SILANGAN Antolohiya ng mga Maikling Kwento SY 2020-2021 Tomo 1, Isyu 2 Paunang Salita Nasasabik na akong mabasa ninyo ang samu’t saring kwentong matatagpuan sa antolohiyang ito. Tinitiyak ko sa inyong hindi lang isinulat ang mga kwentong ito para lang makapagkwento o makapagpasa ng requirement sa klase. Taglay ng mga kwentong ito ang haraya, kalooban, at pagmamahal ng mga batang manunulat ng ating henerasyon. Masiyahan kayo nawa sa kanilang mga gawa. Maraming salamat kina Chuckberry Pascual, U Eliserio, Paul Cyrian Baltazar, Bernadette Neri, Maynard Manansala, Mark Norman Boquiren, at Christine Bellen Ang. Hindi magiging posible ang antolohiyang ito kung hindi dahil sa naging gabay ninyo sa ating mga palihan. Maraming salamat din sa Kagawaran ng Filipino sa suporta sa proyektong ito. i Maraming salamat sa pagpapagal nina Misha Kintanar, Gino Bulatao, Anahata Perez, Joaquin Reyes, Jeanelle Saavedra, Ryan Rivera, at Kamila del Rosario sa pagbuo ng antolohiyang ito. Saludo ako sa inyo! May utang akong empanada sa inyo. At huli, maraming-maraming salamat sa lahat ng mag-aaral ng klaseng Malikhaing Pagsulat ng SY 2020-2021. Padayon sa paglikha! Tyron de la Calsada Casumpang ii Talaan ng Nilalaman Case Number 3: Emman Khan Perez 1 Gareth De Leon Kumakalam 12 Gino Bu Si Laudato 21 Joaquin Manuel Gopez Reyes Mayon na yon? 30 Aguirre Fuentabella Transit 39 Kamila Del Rosario Kambal 49 Princess Hazel D. Pelipel Home Alone 58 Ver Ona Pabigat 66 Nathan Baler Sa May Batis 76 Howard Ray G. Pelobello Photocopy 83 Mishal D. Montañer Pabaya 92 Adriel Carlos P. Exconde Ang Pinakamalaking Lobo 100 katha lyst Init at Ginaw 107 Ryan Miguel D. Rivera (Amag)od! 119 M iii Paoerless 129 Amos R. Magsumbol Talambuhay 143 Clarice Althea S. Bagoyo Isang Di-Karaniwang Biyernes Sa Kalye Barrera 155 Isabella Maria T. Abelardo Para sa Lupa 168 Alakdan F.R. Prinsesa 176 Fides Ma. Rosario J. Sebastian Ang Binhi 183 Joao Solis Journal Entry # X Kung Kayang Basahin, Ok ka pa. 196 Mang Ricky Martyrdom 201 Pia Mangan 207 Aireez Ramos Tsokolate Ah... Eh 216 Alejandro Elgar Mga pumpon Nawa’y Ipagpaumanhin 220 Yorunyxx Kislap 228 Giulian San Juan PAL Flight 102 236 Jana Lirios Hiling sa Kaarawan 246 Jeanelle Saavedra iv Character Sketch 254 John Paul Simeon Lesson Plan 265 Coby Bautista Hope 277 Chito Merienda Limot 286 Yuan Alodaga Katahimikan 299 Francis Estrella Kwento ng Tagapagligtas ng mga Nangangati 306 Myron Whittaker v Gareth De Leon Case Number 3: Emman Khan Perez agtataka siguro kayo kung bakit ko ginawa iyon? Sa totoo lang, ginusto ni Niko ang paparating sa kaniya. Kung hindi ko siya binugbog, hindi Nniya makukuha ang kanyang gusto. Sabagay, ang pinakamahalagang bagay para sa kanya ay maging likeable sa mata ng tao diba? Actually, para sa kanilang lahat dito sa school na ‘to, ang pinakamahalaga sa kanila ay mabait ang tingin ng ibang tao sa kanila. Let me clarify lang ha, hindi sila mabubuting tao, ang gusto nila ay lumabas na mabuti ang kanilang ginagawa. Siguro naman alam ninyo ang app na Deedshare diba? Yung app na basically ibro-broadcast mo sa lahat ang mga ginagawa mo. Ang interactions na makukuha mo will