1

BASA PILIPINAS gabay sa pagtuturo ng filipino unang baitang

YUNIT 3

SETYEMBRE 2014

Ang materyal sa pagtuturo na ito ay nabuo sa tulong ng mga Mamamayang Amerikano sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID). Ang mga nilalaman ng materyal na ito ay nasa sariling pananagutan ng Education Development Center, Inc. (EDC) at hindi sumasalamin sa mga pananaw ng USAID o ng Pamahalaan ng Estados Unidos. GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Unang Baitang – Yunit 3 Gabay sa Pagtuturo ng Filipino Unang Edisyon, 2014 Inilathala ng U.S. Agency for International Development (USAID) Binuo ng USAID/Basa Pilipinas sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon

Technical Director: Dr. Nancy Clark-Chiarelli Manunulat: Ma. Cecilia Luz Ochoa Mga Tagasuri: Angelika Jabines, Education Program Specialist DepEd – Bureau of Elementary Education Paolo Paculan (nilalaman) Jomar Empaynado (wika) Mga nag-layout: Leah Melita de Ocampo at Harry James Creo

Ang karapatang-sipi ng mga akda o materyales gaya ng kuwento, awit, tula, mga larawan, tatak, trademark, at iba pa, na ginamit sa materyal na ito ay taglay ng kani-kanilang mga may-ari. Upang magamit ang mga akdang ito, pinagsikapang mahanap at humingi ng pahintulot mula sa mga may karapatang-ari. Hindi inaangkin ng tagapaglathala at may-akda ang karapatang-ari ng anuman sa mga akdang ito. Ang mga piling kuwento mula sa Adarna House, Vibal Publishing House, at Lampara Publishing House ay ginamit nang may pahintulot ng mga tagapaglathala nito. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ipadala sa anumang paraan, electronic o mekanikal, kabilang ang photocopy, o anumang sistema ng impormasyon nang walang pahintulot sa tagapaglathala.

LIBRENG KOPYA. HINDI IPINAGBIBILI.

Inilimbag sa Pilipinas

Basa Pilipinas Program Office Address: 3/F L. Orosa Building, 1010 Meralco Avenue, Pasig City Telephone: +63 (02) 631-1970; 631-1871 E-mail Address: [email protected] UNANG BAITANG GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO talaan ng nilalaman

Aralin 21...... 1 Lingguhang Gabay...... 2 Mga Aralin...... 6

Aralin 22...... 19 Lingguhang Gabay...... 20 Mga Aralin...... 24

Aralin 23...... 39 Lingguhang Gabay...... 40 Mga Aralin...... 44

Aralin 24...... 59 Lingguhang Gabay...... 60 Mga Aralin...... 64

Aralin 25...... 83 Lingguhang Gabay...... 84 Mga Aralin...... 88

Aralin 26...... 103 Lingguhang Gabay...... 104 Mga Aralin...... 110

ARALIN 27...... 123 Lingguhang Gabay...... 124 Mga Aralin...... 128

Aralin 28...... 143 Lingguhang Gabay...... 144 Mga Aralin...... 148

Aralin 29...... 163 Lingguhang Gabay...... 164 Mga Aralin...... 168

YUNIT 3 ARALIN 21

ARALIN 21

GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG FILIPINO

TEMA: Mga Bagay Tungkol sa Aking Kultura KUWENTO: ni Lolo Waldo

1 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 21

Tema: Mga Bagay Tungkol sa Aking Kultura Kuwento: Arroz Caldo ni Lolo Waldo

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) TA • F1TA-0a-j-2 • Mga Pagkaing Filipino • Paggabay sa sabayang pag-awit ng isang awitin • Pagsabay sa awitin Nagagamit ang wika bilang tugon sa tungkol sa pagkaing Filipino (“, Penoy” o • Pagtugon sa katanungan ukol sa pagkaing sariling pangangailangan at sitwasyon “, ”) Filipino • Pagtatanong ukol sa paksa ng pagkaing Filipino PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapaunlad ng talasalitaan: mga • Pagpaskil sa pisara ng mga salita, pangungusap • Pakikinig sa mga pangungusap Natutukoy ang kahulugan ng salita salita mula sa kuwentong Arroz na gamit ang mga salita, at mga pagpipiliang • Pagtugon sa mga tanong ng guro: pagpili sa 1 batay sa kasingkahulugan Caldo ni Lolo Waldo (Akda ni salitang kasingkahulugan tamang salitang kasingkahulugan Becky Santos-Gerodias; Iginuhit ni • Pagbasa ng mga pangungusap at pagtatanong • Gawaing magkapares sa pagbubuo ng isa o Bernadette Solina) sa mga bata upang mapili ang tamang salitang higit pang pangungusap gamit ang mga salitang kasingkahulugan tinutukan sa talasalitaan • Pagpapagamit sa mga bata ng mga bagong • Pagsipi sa talasalitaan salita sa isa o higit pang pangungusap • Pagpapasipi ng talasalitaan PN • F1PN-IIIf-9 • Arroz Caldo ni Lolo Waldo • Pagbasa ng aklat • Pakikinig sa kuwento Nahuhulaan ang susunod na • Pagtatanong sa mga bata habang binabasa ang • Pagsagot sa mga tanong ng guro habang mangyayari sa napakinggang kuwento binabasa ang kuwento 2 kuwento AL • F1AL-IIb-1 • Arroz Caldo ni Lolo Waldo • Pagganyak at pagganyak na tanong gamit ang • Pagtugon sa katanungan ng guro ukol sa Nasasabi ang nilalaman ng aklat pabalat ng aklat nakikita sa pabalat at ukol sa pamagat ng aklat batay sa pamagat PN • F1PN-IIIa-1.3 • Pagbabalik-aral: Arroz Caldo ni • Paghati sa klase sa maliliit na pangkat na may • Pagbubuo ng mga tanong tungkol sa Nakabubuo ng mga tanong matapos Lolo Waldo tig-limang kasapi kuwentong napakinggan 3 mapakinggan ang kuwento • Paggabay sa pangkatang gawain • Pagtanong sa kabilang pangkat ng nabuong tanong • Pagsagot ng mga tanong ng ibang pangkat LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

2 YUNIT 3 ARALIN 21

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 21

Tema: Mga Bagay Tungkol sa Aking Kultura Kuwento: Arroz Caldo ni Lolo Waldo

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) TA • F1TA-0a-j-2 • Mga Pagkaing Filipino • Paggabay sa sabayang pag-awit ng isang awitin • Pagsabay sa awitin Nagagamit ang wika bilang tugon sa tungkol sa pagkaing Filipino (“Balut, Penoy” o • Pagtugon sa katanungan ukol sa pagkaing sariling pangangailangan at sitwasyon “Puto, Kutsinta”) Filipino • Pagtatanong ukol sa paksa ng pagkaing Filipino PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapaunlad ng talasalitaan: mga • Pagpaskil sa pisara ng mga salita, pangungusap • Pakikinig sa mga pangungusap Natutukoy ang kahulugan ng salita salita mula sa kuwentong Arroz na gamit ang mga salita, at mga pagpipiliang • Pagtugon sa mga tanong ng guro: pagpili sa 1 batay sa kasingkahulugan Caldo ni Lolo Waldo (Akda ni salitang kasingkahulugan tamang salitang kasingkahulugan Becky Santos-Gerodias; Iginuhit ni • Pagbasa ng mga pangungusap at pagtatanong • Gawaing magkapares sa pagbubuo ng isa o Bernadette Solina) sa mga bata upang mapili ang tamang salitang higit pang pangungusap gamit ang mga salitang kasingkahulugan tinutukan sa talasalitaan • Pagpapagamit sa mga bata ng mga bagong • Pagsipi sa talasalitaan salita sa isa o higit pang pangungusap • Pagpapasipi ng talasalitaan PN • F1PN-IIIf-9 • Arroz Caldo ni Lolo Waldo • Pagbasa ng aklat • Pakikinig sa kuwento Nahuhulaan ang susunod na • Pagtatanong sa mga bata habang binabasa ang • Pagsagot sa mga tanong ng guro habang mangyayari sa napakinggang kuwento binabasa ang kuwento 2 kuwento AL • F1AL-IIb-1 • Arroz Caldo ni Lolo Waldo • Pagganyak at pagganyak na tanong gamit ang • Pagtugon sa katanungan ng guro ukol sa Nasasabi ang nilalaman ng aklat pabalat ng aklat nakikita sa pabalat at ukol sa pamagat ng aklat batay sa pamagat PN • F1PN-IIIa-1.3 • Pagbabalik-aral: Arroz Caldo ni • Paghati sa klase sa maliliit na pangkat na may • Pagbubuo ng mga tanong tungkol sa Nakabubuo ng mga tanong matapos Lolo Waldo tig-limang kasapi kuwentong napakinggan 3 mapakinggan ang kuwento • Paggabay sa pangkatang gawain • Pagtanong sa kabilang pangkat ng nabuong tanong • Pagsagot ng mga tanong ng ibang pangkat LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

3 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral KP • F1KP-IIIa-5 • Pagsasanay: Pagtukoy sa mga pantig • Pagsulat sa pisara ng mga pagkaing Filipino na • Pagpapantig ng mga salita gamit ang palakpak Nakikilala ang mga tunog na na bumubuo sa mga salita, at ang tututukan ng pagsasanay • Pakikinig sa halimbawang ipinakita ng guro bumubuo sa pantig ng mga salita tunog na bumubuo sa bawat pantig • Paggabay sa pagpapantig gamit ang pagpalakpak ukol sa paghihiwalay ng tunog ng bawat pantig • Pagpapakita ng halimbawa sa pagtukoy ng • Gawaing magkapares: paghihiwalay ng mga 3 tunog sa bawat pantig tunog sa bawat pantig ng salitang naitakda • Pag-ikot sa klase at paggabay sa mga magkapares na kailangan pa ng tulong sa paghihiwalay ng tunog sa bawat pantig KP • F1KP-IIIa-5 • Pagbabalik-aral: pagpapantig at • Pagganyak sa mga bata na magbigay ng mga • Pagbibigay ng mga halimbawa ng pagkaing Nakikilala ang mga tunog na pagtukoy sa tunog ng bawat pantig halimbawa ng pagkaing Filipino Filipino bumubuo sa pantig ng mga salita • Paggabay sa gawaing magkapares: pagpapantig • Pagpapantig ng mga salita at pagtukoy ng mga tunog na bumubuo sa • Pagtukoy sa mga tunog na bumubuo sa bawat pantig pantig 4 • Pagpapakita ng halimbawa sa pagtukoy ng • Paglalahad sa harap ng klase tunog sa bawat pantig • Pagsipi ng mga salitang pinantig • Pag-ikot sa klase at paggabay sa mga • Pagguhit ng larawan na nagpapakita ng magkapares na kailangan pa ng tulong sa kahulugan ng salita paghihiwalay ng tunog sa bawat pantig TA • F1TA-0a-j-2 • Laro: “Adobo at ” • Paggabay sa mga bata sa pagsasagawa ng laro • Pagbigay ng akmang salita kapag natawag sa Nagagamit ang wika bilang tugon sa • Pagbablik-aral: Pagbibigay halimbawa larong “Adobo at Paksiw” sariling pangangailangan at sitwasyon ng pagkaing Filipino PS • F1PS-IIIa-4 • Bahaginan ukol sa takdang-aralin: • Pagbigay ng halimbawang panimula at • Paglalahad ukol sa takdang-aralin Naiuulat nang pasalita ang mga paglalahad tungkol sa mga ginawa halimbawang pangungusap naobserbahang pangyayari sa loob at naobserbahan sa klase ngayong ng silid-aralan linggo 5 TA • F1TA-0a-j-2 • Pagtalakay sa Arroz Caldo ni • Muling pagbasa ng kuwento • Pakikinig sa kuwento Nagagamit ang wika bilang tugon sa Waldo • Pagtatanong tungkol sa kuwento • Pagsagot sa mga tanong habang binabasa at sariling pangangailangan at sitwasyon • Pagtataya • Pagsagawa ng pangkatang pagtataya matapos basahin ang kuwento • Pagsagot sa mga tanong sa pangkatang pagtataya LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

4 YUNIT 3 ARALIN 21

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral KP • F1KP-IIIa-5 • Pagsasanay: Pagtukoy sa mga pantig • Pagsulat sa pisara ng mga pagkaing Filipino na • Pagpapantig ng mga salita gamit ang palakpak Nakikilala ang mga tunog na na bumubuo sa mga salita, at ang tututukan ng pagsasanay • Pakikinig sa halimbawang ipinakita ng guro bumubuo sa pantig ng mga salita tunog na bumubuo sa bawat pantig • Paggabay sa pagpapantig gamit ang pagpalakpak ukol sa paghihiwalay ng tunog ng bawat pantig • Pagpapakita ng halimbawa sa pagtukoy ng • Gawaing magkapares: paghihiwalay ng mga 3 tunog sa bawat pantig tunog sa bawat pantig ng salitang naitakda • Pag-ikot sa klase at paggabay sa mga magkapares na kailangan pa ng tulong sa paghihiwalay ng tunog sa bawat pantig KP • F1KP-IIIa-5 • Pagbabalik-aral: pagpapantig at • Pagganyak sa mga bata na magbigay ng mga • Pagbibigay ng mga halimbawa ng pagkaing Nakikilala ang mga tunog na pagtukoy sa tunog ng bawat pantig halimbawa ng pagkaing Filipino Filipino bumubuo sa pantig ng mga salita • Paggabay sa gawaing magkapares: pagpapantig • Pagpapantig ng mga salita at pagtukoy ng mga tunog na bumubuo sa • Pagtukoy sa mga tunog na bumubuo sa bawat pantig pantig 4 • Pagpapakita ng halimbawa sa pagtukoy ng • Paglalahad sa harap ng klase tunog sa bawat pantig • Pagsipi ng mga salitang pinantig • Pag-ikot sa klase at paggabay sa mga • Pagguhit ng larawan na nagpapakita ng magkapares na kailangan pa ng tulong sa kahulugan ng salita paghihiwalay ng tunog sa bawat pantig TA • F1TA-0a-j-2 • Laro: “Adobo at Paksiw” • Paggabay sa mga bata sa pagsasagawa ng laro • Pagbigay ng akmang salita kapag natawag sa Nagagamit ang wika bilang tugon sa • Pagbablik-aral: Pagbibigay halimbawa larong “Adobo at Paksiw” sariling pangangailangan at sitwasyon ng pagkaing Filipino PS • F1PS-IIIa-4 • Bahaginan ukol sa takdang-aralin: • Pagbigay ng halimbawang panimula at • Paglalahad ukol sa takdang-aralin Naiuulat nang pasalita ang mga paglalahad tungkol sa mga ginawa halimbawang pangungusap naobserbahang pangyayari sa loob at naobserbahan sa klase ngayong ng silid-aralan linggo 5 TA • F1TA-0a-j-2 • Pagtalakay sa Arroz Caldo ni • Muling pagbasa ng kuwento • Pakikinig sa kuwento Nagagamit ang wika bilang tugon sa Waldo • Pagtatanong tungkol sa kuwento • Pagsagot sa mga tanong habang binabasa at sariling pangangailangan at sitwasyon • Pagtataya • Pagsagawa ng pangkatang pagtataya matapos basahin ang kuwento • Pagsagot sa mga tanong sa pangkatang pagtataya LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

5 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN (1) F1PL-0a-j-2 Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon 1 (2) F1PP-IIIh-1.4 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan

1 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT Turuan ang mga bata ng isang awiting tungkol sa pagkaing Filipino, katulad ng “Balut Penoy” o “Puto Kutsinta” ni Levi Celerio.

Matatagpuan ang titik at tono ng mga awiting ito sa internet: (http://www.youtube.com/watch?v=AfAOeCneRmw; http://www.youtube.com/watch?v=pDFVS-UeCr4)

Matapos umawit, iugnay ang kanta sa tema para sa linggong ito.

Sabihin: Ang ating tema para sa linggong ito ay mga bagay tungkol sa ating kultura. Ano kaya ang kinalaman ng awitin tungkol sa pagkaing Filipino sa tema natin ngayong linggo? (Maghintay ng ilang kasagutan mula sa mag-aaral.)

Sabihin: Malaking bahagi ng ating kultura ang mga lutuin at pagkaing nakasanayan na natin, lalo na kung nagmula ito sa mga katutubo o sinaunang tradisyon. May iba pa ba kayong alam na mga pagkaing Filipino? Magbanggit nga kayo ng ilan.

Sabihin: Ang pakikinggan nating kuwento bukas ay mayroon ding kinalaman sa isang lutuing Filipino. Pero, bago tayo umabot doon, pag- aralan muna natin ang ilang salitang maririnig natin sa kuwento bukas.

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

Isulat sa pisara ang sumusunod na salita na tutukan para sa araw na ito: kusinero, sinusuweldo, negosyo, umasenso, ikinararangal, mag-usyoso. Sabihin: Makatutulong sa pagtukoy ng kahulugan ng salita kung may alam tayong kasingkahulugan nito. Magbabasa ako ng mga pangungusap na gumagamit ng mga salitang pag-aaralan natin ngayon. Pagkatapos, may sasabihin akong mga salita. Sabihin ninyo sa akin kung aling salita ang kasingkahulugan ng salitang tututukan natin sa pangungusap. Ikabit ang manila paper kung saan nakasulat ang sumusunod na pangungusap at ang mga pagpipiliang salita ng mga mag-aaral. Matapos basahin ang bawat pangungusap, basahin din ang mga pagpipiliang salita at tanungin kung alin sa mga ito ang kasingkahulugan ng tinututukang salita.

6 YUNIT 3 ARALIN 21

1. Sikat ang kusinero ng Lety’s Carinderia sa mahusay na pagluluto talaan niya ng kare-kare. a) tagalaba b) tagaluto c) tagalinis

2. Maliit lang ang sinusuweldo niya, kaya naghanap siya ng ibang pagkakakitaan. a) binabayad b) inuutang c) kinikita

3. Nagtayo ako ng maliit na negosyo—nagtitinda ako ng yelo at ice candy sa aming purok. a) pagkakitaan b) libangan c) laruan

4. Dahil sa sipag at tiyag, umasenso rin ang kabuhayan ng aming pamilya. a) umunlad b) bumagsak c) nalugi

5. Ikinararangal kong maging bahagi ng isang mahusay na kompanya. a) ikinahihiya b) ipinagmamalaki c) ikinalulungkot

6. May aksidente sa kanto, kaya niyaya niya akong mag-usyoso. a) tumingin b) magsaya c) kumanta

Matapos talakayin ang mga salita at ang kasingkahulugan nito, gabayan ang mga bata sa gawaing pandalawahan.

Sabihin: Ngayon naman, susubukan ninyong magkatabi na bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga salitang pinag-aralan natin kanina. Gagawin natin itong paligsahan. Ang magkapares na makagagamit ng pinakamaraming salita mula sa ating listahan ang magiging kampeon para sa araw na ito. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para sa gawaing ito. Tandaan—mas maraming magagamit na salita, sa tamang paraan, mas mabuti.

Matapos ang limang minuto, tanungin ang mga bata kung sino ang nakagamit ng lahat ng salita. Ipabigkas sa kanila ang kanilang mga pangungusap. Pansinin kung tama ang pagkakagamit ng mga tinutukang salita. Isulat sa pisara ang mga pangungusap ng nagwaging at basahin sa buong klase. Ipasipi sa buong klase ang talasalitaan para sa araw na ito:

• kusinero – tagaluto • sinusuweldo – kinikita • negosyo – pagkakakitaan • umasenso – umunlad • ikinararangal – ipinagmamalaki • mag-usyoso - tumingin

7 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan 3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Tanungin ang isang miyembro ng inyong pamilya kung ano ang paborito nilang pagkaing Filipino at kung bakit nila ito gusto. Maghandang magbahagi tungkol dito bukas.

ARAW MGA LAYUNIN (1) F1PN-IIIa-1.3 Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang kuwento 2 (2) F1AL-IIb-1 Nasasabi ang nilalaman ng aklat batay sa pamagat

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

Gamitin ang takdang-aralin kahapon bilang paksa para sa bahaginan.

Sabihin: Nabanggit ko kahapon na ang pagkaing Filipino ay isang mahalagang bahagi ng ating kultura. Ipinapakita nito ang ating panlasa at tradisyon sa kusina bilang mga Filipino. Ang takdang-aralin ninyo kahapon ay tanungin ang isang kapamilya kung ano ang kanilang paboritong lutuing Filipino. Ito ang paksa ng bahaginan natin ngayon. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nandito sa pisara:

Paborito ng aking _____ ang _____. Masarap ito dahil ______.

Magbigay ng halimbawang pangungusap upang magsilbing gabay sa mga magbabahagi. Halimbawa: Paborito ng aking kapatid ang . Masarap ito dahil sa pinagsamang lasa ng manok at luya. Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapaglalahad ng kanilang ideya sa klase. Tulungan sila kung kinakailangan.

PAGHAHANDA PARA SA 2 PAKIKINIG SA KUWENTO

a. Paghawan ng Balakid Ipaskil sa pisara ang listahan ng mga salita na pinag-aralan kahapon.

Sabihin: Kahapon, may tinalakay tayong mga salita na maririnig sa kuwento natin ngayong araw. Balikan natin ang mga salitang ito at ang kanilang kahulugan. Babasahin ko ang bawat salita. Sabihin ninyo ang kasingkahulugan nito:

8 YUNIT 3 ARALIN 21

• kusinero – taga-luto talaan • sinusuweldo – kinikita • negosyo – pagkakakitaan • umasenso – umunlad • ikinararangal – ipinagmamalaki • mag-usyoso - tumingin b. Pagganyak Ipakita ang pabalat ng libro.

Sabihin: Pagmasdan ninyo ang pabalat ng libro. Ano ang nakikita ninyo sa larawan? (Maghintay ng ilang sagot.) Ano kaya ang laman ng kaldero dito sa pabalat?

Sabihin: Ang pamagat ng ating kuwento ngayong araw ay Arroz Caldo ni Lolo Waldo. Isinulat ito ni Becky Santos-Gerodias at iginuhit ni Bernadette Solina-Wolf. Nakakain na ba kayo ng arroz caldo? Ano ang lasa nito? Ano kaya ang mangyayari sa kuwentong Arroz Caldo ni Lolo Waldo batay sa pamagat at makikita sa pabalat nito? c. Pagganyak na Tanong Sabihin: Habang nakikinig kayo, alamin ninyo ang sagot sa tanong na ito: Ano kaya ang halaga o naitulong ng arroz caldo sa mga tauhan sa ating kuwento?

HABANG BINABASA ANG KUWENTO 3 Basahin ang kuwento nang may damdamin. Panandaliang huminto matapos basahin ang ilang takdang pahina upang palalimin ang pag-intindi at pakikinig ng mga mag-aaral.

Huminto pagkabasa ng p. 3 Itanong: Sino-sino ang tauhan dito sa larawan? Ano ang nangyari sa nanay ng batang bida kung kaya’t si Lolo Waldo ang kasama nila sa bahay?

Huminto pagkabasa ng p. 6 Itanong: Ano ang trabaho dati ni Lolo Waldo? Ano ang ginagawa ni Lolo Waldo dito sa larawan?

Huminto pagkabasa ng p. 7 Itanong: Paano inilarawan ng batang bida ang arroz caldo ni Lolo Waldo? Nakakain na rin ba kayo ng ganitong kasarap na arroz caldo?

Huminto pagkabasa ng p. 8 Itanong: Ano ang ibig sabihin ng “buntong-hininga”? Ipakita nga ninyo sa akin. Paano naman ang itsura ng nakakunot na noo? Bakit daw nakakunot ang noo at panay buntong-hininga ang tatay sa ating kuwento?

Huminto pagkabasa ng p. 9 Itanong: Ano kaya ang naisip na paraan ni Lolo Waldo? Ano ang hula ninyo?

9 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Huminto pagkabasa ng p. 10 Itanong: Tama ba ang hula ninyo kanina? Paano kaya magtatagumpay ang plano ni Lolo Waldo?

Huminto pagkabasa ng p. 13 Itanong: Ano ang ginagawa ng mga tao dito sa pahina? Sa tingin ninyo, bibili kaya sila ng arroz caldo?

Huminto pagkabasa ng p. 19 Itanong: Ano ang nangyari sa negosyo nina Lolo Waldo?

4 TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtanong ng sumusunod:

• Sino-sino ang tauhan sa kuwento? • Ano ang nangyari sa trabaho ni Tatay Sito? • Paano nakatulong ang arroz caldo ni Lolo Waldo sa pamilya niya? • Bakit kaya maraming pumupunta sa tindahan ni Lolo Waldo para matikman ang arroz caldo niya? • Bakit daw ikinararangal ng batang bida ang arroz caldo ni Lolo Waldo? • May alam din ba kayo tungkol sa inyong lolo na ikinararangal ninyo o puwede ninyong ipagmalaki? Ano ito? • May iba pa ba kayong halimbawa ng maliit na negosyo na umasenso katulad ng tindahan nina Lolo Waldo? Ikuwento ito sa buong klase.

5 PAGTATAPOS Takdang-aralin: Magpakuwento sa inyong magulang o iba pang kapamilya tungkol sa inyong lolo. Ano ang mga nagawa niya noong kaniyang kabataan? Ano ang mga bagay na maaari nilang ipagmalaki tungkol sa inyong lolo? May espesyal din ba siyang alam na lutuin katulad ni Lolo Waldo?

ARAW MGA LAYUNIN (1) F1PN-IIIa-1.3 Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang kuwento 3 (2) F1KP-IIIa-5- Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Ipagpatuloy ang usapan tungkol sa pagkaing Filipino para sa bahaginan ngayong araw. Sa araw na ito, ang paborito namang pagkain ng mga bata ang kanilang ilalahad sa klase.

10 YUNIT 3 ARALIN 21

Sabihin: Kahapon, sa ating bahaginan, tinanong ko kayo kung ano ang talaan paboritong lutuing Filipino ng inyong kapamilya. Ngayon naman, kayo ang tatanungin ko: ano ang paborito ninyong pagkaing Filipino at bakit ninyo ito gusto? Pag-isipan ninyo ang inyong sagot. Kapag tinawag kayo para maglahad ng inyong sagot, maaari ninyong gamitin ang halimbawang ito:

____ ang paborito kong pagkaing Filipino. ______ito.

Magbigay ng halimbawang pangungusap upang magsilbing gabay sa mga magbabahagi. Halimbawa: Paborito ng aking kapatid ang tinola. Masarap ito dahil sa pinagsamang lasa ng manok at luya. Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapaglalahad ng kanilang ideya sa klase. Tulungan sila kung kinakailangan.

PAGBABALIK-ARAL: ARROZ CALDO NI LOLO WALDO 2 Ipaalala sa mga mag-aaral ang binasang kuwento kahapon.

Sabihin: Kahapon, may binasa akong aklat. May mahalagang papel sa kuwento ang isang lutuing Filipino. Ano nga ang pamagat ng kuwentong pinakinggan ninyo kahapon? Ano ang naitulong ng arroz caldo sa mga tauhan sa kuwento? Tumawag ng ilang bata upang sagutin ang inyong tanong. Pagkatapos nito, gabayan ang mga bata sa isang pangkatang gawain. Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat— may limang kasapi ang bawat pangkat. Ang bawat pangkat ay bubuo ng limang tanong tungkol sa kuwentong Arroz Caldo ni Lolo Waldo. Gagamitin ng mga pangkat ang alinman sa mga salitang pantanong: Sino? Ano? Paano? Kailan? Bakit? Kung kinakailangan, magbigay ng halimbawa bago sila magsimulang gumawa ng tanong. (Halimbawa: Sino si Lolo Waldo? Ano ang ginawa niya para tulungan ang pamilya? ) Bigyan sila ng limang minuto para makabuo ng kanilang mga tanong. Matapos ang limang minuto, tawagin ang isang pangkat. Itatanong nila sa ibang pangkat ang isang tanong mula sa kanilang listahan. Ang sasagot na pangkat naman ang susunod na magtatanong ng isang tanong mula sa kanilang listahan sa iba pang pangkat. Gawin ito hanggang ang lahat ng pangkat ay makapagtanong at makasagot. Tiyaking wasto ang mga sagot na ibinibigay ng mga pangkat sa mga tanong tungkol sa kuwento.

PAGSASANAY: PAGTUKOY SA MGA PANTIG NA BUMUBUO SA MGA SALITA, AT ANG TUNOG NA BUMUBUO SA BAWAT PANTIG 3 Isulat sa pisara ang sumusunod na mga salita: adobo, paksiw, tinola, , .

11 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Sabihin: May isinulat akong mga lutuing Filipino dito sa pisara. Babasahin ko ito isa-isa. Kung kaya na ninyong sumabay sa pagbasa, sabayan ninyo ako. Basahin ang mga salita. Ipaliwanag ang kahulugan ng bawat salita, o tanungin ang mga bata kung nakakain na sila ng mga lutuing ito. Pagkatapos, basahin at ipaliwanag ang bawat salita. Gabayan ang mga bata sa pagpapantig ng mga ito.

Sabihin: Naaalala pa ba ninyo kung paano pumalakpak habang nagpapantig ng salita? Subukan nating ipantig ang mga salita sa pisara. Papalakpak tayo habang sinasabi ang bawat pantig.

• A- (habang pumapalakpak) -do- (habang pumapalakpak) -bo (habang pumapalakpak) • Pak- (habang pumapalakpak) -siw (habang pumapalakpak) • Ti- (habang pumapalakpak) -no- (habang pumapalakpak) -la (habang pumapalakpak) • Si- (habang pumapalakpak) -ni- (habang pumapalakpak) -gang (habang pumapalakpak) • Pi- (habang pumapalakpak) -nak- (habang pumapalakpak) -bet (habang pumapalakpak)

Sabihin: Ngayon naman, magbibigay ako ng isang salita sa bawat hanay. Sa tulong ng inyong katabi, subukan ninyong tukuyin kung ano ang tunog na bumubuo sa bawat pantig ng salitang ibinigay ko sa inyo. Magbibigay ako ng halimbawa para makita ninyo ang gagawin ninyo. Sa salitang “kanin”, ang dalawang pantig nito ay “ka-” at “-nin.” Sa unang pantig na “ka-”, ang mga tunog na bumubuo dito ay /k/ at /a/. Sa pangalawang pantig na “-nin,” ang mga tunog na bumubuo dito ay /n/, /i/ at /n/.

Itanong: Naintindihan na ba ninyo kung ano ang inyong gagawin? Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang paghiwa-hiwalayin ang tunog na bumubuo sa bawat pantig ng inyong salita. Itakda sa unang hanay ang adobo, sa pangalawang hanay ang paksiw, sa pangatlong hanay ang tinola, sa pang-apat na hanay ang sinigang, at sa panglimang hanay ang pinakbet. Umikot sa buong klase upang pakinggan ang mga bata sa pagpapantig at paghihiwalay ng tunog. Matapos ang limang minuto, tumawag ng ilang pares upang sabihin ang kanilang pagpapantig at pagtutukoy sa tunog ng bawat letra ng pantig. Iwasto ang kanilang paglalahad kung kinakailangan.

PAGTATAPOS 4 Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa pinag-aralan ngayong araw. Itataas nila ang kanilang hinlalaki (thumbs-up) kapag lubusan silang sumasang-ayon sa babanggitin ninyong pangungusap, ituturo nila nang pababa ang hinlalaki kung lubusan silang hindi

12 YUNIT 3 ARALIN 21

sumasang-ayon (thumbs-down), at ituturo nila nang patagilid ang talaan hinlalaki kung hindi sila sigurado kung sang-ayon sila o hindi. Basahin ang sumusunod na pangungusap:

• Alam ko kung bakit Arroz Caldo ni Lolo Waldo ang pamagat ng kuwentong binasa kahapon. • May mga bago akong natutuhang salita tungkol sa lutuing Filipino ngayong araw. • Alam ko kung paano pantigin ang mga salita. • Alam ko kung paano paghiwalayin ang mga tunog na bumubuo sa bawat pantig.

Alamin kung sino ang mga bata na nagturo pababa ng kanilang hinlalaki sa halos lahat ng pangungusap. Alamin din kung alin sa mga nabanggit na kasanayan ang hindi pa gaanong alam ng mga bata. Tutukan ang mga kasanayang ito sa susunod na araw.

MGA LAYUNIN ARAW (1) F1KP-IIIa-5- Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita (2) F1TA-0a-j-2 Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon 4

PANIMULANG GAWAIN: LARO (“ADOBO AT SINIGANG”) 1 Magsagawa ng isang laro upang palawigin ang kaalaman ng mga bata tungkol sa mga lutuing Filipino.

Sabihin: Ang pangalan ng laro natin ay “Adobo at Sinigang.” Kapag sinabi kong “adobo” at tinuro ko kayo, magbabanggit kayo ng sangkap na niluluto bilang adobo. Halimbawa: adobong kangkong. Kapag sinabi ko namang “sinigang” at tinuro ko kayo, magbabanggit kayo ng sangkap na niluluto bilang sinigang. Halimbawa: sinigang na bangus. Iikot ako sa buong klase habang nagsasabi ng “adobo-sinigang-adobo-sinigang.” Kapag tumigil ako sa tapat ninyo at itinuro ko kayo, kailangang maging alisto kayo sa sagot.

Umikot sa buong klase habang nagsasabi ng “adobo-sinigang.” Tu- migil sa isang bata at magpabanggit ng anumang sangkap na akma sa lutuin na huli ninyong binanggit. Gawin ito ng pito o walong beses.

PAGBABALIK-ARAL: MGA TUNOG NA BUMUBUO SA PANTIG 2

Humingi sa mga bata ng iba pang halimbawa ng mga pagkain at lutuing Filipino at ilista ito sa pisara.

13 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Halimbawa: , balut, penoy, puto, pansit, , pinakbet, .

Pumili ng tatlong salita mula sa listahan na may dalawa o tatlong pantig. Ipapantig sa buong klase ang mga salitang napili.

Matapos pantigin, atasan ang bawat magkatabi na tukuyin ang mga tunog na bumubuo sa bawat pantig. Bigyan ng halimbawa ang mga bata kung paano ito gagawin. Halimbawa, maaaring sabihin: Ang salitang “balut” ay may dalawang pantig—“ba-” at “-lut.” Ang mga tunog sa pantig na “ba-” ay /b/ at /a/. Ang mga tunog sa pantig na “-lut” ay /l/, /u/, at /t/.

Bigyan ang mga bata ng limang minuto para sa gawaing ito. Umikot sa buong klase upang matulungan ang mga pares na nahihirapan pa sa gawaing ito.

Tumawag ng tatlong pares ng mag-aaral upang ilahad ang mga tunog na bumubuo sa bawat pantig ng mga salitang itinakda. Tumawag ng isang pares para sa bawat salita.

Ipaguhit sa mga bata ang mga bagong salita na tinutukan ngayong araw. Ipasulat din sa kanila ang salita para sa mga pagkaing Filipino na ito. 3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pag-isipan at alalahanin ang mga tinalakay, ginawa, at natutuhan sa klase nitong nakaraang mga araw. Maging handa para makapagbahagi tungkol dito bukas.

ARAW MGA LAYUNIN (1) F1PS-IIIa-4 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa loob ng silid-aralan (2) F1TA-0a-j-2 Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at 5 sitwasyon

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

Ipaalala sa mga mag-aaral ang takdang-aralin na ibinigay kahapon. Gamitin itong paghahanda para sa bahaginan tungkol sa mga naobserbahan nilang pangyayari sa loob ng silid-aralan nitong nakaraang linggo.

14 YUNIT 3 ARALIN 21

Sabihin: Sa inyong takdang-aralin, inatasan ko kayong tandaan o talaan alalahanin ang mga ginawa, tinalakay at natutuhan natin ngayong linggo. Ito ang magiging paksa ng bahaginan natin ngayong araw. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat dito sa pisara:

Natandaan ko na ginawa natin sa klase ang ______at ______. Magbigay ng halimbawang pangungusap bilang dagdag na gabay. Halimbawa: Natatandaan ko na ginawa natin sa klase ang pagbasa ng kuwento at pagpapantig ng salita. Tumawag ng tatlong mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga naobserbahan at ginawa. Siguruhin na hindi lang paulit-ulit ang mga binabanggit na obserbasyon. Kung kailangan, ipaalala sa kanila ang ilang gawain na hindi pa nababanggit, katulad ng pag-awit ng kanta tungkol sa pagkaing Filipino, paglaro ng “Adobo at Sinigang,” pagguhit, pagbabahaginan, pagpupulso, at iba pa.

MULING PAGBASA NG KUWENTO: ARROZ CALDO NI LOLO WALDO 2 Ipakita sa mga bata ang pabalat ng libro. Tanungin sila kung ano ang pamagat nito. Tulungan sila sa pagtukoy ng may-akda at tagaguhit: si Becky Santos-Gerodias (may-akda) at si Bernadette Solina-Wolf (taga-guhit). Basahin ang kuwento nang tuloy-tuloy. Huminto paminsan-minsan upang ipapansin sa mga bata ang mga larawan at ang kaugnayan nito sa sinasabi ng may-akda. Halimbawa, maaaring huminto sa sumusunod na mga bahagi:

Huminto sa p. 7 Itanong: Ano ang ginagawa ng bata dito sa larawan? Ano ang ibig sabihin ng nakataas niyang hintuturo? Ano pa ang mga bagay na nasa mesa? Ginagamit ba ninyo ito kapag kumakain kayo ng arroz caldo?

Huminto sa p. 9 Itanong: Ano ang napapansin ninyo dito sa larawan? Ano ang ginagawa dito ni Lolo Waldo?

Huminto sa p. 11 Itanong: Ano ang ginagawa ng bata dito sa larawan? Ano kaya ang nararamdaman niya dito?

Huminto sa p. 15 Itanong: Nasaan ang batang bida dito sa larawan? Ano ang ginagawa niya? Marami bang may gusto sa arroz caldo ni Lolo Waldo? Bilangin nga ninyo ang mga tao dito sa pahina.

15 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Huminto sa p. 19 Itanong: Pagmasdan ang larawan. Nasaan ang mga taga-ibang bayan na dumarayo? Nasaan ang “take-out” na bintana? Nasaan ang taga-deliver na de-motorsiklo? Matapos ang muling pagbasa, talakayin ang kuwento gamit ang alin man sa sumusunod na mga tanong:

• Paano ninyo ilalarawan si Lolo Waldo? Ano-ano ang ginawa niya upang matulungan ang kaniyang anak at apo? • Ano-ano ang ginawa ng batang bida upang tulungan si Tatay Sito at si Lolo Waldo? • Kung kayo ang bata sa kuwento, ano pa ang ibang puwede ninyong gawin upang matulungan si Tatay Sito at si Lolo Waldo? 3 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya

Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga bata ang sumusunod, na sasagutin ng bata nang palahad.

• Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap, o ipakita sa galaw ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo): kusinero, negosyo, buntong-hininga, umasenso, sinusuweldo, ikinararangal, mag-usyoso.

• (Pumili lamang ng isa para sa bawat bata sa grupo) Ano ang mga tunog na bumubuo sa sumusunod na pantig?

–– “pan-” at “-sit” –– “pu-” at “-to” –– “i-” at “-haw” –– “pe-” at “-noy” –– “ba-” at “-lut” • Alin sa mga salitang ito ang HINDI tungkol sa pagkaing Filipino? (pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo):

–– puto-tikbalang-kutsinta –– balut-penoy-bulaklak –– pansit-mangga-tsinelas –– lolo-adobo-pansit –– paksiw-sapatos-

Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakasusulat ang mga bata, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na pangkat ng 5-10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, gumuguhit naman sa kanilang kuwaderno ang ibang bata. (Gawain 3b) Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan ng bawat

16 YUNIT 3 ARALIN 21

batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring madiskubre ng guro talaan na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagtutukoy ng mga tunog sa bawat pantig. Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga bata sa kanilang kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na gabay o tulong. b. Gawain Para sa Mga Batang Naghihintay

Magpaguhit sa mga bata ng larawan na nagpapakita ng paborito nilang tagpo o eksena mula sa aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo. Hikayatin silang magsulat ng ilang salita tungkol sa kanilang ginuhit.

PAGTATAPOS 4

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Itanong sa inyong kapamilya o kapit-bahay kung paano magluto ng arroz caldo. Maghandang magbahagi tungkol dito sa susunod na linggo.

17

YUNIT 3 ARALIN 22

ARALIN 22

GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG FILIPINO

TEMA: Mga Bagay Tungkol sa Aking Kultura KUWENTO: Arroz Caldo ni Lolo Waldo

19 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 22

Tema: Mga Bagay Tungkol sa Aking Kultura Kuwento: Arroz Caldo ni Lolo Waldo

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) PL • F1-0a-j-3 • Pagbabalik-aral: Arroz Caldo ni • Pagtatanong tungkol sa ilang detalye ng aklat • Pagsasagot ng tanong tungkol sa aklat Naipamamalas ang paggalang sa Lolo Waldo ideya, damdamin at kultura ng may- akda ng tekstong napakinggan o 1 nabasa PN • F1PN-IIIb-1.2 • Arroz Caldo Recipe sa dulo ng aklat • Pagbasa sa recipe at panuto sa pagluto • Pakikinig sa pagbasa ng recipe Nakasusunod sa napakinggang na Arroz Caldo ni Lolo Waldo • Paggabay sa pag-intindi ng mga salitang kilos na • Pagsunod sa mga panuto na ibinibigay ng guro panuto na may 1-2 hakbang ginamit sa recipe • Pangkatang gawain: lutu-lutuan • Paggabay sa gawaing lutu-lutuan EP • F1EP-IIIb-1.2 • Pagsasaayos ng mga salita: mga • Pangunguna sa pag-awit ng kantang • Pag-awit ng kantang “Alpabetong Filipino” Napagsusunod-sunod ang mga salita sangkap mula sa Arroz Caldo recipe “Alpabetong Filipino” • Pagsagot sa mga tanong ukol sa pagkakasunod batay sa alpabeto (unang letra ng • Pagpapakita ng mga flash cardng salitang sunod ng mga letra sa alpabeto salita) ipagsusunod-sunod ayon sa alpabeto • Pagsagot ng mga tanong tungkol sa • Pagpapaliwanag kung ano ang batayan sa pagsasaayos ng mga salita sa flash card pagsasaayos ng mga salita • Pagsabay sa pagbasa ng mga flash card 2 • Pagtatanong sa mga bata upang maisaaayos nila ang listahan ng salita • Pagbasa ng mga salita sa listahan PU • F1PU-IIIb-1.2 • Pagsipi ng naisaayos na listahan ng • Pagbigay ng panuto sa pagsipi • Pagsipi ng listahan sa kanilang kuwaderno Nakasusulat nang may tamang laki at salita • Pagpansin sa kakayanan ng mga bata sa pagsipi layo sa isa't isa ang mga salita LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

20 YUNIT 3 ARALIN 22

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 22

Tema: Mga Bagay Tungkol sa Aking Kultura Kuwento: Arroz Caldo ni Lolo Waldo

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) PL • F1-0a-j-3 • Pagbabalik-aral: Arroz Caldo ni • Pagtatanong tungkol sa ilang detalye ng aklat • Pagsasagot ng tanong tungkol sa aklat Naipamamalas ang paggalang sa Lolo Waldo ideya, damdamin at kultura ng may- akda ng tekstong napakinggan o 1 nabasa PN • F1PN-IIIb-1.2 • Arroz Caldo Recipe sa dulo ng aklat • Pagbasa sa recipe at panuto sa pagluto • Pakikinig sa pagbasa ng recipe Nakasusunod sa napakinggang na Arroz Caldo ni Lolo Waldo • Paggabay sa pag-intindi ng mga salitang kilos na • Pagsunod sa mga panuto na ibinibigay ng guro panuto na may 1-2 hakbang ginamit sa recipe • Pangkatang gawain: lutu-lutuan • Paggabay sa gawaing lutu-lutuan EP • F1EP-IIIb-1.2 • Pagsasaayos ng mga salita: mga • Pangunguna sa pag-awit ng kantang • Pag-awit ng kantang “Alpabetong Filipino” Napagsusunod-sunod ang mga salita sangkap mula sa Arroz Caldo recipe “Alpabetong Filipino” • Pagsagot sa mga tanong ukol sa pagkakasunod batay sa alpabeto (unang letra ng • Pagpapakita ng mga flash cardng salitang sunod ng mga letra sa alpabeto salita) ipagsusunod-sunod ayon sa alpabeto • Pagsagot ng mga tanong tungkol sa • Pagpapaliwanag kung ano ang batayan sa pagsasaayos ng mga salita sa flash card pagsasaayos ng mga salita • Pagsabay sa pagbasa ng mga flash card 2 • Pagtatanong sa mga bata upang maisaaayos nila ang listahan ng salita • Pagbasa ng mga salita sa listahan PU • F1PU-IIIb-1.2 • Pagsipi ng naisaayos na listahan ng • Pagbigay ng panuto sa pagsipi • Pagsipi ng listahan sa kanilang kuwaderno Nakasusulat nang may tamang laki at salita • Pagpansin sa kakayanan ng mga bata sa pagsipi layo sa isa't isa ang mga salita LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

21 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PT • F1PT-IIIb-2.1 • Mga babala sa paligid • Pagbigay ng panuto sa gawaing magkapares • Gawaing magkapares: pagbubuo ng babala Nababasa ang mga salita at babala na • Pagsulat sa pisara at pagbasa sa mga nabuong mula sa mga salita sa flash card madalas makita sa paligid babala • Paglalahad ng nabuong babala • Pagtatanong tungkol sa kahalagahan ng babala • Pagsagot sa mga tanong tungkol sa babala PU • F1PU-IIIb-1.2 • Pagsipi ng nabuong babala • Pagpili ng ipasisiping babala • Pagsisipi ng babala Nakasusulat nang may tamang laki at • Pagbigay ng panuto tungkol sa pagsisipi 3 layo sa isa't isa ang mga salita • Pag-ikot sa klase at pag-alam ng kakayanan ng bawat bata sa pagsipi at pagporma ng letra EP • F1EP-IIIb-1.2 • Pagbabalik-aral: Pagsasaayos ng salita • Pagtalakay sa takdang-aralin ng mga bata • Paglalahad tungkol sa kanilang ginawang Napagsusunod-sunod ang mga salita ayon sa alpabeto • Pagpapakita ng tamang pagsasaayos ng salitang takdang-aralin batay sa alpabeto (unang letra ng itinakda • Pagpansin kung tama ang kanilang ginawang salita) • Pagbasa ng mga salita pagsasaayos • Pagbigkas kasabay ng guro sa naisaayos na listahan PL • F1-0a-j-3 • Pagbabalik-aral: Mga pangyayari sa • Pagpapakita ng mga larawan sa takdang pahina • Pagtanaw sa mga larawan at sa mga detalye Naipamamalas ang paggalang sa Arroz Caldo ni Lolo Waldo • Pagtatanong tungkol sa mga larawan dito ideya, damdamin at kultura ng may • Pag-alala sa mga pangyayari akda ng tekstong napakinggan o • Paglalahad tungkol sa mga naganap sa bawat nabasa pahina na ipakita ng guro PT • F1PT-IIIb-2.1 • Pag-uugnay ng ilang larawan sa aklat • Pagtatanong tungkol sa sitwasyong ipinapakita • Pagsagot sa mga tanong batay sa larawan Nababasa ang mga salita at babala na na Arroz Caldo ni Lolo Waldo sa sa mga takdang larawan ng aklat • Pagbibigay ng mga paalala at dapat pag-ingatan madalas makita sa paligid konsepto ng pag-iingat at mensahe • Pagtatanong kung ano ang dapat tandaan o sa sitwasyong ipinakikita sa larawan 4 ng mga babala pag-ingatan sa ganoong sitwasyon • Pagsunod sa pagbasa ng guro sa mga babala • Pagsulat ng mga ilalahad na paalala at babala mula sa mga larawan • Pagbasa ng mga paalala at babala na nabuo PU • F1PU-IIIb-1.2 • Pagpapasipi ng napiling babala • Pagpili ng ipasisiping babala batay sa tugon ng • Pagsagot sa tanong ng guro Nakasusulat nang may tamang laki at mga bata • Pagsipi ng babala sa kanilang kuwaderno layo sa isa't isa ang mga salita • Pag-alam sa kakayanan ng mga bata sa pagporma ng letra habang sinisipi nila ang babala WG • F1WG-IIIb-1 • Laro: “Bata-Tatay-Lolo” • Paghati sa klase sa maliliit na grupo na tatluhan • Pagsagawa ng laro Nagagamit ang magalang na • Pagbigay ng panuto para sa laro • Pagsunod sa panuto pananalita sa angkop na sitwasyon • Pagtalakay ukol sa magalang na pananalita sa • Pagbigay-galang sa kasapi na “tatay” o “lolo” 5 nakatatanda • Pagsagot sa mga tanong ng guro EP • F1EP-IIIb-1.2 • Pagbabalik-aral: Pagsasaayos ng salita • Pagsulat at pagbasa ng mga salitang isasaayos • Pakikinig at pagpansin sa mga salita Napagsusunod-sunod ang mga salita ayon sa alpabeto • Pagbigay ng mga pang-gabay na tanong sa • Pagsagot sa tanong ng guro batay sa alpabeto (unang letra ng pagsasaayos ng salita • Pagtulong sa pagsaayos ng mga salita ayon sa salita) alpabeto LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

22 YUNIT 3 ARALIN 22

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PT • F1PT-IIIb-2.1 • Mga babala sa paligid • Pagbigay ng panuto sa gawaing magkapares • Gawaing magkapares: pagbubuo ng babala Nababasa ang mga salita at babala na • Pagsulat sa pisara at pagbasa sa mga nabuong mula sa mga salita sa flash card madalas makita sa paligid babala • Paglalahad ng nabuong babala • Pagtatanong tungkol sa kahalagahan ng babala • Pagsagot sa mga tanong tungkol sa babala PU • F1PU-IIIb-1.2 • Pagsipi ng nabuong babala • Pagpili ng ipasisiping babala • Pagsisipi ng babala Nakasusulat nang may tamang laki at • Pagbigay ng panuto tungkol sa pagsisipi 3 layo sa isa't isa ang mga salita • Pag-ikot sa klase at pag-alam ng kakayanan ng bawat bata sa pagsipi at pagporma ng letra EP • F1EP-IIIb-1.2 • Pagbabalik-aral: Pagsasaayos ng salita • Pagtalakay sa takdang-aralin ng mga bata • Paglalahad tungkol sa kanilang ginawang Napagsusunod-sunod ang mga salita ayon sa alpabeto • Pagpapakita ng tamang pagsasaayos ng salitang takdang-aralin batay sa alpabeto (unang letra ng itinakda • Pagpansin kung tama ang kanilang ginawang salita) • Pagbasa ng mga salita pagsasaayos • Pagbigkas kasabay ng guro sa naisaayos na listahan PL • F1-0a-j-3 • Pagbabalik-aral: Mga pangyayari sa • Pagpapakita ng mga larawan sa takdang pahina • Pagtanaw sa mga larawan at sa mga detalye Naipamamalas ang paggalang sa Arroz Caldo ni Lolo Waldo • Pagtatanong tungkol sa mga larawan dito ideya, damdamin at kultura ng may • Pag-alala sa mga pangyayari akda ng tekstong napakinggan o • Paglalahad tungkol sa mga naganap sa bawat nabasa pahina na ipakita ng guro PT • F1PT-IIIb-2.1 • Pag-uugnay ng ilang larawan sa aklat • Pagtatanong tungkol sa sitwasyong ipinapakita • Pagsagot sa mga tanong batay sa larawan Nababasa ang mga salita at babala na na Arroz Caldo ni Lolo Waldo sa sa mga takdang larawan ng aklat • Pagbibigay ng mga paalala at dapat pag-ingatan madalas makita sa paligid konsepto ng pag-iingat at mensahe • Pagtatanong kung ano ang dapat tandaan o sa sitwasyong ipinakikita sa larawan 4 ng mga babala pag-ingatan sa ganoong sitwasyon • Pagsunod sa pagbasa ng guro sa mga babala • Pagsulat ng mga ilalahad na paalala at babala mula sa mga larawan • Pagbasa ng mga paalala at babala na nabuo PU • F1PU-IIIb-1.2 • Pagpapasipi ng napiling babala • Pagpili ng ipasisiping babala batay sa tugon ng • Pagsagot sa tanong ng guro Nakasusulat nang may tamang laki at mga bata • Pagsipi ng babala sa kanilang kuwaderno layo sa isa't isa ang mga salita • Pag-alam sa kakayanan ng mga bata sa pagporma ng letra habang sinisipi nila ang babala WG • F1WG-IIIb-1 • Laro: “Bata-Tatay-Lolo” • Paghati sa klase sa maliliit na grupo na tatluhan • Pagsagawa ng laro Nagagamit ang magalang na • Pagbigay ng panuto para sa laro • Pagsunod sa panuto pananalita sa angkop na sitwasyon • Pagtalakay ukol sa magalang na pananalita sa • Pagbigay-galang sa kasapi na “tatay” o “lolo” 5 nakatatanda • Pagsagot sa mga tanong ng guro EP • F1EP-IIIb-1.2 • Pagbabalik-aral: Pagsasaayos ng salita • Pagsulat at pagbasa ng mga salitang isasaayos • Pakikinig at pagpansin sa mga salita Napagsusunod-sunod ang mga salita ayon sa alpabeto • Pagbigay ng mga pang-gabay na tanong sa • Pagsagot sa tanong ng guro batay sa alpabeto (unang letra ng pagsasaayos ng salita • Pagtulong sa pagsaayos ng mga salita ayon sa salita) alpabeto LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

23 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN (1) F1-0a-j-3- Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin, at kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o nabasa 1 (2) F1PN-IIIb-1.2 Nakasusunod sa napakinggang panuto na may 1-2 hakbang

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Ipaalala sa mga bata ang takdang-aralin na ibinigay noong nakaraang Biyernes. Gabayan ang mga bata sa pagbabahagi tungkol sa nakuha nilang impormasyon sa pagluluto ng arroz caldo.

