Political Science Program Department of Social Sciences University of the Philippines Manila Ermita Manila

Political Science Program Department of Social Sciences University of the Philippines Manila Ermita Manila

Political Science Program Department of Social Sciences University of the Philippines Manila Ermita Manila Ang Epekto ng Institusyunal na Kultura ng Pribadong Sectarian na Unibersidad sa Pampulitikal na Mobilisasyon ng mga Estudyante: Isang Case Study sa Kolehiyo ng Liberal Arts ng De La Salle University Ipinasa ni: Rio Jean A. Quindara 2008-53381 BA Poltical Science Ipinasa kay: Professor Fatima Castillo April 2, 2012 PASASALAMAT Sa Diyos. Sa aking pamilya saan mang parte ng mundo. Sa aking ina, na siyang inaalayan ko ng thesis na ito. Sa aking mga kaibigan at kaklase nakasama ko sa tawanan, iyakan, okrayan, tumbling-an at suportahan. Sa lahat ng nakapanayaam at tumulong sa pagkolekta ng datos na myembro ng DLSU community. Sa nagiisang “dabest” na Thesis Adviser, Ma’am Fatima Castillo na patuloy na pinagtatiyagaan basahin at gabayan ang thesis na ito. Sa samahang “Dorm Ko” at Maroons. Sa hindi nangiiwan na 711 convenience store sa may Escoda. Sa supply ng Cobra at kape. Sa pagdamay ni Erika Tugano sa oras ng lamayan at sunog kilay. Sa suporta ng bawat kaibagang nagsabing, “kaya mo yan!” – nakaya ko nga! J At sa lahat lahat ng tao, bagay, pwersa, at elementong tumulong bumuo ng thesis na ito. Kudos sa apat na taon! J TALAAN NG NILALAMAN Pasasalamat ------------------------------------------------------------------------ 2 Panimula ----------------------------------------------------------------------------- 3 Katanungan ng Pagsasaliksik ------------------------------------------------- 4 Review of Related Literature ---------------------------------------------------- 6 Analytic Framework----------- --------------------------------------------------- 12 Pagkakalap ng Datos ------------------------------------------------------------- 15 Resulta -------------------------------------------------------------------------------- 21 Diskusyon ---------------------------------------------------------------------------- 26 Konlusyon ---------------------------------------------------------------------------- 30 Talasanggunian -------------------------------------------------------------------- 31 Appendix A (Informed Consent) ----------------------------------------------- 33 Appendix B (Survey Questionnaire) ------------------------------------------ 35 PANIMULA Ayon kay Karen Wells (2009) na sumulat ng librong Childhood in a global perspective, ang mga unibersidad ay nagiging mga importanteng lugar para sa pampulitikal na organisasyon. Ipinaliwanag niya na sa pagpasok sa isang pamantasan, ang mga kabataan ay hindi lamang kabataan ngunit sila ay nagiging isang komunidad ng mga estudyanteng may pare-parehong karanasan. Ang mga kabataang ito ay tinatawag na “humanist youth”, o mga kabataang sensitibo sa mga isyu tulad ng kawalan ng hustisya sa lipunan at may pagkamakabayan (Flacks, 1970, p.121). At dahil sa pagdami ng eskwelahan, ang mga unibersidad ay nagiging importanteng instrumento upang umusbong ang politikal na mobilisasyon. Ayon kay Trent (2003), may tatlong tungkulin ang mga unibersidad sa ganitong konteksto: activating, facilitating, at mediating. Sa unang tungkulin, ang mga unibersidad ay nagsisilbing instrumento upang imulat ang politikal na kamalayan ng mga estudyante at pagunawa sa mga isyu ng lipunan sa pamamagitan ng edukasyon ukol sa mga isyu ng lipunan. Bilang facilitator, ito ang nagsisilbing lugar upang mas mapagtibay ng mga estudyante ang kakayanan upang magmobilisa. Ang layunin ng pagaaral na ito ay suriin ang institusyunal na kultura ng pribadong sectarian na pamantasan at kung paano ito nakakaapekto sa pagusbong at pagpapanatili ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante doon. Mula sa perspektibo ng mga estudyante, ano ang kanilang pagtingin sa pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante? At mula naman sa perspektibo ng administrasyon ng pamantasan, ano ang nagiging sagot ng administrasyon ukol sa ganitong porma ng pagtutol? Pangkalahatang tanong: Ano ang epekto ng institusyonal na kultura ng mga pribadong sectarian na pamantasan sa pagsulong ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante? Partikular na mga katanungan: 1. Ano ang institusyonal na kultura sa mga pribadong sectarian na pamantasan, na iba sa mga pribadong pamantasan na hindi sectarian? 2. Ano ang antas ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante sa mga pribadong sectarian na pamantasan? 3. Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng institusyonal na kultura ng mga pribadong sectarian na pamantasan sa pagsulong o paghadlang sa mga pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante? 4. Ano ang pagtingin ng mga estudyante sa gawaing pampulitikal na mobilisasyon batay sa institusyonal na kulturang kanilang ginagalawan? KULTURANG INSTITUSYONAL Batay sa pagaaral na isinagawa ni Joel H. Scott, Exploring institutional culture and civic engagement: A constructivist theory (2008) ang kulturang institusyonal ay uri ng "persistent patterns of norms" kabilang ang mga paniniwala, tradisyon, at kaugalian na humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal sa pamantasan at uniberisdad. Bukod dito, ito rin ay nagbibigay ng basehan kung paano binibigyang kahulugan ang mga pangyayari sa loob at labas ng pamantasan. Ang depinisyon na ito ay sinasaklaw ang pangkalahatan at pabago-bagong katangian ng isang kultura. Ayon naman kay, Gary Kramer (2008) sa kanyang librong Fostering student success in campus community, ito ay isang 'mutifaceted construct' na kumakatawan sa mga paniniwala at tradisyon na nakapaloob sa isang komunidad. Inihahalintunad din ito sa isang "invisible tapestry" na nagbibigay kahulugan sa mga gawain ng pamantasan at nagbibigay ng isang lengguwahe, layunin, at direksyon na bumubuo sa ideya ng pagkakaisa sa loob ng institusyon. Ang sari-sariling kultura ng mga unibersidad ang nagbibigay ng sariling lengguwahe sa buong pamantasan, na nagbibigay ng kaibahaan sa iba pang unibersidad. Hinati ang kulturang institusyonal na ito sa pitong kaurian: (1) Ang kasaysayan o pinagmulan ng isang pamantasan, partikular ang mga 'religious convictions' at external na impluwensya ng unibersidad, (2) ang lipunang ginagalawan ng mga estudyante, partikular and dominanteng 'subculture' nito, (3) ang kaguruan at administrasyon (institutional agents), (4) ang 'curricular emphases' ng unibersidad, (5) ang manipestasyon ng kultura base sa arkitektura ng pamantasan at mga seremonyang isinasagawa ng unibersidad, (6) ang 'core values' ng institusyon at (7) ang mga nagtatag ng pamantasan. Ang pisikal na katangian ng pamantasan ay importanteng salik sa pagaaral ng kulturang institusyonal dahil ito ay nagbibigay kahulugan sa mga prinsipyo ng pamantasan na nagugat pa mula sa mga unang nagtatag ng unibersidad. Bukod sa pisikal na uri nito, ito rin ay maaaring sa porma ng pananalita o kaugalian. Kabilang sa pormang pananalita ang mga lengguwahe, mito, at term of endearment na ginagamit sa loob ng unibersdidad. Saklaw naman ng pormang kaugalian ang mga pagdiriwang at kaganapan sa loob ng eskwelahan na naguugnay sa mga miyembro ng pamantasan. Ito rin ang nagsasalamin sa mga prinsipyo ng mga miyembro ng pamantasan na sumasalamin naman sa kanialng paraan ng pagunawa sa mga situasyon sa loob at labas ng unibersidad (Kramer, 2008, p. 74). Ayon kay Komives at Woodard (2003), may-akda ng librong Student services: A handbook on profession, ang pagaaral sa institusyonal na kultura ng mga unibersidad ay umusbong noong 1970s at 1980s at simula noon ay naging pangunahing basehan na sa pagkakaiba-iba ng karakter ng mga pamantasan. Ayon sa kanila, ito ang nagiging salik sa kabuuang kinabukasan ng isang organisasyon dahil ito ang nagsisilbing salamin ng ideolohiya ng mga miyembro ng pamantasan. Ito ay nagtatakda sa kung anong posible o maaaring gawin ng isang organisasyon sa hinaharap o ng bawat indibidwal na kasapi sa pamantasan. KATANGIAN NG PRIBADONG PAMANTASAN Dahil sa pagkakaiba-iba ng kulturang pumapaloob sa mga unibersidad, mahalagang bigyang pansin kung ano ang mga katangian ng isang pribadong pamantasan na nagbibigay kaibahan sa mga pampublikong unibersidad. Isa sa mga katangian ng mga pribadong pamantasan, ayon sa artikulo ni Philip Atbach (2005) na The Anatomy of private higher education mula sa librong Private Higher Education: A Global Revolution, ay hindi ito lubusang pribado. Ang ilang pribadong pamantasan ay nangagailangan pa din ng gabay ng estado, tulad na lamang sa accreditation at evaluation ng pamantasan. Sa ating bansa, mayroong programa ang gobyerno na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga estudyanteng nais magaral sa mga pribadong unibersidad. Tumatanggap din ang ibang pribadong pamantasan ng pondo para sa pananaliksik. Sa kabila nito, marami pa ring pribadong pamantasan ang dumedepende sa matrikula ng mga estudyante para sa malaking sukat ng kanilang pondo at sweldo. Ang katangiang ito ng mga pribadong pamantasan ang nagsisilbing kaibahan nito sa mga pampublikong unibersidad. Sa kasalukuyan, patuloy pa din ang pagdami ng mga pribadong pamantasan sa buong mundo. Ngunit, mayroon pa ring mga hamon sa patuloy na pagusbong nito. Una, ang kalidad ng edukasyon sa mga pribadong pamantasan ay nagiging commercialized – inuuna ang interes ng pamantasan at hindi ang tungkulin nito na magserbisyo sa karamihan. Nagiging market-oriented ang sistema ng edukasyon at nakakaligtaan ang mas malaki pa nitong papel sa buong lipunan. Ang hamon na ito ay nakadikit din sa katangiang autonomous ng mga pribadong pamantasan mula sa gobyerno. Pangalawa, maraming pribadong pamantasan ang umaasa sa mga part-time na propesor na walang sapat na commitment sa estudyante man o sa buong pamantasan.

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    35 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us