ITO ANG LIGA

Vamp: OH-WOAH-OHH, OH-WOAH-OHH, OH-WOAH-OHH-WOH! OH-WOAH-OHH, OH-WOAH-OHH, OH-WOAH-OHH-WOH!

Wala na nga sigurong mas kinababaliwan sa pambansang libangan ng bayan Laro’y sinasapuso at kinaaliwan na para bang digmaan ang laban

Pre-chorus: Manalo, matalo, walang kokontra Depensa, opensa, bilog ang bola, woh-ohh...

Chorus: ITO ANG LIGA! WOH-OHH-OHH ITO ANG LIGA! WOH-OHH-OHH SENTRO NG KWENTO NG BAYAN SYENTO POR SYENTO ANG LABAN

(to Vamp)

Wala na nga sigurong mas kinasasabikan ang galing ng liga ng bayan Sa dami nang daluyong at hirap na natikman Game pa rin, partida pa nga yan

Pre-chorus: Manalo, matalo, walang kokontra Depensa, opensa, bilog ang bola, woh-ohh...

(to Chorus then to Vamp)

RAP: Batak na batak ang mga koponan Tatak na tatak talaga nga naman Pasa pa lang na binato sadyang ka-wili-wili na At malamang pati kayo napapapigil hininga Sa bawat dribol, bantay-sarado Sa bawat sipol, lahat kabado Lahat nakatutok sa TV pati si utol ay nakikinood na sa kanto Si idol umariba na't tumira bumitaw Libo-libong taghanga sa arena sumigaw Rebound! Biglang baba, biglang tira Shout! Isang bansa, isang liga Basketbolista’y ganadong-ganado Bawat atleta’y kamadong-kamado Ang kampyonato ay ibubulsa Local o global may ibubuga

(to Pre-chorus) (to Chorus) (to Vamp with Tag counterpoints)

Tag: Walang kasing galing, kasing gilas Hindi maitatangging Pilipinas!

Coda: ITO ANG LIGA!

interpreted by: , EBE DANCEL & GLOC-9 composed, written, arranged & produced by: THYRO ALFARO & JUNGEE MARCELO recorded at Bellhaus by: Dan Tañedo mixed & mastered by: Dhuntz Tañedo executive producer: PHILPOP MUSIC FOUNDATION - Maestro & PATRICIA HIZON [PHILPOP’s gift to PBA] (c)alfaro.marcelo.september2014