MALAY 25.2 (2013): 1-9 Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda–dub ng Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na ‘Moog’ ng Pagka-Pilipino / The Translation in Filipino of Different Shows in the World of Television, The Dubbing of Anime, and The Expansion of Filipino Language in Different Parts of the World: Different ‘Walled’ Proofs of Filipino Being Ramilito B. Correa, M.A. Pamantasang De La Salle-Maynila
[email protected] Mahalaga ang naging papel ng wikang Filipino upang higit na mapatunayan ang katatagan at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pagsasa-Filipino ng mga panoorin sa mundo ng telebisyon, lokal man o dayuhan, ay naging pangunahing dahilan upang tumaas ang reyting ng mga ito dahil sa ang mga pinanonood ay higit na naintindihan ng masang Pilipino. Lumitaw ang naging kapangyarihan ng wikang Filipino na gamitin ng bawat network sa bawat palabas upang mapanitili nito ang mataas na reyting. Naging mahalagang sangkap din ang wikang Filipino sa pagda-dub ng mga panooring anime dahil sa kasikatang dulot nito sa telebisyon at pelikula. Lumaganap naman ang paggamit at pag-aaral ng wikang Filipino dahil lumaganap din ang paghahanapbuhay ng mga Pilipino sa iba’t ibang sulok ng bansa. Pinag-aaralan at ginagamit ang wikang Filipino bilang pangalawang wika sa mga bansa sa Europa, Asya, Hilagang Amerika at Timog Amerika. Panlimampu’t isa ang wikang Filipino sa pinakamaraming nagsasalita nito sa mundo. Mga susing salita: Wikang Filipino, anime, dubbing, dubber, pagsasalin Filipino language plays an important role to further prove the stability and identity of the Filipinos.