Ang Aklatang Bayan Online at ang Paglalathala ng/sa Kasalukuyan

Noong 1989, pinagtibay at ipinatupad sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang Patakarang Pangwika na naglalayong gamitin at hustuhin ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, pananaliksik, at paglilimbag. Itinatag ang Sentro ng Wikang Filipino sa parehong taon upang tuparin ang mandatong ito. Bukod sa pagtalima sa probisyong pangwika ng Konstitusyon ng Pilipinas, ang Patakarang Pangwika ng UP ay pagsandig at pagtindig na pinakamabisa at pinakaangkop ang sariling wika upang isulong at palakasin ang , makatao, siyentipiko, at makatarungang oryentasyon ng edukasyon. Unang hakbang ang pagkakaroon ng Patakarang Pangwika sa UP. Sa pamamagitan ng Sentro ng Wikang Filipino, pinagyayaman at pinauunlad ang produksyon at distribusyon ng kaalaman gamit ang wikang Filipino. Noong 1994, sinimulan ang proyektong Aklatang Bayan na naglalayong maglimbag sa wikang Filipino ng mga aklat at pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. Sa panunungkulan ng dating direktor na si Dr. Rommel B. Rodriguez, pinalawak ang maaabot ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) sa ilalim ng proyektong e-Bahagi o Aklatang Bayan Online. Sinimulan ito bilang pag-a-upload sa seksyong e-Bahagi ng website ng SWF-UPD ng mga PDF (portable document format) na bersiyon ng isina-aklat na mga piling tesis at disertasyon sa UP, anuman ang disiplina, na gumagamit ng wikang Filipino. Malaya rin itong nada- download ng sinumang interesado. Sa ika-30 taon ng Sentro ng Wikang Filipino noong 2019, sa simula ng panunungkulan ng bagong direktor ng SWF-UPD na si Dr. Mykel Andrada, katuwang ang tagapamahalang patnugot ng proyekto na si Gng. Maria Olivia O. Nueva España at ang iba pang mananaliksik at kawani ng SWF-UPD, higit na ibinukas ang proyektong Aklatang Bayan para sa paglilimbag gamit ang plataporma ng internet. Pormal na tinaguriang Aklatang Bayan Online, inililimbag online ang mga PDF na bersiyon ng mga aklat, pananaliksik, pag-aaral, at malikhaing produksyon para sa libreng pag-download at pamamahagi. Tumugon sa panawagan ang maraming mga guro, iskolar, mananaliksik, at manunulat upang magsumite ng kanilang mga manuskrito sa layuning maibahagi ito sa pinakamalawak na mambabasa. Sinuportahan at pinondohan ito ng dating Tsanselor ng UP Diliman na si Dr. Michael L. Tan. Ibinukas rin ang nasabing proyekto para sa print-on-demand na posibilidad ng paglilimbag. Nagpapatuloy pa rin sa pangangalap ng mga manuskrito ang SWF- UPD para sa Aklatang Bayan Online. Bahagi ito ng masidhing paninindigan para sa pagpapalakas at pagsusulong ng wikang Filipino at ng makabayang edukasyon. Dahil naninindigan ang pamunuan at opisina ng SWF-UPD na dapat malaya at mapagpalaya ang kaalaman – na hindi ito dapat nahahadlangan ng elitistang ekonomiya, hindi dapat para sa iilan lamang, at hindi dapat nagsisilbi sa mga diyos-diyosan. Dapat naaabot nito ang pinakamalawak na hanay ng mamamayan. Dahil para saan pa ang kaalaman kung mabubulok lamang ito sa malalamig at inaagiw na espasyo ng kahungkagan. Ngayong 2020, sa gitna ng pagharap sa pagpaslang sa wikang Filipino sa kolehiyo, sa gitna ng pandemya at sa krisis sa pamahalaan, sa gitna ng banta sa kalayaan at karapatan, at sa gitna ng hindi normal na “new normal,” higit na naninindigan ang Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman na ang wikang Filipino bilang wikang malaya at mapagpalaya ay napakahalaga para sa pagtatanggol at pagpapagaling ng bayan.

Serye ng mga teksbuk sa arte, literatura, wika, at humanidades. Sa wikang Iloko nagmula ang salitang “sanyata,” ibig sabihi’y “liwanag” o “ganda.” Inililimbag sa serye ang mga aklat na magpapayaman sa kultura at diwang Filipino. Suri,

Saliksik,

Sanaysay

Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino

Suri,

Saliksik,

Sanaysay

Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino

David Michael M. San Juan

SENTRO NG WIKANG FILIPINO Unibersidad ng Pilipinas-Diliman Lungsod Quezon Suri, Saliksik, Sanaysay: Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino ©2020 David Michael M. San Juan at Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman

Hindi maaaring kopyahin ang anumang bahagi ng aklat na ito sa alinmang paraan — grapiko, elektroniko, o mekanikal—nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-sipi.

The National Library of the CIP Data

Recommended entry:

San Juan, David Michael M. Suri, saliksik, sanaysay : mga babasahin sa wika, panitikan, at lipunang Pilipino / David Michael M. San Juan. – : UP-Sentro ng Wikang Filipino,c2020,©2020. pages ; cm.

ISBN 978-621-8196-38-4 (pbk) ISBN 978-621-8196-37-7 (pdf)

Philippine literature -- Study and teaching. 2. — Study and teaching. 3. Philippine literature -- Research. I. Title.

899.21007 PR9550.A53 P020200136

Kinikilala ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman ang Opisina ng Tsanselor ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman para sa pagpopondo ng proyektong ito.

David Michael M. San Juan May-akda

Michael Francis C. Andrada Michael Balili Pangkalahatang Patnugot Disenyo ng Aklat ng Proyektong Aklatang Bayan Direktor, Sentro ng Wikang Jose del Rosario III Filipino-UP Diliman Disenyo ng Pabalat

Maria Olivia O. Nueva España Inilathala ng: Tagapamahalang Patnugot Unibersidad ng Pilipinas - Diliman ng Proyektong Aklatang Bayan sa pamamagitan ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman 3/Palapag Gusaling SURP, E. Jacinto St., UP Campus, Diliman, Lungsod Quezon Telefax: 8924-4747 Telepono: 8981-8500 lok. 4583 www.swfupdiliman.org Nilalaman

Introduksiyon xi

Wika

Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino at Mga Dayalekto, Bagong Kahingian ng Globalisadong Mundo 5

Kontra-Gahum: Ang Lahatang-Panig at Kapit-sa-Patalim na Pag- unlad at Pagsulong ng Wikang Pambansa Mula sa Panahon ng Kolonyalismo Hanggang sa ng Ikalawang Milenyo 32 Wang-wang 57

Endo 67

Pedagohiyang Mapagpalaya at Makabansa sa Wikang Filipino: Pagpapatatag ng Kaakuhang Pilipino Tungo sa Bansang Ating Pinapangarap 78

Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino sa Microbiology ng Polytechnic College 104

Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/ TANGGOL WIKA: Internal na Kwento, Mga Susing Argumento at Dokumento (2014-2017) 130

Panitikan

Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay: Mga Tala sa Pagsasalin sa Filipino mula Ingles ng Ilang Piling Tula ni Pablo Neruda 171

Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na: Marxistang Kontekstwalisasyon ng Piling Awiting Post-Edsa 200

Mga Hamon sa Pagsulat sa Larangan ng Wika, Panitikan at Lipunang Pilipino 223 Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose : Ambag sa Pedagohiyang Pampanitikan 233

Lipunan

Ang Pagsasalin sa Panahon ng Krisis ng Globalisasyon: Ambag sa Intelektwalisasyon ng Wikang Pambansa at Reoryentasyon ng Kamalayan ng Madla 257

Labas, Lagpas, Lubog, Laya: Pagsipat sa Piling Akda Nina Karl Marx, , at Vladimir Lenin Bilang Teksto sa Pagtuturo ng Filipino, Panitikan, Araling Asyano, Kasaysayan ng Daigdig, Ekonomiks, Mga Kontemporaryong Isyu, Readings in Philippine History, at The Contemporary World 271

Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika: Korapsyon ng Katotohanan Hinggil sa Batas Militar sa Mga Piling Teksbuk 295

Malikhaing Kritik ng Kapitalismo sa Tatlong Pelikulang Mainstream: Ambag sa Pedagohiyang Mapagpalaya sa Konteksto ng Bagong General Education Curriculum (GEC) Tungo sa Sustentableng Sistemang Ekonomiko 321

Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan: Kontekstwalisasyon ng Sosyo-politikal na Graffiti sa Pilipinas 333

Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan: 10 Hakbang Tungong Kaunlaran ng Bayan 363 Introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Studies): Pinagmulan, Peligro, at Potensiyal ng ASEAN 398

Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas Para sa Siglo 21 at Lagpas Pa 410

Guro, Paaralan at Bayan: Makabayang Pagsusuri sa Kasalukuyang Kurikulum ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas 437

Hinggil sa May-akda 463 Introduksiyon

Koleksiyon ng mga nirebisang lektura, papel pangkumperensiya, artikulo, saliksik, at mga sanaysay sa nakaraang humigit-kumulang unang dekada ng pagtuturo, pananaliksik, at pakikisangkot-panlipunan ng may-akda ang aklat na ito. Iskolarli ang pagkakasulat ng lahat ng mga ito sapagkat nakabatay sa mga umiiral na pananaliksik sa iba’t ibang larangan at nag-aambag din ng mga bagong kaalaman at perspektiba sa marami-raming isyung pangwika at panlipunan. Ang pamagat ay halaw sa serye ng mga seminar-worksyap ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) na pinamagatang “Suri, Saliksik, Sanay,” na brainchild ni Dr. Aurora E. Batnag. Gayunman, gaya ng nabanggit na, hindi lamang mga lekturang binasa sa mga seminar-worksyap at kumperensiya ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t sa halip na “Sanay” ay “Sanaysay” ang nasa pamagat. Pormang saliksik o akademikong sanaysay ang halos lahat ng mga akda sa aklat na ito. xiv Suri, Saliksik, Sanaysay

Nahahati sa tatlong bahagi ang aklat, ayon sa pangunahing pokus o paksa ng mga sulatin: wika, panitikan, at lipunan. Sa aktwal, natural lamang na ang marami sa mga artikulo ay may pagtalakay rin o kaya’y tumatawid sa iba pang kategorya, dahil na rin sa mahigpit na ugnayan ng wika, panitikan at lipunang P/Filipino. Bawat artikulo sa aklat ay may mas mahabang introduksiyon, kaya’t pahapyaw na paglalarawan na lamang sa bawat akda ang nasa bahaging ito. Sa pangkalahatan, ang mga sipi mula sa akdang nasa ibang wika na isinalin sa Filipino ay sariling salin ng may-akda (liban kung may bukod na pagbanggit sa pinagkunan ng salin).

Mga Akda sa Larangan ng Wika

Ang “Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino at Mga Dayalekto, Bagong Kahingian ng Globalisadong Mundo” ay akademikong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng multilinggwalismo sa konteksto ng lumalaganap na globalisasyon. Ang “Kontra-Gahum: Ang Lahatang-Panig at Kapit-sa-Patalim na Pag-unlad at Pagsulong ng Wikang Pambansa Mula sa Panahon ng Kolonyalismo Hanggang sa Bungad ng Ikalawang Milenyo” ay maikling kasaysayan ng pagsibol at pagsulong ng konsepto ng wikang pambansa sa Pilipinas. Ang “Wang-wang” at “Endo” naman ay kapwa papel na nagpapaliwanag sa konteksto ng dalawang kontemporaryong salita na may bagong kahulugan at kabuluhang panlipunan. Ang “Pedagohiyang Mapagpalaya at Makabansa sa Wikang Filipino: Pagpapatatag ng Kaakuhang Pilipino Tungo sa Bansang Ating Pinapangarap” ay akademikong sanaysay na tumatalakay sa ugnayan ng makabayang edukasyon sa wikang sariling atin at ng mga ekonomikong hakbang na kailangan sa pag-unlad ng Pilipinas. Ang “Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino sa Microbiology ng Bulacan Polytechnic College” ay saliksik-leksikograpiko na nagtatala ng mga termino sa Microbiology. Ang “Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA: Mga Internal na Kwento, Susing Argumento at Dokumento (2014-2017)” ay isang panimulang pagtatala sa kasaysayan ng Tanggol Wika, batay sa sariling karanasan ng may-akda bilang isa sa mga convener nito. Introduksiyon xv

Mga Akda sa Larangan ng Panitikan

Ang “Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay: Mga Tala sa Pagsasalin sa Filipino mula Ingles ng Ilang Piling Tula ni Pablo Neruda” ay saliksik hinggil sa proseso ng relay translation ng piling akda ng isang kinikilalang romantiko at radikal na makata sa Timog Amerika. Ang “Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na: Marxistang Kontekstwalisasyon ng mga Piling Awiting Post-Edsa” ay komparatibong pagtalakay sa konteksto at tema ng tatlong awiting tungkol sa Edsa/People Power I. Ang “Mga Hamon sa Pagsulat sa Larangan ng Wika, Panitikan at Lipunang Pilipino” ay lekturang naglalatag ng masaklaw na misyon at tunguhin para sa mga manunulat at manlilikha sa kasalukuyan. Ang “Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal: Ambag sa Pedagohiyang Pampanitikan” ay paglalahad ng iba’t ibang paraan ng pagtalakay sa mga nobela ni Rizal, na layuning lagpasan ang mga tipikal na pagbasa at karaniwang perspektiba hinggil sa mga ito.

Mga Akda sa Larangan ng Lipunan

Ang “Pagsasalin sa Panahon ng Krisis ng Globalisasyon: Ambag sa Intelektwalisasyon ng Wikang Pambansa at Reoryentasyon ng Kamalayan ng Madla” ay masaklaw na pagtalakay sa relasyon ng pagsasalin at globalisasyon sa kasalukuyang panahon, sa konteksto ng mga realidad sa isang bansang malakolonyal gaya ng Pilipinas. Ang “Labas, Lagpas, Lubog, Laya: Pagsipat sa Piling Akda Nina Karl Marx, Jose Maria Sison, at Vladimir Lenin Bilang Teksto sa Pagtuturo ng Filipino, Panitikan, Araling Asyano, Kasaysayan ng Daigdig, Ekonomiks, Mga Kontemporaryong Isyu, Readings in Philippine History, at The Contemporary World” ay paglalatag ng isang framework tungo sa paggamit ng mga radikal na materyal sa iba’t ibang asignatura sa kurikulum mula hayskul hanggang kolehiyo. Ang “Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika: Korapsyon ng Katotohanan Hinggil sa Batas Militar sa Mga Piling Teksbuk” ay komparatibong pagsipat sa nilalaman ng mga piling teksbuk sa Pilipinas – na isang pagtatangkang xvi Suri, Saliksik, Sanaysay ilantad ang rebisyunismong historikal sa mga umiiral na sanggunian. Ang “Malikhaing Kritik ng Kapitalismo sa Tatlong Pelikulang Mainstream: Ambag sa Pedagohiyang Mapagpalaya sa Konteksto ng Bagong General Education Curriculum (GEC) Tungo sa Sustentableng Sistemang Ekonomiko” ay radikal na pagbasa sa mga pelikulang mainstream bilang mga pelikulang anti-kapitalista na magagamit sa pagtalakay ng iba’t ibang paksa sa bagong kurikulum sa hayskul at kolehiyo. Ang “Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan: Kontekstwalisasyon ng Sosyo-politikal na Graffiti sa Pilipinas” ay saliksik na nagdedepensa sa pagkakaiba ng politikal na graffiti bilang sining, sa bandalismo. Ang “Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan: 10 Hakbang Tungong Kaunlaran ng Bayan” ay papel-interdisiplinaryo na pagtalakay sa konsepto ng bayanihan bilang batayan ng mga makabuluhang reporma na kinakailangang ipatupad sa bansa upang makamit ang tinatawag na sustenibleng kaunlaran. Ang “Introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Studies): Pinagmulan, Peligro, at Potensiyal ng ASEAN” ay masaklaw na pagtalakay sa konsepto ng, at nilalaman ng Araling Timog-Silangang Asya sa Pilipinas Ang “Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas Para sa Siglo 21 at Lagpas Pa” ay papel na rebyu ng mga literatura na naglalatag ng mga paksaing makabuluhang talakayin ng mga mananaliksik sa Araling Pilipinas. Ang “Guro, Paaralan at Bayan: Makabayang Pagsusuri sa Kasalukuyang Kurikulum ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas” ay masaklaw na kritik sa konteksto at nilalaman ng kurikulum ng pangkalahatang sistema ng edukasyon sa bansa.

Sangandaan Tungong Kalayaan at Kaunlaran ng Bayan sa Dila ng Mamamayan

Sa pangkalahatan, layunin ng aklat na ito ang makapag-ambag sa patuloy na intelektwalisasyon ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga makabuluhang paksang pangwika, pampanitikan, at panlipunan. Layunin din ng aklat na ito na makapag-ambag ng materyal na magagamit sa pagtuturo ng Filipino (bilang tekstong babasahin, lunsaran ng pagtalakay, o kaya’y karagdagang babasahin) Introduksiyon xvii mula hayskul hanggang kolehiyo at maging sa antas gradwado. Partikular na kapaki- pakinabang ang mga babasahin sa aklat na ito sa mga guro at estudyante ng Filipino, Panitikan, at Agham Panlipunan mula hayskul hanggang kolehiyo. Sangandaan ng mga karanasan sa pagtuturo, pananaliksik at pakikisangkot- panlipunan ang karamihan sa mga papel na bahagi ng aklat na ito, kaya’t inaasahang magiging interesante at/o makabuluhan ito sa mga guro ng/sa Filipino, estudyante ng Filipino, mananaliksik ng/sa Filipino, at maging sa mga kabahagi ng mga kilusang panlipunan sa bansa na karaniwang nagdidiskurso rin sa wikang pambansa. Ang mismong sangandaang ito ang dahilan kung bakit ang kategoryang “Lipunan” ang may pinakamaraming entri sa koleksiyong ito: hindi madaling maikaklasipika ang mga papel dahil na rin sa pagtawid-tawid nito sa iba’t ibang magkakaugnay na paksa at isyung panlipunan, na hindi maiiwasan sa konteksto ng Pilipinas na ang mga sulirani’y totoong sala-salabat at magkakakawing. Malay ang pagsisikhay ng may-akda na lagpasan ang mga karaniwang diskursong pangwika sa mga tipikal na sangguniang kanonisado na sa merkado, bilang pagbibibigay-diin sa kanyang paninindigan na kinakailangang itaas ang antas ng diskurso sa Filipino para lalo itong makatulong sa pagmumulat ng mga mag-aaral at mamamayang hindi lamang maglalarawan sa mga realidad ng kanilang mga komunidad, kundi malay at aktibong lalahok sa mga kolektibong pagsisikhay na hubugin ang kanilang realidad at mga komunidad. Sa diwa ng mga nabanggit na, inspirado ng (at pagpapatuloy na rin ng nasimulan ng) mga naunang antolohiyang gaya ng Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan (Pamela Constantino at Monico Atienza, eds.) at Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the Philippines (Bienvenido Lumbera et al., eds.), ang aklat na ito. Napapanahon nang sundan ang mga nasabing antolohiya, lalo pa’t kailangang lalong iwagayway ang bandila ng wikang pambansa, bilang kalasag na panangga sa patuloy na pananalasa ng kolonyal na pag-iisip, na tumatagos sa mga realidad na malakolonyal at malapyudal sa bansang Pilipinas, na hanggang ngayo’y naghahanap pa rin ng landas tungo sa kalayaan at kaunlaran. Higit sa lahat, ang aklat na ito’y bahagi ng adbokasing pangwika ng may- akda bilang isa sa mga convenor ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) na itinatag noong 2014 upang labanan ang tangka ng Commission on Higher Education (CHED) na paslangin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ang paglilimbag ay pagsasakapangyarihan, at ang lawak at saklaw ng koleksiyong ito’y bahagi lamang ng napakalawak pang erya ng disiplinang Filipino – na magpapatunay na ang Filipino’y isang disiplinang karapat-dapat lamang pag-aralan sa kolehiyo at lagpas pa.

Suri,

Saliksik,

Sanaysay

Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino wikang Tsino (Mandarin man o Cantonese) bilang wikang pangkompyuter...” Maaaring sumobra ang tantya ni Cruz sa pagpalit ng wikang Tsino sa Ingles bilang wika ng kompyuter ngunit totoong sa kasalukuyan ay unti-unti nang lumiliit ang bahagi o share ng Ingles sa wikang ginagamit sa internet at inaasahang mababawasan pa ito sa mga darating na panahon. Sa pananaliksik ng tagapangulo ng Internet Society/ISOC-Slovenia na si Borka Jerman-Blažič (2005), binanggit na batay sa tala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), 45.5% ang share ng Ingles bilang wikang Tsino (Mandarin man o Cantonese) bilang wikang pangkompyuter...” Maaaring sumobra ang tantya ni Cruz sa pagpalit ng wikang Tsino sa Ingles bilang wika ng kompyuter ngunit totoong sa kasalukuyan ay unti-unti nang lumiliit ang bahagi o share ng Ingles sa wikang ginagamit sa internet at inaasahang mababawasan pa ito sa mga darating na panahon. Sa pananaliksik ng tagapangulo ng Internet Society/ISOC-Slovenia na si Borka Jerman-Blažič (2005), binanggit na batay sa tala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), 45.5% ang share ng Ingles bilang

Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino at Mga Dayalekto, Bagong Kahingian ng Globalisadong Mundo*

“Kayo’y nagkaisa upang ibigkis ang inang bayan sa Espanya gamit ang mga kwintas na rosas ngunit ang totoo, iginagapos n’yo siya sa pamamagitan ng mga kadenang matibay pa sa diyamante! Humihingi kayo ng pantay na karapatan, ng Hispanisasyon ng inyong mga pag-uugali, at hindi ninyo mapagtantong ang inyong hinihingi ay pagpapatiwakal, ang pagkawasak ng inyong pagkamamamayan, ang pagdurog sa inyong lupang tinubuan, ang pagpapataw ng diktadura! Magiging ano kayo sa hinaharap? Isang bansang walang sariling diwa, bansang walang laya, lahat ng taglay ninyo’y hiram lamang, pati na ang inyong mga depekto! Nagmamakaawa kayong lukuban ng Hispanisasyon at ni hindi man lang kayo nahihiya!”

—­(Simoun sa nobelang “”)

1

* Ang sanaysay na ito ay nagtataguyod sa multilinggwalismo bilang mahalagang kasanayang akma sa panahon ng globalisasyon. Nagwagi ng ikatlong gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay-Gan- timpalang Collantes 2008 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ang terminong «dayalekto» sa sanaysay ay ginamit na sinonimo ng «iba pang wika ng Pilipinas» o mga «wikang rehiyonal» batay sa diskursong popular. Sa aktwal, ang «dayalekto» ay tumutukoy sa barayti ng isang wika. Isinulat ang sa- naysay na ito sa panahon ng ligalig na dulot ng maka-Ingles na House Bill 4701 sa ika-13 Kongreso ni Rep. Eduardo Gullas ng unang distrito ng Cebu at ng maka-Ingles din na Executive Order (EO) 210 ni Macapagal-Arroyo. Nananatiling makabuluhan ang mga argumento ng sanaysay laban sa monolinggwa- lismong Ingles na isinusulong ng mga gaya nina Gullas at Macapagal-Arroyo, lalo pa’t noong Pebrero 2017 ay inihain naman ng huli (bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng ) ang House Bill 5091 o “AN ACT TO STRENGTHEN AND ENHANCE THE USE OF ENGLISH AS THE MEDIUM OF INSTRUCTION IN THE EDUCATIONAL SYSTEM” na reiterasyon ng House Bill 4701 ni Gullas at ng kanyang EO 210. Mula 2014 ay naungusan na rin ng Tsina ang Estados Unidos, bilang pinamakalaking ekonomya sa aspekto ng Gross Domestic Product (GDP) ayon sa International Monetary Fund (IMF), at kumalas na rin ang United Kingdom sa European Union/EU (bagay na lalong nagpahina sa prestihiyo ng English bilang wika ng EU gaya na rin ng pasaring ng presidente ng European Commission na si Jean-Claude Juncker), kaya’t malaki ang posibilidad na magtuluy-tuloy ang multiling- gwal na trend sa globalisadong mundo. 6 Suri, Saliksik, Sanaysay

andaantaong mahigit matapos ipahayag ni Jose Rizal ang kanyang tuligsa sa Hispanisasyon ng mga indio sa wika at pag-uugali sa panahon ng kolonyalismong Español, narito’t gahum o hegemonya naman ng Ingles ang kinakatunggali ng sambayanang nakikibaka pa rin para sa Sisang bansang tunay na malaya at may sariling wika. Naglalayag pa rin sa maalong dagat ng ligalig at kawalang-katiyakan ang wikang Filipino at mga katutubong dayalekto sa kasalukuyan. Sa halip na itaguyod ang wikang sarili, muling humihiling ng “tanikalang matibay pa sa diyamante” ang ilang Pilipinong nabubulagan at nagdudunung-dunungan. Muli na naman nilang isasabak ang sambayanan sa isang pagpapatiwakal. Binubura ng ilang kongresistang may makitid na isip at pananaw ang mga tagumpay na kinamtan ng pambansang kilusang nagtataguyod sa wikang pambansa at mga wikang katutubo ng Pilipinas. Ilang hakbang na lamang at malapit nang maisabatas ang kalagim-lagim na bangungot na tinatawag na AN ACT TO STRENGTHEN AND ENHANCE THE USE OF ENGLISH AS THE MEDIUM OF INSTRUCTION IN PHILIPPINE SCHOOLS (House Bill/HB No. 4701). Ipinasa na ito ng mga ignoranteng kongresista at inaantabayanan naman ang magiging aksyon ng mga senador ng republika. Nakalulungkot na katuwang ng mga kongresista sa tusong kudeta kontra-Filipino ang pinakamataas na lingkod-bayan na sinasabing nag-aral sa isang pamantasan ni Uncle Sam. Kung tutuusin, mas nauna pa nga siya sa kanila nang kanyang lagdaan ang dokumentong tila isang sentensyang bitay sa wikang Filipino at mga wikang bernakular, ang Executive Order/EO 210. Pagpuksa sa Filipino at mga dayalekto pabor sa lalo pang pagpapatibay ng pangungunyapit at paggamit ng wikang Ingles sa edukasyon ang pangunahing layunin ng HB 4701 at EO 210 kaya mukhang promotor, punong-kapural, tagapanguna at di lamang simpleng katuwang ang kasalukuyang okupador ng Palasyo. Kung magtatagumpay ang mga kabalyerong Amerikanista sa gobyerno, malamang na magising tayo isang araw na burado’t lusaw nang lahat ang mga dakilang pag-igpaw na kinamtan ng mahigit kalahating siglong pakikibaka para sa wikang pambansa at mga wikang katutubo, sa malawak na dagat ng Ingles na muling lulunod sa sambayanan sa panibagong yugto ng Amerikanisasyon. Kailangan ng Filipino at ng mga dayalekto ng mabisang salbabida upang makatawid sa sanlibo’t isang daluyong ng kasalukuyan tungo sa maalwang bukas na naghihintay sa kabilang pampang ng kasaysayan.

Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 7

Basurang Argumento ng mga Amerikanista: Ingles daw ang wika ng Information and Communication Technology (ICT)

Kailangang ilantad ang kahungkagan at kabobohan ng mga argumentong inilalako sa taumbayan ng mga Amerikanista sa gobyerno at akademya, ng mga “nagmamakaawa nang wala munti mang hiya” na maging Amerikano sa isip, sa salita at sa gawa, batay na rin sa mabalasik na panulat ng ating pambansang bayani, upang mapigilan ang nakaambang panunumbalik ng gahum ng Ingles. Mahalagang mapatunayang palso ang mga argumentong pabor sa monolinggwalismong Ingles upang maitanghal ang multilinggwalismong pabor sa Filipino at mga dayalekto. Konsiderasyong ekonomiko ang binabanggit na dahilan ng EO 210 sa pagpapatibay ng Ingles bilang pangunahing wikang panturo batay sa isang bahagi ng panimula nito: “...there is a need to develop the aptitude, competence and proficiency of our students in the English language to maintain and improve their competitive edge in emerging and fast-growing local and international industries, particularly in the area of Information and Communication Technology.” Nakakatawa at/o nakakatuwang isipin na bago pa lumitaw ang EO 210 ay may sagot na sa gayong kabobohan si Dr. Isagani R. Cruz (2001), isang edukador at kolumnistang bihasa sa Filipino at sa Ingles: “Ang pinakabagong development sa larangan ng kompyuter...ay ang bagong tuklas na paraan kung paanong magiging Mandarin at Cantonese ang mga wikang lumalabas at ipinapasok sa kompyuter...Walang duda na sa loob ng sampung taon ay mapapalitan ang wikang Ingles ng wikang Tsino (Mandarin man o Cantonese) bilang wikang pangkompyuter...” Maaaring sumobra ang tantya ni Cruz sa pagpalit ng wikang Tsino sa Ingles bilang wika ng kompyuter ngunit totoong sa kasalukuyan ay unti-unti nang lumiliit ang bahagi o share ng Ingles sa wikang ginagamit sa internet at inaasahang mababawasan pa ito sa mga darating na panahon. Sa pananaliksik ng tagapangulo ng Internet Society/ISOC-Slovenia na si Borka Jerman-Blažič (2005), binanggit na batay sa tala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), 45.5% ang share ng Ingles bilang wikang gamit sa internet noong 2001, habang 8.5% lamang ang sa Intsik. Kagulat-gulat na makalipas ang tatlong taon, 29% na lamang ang sa Ingles habang 20.2% na ang sa Intsik. Mula 5.9%, umabot sa 10.9% ang bahagi ng kategoryang other languages (mga wikang di kasali sa 12 pinakagamiting wika sa internet) sa nasabing panahon. Samakatwid, nasa lugar ang optimistikong hula ni Jerman-Blažič ukol sa pamamayagpag ng multilinggwalismo sa internet at ICT na kaugnay ng hula ni Cruz. 8 Suri, Saliksik, Sanaysay

Kung totoong bukal sa loob ng Ingleserang okupador ng Malacañang ang layuning makasunod sa takbo ng mundo ang bansa, multilinggwalismong nakakiling sa wikang Filipino at mga dayalekto ngunit nagbibigay-puwang din sa iba pang wikang dayuhan, at hindi monolinggwalismong pabor lamang sa Ingles ang dapat niyang isulong. Walang batayan ang pagpipilit ng mga Amerikanista na isabatas ang gahum ng Ingles dahil diumano’y ito ang wika ng ICT. Bakit tayo sasandig sa Ingles lamang kung papaliit na ang share nito sa daigdig ng mga kompyuter, habang papalaki naman ang sa iba pang wika? Isa pa, hindi ba’t sa Hapon at Korea na parehong nangunguna sa ICT (nakauungos pa nga sa Estados Unidos sa maraming aspektong teknolohikal), katutubong wika ang ginagamit sa akademiko at industriyal na pananaliksik? Ang Tsina ay sinasabing umaabante na rin sa ICT gamit ang sariling wika. Katunayan, ang sanaysay na ito’y nalikha sa pamamagitan ng laptop na sa Tsina ginawa! Ang Pilipinas, na mula’t mula pa’y Ingles na ang gamit sa ICT ay importer lamang ng mga laptop at iba pang yaring kompyuter hanggang ngayon, bagama’t nakakagawa na ng sariling mga microchip. Malibang tumulad tayo sa mga bansang may pagmamahal sa sariling wika – dumudukal ng dunong at nananaliksik sa sariling wika – hinding-hindi tayo makahahakbang pasulong sa ICT at sa iba pang larangan. Wala nang ibang wikang mas mabisa sa pagkatuto ng kahit anupaman kundi ang wikang ginagamit ng madla, ang inang wika ng bawat mamamayan, ang wikang unang natututuhan sa tahanan, ang wika ng masa, ang wika ng midya, ang wika ng pang-araw-araw na komunikasyon. Walang dudang ang wikang ito’y ang wikang Filipino at ang mga katutubong dayalekto.

Preskripsyong Salat sa Sentido Komun at Kaalamang Panglinggwistika: Ingles Bilang Pangunahing Wikang Panturo

Sa kabila ng mapanlinlang na pamagat ng EO 210 na Establishing the Policy to Strengthen the Use of English as a Second Language in the Educational System, hindi maikukubli ng kahit sinong mapaglubid ng buhangin, gaano man kagaling, ang pagiging makiling nito sa Ingles kontra sa Filipino at mga dayalekto ng Pilipinas. Sa unang seksyon ng nasabing dokumento’y matutunghayan ang isang kagimbal- gimbal na probisyong taliwas sa pamagat nito: “...English should be used as medium of instruction for English, Math and Science from at least the Third Grade. The English language shall be used as a primary medium of instruction, in all public institutions of learning at the secondary level. As a primary medium of instruction, the percentage of time Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 9 allotment for learning areas conducted in the English language in high school is expected to be not less than seventy percent (70%) of the total allotment for all learning areas...” Ganito rin halos ang sinasabi sa Seksyon 4 ng HB 4701 tungo sa deklaradong layunin na “...to make the education of the young aligned with the requirements and realities of business life and competitive in the global environment by strengthening, enhancing and developing the use of the English language as the medium of instruction in all levels of education, from the preschool to the tertiary level.” Pinalala pa ito ng mga probisyon na nagbibigay-prayoridad sa Ingles bilang wika ng interaksyon sa paaralan, wika sa mga publikasyong pang-estudyante at wika sa mga eksaminasyong pinangangasiwaan ng gobyerno. Ang sumatotal, sa pananaw ng mga Amerikanista, kailangang paunlarin ang Ingles ng mga Pilipino para makasabay sa takbo ng mundo sa pamamagitan ng paglalagay nito sa pedestal bilang pangunahing wikang panturo, maging laban man sa pag-unlad ng sariling wikang Filipino at ng mga katutubong dayalekto. Hindi man lang nila isinaalang-alang ang napakaraming pananaliksik sa buong daigdig na nagpapatunay na inang wika o unang wika ang pinakamabisang wikang panturo. Kapag matibay ang pundasyon sa inang wika, magiging madali rin ang pagkatuto ng iba pang wika. Kung gayon, salat sa kaalamang panlinggwistika at walang bahid ng kahit katiting na sentido komun ang pagpupumilit ng mga Amerikanista na itanghal ang Ingles bilang pangunahing wikang panturo.

Monolinggwalismo versus Multilinggwalismo

Di na dapat pang pagtalunan kung wastong paunlarin ang Ingles sa Pilipinas sapagkat kahit ang mga grupong maka-Filipino ay naniniwalang kailangan pa ring ituro ang Ingles, ngunit ang pagsasantabi sa wikang pambansa para lamang maisulong ang Ingles ay masikhay na tinutunggali ng maraming akademista. Hindi ba’t mas mainam kung pare-parehong pauunlarin ang mga umiiral na wika sa Pilipinas, pangunahin ang wikang pambansang magbubuklod sa sambayanan? Mismong ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay suportado ang pagsusulong ng Ingles kasabay ng pagtataguyod sa Filipino at mga dayalekto, kaya nga sa mga nakararaang taon, multilinggwalismo na ang panawagan ng ahensya, kasama ng iba pang naliliwanagang mga samahang pangwika at indibidwal na akademista. Sa isang , ipinagtanggol ng tagapangulo ng KWF na si Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco (2007) “[a]ng lohika ng patakarang multilinggwal sa pagpapaunlad ng mga wika sa Pilipinas...” na “unti-unting tinatanggap ngayon 10 Suri, Saliksik, Sanaysay ng mas maraming mananaliksik sa wika at/o tagagawa ng patakaran sa ating pamahalaan...” Idinagdag pa niyang “Sinusuportahan ng KWF ang anumang kampanya na papaghusayin ang kasanayan sa Ingles ng ating mga estudyante...” Sa ganitong diwa’y pinagsusumikapan ngayon ng KWF na maipaliwanag sa taumbayan ang kabutihan ng multilinggwalismo upang malao’y matanggap nila ito. Sa kasalukuyan, patuloy na umaalingawngaw ang mataginting na tinig ng KWF para sa multilinggwalismo gaya ng ipinahayag ng tagapangulo nito: “It is time to foster respect for ALL languages especially endangered languages, and to promote and protect them. Let us celebrate our linguistic diversity with the peoples of the world. Wika Mo. Wikang Filipino. Wika ng Mundo. Mahalaga!” (Nolasco 2008). Wasto at kapuri-puri ang paninindigan ng KWF at iba pang samahang pangwika pabor sa multilinggwalismo kontra sa gahum ng Ingles, sapagkat ganito rin ang trend sa globalisadong daigdig o sa mundong sinasalanta ng globalisasyong ekonomiko na noo’y pinangingibabawan ng Estados Unidos lamang. Lipas na ang panahong iisang makapangyarihang bansa na lamang ang nakapagpapataw ng gahum sa buong sistemang ekonomiko ng daigdig. Nagbabagong-anyo ang globalisasyon tungo sa diaspora ng dominasyong ekonomiko at lingguwistiko mula sa Estados Unidos tungo sa iba pang mga industriyalisadong bansa gaya ng Alemanya, Rusya at Tsina. Katunayan, noong ika-16 ng Mayo 2007 ay pinagtibay ng Pangkalahatang Asembliya ng United Nations ang isang resolusyong nagsusulong sa multilinggwalismo bilang paraan ng pagtataguyod, pangangalaga at pagpapanatili sa dibersidad ng kultura at wika sa buong mundo kasabay ng pagpapahayag sa taong 2008 bilang “Pandaigdig na Taon ng Mga Wika.” Nauna pa rito’y naglabas ng opisyal na paninidigan ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) pabor sa multilinggwalismo (2003). Ayon sa nasabing dokumento, “Studies have shown that, in many cases, instruction in the mother tongue is beneficial to language competencies in the first language, achievement in other subject areas, and second language learning.” Ibinatay ng UNESCO ang ganitong paninindigan sa pananaliksik nina N. Dutcher at G.R. Tucker (1997) at S. Mehrotra (1998) na pawang pinondohan ng World Bank, isang entidad na pangunahing nagsusulong ng globalisasyon sa ekonomya. Pinakamahalagang konklusyon ng pananaliksik nina Dutcher at Tucker ang napatunayang bisa ng unang wika ng bata bilang wikang panturo sa maagang bahagi ng pag-aaal. Ipinaliwanag nilang mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang-aralin at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika. Sa antas lokal, napatunayang wasto ang konklusyon nina Dutcher at Tucker kung susuriin ang matagumpay na paggamit ng unang wika Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 11 bilang pangunahing wikang panturo sa Lubuagan, Kalinga. Sa pagsusulit sa kakayahan sa pagbasa ng mga nasa ikatlong baitang ng elementarya na saklaw ng 2006 National Achievement Test (NAT), nanguna ang Lubuagan – sa 10 distrito sa dibisyon ng Kalinga – sa English (76.5%) at Filipino (76.44%) dahil “...ang unang wika ay siyang ginamit na midyum ng pagtuturo sa naturang eskuwelahan, kahit sa science at math” (Nolasco 2007). Akmang-akma ito sa mga tinuran ni Mehrotra: “...students learn to read more quickly when taught in their mother tongue. Second, students who have learned to read in their mother tongue learn to read in a second language more quickly than those who are first taught to read in the second language. Third, in terms of academic learning skills as well, students taught to read in their mother tongue acquire such skills more quickly.” Batay sa isang posisyong papel (c.2003) ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL), Pambansang Samahan ng mga Tagamasid-Tagapagtaguyod ng Filipino (PASATAF), Pambansang Samahan sa Wika (PSW), Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), Pamantasang Normal ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas, Pamantasang Ateneo de at Pamantasang De La Salle, napatunayan na sa isang eksperimento sa Iloilo noong dekada 1960 ang “mas mabilis at mabisang matuto” ng mga kabataang Pilipino sa sariling wika.

Wikang Filipino at Mga Dayalekto: Wika ng Sambayanan

Ano nga ba ang sariling wika ng mga Pilipino? Walang iba kundi ang wikang Filipino at ang mga katutubong dayalekto, aminin man o hindi, tanggapin man o hindi ng mga kabalyerong maka-Ingles. Gamit ang wikang Ingles, ipinahayag ng pangulo ng na si Dr. Patricia Licuanan sa isang forum (2007) na may mahigit 150 wikang sinasalita sa Pilipinas. Aniya, 99% ng mga tahanan sa Pilipinas ay nagsasalita ng Filipino o Tagalog bilang una o pangalawang wika (ayon sa datos ng isang pambansang census) habang tinatayang 30,000 lamang ang nagsasalita ng Ingles bilang unang wika na karamihan pa’y mga Amerikanong nakatira sa bansa. Samakatwid, mas malaki pa rin ang porsyento ng gumagamit ng Filipino at ng mga dayalekto bilang unang wika at/o wika ng komunikasyon. Ayon naman kay Vivencio R. Jose (1996), sa maraming lugar sa Mindanao, “bukod sa Filipino ay sabay-sabay na ginagamit ang Iloko, Cebuano, Hiligaynon at Waray...” Malamang na ang Filipino at ang mga wikain ay kapwa rin ginagamit sa iba pang rehiyong di-Tagalog, depende sa kontekstong panlipunan (sino ang kausap, ano ang pinag-uusapan atbp.). 12 Suri, Saliksik, Sanaysay

Sa isang papel na binasa sa isang internasyunal na kumperensiya, tinalakay ni Cruz (2006), ang pagiging paimbabaw o superficial ng Amerikanisasyon ng Pilipino sa kultura at sa wika. Alalaon baga’y nagtatagumpay pa rin ang Pilipino na magkaroon ng sariling identidad sa kabila ng mapanglunod na gahum ng Amerikanistang wika at kultura. Sumusulong at tuluy-tuloy yumayabong ang Filipino sa kabila ng mga maniobrang kontra rito ng ilang mga nasa gobyerno. Tinawag ni Dr. Bienvenido Lumbera (2005) na “kapit sa patalim na pag-unlad” ang gayong penomenon. Sa telebisyon, lahat ng palabas sa prime time, lalo na sa mga nangungunang istasyon ay Filipino ang gamit na wika. Ang mga advertisement ay kadalasang Filipino kundi man Filipinong may halong kaunting Ingles. Sa pahayagan, mas malawak ang sirkulasyon ng mga tabloid sa wikang Filipino kaysa sa mga broadsheet na Ingles. Batay sa banggit ni Cruz, ang kabuuang sirkulasyon ng lahat ng pahayagang Ingles sa Pilipinas (Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila Bulletin atbp.) ay 1.5 milyong kopya lamang kada araw na walang panama sa 3.5 milyon ng mga pahayagang nakasulat sa Filipino (Abante, Abante Tonite, Bulgar, People’s Journal, People’s Journal Tonight, and People’s Taliba). Walang dudang mula Aparri hanggang Zamboanga, isama pa ang Y’ami, Saluag, Balabac at iba pang dulong bahagi ng Pilipinas, malayo na ang narating ng wikang Filipino. Patuloy na ginagamit ang mga dayalekto sa iba’t ibang rehiyon ngunit malaganap na rin ang Filipino. Katunayan, sa aking pagdaan sa Cagayan de Oro patungong Camiguin, matatas na nag- uusap-usap sa Bisaya ang mga drayber, tour guide at iba pang mga taga-roon, ngunit nang ako’y makipagkwentuhan sa kanila, matatas din silang nakipag- usap sa akin sa Filipino, bagamat tubong-Mindanao talaga sila at Bisaya ang kanilang unang wika. Biro nga ng isa kong kaibigang Filipino major din, kahit nga ang mga Abu Sayyaf na nagkukuta sa pinakamagubat at pinakaliblib na mga lugar sa Sulu at Basilan ay sanay nang mag-Filipino. Tandang-tanda ko pa nga noong buhay pa si Abu Sabaya, ang sikat na tagapagsalita ng grupo, Filipino ang lagi niyang ginagamit sa pagpapahayag ng kanyang mga demand sa pamamagitan ng Radio Mindanao Network (RMN). Sa FM, ilang istasyon na lamang ang purong Ingles pa rin ang wikang ginagamit. Tuwang-tuwa nga ako tuwing nakakapakinig sa ibang DJ dahil sa totoo lang, tunog-akademiko ang kanilang mga talasalitaan. Pwede mo na nga silang isabak sa balagtasan dahil sa ganda ng tugma at indayog ng kanilang mga ispontanyong pagbati at pahayag. Hindi kalabisang ipaghambog na halos lahat ng Pilipino ay nakapagsasalita at nakagagamit na ng Filipino sa araw-araw na diskurso. Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 13

Kahit ang pinakamalaki, pinakamalakas at pinakamatandang pangkat ng mga rebelde sa Pilipinas, ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay matagal nang gumagamit ng Filipino at bernakular bilang mga pangunahing wika ng komunikasyon. Katunayan, kinilala ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining/NCCA (2000) ang pagtatatag ng CPP ng isang Kawanihan sa Pagsasalin noong dekada 70 bilang “isang makabuluhang hakbang sa institusyonalisasyon ng pagsasalin” mula Ingles tungong Filipino at vice- versa, na isang malaking ambag sa pagsusulong ng wikang pambansa. Sa mismong pamahalaan, may mga kapuri-puring pagtatangka na ipalaganap ang Filipino. Sa Supreme Court Forum on Access to Justice (2008), natutuwang ibinalita ni Punong Mahistrado Reynato S. Puno na naging mabunga ang eksperimental na paggamit ng Filipino sa deliberasyon ng mga korte sa ilang lugar. Naging mabilis ang proseso ng pagtatanong ng mga abogado at pagsagot ng mga testigo, kaya pinaplano ng Korte Suprema na palawakin pa ang paggamit ng Filipino sa mga deliberasyon ng mga hukuman. Nagtayo rin ang Korte Suprema ng isang komite sa pagsasalin na ang pangunahing tungkulin ay magsalin ng mga mahahalagang desisyon ng hukuman mula Ingles tungong Filipino. Makabuluhan din ang pagsusumikap nina Pangalawang Pang. Noli de Castro, Sen. Francis “Chiz” Escudero, Sen. Ma. Consuelo “Jamby” Madrigal, Sen. Lito Lapid at Sen. Antonio Trillanes sa madalas na paggamit ng Filipino sa kanilang mga pampublikong pahayag. Sa internet, inilunsad ng mga akademistang maka-Filipino ang proyektong Wikipilipinas upang ipalaganap ang intelektwalisadong paggamit ng Filipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga akademikong artikulo na estilong-. Sa Wikipedia, ang pinakapopular na online encyclopedia, kasama ang “Tagalog” (terminong ginamit sa unang pahina o opening page ng Wikipedia) at Ilokano sa unang limampung wika sa daigdig na may pinakamaraming naka-upload na artikulo. Sa ilang beses na pakikipag-chat ko sa mga taga-Davao at iba pang mga Pilipinong aking nakasalamuha, sa pakiwari ko’y magaling na rin silang mag-Filipino. Mayorya rin sa mga half Filipino (na sa ibang bansa isinilang at sa ibang bansa rin nakatira) na nakatsismisan ko sa internet ay nakakaintindi ng Filipino. Samakatwid, ang Filipino ay buhay at ginagamit sa midya gayundin sa internet ng mga Filipino sa iba’t ibang panig ng mundo. Bunga nito, di kataka-takang ito ang wikang mas gamitin din sa maraming paaralan sa kabila ng pagpupumilit ng gobyerno na isabatas ang Ingles bilang pangunahing wikang panturo. 14 Suri, Saliksik, Sanaysay

Wika ng Bayan: Bukal ng Karunungan

Sa UP-Integrated School (kindergarten hanggang hayskul), itinuturo ang lahat ng asignatura sa wikang Filipino kaya mas mataas ang average na markang nakukuha ng mga mag-aaral (Dr. Mario Miclat: 2001). Samantala, dahil Ingles ang nangingibabaw na wikang panturo sa Agham at Matematika, laging “kulelat” ang Pilipinas sa Trends In Math and Science Survey/Third International Math and Science Study/TIMSS ayon kina Virgilio Almario (1996) at Juan Miguel Luz (2007). Kasama sa mga nangunguna sa nasabing pagsusulit ang Timog Korea, Hapon, Belgium at Republikang Czech, mga bansang di Ingles kundi sariling wika ang wikang panturo sa Agham at Matematika. Kung tutuusin, marami nang mga sangguniang aklat ang nailimbag sa Filipino sa iba’t ibang asignatura kaya maaari na talagang isabansa ang ekperimento ng Unibersidad ng Pilipinas (Cruz: 2001). Malaganap na ang paggamit ng Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon, sa halos lahat ng asignatura, dahil sa pagsisikhay ng Komisyon sa Wikang Filipino at mga mananaliksik sa akademya na makabuo ng mga diksyunaryo, glosaryo at aklat-sanggunian sa iba’t ibang larangan. Binanggit ni Dr. Lydia Liwanag (2001) na nakapaglabas ng halos 250 publikasyon ang dating Surian ng Wikang Pambansa. Nagpapatuloy at lalo pang humuhusay ang gayong sipag ng kasalukuyang KWF sa suporta na rin ng marami-raming samahang pangwika. Kapuri-puri rin ang dami at kalidad ng mga publikasyong Filipino na naisakatuparan ng UP-Sentro ng Wikang Filipino (Lilia Antonio: 2006). Sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, marami-rami nang glosaryong Filipino, Filipino-Ingles at maging Filipino-Ingles-Dayalekto sa iba’t ibang larangan ang nabuo sa pamamagitan ng mga pananaliksik, tesis at disertasyon ng mga mag-aaral sa antas-gradwado. Kahit sa ibang mga kolehiyo at unibersidad ay buhay na buhay rin ang pagsisikhay ng mga akademistang maka-Filipino sa paggamit ng wikang pambansa sa iba’t ibang sangay ng karunungan. Sinuri ni Dr. Clemencia Espiritu (2005) ang mga patakarang pangwika ng mga nangungunang unibersidad sa Pilipinas at masaya niyang inulat na “...mahirap nang alisin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng anumang asignatura. Bahagi na ito ng sistema ng pagpapahatid ng mga kaalaman sa mga mag-aaral at nagiging mahalagang kasangkapan ito sa pagpapaunlad ng mga kasanayan at kaalaman maging sa mga asignaturang itinuturo sa Ingles.” Sa isang artikulo, itinala naman ni Lumbera (2005) ang mga personalidad na nagpasimuno sa matagumpay na paggamit ng Filipino sa pagdukal ng karunungan sa pilosopiya (Padre Roque Ferriols), teolohiya (Padre Alberto Alejo), sosyolohiya (Dr. Prospero Covar), kasaysayan (Dr. Zeus Salazar), sikolohiya (Dr. Virgilio Enriquez) at Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 15 panunuring pampanitikan (Virgilio Almario). Pinatunayan naman ni Dr. Pamfilo Catacataca (2006) sa isang sanaysay ang pagiging mabisa ng wikang Filipino bilang “midyum ng pagtuturo ng mga pagpapahalagang Filipino.” Bago pa sumapit ang taong 2000, maunlad na ang paggamit ng Filipino sa agham panlipunan batay sa mga sanaysay nina Ligaya Tiamson-Rubin (1993) Teresita Fortunato (1995), na kapwa nagwagi sa Gawad Surian sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes. Sa mga pampublikong paaralan, pangkaraniwan na ang paggamit ng Filipino kahit sa mga asignaturang ayon sa batas ay kailangang ituro sa Ingles. Ayon mismo sa mga kaibigan kong guro sa mga paaralang pribado at publiko, imposibleng gamiting pangunahin at/o tanging wikang panturo ang Ingles dahil hindi naman ito ang unang wika ng mayorya sa mga mag-aaral sa Pilipinas. Kahit sa pribadong paaralang aking pinagtuturuan, na karamihan sa mga estudyante’y galing sa mga mayayaman at kilalang angkan, marami-rami na ring mag-aaral ang umaangal sa ipinagpipilitang English Only Campaign ng eskwelahan. At bakit nga hindi, gayong kahit medyo ma-Ingles ang kanilang Filipino ay walang dudang Filipino na rin ang mas gamitin ng marami-rami sa kanila. Kapag oras ng meryenda o tanghalian, Filipino ang madalas na marinig kong tsismisan. Patagong natutuwa ako sapagkat mismong mga estudyante naming coño ay sa Filipino na rin nagtsitsismisan. Patunay lamang ito na hindi lamang sa buong Pilipinas kundi sa lahat ng antas ng lipunan ay laganap at ginagamit na ang Filipino, aminin man at hindi ng mga Amerikanista. Kung tutuusin, ang sapilitan nilang pagraratsada sa EO 210 at HB 4701 ay senyales ng pamamayani ng Filipino sa aktwal na pagtuturo. Hindi sila magkukumahog na “palakasin” ang Ingles kung ito’y hindi mahina at nadadaig ng Filipino sa arena ng edukasyon.

Pagtataguyod sa Filipino at Dayalekto: Unang Hakbang Tungong Multilinggwalismo

Malinaw kung gayon na Filipino ang wikang nagbubuklod sa at wikang ginagamit ng sambayanang Pilipino, at nangingibabaw pa ring de-facto na wikang panturo sa lahat ng antas ng edukasyon. Katuwang ng Filipino, malaganap din ang paggamit ng mga dayalekto lalo na sa elementarya sapagkat nananatiling unang wika ng marami- raming bata ang mga wikain sa Pilipinas. Samakat’wid, kapwa Filipino at mga katutubong dayalekto ang mas mabisang pangunahing wikang panturo kaysa sa Ingles sapagkat umiiral at nakaugat na sa lipunang Pilipino ang mga ito. Natumbok 16 Suri, Saliksik, Sanaysay ni Dr. Melania L. Abad (2007) ang ganitong konsepto: “Ang pagkatuto ay mabilis at epektibo kung direktang gumigising ito sa maraming pandama at sensibilidad ng mga mag-aaral at wala nang iba pang wikang kakatawan dito kundi ang wika niya sa araw-araw at wikang magbibigay sa kanya ng higit na tiwala at pagkakakilanlan...” Kakambal ng pakikibaka para tuluy-tuloy na itaguyod at gamitin ang wikang Filipino at mga katutubong dayalekto ang pagsisikhay na isulong din ang Ingles at iba pang wikang dayuhan sa Pilipinas dahil sa mga konsiderasyong kultural at sosyo-ekonomiko. Wasto si Nelson Turgo (2006) sa pagbibigay-diin na mali ang kaisipang malaganap na umiiral “na sa pagpapalakas ng Pambansang Wika, pinapahina ang Ingles.” Maraming pananaliksik na ang nagpatunay na ang matibay na pundasyon ng unang wika ay nagbubunsod sa mabilis na pagkatuto ng/ sa iba pang wika. Samakatwid, ang pagpapalakas ng unang wika, ng pambansang wika, ay pagpapalakas din sa pagkatuto ng wikang banyaga sa hinaharap. Sa isang masaklaw na pag-aaral, sinuri ni Susan Malone (2003) ang mga nangingibabaw na patakarang pangwika sa mga bansa sa Asya. Lumabas sa kanyang pag-aaral na may mga pagkakataong napag-iiwanan ang unang wika sa edukasyon kaya naman nagbigay siya ng isang rekomendasyon na dapat pakinggan ng ating pamahalaan: “Provide a strong educational foundation in the language the learners know best, enabling them to build on the knowledge and experience they bring to the classroom.” Ibinatay ni Malone ang kanyang rekomendasyon sa naunang pananaliksik nina Wayne Thomas at Virginia Collier (2001): “The strongest predictor of L2 [second language] student achievement is the amount of formal L1 [the children’s first language] schooling. The more L1 grade-level schooling, the higher L2 achievement.” Sa konteksto ng Pilipinas, kailangan nating palakasin ang pagtuturo at paggamit ng Filipino at mga dayalekto upang magamit natin itong matibay at mapagkakatiwalaang tulay sa lubos na pagkatuto ng Ingles at iba pang wikang dayuhan.

Pag-igpaw sa Rehiyunalismo: Susi sa Tunay na Multilinggwalismo

Matagal nang gumugulong ang kampanya para sa sabay na pagtataguyod ng wikang Filipino at mga dayalekto ng Pilipinas. Mula nang ihayag ng Konstitusyon ng 1987 ang masaklaw na depinisyon at katangian ng Filipino bilang buhay na wika na Pilipino (na batay sa Tagalog) ang korpus at lilinangin sa tulong ng iba pang wikang umiiral sa Pilipinas, namatay na ang dating lagablab ng mapanghating rehiyunalismo. Unti-unti nang naging maluwag at maganda ang pagtanggap ng Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 17 mga pangkat na di Tagalog sa wikang Filipino. Aktibong nagsusumikap ang mga akademista na “ipauso” o palaganapin ang pag-asimila sa mga salitang katutubo para sa mga salitang walang eksaktong katumbas sa Tagalog. Ang paglilimbag ng UP Diksyunaryong Filipino ay isang malaki at makabuluhang ambag sa ganitong proseso sapagkat isinama ng mga leksikograper nila ang mga salitang buhat sa iba’t ibang wikang katutubo ng Pilipinas. Kailangan ang malaganap at tuluy-tuloy na paggamit ng mga salitang gaya ng “gahum” (hegemony), “bana” (husband), “bodong” (peace pact), “ábyan” (close friend), “adi” (male friend), “faga” (small fragments from a meteor that fell to the earth from outer space), “himugà” (heinous crime), “dán-aw” (small lake), “dág-om” (rain cloud), “xappo” (green chili) atbp., upang unti-unting makapasok sa pang-araw-araw na talasalitaan ng mga pangkaraniwang Pilipino ang mga salitang mula sa mga wikang katutubo. Walang ibang dapat magpasimuno sa ganitong proseso kundi ang mga taal na tagapagsalita ng mga dayalekto gaya ng mga Bisaya, ayon kay Leoncio P. Deriada (1995). Sa pamamagitan ng pag-asimila sa mga katutubong salita, napalalakas ang wikang Filipino lalo na sa aspekto ng intelektwalisasyon at nasyonalisasyon. Dapat ipagpatuloy ang pagtataguyod sa leksikograpiya sa Filipino at mga dayalekto upang maging ganap ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan at para maisakatuparan din ang istandardisasyon ng wikang pambansa. Makabubuti ring pag-aralan at pakinisin pa ang panukalang-batas na inihain ni Kinatawan Magtanggol Gunigundo ng Lungsod ng Valenzuela na pinamagatang An Act Establishing a Multilingual Education and Literacy Program (HB 3719). Waring akma ang panukala ni Gunigundo sa paninindigan ng KWF na isulong ang multilinggwalismo sa pamamagitan ng paggamit sa unang wika bilang pangunahing wikang panturo mula pre-school hanggang Grade VI. Sa antas sekundarya, Filipino at Ingles naman ang ipinapanukala ng KWF na maging pangunahing wika ng pagtuturo, habang magiging “pantulong na midyum o hiwalay na asignatura” naman ang unang wika at rehiyunal na lingua franca. Sa ilalim ng ganitong kalakaran, masusunod ang natural na batas sa pagkatuto ng ikalawang wika: alalaon baga’y kailangan munang patibayin ang unang wika na siyang magiging pundasyon ng lahat ng pagkatuto. Nilulutas ng ganitong kompromiso ang problema ng mga rehiyong di Tagalog sa sabay-sabay na paggamit ng dayalekto, Filipino at Ingles mula pa sa unang taon ng kanilang pag- aaral. Mabibigyan ng sapat na panahong “magpakadalubhasa” sa unang wika ang mga estudyanteng mula sa mga rehiyong di Tagalog bago isabak sa edukasyong bilinggwal/multilinggwal. Makabuluhang ikampanya rin ang pagsasanib ng panukalang-batas ni Kinatawang Guinigundo at ng HB 1138 o Batas na 18 Suri, Saliksik, Sanaysay

Nagtatakda ng Filipino bilang Opisyal na Wika ng Pagtuturo sa mga Paaralan na akda naman ni Kinatawan ng Gabriela Party-list. Sa gayong paraan, kapwa mapalalakas ang wikang Filipino at mga dayalekto sa bansa habang hindi napapabayaan o naisasantabi ang wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan. Sa pagsasanay naman ng mga guro ng/sa Filipino, na isa sa pinakamahahalagang komponent ng pagpapaunlad sa wikang pambansa, kapuri- puri ang papel ng KWF at mga pambansang samahang pangwika na walang-sawa sa pagsasagawa ng mga rehiyunal at pambansang seminar, seminar-worksyap at mga forum sa layuning mapaghusay ang paraan ng pagtuturo ng/sa Filipino. Nakatutuwang sa mga pambansang seminar-worksyap na nadaluhan ko ay may kinatawan ang halos bawat rehiyon ng Pilipinas. Malayo na talaga ang narating ng Filipino at lalo pang malayo ang mararating nito kung tuluy-tuloy nating panghahawakan ang mga nakamtang tagumpay at lalo pang magsusumikap ang mga mamamayan sa pagtataguyod ng mga programang pabor sa Filipino. Makatutulong ang pagkakaloob ng mas maraming iskolarsyip sa mga gustong mag-major sa Filipino, gayundin sa mga nais kumuha ng master at doktorado sa wikang Filipino. Karaniwan, dehado ang mga major sa Filipino pagdating sa iskolarsyip dahil ang prayoridad ay Agham, Matematika at Ingles. Kailangang tratuhing kapantay ng iba pang asignatura ang Filipino lalo na pagdating sa pondo ng iskolarsyip para sa mga magiging guro at sa mga gurong kumukuha ng pag-aaral sa antas gradwado. Para mapanatili ang multilinggwal na bentahe ng mga Pilipino, maaaring tularan ng iba pang paaralan ang eksperimental na offering ng Department of Linguistics ng UP ng mga asignatura sa Cebuano. Katunayan, nahuhuli pa nga ang Pilipinas sa ganitong larangan sapagkat sa isang unibersidad sa Asya Pasipiko ay matagal nang nakatala ang Ilokano bilang isang asignaturang elective. Sa isang talakayan naming mga magkakaklase sa paaralang gradwado, napag-usapan ang pagkakaroon ng karagdagang asignatura para sa mga major sa Filipino. Isa sa mga kamag-aral naming maalam sa Hiligaynon at Cebuano ang nagmungkahing magkaroon ng karagdagang tatlong yunit ukol sa isang gamiting dayalekto na ituturo na parang foreign language. Lahat kami (na karamiha’y taal na Tagalog) ay sumang-ayon sa panukala bagamat kung tutuusi’y magiging karagdagang pahirap ito sa amin. Humantong pa nga ang aming usapan sa pagmumungkahi ng isang Bachelor in Education, major in Philippine Languages (bukod pa sa major in Filipino). Kapag naging popular na ang multilinggwalismong pinapangarap ng KWF, malamang na magkaroon na nga ng gayong bukod na major. Sa matamang pag-aaral ukol sa at pagsasakatuparan ng mga ganitong mungkahing hakbang, bukod pa sa mga umiiral na aktibidad, madaling maisasabalikat at magiging Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 19 ganap ang pag-unlad ng wikang Filipino at mga dayalekto na siyang magiging tulay sa pagtawid natin sa ganap na multilinggwalismong lagpas pa sa simpleng pag-aaral ng Ingles lamang.

Multilinggwalismo: Trend sa Mundo

Kakatwa sa unang pagsipat ngunit positibo at paborable sa wikang Filipino at mga dayalekto ang isang aspekto ng globalisasyon. Hindi ko pinupuri ang buong sistemang tinatawag na globalisasyon at hinding-hindi ko ito pupurihin kailanman sapagkat naniniwala akong malaki ang pinsalang naidulot ng walang-rendang globalisasyong ekonomiko sa mga industriyang Pilipino. Ito ang salarin sa pagbaha ng mga produktong imported na naging dahilan ng pagkalugi ng maraming katutubong industriya na humantong sa pagkatanggal sa trabaho ng napakaraming Pilipino. Salot ang globalisasyong ekonomiko sa sambayanang naghihikahos sapagkat pinapatay nito ang mga pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan. Gayunman, kinikilala ko ang positibong epekto ng globalisasyong kultural. Dahil sa globalisasyong kultural, nagkaroon ng interes ang nakararaming bansa na pag-aralan ang kultura ng iba pang bansa. Nagsisikhay ang mga mamamayan ng daigdig na unawain at pakibagayan ang uri ng pamumuhay ng kanilang mga karatig-bansa, hangga’t maaari. Nakaugat ang wika sa kultura kaya di kataka-takang sa proliperasyon ng panawagang dibersidad sa kultura ay nagiging trend din ang dibersidad sa wika o multilinggwalismo. Sa panimula sa aklat ni Wilga Rivers (2004) na pinamagatang Opportunities in Foreign Language Careers, ipinahayag ni John M. Grandin (2004) ang koneksyon ng globalisasyon at multilinggwalismo: “...a closer look at the impact of globalization on business, industry, and most professions clearly earmarks cross-cultural communication skills, with knowledge of languages as a core component, as a basic requirement for the workplace of the twenty-first century.” Sa pagtindi ng kumpetisyon sa daigdig, nagiging malaking bentahe o kalamangan ang pagiging multilinggwal. Mas maraming alam na wika, mas maraming makakatransaksyon sa ilalim ng globalisasyon. Sa Estados Unidos mismo na balwarte ng wikang Ingles, lumalaki ang interes at pagpapahalaga sa multilinggwalismo lalo na sa edukasyon. Ayon sa American Council on the Teaching of Foreign Languages, halos 14 milyong mag- aaral sa mga pampublikong hayskul ang nag-enrol sa mga foreign language class noong 2000, habang batay naman sa ulat ng US National Center for Education Statistics, aabot sa 15,000 bachelor’s degree sa wikang dayuhan at panitikan ang naipagkaloob ng 20 Suri, Saliksik, Sanaysay mga kolehiyo sa Amerika sa taon ding yaon (Rivers: 2004). Sa Europa, aktibong isinusulong at pinopondahan ang anumang proyektong pabor sa multilinggwalismo. Katunayan, may bukod na “European Commissioner” sila para sa pagtataguyod ng multilinggwalismo. Inilahad ni Leonard Orban (2007) ang legal na batayan ng multilinggwalismo sa Europa: “The European Union is founded on the principle of unity in diversity: embracing a wide variety of cultures, customs, beliefs – and languages. The Charter of Fundamental Rights of the European Union respects cultural, religious and linguistic diversity.” Ipinagmamalaki ni Orban ang pagkakaroon ng tuluy-tuloy na multilinggwalismong reporma sa Europa. Tahasan din niyang binanggit na ang multilinggwalismo ng mga Europeo ay isang malaking bentahe sa pandaigdigang kalakalan. Mas maaakit nga namang makipagtransaksyon ang ibang bansa sa kanila kung nagsasalita sila ng wika ng mga bansang iyon. Binigyang-diin naman nina Jutta Limbach et al. (2008) ang kabuluhan ng multilinggwalismo sa pagtatamo ng kaunlaran at kapayapaan: “Languages are not interchangeable, none is dispensable, none is superfluous. To preserve all the languages of our heritage...to encourage, even for languages which are very much minority languages, their development in the rest of the continent, is inseparable from the very idea of a Europe of peace, culture, universality and prosperity.” Tumatagos sa mga mamamayang Europeo ang ganitong pananalig sa mga bentahe ng multilinggwalismo. Ayon sa isang masaklaw na konsultasyong publiko na isinagawa sa mga bansang sakop ng European Commission (2007) mayorya ng mga Europeo ang naniniwalang isang di matatawarang asset ang dibersidad sa wika di lamang dahil sa mga konsiderasyong ekonomiko (praktikalidad sa negosyo at trabaho) kundi dahil din sa mga kultural na aspekto (paggalang at pag- unawa sa kultura ng ibang bansa). Bagamat nagkakaiba sa istratehiya at plano, masasabing multilinggwal na edukasyon ang pangkalahatang padron sa mga bansa sa Europa. Taong 2002 nang magkasundo ang mga pinuno ng mga bansa sa Europa na pasimulan ang “ambisyosong patakaran” ng pagtuturo ng “‘inang wika at dalawa pang ibang wika” sa mga mag-aaral (Orban: 2007). Mabuting halimbawa ang matagumpay na trilinggwal na edukasyon sa isang probinsya ng Netherlands na tinalakay ni Yehannes Ytsma sa isang pananaliksik (c.2004). Pinasimulan din ng mga Europeo ang Programang Socrates at Leonardo Da Vinci para maparami ang mga mag-aaral ng mga mga wikang dayuhan (Michael Kelly et al.: 2004). Sa pagdagsa ng mga migrante sa Europa, ang mga wikang pinapayagang gamitin sa mga paaralan ay dumami rin (Siegfried Gehrmann at Marianne Krüger-Potratz: 2004). Sa Asya, normal na patakaran ang multilinggwalismo sapagkat matagal nang multilinggwal ang mga Asyano. Bago pa dumating ang mga dayuhang Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 21 mananakop mula sa Kanluran, maraming wika na ang umiiral sa Asya. Katunayan, ayon kay Malone (2003), sang-katlo (1/3) sa 6,000 wika ng daigdig ang sinasalita sa Asya. Bunga nito, natural lamang ang multilinggwalismo sa pang-araw-araw na komunikasyon at laganap din ang pagkakaroon ng multilinggwal na edukasyon kagaya ng sa India, Tsina, Korea at Malaysia. Kaiba sa “bilinggwalismo” ng mga Pilipino na nakakiling sa Ingles, ang multilinggwalismo sa mga bansang nabanggit ay pangunahing nakasalig sa paggamit ng wikang pambansa at/o mga katutubong wika bilang pangunahing midyum sa pagtuturo bagamat itinuturo rin ang Ingles at iba pang wikang dayuhan. Pinatunayan nina Dr. Pamela Constantino, Dr. Florencia Victor at Rho Young Chul (2005) ang pag-iral ng ganitong klase ng multilinggwalismo sa Asya. Multilinggwalismo rin ang trend sa iba pang panig ng daigdig. Sa estadong Victoria ng Australia, tinuturuan ng isa pang wikang bukod sa Ingles ang lahat ng mga bata (Guus Extra at Kutlay Yağmur: 2005). Samantala, ayon kay Vuyisile Msila (2007), may mga patakaran na ang South Africa na nagtataguyod sa inang wika ng mga mag-aaral bilang pangunahing wikang panturo sa halip na Ingles at Afrikaans. Samakatwid, mas maraming wika na ang ginagamit sa iba’t ibang mga rehiyon sa halip na sumandig lamang sa dalawang dominanteng wika. Inulat naman ni Ethelbert E. Kari (2002) na sa Nigeria, bilinggwalismo o multilinggwalismo ang nangingibabaw na patakarang pang-edukasyon ng iba’t ibang rehiyon. Kung susumahin, buong mundo’y masaya nang nagtatampisaw at nagbababad sa multilinggwalismo habang ang Pilipinas naman ay tila muli na namang nalulunod sa dagat ng monolinggwalismong Ingles.

Filipino Bilang Wika ng Globalisadong Mundo

Kakatwa na habang kumikitid o pinakikitid ang espasyong para sa wikang Filipino at mga katutubong dayalekto sa Pilipinas, lumalawak naman ang interes dito ng iba’t ibang bansa sa daigdig dahil sa pagiging unibersal ng panawagang multilinggwalismo. Ayon kay Ivy Dulay (c.2006), may 50 unibersidad, kolehiyo, hayskul at mga intermedyang paaralan sa Estados Unidos ang nagtuturo ng Filipino sa kanilang mga mag-aaral. Binanggit din niya na ayon sa datos ng 2005 US Census, “Tagalog” ang ikaapat na pinakagamiting wika sa mga tahanan doon. Bunsod nito, nangangamba si Dulay na sa pagsasabatas ng Ingles bilang pangunahing wikang panturo sa Pilipinas, lumalaki ang posibilidad na mabawasan kundi man maglaho 22 Suri, Saliksik, Sanaysay ang interes sa wikang Filipino at kulturang Pilipino ng mga taga-Estados Unidos at tapyasin kundi man tuluyang alisin ng pamahalaang Amerikano (estado at pederal) ang subsidyong ginugugol para sa pagpapalaganap nito sa Amerika. Sino pa nga ba ang mag-aaral ng isang wikang dehado at ginagawang basahan kahit sa sarili niyang bansang pinagmulan? Ipinagmamalaki naman ni Natalia V. Zabolotnaya (2006) na “In recent decades 70 qualified Philippine specialists having good command of Filipino and several dozens of Indonesian specialists who studied Filipino as optional subject were trained in Russia. Today we have two Filipino groups and two PhD student-linguists in Moscow State University and one Filipino group in St. Petersburg State University.” Sa kabuuan, nakapagtala si Zabolotnaya ng 90 pananaliksik ng mga Ruso ukol sa Philippine Linguistics. Hindi kataka-takang kahit sa internet ay may mga video (“Russians Speaking Deep Tagalog” sa www.youtube.com) na nagpapakita ng mga Rusong matatas mag-“Tagalog.” Sa , isa sa pinakamataong estado ng USA, kapantay ng iba pang asignatura ang Filipino sa maraming paaralan sapagkat ang mga nagtuturo nito ay kumukuha rin ng eksamin na inaadminister ng gobyerno na katumbas ng ating Licensure Examination for Teachers (LET). Sa Dubai at Hong Kong, pangkaraniwan na ang mga karatulang nakasulat sa wikang Filipino dahil sa dami ng mga manggagawang Pilipino sa mga lugar na iyon. Ipinagmalaki naman ni Conrado de Quiros na di tayo dapat magulat kung makarinig ng isang batang Pranses sa Pransya na nagsasalita ng Filipino. Diumano’y tinuturuan ng mga yayang Pilipino ng Filipino ang mga batang Pranses na kanilang inaalagaan upang maging mas madali ang kanilang pakikipagkomunikasyon sa kanila. Lumalabas tuloy na nagiging unang wika ng mga batang nabanggit ang Filipino sa halip na Pranses sapagkat madalas namang wala sa bahay ang kanilang mga magulang! Ipinagpapalagay ni De Quiros na “masasakop” ng mga Pilipino ang mundo sa pamamagitan ng “kusina,” sa pamamagitan ng dambuhalang hukbo ng mga yayang masipag sa trabaho at makabayan sa pagsasalita. Tinatayang may 8 milyong Pilipinong nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo at parami nang parami ang permanente nang naninirahan sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan, kaya lalong nagiging praktikal para sa mga dayuhan na pag-aralan ang wikang Filipino. Hindi malayong maging isang mayor na wikang dayuhan sa iba’t ibang bansa ang Filipino pagdating ng panahon. Sa aming paaralan, may Special Filipino Subject (Level 1-3) para sa mga estudyanteng dayuhan o kaya’y mga Pilipinong hirap mag-Filipino. Mayorya sa mga kumukuha ng asignaturang ito ay mga Koreano na pagkatapos ng hayskul ay Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 23 bumabalik sa kanilang lupang tinubuan. Umaabot sa 200 mag-aaral kada taon ang sumasailalim sa programang ito. Papalaki nang papalaki ang bilang ng mga Koreano sa aming paaralan kaya naman inaasahang mas lalawak ang saklaw ng programang Special Filipino. Malaki ang posibilidad na maging isang popular na pangalawang wika ng mga Koreano ang Filipino, lalo pa nga’t parami nang parami ang mga Koreanong nag-aaral sa Pilipinas bawat taon.

Hamon at Kahingian ng Globalisadong Mundo

Sa paglaganap ng multilinggwalismo sa buong mundo, magkakaroon ng bentahe ang Filipino sapagkat marami-rami na rin itong binhing sumisibol sa iba’t ibang panig ng mundo. Sinasalita at pinag-aaralan na ito ng mga dayuhan kaya nararapat lamang na lalo nating itaguyod ang paggamit at pagtuturo ng Filipino. Kapag napagbuti natin ang pagtuturo ng/sa Filipino, mas mabisa na nating matututuhan ang iba pang mga wikang dayuhan gaya ng Ingles. Hindi tayo dapat makuntento sa monolinggwalismong Ingles sapagkat kung tutuusin, maaaring dumating ang panahon na ibang wika na ang maging lingua franca ng daigdig, gaya ng Mandarin. Kung ganap nating napatibay ang ating sariling wika, madali tayong makaaangkop sa gayong sitwasyon sapagkat magagamit nating matibay na tulay ang inang wika sa pag-aaral ng anumang pangalawang wika. Kung pababayaan nating muling manumbalik ang monolinggwistikong gahum ng Ingles, muli tayong magsisimula sa wala kapag nabago ang lingua franca ng mundo. Mas mabuti ang multilinggwalismo kaysa monolinggwalismo kaya’t dapat nating sagkaan ang anumang pagtatangka na ibalik at patibayin ang gahum ng Ingles. Panahon nang sumandig tayo sa ating wikang pambansa gaya ng mga mauunlad na bayan at gamitin itong tulay sa mas mabisang pagkatuto ng di lamang isa kundi marami pang dayuhang wikang sinasalita ng daigdig. Dapat tayong matuto sa karanasan ng mga Europeo na nakakita ng maraming oportunidad sa multilinggwalismo. Kasalukuyan nilang isinusulong at pinopondohan ang multilinggwalismo sa paaralan, pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan di lamang dahil sa konsiderasyong pangkultura kundi pati sa pang-ekonomya. Mas malaki nga naman ang tsansa ng isang bagito na mapasok sa trabaho kung mas maraming wika siyang alam, bukod pa sa Ingles na pangkaraniwan na lamang. Sa mas malawak na pagtanaw, kahingian ng globalisasyon ang multilinggwalismo. Hindi totoong Ingles lamang ang pinapaboran ng globalisasyon. Kung tutuusin, 24 Suri, Saliksik, Sanaysay biktima ng globalisasyon ang Ingles sapagkat mula nang umarangkada ito, napilitan ang mayorya ng mga bansa na mag-aral ng Ingles kaya’t naging pangkaraniwang kasanayan na lamang ang pagsasalita ng wikang ito gaya ng kakayahang gumamit ng kompyuter ( Jutta Limbach et al.: 2008). Hindi na sapat ngayon ang pagsasalita ng Ingles, sapagkat sa tindi ng kumpetisyon sa pagitan ng mga bansa, mas madaling makapagbebenta ng mga produkto ang isang bansa sa isa pang bansa kung may kaalaman siya sa kultura at lalo pa sa wika ng bansang katransaksyon. Kung gayon, malinaw na sa globalisadong mundo, mas makasusungkit ng kwarta at oportunidad ang tao o bansang multilinggwal kaysa sa pangkaraniwang monolinggwal lamang. Sa halip na magpalunod sa gahum ng Ingles, kailangan tayong mangunyapit at sumandig sa multinggwalismo at makisabay sa takbo ng mundo na sa panahong ito ng globalisasyon ay naghahawan ng daan tungo sa “...isang bagong lingguwistikong kaayusan kung saan sabay-sabay na dinedebelop ang pandaigdigang wika, pambansa o rehiyunal na wika at lokal na wika” (Patrocinio Villafuerte at Rolando Bernales: 2008). Kailangang kontrahin ng mga makabayan ang mapanlunod na daluyong ng mga kabalyerong Amerikanista sa gobyerno na walang ibang nasa isip kundi paslangin ang ating wikang pambansa. Kailangang matutuhan nating wasakin ang “diyamanteng tanikala” ng Amerikanisasyon sa panahon ng globalisasyon. Kailangan nating isapuso’t isaisip na ang tunay na kaunlaran ng bayan ay makakamit, pangunahin, sa pamamagitan ng pagsandig sa sarili. Dapat nating iwasiwas ang bandila ng multilinggwalismo sa Pilipinas laban sa monolinggwistikong gahum ng Ingles. Sa ganitong paraan, hindi lamang natin maisasalba ang ating wikang Filipino at mga dayalekto, kundi makapaghahatid pa tayo ng mas maraming oportunidad sa ating bansa, sa kabila ng matinding kumpetisyong dulot ng globalisasyon. Habang pinayayaman at nililinang natin ang Filipino at mga dayalekto, mas madaling magkakaintindihan ang lahat ng sektor sa ating lipunan: negosyante, siyentista, lingkod-bayan, pangkat minorya, magsasaka, manggagawa... Sa pagsasalita at paggamit ng isang wikang pambansa, mas magiging mas mabilis at epektibo ang anumang proyekto ng gobyerno. Wala nang away at di pagkakaunawaan dahil mabilis magkaintindihan sa usapan. Sa pag-unlad ng ating bayan, mas maraming dayuhan ang maaakit na mag-aral ng ating wika. Habang pinagbubuti natin ang pagtuturo ng/sa Filipino, lalo nating napatitibay ang tulay na magagamit natin sa pag-aaral ng mga wikang dayuhan. Habang dumarami ang wikang dayuhan na ating natututuhan, mas dumarami ang oportunidad na ating maaaring makamtan. Kung gayo’y di lamang natin naisalba ang ating pagkakakilanlan, maaabot pa natin ang minimithing kaunlaran habang nagiging tulay rin tayo ng pagkakaunawaan at kapayapaan sa pagitan ng mga bansang magkakaiba ang wika at kultura. Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 25

Sa ganitong diwa, panahon nang isigaw natin mula Aparri hanggang sa Zamboanga: mas maraming wika, mas maganda! Sulong multilinggwalismo! Sulong Filipino! Wika mo, wikang Filipino, wika ng mundo, mahalaga!

Mga Sanggunian:

Abad, Melania L. 2007. Neoliberalistang Pagpaplanong Pangwika: Tungo sa Komodipikado at Episyenteng Pagpapahayag (sa “Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the Philippines”).

Almario, Virgilio S. 1997. Edukasyong Filipino sa Agham at Matematika. (sa “Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas”). ______. 1994. Pagpapayaman sa Wikang Filipino. (sa “Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas”).

Almario, Virgilio S. et al. (mga editor). 2001. UP-Diksiyonaryong Filipino. UP- Sentro ng Wikang Filipino, Lunsod ng Quezon.

Antonio, Lilia F. 2006. Ang Pag-igpaw sa Mga Problema sa Pagtuturo at Paggamit ng Filipino (seminar paper: 9th Philippine Linguistics Congress). Department of Linguistics, University of the Philippines. Lunsod ng Quezon.

Atienza, Monico M. at Constantino, Pamela C. (mga editor). 1996. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. UP-Sentro ng Wikang Filipino, Lunsod ng Quezon.

Catacataca, Pamfilo D. 2006. Wikang Filipino: Mabisang Midyum ng Pagtuturo ng mga Pagpapahalagang Pilipino (sa “Guro: Mula Tsok Hanggang Internet”).

Chul, Rho Young. 2005. Isang Komparatibong Pagpaplanong Pangwika sa Kaso ng Korea at Filipinas (sa “Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL”).

Constantino, Pamela C. (editor). 2005. Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL. UP-Sentro ng Wikang Filipino at Sanggunian sa Filipino, Lunsod ng Quezon; at Pambansang Komisyon para sa Sining, Lunsod ng Maynila. 26 Suri, Saliksik, Sanaysay

______. 2005. Panimula ng “Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL”.

Cruz, Isagani. 2001. Kung Bakit sa Wikang Filipino Lamang Dapat Ituro ang mga Sabjek sa Lahat ng Lebel ng Edukasyon sa Filipinas (sa “TALISIK...”)

______. 2006. Split-Level Americanization: A Case Study of McDonaldized Philippines (papel na binasa sa “International Conference on the United States and the Pacific Islands: Culture, Science, Politics”). Okinawa, Japan. [masisipat sa http://criticplaywright.blogspot.com/2006/12/split-level- americanization-case-study.html]

Derbyshire, Charles (tagasalin). 2005. The Reign of Greed (salin ng El FIlibusterismo ni Jose Rizal). Project Gutenberg Ebook. [masisipat sa http://www.gutenberg.org/ files/10676/10676-h/10676-h.htm]

Deriada, Leoncio P. 1995. Ang Pagpapunlad ng Filipino sa Tulong ng mga Bisaya (sa “Tinig 2: The Living Voice in Conversation”). UP Creative Writing Center. Lunsod ng Quezon.

Dulay, Ivy. c.2006. Opposition to HB4701 Which Imposes the Use of English As the Sole Medium of Instruction in Philippine Schools (online petition). [masisipat sa http://www.petitiononline.com/HB4701/petition.html]

Dutcher, N. and Tucker, G.R. 1997. The Use of First and Second Languages in Education: A Review of Educational Experience (sa “Education in a Multilingual World”). Washington D.C.

Grandin, John M. 2004. Foreword to “Opportunities in Foreign Language Careers”.

Espiritu, Clemencia C. (editor). 2005. Ang Filipino sa Ibayong Kurikulum. (sa “Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL”)

______. 2001. TALISIK: Opisyal na Dyornal Sentro ng Kahusayan sa Filipino, Philippine Normal University (Vol. 1 Bilang 1). Lunsod ng Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 27

Maynila.

______. 1998. Mga Tugon ng Mga Cebuano sa Kontrobersyang Pangwika: Implikasyon Para sa Debelopment ng Filipino (sa “Wikang Filipino sa Larangang Akademiko: Kolokyum ’96, ’97, ‘98”).

Espiritu, Clemencia C. at Fortunato, Teresita F. (mga editor). 2006. Guro: Mula Tsok Hanggang Internet (Aklat-Parangal kay Nenita R. Papa). Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino.

European Commission. 2008. Promotion of Multilingualism in the 31 Countries of the Lifelong-learning Programme (Final Report). [masisipat sa http://ec.europa. eu/education/languages/pdf/doc1631_en.pdf]

______. 2007. Outcomes of the European Commission’s Public Consultation on Multilingualism. [masisipat sa http://ec.europa.eu/ education/policies/lang/consult/report_en.pdf]

Extra, Guus at Yağmur, Kutlay. 2005. Multilingual Cities Project: Crossnational Perspectives on Immigrant Minority Languages in Europe. Babylon, Tilburg University, The Netherlands. [masisipat sahttp://www6.gencat.net/llengcat/noves/ hm05primavera-estiu/docs/extra.pdf ]

Fortunato, Teresita F. 1995. Tungo sa Intelektwalisasyon ng Filipino sa Ekonomiks: Ilang Parameter (sa Gawad Surian sa Sanaysay: Gantimpalang Collantes: 1992-1998).

Gullas, Eduardo et al. 2006. House Bill/HB No. 4701 (An Act to Strengthen and Enhance the Use of English As the Medium of Instruction in Philippine Schools).

Jerman-Blažič, Borka. On Cultural Diversity and Multilingualism On the Internet. Internet Society, Slovenia. [masisipat sa http://www.wallonie-en-ligne.net/2005_ Prospective-Internet/Actes/2-2-1_Jerman-Blazic_Borka.pdf]

Jose, Vivencio R. 1996. Ang Wika ng Pagpapalaya, at Ang Papel ng Akademya (sa “Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan”). 28 Suri, Saliksik, Sanaysay

Kelly, Michael et al. 2004. European Profile for Language Teacher Education –A Frame of Reference: A Report to the European Commission Directorate General for Education and Culture. [masisipat sa http://ec.europa.eu/education/languages/ pdf/doc477_en.pdf]

Kari, Ethelbert E. 2002. Multilingualism in Nigeria: The Example of Rivers State (seminar paper: Seminar on Multilingual Situation and Related Local Cultures in Asia and Africa). Tokyo University of Foreign Studies, Tokyo, Japan. [masisipat sa http://www3.aa.tufs.ac.jp/~P_aflang/TEXTS/eekari02march.pdf]

Komisyon sa Wikang Filipino. 1998. Wikang Filipino sa Larangang Akademiko: Kolokyum ’96, ’97, ‘98. Lunsod ng Maynila.

______. 1998. Gawad Surian sa Sanaysay: Gantimpalang Collantes (1992-1998). Lunsod ng Maynila.

______. 2005. English-Tagalog Dictionary (6th Edition). Lunsod ng Maynila.

Komiteng Ad-Hoc, Tanggapan ng Chancellor ng UP-Diliman. 2002. Kartilya Para sa Wikang Filipino (sa “Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas”).

Licuanan, Patricia B. 2007. Language and Learning (talumpati sa “CEO Forum on English-Philippine Business for Education”). Asian Institute of Management. [masisipat sa http://www.quezon.ph/wp-content/uploads/2007/04/licuanan- speech-1.pdf]

Liwanag, Lydia B. 2001. Ang Proseso ng Istandardisasyon ng Wika: Mga Isyu at Karanasan ng Pilipinas.(sa “TALISIK...”)

Limbach, Jutta et al. 2008. A Rewarding Challenge: How the Multiplicity of Languages Could Strengthen Europe (Proposals from the Group of Intellectuals for Intercultural Dialogue set up at the initiative of the European Commission). European Commission. Belgium. [masisipat sa http://ec.europa.eu/education/ languages/pdf/doc1646_en.pdf] Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 29

Lumbera, Bienvenido. 2005. Saan Tutungo ang Wikang Filipino Ngayong Binubura ito ng Globalisasyon? (sa “Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL”).

Lumbera, Bienvenido et al. (mga editor) 2007. Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the Philippines. IBON Foundation, Inc. Lunsod ng Quezon.

Luz, Juan Miguel. 2007. ‘English First’ Policy Will Hurt Learning). Inquirer.Net. [masisipat sa http://archive.inquirer.net/view.php?db=1&story_id=44752]

Macapagal-Arroyo, Gloria. 2003. Executive Order (EO) 210, Series of 2003. (nasa “Apendiks” ng “Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL”).

Malone, Susan. 2003. Education for Multilingualism and Multi-literacy in Ethnic Minority Communities: The Situation in Asia (nalimbag din sa Asian/Pacific Book Development: Vol. 34 no. 2, January, 2004). SIL International, Bangkok, Thailand. [masisipat sa http://www.sil.org/asia/ldc/plenary_papers/susan_malone.pdf ]

Mehrotra, S. 1998. Education for All: Policy Lessons From High-Achieving Countries (sa “Education in a Multilingual World”). New York.

Merriam and Webster Bookstore, Inc. 1986. Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (Bilingual Edition). Lunsod ng Maynila.

Miclat, Mario. 2001. Bukas na Liham ng SANGFIL kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo Hinggil sa Wikang Filipino (sa “Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL”).

Msila, Vuyisile. 2007. From Apartheid Education to the Revised National Curriculum Statement: Pedagogy for Identity Formation and Nation Building in South Africa (nalimbag din sa Nordic Journal of African Studies). University of South Africa, South Africa. [masisipat sa http://www.njas.helsinki.fi/pdf-files/ vol16num2/msila.pdf]

Nolasco, Ricardo Ma. Duran. 2008. Languages Do Matter! (Press Release). 30 Suri, Saliksik, Sanaysay

[masisipat sa http://wika.pbwiki.com/f/PRESS+STATEMENT_February+12.pdf]

______. 2007. Maraming Wika, Matatag na Bansa (Talumpati sa 2007 Nakem Conference). Don State University. [masisipat sa http://asagcaoili-ariel.blogspot.com/2007/06/nolascos-maraming- wika.html]

Orban, Leonard. 2008. Tradition and Cultural Diversity: Multilingualism as Instrument for a Trans-boundary Europe (talumpati). Clingendael Institute for International Relations, The Hague, Netherlands. [masisipat sa http://ec.europa. eu/commission_barroso/orban/news/docs/speeches/080402_speech_Hague/EN_ Tradition_and_Cultural_Diversity_Multilingualism.pdf]

______. Towards a lingua franca of the Mediterranean? Multilingualism in Europe (talumpati). Lectio Magistralis for the XIII International Summer School, Gorizia, Italy. [masisipat sa http://www.summerschool.isig.it/ Documenti/Speeches/Orban.pdf]

Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining. 2000. Gabay sa Pagsasalin. Lunsod ng Maynila.

Puno, Reynato S. 2008. Talumpati sa Supreme Court Forum on Access to Justice. Court of Appeals, Manila.

Rivera, Wilga M. 2004. Opportunities in Foreign Language Careers (Revised Edition). Mc-Graw Hill Companies, Inc. USA

Tiamson-Rubin, Ligaya et al. 2001. Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Rex Book Store, Lunsod ng Quezon.

______. 1993. Intelektwalisasyon at Istandardisasyon ng Filipino sa Agham Panlipunan (sa Gawad Surian sa Sanaysay: Gantimpalang Collantes: 1992-1998).

Turgo, Nelson. 2006. Kung Bakit Nagmura Ako ng Putang Ina sa Buwan ng Wika Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino 31

O ang Diskurso ng Kapangyarihan/Pulitika ng Tunggalian sa Filipino Bilang Wikang Pambansa (talumpati). Manuel S. Enverga University Foundation, Inc. Lunsod ng Lucena, Quezon.

[masisipat sa http://planet.naga.gov.ph/2006/08/18/kung-bakit-nagmura-ako-ng- putang-ina-sa-buwan-ngwika/]

United Nations-General Assembly. 2007. Resolution 61/266 (Multilingualism). [masisipat sa http://www.undemocracy.com/A-RES-61-266.pdf]

United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). 2003. Education in a Multilingual World (Position Paper). Paris. [masisipat sa http://unesdoc.unesco.org/images/0012/001297/129728e.pdf ]

Villafuerte, Patrocinio V. at Bernales, Rolando A. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Mutya Publishing House, Valenzuela City.

Victor, Florencia. 2005. Lingguwistikong Dibersidad: Komparatibong Pagsusuri ng Pagpaplanong Pangwika ng India at Filipinas (sa “Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL”).

Young Chul, Rho. 2005. Isang Komparatibong Pagpaplanong Pangwika sa Kaso ng Korea at Filipinas (sa “Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL”).

Ytsma, Yehannes c.2004. Trilingual Primary Education in Friesland, The Netherlands. [masisipat sa www.euroclic.net/inhoud/cfiles/pdf/netherlands2.pdf]

Zabolotnaya, Natalia V. 2006. Philippine Linguistics Studies in Russia (seminar paper: 9th Philippine Linguistics Congress). Department of Linguistics, University of the Philippines. Lunsod ng Quezon. [masisipat sa web.kssp.upd.edu.ph/ linguistics/plc2006/papers/FullPapers/III-A-3_Zabolatnaya.pdf] Kontra-Gahum: Ang Lahatang-Panig at Kapit-sa-Patalim na Pag-unlad at Pagsulong ng Wikang Pambansa Mula sa Panahon ng Kolonyalismo Hanggang sa Bungad ng Ikalawang Milenyo*

“Limot na ba ninyo na may isang lupang/laon nang panahong nakatanikala? Limot na ba ninyong tayo’y may bandila/na may isang araw saka tatlong tala? Nawala na rin ba sa inyong gunita/na tayo’y mayroong katutubong Wika? Itong Wikang ito’y bigay ni Bathala/at likas na yaman ng bayang kawawa; Kung ang mamahali’y Ingles at Kastila/Mabuti pang tayo’y mamatay nang bigla.”1 - “Wikang Ingles Laban sa Wikang Kastila” (Piyesa sa Balagtasan na sinulat ni Florentino Collantes noong Pebrero 1928) ung literal na ilalapat ang prediksyon ni Florentino Collantes tungkol sa kahihinatnan ng bansang nagpapakalunod sa mga wikang banyaga, hindi kalabisang sabihing naghihingalo na ang Pilipinas. Nasa estadong in articulo mortis na ito, sabi nga ng mga Romano. Sisinghap-hinghap Kang kalagayang sosyo-ekonomiko ng mga Pilipino. Isang kahig, isang tuka. Patay- * Nagwagi ng Unang Gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay 2009 ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang artikulong ito. Inilalahad sa sanaysay na ito ang kasaysayan ng pag-unlad at pagsu- long ng ideya ng wikang pambansa mula sa mga huling dekada ng kolonyalismong Espanyol hanggang sa unang dekada ng siglo 21. Ayon sa sanaysay, patuloy na sumusulong at umuunlad ang paggamit ng wikang Filipino sa kabila ng mga atake rito ng mga kaaway ng wikang pambansa. Ang resilyens ng wi- kang Filipino samakatwid ay pagsalamin sa resilyens din ng sambayanang gumagamit nito bilang matibay na wika ng diskursong pambansa mula noon hanggang ngayon gaya ng pinatutunayan ng mabulas na Filipinisasyon ng midya, sa kabila ng hegemonya ng Ingles sa domeyn ng edukasyon at politika. 33 gutom sa sarili nilang bansa. Kayod-kalabaw ngunit walang pambili ng sabaw. Alipin ng dayuhan, busabos ng Kanluran. Nakatanikala ang leeg, ang paa, ang kamay at maging ang dila. Namamasasa sa karangyaan at kayamanan ang iilan habang walang makain ang nakararaming taumbayan. Manaka-nakang sumasambulat ang tila walang katapusang armadong hidwaan sa maraming bahagi ng kapuluan. Ito ang Pilipinas sa kasalukuyan: isang naghihingalong bayan na nangangailangan ng agarang lunas. Ang ganitong kalunus-lunos na sitwasyon ay bunga ng kawalan ng pambansang identidad ng mga Pilipino bunsod ng gahum o hegemonya ng mga pwersang Kanluranin sa wika, kultura, edukasyon at ekonomya ng bansa. Tila isang kahon ni Pandora ang gahum ng wikang dayuhan sa bansa na bahagi lamang ng mas malawak na saklaw ng lahatang-panig na Amerikanisasyon ni Juan de la Cruz. Ngunit, gaya rin ng kahon ni Pandora, mula sa miserableng kalagayan ng ating sisinghap-singhap na republika ay matatagpuan natin ang isang mumunting pag-asa. Isang munting titis na sa mga nagdaang panaho’y naging sanlibo’t isang sulo ng pakikibaka para sa pambansang kalayaan at pagkakaisa. Isang dakilang pakikibakang pinagbuwisan ng dugo, pawis at di kawasang hirap, pagod at pagsisikhay ng sambayanang Pilipino mula sa Panahon ng Kolonyalismo hanggang sa bungad ng Ikalawang Milenyo: ang lahatang-panig at kapit-sa- patalim na pag-unlad at pagsulong ng wikang pambansa bilang pwersang pambuo ng kamalayang pambansa at makabansa, sa kabila ng mapaminsalang gahum ng mga impluwensyang kanluranin.

Sistematikong Pagbubura ng Kamalayang Pambansa at Makabansa: Ang Tatlong Siglong Gahum ng Krus at Espada

Sa buong panahon ng pananakop ng mga Kastila, binura ng mga kolonyalista ang pagkakataon ng mga indio na makahubog ng pambansa (national) at makabansang (nationalist) kamalayan mula sa kalat-kalat na mga pulong binubuo ng mga nagsasariling barangay. Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taon ng pang-aalipin ang nagpalala sa parokyalismo at pagkakanya-kanya ng iba’t ibang pangkat-etniko sa Pilipinas. Sumiklab ang mga pag-aalsa sa mga linyang sektoral, etniko at personal sa unang 100 taon pa lamang ng paghahari ng mga Espanyol ngunit maagang bahagi na ng ika-19 na siglo nang unti-unting sumibol ang binhi ng kaisipang nasyonalismo sa Pilipinas. Hindi makasunod ang Las Islas Filipinas sa liberal at demokratikong padron ng pagbubuo ng kamalayang pambansa at makabansa na itinakda ng Panahon ng 34 Suri, Saliksik, Sanaysay

Pagkamulat o Age of Enlightenment sa Europa dahil sa sistemang kolonyal na nagpataw ng mapanikil na hegemonyang may aspektong sosyo-kultural at pulitikal. Sa dami at salimuot ng aksyong mapanupil na dinanas ng mga indio sa kamay ng mga Kastila, kakapusin sa pagpapaliwanag maging ang Prison Notebooks ng Italyanong sosyalista na si Antonio Gramsci, kung saan detalyadong nilinaw ang iba’t ibang aspekto at mga pamaraan ng pagpapataw ng hegemonya sa kultura, pulitika at ekonomya. Sinunog ng ilang misyonero ang mga malamanuskritong balakbak ng puno at kawayang bumbong na kinasusulatan ng katutubong panitikan na diumano’y “gawa ng diyablo.” Binura ang konsepto ng maunlad at nagsasariling sibilisasyong Oryental na maaari sanang nakapagbanyuhay malaon sa unti-unting paghuhugis ng kamalayang makabansa at pambansa. Itinuring ng mga conquistador na mababang uri at ignorante ang nakararaming katutubong mamamayan ng kapuluan na kakatwang binansagan nilang indio. Ipinagkakaloob lamang ang edukasyon sa nakaririwasang uri gaya ng mga ilustrado at principalia. Ang mga pahayagan at palimbagan ay pawang kontrolado ng mahigpit na sensurang masugid na kaaway ng sentido komun, kasiningan, liberalismo at kalayaan sa pamamahayag. Ginamit ang batobalani ng krus at ang dahas ng espada upang sawatahin ang anumang pagtatangka ng mga indio na magpahayag ng hinaing na maaaring mag-anyong pambansa at makabansa kapag nagkasabay-sabay at nahinuha ng balana na may kolektibo pala silang iniisip, nararamdaman at ipinakikipaglaban bilang isang lahing binibigkis ng dugo at pag-ibig sa kalayaan. Sapagkat nanatiling nakakulong sa daigdig ng nobena, tributo at sensura ang kamalayang indio, hindi kataka-takang nanatiling parokyal at makitid ang pagkaunawa ng mga Pilipino sa diwa at kahulugan ng nasyonalismo, lalo pa sa implikasyong lingguwistiko nito. Sa mga huling dekada na lamang ng kolonyalismong Espanyol umalingawngaw sa Pilipinas ang panawagang “Liberté, Égalité, Fraternité ” ng mga makabayan sa mga sumisibol na estadong-nasyon sa Europa gaya ng Pransya.

Ang Papel ng Kilusang Propaganda at sa Pagbubuo ng Pambansang Kamalayan at Pagsibol ng Konsepto ng Pambansang Wika

Kinailangan pa ang mga kagimbal-gimbal na pakikialam ng garrote sa kapalaran ng mga bayaning martir na gaya nina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos Jacinto Kontra-Gahum 35

Zamora at Dr. Jose Protacio Rizal – bukod pa sa noong una’y Eurosentrikong Kilusang Propaganda ng mga Pilipinong ilustrado – upang mapukaw, mapatining at tuluyang magkahugis ang nasyonalismong Pilipino sa anyo ng kilusang repormista (na malao’y naging rebolusyunaryo) na naghahangad ng pambansang kalayaan mula sa at pagkakaisa laban sa mga kolonyalistang Espanyol. Ang dakilang pakikibakang ito’y kinatatampukan ng namumuong konsensus sa hanay ng mga pinamumunuan ng Katipunan, ang kauna-unahang rebolusyunaryo at pambansang organisasyong naglalayong mapalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila, ukol sa pangangailangan sa isang wikang magbubuklod sa sambayanan habang winawasak nito ang mga tanikalang malaon nang sumasakal sa kalayaan ng bansa. Bunsod ng konsensus na ito, halos lahat ng manipesto at pahayag ng Katipunan ay isinulat sa wikang Tagalog – ang wika ng kabisera at mga kanugnog- probinsya – partikular ang rebolusyunaryong manipesto ni Andres Bonifacio na pinamagatang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog.” Sa manipestong ito, ginamit ni Bonifacio ang salitang Tagalog upang tukuyin, di lamang ang pangkat etno-lingguwistikong Tagalog sa Luzon, kundi ang lahat ng mga indio na karamiha’y “taga-ilog,” o pawang nakatira sa mga pamayanang malapit sa kailugan. Nilinaw ni Bonifacio ang dimensyong lingguwistiko at kultural ng hegemonyang Kastila sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pre-kolonyal na literasi sa katutubong wika ng mga sinaunang Pilipino, na naglaho o kaya’y lumabnaw bunsod ng pagdatal ng kolonyalismo: “bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog.” Sa huli’y ipinanawagan ni Bonifacio di lamang ang rebolusyong magwawasak sa pisikal na tanikala ng pagkaalipin, kundi maging sa mga intelektuwal na kandadong humahadlang sa pagsibol ng malayang bansa, pagkabansa at kamalayang makabansa: “...panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang ani na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan...ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan.” Sa pahayag na ito’y binibigyang-diin ng Supremo ng Katipunan ang mahigpit na pangangailangan sa pagbuo ng pambansang kamalayan na sinikil at di pinayagang makasibol sa mahigit tatlong daang taong hegemonya ng mga Kastila. Panimulang katuparan ng pangarap ni Bonifacio ang pagpapatibay ng Konstitusyon sa Biak-na-Bato, Bulacan (1897) sa isang probisyong nagpapahayag sa wikang pambansa ng bago at nakikibaka pa ring republika: “Ikawalong Utos: Ang wikang tagalog ay siyang mananatiling wika ng Republika.” Nauna pa sa 36 Suri, Saliksik, Sanaysay konstitusyong ito’y ipinahayag na ng propagandistang martir at pambansang bayani na si Rizal, sa pamamagitan ni Simoun, ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pakikibaka laban sa kolonyalismo at para sa kalayaan: “Nilimot ninyong lahat ang katotohanang habang pinananatili at pinangangalagaan ng mga mamamayan ang kanilang wika, pinananatili at pinangangalagaan din nila ang tanda ng kanilang kalayaan, gaya rin ng pagpapanatili at pangangalaga ng tao sa kanyang kalayaan habang kanyang pinanghahawakan ang sarili niyang paraan ng pag-iisip.” Sa kontekstwalisasyon ng pahayag ni Rizal sa El Filibusterismo at ng probisyong pangwika ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato, malinaw na makikita ang koordinasyon at paghuhugpong ng kaisipang repormista ng Kilusang Propaganda at ng ideolohiyang rebolusyunaryo ng mga Katipunero sa paninindigang ang pagbubuo ng makabansa at pambansang kamalayan ay may dimensyong lingguwistiko sa anyo ng pagpapasibol at paglilinang ng isang wikang pambansang magbubuklod sa madla. Antiklimaktikong naudlot ang pagpapasibol ng wikang pambansa ng mga Pilipinong rebolusyunaryo – na malao’y nagtagumpay sa pagpapalayas sa mga Kastila – sa pagdaong ng isang bagong lahing dayo sa ating dalampasigan. Sa simula’y ikinubli nila ang motibong agawin ang matamis na kalayaang bagu-bago pa lamang nalalasap ng sambayanan. Higit na mapaminsala at puno ng balakid ang tatahaking landas ng mga Pilipino sa patuloy na pakikibaka para sa pambansang kalayaan at pagkakaisa, kasama na ang pagkakaroon ng wikang pambansang magbubuklod sa taumbayan laban sa gahum ng mga bagong mananakop.

Siling Labuyo, Edukasyong Alkansya at Tanikala sa Dila: Ang Wikang Katutubo sa Mga Unang Dekada ng Hegemonya ng Amerika

Muling nabalam ang dapat sana’y natural na pagsibol at pag-unlad ng kamalayang pambansa at makabansa sa Pilipinas bunsod ng panibago at mas malalimang kolonisasyon. Kaiba sa mga Kastila, nilubos ng mga Amerikano ang paghubog sa mga Pilipino ayon sa kanilang pag-iisip at pagkatao. Kung paglalaruan ang dalawang kontemporaryong salitang pang-agham, maaaring tawaging psychological cloning ang prosesong inilapat ng mga bagong mananakop sa mga indio. Sa isip, sa salita at sa gawa, nilutong little brown Americans ang lumitaw na produkto ng mga paaralang itinayo at pinamahalaan ng mga kampon ni Uncle Sam. Sinimulan ang psychological cloning sa pamamagitan ng sapilitang pagpapagamit ng wikang Ingles sa lahat ng mga paaralan. Kontra-Gahum 37

Ganap na ipinagbawal at ginawang tila krimen ang pagsasalita sa wikang bernakular. Ayon sa kwento ng yumaong si Aling Bebang (Genoveva Edroza-Matute), sa panahon ng mga Amerikano’y hinihiya sa pamamagitan ng pagpapasuot ng dambuhalang karatulang “I was caught speaking in the vernacular” ang sinumang mahuling gumamit ng wikang katutubo sa kampus. Walang habas din ang pagsusubo ng siling labuyo ng mga maestrang balintunang nakabaro’t saya pa mandin, sa mga sawimpalad na batang kulang ang alam na Ingles kaya obligadong manaka-nakang bumulong o maghayag sa bernakular. M a r a h i l , sa panahong ito rin nabuo ang maling konsepto ng labis na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa wikang Ingles. Kayhirap nga namang mahalin sa simula ng isang wikang nagdulot ng literal na anghang at hapdi sa iyong batang labi. Upang ganap na maisakatuparan ang Amerikanisasyon ng mga Pilipino, ginamit ng mga gurong Thomasite at ng mga gurong Pilipino na kanilang sinanay ang pamaraang kinutya ng Brazilianong edukador na si Paulo Freire sa katawagang banking education, edukasyong “alkansya” o dili kaya’y “suksok-hugot” sa simpleng turing. Pangangabisote at basa-bigkas sa tahasang pagtukoy: kung anong sabihin ng guro ay siya ring uulitin, bibigkasin, isusulat at muling uulitin, bibigkasin at mememoryahin ng mga tila lorong mag-aaral. Samakatwid, ang “edukasyong alkansya” (banking education) ay gumagamit ng metodong “nagsusuksok” lamang ng kaalaman sa kukote ng mga mag-aaral (ang inaakalang “dapat isipin”) sa halip na ganap na linangin ang kaisipan ng estudyante upang matuto itong lumikha, magproseso at umunawa ng kaalaman (ang proseso kung paano mag-isip). Nakatutuwang balikan sa puntong ito ang Klase sa Pisika ni Padre Millon (sa El Filibusterismo ni Jose Rizal). Tila halos walang pinagbago ang makalumang pamamaraan ng mga prayleng Kastila at ng mga gurong Thomasite – maliban sa pagpapatumpik-tumpik ng una na ituro ang kanilang wika sa mga Pilipino – batay na rin sa pangungumpisal ni Bonifacio Sibayan (dating pangulo ng Philippine Normal College) ukol sa edukasyon na kanyang tinamo sa kamay ng mga Amerikano. Halimbawa, sa pag- awit ng mga kantang Ingles, paulit-ulit na memorisasyon ani Sibayan ang pangunahing layunin. Mistulang muling paglalarawan sa sistemang “suksok- hugot” ang pagbabahagi ng karanasan ni Sibayan ukol sa monolinggwal na edukasyon sa panahon ng mga Amerikano: “We were immersed in English... The Philippine immersion described here was practically forced on us... Failure to learn English for understanding the subject matter of the various subjects meant failure in school...Immersion in English meant committing to memory many poems, maxims and retelling stories that we read.” 38 Suri, Saliksik, Sanaysay

Kasabay ng sapilitang pagpapagamit sa wikang Ingles at mistulang pagkitil sa mga wikang katutubo, tahas at marahas na sinupil ang nag-aalab na damdaming makabayan at kamalayang pambansa ng sambayanan na pamana ng Katipunan at ng nasawing Unang Republika. Ipinagbawal ang pagtatanghal ng watawat at ng iba pang simbolo ng nasyonalismo. Tiniktikan ang mga makabayang sarswela na may mensaheng pulitikal at kung minsa’y pailalim na nananawagan ng tuluy-tuloy na pakikipaglaban sa mga bagong mananakop, gaya ng “Kahapon, Ngayon at Bukas” ni Aurelio Tolentino, “Hindi Aco Patay” ni Juan Matapang Cruz, “Ing Anac Ning Katipunan” ni Juan Crisostomo Sotto at “Tanikalang Guinto” ni Juan Abad. Paulit-ulit na inaresto at ibinilanggo ang maraming manunulat, mandudula at maging ang mga artista sa mga “subersibong sarswela.” Kahit ang mga pahayagang makabayan na naglilimbag sa wikang Español gaya ng El Renacimiento ay ipinasara dahil sa paglalathala ng mga artikulong tumutuligsa sa mga Amerikano at nagpapalaganap ng nasyonalismo. Sa pagtuturo ng kasaysayan, talambuhay nina Abraham Lincoln, George Washington at Benjamin Franklin ang tinalakay sa loob ng mga paaralan. Binansagang bandido at tulisan ang mga makabayang gaya nina Macario Sakay na nagpatuloy sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan sa kabila ng pagsuko ng mga ilustrado sa mga bagong mananakop. Binura sa memorya ng maraming henerasyon ng mga little brown American ang dakilang pakikipaglaban ng mga Katipunero na rumurok sa pagtatayo ng magiting ngunit agad-ding-nabuwal na Unang Republika sa Pilipinas at sa Asya: ang unang matagumpay na pagtatangkang buklurin ang mahigit 7,000 pulo ng bansa sa isang malaya, at nagsasariling pamahalaan na dapat sana’y nakapagpasibol sa minimithing pambansa, at makabansang kamalayan na kinakailangan din, sa pagpapanatili ng kalayaang pampulitika at sa pagkamit ng kaunlaran sa ekonomya. Sa madaling sabi, binura ng bagong kolonyalismo ang kasisibol pa lamang na kamalayang makabansa at pambansa ng mga Pilipino. Ipinalit ang kamalayang Amerikanisado sa pamamagitan ng edukasyong monolinggwal sa Ingles at distorted na pagtuturo ng kasaysayan. Sa prosesong ito ng pinaghalong banking education at psychological cloning, matagal na panahong humina ang ningas ng sumisibol na nasyonalismo. Tila maglalaho na ang ningas nang dumating ang panibagong sulong tatanglaw sa mahabang landas ng pakikibaka para sa pambansang kalayaan at pagkakaisa na mapatitibay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng wikang pambuklod sa madla. Kontra-Gahum 39

Ang Talibang Ahensyang Responsable sa Kultibasyon ng Wikang Pambansa

Ikalabindalawa ng Enero 1937 nang ihayag ang pagbubuo ng Institute of the National Language sa bisa ng Commonwealth Act No. 184. Magsisilbing tagalinang ng lupang tatamnan ng wikang pambansa ang ahensyang ito na sa kasaysayan ay ilang beses pang magbabanyuhay bago maging Komisyon sa Wikang Filipino sa kasalukuyan. Pinili ang pitong mamamayan para katawanin ang pitong lingguwistikong pangkat sa Pilipinas sa bagong-tatag na instituto: sina Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte Visayan), Santiago Fonacier (Ilocano), Filemon Sotto (Cebu Visayan), Casimiro Perfecto (Bicol), Felix Rodriguez (Panay Visayan), Hadji Butu (Moro) at Cecilio Lopez (Tagalog). Mabilis na nanaliksik at kumilos ang instituto. Batid nilang ang pagbubuo ng wikang pambansa ay napakahalaga sa pagbubuo ng kamalayang pambansa at makabansa na sa panahong iyon (at mukhang hanggang ngayon) ay hilaw, mabuway at mahina pa sa isip at puso ng nakararaming Pilipino. Ikasiyam ng Nobyembre 1937 nang lagdaan ng mga kasapi ng instituto ang resolusyon na naghahayag ng rekomendasyon na piliin ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas – ang wikang pinakamaunlad sa aspekto ng istruktura, mekanismo at literatura bagamat pangalawa lamang noon sa dami ng mamamayang gumagamit nito sa buong kapuluan bilang kanilang unang wika.

Ang Panibagong Binhi: Wikang Pambansang Batay sa Tagalog

Pormal na iniluwal ng Executive Order (EO) No. 134 ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon ang wikang pambansang batay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937, alinsunod sa rekomendasyon ng Institute of the National Language na may komposisyong multilinggwal. Isang buwan bago ang paglagda niya sa makasaysayang EO, inilahad ni Quezon ang kahalagahan at pangangailangan na magkaroon ng wikang pambansa ang mga Pilipino: “...many of the difficulties or defects now existing here are due to the fact that we have not a common national language of our own. The desire to imitate everything alien...is due to an evil – to the lack of a real national soul. A national soul cannot exist where there is not a 40 Suri, Saliksik, Sanaysay common language. We shall never have any genuine national pride until we have a language of our own. We shall always have that sign of inferiority.”

Ang Kamusmusan ng Wikang Pambansa : Usad-pagong na Pagsulong

Katulad ng iba pang yugto sa pag-unlad nito, ang lehislatibong pagsilang ng wikang pambansa ay maituturing na kapit-sa-patalim: mabagal ang pag-usad sapagkat laging hinahadlangan, parang rumaragasang tubig na laging ibinibilanggo ng mapaniil na prinsa ngunit malao’y sumasambulat din sa kabila ng lahat ng pagpigil at pagsansala rito. Katunayan, tatlong taon muna ang lumipas mula nang ihayag ni Quezon ang pagsilang ng wikang pambansang batay sa Tagalog bago ito naging isa sa wikang opisyal ng Pilipinas sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 570 na nilagdaan noong Hunyo 7, 1940. Hindi rin retroactive o agaran ang implementasyon ng batas na ito: kailangan pang hintayin ang “pagsasauli” ng kalayaan ng Pilipinas na itinakda sa Hulyo 4, 1946. Isa sa mga itinakdang kundisyon ng Batas Tydings- Mc Duffie – na naglalaman ng diumano’y “pagsasauli” ng kalayaan ng Pilipinas – ang pagpapanatili ng Ingles bilang pangunahing wika ng edukasyon. Malaking kabalintunaan na ang wikang pambansang batay sa Tagalog ay itinuturing na isa sa mga “wikang opisyal” ngunit Ingles pa rin ang wikang ipinalalaganap sa mga paaralan at ito rin ang wikang higit na ginagamit, katuwang ng Español, sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya ng pamahalaan. Sa buong panahon ng pagiging direktang Amerikanong kolonya ng Pilipinas hanggang sa maging bahagi na ito ng tinaguriang Commonwealth, tinangkang sansalain ng mga Amerikano ang pagsilang ng ating wikang pambansa. Umaasa silang sa pag-aantala sa opisyal na paggamit ng wikang pambansa ay patuloy na mararahuyo ang mga Pilipino sa wika, kultura, produkto at sibilisasyong Amerikano. Nais nilang ipagpatuloy at palalimin pa ang Amerikanisasyon ng mga binansagang brown Americans. Mismong si Gobernador Heneral William Cameron Forbes ang naghayag ng ganitong layunin sa pagtuturo at pagpapanatili ng Ingles: “...it is believed that with the acquisition of knowledge of the English language...the development and assimilation of the Filipino people will be greatly advanced.” Ngunit bigo sila sapagkat gaya ng damong ligaw, habang tinatagpas, lalong lumalago ang wikang pambansa. Sa gitna ng pangingibabaw ng Ingles na naghahangad ng asimilasyon ng mga Pilipino sa sistemang Norte Amerikano, Kontra-Gahum 41 nagpupumiglas ang mga makabayan upang patuloy na itaguyod ang isinasantabi at inaapi-aping wikang pambansa.

Pag-igpaw ng Musmos na Wikang Pambansa sa Larangang Administratibo

Sa pamamagitan ng EO No. 263 na nilagdaan noong Abril 1940, pinagtibay ni Quezon ang pagpapalimbag sa diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa. Itinakda rin ng kautusang ito ang opisyal na pagtuturo ng wikang pambansa sa paaralang pribado at publiko. Upang ganap na maipatupad ang panimulang pagpapaturo ng wikang pambansa sa mga paaralan, naglabas ng isang kautusang pangkagawaran ang kalihim ng Instruksyong Pampubliko noong Abril 8, 1940. Nilalaman ng kautusang ito ang panimulang pagtuturo ng wikang pambansa simula Hunyo 19, 1940 bilang asignaturang pinaglalaanan ng 40 minuto bawat araw sa ikaapat na taon ng mga pribado at publikong hayskul at bilang sapilitang asignaturang pandalawang semestre sa mga “paaralang normal” sa Pilipinas. Inilabas naman ng Kawanihan ng Edukasyon ang Bulitin Blg. 26 noong Nobyembre 15, 1940 upang imungkahi ang pagkakaroon ng isang kolumna (pitak o column) o seksyon ng wikang pambansa sa mga pahayagang pampaaralan. Gayunman, nanatiling dominanteng wika sa edukasyon at pamahalaan ang wikang Ingles sa kabila ng mga kautusan na nagtataguyod sa opisyal na paggamit ng wikang pambansa. Halimbawa, sa kabila ng “mungkahi” ng Kawanihan ng Edukasyon ukol sa pagkakaroon ng kolumna sa wikang pambansa, isinalaysay ni Aling Bebang ang patuloy na panggigipit sa musmos pang wikang pambansa. Aniya, may mga pagkakataon na mas malaki pa ang seksyong Español kaysa sa kolumna ng wikang pambansa sa opisyal na pahayagang pang-estudyante ng Philippine Normal College na noo’y halos purong Ingles. Marami pang mababasang anekdota ukol sa kapit-sa-patalim at araw-araw na mumunting pakikibaka ng mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa laban sa gahum ng Ingles sa awtobayograpikal na nobelang “Walo at Kalahating Dekada ng Isang Buhay” ni Aling Bebang. Kakatwang kinailangan pa ng wikang pambansa ang di inaasahang ayuda ng panibagong pangkat ng mga manlulupig na mas marahas at mas walang pakundangan kaysa sa mga nauna, upang patuloy na umiral at sumulong habang pinagliliyab ng digma’t kaguluhan ang buong bayan. 42 Suri, Saliksik, Sanaysay

Kontribusyon ng Kaaway: Pagsigla ng Panitikan sa Wikang Pambansa

Sa kabila ng di mabilang na kalapastanganan ng hukbong Hapon na nanakop sa Pilipinas at sa malaking bahagi ng Timog Silangang Asya, maituturing na isang positibong kaganapan ang pagbubukang-liwayway ng Imperyo ng Araw sa Perlas ng Silangan para sa noo’y musmos pa nating wikang pambansa. Libu-libong mamamayang Pilipino ang marahas na pinaslang, ginutom, ginahasa at inalisan ng dangal ng bagong hukbong mananakop ngunit sa larangan ng edukasyon at panitikan, binuhay nila ang aandap-andap na titis ng nasyonalismo sa wika. Sa paghahangad nilang mahikayat ang mga Pilipino na lumahok sa pangarap na Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ng mga Hapon (isang euphemism sa Imperyo ng Araw), nagsagawa ng kudetang pangkultura ang tinaguriang “mga sakang” sa kanilang pananakop. Ibinando nila sa madla ang tunggaliang Kanluran versus Silangan upang paimbabaw na ipangalandakan na sila’y kaibigan at hindi kaaway ng mga kapwa Asyanong pinipilit lukuban ng watawat ng Pulang Araw. Ganap na ipinagbawal ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles sa mga paaralan at ipinalit ang mga katutubong wika bilang wikang panturo, pati na ang Niponggo, bagamat hindi rin nagka-ugat sa Pilipinas ang huli bunsod na rin ng maikling hegemonya ng mga Hapones. Sa bisa ng Executive Order No. 10 ni dating Pangulong Jose P. Laurel, ipinahayag ang pagpapaturo ng wikang pambansa sa lahat ng mga publiko at pribadong paaralan mula antas elementarya hanggang sa tersyarya. Upang lalo pang palaganapin ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa pamamagitan ng pagtuturo nito sa mga di-Tagalog, itinayo ng republikang “inisponsor” ng mga Hapon ang Tagalog Institute noong 1944. Hinikayat ng mga Hapon ang mga Pilipino na magsulat gamit ang wikang pambansa ukol sa mga paksang sumasalamin sa katutubong kultura at pamumuhay. Kinontrol din nila ang mga pahayagan sa pamamagitan ng ahensyang mala-Comite de Censura noong panahon ng mga Kastila, ang Manila Shimbunsya. Bunga ng paghihigpit sa paggamit ng Ingles, ang Tribune at Philippine Review na lamang ang pinayagang umiral sa matamang pagsubaybay at matalas na sensura ng Shimbunsya sa mga pahayagang Ingles na namayagpag bago ang digmaan. Maging ang mga batikang manunulat sa Ingles ay napilitang umakma sa tila makabayang patakarang pangwika ng mga Hapon. Sa tangkilik ng Shimbunsya, sumigla ang panitikan sa wikang pambansa. Nagkaroon ng mga patimpalak sa pagsulat at nangibabaw ang babasahing Liwayway na nagtampok ng mahuhusay Kontra-Gahum 43 na katha ng mga manunulat sa wikang pambansa. Tinipon sa mga de-kalibreng antolohiya ang pinakamahuhusay na kwento sa wikang pambansa. Bunsod ng mga pagsusumikap na ito pabor sa wikang pambansa, ang panahon ng Hapon ang itinuturing na “Ginintuang Panahon ng maikling kwentong Tagalog.” Sa halip na psychological cloning, cultural indigenization sa lambong ng Oryentalismo ang itinuro ng mga Hapon sa mga Pilipino. Sa maikling panahon, nagtagumpay ang mga bagong mananakop na palakarin ang sambayanan sa landas ng pagtuklas sa sarili at pagsalok sa katutubong batis ng mga karanasan, karunungan at kaalaman upang epektibong magamit ang wikang pambansa bilang behikulo ng kamalayang pambansa at makabansa. Bunsod ng lantad at aktibong pagpapalaganap ng mga Hapon sa cultural indigenization na kahit paano’y sumasalansang at bumabasag sa Amerikanisasyon ng mga Pilipino, hindi kataka-takang maging ang mga bayani at beterano ng Rebolusyon ng 1896 na kagaya ni Heneral Artemio Ricarte ay naging makiling sa mga Hapones, bukod pa sa mga kasapi ng Kilusang na pinamunuan ng anti-Amerikanong manunulat sa Tagalog at organisador ng mga magsasaka na si . Balintunang winasak ng mga Hapon ang kabuhayan, tahanan, taniman at negosyo ng mga Pilipino, ngunit nakatulong sila nang malaki sa pagbuhay sa nabalam na proseso ng pagbuo ng kamalayang pambansa: ang pagtuklas ng pambansa at makabansang identidad. Munti man, positibo sa wikang pambansa ang tagumpay ng mga Hapon sa isa sa mga deklaradong layunin nila sa pagsakop sa Pilipinas: “to eradicate the old idea of the reliance upon the Western nations, especially upon the United States and Great Britain, and to foster a new Filipino culture based on the self-consciousness of the people as Orientals.” Ngunit, sa pagwawakas ng digmaan, ang pagkatalo ng mga Hapon ay magsisilbi ring panibagong takipsilim ng opisyal at aktwal na pamamayagpag ng wikang pambansa.

Sa Panahon ng “Malayang” Republika: Panunumbalik ng Opisyal na Hegemonya ng Ingles at Hakbang-hakbang na Martsa ng Wikang Pambansa

Sa halip na samantalahin ang pagkakataon upang ideklara ang ganap na kalayaan ng Pilipinas sa mga dayuhan at simulan ang mahabang proseso ng pagbubuo ng bansa, pagkabansa at kamalayang pambansa at makabansa, muling niyakap ng mga Pilipino ang mga mananakop na Amerikano na binansagan pa nilang “ liberator” 44 Suri, Saliksik, Sanaysay ng bansa sa kabila ng katotohanan na sa halos buong panahon ng Hapon, ang iba’t ibang pangkat ng mga gerilyang Pilipino gaya ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap) na itinatag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Bundok Arayat, Pampanga ang naging mabangis na tagapagtanggol ng kalayaan ng Pilipinas. Samakatwid, muling nagpatuloy ang Amerikanisasyon ng mga Pilipino sa wika, kultura, ekonomya at pulitika sa anyaya na rin ng mga namamalikmata at nagagayuma yatang Pilipino. Tinalakay ni Amado V. Hernandez sa nobelang “Mga Ibong Mandaragit” ang epekto ng muling pagyakap ni Juan de la Cruz sa inaakalang mapagpala gayong mapanikil at tusong kamay ni Uncle Sam. Sa panunumbalik ng Estados Unidos sa Pilipinas, muling ibinalik ang opisyal na hegemonya ng Ingles sa edukasyon. Sa pamahalaan, patuloy rin ang opisyal na paggamit sa wikang Ingles bagamat sa papel, ang wikang pambansa na batay sa Tagalog ay isa ring “wikang opisyal.” Nanatili ang ganitong sitwasyon sa kabila ng “pagsasauli ng kalayaan” ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Sa kabuuan, patuloy na nagkaroon at nagkakaroon pa rin ng aktibong pakikisangkot at kung minsa’y pakikialam ang mga tagapayong Amerikano sa pagbabalangkas ng mga patakaran ng malayang republika na dati’y isang direktang kolonya. Gayunman, sa pagpupunyagi ng mga naliliwanagang Pilipinong opisyal, unti-unting mailalatag ang mga saligan upang ganap na maging wikang opisyal na rin ang wikang pambansa, sa kabila ng malakas na gahum ng Ingles at daluyong ng patuloy na Amerikanisasyon. Panandang bato ang Bulitin Blg. 9 ng Kawanihan ng Edukasyon na inilabas noong Nobyembre 21, 1946. Ang memorandum na ito’y nag-aatas sa pagkakaroon ng “panimulang aralin sa wikang pambansa ng Pilipinas para sa mga gurong di-Tagalog” na magbubunsod upang kanilang maituro nang maayos ang wikang pambansa sa mga mag-aaral sa elementarya.

Wikang “Pilipino” para sa Sambayanang Pilipino

Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na inilabas ng Kalihim ng Edukasyon noong Agosto 13, 1959, itinalaga ang pormal na pagtawag sa wikang pambansa bilang “wikang Pilipino.” Ito’y isang napakahalagang simbolikal na kaganapan. Sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan, nabibigyang-diin ang papel ng wika sa pagbuo ng pambansang identidad. Sa panahong “wikang pambansang batay sa Tagalog” pa ang tawag sa wikang “Pilipino,” laganap at maingay ang protesta ng mga rehiyunalistang ayaw sa Tagalog. Kahit paano, nabawasan bagamat ‘di Kontra-Gahum 45 tuluyang naglaho ang protesta ng mga rehiyunalista dahil higit na mas tunog- pambansa ang “Pilipino” kaysa “wikang pambansang batay sa Tagalog.” Unti-unti, aktwal na nagiging simbolong pambuklod sa madla ang wikang pambansa.

Dalawang Dekadang De-Amerikanisasyon: Aktibismo sa Wika at Pulitika

Sa pagsapit ng Dekada Sisenta, sumibol, yumabong at hitik na nagkabunga ang mga binhi ng nasyonalismo na itinanim ng mga makabayang guro, akademista at propesor sa mga paaralan, lalo na sa mga pamantasan sa pambansang rehiyong kabisera. Sa mga dambuhalang protesta sa Kamaynilaan, narinig ang mataginting na tinig ng mga estudyanteng naghahangad ng nasyonalismo sa edukasyon, pulitika at ekonomya. Taglay nila ang mga plakard sa wikang bernakular at isinigaw ang mga islogan sa wikang pambansa, halimbawa’y ang walang kamatayang “Imperyalismo, ibagsak!” na hanggang ngayo’y naririnig pa rin sa buong kapuluan sa gitna ng libu-libong at mamamayang nakataas ang kamao para sa nasyonalismo. Isang kabalintunaan na ang lahat ng ito’y epekto o kaya’y inspirado ng maimpluwensyang intelektwal na sa wikang Ingles nagsulat, si Renato Constantino. Sa pamosong sanaysay na “The Miseducation of the Filipino” na nalathala noong dekada 60, nilinaw ni Constantino ang papel ng Estados Unidos sa sistematikong pagbubura ng kamalayang pambansa at makabansa sa mga henerasyon ng Pilipinong hinubog sa mga paaralan na Ingles lamang ang wikang panturo at kulturang Amerikano lamang ang niluluwalhati. Tinibag ni Constantino ang argumento ng mga maka-Ingles sa mahusay na paggamit din ng wika ni Shakespeare sa pagpapalaganap ng “bagong kasaysayan” na nagbibigay-diin sa nasyonalismo. Tinukoy rin ni Constantino ang pagkapalaasa ng mga Pilipino sa mga Amerikano sa usapin ng ekonomya bilang kakambal na problema ng pagsandig sa wikang dayuhan. Pinakamariing batikos ang inihayag ni Constantino sa mga elite na maka-Ingles na namamayani sa pulitika ng bansa sa kabila ng kabiguan nilang makipagtalastasan sa masa: “Now we have a small group of men who can articulate their thoughts in English, a wider group who can read and speak in fairly comprehensible English and a great mass that hardly expresses itself in this language. All these groups are hardly articulate in their native tongues...The result is a leadership that fails to understand the needs of the masses because it is a leadership that can communicate with the masses only 46 Suri, Saliksik, Sanaysay in general and vague terms.” Para kay Constantino, ang pagpapataw ng Ingles sa edukasyon ang simula ng misedukasyon at pagkakawatak-watak ng mga Pilipino. Samakatwid, upang makawala sa de-Amerikanisasyon, humulagpos sa misedukasyon at makabuo ng makabansang kamalayan at pambansang kakanyahan, kailangang linangin ang wikang pambansa bilang dominanteng wikang panturo. Tumugon kahit paano ang pamahalaan sa panawagang de- Amerikanisasyon ng mga aktibistang nasyunalista sa akademya. Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 na nilagdaan noong Nobyembre 14, 1962, inutos ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapalimbag ng mga sertipiko at diploma sa “Pilipino” na may maliliit na English subtexts. Inutos naman ni dating Pangulong sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nilagdaan noong Oktubre 24, 1967 ang pagpapangalan sa Pilipino ng lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan. Sinundan pa ito ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 noong Agosto 16, 1969 na “nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan” sapagkat ang “Pilipino ay isang mahalagang sangkap ng nasyonalismo na makapagbubunsod sa ating bayan ng ibayong kaunlaran, katiwasayan at pagkakaisa.” Sa bisa naman ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na nilagdaan noong Marso 16, 1971, pinalawak ng pamahalaan ang tungkulin, kapangyarihan at kasapian ng Institute of the National Language. Samantala, naglabas ng Memorandum Sirkular Blg. 172 ang kalihim tagapagpaganap noong Marso 28, 1968 upang iatas ang “mahigpit na pagtalima sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, Serye ng 1967 at ang paggamit ng Pilipino sa official letterheads at sa mga panunumpa sa tungkulin ng lahat ng pinuno ng pamahalaan.” Inilabas naman noong Agosto 5, 1968 ang Memorandum Sirkular Blg. 199 na nagtatagubilin sa may-insentibong pagdalo ng mga kawani ng gobyerno sa mga seminar sa wikang “Pilipino” at sa iba pang katulad na aktibidad ng Institute of the National Language. Pinag-aawayan pa ng mga taumbayan at ng mga akademista ang masasamang bunga ng diktadura sa panahon ni Marcos, ngunit, sa usapin ng pagtataguyod sa wikang pambansa, maraming makabayan at tagapagtaguyod ng wikang pambansa ang magbibigay-pugay sa mga positibong hakbang na isinagawa ng administrasyong Marcos. Ikalabing-anim ng Marso 1973 nang ihayag ang opsyonal na paggamit ng wikang “Pilipino” bilang wikang panturo o medium of instruction sa ikatlong baitang ng elementarya pataas, “sa mga asignaturang mas madaling matututuhan Kontra-Gahum 47 sa pamamagitan ng wikang pambansa.” Pinalawak pang lalo ang opisyal na paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa pamamagitan ng “Mga Panuntunan sa Pagpapatupad ng Edukasyong Bilinggwal” na nilalaman ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na inilabas noong Hunyo 19, 1974 ng “Ministri ng Edukasyon at Kultura.” Itinatadhana nito ang magkahiwalay na paggamit ng “Pilipino” at Ingles bilang mga wikang panturo. Alinsunod sa memorandum na ito, ang wikang Pilipino ang siyang itinalagang wikang panturo sa asignaturang Araling Panlipunan, Edukasyon sa Wastong Pag-uugali, Edukasyong Panggawain, Edukasyong Pangkalusugan at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan. Bunsod ng patakarang bilinggwalismo sa edukasyon, malaking igpaw pasulong ang kinamtan ng wikang pambansa sa buong kapuluan. Hene-henerasyong mga Pilipino ang sumailalim sa de-Amerikanisasyon, pangunahin sa pamamagitan ng kanilang edukasyong bilinggwal na nakatuon sa pagpapasibol at pagsulong ng nasyonalismo, samakatwid baga’y ang pagbuo ng kamalayang pambansa at makabansa.

Dekada Otsenta at Nobenta: Dalawampung Taon ng Filipinisasyon

Bunsod ng makasaysayang Unang Rebolusyon sa Edsa noong 1986, nagkaroon ng bagong Saligang Batas ang ating republika. Isa sa mga pinakamainit na usaping pinagtalunan ng mga delegado sa kumbensyong konstitusyunal ay ang usapin ng wikang pambansa. May ilang rehiyunalista na nagnanais ng unibersal na dulog sa pagpili ng wikang pambansa: ang amalgamasyon o paghahalu-halo ng talasalitaan mula sa iba’t ibang wika ng Pilipinas. Maalab ding nakipagtagisan ng talino ang mga ultra-konserbatibo na nagpanukala namang Kastila ang dapat maging wikang opisyal. Pinakamasugid na kalaban ng mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa ang mga delegadong Amerikanista. Gayunman, dahil sa magigiting na tagapagtanggol ng wikang pambansa na nagmula sa iba’t ibang rehiyon at nagsasalita ng iba’t ibang wika, nanaig ang konsensus na ang wikang pambansa ay wikang Filipino na ang nukleyo ay ang wikang Pilipino, sa pasubaling ito’y patuloy na lilinangin salig sa mga umiiral na mga katutubong wika sa Pilipinas at handa ring humiram ng mga salitang banyaga. Sa pagpapalit ng pangalan mula “Pilipino” tungong “Filipino” ganap na napatahimik na ang protesta ng mga rehiyunalista. Hindi simpleng pagpapalit ng titik ang nangyari: testamento ito na ang wikang pambansa ay hindi na lamang 48 Suri, Saliksik, Sanaysay sa Tagalog nakasandig, sapagkat wala namang “F” sa Abakadang Tagalog. Ang pagbabanyuhay ng Pilipino na naging “Filipino” ay pagyakap ng wikang pambansa sa iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas na may mga tunog na wala sa Tagalog. Samakatwid, ang wikang pambansa ay nagiging “pambansa” na ngang talaga. Ang wikang Filipino’y sumusulong na rin bilang aktwal na wikang opisyal ng Pilipinas. Upang lalong pasiglahin ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya ng gobyerno, nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 noong Agosto 25, 1988. Lalo ring pinatibay ng administrasyong Aquino ang patakarang bilingguwalismo sa edukasyon sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 53, serye ng 1987. Malalaking tagumpay at pagsulong din ang kinamtan ng wikang Filipino sa mass media. Sa dalawang magkasunod na dekadang ito’y nauso ang paggamit ng Filipino sa mga public affairsat news program. Naging panggabi na lamang (at ngayon nga’y sa ilang channel na lamang matatagpuan) ang mga programang balita sa telebisyon. Pinasimulan ng programang “Batibot” at sinundan ng “At Iba Pa,” “Hiraya Manawari” at “Bayani” ang pagtatangka ng mga makabayang TV producer na tumulong sa de-Amerikanisasyon ng mga Pilipino. Tatlong henerasyon ng mga kabataang Pilipino ang patuloy na makagugunita kina Pong Pagong, Manang Bola, Kikong Matsing at Kuya Bodji – ang mga tauhang pantapat ng mga de-Amerikanisadong Pilipino sa Sesame Street, kay Barnie at kay Dora the Explorer. Hindi rin malilimot ng mga henerasyong ito ang mga isina-Filipinong cartoons kagaya ng “Huck Finn,” “Tom Sawyer,” “Julio at Julia,” “Si Mary at Ang Lihim na Hardin,” “Mga Munting Pangarap ni Romeo,” “Cedie,” “Voltes V” at napakarami pang iba. Bagama’t sa unang sipat ay banyagang kultura ang nilalaman ng mga cartoon na ito, masasabing nakatulong pa rin ito sa proseso ng de-Amerikanisasyon ng mga Pilipino. Kumpara sa mga henerasyong isinilang sa huling bahagi ng dekada nobenta, ang mga isinilang sa maagang bahagi ng dekada otsenta hanggang sa simula ng dekada nobenta ay pawang higit na may kakayahang makipagtalastasan sa wikang Filipino. Talagang malaking tulong ang mga Filipinisadong mga programa sa telebisyon na namalasak sa kanilang panahon. Ang popularisasyon ng mga radyo-dramang Tagalog na talaga namang sinubaybayan ng masang Pilipino sa buong kapuluan ay nakapag-ambag din sa pagsusulong ng wikang Filipino. Katunayan, masasabing mas malaki ang papel ng radyo sa Filipinisasyon ng mass media, sapagkat noong mga panahong iyon, hindi pa gaanong maraming Pilipino ang may telebisyon ngunit walang dudang halos bawat tahanan mula Forbes Park hanggang sa kasuluk-sulukang isla ng bansa na may naninirahang Pilipino ay may radyo. Sa dalawang dekada ring ito Kontra-Gahum 49 sumulong ang Filipinisasyon ng mga dyaryo. Bagamat napako sa mga tabloid ang Filipinisasyon ng print media, malaking tagumpay ang pag-ungos ng mga pahayagang Filipino sa bilang ng mga mambabasa ng mga Ingles na broadsheet. Lubos na naging maningning sa panahong ito ang pagsulong ng wikang Filipino sapagkat sa dekadang ito’y naipasa ang Batas Republika Blg. 7104 na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang pangunahing ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa patuloy na pagpapaunlad at pagtataguyod ng paggamit ng wikang pambansa at ng iba pang mga wika sa Pilipinas, kagaya ng hinalinhan nitong Institute of the National Language.

