Tagalog

Manatiling Malusog

Paano gamitin nang mabuti ang mga sa Italy serbisyong pangkalusugan ng Italy The Asia-Europe Foundation (ASEF) promotes understanding, strengthens relationships and facilitates cooperation among the people, institutions and organisations of Asia and Europe. ASEF enhances dialogue, enables exchanges and encourages collaboration across the thematic areas of culture, economy, education, governance, public health and sustainable development. ASEF is a not-for-profit intergovernmental organisation located in Singapore. Founded in 1997, it is the only institution of the Asia-Europe Meeting (ASEM).

Together with about 700 partner organisations ASEF has run more than 650 projects, mainly conferences, seminars and workshops. Over 17,000 Asians and Europeans have actively participated in its activities and it has reached much wider audiences through its networks, web-portals, publications, exhibitions and lectures.

For more information, please visit www.asef.org

ASIA-EUROPE FOUNDATION (ASEF) 31 Heng Mui Keng Terrace Singapore 119595 T +65 6874 9700 F +65 6872 1135 E [email protected] www.asef.org Mga Nilalaman

Ang pambansang serbisyong pangkalusugan ng Italy 1

Mga karaniwang problema sa kalusugan 5 ng mga Pilipino sa Italy

Mga karaniwang gamot na ginagamit sa Pilipinas 10 at ang mga katumbas nito sa Italy

Mga haka-haka, kuru-kuro, at maling akala ukol 14 sa mga serbisyong pangkalusugan ng Italy at mga taong nasa serbisyong ito

Mga hadlang sa komunikasyon 15

Talasalitaan 17 Ang booklet na ito ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa pangangalaga ng inyong kalusugan sa Italy. Naglalahad ito ng mga kaalaman tungkol sa:

Mga paraan upang makagamit ng mga serbisyong pangkalusugan ng Italy • pagkuha ng health card • pagpapatingin sa duktor sa unang pagkakataon • mga follow-up • pagkuha ng mga gamot

Mga karaniwang problema sa kalusugan • mga sanhi ng sakit • sintomas • mga karampatang gamot at lunas na magagawa sa bahay

Mga epektibo at maiinam na gawi sa pangangalaga ng inyong kalusugan, at mga maling akala ng mga dayuhan tungkol sa serbisyong pangkalusugan sa Italy

Mga payo kung paano mapapabuti ang pakikipag-usap sa mga Italyanong duktor, nars, at iba pang tagapagbigay ng serbisyong medikal. Ang Pambansang Serbisyong Pangkalusugan ng Italy

Kinikilala ng batas ng Italya ang kalusugan bilang isang mahalagang karapatan ng mga mamamayan. Ang mga mamamayang ipinanganak sa ibang bansa na may legal residence permit ay may mga karapatan tulad ng mga Italyano. Ang pagrerehistro sa SSN ay makasisiguro ng kumpletong pangangalaga ng kalusugan at ilang libreng serbisyo, habang ang ilan ay may murang bayad (tiket) depende sa rehiyon.

Ano ang “Servizio Sanitario Nazionale” (SSN)? Servizio Sanitario Nazionale ang tawag sa sistema ng pampublikong serbisyong pangkalusugan sa Italy. Kailangan ninyong magparehistro sa SSN upang makagamit ng kanilang mga serbisyong medikal.

Maaaring magparehistro sa inyong Local Health Agency (Azienda Sanitaria Locale o ASL) gamit ang inyong permanenteng address (ang address na nakasulat sa inyong residence certificate o residence permit).

Kapag nakarehistro na, maaari nang makuha ang inyong health card sa ASL

Kayo ay mabibigyan ng isang duktor o general practitioner, at paediatrician naman para sa inyong mga anak na bata, kung mayroon

Sino ang maaaring magrehistro sa SSN? Entitlement Ang mga taong may residence permit (mga self-employed, may regular na trabaho, mga taong may hindi regular na trabaho, mga nakarehistro sa mga employment centers, may hinihintay na application na pinoproseso sa trabaho) o may permit kaugnay sa family reunification (pagsama ng miyembro ng pamilya ng migrante), asylum, may nakabinbin na citizenship application, pagbubuntis, at custody o adoption (pag-ampon) ng mga menor de edad ay kailangang magparehistro.

Voluntary registration Ang mga taong may residence permit na tatagal nang higit na tatlong buwan (mga mag-aaral, kasambahay, at mga magulang na edad 65 pataas na makakasamang muli ang kanilang mga anak) ay maaaring magparehistro sa pamamagitan ng pagbabayad ng 400 euros bilang kontribusyon. Ang kontribusyon na ito ay may bisa mula January 1 hanggang December 31. Hindi na kailangang magbayad kada buwan. Ang mga hindi dokumentadong imigrante ay maaari ding makagamit ng mga serbisyong pangkalusugan sa panahon lamang ng emergency sa mga emergency department, doctors-on-call, 118 emergency call, at mga ospital na tumatanggap ng mga imigrante na (karaniwang pinapatakbo ng mga asosasyon). Ipinagbabawal sa mga duktor, nars, at iba pang manggagawa sa tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ang pagsusumbong ng mga ilegal na dayuhan na gumamit ng SSN sa mga kinauukulan.

1 Ano ang health care insurance card? Ang health care insurance card ay isang dokumento na ibinibigay ng ASL kapag kayo ay nagparehistro sa SSN.

