya, na nauuwi din lang sa iyakan dahil ang galing ng tatay magtago. Minsan naman kapag may oras, tuturuan nito ang anak na mag-bike. May isang pagkakataon nga na sumemplang siya dahil mabilis ang kanyang pagpapatakbo sa bike. Nang lapitan ng tatay ay nakita ang kanyang malaking sugat sa tuhod, duguan pero sa mabuting palad ay hindi malalim. Kahit may iyak o sugat na natamo, hindi mapagkakaila ang saya ni Gab tuwing kasama ang tatay. Kahit sa simpleng pagbubunot ng puting buhok (na minsan ay may kasama pang bayad na piso kada hiblang mabubunot), tuwang-tuwa siya sa presensya na ibinibigay ng kanyang tatay. Para kasing magkaibigan ang kanilang turingan. Ngunit habang tumatanda siya, tila nag-iba ang kanyang tatay. Oo, kasama niya ito sa bahay pero dis-oras na ng gabi umuuwi at inuunahan pa ang pagsikat ng araw para umalis. Kesyo trabaho daw o agarang mga meeting kaya maaga nagawi sa labas. Kahit si Nanay Alyana ay pinoprotektahan pa ang asawa, “Pagpasensiyahan mo na, nagtatrabaho naman siya para sa atin. Hayaan mo, darating ang araw na magkakaroon uli siya ng oras para sa ating

287 dalawa.” Natatandaan niya ang mukha ng nanay habang sinasabi ito. Pagod na at malungkot, nababasa sa mata na nami-miss din ang dating nakagawian. Kung dati’y kasama sa kahit anong lakad ng pamilya, ngayo’y kulang na lang ang mag-away bago mapatayo ang tatay sa kama para lang sumama. Kapag may programa si Gab sa paaralan, mahuhuli niyang nag-aaway ang magulang para lang pilitin ang kanyang tatay na sumama. Iba na. Bago pa man dumating ang mga araw na makakabawi siya sa mga oras na lumipas at nawala, nasawi ang kanyang tatay dahil sa nakaenkwentro siya ng isang riding-in-tandem noong pauwi na mula sa trabaho isang taon pa lang ang nakakalipas. Ayon daw sa ulat ng isang nakakita, pinagtangkaan daw nakawin ang sasakyan ng kanyang tatay. Kahit tinutukan na ng baril, nanlaban pa rin. Kaya ayon, dalawang tama daw ng bala ang tinamo ng kanyang tatay; isa sa ulo, isa sa puso. Habang ginagawa ang imbestigasyon ng mga pulis, nalaman ng pamilya na hindi pala siya galing sa EDSA, kung saan ang kanyang opisina, pero sa katunayan ay galing sa Tagaytay, sa isang bahay na nasa liblib na lugar. Pinuntahan ng pulis ang nasabing bahay para magtanong at doon nabisto na may kinakasama na pala ang kanyang tatay, may dalawang anak. Nagulat si Gab sa nalaman. Hindi niya inakala na kaya palang gawin ng kanyang tatay ang ganitong klaseng kasalanan. Kahit patay na ito, hindi pa rin niya magawang patawarin nang buo ang tatay sa nagawang kasalanan. Pakiramdam niya’y nadaya siya. Ang oras at panahon na pinakaaasam ni Gab na bumalik ay pupwede pala sanang mangyari, kaso inilaan lang para sa ibang tao, sa ibang anak. Ang amang minahal niya nang lubusan noong pagkabata, ibang bata naman ang inalagaan. Kaya ngayon, pilit na niyang kinakalimutan ang kayang tatay. Para bang ginagamitan ng pambura ang tinta ng bolpen.

288 Ngayon, hindi na ganoon ang siste ng buhay ni Gab. Dahil malayo- layo ang kanilang bahay sa UP Diliman, ang papasukan niyang kolehiyo, nakabili ang kanyang tatay ng isang ‘di-kalakihan na bahay para sa kanya sa Quezon City bago pa siya pumanaw. Hindi niya makakasama ang kanyang Nanay Alyana sa bahay dahil nasa Laguna ang trabaho niya. Siya lang kasi ang may kinikita sa kanilang mag-ina kaya ‘di ito pupwedeng iwanan ng Inay. Pagpasok pa lang ni Gab sa gate ng kanyang bagong bahay, bungad agad ang garahe na eksakto lang para sa kanyang kotseng Toyota Vios na bigay rin ng kanyang tatay. Dalawang palapag ang bahay, sa una matatagpuan ang kusinang may dalawang kabinet para sa iba’t-ibang rekado at mga kagamitang panluto katulad ng kutsilyo, kubyertos, mga plato at mga kaldero. Katabi ng kusina ang isang simpleng hapag-kainan kung saan mayroong isang babasaging lamesa na may dalawang mabibigat na upuang gawa sa makapal na narra. Sa kanang bahagi naman ng unang palapag ay isang sofa na gawa sa katad at kaharap nito ay telebisyon para sa mga bisita. Pag-akyat sa ikalawang palapag, nakita niya ang dalawang kwarto. Isa rito ang silid-tulugan ni Gab. May maliit na banyo sa loob, na hanggang ngayon ay hindi pa lubusang naayos dahil kakalipat lang niya. Kama pa lang at isang maliit na bed table na may litrato niya at ng kanyang nanay noong pumunta sila sa Japan ang nakaayos sa kanyang kwarto. Balak naman gawin ni Gab na isang storage room ang kabilang kwarto. Dito niya muna ilalagay lahat ng kanyang gamit na hindi pa naayos mula sa kabilang bahay. Kasama na rito ang mga binaklas na mga mesa gawa sa palochinang itim, mga karagdagang sapin na pantulog, mga upuan na monoblock, refrigerator, mini-hoop at bola para sa kwarto, gitara, sobrang router para sa ikalawang palapag, computer at monitor na ilalagay sa kanyang kwarto, laptop, mga timba, tabo at pintura na binili mula

289 sa Home Depot para sa pagsasaayos ng bahay, at mga kahong puno ng litrato nilang pamilya. Kapag tinititigan ni Gab ang mga ito, maliban sa pagkagambala sa dami ng aayusin, natatandaan niya rin ang kanyang tatay. Lahat ng gamit ay mula sa bulsa ng kanyang tatay, maski mga natirang gamit sa kanilang bahay o mga “pambawi.” Bundok na kahon ang kailangan niyang ayusin mula sa lumang bahay dahil ito na ang magiging tirahan niya sa susunod na apat na taon. Masaya siya dahil mas malawak na ang kanyang kalayaan upang gawin ang kahit ano niyang gusto. ngunit hindi rin niya maiwasan umiyak habang nakadungaw sa bintana, binabantayan ang kotse ng kanyang nanay hanggang sa hindi na ito matanaw. Para hindi malugmok sa kalungkutan, sinimulan niyang ayusin ang mga gamit sa storage room. Gumising si Gab mula sa isang buong araw ng pag-aayos kahapon. Nagising siya dahil sa tawag ng kanyang nanay. Pagkatapos kausapin ang ina, naligo na siya at nag-ayos na ng damit na gagamitin sa pag-alis dahil balak niyang ipagawa ang kanyang laptop para sa unang araw ng kanyang klase sa susunod na linggo. Pagkatapos maligo, nagpatuyo siya ng buhok na kay tigas. Lagi siyang pinupuna ng ibang tao (lalo na ng mga barbero) bakit ganoon daw katigas ang kanyang buhok. Sa kada tanong ng mga nakatatanda, isang sagot lang ang maririnig kay Gab: “Wala ho eh, ganoon talaga. Nagmana sa tatay,” sabay simangot nang kaunti para ‘di na tanungin. Sa isip-isip niya, okay na din ganoon ang kanyang buhok, ‘di kailangan ayusin lagi kasi nakapirme sa isang lugar pagkatapos ng

290 isang hagod. Nakakainis lang na lagi niyang natatandaan ang tatay kapag ito ang usapan. Pagkatapos mag-ayos at magbihis, dala-dala ang laptop at charger nito ay tumungo siya sa kusina upang magluto ng dalawang sunny-side up na itlog at sinangag para feel at home pa rin kahit malayo sa pamilya. Bago siya umalis, nagpaturo siya kay Tiya Isa kung papaano niya nagagawa ang kanyang paboritong sunny-side up. Habang hinihintay na maluto ang itlog, naghiwa naman si Gab ng bawang para sa sinangag. Ginamit na lang niya ang natirang kanin mula kagabi. Pagkatapos maluto ang unang umagahan nang mag- isa, kumuha siya ng pitsel mula sa pridyider at baso mula sa kabinet bago umupo upang kumain. Habang ninanamnam ang niluto, napaisip siya. “Kakayanin ko kaya na mabuhay mag-isa nang matagal? Laking pamilya pa naman ako. Layo kasi nila nanay eh. Sana na lang talaga magkaroon ako ng mga kaibigan na pwede kong matakbuhan kapag may kailangan ako.” Bigla niyang natandaan ang kanyang tatay. Dating nagawi ang kanyang tatay sa EDSA, malamang sa malamang matatakbuhan niya ito. Sa isip-isip niya, “Mapupuntahan nga, prayoridad ba?” Nakaramdam ng kaunting kirot si Gab nang sandali niyang maalala ang nakaraan. Natulala na lang si Gab habang nakatingin sa pader, ngumunguya. Ramdam na ang lagkit ng sinangag sa kanyang bibig. Napalitan ang masigla niyang pagbangon ng isang nakakarinding katahimikan. Makalipas ang ilang minuto ng pagkatulala, naalala niya na nakabihis siya para lumabas, hindi para umupo lang sa kanyang lamesa. Daglian siyang tumayo, lumabas ng pinto, kinandado ito at sumakay na sa kanyang kotse para lumarga. Nang mangalahati na sa biyahe, bigla niyang natandaan na nakalimutan niyang bitbitin ang kanyang laptop at charger na balak niyang ipagawa. Sira na

