Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining Departamento ng Agham Panlipunan

LIPUNAN, BITUKA AT ALIKABOK: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Pagpa-Pagpag ng mga Maralitang Naninirahan sa Barangay Payatas sa Lungsod ng Quezon at Tatlong Barangay sa Tondo Slum Areas at ang Implikasyon nito sa Kanilang Panlipunang Pamumuhay

Isang undergradweyt tesis bilang parsyal na katuparan sa mga rekisito sa kursong BA Araling Pangkaunlaran

Ipinasa ni Cesar A. Mansal 2011-85004 BA Araling Pangkaunlaran

Ipinasa kay Propesor Ida Marie Pantig Tagapayo

Mayo 2016 PAGKILALA AT PASASALAMAT

Naging madugo at mapanghamon ang pagsusulat ko ng tesis sa aking huling taon sa pamantasan. Kalakip ng bawat titik na inilalagak ko sa manyuskriptong ito ay ang pagtambad sa aking mga mata ng masasakit na reyalidad na hindi ko kahit kailanman inakalang masasaksihan ng aking mga mata. Naging mahapdi para sa aking damdamin ang makita ang totoong kalagayan ng mga abang maralita sa Kamaynilaan habang masayang namumuhay sa karangyaan ang marami. Ang kanilang kasadlakan sa hirap na nakikita ko araw-araw sa Tondo ang siyang nagtulak sa akin upang isulat ng pananaliksik na ito. Wala man akong kakayahan sa kasalukuyan na makatulong sa pagpapataas sa antas ng pamumuhay ng mga maralitang Pilipino, nawa’y sa pamamagitan ng panananaliksik na ito ay makapag-ambag ako ng kaalaman patungkol sa pamamagpag ng mga maralita at makapagmulat ako ng isip ng maraming Pilipinong hindi batid ang pag-iral nito.

At dahil naging matagumpay ang pagsulat ko sa tesis na ito, nais kong magpasalamat at ialay ang pananaliksik na ito sa lahat ng umagapay sa akin sa araw-araw na paglubog at pag-inog sa mga pook maralita. Una sa lahat, nais kong ialay sa DIYOS ang tesis na ito dahil sa araw-araw na lakas at buhay na ipinagkakaloob niya sa akin. Hindi magiging posible ang lahat ng mga ito kundi dahil sa kanyang paggabay sa akin sa bawat paghakbang ko sa mundo. Para sa iyo DIYOS ang tagumpay na ito!

Pangalawa, iniaalay ko ang tesis na ito sa aking mga magulang at mga kapatid. Ang pagbibigay ninyo ng lakas at suporta sa akin lalo na sa mga oras na malapit na akong sumuko ang naging dahilan ko upang patuloy pa ring lumaban sa mapanghamong taong ito sa Unibersidad. Para sa inyo ang sakripisyong ito!

i

Pangatlo, nais kong ialay itong pananaliksik na ito kay Ginoong Carlo C. Magat dahil sa kanyang walang-sawang pagtulong sa akin sa pangangalap ng mga datos sa mga pook slums at pook iskwater sa Kamaynilaan. Hindi magiging ganito kahusay ang mga datos na nakalap ko kung hindi ko nasumpungan ang iyong pagtulong, maraming salamat sa iyo!

Pang-apat, nais ko ring ialay ang tesis na ito sa aking tagapayo, si Bb. Ida Pantig at sa lahat ng aking mga barkada sa kolehiyo na kasama kong nagpuyat, nagbuwis-buhay, at lumaban matapos lamang ang aming mga pananaliksik. Naging makahulugan ang kolehiyo ko dahil sa inyo. Mahal na mahal ko kayo. Ang mga kaalamang ibinahagi ninyo sa akin ay dadalhin ko hanggang sa maging isa na akong ganap na propesyunal. Mabuhay kayo!

At panghuli, iniaalay ko itong pananaliksik na ito sa masang maralita, na silang sumasalo sa lahat ng hapis at pagdurusa sa mga kalunsuran. Nasaksihan at naranasan ko ang araw-araw ninyong pamumuhay, at masasabi kong hindi talaga madaling maging kayo.

Masalimuot ang kasaysayang inyong tinahak, at patuloy pang nilalakaran. Maalab ang aking kahilingan na sana ay dumating ang araw kung saan makakalaya rin kayo mula sa inyong kinalalagyan. Mabuhay kayo at huwag mawalan ng pag-asa!

At sa babasa nito, hindi ko kahilingan ang kayo’y maaliw sa mga mababasa at makikita ninyong larawan. Bagk us nawa ay tumagos sa inyong mga puso ang nasyonalismo at pagmamahal sa mga aba nating kababayan. Imulat natin ang ating mga mata, at makialam dahil may nagdurusa. Hangga’ may mahirap, h’wag itigil ang laban!

Isang mapagpalayang araw!

ii

Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining Departamento ng Agham Panlipunan Kalye Padre Faura, Armita, Maynila

PAHINA NG PAGPAPATIBAY

Mayo 2016

Bilang bahagi ng katuparan para makamit ang antas na titulong Batsilyer sa Sining,

Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran, ang tesis na ito na pinamagatang “LIPUNAN,

BITUKA AT ALIKABOK: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Pagpa-Pagpag ng mga

Maralitang Naninirahan sa Barangay Payatas sa Lungsod ng Quezon at Tatlong

Barangay sa Tondo Slum Areas at ang Implikasyon nito sa Kanilang Panlipunang

Pamumuhay” na inihanda at isinumite ni Cesar A. Mansal ay inirerekomenda ngayon para sa pagpapasiya.

______Propesor Ida Marie Pantig, MPP Tagapayo sa Tesis

Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng pagtupad sa pangangailangan ng kursong

Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran.

______Propesor Jerome Ong, MA History Tagapangulo Departamento ng Agham Panlipunan Unibersidad ng Pilipinas Maynila

iii

ABSTRAKTO

Isa ang Pilipinas sa mga bansang pinipigalot ng kahirapan sa Asya at sa buong mundo. Dahil sa patuloy na urbanisasyon kung saan tumutulak patungong mga kalunsuran ang maraming Pilipino sa pagnanasang mapaglalaanan sila ng mas maunlad na kabuhayan at serbisyong panlipunan ng pamahalaan, mas lumalaki ang bilang ng populasyon sa mga pook urban. Nagreresulta ito sa pagdami ng bilang ng mga mamamayang mahihirap sa mga lungsod dahil sa pagdagsa ng tao ay siya naman ang paghina ng kapasidad ng industriya at pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng lahat. Kakaiba ang manipestasyon ng pag-iral ng kahirapan at kagutuman sa mga pook urban, sapagkat talamak dito ang bentahan at pagkonsumo ng mga pagkaing itinapon na sa basurahan ng maraming kainan at kabahayan na para sa mga ordinaryong mamamayan ay nakasusulasok, at nakapagpapanginig laman- ang Pagpag.

Sa pag-aaral na ito, ay ginalugad ng mananaliksik ang apat sa pinakamalalaking slum communities sa Kamaynilaan upang mapatunayan ang existensiya ng pagpa-Pagpag sa bansa. Ang mga komunidad na ito ay ang mga sumusunod: Brgy. 128 (Smokey Mountain), Brgy. 105 (Aroma/Helping Land), Brgy. 129 (Daungan) at Brgy. Payatas sa Lungsod ng Quezon. Sa pag-aaral na ito, nagsagawa ng panayam ang mananaliksik sa 100 maralita upang malaman ang kanilang mga kadahilanan at saloobin sa kanilang araw-araw na pagkain ng Pagpag. Bukod dito, personal ding nakilahok sa pagbubukod-bukod at pagkain ng Pagpag ang mananaliksik upang mas mapalalim pa ang kaalaman at pang-unawa patungkol sa kalikasan ng ganitong uri ng pamumuhay. Dagdag pa rito, kumapanayam din ang mananaliksik ng mga eksperto sa larangan ng Medisina, Ekonomiks, Nutrition, at Sosyolohiya upang malaman ang implikasyon ng pagpa-Pagpag sa kalusugan, pagtingin sa lipunan, at pamumuhay sa impormal na ekonomya ng mga maralita. Kasama rin sa mga kinapanayam ang mga punong barangay at mga kagawad sa mga lugar na ito.

Lumalabas sa pananaliksik na hindi lamang maiuugnay sa isa o iilang kadahilanan ang nagtutulak sa mga maralita upang mamagpag. Ang istraktura ng sistemang panlipunan at ang mga kondisyong nakapaloob dito sa pook urban na kanilang ginagalawan ay ang may malaking pananagutan upang kumain sila ng mga pagkaing galing na sa basurahan na pinamumugaran ng maraming mikrobyo. Sa huli, nakakaapekto ito ng hindi maganda sa kanilang kalusugan at pagtingin sa lipunan. Bukod pa rito, dahil natutugunan ng impormal na ekonomya ng pagpa-Pagpag ang mga pangangailan ng mga maralita, nagiging bibihira na lamang ang kanilang pagbisita sa mga merkado kung saan ayon sa kanila ay may mga bilihing masyadong mahal para sa kanila. Sa huling bahagi ng pananaliksik na ito, ginawan ng pagsusuri ng mananaliksik ang paglabag ng pag-iral ng Pagpag sa bansa sa right to food ng mga mamamayan.

iv

TALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT ...... I PAHINA NG PAGPAPATIBAY ...... III ABSTRAKTO ...... IV KABANATA 1: MUNGKAHING PAG-AARAL...... 1 I. INTRODUKSYON ...... 2 II. SANDIGAN NG PANANALIKSIK ...... 8 A. PAGLIKHA NG MGA LUNGSOD AT PAGLIKHA NG KAHIRAPAN ...... 8 B. LIPUNAN NG ISKWATER AT SLUMS ...... 11 C. ANG LIPUNAN, BITUKA AT ALIKABOK ...... 13 III. LAYUNIN NG PANANALIKSIK ...... 18 IV. KABULUHAN NG PANANALIKSIK ...... 22 KABANATA 2: PAGSUSURI NG KAUGNAY NA LITERATURA ...... 26 V. PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA ...... 27 A. ANG ISTARBASYON BILANG PANDAIGDIGANG KRISIS ...... 27 B. ISTARBASYON SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO ...... 31 C. PLANETA NG SLUMS AT ISKWATER ...... 33 D. ANG KULTURA NG KAGUTUMAN SA PILIPINAS ...... 37 E. SURROGATE ULAM, PAGPAG AT IBAPA ...... 40 F. BAKIT MARAMING PILIPINO ANG NAGUGUTOM? ...... 41 KABANATA 3: METODOLOHIYA ...... 47 VI. METODOLOHIYA ...... 48 A. DISENYO NG PANANALIKSIK...... 48 B. INSTRUMENTO ...... 49 C. PINANGGALINGAN NG MGA DATOS ...... 52 D. BALANGKAS PANGTEORYA ...... 54 E. BALANGKAS PANGKONSEPTO ...... 61 F. SAKLAW AT HANGGANAN ...... 63 KABANATA 4: PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS ...... 65 VII. PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS ...... 66 A. BUHAY MARALITA: PAGKAGAPOS SA LIPUNANG MAPANIIL ...... 66 B. PAGPAG: SAGOT SA KUMAKALAM SA SIKMURA NG MARALITANG PILIPINO ...... 74 - “BUNDOK NG BASURA, BUNDOK NG PAG-ASA” ...... 75

v

- “LAPAG-KAINAN” ...... 79 - PAGPAG 101 ...... 85 - ANG MARALITA NG ISKWATER AT SLUM ...... 88 C. MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN NA NAGIGING SANHI SA PAMAMAGPAG NG MARALITA ...... 91 - “SCHOOL IS NOT COOL…” ...... 91 - HANAPBUHAY NG MARALITA: “HINAHANAP ANG BUHAY” ...... 93 - MARALITA SA PAMAHALAAN: “GANITO SILA NOON, GANITO PA RIN KAMI NGAYON…” ...... 101 - COVER-UP: HINDI PAGKILALA SA TUNAY NA KALAGAYAN NG MARALITA .... 106 - “ANG PAGLUSOB NG MGA MANANALAKAY SA POOK ISKWATER…” ...... 108 - “TIRA MO, BUHAY KO…” ...... 110 D. MGA IMPLIKASYON NG PAGPA-PAGPAG SA PAMUMUHAY NG MGA MARALITA 113 - BITUKA O KALUSUGAN? ...... 113 - LIPUNAN SA MATA NG MAHIRAP ...... 124 “REHAS AT BITUKA” ...... 132 - IMPORMAL NA EKONOMYA: MERKADO NG MARALITA ...... 133 E. ANG KAGUTUMAN SA BANSA AT ANG PAG-IRAL NG KALAKALANG PAGPA- PAGPAG ...... 138 KABANATA 5: KONKLUSYON AT REKOMENDASYON...... 141 VIII. KONKLUSYON ...... 142 A. LIPUNANG MARALITA AT URBANISASYON...... 142 B. ALIKABOK AT MARALITA ...... 144 C. MGA PUWERSA NG LIPUNANG TUMUTULAK SA MARALITA UPANG KUMAIN NG PAGPAG ...... 146 D. MGA IMPLIKASYON SA PAMUMUHAY NG MARALITA ...... 147 E. ANG KARAPATAN SA PAGKAIN ...... 149 IX. REKOMENDASYON...... 151 A. UNANG HAKBANG: PAGKILALA SA PROBLEMA ...... 151 B. “BOTTOM RISE PROJECTS” ...... 152 C. HANAPBUHAY PARA SA MASA ...... 153 D. “RURALIZATION” ...... 155 E. “THINK. EAT. SAVE.” ...... 156 F. PULA ANG KULAY NG TUNAY NA PAGBABAGO ...... 157 X. BATIS ...... 161

vi

XI. HUGPONG (APENDIKS) ...... 167 APENDIKS A: SA LIPUNANG ISKWATER AT SLUM ...... 167 APENDIKS B: ANG TANIKALA NG KAHIRAPAN SA PILIPINAS ...... 173 APENDIKS C: KAGUTUMAN SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO ...... 180 APENDIKS D: QUESTIONNAIRE #1: MGA KATANUNGAN PARA SA MGA KUMAKAIN NG PAGPAG ...... 190 APENDIKS E: MGA KATANUNGAN PARA KAY PROF. CHRISTLE CUBELO ...... 195 APENDIKS F: MGA KATANUNGAN PARA KAY PROF. CHESTER ARCILLA ...... 197 APENDIKS G: MGA KATANUNGAN PARA KAY PROF. ANDREA MARTINEZ ...... 199 APENDIKS H: MGA KATANUNGAN PARA KINA DR. GERARD CORRAL & DR. JACQUELINE MIRANDA-CORRAL ...... 200 APENDIKS I: MGA KATANUNGAN PARA KAY MS. JOCELYN M. APAG ...... 202 APENDIKS J: MGA LARAUAN NG PAGPUPUNYAGING MABUHAY SA GITNA NG KAHIRAPAN ...... 204

vii

“Masaya kami hindi dahil masarap sa kalagayan namin. Masaya kami dahil alam namin na hangga’t may itinatapon sa basurahan ang mga tao, alam namin na mabubuhay kami araw-araw.”

– Mga Maralitang Tagalunsod

viii

KABANATA 1

MUNGKAHING PAG-AARAL

Pahina 1 ng 212

I. INTRODUKSYON

Sa isang makabagong lipunan kung saan patuloy ang mga pananaliksik sa mga paksang pumapatungkol sa mga imbensyon at pagtuklas, ang mga paksa patungkol sa kahirapan, kagutuman, at malnutrisyon ay sila ring nagiging sentrong paksa ng mga pag- aaral. Sa kasalukuyan, ang maraming pananaliksik patungkol sa tatlong elementong ito na pumipigil sa kakayahan ng tao upang linangin ang kanyang sarili at pamumuhay ay nagiging isang napapanahong bagay. Sa tatlong elementong ito, ang kagutuman ang pinakamapaniil (Warnock, 1987). Sa katunayan, ayon sa World Food Programme, ang kagutuman ay pumapatay ng mas maraming tao- 9 milyong katao, doble pa kumpara sa pinagsama-samang bilang ng mga taong pinapatay taun-taon ng AIDS, Malaria at

Tuberkulosis. Ang tao upang mabuhay ay nangangailangan ng maraming sustansya katulad ng mga bitamina at mineral na makukuha sa mga pagkaing kinokonsumo niya. Tinatawag ang mga ito na micronutrients (Block et al. 1992). Dahil sa kagutuman, milyun-milyong tao sa iba’t ibang panig ng mundo bawat taon ang nangamamatay dahil sa kakulangan sa mga sustansyang ito.

Ayon sa estadistikang inilabas ng Food and Agriculture Organization of the United

Nations sa kanilang taunang ulat na pinamagatang The State of Food Insecurity in the

World Meeting the 2015 international hunger targets: taking stock of uneven progress, sa kasalukuyang 7 bilyong populasyon na mamamayan ng daigdig, humigit kumulang na 795 milyong katao ang gutom sa kabuuan ng mundo. Ang kontinenteng may pinakamaraming bilang ng taong pinipighati ng kagutuman ay ang Asya partikular sa Timog-Silangan na may humigit kumulang na 525.6 milyung katao. Ayon pa sa samahan, pinakatinatamaan ng kagutuman at malnutrisyon ang mga bansang Indonesia at Pilipinas sa Timog-Silangang

Pahina 2 ng 212

Asya. Samantala, ang bilang ng mga taong nagugutom at dumaranas ng malnutrisyon sa

Aprika (Disyerto ng Sub-Saharan) at Latin Amerika ay 214 milyun at 37 milyung katao.

Ayon naman sa estadiktika ng MercyCorps noong taong 2014, isang pandaigdigang samahan na tumutulong sa mga taong naghihikahos sa buhay at bulnerableng miyembro ng isang lipunan, kada araw, ay tinatayang 300 milyung katao ang nagugutom at kada 10 segundo, isang bata ang namamatay dahil sa gutom. Sa kabuuang bilang ng mga taong nagugutom sa buong mundo, 98 % nito ay matatagpuan sa mga papaunlad na bansa, at karaniwan sa mga bansang ito ay maraming surplus. Nakapagtatakang isiping hindi kakulangan o shortages ang dahilan ng kagutuman sa maraming papaunlad na bansa, ayon sa samahan. Isa raw itong kabalintuaan ng sistemang umiiral sa lipunan. Samantala, ayon sa TheHungerProject, isa ring samahan kontra kagutuman, 60% ng mga taong dumaranas ng chronic hunger1 sa buong mundo ay kababaihan at 100 milyung batang nagugutom dito ay undernourished2. Ang mga datos na ito ay nagpapakita kung gaano kalaganap ang kagutuman sa lahat ng panig ng mundo.

Ayon kay Moore Lappe at Collins (1986), ang pagkakaroon ng istarbasyon sa iba’t ibang panig ng mundo ay umiiral hindi dahil mayroong kakulangan sa yaman na nagmumula sa kalikasan. Mayroong napakalaking kapasidad ang mundo upang masuplayan ng pagkain ang lahat ng nagugutom, taliwas sa pagkakaalam ng marami na limitado ang yaman ng kalikasan kaya marami ang dumaranas ng istarbasyon. Sa katunayan, may kakayahang magbigay ng 2,720 kilocalories sa isang tao kada araw ang mundo- sapat na ito upang patabain ang lahat ng populasyon ng daigdig. Gayunpaman,

1 Ang salitang chronic hunger sa layman’s term ay nangangahulugang “matinding kagutuman.” 2 Ang undernourishment ay isang uri ng malnutrisyon. Ang isa pa ay ang tinatawag na overnutrition na nagreresulta sa pagiging obese ng isang indibidwal.

Pahina 3 ng 212 nakalulungkot isiping milyun-milyong katao pa rin ang pinipighati ng kagutuman araw- araw. Ayon kay Baradat (1988), nagaganap ang mga pandaigdigang krisis at suliraning kagaya ng kagutuman dahil sa hindi supisyenteng istrakturang panlipunan na hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga taong nasasakupan ng isang estado. Ang kabalintunaan sa istrakturang panlipunan na ito ay bunga ng isang sistemang pandaigdigan na kumikiling sa pangkagalingan3 ng iilang tao lamang na kumokonsumo ng higit pa sa kanilang normal na pagkonsumo. Samakatwid, dahil sa world system na ito, ang maraming mamamayan ay nakararanas ng marginalisasyon o exclusion sa mga pribilehiyo. Ang nagiging kalabisan o sobra sa mga kinokonsumo ng mga “iilang taong” ito ang siya namang pinagpipiyestahan ng mga “nakararaming tao” na naghihirap at gutom.

Ang pagiral ng kagutuman ay bunga ng kawalan ng access sa pagkain ng mga mamamayan ng isang estado. Sa mga papaunlad na bansa, ginagamit ang terminong Food

Poverty upang isalarawan ang isang kalagayan kung saan hindi nagtatamo ng pagkain ang mga tao. Ang Food Poverty4, ayon kay Balanda (2008), ay ang:

“… kondisyon kung saan ang mga tao ay walang kakayahang kumonsumo ng

sapat, ligtas, at nakalulusog na pagkain sa kanilang sariling kapamaraanan upang

mapagtibay ang kanilang pangkultural at panglipunang gawi. Ito ay nagreresulta sa

problemang pang-pisikal, pang-mental, at panlipunang kalusugan at kabuuang

pangkagalingan ng kanilang pangangatawan. Dahil sa suliraning pangpinansyal, at

kawalan ng abilidad na magkaroon ng kakayahang magkaroon ng ligtas at nakalulusog na

3 Kagalingan=Welfare 4 Sa mga bansang gaya ng USA, Canada at Australia, ang Food Poverty ay tinatawag na Food Insecurity. Ang terminong Food Poverty ay ginagamit ng mga bansang papaunlad (Carne & Mancini, 2012).

Pahina 4 ng 212

pagkain, ang mga tao na may mas mababang estado ng pang-ekonomiya sa lipunan ay may

mas mataas na posibilidad na dumanas ng food poverty, malnutrisyon at obesity.”

Batay sa pagpapakahulugang ito, malinaw na ang Food Poverty ay hindi nangangahulugan ng kakulangan sa pagkain, bagkus, ay tumutukoy ito sa kakulangan sa accesibilidad sa pagkain. Batay din sa depenisyong ito, ang kahirapang humahantong sa kawalan ng kakayahang magkaroon ng sapat, ligtas at nakalulusog na pagkain ay isang matanda nang krisis panlipunan ng mundo (Garthwaite & Bambra, 2010). Isa itong napakamapaniil na isyung pandaigdigan sa kalusugan at ekonomiya ng mga estado. Ang mababang klase ng mga pagkain na mayroong kaunting sustansiya ay siyang nagiging dahilan ng kamatayan ng maraming tao. Ito ay nakapagpapabagal din sa dami ng mga manggagawang tumutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga bansa. Samakatwid, ang ekonomiya ay nagiging tuod sa ganitong kapamaraanan.

Sa Pilipinas, ang kuko ng istarbasyon ay nananalasa rin na parang bagyo. Sa katunayan, ayon sa inilabas na ulat noong 2014 ng Pandaigdigang Programa sa Pagkain o

World Food Programme5, 17 milyong Pilipino o 1 sa 5 Pilipino ang dumaranas ng istarbasyon araw-araw. Bukod dito, ang Pilipinas din sa buong Timog-Silangang Asya ang may pinakamaraming bilang mga taong nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold6.

Samantala, ayon sa pag-aaral ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya o Asian Development

Bank, 84 milyong Pilipino ang nabubuhay sa 2 dolyar kada araw. Ayon sa Food and

5 Ang Pandaigdigang Programa sa Pagkain o World Food Programme ay ang natatanging sangay sa pagkain ng Mga Nagkakaisang Bansa o UN. Ito rin ang kasalukuyang pinakamalaking organisasyon na tumutugon at nananaliksik sa usapin ng kagutuman at kawalan ng seguridad sa pagkain. 6 Ang Poverty Threshold ay ang minimum na lebel ng kita na kinakailangan upang matugunan ang mga food at non-food na pangangailangan ng isang pamilya. Ang mga mamamayang nasa ilalim nito ay minamarkahang “poor.”

Pahina 5 ng 212

Agriculture Organization of the United Nations (2014), ang kawalan ng seguridad sa pagkain na nararanasan ng mga Pilipino ay nagdudulot ng kagutuman na siya rin namang hahantong sa malnutrisyon. Ang malnutrisyon kapag lumaon ang panahon ay magreresulta sa kahinaang pang-pisikal at pag-iisip. Sa huli, magiging mababa ang produktibidad ng isang tao sapagkat mga hanapbuhay na may mababang kasanayan at mababang kita lamang ang kanyang kayang gawin. Narito ang malinaw na representasyon ng sikulo ng kahirapang humahantong sa malnutrisyon at mababang produktibidad ayon sa Food and Agriculture

Organization of the United Nations:

Kahirapan

Mababang Kawalan ng Seguridad Produktibidad sa Pagkain, Kagutuman, at Malnutrisyon

Mahinang sistemang pangangatawan at mentalidad

Ang Sikulo ng Kagutuman na Humahantong sa Suliraning Pangkalusugan at Pangekonomiya

Ang mga datos at prinsipyong nailahad ay malaking pagpapatunay ng kahirapan, kagutuman at malnutrisyong sumasakop sa bawat sulok ng daigdig na may kaugnayan sa kawalan ng seguridad sa pagkain (food poverty). Sa kasalukuyang panahon ng

Globalisasyon at Urbanisasyon, hindi tayo bulag sa katotohanang malayo na ang nararating at patuloy pang tinatahak ng Agham at Teknolohiya. Gayunpaman, hindi rin tayo bulag sa

Pahina 6 ng 212 mga kagimbal-gimbal na epekto ng mga prosesong ito sa iba’t ibang bansa lalo na sa mga papaunlad na mga estado (developing nations). Dahil sa Urbanisasyon at iba pang mga kaugnay na proseso ng modernong lipunan, pakaunti ng pakaunti ang kapangyarihang magtamo ng yaman mula sa kalikasan ng mga tao at ang mga taong nakaririwasa lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong makabili ng mga tapos na produktong dumaan sa mga proseso ng mga pagawaan. Dahilan ito upang lalo pang lumaganap ang kahirapan sa pagkain at kagutuman sa maraming tao ng daigdig. Sa Pilipinas, humahanap ng iba’t ibang pamamaraan upang mabuhay ang mga taga-rural at tagalunsod. Sa mga pook rural at kabukiran, sandigan ang kalikasan ng mga mamamayang mahihirap upang mayroong makain. Samantala, sa mga kalunsuran naman, ay nakikipagpatintero kay kamatayan ang mga maralitang lumilikha ng paraan mula sa mga “mumu” at “surrogate ulam” may maipantawid gutom lamang. Isa itong pagpapatunay na hindi ligtas ang Pilipinas sa pandaigdigang krisis ng kagutuman na laganap sa lahat ng panig ng mundo.

Pahina 7 ng 212

II. SANDIGAN NG PANANALIKSIK

A. Paglikha ng mga Lungsod at Paglikha ng Kahirapan

Saksi ang Kasaysayan ng Pilipinas kung paano nagsulputan at nagsipagkalatan ang mga kalunsuran sa kapuluan, mula sa Kabisayaan patungong Hilaga at Timog. Mula sa

Cebu na kauna-unahan naging lungsod noong 1565, nagpatuloy ang proseso ng paglikha ng mga urban o lungsod sa bansa. Nariyan ang pagkakadeklara bilang mga Lungsod ang

Maynila (1571), Quezon (1939), San Juan (2007) at iba pa. Kaalinsabay ng paglikha ng ulunlungsod (capital city) at mga pangunahing lungsod (main cities), ay siya rin namang pagtakbo ng mabilis ng Urbanisasyon, o paglipat ng mga mamamayan mula sa mga pook rural patungong kalunsuran na siyang nagpaparami sa bilang ng populasyong nakatira sa urban. Ayon kay Tacoli, McGranahan, at Satterthwaithe (2015), ang mga magagarang imbensiyon, mas mataas na antas ng edukasyon, hindi mahulugang karayom na bilang ng mga malalaki at maliliit na pamilihan at malls, at pasalin salin na kuwento ng mga moderno at makabagong kapaligiran ang nanghihikayat sa mga taga-lalawigan upang tumungo sa mga urban sa pag-aakalang matutupad nila ang kanilang mga maniningning na pangarap sa mga dakilang siyudad.

Ayon sa ulat noong 2009 ng UNICEF, World Food Programme, at UNDFP, sa kasalukuyan, ang halos lahat ng paglaki ng populasyon o population increase sa maraming bansa lalo na sa mga papaunlad na bansa ay pinakanagaganap sa mga kalunsuran, kung saan dumadagsa ang mga mamamayan. Ang mga lungsod ng mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas ay mayroong dalawang bahagi: Ang una ay ang bahagi kung saan pinaka- organisado ang mga kabahayan, at pinakatumatanggap ng mga benepisyo at oportunidad ang mga mamamayang nakatira rito. Ang pangalawang bahagi naman ay binubuo ng

Pahina 8 ng 212 pinakamaraming mamamayan na nakatira bilang mga iskwater na walang sariling kabahayan, pinakanahihirapang makahanap ng sustenableng hanapbuhay, bibihirang makapagtapos ng pag-aaral, nakararanas ng maraming sakit at kagutuman at nangamamatay ng maaga. Sa mga papaunlad na bansa, habang palaki ng palaki at parami ng parami ang mga siyudad, ay siya rin namang kasabay na paglaki ng populasyon ng mga iskwater. Sa madaling sabi, kung lumalaki ang populasyon ng mga mamamayan sa iskwater ay nangangahulugan ito na mas dumarami ang bilang ng mga taong nakararanas ng eksklusyon pagdating sa mga oportunidad, accesibilidad at serbisyong panlunsod.

Dahilan ito ayon sa UNICEF, kaya’t pinakalaganap ang kahirapan sa mga pook urban sa

Asya at Aprika.

Pumapabor sa pahayag na ito ng UNICEF ang estadistikang inilabas noong 2006 ng Presidential Commission for the Urban Poor at National Statistics Office patungkol sa tantos ng kahirapan sa mga pook rural at urban sa bansa.

POVERTY THRESHOLD POVERTY MAGNITUDE Philippine Peso INCIDENCE OF AREA % POVERTY ALL URBAN RURAL Families #Families AREAS Philippines 15,057 17,035 14,123 26.9 4,677,305 National Capital Region 20,566 7.1 167,316 (NCR) Cordillera Admin Reg'n 16,810 17,316 15,895 28.8 878,050 (CAR) Ilocos Region (Region I) 15,956 16, 284 15,699 26.2 248,443 Cagayan Valley (Region II) 13,791 15, 450 12,973 20.5 126,726 Central Luzon (Region III) 17,298 17, 589 15,474 16.8 320,109 CALABARZON (Region 17,161 17,779 16,771 16.7 374,952 IV a)

Pahina 9 ng 212

MIMAROPA (Region IV 14,800 15,420 14,184 43.7 238,489 b) Bicol Region (Region V) 15,015 18,493 14,027 41.8 422,278 Western Visayas (Region 14,405 14,759 14,515 31.1 425,571 VI) Central Visayas (Region 13,390 14,482 12,741 30.3 391,484 VII) Eastern Visayas (Region 13,974 14,420 13,325 40.7 331,426 VIII) Zamboanga 13,219 16,160 12,898 40.2 250,696 Peninsula(Region IX) Northern Mindanao 14,199 15,805 13,687 36.1 285,054 (Region X) Davao Region (Region XI) 14,942 17,221 13,860 30.6 257,554 SOCCKSARGEN 14,225 16,783 12,878 33.8 253,009 Region(Region XII) Caraga (Region XIII) 15,249 17,270 14,059 45.4 201,929 ARMM (Region XIV) 15,533 16,491 14,528 55.3 295,220 Talaan mula sa National Statistics Office

Kung paghahambingin ang poverty threshold sa mga kalunsuran at poor rural batay sa talaan, mapapansing mas mataas ang tantos ng kahirapan sa mga pook urban. Malaki ang pinagkaiba ng kahirapan ng mga maralitang taga-pook urban kumpara sa mga mahihirap na mamamayan sa mga rural ayon sa World Food Programme. Ang mg maralitang tagalunsod ay nagbabayad sa halos lahat ng bagay na kanyang kinakailangang- non-food at food na pangangailangan, sa kabila ng kanyang kakarampot na sahod na kinikita mula sa nakakapagod na hanapbuhay. Taliwas ito sa buhay sa mga bukirin kung saan bagamat nakararanas din ng kahirapan ang mga mamamayan ay maaari namang makuha ang mga pangangailangan (lalo na ang food needs) mula sa kapaligiran.

Pahina 10 ng 212

B. Lipunan ng Iskwater at Slums

Sa mga kalunsuran sa Pilipinas, umiiral ang malaking deperensiya sa pagitan ng mga nakakariwasa at maralita ayon kay Ballesteros (2011). Kapansin-pansin ang malaking puwang na ito sa pagitan ng dalawang uri ng tao sa siyudad batay sa tatlong bagay: una, pagkakaroon o kawalan ng mga tahanan; ikalawa, pagkakamit ng mga oportunidad at serbisyong panlipunan; at panghuli, accesibilidad sa “mabuting” pagkain. Ang mga maralita dahil sa kawalan ng tahanan ay napipilitan na lamang na magsama-sama sa isang bahagi ng lungsod na inaari nilang lugar na maaaring matirhan sa maikling panahon, hanggang dumating ang isang araw na sila ay paaalisin na sa lugar ng mga tauhan ng pamahalaan. Kung mangyari iyon, sila ay lilipat naman sa isang panibagong bahagi ng lungsod na maaaring matirikan ng mga tahanan. Sa ganitong proseso ay tinatawag silang squatters, dahil tinititikan nila ng mga bahay ang isang lupain na bagamat wala silang pinanghahawakang titulo nito. Habang dumarami ang mga mamamayan sa lungsod, at parami ng parami ang walang tahanan at pagkain, ang malaking bilang ng mga mamamayang ito ay mapipilitang tumira rin sa mga squatters’areas at makikipagsiksikan sa lugar (Srinivas, 2015). Sa ganitong proseso, ang mga taong nagsisiksikan na sa isang bahagi ng lungsod dahil sila ay walang mga tahanan ay tinatawag na slum o informal settlers. 7

Sa mga purok din na ito, hindi nakakamit ng mga maralitang Pilipino ang mga oportunidad, hanapbuhay at serbisyong panlipunan na siya namang tinatamasa ng labis ng mga panggitnang uri sa lipunan. Ang mahirap ay lalong naghihirap at ang mayaman ay lalo

7 Ang squatter’s area ay isang bahaging ng lungsod na tinitirikan ng lupa bagamat walang titulo ang mga nakatira rito, samantala, ang mga slum areas naman ay isang pangkapaligiran na termino na naglalarawan sa anyo ng lugar- siksikan, maalinsangan, hindi kaaya-aya ang amoy, at ibapa.

Pahina 11 ng 212 pang yumayaman. Dahilan ito kaya’t karaniwan na’ng basura mula sa unang bahagi ng siyudad (mga nakaririwasa) at pagbabasura ang nagpapatakbo sa buhay ng mga maralita sa lungsod. Sapagkat walang mga bukirin, pagpapastulan, at palaisdaan sa pook urban, ang mga itinatapon bilang kalabisan ng mga kapalian (elite) at panggitnang uri ng mga tao sa lungsod ang nagiging pambuhay sa mga abang mamamayan. Dahil din sa mga itinatapon na ito, nagkakaroon sila ng mga hanapbuhay bilang scavengers. Sa Pilipinas, halos lahat ng nakukuha mula sa basura ay nagagamit ng mga maralita para kanilang mga tahanan.

Ang mga pira-pirasong bubong at kahoy ng isang maralita ay mga reject na materyales mula sa ilang pagawaan at tahanan. Ang karamihan sa kanilang mga palamuti sa tahanan ay mga itinapon nang kagamitan ng mga tao sa unang bahagi ng lungsod (mga kapalian).

Ang mga mamamayan sa mga purok iskwater at slum na ito ayon sa UNICEF ay ang halos pinakatinatamaan ng food poverty, at karamihan sa kanilang mga pagkain ay nakabatay lamang sa kanilang income o kita na siya rin namang nakadepende sa kanilang hanapbuhay. Ang 60% mahigit ng kinikita ng mga maralitang tagalunsod ay napupunta lamang sa pagkain, at napapabayaan na nila ang iba pa nilang mga pangangailangan, katulad ng mataas na kwalidad ng edukasyon, pangangailangang magkaroon ng matiwasay na tahanan, at ibapa. Ang pagkakaroon ng ligtas, sapat, at nakalulusog na pagkain ay ang pinaka-krusyal na pangangailangan ng mga mamamayan. Ngunit dahil sa nararanasan ng mga maralita, wala silang magawa kundi dumepende na lamang sa mga itinatapon ng mga nakaririwasang pamilya upang mabuhay.

Sa mga pinakamahihirap na pook iskwater at slum sa Kamaynilaan, ay nakalikha ng paraan ang mga maralitang Pilipino upang may maipantawid-gutom. Ang mga tira- tirang pagkain na ating sinusuka at pinandidirian, na hangga’t maaari ay nais na nating

Pahina 12 ng 212 maitapon agad mula sa ating mga tahanan at sa mga kainan, ay nagsisilbing maniningning na gintong maaaring makapagligtas sa kumakalam na sikmura ng mga kababayan nating ito.

C. Ang Lipunan, Bituka at Alikabok

Sa isang dokumentaryo ng GMA (Global Media Arts, Network, Inc) na pinamagatang Tunay na Buhay: Buhay Pagpag (Disyembre 23, 2011), ipinakita ang aktwal na nagaganap sa mga purok iskwater sa Kalakhang Maynila. Habang payapang kumakain ang mga kabahayan sa kanilang mga tahanan, sa purok naman na ito ay abalang nangangalakal at nagbubukod-bukod ng mga basura ang maraming pamilyang sadlak sa hirap at gutom. Sa pagsapit ng gabi, habang ang mga nakakariwasang pamilya ay naghahapunan pagsapit ng alas-sais ng gabi, ang mga Pilipinong nakatira sa mga abang bahaging ito naman ng Maynila ay maghahapunan pa lamang pagsapit ng alas-onse ng gabi. Ang harurot ng mga malalaking trak na dala-dala ang maraming mga basura ang hudyat ng pagdating ng pagkaing makapaghahatid laman sa kumakalam na sikmura ng mga pamilyang Pilipinong ito. Ang mga pagkaing nakukuha mula sa mga basurahan na maaari pang kainin ay pinagbubukod-bukod ng mga mamamayan. Pagkatapos, ang duming nasa mga pagkaing napili ay pinapagpag at saka direkta nang kinakain sa lugar o dili kaya’y dinadala sa bahay upang mailutong muli. Ang mga pagkaing ito ay tinatawag na Pagpag8, na siyang pinakapatok sa mga mahihirap na masang Pilipino. Ang ganitong mga eksena ng kahirapan ay karaniwan nang nagaganap sa mga kilalang pook iskwater ng Tondo sa

8 Ang pangalang Pagpag ay nagmula sa gawain kung saan pinapagpag ang alikabok at dumi mula sa itinapong pagkain bago ihain upan kainin.

Pahina 13 ng 212

Maynila (Barangay Smokey Mountain, Barangay Happyland/Helpingland/Aroma,

Barangay Daungan,) at sa Barangay Payatas sa Lungsod ng Quezon.

Ang Smokey Mountain9 o Barangay 128 sa Tondo ay dating garbage landfill sa

Maynila na ipinasara ng pamahalaan noong 1995 dahil sa paglikha nito ng masamang imahe ng kahirapan sa internayunal na media (Abad, 2009). Tinatayang ang lugar ay may populasyon humigit kumulang na 25,000 katao. Bagamat ipinasara ang lugar noong 1995, sa kasalukuyan ay patuloy pa rin itong tinitirhan ng maraming taong nabubuhay sa pamamagitan ng pagbabasura. Ang Proyektong pabahay na inilunsad noong 1993 ng

National Housing Authority at R-II Builders Inc. na isang kontraktwal na kumpanya para sa mga taong natamaan ng pagpapasarado sa Smokey Mountain ay isa nang pook slum sa kasalukuyan. Ito ay pinamamahalaan ng Home Owner’s Association.

Nang ipinasara ang landfill noong 1995, inilipat ang maraming mga mamamayan sa lugar sa tinatawag na Temporary Housing sa Barangay 105. Ang Barangay 105 ay mayroong humigit kumulang sa 26, 000 populasyon at ito ay nahahati sa anim na dibisyon:

Aroma Area, Helping Land Area, Happy Land Area, GK Compound, Sitio

Damayan/Ulingan Area at ang 105 Proper. Ang Aroma, Helping Land at Happyland ang kinalulugaran ng mga temporary housing na naging slum na sa kasalukuyan. Katulad ng sa Barangay 128, pagbabasura rin ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito. Mula noong dinala ng pamahalaan ang mga mamamayan sa Smokey Mountain sa lugar ito, hindi na sila naibalik pa sa dating tahanan sa Barangay 128. Samantala, ang mga mamamayan na hindi nailipat sa Barangay 105 sa Tondo ay nanirahan sa karatig barangay ng Smokey

9 Ang Smokey Mountain ay tinawag na Smokey Mountain dahil sa usok na nililikha ng sama-samang reaksyon ng mga basura sa lugar. Ito ay ang kasalukuyang Barangay 105 sa Tondo, Maynila. Tinatayang mayroong 2,000,000 tonelada ng basura sa Smokey Mountain.

Pahina 14 ng 212

Mountain, ang Barangay 129 na mas kilala sa pangalang Barangay Daungan kung saan scavenging din ang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan. Ang lugar na ito ay mayroon ding populasyon na humigit kumulang sa 20, 000 katao. Araw-araw ay makikita ang mga tao rito na nangangalakal ng maraming basura at Pagpag. Ang ganitong mga eksena ay araw-araw ding nagaganap sa Payatas10 na kung tawagin ay “ikalawang Smokey

Mountain.” Matatagpuan ito sa Lungsod ng Quezon ay mayroong itong populasyon na humigit kumulang sa 113, 000 katao sa kasalukuyan. Ang mga Pilipinong nakatira dito kagaya sa Smokey Mountain ay karaniwan nang kumakain ng 1 hanggang dalawang beses kada araw (Murakami, 2011). Masuwerte ang ilan sapagakat nagagawa nilang kumain ng

3 beses sa isang araw. Karaniwang inihahain ng mga pamilya sa kanilang mga hapag- kainan 11 ay tuyo, Lucky Me, chichirya katulad ng Lala, asin, tubig, toyo o mantika bilang pangsabaw sa kanin, o sa mas maraming pagkakataon ay naghahain sila ng Pagpag. Ang ganitong mga pamilya ay nabubuhay sa pamamagitan ng araw-araw na pakikipag-unahan sa pagkuha ng mga basura kung saan maaari silang makakuha ng pagkaing maaari pang pagpagin ang dumi upang makain.

Ang pagkakaroon ng pagkaing Pagpag sa bansa ay isang lehitimong tanda ng matinding istarbasyon na umiiral sa bansa. Ang pagkain ng Pagpag ayon sa mga eksperto

(Tunay na Buhay: Buhay Pagpag, Disyembre 23, 2011) ay nagdudulot ng masama sa katawan ng taong kumakain nito sapagkat hindi lahat ng mikrobyong ay namamatay kapag

10 Ang Payatas ay isang barangay na matatagpuan sa Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Quezon. Ayon sa estadistikang inilabas ng National Statistics Office noong 2007, mayroong humigit kumulang 80,000 pamilyang nakatira sa lugar. Ang Payatas ay nanggaling sa salitang “Payat sa Taas,” sapagkat ang lupa sa hilagang bahagi nito ay tigang at makitid. Ang Payatas sa kasalukuyan ang pinakamalaking garbage landfill sa bansa. 11 Ang hapag kainan ng mga pamilyang nakatira sa Smokey Mountain at Payatas ay karaniwang isang papag o sahig lamang. Ang paggamit ng mga lamesa ay hindi gaanong nagagawa ng mga pamilya sa lugar (Lah, 2012).

Pahina 15 ng 212 iniinit ang Pagpag. At dahil galing sa basurahan ang Pagpag, hindi nito kayang tugunan ang mga bitamina at mineral na kailangan ng katawan upang mapalakas ang resistensya nito (Willett, Sesso, & Rimm, 2013). Sa paglaon ay nagreresulta ito sa paghina ng kalusugan pang-pisikal at pang-mentalidad ng isang taong kumukonsumo nito. Sa huli, bababa ang kapasidad sa produksyon ng isang indibidwal.

Kakaiba ang Pagpag kumpara sa ibang mga pagkaing kinakain ng mga mahihirap na mamamayan sa Asya. Bagamat mayroon ding mga nagbabasura sa ibang bansa, sa

Pilipinas lamang umiiral ang “Pagpag” ayon kay Rodriguez (2015). Ang mga nagbabasura sa lahat ng panig ng mundo na kumakain ng Pagpag ay isa nang karaniwang bagay. Ngunit kakaiba ang pagkaing Pagpag sa bansa sapagkat hindi lamang mga nagbabasura ang kumakain ng Pagpag, kundi pati na rin ang iba pang mga mahihirap na Pilipinong may hanapbuhay ngunit hindi sapat ang kinikita upang makabili ng pagkain para sa kanilang pamilya. Sa kasalukuyan, unti-unting nang nagiging tanyag ang pagkain ng mga mahihirap na Pilipino ng Pagpag sa mga dayuhan sa ibang mga bansa sa Amerika, Asya, at Europa

(Deia, 2012).

Sa pag-aaral na ito, ang “Lipunan” ay tumutukoy sa mga slums na kabilang sa mga pinakamalalaki sa bansa. Ang apat na barangay na pinili ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod: Barangay 128 (Smokey Mountain), Barangay 105

(Aroma/Happyland/Helpingland), Barangay 129 (Daungan) at Barangay Payatas, mga purok ng kahirapan na sumasalamin sa iba pang komunidad ng mga urban poor. Ang mga lugar na ito ay kabilang sa mga pinakamahihirap na pook sa bansa kaya’t sila ay ang napiling lokasyon ng pananaliksik na ito. Sa katunayan, noon pa lamang panahon ng mga

Kastilang mananakop sa bansa, kilala na ang Tondo kasama ang mga barangay na ito bilang

Pahina 16 ng 212 clase pobre (Agoncillo, 1990). Dagdag pa rito, tanyag ang mga barangay na ito dahil sa malawakang kalakalan at pagkokonsumo ng Pagpag na sinasabing nagsimula na mula pa noong naitatag ang Smokey Mountain at Payatas. Mula sa dalawang dumpsites na ito ay umusbong ang iba pang mga barangay slums na namamagpag din ng lumaon. Ang“Bituka” sa naman sa pananaliksik na ito ay ang simbolismo na kumakatawan sa mga indibidwal na maralitang Pilipinong naghihirap at nakararanas ng matinding gutom. Tinatangkang ilatag ng pag-aaral na ito kung ano ang nagtutulak sa mga maralita upang kumonsumo ng pagkain mula sa mga basurahan. Ang pag-uusap sa bagay na ito ay isang maselan na usapin sapagkat kalusugan at katawan ng mga mamamamayn ang nakasasalalay sa bawat pagkain ng Pagpag. Ang mga gawi at kilos ng mga abang Pilipinong ito ay nakabatay sa dikta ng kanilang mga nangangalit na bituka. Ang “Alikabok” naman sa pag-aaral na ito ay sentrong paksain na tinatangkang analisahin ng mananaliksik. Ito ay tumutukoy sa kalakalan o proseso ng pagpa-Pagpag na lumilikha ng Pagpag na mula sa basurahan ay dumidiretso sa mga gutom na bituka ng masang Pilipino.

Pahina 17 ng 212

III. LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral sa mekanismo ng pagpapa-Pagpag ay isang napapanahon subalit’y napaka-lawak na paksa. Sa kasalukuyan, limitado ang ating mga materyales at mapagkukuhanan ng mga datos upang lubusang maipaliwanag ang pagpa-Pagpag sa bansa.

