Pagpapasya: Continuity Script
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
DZLB 97.4 Local, Loud and Proud Title: Pagpapasya: Isang Aspeto sa Pamilya Type: Instructional Broadcast Series Treatment: Continuity Script Date of Airing: 2 nd – 3 rd week of August Time of Airing: 11:30 -12:20 noon Scriptwriters: Jose Paolo Calcetas, Yza Santiago, John Carlo Brion OBJECTIVES: Pagkatapos ng presentasyon, ang mga estudyante ng Technology and Livelihood Education sa ikalawang baitang ay kinakailangang: 1. ibigay ang kahulugan ng pagpapasya; 2. isa-isahin ang mg aspeto ng pagpapasya; 3. ilarawan ang kahit isa sa mga aspeto ng pagpapasya. BIZ: INTRO MSC (UP AND OUT) BIZ: MSC (UP AND UNDER) BACKGROUND MSC:FULL HOUSE DARNA: Ayoko! CAPTAIN BARBEL: Gusto ko! DARNA: Ayoko nga sabi e... CAPTAIN BARBEL: E gusto ko nga e... Dapat ako ang masusunod dito… DARNA: Sinabi na nga kasing ayoko, ang kulit-kulit naman! BIZ: INSERT SFX ( DOORBELL) DARNA: Sino kaya yun? Buksan mo na ‘yung pinto. CAPTAIN BARBEL: Bakit ako? Ikaw na kaya. DARNA: Aba... talagang gusto mo yatang matikman ang powers ng puting bato ko ah… Sige, makikita mo… BIZ: INSERT SFX (WHOOOSHING WIND) Pagpapasya . 2 2 2 CAPTAIN BARBEL: Ano?! Hampasin kaya kita dyan ng barbel? BIZ: INSERT SFX (KNOCK ON DOOR THEN DOOR OPENING) CHE: Mare… Pare… DARNA: (SHOCKED) O, Anong ginagawa mo dito? CAPTAIN BARBEL: Oo nga. Paano ka nakapasok? CHE: Kanina pa kasi ako tumatawag dito pero di nyo ako naririnig. Ang lakas lakas nga ng boses nyo sa labas kaya pumasok na ako. Mukha kasing nag-aaway kayo.. DARNA: (SWEET VOICE) Naku... Etong si mare, hinusgahan na kaagad kami... CAPTAIN BARBEL: (CALM) Oo naman... Pinag-uusapan kasi namin yung plano namin na lumipat ng bahay...Eto nga’t kapapayag lang niya sa plano ko. DARNA: (SHOUT) Ano? Hoy, hindi kaya! Over my dead, sexy body. Hindi ako pumapayag... CAPTAIN BARBEL: E ang labo mo naman pala talagang kausap e... DARNA: Huh?! Ako pa ngayon ang malabo e ikaw nga itong nagpipilit sa plano mo kahit ayoko. Ano?! Gyera na ito? Barbel mo laban sa puting bato ko? CHE: Teka lang. Huwag nyong daanin sa gyera ang usapan nyo. Wala kayong maaayos na problema kung mag-aaway lang kayong dalawa... DARNA: (CALM) Eh pano ba naman, sinabi ko na kasing ayokong lumipat, pinagpipilitan pa. CAPTAIN BARBEL: Eh sa gusto ko eh. Lilipat lang bahay, ayaw mo pa…! CHE: Mare, pare, pag-usapan natin ito ng maayos. Halika’t umupo muna tayo habang pag-uusapan natin ang tungkol sa pagdedesisyon ninyong lumipat ng bahay. Pagpapasya . 3 3 3 DARNA: (NAPIPILITAN) O sige na nga... Alang-alang sayo... CAPTAIN BARBEL: (SHOUT) Ano?! DARNA: (CALM) Makikinig ako sa kanya. (SARCASTIC) Makinig ka na rin kaya?! BIZ: ESTABLISH BACKGROUND MSC FOR 3 SEC THEN UNDER : FULL HOUSE CAPTAIN BARBELL: O sige na nga. O ano, section C, tutulungan kaming muli ni Mareng Che na gumawa ng desisyon nang sa gayon ay hindi na kami mag-away. DARNA: Kailangan namin gumawa ng desisyon ni Capatain Barbell tungkol sa paglipat ng bahay sapagkat ngayon pa lang ay pinag-aawayan na namin ito. Makinig na rin kayo sa mga sasabihin sa amin ni Mareng Che nang sa gayon ay mataas ang inyong makuha sa quiz natin mamaya. BIZ: SEGUE BACKGROUND MSC