W6 Asignatura
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
Asignatura EPP (Home Economics) Baitang 4 W6 Markahan Ikaapat Petsa I. PAMAGAT NG ARALIN Paghahanda ng masustansyang pagkain II. MGA PINAKAMAHALAGANG •Nakatutulong sa paghahanda ng masustansyang pagkain KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCs) III. PANGUNAHING NILALAMAN Paghahanda ng masustansiyang pagkain? IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO I. Panimula (Mungkahing Oras: 20 minuto) Anong pagkain ang madalas mong kainin? Masasabi mo bang ito ay masustansiya? Bakit kailangan nating isaalang-alang ang pagkain na ating kakainin sa araw-araw? Ang isang batang tulad mo ay nangangailangan ng malusog na pangangatawan, upang magampanan ang mga pang-araw-araw na gawain. Ang mga masusustansiyang pagkain ang makapagbibigay nito sa iyo. Magiging masigla at malakas ang iyong katawan at ito ang paraan upang ikaw ay makaiwas sa sakit. Kung ang bawat kasapi ng pamilya ay malakas at malusog, madali nilang magagawa ang kani-kanilang tungkulin nang masaya. Matututunan mo sa araling ito ang wastong paghahanda ng masustansyang pagkain. D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 80 minuto) Tatlong Pangkat ng Pagkain Pangkat I – Mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya, lakas, at sigla o Go Foods. Ang mga pagkaing ito ang pinagkukunan ng mga sustansiyang carbohydrates, taba, at langis. Nagbibigay ang mga ito ng enerhiyang nagpapalakas at nagpapasigla ng katawan. Kapag kumakain ka ng mga ito, ikaw ay magiging masigla at malakas. Ikaw ay makapaglalaro, makapag-aaral, at makagagawa ng iba’t ibang gawain. Ang sumusunod ay mga pagkaing mayaman sa carbohydrates: kanin, kakaning gawa sa bigas tulad ng puto, suman, kalamay, kutsinta, lugaw, tsamporado, at ginataang mais. Kasama sa pangkat ang mga pagkaing gawa sa arina tulad ng keyk, tinapay, at biskwit. Ang mga bungang-ugat tulad ng kamote, kamoteng-kahoy, gabi, taro, yakon, sugar beats, at ube ay kasama din dito. Kabilang din ang mga matatamis na pagkain gaya ng asukal, tubo at pulot o honey. Sa pangkat na ito kasama ang mantikilya, mantika, at niyog. Pangkat II – Mga pagkaing tumutulong sa paglaki ng katawan o Grow Foods Mayaman sa protina ang mga pagkaing ito. Ang protina ay responsable sa pagpapalaki ng mga kalamnan at ng buong katawan. Ito ay nagpapalakas din ng mga buto at nakatutulong sa pagpapalakas ng katawan, kung ang isang tao ay galing sa pagkakasakit. Sa sumusunod na pagkain makukuha ang sustansiyang protina: karne ng baboy, baka at manok, isda, itlog, at gatas. Pinagkukunan din ng protina ang mga pagkaing galing sa butil, tulad ng monggo, mani, kadyos, sitaw, bataw, at sitsaro. Mayaman din sa protina ang mga lamang dagat gaya ng alimango, alimasag, hipon, dilis, halaan, tulya, tahong, talaba, at talangka. Kasama din sa pangkat na ito ang hamon, bacon, tocino, at longganisa. Pangkat III – Mga pagkaing pananggalang sa sakit at impeksiyon o Glow Foods Ang mga pagkaing ito ay pinagkukunan ng bitamina at mineral. Ang mga bitamina A, B-1, 6, 12, C at mga mineral tulad ng iron, calcium, yodo (iodine), phosphorus, at potassium ang mga sustansiyang nagsisilbing pananggalang sa sakit at impeksiyon. Ang mga prutas at gulay na mayaman sa bitamina at mineral ay nagsasaayos ng mga bahagi ng katawan. Makukuha ang bitamina at mineral sa mga sumusunod na pagkain: 1. Madahong gulay, madilaw, at maberde tulad ng petsay, malunggay, talbos ng kamote, talbos ng sayote at kalabasa. Ang saluyot, ispinats, alugbati, celery, kintsay, carrot, at kangkong ay mayaman sa bitamina A, calcium, at iron. Ang mga sustansiyang nakatutulong sa pangangalaga at pagpapalusog ng mga mata, ngipin, at buto. Kapag sapat ang taglay na iron, ang katawan ay malakas at maganda. Ito rin ay nakatutulong sa pamumuo ng dugo kapag nasugatan at madaling nakapagpapagaling ng sugat. 