Paunang Salita Ng May-Akda Sa Ikatlong Edisyon

Total Page:16

File Type:pdf, Size:1020Kb

Paunang Salita Ng May-Akda Sa Ikatlong Edisyon PAUNANG SALITA NG MAY-AKDA SA IKATLONG EDISYON Lubos akong nasisiyahan dahil inilalathala ang ikatlong edisyong ito ng Pakikibaka para sa Pambansang Demokrasya bilang tugon sa hinihingi ng mga kabataang aktibista ng pambansa-demokratikong kilusan at bilang pagdiriwang sa ikatatlumpung anibersaryo ng Kabataang Makabayan kung saan naging tagapangulong tagapagtatag ako noong Nobyembre 30, 1964 at naging tagapangulo hanggang sa nag-undergrawn ako noong 1968. Sa kalakhan, ang librong ito'y tinipong mga talumpati at sanaysay noong 1964-68 habang ako'y tagapangulo ng Kabataang Makabayan, pangalawang tagapangulo/pagkalahatang kalihim ng Partido Sosyalista ng Pilipinas at pangkalahatang kalihim ng Movement for the Advancement of Nationalism. Tulad ng ikalawang edisyon, kabilang sa ikatlong edisyon ang mga mensahe para sa mga pambansa-demokratikong organisasyon na nagsipag-usbong bilang resulta ng Unang Sigwa ng 1970. Ang librong ito'y isang istorikong rekord ng ligal na pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo noong dekada '60 at maaagang bahagi ng dekada '70. Ito ang prinsipal na babasahing ligal na ginagamit sa mga grupong talakayan at paaralan ng pambansang demokrasya na nagturo sa mga kabataang kadre at militante mula 1967 hanggang Unang Sigwa ng 1970 at hanggang ideklara ang batas militar noong 1972. Ang librong ito'y kagyat na nauna sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino. Sa katunayan, ang dalawang libro'y parang magkatambal sa pagbibigay ng edukasyon sa mga kadre at masang aktibista sa panahon ng Unang Sigwa ng 1970. Sa simple't di maitatangging dahilan na nananatili ang batayang malakolonyal at malapyudal na kalagayan at problema ng sambayanang Pilipino, kailangang basahin at pag-aralan ang librong ito hindi lamang dahil sa istorikong kahalagahan nito kundi dahil sa patuloy na pagiging balido at makabuluhan ng saligang mga ideyang nakasaad dito. Mula noong dekada '60, ang saligang mga problema na dayuhang monopolyong kapitalismo, katutubong pyudalismo at burukrata kapitalismo ay pinatindi at pinalala ng dalawampung taong paghahari ni Marcos at ng sumunod na mga rehimeng Aquino at Ramos. Nananatiling kasimbalido at kasing-importante tulad noong una ang kagyat na kahingian ng sambayanan para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya, para sa pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa at para sa kulturang pambansa, syentipiko at makamasa at ng mithiin ng sambayanan para sa sosyalismo. Lubos akong nagpapasalamat sa pabliser ng ikatlong edisyon para sa pagsisigurado sa akin na ang Pakikibaka para sa Pambansang Demokrasya ay karapatdapat basahin at pag-aralan hindi lamang dahil sa nilalaman nitong panghabampanahon at makabuluhan kundi dahil sa estilo nitong mapanghikayat sa maraming mamamayan. Lubos din akong nagpapasalamat sa Kabataang Makabayan, sa League of Filipino Students, Institute of Alternative Studies at iba pang organisasyon, gayundin sa mga indibidwal na nagmamalasakit dahil hinikayat nila ang pabliser na ilabas ang ikatlong edisyong ito at sinigurado nilang maipapalaganap nang husto ang librong ito. —Jose Maria Sison Nobyembre 30, 1994 INTRODUKSYON SA IKALAWANG EDISYON Ang Pakikibaka