Alegorya at Talinghaga: Artikulasyon ng Dalumat ng “Kaluluwa” sa mga Pelikula ng Shake, Rattle, and Roll Allegories and Tropes: Articulating the Concept of “Kaluluwa” in Shake, Rattle, and Roll Films

JAY JOMAR F. QUINTOS University of the Mindanao [email protected]

ABSTRAK Malaki ang ibinibigay na puwang Sa 45 episodyo ng Shake, Rattle, and Roll—ang ng mga kritiko at historyador hinggil sa pinakamatagumpay na serye ng pelikulang katatakutan sa ginagampanang papel ng Shake, Rattle, and Roll bansa—sampu ang tuwirang nagtatampok sa “kaluluwa.” (SRR) sa imahinasyong pampelikula sa Pilipinas. Sa sanaysay na ito, layon ang pagbibigay-tuon sa iba-ibang Sa pagtataya ni Rolando Tolentino (2016), ang lente at perspektiba na kalakip sa larawan at paglalarawan sa SRR ang masasabing pinakatanyag na serye ng “kaluluwa,” mula sa “katutubong sistema ng paniniwala” sa pelikulang katatakutan sa bansa. Taong 1984, Pilipinas hanggang sa tala ng mga misyonero at sa pagharaya ng Judeo Kristiyanong paniniwala. nilikha ang una sa labinlimang pelikula ng serye na sinundan noong 1990 at nagtapos noong 2014. Kung iigpawan naman ang mekanikal at mapanakop na Mahalagang bigyan ng diin na ang produksiyon dalumat sa “panahon,” nagsisilbing talinghaga ang “kaluluwa” ng seryeng pinangunahan ng Athena Productions na bumabalik at nagpaparamdam mula sa “mahalaga” at ay ipinagpatuloy ng Regal Films at iba pang “makasaysayang” yugto mula sa noon patungo sa kung ano sangay nitong produksiyon. Kung susumahin, ang nasa ngayon. Binibigyang diin ng prosesong ito ang tila pagkakatulad ng noon sa ngayon, kakaiba sa kronolohiko may 15 nang pelikula sa serye ng SRR at sakop at maka-kalendaryong pagtingin sa panahon. Sa ganitong nito ang apat na dekada, mula 1984 hanggang konteksto, babasahin ng sanaysay ang hinahabing konstelasyon 2014, na sumasaklaw sa anim na magkakaibang ng mga diskursong pampelikula hinggil sa patuloy na alegorya at administrasyon ng pamahalaan sa bansa. multo ng “bayan.” Makulay ang pagharaya sa 15 pelikula ng SRR lalo na’t, maliban sa SRR 6, tuwina itong ABSTRACT inilalahok sa taunang Metro Film Festival Among the 45 episodes of Shake, Rattle, and Roll—the most (MMFF) na ginaganap tuwing kapaskuhan. successful horror film series in the Philippines—ten have chosen Mahihinuha na sa kasaysayan ng pelikulang to feature and dramatize the presence of “kaluluwa.” This essay Filipino, ang kapaskuhan ang panahong higit articulates the various frames and perspectives attached to the presentation and (re)-presentation of “kaluluwa,” from the na nakaaakit ng manonood kung kaya nagiging Philippine “indigenous belief system” to missionary chronicles up doble ang kita kung ihahambing sa regular na to Judeo Christian imaginings. pagpapalabas sa mga sinehan (Tiongson 2010, 24). Bagama’t nag-iiba-iba ang mga anyo ng Looking beyond the homogenous and mechanical concept of pelikulang sumasali sa MMFF—mula arthouse “time,” the “kaluluwa” serves as a filmic trope that keeps coming patungong panlipunang melodrama patungong and going back from the “eventful” and “historical” past up to the present period. This process highlights the coevalness of the past tradisyonal na melodrama at katatakutan— with the present, as opposed to the calendrical and chronological mapapansin na sa mga nagdaang taon, unti-unti conception of time. In this context, the essay also closely reads na itong pinalitan ng mga pelikulang sumusunod the woven constellation of cinematic discourses on the allegories sa kumbensiyon ng komersiyalismo na higit and specters of the “Philippine nation.” na may tuon sa pagkakaroon ng malaking kita (Tolentino 2016, 134). Marahil, isa ito sa KEYWORDS mga dahilan kung bakit hindi na dapat pang pelikulang katatakutan (horror cinema), katutubong sistema ng pagtakahan kung bakit nagtataglay ang mga paniniwala (indigenous belief systems), kaluluwa, panahon at pelikula sa serye ng SRR ng pormula ng gulat, espasyo (time and space), postkolonyalismo (postcolonialism)

