NARRATOR: Sa Isang Bapor Na Nagngangalang Tabo. Kakikitaan Ang Bapor Ng Ibat Ibang Uri Ng Tao

NARRATOR: Sa Isang Bapor Na Nagngangalang Tabo. Kakikitaan Ang Bapor Ng Ibat Ibang Uri Ng Tao

UNANG TAGPO NARRATOR: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng ibat ibang uri ng tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa.ang bapor ay patungong Laguna mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay anng mga prayle/reverendos, si Isagani, ang mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya Victorina, isang mag-aalahas na nagngangalang Simoun, at si Basilio Natatangi sa lahat ng nakasakay ay si Donya Victorina. Siya lamang ang nakikiumpok sa mg Europeo ay panay ang panlalait ny a sa bapor. DONYA VICTORINA: Anu ba yan?! Ang bagal naman ng bapor na ito. Sigaw pa ng sigaw ang kapitan na iyon. Nakakabingi. May naglalaba pa at ang higit ay may naliligo pa sa ilog. Kakaani. Wala talagang maayon na ilog ung mga indiyo. NARRATOR: Nagkatinginan ang mga kasama ni Donya Victorina at ang mag-aalahas na si Simoun ay nagbigay ng opinyon sa ilog. SIMOUN: Bakit hindi kaya humukay ng malaking kanal na mula sa bunganga ng ilog hanggang sa paglabas na maglalagos sa Maynila, ang mga lupang mahuhukay ay itabon sa dating ilog. Sa gayon ay hindi maaksaya ang lupa at iikli pa an g oras ng byahe at mawawala ang bahaging mababaw. NARRATOR: Napasang-ayon ditto ang manunulat na si Ben Zayb. Ang hindi sumang-ayon ay si Don Custodio. DON CUSTODIO: Mawalang galang po ginoo, hindi po ako sang-ayon sa inyong panukala dahil maraming salapi ang magamit at mapipinsala ang mga bayan. SIMOUN: Kung kailangan, bakit hindi? DON CUSTODIO: At saan kukuha ng salapi? SIMOUN: Walang gugugulin. Pagawain ang mga bilanggo at bihag. DON CUSTODIO: Hindi sila sapat, Ginoong Simoun. SIMOUN: Kung hindi, pagawain ang mga mamamayan, mga bata at matanda. Gawing tatlo, apat o limang buwan ang pagpapagawa at pagdalhin sila ng sariling gamit. NARRATOR: Hindi akalain ni Don Custodio na ganito ang sasabihin ni Simoun. Narraor: Sa ilalim ng kubyerta ng bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio at Kapitan Basilio. Kapt. Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiago? Basilio: Tulad ng dait, ayaw paring magpagamot ni Kapitan Tiago. Kapt. Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ng masamang gamut na iyan. Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamanng katutubo pa lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio? Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama) Kapt. Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit itoy hindi gaanong napapansin dahil abala nag marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila? Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang mga mag-aaral. Kapt. Basilio: Mabuti kung ganoon. Sanay magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano, mauna na ako sa inyo. Kai lingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo. (Pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdatinng ng mag-aalahas na sa Simoun.) Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon? Basilio: Ganoon na nga po G. Simoun. Simoun: at sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya? Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba k ayo nakakarating sa bayan nila? Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao dooy hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon. Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman naming kailangan. Basilio: Ipagpaumanhin ninyo G. Simoun, kamiy mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan. IKALAWANG TAGPO Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa bahay ni Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego. Inabutan nila sa daanan ang prusisyon ng ibat ibang santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang makapagaral ng medisina. Sa tuwing uuwi sa Basilio sa San Diego, lagi niyang binibisita ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni Basilio. Basilio: Si G. Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina? (Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon, may labingtatlong taon na ang n akakalipas, isang lalaking nagngangalang Crisostomo Ibarra ang inabutan niya sa gitna ng gubat. Ditoy pinakiusapan siya nito na tulungang sunugun ang bangkay ng isang di niya kilalang lalaki.) Basilio: May maitutulong po ba ako sa inyo, G. Simoun? (Gulat na liningon ni Simoun ang tinig.) Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito? Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, at kung hindi ako nagkakamali, kayo si Crisostomo Ibarra. Si G. Ibarra, na sa pagkakaalam ng lahat ay patay na! (Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.) Simoun: Isang nakmamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil ditto ay maaari kang masawi sa aking kamay? Basilio: Iba ang pagkakakilala ko sa inyo G. Simoun. Simoun: Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa akin. Ang maaaring pagkakabunyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong paghihiganti! Sa plano kong matagal ko nang pinaghandaan! Basilio: G. Simoun! Nooy hinatulan kayong filibustero at dahil dooy kayoy napakulong, muli ba ninyo itong hahayaang mangyari? Simoun: Walang ibang nakakaalam nito maliban sa ating dalawa. At kung mawawala ka sa aking landas ay mananatili itong isang lihim. Madaling palabasin na napatay ka ng mga tulisan sa loob ng gubat na ito. Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo. Simoun: Totoong akoy naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayoy nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kun di sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan! Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino. Simoun: Isang pagkakamali!Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wiakng ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao! Basilio: G. Simoun, mali ang inyong iniisip. Simoun: Sa simula pa lamang, akin nang nasaksihan ang inyong lupon. Ang mga kabataang naghahangad na itatag ang Akademya. Ilang bese ko na ring tinangkang lapitan si Macaraig, o si Isagani, upang ihayag sa inyo ang mga pagkakamali ng inyong binabalak, ngunit alam kong hindi kayo makikinig at inyo lamang iisipin na akoy n asisiraan ng bait. Ngunit, narito na sa akin ang pagkakataon. Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Kahit na alanm kong ang nakataya ditto ay ang katuparan ng aking mga plano. Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin, sabya nating isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga mapang-api! Basilio: Salamat sa pagtitiwala G. Simoun, ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto kong makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na duktor. Simoun: at ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tin atapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila? Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kayak o bang silang iapglaban gayong ako mis mo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila. Simoun: At kung ibibigay ko sayo ang aking tulong? Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na sinag magagawa. Hindi na kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking ina at kapatid. Hayaan na natin silang matahimik. Wala rin naman akong mapapala sa aking paghihiganti. Simoun: Pareho lamang tayo ng karanasan Basilio. Ganyan din ako noon. Ipinagwalang bahala ko ang lahat. Ngunit, s a pagwawalang bahala na ito, ikaw pa ang masama! Ikaw pa ang kanilang kamumuhian! Basilio: Ako pa ang kanilang kamumuhian sa kabila ng mga ginawa nila sa akin? Simuon: Natural lamang sa tao na magalit sa kanyang nasaktan. Lumalalim na ang gabi. Bumalik ka na sa inyo. Basili o, hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking lihim, dahi kahit ihayag mo itiy tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan. Gayon nam, kkung sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta. (Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun a kanyang kinatatayuan.) Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! mamatay anng mahihina at matira nag mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang. IKATLONG TAGPO Tagpuan: Sa bahay ni Macaraig nagtipon-tipon ang mga estudyanteng kasama sa grupo na naghahangad mapatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Ilan sa mga ito ay si Sandoval, ang estudyanteng mahilig manalumpati, si Isagani, ang makata, si Pecson, na puro pag- aalinlangan, at si Pelaez,ang anak ng isang Kastilang mangangalakal.

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    10 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us