Inyong Pagpili. Inyong Lungsod
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
Lungsod at County ng San Francisco Pamplet ng Impormasyon para sa Botante Bumoto sa pamamagitan ng Koreo: Inyong Lungsod. Humiling bago o sa Oktubre 30 Bumoto sa City Hall: Inyong Pagpili. Oktubre 9 – Nobyembre 6 Eleksyon sa Nobyembre 6, 2018 Bumoto sa inyong Lugar ng Botohan: Nobyembre 6, Araw ng Eleksyon Para sa Halimbawang Balota para sa eleksyong ito, mangyaring tingnan ang bersiyong Ingles nitong pamplet, na ipinadala sa lahat ng nakarehistrong botante. Kung gusto ninyo ng isa pang kopya ng bersiyong Ingles nitong pamplet, mangyaring tumawag sa (415) 554-4310. Inilathala ng: Maaari din ninyong matingnan ang inyong Halimbawang Balota sa sfelections.org. Departamento ng mga Eleksyon Lungsod at County ng San Francisco Mga Importanteng Petsa Magbubukas ang City Hall Voting Center Martes, Oktubre 9 (Sentro ng Botohan sa City Hall) Huling araw para magparehistro upang makaboto Lunes, Oktubre 22 • Hindi umabot sa deadline? Bisitahin ang sfelections.org, “Rehistrasyon para sa mga Espesyal na Kalagayan” • Maaaring magparehistro at bumoto ang mga bagong mamamayan ng Estados Unidos sa City Hall hanggang sa Araw ng Eleksyon Pagboto sa weekend sa City Hall Voting Center Sabado at Linggo, Oktubre 27–28 Huling araw para humiling ng vote-by-mail (pagboto sa Martes, Oktubre 30 pamamagitan ng koreo) na balota Pagboto sa weekend sa City Hall Voting Center Sabado at Linggo, Nobyembre 3–4 Bukas ang mga Drop-off Station (Lugar na Sabado–Martes, Nobyembre 3–6 Paghuhulugan) ng Balota sa ilang pasukan ng City Hall Oras ng botohan sa Araw ng Eleksyon (lahat ng mga Martes, Nobyembre 6, lugar ng botohan at sa City Hall Voting Center) mula 7 a.m. hanggang 8 p.m. Makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon TELEPONO KOREO @ EMAIL Filipino: (415) 554-4310 Department of Elections Gamitin ang form para sa email sa TTY: (415) 554-4386 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place sfelections.org/sfvote City Hall, Room 48 San Francisco, CA 94102-4634 Ang mga oras na bukas ang opisina ay Lunes hanggang Biyernes (maliban sa mga pista opisyal) mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. Tingnan ang sfelections.org para: I-check ang status ng inyong pagpaparehistro Humiling ng vote-by-mail (pagboto sa bilang botante pamamagitan ng koreo) na balota Magparehistro upang makaboto o i-update ang I-check ang status ng inyong vote-by-mail inyong rehistrasyon na balota Dagdagan ang kaalaman tungkol sa ranked- Tingnan ang lokasyon ng inyong lugar ng botohan choice voting (pagboto na aantasin ang mga Tingnan ang inyong halimbawang balota piniling kandidato) Return Address: Dikitan ng isang first-class selyo dito. Hindi ihahatid ng Post Office kung wala nito. Napirmahan na ba ninyo ang kabila ng inyong Aplikasyon para sa Vote-by-Mail na balota? DIRECTOR OF ELECTIONS DEPARTMENT OF ELECTIONS 1 DR CARLTON B GOODLETT PLACE ROOM 48 SAN FRANCISCO CA 94102-4608 Talaan ng mga Nilalaman Pamplet ng Impormasyon para sa Botante Pinagsamang Pangkalahatang Eleksyon — Nobyembre 6, 2018 Pangkalahatang Impormasyon Mga Pahayag ng mga Kuwalipikasyon ng Kandidato Mga importanteng petsa ng eleksyon ... (loob ng harap na pabalat) Impormasyon tungkol sa kandidato at katungkulan.............. 17 Mga pag-endorso ng partido ................................. 18 Sulat mula sa Direktor ........................................ 2 Mga Kandidato para sa Kinatawan ng Estados Unidos .......... 20 Layunin ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante at Gabay ng Impormasyon para sa Botante ..................... 3 Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado .................. 22 Komite para Gawing mas Simple ang Balota .................... 3 Mga Kandidato para sa Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad ....... 24 Mga Kandidato para sa Direktor ng BART...................... 26 Kumpirmahin ang lokasyon ng inyong lugar ng botohan .......... 4 Mga Kandidato para sa Lupon ng Edukasyon................... 29 Pagboto ng mga Hindi-Mamamayan sa Eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon ......................................... 4 Mga Kandidato para sa Assessor-Recorder (Tagatasa-Tagatala) ......................................... 39 Kung saan at kailan boboto ................................... 5 Mga Kandidato para sa Public Defender Kung paano bumoto .......................................... 6 (Pampublikong Tagapagtanggol) .............................. 40 Ranked-choice voting ........................................ 7 Mga Kandidato para sa Lupon ng mga Superbisor .............. 41 Paano makakukuha ng bagong balota kapag nagkamali kayo ..... 8 Mga eleksyon sa California ................................... 9 Mga Lokal na Panukalang-Batas sa Balota Accessible na Sistemang Vote-by-Mail ........................ 11 Impormasyon tungkol sa mga lokal na Access para sa mga botanteng may kapansanan ............... 