291 kasi ang LCD nito na bigay pa dati ng kanyang tatay noong napanalunan ito sa isang raffle. Bakbak na din kasi ang charger ng kanyang laptop kaya balak niya bumili ng bago, gamit ang iniwang pera ng Nanay Alyana sa kanya. Kasabay nito, nanlamig din ang katawan ni Gab dahil baka pasukan ang loob ng bahay niya. Yun pa naman ang unang madadatnan ng magnanakaw kung sakali kasi malapit pa ito sa bintana. “Bago pa ako sa lugar, mas okay na maging maingat hangga’t hindi pa nakikilala ang mga kapitbahay,” ang sabi sa sarili. Bumalik siya sa bahay. Ipinara lang niya ang kotse sa harap at nag- hazard. Pagpasok ng bahay, laking gulat niya na wala na sa mesa ang kanyang laptop, tanging charger lang ang natira. Nakaramdam siya ng kaba dahil baka napasukan na siya ng mandurukot. Hinalughog niya ang bawat sulok ng unang palapag para hanapin ang laptop, sa ilalim ng mga silya, sa loob ng mga kabinet, kahit sa ilalim ng sofa, wala. Tumakbo papuntang ikalawang palapag, nagmukha na namang sampung tao ang natulog sa kanyang kama kakahanap ng laptop. Hindi nakapatong sa bed table, kahit sa banyo, wala rin. Binuksan naman niya ang storage room, isa-isa niyang ginalaw ang mga kahon na punong-puno pa rin ng gamit. Ayon. Doon niya nakita ang kanyang laptop, sa kaliwang sulok ng kwarto, sa ibabaw ng pinakamalayong box na malapit sa bukas na bintana. Nagulantang siya. “Papaano makakarating yan dito? E iniwan ko yan sa baba pagkatapos ko magluto. Hindi rin naman ako pumunta dito kaninang umaga. Tyaka, yung charger naiwan, pero yung laptop nakalimutan ibaba?” Habang nakatingin sa mga kahon, napansin niya na bukas ang bintana. “Ahh. Baka pinagtangkaan ako nakawan, nasakto lang sa dating ko kaya dito tumakas yung magnanakaw.” Para maiwasan ang pagkabalisa, ito na lang ang pinaniwalaan niyang eksplanasyon. Napagpasiyahan nalang niya na hindi muna umalis at ipagpabukas na lang ito upang bantayan muna ang bahay.

292 Dahil hindi natuloy ang lakad, pinagpatuloy na lang niya ang pag-aayos ng bahay. Binaba na niya ang ref papuntang kusina at ipinuwesto na din ang mga monoblock sa iba’t-ibang bahagi ng unang palapag. Habang binubuo ang palochinang mesa para ilagay sa kanyang kwarto, nakarinig siya ng mga kaluskos mula sa storage room. Nagdalawang-isip siyang umakyat kasi baka ito na yung magnanakaw kanina. Lakas-loob siyang umakyat, pero pagkabukas ng pinto, wala namang tao. “Hay nako, napapraning na ba ako? Kung ano- ano nalang naririnig ko?” sabi sa kanyang sarili. Sinarado na niya ang mga bintanang nakabukas sa ikalawang palapag dahil nagbabakasakaling may labas-pasok lang na pusang gala kaya may naririnig siya. Bumaba muli siya upang ipagpatuloy ang ginagawa nang makarinig muli ng kumakaluskos. Iritang umakyat si Gab para alamin kung anong nangyayari at nagulat nalang sa nakita: mga kahong napisa at mga gamit na tumilapon. “Ha? Paano nangyari ‘to?! Minumulto ba ako?” Dahil kinilabutan, naisipan na lang niyang tumigil sa mga ginagawa sa bahay at magkulong nalang sa kwarto. Hindi niya maiwasang mapatulala na lang. Pagsapit ng alas sais ng gabi, naisipan na niyang kumain ng hapunan. Maaga siyang naghapunan para hindi niya kailangan magtagal sa labas. Pagkatapos hugasan ang mga baso’t plato na ginamit, kinandado niya agad ang matayog at patulis niyang gate. Ilang beses ding sinusian ni Gab ang harap ng bahay para makasiguradong hindi sira ang lock nito at sinarado nang mahigpit ang mga bintana. Pinatay niya ang ilaw sa unang palapag at deretso nang umakyat sa ikalawang palapag. Pinatay rin niya ang ilaw sa pasilyo sa ikalawang palapag. Pumasok si Gab sa kanyang kwarto at inilock ito para mas ligtas sa mga masasamang loob. Binuksan niya ang lahat ng pwedeng pasindihin na ilaw sa loob ng kwarto para malaman ng mga kapitbahay (o magnanakaw) na may

293 tao sa loob. Mas kalmado rin siya kapag bukas ang ilaw. Dahil mag-aalas-siyete pa lang at wala pa namang pasok hanggang sa susunod na linggo, minabuti niyang maglaro ng kompyuter upang libangin ang sarili. Tutal, matagal-tagal na din siyang hindi nakakapaglaro kasama ang mga kaibigan niya ng League of Legends at Valorant dahil marami nga siyang inasikaso sa paglipat. Niyaya niya ang mga kaibigan na maglaro, at doon na nagsimula ang tawanan at kwentuhang pansamantalang pinahinto ng kanyang paglipat. Hatinggabi na at napili na lang ng mga magkakaibigan na manood ng pelikula nang sama-sama. Pinili ng isa sa kanyang mga kaibigan na panoorin ang Shake, Rattle and Roll 12 dahil maganda raw ang LRT na mini-episode nito. Dahil sa mga nangyari ngayong araw sa kanya, ayaw niya sanang manood ng ganitong klaseng palabas, pero hindi pa siya inaantok at mas gusto niyang kasama ang mga kaibigan kaysa humiga nang hindi pa inaantok, kaya sumama na lang siya. Mag-aalas-dos na ng umaga at nangangalahati na ang mga magkakaibigan sa pelikula. Ramdam na ni Gab ang pagtaas ng kanyang balahibo dahil sa mga eksena ng palabas: mga upuang gumagalaw nang mag-isa, mga gamit na unti-unting nahuhulog, mga bolang mag-isang tumatalbog, at mga ilaw na patay-sindi. Dahil diyan, gumana ang kakulitan ng imahinasyon ni Gab sa mga napapanood. Tinanong ang sarili, “Paano kaya kung ito naman ang mangyari ngayon sa bahay. Hah. ‘Di ko na alam kung anong gagawin ko. Baka deretso na akong umuwi ng Laguna nito.” At ayun na nga. Habang nanonood, nakarinig siya ng pagkaskas mula sa unang palapag, para bang hinihila ang narrang upuan sa sahig kaya gumagawa ng ingay. Noong una baka namamalikmata lang siya dahil naka-headphones pa siya at nagkamali lang siya ng dinig. Pero, lumakas ang tunog. Tinanggal

294 ang suot-suot na headphones, at matamang pinakinggan ang paligid. Totoo nga, may kumakaskas ng kung ano sa kanyang bahay. Lumapit siya sa naka- lock niyang pinto, sinandal ang tainga sa pinto at pinakinggan ang labas. May umuusod nga talaga na upuan, para bang kinakayod lang sa sahig. Lalong tumaas ang kanyang balahibo, baka ito na yung magnanakaw kaninang umaga o kaya minumulto na naman siya. Sabi sa sarili, “sana magnanakaw na lang yung madatnan ko, ‘wag kung ano man.” Kinuha niya ang kanyang telepono, baka sakaling kailanganing tumawag ng pulis at dahan-dahan niyang inikot ang hawakan ng pinto iwasang makapag-ingay. Sinalubong siya ng madilim na pasilyo; inilawan ng kanyang kwarto ang bahagi ng pasilyo na nasa harap ng pinto. Dahan-dahang kumapit si Gab sa hawakan ng hagdan. Ramdam niya ang lamig mula sa sahig paakyat sa kanyang mga talampakan. Para bang kumakawit ang mga daliri ng kanyang paa sa gilid ng bawat baitang ng hagdan para maiwasang makapag-ingay. Pagkarating sa ibaba, laking gulat niya na may nakitang anino ng isang malaking lalaki sa dilim na mukhang bitbit ang mabigat na narra niyang silya. “Magnanakaw!” sigaw niya. Sinugod niya ito upang pigilan, pero hindi siya makapaniwala. Lumusot lang siya sa katawan nito. Sinubukan niya ulit sunggaban ito pero, wala, hindi pa rin niya ito mahawakan. Napadapa si Gab sa sahig dahil sa bilis ng kanyang sunggab, at nakita niya nang malinaw ang anino. Silweta siya ng isang lalaki, ngunit walang mukha at walang damit. Itim lang. Literal na anino lang. Hindi makapaniwala si Gab sa nakita. Lumapit ito sa kanya na para bang kukuhanin siya mula sa braso. Hinawakan siya nito sa kanyang braso at inilapit nito ang kanyang bibig sa kanyang tainga na parang may sasabihin. Mahigpit ang pagkakahawak ng silweta sa braso ni Gab ngunit nagawa niyang makakalas sa kanyang pagkakahawak. Sa tindi ng takot,

295 humarurot si Gab paakyat ulit ng hagdan, pumasok sa kwarto, ni-lock ito, at agarang binalot ang sarili sa kumot habang nakaharap sa kanyang unan. Walang pang ilang segundo ang nakakalipas at narinig niya ang dahan- dahan na pagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto. Kahit nakaharap ang mukha ni Gab sa kanyang unan, alam niyang patay sindi ang ilaw sa kanyang kwarto dahil rinig niya ang agresibong pagpindot ng switch. Sa sobrang kilabot, humagulgol nang napalakas si Gab. “Tama na! Parang awa mo na, tigilan mo na! Sino ka ba at bakit mo ako ginugulo?!” Tumigil ang lahat ng ingay na gumagambala sa kanyang gabi, at naramdaman niyang may umupo sa tabi ng kama niya. Patuloy pa rin ang pagdikit ng mukha niya sa punda ng unan. Nakaramdam siya ng kakaibang lamig. Ilang segundo ang nakalipas, naglakas loob siyang tumingin sa kanyang tabi. Wala na ang lamig, at para bang walang nangyari sa kanyang kwarto. Bukas ang ilaw at naiwan niyang bukas ang kanyang computer. Patuloy niyang pinagmasdan ang kwarto upang siguraduhing wala na ang silwetang baka sumulpot pa muli. Pumunta siya sa kanyang computer para tignan kung online pa ang mga kaibigan kanyang naiwan. Natapos na pala nila ang panonood ng pelikula kaya nagsialisan na ang mga ito. Dahil sa mga pangyayari kaninang gabi, mataas pa rin ang kanyang balahibo at nanginginig pa rin ang kanyang katawan. Gusto niya sanang tawagan si Nanay Alyana para ikuwento ang mga pangyayari kanina ngunit hatinggabi na at baka umalis si Laguna ng de-oras para kamustahin ang anak kaya hindi nalang niya ginambala ang kanyang nanay. Para pakalmahin ang