Sabihin: Noong nakaraang linggo, hiniling ko sa inyo na kumausap ng kamag-anak o kapitbahay at itanong sa kanila kung paano magluto ng arroz caldo. Sino sa inyo ang nakagawa nito? Natanong ba ninyo kung ano-ano ang sangkap ng arroz caldo? Natanong ba ninyo kung paano ito lutuin? Sa bahaginan natin ngayon, maglalahad kayo tungkol sa natutuhan ninyo tungkol sa paggawa ng arroz caldo. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakalagay dito sa pisara:

Sa paggawa ng arroz caldo, kailangan ng sangkap na ______.

Magbigay ng halimbawang pangungusap upang makita ng mga bata kung ano ang dapat nilang gawin sa paglalahad. Halimbawa: Sa paggawa ng arroz caldo, kailangan ang malagkit na bigas.

Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong nakapagbabahagi sa klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap kung kinakailangan.

PAGBABALIK-ARAL SA NAPAKINGGANG 2 KUWENTO

Ipakita sa mga bata ang pabalat ng aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo. Tanungin sila kung ano ang pamagat ng libro, at kung ano ang niluluto ni Lolo Waldo sa larawan.

Banggitin na sa dulo ng aklat, makikita ang panuto para sa pagluluto ng arroz caldo. Ipakita ang p. 24 sa mga bata.

Sabihin: Babasahin ko ang recipe o panuto sa paggawa ng arroz caldo na nakasulat dito sa aklat. Pakinggan ninyo ako. Habang binabasa ko ang panuto, ikumpara ninyo ang mga binabanggit na sangkap at hakbang sa pagluluto sa naitanong ninyo sa inyong kapamilya o kapitbahay.

Basahin ang buong pahina para sa mga bata nang may damdamin.

24 YUNIT 3 ARALIN 22

Habang binabasa ang mga hakbang, gumamit ng mga kilos at galaw talaan upang maipakita sa mga bata kung ano ang ipinapagawa. Ipagaya sa mga bata ang galaw na ginagawa ninyo habang binabasa ang panuto.

Matapos basahin ang p. 24, isulat sa pisara ang sumusunod na mga salitang kilos: painitin, igisa, ihalo/haluin, timplahan, idagdag.

Talakayin ang kahulugan ng mga salitang kilos sa pamamagitan ng pagtatanong: • Painitin. Paano natin napapainit ang isang bagay kapag nagluluto? Ano ang ginagamit ng inyong nanay kapag nagluluto? (posibleng sagot: pagsalang sa kalan, pagsalang sa apoy) Ano ang salita na pinagmulan ng ‘painitin’? Kapag pinainitan ang pagkain, malamig ba ito? Ano ang kabaligtaran ng malamig? • Igisa. Ano ang nilalagay sa mantika kapag naggigisa si Nanay o si Tatay? Ano ang nakikita ninyong ginagawa kapag naggigisa? (posibleng sagot: sibuyas, bawang, hinahalo ng mabilis sa mantika) Ano ang naaamoy ninyo kapag may naggigisa ng bawang at sibuyas? Gusto ba ninyo ang amoy ng panggisa? • Ihalo/Haluin. Paano ang galaw ng kamay at braso kapag may hinahalo? Ipakita nga ninyo sa akin kung paano maghalo. • Timplahan. Nakapagtimpla na ba kayo ng inumin? Ano ang tinimpla ninyo? Ano ang ginagawa ninyo kapag nagtitimpla? Tinitikman ba ninyo ang inyong tinimpla? Kapag sinabi sa panuto na ‘timplahan ng kaunting asin at paminta ang mga sangkap,’ ano kaya ang ibig sabihin nito? (posibleng sagot: lalagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa) • Idagdag. Kapag nagdadagdag tayo sa pagluluto, ano ang ginagawa natin? (posibleng sagot: may inilalagay na iba pang sangkap)

Basahing muli ang mga salita, at ipabigkas din ang mga ito sa mga bata, kasabay ng pagsasagawa nito upang makita ang kahulugan ng salitang kilos. Halimbawa: • painitin: gumalaw na parang nagsisindi ng kalan at nagsasalang ng kawali • igisa: igalaw ang braso at kamay na parang naghahalo nang mabilis sa isang kawali • ihalo/haluin: igalaw ang braso at kamay nang paikot, na parang may hinahalong sabaw • timplahan: kunwari nagbudbod ng asin at paminta, ihalo, at tikman ang niluluto • idagdag: kunwari naglalagay ng dagdag na sangkap sa niluluto PAGSASANAY: PAGSUNOD SA PANUTO 3 Gabayan ang klase sa paglalaro ng lutu-lutuan. Pakunwaring magluluto ng arroz caldo ang mga bata, habang sinusundan ang panuto sa p. 24 ng aklat na Arroz Caldo ni Waldo.

Maghanda ng lima hanggang anim na kagamitan para sa lutu-lutuan: maliliit na mangkok na kunwari ay kaserola, kutsara na kunwari ay

25 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan sandok, mga ginayat-gayat na dahon, tangkay ng halaman, bulaklak, lumang diyaryo, tubig, at iba pang mga magagamit na kunwaring sangkap.

BRIDGING Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat na may tigsasampung kasapi. Ang bawat kasapi ay gagawa ng isang hakbang mula sa sampung Tanungin ang mga bata hakbang na nakalista sa panuto. kung may ibang tawag sa Gabayan ang mga bata sa pagsagawa ng kanilang lutu-lutuan. Basahin mga lutuing Filipino sa ang bawat hakbang, at pagmasdan ang mga grupo habang ginagawa kanilang Mother Tongue. nila ito. Tulungan ang mga bata kung kinakailangan. Halimbawa, ang nilagang Matapos mabasa at magawa ang lahat ng hakbang, pabalikin ng mga Tagalog sa kanilang upuan ang mga bata. Ipabanggit sa kanila, ayon sa ay kansi sa mga Ilonggo. pagkakasunod-sunod, ang mga hakbang na ginawa ng kanilang Ang binatog ay kinulti pangkat sa lutu-lutuan ng arroz caldo. Tanungin kung ano ang sa Kapampangan. Ang nakatulong sa kanila sa pagsunod sa panuto. Bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaintindi sa kahulugan ng salitang kilos sa bulanglang ay kahawig pagsunod sa panuto. ng dinengdeng ng Ilocos. Itanong: Bakit kaya naglagay ng panuto sa pagluluto ng arroz caldo ang may-akda? Mas naintindihan ba ninyo ang pagluluto ni Lolo Waldo matapos nating alamin kung paano magluto ng arroz caldo? Bakit?

PAGTATAPOS 4

Magsagawa ng mabilisang pagpupulso sa pagkakaintindi ng mga mag-aaral tungkol sa ginawa at tinalakay ngayong araw. Patayuin ang lahat ng bata.

Sabihin: Ipakita sa akin ang galaw o kilos para sa sumusunod na salita: painitin, igisa, ihalo/haluin, timplahan, idagdag.

Kung may nakatayo pang mag-aaral, tanungin sila kung aling salita ang hindi pa nila lubusang naiintindihan. Ipaliwanag ang mga salitang nabanggit bago tapusin ang klase.

26 YUNIT 3 ARALIN 22

talaan MGA LAYUNIN ARAW (1) F1EP-IIIb-1.2 Napagsusunod-sunod ang mga salita batay sa alpabeto (unang letra ng salita) (2) F1PU-IIIb-1.2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang 2 mga salita

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN 1 Gabayan ang mga bata sa paglalahad ng kanilang karanasan tungkol sa paglalaro ng lutu-lutuan.

Sabihin: Kahapon, pagkatapos nating basahin ang panuto sa pagluluto ng arroz caldo, naglaro kayo ng lutu-lutuan. Nakapaglaro na ba kayo nito bago natin ito gawin sa klase? Sino ang madalas maglaro ng lutu-lutuan? Ibahagi sa buong klase ang inyong ginagawa kapag naglulutu-lutuan. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Kapag naglalaro ako ng lutu-lutuan, gumagamit ako ng ____ at _____. ____ ang madalas na kunwari kong lutuin/ang gusto kong kunwaring lutuin.

(Kung maglalaro ako ng lutu-lutuan, gagamit ako ng __ at ___. ____ ang gusto kong kunwaring lutuin.)

Mabigay ng halimbawang pangungusap upang higit na magabayan ang mga bata sa kanilang gagawin. Halimbawa: Kapag naglalaro ako ng lutu-lutuan, gumagamit ako ng mga tangkay at dahon ng halaman at mga pinaglumaang tasa at mangkok. Ginisang gulay ang madalas na kunwari kong lutuin. (Kung maglalaro ako ng lutu-lutuan, gagamit ako ng mga bulaklak at lumang diyaryo. Pansit ang gusto kong kunwaring lutuin.)

Tumawag ng tatlong mag-aaral na nagtaas ng kamay nang tinanong ang klase kung sino ang madalas maglaro ng lutu-lutuan. Kung may iba silang nais sabihin na hindi sumusunod sa halimbawang panimula, hayaan silang magbahagi sa paraang nais nila.

PAGBABALIK-ARAL: PANUTO SA PAGLULUTO NG ARROZ CALDO 2

Ipakita ng muli ang pabalat ng aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo upang ipaalala sa mga bata ang ginawa kahapon.

Sabihin: Kahapon, ginamit natin ang panuto para sa paggawa ng arroz caldo na makikita dito sa aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo. Natatandaan ba ninyo kung ano ang mga sangkap na nakalista sa panuto? Magbanggit nga kayo ng ilang sangkap na natatandaan ninyo.

27 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Ihanda ang mga flash card kung saan nakasulat ang sumusunod na sangkap: asin, paminta, manok, luya, sibuyas, bigas. Basahin sa mga bata ang nakasulat dito.

Kapag may mabanggit na sangkap ang mga bata, ikabit ang akmang flash card sa pisara. Kapag hindi maalala ng mga bata ang ibang sangkap, ipakita ang flash card at magbigay ng pahiwatig kung ano ang tinutukoy. (Halimbawa, para sa asin: Ginagamit ito para magdagdag ng alat sa lutuin.)

Kapag naikabit na ang lahat ng flash card sa pisara, basahin ang bawat salita at ipabigkas din sa mga bata.

PAGSASAAYOS NG MGA SALITA BATAY SA 3 PAGKAKASUNOD-SUNOD SA ALPABETO

Gamitin ang mga salitang nakapaskil sa pisara sa pagtuturo kung paano isaayos ang mga salita ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto.

Sabihin: Kapag gumagawa tayo ng listahan, o kapag sumasangguni tayo sa diksiyonaryo, o di kaya’y sa index ng mga libro, nakatutulong kung alam natin kung paano pagsunod-sunurin ang mga salita ayon sa mga letra ng alpabeto. Naaalala pa ba ninyo ang awiting “Alpabetong Filipino”? Awitin nga natin muli. Gabayan ang mga bata sa pag-awit ng kantang “Alpabetong Filipino.” Maaari ring ituro ang bawat letra ng alpabeto sa alphabet chart na nakakabit sa silid-aralan habang inaawit ang bawat letra sa kanta.

Matapos umawit, magsagawa ng mabilisang tanong-at-sagot upang matiyak na naiintindihan ng mga bata ang pagkakasunod- sunod ng mga letra. Tanungin: • Alin ang nauuna: ang letrang H o ang letrang C? • Alin ang nauuna: ang letrang K o ang letrang D? • Alin ang nauuna: ang letrang B o ang letrang Y? • Alin ang nauuna: ang letrang M o ang letrang E? • Alin ang nauuna: ang letrang I o ang letrang N? • Alin ang nauuna: ang letrang C o ang letrang Q? • Alin ang nauuna: ang letrang J o ang letrang L? • Alin ang nauuna: ang letrang F o ang letrang P? • Alin ang nauuna: ang letrang V o ang letrang G?

Gamitin ang alphabet chart upang ipakita sa mga bata kung tama o mali ang kanilang sagot sa bawat tanong. Matapos tiyakin kung nakuha na ng mga bata ang konsepto ng pagkakasunod-sunod ayon sa alpabeto, gamitin ang mga salita sa flash card bilang pagsasanay sa pagsasaayos ng mga salita.

28 YUNIT 3 ARALIN 22

Sabihin: Ngayon naman, pansinin natin ang mga salita dito sa mga flash talaan card. Paano natin maisasaayos ang mga ito ayon sa pagkakasunod-sunod nila sa alpabeto? Babasahin ko ang bawat salita. Pagkabasa ko, sabihin ninyo sa akin kung ano ang unang letra ng salitang binasa ko. Pagkatapos, sabihin ninyo sa akin kung saan ito dapat ipuwesto kung aayusin natin ang mga flash card ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto.

Halimbawa, simulan natin sa salitang ito: asin. Asin. Ano ang unang letra sa salitang asin? Nasaan ang letrang A sa alpabeto—nasa simula, nasa gitna, o nasa dulo? Kung nasa simula ang letrang A, saan ko dapat ilagay itong salitang asin kung isasaayos natin ang mga flash card ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto?

Ilagay ang flash card ng asin sa mataas na bahagi ng pisara. Ito na ang pagsisimulan ng listahan ng sangkap na nakaayos ayon sa pagkakasunod ng mga letra ng alpabeto.

Para sa iba pang mga salita sa flash card, tanungin ang sumusunod upang gabayan ang klase sa pagsagot: • Ano ang unang letra ng salitang ito? • Aling letra ang mauuna—ang letrang ito (ituro ang unang letra ng salitang tinatalakay) o ang letrang ito (ituro ang unang letra ng salitang nakakabit na sa pisara ayon sa pagkakaayos ng alpabeto)?

Kapag natapos na ang talakayan at pagsasaayos ng mga flash card, basahin ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga salita at pasabayin ang mga bata: • asin • bigas • luya • manok • paminta • sibuyas

Ipasipi sa mga bata ang naisaayos na listahan ng sangkap ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga letra sa alpabeto. PAGTATAPOS 4

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magpatulong sa inyong magulang o nakatatandang kapatid sa pagsasaayos ng mga salitang ito ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto: sunog, init, mapaso, kalan, babala, lason.

29 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN

(1) F1PT-IIIb-2.1 Nababasa ang mga salita at babala na madalas makita sa paligid 3 (2) F1PU-IIIb-1.2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga salita (3) F1EP-IIIb-1.2 Napagsusunod-sunod ang mga salita batay sa alpabeto (unang letra ng salita)

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Gabayan ang mga bata sa pagbabahagi tungkol sa mga dapat pag-ingatan kapag nagluluto o kapag tumutulong sa nakatatanda sa kusina.

Sabihin: Noong isang araw, naglaro tayo ng lutu-lutuan sa klase. Kunwari lang ang pagluluto sa lutu-lutuan. Pero nakatulong na ba kayo sa totoong pagluluto sa bahay? Sino sa inyo ang nakatulong na sa mas nakatatanda sa pagluluto sa inyong kusina? Itaas ang kamay. Ano ang mga dapat tandaan at pag-ingatan kapag tumutulong ang isang bata sa kusina? Ito ang paksa natin ngayong araw sa ating bahaginan. Maglahad sa buong klase ng isang bagay na dapat tandaan o pagkaingatan kapag tumutulong sa kusina. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Kapag tumutulong sa kusina, ito ang dapat tandaan/ pag-ingatan: ______.

Magbigay ng halimbawang pangungusap upang ipakita sa mga bata kung ano ang kanilang gagawin sa paglalahad. Halimbawa: Kapag tumutulong magluto sa kusina, ito ang dapat tandaan: gumamit ng guwantes pangkusina o makapal na basahan kapag hahawakan ang mainit na kawali o kaserola upang hindi mapaso.

Tumawag ng mga bata na nagtaas ng kanilang kamay nang tanungin ang klase tungkol sa pagtulong sa kusina. Kung kailangan, tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap o sa paghanap ng akmang salitang Filipino upang mailahad ang kanilang ideya.

PAGBABALIK ARAL 2 Pagsasaayos ng Salita Ayon sa Pagkakasunod-sunod sa Alpabeto

Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay kahapon para sa pagbabalik aral tungkol sa pagsasaayos ng mga salita ayon sa pagkakasunod- sunod sa alpabeto.

30 YUNIT 3 ARALIN 22

Sabihin: Para sa inyong takdang-aralin kahapon, ipinaayos ko sa inyo, talaan sa tulong ng nakatatandang kapamilya, ang sumusunod na salita: sunog, init, mapaso, kalan, babala, lason. Tingnan natin ngayon kung wasto ang pagsasaayos na isinagawa ninyo.

Ikabit sa pisara ang mga flash card kung saan nakasulat ang mga salitang ibinigay sa takdang-aralin. Gawin muli ang pagtatanong na isinagawa kahapon: • Ano ang unang letra ng salitang ito? • Nasaan ang letrang ito sa pagkakasunod-sunod ng alpabeto: sa bandang simula, sa bandang gitna, o sa bandang huli? • Aling letra ang mauuna—ang letrang ito (ituro ang unang letra ng salitang tinatalakay) o ang letrang ito (ituro ang unang letra ng salitang nakakabit na sa pisara ayon sa pagkakaayos ng alpabeto)?

Gamiting muli ang alphabet chart upang kumpirmahin kung tama nga ang pagkakasunod-sunod ng mga salita matapos isaayos. Basahin ang mga salita ayon sa alpabetikong pagkakasunod-sunod, at pasunurin ang mga bata sa pagbabasa: • babala • init • kalan • lason • mapaso • sunog MGA BABALA AT BABASAHIN SA PALIGID 3 Ipapansin sa mga bata ang mga salitang naisaayos sa pisara.

Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang ito? May kaugnayan ba ang mga salitang ito sa pinag-usapan natin sa bahaginan kanina?

Matapos makakuha ng tugon mula sa ilang mag-aaral, ipabatid sa klase na ang mga salita sa flash card ay kadalasang mababasa o makikita sa mga babala. Ipaalala sa mga bata ang kahulugan ng salitang “babala,” na tinalakay na noong ikalawang markahan. Tanungin ang mga bata kung ano ang ibig sabihin ng “babala.” Isulat ito sa pisara:

babala: paalala, dapat iwasan o pag-ingatan Gabayan ang mga bata sa talakayang pandalawahan. Basahing muli para sa kanila ang mga salita sa flash card. Pabuuin ang mga magkapares ng isa o higit pang pangungusap na maaaring gamiting babala tungkol sa pagluluto, gamit ang mga salita sa flash card. Bigyan sila ng tatlong minuto para sa gawaing ito.

Matapos ang tatlong minuto, tumawag ng limang kapares at ipalahad sa kanila ang kanilang nabuong babala. Isulat sa pisara ang kanilang ilalahad. Kung kailangang dagdagan ng salita o kung kailangang

31 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ayusin ang porma ng pangungusap, isulat na sa tamang kaayusan ang inilahad ng bata at basahin itong muli para sa klase. Halimbawa: • Babala: Mainit. Baka mapaso. • Babala: Iwasang lumapit sa nakasinding kalan. • Babala: Patayin ang apoy sa kalan kapag tapos nang magluto. Baka maging sanhi ng sunog. • Babala: Basahin ang nakasulat sa bote o pakete. Baka may lason.

Basahin ang mga nabuong babala para sa buong klase. Hayaang sumabay ang mga bata kung kaya na nilang magbasa. Talakayin ang bawat babala upang masiguro na naintindihan ng mga bata ang ipinapaalala ng mga ito. Maaaring gamitin ang sumusunod na tanong: • Ano ang maaaring mangyari kapag hindi natin sinunod ang babalang ito? • Bakit mahalagang sumunod sa mga babala?

Ipasipi sa mga mag-aaral ang pinakamaikling babala na nakasulat sa pisara. (Babala: Mainit. Baka mapaso.) Umikot sa klase habang sinusulat ng mga bata ang babala sa kanilang kuwaderno at pansinin kung maayos na ang paggamit nila ng malaki at maliit na letra at kung akma ang paglalagay nila ng espasyo sa kanilang pagsusulat.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ipabasa o ikuwento sa nakatatandang kapamilya ang babala na isinulat ninyo sa inyong kuwaderno. Tanungin sila kung may iba pa silang alam na babala o paalala upang maiwasan ang aksidente sa inyong kusina, hardin o iba pang bahagi ng inyong tahanan.

ARAW MGA LAYUNIN

(1) F1-0a-j-3- Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o nabasa 4 (2) F1PT-IIIb-2.1 Nababasa ang mga salita at babala na madalas makita sa paligid (3) F1PU-IIIb-1.2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga salita

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN 1 Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay kahapon bilang paksa ng bahaginan ngayong araw. Gabayan ang mga bata sa paglalahad ng mga babala o paalala na narinig nila mula sa mga nakatatanda tungkol sa dapat pag-ingatan sa kusina, hardin o iba pang bahagi ng tahanan.

Sabihin: Kahapon, takdang-aralin ninyo na ipabasa o ikuwento ang babalang sinulat ninyo sa kuwaderno sa isang nakatatandang kapamilya.

32 YUNIT 3 ARALIN 22

Ipinatanong ko rin sa inyo kung may iba pa silang alam na babala o paalala talaan upang maging ligtas kayo sa inyong tahanan—sa kusina, sa hardin o sa iba pang bahagi ng bahay. Ito ang pagbabahaginan natin ngayong araw. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Ang sabi ng aking ____, dapat daw maging maingat sa aming ____. Dapat daw tandaang ______.

Magbigay ng halimbawang pangungusap bilang gabay sa mga mag- aaral. Halimbawa: Ang sabi ng aking kapatid, dapat daw maging maingat sa aming hardin. Dapat daw tandaang nakalalason ang mga kemikal na abono at pestisidyo, kaya hindi ito dapat paglaruan.

Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaaanong nakapaglalahad sa buong klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng pangungusap at pagpapa- hayag ng kanilang ideya kung kinakailangan.

PAGBALIK-ARAL SA KUWENTO: ARROZ CALDO NI LOLO WALDO 2

Ipakita sa mga bata ang pabalat ng aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo. Ipaalala sa kanila ang may-akda (Becky Santos-Gerodias) at tagaguhit (Bernadette Solina-Wolf) ng aklat, at tanungin kung ano ang pamagat nito.

Iugnay ang ilang lokasyon at sitwasyon na makikita sa kuwento sa paksa ng pag-iingat at pagsunod sa mga babala o paalala.

Sabihin: Kanina, sa ating bahaginan, nakarinig tayo ng ilang babala at paalala tungkol sa mga dapat pag-ingatan at tandaan upang maging ligtas sa ating tahanan. Ngayon naman, ilagay natin ang sarili natin sa mga sit- wasyon o lugar na makikita rito sa aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo. Ano kaya ang mga dapat pag-ingatan kung tayo ang malagay sa ganitong mga lugar o sitwasyon? Pagmasdan natin ang ilang larawan mula sa libro. May itatanong ako tungkol sa bawat larawan upang magabayan kayo. Pag-uusapan ninyo ng inyong katabi ang larawan at sasagutan ninyo ang aking tanong. Pag- katapos ay tatawag ako ng ilang mag-aaral upang sumagot.

Balikan ang ilang pahina ng aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo upang tulungan ang mga bata sa pagtukoy ng mga bagay na dapat tandaan o ingatan kapag mangyari sa kanila ang sitwasyong ipinapakita sa larawan. Ipakita ang sumusunod na pahina at itanong:

• Ipakita ang p. 1 (pahina pagkabukas ng pabalat): Nasaan si Lolo Waldo dito? Ano ang nakikita ninyo sa ilalim ng kaldero? Ano ang dapat pag-ingatan kapag may nakasalang sa kalan? (Isulat sa pisara ang makukuhang babala o paalala. Halimbawa: Bantayan ang nakasinding kalan. Patayin ang apoy kapag tapos nang

33 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan magluto. Gumamit ng pot holder o guwantes kapag hahawak sa mainit na kaldero o kawali.)

• Ipakita ang p. 2: Ano ang hawak ni Tatay Sito dito? Ano kaya ang ginagawa niya? Ano ang dapat tandaan sa paghawak o paggamit ng gunting at iba pang matalas na bagay? (Isulat sa pisara ang makukuhang babala o paalala. Halimbawa: Hawakan ang gunting mula sa mga butas. Isara ang talim ng gunting kapag hindi ginagamit. Huwag ituro palabas ang matulis na bahagi kapag naglalakad upang hindi makasakit ng iba.)

• Ipakita ang pp. 6-7: Bakit kaya umuusok ang kaldero at ang laman ng mangkok ni Tatay Sito? Ano ang dapat tandaan kapag kumakain ng mainit at umuusok na pagkain? (Isulat sa pisara ang makukuhang babala o paalala. Halimbawa: Hipan muna o palamigin nang bahagya ang umuusok na pagkain upang hindi mapaso sa pagsubo.)

• Ipakita ang pp. 16-17: Ano ang ginagawa ni Tatay Sito dito? Saan siya nakatungtong? Ano ang dapat pag-ingatan kapag gumagamit ng pako at martilyo? Ano ang dapat tandaan kapag nakatungtong sa isang bagay upang maabot ang isang mataas na lugar? (Isulat sa pisara ang makukuhang babala o paalala. Halimbawa: Tingnan nang mabuti ang ipinapako kapag nagmamartilyo. Iwasang matamaan ang daliri at hindi ang pako. Siguruhing matibay ang tinutungtungan. Kung kailangan, ipahawak sa iba ang tungtungan upang lalong tumibay ang tinatapakan.)

Maaari ding itanong: Ano ang hawak-hawak ng batang bida dito sa larawan? Babasagin kaya ang mga ito? Ano ang dapat tandaan kapag nagbubuhat ng maraming maselan o babasaging gamit? (Isulat sa pisara ang makukuhang babala o paalala. Halimbawa: Maging maingat sa paghawak ng mga babasagin. Bagalan ang paglakad upang hindi madapa, makabasag ng gamit, at makatapak sa bubog.)

Itanong sa mga bata: Alin sa mga sitwasyong ito ang pinakamadalas ninyong nararanasan? Aling babala o paalala ang dapat ninyong palaging tandaan?

Batay sa isasagot ng mga bata, isulat ang pinakamakabuluhang babala o paalala para sa kanila mula sa mga napag-usapan at isulat ito sa malalaking letra sa pisara, na parang ganito:

Babala! Mag-ingat! Hawakang mabuti ang mga babasagin.

Basahin ang babala para sa klase. Ipaulit ang pagbasa nito sa mga mag-aaral. Ipasipi sa mga bata ang babala sa pisara sa kanilang kuwaderno. Ipaalala na dapat gumamit ng malaking letra sa simula

34 YUNIT 3 ARALIN 22

ng bawat pangungusap. Umikot sa klase at pansinin kung kaya na talaan ng lahat ng bata ang pagsulat nang may tamang laki at layo ang mga salita. Turuan ang mga bata kung hindi pa nila ito kayang gawin.

PAGTATAPOS 3 Gumawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa naintindihan ng mga bata sa talakayan ngayong araw. Patayuin ang lahat ng bata. Pakikinggan nila ang mga babanggitin ninyong pangungusap, at uupo sila kapag narinig nila ang pangungusap na naglalarawan sa dami ng natutuhan nila ngayong araw. Sabihin nang malakas ang sumusunod:

• Umupo ang lahat ng mag-aaral na may napulot o naintindihang apat o higit pang babala o paalala ng pag-iingat ngayong araw. • Umupo ang lahat na may naintindihang dalawa hanggang tatlong babala o paalala ngayong araw. • Umupo ang lahat na may napulot o naintindihang isang babala o paalala ngayong araw.

Kung may nananatili pang nakatayo, tanungin ang mga batang ito kung ano ang hindi pa malinaw tungkol sa babalang nakasulat sa pisara, o tungkol sa iba pang babala na napag-usapan ngayong araw. Bigyan ng maikling paliwanag ang bagay na hindi pa lubusang naintindihan.

MGA LAYUNIN ARAW (1) F1WG-IIIb-1 Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon (2) F1EP-IIIb-1.2 Napagsusunod-sunod ang mga salita batay sa alpabeto 5 (unang letra ng salita)

PANIMULANG GAWAIN: LARO (“BATA-TATAY-LOLO”) 1

Ipaalala sa mga bata ang mga tauhan sa kuwentong Arroz Caldo ni Lolo Waldo. Tanungin sila kung sino ang tatlong pangunahing tauhan. Isulat sa pisara ang mga salitang “Bata-Tatay-Lolo.”

Ipaliwanag sa klase na maglalaro sila ng “Bata-Tatay-Lolo.” May pagkakatulad ang larong ito sa “Open the Basket.” Hatiin ang klase sa tatlong grupo. (Maaaring magbilang nang isa hanggang tatlo.) Ang mga nasa grupo 1 ang mga bata, ang nasa grupo 2 ang mga tatay, at ang grupo 3 ang mga lolo.

Tanungin ang mga bata kung ano ang dapat tandaan kapag may kausap na nakatatanda, katulad ng tatay o lolo. Ano ang paraan upang magpakita ng paggalang sa nakatatanda? Bakit dapat gumamit

35 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ng po at opo kapag kausap ang nakatatanda? Ipaliwanag na sa larong ito, may pagkakataon na sila ay magiging bata, at may pagkakataon na sila ay magiging nakatatandang tatay o lolo. Kailangan nilang sabihin sa magalang na paraan ang tanong na “Masarap ba ang arroz caldo?” kapag sila ang nakababata. Kapag sila naman ang tinanong ng kanilang kagrupo, kailangan nilang sumagot sa tamang paraan. Magdadagdag sila ng po o opo sa kanilang sagot kung sila ang nakababata.

Sa unang paglalaro, magpapares at maghahawak-kamay ang isang bata at isang tatay. Nasa loob ng kanilang bilog ang isang lolo. Habang nasa ganito silang ayos, atasan ang bata at tatay na magmano at magbigay-pagalang sa lolo na nasa gitna nila. Kailangan din nilang gawing magalang ang pagtanong ng pangungusap na “Masarap ba ang arroz caldo?” sa pamamagitan ng pagdagdag ng salitang “po.” (“Masarap po ba ang arroz caldo?”) Kapag tinanong sila ng kanilang kagrupo, sasagot sila sa tamang porma. “Opo, masarap po.” ang isasagot kung ang nagtanong ay nakatatanda. “Oo, masarap.” ang isasagot kung ang nagtanong ay mas bata.

Sasabihin nang malakas at paulit-ulit ng guro (o ng taya, kung may sobrang bata) ang mga salitang “Bata-Tatay-Lolo.” Kung ano ang huling babanggiting salita (halimbawa, Tatay), iyon ang aalis sa kanilang grupo at hahanap ng mapapasukang bilog o basket. Ang mga lolo naman na noong una’y nasa gitna ay magiging kapares na ng naiwan na bata. Kapag nasa gitna na ang tatay, kailangan niyang magmano sa lolo, at kailangan namang magmano sa kaniya at sa lolo ang bata. Itatanong din ng bawat isang kasapi ng grupo, sa tamang porma, ang tanong na “Masarap ba ang arroz caldo?” Kapag tanungin ng tatay ang lolo, lalagyan niya ito ng “po.” Kapag tanungin ng lolo ang tatay, hindi niya kailangang magdagdag ng po. Kapag bata ang nagtatanong sa tatay o lolo, kailangan niyang magdagdag ng po. Sasagot din sa tamang porma ang mga kasapi pagkatapos silang tanungin ng kanilang kagrupo.

Ulitin ang laro nang tatlong beses. Siguruhin na ang lahat ng mga tauhan ay mapapatakbo at mapapahanap ng ibang pares. Siguruhin din na nagagawa ng mga pares ang pagmamano at paggamit ng po at opo sa dapat pagbigyang-galang sa grupo.

Sa pagtatapos ng laro, pabalikin ang mga bata sa kanilang silya. Tanungin sila kung paano sila nagpapakita ng galang sa mga nakatatanda, bukod pa sa pagmamano. Tumawag ng ilang mag-aaral upang maglahad tungkol sa magalang na pananalita sa harap ng klase.

PAGBABALIK-ARAL: PAGSASAAYOS NG SALITA 2 AYON SA ALPABETO

Ipaalala sa mga bata ang pinag-aralan tungkol sa pagsasaayos ng mga salita ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto. Ituro ang mga

36 YUNIT 3 ARALIN 22

salitang “Bata-Tatay-Lolo” na nakasulat sa pisara. talaan

Itanong: Kung isasaayos natin sa isang listahan ang mga salitang ito ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto, aling salita ang dapat mauna? Bakit ninyo nasabi iyon? Nasaan ang unang letra ng salitang ito sa alpabeto? (Ipaturo sa isang bata ang letra sa alphabet chart. Ipaturo din ang unang letra ng iba pang salita.) Alin naman ang susunod? Alin ang mahuhuli?

Isulat ang naisaayos na listahan sa pisara: • bata • lolo • tatay

Sabihin: Kung idaragdag ko ang salitang “kapatid” at “nanay” sa listahan, saan sila ipupuwesto?

Isulat ang salitang “nanay” at “kapatid” sa ibang bahagi ng pisara. Itanong kung ano ang unang letra ng mga salitang ito. Ipatukoy kung saan dapat ang puwesto ng dalawang salita sa kasalukuyang listahan at kung bakit.

Isulat sa tamang puwesto ang dalawang salita: • bata • kapatid • lolo • nanay • tatay

Ipasipi sa mga bata ang listahan. Habang kinokopya ng karamihan ng mga bata ang listahan, simulan na ang pagtataya ng isang pangkat ng bata. PAGTATAYA 3 a. Pangkatang Pagtataya Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang pinag- aralan sa linggong ito. Itanong sa mga bata ang sumusunod. Sasagutin ito ng bata nang palahad.

• Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap, o ipakita sa galaw ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo): painitin, igisa, ihalo/ haluin, timplahan, idagdag. • Magbanggit ng isang babala o paalala na natutuhan mo ngayong linggo. • Subukang basahin ang mga salitang ipapakita ko sa flash card: lolo, arroz caldo, babala, mag-ingat, ang, mga, si, tatay, bata • (Pumili lamang ng isa para sa bawat bata sa grupo. Isulat sa

37 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan mga card ang bawat grupo ng salita, basahin, at ipakita sa mga bata.) Ano ang dapat mauna sa mga salitang ito kung isasaayos ayon sa alpabeto? Ano ang dapat nasa gitna? Ano ang dapat mahuli? –– Waldo, Sito, Lito –– Ana, Sonia, Cathy –– Janet, Lina, Alice –– Nina, Bing, Yolly –– Jose, Luis, Chito –– Pablo, Dina, Gorio –– Maria, Elena, Totoy

Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga bata, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na pangkat ng 5-10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, nagsusulat at gumuguhit naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga bata. (Gawain 3b)

Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa talasalitaan, ngunit hindi pa sa paglalahad ng natutuhang babala o paalala.

Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga bata sa kanilang kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na gabay o tulong.

b.Gawain Para sa Mga Batang Naghihintay Ipagpatuloy ang pagpapasipi ng listahan sa mga bata. Kapag tapos na sila sa pagsulat ng listahan, magpaguhit sa kanila ng isang pamilya na nagpapakita ng mga miyembro na nailista nila sa kuwaderno. 4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Subukang sumama sa inyong magulang o iba pang kapamilya kapag mamimili sila sa palengke. Magtanong tungkol sa mga makikita ninyong paninda habang nandoon kayo. Maghandang magbahagi tungkol sa inyong karanasan sa susunod na linggo.

38 YUNIT 3 ARALIN 23

ARALIN 23

GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG FILIPINO

TEMA: Mga Lugar Sa Aming Komunidad KUWENTO: Araw sa Palengke

39 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 23

Tema: Mga Lugar Sa Aming Komunidad Kuwento: Araw sa Palengke

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) WG • F1WG-IIIc-d-4 • Bahaginan: Paglalarawan ng mga • Pagpapaliwanag at pagtatanong tungkol sa • Paglalahad ng karanasan sa palengke Nakapaglalarawan ng mga bagay, nakita sa palengke (pagtalakay ng salitang naglalarawan • Pagpares ng mga salitang naglalarawan sa iba tao, hayop, pangyayari, at lugar takdang-aralin) • Paglista ng mga salitang naglalarawan na pang salita o pangngalan ibibigay ng mga bata sa porma ng graphic • Pagbibigay ng mga salitang naglalarawan sa organizer palengke • Pagbigkas ng mga nailistang salita sa graphic organizer 1 KM • F1KM-IIIb-1 • Pagsipi sa talasalitaan • Pagsulat at pagbasa ng mga salita at kahulugan • Pagsipi ng talasalitaan Nasisipi nang wasto at malinaw ang sa pisara • Pagsunod sa pagbasa ng guro mga salita sa huwaran PT • F1PT-IIb-f-6 • Pagpapaunlad ng talasalitaan: mga • Pagsulat ng mga tututukang salita sa pisara • Pakikinig sa guro Natutukoy ang kahulugan ng salita salita mula sa Araw sa Palengke • Pagbigay ng pangungusap na gamit ang salita at • Pagmasid sa larawan batay sa kumpas, galaw, ekspresiyon (Akda ni May Tobias-Papa. Guhit ni pagpapakita ng larawan para sa ilang salita • Pagsagot sa mga tanong ng guro ng mukha; ugnayang salita-larawan Isabel Roxas) • Pagtatanong sa mga bata • Paggamit ng mga salita sa sariling pangungusap PN • F1PN-IIIc-14 • Araw sa Palengke • Pagtatanong matapos basahin ang kuwento • Pagsagot ng tanong matapos basahin ang Nasasabi ang sariling ideya tungkol kuwento sa tekstong napakinggan PL • F1PL-0a-j-4 • Araw sa Palengke • Pagbasa sa kuwento • Pakikinig sa kuwento 2 Napapahalagahan ang mga tekstong • Pagtanong habang binabasa ang kuwento • Pagsagot sa mga tanong ng guro habang pampanitikan sa pamamagitan ng binabasa ang kuwento aktibong pagsali sa mga gawaing pampanitikan PN • F1PN-IIIc-14 • Pagbabalik-aral: Araw sa Palengke • Pagsagawa ng picture walk • Pagmasid sa mga larawan ng aklat Nasasabi ang sariling ideya tungkol • Paghikayat sa mga batang magkapares na • Pakikipag-usap sa kapares tungkol sa sa tekstong napakinggan pag-usapan kung ano ang nangyayari sa bawat nagaganap sa bawat pahina pahina • Paglahad sa buong klase ng kanilang sagot 3 • Pagtawag ng mga pares para magpahayag ng • Pagsagot sa mga tanong kanilang sagot sa buong klase • Paghahanda para sa dula-dulaan • Pagtatanong tungkol sa kuwento • Pagbigay ng panuto para sa pagsagawa ng dula- dulaan LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

40 YUNIT 3 ARALIN 23

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 23

Tema: Mga Lugar Sa Aming Komunidad Kuwento: Araw sa Palengke

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) WG • F1WG-IIIc-d-4 • Bahaginan: Paglalarawan ng mga • Pagpapaliwanag at pagtatanong tungkol sa • Paglalahad ng karanasan sa palengke Nakapaglalarawan ng mga bagay, nakita sa palengke (pagtalakay ng salitang naglalarawan • Pagpares ng mga salitang naglalarawan sa iba tao, hayop, pangyayari, at lugar takdang-aralin) • Paglista ng mga salitang naglalarawan na pang salita o pangngalan ibibigay ng mga bata sa porma ng graphic • Pagbibigay ng mga salitang naglalarawan sa organizer palengke • Pagbigkas ng mga nailistang salita sa graphic organizer 1 KM • F1KM-IIIb-1 • Pagsipi sa talasalitaan • Pagsulat at pagbasa ng mga salita at kahulugan • Pagsipi ng talasalitaan Nasisipi nang wasto at malinaw ang sa pisara • Pagsunod sa pagbasa ng guro mga salita sa huwaran PT • F1PT-IIb-f-6 • Pagpapaunlad ng talasalitaan: mga • Pagsulat ng mga tututukang salita sa pisara • Pakikinig sa guro Natutukoy ang kahulugan ng salita salita mula sa Araw sa Palengke • Pagbigay ng pangungusap na gamit ang salita at • Pagmasid sa larawan batay sa kumpas, galaw, ekspresiyon (Akda ni May Tobias-Papa. Guhit ni pagpapakita ng larawan para sa ilang salita • Pagsagot sa mga tanong ng guro ng mukha; ugnayang salita-larawan Isabel Roxas) • Pagtatanong sa mga bata • Paggamit ng mga salita sa sariling pangungusap PN • F1PN-IIIc-14 • Araw sa Palengke • Pagtatanong matapos basahin ang kuwento • Pagsagot ng tanong matapos basahin ang Nasasabi ang sariling ideya tungkol kuwento sa tekstong napakinggan PL • F1PL-0a-j-4 • Araw sa Palengke • Pagbasa sa kuwento • Pakikinig sa kuwento 2 Napapahalagahan ang mga tekstong • Pagtanong habang binabasa ang kuwento • Pagsagot sa mga tanong ng guro habang pampanitikan sa pamamagitan ng binabasa ang kuwento aktibong pagsali sa mga gawaing pampanitikan PN • F1PN-IIIc-14 • Pagbabalik-aral: Araw sa Palengke • Pagsagawa ng picture walk • Pagmasid sa mga larawan ng aklat Nasasabi ang sariling ideya tungkol • Paghikayat sa mga batang magkapares na • Pakikipag-usap sa kapares tungkol sa sa tekstong napakinggan pag-usapan kung ano ang nangyayari sa bawat nagaganap sa bawat pahina pahina • Paglahad sa buong klase ng kanilang sagot 3 • Pagtawag ng mga pares para magpahayag ng • Pagsagot sa mga tanong kanilang sagot sa buong klase • Paghahanda para sa dula-dulaan • Pagtatanong tungkol sa kuwento • Pagbigay ng panuto para sa pagsagawa ng dula- dulaan LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

41 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral WG • F1WG-IIIc-d-4 • Bahaginan: Paglalarawan ng bagay na • Pagpapakita ng takdang pahina • Pagmasid sa larawan 3 Nakapaglalarawan ng mga bagay, makikita sa isang pahina ng Araw sa • Paghikayat sa mga bata na maglahad tungkol sa • Paglalahad tungkol sa pahina gamit ang salitang tao, hayop, pangyayari, at lugar Palengke isang bagay na makikita sa larawan naglalarawan PS • F1PS-IIIc-10.1 • Araw sa Palengke • Paggabay sa pagpapalabas ng inihandang dula- • Pagganap sa dula-dulaan Nakapagtatanong tungkol sa dulaan • Panonood sa ibang pangkat napakinggang kuwento • Paggabay sa pangkatang pagbubuo ng tanong • Pagbubuo ng tanong para sa ibang pangkat tungkol sa mga kaganapan sa dula-dulaan/ • Pagsagot sa tanong ng ibang pangkat kuwento KP • F1KP-IIIc-8 • Pangkatang pag-iisip ng mga salitang • Pagpapaliwanag ng konsepto ng salitang • Pangkatang pag-iisip ng mga salitang katugma 4 Natutukoy ang mga salitang katugma ng ibinigay na salita ng guro magkatugma • Paglalahad ng sagot magkakatugma • Pagbigay at pagbasa ng salitang hahanapan ng • Pagsipi sa talahanayan katugma • Paghanda ng talahanayan • Pagsulat ng mga salitang isasagot ng mga bata sa talahanayan KP • F1KP-IIIc-8 • Paghahanap ng mga salitang • Paghahanda ng mga flash card bago magsimula • Pagbunot ng flash card Natutukoy ang mga salitang makatugma mula sa flash card na ang klase • Paghanap ng mga kaklase na may hawak na magkakatugma hawak ng iba pang kaklase • Pagpapabunot ng isang card mula sa basket salitang katugma para sa bawat mag-aaral • Pagsunod sa pagbigkas ng mga salita 5 • Pagbigay ng panuto para sa gawain • Pagbasa ng mga salitang magkatugma KM • F1KM-IIIb-1 • Pagsipi sa mga pares ng salitang • Pagdikit ng mga flash card sa pisara • Pagsipi ng napiling pares ng salita Nasisipi nang wasto at malinaw ang magkatugma • Pagbigay ng panuto sa mga bata • Pagguhit ng larawan upang ipakita ang mga salita sa huwaran kahulugan ng napiling salita LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

42 YUNIT 3 ARALIN 23

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral WG • F1WG-IIIc-d-4 • Bahaginan: Paglalarawan ng bagay na • Pagpapakita ng takdang pahina • Pagmasid sa larawan 3 Nakapaglalarawan ng mga bagay, makikita sa isang pahina ng Araw sa • Paghikayat sa mga bata na maglahad tungkol sa • Paglalahad tungkol sa pahina gamit ang salitang tao, hayop, pangyayari, at lugar Palengke isang bagay na makikita sa larawan naglalarawan PS • F1PS-IIIc-10.1 • Araw sa Palengke • Paggabay sa pagpapalabas ng inihandang dula- • Pagganap sa dula-dulaan Nakapagtatanong tungkol sa dulaan • Panonood sa ibang pangkat napakinggang kuwento • Paggabay sa pangkatang pagbubuo ng tanong • Pagbubuo ng tanong para sa ibang pangkat tungkol sa mga kaganapan sa dula-dulaan/ • Pagsagot sa tanong ng ibang pangkat kuwento KP • F1KP-IIIc-8 • Pangkatang pag-iisip ng mga salitang • Pagpapaliwanag ng konsepto ng salitang • Pangkatang pag-iisip ng mga salitang katugma 4 Natutukoy ang mga salitang katugma ng ibinigay na salita ng guro magkatugma • Paglalahad ng sagot magkakatugma • Pagbigay at pagbasa ng salitang hahanapan ng • Pagsipi sa talahanayan katugma • Paghanda ng talahanayan • Pagsulat ng mga salitang isasagot ng mga bata sa talahanayan KP • F1KP-IIIc-8 • Paghahanap ng mga salitang • Paghahanda ng mga flash card bago magsimula • Pagbunot ng flash card Natutukoy ang mga salitang makatugma mula sa flash card na ang klase • Paghanap ng mga kaklase na may hawak na magkakatugma hawak ng iba pang kaklase • Pagpapabunot ng isang card mula sa basket salitang katugma para sa bawat mag-aaral • Pagsunod sa pagbigkas ng mga salita 5 • Pagbigay ng panuto para sa gawain • Pagbasa ng mga salitang magkatugma KM • F1KM-IIIb-1 • Pagsipi sa mga pares ng salitang • Pagdikit ng mga flash card sa pisara • Pagsipi ng napiling pares ng salita Nasisipi nang wasto at malinaw ang magkatugma • Pagbigay ng panuto sa mga bata • Pagguhit ng larawan upang ipakita ang mga salita sa huwaran kahulugan ng napiling salita LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

43 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN

(1) F1WG-IIIc-d-4 Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, pangyayari, at lugar 1 (2) F1KM-IIIb-1 Nasisipi nang wasto at malinaw ang mga salita sa huwaran (3) F1PT-IIb-f-6 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kumpas, galaw, ekspresiyon ng mukha; ugnayang salita-larawan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay noong nakaraang Biyernes para sa bahaginan ngayong araw. Magpalahad sa mga bata ng kanilang karanasan nang sumama sila sa isang kapamilya papuntang palengke.

