PRESIDENT BENIGNO S. AQUINO III S SPEECH

Total Page:16

File Type:pdf, Size:1020Kb

PRESIDENT BENIGNO S. AQUINO III S SPEECH

PRESIDENT BENIGNO S. AQUINO III’s SPEECH DURING THE BIRTHDAY CELEBRATION OF CONGRESSMAN ERINEO “AYONG” MALIKSI, 3rd DISTRICT OF CAVITE Maliksi Farm, Brgy. Malagasang Imus, Cavite March 25, 2012

(applause) Magandang hapon ho sa lahat.

Yayayain ko sana kayo kumanta ng happy birthday eh. (laughter) Medyo mababa lang ho yung ulap eh. (laughter) Ngayon eh kung sigurado lang akong maganda ang boses ko inumpisahan ko na, kaya lang, “Manong Ayong, Happy Birthday! na lang.” ‘Wag muna nating paulanin ‘to at medyo putikan na yung lupa, baka ho meron kayong flashflood ditong uso, di pa natin naayos.

Alam ho n’yo talagang natutuwa ako dito, dito ako unang nagpakilala sa inyo, birthday rin ni Manong Ayong nung 2007. At dahil kay Manong Ayong ho, dahil sa iba nating kasamahan dito sa Cavite, binigyan n’yo ako ng pagkakataon.

Ano naman ang napala nung pagkakataong ibinigay n’yo sa atin? Umpisahan ko muna yung binanggit ni Mar. Yung LRTA ho na extension, alam ho n’yo nung chairman tayo ng Local Government Committee sa Senado, eh talaga nakita naman po natin sa datus, napakalaki na ng populasyon ng Cavite. Halos supisyente, kung di ako nagkakamali sa sampung kinatawan sa Kongreso. Pero nung panahon yung distrito n’yo tatatlo lang, so ginawa na hong apat na dagdag, pito na ngayon. Pero meron pa ring lugar para madagdagan para naman ho yung kinatawan ay talagang makakatawan kayo dahil hindi ho masyadong malawak ang kanyang sinasakupan. Okay.

So, ano ho ba ang mga eksperyensiya natin dito? Kada maimbita tayo sa Cavite, maski anong oras po, pagkaintindi ko parating nata-traffic dito. Tama ho ba yun? Eh, napakalaki ng populasyon n’yo talaga eh. Sa Metro Manila po, na sakop ni Chairman Francis, sa umaga po ang populasyon ng NCR, labing-apat na milyon. Sa gabi po, labingdalawa. Yung iba ho umaalis, yung nakatira sila sa labas ng NCR.

So, problema nga ho natin, paano ba natin papapasukin yung dalawang milyon na ‘to araw-araw na kumbinyente, na maayos naman po yung presyo. So, pinasok nga po itong LRT South. Maliwanag naman po yung growth nandito sa CALABARZON eh. Maliwanag po napakalaki na talaga nang inangat ng Cavite.

Alam n’yo yung lugar sa Bacoor, Molino ang pangalan, eh aminin ko na po yung edad ko, dinatnan ko po yan, yung talahib lagpas bubong ng bahay. Ngayon ho, wala ng talahib yata sa Bacoor, di ba? Talagang ang problema ho doon hindi na talahib, problema ho doon, traffic.

So, inaasahan po ano, itong LRT South na extension. Magkakaroon rin po tayo ng North, magkakaroon rin po ng East, pero yung inuna po, unang inaprub itong LRT South. Mura lang naman po itong project na ‘to, 60 billion lang. (laughter/applause)

1 Siyempre, si Senator Ping, si Manong Ayong ang unang nagpakita sa atin dito kung ano ang kahalagahan nito. Ang idadagdag sa commuter po ng LRT, 250,000 daily. Ganun po yung karaming tao ang gagamit nito araw-araw, kaya naman pong mapapanatili yung, siyempre may kailangan na expansion, may kailangan na maintenance.

