MAG-ISIP AT YUMAMAN Copyright © 2017 Fernando Frias I visit Fernando Painting Shop Ang lahat ng karapatan ay inilaan, ang pagkopya ng buong ak- lat, bahagi nito o pagsasalin sa ano mang dialeko o wika sa ano mang anyo, komputer, elektronik man o mekanikal na pagkopya o halawin ng walang pahintulot ng naglimbag ay paglabag sa batas ng kopirayt ng Pilipinas at hinahatulan ng batas. NLP 02016-2667 web.nlp.gov.ph www.tgrtagalog.com PANIMULA NG NAGSALIN Paano ba basahin ang napakahabang aklat na ito? Huwag magmadali, himayin mo ito ng husto, literal na sundin ang mga instruksyon dito, kahit na ito ay parang impraktikal para sa iyo upang maging mabisa. ilapat mo sa mo sa iyong buhay at sa kalaunan ay malalaman mong ito pala ay tutuo, garantisadong yayaman ka o magtatagumpay sa anomang lakad ng buhay, at ito hindi kathang isip lamang, dahil ito ay tu- tuong nangyari sa tunay na buhay. Medyo may kahirapang basahin dahil ito ay isinalin sa literal na walang binago, ulit-ulitin mo ang pagbasa hanggang iyong maunawaan. Huwag mong biglain ang pagbasa, gumamit ng ‘’bookmark’’ kung sakaling napagod ka na sa pagbasa. Ito ay may reference number sa kaliwa upang mabalikan mo kung kailangan. Kapag nabasa mo na ito at naunawaan ay tiyak na wala ng iba pang aklat na hi- higit pa rito PAGDATING SA MOTIBASYON. FERNANDO FRIAS I !1 MAG-ISIP AT YUMAMAN PANIMULA NG MAY AKDA- Napoleon Hill 1937 Edition (Public Domain, copyright.gov ) 1 SA bawat kabanata ng aklat na ito ay tinatalakay ang lihim kung paanong gumawa ng pera, na nagpayaman sa mahigit na limangdaang taong napakayaman, na aking maingat na pinag- aralan sa mahabang mga taon. 2 Ang lihim ay nadala sa aking pansin ni Andrew Carnegie, noong mag-iikaapat na ng siglo ang nakakaraan. Ang masungit ngunit kaibig-ibig na matandang taga Scotland ay ipinaisip ito sa akin noong ako ay bata pa. At bumalik siya sa kanyang up- uan na may ningning ang mata na tinitigan niya ako, at inalam kung nauunawaan ko ang lubos na kahalagahan ng sinabi niya sa akin. 3 Nang makita niyang naunawaan ko ang ideya, ay tinanong niya kung nahahanda akong gumugol ng dalawangpung taon o higit pa, at ihanda ang aking sarili na dalhin sa mundo, sa mga lalaki at babae, na kung hindi nila malalaman ang lihim ay maari silang magdanas ng kabiguan sa buhay. Sinabi ko sa kanyang gagawin ko, at sa pakikipagtulungan ni Ginoong Carnegie, ay hinawakan ko ang aking pangako. 4 Ang aklat na ito ay naglalaman ng lihim, matapos na to ay masubok sa buhay ng libong tao, sa halos lahat ng lakad ng buhay. Ito ay ang ideya ni Ginoong Carnegie ang mahikong pormula ang nagbigay sa kanya ng kahanga-hangang kaya- manan, na nararapat na mailagay sa abot kamay ng mga taong wala ng panahong magsaliksik kung paanong ang mga tao ay gumawa ng pera, at ito ang kanyang inaasahan na maari kong isubok at ipakita ang kahusayan ng pormula sa pamamagitan !2 MAG-ISIP AT YUMAMAN ng karanasan ng mga lalaki at babae sa bawat pagtawag. Siya ay naniniwala na ang pormula ay dapat na ituro sa mga pam- publikong paaralan at sinabi niya ang haka-haka na kung ito ay maayos na maituturo ay maaring mabago nito ang ating siste- mang edukasyunal at ang inilalalagi sa paaralan ay maaring mabawasan ng kalahati. 