Sabihin: Ang tema natin sa linggong ito ay tungkol sa mga lugar sa ating komunidad. May napuntahan ba kayong lugar sa inyong komunidad nitong Sabado at Linggo? Nakapunta ba kayo sa palengke katulad ng ibinilin ko sa inyo bilang takdang-aralin noong nakaraang Biyernes? Sino rito ang nakapunta sa palengke?

Para sa bahaginan natin ngayon, tatawag ako ng ilan sa inyo upang maglahad ng nakita, naamoy, at naramdaman ninyo sa palengke. Ilarawan ninyo sa inyong kamag-aral ang palengkeng pinuntahan ninyo. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Nang magpunta ako sa palengke, nakakita ako ng _____ na _____. Nakahawak ako ng _____ na ______. Nakaamoy din ako ng ______na ______.

Magbigay ng halimbawang paglalahad upang mas luminaw sa mga bata ang gagawin nila. Halimbawa: Nang nagpunta ako sa palengke, nakakita ako ng karne na mapula. Nakahawak ako ng damit pambahay na malambot. Nakaamoy din ako ng isda na malansa.

Tumawag ng tatlong mag-aaral na maglalahad ng kanilang karanasan sa harap ng klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap kung kinakailangan. Pakinggang mabuti ang mga salitang ginagamit nila upang ilarawan ang mga bagay na nakita nila. Isulat ang mga salitang naglalarawan na babanggitin nila sa pisara, pati na ang mga salitang naglalarawan na ginamit ninyo sa sarili ninyong halimbawang pangungusap.

TALAKAYAN: 2 MGA SALITANG NAGLALARAWAN

Matapos ng paglalahad ng mga napiling mag-aaral, ipapansin sa mga bata ang mga salitang naglalarawan sa pisara.

44 YUNIT 3 ARALIN 23

Sabihin: Tingnan ninyo itong mga salitang ginamit ng inyong kaklase talaan kanina sa paglalarawan nila ng nakita, naamoy, at nahawakan nila sa palengke. Ano ang napapansin ninyo tungkol sa mga salitang ito? Ano ang ginagawa nila para sa mga bagay na binanggit kanina ng inyong mga kaklase?

Tulungan ang mga bata sa pagtukoy na ang mga salitang naglalarawan ay nagbibigay kulay, itsura, hugis at iba pang katangian sa mga pangalan na katambal nila. Inilalarawan ng mga salitang ito ang hitsura, anyo at iba pang katangian ng mga pangngalan na katambal nila sa isang pangungusap.

Sabihin: Maipapares din ba natin ang mga salitang ito sa iba pang bagay, tao, hayop o lugar? Ano pang pangngalan ang puwede nating ipares sa mga salitang naglalarawan na nakalista rito?

Isulat sa pisara ang mga mabanggit na kapares na pangngalan ng mga salitang naglalarawan. Halimbawa: labi na mapula, na malansa, bulak na malambot, at iba pa.

Sabihin: Ang mga salitang naglalarawan ay ginamit ninyo kanina para ilahad ang katangian ng mga bagay na makikita sa palengke. Ano naman kayang mga salita ang magagamit natin upang ilarawan ang mismong palengke? May naiisip ba kayong mga salitang naglalarawan na maaaring magpakita ng mga katangian ng isang palengke? Ililista ko rito sa pisara ang inyong babanggitin.

Gumawa ng isang graphic organizer na katulad ng nasa ibaba at gamitin ito upang mailista ang mga babanggiting salitang naglalarawan:

masikip maingay magulo masaya

PALENGKE

maputik mabantot basa mainit

Basahin ang mga salita. Sabihin sa isang buong pangungusap, katulad ng: Ayon sa inyong paglalarawan, ang palengke ay isang lugar sa komunidad na masikip, maingay, magulo, masaya, maputik, mainit, basa, at mabantot. PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN 3 Iugnay ang talakayan tungkol sa palengke sa pag-aaralang mga salita para sa araw na ito.

Sabihin: Bukas, ang babasahin kong aklat pambata ay tungkol din sa palengke. Pag-aralan natin ngayon ang ilang salitang maririnig ninyo bukas habang binabasa ko ang kuwento.

45 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Isulat sa pisara ang listahan ng mga salitang pag-aaralan: pangako, bayong, suki, magtatanghali, kakatwa.

Basahin ang mga pangungusap at magpakita ng mga larawan upang tulungan ang mga bata sa pagtukoy ng kahulugan ng mga salita.

• Pangungusap 1: Tinupad mo ba ang pangako mo sa iyong nanay na mag-aaral ka nang mabuti? (posibleng larawan: batang nakataas ang kanang kamay na parang nanunumpa) Itanong: Ano ang ipinangako dito sa pangungusap na ito? Kayo ba ay nakapagsabi na ng pangako sa inyong magulang? Ano ang ipinangako ninyo sa kanila? Ano kaya ang ibig sabihin ng pangako? (Posibleng sagot: bagay na sinabi mong gagawin mo, pananalita na dapat mong tuparin, nanunumpang opisyal, nanunumpa sa korte, kasal)

• Pangungusap 2: Maraming mailalagay na gulay at iba pang pinamili sa bayong ko. (Magpakita ng larawan o aktuwal na bayong habang binabanggit ang pangungusap na ito.) Itanong: May bayong ba kayo sa bahay? Ano ang kulay ng bayong ninyo? Saan ito gawa? Saan ito ginagamit? Ano ang ibig sabihin ng salitang “bayong”? (Posibleng sagot: lalagyan ng pinamili sa palengke)

• Pangungusap 3: Suki na ako sa karinderya ni Aling Maria kasi mura at masarap ang paninda niya. (Posibleng larawan: may bumibili at may nagtitinda; nakangiti sila sa isa’t isa na parang matagal nang magkakilala) Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang ito? Saan ninyo ito madalas marinig? Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang “suki”? (Posibleng sagot: palagiang mamimili, paulit-ulit na kustomer)

• Pangungusap 4: Magtatanghali na nang bumangon siya mula sa kaniyang higaan. (Magpakita ng larawan ng relo na nakalagay sa alas nuwebe, sa harap ng isang bintana kung saan kitang-kita na ang araw) Itanong: Napagsabihan na ba kayo ng tatay o nanay ninyo na bumangon dahil magtatanghali na? Anong oras na dito sa larawan? Nasaan na ang araw? Ano kaya ang ibig sabihin ng magtatanghali? (posibleng sagot: mataas na ang araw, malapit nang mag-alas dose, kalagitnaan na ng umaga)

• Pangungusap 5: Kakatwa ang hitsura ng aso nang bihisan ito na parang tao. Itanong: Madalas ba kayong makakita ng aso na nakadamit? Malungkot ba o masaya ang mararamdaman ninyo kapag nakakita kayo ng aso na nakabihis na parang tao? Ano kaya ang ibig sabihin ng kakatwa? Anong salita kaya ang pinagmulan nito? (posibleng sagot: kakaiba, nakakatuwa)

46 YUNIT 3 ARALIN 23

Basahin muli ang mga salita at ulitin ang ibig sabihin nito. Tumawag talaan ng ilang mag-aaral at ipagamit sa kanila ang isang salita mula sa listahan sa isang pangungusap.

Ipasipi sa mga bata ang talasalitaan para sa araw na ito: • pangako – bagay na sinabi mong gagawin mo • bayong – lalagyan ng pinamili • suki – palagiang mamimili o kustomer • magtatanghali – kalagitnaan na ng umaga; malapit na sa alas dose • kakatwa – bagay na kakaiba, iba sa karaniwan, nakakatuwa o nakakatawa

Umikot sa klase habang kinokopya ng mga bata ang talasalitaan. Pansinin kung tama na ang pagporma nila ng letra o kung kailangan pa nila ng tulong. PAGTATAPOS 4 Gumawa ng mabilisang pagpupulso upang malaman kung naintindihan ng mga bata ang mga salitang pinag-aralan. Ipataas ng mataas na mataas ang kamay kung naintindihan na nila ang salita at itataas lamang nila ang kamay nang bahagya kung hindi pa nila ito masyadong naiintindihan. Sabihin ng malakas ang bawat salita: pangako, bayong, suki, magtatanghali, kakatwa. Pansinin kung aling salita ang may pinakakaunting mataas na kamay, at tutukan ito bukas sa paghahawan ng balakid.

MGA LAYUNIN ARAW (1) F1PN-IIIc-14 Nasasabi ang sariling ideya tungkol sa tekstong napakinggan (2) F1PL-0a-j-4 Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong pagsali sa mga gawaing pampanitikan 2

PANIMULANG GAWAIN 1 Gamitin ang tema para sa linggong ito bilang paksa para sa bahaginan. Magpabigay ng ilang pangungusap tungkol sa iba pang lugar sa komunidad na napuntahan nila, bukod sa palengke.

Sabihin: Kahapon, may ilan sa inyo ang naglahad ng kanilang karanasan sa pagpunta ng palengke. Bukod sa palengke, may iba pa ba kayong lugar na napuntahan o nabisita sa komunidad? Ito ang ilalahad ninyo sa klase sa ating bahaginan. Maaari ninyong gamitin ang sumusunod na halimbawang panimula:

47 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Bukod sa palengke, nakapunta na rin ako sa ______ng aming komunidad. Pumupunta ang mga tao rito kapag ______.

Magbigay ng halimbawang pangungusap upang may dagdag na gabay sa bahaginan ang mga mag-aaral. Halimbawa: Bukod sa palengke, nakapunta na rin ako sa barangay hall ng aming komunidad. Pumupunta ang mga tao rito kapag kailangan nila ng tulong ng mga opisyal ng barangay.

Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang paglalahad kung kinakailangan.

2 PAGHAHANDA SA PAKIKINIG SA KUWENTO a. Paghahawan ng Balakid Ipaskil sa pisara ang listahan ng mga salitang pinag-aralan kahapon: pangako, bayong, suki, magtatanghali, kakatwa. Basahin ang mga salita, at ipabigkas din ito sa mga bata. Tumawag ng ilang bata para sabihin ang kahulugan ng salita at gamitin ito sa sarili nilang pangungusap.

b. Pagganyak Ipakita ang pabalat ng aklat na Araw sa Palengke. Sabihin ang pamagat, may-akda (May Tobias-Papa), at tagaguhit (Isabel Roxas).

Tanungin ang mga bata tungkol sa nakikita nila sa larawan sa pabalat. Ano-anong bagay ang nakikita natin dito sa larawan? Saan nakatayo ang bata? Ano ang hawak-hawak niya? Mukha ba siyang masaya o malungkot? Ganito din ba kayo kapag pumupunta kayo ng palengke?

c. Pagganyak na Tanong Habang nakikinig kayo sa aking pagbabasa, subukang sagutin ang tanong na ito: Ano ang pangako ng bata sa kaniyang nanay tungkol sa kanilang pagpunta sa palengke, at natupad ba niya ito? 3 HABANG BINABASA ANG KUWENTO Basahin ang kuwento nang may damdamin. Kung maaari, ibahin ang boses ninyo kapag binabasa ang mga salita na sinasabi ng bata at nanay upang maunawaan ng mag-aaral na ito ang pahayag sinasabi ng magkaibang tauhan sa kuwento. Huminto sa mga takdang bahagi ng aklat matapos itong basahin at itanong ang sumusunod:

• Huminto sa p. 2 Itanong: Saan pupunta ang bata at ang kaniyang nanay? Paano sila pupunta sa palengke? Ano ang hula ninyo?

48 YUNIT 3 ARALIN 23

• Huminto sa p. 4 talaan Itanong (bago magbasa): Tama ba ang hula ninyo? Saan nakasakay ang bata at nanay? Ano ang ginagawa ng nanay dito sa larawan? Babasahin ko kung ano ang sinasabi niya sa bata.

Itanong (pagkatapos basahin ang p. 2): Ano ang sinabi ng nanay sa bata? Ano ang ipinangako ng bata sa kaniyang nanay? Matupad kaya ng bata ang pangako niya? Tingnan natin.

• Huminto sa p. 8 Itanong: Tingnan ninyo ang mukha ng bata. Ano ang nararamdaman niya tungkol sa sigawan? Bakit kaya nasabi ng bata na masaya ang sigawan sa palengke? Ano ang kaibahan ng “galit na sigawan” at “masayang sigawan”? Sabay-sabay nga tayong sumigaw ng “suki!” sa masayang paraan?

• Huminto sa pp. 10-11 Itanong: Ano-ano ang nakikita ninyo rito sa larawan? Nasaan ang mag-ina? May iba pa bang bata sa palengke? Ituro ninyo sila. Ano pa ang nakikita ninyo? Nasaan ang mga saging? Nasaan ang mga karne? Nasaan ang mga pakwan? Ano ang masasabi ninyo tungkol sa palengkeng ito? Paano ninyo ito ilalarawan?

• Huminto sa p. 12 Itanong: Ano ang ginagawa ng bata dito sa larawan? Bakit siya nagtatakip ng ilong? Gusto ba niya ang iba-ibang amoy sa palengke? Gusto raw ba ng nanay niya na amuyin ang mga bagay sa palengke? Bakit kaya inaamoy ng nanay ang karne, manok, at isda?

• Huminto sa p. 19 Itanong: Ano ang tinitingnan ng bata dito sa larawan? Ano kaya ang iniisip niya habang tinitingnan niya ang munting palayok at kalan?

• Huminto sa p. 21 Itanong: Ano nga ulit ang pangako ng bata sa kaniyang nanay? Matupad kaya niya ito? Tingnan natin kung tama ang hula ninyo

• Huminto sa p. 22 Itanong: Ano kaya ang nakita ng bata sa bayong na nakabalot ng diyaryo?

TALAKAYAN MATAPOS BASAHIN ANG KUWENTO 4 Pag-usapan ang binasang kuwento sa pamamagitan ng pagtatanong ng sumusunod:

• Bakit Araw sa Palengke ang pamagat ng ating kuwento? • Nakapunta na kaya dati sa palengke ang bata? Bakit ninyo ito nasabi? Ano ang mga detalye sa kuwento na nagpapakita na ito ang unang beses

49 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan niyang makapunta sa palengke? • Ano ang ipinangako ng bata sa kaniyang nanay habang papunta sila sa palengke? Tinupad ba niya ang kaniyang pangako? • Kayo din ba ay katulad ng bata sa kuwento? Hindi rin ba kayo nagpapabili ng kung ano-anong bagay na nakikita ninyo sa palengke o ibang tindahan? Bakit? • Nahirapan ba ang bata sa pagpunta sa palengke? Paano siya nahirapan? • Kung kayo ang bata, sasama ba ulit kayo sa inyong nanay sa susunod na pagpunta niya sa palengke? Bakit? 5 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ikuwento sa isang kapamilya, sa sarili ninyong pananalita, ang napakinggan ninyong kuwento ngayong araw. Sikaping gamitin ang mga salita na napag-aralan natin noong isang araw.

ARAW MGA LAYUNIN

(1) F1PN-IIIc-14 Nasasabi ang sariling ideya tungkol sa tekstong napakinggan (2) F1WG-IIIc-d-4 Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, pangyayari, at 3 lugar

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Gamitin ang larawan sa pp.10-11 ng aklat na Araw Sa Palengke bilang lunsaran sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Kahapon, binasa ko sa inyo ang kuwentong Araw sa Palengke. Para sa bahaginan natin ngayon, pagmasdan ninyo itong larawan ng palengke mula sa ating kuwento. Magbibigay kayo ng isang pangungusap na nagsasabi ng isang bagay na nakikita ninyo. Gumamit din ng salitang naglalarawan sa paglalahad ng mga bagay na tinutukoy ninyo dito sa larawan. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat dito sa pisara:

Makikita natin dito sa larawan ang ______. ____ ang ______.

Magbigay ng halimbawang pangungusap upang higit pang magabayan ang mga maglalahad. Ituro ang bagay na tinutukoy ninyo habang naglalahad. Halimbawa: Makikita natin dito sa larawan ang mga sipit ng alimango. Matutulis at kulay kahel ang mga sipit.

Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa

50 YUNIT 3 ARALIN 23

talaan klase. Tulungan sila sa kanilang paglalahad kung kinakailangan.

PAGBABALIK-ARAL: ARAW SA PALENGKE 2 Ipagpatuloy ang pagbabalik-aral sa kuwentong napakinggan kahapon. Magsagawa ng isang picture walk—ipakita nang sunod- sunod ang mga larawan. Tumigil sa bawat pahina. Hayaang mag-usap sandali (isang minuto) ang bawat pares ng batang magkatabi upang matukoy nila kung ano ang nangyayari sa bahaging iyon ng kuwento. Matapos ang isang minuto, tumawag ng isang pares na maglalahad sa buong klase kung ano ang nagaganap sa pahinang iyon ng aklat. Kung may mahalagang detalye na hindi natutukoy ng magkapares sa kanilang paglalahad tungkol sa pahina, gumamit ng tanong upang tulungan silang masabi ito. Gawin ito para sa lahat ng pahina ng aklat.

Matapos isagawa ang picture walk, itanong ang sumusunod upang palalimin ang pag-unawa ng mga bata sa kuwento: • Bakit kaya pinagsabihan ng nanay ang bata na huwag magtuturo ng ipapabili? • Ano kaya ang nangyari kung hindi tinupad ng bata ang pangako niyang ito? • Ano kaya ang mararamdaman ng nanay kung magpabili ng bagay ang kanyang anak? • Ano ang naramdaman ng bata nang makita niya ang munting palayok at kalan pagkauwi nila sa bahay? • Paano kaya nalaman ng nanay ang gusto ng bata? • Bakit kaya isinama ng nanay ang bata sa kaniyang pamamalengke? • Kapag maging nanay o tatay na kayo, isasama rin ba ninyo ang inyong anak sa palengke? Bakit?

Bigyan ang mga bata ng limang minuto para maghanda at magpraktis ng kanilang dula-dulaan. Sabihin sa kanila na ipapalabas nila ang kanilang dula-dulaan sa simula ng klase bukas. PAGTATAPOS 3

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Bigkasin o laruin ang tugmang “Nanay, Tatay, Gusto Kong Tinapay.” Pag-isipan kung ano ang kaibahan ng sinasabi ng tugmang ito sa ipinangako ng bata sa kaniyang nanay sa kuwentong Araw Sa Palengke. Maghandang magbahagi tungkol dito bukas.

51 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN

(1) F1PS-IIIc-10.1 Nakapagtatanong tungkol sa napakinggang kuwento 4 (2) F1KP-IIIc-8 Natutukoy ang mga salitang magkakatugma 1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Tumawag ng bata upang magbahagi ng dagdag na detalye tungkol sa isang palengke o tindahan na malapit sa kanilang bahay.

Sabihin: Para sa bahaginan natin ngayon, magbibigay kayo ng dagdag na detalye tungkol sa palengke o tindahan na malapit sa inyong bahay. Ano ang pangalan ng palengke o tindahan? Ano ang mga paninda na makikita dito? Ikuwento ninyo sa inyong katabi. Pagkatapos ng dalawang minuto, tatawag ako ng ilang mag-aaral para magbahagi sa buong klase. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara.

_____ ang pangalang ng palengke/tindahan na malapit sa bahay namin. May tinda ritong ______, ____, at _____. BRIDGING Magbigay ng halimbawang pangungusap upang ipakita ang gagawin Hikayatin ang mga bata ng mga mag-aaral. Halimbawa: Nepa Q-Mart ang pangalan ng palengke na na sabihin ang katapat na malapit sa bahay namin. May tinda ditong isda, gulay, at karne. salita sa mother tongue Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa ng mga bagay na binang- klase upang maglahad sa harapan. git nila na tinitinda sa palengke. Maaari din 1 PANGKATANG GAWAIN: nilang banggitin kung

ano ang tawag sa kanilang Pagtatanong tungkol sa mga tagpo ng kuwentong Araw sariling wika sa palengke o sa Palengke tindahan. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Mag-uusap ang bawat grupo at bubuo sila ng tig-isang tanong tungkol sa kuwentong Araw sa Palengke. Ang mga tanong ay dapat tumutok sa mga detalye at pangyayari sa kuwento. Maaari nilang gamitin ang anuman sa mga salitang pantanong: Ano? Sino? Bakit? Saan? Paano? Magbigay ng ilang halimbawa:

• Ano ang nakita ng bata sa palengke? • Sino ang gumising sa bata? • Bakit sinama ng nanay ang bata sa palengke? • Saan sumakay ang mag-ina papuntang palengke? • Paano nakarating ang mag-ina sa palengke?

Tawagin ang isang miyembro ng bawat pangkat na maglalahad ng kanilang tanong para sa isang grupo. Hayaang sumagot ang

52 YUNIT 3 ARALIN 23

pinagtatanungang pangkat. Gabayan ang mga pangkat sa kanilang talaan palitan ng tanong at sagot. Siguraduhing tama o nababatay sa kuwento ang mga sagot na ibinibigay ng lahat ng pangkat. MGA SALITANG MAGKAKATUGMA 3 Patayuin ang mga bata at paglaruin ng “Nanay, Tatay, Gusto Kong Tinapay.” Matapos maglaro ng isang beses, paupuin muli ang mga bata at ipaalala ang ipinagawang takdang-aralin kahapon.

Sabihin: Kahapon, para sa inyong takdang-aralin, ipinalaro ko sa inyo ang larong ginawa natin ngayon lang. Pinaisip ko rin sa inyo kung ano ang kaibahan ng sinasabi ng larong ito sa ipinangako at ginawa ng batang bida sa kuwentong Araw sa Palengke. Sino ang makapagsasabi ng kanilang ideya tungkol sa takdang-aralin?

Tumawag ng dalawang bata na nais maglahad ng kanilang ideya tungkol sa takdang-aralin. Tanungin ang ibang mag-aaral kung sang-ayon sila dito. Tanungin kung alin ang mas dapat nilang gawing halimbawa—ang sinasabi sa laro, o ang ginawa ng bata sa kuwento?

Ipapansin sa mga bata ang mga salitang magkatugma sa larong “Nanay, Tatay, Gusto Kong Tinapay.” Tanungin ang klase kung aling mga salita ang magkapareho ang dulong tunog sa laro. Isulat ito sa pisara:

• Nanay-Tatay-tinapay • ate-kape • gusto-ko-ninyo

Hikayatin ang mga bata na mag-isip ng mga salita na katugma ng mga salitang mahalaga sa kuwentong Araw sa Palengke: nanay, bata, pangako, bayong. Isulat ang mga ito sa pisara, at basahin nang malakas. Ipabigkas muli sa mga bata ang bawat salita.

Gawing pangkatan ang pag-iisip ng salitang katugma. Mag-uusap ang mga magkakahanay upang magtulungan sa pag-iisip ng mga salitang katugma ng mga salitang isinulat sa pisara. Bigyan ang mga hanay ng apat na minuto para sa gawaing ito (isang minuto para sa bawat salita).

53 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Gumawa ng talahanayan sa pisara. Dito ninyo isusulat ang mga salitang magkakakatugma na ibibigay ng mga bata. Halimbawa:

Katugma ng Katugma ng Katugma ng Katugma ng nanay bata pangako palayok tatay yata ako sandok hanay lata liko batok anay pata siko antok bahay yantok tuko mangkok

Matapos maisulat ang mga salitang magkakatugma, basahin ang bawat salita at tanunging ang mga bata kung ano ang kahulugan nito. Matapos pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita, basahin muli ang listahan at ipasunod ang mga bata sa pagbasa ng mga ito.

Ipasipi sa mga bata ang talahanayan. Umikot sa klase at pansinin ang kakayanan ng mga bata sa pagsipi ng salita.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ipakita sa inyong kapamilya ang siniping talahanayan. Hingin ang kanilang tulong sa pag-iisip ng iba pang salitang katugma ng mga salitang nakasulat dito.

ARAW MGA LAYUNIN (1) F1KP-IIIc-8 Natutukoy ang mga salitang magkakatugma 5 (2) F1KM-IIIb-1 Nasisipi nang wasto at malinaw ang mga salita sa huwaran PANIMULANG GAWAIN: LARO 1 (“MAMAMALENGKE SI MARIO AT MARIA”)

Magsagawa ng laro na katulad ng “Maria Goes To Town” sa pagsisimula ng klase. Maghanda ng isang malaking panyo, isang maliit na bayong o basket, at mga flash card ng mga salitang magkakatugma (isang salita lamang ang naksulat sa bawat flash card). Siguruhing may isang flash card para sa lahat ng bata sa klase. Siguruhin din na ang bawat salitang nakasulat sa flash card ay may katugma na iba pang salita. Hatiin ang mga flash card sa dalawang malaking kumpol.

Bago magsimula ng laro, sabihin: Anong lugar sa komunidad ang pinangyarihan ng kuwento natin ngayong linggo? Tama, nangyari ito sa palengke. Magsisimula tayo ngayon sa isang laro na may kinalaman sa pamamalengke. Ang tawag sa larong ito ay “Mamamalengke si Mario at

54 YUNIT 3 ARALIN 23

Maria.” Mag-uunahan kayo sa pagbihis, pagbuhat ng bayong, paglakad talaan papuntang palengke, paglagay ng isang bagay sa bayong, at pagbalik sa pinagmulan. Lahat kayo ay maglalaro nito. Pabilisan ang larong ito, ngunit dapat ay magawa ng lahat ng kasapi ng grupo ang lahat ng hakbang ng laro.

Hatiin ang klase sa dalawang malaking grupo. Ihanda rin ang silid para sa laro. Maglagay ng tig-isang silya sa dulo ng lalakaran ng bawat bata, at ilagay dito ang kumpol ng flash card.

Ipaliwanag ang mga hakbang na gagawin ng bawat bata. Ang bawat kasapi ng grupo ay magsisimula sa pagsuot ng panyo (itatali na parang bandana sa ulo kung babae, sa leeg kung lalaki) at sa pagkuha ng bayong. Lalakad papunta sa silya ang bata at kukuha ng isang flash card na ilalagay sa bayong. Lalakad pabalik sa pinagmulan ang bata at ipapasa ang bayong at panyo sa susunod na kasapi. Ulitin ito hanggang makaikot ang pinakahuling kasapi ng grupo. Bantayan ang mga bata at siguraduhing sumusunod sila sa alituntunin ng laro.

Ayusin ang silid at paupuin muli ang mga bata pagkatapos ng laro. Kunin ang basket ng mga salita mula sa bawat grupo. Gagamitin ninyo ito sa susunod na gawain ng klase.

PAGBABALIK-ARAL: SALITANG MAGKATUGMA 2 Tanungin ang mga bata tungkol sa paggawa nila ng takdang-aralin na ibinigay kahapon. Tumawag ng ilang bata upang maglahad kung paano malalaman na ang dalawang salita ay magkatugma, at maglahad din ng ilang halimbawa na nakuha nila mula sa kanilang kapamilya.

Ipabatid sa mga bata na ang mga flash card na nagsilbing bilihin sa palengke at inilagay nila sa bayong habang naglalaro ay mga salitang may katugma. Para sa gawaing ito, kukuha ang bawat isang bata ng isang flash card mula sa basket. Ipapasa-pasa ang mga basket upang makakuha ang bawat mag-aaral ng isang salita. Kapag ang lahat ng bata ay mayroon nang flash card, ipaliwanag ang tuntunin ng laro. Mananatiling nakaupo ang kalahati ng klase (halimbawa, ang hanay 1 at 2), habang tatayo ang kalahati at mag-iikot nang tahimik sa klase upang humanap ng batang may hawak ng katugmang salita. Tatabihan nila ang katugma nila at itataas nila nang tahimik ang kanilang mga hawak na salita.

Sabihin sa mga bata na kung hindi pa nila mabasa ang salitang nabunot nila, lumapit sa inyo at tutulungan ninyo sila. Alalahanin kung sino ang mga batang humingi ng tulong sa pagbasa, at humanap ng panahon sa susunod na mga araw upang bigyan sila ng dagdag na gabay sa pagbabasa.

Kapag nahanap na ng mga bata ang kanilang mga katugmang salita, atasan sila na ipakita ang kanilang mga flash card sa buong klase

55 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan habang nananatili sa puwesto ng kanilang mga katugma. Basahin ang mga salita habang ipinapakita ito ng mga bata. Gawin ito sa iba pang magkakatugmang salita. Idikit ang mga flash card sa pisara matapos ang gawain.

3 PAGTATAYA a. Pangkatang Pagtataya Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang pinag- aralan sa linggong ito. Itanong sa mga bata ang sumusunod. Sasagutin ito ng bata nang palahad.

• Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap, o ipakita sa galaw ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo): pangako, suki, kakatwa, bayong, magtatanghali, tugma.

• Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung aling salita ang salitang naglalarawan, o ang salitang nagpapakita kung ano ang hitsura, hugis, o iba pang katangian ng isang bagay. (Pumili lamang ng isang pangungusap para sa bawat bata sa grupo.) –– Pula ang bayong ng nanay ko. –– Ang mangga na nabili ko ay napakatamis. –– Madulas ang kalsada matapos umulan. –– May bitbit siyang asul na payong. –– Mabango ang bulaklak na pinitas ko. –– Nilabhan niya ang mabahong kamiseta. –– Madilim ang langit—mukhang uulan. –– Mainit ang sikat ng araw. –– Presko ba ang simoy ng hangin?

• (Pumili lamang ng isa para sa bawat bata sa grupo. Isulat sa mga card ang bawat grupo ng salita, basahin, at ipakita sa mga bata.) Alin sa mga salitang ito ang magkatugma? –– aso, pusa, baso –– tinapay, bayong, bahay –– lata, bata, buto –– kalan, santol, ilan –– karne, itlog, bilog –– gatas, tinapay, patatas –– panyo, bagyo, nanay –– putik, manok, itik

Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga bata, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na pangkat ng 5-10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, nagsusulat at gumuguhit naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga bata. (Gawain 3b)

56 YUNIT 3 ARALIN 23

talaan Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagtukoy sa magkatugmang salita.

Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga bata sa kanilang kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na gabay o tulong. b. Gawain Para sa Mga Batang Naghihintay Ipasipi sa mga bata ang limang pares ng salitang magkatugma. Papiliin sila mula sa mga flash card na nakapaskil sa pisara. Ipaguhit din sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang napili nila.

PAGTATAPOS 4

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magpasama sa inyong nanay, tatay o nakatatandang kapatid at pumunta sa iba pang lugar sa inyong komunidad bukod sa palengke. (Halimbawa: plaza, health center, day care center, basketball court, post office, istasyon ng pulis, o iba pang lugar.) Maghandang maglahad tungkol sa inyong makikita sa lugar na ito sa susunod na linggo.

57

YUNIT 3 ARALIN 24

ARALIN 24

GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG FILIPINO

TEMA: Mga Lugar Sa Aming Komunidad KUWENTO: Araw sa Palengke

59 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 24

Tema: Mga Lugar Sa Aming Komunidad Kuwento: Araw sa Palengke

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) PN • F1PN-IIId-8.2 • Pagsasanay: Pagsunod-sunod ng mga • Pagpapakita ng mga larawan mula sa aklat at • Pagmasid sa larawan at pagsagot sa tanong Napagsusunod-sunod ang pangyayari sa kuwento pagtatanong tungkol sa pangyayari • Paglahok sa gawaing pangkatan at paglalahad mga pangyayari ng kuwentong • Pagsulat ng pangungusap batay sa isinagot ng tungkol sa kanilang sagot napakinggan batay sa pangungusap mga mag-aaral • Paggabay sa pangkatang gawain: pagsasaayos ng mga pangungusap ayon sa pagkakasunod- sunod 1 • Pagpapakita ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap AL • F1AL-IIId-1 • Pagbabalik-aral: Araw sa Palengke • Pagtatanong tungkol sa papel ng may-akda at • Pagsagot sa katanungan Natutukoy ang gawain ng may-akda/ tagaguhit • Pakikinig sa impormasyong binasa taga-guhit ng aklat o kuwento • Pagbasa ng impormasyon tungkol sa may-akda • Paglalahad ng ideya tungkol sa binasang at tagaguhit mula sa aklat impormasyon • Pagtatanong tungkol sa nabasang impormasyon PS • F1PS-IIId-6.2 • Muling pagsalaysay ng Araw sa • Paggabay sa gawaing magkapareha: muling • Muling pagsalaysay ng kuwento sa katabi Naisasalaysay muli ang napakinggang Palengke pagsalaysay • Paglahok sa salit-salitang pagbasa ng mga teksto gamit ang mga pangungusap • Pagpapakitang muli ng tamang pagkakasunod- pangungusap para sa muling pagsalaysay sunod ng pangungusap mula sa gawain kahapon at paggabay sa salit-salitang pagbasa 2 (shared reading) nito PL • F1PL-0a-j-3 • Muling Pagbasa: Araw sa Palengke • Paggabay sa salit-salitang pagbasa (shared • Paglahok sa pagbasa ng ilang takdang Naipamamalas ang paggalang sa reading) ng aklat pangungusap mula sa aklat ideya, damdamin at kultura ng may • Pagtatanong tungkol sa pagbasa ng aklat • Pagsagot sa tanong ng guro akda ng tekstong napakinggan o nabasa WG • F1WG-IIIc-d-4 • Bahaginan: Paglalarawan ng litrato ng • Pagpaskil ng litrato • Pagmasid sa litrato at pag-isip ng pangungusap 3 Nakapaglalarawan ng mga bagay, lugar sa komunidad • Pagbigay ng halimbawang panimula • Paglahok sa bahaginan tao, pangyayari, at lugar • Pagbigay ng halimbawang pangungusap LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

60 YUNIT 3 ARALIN 24

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 24

Tema: Mga Lugar Sa Aming Komunidad Kuwento: Araw sa Palengke

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) PN • F1PN-IIId-8.2 • Pagsasanay: Pagsunod-sunod ng mga • Pagpapakita ng mga larawan mula sa aklat at • Pagmasid sa larawan at pagsagot sa tanong Napagsusunod-sunod ang pangyayari sa kuwento pagtatanong tungkol sa pangyayari • Paglahok sa gawaing pangkatan at paglalahad mga pangyayari ng kuwentong • Pagsulat ng pangungusap batay sa isinagot ng tungkol sa kanilang sagot napakinggan batay sa pangungusap mga mag-aaral • Paggabay sa pangkatang gawain: pagsasaayos ng mga pangungusap ayon sa pagkakasunod- sunod 1 • Pagpapakita ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap AL • F1AL-IIId-1 • Pagbabalik-aral: Araw sa Palengke • Pagtatanong tungkol sa papel ng may-akda at • Pagsagot sa katanungan Natutukoy ang gawain ng may-akda/ tagaguhit • Pakikinig sa impormasyong binasa taga-guhit ng aklat o kuwento • Pagbasa ng impormasyon tungkol sa may-akda • Paglalahad ng ideya tungkol sa binasang at tagaguhit mula sa aklat impormasyon • Pagtatanong tungkol sa nabasang impormasyon PS • F1PS-IIId-6.2 • Muling pagsalaysay ng Araw sa • Paggabay sa gawaing magkapareha: muling • Muling pagsalaysay ng kuwento sa katabi Naisasalaysay muli ang napakinggang Palengke pagsalaysay • Paglahok sa salit-salitang pagbasa ng mga teksto gamit ang mga pangungusap • Pagpapakitang muli ng tamang pagkakasunod- pangungusap para sa muling pagsalaysay sunod ng pangungusap mula sa gawain kahapon at paggabay sa salit-salitang pagbasa 2 (shared reading) nito PL • F1PL-0a-j-3 • Muling Pagbasa: Araw sa Palengke • Paggabay sa salit-salitang pagbasa (shared • Paglahok sa pagbasa ng ilang takdang Naipamamalas ang paggalang sa reading) ng aklat pangungusap mula sa aklat ideya, damdamin at kultura ng may • Pagtatanong tungkol sa pagbasa ng aklat • Pagsagot sa tanong ng guro akda ng tekstong napakinggan o nabasa WG • F1WG-IIIc-d-4 • Bahaginan: Paglalarawan ng litrato ng • Pagpaskil ng litrato • Pagmasid sa litrato at pag-isip ng pangungusap 3 Nakapaglalarawan ng mga bagay, lugar sa komunidad • Pagbigay ng halimbawang panimula • Paglahok sa bahaginan tao, pangyayari, at lugar • Pagbigay ng halimbawang pangungusap LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

61 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral EP • F1EP-IIId-3.2;3.3;3.4 • Mga Bahagi ng Aklat • Pagpapakita ng iba-ibang aklat na mayroong • Pagmasid sa mga bahagi ng aklat Natutukoy ang mga bahagi ng aklat talaan ng nilalaman, index, may-akda, tagaguhit • Pagsagot sa mga tanong ng guro at ang kahalagahan ng bawat isa: • Pagtatanong at pagpapaliwanag tungkol sa mga • Paglahok sa pangkatang gawain gamit ang 3 Talaan ng Nilalaman , Index , May- bahagi ng aklat talaan ng nilalaman akda, Tagaguhit • Pagsasanay/Pangkatang Gawain: Paghahanap ng pahina ng paksa batay sa Talaan ng Nilalaman PT • F1PT-IIId-1.1 • Pagsasanay: Babala at Paalala • Pagpapakita ng mga poster na nagpapakita ng • Pagmasid sa poster ng babala at paalala Nasasabi ang mensaheng nais babala at paalala tungkol sa pag-iwas sa sunog • Pagsagot sa mga tanong ng guro ipabatid ng mga babala o paalala • Pagtatanong at pagpapaliwanag tungkol sa mensahe ng mga poster 4 PL • F1PL-0a-j-3 • Pakikinig sa maikling ulat pang- • Pagbasa (o pagtugtog sa recording) ng ulat • Pakikinig sa ulat Naipamamalas ang paggalang sa impormasyon pang-impormasyon • Paglahok sa talakayan at pagsagot ng tanong ideya, damdamin at kultura ng may • Pagtatanong tungkol sa ulat tungkol sa ulat akda ng tekstong napakinggan o nabasa WG • F1WG-IIIc-d-4 • Paglalarawan ng tao at bagay sa isang • Pagpapakita ng larawan • Pagmasid sa larawan 5 Nakapaglalarawan ng mga bagay, pahina mula sa Araw sa Palengke • Pagtatanong at paghikayat ng paglalahad • Pag-iisip ng mga salitang naglalarawan tao, pangyayari, at lugar tungkol sa nakikita sa larawan • Paglalahad tungkol sa larawan LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

62 YUNIT 3 ARALIN 24

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral EP • F1EP-IIId-3.2;3.3;3.4 • Mga Bahagi ng Aklat • Pagpapakita ng iba-ibang aklat na mayroong • Pagmasid sa mga bahagi ng aklat Natutukoy ang mga bahagi ng aklat talaan ng nilalaman, index, may-akda, tagaguhit • Pagsagot sa mga tanong ng guro at ang kahalagahan ng bawat isa: • Pagtatanong at pagpapaliwanag tungkol sa mga • Paglahok sa pangkatang gawain gamit ang 3 Talaan ng Nilalaman , Index , May- bahagi ng aklat talaan ng nilalaman akda, Tagaguhit • Pagsasanay/Pangkatang Gawain: Paghahanap ng pahina ng paksa batay sa Talaan ng Nilalaman PT • F1PT-IIId-1.1 • Pagsasanay: Babala at Paalala • Pagpapakita ng mga poster na nagpapakita ng • Pagmasid sa poster ng babala at paalala Nasasabi ang mensaheng nais babala at paalala tungkol sa pag-iwas sa sunog • Pagsagot sa mga tanong ng guro ipabatid ng mga babala o paalala • Pagtatanong at pagpapaliwanag tungkol sa mensahe ng mga poster 4 PL • F1PL-0a-j-3 • Pakikinig sa maikling ulat pang- • Pagbasa (o pagtugtog sa recording) ng ulat • Pakikinig sa ulat Naipamamalas ang paggalang sa impormasyon pang-impormasyon • Paglahok sa talakayan at pagsagot ng tanong ideya, damdamin at kultura ng may • Pagtatanong tungkol sa ulat tungkol sa ulat akda ng tekstong napakinggan o nabasa WG • F1WG-IIIc-d-4 • Paglalarawan ng tao at bagay sa isang • Pagpapakita ng larawan • Pagmasid sa larawan 5 Nakapaglalarawan ng mga bagay, pahina mula sa Araw sa Palengke • Pagtatanong at paghikayat ng paglalahad • Pag-iisip ng mga salitang naglalarawan tao, pangyayari, at lugar tungkol sa nakikita sa larawan • Paglalahad tungkol sa larawan LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

63 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN

(1) F1PN-IIId-8.2 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan batay sa pangungusap 1 (2) F1AL-IIId-1 Natutukoy ang gawain ng may-akda/tagaguhit ng aklat o kuwento

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Gamitin ang ibinigay na takdang-aralin noong nakaraang Biyernes bilang lunsaran para sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Noong Biyernes, ang itinakda kong gawain sa inyong pag-uwi ay ang pagsama sa isang nakatatanda sa iba pang lugar sa komunidad bukod sa palengke. Sino sa inyo ang nakapunta sa isang lugar sa inyong komunidad? Ito ang magiging paksa ng bahaginan natin ngayon. Ikuwento ninyo ang mga nakita o naranasan ninyo sa pagbisita ninyo sa iba pang lugar sa komunidad. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Noong Sabado/Linggo, sumama ako sa ___ ko sa ______. Nakakita ako roon ng ______, ______, at ______.

Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mas lalong magabayan ang mga maglalahad. Halimbawa: Noong Sabado/Lingggo, sumama ako sa kapatid ko sa sinehan. Nakakita ako doon ng mga nagbebenta ng , maraming silya, at iba-ibang mga poster ng mga sineng ipalalabas pa lamang.

Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang ibabahaging pangungusap kung kinakailangan.

PAGBABALIK-ARAL SA KUWENTO: 2 ARAW SA PALENGKE

Ipakita ang pabalat ng aklat na Araw sa Palengke. Tanungin ang mga bata kung anong impormasyon ang makikita sa pabalat. Isulat sa pisara ang mga salitang “may-akda” at “tagaguhit.”

Itanong: Magkakaroon ba ng aklat kung walang may-akda at tagaguhit? Ano ba ang papel ng may-akda at tagaguhit? Maghintay ng sagot mula sa mga bata. Matapos mapakinggan ang ilang tanong, isuma ang kanilang sinabi, at basahin para sa mga bata ang impormasyon tungkol sa may-akda at tagaguhit na nasa likod ng pabalat.

64 YUNIT 3 ARALIN 24

Sabihin: Tama. Ang may-akda ang siyang nag-isip at sumulat ng talaan kuwento. Tinutulungan naman ng tagaguhit ang may-akda sa pagpapakita ng mga nangyari sa kuwento sa tulong ng mga makukulay na larawan. Saan kaya nakukuha ng may-akda at tagaguhit ang kanilang mga ideya at inspirasyon? Babasahin ko ang impormasyon tungkol sa may-akda at tagaguhit ng aklat na ito. Nandito ito sa bandang dulo ng aklat.

Basahin ang impormasyon tungkol kay May Tobias-Papa, ang may- akda, at Isabel Roxas, tagaguhit, sa dulo ng aklat. Matapos basahin ang impormasyon, pag-usapan kung saan nakuha ng mga taga-gawa ng aklat ang kanilang inspirasyon para sa Araw sa Palengke.

Itanong: Saan daw nanggaling ang ilang pangyayari mula sa kuwentong ito, kasama na ang munting palayok? Ilang taon ang may-akda nang una siyang pumunta sa palengke? Nagpupunta pa rin ba ang may-akda sa palengke, ayon sa impormasyong binasa ko? Ano raw ang natutuhan niya mula sa kaniyang nanay tungkol sa pamamalengke?

Itanong: Ano naman daw ang hilig gawin ng tagaguhit na si Isabel Roxas sa palengke? Ano raw ang tinitingnan niya kapag naglilibot siya dito?

Ipabanggit muli sa mga bata ang pangalan ng may-akda at tagaguhit habang ipinapakita ang pabalat. Sabihin na ang pagtutulungan ng may-akda at tagaguhit ang nagbibigay bunga sa mga aklat pambata na kinagigiliwan nila. Ipaalala sa kanila na pansinin ang impormasyong ito tuwing magbabasa sila ng mga aklat pambata.

PAGSASANAY 4 Pagsunod-sunod sa mga pangyayari batay sa pangungusap

Gamitin ang iba’t ibang pahina ng Araw sa Palengke sa pagkuha ng ilang detalye mula sa kuwento na gagamitin sa pagsasanay tungkol sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari batay sa pangungusap.

Sabihin: Pagmasdan natin ang ilang pahina dito sa aklat. Sabihin ninyo sa akin kung ano ang nangyayari sa pahinang ipakikita ko sa inyo. Mula sa inyong sagot, magsusulat ako ng maikling pangungusap tungkol sa bawat pahina at pangyayari dito sa pisara.

• Buksan ang aklat sa p. 28 Itanong: Ano ang ginagawa ng bata sa bahaging ito ng kuwento? Isulat: Nagpasalamat ang bata sa kaniyang nanay.

• Buksan ang aklat sa p. 3 Itanong: Ano ang ginagawa ng nanay dito sa pahinang ito? Isulat: Ginising at binihisan ng nanay ang bata.

65 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Buksan ang aklat sa p. 18-19 Itanong: Ano ang nakita ng bata sa pahinang ito? Isulat: Nakita ng bata ang laruang palayok at kalan sa palengke

• Buksan ang aklat sa pp. 16-17 Itanong: Ano ang ginagawa ng mag-ina dito? Nasaan sila? Isulat: Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke.

• Buksan ang aklat sa pp. 4-5 Itanong: Nasaan ang mag-ina dito? Ano ang ginagawa nila? Isulat: Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke.

• Buksan ang aklat sa p. 22 Itanong: Ano ang nakita ng bata sa bayong pagkauwi nila ng bahay? Isulat: Nakita ng bata ang laruang palayok sa bayong pagdating nila sa bahay.

Basahin ang mga pangungusap na isinulat sa pisara. Pasabayin ang mga bata sa inyong pagbabasa.

Itanong: Nakaayos ba ang mga pangungusap ayon sa pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kuwento? May pangungusap ba na dapat mauna o dapat mahuli? Paano natin maisasaayos ito?

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng isang set ng mga pangungusap—isang pangungusap sa bawat isang card. Siguruhing hindi nakaayos ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga card. Ipaayos sa bawat pangkat ang mga pangungusap. Umikot sa mga pangkat at basahin para sa kanila ang mga card kung hindi pa nila ito kayang basahin. Bigyan ang mga pangkat ng limang minuto para sa gawaing ito.

(Alternatibong paraan: Lagyan ng numero o letra ang simula ng bawat pangungusap, at ipasulat sa mga bata ang tamang pagkakakasunod-sunod ng pangungusap gamit ang numero o letra.)

