pambubuliglig mga tula ng pagkampay at pagsisid

emmanuel villajuan dumlao

Dagli akong tumigil at nag-ala tuod

Isang umaga nangabute kami ni Manong sa bangkagan.

DzMagdala ka ng patpat,dz mahigpit niyang tagubilin.

Habang naglalakad, hampasin ko raw ang magkabilang panig ng dadaanan naming damuhan para matakot ang mga ahas.

Pero kung mayroon kaming masabat pumrente lamang daw ako at huwag magulat at tiyak na ahas ang masisindak.

Pagdating sa kulumpon ng kawayan, inginuso ko sa kanya ang isang tudtud Ȃ gabulateng ahas, pakendeng-kendeng na gumagapang sa silong ng Pukinggang1 Dagli akong tumigil at nag-ala tuod.

Nang lingunin ko si Manong singlaki na lamang siya ng kabute, kumakaripas sa halip na pumrente.

1 (clitoria racemosa) ligaw na halamang baging, kulay biyoleta at korteng pekpek ang bulaklak Kahit anag-ag na lamang ng dapit-hapon (kay ǮTang alyong, bayani ng Pantabangan)

Dinidilaan na ng alon ang balkon ng iyong bahay; ngunit haliging bato kang hindi natigatig, nakatunghay sa tubig na sumasakmal sa bukiring umaruga sa iyong araroǯt tirador.

Tila litrato ng yumaong kabiyak, hinaplos ng iyong mga mata ang bawat burol, bawat bubong, bawat sanga na hindi pa nilalamon ng tubig-dam. Ay! sinong nakaunawa sa luhang namaybay sa kulay lupa mong pisngi?

DzNababaliw na ang matanda,dz

Paismid na wika ng mga kababayan mong ang tinig ng pag-aklas agad pinaos ng pilak.

Para sa kanila, singsalimuot ng nilalala mong bilao at buslo ang pagtanggi mong lisanin ang bayang iyong sinilangan, sukdulang ikapigtas ng nagninisnis nang hibla ng iyong hininga.

Walang tambol ang iyong pagtutol ngunit yumanig sa aking dibdib ang alingawngaw ng iyong tinig.

Mandirigma kang hindi nasindak kahit sumuko na ang iyong pinuno, kahit nabihag na ang iyong mga kasama.

Kahit anag-ag na lamang ng dapit-hapon ang nalalabi mong tanglaw. Kahit tatlumpong taon nang nakalibing

Sa bawat pagbabalik, pinapagpag ko ang alikabok binabakbak ko ang putik, iginagadgad sa nakabaligatad na mga tansang pinagdikit-dikit ang pagal kong sapatos.

Pagkatapos ay sasalampak ako sa kawayang sahig ng aming balkon.

Oo, sa panahon ng pagkabalisa, ng pagkabagot, ng pangungulila, may pamawing-hapdi ang pag-uwi; may pamukaw-galak ang pagbabalik.

Kahit limot na ng lumot at mga alon ang aking bayan, ang aking tahanan.

Kahit tatlumpong taon nang nakalibing sa luha at tubig-dam ang Pantabangan. Bisukol2 at ispeling

Tuwing hapon pagkagaling ko sa eskwela lumulusong kami ni Ingkong sa Nabao para mamulot ng bisukol. Hindi maglilipat-minuto at mapupuno ang dala naming bakol.

Matapos ibukod ni Ingkong ang pang-ulam namin sa hapunan, aataduhin niya sa mga platong lusa ang mga bisukol; buong ingat na aayusin sa bilaong magmimistulang pumpon ng itim na kampupot, bilaong susunungin koǯt ilibot sa buong bayan.

Isang hapon, habang pumapalakat ako nang pakanta, pinapanpanan ko ng aking mga siko ang aking mukha upang salagin ang mga sibat ng ngisiǯt titig ng aking mga kaeskwela.

Kung puwede lamang maging singtahimik ng kuhol. Pero kailangan kong sumigaw: DzBisukol, bisukol kayo diyaaaandz

Kaya malayo pa ako, alam na nila kung saan ako tatambangan. At muli, sinundan ako ng walang katapusang tawanan at alingawngaw: DzBISUKOOOL, BISUKOOOL, BISUKOOOLdz!

Ganito pa rin ang nangyari kahit nangako silang hindi na nila ako tutuksuhin matapos ko silang pakopyahin ng ispeling ng facade at Mississippi.

2 kuhol May tanghali kayang sa saplok ng alon ay magbabalikwas (sa mga kabataan ng Pantabangan)

Nilamon na ng mga alon ang malawak na kaparangan Ȃ ang larangan na nagpatibay sa ating mga murang tuhod, napugnaw na ang mga hamog na yumayakap sa damuhang sa ating mga talampakaǯy kumikiliti, pumupupog.

Malamig na at nilulumot ang naulilang mga patpat na ipinangtutugis natin sa mga tutubi't tipaklong, wala nang bagting ng sapot na sa kadawaga'y nagsalabat Ȃ krokis na tagapagturo sa mga gagambang nagkakanlong.

Nagsitakas na sa pandinig matitinis na hagikhikang kalaro ng tulirong isip at kasiping ng pagal na dibdib, wala nang makikipagsayaw sa tanglaw ng bitui't buwan wala na, wala nang iindak sa tugtog ng mga kuliglig.

Ay! sa paglabusaw na ito sa halumigmig ng pangarap, may umaga kayang sa saplok ng alon ay magbabalikwas? Pantabangan Dam

Isang dambuhalang dahumpalay Ȃ lumilingkis sa burol, bukid at gubat na kumalong sa ating mga pangarap at katawang gusgusiǯt sugatan.

Kaliskis ang mga munting along yumasa sa hitik-sa-hamog na lambat ng mga sapot-gagambang nakalatag sa parang ng ating mga sipol.

Ngunit patuloy na umaangil sa ating mga mata, dibdib at utak angaw na saranggolang nagpapasulak ng daluyong sa dam na kumitil

Sa ating paglulaǯt paninimbang sa timbulan ng kawalang-muwang. Sana singtaas ng mandala ang mga butil

Tilyadora ang kapiling namin ni Inang tuwing bakasyon.

Sa tabi nito, naglalatag kami ng tarapal na gawa sa pinagtagpi-tagping sako.

Habang ang mga luray na uhay ay humahangos paimbulog, umiindak sa hangin pababa, at nagiging mandala; parang pulubi kaming nakasahod ang palad, sinasambot ang mga mumong tumatalsik mula sa bumubugang tumbong ng tilyadora.

At habang gumuguhit sa aking leeg ang alikabok at gilik, walang patlang ang aking pag-asam:

Maging singtaas sana ng mandala ang mga butil na pumapatak sa aming tarapal, sa aming palad. Tuko akong gutay ang tuhod

Binubudburan namin ng abo ang kalsada upang iguhit ang hanggahan ng mga kampo at ang larangan ng aming gera.

Sino mang mataga ng palad sa labanang ito ay magiging bihag; pero hindi puwedeng tagain ang kawal na nakakapit sa bakod na himpilan ng kaniyang pangkat.

Tuko akong bantay-bakod, minsan-minsang nangangahas na lumapit sa guhit ngunit iglap ding babalik.

Ikakatuwirang babantayan ko na lamang ang mga bihag na kaagad namang napapalaya ng mga kalaban na ipinanganak yatang may imbisibol na pakpak!

Madalas akong mataga at mabihag at natatapos ang gerang hindi ako naililigtas Ȃ tuwing tatangkain akong isalba ng katropa hindi kami makalusot kahit sa lampang tanod Ȃ

Tuko akong gutay ang tuhod. Mam me ay gu awt

Nang himasin ng hari ng row por na si Anton ang kaniyang tainga, agad ikinaluskos ng mga lalaki sa klase ang pagbubulakbol.

Isa-isa naming iniwan ang mga des na nanggigitata sa pawis Ȃ habang may gumagapang patakas, nagkakandabulol naman ang iba sa pagma-mam me ay gu awt.

Parang mga kabayo kaming lumikwad sa kabila ng naaagnas na pader ng iskul. Nagkarera kami sa paghuhuboǯt hubad at paglabusaw sa mga sanga at ulap na sapo ng naghihintay na ilog.

Hindi namin alintana ang bukas, kahit alam naming muling lalapnusin ng tila papel de-lihang daliri ni mam ang mga tainga naming burdado ng banil. Nambubulaga na ang mga bulalakaw

Tuwing gapasan, sinusuyod namin ni Inang ang mga pinitak na dinaanan ng mga manggagapas.

Kilik ni Inang ang kaniyang bakol, nakasakbat naman sa aking baywang ang maliit na buslong gawa sa sako.

Sinusuklay ng aming mga daliri ang mga bumagsak na uhay na may nakakapit pang mga butil; mga uhay na nakaligtas sa ngipin ng gapas; mga uhay na sadyang iniwan ng manggagapas para sa tulad ni Inang na walang sariling saka.

Mga manok kaming bihasa sa pagkahig at pagtuka ng mga butil na humalik sa lupa.

Magsisimula kaming singnipis pa lamang ng uhay ang guhit ng liwanag sa tuktok ng burol; matatapos kaming nambubulaga na ang mga bulalakaw. Sulyap sa bayang nilamon ng alon

Bakasyon noon, may mga sugong dumating sa bahay mula sa Malakaniyang. Ginusot ng isa sa kanila ang aking buhok, at kinamayan nila si Tatang at si Inang

Hibla ng ginto ang kanilang laway at pangako Ȃ Namilog ang mata ni Tatang, Natunaw ang puso ni Inang

Mula noon, umukyabit na sa hangin, at naging bulaklak ng bawat umpukan ang papuri sa bayang handa raw lunurin ang sarili, makahinga lamang nang maginhawa ang mas nakararami.

Umatungal ang mga makina, nagtugisan ang mga higanteng trak, binungkal ang kalsada at kinutkot ang ilog, ibinulagta ng mga umaangil na lagare ang mga mangga at santol, sinuwag ng buldoser ang mga bakod at pader.

Tinibag ang mga nitso, hinalungkat ang mga kalansay at inilipat sa mga kahong playwud.

Tila sawang gumapang ang tubig-dam. Sinagpang ang mga pampang, nilingkis ang mga bakuran at bukirin, ang mga gulod at gilid ng ilog. ang bawat burol, bundok, bangin.

Kumislap ang pangarap sa palatak at sulyap ni Tatang at ni Inang.

Habang ako at si Manong nakamasid sa pagsinghap ng mga kalsadang pumasan sa aming pangarap, nangingilid ang luhang nakatunghay sa pagkagunaw ng aming mga halakhak. Singit na nilapnos ng pinong kurot

Super-bagyo raw ang darating kaya pinulak ang matandang puno ng Kamatsile sa sentro ng bayan para hindi makadagan ng tao o bahay.

Namumutiktik sa bunga ang nasabing puno, kaya sumabo ang mga tao noong umagang iyon. Hindi nila alintana ang mga tinik na kumakalmot sa kanilang mga balat

May nagkakaumpugan, may napapasubasob, may naghahablutan habang may sunong na bakol, o kilik na palanggana, o bitbit na bayong, o hilang sako.

Pinabantayan sa akin ni Inang ang isang palangganitang umaapaw sa mga kamatsileng busaksak3 Ȃ manilaw-nilaw, mamula-mula, nakasungaw ang ga-pundakol4 na laman.

Nakipaggitgitan si Inang sa kulumpon ng mga katawang tila mga uod na nag-uumbangan.

Mayamaya, isang ga-dangkal na kamatsile ang tumalsik at sumabit sa bakod, mga dalawang dipa mula sa aking kinauupuan.

Saglit ko itong dinagit, iglap lang akong nalingat pagbalik koǯy wala na ni bakas ng binabantayan kong palangganita!

Sabi ni Ingkong, kung sino raw sa aking mga kalaro kinabukasan ang may pinakamakapal na kupal, siya ang aking singilin sa singit kong nilapnos ng pinong kurot ni Inang.

3 salitang Pantabangan na ang ibig sabihi¶y namumutok sa kahinugan. 4 salitang Pantabangan sa hinlalake Sumaliw, magpasaklaw sa panambitan

1. Sa muling paghalik ng aking talampakan sa landas-paang kaytagal kong hindi nakaulayaw, isa-isang gumising ang mga sandaling walang sinisinong wakas.

Muli akong lumulan sa mabining alon ng dilaw-lunting dagat ng uhay. Muli kong sinuong ang sinapupunang kumupkop sa aking kamusmusan Ȃ ang duyan ng mga pasusuhing pangarap, ang pandayan ng bubot kong isip, bisig, at tuhod.