Sa katunayan, wala pang datos ang pamahalaan at ang mga lokal na pamahalaan patungkol sa bilang ng mga pamilya at mga indibidwal na kumakain ng pagkaing Pagpag, ngunit sa pagbisita o paglalakad-lakad sa mga pook iskwater (slum areas) sa Kamaynilaan partikular sa Tondo (sa bahagi ng Pier) at Payatas, mapapansing kabilaan ang mga residente ng lugar na kumakain ng Pagpag. Dagdag pa rito, makikita rin sa mga lokalidad na ito ang mga bilihan ng mga di-pa-lutong Pagpag at mga karinderia (eatery) ng mga ito. Sa kabila ng pag-iral ng mga pagkaing ito, karamihan sa mga nakaupo sa pamahalaan at lokal na pamahalaan ay hindi pa gasinong mulat sa nakalulungkot na hanapbuhay. Dahil dito, ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay 1.) Una, patunayan ang existensiya o pag- iral ng pagpa-Pagpag sa bansa sa pamamagitan ng paglalarawan sa kalakaran nito; 2.)

Pangalawa, ilahad ang mga salik na nagtutulak sa mga mamamayan upang mag-Pagpag at

3.) Suriin ang nagiging implikasyon ng paglaganap ng Pagpag sa kalusugan, pagtingin sa lipunan ng mga maralitang nakatira sa Tondo Slum Areas at Payatas, at implikasyon nito sa impormal na ekonomya sa kanilang lugar. Mula sa tatlong pangunahing layuning ito ay sumasanga ang mga sumusunod na sekondaryang layuning nais ding suriin ng mananaliksik. Nakapaloob din sa bawat sekondaryang layunin ang mas tiyak na obhetibo.

1. Ilahad ang kalagayan ng food poverty (at malnutrisyon) sa bansa at isalarawan

ang katayuan ng mga urban poor sa mga slum areas sa Kamaynilaan

partikular sa mga barangay na sentro ng pananaliksik na ito.

Pahina 18 ng 212

- Mayroon bang matatag na seguridad sa pagkain ang sistema ng bansa sa

kasalukuyan?

- Mayroon bang sapat na accesibilidad sa sapat, ligtas at nakalulusog na pagkain ang

mga maralitang Pilipinong nakatira sa mga kalunsuran?

- Ano ang kalagayan ng pamumuhay ng mga urban poor?

- Ano ang karaniwang trend sa mga pagkaing kinokonsumo ng mga urban poor?

- Ano-anong ang mga elemento at kondisyon sa kanilang lipunan na nagiging balakid

sa pagtatamo ng sapat, ligtas at nakalulusog na pagkain ng mga maralitang Pilipino?

2. Ilantad at ilarawan ang pag-iral ng kalakalan ng pagpa-Pagpag ng mga

maralitang nasa pook urban.

- Ano ang kahulugan ng Pagpag? Paano ba masasabi na ang isang maruming pagkain

ay Pagpag?

- Ano ang iba’t ibang uri ng Pagpag? Ano-ano ang mga batayan o paraan ng

pagkaklasipika ng mga Pagpag?

- Paano nakakakuha ng Pagpag ang mga maralita?

- Paano tumatakbo ang mekanismo ng pagpa-Pagpag sa Smokey Mountain,

Daungan, Aroma (Happyland at Helpingland) at Payatas?

3. Suriin ang masasamang dulot ng pagkonsumo ng Pagpag sa kalusugan ng pag-

iisip at pangangatawan ng mga maralitang Pilipino.

- Epektibo ba ang mga food method na isinasagawa ng mga Pilipino bago ihain ang

Pagpag? Matitiyak ba nating nangamamatay ang mga mikrobyo ng Pagpag sa

ganitong proseso?

- Ano ang mga masasamang dulot sa kalusugan ng katawan ng pagkain ng Pagpag?

Pahina 19 ng 212

- Ano ang epekto kalusugan ng pag-iisip ang pagkain ng Pagpag sa araw-araw?

- Mayroon bang sustansiyang nakukuha sa pagkain ng Pagpag?

4. Suriin ang nagiging epekto ng pagpa-Pagpag sa pag-uugali, pagtingin sa

sarili/buhay, pagtingin sa lipunan/mundo ng mga kumokonsumo ng Pagpag.

(behavioral na dimensyon)

- Paano nakaka-apekto sa pagtingin sa sarili (self-esteem) at willpower para sa pag-

unlad ng isang maralita ang pagkonsumo ng Pagpag?

- Paano nakaka-apekto sa pagtingin sa lipunan at mundo ang pamumuhay sa pagpa-

Pagpag?

- Bakit nahihikayat na kumain ng Pagpag ng mga maralita sa kabila ng pagiging

marurumi ng mga pagkain ito?

5. Paano nakakaapekto sa informal economy sa kanilang lugar ang pagpa-

Pagpag?

- Madalas pa bang nakakatungo sa mga merkado ang mga maralita? Kung hindi, ano-

ano ang mga kadahilanan kung bakit hindi na sila nakakatungo sa mga ito?

- Saan madalas bumubili ng mga pangangailangan ang mga maralita?

6. Ilantad ang kaugnayan ng pamahalaan at lokal na pamahalaan sa paglaganap

ng pagpa-Pagpag.

- Ano ang sensyales ng pagkakaroon ng ganitong uri ng pagkain sa bansa? Ano ang

indikasyon nito kalagayan ng mga pook urban?

- Sino ang may kakulangan sa pag-iral ng ganitong uri ng pagkain?

- Mayroon bang aksyon sa kasalukuyan ang isinasagawa ng pamahalaan patungkol

sa pag-iral ng pagpag?

Pahina 20 ng 212

- Ano-anong karapatan/pribilehiyo ng mga mamamayan ang nalalabag ng mga

namumuno sa Pilipinas dahil sa pag-iral ng Pagpag?

- Paano ba masosolusyunan ng pamahaaln at lokal na pamahaaln ang krisis sa

pagkain ng mga naghihikahos na urban slum areas

Pahina 21 ng 212

IV. KABULUHAN NG PANANALIKSIK

Minsang sinabi ni Mahatma Gandhi, isang bantog na lider ng bansang Indiya na ang pinakamasang anyo ng karahasan ay ang kahirapan. Ngunit ayon naman sa pag-aaral ng Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations), ang kagutuman ang pinakalaganap na anyo ng kahirapan. Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, habang palaki ng palaki ang populasyon, ay siya rin naman kasabay na pagtaas ng tantos ng kagutuman. Ang mga maralitang tagalunsod na silang namamarginalisa sa mga benepisyong panlipunan ay napipilitan na lamang na gumawa ng paraan upang maibsan ang mga nangangait sa sikmura. Bunga ng ganitong kalagayan, sila ay nahihikayat na kumain na lamang ng mga pagkaing galing sa basurahan at tira-tira sa mga restawran na tinatawag na Pagpag. Ang mga taong ito ay walang hanap-buhay, walang lupang matatawag na kanila, walang mahahalagang gamit o hiyas, at ayon din sa kanila mismo, walang tiyak na kinabukasan.

Sila’y mga taong kumakalam din ang sikmura at handang gawin ang lahat ng bukas na oportunidad mayroon lamang maipantawid sikmura.

Dahil sa mga kadahilanang ito, mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat maimumulat nito ang karamihan sa mga Pilipino patungkol sa mapait na katotohanan-ang pagiral ng kultura ng pagpa-Pagpag sa bansa. Marahil ay marami na sa atin ang nakanuod na ng ilang dokumentaryo sa mga telebisyon katulad ng Tunay na Buhay: Buhay Pagpag,

Discarte a la Pobre, Tira mo, Tinitira ko na naglalantad ng kaaba-abang kalagayan ng mga pamilyang kumakain ng Pagpag upang mabuhay lamang. Ipinapakita sa mga dokumentaryong ito na ang mga tira-tira nating pagkain sa ating mga tahanan at kainan at atin nang itinatapon ay sila namang pinaka-inaabangan ng mga pamilyang umaasa sa mga

Pahina 22 ng 212 mumung12 ito. Gayunpaman, hindi sapat ang mga dokumentaryong ito sapagkat ipinapakita lamang ng mga ito ang kalagayan ng mga mamamayang ito, at hindi malalim na hinuhukay ang mga elementong maaaring maiuugnay sa existensiya ng mga pagkaing

Pagpag at implikasyon sa pagkatao at pamumuhay ng mga urban poor. Samakatwid, ang pananaliksik na ito ay nagtatangkang ugnay-ugnayin ang isyung ito na nagdudulot ng inaccessibility sa pagkain at food poverty na siya naman nagtutulak sa mga Pilipino upang kumonsumo ng Pagpag. Sa ganitong kapamaraanan ay mas mapapalalim pa ang kamalayan ng mga ordinaryong Pilipino patungkol sa kahirapan at kagutuman na nararanasan ng iba pang mga tao na nakatira sa mahihirap na pook (locality) at purok (district).

Isa rin sa pinakamagandang ibubunga ng pananaliksik na ito ay ang pagkuha ang mga pagtingin at opinyon ng mga kawani ng iba’t ibang institusyong pangkalusugan sa lipunan-mga pampublikong Ospital man, o mga sangay ng pamahalaan. Ang mga institusyong ito kasama ang Kagawaran ng Kalusugan ay mayroong malaking pananagutan sa pagpapaunlad at pangangalaga sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan Pilipino.

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng kaalaman at kamulatan sa kanila patungkol sa lumalalang krisis sa pagkain sa bansa. Sa pamamagitan nito ay inaasahang makapaglulunsad sila ng mga talakayang pambarangay at iba pang proyekto upang mapagtibay ang pagkakandili13 sa karapatan sa pagkain ng mga mamamayang Pilipino ng bansa.

Sa pamamagitan din ng pagpapalalim sa mga isyung may kinalaman sa pagpag (o istarbasyon), layunin din ng pananaliksik na ito na magbigay rekomendasyon o suhestiyon

12 Ang mumu ay nangangahulugang “tira-tira” o food excess. 13 Pagkakandili=Pagbibigay Proteksyon

Pahina 23 ng 212 sa mga kinauukulan partikular sa pamahalaan at lokal na pamahalaan kung paano pa nila mapapaigting ang tunay na pagtulong sa mga nagugutom na kapus-palad. Sa prosesong ito, makapagbibigay ang pag-aaral na ito ng malinaw na larawan ng kahirapan at istarbasyon ng mga maralitang tagalunsod habang ang ilan ay sagana sa pagkain at yaman. Ang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan ay mayroong mabigat na responsibilidad sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayang nasasakupan ng mga ito.

Nakasaad ang mga responsibilidad na ito sa konstitusyon at sa mga batas internasyunal.

Ang kanilang pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin ay krusyal at tunay na mahalaga sa pagpapanatili ng katatagan ng estado at pagpapanigo14 ng ekonomiya ng bansa.

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong din sa lahat ng mga kinauukulan upang malaman din ang pagtingin at analisa ng mga eksperto at edukador sa larangan ng food poverty and hunger. Ang mga analisis at prinsipyong ibabahagi ng mga eksperto sa larangang ito ay maaaring magamit ng pamahalaan upang mas epektibo pa ang kanilang pagpapatupad ng mga polisiya at proyekto. Dagda pa rito, magagamit din ang mga impormasyon ito mula sa mga eksperto at edukador upang mas mapalawig pa ang mga kaalamang ilalatag ng pag-aaral na ito.

At panghuli, ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga maralitang pinakatinatamaan ng kahirapan at istarbasyon. Ang kanilang kalagayan ay hindi nabibigyang pansin ng publiko at kung napapansin naman, ang kanilang kalagayan ay umaani pa ng samu’t saring mapangmatang pagtingin ng publiko kaysa simpatya. Dahil dito, ang pag-aaral na ito ay nagtatangkang magmulat sa publiko patungkol sa abang

14 Ang “pagpapanigo” ay nanggaling mula sa salitang kaniguan (prosperity). Halimbawa: “Manigong Bagong Taon!”

Pahina 24 ng 212 kalagayan ng masang nagugutom, na ang kanilang kalagayan ay hindi dapat minamata bagkus ay binigyan ng malawak na pang-unawa at pagtulong. Dagdag pa rito, tinatangka rin ng pag-aaral na ito na makapagmulat sa mga maralita kung ano-ano ba ng maaari nilang makuha mula sa pagkain ng Pagpag. Inaasahan din sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay, magiba rin ang mga mito (myth) patungkol sa paghahain ng Pagpag na pinaniniwalaan ng mga maralitang tagalunsod gaya ng paniniwalang nangamamatay sa apoy ang mga mikrobyo kapag niluto ang mga Pagpag. Sa kabuuan, ang pananaliksik na ito ay magiging isa sa mga tagapagsulong na pag-aaral para sa totoong kaunlaran sa pagkain na kinakailangan ng bansa at ng mga urban poor.

Pahina 25 ng 212

KABANATA 2

PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Pahina 26 ng 212

V. PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

A. Ang Istarbasyon Bilang Pandaigdigang Krisis

Sinasabing ang kahirapan ay ang pinakamasahol na anyo ng karahasan. Isa itong anyo ng abstrakto ngunit mapaniil sa maraming anyo ng buhay. Sa kabilang dako, ang kagutuman naman ay ang pinakamapanirang anyo ng kahirapan (McKeown, 1969). Libo- libo nang taon ang dumaan at patuloy pa ring dumaraan sa buhay ng iba’t ibang mamamayan sa daigdig ngunit ang kagutuman ay hindi pa rin naglalaho. May mga pagkakataong mawawala ang kagutuman ngunit muli itong babalik sa mas kakila-kilabot pa nitong anyo. Sa mga telebisyon, internet at mga babasahin, karaniwan na tayong nakakakita ng mga litrato at bidyo ng pagkagutom (famine) o nagugutom (famished)

(Moore Lappe at Collins, 1986). Gayunpaman, ang pagkagutom ay isa lamang mababaw na anyo ng kagutuman (hunger) o istarbasyon (starvation). Ang kagutuman o istarbasyon ay isang pandaigdigang kaganapang kumikitil sa buhay ng mas higit pa na bilang ng mga tao kaysa pagkagutom o famine taun-taon- higit pa sa bilang ng mga taong namatay noong

Ikalawang Digmaang Pandaigdig at mga taong nawakasan ng buhay noong pambobomba sa Hiroshima at Nagasaki. Nananalasa ito taun-taon na parang isang bagyo sa milyun- milyong tao sa bawat panig ng mundo.

Dahil sa pandaigdigang epekto ng kagutuman, hindi nakapagtatakang maraming ideya at pag-aaral ang inilalabas patungkol dito.

Ayon kay Moore Lappe at Collins (1986), maraming mga paniniwala o ideya patungkol sa ugat ng kagutuman ang hindi makatotohanan at walang matibay na batayan.

Isa na rito ang pinaniniwalaan ng maraming tao na ang limitadong yaman sa kapaligiran

Pahina 27 ng 212 ang dahilan kung bakit laganap ang istarbasyon, at hindi kayang tugunan ng iba’t ibang kapamaraanang pamproduksyon ang dumaraming pangangailangan ng lahat ng tao upang makakain. Samakatwid, tunay na kinakailangan ng iba na magutom upang makakain ang ilan. Ang kaisipang ito ay hindi makatotohanan sapagkat kayang tugunan ng daigdig ng makailang henerasyon ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng tao. Kaya itong suportahan ng mga datos mula sa iba’t ibang sektor pang-agrikultura ng maraming bansa na nagpapakitang taun-taon ay napakaraming ani ng iba’t ibang pananim ang naipo- prodyus. Sa katunayan, ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ng mga siyentipiko at ekonomista, may kakayahan ang daigdig na magbigay ng 3,600 calories kada araw sa isang tao, sapat na ito upang siya ay patabain. Samakatwid, hindi totoong ang kakulangan at kakapusan ang sanhi ng kagutuman. Ayon kay Brown at Shue (1977), may kaugnayan ang paghihirap sa pagkain ng mga low-income na estado sa mga estadong high-income. Ayon sa kanya, ang pagsandig sa tradisyunal na paraan ng pagpapalago ng kita na nagdudulot ng mas malawakang hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mayaman at mahirap ang sanhi ng kagutuman sa maraming bansa. Sa katunayan, dahil sa paglipana ng teknolohiya at komunikasyon, lumawak ang kamulatan ng mga taga-Kanluranin patungkol sa kahirapan ng mga tao sa Silanganan. Ang kinikita ng mga magsasakang Amerikano, ang mga salapi ng mga Amerikanong mamimili at iba pa ay may kaugnayan sa kasalatan ng makakain sa

Asya, kahirapan ng mga tao sa Timog Amerika at tagtuyot sa Aprika. Sa madaling sabi, nakadepende ang pag-unlad ng ilang estado sa pagdurusa ng mas maraming bansa at kontinente.

Sa isang lipunan kung saan talamak ang kagutuman, ay laganap din ang malnutrisyon (Warnock, 1987). Patunay rito halimbawa ay ang mga mamamayang

Pahina 28 ng 212

Aprikano. Sa mga litrato sa media at internet ay nakikita natin ang pangangatawan nilang halos buto at balat na lamang. Malaki ang kanilang mga tiyan na hindi angkop sa proporsyon ng kanilang mga katawan. Halos hindi na sila makalakad at ayon sa mga pag- aaral, maikli lamang ang haba ng kanilang mga buhay (span of life). Ang mga taong ito ay nakararanas ng ganitong mga karamdaman sapagkat sila ay kulang sa mga pangunahing bitamina kagaya ng Bitamina A, C, at B complex. Upang malabanan ang mga nakakahawang sakit at masasamang mikrobyo, lumilikha ang katawan ng tao ng mga complex na protinang tinatawag na antibodies. Ang mga antibodies na ito ay nagsisilbing guwardiya at sundalo ng katawan laban sa mga mapanghihimasok na mga organismo sa katawan. Nangangahulugan ito na ang kakulangan ng mga Aprikano sa mga bitaminang nabanggit ay nakapag-aantala o sa mas nakalulungkot na pagkakataon, nakapagpapahinto sa paglikha ng mga antibodies sa kanilang katawan. Dahilan ito upang mas maging bulnerable sila sa maraming anyo ng karamdaman. Ang mga bitaminang A (retino at carotene complex), C (Ascobic Acid), B Complex kasama na rin ang iba pang bitamina gaya ng Bitamina D at Bitamina K ay makukuha lamang sa mga pagkaing sagana sa kanila, halimbawa ay gulay, prutas, karne at gatas. Ngunit ang mga pagkaing ito ay mahirap matamo o makuha ng mga mamamayan sa mga bansa ng Aprika at ilang bahagi ng Asya at Timog Amerika, dahilan upang matuloy na lumaganap ang malnutrisyon sa kanilang lupain.

Sa isang bansa, partikular sa isang pamilyang patriyarkal, pinakatinatamaan ng kagutuman ang pinakabulnerableng miyembro ng tahanan, ang mga bata at mga babae

(Dewey, 1979). Karaniwang dahilan ng mga patriyarkal na lipunan sa kanilang kaunting alokasyon ng pagkain sa mga kababaihan at kabataan ay ang mga kaugaliang

Pahina 29 ng 212 pangrelihiyon. Sa isang pelikulang Osama (2003), ipinakita ang dinaranas na kalupitan ng mga kababaihan sa isang lipunang mas malakas ang mga kalalakihan. Ang mga kababaihan ay hindi maaaring maghanap-buhay para sa kanilang sarili at pamilya, kaya nang namatay ang ama ni Osama (na isang batang babae), napuwersa siyang magpanggap na lalaki upang matulungan ang kanyang ina at lola. Sa kabila nito, natuklasan pa rin ng mga Taliban15 ang tunay nakasarian ni Osama na nagdulot upang siya ay mabilanggo at mahiwalay sa kaniyang pamilya.

Sa lahat ng ideyang nabanggit, isa ang ating mahihinuha: Hindi pantay ang pagtatamasa ng pagkaing mula sa kalikasan ng mga tao. May iilang taong mas napapaburan kumpara sa mas nakararaming taong naghihikahos. Kasama sa elementong nagtatakda ng dami ng pagkaing makukuha sa ating kasalukuyang panahon ay ang kasarian, estado sa buhay, at lahi. Ang mga taong mas “mataas” ang antas ng pamumuhay sa buhay ang nagkakaroon ng higit na kapangyarihang makagamit ng kalikasan. Gayunpaman, hindi tama ito sapagkat ang pagkain ay bahagi ng kalikasan o ng naturalesa, kaya’t walang sinuman ang dapat magmay-ari nito kundi ang lahat ng totoong nangangailangan ng mga ito (Brown and Shue, 1977). Isang nakakapagtakang bagay kung bakit hinahayaang maging

“property” o ari-arian ang ilang bahagi ng bundok, minahan, taniman, at gubat ng ilang kumpanya at tao gayong umiiral ang mga lugar na ito para sa lahat. Isa itong malaking dahilan kung bakit nagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay at sa huli, ng matinding kagutuman sa maraming tao. Ang isyung ito ayon kay Jean Jacques Rosseau (1762) ay

15 isang partidong pampulitika sa Afghanistan na naghahari dito mula pa noong 1996.

Pahina 30 ng 212 dapat tugunan ng pamahalaan at ng iba pang institusyong nilikha ng tao na nakatakdang magbigay ng proteksyon sa pribilehiyo ng mga mamamayang nasasakupan nito.

B. Istarbasyon sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Sa kasalukyan, maraming bansa sa mga Ikatlong Daigdig ang patuloy na pinipighati ng kagutuman. Magkakaiba man ang kultura ng iba’t ibang mamamayan ng daigdig, mistula pinag-iisa naman sila ng isang kultura ng kagutuman o culture of hunger (Warnock,

1987). Sa Aprika, sa estado ng Timog Sudan na may kabiserang Juba, ang mga mamamayan dito lalo na ang mga kababaihan ay pinipighati ng matinding gutom at hirap.

Ayon sa isang pag-aaral ng Samahang Care International na pinamagatang CRITICAL

DIAGNOSIS: The Case of Placing South Sudan’s Healthcare System at the Heart of the

Humanitarian Response (2014), dahil sa walang katapusang digmaang sibil sa bansang

Timog Sudan, nakararanas ng kakapusan sa presensiya ng mga pagkain at kawalan ng kapangyarihang magtamo ng pagkain ang mga mamamayan nito. Ang mga inang Sudanese upang may maihain sa kanilang mga pamilya ay napupuwersang lumusong sa mga ilog na malapit sa kanilang lugar upang kumuha ng mga water lily. Ang mga buto ng mga water lily ang silang inihihiwalay ng mga babaeng Sudanese upang dikdikin upang makain. Wala silang kanin, tinapay, o anumang pagkain na itinatambal sa pagkain ng water lilies. Ayon sa samahan, dahil sa pagkain ng water lilies, hindi nakakamit ng mga taga-Timog Sudan ang kanilang nutritional requirement. Dahil dito, karamihan sa mga Sudanese na bata man o matanda ay nakararanas ng malnutrisyon.

Sa bansang Haiti naman sa Carribean, isang pagkaing tumutugon sa gutom na bituka ng mga Haitian ang pinagkakaguluhan ng internasyunal na media nitong mga nakaraang taon. Tinatawag itong Mud Cookies (Sletten at Egset, 2004). Ang Mud Cookies

Pahina 31 ng 212 ay mga biskwit na nilikha gamit ang putik na kulay dilaw ng mga Haitian upang mapawi ang kanilang nangangalit na bituka. Ang mga Mud Cookies ay ginagawa sa pamamagitan ng paghahalo ng mga pampalasa, asin, at vegetable shortenings sa putik na ibinibilad sa araw. Kapag tumigas o naluto na sa init ng araw ang mga biskwit ay maaari na silang kainin. Ang pagiging tanyag ng biskwit na ito bilang agahan, tanghalian at hapunan ng mga

Haitian ay bunga ng mataas na inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihan- gulay, prutas, at karne sa kanilang bansa.

Habang sinasalot ng mga digmaang sibil ang Timog Sudan at habang patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bilihin ng mga pangunahing produkto sa Haiti, iba naman ang nararanasang paghihirap ng mga taga-Hilagang Korea. Dahil sa pagtutok ng pamahalaan ng Hilagang Korea sa pagpapaunlad ng mga sandatang nukleyar at militar nito, nagkukulang ito na tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nagugutom na

Koreano (Haggard at Noland, 2005). Dahil sa istarbasyong nararanasan ng mga mamamayan ng Hilagang Korea, iba’t ibang moda kontra gutom ang ginagawa ng mga

Koreano upang labanan ito. Bukod sa paglilimita ng pagkain ng 1 hanggang 2 beses kada araw, napipilitan din ang ibang mga Koreano upang kumain ng mga ugat ng mga halaman, damo at mushroom nang hindi nila natitiyak kung ligtas ikonsumo ang mga ito. Bukod dito, marami ring mga ulat ng cannibalism sa bansa dahil sa matinding kawalan ng seguridad sa pagkain. Mayroong mga ulat mula sa internayunal na media katulad ng CNN News patungkol sa mga kaso ng pagkain ng ilang magulang sa kanilang mga anak dahil sa matinding kagutuman.

Samantala, sa mga estado sa Asya-Pasipiko, patok ang pagkonsumo ng mga insekto. Ayon kina Riggi, Veronesi, Verspoor at MacFarlane (2013), naging bahagi ng

Pahina 32 ng 212 pamumuhay ng mga Asyano sa Asya-Pasipiko ang pagkain ng mga insekto hindi lamang dahil sa kultural na aspeto kundi dahil rin sa krisis sa pagkain. Dahil kulang ang access sa pagkain, naisip ng mga Asyano na gamitin ang napakaraming populasyon ng insekto upang may maipantawid-gutom. Gayunpaman, hindi lahat ng insekto ay maaaring ikonsumo sapagkat mayroong ilang species ng mga ito ang may hindi magandang reaction o epekto sa katawan ng tao, ayon sa Food and Agriculture Organization ng Mga Nagkakaisang

Bansa o United Nations.

Ang lahat ng mga uri ng pagkaing ito na nabanggit ay iilan lamang sa mga anyo ng kagutuman na sumisira sa milyun-milyong buhay sa ibabaw ng mundo. Ang pagkakaroon ng mga panibagong paraan upang maibsan ang mga kumakalam na sikmura ay isa lamang tanda ng pagpupunyaging mabuhay ng tao. Ang kagutuman ay isang pandaigdigang suliraning umiiral sa lahat ng bansa. Ang mga mukha ng istarbasyon na ipinakita sa seksyong ito ay umiiral sa mga pook rural sa mga papaunlad na bansa. Nakababahala at nakagigimbal man ang mga nararanasan ng mga taga-rural, iba naman ang anyo ng kahirapang dinaranas sa mga pook urban. Ang buhay sa pook urban ay pinalalala ng mga kondisyong unti-unting lumuluray sa kalusugan at buhay ng mga maralita- walang malinis na tubig, walang mahusay na pabahay, walang kuryente, laganap ang kriminalidad, bukas na bukas sa mga sakit, mikrobyo, polusyon, at mataas na tantos ng kawalan ng hanapbuhay.

C. Planeta ng Slums at Iskwater

Sa kasalukuyang ika-21 milenyo daigdig, ang konsepto ng Urbanisasyon ay nagiging isang napapanahon at malaking usapin kinakailangang pagtuunan ng pansin ng lahat ng bansa lalo na sa Ikatlong Daigdig (Awumbila, 2014). Ayon sa United Nations

Department of Economic and Social Affairs, ang mahigit sa kalahati ng kabuuang

Pahina 33 ng 212 populasyon ng daigdig ay nakatira sa pook urban at sa pagsapit ng 2050, tinatayang tataas pa ng 75 porsyento ang bilang ng mga taong maninirahan sa mga pook urban, at karamihan sa mga paglaking ito ng populasyon ay magaganap sa Asya at Aprika. May kaibahan ang populasyon ng urban sa mga maunlad na estado at mga papaunlad pa lamang na mga bansa.

Sa mga papaunlad na bansa, higit na mas marami ang bilang ng mga mamamayang nakatira sa kalunsuran dahil nakasentro ang mga proyekto at polisiya sa mga pook na ito. Dagdag pa rito, iba rin ang istruktura ng dalawang populasyon ng urban ng dalawang uri ng mundo sapagkat mas mataas ang young population ng mga nasa papaunlad na estado. Ayon kay

Ross (2014), ang pagdami ng batang populasyon ay nakapagpapababa ng demographic dividend 16ng isang bansa dahil tumataas ang youth dependency ratio17. Ang magiging epekto sa hinaharap nito ay pagkakaroon ng mas maraming bitukang nakadepende at kailangang mapakain ng naghahanapbuhay na uri o working class. Kapag dumami ang bilang ng mga nakadependeng kabataan at bata sa mga working class, magreresulta ito upang magkaroon ng kakulangan sa accesibilidad pagkain sapagkat kaunti lamang ang naghahanapbuhay kumpara sa mga pinapakain. Dito papasok ang iba’t ibang kapamaraan ng mga taong nakatira sa urban upang may makain, katulad ng pamumulot, pagbabasura, at iba pa. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng marginalisasyon ng mga pangangailangan

(pagkain) at oportunidad sa pagitan ng mga nakaririwasang seksyon ng urban at mga naghihirap na uri ay nakadaragdag suliranin din upang lalong maghirap ang mga mahihirap na taga-urban. Samakatwid, ayon kay Awumbila (2014), ang pag-aaral sa terminong

16 Ang demographic dividend ay tumutukoy sa paglago ng ekonomiya na nangyayari kapag mas marami ang bilang ng mga mamamayang naghahanapbuhay kumapara sa bilang ng mga may edad na at bata na nakadepende sa mga naghahanap-buhay na populasyon. Kapag mataas ang demographic dividend ng isang bansa, nangangahulugan ito na mas mataas ang paglaki ng ekonomiya ng bansa. 17 Ang youth dependency ratio ay ang proporsyon ng mga batang nasa edad 15 pababa kumpara sa mga taong nasa edad 16-64 na populasyong naghahanapbuhay.

Pahina 34 ng 212

Urbanisasyon ay hindi lamang nakalimita sa paulit-ulit na depinisyong “paglaki ng bilang ng populasyon sa mga lungsod at bayad” kung pati rin sa mga structural shifts o pagbabago ng istraktura ng lipunan sa aspetong pangekonomiya, panghanapbuhay, panlipunan, pampulitika, kabahayan at ibapa. Mas mahalagang mapag-aralan ang kabuuang anyo o morpolohiya ng urban kaysa tumutok lamang sa paglaki ng populasyon, bagamat ang paglaki ng populasyon sa mga lungsod at bayan ang nagiging dahilan kaya’t nagkakaroon ng mga kakulangan halimbawa sa hanapbuhay at kabahayan. Isa pang konektadong termino na nakapailalim sa proseso ng Urbanisasyon ay ang Rural-Urban Migration18, kung saan lumilipat ang grupo ng mga tao patungong urban sa pag-aakalang mas giginhawa ang kanilang mga buhay sa kalunsuran. Dahil sa prosesong ito, nagkakaroon ng agawan sa mga pangangailangan at oportunidad sa kalunsuran.

Ayon sa mga naging unang pag-aaral, sinasabi ng mga eksperto na ang kagutuman, kahirapan, at kakulangan sa oportunidad at serbisyong panlipunan ay nakasentro sa mga pook rural na mas mahirap pa sa mga pook urban. Sa mga pook urban ay mas naipamumudmod sa mga mamamayan ang serbisyong pangkalusugan, mataas na antas ng edukasyon, oportunidad, at iba pa. Gayunpaman, nagiging taliwas na ang mga bagong pag- aaral dito. Ayon kay Satterthwaite (2014), dahil sa dumaraming bilang ng mga mamamayan sa pook urban, pakaunti ng pakaunti ang bilang ng mga taong nakatatanggap ng mga serbisyo at oportunidad. Sa pagdami ng tao sa pook urban, mas tumataas ang bilang ng mga hanapbuhay na may mataas na kasanayan kaya’t lumalakas ng kompetisyon at napagiiwanan ang mga maralitang may mababang antas ng pinag-aralan at kasanayan.

18 Hindi dapat malito sa kaibhan ng Urbanization sa Rural-Urban Hypothesis. Ang unang termino ay mas malawak na proseso kung saan bumubuo ng mas malalaking pook urban dahil sa iba’t ibang salik gaya ng population increase sa lugar at rural-urban migration.

Pahina 35 ng 212

Dagdag pa rito, dahil sa pagtaas ng pangangailangan sa mga hanapbuhay na may mataas na kasanayan, ang ilan sa mga panggitnang uri o media clase na nabibigong makipagsabayan sa kompetisyon ay nagiging “new poor,” na dadagdag sa bilang ng mga urban poor. Ayon kay Davis (2006), dahil sa pagdami ng bilang ng mga “new poor” sa mga pook urban ay nagiging iskwater19 at slum sila na naninirahan sa mga lugar na may napakababang accesibilidad sa mga infrastraktura at pagkain. Ginamit niya ang terminong planet of slums upang ilarawan ang palaki ng palaking bilang ng mga mamamayang maralita sa daigdig na nagsisiksikan at nagkukumpulan sa isang bahagi ng lungsod habang ang ibang mga nakakariwasa sa buhay ay mayroong disenteng buhay at magagarang lupain at bahay. Ang urban poverty ang pangunahing itinuturong dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga pook iskwater at slums20 sa mga lungsod at bayan. Ang mga iskwater at slums na ito ay lumilikha ng subpopulasyon at subkultura na mayroong pamumuhay na kakaiba at hindi madaling maiintindihan kundi bagkus ay pandidirian ng mga matataas na klase ng tao sa pook urban ayon sa UNICEF. Ang mga iskwater ay kilala rin sa iba’t ibang mga katawagan sa maraming bansa: Informal settlements, Low-income settlements, Semi- permanent settlements, Shanty towns, Spontaneous settlements, Unauthorized settlements,

19 Sa Pilipinas, mas pinipili ng maraming eksperto at mambabatas na gamitin ang terminong informal settlers imbis na squatters. 20 Mayroong iba’t ibang mga impormal na katawagan sa slums sa iba’t ibang panig ng mundo ayon kay Srinivas (2016): Ranchos = Venezuela Callampas, Campamentos = Chile Favelas = Brazil Barriadas = Peru Villas Misarias = Argentina Colonias Letarias = Mexico Barong-Barong = Philippines Kevettits = Burma Gecekondu = Turkey Bastee, Juggi-johmpri = India Ghetto=USA

Pahina 36 ng 212

Unplanned settlements, Uncontrolled settlements. Sa Pilipinas, sa mismong pusod ng

Kamaynilaan sa Maynila at Lungsod ng Quezon, magkakarugtong at dikit-dikit ang mga kabahayang iskwater at slum. Ang mga kabahayang ito ay namumuhay na kakambal ang basura, panganib at kamatayan sa araw-araw.

D. Ang Kultura ng Kagutuman sa Pilipinas

Katulad ng mga bansang nabanggit, laganap din ang istarbasyon sa Pilipinas lalo na sa mga pook iskwater sa Kamaynilaan. Sa isang dokyumentaryo ng I-Witness noong

Mayo 3, 2014 na pinamagatang Black , ipinakita ni Howie Severino ang isang bahagi ng Barangay 105 sa Tondo na tinatawag na “Ulingan.” Ang Ulingan ay isang maliit na komunidad na matatagpuan sa Pier 18 ng Tondo kung saan ang marami sa mga mamamayan nito ay nabubuhay sa pamamagitan ng pamumulot ng anumang kahoy at bagay na maaaring sunugin upang “ulingin.21” Ang mga usok mula sa mga sinusunog na kahoy upang maging uling ang nilalanghap ng mga residente dito sa araw-araw. Karaniwan nang tanawin sa mga lugar na ito ang pakikipamuhay ng mga mamamayan-bata, babae o matanda kasama ang mga daga, lamok, langaw, iba pang kulisap, at usok. Dahil sa usok mula sa mga pagawaan ng uling, pinakalaganap dito ang mga karamdamang may kinalaman sa sistemang respiratoryo. Gayunpaman, sa isang isyu ng magasin na Inquire noong Oktubre 2012, sinasabi ng mga mamamayan sa lugar na ito na hindi sakit sa baga ang pinakamalaking suliranin nila. Ang kanilang binabaka sa kanilang araw-araw na pamumuhay ay ang pagbabata ng kagutuman. Sa araw-araw, hinahawi ng mga bata at mga nanay ang bawat usok sa maraming lugar kung saan sila ay makakukuha ng mga kahoy at

21 Ang ulingin o pag-uuling ay ang tawag sa proseso ng paglikha ng mga uling mula sa mga kahoy at iba pang bagay.

Pahina 37 ng 212 pira-pirasong bagay na kanilang dinadala sa mga pagawaan ng uling. Ang maliit na baryang kanilang nakukuha bilang kabayaran sa kanilang mga napulot ay kanilang ginagamit upang ipambili ng mga Pagpag na siyang patok na uri ng pagkain sa kanilang lugar dahil sa murang halaga ng mga ito. Sa mga pagkakataong nakakapulot din sila ng mga basurang maaaring kainin, hindi na nila kailangan pang bumili ng Pagpag upang maging tanghalian o hapunan. Gayunpaman, bago pumasok ang 2015 ay tuluyan nang giniba ang Sitio Damayan (Ulingan) sapagkat walang titulo sa kanilang mga lupain ang mga residente dito. Ang matatagpuan sa lugar ay ang mga naglalakihang pagawaan ng mga bakal at kagamitan sa pier na pagmamay-ari ng mga pribadong kumpanya. Kung nasaan at paano nabubuhay sa kasalukuyan ang mga dating nakatira sa sitio ulingan ay isang panibagong istorya.

Ang ganitong mga uri ng karanasan patungkol sa kagutuman at kahirapan ay hindi lamang nararanasan sa pook “Ulingan” na ito. Sa Smokey Mountain, isang tampok na lugar ng mga dumi at basura sa bansa, ay nabubuhay din ang mga mamamayang kumakayod upang may maipantawid-gutom (Angeles, 2013). Ang pinaka-popular na uri ng hanapbuhay dito ay ang pagbabasura kung saan namumulot ang anumang bagay na maaari pang mapakinabangan ang mga mamamayan. Ang pagkaing maaari pang “pagpagin”upang kanin ay inilalagay sa mga supot ng mga bata at ng iba pang mamamayan. Bukod sa pagbabasura, tampok din na gawain ang paggawa ng mga basahan at ang paghuhugas ng mga gamit’ na plastic na kutsara at tinidor upang ipagbiling muli sa lugar na ito. Ang lahat ng hanapbuhay na ito ay patunay ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pagkain.

Pahina 38 ng 212

Ayon kay Lah (2012) sa kanyang isang ulat, sa iba namang lugar sa Sta. Cruz at

Binondo sa Maynila, laganap naman ang pamumulot at pangangalkal ng mga tira-tirang pagkain ng mga abang Pilipino sa mga basurahan ng mga restawran at kainan. Ang napulot na tirang pagkain na tinatawan na Pagpag ay dinadala sa ibang bahagi ng Tondo kabilang na ang Smokey Mountain, Parola, Pier, at “Ulingan.” Sa mga pook na ito, ipinagbibili sa mas murang halaga ang mga Pagpag na nahita. Sa mga parehong lugar din na nabanggit, isang organisasyong di-pampamahalaan 22 ang tumutulong sa mga batang nakasubsob sa paghahanapbuhay araw-araw. Ito ay ang Project Pearls. Ayon kay Maria Theresa

Sarmiento, tagapangasiwa ng samahan sa kalusugan at nutrisyon, nang sila ay naglunsad ng maliit na paaralan sa lugar, nadiskubre niyang marami sa mga kabataan sa mga nabanggit na pook ay dumaranas ng mga karamdaman at matinding kakulangan sa nutrisyon. Karamihan sa mga bata ay kumakain ng 2 beses lamang sa araw-araw at ang kanilang kinokonsumong mga pagkain ay marurumi at walang sustansya. Ayon kay

Ballesteros (2011), tumataas taun-taon ang populasyon ng mga nakatira sa pook slum at iskwater ng 3.5%, samantala ang populasyon naman ng urban na wala sa mga pook slum at iskwater ay tumataas ng 2.3% kada taon. Noong 2010, tinatayang 37% ng populasyon o mahigit sa 4 milyong populasyon sa Kamaynilaan ay matatagpuan sa mga slum at squatters’ area. Sa mga taon pang darating, inaasahang lalaki pa ang populasyon ng mga maralita na aabo sa 9 na milyon. Ang ganitong mga larawan ng malnutrisyon ay isang masamang pangitain sa ekonomiya at imahe ng bansa.

22 Organisasyong di-pampamahaan= Non-government Organization

Pahina 39 ng 212

E. Surrogate Ulam, Pagpag at Ibapa

Sa maraming pamilyang nakatira sa Kalakhang Maynila, mahalaga rin ang ginagampanan ng junk foods at iba pang mga pampalasa bilang pamalit ulam sa hapag- kainan (Grace at O’Keefe, 2007). Tinatawag itong mga surrogate ulam dahil hindi sila aktwal na ulam kundi mapalit ulam lamang dapat sa pansamantalang panahon. Ngunit dahil sa nagtataasang presyo ng mga bilihan, at mababang kinikita ng mga magulang at indibidwal na may mababang kasanayan sa hanapbuhay, wala silang magawa kundi gawing ulam ang mga chichirya, toyo, asin, mantika at ibapa sa kanin sa mahabang panahon. Sa halagang sampung piso, bumibili ng mga pamilyang maralita ng mga chichiryang katulad ng Lala upang ihalo sa kanin bilang tanghalian at hapunan. Ang mga pagkaing ito ayon sa Kagawaran ng Kalusugan ay sagana sa asin at mga sangkap pampalasa na wala namang naibibigay na bitamina sa katawan ng mga kumakain. Sa ilan pang kalsada at pook sa Pambansang Rehiyon ng Bansa, makikita ang ilang mga batang kumakain ng kanin na walang ulam sa mga karinderya bago pumasok sa paaralan (Alave,

2011). Ang halaga ng kanin ay kadalasang 6 hanggang 10 piso na sinasabawan ng libreng soup upang maging pampalasa na ng kanin. Dagdag pa dito, sa ibang pamilyang tunay na wala nang maipambili ng ulam, sapat na ang isang ulam pinagtitiyagaang pagkasyahin mula umaga hanggang gabi. Ayon sa mga datos ng Kawanihan ng Pananaliksik sa

Agrikultura, mataas ang lebel ng pagkonsumo ng kanin ng mga Pilipino, ngunit ang pagkain sa mga gulay at karne ng mga Pilipino ay mababa. Itinuturo ng mga pamilyang

Pilipino ang kahirapan bilang kadahilan kung bakit hindi sila makabili ng mga karne at gulay. Ito ang rason kung bakit sa marami pang mga pag-aaral at sarbey ng Social Weather

Station, karamihan sa mga Pilipino ay kulang sa mga sustansya, samakatwid, nagiging

Pahina 40 ng 212 malnourished. Samantala, marami sa mga pamilya sa Rehiyon at Gitnang Luzon ay nakukuntento na sa mantika na hinaluan ng toyo bilang pampalasa sa mga kanin.

Bukod sa mga surrogate ulam, talamak din sa ilang bahagi ng Luzon ang pagkain ng aso. Sa ilang bahagi ng Cordillera, ang aso ay kinakain bilang bahagi ng kanilang kultura at paniniwala. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang kultural na batayan sa pagkain ng aso ay nagbabago na kasabay ng daloy ng panahon (Bartlett at Clifton, 2003). Sa kasalukuyan, maraming Pilipino hindi lamang sa Cordillera ang kumokonsumo ng aso ngunit maski sa maraming lungsod sa Gitnang Luzon at sa Kalakhang Maynila. Ayon kay

Sarte (2013), kumakain ng aso ang ilang pamilyang Pilipino dahil madaling makakuha ng karne nito kumpara sa baboy at baka. Dahil sa pagiging mahal ng mga karne ng mga baboy, manok at baka mula sa mga pamilihan, minamabuti na lamang ng ilang mga Pilipino na katayin at ihain sa kanilang mga hapag-kainin ang mga asong gumagala sa kanilang mga komunidad sa kabila ng mga batas na ipinanunukala laban sa pagkain ng mga aso. Ang mga asong ito na palaboy ay mayroong mga mikrobyo na maaaring magdulot ng masamsa sinumang kakain sa kanila. Sa marami namang pook iskwater sa Kalakhang Maynila, partikular sa Tondo sa Maynila at Payatas sa Lungsod ng Quezon ay talamak ang pagkain ng mga galing sa basurahan. Tinatawag itong Pagpag. Binabalaan ng Kagawaran ng

Kalusugan at Lokal na Pamahalaan ang pagkonsumo ng mga naturang pagkain.

Gayunpaman, ang dikta ng sikmura ay mas mahalaga pa rin para sa isang taong nagugutom.

F. Bakit Maraming Pilipino ang Nagugutom?

Iba iba ang pagpapaliwanag ng iba’t ibang mga eksperto at manunulat patungkol sa sanhi at pag-iral ng kagutuman sa bansa. Ayon kay Reyes at Rivera (2013), mayroong

Pahina 41 ng 212 kaugnayan ang access sa pagkain sa layo ng isang lugar mula sa isang daklungsod23. Ang mga mamamayan sa mga malalayong pook sa bansa ay may mas mataas na propensidad na makaranas ng limitadong accessibilidad sa mga pagkain at tubig. Dahil sa kanilang layo mula sa sentro ng bansa, sila ay namamarginalisa sa mga pribilehiyong ibinibigay ng pamahalaan. Sa mga lugar na ito, bukod sa suliranin sa pagkain, ang pagkakaroon ng malinis na tubig upang ikonsumo ay isa ring mabigat na pasanin ng mga mamamayang nakatira sa mga lugar na ito. Halimbawa, sa Agusan del Sur at mga karatig pa nitong lalawigan, ang mga mamamayang nakatira sa mga ito ay dumaranas ng mabibigat na suliranin sa pagtatamo ng malilinis na tubig bukod pa sa pagkakaroon ng mga pagkain upang ihain sa kanilang mga pamilya.

Ayon naman kina Abad Santos, Edillon at Piza (2006), may direktang kaugnayan ang pagdanas ng kagutuman sa laki ng pamilya o bilang ng mga anak sa isang pamilya (na sa mas malawakang pagpapalawig, ay may direktang kaugnayan sa laki ng populasyon sa isang lugar o bansa). Sa kanilang isinagawang sarbey at pag-aaral sa tulong ng Food and

Agriculture Organization, nakuha ang mga sumusunod na mga datos ng hunger incidence sa Pilipinas:

SLIGH TO SEVERE TO NUMBER OVERALL PERHAPS MODERATE CHRONIC TRANSITORY HOUSEHOLD SIZE One to two 3.7 1.2 2.3 0.2 Three to four 6.4 1.3 4.5 0.7 Five to six 15.3 1.9 11.5 1.9 Seven to eight 28.8 2.8 21.2 4.7 Nine or more 37.4 3.0 26.2 8.1 YOUNG DEPENDENTS

23 Daklungsod= dakilang lungsod o pangunahing lungsod

Pahina 42 ng 212

None 5.3 1.6 3.3 0.4 One to two 9.8 1.8 7.1 0.9 Three to four 22.3 1.9 17.3 3.2 Five to six 45.3 1.8 32.9 10.7 Seven or more 56.3 2.5 35.3 18.5

Batay sa datos na ito, makikitang habang lumalaki ang bilang ng miyembro sa isang pamilya, mas lumalaki ang propensidad na dumanas ng kagutuman ng mga miyembro ng pamilyang yaon. Ang paglaki ng dami ng miyembro sa isang pamilya ay nagiging dahilan upang maging limitado lamang sa kanila ang nakatutuntong at nakapagtatapos ng pag- aaral. Sa paglaon ng panahon, ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay makakakuha ng mababang klase ng hanapbuhay. Humahantong ito upang maging limitado ang kanilang accessibilidad sa pagkain dahil sa mababang kita mula sa hanapbuhay na may mababang kasanayan. Sa huli, daranas sila ng kagutuman. Nangangahulugan lamang ito na hindi direktang populasyon ang dahilan kung bakit mayroon mga taong dumaranas ng istarbasyon. Ang mga elementong kagaya ng mababang edukasyon at kakulangan sa hanapbuhay na humahantong sa kawalan ng accessibilidad sa pagkain at yaman ay ang dahilan kung bakit may mga taong nagugutom. Ayon din sa kanilang pag-aaral, isang malaking kabalintuan na makitang ang mga Pilipinong mayroong permanenteng hanapbuhay ngunit kumikita ng minimum wage ang pinakanakararanas ng kagutuman at mga Pilipinong nabubuhay sa pagsasaka ay ang pinakanakararanas din ng kagutuman.