Matapos ang limang minuto, magpaskil ng manila paper kung saan nakasulat ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap:

• Ginising at binihisan ng nanay ang bata. • Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke. • Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke. • Nakita ng bata ang laruang palayok at kalan sa palengke. • Nakita ng bata ang laruang palayok sa bayong pagdating nila sa bahay. • Nagpasalamat ang bata sa kaniyang nanay.

Itanong ang mga grupo kung ano ang naisaayos nila nang tama, at aling pangungusap ang hindi nila nailagay sa tamang puwesto.

66 YUNIT 3 ARALIN 24

Balikan ang aklat kung kailangan upang ipakita ang pangyayari na talaan hindi nila nailagay sa ayos.

Basahin muli ang mga pangungusap, na ngayon ay nasa tamang ayos na. Pasabayin ang mga bata sa inyong pagbabasa.

PAGTATAPOS 4 Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa natutuhan ng mga bata ngayon. Papalakpak sila ng malakas na malakas kung lubusan silang sumasang-ayon sa sasabihin ninyong pangungusp. Papalakpak sila ng mas mahinang lakas kung bahagya silang sumasang-ayon. Hindi sila papalakpak kung hindi sila sumasang-ayon. Banggitin ang mga pangungusap na ito at bantayan kung ano ang tugon na palakpak ng mga bata: • Alam na alam ko na kung ano ang ginagawa ng may-akda ng libro. • Alam na alam ko na kung ano ang ginagawa ng tagaguhit ng libro. • Alam na alam ko na kung paano sabihin ang pangyayari na nagaganap sa isang pahina ng kuwentong narinig ko na. • Alam na alam ko na kung paano isaayos ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang pagkakasunod-sunod. • Kaya-kaya ko nang basahin nang mag-isa ang mga pangungusap na nakasulat sa card.

MGA LAYUNIN ARAW (1) F1PS-IIId-6.2 Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang mga pangungusap (2) F1PL-0a-j-3 Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng 2 may akda ng tekstong napakinggan o nabasa

PANIMULANG GAWAIN: LARO (“PALENGKE-PALAYOK”) 1

Magsagawa ng mabilis na laro gamit ang dalawang salita na tumampok sa kuwentong Araw sa Palengke. Isulat sa pisara ang mga salitang palengke at palayok. Ipabasa ito sa mga mag-aaral. Ipaliwanag na maglalaro ang klase ng laro kung saan mag-iisip sila ng mga salitang naglalarawan sa dalawang salitang ito. Magsasalit ang mga bata sa pagsabi ng salita, at sa pagsabi ng isang salitang naglalarawan sa palengke o sa palayok. Halimbawa: • Bata 1: palengke • Bata 2: malaki • Bata 3: palayok • Bata 4: nababasag • Bata 5: palengke • Bata 6: masikip • Bata 7: palayok • Bata 8: bilog

67 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Maaaring bumuo ng isang malaking bilog sa loob ng klase bago maglaro. Puwede ring tumayo na lang mula sa kanilang upuan ang bawat bata kapag sila na ang dapat magsabi ng salita. Gawin ang larong ito hanggang ang lahat ng mga bata ay nakatayo at nakapagsalita.

2 MULING PAGBASA SA KUWENTO Ilabas ang aklat na Araw sa Palengke. Basahin muli ang kuwento, ngunit sa pagkakataong ito, ipabasa sa mga mag-aaral ang ilang piling pangungusap. Gamitin ang gawaing ito upang malaman kung ilan at sino sa mga bata ang may kakayahan na sa pagbasa, at sino ang kailangan pa ng dagdag na tulong at pagsasanay.

Sabihin: Ngayon naman, babasahin uli natin ang aklat na Araw sa Palengke. Ako ang magbabasa ng karamihan sa mga pangungusap dito. Ngunit sa ilang bahagi, titigil ako at kayo ang susubok na magbasa. Kapag tumingin ako sa inyo at itango ko ang ulo ko, ibig sabihin ay kayo ang magbabasa ng pangungusap na itinuturo ko sa pahina. Tutulungan ko kayo kung may bahaging hindi pa ninyo masabi. Ang mahalaga ay sumubok kayong magbasa. Handa na ba kayo?

Basahin nang malakas at may ekspresiyon ang kuwento, ngunit huminto sa mga takdang bahagi at ipabasa ang pangungusap na nakasulat sa ibaba:

• Sa p. 2, basahin ang unang tatlong pangungusap, ngunit huminto at ipabasa sa klase ang: Araw ng palengke ngayon! • Sa p. 4, basahin ang unang tatlong pangungusap, ngunit huminto at ipabasa sa klase ang: “Opo, Nanay, pangako po,” ang sabi ko. • Sa p. 6, basahin ang unang pangungusap, ipabasa sa klase ang pangalawang pangungusap (Ang bayong ni Nanay ay malaki at makulay.), at basahin ang huling pangungusap. • Sa p. 8, basahin ang unang tatlong pangungusap, ngunit huminto at ipabasa sa klase ang: “Suki! Suki! Bili ka na sa akin, suki!!!” • Sa p. 12, basahin ang unang pangungusap, ipabasa sa klase ang pangalawang pangungusap (Amoy karne, manok, at isda.), at basahin ang huling pangungusap. • Sa p. 14, ipabasa sa klase ang unang pangungusap: Mainit sa palengke. At saka maputik. Basahin para sa klase ang iba pang pangungusap. • Sa p. 16, basahin ang unang dalawang pangungusap, ngunit huminto at ipabasa sa klase ang: Pakwan. Lansones. Bibingka. Basahin para sa klase ang huling pangungusap. • Sa p. 18, basahin ang mga pangungusap ngunit huminto sa pinakahuli. Ipabasa sa klase ang: Ang sarap magluto-lutuan! • Sa p. 22, ipabasa sa klase ang unang pangungusap: Pagod na pagod kami ni Nanay. Basahin para sa klase ang natitirang pangungusap.

68 YUNIT 3 ARALIN 24

• Sa p. 26, ipabasa sa klase ang linyang: isang munting kalan na talaan may munting palayok! • Sa p. 28, ipabasa sa klase ang huling pangungusap ng kuwento: Salamat, Nanay

Pagkatapos ng pagbabasa, itanong sa mga bata: • Aling mga salita ang madali na para sa inyong basahin? Bakit kaya madali na ito para sa inyo? (Posibleng sagot: pinag-aralan na natin sa talasalitaan, maikli lang ang salita, madalas nang makita sa mga babasahin) • Paano ninyo binasa ang mga pangungusap na nagtatapos sa tandang pandamdam? Ano-ano ang mga pangungusap na kailangang bigkasin nang malakas at may damdamin dahil nagtatapos sa tandang pandamdam? • Komportable na ba kayong magbasa nang mag-isa? Bakit? Bakit hindi?

Paalalahanan ang mga bata na huwag mahiya o mawalan ng loob kung hindi pa lubos na nakababasa nang mag-isa dahil nagsisimula pa lamang silang pag-aralan ito. Hikayatin ang mga bata na patuloy na sumubok na magbasa sa loob man o labas ng paaralan, at humingi ng tulong sa mga nakatatanda kung kinakailangan.

PAGSASANAY: MULING PAGSALAYSAY NG NAPAKINGGANG KUWENTO 3 Gabayan ang mga bata sa muling pagsalaysay ng napakinggang kuwento sa kanilang katabing kaklase.

Sabihin: Ngayong sariwa pa sa isipan ninyo ang kuwentong Araw sa Palengke, subukan ninyong magkatabi na isalaysay sa sarili ninyong pananalita ang mga nangyari. Magsalitan kayo sa pagsabi ng naganap sa kuwento sa tamang pagkakasunod-sunod. Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto para sa gawaing ito.

Habang nag-uusap ang mga magkapares, umikot sa klase upang makinig sa kanilang muling pagsalaysay. Matapos ang tatlong minuto, tawagin ang pansin ng klase.

Sabihin: Kahapon, bumuo tayo ng mga pangungusap tungkol sa mga pangyayari sa aklat, at sinubok natin itong isaayos ayon sa pagkakasunod- sunod. Basahin natin muli ang mga pangungusap na ito. Kapag tumingin at tumango ako sa inyo, ibig sabihin kayo ang magbabasa ng pangungusap— katulad ng ginawa ninyo kanina. Isa rin itong paraan ng muling pagsalaysay sa kuwento.

Ipaskil ang manila paper na ginamit kahapon kung saan nakasulat ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento:

• Ginising at binihisan ng nanay ang bata. • Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke.

69 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke. • Nakita ng bata ang laruang palayok at kalan sa palengke. • Pagkauwi, nakita ng bata ang laruang palayok sa loob ng bayong. • Nagpasalamat ang bata sa kaniyang nanay.

Magsalitan kayo ng mga bata sa pagbasa ng mga pangungusap. Ipabasa sa kanila ang mga pangungusap A, C, at E. Basahin para sa kanila ang pangungusap B, D, at F. Sabayan sila sa pagbasa ng pangungusap A, C, at E kung kinakailangan.

Tulungan ang mga bata sa paglalahad ng kanilang nagustuhan o napulot na ideya mula sa kuwentong Araw sa Palengke.

Itanong: Kung may kaibigan o kalaro kayo na hindi pa nabasa ang kuwentong Araw sa Palengke, paano ninyo ito ilalarawan sa kanila? Ano ang sasabihin ninyo sa kaniya upang hikayatin siyang hanapin at basahin ang librong ito? Pag-isipan ninyo kung paano ninyo ito sasabihin sa isang kaibigan. Maaari ninyong gamitin ang panimulang ito:

Tungkol sa ______ang librong Araw sa Palengke. Magugustuhan mo ito dahil ______.

Magbigay ng isang minuto upang pag-isipan ng mga mag-aaral ang kanilang sasabihin. Tumawag ng limang bata upang maglahad ng kanilang sagot sa buong klase.

PAGTATAPOS 4

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Maghanap ng librong pang-impormasyon, textbook, o iba pang mas mahahabang aklat kaysa sa karaniwang aklat pambata. Pagmasdan ito at pansinin ang mga bahagi nito na kakaiba sa maiikling aklat na binabasa natin dito sa klase.

70 YUNIT 3 ARALIN 24

talaan ARAW MGA LAYUNIN

(1) F1WG-IIIc-d-4 Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari, at lugar (2) F1EP-IIId-3.2;3.3;3.4 Natutukoy ang mga bahagi ng aklat at ang kahalagahan ng bawat isa: Talaan ng Nilalaman , Index , May-akda, Tagaguhit 3

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN 1 Ipagpatuloy ang bahaginan tungkol sa tema para sa linggong ito: mga lugar sa ating komunidad. Magkabit sa pisara ng mga larawan ng sumusunod na lugar: plaza, palaruan, panaderya.

(Kung kailangan ng mga halimbawang larawan, maaring sumangguni sa internet: http://images.travelpod.com/tripwow/ photos/ta-00ad-fc34-395c/guinobatan-town-plaza-donsol- +1152_12881542596-tpfil02aw-25879.jpg ; http://media. getmyhotel.com/hotel_pictures/2766/2766039/normal/2201528.jpg ; https://farm5.staticflickr.com/4068/4485491849_dd9292978a.jpg )

Sabihin: Pagmasdan ninyo ang mga larawan na nakapaskil dito sa pisara. Ano ang pangalan ng mga lugar na ito?

Isulat sa tabi ng bawat larawan ang pangalan ng mga lugar. Ituon ang pansin ng mga bata sa bawat larawan. Ano ang nakikita nila dito? Ano ang itsura, hugis, o kulay ng mga bagay na nakikita nila sa larawan? Hikayatin ang mga bata na bumuo ng mga pangungusap na naglalarawan sa nakikita nila sa ipinaskil na litrato. Maaari nilang gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Larawan ito ng isang ______. Makikita dito ang _____ na _____, _____ na _____, at _____ na ______.

Magbigay ng halimbawang pangungusap na akma para sa larawang nakapaskil. Halimbawa: Larawan ito ng isang plaza. Makikita dito ang mga dilaw na bulaklak, asul na bangko, at matatayog na puno.

Tumawag ng tatlong bata na magbabahagi ng kanilang paglalarawan tungkol sa isang lugar na nasa litrato. Tawagin ang mga bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa klase.

IBA-IBANG URI NG AKLAT AT ANG MGA BAHAGI NITO 2

Ipaalala ang ibinigay na takdang-aralin kahapon bilang lunsaran para sa talakayan tungkol sa iba’t ibang uri ng libro at ang mga bahagi nito.

71 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Sabihin: Kahapon, ang takdang-aralin ninyo ay ang pagtingin sa mga textbook, librong pang-impormasyon, at iba pang mas mahahabang aklat at pagtukoy kung anong mga bahagi ng aklat ang makikita dito. Nagawa ba ninyo ito? Ano ang napansin ninyo sa mga aklat na ito?

Tumawag ng ilang mag-aaral upang maglahad ng kanilang obserbasyon tungkol sa ginawang takdang-aralin.

Isulat ang sumusunod na salita sa pisara: may-akda, tagaguhit, talaan ng nilalaman, index.

Sabihin: Ang mga salitang ito ay mga bahagi ng aklat. Babasahin ko para sa inyo. Sundan ninyo ako. Habang binabasa ko ang mga salita, isipin ninyo kung alin dito ang napag-aralan na natin sa klase.

Matapos basahin ang mga salita, ipatukoy sa bata ang mga salitang madalas na nilang naririnig sa klase (may-akda, tagaguhit) at ang mga salitang hindi pa nila gaanong pinag-uusapan o ginagamit (talaan ng nilalaman, index). Tumawag ng mag-aaral at ipalahad sa kaniya kung ano ang ginagawa ng may-akda at tagaguhit. Magpakita ng isang halimbawang aklat pambata (halimbawa, Araw sa Palengke o iba pang aklat pambata na mayroon sa silid-aralan) at ipaturo sa isang mag-aaral kung saan dito makikita ang pangalan ng may-akda at ng tagaguhit.

Maglabas naman ng ilang halimbawa ng mas mahahabang libro na mayroong Talaan ng Nilalaman at Index, katulad ng textbook na pang-mataas na paaralan, encyclopedia, o iba pang librong pang-impormasyon. Ipakita ito sa mga mag-aaral.

Ipapansin sa mga bata kung ano ang makikita sa talaan ng nilalaman. (Mga posibleng sagot: titulo ng mga kabanata o yunit ng aklat, mga numero ng pahina kung saan makikita ito) Tanungin sa mga bata kung ano ang pagkakaintindi nila sa salitang “nilalaman.” (posibleng sagot: kung ano ang nasa loob ng isang bagay) Ipaliwanag na, gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, ang talaan ng nilalaman ay nagbibigay ng mabilisang pagtanaw sa mga paksa at impormasyon na nasa loob ng isang aklat, at kung saang pahina makikita ito. Nakalista ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng presentasyon sa katawan ng aklat.

Ipapansin naman sa mga bata ang index ng halimbawang libro. Tanungin sila kung nasaang bahagi ng aklat ito makikita. (sagot: sa hulihan ng aklat) Ipatukoy sa kanila kung paano nakaayos ang mga salita na nakalista sa Index. (sagot: nakaayos ayon sa alpabeto) Itanong kung ano ang tinutukoy ng numero na makikitang katabi ng mga salitang nakalista sa index. (sagot: pahina ng libro kung saan matatagpuan ang paksa na ito)

Ipahambing sa mga bata ang Talaan ng Nilalaman at ang Index.

72 YUNIT 3 ARALIN 24

Ano ang pagkakatulad nila? (sagot: parehong nagsasabi kung saang talaan pahina matatagpuan ang isang paksa) Ano ang pagkakaiba nila? (sagot: ayon sa pagkakasunod-sunod sa pahina ang presentasyon ng talaan, ayon sa alpabeto ang presentasyon ng index; mas maraming paksa ang naitatala sa index kaysa sa talaan)

PAGSASANAY: PAGGAMIT NG TALAAN NG NILALAMAN 3

Gumamit ng lumang textbook o di kaya’y ang kasalukuyang Learners’ Manual para sa Grade 1 (halimbawa, LM para sa Araling Panlipunan) sa pagsasagawa ng pagsasanay/paligsahan. Siguruhing mayroon itong Talaan ng Nilalaman. Hayaang magtulungan ang mga mag-aaral sa bawat hanay. Bigyan ng sapat na kopya ng textbook o Learners’ Manual ang bawat hanay—kung maaari ay isa para sa bawat bata.

Itatanong ninyo kung saang pahina mahahanap ang isang paksa o aralin. Ipapakita rin ninyo ang pagkakasulat ng paksa o araling ito sa pisara, gamit ang isang flash card. Mag-uunahan ang mga hanay sa paghanap ng pahina kung saan ito makikita batay sa Talaan ng Nilalaman.

Maghanda ng limang flash card kung saan nakasulat ang limang iba-ibang aralin o paksa na ipahahanap ninyo sa mga bata. Pagkasabi ng paksa/aralin, ikabit ang flash card sa pisara at tawagin ang unang hanay na magtaas ng kamay. Ang unang makasagot nang tama ang makakuha ng puntos. Ang hanay na may pinakamaraming puntos ang tatanghaling kampeon.

PAGTATAPOS 4

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Maghanap ng tatlong aklat sa inyong bahay, sa silid-aklatan ng paaralan, o sa isang nagpapahiram ng mga aklat sa inyong komunidad. Pansinin kung mayroon itong impormasyon tungkol sa may-akda, tagaguhit, talaan ng nilalaman at index.

Kumpletuhin ang talahanayan na ito—kopyahin ang pamagat ng aklat at isulat ito sa unang hanay; lagyan ng tsek ang akmang hanay kung makita ninyo sa aklat ang bahagi ng libro na tinalakay natin ngayon.

Pamagat May-Akda Tagaguhit Talaan ng Index Nilalaman Araw sa   Palengke

73 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN

(1) F1PT-IIId-1.1 Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid ng mga babala o paalala 4 (2) F1PL-0a-j-3 Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o nabasa

PANIMULANG GAWAIN: BUGTUNGAN AT 1 BAHAGINAN TUNGKOL SA TAKDANG-ARALIN

a. Bugtungan Sabihin: Sisimulan natin ang ating klase sa pamamagitan ng bugtungan. Pamilyar ba kayo sa bugtong? Ang mga bugtong ay maiikling palaisipan na madalas ay gumagamit ng tugma. May babasahin akong dalawang bugtong. Sasabayan ninyo ako sa pagbasa. Ang sagot dito ay may kinalaman sa isang bagay na pinag-aralan natin kahapon.

Iisa lang ang sagot sa dalawang bugtong na ibibigay. Basahin muna ang unang bugtong, at kumuha ng mga sagot mula sa mga bata, bago basahin ang pangalawa.

• Hindi halaman, maraming dahon, ang ibinubunga ay dunong. • Walang bibig, walang pakpak, kahit hari’y kinakausap.

Tanungin ang mga bata kung ano ang hula nilang sagot. Kung may makapagsabi ng “aklat/libro,” ito ang tamang sagot. Tulungan ang mga bata na iugnay ang sinasabi ng bugtong sa sagot. Basahin muli ang unang bugtong; ipaulit ito sa mag-aaral.

Itanong: Ano ang mga dahon ng aklat? Bakit sinasabi na dunong ang bunga ng isang aklat?

Basahin muli ang pangalawang bugtong, at ipaulit ito sa mga bata.

Itanong: Bakit nasabi na nangungusap ang isang aklat? Bakit sinabi na kahit hari ay nararating o nakakausap ng aklat? Nagbabasa din kaya ang mga tanyag na tao na katulad ng mga hari?

b. Bahaginan Tungkol sa Takdang-Aralin

Ituloy ang talakayan tungkol sa aklat sa pagbabahagi ng mga mag- aaral sa kanilang ginawang takdang-aralin. Gumawa ng talahanayan sa pisara. Tumawag ng limang bata na magbabanggit ng pamagat ng librong sinuri nila, at kung anong mga bahagi ng libro ang nakita nila dito. Isulat ang kanilang sagot sa talahanayan.

74 YUNIT 3 ARALIN 24

talaan Pamagat May-Akda Tagaguhit Talaan ng Index Nilalaman Araw sa   Palengke

PAKIKINIG SA MAIKLING TEKSTONG PANG-IMPORMASYON 2

Ipakilala sa klase ang isa pang bugtong: Tubig na mala-ahas ang dala, kapag kampana ay kinalembang na.

Itanong: Ano ang sagot sa bugtong na ito? (sagot: bumbero) Ano ang binabanggit na mala-ahas na tubig? (Sagot: hose na ginagamit ng bumbero) Itanong: Ano naman ang kinalaman ng kampana sa pagdating ng bumbero? (Sagot: isa itong senyales o hudyat na may sunog sa komunidad)

Iugnay ang susunod na gawain sa bugtong na tinalakay, at sa tema para sa linggong ito: mga lugar sa ating komunidad.

Sabihin: Isa sa mga mahahalagang lugar sa ating komunidad ay ang himpilan ng bumbero. May alam ba kayong ibang tawag dito sa inyong mother tongue o sa wikang Ingles? Nakabisita na ba kayo sa himpilan ng bumbero? Ano-ano ang makikita rito?

(Maaaring magpakita ng litrato ng isang himpilan ng bumbero sa Pilipinas, katulad ng mga kuhang ito na matatagpuan sa internet: http://photos.wikimapia.org/p/00/00/68/52/68_big.jpg ; http://www.zamboanga.com/z/images/7/74/Zone_III_fire_ department_0707c.jpg ; http://bfpr1ilocossur.files.wordpress. com/2014/02/vigan-new-fire-station.jpg Gamitin ang mga litrato upang tulungan ang mga bata sa pagtukoy at paglarawan ng mga nakikita sa himpilan ng bumbero)

Ihanda ang mga bata para sa pakikinig sa maikling panayam sa isang bumbero. Sabihin na ang pakikinggan nila ay isang ulat sa radyo na magbibigay ng ilang paalala tungkol sa pag-iwas sa sunog. Habang nakikinig, hahanapin nila ang sagot sa tanong na ito: Ano ang maaari nating gawin upang makaiwas sa sunog?

Ipaskil ang manila paper kung saan nakasulat ang teksto ng maikling panayam. Kung kakayanin, magsagawa ng tape recording ng panayam upang dalawang boses ang maririnig ng mga bata. Kung hindi ito

75 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan posible, basahin na lamang ang teksto ng panayam para sa mga bata.

Reporter: Magandang umaga sa ating mga tagapakinig. Nandito tayo sa himpilan ng bumbero sa bayan ng San Isidro. Makakausap natin ngayon ang hepe ng mga bumbero sa himpilang ito, si Ginoong Mario Sepe. Magandang umaga po, Sir Mario!

Bumbero: Magandang umaga rin po!

Reporter: Sir Mario, naririnig natin sa balita ngayon na dumadalas ang mga insidente ng sunog sa mga karatig-bayan ng San Isidro. Ano po ba ang puwedeng gawin ng mga tagapakinig upang makaiwas sa sunog?

Bumbero: Dapat umiwas sa mga karaniwang pinagmumulan ng sunog sa tahanan. Ang ilan dito ay mga kasangkapang de-koryente na naiiwang naka-plug, o kaya’y kandila at kalan na naiiwang nakasindi.

Reporter: Ano po ang dapat gawin ng mga tagapakinig, Sir Mario?

Bumbero: Huwag na huwag iwanan ang mga nakasinding kalan, kandila o sigarilyo. Dapat ding iwasan na maabot ng mga bata ang mga pansindi ng apoy katulad ng posporo o lighter. Hindi dapat paglaruan ang mga ito. Tanggalin din sa pagkakasaksak ang mga de-koryenteng kagamitan kapag hindi naman ito ginagamit.

Reporter: Maraming salamat po. Narinig po ninyo ang tinig ni Ginoong Mario Sepe, ang hepe ng mga bumbero dito sa bayan ng San Isidro. Ito po ang inyong reporter na si Carmen de Jesus, nag- uulat.

Matapos ang pakikinig, tanungin muli sa bata ang pagganyak na tanong bago simulan ang pagbasa/pagtugtog sa recording ng panayam: Ayon sa bumberong si Ginoong Mario Sepe, ano ang maaaring gawin upang makaiwas sa sunog?

PAGSASANAY: BABALA AT PAALALA 3 Magpakita ng mga poster ng babala at paalala tungkol sa pag-iwas sa sunog, katulad ng mga larawan sa ibaba. Ipaliwanag ang mensaheng nais iparating ng mga poster na ito, at kung ano ang dapat gawin ng mga bata kapag nakita ang mga ito sa kanilang paligid. (Maaaring gawing batayan ang mapang ito: http://www.compliancesigns.com/media/osha- safety/600/OSHA-International-Diesel-Sign-ODI-2110-TAGALOG_600. gif; http://www.5squalityposters.com/images/product_images/product_ large_193.JPG)

76 YUNIT 3 ARALIN 24

talaan

Kung may makukuhang mga polyeto o poster mula sa lokal na himpilan ng bumbero, gamitin ito upang maipamahagi sa mga bata ang mahalagang impormasyon (katulad ng numero ng telepono na maaaring tawagan) kung sakaling kailanganin nila o ng kanilang magulang ito. PAGTATAPOS 4

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ibahagi sa inyong mga magulang at kapamilya ang natutuhan ninyo ngayong araw tungkol sa pag-iwas sa sunog. Tanungin sila kung ano-ano maaaring gawing paghahanda ng buong pamilya upang maging ligtas sa sunog.

77 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW LAYUNIN

(1) F1WG-IIIc-d-4 Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari, at lugar 5 PANIMULANG GAWAIN: 1 AWITIN (“BUGTONG-BUGTONG”)

Ipaalala sa mga bata ang bugtungan na ginawa nitong linggo. Hikayatin silang makinig sa isang kanta tungkol sa mga bugtong. Ang awiting ito ay pinamagatang “Bugtong-Bugtong” at inawit ni Florante. Matatagpuan ang titik at tono ng awit na ito sa Internet, sa link na ito : http://www.youtube.com/watch?v=Wb7PyKF4nHA

Pakikinggan muna ng mga bata ang awit, lalo na ang mga bugtong na nakapaloob dito. Susubukan nilang sagutan ang mga bugtong. (mga sagot: pako; saranggola; sapatos; kalendaryo)

Matapos mapakinggan at masagutan ang mga bugtong, pasabayin ang mga bata sa pag-awit ng kanta, o kahit isang bahagi lamang nito kung kulang na sa oras.

PAGSASANAY: MGA SALITANG 2 NAGLALARAWAN

Ipakita ang larawan na nasa pp. 16-17 ng aklat na Araw sa Palengke at gamitin itong lunsaran ng pagsasanay tungkol sa mga salitang naglalarawan.

Sabihin: Gagamitin muli nating itong aklat na Araw sa Palengke. Pagmasdan ninyo itong larawan na ito sa pp. 16-17. Nasaan ang mag-ina sa larawang ito? Ano pa ang nakikita ninyo dito sa larawan? Magbanggit nga kayo ng ilang tao o bagay na nakikita ninyo rito.

Tumawag ng ilang bata upang maglahad ng kanilang nakikita. Maaari ring tulungan ang mga bata sa pagpansin ng mga detalye sa pamamagitan ng pagtatanong. Halimbawa: • Nasaan ang mga dito sa larawan? • Nasaan ang pakwan? • Nasaan ang lolo na nagbabasa ng diyaryo? • Nasaan ang lola na namimili ng prutas? • Nasaan ang bibingka?

Isulat sa pisara ang mga pangalan ng tao at bagay na mababanggit ng mga mag-aaral. Halimbawa, ito ang isang maaaring kalabasan na listahan ng bagay mula sa larawan: • bibingka • pakwan • bayong

78 YUNIT 3 ARALIN 24

• mangga talaan • sapatos • diyaryo • buhok

Matapos matukoy ang mga detalyeng ito, hayaang mag-usap ang magkatabi tungkol sa mga bagay na makikita sa larawan. Gagamit sila ng mga salitang nagpapakita ng hugis, kulay, bilang, amoy, lasa o iba pang katangian ng mga salitang nakalista sa pisara. Maaari nilang ibatay ang gagamitin nilang salitang naglalarawan sa nakikita nila sa aklat, at maaari rin nila itong ibatay sa kanilang personal na karanasan sa paghawak o pagtikim ng mga bagay na ito. Bigyan ang mga magkatabi ng limang minuto para sa gawaing ito.

Matapos ang limang minuto, tumawag ng ilang pares na maglalahad ng pangungusap tungkol sa isang bagay sa listahan, gamit ang salitang naglalarawan dito. Tulungan ang mga bata sa pagbubuo ng pangungusap kung kinakailangan. Bigayan sila ng halimbawa bilang dagdag-gabay sa mga maglalahad, katulad ng Mainit ang bibingka.

PAGTATAYA 3 a. Pangkatang Pagtataya Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang pinag- aralan sa linggong ito. Tanungin sa mga bata ang sumusunod, at sasagutin ito ng bata nang palahad.

• Ipaliwanag sa sariling pananalita, o gamitin sa isang pangungusap, ang salitang (Pipili ng isang salita ang guro para sa bawat bata sa grupo. Ang lahat ng bata sa grupo ay mabibigyan ng pagkakataong ipakita kung nakuha na nila ang kakayanang tinataya, pero tig-isang salita lang ang ibibigay sa kanila.): bugtong, tugma, bumbero, sunog, babala, may-akda, tagaguhit, talaan ng nilalaman, index

• Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung aling salita ang salitang naglalarawan, o ang salitang nagpapakita kung ano ang hitsura, hugis, o iba pang katangian ng isang bagay. (Pumili lamang ng isang pangungusap para sa bawat bata sa grupo.) –– Masikip ang palengke. –– Masisipag ang mga bumbero. –– Masaya ang mga bata sa palaruan. –– Ang hangin sa plaza ay sariwa. –– Malakas ang sirena ng sasakyan ng bumbero. Sariwa pa ang isdang nabili ko. –– Makulay ang damit na suot niya. –– Maluwag ang kalsada kapag gabi na. –– Matibay ang puno ng narra sa plaza.

79 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • (Pumili lamang ng isang set ng pangungusap para sa bawat bata sa grupo. (Lahat ng bata sa grupo ay bibigyan ng tig-isang set.) Isulat sa isang card ang bawat grupo ng pangungusap, ipakita sa mga bata at basahin.) Alin sa mga pangungusap na ito ang naunang nangyari sa kuwentong Araw sa Palengke? Ituro mo sa akin (o sabihin mong muli ang pangungusap). Alin naman ang huling nangyari? Ituro mo sa akin (o sabihin mo muli ang pangungusap). –– Pagkauwi, nakita ng bata ang laruang palayok sa loob ng bayong. –– Ginising at binihisan ng nanay ang bata. –– Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke.

• Nagpasalamat ang bata sa kaniyang nanay. –– Nakita ng bata ang laruang palayok at kalan sa palengke. –– Pagkauwi, nakita ng bata ang laruang palayok sa loob ng bayong.

• Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke. –– Ginising at binihisan ng nanay ang bata. –– Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke.

• Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke. –– Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke. –– Nakita ng bata ang laruang palayok at kalan sa palengke.

• Pagkauwi, nakita ng bata ang laruang palayok sa loob ng bayong. –– Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke. –– Nagpasalamat ang bata sa kaniyang nanay.

Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga bata, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na pangkat ng 5-10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga bata. (Gawain 3b)

Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagsasaayos ng pangungusap ayon sa pagkakasunod ng pangyayari sa kuwento.

Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga bata sa kanilang kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na gabay o tulong.

b. Gawain Para sa Mga Batang Naghihintay Buksan ang aklat na Araw sa Palengke sa pp. 4-5. Magsulat sa pisara ng ilang halimbawang panimula na dadagdagan ng mga bata ng salitang naglalarawan upang makabuo ng pangungusap. Ibabatay nila ang sagot nila sa nakikita nila sa larawan mula sa libro na nakabukas sa

80 YUNIT 3 ARALIN 24

talaan kanilang harapan. • ______ang buhok ng lola. • ______ang kahon na hawak ng mama. • ______ang jeepney. • ______ang bayong ng nanay. • ______ang damit ng bata.

Magsulat din sa pisara ng ilang mapagpipiliang salita na ipampupuno nila sa patlang: maputi, maitim, butas-butas, makulay, malaki, maliit, masikip, maluwang, bulaklakin, asul.

Basahin para sa mga bata ang mga panimula at ang pagpipiliang salita bago nila simulan ang gawain. Ipasipi sa kanila ang mga panimula, at ipasulat sa patlang ang napili nilang salitang naglalarawan.

PAGTATAPOS 4

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin sa mga bata: Tanungin ang inyong magulang o iba pang kamag-anak kung sino ang hinahangaan nilang Pilipinong alagad ng sining. Maaari itong maging isang musikero, aktor, direktor, manunulat, pintor, iskultor, tagaguhit, o iba pa. Tanungin sila kung bakit kahanga-hanga ang sining na ginagawa ng taong ito. Maghandang maglahad tungkol dito sa unang araw ng Aralin 25.

81

YUNIT 3 ARALIN 25

ARALIN 25

GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG FILIPINO

TEMA: Mga Sining at Produkto ng Aming Bayan KUWENTO: Si Nina sa Bayan ng Daldalina

83 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 25

Tema: Mga Sining at Produkto ng Aming Bayan Kuwento: Si Nina sa Bayan ng Daldalina

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) KM • F1KM-IIIe-2 • Pagsasanay: Pagsulat ng • Pagturo ng mga hakbang sa pagbaybay o • Pakikinig sa mga hakbang Naisusulat nang may wastong napag-aralang salita pagsulat • Pagsagawa ng mga itinurong hakbang sa baybay at bantas ang salita/ • Pabigkas ng mga napiling salita pagbaybay/pagsulat ng idiniktang salita pangungusap na ididikta ng guro • Pagpapakita ng tamang baybay gamit ang • Pagtukoy kung tama o mali ang kanilang pocket chart at letter card pagbaybay/pagsulat 1 PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapunlad ng Talasalitaan • Pagbasa ng salita at ng pangungusap na • Pakikinig sa guro at pagtugon sa mga tanong Natutukoy ang kahulugan ng salita nagpapakita ng kahulugan • Pagsabay sa pagbasa ng talasalitaan batay sa kasingkahulugan • Pagtatanong sa mga bata • Pagsulat ng kahulugan sa pisara • Paggabay sa mga bata sa muling pagbasa ng salita at kahulugan PS • F1PS-IIIe-9 • Panimulang Gawain: Pagtalakay ng • Pagpapakita ng babala/ paalala • Pagmasid sa babala at pakikilahok sa talakayan Nasasabi ang mensahe ng isang Babala/ Paalala (huwag mag-ingay) • Pagtatanong tungkol sa babala babala o paalala • Pag-ugnay ng babala sa salitang tinalakay kahapon PL • F1PL-0a-j-5 • Si Nina sa Bayan ng Daldalina • Pagbasa ng kuwento • Pakikinig sa kuwento 2 Naiipakikita ang pagtanggap sa mga • Pagtatanong habang binabasa at pagkatapos • Pagtugon sa mga tanong habang binabasa at ideya ng napakinggang teksto/akda basahin ang kuwento pagkatapos basahin ang kuwento AL • F1AL-IIIe-2 • Si Nina sa Bayan ng Daldalina • Pagtanong kung saan ang simula ng kuwento, • Pagsagot at pagturo kung nasaan ang simula ng Natutukoy ang simula ng talata, pangungusap bago basahin ang aklat kuwento, talata, pangungusap pangungusap/talata/kuwento PN • F1PN-IIIc-15 • Pagbabalik-aral: Si Nina sa Bayan • Pagpapaliwanag tungkol sa halaga ng • Pakikinig sa paliwang, gabay at halimbawa ng Nakapagtatanong ng kaugnay ng Daldalina pagtatanong habang nakikinig guro 3 na impormasyon para lalong • Paggabay sa mga bata sa gawaing magkapareha • Pagbubuo ng mga tanong tungkol sa tekstong mauunawaan ang napakinggan binasa • Paglahok sa talakayang pang-klase LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

84 YUNIT 3 ARALIN 25

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 25

Tema: Mga Sining at Produkto ng Aming Bayan Kuwento: Si Nina sa Bayan ng Daldalina

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) KM • F1KM-IIIe-2 • Pagsasanay: Pagsulat ng • Pagturo ng mga hakbang sa pagbaybay o • Pakikinig sa mga hakbang Naisusulat nang may wastong napag-aralang salita pagsulat • Pagsagawa ng mga itinurong hakbang sa baybay at bantas ang salita/ • Pabigkas ng mga napiling salita pagbaybay/pagsulat ng idiniktang salita pangungusap na ididikta ng guro • Pagpapakita ng tamang baybay gamit ang • Pagtukoy kung tama o mali ang kanilang pocket chart at letter card pagbaybay/pagsulat 1 PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapunlad ng Talasalitaan • Pagbasa ng salita at ng pangungusap na • Pakikinig sa guro at pagtugon sa mga tanong Natutukoy ang kahulugan ng salita nagpapakita ng kahulugan • Pagsabay sa pagbasa ng talasalitaan batay sa kasingkahulugan • Pagtatanong sa mga bata • Pagsulat ng kahulugan sa pisara • Paggabay sa mga bata sa muling pagbasa ng salita at kahulugan PS • F1PS-IIIe-9 • Panimulang Gawain: Pagtalakay ng • Pagpapakita ng babala/ paalala • Pagmasid sa babala at pakikilahok sa talakayan Nasasabi ang mensahe ng isang Babala/ Paalala (huwag mag-ingay) • Pagtatanong tungkol sa babala babala o paalala • Pag-ugnay ng babala sa salitang tinalakay kahapon PL • F1PL-0a-j-5 • Si Nina sa Bayan ng Daldalina • Pagbasa ng kuwento • Pakikinig sa kuwento 2 Naiipakikita ang pagtanggap sa mga • Pagtatanong habang binabasa at pagkatapos • Pagtugon sa mga tanong habang binabasa at ideya ng napakinggang teksto/akda basahin ang kuwento pagkatapos basahin ang kuwento AL • F1AL-IIIe-2 • Si Nina sa Bayan ng Daldalina • Pagtanong kung saan ang simula ng kuwento, • Pagsagot at pagturo kung nasaan ang simula ng Natutukoy ang simula ng talata, pangungusap bago basahin ang aklat kuwento, talata, pangungusap pangungusap/talata/kuwento PN • F1PN-IIIc-15 • Pagbabalik-aral: Si Nina sa Bayan • Pagpapaliwanag tungkol sa halaga ng • Pakikinig sa paliwang, gabay at halimbawa ng Nakapagtatanong ng kaugnay ng Daldalina pagtatanong habang nakikinig guro 3 na impormasyon para lalong • Paggabay sa mga bata sa gawaing magkapareha • Pagbubuo ng mga tanong tungkol sa tekstong mauunawaan ang napakinggan binasa • Paglahok sa talakayang pang-klase LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

85 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral KP • F1KP-IIIe-7 • Pagsasanay • Pagsulat at pagbasa ng mga salitang napili mula • Pagsagot sa tanong at paglahok sa talakayan Nasasabi ang pagkakatulad o sa aklat • Paglagay ng flash cardsa tamang hanay pagkakaiba ng mga pantig/salita • Pagtatanong tungkol sa unang pantig ng mga napiling salita • Pagsulat ng talahanayan • Pagpapakita at pagbasa ng flash card ng 3 karagdagang salita at paggabay sa talakayang magkapares at buong klase KM • F1KM-IIIe-2 • Pagsasanay • Pagdikta ng dagdag na salita na ilalagay sa • Pagsulat/pagbaybay ng narinig na salita Naisusulat nang may wastong tamang hanay ng talahanayan • Pagsipi ng buong talahanayan baybay at bantas ang salita/ • Pagpapasipi ng nabuong talahanayan pangungusap na ididikta ng guro WG • F1WG-IIIe-g-5 • Pag-awit at Pagsasanay • Pagsulat ng mga salita sa pisara • Pagsabay sa pagbasa ng salita Nagagamit ang mga salitang kilos • Pagturo ng awit gamit ang mga salitang ito • Pag-awit at pagkilos sa kanta sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang • Paggabay sa mga bata sa pagpili ng • Paglahok sa talakayan gawain sa tahanan, paaralan, at karampatang galaw o kilos para sa bawat salita • Paggamit ng mga salita sa pangungusap pamayanan • Pagpares ng salitang kilos sa hayop na • Pagkopya ng pangungusap sa kuwaderno gumagawa nito, at paggabay sa pagbubuo ng pangungusap gamit ang pinagpares na salita 4 PN • F1PN-IIIc-15 • Laro: “10 Tanong” • Pagpapahula sa salita na nakasulat sa flash card • Pagbubuo at paglahad ng tanong Nakapagtatanong ng kaugnay • Pagsagot ng oo o hindi sa mga tanong na • Pakikinig sa sagot ng guro sa mga tanong na impormasyon para lalong ilalahad ng mga bata • Pag-uugnay ng mga sagot upang mahulaan ang mauunawaan ang napakinggan salita KP • F1KP-IIIe-7 • Pagsasanay • Pagtatanong tungkol sa unang pantig ng mga • Pagtugon sa tanong ng guro Nasasabi ang pagkakatulad o salitang tinututukan pagkakaiba ng mga pantig/salita WG • F1WG-IIIe-g-5 • Bahaginan: pag-ugnay ng sining sa • Pagbibigay ng gabay na tanong, pagsulat • Pagtugon sa mga tanong, mulng pagbasa ng Nagagamit ang mga salitang kilos salitang kilos sa pisara, pagbasa ng pinagpares ng salita, mga salita, pagbubuo ng pangungusap sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang • Muling Pagkwento paggabay sa pagbuo ng pangungusap • Pakikinig sa muling pagbasa at pagtukoy sa 5 gawain sa tahanan, paaralan, at • Paghikayat sa mga bata na tukuyin ang marinig mga salitang kilos na ginamit ng may-akda pamayanan na mga salitang kilos habang pinapakinggang ang kuwento LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

86 YUNIT 3 ARALIN 25

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral KP • F1KP-IIIe-7 • Pagsasanay • Pagsulat at pagbasa ng mga salitang napili mula • Pagsagot sa tanong at paglahok sa talakayan Nasasabi ang pagkakatulad o sa aklat • Paglagay ng flash cardsa tamang hanay pagkakaiba ng mga pantig/salita • Pagtatanong tungkol sa unang pantig ng mga napiling salita • Pagsulat ng talahanayan • Pagpapakita at pagbasa ng flash card ng 3 karagdagang salita at paggabay sa talakayang magkapares at buong klase KM • F1KM-IIIe-2 • Pagsasanay • Pagdikta ng dagdag na salita na ilalagay sa • Pagsulat/pagbaybay ng narinig na salita Naisusulat nang may wastong tamang hanay ng talahanayan • Pagsipi ng buong talahanayan baybay at bantas ang salita/ • Pagpapasipi ng nabuong talahanayan pangungusap na ididikta ng guro WG • F1WG-IIIe-g-5 • Pag-awit at Pagsasanay • Pagsulat ng mga salita sa pisara • Pagsabay sa pagbasa ng salita Nagagamit ang mga salitang kilos • Pagturo ng awit gamit ang mga salitang ito • Pag-awit at pagkilos sa kanta sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang • Paggabay sa mga bata sa pagpili ng • Paglahok sa talakayan gawain sa tahanan, paaralan, at karampatang galaw o kilos para sa bawat salita • Paggamit ng mga salita sa pangungusap pamayanan • Pagpares ng salitang kilos sa hayop na • Pagkopya ng pangungusap sa kuwaderno gumagawa nito, at paggabay sa pagbubuo ng pangungusap gamit ang pinagpares na salita 4 PN • F1PN-IIIc-15 • Laro: “10 Tanong” • Pagpapahula sa salita na nakasulat sa flash card • Pagbubuo at paglahad ng tanong Nakapagtatanong ng kaugnay • Pagsagot ng oo o hindi sa mga tanong na • Pakikinig sa sagot ng guro sa mga tanong na impormasyon para lalong ilalahad ng mga bata • Pag-uugnay ng mga sagot upang mahulaan ang mauunawaan ang napakinggan salita KP • F1KP-IIIe-7 • Pagsasanay • Pagtatanong tungkol sa unang pantig ng mga • Pagtugon sa tanong ng guro Nasasabi ang pagkakatulad o salitang tinututukan pagkakaiba ng mga pantig/salita WG • F1WG-IIIe-g-5 • Bahaginan: pag-ugnay ng sining sa • Pagbibigay ng gabay na tanong, pagsulat • Pagtugon sa mga tanong, mulng pagbasa ng Nagagamit ang mga salitang kilos salitang kilos sa pisara, pagbasa ng pinagpares ng salita, mga salita, pagbubuo ng pangungusap sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang • Muling Pagkwento paggabay sa pagbuo ng pangungusap • Pakikinig sa muling pagbasa at pagtukoy sa 5 gawain sa tahanan, paaralan, at • Paghikayat sa mga bata na tukuyin ang marinig mga salitang kilos na ginamit ng may-akda pamayanan na mga salitang kilos habang pinapakinggang ang kuwento LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

87 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaanARAW MGA LAYUNIN (1) F1KM-IIIe-2 Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang salita/ pangungusap na ididikta ng guro 1 (2) F1PP-IIIh-1.4 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Ipaalala sa mga mag-aaral ang ibinigay na takdang-aralin noong nakaraang linggo at gamitin itong lunsaran para sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Noong nakaraang linggo, ang takdang-aralin ninyo ay kausapin ang isang miyembro ng inyong pamilya at tanungin sila tungkol sa paborito nilang pintor, eskultor, musikero, manunulat, artista, o iba pang alagad ng sining. Nagawa ba ninyo ang takdang araling ito? Ito ang paksa ng bahaginan ngayong araw. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara.

Si ______ang paboritong alagad ng sining ng _____ ko. Siya ang ______.

Magbigay ng halimbawang pangungusap upang mas magabayan ang mga maglalahad. Halimbawa: Si Ryan Cayabyab ang paboritong alagad ng sining ng nanay ko. Siya ang kompositor ng maraming awitin, katulad ng “Kay Ganda Ng Ating Musika.”

Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap kung kinakailangan.

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN Iugnay ang bahaginan sa tema para sa linggong ito: sining at produkto ng aking bayan. Banggitin na ang kuwento para sa linggong ito ay may kinalaman din sa isang uri ng sining.

Sabihin: May kaugnayan ang ginawa nating bahaginan sa tema para sa linggong ito. Ang ating mga gawain, at maging ang kuwento na babasahin ko bukas, ay may kinalaman sa sining at produkto ng ating bayan. Bilang paghahanda para sa ating kuwento bukas, pag-aralan muna natin ang ilang salita na maririnig ninyo bukas.

Isulat sa pisara at basahin nang malakas ang listahan ng tututukang salita: bukambibig, ikinababahala, siyentipiko, espiritista, talumpati, eskandalo, walang imik.

Basahin ang sumusunod na pangungusap at tulungan ang mga bata sa

88 YUNIT 3 ARALIN 25

pagtukoy kung ano ang kasingkahulugan nito. talaan

• Pangungusap 1: Dahil sa hilig niya sa basketbol, ito ang laging bukambibig niya. Sabihin: Pagmasdan natin ang salitang ito. Ano pa ang ibang salita na makikita natin sa loob nito? Ano ang ibig sabihin ng “buka”? Ano naman ang ibig sabihin ng “bibig”? Kapag ipinagsama natin ang dalawang salitang ito, ano ang naiisip ninyo? May kilala din ba kayo na puro basketbol na lang ang lumalabas sa kaniyang bibig tuwing siya’y nagsasalita? Isulat ang kahulugan: bukambibig = bagay o paksa na laging sinasabi

• Pangungusap 2: Hindi siya makatulog o makakain, dahil ikinababahala niya ang galit sa kaniya ng mga kaibigan niya. Sabihin: Aling mga salita sa pangungusap ang nagpapakita ng kahulugan ng “ikinababahala”? Kapag hindi kayo makatulog o makakain, ano ang nararamdaman ninyo? Isulat ang kahulugan: ikinababahala = lubos na nag-aalala

• Pangungusap 3: May ginagawang eksperimento ang mga siyentipiko sa kanilang laboratoryo. Sabihin: May salita rin ba tayong makikita sa loob ng “siyentipiko”? Anong uri ng trabaho ang ginagawa sa isang laboratoryo? Kapag ipagsama natin ang dalawang pahiwatig o clue na ito, ano kaya ang ibig sabihin ng salitang ito? Isulat ang kahulugan: siyentipiko = eksperto sa agham

• Pangungusap 4: Gumagawa ng gamot mula sa dahon at ugat ang espiritista. Sabihin: May mas maikling salita din sa loob ng salitang ito. Nakikita ba ninyo? Ano kaya ang kinalaman ng espiritu sa pagpapagaling sa sakit? Naranasan na ba ninyong magpatingin sa isang espiritista? Isulat ang kahulugan: espiritista = albularyo, gumagamit ng dahon o dasal bilang gamot

• Pangungusap 5: Maraming ipinahayag na pangako ang mayor sa kaniyang talumpati. Sabihin: Sino raw ang nagtalumpati dito sa pangungusap? Paano karaniwang nagpapahatid ng mensahe ang isang mayor o pulitiko? Ano ang ginagawa nila kapag umaakyat sila sa entablado? Isulat ang kahulugan: talumpati = pagpapahayag sa publiko, mamamayan o madla

• Pangungusap 6: Usap-usapan sa kanilang bayan ang eskandalo na nandaya ang mayor sa eleksiyon. Sabihin: Ang pandaraya ba ay positibo o negatibo? Anong klaseng balita o usap-usapan kaya ang isang eskandalo? Isulat ang kahulugan: eskandalo = gawing di katanggap-

89 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan tanggap nailantad, di-tanggap na bagay na pinag-uusapan, maling gawi o pangyayaring nababalitaan ng mamamayan

• Pangungusap 7: Kahit ilang ulit siyang tanungin, nanatili siyang tahimik at walang imik. Sabihin: Sa palagay ninyo, aling salita sa pangungusap na ito ang kasinghulugan ng “walang imik”? Ano pa ang ibang pahiwatig tungkol sa kahulugan ng “walang imik” dito sa pangungusap? Isulat ang kahulugan: walang imik = hindi sumasagot o nagsasalita, tahimik

Basahin muli ang listahan ng salita, kasama na ngayon ang kahulugan. Pasabayin ang mga bata sa pagbanggit ng talasalitaan.

