KARANDUUN Isang Laro na Katha ni Joaquin Saavedra !1 Table of Contents Ano Ang Karanduun? 3 Ang Mga Tungkulin 11 PAGBUO NG ISANG KARANDUUN 12 Ang Mga Sistemang Panlaro 14 Mga Kasangkapan ng Mang-Aawit 29 Ang Tagpuan ng mga Itinadhana: Ang Puso 41 !2 Ano Ang Karanduun? Ang Karanduun ang tinatawag sa mga taong karapat-dapat ikanta sa mga kandu, o ng mga epiko. Sila ang mga magigiting na bayani na nakagawa ng mga bagay na kakaiba, na sobrang angas at mabagsik na naging karapat-dapat silang pagkantahan ng ating mga makata hanggang sa dulo ng walang hanggan. Ang Karanduun ang siyang mga magiting tao na may kakayahang ibahin ang mundo. Hindi inaalam kung saan o kailan sila dumating sa Puso. Ang alam lang nila na isang araw, may mga kakaibang nilalang na nakikipagdigmaan sa tabi ng mga mortal na tao. Sa kanila nanggaling ang Siglong Bulawan, kung saan may mga lumilipad na barko na tawag ay sinalimba, mga magigiting na mga sandata at pansangga. Sila lamang ang nakakabuo ng mga sinalimba na naglalayag sa hangin, at nakakalipad sa Bayan ng Araw. Sila lamang ang nakakapaglaban at nakakapagtalo sa mga bathala ng kadiliman, naglalakbay patungo sa Sulad at nakakabalik, nakakapagpangasawa ng mga diwata, pumapatay sa mga halimaw na may anggaw na mga kamay. Sa KARANDUUN, maglalaro ka bilang isang magiting na bayani, at nasa kamay mo kung ang landas na tatahakin ng Puso ay pagkatanggol, o tuluyang pagkasira. Ang Puso ng Katunayan ay nasa bangin ng pagbabago. Ang sangkatauhan ay nakikipagdigmaan sa isa’t isa na walang tigil. Puno ng halimaw ang mundo, ng mga tiburon na lumilipad, mga mabagsik na sarimao, at mga may lisyang mga diwata. Ang SAMPUNG DAKILANG PANGULO, ang namumuno sa Sampung Dakilang Bayan ng Baha-Bahaging Kapuluan. Sila ang may pamumuno sa Kapuluan. Sila ang tiyak na magsisira sa bawat isa. Ang mga Pangulo ang tanging Karanduun na kinikilala sa katotohanan. Kapag may ibang Karanduun na nabuhay, hahanapin sila ng mga BERDUGO ng Pangulo at papaslangin. Ang kamatayan at kabuhayan ng Puso ay nasa kamay ng mga Karanduun. Ang kanilang mga magigiting at dakilang mga agham at gawa ay dahan-dahang nauubos, nawawala, dahil sa munting pagdidigmaan. Sa meta na pagsasalita, isa itong laro kung saan makakalaro kayo ng mga bayani ng mga Epiko natin noong sinaunang bayan, sa loob ng isang tagpuang nakabase sa post- kolonyal na Pilipinas, na kung saan ang pangunahing lungsod, ang Kalakhang Biringan, ay isang satire ng Kalakhang Maynila. Tuklasin sina Agyu, Radia Indarapatra, Lam-Ang, Don Juan, Florante, Labaw Donggon, Handyong, Tuwaang, Matabagka, at marami marami pa. Makakalaro ka bilang nito. Ilikha mo ang sarili mong Tadhana, Karanduun. Mga Kailangan Alalahanin Tungkol sa Puso Ang Puso ang PUSO NG KATOTOHANAN, ang pangunahing realidad na dulot sa pagdidigmaan ng mga Anak ni Kahanginan at Katubigan laban sa kanilang Ninuno, si Kaptan o kung tawagin ay si Kaptan. Ang araw, buwan, mga bituin ng himpapawid, at ang lupa ay lahat bangkay ng mga namatay na mga apo. Ang mga bituin na lagpas sa himpapawid ay mga piraso ni BAT A LA pagkatapos niya magpakamatay upang maging kapwa ISA at LAHAT. !3 Ang mga Bituin na Lagpas sa Himpapawid ay lahat mga sariling mga uniberso. Isa mga uniberso na ‘to ay ang sa atin. Maraming uri ang mga nilalang na nakatira sa Puso ng Katotohanan. Ang pinakamarami at ang may tunay na kusa o sariling kalooban, na