Ang pananalasa ng kagutuman sa iba’t ibang sektor sa lipunan lalo na sa mga urban poor (pati na rin sa mga rural poor) ay bunga din ng hindi epektibo, maanomalya, at mapang-aping mga polisiya ng pamahalaan na hindi tunay na nagtataguyod ng kagalingang panglahat (Chavez, Manahan at Purungganan, 2004) . Dahil sa liberalisasyon o patuloy na

Pahina 43 ng 212 pagpapaluwag ng mga taripa at polisiya ng bansa patungkol sa pakikipagkalakalan, hinahagupit ng kakapusan ang agrikultura ng bansa at ang mga mahihirap na sektor sa lipunan ay patuloy pang naghihirap. Sa katunayan, ang malaking pagbabawas ng tariff rate mula taong 1994 hanggang taong 2000 ay nagbunga ng malaking hindi pagkakapantay- pantay sa kita (income) ng mga mamamayan. Ang mga mayayaman o elitista lalo na ang mga nakikinabang sa mga kita mula sa kalakakan ay lalo pang yumayaman ngunit ang mga bulnerable at mahihirap na sektor sa lipunan ay lalo pang naghihirap. Ang malaking porsyento ng ani na pinoprodyus ng mga sakahan ay ini-export sa ibang bansa imbis na ipangkonsumo para sa mga nagugutom na Pilipino. Samakatwid, napakalaki ng papel na ginagampanan ng liberalisasyon at globalisasyon sa pagkakaroon ng mga gutom na bituka sa ating bansa.

Sa ulat na inilabas noong 2009 ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya (Asian

Development Bank), ang kawalan ng maayos na daloy ng impormasyon mula sa mga maralitang Pilipino patungong pamahalaan at iba pang kinauukulan ang isa rin sa mga itinuturong dahilan kung bakit laganap ang kahirapan at kagutuman sa bansa. Ang pagkakaroon ng isang maayos na channel o daluyan ng mga hinaing at pagsaklolo ay isang mahalagang bagay na hindi malinaw sa istraktura ng ating lipunan. Tinawag na vertical flow of information ng Bangko ang pagdaloy ng impormasyon mula sa mga kabahayan patungong lokal at nasyunal na pamahalaan. Samantala, hindi sapat na nasa ganitong anyo lamang ang desiminasyon ng mga impormasyon. Kinakailangan din daw ang isang horizontal flow of information kung saan ang mga kabahayan at nagkakaisa rin upang magkaroon ng kamulatan sa nararanasang hirap ng kanilang mga ka-lugar. Dahil ang

Pahina 44 ng 212 ganitong sistema ay hindi umiiral sa ating bansa, patuloy pa rin na naghihikahos at nangangalit ang sikmura ng maraming Pilipino.

Ang hindi maaayos na paglalaan ng national budget ng bansa ay may malaking papel din kung bakit talamak ang kagutuman sa bansa (Angeles, 2013). Sa mga nakalipas na taon, ang malaking bahagi ng kinikita ng bansa ay napupunta sa pagbabayad utang (debt servicing) at sa pagpapaunlad ng sistemang panghukbo ng bansa. Noong 2014, 791.5 bilyon piso ang ipinambayad ng utang ng bansa at sa 2016 budget proposal, sinasabing

13% ang pinaplano ng pamahalaan na ipambayad utang. Kung iisipin, ang ganitong kalaking budget ay mas tunay makatutulong ng malaki kung gagamitin na lamang ito sa pagpaparami ng hanapbuhay at pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon sa bansa. Isa ring napakainam na bagay na gamitin ito sa paglulunsad ng mga proyektong tutugon sa kawalan ng seguridad sa pagkain ng bansa.

Ssa kasalukuyan ay wala pa ring magawa ang mga pamilyang Pilipinong naghihikahos sa buhay kundi gumawa ng paraan upang mabuhay at may maipantawid gutom lamang sa araw-araw. Anumang ang panghuhusga ng lipunan, mas mahalaga pa rin ang pagtugon sa gutom na bituka. Ang mga ideya at larawang inilatag dito ay isang malaking hamon sa ating estado ang pagsupil sa iba’t ibang mukha ng istarbasyon sa bansa.

Habang patuloy na nagugutom ang milyun-milyong Pilipino, mas lalong kinakailangang maglunsad ng pamahaan ng mga agarang proyekto at kasagutan upang mawakasan ang pighati ng pamilyang Pilipino sapagkat kung hindi ito maisasagwa, ang kultura ng kagutuman ay hindi mapuputol at ito ay magpapatuloy-tuloy pa sa maraming salinlahi ng

Pilipino.

Pahina 45 ng 212

Ang Pilipinas ay hindi rin ligtas sa kagutumang dinaranas ng ibang mga estado.

Kung mayroon silang water lilies, damo, mud cookies at iba pa, sa Pilipinas naman ay laganap ang pagkain ng isa pang mukha ng istarbasyon- ang Pagpag.

Pahina 46 ng 212

KABANATA 3

METODOLOHIYA

Pahina 47 ng 212

VI. METODOLOHIYA

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito sa kabuuan ay kwalitatibo. Nangalap ng mga datos mula sa mga taong kinapanayam ang mananaliksik, at saka hinaluan ang mga datos na ito ng mga impormasyon batay sa mga naging karanasan at obserbasyon ng mananaliksik sa lugar. Upang mas maging matingkad ang resulta ng pag-aaral, gumamit ng tatlong disenyo ang pananaliksik na ito sa ilalim ng kwalitatibong pananaliksik: Ethnographic Research,

Case Study, Exploratory Research at Grounded Theory.

Ang Ethnographic Research ay isang pananaliksik na naglalayong isalarawan at ipaliwanag ang isang kultura sa isang tiyak na lugar o lipunan. Nakasentro ang ganitong uri ng pananaliksik sa kultura ng isang lugar na kakaiba kumpara sa kultura ng mas nakakarami (mainstream culture). Ang disenyong ito ay nangangailangan ng malalim, kritikal at mahabang pakikipag-usap, pakikipanayam, at pagmamasid sa mga tao ng lugar.

Sa pag-aaral na ito, naipakita ng disenyong ito na kakaiba ang kultura at pamumuhay ng mga maralitang nakatira sa mga slum areas kumpara sa mga tao ng mas nakaririwasang bahagi ng mga lungsod.

Ang Case Study naman ay isang komprehensibo at malalim na pag-aaral patungkol sa isang phenomenon o isyu. Ayon kay (Baxter & Jack, 2008), nakatutulong ang Case

Study upang mapakitid ang isang malawak na isyu. Sa paraang ito, mas naipapakita kung angkop bang gamitin bilang framework ang isang modelong teorya. Sinasagot ng disenyong ito ang mga katanungang sino, ano, paano, kelan at saan. Bagamat hindi nito napupunan ng sagot ang katanungang “bakit,” nakapaglalarawan naman ito ng maigi

Pahina 48 ng 212 patungkol sa isang kapangyayarian (phenomenon) na may kaugnayan sa mga kondisyong panlipunan at iba pang mga variable na nakapaligid sa mga tao. Sa pag-aaral na ito, pumili ng apat na malalalaking slum areas ang mananaliksik kung saan kumuha ng mga maralitang isinailalim sa isang malalim na pakikipanayam.

Sa mga bagong pag-aaral naman na katulad nito, makatutulong ang Exploratory

Design upang makapaglatag ng pinakamabisang approach o kapamaraanan sa pagsusuri ng paksang ito. Ang sentro ng disenyong ito ay ang pagkakaroon ng pamilyaridad at paunang pagkilala sa kalagayan ng isang lugar. Sa paraang ito, ay nagkakaroon ng mga ideya at kaisipan ang mananaliksik kung paano gagawin ang mga hakbangin sa pananaliksik patungkol sa isang phenomenon sa lugar. Sa pag-aaral na ito, nakatulong ng malaki ang pagkokondukto ng obserbasyon sa pagpapalawak ng pamilyaridad sa mga napiling lugar.

At dahil layunin din ng pananaliksik na ito na makalikha ng mga bagong ideya, kaalaman, konsepto at pagtingin patungkol sa pagpa-Pagpag at ang mga kadahilanang nagtutulak sa mga maralita upang kumain ng Pagpag, ginamit ang Grounded Theory upang makamit ang mga hangaring ito. Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay dumaloy sa pamamagitan ng walang humpay na pagkakalap ng mga datos na maaaring makuha ng mananaliksik sa mga areas. Sa huli, ang mga datos ay lumikha ng mga trends o patterns na silang naging batayan ng mga bagong teorya sa pag-aaral na ito

B. Instrumento

Sa pananaliksik na ito, ginamit ang proseso ng Triangulation upang mapag-ugnay- ugnay o mapagbangga-bangga ang mga impormasyong nakuha patungkol sa paksa. Ang

Pahina 49 ng 212 tatlong pamamaraan na ginamit upang makalap ang mga datos ay ang mhga sumusunod:

1.) Pagkuha ng mga datos mula sa mga maralitang tagalunsod na kumokonsumo at nangangalakal ng Pagpag; 2.) Pagkuha ng mga datos mula sa mga Key Informant at 3.)

Participatory Observation o aktwal na partisipasyon sa mga gawain ng mga nagpa-Pagpag.

Isinagawa ang Triangulation hindi lamang upang suriin kung tama ang nakuhang mga datos ngunit upang ipinta rin ang kabuuang larawan ng kagutuman at kahirapan ng mga lugar batay sa iba’t ibang anggulo at perspektibo. Sa paraan naman kung paano isinagawa ang aktwal na pagkuha ng mga datos, narito ang pagpapaliwanag sa mga intrumentong ginamit ng mananaliksik.

Sa isang pananaliksik na katulad nito, hindi matatawaran ang kahalagahan ng pakikipanayam upang makuha ang mga datos na kinakailangan. Sa pamamagitan ng epektibo at malalim na pakikipanayam na nakabatay sa mga konsiderasyong pang-etika, naitala ang mga perspektibo, damdamin, hinaing at iba pang mensahe at saloobin ng mga kinakapanayam. Bukod sa pakikipanayam, ginamit din ng mananaliksik ang questionnaire upang makuha rin ang mga datos mula sa mga mamamayan na hindi kayang gumamit ng berbal o talastasan upang masagutan ang mga katanungang kinakailangan ng pag-aaral. Sa tulong ng pagkokondukto ng mga questionnaire ay naging mas pribado ang mga impormasyong nakuha mula sa mga mamamayan sa mga pook iskwater na ito. Dagdag pa rito, naging mas malaya sa pagbubukas ng kanilang mga saloobin ang mga kinapanayam.

At panghuli, tinangka din ng pananaliksik na ito na magpakita ng bilang ng mga kumakain ng Pagpag mula sa mga lugar na sentro ng pananaliksik. Kaugnay ng pagsasagawa ng panayam, gumamit din ang mananaliksik ng Focus Group Discussion upang sabayang makuha ang kabuuang impormasyon at saloobin ng mga taong nakatira sa lugar. Sa

Pahina 50 ng 212 pamamagitan nito, nakuha agad ang mas maraming impormasyon mula sa mga tao sa kaunting panahon lamang.

Gayunpaman, mahalagang makumpirma ang mga impormasyong makukuha sa

FGD sa pamamagitan ng pagsasagawa ng KII o Key Informant Interview. Ang mga napiling maging mga Key Informant Interviewee ng pananaliksik ay ang mga taong lubos na nakaaalam sa lugar at pamumuhay ng mga mamamayang maralita. Ilan sa mga kinapanayam ay ang mga taong may katungkulan sa lugar katulad ng punungbarangay, kagawad, at iba pa. Bukod dito, ang mga Key Informant din ay ang mga lubos na may kadalubhasaan sa paksa at sa mga larangang may kaugnayan sa paksa. Sila ay mga eksperto sa Food Poverty at Nutrition, Medisina, Economics, at Behavioral Science.

Panghuli, napakalaki rin ang naiambag ng participatory observation o partisipasyon habang nagmamatyag. Sa prosesong ito, ay nakalikha ng trend o pattern ng isang kapangyayarian (phenomenon) ang mananaliksik. Sa pag-aaral na ito, nakatulong ang pagmamatyag upang maunawaan ng mananaliksik ang likas na takbo ng kalakaran ng

Pagpag sa mga komunidad na sentro ng pananaliksik. Bukod dito, ang pagsasagawa rin ng participatory observation ay isang napakahalagang anyo ng observation. Sa pamamagitan nito ay hindi nailang ang mga tao sa ginagawang pag-aaral ng mananaliksik. Nagresulta ito sa paglitaw ng mga pinakapurong datos patungkol sa mga gawi ng mga mamamayan sa lugar, at hindi artipisyal na datos lamang ng kanilang mga kilos at gawi.

Pahina 51 ng 212

C. Pinanggalingan ng mga Datos

Ang iba’t ibang datos ng pananaliksik na ito ay hango mula sa iba’t ibang institusyong nakapagpayaman pa ng higit sa kaalaman patungkol sa Pagpag at sa mga bagay na may kinalaman o relasyon dito.

Una, tinungo ng mananaliksik ang tanggapan ng Social Weather Station upang mangolekta ng mga datos patungkol sa dami ng mga taong nagugutom sa bansa partikular sa Kalakhang Maynila. Sa pagtungo sa tanggapang ito ay nakalap ang mga datos patungkol sa hunger incidence at poverty rate. Upang mas mapalawig pa ang pag-aaral, tumungo rin ang mananaliksik sa isa sa mga bantog na pamahayagan sa bansa, ang GMA Network, upang makahingi ng mga dokyumentaryo at iba pang esensyal na bagay na may kinalaman sa pagpa-Pagpag sa bansa. Naging mahalaga ang pag-iintegra ng mga impormasyong nakalap dito sa pagpapalalim ng pag-aaral na ito patungkol sa Pagpag.

Ikatlo, tumungo ang mananaliksik upang kumuha ng mga datos patungkol sa epekto sa kalusugan ng pagkain ng Pagpag sa mga sumusunod na institusyon: Kagawaran ng

Kalusugan (Department of Health), dalawang Lokal na Ospital (Gat Andres Bonifacio

Medical Hospital at Tondo Medical Center) at Manila City Health Department. Naging isang magandang istratehiya ang pagbisita at pakikipanayam sa mga kawani ng mga nabanggit na institusyong ito sapagkat nakapagbigay sila ng mga kasagutan sa mga katanungan hinggil sa kalakaran ng pagpa-Pagpag at ang epekto ng mga ito sa kalusugan ng mga kumakain nito.

Bukod sa mga nabanggit, nagsagawa rin ng panayam ang mananaliksik sa mga eksperto sa larangan ng Food Poverty, Nutrition, Economics at Behavioral Science mula sa iba’t ibang mahuhusay na pamantasan sa bansa. Kinapanayam sa Unibersidad ng

Pahina 52 ng 212

Pilipinas-Diliman si Prof. Christle Cubelo patungkol sa aspetong pang-nutrisyunal ng pag- aaral; Para naman sa larangan ng Ekonomiks ay kinapanayam si Prof. Chester Arcilla; at si Prof. Andrea Martinez naman para sa aspetong behavioral. Mula sa mga ekspertong ito ay nakalap din ang iba’t ibang prinsipyo at konsepto patungkol sa kahirapan, kagutuman, at Pagpag. Ang mga ideyang nakuha mula sa kanila ay isinama rin sa iba pang mahahalagang datos na nakalap na upang mas maging matatag ang mga teorya ng pananaliksik na ito.

Pinuntahan din ang mga sumusunod na institusyon: Mga Lokal na Pamahalaan ng

Maynila at Lungsod ng Quezon, Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad

(Department of Social Welfare and Development), at Pambansang Komisyon Laban sa

Kahirapan (National Anti-Poverty Commission). Layunin ng mananaliksik na malaman ang mga opinyon at pagtingin ng mga kawani ng mga nasabing tanggapan patungkol sa pagkakaroon ng pagpa-Pagpag sa bansa.

At panghuli, nangalap ng mga mahahalagang datos ang mananaliksik mula sa mga libro katulad ng mga diksyunaryo, encyclopedia, almanacs, at iba pa. Mahalaga rin ang mga datos na nakuha mula sa mga artikulo sa mga journal, magasin, pahayagan, at iba pang mga inilimbag na materyales. Isa ring napaka-importanteng batayan ng pag-aaral na ito ang mga datos ng mga tesis at disertasyon, at iba pang mga papel ng pananaliksik. Ang lahat ng materyales na ito ay nakapagpatingkad sa mga kaalaman na kinakailangan ng pananaliksik na ito.

Pahina 53 ng 212

D. BALANGKAS PANGTEORYA

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng limang teorya upang maisalarawan, maipaliwanag at matugunan ng maigi ang mga layunin ng pag-aaral na ito. Ang mga teoryang ito ay malalawak ang saklaw at makakatulong ng maigi sa pagpapatalos sa mahahalagang ideya ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng limang magkakaugnay na mga teoryang ito, naitatag ng mananaliksik ang isang matibay na banghay upang maisalarawan ang kalikasan ng kultura ng pagpa-Pagpag sa mga pook urban sa Kalakhang Maynila sa bansa.

Ang Structural Violence Theory 24ay ginamit ng pananaliksik na ito upang mailantad ang maanomalyang pagkaka-organisa ng lipunan na siyang nagdudulot sa mga maralita upang magutom at mapilitang kumain ng mga Pagpag. Ayon sa teoryang ito, ang mga taong napapahamak o nalalagay sa alanganin sa konteksto ng pananaliksik na ito ay ang mga mahihirap at ito ay bunga ng isang ma-anomalyang anyo o istruktura ng lipunan.

Tinawag na structural ang karahasang ito sapagkat hindi maiuugnay ang karahasan sa mga pisikal na tao o grupo ng mga tao. Ang karahasang ito ay bunga ng pagkakalatag ng anyo ng pulitika at ekonomya sa lipunan na nagdudulot upang malimita ang “choice” ng maraming maralita sa pagkakamit ng mga pangunahing pangangailangan nila. Sa

Structural Violence ay konektado rin ang konsepto ng Economic Determinism ni Karl Marx na nagsasabing ang antas ng pamumuhay o ang katanungang “Nakanino ang yaman at makinarya sa lipunan?” ang nagdidikta sa magiging kalagayan sa lipunan ng isang

24 Ang Structural Violence Theory ay unang ginamit ni Johan Galtung noong 1969 sa kanyang aklat na pinamagatang Violence, Peace and Peace Research.

Pahina 54 ng 212 mamamayan. Ang usapin nang pamumuno ng may mas malakas na kontrol sa yaman ay isang structural problem sa halos lahat ng lipunan sa daigdig.

Bukod dito, ang pagsasa-alanganin ng grupo ng mga tao sa lipunan ay bunga rin ng kanilang mga katangian o kalagayan na ginagawang basehan upang imarginalisa sila o pigilan sila ng lipunan na magkaroon ng accesibilidad mula sa mga oportunidad, at serbisyong dapat nilang tinatamasa. Ang mga katangian at kalagayang ito ay ang kanilang pisikal na kaanyuhan, edad, kasarian, edukasyon, lahi, pangkat ethniko, kasanayan, at antas ng pamumuhay sa lipunan. Ipinapaliwanag naman ito ng Intersectionality of Social

Exclusion25 na pangalawang teoryang konektado rin sa Teoryang Structural Violence.

Ang teoryang ito ay nabuo mula sa dalawang konsepto, ang Intersectionality at

Social Exclusion. Ang Social Exclusion o panlipunang diskriminasyon ay kadalasang organisado: nangangahulugang ang napagkakaitan ng karapatan o oportunidad ay mga taong may pare-parehong kalagayan o katangian. Halimbawa, sa Pilipinas, marami sa mga hindi nabibigyan ng maayos na hanapbuhay ay yaong hindi nakakasampa ng hayskul at kolehiyo. Gayundin naman ang mga maralitang hindi gaanong kaaya-aya ang pisikal na kaanyuhan, na hindi rin nabibiyayaan ng pagkakataong makapag-hanapbuhay ng maayos.

Ayon sa Intersectionality, ang mga mapang-aping institusyon sa lipunan at ang samu’t saring anyo ng pangdidiskrimina ay magkaka-ugnay at hindi masasabing magkakahiwalay.

Ayon pa rito, ang mga bayolohikal, panlipunan at pangkultural na batayan ng pagmamarginalisa- kasarian, lahi, edad, antas ng pamumuhay, relihiyon, ay konektado sa bawat isa at hindi maaaring aralin ng magkakahiwalay. Ang lahat ng paraan ng pagtatangi

25 Ang Intersectionality naman ay isang konseptong unang ginamit ng isang dalubgurong Amerikanong si Kemberle Crenshaw noong 1989.

Pahina 55 ng 212 sa lipunan ay nagbubunga sa panlipunang hindi pagkakapantay-pantay o social injustice na nagpapahirap sa maraming tao. Nangangahulugan na ang intersectionality of social exclusion ay isang teorya na nagsasabing ang mga kapamaraanan ng pagmamarginalisa batay sa kasarian, lahi, edad, antas ng pamumuhay, relihiyon, ay magkakasamang ginagamit na batayan ng mga mapang-aping institusyon sa pagtatangi at pagmamarginalisa ng mga tao. Halimbawa, ang ilang mga maralitang Pilipino ay may-edad na (edad), hindi nakapag-aral (edukasyon), at mahihirap pa (antas ng pamumuhay). Dahil dito sa kanilang kalagayan, mas higit pa silang napagkakaitan ng maraming oportunidad sa lipunan.

Upang maipaliwanag naman ang basehan sa pagkain ng Pagpag mula sa perspektibo ng mga maralita ay ginamit ding balangkas pangteorya ang Teoryang

Hierarchy of Needs26 na unang iminungkahi at pinaunlad ni Abraham Maslow noong 1943 sa kanyang inilimbag na manyuskripto na pinamagatang A Theory of Human Motivation.

Lumikha si Maslow sa kanyang teoryang ito ng isang “tagilo” o pyramid kung saan nakasaad ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat indibidwal. Ayon kay Maslow, kinakailangan munang mapunan ang pangangailangan ng isang indibidwal mula sa pinakamababang lebel ng tagilo pataas sa rurok nito. Ang mga pangangailangang ito na nasa pinakamababang lebel ng tagilo ay ang mga pisiyolohikal na pangangailangan upang mabuhay. Kapag napunan ang mga pangangailangang ito, saka pa lamang maaaring matugunan ang mga needs na nasa itaas ng piramid. Narito ang tagilo na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod na pangangailangan ng mga indibidwal ayon kay Maslow.

26 Bagamat unang iminungkahi ni Maslow ang kanyang Hierarchy of Needs sa kanyang manyuskriptong A Theory of Human Motivation, pormal naman niyang inilimbag ang kanyang mga prinsipyo patungkol dito sa kanyang aklat na pinamagatang Motivation and Personality noong 1954.

Pahina 56 ng 212

Ang bahagdan ng mga pangangailangan ng isang indibidwal ayon kay Abraham

Maslow

Ang apat na baitang na nasa pinakailalim ng piramid ay ang tinatawag na mga deficiency needs (D-needs), mga pangangailangan mula sa kakulangan. Kailangang masuplayan ang mga needs na ito bago tumuntong sa pinakamataas na pangangailangan, ang self actualization na isang growth needs. Ang mga growth needs ay mga pangangailangan na hindi bunga ng kakulangan, bagkus ay bunga ng pagnanasang mas umunlad pa bilang indibidwal ng isang tao. Dahil kailangang mapunan ng mga maralita ang kanilang pisiyolohikal na pangangailangan sa pagkain, kahit na marumi ang Pagpag ay handa pa rin nila itong kainin. Dahil hindi rin ganap na natutugunan ang kanilang pangangailangan sa mahusay na pagkain, hindi gaanong napapansin ng mga maralita ang iba pa nilang pangangailangang katulad ng self-esteem at self-actualization.

Sa pananaliksik na ito, nakatulong din ang phenomenological approach sa pagpapaliwanag at pagsasalarawan ng epekto sa Sikolohikal at dimensyong pang-kaasalan

Pahina 57 ng 212 ng mga nagpa-Pagpag sa mga pook iskwater. Ang kanilang lipunan ay binubuo ng mga bagay (objects) at mga pangyayari (events) na silang nagbibigay karanasan sa mga mahihirap. Nangangahulugan lamang ito na sa teoryang ito, ang unit of analysis ay ang

“indibidwal” (maralita). Ayon kay Edmund Husserl na unang gumamit at nagpaunlad ng approach na ito noong 1905, tanging ang mga taong nasa isang lugar lamang ang makapagpapaliwanag ng maayos patungkol sa isang kaganapan sa kanilang lugar. Tinawag niya ang anyo ng pagpapaliwanag na ito na “point of view of the insiders.” Samantala, ang mga mamamayan naman na nasa labas ng lipunan o lugar na yaon ay mga “outsiders.” Sa tulong ng kapamaraanang ito, naipinta ng mananaliksik ang isang larawan ng abang kabahayan na walang magawa kundi kumain ng anumang bagay na madaling makuha sa kanilang kapaligiran, ang Pagpag. Ang batayan ng pag-aanalisa gamit ang teoryang ito ay ang mga personal na karanasan, isipin, damdamin, perspektibo at iba pa ng mga taong naninirahan sa isang lugar na hindi alam ng mga taong nasa labas ng kanilang mundong ginagalawan. Ang ganitong mga personal na karanasan ay unang tinawag na Lebenswelt

(Life World) ni Edmund Husserl (1927) sa kaniyang akda na pinamagatang

Phenomenology. Ang tanging paraang upang makalikha ng isang komprehensibong paglalahat ang isang mananaliksik gamit ang teoryang ito ay sa pamamagitan ng pakikipanayam at pagsisiyasig (observation) upang makuha ang iba’t ibang pananaw ng iba’t ibang tao sa parehas na instansiya at karanasan.

Dahil sa kanilang kapaligiran kung saan nakakakuha ng mga pagpapakahulugan patungkol sa maraming bagay ang mga mahihirap na ayon nga sa Phenomenological

Pahina 58 ng 212

Approach, nagkakaroon ng tinatawag na Subculture of Poverty27 ang mga maralita. Ayon kay Oscar Lewis na unang gumamit ng teoryang/terminong ito, bunga ng kahirapan ay natututunan ng mga maralita ng isang paraan upang mabuhay (way to survive). Ang pamumuhay na ito ay masalimuot nga lamang dahil ito’y bunga ng kahirapan. Sa paglaon, ang pamumuhay na ito ay nagiging isang sub-kultura ng grupo ng mga taong ito, ang mga maralita. Ang katangian ng subculture na ito ay naiiba (kumpara sa mga nasa labas na kultura), semi-isolated at self-perpetuating. Dagdag pa ni Lewis, ang pamumuhay sa mahihirap na sub-kulturang ito ay may mga sumusunod na katangian: kawalan ng lakas ng mga tao, kawalan ng pag-asang makalaya mula sa hirap, pagiging palaasahin ng iba, at pagiging marginalisado sa maraming oportunidad at serbisyong panlipunan. Sa ganitong uri ng sub-kultura, ang mga mamamayan ay naka-tuon lamang sa kanya-kanyang indibidwal na pangangailangan at hindi sa kolektibong kamalayan upang maka-alpas sa kahirapan. Samakatwid, nagsisimula ang kahirapan at kagutuman mula sa ilang pamilya na magkakaanak sa hinaharap. Ang mga anak na ito ay magkaka-anak rin na siyang magpapamilya din sa marami pang mga dekadang darating. Lahat ng henerasyong ito iba- iba man ang kapanahunan ay makararanas ng paghihirap. Samakatwid, magkakaroon ng

Cycle of Deprivation, na nagsasabing magpapatuloy pa ang kagutuman at kahirapan sa marami pang salinlahi (generation) dahil sa maraming elemento at aspetong umiiral sa kasalukuyang sistema.

Panghuli, gagamiting din ng pananaliksik na ito bilang balangkas na teorya ang

Human-Rights Based Aproach to Food and Nutrition Security. Ang teoryang ito ay kakaiba

27 Ang konsepto ng Sub-Kultura ng Kahirapan ay unang ginamit at pinaunlad ng Amerikanong Anthropologong si Oscar Lewis noong sa kanyang aklat na pinamagatang Families: Mexican Case Studies in the Culture of Poverty noong 1959.

Pahina 59 ng 212 sa ibang mga kapamaraanan ng pagpapaliwanang patungkol sa kawalan ng seguridad sa pagkain ng bansa. Sa ilalim ng teoryang ito, pinakabinibigyang diin ang karapatan ng tao na magkaroon ng pagkain at inoobliga nito ang pamahalaan at anumang institusyong obligado sang-ayon sa batas upang gumawa ng paraan upang magtamo ng tama, ligtas at sapat na pagkain ang mga mamamayan. Ayon sa approach na ito, hindi naman nangangahulugan na karapatan ng bawat mamamayan na humingi ng pagkain sa pamahalaan, sapagkat ang tungkuling palawigin ng pamahalaan ay ang right to adequate food, hindi right to be fed. Ayon sa approach na ito, ang right to adequate food ay nangangahulugang tungkulin ng pamahalaan na magtaguyod ng isang kapaligiran kung saan lahat ng maralita ay magkakaroon ng sapat at pantay na kapamaraanan upang magtamo ng pagkain. Ayon pa rito, nasa mga kamay ng pamahalaan ang susi upang iwaksi ang mga pumipigil na elemento sa mga maralita upang magkaroon ng accesibilidad sa sapat, nakalulusog, at ligtas na pagkain. Sa kabuuan, nais bigyang diin ng approach na ito na napalaki ng ginagampanang responsibilidad ng mga namumuno sa isang bansa upang tiyakin na ang lahat ng nasasakupan nito anuman ang kanilang mga edad, kasarian, relihiyon, antas ng edukasyon at pamumuhay, at ethniko ay nagiging bahagi ng pag-unlad ng bansa at sila ay nagtatamasa ng kanilang mga pangunahing pangangailangan lalo na ang pagkain.

Pahina 60 ng 212

E. BALANGKAS PANGKONSEPTO

Kakulangan sa mga Proyektong tutugon Kawalan ng Epekto ng Mga sa pangangailangan sa Hanapbuhay at Mayayamang Tao pagkain Mapagkakakitaann sa mga Maralita

Kawalan ng

matatag na MARALITANG Overconsumptio Edukasyon MAMAMAYANG n and Wasting NAKATIRA SA MGA URBAN NA KOMUNIDAD

KAWALAN NG ACCESSIBILITY SA LIGTAS, SAPAT AT NAKALULUSOG NA PAGKAIN

KAGUTUMAN SA BAWAT ARAW

PAGKAIN NG PAGPAG

Epekto sa Pinang- Pamumuhay gagalingan ng Pagpag

 Epektong Pangkalusugan  Fast Food Chains

 Epektong Pang-  Mga Kabahayan Impormal na  Pamilihan at iba Ekononiya pang kainan  Epekto sa behavior (karinderya, street na dimensyon at stores, at ibapa) pangsikolohikal

Pahina 61 ng 212

Pagpapaliwanag sa Balangkas Pangkonsepto:

Sa balangkas na ito, makikita ang daloy ng kalakaran ng Pagpag sa mga purok maralita. Ang mga ay nagpapakita ng mga elementong nagpapanatili sa isang mahirap na tagalunsod upang manatiling mahirap. Ayon sa Intersectionality of Social Exclusion, walang makapagsasabi kung alin sa mga elementong ito ang mauunang makakaapekto sa isang urban poor upang maging/manatiling mahirap ngunit tiyak na ang pinagsama- samang elementong ito (e.g. kawalan ng matatag na edukasyon, konsentrasyon ng yaman sa iilang tao) ang nagiging malaking dahilan upang siya ay manatiling naghihikahos sa buhay. Ayon din sa Structural Violence Theory, ang ganitong mga mga suliranin ay karaniwan nang nagaganap sa isang lipunan dahil sa paraan ng pagkaka-organisa ng pampulitika at pang-ekonomiyang aspeto ng lipunan.

Ang lahat ng nabanggit na elementong ito ay nagiging dahilan kung bakit nakararanas ng kahirapan sa araw-araw na pamumuhay ang mga Pilipino at hindi rin lalaon, ang kahirapan ay hahantong sa istarbasyon. Dahil sa araw-araw na kagutuman o istarbasyon ng mga Pilipino, sila ay walang magawa kundi kumain ng mga pagkaing mula sa basurahan na tinatawag na Pagpag. Ayon sa Phenomenological Approach, nagiging isang natural nang pamumuhay para sa mga maralitang Pilipino ang ganitong mga karanasan, at bukod tanging sila-sila lamang ang nagkakaintindihan sa ganitong mga gawi.

Ang mga nasa “labas” ng kanilang “lipunan” ay hindi makakaunawa sa kanilang pamumuhay na maaari pang mamukol ng mga pamumuna at pangungutya. Samakatwid, ayon sa konsepto ng Subculture of Poverty, ang ganitong mga pangyayari ay lumilikha ng mga sub-kultura ng kahirapan ng mga maralitang tagalunsod na siya rin namang maipapasa nila sa mga susunod pang henerasyon ng kanilang lahi.

Pahina 62 ng 212

Sa madaling sabi, ang kahirapang nararanasan ng mga Pilipinong maralita ay maiuugat sa mga nakaraan pang karanasan ng kanilang kanunununuan (na ayon nga sa

Subculture Theory of Poverty). Ang mga kapanahong (contemporary) mahihirap na tagalunsod at ang mga susunod pa na henerasyon ay gagawa ng paraan upang maibsan ang nagugutom nilang mga bituka kaya’t kumakain/kakain sila ng Pagpag. Makararanas sila ng mga suliraning pangkalusugan ngunit hindi na nila ito gasinong iindain sapagkat natutugunan ng Pagpag ang pisiyolohikal nilang pangangailangan (na pagkapawi nga ng gutom) ayon sa Hierarchy of Needs at sa pagdaloy pa ng panahon, ito na ang kanilang kinamumulatan.

F. Saklaw at Hangganan

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa apat na barangay sa Kamaynilaan- tatlong mga barangay mula sa Tondo at isa mula sa Lungsod ng Quezon. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Barangay 105 (Helpingland/Happyland), Barangay 128 (Smokey Mountain),

Barangay 129 (Daungan), at Barangay Payatas sa Lungsod ng Quezon. Pinili ang apat na barangay na ito sapagkat pinakatalamak at pinakatanyag ang pagkain at pagbebenta ng mga

Pagpag sa mga lugar na ito. Ang pananaliksik ay ikinondukta sa mga maralitang tagalunsod

(urban poor) na kumokonsumo at nagbebenta/nangangalakal ng Pagpag sa mga nabanggit na lugar. 100 indibidwal-25 indibidwal na kumakain ng Pagpag mula sa bawat barangay ang kinuhang sample (consumer), at 10 indibidwal din na nagbebenta ng Pagpag ang kinapanayam at sinagawan ng pagsasarbey upang makuha ang mga datos na kinakailangan.

Ang pag-aaral na ito ay tumagal ng 5 buwan, mula Disyembre taong 2015 hanggang Abril taong 2016.

Pahina 63 ng 212

Nakatuon lamang ang pag-aaral na ito sa pagpapatunay sa existensiya ng pag-iral ng pagpa-Pagpag, paglalahad ng mga salik o elementong tumutulak sa mga urban poor upang kumain at magbenta ng Pagpag at pagsusuri sa mga implikasyon ng pagpa-Pagpag sa kanilang pamumuhay. Sa konteksto ng pananaliksik na ito, ang pamumuhay ay nakalimita lamang sa 3 salik: (1) dimensyong pang-Kalusugan at (2) pang-Sosyolohikal ng mga maralita at sa (3) kanilang pamumuhay sa pang-Impormal na Ekonomiya sa kanilang mga lugar.

Pahina 64 ng 212

KABANATA 3

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS

Pahina 65 ng 212

VII. PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS

Sa seksyong ito, ilalahad ng mananaliksik ang lahat ng mga datos na nakalap patungkol sa paksa. Una munang ilalahad sa unang bahagi ng seksyong ito ang mga nakuhang datos na maglalarawan sa lipunang ginagalawan ng mga maralitang tagalunsod.

Mahalaga ito sapagkat ang mga katangian ng lipunan ng mga maralita ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya’t nagpapatuloy ang kalakalan ng pagpa-Pagpag. Pagkatapos nito, sa ikalawang bahagi ng seksyong ito ay susuriin naman ng maigi ang Pagpag (mga pagkaing naalikabukan na o nadumihan na) at ang mekanismo ng pagpa-Pagpag. Sa pangatlong bahagi, ilalatag naman ang mga kondisyon ng mga maralitang nagtutulak sa kanila28 upang kumain ng Pagpag. Kasama rin sa bahaging ito ang pag-aanalisa patungkol sa implikasyon ng pagpa-Pagpag sa kalusugan, panlipunang persepsyon ng mga maralita, at sa impormal na ekonomya ng mga lugar na napili ng pananaliksik. Wawakasan ang seksiyong ito sa pamamagitan ng pagtatalakay sa right to food at ang kaugnayan nito sa pag-iral ng Pagpag.

A. Buhay Maralita: Pagkagapos sa Lipunang mapaniil

Hindi maikakailang nakalagak sa mga lumang manyuskripto at babasahing pangkasaysayan ang napakahalagang papel na ginampanan ng distrito ng Tondo sa paghuhunos ng Kasaysayan ng Pilipinas. Kilala ang distrito noong panahon ng mga ninuno sa mayayamang hiyas, hayop, halaman, at perlas. Ang mga bantog na bayaning “ama” ng makapangyarihang kaharian ng Tondo ay sina Rajah Soliman at Rajah Matanda na silang nagpayabong sa antas ng pamumuhay ng mga Pilipinong taga-Tondo. Ngunit dahil sa

28 PAALALA: Ang mga pangalang ginamit sa pananaliksik na ito ay hindi tunay na pangalan ng mga nakapanayam.

Pahina 66 ng 212 patuloy na urbanisasyon sa lugar at patuloy na pagdagsa ng maraming mamamayan sa distrito na napasimulan na noon pa lamang panahon ng mga Kastila, ang kinikilalang kaharian ng mga maharlika at magigiting na Pilipino sa pusod ng Maynila ay isa nang distrito ng mga iskwater at maralitang Pilipino. Sa bahagi ng Tondo na malapit sa pier ay matatagpuan ang libo-libong pamilyang nakatira sa mga eskinita, lansangan, likuang-daan at pinagtagpi-tagping kabahayan. Ang ganitong larawan ng kahirapan ay nakapinta rin sa

Barangay Payatas sa Lungsod ng Quezon kung saan kalunos-lunos din ang pamumuhay sa araw-araw ng mga maralitang Pilipino.

Sa mga pook iskwater na ito ay nasaksihan ng mananaliksik ang maraming basurang nagkalat sa mga likuang daan at eskinita. Ang mga di kanais-nais na amoy ay siya ring pumapalibot sa buong lugar na humahalo sa makakapal na usok na Larawan #1: Mga Bata sa Lipunan ng Maralita sa Helping Land, Barangay 105 nagmumula sa mga tsasakyan at dambuhalang trak na rumaragasa sa mga malalaking kalsada. Nagmumula ang masangsang na amoy sa mga basurang organiko29 na kung hindi galing sa mga tira-

29 Organiko=galing sa may-buhay (hayop, halaman, tao)

Pahina 67 ng 212 tirang ulam na katulad ng manok, baboy at gulay na dumadaan sa proseso ng putrefaction30, ay galing sa mga dumi ng tao at hayop na umaalingasaw sa lugar. Sa dibisyon ng Helping

Land sa Barangay 105, ay mistulang bundok ng mga agnas agnas na tira-tirang pagkain at luray-luray na mga lata at plastic cups ang lugar. Makikita rito ang maraming batang edad

12 pababa na masayang naglalaro at nagpapagulong-gulong sa mga bundok ng basura.

Hindi nila alintana ang mga mikrobyong maaari nilang makuha sa mga ito, malamang dahil sa hindi pagkaalam.

Larawan #2: Kababaihan at Pagbabasura sa Barangay Payatas Dahil sa anyo ng kapaligiran, pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan dito ang pagbabasura upang mabuhay sa araw-araw. Sa Barangay Payatas, makikita ang maraming ina na nagbabanlaw at nagbibilad ng mga plastik bag sa bubong at bintana upang makatulong sa paghahanapbuhay ng kanilang mga asawang sila namang namumulot ng mga basura at namamagpag mula sa landfill. Lupang Pangako ang tawag ng mga residente

30 Ang putrefaction ay isang proseso kung saan naaagnas o nabubulok ang isang organikong bagay at kadalasang naglalabas ng masamang amoy.

Pahina 68 ng 212 sa pinakamataas na bahagi ng landfill sa Payatas, sapagkat dito nila nakukuha ang kanilang mga pangangailangan.

Bukod sa mga magulang, marami ring mga bata ang tumutulong sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pamumulot din ng mga basura sa Payatas. Napansin ng mananaliksik na habang siya ay papalapit ng papalit sa landfill ay padumi ng padumi ang pisikal na anyo ng mga bata. Ang bubundok ng basurang kagaya sa Helping Land at

Payatas ay makikita rin sa Smokey Mountain sa Tondo. Ayon sa mga residente ng Smokey

Mountain, tinawag ang lugar sa pangalang ito dahil noong araw ay maya’t maya ang pagkakaroon ng usok mula sa landfill bunga ng mga maliliit na pagsabog mula sa mga gas31 na nagmumula sa mga naiipon na bundok ng basura. Bukod sa mga usok na ito ay napakarami rin ng langaw sa landfill, dahilan ito kaya karamihan sa mga scavenger na nagtatanghalian sa bundok ng basura ay nagkukulambo upang hindi dumugin ng langaw ang kanilang kinakain.

Sa pook na ito ng mga maralita, hindi rin bago ang pagiging bukas ng mga lugar sa iba’t ibang anyo ng polusyon at maruruming hangin. Bukod sa mga nagkalat na basura at polusyon, talamak din ang maraming anyo ng kriminalidad sa mga pook iskwater na ito bunga ng mababang antas ng edukasyon ng maraming kabataan. Sa paglalakad-lakad ng mananaliksik, nasaksihan ng kanyang mga mata ang iba’t ibang anyo ng bisyo ng mga kabataan lalo na sa pagsapit ng alas-6 ng gabi-solvent, rugby, droga at ibapa. Ayon kay

Kloppers (2014), ang paggamit ng mga droga at iba pang mga anyo ng bisyo ay isang manipestasyon ng kagustuhang tumakas o escapism mula sa reyalidad na maaaring mapait

31 Methane ang tawag sa mga gas na lumalabas mula sa mga basurahan (Brown, 2011).

Pahina 69 ng 212 para sa isang indibidwal. Maiuugat ang ganitong mga kilos at gawain mula sa mga kabiguan sa buhay, maaaring mula sa pamilya, sa pag-aaral o iba pang kadahilanan. Bukod sa pagiging isang paraan ng pagtakas mula sa reyalidad, ang kalakalan ng mga ipinagbabawal na droga ay isinasagawa rin bilang kabuhayan ng ilang pamilya sa lugar dahil sa kawalan ng disenteng hanapbuhay na tutulong sa kanilang pamilya.

Kalunos-lunos din ang kalagayan ng mga kabahayan sa mga pook iskwater na ito. Nanggigitata at gawa mula sa mga pinagtagpi-tagping mga yero at marurupok na kahoy ang tahanan ng mga pamilyang maralita sa mga lugar na ito.

Siksikan ang mga miyembro ng pamilya na nakatira sa Larawan #3: Mga Kabahayan sa Aroma, Barangay 105 ilalim ng isang bubong na minsa’y matatagpuan malapit sa ilog. Magkakadikit din ang bawat kabahayan. Minsan nang nagkaroon ng sunog sa mga bahay ng mga iskwater sa

Barangay Payatas ngunit nasupil din agad ang apoy. Ayon sa mga residente sa lugar, kung hindi agad naagapan ang apoy, marahil sa kasalukuyan ay palaboy- laboy na ang kanilang mga pamilya. Ayon kay Annan (2002), ang ganitong istraktura ng mga bahay sa slum ay bulnerable sa maraming kalamidad kagaya ng paglindol, sunog, at pagbaha. Sa katunayan, sabi ni Nonoy, 27, residente mula sa Helping Land, minsan nang binaha ang kanilang lugar

Pahina 70 ng 212 at muntikan nang tangayin ang kanilang barung-barong na bahay na gawa mula sa substandard na mga materyales kasama ang mga basurang nakapaligid dito. Naganap ang insidente noong nakaraang taon nang sunod-sunod ang pagpasok ng maraming bagyo sa bansa.

Ayon kay punungbarangay Elenita Reyes, walang tenure sa lupa ang maraming mamamayan sa kanyang nasasakupan dahil halos lahat ng nakatira dito ay mga iskwater.

Kapag dumating ang panahong nais na muling kuhanin ng pamahalaan ang mga lupain ay paaalisin ang mga maralita sa kanilang mga lugar. Si Orpah32, na 43 taong gulang, ay tatlong beses ng nakaranas ng relokasyon mula Barangay 128 sa Smokey Mountain. Siya, kasama ang maraming kapitbahay ay pinalipat sa Barangay 129 ng pamahalaan at sa kasalukuyan ay nasa Barangay 105 naman siya sa Tondo naninirahan. “Hindi ko dama na bahagi kami ng bansang ito, ng tinatawag nilang pag-unlad.!” Ang mariing naibulalas sa mananaliksik ni Orpah. Ayon sa kanya, nakakaapekto sa kanilang pamamagpag ang palipat lipat nila ng tahanan sapagkat sa pag-alis sa naiwang lugar ay naiiwan nilang mag-asawa ang teritoryo sa basura. Sa pagdating sa panibagong lugar ay nagkakaroon sila ng panibagong mga kaagaw sa mga ito. Isa lamang si Orpah, sa libo-libong maralitang ina na tinatawag na “ina ng tahanan” ngunit walang mauwiang tahanan.

Pasan pasan din ng mga tahanan ng maralita ang suliranin sa kuryente, palikuran at tubig. Sa pagsapit ng gabi, nagtitiis ang mga pamilya sa gasera o kung mas sinusuwerte ay kumokonekta sila sa pamamagitan ng jumper at submeter sa mga pamilyang may kuryente.

Sa paraan ng pagkokonekta gamit ang submeter, mataas ang sinisingil sa kanila ng mga

32 Ang mga pangalang ginamit sa pananaliksik na ito ay hindi tunay na pangalan ng mga nakapanayam.

Pahina 71 ng 212 pamilyang may kuryente. Sa Barangay Happyland, P35 pataas kada kilowatt ang sinisingil ng mga may kuryente sa nakikikonekta sa kanila-5 beses na mas mataas kumpara sa P7.42 na binabayad kada kilowatt ng isang ordinaryong pamilya. Samantala, kung jumper naman ang paraan ng pagkakaroon ng kuryente ng isang pamilya ay hindi ito nahuhuli ng

MERALCO subalit malalayo ang mga tahanang kinokonektahan kaya’t madalas ay kinakapos sila sa pambili ng mga kawad ng kuryente.

