Di Pinatawad Sa Holdap
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
WEDNESDAY MAY 20, 2009 PHILIPPINES “If a person made you smile and laugh for how many times already… for sure, that person can make you cry real tears, too.” Landslide --- Kalunus-lunos ang sinapit ng lalaking ito na isinakay sa motorsiklo mula sa pinangyarihan ng landslide sa Pantukan, Compostela Valley. Nasa 26-katao na ang naiulat na nasawi habang 19 pa ang pinaghahanap ng mga awtoridad. Nagpapahinga ang mga biktima sa bunkhouses sa isa sa tunnel ng minahan nang mangyari ang landslide. SANGGOL `DI PINATAWAD SA HOLDAP Walang patawad ang isang holdaper at ang kasabwat nitong tricycle driver dahil tinakot at sinaktan pa ang isang taong gulang na sanggol para lamang ibigay ng ina nito ang dala na malaking halaga ng perang kawi- withdraw lang sa isang bangko sa bayan ng Sigma, Capiz kamakalawa. Sa salaysay ni Christine Ureta, 23-anyos, sa pulisya, kasama niya ang kanyang anak na si Ke Andrew at kagagaling lamang sa isang bangko para mag-withdraw ng pera at sumakay sa isang tricyle pauwi sa kanilang bahay sa Barangay Pari-an. Isang lalaki ang umangkas sa likod ng driver at sila’y umusad tungo sa destinasyon ng mag-ina. Habang nasa daan ay biglang huminto ang tricycle at lumipat ang nakiangkas na lalaki sa kinauupuan ng mag-ina at biglang tinutukan nito ng balisong ang tagiliran ng bata. Kasabay nito, pinipilit ng driver na ibigay na ni Ureta sa kanyang kasama ang dalang bag ng ginang na naglalaman ng P23,000 cash, cellular phone, ATM at ilan pang mahahalagang personal na gamit. Nakiusap pa umano si Ureta na huwag saktan ang kanyang anak at huwag kunin ang dala nitong pera dahil may mahalaga silang pagkakagastusan. Ngunit mas lalong nanlisik ang mata ng lalaking tumutok sa tagiliran ng sanggol at idiniin pa nito ang dulo ng balisong sa tagiliran hanggang sa umiyak na si Ke Andrew dahil sa nararamdamang sakit at may lumalabas ng dugo. Dito na nanlambot si Ureta at hinimatay habang yakap-yakap ang kanyang anak. Pagkatapos limasin ang dalang pera at kagamitan ng mag-ina ay iniwan ng mga suspek si Ureta na walang malay sa tabi ng kalsada. Sinaklolohan naman ang mag-ina ng mga residente sa lugar na nakakita sa kanila at dinala sa ospital. Bumalik na lang ang malay ni Ureta sa loob ng Roxas Memorial Provincial Hospital kasama ang kanyang anak na nalapatan na ng lunas. Kasalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya ang dalawang suspek batay na rin sa cartographic sketch na ibinigay sa kanila ni Ureta. SC lang ang makakapigil kay Erap Nina Bernard Taguinod at Rey Marfil 1 Tanging ang Supreme Court (SC) ang makakapagpapigil kay dating Pangulong Joseph Estrada na tumakbo sa 2010 presidential election. Ito ang pahayag ni Shariff Kabunsuan Rep. Didagen Dilangalen na dating spokesman ni Estrada matapos paandarin ng dating Pangulo ang kanyang JEEP o Joseph Ejercito Estrada for President bilang preparasyon sa 2010 election. “Nobody can stop him from running but Supreme Court,” ani Dilangalen dahil tiyak na may kukuwestyon sa legalidad ng pagtakbo nito, partikular na sa hanay ng mga kontra kay Estrada na maging pangulo noon pa man. Sinabi naman ni Quezon Rep. Erin Tañada ay mahihirapan si Estrada na lumusot sa Korte Suprema dahil may nilagdaan itong kasunduan na hindi na siya maaaring tumakbo o tumanggap ng anumang posisyon sa gobyerno pagkatapos siyang pagkalooban ng absolute pardon. “What I remember, kasama ‘yan (kasunduan) when he was given an absolute pardon,” pahayag ni Tañada. Para naman kay Nueva Ecija Rep. Edno Joson, kolorum na ang JEEP ni Erap kaya siguradong ipahuhuli ito ng kanyang mga kalaban sa pulitika. “Kolorum na ‘yung jeep ni Erap at ipapahuli lang ‘yan sa LTO,” ani Joson na tutol na tumakbo muli si Estrada dahil sigurado aniyang hindi ito tatantanan ng kanyang mga kalaban sa pulitika. “Babangga lang ‘yan sa Supreme Court at siguradong masasagasaan ang mga kawawang Pinoy na tumatawid sa Edsa (1 at 2),” pahayag pa ni Joson. Ayon naman kay CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva, ang deklarasyon ni Estrada na tumakbo sa susunod na halalan ay indikasyon na hindi na kayang pag-isahin pa ang oposisyon. “Isa lang ang ibig sabihin niyan. Hindi na magkakaisa ang oposisyon,” ani Villanueva dahil una ng sinabi ni Estrada na siya ang tatakbo kapag hindi nagkaisa ang oposisyon. Samantala, sinabi naman ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero III na tsismis lamang ang nabalitang pagtakbo niya bilang vice president o running mate ni Estrada. Ayon kay Escudero, miyembro ng Nacionalist People’s Coalition (NPC), maituturing na tsismis ang pakikipag-tandem kay Estrada lalo pa’t hindi sila nagkakausap sa planong pagsasama sa isang ticket. “Hindi pa kami nag-uusap kaugnay nu’n. Tsismis pa lang ‘yan sa ngayon,” ani Escudero. Pag-atras sa ChaCha pakagat lang (Rey Marfil/Bernard Taguinod) Bagama’t kaalyado ng Malacañang, pinagdudahan ni Sen. Richard ‘Dick’ Gordon ang pag- atras ng numero unong proponent sa charter change (ChaCha), kalakip ang pagdududang pakagat lamang ito. Ayon kay Gordon, chairman ng blue ribbon committee, napakaimposible ang gustong mangyari ng mga kongresista at makatwiran lamang aniyang iatras ni Camarines Cong. Luis Villafuerte ang proposed measures nito. Tanging pangamba ni Gordon, posibleng pain o pakagat lamang ang pag-atras ni Villafuerte lalo pa’t nagbabago ang headlines ng mga peryodiko kada araw at maaaring pinagpahinga lamang ang panukalang palawigin ang termino ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. “Ang daming pumuputok na balita. May gusto tapos biglang ayaw, ‘yung ayaw tapos biglang gusto. There are so many things that are floating in the political atmosphere, so lalo ako nag- aalala kung ano talaga ang mensaheng pinapaabot d’yan. There’s a lot of acoustics going 2 on, and until it’s over, it ain’t over,” pagdududa ni Gordon. Kaugnay nito, mismong mga alipores ni Pangulong Arroyo sa Kamara ang nagbasura sa mosyon na iratsada ang Constituent Assembly (Con-Ass) resolution. Sa botong 6-5, hindi nagtagumpay si Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino sa mosyon na pagtibayin ang House Resolution 1109 kung saan pawang mga administration solons ang nagbotohan matapos magwalk-out ang mga miyembro ng oposisyon. Gayunpaman, itinuloy ng komite ang botohan kung saan nanaig ang No vote sa mosyon ni Antonino kaya hindi nairatsada ang Con-Ass resolution na gagamiting paraan sa pag- amiyenda sa Saligang Batas. Ebidensya vs Villar hinihimay (Rey Marfil) Sa inaabangang paghahatol kay Sen. Manuel Villar Jr., kung itutuloy ang ethics probe o ibabasura ang reklamo, matinding pagsusunog ng kilay ang ginagawa ng mga kasamahan sa Senado para basahin ang nilalaman ng sealed envelope na naglalaman ng preliminary inquiry report. Kinumpirma nina Sens. Francis “Chiz” Escudero III, Benigno “Noynoy” Aquino III at Panfilo “Ping” Lacson ang matinding pagbusisi sa preliminary inquiry report. Ayon kay Escudero, hindi maaaring ihayag sa media ang nilalaman ng envelope lalo pa’t selyado at ipinagbabawal ni Senate President Juan Ponce Enrile ito. Wala ring nakikitang masama si Escudero sa gagawing ocular inspection ni Villar sa C-5 road project ngayong alas-otso ng umaga subalit importante aniyang harapin ng dating Senate President ang ethics probe. “Sa taong bayan marahil, sa Senado at sa institusyon na kanyang kinabibilangan maliban na lamang kung ipiprisinta n’ya ‘yon sa pamamagitan ng kanyang abogado sa mga darating na araw. Tulad ng ibang korte, tulad ng ibang komite, maliban na lang kung prinisinta mismo sa komite hindi siya pwedeng ikonsidera ng mga miyembro nito. Dapat i-present talaga,” ani Escudero. Oil price hike pa (Aries Cano) Sunud-sunod na nagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang tatlong malalaking kumpanya ng langis at isang small player na nagsimula hatinggabi kahapon, Mayo 19. Nagpatupad ang tinaguriang big 3 ng pagtataas sa gasolina sa halagang P1.50 at P.50 sa diesel na sinundan din ng small player na Total sa kapareho ring halaga. Unang nagtaas bandang alas-12:00 ng hatinggabi kahapon ang Shell Philippines. Sumunod dito ang Chevron at Total na nagpatupad ng pagtataas sa katulad na halaga bandang alas-sais ng umaga kahapon, Mayo 19. Alas-12:00 naman ng tanghali ay sumunod sa pagtataas ang Petron Corporation. Ang pagtataas ng presyo ng gasolina at diesel ng Petron ayon kay Rafael Ledesma, public affairs officer ng Petron ay bunsod ng paglobo ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. Samantala, magtataas din ng presyo ng produktong petrolyo ang independent player na Seaoil Philippines ngayong Miyerkules (Mayo 20). Alas-12:01 ng hatinggabi ngayong Miyerkules ay may karagdagang singil na P1.50 kada litro ang Seaoil habang P0.50 kada litro naman sa diesel at kerosene. 3 5-year moratorium sa martikula inilarga (Boyet Jadulco) Nais ni Sen. Antonio Trillanes 1V na bigyan ng limang taong moratorium ang pagtaas ng matrikula sa pampubliko at pribadong paaralan sa bansa. Sa kanyang Senate Bill No. 3248, pinaliwanag ni Trillanes na dapat ipagbawal ang pagtaas ng tuition sa lahat ng paaralan bunga na rin ng krisis na kinakaharap ng ating bansa. Upang maisakatuparan ito, hiniling nito na amiyendahan ang Section 32 ng Batas Pambansa 232 na lalong kilala bilang “Education Act of 1982”, na naamiyendahan din ng Republic Act 7798. Nakasaad din sa kanyang panukalang batas na magkaroon ng isang regulating body na siyang mag-aaral kung nararapat bang aprubahan ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kahilingang pagtataas ng tuition fee. Nakarating sa impormasyon ng senador na mahigit sa 130 paaralan sa kolehiyo ang may mga nakabinbin na aplikasyon upang makapagtaas ng tuition fee sa pasukan. Kapag naitakda ng panukalang batas ni Trillanes, pagmumultahin at ikukulong ng hanggang anim na taon ang sinumang may-ari ng paaralan na magtataas ng tuition fee sa loob ng limang taon.