Mga Turo Ng Mga Pangulo Ng Simbahan Spencer W
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN SPENCER W. K IMBALL MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN: SPENCER W.KIMBALL Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw Salt Lake City, Utah Ang inyong mga puna at mungkahi tungkol sa aklat na ito ay lubos na pasasalamatan. Mangyaring ipadala ang mga ito sa Curriculum Development, 50 East North Temple Street, Room 2420, Salt Lake City, UT 84150-3220 USA. E-mail: [email protected] Isulat lamang ang inyong pangalan, tirahan, ward, at stake. Tiyaking ibigay ang pamagat ng aklat. Pagkatapos ay ibigay ang inyong mga puna at mungkahi tungkol sa mga kahusayan ng aklat at ang mga puntong maaari pang pagandahin. © 2006 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika Pagsang-ayon sa Ingles: 8/00 Pagsang-ayon sa pagsasalin: 8/00 Pagsasalin ng Teachings of Presidents of the Church: Spencer W. Kimball Tagalog Mga Nilalaman Pamagat Pahina Panimula . vii Buod ng Kasaysayan . xiii Ang Buhay at Ministeryo ni Spencer W. Kimball . xvii 1 “Nang S’ya’y Makapiling” . 1 2 Trahedya o Tadhana? . 13 3 Jesucristo: Aking Tagapagligtas, Aking Panginoon . 27 4 Ang Himala ng Pagpapatawad . 42 5 Panalangin, ang Pasaporte sa Espirituwal na Kapangyarihan . 57 6 Sariling Pagtuklas sa mga Banal na Kasulatan. 74 7 Personal na Patotoo. 86 8 Di-makasariling Paglilingkod . 97 9 Buong Pusong Pagpapatawad sa Iba . 109 10 Pagpapatatag sa Ating Sarili Laban sa Masasamang Impluwensya . 124 11 Masinop na Pamumuhay: Pagsunod sa mga Alituntunin ng Pagtayo sa Sariling mga Paa at Kahandaan . 137 12 Integridad . 149 13 Pagsunod Dahil sa Pananampalataya sa Diyos . 163 14 “Huwag Kang Magkakaroon ng Ibang mga Dios sa Harap Ko” . 174 15 Dapat Tayong Maging Mapitagang mga Tao . 185 16 Ang Sabbath—Isang Kaluguran . 198 17 Ang Batas ng Kalinisang-puri . 213 18 Marangal, Masaya Matagumpay na Pag-aasawa . 226 19 Pagpapalakas sa Ating mga Pamilya . 241 20 Ang Kababaihan ng Simbahan . 255 21 Ang Propetang si Joseph Smith . 268 22 Paghahayag: “Isang Walang Katapusang Himig at Dumadagundong na Pagsamo” . 280 iii 23 Mga Pastol ng Kawan. 295 24 Pagbabahagi ng Ebanghelyo. 306 Listahan ng mga Visual . 322 Indeks . 324 iv vi Panimula A ng Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol ay nagpasimula ng seryeng Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan para tulungan kayong mapalalim ang inyong pagkau- nawa tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo at lalong mapala- pit sa Panginoon sa pamamagitan ng mga turo ng mga propeta sa mga huling araw. Sa pagdaragdag ng Simbahan ng mga tomo sa seryeng ito, magkakaroon kayo ng koleksyon ng mga sanggu- niang aklat ng ebanghelyo sa inyong tahanan. Tampok sa aklat na ito ang mga turo ni Pangulong Spencer W. Kimball, na naglingkod bilang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw mula Disyembre 30, 1973, hanggang Nobyembre 5, 1985. Personal na Pag-aaral Habang pinag-aaralan mo ang mga turo ni Pangulong Kimball, hangarin ang inspirasyon ng Espiritu. Tandaan ang pangako ni Nephi: “Siya na naghahanap nang masigasig ay makasusumpong; at ang mga hiwaga ng Diyos ay ilalahad