Muli akong nagtampisaw sa ilog na nag-ingat ng aking inunan, nagbanlaw sa dugo ng aking sugat-paglaya sa kawalang-muwang.

Ginalugad ko ang mga pilapil ng pakikipagtudyuan sa mga tutubiǯt tipaklong; ang mga pinitak ng pagtugaygay sa mga hito at dalag; ang mga mandala ng paslit na hagikhikan; ang mga tumana ng pang-uumit at mga dalisdis ng pagsusundalu-sundaluhan; ang mga silong-mangga ng pagbabahay-bahayan; ang mga burol ng pakikipag-agawan ng Duhat at Ayusep; ang mga punso at kakawayanang kuta ng mga kapre, tiyanak, tikbalang.

Muli akong naligo sa gilik na iniluluwa ng mga higanteng tilyadora.

At bumalikwas sa aking dibdib ang matalim na itak ni Tatang, ang kaniyang araro kareta kariton patuki paragus suyod asad bakol bilao buklot lusong lilik.

2. Ngunit nagbago na ang panahon. Tama ang isinasaad ng mga bandila't kamao sa mga pabrika't lansangan ng lungsod. Iba ang tanawing nasasaksihan ko ngayon.

Hindi ito ang bukid ng aking kawalang-malay. Wala na ang mga tutubi't tipaklong. Wala na ang mga hito at dalag. Wala na ang mga kuliglig. Wala na ang hagikhikan ng mga paslit.

Luksang kalansay ng mga dampa ang nakatirik. Sangsang ng pulbura at lansa ng dugo ang samyo ng hangin. Bomba't bala ang nakapunla sa mga pinitak.

Wala na ang talampas ng tuwa. Wala na ang ilog na mapag-aruga.

Ngunit walang patid sa pagpintig sa aking puso ang dagundong ng kanilang dibdib.

Ay! ano pa kaya ang hihigit sa dahilan nitong aking pagbabalik? 3. Naiinggit ako sa inyo mga kasama, mga dating kalaro.

Kaygagaan ng inyong mga hakbang. Hindi ninyo iniinda ang hiwa ng talahib at kalmot ng mga bato at tinik.

A, pasasaan ba't liliksi rin itong mga paa, tatalas din itong paningin at pandama, lalo na sa mga gabi ng pagmamatyag at paglusob sa mga berdugo. Dama ko, ito pa rin, ito pa rin ang ilog na humilod ng ating libag at libog, ito pa rin, ito pa rin ang bukid na bumanat sa ating litid at likod.

Ngunit iba ang layon natin ngayon.

Narito tayo hindi upang muling yakapin ang layaw ng kawalang-malay, hindi upang muling bihagin ang kislap ng bituiǯt buwan.

Narito tayo upang sumaliw, magpasaklaw sa panambitan ng mga talang tumatanglaw sa mapagpalang kabundukan. Anong bukas kaya ang mapamumukadkad

Sinasaksak ng liwanag-bombilya ang aking mata Tuwing kumikislap sa puso ang mga alitaptap at pasusuhing mithi na itinaboy at sukat ng tinatanuran ko ngayong dayong pabrika.

Oo, tanod din ako noon sa lupang ito sandata koǯy tirador, tinutugis mga uwak at dagang sa butil lagi nang ngumangatngat; ngayon, bantay akong itinataboy ay tao.

Kapag nabubunggo ng nangangapang paningin pader, tsimni, usok at basurang bumubulwak sa tumbong ng pabrika, sa muniǯy sumisiklab ang mainit na dibdib ng nag-iwing bukirin:

Ang gusaling ito ay dating kakawayanang sumaksi sa tilamsik ng panganay na dagta, nagkaloob ng papag sa milyong pulot-gataǯt kumanlong sa supling ng pakikipagsuyuan.

Ang pusaling iyan ay dating mayuming batis sa gurlis-kamusmusaǯy epektibong panghaplos; at kapag dusang-pusoǯy masidhi ang pag-ulos lana itong pamahid sa galis ng hinagpis.

Dinig ko pa ang kalansing ng pangakong humablot sa kalag ng aming komunidad; sa altar ng pagtuwad sa kaunlarang hungkag ihinandog sa dolyar ang lupaing ninuno.

Nangingilo pa ako sa gaspang ng buhanging nilubid at ipinambigti sa dugo at palahaw ng mga obrerong nginasab ng makinang huklubaǯt hikain naǯy ayaw pang dispatsahin.

Sariwa pa sa gunita ang anak kong si Lina Ilinuwa ng makinang ang tanging mababakas na mapagkikilanlaǯy ang suot na pulseras Ȃ ulilang alaala ng yumao niyang ina. Ay! anong bukas kaya ang mapamumukadkad ng isang pag-unlad na bumabansot sa butil nitong buhay? Kaunlaran ba yaong pagkitil sa daluyang-hininga ng mga kapos-palad?

Hindi ba dapat lamang na akin nang silaban ang pabrikang ito na sa akiǯy kumukuba? magkaroon man lamang ng silbi aking pagtanda at magwakas na itong dustang paninilbihan? Awit ng magsisibuyas

Tusok, tundos, tabon. Atras, atras, atras Kalong ng sibuyas ang saganang bukas Tusok, tundos, tabon. Atras, atras, atras.

Huwag pakalalim nang hindi palito Ang ating anihin. Huwag pakababaw Nang hindi Mabolo ang ating mahukay.

Simbilis ng pulso, itusok ang asad5 Singtulin ng kisap, humakbang paatras Nang hindi maiwaǯt mapagsalikupan.

Tusok, tundos, tabon. Iimbay, igiling Kalawanging braso, tuhod at baywang Nang hindi mabuskang Dzmatandang hukluban.dz

Bilis, bilis, bilis! Ay, saan susuling? Punla sa kaliwa, punla rin sa kanan Punla sa likuran, punla kahit saan.

Tusok, tundos, tabon. Mutya ng pinitak Bakit naging tuod? Hakbang, dahan-dahan Baka madapurak sibuyas ng buhay.

Kalong ng sibuyas ang saganang bukas Tusok, tundos, tabon. Atras, atras, atras Kalong ng sibuyas ang ating pangarap.

5 pantanim ng sibuyas, puwedeng kutsilyo o pinatulis na sanga ng kahoy Barat na bunganga

Ginising ng aking araro ang nahihimbing na lupa.

Tumingala sa langit ang mga tiningkal Ȃ tila iniaalay ang sarili sa isang ritwal.

Mga tiningkal: muliǯt muling hahaplusin ng suyod, yayakapin ng paragus, hahalikan ng asad6, dadantayan ng ilog.

Mga tiningkal: muling magluluwal ng sibuyas na magpapasigla ng kalan at dulang.

Ngunit hindi sa palad kong nagpagal sa lupa uuwi ang biyaya; kundi sa naglilitanya ng tubong talsik-laway at barat na bunganga.

6 pantanim ng sibuyas, puwedeng kutsilyo o pinatulis na sanga ng kahoy Buliga7

Winawarat ng palakat ng buldoser ang hanging nakakumot sa paanan ng Sierra Madre.

Hindi magkandaugaga mga politikoǯt negosyante, binibilang mga bituing kanilang susungkitin sa langit na hatid ng Pantabangan Dam.

Hinahaplos ni nanay Ester ng titig, ang tila luhang mga dahon ng sibuyas na iniluwal ng kaniyang pawis;

nadudurog sa kuyom niyang palad ang buligang pagkagat ng dilim sasagpangin ng tubig-dam.

7 gasuntok na lupang matigas Rotor8

Nanginig ang bundok at ilog nang ligligin ka ng rotor. Nilunod ng dagundong nito ang lahat maliban sa siyap ng iyong mga pangarap:

matutubos si Kalakyan makakapagbukas ng tindahan balik-eskwela ang mga anak.

Ngunit tulad ng dati, pagdating ng anihan butas ang iyong palad, basyo ang palabigasan.

Sinaid ng iyong utang ang katas ng sibuyas.

Lalong humigpit ang buhol ng iyong ani, pangarap, at hininga sa barat na bulsa ng kapitalistang inuutangan moǯt may-ari ng rotor.

8 makinang pandurog ng mga tiningkal Kur-it9

Singlalim ng bakas ng kur-it sa punlaan, ang mga gatla sa iyong nooǯy katumbas ng bawat pagpintog ng sibuyas, Tatang.

Ngunit sa kanya na may makinis na kutis sa kanya na may maninipis na palad sa kanya na walang ibang inaatupag kundi magkuwenta ng tubo at pautang Ȃ sa kanya nauuwi ang katas ng sibuyas.

At sa atin na inaagnas ng pestisidyo at pataba ang talampakan at palad, ang nalalabi ay gulanit na kubo at mga panghal10 na tiningkal.

9 manipis na kahoy o metal na pinangguguhit sa pagitan ng mga punla para pagbudburan ng pataba o binhi ng sibuyas. 10 tigang Muling sisipol ang mga takure

Anihan.

nagsalimbayan sa himpapawid ang mensahe ng mga diyos:

Dzbaratin ang cbuyas.dz

Umalingawngaw ito sa bawat sulok ng kanilang mga altar Ȃ Divisoria, Cabanatuan, San Jose at maging sa Visayas at Mindanaw.

Ngunit walang patid sa paniniktik ang pinitak. Nagtipon ang mga magsisibuyas upang isagawa ang kanilang balak laban sa mga diyos.

Bagong bukad silang bulaklak na ang polen ay isinaburayray11 ng amihan sa bawat pinitak, bawat pilapil, bawat putog12, bawat tibag, bawat bangkagan13;

sa mga gilid ng daan, sa mga bakuran, sa mga opisina, eskuwelahan, simbahan, palengke Ȃ

sa buong Pantabangan.

Umalimbukay ang alikabok sa pagdating ng mga diyos. Muli nilang babaratin ani ng Abuyo14 Ȃ primera klaseng sibuyas: mabilog, pulang pula at makinang ang balat, malutong at siksik ang mga talukap.

11 isinabog 12 burol 13 tumana 14 bahagi ng mga bukiring pinalubog ng Pantabangan dam. Ginagawa itong taniman ng sibuyas kapag lumiliit ang tubig-dam. Dzttba na nmn tyo.dz

Paniniyak ng mga diyos.

Ngunit binulaga sila ng isang pasalungat na prusisyon: mga buriki ng sibuyas na nakalulan sa patuki, kareta, kariton, traktora, jipni, wipon, siksbay;

mga buriki ng sibuyas na pasan, sunong, bitbit, kipkip ng mga bata, matanda, babae, lalaki, lesbian, bakla;

mga buriki ng sibuyas na nakapingka sa likod kambing, kalabaw, baka.

At habang tuod na nakatunganga sa pagkamangha ang mga diyos,

unti-unting naging kagampan sa sibuyas ang buong Pantabangan. Ginawang hayangan ang silid-aralan at pasilyo ng mga eskwelahan, ang balkonahe at session hall ng munisipyo; ang mga health center, day care center, at barangay hall; ang mga pasilyo ng simbahan at kumbento; ang mga sala, kuwarto, kusina, banggerahan, batalan, balkon, at bubong ng bawat bahay. anihan:

muling sisipol ang aming mga takure at gagalakgak ang aming mga kalan.at dulang. Pabalik-balik na pangitain

Punlaan: muling isinuga ni Mr. Yap sa kaniyang pitaka ang kapalaran ni nanay Ester at ng dalawa nitong anak.

Anihan: muling mamumuwalan sa tubo ang pitaka ni Mr. Yap habang binubusbos naman ng utang ang palabigasan nina nanay Ester.

Kagabi habang pinaghahalinhan nila ng kaniyang panganay ang paglalagay ng basang bimpo sa noo ng kaniyang bunso, humugis sa gunam ni nanay Ester ang dating malabo ngunit pabalik-balik na pangitain:

Isang Mr. Yap ang nakabulagta sa nakasambulat na sibuyas

nakasalaksak sa kaniyang lalamunan ang isang sugatang asad15.

15 pantanim ng sibuyas na gawa sa pinatulis na sanga ng matigas na kahoy. Payapang pilapil

Payapang pilapil, kimkim mo ang agunyas ng palad na isinumpa Ȃ dantaong pagbuntot sa kalabaw at pag-ani ng ipa at tulyapis, dantaong pagkayod sa kusina ng poong sa lupa ay kumamkam.