determine your Likeability Score. Ano ang mga bagay na considered sa Likeability Score? Lahat. Kung paano ka umasta, ang iyong talino, pati nga rin fashion taste and kung presentable ka jina-judge ka. Okay na sana eh, I mean, yung app mismo, mabuti naman ang purpose niya. Pero, noong ginawa siyang official medium ng school para sa class standing, ayon, naloko 1 ang buong student body! Akalain mo dati, halos lahat focused sa academics at yung usual org work. Pero grabe, ngayon halos ma-burnout ang lahat para lang maipakita na mabuting tao sila tulad na lamang ng pagbuo ng mga student charity orgs at pakikilahok sa mga political events. Actually, wala naman akong pake diyan sa score na ‘yan. Sa katunayan nga, nasa bottom rank ako, 657 out of 657 sa Deedshare, impressive diba? Hindi naman sa masamang tao ako. Wala naman akong pinatay diba? So ayun, ang rason lang naman kung bakit ako ang pinakahuli sa ranking ay dahil ayaw kong makipag-kaibigan. Diba wala namang masama doon? Ang nasa isip ko parati, pasok sa school, uwi sa bahay. Mas madaling mag-isa kaysa sa magkaroon ng mga kaibigan, dahil napaka-hirap mag-maintain ng mga friendships, kaya I took it upon myself na tanggalin ko yung problema na iyon sa aking buhay at maging lone wolf. I remember na nasa library ako noon nang lunchtime. Usually, dito ako nagtatago dahil wala namang taong pumupunta sa library pag lunch unless kung may kailangang gawin last minute. Kasi kung sa ibang lugar ako pupunta, nako, lalapitan ako ng mga plastik na gusto maging Messiah at kaibiganin ako para tumaas ang kanilang rank. Nagdradrawing ako nang biglang lumapit sa mesa ko si Nikolas Bernard Ruiz sa nang walang sabi. Bigla na lang siyang umupo sa harapan ko at tahimik niyang binasa ang isang lumang kopya ng The Prince by Niccolo Machiavelli. Isa si Niko sa mga hinahangaan sa batch namin. Mayroon kasi siyang dating na alam mo na kagalang-galang siya. Don’t get me wrong ha, alam ko na ayaw kong magkaroon ng kaibigan pero mayroon talagang tao na you can’t help but be in awe at them. Kasi una sa lahat, napaka-gwapo niya. Siya yung tipong, 2 hindi ka makapaniwala na totoo siyang tao kasi his looks are out of this world. Mestizo, matangkad, straight ang buhok, basta, siguradong pasok siya sa lahat ng beauty standards ng mundo. Hindi lang may itsura, honor student pa siya. Perfect 4.00 parati ang kanyang mga grado. Parati siya ang 1st rank pagdating sa academics. Pero, kahit mukhang perfect siya, may kulang sa kanya. Surely naiisip mo dapat at least top 10 si Niko sa Deedshare, pero ang totoo, nasa 207th overall rank siya. Ang rason: selective siya sa mga kaibigan. May reputasyon si Niko na maging mapili sa magiging kaibigan niya. In fact, nami-misinterpret siya na snob dahil kaunti lang ang kinakausap niya. Kaya, parati kong iniisip dati na halos pareho kaming tao ni Niko; mga private people na walang pake sa iba; kaso nga lang, achiever siya. Nagulat ako nang umupo siya sa tapat ko. Kasi naman, who wants to sit with an outcast diba? Siguro alam niyo naman na cynical ako sa mga intensyon ng mga tao sa paaralan na ito kaya sinabi ko sa kanya, “Anong ginagawa mo