Department of Education Schools City Division Cabanatuan City

LEARNING MATERIAL

(Araling Panlipunan) GRADE 5

(Quarter 2)

Department of Education Schools Division Office Cabanatuan City

LEARNING MATERIAL

ARALING PANLIPUNAN GRADE 5 (Quarter 2)

Authors/Developers:

Emelita Sonia B. Javate Joana Marie Dizon Teacher III Teacher III

Angela Chan Czarina I. Junio Teacher III Teacher I

Quality Assurance:

Ramon R. De Leon, Ph.D. EPS-I Filipino at MAPEH

Ever M. Samson EPS-I LRMDS

Priscilla D. Sanchez, Ph.D. Chief ES, Curriculum Implementation Division

______This Learning Material is a property of DepEd Schools Division Office of Cabanatuan City. Outside of the public schools in this Division, no part of this Learning Material may be sold, distributed or reproduced in any means without its explicit consent.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 1 Code: AP5KE-IIa-1

KONTEKSTO AT DAHILAN NG PANANAKOP NG BANSA Kahulugan at Layunin ng Kolonyalismo

PANIMULA :

Minsan ba sa buhay mo ay naitanong mo kung ano ang naging buhay ng ating mga ninuno noon. May pagkakahawig ba ang naging buhay nila noon sa kasalukuyang panahon. Natatamasa din kaya nila ang mga bagay na natatamasa mo ngayon lalo na ang kalayaan o kasarinlan. Noon pa man sinasabi na may sarili ng kultura at paniniwala ang mga Sinaunang Pilipino na tinalakay sa mga nakaraang aralin. Ngunit maraming pangyayari na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas na nagpatibay at nagpapatatag sa ating bansa sa kasalukuyan . Bilang mag-aaral, nararanasan nating mamuhay nang masaya sa ating sariling bansa. Nagagawa natin ito sapagkat naninirahan tayo sa isang bansang malaya. Subalit sa kasaysayan ng Pilipinas dumating din ang panahon na tayo ay nasakop ng iba't ibang bansa sa pangunguna ng bansang Espanya.

Sa aralin ngayon inaasahang : 1. Matatalakay ang kahulugan at layunin ng kolonyalismo at ang konteksto nito kaugnay sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas.

ALAMINALAMIN MO: MO

• Ano ang kolonyalismo ? • Ano ang naging simula ng pagpasok ng kolonisasyon sa maraming bansa sa Asya? • Ano ang layunin ng kolonyalismo?

Grade 5 Quarter 2 Learning Material

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

PANAHON NG PANUNUKLAS AT KOLONISASYON

Noong ika-15 siglo, ninais ng mga bansa sa Europa na maging pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa buong mundo. Ibig nilang madagdagan ang kanilang kayamanan at kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakop sa ibang lugar. Layunin din nila ang makakuha ng mga panrekado at ipalaganap ang Kristiyanismo. Ang mga bagong tuklas at mahahalagang kaalaman at kagamitang pangheograpiya, tulad ng mapa,kompas at iba’t ibang mga kagamitan sa paglalakbay ,ay nakatulong sa mga taga-Europa na dayuhin ang iba’t ibang bahagi ng mundo.Nabantog naman noon ang kasaganaan sa gawin Silangan . Kung kaya’t ang hangaring masakop ang mga lupain sa Silangan ay tumindi para sa mga taga –Europa. Ang mga taga-Venicia ang nanguna noon sa larangan ng kalakalan , kung kaya’t nakontrol nila ang sistema ng kalakalan. Dahil dito napilitan ang ibang Europeong na humanap ng ibang ruta patungong silangan noong bumagsak ang Constantinople sa kamay ng mga Turkong Muslim noong 1453. Sa panahong iyon , tanging ang taga-Venicia lamang ang hindi sinisingil ng mahal na taripa ng mga Turkong Muslim sa kanilang pagdaan sa ruta ng kalakalan. Ang mga kadahilanang ito ang nagningas sa pagnanasa ng mga taga-Europa na humanap ng ibang ruta patungo sa Silangan. Ang kagustuhan ng Europa na pangalagaan ang kapakanan ng lupain lalo na ang mabigyan ng solusyon ang nauubos na yaman ng kani-kanilang bansa ay nagbigay hudyat upang gumawa ng hakbang ang Europeong bansa na magkaroon ng kolonya. Sa kolonyang bansa nila kukuhanin ang mga hilaw na sangkap para sa kanilang industriya. Nanguna sa gawaing ekspanisasyon ang dalawang bansa - ang Portugal at ang Espanya.Ang merkantilismo ang ginamit na pamamaraan ng mga taga Europa.May paniniwala ang mga pinuno ng Europa, na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakabatay sa kanilang kayamanan at kaban ng gintong pananalapi.Dala ng ganitong kadahilanan ay kinailangan na madagdagan ang yaman ng bansa sa pamamagitan ng paghakot ng kayamanan buhat sa mga bansa na kanilang kolonya. Ang dalawang nangungunang bansa na Portugal at Espanya sa ekspanisasyon ay nagbalak na maisakatuparan ito sa pamamagitan nang panunuklas ng mga lupain at makolonisa ang mga ito. Ang Portugal at Espanya ay parehong bansang Kristiyano kung kayat humingi sila ng pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa Alexander VI.

Grade 5 Quarter 2 Learning Material

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Pinahintulutan ni Papa Alexander VI and dalawang bansa sa kagustuhang maipahayag ang Kristiyanismo sa maraming lugar sa mundo.Magkatunggali noon ang Portugal at Espanya sa gagawing ekspanisasyon kung kayat sinikap ng Papa na gumawa ng legal na hakbang upang magsilbing gabay sa panunuklas ng mga bansa at sa kolonisasyon nito. Bunga nito ay pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas.

ANG EKSPANISASYON AT KAAKIBAT NA KASUNDUAN

Sa kagustuhan ni Papa Alexander VI na mapalaganap nang lubusan ang Kristiyanismo sa malalayong lugar na di –Kristiyano at upang malutas ang problema at di pagkakaunawaan ng Portugal at Espanya hinggil sa panunuklas ng ibang lupain,ay sinikap na bumuo ng gabay na kasunduan. Kinikilala ang kapangyarihan ng Papa kayat sinunod siya ng mga bansa na sakop niya. Nagpalabas ang Papa ng dalawang dekrito (Papa Bull) noong Mayo 3, 1493 na nagbigay ng karapatan sa Portugal na manuklas sa Africa at ang Espanya naman ay sa Bagong Daigdig.Ang dalawang naunang dekrito ay sinundan agad ng pangatlong dekrito na naghahati sa mundo para sa Portugal at Espanya sa pamamagitan ng pagguhit ng hangganan simula sa Hilagang Polo (North Pole) patungong Timog Polo (South Pole) at ito ay dumaraan sa Karagatang Atlantiko (Atlantic Ocean)doon sa 100 liga sa kanlurang bahagi ng mga pulo ng Azores at Cape Verde.Sa paghahati ay ipinaliwanag na ang matutuklasan sa silangan ng hangganan ay para sa Portugal at lahat ng matutuklasang lupain na pakanluran ay para sa Espanya. Tumutol ang Hari ng Portugal,na si Haring Manuel I sa isinagawang paghahati. Paano’y may mga karapatan ang Portugal sa Silangan na di napapaloob sa ginawang dektrito. Upang malinawan ay pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas noong Hunyo 7,1494. Sa Kasunduan ng Tordesillas ay binago ang hangganan mula sa 100 liga ay inilipat ito sa 370 liga sa kanluran ng pulo ng Cape Verde. Sinasabi sa kasunduan na ang lahat ng matutuklasan sa Kanluran ng hangganan ay para sa Espanya at lahat naman ng nasa Silangang bahagi ay para sa Portugal. Sa mga pangyayaring ito, maraming bansa ang nahikayat na tumuklas ng lupain sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng Pransiya, Olanda at Ingletera. Ang panunuklas ay simula din ng pagpasok ng kolonisasyon sa maraming bansa sa Asya at dahilan kung paano ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya.

Grade 5 Quarter 2 Learning Material

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Sagutin: 1.Ano ang kolonisasyon? 2.Ano ano ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ang naganap sa Europa noong ika-15 dantaon? 3.Bakit nagbalak ang mga Europeo na maghanda ng mga gawain ng panunuklas noong ika-15 dantaon? 4.Bakit naghangad ang mga pinuno sa Europa na lumahok sa gawain ng panunuklas at pagkokolonisa ng mga lupain? 5.Anong pangyayari ang nagbigay-daan sa malawakang ekspanisasyon ng Portugal at Espanya? Paano nabigyang katarungan ang naturang pangyayari? 6.Ano ang kahalagahan ng Kasunduan ng Tordesillas? Naging makatarungan ba ito? Patunayan ang inyong sagot.

GAWIN MO

Gawain A

Isulat sa notbuk ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay mali. 1. Ang Espanya ang nanguna sa kalakalan noong ika-15 siglo. 2. Nais lamang ng Espanya at Portugal na malibot ang daigdig at hindi gawing kolonisasyon ang mga bansang di – katoliko. 3. Magkatunggali ang bansang Portugal at Espanya sa panunuklas ng mga lupain 4. Si Haring Carlos I ng Espanya ang nagtibay ng Kasunduan ng Tordesillas. 5. Ang nagbigay pahintulot ng kolonisasyon at panunuklas ay si Papa Alexander VI. 6. Pinahintulutan ni Papa Alexander VI ang panunuklas o ekspenisasyon sa kagustuhang mapalaganap ang kristiyanismo. 7. Ang Asyanong mga bansa ay nagnais gumawa ng ekspedisyon sa buong daigdig. 8. Ang Kasunduan ng Tordesillas ay naghati ng lupaing mapasaiilalim ng kolonisasyon, ang Kanluran ay para sa Espanya at ang Silangang bahagi ay para sa Portugal. 9. Ang Hari ng Espanya ang tumutol sa una hanggang pangatlong dektritong paghahati ng Papa.

Grade 5 Quarter 2 Learning Material

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

10Napilitang humanap ng ruta ang mga Europeong bansa bumagsak ang Constantinople sa kamay ng mga Turkong Muslim noong 1455.

Gawain B. Punan ang kahon ng mga sagot upang mabuo ang konsepto kung ano ang kolonyalismo.

KAHULUGAN

______

______

NAPAHALAGAHAN NAAPEKTUHAN

______

______

______KOLONYALISMO ______

DAHILAN

______

Ang kolonyalismo ay ______

Grade 5 Quarter 2 Learning Material

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain C : Magpangkat- pangkat . Pumili ng lider at tagatala. Talakayin sa pangkat ang kahulugan ng kolonyalismo , kung paano ito nagsimula at kung paano nito mababago ang pangyayari sa daigdig .Ipakita ang nabuong mga ideya sa pamamagitang ng masining na presentasyon. (Hayaang ang bawat pangkat ang pumili kung paano ang gagawing presentasyon).

Paarte Paawit Patula

Pa- broadcasting

3 2 1 Angkop ang paksa o Naipakita ng ganap Naipakita ang paksa o Hindi naipakita ang Nilalaman 3 ang paksa o tema sa tema sa tula at awit paksa sa tula at awit tula at awit Pagiging malikhain 3 Naipakita ang Naipakita ang kaunting Hindi ganap ang pagiging malikhain sa pagkamilkhain sa pagkamalikhain ng pagagawa ng tula o pagggawa ng tula at paggawa ng tula at awit. awit awit Kooperasyon ng Lahat at nakiisa sa Karamihan ay Iilan lamang ang pangkat 3 paggawa at nakibahagi sa paggawa nakiisa at nakitanghal pagtanghal ng tula at at pagtanghaal ng tula sa tula at awit awit at awit

Grade 5 Quarter 2 Learning Material

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Tandaan Mo

Ang kolonisasyon ay ang pananakop ng mga bansa sa Europa sa malalayong lupain na di –kristiyano upang gawing teritoryo na pagkukuhanan ng hilaw na sangkap (raw material) upang manguna sa industriya ng kalakalan at upang mapalaganap na rin ang relihiyong kristiyanismo at magkaroon ng mas malawak na kapangyarihan sa buong daigdig. Ang Kasunduan na Tordesillas ay paghati ng daigdig sa Portugal at Espanya . Ang Silangan ay para sa Portugal at ang Kanluran ay para sa Espanya.

Natutuhan Ko

I.Ang nasa ibaba ay ilang mahahalagang pangyayari upang maunawaan natin ang kahulugan ng kolonisasyon. Ayusin ang mga itoayon sa wastong pagkakasunod – sunod. Lagyan ng bilang 1-5 sa mga patlang.

______Nagpalabas ang Papa ng dalawang dekrito (Papa Bull) noong Mayo 3, 1493 na nagbigay ng karapatan sa Portugal na manuklas sa Africa at ang Espanya naman ay sa Bagong Daigdig.

______Tumutol ang Hari ng Portugal sa isinagawang paghahati. Paano’y may mga karapatan ang Portugal sa Silangan na di napapaloob sa ginawang dektrito. Upang malinawan ay pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas noong Hunyo 7,1494.

______Noong ika-15 siglo, ninais ng mga bansa sa Europa na maging pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa buong mundo.

______Ang dalawang nangungunang bansa na Portugal at Espanya sa ekspanisasyon ay nagbalak na maisakatuparan ito sa pamamagitan nang panunuklas ng mga lupain at makolonisa ang mga ito.

______Ang dalawang naunang dekrito ay sinundan agad ng pangatlong dekrito na naghahati sa mundo para sa Portugal at Espanya sa

Grade 5 Quarter 2 Learning Material

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______pamamagitan ng pagguhit ng hangganan simula sa Hilagang Polo (North Pole) patungong Timog Polo (South Pole) at ito ay dumaraan sa Karagatang Atlantiko (Atlantic Ocean)doon sa 100 liga sa kanlurang bahagi ng mga pulo ng Azores at Cape Verde.

II. Ipares ang pangyayari sa hanay A sa hanay B. Isulat ang letra sa patlang.

A

______1. Katunggali ng Espanya sa panunuklas ng malalayong lupain para sa kolonisasyon

______2. Siya ang nagtibay ng Kasunduan ng Tordesillas

______3. Siya ang Hari ng Portugal na di sumang-ayon sa ginawang paghahati ng Papa sa pangatlong dektrito. B

_____4. Nanguna sa kalakalan noong ika-15 dantaon siglo. A. Venicia ___5. Ito ang pananakop ng isang bansa sa B. Haring Manuel I

ibang lupain C. Portugal D. Papa Alexander VI E. Kasunduan ng Tordesillas F. Kolonisasyon G. Haring Carlos I H. Espanya

Inihanda:

CZARINA I. JUNIO Teacher I Lazaro Francisco Elementary School

Grade 5 Quarter 2 Learning Material

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Grade 5 Quarter 2 Learning Material

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 1 Code: AP5KE-IIa-1

KONTEKSTO AT DAHILAN NG PANANAKOP NG BANSA Kahulugan at Layunin ng Kolonyalismo

PANIMULA

Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang kaibahan ng kolonisasyon at kung paano ito nagsimula. Mahalaga ang pangyayaring nagdaan upang mas higit na maunawaan ang sitwasyon o mga pangyayari sa ating kasaysayan.

Sa araling ito, inaasahang :

1. Matutukoy ang layunin ng kolonisasyon.

Ano ang layunin ALAMIN MO ng kolonisasyon?

O N S I A Y N S K O O L

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

MGA IBA'T IBANG LAYUNIN NG KOLONYALISMO

Pangkabuhayan Layunin ng mga bansa sa Europe na madagdagan ang kanilang kayamanan at pangkabuhayan . Nakipagkalakalan sila sa ilang bansa sa Asia. Ang kanilang mga kalakal ay ipinagpalit nila sa alahas, porselana, karpet, seda at ang pampalasa sa pagkain mula sa Asyano Mahalaga sa mga taga -Europe ang mga rekado o mga sangkap na nagpapasarap sa pagluluto tulad ng paminta, luya, kanela, sili , bawang at oregano. Sa pagpalipas ng panahon, lumaki ang kanilang pangangailangan sa mga pampalasa ng pagkain , mga sangkap sa pag-iimbak ng pagkain at sangkap sa panggagamot.

Naalarma ang mga taga-Europe ng isara ng mga Turkong Muslim ang ruta o daan patungong Asia kaya napilitan silanng maghanap ng panibagong ruta.

Pangrelihiyon Layunin ng mga bansa sa Europe na palaganapin ang Kristiyanismo sa dako ng Asya. Para sa

kanila, ito ay itinuturing na dakilang tungkulin na maghanap ng mga

bagong kaalyado sa pamamagitan ng relihiyon .

Ito ang dahilan kung kaya

naglunsad sila ng mga krusada upang itaboy anng mga Muslim sa Europe.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Sagutin:

1.Ano ang kolonyalismo? 2.Ano ang naghudyat sa pagpasok ng kolonyalismo sa Asya? 3.Ano ano ang motibo ng kolonyalismo? 4.Paano mo mapaghahambing ang isang kolonyalismong bansa sa isang bansang hindi nasakop? 5.Kung kayo ang pamimiliin, gusto nyo bang mapabilang ang ating bansa sa kolonisasyon ng Espanya? Bakit?

GAWIN MO Gawain A Itala sa loob ng kahon ang layunin ng kolonisasyon. Magbigay ng maiksing paliwanag hinggil sa mga layunin.

LAYUNIN

1.------______K ______O

L 2. ______O

N ______I ______S ______A

S 3.______Y

O

N ______

______

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain B Batay sa iyong nabatid . Gumuhit ng poster na nagpapakita ng layunin ng kolonisasyon sa isang bansa.

Pangkabuhayan

Pangrelihiyon

Pampulitika

Ipaliwanag

Ang likhang poster

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Rubrics sa Paggawa ng Poster

Batayang Pamantayan Puntos A. Nilalaman 1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng pangkat sa kanilang 5 gawain 3 2. May mga detalye na hindi maayos na nailahad ng pangkat. 1 3. Halos walang nagawang output ang pangkat. B. Kagamitang Biswal 1. Angkop ang mga kagamitang biswal na ginamit sa hinihinging 5 3 gawain. 2. May kaunting kakulangan sa mga kagamitang biswal at hindi 1 kumpletong naglalarawan sa dapat na makita. 3. Walang handing biswal. C. Pakikiisa ng bawat Miyembro sa Gawain 1. Lahat ay nakiisa sa pangkatang gawain at naglahad ng kanilang 5 3 kaalaman. 1 2. May dalawa o higir pang miyembro ang hindi nakiisa sa gawain. 3. Walang pakikiisa ang bawat miyembro ng pangkat.

KABUUANG PUNTOS

Gawain C

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Pangkatang Gawain: Lights, Camera Action

1.Maghati-hati ang klase sa apat na pangkat 2.Pag – usapan ang layunin ng kolonisasyon 3. Ipakita ang iba’t ibang layuning ito sa pamamagitan ng larong Lights, Camera Action 4. Bawat pangkat ay mag- isip ng masining na presentasyon upang maipakita ang mga layunin. 5.Ipapaliwanag ng lider ang mga layunin at kung ano ang naging halaga nito sa kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas.

Rubrics sa Para sa Role Playing

Pamantayan Puntos Natamong Puntos Lahat ng kaanib ay nakikilahok sa gawain 3 Nakakagawa ng Role Playing na may ideya 3 Malinaw na naihatid ang mensahe ng Role Playing 3 na kaugnay sa aralin Mahusay ang presentasyon 3 May katamtamang boses, teknikal na kagamitang 3 akma sa Role Playing KABUUANG PUNTOS 15

Gawain D Pangkatang Gawain: Paghambingin ang bansa na naging kolonisasyon sa bansang malaya. Maaring ipakita ang paghahambing sa sumusunod na paraan.

Magkaroon ng Debate : Sang - ayon sa Kolonisasyon : Hindi sang-ayon sa Kolonisasyon Magkaroon ng maiksing iskit: Nagpapakita ng sitwasyong ng mga bansa naging bahagi ng kolonisasyon At bansang hindi naging bahagi nito Magkaroon ng pagbuo ng kanta na nagpapakita ng pagkakaiba ng bansang naging kolonisasyon sa pamumuhay nila.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ALAMIN MO

Ang pagkakatuklas ng mga taga Europa ng daang pakanluran ang

naghudyat ng pagpasok ng kolonyalisasyon sa Asya. Ang mga bansa at lupaing kanilang natuklasan ay ginawa nilang kolonya.

Ang motibo ng kolonyalisasyon ay pang - kabuhayan , pangrelihiyon at

pagpapalawak ng kapangyarihan. Ang mga Europeong bansa ay

nagpaligsahan sa pagsakop ng teritoryo sa Asya.

NATUTUHAN KO I. Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang sinasaad ng pangungusap ay tumutukoy sa layunin ng kolonyalismo at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. ______1. Paggamit ng likas na yaman ng bansang ginawang kolonyal. ______2. Pagtatayo ng base militar na magpapalakas sa sandatahan. ______3. Pagbibigay ng edukasyon sa bansang ginawang teritoryo ______4. Pagbibigay ng libreng produkto sa bansang ginawang kolonya ______5. Pagpapalawak ng relihiyon sa bansang ginawang kolonya.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

II. Gumuhit ng mga simbolo na maaring nagpapakita ng layunin ng kolonisasyon.Ilagay ang mga ito sa kahon.

Layunin ng

kolonisasyon

Pangkabuhayan

Pangrelihiyon Sistemang Pulitikal

Inihanda: CZARINA I. JUNIO Teacher I Lazaro Francisco Elementary School

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 1 Code: AP5KE-IIa-1

KONTEKSTO AT DAHILAN NG PANANAKOP NG BANSA EPEKTO NG KOLONISASYON

PANIMULA

Ipinaliwanag sa nakaraang aralin ang kahulugan ng kolonyalismo gayundin ang layunin nito . Natutuhan mo dito ang naging dahilan at layunin kung paano ang isang bansa o lupain ay naging isang kolonya ng ibang bansa.

Sa araling ito, inaasahang: 1. Naipapaliwanag ang epekto ng kolonisasyon.

ALAMIN MO

Ito kaya ay may positibo Ano kaya ang at negatibong epekto. Ano – ano naging epekto Paano mo mailalarawan ang epekto ng nito sa ang sitwasyong kolonyalismo kasalukuyan? kinaharap ng sa isang bansa? kolonisasyong bansa?

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

EPEKTO NG KOLONISASYON

Buuin mo ang mga pangungusap sa bawat kulay. Tignan ang “clue” upang maiakma mo ang iyong bubuuin.

K O P A N G H I G I T N A N A K I N A A M A A Y O S A N G S I S T B N G A N G M G A B A N S A E A A N O S M N N I T A A G A G U P N S M A T A G A G 3.N A G P Y O A 1.N N G A A D Y 4.N A A M M A N A M A A T A G N A Y A B A K A M G I H N S B I N T A E U S I N L A O I N G A N G P A G I G G A N A Y R A N I K A M A K N A T A W K A T A W G N I T A D G N A

Clue: Paggalugad ng mananakop sa likas na yaman. Clue: Paggamit ng teknolohiya Clue: Sistema sa Pamahalaan. Clue: Nasyonalismong damdamin

Sagot: Sagot: Sagot: Sagot:

______

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

EPEKTO NG KOLONISASYON

Ang kolonisasyon na naganap sa kasaysayan ay nagkaroon ng positibo at negatibong epekto sa isang bansa.

Narito ang ilan sa mga naging epekto ng kolonisasyon

A. Paggalugad ng mananakop sa likas na yaman ng kolonya 1. Ang mananakop ang higit na nakinabang sa likas na yaman. 2. Ang yaman ng nasakop na bansa ay nilinang nang husto.

B. Pag-unlad ng teknolohiya at kalusugan 1. Natuto ang mga bansang nasakop ng makabagong makinarya. 2. Napa-unlad ang pamumuhay ng mga katutubo. 3. Napuksa ang mga sakit dahil sa makabagong gamut at paraan ng paggamot.

C. Pagbabago sa sistemang pamahalaan, batas, at katarungan 1. Naging maayos ang sistema ng pamahalaan. Ang dating watak - watak na mga teritoryo ay nabuo bilang isang estado.

D. Pagbuo ng damdaming nasyonalismo 1. Pagkagising ng damdaming makabayan dahil sa paglawak ng kalayaan ng sakupin ng mga dayuhan. 2. Nagkaisa ang mga tao sa paghamon sa lakas ng mga dayuhan ng sila ay maglunsad ng kilusang reporma at kilusang panghimagsikan.

Sagutin natin: 1. Ano ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa bansa? 2. May naging kaugnayan ba ang mga epekto na ito sa kasalukuyang panahon? 3. Paano mo maiuugnay ang kalagayan ng ating bansa sa pagiging bahagi natin sa sistema ng kolonisasyon?

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______GAWIN MO

GAWAIN A: Itala sa cluster map ang epekto ng kolonisasyon .

Likas na Yaman Teknolohiya at Kalusugan

1.______1.______2.______2.______

EPEKTO NG

KOLONISASYON

1.______1.______

______

______

______

______

. Pagbuo ng Pagbabago sa sistemang damdaming

pamahalaan, batas, nasyonalismo

at katarungan

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

GAWAIN B. Punan ang diyagram ng sa ibaba ng positibo at negatibong epekto ng kolonisasyon batay sa iyong napag-aralan.

NEGATIBO POSITIBO

.

1. ______1. ______

2. ______2. ______

3. ______3. ______4. ______Opinyon sa 4. ______Epekto ng ______Kolonisasyon

______

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain C: Lagyan ng bunga ang puno sa pamamagitan ng pagsulat ng mga epekto ng kolonisasyo sa hugis puso na papel .Gawin ito kasama ang pangkat Idikit ito sa puno.Bawat lider ay ibubuod ang sagot na paliwanag hinggil sa epekto.