Ngayon, yung una po hanggang Bacoor. Kanina ho may pumapalakpak yung taga Bacoor eh. Yung taga Dasmarinas ayaw pang pumalakpak. (applause) Pero kung hindi po natin uunahin yung Bacoor, di ho aabot ng Dasmarinas. (applause) Hanggang Bacoor ho 60 billion na. Ang budget ho kasi pwede i-program, kulang- kulang mga 400 billion. So hindi na po diyes porsiyento yung nakalaan dyan sa isang proyekto. Pero yung ginhawa na mapapala n’yo eh talaga naman pong magtuturo, magbibigay sa atin ng landas para mapagpatuloy hanggang Bacoor… ay nang hanggang Dasmariñas. (applause)

Pero hindi ko pa ho pinapangako yan ha. (laughter) Sandali lang ho. Iniwan sa akin ni GMA kasi 325 na billion nung 2010.

Anyway ho, sana nagawa na nila 10 years ago. Pero ang sabi ho sa atin, at talagang araw-arawin ko sa kanila, ang pangako po sa atin mga aabot ho ng 2014 magagamit ng hanggang Las Piñas, 2015 hanggang Bacoor. At baka by that time ho, ang ganda na ng ekonomiya natin, pwede nang maglaan ng pera para papunta naman ng Dasmariñas. (applause) At saka na po kami sa Tarlac, saka na natin i-expand sa Tarlac.

O ngayon ho, yung sa TESDA, alam ho n’yo, siyempre tinulungan n’yo ako para magawa natin ito, at hanggang nandito ako na ang dami kong minana na problema, tinutulungan pa rin n’yo ako dahil pinahiram n’yo sa akin napakaraming-maraming kasangga galing Cavite, di ho ba? Nandiyan na nga ho si Francis Tolentino. Alam n’yo si Francis ho, saklaw n’ya pag may baha sa NCR, saklaw n’ya pag may traffic, saklaw n’ya pag may transpost strike, saklaw rin n’ya yung pollution, saklaw rin n’ya yung kotong cops, lahat saklaw n’ya. Awa ng Diyos po, makapal pa ang buhok ni Francis Tolentino. (laughter) Kung may balak ho kayong yayain s’ya dito’t bumalik sa Cavite, ‘wag na ho muna, kailangan ko pa siya doon, baka pwede ipahiram niyo muna sa akin.

Si Joel Villanueva po (applause) medyo numinipis ng konti na ang buhok. (laughter) Yung TESDA ho kasi, minana niya -- parang ako -- ang utang ng TESDA na minana niya 2.5 billion pesos. Yun po lampas dun sa ibinigay ng Kongreso na pondo para magkaroon ng scholarship. Lumampas na, tapos ang nagga-graduate, yung graduate na nagkakaroon ng trabaho -- ano, Joel, kinse porsiyento? -- na dinatnan niya. Isipin ninyo, yung sobrang-sobra na ginastos mo, pinag-aaral mo naman ng walang katuturan na kurso, walang makakuha na trabaho, kinse porsiyento. Naupo ho siya, 55 hanggang 65 percent na ang naipasok, pinag-aral na tiyak na may trabaho. Ganun ho kahusay yang si Joel Villanueva.

Ngayon ho, pati na yung ating mga kasamahan sa lokal, ano. Napaka-importante po na pag tumahak tayo ng landas, kung pwede sabay-sabay yung hakbang, hindi ho ba? Kasi umaabante kung may tatlo hong nasa likod ko hinahatak ako paatras, wala hong

2 mangyayari sa atin niyan. Kailangan ho sana pare-parehong ambisyon natin na mapabilis yung kailangan po ng ating bansa.

Next year ho eleksiyon, baka lalapit ako sa inyo ulit. Ako po ‘di po ako tatakbo next year. (laughter) Salamat po sa mga boboto sa akin next year, pero hindi po ako tatakbo. (laughter/appplause) Pakiusap ko lang ho baka gusto niyong paramihin yung kasangga ko. Baka naman ho pag nag-uusap kami madaling magkasundo. Hindi pag nagmungkahi ako kontra kaagad.