Kalunos-lunos din ang kalagayan ng mga palikuran sa mga pook iskwater. Sa barangay 105, partikular sa Helping Land, hindi lahat ay mayroong sariling palikuran. Sa katunayan, mabibilang lamang sa daliri sa kamay ang may palikuran sa lugar. Dahil dito, nakikigamit ng mga palikuran ang mga wala nito sa mga mayroong palikuran o dili kaya’y dumudumi sa mga diyaryo at plastik at saka itinatapon sa mga bundok ng basura sa tapat o gilid ng bahay. Bukod sa kakulangan sa palikuran mas nagpapabigat din sa suliranin ang kakapusan sa tubig sa lugar. Ayon kay Melody, 13 taong gulang, P3.00 kada galon ang kanilang ibinabayad upang magkaroon ng mga tubig pampaligo at pangluto. Mura ito subalit bukod sa iilan lang talaga ang may tubig sa kanilang lugar, napakalalayo naman ng mga bahay na ito na nagbebenta ng tubig. Bukod dito, sadyang may kagaspangan din daw sa ugali ang mga bahay na nagbebenta ng tubig sa kanilang lugar. Kung minsan pa, kung nakakaalitan ang nagbebenta ng tubig ay tuluyan na talagang nawawalan ng tubig ang ibang pamilya na napipilitan na lamang maglakad ng mas malayo pa sa kanilang lugar upang makisalok. Dahil sa suliranin sa tubig, hindi naiiwasan ang pagkakasakit at pagbubulati ng maraming bata sa barangay dahil sa kawalan ng hygiene.

Pahina 72 ng 212

Dahil sa kahabag- habag na kalagayan ng mga maralita sa mga mahihirap na pook na ito, marami sa kanila ang nangamamatay ng maaga. Gayunpaman, hindi pa rin natatapos ang kanilang kalbaryo hanggang sa pagpanaw.

Sa Barangay 105 sa

Helpingland, hindi uso Larawan #4: Sanggol na itinapon sa bundok ng basura sa Tondo, Maynila *Larawang kuha ng isang residente sa Tondo ang pagbuburol sa mga pumapanaw na kaanak. “Masyadong mahal sa bulsa, at wala namang tulong ang gobyerno,” sabi ng isang residente sa lugar na ayaw magpakilala. Sa halip na ipaburol pa ang yumaong kaanak, karamihan sa mga pamilya ay mas pinipili na lang na diretso ipalibing na ang kanilang mga yumaong kaanak. Ngunit masuwerte pa ang pamilya kung may kabaong pa ang namatay na kaanak. Ayon sa Kalayaan Community Ministry, isang organisasyon ng mga Kristiyanong misyunaryo sa lugar, ang mga pamilyang sadlak sa hirap sa Helping Land ay napipilitan na lamang isilid sa kahon na may kahoy ang kanilang yumayaong kaanak, lalo na kung ito’y bata. Kung sanggol, minsan ay iniiwan na lamang sa mga basurahan ang bangkay. Ayon pa sa organisasyon, hindi naaabot ng lokal na

Pahina 73 ng 212 pamahalaan ang kanilang lugar sapagkat walang nais pumasok dito, dahilan upang maganap ang mga kahindik-hindik na mga kaganapang ito.

Ang mga mahihirap na pook na ito-Barangay 105, Barangay 128, Barangay 129 at

Barangay Payatas ay sumasalamin sa tunay na mundo ng mga maralitang mistula hiwalay sa nakaririwasang bahagi ng Kalakhang Maynila. Sila ay karaniwang nakararanas ng labelling33 at ostracism34, dahilan upang mahirapan lalo silang makalaya mula sa kuko ng kagutuman. Ang kanila ring pang-araw-araw na pamumuhay ay hindi pangkaraniwan para sa mga angat na Pilipino. Matatawag itong alternative culture sapagkat taliwas ito sa mainstream culture at umiiral ito sa ilalim mismo ng huli. Dahil sa matinding kahirapan at kagutuman, dikta ng bituka ang sinusunod ng mga maralitang ito. Sa kanilang paghahanap ng solusyon sa suliranin sa pagkain, hindi pamahalaan, subalit kapaligiran at ang mga kondisyong nakapaloob dito ang nakapagbigay kasagutan laban sa istarbasyong nararanasan nila.

B. Pagpag: Sagot sa Kumakalam sa Sikmura ng Maralitang Pilipino

Sa ating bawat pagkonsumo ng pagkain mula sa iba’t ibang fast food chain, alam nating ang ating mga tira (morsels) ay dumidiretso na sa mga basurahan. Ang mga buto ng manok na mayroon na lamang kaunting laman ay karaniwan nating itinatapon. Ngunit lingid sa ating kaalaman, ang mga susunod na mangyayari sa ating mga tira-tira sa basurahan ay isang katotohanang hindi natin batid. Sapagkat ang mga pagkaing “tira-tira”

33 Ang Labelling ay isang terminong pang-sosyolohiya kung saan ikinakabit ang isang salita o pariralang may negatibong kahulugan sa isang tao. Halimbawa, dahil marumi ang kaanyuahan ng isang mamamayan, ikinokonekta na agad natin sa kanya ang mga terminong “magnanakaw” o “snatcher.” 34 Ang Ostracism naman ay unang ginamit ni Kipling Williams. Ayon sa kanya, ang Ostracism ay isang paraan kung saan ang isang tao ay hindi kinakausap ng ibang tao, at inihihiwalay sa mga pribelihiyo ng lipunan. (Williams, 2007)

Pahina 74 ng 212 o “basura” para sa atin, ay maaari pa palang makapagligtas sa kumakalam na sikmura ng maraming tao at pamilya.

i. “Bundok ng Basura, Bundok ng Pag-asa”

Karaniwan, mula kabahayan, kainan at fast food chain ay dinadala ang mga basura ng malalaking trak patungo sa Payatas landfill sa Lungsod ng Quezon. Pagkatapos itambak ang mga basura sa mga garbage sites, nagkakaroon na ng transpormasyon sa mga tira nating pagkain- mula sa pagiging basura, sila’y magiging pagkaing muli. Kapag nagbigay na ng hudyat ang tsuper ng trak na maaari nang kumuha ng mga basura, makikitang magtatakbuhan na agad ng mabilis ang maraming pamilya upang halungkatin ang mga basura. Kanya kanya silang dakot ng basura, na hindi na alintana pa ang amoy at pawis na tumutulo mula sa kanilang mga mukha. Sa maraming pagkakataon ay nagkakaroon ng matinding alitan na minsa’y humahantong sa pagpapatayan sa lugar, ayon sa mga residente.

Larawan #5: Pangunguha ng Pagpag mula sa mga plastic bag ng basura

Pahina 75 ng 212

Halos lahat ng kasapi ng mga pamilyang maralita sa Payatas ay makikitang naghahalungkat sa bundok ng basura. Ang ilan sa kanila’y namumulot ng mga buo-buong manok at pizza at isinisilid ang mga ito sa mga plastic upang ipagbili sa halagang bente pesos (P20.00) kada balot. Ang halagang dalawampung piso ay isang mabigat na halaga na para sa mga nakatira sa mga lugar na ito. Kung hindi nila maipagbibili ang mga plastik ng Pagpag, ay siya na nilang pagsasaluhan ang mga ito.

Sa proseso ng pamamagpag35, pinupulot ang mga pagkaing mula sa mga plastic bags at saka pina-Pagpag upang mawala ang mga dumi at alikabok na nasa pagkain. Ang mga pagkaing mukha pang bago at wala pang amoy ay direkta nang kinakain sa lugar.

Samantalang ang ibang pagkain naman na mayroon nang amoy ay inuuwi sa bahay at hinuhugasan sa timba ng tubig o niluluto sa kumukulong mantika upang mamatay ang mga mikrobyo nito. Naniniwala ang mga maralita na nangamamatay ang mikrobyo sa mainit na temperatura.

Sa kasalukuyan, iba na ang nangyayaring paraan ng pagkuha ng Pagpag ng mga residente sa Payatas. Hindi na ito katulad ng dati na malayang nakakapasok sa landfill ang mga mag-anak upang kumuha ng Pagpag. Bago pumasok ang 2010, ang mga kalalakihang mula sa mga pamilyang namamapagpag na nagtatrabaho sa mga trak ng basura ng Lungsod na lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong makapasok sa landfill. Dahil dito, nagkaroon ng bagong sistema ng pamamagpag sa lugar. Habang umaandar ang mga trak ng basura na papasok sa landfill, nagsisipag-akyatan na sa ibabaw ng mga naglalakihang trak ng basura ang mga kabataang kung tawagin ay “jumper boys.” Pagdating sa ibabaw ng trak, kanya

35 Ang “pagpa-Pagpag” ay tumutukoy sa pagkuha, paghahanda, at pagkonsumo ng Pagpag.

Pahina 76 ng 212

–kanyang paghahalungkat at agawan ng mga

Pagpag ang mga batang lalaki, na pinapayagan din naman ng mga driver ng trak na mga residenteng namamagpag din

Larawan #6: Mga Jumper Boys sa Barangay Payatas sa Lungsod ng Quezon naman sa lugar.

Ang mga pagkaing kanilang nakukuha ay kanilang dinadala sa kanilang mga gutom na pamilya. Ang pagiging jumper boy ayon kay Justin, 12 gulang ay hindi isang madaling hanapbuhay. Marami na ang mga nadidisgrasya at namamatay dahil sa pagkakahulog, maling pagtalon mula sa trak, pagkakatapak sa mga bubog at matutulis na bagay, pagkakakawit sa bakal, pagkakasagasa at pagkaka-ipit sa mga gulong at bahagi ng trak.

Nakakalungkot isipin na sa murang edad, imbis na papel at lapis ang hawak ng mga kabataan ay pagsusuong sa mapanganib na hanapbuhay ang kanilang pinagkakaabalahan.

Bukod sa mga jumper boys, tumutulong din ang maraming kalalakihang naghahanapbuhay sa loob ng landfill sa pagkuha ng Pagpag. Mula sa loob ay sila ang nagdadala ng mga

Pagpag sa kanilang mga pamilya at ang sobra ay kanilang ipinagbibili sa mga kapitbahay.

Sa mga pook iskwater naman ng Smokey Mountain, Daungan, Helpingland,

Happyland at Aroma, ay kakaiba ang paraan ng pagkuha ng Pagpag ng mga mamamayan.

Pahina 77 ng 212

Pagsapit ng alas 6 ng gabi, ay bumibiyahe na sila Melda36, 40 taong gulang patungong UN,

Mabini, Tayuman at Sampaloc, gamit ang kanyang trak na humahakot ng basura. Kasama niya ang ilang mga manggagawang tagahakot din ng basura na kanyang sinusuwelduhan ng maliit na halaga at Pagpag. Kung minsang sira ang kanilang trak ay gamit naman nila ang kanilang nanggigitatang kuliglig. Ayon kay Melda, mayroon nang kasunduan sa pagitan ng mga nagbabasurang kagaya niya at ang mga manager ng mga fast food chain.

Kapalit ng mga malalaking plastic ng basura, ay binabayaran nila ng P800.00 ang mismong kainan upang sa kanila lamang ibigay ang mga basura at Pagpag sa gabing iyon.

Masyadong malaki ang kanilang ibinabayad ayon sa ginang, ngunit wala silang magawa sapagkat marami silang kalaban sa basura. Mula Lunes hanggang Biyernes kasama ang

Sabado at Linggo ay obligado silang kumuha ng basura sa mga naturang fast food chain dahil kapag nakapagpaliban sila ng kahit isang araw sa pagkuha ng mga ito ay ibinibigay na sa ibang mga scavenger ang mga plastic ng basura. Sa susunod na araw ay hahanap na naman sila ng fast food chain na magbebenta sa kanila ng mga basura. Maaga silang bumibiyahe mula Helping Land (Barangay 105) at Daungan (Barangay 129). Naghihintay sila sa tapat ng mga kainan na ito mula alas-9 ng gabi hanggang 12 ng madaling-araw.

“Early birds, more foods,ang labanan dito. Pumuti na nga ang uban ko rito,” sabi ni Ada ng Barangay Daungan, 53 taong gulang, na nangangalakal din ng basura at Pagpag. Ayon sa kanya, pagkatapos nilang makakuha ng mga basura at Pagpag ay inaabot sila ng tatlong oras mahigit sa pagbubukod-bukod sa mga ito. Matapos magbukod, ipagbibili ang mga kalakal na basura ngunit inihihiwalay ang Pagpag upang linisin muna bago iluto.

Kinabukasan, ipagbibili nila ang mga Pagpag sa murang halaga upang maubos lahat. “Ang

36 Ang mga pangalang ginamit sa pananaliksik na ito ay hindi tunay na pangalan ng mga nakapanayam.

Pahina 78 ng 212 labanan kasi dito [rito], pamurahan ng tinda.” Si Melda at Ada ay dalawa lamang sa mga maralita na nagiging bahagi ng Informal Economy dahil sa pangangalakal at pagbebenta ng mga Pagpag.

Iba naman ang pinaggagalingan ng Pagpag sa ilang lugar sa Daungan sabi ni Daisy,

28 taong gulang. Ayon sa kanya, kapag mga hapon na kada Lunes hanggang Biyernes, ay dumidiretso silang magkakapit-bahay sa pagawaan ng Knorr Cubes sa United Nations.

Ibinibigay sa kanila ang mga pinagpigaang manok ng kumpanya na wala nang katas. Ang mga manok na ito ay titimplahan ng mga magkakapit-bahay upang maging ulam muli.

ii. “Lapag-Kainan”

Malaki ang kaibahan ng paraan ng pagkain ng ordinaryong Pilipino at ng maralita.

Sa tahanan ng ordinaryong Pilipino, lilinisin ang mga pinamiling isda, karne o gulay bago iluto at kapag daka’y ihahain sa hapag-kainan kung saan nakapalibot ang masasayang miyembro ng pamilya. Samantala, para sa mga maralitang Pilipino, sapat at malawak na ang lapag upang maging hapag-kainan. Sa ibabaw ng lapag-kainan na ito, ay inilalatag ng pamilya ang mga pagkaing kaiba rin sa mga kinokonsumo ng mga ordinaryong pamilya.

Nakadepende ang inihahain ng mga maralitang pamilya sa kinikita ng pamilya. Sa mga pagkakataong wala talagang kita ang naghahanapbuhay sa pamilya (na karaniwan ay ang ama, ina o mga kalalakihan sa pamilya), ay surrogate ulam 37 ang inihahain bilang ulam ng pamilya dahil hindi nila kayang bumili ng isda, gulay, at karne sa palengke. Ang surrogate ulam o pamalit-ulam ay tawag sa mga pampalasang inilalagay ng mga maralita sa kanilang kanin upang makadagdag lasa. Karaniwang ginagamit na surrogate ulam ang

37 Ang terminong Surrogate Ulam ay unang ginamit ng market guru na si Ned Roberto noong 2001 sa isa kanyang mga pag-aaral patungkol sa alternative viand ng mga mahihirap na Pilipino (Arroyo, 2013).

Pahina 79 ng 212 toyo, asin, mantika, bagoong, o kape. Kung bahagyang nadagdagan ang kita ng mag-anak, inihahain nila karaniwan ang mga instant noodles na dinadamihan ng asin at tubig upang maging sapat sa buong pamilya. Kung minsan, iniuulam din ang mga chichirya kagaya ng

Lala at mga tig-pipisong chichirya mula sa mga tindahan.

Sa pagkakataong namang maayos ang kinikita ng mga pamilya, nakakabili sila ng mga isda, gulay at karne sa palengke ngunit napakabibihira lamang ng mga pagkakataong ito dahil sa presyo ng mga bilihin. Kapag kumikita ng sapat si Christine ng Helpingland,

20 taong gulang, ay bumibili siya ng mga isdang inilalako ng mga nanghuhuli ng isda sa

Manila Bay na malapit lamang sa kanilang lugar sa halagang P20.00 kada tabo. Ang mga isdang ito ay huli mula sa mga maruruming tubig ng Look ng Maynila na tambak ng basura.

Sa kabila niyo, hindi nila ito alintana.

Sa mas maraming pagkakataon, kung saan kumikita ng sapat ang pamilya, ay nakakakain sila ng masasarap na pagkain na tinatawag na Pagpag. Sa pag- aaral ng mananaliksik sa lugar, napag-alamang may tatlong Larawan #7: Mechadong Manok (Pagpag) para tanghalian paraan upang makakuha ng

Pagpag ang mga maralita at ito ay ang: 1.) Direktang pangunguha mula sa mga basurahan;

2.) Pagbili sa mga nagbebenta ng Pagpag, “sariwa” man o luto; 3.) Panghihingi sa mga kaibigan, kapitbahay, o kamag-anak na namamagpag. Ang mga Pagpag na mula sa mga

Pahina 80 ng 212 basurahan ay minsang kinakain ng direkta kung “sariwa38” pa ito. Ngunit kung mayroon na itong amoy, inuuwi ito sa mga kabahayan upang hugasan, pakuluan, at saka ilulutong muli. Si Ada, 53 taong gulang mula sa Barangay Daungan ay sinasabon pa muna ang

Pagpag bago pakuluan at iluto upang matiyak na mamamatay ang anumang mikrobyong taglay nito. Ayon sa kanila, galing din naman sa prutas ang sabon gaya ng Papayas Soap kaya ayos lang itong makain. Sa Payatas naman, ang ilang residente ay naglalagay ng asin at tawas sa Pagpag habang pinapakuluan ang mga ito. Ang mga putaheng madalas na niluluto ng mga maralitang nakapanayam ng mananaliksik mula sa mga Pagpag ay adobo, prito, at mechado. Sa tatlo, pinakamadalas ang adobo sapagkat hindi raw ito madaling mapanis na maaari pang mapagsalu-saluhan ng ilan pang araw. Sabi naman ni Gian, 40 mula sa Smokey Mountain, hindi lamang pang-ulam ang Pagpag, kundi pang-pulutan pa nilang magkakaibigan. Samantala, ginagawa ring negosyo o pagkakakitaan ang pagtitinda ng Pagpag sa mga karinderiya. Maraming ganitong mga karinderiya sa barangay 105, 128 at 129. Ayon kay Elliott (2014), walang food integrity o food assurance ang ganitong mga pagkain sapagkat hindi magagarantiya ang kaligtasan at kalusugan ng mga kumakain. Sa pagbili ng pagkain saan mang tindahan o pamilihan, hindi lamang pagkain ang binibili ng mga mamimili kundi pati ang kaligtasan ng kanilang buhay at kalusugan.

Ayon sa mga nakapanayam ng mananaliksik, totoong laganap ang pagkain ng

Pagpag sa kanilang mga barangay. Katibayan nito ay sa 100 sample ng mananaliksik, lahat ng mga ito ay nagsabing halos lahat sa kanilang lugar ay kumakain ng Pagpag. Dahil dito, tinangkang alamin ng mananaliksik ang pattern at iba pang mga kaugnay na impormasyon

38 Ang pagiging “sariwa” ng Pagpag ayon sa mga namamagpag ay nangangahulugang “walang-amoy” o bagong kuha at hindi na naimbak pa ng isa o higit pang gabi.

Pahina 81 ng 212 patungkol sa pagkain ng Pagpag ng mga maralita sa apat na barangay. Narito ang mga nakalap na impormasyon:

TALAAN #1: ILANG BESES KA KUNG KUMAIN NG PAGPAG KADA-ARAW? (Kabuuang bilang ng respondents=100)

19 19 17

16 sample

8 Bilang mga Bilang ng 0 1 4 3 3 3

0 BESES 1-2 BESES 3-4 BESES 5-7 BESES

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

Sa tsart no. 1, ipinapakita kung ilang beses kumakain ng Pagpag kada araw ang mga maralitang nakapanayam ng mananaliksik. Mapapansing pinakamarami ang mga kumakain ng 1-2 beses ng Pagpag sa bawat araw. Mayroong pagpapaliwanag ang mga residente patungkol rito. Ayon sa karamihan sa mga nakapanayam, bukod sa pagkain ay kailangan din nila ng salapi para sa pagpapaaral sa kanilang mga anak. Dahilan ito kaya’t nililimitahan nila sa tanghalian at hapunan ang kanilang pagkain ng Pagpag, at ang mas maraming natitirang Pagpag ay ipinagbibili upang maging salapi. Samantala sa umaga naman ay kape lamang sa kanin (surrogate ulam) ang kanilang karaniwang inuulam.

Pangalawa lamang sa pinakamataas ang bilang ang mga nakakakumpleto ng 3-4 na beses na pagkain ng Pagpag kada araw.

Pahina 82 ng 212

Sa ikalawang tsart naman, makikitang 73 porsyento sa mga nakapanayam ay mahigit sa 5 taon nang kumakain ng Pagpag.

TALAAN #2 Gaano katagal ka nang kumakain ng Pagpag? (Kabuuang bilang ng respondents=100)

20 19

sample 18

16 Bilang mga Bilang ng

4 2 1 3 1 3 2 4 3 3 1

1-2 TAON 3-4 NA TAON 5 - HIGIT PANG TAON WALA PANG ISANG TAON

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

Ayon sa kanila, kung gaano katagal na silang nakatira sa kanilang mga lugar ay ganoon katagal na rin silang kumakain ng Pagpag. Ang ilan sa kanila ay nagsasabing natutunan nila ang pagkain nito mula pa lamang sa kanilang mga magulang na unang nanirahan sa lugar. Ang iba naman ay nagsasabing natutunan nila ang pagkain ng Pagpag simula nang natira sila sa lugar. Sa mga pagpapaliwanag na ito, malinaw na malaking salik ang kapaligiran o lipunan ng mga maralita sa paguudyok sa kanila upang kumonsumo ng

Pagpag. “Hindi ako titigil sa pagkain ng Pagpag hanggang nandito ako nakatira,” sabi ni

Norberta mula sa Payatas, 56 taong gulang. Ayon sa kanya, hanggang may basura, may

Pagpag. Hindi ito mauunawaan ng iba, ngunit mismong sistema na nila ang humahana- hanap sa lasa ng Pagpag sapagkat kahit hindi nila matukoy kung kaninong bibig galing ang mga ito, masarap ito, nakasasapat sa kanilang pamilya, at higit sa lahat, mura ang mga ito.

Pahina 83 ng 212

Sa Barangay Payatas, nasaksihan ng mananaliksik ang isang buong manok na nanggigitata na at ipinagbibili pa rin ng isang namamagpag. Galing daw ito sa Max’s Restaurant at ipagbibili niya ang buong manok sa halagang P50.00. Wala raw kasi bibili kung tataasan pa niya ang halaga nito. Bagamat mura na ang halaga ng buong manok, napansin ng mananaliksik na ilan lamang ang interesadong bumili rito. “100 lang kinikita ng asawa ko sa pagbabasura, mabigat pa sa bulsa ang singkuwenta kuya,” sabi ni Marivick, 27 taong gulang. Ganito ang labanan ng pagtitinda sa mga pook iskwater na ito. Pamurahan at hindi na alintana kung ano ang anyo o amoy ng pagkain. Ayon sa mga nakapanayam, kahit biyayaan sila ng pera ng sinumang tao upang kumain sa mga kilalang kainan gaya ng

Jollibee o Inasal, hindi nila ito gagawin. Mas pipiliin pa rin nilang bumili ng Pagpag sapagkat sa halagang P200.00 na isang kainan lamang sa mga pamosong kainang ito, maaari nang tumakbo ng maraming araw ang halaga ng salaping ito kung mapupunta sa

Pagpag..

Ang pagkain ng Pagpag ng mga maralita ay isang patunay ng kawalan ng choice o pagkakataong makapili ng tama at ligtas na pagkain ang mga maralita. Dahil ito sa mababang antas ng hanapbuhay at mababang kitang inaani nila rito. Tinatawag na food justice ni Helen Browning ng Food Ethics Council sa Britanya ang ganitong uri ng kondisyon. Ayon sa kanyan, hindi lahat ng tao sa isang lipunan ay nagkakaroon ng pantay na oportunidad at pagkakataon upang pumili ng nakalulusog at ligtas na pagkain.

Nakakababahala ito, sapagkat mula dito, ay sumasanga-sanga ang maraming suliraning pangkalusugan at pangsikolohiya ng mga mamamayan. Sa kanilang isinagawang pag- aaral, napag-alamang higit na mas mataas ang kawalan ng food justice sa mga Papaunlad na bansa, kagaya ng Pilipinas.

Pahina 84 ng 212

iii. Pagpag 101

Sa matinding pag-aaral at paglubog sa mga maralita ng mananaliksik, naging klaro kung ano nga ba talaga ang mga kwalipikasyon upang matawag na Pagpag ang isang pagkaing marumi. Batay sa mga pinagsama-samang impormasyon na nakalap, ang Pagpag ay anumang pagkaing itinapon na sa basurahan na tumagal na ng ilang oras, at saka kinuhang muli, pinagpag (upang matanggal ang mga alikabok o dumi), at saka kakainin na muli o dili kaya’y idadaan muna sa proseso ng paglilinis o pagluluto. Samakatwid,

“mula sa basurahan” at “marumi na” ang mga pangunahing kwalipikasyon upang matawag na Pagpag ang isang pagkain. Kakaiba ito sa mga pinupulot na pagkain sa lansangan o kalsada na kung tawagin ng ibang maralita ay Liglig at sa mga Tirtir (Tira-

Tira/Tira) na mga pagkaing natira sa isang kainan o fast food chain ngunit hindi naitapon o nailagay man lamang sa basurahan. Ayon pa sa mga maralitang nakapanayam, maraming paraan upang maklasipika ang mga Pagpag. Narito ang ilang kapamaraanan ng pagkaklasipika ng nito:

1. Batay sa uri ng pagkaing pinaggalingan ng Pagpag: Maaaring ang Pagpag ay may

karne (manok, baboy, hotdog, isda, hipon, burger, pizza), gulay o tinapay/kanin.

2. Batay sa paraan ng paghahanda ng Pagpag: Niluluto o direkta nang kinakain mula

sa basurahan.

3. Batay sa anyo ng Pagpag: Durog-durog, may kagat, o buo pa.

4. Kung galing sa mga fast food chain, batay sa pinanggalingang kainan: Jollibee,

KFC, Inasal, Mcdo, Chowking, Starbucks at ibapa.

5. Minsan ang Pagpag ay maaaring may halong botcha (double dead meat)

Pahina 85 ng 212

6. Minsan ang mga itinapon nang expired na de latang pagkain ay maaari ring

matawag na Pagpag.

Ayon kay Aling Amalia, 48 taong gulang, dating tinatawag na Batchoy39 ang Pagpag dahil sa halo-halong ulam na bumubuo rito. Ayon sa kanya, ang Batchoy na ito noong araw ay mula sa mga pinagsama-samang tira-tirang pagkain [Tirtir] sa mga kainan at napupulot

na pagkain sa mga

kalye [Liglig].

Ngunit dahil nga

hindi supisyente

ang mga pagkaing

ito para sa

lumalaking bilang

ng mga maralitang

Pilipino, natuklasan

ng marami ang

Larawan #8: “Fresh Pagpag” from KFC paghahalungkat at pagkuha ng mga pagkain sa mga basurahan na maaari pang ikonsumo. Walang nakakaalam kung kailan, paano, at saan nagsimula ang pagpa-Pagpag. Ngunit para sa kanila, isa lamang ang kanilang masasabi patungkol sa Pagpag. Kung saan, paano, at sino man ang nagsimula ng Pagpag, ang pagkaing ito ay ang ulam ng maralitang Pilipino.

39 Sa kasalukuyan, ayon sa mga maralita ay tumutukoy sa magkakahalong Pagpag, Liglig, at Tirtir. Mambabatchoy ang tawag sa mga taong namumulot ng mga ito, ay saka kinukuha ang mga bahaging maaari pang mapakinabangan.

Pahina 86 ng 212

Ayon kay Aling Ina

ng Smokey Mountain, 71,

dahil sa Pagpag ay

nakakakain siya ng Fried

Chicken na sa tala ng

buhay niya ay hindi niya

natikman dahil sa

matinding kahirapan.

Nalulungkot raw ang

kanyang mga anak kapag

walang tindang Pagpag sa

kanilang barangay, kaya’t

Larawan #9: Pagpag na may kahalong “double dead meat” napipilitan silang dumayo pa sa Aroma o Daungan upang makabili nito. Nakakalungkot din daw isipin na dahil sa dumaraming pamilya na dumedepende sa Pagpag, ay nagmamahal ang halaga nito. Noong mga taong lumipas bago ang 2010, P20.00 kada plastik/kilo lamang ang bentahan sa

Pagpag. Maghapon na itong ulam ng kanyang pamilya. Sa kasalukuyang taong, P35.00-

P50.00 na kada plastik/kilo ang halaga ng Pagpag depende sa nagbebenta. Napakabigat ito para sa bulsa nilang mag-anak na kumikita lamang ng P80.00 hanggang P100 kada araw.

Ayon kay Virginia, 24 taong gulang mula sa Smokey Mountain, hindi magkauga-uga ang maraming residente sa kanilang barangay kapag dumarating ang mga scavenger na namimigay ng libreng Pagpag. San katunayan, mayroong mga pagkakataong nagkakapatayan pa ang ilang mamamayan sa lugar dahil sa Pagpag.

Pahina 87 ng 212

Ang proseso ng “Pagpa-Pagpag” o ang “Pamamagpag” ay tumutukoy sa paraan ng pagkuha ng Pagpag mula sa basurahan, paghahanda nito (huhugasan, iluluto at ibapa) at pagkokonsumo nito. Namamagpag ang tawag sa taong may ganitong pamumuhay.

Samakatwid ang Pagpa-Pagpag ay hindi lamang basta basta isang hanapbuhay, kundi anyo ng pamumuhay (way of life). Kung minsan, maaaring wala ang pangalawa o pangatlong yugto ng paghahanda ngunit pagpa-Pagpag pa rin ang tawag sa isang gawain. Halimbawa, may ilang mga nakapanayam ang mananaliksik na nagsasabing hindi na nila hinuhugasan o niluluto pa ang Pagpag, samakatwid, wala ang pangalawang yugto ngunit masasabi pa ring namamagpag siya. Ang iba naman ay kumukuha ng Pagpag ngunit hindi raw kumakain nito. Sila ay namamagpag rin. Ang pamamagpag ay isang uri ng pamumuhay na eksklusibo sa mga pook urban lamang kung saan walang bukirin, ngunit tambak naman ang mga basurang itinatapon ng mga nakaririwasang kabahayan.

iv. Ang Maralita ng Iskwater at Slum

Sa pananaliksik na katulad nito, mahalaga ring ilahad ang istraktura ng kasarian, edad, at katayuang sibil ng 100 sample na silang ginawan ng panayam at sarbey ng mananaliksik. Narito ang mga talaan patungkol rito:

TALAAN #3: KASARIAN (Kabuuang bilang ng respondents=100)

sample

18 18 16 15 9 10

Bilang mga Bilang ng 7 7

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

BABAE LALAKI

Pahina 88 ng 212

TALAAN #4: EDAD (Kabuuang bilang ng respondents=100)

BRGY 105 sample BRGY 128 9 8 8 8 BRGY 129 7 7 7 6 PAYATAS

Bilang mga Bilang ng 5 5 5 4 4 3 2 2 2 2 2 1 1 1 1

10-20 EDAD 21-30 EDAD 31-40 EDAD 41-50 EDAD 51-60 EDAD 61-70 EDAD 71-80 EDAD

Batay sa ikatlong talaan, makikitang mas marami sa mga nakapanayam ng mananaliksik ay babae. May dalawang pagpapaliwanag na nakita ang mananaliksik kung bakit gayon. Una, halos buong maghapong wala sa kanilang mga tahanan ang karamihan sa mga kalalakihan sapagkat sila’y abala sa pangangalakal ng Pagpag at basura. Pangalawa, karamihan sa mga kalalakihan ay maiilap sa mga taong hindi nakatira sa kanilang lugar, marahil dahil ang naikintal na sa kanilang mga isipin ay mapanghusga ang mundo sa labas ng kanilang lipunan. Isa si Donato, 46 taong gulang mula sa Barangay 129, sa mga nagpahayag ng ganito: “Allergic kami sa mga katulad niyo sir, kasi kayo ay malilinis at masusuwerte, kami ganito lang.” Batay sa pag-aanalisa ng mananaliksik, anuman ang kasarian, babae man o lalaki, ay bulnerable sa kagutuman at pagkain ng Pagpag.

Gayunpaman, hindi maikakailang mas kahabag-habang ang kalagayan ng mga kababaihan sa ganitong mga komunidad lalo na kung sila’y nabubyuda na. Sa pakikipanayam ng mananaliksik, napag-alaman niyang mas nais ng mga may-ari ng junk shop o trak ng basura ang lalaking trabahador kumpara sa mga kababaihan na mas mahina pagdating sa

Pahina 89 ng 212 pampisikal na lakas ayon sa kanila. Sa pang-apat na talaan naman, batay sa pag-aanalisa ng mananaliksik, bata man o matanda o nasa tamang gulang, ay hindi nadidiskrimina ng hagupit ng kagutuman at kahirapan. Silang lahat ay namamagpag din.

TALAAN #5: KATAYUANG SIBIL (Kabuuang bilang ng respondents=100)

BRGY 105 sample BRGY 128 11 10 BRGY 129 9 9 9 9 8 7 PAYATAS Bilang mga Bilang ng 6 5 4 3 3 1 1 1 1 1 2

BIYUDO/BIYUDA HIWALAY KASAL LIVE-IN WALANG ASAWA

Sa ikalimang talaan, ay nakatala naman ang katayuang sibil ng mga sample. Batay sa talaan, makikitang iba-iba ang katayuang sibil ng mga maralitang kumakain ng Pagpag, nangangahulugang wala ring pinipiling kalagayan sa buhay ang kagutuman na magbubunga sa pagkain ng Pagpag. Gayunpaman, kumpara sa mag-live in at kasal na estado, higit na mas marami ang bilang ng mga mag-live in na kumakain ng Pagpag. Sa pag-aanalisa ng mananaliksik, signipikante ang resultang ito sapagkat makatwiran naman na mas maraming mag-live in kumpara sa kasal ang kumakain ng Pagpag sapagkat patunay ito na talagang mahihirap ang kumakain ng Pagpag sapagkat maski pampakasal, ay wala ring magastos ang maralita. Samantala, ang mga kasal naman sa sample ay dating nakakariwasa na pagkatapos maghirap, at tumira sa mga barangay na sentro ng pananaliksik na ito, ay nakahanap ng pampagaan sa gastusing sa kanilang pagkain.

Pahina 90 ng 212

C. Mga Kalagayang Panlipunan na Nagiging Sanhi sa Pamamagpag ng mga

Maralita

i. “School is not cool…”

Isa sa mga kalagayan ng mga mahihirap na nakakaapekto sa kanila upang mamagpag upang mabuhay ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon. Kaunti lamang sa mga nakapanayam ang tumuntong ng kolehiyo, at wala ni isa sa kanila ang nakapagtapos ng pag-aaral o nagkamit ng degree. Nasa ika-anim na talaan sa baba ang mga impormasyon patungkol sa antas ng edukasyong narating ng mga nakapanayam.

TALAAN #6: ANTAS NG PINAG-ARALAN (Kabuuang bilang ng respondents=100)

sample BRGY 105

13 BRGY 128 11 BRGY 129 10 9 Bilang mga Bilang ng PAYATAS 7 7 6 6 5 4 4 4 3 3 1 2 2 2 1

NAKATUNTONG NAGTAPOS NG NAKATUNTONG NAGTAPOS NG NAKATUNTONG NG PRIMARYA PRIMARYA NG SEKONDARYA SEKONDARYA NG KOLEHIYO

Maraming paliwanag kung bakit ganito karami ang hindi nakakatuntong sa mas mataas na lebel ng pag-aaral. Ang ilan sa mga nakapanayam ng mananaliksik sa Smokey

Mountain ay hindi naniniwala sa kapasidad ng edukasyon upang maiangat ang antas ng kanilang mga buhay. Ayon sa kanila, marami silang mga nababalitaang mag-aaral na

Pahina 91 ng 212 nagtatapos taun-taon ngunit hindi pa rin nagkakaroon ng trabaho. Kaya upang hindi masayang ang panahon, kasama nila araw-araw ang kanilang mga anak sa pangangalkal at pangangalakal ng Pagpag. “Mas may pera pa sa basura,” ayon sa kanila. Hindi mo na kailangan pang mag-aral. Ang iba namang scavenger sa Helping Land ay nag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga suporta mula sa ilang mga sponsors. Ngunit dahil sa mababang gradong nakukuha ng mga mag-aaral, napipilitaan nang ihinto ng mga sponsors ang kanilang pagbibigay tulong-pinansiyal. “Mahirap magreview samin kuya.

Walang ilaw pag gabi, maingay naman kapag umaga,” sabi ni Melody, 13. Dahil sa hirap ng buhay, ang ilan naman sa mga magulang sa Daungan ay laging nagiging mainitin ang ulo sa kanilang mga anak kaya’t hindi na nila pinapaaaral pa ang kanilang mga anak. Ayon sa kanila, pabalat-bunga lamang ang pagtawag na public sa mga pampublikong paaralan sapagkat napakarami pa rin ng mga binabayaran dito.

Sa kasalukuyang panahon ay palakas ng palakas ang kompetisyon sa paghahanap ng trabaho. Ang mga natatalo ay nalulugmok sa hirap. Ang kawalan ng mataas na antas ng edukasyon ay isa sa mga pinaka-krusyal na rekisito upang makawala mula sa kahirapan at kagutuman ang isang maralita. Ngunit paano makakapag-aral ang isang maralitang maski salapi sa pang-kain ay kapos? Dahil sa kawalan ng paraan upang makapag-aral, nagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon ang isang indibidwal na nagiging kadahilanan upang siya ay mamarginalisa sa mga oportunidad at mapagkakakitaan.

Nangangahulugang nagkakaroon ng tinatawag na panlipunang eksklusyon (social exclusion) sa mga taong walang kapamaraanan (means o salapi) upang makapag-aral.

Dahil dito, mga hanapbuhay na may mababang kasanayan lamang katulad ng pagpa-

Pagpag ang maaaring maging source nila ng kita. At dahil marami sa mga maralita ay

Pahina 92 ng 212 walang kapasidad upang matapos ang tatlong yugto ng pag-aaral, halos lahat sa kanila ay nauuwi sa pamamasura at pamamagpag lamang.

ii. Hanapbuhay ng Maralita: “Hinahanap ang Buhay”

Bukod sa edukasyon, malaki rin ang ginagampanan ng kalagayan at kwalidad ng hanapbuhay sa pamamagpag ng mga maralita sa pook iskwater at slums. Dahil sa mababang antas ng edukasyon at dahil rin sa anyo ng kapaligiran, marami sa mga nakatira sa pook na ito ay mayroong hanapbuhay na may mababang kasanayan. Pinapakita ng ikapitong tsart ang mga impormasyong ito:

TALAAN #7: HANAPBUHAY

(Kabuuang bilang ng respondents=100) sample

16 14 12 10 Bilang mga Bilang ng 9 9

5 4 5 5 3 3 1 1 3

SCAVENGER HINDI SCAVENGER NAG-IBANG HANAPBUHAY NAKADEPENDE

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

Sa talaang ito, mapapansing ang pinakamalaking bahagi ng mga nakapanayam- 42 porsyento nito, ay namamasura o namamagpag. Sa barangay 105 sa Tondo pinakamarami ang bilang ng mga namamasura dahil sa mga tumpok-tumpok at bundok ng mga basura.

Dahil sa malaking bilang ng mga namamasura at namamagpag, marami sa kanila ang kumakain ng Pagpag dahil maliit lamang ayon sa kanila ang kanilang kinikita sa bawat

Pahina 93 ng 212

araw. Nang bumisita ang

mananaliksik sa apat na

mga barangay na ito,

napansin niyang nagkalat

ang mga junk shop sa lugar,

at halos lahat ng

mamamayan ay

nagbabasura-bata man,

nasa wastong gulang man o

may edad na. Marami sa

Larawan #10: Garbage Industry sa pusod ng Maynila, Barangay 105 mga kabahayan ang may

nakasabit na mga plastik

na pinapatuyo sa kanilang

bintana at bubong.

Ang ilan naman sa kanila

ay mayroong mga dram

na puno rin ng mga

plastic bottles na silang

iniipon upang ipagbili at

nang may maipambili ng

mga ulam at Pagpag. Sa

Larawan #11: Garbage Industry sa Smokey Mountain Helpingland, sa Barangay

105, tumambad sa mga

Pahina 94 ng 212

mata ng mananaliksik ang

kapaligirang punung-puno ng

basura na halos bundok-bundok

na sa dami. Ang mismong

nilalakaran sa lugar ay mga

basura. Sa mga basurang ito

nakakakuha ng mga kagamitan sa

bahay, pera at pagkain ang mga

residente sa lugar. Sa Barangay Larawan #12: Garbage Industry sa Barangay 129 Payatas naman, namamasura rin ang maraming kabataan at sila ay tinatawag na jumper boys, dahil umaakyat sila sa ibabaw ng mga umaandar na trak ng basura upang kumuha ng mga basurang maaari nilang kainin o mapakinabangan. Isang hanapbuhay na punung-puno ito ng peligro dahil minsan, nagiging mali ang pagtalon ng mga bata na siyang nagiging dahilan ng kanilang aksidente at kamatayan. Ayon kay Hernando, 52 mula sa Barangay 105, mainam mamasura kaysa mamasukan dahil sa pamamasukan, may amo kang abusado na binabantayan ang lahat ng gawa mo samantalang maliit naman ang iyong kinikita. Pagkatapos ng ilang buwan, tapos na ang kontrata, panibagong gastos na naman upang maghanap ng bagong mapagtatrabauhan.

Sa Smokey Mountain naman, mas malaki ang bilang ng mga hindi scavenger. Ayon sa kanila, simula nang ipasarado ang landfill, nagsipaghanap sila ng bagong mapagkakakitaan. Sa kasalukuyan, iba iba ang kanilang pinagkakakitaan. Ang ilan sa kanila ay nagpapa-igib o nagbebenta ng tubig. Ang ilan naman ay namamasukan bilang

Pahina 95 ng 212 kasambahay o alalay sa mga karinderya ng mga kapitbahay. Anuman ang kanilang naging hanapbuhay, mapapansing may mabababa pa ring kasanayan at kita ang ganitong mga uri ng hanapbuhay. Dahilan ito upang malimita ang kanilang kakayahang makabili ng mga pagkaing may mataas na kwalidad. Nagreresulta ito upang magpatuloy sila sa pagkonsumo ng Pagpag.

Sa ika-walo at ika-siyam na tsart naman, inilalahad kung magkano ang kinikita ng mga maralita at kung gaano ito kasapat para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

TALAAN #8: MAGKANO ANG IYONG KINIKITA KADA ARAW?

(Kabuuang bilang ng respondents=100) sample

21 21 18

Bilang mga Bilang ng 15

6 4 5 3 1 2 1 2 1

300 - PABABA 300-500 500-1000 1000-3000 3000-PATAAS

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

Ginawang kada araw ang basehan ng kita ng mananaliksik sapagkat araw-araw kung bumili ng ulam (Pagpag) ang mga maralita para sa kanilang pamilya. Mula sa tsart na ito, makikitang pinakamalaki ang bilang ng mga residenteng kumikita ng P300.00

Pahina 96 ng 212 pababa, na bumubuo sa 75 porsyente ng sample. Sa pagpunta sa Barangay Payatas, naabutan pa ng mananaliksik si Levie, 43, na nagbabanlaw ng mga malalaking plastik na bag sa isang batsang may maitim nang tubig dahil sa mga dumi. Ayon sa kanya, patutuyuin niya ang mga ito at saka ibebenta kada kilo sa halagang P15.00-P20.00 na siyang ginagamit niya pambaon sa kaniyang 3 anak at upang may maipambili na rin ng Pagpag. Dahil sa maliit na kinikita, napupuwersa na lamang siyang pagbaunin ng pamasahe at baong ulam na Pagpag ang kanyang mga anak na nag-aaral sa kolehiyo at sekondarya. Sa mga maralita namang nakatira sa Barangay 128, kailangang tiyagahin ang paghahati-hati ng kanilang mga kita. Kailangan nilang matiyak na mahusay ang paghahati ng kanilang mga kita para sa pambaon ng kanilang mga anak, pangbayad sa mga tubig na iniigib, bayad sa mga submetro ng kuryente (kung mayroon man), at pambili ng ulam. Nangangahulugan, na pagkaing may murang halaga at nakasasapat sa pamilya ang pinaka-swak sa kanilang budget. At dahil sa ganitong mga kondisyon, Pagpag lamang ang tunay na tutugon sa nangangalit na tiyan ng kanilang mga pamilya.

Sa talaan mapapansing kaunti lamang ang bilang mga nakapanayam na kumikita ng 500-3000. Ayon sa mga nakapanayam, isang napakailap na pagkakataon ang kumita ng ganito kalaking salapi sa kanilang mga pook. Sa dulong kolumn naman ng talaan ay makikita ang apat na bilang ng mga sample na kumikita ng P3000.00 pataas kada raw, 2 sa Barangay 129, 1 sa Barangay 128 at 1 sa Barangay Payatas. Ang isa sa taga-Barangay

129 na kumikita ng ganito kalaking salapi ay isang guro, ngunit ayon sa kanya, dahil sa maliit na sahod kasabay ng kanyang pagpapa-aral sa 3 anak, napipilitan pa rin silang bumili ng Pagpag minsan sa isang araw. Ang natitira namang isa sa Barangay 129 at yaong isa pa sa Barangay 128 ay mga negosyanteng may-ari ng isang malaking junk shop sa kanilang

Pahina 97 ng 212 mga barangay. Samantala, ang nag-iisang nakapanayam sa Payatas na kumikita ng

P3000.00 mahigit ay nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Ayon sa kanya, dahil sa hirap ng buhay sa kanilang lugar, lahat ng uri ng hanapbuhay ay susuungin ng lahat, may maipambuhay lamang sa pamilya. Nang siya ay tanungin ng mananaliksik kung bakit patuloy pa rin siya sa pagkonsumo ng Pagpag gayong sapat na sapat rin naman ang kanyang kinikita, sinabi niyang ito’y dahil nakasanayan na ng kanyang sistema ang pagkain ng

Pagpag. Ayon sa kanya, araw-araw na hinahanap-hanap ng kanyang bituka ang pagkaing

Pagpag sa umaga, tanghali at gabi.

Sa ika-siyam na talaan, makikitang halos 78% sa mga nakapanayam ay nagsasabing kulang o kulang na kulang ang kanilang kinikita. Ang kanilang kakarampot na kinikita mula sa mga hanapbuhay na may mababang kasanayan ay ang nagtutulak sa kanila upang sumandig sa Pagpag na tinatawag nilang “Pagkain ng Masa.”

TALAAN #9: GAANO KASAPAT ANG IYONG KIKINIKITA?

(Kabuuang bilang ng respondents=100) sample

12 12 12 11 9 9 8

Bilang mga Bilang ng 7 6 5 4 4 1

SAPAT NA SAPAT SAPAT LANG HINDI GAANONG SAPAT KULANG NA KULANG

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

Pahina 98 ng 212

Sa mga nakapanayam na nabubuhay sa pamamagpag, inalam din ng mananaliksik kung ang ganitong hanapbuhay ba ay nais rin nilang iwanan kung magkakaroon sila ng mas sustenableng mapagkakakitaan. Halos lahat ng nakapanayam na nagpa-Pagpag ng mananaliksik ay nagsabing hindi sila makasumpong ng pagkakataong magkaroon ng iba pang hanapbuhay kaya mas pinili na lamang nilang magbasura. Ayon sa kanila, napakahirap humanap ng kumpanyang tatanggap sa kanila dahil mababa ang kanilang narating sa pag-aaral. Bukod sa antas ng edukasyong nakamit, masyado ring maraming kwalipikasyon ang hinahanap ng mga kumpanya, katulad ng edad, hitsura, pisikal na taas at ibapa kaya nahihirapan silang mamasukan. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin sapat ang kanilang kinikita. Dahilan upang ang ilan sa kanila ay mamasukan din sa mga kapitbahay bilang tagabukod (segregate) ng mga basura.