para sa Pambansang Demokrasya, ang koleksyon ng mga sanaysay at talumpati ni Jose Ma. Sison na tagapangulong tagapagtatag ng Kabataang Makabayan, ay nananatiling kasing-angkop ngayon—kung hindi man higit pa—ng una nitong labas noong 1967. Pagkaraan ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970, nang magkaroon ng malaki-laking momentum ang pambansa-demokratikong pakikibaka, ang libro ni Sison ay naging isa sa mga pinakamakabuluhang sanggunian para sa sumusulong na kilusan laban sa tatlong pangunahing kaaway ng lipunang Pilipino: ang imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Dahil kinikilala ng Amado V. Hernandez Memorial Foundation ang kahalagahan ng Pakikibaka para sa Pambansang Demokrasya, at ang katotohanang matagal nang walang nakaimprenta nito, nagdesisyon ang Foundation na iimprenta uli ang libro. Sa proseso, tinipon ng Foundation ang iba pang mga sanaysay at talumpati ni Sison para idagdag sa bagong edisyong ito. Makabuluhan sa mga naidagdag ay ang Kapangyarihang Estudyante? (unang inilathala sa Eastern Horizon, isang progresibong magasin sa Hongkong), na tumutukoy sa oryentasyong dapat mahusay na gumabay sa kilusang estudyante sa Pilipinas; Sumusulong ang Kabataan (inilathala sa Philippines Free Press noong Nobyembre 2, 1968), na naglilinaw sa mga pagkilos, direksyon at perspektiba ng progresibong kilusan ng kabataan sa ating bayan at iba pang dako ng mundo; Ang Sopismo ng Christian Social Movement, na naglalantad at nagsusuri sa negatibong mga katangian at tendensya ng CSM at ang kaanib nitong mga "moderato"; Ang Reporma sa Lupa at Pambansang Demokrasya, na naglalantad sa pagkabangkarote ng programa sa reporma sa lupa na itinataguyod ng estado sa harap ng kahingian para sa malawakang rebolusyong agraryo; at mga mensahe ni Sison sa Movement for a Democratic Philippines, Kabataang Makabayan, Samahang Demokratiko ng Kabataan, League of Editors for a Democratic Society, Nagkakaisang Progresibong Artista-Arkitekto, Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan, at Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan—na pawang isinulat pagkaraan ng Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Muling inililimbag ito ng Amado V. Hernandez Memorial Foundation kakoordina ng College Editors Guild of the Philippines para sa katuparan ng isa sa mga layunin ng Foundation: tumulong sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka—isang panghabambuhay na pangarap ng yumaong Amado V. Hernandez, isang premyadong makata, proletaryong lider at bayani na para sa alaala niya'y itinayo ang Foundation. Ang College Editors Guild of the Philippines ang pangunahing namahala sa aspetong editoryal ng proyekto. Ibinatay ng CEGP ang pag-eedit nito ng mga artikulo sa nirebisang tekstong ipinadala sa pambansang upisina ng CEGP sa pamamagitan ng koreo. Angkop na banggitin dito na sa huling ilang taon sa buhay ni Ka Amado, siya'y mahigpit na kaugnay ni Jose Ma. Sison, na noo'y pambansang tagapangulo ng Kabataang Makabayan, ang nangunang organisasyon ng kabataan sa pambansa-demokratikong pakikibaka. Si Ka Amado ay di makasariling nagbigay ng payo at karunungang bunga ng edad at karanasan sa pagkaagresibong dulot ng kabataan, mga pambansa-demokratikong ideya at programa ng pagkilos ni Sison. Napatunayan ng sumunod na mga pangyayari na ang mga ideyang ito at