Mga Turo Ng Mga Pangulo Ng Simbahan Gordon B. Hinckley MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN GORDON B

Mga Turo Ng Mga Pangulo Ng Simbahan Gordon B. Hinckley MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN GORDON B

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Hinckley ng Gordon B. Pangulo mga Turo ng Mga Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan Gordon B. Hinckley MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN GORDON B. HINCKLEY Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw Salt Lake City, Utah Mga Aklat sa Seryeng Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (aytem bilang 36481 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Brigham Young (35554 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: John Taylor (35969 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Wilford Woodruff (36315 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Lorenzo Snow (36787 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph F. Smith (35744 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Heber J. Grant (35970 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: George Albert Smith (36786 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: David O. McKay (36492 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Fielding Smith (36907 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Harold B. Lee (35892 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball (36500 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Ezra Taft Benson (08860 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Howard W. Hunter (08861 893) Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Gordon B. Hinckley (08862 893) Para makakuha ng kopya ng mga aklat na ito, magpunta sa isang distribu- tion center ng Simbahan o bumisita sa store. lds. org. Ang mga aklat na ito ay makukuha rin sa mga digital format sa LDS.org at sa Gospel Library mobile application. Ang inyong mga puna at mungkahi tungkol sa aklat na ito ay pasasalamatan. Mangyaring isumite ang mga ito sa: Curriculum Development 50 East North Temple Street Salt Lake City, UT 84150- 0024 USA Email: pth - development@ ldschurch. org Isulat lamang ang inyong pangalan, address, ward, at stake. Tiyaking ibigay ang pamagat ng aklat. Pagkatapos ay ibigay ang inyong mga puna at mungkahi tungkol sa mga kalakasan ng aklat at mga bahaging maaari pang pagandahin. © 2016 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika Pagsang- ayon sa Ingles: 3/11 Pagsang- ayon sa pagsasalin: 3/11 Pagsasalin ng Teachings of Presidents of the Church: Gordon B. Hinckley Tagalog 08862 893 Mga Nilalaman Pambungad ........................................vi Buod ng Kasaysayan .................................xi Ang Buhay at Ministeryo ni Gordon B. Hinckley .............1 1 Ang Panunumbalik ng Ebanghelyo—sa Pagsikat ng Umagang Maningning .............................49 2 Isang Sagisag sa mga Bansa, Isang Ilaw ng Sanlibutan. 63 3 Pagkakaroon ng Masayang Pag- uugali at Magandang Pananaw .......................................77 4 Ang Pamana ng Pananampalataya at Sakripisyo ng mga Pioneer. 91 5 Mga Anak na Babae ng Diyos ......................107 6 Napakabisa ng Panalangin .........................121 7 Ang mga Bulong ng Espiritu .......................133 8 Umaasa Tayo kay Cristo. 143 9 Ang Mahalagang Kaloob na Patotoo .................157 10 Pangangalaga sa Walang- Hanggang Pagsasamahan ng Mag- asawa .....................................171 11 Tahanan—Ang Pundasyon ng Matwid na Pamumuhay ....185 12 Pagsunod: Ipamuhay Lamang ang Ebanghelyo .........199 13 Kapayapaan at Katiwasayan sa Pamamagitan ng Temporal na Pag- asa sa Sarili .......................213 14 Kalimutan ang Ating Sarili sa Paglilingkod sa Iba. .225 15 Ang Banal na Priesthood ..........................237 16 Ang Kapangyarihan ng Aklat ni Mormon. .251 17 Magpatuloy sa Napakahalagang Proseso ng Pag- aaral ....263 18 Kabanalan—Isang Batong Panulok na Mapagsasaligan Natin sa Buhay ..................................279 19 Pamumuno ng mga Mayhawak ng Priesthood sa Simbahan ni Jesucristo ............................289 20 Makisalamuha sa mga Taong Iba ang Pananampalataya ...305 21 Ang Himala ng Gawaing Misyonero sa mga Huling Araw .........................................317 MGA NILALAMAN 22 Pagtulong nang May Pagmamahal sa mga Bagong Convert at Di- Gaanong Aktibong Miyembro ...........331 23 Ang mga Pagpapala ng Banal na Templo. .345 24 Ang Pagbabayad- sala ni Jesucristo: Para sa Lahat ng Tao, Ngunit Personal ang Epekto. .359 25 Sumulong nang May Pananampalataya ...............373 Listahan ng mga Larawan .............................385 Indeks ...........................................387 iv Pambungad Ang Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol ay nagpasimula ng seryeng Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan para tulungan kayong higit na mapalapit sa inyong Ama sa Langit at mapalalim ang inyong pag-unawa sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo. Sa pagdaragdag ng Simbahan ng mga aklat sa seryeng ito, makakakolekta kayo ng mga reperensyang aklat ng ebanghelyo sa inyong tahanan. Ang mga aklat na ito ay nilayong magamit sa personal na pag- aaral at sa pagtuturo sa araw ng Linggo. Matutulu- ngan din kayo nitong maghanda ng mga lesson para sa family home evening, maghanda