Sa Bungad ng Ikalawang Milenyo: Ang Pagbura sa Tagumpay ng Filipino

Sa kasamaang-palad, ang mga tagumpay ng wikang Filipino sa mga naunang dekada ay tila baga binubura ng mga pagtatangkang muling ipataw ang Ingles sa mga Pilipino. Sa nakaraang kongreso, muntik nang maisabatas ang kalagim-lagim na bangungot na tinatawag na An Act to Strengthen and Enhance the Use of English as the Medium of Instruction in Philippine Schools (House Bill/HB No. 4701). Ipinasa ito ng mga kongresista ngunit hindi nakasama sa prayoridad ng mga senador ng republika kaya’t inaasahang muling tatangkaing mailusot hanggang sa ito’y ganap na maging batas sa mga susunod pang panahon, kung hindi magigising sa mahimbing na pagtulog ang mga makabayan at mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino. Bago pa ang HB 4701, lumitaw ang isa pang dokumentong tila lason sa wikang Filipino at mga wikang bernakular, ang Executive Order/EO 210. Pagpuksa sa Filipino at mga dayalekto pabor sa lalo pang pagpapatibay ng paggamit ng wikang Ingles sa edukasyon ang pangunahing layunin ng HB 4701 at EO 210 kung pakasusuriin. Balintunang ang EO 210 ay may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the Use of English as a Second Language in the Educational System,” ngunit higit nitong pinapaboran ang Ingles laban sa Filipino at mga dayalekto ng Pilipinas. Matutunghayan sa unang seksyon ng EO 210 ang ganitong utos: “... English should be used as medium of instruction for English, Math and Science from at least the Third Grade. The English language shall be used as a primary medium of instruction, in all public institutions of learning at the secondary level. As a primary medium of instruction, the percentage of time allotment for learning areas conducted in the English language in high school is expected to be 50 Suri, Saliksik, Sanaysay not less than seventy percent (70%) of the total allotment for all learning areas...” Kahawig ito ng sinasabi sa Seksyon 4 ng HB 4701 na may layunin na “...to make the education of the young aligned with the requirements and realities of business life and competitive in the global environment by strengthening, enhancing and developing the use of the English language as the medium of instruction in all levels of education, from the preschool to the tertiary level.” Nilalaman din ng HB 4701 ang mga probisyong nagbibigay-prayoridad sa Ingles bilang wika ng interaksyon sa paaralan, wika sa mga publikasyong pang-estudyante at wika sa mga eksaminasyon sa gobyerno. Mahihinuhang sa papel, nanunumbalik na naman ang gahum ng Ingles bilang dominanteng wikang panturo.

Pulis Pangwika: Makapili/Gestapong Maka-Ingles sa Kampus

Ngunit kung sisipatin ang karanasan ng mga nasa pribadong paaralan, ang HB 4701 at EO 210 ay hindi na kailangan para sabihing namamayagpag na/pa rin ang Ingles. Sa buong panahon ng patakarang bilingguwalismo sa edukasyon sa antas elementarya hanggang sekundarya na sinimulan noong dekada 70 at lalo pang pinatibay noong dekada 80 (bagamat pinalitan naman sa elementarya ng kautusang pabor sa mother language instruction nitong Hulyo 2009), naging maka-Ingles pa rin ang mga pribadong paaralan sa Pilipinas. Halos lahat ng mga pribadong paaralan mula antas pre-elementarya hanggang sa tersyarya ay nagpapaligsahan sa pahigpitan sa kani-kanilang English-only Campaign, sa layuning makaakit ng mas maraming estudyante mula sa mga nakaririwasang uri at makapagpanggap na international school upang mabatobalani naman ang dumaraming Koreano at iba pang Asyanong dumarayo sa bansa para mag-aral. Sa aming paaralan, nitong Hulyo 2009 ay lumikha na rin ng spy network ang English Department upang manmanan ang mga estudyanteng nagsasalita ng wikang hindi Ingles (Filipino, Koreano atbp.). Nagrekrut sila ng dala- dalawang estudyante sa bawat klase na magsisilbing tiktik ng kani-kanilang seksyon. Lingguhang iuulat sa kanilang English teacher ang mga pangalan ng mga estudyanteng nahuling nagsasalita ng Filipino at iba pang wikang hindi Ingles habang nasa loob ng kampus. Pinagtatalunan pa ng mga guro sa English Department kung anong dulog o approach ang susundin: pagpaparusa sa mga nahuling nagsasalita ng wikang di Ingles sa pamamagitan ng pagbabawas ng puntos o pagbibigay ng insentibo sa mga estudyanteng nananatiling tapat sa Ingles Kontra-Gahum 51 sa pamamagitan ng pagdaragdag ng puntos. Kagulat-gulat ngunit totoong habang tumatagal, ang digmaang pangwika sa Pilipinas, partikular sa mga pribadong paaralan, ay unti-unting lumalalim at nagkakaroon ng mga dimensyong tila lumalabag na sa karapatang pantao. Ano na nga ba ang nangyari sa wika bilang karapatang pantao? Sa mga darating na panahon, kapag nagpatuloy ang mga pulis pangwika sa kanilang di katanggap-tanggap na pamamaraan, baka idulog na rin sa United Nations ang paglabag sa karapatang pangwika, bukod pa sa iba pang karapatang pantao na malaon nang sinasalansang at isinasantabi.

Hegemonya ng Ingles sa mga Larangang Makapangyarihan

Ayon kay Bonifacio Sibayan, isang dahilan kung bakit sa kabila ng mga tagumpay ng Filipino ay hindi pa rin ito maging dominante sa lahat ng larangan ay sapagkat ang mga controlling domain o mga larangang makapangyarihan kagaya ng tatlong sangay ng pamahalaan ay pinangingibabawan ng Ingles. Mula sa panahon ng Commonwealth hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nakapangibabaw ang wikang pambansa sa mga controlling domain. Kakatwa na tuwing eleksyon, wika ng masa – ang mga bernakular, Filipino kapag sa mga patalastas – ang ginagamit ng mga kandidato sa mga posisyong pambansa para mangampanya. Hindi maiwasang maalala ang mga kontemporaryong halimbawa: “Anak, itabi mo. Ako papadyak.” “Ganito kami sa Makati, ganito sana sa buong Pilipinas.” “Ang nanggaling sa mahirap, tumutulong sa mahirap.” Ngunit kapag pinansin ang mga batas at kautusang inakda ng nakararaming pulitiko (kasama na ang tatlong presidentiable na pinatutungkulan sa mga naunang pahayag), kapansin-pansing Ingles ang karamihan sa mga ito. May mga pagkakataong isinasalin ang mga batas sa Filipino, ngunit iyon ay sa pasubaling ang Ingles ang masusunod kapag may pagtatalo o conflict sa kahulugan ng orihinal at ng salin. Ang orihinal na mga pasya ng Korte Suprema ay laging nakasulat sa Ingles, bagamat kapuri-puri ang ginawa ni Punong Mahistrado Reynato Puno na pagtatatag ng isang entidad sa ilalim ng Korte Suprema na ang pangunahing layunin ay isalin sa wikang pambansa ang mga mahahalagang pasya ng hukuman. Ang mga hearing sa Senado at Kongreso ay karaniwang sa Ingles din. Kahit ang taunang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo ay halos Ingles din ang kabuuan, maliban sa mangilan-ngilang pahayag. Paano nga ba lubos na susulong ang wikang Filipino kung mismong ang mga nasa pamahalaan ay bantulot sa paggamit nito? 52 Suri, Saliksik, Sanaysay

Binhing sa Baler Nag-Ugat, Sa Buong Bansa’y Patuloy na Lumalaganap

Sa kabila ng kabiguan ng wikang Filipino na makapangibabaw sa mga controlling domain, nananatiling sumusulong at umuunlad ang ating wikang pambansa. Sa larangan ng internet, milyun-milyong artikulo na ang mababasa ukol sa at kaugnay ng ating wikang pambansa. Sa pamamagitan ng Google search, matutunghayan ang mga sumusunod na paksa at ang bilang ng mga online na artikulong ukol dito: Wikang Filipino (283,000); Tagalog (267,000); Filipino Dictionary (2,500,000); Wikang Pambansa (93,000) at Filipino Language (11,500,000). Sa Wikipedia, ang pinakapopular na online encyclopedia, kasama pa rin sa nangungunang wika sa daigdig na may pinakamaraming artikulong online ang “Tagalog.” Masikhay rin ang pagsusumikap ng mga tagapagtaguyod ng Filipiniana.net sa paglalagay sa internet ng mga e-book (librong nasa .pdf format/nababasa sa pamamagitan ng kompyuter at karaniwang libreng naida- download) ng mga nobela at iba pang akdang pampanitikan sa Tagalog at Filipino. Sa telebisyon, halos lahat ng palabas sa mga nangungunang istasyon ay Filipino ang gamit na wika. Kamakailan ay sinimulan ng Channel 5 ang Filipinisasyon ng mga banyagang cartoons na gaya ng Sponge Bob Square Pants. Ang mga teleserye at patok na soap opera gaya ng “May Bukas Pa” at “Zorro” hanggang sa mga kinababaliwang “Asianovela” gaya ng “Hana Yuri Dango,” “Meteor Garden,” “Kim Sam Soon” at “Jewel in the Palace” ay pawang kinubkob na rin ng Filipinisasyon. Bunsod ng paglaganap ng Filipino sa mass media, lalo na sa telebisyon, halos 100% ng mga mamamayan ng Pilipinas ang may kakayahang makipagtalastasan sa Filipino. Malaking pag-igpaw ito sa halos 20% lamang ng populasyon na nagsasalita ng Tagalog sa panahon na pagtibayin ng administrasyong Quezon ang wikang pambansang batay sa Tagalog. Bihira sa mga advertisement ang gumagamit ng Ingles sapagkat batid ng mga advertiser na Filipino na ang wika ng masa. Sa pahayagan, halos 4 na milyon ang pinagsama-samang sirkulasyon ng mga Filipinong tabloid kumpara sa kulang-kulang 2 milyon na readership ng mga Ingles na broadsheet. Sa pamahalaan, naging mabunga ang eksperimental na paggamit ng Filipino sa deliberasyon ng mga korte sa ilang lugar sa Luzon gaya ng , Bulacan. Tuloy rin ang pangangampanya ng mga pulitiko sa pamamagitan ng mga patalastas na wikang Filipino ang pangunahing gamit. Sa larangan ng pananaliksik, dumaraming mananaliksik sa iba’t ibang Kontra-Gahum 53 larangang labas sa wika, panitikan at agham panlipunan ang gumagamit na rin ng wikang Filipino sa pagsulat ng mga artikulo, pag-aaral, sarbey, tesis at disertasyon. Kalakaran na rin ang pagkakaroon ng abstrak sa Filipino ng mga pananaliksik na Ingles ang gamit. Kapansin-pansin din ang pagsigla ng leksikograpiyang Filipino na makikita sa pagdami ng mga nabuong glosaryo at diksyunaryo sa iba’t ibang larangang gaya ng nutrisyon, agrikultura, pangingisda, pananahi, pagbabangko, kompyuter, matematika, bayolohiya at iba pa na matatagpuan sa Pambansang Aklatan, at sa aklatan ng mga pamantasan sa pambansang rehiyong kabisera. Ngunit, hindi lamang sa Pilipinas sumusulong ang Filipino. Sa dami ng mga Pilipinong migrante sa halos bawat bansa, hindi kataka-takang kumakalat na rin ang wikang Filipino sa buong daigdig. Ayon sa Wikipedia, sinasalita ito ng significantna bilang ng minorya sa Australia, Bahrain, Brunei, Canada, Guam, Hong Kong, Japan, Kuwait, Malaysia, Northern Mariana Islands, Palau, Qatar, Saudi Arabia, Switzerland, , United Kingdom at United States of America. Kinikilala ito bilang opisyal na minority language sa Canada, Guam, Hong Kong, Malaysia, United Kingdom at United States. Sa kabuuan, ang Filipino ay ika- 53 sa buong mundo sa dami ng taong nagsasabing ito ang kanilang unang wika. Sa aktwal, mahigit 90,000,000 ang nakagagamit nito bilang una o ikalawang wika – bilang na sapat upang makasama ito sa unang 20 wika ng daigdig. Sa Estados Unidos, marami-rami nang paaralan ang may kursong Philippine Studies na sumasaklaw rin sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral. Sa St. Petersburg State University ng Russia, isa sa pinakamalalaking unibersidad sa daigdig, isang departamento ang patuloy na nananaliksik ukol sa at nagtuturo ng wikang Filipino sa mga estudyanteng Ruso. Sa dami ng mga migranteng Pilipinong manggagawa sa Dubai at Hong Kong, mistulang “ikatlong wika” sa mga lugar na iyon ang Filipino. May halos 10 milyong Pilipinong trabahador sa iba’t ibang bansa at parami nang parami ang permanente nang naninirahan sa mga bansang kanilang pinuntahan, kaya praktikal para sa mga dayuhan na pag-aralan ang wikang Filipino. Nagiging wikang internasyunal na rin ang Filipino. Ang binhing itinanim ng isang pangulong buhat sa Baler ay nagka-ugat na at patuloy na lumalaganap sa buong bansa at maging sa ibayong dagat sa kabila ng patuloy na panananalasa ng mga ignoranteng kabalyerong maka-Ingles sa Pilipinas. Kahit ginigipit, kahit sinisikil, kahit isinasantabi, kahit minamaliit, kahit kapit- sa-patalim ay lahatang-panig na sumusulong ang wikang Filipino, mula pa noong Panahon ng Kolonyalismo hanggang sa kasalukuyan, sa bungad ng Ikalawang Milenyo, at inaasahang magpapatuloy pa ito sa paglago sa mga panahong darating. 54 Suri, Saliksik, Sanaysay

Mga Sanggunian:

Abad, Melania L. 2007. Neoliberalistang Pagpaplanong Pangwika: Tungo sa Komodipikado at Episyenteng Pagpapahayag (sa “Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the Philippines”).

Atienza, Monico M. at Constantino, Pamela C. (mga editor). 1996. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. UP-Sentro ng Wikang Filipino, Lunsod ng Quezon. Constantino, Pamela C. (editor). 2005. Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL. UP-Sentro ng Wikang Filipino at Sanggunian sa Filipino, Lunsod ng Quezon; at Pambansang Komisyon para sa Sining, Lunsod ng Maynila.

Constantino, Renato. 1982. The Miseducation of the Filipino. Foundation for Nationalist Studies, Lunsod ng Quezon.

Cronico, Rolando C. 2002. Daynamik ng Pagpaplanong Pangwika Noong Ika-8 at Ika-9 na Kongreso ng Pilipinas. National Commission on Culture and the Arts, Rizal.

Cruz, Isagani. 2001. Kung Bakit sa Wikang Filipino Lamang Dapat Ituro ang mga Sabjek sa Lahat ng Lebel ng Edukasyon sa Filipinas (sa “TALISIK...”)

______. 2006. Split-Level Americanization: A Case Study of McDonaldized Philippines (papel na binasa sa “International Conference on the United States and the Pacific Islands: Culture, Science, Politics”). Okinawa, Japan. [masisipat sa http://criticplaywright.blogspot.com/2006/12/split-level- americanization-case-study.html]

Derbyshire, Charles (tagasalin). 2005. The Reign of Greed (salin ng El FIlibusterismo ni Jose Rizal). Project Gutenberg Ebook. [masisipat sa http://www. gutenberg.org/files/10676/10676-h/10676-h.htm]

Espiritu, Clemencia C. (editor). 2001. TALISIK: Opisyal na Dyornal Sentro ng Kahusayan sa Filipino, Philippine Normal University (Vol. 1 Bilang 1). Lunsod ng Maynila. Kontra-Gahum 55

Espiritu, Clemencia C. at Fortunato, Teresita F. (mga editor). 2006. Guro: Mula Tsok Hanggang Internet (Aklat-Parangal kay Nenita R. Papa). Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino.

Fonacier-Bernabe, Emma. 1987. Language Policy Formulation, Implementation and Evaluation in Philippine Education (1565-1974). Linguistic Society of the Philippines, Maynila.

Freire, Paulo. 1985. The Politics of Education: Culture, Power and Liberation. Trans. Donaldo Macedo. Massachusetts: Bergin and Garvey Publishers, Inc. Gullas, Eduardo et al. 2006. House Bill/HB No. 4701 (An Act to Strengthen and Enhance the Use of English As the Medium of Instruction in Philippine Schools). Komisyon sa Wikang Filipino. 1998. Wikang Filipino sa Larangang Akademiko: Kolokyum ’96, ’97, ‘98. Lunsod ng Maynila.

______. 1998. Gawad Surian sa Sanaysay: Gantimpalang Collantes (1992-1998). Lunsod ng Maynila.

______. 2005. English-Tagalog Dictionary (6th Edition). Lunsod ng Maynila.

Licuanan, Patricia B. 2007. Language and Learning (talumpati sa “CEO Forum on English-Philippine Business for Education”). Asian Institute of Management. [masisipat sa http://www.quezon.ph/wp-content/uploads/2007/04/licuanan- speech-1.pdf]

Lumbera, Bienvenido. 2005. Saan Tutungo ang Wikang Filipino Ngayong Binubura ito ng Globalisasyon? (sa “Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL”). Lumbera, Bienvenido et al. (mga editor) 2007. Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the Philippines. IBON Foundation, Inc. Lunsod ng Quezon.

Macapagal-Arroyo, Gloria. 2003. Executive Order (EO) 210, Series of 2003. (nasa “Apendiks” ng “Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL”).

Merriam and Webster Bookstore, Inc. 1986. Ang Konstitusyon ng Republika ng 56 Suri, Saliksik, Sanaysay

Pilipinas (Bilingual Edition). Lunsod ng Maynila.

Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining. 2000. Gabay sa Pagsasalin. Lunsod ng Maynila.

Puno, Reynato S. 2008. Talumpati sa Supreme Court Forum on Access to Justice. Court of Appeals, Manila.

Santiago, Erlinda M. et al. 1989. Panitikang Filipino: Kasaysayan ar Pag-unlad: Pangkolehiyo. National Book Store, Lunsod ng Mandaluyong.

Sibayan, Bonifacio. 1991. Becoming Bilingual in English In a Non-English Environment. (sa Focusschrift in Honor of Joshua Fishman on his 65th Birthday: Bilingual Education, Volume I).

Tiamson-Rubin, Ligaya et al. 2001. Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Rex Book Store, Lunsod ng Quezon.

______. 1993. Intelektwalisasyon at Istandardisasyon ng Filipino sa Agham Panlipunan (sa Gawad Surian sa Sanaysay: Gantimpalang Collantes: 1992-1998).

Villafuerte, Patrocinio V. at Bernales, Rolando A. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Mutya Publishing House, Lunsod ng . ______et al. 2009. Panitikan ng Pilipinas: Historikal at Antolohikal na Pagtalakay. Mutya Publishing House, Lunsod ng Malabon.

Zabolotnaya, Natalia V. 2006. Philippine Linguistics Studies in Russia (seminar paper: 9th Philippine Linguistics Congress). Department of Linguistics, University of the Philippines. Lunsod ng Quezon. [masisipat sa web.kssp.upd.edu.ph/ linguistics/plc2006/papers/FullPapers/III-A-3_Zabolatnaya.pdf] Wang-wang*

umigit-kumulang 20 beses binanggit ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ang salitang “wang- wang” (o “wangwang”) sa kanyang pangalawang State of the 1Nation Address (SONA) noong Hulyo 25, 2011 ngunit hindi ito Hnabanggit kahit isang beses man lamang sa kanyang kauna-unahang SONA noong Hulyo 26, 2010. Samantala, dalawang beses lamang itong nabanggit sa kanyang ikatlong SONA noong Hulyo 23, 2012, at dalawang beses ding ginamit sa kanyang “Talumpati sa Pagtanggap ng Tungkulin” o inaugural speech noong ika-30 ng Hunyo 2010. Si Noynoy ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na nagtalumpati nang halos purong Filipino sa kanyang SONA (may mahahabang bahaging Ingles ang una at ikalawang SONA ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada), at kauna-unahan ding pangulo na bumanggit ng salitang “wang-wang” sa kanyang

* Ang papel na ito ay pagdedepensa sa salitang “wang-wang” sa Pambansang Kumperensiya sa Wika at SAWIKAAN 2012: Mga Salita ng Taon ng Filipinas Institute of Translation (FIT) noong Setyembre 12, 2012 sa Leong Hall, Ateneo de Manila University, Lungsod Quezon. Itinanghal na Salita ng Taon 2012 ang “wang-wang” sa nasabing kumperensiya. Ang salitang ito ay napatanyag noong pana- hon ng ikalawang administrasyong Aquino dahil sa pagbabawal sa paggamit ng wang-wang bilang sim- bolikal na hakbang para sa mabuting pamamahala na walang ispesyal na trato para sa mga makapangya- rihan sa lipunan, pangarap na hindi pa rin natutupad sa kasalukuyan. 58 Suri, Saliksik, Sanaysay talumpati. Siya rin ang nagpopularisa ng terminong ito sa pambansang diskurso. Saan nga ba nagmula ang terminong wang-wang at ano ang kabuluhan at kahulugan ng pagsibol, pamumulaklak at tila pananamlay ng gamit nito sa opisyal at pambansang diskurso sa ating panahon? Bakit dapat nating buhayin at patuloy na gamitin ng bayan ang salitang ito?

Etimolohiya: Onomatopeya at Lumang Kahulugan

Posibleng sa malakas na tunog ng literal na “wang-wang” (sirena ng ambulansya o kotseng pampatrol ng pulisya) nanggaling ang salitang “wang-wang.” Samakatwid baga’y maituturing itong isang onomatopeya gaya ng “Tsug! Tsug!” na tunog naman ng tren o ng “pukpok” o “pikpok” na tunog naman ng paghahampas ng martilyo o malyete sa iba pang bagay. Incidentally, ayon sa blog ng Swedish na si Jonna Wibelius (residente ng Tsina mula pa noong 2006), ‘wang wang’ o “汪汪” ang kahol/tahol ng aso sa Tsina. Ayon sa “The Illustrated Filipino-Filipino with English Dictionary (Binagong Edisyon 2007),” ang “wang-wáng” bilang pang-uri ay nangangahulugang “nakabukas nang maluwag; wakwak (kung sa sira); nakalagay sa hayag na pook.” Sa “Hiligaynon-English, English-Hiligaynon Dictionary” ni Eliza Yap Uy-Griño, ang “wangwang” bilang pandiwa ay nangangahulugang “to stay fully open” o “to fly open.” Kung pang-uri naman, nangangahulugan itong “wide open.” Sa ibang diksyunaryo, nakatala ang “wangwang” bilang salitang kaugnay ng “tiwangwang.” Samantala, wala ang salitang wang-wang sa “Diksyunaryo ng Wikang Filipino: Sentinyal Edisyon” ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na inilabas noong 1998; sa “Corruptionary: A Dictionary of Filipino Corruption Words” ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) na inilimbag sa Ingles at Filipino noong 2010; sa English-Tagalog at Tagalog-English Dictionary ni Fr. Leo James English; at sa “Diksyunaryo-Tesaurong Pilipino-Ingles” ni Jose Villa Panganiban. Ayon naman sa unang edisyon ng UP Diksyonaryong Filipino (2001), ang “wangwang” ay “huni ng sirena.” Sa binagong edisyon ng UP Diksyonaryong Filipino (2010), itinuturing na kolokyal na salita ang wang- wang na may ganitong depinisyon: “sirena ng kotse ng pulis.” Noong Abril 2009, ibinigay ng isang editoryal ng Philippine Daily Inquirer ang ganitong depinisyon ng wang-wang: “Wang-wang is the siren that ‘very important people’ acquire, whether they ride unescorted or as part of a convoy; the sound is a sign that the usual (traffic) rules do not apply to VIPs. They are, obviously, too important.” Wang-wang 59

Kinondena rin ng nasabing editoryal na pinamagatang “Wang-wang” ang “wang-wang culture” o kulturang “wang-wang” ng “political VIPs” sa bansa. Samakatwid, bago pa man gamitin ni Pangulong Noynoy sa kanyang mga talumpati ang terminong “wang-wang” ay nakaugat na ito sa ating kultura at pana-panahong pumapailanlang sa pambansang diskurso depende sa klimang pampolitika. Katunayan, ayon kay Dr. Aurora Batnag, dating direktor ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), dekada 90 pa lamang ay ginagamit na sa dyaryo ang salitang “wang-wang.” Sa artikulo namang “They don’t fear us” ni Paolo Chikiamco na nalathala rin sa Philippine Daily Inquirer noong Hunyo 2009, isinalaysay ang isang “wang-wang anecdote” tungkol sa isang hairdresser na napilitang gumamit nito para mapagsilbihan ora mismo ang isang opisyal ng gobyerno. Ang dalawang pagbanggit na ito noong 2009 ang pinakamatandang pagbanggit sa terminong “wang-wang” sa internet. Namulaklak ang paggamit ng terminong ito sa internet pagkatapos itong gamitin sa mga talumpati ni Pangulong Noynoy. Anu’t anuman, maliwanag na mas maaga pa sa paggamit ni Pangulong Noynoy ay bahagi na ng bokabularyong Filipino ang wang-wang bagamat hindi ito madalas gamitin sa pambansang diskurso.

Halimbawang Gamit: Literal, Pinalawak at Lagpas sa Orihinal

Sa inaugural speech (Hunyo 2010) ni Noynoy ay ginamit bilang pang-uri at pangngalan ang wang-wang:

1. “Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.” 2. “Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN...Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa.”

Kapansin-pansin na sa paggamit ng pangulo sa terminong wang- wang ay binibigyang-diin niya ang pakikiisa sa masang biktima ng 60 Suri, Saliksik, Sanaysay kulturang wang-wang —mga ordinaryong taong naaabala at/o nasasagasaan ng mga simpleng paglabag sa tuntunin ng mga “pasaway” na opisyal ng gobyerno, karugtong ang pangakong pagbabago – ang pangakong hindi na business-as-usual para sa mga pasaway sa pamahalaan. Pagtatangka ito ni Noynoy na agad palawakin ang kanyang base ng suporta o support base sa hanay ng masa at gitnang uri na sawa na sa kulturang wang-wang gaya ng pinatunayan ng dalawang artikulong nalathala noong 2009 sa Inquirer. Sa talumpating ito ay literal na wang-wang pa lamang ang ipinakakahulugan ng pangulo ngunit may pahiwatig na ng bisa ng wang-wang bilang simbolo ng pag-abuso sa kapangyarihan na kinamumuhian ng sambayanan. Sa ikalawang SONA ni Pangulong Aquino, ginamit bilang pangngalan, pang-uri at pandiwa ang salitang wang-wang. Samakatwid, hindi lamang binago, kundi pinalawak din ng pangulo ang kahulugan ng wang-wang. Nagkaroon ng bagong kahulugan at kabuluhan ang salita at naging bahagi na ng pambansang diskursong sosyo-politikal bunsod ng nasabing SONA. Ayon sa talumpati ng pangulo, bilang na ang araw ng mga gumagamit ng “wang- wang” (maingay na businang dapat ay para lamang sa ambulansya at sasakyan ng pulis) at mga may “utak-wang-wang” (wang-wang mentality: “panlalamang matapos mangakong maglingkod”) dahil may kampanyang “kontra-wang- wang.” Bilang na rin daw ang araw ng mga taong “wang-wang” (korap, tiwali o kurakot) sa gobyerno at di na sila maaaring tumanggap ng “wang-wang” (suhol) – hindi na sila “makapagwawang-wang” (makapangungurakot) kailanman. Kung ibubuod, “simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang,” ayon mismo sa pangulo. Kapansin-pansin sa aktwal na gamit ng termino sa ikalawang SONA ni Noynoy ang pagbabanyuhay ng “wang-wang” mula sa simpleng paglabag sa Presidential Decree No. 96, Series of 1973 (dekretong nagbabawal sa di opisyal na paggamit ng wang-wang) tungo sa mas malalalang pagsalansang sa mga batas kontra sa katiwalian. Kung dati, ang “wang- wang” ay nakabubuwisit na tunog lamang ng sirena ng sasakyan, ngayon ang “wang-wang” ay synonym na rin ng kaisipang korap o tiwali, ng taong nangungurakot/taong kurakot, ng perang kinurakot atbp. gaya ng ipinakikita ng mga sumusunod na halimbawa:

1. “Ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos mangakong maglingkod—iyan po ang utak wang-wang.” 2. “Dahil wala nang wang-wang sa DOE, muling nabuhay ang kumpiyansa ng mga namumuhunan sa ating energy sector.” Wang-wang 61

3. “Di po ba’t may katuwiran naman siya sa pagsasabi nito, dahil sa pagwawang- wang sa mga ahensya ng gobyerno? Wang-wang po ang pagbili ng helicopter sa presyong brand new, pero iyon pala ay gamit na gamit na. Wang-wang din ang milyun-milyong pabuya na tinanggap ng mga opisyal ng GOCC, tulad ng sa Philippine National Construction Corporation, gayong hindi naman sila nakapaghandog ng disenteng serbisyo, at ibinaon pa sa utang ang kanilang mga ahensya.” 4. “Para po pigilan ang pagwang-wang sa kaban ng bayan, sinuyod at sinuri natin ang mga programa. Dalawang magkasunod na taon na po nating ipinatutupad ang zero-based budgeting, na magsisilbing kalasag sa walang-saysay na paggastos.” 5. Mukhang marami rin po kasi ang nagwawang-wang sa pribadong sektor. Ayon sa BIR, mayroon tayong halos 1.7 million na self-employed at professional tax payers gaya ng mga abogado, doktor, at negosyante na nagbayad lamang, sa suma total, ng 9.8 billion pesos noong 2010. 5,783 pesos lang ang ibinayad na income tax ng bawat isa raw sa kanila, on average—ang ibig sabihin, kung totoo po ito, ang kabuuang kita nila ay umaabot lang ng 8,500 pesos kada buwan. Mababa pa sa minimum wage.” 6. “Pinananagot at pananagutin po natin ang wang-wang saanmang sulok ng gobyerno.” 7. “Tingnan nga po ninyo ang idinulot na perhuwisyo ng pagwawang-wang sa sistema: Tuloy ang pagdu(ru)sa ng mamamayang dapat nakikinabang na sa proyekto ng bayan.” 8. “Kahit po sa mga bukirin, may mga nagwawang-wang din. Bago tayo maupo noong 2010, nag-angkat ang bansa ng 2.3 million metric tons ng bigas. 1.3 million metric tons lamang ang kailangan nating angkatin, ngunit pinasobrahan pa nila ito ng isang milyong tonelada. Dahil nga sobra-sobra ang inangkat, kinailangan pa nating gumastos muli sa mga bodegang pagtatambakan lang naman ng barko-barkong bigas.” 9. “Pagpasok ng bagong Ombudsman na si dating Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, magkakaroon tayo ng tanod-bayan na hindi magiging tanod-bayad ng mga nagwawang-wang sa pamahalaan.”

62 Suri, Saliksik, Sanaysay

Wang-wang sa Diskursong Pambansa: Korapsyon, Utang, Bang-Bang Atbp.

Dahil itinuturing ngang simbolo ng pang-aabuso sa kapangyarihan ang “wang- wang,” winika ni Noynoy sa kanyang ikalawang SONA noong 2011 na “Walang wang-wang sa ating administrasyon...Naging hudyat at sagisag po ito ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan sa lipunan.” Sa ikatlong SONA noong 2012, muling ipinagyabang ng pangulo ang paglutas sa problema ng “wang- wang” bilang senyales na paparating na ang minimithing pagbabago ng sambayanan: “Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan... Ang wang-wang sa lansangan, galing na lang sa pulis, ambulansya, o bumbero—hindi sa opisyal ng gobyerno...Ang gobyernong dating nang-aabuso, ngayon, tunay na kakampi na ng Pilipino.” Bunsod ng mga ganitong opisyal na pahayag, naging lunsaran o springboard na ng mga makabuluhang pagtalakay sa iba’t ibang suliraning pambansa at panlipunan ang salitang “wang-wang.” Natatak sa pambansang diskurso ang “wang-wang” bilang panggising sa dati-rati’y tutulog-tulog at walang-pakialam na mga mamamayan. Nagbunga ng pamumulaklak sa publikong diskurso at demokratisasyon na rin ng mga debate hinggil sa usaping pambansa ang pagpopularisa ni Pangulong Noynoy sa salitang wang-wang. Halimbawa, para kay Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino, “wang-wang” din ang ikalawang SONA ni Pangulong Aquino dahil wala itong bago at makabuluhang adyendang sosyo-ekonomiko na inilahad para lutasin ang kahirapan at iba pang suliraning panlipunan. Sa gamit ni Palatino, ang pagiging “wang-wang” ng SONA ay nangangahulugang hungkag o walang laman gaya ng ingay ng literal na wangwang, “ingay” na nagkukubli sa mga mas mahahalagang isyung panlipunan. Bilang patunay, walang anumang binanggit sa SONA kung paano malulutas ang problema ng kahirapan, lagpas pa sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) program na hindi naman pangmatagalan at sa kasalukuya’y wala pang malaking impact. Ang lumalaking halagang inilalaan para sa CCT ng administrasyong Aquino ay lalo lamang nagpapalaki sa utang ng bansa na mula 4 na trilyong piso sa huling araw ng rehimeng Macapagal-Arroyo ay lagpas 5 trilyong piso na ngayon sa ikatlong taon ng administrasyong Aquino. Kasama sa utang na ito ang mahigit 600 milyong dolyar na ginastos (at naubos na) para sa North Rail Project na poste lamang ang naitayo. May kasong plunder na laban sa mga nagwangwang ng milyon-milyong dolyar na ito ngunit napakagabal ng Wang-wang 63 pagdinig dito. Dambuhalang isyung pambansa ang utang sapagkat ito ang ugat ng kawalan ng sapat na badyet para sa edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pang serbisyong panlipunan na inirereklamo rin ng mga aktibista sa mga parlamento ng lansangan. Kapansin-pansin din na sa taong ito ng ika-40 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ay hindi pa rin naikukulong kahit isang segundo ang mga galamay ng diktador na nagwangwang o kaya’y tumulong sa pagwawawang ng pera ng bayan, sa kabila ng isang ruling ng Korte Suprema noong 2006 hinggil sa pagiging ill-gotten ng kayamanan ng pamilya ng diktador na lagpas sa opisyal na kita ng unang pamilya mula dekada 60 hanggang dekada 80. Nauna pa rito, noong 2011, sa unang anibersaryo ng administrasyong Aquino sa pwesto, sinabi ni Arsobispo Oscar Cruz na ang “no wang-wang policy” lang ang kaisa-isang “achievement” ng gobyerno. Gaya ni Palatino, itinatanong din ni Cruz kung saan patungo ang “tuwid na daan” na wala ngang wang-wang, walang korap, pero mayroon pa ring maraming-maraming mahihirap na mamamayan. Katunayan, marami pa ring kumakain ng pagpag, surrogate ulam, noodles at iba pang pantawid-gutom. Marami pa rin ang napipilitang magbenta ng kanilang bato, ngipin, dugo at maging ng katawan dahil sa matinding kahirapan. Ang Pilipinas pa rin ang may pinakamasamang datos sa Gini coefficient sa buong Timog-Silangang Asya. Ibig sabihin, sa Pilipinas pinakamalawak ang agwat ng mayayaman at mahihirap sa rehiyon. Mukhang kailangan nang patunugin ng bayan ang “wang-wang” upang ang gobyerno naman ang magising sa mga katotohanang di na nito napapansin. Binatikos din ng iba pang aktibista si Pangulong Aquino na diumano’y puro “wang-wang” ang nasa isip ngunit wala namang pakialam sa isyu ng “bang- bang” (extrajudicial killings o pagpatay sa mga aktibista at mga mamamahayag). Ayon sa tala ng Karapatan (2012), 99 na ang biktima ng “bang-bang” o extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyong Aquino mula Hulyo 2010 hanggang Hunyo 2012, at 60 naman ang biktima ng “ frustrated extrajudicial killings.” Habang isinusulat ang papel na ito’y nabalita ang asasinasyon kay Feliciano “Poncing” Ruiz Infante, lider ng mga tsuper sa Gitnang Luzon, noong Setyembre 3, at ang tangkang asasinasyon kay Timuay Locenio M. Manda, isang lider ng tribong Subanen na kontra-pagmimina, noong Setyembre 4. Bagamat nakaligtas si Timuay, napatay naman sa ang kanyang anak na si Jordan Manda dahil sa tangkang asasinasyon sa kanya. Makabuluhan pa rin sa kasalukuyan ang reaksyon ni Lourd de Veyra hinggil sa wang-wang noong 2010: “Walang wangwang. Magandang simula. Dakilang halimbawa. Pero sabi nila, dapat daw mas pagtuunan ng pansin ni P-Noy ang sunod-sunod na pag-todas sa mga aktibista at media. Ika 64 Suri, Saliksik, Sanaysay nga ng mga militante, bago ang wangwang, asikasuhin muna ang bang-bang.” Bukod sa bang-bang, naririyan pa rin ang “wang-wang lifestyle” ng mga pulitiko na inirereklamo naman ng mga gaya ng mamamahayag na si Leandro DD Coronel sa .com. Kamakailan, inakusahan ng matapang na publisher- writer ng Tribune na si Ninez Cacho-Olivares ang administrasyong Aquino ng kaipokrituhan kaugnay ng “no wang-wang policy.” Aniya, natanggal sa tungkulin ang isang pulis sa Quezon City na hindi nagbigay-daan sa convoy ng pangulo. Tila may kaisipang wang-wang pa rin kahit na bawal ang literal na wang-wang.

Wang-Wang ng Bayan Kontra Noynoying

Mabuti na lamang at may sagot na rin sa mga reklamador ang salitang “wang- wang.” May programang “Wang-wang ng Bayan” na ang Radyo DZUP 1602. Ayon sa kanilang Facebook page, ang wang-wang ay “instrumento sa pagkuha ng atensyon.” Samakatwid ang kanilang programang “Wang-wang ng Bayan” ay magsisilbing umalahokan ng bayan upang mailantad at maunawaan ng iba pang mamamayan ang mga nagbabagang isyung panlipunan. Ganito ang dapat maging karagdagang kahulugan ng wang-wang: bagong batingaw, pag- iingay o panawagan para sa tunay na pagbabago, panggigising sa mga opisyal ng gobyerno at maging sa mga mamamayan na nakalimot na sa kanilang tungkulin sa bayan. Ayon nga kay Propesor Louise Vincent Amante, kaugnay pa rin ito ng orihinal na konteksto ng “wang-wang” bago ito maging terminong naging kasingkahulugan na ng pang-aabuso ng kapangyarihan: ang “wang- wang” bilang “tagapagligtas ng buhay,” bilang taga-anunsyo ng paparating na bumberong pamatay-sunog o kaya’y ambulansyang maghahatid sa maysakit sa ospital. Mula sa pagiging negatibo ay maaaring muling bigyang-diin natin ang positibong konteksto ng wang-wang. Kung kinakatawan ng sunog ang mga malalang kanser ng ating lipunan, at kung ihahalintulad sa isang maysakit ang inang bayan, ang wang-wang ay tunay ngang pamatay-sunog at pampagaling din. Wang-wang—pag-iingay ng masa, pagrereklamo ng sambayanan, panawagan ng pagbabagong panlipunan – ang solusyon sa Noynoying (ang pagtutulug-tulugan at kawalan ng aksyon ng mga opisyal ng gobyerno sa mga pangangailangan at hinaing ng mga mamamayan). Magwang-wang (mag- ingay, magkampanya pabor sa, mangalap ng suporta para sa, manawagan ng...) tayo! Magwang-wang tayo para sa pagkakaroon ng debt audit at debt repudiation Wang-wang 65 para matigil na ang pagwawangwang (pag-aaksaya) sa pera ng bayan na dapat gamitin sa serbisyong panlipunan. Magwang-wang tayo para sa pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa, modernisasyon ng agrikultura, at pambansang industriyalisasyon para malutas ang kahirapan ng mga mamamayan. Magwang- wang tayo para sa mas mataas na buwis sa mga dambuhalang korporasyon. Magwang-wang tayo para sa Universal Health Care lagpas pa sa simpleng pagtatamasa lamang ng reproductive health at libreng contraceptives. Magwang- wang tayo para sa sistemang pang-edukasyong nakabatay sa pangangailangan ng bayan at di sa dikta ng dayuhan. Magwang-wang tayo para sa Filipinisasyon ng mga batas, mga desisyon ng korte, mga dokumento ng gobyerno, ng debate sa Kongreso at Senado, at ng mismong diskurso sa paaralan mula kindergarten hanggang antas gradwado. Magwang-wang tayo para sa mas mataas na sweldo at mabilis na tenureship ng mga guro at iba pang manggagawa. Magwang-wang tayo para sa isang maunlad at mapayapang lipunang matagal na nating pinapangarap. Pero bago ang lahat, hinihiling ko ang inyong pagpapatibay upang maging Salita ng Taong 2012 ang wang-wang. Bayaan ninyong ibuod ko ang mga dahilan kung bakit ito ang dapat maging Salita ng Taong 2012. Una, hindi pa naisasama sa mga diksiyonaryo ang bagong kahulugan nito sa kabila ng paglawak at pagsasanga-sanga ng kontemporaryong kahulugan nito. Panahon nang itala natin ang ebolusyon sa kahulugan nito. Pangalawa, napatunayan na ang bisa ng “wang-wang” sa pagbuhay sa pambansang diskurso hinggil sa mga makabuluhang isyu na isang mahalagang aspekto ng demokrasya. Halimbawa, as of September 5, may 305,000 results ang lumabas sa Google search ng terminong “wang-wang” sa mga website mula sa Pilipinas. Pangatlo, may potensiyal na manganak pa ng maraming salita – at kung gayo’y makapag-ambag pa sa pagpapalawak ng leksikon ng wikang pambansa – ang wang-wang gaya ng pinatunayan ng paggamit ng “bang-bang” para sa extrajudicial killings at gayundin sa paggamit ng wang-wang bilang pandiwa. Pang-apat, bahagi na ito ng ating kasaysayan dahil sa paggamit at pagpopularisa nito sa talumpati ng isa sa pinakapopular nating pangulo na si Noynoy Aquino. Panglima, bantayog ng gunita ang salitang wang-wang upang lagi nating alalahanin na hanggang ngayon, umiiral pa rin ang dambuhalang pagkakahating sosyo-ekonomiko at sosyo-politikal sa ating lipunan. Pang-anim, nag-level-up na ang wang-wang mula nang gamitin ito ni Noynoy; trending pa rin ang mga isyung kaugnay nito gaya ng korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan dahil hindi naman natin aasahang isiwalat ng lahat ng politiko ang kanilang mga SALN maliban lang kung takutin natin sila sa pamamagitan ng pagsasampa ng impeachment complaint; marami pa ring kumakain ng pagpag 66 Suri, Saliksik, Sanaysay dahil may nagwawangwang pa rin sa pera ng bayan; hindi man ito entertaining gaya ng pick-up line, tiyak namang liberating ang paggamit ng salitang wang-wang sa bansang mahigit 500 taon nang alipin ng mga hari-hariang mahilig gumamit ng mga palusot, gaya ng pinatunayan ng wagas na wagas na paggamit sa termino ng pangulo sa kanyang mga talumpati; kahit yata mapalitan na ng mas bagong models ang android, kahit makapagdevelop na rin ng pamalit sa wifi, at kahit yata maubos na lahat ng isda sa bansa dahil sa fish kill,may mga utak-wang-wang pa rin sa Pilipinas. Pampito, ang salitang ito’y may potensiyal ding magpakilos (bukod pa sa napatunayan na nitong kapangyarihan sa paglalarawan) ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pinakabagong kahulugan nito (wang-wang bilang pag-iingay, pagrereklamo, pangangampanya, panawagan). Sa pangkalahatan, ililigtas tayo ng salitang wang-wang sa luma nating sakit: ang pagsasawalambahala sa mga usaping pambayan at ang pagkalimot sa ating mga tungkulin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas. Endo*

Kahulugan, Etimolohiya at Aktwal na Gamit ng Salita1

NDO : pinaikling bersyon ng pariralang “end of contract” (Macaspac); tumutukoy sa manggagawang kontraktwal na natapos na ang kontrata (GMA Network Online); pagtatapos ng kontrata; huling araw sa trabahong kontraktwal (Philippine Online EChronicles); sistema ng empleyong walang seguridad. Malinaw sa mga depenisyong ibinigay na ang salitang “endo” ay mula sa pariralang Ingles na “end of contract,” ang mas simpleng bersyon ng teknikal na konstruksyong “expiry of contract” sa mga dokumento ng empleyo na pinapipirmahan sa mga manggagawang kontraktwal. Ginagamit ding pandiwa ang “endo” batay sa mga halimbawang nakuha sa internet:

* Ang papel na ito ay lahok sa Sawikaan 2014 na isinagawa noong Setyembre 25, 2014 sa Pulun- gang Recto, Bulwagang Rizal, Faculty Center, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod ng Quezon. Itinanghal na ikalawang Salita ng Taon 2014 at people’s choice din ang “endo” sa nasabing kumperensiya. Ko-awtor ng papel na ito si John Kelvin R. Briones. Naging popular ang salitang “endo” na pagpapaikli ng “end of contract” dahil na rin sa pagdami ng trabahador na kontraktwal sa bansa. Hanggang ngayo’y isinisigaw pa rin sa mga lansangan ang panawagang END ENDO (“Wakasan ang kontraktwalisasyon!”) sapagkat itinuturing na malabnaw at di sapat ang mga inilabas na polisiya ng administrasyong Duterte na naglilimita (ngunit hindi tuluyang nagpapabasura) sa kontraktwalisasyon. 68 Suri, Saliksik, Sanaysay

“in-endo”: “tinapos” o winakasan ng employer ang kontrata bago ang legal nitong pagtatapos (Escudero); tinanggal sa trabaho ang manggagawa/empleyado; “na- endo”: natapos na ang kontrata (Wattpad) ; “nagpa-endo”: nagbitiw sa kontraktwal na trabaho para “rumaket” nang todo o magnegosyo (PinoyExchange Online); “pagka-endo”: pagkatapos ma-endo (InkBlood); “mag-endo”: magtapos ang kontrata (MedHelp Online).

Endo sa Pambansang Diskurso

Noong 2007 ay ipinalabas ang pelikulang “Endo” ni Jade Castro na tumatalakay sa buhay at buhay-pag-ibig ng mga manggagawang kontraktwal. Ginawaran ng Cinemalaya Grand Jury Prize ang “Endo” sa taong iyon. Sa pelikulang “Endo” ang dalawang pangunahing karakter ay saleslady at salesboy. Higit na mapapansin ang malalim na kontekstong panlipunan ng pelikulang ito na sa unang sipat ay simpleng love story, kung isasaalang-alang ang Ingles na pamagat nito: “Love on A Budget.” Libreng pag-ibig sa gitna ng magastos-pero-baratilyong-magpasweldong daigdig ang peg ng pelikula. Sa sobrang liit ng sweldo ng isang manggagawang gaya nina Leo at Tanya sa “Endo,” wala na silang pera para sa kahit anong luhong nakapagbibigay-kasiyahan sa mga masasalapi. Sa kaso ni Leo, karaniwang madali ring mag-endo ang kanyang mga pag-ibig hanggang sa dumating si Tanya na bumago kahit paano sa kanya. Pantapat ang (pansamantalang) seguridad na alok ng pag-ibig sa (permanenteng) inseguridad na dulot ng trabahong kada anim na buwan ay nag-eendo. Pag-ibig bilang pakunswelo sa mga manggagawang pinasusuweldo ng mga kapitalista para lamang muling makapasok bukas at muling mapagsamantalahan bilang alipin ng sistemang pinakikinabangan ng iilan. Bago pa maipalabas ang naturang pelikula, palasak na ang paggamit sa midya ng “endo” sapagkat bukambibig ito ng mga unyon at iba pang organisasyon ng mga manggagawa na lumalaban sa sistematikong kontraktwalisasyon na laganap sa buong Pilipinas. Samantala, ayon sa ilang entry sa YouTube at sa website na endofcontracts.com, “ENDO” o “end of contracts” ang palayaw ni Edourd Canlas, isang independent composer. Malinaw kung gayon na bago pa maipalabas ang pelikulang “Endo,” marami-rami nang mamamayan ang gumagamit ng “endo” kaya naman ginamit pa itong palayaw ng isang musikero. Marahil, ang desisyon ng Korte Suprema (G.R. No. 127448) na inilabas noong Setyembre 10, 1998 naman ang isa sa mga pinakaunang Endo 69 dokumento ng gobyerno na gumamit ng terminong “end of contract.” Ayon sa nasabing desisyon, hindi maaaring gamitin ang “end of contract” para tanggalin ang isang manggagawa dahil ito’y isang “...devious, but crude, attempt to circumvent petitioner’s right to security of tenure...” Bagamat may magkakasalungat na pananaw sa iba pang isyung ekonomiko at sosyo-politikal, nagkakaisa naman sa paggamit ng terminong “endo” at pagtutol sa sistemang ito ang Kilusang Mayo Uno (KMU), Partido ng Mga Manggagawa (PM), at Alliance of Progressive Labor (APL). Isinisisi ng KMU sa Batas Republika 6715 (na tinatawag ding Batas Herrera sapagkat inakda ni dating Senador Ernesto Herrera) na naisabatas noong Marso 2, 1989 sa ilalim ng unang administrasyong Aquino. Ayon sa isang pahayag ng KMU, binigyang-kapangyarihan ng Batas Herrera kalihim ng Paggawa (Labor Secretary) na maglabas ng guidelines na nagbigay-daan upang maging legal ang kontraktwalisasyon sa Pilipinas. Idinagdag pa nila sa nasabing pahayag na “After 25 years of the Herrera Law, endo, shorthand for “end of contract,” has become a commonly-used word and contractuals have become the majority among the country’s workers.” Bukod sa pagbabasura ng Batas Herrera, ipinanawagan din ng KMU ang pagpapawalambisa sa Department Order 18-A Series of 2011 ng ikalawang administrasyong Aquino na sa esensya ay nagpatuloy lamang sa patakarang kontraktwalisasyon ng mga nakaraang administrasyon. Sa kasamaang-palad, wala sa prayoridad ng ikalawang administrasyong Aquino ang pagbabasura sa kontraktwalisasyon (Conde), sa sistemang endo mismo. Noong 2012 naman, ipinahayag ng NAGKAISA, isang alyansa ng mga pangkat ng mga manggagawa na pinangungunahan ng PM na nilalabanan din nila ang sistemang “endo” o “5-5-5” o “job contracting” na anila’y tinatawag na sistemang “job order” sa mga ahensya ng gobyerno. Tinatawag ding “5-5-5” ang sistemang “endo” sapagkat 5 buwan lamang ang karaniwang haba ng panahon ng karaniwang kontratang kontraktwal sa bansa. Ang ganitong iskema ay pag- ikot o sirkumbensyon sa maka-manggagawang probisyon ng Labor Code na nagtatadhana ng pagbibigay ng permanenteng trabaho sa sinumang manggagawang lumagpas sa anim na buwan ang pagtatrabaho sa isang kumpanya. Sa kabila ng bangayan sa pagitan ng KMU at APL, sinasabi ng APL na gaya ng KMU, sila rin ay tumututol sa sistemang “endo” batay sa kanilang pahayag noong 2011. Sa pamamagitan naman ng “Praymer Hinggil sa Krisis sa Ekonomya” na inilabas ng Pambansang Kawanihan sa Instruksyon ng Partido Komunista ng Pilipinas noong 2007, ginamit din ng nasabing rebeldeng grupo ang terminong “endo” para ilarawan ang kalagayan ng mga manggagawa sa ilalim ng kasalukuyang sistema. Gaya ng mga komunista, maging ang Department of Labor of Employment 70 Suri, Saliksik, Sanaysay

(DOLE) at ang Institute of Labor Studies nito ay kapwa gumagamit ng terminong “endo” (na tinatawag ding “6-6-6” ayon sa DOLE). Ipinagyayabang din ng DOLE na nililimitahan nila ang pag-abuso sa gayong sistema sa pamamagitan ng Department Order (D.O.) No. 18, Series of 2002. Malinaw kung gayon na nasa pambansang kamalayan at diskurso na ang salitang “endo” bagamat wala pa ito sa mga diksiyonaryo.

Ang Mundo ng Endo, Ang Endo sa Mundo

Sa kabila ng malawakang pagtutol ng mga organisasyong maka-manggagawa sa sistemang “endo,” palawak nang palawak ang saklaw nito sa Pilipinas at gayundin sa ibang bansa. Ayon sa Bureau of Labor and Employment Statistics Integrated Survey/BITS (2012), 30.5% ng mga manggagawa sa Pilipinas ay di regular (o sa madaling sabi, karamihan sa kanila’y nagtatrabaho sa ilalim ng sistemang endo). Dati-rati, sa mga pribadong korporasyon lamang pangkaraniwan ang “endo.” Notorious ang mga mall chain at fastfood chain sa pagpapatupad ng sistemang “endo.” Malaon, maging ang mga ahensya ng gobyerno ay nagpapatupad na rin ng iba’t ibang bersyon ng “endo.” Halimbawa, sa Department of Education, National Labor Relations Commission, at National Commission on Culture and the Arts (NCCA), gayundin ang napakaraming state colleges and universities (SCUs) ay pawang kumukuha ng mga empleyadong kontraktwal na karaniwang ipinapaketeng “project-based” o “job order” o kaya’y “subcontracted.” Sa kaso ng DepEd, ang mga kontratang pinapipirmahan sa mga manggagawang kontraktwal ay sumasaklaw sa anim na buwan lamang na renewable hangga’t may pangangailangan ang ahensya. Sa kasamaang-palad, ang ganitong kontrata ay nagtatatwa sa pag-iral ng “employee- employer relationship” at hindi rin magrereflect sa service record sakaling makakuha ng permanenteng trabaho sa gobyerno ang empleyado. Sa maraming SCUs naman gaya sa Bulacan State University, mayorya ng mga instruktor ay kontraktwal at saklaw ng mga imposisyong gumagamit ng mga eupemismong tulad ng “contract of service” (COS). Bawat semestre ang renewal ng kontrata sa mga ganitong iskema. Sa ilang pribadong paaralan ay talamak na rin ang mga kontratang tinaguriang “fixed term” – isang eupemismo para sa kontratang renewable bawat taon o kaya’y sumasaklaw sa fixed na panahon na maaaring lagpas sa isang taon ngunit wala ring pangako ng pagkapermanente o tenure. Ayon sa ulat ng mga guro sa dalawang malaking pribadong kolehiyo sa Maynila at sa Lungsod ng Quezon, Endo 71 nagdeklara na ang kani-kanilang administrasyon na silang lahat ay tatanggalan ng permanenteng istatus bilang paghahanda sa pagpupungos ng mga asignatura sa bagong kurikulum ng kolehiyo, at kailangang sumailalim sa reaplikasyon upang maging part-time na empleyado na lamang mula 2016. Mukhang magiging talamak na rin sa mga susunod na panahon ang sistemang endo sa akademya, gaya ng pagiging talamak nito sa Estados Unidos sa pamamagitan ng lansakang adjunctivization ng mga lektyurer/propesor doon sa ngalan ng pagtitipid at pagkakamal ng tubo ng mga pribadong institusyong pang-edukasyon (Kendzior). Ayon sa isang ulat ng New York Times noong 2013, halos 80% ng mga guro sa mga unibersidad ng Estados Unidos ay pawang adjunct professors o mga propesor na hindi permanente o non-tenured; sa madaling sabi’y manggagawang biktima rin ng endo. Ang sistemang “endo” sa Pilipinas ay bahagi lamang ng mas malawak na saklaw ng kontraktwalisasyon sa buong mundo gaya ng binabanggit sa pananaliksik ni Ligaya Lindio-McGovern ng Indiana University. Ayon sa International Labor Rights Forum na ang headquarters ay nasa Washington, USA, mga trabahong “precarious” na ang pumalit sa dati-rati’y permanenteng empleyo dahil sa outsourcing, pag-iral ng mga employment agency, at pagklasipika sa mga manggagawa bilang “short-term” o “independent contractors.” Kaugnay nito, popular na sa Amerika at Europa at terminong precariat (pinaghalong precarious at proletariat) na ayon kay Noam Chomsky ay tumutukoy sa mga manggagawang nasa laylayan ng lipunan dahil sa permanenteng inseguridad na kanilang dinaranas dulot ng kawalan ng permanenteng trabaho at/o nakabubuhay na sahod/kita. Sa ganitong diwa, ang sistemang “endo” ay malinaw na bahagi ng globalisasyong pabaratan (“race-to-the-bottom globalization”) na isinasakatuparan sa pamamagitan ng pagsasamantala ng mga korporasyon sa takot ng mga manggagawa na mawalan ng trabaho dahil sa dami ng mga available na trabahador habang kakaunti lamang ang nalilikhang trabaho na tila nag-oobliga sa kanila na tanggapin na lamang ang palakad ng kapitalista kaysa mawalan ng trabaho at agad mapalitan ng mahabang pila ng mga walang trabaho na nakatanghod sa labas ng kumpanya. Dahilan sa transnasyunal na kalikasan ng kapitalismo sa kasalukuyan, madali para sa mga kapitalista na maglipat-lipat ng operasyon saanmang pinakamaliit ang gastos, lalo na ang pasweldo. Bahagi rin ng ganitong sistema ang malawakang pag- iimport ng mga mas mauunlad na bansa sa mga manggagawang kontraktwal mula sa mga desperado at mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas. Dapat bigyang- diin na ang Overseas Filipino Workers (OFWs) ay puro kontraktwal din, kaya nga ang orihinal na tawag sa kanila ay OCWs o Overseas Contract Workers. Bunsod ng global na krisis na nagsimula noong 2008, ayon sa World of 72 Suri, Saliksik, Sanaysay

Works Report ng International Labor Organization (ILO) noong 2012, lalong lumawak ang saklaw ng mga trabahong involuntary part-time at temporary sa mga mauunlad na bansa, at nananatiling malawak din ang saklaw ng informal employment (40% ng kabuuan) sa Third World. Ang mga ganitong porma ng empleyo ay pawang kahawig kundi man direktang maikakategoryang kasama ng sistemang “endo” sa Pilipinas. Nag-iiba lamang ang tawag ngunit gayundin ang ibig sabihin. Parehong aso, ibang kolyar: zero-hour contract, precarious work, temporary, part-time, informal, non-permanent, contractual, job order, casual, non-tenured, project-based, fixed term, labor flexibilization...ENDO. Sa tahas na lenteng Marxista, ang endo ay isang imbensyong kapitalista na bahagi ng lohika ng kapitalismo – na siyang nangingibabaw na sistema ngayon sa mayorya ng mga bansa sa mundo – bilang ideolohiyang nakapokus sa mabilis na akumulasyon ng tubo ng mga kapitalista, sa pamamagitan ng pagtitipid sa mga manggagawa. Sa kalakarang endo, ang mga kapitalistang nasa tuktok ng tatsulok ang higit na nakikinabang sa paglaki ng tubo ng mga kumpanya. Inversely proportional ang sitwasyon ng mga aktor sa hiyerkiya ng kapitalismong estilong endo, at ang sitwasyon nila. Ang mga manggagawa ang higit na pumapasan sa bigat ng trabaho ngunit pinakamaliit ang bahagi nila sa tubo, habang ang mga kapitalista at manedyer/superbisor naman na minimal ang kontribusyon sa aktwal na produksyon ay higit namang may malaking kaparte sa tubo.

Sa Madaling Sabi: Isang Kwentong Endo

Upang maging mas kontekstwalisado ang kahulugan ng “endo” batay sa gamit nito sa Pilipinas, maaaring pagsalitain ang subconscious ng mga manggagawang apektado ng “endo.” Kung makapagsasalita lamang ang tinig sa kanilang kaibuturan, maaaring ibahagi nila ang ganitong kwentong buhay: “Madalas, alam mo na sa simula pa lang na endo ka...na mag-eexpire ang kontrata at hindi ka mapepermanente kaya bihirang sabihing “inendo” ka pero laging sinasabi na “endo” ka na. Samakatwid, passive expiration ng kontrata ang konteksto ng “endo.” Para itong paghihintay sa inevitable, sa isang masamang pangyayari na darating kahit ayaw mo at kahit nilalabanan mo. Pagkatapos ng “endo,” obligado kang maghanap ng bagong trabaho na malamang ay sa ilalim din ng sistemang “endo.” Pwede rin namang parehong kumpanya pero magkaibang branch: halimbawa, kung endo ka na sa SM Manila, pwede kang lumipat sa SM Makati, o kung endo ka na sa McDo Vito Cruz, pwede kang lumipat sa McDo Recto. Ang salitang Endo 73

“endo” ay ebidensya ng masaklap na katototohanan ng kawalang-kapangyarihan ng mga manggagawa sa kasalukuyang lipunang kontrolado ng mga dambuhalang kapitalistang pagkakamal lamang ng tubo ang iniisip, sukdulang mawalan na ng espasyo para sa makatwiran at makatarungang mga patakarang mangangalaga sa seguridad sa trabaho ng mga manggagawang lumilikha ng yaman ng daigdig. Walang benepisyong Philhealth at Social Security System (SSS) ang manggagawang biktima ng endo. “Libing wage” – baratilyong pasweldong sapat lamang upang makapasok ka hanggang sa matapos ang kontrata – ang ibibigay sa iyo ng kapitalista. Ang natipid nilang pera na dapat ay para sa Philhealth at SSS mo ang nagpapalobo pang lalo sa kanilang mga bank account na walang katapusan ang paglaki. Pinagkakaitan ka ng seguridad sa trabaho upang manatili kang aliping patay-gutom na laging nag-aabang lamang sa trabahong kontraktwal na alok ng mga kapitalista.”

End ENDO!: Sawikaan Bilang Unang Hakbang

Produkto ng kapitalismo ang sistemang endo. Alinsunod sa lohika ng kapital, ang pagpiga sa manggagawa, ang pagsasamantala sa kanila, ang direktang akumulasyon ng kapitalista sa pinagpawisan at kung minsa’y pinagbuwisan pa ng dugo na tubo, sa pamamagitan ng pagtitipid sa pasweldo at pagkakait ng kahit kakarampot na mga benepisyong tulad ng panlipunang seguro at segurong pangkalusugan. Panahon nang tapusin ang kontratang itong walang katwiran at walang katarungan. Panahon nang I-ENDO ANG KAPITALISMO! Alinsunod sa winika ni Karl Marx at Friedrich Engels sa Manipestong Komunista, ang burgesya, ang mga kapitalista mismo ang nagluluwal sa mga maghuhukay ng kanilang libingan. Ang mga manggagawang iniluwal at biktima ng sistemang endo ang may kolektibong kakayahan din na wakasan ang mapagsamantalang sistemang kapitalista. Mula sa mga modelong ebolusyunaryo sa Amerika Latina hanggang sa mga modelong rebolusyunaryo sa kasaysayan, hitik na sa karanasan ang daigdig kung paano susulong ang mga proletaryo mula rito tungo roon (Amin, Lebowitz, at Mészáros). Sa pagsuong ng bansa sa minadaling ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) integration at iba pang kahawig na iskema, lalong lalala at lalawak ang saklaw ng sistemang endo sa bansa dahil ang ilan sa mga bansa sa Timog Silangang Asya ay may mas mababang antas ng pasahod kaysa sa Pilipinas. Ang walang rendang mobility ng mga manggagawa sa loob ng ASEAN na planong isakatuparan ng blokeng rehiyonal na ito ay lalong magpapababa sa pangkalahatang 74 Suri, Saliksik, Sanaysay antas ng sahod dahil mas maraming manggagawa na ang magkukumpitensya para sa iilang trabaho sa bawat bansa. Samakatwid, lalong dapat kilalanin ang salitang “endo” upang magsilbi itong lunsaran sa pagkritik sa mga huwad at hungkag na pangako ng globalisasyon na inilalako ng mga korporasyon at mga gobyernong pinangingibabawan ng mga elite sa pamamagitan ng mga imposisyong “mula sa itaas” (“from above”) tulad ng minadaling ASEAN integration at ng programang K to 12 na nagpapabilis sa pagmamanupaktura ng mga manggagawang hindi na magkokolehiyo at kung gayo’y mas madaling “brasuhin” sa pagtanggap ng trabahong may endo. Sa pag-iral at matagal nang pangingibabaw ng kasuklam-suklam na realidad ng endo, nararapat manindigan ang mga mamamayan, lalo na ang mga manggagawa para sa isang bagong sistemang ekonomiko na magbibigay-daan sa pagwawakas nito. Sa pamamagitan ng eksposisyon ng konteksto ng endo, makapag-aambag ang akademya sa global na pakikibaka para sa pagbabasura ng sistemang kontraktwalisasyon at tungo sa paglikha ng lipunang mapagkalinga sa bawat mamamayan. Kailangang irehistro ang kritik sa sistemang endo at magiging mas mabisa ito kung pormal na kikilalaning salitang Filipino ang endo. Masasabing wala pang diksiyonaryo sa Pilipinas ang nagtala ng salitang “endo” batay sa konteksto nito sa larangan ng paggawa, sapagkat walang ganitong word entry sa mga pinakakomprehensibong diksiyonaryong Filipino tulad ng “Diksiyonaryong Sentinyal ng Wikang Filipino (Pang-Ika-75 Anibersaryong Edisyon) na inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 2011, at ng una at ikalawang edisyon ng “UP Diksiyonaryong Filipino” na inilimbag naman noong 2001 at 2010. Kapag itinanghal na Salita ng Taon 2014 ang “endo,” marahil ay makakasama na ito sa susunod na mga edisyon ng mga nabanggit na diksiyonaryo. Nakataya rito ang kinabukasan ng milyun- milyong manggagawa sa mundo na nag-aasam ng katuparan ng mga pangakong nasa Unibersal na Deklarasyon ng Mga Karapatang Pantao na nagbibigay- garantiya sa seguridad sa trabaho, bagay na sinasalansang ng sistemang endo. Bukod dito, dapat ding bigyang-diin na makabuluhan ang kontekstong istorikal ng endo sapagkat itinatala nito ang pagbura sa o pagkawala ng welfare state – ng mapagkalingang estado – na naitatag sa maraming bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang endo ay salamin ng pangkalahatang inseguridad ng buhay sa mundong pinilit lutuin sa kawa ng globalisasyong pabaratan na nagsimulang umarangkada sa kalagitnaan ng dekada 90 at hanggang ngayo’y nananalasa sa at nilalabanan ng mga mamamayan ng daigdig. Samakatwid, ang pagkilala sa salitang endo ay paggunita, at pagsariwa sa diwa ng lipunang mapagkalinga, ng ideya ng solidaridad, ng malalaking tipak ng kasaysayan na pinanday Endo 75 at pinapanday ng pakikibaka ng mga manggagawa mula noon hanggang ngayon. Renewal ito ng ating kontratang panlipunan, ng ating kolektibong konsensus na ang theme song dapat ng lipunan ay “We’re All in This Together” at hindi “Money, Money, Money.” Higit sa lahat, paanyaya ito sa bawat isa sa atin na muling pakinggan ang alingawngaw ng mga tinig na sumisigaw sa ilang na unang narinig sa London, 166 taon ang nakararaan, upang buhayin ang aandap-andap na titis ng pakikibaka para sa isang lipunang mapagkalinga sa lahat, isang daigdig na wala nang endo: “Manggagawa ng lahat ng bansa, ! Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong mga tanikala!”

Mga Sanggunian:

Amin, Samir. “Popular Movements Toward Socialism: Their Unity and Diversity.” Monthly Review 2014, Volume 66, Issue 02 (June). http://monthlyreview. org/2014/06/01/popular-movements-toward-socialism/

Chomsky, Noam. “Plutonomy and the Precariat.” Huffington Post. 05/08/2012. http://www.huffingtonpost.com/noam-chomsky/plutonomy-and-the- precari_b_1499246.html

Conde, Chichi. “No to P125 legislated wage increase, anti-contractualization bill -- Aquino.” 01 May 2012. InterAksyon Online. http://www.interaksyon.com/ article/30748/no-to-p125-legislated-wage-increase-anti-contractualization-bill---- aquino

Escudero, Chiz. “Endo.” Abante Tonite Online. 14 June 2011. http://www.abante- tonite.com/issue/june1411/public_chiz.htm

GMA Network Online. “Tweets for My Sweet: Endo na si Sweet.” 06 May 2012. http://www.gmanetwork.com/entertainment/stars/Marian-Rivera/ videos/2012-05-06/19480/Tweets-for-My-Sweet-Endo-na-si-Sweet

InkBlood. “God Save The Queen.” 27 September 2012. https://tl-ph.facebook.com/ notes/stories-of-your-life-katatakutan-kababalaghan-pag-ibig/god-save-the-queen- ni-inkblood/468094159880691 76 Suri, Saliksik, Sanaysay

International Labor Rights Forum. “Precarious work.” http://www.laborrights.org/ issues/precarious-work

Institute for Labor Studies. “A Policy Discussion on Outsourcing, Offshoring and Remote Work.” (Proceedings of the Working World Trialogue Series 13.13). 10 May 2013. http://ilsdole.gov.ph/wp-content/uploads/2013/06/Summary-of- ProceedingupdatedFINAL.pdf

Kendzior, Sarah. “Academia’s indentured servants.” Aljazeera Online. 11 April 2013. http://www.aljazeera.com/indepth/opinion/2013/04/20134119156459616. html

Kilusang Mayo Uno. “Junk the anti-worker Herrera Law!” 02 March 2014. http:// www.kilusangmayouno.org/news/2014/03/junk-anti-worker-herrera-law

Lebowitz, Michael. “Proposing a Path to Socialism: Two Papers for Hugo Chávez.” Monthly Review 2014, Volume 65, Issue 10 (March). http://monthlyreview. org/2014/03/01/proposing-path-socialism-two-papers-hugo-chavez/

Lindio-McGovern, Ligaya. “Neo-liberal Globalization in the Philippines: Its Impact on Filipino Women and Their Forms of Resistance.”Journal of Developing Societies. Vol 23(1–2): 15–35. 2007. http://jds.sagepub.com/content/23/1-2/15.full. pdf+html

Macaspac, Macky. “Herrera Law, legal na batayan ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, pinababasura.” 08 September 2014. http://pinoyweekly.org/new/2014/03/ herrera-law-legal-na-batayan-ng-kontraktuwalisasyon-sa-paggawa-pinababasura/ Marx, Karl at Friedrich Engels. Manifesto of the Communist Party. https://www. marxists.org/archive/marx/works/1848/communist-manifesto/

MedHelp Online. 07 August 2013. http://www.medhelp.org/posts/Hepatitis-B- --Philippines/HEPA-B-CURE---4-LIFE-TRANSFER-FACTOR-EFFECTIVE/ show/654207?page=12

Mészáros, István. “Reflections on the New International: Dedicated to the Memory and Legacy of President Hugo Chávez.” Monthly Review 2014, Volume 65, Issue 09 (February). http://monthlyreview.org/2014/02/01/reflections-new-international/ Endo 77

New York Times. “Gap Widens for Faculty at Colleges, Report Finds.” by Tamar Lewin. 08 April 2013. http://www.nytimes.com/2013/04/08/education/gap-in- university-faculty-pay-continues-to-grow-report-finds.html?_r=2&

Pambansang Kawanihan sa Instruksyon ng Partido Komunista ng Pilipinas. “Praymer Hinggil sa Krisis sa Ekonomya.” PADEPA Online. 21 August 2007. http://www.padepaonline.com/pag-aaral-sa-mga-isyung-pangkasalukuyan/ praymer-hinggil-sa-krisis-sa-ekonomya

Philippine Online Chronicles. “Endo: A real-world romance.” 10 October 2008. http://thepoc.net/index.php/endo-a-real-world-romance/

Pinoy Exchange Online. http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread. php?t=469935&page=18

Wattpad. “Why Can’t It Be?” http://www.wattpad.com/54658624-why-can’t-it-be- one-shot-story/page/5

YouTube. “Alamona.” 23 April 2006. www.youtube.com/ watch?v=MW729sLtv9gNoynoy ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na nagtalumpati nang halos purong Filipino sa kanyang SONA (may mahahabang bahaging Ingles Pedagohiyang Mapagpalaya at Makabansa sa Wikang Filipino: Pagpapatatag ng Kaakuhang Pilipino Tungo sa Bansang Ating Pinapangarap*

“Kung mapapalaya lamang natin ang malikhaing lakas ng ating sambayanan, makakamtan natin ang isang bansang puno ng pag-asa at puno ng ligaya, puno ng buhay at puno ng pag-ibig—isang bansang di magiging bansa para sa ating mga anak, kundi isang bansa ng ating mga anak.”

1– Senador Jose “Pepe” Wright Diokno

nihayag ng United Nations sa 2011 Human Development Report (HDR) na nasa ranggong ika-112 ang Republika ng Pilipinas sa talaan ng 187 na bansa sa buong daigdig. Sa payak na pananalita, mahigit kalahati ng daigdig ang nakalalamang sa Pilipinas sa aspekto ng edukasyon, kalusugan at kita. Nasa Iika-99 puwesto ang bansa noong 2010; ika-77 puwesto naman noong 2000, at ika- 66 noong 1990. Ang “isang bansa ng ating mga anak” na pinangarap ni Senador Jose Wright Diokno noong dekada 80 ay nananatiling pangarap pa rin sa panahon ng pangulong nangakong dadalhin ang bayan sa “tuwid na daan” ng kaunlaran.

* Nagwagi ng ikatlong gantimpala sa Gawad KWF sa Sanaysay 2012 ang sanaysay na ito. Na- glahad ito ng kritika ng globalisasyon sa Pilipinas bilang lunsaran ng pagtalakay sa pedagohiyang mapag- palaya at makabansa sa wikang sarili na inaasahang makapagpapatatag sa identidad ng mga mamamayan ng bansa na may kasanayan at kahandaan na buuin ang pundasyon ng bansang nakasandig-sa-sarili, maunlad, at mapayapa. 79

Sa gitna ng ganitong pambansang trahedya, ang pagtataguyod ng pedagohiyang mapagpalaya at makabansa sa wikang Filipino ang pinakamaliwanag na sulong tanglaw at lakas ng sambayanan tungo sa pagpapatatag ng kaakuhang Pilipino na magbubunsod sa matagumpay na pagtahak sa landas ng kaunlaran sa pamamagitan ng demokratisasyong pampulitika at pang-ekonomya. Sa pagbaybay sa landasing ito, mahalagang linawin kung paano nasadlak sa malakumunoy na kalagayan ang bansang dati-rati’y Perlas ng Silangan sa potensiyal at kagandahan.

Matinding Paghihikahos ng Sambayanan sa Panahon ng Globalisasyon

Tinatayang 70% ng mga Pilipino (o 70 milyong mamamayan) ang nabubuhay nang mas mababa pa sa 42 piso o 1 dolyar bawat araw – ang halagang itinakda ng United Nations na diumano’y kailangan ng isang tao upang mabuhay nang disente. Ang karaniwang student meal sa University Belt ng ay nagkakahalaga ng 30 – 80 piso kaya tiyak na mas malaki na ang aktwal na bilang ng mga Pilipinong dukha kaysa sa isinasaad ng opisyal na estadistika. Halos 70% ng mga Pilipino rin ang nagsabing sila’y “mahirap” batay sa isang survey na isinagawa ng Ibon Foundation noong Abril 2010. Sa pag-aaral naman ng Food and Nutrition Research Institute/FNRI (isang ahensya ng gobyerno) noong 2008, mayroong 4,000,000 batang Pilipino ang malnourished bunsod ng matinding kahirapan. Sa pagtataya naman ng Kalipunan ng Damayang Mahirap (KADAMAY), may 30,000,000 Pilipino ang maituturing na maralitang tagalunsod o urban poor (2008). Malaking porsyento sa kanila ang walang sariling bahay at lupa, at wala ring trabaho. Batay naman sa National Statistics Office/ NSO (2010), halos 3,000,000 Pilipino ang walang trabaho at mahigit 7,000,000 naman ang kulang sa trabaho o underemployed. Dahil sa kawalan ng sapat na oportunidad na makapaghanapbuhay sa sariling bansa, 4,000 Pilipino ang umaalis sa bansa araw-araw para magtrabaho sa ibayong-dagat ayon sa Philippine Overseas Employment Administration/POEA (2006). Tatlo hanggang apat na OFW bawat araw ang umuuwing “nakakahon” na. Ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay tinatayang mula mahigit 8,000,000 hanggang 10,000,000.

80 Suri, Saliksik, Sanaysay

Bato, Noodles, Prostitusyon at Surrogate Ulam: Kakaibang Sukatan ng Kahirapan

Higit na kagimbal-gimbal ang datos sa mga di karaniwang sukatan ng kahirapan. Iniulat ng Agence France Presse (2008) na 3,000 sa 50,000 residente ng Baseco (isang komunidad ng mga maralita sa Maynila) ang nagbenta ng isang bato nila sa mga dayuhan. Marami ring Pilipino ang nagbebenta ng dugo, ngipin at iba pang bahagi ng katawan dahil sa matinding kahirapan. Bagamat ilegal ang prostitusyon sa bansa, tinatayang may “800,000 prostitute ang nakatira at nagtatrabaho sa Pilipinas. Kalahati sa kanila ang menor de edad” (Yrasuegui at Esselborn, 2008). Tinalakay naman noong Abril 29, 2010 sa ispesyal na edisyon ng Sine Totoo ng GMA 7 ang matinding kagutuman na dinaranas ng maraming Pilipino sa isang episode na pinamagatang “Philippine Agenda: Gutom.” Inilahad nito ang karanasan ng mga pamilyang Pilipino na kumakain ng tira-tirang pagkain mula sa basura (tinatawag na “pagpag” o “kaning-baboy”). Maraming Pilipino na rin ang nagtitiis sa kanin na tinambalan ng “surrogate ulam” gaya ng toyo, kape, mantika ng baboy, asin, pulang asukal, bagoong at iba pa. Ang lumang euphemism sa pagdaralita – “pagdidildil ng asin” – ay literal na nagaganap at malaganap na. Tila pinagpala pa nga ang mga nakakakain ng kanin at “surrogate ulam” dahil ayon sa Global Call to Action Against Poverty/GCAP-Philippines (2008), “Para sa maraming mahihirap na pamilya, ang instant noodles na naglalawa sa sabaw ay kumpletong pagkain na.” Ang pagbebenta ng murang noodles ay bahagi na ng isa sa mga programang kontra- kahirapan ng pamahalaan na tinaguriang “Tindahan Natin.” Sa ilalim ng nasabing programa ay tinitiyak ng gobyerno ang pagkakaroon ng access sa murang noodles at bigas ng mga maralita. Kaugnay nito, ayon sa Flour Fortification Initiative (2010), isang internasyunal na network ng mga kumpanya, NGOs at mga akademista, tumaas ng 11% bawat taon ang pagkonsumo ng noodles ng mga Pilipino sa nakaraang 10 taon.

Pagdaralita sa Ika-21 Siglo: Resulta ng Mga Modernong “Tanikalang Diyamante”

Kung pagtatagni-tagniin ang mga kalat-kalat na estadistikang ito, mahihinuhang habang mabilis na umuunlad ang ibang bansa sa iba’t ibang aspekto (sa antas Pedagohiyang Mapagpalaya 81 makro-ekonomiko man lamang sapagkat ibang usapan pa kung nakarating o nag-trickle down ba sa mga ordinaryong mamamayan ang “progreso” nila), nananatiling mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas sa kabila ng lubos na pagyakap ng bansa sa kapitalismo at mga preskripsyon ng huwad na globalisasyon na ipinataw ng mga dayuhan. Inamin ng Puno ng United Nations Information Center sa Maynila na si Therese Debuque na natatalo ang bansa sa digmaan kontra kahirapan: “Mula 1990, ang antas ng matinding kahirapan [sa Pilipinas] ay tumindi sa halip na maibsan.” Samakatwid, bigo ang bansa na kamtin ang kalakhan ng millennium development goals (mga layuning itinakda ng 192 bansang kasapi ng United Nations at mahigit 20 organisasyong internasyunal upang masugpo ang matinding kahirapan sa buong daigdig sa ika-21 siglo). Tuluy-tuloy na ipinatupad ng sunud-sunod na administrasyon ang kapitalismo sa konteksto ng huwad na “globalisasyon” na pumapabor lamang sa ekonomya ng mauunlad at industriyalisadong bansa at ilang kasosyo nila sa mga bansang Third World. Kung ituturing na propesiya ang ikapitong kabanata ng “El Filibusterismo” ni Jose Rizal, maaaring tawaging bagong “tanikalang diyamante,” ang kapitalistang globalisasyon na ipinapataw sa bansa ng mga pinunong tila mga karilyong pinagagalaw ng pising hawak ng mga dambuhalang bansang kapitalista. “Tanikala” sapagkat patuloy nitong inilulubog sa karukhaan at pagkaalipin ang sambayanan, at “diyamante” sapagkat may mapanlinlang na kislap ang mga huwad na pangako nito na binalot ng mataginting na retorika gaya ng “malayang kalakalan,” “kapatiran ng sangkatauhan” at iba pa.

Free-for-All Boxing: Lightweights vs. Heavyweights sa Arena ng Globalisasyon

Lantad na ang katotohanang “maling daan” ang kapitalismo at “globalisasyon” dahil sa pandaigdigang krisis-pinansyal na nagsimula noong 2008 at patuloy pa ring nananalasa sa numero-unong bansang kapitalista, ang Estados Unidos. Nalugi ang mga dambuhalang pribadong bangko sa Amerika dahil sa kanilang pagiging ganid sa tubo at nakapagmaniobra sila upang makakuha ng bilyun- bilyong dolyar na pondong pansalba sa pagkalugi (bail-out funds) mula sa buwis ng mga mamamayang biniktima ng kanilang pagiging gahaman. Kung talagang episyente ang kapitalismo, bakit kakailanganin pa ng mga kapitalistang korporasyon ang tulong ng gobyerno sa panahong dumanas ito ng pagkalugi? 82 Suri, Saliksik, Sanaysay

Hindi ba’t “sinolo,” “kinopo” o sinarili ng mga kapitalistang korporasyon ang tubo sa panahong maganda ang negosyo? Bakit sa panahon ng pagkalugi’y nais nilang magpasalba sa pamahalaan at taumbayan? Malinaw kung gayon na hungkag at bangkarote ang padrong kapitalista kung episyente at pangkalahatang kaunlaran ang layunin sapagkat ni hindi nga nito kayang iligtas ang kanyang sarili! Walang ipinag-iba sa payat at naghihingalong linta na di kayang mabuhay sa kanyang sarili – isang parasitikong organismong nakaasa sa kanyang mga sawimpalad na biktima. Mismong ang mga mamamayan sa “sinapupunan ng imperyalismo” ay namulat na sa kahungkagan ng kapitalismo gaya ng ipinakikita sa dokumentaryong “Capitalism: A Love Story” ni Michael Moore at ng mga dambuhalang kilos- protesta at iba’t iba pang tipo ng mobilisasyong anti-kapitalista gaya ng Occupy Wall Street (OWS) Movement na sumasaklaw sa literal na okupasyon ng mga mamamayan sa publiko at pribadong espasyo upang igiit ang superyoridad ng karapatan at kapakanan ng mga mamamayan laban sa mga puwersang naghahangad na papangibabawin sa kanilang sistemang sosyo-ekonomiko ang paghahari ng mga ganid na bangko at malalaking negosyanteng mapagsamantala. Ang kapalpakan ng kapitalismo ay awtomatikong nangangahulugan ng kapalpakan ng “globalisasyon” sapagkat kapitalista ang sistemang ipinatutupad ng mga internasyunal na ahensyang promotor nito gaya ng World Trade Organization (WTO), International Monetary Fund (IMF) at World Bank. Sapilitang ipinayayakap ng tatlong ahensyang multinasyunal ang “malayang kalakalan” sa mga bansang nangungutang upang ang mga mahihirap na bansa’y mabitag sa kumunoy ng karukhaan. Lalong yumayaman ang mga mayayamang bansa, at lalo namang naghihirap ang mga mahihirap na bansa. Sa ilalim ng patakaran ng WTO, maaaring tambakan ng halos lahat ng produkto ng mga mayayamang bansang industriyal ang mga pamilihan sa Third World. Hungkag kung gayon ang ipinamamaraling “malayang kalakalan” ng “globalisasyon” at kapitalismo: “malaya” ang mga bansang may malakas na ekonomya na pagsamantalahan ang mga bansang mahihina, at “global” ang saklaw ng kalakalan ngunit hindi global ang pakinabang. Maihahambing sa isang dambuhalang arena ang kapitalistang globalisasyon: “malayang” makilahok ang bawat bansa, ngunit hindi pinaghihiwalay ang mga lightweight at heavyweight, alalaon baga’y isang free-for-all na suntukan kung saan walang rendang bugbugan ang siyang kalakaran. Pedagohiyang Mapagpalaya 83

Kapitalistang Globalisasyon sa Pilipinas = Organized Plunder

Mula sa parity rights, patakarang dekontrol, deregulasyon ng industriya ng langis, pagpapataw ng value-added tax sa mga pangunahing bilihin, kontraktwalisasyon ng mga mangggagawa, pagtatanggal ng taripa (buwis sa mga produktong imported), tuluy-tuloy na pangungutang sa International Monetary Fund (IMF) at World Bank, pribatisasyon ng mga pangunahing industriya at public utilities (gaya ng tubig, minahan, tren at kuryente), higit na paghihikahos lamang ang idinulot ng kapitalistang globalisasyon sa mayorya ng mga Pilipino. Nanatiling isang bansa ng mga anak-dalitang magsasaka na nag-iimport ng halos lahat ng produkto ang Pilipinas. Tuluy-tuloy na ipinatupad ng mga kontemporaryong rehimen mula kay Marcos hanggang kay Ramos ang patakarang “malayang kalakalan” sa utos ng IMF at World Bank. Rumurok ang walang habas na pagyakap sa kapitalistang globalisasyon sa panahon ni Pangulong Fidel Ramos nang ipatupad ang malawakang “liberalisasyon” ng import sa pamamagitan ng lansakang pagbabawas at pagtatanggal sa mga taripa. Naging isang malawak na duty-free zone ang bansa. Nasaid ang koleksiyon ng buwis ng pamahalaan kaya’t ipinataw ng administrasyong Ramos ang noo’y 10 porsyento pa lamang na value-added tax upang “bawiin” sa taumbayan ang kitang itinapon nito sa hangin nang tanggalin at/o bawasan ang mga taripa. Bumaha ng imported na produkto na nagbunsod ng pagsasara ng mga maliliit at midyum na negosyong Pilipino. Bunsod nito, sa pagsambulat ng krisis-pinansyal sa Asya sa mga huling taon ng dekada 90, matinding pagdaralita ang dinanas ng sambayanang Pilipino. Daan-daang libong manggagawa ang nawalan ng trabaho at libu-libong maliliit na industriyang Pilipino ang namatay dahil sa patakarang liberalisasyon ng import. Naglaho ang industriya ng gulong, papel, sapatos at kemikal sa Pilipinas at maging ang mga malalaking negosyo ay naapektuhan. Dahil sa pagkamasunurin ng bansa sa IMF at World Bank, ang Pilipinas ang pinakaapektado sa pagsambulat ng krisis-pinansyal sa Asya batay sa mataas na antas ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas (11%) na higit na mataas sa mga karatig-bansa gaya ng Thailand – 5.5%; Malaysia – 5.3%; South Korea – 6% at Indonesia – 8%. Pangunahing tagapagmana ni Ramos ang administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpapatupad ng kapitalistang globalisasyon. Ipinagpatuloy nito ang patakarang liberalisasyon sa iba’t ibang industriya gaya ng semento na negatibo pa rin sa pangkalahatan ang epekto. “(N)agbigay lamang ng oportunidad 84 Suri, Saliksik, Sanaysay ang globalisasyon sa mga korporasyon, partikular sa mga transnasyunal na korporasyon...na palakihin ang kanilang puhunan...at unti-unting maisakatuparan ang monopolisasyon ng industriya...” (Edralin 2003). Nagdulot din ang globalisasyon ng “pagpapaliit ng lakas-paggawa” (downsizing) sa industriya ng semento sa bansa, bagay na nagpahina sa mga unyon at sa kolektibong kakayahan ng mga manggagawa na ipaglaban ang kanilang mga karapatan, at nagpatibay lalo sa kapangyarihan ng mga korporasyon. Pinasimulan din ng rehimeng Macapagal- Arroyo ang liberalisasyon ng industriya ng asukal sa pamamagitan ng Executive Order No. 857 na nagbigay-pahintulot sa National Food Authority na mag- angkat ng 150,000 metrikong tonelada ng asukal sa kabila ng mariing pagtutol ng mga lokal na prodyuser. Tinatayang 2,000,000,000 piso ang nawalang kita sa gobyerno dahil sa walang-taripang (duty-free) importasyon ng asukal. Hindi rin naprotektahan ng administrasyong Arroyo ang industriya ng sapatos at garment sa bansa. Nahirapang makipagkumpetensya ang industriya ng sapatos sa Marikina sa pagdagsa ng mga murang produkto mula Tsina at tila naghihingalo na rin ang industriya ng garment sa bansa dahil sa pamamayani ng Cambodia, Tsina at Vietnam sa larangang ito (Beerepoot 2008). Nagdulot ng malawakang pagsasara ng mga pabrika at tanggalan sa trabaho ang ganitong sitwasyon. Ilan lamang ang mga ito sa masasamang karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng kapitalistang globalisasyon. Sa kasamaang-palad, gaya ng ipinakita sa mga halimbawa, halos lahat ng mga nakaraang administrasyon ay naging sunud-sunuran sa mga dikta ng dayuhan sa ekonomya.

Unggoy Mentality: Mula Kay Charice Pempengco Hanggang sa Mga Pinuno

Sa pinakasimpleng diskurso, nag-asal-unggoy ang karamihan sa mga pinuno ng Pilipinas sa nakaraang mahigit 100 taon ng “kalayaan” ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay-ayuda sa organisadong pandarambong ng mga dayuhang kapitalistang korporasyon sa sambayanan, kaya hindi pa rin makaahon sa kumunoy ng kahirapan ang bansa. Nang ihayag ni na “unggoy” si Charice Pempengco dahil sa panggagaya sa mga banyagang mang-aawit, maraming Pilipino ang nagalit kay “Ka Freddie.” Hindi matanggap ng mga Pilipino ang katawagang “unggoy” na salamin ng pagiging mangongopya, manggagagad, o ng kulturang pamimirata sa ginagawa ng iba; samakatwid baga’y ang panggagaya sa Pedagohiyang Mapagpalaya 85 anumang makitang ginagawa ng mga Amerikanong dinidiyos, na walang ipinag- iba sa isang matapat na alagang unggoy na ginagagad ang bawat kilos ng among tagapagsanay (halaw sa Ingles na kasabihang Monkey see, monkey do). Malibang itakwil ng bansang Pilipinas ang mga dayuhang padrong sosyo-ekonomiko na bigo sa pagluluwal ng kaunlaran para sa sambayanan, mananatili ang mga “depekto” ng ekonomya ng bansa, mga depektong ”hiniram” lamang. Magpapatuloy “ang pagkawasak ng inyong pagkamamamayan, ang pagdurog sa inyong lupang tinubuan, ang pagpapataw ng diktadura!” ang pagiging “(i)sang bansang walang sariling diwa, bansang walang laya,” ng Pilipinas, ayon sa propesiya ni Simoun sa ikapitong kabanata ng “El Filibusterismo.”

Masa, Ilustrado at Principalia sa Wika at Kultura: Bunga ng Oportunismong Lingguwistiko at Elitismong Pedagohikal ng Kolonyalismong Kastila

Ang patuloy na pangingibabaw ng mga dayuhan at ng iilang elite na Pilipino sa kultura, pulitika at ekonomya ng bansa ay isang malinaw na bunga ng halos walang patlang na kolonisasyon ng bansang Pilipinas. Nang sakupin ng España ang kapuluan, naudlot ang dapat sana’y tuluy-tuloy na pag-unlad ng Pilipinas bilang isang malayang bansa. Gamit ang taktikang divide et impera, sinamantala ng mga Kastila ang pagkakahati-hati ng mga mamamayan sa kapuluan sa mga malalaya at nagsasariling pangkat etno-lingguwistiko upang masakop ang bansa at mapanatili ang gobyernong kolonyal sa mahigit tatlong siglo. Pinanatili ng mga Kastila ang lingguwistikong dibersidad ng mga indio hindi upang turuan sila ng multikulturalismo, kundi sa halip ay upang samantalahin ang kanilang pagkakahati- hati at nang ang mga Kastila ang makapaghari. Hindi tinuruan ng wikang Kastila at hindi rin binigyan ng sistematikong edukasyon ang lahat ng mamamayan. Arbitraryong isinantabi ng mga prayle ang dekreto ng monarkiya na nagtatadhana ng pagkakaroon ng publikong edukasyon para sa lahat ng kolonya, kasama na ang malawakang pagtuturo ng wikang Kastila sa mga mamamayan ng mga kolonya. Sa halip, isang elitistang sistema ng edukasyon ang itinayo ng mga misyonerong prayle para sa mga anak ng mga Kastilang administrador (peninsulares na tubong-España at insulares na may-dugong Kastila ngunit tubong- Pilipinas). Binigyan din ng ganitong konsesyong pedagohikal ang mga indio sa alta sociedad, ang mga itinuturing na principalia at ang mga ilustrado upang sila’y 86 Suri, Saliksik, Sanaysay maging mga Hispanisadong tagapagtanggol at kasapakat ng kolonyalismong Español. Samantala, pasambut-sambot na edukasyong primarya sa panimulang pagbasa, pagsulat at pagbibilang, sa pamamagitan ng mga eskuwelahang caton – na karaniwa’y mas mahaba pa ang oras na ginugugol sa katesismo kaysa sa iba pang asignatura – ang pakunswelong alok sa masang indio. Bunsod nito, sumibol ang tinatawag ni Dr. Zeus Salazar na ”dambuhalang pagkakahating pangkalinangan.” Nanatiling gumagamit ng mga wikang katutubo at semi-edukado kundi man tahas na di edukado ang kalakhan ng masa, habang narahuyo naman sa wikang Kastila at nagkamit ng kumpleto at de-kalidad na kanluraning literasi ang mga principalia at ilustrado. Nahati ang sambayanan bunsod sa linguistic opportunism at pedagogical elitism ng mga Kastila. Hindi kataka-taka na ang rebolusyonaryong pangkat na namuno sa tahas na paghihimagsik laban sa mga Español, ang Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) ay itinatag ng mga anak-dalitang gaya ng bodegerong si Andres Bonifacio, habang ang marami-raming mga principalia at ilustrado ang nanatiling tapat sa España hanggang sa mga huling sandali ng paghihingalo nito sa kapuluan. Kung hindi dumating ang mga Español, wala sanang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan ang hahadlang sa mabilis na pagkakaisa at pag- unlad ng ating bansa. Malamang na naging kasing-unlad tayo ng mga bansang gaya ng Norway, Pransya, Gran Britanya, at Estados Unidos. Nagsimula rin sila sa pagkakaroon ng watak-watak na mga munting kaharian at teritoryo na unti-unting nakonsolida sa pamamagitan ng mga kasunduan at digmaan. Nang mabuo na ang kanilang mga bansa, nagkaroon sila ng bentahe dahil mas malaki ang teritoryo, mas maraming likas na yaman, mas maraming manggagawa na epektibong maimomobilisa ng isang sentralisadong pamunuan. Ang mga bansang ito’y umunlad dahil natutuhan nilang pamunuan ang kanilang mga sarili. Natutuhan nilang gamitin ang likas na yaman ng kanilang mga bansa para sa kanilang mga sarili. Nagtayo sila ng mga industriya na nakalilikha ng mga kapaki-pakinabang na produkto mula sa kanilang saganang likas na yaman. Pinaunlad nila ang agrikultura upang mapakain ang lahat ng mamamayan. Sa ilang aspekto, nagagawa na ng bansa ang mga gayong bagay bago dumating ang mga Kastila, ngunit tiyak na maaari pa itong umunlad at sumulong sa lahat ng salik, gaya ng nangyari sa mga bansang binanggit. Sa loob ng 333 taon ng kolonyalismong Español, ”nakalimutan” o hindi na natutuhan ng mga Pilipino kung paano mamahala, kung paano bumuo ng bansa, kung paano gamitin ang mga biyaya ng Diyos sa Pilipinas, dahil lahat nga ay kinontrol na ng mga Kastila. Kakatwa ang problema ng Pilipinas sapagkat nang napalayas na Pedagohiyang Mapagpalaya 87 ng mga rebolusyunaryo ang mga Kastilang kolonyalista, dumating naman ang mga Amerikanong imperyalista. Magsisimula na sanang muli sa pagtuklas sa sariling pag-unlad ang Pilipinas nang dumating ang Amerika na nakialam din sa pangangasiwa ng gobyerno at lipunan na kung tutuusi’y kayang matutuhan ng mga Pilipino sa sariling pagsisikap. Imperyalismong Amerikano ang lalong nagpatibay sa mga ”tanikalang diyamante” ng Republikang Pilipino.

Hegemonyang Holistiko sa Imperyalismo: Pagpupurgang Kultural

Sa kabila ng matinding pambubusabos, brutalidad, panloloko at paghihirap na dinanas ng mga Pilipino sa ilalim ng Star-Spangled Banner, marami pa ring pumupuri sa diumano’y kabutihang naidulot ng pananakop ng Amerika. Marami pa rin ang nagsasabing mas mainam pang maging estado tayo ng USA upang makaranas ng diumano’y mga biyaya ng kapitalistang globalisasyon. Ang ganitong pangangayupapa at pagsamba sa mapagsamantalang dayuhan na bumiktima at bumibiktima pa rin sa bansa ay di kataka-taka sapagkat maagang nagsagawa ng hakbang ang USA para kontrolin, manipulahin at lasunin ang isipan ng mga Pilipino. Hegemonyang holistiko ang ipinataw ng imperyalistang Amerikano: hene- henerasyon ang hinubog sa ilalim ng bandilang Amerikano bilang mga little brown Americans na Kano sa isip, sa salita, sa gawa at sa lahat, maliban lang sa kulay ng balat. Pagdaong sa Pilipinas, inatupag agad ng mga sundalong Kano ang pagtuturo sa mga batang Pilipino. Malaon, dumating ang mga gurong sibilyan na tinatawag na Thomasites. Itinayo ng mga Amerikano ang isang pampublikong sistema ng edukasyon sa antas elementarya at sekundarya upang lalong makontrol ang pag-iisip ng mga Pilipino. Sapagkat natuto na sa lingguwistikong kamalian ng mga Español, ipinilit ng mga Amerikano ang pagtuturo ng wikang Ingles upang mas madaling mapasunod ang mga Pilipino at para ilayo sila sa mga katutubong wika na sumasalamin sa kulturang Pilipino. Natatakot ang mga Amerikano na kapag napalapit ang mga Pilipino sa kanilang katutubong kultura sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika ay muling mag-alab ang damdaming makabayan nila na maaaring mauwi sa rebolusyon. Itinanim ng mga Amerikano ang binhi ng kolonyal na pag-iisip at linguistic inferiority complex sa pamamagitan ng tahas na pagbabawal sa paggamit ng wikang katutubo sa mga paaralan. Ang mga teksbuk na ipinagamit ay puro papuri sa Amerika. Sa History, buhay ng mga 88 Suri, Saliksik, Sanaysay bayaning Amerikano ang itinuturo sa mga Pilipino habang itinatakwil naman ang mga bayaning Pilipino gaya ni Macario Sakay bilang mga “bandido” na di dapat tularan. Ipinagbawal ang pag-awit ng at iba pang makabayang awitin. Ipinataw ang sensura maging sa mga sarswela at pelikula na sa mga unang taon ng pananakop ng Amerika ay ginamit na kasangkapan ng mga makabayan upang papagningasin ang aandap-andap na sulo ng pakikibakang anti- imperyalista ng sambayanang nagsisimula pa lamang makarekober mula sa gerang rebolusyonaryo at anti-kolonyalismo na naipagtagumpay laban sa mga Kastila. Sa kabuuan, pagpupurgang kultural cultural purging ang dinaanang proseso ng mga Pilipino sa kamay ng mga Amerikano: tila maruruming mikrobyo’t bulateng pesteng pinilit purgahin ng mga kampon ni Uncle Sam ang sumisibol na identidad ng mga mamamayan. Upang maging ganap ang cultural purging, walang humpay na tinambakan ang mga Pilipino ng mga advertisement na nag-eendorso ng mga produktong Amerikano sa mga pelikula, telebisyon at radyo. Tinuruan silang produktong Amerikano lang ang gustuhin at bilhin. Hanggang ngayon, laganap pa rin ang pagiging utak-imported ng mga Pinoy. Ayaw ng bagkat-bao o panutsa, gusto ay Hersheys! Ayaw ng Hapee, gusto’y Colgate! Ayaw ng sapatos- Marikina, gusto’y Nike! Ayaw ng Sarao, gusto’y Porsche!

“Demokrasyang Piramidikal”: Alta Sociedad Bilang Balwarte ng Kapangyarihan

Tinalbugan ng mga Amerikano ang mga Kastila sa paggamit ng nirebisa at lalo pang pinasahol na taktikang “hatiin sila at pagharian.” Kinuha ng USA ang suporta ng mga Pilipinong elite, ang ilustrado at principalia noong panahon ng Kastila, sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila ng masasabaw na pusisyon sa gobyerno. Ang mga Pilipinong elite na nagtraydor sa mamamayan ay binigyan ng mga pusisyon sa gobyerno bilang gantimpala sa kanilang pagiging maamong tagasunod ng USA na katulong sa pagpapatahimik ng mga mamamayang anti-imperyalista. Hindi rin pinakialaman ng USA ang mga hacienda ng mga Pilipinong elite para matiyak na susuportahan nilang lagi ang gobyernong kolonyal. Sa mga negosyo at industriya, ginawang kasosyo ang mga elite para sila’y makinabang din sa pamamahala ng USA at kung gayo’y manatili ring matapat sa mga Amerikano. Ipinadala sa Estados Unidos ang maraming anak ng mga pinunong elite upang doon mag-aral na maging Amerikano sa isip, sa salita at sa gawa. Hene-henerasyon ng elite na pensionado ang sinanay ng Amerika upang Pedagohiyang Mapagpalaya 89 maging taliba ng neokolonyalismo sa pulitika, panitikan, edukasyon, ekonomya at iba pang larangang makatitiyak sa tuluy-tuloy na pagkagapos ng Pilipinas sa tanikalang kanluranin. Lubos na pinagbuti ng Amerika ang pagtuturo ng Ingles sa mga elite sa pamamagitan ng mga pribadong paaralang pinayagang umiral sa tangkilik ng gobyernong kolonyal. Lalong pinaghiwalay ng mga Amerikano ang elite at ang masa sa wika, kultura at sensibilidad upang ang una ay maging masugid na tagapagpatupad ng mga pakatarang makadayuhan, habang ang huli’y nananatiling mangmang at may limitadong partisipasyon lamang sa prosesong elektoral at pagbabalangkas ng mga polisiyang pambansa sa ekonomya at iba pang larangan. Karamihan sa mga Hispanisadong elite ay agad nagpalit-wika at nakiayon sa namamayaning kaayusan. Nagpatuloy at lalo pang umigting ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan sa pagitan ng elite at ng masa. Samakatwid, ipinagpatuloy ng mga Amerikano ang elitismong pedagohikal at lingguwistikong oportunismo ng mga Kastila, at inilatag ang pundasyon ng “demokrasyang piramidikal,” kung saan ang iilang Ingleserong elite ang nangingibabaw sa mayorya ng mga mamamayang nagsasalita ng wikang katutubo.

Plutokrasya ng Mga Inglesero/a

Upang lalong maglaway ang mga Pilipinong elite, nagpa-eleksyon ang USA sa bawat bayang nasakop sa Pilipinas sa taktikang maaaring tawaging political conditioning. Kumbaga sa eksperimento ng Rusong si Ivan Pavlov, ang elite ang aso at ang eleksyon naman ang bell at pagkain. Noong una, ang mga may ari-arian (gaya ng bahay at lupa) lamang ang maaaring bumoto at maiboto. Kahit malaon ay maaari na ring mahalal at maghalal ang mga walang ari-arian at sapat na kita, hindi pa rin sila nakinabang sa eleksyon dahil wala silang panama sa pera ng mga elite. Ang sistema ng eleksyong itinuro ng USA ay halalang nakabatay sa pera at di sa plataporma. Nahihirapang manalo ang walang pera kahit maganda ang kanyang plataporma. Dahil elite lang ang may pera, karaniwang sila lang din ang nahahalal. Bunga nito, sila rin ang pinakamatatapat na kasapakat ng USA, sapagkat kahit paano’y nakakabahagi sila sa kapangyarihan, pera at iba pang resources ng pamahalaan. Sapagkat aral na aral sa Ingles, mula noon hanggang ngayon ay pinanatili at pinananatili ng mga elite ang pangingibabaw ng Ingles sa lahat ng prosesong pulitikal ng bansa. Ingles ang ginagamit sa kalakhan ng mga korte, lalo na sa Korte Suprema. Halimbawa, kakatwang ang mga desisyon ng Korte Suprema 90 Suri, Saliksik, Sanaysay sa mga mahahalagang usaping pambansa at pangmasa gaya ng reporma sa lupa ay pawang nakasulat sa Ingles. Ang Senado at Kongreso ay nagsasagawa pa rin ng mga pagdinig sa wikang Ingles, kaya magkaroon man ng panahon ang isang anak-dalita na mag-obserba, maliit ang tsansa na maiintindihan niyang ganap ang walang katapusang pagtatalo ng mga senador at mga kongresista. Ang mga batas ng republika ay nakasulat at isinusulat sa wikang Ingles. Mangilan- ngilang mahahalagang batas pa lamang ang nakasalin sa wikang pambansa. Ang mismong Saligang Batas ay nasa Ingles ang orihinal at may kagimbal-gimbal na pasubaling kung magkaroon ng pagtatalo sa kahulugan ng mga probisyon ng Konstitusyon, ang orihinal sa Ingles ang masusunod at hindi ang salin sa mga wikang katutubo! Samakatwid, malinaw na pinatibay at pinananatili ng hegemonya ng Ingles ang plutokrasya sa Pilipinas (ang pamumuno ng masasalaping elite). Bunsod ng pamamayani ng Ingles sa sistemang pampulitika ng bansa, hindi kataka-takang ang maraming makabayan at makamasang probisyon ng Saligang Batas ay nagiging palamuti na lamang. Halimbawa, ayon sa Artikulo II, Seksyon 26 ng Konstitusyon: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.” Sa kasamaang-palad, hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapasa ang isang enabling law na magpapatupad sa gayong probisyon na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mas maraming mamamayan na lumahok sa prosesong elektoral bilang mga kandidatong kampeon ng anak- dalita. Nananatiling nakaimbak sa mga inaalikabok na bulwagan ng mga batas na naglalayong makapag-ambag sa demokratisasyon ng kapangyarihang pampulitika at pang-ekonomya sa bansa ang House Bill 3413 (Anti-Political Dynasty Act) na co-authored ng , Gabriela Women’s Party, , Kabataan at ACT Teachers Partylist. Laging hinahadlangan ng mayorya sa Senado at Kongreso na pawang Inglesero/Inglesera ang isang batas na babasag sa kanilang monopolyo sa kapangyarihang pampulitika at pang-ekonomya. Tinitiyak nilang Ingles ang diskusyon sa anumang pagdinig upang malito at umuwi na lamang ang mga matitiyagang elemento ng masa na maghahangad makilahok sa pagtataguyod ng mga gayong batas. Mula Batanes hanggang Tawi-tawi, may kanya-kanyang kaharian ang mga “political dynasty” sa bansa. Mula noong 1900s hanggang sa kasalukuyan, pinaghaharian ng iilang pamilya ang maraming pambansa at lokal na puwesto at hanggang ngayon, mahirap pa rin ang Pilipinas. Samakatwid, di kalabisang sabihing walang silbi, inutil at hadlang sa pagbabago ang mayorya ng mga pulitikal na dinastiyang may edukasyong kanluranin sa wika, kultura at Pedagohiyang Mapagpalaya 91 sensibilidad na malayung-malayo sa katutubong wika, kultura at sensibilidad ng sambayanang naghihikahos. Ang demokratisasyon ng pulitika ay nangangahulugan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa masa. Sa mas malawak na partisipasyon ng mga ordinaryong manggagawa, magsasaka at iba pang mga anak-dalita sa pulitika, laban sa tradisyunal na paghahari ng mga asendero at negosyante, tiyak na hahantong sa tunggalian ng mga interes ang mga labanan sa sangay lehislatibo, hudisyal at ehekutibo ng pamahalaan. Sa ganitong konteksto, natural lamang na hadlangan ng elite ang ganap na demokratisasyon ng pulitika, bagay na hindi maaaring manatiling permanente. Nakasalalay sa tuluyang pagwawaksi ng neokolonyal na edukasyon ang pampulitikang kamulatan ng sambayanan na siyang magdadala sa atin sa tuwid na daan ng kaunlaran.

Edukasyong Neokolonyal at Hegemonya ng Ingles: Hadlang sa Kaunlaran

Ang kabiguan ng sistemang pang-edukasyon ng bansa na makapag-ambag sa paglinang ng makabayang kamalayan at pambansang kaunlaran ay bunga ng kabiguan ng sambayanan na iwaksi ang mga tanikalang ipinataw ng mga imperyalista sa ating kultura, ekonomya at pulitika. Ang bulag na adapsyon sa mga kanluraning padron ay tiyak na mabibigo sapagkat likas na magkaiba ang kultura, wika, sensibilidad at sistema ng lipunang Pilipino at ng lipunang kanluranin. Sa edukasyong neokolonyal, malinaw na may hegemonya pa rin ang wikang Ingles sa lahat ng antas ng edukasyon, sa kabila ng pagsibol ng programang Mother Tongue-based Multilingual Education (MTB-MLE) na hanggang sa ngayo’y hindi pa ganap na naipatutupad. Hindi pa rin ipinawawalambisa ni Pangulong Noynoy Aquino ang Executive Order No. 210 ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo, na naglalaman ng napakaraming probisyong maka-Ingles. Mas mahaba pa rin ang contact time sa Ingles kaysa sa Filipino sa ilalim ng DepEd Order No. 90, Series of 2009. Sa ilalim naman ng programang Kindergarten to 12 years of Basic Education o K to 12 Program, lalong pinatitingkad ang pangingibabaw ng Ingles sa kurikulum sa pamamagitan ng paghubog sa mga estudyante hindi bilang mga Pilipinong propesyunal at manggagawang maglilingkod sa ikauunlad ng kanilang lupang tinubuan, kundi bilang mga robotikong bahagi ng lakas-paggawang nagpapakilos sa mga industriya at serbisyo sa mga mauunlad na bansang industriyal sa Amerika, Europa at Gitnang Silangan. 92 Suri, Saliksik, Sanaysay

Bunsod ng malawak na kultural at sosyo-ekonomikong agwat ng elite na edukado sa Ingles at ng masang Pilipino na Filipino ang gamit, naging isang “lupain ng mga digmaang-sibil, isang republika ng mga ganid at ng mga walang kabusugan” ang Pilipinas, gaya ng propesiya ni Rizal. Sa ganitong diwa, malinaw kung bakit hindi nauunawaan at nararamdaman ng mga Ingleserong opisyal ng gobyerno ang sentimyento ng masang Pilipino. Ang lingguwistikong agwat sa pagitan ng dalawang bloke ay lubhang mahirap igpawan kaya hinahadlangan nito ang pagkakaroon ng malaya at mapagmulat na pambansang diskurso sa pagitan ng mga pinuno at mga mamamayan. Hindi isang biro ng tadhana na ang mga nakaraang rehimeng Inglesero/Inglesera ay nabigong intindihin at lutasin ang mga ugat ng mga suliraning sosyo-ekonomiko ng bansa. Halimbawa, sa halip na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, pag-akit sa dayuhang puhunan ang pangunahing programang kontra-kahirapan ng mga administrasyon mula noon hanggang ngayon, sa kabila ng pagbababala ng United Nations Conference for Trade and Development (UNCTAD) sa 2011 World Investment Report na hindi dapat umasa ang mga bansang Third World sa dayuhang puhunan dahil madali itong makuha at madali rin itong mawala. Ginagamit na palusot ang adyendang pabor sa dayuhang puhunan upang ipilit ang patuloy na pamamayani ng wikang Ingles sa edukasyon. Sa halip na mga tagapag-ambag sa pambansang kaunlaran, pangunahing eksport ang trato ng gobyerno sa mga estudyanteng pinipilit mag-Ingles sa paaralan para malao’y maging mga manggagawa at mga propesyunal na aalipinin ng mga dayuhan.

Unang Hakbang sa Pagpapatatag ng Kaakuhang Pilipino: Ganap na Filipinisasyon ng Edukasyon

Sa panahong nilalamon ng globalisasyon ang kultura at ekonomya ng bansa, mabisang pananggalang ng mga Pilipino ang pagbuhay sa katutubong kultura ng kapuluan. Pangunahin itong maisasagawa sa pamamagitan ng pagwasak sa hegemonya ng Ingles na magbibigay-daan sa pagsibol at pamamayagpag ng pedagohiyang mapagpalaya at makabansa. Ganap na Filipinisasyon ng edukasyon sa lahat ng antas ang unang hakbang upang mapatatag ang kaakuhang Pilipino sa gitna ng mapaminsalang daluyong ng globalisasyon. Nangangahulugan ito na sa pangmatagalan, ang Ingles ay dapat na lamang ituro bilang isang asignatura at hindi na dapat gamitin bilang wikang panturo sa lahat ng antas, gaya ng ginagawa ng mga pinakamauunlad na bansa na nasa Scandinavia. Hadlang sa mabisang Pedagohiyang Mapagpalaya 93 pagkatuto ang sistema ng edukasyon kung saan ang dominanteng wika ay isang dayuhang wika sapagkat “Sa halip na direktang matuto ang bata sa pamamagitan ng kanyang katutubong wika, kailangan muna niyang imaster ang dayuhang wika, isaulo ang bokabularyo nito, masanay sa mga tunog, intonasyon, at pagbigkas nito, para lamang ibasura ang lenggwaheng ito kapag hindi na siya nag-aaral...Ang dayuhang wika ay dapat ituro at mas madaling maituturo kung namaster na ng mga bata ang kanilang katutubong wika…” (Constantino 1982).

Wikang Panlahat: Praktikalidad ng Filipinisasyon sa Panahon ng Globalisasyon

Mula 1906, Ingles pa rin ang dominateng wika sa gobyerno at edukasyon, alalaon baga’y “ang wika ng kapangyarihan” o “language of power” kaya nananatiling etse-pwera ang masa sa sistemang pampulitika at hilaw ang pagkatuto ng mga Pilipino. Mabagal ang implementasyon ng pananaliksik ng mga researcher at/o siyentista sa bansa dahil karaniwan, Ingles ang lenggwahe ng pananaliksik pero Filipino o iba pang lokal na wika ang ginagamit ng mga manggagawang katuwang sa pagpapatupad ng pananaliksik. Tiyak na bibilis ang pananaliksik sa bansa kung ganap na isasakatuparan ang Filipinisasyon ng edukasyon: hindi na kakailanganin ng mga interpreter at tagasalin kapag nagtatalakayan ang mga siyentista, manggagawa, magsasaka at iba pang mga simpleng mamamayan na kasangkot sa pagpapatupad ng pananaliksik. Paghambingin ang mga website ng mga unibersidad sa mga bansang nangunguna sa paggamit ng pananaliksik para sa pambansang kaunlaran at kasama sa top 20 ng 2010 Human Development Index ng United Nations: ; ; ; ), at ang mga website ng mga nangungunang unibersidad sa Pilipinas: ; ; ; . Ang mga website ng mga unibersidad sa Pilipinas, Ingles ang default language at ni walang bersyon sa Filipino, maliban sa kapirasong pahina ng mga Departamento ng Filipino! Samantala, ang mga website ng unibersidad sa mga bansang nasa top 20 ng Human Development Index, wikang katutubo nila ang gamit! Ipinakikita ng pinakahuling resulta ng National Achievement Test (NAT) na ang mga estudyante ay nakakuha ng pinakamatataas na average na marka sa Filipino, bagay na nagpapatunay na dapat na itong gamitin bilang pangunahing wikang panturo. Ayon sa National Statistics Office (2010), sa 17 rehiyon sa buong 94 Suri, Saliksik, Sanaysay

Pilipinas nangunguna ang Tagalog bilang wikang sinasalita sa 5,389,246 tahanan o 35.32% ng kabuuang 15,256,942 tahanan. Di hamak na mas magkakalapit ang Tagalog at ang iba pang wika sa Pilipinas kaysa sa Ingles at mga wikang katutubo sa bansa. Kung gayon, isang kahunghangan at pagpapatiwakal ang pagpupumilit na panatilihing pangunahing wikang panturo ang Ingles sa Pilipinas. Ang muling pangingibabaw ng Filipino sa edukasyon at iba pang larangan ang susi sa sosyo- kultural at pulitikal na liberasyon ng mga Pilipino gaya ng sinasabi ni Simoun: “... kinalimutan ninyong habang pinangangalagaan ng sambayanan ang kanilang wika, pinangangalagaan nila ang marka ng kanilang kalayaan gaya ng pangangalaga ng isang tao sa kanyang kalayaan habang pinananatili niya ang sariling paraan ng pag-iisip. Ang wika ang kolektibong kaisipan ng sambayanan.” Sa pamamagitan ng pagpapalaya ng kamalayang pambansa, mapapalapit ang sambayanan sa tuwid na daan ng kaunlarang pang-ekonomya. Paano nga ba lalaya ang bansa sa kultural, ekonomiko at sosyo-kultural na dominasyon ng mga dayuhan kung ang mismong dila nito ay nakatanikala? Nilinaw ni Simoun ang ugnayan ng paglinang ng pambansang identidad at pagpapaunlad ng bansa: “…Ipakilala ninyo ang inyong sarili sa pamamagitan ng paglalantad ng inyong sariling katangian, subukin ninyong itayo ang pundasyon ng bansang Pilipinas! Pinagkakaitan ba nila kayo ng pag-asa? Mabuti! Huwag kayong umasa sa kanila, umasa kayo sa inyong sarili at kumilos!...linangin ang sariling wika, palawakin ang saklaw nito at pangalagaan ang sariling pag-iisip ng sambayanan...magsikhay kayo na maging isang bansa! Sa halip na maging utak-alipin, mag-isip kayo nang malaya...at malaon, kakamtin ninyo ang inyong kalayaan!” Hanggang ngayon, nangingibabaw pa ang mga dayuhan sa ating wika, kultura, pulitika at sa ekonomya, kaya makabuluhan pa rin ang kaisipang ipinahayag ni Jose Rizal sa “El Filibusterismo.”

Pagsasalin: Karagdagang “Tubig” na Pamuno sa Balon ng Katutubong Kaalaman

Ang ganap na Filipinisasyon ng edukasyon ay isang radikal na preskripsyong nangangailangan ng pagsasabalikat ng lansakang pagsasalin at/o adaptasyon ng kaalaman sa mga larangan kung saan dominante ang Ingles (gaya ng Siyensya at Matematika). Isang propesor sa De La Salle University, si Dr. Feorillo Petronilo Demeterio III (2009), ang nagsalin ng mga konsepto ni Einstein sa Filipino upang patunayan na kaya ng at handa na ang Filipino na maging isang wikang Pedagohiyang Mapagpalaya 95 magagamit sa pagdukal ng siyentipikong kaalaman. Isa lamang ito sa sanlibo’t isang pagsisikhay sa intelektwalisasyon ng wikang pambansa na naidokumento na ng mga samahang pangwika gaya ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL), at Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. (PSLLF) at ng mga akademikong dyornal gaya ng “Malay” ng De La Salle University na may pinakamataas na download at viewership rate sa lahat ng dyornal sa Pilipinas. Bukod sa pagsasalin ng mga tekstong siyentipiko at matematikal, dapat ding pag- ukulan ng pansin ang pagsasalin ng mga akdang klasiko sa daigdig, gayundin ang mga bestseller na aklat sa bawat taon gaya ng ginagawa sa Europa. Upang patibayin ang nasyunalisasyon ng wikang Filipino at ganap na magapi ang rehiyunalismo, dapat ding palawakin pa ang saklaw ng pagsasalin ng panitikan sa bernakular tungo sa wikang pambansa. Kung gayon, isang imperatibo ang pagpapalakas sa Kawanihan sa Pagsasalin ng Komisyon sa Wikang Filipino at ang pakikipag- ugnayan nito sa mga nangungunang unibersidad sa buong bansa tungo sa mabilis at mas mahusay na lansakang pagsasalin. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng sapat na kagamitang panturo para sa isang ganap na Filipinisadong sistemang pang-edukasyon. Tanging ang isang ganap na FIlipinisadong sistemang pang- edukasyon lamang ang makapaghuhubog at makalilinang ng “mga mag-aaral na may mapanuri at malikhaing pag-iisip,” “isang henerasyon ng mga mahuhusay at matatalinong mamamayan na magtatayo ng mga industriya, mangangasiwa ng mga negosyo at lilikha ng mga trabaho – na may dignidad – para sa mga mamamayan” sa halip na maging isang bansa lamang ng domestic helpers, construction workers, caregivers, at call center operators, batay sa isang pahayag ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Mga Sining-Pambansang Komite sa Wika at Salin (2004).

Ambagan: Papel ng Mga Wikang Rehiyunal sa Pagpapalawak ng Bokabularyong Filipino

Bukod sa pagsasalin, makatutulong din sa pagpapatampok ng wikang Filipino bilang mabisang wikang panturo ang pagpapalawak ng bokabularyo ng wikang pambansa sa tulong ng mga salita mula sa mga wikang rehiyunal. Magandang proyektong kaugnay nito ang “Ambagan” na isinasagawa ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) tuwing makalawang taon. Kapuri-puri rin ang pagtatangka ng mga editor at mananaliksik ng UP Diksiyonaryong Filipino (Binagong Edisyon) at iba pang mga katulad na diksiyonaryong nagtatala ng mga terminolohiyang 96 Suri, Saliksik, Sanaysay mula sa mga wikang rehiyunal ng bansa. Isa sa mga prinsipyo sa panghihiram ng salita na ipinalalaganap ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang preperensya ng panghihiram/pagkuha ng mga katutubong salita mula sa iba pang wikain ng Pilipinas liban sa Tagalog, kapag walang maitumbas na mula sa kasalukuyang leksikon, bago manghiram sa Kastila at Ingles. Gayunman, kitang-kita sa maraming pag-aaral na napakalakas ng impluwensya ng Kastila noon at Ingles ngayon sa panghihiram ng salita. Humantong na nga sa puntong hiram nang hiram sa Ingles at Kastila ang Filipino kahit may magagamit namang panumbas na nasa kasalukuyang leksikon ng wikang pambansa at/o may karampatang eksaktong termino namang makukuha sa mga wika ng Pilipinas. Bunga nito’y nagkomentaryo ang isang Koreanong mananaliksik sa labis na panghihiram sa Ingles na nakagawian na ng mga Koreano’t Filipino: ”Mayroon naman silang magagamit na mga termino kaya lang ayaw nilang gamitin, dahil ang ginagamit nila ay ang wika ng dayuhan, gaya ng wikang Ingles. Dahil kapag ginamit nila ang wikang dayuhan, nagkakaroon sila ng pagmamalaki sa sarili” (Rho Young Chul: 2005). Sa kabila nito’y tuluy-tuloy ang pagsulong ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, kasama na ang leksikograpiya o pagbubuo ng mga diksyunaryo’t glosaryo. Marami nang naisulat na glosaryo o diksyunaryong Filipino sa iba’t ibang larangan gaya ng agrikultura at iba pang larangan ngunit sa abot ng nalalaman ng mananaliksik ay bihira pa ang nagtangkang bumuo ng ispesyal na glosaryong Filipino na nakatuon sa pangangalap ng mga panumbas mula sa mga katutubong salita para sa mga salitang di eksaktong matumbasan ng kasalukuyang leksikon. Bunsod nito, mabagal ang integrasyon ng mga salitang mula sa mga katutubong wika, bagay na itinakda noon upang mapahupa ang galit ng mga rehiyunalistang tutol sa Filipinong sa tingin nila’y Tagalog lamang, at aktwal na mapalawak ang talasalitaan ng Filipino labas pa sa korpus na mayorya’y Tagalog, yaman din lamang at marami ring salitang di eksaktong matumbasan ng Tagalog ngunit natutumbasan ng mga wikain (gaya halimbawa ng bana ng Hiligaynon sa halip na asawang lalaki sa Tagalog o husband sa Ingles). Dapat pagsikapang maipagpatuloy ang magandang simulaing napansin na noon pa ng Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario (1998): ”Nasa kalooban ngayon ng Pilipino ang paglinang sa sanyata at ranggay ng Iloco, sa uswag at birtud ng Visaya, sa santing ng Kapampangan...” Kung hindi makabubuo ng glosaryo sa ganitong larangan, hindi magiging kumpleto ang intelektwalisasyon at elaborasyon ng Filipino bilang isang tunay na wikang pambansang ginagamit nang may pagmamalaki ng mga Pilipino mula sa Batanes hanggang Tawi-tawi. Pedagohiyang Mapagpalaya 97

Telebisyon: Mula Idiot Box Tungong Enlightenment Apparatus

Mahalaga ang papel na gagampanan ng telebisyon sa paghuhubog ng nasyonalismo ng mga Pilipino at sa lalo pang pagpapalaganap ng wikang pambansa tungo sa tunay na pambansang kalayaan at kaunlaran. Dapat bigyang-diin na malaki ang naiambag ng telebisyon sa dalawang dekada ng Filipinisasyon ng midya noong dekada 80 hanggang dekada 90. Mayorya ng mga tahanang Pilipino ay may telebisyon kaya anumang ipalabas ng isang channel ay may matinding impact sa buong bansa. Sa kasamaang-palad, maraming mga palabas sa mga lokal na channel ang hindi gaanong makabuluhan. Sa halip na mga palabas na lumilinang sa kasanayan sa mapanuring pag-iisip, karaniwang mababaw na aliwan o entertainment lamang ang laman ng mga programa sa telebisyon. Karaniwang panghatinggabi pa ang mga matino at seryosong palabas. Primetime ang mga game show na walang ginawa kundi magpa-iyak ng mga kalahok at magpasayaw ng mga babaeng kakapiraso ang damit. Tila “idiot box” na nga ang telebisyon sa Pilipinas. Panahon nang gamitin ang kapangyarihan ng midya sa akselerasyon ng Filipinisasyon ng edukasyon at ganap na pagtataguyod ng wikang pambansa sa iba’t ibang larangan tungo sa pambansang pagkakaisa at kaunlaran. Dapat buhayin ang mga makabayang programang gaya ng “Tatak Pilipino” (isang multi- awarded at ngayo’y defunct nang TV magazine program hinggil sa sining at kultura ng bansa na nagsimula noong mga huling bahagi ng dekada 80, kasama sina Jim Paredes ng APO Hiking Society at ang brodkaster na si Gel Santos Relos bilang mga tagapagpadaloy), “Hiraya Manawari” (isang pambatang palabas hinggil sa mga kuwentong may mahika at nagkikintal ng mga pagpapahalaga gaya ng pag- ibig, paggalang, kapayapakan, katapangan, katapatan atbp.), “Sineskwela” (isang palabas na tumatalakay sa mga konseptong siyentipiko sa wikang Filipino), “Bayani” (isang pambatang TV series hinggil sa buhay ng mga bayaning Pilipino, kung saan dalawang bata ang nakapaglalakbay sa panahon upang makilahok sa “paglikha ng kasaysayan). Ang mga ganitong palabas ay tiyak na makapag- aambag sa pagbubuo ng matibay na pundasyon para sa Filipinisasyon ng isip, puso at diwa ng mga susunod na henerasyon ng Pilipino.

98 Suri, Saliksik, Sanaysay

Makabayang Panitikan: Pundasyon ng Makabansang Kamalayan

Upang mapatibay ang pedagohiyang mapagpalaya at makabayan, iminumungkahi rin ang pagkakaroon ng asignaturang mandatory na tatawaging Panitikang Makabayan sa antas sekundarya at tersyarya. Hindi na magsisimula sa wala ang mga paaralan dahil ang Unibersidad ng Pilipinas ay matagal nang may Panitikang Makabayan bilang isang elective subject sa ilalim ng Revised General Education Program (RGEP). Sa halip na simpleng elective, dapat maging required subject ito sa ilalim ng General Education Curriculum (GEC). Maaaring saklawin nito ang mga makabayang nobela, makabayang sanaysay o talumpati at mga makabayang awitin. Dapat ding tangkilikin ang mga makabuluhang indie film na naglalahad sa kasaysayan at/o naglalarawan sa kontemporaryong kalagayan ng bansa. Nilinaw ni Rizal sa Kabanata 20 ng “El Filibusterismo” ang kabuluhan ng pagpapahalaga sa katutubong kultura sa pagpapaunlad ng bansa: “Hindi ba sanlibong beses na mas mainam kung maipakikita natin ang ating mga kostumbre at tradisyon, upang maunawaan natin ang ating mga bisyo at depekto at upang maluwalhati natin ang ating mga positibong katangian?” Sa pamamagitan ng pedagohiyang mapagpalaya at makabayan, mapupukaw ang mga mamamayan na mag-ambag sa pambansang kaunlaran. Pupuspusin ng ganitong proseso ang pagsasanib ng teorya at praktika sa pedagohiya at pagbabagong panlipunan na iminumungkahi ng pamosong edukador na si Paulo Freire sa kanyang obra maestrang “Pedagohiya ng Mga Inapi” (1993) na akmang-akma sa kalagayan ng mga bansang Third World gaya ng Pilipinas.

Pambansang Asembliyang Konsultatibo sa Edukasyon, Pulitika at Ekonomya

Anumang reporma’y hindi magiging mabisa kung hindi ito tatanggapin ng sambayanan. Kailangang basagin ang “kultura ng pananahimik” na idinulot ng mahigit sansiglong hegemonya ng Ingles sa diskursong pambansa. Kailangang muling makilahok ang mga mamamayan sa proseso ng pagbubuo ng mga patakarang pambansa at lokal sa edukasyon, pulitika at ekonomya. Napatunayan sa pagtalakay Pedagohiyang Mapagpalaya 99 sa sanaysay na ito na ang mga isyung pedagohikal ay karugtong ng mga usaping pulitikal at ekonomiko sapagkat ang elitistang sistemang pulitikal at ekonomiko na pinangingibabawan ng mga dayuhang korporasyong kapitalista at mangilan-ngilang Pilipinong elite ay bunga lamang ng matagumpay na pagpapataw ng edukasyong neokolonyal sa bansa. Sa ganitong diwa, ang pagbubuo ng pedagohiyang mapagpalaya at makabayan sa pamamagitan ng Filipinisasyon ng lahat ng antas ng edukasyon ay magtatagumpay lamang kung kasabay na ipatutupad ang mga repormang sosyo- ekonomiko tungo sa demokratisasyon ng kapangyarihang pampulitika at pang- ekonomya sa bansa. Sa pagsasakatuparan ng adhikaing ito, kinakailangan ang pagpapatawag ng pambansang asembliyang konsultatibo na pangungunahan ng mga organisasyong “mula sa masa” at “para sa masa” (gaya ng mga people’s organizations at non-government organizations) at ang gagamiting wika’y ang wikang panlahat, ang wikang Filipino. Bilang panimula, ang pambansang asembliyang ito ay dapat magluwal ng isang sistemang pang-edukasyon alinsunod sa pahayag ng makabayang edukador na si Renato Constantino (1982): “Ang edukasyon ng mga Pilipino ay dapat maging edukasyong Filipino. Nakabatay ito dapat sa mga pangangailangan at layunin ng bansa. Ang layunin nito ay di lamang makapagpatapos ng mga mamamayang nakababasa at nakasusulat o nakapagbibilang. Ang pangunahing layunin ay makalikha ng sambayanan na nagpapahalaga at may kamalayan sa kanyang pagkabansa at may layuning pambansa para sa ikauunlad ng pamayanan, at hindi isang anarkikong masa ng mamamayan na sariling kapakanan lamang ang nasa isipan.” Samantala, maaari namang magsilbing padron sa diskusyon ng mga repormang sosyo-politikal ang mga kaisipang ibinandila ng mga makabayang kilusang panlipunan, gaya ng reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon na panawagan ng mga makabayan mula sa panahon ng Partido Republikano ni Obispo Maximo Gregorio Aglipay noong 1930s, ng Alyansang Demokratiko noong 1940s, ng Lapiang Makabansa nina Sen. Claro M. Recto at Sen. Lorenzo Tañada noong 1960s, ng Partido ng Bayan noong dekada 80 at ng Makabayang Koalisyon ng Mga Mamamayan (MAKABAYAN) na itinatag noong 2009. Lahat ng mga kilusang ito’y nagmula sa masa at nagsasalita ng wika ng masa. Binigyan at binibigyang- kapangyarihan ng mga kilusang ito ang taumbayan na umugit ng sariling landas na palayo sa neokolonyal na edukasyon, elitistang pulitika at makadayuhang kapitalistang globalisasyon at palapit nang palapit sa mapagpalayang pedagohiya, makamasang pamamahala at ekonomyang maunlad at umaasa-sa-sarili (self-reliant). Katunayan, lahat ng ito’y bahagi ng 10-puntong Pangkalahatang Programa ng MAKABAYAN na ang orihinal ay nasa wikang Filipino, at inaprubahan ng mga delegado mula sa bawat lalawigan ng bansa sa founding assembly nito noong Abril 16, 2009. Sa unang 100 Suri, Saliksik, Sanaysay pagkakataon, may pangulo na ng Pilipinas na wikang panlahat ang gamit sa mga mahahalagang talumpati, mula sa inaugural speech hanggang sa mga nakaraan niyang State of the Nation Address. Kaylaking tagumpay kung magkakasalubong sa tuwid na landas ang pangulong ito at ang mga kilusang panlipunan na mula noon hanggang ngayon ay gumagamit ng wikang panlahat sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos ng masang Pilipino! Harinawang magsilbing titis ang sanaysay na ito sa kanilang pagkakaisa sa pagtataguyod ng isang pedagohiyang Pilipino sa wikang Filipino tungo sa progresibong bagong panahon ng nasyonalismo at kamalayang panlipunan, isang bansang pinaghaharian ng kapayapaan, katarungan at kaunlaran para sa lahat ng mga mamamayan.

Mga Sanggunian:

Alave, Kristine. 4M malnourished Filipino children: Rising costs to increase number FNRI. 05 July 2008. Philippine Daily Inquirer.

Alexandra, Kreisl. “Malnutrition in the Philippines – perhaps a Double Burden?” Journal für Ernährungsmedizi. 2009. Berlin: Verlagshaus der Ärzte GmbH. < http://www.kup.at/kup/pdf/8113.pdf >

Agence France Presse. Desperately poor sell kidneys. 18 April 2008. < http:// www.abc.net.au/news/stories/2008/04/18/2221064.htm>

Bauzon, Camille. RP losing war vs. extreme poverty. 17 July 2010. Manila Times.

Beerepoot, Niels. Local Outcomes of Globalization: Manufacturing Decline and Labor Response in the Philippine Garment and Shoe Industries. 2008. Quezon City: Philippine Journal of Labor and Industrial Relations. < http://journals. upd.edu.ph/index.php/pjlir/article/viewFile/1545/1492 > Pedagohiyang Mapagpalaya 101

Congressional Planning and Budget Department-Philippine House of Representatives. Facts in Figures: May 2006. < http://www.congress.gov.ph/ download/cpbd/fnfofw.pdf>

Edralin, Divina M. Are the Cement Industry and its Workers Victims of Globalization? 2003. Manila: De La Salle University.

Florencio, Cecilia. Food and Nutritional Status of Filipinos and Nutrition Integration. 2003. Quezon City: UP-Diliman. < http://www.up.edu.ph/oldsystem/florencio. pdf >.

Flour Fortification Initiative.FFI Country Information: Philippines. 2010. < http:// www.sph.emory.edu/wheatflour/Philippines.php>

Global Call to Action against Poverty (GCAP)-Philippines. Philippine Poverty and Inequality Situation (as of March 2008). < http://www.preda.org/main/archives/ research/documents/r09073001.html>

Ibon Foundation Inc. Ibon Facts and Figures: Datos sa Isang Sulyap. April-May 2008. ______. Ibon Facts and Figures (Student Edition): Lessons from Mining Liberalization: Case of . September-October 2008.

Kalipunan ng Damayang Mahirap (KADAMAY). Batayang Kurso ng Maralitang Lungsod. 2008. < http://www.mediafire.com/?wdity0fmhym >

Lichauco, Alejandro. “The International Economic Order and the Philippine Experience.” Mortgaging the Future: The World Bank and IMF in the Philippines. Ed. Vivencio R. Jose. 1984. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies.

______. Hunger, Corruption and Betrayal: A Primer on U.S. Neocolonialism and the Philippine Crisis. 2005. Manila: Citizen’s Commitee on the National Crisis.

______. Nationalist Economics. 1988. Quezon City: Institute for Rural Industrialization, Inc. 250-268; 127-129 102 Suri, Saliksik, Sanaysay

______. Towards A New Economic Order and The Conquest of Mass Poverty. 1986. Quezon City.

Moore, Michael. (director). Capitalism: A Love Story. 2009. USA: Overture Films. Nicasio, Nonie. Freddie Aguilar says Charice Pempengco and Arnel Pineda proved that Pinoys are monkeys. 06 July 2009. < http://www.pep.ph/news/22360/Freddie-Aguilar- says-Charice-and-Arnel-Pinedajust-proved-that-Filipinos-are-%22monkeys%22 > Pomeroy, William. The Philippines: colonialism, collaboration, and resistance. 1992. USA: International Publishers Co., Inc.

Rizal, Jose. Political and Historical Writings. 1976. Manila: National Historical Institute,

______. El Filibusterismo. Leon Ma. Guerrero (trans.). 1965. London: Longman Group Ltd.

Salgado, Pedro. Second Edition: Social Encyclicals: Commentary and Critique. 1997. Manila: Lucky Press, Inc.

United Nations Development Program. Human Development Report 2010 - 20th Anniversary Edition The Real Wealth of Nations: Pathways to Human Development. November 2010.

Villegas, Edberto. “Debt Peonage and the New Society.” Mortgaging the Future: The World Bank and IMF in the Philippines. Ed. Vivencio R. Jose. 2006. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies.

______. Global Finance Capital and the Philippine Financial System. 2000. Manila: Institute of Political Economy.

Yrasuegui, Magnolia at Priya Esselborn. Philippines: Women struggling to achieve sexual equality. 12 January 2009. < http://www.dw-world.de/dw/ article/0,,4465029,00.html >

Constantino, Renato. The Miseducation of The Filipino. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies, 1982. Pedagohiyang Mapagpalaya 103

Department of Education. Department Order No. 90, Series of 2009.

Campoamor II, Gonzalo. “The Pedagogical Role of English in the Reproduction of Labor.” Mula Tore Patungong Palengke. Bienvenido Lumbera et al.(eds.). Quezon City: IBON Books, 2007.

Demeterio, Feorillo. Ang mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein: Isang Pagsusuri sa Kahandaan ng Wikang Filipino sa Pagtalakay sa mga Paksa ng Makabagong Agham. (in Malay Journal). Manila: De La Salle University, 2009.

National Commission for Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation. Kartilya ng Wikang Filipino. 2004

Lumbera, Bienvenido. Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa. Quezon City: University of the Philippines Pres, 2000.

Freire, Paulo. Pedagogy of the Oppressed. Trans. Myra Bergman Ramos. New York: Continuum, 1993. Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino sa Microbiology ng Bulacan Polytechnic College*

Panimula1

sa sa pinakamakapangyarhang bagay sa daigdig ang wika. Higit pa itong makapangyarihan sa putok ng bala, dagundong ng bomba o puwersa ng anupamang mapaminsalang sandata. Sa pamamagitan ng salita ay nilikha ng Diyos ang daigdig, gaya ng Iipinapahayag sa aklat ng Henesis sa Bibliya. Mga salitang matapang sa mga nobela ni Jose Rizal, tula ni Andres Bonifacio, satiro ni Marcelo H. del Pilar at talumpati ni Graciano Lopez-Jaena ang nagpaalab sa damdaming makabayan ng mga Pilipino laban sa kolonyalistang Kastila. Lahat halos ng bagay sa mundo ay di magagawa kundi sa pamamagitan ng wika. Panukalang-batas, deklarasyon ng giyera, pamimili sa palengke, utos ng

* Papel na binasa sa Pambansang Seminar 2008 ng De La Salle University-Manila na may temang “Mabunga at Makabuluhang Filipino: Multidisiplinaring Pagtuturo ng/sa Filipino.” Munting ambag ito sa intelektwalisasyon ng Filipino sa Agham, partikular sa Microbiology. 105 guro, hatol ng korte, panalangin sa Panginoon, poot ng inapi, tuya ng kaaway, papuri ng tagahanga, tamis ng paglaya... Bagamat makapangyarihan ang wika, nakasalalay rin sa tao ang kapalaran nito, sapagkat ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig ay kung ano ang hugis ng sisidlan. “Ang sisidlan ng wika ay bayan – taumbayan,” ayon kay Jose Villa Panganiban (panimula sa aklat ni Alagad-Abad et al. 2001). Kung gayon, isang katotohanan na ang tao ang nagdudulot ng pagbabago sa wika at salita. Sinabi naman ng mga Romanong ang wika ay Latin: Tempora mutantur, nos mutamur in illis. Kung isasalin, “Ang mga panahon ay nagbabago at tayo’y nagbabagong kasama nila.” Sapagkat nagbabago ang tao, nagbabago ang wika. Bawat pagbabago sa wika ay maituturing na positibo, lalo pa kung ang wikang tinutukoy ay wikang bata pa, gaya ng wikang Filipino na wala pang isandaang taon mula nang opisyal na ihayag at gamitin. Istandardisasyon at intelektwalisasyon ang dalawang pagbabagong dapat kamtin ng anumang wika upang makaagapay ito sa takbo ng panahon.

