Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 6 W7 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes II. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELCs) Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes

III. CONTENT/CORE CONTENT Ang pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes

Suggested IV. LEARNING PHASES Learning Activities Timeframe A. Introduction Panimula Sa nagdaang aralin, nalaman mo ang mga programang pinapatupad ng iba’t ibang administrasyong sa pagtugon sa mga suliraning hamong kinakaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972.

Sa araling ito ay malalaman ang mga pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes.

Bilang isang mag-aaral ikaw ay inaasahang;

a. natatalakay ang mga pangyayaring may kinalaman sa Snap Election o biglaang halalan; b. nailalarawan ang EDSA Rebolusyon noong Pebrero 1986; c. naipaliliwanag ang kabayanihang ginagawa ng mga Pilipino sa pakikiisa sa muling pagkakamit ng demokrasya at katarungan sa bansa; at d. napahahalagahan ang epekto ng People Power para sa pagkakamit ng kalayaan.

Natuklasan natin ang naging kalagayan ng bansang Pilipinas sa ilalim ng bagong Republika. Lalong sumidhi ang kahirapang dinaranas ng mga mamamayan. Maging ang Estados Unidos at International Monetary Fund (IMF) ay nagkaroon ng pag-aalinlangang muling magpahiram ng salapi sa bansa dahil sa krisis na dinaranas nito. Para makautang muli, nagbigay ng kondisyon ang IMF na kailangang mapatunayan ni Pang. Marcos na may tiwala pa ang taong-bayan sa kanya. Dahil sa labis na paghahangad ng Pangulo na mabawi at mapatunayang malaki pa rin ang pagtitiwala ng mga tao ay ipinahayag niya noong Nobyembre,13 1985 ang pagdaraos ng isang Snap Election.

ANG PAGTAWAG NG SNAP ELECTION Noong ika-7 ng Pebrero 1986, naganap ang Snap Election o ang biglaang eleksyon kung saan si Pang. Marcos sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ay lubos na umaasang siya’y muling magwawagi sapagkat ilang beses na niyang napatunayan ang suporta sa kanya ng mga mamamayan. Ang kanyang katunggali ay si Corazon ‘Cory’ Aquino. Sa katunayan, hindi niya ninasang pumasok sa pulitika. Subalit maraming sumusuporta sa kanya sapagkat ang taong-bayan ay naniniwalang siya ang karapat-dapat na kandidatong panlaban kay Pang. Marcos. Bilang asawa ng pinatay na lider na si Ninoy, siya ang pinakabuhay na biktima ng kasamaan ng remihing hindi marunong kumilala sa karapatang pantao. Sa pamamagitan ng isang milyong pirmang kinalap ng for President Movement (CAPM) sa pamumuno ni Joaquin “Chino” Roces, si Cory ay napapayag na lumaban kay Marcos. Sa panahon ng eleksyon, pinahihintulutang lumahok sa bilangan ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) na pinamumunuan ni Jose Concepcion, isang mangangalakal. Ang himpilan ng NAMFREL ay nasa La Salle Green Hills samantalang ang Commission on Elections (COMELEC) ang opisyal na

namamahala sa bilangan tuwing eleksyon ay nakahimpil sa PICC. Sa pagbibilang ng boto, parehong kompyuter ang gamit ng dalawa, subalit ang nakapagtataka magkaiba ang itinatalang resulta ng mga ito. Sa bilangan ng COMELEC, nanguna si Pang. Marcos ngunit sa NAMFREL malinaw na nanguna si Cory. Dahil sa kaguluhan, ang Batasang Pambansa na ang nagpatuloy sa pagbibilang sapagkat ang mga nagbibilang sa COMELEC sa pangunguna ni Linda Kapunan ay huminto na sa pagbibilang dahil di na nila kayang tanggapin ang talamak na dayaan. Sa opisyal na bilang ng Batasan, lumalabas na sina Marcos at Tolentino ang nanalo subalit hindi ito tinanggap nang oposisyon. Dahil sa resultang, ito ay hinikayat ni Cory Aquino ang mamamayang Pilipino na magprotesta. Isang kampanya nang di pagsunod o civil disobedience ang inilunsad ni Cory upang paalisin ang rehimeng Marcos.

