Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7

est for rogress Z P eal of artnership Z P

Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 Mga Saloobin at Damdamin sa Napanood na Serye Kaugnay sa Akdang Ibong Adarna

Name of Learner: ______Grade & Section: ______

Name of School: ______

1

Mga Bumuo sa Pagsusulat2 ng Modyul

Manunulat: Marita C. Robillos

Editor: Perla E. Galon

Tagasuri: Juilius A. Enguito

Tagapamahala:

Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD EPS – Filipino

2

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mga mag-aaral Naisasagawa ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna ang malikhaing pagtatanghal ng ilang bilang isang obra maestra sa Panitikang saknong ng koridong naglalarawan ng mga Pilipino. . pagpapahalagang Pilipino.

Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Nakalalahad ng sariling saloobin at damdamin sa napanood na ba- hagi ng telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay. (F7PD-IVc-d-18) Nakasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang Pantelebisyon/pampelikula.( F7PD-IVc-d-19)

Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin.Kumusta ka na kaibigan? Binabati kita at natapos mo na ang mga modyul sa Ikatlong Markahan. Tiyak kong ang dami mo nang natutuhan. Panibagong aralin na naman ang ating tatalakayin sa loob ng modyul na ito. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa panonood ng dulang pantelebisyon o pampelikula at inilalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay.

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG PAPEL.

3

Aralin Mga Saloobin at Damdamin sa 5 Napanood na Serye Kaugnay sa Akdang Ibong Adarna

Balikan

Gawain A: Panimulang Pagtataya Panuto: Basahin at unawain mo ang buod ng kwento. Suriin ang suliraning kinaharap ng mahalagang tauhan at bigyang solusyon ang suliraning ito. “Ang Katampalasan Nina Don Pedro at Don Diego” Bumalik sa palasyo ng Berbanya sina Don Pedro at Don Diego. Dinatnan nilang nakaratay pa rin ang amang hari.Nagpilit bumangon si Haring Fernando at sabik na niyakap ang dalawang anak na matagal na hindi nakita.Agad ding nanlulumo ang hari nang malamang hindi kasamang nagbalik si Don Juan.Tinanong ng here kung nasaan si Don Juan ngunit ang sagot ng magkapatid ay iwan nila.Iniharap sa hari ang Ibong Adarna at laking pagkabigla nito dahil pangit at lulugo-lugo ang ibon.Labis na pinagtakhan ng hari ang sinabi ng medikong paham na ang ibon ay makapitong ulit na nagbibihis ng anyo at nagpapalit ng kulay ng balahibo.Natiyak ng hari na sa anyo na iyon ng ibon ay hindi siya mapapagaling ng awit nito at sa halip ay lalo pa siyang lulubha.Muling naalaala ng hari ang panaginip na naging sanhi ng malubha niyang sakit.Pinaslang daw ng dalawang buhong si Don Juan.Lalong lumubha ang kalagayan ng hari sa paglipas ng mga araw.Ayaw pa ring kumanta ng ibon sapagkat walang tunay na nagmamay-ari sa kanya na walang iba kundi si Don Juan.Umaasa ang ibon na buhay pa ang prinsipe at matutuklasan din ng mga magulang ang naging kataksilan nina Don Pedro at Don Diego. Gawain Mga Tauhan Suliraning Kinakaharap Solusyon/Mga Mungkahi 1.Haring Fernando 2.Don Pedro 3.Don Diego 4.Don Juan 5.Ibong Adarna

Nasagot mo ba nang tama ang gawain? Huwag kang mag-alala. Halina’t

tuklasin natin.