Pangangailangan sa Mga Diksyunaryo at Glosaryo

“Ang pagkakaroon ng istandardisadong leksikon ay hakbang sa pagdevelop sa isang akademikong rehistro na kinapapalooban ng mga ekspansyong leksikal.” (Maminta 2001; batay sa banggit nina Falcutila at Pacaanas 2006). Malaki ang papel ng mga glosaryo, diksyunaryo at leksikon para maisakatuparan ang istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang Filipino, mga gawaing lubhang kailangan upang mas maitaas ang antas ng isang wikang pambansa. Pinatitibay ito ng binanggit ni Sibayan (1988), ayon sa pagtalakay ni Ocampo na “(p)angunahin sa sukatan ng paglilinang o intelektwalisasyon ang nakalathalang materyal.” Glosaryo ang tawag sa koleksiyon ng mga termino sa isang mahalagang bahagi ng karunungan at kagamitan (Juliano 1980, binanggit nina Falcutila at Pacaanas 2006). Naniniwala si Sibayan (1998) na mahalaga ang papel ng pagsasalin at pagtitipon ng mga katumbas o leksikograpiya sa intelektwalisasyon, ngunit malaki pa ang suliranin sa kakulangan ng huli (hinalaw kay Esguerra 2005). Marami nang naisulat na glosaryo o diksyunaryong Filipino sa iba’t ibang larangan gaya ng agrikultura, ngunit kulang na kulang pa rin ang mga pag-aaral ukol sa pagbuo ng mga glosaryo sa mga kumplikadong sangay ng agham gaya ng Microbiology. Kung hindi makabubuo ng glosaryo sa mga ganitong larangan, hindi magiging kumpleto ang intelektwalisasyon ng Filipino at hindi rin maaasahan 106 Suri, Saliksik, Sanaysay ang paglago ng kaalaman ng mga Pilipino ukol dito, sapagkat nananatili itong nakasulat sa wikang Ingles lamang. Kritikal ang pag-unlad ng kaalamang pang- agham sapagkat ito ang kaagapay ng pag-unlad ng teknolohiya, na siya namang nakatutulong ng malaki upang mapaunlad ang mga industriyang nagpapatakbo at nagpapaunlad sa isang lipunan. Hindi makabubuo ng mga teksbuk at manwal sa Microbiology o anupamang kumplikadong sangay ng agham kung walang magtatangkang lumikha ng isang glosaryong ukol dito. Sa ganitong diwa, tinatangka ng mananaliksik na simulan ang isang bahagi ng intelektwalisasyon ng Filipino na tila nakalimutan o kinatakutan kaya ng iba pang mananaliksik. Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ang makabuo ng isang panimulang glosaryo ng mga piling termino sa asignaturang Microbiology, batay sa isang masaklaw na sangguniang aklat na ginagamit sa Bulacan Polytechnic College.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa mga Pilipinong mag-aaral at guro ng Microbiology

Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga guro at mag-aaral ng Microbiology at mga kaugnay na sangay ng agham, sapagkat sa pamamagitan ng glosaryong tinangkang buuin ng mananaliksik ay inaasahang mas mauunawaan nila ang mga konsepto at termino sa Microbiology kung ito’y binibigyan ng depinisyon o paliwanag sa sarili nilang wika. Sulong tatanglaw ang pag-aaral na ito sa mga Pilipinong nais dumukal ng karunungan gamit ang sariling wika, na siyang mas epektibo sa anupamang layon.

Sa mga ahensya ng pamahalaan na nagbabalangkas ng mga patakaran sa wika

Baka sakaling makatulong ang maliit na tinig ng pag-aaral na ito sa mataginting na koro ng mga nanggigising sa mga ahensyang bumubuo ng mga patakarang pangwika sa Pilipinas, upang muli nilang matuklasan na wala nang mas hihigit pa sa pagiging epektibo sa pagtuturo at pagkatuto kundi ang paggamit ng wikang pambansa na siyang mas nauunawaan ng mga mag-aaral, mga guro at ng madla.

Sa dakilang pagsisikhay ng mga mananaliksik sa Filipino at iba Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 107

pang makabayan na gawing istandardisado at intelektwalisado ang Filipino

Maliit man, makapag-aambag ang pananaliksik na ito sa istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang pambansa ng Pilipinas. Sa isang antas, maitaaas ng pag-aaral na ito ang prestihiyo ng wikang Filipino bilang isang wikang intelektwalisado na karapat-dapat pag-aralan at gamitin bilang, di lamang isang wikang pambansa, kundi malaon, isang wikang pandaigdig na rin. Bilang isa sa mga tagahawan ng landas sa larangan ng pagbuo ng mga glosaryo sa Microbiology, magiging inspirasyon ito ng mga mananaliksik sa hinaharap na mas matalino, mas masikhay at mas pondado na sana.

Lawak at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito ang 100 termino sa Microbiology na hinalaw sa aklat na Microbiology: A Human Perspective (International Edition) ni Nester et al. (2004). Kung ihahambing sa tao, nasa infancy stage pa ang glosaryong inihanda ng mananaliksik. Nilimitahan ng mananaliksik ang panimulang glosaryo sa salitang binibigyang-turing (ang salitang lahok), ang katumbas nito sa Filipino (kung mayroon) at ang depinisyon nito. Mas pinagbutihan ang pagsasalin sa diwa ng kahulugan o depinisyon sa halip na pagtuunang-pansin pa ang paghanap ng katumbas sa mismong salitang lahok, bagamat, mayorya naman sa mga salitang lahok ay nabigyan ng katumbas ng mananaliksik.

Kaugnay na Literatura Ukol sa Istandardisasyon at Intelektwalisasyon

Sinabi ni Pineda (1987) na ang intelektwalisasyon ng wika ay ang pagpapayaman ng bokabularyo ng wika upang magamit itong kasangkapan sa diskursong intelektwal o sa matatayog na karunungan at kaalaman (Maraya 2003). Tinipon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pinakamahuhusay na sanaysay ukol sa intelektwalisasyon ng Filipino mula 1992-1995. Naglabas din ng isang aklat ukol sa intelektwalisasyon ang KWF noong 1998 (Wikang Filipino sa Larangang Akademiko). Mahalaga ang mga diksyunaryo sa aspetong ito sapagkat sila ang “pinakakaluluwa” ng kodipikasyon ng isang wikang pambansa at larangan ng 108 Suri, Saliksik, Sanaysay leksikograpiya (Falcutila at Pacaanas 2006). Malaki rin ang gampanin ng nakasulat na wika sa istandardisasyon. Sinusuhayan ito ng paniwala ni Ocampo (2002) sa aklat na Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Filipino, na isang “p(u) wersang malakas ang paglitaw ng malawakang paggamit ng isang paraang nakasulat para sa (i)standardisayon ng mga anyong lingguwistiko sa paraang pasalita.” Napagtagni-tagni ni Fishman (1974) ang ugnayan ng istandardisayon at intelektwalisasyon batay sa tala ni Esguerra (2005): “Bilang aspeto ng kultura, dumadaan sa proseso ng modernisasyon ang mga wika na kinapapalooban ng dibdibang pagpapayaman ng (b)okabularyo, istandardisasyon sa ispeling at balarila upang magamit ng lubusan bilang eksklusibong wika ng pamahalaan at nang higit na mataas na kultura at teknolohiya” (sa aktwal, ang huling binanggit ay siyang proseso ng intelektwalisasyon).

Kaugnay na Literatura Ukol sa Panghihiram ng Salita

Binanggit ni Tiamson-Rubin (2002) na epekto ng kolonisasyon ng mga dayuhan sa iba’t ibang panahon ang pagkakaroon ng naraming salitang-hiram sa talasalitaan ng wikang Filipino. Wika niya’y “(k)apag nagsasalin, higit na makiling ang mga akademista at manunulat sa paghiram ng salitang Español kung ikukumpara sa Ingles,” dahil maginhawang ipasok ang mga salitang Español” sa paraan ng pagbabaybay at pagbigkas ng Filipino. Idinagdag pa niyang “kakatwa sa tingin, bukod sa parang nasisira ang orihinal na salita” kapag ang salitang Ingles ay binaybay sa wikang Filipino gaya ng “jioloji,” “dyiolodyi” o “diyiolodyi,” para sa orihinal na “geology.” Nabigay naman ng magandang dahilan si Alfonso O. Santiago (1997) kung bakit dapat iwasan ang paggamit sa pagbabaybay ng mga pangkaraniwang salita ng walong letrang dagdag sa alpabetong Filipino (c, f, j. ñ, q, v, x at z) na ginamit na ng marami-raming manunulat sa pagbabaybay ng mga salitang hiniram sa Ingles. Ayon sa kanya’y magugulo ang palabaybayang Filipino sapagkat mahirap kontrolin ang gamit ng mga nasabing letra, gaya sa kaso ng salitang “kape” na maaaring maging “kafe,” “cafe,” “kopi,” “kofi” o kaya’y “cofi.” Mabuti na lamang at naglabas ng resolusyon ang KWF para suspindihin ang paggamit ng ortograpiya ng 2001. Ayon naman kay Villegas (1998), dalawa ang preperensya ng mga awtor ng aklat sa agham, agham-panlipunan at matematika sa pagbuo ng mga Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 109 terminolohiya ang panghihiram-ganap “o ang pag-angkin at panghihiram” nang buo sa mga salitang banyaga at “panghihiram o pag-aangkin at panghihiram na may pagbabago sa anyong ponolohikal at morpolohikal.”

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Tinipon ni Liezl F. Maraya (2003) ang kulang 400 salitang teknikal sa kompyuter sa kanyang Glosaryo ng mga Katawaganng Teknikal na Ginagamit ng mga Mag-aaral sa Basic Computer. Kinalap niya ang mga salita, isinalin ang mga ito sa Filipino, binigyan ng depinisyon, pagkatapos, tinaya ang glosaryo sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga guro at mag-aaral ng basic computer Malapit-lapit sa linya ng kasalukuyang nanaliksik ang pag-aaral ni Helen Z. Esguerra (2005) na pinamagatang Glosaryo ng mga Terminong Pang-Narsing. Nagtala siya ng mga terminong pang-narsing na karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral, sa tulong ng iba’t ibang sangguniang aklat sa narsing. Nagbigay siya ng katumbas na salin sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na pamaraan: himig-Ingles, walang pagbabago sa baybay; Himig-Ingles, baybay ayon sa alpabeto ng 1987; himig-Ingles, baybay ayon sa rebisyon ng 2001; himig-Kastila, walang pagbabago sa baybay; himig-Kastila, baybay ayon sa Abakada; at pagbibigay ng katumbas na salita. Sumangguni rin si Esguerra sa mga guro at mag-aaral sa pagtataya ng kanyang glosaryo. Napatunayan niya sa kanyang tesis na maaaring gamitin ang wikang Filipino bilang panumbas sa mga terminong pang-narsing, bagamat batay rin sa kanyang pag-aaral, malakas pa rin ang impluwensya ng Ingles sa preperensya ng pagkakabaybay ng mga salita. Tahasan ding binanggit ni Esguerra na ang kanyang pag-aaral ay “makatutulong sa pagtatamo ng Filipino bilang isang istandardisado at intelektwal na wika,” gaya ng tinatangkang gawin ng kasalukuyang nananaliksik. Katangi-tangi naman si Monico M. Atienza (1992) na masinop na nagpaliwanag sa mga ideolohiya ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng pambansa-demokratikong kilusan sa bansa, gamit ang wikang pambansa. Isinama niya sa pag-aaral ang isang Bokabularyo ng Marxistang Filipino na sa aktwalidad ay isang glosaryo/diksyunaryo ng mga katawagan at terminong teknikal tungkol sa Marxismo, isa sa mga tinatanganang ideolohiya ng Partido. Itinala ni Atienza ang katumbas sa Filipino ng bawat termino 110 Suri, Saliksik, Sanaysay at pagkatapos ay saka ito binigyan ng kahulugan sa wikang Filipino. Lokal na agrikultura naman ang iginawa ng glosaryo ni Roberta N. Oclarit-Camorro (2003). Sa kanyang Glosaryo ng mga Katawagan at mga Babasahing Filipino-Manobo sa Pagsasaka, tinipon niya ang mga karanwiang katawagan sa pagsasaka na malimit mababasa sa mga aklat, brochures, magasin at pamplet na ginagamit ng pamahalaan sa mga proyekto nila sa agrikultura sa lalawigan ng Agusan del Sur. Nanaliksik naman sina Rogelio F. Falcutila at Rosalia A. Pacaanas (2006) para makabuo ng Glosaryo ng mga Terminong Pang-edukasyon sa mga Disiplinang Guidance and Counseling at Human Growth, Learning and Development. Matapos mangalap at magtala ng mga termino sa mga nabanggit na larangan, isinalin nila ang mga salita at ang mga depinisyon nito. Malakas pa rin ang impluwensya “kolonyal” pagdating sa wika, ayon kina Falcutila at Pacaanas. Sa kabuuan, humalaw ng inspirasyon ang kasalukuyang pananaliksik, sa mga inilahad na pag-aaral tungkol sa pagbuo ng mga glosaryo at diksyunaryo sa wikang Filipino. Bagamat katulad din ng ibang pag-aaral sa aspeto ng pagkalap ng mga salita sa tulong ng mga aklat sanggunian, malamang na isa ito sa kauna-unahang glosaryong Filipino sa Microbiology, na mas kumplikado sa pinag-ugatang sangay na Biology. Dahil sa kakapusan ng panahon, hindi na rin nakapagsagawa ang mananaliksik ng pagtataya sa binuong glosaryong Filipino sa Microbiology, bagay na kaiba sa pangkaraniwang ginawa ng mga naunang mananaliksik. Tinangka na lamang pagbutihin ng mananaliksik ang pagsasalin at pagbibigay-katumbas sa mga depinisyon ng bawat salita, sa paraang inaakalang mas mauunawaan ng mga mag-aaral na Pilipino.

Seting ng Pag-aaral

Isinagawa ang kasalukuyang pag-aaral sa Bulacan Polytechnic College (BPC) sa Bulihan, Lunsod ng Malolos, Bulacan. Nagsimula ang pananaliksik sa unang linggo ng Marso 2007 hanggang sa huling linggo ng buwan at taong nabanggit. Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 111

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Kalahok sa kasalukuyang pananaliksik ang 100 estudyante na pinili sa pamaraang survey o quota sampling, kung saan, ang sinumang makitang estudyante ng Hotel and Restaurant Services (ang bukod-tanging kurso sa BPC na may asignaturang Microbiology) ay pinagsagot ng talatanungan hanggang sa makatipon na ng 100 talatanungang may sagot.

Instrumento ng Pag-aaral

Isa sa instrumentong ginamit sa kasalukuyang pag-aaral ang talatanungan o questionnaire. Sa talatanungan, isinama ang maikling profile (kasarian at edad). Bawat talatanungan ay naglahad ng dalawang katanungan ukol sa pangangailangan ng glosaryong Filipino sa Microbiology. Samantala, para sa pamimili ng mga salitang lahok, bumuo ng sariling pamantayan ang mananaliksik: 1) Kailangang matatagpuan sa glosaryo ng aklat na Microbiology: A Human Perspective (International Edition) ni Nester et al. (2004); 2) Posibleng mabigyan ng katumbas sa Filipino ang depinisyon; 3) May iskema ang mananaliksik ukol sa salita o sa depinisyon nito at 4) Kung walang iskema ang mananaliksik ukol sa salita o depinisyon nito, dapat may makitang paliwanag ukol dito sa nilalaman ng tinuringang aklat o kaya’y mga masaklaw na diksyunaryo gaya ng Microsoft Encarta 2005.

Pamaraan

Gumamit ng talatanungan o questionnaire na pinasagutan sa mga mag-aaral na kalahok, kaugnay sa pangangailangan ng Bulacan Polytechnic College sa isang glosaryong Filipino sa Microbiology. Sa pangkalahatan, descriptive method o pamaraang palarawan ang nilapat ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Isinagawa rin ng mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang: 1. Pagkalap at pagbasa ng mga aklat sa Microbiology. 2. Pagpili at Pagtatala ng mga termino sa Microbiology 3. Pagbibigay ng katumbas na salin o adapsyon ng orihinal na termino 112 Suri, Saliksik, Sanaysay

Hindi aktibong nagtangka ang mananaliksik na ihanap ng katumbas sa Filipino ang bawat salitang lahok. Ginamit ng mananaliksik ang mga sumusunod na koda para sa pagbibigay ng katumbas sa salin o adapsyon ng orihinal na anyo ng mga salitang lahok:

A – Himig-Ingles, walang pagbabago sa baybay B – Himig-Ingles, baybay sa ortograpiya ng 1987 (hindi na ginamit ng mananaliksik ang rebisyon ng 2001, sapagkat sinuspinde ito ng KWF ngayong taong 2007) C – Himig-Kastila, walang pagbabago sa baybay D – Himig-Kastila, baybay ayon sa abakada E – Pagbibigay ng katumbas na salin

4. Pagsasalin/pagbibigay ng depinisyon ng bawat salitang lahok

5. Pagrebisa sa glosaryo

Paglalahad ng Datos at Pagtalakay

Profile ng mga Respondent

Kasarian Bilang ng Porsyento Respondent Lalaki 20 20% Babae 80 80% Kabuuan 100 100%

Talahanayan 1.1 Frequency Distribution ng Kasarian ng mga Respondent

Edad Bilang ng Porsyento Respondent Mas mababa sa 18 59 59% 18 28 28% Mas mataas sa 18 13 13% Kabuuan 100 100%

Talahanayan 1.2 Frequency Distribution ng Edad ng mga Respondent Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 113

Antas ng Kahirapan sa Pag-unawa ng mga Aralin sa Microbiology ng mga Respondent

Antas ng Kahirapan sa Pag- Bilang ng Porsyento unawa Respondent Labis na nahihirapan 1 1% Nahihirapan 12 12% Hindi Gaanong Nahihirapan 82 82% Hindi Nahihirapan 5 5% Kabuuan 100 100%

Talahanayan 2 Frequency Distribution ng Antas ng Kahirapan sa Pag-unawa ng mga Aralin sa Microbiology ng mga Respondent

Malinaw sa talahanayang nasa itaas na nahihirapan pa rin kahit paano sa pag-unawa ng mga aralin sa Microbiology ang mga estudyante ng BPC sapagkat Ingles ang gamit sa mga sangguniang aklat.

Antas ng Tulong na Maibibigay ng Glosaryong Filipino sa Microbiology Para Lalong Maintindihan ng mga Respondent ang mga Aralin

Antas ng Tulong Bilang ng Respondent Porsyento Labis na makatutulong 28 28% Makatutulong 62 62% Hindi Gaanong Makatutulong 8 8% Hindi Makatutulong 2 2% Kabuuan 100 100%

Talahanayan 3. Frequency Distribution ng Antas ng Kahirapan sa Pag-unawa ng mga Aralin sa Microbiology ng mga Respondent

Batay naman sa Talahanayan 3, malinaw na makatutulong sa mga respondent ang pagbuo ng glosaryong Filipino sa Microbiology upang higit nilang maunawaan ang mga aralin sa nabanggit na asignatura. Pinatitibayan ng kinalabasan ng sarbey na katanggap-tanggap sa mga mag-aaral ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo labas pa sa asignaturang Filipino at mga Agham-Panlipunan. Samakatwid, sila mismo’y handang maging kasangkapan sa intelektwalisasyon ng 114 Suri, Saliksik, Sanaysay

Filipino, lalo pa nga’t paborable sa kanila ang paggamit nito sa pagtuturo sapagkat ito ang wikang araw-araw nilang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Malaki ang pangangailangan at paghahangad ng mga mag-aaral na Pilipino sa mga sanggunian ukol sa iba’t ibang larangan, kasama na ang Microbiology, na nakasulat sa Filipino, sapagkat ito ang wikang higit nilang naiintindihan sapagkat mas madalas gamitin. Para punan ang pangangailangang ito, tinangka ng mananaliksik na bumuo ng isang panimulang glosaryong Filipino sa Microbiology na maaaring palawakin bilang isang tesis o disertasyon ng mga susunod na mananaliksik na mas may sipag, panahon at salaping magugugol.

Ilang Paliwanag Ukol sa Panimulang Glosaryo

Sa maraming pagkakataon, binubuo ng tatlong bahagi ang bawat salitang lahok o entry. Ang naka-italics na salita katabi ng bilang ang siya mismong salitang lahok. Samantala, ang salitang nakapanaklong o nakapaloob naman sa [ ] ang itinumbas na salin ng salitang lahok. Kapag walang salitang nasa [ ], nangangahulugan lamang na walang maisip na mainam na panumbas ang mananaliksik at kung may maisip man ay kakatwa sa paningin at kung gayo’y malaki ang posibilidad na hindi gamitin ng madla. Ang huling bahagi ng bawat lahok ay ang depinisyon ng salitang lahok na isinalin ang diwa batay sa sangguniang aklat na pinagkunan ng mga salitang lahok.

Panimulang Glosaryong Filipino sa Microbiology

1. abscess [abses] – naipong pus (isang uri ng sekresyon) sa loob ng tisyu (laman)

2. acellular [aselular] – tumutukoy sa mga bagay na walang cell o selula; tumutukoy sa mga bagay na walang buhay (non-living)

3. acidic amino acids – mga Amino acid na mas maraming carboxyl (---- COOH) kaysa sa mga substance (materyal: kemikal, compound, enzyme

atbp.) na kasali sa pangkat ng amino (----NH2)

4. acidophiles – mga organismong nabubuhay nang pinakamainam sa lebel ng pH na mas mababa sa 5.5 (ang lebel na ito ng pH ang lebel ng mga acidic substance) Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 115

5. acquired resistance [kinamtang panangga] – ang pagkakaroon ng isang organismo ng kakayahan na labanan at sanggahin ang atake ng mga mikrobyo; nagaganap sa pamamagitan ng ispontanyo o biglaang mutasyon (mutation: radikal at biglang pagbabago sa genes na di maipaliwanag at walang tiyak na kadahilahan) o akwisisyon/ pagkakamit ng bagong genetic information (ito ang nagtatakda ng maraming pagbabago sa internal na sistema ng tao)

6. actin [aktin] – protina na bumubuo sa actin filaments ng mga eukaryotic cell; kaya nitong mabilis na sumanib sa iba pang actin at pagkatapos ay muling maghiwa-hiwalay, bagay na sanhi ng mosyon o paggalaw

7. actinomycetes – mahiblang (filamentous) mga baktirya; marami sa mga ito ang nagagamit sa produksyon ng antibiotics (mga gamot na pumipigil sa pagdami ng mga mikrobyo o kaya nama’y pumapatay sa mga ito)

8. activated sludge method – paraan ng paglilinis ng dumi o sewage treatment kung saan ang mga dumi ay kinakain ng napakaraming mikrobyong nabubuhay sa kapaligirang may oxygen (aerobic microorganisms ang tawag sa mga ganitong mikrobyo)

9. activation energy [enerhiyang pang-aktibasyon] – panimulang enerhiyang kailangan upang sirain o i-break ang isang chemical bond

10. active transport [aktibong paglilipat] – prosesong kumukunsumo ng matinding enerhiya kung saan ang mga selula ay tinatangay sa mga hanggahan ng selula (cellular boundaries)

11. acute infections [mga malala/grabeng impeksyon] – mga impeksyon na ang sintomas at mga senyales ay may mabilis na simula at karaniwang grabe (severe), at madalas ay may kasamang lagnat, ngunit sandali lamang ang tinatagal

12. adenosine diphosphate (ADP) – isang substance sa katawan ng tao na tumatanggap sa enerhiyang di nagagamit ng selula; ang enerhiyang ito ang ginagamit upang makabuo ng ATP (adenosine triphosphate)

13. adenosine triphosphate (ATP) – substance na pinagmumulan ng enerhiya ng selula

14. adherence [pangungunyapit/pakikisakay] – unang hakbang sa 116 Suri, Saliksik, Sanaysay

kolonisasyon at impeksyon, kung saan nangungunyapit ang pathogen (mikrobyong may taglay na virus) sa mga host cell (ang selulang bibiktimahin ng pathogen) upang hindi siya “alisin” o “idispatsa” ng katawan sa sistema nito (natural na reaksyon kasi ng katawan na idispatsa ang anumang substance na hindi bahagi ng katawan)

15. adhesion [adhesyon] – substance na bahagi ng isang mikroorganismo, na ginagamit upang makadikit sila sa surface (labas na bahagi ng kanilang kakapitan)

16. adhesion molecule [tagapagdikit na molekyul] – molecule sa surface (labas) ng selula na nagbubunsod upang makadikit/makakabit ang isang selula sa iba pang selula

17. adsorption [adsorpsyon] – ang proseso ng pagdikit/pagkabit ng isang substance sa surface ng isa pang substance

18. aerosol [erosol/eyrosol] – substance na ikinakalat sa hangin bilang mga munting butil ng hamog (fine mist)

19. aerobic respiration [erobikong respirasyon/paghinga] – prosesong metabolikal (proseso sa loob ng katawan na nagbubunsod ng mga chemical reaction na kailangan para mabuhay ang isang organismo) kung saan ang mga elektron (electron) ay nalilipat sa molecular oxygen

(O2) mula sa electron transport chain

20. aerotaxis – pagkilos palapit o palayo sa molecular oxygen

21. aflatoxin – matapang (potent) na lason na pinoprodyus ng isang specie (partikular na uri) ng mikrobyong Aspergillus; nakakokontamina ng mani at iba pang uri ng butil (grains)

22. agar [agar] – polysaccharide (isang uri complex carbohydrate na binubuo ng mga molecule ng asukal na magkakakadena o magkakasanga) na nakukuha o ine-extract sa pantubig na algae (marine algae)

23. agglutination [aglutinasyon] – proseso ng pagkukumpul-kumpol (clumping together) ng mga selula o mga partikel (particles)

24. alga (maramihan: algae) – primitibong (noong unang panahon pa umiiral) organismong photosynthetic (may kakayahang makagawa ng Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 117

sariling pagkain gamit ang liwanag at iba pang substance) ngunit kaiba sa halaman pagkat walang tunay na dahon, ugat at sanga

25. alkalophiles – mga organismong nabubuhay nang pinakamainam sa antas ng pH na mataas sa 8.5

26. allele – isang uri ng gene (substance na naglalaman ng mga namamanang katangian o hereditary characteristics)

27. allergen [alergen] – antigen na nagdudulot ng allergy

28. allergy [alergi/alerhiya] – ang pagiging hypersensitive sa isang substance (hypersensitive sa isang substance ang tao kapag ang katawan niya’y agad nag-react,­ namantal, napahatsing atbp., matapos malanghap, makain ang o mabantad sa isang substance)

29. allograft – graft ng isang bahagi ng katawan o kaya’y laman (organ or tissue graft) na inilipat o trinansplant sa pagitan ng di magkatulad na miyembro (non-identical members) ng parehong species

30. amalgam [amalgam] – nabubuo sa paghahalo ng mercury (likidong elementong kulay-pilak o grey na kadalasang ginagamit sa mga thermometer) sa iba pang metal para makabuo ng substance na tila pandikit sa simula ngunit malao’y tumitigas na parang bakal; ginagamit sa pagpapasta ng ngipin

31. aminoglycosides – pangkat ng mga gamot na kontra-mikrobyo na nakasasagabal sa proseso ng pagbuo o synthesis ng protina

32. ammonification [amonipikasyon] – mga chemical reaction na nagreresulta

sa paglalabas/pagpapakawala (release) ng ammonia (NH3) mula sa mga organikong molekyul na nagtataglay ng nitrogen

33. amphibolic pathways – mga daanan/daluyang metabolikal (metabolic pathways) na may gampanin kapwa sa catabolism at metabolism

34. amylases – mga enzyme na tumutunaw o nagda-digest ng mga starch

35. anaerobic respiration [enerobikong respirasyon/paghinga] – prosesong katulad ng aerobic respiration, ngunit ang mga elektron ay nalilipat hindi sa oxygen kung hindi sa ibang tagatanggap (receptor) ng elektron 118 Suri, Saliksik, Sanaysay

36. anoxic – tumutukoy sa bagay o substance na walang oxygen

37. anoxygenic photothrophs – photosynthetic na baktirya (bacteria) na kumukonsumo ng hydrogen sulfideo mga organikong compound sa halip na tubig; hindi sila nagpoprodyus ng oxygen

38. antagonistic [antagonistiko] – kombinasyon ng mga gamot na kontra- mikrobyo, kung saan ang aksyon ng isa ay pinanghihimasukan/ naaapektuhan ng aksyon ng isa pa

39. antibacterial drug [gamot kontra-baktirya] – kemikal na panggamot sa mga impeksyong dulot ng baktirya

40. antibiotic [antibayotiko/antibayotik] – kemikal na pinoprodyus ng ilang tiyak na uri ng amag (mold) o baktirya, na pumapatay sa o pumipigil sa pagdami ng ibang maykroorganismo (microorganisms)

41. antibiotic-associated colitis – intestinal na sakit (sa bituka) na bunga ng sobrang pagdami ng mga strain (uri na kabilang sa isang specie, ngunit may mga katangiang kaiba sa iba pang uri na ka-specie nito) ng Clostridium difficile na nagpoprodyus ng lason o toxin; madalas itong makuha ng mga taong umiinom ng mga gamot kontra-mikrobyo

42. antibody – protinang immunoglobulin na pinoprodyus ng katawan bilang ganting-galaw sa isang substance na pumasok sa sistema ng katawan, at ispesipikong nagre-react sa substance na iyon

43. antigen [antigen] – molekyul na ispesipikong nagre-react sa isang antibody o immune lymphocyte

44. antimicrobial drug [gamot kontra-mikrobyo] – kemikal na panggamot sa mga impeksyong dulot ng impeksyon; tinatawag ding antimicrobial

45. antiseptic [antiseptik] – isang pangontra sa impeksyon (disinfectant) na hindi nakalalason sa tao kaya’t maaaring gamitin sa balat

46. antiserum [antiserum] – serum (likidong bahagi ng dugo na humihiwalay sa namuong dugo) na nilagyan ng protective antibodies; ginagamit na pangontra sa isang sakit o kaya’y pangontra sa venom o kamandag. Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 119

47. antitoxin [kontra-lason] – preparasyon (preparation: gamot na ispesipikong inihanda) ng antibody na pangontra sa isang lason

48. aplastic anemia – nakamamatay na sakit kung saan ang katawan ay di makapagprodyus ng blood cells (selula ng dugo)

49. apoptosis [apoptosis] – prinogramang pagpatay ng selula (ang katawan o ang selula mismo ang nagtakda o nagprograma ng pagpatay o pagwasak sa selula; bahagi ito ng proseso kung saan sinisira ng katawan ang mga “matatandang” selula upang mapalitan ng mga “bagong” selula)

50. arteriosclerosis – kalagayan kung saan kumakapal at nawawala na ang kakayahang mabanat (elasticity o elastisidad) ng mga hanggahan (wall) ng arteries (malalaking ugat o vein sa puso); “pagtigas ng arteries”

51. arthropod – pangkat ng mga hayop na invertebrate (walang backbone o gulugod) kung saan kabilang ang mga insekto, kuto, garapata at mites (maliliit na organismong may walong paa, kalahi ng mga gagamba at mga garapata)

52. aseptic [aseptik] – walang mga mikroorganismo at mga virus; ligtas sa mikrobyo

53. asexual [asekswal] – reproduksyon o “pag-aanak” o pamumunga ng supling nang walang nangyaring pagsasama ng mga selula o pagpapalitan ng genes (genetic exchange)

54. astrobiology [astrobayolohiya] – pag-aaral ng buhay sa uniberso/ sangkalawakan

55. attenuated vaccine – bakunang binubuo ng pinahinang uri ng isang maykroorganismong nakapagkakasakit o virus na walang kakayahang maminsala

56. autoclave – ekwipment na gumagamit ng steam o singaw ng kumukulong tubig para gawing sterile o sterilized ang mga kagamitang hindi nasisira ng init at halumigmig o moisture

57. autoradiography – ang paggamit ng film para matutop o ma-detect ang isang radioactive molecule (molekyul na nagpoprodyus o nag-eemit ng radiation) 120 Suri, Saliksik, Sanaysay

58. autotroph – organismong gumagamit sa carbon dioxide bilang pangunahing pagkukunan o source ng karbon

59. avirulent – walang kakayahang magdulot ng sakit

60. azoles – malaking pangkat ng mga gamot na nilikha mula sa mga kemikal, na ilan ay may kakayahang kontra-fungus (kabilang ang mga kabuti sa mga fungus; fungus din ang sanhi ng alipunga o athlete’s foot)

61. bacillus (maramihan: bacilli) – baktiryang hugis-silindro (cylindrical: hugis-rolyo); tinatawag ding rod

62. bacteremia [baktirimya] – baktiryang dumadaloy o nagsi-circulate sa dugo

63. bactericidal – may kakayahang pumatay ng baktirya

64. bacteriocins – protinang pinoprodyus ng mga baktirya na nakapapatay rin ng ilang tipo ng baktirya

65. bacteriophage – virus na nagdudulot ng impeksyon sa baktirya; madalas pinaiiksi bilang phage

66. bacteriostatic – nakapipigil sa pagdami ng baktirya

67. balanced pathogenicity [balansiyadong patogenisidad] – ugnayan ng host at parasite (biktima at binibiktima/parasitiko) kung saan nabubuhay ang parasite sa katawan ng host nang di nagdudulot ng labis na pinsala

68. barophiles – baktirya na nabubuhay kahit sa kaligirang may matinding presyur

69. basal body – istrukturang nag-aangkla/nagkakabit ng flagellasa cell wall at cytoplasmic membrane

70. B cells – mga lymphocyte na prinogramang magprodyus ng mga molekyul ng antibody

71. binary fission [dalawahang paghahati] – asekswal na proseso ng reproduksyon kung saan ang isang selula ay nahahati sa dalawang Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 121

magkabukod na supling na selula (independent daughter cells)

72. binomial system [sistema ng dalawang pangalan] – sistema ng pagpapangalan sa bawat specie ng organismo gamit ang dalawang salitang Latin

73. biocide – compound na gaya ng disinfectant na nakalalason sa maraming nabubuhay na organismo, kabilang na ang mga mikroorganismo

74. biodiversity [bayodayberisidad/pagkakaiba-iba] – pagkakaiba-iba o diversity ng mga specie na nakatira sa isang ecosystem at ang pantay- pantay nilang distribusyon (halos magkakalapit ang bilang ng mga naninirahang organismo)

75. biological vector – organismong umaaktong host sa isang pathogen o parasite, bago malipat ang huli sa isa pang organismo; maaaring makapagparami nang husto ang pathogen sa host

76. bioluminiscence – pagpoprodyus ng liwanag ng isang organismong may buhay (gaya halimbawa ng alitaptap o firefly)

77. biomass – kabuuang bigat o weight ng lahat ng organismo sa isang partikular na kapaligiran o environment

78. bioremediation [bayoremedyasyon] – prosesong gumagamit sa mga maykroorganismo para “kainin” o i-degrade ang mga nakalalasong kemikal

79. biosphere – tumutukoy sa kabuuan ng lahat ng rehiyon o lugar sa daigdig kung saan may nabubuhay na anumang organismo

80. biotechnology [bayoteknolohiya] – ang paggamit ng mga maykrobayolodyikal at bayokemikal na teknik upang resolbahin ang mga problemang praktikal at makapagprodyus ng mga produktong kapaki-pakinabang

81. blood-brain barrier – kakayahan ng mga blood vessels o daluyan ng dugo sa central nervous system na pigilan o limitahan ang pagpasok sa gulugod (backbone) ng mga bagay na nakapagdudulot ng impeksyon

82. bone marrow – malambot na materyales na siyang “pumupuno” o siyang 122 Suri, Saliksik, Sanaysay

laman ng mga butas sa buto (bone cavities); naglalaman din ng ng stem cells ng lahat ng blood cells

83. botulinum toxin – lason na pinoprodyus ng Clostridium botulinum na maaaring maging dahilan ng nakamamatay na pagkabaldado o paralysis sa mga taong makakakain

84. brine [tubig-alat]– maalat na tubig/tubig-alat; ginagamit para sa preparasyon ng timpladong at/o prineserbang isda at karne

85. buffer – substance sa isang solution na humahadlang sa pagbabago ng lebel ng pH

86. cancer [kanser] – mga selulang abnormal na nabubuhay na maaaring kumalat mula sa kanilang pinanggalingan; mga malignant (nakakakanser) na tumor

87. carbohydrate – compound na naglalaman, pangunahin, ng mga atom ng karbon, hydrogen at oksigen (oxygen) sa ratio o proporsyon na 1:2:1

88. catabolism [katabolismo] – mga prosesong nagaganap sa mga selula kung saan kinokolekta ang enerhiyang nai-release sa breakdown ng mga compound gaya ng glucose (isang uri ng asukal) at ginagamit ito upang makabuo ng ATP, ang enerhiyang ginagamit ng lahat ng selula

89. catabolite – produkto ng katabolismo

90. catalyst – substance na nagpapabilis sa chemical reaction sa paraang hindi ito nababago o nauubos

91. cell culture – “pag-aalaga” o cultivation ng selula ng hayop o halaman sa laboratoryo

92. cell wall [pader ng selula] – matibay na harang na pumapalibot sa selula upang hindi sumabog, umuho o sumambulat ang mga nilalaman nito

93. chemostat – kagamitan sa “pag-aalaga” ng baktirya sa laboratoryo na nagbibigay-daan sa tuluy-tuloy na pagdaragdag ng sustansya at pag- aalis ng mga dumi o waste product Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 123

94. chemotrophs – mga organismong kumukuha ng enerhiya sa pamamagitan ng “pagkain” sa mga chemical compound

95. chromosome – pangkat ng genes na siyang nagtatakda at naglilipat ng mga namamanang katangian (hereditary characteristics)

96. circulative transmission – pagkalipat ng mga virus sa mga halaman na bunsod ng mga insektong may taglay na virus ngunit di nagpaparami sa loob nito

97. clone – grupo ng mga selula na nagmula sa isa lamang selula 98. coccus (maramihan: cocci) [kokus] – hugis-globong (spherical- shaped) baktirya 99. colonization [kolonisasyon] – pagbuo ng lugar na paanakan o ng reproduksyon ng mga mikrobyo sa isang bagay, hayop o tao nang di naman nangangahulugang mapipinsala ang bagay, hayop o taong iyon 100. convalescence [paggaling]– panahon ng paggaling sa karamdaman

Mga Natuklasan/Naberipika

1. May mga salitang teknikal na napakahirap bigyan ng katumbas kaya pinanatili na lamang sa kanilang orihinal na anyo

Ilan sa mga salitang ito ang acidic amino acids, allele, attenuated vaccine, carbohydrate, chromosome, clone atbp. Dapat nang asahan ang kahirapan sa paghanap ng katumbas sa mga terminong pang-agham gaya ng mga salita sa isang glosaryo ng Microbiology sapagkat talagang maliit pa ang korpus o nukleyo ng mga salitang pang-agham ng wikang Filipino. Mauugat ito sa kadahilanang ang Pilipinas ay bansang hindi pa lubusang sumusulong sa gintong panahon ng pananaliksik sa agham at teknolohiya, na narating na ng maraming industriyalisadong bansa gaya ng Canada, Pransya, Italya, Alemanya, Hapon, Rusya, Tsina at Estados Unidos. Kailangang paunlarin ng Pilipinas ang kanyang mga industriya upang umagapay ang kanyang agham at teknolohiya sa agham at teknolohiya ng mauunlad na bansa na sila ring may mayayamang korpus o leksikon ng mga katawagang teknikal. Natural lamang na walang panumbas sa allele at gene ang Pilipinas sapagkat ni hindi pa nga 124 Suri, Saliksik, Sanaysay

ito nakaiigpaw sa suliranin kung paano bibigyan ng trabaho at pagkain ang mga mamamayan nito. May panahon nang mag-isip ang mauunlad na bansa ukol sa kumplikadong sangay ng kaalaman gaya ng Microbiology sapagkat di na nila gaanong problema ang mga suliraning “pambituka.” Gayunman, makatutulong ang mga ganitong pananaliksik upang imulat ang mata ng mga tagabalangkas ng patakaran ng pamahalaan sa Pilipinas sa katotohanang ang pag-unlad ng ekonomya ay may kaugnayan sa paglago ng pananaliksik sa agham at teknolohiya na makapagpapabilis naman sa intelektwalisasyon ng wika. Kung wala ang una, hindi magagawa ang ikalawa kaya wala rin ang ikatlo.

2. May mga katawagang teknikal na maaaring tumbasan sa Filipino kaya maituturing na pleksible at magagamit sa iba’t ibang larangan ang Filipino

Bagamat limitado pa ang leksikon ng Filipino sa mga katawagang pang- agham, napatunayan pa rin ang pagiging pleksible nito sa pamamagitan ng mga salitang gaya ng paggaling para sa convalescence, sistema ng dalawang pangalan para sa binomial system, pader ng selula para sa cell wall, gamot kontra-baktirya para sa antibacterial drug atbp. Darating ang panahon, kapag umunlad na ang ekonomya ng Pilipinas at nagkaroon na ito ng sapat na badyet para sa pananaliksik sa agham at teknolohiya, na matutumbasan na ng mga katawagang Filipino ang bawat salitang pang-agham ng mga dayuhan. Posible ring sa pagsulpot ng mga susunod pang imbensyong Pilipino ay Filipino naman ang paghalawan ng mga katawagang pang-agham.

3. May mga terminong pang-agham na madaling tumbasan ng Himig-Kastilang salin na baybay sa abakada.

Patunay lamang ito na nagtatagal ang impluwensya ng wika ng kolonisador, lagpas pa sa panahong “malaya” na ang kolonya sa nangolonya. Gayundin, napatunayang mabisa at may batayan ang mungkahi ng marami-raming linggwista at tagapagsalin na sa panghihiram ng mga salita, kapag walang makuhang panumbas sa mga wikain sa Pilipinas, humiram sa Kastila at kapag lamang walang mahiram sa Kastila ay saka na lang humiram sa wika ni Uncle Sam. Makikita ang bisa ng panghihiram sa Kastila ng glosaryong inihanda ng mananaliksik sa mga salitang ito: katabolismo para sa catabolism, antibayotiko para sa antibiotic, astrobayolohiya para sa astrobiology, selula para sa cell atbp. Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 125

4. May mga terminong pang-agham na napakadaling hiramin nang buo at angkinin na ng wikang Filipino sapagkat kung ano ang bigkas sa Ingles ay siya ring baybay nito.

Sa iba’t ibang larangan, hiniram ng mga Pilipino noon at bahagi na nga ngayon ng Filipino ang editor, reporter, respondent, proposal atbp. na mga salitang pawang may korespondensya ang tunog at ang baybay. Sa Microbiology, mayroon namang agar, amalgam, antigen atbp. Ang mga ganitong uri ng salita ay masarap at madaling hiramin at angkinin sapagkat akmang-akma sa paraan ng pagbigkas at pagbabaybay sa wikang Filipino. Kapag nagsagawa ng mas malawak na pag-aaral, mas maraming ganitong salita ang matutuklasan, bagay na magpapadali sa pagpapalawak ng leksikon ng Filipino sa mga salitang pang-agham.

5. May mga katawagang pang-agham na magkatulad ang mabubuong katumbas sa Filipino sa paggamit ng estilong Himig-Ingles na baybay sa alpabeto ng 1987 at Himig-Kastilang baybay ayon sa abakada. Ilan sa mga ito ang sumusunod: aselular para sa acellular, asekswal para sa asexual, kanser para sa cancer, kokus para sa coccus atbp. Ang mga tipo ng salitang ito ay madali ring maangkin ng Filipino sapagkat di gaanong malayo ang ispeling sa orihinal na anyo at mas istandardisado rin sapagkat iisang baybay ang mabubuo alinman sa Ingles at Kastila ang hiraman.

Buod: Malayo pang Lakbayin Tungo sa Istandardisasyon at Intelektwalisasyon

Kailangang-kailangan sa istandardisayon at intelektwalisasyong ng isang wika ang pagbuo ng mga glosaryo, tesawro at diksyunaryo sapagkat ang mga sangguniang ito ay relatibong mas permanente at mas awtoritatibo pagdating sa pangangalap ng mga salitang lahok at pagibigay-depinisyon sa mga ito. Bibilis ang komunikasyon kapag nakapagdebelop ng maraming glosaryo, tesawro at diksyunaryo sapagkat madaling mauunawaan ang sinasabi ng iba kahit ngayon pa lamang ito narinig. Bukod dito, lalago rin ang kaalaman at yayabong ang karunungan, kahit sa isang bansang tigang daw sa pondo at mayaman sa katiwalian.

126 Suri, Saliksik, Sanaysay

Sa ganitong diwa, napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga glosaryo at diksyunaryo sa bawat bansa, kaya nga kung nagsisikhay ang ibang bansa na bumuo ng kanilang glosaryo at diksyunaryo sa iba’t ibang larangan, panahon nang tumulad sa kanilang magandang halimbawa upang makatulong din sa mga mag- aaral ng bansang Pilipinas na uhaw sa mga kagamitang panturo at sangguniang aklat sa iba’t ibang asignatura gaya ng Microbiology, na nasusulat sa Filipino, ang wikang kanilang higit na ginagamit at mas nauunawaan kaysa sa anupamang wikang banyaga. Gayunman, ang pagbuo ng glosaryo ay isa lamang panimulang hakbang. Sa mga glosaryo sisipot ang mga sangguniang aklat at mas awtoritatibong diksyunaryong Filipino sa iba’t ibang larangan. Marami pa ang dapat isakatuparan, ngunit masaklap na katotohanan na bawat pagsisikhay ay nangangailangan ng langis na magpapatakbo, o sa mas tahas na pagtukoy, salaping magugugol. Napakahirap nga lamang umasa ng subsidyo sa isang bansang hindi pa rin nakaiigpaw sa mga pangunahing suliranin ng buhay gaya ng gutom, kahirapan at kawalan ng trabaho. Hindi makasulong sa panahon ng agham at teknolohiya ang Pilipinas sapagkat nasa kumunoy pa rin ito ng gutom at kahirapan. Hindi makapagkonsentra ang bansa sa pananaliksik sa wika sapagkat ang mga suliraning “pambituka” ay di pa nareresolba. Kung nais ng mga maka-Filipino na sumulong na nga ang Filipino sa istandardisasyon at intelektwalisasyon sa iba’t ibang larangang gaya ng Microbiology, kailangang kasabay na isulong ang antas ng pamumuhay ng Pilipino upang malaon, habang umuunlad na ang kanilang pamumuhay ay magkaroon na rin sila ng panahon para sa pananaliksik at hindi na lamang puro sa trabaho at paghahanap ng laman-tiyan.

Kongklusyon

1. Nahihirapan ang mga mag-aaral ng BPC sa pag-unawa ng mga aralin sa Microbiology sapagkat Ingles ang ginagamit sa mga sangguniang-aklat, wikang hindi naman nila ginagamit araw-araw para makipagkomunikasyon sa ibang tao. 2. Malaki ang pangangailangan ng mga estudyanteng-respondent sa isang glosaryong Filipino sa Microbiology at higit nilang mauunawaan ang mga aralin kung may ganitong glosaryo. 3. Kulang ang mga kagamitang panturo at sangguniang aklat (o halos wala nga) – sa iba’t ibang larangan lalo na sa mga kumplikadong sangay ng agham gaya Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 127

ng Microbiology – na nakasulat sa Filipino. 4. Ang pagbuo ng glosaryo sa Microbiology ay isang panimulang hakbang sa mga susunod pang pagsisikhay na bumuo ng teksbuk at diksyunaryong Filipino sa asignaturang ito at iba pang larangan. 5. Maliit ngunit di matatawarang ambag sa istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang Filipino ang pananaliksik na ito sapagkat pinatunayan nitong magagamit sa agham ang Filipino. 6. May mga salitang teknikal na napakahirap bigyan ng katumbas kaya makabubuting panatilihin na lamang sa kanilang orihinal na anyo. 7. May mga katawagang teknikal na maaaring tumbasan sa Filipino kaya maituturing na pleksible at magagamit sa iba’t ibang larangan ang Filipino. 8. May mga terminong pang-agham na madaling tumbasan ng Himig-Kastilang salin na baybay sa abakada. 9. May mga terminong pang-agham na napakadaling hiramin nang buo at angkinin na ng wikang Filipino sapagkat kung ano ang bigkas sa Ingles ay siya ring baybay nito. 10. May mga katawagang pang-agham na magkatulad ang mabubuong katumbas sa Filipino sa paggamit ng estilong Himig-Ingles na baybay sa alpabeto ng 1987 at Himig-Kastilang baybay ayon sa abakada.

Rekomendasyon

Magsagawa ng pagtataya ukol sa panimulang glosaryong Filipino sa Microbiology, sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga mag-aaral, guro at mga eksperto sa larangan.

1. Ipagpatuloy ang pagbuo ng glosaryo sa Microbiology hanggang malagyan ng lahok ang bawat letra hanggang . 2. Magsagawa ng mga eksperimental na pananaliksik upang mapatunayang mas mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga aralin kung ang mga sangguniang aklat ay nakasulat sa Filipino. 3. Ibasura ang batas na nag-uutos na Ingles ang gamiting wikang panturo sa lahat ng antas at gamitin ang pondong dapat sana’y gugugulin sa implementasyon nito, sa pagtustos sa mga pananaliksik tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. 4. Panatilihin ang ortograpiya ng 1987 (na nakasandig sa abakada at di gaanong gumagamit sa dagdag na walong letra), yamang nasanay na rito ang mga mag- 128 Suri, Saliksik, Sanaysay

aaral at epektibo rin naman itong nagagamit para sa panghihiram ng mga salitang pang-agham. 5. Magsagawa ng mga seminar-worksyap ukol sa leksikolohiya at leksikograpiya upang yumabong ang pananaliksik sa mga larangang ito. 6. Ipalimbag ang mga glosaryo at diksyunaryong nabuo sa mga tesis at disertasyon ng marami-rami na ring mananaliksik, para aktwal na magamit ng mga mag- aaral.

Bibliyograpiya

Mga Aklat

Alagad-Abad, Marietta et al., Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo (Binagong Edisyon), (Quezon City: National Bookstore, 2001) pp. 1-2, 15-17

Atienza, Monico M., Kilusang Pambansa-Demokratiko sa Wika, (Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 1992) pp. 25-30, 90-96

Komisyon sa Wikang Filipino, Wikang Filipino sa Larangang Akademiko, (City of Manila: KWF, 1998) pp. 9-13, 96-102

Peregrino, Jovy M. et al. (mga editor), Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Filipino, (Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 2002) pp. 10- 23, 29-31

Tiamson-Rubin, Ligaya et al., Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas, (Quezon City: Rex Book Store, 2002) pp.119-123, 136-149, 188-193, 224-225

Mga Di Nalimbag na Sanggunian

Casanova, Arthur P., Debelopment at Ebalwasyon ng Isang Monolinggwal na Diksyunaryong Filipino sa Drama at Teatro, (Di Nalimbag na Disertasyon: Panimulang Pagbuo ng Mungkahing Glosaryong Filipino 129

Philippine Normal University. 1998)

Esguerra, Helen Z., Glosaryo ng mga Terminong Pang-Narsing, (Di Nalimbag na Natatanging Proyekto: Philippine Normal University. 2005) Falcutila, Rogelio at Pacaanas, Rosalia A., Glosaryo ng mga Terminong Pang- Edukasyon sa mga Disiplinang Guidance and Counseling at Human Growth, Learning and Development, (Di Nalimbag na Natatanging Proyekto: Philippine Normal University. 2006) Garcia, Jose Armando Aquino, Debelopment ng Isang Monolinggwal na Diksyunaryong Filipino sa Musika, (Di Nalimbag na Tesis: Philippine Normal University. 2003)

Maraya, Liezl F., Glosaryo ng mga Katawagang Teknikal na Ginagamit ng mga Mag-aaral sa Basic Computer, (Di Nalimbag na Natatanging Proyekto: Philippine Normal University. 2003)

Oclarit-Camorro, Roberta N., Glosaryo ng mga Katawagan at Babasahing Filipino-Manobo sa Pagsasaka, (Di Nalimbag na Tesis: Philippine Normal University. 2003) Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA: Internal na Kwento, Mga Susing Argumento at Dokumento (2014-2017)*

Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. 1Noong 2011 pa ay kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo, bagamat wala pang inilalabas na opisyal na dokumento sa panahong iyon, gaya ng inilahad sa isang saliksik na iprinisenta sa 2nd DLSU International Education Congress (San Juan, 2011): “As per popular speculations in the academic community (based on the researcher’s

* Ang papel na ito ay panimulang pagsasalaysay ng ilang inside story kaugnay ng pagtatatag ng Tanggol Wika – ang alyansang nanguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Hi- gher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasay- sayan), grupong nagtataguyod ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/ Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul – at paglalatag ng mga susing argumento at mga dokumento kaugnay nito. 131 actual conversations with tertiary level teachers from at least 6 universities in Metro Manila), the General Education Curriculum (GEC) will be trimmed down at the tertiary level. Purportedly, some (if not all) of the GEC subjects­ ­­ will be absorbed by the two-year senior high school curriculum. Unfortunately, there’s no way to immediately verify the veracity of such speculations due to the dearth of publicly available materials regarding how DepEd intends to implement K to 12 on a piece-meal basis, another proof that this current education reform is a haphazard ‘top-down’ imposition rather than a well-thought product of consensus among stakeholders in the education sector. Nevertheless, it is safe to assume that the speculations are partly valid, considering that the current K to 12 scheme intends to offer English, Science, Mathematics, Filipino and Contemporary Issues as the ‘core learning areas’ in senior high school (Grades 11 and 12) so that after graduation, ‘students are already prepared for employment, entrepreneurship, or middle-level skills development and can thus lead successful lives even if they do not pursue higher studies’ (Senate Briefer, 2011). If the GEC subjects will be the “core learning areas” of senior high school, it is possible that the GEC in the university might be trimmed down, or at worst, abolished.” Lagpas isang taon naman bago ang asembliya ng pagtatatag ng Tanggol Wika, noong Oktubre 3, 2012 ay sinimulan ng may-akda ang pagpapalaganap ng isang petisyon na may ganitong layunin: “urging the Commission on Higher Education (CHED) and the Department of Education (DepEd) to consider issuing an immediate moratorium on the implementation of the senior high school/ junior college and Revised General Education Curriculum (RGEC) components of the K to 12 Program which might cause the downsizing or even abolition of the Filipino departments in a number of universities (other departments would surely be downsized too).” Ang batayan ng gayong pangamba sa posibleng pagpapaliit o paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad ay ang kawalan ng asignaturang Filipino sa bagong Revised General Education Curriculum (RGEC) para sa antas tersyarya na nasa presentasyon ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq. na may petsang August 29, 2012). Naka-angkla sa mga sumusunod na batayan ang pagtutol ng nasabing petisyon sa noo’y napipinto pa lamang na implementasyon ng K to 12: “a sound and comprehensive general education – that includes socially-relevant subjects such as...national language studies – is important at the university level as observed from the educational practices in highly-developed countries...any drastic curricular change must be sought not merely to cope up with global standards but more importantly to produce holistically-educated citizens who would 132 Suri, Saliksik, Sanaysay contribute much to nation-building – a goal which the K to 12 seemingly fails to address, as it in fact dilutes, denigrates, even obliterates subjects that contribute to the achievement of the aforementioned noble and constitutionally-mandated pedagogical objective...a drastic educational reform like the implementation of the K to 12 Program needs to be discussed more comprehensively and broadly, as required by the pluralistic and democratic context of our country.” Sa paglaganap ng usap-usapan na tatanggalin na sa bagong kurikulum ng kolehiyo ang Filipino at Panitikan at iba pang asignatura sa kolehiyo, binanggit ng ilang administrador sa ibang unibersidad ang posibilidad na lusawin o kaya’y i-merge sa ibang departamento ang Departamento ng Filipino. Bilang tugon sa mga gayong plano, noong Disyembre 7, 2012 ay inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum” na may pamagat na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas.” Ang may- akda ng nasabing posisyong papel ay si Prop. Ramilito Correa, ang noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU. Noon pa man ay binibigyang-diin na ng mga maka-K to 12 na babawasan ang mga asignatura sa kolehiyo at ililipat ang mga ito sa senior high school. Gayunman, tila pangunahing target ng mga maka-K to 12 ang Filipino sapagkat isang asignaturang Filipino subject (Retorika) lamang ang nakatala sa listahan ng mga asignatura sa senior high school na nasa “K TO 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012)” na inilabas ng SEAMEO-INNOTECH at may imprimatur ng Departamento ng Edukasyon gaya ng pinatutunayan ng panimulang mensahe roon ng noo’y kalihim ng DepEd na si Br. Armin Luistro, FSC. Sa nasabi ring dokumento ay optional lamang ang asignaturang Filipino for Specific Purposes, habang bukod sa asignaturang English na Oral Communication ay mayroon pang required na Philippine Literature at World Literature, bukod pa sa optional na English for Specific Purposes. Pinagtibay naman ng humigit-kumulang 200 guro na delegado sa isang Pambansang Kongreso ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) – na pinangunguluhan noon ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) – noong Mayo 31, 2013 ang isang resolusyon na tungkol sa “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA” (inilakip ng PSLLF sa isang posisyong papel na isinumite sa CHED noong 2014). Ang resolusyon na ito na pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia (noo’y isa sa mga opisyal ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 133

PSLLF) ay ekspresyon ng kolektibong reaksyon ng mga guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala na sa bagong kurikulum ng kolehiyo, na noon ay inihahanda pa lamang ng CHED, ang asignaturang Filipino. Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggigiit ng mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat: “sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya.” Noong Hunyo 28, 2013 lamang inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern World; Purporsive Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.” Ang dating balita ay kumpirmado na: walang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12, kumpara sa 6 hanggang 9 na yunit ng asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997, bukod pa sa dati-rati’y 3-6 yunit ng Panitikan. Sa Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay naging opsyonal na lamang din ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo, mula sa dating pagiging mandatoring wikang panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996. Bandang 2014 na nang magkaroon ng kopya ng CMO No. 20, Series of 2013 ang marami-raming propesor ng Filipino at Panitikan. Sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas (kapwa mula sa DLSU) ay gumawa ang may-akda ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa CHED at may petsang Marso 3, 2014. Kinausap namin nina Prop. Jonathan Geronimo at Prop. Crizel Sicat-De Laza ng University of Santo Tomas (UST) ang mga kaibigan at kakilalang guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UST, University of the Philippines-Diliman (UPD) at University of the Philippines-Manila (UPM), Ateneo de Manila University (ADMU), Philippine Normal University (PNU), San Beda College-Manila (SBC), Polytechnic University of the Philippines-Manila (PUP), National Teachers College (NTC), Miriam College (MC) atbp., at mga samahang pangwika gaya ng PSLLF, Pambansang Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), at Sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Humigit kumulang 200 pirma ang agad na natipon. Dinala namin ni Prop. Sicat-De Laza sa CHED ang nasabing liham- petisyon. Hindi inaksyunan ni tinugunan ng CHED ang nasabing petisyon, bagamat sa mga diyalogo magaganap malaon ay binanggit nila na pinag-usapan nila sa mga internal na miting ng CHED ang nasabing liham-petisyon. Pinagtibay naman noong Mayo 23, 2014, ng National Commission on Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation/ 134 Suri, Saliksik, Sanaysay

NCCA-NCLT ang isang resolusyon na “HUMIHILING SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS TERSIYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO” na nagsasaad na: “... puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang Filipino...” Ang pinagtibay na resolusyon ay mas maikli at mas malabnaw kaysa sa borador na inihanda ng may-akda. Ang gayong pagpapaikli ay repleksyon ng pagkakaiba sa perspektiba ng mga kinatawan ng KWF at ng mga kinatawan ng mga samahang pangwika sa NCLT. Halimbawa, ang mga linyang ito na nasa borador na resolusyon ay wala na sa pinagtibay na resolusyon: “...ang nasyonalistang perspektiba ng mga estudyante na hihikayat sa kanilang maglingkod sa sariling bayan sa halip na mangibang-bayan ay lalong malilinang sa pamamagitan ng pagkikintal ng kahalagahan ng sariling identidad at sariling kultura ng bansa na sinasalamin ng wikang nagbubuklod sa madla, ang wikang Filipino...” Anu’t anuman, naging titis ng malawakang media coverage ang resolusyon ng NCLT. Noong Hunyo 20, 2014 ay inilabas naman ng KWF ang “KAPASIYAHAN NG KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG 2014... NA NAGLILINAW SA TINDIG NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) HINGGIL SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013.” Iginigiit ng nasabing kapasiyahan ng KWF “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina—na pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon ng Filipino” at pagtitiyak na “kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, s. 2013 ay ituro gamit ang Wikang Filipino.” Sa kabila ng hindi gaanong malinaw na pormulasyon (halimbawa, sa pariralang “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino...” higit na naging malinaw sana na pagtuturo ng asignaturang Filipino ang tinutukoy kung sa halip na “sa” ay “ng” ang ginamit), malinaw ang kabuuang layunin ng resolusyon ng KWF: suportahan ang panawagan ng mga samahang pangwika hinggil sa pagbuhay ng mga asignaturang Filipino sa kolehiyo at paggamit din ng Filipino bilang wikang Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 135 panturo sa iba pang asignatura. Noong Hunyo 2, 2014, sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo kami sa 2 komisyuner ng CHED na personal niyang kakilala. Kalahok sa diyalogo kina CHED Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State University. Napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/ Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. Agad naming ipinadala ang gayong liham sa CHED noong Hunyo 16, 2014. Bilang paghahanda sa pulong sa CHED na aming hinihiling, bilang tugon sa CMO No. 20, Series of 2013, at simbolo ng kolektibong paglaban dito ang mga gurong apektado nito, Tanggol Wika noong Hunyo 21, 2014. Samakatwid, pagsasalubong ng iba’t ibang inisyatiba ang pagbubuo ng Tanggol Wika. Si Dr. Rowell Madula, vice-chair noon ng Departamento ng Filipino ng DLSU at pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Private Schools ang nakaisip ng pangalan ng alyansa. Malaki ang papel na ginampanan ng ACT sa mabilis na pagpapalawak ng Tanggol Wika sa akademya at lagpas pa. Mula noong maitatag ang Tanggol Wika, naglabas na rin ng kanya-kanyang posisyong papel laban sa CMO No. 20, Series of 2013 ang mga Departamento ng Filipino at/o Panitikan sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UPD, PUP, PNU, ADMU, NTC, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU- IIT), Xavier University () at marami pang iba. Noong Hulyo 4, 2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika. Narito ang personal kong tala hinggil sa nasabing konsultasyon na sinulat pag-uwi mula roon: “...Ala una ng hapon ang simula ng konsultasyon para sa Regions 1-5 at CAR. Kalagitnaan na nang dumating ako. Marami kaming taga-NCR na nakisit-in na rin doon. Tiniis kong di magsalita dahil nakapagsalita naman sina Crizel at Jonathan ng UST, sina Sir Marvin at Romeo ng PUP, at marami pang ibang kapanalig. Mahusay nilang nailatag ang mga batayan ng ating paggigiit na magkaroon pa rin ng Filipino. Samantala, nakaiinis at nakakadismaya ang ilang mga naroon na anti-Filipino. Mayroong nagsabing di na raw dapat ang Filipino at Ingles na lamang daw dahil iyon na lang daw ang advantage natin sa ibang ASEAN countries. May nagsabi pang duplication daw kapag may Filipino pa sa college dahil meron na sa elem at high school. Meron ding nagsasabing ang Filipino raw ay Tagalog lang kaya dapat di na ituro. Fascist daw ang CHED kapag ipinilit ang Filipino. May misreading din ang mga rehiyonalista sa Konstitusyon: isinasangkalan 136 Suri, Saliksik, Sanaysay nila ang academic freedom at pagiging auxiliary medium of instruction ng mga wikang rehiyonal para sabihing wag nang ituro ang asignaturang Filipino. Sa pangkalahatan, maka-Filipino ang mayorya. Iilan lang ang estupido at misguided. Ang delikado lang, marami sa anti-Filipino ay administrador ng mga paaralan. Ayon sa ipinamigay na papel ng CHED, ang mga administrador ng mga paaralan ang magpapadala ng liham sa kanila ngayong Hulyo 31 para iulat ang resulta ng echoing ng consultation sa bawat paaralan. Biased versus Filipino ang maraming administrador na nagsalita sa Ingles na fractured pa minsan, kaya baka pangibabawan nila ang kanilang mga subordinate. Anu’t anuman, hamon sa ating lahat na konsolidahin ang ating hanay para maigiit sa mga administrador na gamiting medium ang Filipino at ituro rin ito bilang asignatura. Ok ang konsultasyon dahil isinama sa konsultasyon ang tungkol sa pagtuturo ng Filipino bilang required na asignatura. Ang mga nakahapag na options sa pagiging subject nito: best case scenario - 9 units ng Filipino subjects (tindig ito ng PSLLF, KWF, NCCA- NCLT, PNU atbp.; 12 ang sa PUP); worst case scenario - zero units (tindig ng ilang estupido at misguided na anti-Filipino). Sa pagiging medium naman ng wikang Filipino, narito ang scenarios na inihapag: best case - Rizal plus 12 units ng mga asignatura sa bagong General Education Curriculum ay sa Filipino ituturo; worse case scenario: iwan sa mga paaralan ang desisyon sa kung anong wika ang gagamiting panturo. Bandang alas tres ang schedule ng konsultasyon para sa NCR. Halos mga ganoon din ang takbo ng usapan. Malaking porsyento ng oras ang nilamon ng pluralistang anti-Filipinong tindig ng rehiyonalista at pseudo-nativist na half-American, half-Canadian na ang gusto lang sabihin ay sabay-sabay at pantay-pantay na idevelop ang Filipino at regional languages. Isinasabong niya ang Filipino sa iba pang wika. Hindi niya gets na bata pa ang wikang pambansa ng Pilipinas, at iyon ay dahil sa mahabang panahon ng kolonyalismo at neokolonyalismo. Sabi nga ng isang taga-PUP, ang wikang pambansa, ang wikang Filipino ang unifier ng Pilipinas pagkatapos ng panahon ng kolonyalismo. Sangkap ito sa pagbubuo at pagpapatibay ng bansa. Lingua franca ito ng lahat ng grupo sa Pilipinas. Samakatwid, primus inter pares ito: nangunguna sa magkakapantay. Nakapagsalita naman ako pero pinutol din ng presiding officer. Samantala, pinabayaan lamang nila si Dr. Jose Abueva na magsalita nang magsalita. Maganda ang napakahabang intro ni Dr. Abueva: ipinaalala niya na siya ang nagpasimula ng malawakang Filipinisasyon sa UP. Sa kasamaang-palad, sa bandang dulo, sinabi niyang di na dapat ituro sa kolehiyo ang Filipino. Post scriptum: epekto ng pag-iingay nating lahat ang konsultasyong ito. Kumbaga, kung hindi tayo umaray, di nila mararamdamang may mali sa mga nangyayari. Sa Pilipinas, iyan ang masaklap na realidad: kailangang igiit pa lagi ang dapat, ang makatwiran. Malaki rin ang papel ng media sa pangangalampag sa mga awtoridad. Telebisyon pa rin sa ngayon ang pinakamakapangyarihang media dahil Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 137 mula nang ibalita ang isyu sa telebisyon, lumaganap ang talakayan hinggil dito mula umpukan hanggang sa social media. Mahusay na amplifier at pangsustine ng kampanya at kasangkapan din sa pag-oorganisa ang social media. Dalawang araw lang ay naka-2k likes na halos ang Tanggol Wika page. Napakabilis din ng diseminasyon ng impormasyon doon, pero walang substitute sa aktwal na talakayan at networking. Malalakas ang kalaban at walang tunay na demokrasya sa konteksto ng gobyerno, di gumagana ang mga mekanismo, kaya dapat lumabas sa kahong iyon ang madla. Maraming policymaker ang antidemocratic at averse sa bottom-up democratization. may mali sa top-down na estilo ng CHED ng pagbibigay ng imbitasyon. Mas marami ang nakabalita sa aktibidad sa pamamagitan ng www.facebook.com/TANGGOLWIKA kaysa sa nakatanggap ng fax ng CHED. Mabuti at pinapasok naman nila lahat ng dumating. Samantala, mali rin bagamat positibo sa isang banda, na isinama sa konsultasyon ang tungkol sa asignaturang Filipino, kahit na di nila isinama iyon sa memo-imbitasyon. Para tuloy itinago ang tunay na agenda ng konsultasyon para kakaunti ang pumunta? Kailangang idemokratisa ang proseso, na siyempre pa’y nakasalalay sa demokratisasyon ng Pilipinas, ng lipunan. Sabay na war of position at war of manuever. Sabay na propagandang anti-sistema habang nagtatrabaho sa loob nito para ilantad ang kabulukan, magkamit ng kaunting kakayaning reporma o kaya’y kumuha ng konsesyon sa sistema, habang sa pangmatagalan ay naghahanda at nag-aambag din sa pagbuo ng pangarap nating lipunan na hindi na ituturing na disposable diapers ang wikang pambansa at mga gurong nagtuturo nito. Sa madaling sabi, A LUTA CONTINUA! TULOY ANG LABAN!” Nakatulong nang malaki sa mabilis na pagsulong at popularisasyon ng pakikibaka ng Tanggol Wika ang maagap na media reports hinggil sa isyung ito, gaya ng ulat ni Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez (2014) para sa GMA News Online, ni Steve Dailisan (2014) para sa State of the Nation, ni Jee Geronimo (2014) sa Rappler.com at ni Anne Marxze Umil (2017) para sa bulatlat.com, na sinundan pa ng mas maraming ulat mula sa iba pang media outfit. Malaking tulong din ang mga dokumentaryong inilabas ng mga guro mula sa UPD gaya ng “Sulong Wikang Filipino” (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera) at “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?” na kapwa inupload sa YouTube noong Agosto 2014, gayundin ang “Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa” na inilabas naman noong Setyembre 2016. Mula 2014 hanggang kasalukuyan, sunud-sunod ang mga forum at asembliya, diyalogo at kilos-protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa para ipaliwanag at ipalaganap ang mga adbokasiya nito, ngunit nagbingi-bingihan lamang ang CHED. Noong Abril 15, 2015 ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers 138 Suri, Saliksik, Sanaysay

Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarza (abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon. Ang 45-pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Education [CHED] Dr. Patricia Licuanan). Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No. 20, Series of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng Artikulo XIV, Seksyon 6; Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18; Artikulo XIV, Seksyon 3; Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3 Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987, at sa mga batas gaya ng Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other Purposes”), Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982,” at Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and for Other Purposes.” Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO) na may petsang Abril 21, 2015. Kinatigan at ibinuod ng Korte Suprema ang mga argumento ng Tanggol Wika sa pamamagitan ng talatang ito: “They contend that the Constitution expressly states that the Filipino is the national language of the Philippines. The State must lead and sustain its usage as the medium of official communication and as the language of instruction in the educational system. This holds true without distinction as to education level. Hence, “Filipino” as our language deserves a place of ·honor and usage in the educational system, froin pre-school to higher education. For petitioners, rendering the usage of the Filipino language as a medium of instruction in schools as merely discretionary is a direct violation of the constitutional protection afforded to “Filipino.” In the same vein, the deletion of “Panitikan’’ (literature) and “Philippine Government and Constitution” as subjects in CMO No. 20 reflects its non-compliance with the State policies to preserve not only the teaching of literature as a part of cultural heritage but to the very constitutional mandate to instill nationalism and patriotism in all levels of education. Worse, the deletion of the said subjects in the new curriculum Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 139 would cause unemployment for more or less 78,000 teachers and employees in educational institutions. To date, the CHED has offered neither a plan nor a mechanism to cushion the blow of sudden unemployment in the education sector. Finally, CMO No. 20 likewise violates several statutory acts, namely: Republic Act No. 7104 (Commission on the Filipino Language Act); Batas Pambansa Bilang 232 (Education Act of 1982); and Republic Act No. 7356 (An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts).” Ang nasabing TRO ay “effective immediately and continuing until further orders.” Sa press release ng Tanggol Wika kaugnay ng tagumpay na ito ay hinikayat nito ang na tuluy-tuloy na suriin ang “other aspects of the K to 12 program, and help align current educational reforms to the country’s needs and the Filipino people’s welfare, so as to further contribute to the country’s historical anti-neocolonial and anti-imperialist struggle in the arena of culture and education” (Ayroso, 2015). Kaugnay nito, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang required na Philippine History subject) noong Setyembre 23, 2016 sa isang forum sa PUP, at ng mas malawak na pormasyong Kilos Na Para sa Makabayang Edukasyon (KMEd) na itinatag naman noong Agosto 25, 2017 sa PUP din. Masasabing PUP ang pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte ng Tanggol Wika, lalo na sa pagsasagawa ng mga malakihang asembliya at kilos- protesta, dahil na rin sa sigasig ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai. Mahalaga rin ang papel ng Departamento ng Filipino ng DLSU sa pamumuno ni Dr. Ernesto Carandang II, sa pagbibigay ng malalaki at libreng venue para sa mga asembliya at forum ng Tanggol Wika. Habang isinusulat ang sanaysay na ito (huling linggo ng Agosto 2017) ay natanggap ng Tanggol Wika ang isang “manifestation and motion” sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General na may petsang Agosto 9, 2017. Mahigit dalawang taon na nagpanggap lamang ang CHED na ipinatutupad ang TRO ng Korte Suprema sa pamamagitan ng paglalabas ng mga maliligoy at malalabong dokumento gaya ng isang memorandum ng tagapangulo ng CHED (may petsang Hulyo 18, 2016 at may paksang Clarification on the Implementation of CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 Entitled “General Education Curriculum; Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies”), CMO No, 57, Series of 2017, at isa pang memorandum ng tagapangulo ng CHED (may petsang Hulyo 11, 2017 at may paksang Clarification on the Offering of Filipino at Panitikan Courses in All Higher Education Programs), at na ni hindi naman 140 Suri, Saliksik, Sanaysay nila gaanong ipinalalaganap. Katunayan, as of this writing, maraming ulat na natatanggap ang Tanggol Wika hinggil sa pahayag ng mga administrador sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa na wala silang natanggap na kopya ng CMO No. 57, Series of 2017 at hindi rin ito naka-upload sa website ng CHED (bagamat kasama ito sa mga attachment sa “manifestation and motion” sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General). Mahigit dalawang taon pagkatapos tulugan ng gobyerno ang implementasyon ng TRO sa pagpatay sa Filipino at Panitikan ay narito’t biglang gusto nilang ipa-LIFT ang TRO at ipa-DISMISS ang petisyon ng Tanggol Wika. Manalo o matalo man sa huli ang Tanggol Wika sa labang ito, mainam nang mairehistro pa rin sa mga pahina ng kasaysayan ang mga susing argumento ng Tanggol Wika para sa pagkakaroon ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Argumento 1:

Walang makabuluhang argumento ang mga Anti-Filipino— ang kampong Tanggal Wika —sa pagpapatanggal ng Filipino at Panitikan

Katunayan, sa akademya, mabibilang sa daliri ang nasa kampo ng Tanggal Wika. Nariyan ang (balintunang) isang dating presidente ng “KAGURO SA FILIPINO, Kapisanan ng mga Guro sa Filipino” na nagtapos ng PhD in Philippine Studies sa UPD, at nag-aplay sa permanent residency sa Estados Unidos (c. 2004), at kasalukuyang associate professor at koordineytor ng programa sa wika at literatura ng isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas sa University of in Manoa. Nariyan ang isang naging post-doctoral fellow sa Center for Southeast Asian Studies, Kyoto University at nag-PhD sa University of Melbourne, na ngayo’y (balintunang) nagtuturo sa Departamento ng Kasaysayan ng DLSU (ang departamento na humahawak ng subject na KASPIL o Kasaysayan ng Pilipinas, asignaturang madalas mapagkamalang Filipino subject ng mga estudyante ng DLSU dahil na rin sa halos lahat ng nasa departamentong iyon ay Filipino ang default language sa pagtuturo at pananaliksik – gaya ng nararapat sa pagtuturo ng sariling kasaysayan), at ang kanyang mentor na (balintunang) propesor sa Asian Studies Program ng University of Hawaii-Manoa at masugid na depensor ng United States Agency for International Development (USAID). Silang mga nasilaw sa ningning sa halip na hanapin ang liwanag, sa konteksto ng sanaysay ni Emilio Jacinto na “Ang Ningning at ang Liwanag.” Ang kanilang mga buladas at patutsada ay pawang Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 141 walang batayan at mas nakatuon lamang sa ilohikal at diskursong napag-iwanan na ng panahon – diskurso ng diumano’y imposisyon ng “imperial Manila” ang Filipino na “Tagalog lang naman” at diskursong “hindi naman wikang pambansa ang Filipino,” o “hindi naman Filipino ang dapat na wikang pambansa,” o “hindi natin kailangan ng wikang pambansa.” Ang kanilang mga buladas at patutsada ay detalyado nang sinagot sa bilinggwal na pamphlet ng KWF na pinamagatang “Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa/Frequently Asked Questions on the National Language” (Almario, 2014), sa blog na “Ang Hindi Magmahal” (Marasigan, 2014) at “Pagkalusaw ng Isang Disiplina” (Sanchez, 2015), gayundin sa artikulong “Debunking PH language myths” (San Juan, 2014a). Binasag din ng mga posisyong papel na inilabas ng iba’t ibang unibersidad at organisasyon – gaya ng Departamento ng Filipino ng DLSU (2014), Kagawaran ng Filipino ng ADMU (2014), Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UPD (2014), Fakulti ng Sining at Mga Wika ng PNU (2014), Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP (2014), at PSLLF (2014) – ang mga walang batayang buladas ng mga anti- Filipino sa akademya.

Argumento 2:

Dapat may Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang asignatura na nasa Junior at/o Senior High School ay may katumbas pa rin sa kolehiyo

Narito ang talahanayan na naghahambing sa ilang asignaturang nilalaman ng kurikulum sa K to 12 mula junior high school hanggang kolehiyo. Kinailangan pa na magprotesta at magdemanda sa Korte Suprema ang Tanggol Wika para maigiit ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo at kahit nga may TRO na ang Korte Suprema sa pakanang anti-Filipino ng CHED ay walang malawakang pagtatangka ang CHED na sundin at ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema. Samantala, kahit walang protesta at demanda ang mga nagtuturo ng Physical Education (PE) ay agad nagdesisyon ang CHED na ibalik iyon bilang required na asignatura sa kolehiyo gaya ng nakalagay sa memorandum mula sa tagapangulo ng CHED na may petsang Abril 5, 2016. Malinaw na sadyang tinarget ng CHED ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan. Binabasag at winawasak ng talahanayang ito ang basurang argumento ng mga taga-CHED at ng iba pa nilang kasapakat, na kaya wala nang Filipino at Panitikan sa kolehiyo at dahil mayroon na nito sa hayskul. Kung susundin ang kanilang lohika (o kawalan nito), dapat ay 142 Suri, Saliksik, Sanaysay wala nang General Education Curriculum sa kolehiyo (bagay na hindi maaaring gawin dahil sa likas na kahalagahan at kabuluhan nito sa holistikong paghubog ng mga estudyante).

Asignatura sa Junior High Kaugnay/Katumbas/Kahawig na Kaugnay/Katumbas/Kahawig School Asignatura sa Core Curriculum na Asignatura sa Core Courses Subjects ng Senior High School Bagong General Education Curriculum sa CMO No. 20, Series of 2013

Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa WALA Wika at Kulturang Filipino

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

English Oral Communication Purposive Communication

Reading and Writing

Mathematics General Mathematics Mathematics in the Modern World Statistics and Probability

Science Earth and Life Science Science, Technology, and Society

Physical Science

Earth Science (taken instead of Earth and Life Science for those in the STEM Strand)

Disaster Readiness and Risk Reduction (taken instead of Physical Science for those in the STEM Strand)

Araling Panlipunan Understanding Culture, Society, Readings in Philippine History and Politics

(Wala nang Kasaysayan ng (Isinama na lamang bilang isa Pilipinas/Philippine History sa mga paksa ng asignaturang na sa lumang kurikulum ay ito ang Philippine Government required subject.) & Constitution na sa lumang kurikulum ay required at bukod na subject.)

The Contemporary World

(Ang Panitikan/Literature 21st Century Literature from the WALA ay kasama sa Filipino at Philippines and the World English.)

Physical Education Physical Education and Health Idinagdag ng CHED bilang bahagi ng “broader higher education curricula” sa pamamagitan ng unnumbered CHED memorandum mula sa tagapangulo nito, na inilabas noong Abril 5, 2016 Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 143

Argumento 3:

Ang Filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral, at hindi simpleng wikang panturo lamang

Taliwas sa buladas ng CHED at iba pa nilang kaTanggal Wika, hindi simpleng wikang panturo lamang ang Filipino. Disiplina, asignatura, bukod na larangan ito ng pag-aaral. Katunayan, “Ang Filipino Bilang Disiplina” ang paksa ng kauna-unahang isyu ng isang journal mula sa ADMU – ang Katipunan: Journal ng Mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining, at Kulturang Filipino (2016). Ang pagiging disiplina ng Filipino ay binigyang-diin din sa “MGA SUSING SALITA: Pambansang Seminar sa Pagbuo ng Diskurso sa Konseptong Filipino” na isinagawa noong Agosto 24-25, 2017 sa pangunguna ng Sentro ng Wikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Tinalakay sa nasabing seminar ang mga katutubo o kaya’y inangking konsepto ng “indie, bungkalan, ganap, balita, balatik, at delubyo” – ilan lamang sa napakaraming “susing salita” na maaaring maging lunsaran ng o pokus ng mismong pagtalakay sa Filipino bilang disiplina sa mas mataas na antas ng edukasyon, gaya rin ng pinatunayan na sa taunang kumperensiyang “Sawikaan: Mga Salita ng Taon” ng Filipinas Institute of Translation/FIT (Narvaez, 2015). Samakatwid, ang pagbura sa Filipino sa kolehiyo ay pagkalusaw rin ng isang mahalagang disiplina (Sanchez, 2015) na nakaugat sa sariling karanasan at paraan ng pagpapahayag ng mga mamamayang Pilipino. Ang halaga at kabuluhan ng Filipino bilang disiplina ay hindi matatawaran sapagkat ito’y daluyan ng “kasaysayan ng Pilipinas,” salamin ng “identidad ng Filipino,” at “susi ng kaalamang bayan” (Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, 2014) – tatlong magkakahiwalay ngunit magkakaugnay na function na hindi kayang tapatan ng iba pang disiplina sa mas mataas na antas ng edukasyon. Gaya ng paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP (2014), “lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino” kung isasaalang-alang ang isa sa mga layunin mismo ng CMO No. 20, Series of 2013: “‘General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general education program increasingly become more pressing.’ Hindi ba’t ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na 144 Suri, Saliksik, Sanaysay tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig.”

Argumento 4:

Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura

Ang pagkakaroon ng Filipino sa kolehiyo ay pagtupad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987 na nagsasabing ang Filipino ang dapat maging midyum ng opisyal na komunikasyon at ng sistemang pang-edukasyon. Hindi maisasakatuparan ang ganitong atas ng Konstitusyon kung walang asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon. Sa asignaturang Filipino, lilinangin ang kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng wikang pambansa sa intelektwal na diskurso na kinakailangan sa epektibong paggamit nito bilang midyum sa iba pang asignatura (bagay na pakunwaring isinusulong ng CHED sa CMO No. 20, Series of 2013). Sa sitwasyong English ang default language ng CHED at ng mga administrador ng marami-raming unibersidad, malinaw na “(a)ng pagbura sa Filipino sa kolehiyo ay hakbang paurong” sapagkat babawasan pa “nito ang oportunidad para sa intelektwalisasyon” ng Filipino (San Juan, 2015). Ang pagpaslang sa wikang sarili ay pagbura rin sa pagkatao mismo ng mga mamamayan gaya ng ipinahayag sa posiyong papel ng Fakulti ng Sining at Mga Wika ng PNU (2014): “Bukal ng karunungan ang Filipino bilang isang larangan na humuhubog ng kabuuan kaakibat ang pagpapahalaga sa ating pagkamamamayang Pilipino. Gamit ang Filipino bilang larangan, itinatampokat binubuo nito ang pagkatap at pagkakakilanlan ng ating lahi na pundasyon ng ating kamalayan at kalinangan... Kung natin ang ay marating ang ganap na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino, karapat-dapat itong gamitin. Kailangang isa-Filipino ang diwa ng mga mag-aaral...Hindi sapat bilang midyum ng talastasan, kundi isang wika na salalayan sa iba’t ibang diskursong pang-akademiko at panlipunan.” Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 145

Argumento 5:

Bahagi ng college readiness standards ang Filipino at Panitikan

Kaugnay ng Argumento 3, mismong CHED ay naglabas ng College Readiness Standards na sumasaklaw sa Filipino at Panitikan, sa pamamagitan ng CHED Resolution No. 298-2011. Laman ng nasabing dokumento ang mga kasanayan o kompetensi sa iba’t ibang asignatura na dapat makuha/makamit ng mga estudyante BAGO sila magkolehiyo o BILANG PAGHAHANDA sa pagkokolehiyo. Saklaw nito ang mga inaasahang kompetensi ng mga estudyante sa asignaturang Science, Mathematics, English, Filipino, Literature, Humanities, at Social Science. Sa aktwal na disenyo ng College Readiness Standards, inaasahan ang patuloy na paglinang sa mga kasanayan/kompetensing kinamtan/nakuha sa hayskul hanggang sa kolehiyo, gaya ng pinatutunayan ng pagkakaroon pa rin ng Science (sa pamamagitan ng asignaturang Science, Technology, and Society), Mathematics (sa pamamagitan ng asignaturang Mathematics in the Modern World), English (sa pamamagitan ng asignaturang Purposive Communication), Humanities (sa pamamagitan ng asignaturang Art Appreciation), at Social Science (sa pamamagitan ng asignaturang The Contemporary World at Readings in Philippine History) sa required core courses sa bagong General Education Curriculum na nasa CMO No. 20, Series of 2013. Kapansin-pansin na Filipino at Panitikan/Literatura lamang ang asignaturang nasa College Readiness Standards ngunit hindi isinama ng CHED sa required core courses sa bagong General Education Curriculum na nasa CMO No. 20, Series of 2013. Ang pagpapatuloy ng paglinang sa kasanayan/ kompetensi sa Filipino at Panitikan/Literatura sa antas tersyarya ay lohikal lamang – gaya ng sitwasyon ng iba pang asignaturang nasa College Readiness Standards at bahagi rin ng bagong GEC sa kolehiyo – lalo na kung isasaalang-alang ang bigat ng mga kompetensi sa CRS na halos imposibleng ganap na malinang sa hayskul lamang. 146 Suri, Saliksik, Sanaysay

Argumento 6:

Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang asignatura, bukod pa sa pagiging wikang panturo nito

Sa halos lahat ng mga unibersidad sa Estados Unidos ay bahagi ng kurikulum sa kolehiyo – sa anumang kurso – ang pag-aaral ng wikang English, gaya ng pinatunayan sa apendiks ng pananaliksik ni San Juan (2015). Halimbawa, aniya, sa mga unibersidad na ito ay required core course ang English: Princeton University, Illinois State University, California State University, Columbia University, University of Alabama, Duke University, Yale University, Harvard University, Stanford University, North Carolina State University, Washington State University, University of Wisconsin-Madison, State University of New York, University of Michigan, University of Vermont, California State Polytechnic University, University of Kentucky at University of Arizon; habang sa mga sumusunod na institusyon naman ay required subject din ang Literatura: University of Chicago, Harvard University, Duke University, Massachusetts Institute of Technology, University of Alabama, University of Wisconsin-Madison, University of Michigan, University of Kentucky, University of Oregon at University of Texas. Samantala, sa Chulalongkorn University sa Thailand, bahagi rin ng required subjects sa General Education program ang wikang Thai (Chulalongkorn University, 2006). Required subject din sa Malaysia ang Bahasa Melayu gaya ng pinatutunayan ng requirements for graduation sa Universiti Sains Malaysia (2017), Universiti Kebangsaan Malaysia (2017), at Universiti Tenaga Nasional (2016). Required subject naman ang Bahasa Indonesia sa mga unibersidad gaya ng Universitas Gadjah Mada (2017) at Institut Teknologi Bandung (2017). Lohikal ang pagkakaroon ng asignaturang wikang sarili sa antas tersyarya dahil ito rin ang “akademikong wika” na kailangan sa matalas na pag-unawa sa mga aralin at sa pagsasagawa ng pananaliksik na makabuluhan sa mga mamamayan ng komunidad ng estudyante. Kung isasa-alang- alang ang depinisyon ng “akademikong wika” (Gottlieb at Ernst-Slavit, 2014), Filipino ang akademikong wikang akma sa Pilipinas: “a register, that is, a variety of a language used for a specific purpose and audience in a particular context… academic language refers to the language used in school to acquire new or deeper understanding of the content and to communicate that understanding to others… academic language is characterized by the specific linguistic features associated with academic disciplines, including discourse features, grammatical constructions, and Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 147 vocabulary across different language domains or modalities (listening, speaking, reading, writing) and content areas (language arts, mathematics, science, and social studies/history, among others). Academic language operates within a sociocultural context that lends meaning to oral or written communication…”

Argumento 7:

Binigyan ng DEPED at CHED ng espasyo ang mga wikang dayuhan sa kurikulum, kaya lalong dapat na may espasyo para sa wikang pambansa

Binuo ng DepEd ang Special Program in Foreign Language (SPFL) alinsunod sa DepEd Order No. 46, Series of 2012 (“Policy Guidelines on the Implementation of the Special Curricular Programs at the Secondary Level”). Saklaw ng SPFL sa mga publikong hayskul ang pagtuturo ng Spanish, Japanese (Nihongo), French, German and Chinese (Mandarin) at Korean ayon sa isang press release ng Departamento ng Edukasyon na may petsang Pebrero 20, 2017. May 10,526 estudyante ng SPFL sa buong bansa – 3,531 sa Spanish, 3,020 sa Japanese, 2,280 sa Chinese, 1,112 sa French, at 583 sa German, habang magsisimula pa lamang ituro ang Korean ngayong taon. Mahigit 35 milyong piso ang inilaan ng DepEd para sa SPFL noong 2017. Samantala, may kahawig na programa ang CHED alinsunod sa CMO No. 23, Series of 2010. Batay rito, elective sa kolehiyo ang mga wikang dayuhan gaya ng Chinese, Spanish, Nippongo, Arab atbp. Kung nabigyan ng espasyo sa kurikulum ang mga wikang dayuhan, ano’t papaslangin at ayaw bigyan ng espasyo ang sariling wika at panitikan natin?

Argumento 8:

Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino—at may potensiyal itong maging isang nangungunang wikang global —kaya lalong dapat itong pag-aralan sa Pilipinas

Itinuturo ang Filipino at/o Panitikan at/o Araling Pilipinas sa 46 na unibersidad sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos, Australia, Switzerland, France, Russia, China, Japan, Canada, Malaysia, at Brunei, bukod pa sa mahigit 40 Philippine 148 Suri, Saliksik, Sanaysay

Schools Overseas (PSOs) – pawang hayskul – sa Bahrain, China, East Timor, Greece, Kuwait, Libya, Oman, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia, at United Arab Emirates (San Juan, 2015). Ayon sa updated na ulat ng Commission on Filipinos Overseas/CFO (2014), 41 na ang PSOs. May 10,238,614 Pilipinong nasa ibayong dagat (CFO, 2013) na kundi man laging gumagamit ng Filipino ay nananatiling may malakas na koneksyong pangkultura, pampamilya, at pangkomunidad sa Pilipinas. Sa Estados Unidos, pangatlong pinakaginagamit na wikang di-Ingles sa tahanan ang Tagalog na may 1.7 milyong nagsasalita, kumpara sa Chinese na may 3.4 milyon at Spanish na may 40.5 milyon (Waddington, 2016). Sa dami ng mga Pilipino sa malalaking lungsod sa mundo, hindi kataka-takang ginagamit ito ng ilang tindero/tinderang Koreano sa Seoul, South Korea (batay sa sariling karanasan ng mananaliksik), o ng ilang taxi driver sa Dubai, United Arab Emirates (batay sa YouTube videos nina user philippinesgoforgold at arra31) o mga residente ng Riyadh, Saudi Arabia (batay sa YouTube video ni user Wesly Sihay), o na umaawit sa wikang ito ang ilang mag-aaral na kindergarten sa Iceland (batay sa YouTube video ni user Birte Harksen). Bukod dito, libu-libo ring estudyanteng dayuhan ang nag-aaral bawat taon sa Pilipinas. Noong 2012, 47,478 aplikasyon para sa student visa at special study permit (SSP) ang inaprubahan ng Bureau of Immigration (BI), 14% na mas mataas kaysa sa 41,443 na aplikasyong pinagtibay noong 2011 (Tubeza, 2013). Batay sa datos ng BI, may 61,000 dayuhang estudyante sa Pilipinas noong 2011, kumpara sa 26,000 noong 2011, bunsod na rin ng pagdami ng institusyong akredited na tumanggap ng mga dayuhang estudyante na 2,145 na noong 2012 kumpara sa 104 na institusyon lamang noong 2011 (ADMU, 2013). Karamihan sa mga dayuhang estudyante sa kolehiyo ay nasa Centro Escolar University, Adventist University of the Philippines, , Far Eastern University, Manila Central University, UST, Jose Rizal University at DLSU (BI, 2014). May ispesyal na programang Basic Filipino (BASIFI) ang DLSU para sa mga estudyanteng dayuhan (DLSU, 2012), at tiyak na may mga kahawig na programa ang iba pang unibersidad dahil wala namang mekanismo ang CHED para sa eksempsyon sa mga kahingiang pangwika ng kurikulum sa kolehiyo ang mga dayuhang estudyante. Samakatwid, marami-rami sa mga dayuhang estudyanteng nag-aral/nag-aaral sa bansa ang tiyak na uuwi sa kani-kanilang bansa nang marunong na ring mag-Filipino. Sa tala naman ng Wikipedia, ang Tagalog Wikipedia na inilunsad noong Disyembre 1, 2003 ay may 82,862 artikulo at ika-68 pinakamalaki sa 299 wika sa Wikipedia (as of September 2017) batay sa bilang ng mga artikulo as of October 18, 2017. Sa Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 149 pangkalahatan, nasa ranggong 31 sa 140 bilang pinakamakapangyarihang wika sa internet ang Tagalog (Pimienta, 2017). Ang lahat ng mga salik na ito ay lalong nakapagpapalakas sa potensiyal ng Filipino na maging isang nangungunang wikang global. Kung masusunod ang kahunghangan ng CHED, masasayang ang potensiyal ng Filipino na maging nangungunang wikang global.

Argumento 9:

Malapit ang Filipino sa Bahasa Melayu, Bahasa Indonesia, at Brunei Malay, mga wikang ginagamit sa Malaysia, Singapore, Indonesia, at Brunei, na mga bansang kasapi ng ASEAN, kaya’t mahalagang wika ito sa konteksto mismo ng ASEAN Integration

Bagamat English pa ang working language ng ASEAN sa kasalukuyan, maaari itong magbago sa hinaharap, lalo pa’t isinusulong ng kasalukuyang punong ministro ng Malaysia na si Najib Razak ang Bahasa Melayu bilang pangunahing wika ng ASEAN (Today Online, 2017). Anu’t anuman, may malaki at malakas na potensiyal na maging paboritong wikang dayuhan ito ng mga estudyante sa Malaysia, Singapore, Brunei, at Indonesia, kaya’t nararapat lamang na lalo pang linangin ang pagtuturo nito sa mas mataas na antas ng edukasyon. Katunayan, nagsimula ang pagtuturo ng Filipino sa Universiti Brunei Darussalam (UBD) noong 2010 nang maging kahingian para sa lahat ng estudyante ng Faculty of Brunei Studies sa UBD ang pag-aaral ng mga yunit sa mga wika ng ASEAN (Adeva, 2014). Dumarami ang nag-aaral ng Filipino sa Malaysia (Jubilado, 2008) at Brunei (Adeva, c.2012). Sa Singapore, may potensiyal na maging popular na wikang dayuhan ang Filipino, kung isasaalang-alang ang realidad na may 203,243 Pilipino sa Singapore (Commission on Filipinos Overseas, 2013) at may malakas na ugnayang pangkultura ang Pilipinas sa Singapore (Yi- Sheng, 2014). Sa pangkalahatan, tiyak na magbebenipisyo rin ang Filipino sa programang Network-based ASEAN Languages Translation Public Service na kasalukuyang isinasakatuparan na mula noong 2012 (Wutiwiwatchai et al., 2013). Ang nasabing programa ay may komponent na sumasaklaw sa Filipino (Nocon et al., 2014). Sa pagsinsin ng integrasyong sosyo-kultural at ekonomiko ng mga bansa sa ASEAN, lalong lumalaki ang demand sa pag-aaral ng mga wika at pagsasalin (Sison-Buban, 2016). Manguna, sumabay, o mapag-iwanan: 150 Suri, Saliksik, Sanaysay alin lamang sa tatlong landas na iyan ang maaaring tahakin ng Filipino bilang wika ng ASEAN, at bakit nga ba hindi pipiliing manguna o sumabay gayong may mga panimulang bentahe na ang Filipino. Ayon nga sa posisyong papel ng Departamento ng Filipino ng DLSU (2014), “sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensiyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo- kultural. Ano nga ba ang iaambag natin sa daigdig kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura? Paano haharapin ang mundo kung hindi kilala ang sarili?”

Argumento 10:

Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa Filipino sa National Achievement Test (NAT)

Ayon sa resulta ng National Achievement Test/NAT noong School Year 2014- 2015, 59.29 ang pambansang mean percentage score (MPS) sa Filipino ng mga estudyante ng Grade 10, habang 68.90 ang pambansang MPS sa Filipino ng mga estudyante ng Grade 6, sa sitwasyong 100 ang perpektong MPS. Mas mababa pa rin ang mga MPS na ito sa 75 na target na MPS ng DepEd, ayon mismo sa Philippine Education for All Review Report (2015). Samakatwid, kung walang Filipino sa kolehiyo, maliit ang posibilidad na makaabot man lamang sa minimum na target na mastery ng mga kasanayang pangwika ang mga estudyante sa bansa. Maabot man ng mayorya ng mga estudyante ang target na MPS, marami at malawak pa rin ang kaalamang maaari nilang matutuhan sa Filipino sa antas tersyarya.

Argumento 11:

Filipino ang wika ng mayorya, ng midya, at ng mga kilusang panlipunan: ang wika sa demokratiko at mapagpalayang domeyn na mahalaga sa pagbabagong panlipunan

Halos lahat ng mga Pilipino ay marunong nang mag-Filipino. Lahat ng respondent sa pambansang survey ng KWF noong 2014 – na sumaklaw sa 3,506 tao na edad Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 151

15-21 at 22-60 mula sa 19 na lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao – ay nagsabing ginagamit nila ang wikang pambansa (Delima, 2017). Filipino na rin ang dominanteng wika sa midya, gaya ng pinatutunayan ng wikang ginagamit sa mga palabas sa primetime sa halos lahat ng libreng channel sa telebisyon, Filipinasyon ng mga pelikula, cartoon at television series mula Estados Unidos, Korea, Taiwan, Japan, Amerika Latina atbp., at pangingibabaw na rin ng Filipino sa FM radio stations (lagpas pa sa dati na nitong dominasyon sa AM radio stations). Mula noon (Gimenez Maceda, c.1997 at Atienza, 1992) hanggang ngayon, Filipino ang default na wika ng mga kilusang panlipunan sa Pilipinas, gaya rin ng pinatutunayan sa mga nilalamang larawan at pahayag ng iba’t ibang organisasyon sa www.arkibongbayan.org (arkibo ng mga aktibidad ng mga kilusang panlipunan sa bansa), gayundin sa www.pinoyweekly.org (progresibong pahayagang online) at www.ibon.org (bilinggwal na progresibong think tank), bukod pa sa mga popular na slogan ng mga kilusang panlipunan sa bansa na pawang nasa Filipino gaya ng “Imperyalismo, ibagsak! Burukrata-kapitalismo, ibagsak! Pyudalismo, ibagsak!”; “Lupang ninuno, depensahan, depensahan, ipaglaban!”; “Wika at bayan, ipaglaban! Makabayang edukasyon, isulong!”; “Edukasyon, karapatan ng mamamayan, ipaglaban! “Edukasyon, hindi gera; libro, hindi bala!”; “Makibaka, wag matakot!”; “Trabaho sa Pinas, hindi sa labas!”; “Itaas ang sahod, 750 pesos, across-the-board, nationwide!”; “Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!”; “Asyenda, buwagin; oligarkiya, lansagin!”; “Itigil ang pamamaslang: katarungan, ipaglaban!”; “Lupa, sahod, trabaho, pabahay, edukasyon at karapatan, ipaglaban!” at marami pang iba. Samakatwid, Filipino ang wika sa mga tatawagin kong demokratiko at mapagpalayang domeyn – ang larangan ng publikong diskurso, ng ordinaryong talastasan ng mga mamamayan, ang pakikipagkomunikasyon ng Pilipino sa kapwa Pilipino, ang paghahapag ng hinaing at pagpapahayag ng matapat at makabuluhang opinyon, ang diskursong kontra-gahum, kontra-agos at kontra-establisimyento, ang diskurso ng pagbabagong panlipunan versus English na dominanteng wika pa rin sa Pilipinas sa domeyn ng kapangyarihan – ang diskurso ng establisimyento, ang diskursong elite at elitista, ang diskurso ng status quo, ng reaksyon, ng pagpapanatili sa sistemang pinakikinabangan at pinangingibabawan lamang ng iilang dinastiya at korporasyon. Kung gayon, wikang Filipino, “sariling wika ang siyang magpapalaya sa sambayanang gapos ng tanikala,” sabi nga sa awiting “Speak in English Zone” ni Prop. Joel Costa Malabanan, ang wikang akma sa edukasyong makabayan, edukasyong naka-angkla sa pangangailangan ng Pilipinas at mga Pilipino, ng edukasyong pinangarap ni Renato Constantino sa kanyang sanaysay na “Miseducation of the Filipino,” ang wikang pinakamabisang paraan 152 Suri, Saliksik, Sanaysay para maunawaan ng “sambayanan ang kaniyang mga suliranin, at kung paano malulutas ang mga ito. Kung mabilis na nagkakaunawaan ang mga mamamayan, mabilis din ang ating pagsulong sa pangarap nating maalwang bukas para sa lahat,” kaya’t nararapat lamang na “itaguyod ang wikang Filipino at Panitikang Filipino tungo sa pagtuklas at pagtahak sa landas ng kaunlarang akma sa ating karanasan at kolektibong pangarap” (San Juan, 2017). Kaugnay ng pananaliksik, dapat lamang na bigyang-prayoridad ang produksyon ng kaalaman sa wikang sarili, gaya ng binigyang-diin sa posisyong papel ng Departamento ng DLSU (2014): “ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement” ng mga unibersidad “sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran,” kaya’t sa pamamagitan nito lamang mapalalakas ang ugnayan ng akademya at ng mga ordinaryong mamamayan tungo sa “Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan” na “makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan.”

Argumento 12:

Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21

Sa konteksto ng multilinggwal na realidad ng daigdig sa panahon ng globalisasyon, hindi maaaring magpakalunod sa monolinggwalismong English ang mga Pilipino. Matagal nang multilinggwal ang Europa, batay na rin sa realidad na may sapat na suporta ang European Union sa mga malawakang programa sa pag-aaral ng mga wikang Europeo, alinsunod sa matibay nilang pagpapahalaga sa ekonomikong pakinabang ng multilinggwalismo: “Multilingualism, in the EU’s view, is an important element in Europe’s competitiveness. One of the objectives of the EU’s language policy is therefore that every European citizen should master two other languages in addition to their mother tongue” (Franke at Mennella, 2017). Ang mga bansa naman sa Asya ay nagsisimula na ring mag-aral ng English at ng iba pang wikang dayuhan habang hindi binibitiwan ang pagpapalakas ng kani- kanilang sariling wika. Tingnan halimbawa ang mga South Korean sa Pilipinas na nagsisikap matuto ng English sa ating mga unibersidad, habang nananatiling matatas sa sariling wika – wikang ginagamit pa rin nila kapag sila-silang mga Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 153 magkakabababayan ang nag-uusap-usap (batay sa sariling karanasan ng may-akda bilang guro sa Colegio San Agustin-Makati mula 2007-2010 na may malaki- laking populasyong Koreano). Samantala, ang mga ahensyang pang-edukasyon sa Pilipinas ay nag-aakalang hindi na dapat pag-ukulan ng pansin ang wikang sarili upang mapanatili ang inaakalang bentahe ng mga Pilipino sa diumano’y husay sa English. Pansinin na hanggang ngayo’y English ang default na wika ng DepEd at CHED sa lahat ng anunsyo at dokumento, gaya halimbawa sa competencies para sa Mother Tongue subject sa elementarya na katawa-tawa o kakatwang nasa English, o ng mga suggested syllabi ng CHED para sa lahat ng core courses sa bagong General Education Curriculum na katawa-tawa at kakatwang may literal na mga salin sa Filipino – nakasalin pati ang mga bibliyograpiya/sanggunian, taliwas sa isa sa mga malinaw na tuntunin ng paggawa ng silabus: huwag mangopya ng silabus, kundi gumawa ng sarili. Dapat bigyang-diin na hindi dapat magpatali na lamang sa monolinggwalismong English ang Pilipinas dahil napakarami pang wika na umaabante na rin sa larangan ng pananaliksik at publikasyon, at ang labis na pagsandig sa English ay makaaapekto sa kapasidad ng bansa na tumuklas at magbasa ng kaalaman sa iba pang wika. Sa ulat ng International Publishing Association/IPA (2016), nakapaglimbag ng 470,000 bagong aklat (new titles) ang Tsina – pinakamarami sa buong mundo – kumpara sa 338,986 lamang ng Estados Unidos. Sa pangkalahatan, mas marami ang kabuuang produksyon ng mga aklat (new titles) ng mga bansang hindi Ingles ang pangunahing wika – gaya ng Tsina, France, Germany, Brazil, Japan, Spain, Italy, South Korea, Argentina, Netherlands, Denmark, Switzerland, Thailand, Sweden, Norway, Belgium, Georgia, Finland, Bosnia and Herzegovina, Iceland, at Kenya – kumpara sa produksyon ng mga bansang Ingles ang pangunahing wika (Estados Unidos at United Kingdom) sa talaan ng 25 bansang may pinakamalaking “publishing market” ayon sa ulat ng IPA. Ang wikang sarili ang pinakamabisang tulay sa pag-aaral ng sariling wika (kumpara sa relay foreign language instruction na tipikal sa PIlipinas: English ang ginagamit para ituro ang iba pang dayuhang wika). Mas maraming wikang nababasa at nagagamit sa pananaliksik ay mas mainam sapagkat mas marami ring wikang mapagkukunan ng sanggunian para sa ating mga pananaliksik. Ang pagpaslang sa sariling wika sa kurikulum ay pagbabawas sa oportunidad ng mga mamamayang Pilipino na maging epektibong multilinggwal hindi lamang sa wikang dayuhan, kundi maging sa mga wikang sarili gaya ng nilinaw sa posisyong papel ng Kagawaran ng Filipino ng ADMU (2014): “Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o 154 Suri, Saliksik, Sanaysay marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskursong akademiko.” Sa ganitong konteksto rin nanindigan ang Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng MSU-IIT (2014) na “napakahalagang paigtingin pa ang paggamit at pag- aaral ng Filipino sa kolehiyo lalo na po rito sa Mindanao. Naninindigan kaming napakalaking bahagi ang ginagampanan ng Filipino sa patuloy na paghahanap natin ng sariling identidad at pagkakakilanlan. Marubdob din ang aming paniniwalang patuloy na nagsisilbing instrumento ang wika at panitikang Filipino sa pagpapalinaw ng landasin tungo sa makatotohanang kalinaw dito po sa amin sa Mindanao...Sa amin pong paglantaw, napakahalagang maisama ang 9 yunit na asignaturang Filipinong may multi/interdisiplinaring disenyo. Sa ganitong kaayusan, mas mapahuhusay ang kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng Filipino at mas mapalalalim ang kanilang unawa sa sa samu’t saring isyung pangrehiyon at pambansa. Nakalulan din sa wika at panitikan ang mga diskursong panlipunan at pampolitikang magpapatalas sa mga mag-aaral at magdidiin upang ang Unibersidad ay magkaroon ng tunay na nasyonalistang karakter.”

Argumento 13:

Hindi pinaunlad, hindi napaunlad at hindi mapapaunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang ekonomya ng bansa

Ilang beses na nating narinig ang buladas ng mga nasa gobyerno na kailangan ang English upang makaakit ng dayuhang puhunan – foreign investment – ang Pilipinas, ngunit bihirang sipatin ang realidad na mula 1906 pa pangunahing wika sa edukasyon ng Pilipinas ang English pero hanggang ngayo’y hindi pa rin nakakaakit ng malaking foreign investment ang bansa, kumpara sa ilang bansa ng Timog-Silangang Asya at Amerika Latina na hindi naman (masyadong) Inglesero. Batay sa datos ng World Bank (2017), mula 1990-2016 ay mas malaki ang kabuuang halaga ng foreign direct investments (FDI) na pumasok sa Thailand, Malaysia, Indonesia, at Vietnam, kaysa sa kabuuang halaga ng FDI na naakit ng Pilipinas. Mas malaki rin ang kabuuang halaga ng FDI na pumasok sa Venezuela, Mexico, Argentina, Brazil, at Colombia kaysa sa FDI na naakit ng Pilipinas sa gayunding mga dekada, ayon sa datos ng World Bank. Ang FDI na tinatamasa ng mga bansang ito ay ebidensya na hindi naman malaking salik ang pag-Iingles para makaakit ng dayuhang puhunan. Dapat bigyang-diin na kwestyonable rin ang masyadong Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 155 pagbibigay-pokus sa dayuhang puhunan bilang diumano’y sandigan ng kaunlaran, sapagkat maliit na porsyento lamang ng kita ng mga dayuhang korporasyon sa FDI ang kanilang muling ipinupuhunan sa Pilipinas. Halimbawa, batay sa datos ng World Bank (2017), mula 2005-2015, US $ 31,380,000,000 ang kinita ng FDI na inilagak sa Pilipinas, at batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas/BSP (2017), US $5,470,000,000 lang ang muli nilang inilagak sa Pilipinas (reinvested earnings) – o 17.5% lamang ng kabuuang kinita ng FDI nila rito sa panahong iyon. Samakatwid, hindi pinaunlad, hindi pinauunlad, at hindi mapauunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang ekonomya ng Pilipinas, kaya walang batayan at maling patakaran ang pagpaslang sa wikang sarili para lamang mas pagtuunang- pansin ang pag-aaral ng mga wikang dayuhan.

Argumento 14:

May sapat na materyal at nilalaman na maituturo sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo

Para sa mga taga-CHED at iba pang bahagi ng Tanggal Wika, hanggang hayskul lamang dapat ang Filipino at Panitikan dahil maituturo na raw sa junior high school at senior high school ang itinuturo sa Filipino at Panitikan sa lumang kurikulum. Pinaghambing ni San Juan (2015) ang silabus ng DLSU sa Filipino sa lumang kurikulum ng kolehiyo (Komunikasyon sa Filipinolohiya/FILKOMU, at Filipino: Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina at Larangan/FILDLAR) at ang nilalaman ng Filipino sa Grade 11 ng senior high school na inilabas ng DepEd (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, at Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik) at binigyang-diin niya na kalakhan ng nilalaman ng silabus sa Filipino sa lumang kurikulum ng kolehiyo ay hindi saklaw at hindi bahagi ng nilalaman ng Filipino sa Grade 11 ng senior high school. Gayundin, binanggit niya na ang kalakhan ng mga paksa sa pangatlong asignaturang Filipino sa kolehiyo ng DLSU para sa mga HUSOCOM majors – ang Wika at Kultura/WIKAKUL na nakatuon sa “panimulang pag-aaral sa mga etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas mula Hilaga hanggang Timog” ­– ay hindi saklaw ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa senior high school, sa pangkalahatan. Bukod sa mga paksa sa FILKOMU, FILDLAR, at WIKAKUL, napakarami pang maaaring paksain sa Filipino sa kolehiyo. Halimbawa, binuo ng Tanggol Wika noong 2017 ang silabus para sa KONKOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino), isang “praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong 156 Suri, Saliksik, Sanaysay komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.” Higit itong masaklaw, may kamalayang panlipunan, at mas mapanuri kaysa sa nilalaman ng mga paksa sa senior high school. Sa paghahanda ng iba pang silabus ng at listahan ng mga bababasahin para sa Filipino sa kolehiyo, maaaring isaalang-alang ang pagpapalakas sa “nagsasariling komunidad na pangkomunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino” na inilarawan ni Guillermo (2016), at/o ang lawak at saklaw ng Araling Pilipinas batay sa panimulang pagsusuri ni Rodriguez-Tatel (2016). Ang marami at paparami pang mga artikulo sa iba’t ibang journal sa Filipino tulad ng Malay ng DLSU, Daluyan ng UPD, Katipunan ng ADMU, Filipinolohiya ng PUP- Manila, at Hasaan ng UST, gayundin ang mga aklat na inilalathala ng KWF (na karamiha’y available na rin nang libre bilang ebook sa kanilang website sa http:// kwf.gov.ph/e-book/) ay di rin matutuyong batis ng mga babasahin sa Filipino. Natumbok ni Martin et al. (2015), ang suma ng Argumento 14: “...we are not persuaded by the rationale in removing the Filipino courses in college, and we join the call for its immediate reinstatement in the general curriculum. In case these courses do not qualify under the new definition of general education, then the correct procedure is to revise the courses, and not to remove them.” Inihapag na rin ng Departamento ng Filipino ng DLSU (2014) ang pangkalahatang layunin ng Filipino sa mas mataas na antas ng edukasyon: “Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.” Hinggil naman sa Panitikang Filipino, hindi tayo mauubusan ng tula, sanaysay, kwento, at nobelang maaaring talakayin at bigyang-pokus, lalo pa’t ang Panitikang Pambansa ay sa Grade 8 at senior high school lamang itinuturo sa ilalim ng K to 12. Sa kasagsagan ng pakikibaka ng Tanggol Wika sa mga unang buwan nito, isinumite sa CHED ang borador ng silabus para sa Panitikang Filipino at Pagbabagong Panlipunan/FILPAN (San Juan, 2014b) na tumatalakay sa mga makabuluhang panitikang may kamalayang panlipunan (dulog na tematiko). Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 157

Pangwakas

Bilang pangwakas, sapat nang ulitin ang babala ni Jose Rizal sa pamamagitan ni Simoun sa Kabanata 7 ng El Filibusterismo hinggil sa propesiya niya ng “pagkawasak ng inyong pagkabansa,” “pagkawasak ng inyong bayan” – ng bansang naghahangad na bigyang-prayoridad ang wikang dayuhan sa halip na wikang sarili, isang bansang magulo, “bansa ng mga gera sibil, republika ng ganid at mga walang kasiyahan,” bayan ng mga “alipin” na walang sariling wika kaya’t wala ring kalayaan at walang kalayaang mag-isip para sa sarili: “¡Os ligais para con vuestros esfuerzos unir vuestra patria á la España con guirnaldas de rosas cuando en realidad forjais cadenas más duras que el diamante! ¡Pedís igualdad de derechos, españolizacion de vuestras costumbres y no veís que lo que pedís es la muerte, la destruccion de vuestra nacionalidad, la aniquilacion de vuestra patria, la consagracion de la tiranía! ¿Qué sereis en lo futuro? Pueblo sin caracter, nacion sin libertad; todo en vosotros será prestado hasta los mismos defectos. ¡Pedís españolizacion y no palideceis de vergüenza cuando os la niegan! Y aunque os la concedieran ¿qué quereis? ¿qué vais á ganar? ¡Cuando más feliz, país de pronunciamientos, país de guerras civiles, república de rapaces y descontentos como algunas repúblicas de la América de Sur! ¿A qué venís ahora con vuestra enseñanza del castellano, pretension que sería ridícula si no fuese de consecuencias deplorables? ¡Quereis añadir un idioma más á los cuarenta y tantos que se hablan en las islas para entenderos cada vez menos!... El español nunca será lenguaje general en el pais, el pueblo nunca lo hablará porque para las concepciones de su cerebro y los sentimientos de su corazon no tiene frases ese idioma: cada pueblo tiene el suyo, como tiene su manera de sentir. ¿Qué vais á conseguir con el castellano, los pocos que lo habeis de hablar? ¡Matar vuestra originalidad, subordinar vuestros pensamientos á otros cerebros y en vez de haceros libres haceros verdaderamente esclavos! Nueve por diez de los que os presumís de ilustrados, sois renegados de vuestra patria. El que de entre vosotros habla ese idioma, descuida de tal manera el suyo que ni lo escribe ni lo entiende y ¡cuántos he visto yo que afectan no saber de ello una sola palabra!...Uno y otro os olvidais de que mientras un pueblo conserve su idioma, conserva la prenda de su libertad, como el hombre su independencia mientras conserva su manera de pensar. El idioma es el pensamiento de los pueblos...cultivad el vuestro estendedlo, conservad al pueblo su propio pensamiento, y en vez de tener aspiraciones de provincia, tenedlas de nacion, en vez de pensamientos subordinados, pensamientos independientes...” Noong 158 Suri, Saliksik, Sanaysay

1891, itinayo na ni Rizal ang pundasyon ng Tanggol Wika. Samantala, hindi sumusuko ang kampo ng Tanggal Wika. Bukod sa anti-Filipinong “manifestation” at “motion” ng OSG na isinampa sa Korte Suprema sa panahon ng Buwan ng Wika noong 2017, nakahain ngayong taon sa Kongreso ang House Bill No. 5091 o “AN ACT TO STRENGTHEN AND ENHANCE THE USE OF ENGLISH AS THE MEDIUM OF INSTRUCTION IN THE EDUCATIONAL SYSTEM” ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng Ikalawang Distrito ng Pampanga (siya ring naglabas ng anti-Filipinong Executive Order No. 210 noong siya’y pangulo pa ng bansa, bagay na kwinestyon din sa Korte Suprema noong Abril 27, 2007), at sa UPD naman, pinagtibay na ng administrasyon ang 24 yunit na lamang ng minimum na subjects sa GEC (3 yunit lamang ang minimum para sa Filipino, kumpara sa pananatili ng 6-9 yunit ng Filipino sa ibang unibersidad, bukod pa sa 3-6 yunit ng Panitikan na resulta ng pakikibaka ng Tanggol Wika). Lumalawak ang saklaw ng “neoliberal restructuring” ng edukasyon sa Pilipinas sa ilalim ng sistemang K to 12 na nagpapalabnaw kundi man tuluyang nagbubura sa edukasyong makabayan, sa edukasyong mapagpalaya na humuhubog ng mga mamamayang malikhain at mapanuri at may kakayahang hubugin at baguhin ang kanilang lipunan (San Juan, 2016). Sa ganitong diwa, tuloy ang laban!

Mga Sanggunian:

ADMU. 2013. “NUMBER OF FOREIGN STUDENTS IN THE PHILIPPINES INCREASES.” March 20, 2013. http://ateneo.edu/news/ features/number-foreign-students-philippines-increases

Angeles, Mark. 2014. “Professors of Filipino breaking bad over CHED memo.” GMA News Online. http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/ artandculture/365618/professors-of-filipino-breaking-bad-over-ched-memo/ story/

Adeva, Frieda Marie. 2014. “The Filipino Language Programme in Brunei: Challenges and Updates.” Conference Paper. “Language, Culture, Multiculturalism, Multilingual Education, and the K-12 Curriculum: Trends, Issues, Challenges, Practices.” University of the Philippines-Diliman. November Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 159

20 - 22, 2014. http://lc.ubd.edu.bn/research.html

Adeva, Frieda Marie. c.2012. “Filipino Language Teaching and Testing for Beginners: The Malaysia and Brunei Experience.” http://www.sti.chula.ac.th/ files/conference%20file/doc/Adeva.pdf

Ayroso, Dee. 2015. “‘Victory’ | Filipino language defenders laud SC for TRO on Ched Memo Order 20.” April 22, 2015. http://bulatlat.com/main/2015/04/22/ victory-filipino-language-defenders-laud-sc-for-tro-on-ched-memo-order-20/

BI. 2014. “KOREANS DOMINATE FOREIGN STUDENT ADMISSIONS AT PHILIPPINE UNIVERSITIES.” May 29, 2014. http://www.immigration. gov.ph/news/press-release/83-may-2014-press-releases/630-koreans-dominate- foreign-student-admissions-at-philippine-universities

BSP. 2017. “Direct Investments, By Industry (BPM6 Concept).” http://www.bsp. gov.ph/statistics/efs_ext2.asp#FCDU

CHED. 2010. “CMO No. 23, Series of 2010.” http://www.ched.gov.ph/wp- content/uploads/2013/07/CMO-No.23-s2010.pdf

CHED. 2013. “CMO No. 20, Series of 2013.” http://www.ched.gov.ph/wp- content/uploads/2013/07/CMO-No.20-s2013.pdf

CHED. 2016. “Memorandum from the Chairperson (April 5, 2016).” http://api. ched.ph/api/v1/download/1836

CHED. 2011. “College Readiness Standards (Resolution No. 298-2011).” http:// kto12plusphilippines.com/wp-content/uploads/2014/03/CRS-May-2013.pdf

Chulalongkorn University. 2006. “Curriculum: The Purpose and Scope of General Education Subjects.” http://www.gened.chula.ac.th/cms/index.php?id=76

CFO. 2013. “Stock Estimate of Overseas Filipinos as of Dec. 2013.” http://www. cfo.gov.ph/downloads/statistics/stock-estimates.html 160 Suri, Saliksik, Sanaysay

CFO. 2014. “About Us.” http://www.cfo-pso.org.ph/aboutus.html

Dailisan, Steve. 2014. “Pag-aaral ng wikang Filipino, tatanggalin na sa General Education Curriculum ng kolehiyo sa 2016.” GMA News. https://www.youtube. com/watch?v=XZGd4G7VZvA

Delima, Purificacion. “Diversity in language no excuse for disunity.” Inquirer. October 21, 2017. http://opinion.inquirer.net/103258/diversity-language-no- excuse-disunity

Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng MSU-IIT. 2014. “Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika, Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan, MSU-IIT.” June 23, 2014. https://www.facebook.com/ notes/german-villanueva-gervacio/posisyong-papel-ng-departamento-ng-filipino- at-ibang-mga-wika-kolehiyo-ng-mga-si/10152570758535225/

Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UPD. 2014. “Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino Bilang Mga Sabjek sa Kolehiyo.” Manila Today. June 18, 2014. ihttps://upd.edu.ph/~updinfo/jun14/articles/ pahayag%20ng%20dfpp%20laban%20sa%20ched%20ge%20curriculum.pdf

Departamento ng Filipino ng DLSU. 2014. “Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano.” Manila Today. Agosto 2014. http://www. manilatoday.net/pagtatanggol-sa-wikang-filipino-tungkulin-ng-bawat-lasalyano/

DepEd. 2017. “DepEd enhances learners’ foreign language skills through Special Program in Foreign Language.” February 20, 2017. http://www.deped.gov.ph/ press-releases/deped-enhances-learners%E2%80%99-foreign-language-skills- through-special-program-foreign

DepEd. 2015. Philippines Education for All 2015 National Review. http:// unesdoc.unesco.org/images/0023/002303/230331e.pdf

DLSU. 2012. “Campus Life.” http://www.dlsu.edu.ph/students/international/ survival/ Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 161

Fakulti ng Wika ng PNU. 2014. “TINIG NG MGA GURO: PAYABUNGIN, PAUNLARIN AT PALAWAKIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO.” July 9, 2014. https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/ posts/1426497600971470

Fernandez, Amanda, 2014. “Dapat bang alisin na ang asignaturang Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad?” GMA News Online. http://www.gmanetwork. com/news/news/ulatfilipino/367090/dapat-bang-alisin-na-ang-asignaturang- filipino-sa-mga-kolehiyo-at-unibersidad/story/

Franke, Michaela at Mara Mennella. 2017. “Fact Sheets on the European Union: Language Policy.” February 2017. http://www.europarl.europa.eu/atyourservice/ en/displayFtu.html?ftuId=FTU_5.13.6.html

Geronimo, Jee. 2014. “No Filipino subjects in college? ‘Tanggol Wika’ opposes CHED memo.” https://www.rappler.com/nation/61234-tanggol-wika-general- education-college

Gimenez Maceda, Teresita. c.1997. “The National Language: Discourse on Power.” http://sealang.net/sala/archives/pdf8/maceda2003filipino.pdf

Guillermo, Ramon. 2016. “Sariling atin: Ang nagsasariling komunidad na pangkomunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino.” Social Science Diliman, Vol. 12, No. 1. http://journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman/article/ view/5231

Gottlieb, Margo at Gisela Ernst-Slavit. 2014. “Academic Language A Centerpiece for Academic Success in English Language Arts” in Academic Language in Diverse Classrooms: English Language Arts, Grades K–2: Promoting Content and Language Learning. https://uk.sagepub.com/sites/ default/files/upm-binaries/58163_Chapter_1_Gottlieb.pdf

Institut Teknologi Bandung. 2017. “Program Studi Sarjana Teknik Elektro.” https://www.itb.ac.id/program-studi-sarjana-teknik-elektro 162 Suri, Saliksik, Sanaysay

IPA. 2016. Annual Report 2015-2016. https://www.internationalpublishers. org/images/reports/Annual_Report_2016/IPA_Annual_Report_2015-2016_ interactive.pdf

Kagawaran ng Filipino ng ADMU. 2014. “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013.” Manila Today. Hunyo 21, 2014. http://www.manilatoday.net/ang-paninindigan-ng- kagawaran-ng-filipino-ng-pamantasang-ateneo-de-manila-sa-suliraning- pangwika-sa-kasalukuyan/

Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. 2014. “PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO.” June 19, 2014. https://www.facebook.com/notes/kirt-john- segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa- pagtatanggal-ng/727134210658842/

KWF. 2014. “KAPASIYAHAN NG KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG 2014...NA NAGLILINAW SA TINDIG NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) HINGGIL SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013.” http://www.officialgazette.gov.ph/2014/06/20/kapasiyahan- ng-kalupunan-ng-mga-komisyoner-blg-14-26-serye-ng-2014/

Lumbera, Bienvenido et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/ Commissioner on Higher Education [CHED] Dr. Patricia Licuanan. G.R. No. 217451. http://www.act-teachers.com/wp-content/uploads/2015/05/Petisyon-ng- Tanggol-Wika-laban-sa-CMO-20.pdf

Martin, Isabel Pefianco et al. 2014. “A language war in the time of DAP.” Inquirer. August 18, 2014. http://newsinfo.inquirer.net/630166/a-language-war- in-the-time-of-dap Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 163

NCCA-NCLT. 2014. “RESOLUSYON NG NATIONAL COMMISSION ON CULTURE AND THE ARTS-NATIONAL COMMITTEE ON LANGUAGE AND TRANSLATION/NCCA-NCLT NA HUMIHILING SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS TERSIYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO.” May 23, 2014. https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1015210 6968873133&set=pb.618413132.-2207520000.1401715276.&type=3&theater

Pimienta, Daniel. 2017. “FUNREDES/MAAYA OBSERVATORY OF LANGUAGES IN THE INTERNET: SYNTHESIS OF VARIOUS RESULTS.” http://funredes.org/lc2017/

PSLLF. 2014. “Posisyong Papel ng PSLLF-Filipino sa Kolehiyo.” Hunyo 14, 2014. https://www.academia.edu/7677979/Posisyong_Papel_ng_PSLLF- Filipino_sa_Kolehiyo

Rizal, Jose. 1891. El Filibusterismo. http://www.gutenberg.org/ files/30903/30903-h/30903-h.htm

Rodriguez-Tatel, Mary Jane. 2016. “Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino.” Humanities Diliman, Vol. 12, No. 2. ovcrd.upd.edu.ph/ humanitiesdiliman/article/view/4909/4422

San Juan, David Michael M. 2011. “A Holistic Critique of the Philippine Government’s Kindergarten to 12 (K to 12) Program.” https://www.scribd.com/ document/70033985/San-Juan-David-Michael-Full-Paper-Kto12

San Juan, David Michael M. 2012. “A PETITION Urging the Commission on Higher Education (CHED) and the Departmentof Education (DepEd) to consider issuing an immediate moratorium on theimplementation of the senior high school/junior college and Revised GeneralEducation Curriculum (RGEC) components of the K to 12 Program.” https://www.scribd.com/ 164 Suri, Saliksik, Sanaysay document/107143523/Petition-Kto12

San Juan, David Michael M. 2014a. “Debunking PH language myths.” Inquirer. August 17, 2014. http://opinion.inquirer.net/77526/debunking-ph-language- myths

San Juan, David Michael M. 2014b. “Position Paper Filipino Language, Culture, and Literature in the College Curriculum.” https://www.academia.edu/7829211/ Position_Paper_Filipino_Language_Culture_and_Literature_in_the_College_ Curriculum

San Juan, David Michael M. 2015. “Kapit sa Patalim, Liwanag sa Dilim: Ang Wika at Panitikang Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo (1996-2014).” Hasaan Vol.2 No.2. https://www.academia.edu/33568385/Kapit_sa_Patalim_ Liwanag_sa_Dilim_Ang_Wika_at_Panitikang_Filipino_sa_Kurikulum_ng_ Kolehiyo_1996_2014 or https://ejournals.ph/article.php?id=10006

San Juan, David Michael M. 2016. “Neoliberal Restructuring of Education in the Philippines: Dependency, Labor, Privatization, Critical Pedagogy, and the K to 12 System.” Asia-Pacific Social Science Review Vol.16, No.1. https://ejournals. ph/article.php?id=9857

San Juan, David Michael M. 2017. “Bigwas sa Neoliberalismo, Alternatibo sa Kapitalismo: Adbokasing Pangwika at Sosyalistang Programa sa Nobelang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez.” Daluyan Vol.22, No.1-2. (2016). https://www.researchgate.net/publication/320546331_Bigwas_sa_ Neoliberalismo_Alternatibo_sa_Kapitalismo_Adbokasing_Pangwika_at_ Sosyalistang_Programa_sa_Nobelang_Mga_Ibong_Mandaragit_ni_Amado_V_ Hernandez or http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/5742

Sanchez, Louie John. 2015. “Pagkalusaw ng Isang Disiplina.” https:// louiejonasanchez.com/2015/02/23/pagkalusaw-ng-isang-disiplina/

Sison-Buban, Raquel. 2016. “Ang Papel ng Pagsasalin sa ASEAN Integration: Ilang Pagninilay at Mungkahing Gawain.” Malay Vol.28, No.2. https://ejournals. ph/article.php?id=9869 Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 165

Supreme Court. 2015. “Resolution: Dr. Bienvenido Lumbera [Pambansang Alagad ng Sining at Professor Emeritus, University of the Philippines/UP], et al. Vs. Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” C. Aquino ID at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commission on Higher Education [CHED] Dr. Patricia Licuanan (G.R. No. 217451).” http://sc.judiciary. gov.ph/pdf/web/viewer.html?file=/jurisprudence/resolutions/2015/04/217451.pdf

Tanggol Wika. 2017. “Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KONKOMFIL).” https://clubmanila.files.wordpress.com/2017/06/tanggol-wika- silabus-konkomfil1.pdf

Today Online. 2017. “Let’s make Bahasa Melayu the main language of Asean: Najib.” July 26, 2017. http://www.todayonline.com/world/asia/lets-strive- towards-making-bahasa-melayu-main-language-asean-says-najib

Tubeza, Philip. “Number of foreign students up 14% to 47,000–BI.” Inquirer. January 18, 2013. http://globalnation.inquirer.net/61819/number-of-foreign- students-up-14-to-47000-bi

Umil, Anne Marxze. 2017. “‘Ched violates Supreme Court order against removing Filipino in college’.” http://bulatlat.com/main/2017/06/09/ched- violates-supreme-court-order-removing-filipino-college/

Universitas Gadjah Mada. 2017. “Suggested Plan of Study.” http://accounting.feb. ugm.ac.id/study-programs/undergraduate-program/curriculum/suggested-plan- of-study

Universiti Kebangsaan Malaysia. 2017. “Bachelor of Pharmacy (Honours).” http://www.ukm.my/farmasi/bachelor-of-pharmacy-honours/

Universiti Sains Malaysia. 2017. “Bahasa Malaysia.” http://www.ppsk.usm. my:86/akademik/program/hpageuni.nsf/urbm

Universiti Tenaga Nasional. 2016. “Apply to Graduate: Undergraduate Students (Degree & Diploma).” http://www.uniten.edu.my/students/announcements/ 166 Suri, Saliksik, Sanaysay

Pages/Apply-to-Graduate-Undergraduate-Students-Degree--Diploma-Semester- 2,-Academic-Year-2016-2017.aspx

Waddington, Dave. 2016. “Speaking Another Language Other Than English At Home.” https://www.census.gov/newsroom/press-kits/2017/acs-one-year.html

Wikipedia. 2017. “List of .” https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_ Wikipedias

Wikipedia. 2017. “Tagalog Wikipedia.” https://en.wikipedia.org/wiki/Tagalog_ Wikipedia

YouTube User philippinesgoforgold. 2016. “Viral Video: Most Fluent Tagalog Speaking Pakistani Driver in Dubai.” https://www.youtube.com/ watch?v=hrmR4kRX6R4

YouTube User arra31. 2011. “dubai pakistani cab driver na tagalog.” https://www. youtube.com/watch?v=hLlh0PLVCUk

YouTube User Wesly Sihay. 2013. “Why some foreigners in Riyadh are learning Tagalog.” https://www.youtube.com/watch?v=2_g6J_jQiho

Yi-Sheng, Ng. 2014. “The Filipinos who made Singapore, Singapore.” https:// www.theonlinecitizen.com/2014/04/26/the-filipinos-who-made-singapore- singapore/

Nocon, Nicco et al. 2014. “Philippine Component of the Network-based ASEAN Language Translation Public Service.” https://www.researchgate. net/publication/298212177_Philippine_Component_of_the_Network-based_ ASEAN_Language_Translation_Public_Service

World Bank. 2017. “Primary income on FDI, payments (current US$).” https:// data.worldbank.org/indicator/BX.KLT.DREM.CD.DT?locations=PH

Wutiwiwatchai, Chai et al. 2013. “The Network-Based ASEAN Languages Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA 167

Translation Public Service.” http://www.nstda.or.th/nac2013/download/ presentation/NAC2013_Set2/CC-308-01-AM/Chai.pdf Ipinagmamalaki ni Orban ang pagkakaroon ng tuluy-tuloy na multilinggwalismong reporma sa Europa. na balwarte ng wikang Ingles, lumalaki ang interes at pagpapahalaga sa multilinggwalismo lalo na sa edukasyon. Ayon sa American Council on the Teaching of Foreign Languages, halos 14 milyong mag-aaral sa mga pampublikong hayskul ang nag-enrol sa mga foreign language class noong 2000, habang batay naman sa ulat ng US National Center for Education Statistics, bachelor’s degree sa panitikan at wikang dayuhan at ang naipagkaloob ng mga kolehiyo sa Amerika sa taon ding yaon (Rivers: 2004). Sa Europa, aktibong isinusulong at pinopondahan ang anumang proyektong pabor sa multilinggwalismo. Katunayan, may bukod na “European Commissioner” sila para sa pagtataguyod ng multilinggwalismo. Inilahad ni Leonard Orban (2007) ang legal na batayan ng multilinggwalismo sa Europa: “The European Union is founded on the principle of unity in diversity: embracing a wide variety of cultures, customs, beliefs – and languages. The Charter of Fundamental Rights of the European Union respects cultural, religious and linguistic Ipinagmamalaki ni Orban ang pagkakaroon ng tuluy-tuloy na multilinggwalismong reporma sa Europa. na balwarte ng wikang Ingles, lumalaki ang interes at pagpapahalaga sa multilinggwalismo lalo na sa edukasyon. Ayon sa American Council on the Teaching of Foreign Languages, halos 14 milyong mag-aaral sa mga pampublikong hayskul ang nag-enrol sa mga foreign language class noong 2000, habang batay naman sa ulat ng US National Center for Education Statistics, bachelor’s degree sa panitikan at wikang dayuhan at ang naipagkaloob ng mga kolehiyo sa Amerika sa taon ding yaon (Rivers: 2004). Sa Europa, aktibong isinusulong at pinopondahan ang anumang proyektong pabor sa multilinggwalismo. Katunayan, may bukod na “European Commissioner” sila para sa pagtataguyod ng multilinggwalismo. Inilahad ni Leonard Orban (2007) ang legal na batayan ng multilinggwalismo sa Europa: “The European Union is founded on the principle of unity in diversity: embracing a wide variety of cultures, customs, beliefs – and languages. The Charter of Fundamental Rights of the European Union respects cultural, religious and linguistic

Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay: Mga Tala sa Pagsasalin sa Filipino mula Ingles ng Ilang Piling Tula ni Pablo Neruda*

alinaw na inilahad ang kahalagahan ng anumang gawaing pagsasalin sa unang kabanata ng “Patnubay sa Pagsasalin” na inilabas ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (NCCA).1 Ayon sa manwal na ito, “Malaki ang naging tungkulin Mng pagsasalin sa paglilipat ng kultura’t kaalaman sa buong mundo. Kung ang pagkaimbento ng papel ay napakahalaga sa lansakan at matagalang pag-iimbak ng matatayog na karunungan at dakilang panitikan, ang pagsasalin naman ang naging mabisang kasangkapan sa pagkakalat at pagtanggap ng mga naturang pamana ng sibilisasyon sa iba’t ibang lugar sa buong mundo.” Sa pananaw naman ni Ligaya Tiamson-Rubin (1993), isang “daan tungo sa intelektwalisasyon ng wika”

* Ang saliksik-salin na ito ay binasa sa Forum sa Pagsasalin ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) na isinagawa sa CSB International Center noong Oktubre 2008. 172 Suri, Saliksik, Sanaysay ang pagsasaling-wika. Sa ganitong konteksto rin maaaring ihanay ang tanong/ obserbasyon ni Vivencio R. Jose ukol sa mabagal na pag-unlad ng pagsasalin sa Pilipinas (1996): “Naisalin na ang Bibliya sa mahigit na tatlumpung wika sa Pilipinas. Subalit may sapat na bang salin sina Socrates, Plato, Aristotle, Marx, Engels, Lenin, Darwin, Russell, Sholokhov, Sarte, Malraux, Pablo Neruda, Gabriel Garcia Marquez, atbp.?” Inilahad ni Jose ang gayong katanungan/ obserbasyon upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasalin sa proseso ng intelektwalisasyon ng wikang pambansa, gawaing ayon sa kanyang saliksik ay dapat isabalikat ng mga akademista. Para naman kay Aurora E. Batnag (2006), mahalaga ang papel ng pagsasalin sa pagtuturo ng wika at panitikan sapagkat naipakikita nito ang kaibhan sa bokabularyo at istruktura ng dalawang wikang kasangkot, at nakapagpapalawak din ito sa talasalitaan ng mga mag-aaral (bagay na makakapag-ambag sa elaborasyon at intelektwalisasyon ng wikang pambansa, pati na sa pagtataguyod ng kilusang bilinggwalismo at multilinggwalismo). Wala pang isandaang taong umiiral ang wikang Filipino ngunit kahit paano’y may mga patunay na sumusulong na ito sa proseso ng intelektwalisasyon. Gayunman, makatwiran pa rin ang tanong ni Jose ukol sa kawalan ng sapat na salin sa Filipino ng mga akda ng mga awtor na tinitingala, binabasa at sinasalin sa buong mundo. Kung babalikan naman ang pahayag ng NCCA ukol sa importansya ng pagsasalin, masasabing hindi pa ganap na napapakinabangan ng mga Pilipino ang mga “pamana ng sibilisasyon,” partikular ang mga gintong hiyas sa panitikan gaya ng mga tula ni Pablo Neruda sapagkat bihira o halos wala pa ngang salin sa Filipino ang libu-libo niyang mga katha. Nakalulungkot na daig pa tayo ng bansang India pagdating sa pagsasalin ng mga akda ni Neruda. Ipinagyayabang ni Vibha Maurya (2004) na sa India, ang mga katha ni Neruda ang isa sa pinakabinabasa at pinakasinasalin sa lahat ng mga panitikang nasa banyagang wika. Sa layuning makapag-ambag sa intelektwalisasyon ng Filipino batay sa banggit nina Jose at Tiamson-Rubin, makakatulong sa pagsusulong ng pagsasalin bilang estratehiyang pedagohikal na tinatanganan ni Batnag, at maipakilala ang ilang dakilang mga “pamana ng sibilisasyon” sa mga Pilipino, ayon sa pahayag ng NCCA, tinangka ng mananaliksik na isalin ang ilang tula ni Pablo Neruda sa Filipino, mula sa Ingles. Napakalimitado ng kaalaman sa Español (na siyang wika ni Neruda) ng mananaliksik kaya ang mga salin sa Ingles ang ginamit na batayan sa pagsasalin ng mga tula sa Filipino. Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 173

Neruda: Dakilang Makata

Sa dinami-dami ng mga dakilang akda sa daigdig, pinili ng mananaliksik ang mga sinulat ni Pablo Neruda (sinilang na Ricardo Neftali Reyes) dahil sa relatibong katanyagan at kahusayan niya na nakalulungkot na di gaanong naipatatampok sa wikang Filipino na higit na nauunawaan ng mga Pilipino. Ipinakita ang mahaba-haba at mabungang kasaysayan ng buhay at panulat ni Neruda sa isang natatanging Gabay ng Guro/Teacher’s Guide na inihanda ni Anne Marie Weiss- Armush (2004) para sa DFW International, isang kilalang pandaigdigang institusyong pang-edukasyon na nakabase sa Estados Unidos. Ayon sa nasabing dokumento, noong 1971 ay iginawad kay Neruda ang Nobel Prize for Literature, ang pinakaprestihiyosong parangal marahil para sa mga manunulat. Sa opinyon naman ng pamosong nobelistang si Gabriel Garcia Marquez na tubong-Colombia (na tumanggap na rin ng Nobel Prize for Literature), si Neruda ang “pinakadakilang makata ng ika-20 siglo, sa anumang wika.” Sa kanyang kapanahunan, sinabi ng kritikong si Luis Monguió (1960) na si Neruda ang isa sa “tatlong pangunahing makata” sa Amerika Latina, bukod pa kina Sor Juana Inés de la Cruz at Rubén Darió. Sa kasalukuyan, malawak pa rin ang konsensus sa pagiging dakila ng panulat ni Neruda. Sa isang pananaliksik ni Rachel Ana Neff ng Washington University (2007), itinala niyang “Binigyang-inspirasyon ni Neruda ang iba pang manunulat noong siya’y buhay pa at maging noong siya’y patay na. Binigyan niya ng tinig ang mga mamamayang di gaanong napapakinggan. Tumula siya sa dalawa sa pinakamalalaking pagtitipong pampanulaan sa modernong kasaysayan; napaluluha niya ang kanyang mga tagapakinig...”