Kung bakit at paano naging mamamagpag ang ilan sa mga maralita ay isa ring kuwentong maiuugat sa mga pwersang ng sistema ng lipunan dumudusta sa mga mamamayan. Sa Helpingland, nakapanayam ng mananaliksik si George, 40. Ayon sa kanya, iba naman ang naging kaso niya kaya siya nauwi sa pagbabasura. Dati siyang may mahusay na hanapbuhay sa Intramuros, ngunit dahil sa nasunog ang kanyang kumpanya, mistula nasunog din ang kanyang pinagpaguran dito ng mahigit kumulang na 10 taon.

Ayon sa kanya, nang nagawang muli ang kanilang kumpanya, hindi na siya tinanggap pang muli ng bagong pamunuan nito dahil daw hindi siya nakapagtapos ng kahit hayskul man lamang. Dahil limitado sa kaalaman pagdating sa kanyang mga karapatan, wala na siyang nagawa kundi humanap ng panibagong hanapbuhay: ang pamamagpag. Iba naman ang kaso ni Arnel, 46, mula Barangay Daungan. Ayon sa kanya, dati siyang nagtatrabaho sa

Leonel Waste Management ngunit dahil sa hindi makatwirang pamamalakad ng

Pahina 99 ng 212 administrasyon na kasabwat din ng kanilang union, kabilang siya sa mga napaalis sa kumpanya dahil lumaban siya rito. Itinanggi niyang ibigay ang ilang pang detalye hinggil sa hindi makatwirang pagpapaalis sa kanya ngunit para sa kanya, ang paghahanapbuhay sa bundok ng basurahan ay epekto ng karahasan at kawalan ng oportunidad sa bansa pagdating sa pagbibigay ng mahusay at disenteng hanapbuhay.

Ang paghahanapbuhay bilang mamamagpag at scavenger ay hindi tunay na ninais ng bawat maralita. Bagamat may ilang nagsasabing sanay na sila sa ganitong gawain, wala sinuman ang makapagsasabing naliligayahan sa panganib bilang basurero ang isang indibidwal. Sa katunayan, isang napakahirap na hanapbuhay ang pamamasura sapagkat kakambal lagi nito ang disgrasya at kamatayan sa bawat hakbangin. Dahil madalas mamasura ang mga scavenger kapag gabi o paumaga kung kailan madilim pa, marami sa kanila ay nasasagasahan, nabubundol o nagugulungan ng mga trak at sasakyan, lalo na sa kahabaan ng Road 10 sa Barangay 105. Ang iba naman sa kanila ay napagtitripan at pinapatay ng mga taong lulon sa bisyo. Ang ilan naman sa kanila ay natitibo, nabubulag kapag may mga kemikal sa basurahan, at natetenano. Ang kanilang mga kamatayan ay nagiging napakasaklap ayon kay Punungbarangay Elenita Reyes, sapagkat hindi sila nabibigyan ng hustisya. Dahil madilim na kung maganap ang ganitong mga malalagim na pangyayari, mahirap matukoy ang mga may sala.

Ngunit sa kabila ng panganib ng pagbabasura, bakit marami pa ring maralita ang nagpapatuloy sa ganitong uri ng hanapbuhay? Ayon sa mga nakapanayam ng mananaliksik na ito, isang marangal na hanapbuhay ang pagbabasura para sa kanila bagamat ito’y mapanganib sapagkat nakapagdadala sila ng Pagpag na siyang ulam ng masa sa kanilang mga tahanan. Kung may basura, may Pagpag. Ang kakarampot na kinikita sa pagbabasura

Pahina 100 ng 212 ay hindi sapat kung ipambibili ito ng mga produkto sa palengke, ngunit sapat upang maipambili ng Pagpag na sa halagang P35.00-P50.00 kada kilo, ay nagiging ulam ng mga mag-anak sa buong araw o ilan pang araw. Mas mainam ang pagbabasura na nakatutulong upang makabili ng Pagpag kaysa magnakaw, ayon kay Myra, 32. Nakaka-enganyo ang pagkain ng Pagpag ayon sa mga maralita, sapagkat mura, masarap, at nakasasapat ito sa kanilang buong pamilya. Bukod sa pagkakaroon ng Pagpag, nakatutulong din ang pagbabasura sa mga masang Pilipino upang makabenta ng sobrang Pagpag upang may kitain din silang salapi panggastos. Sa pamamasura at pamamagpag nakukuha ng maralita ang halos lahat ng kanilang materyal na pangangailangan.

iii. Maralita sa Pamahalaan: “Ganito sila noon, ganito pa rin kami

ngayon…”

Sa mga bahagi ng bansa kung saan pinakalaganap ang kagutuman, inaasahan na ang pamahalaan at lokal na pamahalaan ang unang reresponde sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Bilang mga namumuno ng bansa, sa kanilang balikat nakaatang ang mabigat na responsibilidad sa pagpapanatili ng katarungan (equity) o kalagayan kung saan mas nabibiyayaan ng oportunidad ang mas nangangailangan kumpara sa mas nakaririwasa.

Gayunpaman, isang malaking kabalintunaan ang umiiral sa lipunan sapagkat ang mahirap ay lalo pang naghihirap at ang mayaman ay lalo pang yumayaman.

Sa pagtungo ng mananaliksik sa apat na barangay, napansin niyang habang papalapit siya ng papalapit patungo sa sentro ng apat na barangay na ito kung saan matatagpuan ang bubundok ng basura, ay parumi ng parumi ang anyo ng mga kabahayan at residente. Sa pakikipanayam sa mga tao sa lugar ng mananaliksik, napag-alaman niyang hindi naaabot ng mga proyekto (kung mayroon man) ang mga pusod na ito sa gitna ng mga

Pahina 101 ng 212 pook iskwater. Ang mga taong naninirahan sa mga lugar na ito ay mahigit sa isang dekada nang naninirahan kasama ang mga dumi at sakit. Ayon pa sa mga nakapanayam, isa lamang ang proyektong alam nila sa kanilang lugar, at hindi rin lahat sa kanila ay nabibiyayan nito: ng 4Ps. Maanomalya din di umano ang paraan ng pamamahagi nito sa mga mamamayan.

Ayon kay Vivian ng Helpingland, 55 taong gulang, hindi mapagkakatiwalaan ang sistemang isinasagawa sa pagpili ng mga beneficiary ng programa. Wala siyang sariling bahay, mag-isa na lamang siyang bumubuhay sa kanilang pamilya, at maysakit pa siyang malubha sa baga ngunit hindi niya maisip kung bakit sa kabila ng mga kalunos-lunos na katotohanang ito sa kanya ay hindi pa rin siya “qualified” upang magkaroon ng 4Ps. Bukod dito, sa mga pinalad naman na makakuha nito, hindi rin nila dama ang tulong ng programa.

Dumadaing ang maraming residente sa Barangay Payatas dahil ayon sa kanila, inaabot ng maraming buwan bago nila makuha ang kanilang tulong mula sa programang 4Ps. Madalas pa ay bawas ito, at ang laging nirarason sa kanila ng namamahagi nito ay dahil mayroon silang mga pagkukulang sa kanilang kasunduan sa Programang 4Ps. Bukod sa 4Ps, wala nang maiturong iba pang proyekto ng pamahalaan ang mga maralita sa apat na barangay na ito.

Sa pag-aaral na ito, hindi inaasahan ng mananaliksik na ang kakulangan ng mga proyekto at programa sa mga pook rural ay nakakaapekto rin sa pagkakaroon ng mga

“bagong” namamagpag sa Kamaynilaan. Dahil sa mga kakulangan sa mga proyekto sa rural, natututunan ng ilang Pilipino ang pagkain ng Pagpag sa Kamaynilaan. Isa si Simeon,

42, taga Payatas sa mga dating magsasaka na ngayon ay isa nang mamamagpag. Ayon sa kanya, nagsimula ang lahat ng una niyang nakilala ang kanyang pag-ibig sa Rizal na kanyang probinsiya. Dahil sa kahirapang nararanasan ng mga magsasaka, madaming

Pahina 102 ng 212 binabayaran sa mga kabukiran kagaya ng pataba, patubig at ibapa, sumama siya sa kanyang nobya upang tumira sa Payatas sa Lungsod ng Quezon kung saan nakatira ang huli. Sa

Barangay Payatas, natutuhan niya ang pagpa-Pagpag mula sa mga kapitbahay at misis.

Ayon sa kanya, sa bukirin ay kinakailangan mo pang mag-antay ng mahabang panahon bago tuluyang magbunga ang iyong mga pananim. Para kanya, ang pagpa-Pagpag ay isang mas praktikal na paraan upang may maipambuhay sa pamilya. Halos araw-araw ay nakakakain sila ng fried chicken ng kaniyang pamilya. Mula sa mapang-aping kuwento sa sakahan, kuwento ng pagpa-Pagpag dahil sa kalamidad naman ang istorya ni Leah Tamayo,

34, na dating taga-Iloilo. Ayon sa kanya, 2013 ang taong sumira sa masasayang araw nila ng kanyang pamilya sa lalawigan, sapagkat sa taong ito ay winasak na parang papel ng bagyong Yolanda ang kanilang tahanan sa Iloilo. “Halos walang natira sa aming mga gamit, back to zero kami sir,” ang mangiyak-ngiyak na pahayag ni Leah sa mananaliksik.

Dahil mayroong kamag-anak sa Tondo sa Happyland, tumira sila sa lugar matapos maging survivor40 mula sa pananalasa ng bagyo. Sa Happyland unang beses nakatikim ng pagkain mula sa KFC, McDonald’s, at Jollibee ang pamilya ni Leah. Dahil dito, minahal niya ang pagpa-Pagpag para sa pamilya.

40 Mas mainam gamitin ang terminong survivor kaysa biktima sapagkat nagpapahayag ng helplessness ang huling salita bagamat sa reyalidad ay mayroon namang talagang maaaring magawa laban sa mga sakuna.

Pahina 103 ng 212

Sa minsang pagtungo ng mananaliksik sa Helpingland, nasaksihan niya ang maraming batang nakapila sa ilang lugar kung saan namamahagi ng pagkain ang isang grupo ng mga tao. Tinanong niya ang mga residente kung ang proyekto ba ay inilunsad ng lokal na pamahalaan. Sa huli, napag-alamang maraming NGOs ang namamahagi ng tulong sa mga maralita sa lugar at hindi ang pamahalaan. Isa na rito ang Kalayaan Community

Ministry na silang pinamamahalaan ng mag-asawang pastor Ron at pastor Joanna Domingo na kapwa nagmula pa sa

Inglatera. Sabi ni Celina ng Aroma, 45 taong gulang, walang kinalaman ang pamahalaan sa mga proyektong tinatamasa ng mga mamamayan sa lugar. Sumisilip lamang ang barangay sa kanilang lugar kapag paparating na Larawan #13: “Kailangan namin ay proyektong pang-gutom namin, hindi puro pang- kasada” - maralita ang eleksyon. Ang “Ang larawang ito ay kuha mula sa www.sunstar.com” nasyunal na pamahalaan at ang lokal na pamahalaan naman ay naglulunsad ng mga proyektong puro pang-kalsada, hindi pang-bituka. Kahit kailan ay hindi man lamang daw sila kinonsulta ng kahit sino man sa pamahalaan kung ano ang kanilang tunay na mga pangangailangan. Sa Barangay Payatas naman, nagsasawa na sa pagboto si Amy, 32 taong

Pahina 104 ng 212 gulang, mapa-eleksyong pambarangay man o pang-nasyunal. Wala naman daw kasing nangyayari sa buhay nila sa kanilang komunidad. Lahat sila ay mahirap pa rin.

Tatlo ang nakita ng mananaliksik na nagiging resulta ng mga kakulangan sa proyektong tutugon sa pagkain ng pamahalaan. Una, marami sa mga mamamayan sa mga pook na ito ay hindi na nagiging aktibo sa pagsasanay ng kanilang mga karapatan. Sa katunayan, ayon kay Amy Soria ng Payatas, 32, hindi na siya nakikilahok sa lahat ng eleksyon, sa kanilang barangay man o sa Nasyunal na botohan ng mga mamumuno sa bansa. “Hindi ko ramdam na parte [bahagi] kami ng tinatawag na pag-unlad na yan,” ang sabi niya. Isa lamang si Amy Soria sa maraming pamilya na nagsasabing hindi nila nararamdaman na bahagi sila ng tinatawag na “pag-unlad ng bansa.” Dahil dito, hindi nagiging makatotohanan ang pagtawag sa bansa bilang isang nasyong demokratiko at mapaglaya. Pangalawa, dahil sa 4Ps lamang ang proyektong nakakarating sa mga barangay ito, nagkakaroon ng utang na loob naman sa pamahalaan ang mga maralitang patuloy pa ring bumoboto, at kung sino man ang i-eendorso ng kasalukuyang administrasyon ay siya namang ihahalal daw ng mga maralitang ito. “Si Mar Roxas ang iboboto namin kasi ipagpapatuloy niya ang 4Ps, saka sabi kasi ni [Presidente] Aquino yun e’,” sabi ni Mayeth,

40, mula sa Helpingland. At pangatlo, dahil sa kakaunting tulong na naibibigay sa mga maralitang ito, nagiging mas laganap sa kanilang lugar ang pamamagpag at pamamasura bilang pangunahing hanapbuhay. Ang kakulangan ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng kagalingang panglahat ay hindi totoong naipapatupad sa bansa. Patunay nito ang kawalan ng oportunidad sa edukasyon at hanapbuhay ng mga mahihirap, na dinadagdagan pa ng hindi pagbibigay-atensyon sa kalagayan ng mga tao sa pamamagitan ng kakulangan sa paglulunsad ng mga proyektong tutugon sa kahirapan at kagutuman ng mga mamamayan.

Pahina 105 ng 212

iv. Cover-Up: Hindi Pagkilala sa Tunay na Kalagayan ng Maralita

Bahagi rin ng pag-aaral ng mananaliksik ang pagtungo sa ilang sangay ng pamahalaan at lokal na pamahalaan upang alamin ang kanilang opinyon at pagtingin patungkol sa pagpa-Pagpag sa Kamaynilaan. Tinungo ng mananaliksik ang Aurora Quezon

Health Center sa Unang Distrito at ang Manila Health Bureau upang malaman ang analisis ng mga pampublikong manggagamot na nakadestino sa mga barangay ng Helpingland,

Smokey Mountain, at Daungan. Nagulat ang mananaliksik sapagkat mismong mga doktor sa lugar ay hindi alam na halos lahat sa mga nabanggit na barangay na kanilang nasasakupan ay kumokonsumo ng Pagpag. Sa pagkakaalam nila, iilang pamilyang scavenger lamang ang nagpa-Pagpag.

Nakababahala ang ganitong senaryo sapagkat kahit kailan ay hindi matutugunan ang suliranin sa pagpa-Pagpag sa bansa hanggang walang pakialam at pagkilala ang mga namumuno patungkol sa existensiya nito. Sa isang programa sa Amerika na pinamagatang

The Newsroom noong 2012, sinabi ng isang piksyonal na tauhan na si Will McAvoy na ang unang paraan upang masolusyunan ang isang problema ay sa pamamagitan ng pagkilala sa pag-iral nito. Kung hindi kinikilala ng mga kinauukulan ang isang suliranin, hindi kailanman ito mareresolba. At sa pag-aaral na ito, napatunayan nga ng mananaliksik na makatotohanan ang pahayag niyang ito sa makatotohanang mundo.

Samantala, tunay na mas malala ang naging karanasan ng mananaliksik sa

Barangay Payatas sa Lungsod ng Quezon. Nang unang nagpapa-apruba ng mga rekisito at sulat ang mananaliksik sa city hall ng Lungsod ng Quezon para sa isasagawang pag-aaral, tinangka siyang harangin ng isa sa mga opisyales ng City Planning na nagpupumilit magsabing hindi maaaring isagawa ang pananaliksik sa barangay Payatas sapagkat una,

Pahina 106 ng 212 mga kawani lamang ng Lungsod ang pinapayagang tumungo sa barangay, at pangalawa, hindi na umiiral pa ang kalakalan ng pagpa-Pagpag sa lugar. Nagkaroon ng malaking alitan ngunit sa huli, nasunod pa rin ang paghahangad ng mananaliksik na patunayan ang existensiya ng pagpa-Pagpag sa barangay. Sa pagtungo at pagpupugay naman sa tanggapan ng barangay ng Payatas, parehas din ang sentimiento ng mga opisyales ng Barangay sa mga sinabi ng taga-city hall ng Quezon. Dahil sa pagpupumilit ng mananaliksik, sa wakas napagtagumpayan din ang paglubog at pakikipanayam sa mga maralitang taga-Payatas. Sa unang pagbisita sa barangay, mapapansing malinis, malaki at maganda ang labas ng barangay. Ngunit sa pagpasok sa loob nito, hindi inaakala ng mananaliksik na makakausap at makakasalamuha niya ang maraming pamilyang magkakadikit ang mga tahanan, nagigiyagis sa hirap at kumokonsumo ng Pagpag. “Halos buong Payatas ay kumakain ng

Pagpag, hindi totoong wala nang kumakain yun dito, sikat na sikat nga rito ‘yun eh!” bulalas ni Lorena, 34 nang tanungin siya ng mananaliksik kung totoo bang wala nang kumakain ng Pagpag sa kanilang lugar. Ayon sa mga residente sa lugar, pilit silang pinapaalis sa barangay ng lokal na pamahalaan dahil nakasisira raw sila sa imahe ng

Lungsod. Ang ilan sa kanila ay pinangakuan ng relokasyon sa Rizal at Bulacan ngunit bumalik din sa lugar ang ilan dahil wala raw hanapbuhay sa mga sites. Sa kasalukuyan, pinagkakakitaan ng lokal na pamahalaan ang sanitary landfill. Sa katunayan, patuloy itong pinalalaki at sinasadya daw idinidikit sa mga kabahayan nila ang landfill upang mapilitan silang lumikas at lumayas sa kanilang mga lugar. Ayon kay Propesor Christle Cubelo ng

Kolehiyo ng Pantahanang Ekonomya, hindi kailanman mareresolba ang isang panlipunang suliranin hangga’t hindi ito kinikilala ng ibang mga tao at ng pamahalaan. Sa lahat ng uri ng suliranin, ang laging unang solusyon ay ang pagkilala sa pag-iral nito. Saka pa lamang

Pahina 107 ng 212 magaganap ang iba pang mga hakbangin upang ito’y matugunan. Sa kasalukuyan, walang magawa ang mga maralitang taga-Payatas na walang kalaban-laban sa panggigipit sa kanila ng lokal na pamahalaan.

v. “Ang Paglusob ng mga Mananalakay sa Pook Iskwater…”

Ipinapaliwanag ng Push-Pull Hypothesis na dahil sa proseso ng urbanisasyon, parami ng parami ang mga Pilipinong tumutulak patungong Kamaynilaan sa pag-aakalang masusumpungan nila ang pag-unlad dito. Sa mga pook urban kagaya ng Maynila at

Lungsod ng Quezon, umiiral ang isang kompetisyon sa pagitan ng mayaman at mahirap pagdating sa pagtatamo ng mga oportunidad at accesibilidad sa maraming pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain. Sa ganitong uri ng kompetisyon, talo ang mga mahihirap, na natataboy sila sa isang bahagi ng siyudad kung saan nagkukumpulan silang lahat.

Kung minsan, hindi nakukuntento ang mga mayayaman kaya’t maski ang mismong lugar ng mga maralita ay kanila ring pinapasok. Sa mga pook na ito ay nagtatayo sila ng mga korporasyon, malls, supermarket, at iba pang gusaling kanilang pagkakakitaan. Ayon sa mga residente ng ng Barangay 105, dating sakop ng kanilang barangay isang lugar na tinatawag na Sitio Damayan o “Ulingan” kung tawagin. Ngunit dahil binili ito sa pamahalaan ng isang pribadong korporasyon, napaalis sa lugar ang mga residenteng nakatira rito. Sanay na raw sa ganitong palagiang kalakaran (pattern) ng pamumuhay ang mga residente sa lugar. Titira sila sa isang lugar. Ngunit dahil sa migrasyon ng mga mayayaman sa kanilang lugar, paaalisin sila rito gamit ang pinagsamang puwersa ng pamahalaan at ng pribadong lakas. Tinatawang na Elite Capture ang pangyayaring ito kung saan inaagaw ng isang grupo ng makapangyarihang mamamayan ang isang yaman o ari-

Pahina 108 ng 212 arian na maaari pa sanang mas mapakinabangan ng mas maraming mamamayan.

Tinatawag naman ni Antonio Gramsci na cultural hegemony ang konseptong nagaganap kung saan kontrolado ng isang grupo ng mayayaman o makapangyarihang tao ang desisyon na isinasagawa ng pamahalaan.

Pinakakapansin-pansin ang ganitong kalakaran sa Payatas, kung saan karamihan sa mga may-ari ng junk shops ay mga nakakariwasa sa buhay na kakaiba sa mga barangay ng mga maralita sa Tondo kung saan lahat halos ay mahihirap. Dahil sa patuloy na pagmamarginalisa ng lokal na pamahalaan sa mga informal settlers, mas nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng permit at makapagbukas ng junk shops ang mga mayayaman at may puhunan. Samantalang ang mga mahihirap na residente naman ay tingi-tinging namumulot, nangangalakal, at namamagpag. Ang mga bata naman ay nagiging jumper boys upang makatulong din sa kanilang mga pamilya.

Sa Smokey Mountain, kahit mga may-kaya ay nakikiagaw na rin sa mga pabahay na para sana sa mga residente ng lugar na mga mahihirap na pamilya. Dahil walang kakayahang magbayad ng 25 taon upang maging pag-aari ang unit, napipilitan ang mga maralita na ipagbili na lamang sa mga mayayaman ang kanilang unit. Sa prosesong ito, na kung tawagin ay gentrification41, unti-unti nang nawawala sa kanilang sana’y lugar ang mga maralita. Dahilan ito kaya sa mga datos na inilahad sa tsart bilang 7 kanina, makikitang mas marami sa mga nakapanayam sa barangay ay hindi scavenger bagamat kumakain ng

Pagpag.

41 Ang gentrification ay nagaganap kapag ang isang grupo ng mayamang pamilya ay tumungo sa isang lugar upang manirahan dito. Sa prosesong ito, napapaalis sa kanilang lugar ang mga maralita.

Pahina 109 ng 212

Dahil sa unti-unting pagtataboy sa mga maralita sa kanilang lugar sa mga pook urban, ay lalo silang naghihirap. Sa ganitong kapamaraanan, lalo silang napagkakaitan ng mga oportunidad at accesibilidad sa maraming bagay. Dahil dito, natutunan nila ang pagkain ng Pagpag na mula sa basurahan ay kinakalkal upang ilutong muli. Tanging matinding kalagayan ng kahirapan lamang ang makapag-uudyok sa isang taong nasa pag- iisip upang kumain ng pagkaing mula sa basurahan.

vi. “Tira mo, buhay ko…”

Kung susuriin ng maigi ang pagkakaroon ng pagkaing Pagpag, malalamang ang pag-iral nito ay bunga ng pagkakaroon ng maraming food waste at food loss mula sa maunlad na bahagi ng siyudad at pati na rin sa mga kabahayan. Laganap ang pagkakaroon ng maraming food waste at food loss sa buong daigdig.

Ayon sa ulat ng United Nations Development Program, 1/3 ng mga pagkaing ipino- prodyus sa buong mundo ang nasasayang at nagiging food loss kada taon. Isa itong kabalintuan sapagkat mahigit 2 bilyong mamamayan ng daigdig ang nabubuhay sa ilalim ng poverty line at 700 milyong katao mahigit ang nakararanas ng matinding kagutuman araw-araw ayon naman sa Food and Agricultural Organization ng United Nations. Sa pag- aaral ng Cornell Food and Brand Lab ng Cornell University, ang pagkakaroon ng maraming food waste ay bunga ng masyadong mataas na lebel ng consumerism42, kung saan malakihan ang pagbebenta at pagbili ng mga produkto sa isang bansa. Ayon sa institusyon, dahil dito, marami sa mga kabahayan ay bumibili ng sobra pa sa kanilang

42 Isa pang maiuugnay na konsepto sa Consumerism ay ang Affluenza, na isang kondisyon kung saan dahil mataas na kapasidad pampinansyal ng isang inidibidwal, at sa dahil kawalan ng kakuntentuhan, nagkakaroon ng mga negatibong epekto ang kanyang malakihang paggastos (isa sa mga negatibong epekto ang food loss).

Pahina 110 ng 212 pangangailangan. Sa mga tahanang ito, ang mga natitirang pagkain sa hapag-kainan, at hindi wastong pag-iimbak ng mga ito ang nagdudulot ng upang magkaroon ng maraming food waste. Bukod sa consumerism, dahil din sa conspicuous consumption, o pagbili ng mga produkto para lamang maipakita ang antas ng pamumuhay, nagkakaroon ng maraming tira. Maraming kabahayan sa panahon ngayon ang bibili ng isang pagkain o produkto, idi- display sa tahanan, at saka itatapon. Ayon pa sa institusyon, ang malaking bahagi rin ng food waste ay tinatawag na food loss, kung saan natatapon ang maraming pagkain mula sa mga pagawaan o kumpanya ng mga processed food.

Sa Pilipinas naman, ayon kay Dr. Liza Bordey ng Philippine Rice Reseaarch

Institute at Hazel Antonio, director ng National Year of the Rice Campaign noong 2013, ang bawat Filipino ay nagsasayang ng 3.29 kilo ng bigas kada taon (P23 milyong kada araw), na kung pagsasamasamahin ay aabot sa 296, 869 metro tons ng kanin kada taon

(P8.4 bilyon kada taon). Sa laki ng kasayangang ito sa kanin, maaari pa sanang mabigyan ng maaayos at malinis na pagkain (food integrity) ang mahigit 2 milyong Pilipinong nagugutom. Ngunit dahil sa kalabisang ito na nasasayang, natututunan ng ibang mahihirap sa bansa ang kainin pa rin ito, ngunit sa paraang mapanganib, sa paraang pagpa-Pagpag.

Pahina 111 ng 212

Bukod sa mga kabahayan, dahil din sa tinatawag na McDonaldization of the societies ni George Ritzer sa mga bansa sa daigdig kasama ang Pilipinas, marami ang nagiging basura at tira bunga ng kalabisan sa pagkain at sobrang pagkonsumo ng mga tao sa mga fast food chain. Ayon kay Ritzer, pakalat ng pakalat ang maraming kainan o fast food chain sa maraming bansa bunga ng Globalisasyon. Dahil dito, napapadali na ang pagbili at pagkonsumo ng pagkain dahil sa pagiging moderno ng mga tradisyunal na sistema bunga nito. Bunga ng paglaganap ng mga instant food houses na ito, parami ng parami ang nahihikayat na kumain sa mga ito. Sa pagkonsumo ng mga pagkain, marami ang nagiging tira, na siya namang pinagtitiyagahan ng mga taong hindi makabili ng pagkain sa mga kainang ito. Sa mga lungsod, kapansin-pansin

Larawan #14: Labis na tirang pagkain mula fast food chains at mga kabahayan ang paglakas ng cash economy o pagiging batayan ng salapi para mabuhay sa araw-araw.

Ang ganitong sistema ng mundo ay nagiging dahilan upang hindi maging balanse ang pamumudmod ng pagkain sa lahat ng mamamayan. Habang ang ilan ay kumokonsumo ng higit pa sa pangangailangan nilang pagkain, ang marami naman sa mga maralita ay mistula laging nakaabang sa mga matitirang “mumu” mula sa mga pagkaing ito. Ang

Pahina 112 ng 212 larawan ng matinding karahasan na katulad nito sa lipunan ay bunga ng maling pagkakalatag-latag ng mga sistemang pampulitika at pang-ekonomya sa bansa. Hanggang nananatili ang ganitong sistema, patuloy na mapipighati sa istarbasyon at kagutuman ang maraling maralita.

D. Mga Implikasyon ng Pagpa-Pagpag sa Pamumuhay ng mga Maralita

i. Bituka o Kalusugan?

Ang pagkain ng Pagpag bagamat nakababawas sa gutom ng mga maralita ay totoong mapanganib. Ayon kay doktor Noel Coronel ng Tondo Medical Hospital, ang pagkain ng mga pagkaing mula sa basurahan [Pagpag] ay nagdudulot ng maraming sakit sapagkat mula sa basurahan, ay nagiging bukas sa maraming uri ng mikrobyo ang Pagpag.

Gayunpaman, nakakalungkot isipin na ang malaking bilang ng mga maralita ay hindi naniniwala sa doktor.

Sa ika-sampung tsart, mapapansing 58% ang hindi naniniwala sa mga sinasabi ng doktor na mapanganib ang pagkain ng Pagpag. Ayon sa kanila, bunga ito ng kahirapan kaya hindi na sila pa naniniwala sa mga manggagamot. “Wala naman siya sa sitwasyon namin kaya madaling sabihin ‘yan,” sabi ni Edna, 25. Marami silang pagpapaliwanag kung bakit naniniwala silang mabuti pa ring ikonsumo ang Pagpag. Una, ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Payatas, ang nagkakasakit lamang sa pagkain ng Pagpag ay iyong maseselan ang tiyan. Sabi naman ng mga taga-Barangay 128 sa Smokey Mountain, mas madami ang nangamamatay sa pagod kaysa sa pagkonsumo ng Pagpag. Sa Barangay

29 sa Daungan naman, ayon kay Sofia, 32 taong gulang, mas marami raw ang namamatay

Pahina 113 ng 212 sa kagutuman kaysa pagkain ng Pagpag. Ang mga namamatay lang daw sa pagkain ng

Pagpag ay iyong hindi marunong magluto ng Pagpag ng tama.

Ayon naman sa mga taga-Barangay 105 sa Aroma, ang polusyon dahil sa coal dust company sa lugar ang totoong pumapatay sa maraming tao sa kanilang lugar. Sabi ni Diego

47 mula sa Barangay 105, hindi totoo ang sinasabi ng mga doktor na hindi maganda sa katawan ang Pagpag dahil marami sa kanila ay malulusog at matataba. Sa katunayan, hindi raw sila nangangayayat, kabaligtaran ng sana’y nararanasan nila.

TALAAN #10 Naniniwala ka ba sa sinasabi ng mga doktor at eksperto na hindi maganda sa kalusugan ang pagkain ng Pagpag? (Kabuuang bilang ng respondents=100)

18 16

sample OO 12 12 12 12 HINDI 8 EWAN

Bilang mga Bilang ng 6

1 1 1 1

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

Ang 38% naman na nagsasabing naniniwala sila sa doktor ay nagsabing makatotohanan man ang sabihin ng isang manggagamot, wala silang magawa sapagkat limitado ang kanilang kakayahan upang magkaroon ng pagkain. Nang tanungin naman ng mananaliksik kung nakaramdam na ba ang kinakapanayam ng anumang karamdaman

Pahina 114 ng 212 katulad ng pananakit ng tiyan, pagtatae at ibapa, nakalap ang mga datos mula sa tsart no.

11 at tsart no. 12.

TALAAN #11: Nagkasakit ka na ba dahil sa pagkain ng Pagpag?

(Kabuuang bilang ng respondents=100) sample HINDI 24 OO 21 20

16 Bilang mga Bilang ng 9 4 1 5

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

TALAAN #12: May kakilala ka bang nagkasakit na dahil sa pagkain ng Pagpag?

(Kabuuang bilang ng respondents=100) sample

23 18

15 16 Bilang mga Bilang ng 10 9 7 2

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

OO WALA

Pahina 115 ng 212

Makikita mula sa dalawaang talaan na pinakamalaking porsyento ng mga nakapanayam ay nagsabing hindi pa sila nakaramdam ng anumang karamdaman bunga ng pagkain ng Pagpag. Dagdag pa rito, malaking porsyento rin sa kanila ay nagsabing wala silang kakilalang nagkasakit bunga ng pagkonsumo ng Pagpag. Kung mayroon man raw sumasakit ang tiyan sa kanila, ito ay dahil naalimuoman lang ang mga ito at walang kaugnayan ang Pagpag dito.

Ayon ka Propesor Andrea Martinez ng Department of Behavioral Science ng

Pamantasan ng Pilipinas Maynila, dahil sa matagalang kagutuman o kawalan ng accesibilidad sa pagkain ng isang grupo ng mga tao, maaaring mabulag sila sa mga negatibong maaaring maidulot sa kanila ng isang bagay na para sa kanila ay tanging paraan upang sila ay mabuhay. Ipinapaliwanag ito ayon sa kanya ni Abraham Maslow sa kanyang

Teoryang Basic Needs. Maaaring humina ang faculty of rationalization ng isang tao kapag hindi napupunan ang kanyang mga pangunahing pangangailangan. Ito ang kadahilanan kung bakit hindi kinikilala ng marami sa mga pook iskwater ang pag-iral ng panganib na kaakibat ng pagkonsumo ng Pagpag.

Samantala, sa dalawang talaan na ito (talaan 11 at talaan 12), mayroong 19 porsyentong nagsabing nagkasakit na sila dahil sa pagkonsumo ng Pagpag at 35 porsyento ang nagsabing may kilala silang nagkaroon na ng masamang karamdaman dahil dito. Ayon sa kanila, ang mga karaniwang sakit na nararanasan ng mga tao sa kanilang lugar ay pagtatae (diarrhea), lagnat, sakit ng tiyan, at pagkakaroon ng bulati. Mayroon rin daw ibang nakatira sa kanilang lugar na na-operahan dahil sa pagkakaroon daw ng parasitiko sa atay. Ang ilan naman ay talagang matitibay daw ang sistema ng panunaw. Isa si Michelle,

35 taong gulang, taga-Barangay 105 sa mga nagsabing natuto siyang maniwala sa doktor

Pahina 116 ng 212 ng minsanang dumumi at sumuka ng napakaraming bulati ang kanyang dalawang anak na lalaki. Dahil dito, itinigil na nila ang pagkain ng Pagpag. Sa mga pagkakataong wala na silang salapi, mas pinipili raw nila ang magsabaw ng toyo, mantika, o kape sa kanin bilang ulam (surrogate ulam). Mas ligtas daw ito kaysa sa pagkain ng Pagpag. Bukod kay

Michelle, nasa tsart no. 13 ang iba pang mga datos patungkol sa bilang ng mga maralitang taga-lungsod na tumigil na sa pagkain ng Pagpag.

Tsart #13: BILANG MGA HUMINTO AT HINDI PA RIN HUMIHINTO SA PAGKONSUMO NG PAGPAG (Kabuuang bilang ng respondents=100)

25 25 24

sample 20 HINDI HUMINTO

HUMINTO Bilang mga Bilang ng

5 1

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

Makikita mula rito na sa 100 nakapanayam ng mananaliksik, 6 lamang ang huminto sa pagkain ng Pagpag, isa na rito si Michelle mula sa Barangay 105. Bukod sa kanya, nahinto na rin sa pagkain nito si Maritess, 44 taong gulang na naninirahan din sa Barangay

105 sa Aroma. Ayon sa kanya, nasaksihan mismo nila ng kanyang asawa kung paano lagyan ng formaline ng mga crew sa isang fast food chain sa Malate ang mga Pagpag na ipinagbibili sa mga namamagpag. Nasa puntong kukunin na rin daw nila ang kanilang biniling Pagpag ngunit dahil dito nga sa kanilang nakita, nagising sila na huwag na lamang

Pahina 117 ng 212 ito kuhanin. Bukod dito, bago pa ang insidente, dumumi na rin si Maritess ng may kasamang dugo. Hindi siya nabahala dito sapagkat inisip niyang matigas lamang ang kanyang dumi kaya nagkakaganoon. Ngunit napapaisip na siya ng nagiging madalas na ang pagdumi niya ng dugo. Dahil sa insidente ng paglalagay ng mga fomaline sa Pagpag, tuluyan na nilang mag-asawang winakasan ang pamamagpag. Ngayon, bagamat namamasura pa rin, hindi na kumakain pa ng Pagpag ang pamilya ni Maritess.

Bukod sa kanila, ang ilan pa sa mga nanay ay tumigil na sa pagkain ng Pagpag dahil sa mayroon daw “sundalo” ang mga ito at nagbubulati na ng malala ang kanilang mga anak. “Sundalo” ang tawag nila sa mga uod na nasa Pagpag sapagkat mistulang binabantayan nito ang Pagpag upang hindi makain. Ayon kina Josie, 43 taong gulang mula

Barangay 105, kapag ang Pagpag ay may amoy na, hindi na nila ito kinakain pa, kundi ay isinasama sa kaning-baboy na ipinapakain nila sa kanilang mga aso. Ayon naman kay

Karina, 39, dati naman siyang mayroong karinderia ng mga lutong Pagpag sa labas ng

Helpingland sa malaking kalsada ng Road 10 subalit simula nang awayin siya ng isang customer na sumakit daw ang tiyan matapos kumain ng luto niya, itinigil na niya ang pagbebenta at pagkain ng Pagpag

Sabi naman ni Serafin, 46 taong gulang mula Payatas, ang pagkain ng Pagpag ay parang isang sugal- hindi mo alam kung kailan ka matitiyempuhan na makakuha ng sakit.

Kung bakit patuloy na kumakain pa rin ng Pagpag ang maraming Pilipino sa kanilang lugar ay dahil daw ito sa wala silang “choice,” o kakayahang pumili sa mga kakainin sapagkat wala namang pagpipilian kundi Pagpag. Ang Pagpag ay mayroon nang iba’t ibang laway, at tanging taong desperado na upang mabuhay lamang ang mapipilitang kumain nito. Ayon sa kanya, noong una ay ginagamit nilang mga mamamagpag ang paraan ng pag-amoy sa

Pahina 118 ng 212

Pagpag upang malaman kung ito ay sariwa pa o hindi. Kapag napansing maaayos-ayos pa sa palagay ng mamamagpag ang Pagpag ay direkta na itong kakainin ngunit kung may amoy na, iuuwi ito upang mailutong muli. Ngunit nang minsang nakaranas ng food poisoning ang kanyang mga anak at apo, nahinto na rin sila sa pagkain nito.

Ayon naman sa mga hindi pa rin humihinto sa pagkain ng Pagpag, ang kawalan ng kita o paraan upang makabili sa merkado ng mga pagkain ang matinding kalaban nila sa paghinto sa pagkain ng Pagpag. Si Stephanie. 34, mula Barangay Daungan ay isa sa mga ito. Ayon sa kanya, ang pagkain ng Pagpag ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit namamatay ang mga tao sa kanilang lugar. Nagising lamang siya mula sa katotohanang ito nang mamatay ang kanyang asawa noong taong 2014. Mula noon, minsanang sinubukan ng kanyang pamilyang tumigil sa pagkain nito ngunit nagutom naman sila ng maraming araw dahil masyadong mataas ang preso ng mga bilihin sa mga pamilihan. Dahil dito, patuloy pa rin silang kumakain ng Pagpag hanggang sa kasalukuyan. “Diyos na po ang bahala sa ‘min sir,” sabi ni Melody Tabilog, 32. Sabi naman ni Rosalia, 49 taong gulang mula Smokey Mountain, naniniwala siyang madumi ang Pagpag sapagkat kung sinu-sino na ang humawak dito. Ngunit para sa kanila, mas nakakatakot pa rin daw ang mamatay sa gutom.

Ayon kay Propesor Christle Cubelo, na isang eksperto sa Public Health Nutrition mula sa Kolehiyo ng Pantahanang Ekonomiya, ang anumang pagkain na naitapon na sa basurahan ay hindi na dapat pang kainin. Ito dahil sa tinawag na spoilage, o “pagkapanis” sa literal na pagpapakahulugan. Karaniwang nangyayari ang spoilage kapag nakalatag ang isang pagkain ng matagal sa isang lugar habang nagiging bukas ito sa maraming anyo ng mikrobyo sa paligid. Ngunit sa kaso ng mga pagkaing Pagpag nasa basurahan na kasama

Pahina 119 ng 212 ang iba pang pagkain at di-pagkaing komponiente, mas napapabilis ang rate of spoilage dahil sa madumi at siksikang kapaligiran (ang basurahan). Sa isang pagkaing nakalatag ng normal sa hapag-kainan, karaniwan na 4 na oras ang pinakamatagal na maaari nitong itagal upang masabing mahusay pa itong kainin. Ngunit sa kaso ng mga naitapon, hindi na ito dapat pang kainin. Dahil nasa basurahan na, maraming uri ng mikrobyo ang nasasama sa

Pagpag. Kung ito man ay iluto o hugasang mabuti katulad ng ginagawa ng ibang pamilya at indibidwal, maaaring makapatay ng ibang mikrobyo ngunit hindi pa rin ganap na mapapatay ang lahat ng naririto. Ayon sa kanya, may mga mikrobyong tinatawag na thermophiles o heat-loving microorganism na kapag lalong naiinitan ay lalong dumarami.

Bukod dito, may ibang mga mikrobyong bago mamatay sa prosesong ginagawa ng mga namamagpag ay nag-iiwan muna ng toxins sa Pagpag na hindi basta-basta naaalis ng kahit anong hugas o pagluluto dito. Kung ito naman ay sasabunin katulad ng ginagawa ni Ada na taga-Barangay 129, masasama sa kanyang bituka ng komponiente ng sabon na hindi kayang tunawin ng sistema ng panunaw kasama ang mga mikrobyong hindi namatay sa proseso. Kung iisipin, mistulang nasa larangan ng probability ang pagkain ng Pagpag. May mga pagkakataong ligtas ito kainin, ngunit, gaano naman karami ang pagkakataong mapanganib ito sa buhay at kalusugan?

Ayon kay Doktor Gerard Corral, inspektor ng sanitasyon ng Manila Health Bureau, ang pagkain ng Pagpag ay karaniwang nagdudulot ng mga sumusunod sa mga kumakain nito:

1. Paglaki ng tiyan

2. Pagbubulati

3. Pamamayat o paglaki ng wala sa proporsyon

Pahina 120 ng 212

4. Panghihina sa mga gawaing nangangailangan ng lakas

5. Paghina ng memorya at kapasidad ng utak na mag-isip

6. Pagiging bansot (lalo na sa mga bata)

7. Kahirapan sa paghinga

8. Iba pang mga food-borne disease katulad ng diarrhea

9. Mga gastro-intestinal disease katulad ng cholera at typhoid fever

10. Food Poisoning o Pagkalason

11. Kamatayan

Bukod sa mga ito, marami pang ibang maaaring idulot ang pagkain ng Pagpag sa kalusugan ng mga maralita. Nakadepende ang karamdaman sa anumang uri ng mikrobyo, o parasitikong matatagpuan sa Pagpag na minsan ay nanggaling sa bibig ng isang taong may karamdaman. Dagdag pa niya, hindi ibig sabihin na hindi nakakakuha ng anumang karamdaman ang isang namamagpag ay mainam na agad ang pagkain ng Pagpag. Ayon sa kanya, sa unang pagkakataong kumain ng Pagpag ang isang indibidwal, ay karaniwang makakaranas siya ng lagnat o iba pang reaksyon ng katawan, katulad ng pagtatae. Sa pagtagal ng panahon, maaaring mahinto ang mga karamdamang ito, ngunit sa maikling panahon lamang ito. Sa pagtagal ng panahon, mayroong long-term effect ang pagkain nito katulad ng pag-ikli ng life span ng isang tao dahil sa kakulangan sa mga bitamina at mineral na makukuha mula sa Pagpag. Bukod dito, hindi ganap na mapapalawak ng isang tao ang kanyang kakayahan sapagkat may epekto rin sa kapasidad ng memorya at pag-iisip ang

Pagpag.

Bukod dito, hindi rin dahil sa tumataba ang isang tao o lumalaki ang kanyang katawan dahil sa pagkain ng Pagpag ay nangangahulugan na agad ito na mainam na rin ang

Pahina 121 ng 212 pagkonsumo ng pagkaing ito, pagpapaliwanag naman ni Propesor Christle Cubelo. Ang pagiging malusog ayon sa kanya ay hindi nakabatay sa laki o liit ng katawan. Ito ay nakabatay sa kondisyon ng pag-iisip, looban ng pangangatawan, at buong pagkatao. Sa maikling panahon ay maaaring walang epektong masama sa katawan ang pagkain ng

Pagpag ngunit sa paglipas ng mahabang panahon ay maaaring magsulputan ang maraming sakit bunga ng pagkain nito.

Ayon sa kanya, marami sa mga manggagamot at eksperto sa kalusugan ay hindi pa rin ganap na mulat patungkol sa pag-iral ng pagkaing ito kaya hindi mabigyan-bigyan ng malalim na atensyon ang isyung ito. Naririnig lamang ito ng ilan niyang kasamahan sa Medisina, na nag-aakalang kaunti lamang ang bilang ng mga kumokonsumo nito.

Sa mga pagamutan na malapit sa apat na barangay, halimbawa ay Larawan # 15: Mga Residente ng Smokey Mountain- “Lumusog kami dahil sa sa Gat Andres Pagpag dahil nagtatabaan kami.”

Bonifacio Memorial Medical Hospital at Tondo Medical Center, ay marami nang na- ospital na residente dahil sa pagkain ng Pagpag. Sa kabila nito, hindi pa rin nagkakaroon ng record o talaan ang mga pagamutang ito patungkol sa Pagpag dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: Una, Jargon ang salitang “Pagpag” para sa maraming manggagamot

Pahina 122 ng 212 sapagkat nakaluklok lamang sila sa kanilang tungkulin sa mga pagamutan; Pangalawa, hindi nakikipagtulungan ang mga barangay at lokal na pamahalaan upang mailahad ang suliranin patungkol dito at panghuli, hindi rin nakikipagtulungan ang mismong mga maralitang na-oospital dahil sa pagkain nito. Sa katunayan, isa sa mga nakapanayam, si

Maritess, 44 taong gulang mula sa Barangay Aroma, ang naospital na minsan dahil sa pagdumi ng may kasamang dugo. Ayon sa kanya, hindi niya kailanman sinabi sa doktor na

Pagpag ang tawag sa kanyang kinain sapagkat nahihiya siya. Sa halip ay sinabi na lamang niyang “aksidente siyang nakakain ng panis na pagkain.” Dahil sa mga ganitong pangyayari, hindi napapalalim ang kamalayan ng mga eksperto sa Medisina patungkol sa

Pagpag.