Pasan mo ang isang sumpa Ȃ huling hantungan ka ng pulsong napigtas, balikat kang sumapo sa bangas na bungo ng isang panginoon, nang taimtim na iukit sa iyong dibdib ng mga palad na sa iyoǯy lumikha, ang hanggang-guhit ng paninikluhod. Sa pagpapala ng IMF-WB

Muling nagbeso-beso ang mga kopita.

Ipinagdiwang ng mga negosyanteǯt politiko ang nakikinita nilang tagumpay ng isang dakilang plano: proyektong titighaw daw sa uhaw ng mga tayantang na bukirin, at tatanglaw daw sa pusikit na mga sulok ng Gitnang Luson.

Idinuyan ng katiyakan ang mga henyo ng pag-unlad Ȃ ilang bungkos lamang ng dinamita at muli silang makapagtutundos ng isang magmamapuring karatula sa maluluray na paanan ng Sierra Madre:

Kaunlarang Pinondohan ng IMF-WB

Ngunit nakaukyabit pa sa hangin ang palahaw ng kalapit-bukiring tinarakan ng gayong panlilinlang.

Kaya walang mapapuputok kahit isang dinamita;

kung mayroon man, kailangan munang sumambulat ang magkakasalikop na mga hininga at bisig

naming mga iniluluwal at tagapagluwal ng biyaya ng lupa. Laking gulat ng barat

Binusiksik ni Mr. Suwitik ang laman ng mga buriki; ibinukod ang mga rejek16 ayon sa sipat at panlasa ng sulipat niyang mata.

Gumaan nang todo ang ani ni Mang Berto.

Bago bitiwan ang bayad negosyante ay humirit: itawad na lang daw ang kaniyang nirejek.

Buntis noon ang ulap at walang laban sa ulan ang sibuyas na kayselan.

Kaya tiyak si Mr. Suwitik na hinding hindi tatanggi ang probinsiyanong pobre.

Pero laking gulat ng barat Ȃ tumalikod si Mang Berto, ikinarga sa kariton at tinalukbungan ng tarapal ang kaniyang sibuyas

At pinitik si Kalakyan pauwi.

16 reject, tawag sa mga sibuyas na bagsak sa quality control. Halimbawa nito ang pikils- sobrang liit; bulugan- parihaba o hugis-titi; obersays-halos gasuntok ang laki; burlis- walang balat. Tagibang na timbangan

Mula sa pagbubudbod ng binhi hanggang sa pagsisilid sa buriki, inaruga namin ni Inang ang bawat sibuyas;

pero sa bodega ng kapitalista, parang grabang isinaburayray17 sa semento ang aming ani.

Hinalukay, iwinasit18 ang mga pikils, bulugan, obersays, at burlis19 na isiningit daw namin sa mga gud20.

Tila hinigop ng tagibang na timbangan ang humumpak naming mga buriki.

Nanikip ang aking lalamunan, Kumalog ang aking tuhod Ȃ

Ibig sumirit ng dugo sa mga daliri ni Inang; halos madurog sa kaniyang palad ang puluhan ng sakbat niyang itak.

17 ikinalat 18 pabalagbag na iniitsa sa tabi 19 pikils-maliit na sibuyas; bulugan-sibuyas na parihaba o hugis-titi; obersays-malalaking sibuyas; burlis- sibuyas na walang balat. reject ang generic na tawag sa mga ito. 20 mula sa Ingles na good, sibuyas na katamtaman ang laki; klase ng sibuyas na hinahanap ng mamimili. Yakap at yapak ng yumaong kabiyak

Isinandal ni nanay Crisanta ang araro at pagal na katawan, pinangko ang kaniyang likod ng kubong kumukupkop sa kaniyang pangungulilaǯt himutok.

Hinaplos ng kaniyang mata ang prusisyon ng mga tiningkal, nangakatingalang tila iniaalay ang sarili sa isang ritwalǥ.

Ilang sudsod pa ng suyod, ilang pasada pa ng paragus, ilang oras pa ng pagpapayok21 at nadurog ang mga tiningkal; nabunot, nalagot ang mga ugat Ȃ humandusay ang kahuli-hulihang mutha.

Nag-aanyaya ng pagtundos ang buhaghag at mamasa-masang lupa;

Muling nasamyo ni nanay Crisanta sa maligamgam na simoy ng pinitak ang yakap at yapak ng yumaong kabiyak.

21 pagtatrabaho nang mag-isa. may konotasyon ng tiyaga at determinasyon Awa ng kapitbahay

Wala kaming bigas noon, wala ni asin;

Pero hinugasan pa rin ni Inang ang malinis na naming kaldero.

Napansin kong mas madiin ang tila walang direksyong pagkaskas niya ng abo sa paligid nito Ȃ nakatutulig ang taginting na nagtatagisang takip at bunganga ng kalderong sinadya yata niyang pag-umpugin.

Mayamayaǯy inutusan ako ni inang na humingi ng kapirasong dupungan sa hindi niya kakibuang kapitbahay. (Gayong meron naman kaming posporo.)

Wala kaming bigas noon, wala ni asin pero nagparingas pa rin ng kalan si Inang.

Dati sa isang ihip lamang niya, maririnig ko na ang hagikhik ng apoy; pero noong araw na iyon wala akong nasilip ni katiting na baga, kahit sinusuob na ng usok ang bawat sulok ng aming kubo. (at bakit nga ba sariwang dahoǯt sanga ng madre cacao ang ipinanggatong niya?).

Saka ko na lamang malalaman kung bakit ginawa iyon ni inang Ȃ upang salagin ang sagpang ng mas mabagsik pa kaysa gutom na awa ng aming kapitbahay. Atungal ng elepante

Parang atungal ng elepante di ba Ǯtay? tanong ng aking anak, isang hapong nakakalumbaba niyang pinanonood sa bintana ng inuupahan naming kuwarto, ang abuhing posteng-usok na iniluluwa ng isang di-kalayuang pabrika ng plastik.

Tanong itong dumamba sa sinapupunan ng aking utak na agad namang nagluwal ng panibagong palaisipan: wala na bang katuparan ang paulit-ulit na mga pangako ng pag-unlad? Edukador ako ng karapatang pantao; gusto kong damhin sa mga mata ng aking anak ang liyab ng binibigkas kong mga tungkol sa bagong kaayusang kikilala sa pagkatao ng bawat tao. Gusto kong apuhapin sa kaniyang kawalang-muwang ang timyas ng huklubang pangako: daigdig na malaya sa pangamba at pangangailangan.

Samantala, batid kong sa malaoǯt madaliǯy makakasalamuha na rin niya ang pagdarahop na nasasalag pa ng kayod-makinang trabaho namin ng kaniyang ina; madarama na rin niya ang mga impit na sigok na nagkukubli sa likod ng aming mga ngiti. Makakadaupang-palad na rin niya ang dapithapon ng pribelihiyo ng kaniyang kamusmusan, at pakikipagpiko sa mga elepante ng kaniyang imahinasyon. Paninimbang kay luntian

Mula sa madalas na pagkabyos ng iyong paa sa pedal, paggewang ng puwit sa , at pangangatal ng kamay sa handle bar; mula sa mga galos at bukol na balato ng madalas na pagsemplang; dahan-dahan mong natutuhan ang paninimbang na singgaan ng balahibo ng ibon, ang pagpadyak na singtiyak ng pagsudsod ng araro sa putik.

Natutuhan mong palayain ang iyong mata mula sa pagkapako sa ikot ng gulong, tungo sa paggalugad sa lawak ng kalsada.

Maglaho-lumitaw ka sa aking paningin Ȃ lulunukin ka ng balumbon ng mga dahon, at muli ka nilang iluluwa. Iwan-datnan mo akong nagmamasid sa mga talulot ng bulaklak na isinasaboy ng iyong halakhak.

Habang tumatahip sa tuwaǯt kaba ang aking dibdib. Parang kinukuyumos na papel

bawat tunog bawat kaluskos

ay bateryang nagpapatakbo sa aking bunso papunta sa pinto sa pagbabakasakaling iyon na ang kaniyang ina

madaling-araw na rin siyang natulog kagabi nakipagbuno sa antok sa paghihintay

sa pangako kong beybleyd

na hindi ko pa rin nabibili hangga ngayon parang kinukuyumos na papel ang aking loob habang minamasdan siyang pilit na ibinubuka

ang mata at kinakaladkad ang paa papunta sa pintong kinakalmot

ng gutom at nangungulilang pusa Santambak kay azul

Linggo ng umaga, binuklat ng boses mo ang aking mga mata, hinaplos ng iyong ngiti ang balikat kong halos malinsad sa bigat ng trabahoǯt alalahanin.

At hiniling kong tumigil ang oras, nang makapiling ko pa ang musmos na tuwa sa iyong mga pilik, at ang awit sa matabil mong dila.

Katabilang kahapon ay pinangatal at pinasigok ng galit na sumirit mula sa aking mata, bibig at kamaong madalas na hindi makakilala ng paglalambing sa iyong kakulitan.

Kung masisilo ko lamang ang araw at maiaangat ito nang mas matagal pa Ȃ

gusto ko pang makipaglaro at mang-asar at mag-sori at matulog na yakap ka; pero dama ko na ang pagaspas ng takipsilim, isinisipol na ng hangin ang pahimakas ng liwanag.

Sinusundo ng ako sa dilim. Kulubot na kamay ni Inang

Mauna na kayo busog pa ako, sabi ni Inang habang nakapamintana at nakatanaw sa malayo.

Nag-unahan ang patpat naming mga daliri sa pagkurot sa tuyo at tutong na magpapakalma sa aming tiyan sa buong magdamag.

Habang iniimis ni Inang ang dulang,

Sa sulok ng aking mata, naaninag ko ang kulubot niyang kamay, parang manok na tumutuka sa mga butil na nalaglag mula sa aming mga daliri at bibig.

Sinakal ako ng tanawing iyon Ȃ patagong isinusubo ni Inang ang mga mumong nakapuslit sa bagsik ng aming gutom. Mapapalad kayong mahihirap

Sa ilalim ng alkitrang langit bayaang yakapin kita bunso, kumutin mo ang bisig kong hapo humimlay ka sa pagal kong dibdib.

Iwaksi sa isip ang dagundong ng buldoser, angil ng de-kabra, singasing ng pako-yero-tabla. Iduduyan kita sa daluyong ng himagsik-pagibig-pagasang panangga ko sa lamig at gutom, habang kinakalag ko ang buhol ng mitong tumatabing sa mata ng mahihirap. Aking bunso kailanman hindi tayo susuko. Sugatang pag-iisa

Sapagkat sangsang ng pulburang kumitil sa maligamgam na dibdib ng iyong ina, ang sumalubong sa iyong pagsilang, pagdamutan mo bunso ang ulila kong bisig.

Bayaang aking iduyan ko Sa liyab ng pagluluksa ang iyong kawalang muwang Ȃ ang tanging balabal ko sa lamig nitong sugatang pag-iisa. Pagpatid sa lubid ng pagkaumid

Hindi mo na ako malilinlang, bumukal man ng pulot ang iyong tinig. Hindi mo na ako mapangangatal, bumuga man ng tingga ang iyong titig.

Binulabog ng bayaran mong mga berdugo ang aming piket kahapon. Pinakislap ng puluhan ng armalayt ang libong bulalakaw sa aking bungo. Hinilam ako ng aking dugo.

Sa kauna-unahang pagkakataon nakasamyo ako ng sariwang simoy. Mirasol na bumukadkad ang aking dibdib: Diktador, isa kang Diktador!

Linalagot ko ngayon ang mahabang lubid ng aking pagtango, pagyukod, at pagkaumid.

Dalawang kabilugan na ng buwan na hindi ko matitigan ang lisik ng gutom sa mga mata ng aking mga anak.

Pagot na ang tirador ng aking panganay. Hindi na siya makapag-uwi ng ibon ni daga o ahas. Wala na rin siyang mahagilap na susuhong at tipaklong.

Gayunman, hindi ako tatanghod sa mga pangako mong pilantod.

Hindi mo na ako malilinlang.