hindi gawa ng mga diwata—ang tanging umahon sa kawayan ay ang Sangkatauhan, o ang mga TAO. Ang mga DIWATA ang mga magigiting na nilalang na umaahon galing sa kalikasan. Habang sila’y mahina at maliit lamang, wala sila masyadong malay at kalooban. Pero madalas lumalaki sila at lumalakas rin dahil sa mga handog at alay ng mga tao, at dito nanggagaling ang mga Diwatang nakakapagusap. Madalas ang mga GALANG DIWATA, ang siyang mga Diwata na hindi nananatili sa isang dambana, ay mahahanap mo na nakikipaghalubilo sa mga tauhan. Ang mga NILALANG ang mga nilalang na hindi tao pero hindi rin diwata. Madalas kasingrami nila ang mga Diwata. Samot-sari ang kanilang mga pinanggalingan, abilidad, katangian, at kaluluwa. Madalas nasasailalim sa kategoryang ito ang mga Tikbalang, Duwende, Kapre, atbp. Ang mga ASWANG ang mga nilalang na kumakain ng dugo, laman-loob, at iba pa. Mayroong limang uri ng Aswang, at madalas sila’y kinakatakutan sa Puso ng Katunayan. Kaso lang, sa modernong panahanon, kinailangan na nilang makisama at makihalubilo sa ibang mga nilalang upang mabuhay ng maayos. Ngayon, may malalaking komunidad na ng mga aswang sa loob ng Puso. Maliit na Palatuntunin… …Ito ang mga simbolo at ang ibig sabihin nila: • < > - Ito ang pansamantalang puntos na maaring mong gamitin para sa mga epekto (tignan ang mga Sistemang Panlaro sa ibaba). • [ ] - Ginagamit sa mga Katangiang Kagamitan na mahahanap sa mga Katangian mamaya sa aklat (nasa huling bahagi ng Aklat ng Manglalaro). Ang Mga Katangian May limang Katangian na ginagamit ang Karanduun. Ang mga Karanduun ay mga dakilang mga tao rin, kaya ang kanilang mga Katangian ay itinatampok nila sa lahat ng gawa nila. Pumili ka ng isang Katangian na ang iyong Angking Katangian, at tingnan ang iyong Tungkulin para malaman kung ano ang iyong Tungkuling Katangian. Habang bumubuo ng sariling Karanduun, kailangan mong gawin 3 ang isa sa mga ito, at isa sa 4. Maari kang pumili ng kahit ano. 3 ay halos pangkampyon na, o pangolympics. Yung 1 ay kakayahan ng karaniwang tao. Umaabot sa 6 ang isang Katangian, pero para sa mga talagang kakaibang nilalang na iyon (subalit kasama doon ang mga Karanduun). 4 ay pinakamataas na makakamit ng isang tao. 5 ay nagagawa lamang ng mga Karanduun. bgni BAGANI. Sukat ng iyong galing sa paglalaban at kagalingan sa lahat ng sining digmaan, at galing sa pagdadala ng karahasan gamit ang kung anumanang kanilang pabor na sandata. dlub+hs DALUBHASA. Ang sukat ng iyong kalidad sa mga gawa at mga katalinuhan. Pagpapanday, pagsasaka, pagsasayaw, pagsisining, at iba pa. Ito ang larangan ng mga kaalamang pangtao. !4 ktlonn+ KATALONAN. Sukat ng iyong galing sa pagtatalo at paguusap sa mga nilalang na hindi nakikita, at ng iyong katalinuhan sa mga lihim. Ito ang larangan ng mga kaalamang hindi pangatwiran. Ito rin ang sukat ng lakas ng iyong kaluluwa. kwtn+ KAWATAN. Ang sukat ng iyong galing sa mga bagay na hindi sang-ayon sa batas, o hindi maganda sa paningin ng tao, pero kinakailangan. sugo SUGO. Sukat ng iyong galing sa pag-uusap at pakikipagbati sa tao, at gaano ka kaelegante sa mga interaksyong panlipunan, at saka rin ang iyong balani sa ibang tao, ang lakas ng kalooban at iyong karisma. Pangalawang Mga Katangian Eto ang mga pangalawang Katangian. KARAHASAN: Ang karahasan ang bilang ng Pinsala na idudulot mo sa kalaban mo kapag nakikipaglaban ka. Katumbas ito sa iyong