Lumang Tipan Manwal Ng Guro Sa Doktrina Ng Ebanghelyo Lumang Tipan

Lumang Tipan Manwal Ng Guro Sa Doktrina Ng Ebanghelyo Lumang Tipan

Lumang Tipan Manwal ng Guro sa Doktrina ng Ebanghelyo Lumang Tipan Manwal ng Guro sa Doktrina ng Ebanghelyo Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw Lungsod ng Salt Lake, Utah Mga Puna at Mungkahi Ang inyong mga puna at mungkahi tungkol sa aklat na ito ay pasasalamatan. Mangyaring ipadala ang mga ito sa: Curriculum Planning 50 East North Temple Street, Floor 24 Salt Lake City, UT 84150-3200 USA e-mail: [email protected]. Mangyaring isulat ang inyong pangalan, tirahan, purok, at istaka. Tiyaking ibigay ang pamagat ng aklat. Pagkatapos ay ibigay ang inyong mga puna at mungkahi tungkol sa mga kahusayan ng aklat at sa mga puntong maaari pa itong pagandahin. Pabalat: Ipinakikilala ni Hannah ang Kanyang Anak na si Samuel kay Eli, ni Robert T. Barrett © 1996, 2001 ng Intellectual Reserve, Inc. Ang lahat ng karapatan ay nakalaan Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika Pagsang-ayon sa Ingles: 1/01 Pagsang-ayon sa pagsasalin: 1/01 Pagsasalin ng Old Testament: Gospel Doctrine Teacher’s Manual Tagalog Mga Nilalaman Bilang at Pamagat ng Aralin Pahina Mga Tulong Para sa Guro vii 1 “Ito ang Aking Gawain at Aking Kaluwalhatian” (Moises 1) 1 2 “Ikaw ay Pinili Bago Ka pa man Isinilang” (Abraham 3; Moises 4:1–4) 6 3 Ang Paglikha (Moises 1:27–42; 2–3) 10 4 “Dahil sa Paglabag Ko ang Aking mga Mata ay Namulat” (Moises 4; 5:1–15; 6:48–62) 14 5 “Kung Ikaw ay Gumawa ng Mabuti, Ikaw ay Tatanggapin” (Moises 5–7) 20 6 “Si Noe . ay Naghanda ng Isang Daong sa Ikaliligtas ng Kaniyang Sangbahayan” (Moises 8:19–30; Genesis 6–9; 11:1–9) 27 7 Ang Tipang Abraham (Abraham 1:1–4; 2:1–11; Genesis 12:1–8; 17:1–9) 32 8 Pamumuhay nang Matwid sa Masamang Daigdig (Genesis 13–14; 18–19) 38 9 “Diyos ang Maghahanda ng Kordero” (Abraham 1; Genesis 15–17; 21–22) 43 10 Mga Biyaya ng Pagkapanganay; Kasal sa Loob ng Tipan (Genesis 24–29) 48 11 “Paano ngang Aking Magagawa Itong Malaking Kasamaan?” (Genesis 34; 37–39) 56 12 “Pinalago ng Diyos sa Lupain ng Aking Kadalamhatian” (Genesis 40–45) 62 13 Pagkaalipin, Paskua, at Exodo (Exodo 1–3; 5–6; 11–14) 68 14 “Magiging Isang Tanging Kayamanan nga Kayo sa Akin” (Exodo 15–20; 32–34) 75 15 “Tumingin sa Diyos at Mabuhay” (Mga Bilang 11–14; 21:1–9) 83 16 “Hindi Ko Masasalangsang ang Salita ng Panginoon” (Mga Bilang 22–24; 31:1–16) 89 17 “Mag-ingat Ka nga, Baka Iyong Malimutan” (Deuteronomio 6; 8; 11; 32) 94 18 “Magpakalakas Ka at Magpakatapang na Mabuti” (Josue 1–6; 23–24) 100 iii 19 Ang Pamumuno ng mga Hukom (Mga Hukom 2; 4; 6–7; 13–16) 106 20 “Buong Bayan . ay Nakakaalam na Ikaw ay Isang Babaing may Bait” (Ruth; I Samuel 1) 112 21 Pararangalan ng Diyos ang mga Nagpaparangal sa Kanya (I Samuel 2–3; 8) 117 22 “Ang Panginoon ay Tumitingin sa Puso” (I Samuel 9–11; 13; 15–17) 123 23 “Ang Panginoon ay nasa Gitna Natin Magpakailanman” (I Samuel 18–20; 23–24) 131 24 “Likhaan Mo Ako ng Isang Malinis na Puso” (II Samuel 11–12; Mga Awit 51) 136 25 “Purihin ng Bawat