ANG 1986 PEOPLE POWER Naganap ang mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero 22 hanggang 25,1986 bunga ng pagmimithi ng mga mamamayang magkaroon ng pagbabago sa bansa. Ang People Power o ay nagsimula nang si , Ministro ng Tanggulang Pambansa, at si Hen. Fidel V. Ramos, ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang-Lakas ay tumiwalag sa administrasyong Marcos. Naniniwala silang hindi si Marcos ang inihalal ng taong bayan kundi si Cory Aquino kaya’t noong ika-22 ng Pebrero 1986 ay ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin. Sa pamamagitan ng Radio Veritas, nanawagan sila sa mga mamamayang suportahan sila at mabigyan ng proteksyon ang mga militar na tumiwalag sa pamahalaan.

Sa pangyayaring ito, nanawagan din si Marcos sa telebisyon, nakiusap siya sa dalawang sumuko at itigil na ang kanilang ginagawang paglaban sa pamahalaan. Subalit hindi sila natinag sa kanilang ginawang desisyon. Lalong tumibay ang kanilang loob nang manawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito “Butz” Aquino, kapatid ng yumaong Benigno Aquino, Jr. na tumungo ang mga tao sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa paligid ng Kampo Crame at Kampo Aguinaldo kung saan nagtatago sina Enrile at Ramos kasama ang iba pang mga sundalo. Ilang saglit lamang ang lumipas at dumagsa na ang napakaraming tao sa EDSA. May dala dala silang mga inumin, at pagkain para sa mga sundalo. Dito naganap na nagsimula ang tinaguriang People Power sa EDSA o EDSA I.

Ang Kabayanihang Ginampanan ng mga Pilipino sa Rebolusyon sa EDSA Ang unang pagsubok sa Lakas ng Bayan o People Power ay naganap noong ika-23 ng Pebrero, kinahapunan ng Linggo nang ang isang convoy na kinabibilangan ng tatlong batalyong sundalo sa pamumuno ni Hen. Artemio Tadiar ay dumating sa EDSA. Ang misyon nila ay gawin ang pinag-uutos ni Marcos, ang salakayin ang Kampo Aguinaldo, subalit sila ay sinalubong ng People Power sa panulukan ng EDSA at Ortigas. Nakaharap nila roon ang mga kapwa nila Pilipinong tahimik na nagdarasal at umaawit. Sa halip na salubungin ng galit ang mga sundalo ay inabutan nila ang mga ito ng rosaryo, bulaklak, at pagkain. Dahil dito, hindi nagawa ng mga sundalo ang pinag-uutos sa kanila.

Kinabukasan, ika-24 ng Pebrero, Lunes ng madaling araw, ay isang pangkat naman ng mga sundalong marino ang inatasang sumalakay sa Kampo Aguinaldo. Hinagisan nila ng mga tear gas ang mga tao upang magkahiwa-hiwalay ang mga ito subalit sila ang umurong sapagkat sa kanila pumunta ang usok ng tear gas. Hindi nagtagal ay dumating naman ang mga helicopter gunships sa pamumuno ni Kol. Antonio Sotelo. Nakadama ng takot ang mga tao sapagkat wala silang kalaban- laban sa isang pagsalakay mula sa himpapawid. Subalit isang himala ang naganap sapagkat ang mga sakay ng helicopter ay pumanig sa kanila. Bago magtanghali nang araw na iyon ay marami nang sundalo ang kumampi sa panig ng oposisyon.