Bigyan ko kayo ng halimbawa kung bakit napaka-importante yan. Sabi po nung ating pinalitan, nobenta’y otso porsiyento ng lahat ng barangay sa Pilipinas napakuryente na. Eh nung narinig ko po yun, sabi ko sana totoo yan para hindi ko na problemahin.

Ngayon, tama raw ho pala yung 98 percent kung and definition ng electrified barangay ay may isang sitio sa barangay may kuryente, inangkin na yung buong barangay may kuryente. So ang tunay na dapat batayan diyan yung sitio. Yung sitio halos treinta’y sais mil, 36,000 na sitio iniwan niya sa akin para pakuryentehan. Mura lang naman po yan bawat sitio eh-―one million isa. So, 36,000 times one million, 36 billion po yun. Sabi ko, 60 billion sa inyo, 36 billion sa kuryente, halos 100 billion, 300 billion na lang yung natira para sa buong Pilipinas na ibang bagay.

Eto ho ang magandang balita. So, last year, lumapit sa atin ang NAIA, DOE at saka DBM. Sabi nila, kaya natin pakuryentehin itong last three months ng 2011, 1,300 na sitio. Ang kailangan naming budget, siyempre times one million, 1.3 billion. So, ibinigay po yung pera sa kanila. Ang magandang balita po, napakuryente nila hindi 1,300 na sitio-―1,520. Hindi humingi ng dagdag na budget. Nagsoli pa. (applause) Imbes na 1.3 billion, 814 million ang ginastos. So may sobra ngayon na idadagdag natin para lalong mapakuryentehan, mabawasan yung 36,000.

Sa classrooms po, pinamana sa akin 66,000 na classroom ang kulang. Tinataya po 2014, wala na tayong kulang na classroom.

Doon po sa… actually, hahaba ho tayo masyado kung sasabihin ko sa inyo lahat eh. Basta ba pwede sa SONA ko na lang sabihin yung iba, ano. (laughter) Basta ang punto ko ho nito, yung pagkakataon kong gawin, meron naman hong ibang nagkaroon ng pagkakataong gawin. Yung nagawa natin sa loob lamang, wala pa ho tayong two years, nasa… meron pa ho akong four years at saka three months eh. So meron na ho tayong 18… mga 21 months na po tayong bumubuno ng problema ng bansa.

Alam ho n’yo madali naman ang problema ng bansa. Meron sa lokal, meron sa outside the country. Pagka-umaga yung problema sa Pilipinas, pag gabi sa labas ng Pilipinas. Habang natutulog ka, iniisip mo pa yung problemang hindi pa natapos ang solusyon.

Pero eto lang naman ang masasabi ko sa inyo. Talaga namang malakas ang kompiyansa natin. Marami tayong problema, tama po. Pero talaga hong nababawasan natin araw-araw na ginawa ng Diyos. Tinataya po ng Secretary of Agriculture, next year ho, supisyente na raw po tayo sa bigas. Hindi na tayo aangkat. (applause) Pero ang duda ko po, binobola niya tayo. (laughter) Palagay ko ho itong taon na ‘to

3 supisyente na tayo eh. Kaya lang naninigurado siya na baka dumami yung bagyo kaya next year na niya ipinapangako.

Napapag-usapan na po ngayon yung export. Isipin ho n’yo nung lumapit ako sa kanya dati, sabi 1.3 million tons parati ang aangkatin natin, 1.3 million. Eh ngayon ho, yung 600,000 nung 2011, tapos mas konti pa siguro this year, baka naman wala tayong aangkatin. ‘Di pa ho nababanggit ni Secretary Alcala yung kailangan nating angkatin kaya palagay ko malapit na tayo talaga sa self-sufficiency.