programa ng pagkilos ay wasto sa konteksto ng kongkretong kalagayan ng Pilipinas. Ipinagmamalaki ng Amado V. Hernandez Memorial Foundation na mailabas muli ang Pakikibaka para sa Pambansang Demokrasya para magamit ng lahat ng tagasuporta at estudyante ng pambansa-demokratikong kilusan. Antonio Zumel Tagapangulo Amado V. Hernandez Memorial Foundation 30 Nobyembre 1971 INTRODUKSYON SA UNANG EDISYON Ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa alimpuyo ng nakaraang digmaang pandaigdig, partikular pagkaraang muling makamit ang pampulitikang kasarinlan noong Hulyo 4, 1946, ay nananatili hanggang ngayon nang babahagya lamang o walang pag-asang malutas sa kagyat na hinaharap. Bantulot na bantulot na tinalakay ang mga problemang ito, na karamiha'y pang-ekonomya at panlipunan, ng ilang pampublikong upisyal at ng mga tao sa akademya. Sa konteksto ng kasalukuyang lipunan, kung saan ang pagkumporme ang kataas-taasang na katangian, ang anumang kritikal na paglalantad sa mga problemang iyon, laluna't nakakaapekto sa ugnayang Pilipino-Amerikano, ay binabansagang komunista, at kung gayo'y subersibo sa nakatatag na kaayusan. Ilan lamang na matatapang, na pinamunuan ng yumaong Claro M. Recto at Jose P. Laurel, ang nangahas sa bawal na usapin. Ngayon, halos sampung taon pagkaraang mamatay sina Recto at Laurel, ang mga kabataan at hindi ang mga nakakatanda sa kanila ay nakipagbatbatan sa mga tagapagtanggol ng kasalukuyang lipunan at dahil dito'y dumanas sila ng panliligalig at insulto mula sa mga propesyunal na anti-komunista at witchhunters. Si Jose Ma. Sison ang kabataang pinakanililigalig at sinisiraan ngayon pero hindi siya pasisindak at patatahimik ng mga may hawak ng kapangyarihan, at pinili niyang maging tulad nina Kapitan Tiago at Senyor Pasta sa mga nobela ni Rizal. Mapangahas na ipinaliliwanag ng koleksyon ng mga sanaysay at talumpati ni Jose Ma. Sison, ang Pakikibaka para sa Pambansang Demokrasya, ang krusyal na mga problema ng mga Pilipino ngayon. Ang mga problemang ito ay inilalarawan bilang istorikong problemang nabuo mula sa pambansang karanasan na nakaugat sa kolonyalismo at pyudalismo. Ang tumutuhog sa mga sanaysay at talumpati ay nasa anyong kahingian para sa pambansang paglaya at demokrasya — masakit sa loob na pag- amin na ang Pilipinas ay kolonya pa rin na nakabalot sa manipis na tabing ng demokrasya. Sa gayon, ang libro'y isang kritisismo at isang pagsamo: isang malalim na kritisismo sa kawalan ng kasapatan sa lahat ng pagpupunyagi at makabagbag-damdaming pagsamo para sa pagtatatag ng tunay at gumaganang demokrasya kung saan ang bayan, ang masa ng mamamayan at hindi lamang ang iilang may pribilehiyo ay magtatamasa ng biyaya ng malaya at masaganang buhay. Kung gayon, si Sison ay nagpapaumpisa ng matatawag na Ikalawang Kilusang Propaganda. Malinaw niyang sinasabi ang batayang estratehiya at taktikang gagamitin ng sambayanang Pilipino sa kanilang pakikibaka para wasakin ang tradisyunal na mga kasamaang pyudalismo at neo-kolonyalismo, ang dalawang institusyon na nagbigay ng dahilan sa naghihirap na masa sa kasaysayan ng Pilipinas na mag-armas para matupad
Recommended publications
  • R E Vs Ofj'faal Publication of the Alttmni and Student Bodfl /J U.P
