ULAT SA BAYAN 2016 19Th Quezon City Council

ULAT SA BAYAN 2016 19Th Quezon City Council

ULAT SA BAYAN 2016 19th Quezon City Council TABLE OF CONTENTS I. Ulat sa Bayan ng Punong Tagapangasiwa 3 II. Landmark Legislations Administration and Governance 13 Economic Development 18 Social Development and Human Rights 21 Health 24 Housing 24 Women and Children 27 Education 28 Senior Citizen 32 Environment, Climate Change and Disaster Risk Reduction 34 Peace and Order 39 Tourism, Culture and Heritage 41 ASEAN Integration 43 III. 2015 National Local Legislative Award Executive Summary 47 Department of Interior and Local Government Philippine Councilors League IV. Legislative Accomplishments of the members of the 19th Quezon City Council District 1 Councilors 53 District 2 Councilors 61 District 3 Councilors 74 District 4 Councilors 82 District 5 Councilors 90 District 6 Councilors 98 ULAT SA BAYAN 2016 ng Punong Tagapangasiwa Hon. Ma. Josefina G. Belmonte Vice Mayor Presiding Officer Mga kagalang-galang na mga panauhin, mga kasama ko sa konseho, isang magandang hapon sa ating lahat. Sisimulan ko ang aking ulat sa pamamagitan ng isang larawan. Sa ating LED screen mapagmamasdan ninyo ang Gawad na ibinigay ng Department of Interior and Local Government at ng Philippine Councilors League sa ating Sanggunian Panlungsod, bilang National Winner ng 2015 Local Legislative Award sa kategoryang Highly Urbanized Cities at Independent Component Cities. There are 40 such cities in our country, and for the first time since this award was institutionalized, we the 19th City Council, have won it for our City. Three years ago in 2012, the 18th City Council was among the 13 finalists for this award, having won it in the National Capital Region. Sa aking pangalawang pamilya, ang konseho ng Lungsod Quezon, malugod na pagbati sa ating napagtagumpayan. But to paraphrase a presidential candidate, hindi naman tungkol sa atin ang award na ito. Tungkol ito sa kanila, ang ating mga pinaglilingkuran. Walang drama, walang hugot. Trabaho lang. Nagkataon lamang, na sa pagsasagawa natin ng ating mandato, kinilala ang ating pinagsikapan. Bonus lang ito. The real reward is the opportunity given to us to change and improve the lives of our people. Trabaho lang ang nag-udyok sa ating magsunog ng kilay, minsa’y hanggang hatinggabi, upang matapos ang ating mga tungkulin. Walang nang-epal sa ating konseho. Walang drama queen. Ngunit minsan merong drama king - si konsehal Roger Juan. Pero ‘di naman matatawaran ang silakbo ng kanyang damdamin para sa sektor na kanyang kinakatawan, ang senior citizens. At dahil dito naisulong nila ni Konsehala Raquel Malañgen ang isang batas na magsisigurong isang porsiento ng ating total annual budget mula 2017 ay mapupunta sa mga programa at proyekto para sa ating mga senior citizens. This appropriation represents an almost 300% increase in the amount allocated for 2016, and will ensure that all the other measures for seniors passed by our colleagues such as free pneumococcal vaccines (by Councilor Jessica Castelo Daza) and the establishment of a home for indigent, abandoned and abused senior citizens (by Councilor Toto Medalla) shall finally be implemented. EFFICIENCY In the line of duty, we have approved 258 ordinances and 967 resolutions in the last three years. We have conducted 89 regular sessions and 3 special sessions. Masaya akong ipamalita sa inyo, na kahit minsan, di kami nagkaproblema sa quorum. Every council session has an average of 90.64% attendance. 3 Batay sa assessment ng 2015 Local Legislative Award, nagpasa tayo ng 172 na ordinansa at resolusyon na naaayon sa mga pambansang adhikain. These five government guideposts include: poverty reduction and social inclusion; environmental sustainability, climate change and disaster risk management; accountable, responsive and participatory governance; a fair and stable order based on international rule of law; and peace and security. EXECUTIVE-LEGISLATIVE AGENDA Mahalaga sa isang administrasyon ang pagkakaisa at malapit na pakikipag-ugnayan ng dalawang sangay ng lokal na pamahalaan. At bunga ng maayos na samahan na ito ang pagbuo natin sa simula ng ating pamunuan ng isang Executive-Legislative Agenda na naging batayan ng ating mga pangunahing polisiya. The Mayor’s thrust this term centered on economic development and revenue generation, disaster risk reduction, preparations for the ASEAN Integration, and the continuation of his advocacy on shelter. Bilang suporta sa mga prayoridad ng ating mahal na Punong Lungsod, 63 ordinansa at 46 na resolusyon ang aming ipinasa. This represents 38% of all the legislation enacted by the City Council. In order to achieve economic development as envisioned by the Mayor, we passed a Public-Private Partnership Code through the leadership of our Majority Floor Leader, Councilor Bong Suntay. Sa ilalim ng PPP, kaakibat natin ang pribadong sektor sa pamumuhunan ng ilang piling proyekto upang tumaas ang antas ng serbisyo natin sa ating mga pinaglilingkuran. The PPP Code also sets the framework that will facilitate consistency, integrity, reliability, sustainability, accountability, transparency, and enforceability for major and big-ticket projects. We also authored the Economic