296 sarili, naisipan na lang niyang maligo sa maligamgam na tubig. Naghanda siya ng mga damit na pantulog at dinala ito sa banyo para dito na lang magbihis. “Ano kaya yung nilalang na yun? Sa dami ng tao dito sa paligid, bakit ako pa yung piniling guluhin? O baka yung iba, minulto na din dati? O baka noong binili itong bahay na ‘to, pinugaran na ito ng mga espiritu kaya binebenta,” tinatanong ni Gab sa sarili habang naliligo. Dahil sa mga naiisip, hindi rin siya nakapagpakalma. Habang nagbibihis sa loob ng banyo, nakarinig na naman siya ng mga mabibilis na kaluskos mula sa kanyang kwarto. Para bang may nag-uusod ng kanyang kama, nagbubukas-sara ng pintuan ng kanyang kabinet at agresibong pumipindot sa kanyang keyboard nang sabay-sabay. Gusto na niyang tumakbo palabas ng bahay ngunit ayaw niyang makita muli ang silweta na baka ay habulin siya. Pagkalipas ng ilang segundo, nabalot ang kwarto ng nakaririnding katahimikan. Napagpasiyahan niyang palipasin muna ang oras sa loob ng banyo bago lumabas muli para makasigurado na wala na talaga ang silweta. Tumilaok na ang manok ng kapit-bahay. Hindi namamalayan ni Gab na inabutan na siya ng umaga. Tanaw mula sa maliit na bintana ng kanyang banyo ang sinag ng araw. Dahan-dahang binuksan ni Gab ang pintuan at nakita ang kanyang kwarto nasa maayos na kalagayan. Walang magnanakaw, walang silweta. Umupo siya sa kanyang kama upang pagmasdan muna ang kwarto, para siguradong sigurado na wala nang gagambala sa kanya. Habang tinititigan ang silid, napansin niyang naiwanan niya palang bukas ang kanyang computer. Bago niya ito mapatay, isang litrato ang bumungad sa kanya. Litrato niya nito noong kasama niya ang tatay magbisikleta. Nagulat siya dahil nakabaon ang litratong ito sa kanyang computer at matagal na niyang hindi ito nabubuksan. Agad na lang niyang sinira ang kanyang computer.

297 Habang nag-aayos ng kama para makatulog pagkatapos ng mahabang gabi, may nakita na naman siyang litrato sa ilalim ng kanyang unan; tangan- tangan si Gab ng kanyang tatay noong maliit pa siya. Habang pinagmamasdan ang litrato, napansin din niyang may nakasulat sa likod. “Anak ko ‘to! Mahal kita higit pa sa inaakala mo.” Nagulat si Gab. “Ikaw kaya talaga yun? Nagpaparamdam ka ba?” ang tanong niya sa sarili. Nakita niya ang litrato kasama ang nanay na nakapatong sa bed table. Kinuha ito at inusod ng kaunti. Kinuha niya ang litratong nakita sa ilalim ng unan inilagay sa tabi ng litrato ng kanyang nanay. Pinagmasdan ito, at unti-unti nang nakatulog, habang may maliit na ngiti.

298 Francis Estrella

Katahimikan

Tahimik ngayon sa Luneta. Ang daloy ng hangin na gumagapang sa aking balat, ang langit na isang dagat ng mga ulap, at ang huni ng mga ibong nakadapo sa mga sanga ng puno. Wala masyadong tao dahil weekday ngayon at ginamit ko ang isa sa aking mandatory leaves para sa taon na ito. “Hay, nakakakalma naman talaga,” sabi ko sa sarili habang inaayos ang aking cap. Mahal ko ang tahimik na mga oras na ito. Madalas akong naglalakad para magpalipas ng oras. Ito ay aking nakasanayan noong nasa kolehiyo pa lang ako habang naghihintay sa susunod na klase o kung kailangan kong mag-relax. Ito ang mga oras na ako’y napapaisip sa iba’t- ibang mga bagay. Nasa Luneta ako ngayon para makita ang monumento ni Rizal dahil di ko pa ito nakikita sa personal. Wow, ang makabayan ko naman! Nakarating na ako sa monumento ni Rizal. Hindi man ito kasing engrande ng Memorial Shrine sa Quezon City o sa Monumento ni Bonifacio, sa tingin ko maganda naman din ito. Ang mga bronze statue nito ay may kaunting kinang

299 dahil sa araw; ang guwardiya ay nakatayo nang matatag at kita mula sa malayo ang linis at ayos ng kanyang uniporme. Ang obelisk sa gitna ay naglalantad sa halaga ng taong inaalala. Kanina pa ako naglalakad kaya nakakaramdam na rin ako ng pagod. Nabawasan ang mga ulap kaya matirik na rin ang araw. Lalo nang uminit at tuluyan akong pinawisan. Habang ako ay naglalakad, nakapansin ako ng isang bangko sa ilalim ng puno. Ang lilim, isang senyas ng ginhawa at pahinga. Kulang na lang ay puntahan ko ito. May isa pang taong nakaupo sa bangko. Nakatungo siya at may tinitingnan sa kanyang cellphone. May salamin, nakasuot ng t-shirt na may disenyo ng di ko kilalang banda, maong na pantalon at sneakers. Sa gitnang banda ng bangko, may nakasandal na guitar case na may nakabalot pang jacket. Huh? Bakit mukha siyang pamilyar? Katrabaho dati? Kaklase? Kausapin ko nga para malaman ko. Pero yung di masyadong halata na sinusubukang ko siyang makilala. “Uhhh kuya, meron ka bang alam na bilihan ng tubig?” Nauuhaw na rin ako kaya ito na ang tinanong ko. “Oo meron, malapit dito onting lakad lang,” sagot niya, sabay turo sa likod namin. “Ikot ka lang diyan. May tindera akong nakita kanina,” sabi niya sa akin, sabay-balik sa kanyang pinagkakaabalahan. Tumayo ako. Lalong lumalakas ang ko na kilala ko ‘tong tao na ‘to; pamilyar ang boses niya at pati na rin ang pagdala ng kanyang sarili. Sino ba tong estranghero na to? Estranghero nga ba talaga siya? Anong gagawin ko kung nakilala ko nga siya? Sige, bili muna ako ng tubig. Tama nga yung lalaki, may tindera nga rito at may tubig pa siyang malamig!

300 “Te, pabili nga po ng dalawang tubig,” sabi ko habang hinahanap ang aking wallet. “Singkwenta pesos,” ang tugon ng tindera sabay-abot sakin ng mga bote ng tubig. Basa pa ang mga ito dahil nakalagay sila sa isang cooler. Kumuha ako ng isang daan sa aking wallet, ang pinakamaliit na pera sa loob ng aking wallet. Inabot ko ito at sumenyas sa tindera na wag na ako suklian. “Salamat po!” ang sabi ng tindera, sabay-ngiti na abot-tainga. Nag- umpisa akong maglakad pabalik sa bangko na natagpuan ko kanina. Lumiko ako sa may sulok at nandoon pa rin ang aking seatmate. Dali akong umupo sa aking lumang puwesto. “Brad, eto o, tubig,” ang sabi ko sa kanya, habang pilit kong tinatanong sa aking utak kung saan ko nga ba siya nakita. Sinubukan ko ring ilabas ang aking ngiti pero parang ang tipikal na awkward na ngiti ko lang ang lumabas. “Ha? E bakit?” sabay gumawa ng nalilitong ekspresyon. “Salamat lang sa pagtuturo sa akin sa tindera. Kunin mo na, medyo mainit na rin e,” sabi ko, habang patuloy na inaabot ko sa kanya ang bote ng tubig. “A sige salamat tol!” Nagulat ako dahil parang sobrang natuwa siya. Nang makita ko ang ngiti at natutuwang ekspresyon ay parang may nag- click sa utak ko. Ah. Alam ko na kung sino to. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ngiti na iyan. Ang isa sa mga ngiti na lagi kong nakikita noong bata pa lang ako. Siya ay si Elvin o El kung tawagin ko siya dati. Kapitbahay ko na nga siya, lagi ko pa siyang kaklase noong grade school palang ako. Sa madalas naming pagsasama ay tuluyan kaming naging matalik na magkaibigan. Gayunpaman, wala akong maisip na espesipikong pangyayari kung saan idineklara ko sa sarili

301 ko na, “Ah, siya ay isang kaibigan.” Nangyari na lang siya. Kung ilalarawan ko ang aming pagkakaibigan ito’y walang hugis, basta nandyan. Dalawang dekada na ang nakalipas magmula noong aming huling pagkikita. Nakaukit sa aking isip ang lungkot sa mukha at luhang dumadaloy sa kanyang mukha. Ako rin mismo ay hindi napigilan ang emosyon noon. Ang nakasanayang kasama ay bigla nalang nawala. Ang aking access sa internet noon ay mula sa PC ng aking pamilya. Hindi pa ako bihasa sa paggamit nito noon kaya mas pinili ko na lang na magbasa ng mga libro at comics. Nang ako’y tumanda at natutong gumamit ng teknolohiya, sinubukang ko hanapin si El sa Facebook at iba pang social media. Ngunit di ko rin siya mahanap dahil sa mga rason na hindi ko alam. Nang tumagal ay tumigil na lang ako sa paghahanap; ang aking puso’y naka- move on na kasama ang mga bagong kaibigan. O ito ang akala ko noon dahil bigla na lang lumitaw ang mga lumang emosyon at alaala na naramdaman ko, parang isang sirang tubo. Ang galing naman ng kapalaran. Sa lahat ng oras at lugar, ngayon pa sa bangko na ito sa Luneta. “Tol, ok ka lang? Parang nakakita ka ng multo.” Kita ang lito sa kanyang mukha. Ano kaya? Muli ko bang bubuhayin ang aming pagkakaibigan? At mas mahalaga, gusto rin niya bang buhayin ito? O kausapin man lang ako kahit sandali lang? Isa lang ang solusyon sa aking kasalukuyang problema. Kailangan ko siyang kausapin. Hindi ko lang itong gustong gawin. Hindi sapat ang imahinasyon at panaginip dito. Kahit anong mangyari, tanggihan man ako, kailangan kong

302 gawin ito. Hingang malalim, kakausapin mo lang siya, Arno. Hindi naman yun mahirap, diba? “Uhhh ano kasi...” Diretso tingin ko sa kanyang mga mata. “Elvin?” at pumigil ang hinga ko. Sasagot kaya siya o tatayo na lang, aalis, at iiwanan ako sa aking pagdurusa? “Hi. Arno. Kumusta ka naman?” tanong niya sakin. Parang may lumuwag sa aking dibdib. Isang bigat na di ko alam na nandoon pala. Nawala na lang bigla sa isang saglit. Ah. Ito ata yung nadarama ko dati tuwing kasama ko siya. Sa totoo lang kahit siguradong-sigurado na ako, hindi pa rin ako makapaniwala. “O-okay lang ako pre,” sabi ko. Hindi ko maitago ang gulat nerbiyos sa aking boses. Mukhang tinatrato siya ng aking utak bilang bagong kakilala. Bilis, Arno, isip ka ng bagong mapag-uusapan! “Nagsasalamin ka na? Kaya hindi kita nakilala agad, eh,” sabi ni El. Hindi ako mapakali kaya inayos ko ang aking upo. Basta may mapag-usapan lang muna kahit gaano pa ito pangkaraniwan, ok na iyon sa ngayon. “Oo, Arno, nasa dugo ko rin kasi eh. Natatandaan mo naman siguro na nakasalamin din si nanay diba?” Oo nga, may salamin nga si tita noon. Madalas nga naming pag-usapan na baka lumabo rin yung mga mata niya. Paano ko naman nakalimutan iyon? Ano pa kaya mga nakalimutan at binaon ko sa isip tungkol kay Elvin? Sigurado ako na kilala ko siya noon pero ngayon? Bukod sa labo ng kanyang mga mata, ano pa ba ang nagbago? At least nakilala ko pa siya kahit kaunti bago ako naging sigurado na siya si El. Siguro naman may points ako para doon. Pagtingin ko sa kanya ulit, nakatingin lang siya sa malayo. Ang tahimik naging maliwanag.