PAGSASANAY: PAGSULAT NG 3 PINAG-ARALANG SALITA

Ipakita sa huling pagkakataon ang mga salita sa pisara. Ipaliwanag sa mag-aaral na magsasagawa ang klase ng pagsasanay gamit ang mga salitang ito, kaya’t mainam na tingnan nilang mabuti ang mga salita bago ito mawala sa pisara. Ipapansin sa kanila ang ugnayan ng letra at tunog. Basahing muli ang mga salita nang marahan at papantig, habang idinidiin ang mga tunog na bumubuo sa salita.

Burahin o alisin ang listahan ng salita sa pisara. Ipalabas ang kuwaderno ng mga mag-aaral. Sabihin sa mga bata na susubukan nilang isulat sa kanilang kuwaderno ang ilang salita mula sa talasalitaan Babanggitin muna ng guro ang salita. Ulitin ang pagbigkas nito nang marahan. Gamitin ito sa isang pangungusap. Banggitin itong muli. Iisipin ng mga bata ang mga tunog na bumubuo sa salita, at ang pagkakatanda nila sa mga letra nang nakasulat ang salitang ito sa pisara. Gagamitin nila ang ganitong paraan sa pagbubuo at pagsulat ng salita sa kanilang kuwaderno.

Bigkasin nang malakas ang sumusunod: • Talumpati. Ta-lum-pa-ti. Marami ang pumuri at pumalakpak sa kaniyang talumpati. Talumpati. • Eskandalo. Es-kan-da-lo. Hindi pa rin niya maipaliwanag kung bakit siya iniuugnay sa eskandalo. Eskandalo. • Bukambibig. Bu-kam-bi-big. Dahil sa kaniyang kasikatan, siya pa rin ang bukambibig sa buong bayan. Bukambibig.

Bigyan nang sapat na panahon ang mga bata sa pagsusulat ng salita bago simulang banggitin ang susunod. Umikot sa klase at tingnan kung nakukuha na ng mga bata ang estratehiya sa pagbaybay o pagsulat ng salitang narinig. Pansinin kung may karaniwang pagkakamali na makikita sa mga kuwaderno, at palalimin ang paliwanag tungkol dito kapag sinimulan na ang pagpapakita ng wastong baybay/pagkakasulat.

90 YUNIT 3 ARALIN 25

Gamitin ang pocket chart at mga letter card na ginamit noong Yunit 2 talaan upang ipakita ang tamang baybay sa buong klase. Sabihin muna ang buong salita nang mabilis. Sabihin muli nang marahan. Pagkatapos ay ilagay ang akmang unang letter card sa pocket chart habang binabanggit ang tunog nito. Gawin ang ganitong proseso hanggang maibaybay na ang buong salita. Ipabasa sa klase ang buong salita. Gawin ang similar na hakbang para sa lahat ng salita na ipinasulat sa kuwaderno.

PAGTATAPOS 4 Magsagawa ng mabilis na pagpupulso tungkol sa mga pinag-aralan ngayong araw. Itataas ng mga bata ang kanilang kamay at ipipitik ito kung sa palagay nila ay nilalarawan sila ng mga babanggiting pangungusap ng guro:

• Naisulat ko nang walang mali ang lahat ng salita na ipinasulat sa kuwaderno. • Alam ko na ang paraan o mga hakbang para pag-isipan ang mga tunog at letra na bumubuo sa salita upang matulungan ako sa pagsulat nito. • Kaya kong gamitin sa sarili kong pangungusap ang lima o higit pa sa mga salitang ito: bukambibig, ikinababahala, siyentipiko, espirituwalista, talumpati, eskandalo, walang imik • Medyo naiintindihan ko na, pero hindi ko pa magagamit sa pangungusap, ang tatlo o higit pa sa mga salitang ito: bukambibig, ikinababahala, siyentipiko, espirituwalista, talumpati, eskandalo, walang imik

MGA LAYUNIN ARAW (1) F1PS-IIIe-9 Nasasabi ang mensahe ng isang babala o paalala (2) F1PL-0a-j-5 Naipakikita ang pagtanggap sa mga ideya ng napakinggang teksto/akda 2 (3) F1AL-IIIe-2 Natutukoy ang simula ng pangungusap/talata/kuwento

PANIMULANG GAWAIN: Bahaginan 1

Ipakita sa klase ang larawan ng babala/paalala na ito. Itanong: Ano kaya ang ibig sabihin ng paalalang ito? Saan kaya ito nakikita o ginagamit? (Maaaring gawing batayan ang larawang ito: http:// www.marinesigns.com/images/signs/ps/PS020C.jpg)

91 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan

(Mga posibleng sagot: panatilihin ang katahimikan, o huwag mag- ingay; maaaring makita ito sa mga silid-aklatan, sa mga ospital kapag nagpapahinga ang mga pasyente, sa lugar kung saan nagsasagawa ng pagsusulit)

Iugnay ang babala/paalala sa mga pinag-aralang salita kahapon. Itanong: May salita ba tayong tinutukan kahapon na may kaugnayan sa mensahe ng paalalang ito? Ano nga ang salitang pinag-aralan natin kahapon na pinakamalapit ang kahulugan sa “tahimik”? Tama, walang imik. Balikan natin ang iba pang salitang pinag-aralan natin kahapon.

PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG 2 SA KUWENTO a. Paghahawan ng Balakid Ipaalala sa mga mag-aaral na ang mga salitang pinag-aralan kahapon ay maririnig nila sa kuwentong babasahin ninyo ngayon. Banggitin muli ang mga salita, at ipabanggit sa mga bata ang kahulugan nito: bukambibig, ikinababahala, siyentipiko, espiritista, talumpati, eskandalo, walang imik

b. Pagganyak Ipakita ang pabalat ng aklat na Si Nina sa Bayan ng Daldalina. Tanungin ang mga bata kung anong impormasyon ang makikita sa pabalat. Basahin ang pamagat, may-akda, at tagaguhit ng aklat.

Iugnay ang aklat sa tema para sa linggong ito. Banggitin na ang tema ay tungkol sa sining at produkto ng ating bayan.

Itanong: Ano ang nakikita ninyo dito sa pabalat na may kinalaman sa sining? (sagot: mga pangkulay o crayon, pintura, papel, etc.) Sa anong klaseng sining ginagamit ito? (sagot: pagguhit at pagpinta) Nakagamit na ba kayo nito? Ano ang ginuhit ninyo?

c. Pagganyak na Tanong Habang binabasa ko ang kuwento, subukang hanapin ang sagot sa tanong na ito: Ano ang ginawa ni Nina upang magkaboses siya sa bayan ng Daldalina?

92 YUNIT 3 ARALIN 25

talaan

HABANG BINABASA ANG KUWENTO 3 Buksan ang aklat sa p. 4 at tanungin ang mga bata: Babasahin ko na ang kuwento. Saan ako dapat magsimula? Ipakita nga ninyo sa akin kung saan ako magsisimulang magbasa. Lumapit sa isang bata at ipaturo kung saan ang simula ng kuwento/talata/pangungusap. Tulungan ang bata na sabihin ito sa buong pangungusap.

Halimbawa: Ito ang simula ng kuwento. Ito ay simula ng unang pangungusap at unang talata sa kuwento.

Itanong: Saan nagsisimula ang talata 2? Talata 3? Sa talata 1, nasaan ang simula ng bawat pangungusap?

Lumapit sa ibang bata at ipaturo ang mga bagay na itinanong. Tulungan o iwasto ang pagturo ng bata kung kinakailangan.

Basahin ang kuwento nang may damdamin, ngunit huminto sa mga takdang pahina at tanungin ang mga bata upang mapalalim ang kanilang pakikinig at pag-intindi:

Pagkabasa ng p. 4, huminto at itanong: Saan kilala ang mga tao sa bayan ng Daldalina? Akma ba ang pangalan ng bayan sa katangian ng karamihan ng mga tao dito? Bakit?

Pagkabasa ng p. 7, huminto at itanong: Ano ang kakaiba kay Nina? Bakit daw nababahala ang mga magulang niya?

Pagkabasa ng p. 12, huminto at itanong: Ano ang inaaalala ng ibang taga-Daldalina nang malaman nilang walang boses si Nina? Sa tingin ba ninyo ay tama sila? Ano kaya ang gagawin ni Nina dahil sa mga sinabi ng mga kapitbahay nila?

Pagkabasa ng p. 15, huminto at itanong: Bakit nagpaalam na umalis si Nina mula sa Daldalina? Saan kaya siya pupunta?

Pagkabasa ng p. 19, huminto at itanong: Ano ang pakiramdam ni Nina sa bahaging ito ng kuwento? Sa tingin, ninyo, mahahanap pa kaya niya ang kaniyang boses?

Pagkabasa ng p. 20, huminto at itanong: Ano ang napansin ni Nina tungkol sa pintor na nakita niya sa parke? Anong ideya kaya ang nabubuo sa isipan ni Nina nang makita niya ang pintor at ang magagandang larawan?

93 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Pagkabasa ng p. 22, huminto at itanong: Ano ang ginawa ni Nina matapos niyang makita ang nagawa ng tahimik na pintor? Ano kaya ang mangyayari kay Nina ngayong pabalik na siya sa Daldalina?

Pagkabasa ng. p. 25, huminto at itanong: Ano ang unang reaksiyon ng mga taga-Daldalina sa pagbabalik ni Nina? Hulaan ninyo—ano kaya ang gagawin ni Nina?

Pagkabasa ng p. 27, huminto at itanong: Ano ang tinutukoy na naggagandahang mga boses ni Nina? Bakit kaya natahimik ang mga taga-Daldalina nang ipakita ni Nina ang kaniyang mga iginuhit at ipininta?

BRIDGING TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO Tulungan ang mga bata 4 na iugnay ang tawag Matapos basahin ang kuwento, itanong ang sumusunod: sa iba’t ibang sining sa • Bakit kaya hindi makapagsalita si Nina? May kilala ba kayong ibang tao kanilang Mother Tongue na katulad ni Nina at hindi rin makapagsalita? • Ano ang tinutukoy na “boses” na nahanap ni Nina? Paano niya nagamit sa tawag dito sa Filipino. ang sining ng pagguhit at pagpinta upang makapagpahayag ng kaniyang mga Maaaring ilista sa pisara ideya? ang salita para sa iba’t • Ano pa ang ibang uri ng sining na masasabi rin nating parang “boses” dahil nagagamit ito sa pagpapahayag? Nangungusap din ba ang mga tugtugin? mga ibang sining sa Filipino sayaw? mga monumento? mga palabas sa teatro o sa sinehan? (halimbawa, pagsayaw, • Ano ang natutuhan ng mga taong-bayan ng Daldalina mula kay Nina? pagkanta, teatro, pelikula, pagpipinta, eskultura, PAGTATAPOS musika, pagsulat) 5 at itanong sa kanila kung ano ang katapat Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pag-isipan ang kuwento ni Nina at itanong sa inyong sarili—kung naging katulad ako ni Nina, paano ko na salita nito sa kanilang ipapahayag ang naiisip o nararamdaman ko kahit hindi ako makapagsalita? Mother Tongue. Maaari Maghandang magbahagi tungkol dito bukas. ring tanungin ang mga bata kung sino ang mga tanyag na lokal na alagad ng sining sa kanilang komunidad.

94 YUNIT 3 ARALIN 25

talaan MGA LAYUNIN ARAW (1) F1PN-IIIc-15 Nakapagtatanong ng kaugnay na impormasyon para lalong mauunawaan ang napakinggan (2) F1KP-IIIe-7 Nasasabi ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga pantig/salita 3 (3) F1KM-IIIe-2 Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang salita/ pangungusap na ididikta ng guro

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN 1

Gamitin ang ibinigay na takdang-aralin kahapon bilang paksa para sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Nang magtapos tayo kahapon, ito ang iniwan ko sa inyong tanong para sa inyong takdang-aralin. Kung kayo ay maging katulad ni Nina at mawalan ng boses, ano ang gagawin ninyo upang maiparating ang inyong saloobin at ideya sa iba? Ito ang pagbabahaginan natin ngayong araw. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Kung hindi ako makapagsalita, ____ ako para maipakita ang ideya at damdamin ko.

Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mas magabayan ang mga maglalahad. Halimbawa: Kung hindi ako makapagsalita na katulad ni Nina, gagalaw at aarte ako para maipakita ang ideya at damdamin ko.

Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa klase para sa bahaginan.

PAGBABALIK-ARAL: SI NINA SA BAYAN NG DALDALINA 2

Ipaalala sa mga bata ang pagbasa ninyo ng kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina kahapon.

Sabihin: Kahapon, habang binabasa ko para sa inyo ang kuwento, ano ang napansin ninyong ginagawa ko pagkatapos kong mabasa ang isang pahina? (sagot: nagtatanong) Bakit kaya ako nagtatanong sa inyo habang binabasa ko ang kuwento?

Ipaliwanag sa mga bata na ang pagtatanong habang nagbabasa ng isang kuwento ay isang paraan na maaari din nilang gamitin upang mas mapalinaw o mas maintindihan ang nais iparating na mensahe ng may-akda. Magpakita ng isang halimbawa. Tumungo sa isang pahina na binasa kahapon kung saan may binanggit kayong tanong pagkabasa, halimbawa: p. 12 o p. 15. Tanungin muli ang mga itinanong kahapon pagkabasa ng pahinang ito. Ipapansin kung paano

95 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan nakatutulong ang tanong sa paggabay ng kanilang pag-iisip tungkol sa kuwento.

Ihanda sila para sa pagbubuo ng tanong tungkol sa isang pahina ng kuwento upang mas lalo nilang mauwaan ang kuwentong napakinggan.

Sabihin: Kahapon, may ilang bahagi o pahina sa kuwento na hindi ako nagtanong pagkabasa ko. Kayo ngayon ang siyang bubuo ng tanong tungkol sa inyong napakinggan. May babasahin akong isang pahina. Magtatanungan kayo ng inyong katabi. Pagkatapos, tatawag ako ng ilan sa inyo upang ilahad sa buong klase ang mga tanong na naisip ninyo.

Buksan ang aklat sa p. 16. Basahin para sa mga bata ang nakasulat sa pahinang ito. Ipapansin din sa kanila ang larawan sa p. 17. Mag-iisip sila ng tanong tungkol sa narinig at nakikita nila mula sa pahinang ito. Bigyan ang mga magkapares/magkatabi ng tatlong minuto para mag- usap at mag-isip ng tanong tungkol sa kanilang napakinggan. Umikot sa buong klase at obserbahan/pakinggan ang pag-uusap ng mga bata.

Matapos ang tatlong minuto, tumawag ng dalawang pares na maglalahad ng kanilang nabuong tanong. Ipasagot sa iba pang mag- aaral ang mga tanong na inilahad nila. Tanungin ang mga bata kung nakatulong ang pagtatanong sa sarili/sa katabi upang mas lalo nilang maintindihan ang kuwento. Idiin na magagamit nila ang estratehiyang ito sa tuwing nakikinig sila sa isang kuwento.

PAGSASANAY 3 Pagpansin sa Pagkakatulad o Pagkakaiba ng mga Pantig ng Salita

Manatili sa p. 16 ng aklat na Si Nina sa Bayan ng Daldalina. Ipapansin sa mga bata ang ilang salita mula sa huling pangungusap dito.

Sabihin: Tutukan natin ngayon ang ilang salita dito sa pangungusap na ito. Babasahin ko muli ang pangungusap—habang binabasa ko, pakinggan at sabihin kung aling mga salita dito ang nagsisimula sa letrang “k.”

Pagkasagot ng mga bata, isulat sa pisara ang tatlong salita mula sa pangungusap na nagsisimula sa letrang “k”: kulay, korales, kaniyang

Sabihin: Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang ito? Pare-pareho ba sila ng unang pantig? Ano ang unang pantig sa kulay? korales? kaniyang?

Magsulat ng talahanayan na may tatlong hanay sa pisara. Isulat sa unang hanay ang kaniyang, sa pangalawang hanay ang korales, at sa

96 YUNIT 3 ARALIN 25

pangatlong hanay ang kulay. talaan

kaniyang korales kulay

Magpakita ng iba pang salita sa flash card na nagsisimula sa letrang k at basahin ito nang malakas: kuwaderno, katol, kumot, kokak, kahoy. Pagkapakita/pagkabasa ng bawat salita, ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin nito. Itanong din kung alin sa mga salita sa hanay ang kapareho ng unang pantig nito. Tumawag ng bata na magdidikit ng flash card sa hanay na kapareho nito ng unang pantig.

Ipakopya ang nabuong talahanayan, ngunit sabihan ang mga bata na maglaan ng espasyo para sa ilan pang salita. Magdikta ng dalawa pang salita at ipasulat ito sa tamang hanay sa kanilang kuwaderno: kahit, kuko. Ipaalala sa bata na pakinggan ang tunog na bumubuo sa mga pantig ng salita upang matulungan sila sa pagtukoy ng letra na isusulat nila upang maibaybay ang salita.

Magiging ganito ang pinal na talahanayan:

kaniyang korales kulay katol kokak kuwaderno kahoy kumot kahit kuko

Basahin ang mga salita sa bawat hanay kasabay ng mga mag-aaral. Ipabasa muli ang mga salita sa mga bata, ngunit sila na lang ang magbabasa.

Kung may panahon pa, hikayatin ang mga magkatabi na gumawa ng pangungusap gamit ang ilang salita mula sa talahanayan. Tumawag ng ilang magkapares upang magbahagi ng kanilang pangungusap.

PAGTATAPOS 4

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Mag-isip ng iba pang salita na nagsisimula sa pantig na ku-, ko-, at ka- . Magpatulong sa inyong kapamilya. Isulat ang mga maiisip na salita sa talahanayan sa inyong kuwaderno.

97 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN (1) F1WG-IIIe-g-5 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan 4 (2) F1PN-IIIc-15 Nakapagtatanong ng kaugnay na impormasyon para lalong mauunawaan ang napakinggan (3) F1KP-IIIe-7 Nasasabi ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga pantig/salita

PANIMULANG GAWAIN: LARO (“I SPY”/HULAAN 1 MO ANG NAKIKITA KO - 10 TANONG) Ipaalala sa mga bata ang ginawa nilang pagtatanong tungkol sa narinig nilang bahagi ng kuwento kahapon. Banggitin na ang isa pang gamit ng pagtatanong ay ang pagkuha ng impormasyon na maaari nilang pag-ugnay-ugnayin upang makabuo ng isang pangkalahatang ideya.

Ipaalam sa mga bata na maglalaro ang klase ng Hulaan Mo Ang Nakikita Ko - 10 Tanong. May bagay kayong iniisip na makikita sa kanilang silid aralan. Upang mahulaan ng klase ang bagay na iniisip ninyo, maaari silang magtanong ng sampung tanong na masasagot lamang ng oo o hindi. Magtataas sila ng kamay kung nais nilang magtanong, at tatawagin ninyo sila. Isang beses lamang puwedeng magtanong ang bawat mag-aaral. Kapag nakasampung tanong na, isuma para sa kanila ang mga isinagot ninyo sa tanong. Huhulaan nila kung ano ang bagay na makikita sa silid-aralan.

Magbigay ng isang pahiwatig tungkol sa bagay na ipinapahula sa bato bago simulan ng mga bata ang pagtatanong. Halimbawa, kung ang napiling bagay ay “pangkulay,” sabihin sa mga bata na ito ay ginagamit sa pagguhit. Ipaalala na ang maaari lang ninyong sagutin na tanong ay ang mga nasasagot ng oo o hindi. Magsagawa ng pagbibilang ng mga tanong sa pisara upang siguradong hindi lalagpas sa 10 ang itatanong ng klase.

Kapag natapos na ang 10 tanong, ipasagot sa mga bata kung ano ang bagay na pinahuhulaan. May tatlong pagkakataon silang manghula. Ipakita ang bagay at isulat ang pangalan nito sa pisara sa pagtatapos ng hulaan. Ipagamit sa isang pangungusap ang salita. Tumawag ng isang bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa klase.

PAGSASANAY: MGA SALITANG KILOS AT 2 PAGKAKATULAD NG MGA PANTIG SA SALITA

Ipakita ang sumusunod na salita na nakasulat sa flash card: langoy, lakad, lipad, ligo. Basahin ang bawat salita, at ipaulit sa mga bata. Ipapansin ang unang pantig ng mga salita.

Itanong: Aling pares ng salita ang magkapareho ng unang pantig? (sagot: langoy-lakad, lipad-ligo)

98 YUNIT 3 ARALIN 25

Hikayatin ang mga bata na mag-isip ng kilos o galaw na magpapakita talaan ng kahulugan ng mga salitang ito. Kapag nagkasundo na sa kilos, awitin ang mga salita sa tono ng “Paa, Ulo, Balikat, Tuhod” habang isinasagawa ang galaw para sa bawat salita. Aawitin muna ito ng guro upang ipakita sa buong klase:

• Langoy, lakad • lipad, ligo. • Langoy, lakad • lipad, ligo. • Langoy, lakad • lipad, ligo. • Magpalakpakan tayo.

Sabihin: Pansinin ang mga salitang kilos na inawit natin. Ano ang ipinapahiwatig ng mga salitang ito? Tama. Ipinapakita ng salitang kilos ang aksiyon na ginagawa ng isang tao, hayop o bagay. Ipares natin ang mga salitang kilos na ito sa mga hayop na ganito ang ginagawang aksyon. Anong hayop ang lumalangoy? Anong hayop naman ang naglalakad? Anong hayop ang lumilipad? Ano naman ang naliligo?

Hikayatin ang magkatabi na mag-usap upang sabihin sa buong pangungusap kung aling hayop ang gumagawa ng aling kilos. Magbigay ng halimbawa: Lumalangoy ang isda. Naglalakad ang aso. Lumilipad ang ibon. Naliligo ang kalabaw. Tumawag ng magkapares na maglalahad ng binuo nilang pangungusap.

Tanungin ang mga bata: May nilalang ba na nakagagawa ng lahat ng salitang kilos na ito? Ano o sino? Paano nakakalipad ang tao kung wala naman siyang pakpak na katulad ng ibon? Bumuo nga tayo ng pangungusap upang ipakita ang ideya na ito.

Isulat ang mabuong pangungusap, halimbawa:

Ang tao ay lumalangoy, naglalakad, lumilipad, at naliligo. Ipabasa sa mga bata ang pangungusap at ipakopya ito sa kanilang kuwaderno.

PAGTATAPOS 3 Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Upang makagawa ng kuwento, ang isang tao ay kailangang magsulat. Ano ang aksyon o kilos na ginagawa ng tao upang makagawa ng isang: • dibuho? • estatwa/monumento? • pelikula? • piyesa ng musika? Pag-isipan, magpatulong sa nakatatanda kung kinakailangan, at maghandang magbahagi tungkol dito bukas.

99 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW LAYUNIN (1) F1WG-IIIe-g-5 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa 5 iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan 1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Ipaalala sa mga mag-aaral ang takdang-aralin kahapon, at iugnay ito sa tema para sa linggong ito.

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa mga sining at produkto ng ating bayan. Kahapon, ang takdang-aralin ninyo ay ang pag-isip kung anong salitang kilos o aksyon ang ginagawa ng mga tao na gumagawa ng sumusunod na sining: dibuho, estatwa/monumento, pelikula, at piyesa ng musika. Napag-isipan ba ninyo ito? Humingi ba kayo ng tulong sa inyong magulang o iba pang nakatatanda? Ano ang mga salitang kilos na naisip ninyo? Isusulat ko sa pisara.

Isulat sa pisara ang magkatuwang na sining at salitang kilos. Halimbawa: • dibuho – guhit, kulay • estatwa – ukit, kinis • pelikula – sulat, arte, kuha/shoot, direk • musika – tugtog, sulat, areglo

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng pangungusap gamit ang mga salita sa pisara. Halimbawa: • Ang dibuho ay ginuhit at kinulayan ni Botong Francisco. • Isang grupo ng kabataan ang nag-ukit at nagpakinis sa rebulto ni Andres Bonifacio. • Si Lino Brocka ang nagsulat ng script ng pelikula. • Tinugtog ng Pangkat Kawayan ang musika na sinulat ni Ryan Cayabyab. 2 MULING PAGBASA NG KUWENTO Ipakita muli ang aklat na Si Nina sa Bayan ng Daldalina. Iugnay ang kuwento sa tema para sa linggong ito bago ito muling basahin.

Sabihin: Gaya na nabanggit kanina, ang tema natin ngayon ay mga sining at produkto ng ating bayan. Ang pagsusulat ba ng kuwentong pambata ay isang sining? Gayundin ba ang pagguhit ng larawan para sa mga libro? Sino ulit ang may-akda ng kuwento natin ngayong linggo? Sino naman ang tagaguhit? Tungkol saan nga ulit ang kuwentong ito? Natatandaan pa ba ninyo? Pakinggan ninyong muli ang kuwento. Habang binabasa ko, pansinin ang mga salitang kilos na binabanggit sa kuwento. Pag-isipan din kung ano ang mensahe o aral na nakukuha ninyo mula sa kuwentong ito. Tatanungin ko kayo tungkol sa dalawang puntos na ito matapos kong basahin ang aklat.

Basahin muli ang aklat nang may damdamin at ekspresiyon.

100 YUNIT 3 ARALIN 25

Subukang iba-ibahin ang tono at tinis ng boses kapag binabasa ang talaan diyalogo ng iba-ibang tauhan.

Pagkatapos basahin ang kuwento, balikan ang mga tanong na ibinigay bago simulan ang pagbasa at kunin ang mga ideya ng mga bata: • Ano ang mga salitang kilos na narinig ninyo sa kuwento? Magbigay ng isang salitang kilos na narinig ninyo, at gamitin ito sa isang pangungusap tungkol sa karaniwan ninyong ginagawa sa bahay o paaralan. Ilang posibleng sagot: nakatira, marinig, sasabihin, kilala, makikipagsabayan, ikinababahala, wika, mag-aaral, dagdag, nilapitan, malaman, nahanap, sabihin, tanggapin, pagwawakas, hinanap, pinuntahan, kinatok, nilakad, pinakinggan,nagkaroon, malaman, nababagay, sampal, naisip, nagpaalam, mag-ingat, tingnan, madapa, kalimutang, magbaon, magutom, naglakbay, napuntahan, nakakita, naupo, napansin, namangha, itinala, ipapahiya, natutuhan, hinangaan • Ano ang napulot ninyong aral o mensahe mula sa kuwento ni Nina? Ilang posibleng sagot: Huwag maliitin ang mga walang boses. Hindi lang sa salita nakapagpapahayag ang tao. Huwag tumigil sa paghahanap at matatagpuan din ang sariling paraan ng pagpapahayag. Ang lahat ng tao ay may boses at may maiaambag sa komunidad. Matutong tanggapin at hangaan kahit ang mga kakaiba sa atin.

PAGTATAYA 3 a. Pangkatang Pagtataya Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang pinag-aralan sa linggong ito. Tanungin sa mga bata ang sumusunod at sasagutin ito ng bata nang palahad.

• Ipaliwanag sa sariling pananalita o gamitin sa isang pangungusap, ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo): bukambibig, ikinababahala, siyentipiko, espiritista, talumpati, eskandalo, walang imik. • Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung aling salita ang salitang kilos, o ang salitang nagpapakita kung ano ang aksyon na nangyayari sa pangungusap. (Pumili lamang ng isang pangungusap para sa bawat bata sa grupo.) –– Pumasok ako sa eskuwela. –– Sinagutan ko ang pagsusulit. –– Bigla siyang umiyak. –– Maraming tinanong ang guro. –– Kinain ko ang baon ko. –– Nanghiram ako ng libro. –– Kinulayan ko ang pahina. –– Nagluto si nanay ng . –– Natuwa kaming lahat sa pelikula. –– Sasayaw kami ng tinikling bukas.

101 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan –– Tumawid siya ng kalsada. • Isulat sa inyong kuwaderno ang mga salitang ito: kilos, Nina, bayan, sining, tagaguhit, may-akda, aklat. • Aling salita sa grupo ang naiiba ang unang pantig? (Pumili lamang ng isang set ng salita para sa bawat bata) –– kuha, kama, kumot –– bahay, bote, baso –– sine, sining, –– Nina, nipa, nasa –– bibig, belat, bisig –– bayan, butas, buko –– tubig, toyo, Totoy –– guhit, , gupit

Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga bata, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na pangkat ng 5-10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga bata. (Gawain 3b)

Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa talasalitaan, ngunit hindi pa sa patukoy sa naiibang unang pantig.

Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga bata sa kanilang kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na gabay o tulong.

b. Gawain Para sa Mga Batang Naghihintay Gayahin si Nina ng Daldalina. Gumuhit ng isang tanawin o lugar na gustong-gusto mo. Pagkatapos iguhit, subukang magsulat ng maikling pangungusap tungkol sa iyong ginawang larawan.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Maglista sa inyong kuwaderno ng limang salitang kilos o aksiyon na mapansin ninyong ginagawa ng inyong nanay, tatay o kapatid. Maghandang magbahagi tungkol dito sa susunod na linggo.

102 YUNIT 3 ARALIN 26

ARALIN 26

GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG FILIPINO

TEMA: Sining at Produkto ng Aking Bayan KUWENTO: Si Nina sa Bayan ng Daldalina

103 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 26

Tema: Sining at Produkto ng Aking Bayan Kuwento: Si Nina sa Bayan ng Daldalina

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) WG • F1WG-IIIe-g-5 • Pagsasanay: Mga Produktong Pilipino • Pagpapakita ng larawan at flash cardng mga • Pag-uugnay ng flash card sa larawan Nagagamit ang mga salitang kilos produktong Pilipino at pag-uugnay ng dalawa • Pagsali sa talakayan tungkol sa paggawa ng mga sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang • Pagtatanong kung paano ginagawa ang mga produktong nasa pisara gawain sa tahanan, paaralan, at produkto at pag-ugnay nito sa mga salitang • Pakikinig at pagmasid sa mga flash card ng pamayanan kilos salita PT • F1PT-IIIf-4.1;4.2 • Pagpapakita at pagbasa ng mga flash card • Pakikinig sa pangungusap na pupunuan ng Nababasa ang mga salita gamit ang ng salitang kilos na kaugnay ng paggawa ng salitang kilos palatandaang konpigurasyon; tunay produktong Pilipino • Paglagay ng tamang salitang kilos sa patlang na bagay/larawan • Pagbasa sa pangungusap tungkol sa paggawa ng • Pagbasa ng nabuong pangungusap mga produktong Pilipino na pupunuan ng mga 1 bata ng tamang salitang kilos • Pagtatawag ng mga bata para punuan ang patlang sa pangungusap • Paggabay sa mga bata sa pagbabasa ng nabuong pangungusap KM • F1KM-IIIe-2 • Pagsasanay: Mga Produktong Pilipino • Pangunguna sa talakayan tungkol sa • Pakikilahok sa talakayan Nakasusulat nang may tamang laki at pagtangkilik ng produktong Pilipino • Pagsulat ng pangungusap sa kuwaderno layo sa isa't isa ang mga salita • Paggabay sa mga bata sa pagsulat ng pangungusap tungkol sa pagtangkilik ng produktong Pilipino LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

104 YUNIT 3 ARALIN 26

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 26

Tema: Sining at Produkto ng Aking Bayan Kuwento: Si Nina sa Bayan ng Daldalina

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) WG • F1WG-IIIe-g-5 • Pagsasanay: Mga Produktong Pilipino • Pagpapakita ng larawan at flash cardng mga • Pag-uugnay ng flash card sa larawan Nagagamit ang mga salitang kilos produktong Pilipino at pag-uugnay ng dalawa • Pagsali sa talakayan tungkol sa paggawa ng mga sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang • Pagtatanong kung paano ginagawa ang mga produktong nasa pisara gawain sa tahanan, paaralan, at produkto at pag-ugnay nito sa mga salitang • Pakikinig at pagmasid sa mga flash card ng pamayanan kilos salita PT • F1PT-IIIf-4.1;4.2 • Pagpapakita at pagbasa ng mga flash card • Pakikinig sa pangungusap na pupunuan ng Nababasa ang mga salita gamit ang ng salitang kilos na kaugnay ng paggawa ng salitang kilos palatandaang konpigurasyon; tunay produktong Pilipino • Paglagay ng tamang salitang kilos sa patlang na bagay/larawan • Pagbasa sa pangungusap tungkol sa paggawa ng • Pagbasa ng nabuong pangungusap mga produktong Pilipino na pupunuan ng mga 1 bata ng tamang salitang kilos • Pagtatawag ng mga bata para punuan ang patlang sa pangungusap • Paggabay sa mga bata sa pagbabasa ng nabuong pangungusap KM • F1KM-IIIe-2 • Pagsasanay: Mga Produktong Pilipino • Pangunguna sa talakayan tungkol sa • Pakikilahok sa talakayan Nakasusulat nang may tamang laki at pagtangkilik ng produktong Pilipino • Pagsulat ng pangungusap sa kuwaderno layo sa isa't isa ang mga salita • Paggabay sa mga bata sa pagsulat ng pangungusap tungkol sa pagtangkilik ng produktong Pilipino LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

105 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • P1PS-IIIf-5.2 • Pagbabalik-aral: Si Nina sa Bayan • Pagpapakita ng larawang mula sa aklat at • Pagmamasid sa mga larawan Nakasasali sa isang usapan tungkol ng Daldalina pagtanong kung ano ang nangyari o ang ginawa • Pakikipag-usap sa katabi upang sagutan ang sa isang napakinggang kuwento ni Nina sa puntong iyon ng kuwento tanong ng guro • Paghikayat sa mga bata na sagutan ang tanong • Paglahad ng sagot sa buong klase sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanilang • Pagmasid at pagsabay sa pagbasa ng isinulat na katabi pangungusap • Pagtawag ng ilang bata upang sumagot • Pag-aarte ng mga galaw o kilos na binabanggit 2 • Pagsulat ng pangungusap na nagpapakita ng sa pangungusap naganap sa kuwento sa pisara • Pagtawag sa ilang bata na iaarte ang mga galaw mula sa nakasulat na pangungusap sa pisara habang binabasa ito ng guro PL • F1PL-0a-j-6 • Si Nina sa Bayan ng Daldalina • Pagtatanong tungkol sa opinyon ng mga • Pagtugon sa mga tanong tungkol sa kanilang Naipakikita ang hilig sa pagbasa bata sa kuwentong Si Nina sa Bayan ni nagustuhan sa kuwento Daldalina • Paglahad ng sagot sa buong klase PL • F1PL-0a-j-6 • Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pagbubuo ng pangungusap at paglalahad sa Naipakikita ang hilig sa pagbasa halimbawang pangungusap buong klase • Pagtatawag ng mga bata upang maglahad sa buong klase WG • F1WG-IIIe-g-5 • Pagsasanay: Mga salitang kilos • Pagpapakitang muli at pagbasa ng mga • Pagmasid sa mga pangungusap at pakikinig Nagagamit ang mga salitang kilos pangungusap na nabuo kahapon tungkol sa habang binabasa ng guro ang mga pangungusap sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang mga pangyayari sa kuwentong Si Nina sa • Pagtukoy sa salitang kilos sa bawat gawain sa tahanan, paaralan, at Bayan ng Daldalina pangungusap pamayanan • Pagpapatukoy sa mga bata sa salitang kilos sa • Pagbasa sa mga pangungusap habang bawat pangungusap nilalakasan ang pagbasa ng salitang kilos 3 • Pagsalungguhit sa salitang kilos sa bawat • Pagbubuo ng sariling pangungusap gamit ang pangungusap ilang salitang kilos mula sa nasalungguhitan • Pagpapabasa sa mga bata sa mga pangungusap • Paglalahad ng nabuong pangungusap na may pagdiin sa salitang kilos • Paggabay sa gawaing magkapares at pagpapabuo ng sariling pangungusap gamit ang dalawang salitang kilos mula sa mga nasalungguhitang pangungusap • Pagtawag ng mga magkapares na maglalahad ng kanilang pangungusap sa klase PN • F1PN-IIIf-9 • Bahaginan • Paggabay sa mga bata sa paglalahad tungkol sa • Paglalahad ng kuwentong narinig mula sa Nahuhulaan ang susunod na kanilang takdang aralin kapamilya mangyayari sa napakinggang • Pagbigay ng halimbawang pangungusap para sa • Pagsabi ng pangungusap na naghihikayat sa kuwento naglalahad: pagpapahula kung ano ang susunod ibang bata na hulaan ang mangyayari 4 na mangyayari sa kuwento • Pagsagot sa tanong ng batang naglalahad at • Pagbigay ng halimbawang panimula para sa paghula kung ano ang susunod na mangyayari mga batang manghuhula kung ano ang susunod na mangyayari LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

106 YUNIT 3 ARALIN 26

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • P1PS-IIIf-5.2 • Pagbabalik-aral: Si Nina sa Bayan • Pagpapakita ng larawang mula sa aklat at • Pagmamasid sa mga larawan Nakasasali sa isang usapan tungkol ng Daldalina pagtanong kung ano ang nangyari o ang ginawa • Pakikipag-usap sa katabi upang sagutan ang sa isang napakinggang kuwento ni Nina sa puntong iyon ng kuwento tanong ng guro • Paghikayat sa mga bata na sagutan ang tanong • Paglahad ng sagot sa buong klase sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanilang • Pagmasid at pagsabay sa pagbasa ng isinulat na katabi pangungusap • Pagtawag ng ilang bata upang sumagot • Pag-aarte ng mga galaw o kilos na binabanggit 2 • Pagsulat ng pangungusap na nagpapakita ng sa pangungusap naganap sa kuwento sa pisara • Pagtawag sa ilang bata na iaarte ang mga galaw mula sa nakasulat na pangungusap sa pisara habang binabasa ito ng guro PL • F1PL-0a-j-6 • Si Nina sa Bayan ng Daldalina • Pagtatanong tungkol sa opinyon ng mga • Pagtugon sa mga tanong tungkol sa kanilang Naipakikita ang hilig sa pagbasa bata sa kuwentong Si Nina sa Bayan ni nagustuhan sa kuwento Daldalina • Paglahad ng sagot sa buong klase PL • F1PL-0a-j-6 • Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pagbubuo ng pangungusap at paglalahad sa Naipakikita ang hilig sa pagbasa halimbawang pangungusap buong klase • Pagtatawag ng mga bata upang maglahad sa buong klase WG • F1WG-IIIe-g-5 • Pagsasanay: Mga salitang kilos • Pagpapakitang muli at pagbasa ng mga • Pagmasid sa mga pangungusap at pakikinig Nagagamit ang mga salitang kilos pangungusap na nabuo kahapon tungkol sa habang binabasa ng guro ang mga pangungusap sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang mga pangyayari sa kuwentong Si Nina sa • Pagtukoy sa salitang kilos sa bawat gawain sa tahanan, paaralan, at Bayan ng Daldalina pangungusap pamayanan • Pagpapatukoy sa mga bata sa salitang kilos sa • Pagbasa sa mga pangungusap habang bawat pangungusap nilalakasan ang pagbasa ng salitang kilos 3 • Pagsalungguhit sa salitang kilos sa bawat • Pagbubuo ng sariling pangungusap gamit ang pangungusap ilang salitang kilos mula sa nasalungguhitan • Pagpapabasa sa mga bata sa mga pangungusap • Paglalahad ng nabuong pangungusap na may pagdiin sa salitang kilos • Paggabay sa gawaing magkapares at pagpapabuo ng sariling pangungusap gamit ang dalawang salitang kilos mula sa mga nasalungguhitang pangungusap • Pagtawag ng mga magkapares na maglalahad ng kanilang pangungusap sa klase PN • F1PN-IIIf-9 • Bahaginan • Paggabay sa mga bata sa paglalahad tungkol sa • Paglalahad ng kuwentong narinig mula sa Nahuhulaan ang susunod na kanilang takdang aralin kapamilya mangyayari sa napakinggang • Pagbigay ng halimbawang pangungusap para sa • Pagsabi ng pangungusap na naghihikayat sa kuwento naglalahad: pagpapahula kung ano ang susunod ibang bata na hulaan ang mangyayari 4 na mangyayari sa kuwento • Pagsagot sa tanong ng batang naglalahad at • Pagbigay ng halimbawang panimula para sa paghula kung ano ang susunod na mangyayari mga batang manghuhula kung ano ang susunod na mangyayari LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

107 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral KM • F1KM-IIIe-2 • Pagsasanay: Pagsusulat ng mga • Pagsulat at pagbasa sa mga halimbawang • Pakikinig sa halimbawang panimula Nakasusulat nang may tamang laki pangungusap na may salitang kilos panimula upang mailahad ng mga bata ang hilig • Paglalahad ng pangungusap sa klase at layo sa isa't isa ang mga salita nilang gawin • Pagsusulat ng kanilang pangungusap sa kanilang • Pagtawag ng ilang bata upang ilahad ang kuwaderno kanilang pangungusap • Paghahanap ng kaklase na kapareho nila ng • Paggabay sa mga bata sa pagsusulat sa kanilang hilig/sinagot na salitang kilos 4 kuwaderno ng simpleng pangungusap tungkol • Paglalahad ng pang-grupong pangungusap sa hilig nilang gawin • Paggabay sa mga bata sa paghahanap ng mga bata na kapareho nila ng hilig/isinulat na salitang kilos • Paggabay sa mga nabuong grupo sa paglalahad ng kanilang hilig gawin KM • F1KM-IIIe-2 • Pagkompleto at pagsulat ng • Pagbibigay ng halimbawang panimula • Pakikinig at pagmasid sa halimbawang panimula Nakasusulat nang may tamang laki pangungusap • Paggabay sa gawaing pagsusulat ng • Pagsulat sa kanilang kuwaderno 5 at layo sa isa't isa ang mga salita pangungusap • Pagtingin sa kakayanan ng mga bata sa pagsulat LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

108 YUNIT 3 ARALIN 26

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral KM • F1KM-IIIe-2 • Pagsasanay: Pagsusulat ng mga • Pagsulat at pagbasa sa mga halimbawang • Pakikinig sa halimbawang panimula Nakasusulat nang may tamang laki pangungusap na may salitang kilos panimula upang mailahad ng mga bata ang hilig • Paglalahad ng pangungusap sa klase at layo sa isa't isa ang mga salita nilang gawin • Pagsusulat ng kanilang pangungusap sa kanilang • Pagtawag ng ilang bata upang ilahad ang kuwaderno kanilang pangungusap • Paghahanap ng kaklase na kapareho nila ng • Paggabay sa mga bata sa pagsusulat sa kanilang hilig/sinagot na salitang kilos 4 kuwaderno ng simpleng pangungusap tungkol • Paglalahad ng pang-grupong pangungusap sa hilig nilang gawin • Paggabay sa mga bata sa paghahanap ng mga bata na kapareho nila ng hilig/isinulat na salitang kilos • Paggabay sa mga nabuong grupo sa paglalahad ng kanilang hilig gawin KM • F1KM-IIIe-2 • Pagkompleto at pagsulat ng • Pagbibigay ng halimbawang panimula • Pakikinig at pagmasid sa halimbawang panimula Nakasusulat nang may tamang laki pangungusap • Paggabay sa gawaing pagsusulat ng • Pagsulat sa kanilang kuwaderno 5 at layo sa isa't isa ang mga salita pangungusap • Pagtingin sa kakayanan ng mga bata sa pagsulat LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

109 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN (1) F1WG-IIIe-g-5 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan 1 (2) F1PT-IIIf-4.1;4.2 Nababasa ang mga salita gamit ang palatandaang konpigurasyon; tunay na bagay/larawan (3) F1KM-IIIe-2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga salita

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Gamitin ang takdang-aralin na binigay noong nakaraang linggo bilang paksa para sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Noong nakaraang linggo, itinakda ko sa inyo na obserbahan ang ginagawa ng inyong nanay, tatay o iba pang kapamilya sa inyong bahay. Ipinalista ko kayo ng limang salitang kilos na tumutukoy sa mga gawaing ito sa inyong kuwaderno. Nagawa ba ninyo ito? Ipakita sa inyong katabi ang inyong listahan at ikuwento ninyo sa kanila ang napansin ninyong ginagawa ng inyong kapamilya noong Sabado o Linggo. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para dito.

Hayaang mag-usap at magpakitaan ng listahan ang mga magkapares/ magkatabi. Umikot sa klase at pakinggan ang usapan ng mga magkatabi. Pansinin din ang naisulat na mga salitang kilos sa kanilang kuwaderno. Kung may mapansing mga bata na hindi pa gaano kahusay sa pagporma ng letra, ilista, at tandaang magsagawa ng karagdagang praktis para sa mga batang ito.

PAGSASANAY: MGA PRODUKTONG 2 PILIPINO - SALITANG KILOS

Ipaalala sa mga mag-aaral ang tema para sa linggong ito, at iugnay ito sa aralin tungkol sa salitang kilos.

Magpaskil ng ilang larawan ng mga produktong Pilipino: abel Iloco, bakya, barong Tagalog, gitarang Cebu, burnay, pinatuyong mangga, sardinas.

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay ang sining at produkto ng ating bayan. Nakapaskil sa pisara ang ilang mga sikat na produktong gawa ng mga Pilipino. May nakikilala ba kayo sa mga larawang ito?

Tumawag ng ilang bata na makatutukoy sa pangalan ng mga produkto. Magpakita ng mga flash card kung saan nakasulat ang pangalan ng mga produkto sa larawan. Gamitin ang pagkakataong ito upang alamin kung nakababasa na ng salita ang mga bata. Tumawag ng mga bata na nais ninyong mataya ang kakayanan, at tulungan kung kailangan pa nila ng dagdag na panuto. Matapos ipabasa ang salita sa ilang mag-aaral, itanong kung aling larawan ang katapat ng

110 YUNIT 3 ARALIN 26

bawat salita. Ipakabit ang flash card sa tabi ng katugma nitong larawan. talaan Hikayatin ang buong klase na basahin ang mga salita sa flash card at pagmasdan ang katugma nitong larawan.

Itanong: Paano ba ginagamit ang mga produktong ito? Anong aksiyon ang maaari nating gawin kapag gamitin natin ang bawat produkto? Anong salitang kilos ang gagamitin natin upang mailahad kung ano ang gamit o ang ginagawa natin sa mga produktong ito?

Kumuha ng ilang kasagutan mula sa mag-aaral. Pagkatapos, magpaskel ng mga flash card ng sumusunod na salita: sinusuot, kinakain, sinusukat, tinatahi, pinupuno, tinutugtog, ginigisa.

Basahin para sa klase ang mga salitang ipinaskel, habang nagpapakita ng kilos o galaw na nagpapahiwatig sa kahulugan ng bawat salita. Ipasunod ang mga bata sa pagbigkas ng salita at pagsagawa ng kilos.

Ipaskil ang manila paper kung saan nakasulat ang sumusunod na pagsasanay. Basahin ang mga pangungusap, at ipapili sa mga mag- aaral ang salitang kilos na dapat ilagay sa patlang.

• _____ muna ang bakya upang makita kung kasya ito sa paa. • _____ang abel Iloco upang gawin damit. • _____ ang barong Tagalog sa pormal na okasyon. • _____ng suka ang burnay. • _____ang gitara kapag may nanghaharana. • _____ang pinatuyong mangga ng Cebu bilang meryenda o panghimagas. • _____ang sardinas ng Zamboanga sa bawang at sibuyas upang lalong sumarap.

Mga sagot: a) sinusukat b) tinatahi; c) sinusuot; d) pinupuno; e) tinutugtog; f) kinakain; g) ginigisa

Tumawag ng mga bata upang ilagay ang tamang flash card sa patlang. Matapos mapunuan ang mga patlang, basahin muli ang mga pangungusap at pasabayin ang mga bata sa pagbigkas at pagkilos ng mga salitang kilos.

