Banayad Mga Tula Rowena P. Festin _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 1 Talaan ng Nilalaman Ikaw sa Kalawakan ng Pag-ibig Anim Wala Akong Panahon para sa Iba pang mga Bagay Sa Araw ng Iyong Pag-alis Paalis Ikaw Hindi na Kita Maiisip Hayaan Mo Muna Sa Aking Kama Tuwing Gabi. Sa Aking Kama Tuwing Umaga Ulan Ako at ang Aking Pag-iisa Sa UP Library Kapag Ganitong Umuulan Napangingiti Ako Kapag Maulan ang Lunes ng Gabi Gusto Ko ang Tag-ulan Gusto Ko ang Taglamig Ako sa Taglamig Ulan sa Tag-araw Ganito Ako Tinutuyo ng Tag-araw Tag-araw Tula sa Araw ng Kalayaan Paulit-ulit Lang Sa Aking Panganay, Ngayong Araw ng Iyong Pag-alis Ang Babaeng Nakunan Ako ang Dagat Marso Abril sa Dalampasigan Dito Lang sa Aking Puso, Ipinaghahardin Kita ng Pag-ibig Mga Larawan Pakiusap Ang Lumang Damit Sangandaan Ang Tula ay Kape Kahon Peste ang Paghihintay Biyahe Pabalik Gaano Man Katagal Ang Ating Pag-ibig _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 2 Pamamaybay Depinisyon Niyebeng Dumarating sa Gabi ang mga Pangako Ang Pagbabaklas ng Dalandan ay Katulad ng Pagbabaklas ng Alaala Newsfeed Tula sa Iyo at sa Umaga Banayad Noong Huli Tayong Magkita Alaala G-spot Kanina Ritwal #1 Ritwal #2 Alikabok Lungkot Distansiya Dapithapon sa Dalampasigan Pangako Ina Agas Sa Babaeng Naglalakad, Naglalahad ng Palad sa Lansangan Ang Babae sa Kusina Iilan Lang ang mga Umagang Tulad Nito Salutasyon sa Nanay Tuwing Umaga Paumanhin Unang Pag-ibig Ang Limot na Mangingibig Ang mga Propesyonal Kaninang Umaga sa Harap ng Salamin Traffic Sa Baywalk Sa Ganitong Katahimikan ng Madaling-Araw Ritwal ng Kamatayan Pagkakataon Hindi Ko na Kayang Samahan Ka Kay Maria Flores Oda sa Pagpaslang Krimen Pinakamagaang Paraan ng Pagpatay Ice Cream Kuwentuhan Kaninang Mag-Uumaga _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 3 Isang Hatinggabing Dumalaw Ka Ang Pagtataksil Sa Lalaking ang Akala’y Nasa Palengke Siya Coffee Break Parang Ikaw Sa Pag-ibig Para Kang Pusa Sana Lang Naman Mga Aral _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 4 IKAW SA KALAWAKAN NG PAG-IBIG Nang ipinaalala ng iyong yakap Ang lungkot ng aking pag-iisa Natanaw ko ang lawak ng langit Nang hinawi mo ng tingin Ang buhok sa aking balikat Umilanlang ang mga diwata ng hangin Naramdaman ko ang tagsibol Nang dalawin mo ng hininga Ang lambak sa aking dibdib Naramdaman ko ang hamog Nang binati mo ng halik Ang nanunuyo kong labi Umawit ang mga engkanto Sa aking balakang Umahon ang init sa aking puson Nang naramdaman ko Ang gaspang ng iyong palad Mahal ko, Hawak mo ang kapangyarihang Ako ay mapapikit At mapakapit sa iyo Sa paglipad natin sa Kalawakan ng pag-ibig Habang iniilawan tayo Ng libong mga alitaptap At ipinagdarasal ang ating pangalan Sa katahimikan ng gabi. 2012 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 5 ANIM 1. Matindi ang sikat ng araw, mahal Ngunit nagyeyelo sa aking dibdib Na hindi kayang tunawin Ng anumang disyertong yakap. 2. Maanghang ang lasa ng iyong lambing Na sumusunog sa aking himbing. 3. Yelo ang iyong halik Giniginaw ako Sa kalagitnaan ng tag-araw. 4. Mahigpit ang iyong yakap, mahal Naiipit ang aking paghinga Nadudurog ang aking puso. 5. Nangangatal ang aking kaluluwa Sa lupit ng pag-iisa Nangangatog ang aking dibdib Sa ginaw ng magdamag. 6. Pinatitigas ang puso Ng matitinding pasakit At ang lumalamlam na puson Ay nagpapaasero sa dibdib. 