Pandaigdigang Kumperensiya Sa Nanganganib Na Wika
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
KATITIKAN PROCEEDINGS PANDAIGDIGANG KUMPERENSIYA SA NANGANGANIB NA WIKA International Conference on Language Endangerment National Museum of Natural History, Maynila, Filipinas 10˗12 Oktubre 2108 KATITIKAN PROCEEDINGS 1 KATITIKAN PROCEEDINGS Tungkol sa Komisyon sa Wikang Filipino Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay ahensiya ng pamahalaan na may mandatong magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang wika ng Filipinas. Naitatag sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 7104. MISYON Itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa habang pinangangalagaan ang mga wikang katutubo sa Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Filipino. BISYON Filipino: Wika ng Dangal at Kaunlaran 2 KATITIKAN PROCEEDINGS Tungkol sa Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika Ito ay tatlong araw na kumperensiya na tatalakay sa iba’t ibang isyu na may kaugnayan sa nanganganib na mga wika tulad ng isyu sa dokumentasyong pangwika, field methods, teknolohiya at dokumentasyong pangwika, praktika sa dokumentasyon at deskripsiyon, mga prinsipyo sa pagsusuring lingguwistiko, at batayang kaalaman sa pananaliksik pangwika. Mag-aanyaya ng mga eksperto mula sa ibang bansa at sa Filipinas na maglalahad ng kanilang mga pag-aaral, proyekto at gawain hinggil sa nanganganib na wika. Ang kumperensiyang ito ang magsisilbing panimulang gawain sa pagbuo ng plano/adyenda hinggil sa mga nanganganib na wika ng Filipinas. Magsisilbi rin itong introduksiyon o pagsasakonteksto ng pagsasagawa ng field work, pagkuha ng field notes, documentary corpus, metadocumentation, at mga kaugnay na gawaing mahalaga sa dokumentasyon ng mga nanganganib na wika. LAYUNIN 1. Pagsama-samahin ang mga prominenteng iskolar sa pananaliksik ukol sa iba’t ibang aspekto ng nanganganib na wika, dokumentasyon, at revitalization. 2. Mailahad ang mga karanasan at pinakamahusay na paraan sa pananaliksik at pagbuo ng programa; matalakay ang iba’t ibang isyu na nakaaapekto sa mga wika. 3. Makabuo ng plano para sa pagtataguyod ng kongkretong proyekto tungkol sa mga nanganganib na wika ng Filipinas. INAASAHANG MATAMO 1. Mailathala ang mga papel ng mga tagapanayam. 2. Makabuo ng pambansang adyenda para sa pangangalaga ng mga wika sa Filipinas. 3 KATITIKAN PROCEEDINGS MENSAHE Virgilio S. Almario Pambansang Alagad ng Sining Tagapangulo Komisyon sa Wikang Filipino Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining Malinaw ang atas ng Batas Republika Blg. 7104 sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang wika ng Filipinas. Sinisikap tuparin ng kasalukuyang pamunuan ng KWF ang nabanggit na mandato sa pamamagitan ng KWF Medyo Matagalang Plano 2017–2020 na nagtitiyak sa pagpapaigting at pagpapalawig ng saliksik sa wikang Filipino, mga wika ng Filipinas, at sa ibá’t ibáng disiplina. Malinaw ding nakalatag sa Pambansang Adyenda sa Saliksik Pangwika at Pangkultura ang pagtataguyod ng saliksik sa wika/lingguwistika partikular na ang pagsasaalang-alang sa mga konsepto at pananaw ng singkronikong pagsusuri, diyakronikong pananaw, mutabilidad (kakayahang magbago), at mga sosyo-sikolingguwistikang penomena tulad ng katapatan sa wika (language loyalty), kawalang katiyakan ng pag-iral ng wika (language endangerment), at pagkamatay ng wika (linguicide). Ang Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika (International Conference on Language Endangerment) ay isang hakbang ng (KWF) bilang paghahanda sa 2019 bilang Taon ng mga Katutubong Wika. Nag-imbita kami ng mga ekspertong banyaga bílang isang paraan ng pagpapasok ng mga kaalaman at kasanayan hinggil sa pangangalaga ng mga wika. Sa ating bansa ay hindi pa gaanong malawak ang mga pag-aaral at programa para sa mga nanganganib na wika. Ito na ang panahon upang simulan ang panghihikayat sa ibá’t ibáng organisasyon at institusyon ng pamahalaan na pagtuonan ito ng pansin. May 130 wikang katutubo ang Filipinas. Ang ilan sa mga ito ay nanganganib nang mawala. Kung ipagwawalangbahala lamang ang pagkawala ng wika ay katumbas ito ng pagpapabaya sa yaman ng bansa. Kayâ kailangan natin ng sáma-sámang pagkilos at pagtugon upang mapanatili ang ating mga katutubong wika. 4 KATITIKAN PROCEEDINGS MENSAHE Loren Legarda Senador Republika ng Filipinas Nakamamangha kung paano napanatiling buháy at matatag ng iba’t ibang pangkat etniko sa bansa ang kani-kanilang wika at ugnayang kultural sa kabila ng katotohanang dumaan ito sa napakahabang yugto ng pananakop. Gayunman, hindi maikakailang maraming wika ng minoryang pangkat sa buong kapuluan ang patuloy na lumiliit ang bilang ng mga tagapagsalita. Hindi natin dapat hayaang magpatuloy