Mensahe Para Sa Mga Magsisipagtapos Ng 2020
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES Quezon City OFFICE OF THE PRESIDENT Mensahe Para sa mga Magsisipagtapos ng 2020 Binabati ko kayo, mga mahal kong iskolar ng bayan, sa inyong pagtatapos mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Kayo ay nabibilang sa katangi-tanging Batch 2020. Natatangi sapagkat kayo ay nagsipagtapos sa panahon ng isang pandemya. Na kahit pa napaikli ng pandemyang ito ang inyong paglagi at pag-aaral sa loob ng ating pamantasan ay buong husay at tapang ninyong hinarap ang lahat ng hamon ng pagkakataon at matagumpay kayong nakaraos sa mga kursong inyo ngayong tinapos. Totoo nga na kakaiba ang mga seremonya ng pagtatapos sa ating bansa ngayon. Subalit hindi man ninyo naranasan ang mga kaabang-abang na tradisyon tulad ng pagsusuot ng ating Sablay, paggawad ng mga titulo at karangalan, paglahok sa mga lightning rally, at iba pa, kayo naman ay mga tunay pa rin na mga gradweyt at ngayon ay alumni na ng UP. Taos-puso pa rin nating ipinagdiriwang ang okasyong ito, gaya ng mga nagdaang araw ng pagtatapos, at pinasasalamatan natin ang lahat ng ating mga nakasama sa makabuluhang paglalakbay na ito. Sa mga nakalipas na buwan, natutunan natin kung paano harapin ang isang kakaibang sitwasyon sa kasaysayan ng ating daigdig at lipunan, ang pagharap sa sakit na COVID-19. Bagamat hindi pa lubos na natatapos ang mga panganib na sanhi ng nasabing sakit, ating tandaan na hindi biro ang paghubog, pagsasanay at paghahandang ibinahagi sa inyo ng UP upang mapagtagumpayan ninyong sama-sama ang ano mang hamong inyong kakaharapin. Ating tandaan na ang panahon ng krisis ay hindi lamang isang masamang panaginip. Ito rin ay isang mabuting pagkakataon upang tayo ay lalong magpunyagi, magpakahusay at makapaglingkod sa bayan. Isabuhay natin ang diwa ng UP, ang pagkakaisa, ang paglilingkod nang buong husay at dangal, at patunayan natin na walang hangganan ang pagaambag ng ating Unibersidad at ng kanyang mga alumni sa paghahanap at paglalapat ng mga epektibong alternatibo at solusyon sa anumang suliranin. Sa tulong ng inyong mga propesor, kamag-aral, kasama sa kolehiyo at mga organisasyong kinabibilangan, naibigay ng UP ang lahat ng aralin at kasanayan, sa loob ng higit na maikling panahon at sa pamamagitan ng kakaibang pamamaraan ng pagtuturo. Dapat nating mapagtanto na ang tunay at higit na makabuluhang larangan ng pagkatuto ay nasa labas ng ating pamantasan. Kayo, ang Batch 2020, ang unang henerasyon ng mga nagsipagtapos na iskolar ng bayan sa panahon ng pandemyang COVID-19. Inaasahan kong kayo ay mangunguna sa pagbabangon sa ating bayan mula sa lusak ng trahedyang ito. Gamitin sana ninyo nang wasto ang karunungang Tatak UP. Buong giting at husay nawa ninyong gampanan ang pagiging mabuting Pilipino, na may utak at puso para sa kapwa at para sa bayan. Muli, binabati ko kayo sa makasaysayan at makabuluhang okasyong ito. Gabayan nawa kayo ng Poong Maykapal. DANILO L. CONCEPCION President 2 UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES Open University Los Baños, Laguna OFFICE OF THE CHANCELLOR Message to the Graduates Pagbati at pagsaludo sa mga magsisipagtapos sa UP Open University ngayong 2020! Sa kauna-unahang pagkakataon, ang UPOU ay magsasagawa ng isang birtwal na programa ng pagtatapos. Ito ay sa kabila ng pagiging ganap na onlayn natin simula pa noong 2007. Bagama’t hindi sinasadya, ito ay mangyayari habang ipinagdiriwang natin ang ika 25 taon ng pagkakatatag ng ating unibersidad na