Makatang Patok at Astig

Dagdag pa rito, isa sa pinakatanyag na makata sa internet si Neruda. Katunayan, sa mga arkibong web purok (archive websites) ng mga popular na tula sa buong daigdig na pinuntahan ng mananaliksik gaya ng www.poethunter.com at www. plagiarist.com, laging kasama sa 10 pinakapopular ang mga tula ni Pablo Neruda. Pamilyar na rin sa mga regular na sumasakay sa LRT1 ang ilang bahagi ng mga tula ni Neruda. Katunayan, sa pagkakita ng mga iyon lamang nagkaroon ng interes kay Neruda ang mananaliksik. Sa tamis ng mga salita’t indayog ng mga piraso ng 174 Suri, Saliksik, Sanaysay tula niya, tiyak na mas matamis at maindayog ang mga buo niyang tula, pakiwari ng mananaliksik. Mula noo’y sinimulan na ng mananaliksik ang pagsasalin sa mga tula ni Neruda. Hindi nag-iisa ang mananaliksik sa ganitong paghanga. May mga kabataang Pilipinong blogger na rin ang nagpaskel o nagpost sa kanilang mga website at blog ng kanilang mga opinyon ukol sa magagandang tula ni Neruda na nakita lamang nila sa LRT1. Sapagkat wala silang makuhang salin sa Filipino, salin sa Ingles ang pawang makikita sa kanilang mga blog. Sa pakiwari ng mananaliksik, patok at astig o kaya’y cool din sa mga henerasyon ng kabataan si Neruda, lalo na ang kanyang mga tulang ukol sa pag-ibig. Samakatwid, maaaring gamiting lunsaran si Neruda upang higit na pukawin ang interes ng mga mag-aaral sa panitikang pandaigdig na isinalin sa wikang Filipino.

Pinulitikang Tula, Tinulang Pulitika

Ngunit di dapat matapos ang lahat sa pag-aaral at/o pagsasalin sa mga tulang pampag-ibig ni Neruda. Dapat bigyang-diing malaki rin ang ambag ni Neruda sa pagpapalaganap ng progresibong “panitikan para sa/kasama ng mamamayan, nakaugat sa lipunan” laban sa konserbatibong “dalisay na sining sa ngalan ng sining lamang” (art for art’s sake). Sa ganitong diwa inihambing ni E. San Juan, Jr., isang Pilipinong intelektwal na nakabase sa Estados Unidos (2004), si Neruda kay Amado V. Hernandez. Gaya ni Hernandez, si Neruda ay nagsulat ukol sa mga manggagawa, laban sa pang-aapi, laban sa diktadura, ukol sa mga payak na bagay, ukol sa aktwal na buhay sa lipunan. Sinasalamin nito ang katulad na papuri ni Weiss-Armush (2004) kay Neruda: “Kilala si Neruda bilang makata ng mga mamamayan, ang tinig ng mga walang tinig na marubdob na nakipaglaban para sa katarungang panlipunan.” Ayon naman kay Neff (2007), matagumpay na napagsanib ni Neruda ang “panulaan at pulitika.” Di kalabisang sabihing mahusay niyang tinula ang pulitika ng mga mamamayan at pinulitika ang tula para sa/ kasama ng mga mamamayan, nang di nababawasan ang kasiningan. Bilang katunayan, binanggit ni Vijay Prashad (2004) na kahit ang mga pamosong makatang tutol sa kanyang pulitika ay walang magawa kundi purihin si Neruda sa husay niyang maghabi ng mga salita. Nagawa niyang ikintal ang konsepto ng katarungan, kapayapaan, karapatang-pantao, kalayaan atbp. sa mga salitang mahusay na hinabi, at sa tamis ay di maitatatwang tula at mga dakilang tula pa rin sa kabila ng malalamang mensaheng pampulitika at panlipunan. Ganito Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 175 rin ang obserbasyon ni Monguió (1960). Aniya, tinawag na “dakilang makata” si Neruda kahit ng isang karibal na mahigpit na nakikipagtunggali sa kanyang panulaang nakaugat sa lipunan.

Panulaan ng Tinapay: Neruda Para sa Lahat

Gayunman, dapat ding bigyan-diin ang pahayag ni Martin Espada, batay sa banggit ni Prashad (2004) na “may Neruda para sa lahat. May Nerudang makata ng pag-ibig, Nerudang makatang surealista, makata ng epikong pangkasaysayan, Nerudang makatang pulitikal, Nerudang makata ng mga pangkaraniwang bagay, ng mga oda, ang makata ng dagat at iba pa.” Buhay na buhay talaga ang mga tula ni Neruda sapagkat pinapaksa nito ang buhay mismo. Ayon sa dakilang makata (batay sa banggit ni Weiss-Armush, 2004): “Lagi kong hangad na makita ang mga kamay ng mga mamamayan sa panulaan. Lagi kong kinikilingan ang panulaang kakikitaan ng mga bakas ng daliri. Panulaan ng matabang lupa, kung saan makaaawit ang tubig. Panulaan ng tinapay, kung saan lahat ay makakakain.” Hindi marahil kalabisang isalin ang ilan sa kanyang mga tula upang pati ang mga Pilipinong di maalam sa Español at/o Ingles ay “makakain” din sa “panulaan ng tinapay,” ng napakatamis na tinapay, ni Pablo Neruda. Sana nga lamang ay mapanatili ang timyas ng mga ito kahit sa salin.

Pamimili sa Panulaang Pinung-pino’t Piling-pili

Libu-libong tula ang naisulat ni Neruda kaya aabot sa mahigit 6,000 pahina na ng kanyang mga likha ang nalikom ng institusyong Galaxia Gutenberg sa Barcelona (Prashad, 2004). Sa ganitong karagatan ng panulaang pinung-pino’t piling-pili, tila napakahirap talagang mamili. Makalipas ang matagal-tagal ding pagbabasa-basa at paglilimi-limi, tatlong tula ni Neruda ang pinili ng tagapagsalin para sa pananaliksik na ito, mula sa mahigit sampu na kanyang natapos. Pangunahing konsiderasyon ng mananaliksik sa pagpili ang lapit ng paksa ng mga “kandidatong tula” sa kultura, kasaysayan, karanasan at lipunan ng Pilipinas. Sa ganitong paraan, mas magiging madali ang pagtuklas sa kahulugan ng mga salita: ang mismong proseso ng pag- unawa sa tula at pagsasalin nito. Isinaalang-alang din ng mananaliksik ang “gaan” 176 Suri, Saliksik, Sanaysay sa panimulang pagbasa. Ibig sabihin, preperensya ang mga akdang mas mabilis “naintindihan” ng mananaliksik sa panimulang pagbasa. May mga tula kasi si Neruda na mahirap magagap ang kahulugan sa panimulang pagbasa, na sa sobrang salimuot at sikut-sikot ay kailangang ulit-ulitin ang pagbasa bago pahapyaw man lamang na maintindihan. Sa tatlong tulang pinili, pinagsikapan ng tagapagsalin na maipasilip sa mga mambabasang Pilipino ang tatlong dominanteng “mukha” ng mga tula ni Neruda, sa sarili niyang pakiwari: panlipunan, pampag-ibig at mga odang ukol sa mga simpleng bagay. Pinili ng mananaliksik ang tulang “The Dictators” (Los dictadores) [saling nasa www.poethunter.com]; “Ode to Bread” (Oda al Pan) [salin ni Ken Krabbenhoft]; at “Your Laughter” (Tu Risa) [salin ni Donald Walsh]. Ang unang tula sa talaan, “The Dictators,” ay ukol sa kagimbal-gimbal na imahe ng diktadura sa Amerika Latina na kahawig na kahawig ng diktadurang dinanas ng Pilipinas sa panahon ng Batas Militar: marahas, pumapatay, tila nag-aanyaya ng paghihiganti. Tiyak na pamilyar sa mga Pilipino ang “amoy na nananatili sa tubuhan,” ang “...pinaghalong dugo at katawan, masangsang na talulot na nakapagpapaduwal.” Samantala, sa “Ode to Bread,” detalyadong pinapurihan ni Neruda ang tinapay na “nagmumula [ka] sa harina, tubig at apoy. Siksik o magaan, tipi o bilugan...” habang nangangakong “...kakamtin namin ang daigdig at tinapay para sa lahat... palalayain ang daigdig, gaya ng panaderong sinilang sa himpapawid.” Tila mataginting na alingawngaw at panawagan ito sa kasalukuyang panahong mahal ang tinapay at may krisis sa bigas. Sa ikatlong tulang kalahok, ang “Your Laughter,” tinapay ng pag-ibig naman ang nais ipatikim ni Neruda. Para sa kanya’y buhay ang katumbas ng ngiti/tawa ng kanyang sinisinta: “ipagkait sa akin ang tinapay, ang hangin, ang liwanag, ang tagsibol, ngunit huwag ang ‘yong ngiti ‘pagkat iyo’y aking ikamamatay.” Isang tulang bagay na bagay sa mga romantikong Pinoy.

Paraan at Proseso ng Pagsasalin

Bagamat sinasabing imposible ang pagkakaroon ng eksakto at matapat na matapat na salin (sa pagsasalin man ng tubig ay may naliligwak din kahit ilang patak), ipinagpapalagay ng tagasalin na ang produkto ng kasalukuyang saliksik ay isang matapat na salin. Sa buong proseso ng pagsasalin, tinangka ng tagasalin na maging matapat sa tekstong Ingles na sinasalin, bagamat sa pakiwari ng mananaliksik, Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 177 minsa’y nagtataksil sa orihinal na Español ni Neruda ang ilang bahagi ng mga salin sa Ingles. Makikita ang pagiging matapat ng saling Filipino sa istruktura at gayundin sa mensahe. Sa mga pagkakataong may mga malalabong idyomatikong pagpapahayag, literal na isinalin na lamang ang mga ito na gaya ng payo ni Alfonso Santiago (2003). Para sa mga terminong di matumbasan, preperensya sa panghihiram ang Español. Hangga’t maaari, hindi rin pinakialaman ng tagasalin ang ayos/posisyon ng mga parirala/pangungusap sa tula, bagamat sa ilang pagkakataon (partikular sa tulang “Ode to Bread”), ito’y hindi naisakatuparan dahil sa natural na mga pagkakaiba sa istruktura ng Ingles at Filipino. Kaibang-kaiba ang ganitong pagsasalin sa paraang ginamit ng batikang manunulat-makatang si Jose F. Lacaba (1991) sa pagsasalin ng mga tulang banyaga mula Ingles tungong Tagalog/Pilipino/Filipino (ayon sa kanyang banggit), kabilang ang ilang tula ni Pablo Neruda. Ginawa niyang modelo ang tinatawag adaptasyon ng Gabay sa Pagsasalin ng KWF. Naging matrabaho ang ginawang pagsasalin. Kinailangan ang pagbabasa ukol sa talambuhay ng may-akda, sa mga kritisismo, salin at pagsusuri sa kanyang mga tula, at maging sa mga orihinal niyang tula sa Español. Nanaliksik din ukol sa panahon ng may-akda upang lalong ganap na maunawaan ang paraan ng pag-iisip at pagpapahayag ng makata. Kailangan ito upang lalong makatiyak na magiging matapat ang pagsasalin. Namili ng mahigit sampung tulang isinalin nang panimula at mula rito’y pinili ang tatlong tulang kasangkot sa kasalukuyang pananaliksik.

Karikatura ng Diktadura

Batay sa pananaliksik ng tagapagsalin, nabuhay si Neruda sa panahon ng mga diktadura sa Amerika Latina. Puno ng ligalig, pangamba, pagsasamantala, karahasan at pingkian ng mga pwersa sa Kaliwa at Kanan sa pampulitikang spectrum ang panahon ni Neruda. Madaling masasalamin ang ganitong mukha ng kanyang panahon sa tulang “The Dictators.” Tila propeta niyang nailarawan ang magiging kalagayan mismo ng Pilipinas sa pagdatal ng Batas Militar. Narito ang nabuong salin kalakip ng pinagbatayang salin sa Ingles (na mula sa www.poemhunter.com): 178 Suri, Saliksik, Sanaysay

The Dictator

An odor has remained among the sugarcane: a mixture of blood and body, a penetrating petal that brings nausea. Between the coconut palms the graves are full of ruined bones, of speechless death-rattles. The delicate dictator is talking with top hats, gold braid, and collars. The tiny palace gleams like a watch and the rapid laughs with gloves on cross the corridors at times and join the dead voices and the blue mouths freshly buried. The weeping cannot be seen, like a plant whose seeds fall endlessly on the earth, whose large blind leaves grow even without light. Hatred has grown scale on scale, blow on blow, in the ghastly water of the swamp, with a snout full of ooze and silence.

WAng Diktador

Isang amoy ang nananatili sa mga tubuhan: pinaghalong dugo at laman, masangsang na talulot na nakapagpapaduwal. Sa pagitan ng mga niyuga’y puno ang mga libingan ng mga butong wasak, ng mga piping kalampag ng kamatayan. Ang mahinang diktador ay nakikipag-usap Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 179 sa mga bigatin, gintong palawit, at mga kuwelyo. Ang munting palasyo’y kumikinang gaya ng relo at ang mabibilis na halakhak na nakagwantes ay tumatawid sa mga pasilyo kung minsan at nakikiisa sa mga patay na tinig at mga bibig na bughaw na kalilibing pa lamang. Ang pagtangis ay di mamalas, gaya ng isang halamang ang mga binhi’y walang katapusang nangalalaglag sa lupa, ang mga malalaking bulag na daho’y lumalago kahit walang liwanag. Ang poot ay patindi nang patindi, sa bawat dagok, sa kalagim-lagim na tubig ng latian, na may ngusong puno ng burak at katahimikan.

Isang suliranin sa pagsasalin sa Filipino mula Ingles ng tulang ito ang pagtataksil ng Ingles na salin sa orihinal na Español. Halimbawa, nang konsultahin ng tagasalin ang orihinal, con copas, cuellos y cordones de oro (with wineglasses, collars and golden cords) ang ikapitong taludtod. Sa halip na gayon, with top hats, gold braid, and collars ang ginamit ng pinagbatayang salin sa Ingles. Malamang na ipinalit sa wineglasses ang top hats dahil inakala ng nagsalin sa Ingles na iyon ang tinutukoy ni Neruda. Gayunman, mahirap ipaliwanag kung bakit niya pinagpalit ng pwesto ang collars at golden braid. Hindi rin kaya nalihis ang salin niyang braid sa halip na cord? Isinalin naman sa Ingles ang satrapa na dictator (ika-6 na taludtod), bagamat kung tutuusin, maaari itong tumbasan ng satrap (tagapamahala/gobernador ng isang probinsyang sakop ng Imperyong Persiano noong Unang Panahon). Hindi kaya nais bigyang-diin ni Neruda na ang mga diktador sa kanyang panahon ay pawang mga karilyo, papet o tau-tauhan lamang ng mas malaking imperyo (malamang na ang sa Estados Unidos, kung pagbabatayan ang iba pang tula ni Neruda gaya ng The United Fruit Co.) gaya ng mga satrapa o satrap sa imperyong Persiano? Kung isasaalang-alang ito, tiyak na “lumabnaw” kundi man nalihis ang diwa sa paggamit ng dictator sa halip na satrap. Sa kabila ng ganitong munting “pagtataksil” ng salin sa Ingles (na hindi magiging munti kung isasaalang-alang ang panahon ni Neruda), naging matapat sa saling Ingles ang tagapagsalin sapagkat un poco Español lamang ang nalalaman ng mananaliksik, bagay na di sapat para magtangkang magsalin mula sa orihinal na Español. Natutukso ang tagasalin na paglaruan ang gahum (hegemony) ng mga 180 Suri, Saliksik, Sanaysay

Cebuano para maging Ang Mga Gahumista ang pamagat sa halip na Ang Mga Diktador ngunit noon pa ma’y gamitin na ang diktador kaya iyon na lamang ang ginamit sa pamagat. Hiniram ang relo sapagkat hindi akma ang orasan na pantapat sa clock. Mismong sa orihinal ay reloj ang ginamit. Gayundin, ginamit ang mga pasilyo para sa corridors (pasillos sa orihinal na Español), sapagkat walang mahanap na katumbas sa leksikon ng Filipino. Maaari sanang gamitin ang agianan ng Cebuano ngunit ito’y mas katapat ng aisle (na tinutumbasan din sa Filipino ng pasilyo). Wala ring maipanumbas sa collars kaya hiniram ang kuwelyo. Para sa ruined bones, maaari rin sana ang mga baling buto ngunit mas pinili ng tagasalin ang mga butong wasak para mapanatili ang diin/intensidad ng mga salita ng kabuuan ng tula na isang mahusay na tudla sa mga diktador. Sa tula’y kinarikatura at kinondena ni Neruda ang mga diktador kaya mas akmang gamitin ang mas mabibigat na salita gaya ng wasak sa halip na bali. Gayon din ang dahilan ng paggamit sa poot sa halip na galit. Pinamilian ang kasindak-sindak at kalagim-lagim para sa ghastly ngunit mas tunog-nakatatakot ang huli kaya ito ang ginamit, sapagkat ang terorismo ng isang diktadura naman ang paksa ng tula. Nais sanang isalin ng mananaliksik ang blue mouths na mga bugbog na bibig ngunit pinili ang mga bibig na bughaw sapagkat bocas azules ang orihinal. Marahil ay nais bigyang-diin ni Neruda ang kulay ng pambubugbog, ng pasa, ng kulata (ng mga armas) atbp.

Alay sa Tinapay

Sapagkat likas na mapagmasid ang isang makata sa kanyang kapaligiran, hindi nakaligtas sa pandama at panulaan ni Neruda ang “kaypayak at pagkalalim-lalim” na tinapay. Sa tulang “Ode to Bread,” ginigising ni Neruda ang konsensya ng daigdig ukol sa kagutumang laganap na noon pa man. Narito ang salin ng “Ode to Bread”:

Ode to Bread

Bread you rise from flour Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 181

water and fire Dense or light flattened or round you duplicate the mother’s rounded womb and earth’s twice-yearly swelling. How simple you are, bread, and how profound! You line up on the baker’s powdered trays like silverware or plates or pieces of paper, and suddenly life washes over you, there’s the joining of seed and fire, and you’re growing, growing all at once like hips, mouths, breasts, mounds of earth or people’s lives. The temperature rises, you’re overwhelmed by fullness, the roar of fertility, and suddenly 182 Suri, Saliksik, Sanaysay

your golden color is fixed. And when your little wombs were seeded, a brown scar laid its burn the length of your two halves’ toasted juncture. Now, whole, you are mankind’s energy, a miracle often admired, the will to live itself.

O bread familiar to every mouth, we will not kneel before you: men do not implore unclear gods or obscure angels: we will make our own bread out of sea and soil, we will plant wheat on our earth and the planets, bread for every mouth, for every person, our daily bread. Because we plant its seed and grow it not for one man Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 183

but for all there will be enough: there will be bread for all the peoples of the earth. And we will also share with one another whatever has the shape and the flavor of bread: the earth itself beauty and love – all taste like bread and have its shape, the germination of wheat. Everything exists to be shared, to be freely given to multiply

This is why, bread,

if you flee from mankind’s houses, if they hide you away or deny you, if the greedy man pimps for you or the rich man takes you over if the wheat does not yearn for the furrow and the soil: then, bread, we will refuse to pray. bread, 184 Suri, Saliksik, Sanaysay

we will refuse to beg We will fight for you instead, side by side with the others, with everyone who knows hunger. We will go after you in every river and in the air. We will divide the entire earth among ourselves so that you may germinate, and the earth will go forward with us: water, fire, and mankind fighting at our side. Crowned with sheafs of wheat, we will win earth and bread for everyone. Then life itself will have the shape of bread, deep and simple, immeasurable and pure. Every living thing will have its share of soil and life, and the bread we eat each morning, everyone’s daily bread, will be hallowed and sacred, because it will have been won by the longest and costliest of human struggles. This earthly Victory does not have wings: Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 185

she wears bread on her shoulders instead. Courageously she soars, setting the world free, like a baker born aloft on the wind.

WOda sa Tinapay

Tinapay, nagmumula ka sa harina,

tubig at apoy. Siksik o magaan, tipi o bilugan, ginagagad mo ang bilugang sinapupunan ng isang ina, at ng dalawa-kada-taong paglobo ng daigdig. Kaypayak mo, o tinapay, at pagkalalim-lalim! Nakahilera ka sa pinulbusang bandeha ng panadero gaya ng mga kasangkapang pilak o mga plato 186 Suri, Saliksik, Sanaysay

o mga piraso ng papel, at dagling nililinis ka ng buhay, naroon ang pag-iisa ng binhi at apoy, at ika’y lumalaki, lumalaki biglang-bigla gaya ng mga balakang, mga bibig, mga dibdib, mga bunton ng lupa, o mga buhay ng sambayanan. Ang temperatura’y tumataas, ika’y pinangingibabawan ng kaganapan, ng dagundong ng pagyabong, at dagling ang ‘yong ginintuang kulay ay naitatakda. At nang ang iyong mga munting sinapupunan ay hinasikan, isang kayumangging peklat ang naglapat ng markang sunog na singhaba ng tustadong sugpungan ng iyong dalawang hati. Ngayon, buo, ikaw ang enerhiya ng sangkatauhan, himalang madalas hinahangaan, ang pasyang isabuhay ang kanyang sarili.

O tinapay na kinakain ng bawat bibig, hindi kami Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 187

luluhod sa iyo: ang tao’y di nagsusumamo sa mga di-kilalang diyos o malalabong anghel: lilikha kami ng aming sariling tinapay mula sa dagat at sa lupa, magtatanim kami ng trigo sa aming daigdig at mga planeta, tinapay para sa bawat bibig, para sa bawat tao, ang aming kakanin sa araw-araw. Sapagkat itinanim namin ang binhi nito at ito’y pinayabong di para sa isang tao kundi para sa lahat, magkakaroon ng sapat: magkakaroon ng tinapay para sa lahat ng mamamayan ng daigdig. At aming pagbabahaginan anuman ang may hugis at lasa ng tinapay: ang mismong daigdig, kagandahan at pag-ibig – lahat ay lasang tinapay at kahugis nito, ang pagsibol ng trigo. Lahat ay umiiral para maibahagi, para libreng ipamigay, para magparami. 188 Suri, Saliksik, Sanaysay

Ito ang dahilan kung bakit, tinapay,

kapag tinakbuhan mo ang mga tahanan ng sangkatauhan, kung ika’y kanilang itago o kanila kang ipagkait, kung ang gahamang tao’y magputa nang dahil sa ‘yo o ang mayamang tao’y agawin ka, kung ang trigo’y di nananabik sa araro’t sa lupa: kung gayon, tinapay, tatanggi kaming manalangin: tinapay, tatanggi kaming magpalimos. Sa halip makikibaka kami para sa iyo, kasama ng iba pa, kasama ng lahat ng gutom. Hahabulin ka namin sa bawat ilog at sa hangin. Paghahatian namin ang buong daigdig upang ika’y sumibol, at ang daigdig ay sumulong kasama namin: tubig, apoy, at sangkatauhan sa aming panig makikipaglaban. Napuputungan ng binigkis na trigo, kakamtin namin ang daigdig at tinapay para sa lahat. At ang buhay mismo’y Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 189

maghuhugis-tinapay, malalim at payak, dakila’t dalisay. Bawat buhay na nilalang ay makakabahagi sa lupa at buhay, at ang tinapay na kinakain natin bawat umaga, ang pagkain sa araw-araw ng bawat isa, ay magiging banal at sagrado, sapagkat ito’y makakamit lamang sa pamamagitan ng pinakamahaba’t pinakamahal sa mga pakikibaka ng sangkatauhan. Ang makalupang Tagumpay na ito’y walang pakpak: sa halip suot niya’y tinapay sa kanyang mga balikat, Buong-giting siyang lilipad, palalayain ang daigdig, gaya ng panaderong isinilang sa himpapawid.

Marami-raming salita sa salin ng “Ode to Bread” ang hiniram sa Español gaya ng harina, paglobo, nakahilera, pinulbusang bandeha, panadero, plato, piraso, temperatura, tustado, enerhiya, trigo, mismo, libre at sagrado. Karamihan sa mga salitang ito’y gamitin sa Filipino at tinuturing nang bahagi ng leksikon. Ang harina at trigo halimbawa ay imposibleng matumbasan sapagkat di naman nagtatanim ng trigo (na ginagawang harina) ang mga Pilipino. Para sa earth’s swelling, maaari sanang gamitin ang paglaki, pamamaga o pamumukol. Hindi ginamit ang pamamaga at pamumukol sapagkat mas ginagamit ito sa bahagi ng katawan ng tao. Ang paglaki naman ay masyadong generic o masaklaw. Wala ring panumbas sa tray kaya pinili ang bandeha sa halip na trey, batay na rin sa pagkiling ng maraming akademista sa panghihiram sa Español ayon sa banggit ni Enedina Villegas (1998). 190 Suri, Saliksik, Sanaysay

Ganito rin halos ang dahilan ng paghiram sa iba pang salitang tinuran. Natatanging kaso naman ang tustado na pwedeng-pwedeng tapatan ng sunog bilang salin ng burn, ngunit nagkataon nga lamang na dalawang salitang tinutumbasan din ng sunog (burn at toasted) ang nasa parirala: laid its burn the length of your two halves’ toasted juncture. Para makaiwas sa pag-uulit ng salita, ginamit ang markang sunog para sa burn at tustado naman para sa toasted. Samantala, ginamitan ng eupemismo ang breast kaya dibdib at hindi suso ang salin. Nahirapan ang mananaliksik sa pagsasalin ng unclear gods or obscure angels sapagkat magkasingkahulugan ang unclear at obscure (malabo/di-malinaw o kaya’y di-kilala). Kakatwa naman kung isang salita lamang ang gagamitin kaya kapwa ginamit ang malabo at di-kilala. Sa pariralang ...for the furrow and the soil, mahaba ang panimulang salin: ...sa dinaanan ng araro’t sa lupa (na masyadong literal) kaya pinaiksi ito’t ginawang sa araro’t sa lupa. Ganito rin ang ginawa sa unang salin ng pariralang with everyone who knows hunger na kasama ng lahat ng nakakabatid ng gutom. Pinaiksi ito sa mas malinaw na porma: kasama ng lahat ng gutom. Samantala, sa simula’y masinsin ang salin ng dense, ngunit mas akma ang siksik na ginagamit talaga sa pagtukoy sa tinapay na malaman. Kapansin-pansin ang natural na “pagtataksil” sa istruktura ng mga pangungusap sa pagsasalin mula Ingles tungong Filipino, sa ilang pagkakataon. Halimbawa sa unang saknong ng tula sa Ingles: you duplicate/the mother’s/rounded womb....Sa Filipino, masyadong artipisyal ang saling ginagagad mo/ang sa inang/ bilugang sinapupunan, at di hamak na mas natural ang ganito: ginagagad mo/ ang bilugang sinapupunan/ng isang ina. Ganito rin ang sitwasyon ng pariralang You line-up/on the baker’s/powdered trays/like silverware... Kung susundin ang kayarian sa Ingles, isasalin itong Nakahilera ka/ sa panaderong/pinulbusang bandeha/gaya ng mga kasangkapang pilak... na maaaring nagpabago o kundi ma’y nagpalabo sa nais ipahiwatig ng tula. Mas malinaw kung isasalin itong Nakahilera ka/sa pinulbusang bandeha/ng panadero/gaya ng mga kasangkapang pilak...

Ngiti o Tawa?

Tiyak na pamilyar na ang mga sumasakay sa LRT1 sa tulang “Your Laughter” o “Tu Risa” sapagkat isa ito sa mga tulang “piniraso” para sa proyektong “Berso sa Metro” ng Instituto Cervantes. Sa tamis ng mga linyang nasa “Berso sa Metro,” Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 191 naengganyo ang mananaliksik na isalin nang buo ang nasabing tula. Bakit nga ba piraso lamang ng isang matamis na tinapay ang ipatitikim sa mga Pilipinong romantiko kung pwede namang maangkin din ang kabuuan nito? Narito ang salin sa Filipino ng “Your Laughter”:

Your Laughter

Take the bread from me, if you want, take the air from me, but

do not take from me your laughter.

Do not take away the rose, the lanceflower that you pluck, the water that suddenly bursts forth in your joy, the sudden wave of silver born in you.

My struggle is harsh and I come back with eyes tired at times from having seen the unchanging earth, but when your laughter enters it rises to the sky seeking me and it opens for me all the doors of life.

My love, in the darkest hour your laughter opens, and if suddenly you see my blood staining 192 Suri, Saliksik, Sanaysay

the stones of the street laugh, because your laughter will be for my hands like a fresh sword.

Next to the sea in autumn, your laughter must raise its foamy cascade, and in spring, love, I want your laughter like the flower I was waiting for, the blue flower, the rose

Laugh at the night, at the day, at the moon laugh at the twisted streets of the island, laugh at this clumsy boy who loves you, but when I open my eyes and close them, when my steps go, when my steps return, deny me bread, air, light, spring, but never your laughter for which I would die.

W Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 193

Ang ‘Yong Ngiti

Ipagkait sa ‘kin ang tinapay, kung iyong nais, ipagkait ang hangin, ngunit

huwag ipagkait ang iyong ngiti sa akin.

Huwag ipagkait ang rosas, ang bulaklak na sibat na ‘yong pinitas, ang tubig na dagling bumukal sa iyong tuwa, ang kagyat na along pilak na sa iyo’y isinilang.

Ang pakikibaka ko’y marahas at ako’y bumabalik na may matang napapagal kung minsan sa pagmamasid sa di-nagbabagong daigdig, ngunit kapag ang ‘yong ngiti’y lumitaw ito’y pumapailanlang sa langit ako’y hinahanap at binubuksan nito ang lahat ng mga pintuan ng buhay para sa akin.

Sinta ko, sa pinakamadilim na oras na ang ngiti mo’y sumilay, at kung biglang makita mong maibubo ang dugo ko sa mga bato sa lansangan ngumiti ka, ‘pagkat ang ‘yong ngiti’y magiging tila sariwang espada sa aking mga kamay. 194 Suri, Saliksik, Sanaysay

Sunod sa dagat sa taglagas, ang ngiti mo’y dapat ilantad ang kanyang mabulang talon, at sa tagsibol, sinta, nasa ko ang ‘yong ngiti gaya ng bulaklak na aking hinihintay, ang bughaw na bulaklak, ang rosas

Tawanan ang gabi, ang umaga, ang buwan, tawanan ang liku-likong mga lansangan ng pulo, tawanan itong walang-ingat na batang lalaking umiibig sa iyo, ngunit kapag aking iminulat ang mga mata ko’t ipinikit ang mga ito, kapag ako’y naglakbay, kapag ako’y bumalik, ipagkait sa akin ang tinapay, ang hangin, ang liwanag, ang tagsibol, ngunit huwag ang ‘yong ngiti ‘pagkat iyo’y aking ikamamatay.

Pamagat pa lamang ng tula ay mahirap nang isalin. Kung isasaling literal, Ang ‘Yong Tawa ang dapat maging pamagat ngunit tila katawa-tawa/di- seryoso ang gayong pamagat sa Filipino. Ayon sa Manwal sa Pagsasalin ng KWF at ng aklat sa pagsasaling-wika ni Santiago (2003), malaya ang tagapagsalin na baguhin ang pamagat kung hindi magiging maganda ang dating sa wika ng salin. Mas akmang pamagat ng tula Ang ‘Yong Ngiti sapagkat sa pagtula, relatibong seryoso at pigil o restrained ang himig ng mga Pilipino. Ganito rin ang dahilan kung bakit mula sa una hanggang ikalimang saknong ng tulang isinasalin ay ngiti at di tawa ang ginamit. Sa huling saknong na lamang ginamit para sa ilang parirala ang tawa sapagkat mas akma sa konteksto (halimbawa’y Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 195 ang pagtawa sa mga bagay gaya ng gabi, buwan, umaga atbp.). Sa kabuuan, ginamit ang ngiti sapagkat mas akma ito sa mga taong nag-iibigan. Katunayan, palasak sa mga awiting pampag-ibig sa Pilipinas ang ngiti ngunit hindi ang tawa. Para naman sa take...from me ginamit na salin ang ipagkait sa akin... sapagkat di akma ang kunin sa akin. Ginagamit ang kunin para sa mga bagay na babawiin (ng nagbigay). Maliwanag sa tula na ang tinapay, hangin atbp. ay di naman galing sa mangingibig kundi likas o kundi ma’y dati pang umiiral sa buhay ng makata, kaya mas akma ang ipagkait. Noong una’y isinalin ng mananaliksik ang mga pariralang gaya ng Take the bread from me... na may dagdag na panghalip: Ipagkait mo sa akin ang tinapay... Inalis ng tagasalin ang panghalip na may salungguhit sa pagrerebisa ng salin sapagkat buo pa rin namang mauunawaan ang tinutukoy kahit iyo’y alisin. Maliwanag naman sa simula pa lamang na ang mangingibig ang pinatutungkulan, batay na rin sa pamagat (Ang ‘Yong Ngiti) kaya masyado nang mapalabok o masalita kung ipagpipilitan pa ang paglalagay ng mo. Hiniram sa Español ang rosas at espada, sapagkat di makahanap ng panumbas sa rosas at lihis naman ang patalim (na maaaring itak, espada o anumang sandatang may talim, gayong sa orihinal ni Neruda ay espada ang ginamit). Para sa my love, pinamilian ang mahal ko, pag-ibig ko, sinta ko o irog ko. Mas matulain ang sinta ko at irog ko ngunit pinili ang sinta ko sapagkat ginamit at ginagamit pa rin ito sa mga awitin (O Sintang Lupa; Sinisinta Kita; Leron-leron Sinta). Nahirapan ang tagasalin sa salitang clumsy boy. Sa orihinal ay torpe muchacho ito (mapurol o tanga ang torpe ayon sa isang diksyunaryo). Hindi kaya nalihis ang salin ni Walsh na clumsy? Sa Filipino, padaskul-daskol o walang- ingat ang kahulugan ng clumsy. Ginamit na lamang ang walang-ingat sapagkat tunog-balbal ang padaskul-daskol (bagamat di naman ito balbal). Para naman sa boy o muchacho, natutukso ang tagasalin na gamitin na lamang ang lalaki, ngunit mawawalang-saysay ang pagtukoy ni Neruda sa batang edad ng persona: iba ang batang lalaki sa lalaki.

Kongklusyon

Mahirap talagang magsalin ng tula gaya ng sinasabi ng mga kilalang tagapagsalin sa kanilang mga aklat. Kailangan ang matamang pamimili sa bawat salita/ pahayag na mas mahirap ding tumbasan sapagkat madalas ay idyomatiko o may nakakubling kahulugang iba sa literal. Isa ring suliranin ang natural na pagkakaligwak ng ilang patak sa ginagawang pagsasalin, o sa ibang salita’y ang likas 196 Suri, Saliksik, Sanaysay na pagkakabawas o pagkakaragdag ng kahulugan sa orihinal na nais sabihin ng tula. Naiimpluwensyahan ng sariling kaalaman, kultura at karanasan ng tagasalin ang paraan kung paano niya isasalin ang bawat pahayag. Dahil siguradong may pagkakaiba sa kaalaman, kultura at karanasan ang tagasalin at ang isinasalin (gaano mang magkahawig ang dalawa sa mga aspektong yaon), tiyak ding may magiging kaibhan kahit kaunti ang nais sabihin ng orihinal na may-akda kaysa sa kalalabasan ng pagsasalin. Gayunman, nababawasan kahit ang ganitong pagdadalawang-sanga ng nais sabihin ng tula kung mananaliksik mabuti ang tagasalin ukol sa buhay, kultura, karanasan at lipunan ng may-akda ng kathang isasalin. Makakatulong din nang malaki ang pagpili ng tagasalin sa mga akdang malapit sa kanyang sariling kultura at karanasan, gaya ng ginawa ng kasalukuyang mananaliksik. Sa kabila ng mga likas na hadlang, relatibong mas may kaunting laya naman ang tagasalin ng panulaan kaysa sa tagasalin ng tuluyan, sapagkat isang katotohanang ang tula at ang pag-unawa sa tula ay mas suhetibo o subjective (at kung gayo’y depende sa tumitingin, bumabasa o nagsasalin), kaysa sa tuluyan at sa pag-unawa nito. Kung babalikan ang ginawang pagsipat ng mananaliksik sa ilang bahagi ng saling Ingles ng Los Dictadores versus sa orihinal na Español, madaling makikita ang ganitong “kalayaan” ng tagasalin ng tula. Kumbaga, likas ang pagkakaroon ng kaibhan sa pamimili ng salita o choice of words ng dalawang tagapagsalin kahit na ang sinasalin nila’y iisang akda, at hindi mapipilit ng isa ang isa pa na tanggapin ang kanyang pinili bilang superyor, sapagkat mayroon ding sariling pakahulugan at dahilan ang isa pa kung bakit iyon at hindi ito ang salitang kanyang pinili. Sa ibang salita, mas lusot o mas akma’y abswelto sa labis na kritisismo ang isang salin ng tula kaysa sa salin ng tuluyan sapagkat mas nagsasanga-sanga ang pakahulugan sa isang akdang patula kaysa sa isang akdang tuluyan. Sa kaso ng saliksik-salin na ito, napatunayan ang pagkakaroon ng magkaibang kayarian ng Ingles at ng Filipino, lalo na sa mga bahagi ng “Ode to Bread.” Gayundin, kinakitaan ng malakas na impluwensya ng panghihiram sa Español ang mga salin sa Filipino, lalo pa nga’t Español naman ang orihinal na wikang pinagbatayan ng salin sa Ingles. Nakapanghihinayang na kaunti lamang ang nalalaman sa Español ng tagasalin. Kung mas maalam sana sa Español ang tagasalin, mas magiging matapat sa orihinal ang kanyang salin, sa pamamagitan ng pagsasalin mula mismo sa orihinal at hindi mula sa Ingles (sa tulong ng pana- panahong pagkonsulta sa orihinal na Español). Nagkaroon din ng suliranin sa pagkakaroon ng mga malalabong idyomatikong pagpapahayag na isinalin na lamang ng literal habang hindi pa matumbasan ng mga akmang idyomatikong Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 197 pagpapahayag sa Filipino. Sa pamimili ng akmang salita sa kaso ng isang salitang maraming katumbas sa Filipino (gaya ng hatred sa The Dictators), madaling mahuhuli ang akmang salita kung isasaalang-alang ang kabuuang himig/tono at damdamin ng tula. Sa kabuuan, napananatili ang mensahe ng tula (sa kabila ng posibleng paglihis sa salin ng ilang salita/pahayag) kung isinaalang-alang sa pagsasalin ang buhay, kultura, karanasan at lipunan ng may-akda ng likhang isinasalin. Sa matamang pag-iingat sa pagsasalin, nagiging totoo ang pahayag nina Ezra Pound at W.H. Auden (batay sa banggit ng Gabay sa Pagsasalin ng KWF): “ang natatanging tinig ng isang makata ay naririnig saanmang wika ito isalin.” Harinawa’y marinig nga ng mambabasa ang tinig ng dakilang makatang si Pablo Neruda sa tatlong tulang isinalin sa Filipino upang sila ma’y makakain sa “panulaan ng tinapay,” ng matamis na tinapay ni Pablo Neruda. Madaling magtatagumpay ang ganitong pagpapakilala ng isang “pamana ng sibilisasyon” kung may sapat na suporta para sa pagsasalin at pagpapalimbag sa mga kagaya ng akdang tinuran

Bibliyograpiya

Almario, Virgilio et al. c.1996. Patnubay sa Pagsasalin. Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining.

Atienza, Monico M. at Constantino, Pamela C. (mga editor). 1996. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. UP-Sentro ng Wikang Filipino, Lunsod ng Quezon.

Batnag, Aurora E. 2006. Ang Papel ng Pagsasalin sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan (sa “Guro: Mula Tsok Hanggang Internet (Aklat-Parangal kay Nenita R. Papa)”).

Belitt, Ben (editor at tagasalin). 1961. Selected Poems of Pablo Neruda. Grove Press, Inc., USA.

______. 1988. Pablo Neruda: Late and Posthumous Poems: 1968-1974. Grove Press, New York.

Espiritu, Clemencia C. at Fortunato, Teresita F. (mga editor). 2006. Guro: Mula Tsok Hanggang Internet (Aklat-Parangal kay Nenita R. Papa). Pambansang 198 Suri, Saliksik, Sanaysay

Samahan sa Linggwistikang Filipino.

Jose, Vivencio R. 1996. Ang Wika ng Pagpapalaya, at Ang Papel ng Akademya (sa “Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan”). Komisyon sa Wikang Filipino. 1998. Wikang Filipino sa Larangang Akademiko: Kolokyum ’96, ’97, ‘98. Lunsod ng Maynila.

______. 2005. English-Tagalog Dictionary (6th Edition). Lunsod ng Maynila.

______. 1998. Gawad Surian sa Sanaysay: Gantimpalang Collantes (1992-1998). Lunsod ng Maynila.

Krabbenhoft, Ken. (tagasalin). 2004. Odes to Common Things by Pablo Neruda. Bulfinch Press, New York.

Lacaba, Jose F. 1991. Sa Daigdig ng Kontra-diksiyon: Mga Saling-Wika. Anvil Publishing Inc., Lunsod ng .

Maurya, Vibha. 2004. Poetry, Politics and Pablo Neruda. People’s Democracy (Weekly Organ of the CPIM), India. [masisipat sa http://pd.cpim. org/2004/0808/08082004_vibha maurya.htm]

Merriam-Webster Incorporated. 1997. The Merriam-Webster Dictionary (based on Merriam-Webster’s Collegiate Dictionary). Massachussetts, USA.

Monguió, Luis. 1961. Introduction to Selected Poems of Pablo Neruda. Grove Press, Inc., USA.

Neff, Rachel Anna. 2007. Poesia y Paz: Politics in Pablo Neruda’s Late and Posthumous Poetry. Department of Foreign Languages and Cultures-Spanish, Washington State University, USA. [masisipat sa https://research.wsulibs.wsu. edu:8443/dspace/bitstream/2376/1106/1/Neff.pdf]

Panganiban, Jose Villa. 1972. Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles. Manlapaz Publishing Co., Lunsod ng Quezon. Patikim sa Malinamnam na Panulaan ng Tinapay 199

PoemHunter.Com. 2004. Classic Poetry Series: Pablo Neruda Poems (English translations). Paris, France. [masisipat sa http://www.poemhunter.com/pablo_ neruda_2004_9.pdf] Prashad, Vijay. 2004. I Was Among Them: Pablo Neruda Turns 100. People’s Democracy (Weekly Organ of the CPIM), India. [masisipat sa http://www.cpim.org/marxist/200402_Neruda.doc]

San Juan, Jr., E. 2004. Pablo Neruda: A People’s Poet. Political Affairs (PA).Net, USA. [masisipat sa http://www.politicalaffairs.net/article/view/495/1/57/]

Santiago, Alfonso O. 2003. Sining ng Pagsasaling-wika (sa Filipino mula sa Ingles): Ikatlong Edisyon. Rex Book Store, Lunsod ng Quezon.

Tarn, Nathaniel (tagasalin). 1966. The Heights of Macchu Picchu by Pablo Neruda (a bilingual edition). Farrar, Stroux and Giroux, New York.

Tiamson-Rubin, Ligaya. 1993. Intelektwalisasyon at Istandardisasyon ng Filipino sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan (sa “Gawad Surian sa Sanaysay: Gantimpalang Collantes (1992-1998)”).

Turk, Laurel H. 1981. Foundation Course in Spanish: Fifth Edition. D.C. Heath and Company, Massachusetts and Toronto.

Villegas, Enedina G. 1998. Ponolohikal at Morpolohikal na Panghihiram ng Filipino sa Rehistro ng Agham at Matematika (sa “Wikang Filipino sa Larangang Akademiko: Kolokyum ’96, ’97, ‘98”).

Walsh, Donald D. (tagasalin). 2004. The Captain’s Verses by Pablo Neruda. New Directions Publishing Corporation. New York.

Weiss-Armush, Anne Marie. 2004. Tribute to Pablo Neruda Educational Guide for Teachers (Part I). DFW International, USA. [masisipat sa http://www. dfwinternational.org/_content/media/neruda/TeachingUnitPartI.pdf] Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na: Marxistang Kontekstwalisasyon ng Piling Awiting Post-Edsa*

Panimula1

sang pandaigdigang penomenon ang paglikha ng mga awiting nagtatala ng kasaysayan ng mga kilusang panlipunan at ng matatagumpay na aklasang- bayan (People Power revolts/uprisings). Ang mga makasaysayang awiting ito’y bahagi ng tinatawag ni Dr. Teresita Gimenez-Maceda ng Unibersidad Ing Pilipinas (1996) na “mga tinig mula sa ibaba” – mga tinig ng ordinaryong mamamayang lumahok sa mga kilusang panlipunan at iba’t ibang porma ng aklasang bayan na nagbibigay ng alternatibong pananaw hinggil sa ilang bahagi ng kontemporaryong “piniping kasaysayan” sa gitna ng kawalan ng puwang para rito sa mga opisyal na bulwagan ng kapangyarihan. Lumaganap man o hindi, patuloy

* Ang Edsa People Power I na nagpatalsik sa diktadurang Marcos ay nagluwal ng maraming awiting nagbibigay ng iba’t ibang perspektiba hinggil sa tinatawag na “mapayapang rebolusyon.” Sa gabay ng mga konsepto hinggil sa kasaysayang-bayan (people’s history) nina Dr. Howard Zinn at Dr. Teresita Gimenez-Maceda, sinipat ng papel na ito ang pandaigdigang penomenon ng mga awiting sumasalamin sa kasaysayang-bayan upang mailagay sa wastong konteksto ang paglalantad ng mga tunggalian ng mga makauring interes (class contradictions) na masisipat sa tatlong awiting post-Edsa (“Handog ng Pilipino sa Mundo,” “Sayaw sa Bubog” at “Kumusta Na”). Paghahambingin din ng papel na ito ang magkakaibang pananaw ng iba’t ibang uring panlipunan sa “tagumpay” at “kabiguan” ng Edsa I upang makapag-ambag sa paglalantad sa kahungkagan ng rebisyunismong historikal ng mga loyalista ng diktadurang Marcos. Binigyang-diin sa papel na ito ang naobserbahang pag-iral ng tatlong namamayaning bersyon ng ka- saysayang post-Edsa I: euphoria sa diumano’y “nanumbalik” na demokrasya, panawagan ng patuloy na pakikibaka bunsod ng pagpapatuloy ng mga patakarang sosyo-ekonomiko ng pinatalsik na diktadura sa panahon ng “bagong demokrasya,” at ang tipikal na pag-uugaling “bahala na” na sumasagisag pagpapa- tuloy ng nakagisnang buhay, may pakikibaka man o wala, may diktadura man o wala. Sa pangkalahatan, layunin ng papel na ito na gawing accessible at intelligible sa henerasyong post-Edsa I ang kabuluhan, kahulugan at kontekstong pangkasaysayan ng tatlong awiting post-Edsa. Ang papel na ito ay nirebisang bersyon ng papel na binasa sa DLSU Arts Congress 2012 noong Pebrero 12. 201 mang inawit ng iba’t ibang henerasyon o agad ding nawaglit sa alaala ng mga nakibaka, ang mga awitin ng mga kilusang panlipunan at mga aklasang-bayan ay makabuluhang bahagi ng “mga tinig ng kasaysayang-bayan” (voices of people’s history) na “...karaniwang hindi binabanggit sa mga opisyal na bersyon ng kasaysayan, sa mga pangunahing midya, sa mga teksbuk na madalas gamitin, sa kontroladong kultura” (Zinn, 2004). Samakatwid, malaki ang pangangailangan sa pananaliksik hinggil sa mga awit ng mga kilusang panlipunan at ng mga aklasang-bayan. Nangunguna sa talaan ng mga makasaysayang awit na bahagi ng “mga tinig mula sa ibaba” at “mga tinig ng kasaysayang-bayan” ang “L’Internationale” (“Ang Internasyunale”) ng pandaigdigang kilusang sosyalista at kilusang manggagawa na isinulat ni Eugène Pottier noong Hunyo 30, 1871 bilang tugon sa anihilasyon ng Paris Commune (ang kauna-unahang pamahalaang pinamunuan ng mga manggagawa sa buong mundo na naging inspirasyon ng mga sumunod na sosyalista at komunista), at nilapatan ng musika ni Pierre Degeyter noong 1888 (Gluckstein, 2008). Bukod sa “Happy Birthday,” “L’Internationale” ang isa sa most translated na awitin sa buong daigdig. Tulad ng Bibliya, may salin sa halos lahat ng wika ang “L’Internationale,” bagay na mapatutunayan sa pamamagitan ng simpleng pagsipat sa mga video ng iba’t ibang bersyon nito sa YouTube. Halimbawa, ang YouTube video na ito ay naglalaman ng bahagi ng mahigit 40 bersyon ng “L Internationale”: http://www.youtube.com/watch?v=m7PrVtZAG4M. Pamana naman ng mga partisano ng kilusang anti-pasista sa Italya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang “Bella Ciao” (“Magandang Dilag, Paalam”) na may bersyon din sa iba’t ibang wika gaya ng Espanyol, Turkish, Ingles, Arabic, Aleman, Mandarin, Filipino atbp. batay sa mga video na nakaupload sa YouTube. Ang “Bella Ciao” ay tungkol sa isang gerilyang (partisano) anti-pasista na umiibig sa isang magandang dilag. Itinatagubilin niya sa iniibig na sakali mang mamatay siya sa pakikipaglaban, siya’y bigyan ng marangal na libing. Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay kontrobersyal pa rin ang “Ayesab’amagwala” ng kilusang kontra- apartheid sa Timog Aprika. Panawagan ng awiting ito ang pagbaril o pagpaslang ng mga katutubong mamamayang Aprikano sa mga puting mananakop (“Boer”). Ipinagbawal ng isang hukom sa Timog Aprika ang pag-awit nito dahil sa diumano’y hate speech ang ilang bahagi ng awit (Mutasa, 2011). Tinututulan ng ilang pinuno ng partidong African National Congress (ANC) ang pagbabawal sapagkat para sa kanila, bahagi ng paggunita sa kanilang mga pakikibaka ang pag-awit nito sa orihinal na konteksto (Dlodlo, 2011). Sa Amerika Latina, inaawit pa rin ang “El Pueblo Unido, Jamás Será Vencido” (“Ang Nagkakaisang Bayan ay Hindi Magagapi”) na nilikha ng bandang Quilapayún upang ipagdiwang ang tagumpay 202 Suri, Saliksik, Sanaysay ng mga manggagawa na nakapag-ambag nang malaki sa pagkahalal ni Salvador Allende sa Chile bilang kauna-unahang presidenteng Marxista sa buong mundo na naluklok sa pamamagitan ng eleksyon. May bersyon ito sa Filipino (“Awit ng Tagumpay” ng bandang Patatag) at marami pang ibang wika. Sa mga piket at strike ng mga manggagawa sa Estados Unidos at iba pang bansang gumagamit ng Ingles ay maririnig pa rin ang “Bread and Roses” at “Solidarity Forever.” Isinulat ang tulang “Bread and Roses” (“Tinapay at Mga Rosas”) noong 1911, naging popular pagkatapos ng strike sa Lawrence, Massachussetts noong 1912 na nilahukan ng mga babaeng manggagagawa o kaya’y ina o asawa ng mga manggagawa, at nilapatan ng musika noong dekada 70 (Brazill, 2009). Mula noon, naging isa na ito sa mga popular na awitin ng mga kilusang unyonista sa Amerika. Isinulat sa perspektiba ng mga ina o asawa ng mga manggagawa, panawagan ng “Bread and Roses” ang pakikibaka para sa isang makatarungang lipunan kung saan ang karapatang magtamasa ng mga pangunahing pangangailangan (“bread”) at karapatang magkaroon ng maayos, masaya at disenteng pamumuhay (“roses”) ay makakamtan na ng bawat tao. Ginamit naman ng “Solidarity Forever” o “Pagkakaisa Magpakailanman” (1915) ang himig ng “John Brown’s Body” – na siya namang pinagmulan din ng himig ng “Battle Hymn of the Republic” o “Glory, Glory Hallelujah” – upang bigyang-diin ang kahalagahan ng mga unyon sa pagtatagumpay ng kilusang paggawa at ng kilusang sosyalista laban sa sistemang kapitalista (Gregory, c. 2010). Noong 2011, binuklod din ng pag-awit ng “Solidarity Forever” ang mga manggagawa sa Wisconsin dahil sa mga maniobrang kontra-unyon ni Gobernador Scott Walker. Gaya ng “Bread and Roses” at “Solidarity Forever,” ang “We Shall Overcome” (“Tayo’y Magtatagumpay”) na isinulat noong dekada 40 ay nananatiling buhay sa kontemporaryong kultura. Naging popular na awitin ito ng mga tumututol sa rasismo ng mga puting Amerikano laban sa mga Aprikano-Amerikano noong dekada 50 hanggang 60. Noong Oktubre 2011, sa pagbisita ni Pete Seeger (isang popular na aktibistang folk singer sa Estados Unidos) at ng kanyang mga kasama sa piket ng kilusang Occupy Wall Street, inawit nila ang “We Shall Overcome” (Salazar, 2011). Ang kilusang Occupy Wall Street ay nagsimula bilang isang lokal na protesta sa Amerika laban sa pagiging ganid ng mga mayayamang kapitalista na bumubuo sa top 1% ng populasyon ng Estados Unidos. Ayon sa occupywallst. org (ang pinakauna at pinakapopular na website ng kilusang Occupy Wall Street/ OWS), “ang kilusan ay inspirado ng mga popular na aklasan sa Ehipto at Tunisia at lumalaban sa pinakamayamang 1% ng populasyon na nagtatakda ng mga tuntunin ng isang di makatarungang ekonomyang global…” Sa kasalukuyan, may bersyon Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na 203 na ang kilusang OWS sa halos bawat pangunahing lungsod at sentrong bayan sa buong mundo. Ang bansang Pilipinas ay may mga awiting sumasalamin din sa kasaysayang-bayan gaya ng tulang “” na isinulat ni Jose Corazon “Huseng Batute” de Jesus noong dekada 20 upang tuligsain ang imperyalismong Amerikano na umagaw sa kalayaan ng kasisilang pa lamang na Republika ng Pilipinas, ngunit higit na naging popular bilang awitin ng protesta sa panahon ng Batas Militar na ipinataw ng diktadurang Marcos mula 1972 hanggang 1981. Batay sa pananaliksik ni Dr. Gimenez-Maceda (1996), maraming awiting bahagi ng kasaysayang-bayan ang isinulat ng mga kasapi ng lumang Partido Komunista ng Pilipinas o PKP (na itinatag noong 1930 kaya tinatawag ding PKP-1930) at ng Partido Sosyalista ng Pilipinas, na di hamak na mas nauna pa sa pagiging awit ng tulang “Bayan Ko.” Batay sa mga sangguniang online gaya ng Pambansa-Demokratikong Paaralan o Padepa – na pinamamahalaan ng Pambansang Kagawaran ng Edukasyon ng bagong Partido Komunista ng Pilipinas (higit na kilala bilang Communist Party of the Philippines o CPP) – aktibo rin ang bagong Partido Komunista ng Pilipinas sa paglikha ng mga awiting sumasalamin sa kasaysayang-bayan, partikular sa perspektiba ng kanilang armadong rebolusyon na nagsimula noong 1969 sa pamamagitan ng pagtatatag ng Bagong Hukbong Bayan o New People’s Army (NPA) ang opisyal na hukbo ng CPP. Matatagpuan sa http://www.padepaonline. com/index.php/awit ang archive ng ilang awit na nilikha ng mga grupong pangkultura ng CPP. May sarili ring archive ng “mga awit ng Rebolusyong Pilipino” ang Filipino Artists for National Democracy na matatagpuan naman sa link na ito: http://revsongs.tripod.com/. Batay sa ginawang pagbabasa-basa ng mananaliksik, wala pang komprehensibong pag-aaral na kahawig ng ginawa ni Dr. Gimenez-Maceda para sa mga awitin ng PKP-1930 at ng Partido Sosyalista ng Pilipinas, ang naisabalikat para sa mga awitin ng CPP. Gayunman, noong 1998 ay inilathala ng University of the Philippines Press ang “Muog: Ang Naratibo ng Kanayunan sa Matagalang Digmang Bayan sa Pilipinas” na pinamatnugutan ni Gelacio Guillermo at inihanda ng Instityut sa Panitikan at Sining ng Sambayanan (IPASA). Ang “Muog” ay “kalipunan ng mga liham, talakayambuhay, talaarawan, reportahe, panayam, parangal/paggunita, pabula, dagli, sugilanon (“kwento” sa Bisaya), maikling kwento, at bahagi ng nobela” ng mga kadre (pinuno) at masang pinamumunuan ng CPP na sumasaklaw sa panahong mula 1972 hanggang 1997. Ang mga awiting bahagi ng “mga tinig mula sa ibaba” at “mga tinig ng kasaysayang bayan” ay karaniwang sumasalamin sa mga tunggalian ng mga uri (class contradictions) sa lipunan, lantad man o hindi. Narito ang isang talahanayan 204 Suri, Saliksik, Sanaysay na nagpapakita sa tunggalian ng mga uri na umiiral sa mga nabanggit na awitin ng mga kilusang panlipunan at mga aklasang-bayan:

AWIT** TUNGGALIAN “L’Internationale” Uring Manggagawa vs. Uring Kapitalista “Bella Ciao” Partisanong Anti-Pasista vs. Kapitalistang Pasista

“Ayesab'amagwala’” Katutubong Aprikano vs. Puting Mananakop “Solidarity Forever” Uring Manggagawa vs. Uring Kapitalista “Bread and Roses” Uring Manggagawa vs. Uring Kapitalista “We Shall Overcome” Pwersang Anti-Rasista (karamiha’y Aprikano- Amerikano) vs. Pwersang Rasista (karamiha’y Amerikanong puti) “Bayan Ko” Katutubong Populasyon vs. Dayuhang Kolonyalista “El pueblo unido, jamás Mga Manggagawa vs. Mga Kapitalista será vencido”

Metodolohiya

Ang tagumpay ng Edsa People Power I na nagpatalsik sa diktadurang Marcos ay nagluwal din ng maraming awiting bahagi ng kasaysayang-bayan na nagbibigay ng iba’t ibang perspektiba hinggil sa tinatawag na “mapayapang rebolusyon” gaya ng “Handog ng Pilipino sa Mundo” ng Apo Hiking Society, “Sayaw sa Bubog” ng The Jerks at “Kumusta Na” ng . Isasailalim ng papel na ito ang nabanggit na tatlong awiting post-Edsa sa proseso ng Marxistang kontekstwalisasyon upang mailantad ang mga tunggalian ng mga makauring interes (class contradictions) na namamayani sa bawat awit ng kasaysayang-bayan. Arbitraryong pinili ng mananaliksik ang tatlong awiting ito dahil sa naobserbahang pagkakaiba ng perspektiba ng mga ito. Bukod dito, wala pang makabuluhang entry sa Google Scholar (online database ng mga pananaliksik) hinggil sa “Sayaw sa Bubog” at “Kumusta Na” ng Yano. Bagamat may ilang pananaliksik na ang isinagawa hinggil sa “Handog ng Pilipino sa Mundo” at tinalakay na rin ito sa kalalabas pa lamang na “Musical Renderings of the Philippine Nation” ni Christi-Anne Castro (Oxford University Press, 2011), wala sa mga nabanggit na pag-aaral ang gumamit ng lenteng Marxista sa pagsipat ng mga nabanggit na awitin. Wala pa ring tesis o disertasyon sa mga nangungunang unibersidad sa Metro Manila na gumamit ng Marxistang kontekstwalisasyon sa paghahambing Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na 205 ng tatlong awiting ito na may exposure na rin naman sa midyang mainstream. Halimbawa, isang bersyon ng “Handog ng Pilipino sa Mundo” ang inawit nang live sa misa bago ilibing ang yumaong dating Pangulong Corazon C. Aquino. Ang “Kumusta Na” ay ginamit namang background sound ng ABS-CBN 2 sa isang programang nagsusuri sa kalagayang pambansa sa panahong malapit na ang pagbasa ng pangulo sa State of the Nation Address noong 2011. Sa mga huling taon ng dekada 90 ay naging popular din sa radyo ang “Kumusta Na.” Samantala, pinatugtog naman ang entradang instrumental ng “Sayaw sa Bubog” sa isang edisyon ng Pinoy Big Brother. Sa kasamaang-palad, ang exposure ng tatlong awiting ito sa midyang mainstream ay paimbabaw lamang o superficial dahil ang “Handog ng Pilipino sa Mundo,” “Kumusta Na” at “Sayaw sa Bubog” ay “itinatanghal” (“made visible”) “ngunit ang kaligirang panlipunan at pampulitika sa maraming kaso ay inaalis” (“but the social and political background in most cases is cut out”), kung ilalapat sa Pilipinas ang kahawig na obserbasyon ni Prop. Marina Gržinić (2011) hinggil sa mga likhang-sining na mula sa dating Blokeng Silanganin/former Eastern Bloc (mga bansa sa Silangang Europa na dating impluwensyado ng Unyong Sobyet o Union of Soviet Socialist Republic/USSR). Samakatwid, makapag-aambag nang malaki ang Marxistang kontekstwalisasyon upang mailigtas ang mga makasaysayang awit na ito sa napipintong paghantong sa kawalang-kabuluhan sa pananaw ng mga mamamayan (obsolescence) at pagkawaglit sa kolektibong kamalayan (non- remembrance). Ang kontekstwalisasyon ay tumutukoy sa paglulugar ng isang partikular na akdang pampanitikan gaya ng tula, nobela o awit, sa panahong pinagmulan nito. Sa prosesong ito’y inilalarawan ang lipunang nagluwal sa akdang pampanitikan, partikular ang mga kondisyong sosyo-ekonomiko ng mga mamamayan sa panahong iyon. Alinsunod ito sa pananaw ni Antonio Gramsci (1985: 112) at ng iba pang Marxista at realista na hindi maaaring ihiwalay ang likhang-sining at ang indibidwal na lumikha nito, sa lipunang kanyang pinagmulan: “…ang alagad ng sining ay di lamang nagsusulat o nagpipinta – kumbaga, di niya binibigyang- buhay ang kanyang imahinasyon – para lamang sa kanyang sariling pag-alaala, para lamang kanyang sariwain ang oras ng paglikha. Siya’y nagiging alagad ng sining lamang sa pamamagitan ng kongkretisasyon, obhetisasyon at historisisasyon ng kanyang mga imahinasyon.” Kung pahihintulatan ang paglalaro ng mga salita, maibubuod ang sinabi ni Gramsci sa pamamagitan ng ganitong kaisipan: ang imahinasyon ng isang alagad ng sining ay di simpleng imahinasyon kundi isang manipestasyon ng imahe ng kanyang nasyon (o lipunan). Interesado ang mga Marxista sa kontekstwalisasyon ng mga akdang pampanitikan gaya ng mga 206 Suri, Saliksik, Sanaysay tula at awit dahil sa mapagmulat at rebolusyunaryong potensiyal ng mga ito gaya ng pinatutunayan ng patuloy na pamamayagpag ng mga awitin ng mga kilusang panlipunan at aklasang-bayan sa kasaysayan ng daigdig. Sa kanilang kapanahunan, ang mga dakilang guro ng kilusang sosyalista at komunista (o Marxista) na sina Karl Marx at Friedrich Engels ay kapwa nagsulat ng mga artikulong gumagamit ng kontekstwalisasyon ng mga akdang pampanitikan, bagamat ang mga akdang ito’y di kasingpopular ng kanilang mga sulating politikal gaya ng “Communist Manifesto” at “Das Kapital.” Halimbawa, sa “Critical Notes on the Article: The King of Prussia and Social Reform By a Prussian” (1844), nilinaw ni Marx ang mensaheng anti-kapitalista ng tulang “Die Schlesischen Weber” o “Weaver’s Song” (“Awit ng Maghahabi”) ni Heinrich Heine. Paksa ng tula ni Heine ang rebelyon ng mga manggagawang Silesian noong 1844. Si Friedrich Engels ang kauna-unahang nagsalin sa Ingles ng “Die Schlesischen Weber” (Ashton, 2011). Isinalin din ni Engels ang “Herr Tidmann” (“Ginoong Tidmann”), isang awiting bayan o folk song mula Denmark na pumapaksa sa pagpatay ng isang matandang magsasaka kay Ginoong Tidmann, isang mapang-aping panginoong maylupa (landlord). Sa isang sulat naman noong Pebrero 7, 1856, ibinalita ni Engels kay Marx ang tungkol sa isang “munting awitin” ng mga manggagawa sa Paris na tumutuligsa kay Napoleon Bonaparte. Ayon kay Engels, ang popularidad ng nasabing awitin ay ebidensya ng napipintong paghina ng kapangyarihan ni Bonaparte. Sa isa namang liham kay Hermann Schlüter noong Mayo 15, 1885, inisa-isa ni Engels ang mga rebolusyunaryong awitin sa kanyang panahon (kabilang na ang “Herr Tidmann”). Malinaw sa mga halimbawang ito na mismong sina Marx at Engels ay nagbigay- diin sa kahalagahan ng kontekstwalisasyon ng mga akdang pampanitikan. Bukod sa paglalantad sa mga tunggaliang panlipunan sa tatlong awiting post-Edsa, paghahambingin din ng papel na ito ang magkakaibang pananaw ng iba’t ibang uring panlipunan sa “tagumpay” at “kabiguan” ng Edsa I upang makapag- ambag sa paglalantad sa kahungkagan (emptinesss) at kahunghangan (folly) ng rebisyunismong historikal ng mga loyalista ng diktadurang Marcos. Bibigyang- diin sa papel na ito ang naobserbahang pag-iral ng tatlong namamayaning bersyon ng kasaysayang post-Edsa I: euphoria sa diumano’y “nanumbalik” na demokrasya, panawagan ng patuloy na pakikibaka bunsod ng pagpapatuloy ng mga patakarang sosyo-ekonomiko ng pinatalsik na diktadura sa panahon ng “bagong demokrasya,” at ang tipikal na pag-uugaling “bahala na” na sumasagisag sa pagpapatuloy ng nakagisnang buhay, may pakikibaka man o wala, may diktadura man o wala. Inaasahang magiging accessible at intelligible sa henerasyong post-Edsa I ang kabuluhan, kahulugan at kontekstong pangkasaysayan ng tatlong awiting Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na 207 post-Edsa sa pamamagitan ng pag-aaral na ito. Modelo ng pananaliksik na ito ang inilimbag na pananaliksik ni Dr. Gimenez-Abad na pinamagatang “Mga Tinig Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit, 1930-1955” (1996), ang aklat nina Dr. Howard Zinn at Anthony Arnove na “Voices of a People’s History of the United States” (2004) at ang aklat ni Robbie Liberman na “My Song Is My Weapon: People’s Songs, American Communism, and The Politics of Culture, 1930-1950” (1995). Lohikal na pagpapatuloy rin ito ng papel na “Ang Bagong Lipunan, 1972-1986: Isang Panimulang Pag-aaral sa Musika at Lipunan” ni Prop. Raul Navarro ng Unibersidad ng Pilipinas (2008).

Kwento sa Likod ng Mga Awit: Ang Mga May-akda at Ang Kanilang “Pulitika”

Ang “Handog ng Pilipino sa Mundo” ay nilikha ng bandang Apo Hiking Society (Apo). Apolinario Mabini Hiking Society ang orihinal na pangalan ng pangkat na nang magsimula’y may mahigit 10 miyembro (Lolarga, 2002). Graduate ng Ateneo de Manila University ang tatlong nagtagal na miyembro ng Apo – si Jim Paredes, Boboy Garovillo at Danny Javier. Batay sa halaga ng tiket sa mga concert ng Apo mula noong dekada 70 hanggang noong 2009 at sa patuloy na popularidad ng kanilang mga sikat na awitin, hindi kalabisang sabihing matagumpay ang mainstream singing career ng Apo. Ang concert nila na pinamagatang “APO Kayang- Kaya Pa,” noong 2009 ay may price range na 1,000 hanggang 2,000 piso (Lo, 2009). Ayon mismo kay Javier, sa panahon ng diktadurang Marcos, may mga concert sila sa mga hotel ballroom na ang price range ay 1,200 hanggang 2,500 piso (Lolarga, 2002). Ang popularidad ng kanilang mga awitin ay pinatunayan ng paglalabas noong 2006 ng “Kami nAPO Muna,” isang all-star tribute album na naglalaman ng cover ng mga sikat na kanta ng Apo. Kung isasaalang-alang ang matagumpay nilang mainstream singing career, masasabing kabilang sila sa upper segment ng petiburgesya (o mas mataas pa). Walang involvement sa anumang organisasyong aktibista ang Apo bilang isang pangkat, bagamat aktibo itong tumulong sa propagandang anti-Marcos sa pamamagitan ng mga satirikal na konsyerto pagkatapos ng asasinasyon sa isa sa mga lider ng oposisyon na si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. (Caparas, 2004). Lumahok din sa mga kilos-protestang anti-Marcos at sa Edsa People Power I ang 208 Suri, Saliksik, Sanaysay tatlong kasapi ng Apo (Lolarga, 2002 at Ching, 2011). Si Javier ay isa rin sa mga pangunahing convenor ng Kongreso ng Mamamayang Pilipino II o Kompil II. Ang Kompil II ay isang organisasyong multisektoral na itinayo sa layuning pagkaisahin ang mga indibidwal at pangkat na nananawagan ng pagbibitiw o pagpapatalsik sa pwesto ng noo’y Pangulong Joseph Ejercito Estrada (ang Kompil I ay binuo naman sa panahon ng diktadurang Marcos). Instrumental ang Kompil II sa tagumpay ng Edsa Dos/II na nagpatalsik kay Estrada noong 2001. Lumahok sa Edsa II sina Paredes at Javier (Caparas, 2004). Batay sa kanyang mga pahayag sa publiko, si Paredes ay isa ring aktibistang anti-Gloria Macapagal-Arroyo. Noong eleksyong presidensyal ng 2010, pormal na ipinahayag ng Apo ang kanilang pagsuporta sa kandidatura ng noo’y Senador Benigno Simeon “Noynoy” C. Aquino III sa pamamagitan ng kanilang kahuli-hulihang concert bilang grupo na isinagawa noong Mayo 2010 sa Music Museum sa Greenhills (Malalad, 2010). Tinuldukan nina Javier, Paredes at Garovillo ang apat na dekadang pag-awit ng Apo bilang grupo sa araw na iyon. Samantala, mga aktibista naman ang bumubuo ng The Jerks, ang bandang lumikha sa awiting “Sayaw sa Bubog.” Aktibo sa kilusang anti-Gloria ang The Jerks. Ang bokalista at pangunahing gitarista ng banda na si Chikoy Pura kasama ang ilan pang miyembro ng The Jerks ay tumutugtog pa rin hanggang ngayon sa mga kilos-protesta ng mga aktibistang grupo, batay sa mga balita sa pahayagan at sa aktwal na pagsaksi ng mananaliksik. Pinatutunayan ito ng mga video ng kanilang pagtatanghal sa mga nasabing protesta na makikita sa www.arkibongbayan.org. Pinakahuling beses na na nakita ng mananaliksik si Chikoy Pura sa “Sona ng Bayan 2011,” isang rali malapit sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon na kasabay ng kauna-unahang State of the Nation Address/SONA ni Pangulong Noynoy Aquino. Tahas na politikal ang nilalaman ng karamihan sa iba pang awit ng The Jerks. Nilikha naman ng bandang Yano ang “Kumusta Na.” Si ang bokalista ng Yano na ngayo’y disbanded na. Si Dong ay graduate ng Unibersidad ng Pilipinas na isa sa mga paaralang itinuturing na balwarte ng aktibismo. Ayon sa Multiply site ng bandang Patatag (http://patatag.multiply.com/journal/item/4/ List_of_Patatag_Members_1984-1992), si Dong at ang isa pa sa tatlong orihinal na miyembro ng Yano ay mga dating kasapi ng Patatag, isang progresibong banda na kilala dahil sa kanilang mga awiting tahas na politikal na lumaganap simula noong mga huling taon ng diktadurang Marcos. Maraming awitin ng Yano ang may mensaheng panlipunan at pampulitika gaya ng “Trapo,” “Esem” at “McJo.” Bukod dito, gaya ni Chickoy Pura, bahagi rin ng kilusang anti-Gloria si Dong Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na 209

Abay. Sa kabuuan, may direktang koneksyon sa mga ordinaryong mamamayan ang Apo, The Jerks at Yano dahil sa kanilang paglahok sa mga kilos-protesta, pagtugtog sa mga kilos-protesta at paglikha ng awiting sumasalamin sa mga pakikibaka ng mamamayan. Gayunman, sa tatlong banda, higit na lantad at malinaw ang koneksyon ng The Jerks sa masa dahil sa patuloy nitong paglahok sa mga kontemporaryong kilos-protesta ng mga aktibistang grupo. Ang ganitong koneksyon (o ang kakulangan nito) ang humubog sa pagkakaiba-iba ng perspektiba ng tatlong banda sa pag-iral ng tunggalian ng mga uring panlipunan, at sa kinahinatnan ng Edsa I.

Tunggalian ng Mga Uri: Sa Ilalim ng Karpeta, Sa Ibabaw ng Mesa at Sa Kalsada

Sa “Handog ng Pilipino sa Mundo” ng Apo na isinulat sa unang panauhan o first person (gumagamit ng “ko”) tila isinantabi ang pag-iral ng tunggalian ng mga uri sa lipunang Pilipino alang-alang sa pagkakaisa ng mga pwersang kontra-diktadura na “’di na” “papayag” na “mawala” pang muli o kaya’y “mabawi” ang “kalayaan” na “kaytagal nating mithi.” Para sa Apo, ang “mapayapang paraang pagbabago” ay makakamtan “basta’t magkaisa tayong lahat.” Sa pananaw ng Apo, ang Edsa ay isang aklasang supraclass, isang pag-aalsang anti-diktadura lamang, walang uring namamayani o nagpapatakbo ng mga pangyayari, ang kaaway ay ang diktadura lamang: “Masdan ang nagaganap sa aming bayan/Magkasama nang mahirap at mayaman/Kapit-bisig madre, pari, at sundalo/Naging Langit itong bahagi ng mundo.” Samakatwid, tila ipinailalim ng Apo sa karpeta o carpet (“swept under the rug,” sabi nga sa “Where is the Love” ng Black-Eyed Peas) ng panawagang demokrasya laban sa diktadura ang pag-iral ng tunggalian ng mga uri (magsasaka at maralitang tagalunsod versus panginoong maylupa/landlord at/o landgrabber; manggagawa versus kapitalista; sundalong mersenaryo ng diktadura versus mga aktibistang anti-diktadura). Dapat bigyang-diin na ang diktadurang Marcos ay isang rehimeng tahas na naging kakampi ng mga panginoong maylupa, kapitalista atbp. kaya naman tinawag ni Benedict Anderson (1987) si Marcos na “supreme cacique.” Ang “cacique” ay terminong nangangahulugang “panginoon,” “ boss” o “amo.” Bilang “supreme cacique,” walang ginawa ang diktadurang Marcos kundi ipagpatuloy ang mga patakarang sosyo-ekonomiko ng mga nagdaang administrasyon na walang 210 Suri, Saliksik, Sanaysay iba kundi pag-akit sa dayuhang pamumuhunan (foreign investment), pagkatali sa agrikultura, kawalan ng industriyalisasyon, pagpapanatili ng kawalan ng lupa (landlessness) ng mga magsasaka at pagpapalala ng kahirapan ng mga ordinaryong mamamayan habang nagbibigay ng ilang konsesyon sa kapwa elite. Makabuluhang sipiin sa orihinal ang obserbasyon ng Amerikanong ekonomista na si Prop. James K. Boyce (1993) hinggil sa sitwasyon ng Pilipinas sa panahon ng diktadurang Marcos: “Although per capita income in the Philippines rose between the early 1960s and the mid-1980s, the incomes of the country’s poor majority declined. Real wages fell sharply in both rural and urban areas, even in periods when the country was experiencing relatively rapid growth in national income…Equity was not ‘traded off’ for growth in the Philippines. Rather, both were sacrificed to a technocratic development strategy wedded to an unjust political and economic order.” Nilinaw rin ni Boyce na hungkag (empty) at maka-status quo ang programang pang-ekonomya ng diktadurang Marcos, bagay na lalong nagpapatibay sa kanyang gampanin bilang “supreme cacique”: “The technocrats who formulated Philippine development strategy under President Marcos did not challenge the country’s inegalitarian economic and political order.” Hindi nakinabang ang mga ordinaryong mamamayan sa mga sinasabing “benepisyo” sa ilalim ng diktadurang Marcos kaya hindi kataka-takang ang tunggaliang mayaman versus mahirap, kapitalista versus manggagawa atbp. ay umiral sa panahong iyon sa anyo ng mga kilos-protesta, piket at strike ng mga manggagawa, maralitang tagalunsod (urban poor) at mga magsasaka sa pangunguna ng mga pwersa sa Kaliwa (Left). Isang ebidensya ng pag-iral ng tunggalian ng mga uri sa panahon ng diktadura ang pagbabawal ni Marcos sa mga strike ng mga manggagawa at iba pang uri ng protesta nang ideklara ang Batas Militar. Sa kabila ng opisyal na pagbabawal, maraming demonstrasyon ng mga manggagawa para sa mas mataas na sahod, ng mga magsasaka para sa reporma sa lupa, ng mga katutubo laban sa pangangamkam ng kanilang mga lupain, at ng mga aktibistang nagtataguyod ng karapatang pantao laban sa mga pang-aabuso ng diktadura ang naitala sa ilalim ng rehimeng Marcos (Roces, 2004). Sa panahon ng diktadurang Marcos ay nagsimulang lumakas ang kilusang komunista na binubuo ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng hukbo nito na tinatawag na New People’s Army (NPA). Ayon kay Dr. David Steinberg (1987): “Marcos who had cited the communist threat as the justification for Martial Law, was the best recruiter the NPA could have had. His mismanagement of the economy, his greed and the greed of his associates, and the growing contradictions of Philippine society drew the hungry, homeless, and hopeless to the NPA.” Naakit ang maraming mamamayan sa CPP at NPA dahil sa pagbibigay nito ng alternatibo Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na 211 sa di makatarungang sistema sa ilalim ng diktadura na pumapabor sa ilang sektor lamang ng elite, isang sistema na tinaguriang “crony capitalism” (Abinales at Amoroso, 2005). Tila kinalimutan din ng Apo na karamihan sa mga mayayaman ay nanatiling kasabwat ng diktadura hanggang sa maging malawak na malawak na ang protestang anti-diktadura ng masang Pilipino. Katunayan, ang asasinasyon lamang ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. ang naging titis (spark) ng malawakang pag-abandona ng panggitnang uri sa kalunsuran (urban middle class) at elite sa diktadurang Marcos (Abinales at Amoroso, 2005). Samakatwid, kapuna- puna ang pagsasantabi ng “Handog ng Pilipino sa Mundo” sa tunggalian ng mga uri na malinaw na umiral at umiiral pa rin hanggang ngayon. “Bagsak” sa lenteng Marxista ang “Handog ng Pilipino sa Mundo” dahil ipinalalaganap nito ang isang limitadong pananaw na may pagka-utopyano (utopian) kung saan inaakalang ang interes ng naghaharing uri at pinaghahariang uri ay maaaring maging iisa tungo sa pag-unlad ng bansa. Samantala, may pahiwatig ang “Sayaw sa Bubog” ng The Jerks hinggil sa pag-iral ng tunggalian ng mga uri sa panahon ng Edsa I na itinuturing nitong “palabas na moro-moro,” isang kaduda-dudang kaganapan sa kanilang paningin (“ito kaya ay totoo?”) kaya naman itinatanong nila kung para “kanino” ang sinasabing “pagbabago” sa Edsa. Nasa awit mismo – sa unang saknong – ang sagot sa kanilang sariling tanong. “Bumaha ng pangako” sa panahon ng Edsa ngunit “tuloy sa pagkakapako” ang mga mamamayang Pilipino – “may utang pati apo” dahil sa pagtutol ng pumalit sa diktador sa panawagang debt repudiation sa mga inutang ng diktadurang Marcos. Sa isyu ng reporma sa lupa (pamamahagi ng lupa sa mga tagabungkal o land to the tiller), nilinaw ng “Sayaw sa Bubog” na “tuloy ang ligaya sa iba’t ibang hacienda” dahil ang mga panginoong maylupa o mga landlord (gaya ng pangulong pumalit sa diktador) ay panginoon pa rin – hindi pa ganap na naipatutupad ang pamamahagi ng lupa sa mga nagbubungkal nito – kaya naman ang mga “manggagawa’t, magsasaka” ay “kumakalam” pa rin “ang sikmura.” Dapat bigyang-diin na ang “reporma sa lupa” ng diktadurang Marcos at ng unang administrasyong Aquino ay kapwa hindi naging matagumpay gaya ng pinatutunayan ng pagkakaroon ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) sa ilalim ng administrasyong Macapagal- Arroyo at ikalawang administrasyong Aquino. Katunayan, itinutulak din ng ilang aktibistang grupo ang pagsasabatas ng mas radikal na Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). Kung nagtagumpay ang programa sa reporma sa lupa ng diktadurang Marcos at ng unang administrasyong Aquino, hindi na kakailanganin 212 Suri, Saliksik, Sanaysay pa ang CARPER o kaya’y ang GARB. Naniniwala ang The Jerks, gaya ni Anderson na administrasyong“cacique” rin ang unang rehimeng Aquino tulad ng diktadurang Marcos kaya walang nagbago sa kalagayan ng mga simpleng mamamayan pagkatapos ng Edsa I. Ganito rin ang pinatutunayan ng komprehensibong pagtalakay ni Cecilio T. Arillo (2000) sa kalagayan ng bansa sa ilalim ng dalawang rehimeng post-Edsa I (unang administrasyong Aquino at administrasyong Ramos) sa pamamagitan ng aklat na “Greed and Betrayal.” Ang tahas na pagbibigay-diin ng The Jerks sa mga isyung sosyo-ekonomiko (utang, reporma sa lupa, “nakawan” at “karahasan”) na hindi naresolba ng Edsa I ay isang pagtatangkang ibalik “sa ibabaw ng mesa” – sa adyenda ng pamahalaang nakaupo sa kabisera at sa adyenda mismo ng mga mamamayang tila “naglalakad nang tulog” kaya naman “tiyak na mauumpog,” madudurog sa pagbabanggaan ng iba’t ibang pwersang pulitikal – ang mga usaping nakaaapekto sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan na siyang nagbigay-kapangyarihan sa bisa at tagumpay ng Edsa I. Pinatingkad ng The Jerks ang “pangangalampag” o “panggigising” sa kamalayan ng mga mamamayan at ng pamahalaan sa pamamagitan ng paggamit ng awit sa ikatlong panauhan o third person na akmang- akma kapag ang layuni’y ilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng lipunan (gaya ng karaniwang pananaliksik na gumagamit ng paraang deskriptibo na umiiwas sa paggamit ng “ako” upang higit na maging tunog-awtoritatibo). Hindi rin lantad ang pagbanggit ng “Kumusta Na” sa tunggalian ng mga uri. Isinulat ito sa ikalawang panauhan o second person na nagtatangkang makipagdayalogo sa isang kalahok sa Edsa I (ang taong may hila-hilang kariton). Ang kariton ay simbolo ng pagdaralita sa Pilipinas (ito ang stereotypical na gamit ng mga magbabakal-bote na kakarampot lang ang kita sa pagbili at pagbibili/ pagbebenta ng mga junk/scrap). Sa mga nakaraang taon, ang kariton ay simbolo na rin ng kawalan ng tirahan o homelessness: ang mga walang matirhan ay sa kariton tumitira, dala-dala ang kakaunti nilang ari-arian. Malinaw kung gayon, na sa pananaw ng sumulat ng “Kumusta Na,” ang Edsa I ay isang pag-aalsang nilahukan ng maraming mahihirap, kaya nga isang mahirap, isang taong may hila-hilang kariton ang piniling “kumustahin” ng Yano, ilang taon pagkatapos ng “mapayapang rebolusyon.” Dekada 90 na nang isulat ang “Kumusta Na” kaya sa panahong iyon, may dahilan ang Yano na itanong sa taong may kariton kung “kumusta na” siya at kung “ayos pa ba ang buhay natin,” kung “kaya pa ba” ng may kariton na magpatuloy sa paglalakbay sa buhay na tila wala namang ipinagbago ilang taon pagkatapos ng “rebolusyon.”

Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na 213

Paunawa: Sariling likha ng mananaliksik ang talahanayan batay sa datos sa presentasyon ni G. Africa.

Lalong tumingkad ang pag-iral ng tunggalian ng mga uri sa obserbasyon ng Yano na “nakita kita (ang taong kausap na dati’y lumahok sa Edsa) kahapon/may hila-hilang kariton/huminto sa may Robinson/tumanga buong maghapon/sikat ka noon sa TV/kase, kasama ka doon sa rali/pero ngayo’y nag-iisa/naglalakad sa may Edsa.” Naglalakad pa rin sa Edsa ang taong may kariton – ang simbolo ng mga ordinaryong mamamayan na naniwala sa pangako ng Edsa – ngunit ilang taon pagkatapos ng “rebolusyon,” mag-isa na lamang siya at tila iniwan (o napag- iwanan) na ng mga “mayaman” na kasama noon sa “rebolusyon” ayon sa “Handog ng Pilipino sa Mundo.” Di man tahas, ang “Kumusta Na” ay nagpapahiwatig ng panunumbalik ng “mayaman,” ng elite, ng mga cacique sa kanilang lumang gawain bago ang Edsa I: ang panatilihin ang status quo kung saan hindi lahat ay may oportunidad na umunlad ang buhay. Para sa Yano, ang tunggalian ng mga uri ay malinaw na makikita pa rin sa kalsada, sa kahubaran ng mga bagay-bagay, sa lugar na nilalakaran ng taong may hila-hilang kariton, sa labas ng “Robinson” at iba pang ilusyon ng kaunlaran. Ang halos di nagbabagong malawak na agwat o gap sa pagitan ng mga mahihirap na walang-wala at ng mga mayayaman na nagtatamasa ng maganda at maluhong buhay sa kabila ng pagpapalit-palit ng mga kontemporaryong administrasyon ay pinatutunayan din ng estadistika hinggil sa income share ng upper 50% at bottom 50% ng populasyon batay sa datos sa presentasyon ni G. Tomas Africa, former administrator ng National Statistics Office 214 Suri, Saliksik, Sanaysay

(NSO), na pinamagatang “Family Income Distribution in the Philippines, 1985- 2009: Essentially the Same.”

Pananaw sa Edsa I: Euphoria sa Pansamantalang Pagkakaisa, Tuluy-Tuloy na Pakikibaka at Landas ng Bahala Na

Lunod na lunod sa euphoria ang mga titik ng “Handog ng Pilipino sa Mundo” dahil isinulat ito pagkatapos na pagkatapos ng Edsa I noong 1986. Sa panahong iyon, namamayani ang galak ng buong sambayanang Pilipino na buong-pagmamalaking itinatanghal sa mundo ang kanyang “handog,” ang diumano’y “mapayapang paraang pagbabago.” “Kay sarap palang maging Pilipino” ayon sa awitin dahil sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga mamamayan laban sa diktadura, “naging langit itong bahagi ng mundo.” Nangangaral ito sa bawat isa na maging mapagmatyag at “Huwag muling payagang umiral ang dilim” na namayani sa panahon ng diktadura. Kapuri-puri ang paggamit ng “dilim” para tukuyin ang diktadura sapagkat binibigyang-diin nito ang mga matitinding paglabag sa karapatang pantao na naganap sa panahon ng diktadurang Marcos, taliwas sa propaganda ng mga rebisyunista na diumano’y mahusay na pinuno si Ferdinand E. Marcos. Nakatala sa Wall of Remembrance sa sa Quezon City (malapit sa MRT Station) ang mga bayaning nagbuwis ng buhay o nag-alay ng kanilang pawis at pagod upang ibagsak ang mapaniil na diktadurang Marcos. Masisipat sa link na ito ang ilan sa mga pangalan ng mga bayaning ito: http:// bantayog.wordpress.com/the-wall/. Marami ring aklat – na gaya ng “Martial Law in the Philippine: My Story” (2006) ni Senador Aquilino “Nene” Q. Pimentel, Jr.; “Conjugal of Ferdinand and ” (1986) ni Primitivo Mojares; at “SOME ARE SMARTER THAN OTHERS: The History Of Marcos’ Crony Capitalism” (1991) ni Ricardo Manapat – ang nagpapatunay sa pag- iral ng “dilim” sa panahon ng Batas Militar. Upang hindi na muling “umiral ang dilim,” itinatanghal ng “Handog ng Pilipino sa Mundo” ang liwanag ng demokrasyang pampulitika: “Tinig ng bawat tao’y bigyan ng pansin.” Para sa Apo, sapat nang magkaroon ng partisipasyon sa prosesong pulitikal ang masa upang mahadlangan ang panunumbalik ng diktadura. Walang pahiwatig ang awit kung paano aktwal na makakamtan ang “katarungan” na kaakibat ng “katotohanan” at “kalayaan” sa pamamagitan lamang ng pagiging “magkasama” ng “mahirap” at “mayaman” bilang mga “magkakapatid” Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na 215

“sa Panginoon.” Sa pananaw ng nagsulat ng “Handog ng Pilipino sa Mundo” sapat nang dahilan para ganap na magdiwang ang panunumbalik ng demokrasyang pampulitika, bahala na ang iba pa sa demokrasyang pang-ekonomya. Nagtapos ang awit sa pag-asang posible ang lahat “Basta’t magkaisa tayong lahat!” Samantala, malinaw na malinaw ang kritisismo ng “Sayaw sa Bubog” sa kabiguan ng Edsa I na magdulot ng aktwal na repormang sosyo-ekonomiko sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino sapagkat naisulat ang awit na ito noong dekada 90 na. Para sa The Jerks, isang “kasinungalingan” at “kahangalan” ang pangakong “kalayaan” ng Edsa I dahil hindi ganap ang kalayaang ito. “Bumaha” lamang “ng pangako,” at ang “lason” ng pangingibabaw ng mga dayuhan at ilang elite o cacique sa ekonomya at pulitika ng bansa ay patuloy na “isinubo” sa mga mamamayan kaya naman “tuloy sa pagkakapako” sa “utang pati apo” ng mga lumahok sa Edsa. Katunayan, tinanggap ng unang administrasyong Aquino ang responsibilidad sa pagbabayad ng mga inutang ng diktadurang Marcos kahit pa nga malinaw na ang maraming proyektong inutang nito gaya ng isang bilyong dolyar na Bataan Nuclear Power Plant ay maanomalya (AFRODAD, 2007). Para sa The Jerks, ang Edsa I ay isa lamang “palabas na moro-moro” ng mga naghaharing uri, isang pagpapalit lamang ng nasa pwesto ngunit hindi ng mga programang sosyo- ekonomiko gaya ng pribatisasyon, deregulasyon, at liberalisasyon na patuloy na nagpapahirap sa mga mamamayan. Ayon sa awit, ang mga mamamayan ay tila nagsasayaw “sa bubog” at kung hindi magigising sa katotohanan na walang pagbabagong idinulot ang Edsa I, kung magpapatuloy sa paglalakad “nang tulog ay tiyak na mauumpog.” Bakas ang galit ng awit sa kawalan ng demokrasyang pang-ekonomya sa panahong “tuloy ang ligaya sa iba’t ibang hacienda” habang ang mga “manggagawa’t, magsasaka, kumakalam” pa rin “ang sikmura.” Makabuluhan din ang pagbanggit ng awit sa pagpapatuloy ng “kaguluhan, nakawan, karahasan” sa panahon ng sinasabing “bagong demokrasya” pagkatapos na mapatalsik ang diktadura. Para sa The Jerks, wala pa ring kaayusan sa lipunan, mayroon pa ring katiwalian dahil hindi nakikinabang ang lahat ng mamamayan sa umiiral na sistema at ang mga nakikibaka para sa pagbabago ay karaniwang pinapatawan pa rin ng “karahasan” ng gobyerno. Gaya ng ipinakikita sa obra maestra ni na “Ora Pro Nobis,” nagpatuloy sa panahon ng unang administrasyong Aquino ang pamamaslang sa mga aktibista na pinagbibintangang kasapi ng kilusang komunista sa bansa. Batay sa tala ni Arillo (2000), nagpatuloy ang malalang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng unang administrasyong Aquino. Ang “dilim” na inasahan ng “Handog ng Pilipino sa Mundo” na hindi na muling iiral ay muling nanumbalik. Halimbawa, dokumentado ang marahas na dispersal sa mga 216 Suri, Saliksik, Sanaysay magsasakang nagrali sa Mendiola noong 1987 upang igiit ang pagkakaroon ng reporma sa lupa. Hindi kataka-taka na maging ang anak ng diktador na si Marcos, ang ngayo’y Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay nagawa pang tuligsain din ang ikalawang administrasyong Aquino na pinamumunuan ng anak ng dating Pangulong Cory Aquino sa isyu ng paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng unang administrasyong Aquino. Mababasa sa link na ito ang “bukas na liham” ni Senador Bongbong na tumutuligsa sa human rights record ng unang administrasyong Aquino: https://www.facebook.com/note.php?note_id=294171370610481. Ginamit ni Senador Bongbong ang datos mula sa Task Force Detainees of the Philippines (TDFP) upang bigyang-diin ang pag-iral din ng paglabag sa karapatang pantao pagkatapos ng diktadurang Marcos sa ilalim ng unang administrasyong Aquino: “…more than 1.2 million victims of dislocations due to military operations, 135 cases of massacres, 1,064 victims of summary executions, and 20,523 victims of illegal arrest and detention…” Nagtapos ang “Sayaw sa Bubog” sa pagbibigay-diin ng chorus na nagpapaalalang hindi dapat maglakad “nang tulog” ang mga mamamayan upang hindi na patuloy na “maumpog.” Ito’y isang panawagan na ituloy ang pakikibakang sinimulan sa Edsa I (at mas maaga pa rito) upang makamtan ang isang lipunan kung saan lahat ay nagtatamasa ng demokrasya di lamang sa larangan ng pulitika, kundi pati sa larangan ng ekonomya, isang bansa kung saan ang bawat isa’y nagtatamasa ng karapatan sa disenteng pamumuhay na karaniwang tinatamasa lamang ng mga mayayaman sa lipunan. Hindi kataka-taka na hanggang sa mga kilos- protesta sa panahon ng rehimeng Macapagal-Arroyo at sa panahon ng ikalawang administrasyong Aquino, patuloy na inaawit ng The Jerks ang “Sayaw sa Bubog” na paboritong-paborito rin ng mga raliyista dahil sa makabuluhang mensaheng nananatiling makabuluhan sapagkat halos walang pagbabagong makabuluhan sa pagpapalit ng mga administrasyon mula noon hanggang ngayon. Saksi ang mananaliksik sa di mabilang na kilos-protesta na nilahukan ng mga mamamayang naghahangad pa rin ng ganap na katuparan ng mga pangako ng Edsa I: sa tuwing aawit ang The Jerks, hindi maaaring hindi awitin ang “Sayaw sa Bubog” dahil tuloy ang pagsasayaw ng masa sa bubog, tuloy ang pagsasakripisyo nila sa pamamagitan ng walang katapusang pakikibaka upang makamit ang mga pangako ng Edsa I na tinalikuran na maging ng mga pangunahing nakinabang dito. Negatibo rin ang pananaw ng “Kumusta Na” sa pangmatagalang epekto ng Edsa I. Pagkatapos “kumustahin” ang buhay ng mga ordinaryong mamamayan ilang taon pagkatapos nilang lumahok sa Edsa, ginunita ng Yano ang masasayang tagpo sa “rebolusyon”: “Napanood kita sa TV/Sumama ka sa Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na 217 rali/Kasama mga madre/Pinigilan mga tangke/Umiiyak ka pa/Sa harap ng mga sundalo/Namigay ka pa ng rosas/Na nabili mo sa kanto.” Ipinaalala rin ng awit ang papel ng pananampalataya sa Edsa I: “Dala-dala mo pa/Estatwa ni Santo Niño/ Eskapularyo’t Bibliya/At sangkatutak na rosaryo/At sa gitna ng Edsa/Lumuhod ka’t nagdasal pa/Our Father, Hail Mary,/from the bounty/through Christ our Lord, Amen.” Sa pamamagitan ng isang pagpapatawa ay binigyang-diin din ng awit ang popularidad ng Edsa I: “Pebrero bente sais/Nang si Apo ay umalis/Ngiti mo’y hanggang tenga/Sa katatalon/Napunit ang pantalon mo/Pero hindi bale/Sabi mo/ Marami naman kame...” Katunayan, hindi lamang sa Edsa nagtipun-tipon ang mga tao upang pabagsakin ang diktadurang Marcos. Isang kahunghangan ang propaganda ng mga rebisyunistang maka-Marcos na nagsasabing sa “Imperial Manila” lamang mayroong protesta. Sa lahat ng mga sentrong bayan at lungsod sa Luzon, Visayas at Mindanao ay may mga kilos-protesta laban sa diktadura kasabay ng nagaganap sa Edsa kaya nga hindi na alintana ng mga nagdisko sa kalye kung mapunit man ang pantalon nila dahil “marami naman” sila. Gayunman, di gaya ng “Handog ng Pilipino sa Mundo,” hindi nagkasya ang “Kumusta Na” sa paggunita sa tamis ng tagumpay ng Edsa. Sa mga huling bahagi, binigyang-diin ng awit ang “pag-iisa” ng ordinaryong mamamayang lumahok sa Edsa – ilang taon pagkalipas ng “rebolusyon” – na tila pinabayaan na ng pamahalaan kaya ngayo’y “May hila-hilang kariton/Huminto sa may Robinson/Tumanga buong maghapon” dahil walang bahay at wala ring trabaho. Ngunit, “naglalakad” pa rin sa Edsa ang taong may hila-hilang kariton. Gayunman, di gaya ng paninindigan sa awit ng The Jerks, hindi gaanong malinaw ang landas na dapat tahakin ng mamamayan ayon sa Yano. Sa tatlong ulit ng “bahala na” nagtapos ang “Kumusta Na”: isang pagtitiyak o assurance na may magbago man o wala, may pakikibaka man o wala, tuloy pa rin ang buhay ng mga ordinaryong mamamayan upang likhain ang kanilang kasaysayan labas sa ilusyon ng kaunlaran na inilalako ng mga kontemporaryong cacique sa lipunan – isang pakikibakang tunay ring pakikibaka, ang mabuhay at umiral sa gitna ng sitwasyong walang kabuhayan at tila walang pagbabago ang sitwasyon ng kanyang pag-iral.

218 Suri, Saliksik, Sanaysay

Narito ang isang talahanayan na nagbubuod sa ginawang kontekstwalisasyon:

AWIT Paglalantad Pananaw Hinggil Panawagan (Call to sa Tunggalian sa Edsa I Action) ng mga Uri “Handog Wala Malaking “Huwag muling bayaang ng Pilipino Tagumpay, umiral ang dilim; sa Mundo” Panunumbalik ng tinig ng bawat tao’y “Demokrasya” bigyan ng pansin” (demokrasyang pampulitika) “Sayaw sa May Malaking Tuloy ang laban, Bubog” Pahiwatig Kabiguan, wakasan ang kahirapan “Palabas na ng mamamayan Moro-moro,” (demokrasyang pang- Walang Idinulot ekonomya) na Kaunlaran sa Ordinaryong Mamamayan “Kumusta May Malaking Bahala na (tuluy- Na” Pahiwatig Kabiguan, tuloy na “pag-iral” o Walang Idinulot existence, against all na Kaunlaran odds) sa Ordinaryong Mamamayan

Kongklusyon

Sinasalamin ng mga makasaysayang awit ng bansa ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng sambayanan gaya ng ipinakita sa pagsusuri ng tatlong awiting isinulat pagkatapos ng Edsa I. Dakilang monumentong nagpapaalala sa dilim ng diktadurang Marcos ang “Handog ng Pilipino sa Mundo,” “Sayaw sa Bubog” at “Kumusta Na” sapagkat binibigyang-diin ng tatlong awiting ito na minsan sa ating kasaysayan, nagsama-sama ang maraming mamamayan upang pangibabawan ang kanilang takot at tuluyang ibagsak ang diktador sa pamamagitan ng kolektibong pagkakaisa at pagkilos. Bagamat nakuntento na ang “Handog ng Pilipino sa Mundo” sa pagdiriwang ng panunumbalik ng demokrasyang pampulitika, pinapaalalahanan naman tayo ng “Sayaw sa Bubog” at “Kumusta Na” na dapat ipagpatuloy ang pakikibaka o ang paghahanap ng daan tungo sa inaasam na tunay na pagbabago di lamang sa sistemang pampulitika, kundi maging sa sistemang pang-ekonomya ng bansa. Mananatiling “di tapos ang rebolusyon,” mananatiling walang katuparan Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na 219 ang pangako ng Edsa I, II at mga susunod pang Edsa hangga’t hindi nagiging ganap ang kalayaan ng mga mamamayan sa aspektong politikal at ekonomiko – hangga’t may mga mamamayang may hila-hilang kariton na tumatanga lamang sa buong maghapon sa labas ng mga Robinson at iba pang ilusyon ng kaunlaran, at hangga’t ang mga may-ari lamang ng hacienda ang maligaya. Sabi nga sa isa pang awiting pinamagatang “Tatsulok” (orihinal ng bandang Buklod na ni­revive ng Bamboo), “habang may tatsulok” (social pyramid), “hindi matatapos itong gulo.” Sapagkat hindi naman gaanong binibigyang-pansin sa midya at paaralang mainstream ang mga ganitong awitin – at madalas nga’y itinatanghal lamang nang walang pagpapaliwanag sa kaligirang pangkasaysayan at panlipunan (historical and social background), tungkulin ng bawat mulat na mamamayan na imulat din ang iba pang nabubulagang mamamayan hinggil sa tagumpay at kabiguan ng Edsa I at ng iba pang pakikibaka ng sambayanang Pilipino. Mainam na gamot sa historical amnesia at historical revisionism ng mga nabubulagang maka-Marcos (at maka- Aquino na rin) ang tatlong awiting sinipat sa papel na ito. Sa minimum, dapat ipreserba ng mga mulat na mamamayan ang gunita, ang alaala, ang mismong pag-awit sa mga awiting ito sapagkat, gaya ng sinabi ni Milan Kundera “Ang pakikibaka ng sangkatauhan laban sa diktadura ay pakikibaka ng gunita laban sa pagkalimot.” (“The struggle of mankind against tyranny is the struggle of memory against forgetting.”) Magtagumpay man ang mga rebisyunista at may amnesia na “rebisahin” ang kasaysayan upang itampok bilang “bayani” o “magaling na pinuno” ang diktador na si Ferdinand Edralin Marcos o kaya’y sabihin na santo at perpekto ang unang administrasyong Aquino, laging naririyan ang mga makasaysayang awiting post-Edsa I upang ipaalala sa madla ang mga tunay na naganap at ano pa ang dapat maganap sa kasaysayang nililikha ng bayan mismo

Mga Sanggunian

Abinales, Patricio N. and Donna J. Amoroso. State and Society in the Philippines. Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 2005. Print. 214, 221-223.

African Forum and Network on Debt and Development (AFRODAD). Illegitimate Debt & Underdevelopment in the Philippines: A Case Study. Harare, Zimbabwe, 2007. Web. 04 January 2012. < http://www.afrodad.org/downloads/Phillipines%20 FTA%20final.pdf > 220 Suri, Saliksik, Sanaysay

Anderson, Benedict “Cacique Democracy and the Philippines: Origins and Dreams.” New Left Review 169 (May–June 1988): 3–33.

Ashton, Matthew. “Great political poems (No. 5) The Silesian Weavers.” Dr. Matthew Ashton’s Politics Blog. 10 March 2011. Web. 02 January 2012. < http://drmatthewashton.com/2011/03/10/great-political-poems-no5-the-silesian- weavers/>

Boyce, James K. The Philippines: The Political Economy of Growth and Impoverishment in the Marcos Era. Hawaii: University of Hawaii Press,1993. Print. 4, 8.

Brazill, Linda. “Bread & Roses: The Song.” Each Little World. 04 September 2009. Web. 03 January 2012 < http://eachlittleworld.typepad.com/each_little_ world/2009/09/bread-roses-the-song.html >

Caparas, George. “Songs in the key of politics.” Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ). 09 May 2004. Web. 04 January 2012. < http://pcij.org/stories/songs-in-the-key-of-politics/ >

Castro, Christi-Anne. Musical renderings of the Philippine nation. New York: Oxford University Press, c.2011. Print.

Ching, Mark Angelo. “Stars at the EDSA People Power of 1986.” Philippine Entertainment Portal. 25 February 2011. Web. 04 January 2012. < http://www.pep.ph/news/28455/stars-in-the--people-power-of-1986 >

Denisoff, R. Serge.Great day coming : folk music and the American left. USA: University of Illinois Press, 1971. Print.

Dlodlo, Ayanda. “Ayesab’amagwala and the heritage of uMkhonto weSizwe.” ANC Today: Online Voice of the African National Congress. Volume 11, No. 35. 16-22 September 2011. Web. 03 January 2012.

Friedrich, Engels. “Letter to Karl Marx (7 February 1856).” Marx and Engels, Euphoria, Pakikibaka at Bahala Na 221

Works. Volume 40, p. 5. 1929. Web. 02 January 2012.

______. “Excerpt of a Letter to Schlüter (15 May 1885).” Science and Society Volume II, Number 3, 1938. Web. 02 January 2012.

Gimenez-Maceda, Teresita. Mga tinig mula sa ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa awit, 1930-1955. Quezon City: University of the Philippines Press, 1996. Print.

Gluckstein, Donny. “Decyphering The Internationale: the Eugène Pottier code.” International Socialism: A Quarterly Journal of Socialist Theory. Issue No. 120. 06 October 2008. Web. 02 January 2012.

Gramsci, Antonio. Selections from Cultural Writings. David Forgacs and Geoffrey Nowell-Smith (eds.) and William Boelhower (trans.). London: Lawrence and Wishart, 1985. Print.

Gregory, Mark. “Solidarity Forever.” Union Songs. c.2010. Web. 03 January 2012. < http://unionsong.com/u025.html >

Gržinić, Marina. “Linking Theory, Politics, and Art” inGlobal Visual Cultures: An Anthology. Zoya Kocur (ed.). West Sussex: Blackwell Publishing Ltd., 2011. Print. 27-34

Lieberman, Robbie. My Song is My Weapon: People’s Songs, American Communism, and the Politics of Culture, 1930-1950. USA: Illini Books, 1995. Print.

Lolarga, Elizabeth. “Apo Hiking Society After 34 Years: It’s Still A New Day.” Planet Philippines Online. 01-15 June 2002. Web. 02 January 2012. Malalad, Gretchen. “Apo takes a bow.” ABS-CBN News Online. 31 May 2010. Web. 04 January 2012. < http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/05/31/10/ apo-takes-bow >

Marx, Karl. “Critical Notes on the Article: “The King of Prussia and Social Reform. 222 Suri, Saliksik, Sanaysay

By a Prussian”” Vorwarts!, No.63 and 64. 07 and 10 August 1844. Web. 02 January 2012.

Miller, Peter (director). The Internationale. First Run/Icarus Films, 2000. Documentary: 30 minutes.

Mutasa, Haru. “‘Shoot the Boer’ freedom song banned.” Al Jazeera. 12 September 2011. Web. 03 January 2012. < http://blogs.aljazeera.net/africa/2011/09/12/shoot- boer-freedom-song-banned>

Navarro, Raul C. “Ang Bagong Lipunan, 1972-1986: Isang Panimulang Pag- aaral sa Musika at Lipunan.” Humanities Diliman. January-December 2008. Web. 02 January 2011. 47-77

Roces, Mina. “The Militant Nun as Political Activist and Feminist in Martial Law Philippines.” PORTAL Journal of Multidisciplinary International Studies. Vol. 1, No. 1 (2004). Web. 04 January 2012. < http://epress.lib.uts.edu.au/ojs/index.php/portal/article/viewArticle/49 > Salazar, Christian. “Pete Seeger, Arlo Guthrie Occupy Wall Street, Perform.” Huffington Post. 22 October 2011. Web. 03 January 2012.

Steinberg, David Joel (ed). In Search of Southeast Asia: A Modern History (Revised). Hawaii: University of Hawaii Press, 1987. Print. 437. Zinn, Howard at Anthony Arnove. Voices of a People’s History of the United States. USA: Seven Stories Press, 2004. Print. Mga Hamon sa Pagsulat sa Larangan ng Wika, Panitikan at Lipunang Pilipino*

“A luta continua! Tuloy ang laban! Tuloy ang laban! Laban saan? Saan dapat magpatuloy ang laban? Laban sa rehiyonalismo! Laban sa kamangmangan! Laban sa kawalan ng edukasyon! Laban sa pagsasamantala! Laban sa pamahiin! Laban sa pagdurusa! Laban sa gutom! Laban sa kawalan ng maisusuot! Tuloy ang laban upang balang araw tayong lahat ay maging pantay-pantay! Ang kolonyalismo’y krimen sa sangkatauhan. Walang makataong kolonyalismo. Walang demokratikong kolonyalismo. Walang hindi mapagsamantalang kolonyalismo.

- Samora Moisés Machel

Panimula: Mito ng Globalisasyon 1

lang dekada mula nang unang lumaganap mula Mozambique ang panawagang anti-kolonyal ni Samora Moisés Machel, hindi pa rin ganap na malaya sa aspektong kultural, politikal, at ekonomiko ang nakararaming bansang saklaw ng Ikatlong Daigdig o Third World. Deka-dekada pagkatapos ilako Ing mga tagasuporta ng globalisasyon ang utopya ng “daigdig na walang hanggahan” o “borderless world,” nananatiling mataas ang mga literal at piguratibong mga bakod na naghihiwalay sa mga bansa, at sa mga mamamayan sa loob ng mga

* Ang papel na ito ay nirebisang bersyon ng lekturang binasa sa “Talaban 2015: Seminar Sa Ma- likhain at Akademikong Pagsulat” na isinagawa sa Philippine Normal University-Manila noong Agosto 8, 2015. 224 Suri, Saliksik, Sanaysay bansa. Ang pangakong kaunlaran para sa lahat ay napatunayang isa lamang mito. Ilang halimbawa ang magpapatunay sa kahungkagan ng mga pangakong napako ng globalisasyon: kailangan pa rin ng visa sa pamamasyal sa maraming bansa; lumalaganap ang karahasan at/o rasismo laban sa mga migranteng manggagawa nasa First World, mula sa Third World; sa halos bawat bansa, maunlad man o mahirap, lalong lumalawak ang agwat ng mayayaman at mahihirap; mas malaking porsyento ng mga umiiral na trabaho ang kontraktwal at/o baratilyo ang pasweldo; tumitindi ang karerang pabaratan ng sahod o race to the bottom ng mga bansa upang maakit ang mga korporasyong transnasyunal na mas mabilis pa sa kisapmatang nakapaglilipat-lipat ng operasyon batay sa kung saan pinakamakapipiga ng pinakamalaking tubo; walang habas ang pagpapatupad ng komodipikasyon ng edukasyon at komodipikasyon mismo ng mga estudyante at mga manggagawa sa ilalim ng mga iskemang naglalayong mabilis na makapagmanupaktura ng mga semi-skillled na manggagawa o propesyunal na madaling mapipilit na magtrabaho sa kondisyong kontraktwal at baratilyong pasahod sapagkat marami rin namang nagsipagtapos ng kolehiyo ang walang trabaho, lalo pa’t hindi pa nareresolba ang krisis na nagsimula noong 2008 sa mga mauunlad na bansa sa Kanluran. Sa Pilipinas, patuloy ang paglalako sa mga mito ng globalisasyon sa pamamagitan ng bulag na pagkopya sa sistemang pang-edukasyon ng nakararaming bansa. Kasabay ng paghahangad ng materyal na kaunlaran para sa sambayanan, hamon sa mga manunulat na Pilipino ang pag-aambag sa patuloy na pakikibaka laban sa pagbura ng Filipino, Literatura, at Kasaysayan sa kurikulum. Kung walang espasyo para sa Filipino, Literatura, at Kasaysayan sa kurikulum, baka dumating sa punto na mamatay na rin ang pagbasa at mismong paglikha ng panitikan sa bansa. Mahina pa rin ang protesta ng mga naturingang sikat na manlilikha ng panitikan sa Pilipinas laban sa CMO No. 20 at K to 12 kaya’t dapat pa ring bigyang-diin na ito’y responsibilidad din nila, lalo pa’t alam nilang ang espasyo sa kurikulum ang dahilan kung bakit marami-rami pa ring naoobligang magbasa ng kanilang mga sinulat. Kaugnay nito, dapat tiyakin ng mga manunulat na ang kanilang isusulat ay makabuluhan at makahulugan sa konteksto ng bansang Pilipinas. Tungkulin nila na itaas ang lebel ng diskurso sa kanilang mga akda sa halip na magpalunod sa dikta ng merkado at komersyal na mga korporasyong kumokontrol sa produksyon ng panitikan. Sa ganitong diwa, layunin ng lekturang ito na tukuyin ang iba pang kaugnay na hamon sa mga manunulat na inaasahang magmumulat sa sambayanan habang kasama nilang nakikibaka para sa mas maalwang bukas na pinapangarap nating lahat. Mga Hamon sa Pagsulat 225

Protesta Laban sa Komersyalisasyon ng Panitikan

Dapat paigtingin ng mga manunulat ang protesta laban sa komersyalisasyon ng panitikan sa pamamagitan ng pag-aambag sa pagpapahina ng mga korporasyong kumokontrol sa produksyon ng panitikan. Samakatwid, dapat itaguyod ang mga indipendyenteng entidad na nag-iimprenta ng mga aklat. Sa madaling sabi, dapat itaguyod ang cooperative/collective, crowd-sourced at/o self- publication. Sa kasalukuyan, mababa ang tingin ng marami sa mga ganitong porma ng publikasyon, lalo na sa mga self-published na akda ngunit nakalimutan ng marami na ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Jose Rizal ay kapwa self-published! Dahil hindi naman tayong lahat ay may mauutangang gaya ni Rizal, maaaring payabungin ang kolektibong publikasyon at crowd-sourcing. Ang aming aklat na “Rizal ng Bayan” – isang antolohiya ng mga sanaysay tungkol sa kontemporaryong kabuluhan ng mga kaisipan ng ating pambansang bayani – ay isang matagumpay na halimbawa ng kolektibong publikasyon. Tatlo kaming nag-ambagan para sa pagpapalimbag ng 1,000 kopya ng aklat. Maaari ring pasukin ang larangan ng “crowd-sourcing” o paghingi ng tulong – online man o offline sa publiko – para makalikom ng perang pampublikasyon. Susubukin ko itong gawin para mailimbag ang manuskrito ng “Ang Mabuting Balita Ayon Kay San Juan.” Ang mga ganitong uri ng publikasyon ay malaya sa sensura at diktadura ng merkado. Para sa mga manunulat na anti-kapitalista, ang paglaya sa gintong bilangguan ng mga korporasyong kumukontrol sa produksyon ng mga aklat ay imperatibo. Walang pera sa self-publication at kolektibong publikasyon dahil karaniwa’y bawi lamang ang puhunan, pero di ba hindi naman pagkita ng pera ang layunin ng mapagmulat na manunulat kaya hindi tayo dapat matakot na mag-imprenta sa labas ng bakod ng mga korporasyon.

Tradisyong Muckraker sa Estados Unidos Bilang Inspirasyon

Talakayin naman natin ngayon kung ano ang dapat nating pagtangkaang isulat. Batid na nating lahat ang mapait na kolonyal at neokolonyal na karanasan ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng imperyalismong Amerikano 226 Suri, Saliksik, Sanaysay ngunit dapat bigyang-diin na may matututuhan din naman tayo sa mga progresibong Amerikano. Halimbawa, maaari nating gawing inspirasyon ang mga “muckraker” (“tagakalaykay/tagakalkal ng dumi/basura”). Ayon sa Encyclopædia Britannica, ang mga muckraker ay tumutukoy sa “group of American writers identified with pre-World War I reform and exposé literature. The muckrakers provided detailed, accurate journalistic accounts of the political and economic corruption and social hardships caused by the power of big business in a rapidly industrializing United States.” Isa sa mga pinakasikat na muckraker si Upton Sinclair na nagsulat ng “The Jungle.” Dahil sa mga muckraker, ilang batas para sa kapakanan ng nakararami ang naipasa sa Estados Unidos. Korapsyon at kahirapan ang paksa ng mga muckraker: mga dumi at baho ng lipunang nagpapanggap na malinis. Hindi nga ba’t ang dalawang ito’y suliranin pa rin ng ating bansa ngayon? Pero nasaan ang mga bestseller na akdang tumatalakay sa mga ito? Sa panitikang Pilipino sa Ingles, nariyan ang “Blighted” ni Frank Chavez, pero sa Filipino, nasaan ang mga bagong nobelang korapsyon din ang pangunahing tema? May maikling kwentong “Miliminas: Taong 0069” pero bakit walang nobela? Sa halip na pangunahing paksa, naging paningit na lang ang pagbanggit sa korapsyon at/o kahirapan, at natutuwa na tayo sa mga akdang “nagsisingit” gayong kitang-kita binahiran lamang nila ng suliraning panlipunan ang kanilang akda upang hindi mapagbintangang sell-out. Kailangang muling kalkalin ang mga basura at ipaamoy sa lahat ang baho, ang sangsang ng mga problemang ito upang masulasok ang madla at mapilitang kumilos para resolbahin ang mga problemang ito. Sa halip na mga alkalde at mababang opisyal, dapat ay mga presidente at senador ang kontrabida sa mga susunod na nobela. Sa halip na mga munting don at donya na nang- aapi ng maliliit na komunidad, dapat mga bangko at korporasyon na nang- aapi sa buong bayan na ang kontrabida. Maaaring natatakot ang iba sa atin na walang magbasa kung ang ating akda’y muckraker, tahas na sosyo-politikal tulad ng “El Filibusterismo” ni Jose Rizal o ng “Mga Ibong Mandaragit” ni Ka Amado V. Hernandez pero hindi dapat kalimutang ang nobela ni Ka Amado ay lumabas nang serye o isinerye sa isang magasin o publikasyon, bago pa muling mailathala bilang isang aklat. Ibig sabihin, binabasa ng tao kahit sosyo-politikal at seryoso. Ang “Daluyong” ni Lazaro Francisco ay isinerye rin. Mga Hamon sa Pagsulat 227

Progresibong Erotika, Pwede Ba?

Marami nang nailathalang erotikang Filipino sa mga nakalipas na taon gaya ng “Laglag Panty, Laglag Brief” at ng “Talong/Tahong” na kapwa inedit nina na inedit nina Dr. Rolando Tolentino et al. Pero wala pa yatang maraming akdang erotikang politikal. Pwede ba nga ba ang progresibong erotika? Akdang may sex – maraming sex – pero tumatalakay pa rin sa mga nagnanaknak na kanser sa lipunan? Malaking hamon ito sa mga gustong magsulat ng erotika. Kalibugan at pagmumulat ng bayan, pwede kayang pag-eksperimentuhan?

Panitikang Brutal at Deus Ex Machina

Sa isang panayam na nagpaparangal sa mga manunulat ng bantog na antolohiyang “Mga Agos sa Disyerto,” idinepensa ni Propesor Rogelio L. Ordoñez ang pagsulat ng panitikang may brutal na wakas para sa mga kapitalista, asendero at iba pang mapang-api sa lipunan. Aniya, dapat ganoon ang isulat kahit sa ating panahon upang kahit sa panitikan man lamang ay magwagi ang inapi, at sang-ayon ako. Sapagkat malaya ang panitikan – lalo na ang mga akdang fiction, dapat maging malikhain ang mga manunulat. Bakit hindi muling isulat ang isang akdang mala- “El Filibusterismo” kung saan ang karakter na mala-Simoun ay magtatagumpay na sa pagpapasabog ng isang enggrandeng kasalan na dinaluhan ng lahat ng mga dambuhalang kriminal sa lipunan – mula sa mga korap na politiko hanggang sa mga kapitalistang nagpapatupad ng kontraktwalisasyon? Pwede bang sa susunod, sa nobela man o maikling kwento, pasagasaan sa bulok na tren ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno o kaya’y ang mga opisyal ng isang multinasyunal na korporasyong nagpasabog ng mga bundok sa Mindanao para nakawin ang mineral ng ating bansa? O kaya’y sa eksenang magic-realist, bakit di lamuning buo ng lupa ang buong asembliya na may temang “How To Maximize Profits Via Low Wages and Contractualization” na dinaluhan ng mga CEO ng mga korporasyong kapitalista, pagkatapos ng isang malakas na lindol sa Maynila na himalang sila lang ang tinamaan? Dapat sa remake ng pelikulang “On The Job”, magkampihan na sina Gerald Anderson at Joel Torre para iassassinate ang mga korap na politiko at opisyal ng pulisya na basura ang trato sa mga mamamayan. Pagtagumpayin natin ang bayan kahit man lamang sa panitikan habang nag-aambag din sa paghanap sa 228 Suri, Saliksik, Sanaysay landas ng tagumpay ng bayan sa totoong buhay.

Panitikang Otro Mundo Es Posible at A Luta Continua

Otro mundo es posible o Another world is possible ang motto ng maraming aktibista sa daigdig. Sa mga mas malikhain at imaginative, baka maaaring isagad na ang pangangarap. Sumulat ng nobelang malapelikulang-“Metro Manila”, pero sa halip na isang bangko lang ang nakawan, bakit hindi mala-“In Time” na mga Central Bank na ang nanakawan para mas maraming pera agad ang maipamigay sa mga mahihirap? Pwede kayang iimagine din natin ang matagumpay na pag-hack ng mga progresibong hacker sa mga rekord ng mga bangko para burahin forever ang lahat ng utang ng mga mamamayan at bigyan pa ng libu-libong dolyar ang lahat? Baka pwede ring iimagine kung ano ang nangyari sa Pilipinas kung nakatakas si Andres Bonifacio bago pa siya barilin, lalo pa’t marami namang mahuhusay na historical fiction ang naisulat na gaya ng “Ang Makina ni Mang Turing” ni Dr. Ramon Guillermo, “Kangkong: 1896” ni Ceres Alabado, at “Ang Aso, Ang Pulgas, Ang Bonsai at Ang Kolorum” ni Jose Rey Munsayac. Kailangan na lang ng mas maraming twist at pwedeng kaunting twisting o reimagining ng history para maisulat kung ano sana ang nangyari kung hindi nagtagumpay ang mga traydor sa kasaysayan ng bansa. Marami tayong matututuhan sa mga nagsusulat ng fan fiction sa ibang bansa na napakataba talaga ng imahinasyon. Kung LGBT naman ang tema, baka pwedeng happy ending naman gaya sa pelikulang “Noordzee, Texas” o “North Sea Texas” ni Bavo Defurne sa halip na tipikal na sad ending sa mga Pinoy LGBT films? O kaya’y paksain din ang mga LGBT na nakikibaka gaya ng ginawa sa pelikulang “Pride” ni Matthew Warchus. Kung istorya naman ng mga magsasaka, pwedeng ituloy ang “Mga Ibong Mandaragit” ni Ka Amado V. Hernandez para iimagine kung paano matagumpay na mapapatakbo ng mga magsasaka ang mga parsela ng lupa sa pamamagitan ng kooperatibisasyon pagkatapos na mapasakanila ang lupa sa ilalim ng panibago at matagumpay na programa sa lupa. Sa isyung pangmanggagawa naman, maaaring paksain ang mga matatagumpay na welga. Kung fan kayo ng magic realism, baka pwedeng magsulat ng nobelang ang pamagat ay “A Luta Continua!” tungkol sa isang taong tuloy-tuloy na nagrereincarnate para makibahagi sa mga matatagumpay na pakikibaka sa daigdig gaya sa panahon ng rebelyon nina Spartacus laban sa imperyong Romano, French Revolution, Russian Revolution, kilusang suffragette Mga Hamon sa Pagsulat 229 sa Europa at Estados Unidos, Civil Rights Movement sa Estados Unidos, administrasyong Salvador Allende sa Chile, anti-apartheid sa South Africa, kilusang anti-Marcos sa Pilipinas, welga ng mga minero sa United Kingdom, gera- sibil sa El Salvador, pananakop ng Amerika sa Vietnam, eleksyon ni Hugo Chavez sa Venezuela, at iba pa. Oo, isang mala-“The Time Traveler’s Wife” na nobela pero sa halip na simpleng love story ay gawin nang serye ng mga pakikibaka ng karakter na kumakatawan sa lahat ng mga aktibista ng bawat henerasyon. Maaari ring basahin ang “Cloud Atlas” ni David Mitchell, o panoorin ang pelikulang bersyon nito na idinerehe ni Lana Wachowski et al. Narito pa ang ilang pelikula na maaring paghanguan ng ideya sa pagsulat ng panitikang otro mundo es posible: “Millions” ni Danny Boyle; “Goodbye Lenin!” ni Wolfgang Becker; “The Good Lie” ni Philippe Falardeau; “El Laberinto de Pan” o “Pan’s Labyrinth” ni Guillermo del Toro , “V for Vendetta” ni James McTeigue, “Voces Inocentes” o “Innocent Voices” ni Luis Mandoki, “Selma” ni Ava DuVernay, “The Butler” ni Lee Daniels, “The Help” ni Tate Taylor, “The Book Thief” ni Brian Percival, “Bread and Roses” ni Ken Loach, “Imagining Argentina” ni Christopher Hampton, at “En Kongelig Affære” o “A Royal Affair” ni Nikolaj Arcel.

Pagsasalin ng Mga Progresibong Panitika Mula sa Ibang Bayan

Kasabay ng pagpapayabong ng sariling panitikan, dapat pasiglahin din ang pagsasalin sa mga progresibong panitikan mula sa ibang bayan. Ang mga akdang ito’y makatutulong din sa pagpapahusay ng estilo at porma ng panitikang Filipino. Sa antolohiyang “100 Salin” na inedit ni Dr. Raquel Sison-Buban at Joey Stephanie Chua ay mababasa ang salin ng ilang napakaiikling kwento ni Eduardo Galeano mula sa “Bocas del tiempo” o “Voices of Time: A Life of Stories.” Narito ang akdang “Kahirapan” mula roon: Ayon sa estadistika, maraming dukha sa daigdig, ngunit sa totoo lamang, sila’y mas marami pa sa inaakalang marami na. Isang batang mananaliksik, si Catalina Alvarez Insua ang umimbento ng isang kapaki-pakinabang na sukatan upang itama ang mga kalkulasyon. “Ang mga dukha ay ang mga taong pinagsasaraduhan nila ng pinto,” sabi niya. Nang ilahad niya ang kanyang pamantayan, siya’y tatlong taon pa lamang. Ang pinakamainam na edad sa pagtanaw sa daigdig at pagtuklas sa kalagayan nito. 230 Suri, Saliksik, Sanaysay

Nasimulan ko na rin ang pagsasalin ng “1984” ni George Orwell noong estudyante ako sa kolehiyo ngunit hindi ko pa rin iyon natatapos. Wala pang salin sa Filipino ang “City of Thieves” ni David Benioff, “The Hobbit” ni J.R.R. Tolkien, “The White Tiger” ni Aravind Adiga, “A Case of Exploding Mangoes” ni Mohammed Hanif, “Il cimitero di Praga” o “The Prague Cemetery” ni Umberto Eco, “Ensaio sobre a Lucidez” o “Seeing” ni Jose Saramago, “Animal Farm” ni George Orwell, “Los hijos de los días” o “Children of the Days: A Calendar of Human History” ni Eduardo Galeano, “The Book of Virtues: A Treasury of Great Moral Stories” na inedit ni William J. Bennett, “How the Soldier Repairs the Gramophone” ni Sasa Stanisicat, “Ein weites Feld” o “Too Far Afield” ni Günter Grass, “La fiesta del chivo” o “Feast of the Goat” ni Mario Vargas Llosa, “People of the Book” ni Geraldine Brooks, at napakarami pang ibang akdang luma at bago na makabuluhan at masining ang pagkakasulat.

Panitikan ng Mga Kinalimutan/Nakalimutan sa Kasaysayan at Lipunan

Mayaman ang tradisyong social-realist sa panitikang Filipino mula noon hanggang ngayon, at napakarami ring akda sa ibayong dagat, lalo na yaong isinulat ng mga mula sa “kapatid” nating kontinenteng Amerika Latina, kaya’t ang pagsusulat ng panitikan ng mga kinalimutan at nakalimutan sa lipunan ay madali nating maisasabalikat. Narito ang ilan sa mga paksang mula sa mga piraso ng ating kasaysayan na maaaring talakayin sa iba’t ibang akda: malawakang welga at hunger strike ng mga guro sa Metro Manila sa mga huling bahagi ng dekada 80 hanggang unang bahagi ng dekada 90 na bahagyang natalakay sa pelikulang “Mila” ni Joel Lamangan; talambuhay ng isa sa libu-libong desaparecido sa panahon ng diktadurang Marcos at iba pang rehimen (maaaring paghalawan ang mga pelikulang gaya ng “Dukot” o “Burgos: A Mother’s Love” kapwa ni Joel Lamangan din); talambuhay at/o kwentong-buhay ng mga limot na bayani at/o hindi pa gaanong sikat na karakter sa kasaysayan gaya nina Crisanto Evangelista, Lorenzo Tañada, Jose W. Diokno, Claro M. Recto, Crispin “Ka Bel” Beltran, Bishop Antonio Fortich, Sister Mariani Dimaranan, Simonea Punsalan- Tapang, Juan Feleo, Apolinario Mabini, Pedro “Don Perico” Abad Santos, Melchora Aquino, Marcelo H. Del Pilar, , mga bayaning ang pangalan ay nasa Bantayog ng Mga Bayani; mga politikal na masaker sa kasaysayan ng Pilipinas (Bud Dajo 1906, Bud Bagsak 1913, Malolos 1945, Maliwalu c.1950, Masico c.1950, Jabidah Mga Hamon sa Pagsulat 231

1968, Escalante 1985, Lupao 1987, Mendiola 1987, Guimba 1989, Paombong 1989, 2004, San Ildefonso 2006 at iba pa); pakikibaka ng sambayanan para maipasara ang base militar ng mga Amerikano sa Pilipinas noong 1991; istorya ng mga kasapi ng Overseas Chinese 48th Detachment o Wachi na kaalyado ng Hukbalahap sa pakikipaglaban sa mga Hapon noong dekada 40; pakikibaka ng TANGGOL WIKA at iba pa laban sa CMO No. 20, Series of 2013, at iba pa. Bukod sa mga nakalimutang piraso ng kasaysayan, dapat ding pasiglahin ang paglikha ng panitikan tungkol sa mga ordinaryong mamamayang tulad ng manggagawang kontraktwal gaya sa pelikulang “Endo” ni Jade Castro, mga pulubi, mga construction worker (gaya ng Eton 11 na nalaglag sa gondola), mga biktima ng prostitution, mga biktima ng 5-6, mga gurong Loandoner (gaya ng Pangasinan 4 na pinagbabaril ng pulis na naniningil ng utang), mga magsasakang naghihintay na mabigyan ng sariling lupa (gaya ng mga nakapiket sa harapan ng Department of Agrarian Reform), mga tindero at tindera na nakikipagpatintero o kaya’y taguan sa mga bus at mga empleyado ng MMDA at iba pa, mga manggagawang nakapila at nagdedemanda sa National Labor Relations Commission (NLRC), mga migrante o OFW gaya nina Flor Contemplacion at …Parada ng mga aba at biktima, panitikan ng mga api at pinagsasamantalahan, upang mailantad at panagutin ang mga dambuhalang kriminal. “Comfort the afflicted, and afflict the comfortable,” sabi nga ng manunulat na si Finley Peter Dunne.

Pag-imbento ng Mga Bagong Porma ng Panitikan

Hamon din sa ating lahat ang pag-imbento ng mga bagong porma ng panitikan, pagbuhay sa mga lumang porma gaya ng dagli (tulad ng ginawa ni Dr. Rolando Tolentino sa “Sakit ng Kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng Krisis”) o kaya’y adapsyon ng pormang popular sa ibang bansa (tulad ng ginawa ni Dr. Rhod Nuncio sa “Lihim ng Ultramar”). Kaugnay ng adapsyon ng porma, maaaring sipatin ang pormang ginamit ni Eduardo Galeano sa kanyang mga akda tulad ng “Venas abiertas de America Latina” o “Open Veins of Latin America”: masining at mala-poetikong lenggwahe sa akdang tuluyan/pasalaysay na karaniwa’y historikal pa nga. Maaari ring balikan ang “Walking With The Comrades” ni Arundhati Roy para sa estilo ng malikhaing pagsasalaysay ng aktwal na karanasan na hinabi sa pangkalahatang sitwasyong politikal ng kanyang bansa at panahon. Sa mga mahilig naman sa comics at/o estilong mala-graphic novel, maaaring balikan ang mga akdang gaya 232 Suri, Saliksik, Sanaysay ng “Marx for Beginners” ni Rius at “Socialism for Beginners” ni Anna Pacuska na kapwa nakatutuwang basahin kahit na mabibigat na paksang politikal ang tinatalakay. Tiyak na maaaring maging inspirasyon ang mga gayong akda sa pagbuo natin ng sariling panitikan. Hinggil naman sa pag-iimbento ng mga bagong porma, maaaring pag-eksperimentuhan ang pagsusulat sa WattPad ngunit dapat tiyakin na sa pagpasok natin doon ay maiaangat nating unti-unti ang lebel ng diskurso roon mula sa mga palasak na paksang pampag-ibig tungo sa mga suliraning panlipunan na dapat lutasin, sa halip na malunod sa namamayaning diskurso roon.

Manunulat ng Bayan, Magkaisa: Lumahok sa Pakikibaka ng Masa!

Ayon kay Paulo Freire sa aklat na “Pedagogy of the Oppressed,” ang praxis ay “reflection and action directed at the structures to be transformed.” Samakatwid baga’y teorya at praktika para sa pagbabagong panlipunan. Bagamat sa pedagohiya aktwal na inilapat ni Freire ang praxis, maaari rin nating gamitin ang konseptong ito sa panitikan. Kahit sanlibong palihan o workshop sa pagsulat ang ating salihan, hindi tayo magiging magaling at mapagmulat na manunulat kung hindi tayo lalahok sa mga pakikibaka ng mga ordinaryong mamamayan. Hindi lamang rali, forum, petisyon, meeting, asembliya, at iba pa ang tinutukoy na pakikibaka rito, kundi ang pang-araw-araw mismong pakikipagtunggali ng mga ordinaryong tao sa napakaraming suliraning dapat resolbahin. Samakatwid baga’y pakikipamuhay, pakikipagkaisa, pakikipagkapit-bisig, pakikisalamuha…Katunayan, marami sa ating mga magagaling na manunulat mula kina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Amado V. Hernandez, hanggang kina Bienvenido Lumbera, Ramon Guillermo, at Rolando Tolentino ay pawang aktibo sa iba’t ibang kilusan para sa pagbabagong panlipunan. Ipagpatuloy natin ang ganitong dakilang tradisyon! Sa ganitong diwa, nais kong iwan sa lahat ang pinakamahalagang hamon: “Mga manunulat ng bayan, magkaisa, lumahok sa mga pakikibaka ng masa!” Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal: Ambag sa Pedagohiyang Pampanitikan1

indi maitatatwang natatangi o ispesyal ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”1 ni Jose Protacio Rizal. Required reading ang dalawang nobelang ito sa antas sekundarya sa Pilipinas. Saklaw rin ng asignaturang Rizal (“Buhay at Mga Sinulat ni Rizal”) sa Hkolehiyo ang pag-aaral ng “Noli” at “Fili” sa bisa ng Batas Rizal (Batas Republika Blg. 1425), at Commission on Higher Education (CHED) Memorandum No. 59, Series of 1996 at Memorandum No. 4, Series of 1997. Popular ang dalawang pangunahing nobela ni Rizal hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig. Bawat taon, may inilalabas na bagong salin ng “Noli” at “Fili” sa Filipino ang mga nangunguna at maging ang mga nagsisimula pa lamang na palimbagan sa bansa. Samantala, inilabas ng Penguin Books ang internasyunal na salin sa Ingles ng “Noli” at “Fili” noong 2006 at 2011, sa ilalim ng kategoryang Penguin Classics. Saklaw ng Penguin Classics ang mga akdang klasiko sa Kanluran. Mangilan- ngilan pa lamang na akda mula sa mga bansang Third World ang inilimbag ng Penguin Books sa kategoryang Penguin Classics.

1 Ang papel na ito ay paglalahad ng iba’t ibang paraan ng alternatibong pagbasa sa mga nobela ni Jose Rizal, na pawang kaiba sa tipikal na pagbasa sa nobela ni Rizal bilang nobelang naglalahad lamang ng pang-aabuso ng mga Kastila. 234 Suri, Saliksik, Sanaysay

Popularidad ni Rizal at ng Mga Akdang Rizalista

IGoogle ang “Noli Me Tangere” at may 2,620,000 results na lalabas habang may 733,000 results naman para sa “El Filibusterismo” at 4,930,000 results para sa “Jose Rizal.” Sa Facebook, may 38,600+ likes na ang fan page ng “Noli Me Tangere” habang 21,000+ likes na ang taglay ng fan page ng “El Filibusterismo.” Ang fan page ni “Jose Rizal (Politician)” ay may 61,000+ likes na. Ihambing ito sa 4,600+ ni “Andres Bonifacio (Politician)” o sa 2,200+ ni “Amado V. Hernandez (Public Figure).” Gayunman, walang panama, talo o “butata” si Rizal sa 112,276 likes sa page ni “Bob Ong” na malapit-lapit na sa 126,000+ likes sa fan page ni “Pablo Neruda.” Hindi man kahanay sa popularidad ni Bob Ong sa Facebook, may sapat na fan base si Rizal upang manatiling makabuluhan o relevant sa kasalukuyang panahon – lalo na sa mga kabataang bahagi ng tinatawag na “Facebook generation” – ang kanyang mga sinulat, partikular ang “Noli” at “Fili.” Hindi kataka-taka na sa kasagsagan ng pambansang debate sa kontrobersyal na Reproductive Health Law o RH Law2, isang mamamayang maka-RH Bill, si Carlos Celdran, ang nagdala at nagwasiwas ng plakard na may nakasulat na “DAMASO” sa loob ng habang nananalangin ang mga obispo at arsobispo ng Simbahang Katoliko. Naka-Amerikana at sombrero si Celdran na halatang kinokopya ang tipikal na porma ni Jose Rizal. Ginamit din ng mga tagapagsulong ng kalayaan sa pagpapahayag ang mga diumano’y kaisipang anti-prayle ni Rizal upang ipagtanggol ang kontrobersyal na “likhang-sining” ni Mideo Cruz3 na pinamagatang “Poleteismo” (Matthieson 2011). Isang YouTube user na nagtatago sa alyas na PinoyMonkeyPride ang naglabas ng mga video na pumupuri sa diumano’y kahusayan ng diktadurang Marcos. Isa sa mga video4 ni PinoyMonkeyPride na may 72,180 views na as of August 16, 2011 ang gumamit ng out-of-context na quote mula kay Padre Florentino ng “El Filibusterismo.”

2 Ang RH Law ay naglalayong itaguyod ang reproductive health ng mga Pilipino. Kontrobersyal ang panukalang-batas na ito dahil sa mariing pagtutol ng Simbahan dito, partikular sa probisyon na naglalaan ng pondo ng pamahalaan para sa pagbili ng mga artificial contraceptives.

3 Ang “likhang-sining” ni Mideo Cruz ay bahagi ng isang exhibit sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Tampok dito ang isang larawan ni Kristo na nilagyan sa bahaging ilong ng ari ng lalaki (penis) na gawa sa kahoy. Ipinasara ito ng CCP dahil sa protesta ng mga obispong Romano Katoliko. Masisipat sa link na ito ang ilang larawan mula sa “likhang-sining” ni Cruz: http://bluepanjeet. net/2011/08/12/11983/god-crazy-mideo-cruz-blasphemous-art/

4 Masisipat sa http://www.youtube.com/watch?v=v1Q676tSCeI Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal 235

Pagkatapos tuligsain ang oligarkiya o paghahari ng elite sa bansa, bumulaga sa mga huling bahagi ng nasabing video ang larawan ng isang nakasimangot na Rizal na nagsasabing “’Tang ‘Nang Yan Anung Nangyari?5” Hanggang ngayon, ang mga babaeng tila nababaliw ay kaagad inihahambing kay Sisa (babaeng karakter sa “Noli Me Tangere” na nabaliw sa paghahanap sa kanyang mga anak na sina Crispin at Basilio). Katunayan, may estatwa ni Sisa sa compound ng National Center for Mental Health sa Lunsod ng Mandaluyong. Binabansagan namang Doña Victorina ang mga maaarteng Pilipina na nagpupumilit maging kahawig ng mga dayuhang artistang kanilang hinahangaan. Maririnig pa rin ang birong isang “pilibustero” ang guro kapag masyado niyang sineryoso ang pagtuturo ng “Noli” at “Fili” sa mga estudyante sa antas sa sekundarya na inaakalang hindi pa makakaunawa sa mga kaisipang subersibo at/o radikal ng pambansang bayani. Naglipana rin sa mga tindahang gaya ng Kultura Pilipino ang mga ­t-shirt na may mukha ni Rizal at bumabaha ng Rizaliana sa mga aklatan at tindahan ng aklat. Samakatwid, malinaw na nakakintal o nakaimprenta na sa kamalayang pambansa si Rizal at ang kanyang mga nobela. Tila marami pa ring interesado sa buhay at mga sinulat ni Rizal kaya may kalalagyan ang anumang papel o saliksik na tumatalakay sa kanyang dalawang pangunahing nobela.

Bakit Kailangan ng Alternatibong Pagbasa?