4

Tuklasin

Gawain A: Alamin Mo Na! Ano ang iyong mararamdaman kapag magkakasakit ang iyong mahal sa buhay? Tama! Kaya alamin natin ngayon, kung ano nga ba ang emosyon, damdamin, at Saloobin ? Emosyon -ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal. Damdamin-ay naramdaman sa buhay tulad ng saya, lungkot, galit,takot, sabik, tuwa, pagod, antok, kaba, inis,taka, lito at iba pa. Saloobin -ay tumutukoy sa isang paraan ng pag-iisip o isang partikular na paniniwala o damdamin ng isang indibidwal tungkol sa isang tao, lugar, isang bagay o kahit na sa isang tiyak na paksa. Ikaw ba ay nakaranas ng kabiguan sa buhay?Ano ano ang mga paraan na ginawa mo upang malampasan ang mga ito?Mayroon bang mga mensahe na nakukuha mo sa pangyayaring naganap sa buhay mo?Ano kaya ang mga saloobin natin tuwing mayroon tayong ibat ibang karanasan sa buhay? Sang-ayon tayo na nagbabago-bago ang emosyon ng tao dahil mayroon tayong ibang ibat mga karanasan sa buhay.Ang lahat ng emosyon ng tao ay makilala sa kalidad ng karanasan.Minsan ay mahirap natin maunawaan ang ating damdamin ngunit napakahalagang maging matatag tayo anuman ang mga hamon na darating sa buhay kahit ang maidudulot nito ay maaaring negatibo o positibong pag-uugali. Ang ating damdamin ay naimpluwensyahan ng ating saloobin kaya kailangan maging responsable tayo .Tulad sa pangunahing tauhan sa kwentong” Ibong Adarna” ay ipinakita ang mga mahalagang katangian na kung saan kailangan maging gabay sa pang-araw-araw na buhay. Ngayon tuklasin natin ang mga pangyayaring naganap sa mga kwentong nasa ibaba at pag-aralan kung anong mga saloobin na makikita sa ibang ibang pangyayari na masasalamin ang mga mensahe na nais iparating ng may-akda. Sino kaya sa mga tauhan ang dapat tularan ang kanilang mga katangian at di dapat tularan?Napakahalaga ang pagiging masinop sa pagtuklas ng mabuting damdamin upang maiparating sa mambabasa o manonood ang kahalagahan nito. Halina’t tunghayan natin ang mga pangyayari na kinapapalooban ng ibat ibang emosyon, damdamin at saloobin sa kwento.Talagang makikita natin ang kanilang mga mahalagang papel na ginagampanan na kawi-wili at kapupulutan ng magagandang aral na magagamit natin sa mundong ating ginagalawan.

5

Panuto:Panoorin ang link na nasa ibaba o basahin ang kwento.Alamin kung ano ang ibat ibang damdaming ipinakita sa bawat tauhan na may kaugnayan sa akda.

A. Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay umiinog sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ang ibon upang mapagaling ang kanilang amang si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari. Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit ito'y hindi sapat sa haharapin nilang mga pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa maamong awit ng Adarna at maiputan sila nito. Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna sa isang matandang ermitanyong nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda ang prinsipe, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid. Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya. Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.

