Ano Ang Maharlika?
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
ANO ANG MAHARLIKA? Ang MAHARLIKA ay isang Agham-Pantasya na bumabatay sa Mitolohiya at Kulturang Pilipino. Isang Mech-and-Mystic Tabletop RPG. Maglalaro kayo bilang mga “Maharlika”, ang mga dakilang mga taong naglilingkod sa mga Datu -- gamit ang kanilang mga MEKA, o Mekanisadong Sandata -- upang proteksyunan ang galaksiya ng Arkipelago, o para lang magkapera. Ano ang Tabletop RPG? Isa itong laro na nilalaro sa tabletop kumbaga, parang Monopoly o Snakes & Ladders, pero maglalaro kayo bilang mga karakter sa loob ng isang mundo, tapos ang isang player niyo ay ang magiging TAGAHATOL. Siya ang magpapabuhay sa mundo na kung saan naninirahan ang inyong mga Maharlika, at saka gaganap bilang mga karakter na makikilala niyo sa inyong mga adventures. MANLALARO ang tawag sa mga ibang mga players, na gaganap bilang isang MAHARLIKA. Sila mismo ang gagawa at magbubuo ng sariling Maharlika nila at gaganapin sa loob ng mundo. Sila ang mga MC o Main Character kumbaga ng storya! Kailangan niyo lang ng mga lapis, papel, isang battlegrid (maaring square o hex. Mahahanap ito sa mga hobby store. Kung wala, pwede kayong gumamit ng math paper.), mga token o miniature para sa inyong mga karakter at mga kalaban sa battlegrid (pwede kahit ano ‘to. Maghanap lang kayong mga bagay na magrerepresent sa mga karakter at kalaban! Pwede na yung sa Monopoly o Snakes and Ladders) at mga 1d20 o 1d10 (mga dice na mahahanap rin sa inyong mga hobby store!) Sinabi nila, maglalayag tayo ng langit. At ayun nga ang ginawa namin. Nilampasan ang himpapawid, kung saan mahahanap ang mga bituin, at naglayag gamit ng mga salimbal patungo sa Dagat-Tala. Doon nagawa naming bumuo ng mga bansang lumago sa buong galaksiya ng Arkipelago. Dito tumayo ang mga unang mga korporasyon na sa sinaunang panahon ay kasingrami ng mga bituin. Lumaki at bumusilak ang mga Unang at Pangalawang mga Kalakanan. Natapos ang Unang Kalakanan noong sinalakay kami ng mga Banyaga, mga dayuhang nilalang na nanggaling sa ibang dimensyon. Medyo nakakatakot nga eh, na halos magkamukha kami. Sila nagbigay karunungan sa amin kung paano gamitin ang Diwa, kung paano gawin ang Lambat, kung paano talunin ang mga kamatayan. Sa huli, nagbago ang sangkatauhan. Ang sangkatauhan ng Unang Kalakanan ay hindi na katulad sa sangkatauhan ng Pangalawang Kalakanan. Habang sa Panahon ng Bulawan, ginagawa na ang mga nangungunang mga Mekanisadong Sandata upang tahakin, makapaglakbay, at makahanap ng iba pang mga Likas-Yaman sa Lagpas ng Hangganan. Una nilang nakilala ang mga unang mga Dayuhang Nilalang na nung una, mukhang benebolente naman. Nakikipagkalakal sa kanila, at ang bagong Samahan na BAKUNAWA ARMASAN ay ngayo’y bumubuo ng mga bagong Meka galing sa kanilang bagong materyal. Tapos, sumalakay ang mga pangalawang uri ng Dayuhang Nilalang: ang mga saring Maligno. Ang mga kakaibang nilalang. Mga higante, yari sa anino’t karimlan, kayang sirain ang mga bayan at lungsod. Doon ginamit namin ang mga Meka upang kalabanin ang hukbong sumasalakay. Nagawa naming palayasin ang mga Maligno, subalit, alam namin na pabalik na sila. Hanggang ngayon, mayroon pa rin mga Planeta na minamugad ng mga Maligno. Ito ang Panahon ng Bulawan. Subalit lahat ng Panahon ay may hangganan. Sa huling bahagi ng Bulawang Panahon, sumiklab ang