    R E vs OfJ'faal Publication of the Alttmni and Student Bodfl /j U.P. College of Forestry, College, Laguna ARBOR WEEK - FORESTRY DAY ISSUES VOL. XVII NOS. 2 8c 3 t Let Us Plant Trees on Arbor Week Antonio A. Quejado 3 Forest Resources of the Philippines Juan L. Utleg 7 The Role of Science in Forestry Development Jose Viado 11 The Philippine Forest Resources: Their Fuller Utilization and Relation to World Trends Manuel R. Monsalud & Domingo Lantican 31 A Study of Wood Utilization and Manufacturing Efficiency in Plywood Armando A. Villaflor !S An Administrative Study of Public Outdoor Recreational Management in the United States Selected for Possible Application to Philippine Conditions Edilberto Z. Cajucom S Timber Research, Engineering and Industry Development F. M. Lauricio Survival and Growth of Moluccan Sa1J in Mt. Makiling as Affected by Planting Spacing and Kind of Planting Materials Ireneo L. Domingo 6 3 Improvements in the Utilization of Lower . Quality Philippine Woods Manuel R. Monsalud 7 Reaction Wood Teofila M. Lindayen 71 General Information on Flood Damage ~itigation A. B. Deleiia, Conrado C. Mercado, et al. 7 Determination of Wood Waste in the Sawmills D. G. Faustino & F. D. Virtucio FPRI Technical Notes ... FPRI Highlights . Forestry In The News ... Makiling News . Campus Notes ... Sunshine Corner .. Literary Attempts . Editorials ... From the Mail Bag -~·••.._~•oo.._~.,.,··~0000_~.,..,.._~~ooa.._~ci>«>o 0,~,,oe0~.~~~ r·....... e~· ....... ~.- ......~ ........ ~·;., ..,e~o·-·~·- ......~ ... -·~oo,,...,o~·;."""·~ '; 8 THE TWO PATHS 2 ~ A SOUTH AMERICAN TALE 2 • ~ Before Man was incarnated in flesh and blood, and before animals • 8~, were created, Inti, the servant of the Invisible God, was surrounded by ~-.:: spirits waiting to come to earth.
    [Show full text]
  • May 2, 1960 25Th ANNIVERSARY of the PHILIPPINE AIRFORCE
    May 2, 1960 25th ANNIVERSARY OF THE PHILIPPINE AIRFORCE TWENTY-FIFTH ANNIVERSARY OF THE With a strength of 116-men, based in San Juan del Monte, pino pilot casualty, ....... Lt. Cesar Basa. Rather than bow to PHILIPPINE AIR FORCE the Philippine Constabulary Air Corps, later called Philippine the Japanese, a large number of the PAAC survivors joined Army Air Corps, was created on January 2, 1935, under Gen- the guerilla units. (1935 - 1960) eral Order No. 1, issued by then PC Brig. Gen. Basilio Valdes. This was followed by the foundation day on May 2, 1935. The Liberation found the PAAC in March 1948, on equal foot- The birth of the Philippine Air Force is today celebrated and technical advisers of the PAAC were Capt. Ivan Procter USA ing with its sister services as a major command of the Armed commemorated with special stamps issued by the Bureau of Air Corps, followed by Lt. William L. Lee and later by Capt. Forces of the Philippines and renamed the Philippine Air Posts. Exactly twenty-five years ago, Lt. William L. Lee (now Mark Lewis in 1938. Force, with Col. Edwin Andrews as Commander. Col. Eusta- a Brigadier General), popularly known as the "Father of the cio Orobia, Brig. Gen. Pelagio Cruz, the late Brig. Gen. Beni- PAF," made the first flight on the first aircraft bearing the Phil- The need for training schools for pilots was fulfilled in to Ebuen and Brig. Gen. Pedro Q. Molina have subsequently ippine Army Air Corps insignia on May 2, 1935, thus marking 1937 by the creation of the Tactical and Service Companies headed the PAF, with the last as the incumbent chief.