Sa dinami-dami ng mga naisulat na tungkol sa pagtuturo ng “Noli” at “Fili,” bukod pa sa mga isinulat tungkol sa makulay na buhay ni Rizal, tila obligado ang sinumang may gustong isulat na ipaliwanag ang kaibahan ng kanyang isinusulat sa isinulat na ng mga nauna sa kanya. Marahil, hindi gaanong kapana- panabik at interesante ang papel na ito kumpara sa lektura ni Dr. Ambeth Ocampo ng National Historical Commission of the Philippines sa Setyembre 10, 2011 na pinamagatang “Queridas ni Rizal: Love and Sex in Philippine History.” Ang papel na ito ay hindi rin gumagamit ng kapana-panabik na lenggwaheng pang-trailer na gaya ng ginamit ng grupong “NOLI ME TANGERE - Jose Rizal” sa Facebook. Halimbawa, ayon sa administrator ng “NOLI ME TANGERE-Jose Rizal,” sa

5 Narito ang isang critique sa video ni PinoyMonkeyPride: http://www.facebook.com/#!/note. php?note_id=10150231407663283 236 Suri, Saliksik, Sanaysay

Kabanata 7 ng “Noli” ay maaaring malaman “...ang mga kapilyuhang ginawa ni Rizal kina Ibarra at Maria Clara, sa suyuan sa [Azotea]. Bakit tinampal ni Maria Clara ang kamay ni Ibarra at sinabihan ang binata na hindi ko pinahihintulutan na laruin mo iyan.” Lagpas pa sa trivialism at linguistic titillationism ng mga popular na lekturang Rizalista, hangad ng papel na ito na iligtas si Rizal sa kababawan ng kontemporaryong panahon upang mabigyang-diin ang kabuluhang panlipunan o social relevance ng mga sinulat ni Rizal. Kung gayon, sa halip na punahin lamang ang buladas ni Rommel Hinto Palcotilo sa fan page ni “Jose Rizal (politician)” na “d hamak na mas pogi ako ki rizal ^_^” (“di hamak na mas pogi ako kaysa kay Rizal ^_^”), sasagutin din ng papel na ito ang mga tanong ng mga gaya nina Chris Lopez – na nagsabing “ask Lng po... why do we need a subject rizal in all levels of philippine education? and why it is important to study and be informed of who dr. jose rizal is???” (“Tanong lang po... Bakit kailangang talakayin si Rizal sa lahat ng antas ng edukasyon sa Pilipinas? At bakit mahalagang pag-aralan at matutuhan kung sino si Dr. Jose Rizal?”) – at ni Lieve Cuyno na naghayag na “kung buhay si (P)epe ngayon, ano kaya ang puna niya sa ating pamahalaan kasi lahat talagang mga naging pangulo ng bansa may mga graft and corruption nagaganap simula pa sa panahon ni Aguinaldo hanggang Aquino, ano po?” Samakatwid, kontekstwalisasyon o paglulugar ng mga nobela ni Rizal sa kontemporaryong kalagayan ng bansang Pilipinas ang pangunahing layunin ng papel na ito, ituring man na kabagut-bagot ng marami-raming kabataang Pilipino na walang gana sa pag-aaral ng buhay at mga isinulat ni Rizal, gaya ng ilang mga taga-Unibersidad ng Pilipinas (UP) na nakagawian nang tawaging “Putang Ina 100” ang “Philippine Institutions 100” o “PI 100” na siyang opisyal na course code ng asignaturang Rizal/“Buhay at Mga Sinulat ni Rizal” sa UP (Ocampo 2008). Ang ganitong kontekstwalisasyon ay alinsunod sa pananaw ng Italyanong sosyalista na si Antonio Gramsci (1985) at ng iba pang Marxista at reyalista na hindi maaaring ihiwalay ang likhang-sining at ang indibidwal na lumikha nito sa lipunang kanilang pinagmulan: “…ang alagad ng sining ay di lamang nagsusulat o nagpipinta – kumbaga, di niya binibigyang-buhay ang kanyang imahinasyon – para lamang sa kanyang sariling pag-alaala, para lamang kanyang sariwain ang oras ng paglikha. Siya’y nagiging tunay na alagad ng sining sa pamamagitan ng kongkretisasyon, obhetisasyon at historisisasyon ng kanyang mga imahinasyon.” Kung pahihintulutan ang paglalaro ng mga salita, maibubuod ang sinabi ni Gramsci sa pamamagitan ng ganitong kaisipan: ang imahinasyon ng isang alagad ng sining ay di simpleng imahinasyon kundi isang manipestasyon ng imahe ng Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal 237 kanyang nasyon. Dahil halos wala namang pundamental na pagbabagong naganap sa bansa sa mga nakalipas na daantaon, nananatiling makabuluhan pa rin ang kontemporaryong kontekstwalisasyon ng mga nobela ni Rizal. Layunin din ng papel na ito na patunayan ang kahunghangan ng mga komento ng mga mag-aaral na galit sa asignaturang Rizal gaya ni parengheyt sa Tristan Cafe Forum (isang online forum) na nagsabing: “Marami talagang mga subject na hindi na kailangan like rizal, history...” Marahil, kung makikita ng kabataang tinawag ni Rizal na “esperanza del pueblo” (pag-asa ng bayan) na may kabuluhan pa rin ang mga nobela niya sa kontemporaryong panahon, mahihikayat sila na pag- aralang mabuti ang kanyang buhay at mga sinulat. Upang maisakatuparan ang mga nabanggit na layunin, may mga pagkakataong sasalungatin ng papel na ito ang mga umiiral na pamamaraan ng pagtuturo ng at mga tradisyunal na perspektiba hinggil sa “Noli” at “Fili.”

Mga Seryosong Patawa

Sinasabing likas na makapangyarihan ang diwa ng paluwag-tawa o sense of humor ng mga Pilipino. Coping mechanism ito ng sambayanang nagdaan na sa daantaong pang-aalipin ng mga dayuhan. Sa dami ng suliraning iniwan ng kolonyal, neokolonyal at imperyalistang paghahari ng mga Kastila, Hapon at Amerikano sa bansa, mamamatay nga naman nang maaga ang mga Pilipinong walang diwa ng paluwag-tawa. Naging pambansang libangan na kung gayon ang paggamit ng katatawanan upang maluwag at swabeng matalakay ang mga suliraning pambansa nang hindi sumasailalim sa matinding depresyon o labis na kalungkutan at/o pagkamuhi (na maaaring magdulot ng mga matitinding karamdaman gaya ng sakit sa puso). Hindi kataka-taka na sa maraming pandaigdigang survey, kasama sa happiest people on earth ang mga Pilipino, gaya ng ipinakikita ng 2009 Happy Planet Index (HPI) na inilabas ng New Economics Foundation at ng 2005 World Values Survey. Bukod sa mga tradisyunal na programang komedya sa telebisyon na namamayani sa mga primetime slot, may mga programang Pilipino rin ang sumasaklaw sa pagpapatawang satirikal o pauyam sa larangan ng pulitika gaya ng “Ispup” (ngayo’y defunct na) at “Goin’ Bulilit.” Mas nauna pa sa mga ito, sa panahon ng kolonyalismong Español, isa si Rizal sa mga matatalinong manunulat na gumamit ng seryosong pagpapatawa sa kanyang mga nobela.

238 Suri, Saliksik, Sanaysay

Sinimulan na ng Pambansang Alagad sa Sining na si Virgilio Almario (“Rio Alma”) sa kanyang aklat na “Si Rizal: Nobelista (Pagbasa sa Noli at Fili bilang Nobela)” ang paggalugad sa masining na pagpapatawa ni Rizal. Naghihintay ang “Noli” at “Fili” ng matitiyagang mag-aaral at estudyante na magpapatuloy sa misyong ito. Ang mga seryosong pagpapatawa ni Rizal ay higit na magiging mabisa kung isasaalang-alang ang halos di nagbagong sosyo-ekonomikong sitwasyon ng bansa mula sa panahon ni Rizal hanggang sa kasalukuyan. Sa Kabanata 1 ng “Noli,” bubulaga ang katawa-tawang kamangmangan ng asal-Española pero Pilipinang-Pilipina na si Doña Victorina de Espadaña. Habang nag-uusap sina Señor Laruja, Padre Damaso at Padre Sibyla hinggil sa kung sino ang nakaimbento ng pulbura, naglahad ng estupidong tanong ang asal-Españolang doña: “At, sabi ninyo, Padre Sibyla, na iyon ay sa siglo labing-apat? Bago o pagkaraan ni Kristo?6” Kung tutuusin, itsura pa lamang at manerismo ni Doña Victorina ay katawa-tawa na. Sinasalamin niya ang ilang segment ng elite sa Pilipinas na nagpupumilit gumaya sa itsura, manerismo at edukasyon ng mga taga-Kanluran kahit na malantad sa balana ang kanilang katangahan. Higit na detalyado ang pagpapatawa sa buhay ni Doña Victorina at ng kanyang asawa na mababasa sa Kabanata 42 ng “Noli.” Bagamat tila may pagkarasista, ang pagpapatawa ni Rizal sa pamamagitan ng pananagalog at kakatwang ugali at katauhan ng negosyanteng Instik na si Chito Quiroga sa Kabanata 16 ng “El Fili” ay nakapagpagaan kahit paano sa seryosong tono ng nobelang ito. Sa Kabanata 26 ng “El Fili,” ang bulakbulerong estudyanteng si Tadeo naman ang ginamit ni Rizal upang makapagpatawa sa gitna ng papatinding tunggalian sa nobela: Nakita naman niya (ni Basilio) pagkatapos si Tadeo na sinsaya ng Pasko ang mukha. Sa wakas, matutupad na ang kaniyang lakwatsang walang-hanggan. “Ano ba Tadeo?” “Wala tayong klase, hindi kukulangin sa sanlinggo, tsiko! Ang sarap! Ang galing!”... “Ngunit ano’ng nangyari” “Ibibilanggo tayong lahat sa Asosasyon!” “At natutuwa ka?” “Walang klase, walang klase!” At umalis na walang pagsidlan ng tuwa7.

6 Bersyon nina Antolina T. Antonio at Patricia Melendrez-Cruz ang ginamit para sa mga sipi ng “Noli Me Tangere.” Binago lamang nang kaunti ang pagbabaybay ng ilang salita at inalis din ang mga markang pakupya, paiwa atbp. upang maging magaan sa mata ang pagbasa. Ginamit ang bersyong ito sa kadahilanang ito lamang ang bersyong di komersyal (hindi teksbuk) sa Filipino na nasa koleksyon ng may-akda.

7 Bersyon ni Virgilio S. Almario ang ginamit para sa mga sipi ng “El Filibusterismo.” Inalis lamang ang mga markang pakupya, paiwa atbp. upang maging magaan sa mata ang pagbasa. Ginamit ang bersyong ito sa kadahilanang ito lamang ang bersyong di komersyal (hindi teksbuk) sa Filipino na available sa aklatan ng DLSU sa panahong tinatapos ng may-akda ang papel. Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal 239

Sa Kabanata 2 naman ng “Noli,” nakatutuwang basahin ang kunwaring pagbibigayan at aktwal na pag-aagawan nina Padre Damaso at Padre Sibyla sa kabisera ( sa dulo ng mesa na inirereserba sa panauhing pandangal at iba pa): Dala ng kinagawian, tinungo ng dalawang pari ang kabisera ng mesa, at gaya ng inaasahan, ang nangyari’y nakatulad nila ang mga nagkaagaw sa isang catedra (posisyon o katungkulan)... “Para sa inyo, Padre Damaso!” “Para sa inyo, Padre Sibyla!” “Higit na matagal na kayong kilala ng pamilya...kumpesor ng yumao...gulang, dangal at tungkulin...” “Higit na matanda sabi ninyo, hindi! Sa kabilang dako kayo ang kura ng distrito!” matabang na sagot ni Padre Damaso na hindi binitiwan, gayunman, ang silya. “Sapagkat utos ninyo, susunod ako!” patapos ni Padre Sibyla na handang umupo. “Hindi ko inuutos!” tutol ng Pransiskano, “hindi ko inuutos!” Katawa-tawa rin ang pagkatakot ni Kapitan Tiago (Kabanata 6 ng “Noli”) sa mabalasik na imahen ni San Miguel Arkanghel na hindi niya kailanman nilapitan sa takot na biglang mabuhay ito at siya ang tutukan ng kris o espadang dapat ay para sa diyablo. Ang buong Kabanata 20 ng “Noli” naman ay isang parodiya ng sistemang pulitikal ng bansa na tila walang pagbabago hanggang sa kasalukuyan. Sa kabanatang ito, nagpatawag ng pulong ang gobernadorsilyo upang pag-usapan ang plano para sa pista ng San Diego. Sinimulan ni Kapitan Basilio ang malakarnabal na daloy ng pulong nang magsalita siya nang pagkahaba-haba para lamang paalalahanan ang lahat na ang oras ay ginto (gaya ng mga pulitikong Pilipino na may adiksyon pa rin sa grandstanding). Eksaherasyon o pagmamalabis naman ang taktika ni Don Filipo na nagmungkahi ng magarbong pista (bilang pinuno ng mga liberal, alam niyang galit sa kanya ang mga konserbatibo; anumang sabihin niya’y tututulan nila kaya iminungkahi niya ang mga bagay na ayaw mangyari ng mga liberal, alinsunod sa taktikang itinuro ni Pilosopong Tasyo): “Itala, Señor Direktor, ang 200 piso para sa dulaan!...Pitong palabas na tig-200 piso ang isang gabi’y magiging 1,400... Minumungkahi kong mga 200 malalaking bombang tig-dalawang piso ang isa’t 200 kwitis sa gayunding halaga...Itala ang 1,000 piso para sa 200 bomba at 200 kwitis!...sa bawat araw (ng pista), itapon sa lawa ang 200 pritong inahin, 100 relyenong kapon at 50 litson gaya ng ginawa ni Sulla...” Para tuligsain ang kaipokrituhan ng mga prayle noon ay may pilyong mga paningit si Rizal sa Kabanata 31 ng “Noli” habang nagsesermon si Padre Damaso: “Sabi ni Hesukristo: kung may bahagi kayong masama na nag-uudyok sa inyo sa kasalanan ay putulin ninyo, ihagis ninyo sa apoy...!”... ”Narinig mo?” tanong ng binatang estudyante sa Maynila sa kanyang kasama. “Puputulin mo ba?” “Ha! Gawin muna niya!” sagot nito na tinuro ang predikador (tagasermon). Sa nasabing kabanata ay binanggit din na “...sa kabila ng mga sigaw at kumpas ng predikador ay maraming nakatulog 240 Suri, Saliksik, Sanaysay o nalibang...,” naghilik ang Alkalde, nayukayok si Maria Clara... at makalawang pinatugtog ni Padre Salvi ang kampanilya (hudyat na tapusin na ang sermon), ngunit ginatungan pa nito ang apoy: matigas ang ulo ni Padre Damaso at pinahaba pa ang sermon. Samantala, sa Kabanata 57 ng “Noli,” nakatutuwa at nakapangingilabot basahin ang interogasyon kay Andong Sintu-sinto na inaresto ng mga gwardya- sibil dahil inabutan siya ng mga ito malapit sa lugar ng pinangyarihan ng gawa- gawang pag-aalsa na ibinintang kay Ibarra. Ayon kay Andong, ang totoo: “...wala pong pinakakain sa akin ang biyenan ko kundi lahat ng bulok at hindi na makakain: kagabi nang pumarito ako’y masakit ang tiyan ko, nakita kong malapit ang patyo ng kwartel, at sabi ko sa sarili: ‘Gabi, walang makakikita sa iyo.’ Pumasok ako...at nang tatayo ako’y narinig ko ang putukan, tinatali ko ang aking salawal (shorts).” Sa antas pormalista, maganda ring suriin ang napakaraming halimbawa ng paglalaro ng salita (pun) ni Rizal, lantad man o hindi, gaya ng Santa Barbara at barbaro (Kabanata 4 ng “Noli”) at Cogito, ergo sum! At Cojito, ergo sum! sa Kabanata 14 ng “El Fili”at marami pang iba. Sa pamamagitan nito, mapahuhusay ang talasalitaan ng mga mag-aaral at mauunawaan pa nila ang malalalim at pailalim na pagpapatawa ni Rizal.

Mga Alusyong Biblikal at Relihiyoso sa “Noli” at “Fili”

Sa Pilipinas, nananatiling dominanteng relihiyon ang Romano Katolisismong pamana ng mga Kastila. Ayon sa Central Intelligence Agency (CIA) World Factbook, 80.9% ng mga Pilipino ang Romano Katoliko. Bukod sa Timor Leste (East Timor), ang Pilipinas lang ang ang tanging bansang Romano Katoliko sa buong Asya. Bunsod nito, anumang bagay na suportahan o tutulan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas ay madalas na pinagmumulan ng kontrobersya. Mula sa RH Bill hanggang sa “sining” ni Mideo Cruz, laging pinaparatangang konserbatibo ang Simbahang Katoliko sa Pilipinas at lagi ring isinasangkalan ng mga anti-Katoliko ang diumano’y kaisipang anti-prayle ni Rizal upang itaguyod ang sarili nilang adyenda. Kunsabagay, noong dekada 50, sa kasagsagan ng pambansang debate sa “Rizal Bill” ni Senador Claro M. Recto ay tinutulan ng hiyerkiya ng Simbahan ang sapilitang pagpapaturo sa mga paaralan ng mga nobela ni Rizal: “We, the Catholic Philippine Hierarchy maintain that these novels do contain teachings contrary to our faith and so, We are opposed to the proposed compulsory reading in their entirety of such books in any school in the Philippines where Catholic students may be affected. We cannot Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal 241 permit the eternal salvation of immortal souls, souls for which We are answerable before the throne of Divine Justice, to be compromised for the sake of any human good, no matter how great it may appear to be...” (Catholic Bishops’ Conference of the Philippines/ CBCP, 1956) Gayunman, kung susuriing mabuti, maaaring maging kapaki-pakinabang sa Romano Katolisismo at/o Kristyanismo ang mga nobela ni Rizal dahil sa napakaraming alusyong relihiyoso, lalo na sa mga pangalan ng karakter. Ang pangalang “Simoun” ay malamang na may kontekstong biblikal. Isa sa mga apostol ni Kristo si Simon the Zealot (ang mga Zealot ay mga makabayang rebelde sa Israel na tumututol sa pananakop ng Imperyo Romano o Roman Empire sa bansa ni Kristo). Relihiyoso at espiritwal si Rizal kaya madaling iassert ang pagiging biblikal ng batayan ng pangalan ni Simoun. Dapat tandaan na isinulat ni Rizal ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” hindi para tuligsain lamang ang mga Padre Damaso sa Simbahan at ibulgar ang mga baho ng Simbahan noon, kundi para na rin magbago ang mga masasamang prayle. Mahal ni Rizal ang Simbahan kaya ayaw niyang makitang nagiging instrumento ito ng pang-aapi at panlilinlang. Gusto niyang magreporma ang Simbahan at maging tunay na kasangkapan ito sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino. Ang lulubog-lilitaw (biglang nawawala, biglang sumusulpot) na si Elias (Elijah) ay malamang na hango naman sa karakter ni Propeta Elias sa Lumang Tipan. Si Propeta Elias ay nangaral laban sa mga inhustisyang dinanas ng mga Israelita dahil sa masamang pamahalaan ni Haring Ahab at Reyna Jezebel. Tinuligsa ni Propeta Elias sina Haring Ahab at Reyna Jezebel dahil sa pangangamkam (landgrabbing) nila sa lupa ni Naboth. Gaya ni Naboth, inagawan din ng lupa si Telesforo Juan de Dios o Kabesang Tales sa “El Filibusterismo.” Sapagkat di nakamit ni Tales ang katarungan sa korte, napilitan siyang maging isang tulisan o rebelde. Hanggang sa mga huling kabanata ng nobela ay umaalingawngaw ang pagsalakay ni Tales o “Matanglawin” sa mga mapang-aping elemento ng kanyang panahon. Gaya ni San Juan de Dios o St. John of God na patron ng mga ospital, tila nagbibigay ng lunas o gamot si Tales sa mga nagnanaknak na kanser ng lipunan. Kapansin-pansin na ang pinuno ng mga rebelde sa “Noli Me Tangere” na si Tandang Pablo ay may pangalan ding biblikal. Si Apostol San Pablo ang isa sa mga pinakasikat na alagad ni Kristo na nangaral sa mga Hentil (mga di Hudyo). Sa ganitong konteksto, ang repormistang si Crisostomo Ibarra ang “Hentil” na hangad iconvert ni Tandang Pablo pabor sa tunay na “relihiyon” (ang rebolusyon ng mga inaaping indio). Ang henyong pilosopo, si Don Anastacio o Tasyo ay 242 Suri, Saliksik, Sanaysay tila halaw naman sa katauhan ni Pope Saint Anastasius I8 na kaibigan ng mga kilalang intelektwal ng Simbahan na sina San Agustin at San Geronimo (Jerome). Pinamunuan ni Pope Anastasius I ang Simbahan sa panahon ng mga pananakop ng mga barabaro sa Roma. Marahil, ito ang dahilan kung bakit binibigyang-diin ni Pilosopong Tasyo na “di lahat ay natulog sa mahabang gabi ng ating mga ninuno” (ang panahon ng pananakop ng mga Kastila). Nilabanan ni Pope Anastasius I ang mga erehe (traydor sa doktrina ng Simbahan), habang nilabanan naman ni Pilosopong Tasyo ang mga prayleng nagtraydor din sa mga turo ng Simbahan gaya ng simpleng pamumuhay, paglilingkod sa kapwa at katapatan. Si Crispin, ang kapatid ni Basilio na pinatay sa bugbog ng sakristan mayor dahil sa maling bintang na pagnanakaw ng gintong barya ni Padre Salvi, ay isang martir gaya rin ni San Crispin, kapatid ni San Crispian. Nangangaral sila noon sa Gaul (ngayo’y Pransya) tuwing araw at sumasideline naman na sapatero kapag gabi. Ang pangunahing karakter ng “Noli Me Tangere” na si Juan Crisostomo Ibarra ay kapangalan ni San Juan Crisostomo o John Chrysostom. Sa Griyego, ang chrysostomos, ay nangangahulugang “golden mouthed.” Mahusay na nangaral laban sa mga abusadong pinuno ng Simbahan at pamahalaan si San Juan Crisostomo kaya nga chrysostomos ang apelyidong ikinabit sa kanyang pangalan. Si Kapitana Maria, ang nanay ng kambal na lalaking kasama sa mga pinagbintangang subersibo kaugnay ng pekeng pag-aalsang gawa-gawa ni Padre Salvi, ay kasintapang ng Birheng Maria nang si Kristo’y nagpasan ng krus at hanggang sa siya’y ipako. Ni hindi umiyak si Kapitana Maria habang dumaraan sa kanyang harapan ang kanyang kambal na hinangad niyang mabigyan ng sapat na edukasyon di gaya ng ibang ina noon na takot na bigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak dahil peligroso o mapanganib noon ang maging edukado (maraming edukado na gaya ni Rizal ang ipinabaril o ipinatapon). Nagkamali ng akusasyon ang mga prayle kay Rizal. Hindi siya erehe dahil kung tutuusin, mahal na mahal niya ang mga santo at propeta ng Simbahan. Sinadya man o hindi, marami sa kanyang mga karakter ang maaaring ihambing o iugnay sa mga santo at propeta ng Simbahan. Karamihan sa mga karakter na ito’y mga bida sa mga kwento ni Rizal. Marahil, layunin ni Rizal na akayin ang mga prayle at iba pang Kastila tungo sa tuwid na landas ng matapat na paglilingkod sa Diyos at sa kanyang sambayanan. Mas tumitibay ang kontekstong biblikal ng mga pangalan ng karakter

8 Karamihan sa impormasyon hinggil sa mga santo ay hinalaw sa online Catholic Encyclopedia: http://www.newadvent.org/cathen/ Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal 243 sa “Noli” at “Fili” dahil sa iba pang alusyon sa Bibliya gaya ng paggamit ni Simoun/Ibarra sa pariralang “mene, mene, tekel upharsin” na mula sa Old Testament (Daniel 5: 25). Ang pariralang ito’y nagbabadya ng wakas ng paghahari ng isang mapang-aping pinuno sa Bibliya. Ginamit ito ni Simoun/Ibarra upang ihayag na siya’y nagbalik upang wakasan ang pang-aapi ng mga buwitre, ng mga buwaya, ng mga ibong mandaragit o birds of prey sa Pilipinas. Sa kasamaang-palad ay hindi pinagtagumpay ni Rizal si Simoun. Ninakaw ng love-sick na si Isagani ang lamparang may nitroglicirina na makapagpapasabog sana sa bahay na pinagdausan ng kasal. Simbolikal ang tangkang pasabugin ang bahay ni Kapitan Tiago kung saan ikakasal sina Juanito Pelaez at Paulita Gomez dahil dito nagsimula ang “Noli Me Tangere.” Parang “alpha” at “omega” ito ng nobela at ng bulok na sistemang hangad baguhin at/o palitan ni Rizal.

Multidisiplinaring Dulog: Pagtuturo ng Konsepto ng Imperyalismo, Pyudalismo at Kapitalismo

Higit na magiging makabuluhan ang nilalaman ng “Noli” at “Fili” kung gagamitin ang multidisiplinaring dulog sa pagtuturo nito. Dahil sa sosyo-politikal na tema ng dalawang nobelang ito, maaaring talakayin ang mga mahahalagang konsepto sa agham pampulitika at ekonomiks gaya ng imperyalismo, pyudalismo at kapitalismo na bagamat mahalaga ay di gaanong nabibigyang-puwang sa mga talakayan sa loob ng silid-aralan. Nakalulungkot na mangilan-ngilan lamang mga estudyanteng Pilipino ang may malinaw na pag-unawa sa imperyalismo, pyudalismo at kapitalismo na sa kasalukuyan ay mapatutunayang konektado sa mga suliraning sosyo-ekonomiko ng bansa9. Kapitalismo ang tawag sa sistemang ekonomiko kung saan tubo o profits ang pangunahing layunin ng mga korporasyong nagpapatakbo sa mayorya ng mga industriya na malaya sa ganap na kontrol ng pamahalaan (Lekachman, 1981). Para sa rebolusyunaryong Ruso na si Vladimir Lenin (1917), imperyalismo “ang pinakamataas na yugto ng kapitalismo.” Sa simpleng pagpapahayag, ang imperyalismo’y pananakop ng isang bansang kapitalista ng iba pang bansa upang may mapagkunan siya ng hilaw na materyales o raw materials at mapagtambakan ng

9 Para sa detalyadong paliwanag hinggil sa epekto ng imperyalismo at kapitalismo sa bansa, sipatin ang artikulong ito: http://www.scribd.com/doc/53079990/Paper- Alternatives-to-Capitalist-Globalization 244 Suri, Saliksik, Sanaysay mga sobrang produkto. Naging imperyalista ang Estados Unidos nang sakupin nito ang Pilipinas noong 1900s. Samantala, pyudalismo naman ang tawag sa sistemang ekonomiko kung saan ang malaking porsyento ng mga lupain ay pag-aari ng iilang pamilya o indibidwal lamang. Pyudal o feudal ang sistema sa Europa noong panahon ng mga absolute monarchy kung saan ang hari at ang mangilan-ngilang maharlika o nobles ang nagmamay-ari ng mayorya ng mga lupain. Sa konteksto ng pinasimpleng paliwanag ng imperyalismo, kolonyalismo, pyudalismo at kapitalismo, ang Pilipinas ay sinasabing may malakolonyal at malapyudal na sistema (Sison 2006). Malakolonyal dahil ang ekonomya ng bansa ay pinangingibabawan pa rin ng mga dayuhan at malapyudal dahil sa kabila ng programang reporma sa lupa ng pamahalaan, malaking porsyento pa rin ng mga lupain ang pag-aari ng iilang tao lamang at mayorya ng mga magsasaka ay wala pa ring sariling lupa (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2008). Hindi pa maituturing na bansang kapitalista ang Pilipinas dahil walang mga malalaking industriya rito na katulad ng umiiral sa mga bansang kapitalista (industriya ng bakal atbp). Gayunman, biktima ng mga industriyalisadong kapitalistang bansa ang Pilipinas. Sa sanaysay na “Isang Post-Kolonyal na Pagbasa kina Andres Bonifacio at Jose Rizal sa Himagsikan ng 1898: Mga Nawawalang Teksto, Mga Pahiwatig sa Konteksto” ni Maria Stella S. Valdez (1996) na nagwagi ng Ikalawang Gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes, binabanggit ang posibilidad na si Simoun ay isang ahente ng imperyalismong Amerikano na nagpapanggap na rebolusyunaryo. Inugat ni Valdez ang etimolohiya ng filibustero at filibusterismo sa filibusterng Ingles upang patunayan ang kanyang alternatibong pagbasa sa katauhan ni Simoun. Sinuri rin ni Valdez ang mga pahiwatig sa “El Fili” na maaaring mag-ugnay sa kanya sa imperyalismong Amerikano: “Nariyan si Simoun na paulit-ulit na tinutukoy bilang Indyo-Ingles, mulato-Ingles...baluktot magTagalog at Ingles ang ginagamit na salita nang kinakausap ang mga hindi kilalang lalaki sa daungan ng mga bapor. Paulit-ulit binanggit ang americana bilang kasuotan ng maraming tauhan sa nobela; si Mister Leeds, ang may dala ng putol na ulo, ay isang Amerikano na galing sa Hong Kong, isang lugar na tinatanggap bilang base ng mga Amerikanong nagmamatyag sa mga nagaganap sa Asya...” Para kay Valdez, ang mensahe ng “El Fili” ay walang iba kundi ang pagbibigay ng babala sa mga Pilipino hinggil sa napipintong pananakop ng mga tusong Amerikano sa Pilipinas (isang posibilidad na tahas na binanggit ni Rizal sa “Filipinas Dentro de Cien Años” o “Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon”). Lagpas pa sa “post-kolonyal na pagbasa” ni Valdez, maaaring gamitin ang “El Fili” upang ipaliwanag ang mga masasamang bunga ng imperyalismo Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal 245 sa mga bansang Third World gaya ng Pilipinas. Dapat isaalang-alang na ang “Noli” at “Fili” ay istorya ng kolonyalismo sa Pilipinas at ang imperyalismo ay isang porma ng kolonyalismo. Samakatwid, ang mapanuring paglalarawan ni Rizal sa mga kapintasan ng mga kolonyalistang Español ay sumasalamin din sa mukha ng imperyalismong Amerikano na nagpapataw ng neokolonyalismo (hindi tuwiran o hindi direktang kolonyalismo) sa bansang Pilipinas at iba pang bansang Third World. Ang mga kaisipang anti-kolonyal ng “Noli” at “Fili,” kung gayon ay mabisang magagamit laban sa gahum o hegemonya ng mga bagong imperyalista (kung tutuusin, hindi lamang ang mga Amerikano ang tahas at di tahas na imperyalista sa ika-21 siglo). Hitik na hitik sa kaisipang anti-kolonyal ang Kabanata 7 ng “El Fili” kung saan pinangaralan ni Simoun si Basilio na isa sa mga kabataang naghahangad ng asimilasyon ng Pilipinas sa Inang España (ang pagiging bahagi ng Pilipinas ng España at ang pagiging mamamayang Español ng mga indio) : “Nagsama-sama kayo upang sa pamamagitan ng inyong lakas ay maitali ninyo sa Espanya ang inyong bayan sa pamamagitan ng kuwintas na rosas. Samantalang sa katotohanan, tanikalang higit na matigas kaysa brilyante ang inyong pinapanday! Humihiling kayo ng pagkakapantay sa batas, Espanyolisasyon ng inyong mga kaugalian, at hindi ninyo nakikitang ang hinihingi ninyo ay ang inyong kamatayan, ang kapariwaraan ng inyong pagkabansa...Magiging ano kayo sa hinaharap? Isang bayang walang katangian, isang nasyong walang kalayaan. Pawang hiram ang lahat ng inyo, maging ang inyong mga kasiraan....bayan ng mga digmaang sibil, republika ng mga mangungulimbat...” Palitan lamang ng “Amerika” o “Tsina” ang “España” at “Amerikanisasyon” o “Tsinopikasyon” ang “Espanyolisasyon” at lalong magiging malinaw ang paglulugar ng mga ipinahayag ni Simoun. Hanggang ngayo’y nananatiling “bayan ng mga digmaang sibil, republika ng mga mangungulimbat” ang Pilipinas dahil sa neokolonyalismo at imperyalismo na patuloy na sumisikil sa kalayaan ng bayan, bagay na humahadlang sa kaunlarang dapat tamasahin ng bawat mamamayan. Sa Kabanata 7 pa rin ng “El Fili,” nagbabala si Simoun sa mga naghahangad na ipataw ang wikang dayuhan sa mga mamamayan: “Hindi magiging wika ng bayang ito ang Kastila, hindi ito masasalita ng bayan kailanman sapagkat wala sa wikang ito ang mga pariralang katumbas ng mga dalumat sa isip ng bayan at ng mga damdamin sa puso nito...Kayong iilang nakapagsasalita nito, ano ang mapapala ninyo sa Kastila? Ang kamatayan ng inyong orihinalidad, ang pagsuko sa iba ng inyong mga kaisipan, kaya’t sa halip na maging malaya ay lalo lamang kayong magiging tunay na alipin! Mga taksil sa Inang Bayan...Marami sa inyong nagsasalita ng Kastila ang 246 Suri, Saliksik, Sanaysay nagwawalang-bahala sa sariling wika kaya ni hindi ito maisulat o maunawaan at marami na akong nakitang nagkukunwang walang alam ni isa mang salita nito!...Nalilimot ng bawat isa sa inyo na habang napag-iingatan ng isang bayan ang kanyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kanyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kaniyang kasarinlan upang mapanatili ang kaniyang sariling paraan ng pag-iisip.” Palitan lamang ng “Ingles” ang “Kastila” at eksaktong-eksakto na sa kalagayan ng bansa ang tinuran ni Simoun. Ang umiiral na kultural at lingguwistikong pang-uunggoy ng mga Pilipino sa mga dayuhan – lalo na yaong mga nasa alta sociedad ng lipunan o yaong bahagi ng elite – ay pagpapatunay lamang na ang mga “tanikalang brilyante” (imperyalismo at neokolonyalismo) ay matibay pa ring nakatali sa kamay, paa at dila ng bansang Pilipinas. Gaya ng binabanggit sa “El Fili,” ang mga “tanikalang brilyante” na ito ang pinakadambuhalang hadlang sa paglaya at pag-unlad ng Pilipinas. Sa ganitong diwa, maaari ring gamitin ang mga nobela ni Rizal upang salungatin at itakwil ng sambayanang Pilipino ang paulit-ulit na planong Charter Change (Cha-Cha) o pagbabago ng Konstitusyon ng bansa na naglalayong ibasura ang mga makabayang patakarang pang-ekonomya ng Pilipinas gaya ng 60- 40% rule10. Gaya ng administrasyong Macapagal-Arroyo, interesado rin ang administrasyong Aquino na alisin ang 60-40% rule (GMA News 2011) upang lalo pang ibuyangyang ang ekonomya at mga likas na yaman ng bansa sa mga dayuhang korporasyon. Ang kabiguan ng programang reporma sa lupa ng iba’t ibang administrasyon mula pa sa panunungkulan ni hanggang sa ilalim ni Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino ay maaari ring ilantad at ipaliwanag sa pamamagitan ng “El Fili” ni Rizal. Bunsod ng kabiguan ng reporma sa lupa sa bansa, nananatili ang pyudal na kalagayan ng bansa. Malaking porsyento ng mga lupain ang pag-aari ng iilang angkan lamang. Hanggang sa maisulat ang papel na ito, hindi pa rin naipamimigay sa mga magsasaka ang dambuhalang Hacienda Luisita sa Tarlac na pag-aari ng mga kamag-anak ni Pangulong Noynoy Aquino. Ang nasabing hacienda ay nabili ng nuno (great grandfather) ni Pangulong Aquino sa isang pamilyang Kastila, gamit ang perang inutang sa pamahalaan, sa kondisyon na ipamimigay ang lupa sa mga magsasaka pagkatapos ng ilang taong pakikinabang dito ng mga Cojuangco. Tiyak na

10 Sa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas, hindi maaaring humigit sa 40% ang pag-aari (share) ng mga dayuhan sa bawat korporasyon sa bansa. May mga negosyo ring eksklusibo lamang sa mga Pilipino. Sa kasamaang-palad, ang large-scale mining, sa bisa ng 1995 Mining Act ay bukas na sa 100% pagmamay-ari ng dayuhan, taliwas sa diwa ng Konstitusyon. Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal 247 makakarelate ang mga mga magsasaka ng Hacienda Luisita at iba pang mga magsasaka sa buong bansa na walang sariling lupa sa kuwento ng pamilya ni Kabesang Tales na nasa Kabanata 4 ng “El Fili.” Hinawan ng pamilya ni Tales ang isang bahagi ng kagubatan at saka ito tinaniman. Namatay ang kaniyang asawa at panganay na anak na si Lucia sa panahon ng paghahawan. Nang malapit na ang anihan, dumating ang kinatawan ng mga prayle (ang mga prayle, bilang isang entidad, ay tinatawag na “korporasyon”) at inangkin ang lupang hinawan at pinagtaniman nina Tales. Walang nagawa si Tales kundi ang magbayad ng upa dahil mas mahal ang magdemanda. Tumaas nang tumaas ang upa o renta sa lupa hanggang sa punto na hindi na kayang magbayad ni Tales. Tumangging magbayad si Tales at inihabla siya ng korporasyon. Natalo si Tales sa kaso gaya ng maraming magbubukid sa ating panahon na kundi man talo sa aktwal na kaso ay nakakamatayan na ang paghihintay sa pinal na desisyon ng mga korte. Nagrebelde si Tales sa pamahalaan dahil sa kawalang-katarungan na kanilang pinagdaanan. Sa ganitong diwa, maging ang kontemporaryong rebelyon ng mga anak-dalita sa ilalim ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ay maaaring ituring na bunga ng mga inhustisyang noon pa ma’y bumibiktima na sa mga magsasaka. Dapat bigyang-diin na ang CPP-NPA – ang pinakamalaking pangkat ng mga rebelde sa Pilipinas – ay malakas sa mga lugar na rural o agrikultural dahil na rin marahil sa kaaakit-akit na programa ng mga rebelde sa reporma sa lupa. Alinsunod sa 12-puntong programa ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang sangay-pulitikal ng CPP-NPA, libre ang gagawing pamamahagi ng lupa ng mga rebelde kapag sila’y nagwagi sa kanilang rebolusyon. Samakatwid, si Kabesang Tales na naging Matanglawin ng mga rebelde noon ay wala ring ipinagkaiba sa libu- libong rebeldeng magsasakang naghahangad din ng kalayaan mula sa mga panginoong maylupa o landlords ngayon. Kung tutuusin, sentral o mahalaga sa “El Fili” ang istorya ni Tales dahil hanggang sa huling bahagi ng aklat ay nababanggit pa rin si Tales/ Matanglawin at matatandaang mismong si Simoun ay nakipag-alyansa sa mga pwersa ni Matanglawin. Dahil di naman “pinatay” ni Rizal si Matanglawin (bagamat ayon sa libro ng isang pambansang alagad ng sining, si Matanglawin daw ang napatay ni Tano), ang gurong naging kastilyero (guro sa San Diego na naging tagagawa ng bomba at baril pagkatapos dumanas ng inhustisya), si Basilio, si Tandang Pablo (pinuno ng mga rebelde na unang nabanggit sa “Noli”) at iba pa, may sapat na tauhan ang kwento para magpatuloy ang rebolusyong sinimulan ni Simoun at ituwid ang mga pagkakamali niya. Paano itutuloy ang 248 Suri, Saliksik, Sanaysay rebolusyon? Anong gagamitin sa rebolusyon? Sa huling kabanata ng “El Fili,” itinapon ni Padre Florentino sa dagat ang kayamanan ni Simoun na maaaring gamiting pondo ng mga rebolusyunaryo at/o repormista nang may pag-asang muli itong maiaahon kapag kinailangan: “Ingatan ka nawa ng kalikasan sa kailaliman…Kapag alang-alang sa isang hangaring banal at dakila, kailanganin ka ng mga tao, malalaman ng Diyos kung paano ka iaahon mula sa sinapupunan ng mga alon...” Tinapos ni Rizal sa bahaging ito ang “El Filibusterismo.” Sayang at di na nakagawa ng sequel dahil limang taon mula nang ilimbag ang El Fili, binaril na sa Bagumbayan si Rizal. Mahigit 70 taon pagkatapos barilin si Rizal, inilimbag ni Amado “Ka Amado” V. Hernandez, pambansang alagad ng sining sa panitikan, ang nobelang “Mga Ibong Mandaragit” na nagsimula kung saan nagtapos ang El Fili. Sinimulan itong isulat ni Ka Amado habang nakabilanggo sa bintang na “rebellion complex with murder.” Pinagbintangan ng administrasyong Quirino si Ka Amado na komunista dahil sa kanyang pagiging isang lider- manggagawa na naghahangad ng mga repormang sosyo-ekonomiko (parang si Rizal na pinagbintangang subersibo). Sa “Mga Ibong Mandaragit,” isang mas nakababatang gerilya (noong panahon ng Hapon), sa gabay ng isang matandang rebolusyunaryong beterano ng 1896 Revolution, ang makapag-aahon mula sa dagat ng kayamanan ni Simoun. Ginamit niya ito sa pagpapatupad ng samu’t saring hakbang na makapagpapalaya sa mga Pilipino mula sa kahirapan gaya ng reporma sa lupa, pagtatayo ng mga industriya at makabayang unibersidad hanggang sa pagtatayo ng isang makabayang pahayagan para sa muling pagpapasimula ng Kilusang Propaganda. Itinuloy ni Ka Amado ang “rebolusyon” sa mga nobela ni Rizal. Dahil wala namang makabuluhang pagbabago mula noon hanggang ngayon, makabuluhang basahin pa rin ang Noli, Fili at “Mga Ibong Mandaragit.” Taglay nito ang mga Rizalistang preskripsyon sa mga di magamut-gamot na sakit ng ating naghihingalong bayan. Sa ganitong diwa, iminumungkahi ng may-akda na gawin na ring required reading ang “Mga Ibong Mandaragit11” upang higit na maging kontekstwalisado at holistiko ang perspektiba ng mga mag-aaral tungkol sa kasaysayan ng bansa mula sa panahon ni Rizal hanggang sa kasalukuyan.

11 Sa High School Department ng St. Scholastica College at Ateneo de Manila University, required reading na ang “Mga Ibong Mandaragit” ni Amado V. Hernandez. Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal 249

Marxistang Pagsipat: Ang Tatsulok ng Lipunan Noon at Ngayon

Pamilyar sa mga Pilipino ang awiting “Tatsulok” ng bandang Buklod na nirevive ng Bamboo. Ayon sa lyrics nito, “Habang may tatsulok/at sila ang nasa tuktok/hindi matatapos itong gulo.” Tinutukoy ng “tatsulok” ang tatsulok ng lipunan o social pyramid na umiiral sa Pilipinas. Tatsulok sapagkat pinaghaharian ng kakaunting nasa itaas (ang elite) ang mayorya ng mga mamamayan na nasa ilalim (ang mga simpleng mamamayan). Ang ideya ng pag-iral ng tatsulok ng lipunan ay naimpluwensyahan ng kaisipan ni Karl Marx (ang “Ama ng Komunismo”) hinggil sa pagkakaroon ng dalawang dambuhalang uring panlipunan o social class: ang uring burgesya (bourgeoisie) at ang uring proletaryado (proletariat). Saklaw ng burgesya ang mga malalaking negosyante, mga matataas na opisyal ng gobyerno at mga panginoong maylupa o landlord. Saklaw naman ng proletaryado ang mayorya ng mga simpleng mamamayan gaya ng mga manggagawa at magsasaka. Nasa gitna ng dalawang uring ito ang petiburgesya o (petibourgeoisie). Ayon kay Marx, ang dalawang dambuhalang uring panlipunan ay laging nagsasalungatan dahil sa kanilang magkaibang interes at layunin ng pag-iral: ang burgesya ay laging naghahangad ng tubo at mas malaki pang tubo sa pamamagitan ng pang-aapi at pagsasamantala sa masang busabos samantalang ang proletaryado naman ay laging naghahangad ng paglaya mula sa tanikala ng pagkaalipin na ipinataw ng burgesya. Ang petiburgesya ay tila pendulum na palipat-lipat ng panig. Sa “Noli” at “Fili,” maaaring itumbas sa burgesya ang mga mapang-aping pwersa (oppressors) na pinangungunahan ng mga konserbatibo, ipokrito at masasamang prayleng Kastila, mga tiwaling opisyal ng gobyernong kolonyal at mga indio na kasabwat nila sa pagpapataw ng kolonyalismong Kastila sa bansa. Maaari namang itumbas sa proletaryado ang inaaping sektor (oppressed/ marginalized) na kinabibilangan ng mga simpleng mamamayang indio, mga paring Pilipino na may mapagpalayang kaisipan, ilang naliliwanagang opisyal ng pamahalaan, at mga rebeldeng naghahangad din ng pagbabago, Bagamat hindi eksaktong-eksakto ang tumbasang ito, maaaring gamitin ang inilahad na tumbasan upang magkaroon ng panimulang kaalaman ang mga mag-aaral hinggil sa ideya ng Marxismo at ng pagkakahati-hati ng mga uri sa pamamagitan ng “Noli” at “Fili” ni Rizal12. Sa pamamagitan ng ganitong kaalaman, maaaring mamulat ang mga mag- aaral sa pangangailangan ng radikal na pagbabagong panlipunan upang mapawi na

12 Para sa karagdagang pagsusuri: http://ejournals.ph/index.php?journal=DALUMAT&page=article&op=view&path%5B%5D=3164 250 Suri, Saliksik, Sanaysay ang pagsasamantala (exploitation) at pang-aapi (oppression) ng mga tao sa kapwa nila tao. Kung tutuusin, ang ideya ng tatsulok ng lipunan sa Marxismo, at sa “Noli” at “Fili” ay maaaring lalong mapayaman sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa mga awiting panlipunan gaya ng “Upuan” ni Gloc9. Sa awit ni Gloc9, ang lipunan ay nahahati naman sa pagitan ng mga “nakaupo” (mga makapangyarihan) at ang bayan na nagsusumamong “matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko” (ang mga anak- dalitang walang tinig at walang kapangyarihan sa lipunan na laging naghihintay ng pagdating ng magandang bukas).

Payak na May Impact: Camaroncocido, Sinong, Gurong naging Kastilyero Atbp.

Sa anumang dakilang akdang pampanitikan, madalas na nakakalimutang pagtuunang-pansin ng mga guro at mag-aaral ang mga tinatawag na minor character, mga payak na tauhan na walang ispesipikong kabanatang nakapangalan sa kanila. Sa kasamaang-palad, ang ilan sa mga payak na karakter na ito ay may malaking impact (o potensiyal na impact) sa takbo ng pangyayari sa nobela, kung susuriing mabuti. Samakatwid, kinakailangang magsikhay ang balana na bigyang-pansin ang mga karakter na ito. Nariyan si Camaroncocido, isang Kastilang pulubi na nakarinig sa mga usapan hinggil sa planong pag-aalsa (tingnan ang Kabanata 2 ng “El Fili”). Ipinagkibit-balikat lamang niya ang mga narinig dahil para sa kanya, ang kanyang sikmurang kumakalam ang pangunahing problema na dapat niyang lutasin. Kung tutuusin, si Camaroncocido ang larawan ng maraming ordinaryong Pilipino na ayaw makisangkot sa mga suliranin ng bayan sa dahilang mas inuuna nilang lutasin ang kanilang karukhaan o kakulangan. “Sarili muna, saka na ang bayan” ang kanilang motto. Dapat ding sipatin ang katauhan ni Sinong, ang kutserong nakaranas ng pagmamalupit ng mga gwardya-sibil sa araw mismo ng Noche Buena (Kabanata 5 ng “El Fili”). Malaon, naging isa siya sa mga matapat na tauhan ni Simoun. Interesante ring suriin ang gurong naging kastilyero. Kapansin-pansin na ang guro sa Kabanata 19 ng “Noli Me Tangere” na natanggal sa pagtuturo dahil sa pagpapatupad ng mga repormang pang-edukasyon ay tila ang guro rin na nasa Kabanata 19 ng “El Filibusterismo” na naging kastilyero. Sa halip na libro ay baril, bala at bomba na ang expertise ng guro sa “El Filibusterismo.” Reading between the lines, nailigtas siya ni Simoun sa pagkakapatapon o exile at naging matapat na kapanalig sa kanyang rebolusyon. Isang magandang aral ito na hindi pa rin natututuhan ng Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal 251 maraming gobyerno sa buong mundo ngunit nabanggit na ni US President John F. Kennedy: “Those who make peaceful revolution impossible will make violent revolution inevitable.” Kung pasisimplehin: ang humahadlang sa reporma, lalong nagtutulak sa mga tao na magrebolusyon. Maganda ring isailalim sa kontekstwalisasyon ang buhay ni Carolino o Tano, ang anak na lalaki ni Kabesang Tales na naging gwardya- sibil. Si Tano ay larawan ng marami-raming sundalong Pilipino mula sa mahihirap na pamilya na nalalagay sa alanganing sitwasyon kung saan nakakaengkwentro nila ang kani-kanilang kamag-anak na sumapi naman sa mga rebeldeng grupo dahil din sa inhustisya at pagdaralita. Sa “El Fili,” napatay ni Tano ang kanyang lolo na si Tandang Selo na nagrebelde dahil sa kawalan ng hustisya sa pagkamatay ni Juli. Sa gitna ng malalang katiwalian sa pamahalaan, napakagandang suriin ang katauhan ni Don Filipo, ang isa sa mga matatapat at matitinong opisyal sa San Diego. Larawan siya ng mangilan-ngilang lider sa Pilipinas na handang magsakripisyo ng sariling kapakanan para sa bayan. Sa “Noli,” naging tagapagtaguyod siya ng maayos na paggastos ng pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng taktikang itinuro ni Pilosopong Tasio (Kabanata 20), karapatang pantao (Kabanata 24) at kalayaan sa malayang pamamahayag (Kabanata 40). Bago pa dumating ang mga Senador Lorenzo Tañada, Claro M. Recto, Jose W. Diokno, , Teofisto Guingona, Sr., at Aquilino “Nene” Pimentel, may Don Filipo na sa “Noli” ni Rizal. Samantala, dapat ding bigyan-diin ang sinapit ni Andong Sintu-sinto sa Kabanata 57 ng “Noli.” Si Andong ay isang tambay o bystander na inaresto ng mga gwardya- sibil dahil nasa lugar siya ng pinangyarihan ng diumano’y rebelyon. Ang totoo, nasa madilim na lugar siya upang “dumumi” o “tumae” lamang. Sinasalamin ni Andong ang napakarami pang inosenteng biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao ng mga pamahalaang handang sumikil sa kalayaan sa ngalan ng pagsugpo sa rebelyon o rebolusyon.

Pangwakas

Walang dahilan upang tamarin ang sambayanang Pilipino, lalo na ang mga kabataang mula sa middle class at elite, sa pagbabasa at muling pagbabasa ng “Noli” at “Fili.” Napakarami nang bersyon nito sa iba’t ibang wika. Naglipana rin ang mga “gabay” sa pagbabasa ng mga nobela ni Rizal. Pinatunayan sa papel na ito na maraming alternatibong pagbasa sa “Noli” at “Fili” na maaaring subukin o iexplore ng mga mag-aaral. Kumbaga sa siga o bonfire,titis o spark lamang ang papel na ito. 252 Suri, Saliksik, Sanaysay

Ang mambabasa na ang magpapasya kung papagningasin niya ang titis hanggang magningas at maging dambuhalang siga o ito’y pababayaan na lamang niyang mamatay nang unti-unti.

Mga Sanggunian:

Almario, Virgilio. Si Rizal: Nobelista (Pagbasa sa Noli at Fili bilang Nobela). Quezon City: University of the Philippines Press, 2008. Print.

Commission on Higher Education. Memorandum Order No. 59, Series of 1996.

Commission on Higher Education. Memorandum Order No. 4, Series of 1997.

GMA News. “Govt may relax 60-40 rule to attract foreign investors.” GMA News Online, 2011. Web. 17 Aug. 2011.

Gramsci, Antonio. Selections from Cultural Writings. David Forgacs and Geoffrey Nowell-Smith (eds.) and William Boelhower (trans.). London: Lawrence and Wishart, 1985. Print.

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. “Peasants’ Report During the Forum on Economic, Social and Cultural Rights: Violations and Remedies.” Kabuhayan, Karapatan, Katarungan: Reports Presented During the Forum on Economic, Social and Cultural Rights: Violations and Remedies. Quezon City: IBON Foundation Inc., 2008. Print.

Komisyon sa Wikang Filipino. “Isang Post-Kolonyal na Pagbasa kina Andres Bonifacio at Jose Rizal sa Himagsikan ng 1898: Mga Nawawalang Teksto, Mga Pahiwatig ng Konteksto.” Gawad Surian sa Sanaysay-Gantimpalang Collanates (1992-1998). Manila: Komisyon sa Wikang FIlipino, 1998. Print.

Lekachman, Robert. Capitalism for Beginners. New York: Pantheon Books, 1981. Print.

Lenin, Vladimir. Imperialism: The Highest Stage of Capitalism. Marxist Internet Archive, 2005. Web. 17 Aug. 2011. Alternatibong Pagbasa sa Mga Nobela ni Jose Rizal 253

Matthieson, Romuald. “God must be crazy: Mideo Cruz and his blasphemous art.” On The Wings Of My Dream. BluePanjeet.Net, 2011. Web. 16 Aug. 2011.

National Democratic Front of the Philippines (NDFP). “12-Point Program of the National Democratic Front of the Philippines.” NDFP Online, 2007. Web. 17 Aug. 2011.

Ocampo, Ambeth. Rizal Without The Overcoat. Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 2008. Print.

Rizal, Jose. Noli Me Tangere. Antolina T. Antonio at Patricia Melendrez-Cruz (trans.). Quezon City: Komite ng Kultura ar Kabatiran ng ASEAN, 1991. Print.

______. El Filibusterismo. Virgilio S. Almario (trans.). Quezon City: Adarna House, 1998. Print.

San Juan, David Michael et al. Rizal ng Bayan. Pulilan, Bulacan: BackPackers Media Group Inc., 2011. Print.

Sison, Jose Maria. Philippine Society and Revolution. Philippines: Aklatang Bayan, 2006. Print.

Santos, Rufino. “Statement of the Philippine Hierarchy on the Novels of Dr. Jose Rizal.” CBCP Online. Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), 1956. Web. 17 Aug. 2011. paaralang aking pinagtuturuan, na karamihan sa mga estudyante’y galing sa mga mayayaman at kilalang angkan, marami-rami na ring mag-aaral ang umaangal sa ipinagpipilitang English Only Campaign ng eskwelahan. At bakit nga hindi, gayong kahit medyo ma-Ingles ang kanilang Filipino ay walang dudang Filipino na rin ang mas gamitin ng marami-rami sa kanila. Kapag oras ng meryenda o tanghalian, Filipino ang madalas na marinig kong tsismisan. Patagong natutuwa ako sapagkat mismong mga estudyante naming coño ay sa Filipino na rin nagtsitsismisan. Kung tutuusin, ang sapilitan nilang pagraratsada sa EO 210 at HB 4701 ay senyales ng pamamayani ng Filipino sa aktwal na pagtuturo. Hindi sila magkukumahog na “palakasin” ang Ingles kung ito’y hindi mahina at nadadaig ng Filipino sa arena ng edukasyon. Patunay lamang ito na hindi lamang sa buong Pilipinas kundi sa lahat ng antas ng lipunan ay laganap at ginagamit na ang Filipino, aminin man at hindi ng mga Amerikanista. Samantala, dahil naman sa pakunswelong tagubilin ng Commission on Higher Education (CHED) sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013, maaaring gamiting wikang panturo sa alinmang asignatura sa bagong General Education Curriculum sa kolehiyo ang wikang Filipino paaralang aking pinagtuturuan, na karamihan sa mga estudyante’y galing sa mga mayayaman at kilalang angkan, marami-rami na ring mag-aaral ang umaangal sa ipinagpipilitang English Only Campaign ng eskwelahan. At bakit nga hindi, gayong kahit medyo ma-Ingles ang kanilang Filipino ay walang dudang Filipino na rin ang mas gamitin ng marami-rami sa kanila. Kapag oras ng meryenda o tanghalian, Filipino ang madalas na marinig kong tsismisan. Patagong natutuwa ako sapagkat mismong mga estudyante naming coño ay sa Filipino na rin nagtsitsismisan. Kung tutuusin, ang sapilitan nilang pagraratsada sa EO 210 at HB 4701 ay senyales ng pamamayani ng Filipino sa aktwal na pagtuturo. Hindi sila magkukumahog na “palakasin” ang Ingles kung ito’y hindi mahina at nadadaig ng Filipino sa arena ng edukasyon. Patunay lamang ito na hindi lamang sa buong Pilipinas kundi sa lahat ng antas ng lipunan ay laganap at ginagamit na ang Filipino, aminin man at hindi ng mga Amerikanista. Samantala, dahil naman sa pakunswelong tagubilin ng Commission on Higher Education (CHED) sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013, maaaring gamiting wikang panturo sa alinmang asignatura sa bagong General Education Curriculum sa kolehiyo ang wikang Filipino

Ang Pagsasalin sa Panahon ng Krisis ng Globalisasyon: Ambag sa Intelektwalisasyon ng Wikang Pambansa at Reoryentasyon ng Kamalayan ng Madla1

a panahon ng globalisasyon, lalong tumitingkad ang kahalagahan ng pagsasalin bilang isang proseso at propesyon. Wika ni Cronin (2003), “...ang globalisasyon ay di humantong sa pagkamatay ng pagsasalin, sa halip, ang pagsapit ng modernong panahon ay nagbunsod ng Spagsambulat ng demand para sa pagsasalin.” Sa paghahangad ng mas malaking tubo sa mga pamilihan sa mga bansang mahihirap na tinaguriang Third World, napilitan ang mga dambuhalang kumpanyang multinasyunal at/o transnasyunal gaya ng Nestlé, Procter & Gamble at McDonalds na bitiwan ang kanilang Oksidentalismo (ang ganap na pagyakap at pagkiling sa diumano’y superyoridad ng kulturang Kanluranin) sa pamamagitan ng lokalisasyon o indigenisasyon ng kanilang mga patalastas at packaging. 1

1 Ang sanaysay na ito ay nirebisang bersyon ng papel na binasa sa pangwakas na programa ng Buwan ng Wika 2010 sa Mapua Institute of Technology, Manila. Binibigyang-diin sa artikulo ang kahalagahan ng pagsasalin sa panahon ng krisis ng globalisasyon: ang pag-unawa sa karanasan ng mga mamamayan sa ibang bansa ay mas epektibong maisasabalikat sa pagsasalin ng mga akdang naglalahad ng kanilang mga buhay at pakikibaka. Tinalakay rin sa papel ang potensiyal ng bagong kurikulum sa ilalim ng K to 12 sa Pilipinas na lumikha ng karagdagang demand para sa pagsasalin ng mga akdang akma sa mga kompetensi sa pag-aaral ng wika, panitikan at iba pang larangan mula hayskul hanggang kolehiyo. Bilang panimula, kalakip din ng papel na ito ang salin ng ilang bahagi ng akda nina Paulo Freire, Hugo Chavez, Antonio Gramsci, Alejandro Lichauco, Renato Constantino, at Eduardo Galeano. 258 Suri, Saliksik, Sanaysay

Maging ang kilusang anti-globalisasyon (anti-globalization movement) na patuloy na lumalawak dahil sa masasamang epekto ng globalisasyong ekonomiko sa mga mamamayan ng mga bansang Third Worldat maging sa mga manggagawa ng mga bansang First World ay naging daan upang lumaki ang pangangailangan sa pagsasalin. Inihayag ni Bull (2001) na dahilan sa modernong midya, tumindi ang malasakit at pakialam ng mga nagpoprotesta laban sa globalisasyon sa mga malalayong rehiyon ng daigdig at sa buhay ng mga mamamayang di nila katulad ang pamumuhay. Samakatwid, ang mga isyung inaakalang lokal ay nagiging global ang saklaw dahil sa ganitong diwa ng pagkakaisa (solidarity) at kolektibong kamalayan (collective consciousness). Halimbawa, ang pananakop ng Estados Unidos sa Iraq ay tinutulan ng maraming mamamayan sa buong daigdig, kung paanong nakikisimpatya rin ang mga unyon ng mga manggagawa sa First World sa mas miserableng kalagayan ng mga pinagsasamantalahang manggagawa sa Third World. Upang maging mabisa at mapatibay ang ganitong “concern” ng mga mamamayan ng isang bansa para sa iba pang mamamayang hindi nila kababayan, kinakailangan ang pagsasalin ng karanasan at kaalaman ng iba’t ibang bansa (Cronin 2003). Ang pagsasalin lamang ang makapagpapatibay sa pag-uugnay ng mga kolektibong karanasan, hinaing, damdamin at pangarap ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa. Ang ganitong proseso ay lalong nagiging imperatibo sa panahon ng krisis sa daigdig. Ang mga isyung tulad ng disempleyo, kahirapan, pagdausdos ng halaga ng kita, deindustriyalisasyon, rasismo, ekstremistang nasyonalismo, pagtitipid ng pondo para sa serbisyong panlipunan (austerity), paglawak ng inequality sa yaman at kita, pagkawasak ng kalikasan bunsod ng kahayukan sa tubo ng mga dambuhalang kumpanya, at marami pang iba ay mga isyung bumabagabag kapwa sa mga nasa Third World at nasa First World noon pa, at lalo na nang sumambulat ang pinakarecent na krisis pandaigdig noong 2008. Sa panahong ito, malaki ang pangangailangan na magsalin ng mga akdang makatutulong di lamang sa intelektwalisasyon ng Filipino sa iba’t ibang larangan, kundi makapag-aambag din sa reoryentasyon ng kamalayan ng mga mamamayan tungo sa pagbuo ng bagong daigdig na mapayapa, makatarungan, maunlad, at sustentable. Isang malaking oportunidad ang binubuksan ng pagsasalin tungo sa paglutas ng mga magkakaugnay o magkakahawig na suliraning panlipunan sa daigdig. Pinalalawak ng pagsasalin, di lamang ang pananaw o perspektiba ng mamamayang pinatutungkulan ng salin, kundi maging ang “balon ng kaalaman” (salin ng “pool of knowledge” na binanggit ni Bernard, 1992) na magagamit ng sambayanan sa araw-araw na praktika ng buhay sa masalimuot na globalisadong daigdig. Sa pamamagitan ng isang case study ng pagsasalin sa bansang Tsina, Ang Pagsasalin sa Panahon ng Krisis ng Globalisasyon 259 mahusay na naipaliwanag ni Kenan (2002) ang papel ng pagsasalin sa pagbabagong panlipunan. Aniya, ang pagsasalin ay isang catalyst o aktibong kalahok sa pagbabagong panlipunan sapagkat ang mga akdang isinasalin sa isang partikular na panahon ay nagdadala rin ng mga bagong kaisipan na nagpapayaman o kaya’y humahamon sa mga umiiral na lumang kaisipan. Samakatwid, ang pagsasalin ng mga piling akda mula sa ibang panig ng daigdig ay maaaring magbunsod ng pagbabagong sistematiko (systematic) at sistemiko (systemic) sa isang lipunang matagal nang nakakulong sa lumang kaisipan at kaayusan. Maaaring samantalahin ng mga progresibong tagasalin ang implementasyon ng bagong kurikulum sa ilalim ng programang K to 12 mula antas sekundarya hanggang antas tersyarya, upang impluwensyahan ang direksyon sa hinaharap ng mga akdang salin, at gayundin ang pangkalahatang direksyon ng pedagohiya sa Pilipinas. Sa antas sekundarya, may pangangailangan sa mga akdang salin mula sa mga wikang rehiyunal (Baitang 7); wikang Asyano (Baitang 9); at iba pang wika ng daigdig (Baitang 10), para sa mga klase ng Filipino. Sa bagong- dagdag na asignatura sa Araling Panlipunan na Contemporary Issues (Baitang 10), malaki rin ang pangangailangan para sa mga salin. Para sa mga asignatura sa Baitang 11 at 12 gaya ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino; Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik; 21st Century Literature from the Philippines and the World; Understanding Culture, Society, and Politics; Earth Science; at Disaster Readiness and Risk Reduction, tiyak na marami ring salin ang kailangan. Samantala, dahil naman sa pakunswelong tagubilin ng Commission on Higher Education (CHED) sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013, maaaring gamiting wikang panturo sa alinmang asignatura sa bagong General Education Curriculum sa kolehiyo ang wikang Filipino, bagamat tinangka rin ng nasabing CMO na burahin ang wikang pambansa bilang asignatura sa antas tersyarya, bagay na hinadlangan ng matagumpay na pakikibaka ng iba’t ibang pangkat sa pangunguna ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA). Maraming tekstong maaaring isalin para sa core courses sa bagong GEC (Readings in Philippine History/Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas; The Contemporary World/Ang Kasalukuyang Daigdig; at Science, Technology and Society/Agham, Teknolohiya at Lipunan, atbp.), gaya ng mga tatalakayin sa ibaba – mga akdang makatutulong sa reoryentasyon ng kamalayan ng madla tungo sa pagbabagong sistematiko (systematic) at sistemiko (systemic) na hinahangad ng maraming mamamayan sa gitna ng di maampat na krisis ng ekonomikong globalisasyon. 260 Suri, Saliksik, Sanaysay

The Politics of Education at Pedagogy of the Oppressed ni Paulo Freire

Si Paulo Freire ay isang sikat na edukador mula sa Brazil. Ang kanyang mga akda ay naisalin na sa mahigit 18 wika. Bukod sa pagtuturo sa iba’t ibang unibersidad sa Amerika Latina ay naanyayahan din siyang magturo sa Harvard University dahil sa kanyang teoryang pang-edukasyon na kinikilala at pinag-aaralan ng maraming mga edukador, lalo na sa mga bansang Third World.Naging kalihim din siya ng Kagawaran ng Edukasyon ng Estado ng São Paulo, Brazil at konsultant ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Malawak ang kanyang karanasan bilang edukador di lamang sa Amerika Latina kundi sa Europa, Norte Amerika at Aprika. Bunga ng kanyang mayamang karanasan sa pagtuturo at pakikipamuhay sa mga dukha ay naisulat ni Freire ang “Pedagogy of the Oppressed,” ang pinakasikat niyang aklat (orihinal sa wikang Portuges). Sinuri at pinuna ni Freire sa kanyang obra maestra ang sistemang pang-edukasyon sa mga bansang Third World batay sa karanasan ng kanyang bansa. Tinawag niyang “edukasyong alkansya” o “suksok-hugot” o “banking education” ang namamayaning sistemang pang-edukasyon noon (at magpahanggang ngayon). Pangangabisote at basa-bigkas sa tahasang pagtukoy: kung anong sabihin ng guro ay siya ring uulitin, bibigkasin, isusulat at muling uulitin, bibigkasin at mememoryahin ng mga tila lorong mag-aaral. Samakatwid, ang “edukasyong alkansya” (banking education) ay gumagamit ng metodong “nagsusuksok” lamang ng kaalaman sa kukote ng mga mag-aaral (ang inaakalang “dapat isipin”) sa halip na ganap na linangin ang kaisipan ng estudyante upang matuto itong lumikha, magproseso at umunawa ng kaalaman (ang proseso kung paano mag-isip). Mayamang “balon ng kaalaman” ang mga sinulat ni Freire sa pagtalakay ng mga paksa sa pilosopiya, sosyolohiya at wika. Katunayan, nananatiling malawak ang impluwensya ni Freire sa larangan ng edukasyon hanggang sa panahon ng globalisasyon. Narito ang salin sa Filipino ng isang bahagi ng kanyang aklat na “The Politics of Education: Culture, Power and Liberation” na isinalin ni Donaldo Macedo mula sa orihinal na Portuges. Ang Pagsasalin sa Panahon ng Krisis ng Globalisasyon 261

Ang Proseso ng Pagkatuto

Sa pagbuo ng anumang bibliyograpiya, may isang pangunahing layunin: ang pagbibigay- diin o pagpapasigla sa pagnanais ng isang potensiyal na mambabasa na lalo pang matuto. Kung hindi maisakatuparan ng isang bibliyograpiya ang layuning ito, kung tila may hindi ito naisama o kaya’y hindi nito hinahamon ang mga mambabasa, ang dahilan ng paggamit nito ay nawawalang-saysay. Kapag nangyari ito, nawawalan na ng silbi ang bibliyograpiya, mapapasama lamang ito sa iba pang bagay sa mga tokador ng desk. Sa pagbuo ng isang bibliyograpiya, may tatlong kategorya ng tao na dapat isaalang-alang: ang mga mamamayang pinatutungkulan nito, ang mga may-akdang binanggit dito, at iba pang mga manunulat ng bibliyograpiya sa pangkalahatan. Ang isang listahang bibliyograpikal ay hindi maaaring buuin sa pamamagitan lamang ng walang ingat na pagkopya sa mga pamagat o sa pamamagitan ng bagay na narinig. Gayundin, ang isang bibliyograpiya ay hindi dapat maging dogmatiko sa pagtatakda ng mga babasahin; dapat itong humamon sa mga mambabasa. Ang hamong ito ay lalong nagiging matibay habang sinisimulan ng mambabasa ang pag-aaral sa mga binanggit na akda, hindi sa pamamagitan ng pasaklaw at pahapyaw na pagbabasa. Tunay ngang ang pag-aaral ay isang mahirap na tungkuling nangangailangan ng sistematiko at mapanuring saloobin at disiplinang pangkaisipan na makakamit lamang sa pamamagitan ng pagsasanay. Ang mapanuring saloobing ito ang mismong hindi ibinubunga ng “edukasyong alkansya” o “suksok-hugot.2” Kabaligtaran nito, ang pangunahing pokus ng edukasyong suksok-hugot ay patayin ang ating pagkamausisa, ang ating diwang mapagtanong, at ang ating pagkamalikhain. Ang disiplina ng isang estudyante ay nagiging disiplina para sa katalinuhang kaugnay ng teksto, sa halip na isang mahalagang kritisismo nito. Kapag sumailalim ang mga mambabasa sa simpleng prosesong ito, nagiging mekanikal na proseso na lamang ang pagbabasa, at ito, sa lahat iba pang salik, ang makapagpapaliwanag sa di pagkaunawa ng mga mambabasa sa teksto at pangangarap nila nang gising hinggil sa iba pang bagay. Ang hinihingi sa mga mambabasa, sa kabuuan, ay hindi ang pag-unawa sa teksto kundi ang pagsasaulo. Sa halip na pag- unawa sa teksto, ang pagsasaulo ang nagiging hamon at kapag nagawa ito ng mga

2 Ang mga pariralang ito rin ang ginamit ng mananaliksik sa sanaysay na “Kontra-Gahum: Ang Lahatang-Panig at Kapit-sa-Patalim na Pag-unlad at Pagsulong ng Wikang Pambansa Mula sa Panahon ng Kolonyalismo Hanggang sa Bungad ng Ikalawang Milenyo” na nagwagi ng Unang Gantimpala sa KWF-Gawad Surian sa Sanaysay 2010. 262 Suri, Saliksik, Sanaysay mambabasa, nakatugon sila sa hamon. Sa mapanuring pananaw, iba ang nangyayari: nararamdaman ng mambabasa ang paghamon ng buong teksto at ang layunin ng mambabasa ay ang unawain ang mas malalim nitong kahulugan…

Talumpating “Climate and Capitalism” ni Hugo Chavez

Si Hugo Chávez (1954-2013) ang sosyalistang pangulo ng Venezuela mula 1998 hanggang sa kanyang kamatayang bunsod ng nanumbalik na kanser. Bago naging presidente, isang sundalo si Chavez, na namuno sa isang bigong kudeta laban sa neoliberal at pasistang rehimeng Perez. Noong 2002, isang kudetang sinuportahan ng Estados Unidos ang pansamantalang nagpatalsik kay Chavez. Nakabalik sa pagkapresidente si Chavez matapos lamang ang ilang araw ng kudeta dahil sa malawakang kilos-protesta ng sambayanan ng Venezuela laban sa kudeta at pabor kay Chavez. Mula noon hanggang sa kanyang kamatayan noong 2013, nagpatupad ng mga radikal na repormang sosyo-ekonomiko si Chavez upang ipagpatuloy ang pagbubuo sa sosyalistang republika ng Venezuela. Kilala si Chavez bilang karismatiko at mataginting na tinig ng Amerika Latina at ng buong Third World laban sa imperyalismo, kapitalismo at neokolonyalismo ng mga mauunlad na bansa sa Hilaga. Ang talumpating ito (na pinalakpakan ng mga nakikinig) ay binigkas niya sa Kumperensiya sa Pagbabago ng Klima sa Copenhagen, Denmark noong Disyembre 2009:

“Klima at Kapitalismo”

...Huwag nating baguhin ang klima, baguhin natin ang sistema! At sa pamamagitan nito, masisimulan natin ang pagliligtas sa mundo. Ang kapitalismo ay mapangwasak na modelo ng kaunlaran na pumapatay sa buhay sa daigdig; winawakasan nito ang pag-iral ng sangkatauhan. At isa pang islogan ang dapat pagnilayan. Ito'y akmang-akma sa krisis pinansyal na lumunod sa daigdig at nakaaapekto pa rin dito, at kaugnay ng pagbibigay- ayuda ng mga mayayamang bansa sa Hilaga sa mga bangkero at sa mga malalaking bangko... Ang Pagsasalin sa Panahon ng Krisis ng Globalisasyon 263

Isinisigaw nila sa mga lansangan: Kung ang klima ay isang bangko, iniligtas na nila ito...Kung ang klima ay isa sa mga pinakamalalaking bangkong kapitalista, iniligtas na ito ng mayayamang gobyerno... Winawasak ng mayayaman ang mundo. Akala ba nila'y may mapupuntahan pa silang ibang planeta kapag nawasak na ang mundo?...ang pagbabago ng klima'y walang dudang isa sa pinakamalalang problemang pangkalikasan sa siglong ito. Ang mga baha, tagtuyot, malalakas na bagyo, hurricane, nalulusaw na yelo, pagtaas ng tubig sa dagat, asidipikasyon ng karagatan at matinding init, lahat ng ito'y nagpapatindi sa epekto ng pandaigdigang krisis na ating kinakaharap. Ang mga aktibidad ng sangkatauhan sa kasalukuyan ay lumagpas na sa lebel na sustainable, nalalagay sa peligro ang buhay sa mundo...Ngayon, ang dahilan, ano ang dahilan? Pag-usapan natin ang dahilan, huwag nating takasan ang mga responsibilidad, at huwag nating takasan ang lalim ng problemang ito. Ang dahilan, walang duda...ay ang mapangwasak na sistemang metabolikal ng kapital at ang modelong kumakatawan dito: Kapitalismo... Sosyalismo, ito ang tuwid na landas, ito ang landas na magliligtas sa mundo... Ang Kapitalismo'y daan tungong impyerno, tungo sa pagkawasak ng mundo...kaya nating iligtas ang Daigdig na ito sa pagiging libingan ng sangkatauhan. Gawin nating langit ang daigdig na ito, isang kalangitan ng buhay, ng kapayapaan at pagkakapatiran ng buong sangkatauhan, para sa sangkatauhan…

Artikulong “The Conquest of The State” ni Antonio Gramsci

Si Antonio Gramsci (1891-1937) ay isang Italyanong Marxista na kasaping- tagapagtatag o “founding member” ng Partito Comunista d’Italia o Partido Komunista ng Italya, ang pinakamalakas na partido komunista sa buong Europa, labas pa sa Partido Komunista ng Unyong Sobyet, sa mga panahong iyon. Kasama ng libu-libo pang radikal, ikinulong siya ng pasistang gobyerno ng diktador na si Benito Mussolini. Namatay siya noong 1937 bunsod ng pagkakasakit na dulot ng pagkakabilanggo. Popular sa mga radikal ang kanyang mga sinulat habang nakabilanggo na kilala sa tawag na “Prison Notebooks.” Ang artikulong isinalin ay isinulat ni Gramsci para sa isang radikal na pahayagan. 264 Suri, Saliksik, Sanaysay

“Ang Pagkontrol sa Gobyerno”

...Sa larangan ng pangkalahatang kapitalistang aktibidad, maging ang manggagawang kumikilos sa loob ng malayang kompetisyon ay isang mamamayan-indibidwal. Ngunit ang mga panimulang kondisyon ng “pakikibaka sa buhay” ay di pare-pareho sa lahat, sa iisang panahon: lamang na kaagad ang ang iilan sa lipunan dahil sa pribadong pag- aari, kaya hindi pantay ang simula ng lahat. Ang manggagawa’y laging nakahantad (exposed) sa mga peligrong nakamamatay: ang kanyang simpleng buhay, ang kanyang kultura, ang kanyang buhay at hinaharap ng kanyang pamilya’y apektado ng mararahas na bigwas ng pagkakaiba-iba sa pamilihan ng paggawa (labor market). Sinusubukan ng manggagawa na makatakas sa kompetisyon at indibidwalismo. Kung gayon, ang prinsipyo ng asosasyon at pagkakaisa ay nagiging mahalaga sa uring manggagawa, binabago ng mga ito ang pag-iisip at mga nakagawian ng mga manggagawa at mga magsasaka...... Ang pagbuo sa gobyerno ng mga manggagawa ay hindi, samakatuwid, bunga ng aksyon ng isang nagmimilagro: ito mismo’y paglikha, proseso ng pag-unlad. Kailangan dito ang paghahanda sa larangan ng pag-oorganisa at propaganda. Kailangang bigyan ng mas malawak na kapangyarihan ang mga umiiral nang institusyon ng mga manggagawa, bumuo pa ng mga gayong institusyon sa mga komunidad, tiyakin na ang mga bumubuo sa mga ito’y mga komunistang may kamalayan sa rebolusyonaryong misyon na dapat itaguyod ng mga nasabing institusyon. Kung hindi ito mangyayari, ang lahat ng pagsisikap ng masang manggagawa ay hindi magtatagumpay sa paghadlang sa miserableng paglipat ng rebolusyon sa bagong parlamento ng mga huwad na alagad ng sining, mga taong puro salita lamang, at mga makasariling oportunista...

Nationalist Economics, Towards A New Economic Order and The Conquest of Mass Poverty at Hunger, Corruption and Betrayal: A Primer on U.S. Neocolonialism and the Philippine Crisis ni Alejandro Lichauco

Si Alejandro Lichauco isang akademistang Pilipino na sa wikang Ingles nagsulat. Nagtapos ng ekonomiks at abugasya sa Harvard University si Lichauco. Naging kinatawan din siya ng unang distrito ng Rizal sa Constitutional Convention Ang Pagsasalin sa Panahon ng Krisis ng Globalisasyon 265 noong 1971, kung saan isinulong niya ang pagkakaroon ng isang makabansang sosyo-ekonomikong adyenda na mag-aahon sa Pilipinas mula sa kahirapan. Bilang ekonomista, itinaguyod ni Lichauco ang industriyalisasyon at pagsandig sa sarili (self-reliance) bilang mga mahahalagang sangkap sa pag-unlad ng bansa. Isinulat niya ang “Nationalist Economics: History, Theory and Practice” upang ipaliwanag kung paano bubuuin ang isang ekonomyang umaasa-sa-sarili (self-reliant) at malaya sa kontrol ng dayuhan. Taong 2005 nang ipalimbag ni Lichauco sa tulong ng Citizen’s Committee on the National Crisis (CCNC) ang “Hunger, Corruption and Betrayal: A Primer on U.S. Neocolonialism and the Philippine Crisis,” kung saan nilinaw ang papel ng neokolonyalismo (di tuwirang kontrol ng mga dayuhan sa ekonomya, pulitika at lipunan ng isang bansa) sa pagiging bansot ng ekonomya ng Pilipinas na siya namang dahilan ng malaganap na kahirapan at kagutumang dinaranas ng maraming Pilipino (ang “krisis” na permanente nang dinaranas ng sambayanan mula pa noong 1900s). Sa kabila ng mga di matatawarang kaisipan na nilalaman ng mga aklat ni Lichauco – na maaaring maging kasagutan sa suliranin ng kahirapan ng bansang Pilipinas – wala pa sa kanyang mga aklat ang naisalin na sa Filipino. Narito ang isang bahagi ng “Nationalist Economics” ni Lichauco:

Ang Programang Dekontrol ng 1962, Ang Pagbabasura sa Makabansang Ekonomiks at Panunumbalik ng Malayang Kalayaan

Noong 1962, isang bagong administrasyon ang naluklok sa kapangyarihan at ang unang pangunahing hakbang nito ay ang pagbabasura sa buong sistema ng kontrol sa dayuhang pananalapi na ipinatutupad mula pa noong 1950. Pinababa rin nito ang halaga ng piso mula sa opisyal na palitang P2:$1 tungong P3.90:$1. Iyon ang Programang Dekontrol. Ang mga sumusunod ang mga kagyat na bunga ng programa: (1) binitiwan ng pamahalaan ang kanyang kapangyarihan na itakda ang mga produktong maaari at di maaaring angkatin. Ang ganap na kalayaan sa pag-aangkat ay ibinalik...(2) isinuko ng pamahalaan ang kanyang kapangyarihan na itakda kung alin sa iba pang mga transaksyong kasangkot ang paggasta ng dolyar ang pahihintulutan. Nangangahulugan ito ng kalayaang maglipat o magpadala ng dolyar sa ibang bansa sa halos kahit anong dahilan... 266 Suri, Saliksik, Sanaysay

Nagkaroon din ng kalayaan ang mga dayuhang kumpanya na maglabas, nang walang limitasyon, ng tubong kanilang kinikita sa kanilang operasyon sa Pilipinas sa pamamagitan lamang ng paghiling sa Bangko Sentral na palitan ng mga dolyar ang kanilang mga piso...(4) ang halaga ng mga import ay awtomatikong tumaas. Dahil sa ang mga lokal na industriya ay lubhang nakadepende pa rin sa mga imported na makinarya at iba pang kagamitan, ang gastos sa produksyon…

The Miseducation of the Filipino at Nationalist Alternative ni Renato Constantino

Gaya ni Lichauco, itinataguyod din ni Renato Constantino ang pagkakaroon ng ekonomyang nagsasarili at malaya sa kontrol ng dayuhan. Si Constantino ay isang Pilipinong historyador, mananaliksik at diplomat na nagsuri sa neokolonyal na kalagayan ng ekonomya, edukasyon at lipunang Pilipino. Inugat niya sa kanyang mga aklat ukol sa kasaysayan ng Pilipinas gaya ng “The Philippines: A Past Revisited” kung paano naging miserable ang pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa kolonyalismo (tuwirang kontrol ng mga dayuhan sa ekonomya, pulitika at lipunan ng isang bansa) noon at neokolonyalismo (di tuwirang kontrol ng mga dayuhan sa ekonomya, pulitika at lipunan ng isang bansa) ngayon. Sa kabutihang- palad ay naisalin na sa Filipino ang “A Past Revisited.” Isinulat din ni Constantino ang “The Nationalist Alternative,” isang obra na gaya ng “Nationalist Economics” ni Lichauco ay naglahad ng mga hakbang na dapat isagawa upang umunlad ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagsandig sa sarili (self-reliance) sa halip na sa pamamagitan ng pag-asa o pagdepende sa mga dayuhang mamumuhunan o foreign investors. Naisalin na sa wikang Bahasa Melayu ang “The Nationalist Alternative” ngunit hindi pa ito naisasalin sa Filipino. Marami sa mga aklat at polyeto o pamphlet ni Constantino ang naisalin na rin sa wikang Hapon. Ilan sa kanyang mga pamphlet ay naisalin na rin sa wikang Intsik sa pagtataguyod ng Kaisa Para Sa Kaunlaran (KAISA), isang organisasyon ng mga Tsinoy na nagsusulong din ng makabansang adyenda ng Pilipinas. Naisalin na rin sa wikang Filipino ang pinakasikat na pamphlet ni Constantino na pinamagatang “The Miseducation of the Filipino,” ngunit nangangailangan na ng rebisyon ang orihinal na salin na nalimbag noong 1987 sa pamagat na “Ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino.” Kapansin-pansin sa pamagat pa lamang na ang Filipinong ginamit sa salin ng 1987 ay iba na sa Filipino ng ikalawang milenyo. Ang Pagsasalin sa Panahon ng Krisis ng Globalisasyon 267

Tinalakay ni Constantino sa “The Miseducation of the Filipino” ang masasamang epekto ng kolonisadong pag-iisip (colonized o colonial mentality) ng mga Pilipino. Ayon sa kanyang pagpapaliwanag, ang kolonisadong pag-iisip ng mga Pilipino na makikita sa ating Kanluraning kultura at edukasyon ay siya ring dahilan kung bakit patuloy tayong umaasa na ang mga dayuhang mamumuhunan lamang ang makapagliligtas sa ating ekonomya. Ang proseso ng labis na pagsamba sa mga dayuhang pamamaraan (foreign methodologies), partikular sa edukasyon at kultura na humahadlang sa pagbuo ng pambansa at makabansang kamalayan (national and nationalist consciouness) ay binansagan ni Constantino na “misedukasyon.” Narito ang isang bahagi ng “The Miseducation of the Filipino.”

Ang Misedukasyon ng Mga Pilipino

Ang mga bagong demand para sa kalayaang ekonomiko at ang pagtataguyod ng soberanyang pulitikal ay walang iniiwang pamimilian sa ating mga guro kundi ang muling pagsusuri sa kanilang pilosopiya, sa kanilang mga pagpapahalaga, at sa kanilang pangkalahatang pamamaraan sa paghubog ng mamamayang Pilipino na magpapasimula, magbibigay-suporta at magpapanatili sa mga layuning makabansa. Ang pagpupumilit na ipagpatuloy ang isang sistema na iniluwal sa ilalim ng pamumunong kolonyal, ang pagiging duwag sa harap ng tradisyunal na oposisyon ay hahantong lamang sa ebolusyon ng di pangkaraniwang sistemang pang-edukasyon na nahuhuli sa mga kagyat na pagbabagong ekonomiko at pulitikal na dinaranas ng bansa. Ano kung gayon ang mga makabansang tungkulin para sa edukasyon sa Pilipinas? Ang edukasyon ay di dapat tingnan bilang pagkakamit lamang ng kaalaman kundi ang paghubog sa tao upang siya’y makakilos nang pinakamabisa at may pakinabang sa loob ng kanyang lipunan. Samakatwid, ang edukasyon ay di maaaring ihiwalay sa lipunan ng isang partikular na bansa sa isang partikular na panahon. Isang kahunghangan ang isipin na ang mga layuning pang-edukasyon ay dapat magkakatulad sa lahat ng lugar at kung gayo’y kung ano ang kailangan sa paghubog ng Amerikanong ganap na edukado ay katulad ng kailangan sa paghubog ng mga Pilipinong ganap na edukado. Magiging totoo lamang ito kung ang dalawang lipunan ay nasa magkatulad na pulitikal, kultural at ekonomikong antas at mayroong magkatulad na mga layuning pulitikal, kultural at ekonomiko. Ngunit anong nangyari sa bansang ito? Hindi lamang natin ginagaya ang Kanluraning edukasyon, isinunod din natin ang padron ng ating edukasyon sa padron 268 Suri, Saliksik, Sanaysay ng mga bansang kanluraning pinakamaunlad sa teknolohiya. Ang agwat sa pagitan ng dalawang lipunan ay napakalawak. Katunayan, ang dalawang ito ay ganap na magkaibang lipunan na may mga magkaibang layunin.

Kwentong Dagli sa Panahong Nagmamadali: Ang Planeta ni Eduardo Galeano

Tiyak na katutuwaan ng mga kontemporaryong mag-aaral ang mga kwentong dagli (napakaikling kwento na kadalasa’y isang talata lamang) ni Eduardo Galeano. Si Galeano ay isang mananaysay, kwentista, historyador at mamamahayag na mamamayan ng bansang Uruguay (sa Amerika Latina). Ang “Las venas abiertas de América Latina” o “The Open Veins of Latin America” ang pinakatanyag na aklat ni Galeano. Naisalin na ito sa mahigit 20 wika. Matatandaang ito rin ang aklat na ibinigay na regalo ng presidente ng Venezuela na si Hugo Chávez sa inagurasyon ng pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama. Isinalaysay ni Galeano sa nasabing aklat ang mapait na kasaysayan ng kolonyalismo at imperyalismong Europeo sa Amerika Latina. Gaya nina Lichauco at Constantino, tinukoy ni Galeano ang kolonyalismo bilang salarin sa karukhaang dinaranas ng Third World, partikular ng Amerika Latina. Mahirap ilagay sa isang partikular na kategorya ang mga katha ni Galeano sapagkat bihasa siya sa paghahalu-halo ng “dokumentaryo, fiction,peryodismo/pamamahayag, pagsusuring pulitikal at kasaysayan” sa kanyang mga sinusulat (Liukkonen 2008). Taong 2006 nang ipalimbag ng Metropolitan Books ang “Voices of Time: A Life in Stories,” isang salin ng antolohiya ng mga kwentong dagli ni Galeano na pinamagatang “Bocas Del Tiempo.” Kawili-wili ang mga kwento sa koleksiyong ito dahil sa ikli at panlipunang nilalaman na walang tonong nangangaral. Narito ang ilan sa mga kwentong dagli mula sa “Voices of Time” ni Galeano.

Mga Unang Aralin

Mula sa mga bubwit, natuto tayong lumikha ng mga lagusan sa ilalim ng lupa.

Mula sa mga beaver ay natuto tayong lumikha ng mga dam. Ang Pagsasalin sa Panahon ng Krisis ng Globalisasyon 269

Mula sa mga ibon ay natuto tayong magtayo ng mga bahay.

Mula sa mga gagamba ay natuto tayong maghabi.

Mula sa mga trosong gumugulong sa burol ay natutuhan natin ang tungkol sa mga gulong.

Mula sa mga trosong lulutang-lutang at inaanod-anod ay natututuhan natin ang tungkol sa mga bangka.

Mula sa hangin ay natutuhan natin ang tungkol sa mga layag.

Paano natin natutuhan ang masasama nating gawain? Kanino natin natutuhang buwisitin ang ating kapitbahay at alipinin ang daigdig?

Kahirapan

Ayon sa estadistika, maraming dukha sa daigdig, ngunit sa totoo lamang, sila’y mas marami pa sa inaakalang marami na.

Isang batang mananaliksik, si Catalina Álvarez Insúa, ang umimbento ng isang kapaki- pakinabang na sukatan upang itama ang mga kalkulasyon.

“Ang mga dukha ay ang mga taong pinagsasaraduhan nila ng pinto,” sabi niya.

Nang ilahad niya ang kanyang pamantayan, siya’y tatlong taon pa lamang. Ang pinakamainam na edad sa pagtanaw sa daigdig at pagtuklas sa kalagayan nito.

Pagpapalayas

Noong Marso 2000, animnapung mamamayan ng Haiti ang naglayag sa dagat, sa bangkang maraming butas.

Nalunod silang lahat. 270 Suri, Saliksik, Sanaysay

Dahil lagi naman itong nangyayari, hindi ito nabalita.

Ang mga mamamayang nilamon ng tubig ng Caribbean ay mga magsasaka. Umalis sila dahil sa kawalan ng pag-asa.

Ang mga magsasaka ng Haiti ay naging mga mananagwan o pulubi sapagkat ipinagbawal ng International Monetary Fund ang proteksyon ng pamahalaan para sa mga lokal na prodyuser.

Ngayon, bumibili na ang Haiti ng bigas sa Estados Unidos, kung saan ang International Monetary Fund, na tila wala sa wisyo, ay nakalimutang ipagbawal ang proteksyon ng pamahalaan para sa mga lokal na prodyuser.

Bilang pangwakas, narito ang salin ng isang tulang tila nagpapahiwatig din sa kahalagahan ng pagsasalin bilang paraan ng pagtinangala at pagtanaw sa “mata” ng ating mga kapatid sa ibang bansa na may mga karanasan at pakikibakang gaya rin ng sa atin:

Dito sa pulso ng bagong araw na ito Ika’y maaaring magiliw na tumingala at patagusin ang paningin Sa mata ng iyong kapatid, sa Mukha ng iyong kapanalig, ng iyong bansa At payak na sabihin Payak na payak May pag-asa Magandang umaga.

—Maya Angelou mula sa tulang “On the Pulse of Morning” Labas, Lagpas, Lubog, Laya: Pagsipat sa Piling Akda Nina Karl Marx, Jose Maria Sison, at Vladimir Lenin Bilang Teksto sa Pagtuturo ng Filipino, Panitikan, Araling Asyano, Kasaysayan ng Daigdig, Ekonomiks, Mga Kontemporaryong Isyu, Readings in Philippine History, * at The Contemporary World 1

* Sa pagtindi at paglawak ng krisis ng neoliberalismo sa buong mundo, lalong nagiging maha- laga ang paggamit ng mga teksto at mga lente ng pagsipat na labas sa mga de-kahong neoliberal na perspektiba. Isa sa mga arena ng pingkian ng kaisipan ang mga paaralan na hanggang ngayo'y pinan- gingibabawan ng mga bangkaroteng teorya at teorista na pawang neoliberal at kung gayo'y kasapakat sa pagsambulat ng krisis noong 2008 na hanggang ngayo'y nananalasa pa rin sa buong daigdig. Sa ganitong diwa, ang papel na ito ay ekplorasyon sa progresibong potensiyal at/o espasyo sa mga asignaturang Fi- lipino at Panitikan (hayskul hanggang kolehiyo); Araling Asyano, Kasaysayan ng Daigdig, Ekonomiks, Mga Kontemporaryong Isyu (hayskul); at Readings in Philippine History at The Contemporary World (kolehiyo), gamit ang ilang tekstong akda nina Karl Marx, Vladimir Lenin, at Jose Maria Sison. Sinusuri ng papel na ito ang balangkas ng sistemang pang-edukasyon upang linawin kung paano magagamit ng mga guro at estudyante ang espasyo sa mga asignaturang ito - gaano mang kalimitado - sa paghubog ng mga guro at kabataang may mapanuring pag-iisip sa minimum at sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos ng mga mamamayan para sa makabuluhang pagbabagong panlipunan, sa maksimum. Bina- sa sa The Lenin Conference 2017 na may temang “The Continuing Relevance of Lenin and The Russia Revolution to the National Democratic Revolution” noong Pebrero 18, 2017 sa Malcolm Hall Theater, UP ang papel na ito. 272 Suri, Saliksik, Sanaysay

Maikling Kritik sa Mga Pagbabagong Dulot ng K to 12 sa Kurikulum

aya ng mga nakaraang pagbabago sa kurikulum, ang implementasyon ng K to 12 ay isang imposisyong mula sa itaas na isinagawa nang wala man lamang malawakang diskusyon at konsultasyon sa iba’t ibang sektor. Hindi kataka-taka na anim na kasong kontra K to 12 ang isinampa ng iba’t ibang grupong mula sa iba’t ibang oryentasyong ideolohikal G(G.R. No. 216930: Council for Teachers and Staff of Colleges and Universities of the Philippines, et al. v. President of the Philippines, et al.; G.R. No. 217752: Antonio "Sonny" F. Trillanes IV, et al. v. Executive Secretary, et al.; G.R. No. 218045: Eduardo R. Alicias, et al. v. Department of Education, et al.; G.R. No. 218098: Richard Troy A. Colmenares, et al. v. DepEd Secretary, et al.; G.R. No. 218123: ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, et al. v. President of the Philippines, et al.; at G.R. No. 218465: Ma. Dolores Brillantes, et al. v. President of the Philippines, et al.). Mala-Joseph Goebbels na inulit-ulit ng mga maka-K to 12 ang mga diumano’y mabibigat na dahilan at batayan ng pagpapatupad ng K to 12: pagsunod sa pamantayang global sa layuning makipagkumpetisyon sa ibang bansa (“global competitiveness”) bilang destinasyon ng dayuhang puhunan at suplayer ng mga manggagawa/propesyunal, mabilis na pagmamanupaktura ng mga semi-skilled na manggagawa at propesyunal para sa lokal at internasyunal na merkado sa ilalim ng banderang anti-edukasyong tersyarya para sa nakararaming mamamayan, at pagpapatuloy at pagpapalawak ng pag-eeksport ng mga manggagawa/propesyunal (labor export policy). Buhangin, kundi man burak, ang pundasyon ng kanilang mga argumento. Sa Overview ng Human Development Report 2016 ng United Nations Development Programme/UNDP (23-25), 72 bansa ang mas mahirap pa kaysa Pilipinas, at 2 lamang (Angola at Djibouti) sa mga ito ang hindi pa nagpapatupad ng K to 12. Hindi rin napaunlad ng K to 12 ang 70 bansa na matagal nang nag-K to 12! Sa huli niyang State of the Nation Address/ SONA (2015), inihayag ni Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III ang isa pang walang batayang paliwanag hinggil sa K to 12: “We implemented K to 12 because it is not practical to cram learning in a 10-year basic education cycle... The credentials of our countrymen working overseas are already being questioned; there are also some who have been demoted because our diplomas are supposedly not proof of sufficient knowledge...” Kabaligtaran ng realidad ang pahayag ng Labas, Lagpas, Lubog, Laya 273 gobyerno. Halimbawa, aktibong nagrerekrut ng mga Pilipinong nars ang National Health Service (NHS) ng United Kingdom at direktang pumupunta ang mga ahente nila sa Pilipinas upang maghanap ng pupuno sa 24,000 bakanteng posisyon noong 2016 (Weaver, 2016), at ayon sa mga anunsyo sa jobstreet.com.ph, gaya ng sa Jedegal Int’l. Manpower Services, Inc., maaaring mag-aplay para maging nars sa London ang mga Pilipinong may isang taon man lamang ng karanasan sa trabaho, at wala binabanggit na kailangan pa ang senior high school diploma. Bukod sa United Kingdom, may “government-to-government agreements” na ang Pilipinas para magpadala ng mga Pilipinong propesyunal sa sektor ng kalusugan sa Norway, Spain, Bahrain at Japan bago pa man maipatupad ang K to 12 (Makulec, 2014; vi). Sa pagsipat sa mga website ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay tatambad ang libu-libong job vacancies (2013-2016) para sa mga Pilipinong inhinyero, guro, manunulat, nars, manunulat, accountant sa halos lahat ng mga bansa mula Australia hanggang Zambia. Sa gayunding database ay may mga bakanteng posisyon para sa mga Pilipinong chemists, social workers, architects, agriculturists, dentists, foresters, geologists, guidance counselors, interior designers, librarians, master plumbers, medical technologists, doctors, midwives, nutritionists, optometrists, pharmacists, therapists, psychologists, radiologists, and veterinarians – mga propesyong saklaw ng Professional Regulatory Commission (PRC) ng Pilipinas. Maliwanag na kahit walang K to 12 ay in-demand na ang mga Pilipinong manggagawa. Ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na dineploy ng Pilipinas ay umabot na sa 1,844,406 (lagpas 5,000 kada araw) noong 2015 kumpara sa 1,832,668 (halos 5,000 kada araw) noong (POEA, 2015; 1). Noong 2015, ang Pilipinas ay una sa Timog-Silangang Asya at pangatlo sa daigdig sa pagtanggap ng remitans (World Bank, 2016; v), at mula 1962-2012, pinakamalala/pinakanegatibo sa Timog-Silangang Asya ang rekord ng bansa sa net migration (ang negatibong net migration value ay nangangahulugang mas maraming taong pumapasok kaysa lumalabas ng bansa) batay sa online na arkibo ng World Development Indicators ng World Bank. Samakatwid, kung susuriin mismo ang argumento ng gobyerno, hindi naman talaga kailangan ang K to 12, partikular ang karagdagang 2 taon ng hayskul. Ilohikal kung gayon ang hindi pagsunod ng gobyerno sa makatwirang rekomendasyon ng kaisa-isang kalitatibong pananaliksik sa isyu ng haba ng school cycle at kalidad ng edukasyon kaugnay ng K to 12 sa bansa (Felipe at Porio, c.2010): “(t)here is no clear empirical basis in TIMSS to justify a proposal for the Philippines to lengthen its education cycle...There is no basis to expect that lengthening the educational cycle calendar-wise, will improve the quality of education...The value 274 Suri, Saliksik, Sanaysay of the 12-year cycle is ultimately a matter of weighing the large and certain costs against the uncertain gains in lengthening the education cycle. However, one can adopt a guideline in weighing these costs and gains. One such guideline may be that individuals who are inconvenienced by non-standardised cycles should be the ones to bear the costs of reducing those inconveniences. People in the farms and small barangays should be spared the burden of a system that will not benefit them. The government could help those interested in foreign studies and work placement by supporting an appropriate system of assessment, rather than tinker with the whole cycle length. This solution addresses the alleged problem in a more focused way and does not indiscriminately impose on every Filipino the costs of meeting the needs of a few.” Kaugnay ng mga interesado sa pag-aaral sa ibang bansa, dapat bigyang-diin na kahit noong wala pang K to 12 sa Pilipinas ay maraming Pilipino na ang nakakakakuha ng mga prestihiyosong iskolarsyip gaya ng Erasmus Mundus Programme ng European Union (EU). Ayon sa isang press release ng Delegation of the European Union to the Philippines (2014), mula 2004-2014 ay mahigit 200 estudyante at lektyurer mula Pilipinas ang nakinabang na sa Erasmus Mundus. Mula 1948 ay libu-libong Pilipino na rin ang nagbenepisyo naman sa Fulbright Program ng Estados Unidos kahit noong wala pa ang K to 12 (Philippine-American Educational Foundation/PAEF, 2017). Sa pangkalahatan, palalalain lamang ng K to 12 ang dependensiya ng Pilipinas sa remitans at pananatilihin nito ang kawalan ng industriyalisasyon sa bansa (San Juan 2013a, 2014 at 2016), gaya ng pagsusuri ni Laquian (2011): “The most serious negative effect of labour export policies has been the neglect of domestic production and poor investments in infrastructure, agriculture, mining, export promotion, and social development because of the easy availability of funds from remittances. The country may be likened to a man who has become lazy because he receives remittances from a wife working as a domestic worker abroad. For the government, the easy money from foreign remittances is a major cause of its inability to pursue sound economic development programs.” Ang mga bansang sagana sa likas na yaman gaya ng Pilipinas ay di lubos na uunlad o makaaabot sa mataas na antas ng kaunlaran kung hindi magsasabalikat ng industriyalisasyon (Chang, 2008 at Lichauco, 1986). Sa panahong wala pang plano para sa industriyalisasyon ng Pilipinas, trabahong kontraktwal at/o mababa ang sweldo ang naghihintay sa mga unang batch na magtatapos ng K to 12/senior high school (San Juan, 2013a), lalo pa at mismong datos ng World Bank (2012) ang nagsasabing mas mataas ang average na sweldo ng mga graduate ng kolehiyo kaysa sa mga hindi graduate ng kolehiyo. Maisasakatuparan lamang ang industriyalisasyon na makapagpapaunlad Labas, Lagpas, Lubog, Laya 275 sa ekonomya kung may sapat na manggagawa at propesyunal ang bansa para sa sarili nitong pangangailangan (Roblas, 2011; Institute of Chartered Accountants in England and Wales, 2015). Maging ang mga maka-K to 12 gaya ni Okabe (2013) ay nagpahayag na ang “enhancement” ng edukasyong sekundarya ay hindi sapat para magdulot ng kaunlaran, at maaari pa ngang magpalala sa “brain drain” at “brain waste” sa bansa: “[A]long with improving education, the government needs to encourage industrial development and growth of domestic industries that can provide employment for higher educated school graduates.” Katulad ito ng perspektiba ni Sison (2015): “(t)heoretically, a K-12 program, properly oriented, planned and managed, could lead to genuine reforms that will truly benefit the Filipino people and youth in the realm of education. A truly patriotic, mass-oriented, and scientific educational system will be able to train millions of youth, help empower the people and build their nation through heightened social consciousness, scientific knowledge and technical skills—while also contributing to the general advance of human knowledge and development worldwide.” Samakatwid, mayroon o walang K to 12, nilalaman ng kurikulum at oryentasyon ng pedagohiya ang magtatakda kung makapagpapaunlad sa bansa ang sistemang pang-edukasyon o hindi. Sa pagtindi at paglawak ng krisis ng neoliberalismo sa buong mundo, lalong nagiging mahalaga ang paggamit ng mga teksto at mga lente ng pagsipat na labas sa mga de-kahong neoliberal na perspektiba. Isa sa mga arena ng pingkian ng kaisipan ang mga paaralan na hanggang ngayo'y pinangingibabawan ng mga bangkaroteng teorya at teorista na pawang neoliberal at kung gayo'y kasapakat sa pagsambulat ng krisis noong 2008 na hanggang ngayo'y nananalasa pa rin sa buong daigdig. Sa ganitong diwa, ang papel na ito ay ekplorasyon sa progresibong potensiyal at/o espasyo sa mga asignaturang Filipino at Panitikan (hayskul hanggang kolehiyo); Araling Asyano, Kasaysayan ng Daigdig, Ekonomiks, Mga Kontemporaryong Isyu (hayskul); at Readings in Philippine History at The Contemporary World (kolehiyo), gamit ang ilang tekstong akda nina Karl Marx, Vladimir Lenin, at Jose Maria Sison. Ipaliliwanag ng papel na ito kung paano magagamit ng mga guro at estudyante ang espasyo sa mga asignaturang ito (na pawang saklaw ng K to 12) - gaano mang kalimitado - sa paghubog ng mga guro at kabataang may mapanuring pag-iisip sa minimum at sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos ng mga mamamayan para sa makabuluhang pagbabagong panlipunan, sa maksimum. Inspirasyon ng papel na ito ang “proseso ng pag-aaral” (“act of study”) na tinalakay ni Freire sa The Politics of Education: Culture, Power and Liberation, partikular ang tungkol sa pagbubuo ng bibliyograpiya o talaan ng mga babasahin/ 276 Suri, Saliksik, Sanaysay sanggunian para sa pag-aaral. Batay sa nasabing sanaysay, “(i)n compiling any bibliography, there is one intrinsic purpose: focusing or stimulating a desire in a potential reader to learn more” at “to study is not to consume ideas, but to create and re-create them.” Sa ganitong diwa, inaasahang mapanghamon (challenging) sa nakararaming guro at mag-aaral ang karamihan sa mga tekstong radikal na iminumungkahing gamitin sa iba’t ibang asignatura. Tiyaga at pagsisikhay ang preskripsyon ni Freire sa pagbabasa ng mga tekstong sa simula’y inaakalang mahirap basahin: “(i)f we really assume a modest attitude compatible with a critical attitude, we need not feel foolish when confronted with even greater difficulties in trying to discern a deeper meaning from a text. A book isn’t always that easy to understand... we know that a tex can often be beyond our immediate ability to respond because it is a challenge...we must be committed to unlocking its mysteries. Understanding a text isn’t a gift from someone else. It requires patience and commitment from those who find it problematic.”

Rasyunale ng Pagpili Kina Marx, Lenin at Sison

Sina Karl Marx at Vladimir Lenin ay parehong maraming citation sa Google Scholar database. As of February 17, 2017, halimbawa, ang bersyong Pranses ng Das Kapital ni Marx ay may 47,900 citations habang ang Imperialism: The Highest Stage of Capitalism ni Lenin ay may 3,504 citations na mas mataas pa sa citations para sa lahat ng sinulat ni Arvin Diesmos (3,413 citations) na pansiyam sa ranggo sa “scientists in Philippines Institutions according to their Google Scholar Citations public profiles” na inilabas nghttp://www.webometrics.info noong Hunyo 2016. Samantala, ang halos 350 citations ni Jose Maria Sison/Amado Guerrero ay mas marami pa sa kabuuang 312 citations ni Pilarita Rivera na nasa ranggong 82 (sa 453) sa nabanggit na talaan ng mga mananaliksik mula sa Pilipinas. Lagpas pa sa citations sa Google Scholar, ang mga sinulat nina Marx, Lenin at Sison ay pawang binabasa at ginagamit pa rin ng malalaking kilusang panlipunan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ayon nga kay Eagleton (2011; x), “The Communist Manifesto has been described as ‘‘without doubt the single most influential text written in the nineteenth century.’’ Very few thinkers, as opposed to statesmen, scientists, soldiers, religious figures and the like, have changed the course of actual history as decisively as its author. There are no Cartesian governments, Platonist guerrilla fighters or Hegelian trade unions,” habang ang pang-uring “Marxista” at Labas, Lagpas, Lubog, Laya 277

“Leninista” ay ginagamit pa rin para ilarawan ang maraming tao at grupo hanggang sa kasalukuyan. Samantala, hindi rin maitatatwa ang malawak na impluwensya at prestihiyo ni Sison sa Pilipinas at iba pang bahagi ng daigdig bilang tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) na masasabing pinakamatandang aktibong rebolusyunaryong partido komunista sa buong mundo (50 taon na ito sa 2018), at kaisa-isa sa Timog-Silangang Asya (bukod sa CPP, ang Communist Party of India-Maoist na lamang ang aktibong rebolusyonaryong partido komunista sa mundo). Bukod pa sa historikal na rekord ng mga komunista sa Pilipinas bilang tagapagtanggol ng kalayaan ng bansa laban sa imperyalismong Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (sa pamamagitan ng pagtatatag nila sa Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon/HUKBALAHAP) at armadong paglaban sa diktadurang Marcos (sa pamamagitan ng New People’s Army/NPA), maaaring balikan ang simpleng paliwanag ni Isabelo De Los Reyes (1903) sa pahayagang “La Redención del obrero” hinggil sa kapatid na ideolohiya ng komunismo – ang sosyalismo upang lalong maging malinaw ang kabuluhang panlipunan at pedagohikal ng pagbasa sa mga tekstong radikal na sinulat ng mga komunistang gaya nina Marx, Lenin, at Sison: “Ang kahulugan ng “socialista” ay kapisanan ng mga manggagawa [na siyang lalong malaki at laganap sa lahat ng bayan] na nagnanais na sa loob ng katowiran at mga kautusang nakatatag sa pamagitan ng paggawa, pagaaral at pagiimpok ay makamtan ng mga manggagawang silay bumahagi sa kapakinabangan ng mga hanap-buhay, sa pagkat kung hindi dahil sa kanilang pawis ay hindi susulong at lalago ang anomang pagawaan, kalakal at sampu ng bayan...” Inaalingawngaw ito ng Konstitusyon ng Pilipinas (1987): “ARTIKULO XIII KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA KARAPATANG PANTAO. SEKSYON. 1. Dapat pag-ukulan ng Kongreso ng pinakamataas na prayoriti ang pagsasabatas ng mga hakbangin na mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa dignidad na pantao, magbabawas sa mga di pagkakapantay-pantay na panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika, at papawi sa mga di pagkakapantay- pantay na pangkalinangan sa pamamagitan ng ekwitableng pagpapalaganap ng kayamanan at kapangyarihang pampulitika para sa kabutihan ng lahat. Tungo sa mga mithiing ito, dapat regulahin ng Estado ang pagtatamo, pagmamay- ari, paggamit, at paglilipat ng ariarian at ng mga bunga nito...PAGGAWA. SEKSYON 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa...” Mala-sosyalista rin, sa esensya, ang pagkilala ng Konstitusyon ng Pilipinas “...sa karapatan ng paggawa sa karampatang kaparte nito sa mga bunga ng produksyon...” Lalong magiging interesante sa mga mamamayang Pilipino ang pag- 278 Suri, Saliksik, Sanaysay aaral ng mga tekstong radikal kapag isinaalang-alang ang mga repormang inihapag sa gobyerno ng Republika ng Pilipinas, ng mga komunistang Pilipino na kinakatawan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan sa Roma, Italya noong Enero 2017, sa pamamagitan ng borador ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER). Laman ng CASER ang mga komprehensibong reporma gaya ng “expropriation or confiscation of all agricultural lands and other agricultural means of production owned by landlords,” “national industrialization by developing and acquiring the capacity to produce consumer, intermediate, and capital goods,” “national minimum wage and salary that is indexed to the rising cost of living,” “ending contractualization and ensuring full employment,” “development, intellectualization and dissemination of the Filipino national language by more actively promoting its use in official communications, in teaching at all levels and in all fields of knowledge, and in mass media,” bukod pa sa pagpapatupad ng patakarang walang demolisyon kung walang sapat na plano ng relokasyon, pagbibigay-prayoriti sa paglalaan ng pondo mula sa kaban ng bayan para sa libre o abot-kayang edukasyon at serbisyong pangkalusugan, pagbabawas ng buwis sa mga mahihirap na pamilya at small and medium enterprises (SMEs), at abolisyon ng value-added tax (VAT) at excise taxes sa mga pangunahing produkto at serbisyo na kinokonsumo/tinatamasa ng mga ordinaryong mamamayan. Malinaw sa borador ng CASER na inihanda ng NDFP na isyung pang-ordinaryong tao, isyung dapat tinatalakay sa klase, ang mga tekstong radikal na lalong makapagbibigay ng detalye at paliwanag hinggil sa mga makabuluhang repormang panlipunan.

Espasyo Para sa Mga Tekstong Radikal sa Filipino at Panitikan

Kung tutuusin, natural na balwarte ng mga tekstong radikal ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa Pilipinas sapagkat ang wikang Filipino ay produkto ng pakikibaka mismo ng mga kilusang pangwika at siya ring wika ng mga kilusang panlipunan sa bansa (Gimenez Maceda, 1993 at Atienza, 1992) habang ang Panitikan naman sa bansa ay may malakas na tradisyong sosyal-realista/may kamalayang panlipunan mula pa sa mga huling dekada ng kolonyalismong Espanyol sa bansa at sa ilalim ng imperyalismong Amerikano (Ordoñez, 1996) hanggang sa kasalukuyan. Ang potensiyal ng paglawak ng espasyo para sa mga tekstong radikal sa Filipino at Panitikan ay sinusuhayan ng katotohanan na ang pananatili ng mga Labas, Lagpas, Lubog, Laya 279 asignaturang ito sa kolehiyo ay naipagtagumpay sa pamamagitan ng kolektibo at militanteng pagkilos ng mga guro, estudyante at mga mamamayang makabayan sa ilalim ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) na itinatag noong 2014 para labanan ang anti-nasyonalistang Commission on Higher Education (CHED) Memo. No. 2013 na nagtangkang pumaslang sa mga nasabing asignatura (San Juan, 2013 at 2015). Ayon sa “Filipino Gabay Pangkurikulum” (Mayo 2016) ng Departamento ng Edukasyon (DepEd), inaasahang pagkatapos ng Ikasampung Baitang/Grade 10 ay “naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayang global.” Sa Grade 10 ay inaasahang tatalakayin din ang mga nobela ng “mga bansa sa Kanluran” na sumasaklaw sa paglinang ng mga sumusunod na kasanayan: “Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw realismo o alinmang angkop na pananaw/ teoryang pampanitikan”; “Naisusulat ang suring-basa ng nobelang nabasa o napanood”; at “Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa mga teoryang pampanitikan.” Sa konteksto ng asignaturang Filipino sa Pilipinas, ang mga “teoryang pampanitikan” ay sumasaklaw sa mga dulog o approach sa panunuring pampanitikan gaya ng Realismo, Feminismo, at Marxismo. Sapagkat wala namang prescribed na nobela ng mga bansa sa Kanluran sa nasabing “gabay-pangkurikulum,” maaaring subuking ipabasa ng may-akda ang mga nobelang Marxista at/o sinulat ng mga Marxista/ sosyalista/komunista o maging ng mga simpleng anti-kapitalista lamang gaya ng mga sumusunod: The Jungle ni Upton Sinclair, Seeing ni Jose Saramago, The Grapes of Wrath ni John Steinbeck, at The Recessionistas ni Alexandra Lebenthal. Bilang lunsaran ng pagtalakay sa Marxismo, maaaring isalin/basahin ang Kabanata 13 sa Unang Tomo/Bolyum ng Das Kapital ni Marx, na maliwanag na naglalahad kung paano pinagsasamantalahan ng mga kapitalista ang mga manggagawa: “Capitalist production only then really begins, as we have already seen, when each individual capital employs simultaneously a comparatively large number of labourers; when consequently the labour-process is carried on on an extensive scale and yields, relatively, large quantities of products. A greater number of labourers working together, at the same time, in one place (or, if you will, in the same field of labour), in order to produce the same sort of commodity under the mastership of one capitalist, constitutes, both historically and logically, the starting-point of capitalist production. The directing motive, the end and aim of capitalist production, is to extract the greatest possible amount of surplus-value, and consequently to exploit 280 Suri, Saliksik, Sanaysay labour-power to the greatest possible extent. As the number of the co-operating labourers increases, so too does their resistance to the domination of capital, and with it, the necessity for capital to overcome this resistance by counterpressure. The control exercised by the capitalist is not only a special function, due to the nature of the social labour-process, and peculiar to that process, but it is, at the same time, a function of the exploitation of a social labour-process, and is consequently rooted in the unavoidable antagonism between the exploiter and the living and labouring raw material he exploits...” Sa ikaapat na markahan ng Grade 9 ay inaasahang matatalakay sa Filipino ang “Noli Me Tangere sa puso ng mga Asyano.” Isa sa mga inaasahang kasanayan na malilinang kaugnay nito ang sumusunod: “...natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito; pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito; pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino” at “Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang akda at ang mga epekto nito matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan.” Sa ikaapat na markahan ng Grade 10 naman ay pokus ng diskusyon ang “El Filibusterismo sa Nagbabagong Daigdig” na inaasahang malilinang ang mga sumusunod na kasanayan: “Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda; pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda; pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda”; “Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukasyon; pamamalakad sa pamahalaan;... paggamit ng kapangyarihan; kapangyarihan ng salapi; kalupitan at pagsasamantala sa kapwa; kahirapan; karapatang pantao...; paninindigan sa sariling prinsipyo” at “Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng: karanasang pansarili; gawaing pangkomunidad; isyung pambansa; pangyayaring pandaigdig.” Eksakto sa mga nabanggit na layunin ang maraming maiikling talumpati/ artikulo sa antolohiyang Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya ni Sison tulad ng mga sumusunod: “Si Rizal, Ang Kritiko ng Lipunan”; at “Hinggil sa Mga Pangunahing Isyu ng Panahon” at “Anatomiya ng Pulitikang Pilipino.” Para sa mga abanteng klase, maaari ring ipabasa kaugnay ng pagtalakay sa Noli Me Tangere ni Rizal ang Lipunan at Rebolusyon Pilipino ni Sison, lalo na ang bahaging hinggil sa “Kolonyalismo at Pyudalismong Espanyol” gayundin ang hinggil sa “Mga Pundamental na Problema ng Sambayanang Pilipino.” Sa pangkalahatan ay makatutulong din sa paglinang ng mga kasanayang iyon sa pagbasa at pagsusuri ng Labas, Lagpas, Lubog, Laya 281 mga nobela ni Rizal ang ilang bahagi ng Das Kapital at maging ng Imperialism: The Highest Stage of Capitalism at State and Revolution ni Vladimir Lenin. Halimbawa, partikular na interesante kaugnay ng kontemporaryong kontektwalisasyon ng Noli at El Fili ang mga sumusunod na sipi mula sa State and Revolution: “Freedom in capitalist society always remains about the same as it was in the ancient Greek republics: freedom for the slave owners...Democracy for an insignificant minority, democracy for the rich – that is the democracy of capitalist society...the oppressed are allowed once and every few years to decide which particular representatives of the oppressing class shall represent and repress them in parliament!” Kaugnay ito ng pagsusuri ni Pilosopong Tasio sa lipunang Pilipino sa Kabanata 25 ng Noli at ng panawagang rebolusyon ni Simoun sa Kabanata 33 ng El Fili. Samantala, sa asignaturang “21st Century Literature from the Philippines” and the World sa senior high school ay inirerekomendang ipabasa ang Mga Ibong Mandaragit ni Ka Amado V. Hernandez, lalo’t saklaw naman ng nasabing asignatura ang “canonical authors and works of Philippine National Artists in Literature.” Higit sa anupamang nobela sa loob at labas ng Pilipinas, ang obra maestrang ito ni Hernandez ang tila distilasyon ng mga ideya nina Marx, Lenin at Sison, lalo pa nga at talaga namang dedicated na sosyalista si Ka Amado gaya ng pinatutunayan sa aklat biyograpikal na Ka Amado (Reyes, 2012). Partikular na maaaring pagtuunang-pansin ang naratibo hinggil sa mga pagkahati-hati ng mga uri sa Pilipinas sa Kabanata XVI, at mga diyalogo hinggil sa sosyalismo, komunismo, at rebolusyon sa Kabanata XXII ng Mga Ibong Mandaragit na tila bersyong pasalaysay ng mga akda nina Marx, Lenin at Sison. Para naman sa asignaturang “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik” na isa sa tatlong asignaturang Filipino sa senior high school, maaaring saklawin ng pagtalakay ang alinman sa piling teksto nina Marx, Lenin at Sison, sapagkat bahagi ng asignaturang ito ang diskusyon hinggil sa mga tekstong “Impormatibo, Deskriptibo, Persuweysib, Naratibo, Argumentatibo, Prosidyural.” Karamihan sa mga sinulat nina Marx, Lenin, at Sison ay pawang mahuhusay na halimbawa ng tekstong impormatibo, deskriptibo, persuweysib, at argumentatibo. Halos serye ng mga kombinasyon ng iba’t ibang uri ng teksto ang mga segment ng Das Kapital ni Marx, gaya ng Kabanata 3 sa Unang Tomo/Bolyum na tungkol sa “salapi o sirkulasyon ng mga komoditi,” o ng Seksyon 1, Kabanata 9 sa Unang Tomo/Bolyum na tungkol sa “antas ng pagsasamantala sa manggagawa”; ang mga segment ng Imperialism, the Highest Stage of Capitalism ni Lenin, gaya ng Bahagi I hinggil sa “konsentrasyon ng produksyon at mga monopolyo,” at Bahagi IX hinggil sa “kritik sa imperyalismo”; at ang halos buong Lipunan at Rebolusyong Pilipino at karamihan 282 Suri, Saliksik, Sanaysay ng mga sanaysay sa antolohiyang Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya ni Sison.

Espasyo Para sa Mga Tekstong Radikal sa Mga Araling Panlipunan

Sa Araling Panlipunan, binura ng Departamento ng Edukasyon ang bukod na asignaturang Kasaysayan ng Pilipinas/Philippine History sa hayskul dahil sa K to 12 – bagay na tinututulan ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (TANGGOL KASAYSAYAN). Gayunman, tiyak na may espasyo pa rin ang mga tekstong sinulat nina Marx, Lenin at Sison sa mga asignaturang Araling Panlipunan mula Grade 7 – 10. “Pamantayang Pangnilalaman” ng Grade 7 batay sa “K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum” (Mayo 2016) ang sumusunod: “Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya , kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tungo sa pagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon ng Asya.” Sa ikatlong markahan ng Grade 7 AP ay inaasahang sasaklawin ang mga sumusunod na paksa: “Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya; Papel ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya; Ang mga Nagbago at Nanatili sa Ilalim ng Kolonyalismo; Epekto ng kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya; Transpormasyon ng mga pamayanan at estado sa Timog at Kanlurang Asya sa pagpasok ng mga kaisipan at impluwensiyang kanluranin...; Ang mga Karanasan sa Timog at Kanlurang Asya sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin.” Malaki ang progresibong potensiyal ng paglinang ng mga sumusunod na kasanayan para sa Grade 7 AP: “Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya” at “Naihahambing ang mga karanasan sa Timog at Kanlurang Asya sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin.” Sa mga bahaging ito ay eksakto ang paggamit ng mga kaisipan mula sa Imperialism: The Highest Stage of Capitalism at State and Revolution ni Vladimir Lenin. Partikular na maaari ring basahin para sa Grade 7 AP ang maikling talumpati ni Lenin sa Polytechnical Museum noong Agosto 23, 1918. Sa nasabing talumpati, ipinagtanggol ni Lenin ang rebolusyong sosyalista ng Rusya habang tinutuligsa ang gera ng mga imperyalista (ang Unang Digmaang Pandaigdig na Labas, Lagpas, Lubog, Laya 283 para kay Lenin ay gera sa ngalan ng pag-aagawan ng teritoryo, alalaon baga’y gerang imperyalista). Buong-linaw na tinukoy niya sa nasabing talumpati ang koneksyon ng akumulasyon ng yaman sa kapitalismo at ng imperyalismo: “But we know this war was carefully prepared, it matured and became inevitable...Because capitalism has concentrated the earth’s wealth in the hands of a few states and divided the world up to the last little bit. Any further division, any further enrichment could take place only at the expense of others, as the enrichment of one state at the expense of another. The issue could only be settled by force – and, accordingly, war between the world marauders became inevitable...” Pokus din ng pagtalakay sa Grade 7 AP ang “Nasyonalismo at Paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya,” na inaasahang lilinang sa mga sumusunod na kasanayan: “Nabibigyang-halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya”; “Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo”; “Naipapaliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya”; “Naipapahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo”; “Nasusuri ang mga pamamaraang ginamit sa Timog at Kanlurang Asya sa pagtatamo ng kalayaan mula sa kolonyalismo”; “Nasusuri ang matinding epekto ng mga digmaang pandaidig sa pag-aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista”; “Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya (ideolohiya ng malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa mga malawakang kilusang nasyonalista”; at “Nasusuri ang mga anyo at tugon sa neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.” Sa mga sumunod na bahagi ay may mga gayunding kompetensi para sa pagtalakay ng kasaysayan ng Timog-Silangang Asya. Para sa mga nabanggit na paksa at kasanayan, mainam na basahing muli ang mga sanaysay sa antolohiyang Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya ni Sison, lalo na ang mga sumusunod: “Pambansang Paglaya at Paglaya sa Uri”; “Ang Pagpapasya sa Sarili at Ugnayang Panlabas”; “Ang Kilusan sa Pagpapalaya sa Ekonomya Laban sa Imperyalismong US”; “Demokrasya at Sosyalismo”; at “Ang Papel ni Recto.” Narito ang ilang sipi mula sa sanaysay na “Ang Kilusan sa Pagpapalaya sa Ekonomya Laban sa Imperyalismong US” na nagpapaliwanag sa kalikasan (nature) ng imperyalismong US sa Pilipinas bilang lunsaran ng paglalahad ng panawagang ekonomikong liberasyon ng Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano: “Ano itong imperyalismong US na kinasusuklaman ng mismong tapat na mga Amerikano? Kapag nalaman natin ito, malalaman din natin ang pangunahing kaaway ng kilusan sa pagpapalaya sa ekonomya ng Pilipinas. Ayon sa depinisyon ni Lenin, ang modernong 284 Suri, Saliksik, Sanaysay imperyalismo, na pinakamahusay ngayong kinakatawan ng imperyalismong US, ay ang monopolyong yugto ng kapitalismo at may limang saligang salik sa ekonomya: (1) Ang produksyon at kapital ay konsentradong-konsentrado kayat gumagampan ng mapagpasyang papel sa buhay ekonomya ang mga monopolyo; (2) Nagsanib at naging dambuhalang mga imperyo ng pinansya at industriya, o kapital sa pinansya, ang kapital sa pagbabangko at kapital sa industriya; (3) Ang pag-eeksport ng kapital, ibig sabihi’y ang mga pamumuhunang dayuhan ay naging napakaimportante, na iba sa naunang yugto kung saan mangibabaw ang pag-eeksport ng mga kalakal; (4) Ang mundo’y pinaghati-hatian ng internasyunal na mga kartel at iba pang anyo ng kapitalistang monopolyo. (5) Ganap na ang teritoryal na dibisyon sa mundo sa pagitan ng pinakamalalaking kapitalistang kapangyarihan.” Hitik sa makabuluhang historikal na pagtalakay sa aktwal na mga aktwal na aksyon ng imperyalismong US ang nasabing sanaysay ni Sison: “Sa Tratado ng Paris noong Disyembre 10, 1898, binili ng United States sa mga Espanyol ang Pilipinas sa kakarampot na halagang 20 milyon. Pinayagang panatilihin ang pagmamay-ari ng mga mamamayang Espanyol at iba pang panginoong maylupa sa kanilang mga lupain. Pinanatili ng imperyalismong US ang sistemang panginoong maylupa at idinagdag dito ang pagsasamantala ng mga bangko ng Wall Street at mga empresang pangmineral at pang-agrikultura. Sapilitan pa ngang pinagbuwis ang mamamayang Pilipino sa kolonyal na rehimeng US para matugunan ang pangunahing bahagi ng gastusin para sa sarili nilang ―pasipikasyon at pinalutang ang interes sa bono sa ngalan ng gubyernong Pilipino sa pamamagitan ng mga bangko ng Wall Street. Masyadong makaisang panig pabor sa huli ang ugnayang pang-ekonomya ng Pilipinas at ng United States kayat ang Pilipinas ay nanatiling nag-eeksport ng hilaw na materyales at nag-iimport ng yaring produkto. Ang padron ng kalakalang kolonyal ay pinormalisa sa pamamagitan ng Batas Payne-Aldrich sa Taripa ng 1909, na nagpasigla sa ― malayang kalakalan sa buong panahon bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.” Sa bahaging ito ng kurikulum ng Grade 7 AP ay akmang-akma ring talakayin ang Communist Manifesto ni Marx at Friedrich Engels, sapagkat marami-raming bansang Third World sa iba’t ibang bahagi ng Asya ang tumangan sa ideolohiyang sosyalismo at/o komunismo, bilang “tugon sa neokolonyalismo.” Ang mga repormang komunista sa nasabing manipesto nina Marx at Engels – gaya ng “heavy progressive or graduated income tax”; “centralisation of credit in the hands of the state, by means of a national bank with State capital and an exclusive monopoly,” “centralisation of the means of communication and transport in the hands of the State,” “extension of factories Labas, Lagpas, Lubog, Laya 285 and instruments of production owned by the State; the bringing into cultivation of waste-lands, and the improvement of the soil generally in accordance with a common plan,” “equal liability of all to work. Establishment of industrial armies, especially for agriculture,” “combination of agriculture with manufacturing industries; gradual abolition of all the distinction between town and country by a more equable distribution of the populace over the country,” at “free education for all children in public schools. Abolition of children’s factory labour in its present form. Combination of education with industrial production” – ay aktwal na isina(sa)katuparan ng maraming gobyerno sa Asya na nagta(ta)ngkang makalaya sa tanikala ng neokolonyalismo. Sa Grade 8 AP, kabilang sa pokus ng talakayan ang paksang “Una at Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo,” “Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig,” at “Mga Ideolohiya, , at Neo-kolonyalismo.” Saklaw ng bahaging ito ang pagdebelop sa mga sumusunod na kasanayan: “Nasusuri ang mga dahilang nagbigay-daan sa Unang (at Ikalawang) Digmaang Pandaidig”; “Natataya ang mga epekto ng Unang (at Ikalawang) Digmaang Pandaigdig”; at “Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong institusyon ng lipunan” at “Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, ng Cold War at ng Neokolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.” Samakatwid, muling magagamit sa bahaging ito ang mga tekstong nabanggit sa mga naunang pagtalakay. Tungo sa mas malalim na pagtalakay sa “mga ideolohiya” at gayundin sa “neokolonyalismo” ay maaaring ipabasa sa bahaging ito ang Communist Manifesto nina Marx at Engels, gayundin ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Sison, at Imperialism: The Highest Stage of Capitalism ni Lenin. Mainam na maging lunsaran ang paliwanag ni Sison hinggil sa imperyalismo sa Pilipinas: “Ang ibig sabihin ng imperyalismo ay gera. Ang mga gera sa pagpapalawak mismo ay malaking negosyo na pinakikinabangan ng mga monopolyong kapitalista ng EU, pero sa bandang huli'y napapahamak din sila kung nabibigo ang mga gerang iyon. Ang di-makatarungang mga gerang iyon ang pinakamasamang klase ng pang-aapi at pagsasamantala sa mamamayang Amerkano at pati sa ibang sambayanan. Habang nagkukunwari ang imperyalistang estado na sinusunod nito ang "guhit ng tadhana", o wika nga nitong bandang huli'y idinidepensa ang "mundong malaya", pinipilit ang milyun-milyong manggagawang Amerikano na pag-ibayuhin ang monopolyong produksyon at magsundalo para lumaban sa ibang bayan. Layunin ng mga imperyalista na palawakin ang larangan ng monopolyong pamumuhunan sa ibang bayan, gawing posible ang pagdidispatsa ng tambak-tambak na yaring 286 Suri, Saliksik, Sanaysay kalakal at agawin ang mga mapapagkunan ng hilaw na materyales. Layuning pigain ang mas malaking ganansya sa ibang bayang kolonya at malakolonya...” Hinggil sa kolonyalismo, maaari namang balikan ang Socialist Revolution and the Right of Nations to Self-Determination ni Lenin: “Socialists must not only demand the unconditional and immediate liberation of the colonies without compensation—and this demand in its political expression signifies nothing more nor less than the recognition of the right to self-determination—but must render determined support to the more revolutionary elements in the bourgeois- democratic movements for national liberation in these countries and assist their rebellion—and if need be, their revolutionary war—against the imperialist powers that oppress them.” Samantala, ang Grade 9 AP naman ay Ekonomiks. Saklaw nito ang pagtalakay sa “Ugnayan ng Kita, Pag-iimpok, at Pagkonsumo”, sistema ng pagbubuwis sa Pilipinas, gayundin ang “Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran.” Akmang-akma sa bahaging ito ang pagbasa sa ilang bahagi ng Das Kapital at Communist Manifesto, lalo pa at naisalin na nina Dr. Ramon Guillermo at Dr. Edberto Villegas ang unang bahagi ng Das Kapital na sumasaklaw sa pagtalakay sa “kalakal at salapi,” at nakatakda itong ilathala ngayong 2017. Partikular na interesante sa Communist Manifesto ang mga preskripsyong ekonomiko tulad ng progresibong sistema ng pagbubuwis (na nasa Konstitusyon ng Pilipinas din), sentralisasyon ng kredit/pautang sa kamay ng Estado, bukod pa sa pagpapalakas ng ugnayan ng agrikultura at pagmamanupaktura, at libreng edukasyon sa mga publikong paaralan. Kaugnay naman ng “Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran,” maaaring sipatin ang ilang bahagi ng The New Economic Policy And The Tasks Of The Political Education Departments ni Lenin. Sa mga klase ng Ekonomiks ay makabuluhan ding sipatin ang mga akda ni Lichauco – tulad ng Nationalist Economics at Towards A New Economic Order and The Conquest of Mass Poverty– ­ na nagbigay-diin sa mga positibong aral na matututuhan ng mga bansang gaya ng Pilipinas sa mga bansang (dating) sosyalista/komunista gaya ng Tsina at Unyong Sobyet. Kaugnay nito, maaari ring talakayin ang “Papers on The Philippine Financial Crisis and its Roots” nina Lichauco, Sison, at Villegas (2004). Pinapaksa ng mga nasabing papel ang mga alternatibong programa para sa pagpapaunlad ng ekonomya ng Pilipinas, labas sa mga de-kahong preskripsyon ng neoliberalismo, at nakakiling sa makabayang ekonomiks, sosyalismo at/o komunismo. Ang Grade 10 AP ay higit na interesante at pleksible kung tutuusin sapagkat saklaw nito ang “Mga Kontemporaryong Isyu” na ganito ang Labas, Lagpas, Lubog, Laya 287

“pamantayang pangnilalaman” ayon sa gabay-pangkurikulum na inilabas ng DepEd: “Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pampulitika, karapatang pantao, pang- edukasyon, at pananagutang pansibiko na kinahaharap ng mga bansa sa kasalukuyan, gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pananaliksik, mapanuring pag-iisip,mabisang komunikasyon, pagiging makatarungan, at matalinong pagpapasya.” Ilan sa mga paksa sa Grade 10 AP ang mga sumusunod: “Mga Suliraning Pangkapaligiran”; “Unemployment, Globalisasyon, Sustainable Development”; “Migration (Migrasyon), Territorial and border conflicts, Political dynasties, Graft and corruption”; at “Pakikilahok sa mga Gawaing Politikal.” Tila mas mataas na bersyon ng Grade 10 AP ang asignaturang The Contemporary World sa kolehiyo na sumasaklaw sa mga paksang gaya ng “The Structures of Globalization,” “Sustainable Development,” at “Global Citizenship.” Akmang-akmang babasahin sa mga paksang ito ang maraming sinulat nina Marx, Lenin at Sison, gayundin ang mga pananaliksik na naimpluwensyahan ng kanilang mga kaisipan. Ang unang bolyum ng Crisis Generates Resistance at ang mga sanaysay sa Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya ni Sison ay ilan lamang sa mga komprehensibong sanggunian na maaaring gamitin sa asignaturang “Mga Kontemporaryong Isyu” at “The Contemporary World.” Magagamit din sa pagtalakay ng mga partikular na paksa sa dalawang magkaugnay na asignaturang ito ang mga napapanahong artikulo sa website ni Sison gaya ng mga sumusunod: “APEC’s Neoliberal Offensive and its Effect on Philippine Education,” “Paris Climate Talks are Predetermined by Monopoly Capitalist Aggravate Climate and Social Injustice and Crises,” “Patuloy na Kailangan Ang Rebolusyong Kultural.” Hinggil naman sa mga suliraning pangkapaligiran, partikular na maaaring basahin ang artikulong “Late Soviet Ecology and the Planetary Crisis” ni John Bellamy Foster, habang maaari namang sipatin ang “Lenin’s Prophecy of Globalization” ni George Steiner, kaugnay ng globalisasyon. Hinggil sa “Global Citizenship,” maaaring basahin at pagnilayan ng mga estudyante ang ilang bahagi ng Tasks of the Proletariat in Our Revolution ni Lenin: “There is one, and only one, kind of real internationalism, and that is – working wholeheartedly for the development of the revolutionary movement and the revolutionary struggle in one’s country, and supporting (by propaganda, sympathy and material aid) this struggle...,” at ang artikulong “Building Norway: A Critique of Slavoj Žižek” ni Sam Kriss (2015), na pawang nagbibigay-diin sa ideya ng progresibong internasyonalismo. Sa kolehiyo, bagamat tila malabnaw at matabang ang nilalaman ng 288 Suri, Saliksik, Sanaysay asignaturang “Readings in Philippine History” na inaasahang nakapokus sa mga “primaryang batis mula sa iba’t ibang panahon, pagsusuri, at interpretasyon” ay maaari pa ring magkaroon ng progresibong espasyo, partikular sa bahaging ito: “inaasahang mauunawaan ng mga mag-aaral at mabibigyan ng pagpapahalaga ang ating mayamang nakaraan sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga kamalayang mula sa mga táong mismong naging bahagi o saksi sa panahong naganap ang mga pangyayari sa kasaysayan.” Ang mga Marxista-Leninista sa Pilipinas, at mismong si Sison ay kahanay ng mga “bahagi” at “saksi” sa “mga pangyayari sa kasaysayan” ng bansa, gaya ng ipinapakita sa mga pelikulang “The Guerilla is a Poet” ni Kiri Dalena at “Tibak” ni Arlyn Dela Cruz. Pleksible sa esensya ang mga bahagi ng silabus ng “Readings in Philippine History” na inilabas ng CHED, tungkol sa “Iisang nakaraan ngunit maraming kasaysayan: mga kontrobersiya at magkakasalungat na mga pananaw hinggil sa kasaysayan ng Pilipinas.” Marahil ay hihigitan at lalagpasan ng mga guro at mag-aaral ang kabagut-bagot at halos di naman na kontrobersyal na mga halimbawang inilahad sa silabus na inilabas ng CHED kaugnay ng nasabing paksa: “Pinagdausan ng Unang Misa b. Pag- aalsa sa c. Retraksiyon o Pagtalikod ni Rizal d. Sigaw ng Balintawak o Pugadlawin.” Halimbawa’y maaari sigurong palitan ng ganito: “Luma versus Bagong Partido Komunista”; “Neoliberalismo versus Sosyalismo sa Siglo 21 sa Pilipinas”; “Patakarang Pilipino Muna versus Imposisyong IMF-World Bank”; “Reporma at Rebolusyon sa Panahong Post-Edsa”; “Ang Kaliwa Pagkatapos ng Edsa”; “CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program), CARPER (CARP Extension with Reforms) at GARB (Genuine Agrarian Reform Bill).” Saklaw rin ng “Readings in Philippine History” ang mga paksa na dati’y bukod na asignatura (Philippine Government and Constitution at Agrarian Reform & Taxation): “Mga Patakaran sa Repormang Panlupa” at “Ang Saligang-Batas: Saligang- Batas 1899 (Malolos); Saligang-Batas 1935; Saligang-Batas 1973; Saligang- Batas 1987” at “Sistema ng Buwis.” Sa mga bahaging hinggil sa Konstitusyon ay inirerekomendang ilangkap ang pagtalakay sa borador ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) na inihanda ng NDFP at ibinigay sa Gobyerno ng Republika ng Pilipinas noong Enero 12, 2017. Laman ng CASER na ito ang maraming makabuluhang sosyalista at malasosyalistang reporma na kahanay ng mga ideya nina Marx, Lenin at Sison. Labas, Lagpas, Lubog, Laya 289

Pangwakas

Sa kabila ng limitasyon ng mga asignaturang nakapaloob sa K to 12, napatunayan ng papel na may espasyo pa rin ang mga ito para sa pagtalakay ng mga radikal na tekstong makapagmumulat, makapag-oorganisa at makapagpapakilos ng mga mamamayan para sa makabuluhang pagbabagong panlipunan. Hamon sa lahat ng guro na lumabas sa mga de-kahong kompetensi, silabus at gabay-pangkurikulum ng DepEd at CHED, lumaya sa mga mainstream na framework at tradisyonal na paghihintay na lamang sa kung ano ang manggagaling sa “itaas” o sa “sentro,” at lumubog sa realidad ng mga komunidad sa bansa bilang lunsaran ng paghahanda ng sariling gabay-pangkurikulum at silabus na nakaangkla sa pangangailangan ng mga mamamayan at ng kanilang mga komunidad, at para sa pag-unlad ng buhay ng nakararami, sa halip na nakapadron sa mga kahingian ng mga dambuhalang korporasyong kapitalista at ng mga bansang imperyalista. Samakatwid, kailangang lagpasan na ang tradisyonal na framework ng DepEd at CHED sa pagbubuo ng mga silabus at gabay-pangkurikulum (e.g. imposisyong mula sa itaas at galing lamang sa mga “eksperto” na matagal nang hindi nakababad sa mga silid-aralan at mga komunidad). Panimulang hakbang sa prosesong ito ang kasalukuyang ginagawa ng Tanggol Wika na pagdebelop ng iba’t ibang asignaturang Filipino sa kolehiyo, na pagsunggab sa inisyatibang ayaw panghawakan ng CHED, matapos ipahinto ng Korte Suprema ang pagpaslang sa mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Naglabas lamang ang ahensya ng bagong CHED memorandum noong Hulyo 2016 para paimbabaw at pakunwaring ipahayag na sinusunod na nila ang utos ng Korte Suprema at inaatasan nila ang mga kolehiyo at unibersidad na gayundin ang gawin. Gayunman, ni hindi nagsumikap ang CHED na magpatawag ng pulong para lumikha ng mga bagong silabus ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Sa halip na pilitin ang CHED na maglabas ng mga silabus ay sinimulan na ng Tanggol Wika noong 2016 pa ang paglilibot-libot at pagsasagawa ng mga maliitan at malakihang asembliya/forum para matalakay at maiworksyap ang mga bagong silabus na mga guro ng Filipino sa kolehiyo mismo ang naghanda, gaya ng asignaturang Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KONKOMFIL); Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan (FILIPPAN); at Sine-Sosyedad (SINESOS). Ang mga asignaturang ito’y pawang nakabatay sa mga pangangailangan ng mga Pilipino, at gumagamit ng mga tekstong mapanuri at mapagpalaya. Tungkulin ng mga progresibong guro na sunggaban ang inisyatiba 290 Suri, Saliksik, Sanaysay sa pamamagitan ng paglabas, paglagpas at paglaya mula sa mga de-kahong silabus at gabay-pangkurikulum ng DepEd at CHED sa iba pang asignatura, habang kumikilos din para sa pagpapalaya ng buong lipunang Pilipino.