Namumugad na sa aking dibdib ang lakas na sumuhay sa mga mata ng aking asawa, noong titigan niya ang kamatayan na iniangil ng iyong baril. Astig

Dalawa pa! kilos, kilos, konting ipit,

sigaw ng ale sabay sampal sa tagiliran ng jipni.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o makukunsumi; pero astig, nagkasya

sa ga-beyntesingkong espasyo ang dalawang dambuhalang puwet na huling sumakay

bago umarangkada ang hikaing Malagueña. In god we trust

bomba sa klats padyak sa preno pihit sa manobela tulak-batak sa kambyo diin sa silinyador agwad sa saydmiror na nasagi ng nagkukumahog na pasahero nangangalambre ang tumbong sa upuang parang pugon

halos malinsad ang balikat sa pag-abot ng sukliǯt bayad habang nakikipagpatintero sa kawatang unipormado

at taimtim na nilalanghap ang utot ng sinusundang

Dzin god we trustdz Estribong hitik sa anghit

Kahapon, baradong imburnal na naman ang Quiapo.

Isang dekada na akong nakatayo nakikipaggitgitan nagpaparooǯt parito

Pitig na ang aking binti

Hindi pa rin ako makasakay, kahit sabit..

Mabuti kung hanging-pinipig ng Disyembre ang aking nalalanghap, at hindi utot ng tambutso at ng mga uod na umuumbang ng basura.

Mabuti kung eyrkon ang aking masasakyan Ȃ maginhawa akong makakaupo at makakaidlip.

Pero ang kaya ko lamang ay jipni; wala akong mapagpipilian kundi ang umukyabit sa estribong hitik sa anghit. Jack hammer

Nginasab ng takatak ng jack hammer ang lahat ng tunog, maliban sa tikatik ng kung anong sakit sa kaniyang sintido Ȃ

kumakalog ang kaniyang utak, lumuluwa ang kaniyang mga mata, singlamig ng bakal ang kaniyang pawis.

Gumigitaw ang laway sa mga sulok ng kaniyang bibig. Lumalabo umiikot lumalapit

lumalabo ang buong paligid Ȃ pansit supdrinks ngiti ng kaniyang bunso yakap ng kabiyak trumpong umikot ang lahat.

Bumulagta ang jack hammer. Bukas hindi na nito liligligin ang dating matipuno ngunit ngayoǯy lamog niyang katawan;

Bukas muli itong yayakapin ng tulad niyang gutom na mga palad

Magpapatuloy ang proyekto. Lagi akong kumokontak kay lord

Nang ako ay magkaselpon, natuto akong magdasal nang kusa at taimtim.

Wala akong pinipiling lugar Ȃ simbahan, bahay, iskul, sinehan jipni, kalye, kubeta.

Lagi akong kumokontak kay lord

kahit anong aking ginagawa Ȃ kumakain naliligo naglalakad tumatae.

Kahit natutulog.

Singgaspang na ng tuhod ng Manang sa Quiapo ang aking pundakol22 sa kapipindot sa nanlilimahid na mga butil ng aking rosaryo Ȃ masend ka masend ka plis naman god masend na sana

hay tnx

Amen.

22 salitang Pantabangan sa hinlalake Langib

makadiyos.tapat.kaibigan makamasa.lakasngbayan .

Lumalagaslas ang talulot at pulot sa entabladoǯt pulpito; ngunit singrupok ng papel ang pangako, singbagsik ng pulbura ang dalita.

Habang nagliliwaliw ang mga nagwagi sa Moro-moro, at nag-iimbak sila ng laway para sa susunod nilang palabas, wakwak pa rin ang bituka ng dukha; bigti pa rin ang tinig ng maliit.

Kaya hindi magtatagal at muling maglalangib ang garbo ng paligid, mambubuliglig ang tinakpang ligalig sa dibdib ng pader:

Isulong ang rebolusyon! Nasa lotto ang pag-asa

Hindi na siya nag-jipni; naglakad na lang papunta sa pinapasukang konstruksyon.

Nangarap ng pansit at pandesal para sa almusal, dumighay ng mithing bahay kotse diploma para sa tatlo niyang anak.

Habang naglalakad nilulurok23 niya ang bawat mabunggo ng kaniyang mata Ȃ pulis poste aso basura kanal buntis na tindera bilao, at matiyagang ikinukombina sa kung kaninong birtdey binyag kasal kamatayan libing at iba pang petsa, tunay man o bungangtulog. pagdating sa kanto, isinubo niya sa lotto ang nanlilimahid niyang sampung piso, nag-antanda at umasam, umasam, umasam.

23 pinipigurahan o matamang sinisipat, inaanalisa, pinakikiramdaman kung anong numero o mga numero ang ikinukubli ng isang bagay o pangyayari, aktwal man o panaginip. Pesteng yawa

Welcome sabi ng karatula sa entrance.

Buti na lang nakasapatos ako

Welcome sabi ng de-kurbatang agent ng Carissa Homes.

Anim na buwan na nga pala akong walang trabaho

Welcome sabi ng pinto ng Furnitureville Inc.

Bayaran na naman ng bahay sa katapusan.

Welcome ang lahat ng major credit cards sabi ng lahat ng pinto.

Pinapa-attorney na ako ng Citibank; hindi na ako nakakapaghulog kahit minimum due.

Welcome sabi ng Fun World.

Itinaboy ng sekyu ang dalawang gusgusing batang nakatunganga sa harap ng video.

Pesteng yawa! Kumulo ang dugo ko nagmadali akong lumabas.

Sabi ng karatula sa exit: Thank you come again! Sapatero

Walang daplis bawat tusok, bawat pukpok walang mintis.

Pukpok, tusok, pukpok, tusok; kahit warat nang sapatos na sa kanal ay napulot iyo pa ring naaayos.

Sa martilyo mong kaygaan, pumipikit bawat angat; Sa karayom mong kaykinang dumidikit bawat tastas.

Matalas pa iyong mata, Brasoǯy di pa nanginginig kahit ikaǯy sitenta na; kahit wala ka nang kisig.

Bawat tusok walang daplis, walang mintis bawat pukpok.

Laksang luray na tsinelas Ibinalik mo ang tibay; laksang warat na suwelas pinalawig mo ang buhay.

Di mo pansin ang pagkirot ng pawisaǯt hapong likod.

Sapaterong anong sikap, masulsihan mo pa kaya sanga-sangang mga sugat ng bituka moǯt dalita? Sinumbatan ako ng sulsi sa iyong kamiseta

Sinumbatan ako ng sulsi sa iyong kamiseta noong alukin mo ako ng tinda mong mga kǯwintas; ayaw, ayaw pumanatag nitong aking pag-iisa.

Dapit-hapon noon, umaambon nang lumapit ka, bitbit ang tinuhog na kampupot na wala nang katas; sinumbatan ako ng sulsi sa iyong kamiseta.

DzBǯwisit, abaladz, dagli kong kinuyom ang aking bulsa, tiniyak na wala ni kalansing na ditoǯy aalpas. Ayaw, ayaw pumanatag nitong aking pag-iisa.

Laksang bubog ng yelo ang lumuwa sa aking mata Ȃ mga pangil ng lamig na sa iyong pusoǯy ngumatngat; sinumbatan ako ng sulsi sa iyong kamiseta.

Dapit-hapon, umaambon; marahan, tumalikod ka Ȃ humakbang. Yumakap sa iyong likod ang mga patak; ayaw, ayaw pumantag nitong aking pag-iisa.

Tinawag kita sa gitna ng ulan: Dzbata halika!dz Ikinubli ka ng dilim; lalamunan koǯy nalaslas. Sinumbatan ako ng sulsi sa iyong kamiseta, ayaw, ayaw pumantag nitong aking pag-iisa. Tagubilin ni Ingkong

DzBihirang lumabas ang bahag-hari noong kabataan ko,dz sabi ni Ingkong. Ngunit kapag ito raw ay gumuhit, Malinaw ang mensahe nitong bitbit:

Pangako ng Maylikha hindi tayo gugunawin sa baha.

Bakit sa Ormoc?, bigla kong naisip na para namang nabasa ng matanda; kaya nga raw lubha siyang nababahala sa mga tanawin dito sa Maynila.

Kahit saan, kahit kailan, makikita ang bahag-hari Ȃ sa pader, sa kuko, sa buhok, sa balat. Sabi ni Ingkong, mahirap nang pag-ibahin Kano at Pinoy Ȃ

Pareho ng suot, pareho ng kilos, pati kulay ng balat at buhok. Mabuti na lamang at dapa pa rin daw ang ating ilong.

Isang araw, biglang nag-empake si Ingkong at nakiusap: DzSige na, umuwi na tayo apo ko, Mangyayari na, magugunaw na ang mundo.dz

Inakbayan niya ako at binulungan ng tagubilin: DzKailangang matapos ang arko bago dumilimdz. Ukay-ukay

Konsultahin ang panlasa pero sundin ang tibok ng bulsa.

Ibandera ang pinagsawaan ng iba.

Maano kung hindi brandnyu, pareho lang din naming ipambabalabal sa malaparilyang tadyang o kaya'y malatapayang tiyan.

Maano kung hindi brandnyu pareho lang din namang ipambabalot sa nangungulubot na lagusan ng utot. Ayaw kong maging diyos

Sa ating klase, dalawang bagay ang aking hinihiling:

Huwag mo akong tingnan na parang mapipitas mong tila hinog na bayabas sa aking bibig ang bawat sagot sa iyong mga tanong.

Huwag mo akong tingnan na parang taimtim kang nakatitig pero paningiǯy naglalagos sa pisara.

Sa parehong pagkakataon, mas gusto kong huwag ka nang pumasok, o lisanin mo na ang klasrum;

Ayaw kong maging diyos. Ayaw ko ring maging tuod. Bumubukad ang libong Mirasol sa aking dibdib (oda sa kababaihan)

Mirasol ang inyong umpukan Ȃ sa pagtikom: kapanatagan sa pagbukad: pagbubunyi.

Pumapailanlang ang inyong tinig at halakhak.

Umiindayog ang mga balakang. pimipilantik ang mga daliri, kumakampay ang mga kamay, kumukuyom ang mga kamao, tinutugis ninyo ang araw. Kamakailan, kayoǯy mga lantang talululot, h i w hi wa a- l a y

.nag-iisa.

Walang tumitingin sa halaga at hinaing ng inyong sinapupunan kundi kayo. Walang humahaplos sa inyong mga sugat kundi sarili ninyong mga palad.

Ngunit nagawa ninyo, nagawa ninyong maging mirasol. Nagawa ninyong tugisin ang araw. Nagawa ninyong sumakay sa hangin upang ihasik ang sarili, ang binhi ng paglaya sa kung saan-saang dako. Ngayon, nag-uugat ang inyong lakas Ȃ sa mga pabrika, pamahalaan, bukirin, tahanan, estero, kalye, aklat, batas, radyo, telebisyon, diyaryo, pulpito.

Bumubukad ang libong Mirasol sa aking dibdib. Lupaypay na pakpak bakit ka hihimlay

Lupaypay na pakpak bakit ka hihimlay paligid ay saklot na ng takipsilim, bawat puno't dampa'y tupok na kalansay.

Pabigat na pingka sa hapong pagkampay ang dugo't pulburang kaladkad ng hangin; lupaypay na pakpak bakit ka hihimlay.

Ulilang pilapil ay nakahandusay mga tanggol-bayan may kǯwintas na krimen, bawat puno't dampa'y tupok na kalansay.

Tinggang walang mata ang sumpang humilam sa pamumukadkad ng iyong bukirin; lupaypay na pakpak bakit ka hihimlay.

Bawat sulyap, ritwal Ȃ isang pag-aalay sa mga hiningang hinablot ng dilim, bawat puno't dampa'y tupok na kalansay.

May titis ng poot naabong himlayan Ȃ bagsik ng himagsik sa mga salarin. Lupaypay na pakpak bakit ka hihimlay bawat puno't dampa'y tupok na kalansay. Nagnanaknak na bituka at utak sa diwa ng edsa 3

Tumpak ang pinakamamahal na Pangulo: kailangang kalingain natin nang buong lugod ang mga kutis-kamatis na mukhang nakisukob sa kislap ng kamera noong anihin niya Ȃ ng mahal na Pangulo Ȃ ang hinog na uhay na pinahutok ng ating dusaǯt himutok.

Nagurlisan ng sinag-araw at alikabok ang mga mukhang maghapon-magdamag na kaulayaw ng kolorete at eyrkon.

Kaya alang-alang sa paghihilom ng mga sugat ng ating bansa nararapat lamang silang arugain.

