Hindi Kami Bulag Sa Kadiliman at Paniniil Ng Panahong Marcos!
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
Hindi kami bulag sa kadiliman at paniniil ng panahong Marcos! Pahayag ng mga kasapi ng Pamantasang Ateneo de Manila tungkol sa rehimeng Batas Militar at sa pagbaluktot ni Bongbong Marcos sa kasaysayan 7 Marso 2016 “Ipaubaya natin ang kasaysayan sa mga propesor, sa mga nag-aaral tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Kami hindi namin trabaho yan. Ang trabaho namin ay tingnan kung ano ba ang pangangailangan ng taong bayan ngayon.” – Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. Bilang tugon sa hamon ni Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr. na dapat husgahan ng mga guro at mag-aaral ng kasaysayan ang administrasyong Marcos, kaming mga nakalagdang kasapi ng komunidad ng Ateneo de Manila ay maigting na tumututol at kumukundena sa patuloy at sadyang pagbaluktot ng ating kasaysayan. Matindi naming ikinalulungkot ang walang-kahihiyang pagtanggi sa pag-ako ng mga krimen ng rehimeng Batas Militar. Hindi namin tinatanggap ang pagbaluktot ng kasaysayan, ang kabaga-bagabag na pananaw sa kinabukasan, at ang mababaw na hamon ng “pagkakaisa” na inihahain ni Marcos, Jr, at ng mga kandidato sa halalan ng 2016 na tulad niyang mag-isip. Malaking naging pinsala sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ang malaking panlabas ng pangungutang na ginawa ng rehimeng Marcos. Hindi naging interesado ang rehimen sa kaunlaran para sa lahat, pangmatagalang pagpapapatatag sa estado, ni sa tunay na pagbabago ng lipunan, sa kabila ng retorika nito ng “Bagong Lipunan”. Sa halip, higit na pinagtuunan ni Marcos ang pagpapatibay ng paghawak niya ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpabor sa mga kamag-anak, kaibigan, at iba pa nilang kasabwat. Kaya bumuo lamang si Marcos ng mga bagong naghaharing-uri o mga “oligarch” sa halip na buwagin ang mga ito—ang ibinandila niyang isa sa mga dahilan niya sa pagpapataw ng batas militar. Ang mga nangahas humamon sa pagkamkam ng rehimen sa kapangyarihan--mga pulitiko, mangangalakal, aktibistang pulitikal, organisadong manggagawa, magsasaka o maralitang tagalunsod, taong Simbahan, mag-aaral; bata o matanda, mayaman o mahirap—ay tinakot, ikinulong, idinukot, pinahirapan o pinatay nang walang paglilitis. Hinding-hindi namin kalilimutan ang mga kalapastanganang ginawa ng rehimeng Marcos, at muli naming hinihingi na maiharap sa hustisya ang mga gumawa ng ganitong krimen. Inuulit din namin ang aming paninindigan na dapat ay walang-tigil na habulin at bawiin ng pamahalaan ang lahat ng nakaw na yamang nakamal ng pamilyang Marcos at ng kanilang mga kasabwat. Higit pa rito, ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya ay dapat mabigyan ng katarungan at buong kabayaran. Anumang hamon na magkaisa, lalo na mula sa mga tagapagmana ng rehimeng Marcos na matinding pinagwatak-watak ang bansa, ay walang laman at walang kahulugan kung hindi naitataguyod ang katotohanan at katarungan. Pinagtitibay namin ang aming pangako, bilang mga guro at tagahubog, na laging ituro ang katotohanan. Aming ipapaalala na ang panahon ng diktaduryang Marcos ang isa sa pinakamadilim na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Muli naming pinagtitibay ang aming pananagutan bilang mga guro at prupesyunal na panatilihing buhay ang diwa ng EDSA 1986 sa pamamagitan ng pagpapamalay sa kabataan na ang mga istruktura, gawain at ideya—kabilang na ang napakaraming kasinungalingan— na nagpahintulot sa administrasyong Marcos na ipataw at igiit nang matagalan ang sarili nito, ay dapat buwagin at hindi na muling payagang yumabong. Kasabay nito, kikilos kami para matupad ang pangarap ng EDSA para sa higit na makatarungan at demokratikong lipunan. Tinatanggihan namin ang argumentong hindi “uubra” ang demokrasya sa Pilipinas at tanging isang diktadurya, mapagkalinga man o hindi, ang makapaghahatid sa ating bansa sa kasaganaan. Sa halip, dapat nating isulong at pagyamanin ang kakayahan sa demokrasya ng ating mga mamamayan at institusyon upang umunlad tayo bilang isang bansa. Kahit patuloy na umiiral ang di-pagkakapantay- pantay at kawalang-katarungan, naniniwala kami na ang kalutasan ng mga suliraning ito ay nakasalalay sa pagpapalalim ng ating mga demokratikong institusyon at gawain, pagpapalakas sa mga naisasantabi, at pagtitiyak na may pananagutan ang ating mga pinuno at ang ating sarili. Kinukundena namin, nang buong tindi at igting, ang pagtatangka ng ilang tao at lalo na ng mga lingkod-bayan, na linisin ang walang-pakundangang paglabag sa karapatang pantao ng rehimeng Marcos at ang pagbabaluktot nito sa rekord nito sa pulitika at ekonomiya. Hinahamon namin ang lahat nating pulitiko, lalo na ang mga tumatakbo sa pambansa at lokal na eleksyon ngayong 2016, na malinaw na manindigan tungkol sa mga pang-aabuso ng diktaduryang Marcos. Hinahamon namin sila na sumama sa tawag naming