Jeydon Lopez
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
The four bad boys and Me For sure kilala niyo naman yung F4 di ba? Meron din niyan dito sa school namin. Tawag namin sakanila, APAT. Jeydon Lopez. Ang leader ng grupo at ang pinaka bad boy sa kanilang lahat. Siya 'daw' yung hari ng school kaya tinitingala siya ng halos lahat ng mga studyante. Gwapo, mayaman, sikat, habulin ng mga babae at ang Captain ng basketball team. Siya ang numero unong bully sa school namin, mapang asar at napaka yabang. Malakas mag yosi at uminon ng alak. Siya yung taong pinaka kinaiinisan ko sa lahat. Troy Mendoza. Siya ang best friend at palaging kasama ni Jeydon. Cute, mayaman at sobrang kulit. Siya ang wonanizer sa kanilang apat dahil siya ang pinaka mahilig sa mga babae at ang 'boyfriend ng campus' dahil sa dami ng girlfriend niya. Napaka dami na niyang babaeng pina iyak. Isa din siya sa kinaiinisan kong tao sa school. Charles Gonzales. Ang pinaka matanda sa grupo. Siya ang basagulero sa kanilang apat, walang alam kundi makipag away. Gwapo, mayaman, sobrang mapang asar at kinakatakutan sa school. Hindi lang siya sa school expert mang bully pati sa buhay ko. Unfortunately kapatid ko siya, mahal ko siya pero naiinis din ako sakanya. Marky Lim. Siya ang huling kukumpleto sa grupo nila. Siya yung silent type sa grupo nila na parang may sariling mundo palagi. Gwapo, masunget tska snobero. Sabi nila siya daw yung pinaka player sa kanilang apat pero hindi ako naniniwala kasi crush ko siya eh. Ang galing galing niya kasi kumanta tska napaka gwapo pa. Siya lang ata yung gusto ko sakanila. Ako? Ako si Candice Gonzales. Im just a nobody.. Nerd.. Weird.. Forever alone.. Kaso lang lahat yan nag bago, yung tahimik kong buhay. GUMULO! Lahat yun kagagawan ng FOUR BAD BOYS. 1. First Kiss "Ang gwapo ng apat! lalo si Jeydon nuh?" "Oo nga eh! Gosh! kinikilig ako sakanya!" "Look girls, papunta sila dito!" Papalapit na nga sila Jeydon sa lugar namin kaya parang mga kabute yung mga fangirls nila na nagsilitawan. Akala mo may dumating na artista, eh studyante lang naman sila dito ah? Naglalakad silang APAT nung may isang babae na pumunta sa harap ni Jeydon Lopez. "Hi Jeydon!" sabi nung babaeng makapal yung make up tapos sobrang ikli ng palda. "I'm Stella by the way." inabot niya yung kamay niya kay Jeydon pero imbis na makipag kamay siya dun sa Stella, tinitigan lang niya yun na may blankong ekpresyon ng mukha. "Can you get away from me? You ugly creature." Lahat sila nagtawanan sa sinabi ni Jeydon, nangingibabaw yung tawa ng tatlong mga babae na nag uusap kanina. Lahat sila pinag tatawanan yung Stella, kawawa naman siya. Umatras na lang siya para makadaan si Jeydon at yung tatlo. Pupusta pa ako hindi na siya papasok pa ulit dito sa kahihiyan na nangyari sakanya ngayon. "Bagay lang sakanya yan! Ambisyosa!" "Feeler kasi! Haha!" "How dare her, hindi sila bagay ni Papa Jeydon. Masyado siyang gwapo." Gwapo? Oo gwapo nga masama naman ugali. Ang yabang niya! akala mo kung sino siya! Porket siya 'daw' yung hari ng school na 'to. Isang malaking kalokahan! At kung makapag pahiya ng iba, akala mo kung sino siya. Ewan ko ba bakit ang daming nag kaka gusto sa mokong na yan, ang sama sama naman ng ugali. Sinasayang lang niya yung itsura na binigay sakanya. 'Bakit gustong gusto ng mga babae yung mga bad boy?' Yan na lang yung nasabi ko sa sarili ko, walang iba kung hindi ako. Oo, kinakausap ko yung sarili ko pero hindi ako baliw. Wala akong kaibigan dito sa school, sabihin na lang natin na forever alone ako dito. Para kasi sa mga schoolmate ko, isa lang akong nerd, weird, manang at walang kwenta kung makikipag kaibigan lang sila sakin. Psh! eh di wag nuh! hindi ko naman sila kaylangan. Masaya naman mag isa eh, tahimik lang yung buhay mo. Kahit kapatid ko si Charles Gonzales, isa sa APAT, hindi pa din yun naging dahilan para maging sikat din ako dito sa school. Hindi kami palaging nag uusap dito sa school, hindi ko alam kung kinakahiya niya ako o sadyang hindi lang nagkikita yung landas namin. Sa totoo lang isa siyang malaking bully sa buhay ko pero masaya na din ako na naging kapatid niya ako. Dahil sa kapatid ko siya, hindi ako na bu-bully masyado dito sa school, hindi katulad ng ibang katulad ko na nerd. Tinignan ko yung relo ko, pumunta na ko sa class ko na mag sisimula, five minutes from now. Tumakbo na lang ako na para bang wala ng bukas, ayokong ma late noh. Pag kadating ko dun, nandun na yung mga classmates ko pati yung teacher ko, lahat sila napatingin sakin. Nagulat ako nung tumawa ng