Kailangang langgasan ang mga gurlis sa kanilang balat bilang- sa taimtim nilang pakikiramay sa atin Ȃ mga matiising alila sa kanilang kusina, bukid, at pabrika Ȃ upang kung manumbalik ang kutis nilang sakdal-kinis, maanggihan naman ng binlid o mertayolet ang nagnanaknak nating mga bituka at utak. Pagtatapos na tatapos sa paghihikahos

Nakahilata sa mamasa-masa pang damuhan ang mga anino ng magkakapatong na upuang monoblak;

Umiindayog ang mga dahon ng palmera sa mga pasong nakapaligid sa entablado;

Kumakaway ang mga dahon ng akasyang nakayungyong sa kalye Ȃ pumapayong sa makikintab na kotseng binabantayan ng mga daliring abala sa pagpindot ng celfon o pagkokolorete.

Habang humahangos naman ang mga pawisang bisig Ȃ may nagkakabit ng telon, may nag-aayos ng mikropono, may nagpupungos ng halaman.

Sa ilang sandali, lulutang na sa entablado ang mga iskolar ng bayan.

Madilim pa kanina nang umalis kami ni Tatang sa bahay,

At tiyak na muli kaming didilimin sa pagbabakbak, pagbubuhat, pagsisinop ng mga kalat na iniwan ng mga iskolar ng bayang tiyak na uumagahin sa pagdiriwang.

Hindi ko alam kung natatandaan pa ni Tatang ang pagtatapos na unang nangakong tatapos sa kaniyang paghihikahos. Walang iba kundi ating mga bisig sa gunita mga anakpawis sa edsa 3

Ginahis man, dama ko pang pumipintig pulsoǯt puso ng pag-asang nang pumitlag, inasam kong madurog tanikalaǯt tinik ng pag-usig sa anak-pawis. Umiiktad sa aking utak ang mga tinig na pinaos ng dantaong panlilinlang at pagkutya; ng sagradong pagsamba ng mga diyos sa kapital at sarili nilang mukha at ng paghimod nila sa dayong tumbong. Kanino pa kung ganoon mamamanhik taumbayang binabansot ang pag-usbong? Walang iba kundi ating mga bisig ang tutubos sa sarili; nakagapos sa dolyares ang puso ng mga diyos. Dambuhalang gutom

Alyas ng imperyalismo ang globalisasyon Ȃ isang dambuhalang nilalang na singluwag ng Jupiter ang bunganga, at singlawak ng kalawakan ang bituka at gutom.

Ayon sa mga tagapag-alaga nito, ang Dambuhalang ito na may dambuhalang gutom ang magliligtas sa sangkatauhan mula sa kahirapan.

Kaya dapat daw itong suyuin, arugain at huwag katakutan Ȃ kailangang gibain natin ang ating mga bakod at ang dingding at bubong ng ating mga bahay Ȃ kailangang malayang makapanginain at mabusog ang Dambuhala.

Oo, mabusog. Kung kailan walang nakatitiyak. Pero hindi tayo dapat mainip dahil kapag nabusog ang Dambuhala, isipin na lamang natin: banye-banyerang lungad na bubulwak sa kaniyang pagdighay, bundok-bundok na ipot na titilapon sa kaniyang pag-utot ang bubundat sa ating hapag!

Huwag nang sabihin pa ang singlaki ng Iraq na tingang kaniyang ipipitik sa makikipot nating bibig. Bitbit ng hangin ang isang pagbangon

May inilalahad ang dagat isang sugilanon Ȃ mga batang singkintab ng balud ang likod, mga mangingisdang isinasakmol ng higanteng trol, baybay-dagat na kinukuyumos ng tingga at kombatsyus:

pigtas na tsinelas butas na baruto basag na kabibe.

May inilalahad ang dagat, isang sugilanon Ȃ mga hiningang kaulayaw ng lambat, naghahayuma ng isang pasyon; sa kandili ng dilim, gising magdamag Ȃ bitbit ng hangin ang aming pagbangon. Digmaan

Hinawi niya ang nalumlom na sinampay Ȃ mga paniking nakabitin sa bintana ng kaniyang lungga.

Sinaksak ng mga retaso ng liwanag ang kaniyang katawan at mukha.

Muling nagtalsikan sa kaniyang ulirat ang pulbura at mga piraso ng bakal na gumutay sa kaniyang mga binti, at sa hininga ng kaniyang amaǯt ina, isang umagang palabas sila ng Mosque.

Sinisid ng kaniyang tingin ang lunting alon ng bakuran.

Sa kaniyang isip, binubulabog niya ang mga butil ng hamog na nakikipagkindatan sa sinag ng araw, sinasalat ng kaniyang talampakan ang nagsakliwat na sapot ng gagamba.

Nahinog ang hamog sa kaniyang mga mata.

Umingit, pumihit ang kaniyang wheelchair.

Wasak na saranggolang kumampay ang ulila niyang

binti.

Huling hibla ng hininga

Huling hagod ito ng ngarag kong palad sa gitarang karugtong ng pawis koǯt libag.

Bawat kalabit, bawat panginginig ng kuwerdas, ng mga daliri at tinig, may mga alikabok na nalalaglag, may mga alaalang naglalagalag Ȃ gumagalugad sa mga gulod at gilid ng kamusmusang hitik sa halas at gilik; dumudukal sa bukal ng danas at dunong Ȃ pamana ng bandilang pulaǯt kamaong kuyom.

Ay! kasama, simbilis ng sulyap ang lagablab ng kamusmusang tila hindi mapapatid. Ay! katuwang, singtulin ng talon ang tagaktak ng kasibulang tila hindi masasaid.

Huling kalabit ito ng ugatin kong mga daliri sa gasgas na kuwerdas nitong aking gitara Ȃ bayaang igaralgal ang kalbaryo ng uring ang paglayaǯy punoǯt dulo nitong pagkanta.

Pagdamutan, ngarag na halad ng kaluluwa Ȃ katapusang hibik, huling hibla ng hininga. Kaylan Tayo Babalik(was)

tayo: lupa tubig hangin apoy nasa atin ang anyaya at alimpuyo ng ilog at dagat

ang bulong at bulyaw ng amihan at habagat

ang ligamgam at lagablab ng buwan at bituin. tayo: salungatan at kaisahan ng buhay bukang-liwayway at takipsilim init at lamig kapayapaan at ligalig pagsilang at pagyao babae at lalaki

nasa atin ang inog at ritmo ng kalikasan ang bukal ng dunong at danas ang gamot sa ating mga sugat

ang pagpapasya

tayo: kalikasan kalikasan: tayo ngunit tinatalikdan natin ang kalikasan ang ating sarili ay! kalikasan kalikasan kalikasan niyayakap natin ang rangya at isinasangkalan ang pangalan ng pag-unlad napapabulag tayo sa kinang kinang kinang kinang

laksa-laksang gubat ang ating pinupulbos laksa-laksang bundok ang ating winawasak laksa-laksang ilog ang ating sinasaid laksa-laksang bukid ang ating nilulunod laksa-laksang pulso ang ating pinapagot alang-alang sa kaunlaran kaunlarang para kanino kaunlarang para kanino kaunlarang para kanino ay! binibistay ng kinang ang ating pagkatao

ay! inuuk-ok ng kamangmangan ang ating pagkatao kamamgmangan kamangmangan kamangmangan

sinasamba natin ang kinang at kamangmangan binubuhay natin ang kinang at kamangmangan at habang naghihintay ang lupa tubig hangin apoy ang bukal ng dunong danas buhay sa ating pagbabalik

pumapailanlang ang halakhak ng mga humahablot sa ating hininga. kaylan tayo babalik kaylan tayo babalik

kaylan tayo babalikwas? Sa pinagpipitaganan kong mga diyos at hukom

Sa pinagpipitaganan kong mga diyos at hukom ng iba't ibang kampo at kaharian, bilang tanda ng aking katapatan sa sinumpaan kong pananagutan, narito ang aking puso na naglalayong magbahagi ng pag-ibig; ang aking utak na nagnanais maghayag ng katotohanan; ang aking hininga na nagsisikap magbigay ng buhay.

Narito ang aking akda, ang aking sarili. Ihinahapag ko sa altar ng inyong pagsusuri. Maging karapat-dapat nawa sa rituwal na ito, mapabilang nawa sa gagawaran ng mapagpala ninyong bendisyon. Katayin ninyo ang aking katawan, bukalkalin, himayin hanggang sa kaloob-looban. Hanggang sa kaliit-liitang bahagi, pati na ang aking kaluluwa.

Batid kong mag-iiba-iba ang aking mukha sang-ayon sa inyo-inyong lente ng paghusga. Pagtatalunan ninyo nang walang katapusan kung ano ako, saan ako nagmula, ano ang aking kulay at ano ang aking silbi. At habang hinihintay ko ang kahihinatnan ng pag-aalay na ito, bayaan ninyong pangarapin ko kahit sandali, sa kabila ng pagkalam ng aking sikmura, na iiwihin ako ng mga dakilang pahina ng panitikaǯt kasaysayan, na ipaghehele ako ng timyas ng katanyagan.

Kaya pinagpipitaganan kong mga diyos at hukom ng iba't ibang kampo at kaharian, buong puso kong ipagdiriwang kung mababasbasan ninyo ang aking alay. Kung magkagayon, walang pasubaling kikilanin ako ng sambayanang sinusuyo ng aking pagtalima sa sinumpaan kong pananagutan.

Nais kong angkinin nila ang aking galak, ipagbunyi nila ang aking ipinagbubunyi.

Ngunit mayroon akong isang pakiusap: huwag sana ninyong tangkaing usisain pa kung bakit wala rito ngayon ang aking sambayanan. Naghihinanakit ako sa kanila sapagkat habang narito akong nag-aalay ng aking sarili para sa kanilang paglaya, naroroon sila nakabuntot sa kalabaw, nakapugal sa makina. Casual(ty)

becoz iǯm not a graduate of UP and i aint got no MA or PhD, nor do i have the latin surname laude casual akong pǯwedeng masisante anytime, even without notice Ǯmare. hasa man ako sa mga diskarteng pangklasrum, mag-somersault man sa klase, tumimo lang sa studentǯs kukote the lessons that i weave araw at gabi. gosh! sadya nga bang buhay ay ganire dine sa Ǯting premiere university? gee! tuluyan na nga kayang napundi ang Liwanag? Ningning ang humalili? o dear idols ng mga estudyante, my colleagues, kapuwa ko casual(ty) kumapit sa payroll, huwag pahuli dream! makibeso tumagay magbunyi himurin, himurin ang RGEP24

24 Revised General Education Program ng UP Chop suey

Bakit di natin tuklasin ang silbi ng pag-unawaǯt pag-ibig.

Ang minsaǯy nabanggit ko sa isang kasama. Nag-uusap kami noon tungkol sa mga sariwang pagtingin sa Marxismo at Leninismo kaugnay ng rebolusyong Pilipino.

DzHuwag mong gawing chop suey ang rebolusyondz,

Ang kaniyang pagsaway, tugong paulit-ulit niyang iminartilyo sa aking sentindo.

Bigla akong ginutom pakiramdam koǯy nagsigawan ang mga bulate sa aking tiyan:

Mabuhay ang mga kusinero! Handa ka na bang mambulabog?

Hindi dapat humulagpos sa iyong bibig ang ungol ng sarili mong dibdib.

Maaari mo itong paglagusin sa mga siwang ng iyong ngipin ngunit hanggang doon lamang.

Walang kapatawarang kabusungan25 ang pagpuslit nito at paglikha ng tunog, gaano man kahina, lalo na kung may kinalaman sa gutom, pagtula at paglaya. Ito ang batas na dapat mangibabaw.

Maliban na lamang kung handa ka nang bulabugin ang paghihilik ng mga diyos; maliban na lamang kung handa ka nang ipain ang iyong leeg sa kanilang mga pangil.

25 mula sa salitang ugat na busong na nangangahulugang walang-respeto sa matanda o sagradong bagay Ayaw mong mahuli sa pulong

Upang maiwasan ang pitik ng inip haplusin mo ng titig ang kalmot ng sabon sa mga daliri mong nakipagkarera kanina sa paglingkis ng araw sa gulod ng iyong labada o kayaǯy pumikit ka at humabi ng kuwentong isusupot at ipasasalubong sa iyong anak na aabutin na naman ng paghikab ng araw sa pagkalumbaba sa inyong bintana o kayaǯy kalmahin ang sarili bumuntong-hininga at ipalagay na ang ligamgam ng iyong palad ay kayang ihaplos sa noo ng iyong anak ng idinrowing mong batang nakangiti at nag-gugudmorning.

Mahimbing pa siya nang iyong iwan

Ayaw mong mahuli sa pulong na walang katiyakan kung kailan mag-uumpisa Kandautot sa katatawa ang CIA-IMF-WB-negosyo et. al.