    [Show full text]
  • I 1 960 • Messages • World Forestry and Foresters -Thomo.S Gill • the University and Industrial Development -Jose C
    / I 1 960 • Messages • World Forestry and Foresters -Thomo.s Gill • The University and Industrial Development -Jose C. Locsin • A Scholarship Program For Forestry -Amando M. DaLisay • Forest Land vs. Agricultural Land -Rufino A. Sabado • Kraft Papers From Philippine Fibrous Materials -Manuel R. Monsalud Jaime 0 . Escolano · • An Introduction to Photogrammetry -Bernhard Send • Why Not Seediings from Selected Seeds? -Rosales A . Juni • Transporting Logs by Splash Dams in Agusan -Bernardo C. Agaloos • A Dynamic Meaning of Forestry in the Light of Human Evolution -Nguyen Hoang Dam • U .P. College of ForGstry - Cornell University Assistance Contract­ Its Mission and Accomplishments -Florencio P. Mauricio • Why the Makiling National Park Should Be Transferred to the University of the Philippines -Angelo G. Mordeno • A Career in Forestry - for You? • Literary Attempts* * * • College Notes • B. F. Notes • Forestry in the News • FPRI Highlights • Abstracts and Excerpts • Sunshine Comer • From the Mailbag • Editorials • Incidentally • Alumni Directory / ) '. A..o-'°' .·,~ MESSAGE Through this commencement issue of FORESTRY LEAVES, I congratulate with deep pleasure the graduates of the U.P. College of Forestry. Your specialized training makes you better equipped to engage in a truly constructive endeavor: the protection of the wealth contained in our forests as you also see to it that our wood products are utilized in the best way possible. May you therefore make full use, in your chosen lifework, of your industry and indi­ vidual capabilities. I am confident that as you faithfully execute your duties in the future, you will be gratified by the thought that your task is of considerable importance to the economic welfare of the nation.
    [Show full text]
  • List of Successful Passers of the Pma Entrance Examination Cy 2011
    LIST OF SUCCESSFUL PASSERS OF THE PMA ENTRANCE EXAMINATION CY 2011 NR LAST NAME, FIRST NAME MDDLE NAME COMPLETE ADDRESS 1 AB ABULON, DADO MAGIDE UHAJ, BANAUE, IFUGAO 2 ABACIAL, ROGELIO LUSING MARANDING, LALA, LANAO DEL NORTE 3 ABALOS, JERRY EVEIS AREAVALOS ALIPASA, MAHAYAG, ISABEL, LEYTE 4 ABANGAN, JADE FRANZ TIBOR P-MAKUGIHON, MANINGCOL, OZAMIS CITY 5 ABAYARI, JHON RANDOLPH GERMIDIA E-3 FIVE DOORS CAMP AQUINO, SAN MIGUEL, TARLAC CITY 6 ABELLA, JOHN ANDY LIM BASAK TALOTO, TAGBILARAN CITY 7 ABINA, MARY ANTHONETTE REGINALDO H. DAMES STREET PUROK 2 BARANGAY 6, DAET, CAMARINES NORTE 8 ABIOG, LALAINE SANTIAGO 181 UPPER EAST, WOODSGATE, CAMP 7, BAGUIO CITY 9 ABISTADO, JERICKSON METICA BRGY 1, MATAAS NA KAHOY, BATANGAS 10 ABISTADO, APRIL KEITH BEZARES 127 STA THERESA ST., NOTRE DAME VILLAGE, COTABATO CITY 11 ABIVA, PAUL JOSHUA FLORES 2-1026-G, SENIOR NCO'S QTRS, SUPPORT GROUP, FORT DEL PILAR, BAGUIO CITY 12 ABUAN , FRANCIS KEVIN DUMO 449 ACAO, BAUANG, LA UNION 13 ABULENCIA, JACEZ DEAUNA ADELFA ST., LITA PHASE 2, TAYABAS, QUEZON 14 ABULENCIA, ROCK KEVIN DEAUNA LITA SUBD. PHASE II,TAYABAS QUEZON 15 ACABAL, JOHN ABEY UY SAN ANTONIO CANHAWAY GUINDULMAN BOHOL 16 ACAPULCO, KARTHA MARY JUNGAO CLARIN NATIONAL HIGH SCHOOL, CLARIN, MISAMIS OCCIDENTAL 17 ACCAD, COLLIN LACATANGO 295 TANGUILAN ST., BRGY LANNA, ENRILE CAGAYAN 18 ACEBEDO, JOSEPH CAVADA LOT 9 BLK 21 NHA VILLAGE LOWER BUSAY HEIIGHTS, CEBU CITY 19 ACIERDA, MAVERICK LAURE BLOCK 6, EDWIN ANDREWS AIR BASE, STA. MARIA, ZAMBOANGA CITY 20 ACIERTO, MARIA FATIMA FERNANDEZ NAZARETH STREET,COUNTRY SIDE