pakikipagdigmaan sa pagitan ng mga korporasyon gamit ng mga Meka na nung una, ginamit laban sa mga sumasalakay. Tinawag itong Unang Digmaang Pangkoporasyon, at nagliyab ito hangga’t konti nalang ang natira, at tiyak na nasira ang mga planeta sa Arkipelago. Nung natapos na ang Digmaan, maraming panibagong mga baluti, meka, at mga teknolohiyang nalabas, kapalit ng mga bilyon-bilyong buhay. At ngayon, sa pag-ahon ng Apat na mga mandala ng 4 na tirang Samahan, mukhang namumulitika na muli at nakikipagdigmaan. Ito ang Panahon ng Karimlan. Nawawala na ang Lakan ng Arkipelago. Ang Kalakanan ng Arkipelago na kung kanino nagbubuwis halos lahat ng mga Samahan. Sa ngayon, sa panahong walang pinuno, ang mga Atubang ng Lakan lamang ang nagpapatakbo na ng Kalakanan. Pero kahit na ganoon, gumagana pa rin ang Kalakanan. Nagpapatayo pa rin ng mga Balete. May mga Pangkat Pangmalayuang Operasyon (PPO) pa rin. May Diwanite pa rin. May pakana pa rin. Kaya narito tayo, sumasabak sa mga digmaan at labanan na marahil walang dahilan, walang katuwiran, upang protektahin ito. Kailangan namin ng mga mandirigma, ng mga tagapagtanggol, ng mga mesias, ng mga matatalino, ng mga magigiting, ng mga masmalaki pa sa buhay. Ng mga dakila. Kailangan namin ng isang katulad mo. Isang Maharlika. Piloto ng mga Dakilang Meka. Nakakatakot maglayag ng langit ngayon, pare. Pero huwag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa. PAANO LARUIN Una, kailangan niyong malaman kung paano nilalaro ang isang Tabletop RPG. Atlis, sa Maharlika. Ngayon sa Maharlika, kapag nagtipon kayo ng mga kaibigan ninyo (madalas mga 3 - 6 kayo) sa isang mesa upang maglaro (preferably may mga donut at pizza no?) tinatawag itong isang SESYON. Ang isang sesyon ay madalas umaabot ng 3 - 6 na oras. Isa sa inyo ang maglalaro bilang Tagahatol, ang tagalarawan ng galaksiya na kung saan nakatira ang mga Maharlika. Yun ang dapat ginagawa mo. Hindi ka nagkekwento ng isang storya (o hindi ito storya mo): dapat umahon yun galing sa paglalaro ninyo. Ang pangunahing mong responsibilidad ang paggawa ng mga tapat na hadlang (tulad ng mga kalaban), paggamit ng mga relasyon ng mga Maharlika ng Manlalaro, at paglalarawan ng isang marahas na galaksiya. Isa kang Tagahatol lamang, hindi ka tagakwento. Ang lahat ng iba maglalaro bilang Manlalaro, ang maglalaro bilang mga Maharlika, ang mga dakilang taong nasa galaksiyang ito. Ang responsibilidad ng manlalaro ay ang hindi paggiging isang salot sa kaligayahan ng lamesa, saka gumanap bilang Maharlikang binuo mo. Ang MAHARLIKA ay hati sa dalawang sistema: ang sistemang narratibo at ang sistemang taktikal. Madalas ang sistemang taktikal ay ginagamit lamang habang nakasakay sa mga Meka at nakikipaglaban. Ang sistemang narratibo ay ang ginagamit sa halos lahat ng iba. Laging alalahanin na sa sistemang narratibo, ang mga Manlalaro lang ang magro-roll. Walang roll na gagawin dapat ang Tagahatol. Ang Tagahatol ang magsasabi ng konsekwensya at reaksyon na mangyayari depende sa mga aksyon ng Maharlika. MAHALAGANG BATAS! Mauuna ang specific na rule kesa sa General. Ibig sabihin nun, kung may specific na pagkakataon na magiiba ang batas sa general, yun ang masusunod. (Kunwari, sa bawat Ikot isa lang ang Reaksyon mo, pero ang Baluti mo ay nagbibigay ng 2 Reaksyon sa bawat Ikot. Masusunod ang katangian ng Baluti mo.) MGA URI NG