BAGANI + kung anumang Sandata ang gamit mo. Kapag gumagamit ng Magaang Sandata, +1. Kapag Karaniwang Sandata, +2. Kapag Mabigat na Sandata, +3. PROTEKSYON Ang Proteksyon ay ang nagpoprotekta sayo kapag natamaan ka. Katumbas ito ng kung anong Proteksyon ang suot mo: kapag nakasuot ng Magaang Proteksyon, may 1 ka na Proteksyon. Kapag Karaniwan, 2. Kapag Mabigat, 3, pero may -1 ka sa lahat ng tapon mong pangdepensa at sa pagtapon para magtago o gumalaw ng tahimik. Binabawasan ng Proteksyon ang Karahasan. Kapag natamaan ka, maari kang gumastos ng 1 Proteksyon upang mabawasan ang makukuha mong Pinsala ng 3. Maari kang gumastos ng ilang Proteksyon na gusto mong gastusin. Basta’t PINSALA: Ito ang bilang ng iyong kayang tiising kapahamakan bago mawalan ng malay o bumigay sa sakit. Katumbas ito ng iyong KATALONAN o BAGANI + 5. Ang Mga Katotohanan Pagtapos ng paghanap ng iyong Katangian, gumawa ng mga Katotohanan. Ang mga Katotohanan ay mga salita o parirala kung saan naglilinaw at nagpapahayag ang mga katotohanan na nagyari sa buhay mo o katotohanan tungkol sa iyo. Maari mong gamitin o sabihin na may kaugnayan ang isang Katotohanan mo kapag magtatapon ka. Kapag sang-ayon ang Mang-Aawit, pumili ka ng isa: • Magdagdag ng +1d sa pagtapon mo. • Bumawi ng 1 Gamit-Gahum. Kapag nagamit ang Katotohanan, markahan mo sa sheet mo. Kapag nakamarka na ang isang Katotohanan, hindi mo na ito magagamit muli. Burahin lahat ng marka pagkatapos ng sesyon. Ang bawat marka ay magiging 1 Karunungan sa bawat pagtapos ng sesyon. Sa umpisa, ang unang Katotohanan mo ay dapat lima: ang iyong Umaalab na Kalooban, Malubhang Lamat, Pinanggalingan, Libangan, Kaugnayan, Pangkatipunang Kaugnayan, Itsura, at Lahi. !5 Umaalab na Kalooban: Ang mga Karanduun ay mga taong punong puno ng kalooban at kagustuhan. Napapagalaw sila dahil sa kanilang Gahum. Tumalon, sumayaw, makipaglaban, pumatay, magtanggol, sakupin ang buong mundo, ipagtanggol yung buong mundo. Gumawa ka ng isang Umaalab na Kalooban: maari ito isang salita o isang pangunugusap na naglalarawan kung ano ang pinakagusto ng Karanduun mo sa buhay niya, kung ano ang umalaab na tungkulin o adhikain na kailangan niyang ipatupad sa kaniyang buhay. - Mga Halimbawa: “Nais kong mapangasawa ang isang diwata”, “Nais kong magka- angkan”, “Nais kong alisin at itanggal ang pag-aalipin”, “Nais kong sirain ang buong sambayanan ng Hawud”. Malubhang Lamat: Ang mga Karanduun, kahit na sila’y mga magigiting at magagaling na bayani, ay parang mga tao rin. Ang mga dakilang tao ay mayroong mga dakilang lamat. Dakilang kaibahan. Kapag gumawa ka ng isang karakter, mag-isip ka ng isang salita o pangunugusap na naglalarawan ng isang mali o lamat ng Karanduun mo. - Mga Halimbawa: Ambisyoso, Madaling Magalit, Mayabang, Walang Awa Pinanggalingan: Ito ay dapat naglalarawan ng iyong pinanggalingan, maging grupo man yan, o pangkat, o isang lungsod, o kung anomang lugar. Kapag nanggaling ka sa isang lungsod, sabihin kung anong lungsod. - Mga Halimbawa: “Aliping walang panginoon”, “Ipinanganak sa kumbento ni Yawuh Haylel”, “Pinalaki ng Katipunan ng KATALONAN.” Libangan: Ito ay dapat isang salita o pangungusap na naglalarawan o nagpapakita ng iyong trabaho o ginagawa bago mo nakamit ang Unang Gahum.
Details
-
File Typepdf
-
Upload Time-
-
Content LanguagesEnglish
-
Upload UserAnonymous/Not logged-in
-
File Pages59 Page
-
File Size-