Ito ang magiging daan upang kayo ay makagamit ng mga serbisyong pangkalusugan sa Italy. Kailangan ninyong ipakita ang card para makapagpa-iskedyul ng konsultasyon o laboratory exam, o makakuha ng discount sa mga gamot. Kung kayo ay kukuha ng card sa unang pagkakataon, kailangan ninyong ibigay sa ASL ang inyong address kasama ang mga dokumentong nagpapatunay na kayo ay humingi ng residence permit. Mag-eexpire ang card kasabay ng pag-expire ng inyong residence permit. Para i-renew ito, kailangan ninyong dalhin ang mga dokumento na magpapatunay na kayo ay nag-request ng residence permit renewal. Kanino ba maaaring pumunta kapag may sakit? Sinuman na nakarehistro sa SSN ay maaaring pumunta sa isang duktor o general practitioner (“medico di base”, “medico di famiglia” o “medico della mutua”) o sa isang paediatrician (“pediatra”) para naman sa mga batang edad 14 pababa. Sa inyong pagrerehistro, isang duktor ang itatalaga sa inyo. Maaari kayong magpalit ng duktor kung tingin ninyo ay hindi siya akma para sa inyong kalagayan. Kung kayo ay maysakit, kailangan ninyong magpa-iskedyul ng konsultasyon sa general practitioner. Sila ang unang susuri sa inyong sakit, pagkatapos ay magbibigay sila ng karampatang gamot at mga payo para sa inyong paggaling at pangangalaga nang mabuti sa inyong kalusugan. Kung kinakailangan, ire-refer nila kayo sa mga espesyalista o sa mas specialized na ospital. Sila ay gagawa ng medical referral form (“impegnativa”). Libre ang mga paunang pagkonsulta sa general practitioner.

Sa kabilang banda, ang mga konsulta sa espesyalista (“visite specialistiche”) at mga laboratory exam (“esami di laboratorio”) ay nangangailangan ng bayad para sa tiket (buong presyo o bahagi lamang ang babayaran) na abot-kaya ang halaga. Para makagawa ng appointment, maaari kayong:

Tumawag sa regional toll free number (“numero verde”) at magtanong tungkol sa mga malalapit na ospital;

Tumawag sa ospital na binabalak ninyong puntahan; o di kaya’y;

Pumunta sa booking office Centro( Unico di Prenotazione - CUP) sa loob ng ospital. Kapag kayo ay nakakuha na ng appointment, kinakailangang bayaran ang tiket sa front desk (“accettazione”).

Maaari ninyong kanselahin ang appointment (“disdire l’appuntamento”) sa pamamagitan ng pagtawag sa parehong regional toll free number. Ang pagkakansela ng appointment ay karaniwang libre. Ngunit sa ibang rehiyon, may bayad ito kapag hindi nagkansela sa tamang oras, kaya siguraduhing magkansela nang hindi bababa sa 24 oras bago ang appointment. Maaaring libre ito sa mga matatanda na may edad higit 65, mga mahihirap, at mga kasali sa iba pang kondisyon depende sa rehiyon ayon sa sistemang pangkalusugan ng Italy.

Sa mga pampbulikong ospital sa Italy, hindi pinapayagang tumanggap ng pera o kahit anong materyal na pabuya ang mga miyembro ng staff (mga duktor, nars, atbp.) galing sa mga pasyente. 2 Ang Italy ay mayroong mga pribado at pampublikong ospital. Kung kailangan ninyo magpa-admit sa isang pampublikong ospital (“essere ricoverato”), kailangan ninyo ng request galing sa inyong general practitioner o, kung emergency, galing sa mga duktor na unang rumesponde at nagbigay ng first aid o pangunang lunas. Libre ang pagpapa-ospital hanggang sa matapos ang gamutan at payagan na ng duktor na makalabas. Kung kailangan naman ng physiotherapy pagkatapos ng operasyon at bago lumabas ng ospital, libre itong ibinibigay sa loob ng ospital. Kung walang physiotherapy sa ospital, maaaring mag-request sa ibang ospital sa pamamagitan ng referral form galing sa general practitioner para ma-iskedyul ang physiotherapy sa panibagong ospital nang libre. Paano kung may emergency? Ang Emergency Room (ERs, “Pronto Soccorso”) ay matatagpuan sa kahit anong ospital na rumeresponde sa mga emergency cases (mga aksidente, malulubhang sugat o pinsala sa katawan, kritikal na kundisyon o nag-aagaw buhay). Maliban sa ER, ang emergency call 118 (“centodiciotto” o isang daan at labing-walo) ay nagbibigay din ng mga serbisyong medikal at ambulansya kapag may emergency.

Sa pagtawag sa numerong ito gamit ang inyong landline o cellphone, kayo ay mabibigyan ng mabilis na tulong sa lugar na kinaroroonan ninyo. Tatanungin ang inyong phone number at address. Tandaan na ang numerong ito ay ginagamit lamang tuwing may emergency. Kung kailangan ng medikal na tulong ngunit hindi naman emergency, maaaring kausapin ang inyong general practitioner.

Sa ER, ang mga pasyente ay tinatawag hindi alinsunod sa oras ng pagdating, kundi ayon sa lala ng sitwasyon at kung kailangan ng agarang gamutan. Ang ibig sabihin, pagdating ninyo ng ospital, bibigyan kayo ng kulay batay sa prayoridad:

Pula para sa mga malalalang kaso Berde para sa mga kasong hindi gaanong malala At puti para sa mga hindi malala

Kung ang sakit o karamdaman ninyo ay hindi gaanong malala kumpara sa iba, uunahin ang may mas malubhang at seryosong kalagayan kahit huli silang dumating kaysa sa inyo. Kaya naman, matagal ang paghihintay. Ganito rin sa ibang rehiyon--ang mga taong may hindi gaanong malubhang sakit ay kailangang magbayad ng tiket.