malakas yung teacher ko. Alam ko na ako yung pinag tatawanan niya dahil sakin siya naka tingin. "Candice, mahangin ba sa labas?" Dahil sa sinabi niya nagtawanan pati mga classmates ko, for sure yung buhaghag kong buhok mas lalong naging buhaghag. Akala ko mga students lang may masamang ugali dito sa school. Pati pala teacher, nako naman. Kasalanan ko bang tumakbo ako papunta dito para hindi ako malate sa klase niya? Loko to ah! Hindi ko na lang siya pinansin. Daily routine na ata nila yan eh, hindi man ako yung inaasar nila nasanay na ko sa ugali nilang yan. Tska isang taon na lang naman titiisin ko dito sa school na to, at graduate na ko ng High School. Pagkatapos ng isang oras na torture sa class netong mapanglait na teacher ko, nag bell na din sa wakas, at syempre lahat sila excited na sa lunch. Ako? hindi katulad ng isang tipikal na studyante dito, sa library lang ako pupunta. Ayoko kasi ng madaming tao. May pagka anti-social kasi ako, haha! Syempre joke lang. Ayoko ko kasi sa canteen, puro tsismis lang meron dun. Mas mabuti pa dito sa library, tahimik tska makakapag basa pa ako. Tska for sure andun yung APAT, ayoko makita yung mga yun. Kung nasan sila, nandun din yung mga fan girls nila. Yung mga babaeng patay na patay sakanilang apat. "Hi candice!" "Ay kalabaw!" napahawak ako sa dibdib ko, nakakagulat siya. "Ay sorry nagulat ba kita?" Ay hindi ako nagulat, ineexpect nga kita eh. Grabe naman 'to si ate oh! papatayin ata ako sa gulat. Tinignan ko lang siya, maganda siya, masiyahin tapos ang laki ng ANO niya. Witwew! oy hindi ako tomboy ah! eh sa ang laki eh, nanliliit yung sakin. "Bakit?" tanong ko sakanya, bakit kaya niya ako kakausapin? "Ah.. kasi.. ano.." hinitay ko yung sagot niya pero hindi siya nag salita. Bumalik ulit ako sa libro na binabasa ko, eh kasi ayaw naman niya sabihin kung anong kelangan niya, na iistorbo kaya ako. Hello? hehe arte lang. "May sasabihin ka ba? kasi nag babasa ako eh." "Ay sorry.. kasi pwede ba akong humingi ng favor sayo? please?" hinawakan niya yung braso ko, nag mamaka awa. Hala siya! ngayon ko pa nga lang siya nakilala tapos favor na agad? "Ano yun?" "Pwede bang ibigay mo 'tong letter na 'to kay Troy?" "Bakit hindi ikaw?" "Eh kasi hindi naman niya ko kilala! eh ikaw kapatid ka naman ni Charles eh, please naman oh!" so ibig sabihin si Troy Mendoza nga yung tinutukoy niya. Yung womanizer na lalaki na yun. Sinara ko yung libro ko, tumayo ako tska umalis. Ayoko nga! bakit hindi siya mag bigay? utusan niya ba ako? tska ayoko makipag usap sa mga yun, gumulo pa buhay ko dito sa school. Hinabol naman niya ako kahit nasa labas na ako ng library. Amp ate wag ako! iba na lang. "Please?" nag puppy eyes siya sa akin. Sa totoo lang okey lang naman sakin gawan siya ng favor, eh sa ganun ako kabait eh! Kaso yung lalapit ako sa APAT na yun?! NO WAY HIGH WAY! "Please naman oh.. crush na crush ko kasi si Troy eh! huhu please.. kapag kaharap ko siya nauutal ako eh! please." parang iiyak na siya. Nakaka awa naman, sa lahat ba naman ng lalaki, kay Troy Mendoza pa siya nag ka gusto? bulag ata siya. Ang ganda ganda pa naman niya tska mukha naman siyang mabait eh. Hindi sila bagay na dalawa. Kinuha ko yung letter, umalis ako agad dun ng hindi nag sasalita. Medyo bastos lang eh nuh? hehe, hindi ko kasi hobby na mag salita, forever alone nga eh. Habang papalayo na ako narinig ko siyang nag thank you sakin. Mag thank you ka talaga ate kasi ang laking favor netong gagawin ko para sayo. Haharap ako sa APAT na yun? tama ba itong gagawin ko? Hinanap ko agad kung tambayan nila sa canteen, dun naman sila lagi nakatambay eh. Nakita ko naman sila agad dun, sa private area nila. Sakanila lang yun, para kasi silang F4 ng school namin eh. Lumapit ako sakanila, pinag titinginan pa ko ng mga schoolmate kong babae sa canteen. For sure sinumpa na ko ng mga yan o sabihin na natin na baka sinasabunutan na nila ko sa isip nila. Inabot ko na lang agad yung sulat nung makaharap ko yung Troy na yun. Lahat sila nag tinginan sakin, yung parang nandidiri lang. Bakit nga ba kasi ako pumayag dun sa babae? hayss. "Ano yan?" sabi ni Troy. Malamang sulat. Ano ba naman 'to. "Wow Troy! may gusto sayo yung kapatid ni tandang Charles oh! HAHA ewww ha!" sabi ni Jeydon. Ang yabang talaga! Leche plan! Hindi naman siya kausap ko eh! EPAL din siya eh noh. "Meet my nerdy sister Candice." tapos tumingin siya sakin "My dear sister anong kalokohan naman yan? kahit mag bigay ka ng sulat kay Troy hindi ka pa din magugustuhan niyan, ang manang manang mo eh!" ang sweet talaga ng kapatid ko.