Nasaksihan ko ang tumatagas na nana at kumukuyaw na mga uod sa kanilang mga gilagid. Oo, sa kanila na umaastang diyos at minsa'y itinuring kong mga diyos:

DzPaglingkuran ang sambayanan.

Muling pagtibayin ang paninindigan. Magwasto. Itakwil.

pâGÌLiNgKŜuran EAng sam@BaY%an*a

TaNgi^ng #arma/doNg DOGMATISMO! śpAKi1kIb*aKa pa Rin hIndI REPORMISMO! maGpA\@PabaGsa&k Ma#luLu|tAs STALINISMO! Sa %TaTlo*Ng $ng ISM%o HuklU@b?aNG p*am$a/maR#aa%n MAOISMO ANg krisis KONTRA-REBOLUSYONARYO! =P%anLI'Puna#n.

Matainga TAKSIL SA BAYAN! sulang redigm ksang yob nayan kankala unyun suan ran ISTUPIDO!dz

Habang pumapaimbulog ang presyo ng petrolyo, rumaragasa ang demolisyon at militarisasyon, sinisipa ang mga manggagawa, kinakatay ang mga bukirin, nilulustay ang kaban ng bayan; habang kapit-tuko ang gobyerno sa paghimod sa tumbong ng amo nitong Estados Unidos, na tagapagligtas daw ng daigdig; habang nangangalumata at humuhumpak ang pisngi ng milyong masang punoǯt dulo ng rebolusyon.

Habang kandautot sa katatawa ang CIA-IMF-WB-negosyo et. al. Kropek

Paos ang pasasalamat na inusal ng maputla mong labi nang abutin mo ang pabaon kong piso. Napaso ako sa lamig ng iyong daliri, nanulay ang liyab ng yelo sa aking bisig, namugad ang ginaw sa aking dibdib. Agad naglagalag ang aking mga mata upang iwasan ang iyong titig. Nangimi akong aluin, kahit saglit, ang nakakapit na kirot ng sikmura sa ilog na namuo sa iyong mga mata. Natakot akong lusungin kahit saglit ang bukal ng pag-unawa sa ilog na iyon. Gumuho ang aking mga kalamnan at buto. Batid kong hindi kayang haplusin ng piso ang hapdi ng agahan nating kropek. (Paano pa kaya ang pagngatngat ng pagpapanggap na busog ka pa, habang nilulunok mo ang amoy ng pananghaliang iniaalok ng iyong mga kaklase at guro?) Hindi mo na kayang ipantawid- gutom ang mga salita. Binusog kita ng mga teksto at imahen na nagpapalagablab sa mga kamao at istrimer. Ngayoǯy dumidighay ng katanungan ang iyong mga mata. Hanggang kailan itay ? Makata

Pitong besesǥ hindiǥ walo...ay, siyam, siyam na beses kong binalikbalikan, dinalidalirot ang tulang ipapaworksyap ko sana sa mga makata ng Diliman. Tanaw pa ang araw noon, habang naghihintay, habang wala pa sila, pinasadahan ko ulit ang tula. 12 ang metapora puro sariwa. Tungkol lahat sa hirap ng buhay Ȃ 4 ang nakikita 3 ang naaamoy 3 ang nalalasahan 1 ang naririnig at 1 rin ang kumakalmot sa balat. Walang gasgas na salita at imahen. Wala pa rin. Sinuyod ko ulit ang tula, tutal naaaninag pa naman ang mga letra, ang mga bubong, ang tuktok ng mga puno. Buti na lamang at malamig dito sa UP. Ano kaya ang nangyari sa kanila? Malayang taludturan ang tula pero inayos ko sa tatatluhing linya. 10 saknong lahat, 30 linya lahat. Nangangalay ang aking likod. Tinutusok ng isang milyong karayom ang aking mga hita at puwet. Walang tuldok, may tatlong kuwit 310 ang patinig, 177 ang letrang a, 78 ang I, 21 ang o, 28 ang u, at 6 ang e. 423 ang katinig.

Malabong drowing na lamang ang lahat. Hindi na mabuklat ng ilaw sa poste ang anino ng akasyang nakatalukbong sa akin, iilan na lamang ang parooǯt paritong mga estudyante, nagsasara na ang mga dormitoryo.

Umaalulong na ang aking bituka. Pinatay ko ang aking gutom at inip Ȃ pinagpira-piraso ko nang pinung-pino, isinubo, nginuya, at ilinuwa ang aking tula. Magwasto

DzMagwasto!dz sigaw ng mga kabataang aktibista habang kapit-bisig nilang binabarahan ang martsa ng mga kapwa-demonstrador (na dati nilang kasama ngunit ngayoǯy itinuturing nilang kaaway).

at nakita kong halos pumutok ang mga ugat sa mukha at braso ng mga pulang mandirigma ni Mao

habang kanilang nilalait at hinahagupit ang dati nilang guro na nagturo sa kanila

ng tula at paglaya. Parang pagdura na lamang

Parang pagdura na lamang para sa kanila ang pagbigkas ng pasensiya o pagpapasintabi kapag hindi sila dumating sa takdang oras ng pulong o ano mang klase ng tipanan.

Tulad ng pagbaon ng barena sa dingding, dapat nating iukit sa ating mga kukote na mga importanteng tao ang hinihintay natin. Kung kaya naman abalang abala. Unawain natin sila kung gayon sa kanilang pagkahuli. Ano ba naman ang kalahating araw na pagtunganga kumpara sa kapakanan ng bayang siyang nakasalang sa mga pulong na kanilang pamumunuan?

Abalang-abala sila sa mga gawaing pambayan, at sa pag-uutos sa kanilang mga utusan upang asikasuhin ang maraming bagay na hindi na nila kaya pang atupagin. Tsk, hindi na sila magkandaugaga, kung kaya dapat nating intindihin na kung gaano kasikip ang kanilang panahon ganoon din kakitid ang kanilang pasensiya.

Kung gayon, tayo na naghihintay ay hindi dapat mamuna o magreklamo sa hindi nila pagdating sa takdang oras; baka mapatid ang pisi ng kanilang pasensiya at sumambulat pa sa ating bilasang mata ang durog na sili mula sa kanilang mga bunganga. Panis na laway

Pitumpoǯt pitong taon nang nakasuga sa tumana si mang Pilo. Nasaksihan na niya, tulad ng kaniyang pagkakasaksi sa paglulupi ng mga ahas ang di-mabilang na pagpapalit ng tao sa gobyerno, ang di-mabilang na pagsasalitan ng tag-ulan at tag-araw, ang tila walang hanggang taggutom.

Ngayo'y nasa harap niya, at ng mga kapwa magbubukid at kanilang mga mahal sa buhay, ang mga tagapagligtas.

Sa pangako ng paghulagpos sa pagkadusta, tinipon sila ng mga tagapagligtas. Tulad ng dati, lagas na mga butil ng rosaryong tumalsik mula sa bibig ng mga tagapagligtas ang litanya ng pasyon ng mga magbubukid, ang silbi ng pagkakaisa, ang pagtatayo ng maaliwalas na bukas, ang kawalang-saysay ng reporma, ang kahalagahan ng dahas.

Tulad din ng dati, nilanghap ni mang Pilo ang samyo ng sariling panis na laway, habang nakikipagkindatan sa munting sinag na naglalagos sa kaniyang balanggot. Nagtutulakan tayo ngayon sa bangin

Hinaplos ng hinahon ng ating hininga pasa ng puso nating saklot ng pagsuko; isinandal natin ang ating likod sa lamyos ng lunting burol sa ating tinig at dibdib.

Kapanatagan ang ating kandungan.

Nagbanyos tayo sa ilog ng ating mata, nilanggasan ang naknak na mga kudlit ng durog na bubog ng pag-aalinlangan sa ating talampakan: sarili o sambayanan?

Pinaghilom ng taglay nating paglaum ang ating mga sugat. Sanlaksang lakas ang halumigmig ng ating yakap.

At namulaklak tayo ng bandilaǯt istrimer; muling lumagaslas sa ating lalamunan ang tinig ng himagsik; nanariwa sa ating diwa ang sanghaya ng digma.

Ngunit anong kulam mayroon ang kalam ng pagbabago? Hiniklat ng magkaibang dalumat ang ating mga balikat, palayo sa ating halakhak.

Iisang bituin ang inaalayan natin ng tingin, ngunit nagtutulakan tayo ngayon sa bangin; nagsusuplagan sa pagtahak sa kaniya-kaniyang gasgas na landas. Alaala ng luwad at tapuy

Habang hinahawi ng sinasakyan kong traysikel ang halumigmig na nakakumot sa bulubundukin ng Ifugao, kinawayan ako ng mga ilap na Mirasol na nakatunghay sa bangin.

at hinagkan ang aking batok ng ating pagdadaop-palad sa Banaue Ȃ noong gabing nilasing ako ng luwad mong dibdib at ng tapuy sa iyong hiningaǯt titig. Flaslayt

kagabi isang saranggolang gawa sa pinagtagpi-tagping bituin malamlam mapusyaw maningning ang ating pinasisid sa abuhing langit

gumewang umalon umekis sa kalangitang walang ligalig ngunit iglap na napatid ang pising nilubid mula sa ating hininga

binulaga tayo ng mapanghimasok na liwanag kasabay ng pagdayb ng ating saranggola

ginutay ng flaslayt ang ating mga mata at hubad na katawan Ganito kita itatakwil

Sa iyong pagtatksil, ganito kita itatakwil:

Tatarakan ko ng krus na dugo ang bawat puno, bawat guho bawat damuhan, bawat dingding Ȃ ang lahat ng nagpaunlak sa ating paglilim sa dilim.

Ipalalamon ko sa liwanag ang alab at alat, ang halakhak at hiraya ng ating pagtataling-hininga.

Ihahabilin ko sa hanging ihilam sa iyong mata ang lansa ng dugo. hanggang ikaw ay mabulag at hindi na makabalik sa mga pook na sa atiǯy kumupkop. Hugas-kamay

Sa panahon ng digma o kapayapaan, ikaw ang nasa aking puso.

Hindi bilang isang alaala o saksi lamang; kundi isang buhay na katuwang sa paglikha ng isang pag-ibig na walang pangalan, o sinadya nating hindi pangalanan, sapagkat mas mainam ang malaya sa bilangguan ng kinagawian.

Ngunit kailangan kitang paslangin; (sapagkat iniibig kita, at gusto kong mabuhay ka). Kailangan kong paslangin ang lahat ng may kaugnayan at bumubuhay sa iyo.

Papaslangin kita ngunit hindi sa pamamagitan ng patalim, lason o baril, kundi sa bagsik ng pagkamuhing ipupunla ko sa iyong dibdib. Natatangi ang pagpaslang na ito Ȃ ako,

Ako na pumapaslang ang mamamatay. Ako na lumilimot ang lilimutin. Aarugain ko ang pagkamuhing uusbong sa iyong dibdib, pag-uugatin ko ito sa iyong utak, mata, bibig, bituka, mga daliri. Hanggang mantsahan nito ang iyong mga kamay. Hanggang multuhin nito ang iyong konsensya.

Samantalang ako, ako na tunay na salarin ay walang kurap na magsasabi: Wala, wala akong kasalanan. Liyab ng Kabalyero

Paulit-ulit, binubuhusan ko ng tubig-yelo, ang nagliliyab na bulaklak ng Kabalyerong pinasibol ng Flores de Mayo sa aking dibdib; ngunit patuloy nitong sinisilaban ang bawat hibla ng lumot ng aking pangungulila. Sa gatong ng gunita ng libaging rosaryo, at marurusing na batang nag-ugnay sa atin sa isa't isa, nagliliyab ang mga bulaklak ng Kabalyero sa aking dibdib; inaasam ang iyong pagbalik Ȃ ang iyong pagsuway sa buhay na selyado ng belo at rosaryo. Malilimutan ko ang iyong pangalan

DzANOTHER DEATH IN DILIMAN. A suicide victim spills his blood a few meters from the foot of the oblation, UPǯs symbol of selfless sacrifice.dz - Philippine Collegian, 03/3/99

Ngangatngatin ng alikabok ng aking paglimot ang iyong katauhaǯt pangalan; ngunit hindi ang iyong pagsalungat sa balud ng pagsunod sa kinagisnan.

Nang pigtasin mo ang iyong hininga, nabanaag ko ang aliwalas ng landas na kasumpa-sumpa ayon sa mga pinagpala ng pulpito at kombento.