Paano kung ako ay nagkasakit sa gabi? Ang mga doctors-on-call (“Guardia Medica”) ay bahagi ng mga libreng serbisyo ng Italy na maaaring tawagan kapag may emergency o kapag hindi ninyo matawagan ang inyong general practitioner sa gabi o kapag holiday. Makukuha ninyo ang kanilang service number sa internet kapag hinanap ito gamit ang pangalan ng inyong bayan na kinaroroonan at ang mga salitang “Guardia Medica”. Ang mga doctors-on-call ay magbibigay sa inyo ng mga payo ukol sa dapat gawin, mga gamot na dapat inumin, at kung kinakailangan, saan makakakuha ng mga serbisyong medikal. Sila rin ay bumibisita sa bahay ng mga pasyente kapag malala at seryoso na ang kanilang kalagayan. Saan at kanino pupunta kung kailangan ko ng mga gamot? Sa Italy, ang mga gamot ay mabibili lamang sa mga pharmacy o botika. May ilang gamot na kailangan ng reseta ng mga duktor dahil mayroon itong mga partikular na epekto sa katawan kaya hindi ito ipinagbibili nang walang reseta.

3 May ibang gamot naman na pwedeng ireseta sa inyo at may iba naman na mabibili mismo sa botika sa buong halaga. Ang mga gamot ay maaaring ireseta sa pulang form (“ricetta rossa”) o sa puting form (“ricetta bianca”). Ang mga gamot sa pulang form ay maaaring makuha nang libre o bayaran sa murang halaga gamit ang tiket na nagkakahalaga ng isa hanggang apat na euros, depende sa rehiyon, at kung branded o generic (kasing-bisa din ng mga branded) ang bibilhin. Ang mga gamot na inirereseta sa puting form ay babayaran naman nang buo.

Para naman sa mga gamot na walang reseta na mabibili diretso sa botika, mayroong branded at generic na katumbas ito. Ang branded ay karaniwang mas mahal kaysa generic, partikular na sa mga painkillers at anti-inflammatory o mga gamot kontra kirot at pamamaga.

Sa inyong lugar, may mga botikang laging bukas sa gabi at tuwing holiday. Kung nais ninyong malaman kung nasaan ang mga iyon, mayroong listahan ng mga botikang ito (“farmacia di turno”) sa labas mismo ng mga botika.

Paano ko mababantayan ang aking kalusugan? Maaaring kausapin ang inyong general practitioner (GP) sa tuwing magpapatingin o magpapagawa ng laboratory exam o follow-up. Sundin lamang ang karaniwang proseso ng pagpapa-iskedyul. Sa Italy, may libreng screening services na isinasagawa ang munisipyo o pamahalaang pangrehiyon para sa pag-iwas sa mga sakit. Mga halimbawa ay mammogram, pap-test cervical screening, at prostate screening. Magtanong sa inyong general practitioner o bumisita sa ASL para makakuha ng mas maraming impormasyon ukol sa mga libreng serbisyong ito.

Proseso ng Paggamit ng SSN

Kumuha ng health card at GP

Emergency?

Oo Hindi Pumunta sa ER Magpa-iskedyul ng appointment sa GP

Kumuha ng reseta o Kumuha ng referral form mga gamot sa klinika para sa espesyalista o laboratory exam

Tumawag upang makapagpa-iskedyul sa espesyalista o ng laboratory exam

Kumuha/bumili ng Kumuha ng reseta gamot sa botika kung kinakailangan

4 Mga karaniwang problema sa kalusugan ng mga Pilipino sa Italy “Mula noong ako’y dumating sa Italy, naranasan kong muli ang sakit ko noong ako’y nasa Pilipinas.”

“Nagsimula itong sakit ko matapos kong lumipat dito sa Italy.”

Ang pangingibang-bansa ay maraming kaugnay na pagbabago–– sa pagkain, panahon, klima, kapaligiran, at mga taong nakakahalubilo ninyo. Ang mga bagay na ito ay maaaring magdulot ng mga pangamba sa inyong kalusugan. Narito ang ilan sa mga karaniwang problema sa kalusugan na nararanasan ng mga Pilipino sa Italy.

1. Ubo, sipon, trangkaso

Sanhi: Pagkahawa sa ibang maysakit, mahinang resistensya, biglaang pagbabago ng temperatura o panahon (mula sa malamig na paligid magiging mainit, o kabaligtaran), pagka-expose sa polusyon o mga irritants (usok, alikabok, mga kemikal, atbp.)

Sintomas: Masakit na lalamunan, ubo na maaaring may plema o wala (ang puting plema ay maaaring dahil sa virus; samantalang ang madilaw hanggang sa kulay berdeng plema ay maaaring dahil sa bacteria), baradong ilong, bahing nang bahing, panghihina, lagnat, masakit ang ulo, masakit ang katawan.

Karaniwang gamot na Neozep/Decolgen/Bioflu; Tuseran/Loviscol; Solmux/Robitussin; ginagamit sa Pilipinas: Mucosolvan/Bisolvon; Alaxan/Biogesic

Karaniwang lunas na Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Damihan magagawa sa bahay: ang pagkain ng mga pagkaing mayayaman sa vitamin C tulad ng citrus fruits (orange, dalandan, lemon, atbp.) at pag-inom ng mga juice (orange, lemon, juice, atbp.). Panatilihin ang kalinisan ng katawan upang hindi makahawa sa ibang tao. Takpan ang bibig kapag umuubo o bumabahing at ugaliing maghugas ng kamay. Ang infection na dulot ng virus ay karaniwang nagagamot sa pamamagitan ng pagpapahinga at pagpapalakas ng resistensya, samantalang ang bacterial infection naman ay maaaring mangailangan ng pagpapatingin sa duktor.

