Ang Aklatang Bayan Online at ang Paglalathala ng/sa Kasalukuyan Noong 1989, pinagtibay at ipinatupad sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang Patakarang Pangwika na naglalayong gamitin at hustuhin ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, pananaliksik, at paglilimbag. Itinatag ang Sentro ng Wikang Filipino sa parehong taon upang tuparin ang mandatong ito. Bukod sa pagtalima sa probisyong pangwika ng Konstitusyon ng Pilipinas, ang Patakarang Pangwika ng UP ay pagsandig at pagtindig na pinakamabisa at pinakaangkop ang sariling wika upang isulong at palakasin ang makabayan, makatao, siyentipiko, at makatarungang oryentasyon ng edukasyon. Unang hakbang ang pagkakaroon ng Patakarang Pangwika sa UP. Sa pamamagitan ng Sentro ng Wikang Filipino, pinagyayaman at pinauunlad ang produksyon at distribusyon ng kaalaman gamit ang wikang Filipino. Noong 1994, sinimulan ang proyektong Aklatang Bayan na naglalayong maglimbag sa wikang Filipino ng mga aklat at pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. Sa panunungkulan ng dating direktor na si Dr. Rommel B. Rodriguez, pinalawak ang maaabot ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) sa ilalim ng proyektong e-Bahagi o Aklatang Bayan Online. Sinimulan ito bilang pag-a-upload sa seksyong e-Bahagi ng website ng SWF-UPD ng mga PDF (portable document format) na bersiyon ng isina-aklat na mga piling tesis at disertasyon sa UP, anuman ang disiplina, na gumagamit ng wikang Filipino. Malaya rin itong nada- download ng sinumang interesado. Sa ika-30 taon ng Sentro ng Wikang Filipino noong 2019, sa simula ng panunungkulan ng bagong direktor ng SWF-UPD na si Dr. Mykel Andrada, katuwang ang tagapamahalang patnugot ng proyekto na si Gng. Maria Olivia O. Nueva España at ang iba pang mananaliksik at kawani ng SWF-UPD, higit na ibinukas ang proyektong Aklatang Bayan para sa paglilimbag gamit ang plataporma ng internet. Pormal na tinaguriang Aklatang Bayan Online, inililimbag online ang mga PDF na bersiyon ng mga aklat, pananaliksik, pag-aaral, at malikhaing produksyon para sa libreng pag-download at pamamahagi. Tumugon sa panawagan ang maraming mga guro, iskolar, mananaliksik, at manunulat upang magsumite ng kanilang mga manuskrito sa layuning maibahagi ito sa pinakamalawak na mambabasa. Sinuportahan at pinondohan ito ng dating Tsanselor ng UP Diliman na si Dr. Michael L. Tan. Ibinukas rin ang nasabing proyekto para sa print-on-demand na posibilidad ng paglilimbag. Nagpapatuloy pa rin sa pangangalap ng mga manuskrito ang SWF- UPD para sa Aklatang Bayan Online. Bahagi ito ng masidhing paninindigan para sa pagpapalakas at pagsusulong ng wikang Filipino at ng makabayang edukasyon. Dahil naninindigan ang pamunuan at opisina ng SWF-UPD na dapat malaya at mapagpalaya ang kaalaman – na hindi ito dapat nahahadlangan ng elitistang ekonomiya, hindi dapat para sa iilan lamang, at hindi dapat nagsisilbi sa mga diyos-diyosan. Dapat naaabot nito ang pinakamalawak na hanay ng mamamayan. Dahil para saan pa ang kaalaman kung mabubulok lamang ito sa malalamig at inaagiw na espasyo ng kahungkagan. Ngayong 2020, sa gitna ng pagharap sa pagpaslang sa wikang Filipino sa kolehiyo, sa gitna ng pandemya at sa krisis sa pamahalaan, sa gitna ng banta sa kalayaan at karapatan, at sa gitna ng hindi normal na “new normal,” higit na naninindigan ang Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman na ang wikang Filipino bilang wikang malaya at mapagpalaya ay napakahalaga para sa pagtatanggol at pagpapagaling ng bayan. Serye ng mga teksbuk sa arte, literatura, wika, at humanidades. Sa wikang Iloko nagmula ang salitang “sanyata,” ibig sabihi’y “liwanag” o “ganda.” Inililimbag sa serye ang mga aklat na magpapayaman sa kultura at diwang Filipino. Suri, Saliksik, Sanaysay Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino Suri, Saliksik, Sanaysay Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino David Michael M. San Juan SENTRO NG WIKANG FILIPINO Unibersidad ng Pilipinas-Diliman Lungsod Quezon Suri, Saliksik, Sanaysay: Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino ©2020 David Michael M. San Juan at Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman Hindi maaaring kopyahin ang anumang bahagi ng aklat na ito sa alinmang paraan — grapiko, elektroniko, o mekanikal—nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-sipi. The National Library of the Philippines CIP Data Recommended entry: San Juan, David Michael M. Suri, saliksik, sanaysay : mga babasahin sa wika, panitikan, at lipunang Pilipino / David Michael M. San Juan. – Quezon City : UP-Sentro ng Wikang Filipino,c2020,©2020. pages ; cm. ISBN 978-621-8196-38-4 (pbk) ISBN 978-621-8196-37-7 (pdf) Philippine literature -- Study and teaching. 2. Filipino language— Study and teaching. 3. Philippine literature -- Research. I. Title. 