ng iba pang mga lesson o mensahe, at sagutin ang mga tanong tungkol sa doktrina ng Simbahan. Tampok sa aklat na ito ang mga turo ni Pangulong Gordon B. Hinckley, na naglingkod bilang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw mula Marso 12, 1995, hanggang Enero 27, 2008. Personal na Pag- aaral Sa pag- aaral ninyo ng mga turo ni Pangulong Gordon B. Hinck- ley, mapanalanging hangarin ang inspirasyon ng Espiritu Santo. Matutulungan kayo ng mga tanong sa dulo ng bawat kabanata na pagbulayan, unawain, at ipamuhay ang mga turo ni Pangulong Hinckley. Ang sumusunod na mga ideya ay maaari ding makatulong: • Isulat ang mga kaisipan at damdaming dumarating sa inyo mula sa Espiritu Santo habang nag- aaral kayo. • Salungguhitan ang mga talatang gusto ninyong matandaan. Isiping isaulo ang mga talatang ito o isulat ang mga ito sa inyong mga banal na kasulatan sa tabi ng kaugnay na mga talata. • Basahin ang kabanata o talata nang mahigit isang beses para mas maunawaan ninyo ito. vii PAMBUNGAD • Itanong sa inyong sarili ang tulad ng “Paano nadaragdagan ng mga turo ni Pangulong Hinckley ang pagkaunawa ko sa mga alituntunin ng ebanghelyo?” o “Ano ang nais ng Panginoon na matutuhan ko mula sa mga turong ito? Ano ang nais Niyang gawin ko?” • Itanong sa sarili kung paano kayo matutulungan ng mga turo sa aklat na ito sa inyong personal na mga pagsubok at alalahanin. • Ibahagi ang natutuhan ninyo sa mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan. Pagtuturo mula sa Aklat na Ito Ang sumusunod na mga patnubay ay matutulungan kayong mag- turo mula sa aklat na ito, sa bahay man o sa simbahan. Maghandang Magturo Hangarin ang patnubay ng Espiritu Santo habang naghahanda kayong magturo. Pag- aralan ang kabanata upang magkaroon kayo ng pananalig sa pag- unawa ninyo sa mga turo ni Pangulong Hinck- ley, at mapanalanging piliin ang mga turo na sa pakiramdam ninyo ay makakatulong. Maaari ninyong hikayatin ang mga tinuturuan ninyo na pag- aralan nila mismo ang kabanata at pagtuunang mabuti ang bahaging “Mga Mungkahi sa Pag- aaral at Pagtuturo” sa dulo ng kabanata. Maghikayat ng Talakayan tungkol sa mga Turo ni Pangulong Hinckley Kapag nagturo kayo mula sa aklat na ito, anyayahan ang iba na ibahagi ang kanilang mga iniisip, magtanong, magpatotoo, at turuan ang isa’t isa. Kapag aktibo silang nakibahagi, magiging mas handa silang matuto at tumanggap ng personal na paghahayag. Hayaang magpatuloy ang magagandang talakayan sa halip na sikaping talakayin ang lahat ng turo. Gabayan ang mga talakayan para matulungan ang mga miyembro ng klase na basahin ang mga turo ni Pangulong Hinckley at matuklasan ang mga paraan na mai- aangkop nila ang mga turong iyon sa kanilang buhay. viii PAMBUNGAD Ang mga tanong sa dulo ng bawat kabanata ay mahalaga para maghikayat ng talakayan. Maaari din kayong gumawa ng sarili ninyong mga tanong lalo na para sa mga tinuturuan ninyo. Ang iba pang mga ideya para maghikayat ng talakayan ay nakalahad sa ibaba: • Ipabahagi sa mga miyembro ng klase ang natutuhan nila mula sa kanilang personal na pag- aaral ng kabanata. • Magtalaga ng mga piling tanong na nasa dulo ng kabanata sa mga indibiduwal o maliliit na grupo. Ipahanap sa mga miyembro ng klase ang mga turo sa kabanata na may kaugnayan sa mga tanong. Pagkatapos ay ipabahagi sa kanila ang kanilang mga ideya at kuru- kuro. • Sama- samang basahin ang ilan sa mga turo ni Pangulong Hinckley sa kabanata. Magpabahagi sa mga miyembro ng klase ng mga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan at mula sa sarili nilang mga karanasan na may kaugnayan sa mga turong iyon. • Papiliin ng isang bahagi ang mga miyembro ng klase at ipabasa ito nang tahimik sa kanila. Anyayahan silang magtipon sa mga grupong may dalawa o tatlong miyembro na magkakapareho ang piniling bahagi at ipatalakay ang kanilang natutuhan. Maghikayat ng Pagsasabuhay at Pagbabahagi Ang mga turo ni Pangulong Hinckley ay magiging lubos na maka- hulugan kapag ipinamuhay ito ng mga indibidwal at ibinahagi ito sa iba. Maaari ninyong gamitin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga ideya: • Tanungin ang mga miyembro ng klase kung paano nila magagamit ang mga turo ni Pangulong Hinckley sa kanilang mga responsi- bilidad sa tahanan, sa Simbahan, at sa iba pang sitwasyon. • Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang mga karanasan nila sa pagsunod sa payo ni Pangulong Hinckley. • Hikayatin ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang ilan sa mga turo ni Pangulong Hinckley sa mga kapamilya at kaibigan. ix PAMBUNGAD Tapusin ang Talakayan Ibuod nang maikli ang lesson o ipabuod ito sa isa o dalawang miyembro ng klase. Patotohanan ang mga turong natalakay ninyo, at hikayatin ang mga miyembro ng klase na ipamuhay ang natu- tuhan nila. Maaari din ninyong anyayahan ang iba na ibahagi ang kanilang patotoo. Impormasyon tungkol sa mga Pinagkunang Materyal Ang mga turo sa aklat na ito ay tuwirang sinipi mula sa mga ser- mon, artikulo, at panayam ni Pangulong Gordon B. Hinckley. Ang mga siping nagmula sa mga lathalain ay pinanatili sa orihinal na bantas, baybay, pagpapalaki ng mga titik, at ayos ng talata maliban kung kinailangan itong baguhin ng editor o itama ang maling baybay para mas madali itong basahin.

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    410 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us