PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE News and Information Bureau
PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE News and Information Bureau PRESS BRIEFING OF PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE September 18, 2020 (12:10 P.M. – 1:37 P.M.) SEC. ROQUE: Magandang tanghali po, Pilipinas. Narito po kami sa City of Pines at Summer Capital of the Philippines, ang aking siyudad - Baguio City. Umpisahan po natin ang briefing natin ngayon sa mga pangyayari kaninang umaga. Kasama ko po si Secretary Vince Dizon at si Mayor Magalong ng siyudad na ito, nag-inspeksiyon po kanina sa Session Road para maipakita sa buong Pilipinas ang epektibong pagpapatupad ng Baguio sa kanilang prevent, detect, isolate, treatment, reintegration or PDITR Strategy. Magiging modelo po kasi ang Baguio kung paano po dapat buksan muli ang turismo ‘no. Maalala ninyo po, nag-anunsiyo na ang siyudad ng Baguio na bukas po ang Baguio para sa mga turista galing sa Region I. Mayroon pong initial na turista na papapasukin dito sa Baguio, ang requirement lang po ay magrehistro sa webpage ng Baguio City at magpapakita po sila ng confirmed hotel reservation at dadaan dito po ‘no – narito po kami ngayon sa [garbled] center kung saan nandito rin po iyong triage na kinakailangang puntahan ng mga bibisita dito sa siyudad ng Baguio. Automated na po ang triage system nila. Bago pa po umalis papunta ng Baguio, isumite na po ang mga dokumentong kinakailangang isumite at pagdating po rito ay kukuhaan na lang kayo ng mga temperatura at konting tanong tungkol sa mga health background. Mabilis na mabilis po iyan, at every ten passengers ay mayroon pang VIP escort na maghahatid sa inyong pupuntahan.
[Show full text]