Bagay na may Hininga ang Panginoon” (Mga Awit) 144 26 Haring Salomon: Taong Matalino, Taong Mangmang (I Mga Hari 3; 5–11) 151 27 Ang Impluwensiya ng Masasama at mga Matwid na Pinuno (I Mga Hari 12–14; II Mga Cronica 17; 20) 157 28 “Pagkatapos ng Apoy ay Isang Marahang Bulong na Tinig” (I Mga Hari 17–19) 164 29 “Kinuha . Niya ang Balabal ni Elijah” (II Mga Hari 2; 5–6) 171 30 “Magsiparoon sa Bahay ng Panginoon” (II Mga Cronica 29–30; 32; 34) 177 31 “Mapalad ang Tao na Nakakasumpong ng Karunungan” (Mga Kawikaan at Eclesiastes) 185 32 “Talastas Ko na Manunubos sa Akin ay Buhay” (Job 1–2; 13; 19; 27; 42) 193 33 Pagbabahagi ng Ebanghelyo sa Daigdig (Jonas 1–4; Mikas 2; 4–7) 199 34 “Magiging Asawa Mo Ako sa Katuwiran” (Oseas 1–3; 11; 13–14) 204 35 Inihahayag ng Diyos ang Kanyang mga Lihim sa Kanyang mga Propeta (Amos 3; 7–9; Joel 2–3) 209 36 Ang Kaluwalhatian ng Sion ay Magiging Pananggalang (Isaias 1–6) 215 37 “Sapagkat Ikaw ay Gumawa ng Kagila-gilalas na Bagay” (Isaias 22; 24–26; 28–30) 220 38 “Liban sa Akin ay Walang Tagapagligtas” (Isaias 40–49) 225 39 “Anong Pagkaganda sa mga Bundok” (Isaias 50–53) 230 40 “Iyong Palakihin ang Dako ng Inyong Tolda” (Isaias 54–56; 63–65) 234 iv 41 “Ginawa Kita sa Araw na Ito . na Pinakahaliging Bakal” (Jeremias 1–2; 15; 20; 26; 36–38) 239 42 “Aking Isusulat sa Kanilang Puso” (Jeremias 16; 23; 29; 31) 244 43 Ang mga Pastol ng Israel (Ezekiel 18; 34; 37) 248 44 “Bawat Likhang may Buhay . Saan mang Dako Umaagos ang Tubig, ay Mabubuhay” (Ezekiel 43–44; 47) 255 45 “Kung Ako’y Mamatay ay Mamatay” (Daniel 1; 3; 6; Esther 3–5; 7–8) 260 46 “Isang Kaharian na Hindi Magigiba Kailanman” (Daniel 2) 267 47 “Magsibangon Tayo at Magtatag” (Ezra 1–8; Nehemias 1–2; 4; 6; 8) 272 48 “Ang Dakila at Kakila-kilabot na Araw ng Panginoon” (Zacarias 10–14; Malakias) 279 v Mga Tulong Para sa Guro Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley na: “Inaasahan ko na para sa inyo [ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan] ay magiging isang bagay na higit na kawili-wili at hindi isang tungkulin lamang; na, sa halip, ito ay magiging isang pakikipagsuyuan sa salita ng Diyos. Ipinapangako ko sa inyo na habang nagbabasa kayo, ang inyong mga kaisipan ay magkakaroon ng kaliwanagan at ang inyong espiritu ay mabibigyang inspirasyon” (“The Light Within You,” Ensign, Mayo 1995, 99). Bilang guro sa Doktrina ng Ebanghelyo ay may pagkakataon kayong tulungan ang mga miyembro ng inyong klase na matutuhang mahalin ang Lumang Tipan at hanapin ang kaliwanagan ng kaisipan na ipinangako ni Pangulong Hinckley. Habang nagtuturo kayo ay masusundan ninyo ang halimbawa ng Tagapagligtas, na nagmahal sa mga banal na kasulatan at ginamit ang mga ito upang turuan ang kanyang mga disipulo. Pagkatapos na mabuhay na mag-uli si Jesus, ginamit niya ang mga banal na kasulatan upang ituro sa dalawang disipulo ang makapangyarihang katotohanan. Ang isang disipulo na nagngangalang Cleopas at ang kanyang kasama ay kasalukuyang naglalakad sa lansangang patungong Emaus, na nag- uusap tungkol sa narinig nilang balita na ang katawan