Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 7 est for rogress Z P eal of artnership Z P Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 Mga Saloobin at Damdamin sa Napanood na Serye Kaugnay sa Akdang Ibong Adarna Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ 1 Mga Bumuo sa Pagsusulat2 ng Modyul Manunulat: Marita C. Robillos Editor: Perla E. Galon Tagasuri: Juilius A. Enguito Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI Schools Division Superintendent Visminda Q. Valde, EdD OIC, Assistant Schools Division Superintendent Raymond M. Salvador, EdD, CESE OIC, Assistant Schools Division Superintendent Juliet A. Magallanes, EdD CID Chief Florencio R. Caballero, DTE EPS – LRMDS Josephine L. Tomboc, EdD EPS – Filipino 2 Alamin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mga mag-aaral Naisasagawa ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna ang malikhaing pagtatanghal ng ilang bilang isang obra maestra sa Panitikang saknong ng koridong naglalarawan ng mga Pilipino. pagpapahalagang Pilipino. Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Nakalalahad ng sariling saloobin at damdamin sa napanood na ba- hagi ng telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay. (F7PD-IVc-d-18) Nakasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang Pantelebisyon/pampelikula.( F7PD-IVc-d-19) Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin.Kumusta ka na kaibigan? Binabati kita at natapos mo na ang mga modyul sa Ikatlong Markahan. Tiyak kong ang dami mo nang natutuhan. Panibagong aralin na naman ang ating tatalakayin sa loob ng modyul na ito. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa panonood ng dulang pantelebisyon o pampelikula at inilalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay. PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG PAPEL. 3 Aralin Mga Saloobin at Damdamin sa 5 Napanood na Serye Kaugnay sa Akdang Ibong Adarna Balikan Gawain A: Panimulang Pagtataya Panuto: Basahin at unawain mo ang buod ng kwento. Suriin ang suliraning kinaharap ng mahalagang tauhan at bigyang solusyon ang suliraning ito. “Ang Katampalasan Nina Don Pedro at Don Diego” Bumalik sa palasyo ng Berbanya sina Don Pedro at Don Diego. Dinatnan nilang nakaratay pa rin ang amang hari.Nagpilit bumangon si Haring Fernando at sabik na niyakap ang dalawang anak na matagal na hindi nakita.Agad ding nanlulumo ang hari nang malamang hindi kasamang nagbalik si Don Juan.Tinanong ng here kung nasaan si Don Juan ngunit ang sagot ng magkapatid ay iwan nila.Iniharap sa hari ang Ibong Adarna at laking pagkabigla nito dahil pangit at lulugo-lugo ang ibon.Labis na pinagtakhan ng hari ang sinabi ng medikong paham na ang ibon ay makapitong ulit na nagbibihis ng anyo at nagpapalit ng kulay ng balahibo.Natiyak ng hari na sa anyo na iyon ng ibon ay hindi siya mapapagaling ng awit nito at sa halip ay lalo pa siyang lulubha.Muling naalaala ng hari ang panaginip na naging sanhi ng malubha niyang sakit.Pinaslang daw ng dalawang buhong si Don Juan.Lalong lumubha ang kalagayan ng hari sa paglipas ng mga araw.Ayaw pa ring kumanta ng ibon sapagkat walang tunay na nagmamay-ari sa kanya na walang iba kundi si Don Juan.Umaasa ang ibon na buhay pa ang prinsipe at matutuklasan din ng mga magulang ang naging kataksilan nina Don Pedro at Don Diego. Gawain Mga Tauhan Suliraning Kinakaharap Solusyon/Mga Mungkahi 1.Haring Fernando 2.Don Pedro 3.Don Diego 4.Don Juan 5.Ibong Adarna Nasagot mo ba nang tama ang gawain? Huwag kang mag-alala. Halina’t tuklasin natin. 