Tanungin ang mga bata kung paano maipakikita ng mga Pilipino ang kanilang pagpapahalaga sa mga produktong Pilipino. Matapos kumuha ng ilang kasagutan, isulat ang pangungusap na ito sa pisara at basahin para sa klase:

Tangkilikin ang gawang Pilipino

111 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Itanong: Ano ang aksiyon o salitang kilos sa pangungusap na ito? Narinig na ba ninyo ang salitang “tangkilik”? Minsan, maririnig natin ito sa pasasalamat ng mga pinagbibilhan nating tindahan: “Salamat sa inyong pagtangkilik.” Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang ito? Kapag sinabing “tangkilikin ang gawang Pilipino,” ano ang ipinagagawa sa atin? (posibleng sagot: bumili ng gawang Pilipino, piliin ang gawang Pilipino, suportahan ang gawang Pilipino) Bakit importante na tangkilikin ang sariling atin?

Ipasulat sa mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno ang pangungusap na tinalakay. Umikot at obserbahan kung sino pa ang nahihirapan sa pagpoporma ng letra at pagsusulat ng pangungusap.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Kausapin ang isang nakatatandang kapamilya o kapit-bahay. Tanungin kung ano ang sikat na produkto na gawa sa kanilang kinalakihang bayan o probinsiya. Tanungin kung paano ginagawa ang produktong ito. Magsulat ng maikling pangungusap tungkol dito sa inyong kuwaderno.

ARAW MGA LAYUNIN (1) P1PS-IIIf-5.2 Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang napakinggang kuwento 2 (2) F1PL-0a-j-6 Naipakikita ang hilig sa pagbasa

PANIMULANG GAWAIN: 1 PAG-AWIT (“MAMANG SORBETERO”)

Simulan ang klase sa pamamagitan ng pag-awit ng kantang “Mamang Sorbetero.” (Matatagpuan ang tono at titik ng awit na ito sa Internet: http://www.youtube.com/watch?v=x5XRydoIJFo ) Iugnay ang awitin sa mga paksang pinag-aralan kahapon: pagtangkilik ng produktong Pilipino, at mga salitang kilos.

Sabihin: Kahapon, pinag-usapan natin ang mga produktong Pilipino at kung bakit mahalaga na tangkilikin natin ito. Ang awitin natin ngayon ay tungkol sa isang produkto na gustong-gustong tangkilikin ng mga bata. Aawitin natin ang kantang “Mamang Sorbetero.” Habang inaawit natin ito, pansinin kung ano ang mga salitang kilos na maririnig ninyo sa kanta. Pag- uusapan natin ito pagkatapos nating umawit.

112 YUNIT 3 ARALIN 26

Ipaskil ang manila paper na may titik ng kanta sa pisara. Pangunahan talaan ang pag-awit at pasunurin ang mga bata. Kung makapagdadala ng maliit na kalembang sa klase, magandang ipapasa-pasa ito sa mga bata habang inaawit ang kanta.

Matapos awitin ang kanta, ipatukoy sa mga bata kung ano ang mga salitang-kilos na narinig nila. Ilista sa pisara ang mga mabanggit na salitang kilos. Ipabasa sa mga bata ang mga ito, at magpakita ng kilos o galaw na aakma sa bawat salita.

PAGBABALIK-ARAL: SI NINA SA BAYAN NG DALDALINA 2

Tulungan ang mga bata sa pag-alala at pagsalaysay ng kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina gamit ang ilang larawan mula sa aklat. Bigyang-diin ang mga aksiyon na ginawa ni Nina sa kabuuan ng kuwento. Ipatukoy sa mga bata ang salitang kilos na gagamitin nila upang sabihin ang nangyari sa bahagi ng kuwento na ipinapakita sa larawan.

Sabihin: Magpatuloy tayo sa pagtutok sa mga salitang kilos. Babalikan natin ngayon ang kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina. Kayo ang magsasabi sa akin kung ano ang ginagawa ni Nina sa pahina ng libro na ipapakita ko. Mag-isip ng akmang salitang kilos para isalaysay kung ano ang nangyayari, batay sa larawan at batay sa pagkakatanda ninyo sa mga naganap sa kuwento. Pag-usapan muna ninyo ng inyong katabi. Pagkatapos, tatawag ako ng isang magkapares na maglalahad ng kanilang sagot sa buong klase.

Ipakita ang p. 7 at itanong: Bakit nag-aalala ang mga magulang ni Nina sa pahinang ito? Ano ang hindi nagagawa ni Nina? (Hayaang mag- usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Hindi nakapagsasalita si Nina. Nag-aalalala ang magulang niya.

Ipakita ang p. 9 at itanong: Saan dinala si Nina upang magpatingin? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Nagpatingin si Nina sa mga espesyalista pero hindi ito nakatulong sa kaniya.

Ipakita ang pp. 12-13 at itanong: Ano ang sinabi ng mga kapitbahay ni Nina nang malaman nilang hindi siya makapagsalita? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Pinagusapan at pinagtsismisan ng mga taga- Daldalina ang kawalan ng boses ni Nina.

Ipakita ang p. 14 at itanong: Ano ang ginawa ni Nina nang kinutya siya ng mga taga-Daldalina? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago

113 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Sa lungkot ni Nina, nagpasya siyang umalis ng Daldalina upang hanapin ang kaniyang boses.

Ipakita ang p. 17 at itanong: Saan nagpunta si Nina at ano ang nakita niya? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Naglakbay si Nina sa gubat, bundok, at dagat. Ngunit hindi pa rin niya nakita ang kaniyang boses.

Ipakita ang p. 19 at itanong: Ano ang ginagawa ni Nina dito sa parke? Ano ang nararamdaman niya? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Pagod at malungkot, naupo si Nina sa isang parke.

Ipakita ang p. 21 at itanong: Sino ang nakita ni Nina dito sa parke? Ano ang ginagawa niya? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Napansin ni Nina ang isang pintor na tahimik sa paggawa ng larawan.

Ipakita ang p. 23 at itanong: Ano ang ginawa ni Nina dahil sa inspirasyon ng pintor sa parke? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Naisip ni Nina na gayahin ang pintor at iguhit ang kaniyang nakikita at nararamdaman.

Ipakita ang p. 25 at itanong: Ano ang nangyari nang bumalik si Nina sa Daldalina? Kaagad ba siyang tinanggap ng mga kababayan niya? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Nang bumalik si Nina sa Daldalina, hindi siya agad-agad tinanggap ng mga kababayan niya.

Ipakita ang p. 27 at itanong: Ano ang ipinakita ni Nina na nagpatahimik sa mga taga-Daldalina? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Nang ipakita ni Nina ang mga larawang ginuhit niya, napatahimik sa paghanga ang mga taga-Daldalina.

Ipakita ang p. 29 at itanong: Ano ang ginagawa ng mga taga- Daldalina kay Nina dito sa larawan? Paano nagtapos ang kuwento ni Nina? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.) Isulat sa pisara: Lubos na ikinatuwa ng kaniyang kababayan si Nina. Tinanggap nila sa wakas ang isang walang imik sa bayan ng Daldalina.

Basahin ang mga isinulat na pangungusap sa pisara. Pagkatapos,

114 YUNIT 3 ARALIN 26

tanungin ang mga bata: talaan Nagustuhan ba ninyo ang kuwento? Ano ang pinakagusto ninyo sa kuwentong napakinggan? • May nabasa na ba kayong ibang libro o narinig na ibang kuwento na may kaparehong mensahe sa kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina? Ano ang pamagat ng kuwento? Sino ang bida dito? • Irerekomenda ba ninyo ang kuwentong ito sa inyong kaibigan? Bakit? PAGTATAPOS 3 Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa natutuhan ng mga bata ngayong araw.

Papalakpak sila nang malakas na malakas kapag lubusan silang sumasang-ayon sa pangungusap na babanggitin ninyo. Papalakpak sila ng mahina kung medyo sang-ayon sila pero hindi pa lubusan. At hindi sila papalakpak kung hindi sila sang-ayon sa babanggitin ninyo:

• Alam na alam ko na kung ano ang salitang kilos. • Alam na alam ko na kung paano tukuyin ang aksiyon o salitang kilos sa isang pangungusap. • Alam na alam ko na kung paano gamitin ang salitang kilos sa sarili kong pangungusap. • Alam na alam ko na ang mga pangyayari sa kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina. • Gustong-gusto ko ang pakikinig sa kuwento at pagbasa ng aklat. • Kaya ko nang magbasa ng mga salita nang mag-isa.

Itala ang mga bata na hindi pumalakpak sa bawat pangungusap at magplano ng gawain upang tulungan sila sa pagkatuto ng mga kakayanang hindi pa nila kabisado.

MGA LAYUNIN ARAW (1) F1PL-0a-j-6 Naipakikita ang hilig sa pagbasa (2) F1WG-IIIe-g-5 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan 3

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN 1 Gamitin ang panahon para sa bahaginan sa pagtalakay kung ano ang nagustuhan ng mga bata sa kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina. Tumawag ng tatlong bata na maglalahad tungkol dito. Maaari nilang gamitin ang sumusunod na halimbawang panimula na nakasulat sa pisara: Nagustuhan ko ang kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina dahil ______.

115 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Magbigay ng halimbawang pangungusap upang higit na maintindihan ng mga bata ang gagawin nila. Halimbawa: Nagustuhan ko ang kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina dahil pursigido si Nina na mahanap ang boses niya.

Tawagin ang tatlong bata na hindi pa gaanong nakapaglalahad sa klase upang magbahagi ng kanila opinyon at ideya tungkol sa kuwento. 2 PAGSASANAY: MGA SALITANG KILOS Balikan ang mga pangungusap na nabuo kahapon sa muling pagsalaysay ng kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina. Magkabit ng manila paper kung saan nakasulat ang sumusunod:

• Hindi nakapagsasalita si Nina. Nag-aalalala ang magulang niya. • Nagpatingin si Nina sa mga espesyalista pero hindi ito nakatulong sa kaniya. • Pinag-usapan at pinag-tsismisan ng mga taga-Daldalina ang kawalan ng boses ni Nina. • Sa lungkot ni Nina, nagpasya siyang umalis ng Daldalina upang hanapin ang kaniyang boses. • Naglakbay si Nina sa gubat, bundok, at dagat. Ngunit hindi pa rin niya nakita ang kaniyang boses. • Pagod at malungkot, naupo si Nina sa isang parke. • Napansin ni Nina ang isang pintor na tahimik sa paggawa ng larawan. • Naisip ni Nina na gayahin ang pintor at iguhit ang kaniyang nakikita at nararamdaman. • Nang bumalik si Nina sa Daldalina, hindi siya agad-agad tinanggap ng mga kababayan niya. • Nang ipakita ni Nina ang mga larawang ginuhit niya, napatahimik sa paghanga ang mga taga-Daldalina. • Lubos na ikinatuwa ng kaniyang kababayan si Nina. Tinanggap nila sa wakas ang isang walang imik sa bayan ng Daldalina.

Basahin ang bawat pangungusap. (Maaari ring tawagin ang ilang bata na gagamit ng kilos upang iarte ang nagaganap sa mga pangungusap.)

Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga salitang kilos sa bawat pangungusap at salungguhitan ang mga ito. Idiin na ang salitang kilos ay ang salita na nagpapakita ng aksiyon sa pangungusap. Aling salita ang nagpapakita ng kilos, galaw, ginagawa, o aksiyon? Ito ang salitang kilos.

Matapos matukoy at masalungguhitan ang lahat ng salitang kilos, basahin muli ang mga pangungusap kasabay ng mga mag-aaral. Palakasan ang pagbigkas nila sa mga salitang kilos.

116 YUNIT 3 ARALIN 26

Bigyan ng gawaing magkapares ang mga magkatabi. Ang bawat pares talaan ay bubuo ng sarili nilang pangungusap gamit ang isa o dalawang salitang kilos mula sa mga pangungusap sa manila paper. Iuulat nila ito sa harap ng klase, ngunit hindi nila bibigkasin ang mga salitang- kilos. Ikikilos lamang nila ito. Huhulaan ng kanilang kaklase kung ano ang salitang hindi binigkas. Bigyan ang mga pares ng limang minuto para mag-usap at magplano ng kanilang gagawin. Matapos ang limang minuto, tumawag ng limang pares na magpapakita ng kanilang gawain sa harap ng klase. Huhulaan ng ibang mag-aaral ang salitang kilos na naaayon sa inarte o ikinilos ng naglahad. PAGTATAPOS 3

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magpakuwento sa inyong magulang o iba pang kapamilya ng isang kuwentong pambata. Maghandang ilahad ang kuwentong ito sa buong klase bukas.

MGA LAYUNIN ARAW (1) F1PN-IIIf-9 Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang kuwento (2) F1KM-IIIe-2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga 4 salita

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN 1 Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay kahapon para sa bahaginan ngayong araw. Sa muling pagkukuwento nila sa klase ng ikinuwento sa kanila ng kanilang magulang o kapamilya, hindi nila sasabihin kung paano natapos ang kuwento. Ipahuhula nila sa buong klase kung ano sa palagay nila ang kasunod na pangyayari sa kanilang kuwento.

Sabihin: Para sa bahaginan natin ngayong araw, tatawag ako ng ilang mag-aaral na maglalahad sa klase tungkol sa kanilang takdang-aralin. Ang takdang-aralin ninyo kahapon ay ang magpakuwento ng isang kuwentong pambata sa inyong kapamilya. Sino dito ang nakapakinig ng kuwento mula sa isang kapamilya? Ang gagawin ninyo sa ating bahaginan ay ilahad sa klase ang ikinuwento sa inyo. Hindi ninyo tatapusin ang kuwento— ipapahula ninyo sa buong klase kung ano sa tingin nila ang naging katapusan o ang kasunod na pangyayari sa inyong kuwento.

Tumawag ng tatlong bata para maglahad ng kuwentong narinig nila mula sa kanilang kapamilya. Ipatigil ang kanilang paglalahad sa punto bago magtapos ang kuwento. Ipasabi sa kanila ang susunod na

117 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan pangungusap (isulat din ito sa pisara upang magabayan ang batang naglalahad): Hulaan ninyo kung ano ang susunod na nangyari?

Tumawag ng mga bata na nais manghula ng susunod na pangyayari. Gagamitin nila ang halimbawang panimula katulad nito: Hula ko, ang susunod na nangyari ay ______.

Ilang posibleng halimbawa ng kuwento: • “Inutusan si Juan Tamad ng kaniyang nanay na bumili ng alimasag sa palengke. Mabigat ang mga alimasag. Tinamad si Juan sa kakadala sa mga ito. Pinakawalan niya ang mga alimasag at pinauwi sa kanilang bahay. Hulaan ninyo kung ano ang susunod na nangyari?” • “Nakahuli ng maliit na daga ang isang leon. Nagmakaawa ang daga sa leon na pakawalan siya, at nangakong kapag gawin niya ito, tutulungan niya ang leon balang araw. Napatawa ang leon sa ideya na matutulungan siya ng isang maliit na daga. Nakawala ang daga mula sa leon. Minsan, nakita ng daga ang leon na hindi makalakad dahil may tinik sa kaniyang paa. Hulaan ninyo kung ano ang susunod na mangyayari?”

Tulungan ang mga bata na naglalahad ng kanilang kuwento, o nanghuhula sa susunod na mangyayari, sa pagsasaayos ng kanilang mga pangungusap.

PAGSASANAY: PAGSUSULAT NG 2 PANGUNGUSAP GAMIT ANG SALITANG KILOS

Ipaalala sa mga mag-aaral ang tinalakay kahapon tungkol sa salitang kilos. Itanong sa kanila kung paano nila matutukoy ang salitang kilos sa isang pangungusap.

Sabihin: Kahapon, tinukoy ninyo ang mga salitang kilos mula sa ilang pangungusap na nagsasalaysay sa pangyayari sa kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina. Ano ang palatandaan ninyo upang matukoy ang salitang kilos sa isang pangungusap? Ano ang ipinapakita ng salitang kilos? (posibleng sagot: aksiyon, kilos, galaw, ginagawa)

Iugnay ang hilig ni Nina sa pagguhit sa sariling mga kinahihiligang gawin ng mga bata. Tulungan silang ilahad at isulat kung ano ang hilig nilang gawin.

Sabihin: Sa kuwentong tinalakay natin kahapon, nakita ni Nina ang kaniyang boses sa paggawa ng isang bagay na nakahiligan niya. Kayo, ano ang mga bagay na hilig ninyong gawin? Anong salitang kilos ang magpapakita kung ano ang hilig ninyong gawin? Ilahad nga ninyo sa klase. Maaari ninyong gamitin ang mga halimbawang panimula na ito:

Mahilig akong ______. Marunong akong ______. Masaya ako kapag ako’y nag-______.

118 YUNIT 3 ARALIN 26

Tumawag ng ilang bata na gagamit ng mga halimbawang panimulang talaan ito upang magbahagi ng kanilang pangungusap. Isulat ang mga pangungusap nila sa pisara at ipabasa muli sa kanila.

Hikayatin ang bawat mag-aaral na magsulat sa kanilang kuwaderno ng isang pangungusap na gumagamit ng salitang kilos at nagsasaad kung ano ang kanilang hilig gawin. Umikot sa buong klase habang isinasagawa nila ito at tulungan ang mga bata na hindi pa sigurado tungkol sa pagbaybay o pagsulat ng kanilang salitang kilos. Maglaan ng limang minuto para sa gawaing ito.

Matapos ang limang minuto, patayuin ang mga bata at ipadala sa kanila ang kanilang kuwaderno. Hahanap sila ng iba pang kamag-aral na kapareho nila ng hilig. Hindi sila maaaring magsalita. Sa halip, ipapakita lamang nila ang pangungusap sa kanilang kuwaderno. Hahanapin nila ang mga kaklase na pareho ang salitang kilos na isinulat sa isinulat nila. Kapag nagtagpo na ang mga magkakapareho ng hilig/salitang kilos, ipalahad sa kanila nang sabay sabay kung ano ang kanilang hilig gawin. (Halimbawa: Kami ay mahilig gumuhit. Kami ay mahilig magsayaw. Kami ay mahilig kumanta.)

PAGTATAPOS 3

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ipakita sa inyong magulang ang pangungusap na isinulat ninyo tungkol sa hilig ninyong gawin. Tanungin ang inyong magulang kung ano ang hilig nilang gawin noong kasing edad ninyo sila. Magpatulong sa kanila sa pagsulat ng pangungusap tungkol dito sa inyong kuwaderno.

LAYUNIN ARAW (1) F1KM-IIIe-2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga salita 5 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT 1 Simulan ang klase sa muling pag-awit ng kantang Mamang Sorbetero. Magpaskil ng kopya ng titik ng awiting ito sa pisara. (Matatagpuan ang tono at titik ng awit na ito sa Internet: http://www.youtube. com/watch?v=x5XRydoIJFo ) Iugnay ang awitin sa mga paksang pinag-aralan kahapon: mga salitang kilos.

119 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Sabihin: Kahapon, gumamit tayo ng mga salitang kilos sa pagtalakay ng bagay na hilig nating gawin. Ngayon naman, tutukuyin natin sa awiting ito kung ano ang mga salitang kilos na ginamit sa titik ng kanta. Kapag darating tayo sa salitang iyon sa ating pag-awit, tatahimik lang tayo. Imbes na kantahin ang salitang kilos, magpapakita lamang tayo ng galaw para sa salitang iyon.

Basahin muna nang mabagal ang titik ng awitin at tanungin sa mga bata kung ano ang salitang kilos sa bawat linya. Salungguhitan ito, at tanungin sila kung anong kilos o galaw ang gagawin nila para sa salitang iyon. Pangunahan ang muling pag-awit ng kanta, at siguruhing tahimik lang ang mga bata kapag dumating sa isang salitang kilos.

2 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang pinag- aralan sa linggong ito. Tanungin sa mga bata ang sumusunod, at sasagutin ito ng bata nang palahad.

• Ipaliwanag sa sariling pananalita, o gamitin sa isang pangungusap, ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo): kinakain, tinatahi, sinusukat, sinusuot, ginigisa, tinutugtog. • Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung aling salita ang salitang kilos, o ang salitang nagpapakita kung ano ang aksyon na nangyayari sa pangungusap. (Basahin ayon sa pagkakasunod-sunod. Pumili ng isang pangungusap para sa bawat bata sa grupo. Sasagot ng isang tanong ang bawat bata sa grupo.) –– Hindi nakapagsasalita si Nina. Nag-aalalala ang magulang niya. –– Nagpatingin si Nina sa mga espesyalista pero hindi ito nakatulong sa kaniya. –– Pinag-usapan at pinag-tsismisan ng mga taga-Daldalina ang kawalan ng boses ni Nina. –– Sa lungkot ni Nina, nagpasya siyang umalis ng Daldalina upang hanapin ang kaniyang boses. –– Naglakbay si Nina sa gubat, bundok, at dagat. Ngunit hindi pa rin niya nakita ang kaniyang boses. –– Pagod at malungkot, naupo si Nina sa isang parke. –– Napansin ni Nina ang isang pintor na tahimik sa paggawa ng larawan. –– Naisip ni Nina na gayahin ang pintor at iguhit ang kaniyang nakikita at nararamdaman. –– Nang bumalik si Nina sa Daldalina, hindi siya agad-agad tinanggap ng mga kababayan niya. –– Nang ipakita ni Nina ang mga larawang ginuhit niya, napatahimik sa paghanga ang mga taga-Daldalina.

120 YUNIT 3 ARALIN 26

–– Lubos na ikinatuwa ng kaniyang kababayan si Nina. Tinanggap nila sa talaan wakas ang isang walang imik sa bayan ng Daldalina.

Kompletuhin at isulat sa inyong kuwaderno ang pangungusap na ito: Mahilig akong _____. Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga bata, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na pangkat ng 5-10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga bata. (Gawain 3b)

Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagsulat ng idiniktang pangungusap.

Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga bata sa kanilang kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na gabay o tulong. b. Gawain Para sa Mga Batang Naghihintay Ihambing ang sarili ninyo kay Nina ng Daldalina. Kompletuhin ang pangungusap na ito at isulat sa inyong kuwaderno:

Kung si Nina ay magaling gumuhit, ako naman ay magaling ______.

Gumuhit ng larawan na nagpapakita sa inyong inilahad sa inyong pangungusap. PAGTATAPOS 3

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pag-isipan kung paano ninyo magagamit ang kinahihiligan ninyong gawain upang makatulong sa inyong pamilya, komunidad o bansa? Maghandang maglahad tungkol dito sa susunod na linggo.

121

YUNIT 3 ARALIN 27

ARALIN 27

GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG FILIPINO

TEMA: Pagtulong sa Aking Komunidad – Pagiging Mabuting Mamamayan KUWENTO: Ako’y Isang Mabuting Pilpino

123 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 27

Tema: Pagtulong sa Aking Komunidad – Pagiging Mabuting Mamamayan Kuwento: Ako’y Isang Mabuting Pilpino

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang mga paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- naobserbahang pangyayari sa kanilang personal na karanasan gabay araw paaralan (o mula sa sariling karanasan) WG • F1WG-IIIe-g-5 • Bahaginan • Pagbigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig sa halimbawang panimula at Nagagamit ang mga salitang kilos halimbawang pangungusap halimbawang pangungusap sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang • Paggabay sa mga bata sa kanilang paglalahad • Paglalahad sa buong klase gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapaunlad ng Talasalitaan • Pagsulat ng tututukang salita sa pisara • Pagmasid sa mga salita 1 Natutukoy ang kahulugan ng salita • Pagbasa ng mga pangungusap na gamit ang • Pakikinig sa mga pangungusap batay sa kasingkahulugan tututukang salita • Paglahok sa talakayan tungkol sa mga salita • Pagtatanong tungkol sa salita at pangungusap • Pagkopya sa mga salita • Pagsulat ng kahulugan sa pisara • Pagbasa sa mga salita • Pagpapabasa sa mga bata ng mga salita • Pagbubuo ng pangungusap gamit ang mga salita • Pagpapagamit sa mga bata ng mga pinag- aralang salita sa isang pangungusap PN • F1PN-IIIg-3 • Ako’y Isang Mabuting Pilipino • Pagtatanong habang nagbabasa at pagkatapos • Pakikilahok sa talakayan at pagsagot sa mga Nasasagot sa mga tanong tungkol sa basahin ang tula/tugma tanong napakinggang tugma/tula AL • F1AL-IIIg-6 • Ako’y Isang Mabuting Pilipino • Pagpapakita sa teksto at larawan ng aklat • Pagmasid sa aklat habang binabasa ng guro Nasusundan ang pagkakasulat ng 2 teksto ayon sa anyo PS • F1PS-IIIg-1 • Ako’y Isang Mabuting Pilipino • Pagtatanong pagkatapos basahin ang kuwento • Pagtugon sa mga tanong ng guro Naipapahayag ang sariling ideya/ damdamin o reaksyon tungkol sa sa napakinggang tugma/tula KP • F1KP-IIIg-9 • Pagbabalik-aral: Ako’y Isang • Pagpapakita ng titik ng “Ako’y Isang Mabuting • Pagmasid sa titik ng kanta Nakapagbibigay ng mga salitang Mabuting Pilipino Pilipino” at pag-awit dito • Pagtugon sa tanong ng guro ukol sa mga salita magkakatugma • Pagpapansin sa mga bata sa mga salita sa dulo sa dulo ng bawat linya ng bawat linya • Pagbasa ng bawat linya at pagtukoy sa mga 3 • Pagpapabasa sa bawat dalawang linya at salitang magkatugma pagtanong kung aling salita ang magkatugma • Pagkopya ng listahan • Paglista ng mga salitang magkatugma • Pagbasa sa listahan ng salita • Paggabay sa pagbasa ng listahan ng salitang magkatugma LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

124 YUNIT 3 ARALIN 27

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 27

Tema: Pagtulong sa Aking Komunidad – Pagiging Mabuting Mamamayan Kuwento: Ako’y Isang Mabuting Pilpino

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang mga paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- naobserbahang pangyayari sa kanilang personal na karanasan gabay araw paaralan (o mula sa sariling karanasan) WG • F1WG-IIIe-g-5 • Bahaginan • Pagbigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig sa halimbawang panimula at Nagagamit ang mga salitang kilos halimbawang pangungusap halimbawang pangungusap sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang • Paggabay sa mga bata sa kanilang paglalahad • Paglalahad sa buong klase gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapaunlad ng Talasalitaan • Pagsulat ng tututukang salita sa pisara • Pagmasid sa mga salita 1 Natutukoy ang kahulugan ng salita • Pagbasa ng mga pangungusap na gamit ang • Pakikinig sa mga pangungusap batay sa kasingkahulugan tututukang salita • Paglahok sa talakayan tungkol sa mga salita • Pagtatanong tungkol sa salita at pangungusap • Pagkopya sa mga salita • Pagsulat ng kahulugan sa pisara • Pagbasa sa mga salita • Pagpapabasa sa mga bata ng mga salita • Pagbubuo ng pangungusap gamit ang mga salita • Pagpapagamit sa mga bata ng mga pinag- aralang salita sa isang pangungusap PN • F1PN-IIIg-3 • Ako’y Isang Mabuting Pilipino • Pagtatanong habang nagbabasa at pagkatapos • Pakikilahok sa talakayan at pagsagot sa mga Nasasagot sa mga tanong tungkol sa basahin ang tula/tugma tanong napakinggang tugma/tula AL • F1AL-IIIg-6 • Ako’y Isang Mabuting Pilipino • Pagpapakita sa teksto at larawan ng aklat • Pagmasid sa aklat habang binabasa ng guro Nasusundan ang pagkakasulat ng 2 teksto ayon sa anyo PS • F1PS-IIIg-1 • Ako’y Isang Mabuting Pilipino • Pagtatanong pagkatapos basahin ang kuwento • Pagtugon sa mga tanong ng guro Naipapahayag ang sariling ideya/ damdamin o reaksyon tungkol sa sa napakinggang tugma/tula KP • F1KP-IIIg-9 • Pagbabalik-aral: Ako’y Isang • Pagpapakita ng titik ng “Ako’y Isang Mabuting • Pagmasid sa titik ng kanta Nakapagbibigay ng mga salitang Mabuting Pilipino Pilipino” at pag-awit dito • Pagtugon sa tanong ng guro ukol sa mga salita magkakatugma • Pagpapansin sa mga bata sa mga salita sa dulo sa dulo ng bawat linya ng bawat linya • Pagbasa ng bawat linya at pagtukoy sa mga 3 • Pagpapabasa sa bawat dalawang linya at salitang magkatugma pagtanong kung aling salita ang magkatugma • Pagkopya ng listahan • Paglista ng mga salitang magkatugma • Pagbasa sa listahan ng salita • Paggabay sa pagbasa ng listahan ng salitang magkatugma LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

125 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PL • F1PL-0a-j-7 • Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig sa halimbawang panimula at Naibabahagi ang karanasan sa halimbawang pangungusap pangungusap pagbasa upang makahikayat ng • Paghikayat sa mga bata na maglahad tungkol sa • Paglalahad tungkol sa nabasang aklat pagmamahal sa pagbasa nabasang aklat 3 EP • F1EP-IIIg-2.1 • Pagbabalik-aral: Ako’y Isang • Pagtatanong tungkol sa listahan na nakasulat • Pakikilahok sa talakayan Nabibigyang-kahulugan ang mga Mabuting Pilipino sa pisara • Pagbubuo ng simpleng talaan simpleng talaan • Paggabay sa mga bata sa pagbubuo ng simpleng • Pagbasa sa nabuong talaan talaan batay sa mga salita sa aklat/kanta • Pagpapabasa sa nabuong talaan EP • F1EP-IIIg-2.1 • Pagbabalik-aral • Pagbasa at pagtalakay sa Panatang Makabayan • Pagbigkas ng Panatang Makabayan Nabibigyang-kahulugan ang mga • Pagtatanong kung aling salita mula sa panata • Pakikilahok sa talakayan simpleng talaan ang magkakatugma • Pagtukoy ng mga salitang magkatugma KP • F1KP-IIIg-9 • Paglista ng sagot ng mga bata sa pisara • Pagkopya sa listahan ng salitang magkatugma 4 Nakapagbibigay ng mga salitang • Paggabay sa mga bata sa pagbubuo ng simpleng • Pagbubuo ng simpleng talaan batay sa isinasaad magkakatugma talaan batay sa sinasabi sa Panatang Makabayan ng Panatang Makabayan • Paggabay sa mga bata sa pagsagawa ng • Pagsagawa ng dula-dulaan sa gawaing maikling dula-dulaan sa gawaing pangkatan pangkatan

PN • F1PN-IIIg-3 • Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig sa halimbawang panimula at Nasasagot sa mga tanong tungkol sa hallimbawang pangungusap pangungusap 5 napakinggang tugma/tula • Paghikayat sa mga bata na maglahad ng • Paglalahad ng kanilang ideya tungkol sa Ako’y kanilang ideya Isang Mabuting Pilipino LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

126 YUNIT 3 ARALIN 27

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PL • F1PL-0a-j-7 • Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig sa halimbawang panimula at Naibabahagi ang karanasan sa halimbawang pangungusap pangungusap pagbasa upang makahikayat ng • Paghikayat sa mga bata na maglahad tungkol sa • Paglalahad tungkol sa nabasang aklat pagmamahal sa pagbasa nabasang aklat 3 EP • F1EP-IIIg-2.1 • Pagbabalik-aral: Ako’y Isang • Pagtatanong tungkol sa listahan na nakasulat • Pakikilahok sa talakayan Nabibigyang-kahulugan ang mga Mabuting Pilipino sa pisara • Pagbubuo ng simpleng talaan simpleng talaan • Paggabay sa mga bata sa pagbubuo ng simpleng • Pagbasa sa nabuong talaan talaan batay sa mga salita sa aklat/kanta • Pagpapabasa sa nabuong talaan EP • F1EP-IIIg-2.1 • Pagbabalik-aral • Pagbasa at pagtalakay sa Panatang Makabayan • Pagbigkas ng Panatang Makabayan Nabibigyang-kahulugan ang mga • Pagtatanong kung aling salita mula sa panata • Pakikilahok sa talakayan simpleng talaan ang magkakatugma • Pagtukoy ng mga salitang magkatugma KP • F1KP-IIIg-9 • Paglista ng sagot ng mga bata sa pisara • Pagkopya sa listahan ng salitang magkatugma 4 Nakapagbibigay ng mga salitang • Paggabay sa mga bata sa pagbubuo ng simpleng • Pagbubuo ng simpleng talaan batay sa isinasaad magkakatugma talaan batay sa sinasabi sa Panatang Makabayan ng Panatang Makabayan • Paggabay sa mga bata sa pagsagawa ng • Pagsagawa ng dula-dulaan sa gawaing maikling dula-dulaan sa gawaing pangkatan pangkatan

PN • F1PN-IIIg-3 • Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig sa halimbawang panimula at Nasasagot sa mga tanong tungkol sa hallimbawang pangungusap pangungusap 5 napakinggang tugma/tula • Paghikayat sa mga bata na maglahad ng • Paglalahad ng kanilang ideya tungkol sa Ako’y kanilang ideya Isang Mabuting Pilipino LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

127 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN (1) F1WG-IIIe-g-5 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan 1 (2) F1PP-IIIh-1.4 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Gamitin ang takdang-aralin para sa bahaginan ngayong araw. Tulungan ang mga bata sa paglalahad kung paano nila magagamit ang kanilang hilig gawin upang matulungan ang kanilang pamilya, komunidad, o bansa.

Sabihin: Napag-isipan ba ninyo nitong Sabado o Linggo ang ibinigay ko sa inyong takdang-aralin? Paano ninyo magagamit ang inyong hilig gawin upang makatulong sa inyong pamilya, komunidad o bansa? Ito ang ilalahad ninyo sa inyong mga kaklase ngayong araw. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Mahilig akong ______. Makatutulong ito sa aking _____ dahil puwede akong ______.

Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mas maintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang gagawing pagbabahagi. Halimbawa: Mahilig akong magbasa. Makatutulong ito sa aking komunidad dahil puwede akong magbabasa ng kuwento para sa mga mas nakababata kaysa sa akin.

Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa klase upang magbahagi ng kanilang ideya. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap kung kinakailangan.

PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN 2 Ilahad sa mga mag-aaral ang tema para sa linggong ito, at ihanda sila para sa aklat na babasahin bukas.

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa pagiging mabuting mamamayan. Kanina, sa ating bahaginan, nagbigay na kayo ng ilang halimbawa kung paano kayo makatutulong sa inyong komunidad. Ang pagtulong sa komunidad ay isang halimbawa ng maaari nating gawing bilang mabuting mamamayan. Bukas, may babasahin tayong aklat tungkol sa temang ito. Pero bago natin ito basahin bukas, pag-aralan muna natin ang ilang salita na makikita natin sa aklat bilang paghahanda.

128 YUNIT 3 ARALIN 27

Isulat ang sumusunod na mga salita sa pisara: tungkulin, talaan alituntunin, pasiga-siga, nakahambalang, bumubuga, kapaligiran, karangalan.

Tanungin ang klase kung may nais sumubok na basahin nang malakas ang mga salitang isinulat ninyo sa pisara. Tawagin ang nais magbasa para sa klase. Tulungan sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng paalala tungkol sa pagsasatunog ng mga letra kung kinakailangan.

Tulungan ang mga batang tuklasin ang kahulugan ng mga salita sa pisara sa pamamagitan ng pagbasa at pagtalakay ng sumusunod sa pangungusap:

Pangungusap 1: Tungkulin ko bilang guro ang siguruhin na ang lahat ng bata sa klase ay matuto. Itanong: Ano ang tungkulin ko bilang guro? Kayo, ano ang tungkulin ninyo bilang mag-aaral? Ano kaya ang ibig sabihin ng tungkulin? Isulat: tungkulin = dapat gawin, obligasyon

Pangungusap 2: Ayon sa alituntunin ng paaralan, bawal ang magkalat ng basura kung saan-saan. Itanong: Ano daw ang bawal ayon sa alituntunin ng paaralan? Ano kaya ang kinalaman ng pagbabawal sa ilang aksiyon sa salitang “alituntunin”? Ano ang tawag natin sa mga bagay na nagsasabi kung ano ang bawal at kung ano ang dapat gawin ng lahat ng tao? Isulat: alituntunin = batas, regulasyon, mga dapat sundin ng lahat

Pangungusap 3: Nananakot at nanggugulo na naman ang mga pasiga-sigang tambay sa kanto. Itanong: Nakakita na ba kayo ng mga pasiga-siga na tambay sa kanto? Ano ang ginagawa nila? Maganda ba ang ipinapakita nilang asal? Ano kaya ang ibig sabihin ng pasiga-siga? Isulat: pasiga-siga = nananakot sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihan, nanggugulo

Pangungusap 4: Hindi makadaan ang mga sasakyan dahil nakahambalang sa kalye ang tumigil na trak. Itanong: Aling mga salita dito sa pangungusap ang magagamit nating palatandaan sa kahulugan ng “nakahambalang”? Bakit hindi makadaan ang mga sasakyan kapag may nakahambalang? Maliit kaya o malaki ang bagay na kayang mambara sa kalye? Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “nakahambalang”? Isulat: nakahambalang = nakabara

Pangungusap 5: Napatakip sila ng kanilang ilong at bibig nang mapadaan sila sa tabi ng jeep na bumubuga ng maitim na usok. Itanong: Nakakita na ba kayo ng jeep na bumubuga ng maitim na usok? Ano ang ibig sabihin ng “bumubuga”? Ano pa ang bumubuga bukod sa sasakyan? Isulat: bumubuga = naglalabas ng usok

129 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Pangungusap 6: Napakaganda ng ating kapaligiran kapag maraming puno, malinis ang hangin, at may iba-ibang halaman. Itanong: Ano ang mga bagay na binanggit sa pangungusap na bumubuo sa kapaligiran? Ano ang nakikita ninyong mas maikling salita sa loob ng salitang “kapaligiran”? (sagot: paligid) Ano kaya ang ibig sabihin ng kapaligiran? Isulat: kapaligiran = mga likas-yaman at iba pang bagay sa ating paligid

Pangungusap 7: Sa dami ng napalunan ni Lea Salonga, binigyan niya ng karangalan ang ating bansa. Itanong: Ano kaya ang kinalaman ng mga napanalunan ni Lea Salonga sa salitang “karangalan”? May nakikita ba kayong mas maikling salita sa loob ng salitang “karangalan”? (sagot: dangal) Ano ang ibig sabihin ng “dangal”? Ano kaya ang ibig sabihin ng “karangalan”? Isulat: karangalan = magandang reputasyon

Ipabasa muli sa mga bata ang bawat salitang pinag-aralan. Banggitin ang kahulugan ng bawat salita matapos ito basahin ng mga bata.

Tumawag ng ilang bata na makagagamit ng mga salitang ito sa sarili nilang pangungusap.

Ipakopya sa mga bata ang talasalitaan para sa araw na ito.

PAGTATAPOS 3

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Basahin para sa inyong magulang ang talasalitaan para sa araw na ito. Tanungin sila kung ano sa tingin nila ang kinalaman ng mga salitang ito sa pagiging mabuting mamamayan.

ARAW MGA LAYUNIN (1) F1PN-IIIg-3 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tugma/tula (2) F1AL-IIIg-6 Nasusundan ang pagkakasulat ng teksto ayon sa anyo 2 (3) F1PS-IIIg-1 Naipapahayag ang sariling ideya/damdamin o reaksyon tungkol sa sa napakinggang tugma/tula

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Iugnay ang tema para sa linggong ito sa gagawing bahaginan. Mag- palahad sa mga bata ng ilang simpleng bagay na maaari nilang gawin upang ipakita na sila ay mabuting mamamayan.

130 YUNIT 3 ARALIN 27

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa pagiging talaan mabuting mamamayan. Mahirap bang maging mabuting mamamayan? May mga maaari bang gawin ang mga batang tulad ninyo upang ipakita na kayo ay mabuting Pilipino? Ano-ano ang mga ito? Ito ang paksa ng ating bahaginan ngayong araw. Maglahad ng isang bagay na kaya ninyong gawin upang maipakita na kayo ay isang mabuting Pilipino. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Puwede akong ______upang ipakita na mabuti akong Pilipino.

Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap para mas maipakita ang gagawin ng mga maglalahad. Halimbawa: Puwede akong mamulot ng maliliit na kalat sa aking paligid upang ipakita na mabuti akong Pilipino.

Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa klase upang maglahad ng kanilang ideya.

PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG SA AKLAT/TUGMA 2 a. Paghahawan ng Balakid Ipakita at basahing muli ang talasalitaan na tinalakay kahapon. Ipabasa sa mga bata ang mga salita at tanungin sila kung ano ang kahulugan ng bawat isa. b. Pagganyak Ipakita ang pabalat ng aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino. Basahin ang pamagat, ang pangalan ng may-akda (Noel Cabangon), at ang pangalan ng tagaguhit (Jomike Tejido).

Tanungin ang mga bata kung ano ang nakikita nila sa larawan sa pabalat. May nakikita ba sila ritong halimbawa ng pagiging mabuting Pilipino? May nakikita ba sila rito na ginagawa rin nila sa kanilang sariling buhay? c. Pagganyak na Tanong Habang binabasa ko ang aklat, makinig at pagmasdan ang mga larawan, at subukang sagutin ang tanong na ito: Paano nga ba maging isang mabuting Pilipino?

HABANG BINABASA ANG AKLAT/TUGMA 3 Basahin ang kuwento nang may damdamin, at sa paraang naipapakita ang mga tugma sa loob ng aklat. Tumigil pagkabasa ng mga takdang pahina upang itanong ang sumusunod:

131 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Huminto pagkabasa ng p. 7 Itanong: Ano ang mga detalye sa larawan na nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin?

• Huminto pagkabasa ng p. 15 Itanong: Sino-sino ang nakikita ninyo dito sa larawan? Sino kaya ang nagbibigay ng tiket? Sino kaya ang hindi nagbibigay ng lagay?

• Huminto pagkabasa ng p. 19 Itanong: Paano ipinapakita ang pag-aalaga sa kapaligiran dito sa larawan? Ano ang ginagawa ng mga tao sa p. 18?

• Huminto pagkabasa ng p. 21 Itanong: Paano ipinagbubuti ng bata ang kaniyang pag-aaral dito sa larawan? Sino itong tumutulong sa kaniya?

• Huminto pagkabasa ng p. 23 Itanong: Ano pa ang ibang binabanggit dito na paraan upang ipakita ang pagpapakabuti sa pag-aaral?

• Huminto pagkabasa ng p. 25 Itanong: Paano daw pinapahalagahan ang boto? Ano daw ang hindi niya ginagawa? Bakit importante na maging tapat sa pagboboto? Ano ang nagiging resulta ng maayos na pagboboto?

• Huminto pagkabasa ng p. 29 Itanong: Ano ang ibig sabihin ng “iginagalang ko ang aking kapwa-tao”? Paano maipapakita ang paggalang sa iba?

4 TALAKAYAN TUNGKOL SA AKLAT/TUGMA Matapos basahin ang aklat, palalimin ang pagkakaintindi dito sa pamamagitan ng pagtanong ng sumusunod: • Iisang tao lang ba ng nagsasalita sa aklat? Bakit ninyo nasabi ito? • Sino ang nagsasalita sa linyang “Lagi akong nakikinig sa aking magulang, kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan”? • Sino ang nagsasalita sa linyang “Ang boto ko’y aking pinahahalagahan”? • Alin ang mga tungkulin o gawain ng mabuting Pilipino na para sa mga bata? Alin naman ang para sa mga matatanda? Alin ang dapat gawin ng lahat, bata man o matanda? • Ano ang kabuuang mensahe ng aklat? • May mga bago ba kayong naisip na paraan upang ipakita ang pagiging mabuting Pilipino dahil sa aklat na ito? Ano-ano ang mga ito?

132 YUNIT 3 ARALIN 27

talaan PAGTATAPOS 5

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng isang paraan upang maipakita ninyo na kayo ay isang mabuting Pilipino. Ipakita ito sa inyong magulang at pag-usapan ninyo ito.

MGA LAYUNIN ARAW (1) F1KP-IIIg-9 Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma (2) F1PL-0a-j-7 Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa 3 (3) F1EP-IIIg-2.1 Nabibigyang-kahulugan ang mga simpleng talaan

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN 1 Ipakita ang pabalat ng aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino. Anyayahan ang mga mag-aaral na magbanggit ng ilang bagay na nagustuhan nila tungkol sa aklat na ito.

Sabihin: Kahapon, binasa ko para sa inyo ang aklat na ito. Nagustuhan ba ninyo ang Ako’y Isang Mabuting Pilipino? Ano ang gusto ninyo tungkol dito? Ito ang paksa ng ating bahaginan ngayong araw. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

______ang nagustuhan ko tungkol sa aklat kahapon.

Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mas maipalinaw ang gagawin ng mga batang maglalahad. Halimbawa: Ang mga simpleng halimbawa kung paano maging mabuting mamamayan ang nagustuhan ko tungkol sa aklat kahapon.

Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa klase upang maglahad ng kanilang opinyon o ideya. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap kung kinakailangan.

PAGBABALIK-ARAL: AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO 2 a. Mga Salitang Magkakatugma Ipaalam sa mga mag-aaral na ang aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino ay batay sa isang kanta na isinulat ni Noel Cabangon. Ipakita ang titik ng kanta sa isang manila paper, at awitin ito o pagtutugin para sa klase.

133 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan (Matatagpuan ang tono ng awit na ito sa Internet: http://youtu.be/ hkfOuCzJl78 ) Matapos awitin nang isang beses, pasabayin ang mga bata sa pagkanta.

Tanungin ang mga bata kung ano ang napapansin nila sa mga salita sa dulo ng bawat linya. (sagot: pareho ang dulong tunog ng mga salita) Tanungin sila kung naaalala pa nila ang tawag sa mga salita na may kaparehong dulong pantig o dulong tunog. (sagot: salitang magkatugma)

Basahin ang bawat dalawang linya ng kanta. Tanungin sa mga bata kung aling mga salita ang magkatugma at isulat ito sa pisara. Gawin ito sa bawat dalawang linya hanggang matapos ang buong kanta.

Ipabasa sa mga bata ang listahan ng mga salitang magkatugma: • Pilipino – ko • tungkulin – alituntunin • tawiran – sakayan • unahan – lansangan • kalsada – pula • lagay – ibinibigay • kanto – puno • lansangan – sasakyan • basurahan – kapaligiran • karangalan – kayamanan • kinabukasan – pinahahalagahan • bayan – pinapayagan • mamamayan – bayan • tao - ko

Itanong: Sa isang kanta o tula, saan madalas matagpuan ang mga salitang magkatugma?

b. Pagbibigay-Kahulugan sa Simpleng Talaan Ituon ang pansin ng mga bata sa listahan ng mga salitang magkakatugma.

Itanong: • Ano ang tawag sa ganitong pagkakatipon ng salita na nakasulat sa ganitong paraan? (Sagot: listahan o talaan) • Paano nalalaman kung tungkol saan o para saan ang isang listahan? Ano ang karaniwang nakikita sa simula nito? (sagot: pamagat ng listahan/ talaan) • Kung lalagyan natin ng titulo o pamagat ang listahang ito, ano ang gagamitin o susulatin natin sa ibabaw ng talaan? (posibleng sagot: Mga salitang magkakatugma)

Isulat ang mapagkasunduang pamagat ng talaan sa simula ng listahan. Ipabasa muli sa mga mag-aaral, simula sa pamagat hanggang sa huling

134 YUNIT 3 ARALIN 27

pares ng salita sa talaan. talaan

Tulungan ang mga bata sa pagbubuo ng sarili nilang simpleng talaan, batay sa tinalakay na awit.

Sabihin: Kahapon, nakita natin na may mga nabanggit sa awit na mabubuting gawain na para sa matatanda, at mayroon din naming para sa mga bata. Gumawa tayo ngayon ng isang talaan ng ilang gawain ng mga bata upang ipakita ang pagiging mabuting Pilipino.

Una muna, bigyan natin ng pamagat ang ating talaan. Ano ang maaari nating BRIDGING gamiting pamagat? Ano nga ulit ang paksa ng ating itatala? (isulat: Mga mabuting gawain ng mga bata) Gumawa ng tsart o poster ng iba’t ibang paraan ng Ano pa ang ibang katangian ng isang talaan? Tuloy-tuloy ba ang pagkakasulat nito, katulad ng isang talata? Paano naisusulat ang isang talaan? Pansinin pagsabi ng “Ako’y Isang ninyo ang pagkakasulat ng talaan ng mga salitang magkatugma. Mabuting Pilipino” sa iba’t- ibang wika ng Pilipinas. (Lagyan ng bilang ang ilalim ng naisulat na pamagat, isa hanggang Ipabanggit sa mga bata tatlo) kung paano ito sasabihin Sabihin: Ngayon, magbigay kayo ng tatlong gawain na nabanggit sa kanta sa kanilang Mother na maaaring gawin ng mga batang katulad ninyo. Ililista ko ito dito sa ating Tongue at isulat sa talaan. isang makulay na paraan. Kumuha ng mga sagot mula sa klase. Isulat ito sa akmang espasyo sa Ipatanong din sa mga talaan. Kapag nabuo na ang tatlong gawain, pasabayin ang mga bata kapamilya o kapitbahay sa pagbabasa ng talaan. ng mga bata kung may iba Tanungin ang mga bata: pa silang alam na wika • Tungkol saan nga ulit ang talaang ito? Saan nakikita ang paksa ng ng Pilipinas at hingin sa isang talaan? mga ito ang paraan ng • Ilan ang binanggit na gawain dito sa talaan? • Ano ang pangalawang gawain na nakalista sa ating talaan? pagsabi ng “Ako’y Isang • Ano ang unang gawain na nakalista sa ating talaan? Mabuting Pilipino” sa iba- • Ano ang pangatlong gawain na nakalista sa ating talaan? ibang wika. Hikayatin ang • Hanggang tatlo lang ba ang maaaring ilaman ng isang talaan? Puwede pa ba mga bata na guhitan at nating dagdagan ang talaang ito? • Ilang bilang pa ang nais ninyong idagdag sa talaan? kulayan ang poster upang • Ano ang gawain na maaari nating idagdag dito sa talaan? mailarawan kung paano maging mabuting Pilipino. Ipaskil ang mabuong PAGTATAPOS 3 poster o tsart sa loob Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa mga pinag-aralan ng silid-aralan. ngayong araw. Ikakaway nila ang dalawang braso kung lubusan silang sumasang-ayon sa babanggitin ninyong pangungusap. Ikakaway nila ang isang braso kung bahagya silang sumasang-ayon sa pangungusap. Wala silang gagawin kung hindi sila sumasang-ayon sa pangungusap.