EPEKTO NG

KOLONISASYON

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain C:

Pangkatang Gawain: Ilarawan ang sitwasyong kinaharap ng bansa sa ilalim ng kolonisasyon kaugnay ng mga epekto nito. Gamiting ang malikhaing paglalarawan.

Pangkat I- Ilarawan ang sitwasyon sa pamamagitan ng tula o awit Pangkat II- Ilarawan ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagguhit o poster Pangkat III-Ilarawan ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbabalita Pangkat IV-Ilarawan ang sitwasyon sa pamamagitan ng maiksing skit.

TANDAAN MO

Ang kolonisasyon ay mayroong mabuti at masamang epekto sa bansa. Ang likas na yaman ng isang bansa ay lubasang nalinang sa pagdating ng mga dayuhang mananakop . Sila rin ang lubos na nakinabang sa mga likas na yaman ng bansa. Malaki rin ang naging epekto ng kolonisasyon pagdating sa teknolohiya . Maraming mga natuto sa makabagong teknolohiya

dala ng ibang bansa, napaunlad din ang pamumuhay ng mga

katutubo at nagamot ang mga maysakit sapagkat makabago ang

pamamaraan ng panggagamot ng ibang bansa.Naayos din ang pamahalaan ng mga nasakop na bansa mula watak – watak na sistema nito at higit sa lahat nabuo ang damdaming nasyonalismo dulot ng epekto ng kolonisasyon.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

NATUTUHAN KO

1.Isulat sa sagutang papel ang salitang POSITIBO kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang epekto ng Kolonisasyon at NEGATIBO kung ito ay nagpapakita ng masamang epekto.

______1. Ang mga dayuhan ang higit na nakinabang sa likas na yaman. ______2. Napaunlad ang pamumuhay ng mga katutubo . ______3. Naging maayos ang sistema ng pamahalaan. Ang dating watak- watak na mga teritoryo ay nabuo bilang isang estado. ______4. Pagkagising ng damdaming makabayan dahil sa paglawak ng kalayaan nang sakupin ng mga dayuhan. ______5. Pagkaubos ng likas na yaman ng bansa.

2.Gumawa ng isang komiks script na nagpapakita ng epekto ng kolonisasyon sa isang bansa. Komiks script

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Rubrics sa Paggawa ng Komiks

Deskripsyon Puntos Nakagawa ng komiks na maganda,malinis ,may ideya at 5 naipaliwanag ng mabuti ang hinihinging sagot. Nakagawa ng komiks na maganda,malinis at naipaliwang 4 ang hinihinging sagot. Nakagawa ng komiks na malinis at naipaliwanag ang 3 hinihinging sagot. Nakagawa ng komiks na malinis 2

Nakagawa ng komiks 1

Walang nagawa 0 total 15

Inihanda:

CZARINA I. JUNIO Teacher I Lazar Francisco Elementary

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 2 Code: AP5KE-IIa-2

Mga Dahilan Ng Espanya sa Pananakop ng Pilipinas

PANIMULA

Nakarating na ba kayo sa ibang lugar na malayo sa Lungsod ng Cabanatuan? Madalas isang malaking katanungan ang kaanyuan pisikal ng heograpiya ng ibang lugar. At ang mga katanungang at pag-asam nating tukuyin at alamin ang kaibahan nito ang nag-uudyok upang tayo ay gumawa ng pagsisiyasat o pagsasaliksik. Noong ika-12 dantaon, mayroon lamang kaunting kaalaman ang mga taga –Europa sa heograpiya ng mundo. Ang kagustuhang matuklasan ang ibang bahagi ng mundo ang nasasandig sa masusi nating pagtuklas at pagsasaliksik. Pagsapit ng ika-15 hanggang ika-16 na dantaon, sinimulan nilang galugarin ang ng Africa. Natuklasan nila ang America at nakahanap ng isang rutang pangkaragatan patungo sa silangan. Isa si sa nagsagawa ng ekspedisyon o paggalugad. Natuklasan niya ang ruta patungo sa Silangan sa pamamagitan ng paglalayag pakanluran. Ang pagkakatuklas ni Magellan ang naghantong upang matunton ang maliliit na mga pulo – ang Pilipinas . Ang ekspedisyon ni Magellan ay sinundan pa ng ilan pang ekspedisyon at sa mga ekspedisyong dumating sinakop ng Espanya o ang Pilipinas.

Sa araling ito, inaasahang:

Maipapaliwanag ang dahilan ng ekspedisyon ni Magellan sa Pilipinas.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ALAMIN MO

Bakit kaya naglayag si Magellan patungo sa Pilipinas? Ano - ano ang mga kadahilan?

Maglalayag si Nasarhan ng Turkey ang ruta Magellan patungo sa Silangan. pakanluran patungo sa Silangan Balikan mo ang mapa

at globo? Malapit lang

Ang direksyon ay ba ang Espanya sa tinahak ng ekspedisyon Pilipinas? Ano – ano ay timog-timog- kaya ang mga balakid kanluran. na maaring maging Tinawid nila ang Paglalayag ni Magellan hadlang sa paglalayag Atlantic Ocean ni Magellan. malapit sa Pernambuco sa Brazil.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Nabalitaan ng mga taga-Europa ang kasaganaan sa Silangan. Maraming mga dayuhan ang naghangad na makarating sa Asya tulad ng mga Ingles, Portuges , Espanyol , Pranses at iba pang dayuhan . Hinikayat naman ni Ferdinand Magellan,isang Portuges ang hari ng Portugal na si Haring Emmanuel I na maari niyang marating ang Silangan na para sa bansang Portugal sa pamamagitan ng paglalayag nang pakanluran . Sapagkat katulad ni Columbus ay naniniwala si Magellan na ang mundo ay bilog. Hindi nakumbinsi ni Magellan ang hari ng Portugal kaya nagtungo siya sa Espanya at kay Haring Carlos I niya ipinahayag ang kanyang mapangahas na haka-haka.Nakumbinsi ang hari ng Espanya . Pumayag si Haring Carlos I sa balak ni Magellan at sinuportahan ang ekspedisyon ni Magellan.

Bukod sa mga tauhan, pagkain, salapi at iba pang pangangailangan, binigyan si Magellan ng mga sasakyang-dagat tulad ng Trinidad, Victoria, San Antonio ,Conception, at Santiago. Ang barkong Trinidad ang punong barko na pinamunuan ni Magellan. Kasama din sa ekspedisyon si Antonio Pigafetta,isang mananalaysay na tagatala ng mga pangyayari at si Padre de Valderama ,isang pari. Naglayag ang limang barko na tinalunton ang ruta na patimog-kanluran. Natuklasan ng plota ni Magellan ang isang kipot na naging daan ng tatlong barko patungo sa Karagatang Pacifico . Ito ang kipot na tinatawag na ngayong Kipot ni Magellan. . . Pagkatapos ng mahabang panahon ng paglalayag ay matanawan ang matataas na kabundukan doon sa noong Marso 16,1521. Tuloy- tuloy ang ginawang paglalayag ng pangkat ni Magellan hanggang marating niya noong Marso 16,1521 ang pulo ng Humonhon Naglayag na muli ang tatlong barko hanggang makarating sila sa pulo ng noong Marso 21,1521.At doon nakatagpo ni Magellan sina Raha Kulambo , pinuno ng Limasawa at Raha Siagu , ang pinuno ng

Ang ekspedisyon ni Magellan ay mayroong mga layunin. Narito ang mga pangunahing dahilan o layunin ng Espanyasa pagpapadalang ekspedisyon.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Ano ang masasabi ninyo sa larawan?

KYANMAANA

KR__ST___Y__NIS___O

KTNAGNAAY

1. Matuklasan ang Spice Island 2. Mawakasan ang monopoly ng Italy sakalakalan 3. Matamo ang karangalan ng pagkakatuklas at pagkakaroon ng mga lupain 4. Kumita sa pamamagitan ng kalakalan 5. Mapalaganap ang Katolisismo, ang itinuturing nilang pananampalatayang Kristiyano.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Para kay Magellan,dagdag na layunin na marating ang Silangan sa pamamagitan ng paglalayag nang pakanluran. Bilang pagbubuod may tatlong salita ang dahilan ng pagsakop ng Espanya sa Pilipinas, ito ay ang kayamanan, kapangyarihan at kristiyanismo.

Sagutin: 1. Anu-ano ang mga bansa sa Europa ang naghangad na makaratingsaAsya?

2. Sino ang Portuges na nanguna sa ekspedisyon na nais makarating sa Spice Island at bakit?

3. Anong bansa ang sumoporta kay Magellan upang makarating sa Spice Island at makapaglayag sa buong mundo?

4. Bakit gustong sakupin ng Espanya ang Pilipinas? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain A MAGLARO TAYO- PUNO ,PUNO …BUNGA MO ISUSULAT KO 1. Pangkatin ang mga batasa apat. 2. Ibibigay ng guro ang Puno sa bawat pangkat 3. Maglalagay ang bawat pangkat ng bunga ng kadahilanan ng ekspedisyon ng Espanya 4. Mayroon lamang 2 minuto kada-pangkat.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

6. Mapalaganap ang Katolisismo, ang itinuturing nilang pananampalatayang Kristiyano.

Gawain B

Gamit ang concept mapping. Punan ang mga k

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain B.

Ilagay sa kahon ng kadahilanang aakma sa sisimbolo ng bawat larawan. Isusulat ng guro sa metacards ang mga kadahilanan at ito ang ilalagay ng mag-aaral.

Matuklasan ang Spice Mawakasan ang monopoly ng Kumita sa pamamagitan

Island Italy sa kalakalan ng kalakalan

Matamo ang karangalan ng Mapalaganap ang Katolisismo, ang pagkakatuklas at pagkakaroon ng mga itinuturing nilang pananampalatayang

lupain Kristiyano.

EKSPEDISYON NG ESPAÑA

KATANYAGAN KAYAMANAN /KAPANGYARIHAN LAYUNIN

KRISTIYANISMO

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain C. Awitin sa himig ng “Bahay Kubo”

Paglalayag Czarina I. Junio

Si Magellan ay naglayag , Patungo sa Silangan Dala – dala ay limang plota,Bigay ni Carlos I Sa kanyang haka – haka, Tunay na naniwala Na ang mundo ay hindi patag,Kundi isang bilog

Lupain sa Silangan,Kaya nga na marating Maglalayag pa-Kanluran,Patungo sa Pacipic Ocean Dumaan man sa hirap,plota ni Magellan Di parin nagpagapi,layunin ay bitbit – bitbit Hanggang marating ,lupain sa Silangan Kilala nating lahat,ito na nga’y PILIPINAS!

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Pangkatang –Gawain: Subukang lagyang ang kahon ng mga larawan na puwedeng magpakita ng naging ekspedisyon ni Magellan.

Si Magellan paalis ng Espanya

Ang plota ni Magellan sa

gitna ng karagatan

Ang pagkakatanaw ng grupo ni Magellan sa pulo ng Samar

Ang pagkakaibigan na nabuo sa katutubong Pilipino at grupo ni Magelan

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Rubrics sa Paggawa ng Poster o Larawan

Batayang Pamantayan Puntos A. Nilalaman 1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng pangkat sa kanilang gawain 5 2. May mga detalye na hindi maayos na nailahad ng pangkat. 3 3. Halos walang nagawang output ang pangkat. 1 B. Kagamitang Biswal 5 1. Angkop ang mga kagamitang biswal na ginamit sa hinihinging gawain. 3 2. May kaunting kakulangan sa mga kagamitang biswal at hindi kumpletong 1 naglalarawan sa dapat na makita. 3. Walang handing biswal. C. Pakikiisa ng bawat Miyembro sa Gawain 5 1. Lahat ay nakiisa sa pangkatang gawain at naglahad ng kanilang kaalaman. 3 2. May dalawa o higir pang miyembro ang hindi nakiisa sa gawain. 1 3. Walang pakikiisa ang bawat miyembro ng pangkat.

KABUUANG PUNTOS

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Ngayong naiguhit mo na ang mga larawan, subukan mo naman ito ipaliwanag o gawing gabay ito sa pagbuo ng konsepto o concept .Isulat ang concept sa isang pa-broadcasting script na nagpapaliwanag ng ekspedisyon ni Magellan gayundin ang layuning taglay ng paglalayag.

Nangangailangan ng Pamantayan Magaling Katamtamang Galing ibayong Pagsasanay (5-4) (3-2) (1) Pagbigkas ng dayalogo Malinaw at angkop Hindi gaanong malinaw Hindi malinaw at angkop ang ang diyalogo at angkop ang diyalogo diyalogo Kilos ng Katawan at Angkop at mahusay Hindi gaanong angkop at Hindi angkop at mahusay Ekspresyon ang mga kilos mahusay ang mga kilos ang mga kilos Pagpapahayag ng Maayos na Hindi gaanong maayos na Hindi maayos na naipahayag mensahe at naipahayag ang naipahayag ang mensahe ang mensahe impormasyon mensahe Nagpapakita ng angkop Lubos na napakita Hindi gaanong napakita Hindi napakita ang angkop na katauhan ang angkop na ang angkop na katauhan na katauhan katauhan Kabuuang Puntos

TANDAAN MO

• Ang mga dahilan at layunin ng ekspedisyon ng Espanya patungo sa Silangan ay nakarating sa pulo ng Pilipinas ay ang kayamanan, kapangyarihan, at mapalaganap ang Kristiyanismo. • Si Ferdinand Magellan ,isang Portuges ang unang nakatuklas sa kapuluan ngPilipinas. • Si Haring Carlos I ay ang hari ng Espanya na sumuporta sa ekspedisyon ni Magellan.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

NATUTUHAN MO A. Lagyanng (√) kung ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa dahilang ng ekspedisyon ng Espanya at lagyan ng ekis (X) kung hindi. 1. Upang makatuklas ng mga kayamanan 2. Upang maipalagana pangkristiyanismo 3. Upang umangkat ng mga pampalasa sa pagkain 4. Upang maging pinakamakapangyarihan sa buong mundo 5. Upang makatulong sa mahihirap

B. Ilagay sa kahon ,kung ang mga sumusunod na pahayag ay tumutugma sa mga sumusunod na pangunahing layunin: KAYAMANAN, KAPANGYARIHAN AT KRISTIYANISMO.

1. Paglaki ng nasasakupan ng teritoryo

2. Pagkuha ng mga sangkap pampalasa

3. Upang maging makapangyarihan

Sa buong mundo

2. Mapalaganap ang relihiyong Kristiyanismo

3. Makuha ang likas na yaman Ng bansa

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Mga Dahilan sa Pananakop ng Espanya sa Pilipinas

PANIMULA

Sa nakaraaang aralin, natutuhan mo ang layunin ng ekspedisyon ni Magellan na humatong upang marating niya ang pulo ng Pilipinas .Sa pag-alis ng ekspedisyon ni Magellan ay taglay niya ang iba’t ibang layunin na dala ng kanyang paglalakbay: paghahanap sa Spice Island, pagpapalawak ng kapangyarihan ng Espanya at pagpapalaganap ng Kristiyasnismo .

Sa araling ito inaasahang,

1. Maipapaliwanag ng mga mag-aaral ang mga layunin ng ekspedisyon ni Magellan at ang naging kaugnayan nito sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas.

ALAMIN MO Ano ano ang layunin ng naging ekspedisyon ni

Magellan? Ano ang naging kaugnayan Buuin ang puzzle nito sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas?

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Pinamunuan ni Magellan ang ekspedisyon na binuo ng Hari ng Espanya. Ang ekspedisyon ay binubuo ng 265 tauhan na nakasakay sa limang barko. Umalis sa Espanya ang ekspedisyon noong Setyembre 20 , 1519 patungo sa Silangan. Sa pamumuno ni Magellan, naglayag sila pakanluran . Nadaanan nila ang Atlantic Ocean hanggang marating ang dulo ng North America. Tumawid sila sa Pacific Ocean at nakarating sa Pilipinas noong Marso 16,1521. Taglay ng ekspedisyon ni Magellan ang layuning matagpuan ang Spice Island upang makakuha ng pampalasa sa pagkain , at dagdagan ang lupaing sakop ng Espanya upang maging makapanyarihang bansa ito sa buong mundo at gamitin ng likas na yaman ng lupaing masasakop. Sa ekspedisyon ni Magellan maraming balakid ang kanyang dinanas gayundin ang kanyang mga tauhan sa paglalayag sa karagatan tulad ng taggutom, lamig ,bagyo ,o pagkakasakit at pag-aalsa ng mga tauhan. Ang barkong Santiago ay lumubog dahil sa ito ay nawasak samantalang ang barkong San Antonio naman ay tumakas at bumalik sa Espanya. Dahil sa gutom, naranasan nilang kumain ng daga at maging mga bagay sa barko tulad ng layag, lubid at iba pa. Subalit hindi nasiraan ng loob si Magellan at patuloy pa rin ang ginawa niyang paglalayag kasama ang paghahangad na matupad layuning kaakibat ng paglalayag. Sa bandang huli , nakarating ang paglalayag ni Magellan sa Pilipinas.Ang lupain ng Pilipinas ay umangkop sa layuning

Sagutin :

1. Ano ang naranasang paghihirap ng ekspedisyon ni Magellan? 2. Mahalaga ba ang layuning ng ekspedisyon ni Magellan para sa Espanya? 3. Sa iyong palagay , ano ang naging kaugnayan ng mga layuning ito sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

GAWIN MO

Gawain A.

Ipaliwanag ang kaugnayan ng mga layunin ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas . 1. Kayamanan:______2. Kristiyanismo:______3. Kapangyarihan:______

Gawain B

Magkaroon sa klase ng “talk show” kung saan ang mag-aaral ang sasagot sa mga tanong na mabubunot.

Ipaliwanag ang naging kaugnayan ng mga sumusunod na layunin sa kadahilan ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas.

Kristiyanismo Kapangyarihan

Kayamanan

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain C Pangkatang Gawain:

Bumuo ng scenario kung saan naiugnay ang tatlong mahahalagang Layunin ng Espanya sa pagpapadala ng ekspedisyon sa Pilipinas. Ibatay ang scenario sa ibinibigay na sitwasyon.

KRISTIYANISMO KAPANGYARIHAN Sumasamba ang Pamumuno sa mga Sinaunang mga Pilipino sa Katutubo at

Mga at Sinaunang

kalikasan Ang Pilipinas ay Pilipino KAYAMANAN mayaman sa mga likas

na yaman

TANDAAN MO

• Ang Espanya ay isa sa nangungunang bansa na nagpapadala ng ekspedisyon sa panahon ng paggalugad. • Nakarating sa Pilipinas ang ekspedisyon ni Magellan kung saan ang Hari ng Espanya ang nagbigay pondo at suporta

bagamat siya ay Portuges.

• May tatlong pangunahing layunin ang ekspedisyon ni Magellan -Kayamanan , kung saan hangaring matagpuan ang Spice Island at manguna ang Espanya sa kalakalan sa buong mundo. -Kapangyarihan, pagsakop sa mga bansang mararating ng Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials ekspedisyon -Kristiyanismo, maipalaganap ang Kristiyanismo sa buong mundo .

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

NATUTUHAN KO Iakma ang laman ng kahon sa mga pangungusap sa ibaba.

KAYAMANAN KATANYAGAN/KAPANGYARIHAN

KRISTIYANISMO

1. Sagana sa likas na yaman ang bansang Pilipinas. 2. Pamumuno ng Espanya sa Pilipinas 3. Paggamit sa mga produkto ng Pilipinas sa pakikipagkalakalan. 4. Pagtuturo ng Kristiyanismo sa mga katutubong Pilipino 5. Pagsakop ng Espanya sa Pilipinas.

II. Batay sa mga layuning dala – dala ng ekspedisyon ni Magellan ,ano ang naging kaugnayan nito sa ginawang pananakop sa Pilipinas ng Espanya.Naging makatwiran ba ang naging aksyon ng Espanya na magkaroon ng kolonisasyon sa ibang lupain. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang nakaraan ,ano ang gusto mo na mabago hinggil sa ekspedisyon ni Magellan. (Isulat ang iyong sagot sa pasanaysay na paraan).

Rubrics sa Paggawa ng Sanaysay

Deskripsyon Puntos Nakagawa ng sanaysay na may maganda sulat ,konkretong ideya na nagpapaliwanag ng mabuti sa 5 hinihinging sagot. Nakagawa ng sanaysay na mayroon katamtamang ideya 4 na nagpapaliwanag sa hinihinging sagot . Nakagawa ng sanaysay na may konting ideya na 3 nagpapaliwanag sa hinihinging sagot Nakagawa ng sanaysay na may konting ideya subalit 2 kulang sa paliwanag sa hinihinging sagot. Nakagawa ng maiksing sanaysay 1 Walang nagawa 0 Total 15

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 3 Code: AP5KE-IIb-3

Nakabubuo ng timeline ng mga paglalakbay ng Espanyol sa Pilipinas hanggang sa pagkakatatag ng Maynila at mga unang engkwentro ng mga Espanyol at Pilipino

PANIMULA

Ang pananakop ng Espanyol sa ating bansa ay natatak na sa ating kasaysayan at kailanman ay naging bahagi na ng ating buhay. Sa loob ng ng mahigit sa tatlong dantaon (333 na taon),mula 1565 hanggang 1898 ay sinakop tayo ng Espanya at tayo ay naging kolonyal nito. At bilang isang kolonya , ang Pilipinas ay naging pagmamay-ari ng Espanya .

Bagamat sa inyong panahon bilang mag-aaral ay hindi na ninyo ito naabutan patuloy parin itong binabalikan upang lubos nating maunawaan ang nakaraan at ang kasalukuyan.

Sa araling ito , inaasahang.

• Natutukoy ang mga lugar na narating ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas at ang mahahalagang pangyayaring kaakibat ng mga lugar na magagamit sa pagbuo ng timeline.

• Nakakabuo ng timeline base sa mga lugar at pangyayari.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ALAMIN MO

Ano kaya ang mga ito?

Subukang ayusin ang mga

letra.

Ano ang nabuo ? ______Paano ito nabubuo ?______Saan ito ginagamit?______Ano ang mahahalagang pangyayaring naganap ng dumating si Magellan

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

PAGDATING NI MAGELLAN Basahin ng mag-aaral ng patula Czarina I. Junio

Setyembre 20,1519 naglayag si Magellan pa-kanluran patungo sa Silangan Limang barko ,sumuong sa mahabang ekspedisyon Sa paglalayag,maraming hirap ay dinanas ngunit sa Diyos parin nanangan Sa dami ng pagsubok na sa dagat natunghayan Patuloy pa ring humayo,sa mapanglaw na karagatan

Noong Marso 16, 1521 nakatanaw ng pag-asa Nakita ang pulo sa Samar na nagdulot ng saya. Tinawag niya ang pulong Arkipelago ni San Lazaro Sapagkat sa araw na iyon namatay si San Lazaro

Pangkat ni Magellan patuloy na naglayag Nakarating sa bukana ng golpo ng Noong Marso 17,1521 pulo ng Humanhon ,mainit silang sinalubong Pilipinong katutubo ipinakita mabuting kaugalian Na ang pinagmulan ay sinauna pang ninuno.

Sa pulong Humanhon sandali lang nagpahinga Sa paghahanap ng pagkain ,narating pulo ng Limasawa Pagdating sa Limasawa ,sa kasaysayan tumatak Si Magellan , Raha Kulambo at Raha Siagu dugo ay ipinatak Sa inuming alak ,dugo ay isinama Ito ang simula ng sanduguan ,sagisag ng pagkakaibigan.

Noong Marso 31,1521,sa pulo ng Limasawa Unang misa ay naganap ,pinagunahan ni Padre Pedro de Valderama Mga Pilipinong katutubo ,lahat nahikayat Ito ang tinanghal na kauna –unahang misa sa Pilipinas At sa tuktok ng isang gulod nagtulos ng malaking Krus. Ito ay hudyat ,Kristiyanismo sa bansa’y nagsimula na.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Nagtungo grupo ni Magellan sa dako ng Pook na ito noon ay tinawag na Sugbu Pakikipagkaibigan ibinungad sa Raha ng Cebu Kung kaya’t nahimok ang Rahang mabait Pagbibinyag ay agad idinaos ,kung saan katutubo’y kasali Si Raha Humabon pinangalanang Carlos Alinsunod sa pangalan ng sa Hari ng Espanya At kanyang maybahay naging ngalan sa binyag ay Juana. Imahe ng SantoNiño, kay Juana iniwan.

Sa mga nangyari,Magellan lumakas ang loob Ibang mga pulo,hinangad na masakop Ngunit ang pangarap nakahanap ng katapat Matapang na mandirigma ng Mactan,di sa kanya yumukod Kalayaan ay agad ipinagtanggol ,Lapu-Lapu ng Mactal Bayaning matatawag.

DIGMAAN SA MACTAN

Pinasabihan ni Magellan si Lapu-Lapu na sumuko sa Espanya at magbayad din ng buwis ngunit tinaggihan ito ni Lapu-Lapu kung kaya nilusob ni Magellan ang Mactan noong Abril 27,1521. Buong tapang na nakipaglaban si Lapu-Lapu kabilang ang kanyang mga tauhan. Inaakala ni Magellan na magagapi niya si Lapu-Lapu subalit nagkamali siya.