sa kanila, sa pamamagi- tan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” (1 Nephi 10:19). Simulan ang iyong pag-aaral sa panalangin, at patuloy na mana- langin sa iyong puso habang ikaw ay nagbabasa. Sa hulihan ng bawat kabanata, makikita mo ang mga tanong at sanggunian sa banal na kasulatan na makatutulong para mauna- waan at maisagawa mo ang mga turo ni Pangulong Kimball. Rebyuhin muna ang mga ito bago mo simulang basahin ang ka- banata. Pag-isipan ding mabuti ang sumusunod na patnubay: • Hanapin ang mahahalagang salita at parirala. Kung may maki- kita kang salita na hindi mo nauunawaan, gumamit ng dik- syunaryo o iba pang sanggunian para mas maunawaang mabuti ang ibig sabihin nito. vii PANIMULA • Isipin kung ano ang ibig sabihin ng mga turo ni Pangulong Kimball. Maaari mong markahan ang bawat salita at mga pa- ngungusap na aantig sa iyong puso’t isipan. • Pag-isipang mabuti ang mga naging karanasan mo na may ki- nalaman sa mga turo ni Pangulong Kimball. • Isiping mabuti kung paano naaangkop sa iyo ang mga turo ni Pangulong Kimball. Isipin kung ano ang kaugnayan ng mga turo sa iyong mga problema o katanungan. Magpasiya kung ano ang iyong gagawin bilang resulta ng natutuhan mo. Pagtuturo mula sa Aklat na Ito Ang aklat na ito ay maaaring gamitin sa pagtuturo sa tahanan o sa simbahan. Ang sumusunod na patnubay ay makatutulong sa iyo: Pagtuunan ng Pansin ang mga Salita ni Pangulong Kimball at ang mga Banal na Kasulatan Iniutos ng Panginoon na tayo ay “wala nang ibang bagay [na dapat ituro] kundi ang mga isinulat ng mga propeta at apostol, at ang yaong mga itinuro sa [atin] ng Mang-aaliw sa pamamagi- tan ng panalangin na may pananampalataya” (D at T 52:9). Ang tungkulin mo ay tulungan ang iba na maunawaan at maisa- gawa ang ebanghelyo sa pamamagitan ng mga turo ni Pangulong Kimball at ng mga banal na kasulatan. Huwag isantabi ang aklat na ito o maghanda ng mga lesson mula sa iba pang mga materyal. Ilaan ang malaking bahagi ng lesson sa pagbabasa ng mga turo ni Pangulong Kimball sa aklat na ito at talakayin ang kahulugan at aplikasyon ng mga ito. Hikayatin ang mga kasali na pag-aralan ang mga kabanata bago magkita-kita sa araw ng Linggo at dalhin sa simbahan ang aklat. Kapag ginawa nila ito, mas magiging handa sila sa pagsali at mas mapalalakas ang bawat isa. Hangarin ang Patnubay ng Espiritu Santo Habang nagdarasal ka para humingi ng tulong at masigasig na naghahanda, gagabayan ka ng Espiritu Santo sa iyong mga pag- sisikap. Tutulungan ka Niyang bigyang-diin ang mga bahagi ng viii PANIMULA bawat kabanata na hihikayat sa iba na unawain at ipamuhay ang ebanghelyo. Kapag ikaw ay nagtuturo, magdasal sa iyong puso na samahan ng kapangyarihan ng Espiritu ang iyong mga salita at ang mga ta- lakayan sa klase. Sinabi ni Nephi, “Kapag ang isang tao ay nagsa- salita sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang nagdadala nito sa puso ng mga anak ng tao” (2 Nephi 33:1; tingnan din sa D at T 50:13–22). Maghandang Magturo Ang mga kabanata sa aklat na ito ay isinaayos para tulungan kang maghanda sa pagtuturo. Isaisip rin ang sumusunod na mga patnubay: 1. Pag-aralan ang kabanata. May panalanging pag-aralan ang