KAHAPON, NGAYON, at BÚKAS

KAHAPON, NGAYON, at BÚKAS

ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. KAHAPON, NGAYON, at BÚKAS ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. KAHAPON, NGAYON, at BÚKAS Aurelio V. Tolentino Pambansang Komisyon Komisyon sa Wikang Filipino para sa Kultura at mga Sining AKLAT NG BAYAN Maynila 2019 ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. EDISYONG LIMITADO AT EKSPERIMENTAL Kahapon, Ngayon, at Búkas Karapatang-sipi © 2019 ng pamilya ni Aurelio V. Tolentino at ng Komisyon sa Wikang Filipino. RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring sipiin o gamítin sa alinmang paraan nang walang pahintulot mula sa pamilya ng may-akda at tagapaglathala. Orihinal na disenyo ng pabalat: Natasha Nicole B. Dreo Disenyo ng aklat: Jose Monfred Sy Ang Pambansang Aklatan ng Filipinas CIP Data Rekomendadong Lahok: Tolentino, Aurelio. Kahapon, ngayon, at bukas / Aurelio Tolentino. -- Maynila : Komisyon sa Wikang Filipino, 2019. pages ; cm ISBN 978-621-8064-85-0 (pdf) ISBN 978-621-8064-86-7 (paperback) 1. Filipino drama. I. Title. 899.2112 PL6058.9.T65 P920190156 Inilathala ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, San Miguel, Maynila 1005 Tel. (02) 733-7260 • (02) 736-2525 [email protected] • www.kwf.gov.ph Sa tulong ng grant mula sa PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING 633 Kalye Heneral Luna, Intramuros, 1002 Maynila Tel. 527-2192 to 97 • Fax: 527-2191 to 94 [email protected] • www.ncca.gov.ph The National Commission for Culture and the Arts is the overall coordination and policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as dynamic part of the national cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA). ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. NILALAMAN Tauhan 7 Bahagi I 8 Bahagi II 37 Bahagi III 75 Kahapon, Ngayon, at BÚkas (Larawan ng Bayan) Patungkol 110 Kabanata I 112 Kabanata II 121 Kabanata III 129 Kabanata IV 138 Kabanata V 146 Kabanata VI 156 Kabanata VII 163 Tungkol sa May-akda 166 Tungkol sa Aklat ng Bayan 169 ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. Aurelio V. Tolentino w KAHAPON, NGAYON, at BÚKAS TEATRO LIBERTAD, MAYNILA 14 MAYO 1903 ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. TAUHAN w INANGBAYAN (Filipinas) DILÁT-NA-BULAG (España) BAGONGSIBOL (America) MASUNURIN (Babaeng Filipina) TAGAILOG (Ang Katagalugan) MATANGLAWIN (Gobyerno ng Castilla) MALAYNATIN (Gobyerno Americano) ASALHAYOP (Mapaglilong Tagalog) DAHUMPALAY (Mapaglilong Tagalog) HARINGBATA (Haring Intsik) HALIMAW (Fraile) WALANGTUTOL (Lalaking Filipino) Mga táong-bayan, mga Hukbong Tagalog, mga Hukbong Intsik, Kapisanan ng Cruz Rojang babae, mga kawal na rebolusyonaryo, mga batang lalaki’t babae, bandang musika ng Hukbong Tagalog, mga kaluluwa ng nangamatay sa labanan, ang Haring Kamatayan, Rehimyento ng Armas, Infanteria, at Inhenyeriya. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. Kahapon, Ngayon, at BÚkas KAHAPON, NGAYON, AT BÚKAS BAHAGI I [Isang bakurang may sagingan at ibá pang halaman sa tabi. Sa gitna ay isang balag.] Labas I [Asal-hayop at mga táong-bayan. Nangakahanay ang mga babae sa kanan at ang mga lalaki naman sa kaliwa. Nangakataas ang kanang kamay nilang lahat, na tumatangan ng kopang ginto. Masasaya ang anyo nila.] [Asalhayop, Masunurin, Walangtutol, mga táong-bayan.] Walangtutol Mag-inuman, magsayawan. Masunurin Si Asalhayop ay ipagdiwang. Koro Ipagdiwang. 