303 “Ikaw ano na ginagawa mo? Nagbabanda ka ba?” sabi ko, habang titig na titig sa case ng gitara. Kung tama ang tingin ko ito ang case ng paboritong gitara niya. “Ayun, nagtuturo ng music,” sabi niya, sabay-tapik sa case ng gitara. Naalala ko dati pa ay mahilig na siyang tumugtog at lagi niyang dinadala ang gitara sa halos lahat ng pagkakataon. At least natatandaan ko pa yun. Tila natuyo ang aking bibig. Wala akong maisip na pangpatuloy ng usapan. Masyadong marami pang pinoproseso ang aking utak. Napakaingay ng mga isip ko, pero napakatahimik naman ng Luneta; lalo akong naguluhan. May patutunguhan pa ba ‘to? At parang sagot sa aking kalagayan, biglang nagsalita si Elvin. “Kailan tayong huling nagkita?” tanong niya habang nakaharap sa malayo. “Dalawang dekada na. Noong umalis kami,” sagot ko nang nauutal. Tumungo siya. Ang kanyang mukha may kaunting lungkot na may kasamang pag-unawa. Hindi ko man alam ang saktong iniisip niya pero nararamdaman ko naman ito. “Sinubukan kong hanapin sa Facebook pero hindi kita mahanap,” sabi ko nang mabilis. Hindi mapakali ang aking kaliwang paa. Ang katahimikan hindi tumutulong sa akin ngayon. “Hindi mo na kailangan mangatwiran pa. Nagkita naman ulit tayo diba?” sabi niya na may kaunting ngiti. At doon lumuwag ang aking dibdib. May pagkakataon pa akong buhayin ulit ang aming pagkakaibigan. Tumingin si Elvin sa kanyang cellphone at tumayo. “Sige Arno alis na ako,” sabi niya habang nilalagay ang case ng gitara sa kanyang balikat. Pinasok niya ang kanyang kamay sa case at may kinuha.

304 “Aalis ka na? Ano to?” tanong ko habang kinukuha sa kanya ang papel sa kamay. Isang business card. “Oo pre, alis na ako. May kailangan pa akong turuan, eh. Pero yan, tawag ka sa’kin, huwag na natin iwanan sa swerte ang susunod na pagkikita natin,” sabi niya sakin habang suot-suot ang ngiting hindi ko makakalimutan. Ngumiti ako pabalik at nakakaramdam ng tuwa. “Sige pre, see you!” binati ko, at tuluyan nang umalis si Elvin. Tahimik pa rin sa Luneta. May mag-asawang kasama ang kanilang anak, at grupo ng magkakaibigan. Ang hangin ay dumadaloy sa aking balat, at parang lalong gumanda pa ang mga kanta ng ibon sa mga puno. Sana nga mabalik ang aming lumang pagkakaibigan. Dahil ayaw kong bitawan ang nararamdaman kong init sa puso.

305 Myron Whittaker

Kwento ng Tagapagligtas ng mga Nangangati

a panahon ng tag-init, hindi madaling pumili ng mga isusuot na damit. Naiipon ang pawis at libag, naninilaw ang tela, at bukod pa rito ay ang Slintik na pangangati ng balat. Kahit sa kasulok-sulukan ng alak-alakan, balat ay tila kinakagat ng dalawampu’t pitong pulang langgam. Kailangang kamutin nang kamutin, hanapin ang ugat, at ikiskis nang madiin ang kuko hanggang sa ito’y nagdurugo na. Kamot. Kamot ulit. Walang tigil na pagkamot. Palingon-lingon ang batang babae sa kaniyang kapaligiran habang siya’y naglalakad papunta sa palengke. Bawat magsasakang nakabilad sa araw, ang leeg ay mapapansin na padukot-dukot sa loob ng kanilang damit. Pakamot-kamot, ngunit kailangan pa rin itanim ang mga binhi bago masira ang punla. Dukot, tanim, dukot sabay tanim at pagkatapos ay kamot muli. Walang-oras para magreklamo. Kailangan makapag-tanim. Kung hindi ay walang aanihin.

306 Sa kalsadang nilalakaran niya ay natunton ng batang babae ang isang bahay na may tindahan. Nakisilong ang batang babae rito at dumudungaw sa pintuan, naghahanap ng mapagtatanungan. “Tao po! Pabili ho!” sigaw ng batang babae. Walang sumagot sa batang babae. Nilamon ang boses niya ng ingay ng mga kuliglig sa paligid na tila ba ay parang ginigisa ang mga ito sa tindi ng init. “Tao po? Tao po! Pabili-” sa ikalawang beses na pagsigaw ng batang babae ay bumungad sa kaniya ang isang matandang babae na nakasimangot at nangangati. “Ano ba iyon, tanghaling-tapat ay napaka-ingay mo iha ah. Ano bang kailangan mo?” sagot ng matandang babae habang kinakamot ang likuran at bahagyang nakalabas ang bilbil sa tiyan. “Puwede ho ba akong bumili ng palamig?” tugon ng batang babae sa nakasimangot na matandang babae. “Nako iha walang yelo. Hindi naghatid ng yelo ngayong araw si Tunying kaya lahat ng palamig ay nakatambak lang dito. Nasira na lahat ng paninda ko!” sagot sa kaniya ng matandang babae habang kumukuha ng sigarilyo sa isang garapon. “Hindi ho ba kayo mas maiinitan kung magsisindi ho kayo?” tanong ng batang babae. “Ay iha...sa tindi ng init, tas wala pang kita, sigarilyo na lang kaligayahan ko. Panabla baga sa sakit gawa ng kati-kati, tignan mo oh, namamantal na likod ko,” sabay talikod at iniangat ang damit upang ipakita ang di mabilang na pantal at sugat sa likod niyang nagpapawis pa. Nang humarap ulit ang matandang babae napansin nito na pawisan ito at mukhang walang dalang payong. Yumuko ang matandang babae at sa kaniyang

307 pagdukot sa ilalim ng lamesa ay hinugot nito ang isang malaking payong na inaalikabok at butas-butas na. “Wala akong maibibigay sa iyo na palamig iha pero mas kailangan mo ito kung ika’y may pupuntahan pa. Iyo na itong payong ko at ako’y hindi naman nalabas ng bahay,” ang sabi ng matandang babae. “Salamat po, manang! Pagkatapos ko ho mamalengke, ibabalik ko po sa inyo.” at tumayo na ang batang babae sa kinauupuan niya at saka binuksan ang lumang payong. Dali-dali namang may kinuha pa ang matandang babae sa loob ng tindahan at hinabol ang bata. “Ay iha, alam ko hindi malamig pero magbaon ka na ng tubig at baka mauhaw ka,” ang sabi ng matandang babae habang naghihingalo kahit saglit lamang ito tumakbo. Kalahating litro ng tubig na maligamgam ang iniabot niya. Nagpasalamat ulit nang ilang beses ang batang babae bago ito nagpatuloy sa paglalakad. Mapapansin ng batang babae na lahat ng bukid ay nanunuyo na at ang mga magsasaka ay nagsihinto na sa pagtatanim at nagkakamot na lamang sa ilalim ng mga puno. Makalipas ang ilang minuto ay natunton ng batang babae ang isang magsasaka na nakaupo sa silong ng isang puno sa tabi ng kalsada. Habang natutulog naman sa tabi nito ang isang dambuhalang kalabaw na mabagal ang paghinga at pawisik-wisik ang taenga tuwing dinadapuan ng langaw. Napuna ng batang babae na tuyot na ang mga labi ng magsasaka at bawat hininga nito’y parang may nakabara sa kaniyang baga. Nang tumingala ang magsasaka ay nakita pa lalo ng batang babae na ito tuyong-tuyo na pati ang mga mata na di na makaluha, balat na kapag hinila ay tila lawlaw na.

308 Nangingibabaw ang lungkot ng batang babae, ngunit mas pinangunahan niya ito ng pag-aalala. Inabot ng bata ang tubig na hawak niya sa lalakeng nanghihina. “Manong, tubig po…” “Sa..la-..mat,” mabagal at mahinang sagot ng lalakeng nanghihina. Habang inaabot ang tubig ay napansin ng batang babae na pinipilit pa ng lalake na magsalita. Inunahan na ito ng bata. “Manong, ako na po magpainom sa inyo,” at lumapit ang batang babae sa kinauupuan nito at binuksan ang plastik na bote. Nilapat nang dahan-dahan ng batang babae ang bibig ng bote sa labi ng lalakeng nanghihina. “Huwag ho kayo magmadali at baka ho kayo mabilaukan,” wika ng batang babae. Ngunit habang umiinom ang lalakeng nanghihina na parang sanggol ay bigla itong humagulgol at napapikit. Umiiyak ang lalakeng nanghihina ngunit ni isang luha walang tumagaktak sa mga mata nito. Lumunok siya ng dahan- dahan at sabay minulat ang mga mata nang pahapyaw. Pilit inaabot ng lalakeng nanghihina ang mga kamay ng batang babae. Nang ibaba ng batang babae ang bote ay humarap ng lalakeng nanghihina sa kaniya at nagsalita ito nang sobrang hina, “Iniligtas mo ako iha sa mga kuko ni Kamatayan.” Nanginginig ang mga labi ng lalakeng nanghihina. Hindi umiimik ang batang babae at nakikinig nang taimtim. “Tanaw ko ang bukid ng aking mga ninuno. Pawis at dugo namin ang bumubuhay sa palayan na iyan.”