Ang unang bapor na Napatay ni Lapu-Lapu at ng kanyang mga nakapaglayag sa buong daigdig tauhan si Magellan noong Abril 1521. ay ang Victoria. Si Sebastian del Talunang bumalik sa Espanya ang mga Cano ang unang taong Espanyol. Tanging barkong Victoria na nakapaglayag dito . lamang ang nakabalik sa Espanya sa Ilan lamang sa ekspedisyon ni pamumuno ni Sebastian del Cano. Magellan ang nakabalik sa

Grade Espanya. 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Sagutin natin:

1. Ano ang pangalan ng unang pulo na natanaw ng grupo ni Magellan? 2. Saan idinaos ang unang misa ng Pilipinas? 3. Saang pulo nabuo ang pagkakaibigan ni Raha Humabon at Ferdinand Magellan? 4. Ano ang naging pangalan ni Raha Humabon at maybahay nito matapos mabinyagan ? 5. Saan nagtungo ang pangkat ni Magellan pagkagaling sa Limasawa? 2. Saan itinayo ang malaking krus tanda ng paglaganap ng kristiyanismo sa bansa? 1. Paano tinanggap ng mga katutubong Pilipino ang grupo ni Magellan? 2. Sino ang pinuno ng Mactan? 3. Paano hinarap ni Lapu-Lapu ang mga dayuhang Espanyol.

Timeline Ang mga pangyayari sa kasaysayang ito ay maaari nating ipakita sa pamamagitan ng Time Line.

Isang paraang magagamit upang higit nating maunawaan ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ay ang timeline. Sa tulong nito maipapakita ng malinaw ang pagkakasunuud-sunod ng mga pangyayari sa kasaysayan.

Paano ito gawin?

1. Una, gumawa ng isang pahalang na guhit na tulad nito:

2. Hatiin ang guhit sa magkakasinlaking bahagi:

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

3. Ang bawat bahagi ay katumbas ng isang taon. Sa isang taon ay may 12 buwan. Ang maliit na guhit ang kumakatawan sa buwan.

GAWIN MO

Gawain A

1. Pangkatin ang klase sa apat na pangkat. Pumili ng lider na mag-uulat sa klase. 2. Aayusin ng bawat pangkat ang pagkakasunud sunod ng mga lugar na inabot ng ekspedisyon ni Magellan 3. Ilagay ang mga lugar sa akmang petsa ng lugar na narating ng ekpedisyon ni Magellan. 4. I-presenta sa klase ang ginawa. Bigyan ng paliwanag sa bawat lugar at ang mahahalagang pangyayari na naganap sa lugar.

Limasawa Espanya Mactan

Golpo ng Leyte Homonhon,Samar Sugbu Cebu

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain B. MAG-ART TAYO

1. Bumuo ng timeline sa Paper . Iguhit ang mahahalagang pangyayari sa mga taon nasa loob ng malaking bilog. 2. Ayusin ang bilog ayon sa pagkasunod sunod ng mga lugar at naayon sa timeline. 3. Simulan ito sa ekspedisyon ni Magellan paalis sa bansang Espanya patungo sa gawing Silangan hanggang sa mga pulong una niyang narating sa Pilipinas. 4. Maaaring gumamit ng ibang sanggunian o batayang aklat sa Baitang lima.

Espanya

Sugbu Cebu Limasawa

Homonhon Samar

Mactan

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain C: Pangkatang-Gawain Subukang bumuo ng timeline base sa mga petsa na nasa tula .Gawing malikhain ang timeline na gagawin.

PANGKAT I

Timeline na gagamit ng mga tansan . Ang disenyo ay pabilog.

Pangkat II

Timeline na gagamit ng mga halaman. Ang disenyo ng Pangkat III timeline ay puno

Timeline na gagamit ng mga patapong bagay upang pandisenyo.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

TANDAAN

Ang timeline ay grapikong paglalahad ng mga pangyayari sa kaayusang sunud-sunod. Ito ay paraang paglilista , pagsasaayos at paghahabimg. Sa ganitong paraan lalong nagiging madali ang pang-unawa sa mga pangyayari katulad sa naging ekspedisyon ni Magellan sa Pilipinas. Madaling tukuyin ang mga unang lugar sa Pilipinas sa paggamit ng timeline.

NATUTUHAN KO

Bumuong timeline ayon sa mga sumusunod na pangyayari. .

EKSPEDISYON NI MAGELLAN

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Marso 17: Pagdaong sa pulo ng Homonhon sa Pilipinas

Marso 25: Pagdaong sa pulo ng Limasawa sa Leyte at nakipag - sanduguan siya kay Rajah Kulambo ng Limasawa at si Rajah Siagu ng Butuan

Marso 31: Ginanap ang unang misa sa kasaysayan ng bansa sa pangunguna ni Padre Pedro Valderama sa Limasawa , Leyte.

Abril 7: Paglipat nila Magellan sa Cebu na pinamunuan ni at sinubukang hingan ng buwis ni Rajah Humabon sina Magellan ngunit ito ay tumanggi at ipinaliwanag na nais lamang nilang makipag – kaibigan naniwala naman si Rajah Humabon at isang sanduguan ang isinagawa

Marso 17: Natanaw ang isla ng Samar at tinawag nila itong "Arkipelago de San Lazaro"

April 14: Paggawa ng misa at pagbibinyag sa mga katutubong Pilipino

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 3 Code: AP5KE-IIb-3

Nakabubuo ng timeline ng mga paglalakbay ng Espanyol sa Pilipinas hanggang sa pagkakatatag ng Maynila at mga unang engkwentro ng mga Espanyol at Pilipino

PANIMULA

Sa nakaraang aralin ay nabatid mo kung paano nakarating sa Pilipinas ang ekspedisyon ni Magellan . Nalaman mo rin ang iba’t ibang pulo na una niyang napuntahan at kung paano pinagtanggol ni Lapu-Lapu ang pulo ng Mactal sa mga Espanya.

Ang ekspedisyon ni Magellan ay mahalaga para sa mga sumunod pang ekspedisyon.

Sa aralin ngayon inaasahang

• Natatalakay ang mga pangyayari sa mga sumunod na ekspedisyon hanggang sa ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi sa Pilipinas mula sa Panay patungo sa pagtatatag ng Maynila gamit ang timeline.

ALAMIN MO:

Ano - ano ang mga sumunod na ekspedisyon? Ano ang kani-kanilang layunin? Nasakop kaya nila ang Pilipinas? Kaninong ekspedisyon ang nagtagumpay at Paano niya ito nagawa?

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Iba Pang Ekspedisyon ng Espanya

Ang bansang Espanya ay hindi nawalan ng pag-asa sa ikatutupad ng kanyang pangarap na matuklasan ang mga pulo ng panrekado at muli siyang nagpadala ng ilang ekspedisyon sa Silangan

Paglalakbay ni Taon Pinuno Layunin Resulta

Loaisa at del 1525 Juan Garcia Magtatag ng Nakarating lang sa Cano Jofre de kolonyaa sa Mindanao at Moluccas Loisa Moluccas subalit nabigong magtatag ng kolonya Cabot 1526 Sebastian Magtatag ng Nakarating hanggang Cabot kolonya sa mga Brazil lamang bagong tuklas sa lupain Saavedra 1527 Alvaro de Hanapin ang mga Nakarating lamang sa Saavedra nakaligtas sa Loaisa Surigao, Mindanao at at cabot ang Moluccas subalit nadakip Trinidad . May sulat ng Portuges ding dala buhat kay Cortes na humihingi ng paumanhin kay Raja Humabon Villalobos 1542 Ruy Lopez Gawing kolonya ang Nakarating sa Mindanao at de Pilipinas at pinangalanang Cesarea Villalobos palaganapin ang Caroli dahil sa kalawakan katolisismo nitoa. Subalit lumipat sa Samar dahil sa kakulangan ng pagkain. Mainit na tinaggap si Villalobos sa Isla ng Samar at Leyte. Pinangalanan niyang Felipinas ang bansa bilang parangal kay Prinsipe Felipe na anak ni Haring Carlos I Legaspi 1564 Miguel Sakupin ang lupaing Noong Pebrero 13 Lopez de ipinangalan kay 1565,nakarating ang plota Legazpi Haring Felipe II ni Legaspi sa Cebu

Naglayag patungong Samar at Leyte at nakipagkaibigan sa

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

katutubong ,isa na rito si Bangkaw na datu ng Limasawa.

Noong Marso 1565 ,nakipagkasundo sa pamamagitan ng sanduguan kina Datu Sigala at Datu Sikatuna

Hinadlang ni Haring Tupas ng Cebu subalit natalo sila Haring Tupas

Inalok ang pakikipagkaibigan at tinanghal na kauna- unahang siyudad ang Cebu sa Pilipinas.

ANG PAGKAKATATAG NG MAYNILA

Ang pananakop ni Legaspi sa Pilipinas ay labag sa Kasunduang Zaragosa noong 1529 (kasunduan ng hangganan na naghihiwalay ng dalawang nasasakupang bansa kaya’t hindi tinantanan ng Portugal ang Espanya).Noong 1569 ,nagtungo sa Panay si Legaspi at doon itinatag ang ikalawang pamayanan ng Kastila. Nabalitaan ni Legaspi ,na ang Maynila ay isang maunlad at mariwasang lugar na pinamumunuan ni Raja Sulayman at sa kabilang pampang ay pinamumunuan naman ni . Mayo 1570,dumating si Martin de Goiti ,ang sugo ni Legaspi at sinakop ang Maynila. Noong Hunyo 24, 1571,itinatag ni Legaspi anng siyudad ng Maynila na taglay ang anyo at kaluluwang kastila.Nang maging siyudad ang Maynila at naging sentro ng kapangyarihan,ito rin ang naging hudyat ng paglaganap relihiyong katoliko sa Pilipinas.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Sagutin natin:

Bakit nagpadala muli ng ekspedisyon ang Espanya sa ating lupain? Bakit natalo ang mga taga Cebu sa mga kastila? Paano napasailalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol ang bawat katutubong Pilipino?

GAWIN MO Gawain A Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari .Lagyan ng bilang ang patlang ayon sa pagkakasunud sunod nito.

______Hunyo 24,1571 itinatag ni Legaspi ang siyudad ng Maynila . ______1542 naglayag si Ruy Lopez Villalobos patungo sa Pilipinas ______1525 nang lumakad ang pangalawang ekspedisyon kasunod ng kay Magellan sa pag-asam na makapagtayo ng kolonyal at marating ang Moluccas. ______Pebrero 13,1565 nakarating ang plota ni Legaspi sa Cebu ______Marso 1565 ,Legaspi ,Datu Sigala at Datu Sikatuna ay nag – sanduguan.

Gawain B MAGLARO TAYO-Pagbuo ng timeline.

1. Pangkating ang mga mag-aaral sa apat na pangkaat 2. Pumili ng lider na bawat pangkat. 3. Gumawa ng istasyon sa apat na sulok na bahagi ng silid –aralan ,kung saan nakalagay ang mahahalagang datos. 4. Himukin ang mag-aaral na buuin ang pangkat na kapareho ng isang sasakyan (hayaan silang mamili) 5. Paandarin ang unang pangkat,susundan ng pangalawa,pangatlo hanggang apat

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Pangkat I - kuhanin

lahat mga petsa at Pangkat I - kuhanin pagsunud sunuri at Pangkat II-Kuhanin sa Pangkat III- lahat mga petsa at idikit sa pisara. mga istasyon ang mga Kuhanin naman pagsunud sunuri at pangalan ng ang idikit sa pisara. namuno ng ekspedisyon mahahalagang at idikit sa pisara katapat pangyayari at idikit sa pisara na mga petsa. sa ilalim ng mga petsa at pangalan. Pangkat IV- Guhitin

ang mga datos (petsa,pangalan at pangyayari ) katulad ng isang time line.

-Bawat grupo ay may isang representante na tutulong ipaliwanag ang nabuong timeline.

Tandaan Mo

Sa panahon ng pagdating ni RuyLopez Villalobos ay tinawag ang Pilipinas na Felepinas sunod sa ngalan ng Haring Felipe II ng Espanya. Ito rin ang nag-udyok sa hari upang muling magpadala ng ekspedisyon sa bansa sa katauhan ni Miguel Lopez de Legaspi.

Naging matagumpay ang ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi sa Pilipinas. Sa kanyang pagdating tuluyang naaging kolonyal ng Espanya ang Pilipinas. Bagamat maraming katutubong Pilipino aang di sumang-ayon na masakop ng dayuhan an gating lupain ay nagtagumpay pa rin ang mga dayuhan. Noong Hunyo 24, 1571 ,itinatag ni Legaspi ang siyudad ng Maynila . Ito rin ang naging hudyat ng paglaganap ng relihiyong katoliko.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Natutuhan ko.

Panuto: Bumuo ng timeline ayon sa mga sumusunod na pangyayari.

1519 – Umalisang pangkat ni Magellan sa Espanya 1521 – Dumaong ang pangkat ni Magellan sapulongHomonhon sa Samar 1543 – Dumating ang pangkat ni Roy Lopez de Villalobos 1565 – Dumating sa Pilipinas ang pangkat niLegazpi sa Cebu 1571 – Itinatag ni Legazpi ang pamayanan ng Maynila

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

Kolonisasyon-ay pananakop ng mga bansa sa Europa sa malalayong lupain na di – kristiyano upang gawing teritoryo na pagkukuhanan ng hilaw na sangkap (raw material) upang manguna sa industriya ng kalakalan at upang mapalaganap na rin ang relihiyong kristiyanismo at magkaroon ng mas malawak na kapangyarihan sa buong daigdig.

Kasunduan na Tordesillas - kasunduang pinagtibay ni Papa Alexander VI hinggil sa paghahati ng daigdig sa Portugal at Espanya sa 370 leagues . Ang Silangan ay para sa Portugal at ang Kanluran ay para sa Espanya.Ginanap ito sa Tordesillas,Spain.

Moluccas – tinaguriang Spice Islands na pangunahing pinagkukuhanan ng panrekado o pampalasa (spices).

Spices o mga pampalasa – naging mahalagang rekado sa kadahilanan na ito ay nagsisilbing pampreserba ng pagkain at bilang medisina.

Portugal at Espanya - magkatunggaling mga bansa na nangunguna sa panunuklas ng mga bagong lupain .

Merkantilismo – ginamit na pamamaraan ng mga taga Europa kung saan ay paniniwala ang mga pinuno ng Europa, na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakabatay sa kanilang kayamanan at kaban ng gintong pananalapi.

Haring Carlos I – hari ng Espanya na sumuporta sa ekspedisyo ni Ferdinand Magellan.

Ferdinand Magellan – isang mamamayang Portugal na bihasang manlalakbay – dagat , nagpahayag na mararating ang Silangan sa paglalayag pa-Kanluran. Naniwala na ang mundo ay bilog at hindi patag. Pinangunahan niya ang unang ekspedisyon para marating ang Silangan sa pamamagitan ng paglalayag sa direksyon ng Kanluran.

Kipot ni Magellan - ito ang rutang natagpuan ng ekspedisyon ni Magellan patungo sa Karagatang Pasipiko (Pacific Ocean) .Ang rutang ito ay ipinangalan kay Ferdinand Magellan.

Antonio Pigafetta - siya ang taga – ulat at tagatala ng mga pangyayari sa ekspedisyon ni Magellan.

Sanduguan - katutubong pamamaraan ng pagkakaibigan at pagtatatag ng alyansa.

Pulo ng Homonhon- unang pulo na may nakitang katutubong Pilipino ang pangkat ni Magellan.Sa pulo na ito nagpahinga ang pangkat at kumuha ng mga pagkain .

Pulo ng Limasawa - dito naganap ang sanduguan sa pagitan ni Magellan at Raha Kulambu kasama ni Raha Siagu. Dito naganap ang unang misa sa Pilipinas.

Padre Pedro de Valderama – ang paring kasama sa ekspedisyon ni Magellan at nagsagawa ng unang misa sa Pilipinas.

Raha Humabon – ang Raha ng Cebu na naging kaibigan din ni Magellan ,nahikayat na magpabinyag bilang mga Kristiyano kasama ang kanyang reyna. Ang Raha ay binigyan ng pangalang Carlos alang-alang sa Haring Carlos ng Espanya at Juana naman ang ibinigay sa reyna bilang parangal sa ina ni Haring Carlos I.

Imahe ng batang si Hesus - ito ang regalo na natanggap ni Juana ,reyna ng Cebu kay Magellan.

Datu Lapu-Lapu – pinuno ng Mactan na hindi nagpasakop sa mga Espanyol. Ang labanan sa Mactan ay nagbigay ng mahalagang pangyayari sa kasaysayan dahil dito namatay si Magellan at ditto rin unang naipakita ng mga katutubong mamamayan na handa silang ipaglaban ang inang bayan.

Kasunduan sa Zaragoza – isang kasunduan noong Abril 22, 1529 kung saan ang hari ng Espanya ay nakipagkasundo sa Portugal dahil sa malaking kabiguan sa pananakop .Ayon sa kasunduan ang hangganan na maghihiwalay sa mga nasasakupan ng dalawang bansang Katoliko ay may sukat na 297 ½ legua buhat sa Silangan ng Moluccas. Dito ipinagbili ng Espanya ang Moluccas sa Portugal . Sa kasunduang ito nadaya ng Espanya ang Portugal nang hindi niya nalalaman ,sapagkat ang Pilipinas at Moluccas ay nasa panig ng Portugal .

Ruy Lopez de Villalobos - siya ang nagbigay pangalan na Felipina sa isang pulo sa Samar bilang parangal sa prinsipe ng Asturyas na hahalili sa Haring Carlos ng Espanya.

Islas del Poniente – tawag ng mga Espanyol noon sa Pilipinas.

Miguel Lopez de Legazpi - ang namuno sa ekspedisyon na ipinadala ni Haring Felipe II sa Pilipinas upang gawin itong kolonyal ng Espanya. Si Legazpi ay nagtagumpay na makapagtayo ng piirmihang paninirahan ang mga Espanyol sa Pilipinas. Ang naging ekspedisyon ni Legazpi ang tinaguriang pinakamatagumpay.

Maynila – ang naging sentro ng kapangyarihan ng mga kastila. Pinangalanan ni Haring Felipe II na Insigne Y Siempre leal Ciudad o Katangi-tangi at Laging Matapat na Siyudad.

References:

Kabihasnang Pilipino ,Kasaysayan at Pamahalaan Authors: Celestina A. Boncan ,Ph.D Mary Dorothy dl.Jose

Jerome A.Ong

John N. Ponsaran

Makabayan: Kasaysayang Pilipino May-akda: Alvenia P.Palu-ay

Pilipinas: Bansang Malaya Mga May-Akda: Estelita B. Capiña

Gloria P. Barrientos

Gabay sa Pag-aaral ng Kasaysayan ng Pilipinas Mga May-akda: Eric G. Claudio Teodora Luz Soto Mangahas

Pilipinas : Ating Bayang Sinilangan Heograpiya ,Kasaysayan at Sibika Mga May-Akda: Amado E. Borbon

Concordia G. Moraga

Janet M. Esposo-Bernardo

Agnes T. Narag

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------AP5 PKE-IIc-d-5

PANIMULA PARAAN NG PANANAKOP

Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang iba’t ibang perspektibo ukol sa pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas gayon rin ang kanilang motibo sa ating bansa. Napag-aralan din ang iba’t ibang salik kung bakit nagtagumpay ang mga Espanyol sa pagsakop sa bansang Pilipinas. Dahil sa ekspedisyon nila Magellan ang pagapapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo bukod pa sa pananakop sa bansang Pilipinas ang kanilang pangunahing layunin. Nagpatupad sila ng unang misa sa Limasawa. Magiliw na tinanggap ng mga Pilipino ang pangkat ni Magellan kung kaya hinainan sila ng mga iba’t ibang uri ng pagkain. Sa Cebu ay nagkaroon ng sanduguan sina Raha Humabon at Magellan bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan sa halip na digmaan ay kapayapaan ang namayani. Nagpabinyag sila Raha Humabon, Raha Kolambu , ang kanyang asawa at pati ang limang daan na taga Cebu sa Kristiyanismo. Ibinigay ni Magellan sa asawa ni Raha Humabon ang imahen ng Sto. Niňo tanda ng simbolo pagkakaibigan at pagyakap na rin ng mga Pilipino sa Kristiyanismo, kung kaya ito ay lumaganap sa iba pang panig ng bansa.

Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya kagaya ng proseso ng Kristiyanisasyon.

Kaya sa araling ito, inaasahang: 1. Natatalakay ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya a. Proseso ng Kristiyanisasyon b. Reduccion c. Tributo at Encomienda d. Sapilitang paggawa ______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

ALAMIN MO

Buuin ang puzzle ng larawan ng simbahan ng Cabanatuan .

Ano kaya yung inaawit ni nanay nung nagpursisyon kami kahapon?

Saan kaya ito inaawit at sino ang nagdala ng mga ganitong awitin sa Pilipinas?

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

Proseso ng Kristiyanisasyon

Ang simbahan at pamahalaan ay nagkaroon ng isipan na palaganapin ang Kristiyanismo sa bansa. Ang mga prayle ang siyang nagkaroon ng kapangyarihan sa simbahan at pamahalaan. Binigyang diin ng mga Espanyol sa pagsakop sa Pilipinas ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Para mas lubusan itong mangyari ay isinaayos ng mga Espanyol ang pamayanan para madali nilang mapamahalaan ang mamamayan. Inilagay nila ang simbahan sa istratehikong lugar para mas madaling palaganapin ang Kristiyanismo. Ang plasa ang pinakasentro at isinaayos ang mga kalsada at ang kabisera na sentro ng lalawigan. Madaling naakit ang loob ng mga katutubo dahil sa mga makukulay na ritwal na gaya ng kapistahan, pursisyon, pagbibinyag, pagkakasal na kaiba sa kinagisnan nilang paniniwala ngunit may pagkakahawig lang sa pagpapahalaga sa mga espiritu sa mga namatay at sa isang Panginoon na kung tawagin ay Bathala o mga anito. Kung kaya nanamplataya ang mga Pilipino sa Katolisismo. Iisang Diyos na lang ang kanilang pinaniwalaan na hindi gaya ng dati ay marami silang sinasamba.

GAWIN MO:

Gawain A. Sagutin ang mga katanungan at ibahagi sa klase.

1. Sinong Espanyol ang dumaong sa Pilipinas na nagpakita ng pakikipagkaibigan? 2. Ano ang ibinigay ni Magellan sa asawa ni Raha Humabon? 3. Sa paanong paraan naakit ang mga katutubong Pilipino na tanggapin ang kristiyanismo? 4. Sa iyong pananaw dapat ba na pilitin ang mga Pilipino sa isang relihiyon lang? Bakit o bakit hindi? Ipaliwanag ang inyong sagot.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------GAWAIN B Bumuo ng apat na pangkat para sa mga gagawin.

 Pangkat 1 - Magkakaroon ng isang maikling dula-dulaan tungkol sa proseso ng Kristiyanismo. Ipakita ito sa klase sa loob ng 3 minuto.

 Pangkat 2 - Gumawa ng isang awit tungkol sa proseso ng Kristiyanismo at maaaring rap ang gawin.

 Pangkat 3 – Gumawa ng tula ukol sa proseso ng Kristiyanismo.

 Pangkat 4- Gumawa ng awit ukol sa kristiyanismo na nakatono sa mga awiting katutubo.

TANDAAN MO:

 Ang mga Espanyol ang nagpalaganap

ng Kristiyanismo.

 Si Magellan ang naghandog ng Sto.

Nino sa asawa ni Raha Humabon

 Isa sa naging layunin ng Espanyol ang palaganapin ang Kristiyanismo sa bansa.  Naakit sa mga iba’t ibang ritwal ang

mga Pilipino

 Pinaniwalaan nila ang Panginoon sa dati nilang paniniwala na Bathala o anito.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------NATUTUHAN KO

I. Piliin ang titik ng tamang sagot .

1. Sinong Kastila ang unang dumating sa Pilipinas? a. Magellan c. Datu b. Misyonero d. Humabon 2. Bakit katolisismo ang relihiyon ng karamihan sa mga Pilipino? a. Magaling magsermon ang pari. b. Nangunguna ang relihiyong ito sa buong mundo. c. Ligtas sa kasalanan ang kabilang dito. d. Minana natin ito sa mga Espanyol. 3. Anong kaugalian ang pagdarasal tuwing ikaanim ng hapon? a. Binyagan c. Prusisyon b. Matrimonya d. Orasyon 4. Ano ang simbolong inilalagay nila sa isang lugar na kanilang sinakop? a. Bato c. Bibliya b. Krus d. Simbahan 5. Ano ang ipinagbago ng mga Pilipino bunga ng Kristiyanismo? a. Sa Pananamit at pananampalataya b. Sa pakikipagkapwa at pagdarasal c. Sa pakiisa at pakikipagtulungan d. Sa paniniwala at pag-uugali

II. T – Kung parehong tama ang dalawang

Unawain ang bawat pangungusap M – Kung ang dalawang pangungusap ay pares ng mga parehong mali pangungusap. Isulat TM – Kung ang unang pangungusap ay tama ang letra ng sagot sa at mali ang pangalawa patlang ayon sa MT– Kung ang unang pangungusap ay mali at ang pangalawa ay tama panuto.

______1. Ang mga Amerikano ang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Naging opisyal na relihiyon ng Pilipinas noon, ang Katoliko. ______2. Kapayapaan ang dala nila Magellan ng dumating sila sa Pilipinas. Nakipagdigmaan ang mga Pilipino kay Magellan.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------______3. Nagbigay ng Sto. Nino si Magellan sa asawa ni Raha Humabon. Nagpabinyag ang mga Pilipino noon bilang pagkilala sa Kristiyanismo. ______4. Ang mga misyonero ang nagpalaganap sa iba pang lugar ng Kristiyanismo. Layunin ng Espanyol ang palaganapin ang Kristiyanismo sa Bansa. ______5. Ang mga tauhan ni Magellan ang namuno sa parokya. Minasama ni Raha Humabon ang pagdating nila Magellan sa atin.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

ARALIN 5 .1 Kristiyanisasyon

PANIMULA

Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang binigyang diin ng mga Espanyol sa pagsakop sa Pilipinas. Dumating ang mga Espanyol na kasama ang kanilang mga misyonero. Naging makapangyarihan ang mga misyonero sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon at sa pamamahala ng bansa.