WITH LESSON MSC THEN UNDER CHE: Magandang hapon sa inyo second year section C. Kamusta kayo? Ok pa ba kayo? Makikinig kayo sa sasabihin ko ha para maka-perfect kayo sa quiz natin mamaya. Bago ang lahat, kailangan muna nating malaman kung ano ang pagdedesisyon. Kayo ba, nagkaroon na ba kayo ng pagkakataon na kailangan ninyong gumawa ng desisyon? Alam ninyo, ang pagdedesisyon kasi ay hindi isang bagay na pwedeng madaliin. Ito kasi ay isang gawain na naglalayong bigyan ng solusyon ang isang suliranin. Ito ay isang napakahalagang aspeto sa pamamahala ng pamilya sa loob man o sa labas ng tahanan. BIZ: LESSON MSC UP AND UNDER -MORE- Pagpapasya . 4 4 4 CHE: Alam nyo ba na ang paggawa ng desisyon ay may limang aspeto? Sa pagpapasya o paggawa ng desisyon, mayroon tayong limang aspeto o hakbang na maaaring sundin upang lubos tayong makapagdesisyon ng tama. Ang mga ito ay ang: una, pag-alam sa suliranin. Ikalawa, ang pagkalap ng mga impormasyon. Ikatlo, ang pagbuo ng mga maaaring solusyon sa problema. Ikaapat, ang pagpili ng pinakaangkop na desisyon. At ang panghuli ay ang pakikilahok ng bawat miyembro ng pamilya sa pagpapapasya. BIZ: MSC ( UP FOR 3 SECONDS THEN UNDER) CHE: Sa unang hakbang ng pagdedesisyon, kinakailangan munang malaman ng mag- asawa kung ano talaga ang problema at kailangan nilang gawan ng desisyon. Kailangan nilang pag-isipan ng mabuti kung ano ang naging ugat ng problema at kung sino ang mga naaapektuhan nito. Sa kaso nina Darna at Captain Barbell, nag-aaway sila dahil gusto ni Captain Barbell na lumipat ng bahay kaso, ayaw naman ni Darna. Bakit gustong lumipat ni Captain Barbell at bakit naman ayaw ni Darna? Kapag lumipat ba sila ng bahay, mas magiging madali para sa kanila at sa mga anak nila? Saan nakuha ni Captain Barbell ang ideya na lumipat ng bahay? Sa pagdedesisyon, kailangang alamin ni Captain Barbell kung bakit ayaw lumipat ng bahay ni Darna at kung anu-ano at sinu-sino ang maaapektuhan kung sakali nga na lumipat sila ng bahay. Kailangan nilang tanungin ang kanilang sarili kung ano ang problema, paano ito nabuo at bakit, saka kung kelan at saan ito nagsimula para naman mas maging madali para sa kanila ang mag-isip ng solusyon. BIZ: MSC (UP AND UNDER) Pagpapasya . 5 5 5 CHE: Ang ikalawang hakbang naman sa pagdedesiyson ay ang pagkalap ng impormasyon. Sino ba ang maaari nilang tanungin ukol sa gusto nilang paglipat ng bahay? Kaya ba nilang bumili ng bahay o uupa sila? Dito sa pagkalap ng impormasyon manggagaling ang maaaring maging solusyon sa kanilang problema. Maaaring si Captain Barbell o kaya si Darna ay magtanong-tanong ng mga pinauupahang bahay, kung magkano ang upa dito, kung malapit lang ito sa paaralan ng mga bata at iba pa. Maaari rin silang magtanong sa mga taong pinagkakatiwalaan nila kung tama ba o hindi ang gusto nilang gawing desisyon ukol sa paglipat ng bahay. BIZ: MSC (UP AND UNDER) CHE: Ang ikatlong hakbang naman ay ang pagbuo ng mga maaaring solusyon sa isang problema. Maaaring alam na ng mag-asawa ang maaari nilang gawin at nakapagtanong-tanong na rin sila pero, dito, kinakailangan nang malaman ng ibang miyembro ng pamilya ang problema. Ito ay upang makatulong sila sa pag- iisip ng solusyon. Sa kaso nina Captain Barbell at Darna, nakakuha na sila ng impormasyon, mas makabubuti kung ipapaalam nila ang planong paglipat nila ng bahay kina Teng at Narda. Karapatan nilang malaman. Isa pa, maaari rin kasing may alam na suhestiyon ang kanilang mga anak ukol sa ganoong mga isyu. BIZ: MSC ( UP FOR 5 SECONDS THEN UNDER) -MORE- Pagpapasya . 