309 “Wala man akong kayamanan iha, itong kamote lang kaya kong ipambayad sa iyo.” “Wag na po manong, sa iny-” ngunit bago pa man matapos ng batang babae ang sinasabi niya ay inilagay na ng lalakeng nanghihina ang kamote sa mga palad niya. “Mas kakailanganin ng iba iyan.” Sabay ginising ng lalakeng nanghihina ang kaniyang kalabaw at dahan-dahang umakbay sa balikat nito habang nakahawak ang kaliwang kamay sa sungay ng hayop. Sa pagtayo ng dambuhalang kalabaw ay madali nitong naiangat sa pagkakaupo ang lalakeng nanghihina. Unti-unti nang naglakad papalayo ang lalake at ang kaniyang kalabaw. Hinabol ng batang babae ang lalakeng nanghihina at pinayungan niya ito hanggang sa makauwi sa kubo nito upang makapagpahinga. Nang makita ng batang babae na mahimbing na ang lalake ay nagpaalam na ito nang tahimik at bumalik na sa kalsada papuntang palengke. Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na sa paroroonan ang batang babae. Bumungad sa kaniya ang arko na may pagbati. “Maligayang Pagdating sa Lalawigan ng… Nangangati?” patanong na pagbasa ng batang babae. Laking gulat niya nang makitang may ibang salitang nakatakip sa pangalan ng kanilang lungsod na mukhang pinturang itim ang ginamit. Bagama’t gulat na gulat ang batang babae sa kaniyang nakita ay hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin at pumalakad na siya. Ngunit maya-maya lamang ay makaririnig siya ng iyak ng isang bata. Matapos niyang hanapin ang pinagmumulan ng iyak ay natanaw niya sa isang barung-barong sa may gilid ng kalsada. Mayroong batang lalake na di nalalayo sa kaniyang edad at umiiyak at inuuhog pa. “Bakit ka umiiyak?” tanong ng batang babae.

310 Panandaliang tumahimik ang batang lalake, tila ba kinikimkim ang iyak nito. Tinitigan niya ang batang babae sabay umiling at nagpatuloy sa paghagulgol. “Asan ang iyong mga magulang? Bakit ka umiiyak?” patuloy na pagtanong ng batang babae na bahagyang nainis sa hindi pagsagot ng batang lalake. Sa wakas ay sumagot ang batang lalake, “Wala sila..namumulubi sa palengke..” tugon ng batang lalake habang kinukuskos ang mga mata. “Masakit na itong tiyan ko, nagugutom na ako...kahapon at nung isang araw pa..-” Nang marinig ito ng batang babae ay parang kumirot ang kaniyang dibdib. “Saglit lang at ipagluluto kita.” Dali-dali namang tumayo ang batang babae at humanap ng takure, gamit ang natitirang tubig na dala niya ay sinindihan niya ang lumang kalan. Hinugasan niya nang maigi ang kamote. Matapos kumulo ang tubig ay inilagay na niya ito sa loob ng takure at tinakpan. Tumigil na sa pag-iyak ang batang lalake at pinagmamasdan ang bawat kibo ng batang babae sa loob ng kaniyang tahanan. Makalipas ang higit sa kalahating oras ay kinuha na ng batang babae ang pinakuluan niyang kamote at tsaka hinipan ito at binalatan nang bahagya lamang. Iniabot niya ang kamote sa batang lalake na agad-agaran namang kinuha ang kamote at kinain. Mainit man ito ay nakangiting kinakain ng batang lalake ang kamote. “Ate salamat po, ang tamis po nitong kamote!” sabi ng batang lalake habang ngumunguya pa. Inialok pa rin ng batang babae ang kalahati matapos maubos ng batang lalake ang unang iniabot niya. Binigyan rin niya ng kaunting tubig ito. Busog na po ako ate, salamat po!” Nakabungisngis ang bata habang dali- dali naman itong tumayo at may dinukot sa ilalim ng lababo.

311 “Ate, wala kaming pera po eh, ito lang po.” hawak ng bata ang isang bayong na gawa sa sako ng bigas na pinagtagpi-tagpi ang mga butas. “Salamat ha, pero baka pagagalitan ka ng magulang mo kapag ibinigay mo ito sa akin?” tugon ng batang babae. “Ako na ang bahala ate!” nakabungisngis na sinabi ng bata, sabay sabi, “Nagugutom pa pala ako, ate, may iba ka pa po bang pagkain diyan?” “Nakakain ka lang ng kamote, kumulit ka na? Wala na akong dala pa pero pagkagaling ko sa palengke ay dadalhan kita.” “Biro lang iyon ate!” At sabay silang napatawa. Ngunit napansin ng batang babae na magtatanghalian na ay dali-dali siyang nagpaalam sa bata upang magtungo na sa palengke. Hinabol ng batang lalake ang batang babae hanggang sa may kalsada at saka kumaway ito at nagpaalam. “Hindi ko pala naitanong pangalan ni ate...”, sabi ng batang lalake sa sarili niya, “...tsaka na lamang pagbalik niya”, at umuwi na ito sa tahanan niya. Nang makarating sa palengke ay pumunta agad ang batang babae sa bilihan ng yelo at tinanong niya kung naroroon daw ba si kuya Tunying. Agad naman sumagot ang binatilyo at tsaka tinanong kung bakit siya hinahanap. “Mayroon po kasi kayong hindi po nahatiran ng yelo, si manang po na may maliit na tindahan pagkalabas ng bayan.” “Ay oo, kaya lang iha, kita mo naman ang tindi ng init ng araw, bago pa ako makarating dun ay tunaw na ang yelo. Bukas, ‘pag nag deliber, uunahin ko siya dalhan ng yelo,” tugon ng binatilyong nagngangalang Tunying. Nagpasalamat naman ang batang babae ngunit nagdadalawang isip kung bibilhan na lamang niya ng kaunting yelo ang matandang babae. Isinantabi na muna niya ito at sinabing babalikan laman niya kapag paalis na siya.

312 Sunod naman niyang pinuntahan ang nagtitinda ng kamote at kamoteng kahoy. Binilhan niya ng tatlong pirasong kamote ang magsasakang tinulungan niya kanina at tsaka isang na gawa sa kamoteng kahoy. Gusto pa sana niyang bumili pa ng isa pa para sa sarili niya ngunit kukulangin na ang pambili niya ng uulamin ng pamilya niya. Habang ang batang babae ay nagtitingin sa mga paninda sa harap niya, mayroong dalaga na nagmamasid sa kaniya mula sa kasuluk-sulukang puwesto sa palengke. Lumapit sa batang babae ang dalagang ito at tsaka tinapik ang balikat nito. Nagulantang ang batang babae sa pagtapik sa kaniyang balikat at agaran naman na napalingon sa kinatatayuan ng dalaga. Yumuko at inilapit ng dalaga ang kaniyang bibig sa kanang taenga ng batang babae at sabay binulong, “Nangangati ka ba, iha?” malumanay na tanong ng dalaga. May bakas ng takot sa boses ng dalaga ngunit hindi ito matunton ng batang babae. Sa kaniyang pagkagulat sa tanong ay napaatras ang batang babae sa harap ng isang misteryosong dalaga. “Hindi po! H-Hindi po ako nangangati!” tugon ng batang babae na muntik nang maitumba ang mga paninda sa likuran niya. Nanatiling nakatuwad ang dalaga at bagama’t umatras ang batang babae mula sa kinatatayuan ng dalaga ay lumapit lamang nang husto pa ang dalaga hanggang sa halos magkadikit na ang mukha nilang dalawa. Lumilipat-lipat ang titig ng dalaga mula sa kaliwa hanggang sa kanang mata at pabalik nang hindi kumukurap. “Hindi ka rin nangangati…?” tanong ng dalaga sa batang babae. Nung una ay hindi naintindihan ng batang babae kung bakit iyon ang tinatanong sa kaniya ng dalaga, subalit makalipas ang ilang segundo ay

313 namalayan din niya sa wakas ang ibig iparating ng dalaga sa kaniya. Ngunit napansin ito ng dalaga at bago pa siya makapagsalita ay inunahan na siya nito. “Nais kong maibsan ang suliranin sa lalawigang ito...subalit bago ito mangyari ay dapat munang malagpasan ang balakid na nasa ating harapan. Iha, alam mo ba kung ano ang aking tinutukoy?” tanong muli sa kaniya ng dalaga. “Iha, nais mo rin bang iligtas ang mga nangangati?” tanong ng dalaga na may bakas muli ng takot. Bago makasagot ang batang babae ay nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng palengke nang mayroong matinis na sigaw ang pumangibabaw sa ingay ng palengke. Nang mapatingin ang batang babae sa pinagmulan ng sigaw ay hindi niya namalayan ang unti-unting pag-atras ng dalaga patungo sa kawalan. Nang lumingon muli ang batang babae ay hindi na niya muli makita kung nasaan ang dalaga. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na takot. Sa dami ng mga taong nakiusyoso ay napilitan na rin ang batang babae na tignan ang pinanggagalingan ng kaguluhan. Isang patalim ang umusbong sa gitna ng mga taong nakapaligid, isang binata ang may hawak ng patalim na ito habang hawak naman ng kabilang kamay sa kuwelyo ang isa pang lalake na may gintong ngipin. “Lumayo kayo sa akin! Papatayin ko ‘tong hayop na ‘to! Gahaman! Buwaya! Alam mo na ngang walang ma-ani, walang mahuli, lahat nangangati, pilit mo pang ginigipit kaming mga mahihirap!” sigaw ng binata na nanlilisik ang mga mata. “Dapat lamang kayo magbayad ng utang ninyo! Mga salot sa lipunan, kung wala ako wala rin kayong kakainin!” sigaw ng lalake na may gintong ngipin sa mga taong nakiki-usyoso. Sa mga salitang binitawan nitong lalakeng may gintong ngipin ay

314 panandaliang nabigla ang mga tao. Ngunit mapapansin na unti-unting nagbabago ang pagtataka sa kanilang mukha at mapapalitan ito ng galit. Nagkagulo ang mga tao, sinugod ng mga nasa harapan ang lalakeng may gintong ngipin at sinusubukan naman ng mga nasa pinakalikod na makisali rin. Ang binatang may patalim ay makikitang inilapit ang patalim sa mukha ng lalakeng may gintong ngipin. Makalipas ang kalahating minuto ay iniangat ng binata muli ang kaniyang kamay ngunit sa halip na patalim ang hawak ay isang kulay gintong bato na may pulang likido na tumutulo dito. “Umpisa pa lamang ito ng pagbawi natin sa nararapat na sa atin!” sigaw ng binata habang ipinapakita sa mga tao ang batong marahil hinugot nang puwersahan sa bibig ng lalakeng may gintong ngipin noon. Sa gitna ng kaguluhan ay hindi na namalayan ang pagkakaipit sa batang babae. Nawalan ito ng malay at nakahandusay sa may gilid ng mga tao. Maya- maya lamang ay may tumakbo papunta sa kaniya habang sumisigaw, ngunit hindi na ito naririnig pa ng bata. Nagising ang batang babae na may unan sa kaniyang uluhan at malambot na higaan. Napatayo siya bigla dahil ang huli niyang naaalala ay nasa palengke siya na wala namang mga kama. Hindi rin pamilyar sa kaniya ang bahay kung saan siya. “Gising ka na ba?” tanong ng isang boses na hindi maalala kung saan niya narinig. “Sino ka at bakit mo ako dinala dito?” tanong ng babae na may halong takot at galit. “Huwag kang matakot, si Tunying ito, naalala mo ba ako?” sagot ng boses sa may labas ng kwarto. Unti-unti naman na pumasok ang binata sa kwarto at may hawak na tasa sa kanang kamay at pandesal sa kaliwa naman.

