Modyul 5 Kontemporaryong Panitikan:Paghihinuha at Pagbuo Ng Puzzle

Modyul 5 Kontemporaryong Panitikan:Paghihinuha at Pagbuo Ng Puzzle

Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 8 Filipino Zest for Progress Zeal of Partnership Ikatatlong Markahan- Modyul 5 Kontemporaryong Panitikan:Paghihinuha at Pagbuo ng Puzzle. Pangalan: _____________________________________ Baitang/Seksyon:_______________________________ Paaralan: _____________________________________ Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Geraldine C. Dagotdot Editor: Lindo O. Adasa Jr. Tagasuri: Adela S. Luang Maricel S. Jarapan July G. Saguin Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat:Peter Alavanza, Tagapamahala: Felix Romy G. Triambulo, CESO V Oliver B. Talaroc,Ed.D Ella Grace M. Tagupa, Ed.D Jephone P. Yorong, Ed. D Lindo O. Adasa Jr. Alamin Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa: Natutukoy ang mga tunay na salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa paksa; (F8PT-IIIe-f-31) Nahihinuha ang paksa, layon,at tono ng akdang nabasa.(F8PB-IIIe-f- 31) Balikan Panuto: Gamit ang mga ekspresyong nasa ibaba ay ipahayag ang iyong konsepto o pananaw tungkol sa mga paksang nakatala sa bawat bilang. 1.Gamit ang ekspresyong alinsunod sa…..ay ipahayag ang iyong pananaw hinggil sa turo ng iyong ,mga magulang. 2. Sabihin ang pananaw ng iyong idolo sa kanyang buhay na nais mong tularan gamit ang ekspresyong ayon sa/ayon kay…. 3. Sa pamamagitan ng ekspresyong batay sa….ay ipahayag ang pananaw ng paborito mong awtor tungkol sa isang aklat na kanyang ginawa. 4. Sabihin ang iyong pananaw gamit ang ekspresyong Lubos ang aking paniniwala sa….upang masabi ang pilosopiya o gabay sa buhay na iyong sa buhay na iyong isanasabuhay. 5. Sabihin ang iyong mga pananaw tungkol sa mga pagsubok sa buhay na iyong nalampasan gamit ang iyong ekspresyong Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong…. Aralin Kontemporaryong Panitikan: Paghihuha at 1 Pagbuo ng Puzzle. Tuklasin Ikaw ba ay mahilig manood ng telebisyon?Gaano ka kadalas manood?Pansinin mo ang mga programang pantelibisyon saibaba. Pamilyar ka ba sa mga ito? TV Patrol Umagang Kay Ganda KMJS I-Witness IMBESTIGADOR STORY LINE Programang Pantelebisyon _____________ Mula sa mga nabanggit na programang pantelibisyon ay magtala ng mga madalas mong panoorin at magpahayag ng maikling paliwanag kung bakit mo ito paboritong panoorin.Isulat sa loob ng telebisyon ang inyong sagot. Programang madalas panoorin Dahilan kung bakit ito nagustuhan ______________________ _______________________ ______________________a ______________________________ ______________________ ______________________________ B: TUTUKAN MO…..Larawan ko,sagutin mo! Apat na larawan para sa dalawang salita! Suriin mo ang mga larawan sa ibaba.Pamilyar ka ba sa mga larawang ito?Batay na mga larawang ipinakita,ano ang dalawang salitang iyong mabuo? www.pinterest.ph Sagot: ____________ _____________ C: Krusigrama Panuto: Tukuyin ang mga hinihinging salita sa pamamagitan ng puzzle. Gawing gabay ang talaan ng kahulugan sa kolum na PAHALANG at PABABA.Gamitin ang mga salitang nasa krusigrama bilang kragdagang palatandaan upang matukoy ang tamang salita.Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang iyong nahulaang salita. 1. D 2. K A I A A N P K 4. P 3. L A S G A A E U A U A N O T PABABA PAHALANG 1.mapamaraan 2.dalita,karukhaan 2.kasawian,kapighatian 3.kalsada,kalye,daan 4.pagnanakaw Suriin Basahin at unawaing mabuti ang teksto Diskarteng Bata Isang dokumentaryo ni Kara David GMA Network: I-Witness Taong 2011 nang gawin ni Kara David ang dokumentaryong “Anak ng Kalye” para silipin ang buhay ng mga menor de edad na maagang nasasangkot sa ,masasamang mga gawain. Nakilala noon ni Kara ang isang katorse anyos na si “JM”-isang batang hamog.Mula sa Davao, iniwan siya ng kanyang mga magulang sa Maynila---naging laman ng lansangan at napilitang dumiskarte sa maling paraan.Pero ilang linggo lamang na umire ang dokumentaryo, namatay siya habang dumidiskarte sa kalsada. Noong 2011 din,pinagdedebatehan ng mga mambabatas ang pagbaba ng “Age of Social Responsibility” sa siyam na taon mula kinse. Fast forward ngayong 2019, muli na namang mainit ang parehong isyu. Hinanap ni Kara ang kaibigan ni “JM” na si “Roy”. Nahanap niya ito sa Makati City Jail.Walong taon na ang nagdaan ngunit hindi nakuhang iwan ni “Roy” ang iligal na gawain. At tila nauulit lamang ang mga isyung kinakaharap ng ilang kabataan ngayon.Estudyante sa elementarya ang katorse anyos na si “Dodong” at dose anyos naman si “Jocelyn”.Pero pagkalabas sa eskwela imbis na umuwi,diritso ang dalawa sa pagdiskarte sa lansangan. Sa murang edad, bihasa na sila sa pagnanakaw at pandurukot.Pero hindi raw bisyo ang nagtulak kay “Dodong” na gumawa ng masama,kundi para may maiabot na pambaon sa nakababata niyang mga kapatid. Samantalang ang mga magulang ni “Jocelyn” ,walang kaalam-alam sa ginagawang pagdidiskarte ng bata. Solusyon na nga ba ang pagbaba ng edad ng “Age of Social Responsibility’ para maiwasan ang mga kabataang gumawa ng krimen? Diskarteng Bata.Directed by Anna Isabelle