5 2. Asthma o Hika

Sanhi Pagka-expose sa polusyon o sa mga irritants (usok, alikabok, kemikal, matatapang na pabango, pagbabago--bago ng panahon, atbp.) paninigarilyo; stress; matitinding emosyon (galit, kalungkutan, atbp.); ehersisyo

Sintomas Paghahabol ng hininga, ubo, hirap sa paghinga, wheezing o sipol na naririnig sa baga kapag humihinga

Karaniwang gamot na Ventolin inhaler (puff) o nebules; Bricanyl ginagamit sa Pilipinas

Karaniwang lunas na Gumamit ng nebulizer o lumanghap ng usok o singaw na galing magagawa sa bahay sa kumukulong tubig. Iwasan ang mga nakakapagod na gawain. Umiwas sa mga nakakadulot ng hika (alikabok, usok, pulbos, matatapang na pabango, atbp.). Agarang medikal na atensyon ang kailangan sa kaso ng matinding atake ng asthma o hika.

3. Gastroenteritis/Diarrhea o Pagtatae

Sanhi Pagkain ng mga marurumi, sira, panis na pagkain o mga pagkain na may maraming pampalasa; lactose intolerance o pagsakit ng tiyan kapag umiinom ng gatas o mga pagkaing may gatas

Pananakit ng tiyan, madalas na pagdumi nang malambot o matubig, Sintomas panghihina ng katawan, pagsusuka, kawalan ng gana sa pagkain

Karaniwang gamot na Diatabs ginagamit sa Pilipinas

Karaniwang lunas na Kumain ng mga pagkaing may kakaunti o walang pampalasa, mga magagawa sa bahay pagkaing mababa sa fiber (saging, puting kanin, puting pasta, tinapay, crackers, mga fruit juice na walang pulp o sapal, at mga gulay na walang buto o balat at nilutong maigi), malambot na karne, manok, at isda, itlog, at tokwa. Uminom ng maraming tubig o mga electrolyte-water (Gatorade). Magpahinga nang mabuti.

6 4. Gastric hyperacidity o Pangangasim ng tiyan

Sanhi Nagpapalipas ng gutom; hindi pagkain nang sapat na dami; pagkain o pag-inom ng mga nakakadagdag-asim sa tiyan tulad ng kape, softdrinks, juice, mga citrus fruits, gatas, atbp.

Sintomas Gumuguhit na sakit sakit sa tiyan na maaaring umabot hanggang dibdib, hindi natunawan ng pagkain o impatso, masakit na paglunok

Karaniwang gamot na Kremil-S ginagamit sa Pilipinas

Karaniwang lunas na Kumain ng mga pagkaing hindi mamantika o mataba. Umiwas magagawa sa bahay sa mga pagkaing maaanghang o madaming pampalasa at mga pagkaing nakakadagdag-asim sa tiyan. Kumain nang kaunti ngunit madalas. Iwasang magpalipas ng gutom. Iwasang kumain o uminom 2 oras bago matulog. Iwasang magsuot ng mga masisikip na damit.

5. Pananakit ng mga kasu-kasuan/Arthritis

Sanhi Labis na pagtatrabaho, stress

Sintomas Pananakit ng mga kasu-kasuan, pamumula at pamamaga ng mga kasu-kasuan, kirot sa paggalaw

Karaniwang gamot na Alaxan; Mobic; Flanax/Skelan ginagamit sa Pilipinas

Karaniwang lunas na Magpahid ng ointment na tulad ng Omega, Efficascent Oil, o Pau magagawa sa bahay liniment sa bahagi ng katawan na masakit. Ipahinga ang masakit na braso o binti at maglagay ng warm compress (maaaring bimpo na mainit-init o water bag na may lamang mainit na tubig, o bote na may mainit na tubig na binalot ng bimpo).

7 6. Altapresyon o high blood pressure (blood pressure na mas mataas sa 120/80 mmHg)

Sanhi Pagkain ng mga matataas sa sodium o asin (mga de lata, instant noodles, paggamit ng vetsin, seasoning o pampalasa, atbp.) at matataas sa cholesterol o taba (pork/baboy, , , kare-kare, mamamantika/pritong pagkain, fastfood, atbp.); labis na katabaan (obesity); kawalan ng ehersisyo o aktibidad; madalas at labis na pag-inom ng alak; stress; pagkakaroon ng diabetes (diabetes mellitus)

Sintomas Sa karaniwan, hindi agad nakikita o nararamdaman ang mga sintomas lalo na sa simula ng pagkakaroon ng altapresyon, ngunit narito ang ilan sa mga sintomas: pananakit ng dibdib, pananakit ng ulo, pagkahilo, pagdudugo ng ilong, panlalabo ng paningin, pagkawala ng balanse, pagkakaroon ng blood pressure na higit sa 120/80 sa tatlong magkakaibang pagkakataon.

Karaniwang gamot na Ang mga gamot na pang-maintenance o mga gamot na iniinom ginagamit sa Pilipinas araw-araw para mapanatili ang normal na blood pressure ay karaniwang nirereseta ng duktor. Narito ang ilang halimbawa: Cardiosel; Neobloc; Inderal; Norvasc; Calcibloc; Lipitor; Pritor; Vidastat

Karaniwang lunas na Magkaroon ng diet na mababa sa asin/sodium at mababa sa magagawa sa bahay cholesterol/taba. Iwasang kumain ng mga de lata, instant noodles, fastfood, at iwasan gumamit ng mga preservatives tulad ng vetsin. Iwasan din ang pagkain ng mga pinrito at mga pagkaing madaming pampalasa. Umiwas sa paninigarilyo. Huwag magpa-stress. Ugaliing mag-ehersisyo. Kapag ang blood pressure ay mahigit 120/80 sa tatlong magkakahiwalay na pagkuha, kumonsulta sa duktor upang maresetahan ng tamang gamot. Ang blood pressure na 180/120 o higit pa ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

8 7. Dyabetes (Diabetes Mellitus)

Sanhi Pagkain nang madalas ng mga mataas sa cholesterol/taba (pork/ baboy, lechon, crispy pata, kare-kare, prito at mamamantikang pagkain, fastfood, atbp.) at mataas sa asukal (softdrinks, candies, ice cream, cake, chocolate) at sobra sa carbohydrates (kanin, tinapay, prutas); labis na katabaan; kawalan ng ehersisyo o aktibidad; madalas at labis na pag-inom ng alak; stress.