Hindi kita kilala at lalong hindi ko batid ang pitik ng iyong pusoǯt utak; ngunit nakaangkas sa pagbukas ko ng mata bawat umaga ang iyong kalatas: may hihigit pa sa dighay at orgasmo at iba pang aliw na lalang ng laman; may hihigit pa sa galak at gayak ng buhay na sadlak sa samut-saring kamatayan.

Nang ipaghele ng sementadong hagdan ang iyong laslas na pulso at bangas na bungo, itinaboy mo ang maligno ng liwanag, na nagdidiktang kadikit ng pikit na isip ang pagsuway sa utos ng langit; inawit mo ang pulot at oyayi ng pagyakap sa kamatayan Ȃ upang mabuhay, upang mabuhay. May taglay pa ring init

Kakulay na ng durog na kabibe ang aking buhok, humulma na sa aking mukha ang alon ng dagat; ngunit may taglay pa ring init ang perlas na iyong isinabit sa aking dibdib.

Kahit isang dakot nang buhangin ang bilang ng mga taon, mula noong hablutin ka sa akin ng kalaro nating mga alon. May tamis sa kamatayan

Minsan, kinawayan ako ng ligaw na bulaklak sa bakuran ng aming kapit-bahay.

Bugso ng pulso, tinangka ko siyang pitasin; buksan ng aking mga daliri ang kaniyang mga talulot.

Ngunit nanaig sa akin ang aral ng buhay: may bitbit na gantimpala ang pagpatay sa sarili.

Kaya nagpasya akong habambuhay na magbigti, habang sinisilip mula sa bintanilya ng aking puso ang pamumukadkad ng bulaklak.

Tuwing umaga mula noon, sa aking puntod, iwiniwisik ng hangin ang samyo ng polen ng bulaklak na pinagtangkaan kong pitasin. Pagaspas ng paruparo mong labi

muli mong nilagok ang ilog sa aking mga mata pumikit ako upang taimtim na kaulayawin ang iyong uhaw ang aking uhaw dahan-dahan pumagaspas ang paruparo mong labi dumapo sa aking noo kilay pilik talukap ng mata ilong pisngi baba pisngi tenga batok tenga leeg tenga batok leeg baba

LABI at tumigil ang lahat ang lahat lahat maliban sa pagparooǯt parito ng mga alon maliban sa pagtaas at pagbaba ng mga alon maliban sa paglukot at paglatag ng mga alon maliban sa pagparooǯt parito pagtaas at pagbaba paglukot at paglatag ng mga alon maliban sa ritmo ng ating hininga maliban sa indayog ng ating katawan Paghihintay

hindi ko magawang dinggin ang pintig

ng sariling dibdib nakagapos ang aking pandamdam sa bawat puwang

na puwede mong daanan bawat siwang bawat kaluskos bawat aninong sumungaw binabakuran ko ng titig at pag-asam na sanaǯy ikaw na oo bawat espasyo bawat estrangherong kaluskos bawat aninong hindi iyo ay dagat ng buntong-hininga at pagkabalisang

namumugad sa aking dibdib Walang kasinglamig ang simoy ng pangungulila

Habang minamasdan ko, mula sa bintana ng aking klasrum ang mala-sundalong tindig ng bundok Makiling, idinampi sa aking dibdib ng mamasa-masang hangin ang mga alaala ng Sierra Madre:

magkadaop ang ating mga palad, inaalalayan mo ako sa pag-akyat sa matarik na burol Ȃ nakakahiya, babae ang umaakay, pero ano ang aking magagawa?

Tanging paninindigan at lakas ng loob ang aking bitbit noon;

buhol-buhol ang aking hininga sa paghagilap ng matatapakan, hindi magkamayaw ang likaw ng mga baging at damong-gubat, mabuti na lamang at naroon ang iyong mga kuwento at awit;

a, kayligamgam ng iyong hininga at haplos Ȃ masuyong tapik sa panahong halos igupo ng bigat ng bakpak at armalayt ang aking balikat.

Marahan kong isinara ang bintana: walang kasinglamig ang simoy ng pangungulila. Wala na akong masulingan

Gusto kitang kalimutan: kung ilang beses ko nang binagsakan ng bato ang iyong bungo, pero paulit-ulit na nagbabagong anyoǯt buhay ang sumasambulat mong utak.

Sanlaksa sila ngayong umuusig sa akin.

Minumulto nila ako, wala na akong masulingan kundi ang makisilong sa liwanag, at bagsakan ng bato ang sarili kong bungo. Sariling langib

Hinahamon ako ng mga langib ng punong Akasya Ȃ mula sa pinakamagaspang hanggang sa pinakapino; mula sa mga nakatinghas na halos malaglag na sa lupa, hanggang sa mahigpit pa ng kapit sa puno at sanga; mula sa pinakatayangtang hanggang sa mga babad pa sa nana.

Hinahamon nila akong lapitan sila, masdang isa-isa, at haplusin.

At nang gawin ko ang gayon, natuyot at nagkabitak-bitak ang aking mga palad Ȃ binulaga ako ng sarili kong mga langib.

May kung anong pinong tinik ang tumusok sa aking mga mata. Pangungulila

Kagabi, sa pusod ng dilim, isa akong ulilang sagwan, kinukutib ng mga alon sa gitna ng laot.

Nakatingala sa kulay kalabaw na langit, nakamasid sa mga pundidong bituin, habang sunong ko ang unti-unting natutunaw na buwan. Paramdam ni kamatayan

Nagparamdam sa akin si Kamatayan kagabi: isinayaw ng hanging iniluluwa ng electric fan ang tinuhog na bulaklak ng kampupot at ilang-ilang na isinabit ko sa kisame.

Wala na ang gilas ng sariwang talulot; mga daliring kulubot ang ngayoǯy nakakapit sa taling unti-unting nalalagot.

Iginupo ako ng antok. Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng diyos

sapagkat gayon n a l a m a n g a n g p a g sinta n g d i y o s sa san l i butan k u n g k a y a i p i n a g kaloob niya ang kaniyang kaisa-isang anak

sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng negosyo sa sariling diyos, ipinako nito sa minimum ang sahod upang ang sino m a n g sumasampalataya s a k a p i t a l a y h i n d i m a p a h a m a k kundi magkaroon n g b u h a y n a w a l a n g h a n g g a n aleluya aleluya Sugatan ang buwan kagabi

Sugatan ang buwan kagabi Ȃ

habang nagsasalimbayan sa pagsaksak sa aking mata ang kislap ng mga ilaw, ng poste at sasakyan, at ang liwanag na iniluluwa ng mga gusali sa paligid, magdamag kong dinilaan ang dugong umagos sa maputla niyang pisngi. Mister kibitser

Nakakabilib si mister kibitser: laging nakikinig, laging nagmamasid. Hindi umiidlip si mister kibitser.

Kahit pinid na silid kaniyang nasisilip. Talagang nakakabilib.

May radar si mister kibitser, kaygaling niyang humagip ng kahit anong tsismis Ȃ

Dzyou know ba? yan daw si ano nagpaano bzz bzz bzz.dz

At kaygaling niyang kumilatis:

Dzlook o, canǯt even speak straight English!dz Dzyuck, what a jolog, tingnan mong manamit!dz

Nakakabilib. Makamandag ang tagtuyot

Makamandag ang tagtuyot. Sinisipsip nito ang utak at lakas ng ano mang may buhay na kayang magpakislot ng salita. Kapag sumagpang, hindi ito bumibitiw hanggang hindi nalalagutan ng hininga ang biktima. Minsaǯy naka-engkuwentro ko ang tagtuyot, nanlilisik ang kaniyang mata, wala akong nagawa kundi ipain ang aking leeg na agad niyang sinagpang; rumagasa ang kaniyang kamandag sa aking mga ugat, umakyat sa utak, nagdiliryo ang aking ulirat. Muntik matigang ang aking lakas.

Kulog ang kaniyang halakhak nang inakala niyang lubusan na niya akong nagapi. Ngunit sa kahuli-hulihan kong sigok, bumulwak ang mga salita, bumangon ang mga imahen, rumagasa ang hiraya. Naumid ang tagtuyot, nagkalasug-lasog makikintab niyang mga pangil. Laslas na ang aking maong

Laslas na ang laylayan at tuhod ng aking maong, kalahating dangkal na ang nakaluwang mga pahalang nitong hibla, at patuloy pang nagninisnis.

May mga hiblang magkakasalikop, may mga hiblang lumulundo, may mga hiblang nag-iisa.

May mga hitik sa himulmol, nagbabadya ng pagkalagot; mayroon naming kipkip pa ang tikas ng sinulid na hindi pa gamit.

May mga hiblang taglay pa ang pagka-asul, may mga hiblang kakulay na ng lupa, may mga hiblang nagbabalik na sa bulak.

Ilang lakaran na lamang at may mga hiblang mapapatid, luluwang ang laslas ng aking maong. Magiging basahan.

Pero kahit may mga hibla nang bumabaklas sa isaǯt isa, nananatili pa itong saksi at katuwang ng paglalagalag ng aking mga paa. Mga imahen ng pagdarahop

Kinakabagang palabigasan sa ilalim ng kalang singlamig ng nguso ng butas na takure.

Mga langutngot ng gasgas na bitukang namimilipit sa ibabaw ng dulang.

Mga matang nililingkis ng tagtuyot habang naglalambitin sa nagninisnis na atip na gawa sa dahong niyog Ȃ

binibigti ang gutom habang nakikipagpiko sa mga usa at baboy-damong dumudungaw sa manipis na siwang ng bubong.

Hersheyǯs at Barbie doll na naliligiran ng pader na nakatirintas ng alambre, at pinakikinang ng mga pangil na bubog Ȃ

tinatanuran ng mga matang may lisik ng tingga, ng amoy pusaling pag-ismid, ng tapik sa balikat na singgaspang ng punso.

Ulilang tsinelas, gulanit na istrimer, sinasakal ng tirgas at pulbura sa sinapupunan ng Mendiola

Ararong nginangatngat ng kalawang, nakahilig sa tarangkahang inuunano ng mga mutha, nasasabik sa haplos

ng mga kalyuhing daliring ngayoǯy naghahasik ng liyab sa tagulaylay at oyayi ng paghuhunos; mga daliring sumisipol ng punglo at palakard,

bigas tsinelas kalan dulang, upang muling padaluyin ang ilog sa nangangalirang na retina ng tagtuyot. Dalit

Mandarambong

Nang tayo ay manikluhod sa selosong manunubos, yamang-bayan ay naubos sinikwat ng espadaǯt krus.

Salamangka

Aw! espageting pataas, salamangkang patalastas; bansaǯy manhid sa agunyas ng bitukang naaagnas.

Tandang Sora

Walang gatol, Tandang Sora dalit ng iyong pag-asa kahit nisnis na ang hibla ng buhok mo at hininga.

Supremo

DzDi dapat maging pangulo ang isang di abogado!dz Hatol: isang aginaldo Ȃ punglo para sa supremo.

White Christmas

Sa tungayaw ng blues at jazz, umasam ka ng white Christmas. Binura mo pati bakas ng heleng malayaǯt wagas. Pagsasanib

Sa linggal ng mga tambol tumipa ka ng rock Ǯn roll, sakbat mo ang pahimaton ng kudyapi, kubing at gong.

Serbisyo

Indak-kumpas sa maghapon upang trapikoǯy dumaloy kinakapos, ginugutom pero hindi nangongotong.

Komitment

Guro: hamog kang pumatak sa pusod ng bundok Marag, pungloǯt lamok Ǯyong hinamak upang tribo koǯy bumukad. Diona

Ina

Bawat ingit ng anak may haplos na katapat Ȃ inaǯy gising magdamag.

Bunso

Hindi baleng kumalam itong sariling tiyan bunsoǯy kumain lamang.

Lubid

Bawat isaǯy sinulid, kapag may isang patid, rurupok itong lubid.

Gugma

Gugma: isang sinulid na nang mapatid, ang lubid na tahanaǯy nagnisnis.

Timon

Palangga, sa pagsuong sa dagat na maalon, ikaw ang aking timon.

Tungkod

Inay ikaw ang tungkod sa paghanap ng birtud nitong pananaludtod. Saklay-mata

Hintuturo ka ama, saklay ng aking mata sa gubat nitong letra.

Walang lamangan

Sugpo man o alamang, ating paghahatian. Utol, walang lamangan. Tanaga

Susmaryosep

Bakit naman ngayon pa sumiklab itong gera, susmaryosep paǯno na ang bukas natin sinta?