6 6 6 CHE: Ang ikaapat na hakbang naman ay ang pagpili ng pinakaangkop na solusyon sa inyong problema. Ano ba sa palagay ninyo ang maaaring solusyon sa problema nina Captain Barbell at Darna? Maaaring nakapaghanap na sila ng mga bahay na malilipatan nila kung sakali na tutuloy sila sa desisyon nilang lumipat. Maaaring nakapagbigay na rin sina Teng at Narda ng mga maaari nilang malipatan ng bahay. Maaari na nilang piliin kung lilipat pa sila ng bahay o hindi, depende sa mga nakalap nilang impormasyon. Dito, pipiliin nila ang pinakaangkop na solusyon base na rin sa posibleng magiging epekto ng kanilang paglipat ng bahay. BIZ: MSC (UP FOR 5 SECONDS THEN UNDER) CHE: At ngayon, ang pinakahuling hakbang sa paggawa ng desisyon ay ang pakikilahok ng bawat miyembro ng pamilya sa pagpapasya. Ngayong alam na nila kung ano posibleng solusyon ukol sa kanilang problema, maaari na nilang piliin ang pinakaangkop na solusyon ng sama-sama. Maaaring magbotohan ang buong pamilya kung sino ang sang-ayon o hindi sa naisip na solusyon. Ang mahalaga dito ay nagkakaisa ang buong pamilya sa pagdedesisyon, hindi lang ang tatay o ang nanay ang nagdedesisyon para sa buong pamilya. Kapag iisang tao lang kasi ang nagdesisyon, maaaring hindi maging komportable ang ibang miyembro ng pamilya sa naging desisyon, at baka ito pa ang maging dahilan ng mas mabigat na problema. Kayo, kapag magdedesisyon kayo, ayaw nyo naman na magkaroon ng panibagong problema, di ba? BIZ: SEGUE LESSON MUSIC WITH BACKGROUND MSC: FULL HOUSE THEN UNDER -MORE- Pagpapasya . 7 7 7 DARNA: O, Captain Barbell, narinig mo iyong sinabi ni Mareng Che? Sa paggawa ng desisyon, kailangan muna nating malaman ang problema at kailangan nating mangalap ng impormasyon. Bakit mo nga palang gustong lumipat tayo ng bahay? BIZ: INSERT BACKGROUND MSC: DRAMA MSC THEN UNDER CAPTAIN BARBEL: Darna, nahihirapan na tayong tumira dito. Una, malayo tayo sa palengke. Isa pa, nahihirapan ang mga bata kapag pumapasok. Isang oras silang maglalakad bago pa sila makarating sa eskwelahan. Saka, ang liit-liit ng bahay na ito para sa ating pamilya. DARNA: Ganon ba? Hindi mo naman kasi nililinaw. San tayo lilipat kung sakali? CAPTAIN BARBEL: May napagtanungan na ako pero hindi ganon kaganda ang lugar. Kailangan pa nating magtanong-tanong. DARNA: Sige, Puto pao, magtatanong-tanong ako kung saan pwede. BIZ: DRAMA MSC UP THEN UNDER CAPTAIN BARBEL: Darna, sa tingin mo, lilipat pa tayo o hindi? Gusto rin naman lumipat nina Teng at Narda. Yun nga lang, wala pa tayong pera para magbigay ng deposit. DARNA: Sa tingin ko, kausapin uli natin ang mga bata para kahit paano, alam nila ang pinakahuli nating desisyon, tutal, buong pamilya naman tayong lilipat ng bahay. BIZ: DRAMA MSC (UP AND UNDER) -MORE- Pagpapasya . 8 8 8 DARNA: Puto Pao, nakausap ko na ang lilipatan natin ng bahay kung sakali at maganda naman ang lugar.