kabanata para magkaroon ng tiwala sa pagkaunawa mo sa mga turo ni Pangulong Kimball. Makapagtuturo ka nang may higit na katapatan at kapangyarihan kapag ikaw ay personal na na- impluwensyahan ng kanyang mga salita (tingnan sa D at T 11:21). Habang nagbabasa, isaisip ang mga pangangailangan ng mga tinuturuan mo. Maaari mong markahan ang mga ba- haging inaakala mong makatutulong sa kanila. Pansinin ang mga naka-bold na subheading ng kabanata. Nakabalangkas sa mga ito ang mahahalagang punto sa kabanata. 2. Magpasiya kung aling mga bahagi ang gagamitin. Ang nila- laman ng bawat kabanata ay higit kaysa makakaya mong ituro sa isang lesson. Sa halip na sikaping talakayin ang buong ka- banata, may panalanging piliin ang mga bahaging sa palagay mo ay makatutulong na mabuti sa mga tinuturuan mo. 3. Magpasiya kung paano sisimulan ang lesson. Para makuha ang pansin sa simula ng lesson, maaari kang magbahagi ng per- sonal na karanasan o ipabasa sa mga kasali ang isang kuwento sa simula ng kabanata o tingnan ang isang larawan sa kabanata. Pagkatapos ay maaari mong itanong, “Ano ang itinuturo ng ku- wento (o larawang) ito tungkol sa paksa ng kabanata?” Ang iba pang opsiyon sa pagsisimula ng lesson ay pagbabasa ng banal na kasulatan o ng isang sipi mula sa kabanata o kaya’y pag-awit ix PANIMULA ng himno. Mabuting ideya rin ang ipaalam sa klase kung ano ang mahahalagang punto ng lesson. 4. Magpasiya kung paano makahihikayat ng talakayan. Dito mo dapat iukol ang karamihan sa oras ng lesson. Rebyuhin ang mga mungkahi kung paano mangasiwa ng mabubuting talaka- yan sa mga pahina xi–xii ng aklat na ito. Maaari mong gamitin ang mga tanong mula sa “Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Pagtuturo” na nasa hulihan ng kabanata. Maaaring ikaw ang maghanda ng sarili mong mga katanungan. Magtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga tinuturuan mo: • Alamin kung ano ang itinuturo. Ang ganitong mga uri ng ka- tanungan ay nakatutulong sa klase na mahanap at maging pamilyar sa partikular na impormasyon na itinuturo ni Pangulong Kimball. Halimbawa, matapos tukuyin ang isang partikular na siping-banggit, maaari mong itanong, “Ano ang ilan sa mga mahahalagang salita o parirala sa siping- banggit na ito?” o “Ano ang paksa ng siping-banggit na ito?” • Isiping mabuti ang kahulugan. Ang ganitong mga uri ng ka- tanungan ay nakatutulong para maunawaang mabuti ng kla- se ang mga turo ni Pangulong Kimball. Halimbawa, “Bakit kaya mahalaga ang turong ito?” o “Ano ang mga naiisip o na- darama ninyo tungkol sa siping-banggit na ito?” o “Ano ang ibig sabihin sa inyo ng turong ito?” • Magbahagi ng mga karanasan. Hinihikayat ng mga tanong na ito ang klase na iugnay sa kanilang personal na buhay ang sinabi ni Pangulong Kimball. Halimbawa, “Anong mga karanasan ninyo ang maiuugnay ninyo sa sinabi ni Pangulong Kimball?” • Ipamuhay ang itinuturo. Ang mga tanong na ito ay nakatu- tulong sa mga miyembro ng klase na mag-isip ng mga para- an kung paano sila makapamumuhay nang naaayon sa mga turo ni Pangulong Kimball. Halimbawa, “Ano ang hinihika- yat ni Pangulong Kimball na gawin natin? Sa paanong para- an natin maipamumuhay ang kanyang sinabi?” 5.