dito?” “Bakit? Bawal bang umupo dito? Besides, parte sa tuition natin ang paggamit ng library diba?” sabi niya sa akin habang nakatawa. Actually, mayroon nga siyang point. Pero, kahit pa, ayaw ko pa rin ng kasama sa loob ng library na ito. Ito ang aking safe haven para makatakas sa kaguluhan ng paaralan kaya kahit ‘di ako naniniwalang may Diyos, dinadasal ko talaga na aalis siya at hahanap ng ibang mesang gagamitin. Awkward silence ang nasa pagitan naming dalawa. Limang minuto ang nakalipas, nandito pa rin siya sa harapan ko, kaya tinanong ko sa kanya kung bakit niya pinili na dito umupo sa dami ng mesang walang tao. Saglit siyang tumigil sa pagbasa at tumingin sa akin at sinabi, “Mas gusto ko kasing may tao 3 sa na nanonood sa akin habang may ginagawa ako, creepy ba?” ang sagot niya sa akin habang nakangiti. Hindi naman sa creepy ang kanyang rason. Like, sure oo, creepy dahil hindi ko naman siya kilala sa personal, pero di ko lang inakala na ganito pala si Niko. “Ah hindi naman siya creepy, nagulat lang ako kasi, ang tingin ko sa’yo is na private person ka.” “Talaga ba? Well, I am an open book though!” medyo mahahalata mo may pagka-defensive sa tinig ng boses ni Niko, “Okay fine, sige, ask me anything!” Ang Niko na nasa harapan ko ngayon ay warm, friendly, hindi tulad ng mga akala ko. Nakatingin siya sa akin ng nakatawa para bang invested siya sa aming conversation. Sa moment na iyon, medyo di pa rin ako naniniwala na ganito talaga si Niko kasi hindi ko naman siya kaibigan. Who knows, baka mayroon siyang ulterior motive kaya ginawa ko ang best ko na hindi masyadong maging bukas sa kanya. “Hm… Ano ang pinakagusto mong subject?” ang naitanong ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit yun ang naisip kong itanong iyon kay Niko. I could have asked something else tulad ng ano ang paborito niyang pagkain, ano ang paborito niyang hayop, o kaya kung ipinanganak siya sa ibang panahon, anong part ng history ang gusto niyang maranasan. Well, kasi again, ‘di ko nga siya kilala, and ito ang unang beses kong ginawa ito. Napaisip siya ng saglit, binaba niya ng bahagya ang kanyang ulo at tsaka sumagot, “Well pinaka-enjoy ko ang Art kasi nakaka-express ako ng aking inner thoughts in a creative manner.” Wait lang, gusto niya rin ang Art? Wala pa akong nakilalang student na mahilig din sa Art. Sabi ko sa sarili ko na, “Wow, siguro meant to be na si Niko 4 ang magiging una kong kaibigan.” Biglang nag-ring ang bell na senyas na tapos na ang lunch. Kinuha ko ang gamit ko at nagulat na lang ako na tinulungan niya ako sa pag-aayos ng mga colored pencils ko. “See you tomorrow,” kindat niya sa akin. Lahat nang naganap noong araw na iyon ay parang isang panaginip. Hindi pa rin ako makapaniwala na mayroon nakipagusap sa akin dahil iyon yung unang beses na may lumapit sa akin. Natulala ako ng saglit ‘tas na realize ko na wala na pala si Niko sa harap ko. Doon ko rin biglang naalala na may klase pa pala ako kaya I had to snap out of it para hindi ako ma-late sa klase ni Ms.
Details
-
File Typepdf
-
Upload Time-
-
Content LanguagesEnglish
-
Upload UserAnonymous/Not logged-in
-
File Pages345 Page
-
File Size-