Mga Kilalang Pilipino: Manunulat at Mananalumpati
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
MGA MANUNULAT 1 Dr. Jose P. Rizal Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. 2 Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta). 3 Marcelo H. Del Pilar Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal en Filipinas at La Frailocracia Filipina. Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapang-abusong prayle. Isinilang si Marcelo H. del Pilar sa isang nayon sa Cupang, San Nicolas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaitan. Hilario ang dating apelyido ng pamilya niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa kautusan ng Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872. Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Tuksuhan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia Filipina. Nakipag tulungan si Marcelo sa kaniyang mga kakampi upang mapatalsik nila ang mga kalaban. Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa 4 Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya ng Noli Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo. Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika ng La Asociacion Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala din siya ng mga liberal at progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas. Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi kumakain at may panahong hindi natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo para sa pag- papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na dumarating mula sa Pilipinas dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas. Katulad ni Andres Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Sa Barcelona ay nagkasakit siya ng tuberkulosis. Malubha man ang kalagayan ay tinangka pa ring magtungo sa Hong Kong upang doon man lang ay mapakilos niya ang kanyang mga kababayan. Ito'y di na niya naisagawa sapagkat namatay siya sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 45. 5 Jose Palma Si Jose Palma ay isang makata at sundalong Pilipino. Siya ay naging tanyag sa pagsulat niya ng Filipinas, na naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong ika-6 ng Hunyo, 1876. Siya ay kapatid ni Rafael Palma na naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang mga magulang ay sina Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez. Nakatagpo ni Jose Palma noong nag-aaral siya sa Ateneo Municipal de Manila, si Gregorio del Pilar na naging pinakabatang heneral ng mga hukbong manghihimagsik. Kahit bata pa sa Ateneo Municipal, si Jose Palma ay kumatha ng mga lirikong tula at pinahanga ang marami sa pamamagitan ng pagpapalimbag ng isang aklat ng mga tula noong siya’y labimpitong taong gulang pa lamang. Ayon sa kanyang kapatid na si Dr. Rafael Palma, si Jose ay tahimik at mahiyain subalit emosyonal at romantiko. Ang kanyang pag-aaral ay naantala nang maganap ang Unang Sigaw sa Balintawak noong Agosto, 1896. Dahil sa pag-ibig sa bayan ay sumama siya sa pangkat ni Koronel Rosendo Limon at nakipaglaban sa ilalim ni Heneral Servillano Aquino. Noong ikalawang bahagi ng labanan sa pakikipaglaban sa mga Amerikano para makamit ang kalayaan ay nakasama siya sa editorial staff ng noo'y popular na pahayagang La Independencia. Dito niya napatunayan na higit siyang isang manunulat kaysa isang kawal. Sumama sa himagsikan noong ito’y maging laban sa mga Amerikano. Nguni’t kahit taglay niya ang damdamin at sigla ng paghihimagsik, ang mahina niyang katawan ay hindi mailaban sa higpit at hirap ng buhay sundalo, kaya’t ginugol niya ang kaniyang panahon sa panlilimbag sa mga kawal na manghihimagsik sa pamamagitan ng kaniyang mga kuniman. Nakilala siya sa kanyang tulang Filipinas na siyang pinaghanguan ng mga titik na inilapat sa tugtuging nilikha ni Julian Felipe bilang tugon sa kahilingan ni Heneral Emilio Aguinaldo kay Julian Felipe na gumawa si Felipe ng isang tugtuging martsa. Ang ambag niya sa panitikang 6 Pilipino, ang mga titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas, sa Kastila. Sinusulat niya ang mga titik na ito habang ang pulutong ng kawal na kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan. Ang Filipinas na sinulat ni Palma noong buwan ng Agosto, 1899, ay nalimbag sa unang pagkakataon sa pahayagang La Independencia noong Setyembre, 1899. Ang mga letra ni Palma ay bihira nang awitin ngayon sapagka’t ang salin sa Ingles at Tagalog ang siyang lalong gamitin. Ang isa sa mga pinaka-madamdaming tula ni Jose Palma ay ang tulang De Mi Jardin (Mula sa Aking Hardin). Ang iba pang mga tulang makabayan ni Palma na nasulat ay Rizal en la Capilla, Al Album Muerto, Filipinas Por Rizal Al Martir Filipino at La Ultima Vision. Ang kanyang talambuhay na sinulat niya sa anyo ng tula ay may pamagat na Iluciones Marcitas (1893). Sa tulang ito ay idinaing niya nang paulit-ulit ang matindi niyang pagdaramdam sa kaisa-isang babaing kanyang minahal na si Florentina Arellano. Ang mga kundiman ni Jose Palma ay punung-puno ng damdamin ng pag-ibig. Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1902 ay nagpatuloy siya sa pagsusulat. Ito ang naging hanapbuhay niya. Nagkaroon siya ng pitak na Vida Manileija sa pahayagang El Renacimiento. Sumulat din siya ng mga tula at artikulo sa mga pahayagang El Comercio, La Moda Filipina, La Patria, La Union, at Revista Catolica. Ang kanyang mga tulang madamdamin na sa ngayon ay mahalagang bahagi ng ating panitikan ay tinipon at ipinalimbag ng kanyang kapatid na si Dr.