1.o Mapalà ang kaniyang búhay 1.a at lumawig hábang araw. 2.o Hábang araw. Walangtutol Dangal niya’y huwag dadalawin ng siphayo’t ng hilahil. 2.a Huwag dadalawin. 3.a Dangal niya’y magluningning Sa ligayang sasapitin. Koro Magluningning. 8 ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. Tolentino Masunurin Madlang puri, madlang biyaya Sa kaniya’y sumagana. Koro Sumagana. 3.a Madlang yaman, madlang tuwa Sa kaniya’y lumawig nawa. Koro Lumawig nawa. Asalhayop Katoto’t giliw, mga kaibigan Sa inyo’y salamat nang hábang-búhay. Ang inyong nais na tungkol sa akin Ay aking biyaya sa sasapitin. Kayo ang dangal ko, at kayong tunay Ang tanging suhay ng aking búhay. [Lalapitang isa-isa ni Asal ang mga Koro at ipipingki sa kani-kanilang kopa ang kaniyang hawak.] Mag-inuman, magsayawan, mag-awitan, Limutin ang kalumbayan. Koro Mag-inuman. [Anyong iinumin ng lahat ang lamán ng kani-kanilang kopa. Biglang lalabas si Ina. at si Tag. Magugulat ang mga dadatnan. Tititigan silá nang kagulat-gulat ni Ina.] Labas 2 [Sila rin, Inangbayan, Tagailog.] Inangbayan Mga walang-loob, Mga walang damdam, kayo’y masasaya, 9 ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. Kahapon, Ngayon, at BÚkas bago’y nagluluksa ang kawawang bayan. Mga walang-puso, mga walang dangal, nasaan ang pangakong kayo ay dadamay sa mga pumanaw? [Tatawa nang malakas si Asal. at ituturo si Ina.] Inangbayan Asalhayop! Asalhayop Masdan ninyo si Inangbayan ang buwisit na manggagaway. [Magtatawanan ang Koro] Humayo ka, Inangbayan Huwag sabihin ang patay. [Magtatawanan ang Koro.] Mag-inuman. Koro Mag-inuman. [Anyong iinumin ang lamán ng mga kopa.] Inangbayan Huwag! Huwag ninyong lagukin, huwag ninyong mainom ang hinahawakang alak na may lason. [Magtatawa ang Koro] Ang inyong kaluluwa ay malilinggatong, 10 ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. Tolentino kayo’y isusumpa ng mga panahon. [Magtatawanan ang Koro. ] Mainit pang tunay sa mga burulan ang bangkay ng inyong nuno at magulang. [Magtatawanan ang Koro.] Hayo at mag-isip ng tinutunguhan, hayo at bakahin ang mga kaaway. [Mahabang tawanan nila Asal. at ng Koro.] Koro Magsayawan. [Iinumin ni Asal. at ng Koro ang laman ng mga kopa. Tititigan silá nang kagulat-gulat ni Ina.] Inangbayan Mga walang kaluluwa! Ang inyong mga kasayahan ngayon ay pagdustang tunay sa libingan ng ating marangal na lipi. Ano? Hindi bagá ninyo nararamdaman sa ibutod ng inyong mga puso ang lamig ng kamatayan ng bayan? Hindi bagá kayo nangahihiya sa sarili, ngayong nangagsasayahan sa ilalim ng talampakan ni Haringbata, ang masiging na anak ni Hingiskang? Asalhayop Mahusay manalumpati ang ating ina, ang manggagaway. Inangbayan Asalhayop! Asalhayop Bigyan ako ng kaunting alak. Koro Kami man. 11 ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. Kahapon, Ngayon, at BÚkas Inangbayan Ako man. Asalhayop Kita ninyo? Kita ninyo’t huminging kusa, pagkakitang hindi natin siyá alintanahin? Magaling na talaga si Aling Inangbayan. Asalhayop [Kay Ina.] Heto ang alak na alay ko sa iyo. [Bibigyan siyá ng isang kopa.] Mag-inuman! [Itataas ni Asal. at Koro ang kanilang mga kopa.] Walangtutol Mabuhay si Asalhayop! Koro Mabuhay! Inangbayan Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na ito! Ito ngang tunay ang araw ng kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Ito ang araw ng pagkalugso ng ating kahambal-hambal na Balintawak. Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi! Taos sa puso ko yaring sumpa, at sa katunayan ay… ayan! [Ipupukol sa lupa ang kopang hawak.] Asalhayop Inangbayan! Koro [Biglang lalapitan ni Asal. si Ina. at tatampalin. Si Ina. ay mabubuwal, kasabay ng pagtawa ng Koro.] Asalhayop Manggagaway! [Kasabay ng tampal at tawanan. Kasabay ng pagsakal sa 12 ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. Tolentino kaniya at pagtindig ni Ina.] Walangtutol Huwag! Bitiwan mo, Asalhayop. Inangbayan Asalhayop, paglapastangan mo sa akin ay nahulog sa Apo, sa kamay ni Mandagaran, ang taksil mong kaluluwa. At kayong mga nakianib sa kaniya, kayong mga anak kong pinakamamahal, ay nangahawa na man din sa kaniyang sawimpalad. Dinudusta ninyo sa libingan ang dangal ng inyong mga nuno. A! Hindi ko inakala kailan pa man, na kayo’y hindi ko maihahalubilo sa mga angkang nagkalat dito sa Dulong-Silanganan. Mga anak ko, mga bunsong pinakaiibig, kayo’y nangaliligaw. Panumbalikin ninyo ang inyong mga loob, pagsisihan ninyo ang paglapastangan sa akin at sa dakilang araw ng pagkalugso ng bayan. Kapag nilimot ninyo ang araw na ito ay lilimutan din ninyo ang libingang luksa ng inyong mga magulang. Kayo’y nangabulag na lubos. Buksan ninyo ang inyong mga mata. [Biglang itataas ang tábing. Lilitaw ang mga libingang may pangalang sulat sa panahong una at may mga sabit na luksa at sari-saring putong.] Ayan at tanawin ninyo silá! [Mangagluluhuran si Tag. at Koro at mangahuhulog sa kanilang kamay ang mga kopang hawak, tanging hindi lamang si Asal. at tatalikdan ang mga nasabing libingan.] 13 ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. ANG KOPYANG ITO AY HINDI IPINAGBIBILI. Kahapon, Ngayon, at BÚkas Sa mga libingang iyan ay nalalagak ang mga buto nila Gat-Salian, Bituin, at laksa-laksang iba pang bayaning kawal ng bayan. O! Yayamang nilapastangan ninyo ang araw na ito at ang mga libingang iyan; yayamang dinudusta ninyo ang dakilang pangalan ng inyong mga nuno; yayamang inilublob ninyo sa pusali ng kapalamarahan ang banal na kasulatan ng ating maharlikang lipi, ay ipagpatuloy na ninyo ang inyong baliw na kasayahan, ipagpatuloy na ninyo, mga bunsong ginigiliw, ngunit pakiusap ko lamang, na doon sa ibabaw nila, sa ibabaw ng mga libingang iyan, ay doon kayo mag-inuman ng alak, doon kayo magsayawan at mag-awitan, doon ninyo sambilatin at yurakan iyang mga laksang sabit, doon ninyo huwag tugutang libakin ang inyong sariling dangal. [Tatangis at marahang lalakad na túngo sa mga libingan.] Mga bunsong pinakamamahal! Paalam ako sa inyo! Paalam ako sa inyo! [Mahuhulog na muli ang dáting tábing.] Labas 3 [Silá rin, wala lámang si Inangbayan.] Tagailog Mga kapatid ko!..

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    172 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us