5 Ang karanasan kay Charles M. Schwab, at mga kasing-gu- lang nito ay nagpaniwala kay Ginoong Carnegie na ang maram- ing itinuturo sa paaralan ay hindi kailangan kaugnay sa pagha- hanap buhay o pagyaman. Dumating siya sa kaisipang ito, sapagkat siya ay nagsali ng mga kabataang lalaki sa kanyang negosiyo, na ang karamihan sa kanila ay kakaunti lamang ang ipinag-aralan, at sa pamagitan ng pagtuturo sa kanila ng por- mula, ay umulad sila sa kakaibang pamumuno. Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng kaniyang pagtuturo ay yumaman silang la- hat nang sumunod sa kanyang mga instruksiyon 6 Sa kabanata ng Pananampalataya, ay mababasa mo ang kasaysayan ng pagkakatatag ng dambuhalang Korporasyon ng Asero sa Estados Unidos, na ito ay naisip at isinagawa ng isa sa kabataang pinatunayan niya na ang pormula ay mabisa sa mga handa na para rito. Ang nag-iisang paglalapat ng pomula ng kabataang si—Charles M. Schwab—ay nagkaroon siya ng malaking kayamanan at OPORTUNIDAD. sa madaling sabi, itong partikular na paglalapat ng pormula ay nagkakahalaga ng milyong dolyar. 7 Ang mga bagay na ito ay mga katotohanang alam ng halos lahat na nakakikilala kay Ginoong Carnegie—ay binibigyan ka ng ideya na maaring maibigay sa iyo sa pagbasa mo ng aklat na ito, kung ALAM MO KUNG ANO ANG NAIS MO. 8 Bago pa man ito maisagawa sa dalawampung taon sa prak- tikal na pagsubok, ang lihim ay naipasa na sa higit na isan- daang lalaki at babae na ginamit ito sa kanilang pansariling ka- !3 MAG-ISIP AT YUMAMAN pakinabangan, na siya namang inaasahan ni Ginoong Carnegie. Ang iba ay matagumpay nila ginamit at nagkaroon ng pagsasang-ayunan (harmony) sa kanilang mga tahanan. Isang Kura (Clergy) ang gumamit nito ng maayos at nagdala sa kanya ng kitang pitumput-limang milyon pataas taon-taon. 9 Si Arthur Nash, isang taga Cincinnating sastre, ay ginamit ang kanyang negosyong bababagsak na sana bilang gaya ng “guinea pig” dito ay sinubukan niya ang pormula. Ang negosiyo ay muling nabuhay at nagbigay ng kayamanan sa mga may-ari. Ito ay nagpatuloy.kahit wala na si Ginoong Nash ng pagsubok ay kakaiba, dahil dito ang mga pahayagan at mga magasin ay nagbigay dito ng isang milyong halaga ng pampublikong paran- gal. 10 Ang lihim ay naipasa kay Stuart Austin Wier, ng Dallas, Texas. Siya ay handa para dito-handang handa na, na iniwan ang kanyang propesyon at nag-aral ng abogasya. Nagtagum- pay ba siya? Ang kasaysayan ang nagsabi. 11 Ibinigay ko ang lihim kay Jennings Randolph, sa araw ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo, at ginamit niya itong napaka tagumay at siya ngayon ay naglilingkod sa ikatlong termino sa kongreso na may mahusay siyang oportunidad hanggang siya ay madala sa White House, 12 Habang Pang-anunsiyong Manidyer ng Unibersidad na Pan- labas ng La-Salle, noong ito ay pangalan pa lamang ay nakatagpo ko si J. G. Chapline, ang pangulo ng unibersidad ay ginamit ng mahusay ang pormula at ginawa niyang sikat ang unibersidad sa buong bansa. 