ito. Kailangang magpamalas ng sigasig ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, pribadong sektor, akademya, mga samahang sibiko, at iba pang organisasyon upang matiyak na ligtas at masigla ang linguistic ecosystem sa bansa. Ang ginagawa natin ngayong Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika ay pagpapamalas ng matibay na gulugod para sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang pangunahing ahensiyang may eksklusibong mandato upang itaguyod ang preserbasyon ng mga wika sa buong kapuluan. Ang wika ay isang napakahalagang sangkap ng ating pagkatao hindi lamang bilang instrumento ng ugnayan kundi bilang pangunahing tagapamansag ng kultura at ayon kay Dr. Zeus F. Salazar (1996): “Ang kultura ay kabuoan ng isip, gawi, damdamin, kaalaman at karanasan na nagtatakda ng maangking kakanyahan ng isang pangkat ng tao. Ang wika ay hindi lamang daluyan kundi higit pa rito, tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang kultura. Walang kulturang hindi dala ng isang wika, na bilang sanligan at kaluluwa, ay siyang bumubuo, humuhubog at nagbibigay diwa sa kulturang ito.” Hindi na dapat pagtalunan pa kung bakit mahalagang mapreserba ang mga wika ng bawat bansa sa mundo sapagkat ang pagkawala ng mga ito ay nagangahulugan rin ng pagkamatay ng maangking kakanyahan ng mga taong gumagamit nito. Ayon sa United Nations, ang mga wika ang pinakamakapangyarihang kasangkapan upang mapangalagaan at paunlarin pa ang mga materyal at di-materyal na pamanang pangkultura o ang ating tangible and intangible cultural heritage. Kailangang irespeto sa akademya sa tulong ng mga dalubguro at lingguwista ang mga wikang bernakular bilang mabisang wikang panturo o wika ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa lahat ng sulok ng bansa. Nararapat iwasan ang pagtangi, pagkutya, at paghamak sa isang tao nang dahil lamang sa pagkakaroon ng puntong rehiyonal dahil hindi ito isang linguistic defect kundi isang linguistic identity. Hindi kailan man dapat talikuran ang wikang kinagisnan o mother tongue sanhi ng politikal, sosyal, at academic pressures. Sa gusto man natin o hindi, mangungusap at mangungusap ang isang tao ayon sa nakagawian sa komunidad na kaniyang pinagmulan. 5 KATITIKAN PROCEEDINGS Nawa, sa pamamagitan ng Kumperensiya na ito ay maipahatid natin nang mas malinaw ang kahalagahan ng ating mga katutubong wika at makabuo ng mga hakbang upang mapangalagaan ang mga ito. Hangad ko ang tagumpay ng pagtitipong ito. PROGRAMA Unang Araw, 10 Oktubre 2018 8:30-9:30 Rehistrasyon 9:30-10:30 Pambansang Awit Bating Pagtanggap Jeremy Barns Direktor Pambansang Museo Pampasiglang Bílang PWU-JASMS Rondalla Kuwintas ng mga Sariling Himig ni Cayetano Rodriguez 10:30-11:30 Pamaksang Tagapanayam Dr. Michael Walsh Tema: Pagtataguyod ng mga Wika, University of Sydney Pagtataguyod sa Mundo Pampasiglang Bílang PWU-JASMS Rondalla Filipiniana ni Cayetano Rodriguez Philippine Medley No. 2 ni Alfredo Buenaventura 11:30-1:00 Tanghalian 1:00-2:00 Plenaryong Tagapanayam 1 Dr. Gregory D.S. Anderson Paksa: Survey at Kasalukuyang Estado ng Living Tongue Institute for Nanganganib na Wika Endangered Languages 2:00-2:30 Sesyong Paralel 1 Salem Mezhoud King’s College London 2:30-3:00 Dr. Josephine Daguman Rosario Viloria Lerma A. Abella Rodelyn A. Aguilar Translator Association of the Philippines 3:00-3:30 Meryenda 3:30-3:50 Reaktor ng Panel Gregory D.S. Anderson 3:50-4:50 Malayang Talakayan 4:50-5:00 Paglalagom Roy Rene Cagalingan Komisyon sa Wikang Filipino Guro ng Palatuntunan at Tagapamagitan Ikalawang Araw, 11 Oktubre 2018 7:00-8:00 Rehistrasyon 6 KATITIKAN PROCEEDINGS 8:00-9:00 Plenaryong Tagapanayam 2 Dr. Larry Kimura Paksa: Dokumentasyon at Deskripsiyon University of Hawaii-Hilo ng Wika: Pagbuo ng Resources para sa mga Nanganganib na Wika 9:00-10:00 Sesyong Panel 2 9:00-9:20 Dr. Marleen Haboud Pontifica Universidad Católica del Ecuador 9:20-9:40 Dr. Mayuree Thawornpat Mahidol University 9:40-10:00 Dr. Brendan G, Fairbanks University of Minnesota 10:00-10:30 Meryenda 10:30-10:50 Reaktor ng Panel Dr. Larry Kimura 10:50-11:50 Malayang Talakayan 11:50-12:00 Paglalagom 12:00-1:00 Tanghalian 1:00-2:00 Plenaryong Tagapanayam 3 Dr. Ganesh N. Devy Paksa: Nanganganib na Wika: Peoples Linguistic survey of Pagpapalakas ng Kapasidad: Pagbibigay India Kapangyarihan sa mga Pamayanang Kultural 2:00-3:00 Sesyong Panel 3 2:00-2:20 Salem Mezhoud King’s College London 2:20-2:40 Dr. Purificacion G. Delima Komisyon sa Wikang Filipino 2:40-3:00 Dr. Suwilai Premsirat Mahidol University 3:00-3:30 Meryenda 3:30-3:50 Reaktor ng Panel Dr. Ganesh N. Devy 3:50-4:50 Malayang Talakayan 4:50-5:00 Paglalagom Roy Rene Cagalingan Komisyon sa Wikang Filipino Guro ng Palatuntunan atTagapamagitan Ikatlong Araw, 12 Oktubre