Social Ethics Society Journal of Applied Philosophy Volume 7, May 2021, pp. 19-57 Pagtatala ng Sampung Pinakamahalagang Pilosopong Pilipino: Isang Gabay para sa Pagtuturo ng Pilosopiyang Pilipino Leslie Anne L. Liwanag, Ph.D. Visayas State University
[email protected] F.P.A. Demeterio III, Ph.D. De La Salle University
[email protected] Mary Irene Clare O. Deleña, M.S. De La Salle University
[email protected] Rodolfo V. Bagay, Jr., M.A. De La Salle University
[email protected] Abstract May ilan nang pilosopong Pilipino at guro ng pilosopiya ang pumuna sa kawalan ng puwang ng pilosopiyang Pilipino sa karaniwang kurikulum ng batsilyer sa pilosopiya, maging sa masterado at doktorado sa pilosopiya, dito sa Pilipinas. Ngunit para sa ilang progresibo at makabayang institusyon kung saan itinuturo na ang kursong pilosopiyang Pilipino, isa namang malaking suliranin ang bumabagabag sa kanila o sa sinomang gurong naatasan o maaatasang humawak ng nasabing kurso: sino-sinong mga pilosopong Pilipino ang nararapat na isama sa silabus? Habang pinagdedebatihan pa ng mga pantas sa pilosopiyang Pilipino ang kasagutan para sa malaking suliranin, © 2021 Liwanag, Demeterio III, Deleña, Bagay, Jr. ISSN: 2546-1885 20 Liwanag, Demeterio III, Deleña, and Bagay, Jr. nilayon ng papel na maglahad ng pansamantalang kasagutan at alternatibong paraan para tugunan ang nasabing katanungan. Sa pamamagitan ng isang survey, tinanong ng mga mananaliksik ang ilang piling eksperto sa pilosopiyang Pilipino kung sino - sino para sa kanila ang sampung pinakamahalagang pilosopong Pilipino. Pinatibay ang kanilang kasagutan gamit ang Google Scholar na may taglay na datos kung ilan ang bilang ng mga obra ng bawat pilosopong Pilipino, at kung ilan ang mga citation ng mga obrang ito.