ni Jesus ay wala na sa libingan. Habang naglalakad sila ay sinabayan sila ni Jesus subalit siya ay hindi nila nakilala. Tinanong niya sila kung ano ang pinag-uusapan nila at kung bakit sila malungkot, at sinabi nila sa kanya ang tungkol sa Pagpapako sa Krus at Pagkabuhay na Mag-uli. Nang marinig ito ni Jesus ay “ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kanya sa lahat ng kasulatan” (Lucas 24:27). Hiniling ni Cleopas at ng kanyang kasama na lumagi sa piling nila ang Tagapagligtas, at sa pag-upo nila upang kumain siya ay nakilala nila bilang ang nabuhay na mag-uling Panginoon. Sa gayon ay naglaho siya sa kanilang paningin, at sinabi nila sa isa’t isa, “Hindi baga nag-aalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?” (Lucas 24:32). Ang mga banal na kasulatan na nagdulot ng nag-aalab na damdamin sa puso ng mga disipulo ay mula sa mga aklat ni Moises at ng mga propeta—ang mga banal na kasulatan na kilala natin bilang ang Lumang Tipan. Habang itinuturo ninyo ang mga sagradong katotohanang ito ay magpapatotoo ang Espiritu Santo tungkol sa katotohanan ng mga bagay na ito sa inyong klase na tulad ng ginawa niya kay Cleopas at sa kanyang kasama. Dapat mapatatag ng pag-aaral ng Lumang Tipan ang mga patotoo ng mga miyembro ng klase tungkol sa Tagapagligtas at ang kanilang matibay na pangako na ipamumuhay ang kanyang ebanghelyo. Sa pamamagitan ng paggabay ng Espiritu sa kanilang pag-aaral, ang mga miyembro ng klase ay dapat na makapagpatotoo na tulad ni Job na, “Talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya’y tatayo sa lupa sa kahuli-hulihan” (Job 19:25). vii Pagtuturo sa Pamamagitan ng Espiritu Kapag naghahanda para sa klase sa Doktrina ng Ebanghelyo, mahalaga na hangarin ninyo ang inspirasyon at gabay mula sa Espiritu ng Panginoon. “At ang Espiritu ay ibibigay sa inyo sa pamamagitan ng panalangin nang may pananampalataya;” ang sabi ng Panginoon, “at kung hindi ninyo natanggap ang Espiritu kayo ay hindi magtuturo” (Doktrina at mga Tipan 42:14). Alalahanin na ang Espiritu Santo ang guro sa inyong klase. Ang paraan ng inyong pagsasaliksik sa Espiritu ay sa pamamagitan ng panalangin, pag-aayuno, araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan, at pagsunod sa mga kautusan. Samantalang naghahanda para sa klase, manalangin na tulungan kayo ng Espiritu na maunawaan ang mga banal na kasulatan at ang mga pangangailangan ng mga miyembro ng klase. Matutulungan din kayo ng Espiritu upang makapagplano ng mga makabuluhang paraan upang matalakay ang mga banal na kasulatan at itugma ang mga ito sa kasalukuyan (1 Nephi 19:23). Sa tulong ng Espiritu, kayo ay magiging mabisang kasangkapan sa mga kamay ng Panginoon upang maituro ang kanyang salita sa kanyang mga anak. Ang ilang mungkahi sa kung paano aanyayahan ang Espiritu sa inyong klase ay nakalista sa ibaba: 1. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na mag-alay ng panalangin bago magsimula at pagkatapos ng aralin.

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    298 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us