Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Filipino

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Ikatatlong Markahan- Modyul 5 Kontemporaryong Panitikan:Paghihinuha at Pagbuo ng Puzzle.

Pangalan: ______Baitang/Seksyon:______Paaralan: ______

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Geraldine C. Dagotdot Editor: Lindo O. Adasa Jr. Tagasuri: Adela S. Luang Maricel S. Jarapan July G. Saguin Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat:Peter Alavanza, Tagapamahala: Felix Romy G. Triambulo, CESO V Oliver B. Talaroc,Ed.D Ella Grace M. Tagupa, Ed.D Jephone P. Yorong, Ed. D Lindo O. Adasa Jr.

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

 Natutukoy ang mga tunay na salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa paksa; (F8PT-IIIe-f-31)  Nahihinuha ang paksa, layon,at tono ng akdang nabasa.(F8PB-IIIe-f- 31)

Balikan

Panuto: Gamit ang mga ekspresyong nasa ibaba ay ipahayag ang iyong konsepto o pananaw tungkol sa mga paksang nakatala sa bawat bilang.

1.Gamit ang ekspresyong alinsunod sa…..ay ipahayag ang iyong pananaw hinggil sa turo ng iyong ,mga magulang.

.

2. Sabihin ang pananaw ng iyong idolo sa kanyang buhay na nais mong tularan gamit ang ekspresyong ayon sa/ayon kay….

3. Sa pamamagitan ng ekspresyong batay sa….ay ipahayag ang pananaw ng paborito mong awtor tungkol sa isang aklat na kanyang ginawa.

4. Sabihin ang iyong pananaw gamit ang ekspresyong Lubos ang aking paniniwala sa….upang masabi ang pilosopiya o gabay sa buhay na iyong sa buhay na iyong isanasabuhay.

5. Sabihin ang iyong mga pananaw tungkol sa mga pagsubok sa buhay na iyong nalampasan gamit ang iyong ekspresyong Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong….

Aralin Kontemporaryong Panitikan: Paghihuha at 1 Pagbuo ng Puzzle.

Tuklasin

Ikaw ba ay mahilig manood ng telebisyon?Gaano ka kadalas manood?Pansinin mo ang mga programang pantelibisyon saibaba. Pamilyar ka ba sa mga ito?

TV Patrol Umagang Kay Ganda

KMJS I-Witness

IMBESTIGADOR STORY LINE

Programang Pantelebisyon

______

Mula sa mga nabanggit na programang pantelibisyon ay magtala ng mga madalas mong panoorin at magpahayag ng maikling paliwanag kung bakit mo ito paboritong panoorin.Isulat sa loob ng telebisyon ang inyong sagot.

Programang madalas panoorin Dahilan kung bakit ito nagustuhan ______a ______

B: TUTUKAN MO…..Larawan ko,sagutin mo! Apat na larawan para sa dalawang salita! Suriin mo ang mga larawan sa ibaba.Pamilyar ka ba sa mga larawang ito?Batay na mga larawang ipinakita,ano ang dalawang salitang iyong mabuo?

www.pinterest.ph

Sagot: ______

C: Krusigrama Panuto: Tukuyin ang mga hinihinging salita sa pamamagitan ng puzzle. Gawing gabay ang talaan ng kahulugan sa kolum na PAHALANG at PABABA.Gamitin ang mga salitang nasa krusigrama bilang kragdagang palatandaan upang matukoy ang tamang salita.Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang iyong nahulaang salita.

1. D 2. K A I A A N

P K 4. P

3. L A S G A

A

E U

A

U A N O T PABABA PAHALANG 1.mapamaraan 2.dalita,karukhaan 2.kasawian,kapighatian 3.kalsada,kalye,daan 4.pagnanakaw

Suriin

Basahin at unawaing mabuti ang teksto Diskarteng Bata Isang dokumentaryo ni Kara David GMA Network: I-Witness

