Mga Sagisag Ng Pilipinas
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
MGA SAGISAG NG PILIPINAS ARALING PANLIPUNAN 3 NATIONAL SYMBOLS Lupang Hinirang NATIONAL ANTHEM PAMBANSANG AWIT PHILIPPINE FLAG WATAWAT NG PILIPINAS Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Tatlong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasing sukat na banda ng bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon – ang Luzon, Mindanao, at Panay. Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad. Sampaguita NATIONAL FLOWER PAMBANSANG BULAKLAK Ang sampaguita, kampupot o hasmin (In gles: jasmin o jasmine) ay isang uri ng palumpong na may maliliit, mababango at mapuputing mga bulaklak. Mas maliit ang bulaklak nito kaysa ibang mga sampaga. Narra NATIONAL TREE PAMBANSANG PUNONGKAHOY Ang Naga o mas kilala sa tawag na Narra (Pterocarpus indicus), na Pambansang Puno ng Pilipinas, ay isang puno na pinahahalagahan dahil sa angkin nitong tibay, bigat at magandang kalidad. Inihahalintulad ito sa mga Pilipino, na tulad ng Narra, ang mga Pilipino ay sadya ring matatag. Ang punong ito ay matatagpuan sa bawat lugar sa bansa. Ipinangalan ito alinsunod sa isang siyudad sa Naga, Bikol. Tinatawag din itong Asana ng mga Tagalog, Balauning ng mga Mangyan, Daitanag ng mga Kapampangan at Odiau ng mga Pangasinense. Ang kalabaw (Bubalus bubalis carabanesis o minsan Bubalus carabanesis) ay isang Carabao Kalabaw domestikadong uri ng kalabaw na pantubig NATIONAL ANIMAL o water buffalo (Bubalus PAMBANSANG HAYOP bubalis) na karaniwang matatagpuan sa Pilipinas, Guam, pati sa ibang bahagi Timog- silangang Asya. Madalas iniuugnay ang kalabaw sa mga magbubukid dahil ito ang kadalasang napiling hayop para sa pag-araro at magtulak ng kariton na ginagamit ng mga magbubukid upang madala ang kanilang ani sa palengke. Monkey-Eating Eagle(Haribon) NATIONAL BIRD PAMBANSANG IBON Ang haribon ay isang malaking agila na makikita sa mga gubat ng Luzon, Samar, Leyte at Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN. Ito ay ang pambansang ibon ng Pilipinas. Ang haribon ay simbolo ng katapangan ng mga ninuno ng Pilipino. Sila ay may haba o taas na 1 metro at tumitimbang ng mula 4 hanggang 7 kilo. Tulad ng ibang agila higit na mas malaki ang babaeng haribon kaysa lalaki. Ang haba ng kanilang pakpak ay 2 metro o higit pa. Sila ay kumakain ng mga unggoy, malalaking ahas, kaguang, malalaking ibon gaya ng kalaw at mga bayawak NATIONAL COSTUME (MALE) PAMBANSANG KASUOTAN (LALAKI) Ang Barong Tagalog, Barong Barong Tagalog (Filipino) Pilipino, o Barong lamang ay burdadong pormal na kasuotan sa Pilipinas. Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, katulad sa isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang- kasal para sa mga lalaking Pilipino. Baro at Saya NATIONAL COSTUME (FEMALE) PAMBANSANG KASUOTAN (BABAE) Ang Baro’t saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot ng mga kababaihan. Ang pangalan ay mula sa dalawang salitang Tagalog na baro at saya. NATIONAL DANCE PAMBANSANG SAYAW Carinosa VERY POPULAR DANCE TINIKLING Ang tinikling ay ang halo-halo ng biyaya at kilusan na paa. Laban- laban sa pagitan ng paa at sanga ng kawayan. NATIONAL LEAF PAMBANSANG DAHON Ang anahaw ( Livistona rotundifolia ) ay isang pabilog na dahon na palma na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Kasapi ito sa genus Livistona na tinatawag na Footstool palm sa Ingles. Pambansang dahon ito ng Pilipinas. Karaniwang tanawin ang halaman na ito sa rehiyon. Tumutubo ito sa mga sub-tropikal na mga klima at mamasa-masang tropikal na lugar. Anahaw NATIONAL FRUIT PAMBANSANG PRUTAS Ang mangga ay kabilang sa genus Mangifera, na binubuo ng ilang mga uri na namumungang puno sa namumulaklak na halaman ng pamilya ng Anacardiaceae. Likas ang mangga sa subkontinente ng Indyan lalo na sa Indya, Pakistan, Bangladesh, at Timog-silangang Asya. Napakaraming klase at karaniwang kulay ang prutas nito: may dilaw, luntian o pula. Kakaiba ang amoy na aromatikong ng prutas nito na maaaring gamitin sa iba’t- ibang sangkap o pabango. Prinipriserba rin ang mangga at ginagawang panghimagas o pansangkap sa iba’t ibang pagkain. Mango Mangga NATIONAL FISH PAMBANSANG ISDA Pambansang sagisag ng Pilipinas ang mga bangus. Sapagkat mabagsik sa pagiging matinik ang mga ito kung ihahambing sa ibang mga pagkaing isda ng Pilipinas, naging tanyag ang pagbili ng mga naalisan ng tinik na mga bangus mula sa mga tindahan at pamilihan. Ang MF Sandoval Trading (Bahay-Kalakal na MF Sandoval) ang nagpasimula ng pagbebenta ng mga naalisan ng tinik na mga bangus sa Lungsod ng Dagupan, Pangasinan. Ginamit ng kompanyang MF Sandoval ang katawagang “bangus na walang tinik” (boneless bangus) upang maging mas mabili at kaaya-aya ang produkto. Milkfish Bangus NATIONAL DISH PAMBANSANG PAGKAIN Ang litson o letson (sa Kastila: lechón – biik) ay isang inihaw na buong baboy, bata man o hindi, na karaniwang nilalagyan ng mansanas sa bibig matapos na malutong nakatuhog sa kawayan habang nakadarang sa nagbabagang mga uling. Lechon NATIONAL SPORT PAMBANSANG LARO Arnis NATIONAL VEHICLE PAMBANSANG SASAKYAN Kalesa Ang kalesa ay isang sasakyang hinihila ng kabayo. Nakikita ito sa mga probinsiya ng Ilokos, lalo na sa may Vigan City, ang kabuuan ay yari sa kahoy at nilalagyan ng bakal bilang suporta. Ang kalesa ay pinapatakbo ng isang kutsero. Nilalagay ng sapin ang ilalim ng puwitan ng kabayo para dito babagsak ang mga dumi nito. May nakasabit ding mga balde ng tubig para inumin ng kabayo. COMMON PHILIPPINE MODE OF TRAVEL Jeepney Dyip NATIONAL GEM PAMBANSANG HIYAS Ang perlas ay isang uri ng hiyas na naaani mula sa ilang uri ng mga talaba, partikular na mula sa binga, ang makintab na panloob na bahagi ng kabibe. Nakukuha ang mga ito sa loob ng kabibe ng mga talabang naturan. Kalimitan itong hugis bilog at putian bagaman may nakukuha ding itiman o abuhin at ibang hugis bukod sa pagkabilog. Ginagamit ito sa paggawa ng mga alahas. May mga likas na perlas at mayroong mga sinadya o kinultura sa mga anihang pinangangasiwaan ng tao. Perlas .