315 “Kuya Tunying! Kayo po iyong hindi nagdala ng yelo kay manang!” tugon ng batang babae. “Oo ako nga iyon, pero hindi ko naman sinasadya iyon! Pramis, bukas na bukas pupunta ako sa pabrika at dadalhan ko silang lahat ng yelo. Alam ko kasing mga palamig na lamang nakakapagpagaan ng pakiramdam ngayon kahit panandalian lamang,” sagot ni Tunying habang inabot niya ang pandesal at tasa na may lamang softdrinks na may yelo. “Salamat kuya, pero nasaan ako at anong nangyari sa akin?” tanong ng batang babae habang kinukuha ang tasa at pandesal. Napansin ng batang babae na buong araw na pala siyang hindi pa kumakain. “Hinimatay ka kanina iha sa palengke, siguro naipit ka noong nagkagulo yung mga tindero sa palengke. Nakita kitang nakahandusay sa sahig kaya agad kitang dinala sa labas para mahanginan pero hindi ka pa rin nagigising. Dinala kita dito sa bahay ko para gamutin mga sugat mo,” tugon ni Tunying. “Salamat ulit pero kailangan ko nang umalis at kailangan ko pa pong mamalengke. Puwede niyo po bang ituro sa akin ang daan?” tanong ng batang babae. “Malapit na tayo sa may ilog, kung susundan mo iyong ilog ay matatanaw mo na yung kalsada papuntang palengke. Pero magdidilim na, sasamahan na kita, antayin mo ako at kukuha ako ng ilaw,” sagot ni Tunying. Pumayag naman ang batang babae at habang lumabas muli ng kwarto si Tunying ay kumain naman ang batang babae habang nag-aantay. Marahil ay dahil sa kakaibang pakiramdam o sobrang mahina na bulong sa kaniyang taenga ay napatingin ang batang babae sa bintana. Laking gulat niya nang makita niyang muli ang dalaga na kumausap sa kaniya sa palengke. Pumapalikod dito ang sinag ng araw na palubog na kaya naman halos kumikinang ang

316 buong hugis ng katawan nito. Napansin din ng batang babae na tinatawag siya nitong dalaga. Bagama’t may takot sa kaniyang isipan ay hindi mapigilan ng bata ang kabig ng dibdib na lapitan ang dalaga upang malaman ang nais ipahiwatig nito. Lumabas siya gamit ang bintana sa kwarto. “Sino ka po? At bakit mo ako tinanong kung nangangati ba ako? Alam ninyo po ba kung bakit nagkakasakit ang lahat dahil dito?” sunod-sunod na tanong ng bata na kating-kati nang malaman ang sagot. “Shhh...alam kong marami ka pang tanong at mga sagot na nais mong marinig, ngunit hindi mo sa akin iyan makukuha hangga’t hindi mo sinasagot ang naunang tanong sa iyo ng kalangitan,” wika ng dalaga matapos itong tumalikod at humarap sa lumulubog na araw. “Uulitin ko, nais mo bang iligtas ang mga nangangati?” “Opo, gusto ko silang iligtas lahat. Silang mga nagugutom, nagbabanat ng buto para kumita ng pera, mga nagsasakripisyo para makapagbigay pa sa ibang tao, mga taong inaapi at sinasamantala! Walang sinuman ang dapat makaranas ng ganitong paghihirap!” Nagulat ang batang babae sa mga nasabi niyang salita na hindi kailanman niya naisip na masasabi niya. “Mahusay. Mahusay na sagot iha. Ikaw nga ang karapat-dapat na tagapagligtas sa mga nangangati,” wika ng dalaga sa bata. “Ngayon, ibuka mo ang mga mata mo at tanawin mo ang nasa dulo ng nitong ilog na ito. Nakikita mo ba iha? Naaamoy mo ba iha?” bulong ng dalaga. Habang sinusubukan tanawin ng batang babae ang tinuturo ng dalaga ay biglang may humila sa kaniyang kamay. “Bata, ano’ng ginagawa mo dito sa labas? Halika na at mag gagabi na, kailangan mo rin maka-uwi bago ka gabihin,” ang sabi ni Tunying na may

317 bitbit na lampara. “Ano’ng meron doon kuya Tunying? Sa dulo ng ilog?” “Ah, pabrika ng ermats ng meyor iyan, ‘wag ka pupunta diyan, pili lamang ang pupuwedeng pumasok diyan.” “Ano pong ginagawa nila doon?” tanong ng batang babae. “Yelo, gumagawa sila ng yelo sa pabrika na iyan,” tugon ni Tunying. At hindi na muling umimik ang batang babae. Nakarating sila sa palengke bago pa ito mag-umpisa sa pagliligpit at paghahanda para sa gabi. Mayroon nang mga dumarating na mga trak na may iba’t ibang mga paninda. May mga niyog, mga gulay, mga kahong gawa sa styrofoam na may lamang mga isda, iba’t ibang klaseng isda. Mayroong trak na malamig ang loob at may mga parte ng baboy o baka o manok. Buhay na buhay ang palengke at ang lahat ng tao ay nagmamadali. “Bata, may pamasahe ka pa ba?” “Maglalakad na lang ako kuya, okey na po ako.” “Sigurado ka ba? Gusto mo bang ihatid kita?” “Huwag na kuya, kaya ko na pong umuwi mag-isa. Maraming salamat ulit po kuya sa pagtulong ninyo sa akin.” At nagpaalam na ang dalawa sa isa’t-isa. Nagtungo na sa pinanggalingan ang batang babae, lihim sa kaalaman niya ay mayroon palang isinugod sa ospital na taga-palengke noong siya ay nasa bahay ni Tunying. Hindi na ito kinuwento ni Tunying at pilit pa niyang inililihis ang paningin ng batang babae sa lugar ng pinagyarihan. “Dadaan muna ako sa bata kanina.” Hindi nag-atubili ang batang babae na puntahan ang bata na kanina

318 ay gutom na gutom at dinalhan pa niya ng kamote at suman. Nagpasalamat naman ang magulang nito sa batang babae. Nagtungo na ang batang babae sa bahay ng matandang lalake na kanina’y nanghihina, gising na ito at naghahapunan ngunit napansin niyang wala itong ulam. Binigyan niya ng kaunting kamote at isda na nabili niya sa palengke. Nagpasalamat nang husto ang matandang lalake at nais pa sanang bayaran ang bata, ngunit tinanggihan niya ito. Sa wakas ay nakarating na sa tindahan ng matandang babae ang bata at dito niya ibinalik ang payong at bote ng tubig. Binigyan niya rin ng yelo ang matandang babae ngunit hindi na ito nakausap marahil ay sa natutulog na ito. Inilagay niya ang yelo sa frigidaire ng matandang babae. Matapos ay dumeretso na sa kaniyang bahay ang batang babae. Maliit lamang na bahay ito na gawa sa hollow-blocks na wala pang pintura, mayroon itong dalawang kwarto at isang kusina. Pagpasok mo ay sala na at hapag-kainan na rin. Mayroon din silang maliit na hardin sa gilid ng bahay kung saan makikita ang mga tuyong halaman. Mangingisda ang ama ng bata at nagbebenta naman ng bagongon na nakukuha nila sa ilog at pinalalaki sa maliit na palaisdaan. Matapos nilang maghapunan ay nagsitulog na sila upang makapagtrabaho nang maaga kinabukasan. Natulog nang mahimbing ang mag-asawa, subalit ang batang babae ay pagising-gising sa gabi at minsan ay hindi mapakali. Lihim sa kaalaman ng lahat ng residente ng baryong ito ay mayroong namumuong katakut-takot na suliranin sa dulo ng ilog. Isang istruktura ang napapalibutan ng usok na walang kulay. Habang kumakalat ito ay unti-unti rin nalalagas ang bawat dahon sa mga puno at mga halaman. Nagsisilutangan din ang mga isda sa ilog at iba pang mga hayop ay nangingisay at nangangati.

319 Daan-daang mga hayop ang nagsilikasan ng gabing iyon, papalayo sa nalalapit na lagim. Lumipas ang gabi at sumikat nang muli ang araw. Marahil ay mas matindi pa ngayon ang galit nito dahil sa sobrang init ay ala-sais pa lamang ay nagngangangawa na ang mga kuliglig. Ramdam ng pamilya ang init kaya naman lahat sila ay naalimpungatan. “Ano na ba ang nangyayari sa ating mundo? Katapusan na ba ng mundo?” wika ng nanay na malapit na sanang magtimpla ng kape dahil nakasanayan na. “Bibisitahin ko lamang po ang mga kaibigan ko sa ilog, ‘nay, samahan ko na po kayo,” sagot naman ng batang babae. “Ay sige halika at mag-almusal ka muna iha. Ako’y magdadala ng mga pamalit natin,” wika ng nanay niya. Habang ang mga residente ng baryong ito ay naghahanda na sa umpisa ng kanilang araw ay ang iba naman ay maagang nagpulong-pulong upang sugurin ang pabrika ng yelo na pagmamay-ari ng mga mayayamang Jingco’s, kung saan ang kanilang nakatatandang kapatid ay meyor ng baryong ito. Ang nakababata nilang kapatid ay ang lalakeng may gintong ngipin. Noong gabi ng kaguluhan pala ay nangiusap ang lalakeng may gintong ngipin sa kanilang ermats na ipatigil ang pag-dedeliber ng mga yelo sa palengke nang mabulok ang lahat ng mga paninda na dumating noong gabing iyon. Kaya naman noong kinagabihang iyon ay hindi dumating ang inaasahan ng mga tindero. “Sarado ang palengke? Dapat ganitong oras ay maraming tao sa bagsakan,” tugon ng isang residente. Makikita naman na hindi mapakali ang isang matandang magsasaka na may sako ng bigas na nais sana niyang ibenta.