2010 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 6 WALA AKONG PANAHON PARA SA IBA PANG MGA BAGAY Wala akong panahong tingnan Ang maigsi at makintab mong mga kuko O sundan ang mga guhit sa bawat daliri Mula hinlalaki hanggang hinliliit Ang mga kalyong nagpapagaspang sa iyong haplos Wala akong panahong kumapit Sa iyong mga palad At damhin ang init Na kayang iguhit sa aking katawan. Wala akong panahon Para sa iba pang mga bagay. Sapat lamang ang aking panahon Sa paghabol sa hiningang inaagaw Ng mga daliri mong bumabaybay Sa aking katawan Sapat lamang ang aking panahon Na indakan ang musikang Dinadala ng iyong haplos Sa aking batok, Sa aking leeg, Sa aking balikat, Sa aking dibdib, Sa aking puson, Sa aking balakang. Sapat lamang ito sa pagsunod Sa kanyang paglalakbay. Sa aking kaluluwa. Wala akong panahon Para sa iba pang mga bagay. Sapat lamang ang aking panahon Upang samahan ka Na kilalanin ang ating katawan. At markahan ng pag-ibig Ang bawat lunang kanyang hihimpilan. _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 7 2012 SA ARAW NG IYONG PAG-ALIS 1. Habang lumalapit ang iyong pag-alis Lumalapit ang lungkot Walang pasabi Walang paramdam Basta na lang didikit, Mangangalabit Magpapaluha sa puso. Sana lang, mahal Habang lumalapit ang iyong pag-alis Samahan mo ako Nang kahit tinig mo man lang Habang muli kong pinag-aaralan Ang mabuhay na mag-isa. 2. Lumalatay ang lamig Sa aking kaluluwa Hinahanap ang iyong init Ang apoy ng iyong labi At higpit ng iyong yakap Na ipinagdiwang ng isang magdamag. Ngayong malayo ka na Nangungulila ang puso Nagpupuyat ang pag-iisa Mahal, balikan mo ako ng pangako At muli akong maniniwala Sa kapangyarihan ng pag-ibig. Hunyo 2012 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 8 PAALIS Sa labas ng tarangkahan, Walang kahit ano sa kalsada, Wala maliban sa iyong bagahe At nakaabang na taxi. Paalis ka na. Pinakamalungkot na mga salita Ngayong araw na ito. Habang ako, Nakatitig sa pinakamalamig na bagay Ngayong araw na ito: Ang iyong bagahe Sa trunk ng taxi. 17 Setyembre _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 9 IKAW Ikaw ang mabangong unan Sa namimigat na ulo Kumot na nagpapainit Sa maginaw na hatinggabi Tandayang sandalan Ng nananakit na likod Taglay mo ang aroma Ng kapeng barako Sa umagang pupungas-pungas At guhit ng softdrink Sa kainitan ng tanghali Ikaw ang awit ng Side A Sa umagang malungkot ang dungaw Sa tanghaling napakainit Ikaw ang presko sa lilim ng payong At sa gabing maalinsangan Ikaw ang hangin sa electric fan. Ikaw ang kalahating upuan Sa jeep na siksikan At ikaw ang jeepney stop Sa kahabaan ng maalikabok na biyahe Dahil ikaw ang mailap na bida Na bumibisita at nanggugulo Sa aking payapang daigdig Ng mga pangarap at panaginip. 1998 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 10 HINDI NA KITA MAIISIP Hindi na kita maiisip Mapuyat man ako Dahil sa kung anong bagay Tulad ng aking vertigo O migraine Hindi na kita maalaala Dahil sa kung anong mga pangyayari Tulad ng pagbibilog ng buwan O pag-ulan ng mga bulalakaw. Tiyak ako Naiwaglit natin ang pag-ibig Nang hindi ko naramdaman ang lamig Noong nag-iisang gabing asul ang buwan At abala ka sa pag-awit Habang hinihintay ko ang bulalakaw. 