PRESS RELEASE Strategic Communication DEPARTMENT OF ENVIRONMENT and Initiatives Service AND NATURAL RESOURCES Tel. Nos: 929.66.26 / 926.98.05 Visayas Avenue, Diliman, Quezon City E-mail:
[email protected] 29 July 2021 Summit na pinangunahan ng DENR pinagtibay ang resolusyon para puksain ang environmental crimes Pinagtibay ng 4th National Environmental Law Enforcement (NELE) Summit na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagtapos kamakailan, ang tatlong resolusyon para mapigilan at labanan ang environmental crimes. Ang NELE summit na ginanap noong Hulyo 14 hanggang 16 ay nagresulta sa pagpapatibay ng resolusyon para aprubahan ang “five-year indicative plan” ng National Law Enforcement Coordinating Committee-Sub-committee on Environment and Natural Resources; suportahan ang pagpapatibay sa panukulang Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB); at ang paghiling sa agarang pagpasa ng bill ng mag-aamiyenda sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Kabilang sa mga signatories sa mga resolusyong ito ay ang DENR, Department of Agriculture, Philippine National Police-Maritime Group, Department of the Interior and Local Government, Department of Transportation at ang Department of National Defense. Sa kanyang keynote message, binigyang-diin ni Secretary Roy A. Cimatu ang mahalagang papel ng partner agencies ng DENR sa mahigpit na pagpapatupad ng environmental laws habang hinimok din nito na maging mapagmatyag, at panatilihin ang pagiging katiwala at tagapagbantay ng kapaligiran. Inamin din nito na ang DENR ay may mga limitasyon sa pagpapatupad ng batas dahilan kung bakit mahalaga ang kooperasyon ng partner agencies upang matiyak ang mahigpit at epektibong pagpapatupad ng environmental laws.