Sa mga nakalap na datos, maliwanag ang mga maralita ay hindi naniniwala sa mga impormasyon o pag-aaral na isinasagawa ng maraming eksperto sapagkat para sa kanila, mas mahalaga ang dikta ng bituka kaysa dikta ng bibig ng ibang taong puro pamumuna ngunit wala namang mailahad na alternatibo para sa kanilang kakapusan sa accesibilidad sa pagkain. Batay dito, makikitang napakalaki ng health gap sa pagitan ng mga nakakariwasang pamilya at maralitang mamamayan. Ang mga maralitang mamamayan dahil namamarginalisa sa maraming bagay sa lipunan ay umaasa na lamang sa basura na magbibigay pagkain sa kanilang lapag-kainan. Ang ilan sa mga pagkaing ito na tinatawag na Pagpag ay totoong nagbibigay ng enerhiya (dahil sa kanin at carbohydrate content ng mga pagkain) sa mga kumokonsumo sa kanila subalit kapos na kapos naman sa maraming sustansiyang kailangan ng isang tao para mabuhay. Dahil sa sobrang pagluto, paulit-ulit na pagluto, pagsasabon, o sobrang pagbabanlaw, tuluyan na talagang nangamamatay ang mga bitaminang dapat ay nasa mga pagkaing ito. Dahilan dito kaya hindi nakakamit ng mga

Pahina 123 ng 212 maralita ang tinatawag ni Rene Dubos na holistic health, isang kalagayan ng katawan kung saan nasa mabuting kondisyon hindi lamang ang pisikal na aspeto ng isang tao, kundi maski ang kanyang pag-iisip, panlipunan at iba pang aspeto ng pagiging isang buhay na organismo. Dahil hindi nakakamit ng mga maralita ang estadong ito, hindi nila nararating ang lahat ng potensyal nila bilang tao.

ii. Lipunan sa Mata ng Mahirap

“Kakaiba,” ang karaniwang terminong ikinakabit natin sa isang gawain o kaugaliang kakaiba para sa ating paningin. Nasanay ang maraming mamamayan na umayon sa pangunahing daloy ng mga bagay-bagay sa mundo, at kapag hindi ka nakasabay sa daloy, hindi ka pasok sa panlasa ng nakararami. Ganito ang mismong inaani ng pagpa-

Pagpag at iba pang gawain ng mga maralita. Maraming puna, panlalait, at iba pang negatibong termino ang ikinakabit ng marami sa mga ito. Ayon kay Propesor Andrea

Martinez, ang pagtawag na deviant behavior sa isang kaugalian o gawain lalo na sa mga mahihirap ay wala sa kalikasan (inherent) ng kaugalian o gawaing yaon. Nangangahulugan na ang mga social labels katulad ng “mabaho,” “kadiri,” at iba pa ay mga produkto lamang ng social construction ng lipunan sa mga minoryang maralita. Sa bahaging ito, ilalahad at tatalakayin ang mga epekto sa pag-iisip, kaugalian, paniniwala, at pagtingin sa mga bagay-bagay sa lipunan ng pagkain ng Pagpag.

Dahil sa matinding kahirapan upang magtamo ng ibang pagkain, nasanay sa pagkain ng Pagpag ang mga maralitang nakapook urban. Ayon sa mga nakapanayam, nang unang beses silang tumikim ng pagkain ay nakararamdam sila ng samu’t saring panginginig at pandidiri sa kanilang kinakain. Ngunit sa paglaon ng panahon, ayon sa mga nakapanayam, naisip rin nilang nasa utak lamang ang lahat. “Mind conditioning” lamang

Pahina 124 ng 212 daw ang pagkain nito. Ayon sa maraming nakapanayam, sapat ang kanilang prosesong pagluluto sa Pagpag upag mamatay ang mga mikrobyo nito. Dahil din sa paghuhugas ng paulit-ulit at paglalagay ng Pagpag sa kumukulong mantika ay mas lalong nakatitiyak silang nangamamatay ang mikrobyong nasa Pagpag. Sa katunayan, batay sa tsart #14 sa ibaba, makikitang 63% sa mga nakapanayam ay naniniwalang namamatay ang mikrobyo ng Pagpag dahil sa init.

Tsart #14: Naniniwala ka bag namamatay ang mikbrobyo kapag niluto ang Pagpag? (Kabuuang bilang ng respondents=100)

sample EWAN

17 17 16 HINDI 13 OO 9 9 Bilang mga Bilang ng 7 8 1 3

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

Ang 33 porsyento naman ay naniniwalang hindi namamatay ang mikrobyo sa

Pagpag, lutuin man ito. Ngunit hindi pa rin ito sapat na dahilan upang itigil nila ang pagkain ng Pagpag. Ayon sa kanila, matitibay ang kanilang mga sikmura kaya’t kaya nilang kumain ng Pagpag. Ang Pagpag ayon sa kanila ay masarap para sa taong gutom, marumi man ito o malinis. Dahil sa gutom, hindi na nila nais pang isiping marumi ang Pagpag. Mas mamamatay ka pa raw dahil sa gutom kaysa pagkain nito. Ang ibang mga kinapanayam naman ay nagsabing sa mga pagkakataong nakakaramdam sila ng sakit sa tiyan at pagtatae, isinisisi na lamang nila ang nararamdaman sa kapaligiran, sa init at sa alimuom. Ang

Pahina 125 ng 212 pagkain ng Pagpag ay isang sanayang bagay lamang. Sa unang pagkain mo nito, maaaaring magkaroon ng reaksyon ang katawan mo dito. Ngunit sa paglaon ng panahon, matututo ring makibagay ang iyong sistema. Sa kanilang mga lugar, totoong matindi raw ang kanilang pakikibaka upang may makain. Sa katunayan, marami ang nagiging kriminalidad sa kanilang mga barangay dahil sa kawalan ng makain. Ang pagkain ng Pagpag ay nakakabawas sa krimen dahil kaysa magnakaw pa at pumatay, mas mainam na kumain na lamang ng Pagpag, anuman ang mikrobyong taglay nito.

Mahalaga rin daw ang ginagampanan ng panalangin ng pamilya bago kumain ng

Pagpag. Ang pamilya ni Rowena, 35, mula Barangay 128, ay laging sama-samang nananalangin bago kumain ng Pagpag. Naniniwala silang sa pamamagitan ng dasal ay mamamatay ang anumang organismong nasa pagkaing nakahain sa kanilang lapag-kainan.

Isa lamang si Rowena sa maraming pamilyang nagsabing dahil sa gutom at pagkain ng

Pagpag ay mas nagiging mahalaga ang pagsasagawa ng panalangin bago kumain.

Bukod dito, inalam din ng mananaliksik kung ano ang pagtingin ng mga maralita patungkol sa bitaminang makukuha mula sa pagkain ng Pagpag. Batay sa mga nakuhang datos na nasa tsart bilang 15 sa ibaba, dikit halos ang bilang ng mga naniniwalang mayroon pa itong bitamina (44%) at naniniwalang wala na itong bitamina (51%).

Ayon sa mga nakapanayam, hindi na mahalaga pa ang kung mayroon o wala nang sustansiyang matatagpuan pa sa mga Pagpag. Sapat na raw para sa kanila ang magkaroon ng laman ang kanilang mga tiyan. Dahil sa kahirapan, naghahanap ng paraan ang mga tao upang may makain, “Panawid gutom, kumbaga,” sabi ni Pilita, 48 ng Smokey Mountain.

Sabi naman ni Edna, 25 taong gulang mula sa Barangay Smokey Mountain, naniniwala siyang maaari pang magkaroon ng sustansiya ang Pagpag sa pamamagitan ng paglalagay

Pahina 126 ng 212 ng mga gulay at iba pang sangkap dito bago ihain sa pamilya. Sa katunayan, mula pagkabata ay ito na ang nakasanayang gawin ng kanyang pamilya, kaya nagtatabaan sila ayon sa kanya. Si Melanie naman, 36 mula sa Barangay Daungan ay naniniwalang may sustansiya pa ang kinakain niyang manok na Pagpag ngunit hindi lamang niya matukoy kung kaninong bibig ito galing. Hindi na raw iyon mahalaga sapagkat ang mga pagkain ano pa man ang anyo ng mga ito ay dapat kainin.

Tsart #15: Sa palagay mo ba ay natutugunan ng Pagpag ang pangangailangan ng katawan sa bitamina?

(Kabuuang bilang ng respondents=100) sample

16 13 13 13 12

10 9 9 Bilang mga Bilang ng 2 3

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

EWAN HINDI OO

Sa tsart bilang 16 naman, nakatala kung gaano karami ang mga maralitang nakararanas ng mga pamumuna at panlalait mula sa mga tao sa kanilang paligid. 51% nito ang nagsabing nakararanas sila ng ganitong mga pangungutya at 49% naman ang nagsabing wala silang naririnig na pambabatikos mula sa ibang tao.

Pahina 127 ng 212

Tsart #16: Mayroon ka bang naririnig na puna o pangungutya mula sa mga tao dahil sa pagkain mo ng Pagpag? (Kabuuang bilang ng respondents=100)

20 19

17 sample 15

10 Bilang mga Bilang ng 8 6 5

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

OO WALA

Ayon sa mga nagsabing wala silang naririnig na panlalait mula sa iba, ito ay sa dahil lahat halos ng nakatira sa kanilang mga pook ay kumakain ng Pagpag. Ang iba naman daw sa kanila ay walang naririnig marahil ay dahil sa kadahilanang hindi na nila iniisip pa ang sabihin ng ibang tao, sapagkat prayoridad nila ang gutom kaysa sabihin ng ibang tao.

Ayon naman sa mga nagsabing mayroon silang naririnig na puna at batikos mula sa iba, ang mga nangungutyang ito sa kanila ay mga “dayo” at hindi nakatira sa kanilang lugar. Minsan, mayroon ding bagong lipat sa kanilang lugar na sa simula’y mambabatikos sa pagkain nila ng Pagpag. Ngunit makalipas ng ilang araw o linggo ay kumakain na rin ang mga ito.

Pahina 128 ng 212

Ayon sa Anthropolohistang si Oscar Lewis, ang mga maralitang nakatira sa isang pook ay nagkakaroon ng tinatawag sa subculture na nakapaloob sa isang mas malaki pang kultura na tinatawag na mainstream culture. Sa ilalim ng subculture na ito, tanging sila lamang ang nagkakaintindihan sa bawat isa sapagkat mayroon silang magkakaparehas na karanasan. Ang mga taong labas naman sa kanilang subkultura ay hindi sila mauunawaan sapagkat hindi nila sila kaparehas ng karanasan at pamumuhay. Ngunit sa pagpasok ng mga “taga-labas” sa kanilang “sub-lipunan,” nauunawaan din sila ng mga ito, katulad nga ng sinabi ng mga nakapanayam patungkol sa mga bagong lipat sa kanilang lugar. Sa paglipas ng panahon, ang mga “taga-labas” na “bagong-lipat” na sa mga lugar ng maralita ay nagiging katulad na rin nila.

Batay rin sa mga datos na ito, masasabing ang kawalan ng mga oportunidad dahil sa tunggaliang umiiral sa lipunan ang pangunahing dahilan kaya’t napipilitan ang mga maralita na kumain ng Pagpag. Ngunit dahil nga sa pilit silang ikinukulong ng lipunan sa kahon ng kahirapan, wala silang magawa kundi maki-ayon sa dikta nito. Sa talaan bilang

17, ipinapakita na marami sa kanila ay mas nanaising magpalit ng hanapbuhay kung may iba pang pagpipilian o pagkakataon. Halos 66 porsyento ang nagsabing nais nilang magkaroon ng mas desente pang hanapbuhay kaysa pamamagpag, at tanging sa ganitong kapamaraanan lamang sila mahihinto sa pagkain ng Pagpag. Ayon kay Propesor Andrea

Martinez, ang kalikasan ng hanapbuhay na pamamasura o pamamagpag at ang kitang inaani ng mga maralita mula rito ang nagtutulak upang kumain sila ng Pagpag. Bagamat hindi talaga nila ito nais, ang exposure naman nila sa mga bukas na oportunidad sa pagkain na mura at nakasasapat para sa kanilang pamilya ang nagiging mga salik na nagtutulak sa kanila upang kumain ng mga pagkaing katulad ng Pagpag.

Pahina 129 ng 212

Tsart #17: Kung magkakaroon ka ng panibagong hanapbuhay, titigil ka ba sa pagkain ng Pagpag?

(Kabuuang bilang ng respondents=100) sample

21 16 15 14

Bilang mga Bilang ng 11 10 9 4

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

HINDI OO

Samantala, ang natitirang 34% naman ay nagsasabing hindi nila kailanman iiwan ang pagkain ng Pagpag sapagkat hahanap-hanapin na ito ng kanilang sistema. Totoo ito, ayon din kay Propesor Andrea Martinez. Sa buhay ng isang indibidwal, mahirap daw na kalimutan ang mga bagat na natutunang nang gawin sa mahabang panahon. Sa pagpa-

Pagpag ng mga maralita, magkasanib ang kanilang damdamin, bayolohikan na sistema, at pag-iisip sa pagkakatuto sa pagkain ng Pagpag. Dahil dito, kahit na magkaroon pa ng salapi o mas produktibong hanapbuhay ang isang maralita, patuloy pa ring hahanapin ng kanyang sistema ang pagkonsumo ng Pagpag. Ang tanging paraan lamang ayon sa kanya upang matigil sa pagkain nito ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagtatanggal sa kanilang pinagbibilhan o pinagkukunan ng Pagpag o kaya’ sa pamamagitan ng pag-aalis sa kanila sa kanilang lugar. Ang nagiging suliranin nga lamang madalas sa pagtatanggal sa mga maralita sa kanilang lugar ay kawalan ng oportunidad at hanapbuhay sa panibagong

Pahina 130 ng 212 kapaligiran. Dahil dito, muli na naman silang babalik sa mga pook iskwater kung saan mayroon silang Pagpag na nakakain.

Ang pangangailangan upang magkaroon ng pagkain ay isang primaryang rekisito upang mabuhay at maganap ng isang indibidwal ang lahat ng kanyang responsibilidad at gawain. Ang pangangailangang ito sa pagkain ay isang “recurrent need” ayon kay

Propesor Martinez, at hindi isang “one-time need” na katulad na pangangailangang magkaroon ng mga karangalan o pagkilala ng ibang tao sa akademiko o trabaho. Araw- araw na kakailanganin ng katawan ang pagkakaroon ng pagkain kaya kahit marumi, natutunan din itong kainin ng mga mamamayan. Ito ang dahilan kung bakit hindi alintana ng maraming maralita anuman ang ipukol na puna o pangungutya ng ibang tao sa kanilang pagpa-Pagpag.

Ayon sa teoryang Drive-Reduction sa Sikolohiya, bunga ng isang pisiyolohikal na pangangailangan sa isang bagay lalo na sa pagkain, gumagawa ng “tensyon” sa pag-iisip ang katawan dahil sa pangangailangang ito. Tanging ang pagpupunan ng pagkain upang makuntento ang katawan lamang ang paraan upang matanggal ang “tensyong” ito. Ito ang dahilan ayon pa sa Propesor kung bakit anumang paraan ng pagtatakwil, pandidiri, at pangdudustay o panlalait ng mga kapwa ay patuloy pa ring kumakain ng Pagpag ang mga maralita. At dahil nga mahalaga sa kulturang Pilipino ang konsepto ng “kapua/kapwa,” ipinamamahagi ng mga maralita ang nakagawiang pagpa-Pagpag sa kanilang mga kamag- anak at kapitbahay. Dahil din nakikita ng mga maralita na wala gaanong nagkakasakit sa kanila sa ganitong paraan (dahil sa immunity nila), lalong lumalakas ang kanilang pamamagpag. Ang nagiging bunga nito sa kanilang panlipunang pagtingin ay ang hindi nila pagkilala sa mga sinasabi ng mga doktor, eksperto, nutritionist, at iba pang mga tao na

Pahina 131 ng 212

“taga-labas” sa kanilang lipunag ginagalawan na para sa kanila ay nangangahas lamang na magsalita laban sa kanilang pamumuhay ngunit walang mailahad na alternatibo sa kanila upang mabuhay.

“Rehas at Bituka”

Dahil sa kawalan ng maraming oportunidad at hanapbuhay, apektado rin ang mga pinaka-bulnerableng miyembro ng pook maralita, ang mga bata at kababaihan. Sa kagustuhang makatulong sa pamila, bukod sa pamamasura ay natututunan din ng maraming bata sa pook iskwater na ito ang pagiging snatcher sa mga lansangan kung saan mabilis na nagsasalimbayan ang maraming mga sasakyan at trak. Batang hamog kung sila ay tawagin ng mga tao. Isa si Rhey, 14 anyos, hindi rin niya totoong pangalan, sa mga batang hamog na minsan nang nabundol ng isang pampribadong sasakyan sa Smokey

Mountain. Masuwerte siya sapagkat nabigyan pa siya ng panibagong buhay, ngunit pagkatapos gumaling mula sa pagkakabangga, balik sa dating mapanganib at madilim na hanapbuhay si Rhey. Ayon sa kanya, siya na lamang ang inaasahan ng ina at lola na kapwa may sakit sa baga dahil sa korporasyong nasa kanilang lugar na naglalabas ng maraming coal dust sa kanilang barangay.

Sa Happy Land, pagsapit ng alas-8 ng gabi, ay makikita naman kung paano tumutugon ang mga kababaihan sa kawalan ng hanapbuhay. makikita ang tumpok tumpok na mga kababaihang naglalakad palabas mula sa mga eskinita patungong Pier at bar sa

Tondo. Sila ay mga kababaihang dahil sa kahirapan ay piniling ipagbili ang kanilang katawan kapalit ng kaunting gusing na makakatulong sa kanilang pamilya. Kung sila’y aksidenteng mabuntis ayon sa kanila, ay ipinalalaglag nila ang bata. Ang mga batang nailalaglag ay itinatapon at tinatabunan ng maraming basura sa lugar. Nagulat ang

Pahina 132 ng 212 mananaliksik nang minsan sa kanyang paglalakad ay nakakita siya ng isang fetus na nabubulok sa gilid ng bundok ng basura. “Normal na sa aming lugar ang mga ganyang pangyayari,” sabi ni Aling Melda, 37, isang mangangalakal ng basura sa lugar. Kapansin- pansin na ang Happyland at Helpingland sa Barangay 105 ay hindi gaanong naaabot ng mga pulis sapagkat maraming mga eskinita at basura ang daraanan bago makarating sa mismong gitna ng mga dibisyon ito. Gayunpaman, hindi ito sapat upang makaligtas laban sa rehas ng mga kababaihan. Ang ilan sa kanila ay natitiyempuhan at hinuhuli rin ng mga kapulisan.

Dahil sa ganitong anyo ng lipunan ng mga maralita, nagkakaroon ng tinatawag na conformity ang maraming residente sa masasamang gawain ng kanilang mga kaibigan bunga ng kahirapan at kagutuman. Ayon sa Sosyolohistang si Robert Merton43, dahil sa kagutuman at kahirapan, natututong gumawa ng krimen ang mga mahihirap na tao

[maralita]. Sa isang taong gutom, mas inuuna niyang sinusunod ang dikta ng bituka kaysa pag-iisip o rationalization.

iii. Impormal na Ekonomya: Merkado ng Maralita

Hindi madaling bagay ang tumira sa mga pokk iskwater. Bukod sa limitadong accesibilidad ng mga tao upang magkaroon ng pagkain, tubig at pabahay, samu’t saring panunuya at panlilibak din ang ipinupukol ng maraming taga-ibang lipunan sa mga maralita. Katulad ng nabanggit sa seksyong nasa itaas, nilalait, pinandidirian, at kinukutya ang mga mahihirap na wari ba’y nais na silang tanggalin sa mundong ito ng mga tao. Ayon kay Propesor Martinez, dahil sa ganitong pang-aalipusta ng mga “taga-labas” sa mga

43 Si Robert Merton ang unang gumamit ng Relative –Deprivation Theory upang ipaliwanag ang kaugnayan ng kriminalidad sa kahirapan at kagutuman (Brown, 2014).

Pahina 133 ng 212 maralita, nagkakaroon sila ng isang subculture na isang anyo ng pananangga o paglaban

(resistance) sa mga mapangdiskriminang taga-labas. Sa isang lipunang maralita na may sariling sub-kultura, lahat halos ng naninirahan dito ay nagkakaunawaan sapagkat mayroon silang tinatawag na “shared culture and practice”at ang mga kasama nila sa lipunang ito na may ibang gawi o kultura ay siya namang namamarginalisa. Batay sa huling tsart sa ibaba, makikitang 98% ng mga nakapanayam ng mananaliksik ay nagsabing halos lahat sa kanilang lugar ay kumakain ng Pagpag. Nang sila naman ay tanungin kung marami ang kumakain ng Pagpag sa labas ng kanilang mga pook o barangay, ang tugon nila ay hindi nila alam. Isa itong manipestasyon ng pagiging semi-isolated nila sa ibang mga pook.

Tsart 18: Masasabi mo bang halos lahat sa inyong lugar ay kumakain ng Pagpag?

(Kabuuang bilang ng respondents=100) sample

25 25 25

23 Bilang mga Bilang ng

2

BRGY 105 BRGY 128 BRGY 129 PAYATAS

OO HINDI

Ayon sa dalubguro ng Ekonomiks sa UP Manila na si Propesor Chester Arcilla, na eksperto rin sa larangan ng Urban Poverty, kung bakit at papaano nagkakaroon ng sub-

Pahina 134 ng 212 society ang mga maralita ay dahil ito sa migrasyon ng maraming populasyon mula sa mga pook rural patungong mga kalunsuran. Ayon sa kanya, maraming dahilan kung bakit sila tumutulak patungong Kamaynilaan, katulad ng kawalan ng mga mapagkakakitaan, at serbisyong panlipunan. Ngunit sa kanilang pagtungo sa Kamaynilaan, hindi nila inaakalang mas lalo silang malulugmok sa hirap. Dahil dumarami sila, itinataboy sila ng pamahalaan at mga pribadong establishimento para magsama-sama sa isang bahagi ng siyudad na kung tawagin ay pook iskwater o pook slum. Dahil limitado ang salapi at iba pang kapamaraanan upang makabili ng mga pangangailangan ang mga maralita sa loob ng kanilang lipunan, natututo silang tumayo at sumandig sa bawat isa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng sarili nilang maliliit na mga pamilihan. Sa mga pamilihan at tindahang ito, mabibili ng isang ordinaryong maralita ang halos lahat ng kanyang pangunahing pangangailangan, lalo na ang Pagpag na siyang pagkain ng maraming mahihirap sa Kamaynilaan. Ang mga pamilihan at tindahang ito ay bahagi ng tinatawag na Informal Economy, na bahagi ng ekonomiya ng Pilipinas na hindi nasusubaybayan o napapatawan ng mga tax ng pamahalaan. Sa mga pook maralita na pinuntahan ng mananaliksik, pinakamarami ang bilang ng maliliit na tindahang nagbebenta ng Pagpag.

Ayon sa mga nakapanayam, bihira na silang tumungo sa mga merkadong malapit sa kanilang mga lugar dahil sa sobrang taas ng mga bilihin kumpara sa mga kinikita nilang kakarampot lamang. Ayon kay Rosalia, 49, mula Smoke Mountain, pamurahan ng mga produkto at pagkain ang labanan sa mga pook iskwater. “Kung mahal ang mga binebenta mo, lalangawin yan. Baka nakawin na lang din ng mga tao,” ang sabi niya. Tumungo ang mananaliksik sa isang maliit na pamilihan sa Barangay 105 at tumambad sa kanya ang maraming basura at namamagpag sa lugar. Napansin niyang tila mas marami ang mga

Pahina 135 ng 212 tindahang nagbebenta ng mga produkto galing sa basura. Sa barangay na ito rin, sa lugar na tinatawag na “Tambakan,” here-herera ang mga karinderyang nagluluto at nagbebenta ng mga fried chicken, adobo, mechado at mga gulay. Nang kinapanayam ng mananaliksik ang mga nagtitinda sa mga karinderyang ito, napag-alaman niya na lahat ng mga ulam na ito ay mga nilutong muli at galing sa mga Pagpag. Patok sa lahat ng tao sa lugar ang mga tinda rito, dahil bukod sa mura na, masarap na, madami pa raw. Bukod sa nakukuha ng mga maralita ang kanilang mga pagkain mula sa basurahan, nakukuha rin nila ang marami nilang mga gamit sa bahay mula sa mga itinapon na ng mga kabahayan.

Dahil sa pagtangkilik ng maraming tao (mga maralita) sa mga impormal na sektor sa kanilang lugar, tataas at magpapatuloy ang pag-iiral ng ganitong mga tindahan dahil sa patuloy na pagkakaroon ng mga supply ng Pagpag mula sa mga fast food chain, kabahayan, at iba pang pribadong establishimiento. Dahil sa mga supply na ito, lumilikha naman ng continuous demand mula sa maraming maralita na kailangan ding bumili ng mga ito upang mabuhay. Ayon kay Propesor Chester Arcilla, ang pagpa-Pagpag ay isang kalakalang nagaganap lamang sa mga pook urban kung saan maraming naitatapon at tira ang mga tao.

Kaya hanggang may itinatapon ang mga tao, at nagkakaroon ng Pagpag na siyang tinatangkilik ng mga masang maralita, patuloy pa na lalakas ang Informal Economy.

\

Pahina 136 ng 212

Larawan #15: Sinong mag-aakalang ang mga gamit na ito na itinapon na ay napapakinabangan pang muli ng mga maralita?

Pahina 137 ng 212

E. Ang Kagutuman sa Bansa at ang Pag-iral ng Kalakalang Pagpa-Pagpag

Sa mga nakaraang SONA (State of the Nation Address) ng Pangulong Benigno Simeon

Aquino, ipinagmalaki niya ang tumataas daw na antas o lebel ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ginamit niya ang mga konseptong pang-ekonomiyang kagaya ng Gross National Product at Gross Domestic Product upang ipamalas ang naging dulot ng kanyang “Tuwid na Daan.”

Ngunit sa kabila ng sinasabing mataas na GDP at GNP ng Pilipinas ayon kay Pangulo

Ninoy, hindi naman nararamdaman ng mga kababayan nating kumakain ng Pagpag ang

“kauswagan” na ito. Patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran nila sa mga bundok ng basura at gubat ng panganib magkaroon lamang ng pagkaing maipantatawid gutom. Sa madaling sabi, ang mga datos at figures na ipinakikita ng pamahalaan na ito ay walang kabuluhan sapagkat hindi sila tunay sa sumasalamin sa pag-unlad na mistulang pinapaginipan lamang ng estado. Patunay nga nito ang patuloy na paghihirap ng mga pamilyang tumatangkilik ng mga pagkaing Pagpag.

Ang pagkakaroon at paglaganap ng pagkaing Pagpag sa bansa ay isang matinding paglabag sa karapatan sa pagkain na isang pangunahing karapatang pantao ayon sa batas internasyunal (international law). Unang kinilala ng artikulo 25 ng Universal Declaration of Human Rights ng UN ang karapatan sa pagkain ng lahat ng mamamayan, anuman ang kanilang uri, estado sa buhay, edad, lahi, kulay, relihiyon at iba pa. Ayon sa Committee on

Economic, Social and Cultural Rights ng UN sa kanilang General Comments 12:

“Ang karapatan sa sapat na pagkain ay nangangahulugan na ang bawat

lalaki, babae, at bata, mag-isa man, o kabilang sa isang malaking komunidad, ay

nagkakaroon ng pangpisikal at pangekonomiyang pagtatamasa sa sapat na pagkain

Pahina 138 ng 212

ng may lubos na kalayaan sa kahit anong kapamaraanan nila nais itong makuha

anumang oras.”

Ayon sa deklarasyon ito, ang karapatan sa pagkain ay nagbibigay ng tatlong obligasyon sa lahat ng estado: una, ang paggalang sa anumang paraang (na nakabatay sa legal na proseso) isasagawa ng mamamayan upang magtamo ng pagkain; pangalawa, ang pagsasanggalang sa karapatang ito ng lahat ng mamamayan; at panghuli, ang pagganap sa tungkulin upang siguraduhin na lahat ng mamamayang sakop ng teritoryo ng isang estado ay mayroong malinis at sapat na pagkain, at kung mayroong pagkakataong may sakop na mamamayan na naghihikahos sa pagkain ang isang estado, tungkulin ng nito na matugunan ang mga pangangailangang ng mga mamamayan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga proyektong tutugon sa kanilang kakapusan sa pagkain.

Ang karapatan sa pagkain ay nangangahulugang ng pagkakaroon ng availability, sustainability, accessibility, at non-discrimination bilang elementong nagpapatibay sa moog ng karapatan ito. Bukod sa Artikulo 25 ng UDHR, kumakandili rin sa karapatan sa pagkain ang Artikulo 11 ng International Covenant on Economic Social and Cultural

Rights, Artikulo 24 at 27 ng Convention on the Rights of the Child, at ng Artikulo 11 ng American Declaration on the Rights and Duties of Man.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring magawa ang mga pamilyang Pilipinong naghihikahos sa buhay kundi gumawa ng paraan upang mabuhay at may maipantawid gutom lamang sa araw-araw. Naging isang magandang pagkakataon sa pananaliksik na ito na masilip ang sistema ng kalakaran ng pagpa-Pagpag sa bansa upang mailantad ang nakapanglulumong kalagayan ng mga kababayan nating Pilipino sa mga tampok na lugar

Pahina 139 ng 212 kung saan laganap ang nasabing pagkain- sa Payatas at iba pang mga pook iskwater sa

Tondo..

Pahina 140 ng 212

KABANATA 5

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Pahina 141 ng 212

VIII. KONKLUSYON

A. Lipunang Maralita at Urbanisasyon

Kung susuriing mabuti ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik, masasabing may malaking relasyon ang urbanisasyon sa paglikha ng maraming iskwater at slums sa mga kalunsuran. Sa proseso ng urbanisasyon ay tumutungo ang maraming t ao sa mga pook urban. Maraming kadahilanan at pagpapaliwanag kung bakit ito nangyayari. Una, maaaring ito’y nangyayari dahil sa kawalan ng sariling bahay at lupa sa mga pook rural. Pangalawa, maaaring bunga ito ng pagkakaroon ng mabababang kita at kawalan ng mapagkikitaan. Pangatlo, ito’y marahil sa pagnanasa ng mga mamamayan na sila’y makinabang sa iba’t ibang serbisyong panlipunan katulad ng mga ospital o pagamutan, paaralan at iba pang serbisyong panlipunan na hindi nila masumpungan sa mga kanayunan.

Batay sa historikal na obserbasyon sa bansa, ayon kay Propesor Chester Arcilla, habang humihirap ang mahihirap, ay lalong lumalaki ang populasyon. At sa Pilipinas, halos kalahati ng populasyon ng bansa ay naninirahan sa mga pook urban. Ang pagdagsa ng mga tao sa pook urban ang nagiging dahilan kaya’t natututong mamagpag ang marami sa kanila.

Paano ito nangyayari? Una, dahil dito sa malaking populasyon sa mga urban, hihina ang kapasidad ng pamahalaan at mga industriya para mabigyan ang lahat ng mga serbisyong panlipunan, hanapbuhay, edukasyon at ibapa. Di maglaon ay magreresulta ito sa urban poverty na lumilikha ng mga iskwater at slums. Walang bahay, walang hanapbuhay o mapagkakakitaan, at higit sa lahat, walang makain. At dahil sa kawalan ng accesibilidad sa pagkain ang mga maralita, nauuwi ang karamihan sa kanila sa pamamagpag, pamamasura

Pahina 142 ng 212 at iba pang maliitang mapagkakakitaan (paggawa ng basahan, pagbebenta sa mga karinderya at ibapa). Dahil ang uri ng pagkain na kinokonsumo ng isang tao ay nakabatay sa kanyang kita, sa mga maralita ay murang pagkain lamang na marami at swak para sa kanilang panlasa ang kaya nilang bilhin. Sa kapamaraanang ito, sila’y natutong kumain ng

Pagpag. Lalo pang dumarami ang tumatangkilik sa Pagpag dahil sa murang halaga ay nagagawa na nilang makabili ng mga fried chicken at iba pang pagkaing nakakain din ng ibang mga nakaririwasa sa lipunan. Magpapatuloy-tuloy pa ang ganitong kalakalan ng

Pagpag sa marami pang salinlahi dahil sa tinatawag na poverty trap, kung saan hindi na nakakatakas pa ang mga maralita sa kanilang kultura ng kahirapan dahil sa kanilang kalagayang pinapanatili ng lipunan.

Ang mismong lipunan ng mga maralita at ang mga kondisyong nakapaloob dito ay isang malaking dahilan kung bakit mas lalo pang nagiging talamak ang pagpa-Pagpag sa mga pook iskwater. Ang anyo ng mga nanggigitatang kabahayan, talamak na polusyon at kriminalidad, ay mga konkretong patunay ng isang lipunang nakalugmok sa kalunos-lunos na kalagayan. Ang mga taong nakatira rin rito ang silang nag-uudyok sa bawat isa upang mapagpag. Tinatawag ito na conformity, kung saan nakikiayon ang isa sa bawat isa.

Katulad ng sinabi ni Sofia, 32, mula sa Barangay 128, una niyang natutunan ang pagkain ng Pagpag bunga ng kanyang pakikisama sa mister na matagal nang namamagpag. Hindi niya namamalayang unti-unti na rin pala niyang nakakasanayan ang pamamagpag, hanggang dumating sa puntong hinahanap-hanap na ng kanyang sistema ang pagkain nito sa sa bawat araw. Ayon din kay Norberta, 56, taga-Barangay Payatas, tanging sa pamamagitan ng pag-aalis sa kanya sa kanyang lugar sa Payatas lamang siya mahihinto sa

Pahina 143 ng 212 pagkain ng Pagpag. Dahil dito, totoong ang lipunan ng mga maralita ang nagdidikta sa mga maralita na kumain ng Pagpag.

Bukod sa mga pook slums na ito, umiiral din ang pagpa-Pagpag sa iba pang maraming bahagi ng Kamaynilaan. Halimbawa, karaniwan ding makikita ang ibang mga mamamayang nakaabang sa mga basurahan ng maraming tampok na kainang katulad ng

Jollibee at McDonalds. Ang iba namang namamagpag ay mga pulubing matatagpuan sa mga ilalim ng tulay sa kahabaan ng EDSA at Kamuning. Ang ilan din sa kanila’y karaniwang makikitang nakaupo sa mga LRTs at mga gilid ng kalsada. Ang mga namamagpag na ito ay mistula mga ibong pagala-gala na naghahanap ng mga bagay na maaari nilang isilid sa nag-ngangalit nilang bituka. Ang isa pang pinakamalaking katanungang tinangkang sagutin ng panaliksik na ito ay bakit sa kabila ng mga banta sa kalusugan ng Pagpag ay patuloy pa rin itong kinakain ng mga tao. Tanging matinding kalagayan ng kahirapan lamang ang makapagtutulak sa isang taong nasa matinong pag- iisip upang kumonsumo ng pagkain mula sa basurahan. Dahil napatunayan ng pananaliksik na ito ang pag-iral ng Pagpag na hindi lamang kinakain ng mga pulubi o iilang tao kundi ng maraming maralitang Pilipino, napatunayan din ng pananaliksik na ito na mataas ang lebel ng food poverty sa maraming pook iskwater sa Kamaynilaan, kung saan ang mga maralita at nadidiskrimina at napagkakaitan ng mga oportunidad at mga resources. Ang ganitong larawan ng kahirapan ay isang malaking dagok para sa isang bansang katulad ng

Pilipinas na minsa’y naging maunlad at sagana sa yaman.

B. Alikabok at Maralita

Ang pagkaing Pagpag ay hindi isang bagong pagkaing kakapanganak pa lamang.

Simula pa lamang noong araw kung kailan dumami na ang bilang ng mga maralitang

Pahina 144 ng 212 nakatira bilang mga iskwater sa mga pook urban kasabay ng pagkakaroon ng maraming basura at tira mula sa mga kabahayan at kainan, nagkaroon na ng Pagpag. Gayunpaman, hindi matukoy kung saan, kailan eksakto, at paano nagsimula ang pagpa-Pagpag ng mga maralita. Ito ay dahil hindi pinagtutuunan ng atensyon ng pamahalaan ang ganitong isyu.

Kilala ang Pagpag bilang Batchoy noong araw. Sa kasalukuyan, ang Batchoy ay tumutukoy na sa isang uri ng pinagsama-samang pagkain na hindi naipagbili sa mga pamilihan. Ang Pagpag naman ay ang mga pagkaing itinapon na sa basurahan saka inihanda at kinakaing muli. Ang mga pagkaing hindi pa naitatapon ngunit natitira sa mga kainan at kabahayan ay tinatawag na Tirtir. Liglig naman ang katawagan sa mga pagkaing pinupulot mula sa mga kalsada at saka kinakaing muli. Karaniwang mga pulubi ang kumukuha ng mga Liglig.

Halos lahat sa mga pook iskwater na ito ay kumakain ng Pagpag. Sa katunayan, sa

100 nakapanayam ng mananaliksik, 94 dito ang patuloy pa ring kumakain nito. Bagamat nakaramdam na ng sakit ang ilan sa kanila dahil sa pagkain ng Pagpag, hindi pa rin ito naging dahilan upang maputol ang pamamagpag ng mga maralita.

Ang mga Pagpag ay kinukuha mula sa basurahan, inihahanda, at saka inihahain sa lapag-kainan sa pamamagitan ng tinatawag na pagpa-Pagpag. Sa paraang ito, karaniwan ay hindi kinokonsumo ng pamilya ang lahat ng Pagpag. Sa maraming pagkakataon, ipinagbibili nila ito ibang tao sapagkat kailangan din nila ng salapi para sa iba pang pangangailangan. Para sa maraming nakapanayam, tanging kapwa maralita lamang ang makakaunawa sa kapwa maralita, sapagkat ang pagkaing pinandidirian ng mga tao, ay ang pagkaing nagbibigay buhay sa maraming mamamayang sadlak sa hirap at gutom.

Pahina 145 ng 212

C. Mga Puwersa ng Lipunang Tumutulak sa Maralita upang Kumain ng

Pagpag

“Ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa bansa ay parang daliri sa kamay: hindi pantay-pantay.” Ang linyang binitawan na ito ni Roberto, 59 taong gulang mula Barangay

129 sa Daungan ay isang katotohanang umiiral sa lipunang Pilipino. Bagamat paulit-ulit na sinasabi ng marami na demokratiko ang bansa, hindi ito dama ng maraming maralita.

Sa bansa, mistula isang buhawing nananalanta sa maraming pamilya ang kahirapan at kagutuman bunga ng mapang-aping ayos o pagkaka-organisa ng sistemang pampulitika at pangekonomiya. Sa paraang ito, nagiging mga second-class citizen ang mga maralita sapagkat hindi sila nabibiyayaan ng mga serbisyo at oportunidad na tinatamasa ng iba.

Dahil dito, walang pinipiling kasarian, edad, at katayuang sibil ang istarbasyon at kahirapan.

Marami sa maralitang nakatira sa pook iskwater ay may mababang antas ng edukasyon dahil sa kawalan ng salapi upang makapag-aral. Dahil dito, mga hanapbuhay na may mababang kasanayan lamang ang maaari nilang makuha kung saan kumikita sila ng kakarampot na kita. Dahil dito, nauuwi sila sa pagbili at pagkain ng Pagpag. Bukod dito, may malaking pagkukulang din ang pamahalaan kung bakit namamagpag ang maraming maralitang Pilipino. Dahil sa hindi epektibong plano at proyekto ng pamahalaan na tutugon sa mga pangangailangan sa pagkain ng Pilipino, marami ang namamagpag na lamang.

Kung tutuusin, napakadami ng resources ng bansa. Sa katunayan, ayon kay Propesor

Christle Cubelo, ay makikita ang halos kalabisan nga ng mga pagkain sa Balance Sheet ng

Pilipinas. Gayunpaman, sa reyalidad ay hindi pantay ang distribusyon ng pagkain sa lahat ng mamamayan. Ito ay dahil sa korupsyon sa pamahalaan at kasalukuyang umiiral na

Pahina 146 ng 212 sistema ng Kapitalismo, na nagbubunga upang magkaroon ng surplus o kalabisan sa ibang hapag-kainan. Ang kalabisan na ito ang nagiging pagkain naman ng natitirang ibang mamamayan na walang makain. Ayon pa sa kanya, mahigit sa 50% ng taga-Kalakhang

Maynila ay nagsasabing hindi sila food secured. Hangga’t marami ang nagiging tira at hanggang may basura, hindi matitigil ang kalakalan ng Pagpag sa mga pook urban.

Sa Kamaynilaan, nangingibabaw ang tinatawag na cash economy kung saan salapi ang nagiging labanan upang makamit ang isang produkto o serbisyo. Isa rin itong salik sa pamamagpag ng mga maralita. Dahil walang maraming salapi ang mga maralita, nahihirapan silang makabili ng mga pangangailangan nila katulad ng pagkain. Dahil dito, nauuwi sila sa pagkonsumo ng Pagpag. Bukod dito, sinasamantala rin ng mga mayayamang korporasyon ang kawalan ng salapi ng mga maralita sa pamamagitan ng pangangamkam ng mga lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan. Nagbubunga ito upang lalong maghirap ang mahirap at mamagpag na lamang.

D. Mga Implikasyon sa Pamumuhay ng Maralita

Ang pagpa-Pagpag ay hindi basta-basta isang ordinaryong paraan o hanapbuhay upang may maisilid na pagkain ang mga abang Pilipino sa kanilang mga tiyan. Ito ay isa ring pamumuhay (way of life) na nakakaapekto sa kanilang kalusugan, panlipunang pagtingin at sa impormal na ekonomiya ng kanilang lugar.

Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng Pagpag bagamat nakapapawi ng gutom ay mapanganib. Mula sa Pagpag ay matatagpuan ang napakaraming uri ng mikrobyo na may kanya-kanyang taglay na sakit. Samakatwid, ang pagkonsumo nito ay parang isang sugal, sapagkat itinataya ng isang indibidwal ang kanyang kalusugan at buhay kapalit ng laman-

Pahina 147 ng 212 tiyan. Ang Pagpag ay nagiging sanhi ng maraming sakit na tinatawag na food-borned disease o mga sakit na makukuha mula sa mga mikrobyong naninirahan sa maruruming pagkain. Bukod dito, dahil sa mga taglay nitong mikrobyo ay maaari rin itong magdulot ng gastro-intestinal disease na katulad ng Cholera at Typhoid Fever. Ang paghuhugas, paglalagay ng tawas, pagsasabon, paglalagay sa kumukulong mantika, at pagluluto ng

Pagpag ay hindi ganap na nakakapatay sa lahat ng anyo ng mikrobyong matatagpuan dito.

Samakatwid, totoong hindi ligtas kainin ang Pagpag.

Dahil nagagawang masolusyunan ng Pagpag ang gutom ng mga maralitang

Pilipino, ang marami sa kanila ay nagiging sarado sa mga impormasyong ibinibigay ng mga eksperto laban sa pagkain ng Pagpag. Para kanila, nasa utak lang naman ng tao kung ano ang maiisip niyang negatibo patungkol sa kanyang kinakain. Mabuti na lamang na isisi sa ibang kadahilanan ang pagkakasakit bunga nga pagkain ng Pagpag dahil maaari raw na hindi na nila ito kainin pa sa hinaharap. Kung mangyari iyon, wala na silang kakainin pa.

Gumagamit na lamang ng panalangin bilang pananggalang laban daw sa mga organismong nasa Pagpag ang maraming pamilyang maralita bago kumain. Ayon kay Maslow, ginagawa ng isang tao ang isang gawaing “kakaiba” para sa paningin ng iba dahil mayroong kakulangan sa pisiyolohikal na pangangailangan ang taong iyon. Katulad ng sinasabi ng mga nakapanayam, mas mahirap mamatay sa gutom, kaysa kumain ng Pagpag. Sa kaso ng mga nagpa-Pagpag, ang kakulangan sa accesibilidad upang magkaroon ng pagkain ang nagiging dahilan upang kumonsumo sila ng Pagpag.

Dahil din sa patuloy na labelling ng mga tao sa mga maralitang iskwater,

Nagdudulot ito ng semi-isolation sa mga maralita, kung saan namumuhay sila ng magkakasama sa isang komunidad (dikit-dikit ang kanilang mga tahanan at lugar). Sa

Pahina 148 ng 212 kanilang komunidad na ito, sila-sila rin ang nagkakaintindihan. Alam nila ang pangangailangan ng kapwa maralita, kaya’t ipinagbibili ang mga pagkain at iba pang produkto sa murang halaga. Dahil dito, nagiging madalang na lamang ang pagbili sa mga pamilihan ng mga maralita, at mas tinatangkilik nila ang mga maliliit na tindahang nagbebenta ng mga produktong galing sa basura. Sa mga pook iskwater na ito na napuntahan ng mananaliksik, karaniwan ang presensiya ng maliliit na tindahan na nagbebenta ng tingi-tinging produkto at pagkaing Pagpag. Ipinagbibili ang mga ito sa murang halaga. Marami rin kung mamigay ang nagbebenta sa mga bumibili. Tugon daw ito sa mahinang kakayahan at maliit na kitang inaani ng mga maralita. Sa ganitong paraan, mas lumalakas ang impormal na ekonomiya (lalo na sa basura) sa kanilang lugar.

E. Ang Karapatan sa Pagkain

Ayon sa World Food Summit, ang lahat ng mamamayan sa isang bansa ay kinakailangang magkaroon ng pisikal, panlipunan, at pangekonomiyang accesibilidad sa sapat, ligtas at nakalulusog na pagkain. Mula dito, nabuo ang tinatawag na Right to Food bilang isang pang-internasyunal na karapatan. Hindi ito nangangahulugan na kailangang magbigay ng pamahalaan ng pagkain sa lahat ng mamamayang nasasakupan nito, kundi kailangang siguraduhin ng isang estado ng bansa na lumilikha siya ng isang lipunan kung saan umiiral ang food justice. Ang ibig sabihin nito ay lahat ng mamamayan ay mayroong accesibilidad sa pagkain at hindi lamang iilang tao. Sa mga pagkakataong mayroong mamamayang hindi nagkakamit ng pagkain, kailangan ng pamahalaan na maglunsad ng proyektong tutugon sa mga direktang pangangailangan sa pagkain ng mga mamamayan.

Sa ilalim ng batas na ito, kailangan ang tatlong elementong ilalahad upang matiyak ang pagkakaroon ng right to food. Ang una ay ang availability. Dito pumapasok ang

Pahina 149 ng 212 pagiging bukas ng pagkain kung saan hindi mahihirapang makakuha ng pagkain ang isang indibidwal. Ang mga paraan upang mapanatili ito ay ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga maralita kung saan magagawa nilang mapunan ang kanilang mga pangangailangan.

Ang isa pang paraan nito sa mga kanayunan naman ay ang pagbibigay lupain sa mga magsasakang walang lupain. Sa paraan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga tao, magiging

“bukas” ang pagkain para sa lahat. Pangalawa ay ang “means to access.” Sinasagot nito ang tanong na, “lahat ba ng tao sa iyong nasasakupan ay maaaring makakuha ng pagkain?” o dili kaya’y “tinitiyak ba ng pamahalaan ang pagkakaroon ng food justice sa lahat ng mamamayan?” Ang panghuli ay ang utilization. Dito naman pumapasok ang nutrional value ng isang pagkain at ang pagiging socially acceptable nito. Masasabing may nutrional value ang isang pagkain kung ligtas at nakalulusog ito para kainin. Ang pagiging socially acceptable naman ay nangangahulugang tanggap ng lipunan kung paano nakuha ng isang tao ang pagkain. Kung galing ito sa nakaw o kaya’y galing sa basurahan, hindi masasabing socially acceptable ang isang pagkain. Kung wala ang alinaman sa tatlong elementong ito sa pagkain, iiral ang tinatawag na food poverty or food insecurity.

Pahina 150 ng 212

IX. REKOMENDASYON

Ayon sa pag-aaral ng Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations), ang kagutuman ang pinakalaganap na anyo ng kahirapan. Nangangahulugan lamang na ang pinakamahalagang tanda ng pagkalas mula sa tanikala ng kahirapan ay ang pagkawala sa lahat ng anyo ng kagutuman. Bilang isang bansang naglalayong maka-alpas mula sa pagiging isang bansang kabilang sa Ikatlong Daigdig (Third World Country), pangunahing rekisito ang pagwawaksi sa lahat ng uri ng istarbasyon. Hindi ito mapapasimulan sa pamamagitan ng pamahalaan lamang o ng mamamayan lamang. Lahat ng stakeholders o bumubuo sa lipunan ay konektado sa bawat isa- pamahalaan, health providers, mga lokal na pamahalaan, pribadong institusyon, mamamayan, at mga maralita. Ang pagbabago ay kinakailangang masilayan at mapasimulan sa lahat ng sektor na ito. Kinakailangang ang sanib-lakas nilang lahat sa lipunan upang mapagtagumpayan ang laban kontra istarbasyon ng mga maralita. Ngunit una sa lahat, kailangang munang simulan ang malawakang katarsis ng pagbabago sa pamahalaan.