Mga Sanggunian:

Aquino, B. S. (2015). State of the nation address. Retrieved from http://www.gov. ph/2015/07/27/president-aquino-sixth-sona/

Atienza, M. (1992). Kilusang Pambansa-Demokratiko sa Wika. Lunsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas-Sistema.

Chang, H. J. (2008). Bad samaritans: The myth of free trade and the secret history of capitalism. New York: Bloomsbury Press.

De Los Reyes, I. (1903). “La Redención del obrero.” 12 December 1903, no. 10. Retrieved from http://hemerotecadigital.bne.es/results.vm?q=parent%3A00049195 90&s=0&lang=en

Delegation of the European Union to the Philippines. (2014). “30 Filipinos to take their MA and PhD Programmes in EU under the European Union's Erasmus Mundus Programme.” Retrieved from http://eeas.europa.eu/archives/delegations/ philippines/documents/press_corner/20141508.pdf

Felipe, A. & Porio, C. (c.2010). Length of school cycle and the “quality” of education. Retrieved from https://clubmanila.files.wordpress.com/2016/04/length-of-school- cycle-and-the.pdf

Freire, P. (1985). The Politics of Education: Culture, Power and Liberation. Bergin and Garvey Publishers, Inc.: Massachusetts.

Gimenez Maceda, T. (1993). The Filipino national language: Discourse on power. Retrieved from sealang.net/sala/archives/pdf8/maceda2003filipino.pdf

Hernandez, A. (1982). Mga ibong mandaragit/Birds of prey. Quezon City: Progressive Printing Palace. Labas, Lagpas, Lubog, Laya 291

Institute of Chartered Accountants in England and Wales (2015). Economic Insight South East Asia Quarterly briefing Q1 2015. Retrieved from https://www.icaew. com/~/media/corporate/files/about%20icaew/what%20we%20do/economic%20 insight/2015/sea/final%20south-east-asia-q1-2015-web.ashx

Laquian, P. (2011). “The Philippines’ Labour Export Policies – Pros and Cons.” Asia- Pacific Memo. 22 November 2011. Retrieved from http://www.asiapacificmemo.ca/ the-philippines-labour-export-policies-pros-and-cons

Lenin, V. (1918). State and Revolution. Retrieved from https://www.marxists.org/ archive/lenin/works/1917/staterev/

Lenin, V. (1917). Imperialism: The Highest Stage of Capitalism. Retrieved from https:// www.marxists.org/archive/lenin/works/1916/imp-hsc/

Lenin, V. (1918). Speech In Polytechnical Museum August 23, 1918. Retrieved from https://www.marxists.org/archive/lenin/works/1918/aug/23a.htm

Lenin, V. (1916). The Socialist Revolution and the Right of Nations to Self-Determination. Retrieved from https://www.marxists.org/archive/lenin/works/1916/jan/x01.htm

Lenin, V. (1921). The New Economic Policy And The Tasks Of The Political Education Departments. Retrieved from https://www.marxists.org/archive/lenin/works/1921/ oct/17.htm

Lenin, V. (1917). The Tasks of the Proletariat in Our Revolution. Retrieved from https://www.marxists.org/archive/lenin/works/1917/tasks/

Lichauco, A. (1986). Towards a new economic order and the conquest of mass poverty. Quezon City: A. Lichauco.

Lichauco, A., Sison, J.M. at Villegas, E. (2004). “Papers on The Philippine Financial Crisis and its Roots.” Retrieved from http://www.bayan.ph/wp-content/ uploads/2011/05/Papers-on-the-Philippine-financial-crisis-and-its-roots- Nov-2004.pdf

Makulec, A. (2014). Philippines’ Bilateral Labour Arrangements on Health Care Professional Migration: In Search of Meaning. International Labour Organization (ILO). Retrieved from http://www.ilo.org/wcmsp5/groups/public/---asia/---ro- bangkok/---ilo-manila/documents/publication/wcms_320609.pdf 292 Suri, Saliksik, Sanaysay

Marx, K. (1887). Das Kapital. Retrieved from https://www.marxists.org/archive/ marx/works/1867-c1/

Marx, K. and F. Engels. (1848). Communist Manifesto. Retrieved from https://www. marxists.org/archive/marx/works/1848/communist-manifesto/

National Democratic Front of the Philippines (2017). Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER). Retrieved from http://justpeace.ph/wp-content/ uploads/2017/02/CASER-draft-as-of-1701-12-exchanged-with-GRP.pdf

Okabe, M. (2013). Where Does Philippine Education Go? The “K to 12” Program and Reform of Philippine Basic Education. Institute of Developing Economies. Retrieved from http://www.ide.go.jp/English/Publish/Download/Dp/pdf/425.pdf

Ordoñez, E. (Ed.). (1996). Nationalist literature: A centennial forum. Quezon City: University of the Philippines Press and PANULAT.

Philippine-American Educational Foundation/PAEF. (2017). “About PAEF.” Retrieved from http://fulbright.org.ph/about-paef/

Philippine Overseas Employment Administration/POEA. (2015). OVERSEAS EMPLOYMENT STATISTICS: DEPLOYED OVERSEAS FILIPINO WORKERS 2014-2015. Retrieved from http://www.poea.gov.ph/ofwstat/compendium/2015. pdf

Reyes, J. C. (2012). Ka Amado. Quezon City: University of the Philippines Press.

Roblas, M. I. (2011). “PH S&T OFW BRAIN DRAIN RISES TO 148%” Department of Science and Technology. 16 February 2011. Retrieved from http:// www.dost.gov.ph/knowledge-resources/news/36-2011-news/295-ph-s-t-ofw- brain-drain-rises-to-148

San Juan, D. M. M. (2013a). Kaisipang nasyonalista at teoryang dependensiya sa edukasyon: Ideolohikal na kritik ng programang K to 12 ng Pilipinas/Nationalism and dependency theory in education: An ideological critique of the Philippine K to 12 program. Malay, 26(1), 96–120. Retrieved from http://ejournals.ph/index. php?journal=malay&page=article&op=viewArticle&path%5b%5d=7156

San Juan, D. M. M. (2013b). A LUTA CONTINUA!: Ang Kasalukuyang Pakikibaka Para sa Pagkakaroon ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Diliman Review, 60 (1-4), 44-60. Retrieved from http://journals.upd.edu.ph/index.php/dilimanreview/ Labas, Lagpas, Lubog, Laya 293 article/view/4861

San Juan, D. M. M. (2014). Pambansang salbabida at kadena ng dependensiya: Isang kritikal na pagsusuri sa labor export policy (LEP) ng Pilipinas/National lifesaver and chains of dependence: A critical review of the Philippine labor export policy (LEP). Malay, 27(1), 46–68. Retrieved from http://ejournals.ph/index. php?journal=malay&page=article&op=view&path%5b%5d=8608

San Juan, D. M. M. (2015). Kapit sa Patalim, Liwanag sa Dilim: Ang Wika at Panitikang Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo (1996-2014). Hasaan, 2 (1). Retrieved from http://ejournals.ph/article.php?id=10006

San Juan, D. M. M. (2016). Neoliberal Restructuring of Education in the Philippines: Dependency, Labor, Privatization, Critical Pedagogy, and the K to 12 System. Asia- Pacific Social Science Review, 16 (1), 80-110. Retrieved from https://www.ejournals. ph/article.php?id=9857

Sison, J. M. (2015). “APEC’s neoliberal offensive and its effect on Philippine education.” Retrieved from http://josemariasison.org/apecs-neoliberal-offensive- and-its-effect-on-philippine-education/

Sison, J.M. (2015). Crisis Generates Resistance (Volume 1: 2009-2015). International Network for Philippine Studies (INPS).

Sison, J.M. (1998). Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya. Kapisanan ng mga Tagasalin para sa Bayan (KASABAY). Retrieved from from https://aklatangbayan. files.wordpress.com/2013/02/makibaka_para_sa_pambansang_demokrasya_ ikatlong_ed_-_aklat.pdf

Sison, J.M. (1970). Lipunan at Rebolusyong Pilipino. Retrieved from https:// aklatangbayan.files.wordpress.com/2013/02/lrp.pdf

United Nations Development Programme. (2016). Overview: Human Development Report 2016 (Human Development for Everyone). Retrieved from http://hdr.undp. org/sites/default/files/HDR2016_EN_Overview_Web.pdf

Weaver, M. (2016). “NHS nurse shortages 'to last another four years'.” The Guardian. 29 February 2016. Retrieved from https://www.theguardian.com/society/2016/ feb/29/nhs-nurse-shortages-to-last-another-four-years

World Bank. (2016). Migration and remittances factbook 2016. Washington, D.C.: 294 Suri, Saliksik, Sanaysay

Global Knowledge Partnership on Migration and Development (KNOMAD). Retrieved from https://siteresources.worldbank.org/INTPROSPECTS/ Resources/334934-1199807908806/4549025-1450455807487/Factbookpart1.pdf Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika: Korapsyon ng Katotohanan Hinggil sa Batas Militar sa Mga Piling Teksbuk*

“The struggle of mankind against tyranny is the struggle of memory against forgetting.”

- Milan Kundera1

* Hindi maitatatwang sining din ang pagsulat ng teksbuk, gaya ng anupamang genre ng aklat. Kung ilalapat sa kasalukuyang sitwasyon ang diskurso nina Marx at Engels sa Manipestong Komunista hinggil sa mga tunggaliang panlipunan, ang mga teksbuk ay repleksyon din ng mga kontradiksyon sa pagitan ng mga uri (social class). Samakatwid, hindi maihihiwalay ang politika sa pagsulat ng teksbuk. Maaaring gamitin ang teksbuk sa masining na pagpapahayag ng politikal na paniniwala ng may-akda. Sa pamamagitan ng malalimang pagbasa ay malalantad sa anumang teksbuk ang politika ng pagsulat at ang pagsulat ng politika. Ang papel na ito na binasa sa DLSU Arts Congress 2013 ay pagsipat sa perspektiba ng ilang teksbuk hinggil sa Batas Militar sa Pilipinas upang mapatunayan na may umiiral na korapsyon ng katotohanan sa ilang sangguniang aklat. Sa ganitong diwa, ambag din ang papel na ito sa paglalantad ng korapsyon di lamang ng mga karakter sa kasaysayan, kundi maging ng mga manu- nulat na ang paniniwalang politikal ay nasa maling panig ng kasaysayan (halimbawa’y nasa panig ng diktadura, tahas man o di tahas). Sa kabuuan, isa itong tangkang tumulong sa paghahawan ng landas sa Pilipinisadong “pedagohiya ng liberasyon” kontra korapsyon na halaw sa ideya ni Paulo Freire. Nanati- ling makabuluhan ang kritisismo ng papel sa mga materyal na panturo sa Pilipinas, lalo pa at hanggang ngayo’y naka-upload pa rin sa website ng Departamento ng Edukasyon ang ilang problematikong modyul hinggil sa diktadurang Marcos: “Malabnaw at nagpipilit maging neutral ang bahaging ito ng modyul ng DepEd hinggil sa Batas Militar, gaya ng pinatutunayan ng halimbawang sipi na ito: “Ilan sa mga naisakatuparan ng Batas-Militar pagkatapos ng 9 na taon ay pagpapagawa ng imprastraktyur. Ang inaaning palay ay nadagdagan. Ang pagbabahagi ng lupaing pansakahan ay naging tahimik at maayos. Sa mga suliraning panlabas, sa tulong ni Unang Ginang Imelda R. Marcos ito ay sumulong. Naitatag ang relasyong pandiplomatiko sa Tsina, Unyong Sobyet at sa ibang mga bansang komunista sa Silan- gang Europa. Marami ring mga pulong pang-international ang ginanap sa Maynila...” 296 Suri, Saliksik, Sanaysay

Panimula

akabalik na sa kapangyarihan ang dati-rati’y destiyero, etse-pwera’t kinamumuhian ng masa na kapamilya at mga kroni ng diktador na si Ferdinand Edralin Marcos. May kani-kaniyang makapangyarihang posisyon sa pamahalaan ang pinakamalalapit na kapamilya ni NMarcos. Maraming kroni ng diktador ang namamayagpag pa rin sa larangan ng mga dambuhalang negosyo. Samantala, malawak, laganap at popular na rin ang propagandang maka-Marcos lalo na sa internet na siya ngayong pampalipas-oras ng nakararaming edukadong kabataan (na bumubuo rin sa malaking porsyento ng mga botante sa bansa). Sa YouTube, popular na popular ang mga anti-Aquino at maka-Marcos na video ng user na nagngangalang PinoyMonkeyPride. Itinatatwa ng user na ito na siya’y maka-Marcos ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na tinutuligsa lamang niya ang mga Aquino upang palitawin na mas mainam pang pinuno ang diktador na si Marcos. Ayon naman sa isang artikulo ni Prop. Leloy Claudio ng Ateneo University (2012) na lumabas sa The Manila Review, “Anecdotal stories and poll data reveal that an increasing number of youths have become Marcos apologists, prompting a panoply of talks and op-eds from torture victims, ex-detainees, human rights workers, and activists.” Sa nasabing artikulo’y tinalakay ni Claudio ang paglitaw ng maraming aklat na sinulat ng mga nakaranas ng Batas Militar bilang tugon sa nararamdamang pamamayani ng mga maka-Marcos sa pambansang diskurso. Kung tutuusin, maaaring bukod sa pagpapalimbag ng mga librong anti- diktadura, mareremedyuhan ang problema kung komprehensibo at mapanuri ang pagtuturo ng Batas Militar sa asignaturang Kasaysayan ng Pilipinas na required sa hayskul at sa marami-raming kolehiyo at unibersidad. Sa kasamaang-palad, mismong ang tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na si Dr. Maria Serena Diokno ang nagsasabing “...the textbooks in current use were inadequate for teaching martial law...The textbooks are lacking in facts, filled with errors, and have a biased perspective...” (Salaverria, 2012). Tumagos na rin sa mga teksbuk na ginagamit sa hayskul at kolehiyo ang tumataginting na “rehabilitasyon” sa dati-rati’y kinasusuklamang diktadura. Hindi maitatatwang sining din ang pagsulat ng teksbuk, gaya ng anupamang genre ng aklat. Kung ilalapat sa kasalukuyang sitwasyon ang diskurso nina Marx at Engels sa Manipestong Komunista hinggil sa mga tunggaliang panlipunan, ang mga Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 297 teksbuk ay repleksyon din ng mga kontradiksyon sa pagitan ng mga uri (social class): “The history of all hitherto existing society is the history of class struggles.” Samakatwid, hindi maihihiwalay ang politika sa pagsulat ng teksbuk. Anumang “kasaysayan” na nasa teksbuk ay may saysay lamang dahil iyon ay bersyon ng salaysay ng isa o ilang partikular na pangkat sa lipunan. Sa kaso ng mga teksbuk sa Pilipinas, tila nanaig ang bersyong paborable sa mga pwersa ng diktadura. Maaaring gamitin ang teksbuk sa masining na pagpapahayag ng politikal na paniniwala ng may-akda. Sa pamamagitan ng malalimang pagbasa ay malalantad sa anumang teksbuk ang politika ng pagsulat at ang pagsulat ng politika. Layunin ng papel na ito na sipatin ang perspektiba ng ilang teksbuk hinggil sa Batas Militar sa Pilipinas upang mapatunayan na may umiiral na korapsyon ng katotohanan sa ilang sangguniang aklat. Sa ganitong diwa, ambag din ang papel na ito sa paglalantad ng korapsyon di lamang ng mga karakter sa kasaysayan, kundi maging ng mga manunulat na ang paniniwalang politikal ay nasa maling panig ng kasaysayan (halimbawa’y nasa panig ng diktadura, tahas man o di tahas). Sa kabuuan, isa itong tangkang tumulong sa paghahawan ng landas sa Pilipinisadong “pedagohiya ng liberasyon” kontra korapsyon na halaw sa ideya ni Paulo Freire, palayo sa daan ng misedukasyon na matagal-tagal nang nilalakaran ng maraming manunulat, guro, mag-aaral at mamamayan.

Batayang Teoretikal at Metodolohiya

Pinanghahawakan ng mananaliksik ang kaisipang Marxista sa kasaysayan. Ayon kina Marx at Engels (“The German Ideology”, p.64): “The ideas of the ruling class are in every epoch the ideas of the ruling class, i.e. the class which is the ruling material force of society is at the same time its ruling intellectual force. The class which has the means of material production at its disposal, has control at the same time over the means of mental production, so that thereby, generally speaking, the ideas of those who lack the means of production are subject to it.” Sa isa pang artikulo, lalong binigyang-linaw nina Marx at Engels (“Holy Family,” p.93) kung ano ang pwersang pangunahing nagpapagalaw o humuhubog sa kasaysayan: “History does nothing, it ‘possesses no immense wealth,’ it ‘wages no battles.’ It is man, real, living man who does all that, who possesses and fights; ‘history’ is not, as it were, a person apart, using man as a means to achieve its own aims; history is nothing but the activity of man pursuing his own aims.” Kung pagsasamahin at 298 Suri, Saliksik, Sanaysay ibubuod ang mga kaisipang sinipi kina Marx at Engels, malinaw na ang kasaysayan ay mga mahahalagang pangyayaring sumasalamin sa magkakasalungat na interes ng mga pangkat ng tao o uring panlipunan (social classes) sa bawat partikular na panahon. Karaniwang higit na nangingibabaw ang bersyon ng naghaharing uri, ng mga makapangyarihan sa lipunan sapagkat sila rin ang may kakayahang magsulat o umupa sa mga nagsusulat ng kasaysayan (dahil hawak din nila ang karamihan sa mga kasangkapan sa produksyon at ang mismong malaking bahagi ng yaman ng daigdig). Ayon sa Marxistang pilosopong Italyano na si Antonio Gramsci, ginagamit ding instrumento ng naghaharing uri ang kultura (na sumasaklaw sa edukasyon, relihiyon, literatura atbp.) upang mapangibabawan o patuloy na mapatawan ng hegemonya o gahum ang pinaghahariang uri. Sa kabila ng hegemonya (hegemony) ng naghaharing uri sa lipunan, sa hanay ng pinaghahariang uri ay mayroong mga mamamayang may sapat na kakayahan at kamalayan upang suriin, tuligsain at kontrahin ang mga “doktrinang ipinangangaral” ng naghaharing uri. Sila ang bumubuo sa mga pwersang kontrahegemoniko o kontragahum (counterhegemonic). Kung gayon, maihahalintulad sa isang walang katapusang hatakang-lubid o tug- of-war ang pagtatagisan at paglalaban ng mga pwersa ng hegemonya at ng mga pwersang kontrahegemonya. Ang kanilang permanenteng digmaan ay nakararating hanggang sa larangan ng pagsusulat ng kasaysayan. Sa Pilipinas, malinaw ang pag-iral ng ganitong digmaan sa akademya at pambansang diskurso gaya ng sinasabi ni Prop. Renato Constantino (“A Past Revisited” Vol. 1; p.7): “All powerful leaders, and especially the tyrants, exerted efforts to insure that the history of their time would be written in their image. Their subjective attitudes were a dominant influence in the recording of events.” Karaniwan na kung gayon ang pagtatangka ng mga depensor ng diktadura (tahas man o di tahas) na gawing positibo, “mabango,” at kaaya-aya ang pangkalahatang paglalahad ng kasaysayan ng bansa. Iiwasan nila ang mapanuring paghuhusga sa kamalian o kawastuhan ng mga polisiya, sa kasamaan o kabutihan ng mga personalidad, sa pagiging traydor, tirano o bayani ng mga aktor sa kasaysayan, sapagkat batid nilang madaling malalantad ang tunay na mukha ng diktadura kung pababayaang maisulat at maunawaan ng bayan ang lahat ng ito. Kung gayon, iiwasan din nilang banggitin ang mga bagay na maaaring magdulot ng kontrobersya o debate, mga bagay na maaaring magpasiklab sa diskurso ng mga mamamayan tungo sa mapanuring pagsipat sa kasaysayan. Sa ganitong diwa, dapat alalahanin ang pahayag ni Prop. Terry Eagleton (“Why Marx Was Right,” p.98): “Theodor Adorno once remarked that pessimistic thinkers...do more service to Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 299 the cause of human emancipation than callowly optimistic ones. This is because they bear witness to an injustice which cries out for redemption, and which we might otherwise forget. By reminding us of how bad things are, they prompt us to repair them. They urge us to do without opium.” Samakatwid, tungkulin ng mga mananaliksik sa kasaysayan at ng mga mamamayan mismo na tiyaking hindi mabubura sa mga pahina ng kasaysayan, at hindi mawawaglit sa kolektibong gunita ng mga mamamayan ang mga inhustisya, ang mga krimen, ang mga masasamang pangyayari, ang mga trahedya sa madilim na panahon ng diktadura. Alinmang teksbuk na umiwas o hindi gaanong magbigay-pansin sa tungkuling ito’y nararapat suriin at rebisahin. Sa papel na ito, apat na teksbuk hinggil sa kasaysayan ng Pilipinas ang susuriin gamit ang inilahad na batayang teoretikal. Sa pangkalahatan, sisipatin ang pag-iral ng korapsyon ng katotohanan sa pamamagitan ng paglalantad sa kung ano ang tahas at di tahas na nasa teksto, at ano ang nawawala rito (o yaong isinantabi ng mga may-akda) sa kanilang pagtalakay hinggil sa diktadurang Marcos. Dalawang antas ng pagsusuri ang isasagawa: pagsusuring biswal (pagsipat sa mga larawan) at pagsusuri ng diskurso (pagsipat sa mismong teksto o padron ng pagtalakay sa teksbuk). Sa huling bahagi ng papel ay ilalahad ang mungkahing padron ng pagtalakay sa diktadurang Marcos na magsisilbing ambag sa pedagohiyang mapagpalaya sa larangan ng kasaysayan.

Ang Mga Teksto

Dalawang teksbuk na panghayskul at dalawang teksbuk na pangkolehiyo ang tekstong sinuri sa papel na ito: “Philippine History (Second Edition)” ni Maria Christine N. Halili (2010); “The Philippines: A Story of a Nation” ni Augusto V. De Viana (2011); “Philippines: History and Government (Updated Edition)” nina Evelina M. Viloria et al. (circa 2005); at “Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas” nina Maria Luisa T. Camagay et al. (2001). Arbitraryong pinili ng mananaliksik ang mga nabanggit na teksbuk dahilan sa availability ng mga ito. Para sa convenience, binigyan ng mananaliksik ng letrang designasyon ang bawat aklat na sinusuri: A - “Philippine History (Second Edition)”; B - “The Philippines: A Story of a Nation”; C - “Philippines: History and Government (Updated Edition)”; at D - “Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas.” 300 Suri, Saliksik, Sanaysay

Pagsusuring Biswal: Positibong Imahe ng Diktadura

Pabalat lamang ng aklat A ang may mga larawan. Walang anumang larawan na may kaugnayan sa Batas Militar o panahon ng diktadurang Marcos. Samantala, nasa pabalat naman ng aklat B ang isang pamosong larawan ni Marcos (habang idenedeklara niya ang Batas Militar noong 1972). Katabi ito ng larawan ng panunumpa ni Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng Edsa I. Mas madaling mapansin ang larawan ni Marcos (na nasa bandang gitnang itaas) kaysa sa larawan ng mga bayaning gaya nina Rizal at Bonifacio (na nasa kaliwang ibaba ng pabalat). May mga larawan sa loob ng mismong teksbuk B ngunit walang may direktang kaugnayan sa Batas Militar o sa diktadurang Marcos, maliban sa isang larawan ng pulong ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA), mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) habang nagsasanay, at dalawang larawan mula sa Edsa I, na pawang nasa p.338. Magkahalong larawan at drawing o sketches naman ang matatagpuan sa aklat C. Sa pabalat ay may collage ng mga sketch na may kulay, at kasama sa mga ito ang isang eksena sa Edsa I. Sa pahina 220 nito ay makikita ang sketch ni Marcos habang idenedeklara ang Batas Militar. Nasa background nito ang presidential seal. Sa p.221 naman ay may larawan ni Nur Misuari, pinuno ng MNLF. Nasa p.223 naman ang isang cropped na larawan ng isang demonstrasyon laban sa gobyerno. Hindi mabasa ang mga plakard na dala ng mga nagpoprotesta sa larawan ngunit malinaw na ito’y isang protesta sa harap ng Korte Suprema ng Pilipinas sa Padre Faura St., Maynila. Sa p.224 ay matatagpuan naman ang isang sketch ng isang pulong ng “people’s assembly” na nilikha ng diktadurang Marcos. Nakangiti ang dalawang taong nakatayo at tila namumuno sa asembliya. Nasa p.225 naman ang larawan ni Imelda Marcos kasama si Colonel Muammar Khadafy ng Libya noong dekada 70, sa panahon ng negosasyon kaugnay ng Tripoli Agreement (kasunduan sa pagitan ng diktadurang Marcos at ng mga rebeldeng Moro na pinamumunuan ni Misuari). Sa p.226 naman ay matatagpuan ang larawan (1975) ni Imelda Marcos kasama ang hari ng Saudi Arabia na si Khalid. May mosaic ng mga larawan sa pabalat ng aklat D ngunit walang larawan dito na kaugnay ng Batas Militar o diktadurang Marcos. Di gaya sa aklat B at C, walang caption ang mga larawan sa aklat D. Sa p.276 ay makikita naman ang larawan ni Marcos habang nagdedeklara ng Batas Militar. Sa p.278 ay may dalawang larawan naman na kuha sa loob ng isang kampo na pinagdadalhan ng Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 301 mga taong hinuli dahil sa paglabag sa curfew. Sa p.280 ay may larawan naman ng dalawang taong naka-engineer’s hat at ang background ay lupang tila tatayuan ng kalsada. Sa p. 282 naman ay matatagpuan ang larawan ng isang proyektong pabahay ng diktadurang Marcos sa Tarlac. Sa p.283 naman ay matatagpuan ay isang malabong larawan na tila gusali ng (na ipinatayo ng diktador). May larawan naman ng eksena mula sa Edsa I sa p.294 at 295. Sa pangkalahatan, kung mga larawan lamang sa aklat C at D ang pagbabatayan, kitang-kitang ang pinagtutuunang-pansin ng mga may-akda ng teksbuk ay ang mga achievement o positibong nagawa ng diktador, partikular sa larangan ng diplomasya at ekonomya. Samantala, kapansin-pansin na walang larawan na nagpapakita ng o direktang maiuugnay sa paglabag sa karapatang pantao (na laganap na laganap sa panahon ng diktadura) gaya ng larawan ng mga biktima ng extrajudicial killings at enforced disappearances sa panahon ng Batas Militar, o kaya’y larawan ng marahas na dispersal ng mga rali/kilos-protesta, maliban sa larawan sa aklat D na nagpapakita ng eksena sa isang kampo ng pulis o militar.

Pagsusuri sa Diskurso

AKLAT A

Diktadurang Bahagi ng “Republika”

Sa table of contents ng aklat A, nasa “Chapter 10: The Republic” ang panahon ng diktadurang Marcos. Gayunman, sa halip na tawaging diktadura ang rehimeng Marcos, tinawag itong “Marcos Administration” kagaya ng iba pang rehimen mula kay Roxas hanggang kay Macapagal-Arroyo. Walang distinksyon, walang pagbubukod sa panahon ng diktadura na ipinaketeng bahagi ng “republika.” Sa halip na tawaging “dictator” si Marcos ay “President” ang ginamit sa kabuuan ng sinuring bahagi ng teksbuk. Sa pagtalakay sa unang termino ng “Marcos administration” sa p.214 ay pawang mga positibong nagawa ng rehimen ang binanggit sa larangan ng ekonomya. Gayunman, may pagbanggit sa kawalan ng consistency ni Marcos hinggil sa isyu ng pagsuporta sa gera ng Amerika laban sa (Hilagang) Vietnam. Ayon sa teksbuk, tinutulan ni Marcos ang pagpapadala ng tropang Pilipino sa Vietnam noong senador pa siya, ngunit nang siya’y maging presidente na, nagpahayag siya ng pagsuporta sa interbensyong militar ng Amerika sa Vietnam. Sa p.215 ng teksbuk ay binabanggit na ang suliraning “graft and 302 Suri, Saliksik, Sanaysay corruption” ngunit hindi tahas na tinatawag na “corrupt” ang rehimeng Marcos. Binanggit naman sa p.215 ang isa sa mga lohikal na dahilan ng paglakas ng mga rebelde sa bansa bago ang Batas Militar: “The increasing gap between the rich and the poor became more evident.”

Alingawngaw ng Tinig ng Diktador?

Nasa p.217 ang dahilan ng deklarasyon ng Batas Militar ayon sa teksbuk: “Facing leftist insurgency and mass unrest, Marcos declared martial law.” Sa p.218 ay binanggit naman ang opinyon ng oposisyon: “Some sectors believed that President Marcos declared martial law as his second term was about to end. The constitution was suspended. The Congress was dissolved and President Marcos governed by issuing presidential decrees...” Kung tutuusin, tila higit na pinaboran ng nagsulat ng teksbuk A ang ipinamamaraling dahilan ni Marcos sa pagdedeklara ng Batas Militar, samantalang may bahid ng duda ang pagbanggit niya sa mas katanggap- tanggap na analisis ng oposisyon.

Litanya ng Anti-Demokratikong Hakbang ng Diktadura

Iniisa-isa sa p.218 ang mga anti-demokratikong hakbang ng diktadurang Marcos gaya ng suspensyon ng writ of habeas corpus, pag-aresto sa mga kaaway sa politika (“political opponents and detractors”) ni Marcos, pagpapasara o kaya’y pagsasailalim sa kontrol ng militar at sensura ng midya, pagkamkam sa ilang pribadong kumpanya, at pagbabawal sa mga demonstrasyon, pulong politikal at welga o strike. Walang binanggit hinggil sa mga biktima ng torture, extrajudicial killings at enforced disappearances.

Kawalan ng Paghuhusga sa Polisiya

Sa p.218 ay binanggit din ang tungkol sa reporma sa lupa ng diktadurang Marcos ngunit hindi tinukoy kung matagumpay ba ito o hindi. Sa p.219, binanggit naman ang kampanyang anti-droga ng diktadura, gayundin ang pagtatayo ng “citizen assemblies” na diumano’y nagratipika sa bagong konstitusyon sa ilalim ng Batas Militar. Hindi binanggit ng teksbuk na ang mga “citizen assembly” na iyon ay Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 303 pawang huwad o peke. Sa p.329 naman ng teksbuk B ay binanggit na “doubtful” ang proseso ng botohan sa mga “citizen assembly.”

Papuri sa Diktadura?

Binanggit sa p.219 ng aklat A ang akronim na PLEDGES (Peace and Order; Land Reform; Economic Development; Development of Moral Values; Government Reforms; Educational Reforms; Social Services) na kumakatawan sa “reforms” na hangad ipatupad ni Marcos upang makamtan ang “Bagong Lipunan.” Puro inaakalang positibong nagawa ng diktador ang binanggit sa p.219-220 ng teksbuk gaya ng mga sumusunod: “To check the abuses of the military men, President Marcos established the military tribunals to try military officers and men who commit crimes...The Kabataang Barangay (Youth Council) was later added at local, provincial, and national levels...The Philippine International Convention Center (PICC) was made operational in 1976. The structure was regarded as the most modern institution in Asia in world conferences and meetings. To provide low- cost shelter facilities to urban families, the BLISS program...was established...” Kapansin-pansin na hindi binanggit sa bahaging ito na ang mga inaakalang positibong nagawa ng diktador ay may negatibong aspekto rin. Halimbawa, hindi binanggit na walang saysay ang mga “military tribunal” dahil nagpatuloy pa rin ang mga pang-aabuso kahit mayroon nito. Hindi rin binanggit na ang mga imprastrakturang naitayo noon ay pawang overpriced dahil sa korapsyon kaya naman nagluwal ang mga ito ng sangkatutak na utang. Mabuti na lamang at sa p.223 at 226 ay binanggit na ang tungkol sa sangkatutak na utang na “ipinamana” ng rehimeng Marcos sa sambayanan.

Sino Pa Ang Ibang Biktima?

Binabanggit sa p.221 ang tungkol sa anti-demokratikong “...arrest and seizure without warrant orders (ASSO)” ngunit walang detalye hinggil sa mga nabiktima nito. Matatagpuan din sa p.221 ang pagbanggit asasinasyon ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Sa p.222 lamang binanggit ang salitang “dictatorship” at tinukoy rin ang asasinasyon bilang titis o spark ng paglakas ng protesta laban sa diktadura: “His assassination became a catalyst that united the Filipinos to fight the evils of dictatorship openly.” Sa p.226 naman ay “despotism” ang ginamit na 304 Suri, Saliksik, Sanaysay termino para tukuyin ang uri ng rehimeng Marcos.

Nasaan Ang Sambayanan sa Kasaysayan?

Hinggil sa reaksyon, ganting-galaw, o pagtutol ng taumbayan sa Batas Militar at diktadura, mas nagpokus ang teksbuk sa mga ginawa ng mainstream na oposisyon, at ng Simbahang Katoliko. Walang binanggit hinggil sa mga welgang-bayan na isinagawa ng mga radikal o militanteng organisasyon. Samantala, sa p.221 ay binanggit naman ang isang aspekto ng armadong paglaban ng mga mamamayan sa diktadura: “Urban insurgents carried out series of bombings in Manila in defiance to military rule.” Kapansin-pansin na binanggit lamang ang rebeldeng grupong NPA sa pagtalakay sa panahon bago ideklara ang Batas Militar. Sa p.218 naman ay binanggit ang armadong rebelyon ng mga sesesyonistang Muslim.

AKLAT B

Awtoritaryanismo sa Halip na Diktadura

Sa table of contents ng aklat B, bahagi ng “Chapter 11 The Years of Authoritarian Rule, 1972-1986” ang diktadurang Marcos. Bahagi naman ng “Chapter 10 The Philippines as an Independent Nation: The Postwar Years, 1946-1972” ang pagtalakay sa “The First Marcos Administration” at “The Spiral Towards Martial Law.” Gaya ng pagbanggit sa aklat A, halos puro positibong nagawa ang inisa-isa sa unang termino ni Marcos sa p.314. Hindi rin tinawag na diktador ng teksbuk B si Marcos “President” din ang ginamit na pantawag sa kanya rito at may mga pagkakataong ginamit ang pariralang “Marcos administration” na ginamit din sa aklat A.

Katotohanang Ginawang Alegasyon, Alegasyong Ginawang Katotohanan?

Sa p.315 ay binabanggit naman na “There were also allegations that Marcos was accumulating ill-gotten wealth since 1968.” Ganitong-ganito rin ang pag-iwas ng aklat A sa direktang paghuhusga kung korap nga ba o hindi si Marcos. Kapuri- puri naman ang pagbanggit ng aklat B sa katotohanang ito sa p.315 “Contributing Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 305 to the growing disillusionment of the people was the failure of the administration to address growing poverty while it catered to American interests.” Sa p. 315 ay binanggit ang pagkakabuo sa Communist Party of the Philippines (CPP) at sa MNLF. Sa p.316 naman ay ibinintang ng teksbuk sa CPP ang pambobomba sa na isa sa mga ginamit na dahilan upang palitawin na magulo na ang bansa at kung gayo’y kailangan ng Batas Militar “There were suspicions that Marcos was behind the attack. Decades later, it was found to be a plot of the Communist Party of the Philippines which intended to use the incident to create a revolutionary situation that would cause more people to join the ranks of the radical Left.” Kahawig ito ng kagulat-gulat na assertion ng aklat A sa p.217: “The CPP-NPA...admitted decades after that they had caused the bombing...” Hindi binanggit kung saan kinuha ng aklat A at aklat B ang kanilang assertion na taliwas naman sa opisyal na deklarasyon ng CPP-NPA sa isang artikulo ni Jose Maria Sison (2001) na inilathala ng bulatlat.com Kung susuriin, batay sa pagbanggit ng aklat A at B ay “inosente” si Marcos sa pambobomba sa Plaza Miranda na pumatay sa ilang miyembro ng oposisyon. Gayunman, binanggit sa p.317 ng aklat B ang tungkol sa pekeng ambush ng noo’y Ministro ng Depensa (at naging martial law administrator) na si . Ayon naman sa aklat D, “...maaaring isang palabas lamang...” ang nasabing ambush kay Enrile. Samantala, di gaya ng aklat A, walang paghuhusga ang aklat B sa totoong dahilan ng deklarasyon ng Batas Militar. Sa halip, inalingawngaw lamang ng aklat B ang mga dahilan na ibinigay ng diktador mismo: “President Marcos cited the threats against the Republic namely the CPP-NPA, the rightists including the political opposition, and the separatists. He said that these groups were threats to the integrity and security of the country.”

Papuri Na Naman sa Diktadura?

Iniisa-isa ng aklat B ang mga anti-demokratikong hakbang ng diktadura pagkatapos ng deklarasyon ng Batas Militar sa p.322-323 ngunit may mga pangungusap na maaaring mainterpret na papuri o kaya’y justification ng Batas Militar: “President Marcos...ordered the Secretary of National Defense to arrest and detain persons who committed crimes and offenses in furtherance or on the occasion of an incident to or in connection with the crimes of insurrection and rebellion. The targets were those involved in crimes against society and government such as kidnapping, robbery, carnapping, smuggling, gunrunning, trafficking of prohibited drugs, tax 306 Suri, Saliksik, Sanaysay evasion, price manipulation, and others...Marcos justified martial law saying that it was a way of destroying old corrupt society ruled by oligarchs...He emphasized the upholding of discipline and nationalism among the people...Crime declined as a result of these draconian measures and people became law abiding...” Kahit ang ilan sa mga pahayag na ito ay reiterasyon lamang ng mga pahayag ng diktador, para na ring tinanggap itong totoo at tama ng nagsulat ng teksbuk B dahil ni hindi niya ito pinabulaanan.

Euphemism: Pagkukubli ng Krimen?

Samantala, binanggit sa p.324 ang “human rights violations” na kinasasangkutan ng Civilian Home Defense Force (CHDF) na binuo ng militar upang tumulong sa pagsugpo sa mga rebelde. Gayunman, euphemistic ang terminong ginamit ng teksbuk gaya ng “unexplained disappearances and summary executions.” Partikular na problematiko ang paggamit ng “unexplained disappearances” na hindi kasinradikal at kasingpolitikal ng “enforced disappearances.” Hindi politikal, simpleng kidnapping lang ang “unexplained disappearances” di gaya ng “enforced disappearances.” Mas may himig ng state accountability ang “enforced disappearances” kaysa sa “unexplained disappearances.” Kapuri-puri naman ang pagtukoy sa p.326 ng teksbuk sa pagpaslang ng mga militar kay Macli-ing Dulag na isa sa mga tumututol sa Chico Dam na proyekto ng diktadura (hindi ito binanggit sa iba pang teksbuk na sinuri).

Dikotomiya ng Positibo at Negatibo

Mula p.324-326 ay tinalakay naman ng teksbuk B ang larangan ng ekonomya sa panahon ng Batas Militar. Sa mga bahaging ito’y maraming tila “positibong nagawa” ng diktador ang binanggit, gaya ng reporma sa lupa, pag-eeksport ng bigas, paglago ng remittances dahil sa labor export policy, at mga proyektong imprastraktura. Nagtangka ang teksbuk B na balansehin ang perspektibang ito sa pamamagitan ng pagbanggit din sa mga negatibong aspekto ng mga proyektong ekonomiko ng diktadura gaya ng pagkabaon sa utang ng mga magsasaka dahil sa mataas na presyo ng fertilizer, pagbabawal sa welga ng mga manggagawa, imposisyon ng kontraktwalisasyon, at pagpapalayas sa mga katutubo para bigyang-daan ang ilang mga proyekto. Gayunman, hindi binanggit ng teksbuk Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 307

B ang negatibong implikasyon ng labor export policy, gayundin ang sangkatutak na utang na iniwan ng diktadura bunsod ng overpriced na mga proyektong imprastraktura. Binanggit ang Bataan Nuclear Power Plant sa p.326 ngunit hindi binanggit ang pagiging korap o tiwali ng proyektong ito na naidokumento na ng maraming grupo sa bansa. Buti na lamang at “kumambyo” ang teksbuk B sa kongklusyon nito sa p.327: “As a result of efforts by the Marcos Administration, there was economic improvement for the country; however, it was not enough to improve the life of most of the population. The poor actually became poorer while a small faction of the elite consisting of Marcos’ loyal associates who were called cronies became significantly richer. Many individuals were forced to find work overseas where there are better opportunities.” Katangi-tangi ang teksbuk B sa pagbibigay-pansin sa kultura at edukasyon sa panahon ng Batas Militar (p.327-328). Magkahalong positibo at negatibo sa pangkalahatan ang binabanggit na nagawa ng diktadura sa mga larangang ito. Hinggil sa mga teksbuk na nalikha sa panahon ng Batas Militar ay ganito ang sinasabi ng aklat B: “These textbooks had the aim of producing a docile generation of people since it emphasized obedience to authorities rarher than the rights of the people. The books also taught the acceptance and the benefits of globalization and the capitalist system. A bland form of nationalism was also taught...discussions about people’s movements such as revolts against imperialism and the Filipino-American War were lacking or glossed over.” Sa p.328 naman ay may pasubaling “...the efforts of showing the world the effect of the New Society was actually just a facade and again at a social cost. Urban poor were relocated in areas where events were going to be held and if the urban poor were too many to be relocated, the government fenced off the slums to hide the poor communities from the eyes of tourists and foreigners...” Di gaya sa aklat A, mas direkta ang pagbanggit sa p.330 ng aklat B na “phoney” o peke ang deklarasyon ng pagwawakas ng Batas Militar noong 1981 dahil naging maladiktador pa rin si Marcos na patuloy sa pamumuno sa pamamagitan ng mga dekreto o rule by decree kahit wala nang Batas Militar sa papel. Sa p.221 ng aklat A ay ganito ang sinabi hinggil sa sitwasyon pagkatapos ng nominal na wakas ng Batas Militar: “Opposition to Marcos administration persisted as the conditions during the martial law ensued.” 308 Suri, Saliksik, Sanaysay

Mga Pahinang Nawawala

Hinggil sa reaksyon, ganting-galaw, o pagtutol ng taumbayan sa Batas Militar at diktadura, may minimal na pagbanggit ang teksbuk B sa protesta ng mga katutubo laban sa mga proyekto ng diktadura, at paglakas ng rebelyong komunista sa p.326. Gayunman, walang pagbanggit sa mga welgang-bayan, at wala ring detalye hinggil sa paglaban ng mga rebelde sa diktadura. Gaya ng teksbuk A, itinuturing ng teksbuk B ang asasinasyon ni Ninoy Aquino bilang trigger na nagsimula ng proseso ng pagbagsak ng rehimeng Marcos.

AKLAT C

Palusot ng Batas Militar

Sa table of contents ng aklat C, ang unang termino ng rehimeng Marcos ay saklaw ng “Chapter 15 Challenges to Independence” sa ilalim ng “UNIT V THE PERIOD OF THE PHILIPPINE REPUBLIC.” Saklaw rin ng “UNIT V” ang “Chapter 16 The Philippines Under Martial Law.” Kapansin-pansin na gaya ng aklat A at B, “President” din at hindi “dictator” ang tawag ng teksbuk C kay Marcos. Minsan ay ginagamit din ng teksbuk C ang pariralang “Marcos administration.” Iniisa-isa sa p.214 ang mga “reform under the Marcos administration” ngunit walang paghuhusga hinggil sa mga repormang ito. Sa p.221-222 ay binanggit ang pagkakatatag ng NPA at ng MNLF. Binanggit din sa p.221 ang pag-iral ng mga private army ng mga politiko. Sa p.222-223 ay tinanggap – sa halip na suriin at kwestyunin – ng teksbuk C ang dahilan na ibinigay ng rehimeng Marcos sa deklarasyon ng Batas Militar: diumano’y pagsugpo sa rebelyong komunista, mga “rightist” na nais magkudeta, separatistang MNLF, at private armies ng mga politiko.

Papuri sa Diktadura?

Halos ipromote na ng teksbuk C ang imposisyon ng diktadura sa paglalahad na ito sa p.223: “Martial law in the Philippines was unique. Unlike in other countries where martial rule was also instituted, the Philppines was not ruled by military men. Civilian authority through Marcos still remained supreme.” Tuluy-tuloy ang papuri ng teksbuk C sa diktadura sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga “reporma” Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 309 na ipinatupad nito sa p.223 (ang PLEDGES na binangggit din sa aklat A). Sa nasabing pahina’y inilahad din ang bisyon ng diktadura: “...a society composed of ‘new’ Filipinos who were paragons of virtue – industrious, disciplined, considerate and civic-minded.” Ni hindi nilinaw ng teksbuk C na ang mga ito’y pawang smokescreen lamang sa tunay na adyenda ng diktadura. Sa p.224 ay binanggit ang pagbuo ng diktadura sa mga “people’s assembly.” Binigyang-diin ng teksbuk ang positibong aspekto ng mga “people’s assembly” ngunit hindi binanggit na peke o huwad ang mga ito dahil wala namang totoong kalayaan ang mga mamamayan na magpahayag ng anumang gusto nilang sabihin sa panahon ng diktadura. Hindi gaya ng aklat A at B, tinanggap ng aklat C sa p.225 ang pambobola ng diktadura hinggil sa pagwawakas ng Martial Law noong 1981. Sa sumunod na pahina, promosyon na naman sa diktador ang inilahad ng teksbuk: “On June 16, 1981, a presidential election was held. President Marcos won over his rivals and this was interpreted as an approval of his achievements during Martial Law. Some of these achievements were the following: 1. Infrastructure programs which included reconstructed roads, new bridges, schools, housing; 2. Social, economic and educational development; countryside development; and flood control.” Mabuti na lamang at sa p. 331 ng teksbuk B ay nilinaw kung ano ang totoong dahilan kung bakit “nanalo” si Marcos: “...the opposition conducted a boycott. With a token opposition posed by his rival former WWII leader Alejo Santos, Marcos was predictably reelected...” Euphemistic naman ang trato ng p.221 ng teksbuk A sa paksang ito: “He (Marcos) prevailed over other candidates – Alejo Santos of and Bartolome Cabangbang of the Federal Party...Cabangbang was then the President of the Statehood USA movement.”

Pagkukubli ng Krimen at Kriminal

Kapansin-pansin na walang anumang pagbanggit ang teksbuk C sa mga human rights violations sa panahon ng diktadura. Malamyang-malamya, euphemistic at maka-diktadura ang “summary” ng teksbuk C sa kabanata hinggil sa Batas Militar: “As the Republic progressed, certain events in the 1970s prompted President Ferdinand E. Marcos to change the course of Philippine history. With the proclamation of Martial Law and the institution of certain reforms, he envisioned a New Society that was peaceful, self-sufficient, disciplined and orderly.” Walang pagtatangka ang teksbuk C na husgahan ang kawastuhan o kamalian ng bisyon na kabaligtaran ng realidad sa ilalim ng Batas Militar. 310 Suri, Saliksik, Sanaysay

Sa p.230 (sa panimula sa pagtalakay ng “Restoration of Democracy”) lamang tinagurian ng teksbuk C ang rehimeng Marcos bilang “dictatorship.” Ang asasinasyon din ni Ninoy Aquino ang tipping point na itinuturong dahilan ng pagbagsak ng diktadura sa teksbuk C. Bago ang Edsa I, walang binanggit ang teksbuk C hinggil sa pagtutol at paglaban ng mga mamamayan sa diktadura, bukod sa sesesyonismo ng MNLF na nabanggit sa p.225. Di gaya sa teksbuk A at B, walang pagbanggit ang teksbuk C hinggil sa korapsyon ng diktadura, bagamat inilahad sa introduksiyon sa mga pangyayari bago ang Batas Militar na “Graft and corruption in government was rampant...” Kahit paano, binanggit ng teksbuk A ang indiction ni Marcos sa Estados Unidos kaugnay ng “federal racketeering” noong siya’y nasa kapangyarihan pa. Sa p.335 naman ng teksbuk B ay binabanggit na “Marcos was alleged to have amassed $25 billion dollars in ill-gotten wealth. Cases were filed against him and properties linked to him and his cronies were confiscated.”

AKLAT D

Laban o Bawi?

Sa table of contents ng aklat D, saklaw ng “Kabanata 20 Mga Hamon sa Pagsasarili” ang “Administrasyon ni Ferdinand E. Marcos.” Kasunod nito ang “Kabanata 21 Ang Pilipinas sa Ilalim ng Batas Militar.” Kapansin-pansin ang vacillation sa p.271 ng aklat D sa papuri at pagbatikos sa “administrasyong Marcos”: “Bagama’t maganda ang mga programa ng mga pangulo mula kay Roxas hanggang kay Marcos, ang pamahalaan ay kulang sa pondo at determinasyong pulitikal upang ipatupad ang mga nasabing programa. Sa kabila ng mga nagawa ng administrasyong Marcos, ang dalawampung taong panunungkulan nito ay kababanaagan ng korupsiyon at pagnanakaw ng maraming opisyal ng pamahalaan.” Mula p.271-272 ay pinuna ng teksbuk ang pagkontrol ng mga kroni ni Marcos sa ekonomya ng bansa ngunit tila inabswelto ng teksbuk si Marcos. Pansinin ang pangungusap na ito mula sa p.272: “Bilang pagtanaw ng utang na loob, pinagkalooban ni Marcos ng mga pabor ang mayayamang pamilyang ito...Kontrolado ng mga kroni ng Pangulo ang mahalagang sektor ng ekonomiya...” Hindi binanggit na ang mismong angkan ng “pangulo” ay nakinabang sa gayong masamang kalakaran. Sa p.276 ay inilalahad ng teksbuk ang perspektiba nito sa dahilan ng pagdedeklara ng Batas Militar: “Hindi naganap ang mga pagbabagong inaasahan Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 311 ng sambayanan sa pag-upo ni Marcos...Sa halip, patuloy ang paglubha ng mga sitwasyon sa bansa. Ang krimen ay laganap, samantalang ang sambayanan ay patuloy sa paghanap ng lunas sa kanilang paghihirap. Sa gitna ng kaguluhang ito, ideneklara ang batas militar.” Kapuri-puri naman ang pag-iwas ng teksbuk sa paggamit ng terminong “Presidente” o “Pangulo” sa panahon ng diktadura. Gayunman, kapansin-pansin na inulit-ulit nito ang pariralang kasinungalingan ng diktadura (“awtoritaryanismong konstitusyunal”) na tila pagbabasbas o promosyon na rin sa mismong diktadura. Hindi tinangka ng teksbuk na ipaliwanag ang kahunghangan ng nasabing pariralang kasinungalingan. Samantala, malinaw naman ang pagtukoy ng teksbuk sa ugat ng paglakas ng Partido Komunista sa panahon bago ang Batas Militar sa p.277: ang matinding kahirapan sa gitna ng paglago ng kayamanan ng iilang pamilya.

Paglalantad sa Krimen

Makabuluhan at malinaw ang pag-iisa-isa sa p.278 ng teksbuk D sa human rights violations sa panahon ng diktadura (na ni hindi nabanggit sa teksbuk C at hindi gaanong detalyado sa teksbuk A at B): “Ang sinumang tumuligsa sa mga patakaran ng pamahalaan ay ipinapapatay, ipinakukulong o pinahihirapan...ang mga pinaghihinalaang kaanib o sumusuporta sa Partido Komunista at New People’s Army ay pinahihirapan o kaya’y tinatambangan. Laganap ang paglabag sa mga karapatang pantao...” Gayunman, ni walang pinangalanan sa mga biktimang ito ng Batas Militar. Sa p.284-285 ay naglahad ng detalye ang teksbuk D hinggil sa ulat ng isang organisasyong internasyunal hinggil sa mga human rights violations ng diktadurang Marcos. Ang mga ganitong detalye ay wala sa iba pang sinuring teksbuk: “Ang mga bilanggong pulitikal ay nakararanas ng pagmamalupit at matinding pang-aabuso sa mga kamay ng militar kahit walang katibayan laban sa mga ito...Ang mga dinudukot at hinuhuli ng militar ay pinalalagda ng kasulatan na nagsasaad ng kanilang pagsuko sa kanilang mga karapatan.”

Papuri sa Diktadura?

Sa p.279 ay inisa-isa ng teksbuk D ang “PLEDGES” ng diktadura at sa sumunod na bahagi, pinuri na nito ang Batas Militar: “llang buwan pa 312 Suri, Saliksik, Sanaysay lamang naidedeklara ang batas militar ay kababakasan na ng pagkakaroon ng katahimikan sa bansa...Natigil din ang mga nakawan at araw-araw na kaguluhan...Kinumpiska rin ng militar ang mga armas ng pribadong hukbo...” Samantala, binanggit sa p.279 ang patuloy na pakikipaglaban ng mga Muslim sa ilalim ng MNLF para magkaroon ng sariling estado sa Mindanao. Pinuri ng teksbuk sa p.280 ang mga “repormang kabuhayan” sa ilalim ng Batas Militar ngunit binigyang-diin sa p.281 na nagdulot ito ng sangkatutak na utang bunsod ng korapsyon. Hindi gaanong tahas ang pagtukoy sa korapsyon ng diktadura sa p.281: “...inakusahan din si Marcos na kalahati ng salaping inutang ng pamahalaan ay sa personal na yaman lamang nito napunta. Bukod kay Marcos ay nakinabang din ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan.” Makabuluhan ang pagsusuri ng teksbuk sa kapalpakan ng reporma sa lupa ng diktadura sa p.281 ngunit iniwasan nito na isisi sa pamahalaan (at sa halip ay sa mga asendero lamang ibinunton ang sisi) ang kabiguan ng repormang agraryo. Sa p.282-284 ay pinuri ng teksbuk ang programang pabahay at imprastraktura, at labor export policy ng diktadurang Marcos. Hindi nilinaw ang negatibong aspekto ng mga inaakalang positibong pamana na sa aktwal ay nagluwal ng sangkatutak na utang, naging simula ng lalong pagdepende ng Pilipinas sa mga dayuhang bansa, at nagbunsod ng palala nang palalang brain drain.

Kinalimutan Ang Diktador

Binanggit sa p.285 ang pagiging huwad ng pagwawakas ng Batas Militar noong 1981. Sa perspektiba ng teksbuk D, lalong lumakas ang pagtutol ng mga mamamayan sa Batas Militar pagkatapos niyon. Hinggil sa ganting-galaw o reaksyon ng mga mamamayan sa diktadura, walang binanggit hinggil sa rebelyong komunista (maliban sa introduksiyon sa panahon bago ang Batas Militar), ngunit pahapyaw na binanggit ang mga sektor na kabilang sa malawak na anti-Marcos opposition sa p.285: “Maging ang sektor ng paggawa, mag-aaral, at miyembro ng samahang panrelihiyon ay kasama rin sa pagtuligsa (sa diktadura)...” Gaya ng iba pang teksbuk, asasinasyon din ni Ninoy ang inaakala ng teksbuk D na “...nagsilbing daan sa mabilis na pagbagsak ng rehimeng awtoritaryo.” Sa “Mga Aral ng Batas Militar” sa p.286, binigyang-diin ng teksbuk ang inaakala nitong positibo at negatibong dulot ng Batas Militar: diumano’y malawakang kapayapaan at katahimikan, pagbaba ng kriminalidad, at paglabag sa mga karapatang pantao. Sa kasamaang-palad, hindi binigyang-diin sa kongklusyon ng teksbuk D na ang Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 313 diktador ang utak ng diktadura. Katunayan, ni hindi na binanggit sa “Mga Aral” si Marcos!

Kongklusyon at Rekomendasyon

Batay sa isinagawang pagsusuri, ganito ang pangkalahatang padron ng pagtalakay sa Batas Militar ng mga teksbuk (BINIBIGYANG-DIIN NG MANANALIKSIK NA HINDI SA KANYA ANG MGA KAISIPAN AT ANG PADRONG ITO, KUNDI SA MGA SINURING TEKSBUK): 1) “Mabuti” o “mahusay” ang unang termino ng “administrasyong Marcos”; 2) “Napilitan” ang administrasyong Marcos na magdeklara ng Batas Militar dahil sa laganap na kaguluhan sa lipunan, gaya ng pinatutunayan ng mataas na antas ng kriminalidad at pag-usbong ng rebelyong Muslim at muling pag-usbong ng rebelyong komunista; 3) May positibong nagawa ang diktadura sa larangan ng ekonomya (pabahay at imprastraktura) at kultura (diumano’y pagkakaroon ng “disiplina”); 4) May mga repormang politikal na ipinatupad ang diktadura; 5) May mga paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng diktadura; 6) May katiwalian o korapsyon sa panahon ng diktadura; 6) Hindi gaanong laganap ang pagtutol sa Batas Militar sa simula, at lumakas lamang ang oposisyon nang paslangin si Ninoy; 7) Sa kabuuan, may positibo at negatibong nangyari sa o ibinunga ang panahon ng diktadura. Paano nagiging problematiko ang padron ng pagtalakay sa Batas Militar ng mga teksbuk? The devil is in the details, sabi nga sa Ingles. Una, problematiko ang pagtukoy sa diktador bilang “pangulo” o “president.” Problematiko rin ang pag-iwas ng mga teksbuk sa pagtukoy sa diktador bilang diktador mismo. Ilang beses lang na ginamit ang “despotism” at “dictatorship” upang tukuyin ang rehimeng Marcos. Sa madalas na paggamit ng “pangulo” at “president” sa panahon ng diktadura, tila inabswelto na rin ng mga teksbuk ang diktadurang Marcos sa mga krimen nito. Sa kabutihang-palad, sa table of contents ay malinaw naman ang distinksyon sa panahon ng diktadura bilang panahon ng Batas Militar, bagamat sa isang teksbuk ay basta na lamang isinama ang Batas Militar sa panahon ng “Republika.” Gayunman, kapuna-puna na walang gumamit sa table of contents ng terminong “Panahon ng Diktadura” o “Period of Dictatorship.” Euphemistic ang “Batas Militar” at ang “Authoritarian Rule” kumpara sa “Diktadura” na mas malinaw at tahas. Kapansin-pansin din na walang pagtatangka ang mga historian na ihambing si Marcos sa iba pang notorious na diktador gaya ni Hitler o kaya’y 314 Suri, Saliksik, Sanaysay ni Pol Pot, na kataka-taka dahil sa hilig ng mga Pilipino na bansagang “Joan of Arc” ng Pilipinas si Cory, o kaya’y ideklarang “mala-Krakow, Poland” ang Maynila pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bakit walang nagtatangkang ihanay si Marcos sa rogues gallery ng kasaysayan, gaya ng nararapat upang lalong mabigyang-diin ang kasamaan ng diktadura sa bansa? Pangalawa, nangangailangan ng malalimang pagsusuri hinggil sa mga dahilan ng deklarasyon ng Batas Militar na binanggit/ginamit ng diktador na sa kasamaang-palad ay inalingawngaw lamang ng mga teksbuk. Sa halip na tanggapin na lamang ang buladas ng diktadura, obligado ang mga historian na husgahan ang kawastuhan o kamalian nito (bagay na iniwasan o hindi ginawa ng mga nagsulat ng mga sinuring teksbuk). Totoo bang malakas na ang mga komunista noong 1970s? Hindi ba si Marcos ang naging biggest recruiter ng NPA nang ideklara niya ang Batas Militar? Kaugnay nito, dapat bulatlatin at komprehensibong ipaliwanag ang tungkol sa paghahangad ni Marcos na makapanatili sa kapangyarihan (bagay na pahapyaw na binanggit sa teksbuk A at B) lagpas pa sa limitasyon ng Konstitusyon. Dapat ding suriin ang posibilidad na ang Batas Militar ay imposisyon o utos mismo ng imperyalistang Estados Unidos, gaya ng ipinahihiwatig sa ilang sanggunian (bagay na hindi nabanggit sa alinmang teksbuk). Dapat tandaan na ang isa sa mga tunay na dahilan ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972 ay ang pagpapabilis ng diktadurang Marcos sa implementasyon ng mga makadayuhang polisiya sa ekonomya at pagsagka sa mga nasyunalistang adkokasiya ng ilang miyembro ng Constitutional Convention noong 1972 (Lichauco, 1988 at Pimentel, 2006). Mas mapatitibay ito kapag pinansin ang pagiging kapanahon ni Marcos ng mga diktador sa Amerika Latina na anti-komunista rin at suportado rin ng imperyalistang Estados Unidos gaya ng kina Roberto Suazo Cordova ng Honduras, Gen. Manuel Noriega ng Panama, Anastasio “Tachito” Somoza ng Nicaragua, Gen. Alfredo Stroessner ng Paraguay, Augusto Pinochet sa Chile, Gen. Hugo Banzer Suarez ng Bolivia, Gen. Jorge Rafael Videla ng Argentina, Col. Arturo Armando Barraza atbp. Pangatlo, dapat lalong maging mapanuri ang mga historian sa paghuhusga hinggil sa pangkalahatang “nagawa” ni Marcos sa ekonomya. Kapansin-pansin na hindi gaanong malinaw ang paghuhusga ng mga historian sa mga patakarang ekonomiko ng diktadura. Panahon nang timbangin at tahas na ideklarang kulang o sapat ang mga nagawa ng diktadura sa ekonomya, sa halip na isa-isahin lamang ang mga imprastratrukturang itinayo nito at itala ang sangkatutak na utang na ibinunga nito. Halimbawa, maaaring gamiting sanggunian ang mga obserbasyon ng Amerikanong ekonomista na si Prop. James K. Boyce (1993) hinggil sa sitwasyon Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 315 ng Pilipinas sa panahon ng diktadurang Marcos: “Although per capita income in the Philippines rose between the early 1960s and the mid-1980s, the incomes of the country’s poor majority declined. Real wages fell sharply in both rural and urban areas, even in periods when the country was experiencing relatively rapid growth in national income…Equity was not ‘traded off’ for growth in the Philippines. Rather, both were sacrificed to a technocratic development strategy wedded to an unjust political and economic order.” Nilinaw rin ni Boyce na hungkag (empty) at maka-status quo ang programang pang-ekonomya ng diktadurang Marcos, bagay na lalong nagpapatibay sa kanyang gampanin bilang “supreme cacique”: “The technocrats who formulated Philippine development strategy under President Marcos did not challenge the country’s inegalitarian economic and political order.” Malinaw sa komprehensibong pagsusuri ni Boyce na hindi nakinabang ang mga ordinaryong mamamayan sa mga sinasabing “benepisyo” sa ilalim ng diktadurang Marcos. Maaari ring gamitin sa pagtalakay sa ekonomya ng Pilipinas sa panahon ng Batas Militar ang mga iskolarling publikasyon ng mga international organizations gaya ng “Illegitimate Debt & Underdevelopment in the Philippines: A Case Study” na inilimbag ng African Forum and Network on Debt and Development (AFRODAD) noong 2007. May urgent need na maglimbag ng librong “Footnotes on Martial Law History” upang maging malinaw ang mga detalye hinggil sa mga patakarang ekonomiko at iba pang detalye na binabanggit sa mga teksbuk ngunit hindi gaanong ipinaliliwanag tulad ng labor export policy na pinasimulan ng diktadura, pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant, pagpatay kay Macli-ing Dulag atbp. Dapat ding bigyang-diin ng mga historian ang paralelismo ng diktadurang Marcos at ng mga sumunod na administrasyon upang maging mas malinaw na mabunga at kinakailangan talaga ang pag-aaral ng kasaysayan. Halimbawa, maaaring iugnay ang pagkakabaon sa utang ng Pilipinas sa panahon ng diktadura sa patuloy na pagkakabaon ng bansa sa utang ngayon. Gayundin, maaaring talakayin ang pagtatangka ng diktadurang Marcos na “itago” o “takpan” ang mahihirap kapag may mga bisitang galing sa ibang bansa ang pumupunta sa Metro Manila, na ginaya rin ng ikalawang administrasyong Aquino noong Mayo 2012 nang pumunta sa Pilipinas ang mga delegado sa isang kumperensiya ng Asian Development Bank (ADB). Pang-apat, dapat suriin ng mga historian ang kahungkagan o emptiness ng “disiplina” na ipinamamarali ng diktadura, sa halip na basta na lamang ito purihin bilang isa sa pamana ng diktadura. Walang disiplina ang diktadura sapagkat inabuso nito ang karapatang pantao ng sambayanan, pinanatiling mahirap ang 316 Suri, Saliksik, Sanaysay mayorya, dinambong ang kaban ng bayan, at pinatay ang demokrasya. Hungkag ang “disiplinang” ipinangaral ng diktadura sapagkat mismong ito’y walang disiplina. Kaugnay nito, sa halip na itala lamang ang “PLEDGES” ng diktadura, panahon na rin na direktang tukuyin ng historians na BIGO at PALPAK ang karamihan sa PLEDGES ng diktadura (kaya nga hanggang ngayo’y mahirap pa rin ang Pilipinas, hindi ba?). Sa kabuuan, dapat bigyang-diin na anumang “positibong nagawa” ng diktadura sa ekonomya ay kanselado at walang saysay dahil sa sangkatutak na utang, human rights violations at korapsyon nito, bukod pa sa katotohanang hindi naman nakinabang ang mayorya ng sambayanan sa sinasabing “paglago ng ekonomya.” Panglima, kulang pa ang pagbibigay-diin ng mga teksbuk sa mga human rights violations at korapsyon ng diktadura. Sa isang teksbuk ay ni hindi nga binanggit ang anumang human rights violation! Kinakailangang pangalanan ang ilan pang biktima ng Batas Militar bukod kay Ninoy Aquino (na over-exposed na sa mga teksbuk) at isalaysay nang detalyado ang pagtortyur at pagpapakulong at/o pagpatay sa kanila. Magagamit na sanggunian ang mga materyales na nasa Bantayog ng mga Bayani sa Lungsod ng Quezon. Nakatala sa Wall of Remembrance sa Bantayog ng Mga Bayani sa Quezon City (malapit sa MRT Quezon Avenue Station) ang mga pangalan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay o nag-alay ng kanilang pawis at pagod upang ibagsak ang mapaniil na diktadurang Marcos. Masisipat sa link na ito ang ilan sa mga pangalan ng mga bayaning ito: http:// bantayog.wordpress.com/the-wall/. Marami ring aklat – na gaya ng “Martial Law in the Philippine: My Story” (2006) ni Senador Aquilino “Nene” Q. Pimentel, Jr.; “ of Ferdinand and Imelda Marcos” (1986) ni Primitivo Mojares; “SOME ARE SMARTER THAN OTHERS: The History Of Marcos’ Crony Capitalism” (1991) ni Ricardo Manapat; “Tibak Rising: Activism in the Days of Martial Law” (2012); “Not on our Watch: Martial Law Really Happened. We Were There” (2012) atbp. – ang nagpapatunay sa pag-iral ng “dilim” sa panahon ng Batas Militar. Kailangang ilantad sa mga kabataan ang brutalidad ng diktadura upang matanggal ang maskara nito ng “disiplina” at “kaunlaran.” Kailangang isalaysay ang buhay ng mga desaparecido, ng kanilang pamilya, ng mga biktima ng Batas Militar. Ito lamang ang paraan iupang ipaalala na ang Batas Militar ang pinakamadilim na kabanata sa ating kasaysayan na di na dapat pang maulit, at lalong-lalo na’y di dapat purihin o hangaan. Pang-anim, dapat palawakin ng mga historian ang pananaliksik at pagsasalaysay sa pagtutol ng sambayanan sa Batas Militar. Maling-mali ang Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 317 nakagawian ng mga historian na pagbibigay-diin sa asasinasyon ni Ninoy Aquino bilang main trigger sa pagbagsak ng diktadurang Marcos. Hindi dapat isantabi o ietse-pwera ang mga maliliit na kilos-protesta, mga welgang-bayan, mga liham/ manipesto kontra sa diktadura, mga pag-atake ng mga rebeldeng komunista at Muslim sa mga pulis at militar na loyal sa diktadura, mga pahayagang anti-Marcos (karamiha’y underground), mga organisasyong underground na anti-Marcos, na pawang nakapag-ambag sa unti-unting paglakas ng pambansang oposisyon sa diktadura. Ito ang pinakamalaking piraso ng puzzle na karaniwang nawawala sa mga teksbuk: ang bayan, ang sambayanan laban sa Batas Militar. Magagamit na sanggunian dito ang mga pananaliksik gaya ng “The Militant Nun as Political Activist and Feminist in Martial Law Philippines” ni Mina Roces (2004). Ayon sa kanyang pananaliksik, sa kabila ng opisyal na pagbabawal, maraming demonstrasyon ng mga manggagawa para sa mas mataas na sahod, ng mga magsasaka para sa reporma sa lupa, ng mga katutubo laban sa pangangamkam ng kanilang mga lupain, at ng mga aktibistang nagtataguyod ng karapatang pantao laban sa mga pang-aabuso ng diktadura ang naitala sa ilalim ng rehimeng Marcos. Nariyan din ang disertasyon ni Dr. Rosario Torres-Yu na nailimbag na bilang aklat na may pamagat na “Welgang Bayan: Empowering Labor Unions Against Poverty and Repression” (2003 and 2011). Sa aklat na ito’y pinatutunayan na ang mga unyon ng mga manggagawa ay hindi nanahimik, kundi aktibong nakibaka rin laban sa panunupil ng diktadura di lamang sa karapatan ng mga manggagawa kundi maging sa pangkalahatang demokratikong karapatan ng sambayanan. Pampito, kulang din ang pagbibigay-diin sa korapsyon, pandarambong at pagnanakaw ng diktadurang Marcos sa sambayanan. Bakit hindi binabanggit sa mga teksbuk ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapatunay na sila’y mga mandarambong (G.R. No. 152154)? Bakit walang teksbuk na tumutukoy sa diktador bilang plunderer o mandarambong? Bakit minsan sa mga teksbuk, ang mga kroni lamang ang guilty sa korapsyon, pero abswelto si Marcos? Nararapat nang talasan at tapangan ng mga historian ang tahas na paghuhusga sa diktadura bilang isa sa pinakakorap na rehimen sa kasaysayan ng bansa. Sa ganitong paraan, lalong makikita ng mga kabataan na walang kapuri-puri sa diktador at diktadura. Mungkahing Padron ng Pagtalakay sa Batas Militar: Ambag sa Pedagohiyang Magpagpalaya Bilang buod, iminumungkahi ang sumusunod na padron ng pagtalakay sa Batas Militar/diktadura: 1) Gusto ni Marcos na makapanatili sa kapangyarihan lagpas pa sa kanyang legal na termino, at gusto rin niyang pabilisin ang implementasyon ng mga repormang ekonomiko na makadayuhan kaya siya 318 Suri, Saliksik, Sanaysay

nagdeklara ng Batas Militar; 2) Lalong lumakas ang rebelyong Muslim at rebelyong komunista dahil sa paninikil ng diktadura sa sambayanan na nagtulak sa maraming mamamayan na makisimpatya, makipagtulungan at/o sumapi sa mga rebelde; 3) Bigo ang mga “repormang ekonomiko” ng diktadura na iahon sa kahirapan ang mayorya ng mga mamamayan; 4) Ang mga proyektong imprastraktura ng diktadura ay karaniwang overpriced at batbat ng korapsyon; 5) Hungkag at huwad ang mga repormang politikal na ipinatupad ang diktadura; 6) Napakaraming brutal na paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng diktadura, bagay na nagkakansela at nagpapawalambisa sa kung ano mang katiting na positibong nagawa ng diktadura sa ibang larangan; 7) Dahil sa matinding katiwalian o korapsyon ng diktador, ng kanyang angkan at ng kanilang mga kroni, nabaon sa utang ang bansa pagkatapos na mapatalsik si Marcos; 8) Sa simula pa lamang ng Batas Militar ay may mga mamamayan nang matapang na tumutol sa diktadura sa iba’t ibang paraan at porma, at palakas sila nang palakas, parami nang parami hanggang sa paslangin si Ninoy Aquino, bagay na nagmulat sa mas maraming mamamayan na nararapat nang ibagsak ang diktadura; 9) Sa kabuuan, madilim na kabanata sa kasaysayan ng bansa ang diktadura at pinag-aaralan natin ito upang hindi na muling maulit pa. Sa kabuuan, inaasahang ang rebisyon sa namamayaning padron at diskurso sa teksbuk hinggil sa Batas Militar at diktadura ay makapag-aambag sa pedagohiyang mapagpalaya, palayo sa mga dekada ng misedukasyon na hanggang ngayo’y mababanaag pa sa ilang teksbuk at maging sa pambansang kamalayan (national consciousness) ng mga Pilipinong di pa rin malalimang nag-aaral ng at natututo sa kasaysayan ng bansa.

Mga Sanggunian:

African Forum and Network on Debt and Development (AFRODAD). Illegitimate Debt & Underdevelopment in the Philippines: A Case Study. Harare, Zimbabwe, 2007. Web. 04 January 2012.

Boyce, James K. 1993. The Philippines: The Political Economy of Growth and Impoverishment in the Marcos Era. Hawaii: University of Hawaii Press, p. 4, 8.

Claudio, Leloy. “The Totalitarianisms of the Marcos Era.” The Manila Review. Politika ng Pagsulat, Pagsulat ng Politika 319

(2012). Web. 04 January 2013. < http://themanilareview.com/the-totalitarianisms- of-the-marcos-era/>

Constantino, Renato. 1982. The Miseducation of The Filipino. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies.

______. 1975. Vol. 1 The Philippines: A Past Revisited (Pre-Spanish – 1941). Manila.

Freire, Paulo and Ira Shor. 1987. A Pedagogy for Liberation: Dialogues on Transforming Education. Greenwood Publishing Group.

Gramsci, Antonio. 1971. Selections from the Prison Notebooks. Quintin Hoare and Geoffrey Nowell Smith (eds. and trans.) New York: International Publishers.

Lichauco, Alejandro. 1998. Nationalist Economics. Quezon City: Institute for Rural Industrialization, Inc. p. 200-204

Loewen, James. 1996. Lies My Teacher Told Me: Everything Your American History Textbook Got Wrong. Touchstone.

Maceda, Teresita Gimenez. 1996. Mga Tinig Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit, 1930-1955. Quezon City: Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Marx, Karl at Friedrich Engels. 1998. The Communist Manifesto. London: ElecBook.

______. Holy Family, or the Critique of Critical Criticism, in K. Marx and F. Engels, Collected Works, vol. 4: 1844-45 (1975), p.93

Perry, Matt. 2002. Marxism and History. New York: Palgrave.

Pimentel, Jr. Aquilino Q. 2006. Martial Law in the Philippines: My Story. Mandaluyong City: Cacho Publishing House, p. 39-42, 73-74

Roces, Mina. “The Militant Nun as Political Activist and Feminist in Martial Law Philippines.” PORTAL Journal of Multidisciplinary International Studies. Vol. 1, No. 1 (2004). Web. 04 January 2012. 320 Suri, Saliksik, Sanaysay

Salaverria, Leila B. “DepEd sets new directions on teaching martial law era.” Philippine Daily Inquirer. (September 23, 2012). Web. 04 January 2013.

Sison, Jose Maria. “The Communist Party of the Philippines and Plaza Miranda.” Bulatlat.com. (July 2001). Web. 04 January 2013. Malikhaing Kritik ng Kapitalismo sa Tatlong Pelikulang Mainstream: Ambag sa Pedagohiyang Mapagpalaya sa Konteksto ng Bagong General Education Curriculum (GEC) Tungo sa Sustentableng Sistemang Ekonomiko*

alalim nang palalim at palawak nang palawak ang global na krisis ng kapitalismo na nagsimula noong 2008.1 Bigo sa paglutas ng krisis ang mga solusyong tapal-tapal (Band-Aid solutions) ng mga gobyernong neoliberal-kapitalista o kaya’y liberal-Keynesian, tulad ng pagsasalba Psa mga dambuhala at pribadong institusyong pinansyal, pagbabawas ng badyet

* Sa gitna ng hindi nareresolbang pandaigdigang krisis na kitang-kita sa dumadausdos na kabu- hayan ng nakararaming mamamayan at patuloy na pagkakamal ng malaking tubo ng mga korporasyong kapitalista sa pamamagitan ng mga aktibidad na mapangwasak sa kalikasan, may pangangailangang isu- long at lalong paigtingin ang pagkritik sa sistemang kapitalista. Sapagkat accessible sa maraming ma- mamayan, madaling gamitin sa pagkritik ng kapitalismo ang mga pelikulang mainstream na inilalabas ng Hollywood. Sa pamamagitan nito, maaaring magkaroon ng puwang ang “mga espasyo ng pagtutol” o spaces of resistance (Stephen, 2013) sa mga pelikulang nilikha mismo ng mga korporasyong kapitalista. Ang paggamit ng mga pelikula bilang materyal na panturo, at ang pagtalakay sa kapitalismo bilang isyung global ay malinaw na umaayon sa diwa ng asignaturang Art Appreciation/Pagpapahalaga sa Sining at The Contemporary World/Ang Kasalukuyang Daigdig na bahagi ng Bagong General Education Curriculum (GEC) na siyang nilalaman ng Commission on Higher Education Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013. Bilang ambag sa pedagohiyang mapagpalaya na inspirado ng mga ideya ni Paulo Freire, gagamiting lunsaran ng papel na ito ang pelikulang “Avatar” (2009), “Yogi Bear” (2010), at “The Lorax” (2012) sa pagbuo ng malikhaing kritik ng kapitalismo tungo sa paghubog ng sustentableng sistemang ekonomiko na nangangalaga sa sangkatauhan at sa kalikasan. 322 Suri, Saliksik, Sanaysay para sa serbisyong panlipunan, pagtataas ng retirement age, pagwasak o paglimita sa karapatang mag-unyon, paghihigpit sa migrasyon at iba pa. Sa halip, ang mga remedyong alok ng mga kapitalista ay lalo lamang nagpalawak at nagpalala sa umiiral na krisis sapagkat hindi nilulutas ng mga ito ang ugat ng problema at nakapag- aambag pa nga sa pagpapalawak ng agwat ng mga mamamayang mahirap sa isang banda, at ng mga mamamayang mayayaman sa isa pa, bukod pa sa pagpapalawak din ng agwat sa pagitan ng mga agrikultural o semi-industriyalisado, mahihirap o umuunlad na bansa sa isang banda, at ng mga industriyalisadong mauunlad na bansa sa isa pang banda. Sa isang publikong ulat, binigyang-diin ng Oxfam (2013), isang global na non-government organization (NGO) na “ang paglutas sa inequality ay mahalagang bahagi ng paglaban sa kahirapan at pagtiyak ng isang sustentableng hinaharap para sa lahat. Sa isang daigdig ng limitadong resources, hindi natin mawawakasan ang kahirapan kung hindi natin mabilis na malulutas ang inequality.” Samakatwid, magkaugnay at hindi mapaghihiwalay ang pagkritik sa sistemang kapitalista at ang paghahanap ng bagong sosyo-ekonomikong modelong magsasalba sa mga mamamayan mula sa kahirapan at magliligtas sa daigdig mula sa pagkawasak. Sa nasabing ulat ay inilantad din ng Oxfam na “Sa nakalipas na 30 taon, mabilis na lumawak ang inequality sa maraming bansa. Sa Estados Unidos, ang bahagi ng pambansang kita na napupunta sa pinakamayang 1% ng populasyon ay lumobo sa 20% ngayon mula sa 10% noong 1980...Sa global na lebel, ang pinakamayamang 1% (60 milyong tao), at partikular ang pinakamayamang 0.01% (600,000 indibidwal – may humigit-kumulang 1,200 bilyonaryo sa mundo), ang nakalipas na 30 taon ay maituturing na panahon ng kagulat-gulat na pagkakamal ng yaman. Hindi lamang ito sa Estados Unidos at iba pang mayayamang bansa nangyayari. Sa United Kingdom, mabilis na nanunumbalik ang antas ng inequality sa lebel noong panahon ni Charles Dickens. Sa Tsina, nasa pinakamayamang 10% ng populasyon ang halos 60% ng pambansang kita. Kahit sa maraming mahihirap na bansa, mabilis din na lumawak ang inequality. Sa antas global, ang kita ng pinakamayamang 1% ay lumaki ng 60% sa nakalipas na 20 taon...” Sa briefing paper na inilabas noong 2014 ng Oxfam, binigyang-diin na “Ang yaman ng pinakamayamang 1% ng daigdig ay nagkakahalaga ng $110 trilyon” na katumbas ng 65 ulit ng kabuuang yaman ng pinakamahirap na 50% ng populasyon ng mundo. Ang paglobo ng kita ng pinakamayayaman sa buong mundo ay pinatutunayan din ng detalyadong pananaliksik nina Alvaredo et al. (2013). Malinaw kung gayon na malala pa rin ang kahirapan sa buong mundo, at lumalawak pa ang agwat ng mayayaman at mahihirap saanman. Malikhaing Kritik ng Kapitalismo 323

Bukod sa mga tradisyunal na sukatan ng agwat ng mga mamamayan sa loob ng mga bansa at ng agwat sa pagitan ng mga bansa, dapat ding bigyang-diin ang mga di karaniwang ebidensya ng miserableng pamumuhay ng mga mamamayan sa ilalim ng kapitalismo tulad ng pagtaas ng pagkonsumo sa surrogate ulam, pagkain ng tira-tirang fastfood na tinatawag na “pagpag,” baratilyong pasahod sa mga manggagawa at iba pa. Kasabay ng malawakang paghihirap na dinaranas ng mga mamamayan sa ilalim ng sistemang kapitalista, patuloy sa pagkakamal ng supertubo ang mga dambuhalang korporasyong kapitalista na handang isakripisyo maging ang kalikasan sa ngalan ng pagpapalaki ng laman ng kanilang mga bank account. Gaya ng pinatutunayan ng kontemporaryong mga oil spill, tailings pond leaks, open-pit mining, paggamit ng pesticide sa mga plantasyon, polusyon mula sa mga pabrikang lumilikha ng produktong pangkonsumo, kontaminasyon ng suplay ng tubig, polusyon sa mga katubigan, walang dudang maruming-marumi ang rekord ng kapitalismo sa pangangalaga ng kalikasan. Ayon nga sa sosyalistang lider ng Venezuela na si Hugo Chavez (2009), winawasak ng kapitalismo ang sangkatauhan at ang mismong buong planeta. Ang ganitong perspektiba hinggil sa pagiging mapangwasak at di sustentable (unsustainable) ng kapitalismo ay pinatitibay ng mga pananaliksik gaya ng kay Smith (2013), Yoshida (2012), Singer (2010), Foster at Clark (2009), Carton (2009). Samakatwid, ang krisis sa ekonomyang ramdam na ramdam ng mga mamamayan ay kitang-kita na rin sa krisis ng kalikasan at daigdig na mistulang naghihingalo dahil sa mapaminsalang aktibidad ng mga kapitalistang abot-langit ang pagiging ganid. Ayon sa mga radikal na intelektwal gaya nina Chomsky (2013), Bello (2013), Zabala (2012), Žižek, (2011), Eagleton (2011), Sison (2009) at iba pa, kapitalismo ang salarin sa umiiral na krisis, kaya’t ang pagwawakas lamang ng kapitalismo at pagsilang ng isang bagong sistemang panlipunan (o kaya’y implementasyon ng mga reporma, sa kaso ni Chang, 2012) ang lulutas sa krisis. Maging ang mga relihiyoso ay nagpapahayag na rin ng mariing pagpuna sa mga kontemporaryong inhustisyang dulot ng naghaharing sistemang kapitalista, gaya ng nilalaman ng kauna-unahang apostolic exhortation ni Papa Francisco, lider ng Simbahang Romano Katoliko, na pinamagatang “Evangelii Gaudium” (2013). Sa kasamaang-palad, hanggang ngayo’y nangingibabaw pa rin sa akademya ang mga neoliberal-kapitalista na patuloy sa pagsasabing malulutas din ang krisis sa pamamagitan ng mga tradisyunal na pamamamaraang neoliberal-kapitalista. Sa mga unibersidad, may matibay na monopolyo pa rin sa diskursong ekonomiko ang mga neoliberal-kapitalista. Sa larangan naman ng pandaigdigang ugnayan, bantulot sa pag-aksyon sa krisis ng kalikasan – na lagi’t laging isinisisi lamang 324 Suri, Saliksik, Sanaysay sa pagbabago ng klima o climate change na sa aktwal ay dulot lamang ng walang rendang aktibidad ng mga kapitalista sa mga nakaraang siglo mula sa panahon ng industriyalisasyon sa Europa – ang mga nangungunang kapitalistang bansa sa Kanluran, at isinasantabi lamang ang panawagan ng mga mahihirap na bansang gaya ng Pilipinas na apektadong-apektado ng krisis ng kalikasan (Saño, 2013), gaya ng pinatunayan ng epekto ng isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan (ang bagyong Haiyan/Yolanda) na kumitil sa humigit-kumulang 10,000 mamamayan at nagwasak ng humigit-kumulang 25 bilyong pisong ari-arian. Sa gitna ng hindi nareresolbang pandaigdigang krisis sa ekonomya at kalikasan na kitang-kita sa dumadausdos na kabuhayan ng nakararaming mamamayan at patuloy na pagkakamal ng malaking tubo ng mga korporasyong kapitalista sa pamamagitan ng mga aktibidad na mapangwasak sa kalikasan, may pangangailangang isulong at lalong paigtingin ang pagkritik sa sistemang kapitalista. Sapagkat accessible sa maraming mamamayan, madaling gamitin sa pagkritik ng kapitalismo ang mga pelikulang mainstream na inilalabas ng Hollywood. Sa pamamagitan nito, maaaring magkaroon ng puwang ang “mga espasyo ng pagtutol” o spaces of resistance (Stephen, 2013) sa mga pelikulang nilikha mismo ng mga korporasyong kapitalista. Ang paggamit ng mga pelikula bilang materyal na panturo, at ang pagtalakay sa kapitalismo bilang isyung global ay malinaw na umaayon sa diwa ng asignaturang Art Appreciation/Pagpapahalaga sa Sining at The Contemporary World/Ang Kasalukuyang Daigdig na bahagi ng Bagong General Education Curriculum (GEC) na siyang nilalaman ng Commission on Higher Education Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013. Bilang ambag sa pedagohiyang mapagpalaya na inspirado ng mga ideya ni Paulo Freire (1987), gagamiting lunsaran ng papel na ito ang pelikulang “The Lorax” (2012), “Yogi Bear” (2010) at “Avatar” (2009) sa pagbuo ng malikhaing kritik ng kapitalismo tungo sa paghubog ng sustentableng sistemang ekonomiko na nangangalaga sa sangkatauhan at sa kalikasan.

“The Lorax”

Isang musical cartoon ang pelikulang “The Lorax” na batay sa isang aklat pambata na may pareho ring pamagat at isinulat ni Dr. Seuss (Theodor Seuss Geisel). Umikot ang kwento ng “The Lorax” sa buhay ng mga taga-Thneed-Ville, isang lungsod na may bakod at maihahalintulad sa isang gated subdivision. Wala nang puno sa Malikhaing Kritik ng Kapitalismo 325 lungsod na iyon at lahat ay gawa sa plastik, metal o anupamang materyales na di natural (synthetic). Dahil wala nang totoong puno sa Thneed-Ville, pati malinis na hangin doon ay ipinagbibili ng negosyanteng si O’ Hare. Lumabas sa Thneed- Ville ang pangunahing karakter na si Ted, isang 12 taong gulang na bata, upang maghanap ng totoong puno para mapasaya ang kanyang kaibigang si Audrey na naghahangad makakita ng gayon. Sa labas ng Thneed-Ville ay tumambad sa kanya ang paligid na marumi, polluted at wala na ring puno. Ang ganitong pagkawasak ng kalikasan ay kagagawan ni Once-ler, isang dating negosyante na yumaman dahil sa pagputol ng napakaraming puno na ginawa niyang thneed (hibla na ginagawang tela para sa pangginaw at iba pang bagay). Sa awiting “How Bad Can I Be” ni Once-Ler ay malinaw na ipinapahayag ang buod ng kapitalistang mentalidad: ang pagiging natural diumano ng paghahangad ng mga tao na magpayaman nang magpayaman (ang tinatawag ng mga kapitalista na “profit motive”), sukdulan hanggang mawasak ang kalikasan. Sa awitin ding ito’y inilantad ang pagyayabang ng mga kapitalista hinggil sa diumano’y pagpapalakas nila sa ekonomya sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang negosyo, at pagbibigay nila ng kaunti sa kawanggawa (charity) upang mapagtakpan ang kanilang imoral na pagwasak sa kalikasan. Inilantad din ng awit na ito ang papel sa kapitalistang lipunan ng mga PR people (tagamidya) at mga abogado na handang magsinungaling at baluktutin ang katotohanan para maprotektahan ang negosyo ng mga kapitalista. Mariing pagbatikos ang nasabing awitin sa kaipokrituhan ng corporate social responsibility at ng propagandang pro- kapitalista na nagkukubli sa totoong kulay ng kapitalismo. Samakatwid, hitik sa anti-kapitalistang aral ang pelikulang “The Lorax.” Ang de-boteng hangin na itinitinda ni O’Hare ay simbolo ng komodipikasyon ng kalikasan, na bahagi ng adyenda ng mga kapitalista upang magkamal ng kayamanan. Sa kapitalistang lipunan, gaya ng pinatutunayan ng pang-araw-araw na karanasan ng mga biktima nito, halos lahat ng bagay at maging ang mga tao’y komodipikado na. Katunayan, batay sa ulat ni Mosbergen (2013) sa Huffington Post, isang kumpanyang pag-aari ng milyonaryong Instik na si Chen Guangbiao ang nagbebenta ng sariwang hangin na nasa lata na nagkakahalaga ng $0.80 bawat isa. Sa halip na lutasin ang polusyong likha rin ng kanilang mga pabrika, pinili ng mga kapitalista na gawing komoditi ang natitira pang sariwang hangin ng daigdig. Sa kabila ng “tagumpay” ng mga kapitalista sa pamamagitan ng mga gaya nina O’Hare at Once-ler, binibigyang-pag-asa rin ng “The Lorax” ang mga nakikibaka laban sa kapitalismo. Nagwakas ang pelikula sa matagumpay na pagtatanim ni Ted sa kaisa-isang buto ng puno na naitabi ni Once-ler (na nagbagong-loob pagkatapos 326 Suri, Saliksik, Sanaysay makita ang sinseridad ni Ted) pagkatapos na suportahan siya ng mga mamamayan laban kay O’Hare na nagtangkang pigilan ang pagtatanim ng binhi sapagkat makasisira ito sa kanyang negosyong de-boteng hangin. Itinataguyod ng pelikula ang ideyang ang pagkamulat ng nakararami ang siyang maghahatid ng tunay na pagbabago. Ipinakikita ng pelikula na reversible ang kapitalistang mentalidad, na maaari pa lang maisip ng mga tao na hindi pera kundi ang daigdig – ang patuloy na pag-iral ng buhay at mapagkalingang daigdig – ang pinakamahalaga.

“Yogi Bear”

Sa unang tingin ay isang nakakatawang pelikulang pambata lamang ang “Yogi Bear.” Totoo naman kasing nakakatawa ang nagsasalitang oso na si Yogi na mali-mali at maraming naiisip na paraan para magnakaw ng “picnic basket” ng mga bumibisita sa kanyang tahanan – ang malawak at luntiang Jellystone Park. Sa kasamaang-palad, dahil bangkarote o bankrupt na diumano ang lungsod na kinalalagyan ng parke, ipasasara na ito ng alkalde kung hindi makagagawa ng paraan ang nagpapatakbo sa parke para kumita ng sapat ang parke. Sa madaling sabi, diumano’y kailangang magtipid ang gobyerno sa dati-rati’y serbisyo publiko (ang operasyon ng parke na pasyalan ng mga tao) dahil kulang sa badyet, kaya’t kailangang kumita ng pera ang parke o kaya’y ibebenta ito. Gustong-gusto nang ibenta ng tiwaling alkalde ang parke sa isang korporasyong nagtotroso (logging company) dahil may komisyon siya sa pagbebenta nito. Sa pamamagitan ng sikretong rekording, nalantad sa mga mamamayan ang lihim ng alkalde. Napigilan ang pagbebenta sa parke dahil sa pagkalantad ng katiwalian ng alkalde at sa pagkatuklas ng isang endangered species sa parke – ang alagang pagong ni Yogi – kaya hindi ito maaaring ibenta at dapat na patuloy na protektahan ng gobyerno. Samakatwid, ang “Yogi Bear” ay magagamit sa pagsusuri sa kasamaan ng sentral na ideya ng kapitalismo – ang profit motive – na direktang isinulong ng alkalde sa pamamagitan ng tangkang ibenta ang parke dahil di na ito kumikita. Iniuugnay rin ng pelikula ang kapitalismo sa korapsyon ng mga opisyal ng gobyerno (na naaakit sa kinang ng salapi) at sa pagtitipid sa serbisyo publiko (austerity measures) sa ngalan ng pagkakaroon ng balanced budget ng gobyerno na pinapaboran ng mga kapitalista. Sa mga bansang tumatangan sa kapitalismo gaya ng Pilipinas at Estados Unidos, mahaba na ang listahan ng mga ebidensya hinggil sa korapsyon ng mga opisyal (Ferguson, 2013; Huffington, 2004; Jensen, Malikhaing Kritik ng Kapitalismo 327

2002; Agator et al., 2013; Tuazon, 2007; Coronel, 1998) at/o hinggil sa pagtitipid ng gobyerno sa mga serbisyo publiko kaya’t madaling magagamit sa pagsusuri ng kontemporaryong realidad ang pelikulang “Yogi Bear.” Dagdag pa, ang pakikibaka ng kalikasan – na kinatawan ng osong si Yogi sa pelikula – laban sa pagiging ganid ng iilan ay kahawig na kahawig din ng pakikibaka ng mga mamamayan sa buong daigdig laban sa pagwasak ng mga kapitalista sa kalikasan, kapalit ng paglobo ng laman ng kanilang mga bank account. Sa pamamagitan ng “Yogi Bear” ay maaari ring suriin ang papel ng midya sa paglalantad ng katotohanan na may malaking potensiyal na imulat ang mga mamamayan tungo sa pagkatalo ng mga pwersang sakim sa pera, alalaon baga’y ang mga kapitalista.

“Avatar”

Tampok naman sa Avatar ang marahas na pagsakop ng mga sundalo ng kapitalismo na pinamumunuan ni Koronel Miles Quaritch (opisyal ng US Marines) sa Pandora, isang malaplanetang buwan na umiikot sa planetang Polyphemus, upang minahin ang mineral na “unobtanium” doon. Ubos-lakas na nilabanan ng mga mamamayan ng Pandora – ang tribong Na’vi – ang mga sundalo ng kapitalismo na naghahangad wasakin ang kanilang “daigdig” sa utos ng korporasyong magmimina ng “unobtanium.” Sa huli, nabigo ang mga kapitalista dahil sa “pagtataksil” o “pagpapalit-panig” ng ilan sa mga may-konsensyang empleyado ng korporasyon gaya ni Jake Sully at Dr. Grace Augustine. Maihahalintulad sa korporasyong magmimina ng “unobtanium” sa “Avatar” ang mga kapitalistang kumpanyang nagmimina sa buong mundo. Tubo ang kanilang pangunahing adyenda, at collateral damage ang kalikasan, gayundin ang mga katutubong nakatira sa mga lugar na pinagmiminahan, gaya ng nangyari sa Pandora at sa mga mamamayan nito na tinatawag na Na’vi. Malinaw rin na inilalarawan ng pelikula ang pasismo ng kapitalismo: ang pagiging marahas nito at ng kanyang mga sundalo na walang ibang iniisip kundi ang protektahan ang korporasyon at ang interes nito. Ipinakita ng pelikula na nakapaghahari lamang ang mga kapitalista sa pamamagitan ng dahas sapagkat hindi lahat ay sumasang-ayon sa kanilang perspektibang nagbibigay-diin sa tubo o pagkakamal ng kayamanan higit sa anupaman. Sa kontemporaryong daigdig, ang dokumentadong pananakop ng Estados Unidos sa Iraq mula 2001 hanggang 2008 na dahil sa yamang petrolyo ng huli (Hagel, batay sa banggit nina Shamoo at Bricker, 2007; Abizaid, 2007; 328 Suri, Saliksik, Sanaysay

Greenspan, 2007; Chatterjee, 2010) ay nagpapatunay na ang pasismo at kapitalismo ay may mutwal na relasyon. Ang paggamit ng pulisya at militar para protektahan ang mga malalaking minahan sa Pilipinas (Holden et al., 2011; Holden at Jacobson, 2007) ay ebidensya rin ng pag-iisang-dibdib sa realidad ng kapangyarihang militar at ng kapitalismo. Pinatitibay ng Executive Order No. 79, Series of 2012 ang ganitong sistema sa Pilipinas. Binibigyang-diin din ng pelikulang “Avatar” na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga mamamayang lumalaban para idepensa ang kalikasan at ang kanilang karapatan sa tulong ng mga may-konsensyang tauhan ng kapitalismo na namulat at nagpalit-panig, maaaring mapigilan ang pagkawasak ng daigdig at maaaring buuin ang isang lipunang makakalikasan at nagbibigay-buhay sa lahat.

Kongklusyon: Kritik Tungong Aksyon, Preserbasyon at Transpormasyon

Mahusay na inilalantad ng pelikulang “The Lorax,” “Yogi Bear,” at “Avatar” ang pagiging mapangwasak sa sangkatauhan at kalikasan ng kapitalismo. Mula sa pagbabasura sa kahungkagan ng profit motive at komodipikasyon ng kalikasan, pag-aalis sa maskara ng corporate social responsibility, relasyon ng korapsyon at kapitalismo, hanggang sa pagbubulgar sa pasismo ng kapitalismo at ng mga kapitalista, epektibong magagamit ang mga nabanggit na pelikula sa pagpapabulaan sa mga kasinungalingang inilalako ng mga kapitalista tungo sa pag-aambag sa pagbuwag sa mismong kapitalistang kamalayan at estrukturang ekonomiko at panlipunan na hanggang ngayo’y namamayani pa sa maraming bansa, sa kabila ng pinakabagong krisis ng kapitalismo na nagsimula noong 2008 at hanggang ngayo’y hindi pa rin nalulutas ng mga kapitalista. Taliwas sa panunudyo ng mga kapitalista sa mga antikapitalista na diumano’y wala namang alternatibo sa kapitalismo, ipinakikita ng tatlong pelikula na ang alternatibo sa kapitalismo ay ang pagbabasura sa sistemang ito na nagwawasak sa at tiyak na may kakayahang wakasan pa nga ang buhay ng lahat ng nasa daigdig. Ang alternatibo sa pagkawasak ay preserbasyon, at ang preserbasyon ng daigdig, ng kalikasan at ng sangkatauhan ay nakasalalay sa pagpapahinto ng mga mapangwasak na aktibidad na kagagawan ng mga kapitalista – samakatwid baga’y ang pagwasak mismo sa sistemang kapitalista. Ang ganitong pagwasak sa sistemang kapitalista ay masisimulan lamang sa pagpupunla ng bagong Malikhaing Kritik ng Kapitalismo 329 kamalayan, isang pagpapalit-isip, paradigm shift, ng mga taong itinuturing na pinakamatatalino at pinakalohikal sa lahat ng mga nilalang. Ang pagpupunla ng bagong kamalayang ito ay maihahalintulad sa pagpupunla ng binhi ng puno sa pelikulang “The Lorax” na naisagawa lamang sa pamamagitan ng pagpupursige ng iilang mamamayang may-malasakit sa kalikasan at malao’y nagawang kumbinsihin ang mayorya na ang pagpupunla nito’y isang positibong aksyon. Kahawig ito ng pakikibaka ni Yogi at ng kanyang mga kasama sa pelikulang kanyang pinagbidahan: mahirap sa simula sapagkat makapangyarihan ang mga kalaban, ngunit maaari rin namang mapagtagumpayan basta’t namulat ang nakararami hinggil sa sitwasyon sa pamamagitan ng midya. Hindi rin dapat kalimutan na dahil marahas ang mga kapitalista, may mga pagkakataong ang mga nakikibaka para mailigtas ang daigdig sa pagkawasak ay naoobliga ring tapatan ng sariling pinag-isang lakas ang armadong lakas ng mga kapitalista, gaya ng inilahad sa pelikulang “Avatar.” Sa pangkalahatan, ang pagkritik sa kapitalismo ang unang hakbang tungo sa mga aksyon na makatutulong sa preserbasyon ng daigdig, sangkatauhan at kalikasan, at unti-unti ring magdudulot ng positibong transpormasyon tungo sa isang sustentableng sistemang ekonomiko na hindi na tubo at kita kundi kapakanan ng nakararami na ang binibigyang-prayoridad.

Mga Sanggunian:

Abizaid, John. Statement in “Courting Disaster: Fight for Oil, Water and a Healthy Planet.” YouTube. 13 October 2007. Web. 31 January 2014. http://www.youtube. com/watch?v=9sd2JseupXQ&t=21m45s.

Agator, Maxime et al. Corruption and Anti-Corruption in the Philippines. Transparency International. 2013. Web. 31 January 2014.http://www.transparency. org/files/content/corruptionqas/Corruption-AntiCorruption-Philippines.pdf.

Alvaredo, Facundo et al. The World Top Incomes Database. Paris School of Economics. 2013. Web. 31 January 2014. http://topincomes.g-mond. parisschoolofeconomics.eu/

Aquino, Benigo S. Executive Order No. 79, Series of July 6, 2012. Web. 31 January 2014. http://www.gov.ph/2012/07/06/executive-order-no-79-s-2012/.

Chang, Ha-Joon. 23 Things They Don't Tell You About Capitalism. Bloomsbury Press, 2012. 330 Suri, Saliksik, Sanaysay

Chatterjee, Pratap. Halliburton's Army: How a Well-Connected Texas Oil Company Revolutionized the Way America Makes War. Nation Books, 2010.

Chomsky, Noam. “Will Capitalism Destroy Civilization?” Truthout. 07 March 2013. Web. 31 January 2014. http://truth-out.org/opinion/item/14980-noam-chomsky- will-capitalism-destroy-civilization

Chavez, Hugo. “Speech on Climate Change in the Copenhagen Summit.” 17 December 2009. Web. 31 January 2014. http://venezuelanalysis.com/ analysis/5013.

Coronel, Shiela S. Pork and other Perks: Corruption and Governance in the Philippines. Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), 1998.

Eagleton, Terry. Why Marx Was Right. Yale University Press, 2011. Print.

Bello, Walden. Capitalism’s Last Stand?: Deglobalization in The Age of Austerity. London: Zed Books, 2013. Print.

Ferguson, Charles H. Predator Nation: Corporate Criminals, Political Corruption, and the Hijacking of America. Crown Business, 2013.

Foster, John Bellamy and Brett Clark. “Paradox of Wealth: Capitalism and Ecological Destruction.” Monthly Review. Volume 61, Number 6 (November 2009): 1-18. Web. 31 January 2014. http://monthlyreview.org/2009/11/01/the-paradox-of- wealth-capitalism-and-ecological-destruction.

Freire, Paulo and Ira Shor. A Pedagogy for Liberation: Dialogues on Transforming Education. Greenwood Publishing Group, 1987. Print.

Greenspan, Alan. The Age of Turbulence: Adventures in a New World. Penguin Books, 2007.

Holden, William and R. Daniel Jacobson. “Mining Amid Armed Conflict: Nonferrous Metals Mining in the Philippines.” The Canadian Geographer/Le G´eographe Canadien. Volume 51, No. 4 (2007): 475–500. Web. 31 January 2014. http://people.ucalgary.ca/~rjacobso/publications/Mining%20amid%20 armed%20conflict_Canadian%20Geograper.pdf.

Holden, William et al. “Exemplifying Accumulation by Dispossession: Mining and Indigenous Peoples in The Philippines.” Geografiska Annaler: Series B, Malikhaing Kritik ng Kapitalismo 331

Human Geography. Volume 93, Issue 2 (June 2011): 141–161. Web. 31 January 2014. http://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/j.1468-0467.2011.00366.x/ abstract;jsessionid=0CD968DE247B9D69589571ABB03C3A6A. f01t02?deniedAccessCustomisedMessage=&userIsAuthenticated=false.

Huffington, Arianna. Pigs at the Trough: How Corporate Greed and Political Corruption Are Undermining America. Broadway Books, 2004.

Jensen, Carl. Stories that Changed America: Muckrakers of the 20th Century. Seven Stories Press, 2002.

Mosbergen, Dominique. “Chen Guangbiao Sells Millions Of 'Canned Fresh Air'.” Huffington Post. 01 February 2013. Web. 31 January 2014. http://www. huffingtonpost.com/2013/02/01/chen-guangbiao-canned-fresh-air- pollution- china_n_2599716.html

Oxfam. The Cost of Inequality: How Wealth and Income Extremes Hurt Us All. 18 January 2013. Web. 31 January 2014. http://www.oxfam.org/sites/www. oxfam.org/files/cost-of-inequality-oxfam- mb180113.pdf.

--- . Working For The Few: Political Capture and Economic Inequality. 20 January 2014. Web. 31 January 2014. http://www.oxfam.org/sites/www.oxfam.org/files/ bp-working-for-few-political-capture-economic-inequality-200114-summ-en.pdf.

Pope Francis. “Evangelii Gaudium.” 24 November 2013. Web. 31 January 2014. http://www.vatican.va/holy_father/francesco/apost_exhortations/documents/papa -francesco_esortazione-ap_20131124_evangelii-gaudium_en.html#Challenges_ to_inculturating_the_faith.

Prince, Stephen R. Movies and Meaning: An Introduction to Film (Sixth Edition). Pearson Education Inc., 2013. Print.

Saño, Naderev. “Stop this climate crisis madness.” Rappler. 11 November 2013. Web. 31 January 2014. http://www.rappler.com/thought-leaders/43476-stop- this- climate-crisis-madness.

Shamoo, Adil E. and Bonnie Bricker. “The Costs of War for Oil.” Foreign Policy in Focus. 19 October 2007. Web. 31 January 2014. http://fpif.org/the_costs_ of_war_for_oil/.

Singer, Merrill. 2010. “Eco-nomics: Are the Planet-Unfriendly Features of 332 Suri, Saliksik, Sanaysay

Capitalism Barriers to Sustainability?” Sustainability. Volume 2, No. 1 (2010): 127- 144. Web. 31 January 2014. http://www.mdpi.com/2071-1050/2/1/127.

Sison, Jose Maria. People’s Struggle Against Imperialist Plunder and Terror: Volume 4: Selected Writings of Jose Ma. Sison (1991-2009). Aklat ng Bayan, 2009.

Smith, Richard. “Capitalism and The Destruction of Life on Earth: Six Theses on Saving The Humans.” Real-world Economics Review. Issue No. 64 (2013): 125- 151. Web. 31 January 2014. http://www.paecon.net/PAEReview/issue64/ Smith64.pdf.

Tuazon, Bobby. Dissecting Corruption: Philippine Perspectives. Center for People Empowerment in Governance (CENPEG), 2007.

Wim Carton. Nature and The Myth of A Sustainable Capitalism. Master thesis. Aarlborg University, 2009. Web. 31 January 2014. http://projekter.aau.dk/projekter/ files/17802828/Thesis_Final.pdf

Yoshida, Fumikazu. “The Mechanism of Modern Capitalism and Environmental Destruction.” Hokkaido University Collection of Scholarly and Academic Papers: HUSCA. 2012. Web. 31 January 2014. http://eprints.lib.hokudai.ac.jp/dspace/ bitstream/2115/53452/1/chapter-2.pdf.

Zabala, Santiago. “Being a Communist in 2012.” Aljazeera. 09 Feb 2012. Web. 31 January 2014. http://www.aljazeera.com/indepth/ opinion/2012/02/201223111316317303.html.

Zizek, Slavoj. Living in The End Times. Verso, 2011. Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan: Kontekstwalisasyon ng Sosyo-politikal na Graffiti sa Pilipinas*

a bawat kilos-protesta na regular na isinasagawa sa mga pangunahing lunsod ng bansa, partikular sa pambansang rehiyong kabisera, pangkaraniwang tanawin na ang mga itim, puti, asul at pulang pinturang naghahayag ng panawagan ng mga aktibista sa mga pader, Sgilid ng fly-over,1 sa mga concrete barrier sa gitna ng kalsada, sa mga waiting shed, at iba pang lokasyong madalas daanan ng maraming tao. Gayunman, sa kabila ng makabuluhang mensahe ng mga sosyo-politikal na graffiti na likha ng mga aktibista – mula sa panawagang Education for All hanggang sa Tunay na Reporma sa Lupa –­ bihirang mapag-ukulan ng pansin ang mga likhang-sining na ito. Katunayan, krimen at hindi panlipunang sining ang opisyal na klasipikasyon ng anumang graffiti sa pananaw ng mga nasa pamahalaan. Halimbawa, sa Estados

* Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na magtipon ng larawan ng mga sosyo-pulitikal na graffiti sa mga lansangan ng Metro Manila at suriin ang namamayaning tema nito, gayundin ang mga organisasyong “nakalagda” sa mga ito. Isinailalim ng papel sa proseso ng kontekstwalisasyon ang mga graffiti – ang pagpapaliwanag sa nilalaman ng mga ito upang maipatampok ang kabuluhan ng sining sa lansangan bilang sining na magagamit sa pagbabagong panlipunan. Ang mga graffiti na sinuri ay kahawig pa rin ng mga sulat sa pader at panawagan sa lansangan ng mga aktibista sa kasalukuyan. 334 Suri, Saliksik, Sanaysay

Unidos, naglalabas ng mga detalyadong manwal hinggil sa pagsugpo ng graffitiang Office of Community Oriented Policing Services na bahagi ng U.S. Department of Justice, gaya ng 68-pahinang gabay (c. 2000) na inihanda ni Prop. Deborah Lamm Weisel, direktor ng pananaliksik sa usaping pampulisya sa North Carolina State University. Ayon sa manwal na inihanda ni Lamm Weisel, vandalism o pagsira sa pribado o publikong kagamitan/ari-arian ang anumang uri ng graffiti. Wala pang pambansang batas na nagbabawal sa graffiti sa Pilipinas, bagamat may mga panukalang-batas na nakabinbin sa Senado gaya ng Senate Bill No. 1647 o “Anti-Vandalism Act” (“an act prohibiting vandalism and imposing penalties thereto”) ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Nauna pa rito, noong ika- 14 na Kongreso, isinumite naman ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang Senate Bill No. 3042 o “Anti-Vandalism Act of 2009” (“an act prohibiting acts of vandalism, imposing penalties for violations thereof, and for other purposes”). Samantala, pinangangambahan ng mga grupong nagtataguyod ng karapatang pantao na maaaring gamitin ng pamahalaan ang ilang probisyon ng Human Security Act of 2007 (Batas “Kontra-Terorismo”) upang lapatan ng parusa ang vandalism at upang gawing krimen ang mga lehitimong porma ng protesta (Human Rights Watch, 2007). Sa kabila ng kawalan ng malinaw na legal na batayan sa pagbabawal at pagsawata sa graffiti bukod– sa mga malalabong probisyon sa Batas “Kontra- Terorismo” at mga lokal na ordinansa – patuloy na ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang programang “MMDA Art.” Alinsunod sa programang ito, pinipintahan ng mga tauhan ng MMDA ng iba’t ibang hugis at kulay ang mga graffitiupang “mahirapan” ang mga manlilikha-manunulat ng graffiti na muling maglagay ng graffiti, sapagkat di na lamang isa o dalawang pintura ang kakailanganin upang matabunan ang halos-kulay-bahagharing “MMDA Art.” Sinasalungat naman ng mga akademista ang namamayaning opisyal na pagkiling sa kriminalisasyon ng graffiti sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kabuluhang pangkultura at panlipunan ng mga graffiti, lalo na yaong may temang sosyo-politikal. Ang “graffiti ay hindi vandalism” kundi “isang mahalagang kilusang pangmasa na nagtataguyod ng mural sa mga lugar na urban” (“important grassroots urban mural movement”) at ito rin ang “pinakamahalagang kilusang pansining sa mga huling bahagi ng ika-20 siglo,” depensa ni Dr. Joe Austin (2001) ng University of Wisconsin-Milwaukee. Tahas namang tinukoy ni McNichols (2006) ang graffiti bilang sining dahil sa panlipunang kabuluhan nito. Bagamat walang gaanong mababakas na pagtatangkang sumunod sa karaniwang pamantayan ng estetika, maituturing pa rin na likhang-sining ang sosyo-politikal na graffiti, kung gagamitin ang depinisyon ni Horace ng panitikan na Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 335

“dulce et utile” (‘matamis’ o ‘masining’ at ‘nagagamit’ o ‘may-silbi’). Sa pagbibigay- diin sa motibo o layunin ng mga manunulat-manlilikha ng graffiti, nagiging malinaw ang ‘silbi, ‘gamit’ o ‘kabuluhan’ nito sa lipunan. Sa opinyon ni Weinberg (2003), taliwas sa diumano’y pagiging vandalism ng graffiti, “sa mga lumilikha nito at sa mga humahanga rito…isa itong malikhaing gawain, isang aktibidad na bumubuo o lumilinang sa pagpapahalaga, kultura at presensya, kung saan ang mga ito’y di umiiral.” Samakatwid, sa halip na pagwawasak, ang graffiti ay paglikha ng makulay at makabuluhang likhang-sining at/o sulatin sa mga pader at iba pang espasyong dati’y walang kulay at walang laman. Hindi lamang paraan ng pagtatala ng presensya ng mga tao, at “panlipunang pagbuo ng espasyo” ang graffiti,kundi isa ring pagsisikhay na mag-angkin ng espasyo (Frederick, 2009). Sinasalamin ito ng pagtanaw ng mga Marxista sa sining bilang “kritikal na pagpapalaya mula sa mga konserbatibong pagpapahalaga” ng lipunan (Werckmeister, 1991) na ipinaliwanag ni Weinberg (2003) sa pahayag na ang anumang “Graffiti, kahit di tahas na politikal, ay isang seryosong porma ng paglaban at/o pagtatakwil (resistance) sa mga pagpapahalaga (values) ng isang dominanteng kultura, na isinasagawa ng mga kulturang naisantabi.” Sa kaso ng Pilipinas, ang mga sosyo-politikal na graffiti ay pawang mga tinig ng mga isinantabing hinaing ng mga dukha na naghuhumiyaw upang marinig sa lipunang pinangingibabawan ng elite at/o elitistang naghaharing uri.

Graffiti Bilang Balwarte ng Kontragahum at Daluyan ng “Piniping Kasaysayan”

Sa konteksto ng mga pahayag ng Italyanong pilosopo na si Antonio Gramsci, ang mga graffiti ay maituturing na bahagi ng malawak na hanay ng mga pwersang kontrahegemonya o kontragahum sapagkat ang mga manunulat-manlilikha ng graffiti ay mula sa mga uri at pangkat na inaapi at/o pinagsasamantalahan. Ipinaliwanag ni Gramsci (1985) na bukod sa pag-oorganisang pampulitika at pang-ekonomya, dapat pagtuunang-pansin ng mga naghahangad ng pagbabagong panlipunan ang pag-oorganisang pangkultura. Bahagi ng pag-oorganisang pangkultura ang paglikha ng mga sulatin at iba pang likhang-sining gaya ng graffiti na “naglalahad ng mga makabuluhang tanong (hinggil sa umiiral na kaayusan o status quo) at nagbabalangkas ng mga mahahalagang katangian ng nililinang na bagong kaayusan o sibilisasyon” (Gramsci, 1985). Ang konsepto ng graffiti bilang 336 Suri, Saliksik, Sanaysay balwarte ng kontragahum ay sinasalamin ng paglalarawan nina Prop. Kate Giles ng University of York at Prop. Melanie Giles ng University of Manchester (2007) sa graffiti bilang paraan ng pagtuklas at pag-unawa sa “nakakubling kasaysayan” ng mga “nakakubling komunidad.” Nilinaw ni Dr. Sherri Cavan (1995) ng San Francisco State University na karaniwan, ang “mga walang kapangyarihan, ang mga isinantabing mamamayan, mga mamamayang walang pagkukunang sosyal at/o ekonomiko (social and/or economic resources), mga mamamayang di nagtatamasa ng karapatan sa pag-aari (people without property rights)” ang nagsusulat at/o nagpipinta ng graffiti. Samakatwid, ang “pag-aangkin” ng mga manlilikha-manunulat ng graffiti sa publiko at/o pribadong espasyo ay manipestasyon at pagpapatunay ng pag-iral ng at protesta laban sa isang di makatarungangang sistemang panlipunan kung saan malawak ang agwat ng kalagayang sosyo-ekonomiko ng mga “mayroon” at ng mga “walang-wala.” “Ang graffitiay isa lamang sa iilang forum na tahasang nagpapakita ng agwat ng mga isinantabing pamayanan at ng ‘mas malawak’ na lipunan (Weinberg, 2003).” Silang mga pinagkaitan ng tinig ng mga institusyong nag-aastang demokratiko – gaya ng pamahalaan – ay tumatawag lamang ng pansin at sumisigaw lamang ng pagbabago sa pamamagitan ng pagmamarka ng kanilang panawagan at hinaing sa mga espasyong publiko at/o pribado. Dinala na nila sa mga pader at iba pang espasyo sa literal na labas ng mga establisimyento ang kani-kanilang panawagan at hinaing dahil sa kabiguan ng mga nasa kapangyarihan, lalo na ang mga nanunungkulan sa pamahalaan, na bigyang-pansin ang mga ito sa pamamagitan ng mga regular na aktibidad ng estado tulad ng paglikha ng batas, pagsasagawa ng mga dayalogo at iba pa. Kung gayon, ang pag-iral ng sosyo-politikal na graffitiay isang pagsasakdal sa di makatarungang “kaayusan” ng lipunan na kontrolado ng iilang elite. Kung tutuusin, wala nang magsusulat o lilikha ng sosyo-politikal na graffitisa panahong mapawi na rin ang kahuli-hulihang senyales ng mga inhustisyang sosyo-ekonomiko na karaniwang pinapaksa ng mga ganitong uri ng graffiti o mabigyan man lamang ng sapat na representasyon at/o tinig ang mga inaapi at/o pinagsasamantalahang sektor ng lipunan sa mga bulwagan ng kapangyarihan. Ang mga sosyo-politikal na graffiti, gaya ng mga demontrasyon, rali, welga, kilos-protesta, rebelyon at rebolusyon, ay mga sintomas lamang ng mga nagnanaknak na kanser ng lipunan na di nabigyang-kalutasan ng mga regular na prosesong burukratiko, lehislatibo at hudisyal. Sa ganitong diwa, maaaring ilapat ang proseso ng kontekstwalisasyon sa pagsipat at pag-unawa sa mga kontemporaryong sosyo-politikal na graffiti. Ang kontekstwalisasyon ay tumutukoy sa paglulugar ng isang partikular na akdang pampanitikan gaya ng tula, nobela o awit, sa panahong pinagmulan nito. Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 337

Sa prosesong ito’y inilalarawan ang lipunang nagluwal sa akdang pampanitikan, partikular ang mga kondisyong sosyo-ekonomiko ng mga mamamayan sa panahong iyon. Alinsunod ito sa pananaw ni Gramsci (1985) at ng iba pang Marxista at reyalista na hindi maaaring ihiwalay ang likhang-sining at ang indibidwal na lumikha nito, sa lipunang kanilang pinagmulan: “…ang alagad ng sining ay di lamang nagsusulat o nagpipinta – kumbaga, di niya binibigyang-buhay ang kanyang imahinasyon – para lamang sa kanyang sariling pag-alaala, para lamang kanyang sariwain ang oras ng paglikha. Siya’y nagiging tunay na alagad ng sining sa pamamagitan ng kongkretisasyon, obhetisasyon at historisisasyon ng kanyang mga imahinasyon.” Kung pahihintulutan ang paglalaro ng mga salita, maibubuod ang sinabi ni Gramsci sa pamamagitan ng ganitong kaisipan: ang imahinasyon ng isang alagad ng sining ay di simpleng imahinasyon kundi isang manipestasyon ng imahe ng kanyang nasyon. Gaya ng inilimbag na pananaliksik ni Dr. Teresita Gimenez Maceda ng Unibersidad ng Pilipinas (1996) hinggil sa “kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa mga awit” (1930-1955), ang papel na ito’y nagtatangkang maging alingawngaw ng “mga tinig mula sa ibaba” sa pamamagitan ng kontekstwalisasyon ng mga magkakaugnay na kwentong-buhay at sanlibo’t isang pangarap ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang maralita upang muling mabigyang-tinig ang ilang bahagi ng ating kontemporaryong “piniping kasaysayan” sa gitna ng kawalan ng puwang nito sa mga opisyal na bulwagan ng kapangyarihan.

Panimulang Kontekstwalisasyon: Kwento sa Likod ng Bawat Graffiti

Bago ang pangkalahatang kontekstwalisasyon, makabubuting sipatin muna ang aktwal na kuha ng mga susuriing graffitiat isailalim ang bawat graffitisa indibidwal na kontekstwalisasyon. Narito ang detalyadong paglalarawan sa mga susuriing graffiti para sa benepisyo ng mga makakukuha ng di malinaw at/o walang kulay na kopya ng papel na ito. Ang may salungguhit ang mismong “panawagan” (kung pasulat ang graffiti) o pangkalahatang deskripsyon (kung hindi pasulat ang malaking bahagi ng o ang buong graffiti). Ang pangalan ng organisasyong nakalagda sa graffiti ay naka-italics naman. Ang nasa panaklong o parenthesis ay ang lugar kung saan nakita/makikita ang graffiti.Sa ibaba ng larawan ay mababasa ang deskripsyon ng graffiti at ng pangkat na lumikha nito (kung may nakalagda sa graffiti). Ang 338 Suri, Saliksik, Sanaysay mga larawan ay kinunan sa alinman sa mga sumusunod na: Nobyembre-Disyembre 2010 at Enero 2011. Karamihan ng mga larawan ay sariling kuha ng mananaliksik (maliban sa ilang larawan na tinukoy naman ang pinanggalingan).

S.D.O IBASURA! – ANAKPAWIS (Lunsod ng Maynila)

*Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik. Kulay-puti ang pintura ng malaking bahagi ng graffiti sa pulang background (ang concrete barrier sa ilalim ng LRT). Ang ilang titik (“NAKPAWIS” sa salitang “ANAKPAWIS”) ay ipininta gamit ang asul na pintura. Ang ANAKPAWIS ay tumutukoy sa Anakpawis Partylist, isang pambansang partido pulitikal na binubuo ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, mga pangkat minorya (national minorities), at maralitang tagalunsod at taganayon (urban and rural poor). Kaalyado ito ng Bayan Muna Partylist. Ang S.D.O. ay akronim na nangangahulugang “stock distribution option.” Alinsunod sa Batas Republika Blg. 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang SDO ay isa sa mga opsyon na maaaring ipalit sa aktwal na distribusyon ng lupa. Sa pamamagitan ng SDO, maaaring piliin ng mga magsasaka o kasama (tenant-farmer) sa isang hacienda na maging ka-may-ari o shareholder ng Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 339 korporasyong nagpapatakbo sa hacienda, sa halip na aktwal na magkaroon ng sariling lupa. Bagamat ipinagbabawal na ang SDO at iba pang katulad na programa, sa ilalim ng Batas Republika Blg. 9700 o Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER), hanggang sa matapos ang pananaliksik na ito ay SDO pa rin ang namamayaning sistema sa Hacienda Luisita na pag-aari ng angkan ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III. Wala pang pasya ang Korte Suprema hinggil sa kaso na isinampa ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita na kumukwestyon sa legalidad ng SDO.

S.D.O IBASURA! – ANAKBAYAN-PUP (Lunsod ng Maynila)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik. Kulay-puti ang pintura ng buong graffiti sa pulang background (ang concrete barrier sa ilalim ng LRT). Ang ANAKBAYAN ay isang samahan ng mga kabataan sa Pilipinas na may sangay na rin sa ilang lunsod sa Estados Unidos. Ayon sa website ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), isang umbrella organization ng mga progresibong grupo – na minsang pinamunuan ni Senador Lorenzo Tañada – ang Anakbayan ay kasaping-organisasyon ng BAYAN. Ang PUP ay akronim para sa Polytechnic University of the Philippines. Kilala ang 340 Suri, Saliksik, Sanaysay

PUP, gaya ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), bilang “balwarte” ng aktibismo sa bansa dahil sa konsolidadong lakas ng mga samahang pang-estudyante roon (De La Cruz, 2006).

EDUCATION NOT 4 SALE – walang nakalagda (Lunsod ng Maynila)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik. Kulay-puti ang pintura ng buong graffiti sa pulang background (ang concrete barrier sa ilalim ng LRT). Ang slogan na “Education not for sale” ay popular sa buong mundo. Sa isang sipat sa internet ay makikitang laganap ang panawagang ito sa mga bansang gaya ng United Kingdom, Canada, USA, Malawi, Pransya, Alemanya, Austria at iba pa. Ang slogan na ito ay nagpapahiwatig ng pagtutol sa tinatawag na “komersyalisasyon” ng edukasyon – ang pagtuturing sa mga institusyong akademiko (na pag-aari ng at/o pinatatakbo ng pamahalaan) bilang mga negosyo na dapat ay magkamal ng tubo, sa halip na serbisyo publiko na dapat magtamo ng subsidyo o suportang pinansyal mula sa pamahalaan sa layuning magpalaganap ng kaalaman para sa ikauunlad ng sambayanan (Simbulan, 2007). Ilang halimbawa ng “komersyalisasyon” ang sosyohan ng mga unibersidad at ng mga malalaking korporasyon gaya ng ginawa ng UP at ng pamilya Ayala sa pagtatayo ng UP-Ayala Land Techno Hub, o ang pagpaparenta ng lupa ng paaralan sa Petron, Gerry’s Grill, Figaro at iba pang negosyo na gaya ng ginagawa ng Bulacan State University sa Lunsod ng Malolos. Sa pananaw ng mga aktibista, Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 341 ang paniningil ng mataas na at mataas na iba pang bayarin (miscellaneous fee) ng mga pamantasang pag-aari at/o pinatatakbo ng gobyerno ay isa ring porma ng komersyalisasyon (Marasigan, 2006 at Kabataan Partylist-Jose Rizal University Chapter, 2010). Sa konteksto ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao o “Universal Declaration of Human Rights,” anumang imposisyon na magiging dahilan ng paglimita sa pagiging accessible ng edukasyon ay maituturing na isang porma ng komersyalisasyon sapagkat itinuturing ang edukasyon bilang isang pangunahing karapatan (Artikulo 26 sa deklarasyon).

LUPA, SAHOD, TRABAHO, EDUKASYON at KARAPATAN! IPAGLABAN! – ANAKBAYAN *LFS (Lunsod ng Maynila)*

Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti.Ang buong graffitiay nagtataglay ng malalaking titik (maliban sa “at”). Kulay-puti ang pintura ng buong graffitisa pulang background (ang concrete barrier sa ilalim ng LRT). Ang LFS ay akronim para sa League of Filipino Students, isang samahan ng mga mag-aaral na ka- alyado ng ANAKBAYAN. May sangay ito sa maraming unibersidad at paaralang sekundarya sa bansa. Ang panawagang “lupa” ay tumutukoy sa reporma sa lupa o redistribusyon ng mga hacienda sa mga magsasakang walang lupa. Ang “sahod” at “trabaho” ay tumutukoy naman sa panawagang pagtataas ng sahod upang maging “nakabubuhay” ito (living wage), at sa panawagang pagkakaroon ng sapat na lokal na trabaho para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pambansa at makabansang industriyalisasyon (pagtatayo at pagpapatibay ng mga industriyang Pilipino). Ang “karapatan” ay tumutukoy sa pagsusulong ng karapatang pantao at panawagan ng pagrespeto rito. 342 Suri, Saliksik, Sanaysay

TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN – ANAKPAWIS–KMU (Lunsod ng Maynila)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik. Kulay-puti ang pintura ng buong graffitisa pulang background (ang concrete barrier sa ilalim ng LRT). Ang KMU ay akronim para sa Kilusang Mayo Uno, ang pinakamalaki at pinakaradikal na pederasyon ng mga organisasyong pangmanggagawa sa bansa. Ang isa sa pinakakilalang lider ng KMU ay ang yumaong kinatawan ng ANAKPAWIS Partylist sa Kongreso, si Crispin “Ka Bel” Beltran. Sa pananaw ng mga grupong progresibo, ang panawagang “tunay na reporma sa lupa” ay nangangahulugan ng pagsusulong ng Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) o House Bill No. 374 (taong 2010)/House Bill No. 3059 (taong 2007), ang bersyon ng reporma sa lupa na inakda ng mga progresibong partylist gaya ng Bayan Muna, Gabriela at Anakpawis. Kaiba sa CARP at CARPER, ang GARB ay nagtatadhana ng libreng pamimigay ng lupa sa mga magsasaka.

SDO AT CARPER IBASURA – ANAKPAWIS (Lunsod ng Maynila)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik (maliban sa “i” sa “ANAKPAWIS”). Kulay-puti ang pintura ng buong graffitisa pulang background (ang posteng pansuporta sa LRT). Ang CARPER Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 343

ay akronim na tumutukoy sa Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms o Batas Republika Blg. 9700. Ipinababasura ng mga militanteng grupo ang SDO dahil sa pagiging labag nito sa diwa ng reporma sa lupa (ang aktwal na distribusyon ng lupa). Noong Agosto 2010 ay inihain ng mga kinatawan ng Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, Kabataan at ACT Teachers Partylist ang House Bill No. 2521 na naglalayong ipawalang-bisa ang SDO. Samantala, ipinababasura ng mga militanteng grupo ang CARPER dahil sa diumano’y mga maka-asenderong (pro-landlord) probisyon nito gaya ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga asendero na tukuyin kung sinu-sino lamang ang maaaring maging beneficiary ng reporma sa lupa (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2009). 344 Suri, Saliksik, Sanaysay

NOY2 KONTRA MAGSASAKA – LFS (Lunsod ng Quezon)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik at isang numero (ang 2 sa “NOY2” na daglat para sa “NOYNOY,” na tumutukoy naman kay Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III). Kulay-puti ang pintura ng buong graffiti sa pulang background (ang bakod ng bulwagan ng Kagawaran ng Agrikultura). Ang LFS ay akronim na tumutukoy sa League of Filipino Students. Ang pagiging “kontra-magsasaka” ni Pangulong Noynoy Aquino sa mata ng mga aktibista ay bunga ng kawalan ng masigasig na interes niya sa pagresolba ng mga usapin sa reporma sa lupa, lalo na ang may kaugnayan sa Hacienda Luisita na pag-aari ng kanyang angkan. Sa panahong bumisita ang mananaliksik sa Lunsod ng Quezon upang maghanap ng graffiti noong Enero 2011, isang pangkat ng mga magsasaka na kabilang sa Task Force Mapalad ang permanenteng nakapiket sa harap ng tanggapan ng Kagawaran ng Reporma sa Lupa. Bagamat sumusuporta sa CARPER (di gaya ng Anakpawis at ng iba pang grupong progresibo), hindi pa rin natatamo ng mga nasabing magsasaka ang kanilang mga parsela ng lupa hanggang sa matapos ang pananaliksik na ito. Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 345

Lupang hacienda Babawiin ng mga magsasaka! – LFS (Lunsod ng Quezon)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang malaking bahagi ng graffiti ay gumagamit ng maliliit na titik. Kulay-puti ang pintura ng buong graffitisa pulang background (ang pader sa bulwagan ng Kagawaran ng Agrikultura). Ang LFS ay akronim na nangangahulugang League of Filipino Students. Hacienda ang tawag sa mga dambuhalang parsela ng lupa na karaniwang umaabot sa daan-daang ektarya. Nagsimula ang sistemang hacienda noong panahon ng mga Kastila at nananatili hanggang sa kasalukuyan sa kabila ng pagkakaroon ng CARPER. Ang proseso ng pagbawi sa lupa na siyang tinutukoy ng pariralang “babawiin ng mga magsasaka” ay maaaring pahiwatig ng pagbawi sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga panukalang lehislatibo na gaya ng GARB, o kaya’y mga hakbanging ekstralegal. Ang mga hakbanging ekstralegal ay tumutukoy sa mga gawaing di direktang binabanggit sa Konstitusyon at di rin tuwirang pinahihintulutan ng alinmang batas, ngunit di rin naman direktang ipinagbabawal. Halimbawa nito ang sistemang “bungkalan” na isinagawa ng mga magsasaka at manggagawang- bukid (farm workers) sa Hacienda Luisita sa panahong natigil ang produksyon ng hacienda dahil sa pagkakaroon ng welga at lock out o sitwasyon ng kawalan ng 346 Suri, Saliksik, Sanaysay pagkakasundo ng mga magsasaka at manggagawang-bukid, at ng mga namamahala ng Hacienda Luisita. Sa pamamagitan ng sistemang ito’y nakapagtanim ang mga magsasaka at manggagawang-bukid sa ilang bahagi ng hacienda nang walang anumang tulong mula sa administrasyon ng hacienda at kumita sila nang walang ibinibigay na parte sa mga asendero (Tabbada, 2006). Nagsagawa rin ng matagumpay na “bungkalan” ang mga magsasaka sa Lunsod ng Bago, Negros Occidental noong 2008 na sumasaklaw sa mahigit 40 ektarya (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2010). Ayon kay Morilla (c.2010), ang “bungkalan” sa Negros ay sumasaklaw na ngayon sa 1,381 ektarya na pinakikinabangan ng 933 pamilya o mahigit 2,000 farmers. Ang “pagbawi” sa lupa ay maaaring alusyon din sa tinatawag na “rebolusyunaryong repormang agraryo” ng mga rebeldeng komunista sa ilalim ng Communist Party of the Philippines (CPP). Sa orihinal na 12-puntong programa ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) – isang alyansa ng mga organisasyong underground na nagsisilbing negosyador ng CPP at New People’s Army (NPA) sa usapang pangkapayapaan (samakatwid, ang NDFP ay siyang political arm ng CPP-NPA) – na inilabas noong 1994, ikaanim sa talaan ang “reporma sa lupa” sa pamamagitan ng pagkumpiska sa lupa ng mga asendero at ang libreng pamimigay nito sa mga magsasaka. Ang nasabing 12-puntong programa ng NDFP ay downloadable sa internet. Ang paggamit ng “rebolusyunaryong retorika” ng mga indibidwal at grupong legal at di kabilang sa mga organisasyong underground sa isyu ng reporma sa lupa ay nagpapakita lamang ng matinding kabiguan ng mga solusyong inihain ng pamahalaan kaugnay nito, gaya ng CARP. Halimbawa, sa isang sanaysay na pinamagatang “Why Land Reform Is No Longer Possible Without Revolution” (2001) na isinulat nina Marissa de Guzman at Prof. Walden Bello (na kasalukuyang nanunungkulan bilang kinatawan ng Partylist – na sumuporta sa kandidatura ni Pangulong Noynoy Aquino noong Mayo 2010 – sa Kongreso) ay nilinaw ang mga historikal na dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang mga inisyatiba sa reporma sa lupa ng pamahalaan. Kagulat-gulat na konklusyon ang iniwan ng dalawang may-akda na hindi naman bahagi ng mga organisasyong underground: “...rebolusyong agraryo lamang na bahagi ng mas malawak na proyektong radikal tungo sa pagsasaayos ng lipunang Pilipino ang tanging makapagliligtas sa mga magsasaka at sa agrikultura ng bansa...” Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 347

LUMAHOK SA DIGMANG BAYAN! – MAKABAYANG KAWANING PILIPINO (Lunsod ng Quezon)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ginamitan ito ng stencil o padron na nagpapahiwatig ng paghahangad ng mga lumikha nito na mabilis na maipinta ang kanilang mensahe. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik. Kulay-puti ang pintura ng buong graffiti sa pulang background (ibabang bahagi ng isang posteng pansuporta sa isang waiting shed na malapit sa bulwagan ng Kagawaran ng Agrikultura). Ang Makabayang Kawaning Pilipino o MKP ay isang organisasyong underground sa ilalim ng NDFP. Isa ito sa mga organisasyong lumagda sa 12-puntong programa ng NDFP na masisipat sa internet. Malinaw kung gayon na ang “digmang bayan” na tinutukoy ng graffiti ng MKP ay walang iba kundi ang “armadong rebolusyon” na isinusulong ng CPP-NPA-NDFP sa bansa. Ayon kay Guerrero/Sison (2009), “(i)sa itong pambansa-demokratikong rebolusyon, isang rebolusyong naghahangad ng paglaya ng sambayanang Pilipino sa pang-aapi’t pagsasamantalang dayuhan at pyudal.” 348 Suri, Saliksik, Sanaysay

CHA-CHA² JUNK – walang nakalagda (Lunsod ng Quezon)

* Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay gumagamit ng malalaking titik (maliban sa “2X” na kumakatawan sa pagdodoble ng “CHA,” o samakatwid baga’y “CHA-CHA” na siya namang popular na daglat para sa charter change o pagbabago/rebisyon ng Konstitusyon). Kulay-itim ang pintura ng buong graffiti sa puting background (ang bakal na kinakabitan ng mga kuntador ng kuryente). Ang graffiti na ito ay naroroon na bago pa maging pangulo si Noynoy Aquino (at naroroon pa rin nang simulang gawin ng mananaliksik ang papel na ito). Samakatwid, ang tila napapanahong panawagan ng nasabing graffiti (sa gitna ng muling paglitaw at/o reaktibasyon ng cha-cha sa pambansang kamalayan dahil sa isang talumpati ni dating Punong Mahistrado Reynato S. Puno noong Enero 11, 2011 sa Unibersidad ng Pilipinas na nagpapahayag ng panawagang pagbabago sa Konstitusyon) ay nagkataon lamang. Matatandaang uminit ang usaping cha- cha sa mga huling taon ng administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo bunsod ng pagtatangka ng kanyang mga ka-alyado na “lutuin” ang pakanang pagbabago sa Konstitusyon na magbabasura sa pagkakaroon ng term limits (bagay na maaaring nakapagbigay/makapagbigay ng pagkakataon kay Macapagal-Arroyo na muling tumakbo sa eleksyon para sa pagkapangulo noong Mayo 2010). Ipinanukala rin noon (at ipinapanukala na namang muli ngayon sa panahon ni Noynoy Aquino) ang pagbabasura sa mga maka-Pilipinong probisyong ekonomiko sa Konstitusyon Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 349 para bigyang-daan ang pagpapahintulot sa 100% pagmamay-ari ng mga dayuhan sa negosyo at lupa (alalaon baga’y ang “liberalisasyon” ng negosyo, lupa at mga likas na yaman, alinsunod sa patakarang kapitalistang globalisasyon na ipinapataw ng mga pandaigdigang institusyong pinansyal gaya ng International Monetary Fund/ IMF at World Bank/WB).