Nung araw ho, two years ago, iniisip ba natin mangyayari yun? Two years ago ho ba maisip natin na malapit na mag-bidding dyan sa LRT extension. Siyempre may dadaanan pa ho tayong proseso eh. ‘Di naman pwedeng maghanap ako ng kontratista, “pakigawa mo nga ‘tong tren.” Kailangan ho siyempre may proseso.

Sa totoo lang ho pag bibili ng ballpen sa gobyerno, apat na buwan po yung proseso bago mo mabili yung ballpen eh. Meron ho kasing Invitation to Bid, may Pre- qualification, meron hong actual bidding, merong Post–bidding evaluation. Ang dami ho talagang dinadaanan. Sabi ko, ballpen na binili ko, pagbili ko ngayon, made- deliver four months from now, pareho pa kaya yung presyo in four months. Pero mababa naman po yung inflation, kaya sa malamang tuloy pa rin ho yung ano.

Ulitin ko lang ho ano. Yung kuryente balikan ko lang ha. Yung problema rin ng konti sa kuryente, hindi naman… hindi naman napaka… palagay n’yo, tignan n’yo kung may common sense to ha: yung poblacion may kuryente, yung sitio wala. So para mapalawak yung nabibigyan ng kuryente, ididikit natin yung sitio na malapit sa poblacion tapos pag naidikit na doon, yung susunod naman doon, di ba? Maliwanag ho yun ‘no?

Pag pinasukan ho ng mga lumang istilong pulitiko, pag namili sila ng ikakabit na sitio, kailangan yung sitio kung saan sila nanalo. Pag natalo sa malapit sa poblacion, laktawan yan, punta tayo doon sa malayo. Eh di pag nagpunta tayo sa malayo, siyempre mas malaki gastusin natin para maikabit kaagad yun keysa idugtong- dugtong natin, di ho ba? Kawawa naman yata yung bayan at yung sitio na nakakalimutan dahil iba ang binoto nila. Hindi naman ho yata ganun dapat ang patakaran.

So, 2016 ho nangako ako sa inyo lahat, di ho ba? Pagdating natin ng 2016, tatandaan na natin na nagkakita tayo ng 2007, una kong kumatok sa inyong puso, mas makapal pa ho buhok ko noon, ‘no? Baka sa 2016 ho, ano na, floor wax na lang gagamitin natin dyan, no, (laughter) dahil kakabuno ng problema, pero sabay-sabay tayo lumingon, at masasabi natin siguro ang laki na ng pinagbago talaga ng ating bansa. At yan po, lahat yan (applause) nagmula dahil nagtiwala kayo.

Yang turista ho ‘no, nung dumating yung ating bagong kalihim ng Tourism, sabi niya, ang turista ng Pilipinas taun-taon three million lang eh. So yung ginawang target six million; 2016, six million na dapat yung turista natin. Bakit importante yung turista? Bawat isang turistang dumating, ang halaga raw pong katumbas noon, 1,000 dollars sa pagbisita niya ng tatlong araw. So, yung 3 million mu-multiply n’yo ng 1,000, mu- multiply n’yo ng 40, yun po tulong sa ekonomiya natin. Sabi ng bagong kalihim natin, “Teka muna, liit naman niyan. Hindi pwedeng six million. Kayang-kaya natin 10

4 million pagdating ng 2016.” At ito nga ho, wala pa siyang isang taon sa serbisyo, nalampasan natin etong Enero yung 400,000 level of tourist arrivals. Dati ho 300,000 lang eh. Sabi pa niya, karamihan ng turista natin dumarating yun second half of the year. So pagdating ho nung turista, lahat yan ‘no, kung 400,000 lang, labing-dalawang buwan, 4.8 million na turista po ang pumasok imbes na 3 million. O imu-multiply na ho n’yo ulit sa 1,000 dollars each times 40 para pesos.