A. Unang Hakbang: Pagkilala sa Problema

Ang unang hakbang upang masolusyunan ang dumaraming bilang ng mga namamagpag ay sa pamamagitan muna ng pagkilala sa pag-iral ng suliranin. Kailanman ay hindi magtutuloy-tuloy ang pagreresolba sa problema hanggat hindi kinikilala ng pamahalaan na umiiral ang existensiya ng pagpa-Pagpag sa bansa. Pagkatapos ay kailangang alamin ng pamahalaan kung ano ang mga kadahilanang nagtutulak sa mga mamamayan upang mamagpagpag.

Matapos kilalanin ang problema, sunod naman ay dapat kilalanin ng gobyerno na may karapatan ang mga maralita. Karapatan para sa desenteng pamumuhay, desenteng

Pahina 151 ng 212 pabahay, sustenableng hanapbuhay, at karapatan sa pagkain. Sa short term, maaaring maglunsad ang pamahalaan ng mga conditional cash transfer ngunit kailangang sabayan agad ito sa lalong madaling panahon ng mga solusyong pang-long term, katulad ng paglulunsad ng maraming hanapbuhay at pagpapatibay sa edukasyon sa bansa.

Bukod dito, kailangang isama rin ang partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan at mga barangay na unit. Epektibo ang pagpapadaloy ng vertical information. Sa prosesong ito, katuwang ng mga pamahalaang munisipyo at lungsod ang mga barangay sa pangangalap ng mga detalye patungkol sa mga hinaing ng kanilang mga nasasakupan. Ang mga detalyeng ito ay sila namang iuulat sa nasyunal na pamahalaan na siyang magsasagawa ng hakbangin upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga maralita.

B. “Bottom Rise Projects”

Pagkatapos kilalanin ang pag-iral ng suliranin sa pagpa-Pagpag sa bansa, kailangan ding kausapin at bisitahin ng pamahalaan ang mga pook maralita upang makilala nila ang tunay na mukha ng kahirapan dito lalo na’t sa kasalukuyang panahaon ay limitado ang datos at impormasyon ng gobyerno patungkol sa pagpa-Pagpag. Kinakailangan ng pamahalaan ang isang genuine democratic project kung saan lulubog, at mag-iintegra sa mga komunidad ang mga namumuno at tatanungin kung ano-ano ang mga pangangailangan ng mga tao, hindi katulad ng kasalukuyang sistema kung saan magpapababa ng mga programa at proyekto ang pamahalaan na mistulang eksperto sa pag- alam sa problema ng mga tao. Sa ganitong depektong sistema, mugmog ang nakukuha ng mga mamamayan at hindi totoong kaginhawaan ng buhay.

Pahina 152 ng 212

Ang tawag sa genuine democratic project na kailangan ng mga mamamayan ay bottom-up projects o grassroots projects. Sa pananaliksik na ito, tinawag itong “bottom- rise” dahil sa prosesong ito, magkakaroon ng masinsinang pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng mga tao upang malaman ng gobyerno ang tunay na mga pangangailangan ng masang maralita. Dito ay magkakaroon ng sense of ownership ang mga mamamayan sapagkat sa kanila mismo nanggaling ang mga mungkahi upang mabuo ang proyekto o programa. Hindi proyektong mala-paracetamol na pansamantalang magtatanggal ng sakit sa ulo ng mga maralita ang kanilang kailangan, ngunit mga proyektong mistula-antibiotic na totoong mag-aalis sa kanilang mga mabibigat na suliranin.

C. Hanapbuhay Para sa Masa

Sa halos lahat ng nakapanayam ng mananaliksik, hindi nawawala ang kanilang daing patungkol sa pagkakaroon ng desenteng hanapbuhay. Ang pagkakaroon ng mapagkakakitaang walang kinalaman sa basura ay tila isang mailap reyalidad sa mga pook iskwater, kung kaya’t kinakailangan itong tutukan ng pansin ng pamahalaan.

Dahil ang kawalan ng matinong hanapbuhay ang isa sa mga pangunahing suliranin ng mga maralita kaya’t napipilitan silang kumain ng Pagpag, ang paglalagay naman ng marami nito sa lungsod ay isa sa mga kasagutan upang matigil ang pagpa-Pagpag. Ang kailangan ng mga maralitang Pilipino ay hindi lamang basta-basta hanapbuhay. Kailangan ito ay marami at makamasa, nakabubuhay ng pamilya, pangmatagalan o sustenable, at may dignidad.

Kailangan na ang mga hanapbuhay na ipamumudmo ng pamahalaan ay madami at makamasa. Ang ibig sabihin nito ay marami ito upang saklawin ang pangangailangan ng

Pahina 153 ng 212 maraming mamamayan. Ang pagiging makamasa naman nito ay nangangahulugang hindi masyadong maraming kwalipikasyon ginagawang batayan sa pagpili sa mga tao.

Kailangang tanggalin ang maanomalyang pagbabatay sa hitsura o anyo, at mabababang edukasyon ng mga mamamayan. Katulad ng sinabi ni Aling Melda ng Barangay 105,

“Paano na ang kinabukasan mo sa bansang ito kung maski grade 1 [elementarya] ay hindi mo narating?” Ang pagiging makamasa ng mga hanapbuhay ay makakatulong ng mahigit sa pagbabawas sa bilang ng mga taong namumuhay bilang mamamagpag at mambabasura.

Ayon kay Pastor Ron ng Kalayaan Christian Ministry sa Barangay 105, ang mga namamagpag at basurero ay mistula nasa dulo ng Food Chain, kung saan kabilang ang mga decomposers at scavenging organisms. Nakakalungkot isiping dahil sa umiiral na sistema sa bansa kung saan namamarginalisa ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng mga taong sumasandig sa mga itinapon na ng iba.

Ang mga hanapbuhay ay kailangan din na totoong nakatutugon sa mga pangangailangan ng mga maralita. Hindi rin tamang magbigay ng mga hanapbuhay na panandalian lamang kung saan pagkatapos ng kontrata ay mapipilitan muling bumalik sa pamamasura at pamamagpag ang mga maralita. Maaari ring maglunsad ng mga proyektong katulad ng urban gardening ang pamahaalan kung saan makapagtatanim ng mga gulay at prutas sa lungsod ang mga maralita. Ngunit sa proyektong ito, kailangan ng malaking pondo sa lupa at malawakang pangtuturo sa mga tao kung paano at bakit mahalaga ang proyektong ito.

Ayon kay Propesor Andrea Martinez, dahil sa kawalan ng hanapbuhay sa bansa at dahil sa “binabarat” o inaabusong kita ng mga propesyunal, marami sa mga Pilipino kahit propesyunal ay nagkakaroon ng undignified job, kung saan halimbawa, ang isang Pilipini

Pahina 154 ng 212 ay natapos bilang isang guro ngunit namamasukan bilang domestic helper sa ibang bansa.

Bukod sa pagiging undignified ng mga trabaho, nagreresulta din ito sa tinatawag na brain drain, kung saan nababawasan ang mga mahuhusay na tao sa bansa na nakakaapekto sa mismong ekonomya nito.

D. “Ruralization”

Dahil nakasentro ang maraming proyekto at plano ng pamahalaan sa mga pangunahing lungsod, dumarami ang populasyon sa mga pook urban na nagreresulta sa urban poverty. Sa ilalim ng kahirapan sa mga kalunsuran na ito, namamagpag at namamasura ang maraming maralita. Ayon kay Ms. Jocelyn Apag, Integrated Food

Production Program Manager ng National Anti-Poverty Commision, kailangan ng desentralisasyon ng mga oportunidad at serbisyo mula sa mga pangunahing lungsod upang hindi magsiksikan ang mga Pilipino sa mga pook urban. Sa halip na mamigay ng mga token projects katulad ng 4Ps sa mga mahihirap, magpalaganap dapat ng mga long-term projects sa mga mamamayan gaya ng pamimigay ng maraming hanapbuhay sa mga kanayunan.

Malaki ang bukirin at mga lalawigan ng bansa, kaya kung maayos lamang ang pagpaplano ng lahat ng sangay at kawanihan ng pamahalaan, lahat ay magkakaroon ng hanapbuhay.

Kailangang sugpuin ang kahirapan sa mga pook rural, sapagkat ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit tumutungo sa mga lungsod ang mga mamamayan na nagiging maralitang tagalungsod dahil sa kawalan ng kakayahan ng estado na tugunan ang lahat ng pangangailangan nila. Ang pagkakaroon ng mataas na tantos ng unemployment sa mga Kamaynilaan ay siya nang nagpapakita ng pangangailangan upang lumikha ng mga hanapbuhay sa mga pook rural na hihila sa mga taong nagsisiksikan sa mga pook urban.

Sa paraang ito ay mawawala ang dingding na humahati sa depinisyon ng mga urban bilang

Pahina 155 ng 212

“mas maunlad” at rural bilang “di gasinong maunlad.” Tinatawag ang prosesong ito na

Ruralization. Sa tulong ng Ruralization, magiging balanse ang populasyon sa mga rural at urban at magiging matiwasay ang kalagayan ng buong bansa.

E. “Think. Eat. Save.”

Hindi rin kaya mag-isa ng pamahalaan na akuhin ang lahat ng responsibilidad patungkol sa kagutuman ng mga maralita. Kailangan din ng tulong mula sa mga ordinaryong mamamayan na kumokonsumo ng maraming produkto sa kanilang mga kabahayan, sa mga kainan at malls, at kung saan-saan pa. Ang pinaka-epektibong paraan upang mapatigil ang mga mamamayan sa kanilang pagpa-Pagpag ay sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-aalis sa tunay na ugat nito: Pagkakaroon ng maraming tirang pagkain mula sa basurahan. Hanggang maraming natitirang pagkain sa mga kapag-kainan, hanggang marami ang bumibili at kumakain ng sobra pa sa kanilang pangangailangan ay hindi mahihinto ang pagpa-Pagpag.

Sa paraang ito, kailangan ng utak at will power mula sa pamahalaan upang masubaybayan ang pagbabawas ng basura at mga tira. Mainam ipatupad ang isang Planned

Economy sa bansa kung saan tanging mga pangangailangan lamang ng mga mamamayan ang maaaring i-prodyus, at hindi puro paramihan ng produkto ng mga kapitalistang korporasyon ang nasusunod. Gayunpaman, mahirap mangyayari ang ganito sa Pilipinas.

Sa ngayon, ang tanging solusyon lamang para dito ay magmumula sa pamilya, na siyang may kontrol sa pagpili at paghahanda sa pagkain sa kanilang mga tahanan. Kung gusto rin natin ng pagbabago, maaari rin itong magsimula mula sa ating mga sarili. Baguhin natin ang ating pagtingin sa pagkain, at dapat isang-alang alang ang ibang tao at mga susunod pang henerasyon.

Pahina 156 ng 212

F. Pula ang Kulay ng Tunay na Pagbabago

At ang pinakamahalagang dapat mangyari sa lipunan ay ang pagbabago sa buong sistema ng mga kalakaran sa bansa at sa mga batas na umiiral dito. Ayon kay Propesor

Chester Arcilla, ang pag-iral ng pagpa-Pagpag sa bansa ay isang panlipunang sakit, at hindi isang sakit lamang sa kalusugan ng mga tao. Sa mga pagkakataong maaaring makaranas ng sakit sa tiyan ang isang maralita, maaari siyang mabigyan ng gamot ng isang manggagamot. Ngunit habang umiiral ang istarbasyon sa mga pook urban, patuloy na iiral ang pagkain ng Pagpag ng mga mahihirap.

Sa pagkakaroon ng pagpa-Pagpag sa bansa, ang may pangunahing pananagutan dito ay ang pamahalaan dahil sa limitadong oportunidad at serbisyo, at hindi matalinong pagbubuo ng mga proyektong totoong makakatulong sa mga mahihirap. Hindi totoo ang kinakatwiran ng iba na kaya naghihirap ang mga maralita ay dahil din sa kanilang katamaran. Sa katunayan, maraming maralita ang matitiyaga. Ngunit sa kabila ng kanilang mga pagpupursigi, bakit hindi pa rin sila umuunlad? Ayon sa mga maralita, wala silang choice pagdating sa pagkain. Wala na silang iba pang pagpipiliang pagkain bagamat marami rin namang pagkaing ipinagbibili sa mga pamilihan. Ito ay dahil sa Kamaynilaan at iba pang pook urban, nakakabit ang ideya ng value sa lahat ng produkto. At kung may value ang bawat pagkain, nangangahulugan na kailangan ng salapi upang matamo ang anumang pagkain. Ngunit dahil walang hanapbuhay na desente ang mga maralita, wala silang salapi. At dahil wala silang salapi, wala silang accesibilidad sa pagtatamo ng mga pagkaing desente. Dahil dito, wala silang choice, kundi ang magtiyaga sa pagkain ng

Pagpag.

Pahina 157 ng 212

Magaganda ang mga batas sa Pilipinas, ngunit sa pagkakasulat lamang at hindi sa epektibong pagpapatupad ng mga ito. Kinakailangan ng mas matatag na political will ng pamahalaan sa pagpapatupad at pagsususog ng mahahalagang batas. Kailangang isama sa mga batas ng bansa at epektibong ipatupad ang right to food at seguridad sa kalusugan ng lahat ng mamamayan. Ang mga anti-hunger mitigation projects din sa bansa ay kailangang mas palawakin ang sakop at mas palawigin ang responsibilidad ng mga LGU at barangay sa pagpapatupad nito. Kailangan ding baguhin ang mga pahirap na batas sa bansa lalo na yaong mga laban sa mga maralita sa lungsod na nagpapaalis sa kanila sa kanilang mga lugar habang ang mga pribadong kumpanya ay nagpapakasasa sa mga lupaing ito. Isang malaking sagabal sa mga lokal na pamilihan at sa mga maralita ang nagaganap na

Walmarting sa mga pook urban kung saan nalulugi at napapaalis sila sa lugar kapag dumarating ang mas malalaking kumpanya na tumatalo sa kanilang mga pinagkakakitaan.

Hindi token projects katulad ng 4Ps, at hindi puro proyekto sa kalsada, kundi Genuine

Housing Projects ang tunay na pangangailangan ng mga maralita. Sa ganitong proyekto, mayroong mapagkakakitaan sa bagong lugar na pinaglilipatan ng mga mahihirap na

Pilipino at hindi mga kabahayan na pagkalayo-layo sa mga hanapbuhay. Mahalaga rin ang pagpapatupad ng mga polisiya at batas na magpapababa sa presyo ng mga bilihin upang maging abot-kamay din ng mga maralita ang mga produkto sa merkado.

Kailangan ding maituro sa mga doktor at mga eksperto sa larangan ng kalusugan ang pag-iral ng pagpa-Pagpag sa pamamagitan ng pagtungo sa mga pook iskwater. Para sa maraming manggagamot sa kasalukuyan, isang jargon ang salitang “Pagpag” kaya’t hindi ito nareresolba. Ngunit hindi ito maaaring gawin ng mga doktor lamang, sapagkata wala silang moral authority upang isagawa ang ganitong mga bagay ng sila lamang.

Pahina 158 ng 212

Kinakailangan din na kasama ng mga eksperto sa Medisina ang mga namumuno sa bansa na siyang tutugon naman sa panlipunang pangangailangan at daing ng mga maralita.

Malaki ang maitutulong ng mga manggagamot sapagkat makapapamahagi at makapagmumulat sila ng maraming tao patungkol sa masasamang epekto sa kalusugan ng pagkain ng Pagpag. Bukod dito, maaari rin silang makapagturo sa mga mamamayan ng family planning upang hindi na lalo pang dumami ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino sa pook urban.

At panghuli, kailangang magtaguyod ng food democracy sa bansa ang estado kung saan titiyakin ng mga namumuno sa pamahalaan at lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng paraan upang magkaroon ng pagkain ng lahat ng mamamayan. Maaari ring gawing modelo ang mga food banks sa ibang bansa katulad ng Australia at iba pa sa Hilagang

Amerika. Sa modelong ito, kinokolekta ng isang organisasyon o isang samahan ang maraming sobrang pagkain mula sa maraming pamilya at saka ipinamamahagi sa mga taong walang kapasidad na bumili ng pagkain. Maaari ring idagdag ng pamahalaan dito ang kanilang pondo sa pagbibigay ng pagkain sa mga taong hindi talaga kayang bumili ng makakain (halimbawa: matanda na, hindi nakapag-aral, walang hanapbuhay, mahirap pa). Hindi literal na obligasyon ng pamahalaan ang mamigay ng pagkain subalit obligasyon nitong maghatid ng kaginhawaan at serbisyo sa lahat ng nasasakupan nitong mamamayan.

Hindi na bago para sa isang maralita ang matulog sa isang masikip na lugar, habang nilalamig sa gitna ng gabi, at isinasang-alang alang ang kalusugan at buhay; walang gamot, walang pang-ospital, tinitiis ang polusyon, at kumakain ng mga pagkaing bagamat nakabubusog ay nakamamatay naman. Marahil para sa atin ay hindi natin maisip ang ganitong uri ng buhay ng isang maralita, ngunit para sa kanya, hindi na bago iyon. Mahaba

Pahina 159 ng 212 ang tinahak niyang kasaysayan at pagsasakripisyo sa buhay bago niya narating ang kalagayang kalunos-lunos. Ngunit kung mapapatupad ng tama ang mga pagbabagong tutugon sa konkretong kalagayan ng maralita, maaaring mawakasan ang kultura ng istarbasyon sa mga lungsod. Sa ganitong paraan, hindi na kailanman itatanong ng isang maralita sa kaniyang sarili ang: “Paano na ang buhay ko kapag tumanda na ako?” o kaya’y “Paano na ang kakainin namin bukas?” Sa halip, ay mamumutawi sa kanyang mga labi ang matatamis na ngiti bunga ng pagsasakripsisyo at pagnanais ng lahat na tuldukan ang pananalasa ng kahirapan at kagutuman sa lahat ng panig ng bansa sa pamamagitan ng pagtataguyod sa “pula” bilang simbolo ng tunay na pagbabago sa lipunan.

Pahina 160 ng 212

X. BATIS

Abad Santos, C. O., Edillon, R. G., & Piza, S. F. (2006). Causes of Hunger : A Profile of Hunger and Analysis of its Causes. Right to Food Assessment Philippines. Abad, R. G. (1991). Squatting and Scavenging in Smokey Mountain. Philippine Studies vol. 39, no. 3 (1991): 263–286. Alave, K. L. (2011, December 13). Filipinos eating more rice due to poverty–survey. Philippine Daily Inquirer. Angeles, M. L. (2013). Smokey Mountain Continue Their Struggle. Angeles-Agdeppa, I. (2009, July 8). Food and nutrition security and poverty alleviation in the Philippines. Asia Pacific Journal of Clinical Nutrition, 1. Arceo-Dumlao, T. (2014, October 23). Filipinos have worst health habits in Asia, says study. Philippine Daily Inquirer. Arroyo, D. M. (2013, March 21). Poverty data from a survey on coping consumers. Inquirer.net. Bank, A. D. (2009). Poverty in the Philippines: Causes, Constraints, and Opportunities. Philippines. Baradat, L. P. (1988). Political Ideologies: Their Origins and Impact. New Jersey, U.S.A.: Prentice Hall. Bartlett, K., & Clifton, M. (2003, September). How many dogs and cats are eaten in Asia? Animal People. Baxter, P., & Jack, S. (2008). Qualitative Case Study Methodology: Study Design and Implementation for Novice Researchers. The Qualitative Report Volume 13 Number 4, 1-5.

Bone, J.(2005), “Why the middle classes go scavenging in dustbins,” The Times, 26 November, 2005. Retrieved on March 3, 2006 from http://www.timesonline.co.uk/article/0,,11069- 1891251,00.html

Pahina 161 ng 212

Brown, P. G., & Shue, H. (1977). Food Policy. New York: The Free Press, Macmillan Publishing Co., Inc. Chavez, C. A. (2015, November 16). Greenpeace claims gov’t hunger data misleading . Manila Bulletin, p. 1. Chavez, J. J., Manahan, M. A., & Purungganan, J. (2004, October). Hunger on the Rise in the Philipines. Focus on Trade.

Denzin, NK. (1978). Sociological Methods. New York: McGraw-Hill.

Dewey, K. G. (1979). Agricultural Development, Diet and Nutrition. Ecology of Food and Nutrition, VIII(4), 265-272. Durst, P. B., Johnson, D. V., Leslie, R. N., & Shono, K. (2010). Edible Forest Insects: Humans Bite Back. Food and Agricultural Organization of the United Nations (pp. 1-241). Chiang Mai, Thailand: Rap Publications.

Ferrell, J. (2006) Empire of Scrounge: Inside the Urban Underground of Dumpster Diving, Trash Picking, and Street Scavenging, New York: New York University Press.

(2008). Food Crisis in Haiti. Connecticut: The Haitian Health Foundation. Grace, G., & O'Keefe, J. (2007). International Handbook of Catholic Education: Challenges for School Systems in the 21st Century. United States of America: Springer.

Gramsci, A. (2000). The Antonio Gramsci Reader: Selected Writings 1916-1935. New York: NYU Press.

Haggard, S., & Noland, M. (2005). Hunger and Human Rights: The Politis of Famine in North Korea. United States of America: U.S. Committee for Human Rights in North Korea.

Halkier, B. (2004), “Handling Food-related Risks,” in M. Lien an d B. Nerlich (eds) The Politics of Food, New York: Berg.

Pahina 162 ng 212

Halloran, A., & Vantomme, P. (2013). The Contribution of Insects to Food Insecurity, Livelihoods, and the Environment. Edible Insects: future prospects for food and feed security.

Hoffman, E. (1988). The right to be human: A biography of Abraham Maslow. Jeremy P. Tarcher, Inc.

Iglesias, E. (2014). Dialectical Materialism and Economic Determinism Freedom of the Will and the Interpretation of Behavior . Athene Noctua: Undergraduate Philosophy Journal Issue No. 2 , 1. Katz, J. M. (2008, March). Poor Haitians Resort to Eating Dirt. Danita's Children, pp. 2- 4. Keenan, J. (2013, July). My Escape from North Korea. Marie Claire, pp. 90-93. Laura, R., Mariangela, V., Rudi, V., & Craig, M. (2013). Exploring Entomophagy in Northern Benin: Practices, Perceptions and Possibilities. 1-48.

Leacock, Eleanor Burke. 1971. The Culture of Poverty: A Critique. New York: Simon and Schuster.

Lee, D. S. (2004, May 21). North Korean Human Rights: A Story of Apathy, Victims, and International Law. Standford Journal of East Asian Affairs, 103-114.

Levitas, R. (2006) ‘The concept and measurement of social exclusion’ in Pantazis, C., Gordon, D. and Levitas, R.Poverty and Social Exclusion in Britain, Bristol, Policy Press. Lewis, Oscar. 1959. Five Families: Mexican Case Studies in the Culture of Poverty. New York: Basic Books. Lincoln, YS. & Guba, EG. (1985). Naturalistic Inquiry. Newbury Park, CA: Sage Publications. Mangin, William (1967), Squatter Settlements in "Cities: Their Origin, Growth and Human Impact". Readings from Scientific American, pp. 233-240.

Pahina 163 ng 212

Martell, L. (2009). Globalisation and Economic Determinism. Global Studies Association Conference. London: Challenging Globalization. McKeown, R. J. (1969). Food and Survival in Asia. United States of America: Field Educational Publications, Inc. Moore Lappe, F., & Collins, J. (1986). World Hunger: Twelve Myths. New York: Grove Press, Inc. Moran, D. (2000). Introduction to Phenomenology. New York, U.S.A.: Routledge Publishing. Murakami, C. (2011). Effectiveness of Education for Working Children: A Case Study of Payatas in the Philippines. Ritsumeikan Asia Pacific University. Nations, F. a. (2015). The State of Food Insecurity in the World 2015. Meeting the 2015 international hunger targets: taking stock of uneven progress. Rome. North Korea Today. (2008, July). Research Institute for North Korean Society(179), pp. 1-5. Park, M. (2014, February 17). North Korea: 'We were forced to eat grass and soil'. CNN.com, pp. 1-3.

Payne, Geoffrey K. (1977), Urban Housing in the Third World. London: Leonard Hill. Pogge, T. (2003) ‘Priorities of Global Justice’ in David Held and Anthony McGrew (eds.), The Global Transformations Reader, Cambridge: Polity Press. 548-558.

Potter, D. W. (2004). State Responsibilities, Sovereignty, and Failed States. 1-16.

Rathje, William L. 1984. "The Garbage Decade." American Behavioral Scientist 28(1), pp. 9-39.

Rejai, M. (1991). Political Ideologies: A Comparative Approach. New York: M.E. Sharpe, Inc. Rivera, J. P., & Reyes, P. O. (2013). The Implications of Government's Poverty Reduction Programs on the States of Poverty and Hunger in the Philippines. Policy Brief: AKI Research Grants on Poverty Issues, Vol No.5. Rodriguez, F. (2015, September 1). How Hungry was the Philippines in 2014. p. 1.

Pahina 164 ng 212

Roger C.; & Rosati, J. (1988). "Human Needs in World Society," in The Power of Human Needs in World Society, ed. Roger A. Coate and Jerel A. Rosati. Boulder, CO: Lynne Rienner Publishers. 1-20.

Rutter, M., & Madge, N. (1976). Cycles of Disadvantage. USA. Sarte, C. E. (2012, June 21). The Dogeaters. BusinessWorld Weekender, p. retrieved at http://www.bworldonline.com/weekender/content.php?id=53873.

Siegle, L. (2006), “Is 'freegonomics' really an option?” The Observer, 5 February 2006.

Sletten, P., & Egset, W. (2004). Poverty in Haiti. Fafo, 1-27.

Srinivas, Hari, "Defining Squatter Settlements". GDRC Reseaarch Output E-036. Kobe, Japan: Global Development Research Center. Retrieved from http://www.gdrc.org/uem/squatters/define-squatter.html onSunday, 27 March 2016 Stewart, F., & Brown, G. (2009). Fragile States. CRISE: Centre for Reseach on Inequality, Human Security and Ethnicity. Tacoli, C., McGranahan, G., & Satterthwaite, D. (2015). Urbanisation, Rural-Urban Migration and Urban poverty. London: IIED.

Tay, L., & Diener, E. (2011). Needs and subjective well-being around the world. Journal of Personality and Social Psychology, 101(2), 354.

(2010). The Crumbling State of Health Care in North Korea. United Kingdom: Amnesty International Publications. The Poorest Countries in the World. (2015, November 16). Global Finance, p. 1. Warnock, J. W. (1987). The Politics of Hunger: The Global Food System. New York: Methuen Publications.

Pahina 165 ng 212

Willett, W., Sesso, H., & Rimm, E. (2013). Food and Vitamins and Supplements! Oh My! Demystifying nutrition: the value of food, vitamins and supplements . Harvard Medical School, 2-5.

Woods, N. (2003). ‘Order, Globalization and Inequality in World Politics’ in David Held and Anthony McGrew (eds.), The Global Transformations Reader, Cambridge: Polity Press. 463-476. Yen, A. L. (2014). Insects as Food and Feed in the Asia Pacific Region: Current Perspectives and Directions. Wageningen Academic Publishers, 33-55.

Pahina 166 ng 212

XI. HUGPONG (APENDIKS)

APENDIKS A

Sa Lipunang Iskwater at Slum

ni Cesar A. Mansal

Talagang kaaba-aba ang kalagayan ng mga maralita sa kanilang mga lugar. Sa mga pook iskwater na ito, nasaksihan ng mananaliksik ang maraming basurang nagkalat sa mga likuang daan at eskinita. Ang mga di kanais-nais na amoy ay siya ring pumapalibot sa buong lugar na humahalo sa makakapal na usok na nagmumula sa mga sasakyan at dambuhalang trak na rumaragasa sa kalsada. Nagmumula ang masangsang na amoy sa mga basurang organiko44 na kung hindi galing sa mga tira-tirang ulam na katulad ng manok, baboy at gulay na dumadaan sa proseso ng putrefaction45, ay galing sa mga dumi ng tao at hayop na umaalingasaw sa lugar. Sa dibisyon ng Helping Land sa Barangay 105, ay mistulang bundok ng mga agnas agnas na tira-tirang pagkain at luray-luray na mga lata at plastic cups ang lugar. Makikita rito ang maraming batang edad 12 pababa na masayang naglalaro at nagpapagulong-gulong sa mga bundok ng basura. Hindi nila alintana ang mga mikrobyong maaari nilang makuha sa mga ito, malamang dahil sa hindi pagkaalam.

Dahil sa anyo ng kapaligiran, pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan dito ang pagbabasura upang mabuhay sa araw-araw. Sa Barangay Payatas, makikita ang maraming ina na nagbibilad ng mga plastik bag sa bubong at bintana upang makatulong sa

44 Organiko=galing sa may-buhay (hayop, halaman, tao) 45 Ang putrefaction ay isang proseso kung saan naaagnas o nabubulok ang isang organikong bagay at kadalasang naglalabas ng masamang amoy.

Pahina 167 ng 212 paghahanapbuhay ng kanilang mga asawang sila namang namumulot ng mga basura at namamagpag mula sa landfill. Lupang Pangako ang tawag ng mga residente sa pinakamataas na bahagi ng landfill sa Payatas, sapagkat dito nila nakukuha ang kanilang mga pangangailangan. Bukod sa mga magulang, marami ring mga bata ang tumutulong sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pamumulot din ng mga basura sa Payatas. Napansin ng mananaliksik na habang siya ay papalapit ng papalit sa landfill ay padumi ng padumi ang pisikal na anyo ng mga bata. Ang bubundok ng basurang kagaya sa Helping Land at

Payatas ay makikita rin sa Smokey Mountain sa Tondo. Ayon sa mga residente ng Smokey

Mountain, tinawag ang lugar sa pangalang ito dahil noong araw ay maya’t maya ang pagkakaroon ng usok mula sa landfill bunga ng mga maliliit na pagsabog mula sa mga gas46 na nagmumula sa mga naiipon na bundok ng basura. Bukod sa mga usok na ito ay napakarami rin ng langaw sa landfill, dahilan ito kaya karamihan sa mga scavenger na nagtatanghalian sa bundok ng basura ay nagkukulambo upang hindi dumugin ng langaw ang kanilang kinakain.

Sa pook na ito ng mga maralita, hindi rin bago ang pagiging bukas ng mga lugar sa iba’t ibang anyo ng polusyon at maruruming hangin. Sa Happy Land sa Barangay105, binabaka ng mga residente sa araw-araw ang pakikipamuhay kasama ang makakapal na coal dust mula sa isang malaking korporasyon na pagawaan ng uling sa lugar, ang Rock

Energy International Corporation. Ayon kay Gng. Elenita Reyes, punungbarangay ng

Barangay 105, marami sa mga batang naninirahan sa Happy Land ay nagkakasakit at nangangamatay dahil sa pagkaroon ng Black Lung Disease o Coalworker’s

Pneumoconiosis, sakit na nakukuha mula sa matagalang pagkakalanghap ng coal dust.

46 Methane ang tawag sa mga gas na lumalabas mula sa mga basurahan (Brown, 2011).

Pahina 168 ng 212

Dagdag pa niya, dahilan din ito kaya’y marami sa mga karinderya at tindahan ng mga karne at gulay sa lugar ay nagkakaroon ng alikabok mula sa mga usok na nagmumula rito. Napag- alaman din ng mananaliksik na marami sa mga kabataan at bata sa dibisyong ito ng

Barangay 105 ay nagkakaroon ng allergy, sakit sa respiratoryo, at mga sakit sa balat.

Kalunos-lunos din ang kalagayan ng mga kabahayan sa mga pook iskwater na ito.

Nanggigitata at gawa mula sa mga pinagtagpi-tagping mga yero at marurupok na kahoy ang tahanan ng mga pamilyang maralita sa mga lugar na ito. Siksikan ang mga miyembro ng pamilya na nakatira sa ilalim ng isang bubong na minsa’y matatagpuan malapit sa ilog.

Magkakadikit din ang bawat kabahayan. Minsan nang nagkaroon ng sunog sa mga bahay ng mga iskwater sa Barangay Payatas ngunit nasupil din ito agad ang apoy. Ayon sa mga residente sa lugar, kung hindi agad naagapan ang apoy, marahil sa kasalukuyan ay palaboy laboy na ang kanilang mga pamilya. Ayon kay Annan (2002), ang ganitong istraktura ng mga bahay sa slum ay bulnerable sa maraming kalamidad kagaya ng paglindol, pagkasunog, at pagbaha. Sa katunayan, sabi ni Nonoy, 27, residente mula sa Helping Land, minsan nang binaha ang kanilang lugar at muntikan nang tangayin ang kanilang barung- barong na bahay na gawa sa substandard na mga materyales kasama ang mga basurang nakapaligod dito. Naganap ang insidente noong nakaraang taon nang sunod-sunod ang pagdatingan ng maraming bagyo sa bansa.

Ayon kay punungbarangay Elenita Reyes, walang tenure sa lupa ang maraming mamamayan sa kanyang nasasakupan dahil halos lahat ng nakatira dito ay mga iskwater.

Kapag dumating ang panahong nais na muling kuhanin ng pamahalaan ang mga lupain ay paaalisin ang mga maralita sa kanilang mga lugar. Si Orpah, na 43 taong gulang, ay tatlong beses ng nakaranas ng relokasyon mula Barangay 128 sa Smokey Mountain. Siya, kasama

Pahina 169 ng 212 ang maraming kapitbahay ay pinalipat sa Barangay 129 ng pamahalaan at sa kasalukuyan ay nasa Barangay 105 naman siya sa Tondo. “Hindi ko dama na bahagi kami ng bansang ito, ng tinatawag nilang pag-unlad.!” Ang mariing naibulalas sa mananaliksik ni Orpah.

Ayon sa kanya, nakakaapekto sa kanilang pamamagpag ang palipat lipat nila ng tahanan sapagkat sa pag-alis sa naiwang lugar ay naiiwan nilang mag-asawa ang teritoryo sa basura.

Sa pagdating sa panibagong lugar ay nagkakaroon sila ng panibagong mga kaagaw sa mga ito. Isa lamang si Orpah, sa libo-libong maralitang ina na tinatawag na “ina ng tahanan” ngunit walang mauwiang tahanan.

Samantala, sa Smokey Mountain, ay mayroon namang programang pabahay ang

National Housing Authority mula pa noong panahon ni Pangulo Fidel Ramos. Ito ay mga

20 mahigit na apartment na pinapabayad sa mga maralita sa loob ng 25 taon, bago ito maging lehitimong kanila. Ang halaga na binabayaran ng mga nakatirang maralita rito ay hindi pare-parehos bagamat karaniwan ay P500 ang ibinabayad kada buwan, depende kung saang palapag nakaluklok ang unit. Sa ganitong proyekto ay may kakaibang patakaran ang

NHA: ito ay ang paniningil ng mas malaki kapag may edad na ang nangungupahan sa bahay upang mas mapaliit daw ang maiiwang babayaran ng mga magiging anak-anakan kung sakaling yumao ang may edad na. Hindi makatwiran ito ayon sa mga taga-Smokey

Mountain sapagkat walang kapasidad na magbayad ng malaki ang matandang maralita.

Kung hindi raw kasi mabuo ang bayad ay paaalisin sila sa unit at ang may kapasidad ang papatirahin sa lugar, na kadalasay hindi naman maralita. Sa kasalukuyan, ang mga proyektong pabahay ng pamahalaan sa Smokey Mountain ay isa nang slums kung saan nagkalat ang mga basura at di kanais-nais na amoy. Ang unang palapag ng mga gusali ay mistulang palengke dahil naglalawa ang mga kanal nito.

Pahina 170 ng 212

Ang sistema ng pabahay na ito sa Smokey Mountain ay tinatawag na permanent dahil permanenteng maaaring tirhan ang mga apartment na ito. Samantala, ang mga hindi naman magkasya sa lugar ay inililipat sa temporary (sa Aroma o Helpingland sa Barangay

105) o kung saan-saan mang barangay sa palibot ng Smokey Mountain. Ang iba rin ay dinadala sa malalayong probinsiya. Isa si Roland, 30 taong gulang sa mga nailipat ng pamahalaan sa isang relokasyon site sa Rizal ngunit bumalik ulit siya sa Smokey Mountain.

Ayon sa kanya, sa mga lugar kung saan inililipat ang mga maralita ay wala namang mapagkakakitaan. Ilan lamang sa kanila ang nagtatagumpay na bumalik sa Smokey

Mountain upang bumalik sa dating hanapbuhay na pagbabasura at pamamagpag.

Ang iba namang pamilya na talagang walang makuhang materyales para sa paggawa ng kanilang mga kabahayan ay tumitira na lamang sa mga ilalim ng tulay sa

Barangay 128, Smokey Mountain. Gamit ang malalaking tolda o tela, matatawag na agad na tahanan ng kaaba-abang maralita ang isang lugar. Nang minsang nanatili hanggang alas-

9 ng gabi ang mananaliksik sa isang pamilya sa ilalim ng tulay, naramdaman niya ang napakalamig na hanging humahampas sa tela na tabing ng “tirahan” ng isang pamilya.

Nakalulungkot na hindi ito alintana ng pamilya bagamat mayroon silang sanggol na halos umubo na ng umubo sa lamig.

Ang mga mahihirap na pook na ito-Barangay 105, Barangay 128, Barangay 129 at

Barangay Payatas ay sumasalamin sa tunay na mundo ng mga maralitang mistula hiwalay sa nakaririwasang bahagi ng Kalakhang Maynila. Sila ay karaniwang nakararanas ng

Pahina 171 ng 212 labelling47 at ostracism48, dahilan upang mahirapan lalo silang maka-alpas sa kuko ng kagutuman. Ang kanila ring pang araw-araw na pamumuhay ay hindi pangkaraniwan sa mga ordinaryong Pilipino. Matatawag itong alternative culture sapagkat taliwas ito sa mainstream culture at umiiral ito sa ilalim mismo nito. Dahil sa matinding kahirapan at kagutuman, dikta ng bituka ang sinusunod ng mga maralitang ito. Sa kanilang paghahanap ng solusyon sa suliranin sa pagkain, hindi pamahalaan, subalit kapaligiran at ang mga kondisyong nakapaloob dito ang nakapagbigay kasagutan laban sa istarbasyong nararanasan nila.

47 Ang Labelling ay isang terminong pangsosyolohiya kung saan ikinakabit ang isang salita o pariralang may negatibong kahulugan sa isang tao. Halimbawa, dahil marumi ang kaanyuahan ng isang mamamayan, ikinokonekta na agad natin sa kanya ang mga terminong “magnanakaw” o “snatcher.” 48 Ang Ostracism naman ay unang ginamit ni Kipling Williams. Ayon sa kanya, ang Ostracism ay isang paraan kung saan ang isang tao ay hindi kinakausap ng ibang tao, at inihihiwalay sa mga pribelihiyo ng lipunan. (Williams, 2007)

Pahina 172 ng 212

APENDIKS B

Ang Tanikala ng Kahirapan sa Pilipinas

ni Cesar A. Mansal

Noong nakaraang taong 2015, inilabas ng Mga Nagkakaisang Bansa o United

Nations ang taunang Mithiing Pangkaunlaran ng Milenyo (Millenium Development Goals), mga mithiing pandaigdigan na binubuo ng walong hangarin na naglalayong tuldukan ang mga pandaigdigang problema na kalaban ng tao sa kanyang pag-unlad. Ang pinakauna sa mga mithiing ito ay ang Goal No. 1: ERADICATE EXTREME POVERTY AND HUNGER.

Isang reyalidad ng buhay ang kahirapan at kagutuman at nais itong supilin ng samahan. Sa maraming bansa hindi lamang sa Pilipinas, maraming mamamayan ang nagkukubli sa dilim at walang makain. Ayon sa Mga Nagkakaisang Bansa o UN sa kanilang ulat, bumaba ang tantos ng kahirapan mula pa noong nakalipas na dalawang dekada. Noong mga taong

1990s, halos kalahati ng populasyon sa mga papaunlad na bansa ay nabubuhay lamang sa pamamagitan ng pagkita ng 1.25 dolyar kada araw. Bumaba ang bilang ng mga taong nasa ganitong kalagayan ng 4% sa pagpasok ng taong 2015. Bukod pa rito, ang bilang ng mga taong dumaranas ng undernutrition sa Ikatlong Mundo ay bumaba ng makalawang beses mula noong taong 1990-1992 na may bilang na 23.3%. Nang dumating ang taong 2015, bumaba ang bilang na ito sa 12.9%. Dagdag pa ng UN, marami nang estado ang nagtagumpay upang makamit ng bahagya ang unang layunin sa Mithiing Pangkaunlaran ng Milenyo. Gayunpaman, mintula hindi kabilang ang Pilipinas mga nagtagumpay na estadong binabanggit ng UN.

Pahina 173 ng 212

Sa Pilipinas, malinaw na hindi nabibigyang sakatuparan ang goal #1 na ito sapagkat marami pa ring Pilipino ang lubog sa kahirapan at kagutuman lalo na sa mga pook urban kung saan nakatira ang pinakamaraming Pilipino sa bansa. Sa katunayan, ayon sa

International Food Policy Research Institute (IFPRI) sa kanilang global nutrition report nitong 2014, hindi pa rin nakamit ng Pilipinas ang anim (6) na pinakamahahalagang mithiing pang-kagutuman at kalusugan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Bawasan ng 40% ang kabansutan ng mga bata

2. Paliitin ng 50% ang bilang nga mga kababaihang mayroong anemia

3. Bawasan ng 30% ang bilang ng mga bagong panganak na underweight

4. Supilin ang pagdami ng mga batang nagiging overweight

5. Aumentuhin ng 50% ang exclusive breastfeeding sa mga bagong panganak

6. Bawasan ang bilang ng child wasting at panatilihin ito na hindi bababa sa 5%.

Ang anim na rekisitong ito ayon sa IFPRI ay may direktang kaugnayan sa isyu ng kagutuman sapagkat ang malnutrisyon at hindi pagtatamo ng mga sustansya sa pagkain ay bunga ng kagutuman sa isang bansa. Kung sapat ang pagkaing nairarasyon sa mga mamamayan, hindi sila makararanas ng anemia, kabansutan, underweightness, overweightness, at child wasting.

Samantala, noong 2014, sinasabi ng mga ekonomista na ang Global Hunger Index ng

Pilipinas ay mas bumaba sa loob ng dalawang puntaon, isang magandang pangitain ayon sa ilang mga optimistikong eksperto. Kinokompyut ang GHI sa pamamagitan ng mga datos ng isang bansa patungkol sa malnutrisyon, child mortality, at child underweight. Noong

1990, ang GHI ay nasa 20.1% na bumaba sa 17.9% noong 2000. Pagsapit ng taong 2014, ang GHI ay mas bumaba pa sa 13.1%. Samakatwid, mas bumaba ang tantos ng kagutuman

Pahina 174 ng 212 sa bansa, sapagkat noong 1990, minarkahan itong “alarming” batay sa GHI, samantala, pagsapit ng 2014, pinalitan ang marka ng “serious.” Upang masabing tunay na bumaba ang

GHI, isang rekisito na bumaba ito sa 5%, isang bagay na hindi nangyayari sa bansa.

Samakatwid, ang pagiging “serious” na marka ng Pilipinas sa batay sa GHI ay hindi signipikante, sapagkat nasa estado pa ri tayo ng maraming nagugutom.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin na nahuhuli ang Pilipinas sa mga tinagurian nang Tiger

Economies ng rehiyong Timog-Silangang Asya- Thailand, Malaysia, Vietnam at Indonesia pagdating sa usapin ng Global Health Index.

Narito ang ilan pang mga datos ng GHI ng iba pang mga estado ayon sa 2014 na ulat ng International Food Policy Research Institute (IFPRI) na pinamagatang Global Health

Index: The Challenge of Hidden Hunger.

Mga Bansa/Estado 1990 1995 2000 2005 2014

1. Mauritius 8.3 7.6 6.7 6 5

2. Thailand 21.3 17.3 10.2 6.7 5

3. Albania 9.1 6.3 7.9 6.2 5.3

4. Colombia 10.9 8.2 6.8 7 5.3

5. China 13.6 10.7 8.5 6.8 5.4

6. Malaysia 9.4 7 6.9 5.7 5.4

7. Peru 16.1 12.4 10.6 10 5.7

8. Syrian Arab Republic 7.8 6.1 5 5.1 5.9

9. Honduras 14.6 13.9 11.2 9 6

10. Suriname 11.3 10.1 10.9 9 6

Pahina 175 ng 212

11. Gabon 10 8.6 7.8 7.4 6.1

12. El Salvador 10.8 8.8 7.9 6.4 6.2

13.Guyana 14.5 10.9 8.1 7.9 6.5

14. Dominican Republic 15.6 11.5 9.9 9.6 7

15.Vietnam 31.4 25.4 17.3 13.1 7.5

16. Ghana 27.2 20.2 16.1 11.3 7.8

17. Ecuador 14.9 11.9 12 10.3 7.9

18. Paraguay 9.2 7.4 6.8 6.3 8.8

19. Mongolia 20.3 23.1 18.5 14.1 9.6

20. Nicaragua 24 19.7 15.4 11.4 9.6

21. Bolivia 18.6 16.8 14.5 13.9 9.9

22. Indonesia 20.5 17.8 16.1 15.2 10.3

23. Moldova - 7.9 9 7.4 10.8

24. Benin 22.5 20.5 18 15.3 11.2

25. Mauritania 23 18.7 17.1 14.4 11.9

26. Cameroon 23.3 24.6 21.3 16.6 12.6

27. Iraq 8.6 11.9 12.8 11.6 12.7

28. Mali 27.2 27.2 24.8 20.7 13

29. Lesotho 13.1 15.4 14.6 15 13.1

30. Philippines 20.1 17.5 17.9 14.7 13.1

31. Botswana 15.6 16.5 18.1 16.8 13.4

Pahina 176 ng 212

Ang mga bansang kabilang sa ranggong #1 hanggang #31 batay sa Global Hunger

Index ng Internatonal Food Policy Research Institute noong mga taong 1990, 1995, 2000,

2005, 2014

2014

13.4

13.1 13.1

13

12.7

12.6

11.9

11.2

10.8

10.3

9.9

9.6 9.6

8.8

7.9

7.8

7.5

7

6.5

6.2

6.1

6 6

5.9

5.7

5.4 5.4

5.3 5.3

5 5

… …

7 . P E R U

2 7 . I R A Q

2 8 . M A L I

5 . C H I N A

2 4 . B E N I N

1 1 . G A B O N

1 6 . G H A N A

1 3 . G U Y A N A

21. BOLIVIA 3. ALBANIA

1 5 . V I E T N A M

2. THAILAND

6. MALAYSIA

29. LESOTHO

4. COLOMBIA

17. ECUADOR

9. HONDURAS

23. MOLDOVA

1. MAURITIUS

10. SURINAME

18. PARAGUAY

19. MONGOLIA

22. INDONESIA

31. BOTSWANA

26. CAMEROON

20. NICARAGUA

14. DOMINICAN

8. SYRIAN ARAB

30. PHILIPPINES

25. MAURITANIA 12. EL SALVADOR

Grapikang pagsasalarawan ng mga bansang kabilang sa ranggong #1 hanggang #31 batay sa Global Hunger

Index ng Internatonal Food Policy Research Institute noong taong 2014

Sa pinakabagong inilabas naman na sarbey ng SWS noong taong 2015, lumalabas na

11.4 milyong pamilyang Pilipino pa rin ang naghihirap at nagugutom. Samantala, inilabas ayon sa taunang ulat ng Global Finance Magazine (2015), ang Pilipinas ay nasa pang-68 ranggo sa pinakamahirap na bansa sa buong daigdig. Isa na itong pagpapatunay sa kabalintuaan ng sinasabing pag-unlad ng pamahalaang Aquino.