VOLUME 19 ISSUE 2 (2017) PHILIPPINE HUMANITIES REVIEW 1 takot, at sindak kahit na kung minsa’y lumilihis na ang mga ito sa lohika ng naratibo kapalit ng paglikha ng subók nang pormula ng mga imaheng gumagalaw na lubos na kinagigiliwan ng mga manonood tuwing Pasko (David 1994). Matutukoy mula sa 15 pelikula sa serye ng SRR ang pagtatampok nito sa bahaghari ng naratibo na matatagpuan sa danas ng bansa mula sa iba-ibang espasyo at panahon. Masasabing nagsisilbing balon na pinagkukunan ng kuwento ng SRR ang “katutubo” at popular na kaalamang- bayan, tradisyonal at kolonyal na paniniwala, at materyal na kultura na iniluluwal ng kumikislap na projector bilang imaheng gumagalaw sa pang-apat na dingding ng teatro. Kadalasan, nagkakaroon ng talaban (hybrid) sa pagitan ng anyong katatakutan at sa ikinakabit ditong iba pang anyo tulad ng romantiko, komedya, pantasya, aksiyon, melodrama, at erotiko. Mapapansing nakatungtong ang pinipiling anyo batay na rin sa kahingian ng konteksto ng espasyo at panahong pinanggagalingan ng teksto ng pelikula. Kung sisipatin ang ganitong pandayan ng teksto ng pelikula at kontekstong pinanggagalingan nito, lilitaw ang ugnayang namamagitan sa SRR at bansa. Isinisiwalat ng ganitong ugnayan ang mga engkuwentrong namamagitan sa panlipunan, pampolitika, pangkultura, at pang-ekonomiyang puwersa ng kasaysayan at bansa. Hindi kataka-taka, kung gayon, ang pagtanaw sa SRR bilang daluyan at lunduyan ng “anxiedad ng bansa.” Kung sasaliksikin, nakakawing ang mga pelikula ng SRR sa gunita at alaala ng mahahalagang pitak sa kasaysayan ng bansa: ang simula ng pagbagsak ng diktaduryang Marcos noong 1983 patungo sa tuluyan ditong pagpapatalsik noong 1986; at ang administrasyon ni Corazon Aquino noong 1986 na sinundan nina Fidel Ramos (1992–1998), (1998–2001), Gloria Macapagal Arroyo (2001–2010), at Benigno Aquino III (2010–2016)—ang lahat ay pinamumugaran ng masidhing pag-alab ng neoliberalismo na naglalayon sa pribatisasyon, deregulasyon, komersiyalisasyon, at marketisasyon ng iba’t ibang batayang pampubliko at panlipunang serbisyo (Tolentino 2016, 136). Lalong napagtitibay ng mga ganitong datos ang nauna nang pagtanaw sa pelikula hinggil sa kakayahan at posibilidad nito sa pagbuo ng pagbabago. Maiintindihan sa ganitong lohika ang pakikisangkot ng pelikula sa kasaysayan ng pagbabago sa bansa (Flores 1997, 411). Sa papel na ito, susuriin ang nililikhang pangitain ng mga gumagalaw na imahen sa madilim na kuweba ng sinehan na nakahabi sa danas at kasaysayan ng bansa at pagsasabansa. Kung hinaharaya ang dalumat ng pelikula bilang bahagi ng pakikisangkot sa pagbabago, maaaring ipagpalagay na hinuhubog at inuukit ito mula sa ritmo at indak ng mahahalagang pitak sa kasaysayan ng bansa. Gagamitin ang talinghaga ng “kaluluwa,” isa sa paboritong itinatampok sa mga pelikula ng SRR, bilang alegorya ng bansa—umiiral batay sa konstruksyon, naroon sa noon at narito sa ngayon, at patuloy na nililirip.

Ang Kaluluwa sa Imahinasyong Filipino Hindi lamang isang karakter ang kaluluwa sa serye ng mga pelikula sa Shake, Rattle, and Roll. Isa itong talinghaga at estetika na maaaring maging lunsaran ng teorya at diskursong umiinog sa teksto at kontekstong pinagmumulan at pinagsisilbihan nito. Karaniwan, nagmula ang mga kaluluwa sa “noon” at nagbabalik sa “ngayon” at magpapatuloy ang pag-iral hanggang sa “hinaharap.” Kadalasan, bumabalik ang mga kaluluwa sa pamamagitan nang pagsapi at paglukob sa katawan ng tao sa hinaharayang “ngayon.” Kung minsan naman, nagkakaroon ng sariling materyal na pag- iral ang kaluluwa. Ngunit mahihiwatigan na nagmula ang mga kaluluwang binabanggit sa SRR sa mahahalagang yugto sa kasaysayan ng bansa, ibig sabihin, mga pangyayaring nagkaroon ng malaking ambag sa kung papaano hinuhulma at inuukit ang imahen ng “bansa.” May pagtataya ang pag-aaral na ito hinggil sa talinghaga ng kaluluwa bilang al