Hindi nga eh. ALAMIN MO Nagtataka rin ako kung kailangan ba talagang Alam mo ba binyagan ang isang tao? ang dahilan kung bakit binibinyagan ang mga tao sa simbahan?

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------Ang Tungkulin ng Simbahan Ang mga misyonero ay malaki ang kanilang ginampanan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Tungkulin nilang himukin ang mga katutubo na tanggapin ang pagiging kristiyano. Dahil sa kanilang pakikihalubilo sa mga katutubo ay madali nilang natutuhan ang wika nila kung kaya madali nila itong nahikayat sa pagiging Romano Katoliko. Napagkasunduan ng pamahalaan at ng simbahan na maging opisyal sa buong kapuluan ang relihiyong katoliko o Kristiyanismo. Ang mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang Kastila ay naaayon sa batas ng simbahan. Malaki ang papel na ginampanan ng simbahan sa pamahalaan.

Mga Gawain ng Prayle

• Nangongolekta ng buwis sa parokya • Namamahala ng lokal na eleksyon • Nag-aayos ng gawain sa kawanggawa • Sumusubaybay sa gawain ng

paaralan, pagtuturo ng dasal, at Kautusang pangrelihiyon

Ang tungkulin ng isang misyoneryo ay palaganapin ang kristiyanismo sa isang parokya at pagkatapos nitong mahikayat ang mga tao ay papalitan ng paring sekular na siya naming magpapatuloy sa pagtuturo ng pananampalataya. Ang mga paring sekular na ito ay nanirahan kasama ang mga mamamayan upang mapanatili ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

Katungkulan ng simbahan na binyagan ang mga katutubo, bigyan ng pangalan, magkasal sa simbahan na lalo pang nagbuklod sa pagsasama at pagmamalasakit sa isa’t isa ng mga pamilya dahil sa mga pangaral ng mga prayle. Itinuro rin ng simbahan ang pagdarasal ng orasyon tuwing ikaanim ng hapon. Dahil dito nagbago ang uri ng pamamaraan ng pananampalataya ng mga katutubo.

Nagkaroon din ng iba’t ibang pagdiriwang ang mga tao gaya ng mga kapistahan, santakrusan, mga pagtatanghal gaya ng pagpapalabas ng senakulo, moro-moro, sarswela, at iba pa. Ito ang kinamulatan ng kaugalian ng mga Pilipino kung kaya hanggang ngayon ay atin itong isinasagawa.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

GAWIN MO

GAWAIN A: Punan ang mga kahon ng datos ukol sa mga gawaing kristiyanismo.

MGA GAWAING KRISTIYANISMO

GAWAIN B – (Gagamitin ng guro ang rubrics sa pagmamarka

Bumuo ng apat na pangkat. Gumawa ng poster na nagpapakita ng tungkulin ng mga Prayle.

Unang Ikalawang Ikatlong Ikaapat na Pangkat: Pangkat Pangkat Pangkat

Pagbibinyag Pagdarasal Pagbebendisyon Pagmimisa

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

GAWAIN C Tapusin ang semantic web. Maaaring magdagdag ng guhit.

PRAYLE MISYONERO

______Katungkulan

PAGDIRIWANG SAKRAMENTO

______

TANDAAN MO Epekto ng Kristiyanismo sa bansa. 1. Nagkaroon ng pagbabago sa lipunan. 2. Naging makapangyarihan ang simbahan. 3. Sa mga Espanyol nanggaling ang mga tradisyon, paniniwala at pagdiriwang na gaya ng: binyag, pagdarasal, kumpil, kasal, pagmamano, paggalang sa matanda, kapistahan, moro-moro, sarwela at iba pa.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

NATUTUHAN KO Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung tama ang isinasaad sa paniniwala o tungkulin ng simbahan ang tinutukoy sa pangungusap at isulat ang MALI kung hindi. 1. Binibinyagan ang mga bata at bagong kasapi sa simbahan. 2. Matatandang pinuno ang namumuno sa simbahan. 3. Naging opisyal ang relihiyong Romano Katoliko. 4. Igalang anuman ang relihiyon ng ating kapwa. 5. Nagkaroon ng kapistahan ang bawat bayan.

II. Itala sa patlang ang hinihinging impormasyon. ______1. Pinakamahalagang layunin ng mga Espanyol sa pagdaong sa Pilipinas. ______2. Namahala ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa. ______3. Sa Kasayahang ito gumagastos ng malaki ang mga Pilipino. ______4. Opisyal na relihiyon noong panahon ng Espanyol. ______5. Natutunan ng mga katutubo sa simbahan.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

ARALIN 5 .1.1 MGA DULOT NG KRISTIYANISMO

PANIMULA Ano ang masasabi mo sa larawan?

Alam mo ba kung anong uri ng mga pagdiriwang ito na minana pa natin sa mga Espanyol?

Sa araling ito, inaasahang : 1. Napahahalagahan ang mga Kastila sa pagpupunyagi na maging Kristiyano ang mga Pilipino. 2. Nakasusulat ng isang panalangin.

Naging makulay ang buhay ng mga Pilipino sa pagkamulat sa relihiyong Katolisismo. Makikita sa bawat bayan na kapag may kapistahan ay may nakasabit na mga banderitas. Naging mahilig ang mga Pilipino sa mga pagdiriwang katulad ng kapistahan, mga palabas,. Nagkakaroon ng mga ritwal sa pananampalataya sa iba’t ibang mga santo, pagdarasal sa tuwing sasapit ang ikaanim ng hapon na tinatawag na orasyon at paghalik sa kamay o pagmamano sa magulang at sa matatanda bilang paggalang. Dahil dito, ay mas lalo pang nagbuklod ang mga pamilya. Lumaki ang mga bata na may paggalang

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------at respeto sa magulang. Patunay na marami tayong dapat na ipagmalaki na magagandang kaugalian nating mga Pilipino saan mang bansa tayo makarating.

GAWIN MO

Buuin ang puzzle isulat ang mga salitang tinutukoy sa loob ng kahon.

1. Pagdiriwang kung saan makakakita ka ng banderitas sa kalye.

2. Seremonya sa simbahan kung saan binubuhusang ng tubig ang ulo at may ninong at ninang.

3. Naglalaan ng oras ang mga tao kapag sumasapit ang ikaanim ng hapon.

4. Inilalabas sa simbahan ang iba’t ibang patron kapag may pagdiriwang.

5. Paghalik sa kamay ng nakatatanda.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------GAWAIN 2 Ilagay sa loob ng bunga ang mga salitang tumutukoy sa naging epekto ng Kristiyanismo sa bansa at idikit sa puno.

GAWAIN 3 Gamit ang Catch the Falling Stars, Tukuyin ang iba’t ibang magandang epekto ng Kristiyanismo sa mga Pilipino.

Kulturang Kristiyanis-

mo

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

GAWAIN 4

Tapusin ang bawat pangungusap.

1. Makikita ang malakas na impluwensya ng Katolisismo sa ______

2. Ang gumaganap ng tungkulin sa pamahalaan ______

3. Ang nais na maging katoliko romano ay ______

4. Ipinag-uutos ng simbahan na ipursisyon ang mga santo kung ______

GAWAIN 5

Sumulat ng isang panalangin..

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------TANDAAN MO

Ang mga prayle ay malaki ang ginampanan sa kultura ng mga Plipino. Iminulat ang mga tao sa paniniwala sa Panginoon. Itinuro nila ang pagdarasal pagmamano at paggagalang at respeto sa nakatatanda na lalo pang nagbuklod sa samahan ng pmailya. Ang mga pagdiriwang ay isinsasagawa katulad ng pyesta, binyag , kasal na kung saan ang bawat tao ay nakikiisa sa kasayahan.

NATUTUHAN KO

I. Isulat sa patlang ang letrang N kung ginawa ito noon at HN kung ginagawa pa rin ito hanggang sa ngayon.

______1. Pagdiriwang ng Santacruzan at Flores De Mayo. ______2. Ang simbahan ang gumanap ng tungkulin ng pamahalaan. ______3. Pagpapabinyag ng bata at matanda. ______4. Relihiyon ang pangunahing itinuturo sa paaralan. ______5. Pagdarasal at pagnonobena

II. Bilugan ang bilang kung epekto ng Kristiyanismo ang inilalahad at kahunan kung hindi. 1. Nagbago ang pangalan ng mga Pilipino. 2. Maraming mag-anak ang nagkahiwalay 3. Nagkaroon ng kapistahan ang bawat bayan. 4. Naging opisyal na relihiyon ang Romano Katoliko. 5. Nagkagulo ang simbahan at pamahalaan.

III. Magsaliksik sa mga sumusunod na paksa na bunga ng Kristiyanismo sa bansa. Maaaring magtanong o mag interview sa mga matatanda sa inyong kaaanak o sa ibang guro .

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

ARALIN 5 .2 Reduccion

Bakit kaya mahirap paalisin ang mga iskwater sa ilalim ng PANIMULA tulay at iba pang lugar?

Nais mo bang manirahan sa ganitong uri ng lugar? Bakit?

Mula sa mga nakaraang aralin, nalaman natin ang malaking impluwensya ng mga Espanyol sa ating kultura . Lahat ng aspekto sa kanilang paraan ng pamumuhay ay malaki ang ipinagbago. Kung dati-rati ay layu-layo ang tirahan ng mga Pilipino , layu-layo ang pamayanan at malaya ang mga Pilipino na makapamili ng kanilang nais na lugar na tirhan, ito ay nabago ng dumating ang mga Kastila. Sa kadahilanang naghirap ang mga Kastila na marating ang Pilipinas at sa bagong klima na kanilang naranasan ay umisip sila ng paraan kung paano nila mapapasunod ang mga Pilipino sa nais nilang mangyari.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

May naibigan ka ba sa rito sa larawan sa itaas? Bakit mo kaya ito naibigan? Ganito rin ba ang lugar sa Cabanatuan ? Ganito rin kaya ang panahanan noong

panahon ng Espanyol?

ALAMIN MO

Kung ikaw ay nakatira sa isang nayon at masaya ka sa lugar na kinamulatan mo subalit dumating ang pagkakataong lilipat kayo ng tirahan dahil madedestino ang iyong ama sa isang siyudad , ano ang iyong gagawin ukol dito ?

PAGTATATAG NG MGA PAMAYANAN Sa pagnanais ng mga misyonero na maisaayos ang mga tirahan ng mga Pilipino at madali nilang maipatupad ang Kristiyanismo tinipon nila ang mga tao sa isang lugar na madali nilang mapuntahan at maturuan. Subalit tumutol ang mga Pilipino sa nais nilang mangyari sa kadahilanang ang mga lugar na kanilang tinitirahan ang siya nilang pinagkukunan ng pagkain , ngunit dahil sa lakas ng mga sandata ng mga Kastila at masidhi ang mga misyonero sa nais nilang mangyari ay nagtagumpay sila na maialis sa mga lugar na layu-layo ang mga Pilipino.

Nagtulung-tulong ang mga kawal at misyonerong Espanyol na magtatag ng isang pamayanan. Isinaayos nila ang bawat lugar. Ang

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------mga nakatira sa malapit sa dagat o ilog ang siyang ginawang sentro o kabisera ng mga Espanyol. Ang malayo sa kabisera ay tinawag na bisita (visita) at ang lugar na pinakamalayo ay rancheria.

REDUCCION Ang mga Pilipino sa mga barangay na nasakop ng Espanyol na inilipat sa bagong tirahan ay tinawag na reduccion. Mula sa reduccion ay nabuo ang isang bayan na tinatawag na pueblo para maiayos ang pamayanan ng mga Pilipino. Pinalakas ng mga Espanyol ang sistemang pueblo para mapaglapit-lapit at maisaayos ang pamayanan.

Sa bawat pueblo makikita ang plaza, at ito ay nakasentro at sa paligid nito ang simbahan. Nasa tabi nito ang tinatawag na convento at sa ibang gilid ang mga tahanan na kabilang sa principalia. Mahalaga rin ang doctrina sa pagtatatag ng bagong pamayanan. Tumutukoy ang doctrina sa pagtuturo ng katesismong Katoliko sa mga mamamayan.

Sa pamamalagi ng mga Espanyol dito sa atin ay nagtayo sila ng mga bahay na bato at gusali katulong ang mga Pilipino. Dito na nagsimulang mabago ang uri ng tirahan ng Pilipino na dati ay bahay kubo lamang. Nagsimula na ring gumamit ng tisa sa tahanan at ang mayayamang katutubo ay ganitong uri ng bahay ang ipinagawa.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

MGA BAHAGI NG BAHAY NA BATO

 Balkonahe – lugar kung saan dito naghihintay ang bisita  Sala – dito tinatanggap ang mahahalagang bisita na gamit ang mamahaling kasangkapan at maari ring magsayawan

 Baňo- lugar na paliguan

 nasa pagitan ng mga palapag at hintayan ng mga Entresuelo- trabahador  Oficina o despacho- Tanggapan para sa mga kasama o katulong  Oratorio- Lugar ng dasalan kung saan sama-samang nagdarasal ang pamilya tuwing ika -anim ng hapon  Letrina o comun-lugar na palikuran  Azotea – lugar na katabi ng kusina at imbakan ng maraming tubig para sa paglalaba at katayan ng mga hayop

 Cuartors- mga silid-tulugan maging sa tanghali  Cuarto Principal – malaking silid ng may-ari ng bahay  Comedor – lugar ng kainan  Cucina- makikita ang kalan at banggerahan

 Zaguan – tulugan ng mga katulong at nasa silong ng bahay

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

GAWAIN A. Kopyahin ang Caterpillar Map. Isulat ang mga pananagutan ng bawat kasapi ng isang Pamayanan. a. Pamahalaan b. Paaralan c. Simbahan d. Pamilya e. Mamamayan d c e

b A

GAWAIN B: Sagutin ang mga katanungan sa loob ng kahon.

1. Bakit kaya binago ng mga Espanyol ang pamayanan ng mga Pilipino? ______

______

2. Bakit kaya ayaw lumipat ng tirahan ang mga katutubo noon?

______

3. Paano nabago ang tirahan ng nakaririwasang Pilipino?

______

______4. Ilarawan ang panahanan ng mga Pilipino______bago pa man dumating ang mga Espanyol? Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

______DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

GAWAIN 2

Maglalaro ng Mother and the kid Goes to Town. 1. Panuto sa Laro A. Ang bawat pangkat ay pipila ng maayos at bibigyan ng guro ng basket o bayong , alampay , mga gulay, laruan, belo, papel,bolpen at rosaryo . B. Ang miyembro na nasa unahan ay magsusuot ng alampay at bibitbitin ang bayong o basket na may nakalagay na gulay, laruan, belo, rosary, bolpen at papel para pumunta sa kabayanan.

C. Kapag tumapat sa lugar ng nais puntahan ay kuhanin ang nasa loob ng kahon na akma sa lugar ng pinuntahan. Kapag napunta sa simbahan ay luluhod magsusuot ng belo, magkukrus sa noo at ilalagay ang rosary sa leeg. Kapag napunta sa laruan ay laruin ang anak.

D. Babalik ang 2 magkasama para alisin ang mga nakauot sa kanila para ang iba naman nilang miyembro ang magsagawa ng naturang gawain hanggang ang lahat ay makalaro.

______Sagutin ang______mga Tanong: Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

1. Anu-anong lugar ang makikita sa pamayanan? 2. Naiangkop mo ba ang iyong mga dala sa lugar na pinuntahan mo sa pamayanan? 3. Batay sa mga panahanan na nabuo ng panahon ng kastila at sa ngayong panahon , aling panahanan ang nais mong tirahan? Bakit?

GAWAIN 3 - DULA- DULAAN

Magpapakita ang grupo ng isang pagsasadula kung

saan ipinakikita ang pangyayaring reduccion noong panahon

ng mga Espanyol.

GAWAIN 4

Mula sa larawan ng tahanan ay mag-uunahan ang bawat pangkat sa paglalagay ng mga salitang dapat makikita sa bawat parte ng tahanan at ipaliliwanag kung ano ang ginagawa ng pamilya sa bawat parte ng tahanan.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

KOMEDOR KUSINA SALA BANYO

ENTRESUELO DESPACHO ORATORIO

GAWAIN 5; PAGPAPANTOMINA

PANUTO: Kukuha ang mga bata sa loob ng basket kung saan nakasulat ang mga bahagi ng bahay at kanila itong iaarte. Huhulaan naman ng mga bata kung anong parte ng bahay ang isinagawang pantomina.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

GAWAIN 3 Punan ang hinihinging Datos .

a. Bakit ginawa ang reduccion?

b. Ano ang reaksyon ng mga Pilipino dito?

c. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino?

d. Nakamit ba ang reduccion? Bakit o bakit hindi?

GAWAIN 4

Isiping isa kayong pintor at iguhit ninyo ang

pamayanan na matatagpuan sa lungsod ng Cabanatuan.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

TANDAAN MO

 Ang reduccion ay ang paglilipat ng panahanan ng mga Espanyol sa isang lugar para makabuo ng isang pamayanan. Mas madali nilang maituturo ang Kristiyanismo kapag lapit-lapit ang tirahan.

 Ang doctrina ay mahalaga sa pagtatatag ng reduccion.

Tumutukoy ito sa pagtuturo ng katesismong Katoliko sa mga mamamayan.

 Bahay na bato ang nabuo sa panahon ng Espanyol. Ito ay malaki at may iba’t ibang katawagan ang bawat

parte ng bahay.

 Sa mga bahay na mayayaman ay maraming katulong at kakikitaan ng mga mamahaling kasangkapan kapag may mga panauhin

NATUTUHAN KO

A. Pagparisin ang inilalarawan sa hanay A sa tinutukoy sa hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. A B

1. Dito nagtitipon-tipon ang mga tao a. plaza sa isang pamayanan. 2. Malayu-layo ito sa pueblo at malapit b. komedor sa pinagkukunan ng ikinabubuhay dito

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

3. Lugar ng kainan c. Rancheria 4. Ito ang pinakasentro ng pamayanan d. visita 5. Isang kabayanan ito e. kabisera f.pueblo

B. Ipaliwanag ang sumusunod na mga katanungan. B. 1. Ano ang pagbabago sa panahanan ng ating mga C. ninuno sa panahong ito? D. 2. Bakit inilagay sa sentro ng bayan ang pamahalaan, E. simbahan at paaralan? F. 3. Ano ang kahalagahan ng sistemang reduccion sa G. pagapapalaganap ng Kristiyanismo? H. 4. Ano ang layunin ng reduccion? I. 5. Ano ang masasabi mo sa ayos ng pamayanan sa Cabanatuan? May pagkakahawig ba ito sa ayos ng pamayanan noon? Ipaliwanag ang sagot.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

Aralin 5.3 TRIBUTO AT ENCOMIENDA

PANIMULA

Karamihan sa mga tao sa lalawigan ng ay pagtatanim ng palay , sibuyas, bawang , singkamas at mga gulay ang pinagkukunan ng kabuhayan. Kilala ang Central Luzon dahil isa ito sa rice granary ng bansa. Isa ang Lungsod ng Munoz na nagsasagawa ng mas mapagkukunan ng magandang ani sapagkat naglaan sila ng oras para sa pag-aaral ng ikagaganda ng mas maraming ani.

Ssino kaya ang nagturo sa

mga Pilipino noon na

magtanim ng mga gulay?

Ang nasa loob ng kahon ay may malaking kinalaman sa buhay ng mga Espanyol. Sabihin mo kung ano ang iyong konsepto tungkol sa salitang ito.

BUWIS

Bukod sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay layunin ng mga Espanyol ang pagsakop sa buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto ng mga Espanyol na maging pangunahing pagkukunan ng mga sangkap pa pangkalakal ang mga kapuluan ng Pilipinas sa kadahilanang magandang pagkunan ng mga pananim ang ating bansa kung kaya pinilit ng mga Espanyol ang mga mamamayan na sundin ang ipinatupad nilang sistemang pangkabuhayan para sila ay makakuha ng buwis. Dinala nila ang iba’t ibang pananim, gaya ng puno ng mulberry, bulak, kape, pagpapalaki ng produksyon ng seda, at makabagong paraan ng pagtatanim. pati na rin mga hayop. Para

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------mas maraming tributo ang makuha nila sa mga tao.Lahat ng mga bagay na dinala nila rito ay isinakay sa galyon o malaking barko.

ALAMIN MO

Lubhang mahirap para sa mga Espanyol ang pagsakop sa kapuluan ng Pilipinas sapagkat ito ay layu- layo . Upang pagtagumpayan ang kanilang misyon sa ngalan ng Hari ng Espanya ay pinilit nilang masakop ang Pilipinas kaya dahil dito bilang gantimpala sa kanilang ginawang tagumpay na pagsakop ay binigyan sila ng Hari ng Espanya ng encomienda. Ang salitang ito ay mula sa Espanyol na ang ibig sabihin ay encomendar o “ ipagkatiwala”, na sa kabuuan ay pinahihintulutan ng hari ng Espanya ang mga mananakop na konkistador na mamuno ng teritoryo pati na ng mga mamamayan dito. Ang unang hakbang sa pagtatatag ng kolonyang Espanya sa Pilipinas ay ang encomienda. Dalawa ang uri ng encomienda na ipinamahagi. 1. Mga teritoryong nakalaan sa pamahalaan na pangunahing bayan katulad ng; a. Bagumbayan na ngayon ay Rizal Park, Sta.Ana, Tondo, Navotas at Malabon 2. Paggawad sa mga Espan 3. yol na kung di man tinatangkilik ng hari ng Espanya ay nagbigay naman ito ng paglilingkod sa hari.

Mga Tungkulin ng Encomendero

1. Ipagtanggol ang encomienda laban sa mga kaaway 2. Panatilihin ang katahimikan at kapayapaan

3. Suportahan ang mga misyonerong nagtuturo ng

Kristiyanismo sa mga Pilipino.

Upang tustusanang ang mga pangangailangan ng pamahalaan ay nagpatupad ang mga Espanyol ng sistema ng pagbubuwis o tributo. Ang tributo ay pwedeng bayaran ng salapi sa 8

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------reales hanggang ito ay maging 10 reales. Maari ring ibayad ang ginto, manok, tela, bulak at iba pang produkto. Marami ang tumutol sa tributo. Ngunit ang mga encomendero ay umabuso sa mga mamamayan. Hindi nila sinunod ang mga napag-usapan ukol sa tributo o buwis. Naniningil sila ng labis hanggang sa wala ng matira sa mga manggagawa. Kung ano ang pumasok sa kanilang isipan o kanilang naisin ay yun ang kanilang ipinatutupad. Kapag hindi nakapagbibigay

ang mga mamamayan sa kanilang nais ay kanilang pinarurusahan sa harap ng maraming tao. Kung kaya ang mga Pilipino ay nagsipag-alsa at nagsibalik sa bundok para lamang makaiwas sa mga encomendero na mapang abuso. Isa pang nilikom na buwis ay ang bandala. Ito ay ang sapilitang pagbili ng mga produkto tulad ng mais, niyog, at palay . Ngunit kadalasan ay hindi nakapagbabayad ang pamahalaan na lalong nagpaigting sa galit ng mga Pilipino.

GAWIN MO

GAWIN MO:

Ilagay sa loob ng basket ang mga bagay na produktong pangkabuhayan ng mga taga Kabanatuan at lalawigan ng Nueva Ecija.

PRODUKTONG PANGKABUHA YAN

1. kape 2. Mulberry 3. Palay 4. bulak

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

5.sibuyas 6. Bawang 7. Gulay

GAWAIN 2 UMAWIT TAYO:

Sa pagpapatupad ng reduccion, maraming Pilipino ang naalis sa kanilang lugar na dati nilang tinitirahan. Mahalaga ang pagkakabuklod ng pamilya. Lapatan ng tono ang nasa ibaba.

(Magbibigay ang guro ng rubrics na susundin sa pagmamarka sa inawit) Ang Tahanan

Ang tahanan ay pugad ng pagmamahal Hindi maghihiwalay bata at matanda man Ano man ang hirap nitong yaring buhay Titiisin lahat huwag lamang magkahiwalay.

Kahit pawid ang bubong ng aming tirahan Dito nagkakanlong may bagyo man at ulan Kahit na ito’y dampa at ang dingding ay wasak Sa aki’y palasyo na, pugad ng tuwa at saya.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------GAWAIN 3

Magpapangkat-pangkat. Pumili ng lider at tagatala. Ipakita ang pangyayaring encomienda at tributo at kung ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino ukol dito.

 Pangkat 1 – Poster  Pangkat 2 - Tula  Pangkat 3 - Awit

 Pangkat 4 - Dula-

dulaan

Pag-usapang mabuti ang nakatakdang Gawain. Ipakita at ipaliwanag ang natapos na Gawain

GAWAIN 4

Bumalik sa inyong pangkat at gumawa ng sariling islogan na nagpapakita ng pagkakaugnay ng encomienda at tributo sa pag- unlad ng isang pamayanan. Ilagay ito sa isang sangkapat na illustration board.

TANDAAN

 Nagpahirap nang labis sa mga Pilipino ang

patakarang pangkabuhayan ng mga

Espanyol.

 Hindi naging maganda at makatarungan para sa mga Pilipino ang sistemang encomienda sa kalaunan.  Ang tributo ang tinatawag na pagbubuwis.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

NATUTUHAN KO

I.Isulat ang WASTO sa patlang kung tama ang inilalahad at HINDI WASTO kung mali ang binabanggit.