hinding-hindi na muling pahintulutan na magkaugat ang mga binhi ng paniniil sa ating lipunan. Hinihingi namin na ang lahat ng tuwiran o di-tuwirang nakilahok at nanagana sa rehimen ay humingi ng paumanhin at, kung kinakailangan, pagbayaran ang kanilang papel sa rehimen o ang kanilang pagtataguyod nito. At pang-huli, tinatanggihan namin ang anumang pagtatangka na ilibing bilang bayani si Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Nanunumpa kami bilang mga guro at tagahubog na ipagpatuloy ang paglalahad ng mga kuwento ng karahasan at kabulukan ng pamilya, rehimen at matatalik na kasabwat ng mga Marcos. Hinahangad naming panatilihing buhay ang mga simulain at kabayanihan ng maraming matapang na Pilipino na lumaban sa rehimen. Habang patuloy naming ginugunita at ibinabahagi ang mga kuwentong ito, naniniwala kami na ang mga darating na henerasyon ng Pilipino ay matututo sa mga aral ng mga taon ng pakikibaka na nagbunga ng pagpapatalsik sa diktadurya noong mga makasaysayang araw ng People Power Revolution noong 1986. Ipinangangalandakan at ikinakalat ng mga loyalista at tagapagbaluktot ng mga Marcos na “nabigo” ang People Power Revolution. Matindi naming tinututulan ang ganito. Tunay na pagbabalikwas ng madla at tagumpay laban sa diktadurya ang People Power Revolution. Gayunpaman, hindi pa tapos ang rebolusyon. Ang kabuuan ng demokratisasyon, lalo na ang paglikha ng kaayusang panlipunan na gumagalang sa dignidad ng lahat ng mga Pilipino, ay dapat pang matupad. Pananagutan natin bilang sambayanan na ipagpatuloy at buuin ang pakikibakang hindi pa natatapos. Dapat tayong magsimula sa katotohanan. Ginoong Marcos, mga pinunong tapat sa katotohanan ng kasaysayan ang siyang kailangan ng taong bayan ngayon! Ang nakalagdang 534, 7 Marso 2016, 12 p.m., 1. Fr. Karel S. San Juan, SJ, Member, Board of Trustees; President, Ateneo de Zamboanga 2. Fr. Joel E. Tabora, SJ, President, Ateneo de Davao 3. Fr. Jose Ramon T. Villarin, SJ, Member, Board of Trustees; President, Ateneo de Manila 4. Fr. Primitivo E. Viray, SJ, Member, Board of Trustees; President, Ateneo de Naga 5. Fr. Roberto C. Yap, SJ, Member, Board of Trustees; President, Xavier University/Ateneo de Cagayan 6. Mercedes R. Abad, Trustee, Jesuit Communications Foundation 7. Miguel Karlo L. Abadines, Political Officer, Simbahang Lingkod ng Bayan 8. Carmel V. Abao, Ph.D. cand., Instructor, Department of Political Science 9. Hubert James P. Abergos, Head - Facilities and Physical Resources, Ateneo Professional Schools 10. Alva Q. Aberin, Ph.D., Assistant Professor, Department of Mathematics 11. Alexis A. L. Abola, M.A., Assistant Professor, Department of English 12. Hilda Kapauan Abola, Administrative Officer, Office of the President 13. Isabella Louise A. Abustan, Research Assistant, Institute of Philippine Culture 14. Joy G. Aceron, M.P.A., Project Director, Political Democracy and Reforms, Ateneo School of Government 15. Maria Virginia Acevedo, Director, Loyola Schools Bookstore 16. Christopher Ryan I. Adalem, Project Officer, Ateneo Center for Educational Development 17. John Glenn C. Advincula, M.A. cand, Formator, Office of Student Activities 18. Leslie V. Advincula-Lopez, Ph.D. cand., Research Associate, Institute Of Philippine Culture 19. Joaquin Julian B. Agtarap, M.B.A., Registrar, Loyola Schools and Professional Schools 20. Raymond B. Aguas, Ph.D., Assistant Professor, Department of Theology 21. Angela Desiree M. Aguirre, M.S., Research Associate, Institute of Philippine Culture 22. Ariel Lorenzo Jose Y. Aguirre II, M.D., M.B.A., Instructor, Department of Biology 23. Arjan P. Aguirre, M.A., Instructor, Department of Political Science 24. Roanna R. Aguirre, Assistant to the Associate Dean for Student and Administrative Services, Loyola Schools 25. Roy Tristan B. Agustin III, M.A. cand., Assistant Instructor, Department of English 26. Niña Ann S. Ajon, M.A., Faculty, Ateneo de Manila Grade School 27. Andrew Albert J. Ty, M.A., Instructor, Department of Communication 28. Fernando T. Aldaba, Ph.D., Dean, School of Social Sciences, Loyola Schools 29. Anna Marie V. Alhambra, Research Assistant, John J. Carroll Institute on Church and Social Issues 30. Ma. Cristina M. Alikpala, M.A., Lecturer, Department of Economics 31. Mayo Almeda-Benito, M.B.A., Assistant to the Dean, Ateneo School of Medicine and Public Health 32. Josephine D. Alonzo, Office of Guidance and Counseling, Loyola Schools 33. Xavier C. Alpasa, S.J., M.A., Executive Director, Simbahang Lingkod ng Bayan 34. Suzanne Alvarez, Head, Campus Ministry Office 35. Ophalle Alzona-Pornela, Assistant to the Associate Dean for Student Formation, Loyola Schools 36. Takahiro Kenjie C. Aman, J.D., Lecturer, Ateneo de Manila School of Law 37. Helen U. Amante, Ph.D. cand., Faculty, Ateneo de Manila Grade School 38. Anna Christine M. Amarra, M.S., End User Computing Manager, IT Resource Management Office 39. Dianne Amigable, Project Staff,