Okay ho ba yung nabagsakan ng mangga? (laughter) Meron ho tayong doktor na kasama baka kailangan niyo. Okay? Okay? Okay naman? O hindi pa pala hinog, sayang naman. (laughter) Palagay ko may dala rin tayong bagoong kung kailangan. (laughter) Pero okay ho kayo dyan? Okay ho? So, meron pa tayo pang postre mga dalawang buwan pa siguro pwede na. Mangga ho kasi ang paborito nating prutas. Hindi ho ako nagpaparinig. (laughter) Baka ho kokonti pag pinaghati-hatian natin yan.

So, huling pakiusap lang ho talaga ‘no. Yung alam ho niyo meron talagang mga ilang tao, nagulat ako eh, sa ating istatistika, pag ikaw nakakuha na ng 70, 80 percent na sumasang-ayon sa ‘yo, maganda na raw yun. Pero meron ka naman talagang kalaban eh. Pero masakit ho nito, meron na ho tayong mga singko hanggang diyes porsyentong mga kababayan, ang tawag ho sa kanila ‘kontra.’ Ano yung kontra? Kung ano man yung posisyon mo, kokontra sila. Maski sumang-ayon ka sa kanila, babaguhin nila yung posisyon nila para kumontra sa ‘yo. Meron ho palang ganun. May maiiwan na 5 percent, maski ano pa i-mungkahi mo, kontra sila. Eh di okay lang ho yun. Pero pakiusap ko lang po sana ‘no, eleksyon ho next year, talagang mamili tayo. Baka naman yung kontra pa yung isama niyo sa akin, paano naman ho ‘to? Kada kilometrong abante, mga tatlong kilometrong atras. Pati local government ho, di tayo tinulungan sa expropriation kung kailangan, sa mga business permit, at iba-ibang bagay pa. Eh ano hong mangyayari sa atin niyan? Mapipilit, pero gaano katagal bago makuha yung biyaya? Wala naman ho tayong imumungkahing mali. Pero tayo ho hindi umiiral sa ano ba yung magpapapogi sa atin? Masaya na ko, sabi ko naman sa inyo eh, masaya na ko tinuturing ako ng nanay kong pogi, ‘no? (laughter)

Pero ang importante na lang ho sa akin dito talaga, 2016 retirado na ako. Pag nagretiro ako dito, nagkita tayo, nakangiti pa ba kayo sa akin o nakasimangot kayo? Importante ho nakangiti. Mangyayari yan kung tutuparin natin lahat nung inaasam- asam natin. Mangyayari po yan siyempre kung pag talagang sama-sama tayong lumakad.

Ako po parati mangungumbinsi, habang nangungumbinsi ako tinatawag po nila ako -- noong araw ang tawag nila sa akin ano eh, wala raw akong leadership. Sa English raw po, wimpy -- 2010 po yun. Nung 2011, diktador naman ako. Kaya itong 2012, wimpy dictator na ako. (laughter) Malambot na nangdidikta. Parang ganun siguro yung punto nuon eh. Pero karapatan nila magsalita basta ‘wag lang sila lalabag ng batas. At pagtatanggol po natin yan dahil yung mungkahi ko, mungkahi nila, baka naman sakaling mapagsama pa, baka mas maganda ang resulta.

Hindi ho tayo magsasara ng tenga sa mga tumutuligsa sa atin, sa mga kumokontra. Pero ang pangako ko nga lang sa inyo, pag may desisyon tayo, maliwanag po sa atin, ito ba ay nakakabuti sa nakakarami. At kung hindi, at kung hindi tiyak na nakakabuti, aba’y, ‘wag na ho natin pag-usapan.

5 Siguro, mahaba na ako nagsalita, isang bagay na lang talaga, nami-miss ko rin naman ho kayo.

Alam niyo kanina sa diyaryo, may problema ho tayo ng kuryente sa Mindanao. At aminin na natin, napabayaan. Yung isa hong pinapaayos natin nagkakahalaga ng 2.6 billion. Pansinin n’yo wala tayong binabanggit na daang libo at saka milyon. Bilyon lang ho puro ang umaabot sa akin eh. Yung 2.6 billion na gagastusin para sa units 1 and 2 ng Agus 6, yun po sa Mindanao. Yung mga piyesa ho dyan, alam naman ho natin yung bombilya sa bahay, maganda ilaw nyan, pero darating ang panahon, mapupundi.