Sintomas Tulad ng altapresyon, karaniwang hindi agad makikita o mararamdaman ang mga sintomas ng diabetes. Ngunit, narito ang ilan sa mga sintomas: panlalabo ng paningin, pamamanhid ng mga kamay o paa, mga sugat na matagal gumaling, madaling mapagod, labis at madalas na pagkauhaw, pagkagutom, at pag-ihi; pagbaba ng timbang; mataas na sugar sa ihi o sa dugo ayon sa mga laboratory exam.

Karaniwang gamot na Lantus, Apidra; Mixtard, Humalog; Glucophage, Glumet ginagamit sa Pilipinas

Karaniwang lunas na Ugaliing mag-ehersisyo at panatilihin ang normal na timbang. magagawa sa bahay Sundin ang diabetic diet kung saan 60% ng iyong kinakain ay dapat magmula sa mga carbohydrates (kanin, tinapay, pasta, prutas), 20% lamang ang may taba, at 20% ay protina (karne, isda, mga gulay). Ikonsulta ang diet sa duktor. Iwasan ang pagkain ng mga matatamis, softdrinks, at matataba at mamantika na pagkain. Panatilihing malinis ang katawan lalo na ang mga paa. I-monitor ang sugar sa dugo nang regular.

Mahalaga ang magkaroon ng healthy lifestyle o malusog na pamumuhay. Kumain nang tama, ugaliing mag-ehersisyo at umiwas sa stress. Uminom ng maraming tubig at panatilihing malinis ang katawan upang makaiwas sa sakit. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng labis na alak. Panatilihin ang normal na timbang upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng mga gawi na nakasasama sa katawan. Kapag ang mga sintomas ay lumala o tumagal, magpatingin agad sa general practitioner. Ugaliing pumunta sa duktor upang mabantayan ang iyong sakit.

9 Mga Karaniwang Gamot na Ginagamit sa Pilipinas at ang mga Katumbas nito sa Italy

Dahil sa hirap sa paggamit ng wikang Italyano, ang ilan sa inyo ay maaaring mas gustuhin na uminom ng mga gamot na mula sa Pilipinas. Ang gawing ito ay maaaring makahadlang sa mabilis na pagpapagamot at paggaling ng sakit nararamdaman dahil naipagpapaliban ang gamutan hanggang sa makakuha ng mga gamot galing Pilipinas. Sa katunayan, ang ilan sa mga gamot na ito ay mayroong katumbas na gamot sa Italy na kalimitan ay mas mura ngunit magkasing-bisa.

Upang mas mapakinabangan ang mga gamot ng Italy, narito ang ilan sa mga gamot na ginagamit sa Pilipinas para sa mga karaniwang sakit at ang mga katumbas nito sa Italy kasama ang ilan sa mga presyo nito.

Mga karaniwang over-the-counter na gamot (mga gamot na mabibili nang walang reseta) na binibili sa Pilipinas at ang kanilang mga katumbas sa Italy

Brand Names Katumbas sa Italy

Biogesic Tachipirina (compresse)

Neozep, Decolgen Vicks flu tripla azione

Bioflu, Sinutab Zerinol (compresse), Nurofen (compresse), Actifed/actigrip

Solmux, Loviscol Fluifort

Bisolvon Bisolvon (compresse)

Diatabs Imodium (compresse)

Kremil-S Maalox plus (compresse)

Alaxan Tachipirina (compresse), Voltaren Emulgel, Voltaren (compresse)

Flanax/Skelan Synflex forte (compresse), Synflex forte (bustine)

10 Ilang mga gamot na kadalasang ginagamit sa Italy (branded at generic)

Brand Presyo sa Italy Katumbas na Kung para Kung para Names (in euros) Generic at saan ito saan ito presyo sa Italy (in Italian) (in Tagalog) (euros)

OKI 4.28 euros Chetoprofene: Antinfiammatorio, Painkiller, kontra- (30 envelops – 80 mg) 2.84 euros antidolorifico pamamaga

Aspirina 3.95 euros Acido Contro l’influenza, Para sa lagnat, (20 capsules – 500 mg) Acetilsalicilico: la febbre e il sipon, trangkaso 1.41 euros raffreddore

Bisolvon 8.20 euros Loperaminexol: Contro la tosse e Pinapalambot (drops – 40 ml) 4.20 euros il catarro ang plema para madaling mailabas; Mucosolvan 8.70 euros Ambroxolo: Contro la tosse e para sa ubo (syrup – 200 ml) 6.80 euros il catarro

Kung para saan ito Kung para saan ito (in Tagalog) (in Italian)

Nagpapababa ng lagnat Per febbre

Nagpapababa ng lagnat at nagpapaginhawa sa sipon Per febbre, raffreddore e gonfiore di stomaco

Nagpapababa ng lagnat at nagpapaginhawa sa sipon Per febbre, influenza e raffreddore, at trangkaso gonfiore di stomaco

Pinalalambot ang plema para madaling mailabas; para sa ubo Contro la tosse e il catarro

Pinalalambot ang plema para madaling mailabas; para sa ubo Contro la tosse e il catarro

Para sa diarrhea o pagtatae Per diarrea

Painkiller; Gamot para sa masakit na kasu-kasuan Per acidità di stomaco

Gamot para sa masakit na kasu-kasuan, partikular na ang Antidolorifico generico arthritis