IGINUHIT NA LARAWAN – walang nakalagda (Lunsod ng Maynila)

*Ang graffiti na ito ay nasa kulay-kayumangging papel na idinikit naman sa isang pader. Itim na pentel pen ang ginamit sa pagguhit ng mukha at katawan ng isang babaeng miserable/mahirap ang itsura (tila pinatanda ng kahirapan). Hindi mawari kung kamay o sipit ang bahaging kulay-puti sa dibuho. 350 Suri, Saliksik, Sanaysay

IPININTANG LARAWAN NA MAY PARIRALANG “EVERY DROP COUNTS” – walang nakalagda (Lunsod ng Quezon)

*Ginamitan ng stencil ang dibuhong hugis missile (bomba) at ang mensaheng “EVERY DROP COUNTS.” Ang “EVERY DROP COUNTS” ay nangangahulugang “Bawat pagbagsak ng bomba ay makahulugan.” Kulay-berdeng spray paint ang ginamit sa dibuhong ito na ang background ay puting pintura ng yero o bakal na pader sa isang parsela ng lupang pag-aari ng National Book Store. Humigit- kumulang 10 ng ganitong dibuho ang nakapinta sa nasabing pader, sa anyong kahawig ng eksena ng pagbabagsak ng mga eroplanong pandigmaan ng bomba mula sa kaitaasan. Samakatwid, mensaheng kontra-digmaan at para sa kapayapaan ang panawagan ng graffiti na ito. Marahil ay hangad ng lumikha nito na bigyang- diin ang malaking gastos sa pambobomba at pagbili ng mga armas sa digmaan. Halimbawa, sa tantya nina Prop. Joseph E. Stiglitz (dating punong ekonomista ng World Bank) at Linda J. Bilmes (2010), gumastos ng mahigit tatlong trilyong dolyar ang Estados Unidos sa pag-okupa nito sa Iraq mula 2001 hanggang 2010. Dahil berde ang kulay ng pinturang ginamit ay maaaring may mensaheng hinggil sa kalikasan din ang graffiti, sapagkat ang pagpapasabog ng bomba ay lumilikha rin ng polusyon. Hindi mawari kung tatsulok o bituin ang nasa dulo ng pariralang “EVERY DROP COUNTS.” Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 351

NO TO EDUCATION BUDGET CUT! – ANAKBAYAN (Lunsod ng Maynila)

NO TO BUDGET CUT on SUC’s! – ANAKBAYAN (Lunsod ng Maynila)

*Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik (maliban sa “on” at “‘s” sa “SUC’s”). Kulay-itim ang pintura ng buong graffiti sa dilaw na background ng isang monumentong alay sa kalayaan sa bandang Mendiola. Ang “education budget cut” na tinutukoy sa panawagan ng graffiti ay ang pagkakaltas ng pondong inilaan sa mga paaralang tersyarya na pag-aari ng gobyerno (State Universities and Colleges o “SUC’s”) sa Pambansang Badyet ng Taong 2011 (kumpara sa badyet noong 2010). Ilan sa mga pamantasan na binawasan ng badyet ang mga sumusunod: University of the Philippines (-P1.39 billion or 20.11%), Philippine Normal University (-P91.35 million or 23.59%), Bicol University (-P88.81 million or 18.82%), University of Southeastern Philippines 352 Suri, Saliksik, Sanaysay

(-P44.39 million or 20.03%), Central Bicol State University of Agriculture (-P31.65 million or 15.91%). Ang larawang ito’y mula sa www.arkibongbayan.org, isang archives ng mga larawan ng mga kilos-protestang isinasagawa at/o nilalahukan ng mga pangkat na ka-alyado ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).

SUUNGIN ANG LANDAS NG REBOLUSYON AT PAKIKIBAKA PAG-ARALAN ANG LIPUNAN TUMINDIG PARA SA ATING MGA KARAPATAN! SUMAMA SA WELGA NG KABATAAN AT MAMAMAYAN – KARATULA (Lunsod ng Maynila)

*Spray-paint ang ginamit sa buong graffiti na ipininta gamit ang isang stencil o padron. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik. Kulay-pula at -itim ang pintura ng graffiti sa kulay-kayumangging-mapusyaw (flesh) na background (isang poste ng street light). Ang KARATULA ay akronim na nangangahulugang Kabataang Artista Para sa Tunay na Kalayaan. Ito ay isang pambansang samahan ng mga kabataang artista o alagad ng sining. Bukod sa mga naka-stencil na mensahe ay may mga naka-stencil na dibuho rin gaya ng isang lalaking nakataas ang isang kamao. Hindi naman mawari kung ano ang iba pang hugis na naka- stencil din gamit ang pinturang itim. Hindi maliwanag kung anong “rebolusyon” Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 353 ang ipinapanawagan ng KARATULA, ngunit batay sa konteksto ng kabuuan ng graffiti na kinalalagyan ng nasabing salita, ang “rebolusyon” ay maaaring tumutukoy sa panawagan ng malawakang kilos-protesta laban sa pagkakaltas ng badyet sa edukasyon (gaya ng protestang isinasagawa kasabay ng pagpipinta ng graffiti na ito, gaya ng ipinapakita sa larawan mismo). Ang larawang ito’y mula sa www.arkibongbayan.org, isang archives ng mga larawan ng mga kilos-protestang isinasagawa at/o nilalahukan ng mga pangkat na ka-alyado ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).

IGINUHIT NA LARAWAN (“Tatsulok ng Lipunang Pilipino” o “Philippine Social Pyramid”) – SCM-PUP/Catalyst (Lunsod ng Maynila)

*Paint brush ang ginamit sa buong graffiti. Ang buong graffiti ay nagtataglay ng malalaking titik, mga simbolo, at mga numero sa isang tatsulok na may limang hati. Kulay-itim at -pula ang pintura ng buong graffiti sa walang-pinturang background (sementadong kalsada). Ang SCM ay akronim na tumutukoy sa Student Christian Movement (of the Philippines), isang progresibong organisasyon ng mga estudyanteng relihiyoso. Ang PUP ay akronim na nangangahulugang Polytechnic University of the Philippines. Catalyst naman ang pangalan ng opisyal 354 Suri, Saliksik, Sanaysay na pahayagang pang-estudyante ng PUP. Inilalarawan ng graffiti ang “tatsulok ng lipunang Pilipino” o ang “Philippine social pyramid.” Ang PML ay popular na akronim ng mga aktibista para sa “panginoong maylupa” o mga “landlord.” Samantala, ang MBK naman ay akronim para sa “malaking burgesya kumprador” o mga malalaking negosyanteng Pilipino o residente ng Pilipinas na karaniwang kasosyo ng mga malalaking dayuhang korporasyon sa bansa. Ang “pambansang burgesya” o “national bourgeoisie” ay tumutukoy naman sa mga negosyanteng Pilipino na naghahangad ng pambansa at makabansang industriyalisasyon. Samantala, ang “petiburgesya” o “petibourgeoisie” naman ay tumutukoy sa “middle class” o “mga panggitnang uri.” Ang uring manggagawa at uring magsasaka ay tumutukoy naman sa masang Pilipino o ang mayorya ng mga mamamayan sa bansa. Ang aklat ay simbolo ng pagkakaroon ng maraming intelektwal at/o edukado mula sa petiburgesya, samantalang ang maso naman ay simbolo ng mahalagang gampanin ng mga manggagawa sa pagbubuo at/o pagpapatakbo ng mga industriya at/o ng bansa. Ang karit naman ay sumisimbolo sa karaniwang gawain ng mga magsasaka sa mga bansang walang modernong teknolohiya – ang paggagapas ng ani, samakatwid baga’y ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa “pagpapakain” ng sambayanan at pagpoprodyus ng mga hilaw na materyales na kailangan sa pambansa at makabansang industriyalisasyon. Sa kabuuan ay ipinapakita ng graffiti kung anu-anong mga uring panlipunan ang namamayani sa lipunang Pilipino at anu-anong mga uring panlipunan naman ang pinangingibabawan o ang inaapi’t pinagsasamantalahan. Mababasa ang mga detalyadong katangian at pagsusuri sa mga uring ito sa aklat na “Lipunan at Rebolusyong Pilipino” (ni Amado Guerrero o Jose Maria Sison, ang tagapangulong tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines/CPP) na muling inilimbag ng ANAKBAYAN, LFS, SCMP at KARATULA noong 2009. Ang larawang ito’y mula sa www.arkibongbayan.org, isang archives ng mga larawan ng mga kilos-protestang isinasagawa at/o nilalahukan ng mga pangkat na ka-alyado ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).

Matagtag na Republika – walang nakalagda (Lunsod ng Maynila)

*Spray-paint ang ginamit sa buong graffitina ipininta gamit ang isang stencil o padron. Ang buong graffitiay nagtataglay ng malalaking titik. Kulay-kayumangging-sunog (dark brown) ang pintura ng graffiti sa kulay-dilaw na background (sementadong bloke na pansuporta sa isang waiting shed). Ang graffiti na ito ay parodiya o Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 355

sarkastikong panggagagad sa slogan ng administrasyong Macapagal-Arroyo na “matatag na republika” (tumutukoy sa diumano’y katatagan ng Pilipinas laban sa mga banta sa seguridad tulad ng rebelyon at terorismo, at sa diumano’y katatagan ng ekonomya ng bansa). Sa halip na “matatag” o “strong” ay “matagtag” o “shaky” o “bumpy” ang ginamit ng manlilikha ng graffitiupang ilarawan ang republika.

Graffiti sa Kanbas ng Lipunan: Representasyon ng Dakilang Pangarap ng Sambayanan

Karamihan sa mga sinuring graffitiay nakatuon sa mga panawagang may kaugnayan sa mga sosyo-ekonomikong kahilingan, ngunit mayroon ding mga nakatuon sa pampulitikang kahilingan. Sa halip na mga simpleng reklamo lamang, sinasalamin ng mga graffiti ang mga matatayog na pangarap ng sambayanang Pilipino, partikular ang pinakadakilang pangarap, marahil, ng lahat ng makabayan mula pa sa mga propagandista sa panahon nina Jose Rizal hanggang sa kasalukuyang panahon ng mga nasyunalista-sa-pangalan-lamang (yaong mga t-shirt nationalist na nag-aakalang sapat na ang pagsusuot ng kamisetang may mapa ng Pilipinas o kaya’y mukha ni Rizal upang maging makabayan): ang paglaya ng Pilipinas mula sa tanikala ng pagdaralita. Ang mariing kritisismo sa miserableng buhay ng sambayanan na dulot ng umiiral na sistemang sosyo-politikal ay kitang-kita kahit sa mga graffitina walang lagda gaya ng larawang-guhit ng isang babaeng pinatanda 356 Suri, Saliksik, Sanaysay ng kahirapan at tila humihingi ng awa sa nakakikita nito (sayang at di nakunan ng larawan ng mananaliksik ang isang stencil graffiting isang pobreng batang lalaki sa isang poste sa gilid ng City College of Manila; buhay na buhay at higit na dramatiko ang miserableng mata ng tao sa graffitina iyon), hanggang sa matalinong parodiyang “MATAGTAG NA REPUBLIKA.” Ang ganitong kritisismo sa status quo ay sumasalamin sa pangunahing layunin ng bawat manlilikha-manunulat ng sosyo-politikal na graffiti, na walang iba kundi ang magdulot ng pagbabagong panlipunan, alalaon baga’y ang negasyon o ang pagresolba sa pinupunang suliraning panlipunan. Higit na tumitibay ang ebidensya ng katangian ng graffiti bilang representasyon ng pinadakilang pangarap ng mga makabayan kung bibigyang- pansin ang mga panawagan ng mga graffitina nilagdaan ng mga progresibong grupo. Halimbawa, ang panawagang “lupa, sahod, trabaho, edukasyon at karapatan” ng ANAKPAWIS Partylist at Kilusang Mayo Uno o KMU ay sumasaklaw sa isang alternatibong padrong pangkaunlaran, isang adyendang makabayan at makatao na sumasalunga sa napatunayan nang palpak na padron ng kapitalistang globalisasyon. Nililinaw ng panawagang ito at ng mga kaugnay na panawagang gaya ng pagtutol sa stock distribution option o SDO, sa Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reforms (CARPER), at sa pagkakaltas ng badyet sa edukasyon, ang mga kongkretong hakbang na dapat isagawa upang umunlad ang bansa at makinabang sa kaunlaran nito ang mayorya ng mga mamamayan. Kung ibubuod, tunay na reporma sa lupa at pambansa (national) at makabansang (nationalist) industriyalisasyon ang kambal na adyendang makapagbibigay-katuparan sa tila watak-watak ngunit sa aktwal ay magkakaugnay na hinaing ng mga mamamayan. Halimbawa, ang panawagang pagtutol sa pagbabawas ng badyet sa edukasyong tersyarya ay isang paraan ng pagtiyak sa mataas na kalidad ng edukasyong tersyarya na siyang naghahanda ng mga mamamayang magiging bahagi ng lakas-paggawa, isang makabayang lakas-paggawa na pinaaral ng pamahaalaang Pilipino sa layuning malao’y hikayatin silang tumulong sa pagpapatupad ng mga pangunahing repormang pambansa gaya ng reporma sa lupa, modernisasyon ng agrikultura at pambansang industriyalisasyon. Sinasalamin ito ng isang pambansang layuning pang-edukasyon na isinasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 (2) ng Saligang Batas ng Pilipinas. Samantala, ang panawagang “trabaho” ay nakaugat pa rin sa reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon sapagkat gaya ng binanggit sa isang graffiti ng tatsulok ng lipunang Pilipino, mayorya ng mga Pilipino ay magsasaka. Samakatwid, ang reporma sa lupa lamang at modernisasyon ng agrikultura ang agad na makapagbibigay ng trabaho sa Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 357 mayorya ng mga mamamayan sa bansa. Samantala, ang pag-unlad sa kabuhayan ng mga magsasakang bumubuo sa mayorya ng sambayanan ay magsisilbing pwersang pampalakas sa mga industriyang Pilipino, bagay na magluluwal ng karagdagang trabaho at mas de-kalidad na produkto para sa sambayanan (alalaon baga’y ang proseso ng pambansa at makabansang industriyalisasyon). Sa mabilis na industriyalisasyon, inaasahang mararating ng Pilipinas ang First World status, gaya ng landas na tinahak ng Hapon, Timog Korea at Tsina, at ng mga bansang mauunlad sa Kanluran. Sinasalamin ng mga sosyo-politikal na graffiti ang iba’t ibang alternatibong programa sa kapitalistang globalisasyon na ipinapaliwanag sa mga obra maestra ng mga makabayan at/o repormistang radikal na manunulat gaya ng “The Nationalist Alternative” ni Renato Constantino, “Nationalist Economics” at “Hunger, Corruption and Betrayal: A Primer on U.S. Neocolonialism and the Philippine Crisis” ni Alejandro Lichauco, “The Future in the Balance: Essays on Globalization and Resistance” ni Prof. Walden Bello, at “Social Encyclicals: Commentary and Critique (Second Edition)” ni Padre Pedro Salgado, O.P.

Mga Pader Atbp. Bilang Pwersa sa Demokratisasyon ng Espasyo at Kapangyarihan

Mayorya sa mga graffiti ay pawang likha ng mga grupong kabilang sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), isang umbrella organization ng mga grupong progresibo sa bansa. Gayunman, may mga graffiti rin na walang nakalagda, at mahihinuhang likha ng mga indibidwal na ang hangarin ay makapagpahayag ng saloobing hinggil sa pagbabagong panlipunan. May ilan ding graffiti na likha ng mga pangkat na underground gaya ng Makabayang Kawaning Pilipino o MKP na isa sa mga organisasyong kabilang sa National Democratic Front of the Philippines o NDFP. Samakatwid, batay sa mga graffiti, ang mga dakilang pangarap ng sambayanan ay maaaring kamtin sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan. Isang bukod na pananaliksik ang kakailanganin upang sagutin ang tanong na “aling daan ang totoong matuwid?” Gayunman, sapat nang sabihin na sa kabila ng pagkakaiba-iba sa taktika ng pagpapatupad ng kani-kanilang layuning naghahangad reporma at/o rebolusyon, nagkakaisa sa diwa ang mga pangkat na naghahangad ng pagbabagong panlipunan – ang mga pangkat na sila ring nagluwal ng mga manlilikha-manunulat ng graffiti.Lahat sila’y naniniwala sa kakayahan ng mga ordinaryong mamamayan na bumangon/magbangon sa kanilang “pagkakahimbing” upang maisakatuparan 358 Suri, Saliksik, Sanaysay ang mga hakbang tungo sa tunay na pagbabagong panlipunan. Ito ang dahilan, kung bakit, sa kabila ng paulit-ulit na pagbura ng “MMDA Art” at ng iba pang katulad na programa ng gobyerno sa mga sosyo-politikal na graffiti ay lagi’t laging may sumusulpot na bagong graffiti sa mga pader, gilid ng tulay, sa mga concrete barrier, sa mga poste ng waiting shed, sa mismong kalsada at iba pang lugar na dinaraanan ng “madlang pipol.” Walang sawang nagpipinta at nagsusulat ang mga manlilikha ng graffiti dahil sa pag-asang balang araw, ang mga mamamayang nagmamasid ay maaantig ng kanilang panawagan, at balang araw rin, tutulong na ang mga ito sa pagsasakatuparan ng mga dakilang pangarap ng buong sambayanan. Layunin ng mga lumilikha ng politikal na graffiti na maunawaan ng madla ang kanilang mensahe, kaya’t ang masa, ang publiko ang kanilang lohikal na audience (Güneş at Yilmaz, 2006). Kaiba sa tradisyunal, elitista at eksklusibong mga pulong, sesyon at iba pang gawain ng iba’t ibang sangay ng gobyerno – mula sa Tanggapan ng Pangulo hanggang sa mga deliberasyon ng Korte Suprema, at mga pagdinig o hearing at imbestigasyon ng Senado ay Kongreso – ang mga sosyo-politikal na graffitiay may oryentasyong lubhang demokratiko na bukas para sa at nangungusap sa lahat. Nag-aalok ng mga alternatibong daluyan ng pagbabagong panlipunan ang mga sosyo-politikal na graffitigaya ng pahayag ng isang Indonesian na nagwikang ang graffiti ay " forum para sa pulitikal na pagsalungat at kritisismo” (Jakarta Post 2010).

Saliksik sa Graffiti: Ambag ng Akademya sa Pagbabagong Panlipunan

Sa maraming pagkakataon, ang mga graffiti na nakaligtas sa mata at brush ng mga nasa pamahalaan ay patuloy na nagiging makabuluhan at nananatiling makatotohanan sa kabila ng pagpapalit ng mukha ng mga okupador sa Palasyo ng Malakanyang. Di nga ba’t ang panawagang kontra Charter-Change sa isang kuntador ng kuryente sa Lunsod ng Quezon ay muling nagkaroon ng bisa dahil sa biglang panunumbalik ng usaping pagbabago sa Konstitusyon sa maagang bahagi pa lamang ng 2011. At sino ang magsasabing “matatag” at di “matagtag” ang Republika ng Pilipinas – na nasa ranggong ika-97 sa 169 bansa ayon sa 2010 Human Development Index Report na inilabas ng United Nations – sa panahong ito na patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga bilihin habang di naman tumataas Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 359 ang sahod ng mga manggagawa? Nananatiling balido kung gayon ang puna ng nagpinta ng “MATAGTAG NA REPUBLIKA” sa status quo na pinananatili ng gobyernong sumunod sa orihinal na administrasyong target nito, gaya rin ng sanlibo’t isang hinaing na sinasalamin ng iba pang sosyo-politikal na graffiti sa bansa. Sa gitna ng ingay sa at pagmamadali ng mga tao sa kalunsuran, laging mananatili ang mga graffiti sa gilid-gilid ng lansangan, hanggang sa ang mga isyung panlipunan na kanilang pinapaksa at inilalarawan ay mahango na sa “gilid- gilid,” sa mga “talababa” (footnotes) ng masalimuot na kasaysayan at malagay sa pedestal ng pambansang kamalayan at diskursong nakatuon sa agarang paglutas ng mga suliraning ito. Hangga’t hindi nagkakatinig ang mga hinaing ng mga mamamayan na kinakatawan ng mga malikhaing manunulat at tagapinta ng graffiti,mananatili ang kanilang tiyaga sa pagsulat at pagpipinta ng mga ito sa mga kanbas ng lipunan – doon sa mga lansangan na lagi’t laging dinaraanan ng lahat ng uri ng mamamayan. Gaya ng sinabi ng blogger na si Victor Villanueva (2010), “... ang mga graffitina nagtataguyod sa karapatan ng mga mamamayan na magtamasa ng mga serbisyong panlipunan at pantaong kaunlaran (human development) ay mga porma lamang ng lehitimong pagtutol sa umiiral na kaayusan ng mga bagay- bagay...” (ang di makatarungang status quo kung saan maraming mamamayan ang namumuhay sa karukhaan habang may iilan naman na namumuhay nang saganang-sagana). Kaugnay nito, ang mga mananaliksik na naghahangad ng pagbabagong panlipunan ay obligadong patuloy na itala, suriin at isailalim sa kontekstwalisasyon ang mga graffiti na ito, upang higit na maging malinaw ang mga makatwirang panawagan na nilalaman ng mga ito, sa sambayanan at sa pamahalaan na inaasahang mangunguna sa anumang makabuluhang pagbabago sa lipunan. Wika nga ni Weinberg (2003) “Bago natin barilin ang mensahero (ang mga manlilikha-manunulat ng graffiti), marahil ay dapat man lamang natin na pakinggan ang mensahe...” At, kung makabuluhan ang mensahe, di ba’t nararapat lamang na maging alingangaw tayo nito sa loob at labas man ng akademya? 360 Suri, Saliksik, Sanaysay

Mga Sanggunian:

Austin, Joe. Taking the Train: How Graffiti Art Became an Urban Crisis in New York City. 2001. New York: Columbia University Press. 6

Bello, Walden at Marissa de Guzman. “Why Land Reform Is No Longer Possibl Without Revolution.” The Future in the Balance: Essays on Globalization and Resistance. 2001. Quezon City: University of the Philippines Press. 192-199

De La Cruz, Jhong. ROTC Revival to Boost Anti-insurgency Drive? 02-08 July 2006. Manila: Bulatlat.com Cavan, Sherri. "The Great Graffiti Wars of the Late 20th Century." 1995. Paper presented at the Pacific Sociological Association. http://www.graffiti.org/faq/< greatgraffitiwars.html>

Giles, Kate and Melanie Giles. “The Writing on the Wall: The Concealed Communities of the East Yorkshire Horselads.” International Journal of Historical Archaeology. UK: Springer Science + Business Media. 2007. 336–357 Date of Access: 03 Janurary 2011

Gimenez Maceda, Teresita. Mga Tinig Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit, 1930- 1955. 1996. Quezon City: University of the Philippines Press.

Gramsci, Antonio. Selections from Cultural Writings. David Forgacs and Geoffrey Nowell-Smith (eds.) and William Boelhower (trans.). 1985. London: Lawrence and Wishart. 41, 112

Guerrero, Amado/Jose Maria Sison. Lipunan at Rebolusyong Pilipino. 2009. Manila: ANAKBAYAN, League of Filipino Students. Student Christian Movement of the Philippines and Kabataang Artista Para sa Tunay na Kalayaan. 122

Güneş, Serkan at Gülsen, Yilmaz. "Understanding Graffiti in the Built Environment: The Case in Ankara, Türkiye." 2006. Paper presented at the 42nd IsoCaRP Congress.

Frederick, Ursula K. “Revolution is the New Black: Graffiti/Art and Mark-making Practices.” Archaeologies: Journal of the World Archaeological Congress (Volume 5, No. 2). Australia: World Archaeological Congress. 2009. 210-237 Date of Access: 03 Sining sa Lansangan, Sining ng Pagbabagong Panlipunan 361

January 2011

Kabataan Partylist-Jose Rizal University Chapter. Tutulan ang lumalalang komersyalisasyon ng edukasyon! Pahayag: 25 February 2010. < http://jrukabataan. wordpress.com/2010/02/25/tutulan-ang-lumalalang-komersyalisasyon-ng- edukasyon/ >Date of Access: 03 January 2011

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Critics: GMA signing of Carper, an across the nation tragedy. Press release: 07 August 2009.< http://www.kilusangmagbubukid. org/press/234 >Date of Access: 03 January 2011

______. Bungkalan campaign of Negros farmers, the concretization of the peasant struggle. 31 October 2010.< http://www. kilusangmagbubukid.org/resource/bungkalan-campaign-negros-farmers- concretization-peasant-struggle >Date of Access: 03 January 2011Lamm Weisel, Deborah. Graffiti(Problem-Oriented Guides for Police Series No.9)c.2000. USA: US Department of Justice-Office of Community Oriented Policing Services. Date of Access: 03 January 2011

Marasigan, Teo S. Tumataas na Matrikula (2). 02 Hunyo 2006. < http:// kapirasongkritika.wordpress.com/2007/06/27/tumataas-na-matrikula-2/ > Date of Access: 03 January 2011McNichols, Jeremiah. Visualizing Dissent: Graffiti as Art. 26 Hulyo 2010. Date of Access: 25 November 2010

Morilla, Roy. Land cultivation campaign spreads like fire in Negros Island.c.2010.< http://www.arkibongbayan.org/2010/2010-10Oct27-kmpforum/bungkalan.htm > Date of Access: 03 January 2011

Simbulan, Roland G. “Ang Komersyalisasyon ng Edukasyon sa U.P.” 2007. Talumpati sa Forum on the Commercialization of U.P. na inisponsor Department of Social Sciences ng Unibersidad ng Pilipinas. < http://www.yonip.com/main/ articles/UP-017.htmL > Date of Access: 03 January 2011

Stiglitz, Joseph at Linda J. Bilmes. The true cost of the Iraq war: $3 trillion and beyond. 05 September 2010. USA: The Washington Post. Date of Access: 03 January 2011

Tabbada, Reyna Mae. Bungkalan in Hacienda Luisita: Dreams Realized, One Tilled Hectare at a Time. 22-28 October 2006. Manila: Bulatlat.com < http://www. bulatlat.com/news/6-37/6-37-luisita.htm > Date of Access: 03 January 2011 362 Suri, Saliksik, Sanaysay

National Democratic Front of the Philippines. 12-Point Program of the National Democratic Front of the Philippines. Date of Access: 03 January 2011

United Nations Development Program (UNDP). Human Development Report 2010 (20th Anniversary Edition) The Real Wealth of Nations: Pathways to Human Development. 2010. New York: UNDP. < http://hdr.undp.org/en/media/ HDR_2010_EN_Complete_reprint.pdf > Date of Access: 03 January 2011

Wardany, Irawaty. Word on the street claims graffiti is legit art. Jakarta Post. January 29, 2010.

Weinberg, Rob. Shooting the Messenger: Rethinking Confrontation in the War Against Graffiti.2003. USA: Spindrift.org. 3, 17, 18, 20 Date of Access: 03 January 2011

Werckmeister, O.K. “A Working Perspective for Marxist Art History Today.” Oxford Art Journal (Volume 14, No. 2). UK: Oxford University Press. 1991. 83-87 Date of Access: 25 November 2010 Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan: 10 Hakbang Tungong Kaunlaran ng Bayan1

inawalang-saysay ng global1 na krisis noong 2008 ang mito ng neoliberalismo2 sapagkat kabi-kabila ang estadistika at pangyayari na nagpapatunay na hindi pa rin nalulutas ang gayong kombulsyon ng kapitalismo3: 1) ginulantang ng mga mamamayan ng United Kingdom P(UK) ang buong mundo sa pagboto pabor sa pagkalas sa European Union (EU) na itinuturing ng mga kritiko na balwarte ng global na neoliberalismo at kapitalismo (Schwartz at Cohen, 2016; Elliott, 2016); 2) lalong pinalalala ng mga kapitalista

1 Tampok sa sanaysay na ito ang panimulang pagdalumat sa konsepto ng bayanihan bilang mabisang paraan ng pagsasalba sa kalikasan at sambayanan sa panahon ng malalang climate change. Naglalahad ito ng sampung hakbang tungo sa pagpapaunlad ng Pilipinas mula sa pagsasalba ng kalikasan sa bansa hanggang sa mga repormang sosyo-ekonomiko na mag-aahon sa kahirapan sa maraming ma- mamayan.

2 Ayon sa mapanuring depenisyon ni Scholte (2005), sumasaklaw ito sa lansakang pribati- sasyon, liberalisasyon (pagtatanggal ng buwis sa imported na produkto) at deregulasyon (pagluluwag sa mga restriksyon sa mga dambuhalang negosyo) ng pandaigdigang ekonomya.

3 Sa tradisyonal na depenisyong Marxista, tumutukoy sa sistemang ekonomiko na nakabatay sa pagsasamantala ng mga may hawak ng kapital o puhunan (mga kapitalista) sa mga manggagawa (prole- taryo) na nagtatrabaho sa kanilang mga korporasyon. 364 Suri, Saliksik, Sanaysay ang halos wala nang rendang pagkawasak ng kalikasan na nagdudulot ng pagtindi ng epekto ng climate change (Foster and Clark, 2016; Torras, 2016; Saito, 2016) lalo na sa mga mahihirap na bansang mas bulnerable sa penomenong ito; 3) ang average na antas ng disempleyo sa mga nangungunang blokeng kapitalista – 4.9% sa Estados Unidos at 8.9% sa mga bansang kasapi ng EU – ay mas mataas pa rin sa lebel na pre-krisis noong 2007: 4.6% at 7.2% (Eurostat, 2016; US Bureau of Labor Statistics, 2016); 4) nabigo ang austeridad (lubos na pagtitipid sa serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, pabahay at kalusugan) na resolbahin ang krisis at ibayong nagpalala sa pagdaralita ng nakararaming mamamayan (Krugman, 2015; Quaglio et al., 2013; Stiglitz, 2015; Marans, 2016); 5) kinokondena ni Papa Francisco ang ganitong “bagong kolonyalismo” ng mga korporasyon, mga ahensyang nagpapautang, at ng austeridad (Reuters, 2015); 6) sa Estados Unidos, milyun-milyong mamamayan ang sumuporta sa anti-neoliberal na kandidaturang presidensyal ng sosyalistang si Sen. Bernie Sanders (Abramson, 2016); 7) sa buong mundo’y nananatili ang matinding kahirapan at ang malalang agwat sa kita at antas ng pamumuhay sa pagitan at loob ng mga bansa (Africa, 2011; Piketty, 2013; Subramanian, 2015; Oxfam, 2016; Mangahas, 2016). Ramdam na ramdam ang kombulsyon ng sistemang kapitalista sa di maresolbang pagdaralita ng 26 milyong Pilipino4 sa kabila ng bilyun-bilyong pisong ibinubuhos sa mga programang gaya ng US$ 182 milyong (8.4 bilyong pisong) Kapitbisig Laban Sa Kahirapan- Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Project mula 2002-2014, at Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps). Layunin ng pananaliksik na ito na maglahad ng mga alternatibong hakbang sa paglutas ng kahirapan gamit ang mga kaisipan mula sa iba’t ibang sangay ng agham panlipunan at pangkalikasan, lagpas pa sa mga de-kahong iskemang neoliberal. Sisipatin at pag-uugnay-ugnayin ng sanaysay na ito ang mga makabuluhang estadistika at naunang pananaliksik bilang tulay sa epektibong pag-unawa sa sitwasyon ng bansa, tungo sa pagbuhay sa bayanihan para sa kapakanang panlahat at pagbabagong panlipunan.

4 Bilang ng mahihirap na Pilipino ayon sa opisyal na datos ng gobyerno: http://newsinfo. inquirer.net/775062/12m-filipinos-living-in-extreme-poverty. Mas malala pa rito ang self-rated poverty. Ayon sa ulat ng pinakamalaking survey firm sa Pilipinas, 50% ng mga Pilipinong sinarbey nila ang nagsabing sila’y mahirap: http://www.philstar.com/headlines/2016/01/06/1539851/self-rated- poverty-50 Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 365

Bigyang-Diin ang Konsepto ng Bayanihan sa Isip, Puso at Kamalayan ng Bayan

Pagbabagong-isip at pagbabagong-loob – paradigm shift – ang pinakamahalagang kailangang agad isakatuparan sa paglutas ng mga deka-dekada nang suliraning tulad ng kahirapan. Sa bansang may 11 bilyonaryo (Adel, 2016) at 26 milyong anak-dalita (Yap, 2016), kinakailangang muling ibalik ang diwa ng bayanihan na nasa awiting “Pananagutan” ni Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ: “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang...Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa...” na mensahe rin ng awiting “Bayan ni Juan” ni Mike Hanopol: “Isang daing sa kapitbahay/Buong bayan dumaramay...Bayanihan dito sa bayan ni Juan/Isang daing mo lamang, ikaw ay tutulungan/Bayan ni Juan, uso ang bayanihan/Lahat sila’y kasali, d’yan mo mapupuri.” Sa diwa ng bayanihan, pananagutan ng bawat isa ang kapakanan ng kapwa Pilipino at responsibilidad ng bawat mamamayan na makiisa, makisama, makibahagi, at mag-ambag sa pagbuo at pagpapatibay ng bansa. Ang kaunlaran ng madla ay makakamit sa paglalayag sa iisang bangka, kolektibong aksyon, lakas ng solidaridad, “pagkalinga” o “malasakit sa kapwa,” deklarasyong “lahat tayo’y anak ng Diyos” o “supling ng daigdig/Inang Kalikasan.” Pagiging bukaspalad, pagdadamayan at pagtutulungan sa simpleng salita, sa halip na pagkamkam, pag-angkin, at indibidwalismo: pokus sa “tayo” sa halip na “kami” at “ako,” sa kapakanan ng lahat, sa halip na para sa iilan. Ang malawak at malalim na konsensus sa kamalayang Pilipino hinggil sa bayanihan ay nakalimbag sa mga sumusunod na popular na pormulasyon: “Kayang-kaya kung sama-sama” (tradisyonal na kasabihan); “Sa gobyernong may puso, walang maiiwan” (slogan ng kampanyang presidensyal ni Senador Grace Poe); “Walang tutulong sa Pilipino, kundi kapwa Pilipino” (tagline ng dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada sa kanyang mga talumpati); “Tapang at malasakit” (slogan ng nagwaging kampanyang presidensyal ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte; sa may-akda ang diin); “Caring and sharing community” (isa sa tagline ng Association of Southeast Asian Nations/ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas); “Kaya matibay itong walis ay sapagkat nabibigkis” (isa pang kasabihan); “hating-kapatid” (konsepto ng pantay at makatwirang paghahati); “sagot kita” o “akong bahala sa ‘yo” (mga ekspresyong nagpapakita ng pagtitiyak na hindi pababayaan ang kapwa). Sa pangkalahatan, manipestasyon ang mga pariralang ito ng pangarap ng mga Pilipino na makamit ang “Tagumpay Nating Lahat” (awiting nilikha ni Gary Granada). Ito ang katuparan 366 Suri, Saliksik, Sanaysay ng mga pangarap ng Katipunan at malawak at masaklaw na “Katagalugan5” ni Andres Bonifacio at ng Liga Filipina6 ni Jose Rizal. Ang muling pagbuhay sa diwa ng bayanihan ang magbibigay-daan sa kolektibong pangarap ng sambayanan, alinsunod sa panimula ng Konstitusyong 1987: “...bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan na kakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan ng bawat isa...”

Gamitin Ang Bayanihan Para sa Isalba ang Daigdig at Kalikasan

Sa mga bansang arkipelago, kabuhol ng climate change ang pag-iral mismo ng mga mamamayan kaya’t natural lamang na ang pagkamit ng kaunlaran ay magsimula sa pagsasalba ng daigdig at kalikasan. Ang ika-21 siglo ay “panahon na ng sangkatauhan” – ng malawak at ganap na kontrol ng tao sa daigdig, sukdulang ang klima ay binago na ng mga mapaminsalang aktibidad ng tao – ang tinaguriang Anthropocene na “...nagbibigay-hinuha na ang Daigdig ay lumisan na sa kanyang natural na heolohikal na panahon...Ang mga aktibidad ng tao ay lubhang naging malaganap at mabigat kaya’t dinaig pa nito ang mga malalakas na pwersa ng Kalikasan at itinutulak na nito ang Daigdig tungong terra incognita. Nababawasan ang dibersidad ng mga organismo, nakakalbo ang mga kagubatan, lalong umiinit, at malamang na lalong magiging mabagyo ang kalagayan ng mundo” (Steffen et al., 2007). Panahon ito ng dominasyon ng tao sa lahat ng mga nilalang sa daigdig – bagay na balintunang kikitil din sa lahat ng buhay sa daigdig, gaya ng babala ni Angus (2015): “Hindi lamang malaganap na polusyon, tumataas na temperatura at tumataas na sea level ang kinakaharap natin, kundi maging maraming siglo na hindi na umiiral ang ligtas na espasyo para sa buhay at pamumuhay ng sangkatauhan.” Sa global na pagtaas ng temperatura, naging masidhi at wala nang padron ang mga pagbabago sa klima sa mga nakaraang dekada. Sa datos ng National Aeronautics and Space Administration/NASA

5 Ang Katagalugan bilang terminong panaklaw sa kapuluan ay malinaw na inilahad sa “Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog” na inilathala sa pahayagang Kalayaan ng Katipunan: http://www. kasaysayan-kkk.info/kalayaan-the-katipunan-newspaper/andres-bonifacio-ang-dapat-mabatid-ng- mga-tagalog-c-march-1896

6 Ang mga layunin ng Liga Filipina ay repleksyon ng paghahangad ni Rizal at ng kanyang mga kasama na simulan na ang pagbuo ng bansa o nation-building: http://pre.econ.upd.edu.ph/index.php/ pre/article/download/669/775 Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 367

(2015), “ang 10 pinakamaiinit na taon sa 134-taong rekord ay naitala lahat mula noong 2000, maliban sa 1998. Ang 2015 ang pinakamainit sa rekord.” Global warming ang siyang dahilan ng pagbabago sa klima. Ang mabilis at matinding pagtaas ng temperatura ay ibinunga ng pagtaas ng greenhouse gas7 emission sa atmospera sa mga nakalipas na dekada dahil sa industriyalisasyon ng mga ngayo’y mauunlad na bansa sa Kanluran at mga umuunlad na bansa sa Silangan. Hanggang ngayon, ang mga industriyalisadong bansa gaya ng Estados Unidos at Tsina ay nangunguna pa rin sa carbon dioxide emissions (International Energy Agency, 2016). Ang mga greenhouse gas emission na ito ay nakahadlang sa pagsingaw ng init na dulot ng araw. Sa halip na malayang makasingaw palabas sa atmospera, natrap o nakulong ang init ng araw sa daigdig dahil sa mataas na konsentrasyon ng greenhouse gas sa atmospera. Naglaho na ang “balanse ng kalikasan.” Mas uminit ang temperatura lalo na sa mga lugar na tropikal. Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration/PAG-ASA (c.2010), “sa nakalipas na 60 taon (1951 – 2010), ang average na taunang temperatura sa Pilipinas ay tumaas ng 0.648°C.” Sa pagtataya rin ng PAG-ASA, maaaring umabot sa 40 °C ang temperatura sa ibang lugar sa Pilipinas (Agoncillo, 2016). Humahaba at lumalala ang panahon ng tagtuyot sa ibang lugar, at sinasaklaw na rin nito maging ang mga lugar na dati-rati’y hindi naman nakararanas ng tagtuyot. Ang mga bagyo ay lalong naging malakas, bagay na nagbubunsod ng malawakang pagbaha maging sa mga lugar na dati’y hindi binabaha. Umuulan na ng yelo sa ilang lugar na dati- rati’y hindi naman nangyayari iyon. Tumataas na ang lebel ng tubig sa dagat (sea level) dahil sa pagkalusaw ng yelo sa rehiyong Arctic. Malawak at masaklaw ang epekto ng climate change sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong daigdig. Naging mas mahirap na ang pagtantya sa tamang panahon ng pagtatanim. Sa tindi ng pagtaas ng temperatura sa iba’t ibang lugar, naging normal na ang tagtuyot at desertipikasyon sa maraming panig ng mundo. Bunsod naman ng paglakas ng mga bagyo at pagtaas ng sea level (taas ng tubig sa dagat), naging madalas din ang insidente ng pagkawasak ng mga pananim at pagbaha sa maraming eryang malapit sa dalampasigan (coastal areas). Tinatayang 167,000 ektarya ng eryang coastal sa Pilipinas ang maaaring tuluyang malubog sa dagat bunsod ng climate change (International Development Research Centre/IDRC, 2015), bagay na bubura sa mga lupang tinitirhan ng humigit-kumulang 13.6 milyong Pilipino (Flores at Romero, 2016). Kaugnay nito. binigyang-diin ng pananaliksik nina

7 Gaya ng carbon dioxide, methane, at nitrous oxide na pawang nililikha/ibinubuga ng iba’t ibang industriya 368 Suri, Saliksik, Sanaysay

Rietbroek et al. (2015) na sa bansa naitala ang pinakamalalang pagtaas ng sea level bunga ng climate change: “Lagpas sa average na pagtaas ng sea level sa mga rehiyon ng daigdig ang naitala sa Pilipinas (14.7 ± 4.39 mm/taon) at sa Indonesia (8.3 ± 4.7 mm/taon).” Sa pangkalahatan, ang climate change ay may negatibong epekto rin sa seguridad sa pagkain ng daigdig bunsod ng madalas na tagtuyot, pagkawasak ng pananim, pagkawala ng akses sa mga pangisdaan at iba pang kaugnay na problema. Nagdulot rin ito ng global na pagtaas sa presyo ng mga karaniwang pagkain o staple ng mga mamamayan sa daigdig gaya ng bigas, mais, at iba pang pagkaing butil. Dahil sa epekto ng climate change, bilyun-bilyong dolyar bawat taon ang ginagasta ng buong daigdig para sa relokasyon ng at pagpapakain sa mga biktima ng matitinding baha, bukod pa sa aktwal na pinsala ng bagyo sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan. Halimbawa, batay sa pagtataya ng ikalawang administrasyong Aquino, $8.9 bilyon ang kailangan para sa rehabilitasyon ng mga lalawigang apektado ng bagyong Yolanda/Haiyan (Branigan, 2013). Ayon naman sa AIR Worldwide, isang kumpanyang eksperto sa “catastrophe risk modeling software and consulting services,” tinatayang $14.5 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Yolanda sa mga ari-ariang residensyal, komersyal, at agrikultural (Rupp, 2013). Samakatwid, nakababawas pa sa pondong para sa iba pang serbisyong panlipunan ang paglalaan ng pondo para sa disaster risk response at mitigation. Sa poitika, isyung kaugnay ng climate change ang paggigiit ng mga mahihirap na bansang pinakaapektado nito na piliting magbayad-pinsala sa kanila ang mga mayayamang industriyalisadong bansa. Sa kanilang opinyon, ang climate change ay direktang bunga ng deka-dekadang industriyalisasyon ng mga mauunlad na bansa sa Kanluran. Matatandaang higit na naunang nag-industriyalisa ang mga bansa sa Kanluran at sumunod lamang sa kanila ang iba pang bansa sa Silangan. Samantala, iginigiit naman ng mga bansa sa Kanluran na hindi lamang sila ang may pananagutan sa climate change dahil nga ang mga bansa sa Silangan ay may sarili na ring mga industriya na nakapagdudulot din ng pagtaas sa greenhouse gas emission. Bunga ng ganitong debate, nagiging mabagal ang konsensus sa pagtugon sa mga hamon ng climate change. Tila mga batang nagtuturuan ang mga pinuno ng bansa habang patuloy sa pananalasa ang climate change sa iba’t ibang panig ng mundo. Katunayan, hindi nakalusot ang mungkahing pondong kompensasyon sa mga bansang biktima ng climate change, sa pinal na bersyon ng Paris Climate Change Agreement na nilagdaan sa United Nations Climate Change Summit (Little, 2015). Sa pangkalahatan, apektado rin ng climate change ang aktwal na pamumuhay ng mga mamamayan sa daigdig. Sa Pilipinas, dahil sa halos naging regular na ang matitinding pagbaha sa mga mabababang lugar, naging Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 369 pangkaraniwan na rin ang pagbuhay at/o pagpapalakas sa sistemang kapitbahayan at bayanihan. Ang mga lumang kaisipan na kapaki-pakinabang sa mabilis na pag- aksyon sa panahon ng kalamidad ay muling naipatatampok. Samantala, nanganganib namang mabura o kaya’y magbago nang ganap ang sistema ng pamumuhay ng mga bansang gaya ng Maldives na ang teritoryo’y malapit nang mawala sa mapa dahil sa climate change. Kapag nawala ang kanilang teritoryo, isang matinding hamon sa kanila ang paglipat o relokasyon sa ibang bansa. Tiyak na mapipilitan silang baguhin ang kanilang sistema ng pamumuhay dahil kailangan nilang makiangkop kahit bahagya sa mga bansang magiging bago nilang tahanan. Sa Pilipinas, pahapyaw rin na makikita ang ganitong pagbabago sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan bunsod ng climate change. Sa mga lalawigan sa Hilaga, halimbawa, unti-unti nang naglalaho ang mga payaw o hagdan-hagdang palayan bunsod ng matinding pagtaas ng temperatura na nagdudulot ng pagkawasak sa mga likas na sistema ng irigasyon na dati-rati’y bumubuhay sa mga payaw. Sa pagkawala ng mga payaw, ang mga mamamayang dating nagsasaka’y napipilitang maghanap ng bagong pagkakakitaan, o kaya’y lumipat pa nga sa mga lugar na urban para naman maghanap ng oportunidad sa ibang industriya. Ang ilan sa mga mamamayan ng mga lalawigan sa Hilaga ay naging mga palaboy na ring pulubi sa Kamaynilaan bunsod ng kawalan ng sapat na oportunidad sa kanilang mga lugar na maaaring makapag-compensate sa pagkawala ng kanilang hanapbuhay sa agrikultura. Samantala, sa mga mauunlad na bansa naman, lumalakas ang kampanya para sa paglimita sa pagkonsumo o pagbili ng mga produktong nalilikha sa pamamagitan ng mga proseso na nagdudulot ng mataas na greenhouse gas emissions. Ilan sa mga ganitong produkto ang mga sumusunod: karne ng baka, soya bean, mga gadget at iba pa. Sa pangkalahatan, lumalakas na rin ang kampanya para sa pagtitipid ng kuryente dahil maraming planta ng enerhiya sa mundo ay pinatatakbo pa gamit ang mga fossil fuel na nagdudulot din ng pagtaas sa greenhouse gas emissions. Binago ng climate change ang perspektiba ng mga mamamayan hinggil sa kaunlaran. Dati, inaakalang ang paglago lamang ng ekonomya ang mahalagang aspekto ng kaunlaran. Naging tila lubhang antroposentriko o nakasentro sa sangkatauhan ang depenisyon ng kaunlaran. Dahil sa climate change change, unti-unting nauunawaan ng tao na ang pangangalaga sa kalikasan ay dapat maging bahagi rin ng mga salik sa kaunlaran, sapagkat walang saysay ang anumang paglago sa ekonomya kung wawasakin lamang nito ang pagiging sustenible ng daigdig. Malaking hamon sa bansa ang mitigasyon ng mga epekto ng climate change sapagkat ayon sa World Health Organization/WHO (2015), ilan lamang sa mga risk na kinakaharap ng mga 370 Suri, Saliksik, Sanaysay bansa ang mga sumusunod: “...pagdalas ng extreme na pagbabago sa klima, pagtaas ng sea level, tumataas na temperatura at matinding buhos ng ulan (extreme rainfall). Magreresulta ito sa direkta at indirektang epekto sa kalusugan gaya ng pagtaas ng insidente ng nakahahawang sakit, heat stress, dislokasyon ng populasyon at disrupsyon ng mga aktibidad sa agrikultura at ekonomiya.” Sa ilang pagkakataon, buhay at kabuhayan na ng mga mamamayan ang napipinsala dahil sa climate change. Lagpas pa sa mga indirektang epekto ng climate change, sa Katimugang Pilipinas ay ramdam na ramdam na rin ang epekto ng climate change na humahantong sa mga malalaking kilos-protesta ng mga mamamayang apektado ng matitinding tagtuyot at kagutumang bunga nito. Kamakailan, 3 magsasaka ang pinaslang ng mga pulis at 116 ang sugatan sa marahas na dispersal ng protesta ng mga magsasakang biktima ng tagtuyot na dulot ng climate change sa Kidapawan, Cotabato (InterAksyon, 2016; Araullo, 2016). Kaugnay ng seguridad ng pagkain, nililinang ng bansa ang kakayahan ng sistema ng produksyon at distribusyon sa agrikultura at pangisdaan ng bansa, na madaling makarekober sa mga epekto ng climate change. Nililinang din ng bansa ang kakayahan ng mga nagsasaka o nangingisdang komunidad sa Pilipinas na agad ding makarekober sa mga epekto ng climate change. Sa pangkalahatan, ganito ang pangunahing patakaran ng pamahalaan: ihanda ang mga komunidad sa mga epekto ng climate change at mapataas ang antas ng kakayahan ng mga komunidad na makarekober agad sa mga epekto nito (resilience/resilyens). Kapansin-pansin na tila wala sa prayoridad ng pamahalaan ang pagbabawas sa greenhouse gas emissions. Ang pokus sa resilyens ng mga komunidad ay itinatakda rin ng pagiging arkipelago ng bansa na nasa rehiyong tropikal na isa sa pinakaapektado ng climate change gaya ng pinatunayan ng paglakas ng mga bagyo at palala nang palalang mga tagtuyot sa mga bahaging ito ng mundo. Sa pagbibigay-diin sa kahandaan at resilyens ng mga komunidad, ipinaaalala ng gobyerno sa bawat mamamayan na ang pagharap sa mga suliraning dulot ng climate change ay magiging epektibo lamang kung ang bawat sektor ng lipunan ay makikipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpapatupad ng mga planong aksyon na maganda sa papel ngunit nangangailangan ng ibayong kooperasyon ng madla bukod pa sa pondo. Samakatwid, bayanihan – pagtutulungan ng iba’t ibang sektor at pangkat – ang magtitiyak ng mabilis na tugon sa anumang epekto ng climate change. Prayoridad ang agad na pagbangon ng mga komunidad sa kalamidad sa pamamagitan ng rehabilitasyon sapagkat hindi sustenible ang programa na mas magbibigay-diin lamang sa pansamantalang relief, sa halip na magbigay-pansin sa pagbabalik-normal ng buhay at kabuhayan ng mga mamamayang sinalanta ng bagyo. Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 371

Bukod sa mga nabanggit na aksyong nakapokus sa resilyens ng mga komunidad, dapat bigyang-prayoridad ng gobyerno at ng mga institusyong akademiko ng bansa ang bayanihan o pagtutulungan sa saliksik kaugnay ng climate change, partikular ang pag-iwas sa paglala ng greenhouse gas emissions, upang magsilbi ring modelo sa mga malalaking emitter o tagabuga ng greenhouse gases. Halimbawa, maaaring pondohan ang mga pananaliksik sa genetic engineering o pag-eedit ng genes ng mga katutubong puno sa mga kagubatan ng Pilipinas, upang tangkain pabilisin ang kanilang paglaki. Mahalaga ang ganitong proyekto sa pagpapabilis ng reforestation ng bansa na kinakailangan upang mahigop ang carbon dioxide emissions at makabawas sa paglala ng climate change. Kaugnay nito, maaari ring magsagawa ng mas malalimang pananaliksik hinggil sa mga bacteria at iba pang mikroorganismo na kayang mabilis na magkonsumo ng greenhouse gases. Sa Estados Unidos, sa pamamagitan ng genetic engineering ay naprodyus ni Prop. Daniel G. Nocera ng Harvard University ang isang bacteria na nagkokonsumo ng hydrogen at carbon dioxide at tinatransporma pa ang mga ito sa alkohol na magagamit ding fuel (McMahon, 2016). Dapat ding bigyang- prayoridad ang pagpaplano sa mabilis na transisyon tungong 100% paggamit ng mga enerhiyang renewable gaya ng enerhiyang mula sa araw (solar power). Kapansin-pansin na parami nang parami ang naibebentang kotse sa bansa sa mga nakalipas na taon (Mercurio, 2016), at maging ang LRT at MRT (mga linya ng tren sa Metro Manila) ay pinatatakbo ng kuryenteng kalakhan ay mula sa mga plantang gumagamit ng coal na nagbubuga ng carbon dioxide sa atmospera. Samakatwid, kailangan ng malinaw na plano sa paglikha ng enerhiyang renewable na sasapat sa demand ng mga Pilipino. Maaaring suportahan ang mga umiiral na proyekto sa paggamit ng solar power para sa mga kotse, tulad ng proyektong SIKAT at SINAG na pinangungunahan ng mga mananaliksik mula sa De La Salle University (Ranada, 2013). Sa ibang bansa, maging ang mga eroplano ay solar-powered na rin (Associated Press, 2016a). Sa pagpapalawak ng paggamit ng enerhiyang solar, maaaring ikonsidera ang mga proposal tulad ng paglalagay ng solar panels bilang bubong sa North Luzon at South Luzon Expressways at iba pang mga toll roads sa bansa, upang hindi na mahirapan sa paghahanap ng malalaking espasyo para sa mabilisang pagkalap ng enerhiya, at paglalagay rin ng solar panel sa bubong ng mga tanggapan ng gobyerno at tahanan sa bansa, gaya ng ginawa ng Manuel Luis Quezon University at St. Scholastica’s College (Añonuevo, 2014). Dapat ding masusing pag-aralan ang potensiyal ng paggamit ng tubig bilang pagkukunan ng enerhiya sa pamamagitan ng electrolysis o proseso ng pagkuryente 372 Suri, Saliksik, Sanaysay sa tubig upang mapaghiwalay ang oxygen at hydrogen8. Sa ulat ni Alarilla (1999), inilarawan ang imbensyong kotse – ni Engr. Daniel Dingel – na pinatatakbo ng tubig. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin patented ang kanyang imbensyon, kaya’t mabuting maging paksa ng siyentipikong pag-aaral.

Wakasan ang Kontraktwalisasyon

Bukod sa pagsasalba ng kalikasan at sandaigdigan, kailangang paunlarin din ang buhay ng nakararaming mamamayan, sapagkat ano ang saysay ng daigdig kung ang mga tao namang naninirahan dito’y hindi magkakaroon ng buhay na ganap at kasiya-siya. Kontraktwalisasyon ang isa sa mga nagpapahirap sa maraming mamamayang apektado nito gaya ng mga sikyu, guro sa mga pribadong paaralan, dyanitor, fastfood service crew, saleslady sa mga mall, “promodizer” sa mga supermarket at marami pang iba. Ang pagbabasura sa kontraktwalisasyon ay kinakailangan sa pagbibigay ng disenteng trabaho sa maraming mamamayan, na magbubunsod din ng ekspansyon ng kakayahang gumasta ng mga manggagawa, bagay na mainam at kailangan para sa anumang tangkang industriyalisasyon. Kung tutuusin, simpleng pagpapatupad lamang ng isang desisyon ng Korte Suprema ang kailangan upang tuluyang maibasura ang kontraktwalisasyon. Sa Pure Foods Corporation vs. NLRC et al. (G.R. No. 122653; 12 December 1997), idineklarang walang bisa at ilegal ng Korte Suprema ang 5-buwang kontrata ng mga manggagawa ng Pure Foods sapagkat ang kontratang iyon ay ginamit lamang ng korporasyon upang maikutan o macircumvent ang batas sa pagbibigay ng regular na trabaho. Sa nasabing kaso sa Korte Suprema, pinatunayan ng mga manggagawa ng Pure Foods na sa pagtatapos ng kanilang 5-buwang kontrata ay muli lamang kumukuha ng mga bagong manggagawa ang kumpanya, at ang mga manggagawang iyon ay binigyan din ng kontratang kahawig na kahawig ng sa mga tinanggal na manggagawa. Samakatwid, malinaw sa pasyang ito ng Korte Suprema na ilegal ang kontraktwalisasyon. Bukod sa implementasyon ng nasabing desisyon ng Korte Suprema, maaari ring bigyan ng prayoridad ang pagsasabatas ng mga panukalang batas laban sa kontraktwalisasyon gaya ng House Bill No. 1024 (“An Act Strengthening the Right to Security of Tenure,

8 Ang hydrogen ay pangunahing “panggatong” o fuel ng mga sasakyan. Sa halip na tubig ay gasolina ang pinagkukunan ng hydrogen ng mga sasakyan sa kasalukuyan. Matinding greenhouse emissions ang resulta ng paggamit ng gasolina. Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 373

Providing Penalties for Violations Thereof, Amending Pertinent Portions of the Labor Code, and For Other Purposes”) na inihain ng Gabriela Women’s Partylist, Anakpawis Partylist, at Bayan Muna Partylist noong 2004. Inihain naman ng Gabriela Women’s Partylist ang kahawig na panukalang batas na House Bill 4396 “Prohibiting Labor-Only Contracting and Regulating Job Contracting and Sub-contracting” noong 2014. Bukod sa mga panukalang-batas na ito, noong 2016 ay inihain naman ni Rep. Karlo Alexei B. Nograles ang House Bill Nos. 5416, 5415, 5806, 6397 at 4659 para lutasin ang problema ng kontraktwalisasyon (Philippine News Agency, 2016). Inihain naman ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III noong 2015 ang Senate Bill No. 3030 (“An Act Strengthening the Prohibition Against Labor-Only Contracting, Amending for this Purpose Presidential Decree No. 442, Otherwise Known as the Labor Code of the Philippines, As Amended”). Malinaw kung gayon na simpleng “political will” na lamang ang kailangan upang tuluyang maipagbawal ang kontraktwalisasyon. Kaugnay ng batas kontra-kontraktwalisasyon, inaasahang mabilis at madali na itong makakalusot sa Kongreso dahil na rin sa matibay na mayoryang nabuo na ng partido ni Presidente Duterte (Cabacungan, 2016).

Ipatupad Ang Disenteng Sahod Para sa Mga Manggagawa

Walang saysay ang pagbabasura sa kontraktwalisasyon kung hindi magkakaroon ng disenteng sahod ang mga manggagawang Pilipino. Sa kasalukuyan, 225- 4919 piso ang range ng arawang minimum na sahod sa Pilipinas (National Wages and Productivity Commission/NWPC, 2016a). Sa pangkalahatan, mas mataas pa sa 225 piso na minimum wage sa Rehiyon IV-B ng Pilipinas, ang minimum wage sa Cambodia, Malaysia, Thailand, China, Taiwan, Hong Kong, South Korea, Japan, New Zealand at Australia (NWPC, 2016b). Gayunman, dapat bigyang-diin na ang GDP growth rate o tantos ng paglago ng GDP ng Pilipinas – 6.1% noong 2014 – ay mas mataas pa kaysa sa GDP growth rate ng mga bansa at teritoryo sa Asya-Pasipiko gaya ng Malaysia, Thailand, Hong Kong, South Korea, Japan, New Zealand at Australia (World Bank, 2016a) kaya’t mahihinuhang kakayanin ng ekonomya ng Pilipinas na

9 217 piso ang pinakamababang sahod sa Region IV-B at 491 piso naman ang pinakamataas na sahod sa National Capital Region. 374 Suri, Saliksik, Sanaysay isustine ang pagtataas ng sahod. Ang panawagang pagtataas ng sweldo ay makatwiran at kinakailangan sapagkat ang minimum na sahod sa Pilipinas ay halos kalahati lamang ng family living wage – o sweldong kailangan ng isang pamilyang may 5 miyembro upang mabuhay nang disente – na ayon sa Ibon Foundation ay 1,088 piso kada araw (Tubadeza at Rosero, 2016), at batay naman sa pagtataya ng Partido ng Manggagawa/PM ay 1,217 piso (Philippine Daily Inquirer, 2013). Gayundin, napakalayo ng buwanang minimum na sweldo sa bawat rehiyon kumpara sa buwanang sweldong 120,000 piso na ayon sa NEDA ay halagang kailangan ng isang pamilyang may apat na miyembro para mabuhay nang komportable (De la Paz, 2016). Sa kasalukuyan, 750 piso ang arawang sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor at 16,000 piso ang buwanang sahod para sa mga manggagawa sa gobyerno na hinihiling ng iba’t ibang grupo ng mga obrero (All Workers’ Unity, 2016). Lalong nagiging imperatibo ang pagkakaroon at pagpapatupad ng disenteng sahod para sa mga manggagawa kapag isinaalang-alang ang katotohanan na ang porsyento ng mga mahihirap na Pilipino ay halos hindi nagbago sa ilalim ng ikalawang administrasyong Aquino: 24.9% noong 2003 kumpara sa 25.23% noong 2012 (World Bank, 2016a), at ang datos na nagpapatunay na hindi rin halos nagbago ang distribusyon ng kita ng Pilipinas – malaki ang parte na napupunta sa pinakamayamang 20% ng populasyon (mula noong 1990-2010, nag-average sa 50% ng kita ng bansa) at maliit lamang ang napupunta sa pinakamahirap na 20% ng populasyon (nag-average sa 5.8% ng kita ng bansa) ayon sa World Bank (2016b). Malinaw na ang mga pinakamayayaman lamang ang nakinabang sa paglago ng ekonomya sa mga nakaraang dekada. Mas malaki pa ang porsyento ng populasyon ng mahihirap na Pilipino kaysa sa mga mahihirap sa Laos, Cambodia, Vietnam, Thailand, Indonesia at Malaysia, at batay sa mga kurba ng pagbaba ng bilang ng mga mahihirap ay malinaw rin na mas mabagal ang pagtatagumpay ng “gera kontra-kahirapan” ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa ng Timog-Silangang Asya (World Bank, 2016a). Samakatwid, ang pagtataas ng sweldo ay isang porma ng makatwirang redistribusyon ng kita at paglago ng ekonomya mula sa mga pinakamayayamang may-ari ng mga korporasyon tungo sa mga manggagawa na may napakalaking ambag sa gayong paglago ng ekonomya. Kaugnay ng panawagang pagtataas ng sahod, kinakailangang itigil din ang pagpapatupad ng 2-tier wage system/2TWS (sistema ng dalawang suson ng pasahod) na ayon sa Ecumenical Institute for Labor Education and Research/EILER (2012) ay binubuo ng “...unang antas (first tier)” o “...floor wage na itatakda ng gobyerno at kalauna’y hahalili sa Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 375 umiiral na regional minimum wage” batay sa “halaga na kailangan ng isang pamilya para masabing hindi ito mahirap batay sa pamantayan ng gobyerno” at ng “pangalawang suson (second tier)” o ang “productivity-based na sahod na nakabatay sa antas ng produktibidad ng isang kumpanya o industriya.” Idinagdag ng EILER na “ang manedsment ang pangunahing magtatakda ng implementasyon ng productivity-based pay.” Bukod sa kontrol ng manedsment sa pagtatakda ng implementasyon ng productivity-based pay, ang pagtatakda ng unang suson ng sahod katapat ng poverty threshold ay hindi rin paborable sa mga manggagawa dahil ang sukatan ng kahirapan sa bansa ay minamanipula at artipisyal na pinababa ng gobyerno (Mangahas, 2011). Balido ang konsern ng mga manggagawa hinggil sa posibleng pag-abuso at pagsasamantala ng mga kapitalista sa 2TWS dahil na rin sa tahas na deklaradong paniniwala ng mga kapitalista at ng gobyerno na “We want our minimum wage to entice foreign investments in order to create jobs” (Employers’ Federation of the Philippines/ ECOP, 2013). Ayon sa presidente ng ECOP na si Edgardo Lacson, “Wage should be market-driven” (Campos, 2014). Sa isang bukod na ulat, direktang sinisi ng ECOP ang taunan ngunit maliit na pagtataas ng sweldo sa bansa sa diumano’y pagpigil sa pagdami ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa (Osorio, 2010). Sa ganitong diwa, malinaw na ang dokumentadong malakas na suporta ng mga kapitalista sa 2TWS (Department of Labor and Employment/ DOLE, 2015) ay repleksyon ng kanilang pagnanais na gamitin ito para lalong baratin o panatilihing mababa ang minimum na sweldo sa bansa. Ayon kay Marx (1867) ang “directing motive” ng kapitalismo ay “...to extract the greatest possible amount of surplus value, and consequently to exploit labor- power to the greatest possible extent” (par. 19). Napako sa 250-300 piso ang floor wage sa Calabarzon at ang productivity-based pay ay hindi sapat para umabot man lamang sa 400 piso ang kabuuang sahod ng manggagawa (EILER, 2012). Ang masamang karanasan ng mga manggagawa sa Amerika ay dapat ding magsilbing aral sa mga manggagawang Pilipino. Sa Estados Unidos, tinututulan at/o pinagwe(we)lgahan pa nga ng mga unyon ang 2TWS (Feeley, 2016; Associated Press, 2016b; Hiltzik, 2015; Jones, 2015; Kirkland, 2013; Slaughter, 2011; Westfall, 2007), habang sa Canada ay nagbanta ng welga ang mga manggagawa kapag isinama ng manedsment sa plano ang implementasyon ng 2TWS (The Canadian Press, 2008). 376 Suri, Saliksik, Sanaysay

Bawasan Ang Income Tax at Gawing Progresibo Ang Sistema ng Pagbubuwis

Importante rin sa pagpapalakas ng sitwasyong pinansyal ng mga ordinaryong mamamayan ang pagpapababa sa buwis sa kita lalo na ng mga manggagawa at propesyunal tungo sa isang progresibong sistema ng pagbubuwis, alinsunod sa Artikulo VI, Seksyon 28. (1) ng Konstitusyong 1987. Sa kasalukuyan, pangalawa sa may pinakamataas na income tax ang Pilipinas sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations/ASEAN (De la Paz, 2015). Bukod dito, ayon sa datos na kinalap ng Alliance of Concerned Teachers-Private Schools (2016), mas mataas din ang top income tax bracket ng Pilipinas kumpara sa range ng buwis sa mga sumusunod na bansa: Brunei: 0; Cambodia: 0 to 20%; Czech Republic: 15-22%; Egypt: 10% to 20%; Guatemala: 5% to 7%; Hong Kong: 0 to 15%; Hungary: 16%; Jordan: 0 to 14%; Kazakhstan: 10%; Kuwait: 0; Lebanon: 2% to 20%; Liechtenstein: 1.2% to 17.82%; Lithuania: 0 to 15%; Macau: 0 to 12%; Macedonia: 10%; Malaysia: 0 to 26%; Mauritius: 15%; Moldova: 7% to 18%; Monaco: 0; Mongolia: 10%; Montenegro: 9% to 15%; Nigeria: 7% to 24%; Oman: 0; Palestine: 5% to 15%; Panama: 0 to 27%; Paraguay: 8% to 10%; Qatar: 0; Romania: 16%; Saudi Arabia: 0; Serbia: 10% to 25%; Singapore: 0 to 22%; Sri Lanka: 0 to 15%; Switzerland: 0 to 13.2%; Syria: 5% to 15%; United Arab Emirates: 0; at Uzbekistan: 7.5% to 22%. Kataka-taka na sa usapin ng buwis ay hindi binabanggit ng gobyerno ang karaniwan nitong deklarasyon na kailangang sumunod sa global na pamantayan ang bansa – isang argumentong ginagamit ng gobyerno para iwasan ang pagtataas ng sahod sa bansa (Jaymalin, 2012) at para ipatupad ang pagdaragdag ng 2 taon ng senior high school sa pamamagitan ng programang K to 12 (San Juan, 2013). Sa explanatory note sa House Bill 5401 (An Act Restructuring the Income Brackets and Rates of Tax Imposed On Taxable Income of Individuals, Amending for the Purpose Sections 24, 32, 33, 34 and 35 of the 1997 National Internal Revenue Code of the Philippines, As Amended) na inihain ng Bayan Muna Partylist (2015) sa pangunguna nina Rep. at Rep. , panahon na talagang baguhin ang mga tax bracket sa Pilipinas dahil ang halaga na pinapatawan ng pinakamataas na porsyento ng buwis (32%) noong 1986 – 500,000 piso kada taon – ay katumbas na ng 2.697 milyong piso noong 2015. Sa ilalim ng House Bill 5401 ay makikinabang ang lahat ng income bracket: hindi na magbabayad ng income tax ang lahat ng sumusweldo ng 33,000 Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 377 piso kada buwan pababa (396,000 piso kada taon), kumpara sa dating 14,640 piso kada buwan pababa; 30% na lamang ang pinakamataas na income tax kumpara sa dating 32%; at itinaas na sa 225,000 piso kada buwan (2,700,000 kada taon) pataas ang halaga ng sweldo na papatawan ng 30% na income tax, kumpara sa dating 41,666 piso kada buwan (500,000 piso kada taon) pataas na pinapatawan ngayon ng buwis na 32%. Bukod sa pagpapababa ng buwis, kailangang hadlangan ang mungkahing pagtataas ng value-added tax (VAT) mula sa 12% tungong 14% at pag-aalis ng eksempsyon sa VAT para sa mga senior citizen (ABS-CBN News, 2016). Ayon mismo sa International Monetary Fund/IMF, “VAT or consumption tax is regressive, it hits the poor more than the rich” (Cerda, 2014). Katunayan, 42.8% ng paggasta ng mga mahihirap na pamilya ay napupunta sa pagkain at 20.7% naman sa “housing, water, electricity, gas and other fuels” (Philippine Statistics Authority, 2013). Dapat bigyang-diin na ang mga sariwang pagkain lamang (gaya ng isda, gulay at karne) at bigas ang exempted sa VAT, habang ang pagkain sa fastfood, processed foods at mga grocery item ay may VAT, gaya rin ng tubig, kuryente at gas. Samakatwid, sa pangkalahatan, ang pagbabawas ng buwis sa kita ay tiyak na makapagpapasigla at makapagpapalago sa ekonomya sapagkat malaki ang posibilidad na ang kalakhan ng karagdagang kita ng mga manggagawa mula sa pagpapababa ng buwis sa kita ay kanilang gagamitin sa pagkonsumo ng mga produkto at pagbili/pagtatamasa ng karagdagang mga serbisyo, batay na rin sa karaniwang padron ng kanilang konsumpsyon at paggasta. Sa halip na pagtataas ng VAT, maaaring pag-aralan ang posibilidad ng pagtataas ng buwis sa mga pinakamayayamang indibidwal at/o korporasyon, gaya ng planong 75% na buwis para sa pinakamayayaman sa Pransya (Chrisafis, 2012), at 90% na buwis para sa pinakamayayaman sa Estados Unidos sa ilalim ng administrasyong Eisenhower – lebel ng buwis na nais ibalik ng isa sa mga mayor na kandidato sa pagkapresidente ng Amerika ngayong 2016 na si Sen. Bernie Sanders (Aleem, 2015).

Palakasin Ang Mga Unyon at Unyonismo sa Pilipinas

Sa kasaysayan ng Pilipinas at daigdig, napatunayan na ang mahalagang papel ng mga unyon sa pagbabagong panlipunan. Halimbawa, sa mga huling bahagi ng 1800s, naipagtagumpay ng mga manggagawa ang panawagang maximum na walong oras ng paggawa kada araw – na isang pag-igpaw sa lumang sistema ng lagpas sa walong oras na trabaho – dahil sa malawakang kampanya at pag- 378 Suri, Saliksik, Sanaysay oorganisa ng mga unyon (Walters, 2016 at McInerney, 1996). Sa Pilipinas naman, isa sa pinakamalakas na pwersang nakapagpahina – kundi man nakapagpatalsik – sa diktadurang Marcos ang unyon ng mga manggagawa (West, 1997) na pawang nanguna sa mga matatagumpay na welgang-bayan (general strike). Sa kasamaang- palad, sa kasalukuyan ay tila mahina na ang unyonismo sa Pilipinas. Ang porsyento ng unyonisasyon (unionization rate) sa Pilipinas — 8.5% sa pribadong sektor at 14.9% sa publikong sektor (Philippine Bureau of Labor Relations, 2012) — ay napakahina/napakaliit kumpara sa unyonisasyon ng Sweden: 71%; Norway: 52%; Denmark: 67%; at Finland: 74% (European Worker Participation Competence Centre/EWPCC, 2013). Sa kabila ng pamiminsala ng neoliberalismo sa iba’t ibang panig ng daigdig, nagtatamasa pa rin ang mga bansang ito ng Scandinavia ng “high income equality, large, tax-financed welfare programs, powerful unions, and relatively low unemployment rates” (Stahl at Mulvad, 2015) dahil na rin sa lakas ng mga unyon na nagsisilbing talibang protektor ng mga benepisyo at karapatang ipinagwagi sa mga naunang pakikibaka ng mga kilusang panlipunan. Kaugnay nito, makabuluhan ang panawagan ni Villegas (2016) sa administrasyong Duterte: “Upang aktibo at mulat na maprotektahan ng mga manggagawa ang kanilang karapatan laban sa pang-aabuso at atake, at para makibahagi sila sa diskurso at malikhaing aksyong magdudulot ng tunay na pagbabago sa susunod na anim na taon ng kanyang liderato, hinihikayat namin si Duterte na itaguyod ang karapatan ng mga manggagawa na malayang mag-organisa ng mga unyon. Ito ang paraan ng mga manggagawa sa pagkamit ng katarungang panlipunan, at nagbibigay- garantiya na sila’y makikinabang sa paglago ng ekonomya.”

Palakasin Ang Ekonomyang Nakasandig-sa-Sarili

Bukod sa mababang pasweldo, kontraktwalisasyon, mataas na buwis at paghihigpit sa unyonismo, isa pang mahalagang suliranin na dapat lutasin ang mataas na lebel ng kawalan ng trabaho o disempleyo sa bansa na pinakamalala sa Timog-Silangang Asya (World Bank, 2016c). Kakatwa ang sitwasyon ng Pilipinas na tinaguriang “jobless growth” o makro-ekonomikong kaunlarang hindi nagbubunga ng paglikha ng mga trabaho (Pitterle and Zhan, 2014). Ang paglikha ng sapat na trabaho sa arkipelago ay maisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng implementasyon ng komprehensibong planong pang-ekonomya na nakapokus sa pagsandig sa sarili – bagay na tinawag ni Amin (2014) na pagtatatag ng “autonomous national systems.” Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 379

Sa konteksto ng Pilipinas na isang arkipelagong sagana sa likas na yaman at yamang tao, maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pambansa/makabansang industriyalisasyon, reporma sa lupa, at modernisasyon ng agrikultura – mga progresibong polisiya na detalyado nang tinalakay ng napakaraming Pilipinong mananaliksik at mga kilusang panlipunan (Recto, 1959; Hernandez, 1982; Lichauco 1986 and 2005; Constantino, 1995; Salgado, 1997; Sison, 1998; Kilusang Magbubukid ng Pilipinas/KMP, 2009; Bagong Alyansang Makabayan/BAYAN, 2011). Patatatagin ng reporma sa lupa ang kakayahang pinansyal ng mga magsasaka sa bansa, bagay na makapag-aambag sa ekspansyon ng pamilihang lokal para sa mga produktong kinokonsumo ng mga Pilipino at kakayaning isuplay ng mga industriya sa bansa. Wala pang 2,000 piso ang buwanang average na kita ng mga magsasaka sa Pilipinas ayon sa Bureau of Agricultural Statistics (Alave, 2011) dahil mayorya sa kanila ay walang sariling lupa o kaya’y maliit na parsela lamang ang sinasaka. Samakatwid, tiyak na madodoble, matitriple, at lalaki ang average na kita ng mga magsasaka kapag nabiyayaan sila ng karagdagang sakahan sa pamamagitan ng reporma sa lupa. Ang reporma sa lupa ay makapagbibigay rin ng kagyat na alternatibong trabaho sa mga manggagawa at mga propesyunal sa mga industriya at serbisyo na sa kasalukuyan ay bumubuo ng 16% at 55% ng mga manggagawa sa bansa, kumpara sa 29% ng mga manggagawang Pilipino na nasa agrikultura (Central Intelligence Agency/CIA, 2016). Kung susuriin ang datos ng World Bank (sipi sa Danish Trade Union Council for International Development Cooperation, 2014), malaki pa ang potensiyal na mapalawak ang sektor ng agrikultura – na sa kasalukuyan ay nakapag-aambag ng 12% hanggang 13% lamang sa GDP ng bansa, kumpara sa 57% na ambag ng sektor ng serbisyo10 at 31% na ambag naman ng sektor ng industriya – sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo (tulad ng libreng lupa at pagsasanay na teknikal sa agrikultura) upang mahikayat ang marami- raming manggagawa sa sektor ng serbisyo na lumipat sa sektor ng agrikultura, lalo pa at sa kasalukuyan ay 57 na ang average na edad ng mga magsasaka sa bansa (Casauay, 2014). Reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura ang magtitiyak na may sapat na suplay ng pagkain ang bansa, palayo sa magastos at pana-panahong walang katiyakang importasyon bunsod na rin ng climate change na nakaapekto na rin sa ani ng mga bansang gaya ng Vietnam (Maresca, 2016) na pinag-aangkatan ng Pilipinas ng bigas (Reuters, 2016). Sa pamamagitan ng reporma sa lupa ay matitiyak din ang sapat na suplay ng hilaw na materyales para

10 Mga negosyong tulad ng call center, bangko, mall, fast food atbp. na nagbibigay ng serbisyo sa halip na nagmamanupaktura ng produkto (sektor ng industriya). 380 Suri, Saliksik, Sanaysay sa ilang industriyang lokal. Samakatwid, komplementaryo sa industriyalisasyon ang reporma sa lupa. Kapansin-pansin na maraming mga industriyalisadong bansa gaya ng Timog Korea, Taiwan, Rusya, Tsina at iba pa ay pawang nagpatupad ng iba’t ibang porma ng pamamahagi ng lupa bilang tuntungan ng kani-kanilang matatagumpay na programang industriyalisasyon. Kasabay ng implementasyon ng reporma sa lupa, modernisasyon ng agrikultura at industriyalisasyon, dapat unti- unting ilatag ang batayan para sa panawagang wakasan ang mahigit tatlong dekada nang Labor Export Policy (LEP) o patakaran ng gobyerno na magpadala ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa upang ang mga migranteng Pilipino ay makabalik sa Pilipinas at makapag-ambag ng talino, kasanayan at lakas-paggawa para sa pagbuo at pagpapatatag ng ekonomyang nakasandig sa sarili. Kailangang unti-unting awatin ang bansa sa pagdepende sa perang padala o remitans ng Overseas Filipino Workers (OFWs). Kapansin-pansin na nananatiling mahirap at hindi industriyalisado ang bansa sa mga nakalipas na dekada ng implementasyon ng LEP at ang mga import ng Pilipinas ay nananatiling mataas sapagkat hindi man lamang nagtatangka ang gobyerno na palakasin ang pamilihang domestiko sa pamamagitan ng industriyalisasyon, lalo pa at nagsisilbing salbabida ng ekonomya ang mga remitans ng OFWs (San Juan, 2014). Mula 1999-2014, habang ang remitans ng OFWs ay unti-unting tumaas bawat taon mula US$ 6,021,219,000 tungong US$ 24,628,058,000, ang Pilipinas ay nagtala ng negatibong balance of payments (imports minus exports), at ang sektor ng pagmamanupaktura ng bansa ay nag-average lamang ng 22.81% ng ekonomya — pumailanlang sa 25% noong 2002-2003 at sumadsad pa sa 20% noong 2013—mga datos na nagpapatunay na habang pinanatili ang Labor Export Policy ay mananatili ring bansot ang mga industriya ng Pilipinas (Central Bank of the Philippines, 2016; Philippine Statistics Authority, 2016; and World Bank, 2016c). Kahawig ng sitwasyon ng Pilipinas ang sitwasyon ng Nepal na isang bansang mahirap din, nakadepende sa remitans at may mahina ring sektor ng pagmamanupaktura (World Bank, 2016d at 2016e), kumpara sa Timog Korea, Malaysia at Tsina na pawang may mas malakas na sektor ng industriya at maliit na porsyento lamang ng remitans sa GDP. Bukod pa sa mahinang pagmamanupaktura, dapat bigyang-diin na ang LEP ay nagbubunga rin ng malalang problemang brain drain o pag-alis ng mga skilled na manggagawa at propesyunal para mangibang-bansa at kumita nang mas malaki. Sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya11, Timor Leste lamang ang nakatalo sa Pilipinas sa lala ng problema ng brain drain (World Economic Forum, 2016). Ang brain drain ay

11 Walang datos na available sa Laos at Myanmar. Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 381 ramdam na ramdam ng Pilipinas sa sektor ng kalusugan (nars, doktor at midwife) at iba pang sektor ng mga propesyunal. Halimbawa’y mas marami pang nars, doktor at midwife ang mga bansang destinasyon ng OFWs kaysa sa Pilipinas mismo (San Juan, 2014). Ang pangmatagalan at matatag na kaunlaran ng Pilipinas ay nakasalalay sa paghikayat sa mga migranteng Pilipino na bumalik sa bansa para tumulong at mag-ambag sa modernisasyon ng agrikultura, industriyalisasyon, at sa pangkalahatang proseso ng pagbubuo ng bansa (nation-building).

Gamitin ang Pondo ng Bayan para sa mga Repormang Sosyo-Ekonomiko

Tiyak na kakailanganin ang bilyun-bilyong piso para pondohan ang mga progresibong repormang sosyo-ekonomiko gaya ng reporma sa lupa, modernisasyon ng agrikultura, makabansang industriyalisasyon at nasyonalisasyon ng mga pangunahing industriya at serbisyo. Maaaring isakatuparan ang pagbabasura sa Presidential Decree/PD No. 1177 (Automatic Appropriations Act) na nagbigay- pahintulot sa gobyerno na gawing prayoridad sa pambansang badyet ang pagbabayad ng utang sa halip na mga serbisyong panlipunan. Dahil sa PD No. 81 ng diktadurang Marcos – na hindi ibinasura ng mga administrasyong post- Edsa – malaking porsyento ng badyet ng bansa bawat taon ang napupunta lamang sa pagbabayad ng utang, ngunit hindi rin naman halos nababawasan ang utang ng Pilipinas. Katunayan, mula 2009-2016, 5,955,406,000,000 piso ang kabuuang halagang ipinambayad ng Pilipinas sa mga utang nito, ngunit sa panahon ding ito, lumobo ang utang ng bansa mula 4,396,700,000,000 piso tungong 5,899,000,000,000 piso (Bureau of National Treasury, 2009-2016; at Department of Budget and Management, 2009-2016). Bunsod ng ganitong pagbibigay-prayoridad sa pagbabayad ng utang na di naman nababawasan, napakaliit na lamang ng badyet na inilalaan ng gobyerno sa mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at kalusugan, gayundin para sa pagtatayo ng mga imprastraktura at pagpapatupad ng mga repormang pang-ekonomya gaya ng industriyalisasyon. Maaaring maging batayan ng pagbabasura ng PD No. 1177 ang Senate Bill No. 1591 ni Senador Antonio Trillanes IV (2007) at ang House Bill 1962 ni dating Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino (2010). Dapat ding ipanawagan ang pagsasagawa ng komprehensibong debt audit o pagsusuri sa mga inutang ng mga administrasyong post-Edsa. Dokumentado na ang ilan sa mga malalalang kaso ng pandarambong 382 Suri, Saliksik, Sanaysay sa perang inutang ng Pilipinas sa panahon ng diktadurang Marcos (African Forum and Network on Debt and Development/AFRODAD, 2007), ngunit hindi pa naisasagawa ang gayong debt audit para sa iba pang administrasyon. Ilan sa mga proyektong inutang ng mga administrasyong post-Edsa tulad ng North Rail Project (linyang mula Caloocan hanggang Malolos, Bulacan) – na hindi natapos kahit na naubos na ang binabayaran pa rin ng Pilipinas ang pondong inutang na humigit- kumulang $400 milyon – ay batbat ng anomalya (Rappler, 2013; University of the Philippines/UP Law Center, 2005). Sa detalyadong pagsusuri sa lahat ng utang ng bansa, matitiyak na ang babayaran lamang ng bansa ay ang mga utang na talagang pinakinabangan ng sambayanan, at magiging batayan din ito ng pagsasampa ng mga kaso ng katiwalian/pandarambong laban sa mga nagkasala tungo sa pagbawi ng mga nakaw na yaman. Ang debt audit ay maaaring isakatuparan sa tulong ng mga organisasyong internasyunal na eksperto sa isyu ng utang gaya ng Comité pour l'abolition des dettes illégitimes/CADTM/Committee for the Abolition of Illegitimate Debt. Bukod sa perang “matitipid” o magiging “impok” o “savings” ng pamahalaan dahil sa pagbabawas ng badyet para sa pagbabayad ng utang at pagbawi sa mga nakaw na yaman, maaari ring gamitin ang pondo ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) at Pag-ibig Fund para sa pagtatayo ng mga industriya na makapagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino at para sa modernisasyon ng agrikultura. Mas mainam na sa pagpapaunlad ng bayan gamitin ang pera ng SSS, GSIS at Pag-ibig Fund kaysa gamiting puhunan sa stocks ng mga dayuhang korporasyon at mga pribadong kumpanya dahil ang stock market ay laging apektado ng instabilidad gaya ng sagad na pagsadsad ng mga stock market noong 2008 sa pagsambulat ng krisis (Manda, 2010; Chaudhury, 2011). May conflict of interest at posibleng korapsyon na kaugnay ng paggamit ng pondo ng SSS at iba pang pension fund para sa mga negosyong kapitalista, kaya mas makabubuting ihinto na ang paglalagak ng pondo ng bayan sa stock market. Ang SSS ay nag-oopereyt na tila isang “...huge corporation investing reserve funds, which are workers’ contributions, in enterprises that are explicitly linked to the business interests of SSS commissioners” (Maningat, 2015). Sa Estados Unidos, marami na ring ulat hinggil sa pagsadsad ng halaga ng pension fund ng mga manggagawa bunsod ng krisis sa stock market (Johnson at Ricketts, 2013; Taibbi, 2013), bagay na maaaring mangyari rin sa Pilipinas. Sa halip na simpleng pagbili ng sapi o shares sa stock market, higit na mainam na bilhin na ng gobyerno mismo ang mga mahahalagang industriya, upang makatiyak na ang tubo ng mga kumpanya ay ganap na mapakikinabangan ng sambayanan. Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 383

Isabansa Ang Mga Pangunahing Serbisyo at Industriya

Ang puhunang mula sa pondo ng bayan ay dapat ilagak sa mga serbisyo at industriya na kapaki-pakinabang sa at direktang kailangan ng mga mamamayan tulad ng kalusugan, transportasyon, enerhiya at iba pa, sa pamamagitan ng pagsasabansa o pagsasailalim sa publikong kontrol ng mga ito. Ang kakayahan ng mga gobyerno na pangasiwaan ang mga industriya ay pinatunayan na sa mga pananaliksik gaya ng kay Chang (2007), partikular ang sa Singapore, Timog Korea, Taiwan, Austria, Finland, France, Norway at Italy: “State-owned enterprises can also be ideal where there exists ‘natural monopoly’...where technological conditions dictate that having only one supplier is the most efficient way to serve the market. Electricity, water, gas, railways and (landline) telephones are examples of natural monopoly..the main cost of production is the building of the distribution network and, therefore, the unit cost of provision will go down if the number of customers that use the network serves is increased...When there is a natural monopoly, the producer can charge whatever it wants to, as consumers have no one else to turn to.” Samakatwid, dapat ikonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang nasyonalisasyon ng mga gayong industriya upang maprotektahan ang mga konsyumer sa sobrang taas na presyo at upang makatiyak na ang tutubuin ng mga industriyang ito ay babalik sa gobyerno para sa karagdagang pondo sa mga serbisyo publiko. Ayon sa Proposals for a Nationalist and Democratic Constitution na ang isa sa may-akda ay si Senador Lorenzo Tañada (c.1987), “The collective determination of the Filipino people to assert economic independence and hasten national industrialization and modernization of agriculture shall be attained through the nationalization of all vital and strategic industries in line with this.” Iminungkahi ni Tañada ang nasyonalisasyon ng mga sumusunod na industriya: pagmimina, produksyon at distribusyon ng kuryente, tubig, komunikasyon, transportasyon at fuel, pagbabangko, fertilizer, metal, kemikal at gamot. Binigyang- diin din naman ni Lichauco (1988) ang superyoridad ng gobyerno bilang tagapagsulong ng industriyalisasyon: “Ang estado ang pinakamataas na pagpapahayag ng kolektibong personalidad ng sambayanan...ito ang pinakamatibay na kinatawan ng kapangyarihang soberanya ng mga mamamayan, mula sa kapangyarihang mag-imprenta ng pera, hanggang sa kapangyarihang linangin at patakbuhin ang patrimonya ng bansa, at ang kapangyarihang pumasok sa produktibong negosyo…” Sa sitwasyon ng Pilipinas, ang ganitong tungkulin ng gobyerno ay nasa Artikulo XII, Seksyon 1 ng Konstitusyon: “Dapat itaguyod ng Estado ang industryalisasyon at pagkakataon na magkahanapbuhay ang lahat batay sa mahusay na pagpapaunlad 384 Suri, Saliksik, Sanaysay ng pagsasaka at repormang pansakahan, sa pamamagitan ng mga industriya na gumagamit nang lubusan at episyente sa mga kakayahan ng tao at mga likas na kayamanan...” Sa ganitong konteksto, malinaw na ang “full employment” o trabaho para sa lahat ay isang obligasyon ng gobyerno na maisasakatuparan nang mas mabisa kung pag-aari o kontrolado nito ang karamihan sa mga mahahalagang industriya. Hindi gaya ng mga korporasyon na tubo ng stockholder ang pangunahing konsiderasyon sa anumang pagpapasya, ang gobyerno ay obligadong isulong ang interes at kapakanan ng mga mamamayan – ng mga komunidad. Higit na karapat- dapat mangasiwa ng mga industriya ang gobyerno, lalo pa at sa mga nakalipas na dekada ay bigo ang malalaking korporasyong pribado na lutasin ang problema ng kahirapan, mababang sweldo at mataas na antas ng disempleyo.

Pangwakas

Gaya ng mga naunang tagumpay ng mga mamamayan sa Pilipinas at sa daigdig, sama-samang pagkilos ng mga mamamayan ang tunay na taliba at tagapamandila ng pagbabagong panlipunan. Pagmumulat, pag-oorganisa at pagkilos/pagpapakilos pa rin ang pormula para makamit ang mga repormang hinahangad. Pagmumulat: proseso ng pakikipag-usap sa mga kapwa inaapi, pinagsasamantalahan o mga nasa laylayan ng lipunan tungo sa pag-unawa ng sariling kalagayan at pagkakaisa sa planong aksyon para pagbabagong hangad kamtin. Pag-oorganisa: pagtatayo ng mga grupo o pagpapalakas sa mga umiiral nang pangkat upang ang mga maliliit o munting tinig ay lumakas at lumaki at kayaning makipagtunggali sa mga makakapangyarihan sa lipunan. Pagkilos/pagpapakilos: sama-samang paghakbang mula rito tungo roon, kolektibong pagsasabalikat ng mga plano para sa reporma at pagbabago, bayanihan tungo sa lipunang makakalikasan, makatao, malaya, mapagpalaya, maunlad, makatarungan at mapayapa. Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 385

Mga Sanggunian:

Abramson, S. (2016). A Dozen Reasons Sanders Voters Are Justifiably Angry at the Media Right Now. Huffington Post. Retrieved from http://www. huffingtonpost.com/seth-abramson/20-reasons-sanders-voters-are- justifiably- angry_b_9544744.html

ABS-CBN News. (2016, May 24). Duterte urged to raise VAT to 14 pct, include seniors. Retrieved from http://news.abs-cbn.com/business/05/24/16/duterte- urged-to-raise-vat-to-14-pct-include-seniors

Adel, R. (2016). 11 Filipinos return to Forbes 2016 world billionaire list. Philippine Star. Retrieved from http://www.philstar.com/ business/2016/03/02/1558717/11- filipinos-return-forbes-2016-world- billionaire-list

Africa, T. (2011). Family Income Distribution in the Philippines, 1985-2009: Essentially the Same. Social Weather Stations. Retrieved from: https://www.sws.org.ph/pr20110321%20- %20Family%20Income%20 Distribution%20by%20Mr%20Tomas%20Africa_FINA L.pdf

African Forum and Network on Debt and Development/AFRODAD (2007). Illegitimate Debt & Underdevelopment in the Philippines: A Case Study. Harare, Zimbabwe. Retrieved from http://s3.amazonaws.com/zanran_storage/www. afrodad.org/ContentPages/43088398.pdf

Agoncillo, Jodee. “PAGASA: 2016 can be one of Philippines’ warmest years.” Inquirer. Retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/778320/pagasa-2016-can-be- one-of- philippines-warmest-years

Alarilla, Joey. (1999). “Maker of water-powered car still fighting after 30 years.” Inquirer. Retrieved from http://www.wasserauto.de/html/inquirer_article.html

Alave, Kristine. (2011). “Philippines is running out of farmers.” Inquirer. Retrieved from http://business.inquirer.net/18611/philippines-is-running-out-of-farmers

Aleem, Z. (2015, May 29). Bernie Sanders Wants to Tax the Rich at 90%. Here's Why That's Not So Crazy.Mic. Retrieved from https://mic.com/articles/119630/ bernie-sanders-wants-to-tax-the-rich-at-90-here-s-why-that-s-not-so-crazy#. 386 Suri, Saliksik, Sanaysay

WFF7zKpsn

All Workers’ Unity. (2016, May 1). Aquino’s Tuwid na Daan: A Highway to Hell Workers to intensify fight for a National Minimum Wage. Retrieved from https:// www.facebook.com/allworkersunity/posts/617267098424118

Alliance of Concerned Teachers-Private Schools. (2016, May 14). ON EDUCATION: 13 Challenges for President-Elect Rodrigo “Digong” Duterte. Retrieved from https://www.facebook.com/ACTPrivateSchools/photos/a.682782 298462404.1073741826.637044549702846/1089150027825627/?type=3&theater

Amin, S. (2014). Saving the unity of Great Britain, breaking the unity of Greater Russia. Monthly Review, Volume 66, Issue 07. Retrieved from http://monthlyreview. org/2014/12/01/saving-the-unity-of-great-britain-breaking-the-unity-of-greater- russia/

Añonuevo, Euan Paulo. “After MLQ University, it's St. Scholastica's turn to go solar.” InterAksyon. Retrieved from: http://interaksyon.com/business/99791/after- mlq-university-its-st--scholasticas-turn-to-go-solar

Angus, Ian. (2015). “When Did the Anthropocene Begin…and Why Does It Matter?”. Volume 67, Issue 04 (September). Retrieved from: h t t p : / / monthlyreview.org/2015/09/01/when-did-the-anthropocene-beginand-why- does-it-matter/#en1

Araullo, Carol. (2016). “Whitewashing the Kidapawan massacre.” Business World. Retrieved from: http://www.bworldonline.com/content. php?section=Opinion&title=whitewashing- the-kidapawan-massacre&id=125749

Associated Press (2016a). “Solar-Powered Plane Lands in Spain After Trans- Atlantic Voyage.” NBC News. Retrieved from: http://www.nbcnews.com/ tech/innovation/solar-powered-plane-lands-spain-after- trans-atlantic- voyage-n597591

Associated Press. (2016b). Machinists vote to strike at Spokane aircraft parts plant. My Northwest.com. Retrieved from http://mynorthwest.com/288793/machinists- vote-to-strike-at-spokane-aircraft-parts-plant/

Bagong Alyansang Makabayan/BAYAN. (2011). National industrialization as framework for an alternative mining program in the Philippines. Retrieved from http://www.cpaphils.org/campaigns/NLMiningandHRSummit_National%20 Industrialization_BAYAN.pdf Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 387

Bayan Muna Partylist. (2015, February 3). House Bill 5401. Bayan Muna. Retrieved from http://www.bayanmuna.net/sites/bayanmuna/files/HB%205401%20-%20 Personal%20Income%20Tax%20Reform.pdf

Branigan, Tania. (2013). “Post-Haiyan rebuilding could cost billions, says Philippine minister.” The Guardian. Retrieved from: https://www. theguardian.com/world/2013/nov/19/typhoon-haiyan-rebuilding-cost- philippines

Bureau of Treasury. (2009-2016). National Government Debt. Retrieved from http://www.treasury.gov.ph/news/news/

Cabacungan, G. (2016, May 26). From 3 to 300, PDP-Laban forms ‘supermajority’ in House. Philippine Daily Inquirer. Retrieved from http://newsinfo.inquirer. net/787547/from-3-to-300-pdp-laban-forms-supermajority-in-house

Campos, O. V. (2014, December 21). Employers cautious on job outlook. Manila Standard Today. Retrieved from http://manilastandardtoday.com/ mobile/2014/12/21/employers-cautious-on-job-outlook

Casauay, A. (2014, October 7). 'PH farmers endangered species' Guess what the average age of farmers in the Philippines is?. Rappler. Retrieved from http://www. rappler.com/business/special-report/world-economic-forum/2014/58607-ph- farmers-endangered-species-pangilinan

Chang, H.J. (2007). Bad Samaritans: The Myth of Free Trade and the Secret History of Capitalism. Bloomsbury Press.

Chaudhury, M. (2011). The Financial Crisis and the Behavior of Stock Prices. McGill University. Retrieved from https://people.mcgill.ca/files/mohammed. chaudhury/CrisisApr042011.pdf

Chrisafis, A. (2012, July 6). François Hollande keeps election promise of raising taxes for wealthiest. The Guardian.Retrieved from http://www.theguardian.com/ world/2012/jul/06/francois-hollande-election-taxes-france

Central Bank of the Philippines. (2016). Economic and financial statistics. Retrieved from http://www.bsp.gov.ph/statistics/efs_ext2.asp#FCDU

Central Intelligence Agency/CIA. (2016). The World Factbook: Philippines.CIA. Retrieved from https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/ rp.html 388 Suri, Saliksik, Sanaysay

Cerda, J. (2014, May 23). IMF: Focus on income tax, not VAT. Philippine Star. Retrieved from http://www.philstar.com/business/2014/05/23/1326418/imf-focus- income-tax-not-vat

Constantino, R. (1995). The nationalist alternative. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies.

Danish Trade Union Council for International Development Cooperation. (2014). The Philippines: Labour Market Profile. Retrieved from http://www. ulandssekretariatet.dk/sites/default/files/uploads/public/PDF/LMP/lmp_ philippines_2014_final_draft.pdf

David, R. (2016, May 1). ‘Dutertismo’ or clearheaded patriotism?. Philippine Daily Inquirer. Retrieved from http://opinion.inquirer.net/94530/dutertismo

De la Paz, C. (2015, October 1). Why PH has 2nd highest income tax in ASEAN. Rappler. http://www.rappler.com/business/211-governance/107617-philippines- highest-income-tax-asean

De la Paz, Chrisee. (2016). “What's ideal monthly income for family of 4?” Rappler. Retrieved from: http://www.rappler.com/business/economy-watch/137891-ideal- monthly-income-neda-2040-vision

Department of Budget and Management (2009-2016). General Appropriations Act. Retrieved from http://www.dbm.gov.ph/

Department of Labor and Employment/DOLE. (2015, April 13). ECOP credits two-tiered wage system to ‘less politics’ in wage fixing. Retrieved from http://www. dole.gov.ph/news/view/2777

Ecumenical Institute for Labor Education and Research/EILER. (2012). Praymer hinggil sa Two-Tier Wage System (2TWS). EILER. Retrieved from http://www. eiler.ph/wp-content/uploads/2012/07/2tws-primer_layout-2012.pdf

Elliott, L. (2016). Brexit is a rejection of globalisation. The Guardian. https://www.theguardian.com/business/2016/jun/26/brexit-is-the-rejection-of- globalisation

Employers’ Confederation of the Philippines. (2013). ECOP Holds Symposium on Wage Order NCR No. 18. Retrieved from http://www.ecop.org.ph/ecop-holds- symposium-wage-order-ncr_no-18.php Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 389

European Worker Participation Competence Centre/EWPCC. (2013). National industrial relations. Retrieved from http://www.worker-participation.eu/National- Industrial-Relations/Countries/

Eurostat. (2016). Unemployment statistics. Retrieved from: http://ec.europa.eu/ eurostat/statistics- explained/index.php/Unemployment_statistics

Feeley, D. (2016, February 8). Against the New Normal. Jacobin. Retrieved from https://www.jacobinmag.com/2016/02/uaw-autoworkers-contracts-ford-chrysler- gm-fiat-marchionne/

Flores, Helen and Alexis Romero. (2016). Rising sea levels threaten 13.6 M Pinoys – Gore. Philippine Star. Retrieved from: http://www.philstar. com:8080/headlines/2016/03/15/1563002/rising-sea-levels- threaten-13.6-m- pinoys-gore

Foster, J. B. & Clark, B. Marx’s Ecology and the Left. Monthly Review, June 2016 (Volume 68, Number 2). Retrieved from: http://monthlyreview. org/2016/06/01/marxs-ecology-and-the-left/

Gabriela Women’s Partylist. (2014). House Bill 4396. Gabriela Women’s Partylist. Retrieved from http://gabrielawomensparty.net/sites/gwp/files/HB04396%20 ANTI%20CONTRACTUALIZATION%20BILL.pdf

Gabriela Women’s Partylist, Anakpawis Partylist, at Bayan Muna Partylist. (2014). House Bill No. 1024. Gabriela Women’s Partylist. Retrieved from http:// gabrielawomensparty.net/sites/gwp/files/HB1024.pdf

Hernandez, A. (1982). Mga ibong mandaragit/Birds of prey. Quezon City: Progressive Printing Palace.

Hiltzik, M. (2015, October 13). Are those detested two-tiered UAW contracts finally on the way out?.Los Angeles Times. Retrieved from http://www.latimes.com/ business/hiltzik/la-fi-mh-is-the-two-tiered-union-contract-20151013-column. html

InterAksyon. (2016). “3 dead, 87 missing, 116 hurt as police fire on Cotabato human barricade.” Retrieved from: http://interaksyon.com/article/125901/ breaking-- security-forces-open-fire-on-cotabato-human-barricade

International Development Research Centre/IDRC (2015). “Parts of Philippines 390 Suri, Saliksik, Sanaysay may submerge due to global warming.” Asia Research News. Retrieved from: http://www.researchsea.com/html/article.php/aid/9165/cid/6/research/people/ inter national_development_research_centre__idrc__/parts_of_philippines_ may_sub merge_due_to_global_warming.html

International Energy Agency/IEA. (2014). “Taking on the challenges of an increasingly electrified world.” Retrieved from: http://www.iea.org/ newsroomandevents/pressreleases/2014/may/taking-on-the- challenges-of-an- increasingly-electrified-world-.html

International Energy Agency/IEA. (2016). “Decoupling of global emissions and economic growth confirmed.” https://www.iea. org/newsroomandevents/pressreleases/2016/march/decoupling- of-global-emissions-and-economic-growth-confirmed.html Jaymalin, M. (2012, March 31). DOLE rejects calls for P125 wage hike. Philippine Star. Retrieved from http://www.philstar.com/headlines/792572/dole-rejects-calls- p125-wage-hike

Johnson, S. at Ricketts, D. (2013, February 3). US pension funds sue BlackRock. Financial Times. Retrieved from http://www.ft.com/intl/cms/s/0/4f5002de-6c5c- 11e2-b774-00144feab49a.html#axzz4APr9UbUA

Jones, S. (2015, November 17).Wisconsin Kohler workers strike against two- tier wage. World Socialist Website. Retrieved from https://www.wsws.org/en/ articles/2015/11/17/kohl-n17.html

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas/KMP. (2009). Praymer sa genuine agrarian reform bill (GARB). Retrieved from http://kilusangmagbubukid.weebly.com/3/ post/2009/12/praymer-sa-genuine-agrarian-reform-bill-garb.html

Kirkland, A. (2013, November 26). New York Airport Workers Organize to End Two-Tier Wage System. The Nation.Retrieved from http://www.thenation.com/ article/new-york-airport-workers-organize-end-two-tier-wage-system/

Krugman, P. (2015). The case for cuts was a lie. Why does Britain still believe it? The austerity delusion. The Guardian. Retrieved from: http://www.theguardian. com/business/ng-interactive/2015/apr/29/the-austerity- delusion

Lichauco, A. (1986). Towards a new economic order and the conquest of mass poverty. Quezon City: A. Lichauco.

Lichauco, A. (2005). Hunger, corruption, and betrayal: A primer on U.S. neocolonialism Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 391 and the Philippines crisis. Philippines: Citizens’ Committee on the National Crisis.

Lichauco, A. (1988). Nationalist Economics. Quezon City: Institute for Rural Industrialization, Inc.

Little, Amanda. (2015). “What the Paris Climate Agreement Means for Vulnerable Nations.” New Yorker. Retrieved from http://www.newyorker.com/news/news-desk/ what-the-paris-climate-agreement-means-for-vulnerable-nations

Manda, K. (2010). Stock Market Volatility during the 2008 Financial Crisis. The Leonard N. Stern School of Business-Glucksman Institute for Research in Securities Markets. Retrieved from http://www.stern.nyu.edu/sites/default/files/ assets/documents/uat_024308.pdf

Mangahas, M. (2016). The value of self-rated poverty. Inquirer. Retrieved from: http://opinion.inquirer.net/91860/the-value-of-self-rated-poverty

Maningat, J.M. (2015). Social Protection in aid of Corporations? The Filipino Workers’ Dilemma with Social Security. Asia Monitor Resource Centre. Retrieved from http://amrc.org.hk/sites/default/files/Philippines_EILER_Discussion%20 Paper%201.Social%20protection%20in%20aid%20of%20corporations_0.pdf

Marans, D. (2016). Greece’s Economy Is Getting Crushed Between Austerity And The Refugee Crisis. Huffington Post. Retrieved from: http://www.huffingtonpost.com/entry/greece-refugee-crisis- economy_ us_56b12f1de4b04f9b57d7b7d4

Maresca, T. (2016, April 26). Vietnam's Mekong Delta hit with worst drought in 90 years. USA Today. Retrieved from http://www.usatoday.com/story/ news/world/2016/04/21/vietnams-mekong-delta-hit-worst-drought-90- years/83231314/

Marx, K. (1867). Capital volume one chapter thirteen: Co-operation. Marxist Archives Online. Retrieved from https://www.marxists.org/archive/marx/works/1867-c1/ ch13.htm

McInerney, A. (1996). May Day, The Workers' Day, Born in the Struggle for the Eight-hour Day. Liberation & Marxism, no. 27 (Spring). Retrieved from http:// sandiego.indymedia.org/en/2003/04/5397.shtml

McMahon, Jeff. (2016). “Harvard Scientist Engineers Bacterium That Inhales 392 Suri, Saliksik, Sanaysay

CO2, Produces Energy -- A 'Bionic Leaf'”. Forbes. Retrieved from: h t t p : / / www.forbes.com/sites/jeffmcmahon/2016/05/29/harvard-scientist- engineers- a-superbug-that-inhales-co2-produces-energy/#630a59905a9d

National Aeronautics and Space Administration/NASA. (2015). Global Temperature. Retrieved from: http://climate.nasa.gov/vital-signs/global- temperature/

National Wages and Productivity Commission/NWPC. (2016a). “Summary of Current Regional Daily Minimum Wage Rates Non-Agriculture, Agriculture (In Pesos) (As of June 2016).” Retrieved from: http://www.nwpc.dole.gov. ph/pages/statistics/stat_current_regional.html

National Wages and Productivity Commission/NWPC (2016b). Comparative Wages in Selected Countries February 29, 2016. NWPC. Retrieved from http:// www.nwpc.dole.gov.ph/pages/statistics/stat_comparative.html

Osorio, M. E. (2010, September 20). Yearly minimum wage setting discourages investments – ECOP. Philippine Star. Retrieved from http://www.philstar.com/ business/613111/yearly-minimum-wage-setting-discourages-investments-ecop

Oxfam (2016). An Economy for the 1%. Retrieved from: https://www.oxfam. org/sites/www.oxfam.org/files/file_attachments/bp210- economy-one- percent-tax-havens-180116-en_0.pdf

Palatino, R. (2010). House Bill 1962. Scribd. Retrieved from https://www.scribd. com/doc/44891282/HB-1962-Repeal-of-the-Automatic-Appropriation-for- Debt-Service

Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration/ PAG- ASA (c.2010). “Current Climate Trends in the Philippines.” Retrieved from: http://www.climateadapt.asia/upload/events/files/4f7565e804fdc2_ PAGASA.pdf

Philippine Bureau of Labor Relations. (2012). Unions, CBAs and registration. Retrieved from http://blr.dole.gov.ph/blr_files/blr_transparency/ union,cbasandrwasregistration.pdf

Philippine Daily Inquirer. (2013, April 28). ‘NCR cost of living almost triple minimum wage.’ Retrieved from: http://newsinfo.inquirer.net/398567/ncr-cost-of- living-almost-triple-minimum-wage Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 393

Philippine News Agency. (2016, May 8). House leader pushes measures designed to address labor contractualization. Manila Bulletin. Retrieved from http:// www.mb.com.ph/house-leader-pushes-measures-designed-to-address-labor- contractualization/

Philippine Statistics Authority. (2012). Filipino Families in the Poorest Decile Earn Six Thousand Pesos Monthly, on Average in 2012 (Results from the 2012 Family Income and Expenditure Survey). Retrieved from https://psa.gov.ph/content/ filipino-families-poorest-decile-earn-six-thousand-pesos-monthly-average-2012- results-2012

Philippine Statistics Authority. (2016). National accounts and balance of payments. Retrieved from http://www.census.gov.ph/content/national-accounts-and- balance-payments

Piketty, T. (2013). Capital in the twenty-first century. Cambridge Massachusetts: The Belknap Press of Harvard University Press.

Pimentel, A. (2015, December 8). Senate Bill No. 3030. Senate of the Philippines. Retrieved from: https://www.senate.gov.ph/lisdata/2262419335!.pdf

Pitterle, I. and Zhang, R. (2014, March 19). World Economic Situation and Prospects Weekly Highlight. Department of Economic and Social Affairs. Retrieved from http:// www.un.org/en/development/desa/policy/wesp/wesp_wh/wesp_wh49.pdf

Quaglio, G. (2013) et al. Austerity and health in Europe. Health Policy, 113 (1- 2). Retrieved from: http://www.sciencedirect.com/science/article/pii/ S0168851013002303

Ranada, Pia. (2013). “Latest PH-made solar car to race in Australia.” Rappler. Retrieved from: http://www.rappler.com/science-nature/39269-solar- powered-car-sikat-iia

Rappler. (2013, September 11). Northrail contractor got paid $129M more. Retrieved from http://www.rappler.com/nation/38685-government-overpaid- northrail-contractor

Recto, C.M. (1959). Industrialization: The alternative to poverty. Retrieved from http://www.thefilipinomind.com/2007/09/recto-reader-industrialization.html

Reuters. (2015, June 5). Philippines buys 150,000 tons rice from Vietnam, set to 394 Suri, Saliksik, Sanaysay import more. GMA News. Retrieved from http://www.gmanetwork.com/news/ story/499166/money/philippines-buys-150-000-tons-rice-from-vietnam-set-to- import-more

Reuters. (2016). Unbridled capitalism is the 'dung of the devil', says Pope Francis. The Guardian. Retrieved from: https://www.theguardian.com/world/2015/ jul/10/poor- must-change-new-colonialism-of-economic-order-says-pope- francis

Rietbroek, Roelof et al. (2015). “Revisiting the contemporary sea-level budget on global and regional scales.” Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. vol. 113 no. 6. 1504-1509.

Rupp, L. (2013). “Haiyan to Cost Insurers Sliver of $14.5 Billion Estimated Damage.” Bloomberg. Retrieved from: http://www.bloomberg.com/news/ articles/2013-11- 17/haiyan-to-cost-insurers-sliver-of-14-5-billion-damage- estimate

Saito, K. (2015). Marx’s Ecological Notebooks. Monthly Review, February 2016 (Volume 67, Number 9). Retrieved from: http://monthlyreview. org/2016/02/01/marxs-ecological-notebooks/

Salgado, P. (1997). Social encyclicals: Commentary and critique. Manila: Lucky Press, Inc.

San Juan, D. M. M. (2013). Kaisipang nasyonalista at teoryang dependensiya sa edukasyon: Ideolohikal na kritik ng programang K to 12 ng Pilipinas/Nationalism and dependency theory in education: An ideological critique of the Philippine K to 12 program. Malay, 26(1), 96–120. Retrieved from http://ejournals.ph/index. php?journal=malay&page=article&op=viewArticle&path%5b%5d=7156

San Juan, D. M. M. (2014). Pambansang salbabida at kadena ng dependensiya: Isang kritikal na pagsusuri sa labor export policy (LEP) ng Pilipinas/National lifesaver and chains of dependence: A critical review of the Philippine labor export policy (LEP). Malay, 27(1), 46–68. Retrieved from http://ejournals.ph/index. php?journal=malay&page=article&op=view&path%5b%5d=8608

Scholte, J. (2005). The Sources of Neoliberal Globalization.United Nations Research Institute for Social Development.

Schwartz, N. & Cohen, P. (2016). ‘Brexit’ in America: A Warning Shot Against Globalization. New York Times. Retrieved from: http://www.nytimes. Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 395 com/2016/06/26/business/economy/for-america-brexit-may- be-a-warning-of- globalizations-limits.html

Simbulan, R. (2016, May 11). Philippines 2016: How ‘Dutertismo’ can make a difference. University of Nottingham. [Blog]. Retrieved from https://blogs. nottingham.ac.uk/asiapacificstudies/2016/05/11/5011/

Sison, J.M. (1998). Krisis at Rebolusyong Pilipino/Crisis and . Amado V. Hernandez Resource Center and College Editors’ Guild of the Philippines. Retrieved from https://aklatangbayan.files.wordpress.com/2013/02/ krisis-at-rebolusyong-pilipino.pdf

Slaughter, J. (2011, May 17). Unequal Pay for Equal Work. Labor Notes. Retrieved from http://labornotes.org/2011/05/unequal-pay-equal-work

Stahl, R.M. at Mulvad, A.M. (2015, August 4). What Makes Scandinavia Different?. Jacobin. Retrieved from https://www.jacobinmag.com/2015/08/national-review- williamson-bernie-sanders-sweden/

Steffen, Will, Paul. J. Crutzen, and John R. McNeill. (2007). “The Anthropocene: Are Humans Now Overwhelming the Great Forces of Nature?,” Ambio 36, no. 8 (December 2007): 614.

Stiglitz, J. (2015). Europe and austerity failed Greece. Salon. Retrieved from: http://www.salon.com/2015/02/06/joseph_stiglitz_austerity_failed_greece_partner

Subramanian, S. (2015). Once More Unto The Breach: The World Bank's Latest 'Assault' on Global Poverty. Economic & Political Weekly.

Taibbi, M. (2013, September 26). Looting the Pension Funds. RollingStone. Retrieved from http://www.rollingstone.com/politics/news/looting-the-pension- funds-20130926

Tañada, L. (c.1987). Proposals for a Nationalist and Democratic Constitution. Yes, Observe National Independence & Peace/YONIP. Retrieved from http://www.yonip. com/proposals-for-a-nationalist-and-democratic-constitution/

The Canadian Press. (2008, March 25). Hargrove: 2-tier wage system is 'not in the cards.' CTV News. Retrieved from http://www.ctvnews.ca/hargrove-2-tier-wage- system-is-not-in-the-cards-1.284847 396 Suri, Saliksik, Sanaysay

Torras, M. (2016). Orthodox Economics and the Science of Climate Change. Monthly Review, May 2016 (Volume 68, Number 1). Retrieved from: h t t p : / / monthlyreview.org/2016/05/01/orthodox-economics-and-the-science-of- climate-change/

Trillanes, A. (2007). Senate Bill 1591. Senate of the Philippines. Retrieved from http:// www.senate.gov.ph/lisdata/59085266!.pdf

Tubadeza, K. M. & Rosero, E.V. (2015, March 19). New Metro Manila P481 minimum pay far from P1,088 family living wage – IBON Foundation, Retrieved from http:// www.gmanetwork.com/news/story/455590/money/new-metro-manila-p481- minimum-pay-far-from-p1-088-family-living-wage-ibon-foundation

University of the Philippines/UP Law Center. (2005). Legal, economic, financial and technical opinion on the North Rail Project. Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ). Retrieved from http://pcij.org/blog/wp-docs/up-study-northrail. pdf

US Bureau of Labor Statistics (2016). Labor Force Statistics from the Current Population Survey. Retrieved from: http://data.bls.gov/timeseries/ LNS14000000

Villegas, E. (2016, May 27). What Duterte must do for workers. Philippine Daily Inquirer. Retrieved from http://opinion.inquirer.net/94924/what-duterte-must-do- for-workers

Walters, J. (2016, May 1). Today is our day. Jacobin. Retrieved from https://www. jacobinmag.com/2016/05/may-day-history-iww-haymarket-american-labor- movement/

West, L. (1997). Militant Labor In The Philippines.United States: Temple University Press.

Westfall, M. (2007, August 11). Historic U.A.W. Leader Speaks out for Retirees and Workers. Cornell University ILR School. Retrieved from http://digitalcommons.ilr. cornell.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1006&context=westfall

World Bank (2016a). World Development Indicators. Retrieved from http://data. worldbank.org/data-catalog/world-development-indicators.

World Bank (2016b). Poverty & equity data country dashboard (Philippines). Bayanihan, Kalikasan at Sambayanan 397

Retrieved from http://povertydata.worldbank.org/poverty/country/PHL

World Bank. (2016c). Unemployment rate. Retrieved from http://data.worldbank. org/data-catalog/world-development-indicators?cid=GPD_WDI

World Bank. (2016d). Manufacturing, value added (% of GDP). Retrieved from http://data.worldbank.org/indicator/NV.IND.MANF.ZS

World Bank. (2016e). Personal remittances, received (% of GDP). Retrieved from http://data.worldbank.org/indicator/BX.TRF.PWKR.DT.GD.ZS

World Economic Forum (2016). Brain drain. Retrieved from http://www.weforum. org/en/&sa=D&usg=AFQjCNHrtdT0Xj6HUHYa6ETnSlCI5yesKQ

World Health Organization/WHO. (2015). “Climate and Health Country Profile: Philippines.” Retrieved from: http://www.who.int/globalchange/resources/country- profiles/PHE-country-profile-Philippines.pdf?ua=1

Yap, DJ. (2016). 12M Filipinos living in extreme poverty. Inquirer. Retrieved from: http://newsinfo.inquirer.net/775062/12m-filipinos-living-in-extreme-poverty Introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Studies) Pinagmulan, Peligro, at Potensiyal ng ASEAN*

ukambibig na ng mga opisyal ng gobyerno at mga nasa akademya sa Pilipinas ang pariralang “ASEAN Integration” o integrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Anila, mabisang lunas ang ASEAN Integration sa bansot na ekonomya ng Pilipinas. BIsa rin sa mga binabanggit na batayan ng pagpapataw ng bagong sistemang pang-edukasyon – ang K to 12 sa pamamagitan ng Batas Republika 10533 – ang diumano’y pangangailangang makasunod ang Pilipinas sa mga rekisito ng ASEAN Integration. Ngayong Nobyembre sa Kuala Lumpur, Malaysia (pagkatapos ng Asia- Pacific Economic Coooperation/APEC Leaders’ Summit sa Maynila), pinirmahan na ng mga lider ng ASEAN ang dokumento na pormal na nagtatatag sa ASEAN Economic Community. 1 Kung ilang seminar at kumperensiya na rin ang isinagawa kaugnay ng ASEAN sa loob ng bansa. Sa kabila ng ganitong obsesyon ng gobyerno at akademya, ni hindi nagkakaroon ng malawakan at tunay na talakayan hinggil sa ASEAN

* Ang papel na ito ay maikling introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya, na akma sa konteksto ng mga estudyante at guro sa Pilipinas. 399 at sa Timog-Silangang Asya (TSA). Layunin ng lekturang ito na maglahad ng introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya (Southeast Asian Studies) sa pamamagitan ng pagtalakay sa pinagmulan, peligrong dulot, at potensiyal ng ASEAN.

Bakit Mahalagang Pag-aralan ang Timog-Silangang Asya at ASEAN?

Saklaw ng ASEAN ang lahat ng bansa sa TSA, maliban sa Timor Leste o East Timor na nagsumite na ng aplikasyon sa ASEAN ngunit hindi pa pormal na kasapi. Mahalagang pag-aralan ang TSA at ASEAN sapagkat ang Pilipinas ay bahagi ng rehiyon at ng institusyong nabanggit. Ang kultura at kasaysayan ng mga bansa sa TSA ay pawang magkakaugnay at may mga aspektong magkakahawig. Halimbawa, pare-parehong biniktima (at binibiktima pa rin) ng (neo)kolonyalismo ang halos lahat ng bansa sa TSA, maliban sa Thailand; at maliban naman sa Timor Leste, ang mga bansa sa TSA ay kasalukuyang pinangingibabawan ng alinman sa mga sumusunod: mga dinastiyang elite, military junta o kahawig na entidad, monarkiya, partido politikal na matagal nang nasa kapangyarihan at tila hindi na matitibag sa pwesto. Bukod dito, tinukoy ni Chia Lin Sen et al. (2003) sa aklat na “Southeast Asia Transformed: A Geography of Change” ang ilan pang komun na katangian ng mga bansa sa TSA: maliban sa Laos, halos lahat ng bansa sa TSA ay arkipelago o kaya’y bansang coastal o may akses sa dagat at kung gayo’y aktibo sa kalakalan, palitang-kultura at paglilipat-lipat ng mga tao o mobilidad; ang buong rehiyon ay source ng mga pangunahing resorses ng mga bansang industriyalisado tulad ng goma, palm oil, mga pampalasa (spices) at mga mineral; matindi at malawak ang impluwensya ng India at Tsina sa kultura ng buong rehiyon; at matindi ang negatibong epekto sa kalikasan ng modernisasyon ng rehiyon. Malinaw kung gayon, na sa ilang aspekto, ang sitwasyon ng mga bansa sa TSA ay sumasalamin din sa sitwasyon ng Pilipinas. Hindi kataka-taka na ang pag-aaral sa panitikan at kasaysayan ng TSA ay bahagi ng kurikulum sa hayskul. Samakatwid, ang isang guro ng Filipino ay kinakailangang magkaroon ng malalim na pag-unawa sa TSA at ASEAN. 400 Suri, Saliksik, Sanaysay

Sosyalismo, Komunismo At Iba Pang Kaugnay na Konsepto

Mahalagang ipaliwanag ang konsepto ng sosyalismo at komunismo upang malinaw na maunawaan ang pinagmulan ng ASEAN. Ang sosyalismo at komunismo ay kapwa kabaligtaran ng kapitalismo. Ang kapitalismo ay nagbibigay-diin sa ideya na tubo o profit ang motibo ng bawat tao sa alinmang gawain. Halimbawa, umiiral ang kapitalismo sa mga bansang gaya ng Pilipinas, kung saan pinapayagan ang pagsasamantala ng mga malalaking negosyante o kapitalista sa pawis ng mga manggagawa sa pamamagitan ng mababang pasahod at/o pagkakait ng benepisyo. Detalyadong ipinaliwanag ni Karl Marx sa “Das Kapital” kung paano yumayaman ang mga kapitalista sa pamamagitan ng “pagnanakaw” nila sa pinagtrabahuhan ng mga manggagawa. Kaugnay nito, ang pagsusuring Marxista sa panitikan ay nakatuon sa tunggalian ng mga uri (class struggle/conflict) sa teksto (kapitalista vs. manggagawa; panginoong maylupa/ landlord vs. magsasaka). Batay sa paliwanag ni Marx, sa mga unang oras pa lamang ng pagtatrabaho ng manggagawa ay kinita na niya ang ipinasweldo sa kanya pati na ang gastos sa produksyon, kaya sa mga kasunod na oras ng trabaho ay nagtatrabaho na lamang siya para sa ikayayaman pa ng kapitalista. Samakatwid, sa kapitalismo ay iilang tao lamang ang nakikinabang sa yaman ng lipunan. Ang sosyalismo at komunismo naman ay nakasandig sa paniniwalang ang mga ordinaryong tao, ang buong komunidad ang dapat makinabang sa yaman ng lipunan. Kung gayon, kung mga malalaking negosyante ang nagmamay- ari ng means of production (kagamitan sa produksyon, gaya ng lupa, pabrika at makinarya) sa lipunang kapitalista, mga ordinaryong mamamayan (tulad ng manggagawa at magsasaka) naman ang nagmamay-ari ng means of production sa lipunang sosyalista at komunista. Iimagine na ang lahat ng SM malls ay pag-aari at pinatatakbo ng mga mismong manggagawa ng SM, o kaya’y ang MRT at LRT ay pag-aari rin ng mga manggagawa nito. Egalitarian, makatarungan ang lipunang sosyalista at komunista – sa teorya, bagamat may kaunting pagkakaiba ang sosyalismo at komunismo: sa lipunang sosyalista, ang parte o share sa tubo ng bawat mamamayan ay depende sa kanyang pinagtrabahuhan, habang sa lipunang komunista naman, ang share ng bawat mamamayan ay batay sa kanyang pangangailangan. Ang sobrang tubo ng mga negosyo ay ginagamit naman sa pagpopondo ng mga serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon, pabahay, at kalusugan. Sa opinyon ng iba, ang Introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya 401 pagmamay-ari ng gobyerno sa mga negosyo/industriya ay maaari ring ituring na sosyalista/sosyalistiko dahil ang gobyerno ay inaasahan namang kumakatawan sa mga ordinaryong mamamayan. Sa kasamaang-palad, karaniwang iba ang nangingibabaw na pag-unawa ng maraming mamamayan sa sosyalismo at komunismo. “Kaaway ng gobyerno” ang tingin ng iba sa mga komunista, at hanggang ngayon nga’y ilegal pa ring maging komunista sa ilang bansa sa TSA gaya ng Singapore, Malaysia at Indonesia, at sa ibang bansa naman gaya ng Pilipinas, bagamat legal na ang pagiging komunista, sinumang magdeklarang komunista siya ay tiyak na ituturing ding “kaaway ng gobyerno.” Para lalong maunawaan ang pagkakaiba ng sistemang kapitalista at sosyalista, maaaring panoorin ang dokumentaryong “Capitalism: A Love Story” ni Michael Moore at “The Spirit of ’45” ni Ken Loach.

Pinagmulan ng ASEAN

Politikal ang pangunahing dahilan ng pagtatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 1967, bilang balwarteng anti-komunista sa noo’y inaakalang magtutuloy-tuloy na pangingibabaw ng komunismo sa TSA – maging sa buong Asya. Katunayan, pinangingibabawan ng mga anti-komunista ang bansang Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand na pawang kasaping tagapagtatag ng ASEAN. Ang Indonesia lamang ang kasaping tagapagtatag ng ASEAN na maituturing na bahagyang impluwensyado naman ng mga komunista sa pamamagitan ng alyansa ni Sukarno at ng Partai Komunis Indonesia (PKI) sa ilalim ng islogan na nasionalisme (nasyonalismo), agama (relihiyon), at komunisme (komunismo) bilang bahagi ng kanilang pagtatangkang gumitna sa bangayan ng kampong komunista sa pamumuno ng Unyong Sobyet (Soviet Union) at ng kampong kapitalista sa pamumuno ng Estados Unidos. Sa panahong iyon, komunista na ang Tsina at sangkot sa digmaang-sibil ang lumalakas (at malao’y magtatagumpay) na mga pwersang komunista sa Vietnam, Laos, at Cambodia. Sa dekada 60 ay may malalakas ding rebelyong komunista sa Malaysia, Pilipinas at Thailand. Sa pakiwari ng ilang teorista sa Estados Unidos, baka sunud-sunod na bumagsak sa kamay ng mga komunista ang mga bansa sa TSA na tila mga domino. Itinulak ng Estados Unidos ang kanyang mga kaalyado sa Timog-Silangang Asya na itatag ang ASEAN upang matiyak na hindi mapangingibabawan ng mga kaaway ng kapitalismo ang rehiyon at kung 402 Suri, Saliksik, Sanaysay gayo’y para mapanatiling balon ng hilaw na materyales (at tao na rin) para sa mga industriya at pamilihan para sa mga eksport ng Estados Unidos at ng iba pang bansang kapitalista. Samakatwid, ang politikal na batayan ay malinaw na karugtong ng at di maihihiwalay sa dahilang ekonomiko.

Pagbabanyuhay at/o Paglawak ng ASEAN

Mula sa pagiging politiko-ekonomikong entidad, unti-unting ipinakete na rin ng ASEAN ang kanyang sarili bilang sosyo-kultural na komunidad ng mga bansa. Sa pagbabanyuhay at paglawak, hindi na rin naging isyu ang komunismo at kapitalismo sapagkat unti-unti na ring niyakap ng mga bansang sosyalista/ komunista sa pangalan (gaya ng Vietnam, Tsina, at Unyong Sobyet) ang sistemang kapitalista mula noong dekada 90. Noong 1995, naging kasapi ng ASEAN ang Vietnam, at sa mga huling bahagi ng dekada 90 ay naging kasapi na rin ang Laos, Myanmar, at Cambodia na dati-rati’y hindi rin bahagi ng kampong kapitalista. Ayon nga kay John Bresnan (1999) sa aklat na “From Dominoes to Dynamos: The Transformation of Southeast Asia,” natransporma na ang TSA mula mga “domino” na muntik-muntikanang ganap na bumagsak sa kamay ng mga komunista tungong mga “dinamo” na nagpapatakbo sa kapitalismo. Hindi kataka-taka na lalong naging pokus ng ASEAN ang ekonomya, gaya ng sinasabi sa website nito: “The ASEAN Economic Community (AEC) shall be the goal of regional economic integration by 2015. AEC envisages the following key characteristics: (a) a single market and production base, (b) a highly competitive economic region, (c) a region of equitable economic development, and (d) a region fully integrated into the global economy.” Malinaw kung gayon na ekonomiko – saklaw ng globalisasyong ekonomiko – sa pangkalahatan, ang proyektong ASEAN Integration. Upang maunawaan nang ganap ang ASEAN Integration, kailangang linawin ang kahulugan ng globalisasyon.

Globalisasyon: Isang Depinisyon

Ang globalisasyon ay tumutukoy sa pandaigdigang sistema ng malayang kalakalan o free trade na isinasagawa sa pamamagitan ng pag-aalis ng taripa (buwis sa Introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya 403 imported na produkto), kaya madalas na sinasabi ng mga promotor nito na “daigdig na walang hanggahan” o “borderless world” ang layunin ng globalisasyon. Ayon sa kanila, layunin ng globalisasyon na buuin ang isang daigdig ng mga bansang malayang nagpapalitan ng produkto, kultura, at tao. Mobilidad (kalayaang magpalipat-lipat ng teritoryo o bansa) ng tao, produkto, at kapital (puhunan) ang pangunahing doktrina ng globalisasyon. Samakatwid, ang ASEAN Integration ay naglalayon ding itaguyod ang ganitong malayang kalakalan at mobilidad ng tao, produkto, at kapital, bagamat kapansin-pansin na maraming hadlang at pagtutol sa konsepto ng mobilidad ng tao ang mga bansa, lalo na yaong mga mas mauunlad. Gaya ng pinatutunayan sa mga aklat tulad ng “Bad Samaritans: The Myth of Free Trade and The Secret History of Capitalism” ni Ha-Joon Chang at “Nationalist Economics” ni Alejandro Lichauco, lugi sa “malayang kalakalan” ang mga bansang may mahihinang industriya gaya ng Pilipinas. Sa kaso ng Pilipinas, namatay ang industriya ng sapatos at tela sa bansa dahil sa agad na pagsali ng bansa sa “malayang kalakalan.” Kapaki-pakinabang lamang ang “malayang kalakalan” sa mga bansang malalakas na ang mga industriya. Bagamat sinasabing porma rin ng globalisasyon ang sinaunang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Kanluran at ng mga bansa sa Silangan, ang modernong porma ng globalisasyon ay pormal na nagsimula noong 1947 nang pirmahan ng 23 bansa ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT). Noong 1994, pinirmahan naman ng 123 bansa ang kasunduan na nagbuo sa World Trade Organization (WTO) na siyang pumalit sa GATT . Ang GATT at WTO ay kapwa nagsusulong ng malayang kalakalan na tinatawag ding liberalisasyon. Kasabay ng liberalisasyon, ipinalalaganap din ng mga tagapagtaguyod ng namamayaning bersyon ng globalisasyon ang deregulasyon (pagbabawas o pag- aalis sa mga regulasyon o limitasyon sa pagpapatakbo ng malalaking negosyo, na karaniwang humahantong sa mataas na presyo at palpak at/o di episyenteng “serbisyo” ), pribatisasyon (pagbebenta ng gobyerno sa mga industriya at serbisyo sa mga pribadong korporasyon ), at pagbabawas ng badyet para sa mga serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan at edukasyon. Kapansin-pansin na ang mga patakarang ito ay pawang nagbibigay ng kalayaan sa mga dambuhalang korporasyon at/o naglilimita sa kapangyarihan ng mga gobyerno na kontrolin ang pagpapatakbo sa mga dambuhalang korporasyon, alinsunod sa mga doktrina ng laissez-faire economics (ekonomiks ng malayang pamilihan/free market economics o pagnenegosyo na malaya sapagkat hindi kontrolado ng gobyerno). Mula noong dekada 70 ay lalong pinatindi ng mga gaya ni sa Estados Unidos at Margaret Thatcher sa United Kingdom ang pagpapatupad sa 404 Suri, Saliksik, Sanaysay mga ganitong polisiyang paborable sa mga dambuhalang korporasyon . Sa ganitong diwa, tinatawag na “neoliberal” (“bagong liberal”) ang namamayaning bersyon ng globalisasyon mula pa noong dekada 70. “Neoliberal” sapagkat tila nag-aalok ito ng bago, ngunit sa aktwal ay wala namang bago kundi ang pagpapatindi sa implementasyon ng mga patakarang nagbibigay ng kalayaan sa mga dambuhalang korporasyon na magkamal ng mas malaking tubo sa pamamagitan ng liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon, at pagbabawas ng badyet sa mga serbisyong panlipunan kasabay ng (o dahil sa) pagbabawas ng buwis ng mga korporasyon at/o pagbibigay sa kanila ng mga insentibo gaya ng tax holiday (panahon na walang babayarang buwis ang korporasyon) at eksempsyon sa Value-Added Tax (VAT), habang lalong nagmimistulang tau-tauhan na lamang ng malalaking korporasyon ang dapat sana’y gobyernong naglilingkod sa mga ordinaryong mamamayan. Sa kasamaang- palad, mula noong panahon ng diktadurang Marcos hanggang sa mga sumunod na administrasyon ay namayani sa gobyerno ang mga nagsusulong ng liberalisasyon, pribatisasyon, at deregulasyon. Hindi kataka-taka na hanggang ngayon, inaakala ng maraming Pilipino na mabuti sa Pilipinas ang neoliberal na globalisasyon. Ang ganitong porma ng neoliberal na globalisasyon ang namamayani rin sa ASEAN. Globalisasyon = Kadena ng Dependensiya Sa ilalim ng globalisasyon, puhunan, utang, at makinarya/teknolohiya ang karaniwang import ng mga bansang gaya ng Pilipinas, habang manggagawa/ propesyunal, hilaw na materyales (gaya ng prutas, kopra, krudong petrolyo, at mineral na di pa naipoproseso), semi-manupaktura (gaya ng semiconductors at tela), at tubo naman ang karaniwang eksport ng mga bansang Third World. Higit na malaki ang pakinabang ng mga bansang mauunlad at/o mayaman sa kapital sa ganitong sistema sapagkat: 1) ang puhunan nila sa Third World ay tumutubo nang malaki (bagay na karaniwang ineeksport nila pabalik sa kanilang mga bansa mula sa Third World ); 2) kontrolado nila ang maraming pinansyal na institusyong gaya ng IMF, World Bank, at maging mga malalaking pribadong bangko na nagpapautang sa mga bansang Third World kaya mahahadlangan o malilimitahan nila ang mga proyektong pangkaunlaran (gaya ng pagtatayo ng mga industriya at modernisasyon ng agrikultura) na maaaring planuhin at tangkaing ipatupad ng mga matitinong gobyerno sa Third World ; 3) hindi nila (gaanong) tinutulungan ang mga bansang Third World na umunlad sa teknolohiya at/o pagmamanupaktura ng makina, upang mapanatili ang kanilang lucrative na monopolyo rito; 4) mababa ang halaga, sa pangkalahatan, ng mga hilaw na materyales at semi-manupaktura ng Third World na ineeksport sa mga bansang mauunlad at/o mayaman sa kapital, kumpara sa halaga ng makinarya/teknolohiya at iba pang produktong iniimport Introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya 405

Larawan: Dependensiyang Ekonomiko ng Pilipinas sa Mga Bansang Mauunlad at/o Mayaman sa Kapital sa Ilalim ng Globalisasyon ng una sa huli; 5) ang migrasyon ng mga manggagawa/propesyunal mula Third World tungong mga bansang mauunlad at/o mayaman sa kapital ay nakababawas sa pangkalahatang yamang tao (human resources) na kinakailangan ng una upang maiahon sa kahirapan at dependensiya ang kanyang sarili ; 6) ang sistemang pang- edukasyon ng bansang Third World ay nakaayon sa mga pangangailangan ng mga bansang mauunlad at/o mayaman sa kapital na karaniwang destinasyon ng mga manggagawang mula Third World. Bukod sa mga nabanggit na, dapat bigyang-diin na sa ilalim ng namamayaning bersyon ng globalisasyon, malaya rin ang mga korporasyon na magpalipat-lipat ng lugar ng operasyon upang makatipid sa buwis at makatipid sa pagpapasweldo ng mga manggagawa. Samakatwid, pabaratan o race-to-the- bottom ang kalakaran: ang bansang nag-aalok ng pinakamababang buwis at pinakabaratilyong pasahod ang pupuntahan ng mga dambuhalang korporasyon. Halimbawa, sa TSA, mas pinili ng Uniqlo na sa Cambodia maglagay ng pabrika/ patahian, dahil mas mababa ang presyo ng sahod sa Cambodia kaysa sa Pilipinas.

Aral Mula sa European Union At Iba Pa: Peligro ng Integrasyong Ekonomiko

Malinaw kung gayon na hindi makatwiran sa pangkalahatan ang integrasyong ekonomiko kapag ang mga entidad na magsasama-sama ay hindi magkakapantay sa aspektong ekonomiko. Halimbawa, ang mga bansang may malakas na industriyang eksport ay tiyak na higit na makikinabang sa ganitong kalakaran kaysa sa mga 406 Suri, Saliksik, Sanaysay bansang mas malaki ang import. Halimbawa, sa kaso ng European Union – na higit na nauna sa ASEAN – nakapangibabaw ang Germany sapagkat malakas ang pag-eeksport nito at mahina naman ang sa mga bansa sa Timog Europa gaya ng sa Greece (na sa kasalukuya’y dumaranas na ng napakatinding krisis at mataas na antas ng disempleyo o unemployment rate). Sa esensya, hindi nagawang makipagsabayan ng Greece sa malalakas na industriya ng Germany. Sa pangkalahatan, dapat asahan ng mga Pilipino na ang bansa’y malulugi rin sa integrasyong ekonomiko sapagkat sa mga nakalipas na dekada ay karaniwang mas malaki ang halaga ng ating kabuuang import kaysa sa halaga ng ating pangkalahatang eksport. Malaki ang posibilidad na maging dominante sa ASEAN ang Singapore sapagkat malakas din ang industriyang eksport nito. Kung pagbabatayan ang karanasan ng mga bansang kasapi ng APEC (Asia-Pacific Economic Conference) na sumasaklaw sa mas malawak na rehiyon ng malayang kalakalan, kapansin-pansin na halos walang gaanong pinagbago ang ranggo ng mga bansang kasapi sa makroekonomikong datos. Ganito rin marahil ang magiging trajectory ng ASEAN.

Buod ng Problema sa ASEAN

Batay sa naunang pagtalakay, maaaring ibuod sa apat ang problema ng ASEAN: pinalalala nito ang dependensiya ng mahihirap na bansa sa mga mas mauunlad na bansa; patitindihin ng pag-iral nito ang globalisasyong pabaratan; mga malalaking korporasyong multi/transnasyunal, ilang propesyunal, at mga opisyal ng gobyerno (na karaniwa’y tiwali o kaya’y nagpapayaman sa pwesto) ang makikinabang; para mahadlangan o agad na masugpo ang anumang pagtatangka ng mga ordinaryong mamamayan na tutulan o labanan ang namamayaning sistemang ekonomiko na hindi nagdudulot ng kaunlarang nararamdaman ng lahat, maaaring ipagpatuloy ng mga kasalukuyang gobyerno sa ASEAN ang pagkapit sa awtoritaryanismo, kamay na bakal o diktadurya; hindi nito nireresolba (at pinananatili kundi man pinatitindi pa) ang malawak na agwat ng mayayaman at mahihirap sa loob ng mga bansa sa TSA, at maging ang agwat sa pagitan ng mga bansa sa TSA. Bukod pa sa mga ito, dapat bigyang-diin na ang pagsandig ng ASEAN sa konsepto ng walang renda at walang katapusang kaunlaran ay hindi sustentable o unsustainable. Una, nagbubunga ito ng napakabilis na urbanisasyon (paglipat ng mga tao mula lugar na rural tungong urban, o kaya’y pagtatransporma ng dating rural tungong urban) na maaaring makaapekto sa seguridad ng suplay ng pagkain (lalo ng bigas). Introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya 407

Pangalawa, kung laging GDP ang magiging sukatan ng kaunlaran, at kung laging palaki nang palaking kita ng mga korporasyon ang ituturing na ebidensya ng kaunlaran, magigising tayong lahat isang araw na kalbo na ang lahat ng gubat sa TSA dahil ginawa nang plantasyon ng palm at iba pang pang-eksport, wasak nang lahat ng bundok sa TSA dahil sa walang habas na pagmimina, lason na ang hangin saanman dahil sa usok ng pabrika at sasakyang patuloy sa pagkonsumo ng petrolyo, nilamon na ng dagat ang mga maliliit na isla at pataas ng pataas ang lebel ng tubig sa dagat (na nagdudulot din ng padalas na padalas na pagbaha) bunsod ng extreme climate change.

Potensiyal ng ASEAN: Integrasyong Sosyo-Kultural, Bilog Versus Polyhedron

Sa unang tingin, tila makikinabang naman ang Pilipinas sa integrasyong sosyo- kultural na isa ring aspekto ng ASEAN Integration. Sa integrasyong sosyo- kultural, inaakalang magkakaroon ng espasyo ang Araling Pilipinas/Philippines Studies (kasama na ang wikang Filipino) sa mas malawak na Araling ASEAN/ ASEAN Studies. Sa kasamaang-palad, dalawang suliranin ang kinakaharap ng Pilipinas kaugnay nito: ang internal na kawalan ng inisyatiba ng gobyerno ng Pilipinas na itaguyod ang sariling wika at kultura bilang disiplina sa akademya (gaya ng ginawa nitong pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo, at pagbabansot ng asignaturang Filipino sa senior high school sa antas na track-based lamang), at eksternal na kawalan sapat na interes ng komunidad ng ASEAN sa Araling Pilipinas/Philippine Studies na maaaring dulot ng kawalan ng sapat na lakas- ekonomiko ng bansa sa loob ng ASEAN. Hinggil sa ikalawang suliranin, dapat bigyang-diin na karaniwang naididikta ng bansang makapangyarihan sa ekonomya ang agendang sosyo-kultural ng grupong kinabibilangan nito. Kapansin-pansin, halimbawa, ang kakayahan ng Estados Unidos na pangibabawan ang musika, pelikula, sining, at iba pang larangan sa pamayanang global dahil sa matagal nitong pangingibabaw sa aspektong ekonomiko. Sa kaso ng ASEAN, kapansin- pansin, halimbawa, ang benchmarking ng Pilipinas at iba pang bansa sa ASEAN sa Singapore sa edukasyon at iba pang kaugnay na aspekto. Sa laki ng pondo at antas ng pagpapahalaga ng Singapore sa kanyang kultura, hindi kataka-taka na maging taliba rin ito ng “kultura ng ASEAN.” Mahalagang balikan sa puntong ito ang pananaw ni Pope Francis sa 408 Suri, Saliksik, Sanaysay globalisasyon: “Less Inequalities, More Differences is a title that highlights the multiple richness of people as an expression of personal talents and avoids the mortification of uniformity which paradoxically increases inequality. I would like to translate the title into an image: the sphere and the polyhedron. The sphere can represent uniformity, as a sort of globalization: it is smooth, without facets, equal to itself in all its parts. The polyhedron has a form similar to the sphere, but is made up of many faces. I like to imagine humanity as a polyhedron, in which the many forms, expressing themselves, constitute the elements that make up, in plurality, the one human family. And this is real globalization. The other globalization – that of the sphere – is a uniformity.”