______1. Naging mabait at makatao ang turing ng mga encomendero sa mga Pilipino. ______2. Ang encomienda ang unang hakbang sa pagtatatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas. ______3. Ang tributo ay maaaring bayaran ng salapi, ginto, tela, manok, bulak, palay at iba pang produkto. ______4. Pinarurusahan ng mga Pilipino ang mga encomendero. ______5. Kasamang ibinigay ng hari ng Esapanya ang pagtitiwala sa mga encomendero na dapat niyang tuparin. ______6. Sampu ang uri ng encomienda na ipinamahagi sa Pilipinas. ______7. Namundok ang mga Pilipino para makaiwas sa tributo. ______8. Ang bandala ay sapilitang pagbili ng mga produkto. ______9. Ang halaga ng salapi na dapat na maging buwis o tributo ay 12 reales. ______10. Maraming Pilipino ang natuwa sa pagbabayad ng tributo.

II. Unawain at saguting mabuti ang inilalahad sa ibaba. Gawing gabay ang rubric sa pagsagot .

Sa paanong paraan natin pakikinabangan ang impluwensya ng mga Espanyol sa kulturang Pilipino?

GAWAIN 2 GAWAIN 1

Isiping gagawa ka ng plano para sa

Magmasid sa ating Lungsod ng Cabanatuan. Ipakita mo kapaligiran at pumili kung kung paano mo magagamit ang mga Panahanan , kagamitang

teknolohiya o sining kung impluwensya ng Espanyol sa ating

paano ito magagamit sa pag- kultura para pakinabangan ng husto sa

unlad ng pamumuhay pag-unlad ng pamumuhay ng

sa malikhaing paraan. pamayanan.

GAWAIN 3

Gumawa ng isang comic strip na may 3 tauhan, sa tulong ng mga larawan at usapan ng mga tauhan, ilahad ang mungkahi kung paano

natin pakikinabangan ang mga impluwensya ng Espanyol sa atin.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

RUBRICS

Pamantayan 3 2 1 Puntos

Pagkamakato- Punung-puno ng Maganda Nagbanggit tohanan, kato ang ideya ng isang makabuluhan tohanan at ngunit hindi ideya ngunit (2) kabuluhan(6) maka- hindi maka- tohanan at buluhan at walang makato- kabu-luhan tohanan (2) (4) Malikhain, Napakamalikhain. Maayos ang Magulo ang praktikal at Napakapraktikal pagka- Pagkakaga- (1) (3) Kalikha at wa at hindi praktikal(2) praktikal(1)

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

ARALIN 5.4 SAPILITANG PAGGAWA

Panimula

Nagkaroon ng maraming pagbabago sa panahon ng Espanyol. Hindi naging madali na tanggapin ng mga Pilipino ang mga pagbabagong nais nilang ipatupad. Ano sa palagay mo ang hanapbuhay ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol? Tingnan at suriin ang mga larawan.

ALAMIN MO

Ano kayaang hanapbuhay ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila?

POLO Y SERVICIO (Sapilitang Paggawa) Bukod sa salapi ay tinustusan din ng mga Pilipino ang mga pangangailangan ng pamahalaang kolonyal. Ang mga Pilipino ay

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------kinailangang magbigay ng serbisyo sa pamahalaan kung saan sila ay gagawa ng mga gawain para sa pagsasaayos ng ikagaganda ng pamayanan, katulad ng paggawa ng mga gusali, mga tulay, kalsada, simbahan at galyon o bangka. Tinawag itong polo y servicio o sapilitang paggawa o pagtatrabaho ng sapilitan ng apatnapung araw sa loob ng isang taon ng mga kalalakihang Pilipino na may idad na labing-anim hanggang animnapu.

Ayon sa kautusan ng Hari ng Espanya ay kinakailangang bayaran ang mga polista, ang tawag sa mga manggagawa. Kailangan silang bayaran bawat araw at bigyan ng bigas sa tuwing sila ay magsasagawa ng pagtatrabaho. Hindi rin sila dapat na ilayo sa pamilya para magtrabaho sa malayong lugar na kaiba ang klima. Ang polo o sapilitang paggawa ay hindi rin dapat na isagawa sa panahon ng pagtatanim at pag-aani. Subalit ang mga kautusan ng Hari ng Espanya ay di nasunod sapagkat ang mga polista ay inabuso.

Epekto ng Sapilitang Paggawa

 Nakapagpagawa ng tulay, daan mga barko  Naging maganda ang pueblo o pamayanan  Maganda at mabuti ang kautusan na hindi natupad  Nahiwalay sa pamilya  Marami ang nagutom, nagkasakit at namatay  Nagalit at naghimagsik ang kalooban ng mga Pilipino sa pangyayari  Napabayaan ang mga sakahan

Maaari rin naming makaiwas sa polo kung magbabayad ng

falla na ang halaga ay isa’t kalahating reales . Hindi lahat ay nakaiwas sa gawain sapagkat ang mga katutubo ay mahirap lang kung kaya

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------maraming Pilipino ang nagalit sa ganitong pamamalakad. Ang mga propeyonal o nakatapos ng pag-aaral na titulado ay libre sa paggawa. Kaya pinilit ng ibang magulang na makapag-aral ang kanilang mga anak para makaiwas sa gawain.

GAWIN MO GAWIN MO

GAWAIN A. Paano naapektuhan ng mga patakaran at programang pangkabuhayan ng mga Espanyol ang mga Pilipino?

Epekto ng Programa ng mga Espanyol

MABUTI HINDI MABUTI ______

GAWAIN 2

Ipaliwanag ang iyong kasagutan sa bawat tanong.

1. Nakabuti ba ang mga patakarang ng mga Esppanyol para sa mga katutubong Pilipino? ______

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

2. Anu-ano ang nakahadlang sa pag-unlad ng kabuhayan sa ilalim

ng kolonyang Espanyol?

______

______

______

3. Anu-ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa patakarang pangkabuhayan ng mga Espanya? Bakit? ______

GAWAIN 3 Gawin ang sumusunod: 1. Kopyahin ang bituin sa papel. Isulat sa loob ng bituin ang pangalan ng kilala mong lider dito sa Lungsod ng Kabanatuan o sa 2. inyong barangay. 3. Isulat sa loob ng mga kahon ang mga programa at proyektong ipinatupad ng pinili ninyong lider. 4. Isulat sa loob ng bilog ang pangungusap na naglalahad ng mga epekto ng mga programang ipinatupad ng lider mong pinili.

______

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

GAWAIN 4

Pumili ng isang kapartner o kausap. Isagawa ang isang malayang isang malayang talakayan tungkol sa sumusunod:

a. Katumbas ng repormang pangkabuhayan sa panhon ng mga Espanyol sa kasalukuyang panahon. b. Katumbas ng paniningil ng tributo at buwis sa panahon ng Espanyol sa kasalukuyang pamamaraan ng pagbabayad ng buwis.

TANDAAN MO

 Bagong sistema ng pagbubuwis at paglilingkod ang dulot ng kolonyalismong Espanyol  Nagpatupad ang Espanya ng sapilitang paggawa o polo at sapilitang pagbebenta ng produkto sa pamahalaan o bandala bukod pa sa buwis.

NATUTUHAN KO

I.Kahunan ang bilang kung ito ay ipinatupad na sistema ng kabuhayan noong panahon ng Espanyol at lagyan ng tatsulok kung hindi. 1. Pagkukumpuni ng sirang kasangkapan. 2. Pagpaparami ng isda sa makabagong paraan. 3. Pagtatanim ng mga katutubo. 4. Pagmumulta kapag nasira ang mga pananim. 5. Pagbili ng lupain ng mga Pilipino

II. Bilugan ang letra na kaugnay o tinutukoy sa bawat bilang. 1. Polo y servicio a. Sapilitang Paggawa b. Uri ng damit na ipinagbibili c. Isang sasakyan ______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

2. Bandala a. Pagbibigay ng puhunan b. Sapilitang pagbili ng ani c. Pagdagdag ng pananim

3. Falla a. Bayad para makaiwas sa polo b. Uri ng produkto c. Uri ng pagkain

4. Polista a. Mangagawa b. Propesyunal c. Katiwala

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

IKA-LIMANG BAITANG ARALING PANLIPUNAN – 2

Pamunuang Kolonyal ng Espanya (Ika-16 hanggang ika-17 siglo) B. Mga Paraan ng Pananakop

NILALAMAN ( Content ) B. Mga Paraan ng Pananakop  1. Kristiyanisasyon  2. Paglipat ng mga komunidad (reduccion)  3. Tributo sa pamamagitan ng encomienda

 4. Sapilitang paggawa (forced labor)

PAMANTAYANG NILALAMAN ( Content Standard )  Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto, ang bahaging ginampanan ng simbahan sa layunin at mga paraan ng pananakop sa Espanyol sa Pilipinas at ang epekto ng mga ito sa lipunan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard )  Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at dahilan ng kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa katutubong populasyon.

AP5PKE-II c-d-5

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO ( Learning Competencies )

Layunin: Natatalakay ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong Populasyon sa kapangyarihan ng Espanya  5.1 Proseso ng Kristiyanisasyon  5.2 Reduccion  5.3 Tributo at encomienda  5.4 Sapilitang Paggawa

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

IKALAWANG MARKAHAN

Ekspedisyon – paglalakbay-dagat; paglalayag na may tiyak na layunin

Kolonya - pananakop

Kristiyanismo - pagpapakilala ng relihiyon

Encomienda - lupang ipinagkatiwala sa mga Espanyol upang pamahalaan, kapalit ang matapat nilang paglilingkod sa hari ng Espanya

Encomendero - tagapangasiwa sa lupang ipinagkatiwala sa mga Espanyol

Doktrina - mga aral; katuruan

Pueblo - bayan

Bandala - sapilitang pagbibili ng mga ani sa kanilang bukid ng mga Espanyol

Bathala - tawag sa poong tagapaglikha

Misyonero – alagad ng simbahan na gumaganap ng misyon o pagpapalaganap ng relihiyong kinabibilangan

Natamo - naabot

Polo - sistemang pangkabuhayan noong panahon ng mga Espanyol kung saan sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihan

Polista - mga manggagawang sapilitang pinagtatrabaho ng mga Espanyol

Falla- isang uri ng pagbabayad para makaiwas sa sistemang polo o sapilitang paggawa

Tributo - isang uri ng buwis

Kaalaman sa Paraan ng pananakop sa Pilipinas Isa sa mga layunin ng pananakop ng mga Espanyol sa pagsasagawa ng ekspedisyon ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Bawat ekspedisyon ay may kasamang mga pari o prayle na gaganap sa layuning ito.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------Kristiyanismo

Ginanap ang unang misa noong 1521 ni Padre Valderama at ang pagbibinyag niya sa mga katutubo. Tinuruan nila na maging matapat at mabuting Kristiyano ang mga ito. Nagsimula sila ng doktrina o mga aral ng simbahang Romano Katoliko sa kapuluan. Para mas lalo pa itong mapalaganap nagpadala sila ng mga misyonerong Katoliko.

Pangkat ng mga Misyonero

Ang mga misyonerong ipindala ay ang mga Pransiskano (1577), Heswita (1581), Dominikano (1587), Augustinian Recoletos (1606).

Kristiyanismo sa Luzon

Mga misyonerong nagpalaganap sa lugar ay ang mga Agustino, Pransiskano at Dominikano

Mga Misyoneromg Nagpalaganap sa at Mindanao

Mga Heswita at Recoletos naman ang namuno sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Mga Impluwensyang Pangrelihiyon

Bininyagan ang mga tao at binigyan ng bagong pangalan, natuto silang magnobena, magdasal ng rosaryo, dumalo sa misa, pagpapakasal, pagpapahid ng langis sa yumao, nag-aalay ng panalangin sa mga santo at santa. Mga seremonya gaya ng senakulo, moro-moro at sarswela at mga kapistahan. Pagdarasal ng orasyon tuwing ikaanim ng hapon. Pagbasa ng pasyon at paggalang sa nakatatanda, pagmamano at pagbigkis ng pamilya.

Reduccion o Pagbabago sa Panahanan

Nang dumating ang mga Espanyol, isinaayos nila ang pamayanan upang madali nilang mapamahalaan ang mamamayan. Inilagay ang simbahan sa istratehikong lugar, magkakatabi ang mga gusali, at ang plasa ang siyang pinakagitna. Makikita rin dito ang paaralan, hospital, munisipyo at mga kabahayan. Nagpagawa ng mga daan para sa mabilis na kalakalan.

Mga Patakaran ng Kolonya

Maraming mga patakarang pangkabuhayan ang ipinatupad sa Pilipinas sa panahon ng Espanyol. Ilan dito ang polo, pagbabayad ng buwis, bandala at kalakalang galyon. Lahat ng ito ay nakatuon sa pagpapatatag ng kolonyang Espanyol sa bansa sa pamamagitan ng salaping pondo at paggamit ng serbisyo ng mga Pilipino. ______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM ------

Sistemang Polo

Saklaw nito ang pagpapatrabaho sa mga lalaking Pilipino ng sapilitan sa edad na 16 hanggang 60 taong gulang. Pinagtatrabaho sila ng walang bayad.

Polista Mga manggagawang sapilitang pinagtatrabaho ng mga Espanyol. Pinagagawa sila ng kalsada at tulay. Pinagpuputol din sila ng mga punungkahoy sa gubat at ang iba naman ay gumagawa ng barko.

Bandala

Inabuso ang sistemang ito ng mga Espanyol. Sapilitang binibili ang kanilang mga ani na kadalasan ay kulang ang bayad at pinagbibintangan sa mga kasalanang di nila ginawa.

______Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 6.1 Code AP5PKE-IIe-f-6

NILALAMAN : MGA PARAAN NG PANANAKOP

• Paglipat ng mga komunidad (reduccion)

PANIMULA

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya. Ang proseso ng Kristiyanismo, reduccion, tributo at encomienda maging ang sapilitang paggawa.

Sa araling ito, tatalakayin ang relasyon ng mga paran ng pananakop ng Espanyol sa mga katutubong populasyon sa bawat isa.

Sa araling ito, inaasahang: 1. Naiuugnay ang Kristiyanismo sa reduccion

ALAMIN MO

Tignan ang larawan. Ano ang ipinakikita nito? Ano ang reduccion? Ano ang kaugnayan nito sa kristiyanismo?

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Matatandaan na ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay may tatlong pangunahing layunin – bilang pagkukunan ng rekado o pampalasa; pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at pagpapalawak ng kanilang imperyo. Upang mapalaganap ang Kristiyanismo, hinikayat nila ang mga Pilipino na tumira sa mga cabecera at visita. Ang paglipat sacabecera ay pagtira sa “bajo de la campana” o ilalim ng kampana. Ibig sabihin, dinig nila ang panawagan ng kampana na magtipon sa simbahan. Ang paglipat ng tirahan sa mga cabecera at sa nakapligid ditong mga visita ay tinatawag na reduccion. Maraming Pilipino ang tumutol sareduccion. Nangangahulugan kasi itong higit na pag-ilalim sa kapangyarihan ng mga Español. Para naman sa ibang Pilipino, hindi madaling lisanin ang dating tirahan lalo pa’t maraming salinlahi na ang nanirahan dito. Upang mahikayat na lumipat sa cabecera at pueblo, nagsagawa ang mga prayle ng mga makulay na pagdiriwang tulad ng pista. Hindi lamang naging okasyon ito upang palaganapin ang Kristiyanismo, naging pahinga rin ito ng mga Pilipino sa araw-araw na gawain. Nagustuhan nila ang mga kaakibat nitong prusisyon, sayaw, musika at mga pagtatanghal. Binigyna halaga din ang doctrinasa pagtatag ng mga bagong pamayanan kung saan tinuturo ng mga itinalagang misyonero ang katesismong Katoliko sa mga mamamayan.

bajo de la campana – ilalim ng kampana cabecera– poblacion, kapital

pista –pagdiriwang ng mga patron

prayle- mga paring kastila pueblo – bayan reduccion- paglipat ng tirahan sa mga cabecera at sa nakapligid ditong mga visita visita – mga baryo, nayon o barangay na matatagpuan sa paligid ng cabecera o poblacion

GAWIN MO

Gawain A

Pangkatang Gawain - Ipakita sa pamamagitan ng skit/role playing ang naging ugnayan ng kristiyanisasyon sa reduccion.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain B

Pick Me! – Bumunot ng strip sa kahon kung saan nakalagay ang mga sumusunod na salita at sasabihin nila kung ano ang ibig sabihin o kinalaman nito sa katatapos na aralin sa isa o dalawang pangungusap.

bajo de la campana prayle visita pueblo

reduccion pista cabecera doctrina

Gawain C

Pangkatang Gawain – Ipakita ang pagkakaugnay ng Kristiyanisasyon atreduccion sa pamamagitan ng:

Pangkat A - pagguhit/poster

Pangkat B - rap

Pangkat C - awit

Pangkat D - tula

TANDAAN MO

Iba ang anyo ng panahanan ngmga Pilipino nang dumating ang mga Español sa kapuluan. Layo-layo ang mga pamayanang nasakop ng mga Español. Sa pagpapatupad ng reduccion, maraming Pilipino ang naalis sa lugar na dati nilang tinitirhan. Binigyang halaga ang doctrina o pagtuturo ng katesismong Katoliko sa mga mamamayan. Ito rin ang naghanda sa kanila sa pamumuhay ng parokya. Hindi rin madaling napasunod ang mga Pilipino sa nais mangyari ng ma Español. Ngunit dahil sa lakas ng kanilang mga sandata at sigasig ng mga misyonero, nagtagumpay ang pagbabagong-bihis ng pamayanan Pilipino. Gayumpaman, may ilang bumalik sa dating nilang panahanan tulad sa kabundukan dahil na rin sa pang-aabuso ng kapangyarihan.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

NATUTUHAN KO

Punan ang bawat patlang ng tamang sagot. Hanapin ito sa loob ng kahon.

______1. Pagtuturo ng katesismog katoliko sa mamamayan. ______2. Sapilitang paglilipat ng mga Pilipino mula sa malalayongpamayanan upang pagsama-samahin sa pueblo. ______3. Relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol. ______4. Mga baryo, nayon o barangay na matatagpuan sa paligid ng cabecera o poblacion ______5. Sila ang nagtuturo ng pananampalatayang Kristiyanismo. ______6. Mga paring kastila na namamahla sa mga simbahang katoliko. ______7. Tinatawag na bayan noong panahon ng Kastila. ______8. Ito ay nangangahulugang ilalim ng kampana ______9. Mga pagdiriwang sa katoliko kung saan inaalala ang iba’tibang patron. ______10. Pagparada ng iba’t ibang patron sa pueblo.

pista misyonero kristiyanismo prayle visita reduccion doctrina pueblo

prusisyon bajo de la campana

Cabecera noong panahon ng Español

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Code AP5PKE-IIe-f-6 ARALIN 6.2

NILALAMAN : MGA PARAAN NG PANANAKOP

• Tributo sa pamamagitan ng encomienda PANIMULA

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang kaugnayan ng Kristiyanismo sa reduccion kung saan binigyang halaga ang doctrina o pagtuturo ng katesismong Katoliko sa mga mamamayan. Bagamat hindi madaling napasunod ang mga Pilipino sa nais mangyari ng ma Español. Nagtagumpay pa rin ang mga ito na dalhin sa pueblo ang mga mamamayan.

1. Tatalakayin sa araling ito, ang relasyon ng mga paran ng pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon sa bawat isa. Ang konsepto ng encomienda at mga kwantitatibong datos ukol sa tributo, kung saan ito kinokolekta, at ang halaga ng mga tributo.

Inaasahang: 1. Maipaliwanag ang mga epekto ng patakaran sa pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon. 2. Makabuo ng konklusyon sa naging bunga/ epekto ng mga 3. patakaran/ paraan sa pananakop ng Español sa Pilipinas. Naipahahayag ang damdamin/ saloobin sa mga paraan ng pananakop ng Español sa mga katutubo

ALAMIN MO

Tignan ang larawan, ano ang katawagan sa mga ito? Sagutin sa pamamagitan ng mga pahiwatig.

e _ co _ ie_da

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Mga Patakarang Pangkabuhayan ng mga Espanyol

Ang pananakop ng mga Español ay nagdulot ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Marami silang ipinatupad na patakaran sa kolonya. Dahil nais ng mga Español na mapakinabangan ang likas na yaman at yamang tao ng kolonya, nagpatupad sila ng mga patakarang pangkabuhayan. Ilan sa mga patakarang ito ang enconmienda, hacienda, polo y servicio, bandala, tributoat iba pang buwis at kalakalang galyon.

Ang Sistemang Encomienda

Ito ang unang patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Español. Ang enconmienda ay ang malawak na lupaing ipinagkaloob ng hari ng Espanya sa mga Español upang pangasiwaan at paunlarin. Ito ay buhat sa salitang Español na encomendar, na nangangahulugang “ipagkatiwala” o “ipaubaya sa pangangalaga ng isang tao”. Ang sistemang encomiendasa kolonya ay nagsimula ayon sa kahilingan ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi. Ang adelantado ay nangangahulugang gobernador-heneral. Hiniling ni Legazpi sa hari ng Spain na gantimpalaan ang serbisyo ng kanyang kawal sa pagpapalaganap ng kolonyalismo. Tinawag ang mga kawal na ito na conquistadores. Sa ilalim ng sistemang encomienda, ang lupain ay hindi pagmamay-ari ng encomendero.Binibigyan lamang siya ng partikular na teritoryo upang pamahalaan sa loob ng dalawa hanggang tatlong henerasyon. Pagkatapos ay dapat na niyang ibalik ang lupain sa kaharian ng Spain. Ang encomienda ay isang yunit administratibo para sa pangungulekta ng buwis. Tungkulin ng encomenderona mangulekta ng buwis sa kanyang nasasakupan. Sa pasimula, ang buwis na sinisingil ay 8 reales (halos kasinghalaga ng piso noon) sa loob ng isang taon. Ang kalalakihan na may gulang mula 19 hanggang 60 taon ay dapat magbayad ng halagang ito sa encomendero. Subalit sa ilang pagkakataon, maaari ding ang buwis ay sa anyo ng ani, sapilitang paggawa o iba pang bagay na naisipang singilin ng encomendero bilang buwis. Ang may karapatang humawak sa enconmienda ay tinawag na encomendero. Siya ay may karapatang sumingil ng buwis mula sa mga mamamayang sakop niya. Tungkulin din niyang pangalagaan ang kapakanan ng mga ito. Gayunpaman, hindi ang encomendero ang mismong naniningil ng buwis. Ang tagasingil niya ng buwis ay ang cabeza de barangayna dating datu o pinuno ng barangay na nawalan ng kapangyarihan sa pamumuno sa pagdating ng mga Espanyol. Bilang tagasingil ng buwis, maraming diskriminasyon ang naranasan ng cabeza de barangay. Isa na rito ang pag-aabono sa buwis na kailangang makolekta sa encomienda kung hindi sapat ang buwis na kanyang nakolekta. At dahil sa ang nakikita ng mga Pilipino na direktang sanhi ng pagpapahirap nila sa pagbabayad ng buwis ay ang cabeza de barangay na kapwa nila Pilipino, naging dahilan ito upang magalit sila sa cabeza de barangay. Ang hidwaang ito

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

sa pagitan ng mga Pilipino ay nakatulong sa mga Español upang maisakatuparan ang kanilang patakarang divide-and-rule o pagtatangkang hadlangan ang pagkakaroon ng pagkakaisa, hindi sila magtatagumpay na mag-aalsa laban sa mga Español.

GAWIN MO

Gawain A

Gamit ang mga pahiwatig, punan ang mga kahon ng mga titik na bubuo sa inilalarawan ng bawat bilang.

1. dating datu o pinuno ng barangay

c b z a e b r n g y

2. malawak na lupaing ipinagkaloob ng hari ng Espanya

n c m e n a

3. sinisingil bilang buwis

r e l

4. “ipagkatiwala” o “ipaubaya sa pangangalaga ng isang tao”

e n o m n r

5. gobernador-heneral

d l n d o

6. mga kawal ng hari ng Espanya

o q u t a o e

7. nangangalaga o namamahala sa encomienda

c e d r o

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain B

Pangkatang Gawain (Brainstorming)

Sagutin ang mga sumusunod gamit ang mga patnubay na tanong. (Isusulat sa manila paper)

1. Ano ang sistemang encomienda? ______

2. Sino ang namamahala dito? Ano-ano ang kanyang tungkulin? ______

3. Ano ang naging epekto nito sa mga Pilipino? ______

TANDAAN MO

Ang bilang ng mga enconmienda ng Hari noong panahon ni Legazpi ay anim. Ang mga ito ay : Maynila, Cebu, Cavite, Mindoro, Panay at Mindanao. Noong panahon ni Gobernador HeneraL Dasmiriñas, ang bilang nito ay umabot sa tatlampu’t tatlo.

NATUTUHAN KO

Sang-ayon ka ba sa sistemang ng encomienda? Bakit? Bakit hindi? Bigyang katwiran ang iyong sagot.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 6.3 Code AP5PKE-IIe-f-6

NILALAMAN : MGA PARAAN NG PANANAKOP

• Sapilitang Paggawa (Forced Labor) PANIMULA

Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang konsepto ng encomienda at mga kwantitatibong datos ukol paniningil ng buwis.

Sa araling ito, tatalakayin ang relasyon ng mga paran ng pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon sa bawat isa. Masusuri moa ng mga patakaran, papel at kahalagahan ng sapilitang paggawa sa pagkakatatag ng kolonya sa Pilipas.