Gamot para sa masakit na kasu-kasuan, partikular na ang Antidolorifico generico, indicato per artrite arthritis

11 Mga karaniwang gamot na binibili sa Pilipinas at mga katumbas nito sa Italy kasama ang mga presyo nito

Brand Names Presyo sa Pilipinas (Philippine peso) Katumbas Presyo sa Italy sa Italy (euro)

Ventolin Php 430.50 (inhaler) Ventolin (spray) 4.09 (100 mg) (7.28 euros)

Mobic Php 44.00 (0.74 euros) (7.5mg) per tablet Mobic 10.07 (10 capsules Php 440.00 (7.40 euros) for 10 tablets (compresse) - 7.5 mg)

Cardiosel Php 6.75 (0.11 euros) (100mg) per tablet Lopresor 4.33 (30 capsules - Php 202.50 (3.30 euros) for 30 tablets (compresse) 100 mg)

Inderal Php 20.50 (0.35 euros) (40mg) per capsule Inderal 1.86 (30 capsules - Php 615.00 (10.50 euros) for 30 capsules (compresse) 40 mg)

Hypace Php 14.50 (20mg) (0.25 euros) per tablet Enapren 4.91 (14 capsules - Php 203.00 (3.50 euros) for 14 tablets (compresse) 20 mg)

Norvasc Php 38.50 (10mg) (0.65 euros) per tablet Norvasc 4.93 (14 capsules - Php 539.00 (9.10 euros) for 14 tablets (compresse) 10 mg)

Calcibloc Php 24.75 (10mg) (0.42 euros) / Adalat 12.00 (50 capsules - Php 33.25 (30mg) (0.56 euros) per capsule (compresse) 10 mg) Php 1,237.50 (21.00 euros) (10mg) / Crono 6.77 (14 capsules - Php 1,662.50 (28.00 euros) (30mg) (compresse) 30 mg) for 14 capsules

Pritor/ Php 25.00 (40mg) (0.42 euros) per tablet Micardis 5.87 (28 capsules - Micardis Php 700.00 (11.76 euros) for 28 tablets 20 mg)

Lipitor Php 34.40 (10mg) (0.58 euros) per tablet Torvast 3.14 (10 capsules - Php 344.00 (5.80 euros) for 10 tablets (compresse) 10 mg)

Lantus Solostar Php 858.00/pen (14.51 euros) Lantus Solostar 79.85 (3 ml)

Apidra Solostar Php 684.00/pen (11.57 euros) Apidra Solostar 49.39 (1 ml phials - tot: 100 phials)

Mixtard flex pen Php 640.00/pen (10.82 euros) Humolin 14.72 (10 ml phials - tot: 100 phials)

Humalog Php 894.50/pen (15.13 euros) Humalog 34.87 (1 phial:10 ml - tot: 100 phials)

Glucophage Php 18.00 (0.30 euros) per tablet Glucophage 1.81 (30 capsules - Php 540.00 (9.00 euros) for 30 tablets 500 mg)

EUR 1 = PHP 59.17; PHP 1 = EUR 0.017. Exchange rate as of 7 July, 2014 (rounded off to the nearest tenth) 12 Katumbas na Generic at Presyo kapag gumamit ng Kung para saan ito Kung para saan presyo sa Italy (euro) SSN (1-4 euros) (Tagalog) ito (Italian)

Salbutamolo 1-4 euros/bottle Para sa asthma/hika Per asma 2.50 euros

Meloxican 1-4 euros per 10 capsules Gamot para sa masakit Antidolorifico 3.02 euros na kasu-kasuan, parti- generico e contro kular na ang arthritis l’artrite

Metoprololo 1-4 euros per 30 capsules 3.82 euros

No generic medicine 1-4 euros per 30 capsules

Enalapril 1-4 euros per 20 capsules Nagpapababa ng blood Per pressione alta 3.26 euros pressure; gamot para e ipertensione sa altapresyon Amlodipina 1-4 euros per 14 capsules 3.26 euros

Nifedipina 1-4 euros per 50 capsules 5.50 euros

1-4 euros per 14 capsules

Telmisartan 1-4 euros per 28 capsules 3.87 euros

Atorvastatina 1-4 euros per 10 capsules Nagpapababa ng Per colesterolo 4.35 euros cholesterol sa katawan; alto e gamot para sa altapresyon ipertensione

No generic medicine 1-4 euros per pen

No generic medicine 1-4 euros per 100 phials Nagcocontrol ng sugar Per diabete sa katawan; para sa No generic medicine 1-4 euros per 100 phials may diabetes

No generic medicine 1-4 euros per 100 phials

Mitformina 1-4 euros per 30 capsules Nagpapababa ng sugar Per regolare i 1.27 euros sa katawan; para sa livelli di zuccheri may diabetes nel sangue, per diabete

EUR 1 = PHP 59.17; PHP 1 = EUR 0.017. Exchange rate as of 7 July, 2014 (rounded off to the nearest tenth) 13 Mga haka-haka, kuru-kuro, at maling akala ukol sa mga serbisyong pangkalusugan ng Italy at mga taong nasa serbisyong ito

May mga maling akala na kumakalat tungkol sa pagiging hindi maaasahan ng mga taong nagbibigay ng serbisyong medikal sa Italy. Ang mga maling akalang ito ay naiuugnay sa isyu ng komunikasyon o pakikipag-usap sa kanila at hindi ito dapat maka-apekto sa paggamit ng mga serbisyo ng SSN. Ang SSN ay kilala sa buong mundo dahil sa kagalingan ng kanilang staff (mga duktor, nars, atbp.) at mabisang serbisyong medikal sa pag-iwas at paggamot sa mga sakit at pagtataguyod ng malusog na pangangatawan. Sa Pilipinas, ang mga pribadong klinika ay kinikilalang mas mainam kaysa sa mga pampubliko. Sa Italy naman, ang mga pampublikong serbisyo ay kinikilalang mahusay.