12 panukalang-batas na nasa balota at mga argumento............ 53 Tulong sa wikang Filipino .................................... 15 Pangkalahatang buod ng utang ng San Francisco .............. 54 Libreng mga klase sa Ingles.................................. 15 Mga salitang dapat ninyong malaman......................... 56 Be a poll worker ............................................ 16 A: Earthquake Safety Bond (Utang na Pangkaligtasan mula sa Lindol) para sa Embarcadero Seawall ...................... 58 Mga madalas na itanong..................................... 78 B: Mga Gabay ng Lungsod ukol sa Pagiging Pribado ng Batas sa mga karapatan ng botante........................... 81 Impormasyon............................................ 62 Pagiging kumpidensiyal at mga rekord ng botante .............. 81 C: Karagdagang mga Buwis sa Negosyo para Mapondohan Programang Ligtas sa Tahanan ............................... 81 ang mga Serbisyo sa Homeless o Walang Tahanan .......... 66 Talatuntunan ............................................... 82 D: Karagdagang Buwis sa mga Negosyo ng Cannabis; Worksheet ng Balota ........................... .(huling pahina) Pagpapalawak sa mga Negosyong Pinapatawan ng mga Buwis sa Negosyo ....................................... 70 Makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon....................... (loob ng likod na pabalat) E: Alokasyon ng Bahagi ng Buwis sa mga Hotel para sa Paggamit sa Sining at Kultura ............................. 74 Website ng Departamento ng mga Eleksyon....................... (loob ng likod na pabalat) Address ng inyong lugar ng botohan ............ .(likod na pabalat) Aplikasyon para sa vote-by-mail na balota ....... .(likod na pabalat) Aplikasyon para sa permanenteng vote-by-mail na estado ........................ .(likod na pabalat) Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ng San Francisco Inilathala ng Departamento ng mga Eleksyon Lungsod at County ng San Francisco 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, City Hall, Room 48 San Francisco, CA 94102-4634 sfelections.org Mga Pagsasalin at layout/typesetting ng InterEthnica Inilimbag ng Merrill Communications LLC Mangyaring i-recycle ang pamplet na ito. 2 Pangkalahatang Impormasyon 38-FI-N18-CP2 John Arntz, Direktor Mahal na Botante ng San Francisco, Agosto 22, 2018 Ang Araw ng Eleksyon ay sa Nobyembre 6, 2018 na, at magbubukas ang mga lugar ng botohan nang 7 a.m. at magsasara nang 8 p.m., sa kabuuan ng lungsod. Handa na ang Departamento ng mga Eleksyon para sa pagboto ng lahat sa lugar ng botohan, sa pamamagitan ng koreo, o sa City Hall. Nakagawa na rin kami ng maraming impormasyon para sa mga botante tungkol sa Consolidated General Election (Pinagsamang Pangkalahatang Eleksyon) na ito, at makukuha ang impormasyong ito sa aming website, na sfelections.org. Impormasyon tungkol sa Non-citizen Voting (Pagboto ng Hindi-Mamamayan) Kaugnay ng eleksyon ngayong Nobyembre ang pagpapatupad ng Departamento ng non-citizen voting (pagboto ng hindi-mamamayan) sa eleksyon para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon), ayon sa pag-apruba ng mga botante sa ilalim ng “Prop N” sa eleksyon noong Nobyembre 2016. Upang makapagparehistro at bumoto sa eleksyon para sa Board of Education, kailangang nakatira ang non-citizen sa San Francisco, at isang magulang, legal na tagapatnubay, o tagapag-alaga o caregiver (ayon sa pagbibigay-depinisyon ng California Family Code o Kodigo ng Pamilya Seksyon 6550) ng mga batang mas bata sa edad na 19, na nakatira din sa San Francisco. Sinumang nakakulong o naka- parole dahil nahatulan na batay sa kriminal na pagkakasala, o kasalukuyang napagpasyahan ng korte na may kakulangan sa pag-iisip, ay hindi kuwalipikado para magparehistro at bumoto. Boboto ang mga botanteng non-citizen ng balotang iisa lamang ang card at mga kandidato lamang para sa labanan na Board of Education ang nakalista. Hindi kuwalipikado ang non-citizen na bumoto sa iba pang labanan bukod sa Board of Education. Multi-Card na mga Balota Gayon pa man, bobotong muli ang karamihan sa mga botante gamit ang balotang multi-card (maraming card), na binubuo ng apat na card. May makikitang labanan para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) sa kanilang mga balota ang mga botanteng nakatira sa mga Superbisoryal na Distrito na even ang numero (2, 4, 6, 8, at 10). Ballot Worksheet (Worksheet ng Balota) Gaya ng bawat eleksyon, kasama sa Voter Information Pamphlet (Pamplet ng Impormasyon para sa Botante) ang “Worksheet ng Balota,” na nagkakaloob ng espasyo upang maisulat ninyo ang mga napili para sa bawat labanan at panukalang-batas bago ninyo markahan ang inyong balota. Makatutulong ang paggamit ng Worksheet sa tamang pagmamarka sa inyong balotang vote-by-mail (pagboto sa pamamagitan ng koreo). Puwede rin ninyong dalhin ang inyong Worksheet sa lugar ng botohan para mabawasan ang