Development Incentives Code through the initiative of Councilors Suntay and Allan Reyes, then the Committee Chair on Trade, Commerce and Industry. This ordinance aims to encourage more foreign and local investors to the City. Isinasaayos nito ang proseso ng pamumuhunan at pagbibigay ng insentibo upang higit pang makahikayat ng malalaking mga negosyo sa ating lungsod. Ang nabuong Local Economic Investment Promotions Office ang siyang mangangasiwa ng magandang relasyon natin sa mga mamumuhunan sa atin. Since the Comprehensive Land Use Plan and the Comprehensive Zoning Ordinance are the most important measures in laying the framework for the development of our City, Councilor RJ Belmonte as head of the Committee on City Planning, Building and Zoning ends his three terms by spearheading the updating of these measures to reflect current trends, incorporating into them provisions for climate change adaptation and disaster risk reduction, as well as tourism, through the introduction of Special Urban Development Zones (SUDZ). Veteran legislator Jun Ferrer, Chairman of the Committee on Ways and Means introduced three amendments to the Revenue Code that were instrumental in increasing the income of our City. This 2016, our City’s budget reached a whopping 4 16.1 billion pesos, representing an increase of 5.8 billion pesos or equivalent to 57% increase (as compared to the 2011 budget), since the 19th City Council took office. Samantalang ang mas beteranong konsehal naman na si Tito Godie Liban II, Chairman ng Committee on Appropriations ay palaging tinitiyak na naipapasa ang taunang budget ng lungsod sa tamang oras. Tumugon din ang ating konseho sa panawagan ng ating Punong Lungsod na paghandaan ang ASEAN Economic Community (AEC) na bahagi ng kabuuang ASEAN Economic Integration. Nagpasa tayo ng limang resolusyon upang matugunan ang layuning ito. Kabilang sa mga measures na ito ang paghikayat sa ating Punong Lungsod na bumuo ng isang Technical Working Group na magsisimula ng mga usaping Sister-City relations sa mga nangungunang mga lungsod sa Southeast Asian region upang maging daan sa ugnayan sa negosyo, trabaho, turismo at edukasyon, na higit pang magpapaunlad sa ating syudad. In relation to the predicted increase in the number of Overseas Filipino Workers as the planned ASEAN Economic Community progresses, Councilor Mayen Juico pushed for the creation of the Quezon City Migrants Resource Center to cater to the needs of OFWs and their families. This office will ensure that our residents planning to work abroad will receive assistance in terms of recruitment, employment, and pre and post departure needs. Support services for families left behind shall also be provided. In anticipation of the need to protect our micro and small entrepreneurs from the onslaught of better capitalized foreign companies that can threaten their businesses, we have also pushed for the conversion of Task Force Sikap Buhay into the Small Business Development and Promotions Office. Kabalikat nito, isinabatas din natin ang Magna Carta for Micro and Small Business Enterprises na bumubuo ng 80% ng mga negosyo sa ating lungsod. Ayon sa batas na ito, bibigyan ng ayuda ang mga maliliit na negosyo sa mga usaping product development, capacity building, technology enhancement, tax incentives, market expansion, at iba pa, kung magpa-rehistro sila sa BPLO natin. Maraming salamat kina Konsehal Bayani Hipol, Committee Chair on Human Rights, at Konsehal Bobby Castelo, Committee Chair on Micro, Small and Medium Business and Entrepreneurship Development, sa pagsulong nito. To continue the Mayor’s shelter program, which was first launched in our last term, we have enacted twelve measures to authorize several Bistekville Socialized Housing Projects to benefit one thousand eight hundred seventy-seven (1,877) families. We have also approved twenty-nine (29) subdivision plans as part of our Community Mortage Program. These were made through the efforts of Councilor Precious Hipolito Castelo, Chair of the Committee on Subdivisions and Councilor Marivic Co-Pilar, Chair of the Committee on Urban Poor and Human Settlement. Disaster Risk Reduction and Management has always been an issue close to the heart of our Mayor and our City has invested extensively in ensuring we will be among the most prepared cities in the country should disaster strike. Not only did the City Council institutionalize a DRRM office to guarantee concerted efforts from the City down to 5 the barangays, but we also passed a measure to make sure that should less fortunate LGUs be victims of disaster, mas tiyak at mabilis ang tulong na maibibigay natin sa kanila. Bukod dito, minandato natin ang pagsasanay sa lahat ng mga paaralan sa DRRM at hinimok ang masusing pagsusuri sa lahat ng mga gusaling pampamahalaan upang siguraduhing ligtas ang mga ito sa ano mang sakuna, lalung-lalo na ang lindol. Saludo ako kina Konsehal Rannie Ludovica, Committee Chair on Climate Change Adaptation and Disaster Risk Reduction at Konsehal Don de Leon, Committee Chair on Public Order and Security and Anti-Illegal Drugs sa pagsulong ng mga lehislaturang ito.

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    108 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us