135 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Alam na alam ko na kung ano ang mensahe ng aklat/kantang Ako’y Isang Mabuting Pilipino. • Alam na alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng salitang magkatugma. • Alam na alam ko na kung paano intindihin ang isang talaan. • Alam na alam ko na kung paano magbigay ng dalawang salitang magkatugma. • Alam na alam ko na kung paano gumawa ng sarili kong talaan.

Pansinin ang mga batang hindi kumakaway sa bawat pangungusap na binanggit. Magplano ng gawain upang matulungan silang mas maintindihan ang mga paksang nabanggit. ARAW MGA LAYUNIN (1) F1EP-IIIg-2.1 Nabibigyang-kahulugan ang mga simpleng talaan 4 (2) F1KP-IIIg-9 Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma PANIMULANG GAWAIN: 1 “PANATANG MAKABAYAN” Simulan ang araw sa pagbigkas at pagtalakay ng “Panatang Makabayan.” Iugnay ang “Panatang Makabayan” sa tema para sa linggo (pagiging mabubuting mamamayan) at sa tinalakay na aklat/ tula/kanta kahapon (Ako’y Isang Mabuting Pilipino).

Sabihin: Kahapon, binasa natin ang aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino. Akmang-akma ito para sa ating tema tungkol sa pagiging mabuting mamamayan. Ngayong araw, talakayin naman natin ang isang pa- nata na araw-araw nating ginagawa dito sa paaralan na patungkol din sa mga dapat nating gawin bilang mabuting Pilipino. Alam ba ninyo ang tinutukoy ko? Sino ang makapagsasabi kung ano ang panata na araw-araw nating binbigkas?

Ipaskil ang manila paper kung saan nakasulat ang “Panatang Makabayan”: Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan, tahanan ng aking lahi; kinukupkop ako at tinutulungang maging malakas, masipag at marangal. Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang; susundin ko ang tuntunin ng paaralan; tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan: naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal nang buong katapatan. laalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas.

136 YUNIT 3 ARALIN 27

Ipabigkas sa klase ang “Panatang Makabayan” habang itinuturo talaan ninyo ang salitang sinasabi nila. Matapos bigkasin, tanungin ang sumusunod: • May mga salita ba sa “Panatang Makabaya”n na hindi pa gaanong malinaw sa inyo? Ano-ano ang mga ito? (Ilista at talakayin ang mga salitang ito upang maunawaan ng mga bata.) • Ayon sa panata, ano ang mga bagay na ibinibigay o inaalay sa atin ng ating bansang Pilipinas? Ano kaya ang ibig sabihin ng “kinukupkop”? Ano ang relasyon ng salitang “tahanan” sa salitang “kinukupkop”? • Paano kayo tinutulungan ng inyong bansa at gobyerno na maging malakas, masipag, at marangal? Anong mga serbisyo ang itinutulong ng gobyerno para sa inyong kapakanan? • May mga binabanggit ba dito sa “Panatang Makabayan” na narinig din ninyo kahapon nang binasa natin ang aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino? Ano-ano ito? • Ano pa ang pagkakatulad ng Panatang Makabayan at ng aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino? Ano naman ang pinagkaiba nila?

PAGBABALIK-ARAL 3 Mga Salitang Magkatugma at Paggawa ng Simpleng Talaan

Gamitin ang mga salita mula sa “Panatang Makabayan” upang balikan ang mga konsepto ng simpleng talaan at mga salitang magkakatugma.

Sabihin: Kahapon, tinalakay natin ang mga salitang magkakatugma. Bagamat hindi isang tula o tugma ang Panatang Makabayan, may makikita pa rin tayo ritong salita na may kaparehong dulong tunog. Sino ang makababanggit ng ilang salitang magkatugma na nakikita ninyo dito sa “Panatang Makabayan”?

Ilista ang mga mabanggit na mga salitang magkakatugma sa pisara.

Mga posibleng sagot: • sinilangan-tahanan-paaralan-makabayan-katapatan • marangal-mahal-nag-aaral-nagdarasal • Pilipinas-malakas • lupang-tinutulungang-magulang-mamamayang • diringgin-susundin-tuntunin-tutuparin-tungkulin

Basahin ang mga naisulat na salitang magkakatugma. Ipakopya sa mga bata ang mga salitang magkakatugma.

Tanungin ang mga bata kung may maiisip pa silang ibang salita na katugma ng bawat pangkat ng salita na binasa at binigkas. Ipasulat ito sa kanilang kuwaderno, kasama ng mga salita mula sa Panatang Makabayan. Tumawag ng ilang bata na makapagbabasa/

137 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan makapagsasabi ng mga idinagdag nilang salitang katugma ng bawat pangkat ng salita.

Tumungo naman sa pagbabalik-aral sa konsepto ng talaan o listahan.

Sabihin: Ang isa pang tinalakay natin kahapon ay tungkol sa mga talaan o listahan. Pansinin natin muli ang “Panatang Makabayan.” Ano-ano ang bagay na sinasabi nating gagawin natin dahil mahal natin ang Pilipinas? Gumawa tayo ng talaan na ito ang paksa o pamagat.

Isulat sa pisara ang pamagat ng talaan: Mga bagay na gagawin ko dahil mahal ko ang Pilipinas.

Itanong: Ano ang mga sinasabi natin sa panata na pamamaraan ng pagpakita na mahal natin ang Pilipinas? Ililista ko dito sa talaan ang mga babanggitin ninyo. Habang sinusulat ko dito sa pisara, isulat din ninyo ang talaan sa inyong kuwaderno.

Tumawag ng mga bata na makababanggit ng mga sinasabi sa Panatang Makabayan. Basahin ang mabubuong talaan at pasabayin ang mga bata. Maaaring maging ganito ang kalalabasang talaan:

Mga bagay na gagawin ko dahil mahal ko ang Pilipinas: • Diringgin ko ang payo ng aking magulang. • Susundin ko ang tuntunin ng paaralan. • Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan. • Maglilingkod, mag-aaral at magdarasal nang buong katapatan.

Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Italaga ang bawat isang numero ng talaan sa isang pangkat. Gagawa sila ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng gawain na isinasaad sa talaan na katapat ng kanilang naitalagang numero. Bigyan sila ng tatlong minuto para mag-usap. Tawagin ang bawat pangkat upang ipakita ang kanilang dula-dulaan.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Mag-isip ng iba pang aksiyon o gawain na maaari ninyong gawin upang ipakita na mahal ninyo ang Pilipinas at idagdag ito sa nasimulan nating talaan na naisulat ninyo sa inyong kuwaderno. Hindi kailangang maayos na maayos ang pagkakasulat ng inyong ideya; subukang lang na ibaybay at isulat ang inyong naisip at isama ito sa talaan.

138 YUNIT 3 ARALIN 27

talaan LAYUNIN ARAW (1) F1PN-IIIg-3 Nasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang tugma/tula

PANIMULANG GAWAIN: MULING PAG-AWIT 5 NG “AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO” 1

Ipaskil muli ang manila paper kung saan nakasulat ang titik ng awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino.” Pasabayin ang mga bata sa pag-awit nito. Matapos awitin, magsagawa ng maikling bahaginan.

Sabihin: Dahil isa itong kanta, maraming salita sa Ako’y Isang Mabuting Pilipino ay magkatugma. Ano ang ilang salita mula sa kanta na magkatugma? Magbigay nga kayo ng dalawang salita na magkatugma. Pagkatapos, gamitin ang dalawang salitang ito sa sarili ninyong pangungusap. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na isinulat ko sa pisara:

Dalawang salita mula sa kanta na magkatugma ay ____ at ______. Gagamitin ko ang dalawang salitang ito sa sarili kong pangungusap: ______.

Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mas maintindihan ng maglalahad ang kanilang gagawin. Halimbawa: Dalawang salita mula sa kanta na magkatugma ay lansangan at babaan. Gagamitin ko ang dalawang salitang ito sa sarili kong pangungusap: Bumibiyahe sa lansangan ang bus nang huminto ito sa babaan sa may kanto.

Tumawag ng dalawang bata na hindi pa gaanong nakapagbabahagi sa klase para sa bahaginan. PAGTATAYA 2 a. Pangkatang Pagtataya Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang pinag-aralan sa linggong ito. Tanungin sa mga bata ang sumusunod, at sasagutin ito ng bata nang palahad.

Ipaliwanag sa sariling pananalita, o gamitin sa isang pangungusap, ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo): tungkulin, alituntunin, pasiga-siga, nakahambalang, bumubuga, kapaligiran, karangalan.

• Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung aling salita ang salitang kilos, o ang salitang nagpapakita kung ano ang aksyon na nangyayari sa pangungusap. (Basahin ayon sa pagkakasunod-sunod. Pumili lamang ng isang pangungusap para sa bawat bata sa grupo.)

• Pakinggan ang mga salita at sabihin kung alin ang hindi katugma ng iba (pumili ng dalawang set para sa bawat bata):

139 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan –– tungkulin – masaya – matulin –– mabuti – mababa – maputi –– karangalan – dasal - sangkalan –– magalang – nakahambalang – takong –– bangon – hangin - tugon –– tugma – mali – tama –– talaan – listahan - patong –– mamamayan – sakayan – ngayon –– kilos – talbos – talaan –– hangal – mabagal - daan –– tambay – lagay - sasakyan

• Isulat sa inyong kuwaderno ang pangungusap na ito (pumili ng isa para sa bawat bata.): –– Ako ay isang mabuting Pilipino. –– Mahal ko ang Pilipinas. –– Susundin ko ang aking magulang. –– Isa akong mabuting mamamayan. –– Tumutulong ako sa komunidad.

Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga bata, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na pangkat ng 5-10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga bata. (Gawain 3b)

Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagsulat ng idiniktang pangungusap.

Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga bata sa kanilang kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na gabay o tulong.

b. Gawain Para sa Mga Batang Naghihintay Kompletuhin ang pangungusap na ito at isulat sa inyong kuwaderno:

Ang mabuting Pilipino ay marunong ______. Gumuhit ng larawan na nagpapakita sa inyong inilahad sa inyong pangungusap.

140 YUNIT 3 ARALIN 27

talaan PAGTATAPOS 3

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Isabuhay ang pagiging mabuting Pilipino at matulunging anak. Tumulong sa isang gawaing bahay ngayong Sabado at Linggo. Maghandang magbahagi tungkol dito—kung ano, kailan, saan at paano ninyo ginawa ang pagtulong sa gawaing bahay—sa susunod na linggo.

141

YUNIT 3 ARALIN 28

ARALIN 28

GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG FILIPINO

TEMA: Pagtulong sa Aking Komunidad – Pagiging Mabuting Mamamayan KUWENTO: Ako’y Isang Mabuting Pilpino

143 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 28

Tema: Pagtulong sa Aking Komunidad – Pagiging Mabuting Mamamayan Kuwento: Ako’y Isang Mabuting Pilpino

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) WG • F1WG-IIIh-j-6 • Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pagbabahagi tungkol sa lugar, panahon at Nasasabi ang paraan, panahon halimbawang pangungusap para sa bahaginan paraan ng pagtulong sa gawaing bahay • Pagbabalik-Aral: Ako’y Isang 1 at lugar ng pagsasagawa ng kilos • Paggabay sa gawaing pangkatan • Pakikilahok sa gawaing pangkatan Mabuting Pilipino o gawain sa tahanan, paaralan at • Pagtatanong tungkol sa ilang pangungusap • Pagtaas ng tamang card batay sa binanggit na pamayanan mula sa aklat pangungusap ng guro PN • F1PN-IIIh-5 • Sabayang Pag-Awit: “Kahit Konti” • Pag-uugnay ng awit sa aklat na Ako’y Isang • Pakikinig at paglahok sa talakayan Naisasakilos ang napakinggang tula Mabuting Pilipino • Pagbabahagi tungkol sa kanilang karanasan sa o awit • Pagtatanong sa mga bata tungkol sa kanilang pagsakay ng jeepney karanasan sa pagsakay ng jeepney • Pag-iisip ng kilos o galaw na babagay sa mga • Pagturo sa titik at tono ng awit linya ng kanta • Paghikayat sa mga bata na mag-isip ng kilos o • Pag-awit ng kanta habang ipinapakita ang naisip galaw para sa mga linya ng kanta na kilos • Paggabay sa sabayang pag-awit WG • F1WG-IIIh-j-6 • Pagsasanay: Paraan, Panahon at • Pagpapaliwanag tungkol sa paraan, panahon at • Pakikinig sa paliwanag at pakikilahok sa 2 Nasasabi ang paraan, panahon Lugar ng Pagkilos lugar ng pagkilos talakayan at lugar ng pagsasagawa ng kilos • Pagpapakita ng mga larawan mula sa aklat • Pagmasid sa larawan, pakikinig at pagsagot sa o gawain sa tahanan, paaralan at na Ako’y Isang Mabuting Pilipino at mga tanong pamayanan pagtatanong tungkol sa kilos o aksiyon na • Pakikilahok sa pagbubuo ng pangungusap batay nakikita rito sa mga isinagot sa tanong • Paggabay sa mga bata sa pagbubuo ng • Pagbasa sa mga nabuong pangungusap pangungusap tungkol sa tamang paraan, panahon o lugar ng pagsagawa ng mga kilos • Paggabay sa mga bata sa pagbasa ng nabuong pangungusap PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapaunlad ng talasalitaan • Pagsulat ng mga tututukang salita sa pisara • Pakikinig at pakikilahok sa talakayan Natutukoy ang kahulugan ng salita • Pagbasa ng mga pangungusap at pagtatanong • Pagbubuo ng sariling pangungusap sa gawaing batay sa kasingkahulugan tungkol sa kahulugan ng salita magkapareha 3 • Pagsulat ng salita at kahulugan nito sa pisara • Paglalahad sa buong klase ng nabuong • Paggabay sa gawaing magkapareha: pagbubuo pangungusap ng sariling pangungusap • Pagkopya sa talasalitaan LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

144 YUNIT 3 ARALIN 28

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 28

Tema: Pagtulong sa Aking Komunidad – Pagiging Mabuting Mamamayan Kuwento: Ako’y Isang Mabuting Pilpino

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) WG • F1WG-IIIh-j-6 • Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pagbabahagi tungkol sa lugar, panahon at Nasasabi ang paraan, panahon halimbawang pangungusap para sa bahaginan paraan ng pagtulong sa gawaing bahay • Pagbabalik-Aral: Ako’y Isang 1 at lugar ng pagsasagawa ng kilos • Paggabay sa gawaing pangkatan • Pakikilahok sa gawaing pangkatan Mabuting Pilipino o gawain sa tahanan, paaralan at • Pagtatanong tungkol sa ilang pangungusap • Pagtaas ng tamang card batay sa binanggit na pamayanan mula sa aklat pangungusap ng guro PN • F1PN-IIIh-5 • Sabayang Pag-Awit: “Kahit Konti” • Pag-uugnay ng awit sa aklat na Ako’y Isang • Pakikinig at paglahok sa talakayan Naisasakilos ang napakinggang tula Mabuting Pilipino • Pagbabahagi tungkol sa kanilang karanasan sa o awit • Pagtatanong sa mga bata tungkol sa kanilang pagsakay ng jeepney karanasan sa pagsakay ng jeepney • Pag-iisip ng kilos o galaw na babagay sa mga • Pagturo sa titik at tono ng awit linya ng kanta • Paghikayat sa mga bata na mag-isip ng kilos o • Pag-awit ng kanta habang ipinapakita ang naisip galaw para sa mga linya ng kanta na kilos • Paggabay sa sabayang pag-awit WG • F1WG-IIIh-j-6 • Pagsasanay: Paraan, Panahon at • Pagpapaliwanag tungkol sa paraan, panahon at • Pakikinig sa paliwanag at pakikilahok sa 2 Nasasabi ang paraan, panahon Lugar ng Pagkilos lugar ng pagkilos talakayan at lugar ng pagsasagawa ng kilos • Pagpapakita ng mga larawan mula sa aklat • Pagmasid sa larawan, pakikinig at pagsagot sa o gawain sa tahanan, paaralan at na Ako’y Isang Mabuting Pilipino at mga tanong pamayanan pagtatanong tungkol sa kilos o aksiyon na • Pakikilahok sa pagbubuo ng pangungusap batay nakikita rito sa mga isinagot sa tanong • Paggabay sa mga bata sa pagbubuo ng • Pagbasa sa mga nabuong pangungusap pangungusap tungkol sa tamang paraan, panahon o lugar ng pagsagawa ng mga kilos • Paggabay sa mga bata sa pagbasa ng nabuong pangungusap PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapaunlad ng talasalitaan • Pagsulat ng mga tututukang salita sa pisara • Pakikinig at pakikilahok sa talakayan Natutukoy ang kahulugan ng salita • Pagbasa ng mga pangungusap at pagtatanong • Pagbubuo ng sariling pangungusap sa gawaing batay sa kasingkahulugan tungkol sa kahulugan ng salita magkapareha 3 • Pagsulat ng salita at kahulugan nito sa pisara • Paglalahad sa buong klase ng nabuong • Paggabay sa gawaing magkapareha: pagbubuo pangungusap ng sariling pangungusap • Pagkopya sa talasalitaan LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

145 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral KP • F1KP-IIIh-j-6 • Pagsasanay: pagbubuo ng bagong • Pagsulat at paggabay sa pagbasa ng orihinal na • Pagbasa sa orihinal na salita Napapalitan at nadadagdagan ang salita salita • Pakikilahok sa talakayan mga tunog upang makabuo ng • Paggamit ng pocket chart sa pagpapakita ng • Pagsagot sa mga tanong tungkol sa nabuong bagong salita pagbubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng salita pagpalit ng ilang letra • Pagbasa sa mga nabuong salita 4 • Pagtatanong sa mga bata tungkol sa mabubuong salita batay sa ibibigay na letra/ tunog • Paggabay sa mga bata sa pagbasa ng mga bagong salita EP • F1EP-IIIh-4.1 • Pagbisita sa silid aklatan • Paghahanda sa mga bata para sa pagbisita sa • Pakikilahok sa talakayan Nagagamit nang wasto at ayos ang silid-aklatan: pagtalakay ng mga dapat gawin • Paggamit ng silid aklatan silid-aklatan: mga dapat ikilos o iasal sa silid- aklatan 5 PL • F1PL-0a-j-7 • Pagtataya • Pagtatanong tungkol sa napulot na mensahe • Pagtugon sa tanong Naibabahagi ang karanasan sa • Takdang-aralin: Pagkuwento sa mula sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino • Paggawa ng takdang-aralin pagbasa upang makahikayat ng magulang tungkol sa mga binasang • Pagbibigay ng takdang aralin pagmamahal sa pagbasa aklat sa silid-aklatan LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

146 YUNIT 3 ARALIN 28

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral KP • F1KP-IIIh-j-6 • Pagsasanay: pagbubuo ng bagong • Pagsulat at paggabay sa pagbasa ng orihinal na • Pagbasa sa orihinal na salita Napapalitan at nadadagdagan ang salita salita • Pakikilahok sa talakayan mga tunog upang makabuo ng • Paggamit ng pocket chart sa pagpapakita ng • Pagsagot sa mga tanong tungkol sa nabuong bagong salita pagbubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng salita pagpalit ng ilang letra • Pagbasa sa mga nabuong salita 4 • Pagtatanong sa mga bata tungkol sa mabubuong salita batay sa ibibigay na letra/ tunog • Paggabay sa mga bata sa pagbasa ng mga bagong salita EP • F1EP-IIIh-4.1 • Pagbisita sa silid aklatan • Paghahanda sa mga bata para sa pagbisita sa • Pakikilahok sa talakayan Nagagamit nang wasto at ayos ang silid-aklatan: pagtalakay ng mga dapat gawin • Paggamit ng silid aklatan silid-aklatan: mga dapat ikilos o iasal sa silid- aklatan 5 PL • F1PL-0a-j-7 • Pagtataya • Pagtatanong tungkol sa napulot na mensahe • Pagtugon sa tanong Naibabahagi ang karanasan sa • Takdang-aralin: Pagkuwento sa mula sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino • Paggawa ng takdang-aralin pagbasa upang makahikayat ng magulang tungkol sa mga binasang • Pagbibigay ng takdang aralin pagmamahal sa pagbasa aklat sa silid-aklatan LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

147 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW LAYUNIN (1) F1WG-IIIh-j-6 Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng 1 kilos o gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan 1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Gamitin ang ibinigay na takdang-aralin noong nakaraang linggo bilang lunsaran ng bahaginan ngayong araw. Magpalahad sa mga mag-aaral tungkol sa pagtulong sa gawaing bahay na ginawa nila noong Sabado at Linggo.

Sabihin: Noong nakaraang Biyernes, ang itinakda ko sa inyo ay isabuhay ang pagiging mabuting Pilipino at pagiging masunurin at matulunging anak. Pinatulong ko kayo sa isang gawaing bahay. Inatasan ko rin kayo na maghandang magkuwento tungkol sa itinulong ninyo sa mga gawaing bahay. Ito ang paksa ng bahaginan natin ngayon. Aling gawaing bahay ang ginawa ninyo? Saan, kailan, at paano ninyo ito isinagawa? Sa paglalahad tungkol dito, maaari ninyong gamiting gabay ang mga tanong at ang halimbawang panimula sa pagsagot sa bawat tanong:

• Ano ang ginawa mo? Tumulong ako sa ______. • Kailan mo ito ginawa? ______ako noong ______. • Saan mo ito ginawa? ____ ako sa ______. • Paano mo ito ginawa? _____ ako nang ______.

Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang makita ng mga bata kung paano nila pupunan ang mga patlang. Halimbawa: Tumulong ako sa paghuhugas ng pinggan. Naghugas ako ng pinggan noong Sabado. Naghugas ako ng pinggan sa kusina. Naging matipid ako sa paggamit ng sabon at tubig nang naghuhugas ako ng pinggan.

Hayaang magkuwentuhan ang mga magkatabi gamit ang halimbawang panimula. Pagkatapos ng tatlong minuto, tumawag ng dalawang mag-aaral na hindi pa masyadong nakapagsasalita sa klase upang maglahad ng kanilang karanasan sa lahat ng mag-aaral.

PAGBABALIK-ARAL: 2 AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO

Ipaliwanag sa mga bata ang konsepto ng paraan, panahon at lugar ng paggawa ng kilos na ginamit sa pagsasagawa ng bahaginan.

Isulat katapat ng bawat salita sa pisara ang tanong na umaayon sa bawat isa: Paraan = Paano? Panahon = Kailan? Lugar = Saan?

148 YUNIT 3 ARALIN 28

Sabihin: Nang nagbahagi kayo kanina, bukod sa pagsabi kung anong talaan kilos ang ginawa ninyo, sinagutan ninyo ang mga tanong na paano, kailan, at saan. Sa pagsagot ng mga tanong na ito, naipakita ninyo ang paraan, panahon, at lugar ng inyong aksiyon. Sa aklat na binasa natin ngayong linggo, maraming nabanggit na aksiyon. Pakinggan natin muli ang mga ito. Habang pinapakinggan ninyo ito, isipin kung alin sa mga tanong na ito ang sinasagot sa paglalahad tungkol sa aksiyon.

Ipakita muli ang aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino. Tanungin ang mag-aaral kung ano ang pamagat nito, at basahin kung sino ang may-akda at tagaguhit.

Ihanda ang mga bata para sa muling pagbabasa sa aklat. Sa pagkakataong ito, habang binabasa ang aklat, hikayatin ang mga bata na bigyang pansin ang paraan, panahon o lugar ng mga kilos na binabanggit sa mga linya ng aklat.

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magsagawa ng pangkatang gawain. Ipasulat sa bawat pangkat sa tatlong piraso ng papel o card ang mga salitang ito: Paano (sa unang papel), Kailan (sa ikalawang papel), at Saan (sa ikatlong papel). Itataas nila ang tamang papel kapag tanungin ninyo sila kung alin sa mga tanong na ito ang sinasagot sa pangungusap.

Basahin muli ang aklat, ngunit huminto pagkabasa ng mga itinakdang pangungusap upang pasagutin ang mga bata:

• Huminto sa p. 7, pagkabasa ng “Tumatawid ako sa tamang tawiran” Itanong: “…sa tamang tawiran”—paano, saan, o kailan? • Huminto sa p. 8, pagkabasa ng “Sumasakay ako sa tamang sakayan” Itanong: “…sa tamang sakayan”— paano, saan, o kailan? • Huminto sa p. 9, pagkabasa ng “Pumipila at di nakikipag- unahan” Itanong: “…di nakikipag-unahan”— paano, saan, o kailan? • Huminto sa p. 11, pagkabasa ng “At di ako pasiga-siga sa lansangan” Itanong: “…sa lansangan”— paano, saan, o kailan? • Huminto sa p. 11, pagkabasa ng “Nagbababa ako sa tamang babaan” Itanong: “…sa tamang babaan”— paano, saan, o kailan? • Huminto sa p. 11, pagkabasa ng “Hindi nakahambalang na parang walang pakialam” Itanong: “…na parang walang pakialam”-- paano, saan, o kailan? • Huminto sa p. 13, pagkabasa ng “Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula” Itanong: “…’pag ang ilaw ay pula”— paano, saan, o kailan?

149 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Huminto sa p. 15, pagkabasa ng “Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto” Itanong: “…doon mismo sa kanto”— paano, saan, o kailan? • Huminto sa p. 15, pagkabasa ng “At di nagtatago sa ilalim ng puno” Itanong: “..sa ilalim ng puno”— paano, saan, o kailan? • Huminto sa p. 19, pagkabasa ng “Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan” Itanong: “…sa basurahan”— paano, saan, o kailan? • Huminto sa p. 20, pagkabasa ng “Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang” Itanong: “Lagi”— paano, saan, o kailan? • Huminto sa p. 23, pagkabasa ng “O kaya’y tumatambay at sa eskuwela’y di pumapasok” Itanong: “…sa eskuwela”— paano, saan, o kailan?

Habang nagsasagawa ng pangkatang gawain, siguruhing ang lahat ng bata sa pangkat ay nagkakaroon ng pagkakataon na sumagot. Kung kailangan, hayaang ipasa sa susunod na miyembro ng pangkat ang mga papel kung saan nakasulat ang mga salitang itataas nila upang magkaroon ang lahat ng oportunidad sa sumagot sa tanong.

Sa bawat pangungusap at tanong, ibigay ang tamang sagot at bigyan ng puntos ang bawat pangkat na nakapagtaas ng tamang salita. Sumahin ang mga puntos at palakpakan ang nagwaging pangkat.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pagmasdan ang mga kilos o pagsagawa ng mga gawain ng mga kapamilya at iba pang kasama sa bahay. Subukang sagutin ang mga tanong na paano, saan at kailan tungkol sa kanilang pagkilos upang masabi ang paraan, lugar, at panahon ng kanilang aksiyon o gawain. Isulat ang mga salitang nagsasaad kung paano, saan o kailan nila ginawa ang pagkilos sa inyong kuwaderno.

150 YUNIT 3 ARALIN 28

talaan MGA LAYUNIN ARAW (1) F1PN-IIIh-5 Naisasakilos ang napakinggang tula o awit (2) F1WG-IIIh-j-6 Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan 2

PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT (“KAHIT KONTI”) 1

Ituro sa klase ang awiting “Kahit Konti” na isinulat ni Gary Granada at orihinal na inawit ni Florante. Matatagpuan ang titik at tono ng awit na ito sa Internet: http://youtu.be/kZreG1v7dU8 Iugnay ang ituturong awitin sa aklat na binasa kahapon at sa tema para sa linggong ito.

Sabihin: Pagmasdan natin itong larawan sa pabalat ng aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino. Ano itong sinasakyan ng ale at minamaneho ng mamang tsuper? (sagot: jeepney) May isa pang larawan ng jeepney dito sa loob ng aklat, sa p. 4. Ano ang napapansin ninyo sa jeepney? Ilan ang pasahero nito? Puno ba ang jeepney o siksikan? Nakaranas na ba kayong sumakay ng siksikang jeepney? Ano ang mahirap gawin kapag nasa siksikang jeepney? (sagot: mahirap umupo)

Para sa panimulang gawain, aawit tayo ng isang kanta na may kinalaman sa pagsakay sa pampasaherong jeepney. May kaugnayan din ang kantang ito sa tema natin ngayong linggo: ang pagiging mabuting mamamayan. Aawitin ko/patutugtugin ko muna ang kanta. Habang inaawit/pinapatugtog ko ito, mag-isip ng mga kilos o galaw na maaari nating gawin upang mas maipakita ang sinasabi ng awitin. Pagkatapos, aawitin natin ito nang sabay-sabay, at ipapakita ninyo sa akin ang kilos o galaw na naisip ninyo.

Magpaskil ng manila paper kung saan nakasulat ang titik ng awiting “Kahit Konti.” Awitin o ipatugtog ang kanta upang maituro ang tono. Pagkatapos awitin, patayuin ang mga bata at pasabayin sa muling pag-awit, habang ipinapakita nila ang kilos na sa tingin nila ay akma para sa mga sinasabi ng awitin.

Pansinin ang mga bata na nakapag-isip ng mga akmang kilos, at iyong mga hindi pa naikikilos ang salita. Pansinin din ang mga salita na hindi nalalapatan ng tamang kilos (palatandaan ito na maaaring hindi pa malinaw ang kahulugan ng salita, at kailangan pang ipaliwanag).

TALAKAYAN: PAG-UNAWA SA AWITIN (“KAHIT KONTI”) 2

Tulungan ang mga bata sa pag-uugnay ng mensahe ng awitin sa tema para sa linggong ito. Gamitin din ang talakayan sa pag-ugnay ng ilang linya mula sa kanta sa konsepto ng paraan, lugar at panahon ng pagsagawa ng kilos. Itanong ang sumusunod:

151 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Sino ang nagsasalita sa kanta? Ano ang pinapakiusap niya sa tagapakinig? • Ano ang tono na ginagamit ng nagsasalita sa kanta? Kapag narinig natin ang mga salitang “maaari ba…” ano ang ipinapakita nito sa kinakausap? (posibleng sagot: magalang na pananalita, may konsiderasyon sa kinakausap, hindi nang-uutos, humihiling/nakikiusap) • Gusto ba ninyo ang tono na ginamit ng nagsasalita? Bakit? Kung ganito ang pananalita ng kausap ninyo, mas malamang ba na sumang-ayon kayo sa kaniyang sinasabi? • Ano ang mga linya sa awit na nagpapaala sa atin kung paano tayo dapat umasal o makitungo sa ibang tao? (posibleng sagot: magkasundo tayo, huwag magtulakan, hati-hati, madadaan sa usapan) • Ano ang ilang linya sa awit na nagapakita ng paraan, panahon o lugar ng pagkilos? (posibleng sagot: kahit konti, kahit kapiraso, upong-upo, oras-oras, sa lipunan, nang konti) • Ano ang kabuuang mensahe na nakuha ninyo mula sa awitin? Bakit mahalagang sundin ang pakiusap ng kanta upang maging mabuting mamamayan? • Paano ninyo maisasagawa ang pakiusap ng kanta tungkol sa pagbibigayan kapag nakikitungo kayo sa inyong mga kaklase? kalaro? kapitbahay? kapamilya? Magbigay ng ilang halimbawa ng maaari ninyong gawin upang ipakita ang pagbibigayan.

PAGSASANAY: PARAAN, PANAHON, 3 AT LUGAR NG PAGSAGAWA NG KILOS Gamitin ang ilang larawan mula sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino upang sanayin ang mga bata sa pagtukoy sa aksiyon, at pagbuo ng mga pangungusap tungkol sa nararapat na paraan, panahon, at lugar ng pagsagawa ng mga aksiyon na ito.

Sabihin: Sa pagtalakay natin kanina sa kantang “Kahit Konti,” nakapagbanggit tayo ng ilang salita na nagpapakita ng paraan, lugar, at panahon ng pagsagawa ng mga kilos. Ngayon naman, pagmasdan natin ang ilang larawan sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino. Tutukuyin natin ang aksiyon na ipinapakita. Pagkatapos, sasagutin natin ang mga tanong na kailan, paano, at saan upang makabuo ng mga pangungusap tungkol sa kilos o aksiyon na ipinapakita ng mga larawang ito.

Ipasagot sa mga bata ang mga tanong para sa bawat larawan na ibinigay sa ibaba. Isulat sa pisara ang kilos o aksiyon, at ang sagot sa mga tanong na paano, kailan, at saan tungkol sa kilos na ito. Tulungan ang mga bata na bumuo ng pangungusap ukol sa dapat na iasal kapag isinasagawa ang aksiyon na nakita sa larawan. (Halimbawa: Dapat maglaro kapag wala nang ibang naiiwang gawaing bahay. Dapat maglaro sa ligtas na lugar. Dapat maglaro nang mahinahon at nang hindi nag- aaway.) Isulat ang mga mabubuong pangungusap sa pisara.

• Ipakita ang larawan sa p. 16. Itanong: ––Ano ang ginagawa ng dalawang bata rito sa bandang kaliwa? (sagot: naglalaro) Kailan tayo dapat maglaro? Saan tayo dapat maglaro? Paano

152 YUNIT 3 ARALIN 28

tayo dapat maglaro? talaan –– Ano ang ginagawa ng bata sa dakong kanan? (sagot: nagtatapon ng basura) Kailan dapat magtapon ng basura? Saan dapat magtapon ng basura? Paano dapat magtapon ng basura? • Ipakita ang larawan sa p. 18. Itanong: –– Ano ang ginagawa ng mag-tatay dito sa larawan? (sagot: nagwawalis) Kailan tayo dapat magwalis? Saan tayo dapat magwalis? Paano tayo dapat magwalis? • Ipakita ang larawan sa p. 20. Itanong: –– Ano ang ginagawa ng bata sa larawan? (sagot: nagmamano) Kailan tayo dapat magmano? Kanino tayo dapat magmano? Kailan tayo dapat magmano? • Ipakita ang larawan sa p. 21. Itanong: –– Ano ang ginagawa ng mag-ama sa larawan? (sagot: nag-aaral/ nagbabasa/nagsusulat) Kailan tayo dapat mag-aral? Saan tayo dapat mag-aral? Paano tayo dapat mag-aral? • Ipakita ang larawan sa p. 22. Itanong: –– Ano ang gagawin nitong bata sa bandang itaas ng larawan? (sagot: tatawid ng lansangan) Kailan tayo dapat tumawid? Saan tayo dapat tumawid? Paano tayo dapat tumawid?

Basahing muli ang mga nabuong pangungusap. Kung kaya na ng mga bata na basahin ang mga ito, tumawag ng mag-aaral na babasa ng pangungusap para sa buong klase. Maaari ring magsalitan ang sabayang pagbabasa at pagbabasa ng isang bata sa pagbabasa sa mga pangungusap.

PAGTATAPOS 4 Magsagawa ng mabilisang pagpupulso sa pagkakaintindi ng klase tungkol sa pinag-aralan ngayong araw. Papalakpak sila nang malakas na malakas kung lubusan silang sumasang-ayon sa pangungusap. Papalakpak sila ng mas mahina kung bahagya lamang silang sumasang-ayon. Hindi sila papalakpak kung hindi sila sumasang-ayon.

Banggitin ang sumusunod na pangungusap: • Lubusan kong naintindihan ang lahat ng salita sa kantang “Kahit Konti.” • Madaling-madali para sa akin ang pagsabi kung ano ang mensahe ng awiting “Kahit Konti.” • Alam na alam ko na kung paano masasabi ang paraan ng pagsagawa ng aksiyon sa isang pangungusap. • Alam na alam ko na kung paano masasabi ang lugar ng pagsagawa ng aksiyon sa isang pangungusap. • Alam na alam ko na kung paano masasabi ang panahon ng pagsagawa ng aksiyon sa isang pangungusap.

Humanap ng panahon upang tanungin ang mga hindi pumalakpak sa mga pangungusap kung ano ang hindi pa gaanong malinaw sa kanila. Balikan ang mga konseptong ito sa mga sumusunod na araw.

153 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW LAYUNIN (1) F1PP-IIIh-1.4 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan 3 1 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT Awitin muli ang kantang “Kahit Konti.” Ipaskil muli ang manila paper kung saan nakasulat ang awit at gabayan ang mga bata sa pagsagawa ng kilos habang kumakanta.

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN Habang umaawit ang klase, isulat ang mga salitang ito sa pisara: maselan, makatuwiran, kapiraso, kung tutuusin, magkasundo, sakali man

Sabihin: Palalimin pa natin ang pagkakaunawa natin sa mga salitang ito na makikita natin sa kantang “Kahit Konti.” May babasahin akong pangungusap na gamit ang salita na nakalista dito. Tukuyin kung ano ang kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit ng salita sa kanta, at sa pangungusap na babanggitin ko.

• Pangungusap 1: Hindi siya maselan sa pagkain. Kahit ano, kinakain niya. Itanong: Sa awitin, ang sinabi ng nagsasalita ay hindi siya maselan kaya’t madali siyang kausap. Dito naman sa pangungusap, hindi rin maselan sa pagkain ang nagsasalita. Ano kaya ang ibig sabihin ng maselan? Isulat: maselan = maarte, mapili, mahirap pasayahin

• Pangungusap 2: Dahil makatuwiran naman ang kaniyang paliwanag sa kaniyang magulang, pinayagan siyang sumama sa field trip ng paaralan. Itanong: May nakapaloob bang mas maikling salita sa salitang ito? Ano ang ibig sabihin ng katuwiran? Bakit nakatutulong ang makatuwiran na paliwanag sa pagkumbinse sa magulang dito sa pangungusap? Ano kaya ang kahulugan ng makatuwiran? Isulat: makatuwiran = may tamang rason, may punto

• Pangungusap 3: Kapiraso na lamang ang natira sa bibingkang binili ni nanay dahil lima kaming naghati-hati dito. Itanong: Ano ang mga salita dito sa pangungusap na nagbibigay ng pahiwatig kung ano ang ibig sabihin ng kapiraso? May salita din ba na nakapaloob sa salitang kapiraso? Ano ang ibig sabihin ng piraso? Ano kaya ang ibig sabihin ng kapiraso? Isulat: kapiraso = katiting, maliit na bahagi

154 YUNIT 3 ARALIN 28

• Pangungusap 4: Kung tutuusin, hindi na kagulat-gulat na nanalo talaan siya sa paligsahan, dahil napakasipag niyang mag-ensayo. Itanong: Narinig na ba ninyo ang katagang ito? Kailan ito madalas gamitin? Ano ang maaari nating ipalit na salita sa “tutuusin” na magbibigay ng kaparehong kahulugan? Isulat: kung tutuusin = kung iisipin

• Pangungusap 5: Isang oras silang nagtalo pero hindi sila magkasundo tungkol sa gusto nilang sine, kaya’t magkaiba na lang ang pinanood nila. Itanong: May salita ba dito sa pangungusap na nagpapakita ng kabaligtaran ng “magkasundo”? Ano kaya ang ibig sabihin ng “magkasundo”? Isulat: magkasundo = magkaayos, mahinto ang away o pagtatalo

• Pangungusap 6: Kung sakali man na mapadaan kayo muli dito sa bayan naman, bisitahin ninyo kami at malugod naming kayong tatanggapin. Itanong: Batay sa pangungusap, sigurado ba na mapapadaan o makakabalik ang kinakausap? Kailan kaya ginagamit ang katagang “sakali man”? Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isulat: sakali man = kung magkataon, kung mangyari

Basahing muli ang mga salita at ang kahulugan nito. Pasabayin ang mga bata sa pagbabasa.

Gabayan ang mga bata sa gawaing magkapareha. Gagawa sila ng sarili nilang pangungusap gamit ang mga salita sa talasalitaan. Bigyan ang mga bata ng limang minuto para sa gawaing ito. Umikot sa klase habang nag-uusap ang magkapares ang pakinggan ang kanilang bahaginan. Matapos ang limang minuto, tumawag ng anim na magkapares na maglalahad ng kanilang pangungusap para sa itatakda sa kanilang salita. Wastuhin ang anumang pagkakamali.

PAGTATAPOS 3

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Awitin para sa inyong magulang at kapamilya ang kantang “Kahit Konti,” o ikuwento ang mensahe nito. Tanungin sila kung sumasang-ayon sila sa mensahe ng awitin. Tanungin din sila kung ano ang isang bagay na maipapayo nila sa inyo upang maging mas mapag-unawa o mas mapagbigay.

155 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW LAYUNIN (1) F1KP-IIIh-j-6 Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo 4 ng bagong salita 1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Gamitin ang isang linya sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino bilang lunsaran para sa bahaginan ngayong araw. Gabayan ang klase sa paglalahad tungkol sa mga simpleng paraan upang ipakita nila ang kanilang pangangalaga sa kapaligiran.

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa pagiging mabuting mamamayan. Sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino, may bahagi doon tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran. Babasahin ko ito.

Basahin ang bahagi ng aklat sa p. 31 na nagsisimula sa “Hindi ako nagkakalat ng basura…” Itanong: Mahalaga ba ang pagbibigay-galang at pag-aalaga sa kapaligiran sa pagiging mabuting Pilipino? Bakit? (kumuha ng ilang sagot) Ano ang ilang simpleng paraan upang maipakita natin ang pangangalaga natin sa kapaligiran, bukod sa mga nabanggit na sa aklat? Pag-usapan ninyong magkatabi ang inyong ideya tungkol dito. Pagkatapos, tatawag ako ng ilang mag-aaral upang maglahad ng kanilang sagot sa buong klase. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula sa pisara:

Inaalagaan ko ang aking kapaligiran sa tuwing ______.

Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mapalinaw ang gawain sa buong klase. Halimbawa: Inaalagaan ko ang aking kapaligiran sa tuwing nagtatanim ako ng halaman sa aming bakuran.

Umikot sa buong klase habang nag-uusap ang magkatabi at obserbahan ang tatas ng kanilang usapan. Tukuyin ang mga bata na kailangan pa ng dagdag na praktis at tandaang tawagin sila sa bahaginan sa mga sumusunod na araw. Matapos ang tatlong minutong pagbabahaginan ng mga magkatabi, tumawag ng dalawang mag-aaral upang maglahad sa buong klase.

PAGSASANAY: PAGBUBUO NG BAGONG SALITA 2 MULA SA PAGPALIT O PAGDAGDAG NG TUNOG

Iugnay ang gagawing pagsasanay tungkol sa pagbubuo ng bagong salita sa paksa ng kapaligiran. Isulat ang sumusunod na salita sa pisara: sapa, ilog, dagat, hangin, lupa.

Sabihin: Basahin natin ang mga salitang nakasulat sa pisara. Sabayan ninyo ako. (Basahin nang malinaw ang mga salita.) Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang ito? Ano ang kaugnayan nila sa isa’t isa? Ano ang

156 YUNIT 3 ARALIN 28

kaugnayan nila sa bahaginan natin kanina tungkol sa kapaligiran? talaan

Kumuha ng ilang kasagutan. Ipaliwanag ang kaugnayan ng mga salita, at ang kahulugan ng bawat isa.

Ilabas ang pocket chart at tulungan ang mga bata sa pagtukoy ng mga tunog na bumubuo sa bawat salita. Ibaybay sa pocket chart ang salita gamit ang mga letter card. Sabihin muna ang buong salita, pagkatapos ay isa-isang ilagay ang letter card sa pocket chart habang binabanggit ang tunog nito. Kapag nabuo na ang salita, ipabasa ang salita sa klase.

Matapos mabuo ang orihinal na salita sa pocket chart, tulungan ang mga bata sa pagbubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng pagpapalit ng letra/tunog, o pagdagdag ng letra/tunog. Isulat ang mabubuong salita sa pisara.

May ilang mungkahi at halimbawa para sa gawaing ito sa ibaba. Maaaring ibahin o dagdagan pa ang naibigay dito.

• Sapa. Ano kaya ang mabubuong salita kung: –– Palitan natin ang “s” ng “k”? (kapa) –– Palitan natin ang “k” ng “t”? () –– Palitan natin ang “t” ng “m”? (mapa) • Ilog. Ano kaya ang mabubuong salita kung –– Dagdagan natin ng “b” ang “-ilog”? (bilog) –– Palitan natin ang “bi-” ng “tu-”? (tulog) –– Palitan natin ng “ng” ang “g”? (tulong) • Dagat. Ano kaya ang mabubuong salita kung –– Palitan natin ng “k” ang “d”? (kagat) –– Palitan natin ng “l” ang “g”? (kalat) • Hangin. Ano kaya ang mabubuong salita kung –– Palitan natin ang “h” ng “b”? (bangin) –– Palitan natin ng “o” ang “i”? (bangon) • Lupa. Ano kaya ang mabubuong salita kung –– Palitan natin ang “p” ng “m”? (luma) –– Palitan natin ng “-ot” ang “a”? (lumot) –– Palitan natin ng “k” ang “l”? (kumot)

Ipabasa sa buong klase ang talaan ng mga nabuong salita na nakasulat sa pisara. Ipasipi sa mga bata ang listahan ng mga salita. Pagkatapos nilang kopyahin ang mga salita, bigyan sila ng panahon para magsalitan ng kanilang katabi sa pagbasa ng mga nabuong salita. Umikot sa buong klase at pakinggan ang pagbabasa ng mga bata. Pansinin at tulungan ang mga bata na hindi pa gaanong kabisado ang tunog ng mga letra, o na mabagal pa ang tatas sa pagbabasa. PAGTATAPOS 3 Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa pinag-aralan

157 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ngayong araw. Ipaturo nang pataas ang hinlalaki ng mga bata (thumbs-up) kung sumasang-ayon sila sa pangungusap, at ipaturo nang pababa ang hinlalaki kung hindi sila sang-ayon sa pangungusap.

Banggitin ng malakas ang sumusunod at pansinin ang tugon ng mga bata: • Alam na alam ko na kung paano tukuyin ang mga letra at tunog na bumubuo sa isang salita. • Alam na alam ko na kung paano palitan ang unang letra ng salita upang makabuo ng bagong salita. • Alam na alam ko na kung paano palitan ang dulong letra ng salita upang makabuo ng bagong salita. • Alam na alam ko na kung paano magsingit ng dagdag na letra sa pagitan ng ilang letra sa isang salita upang makabuo ng bagong salita.

Pansinin kung alin pangungusap ang may pinakamaraming thumbs- down at dagdagan ang pagkakataon ng mga bata na maisagawa ang kakayanang ito sa klase.

ARAW MGA LAYUNIN (1) F1EP-IIIh-4.1 Nagagamit nang wasto at ayos ang silid-aklatan: mga dapat ikilos o iasal sa silid- aklatan 5 (2) F1PL-0a-j-7 Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa

PANIMULANG GAWAIN: 1 BUGTONG AT SALAWIKAIN

Magpaskil ng manila paper kung saan nakasulat ang tatlong bugtong at isang salawikain tungkol sa aklat at kahalagahan ng pagbabasa.

Basahin at ipaalala sa klase ang mga bugtong na natalakay na sa klase noong nakaraan. Ipasabi sa kanila kung ano ang sagot sa mga bugtong na ito:

• Walang bibig, walang pakpak, kahit hari’y kinakausap. (sagot: aklat) • Hindi halaman, maraming dahon, ang idinudulot ay dunong. (sagot: aklat)

Basahin din ang sumusunod na salawikain tungkol sa pagbabasa: “Pagbabasa ng libro ay ugaliin, pagkamangmang ay wasakin.” (Kung may iba pang nais gamitin na salawikain tungkol sa aklat, banggitin din ito.)

Itanong: Bakit mahalaga ang mga aklat at ang pagbabasa? Ano ang naidudulot nito sa atin? Mahilig ba kayong magbasa? Magbigay ng pamagat ng aklat o kuwento na narinig o nabasa na ninyo bukod sa mga binasa

158 YUNIT 3 ARALIN 28

natin dito sa klase. Dito sa paaralan, saan kayo maaaring tumungo kung gusto talaan ninyong makapagbasa ng iba-ibang libro? PAGGAMIT NG SILID-AKLATAN 2 Ihanda ang buong klase para sa pagbisita at paggamit ng silid- aklatan ng paaralan. Ipaalala ang ilang mga tuntunin sa paggamit ng mga libro at pag-aasal sa loob ng silid-aklatan. Halimbawa:

• Manatiling tahimik sa loob ng silid-aklatan. • Maging maingat sa pagbubuklat ng mga pahina ng aklat. • Isauli sa tamang lugar ang mga nagamit na aklat. • Humingi ng tulong sa nakatatanda kapag kinakailangan. • Huwag susulatan o dudumihan ang mga aklat.