4 Tuklasin Gawain A: Alamin Mo Na! Ano ang iyong mararamdaman kapag magkakasakit ang iyong mahal sa buhay? Tama! Kaya alamin natin ngayon, kung ano nga ba ang emosyon, damdamin, at Saloobin ? Emosyon -ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal. Damdamin-ay naramdaman sa buhay tulad ng saya, lungkot, galit,takot, sabik, tuwa, pagod, antok, kaba, inis,taka, lito at iba pa. Saloobin -ay tumutukoy sa isang paraan ng pag-iisip o isang partikular na paniniwala o damdamin ng isang indibidwal tungkol sa isang tao, lugar, isang bagay o kahit na sa isang tiyak na paksa. Ikaw ba ay nakaranas ng kabiguan sa buhay?Ano ano ang mga paraan na ginawa mo upang malampasan ang mga ito?Mayroon bang mga mensahe na nakukuha mo sa pangyayaring naganap sa buhay mo?Ano kaya ang mga saloobin natin tuwing mayroon tayong ibat ibang karanasan sa buhay? Sang-ayon tayo na nagbabago-bago ang emosyon ng tao dahil mayroon tayong ibang ibat mga karanasan sa buhay.Ang lahat ng emosyon ng tao ay makilala sa kalidad ng karanasan.Minsan ay mahirap natin maunawaan ang ating damdamin ngunit napakahalagang maging matatag tayo anuman ang mga hamon na darating sa buhay kahit ang maidudulot nito ay maaaring negatibo o positibong pag-uugali. Ang ating damdamin ay naimpluwensyahan ng ating saloobin kaya kailangan maging responsable tayo .Tulad sa pangunahing tauhan sa kwentong” Ibong Adarna” ay ipinakita ang mga mahalagang katangian na kung saan kailangan maging gabay sa pang-araw-araw na buhay. Ngayon tuklasin natin ang mga pangyayaring naganap sa mga kwentong nasa ibaba at pag-aralan kung anong mga saloobin na makikita sa ibang ibang pangyayari na masasalamin ang mga mensahe na nais iparating ng may-akda. Sino kaya sa mga tauhan ang dapat tularan ang kanilang mga katangian at di dapat tularan?Napakahalaga ang pagiging masinop sa pagtuklas ng mabuting damdamin upang maiparating sa mambabasa o manonood ang kahalagahan nito. Halina’t tunghayan natin ang mga pangyayari na kinapapalooban ng ibat ibang emosyon, damdamin at saloobin sa kwento.Talagang makikita natin ang kanilang mga mahalagang papel na ginagampanan na kawi-wili at kapupulutan ng magagandang aral na magagamit natin sa mundong ating ginagalawan. 5 Panuto:Panoorin ang link na nasa ibaba o basahin ang kwento.Alamin kung ano ang ibat ibang damdaming ipinakita sa bawat tauhan na may kaugnayan sa akda. A. Ibong Adarna Ang Ibong Adarna ay umiinog sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ang ibon upang mapagaling ang kanilang amang si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari. Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit ito'y hindi sapat sa haharapin nilang mga pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa maamong awit ng Adarna at maiputan sila nito. Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna sa isang matandang ermitanyong nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda ang prinsipe, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid. Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya. Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook. https://www.youtube.com/watch?v=e2jnWGAmoEU 6 B. Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya Napakalungkot ng batang ito. Siya’y si Jose. Ipinagbili siya ng mga kuya niya sa mga lalaking ito para maging alipin sa Ehipto. Bakit ginawa ng mga kapatid ni Jose ang napakasamang bagay na ito? Kasi inggit na inggit sila sa kaniya. Si Jose ay mahal na mahal ng tatay nilang si Jacob. Ipinagpagawa siya ng isang mahabang damit. Kaya ang sampung kuya niya ay nainggit at napoot sa kaniya. At saka, dalawang beses nanaginip si Jose. Doon, ay dalawang beses yumuko ang mga kapatid ni Jose sa kaniya. Nang ikuwento ni Jose ang panaginip sa mga kapatid niya, lalo silang napoot. Isang araw, nang ang mga kuya ni Jose ay nag-aalaga sa tupa ng kanilang tatay, sinabi ni Jacob kay Jose na puntahan sila. Nang makita siyang dumarating, inisip ng kaniyang mga kapatid na patayin siya. Pero ang panganay, si Ruben, ay nagsabi: ‘Huwag, masama iyan!’ Inihulog na lang nila si Jose sa isang tuyong balon. At saka nila inisip kung ano ang gagawin sa kaniya. Siya namang pagdaan ng ilang lalaking Ismaelita. Kaya si Jose ay ipinagbili nila sa mga Ismaelita sa halagang 20 pirasong pilak. Napakasama at napakalupit nila! Pagkatapos ay pumatay sila ng kambing at isinawsaw ang magandang damit ni Jose sa dugo nito. Iniuwi nila ang damit sa tatay nilang si Jacob at sinabi: ‘Nakita namin ito.
Details
-
File Typepdf
-
Upload Time-
-
Content LanguagesEnglish
-
Upload UserAnonymous/Not logged-in
-
File Pages16 Page
-
File Size-