ROLL Bago ang lahat, kailangang alalahanin na mayroong dalawang uri ng pag-roll. Pangmaharlika saka Pangmeka. Ang Pangmaharlika ay isang roll na narratibo. Kapag mayroon kang gustong gawin na alanganin ang kinalalabasan, mapanganib, o may konsekwensya, mag-roll ka ng 1d10, tapos idagdag mo ang kahit anumang Katotohanan na may kaugnayan sa roll na’yun. Kapag higit sa isa yung may kaugnayan, piliin ang mayroong pinakamataas na bonus. Kapag 10 ang huling resulta, tagumpay. Kapag 6-9, bahagyang tagumpay, makukuha mo ang gusto mo pero madalas mayroong konsekwensya. Kapag 1-5, bigo, hindi mo makukuha ang gusto mo at magdusa ka ng konsekwensya. Mga Tagahatol! Kapag sa tingin mo ay mahirap pa ang aksyon na gagawin nila, maari kang magbigay ng 1 Malas kapag mahirap, 2 kapag sobrang hirap, at 3 kapag halos imposible. Sa halip nun, kapag sa tingin mo na madali ang roll na gawin nila, wag ka na humingi ng roll! Awtomatiko nang magagawa nila! Ang Pangmeka ay ang ginagamit pagpasok sa Karahasang Pangmeka. Ang Kakayahang Pangmeka ang dinadagdag sa mga rolls nito. Paguusapan ito sa pahinang XX. Pagdating sa mga roll na pangmeka naman, ginagamit ang 1d20, kasi masmalaki ang mga gamit nila at masmagulo at random yung mga kinalalabasan. Pag dating sa pag-roll, madalas ang mga bonus lamang ang dinadagdag. Pero minsam merong mga bagay na tumutulong o humahadlang sa’yo. Tawag dito ay ang Suwerte at Malas. Kapag sinusuwerte o minamalas ang roll mo, magdagdag ka ng mga +1d10 (kapag Pangmaharlika) o +1d20 (kapag Pangmeka) na katumbas ng bilang ng Suwerte o Malas mo sa roll mo tapos kunin mo ang pinakamataas (kapag suwerte) o pinakamababang (kapag Malas) na resulta. Kunwari, kapag umatake ka gamit ng iyong Meka, at mayroon itong 1 suwerte, ibig sabihin 2d20 ang iro-roll mo tapos piliin mo ang pinakamataas na resulta. Umaabot lang ng +3 ang Suwerte o Malas. Kumakansel sila sa isa’t isa, ha! Kaya kapag may 1 kang Suwerte (kunwari, kasi [ASINTADO] ang sandata mo] pero ang tinatamaan mo ay nasa likod ng Cover (kaya mayroon kang 1 Malas), ibig sabihin wala kang karagdagang 1d20 na iro-roll kasi kinansel ang 1 Malas ang 1 Suwerte mo. Pero kunwari, mayroon kang 1 Suwerte dahil sa ASINTADO, pero mayroon kang 2 Malas dahil ang tinatamaan mo ay nasalikod ng Heavy Cover, e ‘di ibig sabihin nun magro-roll ka na may 1 Malas. MGA TERMINOLOHIYA Manlalaro: Ang mga naglalaro ng mga Maharlika. Tagahatol: Ang magpapatakbo ng laro, gaganap bilang Hindi Nilalarong Tauhan, at ang naglalarawan ng isang mapanganib at pantastikong galaksiya. Meka: “Mekanisadong Sandata”. Ang mga sinasakyan ng mga Maharlika. Maharlika: Ang mga manlalaro. Mga tagapagtanggol, tagapagpanatili ng kapayapaan, at tagapagpaslang ng kalaban Kasamahan: Ang mga kasama mong kapwa Maharlika. Drono: Mga nilalang na kinokontrol at sumusunod sa isang maestro. Abot: Magsasabi kung gaano ka layo ang kayang abutin ng iyong atake. WATCH: Kung gaano ka layo ang pwedeng maapektuhan ng iyong Bantay-Atake Pinsala: Ang pagdudulot ng pagkasira at kapansana sa kalaban. Ang dalawang uri ay ang materyal at mahiwaga. Tastas: Ang pagdudulot ng pagkasira at pagkahiwalay ng Kalagyo ng Maharlika sa mga sistema ng Meka. Ito ay pinsalang dinudulot sa Reserbang Gahum. Kapag tinamaan ang isang Maharlika ng Tastas habang wala siyang RG, maco-convert ito at magiging mga Puntong Pagsasapi.