Bagama’t ayon sa mga datos ng Social Weather Station noong pagbubukas ng 2015 ay bumaba ang tantos ng kagutuman sa bansa, iba naman ang lumalabas sa mga pag-aaral at sarbey ng internasyunal na ulat (Rodriguez, 2015). Iniulat ni Kalihim ng Agrikultura

Pahina 177 ng 212

Proceso J. Alcala kay Pangulong Pinoy na batay sa datos na inilabas ng SWS, sinasabing ang self-rated hunger sa mga kabahayan ay bumaba mula 19.5% patungong 18.3%. Ang hunger incidence naman sa Pambansang Punong Rehiyon ay bumaba mula 23.5% patungong 16% nitong taong 2014. Ang proporsyon naman ng mga pamilyang dumaranas ng involuntary hunger ay bumaba mula Disyembre 2014 hanggang Marso 2015- mula

17.2% patungong 13.5%. Ang 3.7 puntos na pagbabang ito ay katumbas sa bilang na

800,000 na pamilyang hindi na dumaranas ng involuntary hunger at ang 13.5% ng mga

Filipinong nagugutom ay katumbas naman ng 3 milyong katao- na kung iisipin, ay isang malaking dagok pa rin sa ating bansa.

Ang ulat na ito ni Kalihim ng Agrikultura Proceso J. Alcala patungkol sa sarbey ng

SWS (Social Weather Station) ay nagresulta sa iba’t ibang negatibong pagtingin ng mga eksperto sa nutrisyon, karapatang pantao at kapaligiran (Chavez, 2015). Ayon kay Virginia

Benosa-Llorin, isang tagapagsulong ng Greenpeace sa Pilipinas at Palamuhayang

(Ecology) pang-Agrikultura, ang mga datos na inilalabas ng SWS nitong nakalipas na taong

2014-2015 ay hindi tumutugma sa bawat isa. Ang mga datos ng SWS noong taong 2014 at nitong kakalabas lamang na datos ngayong 2015 ay hindi “proportionate.”

Anong impormasyon ang hindi sinasabi ng sarbey ng SWS? Nitong taong 2014, ang produksyon sa agrikultura ay mas lumaki kumpara sa mga nakaraang taong. Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Star (Enero 22, 2015), ang umabot sa 1.83% ang itinaas ng produksyon sa agrikultura noong 2014, kumpara sa 1.12% na produksyon noong 2013.

Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit marami pa ring nagugutom na mga Pilipino?

Ang kasagutan ay dahilan sa inflation, o ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa. Noong 2013, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, tumaas sa

Pahina 178 ng 212

4.1% ang taunang inflation rate ng Pilipinas kumpara sa 3.0% na taunang inflation rate noong 2013. Kasabay ng pagtaas ng mga bilihin, ay ang hindi pa rin sapat na kita ng mga manggagawa at bilang ng maraming walang hanapbuhay sa bansa. Dahil dito, marami pa ring mga Pilipino ang kinukulang sa mga sapat na salapi upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Dahilan ito upang patuloy na malugmok sa piitan ng kahirapan at kagutuman ang maraming Pilipino.

Pahina 179 ng 212

APENDIKS C

Kagutuman sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

(Bahagi ng Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura) ni Cesar A. Mansal

Sa kasalukyan, maraming bansa sa mga Ikatlong Daigdig ang patuloy na pinipighati ng kagutuman. Magkakaiba man ang kultura ng iba’t ibang mamamayan ng daigdig, mistula pinag-iisa naman sila ng isang kultura ng kagutuman o culture of hunger (Warnock,

1987).

Water Lilies: Tagapagligtas sa mga Kumakalam na Sikmura sa Timog Sudan

Ang Timog Sudan na may kabiserang Juba ay isang bansang matatagpuan sa

Hilagang Silangang bahagi ng Aprika. Halos lahat ng mga taong naninirahan dito ay may relihiyong Islam. Ang Timog Sudan o Republika ng Timog Sudan ay isang bagong estadong kumalas mula sa Sudan noong Hulyo 9, 2011. Para sa mga mamamayan nito, isang napakagandang yugto sa kanilang kasaysayan ang pagsasarili. Gayunpaman, sa kabila ng magandang kwento ng pagiging independente ng Timog Sudan, sa kasalukuyan ay nababalot ito ng pighati at kagutuman.

Ayon sa isang ulat ng Famine Early Warning Systems Network (May to September

2014), nagsimula ang matinding kagutuman sa Timog Sudan nang nagkaroon ng matinding tensyon sa pagitan ng pamahalaan ng bansa (Government of the Republic of South Sudan) at sa oposisyon nito (South Sudan People’s Liberation Army in Opposition) noong

Disyembre 2013. Ayon sa ulat, pinaratangan ni Pangulong Salva Kiir ang kanyang Bise

Pahina 180 ng 212

Pangulong si Riek Machar ng coup d’ etat na siyang nagpasiklab ng digmaang sibil sa kanilang bansa. Nagtulak ang pangyayaring ito upang manirahan sa ibang estado ang ilang mga Sudanese at ang mga natirang milyung Sudanese naman ay napuwersang iwanan ang kanilang mga tahanan upang tumungo sa pook na masusukal at matubig upang mapalayo sa mga panganib ng labanan at tunggalian. Bunga ng mahigit kumulang na isang taon nang digmaan sa bansa, sa mga bagong lugar na ito ay binisita ang mga Sudanese ng isa na namang anyo ng kahirapan at pighati.

Sa isang pag-aaral na inilabas ng Samaritan’s Purse International Relief (2014) sa bayan ng Mayendit sa Timog Sudan, napag-alamang isang napakalaking suliranin ang pagkakaroon ng malinis na tubig. Bunga ng digmaan sa bansa, kaunting pondo lamang ang nailaan para sa pagpapagawa ng mga poso sa bayan. 15 ang matatagpuang poso sa lugar ngunit 5 lamang dito ang gumagana. Bukod dito, sa 5 posong gumagana, 3 lamang ang nagagamit ng mga tao sa paginom dahil ang natitirang dalawa ay may kakaibang lasa at kulay. Ayon sa mga nakatira sa lugar, mataas ang lebel ng asin sa tubig 49 sa mga poso, at nitong kamakailan lamang, pati na rin ang dalawang posong gumagana ay kuntaminado na rin ng mga asin. Dahil dito, ang ilang mamamayan ng lugar ay umiinom na lamang ng mga tubig sa mga batis at ilog. Naniniwala silang mas nakamamatay ang asin sa mga tubig sa poso kaysa sa mga mikrobyong nasa tubig sa ilog at batis.

Bukod sa suliranin sa tubig, isa pang pinakamalaking katanungan araw-araw sa mga Sudanese sa bansa ay kung ano ang kanilang kakanin sa araw-araw. Ang Samahang

Care International ay naglabas ng isang pag-aaral na pinamagatang CRITICAL

49 Ang lebel ng asin sa tubig ay tinatawag na Salinity.

Pahina 181 ng 212

DIAGNOSIS: The Case of Placing South Sudan’s Healthcare System at the Heart of the

Humanitarian Response (2014). Sa pag-aaral na ito, kinapanayam ang mga kababaihang

Sudanese at inalam ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pakikipag-usap sa kanila ay napag-alamang walang pagkain ang makukuha sa kanilang bagong lugar. Umaasa lamang ang mga tao roon sa mga halamang nakapaligid sa kanila at sa mga gatas ng kanilang mga bakang may sakit. Nagtatanim ang mga Sudanese sa kanilang lugar ng mga mais at iba pang mga pananim at kinakain nila ang mga ito kahit ang mga pananim na ito ay hilaw pa. Dagdag pa rito, tinangka ng ilang Sudanese na tumungo sa pinakamalapit na pamilihan upang ipagbili ang kanilang mga alagang baka. 3 araw ang layo ng pinakamalapit na pamilihan sa kanilang lugar at naipagbibili ang kanilang mga baka sa murang halaga lamang dahil sa mataas na inflation rate 50ng mga produkto. Ngunit sa paglipas ng panahon, nang dumoble ang populasyon sa lugar, naubos din ang kanilang mga pananim. Sapagkat malapit sa ilog ang kanilang mga bagong tahanan, nagkaroon ng bagong maihahain sa hapag-kainan ang mga Sudanese- ang water lilies.

Sa paraan ng paghahain ng mga water lilies, ay isa-isang kinukuha ng mga kababaihang Sudanese ang mga ito mula sa mga ilog at pampang. Ang mga buto ay inihihiwalay sa iba pang bahagi ng halaman. Ang mga buto ay dinudurog at pinipino at saka inihahalo sa tubig at kapag daka’y pinakukuluan. Kulang sa bitamina at mineral ang mga pagkaing kagaya nito, at mayroong ding mga mikrobyong kasama ang mga water lilies lalo na’t madudumi ang mga ilog kung saan matatagpuan ang mga water lilies.

Mayroong mga mikrobyong hindi nangamamatay sa init 51kahit pakuluan. Ang ganitong

50 Ang Inflation rate ay ang malakihang pagtaas sa pangkalahatang halaga ng mga bilihin. 51 Ang mga mikrobyong hindi namamatay sa mataas na temperature ay tinatawag na Thermophic Bacteria.

Pahina 182 ng 212 mga senaryo ay bunga lamang ng naaantalang pagtatanim at pag-aani ng mga magsasaka bunga ng tuloy-tuloy na kaguluhan sa bansa. Isa pang nakababahalang bagay patungkol sa mga water lilies ay ang paraan ng pagkuha ng mga ito. Ang mga water lilies ay isang gawaing ikinamamatay din ng ilang mga mamamayan ng Sudanese, sapagkat mayroong mga nakatirang iba’t ibang hayop katulad ng buwaya at ahas sa mga ilog. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng mga water lilies ay hindi panghabang-buhay. Dahil sa dumodobleng populasyon ng mga Sudanese, paubos na ng paubos ang suplay ng water lilies.

Nakalulungkot isiping ang isang kakalayang estado ay puno ng pighati at pagdurusa.

Mud Cookies ng Haiti: Putik ay Lamang Tiyan Din

Kung sa bansang Timog Sudan ay laganap ang pagkain ng mga water lilies, sa Haiti

52 naman ay patok na patok sa mga masang Haitian ang pagkain ng mga biskwit na hindi gawa sa harina. Ang mga biskwit na ito ay tinatawag na Mud Cookies o Dirt Cookies dahil sila ay gawa sa putik na kulay dilaw na hinahaluan ng kaunting asin, vegetable shortening at iba pang pampalasa. Sa isang magazine na inilabas ng Danita’s Children (March 2008,

Volume 1, Issue 1), isinalarawan ang kalakaran ng paggawa at pagtitinda ng mga mud cookies sa mga pamilihan at likuang-daan sa Haiti.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin- gulay, prutas, at karne sa Haiti (Sletten at Egset, 2004), nagsulputan ang mga produktong Mud Cookies. Noong una, ang mga mud cookies sa Haiti katulad sa ibang bansa ay ginagamit lamang upang gamutin ang mga karamdamang nalulunasan nito, halimbawa ay ang pagkalason. Sa katunayan, maski ang mga ibon at hayop sa kalikasan ay kumokonsumo nito kapag

52 Ang Haiti ay isang bansang matatagpuan sa Carribean. Ito ay may kabiserang Port-au-Prince. Ang mga tao rito ay gumagamit ng wikang Pranses at Haitian Creole sa kanilang pakikipagtalastasan.

Pahina 183 ng 212 nararamdaman nilang may nakain silang toxin at iba pa. Ngunit nang lumaon, nagbago ang gampanin ng mga mud cookies sa buhay ng mga Haitians. Mula sa pagkonsumo sa mga ito dahil sa pangkaramdamang usapin, naging pamatid gutom ang mga biskwit na ito sa mga umaalab na sikmura ng mga Haitians. Nang tumagal, hindi na pamatid gutom ang mga mud cookies ng Haiti, sapagkat kinokonsumo na ang mga ito ng tatlong beses sa isang araw ng mga Haitians, bilang agahan, tanghalian, at hapunan. Samakatwid, ang mga biskwit na ito ang normal nang pagkain ng mga tao sa bansa. Ayon sa isang peryodiko ng The Haitian

Health Foundation (2008), ang mga putik na pinanggagawa ng mga biskwit na ito ay kinukuha pa ng mga bata at matatandang masa ng Haiti mula sa ilalim ng mga ilog at kundi rito ay sa mga clay mula sa mga kagubatan sa bansa. Lumalabas, hindi rin isang madaling bagay ang kumuha ng mga putik sa paglikha ng mud cookies. Ang rumaragasang tubig mula sa mga ilog ay maaaring tumangay sa mga batang kumukuha ng putik mula sa mga ilog.

Iba-iba ang pagtingin ng mga siyentipiko patungkol sa isyung ito ng mud cookies

(Katz, 2008). Sinasabi ng ilang eksperto na ang dumi mula sa mga biskwit na ito ay maaaring magdulot ng mga malulubhang karamdaman. Sa kabilang panig, ayon naman sa ibang eksperto sa Medisina, ang pagkonsumo ng mga mud cookies ay maaaring magdulot ng immunity sa katawan laban sa mga sakit at mikrobyo. Ano man sa mga pag-aaral na ito ang makatotohanan, ang pagkakaroon ng mga mud cookies o dirt cookies sa Haiti ay isang masamang tanda ng matinding kagutuman sa kanilang bansa. Hindi makatarungang hayaan na lamang ang pagkonsumo ng putik ng Haitians sapagkat hindi ito tunay na pagkain. Ang pamahalaan ng Haiti, kasama ang mga kapitalistang bansa na nakikinabang sa likas na

Pahina 184 ng 212 yaman ng Haiti habang nagdurusa ang masa nito ay may mabigat na pananagutan hinggil sa paglaganap ng istarbasyon sa bansa.

Ang Kagimbal-Gimbal na Kalagayan ng mga Taga-Hilagang Korea

Nang una nating aralin ang Kasaysayan ng Mundo, napag-alaman natin kung gaano kayaman ang bansang Korea hindi lamang sa kasaysayan mula sa mala-alamat na kuwento ng Chosun, kundi kahit sa mga likas na yamang nagagamit ng mga mamamayan ng sibilisasyon nito. Ngunit sa kasalukuyan, ang dating mayamang bansa ng Hilagang Korea ay pinamamahayan ng sindak at kagutuman.

Sinasabing ang estado ay binuo ng mga mamamayan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at maisulong ang kagalingang pangkalahatan. Kapag dumating ang puntong hindi na natutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangang ito ng mga mamamayan, nagiging isang failed state ang buong estado (Potter, 2004). Dagdag pa rito ng Amnesty International (2004) sa kanilang isang ulat, isang malaking paglabag ng pamahalaan sa karapatang pantao ang pagtanggi at pagkakait sa mga seguridad, tubig, at pagkain sa mga mamayang nasasakupan nito. Sa kasalukuyan, inilalaan ng pamahalaan ng Hilagang Korea ang pinakamalaking pondo nito sa pagpapalipad ng mga rocket at pagpapaunlad pa ng militar at mga programang pang-nukleyar, samantala, ang mga programang dapat sana’y nakapagbibigay ng maraming hanapbuhay at pagkain sa mga mamamayan nito ay napapabayaan. Ang mga sakahan ay naiiwang tigang kasama ang ilan pang mga gawaing pang-agrikultura. Ang mga mamamayan nito ay nababalot ng takot sa tuwinang sila ay napagdidiskitahan ng mga sundalo ng pamahalaan.

Pahina 185 ng 212

Ngunit sa lahat ng dinaranas ngayon ng mga Koreano, ang pinakamasaklap dito ay ang matinding kagutuman (Haggard at Noland, 2005). Ang kasalatan sa pagkain ang nagtutulak sa mga taga-Hilagang Korea upang limitahan ang kanilang pagkain sa isang araw, mula 3 ay nagiging 2 o 1 beses na lamang. Karaniwan silang naghahanda sa kanilang mga hapag-kainan ng mga produktong kanila mismong itinatanim sa kanilang mga bakuran. Ngunit minsan, dahil sa iba’t ibang gawaing militar at nukleyar ng bansa, nasisira ang mga pananim at walang nagagawa ang mga Koreano kundi humanap ng ibang makakain. Sa isa pang ulat ng Amnesty International (2010), inilarawan kung paano kumakain ang maraming pamilya ng Korea ng mga damo, mga mushroom, at iba pang mga halamang nakatanim sa paligid kahit walang pagkaklasipika o pagsusuring ginawa kung maaaring kainin ang mga ito. Ang mas nakagigimbal pa rito, ang ibang mga pamilyang wala na talagang makain ay napuwersa nang kumain ng lupa kasama ang mga ugat ng mga halamang nakatanim dito. Noong 2013, inimbitahan ng U.N.’s Human Rights Council at ng U.N. Commission on Inquiry ang pamahalaan ng Hilagang Korea upang tingnan nila ang mga ebidensyang hawak ng U.N. patungkol sa mga paglabag sa mga karapatang pantao ng nasabing bansa. Kasama sa mga ebidensiyang ito ang panayam sa 100 Koreanong biktima di umano ng kagutuman at panggigipit ng kanilang pamahalaan. Kasama rin dito ang mga litratong kuha ng mga satellite sa bansa patungkol sa pamumuhay ng mga tao.

Ngunit sa huli, hindi ito pinaunlakan ng mga pamahalaan ng Hilagang Korea. Sa isa namang pahayagang North Korea Today (2008) ng Research Institute for North Korean

Society, iniulat na mayroong mga pamilyang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Ang kanilang kinokonsumo ay mga patatas. Ayon pa sa ulat, nakalulungkot isiping sa bansang ito, ang kanilang pambansang pagkaing Kimchi ay nabibili o nagagawa lamang

Pahina 186 ng 212 ng mga nakaaangat na pamilya sa kanilang bansa samantala hindi ito magawa ng mga masang Koreano. May mga ulat din na gumagamit ng tubig na may asin ang mga Koreano bilang pamalit sa kanilang Kimchi Soup.

Isang pinaka-nakaririmarim na balitang inilabas ng mga online news sa internet kasama ang CNN News kamakailan lamang ay nang mapabalita ang paglaganap ng cannibalism sa bansa. Sa isang panayam ng isang Koreanang nakulong sa mga selda ng

Hilagang Korea ay nagtangkang lumabas sa publiko at nagsalita sa media patungkol sa mga nasaksihan niyang malalagim na senaryo sa selda. Ang babae ay nagngangalang Kim

Hye Sook. Aniya, dahil sa matinding kagutuman, nagawang patayin ng isang ina ang kanyang anak upang ito ay kainin. Naulit ulit ang parehas na insidente sa maraming pagkakataon sa iba pang mga ina at kanilang mga anak sa loob ng selda. Samantala, sa labas ng mga rehas ng kulungan, sa probinsiya ng Hwanghae, isang lalaki ang binitay sa pamamagitan ng punlo53 matapos niyang patayin ang dalawa niyang anak upang kainin.

Dagdag pa rito, napabalita rin ang isang lalaki na hinukay ang puntod ng kanyang apo at kinain niya ang mga labi nito.

Madami na, Masarap pa: Ang Pagkain ng Insekto Kontra Kagutuman

Sinasabi ng mga eksperto na ang mga insekto ay ang pinakamabilis magparami na uri ng organismo sa mundo, kasunod sa mga microorganism. Mula pa noong nakalipas na libo-libong taon, kumakain na ang mga tao ng iba’t ibang insekto. Iba iba ang kadahilanan ng pagkonsumo ng insekto sa iba’t ibang kultura. Ang iba ay kumokonsumo nito dahil sila ay wala nang makain. Ang iba ay kumakain nito bilang bahagi ng kanilang kultura.

53 Punlo = Baril, Gun

Pahina 187 ng 212

Samantala, ang iba pa ay kumokonsumo nito bilang nakasanayan ng parte ng hapag-kainan

(Durst at Shono, 2008).

Dahil sa iba’t ibang krisis sa pagkain na tumatama sa iba’t ibang estado sa bawat bahagi ng mundo, naisipan ng taong kainin ang napakaraming suplay ng insekto (Riggi,

Veronesi, Verspoor at MacFarlane, 2013). Nang lumaon, ang paggamit ng mga insekto bilang emergency foods ay nauwi sa kasanayan at kultura ng mga sumunod pang henerasyon sa iba’t ibang bansa. Sa bansang Benin sa Aprika, halimbawa ay karaniwan nang gawain ng mga mamayan nito ang humuli ng iba’t ibang uri ng insekto sa kagubatan upang kainin. Sa katunayan, nagawa ng lokal na pamahalaan sa Benin ang pagkaklasipika ng mga uri ng insektong maaaring kainin at hindi dapat kainin. Sa kabila nito, ayon sa kanila, kailangan pa rin ng mas malalim na pag-aaral patungkol sa pagkonsumo ng mga insekto. Sa bansang Thailand, laganap ang iba’t ibang bilihan ng mga insekto saan mang bahagi nito. Iba iba rin ang mga kapamaraanan ng pagluluto ng mga insekto sa Thailand.

Piniprito, inihahalo sa mga kanin, at iba pa.

Sa kabila ng pagiging madali sa pagkuha ng mga insekto, at sa kabila ng mga pag- aaral patungkol sa mayamang mga protina ng mga insekto, hindi pa rin lubos at ganap ang pag-aaral sa lahat ng uri ng insekto sa kagubatan at pamayanan. Sa isang pag-aaral ng Food and Agricultural Organization ng United Nations (2013), sinasabing ang epekto ng pagkonsumo sa ilang insekto ay hindi pa rin isang ganap na pananaliksik. Bukod sa allergy na maaaring makuha mula sa pagkonsumo ng mga insekto, maaari ring makakuha ng mga malulubhang sakit kagaya ng Malaria at iba pang sakit na nakukuha sa pagkain ng insekto.

Ang ilang mga larva rin ng mga insektong may mga microorganism ay may pagkakataong hindi namamatay sa init. Sa kabila nito, dahil sa matinding kagutuman sa maraming bahagi

Pahina 188 ng 212 ng daigdig, hindi pa rin matatawaran ang halagang ibinibigay ng mga insekto sa milyun- milyong kumakalam na sikmura mula Afrika at Asya patungong Timog Amerika. Dahilan ito kung bakit ang maraming developing countries ay nakadepende na sa pagkain ng maraming mga insekto.

Ang lahat ng mga uri ng pagkaing ito na nabanggit ay iilan lamang sa mga anyo ng kagutuman na sumisira sa milyun-milyong buhay sa ibabaw ng mundo. Ang pagkakaroon ng mga panibagong kapamaraanan upang maibsan ang mga kumakalam na sikmura ay isa lamang tanda ng pagpupunyaging mabuhay ng tao. Ang kagutuman ay isang pandaigdigang suliraning umiiral sa lahat ng bansa. Walang bansa ang makapagsasabing lahat ng kanyang mamamayan ay sagana sa pagkain o dili kaya’y wala sa kanyang nasasakupan ang hindi nagugutom. Ang mga mukha ng istarbasyon na ipinakita sa seksyong ito ay umiiral sa mga pook rural sa mga papaunlad na bansa. Sa kabilang bansa, nakababahala at nakagigimbal man ang mga nararanasan ng mga taga-rural, iba naman ang anyo ng kahirapang dinaranas sa mga pook urban. Ang buhay sa pook urban ay pinalalala ng mga kondisyong unti-unting lumuluray sa kalusugan at buhay ng mga maralita- walang bukid o bundok, walang malinis na tubig, walang mahusay na pabahay, walang kuryente, laganap ang kriminalidad, pagiging bukas na bukas sa mga sakit, mikrobyo, polusyon, at mataas na tantos ng kawalan ng hanapbuhay.

Pahina 189 ng 212

APENDIKS D

Questionnaire #1: Mga Katanungan para sa mga Kumakain ng Pagpag

Isang mapagpalayang araw! Ako si Cesar A. Mansal, isang mag-aaral ng Araling Pangkaunlaran mula sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines). Ako po ay gumagawa ng isang pag-aaral patungkol sa kawalan ng seguridad sa pagkain, kahirapan, at kagutuman sa Pilipinas na ang batayan ay ang pagkain ng Pagpag ng mga Pilipino. Sa aking pag-aaral, ako ay nangangailangan ng sarbey mula sa 30 indibidwal o pamilya upang makamit ko ang mga rekisito sa aking pananaliksik. Tinitiyak ko po sa inyo na ang inyong tugon ay magiging kompidensyal at gagamitin lamang para sa pang-akademikong pananaliksik. Marami pong salamat!

BACKGROUND:

Pangalan:______Kasarian: □ Lalaki □ Babae

Edad:______Tirahan:______

Katayuang sibil: □ Walang Asawa □Kasal □Hiwalay □Biyuda/Biyudo □Live in

Bilang ng kasama sa tahanan: ______Pinakamataas na tinapos sa pag- aaral:______

1. Ano ang inyong pinagkakakitaan? ______

2. Magkano sa iyong tantiya ang kinikita mo kada-araw? □ 300 pababa □ 300-500 □ 500-1000 □ 1000-3000 □ 3000-pataas 3. Gaano kasapat ang inyong kinikita upang masustentuhan ang pangangailangan ng iyong pamilya? □ Sapat na sapat □ Sapat lang □ Hindi gaanong sapat □ Kulang na kulang

Pahina 190 ng 212

Iba pang tugon: ______

Sa Nagbabasura:

4. Bakit mo piniling magbasura?

(Maaaring pumili ng higit sa isang sagot)

□ Nakasanayan ko na ang pagbabasura. □ Sa hanapbuhay na ito ko lamang natutugunan ang pangangailangan ng pamilya ko. □ Wala na akong iba pang makuhang hanapbuhay

Iba pang tugon ______

5. Sa paanong paraan mo natutugunan ang pangangailangan ng pamilya mo sa pagbabasura?

(Maaaring pumili ng higit sa isang sagot)

□ Nakapagdadala ako ng salapi para pamilya ko. □ Nakapagdadala ako ng pagkain sa pamilya ko.

Iba pang sagot ______

6. Mayroon ka pa bang ibang kaanak na nagbabasura?

□ Oo □ Wala na

Kung mayroon, ilan sila? ______

7. Kung magkakaroon ng pagkakataon, pipiliin mo bang magkaroon ng iba pang hanapbuhay? □ Oo □ Hindi

Bakit? ______

PAGPAG: Eating Patterns: 8. Ilang beses ka kumakain kada araw? □ 1-2 □ 3-4 □ 5-7 □ 7-higit pa

Ano-ano ang kadalasang inihahain niyo bilang ulam o pagkain sa inyong hapag-kainan? ______

Pahina 191 ng 212

9. Gaano kayo kadalas kumakain ng Pagpag? □ 1-2 beses □ 3-4 beses □ 5-7 beses □ 7-higit pa

10. Ano po ba yung Pagpag? Bakit siya tinatawag na Pagpag? ______

11. Mayroon bang iba’t ibang uri ng Pagpag? Ano-ano ang mga iyon?

______

12. Paano kayo kumukuha ng Pagpag? □ Bumibili ng Pagpag □ Kami mismo ang kumukuha ng mga ito mula sa mga basurahan □ Mayroon kaming trak na taga-kuha ng mga Pagpag na aming kinakain

Iba pang tugon: ______

13. Bakit kayo kumakain ng Pagpag?

(Maaaring pumili ng higit sa isang sagot)

□Masarap □Napipilitan lamang □Mura □Madami at nakasasapat sa buong pamilya □Nakasanayan lamang

Iba pang tugon: ______

13. Paano mo nalaman ang pagkain ng Pagpag? □Natutunan mula pa sa mga magulang at lolo at lola □Natutunan lamang dahil sa mga kaibigan at kapitbahay

Iba pang tugon ______

14. Gaano katagal ka nang kumakain ng Pagpag? □ Wala pang isang taon □ 1-2 taon □ 3-4 na taon □ 5- higit pang taon

15. Paano ninyo inihahain ang Pagpag?

(Maaaring pumili ng higit sa isang sagot)

□ Niluluto □ Direktang kinakain

Pahina 192 ng 212

Iba pang tugon:______

Kung niluluto, sa paanong paraan ninyo ito niluluto?

______

16. Sa palagay ba ninyo ay namamatay ang mga mikrobyong nasa Pagpag sa paraan ninyo ng paghahain ng Pagpag?

□ Oo □ Hindi □ Ewan ko

Bakit?______

17. Nagawa niyo na po bang magrekumenda ng pagkain ng Pagpag sa iba pang mga kaibigan o kamag-anak na wala ring makain? Bakit? ______

18. Sa inyong palagay, natutugunan ba ng pagkain ng Pagpag ang mga nutrisyon na kinakailangan ng inyong katawan? □ Oo □ Hindi □ Ewan

Bakit? ______

19. Nagkasakit ka na ba o nakaramdam ka na ba ng masamang pakiramdam dahil sa pagkain ng Pagpag? □ Oo □ Hindi

20. May kakilala ka bang nagkasakit na o nakaramdam na ng masamang pakiramdam dahil sa pagkain ng Pagpag? □ Oo □ Hindi

21. Ayon sa mga eksperto at doktor, ang pagkain ng Pagpag ay hindi nakabubuti sa katawan ng isang tao. Naniniwala po ba kayo rito? □ Oo □ Hindi

22. Masasabi mo bang halos lahat sa inyong lugar ay kumakain ng Pagpag? □ Oo □ Hindi

Pahina 193 ng 212

Bakit? ______

23. Kung magkakaroon ng pagkakataon, titigil ka ba sa pagkonsumo ng Pagpag kapag nagkaroon ka ng iba pang hanapbuhay? □ Oo □ Hindi

Bakit? ______

24. Mayroon ka bang naririnig na batikos/panlalait mula sa ibang tao dahil sa pagkain mo ng Pagpag? □ Oo □ Wala

Ano-ano ang mga halimbawa ng mga ito? ______

Paano ka tumutugon dito? ______

25. Sa palagay mo, sino ang dapat managot dahil sa pagkain ng Pagpag ng mga Pilipino? ______

Bakit? ______

26. Ano ang iyong mairerekumenda sa pamahalaan patungkol sa pagkakaroon ng mga pagkaing Pagpag? ______

Pahina 194 ng 212

APENDIKS E

Mga Katanungan para kay Prof. Christle Cubelo

Nutritionist-Dietitian (RND), Eksperto sa Larangan ng Public Health Nutrition

Kolehiyo ng Pantahanang Ekonomiya, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

1. Ano po ba ng kahulugan ng Food Poverty? Ano po ang kaibahan nito sa Food Insecurity? 2. Mataas po ba ang lebel o rate ng Food Poverty sa bansa? 3. Ano po ang kahulugan ng Malnutrition? Ano po ang kaibahan nito sa undernutrition? 4. Gaano po karami ang bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng malnutrition o undernutrition? 5. Bakit po ba nagkakaroon ng Food Poverty at malnutrition? 6. Totoo po bang may kakulangan sa pagkain sa bansa? O sa access to foods ang suliranin? 7. Ano po ba yung Pagpag? Bakit po siya tinawag na Pagpag? 8. Sa ano pang mga katawagan kilala ang pagkaing Pagpag? 9. Mayroon po bang iba’t ibang klasipikasyon o uri ng Pagpag? 10. Batay po sa inyong mga pananaliksik o pag-aaral, kalian po nagsimula ang pagkonsumo ng Pagpag ng mga Pilipino? 11. Totoo po bang naging/nagiging dahilan o factor sa pagbaba ng incidence of hunger ang pagkain ng Pagpag ng mga Pilipino? 12. Sa pagpunta namin sa SWS, mga institusyong pangkalusugan, DOH, napag-alaman naming wala silang (ang mga nabanggit na institusyon) mga datos patungkol sa bilang ng mga Pilipinong kumakain ng Pagpag at bilang ng mga Pilipinong nalalason at namamatay dahil sa pagkain ng Pagpag, gayong nagiging isang popular na isyu na sa bansa ang dumaraming bilang ng mga Pilipinong kumakain ng Pagpag. Bakit po kaya wala pa ring means o paraan ang ating bansa upang masubaybayan o ma-monitor ang ganitong suliranin?

Pahina 195 ng 212

13. Totoo po bang namamatay ang mga mikrobyo ng Pagpag kapag pinakukuluan sila ng matagal bago iluto sa mainit na mantika? 14. Ano po baa ng nagiging epekto sa katawan, sa mentalidad o memorya, at sa kabuuang pisikal na katawan ng tao ang pagkain ng Pagpag? 15. Sa pagpunta po namin sa Smokey Mountain sa Tondo at sa Payatas, napansin namin at ipinagmamalaki sa amin ng mga tao roon na lumulusog ang marami sa kanila dahilan sa pagkain ng Pagpag. Dahi dito, naniniwala silang mahusay sa katawan ang pagkain ng Pagpag. Ano po ang inyong masasabi rito? 16. Ano po ba ng kahulugan ng right to food? Ang mismong existensiya po ba ng pagkaing Pagpag sa bansa ay isang patunay sa paglabag sa right to food? 17. Ano po ang inyong mairerekumendang solusyon o kahit paunang lunas upang mapigulan/makontrol ang pagkain ng Pagpag ng mga maralita?

Pahina 196 ng 212

APENDIKS F

Mga Katanungan para kay Prof. Chester Arcilla

Eksperto sa Larangan ng Urban Poverty, Propesor ng Ekonomiks Kolehiyo ng Sining at Agham, Unibersidad ng Pilipinas Maynila

1. Ano po ba ng kahulugan ng Food Poverty? Bakit po mas maraming bansa sa Ikatlong Daigdig ang nakararanas nito? 2. Mataas po ba ang lebel o rate ng Food Poverty sa bansa? 3. Bakit po ba nagkakaroon ng Food Poverty at malnutrition? 4. Totoo po bang may kakulangan sa pagkain sa bansa? O sa access to foods ang suliranin? 5. Ano po ba yung Pagpag? Bakit po siya tinawag na Pagpag? 6. Sa ano pang mga katawagan kilala ang pagkaing Pagpag? 7. Mayroon po bang iba’t ibang klasipikasyon o uri ng Pagpag? 8. Batay po sa inyong mga pananaliksik o pag-aaral, kalian po nagsimula ang pagkonsumo ng Pagpag ng mga Pilipino? 9. Ano po ang kaugnayan ng existensiya ng pagpa-Pagpag sa urbanisasyon? 10. Bakit po sa mga pook urban lamang umiiral ang Pagpag? 11. Totoo po bang naging/nagiging dahilan o factor sa pagbaba ng incidence of hunger ang pagkain ng Pagpag ng mga Pilipino? 12. Sa pagpunta namin sa SWS, mga institusyong pangkalusugan, DOH, napag-alaman naming wala silang (ang mga nabanggit na institusyon) mga datos patungkol sa bilang ng mga Pilipinong kumakain ng Pagpag at bilang ng mga Pilipinong nalalason at namamatay dahil sa pagkain ng Pagpag, gayong nagiging isang popular na isyu na sa bansa ang dumaraming bilang ng mga Pilipinong kumakain ng Pagpag. Bakit po kaya wala pa ring means o paraan ang ating bansa upang masubaybayan o ma-monitor ang ganitong suliranin? 13. Ano-ano kaya ang mga factors na nagtutulak kung bakit kumakain ng mga Pagpag ang mga Pilipino?

Pahina 197 ng 212

14. Ano naman po ang inyong analisa kung bakit kumakain ng Pagpag ang mga mahihirap na Pilipino? 15. Ano-ano po ang epekto ng pagkain ng Pagpag sa sosyo-ekonomik at politico- ekonomik na pamumuhay ng mga Pilipino? 16. Mayroon po bang epekto sa mga business at markets ng bansa ang pagkakaroon ng kalakalan ng Pagpag? 17. Mayroon po kaming nakapanayam na isang mangangalakal ng Pagpag. Sila ay mayroong 3 karinderyang nagbebenta ng mga putaheng mula sa Pagpag. Ayon sa kanila, magandang business ito dahil wala silang binabayarang tax. Ano po ang inyong masasabi hinggil sa bagay na ito? 18. Sino po kaya ang may malaking pananagutan dahilan sa malaki/lumalaki (kung ano ang tama) na bilang ng mga Pilipinong kumakain ng Pagpag? 19. May sapat po bang mga proyekto ang ating pamahalaan at mga lokal na pamahalaan patungkol sa kagutuman at kahirapan? 20. Ano-ano po ang inyong mga nakikitang suhestiyon o rekomendasyon sa mga ss. patungkol sa kagutuman at pagkakaroon ng Pagpag sa bansa: a. Kumakain ng Pagpag/Mga mahihirap na mga Pilipino b. Pamahalaan at Lokal na Pamahalaan (DSWD, NFA, FDI, etc) c. Institusyong Pangkalusugan (Health Centers, Hospitals, DOH, etc) d. Research Institution (Mga edukador at eksperto sa larangan ng food poverty at hunger)

Pahina 198 ng 212

APENDIKS G

Mga Katanungan para kay Prof. Andrea Martinez

Propesor ng Behavioral Science

Kolehiyo ng Sining at Agham, Unibersidad ng Pilipinas Maynila 1. Ano po ang inyong masasabi patungkol sa pag-iral ng Pagpag sa bansa? 2. Sa pagpunta namin sa SWS, mga institusyong pangkalusugan, DOH, napag-alaman naming wala silang (ang mga nabanggit na institusyon) mga datos patungkol sa bilang ng mga Pilipinong kumakain ng Pagpag at bilang ng mga Pilipinong nalalason at namamatay dahil sa pagkain ng Pagpag, gayong nagiging isang popular na isyu na sa bansa ang dumaraming bilang ng mga Pilipinong kumakain ng Pagpag. Bakit po kaya wala pa ring means o paraan ang ating bansa upang masubaybayan o ma-monitor ang ganitong suliranin? 3. Ano-ano kaya ang mga factors na nagtutulak kung bakit kumakain ng mga Pagpag ang mga Pilipino? 4. Ano naman po ang inyong analisa kung bakit kumakain ng Pagpag ang mga mahihirap na Pilipino? 5. Ano-ano po kaya ang nagiging implikasyon ng pagkain ng Pagpag sa pagtingin sa lipunan ng mga maralita? 6. Sa pagpunta po namin sa Smokey Mountain sa Tondo at sa Payatas, napansin namin at ipinagmamalaki sa amin ng mga tao roon na lumulusog ang marami sa kanila dahilan sa pagkain ng Pagpag. Dahi dito, naniniwala silang mahusay sa katawan ang pagkain ng Pagpag. At hindi raw po sila naniniwala sa mga doktor dahil higit na paniniwalaan daw nila ang kalam ng kanilang mga sikmura. Ano po ang inyong masasabi rito? 7. May ilan sa aming mga kinapanayam na kumakain ng Pagpag ay nagsabing hindi pa rin nila kayang bitawan ang pagkain ng Pagpag kahit magkaroon sila ng iba pang hanapbuhay. Ano po ang inyong analisa sa bagay na ito? 8. Ano-ano po ang inyong mga nakikitang suhestiyon o rekomendasyon sa mga ss. patungkol sa kagutuman at pagkakaroon ng Pagpag sa bansa: a. Institusyong Pangkalusugan (Health Centers, Hospitals, DOH, etc)

Pahina 199 ng 212

APENDIKS H

Mga Katanungan para kina Dr. Gerard Corral & Dr. Jacqueline Miranda-Corral

Sanitary Inspectors ng Distrito 1 54ng Maynila, at mga Pampublikong Manggagamot

Manila Health Department

1. Paano po tumatakbo ang kalakaran ng pagpa-Pagpag sa inyong distrito? 2. Mayroon po bang umiiral na ordinansa patungkol sa pagpa-Pagpag ng mga residente sa inyong lugar? 3. Kailan po nagsimula ang pagkain ng Pagpag ng mga tao sa inyong distrito? 4. Totoo po bang namamatay ang mga mikrobyo ng Pagpag kapag pinakukuluan sila ng matagal bago iluto sa mainit na mantika? Anu-ano po ang halimbawa ng matitinding mikrobyong maaaring makuha mula sa Pagpag ng mga kumakain ng Pagpag? 5. Ano po ba ng nagiging epekto sa katawan, sa mentalidad o memorya, at sa kabuuang pisikal na katawan ng tao ang pagkain ng Pagpag? 6. Kung hindi sapat ang paggamit ng apoy upang maging safe to eat ang Pagpag, sa palagay niyo po ba ay may paraan pa upang maging safe to eat ang mga ito? 7. May naitatala po ba kayong mga rekord ng mga residenteng nagkakasakit o namamatay dahil sa pagkain ng Pagpag? 8. May naidudulot din po ba s pag-uugali, asal, mentalidad, o behavior ng isang tao ang pagkain ng Pagpag? 9. Mayroon po bang istandard na oras ang exposure ng isang pagkain sa kapaligiran upang masabing ligtas pa itong kainin? 10. Sa pagpunta po namin sa Smokey Mountain sa Tondo at sa Payatas, napansin namin at ipinagmamalaki sa amin ng mga tao roon na lumulusog ang marami sa kanila dahilan sa pagkain ng Pagpag. Dahi dito, naniniwala silang mahusay sa katawan ang pagkain ng Pagpag. Ano po ang inyong masasabi rito?

54 Sa distrito 1 ng Maynila nakapaloob ang Barangay 128, 129, at 105.

Pahina 200 ng 212

11. Ayon sa isang pagamutan sa Tondo, hindi raw alam ng mga doktor ang “Pagpag,” “Batchoy” at iba pang terminong pumapatungkol sa Pagpag. Dahilan daw ito kaya’t walang makuhang datos patungkol sa bilang ng mga Pilipinong kumakain, nagkakasakit, at namamatay dahilan sa pagkain ng Pagpag. Ano po ang masasabi ninyo patungkol dito? 12. May sapat po bang mga proyekto/serbisyo ang ating pamahalaan, mga lokal na pamahalaan at health institution sa bansa bilang pagtugon sa kagutuman at kahirapan? 13. Mayroon po ba kayong nakikitang alternatibo na maaaring gawing alternative sa Pagpag? 14. Ano-ano po ang inyong mga nakikitang suhestiyon o rekomendasyon sa mga ss. patungkol sa kagutuman at pagkakaroon ng Pagpag sa bansa: a. Kumakain ng Pagpag/Mga mahihirap na mga Pilipino b. Pamahalaan at Lokal na Pamahalaan (DSWD, NFA, FDI, etc) c. Institusyong Pangkalusugan (Health Centers, Hospitals, DOH, etc) d. Research Institution (Mga edukador at eksperto sa larangan ng food poverty at hunger)

Pahina 201 ng 212

APENDIKS I

Mga Katanungan para kay Ms. Jocelyn M. Apag

Development Management Officer IV, ICFP (Integrated Community Food Production) Program Officer

National Anti-Poverty Commission

1. Ano po ang pangunahing mandatos sa NAPC patungkol sa pagpapa-angat sa kalagayan ng buhay ng mga urban poor? 2. Ano-ano po ba yung mga nalunsad na, at nilulunsad pang proyekto ng inyong ahensiya kontra kagutuman at kahirapan ng bansa? 3. Sa kalukuyan po, kamusta po ang poverty at hunger sa bansa partikular sa Kalakhang Maynila at sa Tondo at Payatas? 4. Ano po kaya ang mga nagiging suliranin o gap kung bakit sa kabila ng mga pagsisikap ng ating pamahalaan, ay mataas pa rin po ang tantos ng kahirapan at kagutuman sa bansa? 5. Ano po ba ng kahulugan ng Food Poverty? 6. Mataas po ba ang lebel o rate ng Food Poverty sa bansa? 7. Ano po ang kahulugan ng Malnutrition? Ano po ang kaibahan nito sa undernutrition? 8. Gaano po karami ang bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng malnutrition o undernutrition? 9. Bakit po ba nagkakaroon ng Food Poverty at malnutrition? 10. Totoo po bang may kakulangan sa pagkain sa bansa? O sa access to foods ang suliranin? 11. Totoo po bang naging/nagiging dahilan o factor sa pagbaba ng incidence of hunger ang pagkain ng Pagpag ng mga Pilipino? 12. Sa pagpunta namin sa SWS, mga institusyong pangkalusugan, DOH, napag-alaman naming wala silang (ang mga nabanggit na institusyon) mga datos patungkol sa bilang ng mga Pilipinong kumakain ng Pagpag at bilang ng mga Pilipinong nalalason at namamatay dahil sa pagkain ng Pagpag, gayong nagiging isang popular

Pahina 202 ng 212

na isyu na sa bansa ang dumaraming bilang ng mga Pilipinong kumakain ng Pagpag. Bakit po kaya wala pa ring means o paraan ang ating bansa upang masubaybayan o ma-monitor ang ganitong suliranin? 13. Ano-ano kaya ang mga factors na nagtutulak kung bakit kumakain ng mga Pagpag ang mga Pilipino? 14. Ano naman po ang inyong analisa kung bakit kumakain ng Pagpag ang mga mahihirap na Pilipino? 15. Sino po kaya ang may malaking pananagutan dahilan sa malaki/lumalaki (kung ano ang tama) na bilang ng mga Pilipinong kumakain ng Pagpag? 16. Masasabi po ba ninyo na may sapat na mga proyekto ang ating pamahalaan at mga lokal na pamahalaan patungkol sa kagutuman at kahirapan? 17. Ano-ano po ang inyong mga nakikitang suhestiyon o rekomendasyon sa mga ss. patungkol sa kagutuman at pagkakaroon ng Pagpag sa bansa: e. Kumakain ng Pagpag/Mga mahihirap na mga Pilipino f. Pamahalaan at Lokal na Pamahalaan (DSWD, NFA, FDI, etc) g. Institusyong Pangkalusugan (Health Centers, Hospitals, DOH, etc) h. Research Institution (Mga edukador at eksperto sa larangan ng food poverty at hunger)

Pahina 203 ng 212

APENDIKS J

Mga Larauan ng Pagpupunyaging Mabuhay sa Gitna ng Kahirapan

(Orihinal na Kuha ng Mananaliksik)

Larauan #1: “Ang mga tulong sa mga kabataan dito ay Larauan #2: Basura ang bumubuhay sa maralitang nagmumula sa mga NGOs, walang nagmumula sa Pilipino pamahalaan” – Aling Vivian, Brgy. 105

Larauan #3: “Araw o gabi, parehas lang ‘yan. Dilat kami’t gutom.” – Kuya George, Brgy. 105

Pahina 204 ng 212

Larauan #4: Lalaki o babae, walang pinipiling kasarian ang kahirapan.

Larauan #5: Mag-asawa magkatuwang sa hirap at Larauan #6: “Kaning-baboy para sa baboy? Dito para sa basura tao ‘yan.” – Aling Vivian, Brgy. 105

Pahina 205 ng 212

Larauan #7: Hayop man di makaliligtas ‘ pag gutom ang Larauan #8: Here-hererang karinderya ng Pagpag sa Sitio humagupit Damayan, Brgy. 105

Larauan #9: Bukas na karinderya ng Pagpag para sa masa

Pahina 206 ng 212

Larauan #10: Pakikipagsapalaran ng mga jumper boys sa mga dambuhalang trak sa Payatas

Larauan #11: Programang pabahay ng NHA sa Smokey Mountain ngayo’y Slum Areas na

Pahina 207 ng 212

Larauan #12: Kalaykay pang-hukay sa bundok ng basura

Larauan #13: Ngayon ay basura, mamaya’y pagkain na Larauan #14: Pagbabasura bilang pangunahing hanapbuhay sa Brgy. 129

Pahina 208 ng 212

Larauan #15: “Ako si Jeffrey, at basura ang kapiling ko sa bawat araw”

Larauan #16: Pagpag para kay ‘baby”

Larauan #17: May pera sa basura Pahina 209 ng 212

Larauan #18: Ang Helping Land sa Tanghaling Tapat Larauan #19: Isdang inilalako, huli mula sa maduming tubig ng Look ng Maynila

Larauan #20: “Ako’y isang ama, hinahalukay ko ang basurahan hindi dahil wala akong pakialam sa kalusugan ko, kundi dahil may pakialam ako sa pamilya ko.” – Mang Nestor

Pahina 210 ng 212

Larauan #21: “Laruan dapat ang aking tangan, ngunit basura ngayon ang nasa kamay ko.” – bata

Pahina 211 ng 212

Ang Mananaliksik sa piling ng Masang Maralita

Pahina 212 ng 212