https://www.youtube.com/watch?v=e2jnWGAmoEU

6

B. Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya

Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya

Napakalungkot ng batang ito. Siya’y si Jose. Ipinagbili siya ng mga kuya niya sa mga lalaking ito para maging alipin sa Ehipto. Bakit ginawa ng mga kapatid ni Jose ang napakasamang bagay na ito? Kasi inggit na inggit sila sa kaniya. Si Jose ay mahal na mahal ng tatay nilang si Jacob. Ipinagpagawa siya ng isang mahabang damit. Kaya ang sampung kuya niya ay nainggit at napoot sa kaniya. At saka, dalawang beses nanaginip si Jose. Doon, ay dalawang beses yumuko ang mga kapatid ni Jose sa kaniya. Nang ikuwento ni Jose ang panaginip sa mga kapatid niya, lalo silang napoot. Isang araw, nang ang mga kuya ni Jose ay nag-aalaga sa tupa ng kanilang tatay, sinabi ni Jacob kay Jose na puntahan sila. Nang makita siyang dumarating, inisip ng kaniyang mga kapatid na patayin siya. Pero ang panganay, si Ruben, ay nagsabi: ‘Huwag, masama iyan!’ Inihulog na lang nila si Jose sa isang tuyong balon. At saka nila inisip kung ano ang gagawin sa kaniya. Siya namang pagdaan ng ilang lalaking Ismaelita. Kaya si Jose ay ipinagbili nila sa mga Ismaelita sa halagang 20 pirasong pilak. Napakasama at napakalupit nila! Pagkatapos ay pumatay sila ng kambing at isinawsaw ang magandang damit ni Jose sa dugo nito. Iniuwi nila ang damit sa tatay nilang si Jacob at sinabi: ‘Nakita namin ito. Hindi ba ito ang damit ni Jose?’ Nakita ni Jacob na ito nga. Napaiyak siya. ‘Pinatay yata si Jose ng mabangis na hayop.’ Ito nga ang gusto ng mga kapatid ni Jose na isipin ng tatay nila. Lungkot na lungkot si Jacob. Ilang araw siyang umiiyak. Pero hindi patay si Jose. a.Paano nga masusukat ang isang wagas na pag-ibig? At ano ang damdaming mararamdaman kapag ang isang tao ay umiibig nang lubos? https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1101978074

7

A. Mga Gabay na tanong: ( Ibong Adarna )

1.Ano ang naramdaman ng magkakapatid ng nagkasakit ang amang hari? 2.Ano ang ginawa ng mga mahal sa buhay upang maipakita ang pagmamahal sa pamilya? 3.Paano maihahambing ang relasyon ng magkakapatid nina Jose at sa magkakapatid na Don Pedro, Don Diego at Don Juan? 4.Ano ang magagawa mo upang mapagbuti ang samahan ninyong magkakapatid? 5.Ano ano ang mga mensahe na makukuha sa napanood o binasa?

B. Mga Gabay na tanong: ( Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya ) 1.Ano ang naging damdamin ni Jacob nang nalaman niya ang kalagayan ni Jose? 2.Bakit galit na galit ang mga kapatid ni Jose sa kanya? 3.Tama bang magtanim ng galit sa kapwa?Bakit? 4.Paano ipinakita ni Jose ang pagpapatawad sa kanyang mga kapatid? 5.Kung ikaw si Jose,ano ang gagawin?Ipaliwanag.

Mga Gawain Panuto:Maglahad ng sariling saloobin o damdamin sa napanood na teleserye na may kaugnayan sa akdang tinalakay.Punan ang talahanayan sa ibaba.

Mga Tauhan Damdamin/Saloobin Mensahe/Mungkahi 1. 2. 3. 4. 5.

Ngayon ay natutuklasan mo ang mga mahalagang pangyayari sa binasa o pinanood na serye at dito nailalahad ang sariling saloobin at damdamin.Suriin naman natin ang ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa mapanood natin na dulang pantelebisyon o pampelikula na nasa ibaba:

Sige umpisahan na natin at huwag kalimutan na unawain at isabuhay ang mga mahalagang kaalaman na makukuha natin sa ating paksa.Dapat nating isalang-alang ang positibong pananaw sa buhay o mga positibong gawain upang magtagumpay tayo sa mga pangarap sa buhay.Napakahalaga na may marami tayong makukuhang mga aral at ibahagi sa natin sa mga kaibigan, kapatid, kapamilya at sa kapwa.Higit sa lahat ang pagtitiwala sa Diyos na makikita natin sa buhay ni Don Juan kaya siya ay nagtatagumpay.Sana iyon rin ang ating gagawin sa oras ng kagipitan para malampasan ang lahat na pagsubok sa buhay.

Naunawaan mo na ba ito? Tingnan ko kung ano na ang natutuhan mo sa mga araling tinalakay. Sagutin mo ang pagsasanay na nasa ibaba tungkol dito.