Ang Pagwawakas at Resulta ng Rebolusyon Tinatayang umabot sa tatlong milyon ang bilang ng taong nakiisa sa People Power sa EDSA. Sa lugar ng EDSA, sa Channel 4, at sa mga lansangan patungong Malacañang ay makikita ang nagkakaisang sambayanang Pilipino- pari ,madre, seminarista, pastor, ministro, matanda, bata, mayaman, mahirap, kristiyano, at maging hindi Kristiyanong ay magkakapit-bisig habang nagdarasal. Buong tapang nilang sinalubong ang mga kanyon at tangke. Pinakiusapan nila ang mga loyalistang sundalong huwag ipuputok ang mga tangke at mga kanyon sa mga kapwa nila Pilipino. Sinikap nilang palambutin ang kalooban ng mga kawal sa pamamagitan ng pagngiti, at pagbibigay ng inumin at pagkain. Higit sa lahat, nagdasal at nagkantahan ng makabayang awitin ang mga tao. Noong Pebrero 25, ganap nang nagtagumpay ang sambayanang Pilipino. Sa harap ni Mahistradong , si Corazon C. Aquino ay nanumpa bilang pangulo ng bansa, samantalang si Salvador Laurel ay nanumpa bilang pangalawang pangulo sa harap ni Mahistrado . Ang mahalagang pangyayaring ito ay naganap sa sa Greenhills, San Juan na dinaluhan ng libu-libong Pilipino. Sa kabilang dako naman, sa Malacañang ay nanumpa rin si Pang. Marcos bilang isang pangulo diumano sa harap ni Punong Mahistrado Ramon Aquino. Ngunit batid ng pamilyang Marcos na wala na silang magagawa upang sila ay manatili pa sa posisyon dahil ang taong bayan na ang kanilang kalaban, Dahil dito, noong gabi ng Pebrero 25,1986, ang pamilyang Marcos kasama ang kanilang malalapit na kaibigan ay umalis sa Malacañang sakay ng helicopter patungong Clark Field at mula rito ay tumuloy sa . Sa wakas ay natapos na ang pamumuno ni Pang. Marcos, Ang mapayapang rebolusyong tumagal ng apat na araw ang siyang nagbigay-wakas sa pamahalaang Marcos. Noong araw na iyon, napuno ng kagalakan at nagdiriwang ang sambayanang Pilipino sapagkat sa wakas ay kanilang naibalik ang tunay na demokrasya at katarungang matagal na nilang inaasam-asam,

Sanggunian: Lakbay ng Lahing Pilipino 5, p. 456-466

Mga Tanong:

1. Bakit napilitan si Pang. Marcos na magdaos ng “Snap Election”? Ilarawan ang kinalabasan ng botohan? 2. Sa iyong palagay, bakit gayon na lamang ang suportang ibinigay ng sambayanang Pilipino kay Pang. Corazon Aquino? 3. Nagaganap pa rin ba ang dayaan sa eleksyon sa kasalukuyan? Ano ang maaaring gawin ng mga mamamayan para mahinto ang dayaan sa eleksyon? 4. Ilarawan ang naganap na Rebolusyon sa EDSA. Bakit hinangaan ng buong mundo ang mga Pilipino sa pangyayaring ito? 5. Ipagpalagay na ikaw ay buhay na noong 1986 at may sapat nang gulang upang makilahok sa mga gawaing pulitikal sa bansa, makikiisa ka rin ba sa milyun-milyong taong tumungo sa EDSA? Bakit? 6. Maituturing bang isang tunay na kabayanihan ang ipinamalas ng mga Pilipino sa Rebolusyon sa EDSA? Bakit?

B. Development Ang mga pangyayaring naganap ay nabalita sa buong mundo, bagay na Pagpapaunla hinangaan ng maraming bansa. Sadyang kahanga-hanga ang kabayanihan, d katapangan at pagkakaisang ipinamalas ng mga Pilipino makamit lamang muli ang inaasam asam na demokrasya at katarungan.

Sa iyong sariling paraan ay mag-isip ka ng mga mumunting paraan kung saan maipakikita mo ang pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes. Itala ang iyong sagot sa baba.

Akoy Isang munting bayani maipakikita ko ang pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes sa pamamagitan ng ______.

C. Engagement Pakikipagpali Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: han Isa sa nagpatingkad sa damdaming nasyonalismo sa panahon ng EDSA Rebolusyon ay ang mensahe ng mga awit na sadyang nilikha para sa mapayapang paraan ng pakikipaglaban ng sambayanang Pilipino laban sa pamahalaang diktatoryal.

Isa sa mga ito ay ang awiting Handog ng Pilipino sa Mundo. Pakinggan ang awiting ito nang ilang ulit o basahin ang lyrics sa baba ng awitin habang ipinahahayag mo ang iyong pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes sa pamamagitan ng pagguhit. Ang tawag sa gawaing ito ay Music Images. Narito ang mga kagamitang iyong kakailanganin para sa gawaing ito.

Coupon bond Crayola o anumang pangkulay Karaoke o VCD player Cassette tape o CD ng awiting “Handog ng Pilipino sa Mundo”S

Handog Ng Pilipino sa Mundo (Alamid)

Di na 'ko papayag mawala ka muli. 'Di na 'ko papayag na muli mabawi, Ating kalayaan kay tagal natin mithi. 'Di na papayagang mabawi muli.