2013 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 11 HAYAAN MO MUNA Hayaan mo munang Isaulo ko ang mga sandali Ng aking pag-iisa Titigan ang katawang Ako lang ang may-ari Damhin ang sariling Ako lang ang nakakikilala. Hayaan mo munang panoorin ko Ang hamog na dumarapo sa aking bintana Hayaan mo munang yakapin ako Ng umagang humahawi sa aking kurtina Hayaan mo munang halikan ako Ng hanging dumadalaw sa aking kama Hayaan mo munang lambungan ako Ng dilim na bumibisita sa aking silid Hayaan mo munang namnamin ko Ang laya ng pag-iisa. Hayaan mo munang minsan pa Pag-isipan kong mabuti Kung handa na akong gumising Na hindi na unan ang kayakap. 2009 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 12 SA AKING KAMA TUWING GABI Kinaiinisan ko Ang mga gabing nagigising ako Dahil tinatawag mo, inaaya Maglakad sa kung saan Sundan ang dama de noche Na nakikiraan sa magdamag O kaya’y hanapin ang puno Ng mga nawawalang alitaptap. Hindi naman ako bumabangon Pinakikinggan ko lang Ang malambing na tinig Ang paanyayang nanghahalina Ipinaghehele ako Na muling matulog. 2009B _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 13 SA AKING KAMA TUWING UMAGA Gano’n pa rin ang itsura, Nakabalumbon ang kumot Kasama ng sapin Nasa sahig ang mga unan Wala nang punda Gayong matagal ka nang wala. 2009 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 14 ULAN Madaling araw at umuulan Gumagapang ang patak Sa salamin ng aking bintana Tahimik na tahimik Tulad ng mga kamay mo noon Sa aking balat Marahang-marahan Mabining-mabini. Nandiyan ka sa kabila ng mundo Maginaw na, sabi mo Lumalamig na rin ang hangin dito Na nagpapadilaw sa mga dahon Marahil umuulan din Ang iyong mga madaling araw At sana ay naiisip mo ako Habang pinanonood Ang tahimik na agos ng tubig Sa iyong bintana. Sana’y magtagpo tayo Dito sa daigdig sa aking puso Sana’y magkita tayo Tahimik na tahimik Kahit ngayon lang Madaling araw at umuulan Dito sa bintana ng aking puso. Disyembre 20 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 15 AKO AT ANG AKING PAG-IISA Umuulan At ang ginaw ay labahang Humihiwa Sa aking kalungkutan Dalawa kami Sa aking dalamhati Ako At ang aking pag-iisa Habang nagmamasid Ang mga rosas. 31 Oktubre 2013 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 16 SA UP LIBRARY Kumakaway ang mga dahon ng akasya Na nakasilip sa bintana ng library Nakikiraan ang malamig na hangin At nagbabanta ang ambon At ikaw ang naaalala ko Sa harap ng mga lumang Midweek* Habang binabasa Ang mga lumang artikulo Ikaw ang naaalala ko Ikaw na simpresko ng ambon Na nanunulay sa aking balat Sa ganitong maalinsangang panahon. Agosto 2011 * Midweek – magasin na lumabas tuwing Miyerkules noong 1980s.Banayad 17 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 17 KAPAG GANITONG UMUULAN Masarap pumayag Sa hatak ng kama Lalo at bagong palit Ang punda ng unan Nakalatag ang kumot Na bagong plantsa At alam kong darating ka Mamayang hatinggabi Sa aking panaginip. Hunyo 2012 _______________________ BANAYAD / Rowena P. Festin/ 18 NAPANGINGITI AKO KAPAG MAULAN ANG LUNES NG GABI Ispesyal sa akin ang mga Lunes ng gabi Lalo na at maulan Mula nang muli tayong magkita Pagkaraan nang napakatagal na paghihiwalay Hindi ko inasahang mag-uusap tayo Na tila kahapon lang huling nagkita Hindi ko inasahang mapapatawa mo ako Na tila normal na nating ginagawa.
Details
-
File Typepdf
-
Upload Time-
-
Content LanguagesEnglish
-
Upload UserAnonymous/Not logged-in
-
File Pages101 Page
-
File Size-