8

Suriin

Ang mga pagsubok na naranasan ni Don Juan sa kanyang mga kapatid ay paulit-ulit ngunit dahil sa pag-ibig ay handa siyang nagpatawad.Makikita natin ang kasiyahan nila ng sila ay nagkakasundo.Nang dahil sa pag-ibig ay handang ibuwis ni Don Juan ang kanyang sarili at ipinakita niya ang katatagan ng pananalig sa Diyos. Ang buhay ni Don Juan ay masasalamin ang kulturang Pilipino,isa nito ay ang kanyang taimtim na pananampalataya sa Poong Maykapal kaya siya ay laging nagtagumpay. Paano nga masusukat ang tunay na pag-ibig?Ano ang damdaming maramdaman kapag ang isang tao ay umibig?Bakit napakahalaga ang pag-ibig? Ngayon ay panoorin natin ang dulang pantelebisyon o pampelelikula at suriin kung ano ang damdaming namayani sa mga tauhan at ipaliwanag kung bakit kaya ito ang damdaming naramdaman ng tauhan.Tingnan ang link na nasa ibaba.

Mga Dulang Pantelebisyon/ Pampelikula na Umiiral ang Dam- Pagsusuri Pag-ibig daming kung Bakit Namayani Namayani ang Damdaming ito sa Tauhan

1.“A Second Chance” John Lloyd Cruz and Bea Alonzo https://www.youtube.com/watch?v=l-Crmo-pKNU 2. “Must be Love” - https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=svklbNfVD2c 3.” Love Me Again” Teaser - Corazon Heart https://www.youtube.com/watch?v=9nqIiN3CY1w “ 4.”Got to Believe” David Pomeranz https://www.youtube.com/watch?v=HyS9eRgZ7fg” 5. “Loving in Tandem “ -Maymay Entrata, https://www.youtube.com/watch?v=DjPvLguF7k8

9

Pagyamanin

Panuto: Tukuyin kung ano ang damdaming ipinapakita sa bawat larawan. Ipaliwanag ang iyong sagot at magbigay ng aral na makikita sa larawan.

Damdamin:______

Paliwanag:______

______

Aral: ______

______

Damdamin:______

Paliwanag:______

______

Aral:______

______

Damdamin:______

Paliwanag:______

Aral:______

______

10

Isaisip

Sa kabuuan ng araling ito ay nailalahad at nasusuri ang damdamin na nakapaloob sa napanood na teleserye at mga dulang pantelebisyon o pampelikula na may kaugnayan sa akda kung tatandaan ang mga ito:

Pagsusuri ng Saloobin at Damdamin (Mga Nararamdaman o Damdaming Ipinakita ng Tauhan sa Napanood na Serye o dulang pantelebisyon o pampelikula )

Mga Damdamin Mga Patunay 1.Galit Nasaktan/Inggit/Selos 2.Lungkot Nabigo/Iniwan 3.Saya Tagumpay/Nagkasundo 4.Tuwa-Tuwa Nanalo sa Paligsahan 5.Inis Matagal dumating ang kaibigan o kapwa

Tayahin

A.Panuto:Bilugan ang damdaming ipinahiwatig ng tauhan at pagkatapos iguhit ang hugis-puso kung positibo at ekis kung negatibo.

Nagpahayag Pahayag Damdamin (puso)Para sa positibo at x (ekis) para sa negatibo 1.Don Pedro “Lilo pa ba akong itong a.Pagsisisi matapat na alipin mo?” b.Pagmamakaawa c.Pagmamahal d.Pagdurusa 2.Prinsesa “Kung nasawi ka sa balon, a.Pag-aalala Leonora bakit kaya nagkagayon…? b.Pagmamahal c.Pagsusumamo d.Paghihiganti 3.Don Juan “Noon niya napagsukat ang a.nawalan ng pag-asa sa tao palang b.nawalan ng tiwala palad,magtiwala ay c.nawalan ng takot mahirap daan ng d.nawalan ng sakit pagtataksil” 4.Donya “Pagkat marami sa puso a.pagseselos Leonora sumisira sa pangako sa b.pag-aalinlangan pagsinta’y mapagbiro’t c.pagkatuwa matuwa’y sumisiphayo” d.pagsisisi 5.Haring “Uuwi sa kaharian pag-ibig a.pagtitiwala Fernando sa magulang,may araw ring b.pagtataka malalaman ang c.pagtitiyaga

11

nangyayaring kataksilan” d.pagyayabang

B.Piliin ang wastong damdamin na namayani sa akda at isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

6. Ano ang naramdaman ng hari nang mapunang hindi kasama ng magkapatid si Don Juan?

A. sakit C. galit B. lungkot D. saya

7.Nakaranas ka na rin ba ng matinding pagsubok sa buhay?Paano mo ito napagtagumpayan? A. Oo,kinalimutan C. Oo,pinagalitan B. Oo,pinagdasal D. Oo,pinabayaan

8.Paano ipinakita ni Haring Fernando ang tunay na pagmamahal sa pamilya? A. pagpakumbaba C. pagtitimpi B. pagkagalit D. pagdurusa

9.Bilang kabataan, ano ang pinakamahalagang damdamin na dapat ipairal sa magkakapatid upang mapaunlad ang ugnayan sa isa’t isa? A. pagmamahal C. pagtutulungan B. pag-uunawaan D. pagtitiyaga

10.Bakit mahalaga ang pananampalataya at determinasyon sa pagharap sa mga hamon ng buhay? A. Dahil kailangan ang pagtitiyaga sa gawain B. Upang mapaunlad at malampasan ang pagsubok sa buhay C. Sapagkat mahalaga ang pagharap sa mga pagsubok D. Upang malalaman ang kahirapan sa buhay

C.Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang PAG-IBIG na binanggit sa akda at isulat sa kahon ang titik na nawawala upang makabuo ng salita.

11 P A S N A

12 P G I A

13 P A - I O

14 P A K I

15 P A M A L

12

Karagdagang Gawain

A.Gawain:Kakayanin ko… Gagawin ko…

A.Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag:

I.Ang pamilyang may pagkakaisa , Tagumpay ay mananasa.

Paliwanag:______

2.Ang tunay na pagmamahal sa kapwa, Sakit man ang naramdaman ay binaliwala.

Paliwanag:______

3.Ang pagsubok ay malalampasan. Kapag ang Panginoon ay laging inaasam-asam.

Paliwanag:______

B.Panuto: Sumulat ng islogan hinggil sa kagandahang asal ng kabataan.

1.Pagsasakripisyo para pamilya:______

2.Pag-iwas sa Inggit: ______

3.Paghingi ng Tulong sa Panginoon: ______

Binabati kita! Natapos mo nang sagutan ang modyul na ito. Maaari ka ng magpatuloy sa susunod na modyul.

13

Susi sa Pagwawasto

pahayag mga sa ideya at damdamin

A at B ay ipaliwanag ang iyong sariling sariling iyong ang ipaliwanag ay B at A

titik Sa

GAWAIN: KARAGDAGANG

14

Mga Sanggunian:

“Ang anak na babae ay nagbibigay ng mga bulaklak sa ina.” Accessed December 2020. https://ph.lovepik.com/image-501340211/daughter-gives-flowers-to-mother.html. “Kung paano kokontrolin ang iyong galit.” Accessed December 2020. https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102015007. “Napoot kay Jose ang mga kapatid niya.” Accessed December 2020.