2. Ang mga maaasim at makakatas na gulay at prutas tulad ng dalanghita, suha, bayabas, kamyas, mangga, pipino, at kamatis ay mayaman sa Bitamina C. Ito ay nagpapalakas ng katawan laban sa impeksiyon at sipon. Nakabubuti rin ito sa ngipin at gilagid. IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO 3. Ang mga prutas tulad ng tsiko, santol, duhat, pakwan, kaimito, langka, saging at mga gulay na tulad ng okra, sitaw, talong, at sigarilyas ay tumutulong sa pagtunaw ng kinakain at sa pagbawas ng dumi. Nililinis nito ang mga bituka at tiyan upang maging laging maayos at mahusay ang mga ito. Paalala: Para sa may koneksyon sa internet maaari ninyong bisitahin ang link na nasa Ibaba para sa karagdagang kaalaman. Link: https://images.app.goo.gl/GFMCEDbMT8cxc5At7 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magbigay ng limang halimbawa ng mga pagkaing kabilang sa Go, Grow and Glow foods. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Go Foods Grow Foods Glow Foods 1. 1. 1. 2. 2. 2. 3. 3. 3. 4. 4. 4. 5. 5. 5. E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 40 minuto) Gawain sa pagkatuto Bilang 2: Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin at unawain ang isinasaad sa bawat bilang. Sagutin ng tama kung sang-ayon ka at Mali kung hindi ka sang-ayon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ang Go foods ay pagkaing nagbibigay ng enerhiya, lakas at sigla. 2. Ang tatlong pangkat ng pagkain ay mainam gawing gabay sa paghahanda ng masustansyang pagkain ng mag-anak. 3. Ang mga madahong gulay, madilaw at maberde ay kabilang sa Go Foods. 4. Tumutulong sa paglaki ng katawan ang mga pagkaing kabilang sa Go Foods. 5. Ang Grow Foods ay mga pagkaing mayaman sa protina. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isagawa ang paghahanda ng masustansyang pagkain. Gumawa ng plano para sa ilulutong pagkain sa loob ng isang linggo. Araw Almusal Tanghalian Hapunan Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 20 minuto) Natutunan mo sa araling ito ang paraan ng paghahanda ng masustansiyang pagkain. Mula sa araling ito ay namulat ka sa kung anong uri ng pagkain ang dapat mong kainin upang ikaw ay maging malusog. Malaking tulong sa iyo na malaman mo ang tatlong pangkat ng pagkain upang makapaghanda ka ng isang masustansiyang pagkain para s aiyo at sa iyong pamilya. IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: _________) (Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo) Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang pagwawalis sa loob at labas ng bahay ay ginagawa _____________________________. a. Araw-araw b. paminsan-minsan c. lingguhan 2. Alin sa mga sumusunod ang basurang di-nabubulok? a. Balat ng prutas b. Bituka ng isda c. Boteng plastic 3. Paano ka makakatulong upang mabawasan ang basura sa ating pamayanan? a. Gumawa ng compost pit o basket composting para sa mga basurang nabubulok. b. Mag-recycle ng mga patapong bagay na maaari pang magamit. c. Ang A at B ay parehong tama. 4. Ang ______________________ ay mga pagkaing pananggalang sa sakit at impeksiyon. a. Go b. glow c. grow 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa masustansiyang pagkain. a. Gulay b. isda c. hotdog VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 20 minuto) • Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans. Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili: - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. ✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. ? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay. Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3 VII. SANGGUNIAN Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral (MELC EPP/TLE p.402, PIVOT 4A BOW p.274) Inihanda ni: MELISA O. SILLOS Sinuri ni: ERLITO B. ORLINGA DELSIFE D. CANTA WILLY V. FRAMY RIZAMIA E. CALIPAY VIDA T. DELAS ARMAS JOYCE E. ADVINCULA .