Mga Hamon sa ASEAN

Batay na rin sa sinabi ni Pope Francis, posible ang pagkakaroon ng progresibong bersyon ng globalisasyon: ang promosyon ng kooperasyon sa halip na kumpetisyon, ng dibersidad sa halip na unipormidad, at ng demokratisasyon sa halip na sentralisasyon. Sa ganitong konteksto, kailangang tahakin ng ASEAN ang landas palayo sa neoliberal na globalisasyon at patungo sa tunay na kalayaan na gaya ng binabanggit sa pambansang awit ng bansang Timor Leste (na nagsumite ng aplikasyon para maging kasapi ng ASEAN): “Vencemos o colonialismo, gritamos: Abaixo o imperialismo!/Terra livre, povo livre,/Não, não, não à exploração./Avante unidos firmes e decididos./Na luta contra o imperialismo/O inimigo dos povos, até à vitória final./Pelo caminho da revolução.” (“Talunin ang kolonyalismo, sigaw natin:/ Ibagsak ang imperyalismo!/Malayang bansa, malayang sambayanan/Hindi, hindi, hindi tayo magpapasamantala./Sumulong tayo, nagkakaisa, matatag at determinado/ Sa pakikibaka laban sa imperyalismo/Ang kaaway ng sambayanan, hanggang ganap na tagumpay!/Sulong sa rebolusyon.”) Sa halip na malayang kalakalan, ekonomyang nakasentro sa mamamayan. Sa halip na pagtataboy sa mga Rohingya at iba pang pangkat minorya, lipunang mapagkalinga at mapagmalasakit. Sa halip na pag-aagawan ng likas na yaman at tubo, pagbabahaginan at pagtutulungan. Sa halip na awtoritaryanong gobyerno, demokratikong pamamahala na nakikinig sa taumbayan. Sa halip na pagsasamantala at pang-aalipin sa mahihina at nasa laylayan ng lipunan, paghatak paitaas at pagpapalaya. Ito ang ASEAN na dapat nating pagtulung-tulungan na buuin. Introduksiyon sa Araling Timog-Silangang Asya 409

Best Practices sa TSA: Mga Modelo Para sa Pilipinas

Upang higit na makumpleto ang polyhedron ng ASEAN na ating pinapangarap, maaaring maging modelo ang ilang partikular na polisiya sa mga bansa sa loob at labas ng TSA, gaya ng mga sumusunod: 1) mabilis, episyente, at kombinyenteng sistema ng publikong transportasyon, at publikong pabahay sa Singapore; 2) matatag na wikang pambansa na ginagamit bilang wikang panturo sa iba’t ibang antas at larangan tulad sa Malaysia at Indonesia; 3) institusyonal na suporta at pagbibigay-diin sa pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan ng bansa gaya ng sa Vietnam at Timor Leste; 4) pagtatatag ng sovereign wealth fund o pondong ipon ng gobyerno mula sa mga negosyong pag-aari nito at/o pagbebenta ng likas na yamang gaya ng petrolyo para sa mga susunod pang henerasyon, gaya ng ginagawa ng Singapore at Timor Leste; 5) libreng edukasyon sa lahat ng antas, tulad sa Brunei; at 6) rethinking ng Labor Export Policy, gaya ng ginawa ng Indonesia; at 7) mas mababang income tax gaya ng patakaran sa halos buong TSA. Lagpas pa sa ASEAN, kinakailangang patibayin din ang ugnayan ng mga bansa na nakabatay sa mga kolektibong pangarap ng mga ordinaryong mamamayan. Walang dapat maiwan sa pag-unlad. Sa ganitong layunin, maaaring balikan ang “Spirit of Bandung” o ang diwa ng Kumperensiyang Asya-Aprika na isinagawa sa Bandung, Indonesia noong 1955. Sa nasabing kumperensiya ay nagtipun-tipon ang mga pinuno ng mga bansang Third World – partikular mula sa Asya at Aprika upang magtulung-tulong sa paglutas ng kahirapan at iba pang suliranin – malaya sa kontrol ng mga bansa sa Kanluran at tungo sa isang daigdig na mapayapa at may kaunlarang para sa lahat. Ibinuod ni Presidente Sukarno ng Indonesia sa kanyang pambungad na talumpati – na pinamagatang “Let a New Asia and New Africa Be Born” sa nasabing Bandung Conference ang kolektibong pangarap noon hanggang ngayon ng ASEAN at ng buong daigdig: “Let us remember that the stature of all mainkind is diminished so long as nations or parts of nations are still unfree. Let us remember that the highest purpose of man is the liberation of man from his bonds of fear, his bonds of human degradation, his bonds of poverty — the liberation of man from the physical, spiritual and intellectual bonds which have for too long stunted the development of humanity’s majority.” Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas Para sa Siglo 21 at Lagpas Pa*

raling Pilipinas, 1Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya, Philippine Studies. Hindi pa ganap na nagkakasundo sa terminong dapat gamitin ang mga nasa akademya ngunit may mga bagay naman na mapagkakasunduan gaya ng makabuluhang adyenda sa pananaliksik na akma sa mga pangangailangan ng Pilipinas at ng mga Pilipino saA siglo 21. Pahapyaw na tatalakayin ng papel na ito ang mga isyu at problemang kinakaharap at kakaharapin pa ng mga mananaliksik sa Pilipinas sa mga susunod na dekada at siglo, mga bagay na maaaring bigyang-pokus sa mga pananaliksik o kaya’y paghalawan ng paksa na maaaring saliksikin mula sa politika atb ekonomiks hanggang sa kultura at medisina, at iba pang larangan.

* Ang papel na ito ay pagtatangkang magbuo ng makabuluhang adyenda sa pananaliksik sa Araling Pilipinas, sa pamamagitan ng panimulang rebyu ng literatura at pananaliksik sa loob at labas ng bansa. Pokus ng papel na ito ang mga usaping makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas sa siglo 21. Multidisiplinari ang dulog at saklaw ng papel kaya’t ang mga iminumungkahing paksa sa pananaliksik ay tumatawid sa mga disiplinang gaya ng agham pampolitika, teknolohiya, medisina, inhenyeriya, araling pangkalikasan, araling pangkultura, ekonomiks at iba pa. Sa pangkalahatan, ambag ito sa intelektwali- sasyon ng Filipino bilang wika ng pananaliksik sa iba’t ibang larangan. 411

Ang mga suliraning ito ay bahagi ng “kayraming suliraning oras-oras dumarating” na karaniwang di na napapansin dahil tila di kayang lutasin, ayon nga sa awit na Kahit Konti ni Gary Granada. Bagamat maaaring puta-putaki sa unang sipat, hiwa-hiwalay at tila di bahagi ng iisang kabuuan, ang lahat ng mga ito’y tiyak na magkakaugnay sapagkat, gaya nga ng inilalahad sa awit na Magkaugnay ni Joey Ayala: “ang lahat ng bagay ay magkaugnay.” Sa pangkalahatan, ang papel na ito ay ambag sa proseso ng pagpapalawak pa sa saklaw ng Araling Pilipinas na inilarawan ni Rodriguez-Tatel (2015), at ng “nagsasariling komunidad na pangkomunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino” na binigyang-pansin naman ni Guillermo (2016).

Lupa, Politika, At Iba Pa

Sa sitwasyong napakaraming bahay na walang tao at taong walang bahay, bukod pa sa mga taong walang lupa at lupang walang tao, tuloy sa buong mundo ang pakikibaka ng mga kilusang Occupy (Lubin, 2012; Castañeda, 2012). Tipikal ang taktika ng Movimento dos Trabalhadores Sem Terra (MST) o Kilusan ng Mga Manggagawang Walang Lupa sa Brazil (Azevedo, 2016) – direktang okupasyon ng mga latifundia – o hacienda sa konteksto ng Pilipinas – gaya ng ginawa ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa “Bungkalan” sa Hacienda Luisita sa Tarlac (Bolos, 2005), at ang Occupy Bulacan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa Pandi, Bulacan, sa dalawang lalawigan na kasama sa mga unang nag-aklas sa kolonyalismong Espanyol. Marahil ay hindi na kakailanganin ang kilusang Occupy sa Pilipinas kung ganap na nagtagumpay ang mga Katipunero noong 1896. Tiyak na mamimigay ng bahay at lupa sina Andres Bonifacio. Kaugnay nito, maaaring idetalye pa ng mga historyador ang pagpapaliwanag sa radikal na sistemang republikanong hangad na itayo ng mga Katipunero, na mababasa rin sa “Ordenanzas de la revolucion” o “Regulations of the Revolution” ni Apolinario Mabini (2009). Footnote lamang ito sa isa sa mga sanaysay sa Struggle for National Democracy (1967) o Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya (2001) ni Jose Maria Sison – at kaisa-isa ang kanyang aklat sa nagbigay-pansin sa ilang partikular na probisyon ng nasabing dokumento, gaya ng pagkumpiska sa mga lupaing kinamkam ng mga prayle at iba pang Kastila, para ipamigay ang mga iyon sa mga Pilipino. Baka maubos ang matapobreng anti-KADAMAY kung maipaliwanag sa kanila na mala-Occupy din ang plano ng mga Katipunero. Ayon sa Rule 14, 15 at 21 ng “Ordenanzas de la revolucion”: “After the Spanish Government and the 412 Suri, Saliksik, Sanaysay foreign powers have recognized the independence of the Philippines, the Republic shall appropriate all the properties belonging to the entities that were expelled from the country and which are required for the common good, and the rest of the properties will be divided in equal parts, according to the type and quality of the landed properties to be distributed among the revolutionaries...If the number of revolutionaries were such that, if the properties were to be divided into equal parcels according to type and quality, the size of each parcel would not be enough for the decent upkeep of each one, the following would give up their shares: 1. The revolutionaries who were paid by the Government for their services, and 2. Those who already possess enough property to maintain a decent lifestyle...All properties taken over by the Spanish Government and the religious corporations will not be recognized by the Revolution, as representative of the Filipino people, the true owners of the same.” Kung nasunod ang plano ni Mabini, nasa Espanya ngayon ang mga Ayala at mga ordinaryong tao marahil ang magkakapit-bahay sa Dasmariñas Village at Forbes Park ngayon. Ilan lamang ang siniping pahayag sa maraming interesanteng probisyon sa “Ordenanzas de la revolucion” ni Mabini na maaaring suriing mabuti. Monopolisado ng iilang angkan ang lupa ng bansa gaya rin ng kapangyarihang politikal, kaya sa unang (at lalo na sa pangmatagalang) sipat ay palya na ang “representative democracy” sa ngayon. Bumoboto ang mga mamamayan ngunit marami-rami sa nananalo ay galing lamang sa iilang dinastiyang elite (Tadem & Tadem, 2013), o kaya’y nagpopostura mang makamasa ay gaya naman ng isang “Kristiyanong” boksingerong nagsasabing tama ang death penalty dahil pinatay naman din daw si Kristo at ng isang komedyanteng mahilig sa mga sablay na joke tungkol sa mga solo parent. Sa kaso ng USA at France sa mga nakaraang eleksyon noong 2016 at 2017, tila pamimili na nga lamang sa pagitan ng AIDS at kanser ang eleksyon – walang mapiling gusto kaya bumoboto na lamang laban sa pinakahindi gusto. Sa bilangan ng boto, maaaring suriin ang lebel ng panalo ng mga nagwaging presidente. Ilan lamang sa kanila ang nakakuha ng malaki-laking mayorya, at ilan naman ang minority presidents na ang bilang ng boto ng mga kalaban kapag pinagsama-sama ay mas malaki pa kaysa sa boto ng nanalo? At ilan ding Pilipino ang tuwina’y bumobotong nakatakip ang ilong at naoobliga na lamang piliin ang lesser evil? Baka panahon nang seryosohin ang panawagan na bilangin din sa balotang presidensyal ang WALA AKONG GUSTO SA KANILANG LAHAT o NONE OF THE ABOVE (NOTA), at kapag nanalo ang NOTA ay bagong eleksyon muli at hindi na sila kasali sa pamimilian. Sa pamamagitan nito, tiyak na higit na pag-iisipan at pag-uukulan ng pansin ng mga politiko ang kani- Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 413 kanilang manipestong elektoral, at higit na magiging paligsahan ng plataporma (sa halip na porma) ang eleksyon sa bansa: itala ang sentimyento ng mga tao at bumuo ng mga bagong patakaran na magbibigay-pag-asa sa kanila na hindi pa tapos ang laban. Kaugnay ng mga kahinaan ng “representative democracy” sa Pilipinas, panahon na kayang subukin ang “direct democracy” sa pamamagitan ng pagbibigay ng gadget sa lahat ng mamamayan para sa mga instant referendum bawat araw para sa mga batas na nakahain sa Kongreso at Senado? Pinagbobotohan ang nananalo sa mga palabas na gaya ng Big Brother at The Voice, bakit di maaaring pagbotohan na rin ng mga mamamayan kung sa wakas ay maisasabatas na ang Anti-Dynasty Bill na mahigit dalawang dekada nang nananatiling panukalang batas lamang, o kaya’y kung babawasan o tataasan ang sweldo ng mga tinaguriang “tongresman” at “senatong.” Panimulang hakbang ang paggamit at pagsubok sa app na PollMole, at pagtingin sa karanasan ng ilang bahagi ng Switzerland (Pállinger, 2007). Panahon na ring saliksikin ang feasibility ng unicameral na lehislatura – Senado na lang na bukod sa 24 senador ay may 50 partylist representatives na tunay na kumakatawan sa “mga tinig mula sa ibaba.” Maaari kayang tanggalin na ang iba pang kongresista? Unicameral ang sistema sa Brunei, China, Norway, Denmark, Taiwan at Turkey, at marami pang ibang bansa. Mas matipid at posibleng mas episyente, at mas malaki rin ang tsansa na makapagkonsolida ng kapangyarihan ang “mga tinig mula sa ibaba.” Kaugnay ng mga partylist, saliksikin ang lebel ng pagrepresenta nila sa mga tinig mula sa ibaba, paano at gaano nila ipinaglaban ang hinaing ng ordinaryong mamamayan, sipatin ang mga talumpati, resolusyon, larawan, at iba pang materyal na kanilang inilalathala. Kaugnay ng mga repormang politikal, saliksikin din ang posibilidad na career officials na ang buo o malaking porsyento ng Gabinete upang makaiwas sa political appointees na walang sapat na kwalipikasyon na akma sa kanilang tatanganang responsibilidad. Malaki ang iuunlad ng burukrasya kung ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST) man lamang ay magkakaroon ng mga kalihim na career officials. Kaugnay ng eleksyon, nasaan ang mga pananaliksik sa mga materyal na pangampanya at manipestong elektoral ng mga partido? Kahit na manipis ang mga babasahin – wala pang 5 pahina ang ibang manipesto sa Pilipinas – bibihira ang sumisipat sa mga dokumentong ito. Samantala, sa mga bansang gaya ng Pransya na tila pahabaan ang manipesto – may mga manipesto na inaabot ng halos isang buong libro o makapal na pamphlet – sangkatutak ang komparatibong pananaliksik sa mga programa ng mga partido. Marahil ay ganito ang magiging 414 Suri, Saliksik, Sanaysay kongklusyon: “Walang laman, sa pangkalahatan ang manipesto ng Partido A, gaya rin ng manipesto ng Partido B to Z.” Magbibigay-linaw ito sa pangangailangang magtayo ng mga bagong partido na para sa kapakanan ng nakararami at hindi para sa iilan lamang.

Araling Pangkalikasan: Imperatibo sa Pagliligtas ng Mundo

Sa gulo at relatibong “kababawan” ng at/o labnaw ng diskursong intelektwal sa politika sa bansa, hindi kataka-takang bihirang mabigyang-pansin ang iba pang mahahalagang usapin gaya ng larangan ng araling pangkalikasan. Humantong na ang mayorya ng sangkatauhan sa realisasyon na finite, may katapusan at nauubos ang maraming resources sa mundo. Nauubos ang mga puno, nauubos ang ginto, nauubos ang malinis na tubig at iba pa, dahil sa walang habas na paghahangad ng mga bansa na pataasin ang kani-kanilang produksyong ekonomiko. Pataas nang pataas ang Gross Domestic Product (GDP) ng mga bansa ngunit hindi naman din nararamdaman ng nakararami ang pag-unlad at lalo lamang nasisira ang kalikasan. Baka panahon nang pag-isipan ang feasibility ng konseptong degrowth: balik sa mga mas simpleng demand, sa mga mas simpleng pangangailangan upang hindi na maging walang habas ang produksyon, upang mas maplano na kung ano lang ang ipoprodyus, upang hindi na kailangang pataasan ng GDP, kundi pagalingan na lang sa pagtitiyak na lahat ay may pagkain, trabaho, bahay at iba pa, dahil mauubos ang yaman ng daigdig kung bawat kapritso ng tao – lalo na ng mayayaman – ay pagbibigyan. Baka maaaring isang kotse lang kada pamilya? Baka maaaring ipagbawal na ang kotse sa mga lugar na may tren? Baka maaaring ang sinumang bibili ng bagong phone ay kailangang dala ang luma para makadiscount ka ng 50% para maging mandatory ang recycling? Baka maaaring ipagbawal na rin ang sashimi at Century Tuna sa susunod na 20 taon para makarecover muna ang tuna population bago magpalaki ng mga katawan at tiyan ang mga hunk? Otherwise, palapit nang palapit ang daigdig sa eksenang apokaliptiko na inimagine na sa mga pelikulang gaya ng 2012 ni Roland Emmerich (2009), at The Matrix nina Lana Wachowski at Lilly Wachowski (1999). Mainam basahin at i-replicate ang saliksik gaya ng “When Did the Anthropocene Begin…and Why Does It Matter?” ni Angus (2015); “Capitalism and Degrowth: An Impossibility Theorem” ni Foster (2011); “Crisis or Opportunity: Economic Degrowth for Social Equity and Ecological Sustainability” ni Schneider, Kallis, at Martinez-Alier (2010); at Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 415

“Luntiang Pamayanan: Tungo sa Pag-unlad ng Kalikasan, Antas ng Pamumuhay at Wika” ni Nuncio (2011). Dapat talakayin nang seryoso kung paano sasailalim sa degrowth ang Pilipinas at kung kaninong kapritso ang uunahing tapusin sakaling simulan na itong isakatuparan. Kung nais pa rin ng mga mamamayan ng unlimited consumption, baka makabawas sa impact sa environment kung 100% renewable energy na ang gamit nng lahat. Maaari nang mag-aircon at magcellphone buong araw dahil solar- powered na lahat. Kunsabagay, bilyun-bilyong taon pa naman ang itatagal ng araw bago ito sumabog sa paraang kahawig marahil ng pagsabog ng planetang Krypton sa pelikulang Man of Steel ni Zack Snyder (2013). Marahil, ang transisyon sa renewable energy rin ang magluwal ng daigdig kung saan halos wala nang tatrabahuhin ang mga tao. Kung makalilikha tayo ng mga robot na solar-powered, matipid na mapatataas pa rin ang produksyon at produktibidad ng mga kumpanya, habang binabawasan naman ang oras ng trabaho ng mga manggagawa: walang tanggalan sa trabaho at wala ring pagbaba ng sahod dahil ang mga robot na ang magtatrabaho at di naman mababawasan at sa halip ay lalaki pa nga ang kita. Matinding tunggalian ang magpapasya sa sino ang makikinabang sa robotisasyon ng ekonomya: ang manggagawa o ang kapitalista. Balikan ang Das Kapital ni Marx (1887), gayundin ang ilang bahagi ng 1984 ni Orwell (1961) at The End of Work: The Decline of the Global Labor Force and the Dawn of the Post-Market Era ni Rifkin (1995).

Ugnayang Panlabas at Usaping Panloob

Sa pagtalikod ng gobyerno ng Estados Unidos sa mga mahahalagang internasyunal na kasunduan gaya ng Paris Accord na naglalayong limitahan ang carbon emissions ng mga bansa, malinaw na ang mga usaping pangkalikasan ay may koneksyon din sa ugnayang panlabas at ugnayang multi/transnasyunal. Sa larangan ng international affairs, kailangang sipatin ang feasibility ng daigdig na wala nang veto power sa United Nations (UN) Security Council tungo sa sistemang isang bansa, isang boto. Kailangan na ring paghandaan ng Pilipinas ang realignment ng mga bansa, batay sa paglakas ng tambalang China-Russia na nagtatangkang tumapat sa tambalang US-Europe-Japan-South Korea-New Zealand-Australia. Saan ba lulugar ang Pilipinas at iba pang bansa sa Asya, Aprika at Amerika Latina, para ganap na makinabang sa mga nangyayari? O baka naman kayang magsarili 416 Suri, Saliksik, Sanaysay ng Pilipinas, lalo pa at mayaman naman ito sa sikat ng araw at sa tubig – dalawang resources na napakahalaga ngayon at magiging mas mahalaga pa sa hinaharap gaya ng prediksyon ng mga eksperto sa paggamit ng renewal energy at gayundin sa aklat na Las batallas del agua o Water Wars ni Bouguerra (2005). Imperatibo rin ang muling pagbasa sa Las venas abiertas de América Latina o Open Veins of Latin America ni Galeano (1971), “The Development of Underdevelopment” ni Frank (1966), at The Nationalist Alternative ni Constantino (1979), upang maturuan ang mga indio na hindi opsyon ang neokolonyalismo.

Paggawa, Dependensiya, at Globalisasyon

Sa dinami-dami ng negatibong epekto ng Labor Export Policy (LEP), baka maaaring itigil na ang pagpapadala sa OFWs kung saan-saan? Sundan ang pananaliksik ni San Juan (2014) hinggil sa LEP at kumustahin ang mga pamilya ng OFW. Nabawasan na ba ang may ibang asawa at/o ibang pamilya sa ibayong dagat? Gaano na kalala ang iba pang social cost ng labor export? Gaano na katindi ang brain drain at deskilling sa bawat propesyon, sa panahong nagkakasambahay sa Malaysia, Singapore, at Hong Kong ang maraming gurong Pilipino, at nagkukumahog ding umalis sa bansa ang mahigit 5,000 skilled workers at professionals kada araw noong 2015, batay sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Gaano nakalalamang sa Pilipinas ang Europa at Estados Unidos sa abanteng sistemang pangkalusugan dahil sa dami ng doktor at nars nila, kumpara sa Pilipinas na nag- eeksport ng mga manggagawa sa sektor ng kalusugan? Halimbawa, sa datos ng World Health Organization (2017), may halos 6 na nars at midwife sa kada 1,000 tao sa Pilipinas, kumpara sa 12 sa United Kingdom at halos 10 sa Estados Unidos (dalawang bansa na kapwa destinasyon ng mga nars na ineeksport ng Pilipinas). Pag-aralan din ang posibilidad ng panawagang global na minimum na sahod para sa mga migrante, at/o pilitin ang mga maka-globalisasyon na tuparin ang pangako nilang borderless world: tanggalin lahat ng visa restrictions, passport na lang ang kailangan para magtravel papunta sa kahit anong bansa, i-imagine ang ending ng In Time ni Andrew Niccol (2011) na wala nang time zones. Maaaring sundan din ang saliksik na “To the Lighthouse Towards a Global Minimum Wage: Building on the International Poverty Line” ni Bolwell (2016). Gayundin, maaaring suriin kung paano matatapatan ng Pilipinas ang minimum na pasweldo sa ibang bansa, sa panahong 25,000 piso ang sweldo ng kasambahay sa Malaysia (batay sa mga Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 417 aktwal na anunsyo na nakita ng awtor sa advertisement ng ilang recruitment agencies sa Maynila noong 2017) kumpara sa 19,620 piso na entry-level salary ng guro sa publikong paaralan sa Pilipinas. Huwag maniwala sa propaganda ng mga kapitalista na malulugi sila sa pagtataas ng sweldo. Ang totoo, mababawasan lang ang limpak-limpak nilang kita. Balikan ang Das Kapital ni Marx (1887) at ireplicate sa bawat kumpanya ang “Capturing Value in Global Networks: Apple’s iPad and iPhone” ni Kraemer, Linden, at Dedrick (2011). Anila, 5.3% ng halaga ng iPhone noong 2010 ang napupunta sa manggagawa habang halos 60% ang napunta sa Apple corporation. Tama at makatwiran ba iyan? Baka maaaring hating kapatid o 70-30 pabor sa manggagawa? Maaaring sipatin ang merito ng House Bill 2625 ni Cong. Jose Atienza, Jr. (2016) hinggil sa profit-sharing o pagbabahagi ng tubo ng mga korporasyon sa mga manggagawa. Kaugnay ng kapitalismo at paggawa, kaya bang ikompyut kung magkano ang makatwirang tubo? Magkano ba talaga dapat ang sinusweldo ng mga manggagawa? Feasible ba ang profit-sharing o mas mainam ang workers’ management? Basahin ang “Proposing a Path to Socialism: Two Papers for Hugo Chávez” ni Lebowitz (2014), gayundin ang aklat na A World To Build: New Paths Toward Twenty-First Century Socialism ni Marta Harnecker (2015). Anu’t anuman, kailangang suriin kung paano mapalalakas ng mga manggagawa ang kanilang mga organisasyon, kung isasaalang-alang ang pahayag nina Karl Marx at Friedrich Engels na ang mga manggagawa ang pangunahing makapagpapabago ng daigdig. Sa paglalarawan sa paghina ng mga unyon at iba pang organisasyong pangmanggagawa, malalaman din kung paano sila muling makapagpapalakas sa panahon ng globalisasyon na pinangingibabawan pa rin ng kapitalista (San Juan, 2017). Kaugnay pa rin ng globalisasyon, kulang pa ang mga saliksik hinggil sa mga tinig ng mga isinantabi, nadehado, inapi, pinipi, dinahas. Nasaan ang mga pananaliksik na nagdodokumento sa daing, salaysay, naratibo ng mga hindi nakinabang sa pangakong borderless world ng globalisasyon: ang mga magsisibuyas ng ; magbabawang ng Ilocos; maggugulay ng Benguet; magsasapatos ng Marikina; manggagawa sa mga nagsarang pabrika; lumad at iba pang national minorities na itinaboy, inagawan ng lupa, pinalayas ng mga mining firms at logging companies; mga trabahador na kontraktwal sa mga higanteng plantasyong pag- aari ng mga kumpanyang trans/multinasyunal; mga factory worker sa export processing zone na pinagbabawalang mag-unyon; mga magsasakang nawalan na ng lupang sakahan dahil sa malawakang land conversion. Bagsak-presyo ang smuggled na sibuyas at bawang, pati ang legal na idinaan sa customs ng bansa, 418 Suri, Saliksik, Sanaysay dahil sa pag-aalis ng taripa sa mga produkto. Sipatin ang kahon ng toothpaste o basyo ng shampoo at makikitang repacking center na lang ang Pilipinas: ibang bansa ang nagmanupaktura at importer lang ang kumpanya sa Pilipinas. Tingnan ang mga sentro ng de-industriyalisasyon – mga pabrikang tinibag para gawing condominium, o kaya’y mga guhong tiwangwang, gaya ng pangarap ng maraming Pilipino noon at ngayon. Paano nilabanan ng mga tinig mula sa ibaba ang mga mapang-api at mapagsamantala sa panahon ng globalisasyon? Paano nila ibinalita, tinula, inawit, isinalarawan, isinadula, ikwinento mismo ang kanilang pakikipagtunggali sa globalisasyon? Sa paglalahad ng kanilang mga kwento, maaaring maging huwaran ang mga akdang gaya ng A People’s History of the United States ni Zinn (2005), The Darker Nations: A People's History of the Third World ni Prashad (2007), Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Sison (1970), The Philippines: A Continuing Past nina Renato Constantino at Letizia Constantino (1978) at Mga Tinig Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit, 1930-1955 ni Maceda (1996), gayundin ang Adults In The Room: My Battle With Europe’s Deep Establishmentni Varoufakis (2017). Kailangang igiit ang muling pagbuhay sa asignaturang Kasaysayan ng Pilipinas/Philippine History sa hayskul (pinaslang ito ng Departamento ng Edukasyon sa ilalim ng sustemang K to 12) – gaya ng ipinaglalaban ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (TANGGOL KASAYSAYAN) upang lalong mapalalim ang pag-unawa ng madla sa koneksyon ng noon at ngayon at paano haharapin ang bukas nang hindi na uulitin ang mga pagkakamali at magtatagumpay na kung saan nabigo ang mga nauna. Ang mga isinantabi sa Pilipinas ay maraming kwentong hindi pa naririnig ng marami-raming nasa gitnang uri at nasa alta sociedad. Ano nga ba ang nawawala sa pagkawala ng hanapbuhay? Dignidad, pangarap, pag-asa. Ano ang nangyayari sa pamilya kapag wala ang mga ito? Ano ang nangyayari sa bansang uuga-uga ang pundasyon? Baka malao’y makitang ang pagtaas ng petty crimes at tulak-gamit ng shabu at marijuana ay epekto na lamang pala ng pagdaralitang dulot ng walang habas na globalisasyong iilan lamang ang nakinabang. Kaugnay nito, dapat ding idokumento ang ilegal na pagbabakod ng mga korporasyon, ng mga kapitalista, ng iilang elite sa mga dati-rati’y publikong espasyo at publikong domeyn gaya ng mga dalampasigan, gilid ng bundok, mga publikong parke at iba pa. Ilegal ang mga ekslusibong beach resort dahil ang mga isla at ang dalampasigan ay pawang mga bahagi ng public domain, at walang karapatan ang mga korporasyon na angkinin at bakuran ang mga ito, at lalong bawal na bawal na bumili o magbenta ng mga isla. Ang lahat ng ito’y pag-aari ng bayan, gaya rin ng ekta-ektaryang lupa sa Pilipinas Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 419 na tila “nabili” na at teritoryo na ng ilang bansa sa Middle East (Nooteboom at Rutten, 2011).

Pagsasalin ng Mga Di Pinangangahasang Isulat sa Filipino

Sa kabila ng mga negatibong aspekto ng globalisasyon, dapat samantalahin ng mga mananaliksik ang mga positibong epekto nito sa mabilis na paglaganap at sa (halos) instant availability ng mga makabuluhang akda mula sa ibang bansa. Dapat nang isabalikat ang pagsasalin o pagpaparami pa ng salin ng mga sinulat ni Thomas Piketty, Alejandro Lichauco, Ha-Joon Chang, Wolfgang Streeck, Albert Einstein, Samir Amin, Eduardo Galeano, John Bellamy Foster, Ian Angus at iba pa upang ma-expose naman sa mga (mas) bagong ideya ang mga mamamayan ng bansa. Halimbawa, panawagan ni Piketty (2013) sa Capital in the Twenty-First Century ang global tax on wealth (taunang pagkumpiska sa parte ng yaman ng pinakamayamang 1% ng populasyon ng mga bansa, bukod pa sa regular na buwis na binabayaran nila), at iniisip na ni Streeck (2014) sa “How Will Capitalism End?” ang hindi kayang tanggapin ng mga mayayamang Pilipino. At sino ang nakakaalam sa mga Pilipino na sosyalista pala si Einstein, gaya rin ni Amado V. Hernandez, Pambansang Alagad ng Sining na nagsulat ng nobelang Mga Ibong Mandaragit (1982) – malapit-lapit sa ideolohiya ng komunistang New People’s Army (NPA), at ng KADAMAY na pinagbibintangan ni Senador Antonio Trillanes IV na tagakanlong daw ng NPA. Sa sanaysay na “Why Socialism” ay winika ni Einstein: “I am convinced there is only one way to eliminate these grave evils, namely through the establishment of a socialist economy, accompanied by an educational sysrem which would be oriented toward social goals. In such an economy, the means of production are owned by society itself and are utilized in a planned fashion...” Matutuwa si Einstein kung buhay siya ngayon kapag nakita niyang pinag-uusapan na ng gobyernong Duterte at ng mga komunistang Pilipino na kinakatawan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang kani-kanilang bersyon ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms/CASER (2017) na naglalaman ng mga makabuluhang repormang tiyak na magugustuhan ng marami-raming Pilipino gaya ng libreng edukasyon at libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, at mas mababang buwis sa mga mahihirap at middle class. Makabuluhang saliksik ang pagsusuri sa mga repormang ito, at sa mismong teksto ng mga draft na CASER. Kaugnay ng pagbanggit ni Einstein sa planadong ekonomya, nakikini-kinita 420 Suri, Saliksik, Sanaysay na ang mga digmaang ang ugat ay kumpetisyon sa malinis na tubig, suplay ng enerhiya, pagkain atbp. sa malapit na hinaharap. Kailangang humanap ng paraan na maiwasan ang mga ito. Kailangang muling suriin ang merito ng sentralisadong pagpaplano ng ekonomya batay sa pangangailangan ng mga komunidad. Sa panahong nauubos ang mga bagay-bagay, hindi ba kailangang may mag-rasyon para walang maubusan? O kaya naman, para sa mga optimistiko, mas mabilis ang pagpaplano sa maalwang bukas, sa paghanap ng landas ng kasaganahan kung may planong sinusunod ang lahat. Bukod sa rural land reform, kailangan din ng urban land reform. Kailangan ng saliksik na sisipat sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga nangungupahan at walang tahanan sa Pilipinas at sa buong mundo, habang may mga bahay at condominium na walang tao! Bili nang bili ng property ang mayayaman dahil gusto nilang paupahan kaya pataas nang pataas ang value dahil bili pa rin sila nang bili kahit na ang occupancy rate ay mababa na. Sasambulat ang krisis na ito nang wala pang isang dekada mula ngayon, maliban kung isabalikat ng gobyerno ang programa ng publikong pabahay at i-regulate ang presyo ng real estate pati na ang ilang condominium o ektarya ng urban land ang pwedeng bilhin ng bawat tao at pamilya. Alinsunod ito sa konteksto ng tinuran ni Leo Tolstoy (2009) sa maikling kwentong “How Much Land Does A Man Need?” Aniya, “six feet from his head to his heels” lang naman ang kailangan ng bawat tao.

Paglilinaw sa Malalabo: Pagsipat sa Lenggwahe ng Globalisasyon

Sa konteksto ng patuloy na globalisasyon, panahon na rin na i-replicate ang mga pag-aaral na gaya ng “The Language of Globalization” ni Marcuse na lumabas noong 2000, gayundin ang “Bankspeak: The Language of World Bank Reports” ni Moretti at Pestre (2015). Nagbabago ang lenggwahe ng panlilinlang kaya’t pana- panahon dapat itong pag-aralan. Ang “budget cut” ay naging “austerity.” Ang “lenders” ay naging “partners,” o “institutions.” Ang sagad-sagaring “privatization” ay ginawang “Public-Private Partnership” para hindi halatang mas malaki pa rin ang pakinabang ng mga korporasyon kaysa sa publiko na nirerepresenta supposedly ng gobyerno. Mainam na sipatin din kung gayon ang lenggwahe ng mismong kontrata ng mga PPP, kung mabilis na makakahanap ng kopya nito sa website ng gobyerno para sa Freedom of Information: https://www.foi.gov.ph/. Sa kalabuan ng mga termino ay maaari pa ring makita ang katotohanan. Garantisadong tubo ang ipinagyayabang sa mga dokumento hinggil sa PPP, gaya Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 421 sa introduksiyon na nasa website mismo ng PPP Center: “It embodies optimal risk allocation between the parties – minimizing cost while realizing project developmental objectives. Thus, the project is to be structured in such a way that the private sector gets a reasonable rate of return on its investment.” Kaya nga nang makuha ng Ayala ang LRT 1 at 2 ay taas-presyo kaagad sila. Wala nang risk o peligro ang negosyo basta nasa PPP. Ang edukasyong makadayuhan at nakasentro sa paghubog ng robotikong manggagawa ay outcomes-based kuno (at malinaw naman sa esensya kung kaninong outcomes ang sinusunod). Promoted at naging “indigent,” “marginalized,” “nasa laylayan ng lipunan” ang dati’y “anak- dalita, anakpawis, mahirap” ngunit mahirap pa rin sila sa aktwal at wala pa ring kapangyarihan. Tadtad ng salitang “empowerment” ang mga dokumento ng mga dayuhang financier at gobyerno ngunit kapag natutuhan na ng mga mamamayan ang empowerment ay pinauulanan sila ng bala, tini-teargas, sinasagasaan. Ayaw nang ipagamit ng mga neoliberal ang terminong First at Third World dahil halatang-halata ang agwat ng mga bansa at malalantad ang pagsasamantala ng una sa huli, kaya ang United Nations ay may kategoryang “less-developed countries” (LDCs) para sa mga bansang maglulupa pa rin. Sa wakas ay inabandona na ang diskursong “borderless world” mula nang magka-krisis noong 2008 at isisi sa migrante ang kawalan ng trabaho ng mga nasa Kanluran, at pumalit ang diskurso ng “patrol,” “security,” “Fortress Europe,” “wall” “visa restrictions” at “border control.” Nawala na ang Europang idolo ni Rizal, ang Europang mapagkalinga, ang Europa ng Enlightenment values, ang Europa ng human rights. Nagagalit ang mga natirang kasapi ng European Union sa pag- abandona sa kanila ng United Kingdom. Hindi raw maaaring magbenepisyo sa freedom of goods ang UK kung walang freedom of movement ang mga EU citizens, ngunit nagkakaisa ang Europa, Norte Amerika, at recently pati ang Australia at New Zealand – ang mga puting rehiyon ng daigdig – sa pagkakait ng freedom of movement sa mga Asyano, Aprikano at Latino Amerikano kahit na nga may mga free trade agreements sila sa mga kontinenteng ito. Mas malaya ang tsokolate at cacao, bulak at medyas kaysa sa taong gumagawa niyon, sa aktwal.

Matatapang na Solusyon sa Malalalang Problema

Kung solusyon sa problema, pwedeng subukin ang mga inobasyon sa geoengineering laban sa climate change, genetic engineering laban sa kagutuman, at stem cell 422 Suri, Saliksik, Sanaysay treatment laban sa mga sakit. Kaugnay ng geoengineering, sinusubukan na ang pag-spray ng particles sa atmosphere para madeflect ang ilang porsyento ng init ng araw, gaya ng saliksik ng mga saliksik ng Cargenie Climate Geoengineering Governance Initiative, Huwag naman sanang pumalya at magresulta sa global freezing ang sinusubukang solusyon sa global warming, gaya nang nangyari sa nobelang-naging-pelikulang Le Transperceneige ni Jacques Lob at Jean-Marc Rochette (1982) o Snowpiercer ni Bong Joon-ho (2013). Makikinabang ang Pilipinas kapag nadevelop ang ganitong teknolohiya dahil projected na mabura sa mapa ang coastal communities sa maraming rehiyon ng bansa dahil sa climate change. Kaugnay ng climate change, kailangan ng maagap na imbentaryo – literal na imbentaryo at genetic mapping – sa lahat ng malapit nang ma-extinct na halaman, hayop at iba pa sa bansa – na isa sa may pinakamalawak na flora at fauna sa buong mundo – bilang batayan ng kampanya para sa kanilang preserbasyon, at datos na rin para sa mga siyentista sa mga susunod na panahon na baka magkaroon na ng tsansa na mag-clone ng mga extinct na hayop at halaman. Baka may mga gubat pang di napapasok ng siyentista na maaaring mapuntahan na sa tulong ng mga etnographer. Hindi ba’t 7,500 islands na ang kapuluang Pilipinas? Magpadala ng mga expeditionary teams sa mga islang uninhabited para saliksikin ang flora at fauna roon. Maaari ring tuklasin ng mga historian sa mga lumang rekord ang mga lumang ruta sa dagat na maaaring buhayin para sa inter-island travel sa bansa. Patuloy na dapat pang maglabas ng mga publikasyon hinggil sa anticipated/projected impact ng climate change upang masuri rin kung paano mapaghahandaan o mapapakitunguhan ang mga ito. Lalong dapat magpalakas ng pananaliksik sa arkitekturang akma sa mga bansang tropikal na maulan. Makabubuo kaya ng climate change-resistant o climate change-proof na mga gusali ang mga Pinoy architect? Ang mga interior designer ay maaaring mag- ambag din sa pagdidisenyo ng mga loob ng bahay na malamig ngunit matibay at water-resistant. Samantala, nagbebenepisyo na ang Rusya sa climate change dahil sa pagkalusaw ng yelo sa Arctic na dahilan para makapaglayag nang mabilis sa Murmansk at iba pang komunidad sa rehiyong Arctic (Walker, 2016). Paano kaya makikinabang ang Pilipinas sa realidad ng climate change? May positibong mahihita ba ang bansa sa pagtaas ng sea level at pag-init ng temperatura lalo na kapag summer? Baka makahanap tayo ng silverlining sa trahedyang dulot ng climate change? Hinggil sa genetic engineering, isyu ang produksyon ng mga Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 423 korporasyon ng mga patay na binhi – binhi na one-time use lang at ang bunga ay pagkain ngunit hindi butong binhi kaya regular na bibili ang magsasaka ng binhi sa suplayer na korporasyon (Lombardo, 2014), di gaya ng dati na nagtatabi lamang ng binhi mula sa ani. Ihanda na ang pagdokumento sa lalong paghihirap ng mga magsasakang mabibitag ng mga kumpanyang nagbebenta ng genetically- engineered na buto, at protesta ng mamamayan sa bagong teknolohiya na posibleng magdulot ng mas maraming problema, gaya ng idinulot nito sa India (Shiva, 2013). Noong 2016 ay binaligtad ng Korte Suprema ng Pilipinas ang desisyon na dati’y nagbabawal sa field trial ng Genetically-Modifed (GM) talong kaya’t lalong dapat saliksikin ang tungkol sa genetic engineering. Maaari nang i-field trial ang mga GM organisms (GMO) sa Pilipinas. Kailangan ding hanapan ng solusyon ang traffic. Butasin ang mga subdibisyon, padaanan sa publiko ang lahat ng kalsada, ipagbawal ang parking sa lahat ng kalsada, isaayos ang public mass transportation system para mas konti na lang ang magkotse, patawan ng karagdagang buwis ang pagbili ng kotse, itransporma ang Skyway sa sistema ng publikong tren, paunlarin ang lahat ng panig ng Pilipinas para di magsiksikan sa mga sentrong lungsod, magtayo ng pabahay malapit sa mga sentro ng trabaho. Suplayan ng detalye at citation ang artikulong “Transform Traffic Road Rage Into Public Outrage Against Imperialism, Feudalism and Bureaucrat-Capitalism” ni Palatino (2015) para sa isang saliksik na reresolba sa trapiko sa Metro Manila at iba pang sentrong lungsod sa Pilipinas. Isa pang problema ang matinding reliance ng maraming mamamayan ngayon sa internet at mga kompyuter. Paano kaya kapag nagkaroong bigla ng “technological winter,” biglang paralisado ang internet, at biglang na-virus at ayaw magbukas lahat ng kompyuter, at/o biglang naubos na ang suplay ng petrolyo at bumagsak ang produksyon ng kuryente/enerhiya at hindi naman nakapaghanda ang bansa sa transisyon tungong renewable energy? Kailangan ng paghahanda. Daig ng maagap ang masikap. Kailangang paghandaan kahit ang tila imposibleng mangyari.

Wika, Kultura, Panitikan, At Iba Pa

Sa larangan ng wika at kultura, bawat araw, may wikang namamatay dahil sa homogenisasyong dulot ng modernisasyon at globalisasyon. Ano ang nawawala sa 424 Suri, Saliksik, Sanaysay pagkawala ng mga wika? Idokumento ang lalim at lawak ng mga wikang nabubura, ang mga konseptong walang katumbas sa mga wikang dominante, ang sariling paraan ng pagpapahayag ng sarili, pagtukoy sa oras, paglalarawan sa kalikasan na hindi kayang saklawin at sapulin ng mga wikang dominante. Tungkulin ng mga mananaliksik na ipreserba ang mga wikang ito sa abot nang makakaya sa pamamagitan ng pagtatala sa lahat ng maaaring itala, at idokumento rin ang paghihingalo ng mga wika. Sino o ano ang salarin? Bakit ayaw nang mag-aral ng wikang sarili ng mga mas batang miyembro ng mga pangkat minorya? Paano makatitiyak na di masasayang ang pera sa kampanyang preserbasyon at kultibasyon? Reversible pa ba ang proseso o sadyang patungo sa paghahari ng iilang wika ang lahat? Itanong ang lahat ng ito habang idinodokumento rin ang pagsulong ng mga kilusang pangwika gaya ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA). Kailangan na rin siguro ng matapat na language survey. Interesado pa ba ang mga nagsasalita ng iba’t ibang wika sa rehiyon na gamitin ang kani-kanilang wika labas at lagpas pa sa tahanan? Paano kaya makakapagdevelop ng tunay na multilinggwal na edukasyon sa Pilipinas? Maaari kaya ang Filipino, English, Spanish Plus 3 (isang wika sa rehiyon, Mandarin, at Bahasa Indonesia o kaya’y Bahasa Melayu)? Maaari ring i-float kaugnay nito ang mungkahing Bahasa, sa halip na English ang gawing working language ng ASEAN. Paghahanda ito sa napipintong paghina ng English bilang nangungunang wikang global, alinsunod na rin sa patutsada ni European Commission President Jean Claude Juncker na nagpahayag na “Slowly but surely English is losing importance in Europe.” Sa paglakas ng ekonomya ng Tsina at mga bansa sa Amerika Latina, baka nga masapawan na ang English, lalo pa kung ikokonsidera ang patuloy na pagdami ng populasyong Latino sa Estados Unidos mismo at pag-iral ng mga diaspora Chinese communities sa napakaraming pangunahing syudad sa daigdig. Sa larangan pa rin ng wika, baka descriptive sa halip na prescriptive ortography ang kailangang buuin. Sundin ang dila ng bayan sa halip na pangaralan pa ito. Panahon na ring suriin ang implementasyon o pag-snub ng mga ahensya sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335 ng unang administrasyong Aquino na nag-aatas sa paggamit ng Filipino sa mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya ng gobyerno. Gaano ka-feasible ang pag-obliga sa mga ahensya na mag-Filipino na lagpas pa sa Agosto? Kulelat ang Pilipinas noong huling beses na sumali ito sa internasyunal na eksam sa Math at Science. Baka dahil English ang medium of instruction sa Pilipinas? Subukin kayang Taglish o Filipino ang gamitin sa Math and Science classes? Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 425

Sa larangan ng midya, paparami ang Facebook users sa Pilipinas at saanman. Halos 7 milyong Pilipino na ang may regular internet access ngayon at tiyak na magiging halos 100% ng mga mamamayan sa kapuluan, sa mga susunod na dekada. Hindi kataka-taka na nagiging makapangyarihang instrumentong pangampanya sa eleksyon at kasangkapan sa propaganda ang Facebook, lalo pa at may mga sponsored pages na nagbabayad sa Facebook para mai-promote ang kanilang grupo at/o mensahe. Anumang maging viral sa social media ay nababalita rin sa telebisyon, dyaryo at radyo. Kailangang suriin ang etika o kawalan nito sa ganitong konteksto. Hindi na libre ang impormasyon, at sinasala rin ng Facebook kung ano ang ipo-promote at alin ang hindi. Iniikutan kundi man nito tahas na nilalabag ang mga limitasyon sa paggastos sa kampanya dahil wala pagbanggit sa mga batas pang-eleksyon sa Facebook advertisement, habang may limitasyon ang paggastos sa lahat ng porma ng media. Sa larangan ng kalusugan at medisina, isabalikat dapat ang mga pananaliksik sa halamang gamot ng bansa. May proven health benefits na ang lagundi para sa ubo at bayabas para sa sugat, at tiyak na marami pang matutuklasan sa mga dahun-dahon ng albularyo sa mga probinsya. Magtulong ang etnographer at doktor sa saliksik sa komunidad at laboratoryo. Baka nasa paso talaga ang botikang magpapabagsak sa big pharma. Maaari namang tumulong ang mga nananaliksik sa larangan ng Gastronomy at Home Economics para magdevelop ng mga substitute sa karne na healthy at matipid, gaya ng tokwa at sapal ng niyog. Paano ba mas magiging lasang karne ang mga ito? Anu-anong ispesipikong luto ang pwede para masarap pa rin kahit wala na talagang karne? Hitting two birds in one stone ito: mawawala ang obesity na linked sa maraming sakit, at makakatulong pa tayo sa pagbabawas ng carbon emissions dahil sa tindi ng carbon emissions na dulot ng pag-aalaga ng mga hayop na pinagkukunan ng karne. Sa larangan ng panitikan, bakit walang nananalo ng Nobel Prize for Literature mula sa Pilipinas? Kailangang sipatin ang “The Unrewarded” ni Anderson (2013) at “Laurelled Lives” ni Quist (2017). May kandidato kaya tayo na uubra sa namamayaning pamantayan sa pagpili ng Nobel Prize awardees na ibinulgar ni Quist, o baka naman hindi na talaga tayo dapat mangarap, at sa halip ay magsulat nang magsulat para sa sariling bayan at mamamayan. Kaugnay nito, kailangang magmuni-muni ang maraming Ingleserong creative writer na Pilipino. Para kanino ba sila nagsusulat? Itanong din iyan sa mga nasa akademya na English pa rin ang preferred language of research. Maaari ring saliksikin ang ideolohiyang namamayani sa mga nananalong akda sa Palanca, kahawig sa pagsipat ni Quist sa mga nagwagi ng Nobel Prize for Literature. 426 Suri, Saliksik, Sanaysay

Pagbabahaginan ng Kaalaman Tungo sa Daigdig na Walang Hanggahan

Kaugnay ng intellectual property rights, talamak ang pamimirata ng libro at halos wala namang nagdedemandang may-akda. Mababait ang mga awtor na Pilipino at marahil ay naniniwala sa ideya ng sharing. Samantala, todo-demanda ang mga multinational pharmaceutical firms sa mga Pilipinong generic brands na nagpoprodyus ng mas murang bersyon ng mga mamamahaling dayuhang gamot, gaya ng ginawa ng Pfizer sa Unilab (Pedroche, 2010). Baka panahon nang ipawalang-bisa ang patent ng mga gamot, kahawig sa kalakaran sa India (Anand, 2015). Sa tamang oras at paraan, baka ang pagtatanggal din ng batas sa copyright ng mga saliksik ang magbunsod ng Golden Age ng research sa bansa? After all, sa mga bansa sa Europa gaya ng Netherlands, Sweden, at Norway na maunlad na ang pananaliksik, buo-buong tesis at disertasyon ang ipinamamahagi nila nang libre online (sa mga arkibong gaya ng www.narcis.nl, www.diva-portal.org, at http:// nora.openaccess.no), di gaya sa Pilipinas na hindi pinapayagang maipa-photocopy ang buong saliksik, at halos wala ring full text ng mga saliksik, maliban sa Unibersidad ng Pilipinas (http://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/Category:Theses#. WVdcJhWGMvU) at mangilan-ngilan pang kolehiyo at unibersidad na may abante nang pananaw sa pamamahagi ng kaalaman. Buti na lamang at may www.sci-hub. cc at gen.lib.rus.ec na pwedeng puntahan kapag may full text ng journal na gusto mong idownload nang libre. Feasible kaya na magbuo ng ganitong website para sa mga saliksik na nasa Filipino? Gaano na nga ba kasikat ang sci-hub.cc at Library Genesis sa mga Filipino researchers? Kaugnay naman ng sharing ng datos at materyal, kapuri-puri ang mga database sa Espanya at iba pang bansa na nag-upload na online ng mga lumang dokumento. Nariyan ang Biblioteca Digital Hispánica (www.bne.es) na katatagpuan ng maraming digitalized at readily downloadable na English, Spanish, Tagalog, at Bikolanong dokumento, mapa, libro, diyaryo at iba pa tungkol sa at/o mula sa Pilipinas, gaya rin ng makikita sa www.gutenberg.org na katatagpuan ng mga nobela at iba pang aklat mula sa iba’t ibang wika, kasama na ang Tagalog. Ang pag-iimbentaryo sa Filipiniana materials sa mga database na ito ay isa nang malaking pananaliksik, lalo pa ang pagsusuri at pagsasalin ng mga ito na halos hindi pa nasisipat ng mga mananaliksik sa Pilipinas. Malaking bahagi ng ating lumipas ang mababasa sa mga dayuhang arkibo na iyon na hindi kayang tapatan ng mga lokal na sinupan. Sa kasalukuyan ay isa sa pinagkakaabalahan ng mananaliksik ang Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 427 pag-iimbentaryo at pagsasaling-buod sa nilalaman ng mga edisyon ng bilinggwal na pahayagang La Redención del Obrero ni Isabelo de los Reyes na masisipat sa Biblioteca Digital Hispánica. Kakaiba ang pahayagang ito sa taas ng lebel at lawak ng saklaw: politikal ang mga editoryal at pangunahing balita, siyempre pa, ngunit may mga akdang pampanitikan din tulad ng dula, mapanudyong sanaysay at iba pa na nagtuturo sa mga manggagawa na makibaka para sa kanilang karapatan.

Kritikal na Perspektiba sa Pedagohiya

Hinggil sa pedagohiya, napatunayan na ni Mangen (2014) ang superyoridad ng pagbasa ng printed na teksto kumpara sa teksto sa electronic readers gaya ng Kindle at iPad. Baka magandang ireplicate ito sa Pilipinas. Kaugnay nito, may mga saliksik na rin na nagpapatunay sa bisa ng aktwal na note-taking sa retensyon ng impormasyon: “The Pen is Mightier Than The Keyboard: Advantages of Longhand Over Laptop Note Taking” ni Mueller at Oppenheimer (2014). Marahil, kasabay ng malalaking reporma ay back-to-basics din dapat sa pedagohiya. Kaugnay ng pedagohiya, dapat muling pag-aralan ang implementasyon ng K to 12. Bakit hindi ibinigay na lamang ang bilyong pisong pera sa voucher sa pribadong paaralan, sa mga paaralang publiko? Ang ginasta para sa karagdagang 2 taon ay ginamit na lang sana sa pag-ayos ng lumang 10-year basic education cycle lalo pa at malinaw naman sa “Length of School Cycle and The Quality of Education” nina Felipe at Porio (c.2008) na mas mainam kung ang K to 12 ay ipataw na lamang sa mga gustong maging OFW at/o mag-aral sa ibang bansa. Kasama sa senior high school courses ang Contact Center Services na pang-BPO professionals. Paano kapag natuto nang mag-English ang mas maraming Nepalese at Bangladeshi na payag sa mas mababang pasweldo. Sa ngalan ng race-to-the-bottom o karerang pabaratan ay tiyak na iiwan ng mga korporasyon ang Pilipinas. Maaapektuhan din ng karerang pabaratan ang mga marino at kasambahay na Pilipino. Maaaring palawakin pa ang kritik sa K to 12 na mababasa sa “Neoliberal Restructuring of Education in the Philippines: Dependency, Labor, Privatization, Critical Pedagogy, and the K to 12 System” ni San Juan (2016). Kaugnay ng sistemang pang-edukasyon, dapat i-evaluate ang bisa ng mga faculty evaluation tools and processes. Kailangan pa bang i-evaluate ang faculty? 428 Suri, Saliksik, Sanaysay

Baka dapat i-evaluate din lahat ng administrators para lahat may accountability? Bukod dito, tatlong taon bago mapermanente ang mga guro samantalang sa ibang trabaho, anim na buwan lang ay pwede na. Para bang sinasabing nagpapanggap lang sa unang taon ang mga guro, kaya 3 taon dapat ang probationary period. Baka dapat nang kwestyunin ang kahunghangang ideya at porma ng diskriminasyon na iyan? Nagtitipid ang maraming kompanya at gusto ng may-ari na magkamal nang mas malaking tubo kaya mas konting permanenteng manggagawa ay mas maganda sa kanila. Ngunit ayon sa administrasyon ng Human Nature (isang brand ng kumpanyang Pilipino na Gandang Kalikasan, Incorporated o GKI), maayos pa rin ang estado ng kanilang kumpanya kahit na ang kanilang mga empleyado ay puro permanente (Schnabel, 2016). Maraming beses nang sinasabi na kaya ayaw magpermanente ng maraming kumpanya ay tinatamad daw ang mga tao kapag permanente na. Baligtad sa opinyon ng mga manggagawa: mas sisipag ang permanente na. Kailangan ng saliksik para malaman kung sino ang tama. I-evaluate din kung kailangan pang magsayang ng pera sa mga National Achivement Test (NAT) at National Career Assessment Examination (NCAE), gayong wala namang masyadong gumagamit ng datos na napoprodyus ng mga eksam na ito. Halimbawa, maaaring gamitin ang datos sa eksam sa Filipino at English para tingnan kung aling wika ang mas kayang gamitin ng mga estudyante bilang midyum ng edukasyon, ngunit walang nagtatangkang gumalaw sa assumption na English na ang dapat na medium of instruction sa maraming asignatura. Balik sa testing, sa Finland at iba pang bansa ay wala nang standardized tests at iyon ang bansang pinakamahusay sa pedagohiya ayon sa Where to Invade Next ni Michael Moore (2015). Kung ibabasura ang standardized tests, baka dapat ay ibasura na rin ang grading system ngayon. Maaari siguro ang passed or failed para magpokus sa pagkatuto sa halip na mapresyur sa kompetisyon.

Kritikal na Perspektiba sa Relihiyon at Ekonomya

Sa relihiyon, interesanteng pag-aralan ang pagsalansang ng mga korporasyong kapitalista sa mga doktrina ng mga simbahan. Halimbawa, ang mga mall na kariringgan ng Angelus sa tuwing tanghali at alas sais ng gabi ay mga mall na notorious din sa kontraktwalisasyon – bagamat itinatatwa nila iyon. Corporate social responsibility laban sa social justice? Charity o social justice? Maraming Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 429 masasaliksik sa unique na sitwasyon ng Pilipinas bilang bansang relihiyoso ngunit mababaw lamang ang pag-unawa sa ubod ng doktrina ng mga simbahan. Bagay na makakapagpaliwanag din sa pagiging matapobre ng ilang Starbucks-gulping megachurchgoer sa mga taga-KADAMAY, habang ipinangangalandakan nila na si Kristo ang kanilang tanging “savior” at sila’y “thankful” dahil sila’y “blessed” ilang minuto pagkatapos nilang magpost hinggil sa “financial literacy” na walang iba kundi synonym sa pagsusugal ng pera sa casino ng stock market – pagbili at pagbebenta ng shares sa mga kumpanyang baratilyo magpasweldo sa mga manggagawa. Panahon na rin na isalang sa kritikal na analisis ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). May patutunguhan ba ang proyektong ito o talk shop lamang na wala namang aksyon? Baka mapangibabawan ng Malaysia at Singapore, kung paanong napangibabawan ng Germany ang European Union (EU)? Hindi uubra ang economic integration ng mga bansang magkakaiba ang bilis at bagal ng ekonomya. Malulugi ang mabagal at lalong mangunguna ang mabilis, at halos di makahahabol ang iba, gaya ng pinatunayan ng sitwasyon ng Greece sa EU. Balik sa ASEAN, kung walang pakialamanan pa rin ang kalakaran, kung bulag-bulagan ang mga bansang kasapi sa mga negatibong nangyayari sa kapitbahay o “bakod mo, linis mo” ang peg ng ASEAN, ano pa ang saysay nito? Maisasalba pa ba ang proyektong ASEAN para maging nakasentro sa mga mamamayan sa halip na sa iilan? Paano makakaligtas sa kinasapitan ng EU ang ASEAN? Mahalagang marinig ang tinig ng mga Pilipino ngayon pa lamang, lagpas sa mababaw, paimbabaw, at malabnaw na konseptwalisasyon ng Araling Timog Silangang Asya (Southeast Asian Studies) sa mga tradisyonal na sentro ng saliksik hinggil dito.

Samu’t Saring Hakbang na Dapat Pang Isakatuparan

Bukod sa pagsipat sa iba’t ibang realidad at/o suliraning panlipunan na maaaring pagmulan ng makabuluhang adyendang pananaliksik sa larangan ng Araling Pilipinas, marami pang mahahalagang hakbang na dapat isakatuparan sa ikauunlad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino. Narito ang ilan sa mga hakbang na ito. Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipubi. Paano babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung 430 Suri, Saliksik, Sanaysay hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino mismo? Nakalulungkot na hindi yata nasanay ang mga Pilipino na i-cite ang mga kababayan kahit na binasa ang gawa nila at kasama sa aktwal na sanggunian. Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nl ng Netherlands at diva-portal.org ng Sweden. Sa pamamagitan nito, makatitiyak na madaling mababasa at maipapalaganap sa buong bansa at sa ibang bansa rin ang mga panananaliksik ng mga Pilipino. Mahalaga rin kung gayon ang proyektong national broadband project na may potensiyal na makapagpabilis at makapagpalawak ng serbisyong internet sa buong kapuluan. Maaaring obligahin ng CHED ang lahat ng unibersidad na magsumite ng digital copy ng bawat thesis at disertasyon na naisusulat. I-aarkibo ito sa isang website para madaling mag- search at mag-download. Magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na libreng magagamit para sa mga mass translation projects. Kailangang lansakang isalin ang mga pananaliksik na naisusulat sa buong mundo tungkol sa Pilipinas para matiyak na mapakikinabangan ang mga iyon ng mga Pilipino. Dahil realidad ang kakulangan ng sapat na mga tagasaling kompetent, mainam kung may magiging available na translation software na libreng magagamit. Bigyang-prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong mataas na edukasyon at ng mga programang gradwado. Dahil ito ang makapagtitiyak na ang mga mananaliksik at eksperto sa ating kapuluan ay may kakayahan nang makipag-usap, makipagtalakayan atbp. sa mga ordinaryong Pilipino na inaasahang makikinabang sa kanilang mga pananaliksik. Kaugnay nito, dapat agad magbalangkas ng guidelines ang CHED para atasan ang mga unibersidad na payagan at hikayatin ang paggamit ng Filipino sa pananaliksik, lalo na sa mga tesis at disertasyon. Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas. Kung paanong bawat institusyong akademiko sa Estados Unidos ay may American Studies Department o Center. Ang mga ganitong departamento ang magbibigay ng sapat na espasyo at maglilinang pa sa mga saliksik kaugnay ng Filipino at/o Araling Pilipinas sa loob ng bansa. Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 431

Mga Sanggunian:

Anand, Geeta. 2015. “Inside India: India’s Fight Against Big Pharma Patents Is a Just War.” Wall Street Journal. https://blogs.wsj.com/indiarealtime/2015/03/19/ inside-india-indias-fight-against-big-pharma-patents-is-a-just-war/

Anderson, Benedict. 2013. “The Unrewarded.” New Left Review 80 (March- April). https://newleftreview.org/II/80/benedict-anderson-the-unrewarded

Angus, Ian. 2015. “When Did the Anthropocene Begin…and Why Does It Matter?” Monthly Review 67 (04). https://monthlyreview.org/2015/09/01/when- did-the-anthropocene-beginand-why-does-it-matter/ Atienza, Jose Jr. 2016. House Bill 2625. http://www.congress.gov.ph/legisdocs/ basic_17/HB02625.pdf

Azevedo, Camila. 2016. “Gaining Land and Gaining Ground?: The Popular Agrarian Reform by the Landless Rural Workers’ Movement (MST) in Brazil.” Colloquium Paper No. 52. International Institute of Social Studies, The Hague, The Netherlands. https://www.iss.nl/fileadmin/ASSETS/iss/Research_and_ projects/Research_networks/ICAS/52-ICAS_CP_Azevedo.pdf

Bolos, Abner. 2005. “Hacienda Luisita Workers Reap Gains from ‘Bungkalan.’” Bulatlat. http://bulatlat.com/main/2005/10/15/hacienda-luisita-workers-reap- gains-from-bungkalan/

Bolwell, Dain. 2016. “To the Lighthouse Towards a Global Minimum Wage: Building on the International Poverty Line.” Australian Bulletin of Labour 42 (1). http://search.proquest.com/docview/1842431102?pq-origsite=gscholar

Bouguerra, Mohamed Larbi. 2005. Las batallas del agua. Editorial Popular. Castañeda, Ernesto. 2012. “The Indignados of Spain: A Precedent to Occupy Wall Street.” Social Movement Studies 11 (3-4). http://www.tandfonline.com/doi/abs/1 0.1080/14742837.2012.708830

Constantino, Renato. 1979. The Nationalist Alternative. Foundation for Nationalist 432 Suri, Saliksik, Sanaysay

Studies, Quezon City.

Constantino, Renato at Constantino, Letizia. 1978. The Philippines: A Continuing Past. Foundation for Nationalist Studies.

Einstein, Albert. 2009. “Why Socialism?” Monthly Review 61 (1). https:// monthlyreview.org/2009/05/01/why-socialism/ Felipe, Abraham at Porio, Carolina. c.2008. “Length of School Cycle and The Quality of Education.” https://clubmanila.files.wordpress.com/2016/04/length-of- school-cycle-and-the.pdf

Frank, Andre Gunder. 1966. “The Development of Underdevelopment.” Monthly Review 18 (4). https://archive.monthlyreview.org/index.php/mr/article/view/MR- 018-04-1966-08_3

Galeano, Eduardo. 1971. Las venas abiertas de América Latina. Monthly Review Press.

Guillermo, Ramon. 2016. “Sariling Atin: Ang Nagsasariling Komunidad na Pangkomunikasyon sa Disiplinang Araling Pilipino.” Social Science Diliman 12 (1). http://journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman/article/view/5231 Harnecker, Marta. 2015. A World To Build: New Paths Toward Twenty-First Century Socialism. Fred Fuentes (trans.). Monthly Review Press, New York. Hernandez, Amado V. 1982. Mga Ibong Mandaragit. Progressive Printing Palace. Kraemer, Kenneth; Linden, Greg; at Dedrick, Jason. 2011. “Capturing Value in Global Networks: Apple’s iPad and iPhone.” http://pcic.merage.uci.edu/ papers/2011/value_ipad_iphone.pdf

Lebowitz, Michael A. 2014. “Proposing a Path to Socialism: Two Papers for Hugo Chávez.” Monthly Review Volume 65 (10). https://monthlyreview.org/2014/03/01/ proposing-path-socialism-two-papers-hugo-chavez/

Lombardo, Luca. “Genetic Use Restriction Technologies: Good for Seed Companies and Bad for Farmers?” Information Systems for Biotechnology/ISB NEWS REPORT. http://www.isb.vt.edu/news/2014/Nov/Lombardo.pdf Lubin, Judy. 2012. “The ‘Occupy’ Movement: Emerging Protest Forms and Contested Urban Spaces.” Berkeley Planning Journal 25 (1). http://escholarship. Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 433 org/uc/item/5rb320n3

Mabini, Apolinario. 2009. “Regulations of the Revolution.” The Philippine Revolution: With Other Documents of the Epoch, Volume 1. National Historical Institute.

Maceda, Teresita Gimenez. 1996. Mga Tinig Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit, 1930- 1955. University of the Philippines Press.

Mangen, Anne. 2014. “Reading on paper and screens.” National Centre for Reading Education and Research, University of Stavanger. https://www.printpakt. nl/wp-content/uploads/sites/5/2014/07/AnneMangenReadingPaperScreens.pdf

Marcuse, Peter. 2000. “The Language of Globalization.” Monthly Review 52 (3). https://monthlyreview.org/2000/07/01/the-language-of-globalization/

Marx, Karl. 1887. Das Kapital. Marxists Internet Archive. https://www.marxists. org/archive/marx/works/1867-c1/

Moretti, Franco at Pestre, Dominique. 2015. “Bankspeak: The Language of World Bank Reports.” New Left Review 92 (March-April). https://newleftreview.org/ II/92/franco-moretti-dominique-pestre-bankspeak

Mueller, Pam A. at Oppenheimer, Daniel M. 2014. “The Pen is Mightier Than The Keyboard: Advantages of Longhand Over Laptop Note Taking.” Psychological Science 25 (6). http://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1177/0956797614524581 National Democratic Front of the Philippines. 2017. Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER). http://www.yonip.com/wp-content/ uploads/2017/02/NDFP-CASER-draft-as-of-1701-12-exchanged-with-GRP-as- of-Jan-12-2017-from-public-Facebook.pdf

Nooteboom, Gerben at Rutten, Rosanne. “Gulf-State Investments in Indonesia and The Philippines: Gaining Control of Agricultural Land and Foodcrops.” Paper presented at the International Conference on Global Land Grabbing 6-8 April 2011 Organised by the Land Deals Politics Initiative (LDPI) in collaboration with the Journal of Peasant Studies and hosted by the Future Agricultures Consortium 434 Suri, Saliksik, Sanaysay at the Institute of Development Studies, University of Sussex. https://www.iss. nl/fileadmin/ASSETS/iss/Documents/Conference_papers/LDPI/19_Gerben_ Nooteboom_and_Rosanne_Rutten.pdf

Nuncio, Rhoderick. 2011. “Luntiang Pamayanan: Tungo sa Pag-unlad ng Kalikasan, Antas ng Pamumuhay at Wika.”Malay 23 (2). https://ejournals.ph/ article.php?id=7995

Orwell, George. 1961. 1984. Signet Classic.

Palatino, Raymond. 2015. “Transform Traffic Road Rage Into Public Outrage Against Imperialism, Feudalism and Bureaucrat-Capitalism.” Manila Today. http://www.manilatoday.net/transform-traffic-road-rage-into-public-outrage- against-imperialism-feudalism-and-bureaucrat-capitalism/

Pállinger, Zoltán Tibor. 2007. “Direct Democracy – The Swiss Experience.” Revised Version of a Paper presented at the International Conference on the Comparative Studies of Referendum, organized by Taiwan Thinktank, Taipei Taiwan, November 3rd, 2007. http://www.liechtenstein-institut.li/contortionist/0/ contortionistUniverses/397/rsc/Publikation_downloadLink/LIAP_014_0.pdf

Pedroche, Al G. 2010. “Unilab vs Pfizer: David at Goliath.” Pilipino Star Ngayon. http://www.philstar.com/opinyon/554987/unilab-vs-pfizer-david-goliath Philippine Overseas Employment Administration (POEA). 2015. “Overseas Employment Statistics Deployed Overseas Filipino Workers 2014-2015.” http:// www.poea.gov.ph/ofwstat/compendium/2015.pdf

Prashad, Vijay. 2007. The Darker Nations: A People's History of the Third World. The New Press.

Quist, Jennifer. 2017. “Laurelled Lives.” New Left Review 104 (March-April). https://newleftreview.org/II/104/jennifer-quist-laurelled-lives

Rifkin, Jeremy. 1995. The End of Work: The Decline of the Global Labor Force and the Dawn of the Post-Market Era. G. P. Putnam's Sons.

San Juan, David Michael. 2014. “Pambansang Salbabida at Kadena ng Pagbuo ng Makabuluhang Adyenda sa Pananaliksik sa Araling Pilipinas 435

Dependensiya: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas.” Malay 27 (1). https://www.ejournals.ph/article.php?id=8066

______. 2016. “Neoliberal Restructuring of Education in the Philippines: Dependency, Labor, Privatization, Critical Pedagogy, and the K to 12 System.” Asia-Pacific Social Science Review 16 (1). https://www.ejournals.ph/ article.php?id=9857

______. 2017. “Why Marx Was Right: Third World Edition.” Journal of Developing Societies 33 (1). http://journals.sagepub.com/doi/ abs/10.1177/0169796X16653333

Schnabel, Chris. 2016. “Can PH firms thrive without contractualization?” Rappler. http://www.rappler.com/business/features/131422-philippines-labor- contractualization-endo-human-nature

Schneider, François; Kallis, Giorgos; at Martinez-Alier, Joan. 2010. “Crisis or Opportunity: Economic Degrowth for Social Equity and Ecological Sustainability.” Journal of Cleaner Production 18 (6). http://www.sciencedirect.com/science/ article/pii/S0959652610000259

Shiva, Vandana. “Seeds of suicide and slavery versus seeds of life and freedom.” Al Jazeera. http://www.aljazeera.com/indepth/opinion/2013/03/201332813553729250.html Sison, Jose Maria. 1967. Struggle for National Democracy. Progressive Publications.

______. 1970. Lipunan at Rebolusyong Pilipino. https:// aklatangbayan.files.wordpress.com/2013/02/lrp.pdf

______. 2001. Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya. Amado V. Hernandez Resource Center. Streeck, Wolfgang. 2014. “How Will Capitalism End?” New Left Review 87 (May- June). https://newleftreview.org/II/87/wolfgang-streeck-how-will-capitalism-end

Tadem, Teresa S. at Tadem, Eduardo C. 2016. “Political Dynasties in the Philippines: Persistent patterns, perennial problems.” South East Asia Research 24 (3). http://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1177/0967828X16659730 436 Suri, Saliksik, Sanaysay

Tatel-Rodriguez, Mary Jane. 2015. “Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino.” Humanities Diliman 12 (2). http://journals.upd.edu.ph/ index.php/humanitiesdiliman/article/view/4909

Tolstoy, Leo. “How Much Land Does A Man Need?” sa What Men Live By and Other Tales. L. and A. Maude (Trans.). Gutenberg. http://www.gutenberg.org/ files/6157/6157-h/6157-h.htm

Varoufakis, Yanis. 2017. Adults In The Room: My Battle With Europe’s Deep Establishment. Bodley Head.

Walker, Shaun. 2016. “Murmansk's silver lining: Arctic city banks on ice melt for its renaissance.” The Guardian. https://www.theguardian.com/environment/2016/ dec/22/murmansks-silver-lining-arctic-city-banks-on-ice-melt-for-its-renaissance

World Health Organization (WHO). 2017. “Global Health Observatory data repository.” http://apps.who.int/gho/data/node.main.A1444

Zinn, Howard. 2005. A People’s History of the United States. Harper Perennial Modern Classics. Guro, Paaralan at Bayan: Makabayang Pagsusuri sa Kasalukuyang Kurikulum ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas1

e proud you are a teacher; the future depends on you,” mensaheng nakapinta pa rin ngayon sa maraming pader ng paaralan,1 at mensaheng totoong-totoo pa rin. Bilang tagahubog ng sinasabing pag-asa ng bayan – ang mga kabataan – hindi maikakailang may “Bmahalagang papel ang guro bilang mamamayan at tagahubog ng lipunan. Lahat halos ng sektor ng lipunan ay nakakapasok sa paaralan at dumaraan sa kamay ng mga guro. May malawak na impluwensya at prestihiyo, sa pangkalahatan, ang guro sa lipunan. Pinapakinggan sila sa tuwing sila ay nagpapahayag sa mga isyung panlipunan, dahil sila’y itinuturing na eksperto sa kani-kanilang larangan at may natural na koneksyon at araw-araw na pakikisalamuha sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Sa sitwasyon ng mga guro sa lipunan, kitang-kita at ramdam na ramdam

1 Pangunahing layunin ng papel na ito na 1) ilahad ang malalim na koneksyon ng mga isyung pangguro at pambayan; 2) bigyang-diin ang mahalagang tungkulin ng guro sa pagbabago ng sistemang pang-edukasyon at ng sistema ng lipunan sa Pilipinas; 2) maghapag ng makabayang pagsusuri sa kasa- lukuyang kurikulum ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Gagawing lunsaran (springboard) ng pag- talakay ang paglilinaw sa depinisyon ng nasyonalismo – partikular sa edukasyon at ekonomya – tungo sa epektibong paglalantad sa hindi makabayang direksyon at nilalaman ng kasalukuyang kurikulum sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. 438 Suri, Saliksik, Sanaysay ang sinasabi ni Joey Ayala sa isang sikat niyang awitin: “ang lahat ng bagay ay magkaugnay.” Ang koneksyon ng mga isyung pangguro at pambayan ay agad na makikita sa isyu ng pagtataas ng sweldo ng mga guro. Kamakailan ay nangako si Presidente na dodoblehin niya ang sweldo ng mga guro. Agad namang nagpahayag ang sekretarya ng Department of Management na si Benjamin Diokno na hindi raw kakayanin ng pambansang badyet ang pagdodoble ng sweldo ng guro. Mahusay namang sinagot iyon ng mga guro at ng iba pang nagmamalasakit sa sektor ng edukasyon: bakit kinaya ng gobyerno na doblehin ang sweldo ng mga sundalo at pulis, at ngayon ay sasabihing hindi kayang doblehin ang sweldo ng guro at mga empleyado sa sektor ng edukasyon? Lalong manggagalaiti ang mga guro kapag nalaman nila na ang pensyon ng pulis at militar ay naka- index sa kasalukuyang sweldo ng nasa serbisyo pa, di gaya sa mga guro at iba pang trabaho. Isama pa ang katotohanang mas mababa ang retirement age ng mga pulis at sundalo. Sa edad na 56 ay retirado na ang pulis at sundalo, samantalang 60 naman ang edad ng optional retirement ng mga guro. Sa bansang utak-pulbura ang namumuno, walang espasyo ang pagpapahalaga sa edukasyon. Ang sigaw nating “Libro hindi bala, edukasyon hindi gera!” at “Peace Talks, Ituloy!” ay saktong-sakto sa sitwasyong ito. Magkakaroon ng mas malaking badyet sa edukasyon at mga guro kung mas kaunti ang badyet para sa bala at gera; mangyayari ito kung may peace talks at tuluy-tuloy na masosolusyunan ang ugat ng insurhensya sa Pilipinas. Ang isyu ng kulang na pasilidad sa mga paaralan ay isyung pambayan din. Bakit nga ba laging kapos ang badyet para sa edukasyon, bakit ba kulang ang libro sa library, walang libreng mabilis na internet sa lahat ng school, at may mga eskwelahan pa ring walang kuryente? Sa papeles at bibig mismo ng gobyerno makukuha ang sagot: napakalaki ng porsyento ng pambansang badyet na inilalaan sa pagbabayad ng utang ng bansa, at hindi naaabot ng gobyerno ang target na koleksiyon ng buwis mula sa mga korporasyon dahil sa napakaraming insentibo at eksempsyon sa mga malalaking negosyante at dahil din sa pandaraya sa buwis ng ilang malalaking negosyante. Kaugnay ng utang, noong 2000, ang utang ng Pilipinas ay umabot na sa 2.2 trillion pesos. Sa pagtatapos ng 2013, halos 6 trillion pesos na ito. Mula 2000-2013, higit 8 trillion pesos ang ipinambayad natin sa ating mga pinagkakautangan pero sa panahon ding iyon ay nadoble pa sa halip na lumiit ang ating utang! Kaugnay naman ng buwis, magugulat kayo, halimbawa na pangalawang pinakamalaking individual taxpayer si noong 2014? Mas malaki pa ang binayaran niyang buwis kaysa sa mga itinuturing na pinakamayayaman sa Pilipinas. Mas malaki rin ang binayaran nina , Guro, Paaralan at Bayan 439

John Lloyd Cruz at Anne Curtis kaysa sa iba pang kilalang napakayamang Pilipino na may-ari ng dambuhalang mga korporasyon. Ayon naman sa pananaliksik na "Revenue Performance of the BIR Large Taxpayers Service: 2006-2015" (2016) ng National Tax Research Center, maraming korporasyon ang kahit lugi ay tuloy ang operasyon. Pinalilitaw ng mga korporasyon na ito sa papel na lugi sila para makalusot sa pagbabayad ng buwis o kaya’y makapagbayad ng mas mababang buwis, pero sigurado tayo na kumikita pa rin sila dahil hindi naman sila nagsasara. Tama lang, kung gayon, na magalit si sir at si ma’am sa mga kapitalistang ganid, hindi ba? Kung ang mga isyung pangguro ay isyung pambayan din, ang mga isyung pambayan ay isyung pangguro rin. Halimbawa, kamakailan ay ginulantang tayo ng balitang inaprubahan na ng Kongreso ang resolusyon na nagdedeklara sa sarili nila bilang Constituent Assembly na magdedeliberasyon sa mga mungkahing pagbabago sa Konstitusyong 1987. Alam na ng marami sa atin marahil ang ilang mungkahing pagbabago sa Konstitusyong 1987 gaya ng pagbura sa salitang “pag- ibig” sa preamble ng Konstitusyon, o sa pagtatanggal sa lahat ng limitasyon sa pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga negosyo at lupa sa Pilipinas. Pero baka kakaunti pa lang sa mga guro ang nakakaalam na kasama sa planong charter change o Cha-Cha ng rehimeng Duterte ang pagbubukas sa mga propesyon gaya ng edukasyon sa mga dayuhan; ibig sabihin, kapag nakalusot ang cha-cha, pwede nang magturo sa public o private school sa bansa ang sinumang teacher kahit foreigner. Posibleng may maka-agaw na tayo sa trabaho: ang mga teacher mula sa mga bansang nag-iIngles din at mas mababa ang average na sweldo kaysa sa Pilipinas. Salot din pala sa ating mga guro ang cha-cha na salot sa buong bayan! Ilan lamang ang tatlong nabanggit, sa napakaraming halimbawang nagpapakita sa malalim na ugnayan ng mga isyung pangguro at pambayan. Hindi maihihiwalay ng guro ang kanyang sarili sa kanyang lipunang ginagalawan at magkakaroon lamang siya ng pangmatagalang ginhawa sa sistema kung tutulong siya para mabago ito, dahil kitang-kita na ang mga problema sa sektor ng edukasyon ay bahagi at karugtong ng mga problema ng bayan. Pangunahing tungkulin ng mga guro sa bansa na imulat ang kani-kanilang estudyante sa mga realidad ng lipunan sa pamamagitan ng isang makabayang sistemang pang-edukasyon. Upang makita kung ano at paano iyon isasakatuparan, mahalagang suriin muna ang kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon sa bansa. Lenteng nasyonalista, konseptong nasyonalismo ang gagamitin natin sa pagsusuri nito. 440 Suri, Saliksik, Sanaysay

Depinisyon ng Nasyonalismo: Ugnayan ng Edukasyon at Ekonomya

Ilan sa mga karaniwang depenisyon ng nasyonalismo o pagkamakabayan ang mga sumusunod (mula mababaw papuntang malalim, mula simple papuntang mas komplikado): pagmamahal sa bayan; pagbibigay-diin sa pagmamahal sa bayan; pagtataguyod ng kapakanan ng bayan/bansa; pagtataguyod ng kalayaang politikal, ekonomiko, at kultural ng bansa/bayan; at pakikibaka laban sa imperyalismong ekonomiko, kultural, at politikal. Mahalagang sipatin ang depinisyon ng nasyonalismo sapagkat sa konteksto ng Pilipinas, mismong Artikulo XIV, Seksiyon 2.1 ng Konstitusyong 1987 ng Republika ng Pilipinas ay nagsasabing nasyonalismo dapat ang pundasyon, ang batayan ng edukasyon sa bansa: “SEK. 2. Ang Estado ay dapat: (1) Magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag- isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan…” Idinagdag pa sa Artikulo XIV, Seksiyon 3.2 ng Konstitusyong 1987 na: “SEK. 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon. (2) Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo, ihasik ang pag-ibig sa sangkatauhan, paggalang sa mga karapatang pantao, pagpapahalaga sa gampanin ng mga pambansang bayani sa historikal na pagpapaunlad ng bansa, ituro ang mga karapatan at mga tungkulin ng pagkamamamayan, patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at espiritwal, linangin ang karakter na moral at disiplinang pansarili, pasiglahin ang kaisipang mapanuri at malikhain, palawakin ang kaalamang syentipiko at teknolohikal, at itaguyod ang kahusayang bokasyonal…” Sa pangkalahatan, halos gayundin ang nilalaman tungkol sa edukasyon, ng borador ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) na inihanda ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ibinigay sa Gobyerno ng Republika ng Pilipinas noong Enero 12, 2017: Article XII. RIGHT TO EDUCATION. Section 3. Education shall be nationalist, scientific, mass-oriented and democratic to develop critical thinking, social commitment, and a sense of history among students and support the development of the national economy, upholding of people’s rights, and attaining economic sovereignty for national development as articulated in this Agreement.” Ang gayong konsensus hinggil sa nasyonalismo bilang pundasyon ng edukasyon sa Pilipinas ay nakaugat sa mahabang tradisyong nasyonalista ng mga pambansang bayani mula pa sa panahon ng Kilusang Propaganda sa mga huling dekada ng kolonyalismong Espanyol hanggang sa panahon ng Rebolusyong 1896 na Guro, Paaralan at Bayan 441 pinamunuan ng Katipunan, na patuloy na nagbi(bi)gay-inspirasyon sa mga sumunod na kilusang para sa makabayang edukasyon at/o para sa pambansang pagpapalaya. Hinggil sa nasyonalismo, maaaring balikan ang mga sumusunod nan bahagi ng mga akda ni Jose Rizal: Kabanata 7 ng El Filibusterismo: Simoun versus Basilio (usaping pangwika); Kabanata 15 ng El Filibusterismo: Isagani versus Senyor Pasta (bayan o sariling kapakanan); Kabanata 20 naman ng Noli Me Tangere (pagtangkilik sa sariling kultura). Sa kabuuan, sa pananaw ni Rizal, sa halip na pamantayang global, katutubong kultura at kapakanan ng sambayanang Pilipino ang matatag na pundasyon ng edukasyon. Ang pananaw ni Rizal ay sinasalamin din ng perspektiba ng mga rebolusyonaryong gaya nina Emilio Jacinto at Andres Bonifacio na kapwa naging mga pinuno ng Katipunan. Sa “” na isinulat ni Emilio Jacinto, binibigyang- diin na “Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking-gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpapaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.” Idinagdag pa ni Jacinto na sa “Paglaganap ng mga aral na ito, ay maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi’t magkakapatid, ng ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang matutumbasan.” Para kay Jacinto, ang tunay na dangal ng isang mamamayan ay masusukat sa kanyang paglingap o pagmamalasakit sa kanyang bayang tinubuan. Tiyak na ang “paglaganap ng mga aral na ito” ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng nasyonalistang edukasyon na magpapahalaga sa mga sakripisyo ng mga nakipaglaban para sa kalayaan ng bayan. Sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio, malinaw rin kung ano ang dapat bigyang-diin ng sistemang pang-edukasyon: “Walang mahalagang hindi inihandog/ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,/dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,/buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.” Para kay Bonifacio, lahat ng mahalaga sa buhay – kasama na ang karunungan, ang edukasyon – ay dapat ialay sa bayan. Sa halip na dependensiya o pagiging palaasa sa mga dayuhan sa pamamagitan ng pag-akit sa mga dayuhang mamumuhunan, nanawagan si Bonifacio sa sanaysay/editoryal na “Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog” na “... tayo’y umasa sa ating sarili at huwag hintayin sa iba ang ating 442 Suri, Saliksik, Sanaysay kabuhayan. Itinuturo ng katwiran ang tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at -akala at nang tayo’y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.” Sa mga kontemporaryong manunulat/edukador isa sa may pinakakomprehensibong pagtalakay si Renato Constantino (makabayang historian na ipina-house arrest ng diktadurang Marcos), partikular sa pamphlet na “Miseducation of the Filipino.” Inalingawngaw ni Constantino ang nasyonalismo ng mga bayaning nabanggit at binigyang-diin ang matibay na koneksyon ng edukasyon, ekonomya at iba pang aspekto ng lipunan: “Ang edukasyon ay mahalagang sandata ng sambayanang nagsisikhay makamtan ang kalayaan sa ekonomiya at politika, at muling pagsibol sa larangan ng kultura...Ang edukasyon ay di lamang pagsagap ng impormasyon kundi paghubog ng taong epektibo at may silbi sa kanyang sariling lipunan. Kung gayon, hindi maaaring ihiwalay sa lipunan ng isang bansa sa isang partikular na panahon ang edukasyon nito. Isang kahangalan na isiping ang mga layuning pang-edukasyon ay dapat magkakatulad saanman, at kung gayon, ang kinakailangan sa paghubog ng edukadong Amerikano ay siya ring kailangan sa paghubog ng edukadong Pilipino. Totoo lamang ito kung ang dalawang lipuna’y pareho ng antas sa politika, kultura at ekonomiya, at kung sila’y may pareho ring layuning politikal, kultural, at ekonomiko…” Para kay Constantino, ang edukasyon sa mga bansang dating kolonya (o sa konteksto ng Pilipinas, neokolonya) ay dapat magsikap na palayain ang mga mamamayan sa kanilang dinanas/dinaranas na pagkaalipin, sa halip na mangopya lamang ng kurikulum at/o sistema ng edukasyon ng ibang bansa. Sa ganitong diwa, malinaw na ang pakikibaka laban sa neokolonyalismo at imperyalismo ay mahalaga at hindi maihihiwalay na bahagi ng pakikibaka para sa makabayang edukasyon, lalo pa at may sapat na ebidensyang nagpapatunay na sakmal pa rin ng imperyalismo ang Pilipinas at iba pang bansa, batay sa paliwanag ni Sison sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino: “Ang ibig sabihin ng imperyalismo ay gera. Ang mga gera sa pagpapalawak mismo ay malaking negosyo na pinakikinabangan ng mga monopolyong kapitalista ng EU, pero sa bandang huli'y napapahamak din sila kung nabibigo ang mga gerang iyon. Ang di-makatarungang mga gerang iyon ang pinakamasamang klase ng pang- aapi at pagsasamantala sa mamamayang Amerkano at pati sa ibang sambayanan. Habang nagkukunwari ang imperyalistang estado na sinusunod nito ang "guhit ng tadhana", o wika nga nitong bandang huli'y idinidepensa ang "mundong malaya", pinipilit ang milyun-milyong manggagawang Amerikano na pag-ibayuhin ang monopolyong produksyon at magsundalo para lumaban sa ibang bayan. Layunin ng mga imperyalista na palawakin ang larangan ng monopolyong pamumuhunan Guro, Paaralan at Bayan 443 sa ibang bayan, gawing posible ang pagdidispatsa ng tambak-tambak na yaring kalakal at agawin ang mga mapapagkunan ng hilaw na materyales. Layuning pigain ang mas malaking ganansya sa ibang bayang kolonya at malakolonya...” Hinggil sa gerang imperyalista para sa pagdambong sa likas na yaman ng ibang bansa, sariwang-sariwa pa sa alaala ng madla ang gerang agresyon ng Estados Unidos sa Iraq o Iraq War. Mismong ang Secretary-General ng United Nations noon na si Kofi Annan ay nagdeklarang illegal ang gerang iyon (UN, 2004), habang mismong si Alan Greenspan, Chairman ng Federal Reserve of the United States (Bangko Sentral ng US) mula 1987-2006, ang umamin na “the Iraq war is largely about oil.” Ayon naman sa Chilcot Report (commissioned report ng gobyerno ng United Kingdom hinggil sag era sa Iraq), nagbangayan ang US at UK sa pagkontrol ng petrolyo ng Iraq pagkatapos ng gera (Macalister, 2016). Tinalakay rin sa dokumentaryong Fahreinheit 9/11 ni Michael Moore ang gerang ito sa ngalan ng petrolyo. Sa konteksto ng Pilipinas, tuloy ang RP-US Balikatan Exercises sa ilalim ng rehimeng Duterte, at inamin mismo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga tropang Amerikano sa mismong Marawi sa panahong kinukubkob nila ang mga kuta ng grupong Maute (Villamor, 2017), bagay na akmang-akma sa pokus ng U.S. Agency for International Development (USAID) na nagpapatupad ng Growth with Equity in Mindanao (GEM) Program mula 1995-2012. Sa isang fact sheet na may petsang September 14, 2010, ispesyal ang pagbanggit ng US Embassy sa Maynila hinggil sa Mindanao (habang walang banggit sa Luzon at Visayas): “American firms in Mindanao work in agriculture, fisheries, construction equipment, franchising, call centers and a wide range of consumer products and services.” Apat – Cargill, Del Monte Fresh, Marsman-Drysdale, Pepsi Cola – sa 26 na kumpanyang agribusiness na namuhunan ng higit 1 bilyong piso sa Mindanao ay pag-aari ng o may kasosyong Amerikano (Dy, 2016). Ang kumpanyang Saudi Arabian na Far Eastern Agricultural Investment Co. (FEAICO) ay kasosyo naman ng kumpanyang food exporter na AgriNurture Inc. (ANI) at Aztropex sa Pilipinas, sa plantasyon ng saging, pinya, mais atbp. sa Mindanao. Malapit na kaalyado ng US ang Saudi Arabia gaya ng pinatutunayan ng $100 bilyong kontrata ng US sa pagsusuplay ng armas sa Saudi (Holland, 2017). Ang panghihimasok ng Amerikanong militar sa Mindanao at sa iba pang bahagi ng bansa ay malinaw na konektado sa paghahangad nila na protektahan at mas mapalawak pa ang kanilang mga negosyo rito. Pansinin din ang pagiging eksporter at prodyuser ng produktong pangkonsumo (consumer goods) ng marami sa mga kumpanyang dayuhan sa bansa – patuloy sa pag-agaw sa ating hilaw na materyales, pagpiga ng “malaking ganansya sa ibang bayang kolonya at 444 Suri, Saliksik, Sanaysay malakolonya,” at “pagdidispatsa ng tambak-tambak na yaring kalakal” gaya ng banggit ni Sison. Sa pangkalahatan, maliit lamang ang pakinabang ng bansa sa mga dayuhang puhunan o foreign investment, kumpara sa tubong kinakamkam ng mga korporasyong dayuhan. Batay sa datos ng World Bank (2017), mula 2005-2015, US $ 31,380,000,000 ang kinita ng FDI na inilagak sa Pilipinas, at batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas/BSP (2017), US $5,470,000,000 lang ang muli nilang inilagak sa Pilipinas (reinvested earnings) – o 17.5% lamang ng kabuuang kinita ng FDI nila rito sa panahong iyon. Siyempre pa, kasosyo ng mga dayuhang korporasyon ang pinakamayayamang angkan sa Pilipinas gaya ng mga Sy at Ayala. Halimbawa, higit 30% ng stocks ng SM Investments Corporation (as of October 2017) at higit 35% ng stocks ng Ayala Corporation (as of October 2017) ay pag-aari ng mga dayuhan. Ang mga kumpanyang ito’y madalas ding bidder sa napakaraming malalaking proyekto ng gobyerno sa ilalim ng Public-Private-Partnership (PPP), dahil na rin sa kanilang malakas na koneksyon sa gobyerno. Halimbawa, transportation undersecretary for railroads sa ilalim ng rehimeng Duterte si Noel Kintanar (na dati ring opisyal sa Ayala Corporation), habang si Gregory Domingo na dating Department of Trade and Industry secretary sa ikalawang rehimeng Aquino ay dati namang opisyal sa SM Investments Corporation. Bukod pa rito, direktang bahagi ng malawakang pagpaplano ng ekonomya ng bansa ang mga kinatawan ng malalaking korporasyon sa pamamagitan ng mga entidad gaya ng ASEAN Business Advisory Council na pinopondohan din ng pera ng bayan. Ang mga kumpanya ring ito at/o ang kanilang mga subsidiary o sister companies ay sangkot sa mga kaso ng pangangamkam ng lupa ayon sa mga grupo ng mga magsasaka (Anakpawis Partylist, 2016; Olea, 2011; Takumi, 2014; DeGuzman, 2015; Uson, 2015), gaya rin ng maraming dambuhalang dayuhang korporasyon (Balana, 2011; Ibon, 2011; Salerno, 2011). Ang mayayamang angkan na pangunahing may-ari o kaya’y kasosyo ng mga nasabing korporasyon ang taunang laman din ng listahan ng bilyonaryo ng Forbes Magazine: kumikita ng limpak- limpak habang nakapako sa pasweldong baratilyo ang marami sa kanilang mga manggagawa. Halimbawa, maraming manggagawa sa SM at Ayala Malls ay may sweldong minimum lamang o mas mataas lamang nang kaunti sa minimum. Malinaw sa ganitong konteksto na hindi pa rin ganap na malaya ang Pilipinas: malapyudal at malakolonyal pa rin ito. Malakolonyal: sitwasyong mala-alipin; parang sakop pa rin ng dayuhan; parang kolonya pa rin; pinangingibabawan ng imperyalista sa aspektong kultural, politikal, ekonomiko atbp. Malapyudal: sitwasyong parang pyudal; wala nang literal na alipin dahil bawal na ang literal Guro, Paaralan at Bayan 445 na slavery pero parang alipin pa rin ang nakararami dahil barat ang pasweldo at wala halos pag-asang umangat sa buhay dahil hinuhuthot ng iilang mayayamang angkan at mga dayuhang korporasyon ang kanilang pinagpawisan. Malinaw na sakmal pa rin ng imperyalismo, burukrata-kapitalismo at pyudalismo ang Pilipinas. Sa ganitong konteksto, ang paghuhusga sa kurikulum ng K to 12 ay paghuhusga sa pagpapanatili, pagpapalala, o pagbalikwas nito sa sitwasyong malapyudal, malakolonyal ng Pilipinas: masasabi lamang na makabayan ang K to 12 kung nakapag-aambag ito sa paglaban ng mga mamamayan sa imperyalismo, burukrata-kapitalismo, at pyudalismo.

Kritik sa Pangkalahatang Ideolohiya at Direksyon ng K to 12

Hindi na detalyadong tatalakayin sa papel na ito ang kurikulum at sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol at imperyalismong Amerikano hanggang sa panahong bago mag-K to 12 sapagkat halos wala namang ipinagbago sa pangkalahatan ang sitwasyon ng edukasyon sa bansa sa mga panahong iyon. Maaaring balikan ang pamphlet na “Miseducation of the Filipino” (“Misedukasyon ng mga Pilipino”/“Ang Lisyang Edukasyon ng Mga Pilipino”) ni Renato Constantino, “World Bank Textbooks: Scenario for Deception” (“Mga Teksbuk ng World Bank: Pakana ng Panlilinlang”) ni Letizia Constantino, artikulong “Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin” ni Bienvenido Lumbera, “Philippine Education in the Neocolonial Period” ni Alexander Martin Remollino, at “The Philippine Educational System” ni Karlo Mongaya. Sa pangkalahatan, batay sa mga sangguniang ito, ang edukasyon bago mag-K to 12, lalo na mula sa panahon ng diktadurang Marcos ay naka-ayon sa pangangailangan ng mga imperyalistang bansa, dayuhang korporasyon at mga lokal nilang kasosyo kaya’t nagmistulang “pabrika ng misedukasyon” (parirala ni Letizia Constantino) ang mga paaralan, lalo pa at tahasang nakikialam ang mga dayuhang ahensyang gaya ng World Bank sa larangan ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga pananaliksik na umaayon sa mga gusto nilang pagbabago sa edukasyon at pagpapautang para sa paglalathala ng mga textbook na nakakiling sa ideolohiya ng imperialismo, burukrata-kapitalismo at pyudalismo – sa halip na malaya at mapagpalayang institusyong humuhubog ng mga Pilipinong makabayan, kasabay at kahanay ng pagpapatupad ng gobyerno sa Labor Export Policy/LEP (pag-eeksport ng 446 Suri, Saliksik, Sanaysay

OFWs), pag-akit sa dayuhang puhunan o foreign investments, at pagpapanatili sa kalagayang mala-kolonyal at mala-pyudal ng lipunang Pilipino – paraiso para sa iilang mayayaman at makapangyarihang dinastiyang kasosyo ng mga imperyalistang bansa at mga dayuhang korporasyon, at impyerno naman para sa mga ordinaryong mamamayang hindi nakikinabang sa sinasabing pag-unlad/ kaunlaran at modernisasyon. Mula sa Program for Decentralized Educational Development (PRODED) ng diktadurang Marcos at unang administrasyong Aquino, New Secondary Education Curriculum (NSEC) at Secondary Education Development Program (SEDP) ng unang administrasyong Aquino, New Elementary School Curriculum (NESC) ng unang administrasyong Aquino at administrasyong Ramos, Basic Education Curriculum (BEC), Revised Basic Education Curriculum (RBEC), Secondary Education Curriculum (SEC), at Refined Secondary Education Curriculum (RSEC) ng rehimeng Macapagal- Arroyo, hanggang sa K to 12 ng ikalawang administrasyong Aquino, nagpalit lamang ng pangalan ang mga programa at tagapagpatupad ngunit ang pangkalahatang framework ay hindi halos nagbabago.

K to 12: Pagpapalala sa Sitwasyong Malakolonyal, Malapyudal ng Pilipinas

Pinalalala pa (sa halip na lutasin) ng K to 12 ang sitwasyong malakolonyal, malapyudal ng Pilipinas. Mala-Joseph Goebbels na inulit-ulit ng mga maka-K to 12 ang mga diumano’y mabibigat na dahilan at batayan ng pagpapatupad ng K to 12: pagsunod sa pamantayang global sa layuning makipagkumpetisyon sa ibang bansa (“global competitiveness”) bilang destinasyon ng dayuhang puhunan at suplayer ng mga manggagawa/propesyunal, mabilis na pagmamanupaktura ng mga semi-skilled na manggagawa at propesyunal para sa lokal at internasyunal na merkado sa ilalim ng banderang anti-edukasyong tersyarya para sa nakararaming mamamayan, at pagpapatuloy at pagpapalawak ng pag-eeksport ng mga manggagawa/propesyunal (labor export policy). Mula mismo sa bibig ng gobyerno ang ideya ng K to 12 bilang pamparami ng Overseas Filipino Workers/OFWs gaya ng binigyang-diin sa artikulong “Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas.” Buhangin, kundi man burak, ang pundasyon ng argumento ng mga Guro, Paaralan at Bayan 447 maka-K to 12. Sa Overview ng Human Development Report 2016 ng United Nations Development Programme/UNDP (23-25), higit 70 bansa ang mas mahirap pa kaysa Pilipinas, at 2 lamang (Angola at Djibouti) sa mga ito ang hindi pa nagpapatupad ng K to 12. Hindi rin napaunlad ng K to 12 ang higit 70 bansa na matagal nang nag-K to 12! Sa huli niyang State of the Nation Address/SONA (2015), inihayag ni Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III ang isa pang walang batayang paliwanag hinggil sa K to 12: “We implemented K to 12 because it is not practical to cram learning in a 10-year basic education cycle...The credentials of our countrymen working overseas are already being questioned; there are also some who have been demoted because our diplomas are supposedly not proof of sufficient knowledge...” Kabaligtaran ng realidad ang pahayag ng gobyerno. Halimbawa, aktibong nagrerekrut ng mga Pilipinong nars ang National Health Service (NHS) ng United Kingdom at direktang pumupunta ang mga ahente nila sa Pilipinas upang maghanap ng pupuno sa 24,000 bakanteng posisyon noong 2016 (Weaver, 2016), at ayon sa mga anunsyo sa jobstreet.com.ph, gaya ng sa Jedegal Int’l. Manpower Services, Inc., maaaring mag-aplay para maging nars sa London ang mga Pilipinong may isang taon man lamang ng karanasan sa trabaho, at wala binabanggit na kailangan pa ang senior high school diploma. Bukod sa United Kingdom, may “government-to-government agreements” na ang Pilipinas para magpadala ng mga Pilipinong propesyunal sa sektor ng kalusugan sa Norway, Spain, Bahrain at Japan bago pa man maipatupad ang K to 12 (Makulec, 2014; vi). Sa pagsipat sa mga website ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay tatambad ang libu-libong job vacancies (2013-2016) para sa mga Pilipinong inhinyero, guro, manunulat, nars, manunulat, accountant sa halos lahat ng mga bansa mula Australia hanggang Zambia. Sa gayunding database ay may mga bakanteng posisyon para sa mga Pilipinong chemists, social workers, architects, agriculturists, dentists, foresters, geologists, guidance counselors, interior designers, librarians, master plumbers, medical technologists, doctors, midwives, nutritionists, optometrists, pharmacists, therapists, psychologists, radiologists, and veterinarians – mga propesyong saklaw ng Professional Regulatory Commission (PRC) ng Pilipinas. Maliwanag na kahit walang K to 12 ay in-demand na ang mga Pilipinong manggagawa. Ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na dineploy ng Pilipinas ay umabot na sa 1,844,406 (lagpas 5,000 kada araw) noong 2015 kumpara sa 1,832,668 (halos 5,000 kada araw) noong (POEA, 2015; 1). Noong 2015, ang Pilipinas ay una sa Timog-Silangang Asya at pangatlo 448 Suri, Saliksik, Sanaysay sa daigdig sa pagtanggap ng remitans (World Bank, 2016; v), at mula 1962-2012, pinakamalala/pinakanegatibo sa Timog-Silangang Asya ang rekord ng bansa sa net migration2 batay sa online na arkibo ng World Development Indicators ng World Bank. Samakatwid, kung susuriin mismo ang argumento ng gobyerno, hindi naman talaga kailangan ang K to 12, partikular ang karagdagang 2 taon ng hayskul. Ilohikal kung gayon ang hindi pagsunod ng gobyerno sa makatwirang rekomendasyon ng kaisa-isang kalitatibong pananaliksik sa isyu ng haba ng school cycle at kalidad ng edukasyon kaugnay ng K to 12 sa bansa (Felipe at Porio, c.2010): “(t)here is no clear empirical basis in TIMSS to justify a proposal for the Philippines to lengthen its education cycle...There is no basis to expect that lengthening the educational cycle calendar-wise, will improve the quality of education...The value of the 12-year cycle is ultimately a matter of weighing the large and certain costs against the uncertain gains in lengthening the education cycle. However, one can adopt a guideline in weighing these costs and gains. One such guideline may be that individuals who are inconvenienced by non-standardised cycles should be the ones to bear the costs of reducing those inconveniences. People in the farms and small barangays should be spared the burden of a system that will not benefit them. The government could help those interested in foreign studies and work placement by supporting an appropriate system of assessment, rather than tinker with the whole cycle length. This solution addresses the alleged problem in a more focused way and does not indiscriminately impose on every Filipino the costs of meeting the needs of a few.” Kaugnay ng mga interesado sa pag-aaral sa ibang bansa, dapat bigyang- diin na kahit noong wala pang K to 12 sa Pilipinas ay maraming Pilipino na ang nakakakakuha ng mga prestihiyosong iskolarsyip gaya ng Erasmus Mundus Programme ng European Union (EU). Ayon sa isang press release ng Delegation of the European Union to the Philippines (2014), mula 2004-2014 ay mahigit 200 estudyante at lektyurer mula Pilipinas ang nakinabang na sa Erasmus Mundus. Mula 1948 ay libu-libong Pilipino na rin ang nagbenepisyo naman sa Fulbright Program ng Estados Unidos kahit noong wala pa ang K to 12 (Philippine- American Educational Foundation/PAEF, 2017). Sa pangkalahatan, palalalain lamang ng K to 12 ang dependensiya ng Pilipinas sa remitans at pananatilihin nito ang kawalan ng industriyalisasyon sa bansa (San Juan 2013, 2014 at 2016), gaya ng pagsusuri ni Laquian (2011): “The

2 Ang negatibong net migration value ay nangangahulugang mas maraming taong pumapasok kaysa lumalabas ng bansa. Guro, Paaralan at Bayan 449 most serious negative effect of labour export policies has been the neglect of domestic production and poor investments in infrastructure, agriculture, mining, export promotion, and social development because of the easy availability of funds from remittances. The country may be likened to a man who has become lazy because he receives remittances from a wife working as a domestic worker abroad. For the government, the easy money from foreign remittances is a major cause of its inability to pursue sound economic development programs.” Ang mga bansang sagana sa likas na yaman gaya ng Pilipinas ay di lubos na uunlad o makaaabot sa mataas na antas ng kaunlaran kung hindi magsasabalikat ng industriyalisasyon (Chang, 2008 at Lichauco, 1986). Sa panahong wala pang plano para sa industriyalisasyon ng Pilipinas, trabahong kontraktwal at/o mababa ang sweldo ang naghihintay sa mga unang batch na magtatapos ng K to 12/senior high school (San Juan, 2013), lalo pa at mismong datos ng World Bank (2012) ang nagsasabing mas mataas ang average na sweldo ng mga graduate ng kolehiyo kaysa sa mga hindi graduate ng kolehiyo. Maisasakatuparan lamang ang industriyalisasyon na makapagpapaunlad sa ekonomya kung may sapat na manggagawa at propesyunal ang bansa para sa sarili nitong pangangailangan (Roblas, 2011; Institute of Chartered Accountants in England and Wales, 2015). Maging ang mga maka-K to 12 gaya ni Okabe (2013) ay nagpahayag na ang “enhancement” ng edukasyong sekundarya ay hindi sapat para magdulot ng kaunlaran, at maaari pa ngang magpalala sa “brain drain” at “brain waste” sa bansa: “[A]long with improving education, the government needs to encourage industrial development and growth of domestic industries that can provide employment for higher educated school graduates.” Katulad ito ng perspektiba ni Sison (2015): “(t)heoretically, a K-12 program, properly oriented, planned and managed, could lead to genuine reforms that will truly benefit the Filipino people and youth in the realm of education. A truly patriotic, mass-oriented, and scientific educational system will be able to train millions of youth, help empower the people and build their nation through heightened social consciousness, scientific knowledge and technical skills—while also contributing to the general advance of human knowledge and development worldwide.” Samakatwid, mayroon o walang K to 12, nilalaman ng kurikulum at oryentasyon ng pedagohiya ang magtatakda kung makapagpapaunlad sa bansa ang sistemang pang-edukasyon o hindi. Sa kasamaang-palad, hindi prayoridad ng gobyerno sa senior high school ang mga kursong kailangan para sa pagpapaunlad ng Pilipinas gaya ng Agrikultura at mga kursong para sa industriyalisasyon ng Pilipinas. Ang maraming kurso sa senior high school ng K to 12 ay eksaktong umaayon sa pangangailangan ng ibang 450 Suri, Saliksik, Sanaysay bansa gaya ng nakatala sa apendiks ng artikulong “Neoliberal Restructuring of Education in the Philippines: Dependency, Labor, Privatization, Critical Pedagogy, and the K to 12 System.” Gayundin, sa ilalim ng K to 12, inalis bilang bukod na subject sa kolehiyo ang “Agrarian Reform and Taxation” (Pag-aaral sa Reporma sa Lupa at Sistema ng Pagbubuwis), at “Philippine Government and Constitution” (Pag-aaral sa Konstitusyon at Sistema ng Gobyernon ng Bansa) – dalawang asignatura na may potensiyal sanang makapag-ambag sa paghubog ng mga estudyanteng makabayan, anti-pyudal at anti-imperyalista. Isinama na lang ang dalawang dating bukod na subject na ito bilang mga paksa na lang sa asignaturang “Readings in Philippine History” sa college. Siyempre pa, wala ring kritikal na pagsusuri ang kurikulum sa dayuhang pamumuhunan at sa mismong sistemang kapitalista sa kabila ng katotohanan na hindi ganap na nakikinabang sa paglago ng ekonomya sa ilalim ng sistemang ito ang mga ordinaryong mamamayan.

Pagbalewala sa Katangiang Multilinggwal at Multikultural ng Pilipinas

Hindi rin isinasalang-alang ang katangiang multilinggwal at multikultural ng Pilipinas. Sa curriculum guide para sa Araling Panlipunan sa junior high school, halos walang pagtalakay hinggil sa lumad at Moro – mga paksang napakahalaga sa pagtitiyak na mauunawaan ng mga estudyante ang puno’t dulo ng pakikibaka ng mga lumad at Moro para sa sariling pagpapasya na kaugnay ng pakikibaka ng buong sambayanang Pilipino para sa pambansang pagpapalaya. Halimbawa, ni hindi matatalakay kung paanong pakunwaring nilutas ng gobyerno ang rebelyon ng Hukbalahap/Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) sa pamamagitan ng programang resetelment ng mga magsasakang walang lupa sa Gitnang Luzon, sa Mindanao – bagay na isa sa dahilan ng komplikadong sitwasyon ngayon sa Mindanao dahil na rin sa may mga lumad at Moro na naitaboy ng ganitong iskema. Samantala, 20 beses binanggit ang salitang “Amerikano” sa curriculum guide ng Araling Panlipunan sa elementarya at junior high school pero hindi binanggit kahit isang beses ang “Moro” at “lumad” at isang beses lang binanggit ang “Muslim” sa kontekstong lokal (at isa rin sa kontekstong pandaigdig). Sa pangkalahatan, nananatili ring English ang default na wikang panturo sa Science & Technology, at Mathematics, atbp. sa kabila ng realidad na wala pang 1% ng populasyon ang nag-Iingles. Kaugnay nito, ang curriculum guide Guro, Paaralan at Bayan 451 ng “Mother Tongue” subject sa elementarya ay NASA ENGLISH, hindi kasali sa priority courses sa college ang BSE Filipino (Mula sa CHED Memo Order No. 01, Series of 2014) at ayon naman sa DepEd Order No. 3, Series of 2016, kasama sa criteria sa hiring ng teachers ang English communication skills, habang hindi naman kasama ang kasanayan sa komunikasyon sa Filipino. Bukod pa rito, inihain ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng Ikalawang Distrito ng Pampanga ang House Bill 5091 o “AN ACT TO STRENGTHEN AND ENHANCE THE USE OF ENGLISH AS THE MEDIUM OF INSTRUCTION IN THE EDUCATIONAL SYSTEM” noong Pebrero 21, 2017 kaya’t nanganganib na lalo pang maging anti-Filipino ang kurikulum sa buong sistemang pang-edukasyon. Layunin ng panukala ni Macapagal-Arroyo na gawing 70-30% ang hatian ng oras para sa English at sa Filipino sa mga paaralan.

Pagbibigay-prayoridad sa Dayuhang Paraan ng Pag-iisip

Kapag sinuri ang framework at mga materyales panturo sa ilalim ng K to12, makikitang mas pinahahalagahan nito ang mga dayuhang paraan ng pag-iisip. Ang framework mismo ng K to 12 at mga babasahing pinagbatayan nito ay kinopya lang sa mga dayuhan. Ang kurikulum ng K to 12 ay tumatanaw sa “labas” nang hindi muna sinuri ang “loob”; hinaharap ang mundo nang hindi muna kinikilala ang sarili. Sa mga teksbuk at modyul, kitang-kita ang pagbibigay-prayoridad sa mga dayuhang kaisipan. Halimbawa, sa halip na unggoy o anumang hayop mula Pilipinas ang gamitin, unggoy mula Indonesia ang nasa panimula ng Unit 1 ng Science Textbook ng DepEd Negros. Narito naman ang isang halimbawa ng aktibidad mula sa nasabing teksbuk: “Advanced Preparation. Each group must be assigned to bring a small bunch of grapes for the activity ahead of time. If the students have difficulty in finding the main material, other fruits or vegetables that demonstrate bunching may be used. Suggested alternatives for grapes are lanzones, cauliflower, niyug-niyogan, arosep or lato (sea weeds), or even tree branches.” Samantala, soccer/football naman ang nasa larawan sa Unit 1 ng Science Textbook ng DepEd Bataan, gayong mayroon namang sipa o sepak takraw ang mga Pilipino at Asyano. Ang introduksiyon ng kurikulum ng Filipino sa Grades 1-10 ay direktang ibinatay sa mga kaisipang dayuhan at may paconsuelo de bobo lamang na (at mababaw pa ngang) pagbanggit sa isang Pilipino: “Isinaalang-alang sa pagbuo 452 Suri, Saliksik, Sanaysay ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral. Pinagbatayan din ang mga legal na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stages of Learning), Leo Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), Robert Gagne (Heirarchical Learning), David Ausubel (Interactive/Integrated Learning), Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.” Tahas ding nakabatay ang kurikulum ng Araling Panlipunan sa Grades 1-10 sa dayuhang framework gaya ng binanggit sa panimula ng curriculum guide ng DepEd: ““Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral. Pinagbatayan din ang mga legal na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stages of Learning), Leo Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), Robert Gagne (Heirarchical Learning), David Ausubel (Interactive/ Integrated Learning), Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills- BICS at Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing “nasa kabataan ang pag-asa ng bayan”.” Ang curriculum guide naman ng Math sa Grade 1-10 at Science sa Grade 3-10 ay nangopya lamang sa kurikulum ng mga bansang mauunlad gaya ng US, Australia, New Zealand, Singapore, Japan at Canada.

Kurikulum na Urban-sentriko at Elitista

Maraming gawain/activity sa curriculum guide na kailangan ng internet at kompyuter kaya’t hindi isinaalang-alang na hindi lahat ay may internet, kompyuter, at kuryente! Mababa ang sahod kaya walang pambili ng kompyuter at pang-subscribe sa broadband ang maraming Pilipino. Katunayan, wala pang 10% ng populasyong may cellphone sa Pilipinas ang may subscription sa broadband (na mas mahal sa mobile broadband). Sa draft na modyul para sa Mga Kontemporaryong Isyu (Grade 10), ang unang gawain sa aralin tungkol sa globalisasyon ay “Guess the Logo,” at ang mga logong pinahuhulaan ay logo ng McDonald’s, Facebook, Google, Apple, National Basketball Association (NBA), at Nike. Etse-pwera na kaagad ang hindi Guro, Paaralan at Bayan 453 taga-lungsod at yaong mga walang access sa telebisyon at iba pang teknolohiya! Kung tutuusin, maaari naman itong balansehin sana sa pamamagitan ng pag-iisa- isa naman sa mga pananim o kaya’y prutas na ineeksport ng Pilipinas sa konteksto ng globalisasyon upang maka-relate din sa pagtalakay ang mga nasa lugar na rural. Sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino naman sa senior high school ay may tatlong kasanayang pampagkatuto (learning competency) na nakapokus sa paggawa o pagsusuri ng blog – mga kasanayang nangangailangan ng akses sa internet. Kaugnay nito, problematiko rin ang pokus sa internet ng asignaturang Media and Information Literacy sa senior high school.

Pagpapalabnaw at/o Paglusaw sa Mga Asignaturang Mahalaga sa Makabayang Edukasyon at Imposisyon ng Ideolohiyang Kapitalista

Sa pangkalahatan, malabnaw at kulang ang pagtuturo ng sariling wika, kultura at kasaysayan sa K to 12. Pinatay ang Philippine History subject sa high school. Tinanggal na rin bilang bukod na subjects ang Philippine Government & Constitution, at Agrarian Reform & Taxation, at isinama na lamang ang mga ito bilang paksa sa asignaturang Readings in Philippine History sa kolehiyo. Tinangka rin ng gobyerno na paslangin ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo ngunit matagumpay itong nilabanan ng Tanggol Wika. Samantala, ang ibang laman ng kurikulum ng Filipino sa junior high school ay pag-uulit lang ng tinuturo sa English class (nakapokus sa panitikang dayuhan), habang ang panitikang pambansa at rehiyunal ay sa Grade 7 at 8 lamang tinatalakay, at bahagi lamang din ng 21st Century Literature from the Philippines and the World sa senior high school, sa halip na bukod na subject. Gayundin, kung susuriing maigi, malabnaw at mababaw ang mga silabus sa ibang subject gaya sa Readings in Philippine History. Halimbawa, mababaw ng depinisyon ng “globalisasyon” sa curriculum guide ng DepEd sa Araling Panlipunan (Grade 1-10): “Globalisasyon– ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan sa aspeto ng ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o kultura.” Hindi nasasapul ng gayong simplistikong depinisyon ang lawak at lagim ng tunay na mukha ng globalisasyon – ang neoliberalismo na sumasaklaw sa liberalisasyon (pagtatanggal o pagbabawas ng mga limitasyon sa mga malalaking 454 Suri, Saliksik, Sanaysay negosyo gaya ng kontrol sa paglabas at pagpasok ng kapital/puhunan, buwis sa imported na produkto, mataas na corporate tax, mga batas na nagpoprotekta sa mga manggagawa atbp.); pribatisasyon (pagbebenta sa pribadong korporasyon ng mga dati-rati’y serbisyo publiko gaya ng mga paaralan, ospital atbp.); at deregulasyon (pagtatanggal o pagbabawas ng regulasyon sa mga industriya). Pansinin din kung sino ang mga “bayani” sa curriculum guide ng DepEd para sa Araling Panlipunan sa Grades 1-10: “Nabibigyang halaga ang mga kontribosyon ng mga Natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan Hal: Emilio Aguinaldo o Gregorio del Pilar o Miguel Malvar o Iba pang bayaning Pilipino” Samantala, wala si Macario Sakay na kapanahon din ng mga ito! Malabnaw at nagpipilit naming maging neutral ang bahaging ito ng modyul ng DepEd hinggil sa Batas Militar: “Ilan sa mga naisakatuparan ng Batas-Militar pagkatapos ng 9 na taon ay pagpapagawa ng imprastraktyur. Ang inaaning palay ay nadagdagan. Ang pagbabahagi ng lupaing pansakahan ay naging tahimik at maayos. Sa mga suliraning panlabas, sa tulong ni Unang Ginang Imelda R. Marcos ito ay sumulong. Naitatag ang relasyong pandiplomatiko sa Tsina, Unyong Sobyet at sa ibang mga bansang komunista sa Silangang Europa. Marami ring mga pulong pang-international ang ginanap sa Maynila. Marami ring di masyadong nabigyan ng pansin sa panahong ito. Ilan dito ay ang pang-aabuso ng mga militar. Katiwalian nang huling taon sa malaking paglustay sa sektor ng pananalapi at pagbabangko nang huling dalawang taon. Dahil dito nagkaroon ng dobleng implasyon, patuloy na tumataas ang utang panlabas at nagpapatuloy ang pagdami ng bilang ng walang hanapbuhay at ang pagbaba ng sahod ng manggagawa.” Tila cheerleader naman ni Tita Cory ang nagsulat ng modyul na ito ng DepEd hinggil sa People Power: “Isinulong ni Pangulong Aquino ang mga usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines, NPA, at MILF. Pinaimbestigahan din niya ang paglabag sa karapatang pantao noong panahon ni Marcos. Nagtalaga siya ng isang komisyon na naglayong maibalik ang mga ninakaw na yaman ng bansa noong panahon ni Pangulong Marcos…Noon at magpahanggang ngayon, kinikilala bilang “Ina ng Bansa” si Pangulong Aquino at sa kanyang hudyat at hikayat, muling natitipon ang mga tao upang magkaisa sa mapayapang protesta laban sa mga tiwaling opisyal.” May mga kompetensi rin sa curriculum guide sa Araling Panlipunan (Grade 1-10) ang kailangang isaayos o rebisahin sapagkat malabo ang ibig sabihin o kaya’y tiyak na subject to misinterpretation, gaya nito: “Nabibigyang halaga ang papel ng kolonyalismo at imperyalismo sa kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya”; “Nasusuri ang transpormasyon ng mga pamayanan at estado sa Timog Guro, Paaralan at Bayan 455 at Kanlurang Asya sa pagpasok ng mga kaisipan at impluwensiyang kanluranin sa larangan ng…”; “Nasusuri ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at matatag na pamahalaan”; “Natataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian(gender roles) sa iba’t bang larangan at institusyong panlipunan (trabaho, edukasyon, pamilya, pamahalaan, at relihiyon).” Lagpas pa rito, dapat ding punahin ang pagsamba sa “pamilihan,” sa merkado o market – sa sistemang kapitalista, ng curriculum guide sa Ekonomiks na inilabas ng DepEd. Sa esensya, pilit ipinapalunok ng curriculum guide sa mga estudyante na kapitalismo lamang ang sistemang ekonomiko na maaaring ipatupad – ang sistema kung saan lahat ng tao ay mabubuhay lamang kung tatanggapin ang barat na pasweldo ng mga diyos ng pamilihan at tumaas man ang swledo ay kailangang magdoble- kayod dahil sa diumano’y batas ng suplay at demand at dahil daw sa implasyon. Bukod dito, ang nasabing curriculum guide ay may competency sa pagbabayad ng buwis ng mamamayan: “Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis,” pero walang pagbanggit sa obligasyon din ng mga korporasyon na magbayad ng buwis at mag-ambag sa kaunlarang pambansa. Pansinin din ang pagbibigay-diin ng competency na ito sa isang partikular na halimbawa ng industriya na mga dambuhalang korporasyon lamang ang nakinabang sa mga nakaraang dekada: “Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya, tulad ng pagmimina, tungo sa isang masiglang ekonomiya.” Sa kabila ng pag-eeksport ng bansa sa mga mineral nito, 0.004% lamang ng kita ng gobyerno ang mula sa pagmimina, habang bilyun-bilyong piso ang kinikita ng mga dambuhalang kumpanya ng mina sa bansa. Halimbawa, 10.3 bilyong piso ang consolidated revenue ng Philex Mining Corp. noong 2016. Hindi man lamang din isinaalang-alang ng competency na ito ang malawak na pagtutol ng mga lumad (at maging ng mga ordinaryong mamamayang hindi lumad) sa pagmimina sa kanilang mga lupang ninuno. Kagimbal-gimbal din ang papuri ng nasabing curriculum guide sa malayang kalakalan o free trade sa pamamagitan ng eupemistikong paglalahad: “Napahahalagahan ang kontribusyon ng kalakalang panlabas sa pag-unlad ekonomiya ng bansa.” Dapat bigyang-diin na batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas mismo, sa mga nakaraang dekada, halos bawat taon ay mas marami ang ating produktong inimport kaysa ineksport kaya’t sa konteksto ng malayang kalakalan ay luging-lugi tayo, lalo na kapag itinala rin ang mga industriya at negosyo sa Pilipinas na nalugi o kaya’y lumiit ang benta dahil sa matinding kumpetisyong dulot ng walang habas na importasyon (gaya ng kaso ng sapatos, tela, gulay, asukal atbp.). 456 Suri, Saliksik, Sanaysay

Kawalan ng Demokratikong Proseso sa Pagbubuo ng Kurikulum

Gaya ng mga nakaraang pagbabago sa kurikulum, ang implementasyon ng K to 12 ay isang imposisyong mula sa itaas na isinagawa nang wala man lamang malawakang diskusyon at konsultasyon sa iba’t ibang sektor. Hindi kataka-taka na anim na kasong kontra K to 12 ang isinampa ng iba’t ibang grupong mula sa iba’t ibang oryentasyong ideolohikal. Ang lahat ng curriculum guide ay binuo ng iilan lamang “eksperto” at hindi isinailalim sa malawakang konsultasyon. Gayundin, ang mga nauupong DepEd secretary at CHED commissioners ay karaniwang walang mahabang panahon ng karanasan ng pagiging aktwal na classroom teacher kaya naman wala ring malalim na pag-unawa sa problema ng kurikulum at ng buong sistemang pang-edukasyon. Sa pangkalahatan, ang kawalan ng demokratikong proseso sa pagbubuo ng kurikulum ng K to 12 ay isa sa mga dahilan kung bakit ang kasalukuyang sistemang pang-edukasyon ay nananatiling “pabrika ng misedukasyon” na nagmamanupaktura ng mga manggagawa at propesyunal na pang-eksport at/o para sa mga korporasyon sa halip na mga Pilipinong mag- aambag sa pag-unlad ng sariling pamayanan at bayan.

Pangwakas

Hamon sa ating lahat na iwasto ang mga mali, baguhin ang mga dapat baguhin, palitan ang dapat palitan. Sama-sama nating likhain ang bagong kurikulum na akma sa pangangailangan ng bansa, at huhubog ng mga Pilipinong mag-aambag sa pag-unlad ng bansa at kapwa mamamayan. Bottom-up, baba-pataas ang prosesong dapat mamayani sa pagbuo ng kurikulum, sa halip na taas-baba o top-down, para matiyak na ang mga pangangailangan ng bawat komunidad sa ating arkipelago ay matutugunan ng kurikulum. Higit sa lahat, sa pamamagitan lamang ng gayong demokratikong proseso mabubuo ang isang kurikulum na makapagdurugtong- dugtong sa kasanayan at kakayahan ng ating mga mamamayan at mga pamayanan tungo sa pagbubuo ng bansang malaya, nakasandig-sa-sarili, maunlad, mapayapa, makatarungan at tumutulong din sa pag-unlad ng mga bansang may katulad na karanasan at pangarap. Guro, Paaralan at Bayan 457

Mga Sanggunian:

Anakpawis Partylist. 2016. “Displacing more than 300 families in Patungan Cove, Maragondon – Anakpawis condemns land grabbing by old and new rich elite.” http://www.anakpawis.net/2016/07/displacing-more-than-300-families-in- patungan-cove-maragondon-anakpawis-condemns-land-grabbing-by-old-and- new-rich-elite/

Ayala Corporation Company Disclosures. http://edge.pse.com.ph/ companyDisclosures/form.do?cmpy_id=57 Balana, Cynthia. 2011. “Int’l group probes alleged land-grab by foreign firms.” http://newsinfo.inquirer.net/12098/int%E2%80%99l-group-probes-alleged-land- grab-by-foreign-firms

DeGuzman, Violeta. 2015. “Whose Land? Whose Development?.” http:// globalnation.inquirer.net/123652/whose-land-whose-development DepEd. Draft Module: ARALING PANLIPUNAN 10. https://drive.google.com/ file/d/0B_TibwEltyeucmJpLWxaRGZWZGc/view

BSP. “Philippines Balance of Payments.” http://www.bsp.gov.ph/statistics/sdds/ boprevs/bop99-12.htm

Deped. Draft Module: ARALING PANLIPUNAN Grade 8. https://drive.google. com/file/d/0B_TibwEltyeuNlF0NkhZQVpGUHc/view

Deped. Curriculum Guide: Araling Panlipunan (Grade 1-10). http://www.deped.gov. ph/sites/default/files/page/2017/AP%20CG!.pdf

Deped. Curriculum Guide: Mathematics. (Grade 1-10). http://www.deped.gov. ph/sites/default/files/page/2016/Math%20CG_with%20tagged%20math%20 equipment.pdf

Deped. Curriculum Guide: Filipino (Grade 1-10). http://www.deped.gov.ph/sites/ default/files/page/2016/Filipino%20CG.pdf

Deped. Curriculum Guide: Science (Grade 3-10). http://www.deped.gov.ph/sites/ default/files/page/2017/Science%20CG_with%20tagged%20sci%20equipment_ revised.pdf

DepEd. “Senior High School Core Curriculum Subjects.” http://www.deped.gov. ph/k-to-12/curriculum-guides/Core-SHS

Dy, Rolando. 2016. “Mindanao elite investors.” http://business.inquirer. net/217898/mindanao-elite-investors 458 Suri, Saliksik, Sanaysay

Holland, Steve. 2017. “U.S. nears $100 billion arms deal for Saudi Arabia: White House official.” https://www.reuters.com/article/us-usa-trump-saudi/u-s-nears- 100-billion-arms-deal-for-saudi-arabia-white-house-official-idUSKBN18832N IBON. 2011. “FOREIGN LAND DEALS: GLOBAL LAND GRABBING?” http://www.twn.my/twnf/2012/3858.htm

Macalister, Terry. 2016. “US and Britain wrangled over Iraq's oil in aftermath of war, Chilcot shows.” https://www.theguardian.com/uk-news/2016/jul/07/us-and- britain-wrangled-over-iraqs-oil-in-aftermath-of-war-chilcot-shows

Olea, Ronalyn. 2011. “DAR accused of ‘conniving’ with Henry Sy’s firm to evict Hacienda Looc farmers.” http://bulatlat.com/main/2011/09/22/dar-accused-of- %E2%80%98conniving%E2%80%99-with-henry-sy%E2%80%99s-firm-to-evict- hacienda-looc-farmers/

Salerno, Tania. 2011. “Transnational Land Deals in Mindanao: Situating Ambivalent Farmer Responses in Local Politics.” https://www.iss.nl/fileadmin/ ASSETS/iss/Documents/Conference_papers/LDPI/16_Tania_Salerno.pdf Sison, Jose Maria. 1970. Lipunan at Rebolusyong Pilipino. https://aklatangtibak.files. wordpress.com/2013/05/lrp.pdf

SM Investments Corporation Company Disclosures. http://edge.pse.com.ph/ companyDisclosures/form.do?cmpy_id=599

Takumi, Rie. 2014. “Pampanga farmers march to reclaim land ‘grabbed’ by big developers.” http://www.gmanetwork.com/news/news/regions/364569/pampanga- farmers-march-to-reclaim-land-grabbed-by-big-developers/story/

UN. 2004. “Lessons of Iraq war underscore importance of UN Charter – Annan.” http://www.un.org/apps/news/story.asp?NewsID=11953#.We1DPFSCzcs

US Embassy in Manila. 2010. “Factshee: AMERICAN BUSINESS ENGAGEMENT IN THE PHILIPPINES.” https://photos.state.gov/libraries/ manila/19452/pdfs/FCSFACTSHEET-14Sept10.pdf

US Office of the Inspector General. “AUDIT OF USAID/PHILIPPINES’ GROWTH WITH EQUITY IN MINDANAO (GEM-3) PROGRAM.” https://oig.usaid.gov/sites/default/files/audit-reports/5-492-12-002-p.pdf

USAID. “PERFORMANCE EVALUATION OF USAID/PHILIPPINES GROWTH WITH EQUITY IN MINDANAO III (GEM-3) PROGRAM.” https://www.usaid.gov/sites/default/files/documents/1861/SIs_Final_Evaluation_ Report-Growth_Equity_Mindanao_III_Annexes.pdf

Uson, Maria Angelina. 2015. “Land grabs, climate change, and disasters: exploring the politics of their intersection in a Philippine small island.” https://www.iss. Guro, Paaralan at Bayan 459 nl/fileadmin/ASSETS/iss/Research_and_projects/Research_networks/LDPI/ CMCP_11-Uson.pdf

Villamor, Felipe. 2017. “U.S. Troops in Besieged City of Marawi, Philippine Military Says.” https://www.nytimes.com/2017/06/14/world/asia/philippines- marawi-us-troops.html

Aquino, B. S. (2015). State of the nation address. Retrieved from http://www.gov. ph/2015/07/27/president-aquino-sixth-sona/

Chang, H. J. (2008). Bad samaritans: The myth of free trade and the secret history of capitalism. New York: Bloomsbury Press.

Delegation of the European Union to the Philippines. (2014). “30 Filipinos to take their MA and PhD Programmes in EU under the European Union's Erasmus Mundus Programme.” Retrieved from http://eeas.europa.eu/archives/delegations/ philippines/documents/press_corner/20141508.pdf

Felipe, A. & Porio, C. (c.2010). Length of school cycle and the “quality” of education. Retrieved from https://clubmanila.files.wordpress.com/2016/04/length- of-school-cycle-and-the.pdf

Institute of Chartered Accountants in England and Wales (2015). Economic Insight South East Asia Quarterly briefing Q1 2015. Retrieved from https:// www.icaew.com/~/media/corporate/files/about%20icaew/what%20we%20do/ economic%20insight/2015/sea/final%20south-east-asia-q1-2015-web.ashx

Laquian, P. (2011). “The Philippines’ Labour Export Policies – Pros and Cons.” Asia-Pacific Memo. 22 November 2011. Retrieved from http://www. asiapacificmemo.ca/the-philippines-labour-export-policies-pros-and-cons

Lichauco, A. (1986). Towards a new economic order and the conquest of mass poverty. Quezon City: A. Lichauco.

Makulec, A. (2014). Philippines’ Bilateral Labour Arrangements on Health Care Professional Migration: In Search of Meaning. International Labour Organization (ILO). Retrieved from http://www.ilo.org/wcmsp5/groups/public/---asia/---ro- bangkok/---ilo-manila/documents/publication/wcms_320609.pdf

National Democratic Front of the Philippines (2017). Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER). Retrieved from http://justpeace.ph/wp- content/uploads/2017/02/CASER-draft-as-of-1701-12-exchanged-with-GRP.pdf

Okabe, M. (2013). Where Does Philippine Education Go? The “K to 12” Program and Reform of Philippine Basic Education. Institute of Developing Economies. Retrieved from http://www.ide.go.jp/English/Publish/Download/Dp/pdf/425.pdf 460 Suri, Saliksik, Sanaysay

Philippine-American Educational Foundation/PAEF. (2017). “About PAEF.” Retrieved from http://fulbright.org.ph/about-paef/

Philippine Overseas Employment Administration/POEA. (2015). OVERSEAS EMPLOYMENT STATISTICS: DEPLOYED OVERSEAS FILIPINO WORKERS 2014-2015. Retrieved from http://www.poea.gov.ph/ofwstat/ compendium/2015.pdf

Roblas, M. I. (2011). “PH S&T OFW BRAIN DRAIN RISES TO 148%” Department of Science and Technology. 16 February 2011. Retrieved from http:// www.dost.gov.ph/knowledge-resources/news/36-2011-news/295-ph-s-t-ofw- brain-drain-rises-to-148

San Juan, D. M. M. (2013). Kaisipang nasyonalista at teoryang dependensiya sa edukasyon: Ideolohikal na kritik ng programang K to 12 ng Pilipinas/Nationalism and dependency theory in education: An ideological critique of the Philippine K to 12 program. Malay, 26(1), 96–120. Retrieved from http://ejournals.ph/index. php?journal=malay&page=article&op=viewArticle&path%5b%5d=7156

San Juan, D. M. M. (2014). Pambansang salbabida at kadena ng dependensiya: Isang kritikal na pagsusuri sa labor export policy (LEP) ng Pilipinas/National lifesaver and chains of dependence: A critical review of the Philippine labor export policy (LEP). Malay, 27(1), 46–68. Retrieved from http://ejournals.ph/index. php?journal=malay&page=article&op=view&path%5b%5d=8608

San Juan, D. M. M. (2016). Neoliberal Restructuring of Education in the Philippines: Dependency, Labor, Privatization, Critical Pedagogy, and the K to 12 System. Asia-Pacific Social Science Review, 16 (1), 80-110. Retrieved from https:// www.ejournals.ph/article.php?id=9857

Sison, J. M. (2015). “APEC’s neoliberal offensive and its effect on Philippine education.” Retrieved from http://josemariasison.org/apecs-neoliberal-offensive- and-its-effect-on-philippine-education/

Sison, J.M. (2015). Crisis Generates Resistance (Volume 1: 2009-2015). International Network for Philippine Studies (INPS).

Sison, J.M. (1998). Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya. Kapisanan ng mga Tagasalin para sa Bayan (KASABAY). Retrieved from from https:// aklatangbayan.files.wordpress.com/2013/02/makibaka_para_sa_pambansang_ demokrasya_ikatlong_ed_-_aklat.pdf

United Nations Development Programme. (2016). Overview: Human Development Report 2016 (Human Development for Everyone). Retrieved from http://hdr.undp.org/sites/default/files/HDR2016_EN_Overview_Web.pdf Guro, Paaralan at Bayan 461

Weaver, M. (2016). “NHS nurse shortages 'to last another four years'.” The Guardian. 29 February 2016. Retrieved from https://www.theguardian.com/ society/2016/feb/29/nhs-nurse-shortages-to-last-another-four-years

World Bank. (2016). Migration and remittances factbook 2016. Washington, D.C.: Global Knowledge Partnership on Migration and Development (KNOMAD). Retrieved from https://siteresources.worldbank.org/INTPROSPECTS/ Resources/334934-1199807908806/4549025-1450455807487/Factbookpart1.pdf

Jacinto, Emilio. “Kartilya ng Katipunan.” http://www.bayani.com/kuta/kartilya.php Constantino, Renato. “Miseducation of the Filipino.” https://nonlinearhistorynut. files.wordpress.com/2010/02/miseducation-of-a-filipino.pdf

Constantino, Renato. “Lisyang Edukasyon ng Mga Pilipino.” trans. Luis Maria Martinez. https://fil40online.files.wordpress.com/2012/06/lisyang-edukasyon-ng- pilipino.pdf

Lumbera, Bienvenido. 2007. “Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin” sa Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the Philippines. eds. Bienvenido Lumbera et al. http://cnsupdiliman.weebly. com/uploads/4/7/1/0/4710922/mula_tore_patunong_palengke_-_neoliberal_ education_in_the_philippines.pdf

Remollino, Alexander Martin. 2007. “Philippine Education in the Neocolonial Period.” sa Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the Philippines. eds. Bienvenido Lumbera et al. http://cnsupdiliman.weebly.com/ uploads/4/7/1/0/4710922/mula_tore_patunong_palengke_-_neoliberal_ education_in_the_philippines.pdf

Mongaya, Karlo. “The Philippine Educational System.” https://karlomongaya. wordpress.com/2012/01/06/the-philippine-educational-system-1/ https://www.bir.gov.ph/images/bir_files/internal_communications_1/ Advisory/amended_Annex%20A_by%20rank.pdf http://www.ntrc.gov.ph/images/journal/2016/j20160708b.pdf

Hinggil sa May-Akda: David Michael M. San Juan

angulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Full Professor sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila (DLSU-Manila), at Affiliate ng DLSU Southeast Asia Research Center and Hub (DLSU SEARCH). Dating Vice Head ng National Committee on Language and Translation sa ilalim ng PNational Commission for Culture and the Arts (NCCA). Isa sa mga lead convenor ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika). Itinanghal na "Mananaysay ng Taon(2009) "Makata ng Taon" (2010) ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil sa pagwawagi ng Unang Gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay at sa Gawad Surian sa Tula-Talaang Ginto. Associate member ng Division I (Governmental, Educational and International Policies) ng National Research Council of the Philippines (NRCP). Isa rin siya sa mga may-akda ng antolohiyang "Rizal ng Bayan" (print: 2011; online: 2020), isang koleksyon ng mga sanaysay tungkol sa buhay at mga sinulat ni Jose Rizal. Mababasa sa dmmsanjuan. com ang iba pa niyang saliksik at lathalain.