13 Ang lihim na aking tinutukoy ay hindi bababa sa isandaang ulit binanggit sa buong aklat, hindi ito tuwirang pinangalanan, dahil mistulang ito ay mas mabisa kung ito ay nakatago at hindi nakikita para SA MGA HANDA NA RITO AT NAGHAHANAP !4 MAG-ISIP AT YUMAMAN NITO na ito ay kanilang maaring pulutin, ito ang dahilan kung bakit ni Ginoong Carnegie hindi ito binigyan ng tuwirang pan- galan. 14 Kung HANDA ka nang gamitin ito, ay makikita ang lihim minsan sa bawat kabanata. Sana ay maari kong sabihin sa iyo kung paano mo malalaman kung handa ka na, subalit pipigilan nito ang maraming kabutihan na iyong matatanggap kung gagawin mo ang pagtuklas sa iyong pamamaraan. 15 Habang sinusulat ang aklat na ito, ang aking anak noon ay tinatapos na ang kanyang gawain sa huling taon sa kolehiyo, ay dinampot niya ang manuskrito ng ikalawang kabanata, binasa ito, at natuklasan ang lihim para sa kanyang sarili. Ginamit niya ang mga inpormasyon ng napakainam na siya nagtanggap sa responsabling posisyon na sumasahod ng mas malaki kaysa sa karaniwang kawani. Ang kanyang kwento ay bahagyang nata- lakay sa ikalawang kabanata, kung mabasa mo na ito ay maalis ang ano mang agam-agam na mayroon ka sa simula ng aklat na nangako ng husto, At gayon din kung ikaw ay pinanghihi- naan ng loob, at kung mayroon kang mga paghihirap na lalam- pasan na nagpapahina ng iyong kaluluwa, sinubukan mo na ngunit ikaw ay nabigo, kung ikaw ay nagkaroon ng kapansanan dahil sa sakit o pisikal na kahirapan, ang kwento ng pagkakatuklas ng aking anak at pagamit ng pormula ni Carnegie, ay magpatunay sa iyong ito ay Dakong Basa sa Ilang ng Nawalang Pag-asa na matagal mo nang hinahanap. 16 Ito ay malawakang ginamit ni Pangulong Woodrow Wilson, sa panahon ng Digmaang Pandaigdig, maingat niya itong ini- lakip sa pagsasanay bago humarap sa laban. Sinabi ito sa akin ni Pangulong Wilson, na ito ay naging malaking bagay sa pan- gangalap ng pundo ng digmaan. 17 Mahigit na dalawangpung taon na ang nakaraan si Kgg, Manuel L. Quezon lalaki (Ang dating noon ay Residente- !5 MAG-ISIP AT YUMAMAN Komisyuner ng Mga pulo ng Pilipinas) ay nabigyang pamukaw- sigla ng lihim upang maipagwagi ang kalayaan para sa kanyang mga kababayan. Naipagwagi nga niya at siya ang naging unang Pangulo ng malayang estado. 18 Ang kakaiba sa lihim na ito ay ang mga taong nakakuha nito at gumamit nito, ay nakita ang sarili na literal na mabilis na nagtagumpay, na sa kaunti lamang na pagpapagod, at hindi na muling napailalim sa kabiguan! Kung may alinlangan ka rito, ay pag-aralan mo ang mga pangalan ng mga gumamit nito, kung saan man sia mabanggit ay suriin mo ang kanilang mga tala para sa iyong sarili. Walang anomang bagay bilang BAGAY NA WALANG HALAGA! 19 Ang lihim na tinutukoy ko ay hindi maaring walang halaga, maging ang halaga ay lubhang mababa kaysa sa talaga. Hindi ito magkakaroon ng halaga sa walang layong maghanap nito, Hindi ito maipamimigay, o mabibili ng salapi, dahil dito, ito ay dumarating sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay taglay ng mga handa para dito. 20 Ang lihim ay naglilingkod ng parehas na mabuti, lahat ay handa para dito. Ang edukasyon ay walang kinalaman dito.
Details
-
File Typepdf
-
Upload Time-
-
Content LanguagesEnglish
-
Upload UserAnonymous/Not logged-in
-
File Pages356 Page
-
File Size-