    [Show full text]
  • Struggle for National Democracy
    STRUGGLE FOR NATIONAL DEMOCRACY by Jose Maria Sison AUTHOR’S PREFACE TO THE THIRD EDITION I am deeply pleased that this third edition of Struggle for National Democracy is being published in response to the demand of young activists of the national democratic move- ment and in celebration of the thirtieth anniversary of Kabataang Makabayan of which I was the founding chairman on November 30, 1964 and in which I served as chairman until I went underground in 1968. This book is mainly a compilation of my speeches and essays in the years 1964-68 while I was chairman of Kabat- aang Makabayan, vice-chairman / general secretary of the Socialist Party of the Philippines and general secretary of the Movement for the Advancement of Nationalism. Like the second edition, the third edition includes messages addressed to the national democratic organizations which burgeoned as a result of the First Quarter Storm of 1970. This book is a historical record of the legal struggle for national liberation and democracy against U.S. imperial- ism, feudalism and bureaucrat capitalism in the „60s and early „70s. It was the principal legal study material in discussion groups and schools of national democracy which educated the youth cadres and militants from 1967 through the First Quarter Storm of 1970 to the declaration of mar- tial law in 1972. This book was the direct precursor of Philippine Society and Revolution. As a matter of fact, the two books were like partners in the education of cadres and mass activists in the course of the First Quarter Storm of 1970.
    [Show full text]
  • Arrests in 40 Metropolitan Areas
    Narratives Constitutional Law II Michael Vernon Guerrero Mendiola 2005 Shared under Creative Commons Attribution- NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines license. Some Rights Reserved. Table of Contents Alvero vs. Dizon [GR L-342, 4 May 1946] … 1 People vs. Andre Marti [GR 81561, 18 January 1991] … 1 Bache & Co. (Phil.) Inc. vs. Ruiz [GR L-32409, 27 February 1971] … 2 Stonehill vs. Diokno [GR L-19550, 19 June 1967] … 4 Zurcher vs. Stanford Daily [436 US 547, 31 May 1978] ... 5 Wilson vs. Layne [526 US 603, 24 May 1999] … 6 Burgos v. Chief of Staff, AFP [GR 64261, 26 December 1984] … 8 Chandler vs. Miler [520 US 305, 15 April 1997] … 8 People vs. Chua Ho San [GR 128222, 17 June 1999] … 10 People vs. Molina [GR 133917, 19 February 2001] … 11 Solid Triangle Sales Corp. vs. Sitchon [GR 144309, 23 November 2001] … 12 People vs. Salanguit [GR 133254-55, 19 April 2001] … 14 Amarga vs. Abbas [GR L-8666, 28 March 1956] … 15 Sta. Rosa Mining Company vs. Assistant Provincial Fiscal Zabala [GR L-44723, 31 August 1987] … 16 People vs. Inting [GR 88919, 25 July 1990] … 17 Paderanga vs. Drilon [GR 96080, 19 April 1991] … 18 Pita vs. Court of Appeals [GR 80806, 5 October 1989] … 19 Abdula vs. Guiani [GR 118821, 18 February 2000] … 20 Pasion Vda. de Garcia vs. Locsin [GR 45950, 20 June 1938] … 22 Yee Sue Koy vs. Almeda [GR 47021, 15 June 1940] .. 23 Alvarez vs. Court of First Instance of Tayabas [GR 45358, 29 January 1937] … 24 Mata vs. Bayona [GR 50720, 26 March 1984] … 26 Olaez vs.
    [Show full text]