Inaasahang: 1. Maipaliwanag ang mga epekto ng patakaran sa pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon. 2. Makabuo ng konklusyon sa naging bunga/ epekto ng mga patakaran/ paraan sa pananakop ng Español sa Pilipinas. 3. Naipahahayag ang damdamin/ saloobin sa mga paraan ng pananakop ng Español sa mga katutubo

Alamin Mo

Pangkatang Gawain

Ipabuo ang puzzle sa bawat pangkat. Papangalanan sa kanila kung ano ang mga ito.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

POLO Y SERVICIO

Isa pa sa mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Espanyol ay ang polo y servicio o sapilitang paggawa. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taon gulang. Sinumulan itong ipatupad noong 1580. Sa simula, kailangang magserbisyo ng 40 araw bawat taon, ngunit noong 1884, ginawang 15 araw na lamang bawat taon. Ang sinumang nagkaloob ng polo y servicio ay tinatawag napolista. Ayon sa patakaran hinggil sa polo, angpolista ay nararapat na bigyan ng ¼ reales at bigas sa isang araw. Ang karaniwang pinapagawa sa mga polista ay mga kalsada, tulay, simbahan, gusaling pampamahalaan, galyon at mga bahay na bato. Pinagpuputol din sila ng mga puno para gawing galyon. Ang galyon ay isang uri ng sasakyang pandagat na hugis half-moon na ginamit ng mga Español sa kalakalan at pakikidigma. Paano naging sanhi ng pang-aabuso ang polo y servicio? Ang hirap na ginugol ng polista para sa paggawa ay halos walang kabayaran dahil ang pambayad dapat sa kanila ay napupunta sa bulsa ng mga alcalde at gobernadorcillo. Kadalasan ay dinadala pa ang mga polista sa malayong lugar upang doon magtrabaho. Dahil dito, nawawalay nang matagal ang mga polista sa kanilang mga pamilya. Dahil wala namang ibinabayad sa mga polista, ang ginugugol nila para sa pagkain ay nakababawas pa sa kabuhayan ng kanilang kanilang pamilya. Napabayaan ng mga polista ang kanilang kabuhayan at ang lokal na ekonomiya. Ang mga magsasaka o mangingisda ay naging abala sa sapililtang paggawa. Bilang resulta, bumaba ang produksyon at nagkaroon kaso ng taggutom. Ang mga dating datu at kanilang panganay na anak ay hindi kasali sa polo. Para sa iba pang kalalakihang nais umiwas sa polo, nagbigay ang pamahalaan ng alternatibo. Maaari silang hindi sumailalim sa polo kung magbabayad sila ng buwis kapalit ng sapilitang paggawa. Ang buwis na ito ay tinatawag na falla. Subalit kakaunti lamang ang may kakayahang magbayad ng falla. Yaong mga ibinayad para makaiwas sapolo ay ibinubulsa rin ng mga opisyal. Ang iba naman na ayaw magpasailalim sa polo ay nangungutang sa mga patubuan upang may maibayad sa isa pang katutubo na magtatrabaho kapalit niya. Ang ibang nais umiwas sapolo subalit walang pambayad ay nagtungo sa mga kabundukan at naging tulisan o taong-labas.

Narito ang ilan sa mga naipatayo sa pamamagitan ng sapilitang paggawa o polo y servicio.

Simbahan ng Paoysa Ilocos Norte Mga gusaling yari sa bato

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

sasakyang Galyon tulay at kalsada

GAWIN MO

Gawain A

Gamit ang Venn Diagram, isulat ang kabutihan at d-kabutihang dulot ng polo y servicio o sapilitang paggawa.

Di-Kabutihang Dulot Kabutihang Dulot

Polo Y Servicio

Gawain B

Pangkatang Gawain

Gumawa ng collage gamit ang mga natural na bagay na makukuha sa paligid mula sa sapilitang paggawa o polo y servicio.

Pangkat A - Paoay Church Pangkat B - Galyon Pangkat C - tulay Pangkat D - gusali

GAWAIN C

Panuto: Pangkatin ang klase sa lima. Bawat pangkat ay bubuo ng pagsasadula ng kanilang pagkaunawa ng konsepto ng sapilitang paggawa at mga naging epekto nito sa buhay ng mga Pipilino. Itatanghal ito sa sa loob ng 3 minuto lamang.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

ISKOR PAMANTAYAN Naisagawa ang gawain ng maayos / organisado. Naibahagi ang paksa ng gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Lahat ng 5 miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawa ng gawain. Natapos ang gawain ng sakto o hindi hihigit sa takdang oras. Naisagawa ang gawain ng maayos. Naibahagi ang paksa ng gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Hindi lahat ng 4 miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawaa ng gawain. Natapos ang gawain ng sakto o hindi hihigit sa takdang oras. Naisagawa ang gawain ng maayos. Naibahagi ang paksa ng gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Hindi lahat ng 3 miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawa ng gawain. Lumabis sa takdang oras ang pagsasagawa ng gawain. Naisagawa ang gawain ng maayos. Naibahagi ang paksa ng gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Hindi lahat ng 2 miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawa ng gawain. Lumabis sa takdang oras ang pagsasagawa ng gawain. Hindi maayos ang natapos na gawain. Hindi malinaw ang ginamit na pamamaraan ng pagpapahayag ng paksa ng gawain. Hindi 1 lahat ng miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawa ng gawain. Lumabis sa takdang oras ang pagsasagawa ng gawain. 0 Hindi naisagawa ang pangkatang gawain.

TANDAAN MO

• Ang polo y servicio o sapilitang paggawa ay ipinanukala ng pamahalaang Español para sa mga kalalakihang eda 16 hanggang 60 taon may kakayahang magtrabaho. Sila ay tinatawag napolista. • Ang mga kalalakihang ito ang inaasahang gumawa ng gawaing pambayan tulad ng pagtotroso, paggawa ng tulay at iba pang imprastraktura, at pagkumpuni ng mga sasakyang pandagat. • Tinatayang 40 araw ang nakatakdang araw ng pagtatrabaho ng mga polista sa ilalim ng pamamahala ng pamahalaang Espanya.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

NATUTUHAN KO

Gumawa ng sanaysay na may titulong:

Sapilitang Paggawa: Kabutihan at Di-Kabutihang dulot nito

Polo y servicio

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 6.3.1 Code AP5PKE-IIe-f-6

NILALAMAN : MGA PARAAN NG PANANAKOP

• Tributo sa Pamamagitan Encomienda • Sapilitang Paggawa (Forced Labor)

PANIMULA

Nalaman mo sa nakaraang aralin ang konsepto ng polo y servicio maging ang mabuti at di-mabuting epekto nito sa mga katutubong Pilipino.

Ngayon ay tatalakayinsa araling ito ang relasyon ng mga paran ng pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon sa bawat isa. Masusuri moa ng mga patakaran, papel at kahalagahan ng pagbabayad ng tributo at iba pang uri ng buwis.

Inaasahang: 1. Maipaliwanag ang mga epekto ng patakaran sa pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon. 2. Makabuo ng konklusyon sa naging bunga/ epekto ng mga patakaran/ paraan sa pananakop ng Español sa Pilipinas. 3. Naipahahayag ang damdamin/ saloobin sa mga paraan ng pananakop ng Español sa mga katutubo.

Alamin Mo

Ano ang nasa larawan?

Bakit kaya nagkaroon nito noong panahon ng Kastila?

Tributo at Iba Pang Buwis

Sanhi rin ng paghihirap ng mga Pilipino ang pagbabayad ng tributo o buwis. Ito ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Espanya. Nagsimula ang pagkolekta ng tributo noong 1571 at tumagal hanggang 1884.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Maliban sa salapi, maari ring ibigay na tributo ang ginto, tela, bulak, palay, manok at iba pang produkto. Pinalitan ito ng cedula personal o buwis na kailangang bayaran batay sa kabuuang kita ng katutubo. Nagsilbi rin itong paraan ng pagkilala sa katutubo dahil sinumang mahuling walang dalang cedula personal ay pagbibintangang tulisan at ikukulong. Ang tributo ay nagkakahalaga ng walong reales sa isang taon. Tumaas ito sa 10 reales noong 1589 at 12 reales noong 1851. Lahat ng kalalakihan mula 19 hanggang 60 taong gulang ay kinakailangang mabayad ng tributo. Bukod dito. Marami pang buwis na kailangang bayaran ang mga Pilipino gaya ng donativo de Zamboanga, falua, at vinta. Ang mga ito ay buwis na kailangang bayaran upang suportahan ang militar sa pagsugpo sa pananalakay ng mga Muslim. May mga buwis din na kailangang bayaran para sa mga gawaing may kinalaman sa simbahan gaya ng misa, nobena at iba pang ritwal sa simbahan. Lubhang nakapagpahirap sa mga Pilipino ang pagbabayad ng tributo. Malinaw na nilimas ng patakarang ito ang kabuhayan ng mga katutubong napasailalim sa kolonyalismo. Ang mga nagnais makaiwas sa sistemang ito ay nagtago rin sa mga kabundukan bilang mga tulisan. Namuhay sila roon nang labas sa kolonyalismong Español. Sa bahagi naman ng pamahalaan, ang pagpapatupad ng sistema sa paniningil ng buwis ay hindi nakatulong sapag-unlad ng ekonomiya sa kolonya. Sa halip, ang buwis na dapat sanang magamit sa pag-unlad na pampubliko ay napupunta lamang sa bulsa ng mga sakim na opisyal at tusong mga prayle. Ang nalalabing buwis ay inilalaan sa militar at sa simbahan. Ang natitira lamang ang napupunta sa pampublikong gawain at mga programang pangkalusugan. Sa katunayan, kinailangan pang umasa ng tulong mula sa isa pang kolonya ng Espanya, ang Mexico, upang suporthan ang kolonya sa Pilipinas. Ang tulong pananalapi na ito mula sa Mexico ay tinatawag na real situado. Natapos lamang ito nang lumaya na ang Mexico mula sa Espanya noong 1821. Ipinatupad din ang sistemang bandalasa mga katutubo. Ang bandala ay nagsimula sa panahon ni Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera noong ikaw-17 siglo. Ang bandala ay pagtatalaga ng taunang quota ng produkto sa mga lalawigan. Ang mga produktong ito ay sapilitang binibili ng pamahalaan. Dahil sa sinasabi ng pamahalaan na kulang ito ng perang pambayad, kadalasang promissory note lamang ang ibinibigay sa mga magsasaka. Kadalasan ding hindi natutupad ng pamahalaan ang pangakong magbabayad. Dahil dito, ang bandala ay nagmistulang taunang pagkumpiska sa produkto ng mga magsasaka. Sa mga pagkakataong binabayaran ng pamahalaan ang mga produkto, binibili nila ito sa napakababang halaga kung kaya’t walang kinikita ang mga magsasaka. Kapag hindi maabot ng mga magsasaka ang quota, kinakailangan pa nilang bumili ng produkto mula sa iba upang matugunan lamang ang pangangailangan ng pamahalaan.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

GAWIN MO

Gawain A

Pangkatang Gawain: Isulat ang kinapupuntahan ng buwis ng ibinabayad sa panahon ng kolonyalismo ng Español gamit ang caterpillar organizer. Ipaliwanag sa harap ng klase pagkatapos.

5. 4. 1. 2. 3. B U W I S

Gawain B

Pangkatang Gawain – Ipakita sa pamamagitan ng mga sumusunod ang sistema ng pagbabayad ng tributo at iba pang uri ng buwis noong panahon ang Espanyol.

Pangkat A - Pag-awit Pangkat B - Pagtula Pangkat C - Poster Making Pangkat D - Pantomime

Gawain C

Isulat kung Tama o Mali ang ipinahahayag ng bawat pangungusap.

______1. Noong una, ang singilan ng reales ay nagkakahalaga ng 8. ______2. Ang bandala ay nagsimula sa panahon ni Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera noong ikaw-17 siglo. ______3. Tanging tributo lamang ang sinisingil na bayarin bilang buwis noon. ______4. Yumaman ang mga magsasaka sapagkat binibili sa kanila ang kanilang produkto sa mataas na halaga.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

______5. Maliban sa salapi maaaring ring bayaran ang tributo sa pamamagitan ng mga produkto tulad ng palay, ginto, manok at iba pa. ______6. Sa bahagi ng pamahalaan, nakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sakolonya ang pagpapatupad ng sistema sa paniningil ng buwis. ______7. Reales ang tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw ng mga Español sa mga Pilipino. ______8. Matapos ang tributo ay ipinalit ang paniningil ng cedula personal kung saan ibinabatay sa laki ng kinikita ang halagang kokolektahin. ______9. Ang bandala ay pagtatalaga ng taunang quota ng produkto sa mga lalawigan. ______10. Umabot ng 50 reales ang paninigil kada taon.

TANDAAN MO

Sa kabila ng ibinigay na karapatan sa mga encomendero na mangolekto ng buwis sa pamamagitan ng tributo, may ilan sa kanila ang nagmalabis sa tungkulin. Bunga nito, maraming Pilipino ang bumalik ng kabundukan makaiwas lamang sa mga tributo at iba pang bayaring buwis at sila’y namuhay bilang tulisan. Isa rin ito sa naging dahilan ng pag-aalsa ng maraming Pilipino laban sa mga Español.

NATUTUHAN KO

Magsaliksik tungkol sa mga uri ng buwis na kasalukuyang binabayaran ng mga Pilipino. Bigyang-tuon ang paliwanag kung ano ito at kung sino ang pinapatawan nito. Ipaliwanag din ang kahalagahan ng pagbabayad ng buwis.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Code AP5PKE-IIe-f-6 ARALIN 6.3.2

NILALAMAN : MGA PARAAN NG PANANAKOP

• Tributo sa Pamamagitan Encomienda • Sapilitang Paggawa (Forced Labor) PANIMULA

Tinalakay sa nakaraang aralin ang konsepto ng pagbabayad ng tributo at iba pang uri ng buwis na sinisingil sa mga katutubong Pilipino. Nabatid mo ang pahirap na ginawa nito sa mga Pilipino kung kaya’t marami sa kanila ang bumalik ng kabukdukan upang makaiwas dito.

Tatalakayin sa araling ito ang relasyon ng mga paran ng pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon sa bawat isa. Masusuri mo ang mga patakaran, papel at kahalagahan ng sistemang hacienda.

Inaasahang: 1. Maipaliwanag ang mga epekto ng patakaran sa pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon. 2. Makabuo ng konklusyon sa naging bunga/ epekto ng mga patakaran/ paraan sa pananakop ng Español sa Pilipinas. 3. Naipahahayag ang damdamin/ saloobin sa mga paraan ng pananakop ng Español sa mga katutubo

Alamin Mo

Ano ang ipinapakita ng larawan? Ano kayang sistema ang ipinatupad ng mga Espanyol noon? Paano ito tinanggap ng mga Pilipino?

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Sistemang Hacienda

Ang sistemang hacienda ay isa pang patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng pamahalaang kolonyal. Ang hacienda ay lupain na ibinigay ng pamahalaan sa mga prayle bilang kapalit ng pagpapalawak nila ng reduccion. Dahil ang mga prayle ang naatasang ipatupad ito sa iba’t ibang bahagi ng kolonya, ginantimpalaan sila ng pamahalaan ng malawak na lupain. Ang malalawak nahacienda ay pagmamay-ari ng mga prayle. Upang mapakinabangan itong mabuti, pinaupahan nila ang ilang bahagi nito sa mga taong may kakayahang magbayad ng upa. Ang bawat bahagi ng haciendana pinapaupahan ay tinawag na inquilinato. Ang nangungupahan naman dito ay tinawag nainquilino. Ang mga inquilino ay hindi nagmamay-ari ng hacienda. Sila ay nangungupahan lamang ng bahagi ng hacienda ng mga prayle. Ang inquilino ay nagbabayad ng renta sa prayle. Ang inquilinatona kanyang inuupahan a na kanyang inuupahan ay nililinang naman ng mga magsasakang tinatawag na kasama. Ang ugnayan sa pagitan ng inquilino at kasama ay batay sa konsepto ng kasamahan. Ibig sabihin, may pantay na ugnayan ang dalawa sa larangan ng hatian sa kita. Subalit hindi ganito ang nagyari. Kadalasang pagdating ng anihan, mas malaki ang kitang napupunta sainquilino kaysa kasama na siyang labis na naghirap sa pagsasaka. Noong ika-19 na siglo, nabibilang sa principalia ang mga inquilino. Subalit may mga inquilino rin na mestizong Espanyol at Tsino. Samantala, mga pangkaraniwang Pilipino o indio ang mga kasama.

GAWIN MO

Gawain A

Pangkatang Gawain – Ilarawan ang mga sumusunod.

Inquilino Kasama

Inquilinato Hacienda

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain B

Ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat tanong. 1. Ano ang sistemang hacienda? Sino ang namamahala nito? ______2. Nakabuti ba ang patakarang ito sa mga Pilipino? Bakit? ______3. Paano nag-ugnayan ang mga inquilino at kasama sa lupa? ______

f TANDAAN MO

Hindi naging kasiya-siya para sa mga Pilipino ang ipinatupad na sistemang hacienda dahil na rin sa ‘di makatarungang hatian sa kita nito sa panahon ng anihan. Nagtuloy ang paghihirap ng mga Pilipino dahil na rin sa pagkakalubog nila sa utang sapagkat higit pa sa kita nila sa ani ang halagang nauutang. Tuluyang natali ang mga kasama at sa inquilino.

NATUTUHAN KO

Kapanayamin ang isang manggagawa o magsasaka sa inyong lugar. Tanungin siya hinggil sa mga pribilehiyo at paghihirap niya bilang manggagawa o magsasaka. Itanong din sa kanya kung ano ang maaaring magawa ng pamahalaan upang mapabuti ang kanilang kondisyon. Ihambing ang kanilang kalagayan sa kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol.

Code AP5PKE-IIe-f-6 ARALIN______6.3.3 ______

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

NILALAMAN : MGA PARAAN NG PANANAKOP

• Tributo sa Pamamagitan Encomienda • Sapilitang Paggawa (Forced Labor) PANIMULA

Nalaman mo sa nakaraang aralinang konsepto ng sistemang hacienda.Kung saan, hindi naging kasiya-siya para sa mga Pilipino pagpapatupad nito dahil na rin sa ‘di makatarungang hatian sa kita nito sa panahon ng anihan. Nagtuloy ang paghihirap ng mga Pilipino dahil na rin sa pagkakalubog nila sa utang sapagkat higit pa sa kita nila sa ani ang halagang nauutang. Dahil dito, tuluyang natali ang mga kasama at sainquilino.

Tatalakayin sa araling ito ang relasyon ng mga paran ng pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon sa bawat isa. Masusuri mo ang mga patakaran, papel at kahalagahan ng kalakalang galyon.

Inaasahang: 1. Maipaliwanag ang mga epekto ng patakaran sa pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon. 2. Makabuo ng konklusyon sa naging bunga/ epekto ng mga patakaran/ paraan sa pananakop ng Español sa Pilipinas. 3. Naipahahayag ang damdamin/ saloobin sa mga paraan ng pananakop ng Español sa mga katutubo

Alamin Mo

Paano kaya isinagawa ang kalakalang galyon? Nakabuti kaya ito sa mga Pilipino?

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Ang Kalakalang Galyon

Dalawang daan at limampung taon, mula noong 1565 hanggang 1815, ang itinagal ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas, Espanya at Mexico. Ito ay tinatawag na kalakalang galyon o kalakalang Maynila-Acapulco dahil ang mga produktong nanggagaling sa China ay dinadala sa Maynila. Mula rito ay dadalhin ang mga produkto sa Acapulco, Mexico. Ang galyon ay malalaking sasakyang pandagat na hugis half-moon. Mayroon itong mataas na forecastle (ang unang bahagi ng barko at iba pang sasakyang pandagat). Ang mga galyon ay ginagawa sa mga himpilan ng barko (shipyard) sa Cavite. Ang mga gumagawa rito ay mga katutubo at mga Tsino. Sa ilalim ng patakarang polo y servicio, ang mga polista ay dinadala sa Cavite upang doon pagputulin ng puno para gawing galyon. Kadalasan, ang mga polista ay kinukuha pa mula sa malayong lugar gaya ng Samar at iba pang bahagi ng Kabisayaan. Sa panahon ng kalakalyang galyon, kolonya rin ang Mexico ng Espanya. Sa Mexico, ang mga produktong Tsino ay pinapalitan ng ginto. Pilak at iba pang produktong galing sa Mexico.Pagkatapos, bumabalik na ang galyon sa Pilipinas. Sa loob ng isang taon, dalawang galyon ang nagpupunta at bumabalik mula sa Mexico. Tumatagal ng walong buwan ang paglalakbay ng galyon mula Maynila hanggang Acapulco. Halimbawa ng mga produktong Tsino na iniluluwas sa Mexico ay seda (silk), jade, mga palamuti, porselana, tapayan, mangkok, pinggang, karayom, colored glass, gong at ibia pa. Bukod sa pilak at ginto, nanggagaling naman sa Mexico ang alak, Spanish lace, pamaypay at iba pa. Bago pa man dumating ang mga Español, aktibo na ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at iba pang mga karatig-lugar nito. Subalit sa pagdating ng mga Español, ang tanging kalakalang nilahukan ng Pilipinas ay ang kalakalang galyon. Itinatag ito upang magkaroon ng kabuhayan ang mga Español sa Pilipinas. Subalit dahil din sa pagiging abala sa kalakalang galyon, hinsi napagtuuunan ng pansin ng mga opisyal ang pagpapatakbo ng kanilang nasasakupan. Bukod dito, hindi rin napagtuunan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa agrikultura at industriya, kung kaya’t nanatiling paurong ang ekonomiya ng Pilipinas. Dahil sa ang iniluluwas na mga produkto sa Acapulco ay karaniwang produktong Tsino, walang interes ang mga Español na paunlarin ang agrikultura at industriya ng Pilipinas. Tanging ang mga Tsino at mga Español ang nakinabang sa kalakalang galyon. Walang pakinabang dito ang mga Pilipino dahil ang iniluluwas na produkto sa Mexico ay hindi naman galing sa Pilipinas kundi galling sa China. Kung meron mang produktong nangagaling sa Pilipinas, ito ay kaunti lamang. Ang tanging papel ng mga katutubo rito ay bilang tagagawa ng galyon at kargador sa mga produktong inilululan at ibinababa mula rito. Ito ay ginagawa nila bilang bahagi ng polo y servicio. Ang malaking kita mula sa kalakalang ito ang dahilan kung bakit nagsisiksikan ang mga Español sa Maynila. Hindi lamang ang mga opisyal ng

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

pamahalaan ang lumahok maging ang mga prayle ay naging aktibo rin. Nagbabayad sila ng mga espasyo sa barko o ang tinatawag na boletas. Upang makapamuhunan ng mas Malaki, nanghiram ang mga prayle saobras Pias, isang institusyong pangkawanggawa na itinatag ng simbahan. Kadalasan, hindi nagbabayad ang mga prayle. Sinumang gobernador-heneral na pumupuna sa gawaing ito ng mga ay nagagawan ng paraan ng mga prayle na maparusahan. Ang monopolyo ng kalakalang galyon ay inalis. Ito ay ipinatigil ng Hari ng Espanya noong 1815 dahil naging magulo na rin sa Mexico dahil tumitindi na sa panahong ito ang mga paghihimagsik ng mga Mexicano para lumaya.

Gayunpaman, narito ang ilan sa mga epekto ng kalakalang galyon: 1. Ang kita ng kalakalang galyon ay ginamit na panustos sa pangangailangang panrelihiyon at pampamahalaan. 2. Nagkaroon ng pag-uugnayan ang Pilipinas sa mga bansang Espanya at Mexico. 3. Nagkaroon ng makabagong paraan ng teknolohiya sa pagpapaunlad ng kabuhayan. 4. Nakilala ang kahusayan ng mga Pilipino sa paggawa ng matitibay ng barko. 5. Naging mangangakal ang mga opisyal ng pamahalaan sa kalakalang galyon kung kaya napabayaan ang pag-unlad ng kabuhayan. 6. Napabayaan ng mga katutubo ang pagsasaka at ibang industriya kung kaya nagkaroon ng kakulangan sa pagkain. 7. Naghirap ang mga mamamayang Pilipino habang ang mga mangangalakal at pinunong Español ay yumaman nang husto.

GAWIN MO

Gawain A

Isulat sa loob ng ship organizer ang mabuti at di-mabuting epekto ng

kalakalang galyon.

Kalakalang Galyon ______Mabuti Di-Mabuti ______

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain B

Pangkatang Gawain

Gumawa ng collage gamit ang mga natural na bagay na makukuha sa paligidupang makagawa ng barkong galyon.

TANDAAN MO

Ang kalakalanggalyon ay mas akmang tawagin bilang kalakalang Acapulco-China dahil ang Maynila ay nagsilbi lang naming daungan nga mgaprodukto galling sa China at iba pang produkto sa Asya. Gayunpaman, napatanyagang Maynila dahil sa kalakalang galyon. Ayon sa manunulat na si Nick Joaquin, sa kalakalang galyon nakilala ng ibang bahagi ng daigdig ang Pilipinas.

• Gobernador-Heneral Fernando Manuel de Bustamante – napatay ng isang grupo na pinamumunuan ng mga prayle nang singilin niya ang mga ito sa pagkakautang sa Obras Pias.

NATUTUHAN KO

Ipaliwanag ang mga sumusunod.

1. Ano ang papel na ginampanan ng mga Pilipino sa kalakalng galyon? ______2. Bakit nanirahan sa Maynila ang mga opislayes na Español at mga prayle? ______3. Nakabuti bas a mga Pilipino ang kalakalang galyon? Pangatwiranan. ______

Ang kalakalang galyon noong panahon ng Español.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 6.3.4 Code AP5PKE-IIe-f-6

PANIMULA

Tinalakay sa nakaraang aralin ang konsepto ng kalakang galyon. Isang patakarang nagpahirap din sa mga Pilipino sapagkat sila’y naging pawang tagagawa ng galyon at kargador sa mga produktong inilululan at ibinababa mula rito. Ito ay ginagawa nila bilang bahagi ng polo y servicio.

Tatalakayin sa araling ito ang relasyon ng mga paran ng pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon sa bawat isa. Masusuri mo ang mga patakaran, papel at kahalagahan ng monopolyo ng tabako.