320 Maging ang mga manlilimos ay hindi mapakali dahil ni kailanman ay hindi nagsara ang palengke nang walang abiso sa kanilang mga mamimili. Biglang nakarinig ng maingay na makina ng motor ang mga residente. Papalapit ang pedicab ng barangay tanod at nakasakay dito ang hepe ng mga tanod. “Mabuti na lamang at marami na ngang tao dito at madaling kakalat ang balita,” wika ng hepe sa kasamahan niya. “Kayo pong lahat ay dapat lumikas mula sa bayan na ito, nagkaroon ng malaking pagsabog sa pabrika ni Madam Jingco, hindi pa namin ho alam ang lahat ng detalye ng disgrasya na ito at kung may mga kemikal ba na kumakalat ngayon sa baryo,” malumanay ngunit matapang na sinabihan ng hepe ang mga residente habang sinesenyasan niya ang mga ito na magtipon sa plaza sa tapat lamang ng palengke. “Boss tsip, dahil ba ito sa away nung anak ni Jingco at tsaka nung binatilyo dito sa palengke?” “Hindi pa namin masasagot iyan boss, pero inaanyayahan namin kayong lahat na manatili sa inyong mga bahay at kung malapit naman ho kayo sa pabrika at lumikas na kayo sa lalong madaling panahon.” “Ser paano naman ho kaming walang pupuntahan at walang mga pera?” “Ano’ng lilikas? At saan naman ho kami pupunta, aber?” “Iyang mga Jingco na iyan, kurakot na nga pahamak pa!” “Mga ser, nakita ninyo ho ba ang anak ko? Hindi ho siya umuwi kagabi pati ang asawa ko rin ho!” “Kemikal ho? Aba’y papaano ho tayo at ang ating pangkabuhayan?” “May mga namatay po ba?” “Kailan po kami makakabalik?” “Ito po bang mga kemikal ang dahilan sa pangangati natin?”

321 “Boss, ser, saan ho ba maghahain ng reklamo? Kalahati ng tanim namin sa palayan bigla na lamang nalanta!” “Ang kati, punyeta!” Patuloy na dinudumog ng mga residente ang plaza sa may tapat ng palengke kung saan nakatayo sa pedicab ang hepe at may bitbit na megaphone. Nalulunod sa ingay ng mga tao ang boses ng hepe na pilit namang pinakakalma ang mga residente. Habang nagkakagulo sa plaza ay tahimik naman na naliligo ang batang babae kasama ang kaniyang ina. Makikitang nagtatampisaw pa ang batang babae at namumulot ng mga bato. Matapos maligo ng ina ay nauna na siyang magpatuyo at magbihis. Sa likod niya ay patuloy na nagtatampisaw palayo ang batang babae. Hindi namamalayan ng ina nito na siya ay malayo na sa kaniya. Nakaramdam nanaman ng takot ang batang babae, ngunit hindi siya tumigil sa paglakad dahil parang may kakaibang puwersa ang nagtutulak sa kaniya. Makalipas ang ilang hakbang ay nakita niya ang dalaga muli. Huminto siya at pinagmasdan ang dalaga na may pinulot mula sa ilog. Lumapit siya at nang humarap sa kaniya ang dalaga ay nakita niya ang isang makintab na dyamante. Ngunit habang mas lumalapit siya ay mas nagiging malinaw na hindi pala ito dyamante kundi isang malaking bagongon na kailanman ay hindi siya nakakita ng ganito kalaki at kakintab. Biglang itinutok ng dalaga ang bagongon na mukhang dyamante sa sinag ng araw. Tila ba ay inaantay ito ng bituin ng kalangitan dahil lumakas lalo ang sinag at naluto ang bagongon. Pinutol ng dalaga ang puwetan ng bagongon gamit ang kaniyang ngipin at tsaka ito inialok sa batang babae. Nag-aalangan ang batang babae ngunit iba ang lakas ng puwersang

322 tumutulak sa kaniya at sa mga sandaling iyon nalaman na niya ang dapat niyang gawin. Sinipsip ng batang babae ang lutong bagongon. Matapos mangyari ito ay tila ba parang huminto ang buong mundo niya. Ni isang tunog wala siyang naririnig. Maski ang agos ng tubig sa ilog ay huminto na rin. Subalit unti-unti rin siyang nakaramdam ng pangangati, parang gumagapang mula sa kaniyang mga daliri sa paa at paakyat sa kaniyang hita, sikmura, hanggang sa ulo. Ito ang unang beses na nangati siya. Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang kati at sakit na nararamdaman niya. Matapos ay lumipas din ito at hinimatay ang batang babae. Muling nagbalik sa normal ang paligid. “Ngayon, natitira na lamang ay ang akuin mo ang lahat sakit at pighati ng bayang ito.” At sa mga salitang iyon ay umandar nang muli ang agos ng ilog, inanod ang walang malay na batang babae ngunit sa kabila ng rumaragasang agos ay malumanay ang tubig sa pagdala sa bata. Nakabalot ang mga panyo sa mukha ng mga tanod at pulis, ang iba naman ay may suot na facemask. May mga lalake na balot na balot ang buong katawan at nakasuot ng mask at nagbubuhat ng mga bangkay papalabas ng pabrika. Mahigit kumulang singkwentang katao ang nagtatrabaho sa loob ng pabrika, ngunit ni isa ay walang nabuhay. Sa pagkakaalam ng iba ay lilipas din itong pagtagas ng kemikal, ngunit mapagbiro ang tadhana. Muling sumabog ang isa pang tangke na may lamang ammonia na ginagamit sa pagpapalamig ng mga dambuhalang refrigerators sa pabrika. Mas lalong kumalat ang nakamamatay na kemikal at ang mga tao na nasa labas ay unti-unti nang nangati nang husto at namula ang mga mata na parang kumukulo ito. Nagmadali na silang lahat na lumiban kahit may mga bangkay pang naiwan sa loob. Nagising ang batang babae. “Nasaan ako? Inay! Itay! Tulungan niyo po

323 ako!” iyak ng batang babae. Ngunit nakarinig siya ng pagsabog sa likuran niya at nakita niya ang malaking pader na may butas. Muli siyang tinutulak ng hindi makitang puwersa papasok sa gusaling ito. Nakaamoy siya ng masangsang na amoy na parang nabubulok na pagkain. Hindi niya mapigilan ang masuka at lumayo sa gusali. Nang papalayo na sana siya ay may nakita siyang nakahandusay na katawan. Namumukhaan niya ito, sapagkat ito ang binatilyong nagligtas sa kaniya. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata na. Nang mapansin niya ito ay hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha. “Kuya Tunying! Gumising po kayo! Kuya Tunying!” sigaw ng batang babae habang niyuyugyog niya ang malamig na bangkay ng binatilyo. Lumakas muli ang masangsang na amoy at naubo ang batang babae. Nakita niya ang mga tangke ng kemikal na umuusok matapos sumabog. Marahil ay sa sobrang init ng panahon kaya ito sumabog. Habang naglalakad papasok ang batang babae ay nakita pa niya ang iba pang mga bangkay. Lalo siyang nakaramdam ng lungkot. Gamit ang talukap ng bagongon na hugis teleskop o largabista ay itinapat niya ito sa kaniyang mga mata at tiyak na nakita nga niya ang daloy ng kemikal sa ere, sa lupa, maging sa tubig. Kumakalat na ito at malamang ay nakarating na sa kadulu-duluhan ng bayan nila. Naalala niya ang batang nagugutom na walang kakayahan lumikas o proteksyunan ang kanilang sarili, maging ang magsasaka na sa bukid ay tiyak na tatamaan nito, at ang manang sa tindahan. Maging ang mga magulang niya na nakadepende sa mga ilog at dagat. “Bigyan ninyo po ako ng kakayahan na akuin ang lahat ng ito upang hindi na magdusa pa ang mga tao sa lalawigang ito. Handa ako sa kahit anong sakit. Handa na po akong mangati.”

324 Matapos niyang bigkasin ang huling salita niya ay tumulo ang isa pang luha sa kaniyang kanang mata at pababa sa kaniyang pisngi. Huminga siya nang malalim at naglaho sa ere. Isang patak ng luha ang sinundan ng buhos ng ulan. Sa gitna ng pabrika ng yelo ay naganap ang isang milagro. Umulan sa unang beses matapos ang ilang buwan. At kasabay ng pag-ulan na ito ay napawi rin ang kemikal sa bawat anyo nito.

akalipas ang ilang araw ay hindi pa rin bumabalik ang mga tao sa lalawigan na iyon. “..kami po ay humihingi ng tawad sa mga namatayan. Kami Mrin ho ay namatayan at nawalan nang malaking porsyento sa aming negosyo. Wala hong may gusto ng disgrasyang ito. Kami rin ho ay namemeligro ngunit 24/7 po kaming nagtatrabaho upang maibsan ang suliranin ng ating lalawigan. Handa po kaming saluhin ang lahat ng pananagutan at handa rin po kaming bayaran ang mga kailangan ninyong bayaran sa ospital. At para naman sa mga kababayan ko, huwag ho kayong magmadali sa pagbalik sa ating mahal na bayan, alam ko hong kating-kati na po kayong magsi-uwi sa inyong mga bahay ngunit inaanyayahan ko po kayong manatili sa mga evacuation centres habang sinosolusyunan pa po namin ang krisis na ito. Kaunting pag-intindi lamang ho at kaunting pagtitiis, malalagpasan ho natin ito kung tayo po ay susunod sa batas...” boses ng tagapagsalita sa radyo habang binabasa ang mensahe mula sa meyor ng lalawigan. Humithit pa nang isa ang matandang babae at tsaka pinatay ang sigarilyo sa ashtray. “Itong mga buwayang ito, panigurado ay gagamitin nanaman nila itong rason para makakuha ng boto sa susunod na eleksyon. Sila pa may-ari ng lintek na pabrika na iyon. Malamang sa malamang ay sila rin ang may ari ng pabrika

325 dito!” galit ngunit pabulong na sinasabi ng matandang babae. Nagpatuloy siya sa pagbubuhat ng mga paninda niya na inilalagay niya sa isang lamesa at may cardboard na nakasulat na “kumuha ayon sa pangangailangan”. Natisod naman dito ang isang batang pulubi na nadapa, ngunit agad-agad naman tumakbo papalayo. “Hoy! Lintek kang bata ka, mag-ingat ka nga!” sigaw ng matandang babae, ngunit hindi na siya narinig nito. Tuwang tuwa sa paglalaro ang bata at takbo siya nang takbo. Hanggang sa mabunggo siya bigla at nang tumingin siya ay napatitig siya sa taong nabunggo niya. Bumulong ito at ang sabi… “Nangangati ka ba, iho?”