Tuod

Lurayin mo man irog aking puso at tuhod, tuod akong tatanghod sa papatak mong hamog.

Gera

Hindi dapat maiga pag-ibig natin sinta; magtagpo pa rin kita sumiklab man ang gera.

Sumpa

Binitiwan mong sumpa, hamog sa Ǯking gunita ngayong nananalanta ang kamandag ng digma.

Kuwerdas

Daliri ako sinta Ȃ kakalabitin kita hihimasin tuwina Ȃ kǯwerdas ka ng gitara. Labingsiyam

Pagdarahop

1. Kumakahol na ubo, dugo sa dura. Kinabukasang kuba.

2. Kabukirang nilunod, dambuhalang dam. Kalderong inaamag.

3. Sinasapot na kalan, iyak ni bunso. Malay na sumisikdo.

4. TNC's ng dayuhan, libre sa buwis; ekonomyang may tisis.

5. Muling nabilaukan dugyot na kanal Ȃ nagdiwang ang ospital.

Total war

1. Nagliliyab na baryo, pila ng tao. Pilantod na gobyerno.

2. Atungal ng armalayt, wasak na burnay. Pira-pirasong buhay.

3. Rigodon ng kombat syus sa baybay dagat; mga duguang sigay.

4. Saranggolang dumadayb, lagot na pisi. Sugat sa pusong munti. Haiku

Patak-ulan

Mumunting patak- ulan sa iyong pisngi, ngiti ng rosas.

Watusi tengang barado bungangang may watusi, pader na yelo.

Labada

Dildil ng asin, gabundok na labada, Bagang may burda.

Sampayan

Haplit ng hangin sa hitik na sampayan Ȃ Ingat ka giliw.

Ngiti

Kulob na sinag sa balumbon ng ulap; ngiting sisilay.

Hasmin

Kaway ng hasmin sa balikat ng daan; haplos sa dibdib. Sanggol

Ingit ng sanggol sa nagbabagang kuna; gabing bagabag.

Kamay

Ngatngat ng sabon sa kulubot na kamay Ȃ kanin sa hapag.

Tala

Tala sa mata ng bunsong bumabati, gabing mahimbing.

Pinitak

Halik ng ulan sa tuyot na pinitak Ȃ lunting halakhak.

Buhay

Likaw ng tubig sa bato at buhangin. Alon ang buhay.

Wakas

Kutib ng uod sa talulot ng rosas. Lahat may wakas. Anay

Linya ng anay sa posteng anong tayog, hariǯy yuyukod.

Baril

Pangil ng baril na naglagos sa dingding; sino ang ligtas?

Digma

Pusa sa kalan, kalderong inaamag Ȃ gatong ng digma.

Dayo

Bolpen: kumendeng, ngumasab ang buldoser. Dayo: nagdiwang.

Modernisasyon

Tribong pinalis sa lupaing ninuno, modernisasyon?

Balang

Minsaǯy nangitim mga uhay ng palay. ulam sa pinggan. Anino

Aninong ligaw sa siwang ng bintana; lindol sa dibdib.

Bubog

Butil ng hamog sa dahon ng kampupot; bubog sa palad.

Luha

Patak ng luha sa pahina ng aklat; buko ng rosas.

Alon

Saplok ng alon sa katig nitong bangka; bukang-liwayway. Sigaw at diwa ng panitik

Bawat karanasang kaniyang maititik lakas na gigising sa damdaming pikit. Ang tintang guguhit ay dugong titigis sa tigang na lupa, titighaw, didilig.

Ang tibay at talas ng aking panitik ang siyang tatahi sa lahing gulanit; ang dugong nagmula sa aking panulat huhugas sa bayang sa putik nasadlak.

Sigaw ng paglaya, tilamsik ng hibik tintang naging dugo at nagtutumangis. Kaniyang pagsamo: DzMga nakikinig sana ay pumansin, tuwinang magmasiddz.

Sutla at busilak na papel ang hanap Liyab n ng paglaya dooǯy isusulat; Iwi nitong dugo kusang ipapatak Ȃ talim ng panitik ay maglalagablab.

May lakas ang bawat kibot ng panulat, Mga matang pikit pilit imumulat Ȃ DzMasdan ang paghawi ng lambong ng ulap damhin ang ligamgam na dala ng sinag.dz

Sa pilas ng aklat kaniyang ikikintal ang bawat bayaning sa dilim nabuwal; lahing Pilipino kaniyang itatanghal mithing kalayaan ay ipaglalaban. Ibaǯt ibang mukha ng panahon

Matulin ang takbo ng panahon, ang luntiang dahon na kaninaǯy kaysigla ngayoǯy naluluoy. Prinsipyo baǯy kumukupas?

Babangon, babagsak ang mga kasama. Matamis na ngiting ari ng iba, bukas ay atin. Mapipigil ba ang pakikibaka

Halakhak nila ngayon, bukas atin ang tagumpay. Pagbagsak ng rebolusyon, simula ng kaganapan. Ito na ang panahon

Di na magtatagal ang ating kaapihan; dumating na ang panahon hinog na ang kalagayan. Tunguhin natin ang kabundukan

Sandatang sa atiǯy ipinamamaslang ngayoǯy gamit natin sa paglipol sa kaaway. Diwaǯy sulong, matibay ang paninindigan. Handang ibuwis ang iwing buhay

Ang mithing kalayaaǯy ating makakamit; magwawakas ang panahon ng mga ganid. Pagkatapos ng madilim na gabi ng pakikibaka, tiyak sisilay ang pulang araw ng bagong umaga. Sa pagsulong ng sambayanan

Ang luksang lambong ng magdamag ay pupunitin ng isang pag-aaklas. Ang ningning ng karit ay sasambulat, masoǯy ipupukpok nang buong lakas.

Babagsak ang mga kaharian, malilipol ang mga gahaman. Pulang bandilaǯy iwawagayway magbubunyi ang mamamayan.

Bawat isaǯy may iisang layon, bawat hakbang ay may direksyon; susundan ang landas ng rebolusyon diwa ng pagbabago buong giting na isusulong. Makakamit ang kaligtasan

magsimula tayo habang may buhay pa ang mundo habang may init pa ang ating hininga pagkalat ng dilim ating pigilin ginaw ng paligid ating pawiin kapag tumigil ang mundo sa pag-inog kapag namuo ang dugo sa ating mga ugat maglalaho ang lahat guguho ang ating pangarap mawawalan ng silbi ang liwanag wakasan ang pananahimik basagin ang pagsasawalang-kibo huwag tumigil sa paghakbang makakamit natin ang mithiin maaabot ang hangad na kalayaan May sigwa sa aming nayon

Ang sapaǯy ayaw nang umagos Si kalakyaǯy walang mainom Pati ang araw ay nagkakanlong Sa ulap na kay-itim ngayon.

Nagbabadya ang sigwa sa aming nayon Huni ng kuliglig tila putok ng bulkan Mga iboǯy nagtatago; lagi sa karimlan Damoǯy nanginginig, mga punoǯt nangangatal.

Ihanda ang tabak, hawiin ang damo Ang kislap ng talim ay tatanglaw sa kubong Pinagkakanlungan ng mga kasamang Ngayoǯy sugatan ngunit walang panlulumo.

Magkapit-bisig tayo mga kanayon Tatagan ang dibdib; sigwaǯy umuugong Humahambalos ang ulan, huwag tayong sumilong Panakot lamang iyan ng sakim na panahon. Kailan tayo magbabago?

Pagsasamantala ang patuloy na naghahari Habang karapatang ng taoǯy nalulugami Kayhirap abutin ating minimithi Sigaw sa labiǯy laging tinitimpi.

Hanggang kalian tayo magtitiis Paaalipin sa dusaǯt sakit? Hanggang kalian tayo padadaig Sa mga pangil ng dusaǯt sakit?

Mga kasama halinaǯt tumindig Hanguin ang bayan sa pagkakahilahil Ang tanikala ng paninikil Atin nang wakasan, atin nang pagutin

Mga kasama saan atayo tutungo Ngayong ang mundoǯy gulong-gulo? Mga kapatid saan tayo tutungo Kalian, kalian tayo magbabago? Lakbayani

Lakbayan, paglalakbay tungo sa kalayaan Anumang uri ka ng mamamayan Ikaw ay bayaning itatanghal Kung ikawǯy nakilahok sa lakbayan.

Hindi alintana ang gutom at uhaw Maipakita lamang ang katotohanang Bayaǯy tutol sa sistemang umiiral Lakabayani, bayani ka ng bayan.

Nagmartsa ang buong sambayanan Sigaw aay paglaya at katarungan Mithiǯy lansagin ang pamahalaang Nagpapakatuta sa mga dayuhan.

Maraming taon na ang paghihirap Maraming taon nang bayaǯy binulag Ngunit ngayoǯy unti-unting namumnulat Gumigising, tumitindig, laya ang hangad.

Walang punglong maaaring humadlang Sa lakas ng baying sumusulong Walang pader na maaaring humarang Sa lakas ng bayang mistulang daluyong.

Manalig ka

Tahimik, gabiǯy pusikit anong dilim ng paligid walang anumang marinig kahit isang munting tinig.

May ilaw iyong pagmasdan kayningning kaniyang sinag magmadali iyong sundan iyon ang iyong patnubay.

Kahit saan ka magpunta hindi ka dapat mangamba Si Hesus laging kasama manalig sa gugma niya. Patak ng dugo sa iyong mga bakas

Pasan ko ang iyong krus sinusundan ko ang iyong yapak akoǯy kanilang inuusig tangkang kitlin hiram kong buhay. isinigaw ko ang katarungan inawit ko ang kalayaan akoǯy kanilang hinagupit binato at ibinilanggo. masakit kang magmahal ngunit walang ibang daan tungo sa kaligtasan kundi ang pagsunod sa iyong kalooban kristo ang patak ng dugo sa iyong mga bakas ay pamamalagiin kong sariwa masakit ang sugat na dulot mo ngunit sadyang ganiyan ka magmahal. Salamat panginoon

Masakit ang sugat na likha ng nakaraan, ngunit salamat panginoon lumago ako tulad ng isang halaman.

May luha ang alaala ng kahapon, luhang sa akiǯy dumilig upang harapin ang bukas.

May latay ang mga palo ng tag-araw, ngunit salamat panginoon akoǯy naging matatag, handang sumalubong sa tag-ulan

Madilim ang buhay sa loob ng bilangguan, subalit dahil ditoǯy nadama ko ang tunay na kalayaan.

Matinik ang alambre ng pagkamulat, panginoon salamat may lakas ako sa pagpiglas. Gagabayan tayo ng panginoon

Matatag na ba ang suhay ng iyong dampa? Handa ka na ba sa sigwang darating? Lumipas na ang tag-araw... Muling yayakapin ng lamig ang paligid, Lalambungan ng makakapal na ulap Ang mga bundok na unti-unti Nang nagkukulay lunti.

Handa na ba sa pagbungkal Ang iyong mga bisig? Sapat ba ang lakas ni kalakyan, husto na ba sa gulang ang mga punla?

Kasama ang sugat na dulot Ng nakaraang tag-init Ay hindi kailanman mapaghihilom Ng tag-ulan.

Sa ating pagsulong tungo sa tag-araw Kailangang mag-ugat sa matibay Na pundasyon ang ating lakas,

Huwag tayong matakot sa ginaw Ng dulot ng tag-ulan Gagabayan tayo ng panginoon Sa landas na ating tatahakin. Aliping dinidiyos

Gusto moǯy laging ikaw ang masusunod, isa kang alipin ngunit dinidiyos. Pinili mo ang buhay paglilingkod, ngunit mga tao sa iyo ang lumuluhod

Hindi ka nakararanas ng pagdarahop pagkat buhay moǯy sagana lagi kang busog. Sabi mo: Dzbuhay ng taoǯy masalimuot.dz Kumilos ka ba upang itoǯy isaayos?

Marami kang alam tungkol sa lipunan, Toneladang teorya pinagsunugan mo ng kilay; ngunit kumilos ka ba para sa kalayaan ng mamamayang bilanggo ng kahirapan? Kristo, hantungan

doon sa hangganan ng mga pangarap may isang batis, salamin ng buhay maaaninag ang kaganapan ng ating mga pangarap na pinipilit nating abutin mapugto man ang iwi nating buhay ang pagtatalagaǯy hindi magmamaliw huwag tayong matakot sa madawag na landas may lunas ang ating mga galos sa dulo ng daan sapagkat si kristo ang ating hantungan.