Taong 2011 nang gawin ni Kara David ang dokumentaryong “Anak ng Kalye” para silipin ang buhay ng mga menor de edad na maagang nasasangkot sa ,masasamang mga gawain. Nakilala noon ni Kara ang isang katorse anyos na si “JM”-isang batang hamog.Mula sa Davao, iniwan siya ng kanyang mga magulang sa Maynila---naging laman ng lansangan at napilitang dumiskarte sa maling paraan.Pero ilang linggo lamang na umire ang dokumentaryo, namatay siya habang dumidiskarte sa kalsada. Noong 2011 din,pinagdedebatehan ng mga mambabatas ang pagbaba ng “Age of Social Responsibility” sa siyam na taon mula kinse. Fast forward ngayong 2019, muli na namang mainit ang parehong isyu. Hinanap ni Kara ang kaibigan ni “JM” na si “Roy”. Nahanap niya ito sa Makati City Jail.Walong taon na ang nagdaan ngunit hindi nakuhang iwan ni “Roy” ang iligal na gawain. At tila nauulit lamang ang mga isyung kinakaharap ng ilang kabataan ngayon.Estudyante sa elementarya ang katorse anyos na si “Dodong” at dose anyos naman si “Jocelyn”.Pero pagkalabas sa eskwela imbis na umuwi,diritso ang dalawa sa pagdiskarte sa lansangan. Sa murang edad, bihasa na sila sa pagnanakaw at pandurukot.Pero hindi raw bisyo ang nagtulak kay “Dodong” na gumawa ng masama,kundi para may maiabot na pambaon sa nakababata niyang mga kapatid. Samantalang ang mga magulang ni “Jocelyn” ,walang kaalam-alam sa ginagawang pagdidiskarte ng bata. Solusyon na nga ba ang pagbaba ng edad ng “Age of Social Responsibility’ para maiwasan ang mga kabataang gumawa ng krimen?

Diskarteng Bata.Directed by Anna Isabelle Matutina,documented by Kara David.GMA Public Affairs. I-Witness.https//www.gmanetwork.com

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1.Ano ang nangyari sa batang si JM habang dumudiskarte ito sa kalsada? a.nabundol c. namatay b.nahuli ng mga pulis d. nasugatan

2. Batay sa dokumentaryong nabasa,ano-ano ang mga paraan o diskarteng ginawa ng mga bata para magkapera? a. Namamalimos c. pagnanakaw at pandurukot b. Nandurugas d.nagbibinta ng ipinagbabawal na gamot 3. Bakit kaya sa murang edad may mga batang natuto nang gumawa ng krimen? a. dahil sa kagustuhang magkaroon ng maraming pera b. dahil sa murang edad natuto na silang magbisyo c. dahil sa hirap ng buhay na kanilang naranasan d. upang mabili ang kanilang gusto 4. Sang-ayon ka ba sa pagbaba ng “Age of Social Responsibily” para maiwasan ang mga kabataang gumawa ng krimen? a. Oo,dahil sa pamamagitan nito ay magkaroon ng takot ang mga kabataan sa pagawa ng krimen dahil alam nila na kahit sa murang edad ay maari silang maparusahan o makulong sa salang kanilang ginawa. b. Oo, dahil sa ganitong paraan sila ay maparusahan at madisiplina nang sa ganoon sila ay magtanda at di na uulit sa pagawa ng mali. c. Hindi, dahil kahit ibaba pa ang ”Age of Social Responsibility” ay may mga bata pa rin na gagawa ng mga iligal dahil sa kahirapan. d. Hindi,dahil masyado pa silang bata para maparusahan at makulong. 5. Para sa iyo, ano ang pinakaepektibong paraan upang mapigilan ang mga iligal na gawain na kinasasangkotan ng mga kabataan? a. Dapat paglaanan ng sapat na pundo ng pamahaan para sa libreng pag-aaral at magtayo ng mga orphanage para sa mga batang lansangan na hindi kayang matustusan ng mga magulang ang kanilang pangangailangan b.Kailangan tutukan at pangangalagaan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang hindi ito mapariwara. c.Sagutin ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan ng mga batang mahihirap. d. Ipagkatiwala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa DSWD upang hindi ito makagawa ng mga iligal na gawain.

Alam mo ba? Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcasting ay ang telebisyon.Hindi maikakailang bahagi na ito ng buhay ng bawat Pilipino.Kinawiwilihan natin ang panonood ng mga programang pantelibisyon.Tunay na napakalaki ng epekto nito sa buhay ng mga Pilipino. Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas Militar,sumisibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mga makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan.Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum ng paghahatid ng mahalagang kaganapan sa bawat sulok ng mundo sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon.Ito ay maituturing na iasng uri ng sining na ang pangunahing layunin ay magbigay ng tiyak at totoong impormasyong gigising sa isip at damdamin ng tao patungkol sa isang isyu.

Ang paghihinuha ay pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap.Ito ay maaaring magmula sa iyong sariling paniniwala at pagkaintindi sa isang konteksto ng pangyayari.Ito rin ay kasanayan sa pag-iisip ng mga preliminary na ideya na nagpapahayag ng mga pala-palagay batay sa mga ipinahiwatig na nakalimbag sa teksto. Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa talasalitaan,kakayang magpakahulugan sa mga patalinghagang pahayag at katalasan ng isip sa mga pahiwatig ng may-akda ay makatulong sa pagbuo ng mga hinuha.Ang kakayahang makapagbigay ng hinhuha ay patunay lamang na totoong naiintindihan o naunawaan ng mambabasa ang kaniyang binasa.

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong upang makabuo ng paghihinuha tungkol sa binasang akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.) Ang paksang tinalakay sa akdang binasa ay tungkol sa: a. ang pagpapababa ng edad ng “Age of Social Responsibilty” upang maiwasan ang mga kabataang gumawa ng krimen. b. pangangalaga ng mga batang lansangan c. mga batang bihasa sa pagnanakaw d. buhay ng mga menor de edad na maagang nasangkot sa mga masamang gawain 2.) Ano ang tono na nangingibabaw sa akdang binasa? a. nanunumbat b. nangangaral c. nanunudyo d. nagpapabatid 3.) Ito ang pangunahing layunin kung bakit naiulat o naisulat ang dokyumentaryong nabasa. a. upang maipaalam sa atin ang o kalagayan ng mga batang hamog o batang kalye nang sa ganoon ay mapangalagaan at mabigyan ng aksiyon ng pamahalaan tungkol dito

b. upang mabigyang lunas ang mga krimeng nangyayari sa lansangan c. upang malaman ng mga pulis kung saan matatagpuan ang mga mandurukot d. upang mabigyan ng tamang pag-aaruga ang mga batang lansangan 4.) Bakit kaya nasangkot ang mga batang nabanggit sa akda sa mga iligal na gawain? a. dahil gusto nilang magkapera sa madaling paraan b. upang matustusan ang kanilang mga bisyo c. dahil mahirap lamang ang kanilang buhay at nais nilang makatulong sa kanilang mga magulang d. dahil sa kanilang mga pangangailangan na hindi matugunan ng kanilang mga magulang ulot ng kahirapan 5.) Ang layon ng tekstong binasa ay______. a. mangatuwiran b. nagsasalaysay c. nagpapabatid d. nangangaral

Gawain

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto na nasa ibaba. Maghinuha kung ano ang paksa,layon,damdamin o tono ng tekstong binasa.Piliin sa loob ng kahon ang iyong sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa graphic organizer

Normal lamang ang makaramdam ng pagkabahala dahil sa kasalukuyang pagkakaroon ng COVID-19 sa ating bansa lalo na sa iyong sarili at mga mahal sa buhay. Samantala,ang karamihan sa mga kaso ng COVID-19 (81 %) ay mayroong bahagyang mga sintomas lamang lalo na sa mga bata at young adults. Maliit lamang ang posibilidad na kakailanganing maospital ng mga apektadong pasyente. Sa kabilang banda, siguraduhing proteksiyunan ang sarili upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus sa iyong mga mahal sa buhay at komunidad.Ugaliing gawin ang tamang paghuhugas ng kamay, social distancing at tamang pag-ubo. Bukod dito, maaaring sundin ang mga payo at abiso mula sa pamahalaan at mga lokal na opisyal particular na ang pag-iwas sa mga malawakang salu-salo o pagpunta sa mga mataong lugar. https//www.doh.gov.ph

COVID-19 pagkabahala nangangaral Ipabatid ang nararapat gawin upang maiwasan ang pagkalat ng COvid- 19 lungkot

saya

Paksa: Layon/layunin:

Tono: Damdamin:

Akdang binasa

Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang kaisipan tungkol sa paksang tinalakay.

Ang ______ay pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap.Ito ay maaaring magmula sa iyong sariling paniniwala at ______sa isang konteksto ng pangyayari.Ito rin ay kasanayan sa pag-iisip ng mga preliminary na ideya na nagpapahayag ng mga ______batay sa mga ipinahiwatig na nakalimbag sa teksto. Mahalaga ang pagkakaroon ng ______na kaalaman sa talasalitaan,kakayang magpakahulugan sa mga ______pahayag at katalasan ng isip sa mga pahiwatig ng may-akda ay makatulong sa pagbuo ng mga hinuha.Ang kakayahang makapagbigay ng hinhuha ay patunay lamang na totoong naiintindihan o naunawaan ng mambabasa ang kaniyang binasa.

Tayahin

Panuto: Piliin at bilugan ang titik na kumakatawan ng tamang sagot.

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa(na kiming inabot naman ito agad sa kaniya,tulad ng nararapat).

-bahagi ng kwentong Ang Ama na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

1. Mahihinuhang ang ama ay magiging______. a. matatag c. matapang b. mabuti d. masayahin 2. Ipinahiwatig ng teksto na ang ama ay______. a. maawain c. matulungin b. mapagmahal d. maalalaha

“Huling sabado ng Pebrero ang Ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan . Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay namatay ang aking anak. Ilang sandali matapos sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata,ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko aking mga bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Hindi na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko palang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa’t kalahati siyang naghirap. Nabulag,nanigas,nilabasan ng maraming dugo sa bibig at naghabol nang naghabol ng kaniyang hininga”.

3.) Masasalamin sa teksto na ang nagsasalita ay labis na______. a. natuwa c. nag-aalala b. nabahala d. nalungkot

4.) Layunin ng teksto na______. a. mangatuwiran c. maglahad b. magsalaysay d. maglarawan

“Kaibigan, pinaparusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang namatay sa pakikipaglaban,kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.”

5.) Ano ang damdamin o tono na nangingibabaw sa binasang pahayag na ito? a. nagsisi c. nalulungkot b. nahihiya d. natatakot

Karagdagang Gawain

Panuto: Manood ng isang dokyumentaryong pantelebisyon at sumulat ng isang talata ukol nito.

Pamantayan sa 1 2 3 4 5 Pagmamarka (Maraming (di- (katamtaman) (mahusay) (napakahusay) kakulangan) mahusay)

Nailalahad ng maayos ang talatang binuo.

Nagagamit ang mga salita nang maayos

Malinaw na nailalahad kung ano ang nais ihatid para sa mambabasa

Susi sa Pagwawasto

Suriin Isaisiip Tuklasin paghinuha 1. C 4. A B. pagkaintindi 2. C 5. Batang Lansangan/Batang pala-palagy 3. C Kalye malawak Pagyamanin patalinghaga 1. D C.

2. D Pahalang: Tayahin 3. A 4. D 1. A 2.kahirapan 5. C 2. B 3. Lansangan

3. D Gawain 4. B Pababa: Paksa: Covid-19 5. C 1. Diskarte Layon:ipabatid ang dapat

gawin upang maiwasan ang 2. kapahamakan Covid-19 4.pandurukot Tono:nangangaral Damdamin: pagkabahala

Sanggunian:

Panitikang Filipino 8 Modyul ng Mag-aaral(Deped Textbook)

Panitikang Asyano 9 Modyul ng mag-aaral (Deped Textbook)

Pinagyamang Pluma Ikalawang Edisyon https//www.doh.gov.ph

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Here the breezes gently Blow, Linger with love and care Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Here the Badjaos roam the seas Every valleys and Dale Here the Samals live in peace Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Here the Tausogs thrive so free Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, With the Yakans in unity Ilongos,

All of them are proud and true Region IX our Eden Land

Region IX Our.. Eden... Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see that I was walking along the beach A poem lovely as a tree. with the LORD. A tree whose hungry mouth is prest In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing of footprints – one belong to me and breast; the other to the LORD. A tree that looks at God all day, Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray; noticed only one set of footprints. A tree that may in Summer wear “And I ask the LORD. Why? Why? A nest of robins in her hair; Why did you leave me when I am sad and helpless?” Upon whose bosom snow has lain; And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain. son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me, sand, because it was then that I But only God can make a tree. CARRIED YOU!

1