binigyan natin ng temang “Revolutionizing Disruptions for Equity and Excellence”. Ito ang gumagabay sa ating mga programa at selebrasyon sa buong taon, kasama ang programang ito ng pagtatapos. Masasabi na sa pagkakataong ito, ang tema ay ating ganap na isasabuhay. Ang hamon na dala ng pandemya ay naging sandigan natin upang hindi lamang sa pag aaral natin maisasabuhay ang usapin ng inklusyon na isang matibay na batayan ng ating pagiging bukas na paaralan. Ang mga teknolohiyang nagsilbing gamit at tulay upang maabot natin ang mga mag-aaral saan mang panig ng mundo sila naroon ay mga teknolohiya din na ating gagamitin upang ang parehong adhikain ay atin ding maisakatuparan hanggang sa okasyon ng pagtatapos. Ang birtwal na programa ng pagtatapos ay nagbigay daan upang ang higit na nakakaraming kasapi ng Class 2020 ay makadalo at maging bahagi ng seremonyang ito. Masasabing kayo UPOU Class 2020 ay angat sa iba sa dahilang kayo ang nagkumpleto ng proseso ng inklusyon mula sa inyong pag-aaral hanggang sa pagtatapos. Nawa’y ang aspetong ito ay manatili sa inyong puso at isipan habang patuloy ninyong isinasabuhay ang pagsisilbi sa sambayanan. Padayon UPOU Class 2020! Mabuhay kayo! MELINDA DELA PEÑA BANDALARIA Chancellor 3 Programa I. PAMBANSANG AWIT UPOU Chorale at UPRHS Glee Club II. UP OPEN UNIVERSITY AUDIO-VISUAL NA PRESENTASYON III. MENSAHE MULA SA CHANCELLOR Melinda dP. Bandalaria, Ph.D. NG UP OPEN UNIVERSITY IV. MENSAHE MULA SA PANGULO NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kgg. Danilo L. Concepcion V. PAGPAPAKILALA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS Chancellor Melinda dP. Bandalaria kay Kgg. Danilo L. Concepcion VI. PAGGAWAD NG MGA TITULO SA MGA MAGSISIPAGTAPOS Kgg. Danilo L. Concepcion Pangulo, Unibersidad ng Pilipinas VII PAGPAPAKILALA SA PANAUHING PANDANGAL Melinda F. Lumanta, Ph.D. Vice Chancellor for Academic Affairs VIII. TALUMPATI PARA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS Kgg. Joel Villanueva Senador, Republika ng Pilipinas Rehente, Unibersidad ng Pilipinas IX. MUSIKAL NA PAGTATANGHAL UPOU Chorale at UPRHS Glee Club X. PAGPAPAKILALA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS SA FACULTY OF EDUCATION Ricardo T. Bagarinao, Ph.D. Dean, FEd Associate in Arts Bachelor of Education Studies Graduate Certificate in Distance Education Diploma in Language and Literacy Education Diploma in Mathematics Teaching Diploma in Social Studies Education Diploma in Science Teaching Master of Distance Education Master of Arts in Education (Language and Literacy Education) 4 XI. PAGPAPAKILALA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS SA FACULTY OF INFORMATION AND COMMUNICATION STUDIES Alexander G. Flor, Ph.D. Dean, FICS Bachelor Arts in Multimedia Studies Diploma in Computer Science Master of Development Communication Master of Information Systems XII. PAGPAPAKILALA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS SA FACULTY OF MANAGEMENT AND DEVELOPMENT STUDIES Primo G. Garcia, Ph.D. Dean, FMDS Graduate Certificate in ASEAN Studies Diploma in Environment and Natural Resources Management Diploma in International Health Diploma in Land Use and Planning Diploma in Land Valuation and Management Diploma in Research and Development Management Diploma in Social Work Master of ASEAN Studies Master of Environment and Development Management Master of International Health Master of Arts in Nursing Master of Public Management Master of Social Work XIII. PAGSUSUOT NG HOOD NG PAGKADOKTOR AT