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1101978074. ABS-CBN Entertainment. “Got to believe end episode.” September 23, 2015. Youtube video, 33:17. https://www.youtube.com/watch?v=HyS9eRgZ7fg”. ABS-CBN . “Patchot: Nagselos ako, naingit ako, nasaktan ako |’Must be love’|.” August 2, 2018. Youtube video, 3:59. https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=svklbNfVD2c. ABS-CBN Star Cinema. “Popoy and Basha’s wedding! |’A second chance’|.” September 2, 2020. Youtube video, 8:39. https://www.youtube.com/watch?v=l-Crmo-pKNU. Alibughang anak. Accessed December 2020. https://www.google.com/search?q=LARAWAN+ang+alibughang+anak&source=lnms&tb. Bang Bang Wes. “Edukasyon sa Pagpapakatao Gr1 LM Q1 to Q4.” Accessed December 2020. https://www.scribd.com/document/324403825/Edukasyon-sa-Pagpapakatao-Gr1-LM-Q1-to-Q4. Bible coloring pages Joseph sold into slavery. Accessed December 2020. https://coloringhome.com/bible-coloring-pages-joseph-sold-into-slavery. CorazonHeartCH. “Love me again teaser.” August 5, 2020. Youtube video, 2:00. https://www.youtube.com/watch?v=9nqIiN3CY1w. Department of Education. “Edukasyon sa pagpapakatao: Modyul para sa mag-aaral 8.” Accessed December 2020. https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/esp_learners_module.pdf. Department of Education. “MAPEH: Kagamitan ng mag-aaral 2.” Accessed December 2020. http://www.depedbataan.com/resources/21/grade_2_learning_module_in_mapeh.pdf. Department of Education. Filipino learners’ guide. Philippines: Department of Education, 2016. Department of Education. Filipino teachers’ guide. Philippines: Department of Education, 2016. Department of Education. Most Essential Learning Competencies. Philippines: Department of Education, 2020.

Gimena, Gladys, and Navarro, Leslie. Ibong Adarna. Philippines. 2009. Ibong Adarna. Accessed December 2020. https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Ibong_Adarna.jpg. Larawan halimbawa ng payak na pangungusap. Accessed December 2020. https://problemahalimbawa.web.app/larawan-halimbawa-ng-payak-na-pangungusap.html. Malungkot na pamilya. Accessed December 2020. https://www.google.com/search?q=malungkot+pamilya&tbm=isch&ved=2a.

Tagalog Dictionary, s.v. “Saloobin”, accessed December 2020, https://www.tagalog.com/words/saloobin. Tagalong Dictionary, s.v. “Pagkasi”, accessed December 2020, https://tagalog.pinoydictionary.com/word/pagkasi.

Tagalong Lang, s.v. “Salaghati”, accessed December 2020, https://www.tagaloglang.com/salaghati/. Wikipedia. “Damdamin.” Accessed December 2020. https://tl.wikipedia.org/wiki/Damdamin. Wikipedia. “Emotion.” Accessed December 2020. https://en.m.wikipedia.org/wiki/Emotion. Wikipedia. “Ibong Adarna.” Accessed December 2020. https://tl.wikipedia.org/wiki/Ibong_Adarna.

15

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men and Ladies fair Here the breezes gently Blow, Linger with love and care Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, With the Yakans in unity Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

Region IX Our.. Eden... Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was I think that I shall never see walking along the beach with the LORD. A poem lovely as a tree.

In the beach, there were two (2) sets of A tree whose hungry mouth is prest Against footprints – one belong to me and the other to the earth’s sweet flowing breast; the LORD. A tree that looks at God all day, Then, later, after a long walk, I noticed only And lifts her leafy arms to pray; one set of footprints. A tree that may in Summer wear “And I ask the LORD. Why? Why? Why did A nest of robins in her hair; you leave me when I am sad and helpless?” Upon whose bosom snow has lain; Who And the LORD replied “My son, My son, I intimately lives with rain. have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then Poems are made by fools like me, that I CARRIED YOU! But only God can make a tree.

16