326 MGA MAY-AKDA ABELARDO, Isabella Maria T. Ang husay ay nasa Ingles ngunit ang humaling nasa Filipino. Nagsusulat para matuto at tangkilikin ang lupang kung saan tumubo. Isabella Abelardo, Filipino.

AGUILAR, Danielle John R. Si Yorunyxx ay isang baguhang kwentista na laging nageeksperimento kung papaano niya ipaiintindi ang mga mensahe, larawan, at karanasang gusto niyang ipahayag sa kaniyang madla. Pagpalain nawa siya ng maluwalhating tadhana, na balang araw ay madatnan niya ang kaniyang obra maestrang creative formula.

AGUSTIN, Juan Delfin P. Si Aguirre Fuentabella ay nagsimulang maging makata ng literatura at ng kanyang sariling buhay dahil sa musika ni Taylor Swift. Inaasam niyang mahasa rin ang kanyang galing sa pagsasalaysay ng kuwento at emosyon nang poetiko sa paraan ng pagsulat ng mga kanta kagaya ng kanyang idolo.

ALODAGA, Yuan Gabriel M. Yuan Alodaga, nakatira sa Navotas. Magsusulat siya kapag inspirado. Mga paksang na kadalasan niyang sinusulat ay tungkol at para sa mga durugan ang puso, at tungkol din sa realidad na ginagalawan ng lipunan.

Mga May-Akda | I AMAZONA, Oliver Wendell C. Si Ver Ona ay mula sa lungsod ng Quezon, nag-aaral sa Nakatatandang Mataas na paaralan ng Pamantasan ng Ateneo de Manila ngunit patuloy na pinag-iigihan makamit ang titulong Atenista. Sinusubok tuklasin ang hiwaga ng mga bagay-bagay. Handa pang matuto.

BAGOYO, Clarice Althea Bagoyo, Clarice mula sa Laguna, Biñan. Si Clarice ay isang manlalakbay sa lawak ng diwa’t guni-guni. Ang kanyang pagsulat ay bunga ng pagpapakaturista sa sariling isip. Mensaheng tao mula sa tao.

BALER, Nathan Francis C. Si Nathan Baler ay manunulat na nakatira sa Antipolo City. Kahit tumitingin siya sa mga kalat para sa inspirasyon, naniniwala pa rin siya sa bring-your-own-baunan.

BAUTISTA, Juan Carlos O. Si Juan Carlos O. Bautista, na palayaw ay Coby, ay ipinanganak noong Pebrero 22, 2003. Siya ay nag-aaral sa Ateneo De Manila University noong Prep pa lamang siya at ngayon ay nag-iisip kung anong kolehiyo na papasukin niya. Mahilig siya manood ng Pro Wrestling at maglaro ng Basketbol.

BEGTANG, Napia Faye B. Napia Begtang, nakatira sa Quezon City at nanggagaling sa Apayao. A yakult a day keeps the stress away!

Mga May-Akda | II BULATAO, Gin Lyod M. Gino Bulatao. Tirahan, Marikina. Nagiging makata kapag nag- aaway sila ng jowa niya. Paboritong paksa ng kaniyang mga likha ay patungkol sa sawing Inang Bayan, durog na mga puso at sabog na mga diwa.

CRISOSTOMO, Alessandra Mayumi S. Mayumi Crisostomo. Tita. Estudyante. Binibini. Nagmamahal at patuloy na magmamahal. Naks.

DE LEON, Rhian Gareth B. Si Gareth De Leon ay ipinanganak sa Quezon City ng 9:36 am. Kasalukuyan siyang nakalutang kasama ang mga ulap at bituin sa kalangitan

DEL ROSARIO, Maria Kamila D. Kamila Del Rosario. Manunulat ng kalat, makalat na manunulat. Naniniwala sa kasabihang chilimansi ang pinakamasarap na flavor ng pancit canton.

ELGAR, Alejandro Javier M. Si Alejandro Elgar ay isinilang noong Abril 8, 2003. Mahilig siyang kumanta at tumugtog ng gitara, kung kaya’t nakahanap siya ng interes sa pagsusulat ng kanta. Naghahangad siyang maituring bilang isang makata balang araw.

Mga May-Akda | III ESTRELLA, Francis S. Si Francis Estrella ay ang dakilang dishwasher at taga-mop ng bahay. Hilig niya makinig sa musika habang naglilinis, nagbabasa, o naglalaro. Mula sa malupet na beats hanggang sa sadboy na mga kanta ay kanyang pinapakinggan.

EXCONDE, Adriel Carlos P. Adi Exconde. Malaking taong may mas malaking pangarap. Batang Kyusi pero hindi kyutie.

KINTANAR, Misha Isobel C. Ang paboritong holiday ni Misha Isobel C. Kintanar ay Pasko. Merry Christmas daw po!

LIRIOS, Jana Isabelle P. Binibining 19-taong gulang na. Taga Antipolo City pero lumaki sa Marikina. Tulog sa umaga (pati sa MIP), streamer sa gabi. Siya’y magpapaalam na sa pangarap na mag-aral sa UP. Nagsusulat siya para makapasa sa kursong MP at para sa mga kaibigan niyang “empty”.

MAGSUMBOL, Amos R. Amos Magsumbol. Musmos sa taon ngunit puspos sa tanong. Bata sa ngayon ngunit sa bawat talata umuusbong. Bawat likha ay liham sa Poon, kung kaya’t sinusubukang maging mahusay sa halip na marunong. Nagsusulat sa mga perspektibong hindi nasisilip, mga tinig na hindi nadidinig, at mga panaginip na nakakalimutan sa punto ng pagkagising.

Mga May-Akda | IV MANRIQUE, Marcus Miguel D. Mang Ricky. Pasmado ang paa. Ipinaglihi sa Pinya.

MONTAÑER, Mishal D. Natuto magsalita gamit ang mga kanluraning palabas, si Mishal D. Montañer ay lumaki sa siyudad ng Caloocan. Matalas ang utak at matulis ang labi kapag kausap ay sabon at bote ng shampoo. Isa lamang ang kaniyang hangarin, makilala ang bawat kultura sa balat ng lupa

PASTOR, Shaun E. Si Shaun Sigmund Newell Eleda Pastor, o mas kilala bilang si “Alakdan F.R.” sa kaniyang mga gawa at lathala, ay giniginaw at hindi makagalaw; nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw. Ipinanganak siyang batang may laban, taong 2003, ika-25 ng Nobyembre. Sa kaniyang mga tula makikita na siya’y walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang.

PELIPEL, Princess Hazel Si Princess Pelipel ay kilala bilang maingay na estudyante at mapagkumpitensyang atleta, ngunit nabibigyan ang mga tao ng sulyap sa kaniyang kalooban sa pamamagitan ng kaniyang mga sulat. Ang kaniyang pamilya at kapwa ang nagsisilbing inspirasyon sa kaniyang pagsulat, ngunit higit pa rito, mayroon siyang pagnanais na baguhin at pabutihin ang mga lipunang kaniyang ginagalawan.

PELOBELLO, Howard Ray G. Howard Pelobello. Mahilig Kumain.

Mga May-Akda | V PEREZ, Anahata Joselle C. katha lyst. Ang pagsulat ay nakapagpapalaya. Umaasa siya sa pagbabalik ng kaniyang minamahal na Tetris Battle.

RAMOS, Aireez Regie Mae G. Aireez Ramos. Tulog sa umaga, buhay ang diwa sa gabi, aktibo ang isip buong magdamag. Hilig rin niya ang pagtatanghal.

REYES, Joaquin Manuel G. Joaquin Manuel Gopez Reyes – labimpitóng taong gulang, disisiyéte anyos, labing-pitúng banua. Naglalakad habang nagsusulat at kausap ang sarili habang nag-iisip. Aliw na aliw sa salitang “tibobós.”

RIVERA, Ryan Miguel D. Ang apelyidong Rivera ay hinango sa salitang Espanyol na ‘ribera,’ na nangangahulugang riverside o tabing-ilog. Kung babalikan ang kasaysayan, sa tabi ng ilog matatagpuan ang matabang lupa, na siya ngang nakapagpausbong sa mga sinaunang sibilisasyon. Dito nagmumula ang pilosopiya ni Ryan Rivera sa panunulat: ang makapagpabago sa lipunang (masyadong malaki kasi ang mundo) ginagalawan.

SAAVEDRA, Jeanelle Si Jeanelle Saavedra, o si Jen para sa mga kaibigan at katrabaho, ay isang manunulat na mas madalas pang nakararanas ng “writers block” kaysa pagtatapos ng akda. Laking Maynila ngunit mahilig maglakbay at managinip tungkol sa malalayong lugar, hilig niyang isali ang kanyang mga obserbasyon at kaalaman sa iba’t ibang kultura sa kanyang mga akda.

Mga May-Akda | VI SAN JUAN, Giulian Miguel C. Si Giulian o Giu kung tawagin ay isinilang sa mga lansangan ng Tondo, Maynila. Hindi lumaki sa luho ngunit pinagsikapang marating ang rurok ng mga pangarap. Isa sa ang kaniyang kuwento sa iilang mga sagisag ng kaniyang pagtatagumpay sa mga hamon ng buhay.

SEBASTIAN, Fides J. Pagod at hindi na niya alam ang nangyayari ngunit umaasang balang araw ay makakamit din ang kaginhawaan.

SIMEON, John Paul C. Si John Paul C. Simeon ay matagal nang estudyante sa Ateneo De Manila University. Hindi siya ganon kagaling sa pagsusulat ng mga likha sa wikang Filipino, ngunit sa sikap ng determinsayon, kahit anumang hirap ay kaya niyang pagtagumpayan.

SOLIS, Jose Joaquin T. Si Joao Solis ay isang masugid na entusiyastiko ng fantasy at sci- fi. Mahilig siyang magbasa, manood, at matuto, ngunit hindi inasahang masisiyahan sa pagsulat at paglikha.

WHITTAKER, Don Myron B. Myron Whittaker. Monkey see, monkey do. Mahilig sa sining, kasaysayan, at sa asim-kilig ng .

Mga May-Akda | VII