PAGPAPAKILALA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS Faculty of Education: Doctor of Philosophy in Education Ricardo T. Bagarinao, Ph.D. Dean, FEd Faculty of Information and Communication Studies: Doctor of Communication Alexander G. Flor, Ph.D. Dean, FICS XIV. MENSAHE NG KINATAWAN NG MGA MAGSISIPAGTAPOS Bb. Mariebelle B. Balazuela Magna cum laude Bachelor of Education Studies 5 XV. PANUNUMPA NG KATAPATAN SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kgg. Danilo L. Concepcion Pangulo, Unibersidad ng Pilipinas Tapat akong sumusumpa, bilang isang nakapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, na sisikapin kong maging karapatdapat sa karangalan at pamantayan ng kahusayan ng aking Unibersidad, na isasaloob ang mga bagay na mag-aangat sa aking kaisipan at pagkatao, at mamamalaging nasa panig ng batas, kalayaan, at katarungan - alang-alang lahat sa paglilingkod sa bayan at sangkatauhan. XVI. PAGTATALAGA SA MGA NAGSIPAGTAPOS BILANG KASAPI NG UP ALUMNI ASSOCIATION Kgg. Reynaldo C. Laserna Pangulo, U.P. Alumni Association Alumni Regent Taos-puso akong nanunumpa, na isasakatuparan ko nang buong husay at katapatan at walang pag-iimbot ang mga tungkuling nakaatang sa akin bilang kasapi ng Samahan ng mga Nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas; ipagtatanggol ko at ipaglalaban ang kapakanan ng unibersidad na aking pinagtapusan, ang Unibersidad ng Pilipinas; at ipinangangako kong magiging matapat na nagtapos sa unibersidad na ito sa lahat ng pagkakataon. Kaya tulungan nawa ako ng Diyos. XVII. UP NAMING MAHAL UPOU Chorale at UPRHS Glee Club 6 Candidates for Degrees and Titles Candidates for Degrees and Titles* CAMURUNGAN, KARL LOUIS S. GONZALES, GIOANGELO GONZALES G. HERNANDEZ, NIKKO G. SALUDES, JOHN DARWIN C. CASTILLO, MAILYN A. SIRUNO, NIKA PATRICIA B. LOPEZ, AKEIMI M. SONG, PAUL CHRISTOPHER T. MABULO, LOUISE EMMANUELLE d.G. TADEO, EDGAR JR. C. SALVADOR, ROEHN M. TAYONA, ALFRED JOHN G. SEVILLA, KENNETH SEAN URDANETA, JERUME F. BANIQUED, SARAH V. IGMEDIO, MARY GLADICE M. DESUASIDO, MARIA LORENA P. REYES, FLEURDELIS B. ESPARAGUERA, AMITY M. SALIPOT, PIO ANGELO D. GEONZON, JUBIL RE M. SASAKI, REINA P. GONZALES, REIGN G. TANAKA, TWEETY M. BALAZUELA, MARIEBELLEA B., LEISIBACH, KLAUDETTE ZARAH C., Magna cum laude Magna cum laude BANDOLA, PAMELA R. MINA, PAULO RY F. CRUZ, PAUL DAVID C. TAN, ANGELINE B. TAN, ARMELINDA S. *The listing of names in the program does not per se serve as proof of graduation. This should be supported by the corresponding diploma or certificate. 7 Candidates for Degrees and Titles CALIWAG, MARYAM OMAR C. REYES, PAULO V., Cum laude CANO, SHEILA M. SALANIO, SHARRY MAE G. MACARANAS, ANGELICA E. TRANSFIGURACION JAKE P. UY JR., GILBERT CESAR A. BAUTISTA, JEAN MONICA G. MALOCLOC, LEONIDA M DE LA CRUZ, JEFFREY L. SAN JOSE, CHRISTIAN M. ARADA, KRISTINE ROSE O SHIRAKAWA, RUJI P. MUNALIM, LEONARDO O. SIDON, MARIA CRYSTLE M. ALONSAGAY, SAMLAINE MAY U. HAMOT, RACHEL LOIS C. ANACTA, BERNADETTE R. MARSO, JOE-ANN L. CAPIN, MA. ALOHA S. MILLABAS, SHIELA MAY G. CHUA, KAREN B. OH, GENEVIEVE C. DACSIL, GLYNIS N. PASCUAL, CLARISSA P. DIZON, MARIA RHEA O. REYES, LILETH M. DULCE, AMOR D. SUMANGIL, MAREZE S. GEROZAGA, RANNIE REX L. TABIANO, VINCE NEIL J. GIBBS, MARICEL C. VALENCIA, DINNAH JEAN H. 8 Candidates for Degrees and Titles AFAN, MARIA HEJIRA G. EGO-UGAN, KRISTINE KAYE J. ALMIREZ, DOMINIC P. EISMA, CRISTETA O. ATADERO, KEVIN JAY D. IGNACIO, JESSICA MARIZ R. BALOR, VERONICA JACA, CHIEDIZBERG N. BARATANG, MARK AL JAY U. KINOSHITA, MARI-EDLYNNE M.