Subalit, ang SSN ay may pagkukulang sa aspeto ng pakikipag-usap at pakikitungo sa mga pumupunta dito lalo na ang mga migrante na hindi masyadong marunong mag-Italyano. Ang mga taong naglilingkod sa mga ospital at klinika ay nahihirapan sa kanilang mabibigat na trabaho lalo na ang pagdagsa ng maraming pasyente, kaya naman ang mga konsultasyon ay mabibilis lamang at teknikal. Nakatuon lamang ang atensyon ng mga duktor sa mga problema na idinudulog ng mga pasyente, at hindi na gaanong nakapagbibigay pa ng panahon para makipag-usap at kilalanin mabuti ang pasyente. Maaaring para sa inyo ay isa itong kawalang-malasakit ng mga duktor ngunit ito lamang ay isang aspeto sa pakikipag- ugnayan ng mga duktor at nars na magagaling at maaasahan sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.

Ang limitadong pag-unawa ng wikang Italyano ay nakaka-apekto sa konsultasyon. Marahil dahil sa pagkakaiba ng kultura at hirap sa paggamit ng wikang Italyano, maaaring kayo ay nakiki-ayon na lamang sa mga duktor pumapayag sa mga payo at mungkahi nila kahit hindi ninyo lubusang naiintindihan o hindi kayo kumbinsido, sa mga ito, at hindi ninyo masabi ang inyong pag-aalinlangan. Sa halip na ganito, mahalaga na magsabi sa inyong duktor, magtanong hangga’t lahat ay naiintindihan at malinaw. Ito ang paraan para makakuha ng sapat na paliwanag.

May mga ulat ang ilang Pilipinong imigrante na may mga Italyano na nang-didiscriminate o nangungutya sa ibang lahi. Ang mga ganitong sitwasyon ay dapat ipagbigay-alam sa UNAR (Ufficio Nazionale contro le Discriminazioni Razziali) na nagbibigay ng serbisyo laban sa racial discrimination. Tumawag lamang sa toll free number 800901010. Ang mga naglilingkod sa sangay ng kalusugan ay mga propesyunal na nagtataguyod ng kalusugan ng bawat tao, anumang lahi o pinagmulan.

14 Mga hadlang sa komunikasyon

Ang kakulangan ng pagkaunawa sa resulta ng pagsusuri at reseta ng duktor ay maaaring nagdudulot sa inyo ng pagkabahala, pagkalito at pag-aalinlangan tungo sa mga taong nagbibigay ng serbisyong medikal. Kadalasan, ipinagpapaliban ang pagpunta sa duktor hanggang sa makabalik na ng Pilipinas. Ang madalang na paggamit ng serbisyong pangkalusugan at ang kawalan ng kakayahang makakuha ng libre o murang gamot sa Italy ay nagpapahina sa inyong mainam na paggamit ng kanilang sistema ng pangkalusugan at pagpapagamot ay humahadlang sa inyong mga sakit. Kaya upang hindi kayo mahirapang gumamit ng mga serbisyong pangkalusugan ng Italy, mahalagang matuto ng wikang Italyano upang hindi mahirapang makipag-usap sa mga Italyanong mediko.

Mga Nagbibigay ng Kurso sa Paggamit ng Wikang Italyano

1. Naglista ang Embahada ng Italya sa Pilipinas ng mga asosasyon at institusyon sa Pilipinas na nagbibigay ng mga kursong wikang Italyano para sa mga nagbabalak pumunta sa Italy. Isa dito ang Philippine Italian Association (PIA) (www.philippineitalianassociation.com) na matatagpuan sa lungsod ng Makati. Sila ay mayroong tatlong lebel ng kurso ng wikang Italyano: basic (A1 at A2), intermediate (B1 at B2), at advanced (C1 at C2). Ang kanilang syllabus ay nakabatay sa European Framework of Reference for Languages. Ang mga basic na kurso ay nagtuturo ng alpabeto ng Italy; mga simpleng pangungusap; mga pananalitang ginagamit sa pang- araw-araw tulad na lamang ng mga ginagamit sa pamimili, pagtatanong ng direksyon, at trabaho; at mga madalas na tanong tulad na lamang ng mga impormasyong personal at tungkol sa pamilya. Ang itinuturo naman sa kursong intermediate ay mga bagay na madalas na matagpuan sa trabaho, pag-aaral, paglilibang at pangunahing ideya ukol sa mga konkreto at di-konkretong bagay. Nakatuon naman ang pansin ng kursong advanced sa pagiging bihasa sa paggamit ng wikang Italyano. Ang mga kursong ito ay kadalasang nagtatagal ng siyam hanggang labindalawang linggo (siyam na linggo para sa mga klaseng mula Lunes hanggang Biyernes at labindalawang linggo naman para sa mga nagkaklase tuwing Sabado lamang) na mayroong dalawa hanggang tatlong oras bawat klase. Ang isang 36-oras na kurso (na may labindalawang sesyon) ay may halagang 6,000 pesos (aabot ng isang daang euro). Ang mga guro ay Italyano at mga Pilipino na nanirahan sa Italy. Nag-aalok din sila ng mga pagsusulit sa kahusayan sa paggamit ng wikang Italyano para sa mga nagbabalak mag-aral sa Italy. Ang papasa sa nasabing pagsusulit ay bibigyan ng certificate na nagsasaad ng kahusayan sa wikang Italyano.

2. Ang Dante Alighieri Society of Manila (www.dantemanila.com) ay nagtuturo din ng wikang Italyano sa halagang 6,000 pesos. Sumusunod din sila sa European Framewok of Reference for Languages.