Samahan ang buong klase sa silid-aklatan at ipakilala sa kanila ang tagapangasiwa nito. Iwanan ang karamihan ng mga bata sa silid- aklatan, ngunit tawagin ang unang pangkat na sasailalim sa pagtataya at isama muli sa silid-aralan. Maaari silang tumungo muli sa silid- aklatan kapag natapos na sila sa pagtataya.

(Paunawa sa guro: Kung walang silid-aklatan ang paaralan, gumawa ng isang reading corner sa isang bahagi ng silid-aralan. Maglagay dito ng ilang aklat pambata mula sa paaralan, o mga aklat na nahiram mula sa library hub o iba pang silid-aklatan sa komunidad.) PAGTATAYA 3 a. Pangkatang Pagtataya Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang pinag- aralan sa linggong ito. Tanungin sa mga bata ang sumusunod, at sasagutin ito ng bata nang palahad.

• Ipaliwanag sa sariling pananalita, o gamitin sa isang pangungusap, ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo): makatuwiran, kapiraso, kung tutuusin, sakali man, maselan, magkasundo

• Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung ang mga salitang tutukuyin ko ay nagpapakita ng lugar, paraan, o panahon ng paggawa ng aksiyon. (Pumili lamang ng isang pangungusap para sa bawat bata sa grupo.) –– Dahan-dahan niyang inilagay ang mga plato sa mesa. • dahan-dahan • sa mesa –– Nagdarasal sila ng orasyon tuwing alas dose ng tanghali at alas sais ng gabi. • Alas dose ng tanghali • Alas sais ng gabi

159 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan –– Dali-dali niyang kinain ang kaniyang parte ng hapunan sa hapag- kainan dahil natatakot siyang maagaw ito. • dali-dali • sa hapag-kainan –– Napakahina niyang magsalita kapag nasa loob ng silid-aklatan. • napakahina • nasa loob ng silid-aklatan –– Mabilis siyang magtaas ng kamay kapag alam niya ang sagot. • mabilis • kapag alam niya ang sagot –– Masarap kumain ng halo-halo tuwing tag-init. • masarap • tuwing tag-init • Sabihin kung ano ang mabubuong salita kapag pinalitan ang babanggitin kong letra o tunog ng iba pang letra o tunog na ibibigay ko (pumili ng dalawang set para sa bawat bata. Maaaring ipagamit ang pocket chart o ang pisara): –– Saya. Palitan ang “s” ng “t.” –– Taya. Palitan ng “k” ang “t” –– Kaya. Palitan ng “m” ang “k” –– Maya. Palitan ng “l” ang “m” –– Maya. Palitan ng “bu-” ang “m” –– Buwaya. Palitan ng “n” ang “-ya” –– Buwan. Palitan ang “bu-” ng “ha-” –– Hawan. Palitan ng “k” ang “n” –– Hawak. Palitan ng “l” ang “w” –– Halak. Palitan ng “I” ang “a” –– Halik. Dagdagan ng “-an” sa dulo. –– Halikan. Palitan ng “b” ang “h” –– Balikan. Palitan ng “t” ang “n” –– Balikat. Palitan ng “pu-” ang “ba-” –– Pulikat. Palitan ng “s” ang “-kat” –– Pulis. Palitan ng “t” ang “p” –– Tulis. Palitan ng “a” ang “-is” –– Tula. Palitan ng “p” ang “t” –– Pula. Palitan ng “b” ang “p” –– Bula. Dagdagan ng “k” ang dulo –– Bulak. Palitan ng “t” ang “b”

• Magbanggit ng isang mensahe na napulot mula sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino o sa awit na “Kahit Konti.”

Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga bata, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na pangkat ng 5-10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, may ibang gawain naman ang mga naghihintay na bata. (Gawain 3b)

Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan

160 YUNIT 3 ARALIN 28

ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring talaan madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagbubuo ng bagong salita.

Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga bata sa kanilang kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na gabay o tulong. b. Gawain Para sa Mga Batang Naghihintay Hayaang manatili ang mga bata sa silid-aklatan sa pangangasiwa ng guro na nakatalaga dito. Maaari silang magbasa ng aklat, gumawa ng kanilang takdang-aralin sa ibang subject, o gumuhit at magsulat sa kanilang kuwaderno habang sila ay nasa silid-aklatan. PAGTATAPOS 4

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ikuwento sa inyong magulang at iba pang kapamilya ang ginawa ninyo sa silid-aklatan, at ang mga libro na binasa at pinagmasdan ninyo dito. Ipaliwanag sa inyong mga magulang kung bakit mahalaga ang pagbabasa ng mga aklat sa inyong pag-aaral.

161

YUNIT 3 ARALIN 29

ARALIN 29

GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG FILIPINO

TEMA: Mga Likas na Kayamanan sa Aking Komunidad KUWENTO: Si Aling Oktopoda at ang Walong Munting Pugita

163 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 29

Tema: Mga Likas na Kayamanan sa Aking Komunidad Kuwento: Si Aling Oktopoda at ang Walong Munting Pugita

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) PP • F1PP-IIIj-9 • Pagpapaunlad ng Talasalitaan • Pagbibigay ng pangungusap gamit ang • Pakikinig sa pangungusap na ibibigay ng guro Nagagamit ang mga natutuhang tututukang salita • Pagsagot sa katanungan at paglahok sa salita sa pagbuo ng mga simpleng • Pagtatanong upang makuha ang kahulugan ng talakayan pangungusap salita • Pagbubuo ng sariling pangungusap gamit ang KM • F1KM-IIIj • Pagpapagamit ng natutunang salita sa sariling takdang salita Nakasusulat nang may wastong pangungusap • Pagsulat sa kuwaderno ng nabuong baybay, bantas, gamit ng malaki at • Pagpapasulat sa kuwaderno ng nabuong pangungusap maliit na letra upang maipahayag ang pangungusap at pagsusuri sa pagsusulat ng mga ideya, damdamin o reaksyon sa isang bata paksa o isyu: salita, pangungusap

1

WG • F1WG-IIIh-j-6 • Pagbabalik-aral: Paraan, Panahon at • Pagpapaala sa konsepto ng paraan, panahon at • Pakikinig sa talakayan Nasasabi ang paraan, panahon Lugar ng Aksiyon lugar ng aksiyon • Pakikinig sa mga pangungusap at parirala at lugar ng pagsasagawa ng kilos • Pagpaskil ng card na may salitang paraan, • Pagpunta sa sulok kung saan naroon ang o gawain sa tahanan, paaralan at panahon at lugar sa magkakaibang sulok ng tamang card pamayanan silid • Pagpapaliwanag sa kanilang sagot • Pagbababasa ng mga pangungusap at parirala at paghikayat sa mga bata na pumunta sa akmang sulok • Pagbigay ng tamang sagot

PN • F1PN-IIIi-7 • Si Aling Oktopoda at ang Walong • Paghahanda para sa kuwento • Pagtugon sa mga tanong bago basahin ang Naibibigay ang paksa ng Munting Pugita • Pagbasa ng kuwento kuwento napakinggang tula/kuwento • Pagtatanong habang binabasa at pagkatapos • Pakikinig sa pagbasa ng kuwento 2 PN • F1PN-IIIj-12 basahin ang kuwento • Pagtugon sa mga tanong habang binabasa at Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa matapos basahin ang kuwento napakinggang teksto LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

164 YUNIT 3 ARALIN 29

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG FILIPINO YUNIT 3, ARALIN 29

Tema: Mga Likas na Kayamanan sa Aking Komunidad Kuwento: Si Aling Oktopoda at ang Walong Munting Pugita

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan • Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit Naiuulat nang pasalita ang paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang Araw- mga naobserbahang pangyayari kanilang personal na karanasan gabay araw sa paaralan (o mula sa sariling karanasan) PP • F1PP-IIIj-9 • Pagpapaunlad ng Talasalitaan • Pagbibigay ng pangungusap gamit ang • Pakikinig sa pangungusap na ibibigay ng guro Nagagamit ang mga natutuhang tututukang salita • Pagsagot sa katanungan at paglahok sa salita sa pagbuo ng mga simpleng • Pagtatanong upang makuha ang kahulugan ng talakayan pangungusap salita • Pagbubuo ng sariling pangungusap gamit ang KM • F1KM-IIIj • Pagpapagamit ng natutunang salita sa sariling takdang salita Nakasusulat nang may wastong pangungusap • Pagsulat sa kuwaderno ng nabuong baybay, bantas, gamit ng malaki at • Pagpapasulat sa kuwaderno ng nabuong pangungusap maliit na letra upang maipahayag ang pangungusap at pagsusuri sa pagsusulat ng mga ideya, damdamin o reaksyon sa isang bata paksa o isyu: salita, pangungusap

1

WG • F1WG-IIIh-j-6 • Pagbabalik-aral: Paraan, Panahon at • Pagpapaala sa konsepto ng paraan, panahon at • Pakikinig sa talakayan Nasasabi ang paraan, panahon Lugar ng Aksiyon lugar ng aksiyon • Pakikinig sa mga pangungusap at parirala at lugar ng pagsasagawa ng kilos • Pagpaskil ng card na may salitang paraan, • Pagpunta sa sulok kung saan naroon ang o gawain sa tahanan, paaralan at panahon at lugar sa magkakaibang sulok ng tamang card pamayanan silid • Pagpapaliwanag sa kanilang sagot • Pagbababasa ng mga pangungusap at parirala at paghikayat sa mga bata na pumunta sa akmang sulok • Pagbigay ng tamang sagot

PN • F1PN-IIIi-7 • Si Aling Oktopoda at ang Walong • Paghahanda para sa kuwento • Pagtugon sa mga tanong bago basahin ang Naibibigay ang paksa ng Munting Pugita • Pagbasa ng kuwento kuwento napakinggang tula/kuwento • Pagtatanong habang binabasa at pagkatapos • Pakikinig sa pagbasa ng kuwento 2 PN • F1PN-IIIj-12 basahin ang kuwento • Pagtugon sa mga tanong habang binabasa at Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa matapos basahin ang kuwento napakinggang teksto LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

165 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PU • F1PU-IIIi-2.1;2.3 • Pagsasanay: pagbabaybay ng • Pagpapakita ng mga flash card ng tututukang • Pagmasid at pagbasa sa flash card Nababaybay nang wasto ang mga batayang salita salita • Pagpapantig ng mga salita salitang may tatlo o apat na pantig: • Paggabay sa pagpantig at pagpalakpak ng pantig • Paghihiwalay ng mga tunog sa salita batayang talasalitaan • Pagpapakita ng halimbawa ng pagbaybay sa • Pagsulat ng baybay ng salita sa kuwaderno pocket chart • Pakikilahok sa talakayan ukol sa tamang • Pagdikta ng iba pang salita at pagpapasulat nito baybay ng mga isinulat sa salita sa mga bata 3 • Pagpapakita ng tamang baybay

PL • F1PL-0a-j-7 • Bahaginan • Pagbigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig at paglahok sa talakayan Naibabahagi ang karanasan sa halimbawang pangungusap • Pagbabahagi tungkol sa paboritong tagpo sa pagbasa upang makahikayat ng • Paggabay sa gawaing magkapareha kuwento sa katabi/kapareha pagmamahal sa pagbasa • Paglalahad sa buong klase

KP • F1KP-IIIh-j-6 • Pagsasanay: Pagbubuo ng bagong • Pagsulat ng mga salitang papalitan ang tunog sa • Pagbasa sa orihinal na salita Napapalitan at nadadagdagan ang salita pisara at pagbasa dito • Pakikilahok sa gawain sa pisara: pagbura at mga tunog upang makabuo ng • Pagtawag ng mga bata sa pisara upang gawin pagpalit ng letra sa orihinal na salita bagong salita ang pagpalit ng letra at pagbuo ng bagong • Pagbasa ng bagong salita at pakikilahok sa salita batay sa panuto na ibinigay talakayan tungkol sa kahulugan nito • Pagbasa sa mga nabuong salita

4 PT • F1PT-IIIj-3 • Pagsulat at pagbasa ng pangungusap na • Pagbasa sa pangungusap Napagyayaman ang talasalitaan sa pagkukunan ng mga pantig sa pisara • Pakikilahok sa pagpapantig pamamagitan ng pagbubuo ng mga • Paggabay sa gawaing pagpapantig • Pagsasama-sama ng mga ibinigay na pantig salita gamit ang mga pantig • Pagbibigay ng pantig na ipagsasama ng mga upang makabuo ng salita bata upang makabuo ng bagong salita • Pagsulat ng bagong salita sa kuwaderno • Pagbasa sa mga nabuong salita • Pagtukoy sa kahulugan ng nabuong salita

PS • F1PS-IIIi-8.2 • Bahaginan/Pagbibigay ng Panuto • Paggabay sa bahaginan tungkol sa recycling at • Pakikilahok sa bahaginang magkapareha Nakapagbibigay ng maikling panuto pag-uuri ng basura • Pagbibigay ng panuto gamit ang lokasyon • Paghahanda ng gamit para sa gawaing pag-uuri • Pagsunod sa panuto 5 ng basura • Paggabay sa mga bata sa pagbibigay ng panuto kung saang basurahan sa lood ng silid dapat ilagay ang isang uri ng basura LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

166 YUNIT 3 ARALIN 29

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral PU • F1PU-IIIi-2.1;2.3 • Pagsasanay: pagbabaybay ng • Pagpapakita ng mga flash card ng tututukang • Pagmasid at pagbasa sa flash card Nababaybay nang wasto ang mga batayang salita salita • Pagpapantig ng mga salita salitang may tatlo o apat na pantig: • Paggabay sa pagpantig at pagpalakpak ng pantig • Paghihiwalay ng mga tunog sa salita batayang talasalitaan • Pagpapakita ng halimbawa ng pagbaybay sa • Pagsulat ng baybay ng salita sa kuwaderno pocket chart • Pakikilahok sa talakayan ukol sa tamang • Pagdikta ng iba pang salita at pagpapasulat nito baybay ng mga isinulat sa salita sa mga bata 3 • Pagpapakita ng tamang baybay

PL • F1PL-0a-j-7 • Bahaginan • Pagbigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig at paglahok sa talakayan Naibabahagi ang karanasan sa halimbawang pangungusap • Pagbabahagi tungkol sa paboritong tagpo sa pagbasa upang makahikayat ng • Paggabay sa gawaing magkapareha kuwento sa katabi/kapareha pagmamahal sa pagbasa • Paglalahad sa buong klase

KP • F1KP-IIIh-j-6 • Pagsasanay: Pagbubuo ng bagong • Pagsulat ng mga salitang papalitan ang tunog sa • Pagbasa sa orihinal na salita Napapalitan at nadadagdagan ang salita pisara at pagbasa dito • Pakikilahok sa gawain sa pisara: pagbura at mga tunog upang makabuo ng • Pagtawag ng mga bata sa pisara upang gawin pagpalit ng letra sa orihinal na salita bagong salita ang pagpalit ng letra at pagbuo ng bagong • Pagbasa ng bagong salita at pakikilahok sa salita batay sa panuto na ibinigay talakayan tungkol sa kahulugan nito • Pagbasa sa mga nabuong salita

4 PT • F1PT-IIIj-3 • Pagsulat at pagbasa ng pangungusap na • Pagbasa sa pangungusap Napagyayaman ang talasalitaan sa pagkukunan ng mga pantig sa pisara • Pakikilahok sa pagpapantig pamamagitan ng pagbubuo ng mga • Paggabay sa gawaing pagpapantig • Pagsasama-sama ng mga ibinigay na pantig salita gamit ang mga pantig • Pagbibigay ng pantig na ipagsasama ng mga upang makabuo ng salita bata upang makabuo ng bagong salita • Pagsulat ng bagong salita sa kuwaderno • Pagbasa sa mga nabuong salita • Pagtukoy sa kahulugan ng nabuong salita

PS • F1PS-IIIi-8.2 • Bahaginan/Pagbibigay ng Panuto • Paggabay sa bahaginan tungkol sa recycling at • Pakikilahok sa bahaginang magkapareha Nakapagbibigay ng maikling panuto pag-uuri ng basura • Pagbibigay ng panuto gamit ang lokasyon • Paghahanda ng gamit para sa gawaing pag-uuri • Pagsunod sa panuto 5 ng basura • Paggabay sa mga bata sa pagbibigay ng panuto kung saang basurahan sa lood ng silid dapat ilagay ang isang uri ng basura LEGEND: AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag; EP – Estratehiya sa Pag-aaral; PT – Pag-unlad/ Paglinang ng Talasalitaan; PN – Pakikinig/ Pag-unawa sa Napakinggan; KP – Kamalayang Ponolohiya; KM – Komposisyon; PL – Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan; PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita; TA – Tatas; PS – Pagsasalita/ Wikang Binibigkas; PU – Pagsulat at Pagbaybay; PB – Pag-unawa sa Binasa WG – Wika at Gramatika/ Kayarian ng Wika

167 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW MGA LAYUNIN (1) F1PP-IIIj-9 Nagagamit ang mga natutuhang salita sa pagbuo ng mga simpleng pangungusap 1 (2) F1KM-IIIj Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa o isyu: salita, pangungusap (3) F1WG-IIIh-j-6 Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Ipakilala ang tema para sa linggong ito, at iugnay sa gagawing bahaginan batay sa paksa ng pangangalaga sa kapaligiran.

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa mga likas na kayamanan sa ating komunidad. Ang karagatan, ang lupa, at ang mga hayop na nakatira sa ating kapaligiran ay kabilang sa ating mga likas na kayamanan. Noong nakaraang linggo, sinimulan nating pag-usapan ang pangangalaga sa kapaligiran. Ipagpatuloy natin ito ngayon sa ating bahaginan. Humarap sa inyong katabi at pag-usapan ang tanong na ito: Ano ang isang bagay na maaari ninyong gawin upang pangalagaan ang mga halaman at hayop sa ating kapaligiran? Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Mapapangalagaan ko ang hayop at halaman sa aking kapaligiran kapag ______.

Magbigay ng halimbawang pangungusap upang lalong maipakita ang inaasahan mula sa mag-aaral. Halimbawa: Mapapangalagaan ko ang hayop at halaman sa aking kapaligiran kapag hindi ako magtatapon ng mga nakalalasong kemikal at mga plastic bag sa mga estero o ilog.

Bigyan ng tatlong minuto ang mga magkatabi upang magbahaginan. Umikot sa klase at pakinggan ang tatas ng kanilang usapan. Alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na pagsasanay. Matapos ang tatlong minuto, tumawag ng dalawang mag-aaral na maglalahad ng kanilang sagot sa buong klase.

Isulat sa pisara ang mga ibabahagi ng mga mag-aaral sa porma ng isang talaan. Halimbawa:

Paraan ng pangangalaga sa kapaligiran: • Huwag magtapon ng basura kung saan-saan. • Magtanim ng halaman. • Hanapan ng iba pang gamit ang mga nagamit nang papel o plastic na lalagyan.

168 YUNIT 3 ARALIN 29

talaan PAGBABALIK-ARAL: PARAAN, PANAHON AT LUGAR NG ISANG AKSIYON O GAWAIN 2

Balikan ang pinag-aralan tungkol sa paraan, panahon at lugar ng paggawa ng kilos o aksiyon na tinalakay noong nakaraang linggo. Ipaalala na ang paraan ay sumasagot na tanong na “paano,” ang panahon ay sumasagot sa tanong na “kailan,” at ang lugar ay sumasagot sa tanong na “saan.”

Patayuin ang klase. Maglagay ng tatlong malaking flash card sa iba-ibang bahagi ng silid-aralan—paraan/paano? sa isang sulok, panahon/kailan? sa kabilang sulok, at lugar/saan? sa isa pang sulok ng silid. Papuntahin ang mga bata sa sulok kung saan nakalagay ang akmang card para sa pangungusap/bahagi ng pangungusap na babanggitin ninyo. Humingi ng paliwanag mula sa mga bata kung bakit sila pumunta sa isang partikular na sulok. Ibigay ang tamang sagot matapos nila magpaliwanag.

Gamitin ang sumusunod na pangungusap para sa gawaing ito:

• Kapag nagtatapon tayo ng plastic sa mga estero o ilog, maaaring makain ito ng mga isda at sila ay malalason. –– “sa mga estero o ilog”—paraan, panahon, o lugar? • Kapag makain ng mga isda ang plastic, sila ay unti-unting mamamatay. –– “unti-unting mamamatay”—paraan, panahon, o lugar? • Kapag kinain naman ng tao ang nalasong isda na nahuli sa dagat o ilog, ang tao ay dali-daling magkakasakit. –– “nahuli sa dagat o ilog”—paraan, panahon, o lugar? • Dahil dito, hindi tayo dapat kailanman magtapon ng basura nang walang pakundangan. –– “kailanman”—paraan, panahon, o lugar? –– “nang walang pakundangan”—paraan, panahon, o lugar? • Araw-araw, isipin nating hindi lamang tayong mga tao ang nabubuhay at umaasa sa ating kapaligiran. –– “araw-araw”—paraan, panahon, o lugar? PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN 3 Ipagpatuloy ang pagtalakay sa tema ng pangangalaga ng kapaligiran at likas-yaman sa pamamagitan ng pag-ugnay ng mga pag-aaralang salita sa tema para sa linggong ito.

Sabihin: Napakahalaga ng ating tema para sa linggong ito. Importante na matuto tayong pangalagaan ang ating kapaligiran para hindi masira ang ating likas na kayamananan—katulad ng ating karagatan. Ang kuwento na babasahin natin bukas ay naganap sa ilalim ng karagatan. Ngunit bago natin ito basahin bukas, pag-aralan muna natin ang ilang salita na makikita natin sa aklat.

169 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Isulat ang sumusunod na salita sa pisara: pugita, amiga, ginalugad, barakuda, pinaspasan.

Banggitin ang sumusunod na pangungusap para matulungan ang mga bata sa pag-unawa ng kahulugan ng mga salita sa pisara:

• Pangungusap 1: May walong kamay o galamay ang pugita. Itanong: Ano ang mga salita sa pangungusap na nagpapahiwatig kung ano ang pugita? May iba pa bang hayop kayong kilala na may walong kamay o galamay? Kahawig kaya ito ng pugita? Ano kaya ang itsura ng pugita? Isulat: pugita = octopus, laman dagat na mukhang malaking pusit

• Pangungusap 2: Lagi niyang kasama at kalaro ang amiga niyang si Maria. Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang amiga? Kung palagi ninyong kasama ang isang tao, malapit ba siya sa inyo? Ano kaya ang ibig sabihin ng amiga? Isulat: amiga = kabarkada, kaibigan

• Pangungusap 3: Ginalugad na nila ang lahat ng sulok ng bahay, pero hindi pa rin nila mahanap ang nawawalang susi. Itanong: Alin naman ang mga salita sa pangungusap na ito na nagbibigay ng ideya kung amo ang kahulugan ng ginalugad? May bagay na ba kayo hinanap sa lahat ng sulok? Ano kaya ang ibig sabihin ng ginalugad? Isulat: ginalugad = hinanap

• Pangungusap 4: Mabilis na lumangoy palayo ang ibang isda nang nakita nitong palapit ang gutom na barakuda. Itanong: Batay sa pangungusap, anong klase kayang isda ang barakuda? Bakit kaya natatakot dito ang ibang isda? Isulat: barakuda = malaking isda na may matalas na ngipin

• Pangungusap 5: Nagmamadali siya, kaya pinaspasan niya ang paglalakad. Itanong: Ano kaya ang kinalaman ng pagmamadali sa salitang pinaspasan? Mahuhulaan ba ninyo ang ibig sabihin ng pinaspasan? Isulat: pinaspasan = binilisan

Basahin ang talasalitaan na nakasulat sa pisara—salita at kahulugan. Pasundin ang mga bata sa pagbabasa.

• pugita = octopus, laman dagat na mukhang malaking pusit • amiga = kabarkada, kaibigan • ginalugad = hinanap • barakuda = malaking isda na may matalas na ngipin • pinaspasan = binilisan

Magtakda ng isang salita sa bawat hanay. Itakda ang pugita sa hanay 1, amiga sa hanay 2, ginalugad sa hanay 3, barakuda sa

170 YUNIT 3 ARALIN 29

hanay 4, at pinaspasan sa hanay 5. Pabuuin ng pangungusap ang talaan bawat bata gamit ang salita na itinakda sa kanilang hanay. Ipasulat sa kanilang kuwaderno ang kanilang pangungusap. Umikot sa bawat hanay at suriin ang mga pangungusap na isinulat ng mga bata. Pansinin kung sino pa ang nangangailangan ng tulong sa pagbubuo ng pangungusap at sa pagsusulat.

PAGTATAPOS 4

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Tanungin ang inyong mga kapamilya tungkol sa mga isda at iba pang hayop na nakatira sa ilalim ng dagat. Humingi ng ilang halimbawa ng pangalan ng mga isda o iba pang hayop na nakatira sa karagatan. Maghandang magbahagi tungkol dito bukas.

MGA LAYUNIN ARAW (1) F1PN-IIIi-7-Naibibigay ang paksa ng napakinggang tula/kuwento (2) F1PN-IIIj-12 Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa napakinggang teksto 2 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT 1 Ipaalala sa mga mag-aaral ang takdang-aralin na ibinigay kahapon. Magpabanggit ng ilang mga isda o hayop na nakatira sa ilalim ng dagat. Ipaskil ang manila paper kung saan nakasulat ang awitin na ipakikilala sa mga bata. Iugnay ang takdang-aralin sa ipakikilala na awitin, at sa talasalitaan kahapon.

Sabihin: Ang awitin dito sa manila paper ay tungkol sa mga likas na yaman na makikita natin sa karagatan. Mababanggit dito ang iba-ibang mga isda at nilalang na makikita sa ilalim ng dagat. Tingnan ninyo kung mababanggit dito ang mga isda na binanggit ninyo kanina. Pansinin din ninyo kung may marinig kayong salita mula sa talasalitaan natin kahapon. Aawitin natin ito sa tono ng “Bahay Kubo.” Aawitin ko muna, pagkatapos ay sabay-sabay natin itong kantahin.

171 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan “Sa Karagatan” (awitin sa tono ng Bahay Kubo) Sa karagatan, yaman ay kay dami. Ang nabubuhay doon ay sari-sari. Korales, talaba, pawikan at tulya, tuna, pusit, pugita. Mga isdang magaganda: clown fish, maya-maya, at saka mayroon pang mga barakuda. Sea horse, kabibe, pating at balyena. Sa kulay at dami, ika’y mapapahanga!

Gabayan ang mga bata sa isang talakayan upang maiugnay ang awit sa tema para sa linggo, at sa kuwentong babasahin.

Itanong: Tungkol saan ang awiting ito? Anong uri ng likas na kayamanan ang binabanggit sa kanta? May narinig ba kayong uri ng yaman-dagat na pamilyar sa inyo? Alin sa mga salitang ito ang tinalakay natin kahapon sa ating gawaing talasalitaan?

PAGHAHANDA PARA SA 2 PAKIKINIG SA KUWENTO a. Paghahawan ng Balakid Ipakitang muli sa klase ang mga salitang pinag-aralan kahapon. Ipabasa ang bawat salita at tanungin ang klase kung ano ang ibig sabihin nito. Pansinin ang mga salitang nabanggit din sa kantang “Sa Karagatan.”

b. Pagganyak Ipakita ang pabalat ng aklat ng Si Aling Oktopoda at ang Walong Munting Pugita. Banggitin ang pamagat, may-akda, at tagaguhit. Itanong sa mga bata kung ano ang nakikita nila sa larawan sa pabalat. Ipabilang ang galamay ng malaking pugita. Ipabilang kung ilan ang maliliit na pugita. Ipahula sa mga bata kung saang lugar magaganap ang kuwentong babasahin. Ipaugnay sa inawit na kantang “Sa Karagatan.”

c. Pagganyak na Tanong Habang binabasa ko ang kuwento, subukang sagutin ang tanong na ito: Ano ang mga uri ng isda at yaman-dagat na makikita sa aklat? Alin sa mga ito ang nabanggit din sa awiting “Sa Karagatan”?

172 YUNIT 3 ARALIN 29

talaan HABANG BINABASA ANG KUWENTO 3 Basahin nang malakas at may damdamin ang kuwento. Huminto pagkabasa ng mga takdang pahina upang itanong ang sumusunod:

• Huminto sa p. 3 Itanong: Magkaano-ano ang mga pugita? Kaano-ano nila si Aling Oktopoda?

• Huminto sa p. 7 Itanong: Ano ang ginagawa ng mga anak ni Aling Oktopoda dito sa larawan? Ano ang hawak-hawak nila?

• Huminto sa p. 9 Itanong: Ano-ano ang nakikita ninyong mga pagkain dito sa larawan? Nakakain na ba kayo nito?

• Huminto sa p. 11 Itanong: Nasaan na ang mga kapatid ni Walo dito sa larawan? Bakit kaya nahiwalay ang bunsong si Walo sa kanila? Ano ang nakita niya sa karagatan?

• Huminto sa pp. 12-13 Itanong: Nasaan si Walo dito sa larawan? Sino ang kasama niya? Bilangin nga natin ang mga isda dito sa larawan. Bilangin din natin ang mga kabibe. Bilangin din natin ang mga seahorse. Mukha bang masaya si Walo dito? Nasaan na kaya ang mga kapatid niya?

• Huminto sa p. 15 Itanong: Ano kaya ang nararamdaman ng mga kapatid ni Walo? Ano ang ekspresiyon ng mga mukha nila dito? Mahahanap kaya nila si Walo? Ano kaya ang susunod nilang gagawin?

• Huminto sa p. 17 Itanong: Ano kaya ang gagawin ni Aling Oktopoda ngayong nalaman niya ang nangyari kay Walo?

• Huminto sa p. 19 Itanong: Kanino nagpatulong si Aling Oktopoda? Bilangin nga natin sila.

• Huminto sa p. 21 Itanong: Ilang barakuda daw ang humahabol kay Walo? Bilangin nga natin.

• Huminto sa p. 25 Itanong: Nasaan na si Walo sa larawang ito? Ano ang ekspresiyon sa mukha niya? Ano ang ekspresiyon sa mukha ni Aling Oktopoda? Ano naman ang nangyari sa mga barakuda dito?

173 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Huminto sa p. 27 Itanong: Paano nagtapos ang kuwento? Masaya na kaya si Walo at ang kapatid niyang pugita? Bakit?

4 TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO Itanong ang sumusunod upang palalimin ang pagkakaunawa ng mga bata sa kuwento: • Tungkol saan ang kuwento natin? • Sino ang bida sa ating kuwento? • Ano-ano pa ang mga nakita ninyong yaman-dagat sa ating kuwento? Alin sa mga ito ang nabanggit sa kinanta natin kaninang “Sa Karagatan”? • Ano ang ginawa ni Aling Oktopoda nang nalaman niyang nawala si Walo? Sino ang tumulong sa kanya? • Ano ang masasabi ninyo tungkol sa yaman ng karagatan na ipinakita sa aklat? Gusto rin ba ninyong tumira sa ilalim ng dagat katulad ni Aling Oktopoda at ng kaniyang mga anak na pugita? Bakit? • Paano natin mapapanatiling mayaman at malinis ang karagatan na tinitirahan ni Aling Oktopoda at ng kaniyang mga anak?

5 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Awitin para sa inyong kapamilya ang kantang “Sa Karagatan.” Tanungin sila kung ano ang dapat gawin upang mapangalagaan ang mga yaman-dagat na nabanggit sa kanta.

ARAW MGA LAYUNIN (1) F1PU-IIIi-2.1;2.3 Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat na pantig: batayang talasalitaan 3 (2) F1PL-0a-j-7 Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng pagmamahal sa pagbasa

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahaginan tungkol sa awiting “Sa Karagatan” at tungkol sa aklat na Si Aling Oktopoda. Ano- ano ang mga yaman-dagat na nakita nila sa aklat, at narinig nila sa awiting pinag-aralan kahapon? Alin sa mga yamang-dagat na ito ang pinakagusto nila? Maaari nilang gamitin ang halimbawang panimula na ito:

174 YUNIT 3 ARALIN 29

talaan ______ang pinakagusto kong yaman-dagat dahil ______.

Magbigay ng halimbawang pangungusap, katulad ng: Korales ang pinakagusto kong yaman-dagat dahil dito kumukuha ng pagkain ang maraming mga isda.

Bigyan ng tatlong minuto ang magkatabi para magpalitan ng opinyon tungkol sa pinakagusto nilang yaman-dagat. Pagkatapos, tumawag ng limang mag-aaral para maglahad ng kanilang sagot sa buong klase. Ilabas ang aklat na “Aling Oktopoda” at hikayatin silang ipakita ang larawan ng gusto nilang yaman-dagat habang sila ay naglalahad ng kanilang pangungusap.

PAGSASANAY: PAGBABAYBAY NG MGA BATAYANG SALITA 2 Magpaskil ng mga flash card ng salita na madalas gamitin sa si- lid-aralan: pangungusap, kuwento, salita, talata, aralin

Ipapansin sa mga mag-aaral ang mga ipinaskil na salita. Basahin ang bawat isa. Gamitin ang mga salitang ito sa pangungusap, at ituro ang salita habang binabanggit sa pangungusap. Halimbawa: “Nagbabasa tayo ng kuwento tulad ng “Aling Oktopoda” sa klase bilang bahagi ng ating aralin. Ang kuwento ay binubuo ng mga talata. Ang talata ay binubuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay binubuo ng mga salita.”

Basahin muli para sa mga bata ang mga salita sa flash card. Ipaliwanag na mahalagang masanay sila sa pagbasa at pagsulat ng mga ito dahil madalas nilang makikita, maririnig, at magagamit ang mga salitang ito.

Ipabilang ang pantig ng bawat salita gamit ang pagpalakpak. Sasabi- hin muna nila ang salita nang mabilis. Pagkatapos, ipapantig nila ang salita habang pumalapakpak sa bawat pantig. Gabayan ang mga mag- aaral sa pagsagawa nito para sa bawat salita na nakapaskil sa pisara.

Tanggalin mula sa pisara ang mga flash card. Ipakita ang mga ito nang isang huling beses bilang paghahanda para sa gawaing pagbabaybay. Ipabasa ang salita sa flash card, at ipapansin sa kanila ang tunog at letra na bumubuo sa bawat salita.

Ilabas ang pocket chart at mga letter card. Gamitin ito upang ipaalala sa mga bata ang mga hakbang na maaari nilang gamitin kapag nagbabay- bay. Ipakita sa pocket chart ang mga hakbang sa pagbaybay ng unang salita: pangungusap.

Sabihin: Kapag nagbabaybay, iniisip natin ang mga tunog at letra na bumubuo sa bawat pantig ng salita. Halimbawa, babaybayin ko ang salitang “pangungusap.” Pa-ngu-ngu-sap. Ang unang pantig ay “pa-”; ang

175 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan unang tunog sa “pa-” ay /p/. Ang letra na may tunog na /p/ ay ang letrang p. Ilalagay ko ang letrang p dito sa simula ng salita. Isulat rin ninyo ito sa inyong kuwaderno. Ang kasunod na tunog sa pantig na “pa-” ay /a/. Ang letrang may tunog na /a/ ay ang letrang a. Ilalagay ko ito sa tabi ng letrang p.

Ang kasunod na pantig sa salita ay “ngu-”; ang mga tunog nito ay /ng/ at /u/. Ilalagay ko ang letrang ng at u dito sa tabi ng pantig na “pa-“…Naulit muli ang pantig na “ngu-”; ibig sabihin, mga letrang ng at u muli ang ilalagay ko dito sa tsart.

Ang pinakahulung pantig ay “-sap”—ang mga tunog na bumubuo dito ay /s/, /a/, at /p/. Kaya’t ilalagay ko ang mga letrang s, a, at p dito sa pocket chart.

Sunod, pagmamasdan ko ang nabuong salita—mukha bang tama ang pagkaba- ybay? Pamilyar ba sa akin ang nakikita kong salita? Babasahin ko muli ang salita para makita kung tama nga ang pagkabaybay ko. Pangungusap. Pangungusap. Pangungusap. Tama! Tama rin ba ang pagka- kasulat ninyo sa salitang ito sa inyong kuwaderno?

Pagkatapos ipakita ang mga hakbang sa pagbabaybay, ibigkas, ipantig, at ibigkas muli isa-isa ang mga salita na nasa flash card kanina, at ipasu- lat ito sa mga bata sa kanilang kuwaderno.

Maglaan ng panahon para ipakita ang baybay ng mga salitang idinikta sa pocket chart. Tumawag ng mga bata na magbabaybay sa bawat salita gamit ang letter card na ilalagay sa pocket chart. Matapos nilang gawin ito, ipakita ang flash card. Ipakumpirma sa klase kung tama nga ang pagkakasunod-sunod ng mga letra sa pocket chart. Gawin ito para sa bawat salita.

3 PAGTATAPOS Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa pinag-aralan ngayong araw. Ipataas ang kamay ng mga bata na nakapagbaybay/ nakasulat ng limang salita nang tama. Ipataas naman ang kamay nang nakakuha ng apat na tamang sagot. Ipataas ang mga kamay ng mga batang nakapagbaybay ng tatlong salita pababa. Hiramin ang mga kuwaderno ng huling pangkat ng mga mag-aaral at obserbahan kung aling salita o tunog sila nahirapang ibaybay. Tutukan ang mga batang ito sa mga sumusunod na araw.

176 YUNIT 3 ARALIN 29

talaan MGA LAYUNIN ARAW (1) F1KP-IIIh-j-6 Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita (2) F1PT-IIIj-3 Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng 4 mga salita gamit ang mga pantig

PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT (“MAGKAUGNAY”) 1

Ipaskil ang manila paper na may titik ng awiting “Magkaugnay” ni Joey Ayala. (Mahahanap ang titik at tono ng awit na ito sa internet: http://youtu.be/_y_nQheGGXg) Sabihin na ang kanta para sa araw na ito ay may mahalagang mensahe tungkol sa pangangalaga ng kalikasan at ng ating mga likas-yaman. Awitin (o ipatugtog) muna para sa mga bata ang kanta upang makuha nila ang tono. Hikayatin silang pumalakpak at pumadyak sa tiyempo ng kanta habang inaawit ninyo ito. Pasabayin ang mga bata sa susunod na pag-awit.

Palalimin ang pag-unawa ng mga bata sa kanta sa pamamagitan ng pagtanong ng sumusunod: • Bakit kaya sinasabi ng kanta na ang lahat ng bagay ay magkaugnay? • Kapag may gawin tayong masama sa ating lupa o dagat, katulad ng pagkakalat o paglalason dito, ano ang mangyayari sa atin at sa ibang nakatira dito? • Sinasabi ng awit na “kamag-anak at katribo” natin ang lahat ng nabubuhay sa mundo. Magbanggit nga kayo ng isang hayop o halaman na kamag-anak at katribo natin?

Gabayan ang lahat ng bata sa pagkumpleto ng pangngusap na ito: Lahat tayo ay magkaugnay. Kamag-anak/katribo natin ang (isang hayop o halaman). Magbigay ng halimbawang pangungusap: Kamag-anak natin ang balyena. Katribo natin ang puno ng mangga. Patayuin at pasagutin ang bawat bata sa klase. Isulat ang mga babanggitin nilang hayop o halaman sa pisara PAGSASANAY: PAGBUBUO NG SALITA 2 a. Pagpapalit ng Tunog o Letra Upang Makabuo ng Salita Isulat ang mga salitang ito sa pisara: dagat, lupa, laot, hangin, likas, yaman. Basahin ang bawat isa at ipaliwanag ang kahulugan nito. Iugnay din ang bawat salita sa kantang “Magkaugnay” at sa tema para sa linggong ito.

Sabihin: Narinig natin ang mga salita na sinulat ko dito sa pisara sa kantang “Magkaugnay.” Ang ibang salita naman ay makikita sa tema nating “mga likas na kayamanan sa ating komunidad.” Gagamitin natin

177 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ang mga salitang ito sa pagbubuo ng bagong salita.

Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng pagpapalit ng ilang tunog sa isang salita. Ipaalala sa kanila na ginawa na nila ito noong nakaraang linggo.

Tumawag ng apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa bawat isa ang salitang dagat sa bahagi nila ng pisara. Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang d at palitan ito ng letrang k, ano ang bagong salitang mabubuo? (Kagat) Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?

Tumawag ng panibagong apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa bawat isa ang salitang upa sa bahagi nila ng pisara. Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang p at palitan ito ng letrang h, ano ang bagong salitang mabubuo? (luha) Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?

Tumawag ng apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa bawat isa ang salitang laot sa bahagi nila ng pisara. Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang t at palitan ito ng letrang s, ano ang bagong salitang mabubuo? (laos) Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?

Tumawag ng apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa bawat isa ang salitang hangin sa bahagi nila ng pisara. Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang h at palitan ito ng letrang b, ano ang bagong salitang mabubuo? (bangin) Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?

Tumawag ng apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa bawat isa ang salitang likas sa bahagi nila ng pisara. Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang i at palitan ito ng letrang a, ano ang bagong salitang mabubuo? (lakas) Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?

Tumawag ng apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa bawat isa ang salitang yaman sa bahagi nila ng pisara. Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang y at palitan ito ng letrang l, ano ang bagong salitang mabubuo? (laman) Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?

Isulat sa pisara ang mga bagong nabuong salita, at ipakopya ito sa mga bata: kagat, luha, laos, bangin, lakas, laman. Ipabasa ito sa mga bata. Tumawag ng isang bata upang sabihin kung paano nila nabuo ang mga salitang ito. (Halimbawa: Nakabuo ako ng bagong salita sa pamamagitan ng pagpalit ng isang tunog o letra mula sa naunang salita.)

b. Pagsasama ng mga Pantig Upang Makabuo ng Salita Isulat ang pangungusap na ito sa pisara: Dapat alagaan, protektahan, at bantayan ang ating likas yaman. Pasabayin ang mga bata sa pagbasa nito. Pagkatapos, hayaang pantigin ng mga bata ang bawat salita habang pumapalakpak sa bawat pantig. Habang ginagawa nila ito, ikabit sa pisara ang ilang card na may nakasulat na

178 YUNIT 3 ARALIN 29

mga pantig mula sa mga salita sa pangungusap: ya, ban, ta, han, da, talaan la, pat, ga, man, kas, li, ting, a, ang

Sabihin: Isa pang paraan ng pagbubuo ng salita ang pagsasama ng iba- ibang pantig. Nandito sa pisara ang ilang pantig mula sa mga salita sa binasa nating pangungusap. Subukan nating pagsama-samahin ang ilan dito upang makabuo ng bagong salita. Isusulat ko dito sa pisara. Isulat rin ninyo ang mabubuo nating salita sa inyong kuwaderno.

Ano ang mabubuong bagong salita kapag pagsamahin natin ang: • ban + da? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno. • kas + ya? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno. • da + ting? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno. • ban + ta? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno. • da + han? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno. • la + ga? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno. • ga + ta? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno. • la + kas? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno. • la + man? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno.

Magpaskil ng manila paper kung saan nakasulat ang mga nabuong salita: banda, kasya, dating, banta, dahan, laga, gata, lakas, laman.

Pasabayin ang mga bata sa pagbabasa ng mga salita. Tanungin ang mga bata kung ano ang ibig sabihin ng bawat isa. Anyayahan ang mga bata na gamitin ang mga salita sa simpleng pangungusap.

(Posibleng halimbawa: Tumugtog ang banda sa piyesta. Kasya sa akin ang damit. Inaantay ko ang pagdating ng aking tatay. May banta ng bagyo bukas. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nag-laga ako ng mais. May gata ang maja blanca. Kay lakas ng sigaw niya. Maraming laman ang libro.)

Tumawag ng isang bata at ipasabi sa kaniya kung paano niya nabuo ang mga salitang ito. (Halimbawa: Nabuo ang mga salitang ito sa pagsama- sama o paghahalo ng mga pantig.)

PAGTATAPOS 3

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magtanong sa inyong pamilya kung paano mag-uri-uri ng mga basura at kung paano mag-recycle. Ihanda ang sarili na magbahagi tungkol dito bukas.

179 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ARAW LAYUNIN (1) F1PS-IIIi-8.2 Nakapagbibigay ng maikling panuto gamit ang lokasyon 5 PANIMULANG GAWAIN: 1 BAHAGINAN/PAGBIBIGAY NG PANUTO

Ipaalala sa mga bata ang ibinigay na takdang-aralin. Patayuin sila at pahanapin sila na isang kapares. Bigyan sila ng panahon upang ikuwento sa kanilang kapares ang nakuha nilang impormasyon tungkol sa pag-uuri at paghihiwalay ng basura at tungkol sa pag- recycle.

Habang nagkukuwentuhan ang mga magkapares, ihanda ang mga gamit para sa demonstrasyon ukol sa waste segregation: isang basket o supot na may nakasulat na babasagin, isang basket o supot na may nakasulat na papel, isang basket o supot na may nakasulat na nabubulok, at isang basket o supot na may nakasulat na plastic. Maghanda din ng ilang halimbawa ng basura na ilalagay sa bawat lalagyan.

Gabayan ang mga bata sa pagbibigay ng panuto tungkol sa paglalagay ng basura sa tamang lalagyan. Ipaliwanag kung para saan ang bawat basket o supot. Maglagay ng isang basket o supot sa bawat sulok ng silid-aralan. Magpakita ng halimbawa ng pagbibigay ng panuto gamit ang lokasyon para sa sitwasyong ito.

Sabihin: Magsasanay tayo ngayon sa pagbibigay ng panuto. Sasabihin ninyo sa isang kaklase kung saang lalagyan niya dapat itapon ang isang piraso ng basura. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panuto na ito: Ilagay ang lumang diyaryo sa lalagyan na may nakasulat na “papel.” Pumunta sa ___ na sulok, kung saan makikita ang lalagyan na ito.

Magtawag ng pares ng mga bata—isa ang magbibigay ng panuto, isa ang susunod sa panuto. Tulungan ang mga bata sa paghahanap ng tamang salita o sa pagbubuo ng kanilang panuto kung kinakailangan.

Matapos ang gawaing ito, itanong sa klase: Bakit mahalaga ang paghihiwalay ng iba-ibang basura at ang pag-recycle? Paano ito nakatutulong sa ating kalikasan? Paano ito nakatutulong sa pangangalaga ng ating mga likas-yaman? Tumawag ng ilang bata upang ilahad sa klase ang kanilang ideya tungkol sa mga tanong na ito.

180 YUNIT 3 ARALIN 29

talaan PAGTATAYA 2 a. Pangkatang Pagtataya Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang pinag- aralan sa linggong ito. Tanungin sa mga bata ang sumusunod, at sasagutin ito ng bata nang palahad.

• Ipaliwanag sa sariling pananalita, o gamitin sa isang pangungusap, ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo): pugita, amiga, ginalugad, barakuda, pinaspasan, yaman-dagat, karagatan, magkaugnay.

• Sabihin kung ano ang mabubuong salita kapag pinagsama ang sumusunod na pantig (pumili ng isa para sa bawat bata): –– ba + kas –– bu + kid –– da + gat –– ha + ngin –– la + ngit –– bu + hay –– ha + yop

• Sabihin kung ano ang mabubuong salita kapag pinalitan ang babanggitin kong letra o tunog ng iba pang letra o tunog na ibibigay ko (pumili ng isang salita para sa bawat bata. Maaaring ipagamit ang pocket chart o ang pisara): –– Isda. Palitan ang letra d ng letra l. (isla) –– Dagat. Palitang ang letra g ng letra p. (dapat) –– Laot. Palitan ang letra t ng letra s. (laos) –– Lahat. Palitan ang letra h ng letra p. (lapat) –– Puno. Palitan ang letra n ng letra t. (puto) –– Lupa. Palitan ang letra p ng letra h. (luha) –– Likas. Palitan ang letra k ng letra p. (lipas)

• Isulat ang ididikta kong mga salita (pumili ng dalawa para sa bawat bata): pangungusap, talata, salita, kuwento, aralin. • Magbanggit ng isang aral na napulot mula sa aklat na Si Aling Oktopoda at ang Walong Munting Pugita o mula sa awit na “Magkaugnay.”

Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga bata, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na pangkat ng 5-10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, may ibang gawain naman ang mga naghihintay na bata. (Gawain 3b)

Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan ng bawat

181 GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagbubuo ng bagong salita.

Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga bata sa kanilang kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na gabay o tulong.

b. Gawain Para sa Mga Batang Naghihintay Magpaguhit o magpalista sa mga bata ng mga basura na dapat ilagay sa iba-ibang basurahan: mga nabubulok, mga plastic, mga babasagin, at mga papel.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Hikayatin ang inyong kapamilya na mag-uri ng iba-ibang basura ayon sa kung ito ay plastic, papel, babasagin, o nabubulok. Alamin ang pangalan ng bawat basura at bumuo ng pangungusap habang inuuri ito. Halimbawa: “Nabubulok ang balat ng saging. Papel ang diyaryong pinagbalutan ng . Plastic ang bag na pinaglagyan ng bigas. Babasagin ang bote ng toyo.”

182