MANIFESTO NG PIRMA KAPAMILYA (People’S Initiative Upang Pagkalooban Ng People’S Franchise Ang ABS-CBN)
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
MANIFESTO NG PIRMA KAPAMILYA (People’s Initiative upang pagkalooban ng People’s Franchise ang ABS-CBN) Kami ang PIRMA. SINO KAMI? Isa kaming kilusang binubuo at pinakikilos ng malalayang Pilipino na pawang mga volunteer. Hindi kami pumapailalim sa anomang partidong politikal o sinomang personalidad. Galing kami sa iba’t ibang larangan – may propesor, abogado, estudyante, lider-estudyante, negosyante, kawani ng gobyerno, empleyado, retirado, at marami pang iba. Magkakaiba man kami ng pinagmulan, pinagbubuklod kami ng iisang hangarin. Hindi kami bahagi ng ABS-CBN, ngunit lumaki kaming nakasubaybay sa mga programa nito. Hindi makukumpleto ang bawat linggo nang hindi nakakapanood ng Goin’ Bulilit, The Buzz, ASAP, o Maalaala Mo Kaya. Sinisimulan ang bawat umaga sa pagsubaybay sa Umagang Kay Ganda, Salamat Dok, Sineskwela o Headstart. Hindi mabubuo ang pananghalian nang hindi kasama ang Showtime. Kapiling sa bawat hapon ang Ang TV at Tabing Ilog. Winawakasan ang araw sa pagtutok sa TV Patrol, Palibhasa Lalaki, Home Along the Riles, at Ang Probinsyano. At siyempre, ang pag-antabay sa DZMM para sa lagay ng panahon sa tuwing may parating na bagyo, paglalahad ng mga pampublikong anunsyo, at pagbibigay-alam ng mga tulong- operasyon sa mga nasalanta ng kalamidad. Hindi maikakailang naging malaking bahagi na ng ating mga buhay ang network na ito. Ang mga hatid na balita, aliw, at serbisyo-publiko ng ABS-CBN ay nakapagdulot nang hindi masusukat na saya at kulay sa buhay ng mga Pilipino, hindi lamang sa bansa kundi maging sa iba’t ibang sulok ng mundo. ANO ANG AMING PINANINIWALAAN? Katulad ng karamihan sa atin, tinutukan naming maigi ang tila teleseryeng mga eksena sa Kongreso. Ito ang mga nakita naming kamalian: • Oo, mainam sanang mas malaking buwis ang binayaran ng ABS-CBN – NGUNIT wala namang napatunayan na may nilabag silang batas. Pinapahintulutan ito ng mga batas na nilikha mismo ng ating mga mambabatas. • Oo, hindi magandang tingnan na bumoto sa eleksyon ng Estados Unidos ang pinuno ng ABS-CBN – NGUNIT hindi ipinagbabawal ang pagiging DUAL CITIZEN. Kinikilala ng ating batas ang mga dual citizen bilang isang Pilipino. • Oo, nakapanlulumong marinig ang hindi ideal na kalagayan ng ilang empleyado sa loob ng ABS-CBN – NGUNIT hindi ito ipinagbabawal ng o lumalabag sa batas na nilikha ng ating mga mambabatas. V1 20 July 2020 7 • Oo, maaaring pinahihiwatig ng PDRs ang pakikibahagi ng mga dayuhan sa network – NGUNIT nilinaw na ito ng mga eksperto. Ginagarantiyahan ng Konstitusyon na hindi nangangahulugan ng pagmamay-ari ang PDRs. Wala itong nilalabag na batas. Katanggap- tanggap at pangkaraniwan na ang pagbili ng PDRs. • Oo, maaaring sa nakalipas na 65 na taon, may mga pagkakataong hindi naiwasang magkaroon ng personal na pagkiling ang network – NGUNIT hindi krimen ang malayang pamamahayag. Sa katunayan, pinoprotektahan ng Konstitusyon ang kalayaang ito. •. Oo, MAY IHUHUSAY PA ANG ABS-CBN. Karapat-dapat mabigyan ng mabuting serbisyo ang ating mamamayan ng sinomang mapagkalooban ng pribilehiyong magkaroon ng prangkisa. NGUNIT, ang pinakanakapanlulumo sa lahat ay ang pagpili ng pitumpung (70) mambabatas, na pagkaitan ng prangkisa ang ABS-CBN at ang libo-libo nitong manggagawa, empleyado, at suplayer. Karapat-dapat ba ang nangyari sa ABS-CBN? TIYAK NA HINDI! – Lalo na at wala namang nilabag na batas ang ABS-CBN para hindi mabigyan ng prangkisa. Malinaw na inabuso ng mga mambabatas ang pribilehiyong ipinagkaloob sa kanila bilang mga kinatawan ng mamamayan; sapagkat sinasalamin ng mga naging paglilitis ang kanilang personal na interes higit sa interes ng sambayanan. Hindi namin kayang maupo na lamang at walang gawin sa nangyari. ANO ANG GAGAWIN NAMIN? Ngayon, nagsama-sama kami upang