Matutina,documented by Kara David.GMA Public Affairs. I-Witness.https//www.gmanetwork.com Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1.Ano ang nangyari sa batang si JM habang dumudiskarte ito sa kalsada? a.nabundol c. namatay b.nahuli ng mga pulis d. nasugatan 2. Batay sa dokumentaryong nabasa,ano-ano ang mga paraan o diskarteng ginawa ng mga bata para magkapera? a. Namamalimos c. pagnanakaw at pandurukot b. Nandurugas d.nagbibinta ng ipinagbabawal na gamot 3. Bakit kaya sa murang edad may mga batang natuto nang gumawa ng krimen? a. dahil sa kagustuhang magkaroon ng maraming pera b. dahil sa murang edad natuto na silang magbisyo c. dahil sa hirap ng buhay na kanilang naranasan d. upang mabili ang kanilang gusto 4. Sang-ayon ka ba sa pagbaba ng “Age of Social Responsibily” para maiwasan ang mga kabataang gumawa ng krimen? a. Oo,dahil sa pamamagitan nito ay magkaroon ng takot ang mga kabataan sa pagawa ng krimen dahil alam nila na kahit sa murang edad ay maari silang maparusahan o makulong sa salang kanilang ginawa. b. Oo, dahil sa ganitong paraan sila ay maparusahan at madisiplina nang sa ganoon sila ay magtanda at di na uulit sa pagawa ng mali. c. Hindi, dahil kahit ibaba pa ang ”Age of Social Responsibility” ay may mga bata pa rin na gagawa ng mga iligal dahil sa kahirapan. d. Hindi,dahil masyado pa silang bata para maparusahan at makulong. 5. Para sa iyo, ano ang pinakaepektibong paraan upang mapigilan ang mga iligal na gawain na kinasasangkotan ng mga kabataan? a. Dapat paglaanan ng sapat na pundo ng pamahaan para sa libreng pag-aaral at magtayo ng mga orphanage para sa mga batang lansangan na hindi kayang matustusan ng mga magulang ang kanilang pangangailangan b.Kailangan tutukan at pangangalagaan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang hindi ito mapariwara. c.Sagutin ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan ng mga batang mahihirap. d. Ipagkatiwala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa DSWD upang hindi ito makagawa ng mga iligal na gawain. Alam mo ba? Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcasting ay ang telebisyon.Hindi maikakailang bahagi na ito ng buhay ng bawat Pilipino.Kinawiwilihan natin ang panonood ng mga programang pantelibisyon.Tunay na napakalaki ng epekto nito sa buhay ng mga Pilipino. Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas Militar,sumisibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mga makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan.Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum ng paghahatid ng mahalagang kaganapan sa bawat sulok ng mundo sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon.Ito ay maituturing na iasng uri ng sining na ang pangunahing layunin ay magbigay ng tiyak at totoong impormasyong gigising sa isip at damdamin ng tao patungkol sa isang isyu. Ang paghihinuha ay pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap.Ito ay maaaring magmula sa iyong sariling paniniwala at pagkaintindi sa isang konteksto ng pangyayari.Ito rin ay kasanayan sa pag-iisip ng mga preliminary na ideya na nagpapahayag ng mga pala-palagay batay sa mga ipinahiwatig na nakalimbag sa teksto. Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa talasalitaan,kakayang magpakahulugan sa mga patalinghagang pahayag at katalasan ng isip sa mga pahiwatig ng may-akda ay makatulong sa pagbuo ng mga hinuha.Ang kakayahang makapagbigay ng hinhuha ay patunay lamang na totoong naiintindihan o naunawaan ng mambabasa ang kaniyang binasa. Pagyamanin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong upang makabuo ng paghihinuha tungkol sa binasang akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1.) Ang paksang tinalakay sa akdang binasa ay tungkol sa: a. ang pagpapababa ng edad ng “Age of Social Responsibilty” upang maiwasan ang mga kabataang gumawa ng krimen. b. pangangalaga ng mga batang lansangan c. mga batang bihasa sa pagnanakaw d. buhay ng mga menor de edad na maagang nasangkot sa mga masamang gawain 2.) Ano ang tono na nangingibabaw sa akdang binasa? a. nanunumbat b. nangangaral c. nanunudyo d. nagpapabatid 3.) Ito ang pangunahing layunin kung bakit naiulat o naisulat ang dokyumentaryong nabasa. a. upang maipaalam sa atin ang tunay na buhay o kalagayan ng mga batang hamog o batang kalye nang sa ganoon ay mapangalagaan at mabigyan ng aksiyon ng pamahalaan tungkol dito b. upang mabigyang lunas ang mga krimeng nangyayari sa lansangan c. upang malaman ng mga pulis kung saan matatagpuan ang mga mandurukot d. upang mabigyan ng tamang pag-aaruga ang mga batang lansangan 4.) Bakit kaya nasangkot ang mga batang nabanggit sa akda sa mga iligal na gawain? a. dahil gusto nilang magkapera sa madaling paraan b. upang matustusan ang kanilang mga bisyo c. dahil mahirap lamang ang kanilang buhay at nais nilang makatulong sa kanilang mga magulang d. dahil sa kanilang mga pangangailangan na hindi matugunan ng kanilang mga magulang ulot ng kahirapan 5.) Ang layon ng tekstong binasa ay____________.

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    15 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us