Inaasahang: 1. Maipaliwanag ang mga epekto ng patakaran sa pananakop ng Español sa mga katutubong populasyon. 2. Makabuo ng konklusyon sa naging bunga/ epekto ng mga patakaran/ paraan sa pananakop ng Español sa Pilipinas. 3. Naipahahayag ang damdamin/ saloobin sa mga paraan ng pananakop ng Español sa mga katutubo

Alamin Mo

Ano kaya ang kinalaman ni Gobernor-Heneral Jose Basco sa patakarang monopolyo ng tabako?

Gobernador-Heneral Jose Basco

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Ang Monopolyo ng Tabako

Itinatag ni Gobenador-Heneral Jose Basco y Vargas noong 1781 ang monopolyo ng tabako upang lumaki ang kita ng pamahalaan. Kontrolado ng pamahalaan ang malawakang pagsasaka at pagbili ng tabako tulad ng sa Ilocos, Cagayan, Nueva Ecija at Marinduque. Ito ay tumagal hanggang 1881. Ang bawat mag-anak na magsasaka ay may takdang dami ng tabako na dapat anihin. Sila ay nagtanim ng 40,000 halamang tabako sas isang taon. Ito ay binili nang lahatan ng pamahalaan sa mababang halaga. Ipinagbawal din ng pamahalaan ang paghithit ng mga mamamayan sa sariling ani. Pinagmumulta sila kung ang kanilng ani ay nasira o nasalanta ng bagyo. May mabigat na parusa sa sinumang lumabag sa mga alituntunin. May kabutihang naidulot ang monopolyo. Natupad ang mithiin ni Basco na lumaki ang kita ng pamahalaan at makapagsarili ang bansa. Nagkaroon ng trabaho ang libo-libong mamamayan. Ang pamahalan ay nakapagpagawa ng kalsada, gusali, tulay at nakapagpalagay ng karagdagang ilaw sa mga bayan. Nang lumaon, mas marami ang kasamaang naidulot nito. Inabuso ng mga pinunong namamahala rito ang kanilang mga tungkulin kaya’t katakot-takot na paghihirap ang dinanas ng mga mamamayan. Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay hindi lamang pinagmulta kundi binawian pa ng lupa. Hindi rin sila binayaran. Nagkaroon ng puslitan at suhulan. Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal. Umabot ito sa kaalaman ng Hari ng Espanya kaya ipinatigil ang monopolyo.

Gawain A

Pangkatang Gawain. (Laro)

Idikit ang mga leaf strip ng epekto ng monopolyo ng tabako sa hanay na dapat nitonog kalagyan.

MONOPOLYO NGTABAKO Mabuting Epekto Di-Mabuting Epekto

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain B Palaisipan. Punan ang mga kahon ng salitang bubuo sa inilalarawan sa bawat bilang na pahalang at pababa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1C g y a 1 u

v 2M a i n u q e

c 2t i 3 o s b c o a a

4 l c o

Pahalang 1. Lalawigang pinagtataniman ng tabako 2. Isa pang lalawigang sinasakahan ng tabako 3. Gobenador Heneral na nagtatag ng monopolyo ng tabako 4. Isa ding lalawigang taniman ng tabako

Pababa 1. Isa pa ding lalawigan naging sakahan ng monopolyo ng tabako 2. Halaman/dahon na itinatanim ng katutubong Pilipino

TANDAAN MO

Sa simula pa lamang ay malaking problema na ang idinulot ng monopolyo ng tabako sa mga katutubo. Pinagsamantalahan ang mga Filipino at ginamit ang relihiyon upang sumunod sila sa mga kautusan ng pamahalaan. Upang mayroong magagandang tabako na matira sa kanila, ang mga magsasaka ay natutong magtanim nito sa mga maliliit na paso na siyang ikinagalit naman ng mga Espanyol. Ang mga katutubong Igorot naman ay nagpupuslit ng mga matataas na kalidad ng tabaka mula sa Ilocos at kanilang itinitinda sa pamahalaan. Ang pinakamalaking suliraning kinaharap ng Espanya ay ang kalat na demonstrasyon at pag-aaklas na isinagawa ng mga magsasakang Filipino.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Noong 1883, makalipas ang isandaang taon, ay tuluyan nang itinigil ang monopolyo ng tabako sa Filipinas. May ilang lalawigan ang patuloy pa rin sa pagtatanim nito ngunit hindi na ito sapilitan at naging pansariling produksyon na lamang.

NATUTUHAN KO

Ipahayag ang iyong damdamin tungkolsa patakaran ng monopolyo ng tabako. Sumulat ng sanaysay hinggil dito.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 7 Code AP5PKE-IIg-7

NILALAMAN : MGA PARAAN NG PANANAKOP 1. Kristiyanisasyon

PANIMULA

Sa nagdaang aralin ay tinalakay natin kung paano pinalaganap ng mga Espanyol ang relihiyong Kristiyanismo sa ating bansa. Ang isang dahilan kung bakit sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa ay upang palaganapin ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ginamit nila ang “Krus at Espada” upang matupad ang kanilang layunin. Ang krus ay sumasagisag sa pagpapalaganap ng relihiyon at ang espada ay sa pananakop at pagpapalawak ng lupain at kolonya ng Espanya.

Sa araling ito, inaasahang: 1. Matutukoy mo ang reaksyon ng mga Pilipino sa relihiyong Kristiyanismo.

ALAMIN MO

Basahin ang dayalogo. Tatawag ng dalawang batang gaganap bilang Becky at Tom.

Becky, sang-ayon ka Oo Tom. Marami sa ba sa relihiyong mga paniniwala ito katolisismong

ang ginagawa pa rin ipinalaganap ng mga Espanyol sa natin magpasa- ngayon. atin?

Balikan natin ang nangyari sa Cebu noong 1521 nang dumating si Ferdinand Magellan. Sina Raha Humabon at ang kanyang asawang si Juana ay nagpabinyag sa Katolisismo kay Padre Valderama. Maraming katutubo ang nagpabinyag at maluwag na tinanggap ang mga aral, at paniniwala ng Katolisismo nang dumating sina Miguel Lopez de Legazpi at Padre Andres de Urdaneta. Kasabay ng paglaganap ng relihiyong Katolisismo ang pagtatag naman ng pamahalaan hanggang sa lumawak ang mga lupaing nasasakupan ng mga Espanyol.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Nang lumaon, may mga Pilipinong Kristiyano na namuno sa mga pag- aalsang panrelihiyon. Iba-iba ang dahilan ng kanilang pag-aalsa. Noong 1621, hinikayat ni Tamblot, na isang babaylan, ang mga katutubo ng na manumbalik sa dati nilang paniniwala. Sina Bankaw, datu ng Limasawa at Pagali, isang babaylan, ay tumalikod sa Kristiyanismo upang manumbalik sa dati nilang pananampalataya. Maraming katutubo ng Leyte ang nakumbinsi nila. Noong 1625, hinikayat naman nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng Apayao ang mga Itneg na bumalik sa bundok at doon nila ipagpapatuloy ang kanilang kinagisnang pananampalataya. Sinunog nila ang mga simbahan at kinuha ang maaari nilang gamitin. Pinamunuan ni Tapar sa Oton, Iloilo noong 1663 ang pakikipaglaban. Nais ni Tapar na magtatag ng bagong relihiyon batay sa Kristiyanismo ngunit tinutulan ito ng mga prayle. Pinamunuan naman ni Francisco Dagohoy, na isang cabeza de barangay ang pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas dahil tumanggi ang prayle na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na namatay sa duwelo. Nagsimula ang pag-aalsa noong 1744 at nagtapos noong 1829. Sa lalawigan ng Quezon, noong 1841, itinatag ni Apolinario de la Cruz na kilala sa tawag na Hermano Pule ang Cofradia de San Jose .Bilang isang debotong Katoliko, nais ni Hermano Pule na maging pari ngunit siya ay tinanggihan dahil sa siya’y isang indio. Dahil dito, itinatag niya ang nasabing samahan at maraming nahikayat na sumapi dito. May mga Pilipino rin na tahimik na bumalik sa dating paniniwala. Ang mga Muslim at ay hindi nahikayat ng mga pari sa pagiging Katoliko. Matatag ang mga Muslim at hindi nila ipinagpalit ang Islam. Ang mga Ifugao naman ay nagpakalayu-layo upang hindi marating ng pari. Ang mga Pilipinong nakatira sa liblib na pook tulad ng Negrito at Igorot ay hindi narating ng mga pari dahil wala silang paraan upang makipagtalastasan. Apat ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagtatatag ng Katolisismo sa Pilipinas : (1) Sumampalataya nang lubos, (2) Nag-alsa, (3) Tahimik na bumalik sa dating pananampalataya, at, (4) Nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.

GAWIN MO

Gawain A Pangkatang Gawain – Ipakita ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa Kristiyanisasyon sa pamamagitan ng:

Pangkat A - Skit/role playing Pangkat B - Awit/Jingle Pangkat C - Sayaw Pangkat D - Tula

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain B

Unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap. Kung mali, isulat ang tamang salita upang maging tama ang pangungusap.

______1. Sina Raha Kulambo at ang kanyang asawang si Juana ay nagpabinyag sa Katolisismo kay Padre Valderama. ______2. Hinikayat ni Tamblot, na isang babaylan, ang mga katutubo ng Bohol na manumbalik sa dati nilang paniniwala. ______3. Dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu taong 1521. ______4. Ang mga pangkat ng Indones ay hindi narating ng mga pari dahil wala silang paraan upang makipagtalastasan. ______5. Sinunog ng pangkat nila Dagohoy ang mga simbahan at kinuha ang maaari nilang gamitin. ______6. Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang pinakamahabang pag- aalsa sa Pilipinas dahil tumanggi ang prayle na bigyan ng Kristiyanong libing ng kanyang kapatid na namatay sa duwelo. ______7. Nagpakalayu-layo ang mga Ifugao upang hindi marating ng paring misyonero. ______8. Noong 1841, itinatag ni Alababan ng Apayao na kilala sa tawag na Hermano Pule ang Cofradia de San Jose . ______9. Tinanggihan si Hermano Pule na maging pari dahil sa siya’y isang indio. ______10. Sina Bankaw, datu ng Limasawa at Pagali, ay tumalikod sa Kristiyanismo upang manumbalik sa dati nilang pananampalataya.

Gawain C

Tapusin ang bawat pangungusap.

1. Nakita ang malakas na impluwesiya ng Katolisismo sa ______

2. May mga katutubong Pilipino na hindi naimpluwensiyahan ng Katolisismo dahil ______

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

3. Madaling napalaganap ng mga Espanyol ang Katolisismo noong panahon ng Kastiladahil ______

4. May ilang Pilipinong ang nag-alsa dahil ______

5. Ang karapatan sa pagpili ng relihiyon noon ay ______

Gawain D

Isulat ang mga nawawalang titik sa bawat kahon upang mabuo ang salitang hinihingi ng bawat pangungusap.

1. Relihiyong pinalaganap ng mga Español sa Pilipinas

K T Y M

2. Isang Babaylan na nanumbalik sa dating paniniwala.

A B T

3. Ang asawa ni Raha Humabon

U A

4. Ang relihiyon ng mga Muslim

I L

5. Mga katutubong hindi nahikayat ng mga pari sa relihiyong Katoliko.

E R T

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

TANDAAN MO

Iba-iba ang reaksiyon ng mga katutubo sa Kristiyanismo o Katolisismo:

- May mga nagsipag-alsa nang hindi masiyahan sa ginawa ng pari. - May sumampalataya. - May mga tahimik na bumalik sa dating paniniwala. - May nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.

NATUTUHAN KO

Bilang isang mag-aaral, paano mo ipinakikita ang iyong pananampalataya sa iyong relihiyon? Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials

Glossary

ARALING PANLIPUNAN Ikalimang Baitang

adelantado - gobernador-heneral

alcalde- pinuno ng lungsod

bajo de la campana – ilalim ng kampana

bandala - pagtatalaga ng taunang quota ng produkto sa mga lalawigan cabecera – poblacion, capital

boletas - espasyo sa barko

cabeza de barangay - dating datu o pinuno ng barangay na nawalan ng kapangyarihan sa pamumuno sa pagdating ng mga Espanyol.

cedula personal - buwis na kailangang bayaran batay sa kabuuang kita ng katutubo

conquistadores – kawal ng hari ng Espanya

divide-and-rule - pagtatangkang hadlangan ang pagkakaroon ng pagkakaisa

enconmienda- malawak na lupaing ipinagkaloob ng hari ng Espanya sa mga Español upang pangasiwaan at paunlarin encomendar - na nangangahulugang “ipagkatiwala” o “ipaubaya sa pangangalaga ng isang tao” encomendero- namamahala ng enconmienda falla – buwis na ibinabayad upang makaiwas sa polo y servicio forecastle – ang unang bahagi ng barko at iba pang sasakyang pandagat hacienda - lupain na ibinigay ng pamahalaan sa mga prayle bilang kapalit ng pagpapalawak nila ng reduccion inquilinato- bawat bahagi ng hacienda na pinapaupahan inquilino- . nangungupahan naman dito ay tinawag na

Obras Pias - isang institusyong pangkawanggawa na itinatag ng simbahan

pista – pagdiriwang ng mga patron

polo y servicio - sapilitang paggawa. Pinagtatrabaho ang mga katutubong Pilipino nang walang kabayaran.

polista- tawag sa sinumang nagkaloob ng polo y servicio

prayle- mga paring kastila pueblo – bayan reales – tawag sa salaping ibinabayad noong panahon ng Español bilang buwis reduccion- paglipat ng tirahan sa mga cabecera at sa nakapligid ditong mga visita

tributo – buwis

visita – mga baryo, nayon o barangay na matatagpuan sa paligid ng cabecera o poblacion

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 8.1 Code AP5PKE-IIg-h-8

NILALAMAN: UGNAYAN NG SIMBAHAN AT PAMAHALAANG KOLONYAL

* Ang Pilipinas sa Pamamahala ng mga Prayle (Conquistador) PANIMULA

Sa nakalipas na aralin ay nasuri natin ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo. Ang naging layunin ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas ay pampulitika, pangkabuhayan at pangrelihiyon. Sa layuning pangrelihiyon nagtagumpay ang Espanya. Maraming namatay at napatay sa magkabilang panig ngunit naipadama ng mga Pilipino na tutol sila sa ginawang paggamit ng mga prayle sa simbahan upang makuha ang tiwala at takot sa kanila.Napalitan ng pagkamuhi ang paggalang nila sa mga prayle.Naging Kristiyano ang nakararaming Pilipino. Ang naging epekto ng Kristiyanismo sa buhay ng mga Pilipino maliban sa mga Muslim ay mahalaga at panghabambuhay. Nagkaroon ng mga pagbabago sa pamumuhay na panlipunan ang mga Pilipino. Naging makapangyarihan ang simbahan hindi lamang sa pananampalataya kundi pati na sa pamahalaan.

Sa araling ito, inaasahang:

1. Masusuri ang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino. 2. Matatalakay ang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino.

ALAMIN MO

1. Kilala mo ba kung sino ang mga nasa larawan?

2. Ano kaya ang kanilang ginawang pamamalakad?

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Ating pag-aralan at suriin ang concept map na ito.Makikita natin dito kung paano at saan nagsimula ang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino.

Mga Ekspedisyong Dumating sa Pilipinas

Magellan (1521) Legazpi (1564)

Limasawa Cebu Bohol Cebu

Unang misa at Unang misa at Hindi Itinatag ang unang pagbibinyag pagbibinyag nagtagumpay Pamahalaan ng Espanyol

Itinatag ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga ordeng misyonero

Makikita mo saconcept map na nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pagdating ng ekspedisyon na pinamunuan ni Ferdinand Magellan noong 1521. Kasama niya si Padre Valderrama na nagsagawa ng unang misa sa Limasawa at bininyagan niya ang mga katutubo. Ito ay nasundan nang tumuloy sina Magellan sa Cebu. Pagkatapos ng misang naganap, nagpatayo ng krus si Magellan at sinundan ito ng pagbibinyag sa mga katutubo na pinamunuan ni Raha Humabon at ng kanyang asawa. Sila ay binigyan ng pangalang Carlos at Juana. Isang imahen ng Sto. Nino ang ibinigay kay Juana. Ang ikalawang ekspedisyon ay pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi at kasama niya si Padre Andres de Urdaneta. Nagtuloy sila sa Bohol at bininyagan ni Padre Andres ang mga katutubo na pinamunuan nina Raha Sikatuna at Raha Sigala. Tumuloy sina Legazpi sa Cebu at nang masakop nila ito ay itinatag ang kauna-unahang panirahan ng mga Espanyol sa Pilipinas. Sa bawat lupain na sinakop ng mga Espanyol, nagtulungan ang mga pinuno ng pamahalaan at mga prayle o pari. Pinalaganap ng mga prayle ang relihiyong Romano Katoliko sa pamamagitan ng kanilang mabisang pananalita at makukulay na seremonya at ang mga pinuno ay nagpairal ng mga batas sa pamahalaan na umayon sa mga alituntunin ng relihiyon.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Mga Orden ng Misyonero

Ang mga pari o prayle ay kabilang sa iba-ibang orden ng misyonero sa Katolisismo sa buong mundo. Tingnan sa tsart ang mga orden, at kung kailan sila dumating sa Pilipinas at ang mga lugar na kanilang pinangasiwaan.

Mga Ordeng Misyonero Taon Dumating Mga Lugar na Pinangasiwaan 1. Agustino/ Augustinian 1565 Cebu, Ilocos, Negros, Pampanga, Panay 2. Franciscano/ Franciscan 1577 Bicol, Catanduanes, Laguna, Masbate, Quezon 3.Heswita /Jesuita 1581 Antipolo, Bohol, , Cavite, Leyte, Samar 4. Dominicano/ Dominican 1587 Bataan, Batanes, Cagayan, Manila, Pangasinan 5. Recoleto/Recoletos 1606 Mindoro, Palawan, Zambales ' Sa pamamalakad ng mga prayle ang inilunsad ang iba”t-ibang batas sa pamahalaan. Ang mga batas umayon sa mga alituntunin ng relihiyong Romano Katoliko tulad ng sumusunod:

Batas Mga Dapat Tandaan

1. Pagpapabinyag sa simbahan • Ito ay pormal na pagtanggap bilang kasapi ng simbahan • Dapat may unang pangalan na hango sa mga Santo o may kinalaman sa relihiyon tulad ng Maria, Lucas • Dapat may huling pangalan o apelyido tulad ng Cruz, Lamadrid, Santos, Torres

2. Pagpapakasal sa simbahan • Ang kasal ay sakramentong panghabambuhay • Pinagbabawal ang paghihiwalay ng mag-asawa 3. Pagtutol sa pag-aalsang • Pinaparusahan ang sino mang magbalik

panrelihiyon sa sa katutubong pananampalataya • Pinaparusahan ang sinumang magtatag ng samahang panrelihiyon na hindi sang-ayon sa relihiyong Katoliko 4. Pagbibigay ng pangalan sa • Ang pangalan ng lugar ay parangal sa

bawat bayan at baryo isang Santo tulad ng San Esteban, Santa Catalina • Ang kapistahan ng Patrong Santo • 5. Pagtuturo sa mga paaralan sa parokya Ang pinakamahalagang asignatura ay ang pag-aaral ng relihiyon, mga dasal at kautusan ng simbahang Katoliko.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

GAWIN MO

Gawain A - Pangkatang Gawain

Bumuo ng tatlong grupo. Pag-usapan at suriin ng bawat grupo ang mga sumusunod. Itala ang napag-usapan at iulat sa klase.

Unang grupo: Pamamalakad ng mga prayle sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo(relihiyon)

Pangalawang grupo: Pamamalakad ng mga prayle sa pagpapairal ng mga batas sa lipunan(pampulitika)

Ikatlong grupo: Pamamalakad ng mga prayle sa pangkabuhayan

Gawain B

Sa inyong pagsusuri sa naging pamamalakad ng mga prayle sa lipunan, sumulat ng isang sanaysay na nagsasabing malaki ang naging kontribusyon ng mga prayle sa pagpapaunlad ng mga sinaunang Pilipino.

______

______

______

TANDAAN MO

• Ang ekspedisyon na pinamunuan ni Magellan ang nagsimula sa pagtatatag ng relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinas. • Ang ekspedisyon na pinamunuan ni Legazpi ang nagtatag ng unang

pamahalaan ng mga Espanyol. • Ang mga orden ng misyonero ang nagtatag ng relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinas. • Kabilang sa mga unang orden ng misyonero na dumating sa bansa ang mga Agustino, Pransiskano, Heswita,Dominikano at Rekoleto. • Malaki ang bahaging ginampanan ng mga prayle sa pamamahala sa Pilipinas. Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

NATUTUHAN KO

I. Basahin ang pahayag at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Ang nagtagumpay sa mga layunin ng mga Espanyol sa pagsakop ng Pilipinas ay ang ______. A. pampilitika C. pangrelihiyon B. pangkabuhayan D. pang-edukasyon

2. Ang nanguna sa pagpapalaganap ng relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinas ay mga _____. A. pinunong Espanyol C. misyonerong Espanyol B. sundalong Espanyol D. katutubong bininyagan

3. Ang mga Kura Paroko ay humawak ng tungkuling pampamahalaan dahil ______. A. Ipinagutos ito ng Santo Papa B. Nagbuklod ang simbahan at pamahalaan C. Nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan ang pamahalaan D. Nakatataas sa tungkulin ang mga kinatawan ng hari ng Espanya

4. Sa ilalim ng kapangyarihang panghukuman, ang prayle ay may kapangyarihang _____. A. magpasya kung sin ang ititiwalag sa simbahan B. mamahala sa halalang lokal at gawing pambayan C. magtala ng bilang ng mga ipinanganganak at inililibing D. mangasiwa sa sakramento tulad ng binyag, kumpil at kasal

5. Ang sumusunod ay tungkulin ng Kura Paroko maliban sa ______. A. nangangasiwa sa eleksyon B. namamahala sa pagpapatayo ng simbahan C. gumaganap na pansamantalang Gobernador-Heneral D. pagtatala ng lahat ng binyag, kasal at namatay na tao

II. Isulat kung saang batas nakapaloob ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

A. Pagpapabinyag sa simbahan B. Pagpapakasal sa simbahan C. Pagtutol sa pag-aalsang panrelihiyon D. Pagbibigay ng pangalan sa bawat bayan at baryo E. Pagtuturo sa mga paaralan sa parokya

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

______1. Pinagbabawal ang paghihiwalay ng mag-asawa. ______2. Pinaparusahan ang sinumang magtatag ng samahang panrelihiyon na hindi sangayon sa relihiyong Katoliko. ______3. Dapat may unang pangalan na hango sa mga Santo o may kinalaman sa relihiyon tulad ng Maria, Lucas. ______4. Ang pinakamahalagang asignatura ay ang pag-aaral ng relihiyon, mga dasal at kautusan ng simbahang Katoliko. ______5. Ang pangalan ng lugar ay parangal sa isang Santo tulad ng San Esteban, Santa Catalina.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Code AP5PKE-IIg-h-8 ARALIN 8.2

NILALAMAN: UGNAYAN NG SIMBAHAN AT PAMAHALAANG KOLONYAL

• Gampanin (Role) ng mga Prayle PANIMULA

Natunghayan mo sa nakaraang aralin ang naging pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino.Pinalaganap ng mga prayle ang relihiyong Romano Katoliko sa pamamagitan ng kanilang mabisang pananalita at makukulay na seremonya at ang mga pinuno ay nagpairal ng mga batas sa pamahalaan na umayon sa mga alituntunin ng relihiyon.

Sa araling ito, inaasahang:

*Matutukoy mo ang mga tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real ( Gantimpala ng Santo Papa na nagbigay ng karapatan sa Hari ng Espanya na maging patron ng simbahan at tagapagtaguyod ng Katolisismo)

ALAMIN MO

Sa paglaganap ng Kritiyanismo, lumawak at lumakas ang kapangyarihan ng prayle. Dahil siya ang kinatawan ng Diyos at tagapamagitan ng tao sa Diyos, makapangyarihan siya. Iginagalang at kadalasang kinatatakutan siya. Dahil sa kakulangan ng opisyal sa pamahalaan na Espanyol, sa maraming pagkakataon, ang prayle lamang ang tanging Espanyol sa mga pueblo. Kung ihahambing sa opisyal na ilang taon lang ang pamamalagi sa Pilipinas, ang prayle ay pangmatagalan at kung minsan ay mamamatay na siya sa pueblo kung saan siya naglilingkod. Malapit din sa kanya ang taumbayan dahil sa kakayahan niyang magsalitang katutubong wika. Bukod sa kapangyarihang panrelihiyon, may kapangyarihan at impluwensya rin siya sa pamahalaan o pagpapatakbo ng pueblo. Siya ang namamahala sa halalan ng gobernadorcillo at cabeza de barangay. Siya rin ang nagpapatakbo at guro ng paaralang parokya sa pueblo. Maging ang mga kolehiyo ay pinatatakbo ng mga prayle na nagsisilbi ring mga guro. Maging sa mga usaping pinansyal sa pueblo ay may impluwensya ang prayle. Kailanganang kanyang lagda sa mga papeles pananalapi.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Naging mayaman din ang mga orden ng mga prayle tulad ng Augustinian, Dominican, Franciscan, Jesuit at Recoletos. Nagmamay-ari sila ng malalawak na lupain na napasakamay nila sa pamamagitan ng donasyon, abuloy, pagbili nito o sa ilang mga kaso ng pangamkam. Higit sa lahat, may ilang arsobispo ng simbahan ang naging mataas na opisyalng pamahalaan nang kailanganin ang kanilang serbisyo. Ito ay sa mga pagkakataong walang gobernador-heneral. Tunay na naging malawak ang kapangyarihan ng simbahan noong panahon ng mga Espanyol. Malawak ang kanilang serbisyo hindi lamang sa pagpapalaganap ng pananampalataya kung hindi sa paglilingkod din sa pamahalaang kolonyal.