899.21007 PR9550.A53 P020200136 Kinikilala ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman ang Opisina ng Tsanselor ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman para sa pagpopondo ng proyektong ito. David Michael M. San Juan May-akda Michael Francis C. Andrada Michael Balili Pangkalahatang Patnugot Disenyo ng Aklat ng Proyektong Aklatang Bayan Direktor, Sentro ng Wikang Jose del Rosario III Filipino-UP Diliman Disenyo ng Pabalat Maria Olivia O. Nueva España Inilathala ng: Tagapamahalang Patnugot Unibersidad ng Pilipinas - Diliman ng Proyektong Aklatang Bayan sa pamamagitan ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman 3/Palapag Gusaling SURP, E. Jacinto St., UP Campus, Diliman, Lungsod Quezon Telefax: 8924-4747 Telepono: 8981-8500 lok. 4583 www.swfupdiliman.org Nilalaman Introduksiyon xi Wika Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino at Mga Dayalekto, Bagong Kahingian ng Globalisadong Mundo 5 Kontra-Gahum: Ang Lahatang-Panig at Kapit-sa-Patalim na Pag- unlad at Pagsulong ng Wikang Pambansa Mula sa Panahon ng Kolonyalismo Hanggang sa Bungad ng Ikalawang Milenyo 32 Wang-wang 57 Endo 67 Pedagohiyang Mapagpalaya at Makabansa sa Wikang Filipino: Pagpapatatag ng Kaakuhang Pilipino Tungo sa Bansang Ating Pinapangarap 78 Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino sa Microbiology ng Bulacan Polytechnic College 104 Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/ TANGGOL WIKA: Internal na Kwento, Mga Susing Argumento at Dokumento (2014-2017) 130 Panitikan Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay: Mga Tala sa Pagsasalin sa Filipino mula Ingles ng Ilang Piling Tula ni Pablo Neruda 171 Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na: Marxistang Kontekstwalisasyon ng Piling Awiting Post-Edsa 200 Mga Hamon sa Pagsulat sa Larangan ng Wika, Panitikan at Lipunang Pilipino 223 Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal: Ambag sa Pedagohiyang Pampanitikan 233 Lipunan Ang Pagsasalin sa Panahon ng Krisis ng Globalisasyon: Ambag sa Intelektwalisasyon ng Wikang Pambansa at Reoryentasyon ng Kamalayan ng Madla 257 Labas, Lagpas, Lubog, Laya: Pagsipat sa Piling Akda Nina Karl Marx, Jose Maria Sison, at Vladimir Lenin Bilang Teksto sa Pagtuturo ng Filipino, Panitikan, Araling Asyano, Kasaysayan ng Daigdig, Ekonomiks, Mga Kontemporaryong Isyu, Readings in Philippine History, at The Contemporary World 271 Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika: Korapsyon ng Katotohanan Hinggil sa Batas Militar sa Mga Piling Teksbuk 295 Malikhaing Kritik ng Kapitalismo sa Tatlong Pelikulang Mainstream: Ambag sa Pedagohiyang Mapagpalaya sa Konteksto ng Bagong General Education Curriculum (GEC) Tungo sa Sustentableng Sistemang Ekonomiko 321 Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan: Kontekstwalisasyon ng Sosyo-politikal na Graffiti sa Pilipinas 333 Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan: 10 Hakbang Tungong Kaunlaran ng Bayan 363 Introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Studies): Pinagmulan, Peligro, at Potensiyal ng ASEAN 398 Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas Para sa Siglo 21 at Lagpas Pa 410 Guro, Paaralan at Bayan: Makabayang Pagsusuri sa Kasalukuyang Kurikulum ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas 437 Hinggil sa May-akda 463 Introduksiyon Koleksiyon ng mga nirebisang lektura, papel pangkumperensiya, artikulo, saliksik, at mga sanaysay sa nakaraang humigit-kumulang unang dekada ng pagtuturo, pananaliksik, at pakikisangkot-panlipunan ng may-akda ang aklat na ito. Iskolarli ang pagkakasulat ng lahat ng mga ito sapagkat nakabatay sa mga umiiral na pananaliksik sa iba’t ibang larangan at nag-aambag din ng mga bagong kaalaman at perspektiba sa marami-raming isyung pangwika at panlipunan. Ang pamagat ay halaw sa serye ng mga seminar-worksyap ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) na pinamagatang “Suri, Saliksik, Sanay,” na brainchild ni Dr. Aurora E. Batnag. Gayunman, gaya ng nabanggit na, hindi lamang mga lekturang binasa sa mga seminar-worksyap at kumperensiya ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t sa halip na “Sanay” ay “Sanaysay” ang nasa pamagat. Pormang saliksik o akademikong sanaysay ang halos lahat ng mga akda sa aklat na ito. xiv Suri, Saliksik, Sanaysay Nahahati sa tatlong bahagi ang aklat, ayon sa pangunahing pokus o paksa ng mga sulatin: wika, panitikan, at lipunan. Sa aktwal, natural lamang na ang marami sa mga artikulo ay may pagtalakay rin o kaya’y tumatawid sa iba pang kategorya, dahil na rin sa mahigpit na ugnayan ng wika, panitikan at lipunang P/Filipino. Bawat artikulo sa aklat ay may mas mahabang introduksiyon, kaya’t pahapyaw na paglalarawan na lamang sa bawat akda ang nasa bahaging ito. Sa pangkalahatan, ang mga sipi mula sa akdang nasa ibang wika na isinalin sa Filipino ay sariling salin ng may-akda (liban kung may bukod na pagbanggit sa pinagkunan ng salin). Mga Akda sa Larangan ng Wika Ang
Details
-
File Typepdf
-
Upload Time-
-
Content LanguagesEnglish
-
Upload UserAnonymous/Not logged-in
-
File Pages484 Page
-
File Size-