15 3. Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) (www.owwa.gov.ph) ay nagbibigay ng mga libre at mandatoryong pagsasanay o training tungkol sa wikang Italyano at pagkilala sa kultura ng Italy sa satellite office nito sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Ortigas para sa mga papasok na kasambahay (caregivers, pribadong nars, domestic helpers, family drivers, atbp.). Ang training ay ginagawa sa loob ng tatlong araw mula alas-otso (8:00) ng umaga hanggang alas- singko (5:00) ng hapon, kasama na roon ang seminar ukol sa pag-iwas sa stress. Ang language training sa wikang Italyano ay tungkol sa bokabularyo, alpabeto, pagbuo ng mga pangungusap, mga simpleng pangungusap na karaniwang ginagamit sa trabaho, mga karaniwang ekspresyon sa pakikipag-usap sa employer, at mga salita at pangungusap na ginagamit upang ipahiwatig ang mga karaniwang problema sa kalusugan (halimbawa, sakit ng ulo, lagnat, ubo, nars, duktor, atbp.). Magbibigay ng certificate ang OWWA sa pagtatapos ng kursong ito.

4. Ang Commission on Filipinos Overseas (www.cfo.gov.ph) ay nagbibigay sa mga Pilipinong emigrante na papuntang Italy ng listahan ng mga organisasyon doon na may libreng kurso sa wikang Italyano.

Ang mga kursong ito tungkol sa wikang Italyano ay maaaring magsama ng mga salita o pangungusap na Italyano na karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa pagbisita sa duktor na maaaring sagot sa problema sa komunikasyon at mga pag-aalinlangan sa paggamit ng mga serbisyong medikal sa Italy.

Nagdadaos ng libre (o abot-kayang) mga kurso sa wikang Italyano ang ilang mga asosasyon para sa mga dayuhan sa Italy. Ang mga kilalang ganito ay isinusulong ng gobyerno at idinadaos sa mga CTP (Centri Territoriali Permanenti o Permanent Territorial Center) at CPIA (Centri Provinciali per I’lstruzione degli Adullti o Department of Centers for Adults Long-Life Learning). Ang ilang kurso ay isinasagawa ng mga non-profit associations at mga parokya.

Kapag nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil sa pagkakaiba ng wika, mayroong nakahandang libreng serbisyo sa pagsasalin ng wika (“mediazone linguistica”). Walang iisang paraan sa paghingi ng serbisyong ito. Pinapayuhan na mag-request ng serbisyong ito sa CUP office kapag magpapa-iskedyul ng appointment.

Pagpapanatiling malusog sa Italy

Ang SSN ay naghahandog ng serbisyo sa lahat ng lehitimong residente ng Italy. Mayroon kayong pagkakataon na alagaang mabuti ang inyong kalusugan sa Italy. Mahalaga na magpatingin sa duktor at magpagamot agad kapag kayo ay may sakit bago pa ito lumala. Hinihikayat ng SSN na kayo ay dumaan sa regular na check-up. Hindi na kinakailangan pang maghintay ng pagbalik sa Pilipinas para magpagamot at hindi rin ito mainam sa pag- aalaga ng inyong kalusugan.

16 Talasalitaan

Azienda Sanitaria Locale (ASL) - Local Health Agency Accettazione - Front desk Bustine - Sachet Centodiciotto (118) - Toll free number para sa ambulansya Centri Provinciali per l’Istruzione degli Adulti (CPIA) - Departmental Centers for Adults Long-Life Learning Centri Territoriali Permanenti (CTP) - Permanent Territorial Centers Centro Unico di Prenotazione (CUP) - Booking office Compresse - Tableta Disdire l’appuntamento - Pagkansela ng appointment Esami di laboratorio - Laboratory tests Farmaci da banco - Mga gamot na mabibili diretso sa botika na hindi nangangailangan ng reseta ng duktor Farmaco generico - Generic na gamot Guardia Medica - Doctors on call na maaari mong tawagan kapag wala ang inyong general practitioner Impegnativa - Medical referral Mediazione linguistica - Linguistic mediation o pamamagitan sa mga wika Medico di base, Medico di famiglia, Medico della mutua - General Practitioner Numero verde - Toll-free number Pediatra - Pediatrician Pronto Soccorso - Emergency Rooms (ERs) Ricetta bianca - Puting form Ricetta rossa - Pulang form Servizio Sanitario Nazionale (SSN) - Pambansang serbisyong pangkalusugan Ufficio Nazionale contro le Discriminazioni Razziali (UNAR) -National Office Against Racial Discriminations Visite specialistiche - konsultasyon sa mga espesyalista

17 Acknowledgements

This booklet is based on a report published by De La Salle University Publishing House for the Asia- Europe Foundation (ASEF): The Health Dimension of Asian Migration to Europe (2013) by Trinidad OSTERIA, Daniela CARRILLO and Annavittoria SARLI. The report’s full text is available for free download at http://asef.org/pubs/asef-publications/3089-the-health-dimension-of-asian-migration-to-europe.

The views expressed in this document can under no circumstances be attributed as the view or opinions of the Asia-Europe Foundation (ASEF) and its sponsor.

The Authors

Trinidad OSTERIA Annavittoria SARLI Aleli GUINTO Veronica MEROTTA Emily Jean CRUDO

YUCHENGCO CENTER FONDAZIONE ISMU 2nd Floor, Don Enrique T. Yuchengco Hall Via Copernico 1 De La Salle University 20125 Milan 2401 Taft Avenue, Manila 0922 Italy The Philippines T +39 02 6787791 T +63 2 526 1253 E [email protected] E [email protected] W www.ismu.org W yc.dlsu.edu.ph

This project is financially supported by the Government of Japan.

18 www.asef.org