Katungkulan ng mga Pari/ Prayle

Tunghayan mo ang organizational chart na nagpapakita ng katungkulan ng mga pari na nagsisimula sa Hari ng Espanya dahil siya ang nagbibigay ng recomendasyon sa Papa (Pope) na nasa Roma. Ang Roma ang pinakasentro ng relihiyong Romano Katoliko sa buong mundo. Ang nakasulat sa malalaking titik ang tawag sa tanggapan at ang nakalagay sa loob ng panaklong ( ) ang tawag sa pinuno.

ESPANYA

( Hari )

ROMA (Santo Papa)

Arsobispado ( Arsobispo )

DIYOSES DIYOSES DIYOSES

( Obispo ) ( Obispo ) ( Obispo )

PAROKYA PAROKYA (Cura PAROKYA (Cura Paroco) Paroco) (Cura Paroco)

PAROKYA PAROKYA PAROKYA (Cura Paroco) (Cura Paroco) (Cura Paroco)

PAROKYA PAROKYA PAROKYA (Cura Paroco) (Cura Paroco) (Cura Paroco)

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Kaugnayan ng mga Pari sa Pamahalaan

Suriin mo ang tsart na nagpapakita ng kaugnayan ng mga pari sa pamamalakad ng pamahalaan.

Katungkulan Kaugnayan sa Pamahalaan Tungkulin 1. Arsobispo Tumatanggap ng sahod • Tagapayo ng

mula sa pamahalaan Gobernador-Heneral • Maaaring gumanap na pansamantalang Gobernador- Heneral

• 2. Obispo Tumatanggap ng sahod mula sa Nangangasiwa ng pamahalaan diyosesis

3. Cura Paroco Tumatanggap ng sahod mula sa • Pagtatala ng lahat ng pamahalaan binyag • Pagtatala ng lahat ng kasal • Pagtatala ng lahat ng namamatay na tao • Nangagasiwa sa eleksyon • Nangangasiwa sa

edukasyon ng mga mamamayan • Namamahala sa pagpapatayo ng simbahan • Namamahala sa pagpapatayo ng paaralan • Nagsusuri sa mga babasahin at dulang ipinalalabas • Nagsasaayos sa mga bagay na itinuturing na di kanais-nais o labag sa aral ng simbahan at patakaran ng pamahalaan • Nagpapasya kung sino ang • ititiwalag sa simbahan

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

GAWIN MO

Gawain A - Pangkatang Gawain

Panuto: Pangkatin ang klase sa lima. Bawat pangkat ay bubuo ng pagsasadula na nagpapakita ng mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real. . Itatanghal ito sa sa loob ng 3 minuto lamang.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

ISKOR PAMANTAYAN Naisagawa ang gawain ng maayos / organisado. Naibahagi ang paksa ng gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Lahat ng miyembro ng grupo 5 ay nakiisa sa pagsasagawa ng gawain. Natapos ang gawain ng sakto o hindi hihigit sa takdang oras. Naisagawa ang gawain ng maayos. Naibahagi ang paksa ng gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Hindi lahat ng miyembro ng grupo ay 4 nakiisa sa pagsasagawaa ng gawain. Natapos ang gawain ng sakto o hindi hihigit sa takdang oras. Naisagawa ang gawain ng maayos. Naibahagi ang paksa ng gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Hindi lahat ng miyembro ng grupo ay 3 nakiisa sa pagsasagawa ng gawain. Lumabis sa takdang oras ang pagsasagawa ng gawain. Naisagawa ang gawain ng maayos. Naibahagi ang paksa ng gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Hindi lahat ng miyembro ng grupo ay 2 nakiisa sa pagsasagawa ng gawain. Lumabis sa takdang oras ang pagsasagawa ng gawain. Hindi maayos ang natapos na gawain. Hindi malinaw ang ginamit na pamamaraan ng pagpapahayag ng paksa ng gawain. Hindi lahat ng 1 miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawa ng gawain. Lumabis sa takdang oras ang pagsasagawa ng gawain. 0 Hindi naisagawa ang pangkatang gawain.

GAWIN MO

Gawain B

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Isulat kung kaninong tungkulin ang ginagampanan ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang. A. Arsobispo B. Obispo C. Kura Paroco

______1. Nangangasiwa sa edukasyon ng mga mamamayan. ______2. Nangangasiwa ng diyosesis. ______3. Taga-payo ng Gobernador-Heneral ______4. Nangangasiwa sa eleksyon. ______5. Maaaring gumanap na pansamantalang Gobernador-Heneral.

Gawain C

Punan ang graphic organizer ng mga tungkulin ng mga prayle.

2. Obispo ______1. Arsobispo 3. Cura Paroco ______

Mga Tungkulin

TANDAAN MO

• Lubhang naging makapangyarihan ang mga prayle hindi lamang sa

relihiyon kundi pati sa pamahalaan, edukasyon at maging sa ekonomiya

dahil sa pag-aari nila ng malawak na lupain.

• Ang tungkulin ng mga prayle ay nagsisimula sa Hari ng Espanya dahil siya ang nagbibigay ng recomendasyon sa Papa (Pope) na nasa Roma. Ang Roma ang pinakasentro ng relihiyong Romano Katoliko sa buong mundo. • May iba’t-ibang tungkulin ang mga Arsobispo, Obispo, Cura Paroco

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

NATUTUHAN KO Tukuyin sa tsart ang mga tungkulin ng mga prayle na nasa kahon at isulat ayon sa katungkulan ng Arsobispo, Obispo at Cura paroco.

Arsobispo Obispo Cura Paroco

MGA TUNGKULIN NG MGA PRAYLE:

• Tagapayo ng Gobernador-Heneral • Maaaring gumanap na pansamantalang Gobernador-Heneral • Nangangasiwa ng diyosesis • Pagtatala ng lahat ng binyag • Pagtatala ng lahat ng kasal • Pagtatala ng lahat ng namamatay na tao • Nangagasiwa sa eleksyon • Nangangasiwa sa edukasyon ng mga mamamayan • Namamahala sa pagpapatayo ng simbahan • Namamahala sa pagpapatayo ng paaralan • Nagsusuri sa mga babasahin at dulang ipinalalabas • Nagsasaayos sa mga bagay na itinuturing na di kanais-nais o labag sa aral ng simbahan at patakaran ng pamahalaan • Nagpapasya kung sino ang ititiwalag sa simbahan

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 8.3 Code AP5PKE-IIg-h-8

NILALAMAN: UGNAYAN NG SIMBAHAN AT PAMAHALAANG KOLONYAL

• Reaksyon ng mga Pilipino sa Pamamahala ng mga Prayle

PANIMULA

Sa nakalipas na aralin, tinalakay at natukoy ang mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real kung saan ang Patronato Real ay ang kasunduan ng hari ng Spain at ng Santo Papa sa Rome na palaganapin ang Katolisismo sa mga lupaing sakop ng Spain, dito ay hinirang ang hari bilang Real Patron na may kapangyarihang magtalaga ng mga obispo sa mga kolonya. Ang tungkulin ng mga prayle ay nagsisimula sa Hari ng Espanya dahil siya ang nagbibigay ng recomendasyon sa Papa (Pope) na nasa Roma. Ang Roma ang pinakasentro ng relihiyong Romano Katoliko sa buong mundo.

May iba’t-ibang tungkulin ang mga prayle hindi lamang sa sa relihiyon kundi pati sa pamahalaan, edukasyon, at maging sa ekonomiya.

Sa araling ito, inaasahang: * Matatalakay mo ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle.

ALAMIN MO

Ano kaya ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle sa ating bansa?

Naging maganda ang reaksyon ng nakararaming Pilipino sa pamamahala ng mga prayle.Naakit ng mga prayle ang mga katutubo sa mga makukulay na ritwal ng pananampalatayang Katoliko dahil hawig ito sa

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

kanilang paniniwala. Sila ay naniwala sa mga espiritu ng mga yumao at sa isang panginoon na kung tawagin ay Bathala. Nanampalataya sa Katolisismo ang mga Pilipino. Ang mga katutubong dating naniniwala sa iba”t-ibang diyos ay naniniwala sa iisang Diyos. Sila ay nagpabinyag, nagpabago ng pangalan, nagpakasal sa simbahan, ipinagbawal ang diborsiyo na siyang nagpatibay ng pagbubuklod ng pamilya, at nagdasal tuwing ikaanim ng hapon. Ang kanilang mga kaugalian ay nagbago rin, tulad ng pagkahilig sa kasayahan dahil sa mga pagdiriwang ng mga pista, Santakrusan at Flores de Mayo, mga pagtatanghal ng mga palabas na senakulo, moro-moro, sarsuela, at marami pang iba. Sa kabila ng maraming naniwala at sumunod sa pamamahala ng mga prayle, meron din mga Pilipino ang natakot sa kanila.May nagsipag-alsa nang hindi masiyahan sa ginawa ng mga pari/prayle, may mga tumahimik na bumalik sa dating pananampalataya at may nagpakalayo-layo para hindi marating ng mga pari.

GAWIN MO

Gawain A

Talakayin ang kasagutan sa bawat tanong. Magbigay ng dalawang patunay sa iyong paliwanag.

1. Paano ipinalaganap ng mga prayle ang Katolisismo o Kristiyanismo sa ating bansa? ______2. Bakit naging madali sa karamihan ng katutubong Pilipino ang paniniwala sa Katolisismo o Kristiyanismo? ______3. Gaano kalawak ang naging impluwensiya ng pamamahala ng mga prayle sa ating bansa? ______4. Paano isinabuhay ng mga katutubong Pilipino ang magandang epekto ng pamamahala ng mga prayle? ______5. Talakayin ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle sa dalawang pangungusap. ______

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Gawain B

Isulat sa sagutang papel ang T kung ang pahayag ay tama at M kun ang pahayag ay mali.

______1. Naging maganda ang reaksyon ng nakararaming Pilipino sa pamamahala ng mga prayle. ______2. Hindi naging madali sa karamihan ng katutubong Pilipino ang paniniwala sa mga prayle na tanggapin ang paniniwala sa Katolisismo. ______3. Hindi nanampalataya ang mga Pilipino sa Katolisismo. ______4. Nagbago ang kaugalian ng mga Pilipino sa panahon ng pamamahala ng mga prayle. ______5. Naakit ng mga prayle ang mga katutubo sa mga makukulay na ritwal ng pananampalatayang Katoliko.

Gawain C +

Iguhit ang simbahan sa papel. Isulat sa loob ng simbahan ang apat na naging reaksiyon ng mga Pilipino pagtatatag ng Katolisismo sa 1. 2. Pilipinas sa pamamagitan ng mga prayle. Ipaliwanag ang bawat isa. 3. 4.

TANDAAN MO

Iba-iba ang reaksiyon ng mga katutubo sa pamamahala ng mga prayle: May maganda at hindi magandang reaksyon: - May mga nagsipag-alsa nang hindi masiyahan sa ginawa ng pari. - May sumampalataya. - May mga tahimik na bumalik sa dating paniniwala. - May nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

NATUTUHAN KO

Bumuo ng apatna pangkat. Pumili ng dalawa sa bawat grupo upang kumatawan sa grupo. Talakayin sa pamamagitan ng isang debate ang paksa tungkol sa maganda at hindi magandang reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle.

(Gawing gabay ng guro ang kanyang ginawang rubric.)

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Code AP5PKE-IIi-9 ARALIN 9

NILALAMAN: UGNAYAN NG SIMBAHAN AT PAMAHALAANG KOLONYAL

Epekto sa Lipunan ng Pamamahala ng mga Prayle

PANIMULA

Sa nakaraang aralin, tinalakay ang Pilipinas sa pamamahala ng mga prayle(Conquistador) at ang gampanin ng mga prayle, gayundin ang reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle.Naipaunawa na isang kapuna-puna sa pamahalaan ng mga Espanyol ay ang impluwensiya ng simbahan sa mga bagay na pampulitika. Sa panahong iyon may kaarapatang humawak ng tungkulin sa pamahalaan at iba pang bahagi nito. May mga taong hinirang bilang tagapangasiwa ng gobyerno. Halos saklaw pa ng impluwensiya ng simbahan ang kapangyarihan ng gobernador-heneral. Sa pamahalaan ng Espanyol, tinawag na prayle ang mga paring Katoliko. Sila ay tumatanggap ng sahod mula sa pamahalaan dahil sa mga katungkulan na ipinagkaloob sa kanila. Nagsilbing tagapayo ang arsobispo sa pamahalaan. Kung wala ang gobernador-heneral, pansamantala rin niya itong ginagampanan. Kinatatakutan naman ng mga mamamayanang cura paroco sa mga bayan. Siya ay makapangyarihan na kahit mga opisyal ng bayan ay takot sa kanya. Natutuhan din ang mga gawain ng mga prayle kabilang ang mga sumusunod:1. nagtatala ng lahat ng binyag, kasal at patay; 2. Nangangasiwa sa halalan at edukasyon; 3.nangangasiwa sa pagpapatayo ng simbahan at lumalabag sa patakaran ng pamahalaan. Sa araling ito, inaasahang: Makapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle.

ALAMIN MO

Ano kaya ang naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle?

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Ang simbahan at pamahalaan ay nagkaisa sa pagpapalaganap ng Kristiyano sa bansa. Ang mga prayle ay nagkaroon ng kapangyarihan sa simbahan at pamahalaan.Naging opisyal na relihiyon sa buong bansa ang Katoliko Romano, isang paksyon ng Kristiyanismo. May ilang pinuno ng simbahan ang gumanap sa tungkulin ng pamahalaan kung talagang kailangan. Sa pamamahala ng mga prayle, ipinatupad ng pamahalaan ang patakaran ng relihiyong Kristiyanismo. Ito ay ang pagbibinyag ng bata at matanda. Dahil dito naging opisyal na na kasapi ng simbahang Katoliko ang ang batang bininyagan. Naging mahigpit ang pamahalaan sa mga Pilipinong tumutol sa gawaing panrelihiyon. Pinatawan ng parusa ang sinumang bumalik sa katutubong relihiyon at nagsagawa ng kakaibang laban sa relihiyong Katoliko. Ang buong bayan ay pinamahalaan ng mga prayle. Ang bawat baryo at bayan ay binigyan ng pangalan at kapistahanng patrong santo. Upang matugunan ang mga pangangailangan sa paglilingkod na panrelihiyon, hinati ang ating kapuluan sa mga dayoses (diocese). Isang Obispo ang namuno rito. Ang mahalaga o pangunahing dayoses tulad ng Maynila ay pinamunuan ng Arsobispo.Ang bawat dayoses ay hinati naman sa parokya(bayan). Isang padre kura naman ang namuno rito. Upang lubos na maipalaganapang Kristiyanismo sa bansa, nagpagawa ang mga Espanyol ng malaking simbahan. Sa mga simbahang ito makikita ang iba’t-ibang imahen at magarang altar para sa Banal n Misa. Naakit ng mga prayle ang mga katutubo sa mga makukulay na ritwal ng pananampalatayang Katoliko dahil hawig ito sa kanilang paniniwala. Sila ay naniwala sa mga espiritu nng mga yumao at sa isang panginoon na kung tawagin ay Bathala. Nanampalataya sa Katolisismo ang mga Pilipino. Ang mga katutubong dating naniniwala sa iba”t-ibang diyos ay naniniwala sa iisang Diyos. Sila ay nagpabinyag, nagpabago ng pangalan, nagpakasal sa simbahan, ipinagbawal ang diborsiyo na siyang nagpatibay ng pagbubuklod ng pamilya, at nagdasal tuwing ikaanim ng hapon. Ang kanilang mga kaugalian ay nagbago rin, tulad ng pagkahilig sa kasayahan dahil sa mga pagdiriwang ng mga pista, Santakrusan at Flores de Mayo, mga pagtatanghal ng mga palabas na senakulo, moro-moro, sarsuela, at marami pang iba.

GAWIN MO

Gawain A

Bumuo ng apat na pangkat. Gumawa ng poster tungkol sa sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle. Gawing gabay ang sumusunod na rubric.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

8-10 5-7 3-4 1-2 Nilalaman Ang mensahe Di gaanong Medyo Walang 10 puntos ay mabisang naipakita ang magulo ang mensaheng naipakita mensahe mensahe naipakita Pagkamalikhain Napakaganda Maganda at Maganda Di maganda at 8 puntos at malinaw ang ngunit di malabo ang napakalinaw pagkakasulat ng gaanong pagkakasulat ng mga titik malinaw ang ng mga titik pagkakasulat pagkakasulat ng mga titik ng mga titik 6-7 4-5 2-3 1 Kaugnayan sa May malaking Di gaanong Kaunti lamang Walang Paksa kaugnayan sa naipakita ang ang kaugnayan sa 7 puntos paksa ng kaugnayan sa kaugnayan ng paksa ang poster. paksa ang poster sa poster. poster. paksa. 4-5 3 2 1 Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang 5 puntos malinis ang pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo pagkakabuo pagkakabuo Kabuuang Puntos= 30

Gawain B

Isulat mo sa bawat kahon ng Paabanikong Pagsusuri sa Sarili ang mga positibong katangian o pananaw na naging epekto sa iyo ng kinabibilangan mong relihiyon. Ipaliwanag kung paano mo ito isinasabuhay.

Positibong Pananaw na naging epekto sa akin

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

TANDAAN MO

Ang mga Naging Epekto sa Lipunan sa Pamamahala ng mga Prayle ay ang Pagsunod sa mga Gawaing Katoliko Tulad ng mga Sumusunod:

1. Pagsisimba kung Linggo at araw ng pangilin 2. Pagdiriwang ng kapistahan 3. Pgdarasal, pagnonobena, at pagpuprusisyon 4. Pag-aayuno 5. Pagtanggap ng mga sakramento: Binyag, Eukaristiya, Kumpil, Pagpapari, at Paglalagay ng langis sa taong malapit ng mamatay

NATUTUHAN KO

Sumulat ng isang sanaysay na nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa lipunan ng pamamahala nng mga prayle.

______

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

ARALIN 9.1

NILALAMAN: UGNAYAN NG SIMBAHAN AT PAMAHALAANG KOLONYAL

*Ang Pilipinas sa Pamamahala ng mga Prayle

PANIMULA

Sa nakalipas na aralin, tinalakay ang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino. Unang-una, sa bawat pagdaong ng mga sasakyang pandagat ng mga Espanyol sa ating mga baybayin ay may mga paring misyonero na kasama, kalaunan ay tinawag na mga prayle. Ang mga prayle ay nag-aral ng mga katutubong wika upang maipakilala nila ang Kristiyanismo sa mga Pilipino. Hindi nila itinuro ang wikang Espanyol sa kagustuhang mapanatiling magkaiba ang wika ng mananakop at ng sinakop. Maraming misyonero ang naging instrumento upang magtagumpay sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga Pilipino, gamit ang iba’t-ibang kaparaanan. Kabilang sa mga misyonerong ito ang mga Augustinian na dumating sa kapuluan noong 1565, sa pamumuno ni Andres Urdaneta. Sinundan sila ng mga Franciscan noong 1577; mga Jesuit noong 1581;mga Dominican noong 1587; at Recloletos noong 1606. Sa pamamalakad ng mga prayle inilunsad ang iba’t-ibang batas sa pamahalaan.Ang mga batas ay umayon sa mga alituntunin ng relihiyong Romano Katoliko.

Sa araling ito, inasahang: * Makapagsasaliksik ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa pamamahala ng mga prayle.

ALAMIN MO

Bawat pagbabago sa pag-unlad ng sinaunang Pilipino ay dahil sa impluwensya ng mga Espanyol sa pamamagitan ng pamamahala ng mga prayle. Hinikayat ng mga prayle ang mga Pilipino na tumira sa cabecera at visita. Upang mahikayat na lumipat sa cabesera, nagsagawa ang mga prayle ng mga makulay na pagdiriwang tulad ng pista. Hindi lamang naging okasyon ito upang palaganapin ang Kristiyanismo, naging pahinga rin ito ng mga Pilipino sa araw-araw na gawain. Nagustuhan nila ang mga kaakibat nitong prusisyon, sayaw, musika at mga pagtatanghal.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

Ang prusisyon (kaliwang larawan) tuwing pista at komedya (kanang larawan) ay dalawa lamang sa pagtatanghal na itinuro at ipinakilala ng mga Espanyol sa pamamahala ng mga prayle upang mahikayat ang mga Pilipino sa pananampalatayang Kristiyano.

Masigasig ang mga prayle sa pagbibinyag. Sa pagbibinyag, ginagawang tunay na Kristiyano ang batang bininyagan, gayundin ang matatanda na nagpabinyag. Nangangahulugan ito na opisyal nang kasapi ng simbahan ang mga bagong binyag. Ang mga dati nilang paniniwala tungkol sa iba’t-ibang diyos ay isinantabi na nila.Sa halip ipinakilala ang diyos ng Kristiyanismo na si Hesukristo. Itinuro ng mga prayle ang doktrina at ritwal ng Kristiyanismo. Ilan sa mga ito ang pagsisimba at pagbasa ng Bibliya; paggalang sa mga imahen; pagnonobena gamit ang rosaryo; pagdarasal tuwing orasyon, bago at matapos kumain, at bago matulog, pagdiriwang ng mga pista; pagtanggap ng mga sakramento tulad ng binyag, kasal at komunyon; at paglalagay ng langis sa mga taong maysakit o malapit ng mamatay. Ilan lamang ang mga impormasyong sa mga naituro o naibahagi ng mga prayle sa kanilang pamamahala sa ating bansa sa panahon ng kolonyal. Matutunghayan pa natin sa mga susunod na aralin at pagsasaliksik ang ibang impormasyon tungkol sa pamamahala ng mga prayle sa ating bansa.

GAWIN MO

Gawain A - Pangkatang Gawain

Magpangkat-pangkat sa apat. Pipili ang bawat pangkat ng kanilang lider upang maging tiga ulat ng grupo.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

1. Bawat pangkat ay maaaring pumunta sa library o sa silid-aklatan upang mangalap o magsaliksik ng iba pang impormasyon tungkol sa pamamahala ng mga prayle sa panahon ng kolonyal. 2. Magpalitan ng kuro-kuro o ideya tungkol sa mga nasaliksik na datos. 3. Itala ang inyong mga makakalap na impormasyon.

Gawain B

1. Pag-uulat ng bawat grupo tungkol sa mga nakalap o nasaliksik na iba pang impormasyon tungkol sa pamamahala ng mga prayle sa panahon ng kolonyal.

2. Ang lider na napili ng bawat grupo ang siyang mag-uulat. (Basahin ng bawat grupo ang rubric na ibibigay ng guro)

Gawain C Sa inyong pagsasaliksik at pag-uulat ng mga datos na inyong nakalap at inilahad sa klase, kumuha kayo ng isang buong papel at isulat ang buod ng mga nakalap na iba pang impormasyon tungkol sa pamamahala ng mga prayle.

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ______

TANDAAN MO

* Itinuro ng mga prayle ang doktrina at ritwal ng Kristiyanismo sa kanilang pamamahala.

* Ang mga dating paniniwala ng mga Pilipino tungkol sa iba’t-ibang diyos ay isinantabi na nila.

NATUTUHAN KO

1. Magsaliksik gamit ang internet o kompyuter ng iba pang impormasyon tungkol sa pamamahala ng mga prayle sa panahon ng kolonyal. 2. Maaari din mag-interbyu sa mga nakakatanda ng karagdagang impormasyon tungkol sa pamamahala ng mga prayle sa panahon ng kolonya. 3. Isulat sa loob ng larawan ng kompyuter ang lahat ng datos na inyong makakalap sa inyong pagsasaliksik.

Mga Impormasyon Tungkol sa Pamamahala ng mga Prayle

______

Grade 5 Quarter 2 Learning Materials ARALING PANLIPUNAN Ika-limang Baitang

Ikalawang Markahan

Cabeza de barangay - pinuno ng barangay noong panahon ng mga Espanyol

Conquistador - ay salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay conquerors o mananakop sa wikang Filipino. Sila ang mga sundalo at manlalakbay na Espanyol na naglalayong palawakin ang kolonya ng Espanya. Kabilang sa mga conquistador ay si Ferdinand Magellan na dumating sa Samar noong 1521.

Cura paroco - isang pari o prayle ekspedisyon - paglalakbay sa karagatan ng isang grupo o organisasyon para makatuklas ng isang bagay, lugar at marami pang iba o gobernadorcillo - nagmula ang gobernadorcillo sa katagang sa katagang Espanyol na nangangahulugang “maliit na gobernador” na siyang namamahala sa pamahalaang bayan.

Kristiyanismo - ang pangmatagalan at pinakahayag na impluwensya ng mga Espanyol sa pamumuhay ng mga Pilipino na maniwala sa turo ng simbahan. kolonya - lupang - sakop o teritoryong nasakop misyonero - ay nagpapalaganap ng Kristiyanismo at syang unang guro sa paaralan. Ang ibig sabihin ng misyonero ay nagmimission. parokya - isa itong simbahan na paring Espanyol ang namamahala

Patronato Real - kasunduan ng hari ng Espanya at ng Santo Papasa Rome na palaganapin ang Katolisismo sa mga lupaing sakop ng Espanya; dito ay hinirang ang hari bilang Real Patron na may kapangyarihang magtalaga ng mga obispo sa mga kolonya. prayle - ay nagsisilbing tagapamagitan na nagpapahinahon sa mga rebelyon. Ito ay dahil pinaniniwalaan nila na sila ay makapangyarihan sa kanyang ispirituwal na katungkulan.

Pueblo - ang ibig sabihin ng pueblo ay ang pamahalaang pambayan na itinatag ng mgs Espanyol