See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.net/publication/348870739 Mga Elementong Katutubo at Pakahulugan sa mga Pananagisag sa Nagcarlan Underground Cemetery, Nagcarlan, Laguna Article · December 2020 CITATIONS READS 0 2,383 1 author: Axle Christien Tugano University of the Philippines Los Baños 35 PUBLICATIONS 16 CITATIONS SEE PROFILE All content following this page was uploaded by Axle Christien Tugano on 17 April 2021. The user has requested enhancement of the downloaded file. Mga Elementong Katutubo at Pakahulugan sa mga Pananagisag sa Nagcarlan Underground Cemetery, Nagcarlan, Laguna1 Axle Christien TUGANO Asian Center, University of the Philippines - Diliman
[email protected] https://orcid.org/0000-0002-4849-4965 ABSTRAK Marami sa mga simbahan (iglesia) at libingan (cementerio) ang itinayo noong panahon ng mga Español sa dati nang sinasambahan at nililibingan ng mga katutubo, kung kaya bahagi pa rin ng pagtatawid sa sinaunang pananampalataya patungo sa tinatawag na Kristiyanismong Bayan (tinatawag ng iilan bilang Folk Catholicism o Folk Christianity). Dahil hindi pasibong tinanggap ng mga katutubo ang ipinakikilalang dogma, inangkop nila sa kanilang kinab7ihasnang kultura ang pagtanggap sa Kristiyanismo. Makikita ang ganitong pag-angkop sa sistema ng paniniwala; iba’t ibang tradisyon; at konsepto ng mga bagay-bagay. Ipinamalas din nila ang bersiyon ng pagsasama o sinkretismo sa sining ng arkitektura na makikita sa mga imprastraktura katulad ng cementerio. Isa ang Nagcarlan Underground Cemetery (NUC) ng Nagcarlan, Laguna sa mga tinitingnan bilang halimbawa ng isang magandang cementerio sa Pilipinas na tumutugon sa pamantayang binanggit sa itaas. Sa kabila ng imprastraktura at arkitekturang banyaga nito, mababakas pa rin ang patuloy na pagdaloy ng mga elementong pangkalinangan ng mga katutubo sa pamamagitan ng mga simbolong nakamarka at makikita sa kabuuan ng libingan.