ibalik ang kapangyarihan sa mamamayan at iwasto ang kahindik-hindik na pagkakamali at pagtataksil sa tiwala ng mga tao. Pinagkakaloob ng Konstitusyon ang isang mekanismong nagbibigay ng kakayahan sa mamamayan na lumikha ng batas at direktang hulmahin ang direksyon at hinaharap ng ating bansa. Ngayon, sisimulan nating gamitin ang karapatang ito gamit ang PIRMA KAPAMILYA, isang people’s initiative na may layuning pagkalooban ng people’s franchise ang ABS-CBN. Sa tulong ninyong lahat, kakalap tayo ng pitong (7) milyong pirma, upang tayo bilang nagkakaisang mamamayan, ay malikha ang batas na ipinagkait ng Kongreso. Muli nating ibabalik sa pag-ere ang ABS-CBN. Sa pagkakataong ito, mas pinalakas at pinaghusay. Maituturing itong imposible at suntok sa buwan. Ngunit ABS CBN ang ating pinag-uusapan dito at ito ang WILL OF THE PEOPLE. Bago pa man ilabas ng pinagsamang komite ng Kongreso ang desisyon, nag-uumapaw na ang naging suporta para sa network na naging bahagi ng tahanan ng bawat Pilipino sa nakalipas na mga dekada. Kahit ibinigay na ng Kongreso ang kanilang huling hatol, lumalabas sa resulta ng mga sarbey na hindi sang-ayon sa desisyong ito ang mga tao. Naniniwala pa rin ang mayorya ng mga Pilipino na nararapat pagkalooban ng prangkisa ang ABS-CBN. Kaya ngayon, sinisimulan na ng aming grupo ang tila imposibleng layuning ito. Kung kinakailangan nating pangarapin na maibalik ang karapatan sa mamamayan, maiparinig ang ating mga tinig, at maibalik sa pag-ere ang ABS-CBN, kahit imposible ay gagawin natin. Sama-sama nating ibalik ang nagbibigay-kulay sa ating mga buhay. ANO ANG HINIHILING NAMIN? Isa lamang ang hinihiling namin ngayon. Hinihiling namin ang iyong PIRMA. Dahil mahalaga ang iyong PIRMA, KAPAMILYA. V1 20 July 2020 8 TEN COMMANDMENTS OF PIRMA • CLEAR ADVOCACY: We are not here to solicit any form of support for any other group, individual, or cause other than giving an ABS-CBN franchise with strengthened reportorial mechanisms and a clearly articulated labor welfare clause. • CONSENT FREELY and VOLUNTARILY GIVEN: We do not give favors, money, special accommodation in exchange for signatures. We will not resort to intimidation, threats, fraud, or other underhanded mechanisms in order to secure signatures. • FULLY INFORMED CONSENT: We will not gather signatures without ensuring that each petitioner we approach has read the Petition and has fully understood it. • PURE CITIZENS MOVEMENT: We all undertake to achieve our goals without the use of government or public funds or resources. • RESPONSIBILITY: As far as practicable, we each take responsibility for the signatures we gather and do our part to ensure correctness and completeness. • INCLUSIVE: We will not discriminate signatories and petitioners on the basis of political beliefs, religious affiliation, or other irrelevant factors. We are united by a single two-fold advocacy: the empowerment of the people thru the mechanism of a people’s initiative and the grant of an ABS-CBN franchise. • MINDFUL OF HEALTH CONCERNS: We will not unduly compromise the health and safety of our volunteers and fellow Filipinos. We will practice physical distancing, wear our masks, practice good hygiene, and not engage in mass gatherings during this time of health crisis. • RESPECTFUL OF PRIVACY: We will be mindful of the privacy of people and ensure that data given to us is secure, protected, and used only for the purpose for which it was given. We will not share the same with anyone and any other group for purposes other than this present People’s Initiative. • RESPECT: In the gathering and collection of signatures, we treat everyone with respect whether they are ally or foe, supportive or otherwise. • TRANSPARENCY and ACCOUNTABILITY: We will be transparent in our dealings with volunteers and petitioners and disclose reasons for our actions and take responsibility for them. V1 20 July 2020 13 .