Magkakapit-bisig libo-libong tao. Kay sarap palang maging Pilipino. Sama-sama iisa ang adhikain. Kelan man 'di na paalipin.

[Refrain:] Handog ng Pilipino sa mundo, Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungang Ay kayang makamit na walang dahas. Basta't tayong lahat. (Mag sama-sama tayo, ikaw at ako)

Masdan ang nagaganap sa aming bayan. Nagkasama ng mahirap at mayaman. Kapit-bisig madre, pari, at sundalo. Naging Langit itong bahagi ng mundo.

Huwag muling payagang umiral ang dilim. Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin. Magkakapatid lahat sa Panginoon. Ito'y lagi nating tatandaan. (Repeat refrain two times)

Coda: Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan. Ay kayang makamit na walang dahas. Basta't magkaisa tayong lahat!

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Panuto : Sumulat ng isang payak na talata tungkol sa iyong magagawa bilang mag- aaral upang bigyan ng pagpapahalaga ang pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes. Gawing gabay ang rubrik na matatagpuan sa ibaba.

“Akoy Isang Munting Bayani”

______.

Rubrik sa paggawa ng Payak na Talata

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pagpapahalaga sa mga tungkulin dapat gampanan ng bawat Pilipino upang mapanatili ang demokrasya sa bansa. Sa muling pagkakamit ng tunay na demokrasya sa bansa ay mahalagang maunawaan ng bawat isa na ang karapatan at kalayaang tinatamasa ng mga mamamayan ay may katapat na tungkulin at pananagutan. Basahing mabuti ang mga pahayag at lagyan ng markang tsek (✓) kung ito ay mga tungkuling dapat gawin ng mga Pilipino at ekis (x) naman kung hindi.

____1. Ipagtanggol ang bansa sa lahat ng oras. ____2. Tangkilikin ang mga produktong galing sa ibang bansa nang higit sa mga gawang Pinoy. ____3. Sundin ang mga batas ng pamahalaan. ____4. Samantalahin ang kahinaan ng kapwa. ____5. Magsikap upang mapaunlad ang sarili. ____6. Umasa lagi sa tulong ng mga magulang at mga kamag-anak. ____7. Bumoto nang matalino. ____8. Magbayad ng tamang buwis sa tamang panahon ____9. Tumulong sa mga proyektong magpapaunlad sa bansa ___10. Igalang ang karapatan ng kapwa

D.Assimilation Isaisip Natin Paglalapat ● Noong ika-7 ng Pebrero 1986 ay naganap ang Snap Election o Biglaang Eleksyon kung saan sina sa ilalim ng partidong KBL at

Corazon Aquino sa ilalim ng partidong UNIDO ang naglaban sa pagkapangulo. ● Hindi magkatugma ang resulta ng ginawang pagbibilang ng boto ng COMELEC at NAMFREL. Di umano ay nagkaroon ng malawakang dayaang naging daan upang maglunsad si Cory ng civil disobedience ● Noong Pebrero 16,1986, sa gitna ng kaguluhan ay ipinahayag ng Batasang Pambansa na si Pang. Marcos ang nagwagi sa eleksyon ● Hindi natanggap ng sambayanang Pilipino ang naging resulta ng eleksyon kaya’t naganap ang makasaysayang Rebolusyon sa EDSA na dinaluhan n g milyun-milyong Pilipino.

Kaya Natin Bilang isang mag-aaral paano mo bibigyan ng pagpapahalaga ang pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes?

V. ASSESSMENT (Learning Activity Sheets for Para sa Pagtataya, ito ay iyong gagawin sa Ikatlo at ika-anim na linggo ng aralin. Enrichment, Remediation or Assessment to be given on Weeks 3 and 6) VI. REFLECTION Matapos mong mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa kakayahan upang maging ganap ang pagkatuto at kabatiran tungkol sa tinalakay na aralin, ngayon ay magagawa mo ng ihayag ng buong pagmamalaki:

● Ang aking natutunan sa aralin ay ______. ● Mga bagay na ayaw mong makalimutan sa ______. ● Gusto mong subukan mula sa iyong natutunan ay ______.

Prepared by: Lhen Claudes F. San Juan Checked by: