Patnubay Sa Korespondensiya Opisyal
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
Patnubay sa Korespondensiya Opisyal IKAAPAT NA EDISYON Patnubay sa Korespondensiya Opisyal IKAAPAT NA EDISYON Leonida B. Villanueva Rogelio G. Mangahas Mga Editor AKLAT NG BAYAN METRO MANILA 2015 Patnubay sa Korespondensiya Opisyal Ikaapat na Edisyon Karapatang-sipi © 2015 ng Komisyon sa Wikang Filipino Ikaapat na edisyon, unang limbag, 2013 Ikaapat na edisyon, ikalawang limbag, 2015 RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala. Mga Editor: Leonida B. Villanueva Rogelio G. Mangahas The National Library of the Philippines CIP Data Recommended entry: Patnubay sa korespondensiya opisyal : may kasamang ortograpiyang pambansa / Rogelio G. Mangahas, Leonida B. Villanueva, mga editor.-- 4th ed.-- Manila : Komisyon sa Wikang Filipino, c2013. p. ; cm. ISBN 978-971019-723-1 1. Filipino letters -- Handbooks, manuals, etc. 2. Letter writing -- Handbooks, manuals, etc. I. Mangahas, Rogelio G. II. Mangahas, Rogelio G. HF5728.F5 651.75 2013 P320130766 Inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino Gusaling Watson, 1610 Kalye JP Laurel Malacañang Palace Complex, San Miguel, Maynila Tel. 02-733-7260 email: [email protected] Nilalaman Pambungad ix Mga Mensahe xi 1 Pagsulat ng Liham (Letter Writing) 1 2 Mga Katangian ng Liham (Characteristics of a Letter) 2 3 Mga Bahagi ng Liham (Parts of a Letter) 4 • Pamuhatan (Heading) 5 • Patunguhan (Inside Address) 7 • Bating Pambungad (Salutation) 9 • Katawan ng Liham (Body of the Letter) 10 • Pamitagang Pangwakas (Complimentary Close) 11 • Lagda (Signature) 11 4 Iba Pang Bahagi ng Liham (Other Parts of a Letter) 12 • Inisyal ng Pagkakakilanlan (Identifying Initials) 12 • Paglalakip (Enclosure) 12 • Tawag-pansin (Attention Line) 13 • Paksa (Subject) 13 • Notasyon sa Sipi (Copy Notation) 13 5 Mga Anyo ng Liham (Forms of Letters) 14 • Estilong Full-Block (Full-Block Style) 14 • Estilong Semi-Block (Semi-Block Style) 15 • Patunguhan sa Sobre (Address) 16 6 Mga Uri ng Liham (Kinds of Letters) 17 • Pagbati (Congratulations) 17 • Paanyaya (Invitation) 17 • Tagubilin (Instruction) 17 • Pasasalamat (Thanks) 17 • Kahilingan (Request) 17 • Pagsang-ayon (Afirmation) 17 • Pagtanggi (Negation) 18 • Pag-uulat (Report) 18 • Pagsubaybay (Follow-up) 18 • Pagbibitiw (Resignation) 18 • Aplikasyon (Application) 18 • Paghirang (Appointment) 19 • Pagpapakilala (Introduction) 19 • Pagkambas (Canvass) 19 • Pagtatanong (Inquiry) 19 v • Pakikidalamhati (Condolence) 19 • Pakikiramay (Sympathy) 19 • Panawagan (Appeal) 20 • Pagpapatunay (Certiication) 20 7 Mga Halimbawa ng Iba’t Ibang Uri ng Liham 21 (Diifferent Samples of Letters) • Pagbati 22 • Tugon sa Pagbati 23 • Patalastas/Paanyaya 24 • Paanyaya 25 • Tugon sa Liham Paanyaya 26 • Pasasalamat 27 • Tugon sa Liham Pasasalamat 31 • Kahilingan 32 • Tugon sa Liham Kahilingan 36 • Pagsang-ayon 40 • Pagtanggi 45 • Pag-uulat 48 • Tugon sa Liham Pag-uulat 50 • Tagubilin 51 • Pagsubaybay 52 • Tugon sa Pagsubaybay 53 • Pagbibitiw 54 • Tugon sa Liham Pagbibitiw 56 • Aplikasyon 57 • Tugon sa Liham Aplikasyon 58 • Pagpapakilala/Paghirang 60 • Pagkambas 61 • Tugon sa Liham Pagtatanong 62 • Pakikidalamhati 64 • Pakikiramay 66 • Panawagan 67 • Pagpapahalaga/Pagtatanong 68 8 Paraan ng Paghahatid ng Impormasyon at Tagubilin 69 (Means of Conveying Information and Instructions) Mga Komunikasyong Buhat sa mga Nakatataas na Awtoridad 70 (Communications from Higher Authorities) • Atas/Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order) 70 • Proklamasyon/Pagpapahayag (Proclamation) 70 • Kautusang Pangkagawaran (Department Order) 70 • Memorandum Pangkagawaran (Department Memorandum) 70 • Memorandum Sirkular (Memorandum Circular) 70 • Patalastas/Kalatas (Notiication) • Paglilipat (Indorsement) vi Iba Pang Uri ng Korespondensiya 71 (Other Kinds of Correspondence) • Korespondensiyang Panloob-tanggapan 71 (Inter-ofice Correspondence) • Memorandum Pantanggapan 71 (Ofice Memorandum) • Paglilipat (Indorsement) Kahalagahan ng Memorandum at Mensaheng E-mail 72 Mga Katangian ng Memo at E-mail 72 Wastong Pagpo-format ng Memorandum 72 9 Resolusyon (Resolution) 130 10 Katitikan ng Pulong (Minutes of the Meeting) 137 11 Mga Pormularyong Pampamahalaan 153 (Government Forms) • Panunumpa sa Katungkulan 155 • Papel ng Datos Personal 159 • Deskripsiyon ng Posisyon 164 • Paghirang 166 • Kahilingan sa Pansamantalang Pagtatalaga 168 • Sertipikong Medikal 171 • Sinumpaang Salaysay Tungkol sa mga Ari-Arian, Pagkakautang atbp 172 • Memorandum ng Kasunduan 174 • Aplikasyon sa Pagliban 177 • Aplikasyon para sa Espesyal na Pribilehiyo 180 • Pahintulot/Atas sa Paglalakbay 181 • Katibayan ng Natapos na Paglalakbay 184 • Katunayan ng Pagpapakita 185 • Katunayan ng Paglabas 186 • Katunayan ng Kawalang Pananagutan 187 • Ulat sa Daloy ng Proyekto 193 • Ulat sa Pagmomonitor 194 • Payslip 195 • Talatukuyan 197 • Voucher sa Pagbabayad 200 • Kapangyarihan ng Kinatawan 201 Mga Kahilingan • Pahintulot 202 • Bayad sa Overtime 203 • Kasulatan sa Kapanganakan 204 • Kasulatan sa Kasal 205 • Pananaliksik 206 • Inspeksiyon Bago Kumpunihin 207 • Kahilingan para sa Serbisyo 208 vii • Serbisyong Audio-Video 210 • Pases sa Paglabas 211 • Gate Pass 213 • Listahan ng Dumalo 216 • Nominasyon 217 • Iba't ibang Uri ng Gawad/Sertipiko • Pagkilala 220 • Pagpapahalaga 228 • Merito 230 • Katapatan 231 • Paglahok 232 • Pagdalo • Pagtatapos 234 • Paglilipat 235 • Tsart ng Organisasyon 236 12 Pagsulat ng Direksiyon at Pag-adres sa mga 237 Taong May Mataas na Katungkulan (Ways of Addressing Individuals with Higher Positions) 13 Mga Titulong may Pamimitagan 251 (Courtesy Title Distinction) 14 Mga Parirala at Pananalitang Karaniwang Gamitin 259 sa mga Liham Pampamahalaan (Phrases and Expressions Commonly Used in Oficial Correspondence) Mga Dahong Dagdag 263 A. Glosaryo ng mga Gamitíng Termino at Katawagan sa Pamahalaan 264 (Glossary of Government Terminologies and Usages) B. Direktoryo ng mga Tanggapan ng Pamahalaan 300 (Directory of Government Ofices) C. Direktoryo ng ZIP Code ng Metro Manila at mga Lalawigan 371 (Zip Code Directory - Metro Manila and Provinces) Sanggunian 392 Indeks 394 viii Pambungad Malaki na ang ipinagbago nitong Patnubay sa Korespondensiya Opisyal (PKO) mula nang lumabas ito sa unang edisiyon noong 1970. Mga pangunahing gumagamit nito mula noon ang mga naglilingkod sa pamahalaan—mga kawani, manunulat, editor, mananaliksik, guro, opisyal na nakikipaglihaman sa loob at labas ng kagawaran, at maging ng bansa. Sa ikaapat na edisyong ito, 2013, makikitang kasamang makikinabang sa paggamit nito ang mga tagapribadong larangan—mga editor at manunulat ng mga publikasyon, mga propesyonal, mga eskolar, mga negosyante at indibidwal sa iba't ibang organisasyon at institusyon, silang mga nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng nakasulat na komunikasyon. Sa aktibong interaksiyon ng mga indibidwal maging nasa pamahalaan o pribadong tanggapan, kailangan ang ilang patnubay o sanggunian para sa maayos, simple, at epektibong pagsulat. At dito nga makikita ang kahalagahan nitong PKO. Mabilis ang mga pagbabago mula noong dekada 1970. Ilang termino na ng pambansang pamahalaan ang nagdaan, may mga ahensiyang nabuwag at pinalitan ng ibang mas angkop sa pangangailangan ng bayan. May ilang ahensiya ring pinagsanib at inangkupan ng bagong pangalan. Nabago ang adres ng marami–rami ring tanggapan ng pamahalaan—kabilang ang paglalagay ng letterhead sa website, email, telefax, at iba pang instrumento at simbolo ng impormasyong teknolohiya. Ang makinilya o typewriter na dating karaniwang ginagamit sa mga opisina sa pagsulat ng mga pormal na liham ay napalitan ng computer, bagay na nakapagpapabilis at madaling makaayos sa pasulat na komunikasyon. Madaling mapansin sa bahaging Nilalaman ang mahahalagang bagay na dapat tandaan at isaalang-alang sa pagsulat ng liham. Sa pormularyong pamahalaan, ilang halimbawa ng bawat uri ang dito'y inilagay upang makapagpakita ng iba't ibang pormat at estilo na angkop sa pangangailangan. Ano-ano ba ang mga katangian ng isang mabuting sulat? Ano-anong mga bahagi nito ang hindi dapat nawawala upang ito'y masabing kompleto at hindi nakalilito? Anong anyo ng liham ang mainam gamitin, batay sa uri ng komunikasyon, at ikagagaan ng pagbuo nito? May iba't ibang uri ng liham: anong uri ng liham ang iyong susulatin at ano ang dapat isaalang-alang upang ito'y maging epektibo? Isang malaking tulong sa mga gagamit ng PKO ang nakalagay ditong iba't ibang halimbawa ng liham. May mga halimbawa ng salin mula sa Ingles, at ang iba'y nasa orihinal na Filipino. Ang mga ito'y hindi kathang-isip, kundi mga pili mula sa tunay na mga liham sa ating pamahalaan mula sa nakalipas na ilang dekada. Sa pagbasa sa mga ito, mananariwa sa ating kamalayan ang ilang mahalagang isyung pang-ekonomiya, pampolitika, pangkapaligiran, pang- edukasyon, pangkultura (kabilang ang sa wika), at maging sa moralidad. Mapupuna naman sa mga salin sa mga tanggapan ng ilang tanggapan ang pagbabago sa ilang salita para sa ikadadali ng pag-unawa ng babasa. Napalitan ang ilang salitang may kalabuan at asiwang pagkabuo, at pinalitan ng higit na madaling unawain at bigkasin. Isang ix halimbawa ay ang salitang "lingkuran" na pinalitan ng gamitíng "serbisyo." Makikita naman sa mga paraan ng paghahatid ng impormasyon at tagubilin mula sa matataas na awtoridad ang iba't ibang anyo ng komunikasyon, gaya ng atas o kautusang tagapagpaganap, proklamasyon, kautusang pangkagawaran, memorandum, paglilipat o endorsement, atbp. Sa edisyong ito ng PKO, napakalaking ambag ang Mga Dahong Dagdag, pangunahin ang