Ito pong sa Agus river, itinayo 1953. Nung 1953 po, baka nagliligawan pa lamang po mga magulang ko, hindi pa ho sila kinasal. So tinayo yun, ginamit na natin yung kuryenteng ginagawa niya, hydroelectric po yan, mula 1953. So plus 47 years, plus 12 na po tayo ngayon, so ilan po yun? 59 years. Yung piyesa po good for 30 years. 59 years ho, siguro sulit na, pwede nang palitan. Dahil nga 30 lang ang pinangako sa atin, aabot na po ng 60 years this year yung paggamit. Sa madaling salita, kailangan na pong ayusin yan. Naisip ko lang, yung 30 years ago ho, ano pa lang ho ako nuon bagong graduate ng college o gra-graduate pa lang. Sana inayos na nila noon para di ko na prino-problema ngayon. So, kailangan ho niyan 30 months para mapalitan. Malalaki hong makina yan, ma-improve.

So, yung sinabi ko ho doon sa press conference nung isang araw, may problema na kuryente sa Mindanao, kulang yung nagagawa sa pangangailangan. May panandaliang solusyon, yung barges na gagamit ng krudo. Yung krudo mahal. Yung tubig yung galing sa kuryente na galing sa tubig mas mahal. Kung ayaw natin ng brownout kailangan natin tanggapin muna ‘to hanggang matapos yung tinatayong dalawang coal-fired power plants, two years pa ho yan. So kanina ho sa diyaryo nakalagay, Zamboanga City Airport na-blackout, sarado ang airport ngayon, nag- cancel ng flight.

Sabi ko, wala naman akong pinangako sa inyo dalawang araw nakakabit na lahat ‘to eh, dahil nga di naman ho, di naman ho tayo nagpalit ng light bulb eh. Magpapalit tayo ng mga components ng isang hydroelectric dam. Yung coal-generating plant, wala po yan, lupa dati. Eh papatagin yung lupa, may development ka dyan, itatayo mo yung building. Pwede ba namang bumili sa home depot ng building na magha- house nung factory nitong coal-fired plant ng ganun-ganun, di ho ba?

Pero sa akin, hindi ako mambobola. Ayoko ng binobola ako eh, di rin ako mambobola. May problema tayo. Eto, eto ang facts, aabot ng ganito katagal bago natin maayos yang problemang yan. Hindi ko masasabi sa inyong, pasensya na kayo hindi ko nagawa ‘tong nung hindi ko pa katungkulan ‘to. Pero mapapangako ko sa inyo, hihingi po kami ng tulong sa pansitan na kumilos para nga hindi sabihin sa kababayan natin magtiis kayo ng magtiis. Hindi ho. Trabaho ng gobyerno bawasan ng bawasan yung pagtitiis niyo. Pero sana naman ho, at karamihan po ng nandito sa atin ngayon kung hindi man lahat, eh talagang resonable naman hong tao. Kaya ‘wag na nating pakinggan yung hindi resonable. Dahil bukas makalawa ho, bago na naman siguro babanatan sa akin. Ewan ko lang ho kung anong sasabihin, wimpy dictator na absentee, siguro ganun naman susunod, na ayaw magparami ng populasyon ng Pilipinas. Bahala na sila. Basta ang sa akin nga lang ho, yun ang asahan niyo.

6 Ngayon pa lang nakikita natin yung mga pagbabago sa ekonomiya, yung pagbabago ng pagkakataon sa pangkabuhayan. Pagdating ho ng 2016, sabay-sabay ho tayo lilingon at sasabihin talaga ngang ang laki ng pinagbago, at lahat ho yan, ulitin ko lang ho, nagmula dahil binigyan ninyo tayo ng pagkakataon.

Maraming salamat po.

Magandang hapon sa inyong lahat. (applause)

* * *

7

Recommended publications